# File Name: Holy-Bible---Tagalog---Tagalog-Bible---Standard-Edition.noia # File Size: 5364256 # File Date: 03/27/2024 23:15:53 # File Purpose: Supporting resource for the Aionian Bible project # File Location: https://resources.AionianBible.org # File Copyright: Creative Commons Attribution No Derivative Works 4.0, 2018-2024 # File Generator: ABCMS (alpha) # File Accuracy: Contact publisher with corrections to file format or content # Publisher Name: Nainoia Inc # Publisher Contact: https://www.AionianBible.org/Publisher # Publisher Mission: https://www.AionianBible.org/Preface # Publisher Website: https://NAINOIA-INC.signedon.net # Publisher Facebook: https://www.Facebook.com/AionianBible # Bible Name: Tagalog Ang Biblia # Bible Name English: Tagalog Holy Bible # Bible Language: Tagalog # Bible Language English: Tagalog # Bible Copyright Format: CC Attribution NoDerivatives 4.0, 2018-2024 # Bible Copyright Text: Public Domain # Bible Source: Philippines Bible Society # Bible Source Version: 2/7/2021 # Bible Source Link: https://unbound.biola.edu # Bible Source Year: 1905 # Bible Format: Standard formatting without annotation # INDEX BOOK CHAPTER VERSE TEXT # # BOOK 001 GEN Genesis Genesis 001 GEN 001 001 Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. 001 GEN 001 002 At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. 001 GEN 001 003 At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. 001 GEN 001 004 At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. 001 GEN 001 005 At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw. 001 GEN 001 006 At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. 001 GEN 001 007 At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon. 001 GEN 001 008 At tinawag ng Dios ang kalawakan na Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw. 001 GEN 001 009 At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon. 001 GEN 001 010 At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti. 001 GEN 001 011 At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon. 001 GEN 001 012 At ang lupa ay sinibulan ng damo, pananim na nagkakabinhi, ayon sa kaniyang pagkapananim, at ng punong kahoy na namumunga, na taglay ang kaniyang binhi, ayon sa kaniyang pagkakahoy, at nakita ng Dios na mabuti. 001 GEN 001 013 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikatlong araw. 001 GEN 001 014 At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon: 001 GEN 001 015 At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon. 001 GEN 001 016 At nilikha ng Dios ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga bituin. 001 GEN 001 017 At mga inilagay ng Dios sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa, 001 GEN 001 018 At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman: at nakita ng Dios na mabuti. 001 GEN 001 019 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaapat na araw. 001 GEN 001 020 At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. 001 GEN 001 021 At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa't may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti. 001 GEN 001 022 At mga binasbasan ng Dios, na sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at inyong punuin ang tubig sa mga dagat, at magpakarami ang mga ibon sa lupa. 001 GEN 001 023 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalimang araw. 001 GEN 001 024 At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon. 001 GEN 001 025 At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti. 001 GEN 001 026 At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa. 001 GEN 001 027 At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. 001 GEN 001 028 At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa. 001 GEN 001 029 At sinabi ng Dios, Narito, ibinigay ko sa inyo ang bawa't pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa't punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo'y magiging pagkain: 001 GEN 001 030 At sa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; at sa bawa't nagsisiusad sa ibabaw ng lupa na may buhay ay ibinigay ko ang lahat na pananim na sariwa na pinakapagkain; at nagkagayon. 001 GEN 001 031 At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw. 001 GEN 002 001 At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon. 001 GEN 002 002 At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. 001 GEN 002 003 At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka't siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa. 001 GEN 002 004 Ito ang pinangyarihan ng langit at ng lupa, nang likhain noong araw, na gawin ng Panginoong Dios ang lupa't langit. 001 GEN 002 005 At wala pa sa lupang kahoy sa parang, at wala pang anomang pananim na tumutubo sa parang: (sapagka't hindi pa pinauulanan ng Panginoong Dios ang lupa) at wala pang taong magbukid ng lupa, 001 GEN 002 006 Nguni't may isang ulap na napaitaas buhat sa lupa at dinilig ang buong ibabaw ng lupa. 001 GEN 002 007 At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay. 001 GEN 002 008 At naglagay ang Panginoong Dios ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silanganan: at inilagay niya roon ang taong kaniyang nilalang. 001 GEN 002 009 At pinatubo ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat na punong kahoy na nakalulugod sa paningin, at mabubuting kanin; gayon din ang punong kahoy ng buhay sa gitna ng halamanan, at ang punong kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama. 001 GEN 002 010 At may isang ilog na lumabas sa Eden na dumilig sa halamanan; at mula roo'y nabahagi at nagapat na sanga. 001 GEN 002 011 Ang pangalan ng una ay Pison: na siyang lumiligid sa buong lupain ng Havilah, na doo'y may ginto; 001 GEN 002 012 At ang ginto sa lupang yao'y mabuti; mayroon din naman doong bedelio at batong onix. 001 GEN 002 013 At ang pangalan ng ikalawang ilog ay Gihon; na siyang lumiligid sa buong lupain ng Cush. 001 GEN 002 014 At ang pangalan ng ikatlong ilog ay Hiddecel, na siyang umaagos sa tapat ng Asiria. At ang ikaapat na ilog ay ang Eufrates. 001 GEN 002 015 At kinuha ng Panginoong Dios ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan. 001 GEN 002 016 At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: 001 GEN 002 017 Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka. 001 GEN 002 018 At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong niya. 001 GEN 002 019 At nilalang ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon: at ang bawa't itinawag ng lalake sa bawa't kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon. 001 GEN 002 020 At pinanganlan ng lalake ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawa't ganid sa parang; datapuwa't sa lalake ay walang nasumpungang maging katulong niya. 001 GEN 002 021 At hinulugan ng Panginoong Dios ng di kawasang himbing ang lalake, at siya'y natulog: at kinuha ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa dakong yaon: 001 GEN 002 022 At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito'y dinala niya sa lalake. 001 GEN 002 023 At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya'y tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha. 001 GEN 002 024 Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman. 001 GEN 002 025 At sila'y kapuwa hubad, ang lalake at ang kaniyang asawa, at sila'y hindi nagkakahiyaan. 001 GEN 003 001 Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan? 001 GEN 003 002 At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami: 001 GEN 003 003 Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay. 001 GEN 003 004 At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay: 001 GEN 003 005 Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama. 001 GEN 003 006 At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain. 001 GEN 003 007 At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi. 001 GEN 003 008 At narinig nila ang tinig ng Panginoong Dios na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw: at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan. 001 GEN 003 009 At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya'y sinabi, Saan ka naroon? 001 GEN 003 010 At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako'y natakot, sapagka't ako'y hubad; at ako'y nagtago. 001 GEN 003 011 At sinabi niya, Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? nakakain ka ba ng bunga ng punong kahoy, na iniutos ko sa iyong huwag mong kanin? 001 GEN 003 012 At sinabi ng lalake, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain. 001 GEN 003 013 At sinabi ng Panginoong Dios sa babae, Ano itong iyong ginawa? At sinabi ng babae, Dinaya ako ng ahas, at ako'y kumain. 001 GEN 003 014 At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa't ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: 001 GEN 003 015 At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong. 001 GEN 003 016 Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya'y papapanginoon sa iyo. 001 GEN 003 017 At kay Adam ay sinabi, Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay; 001 GEN 003 018 Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang; 001 GEN 003 019 Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha: sapagka't ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi. 001 GEN 003 020 At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka't siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay. 001 GEN 003 021 At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila'y dinamitan. 001 GEN 003 022 At sinabi ng Panginoong Dios, Narito't ang tao'y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at baka ngayo'y iunat ang kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailan man: 001 GEN 003 023 Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden, upang kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa kaniya. 001 GEN 003 024 Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay. 001 GEN 004 001 At nakilala ng lalake si Eva na kaniyang asawa; at siya'y naglihi at ipinanganak si Cain, at sinabi, Nagkaanak ako ng lalake sa tulong ng Panginoon. 001 GEN 004 002 At sa muli ay ipinanganak ang kaniyang kapatid na si Abel. At si Abel ay tagapagalaga ng mga tupa; datapuwa't si Cain ay mangbubukid ng lupa. 001 GEN 004 003 At nangyari nang lumalakad ang panahon ay nagdala si Cain ng isang handog na mga bunga ng lupa sa Panginoon. 001 GEN 004 004 At nagdala rin naman si Abel ng mga panganay ng kaniyang kawan at ng mga taba ng mga yaon. At nilingap ng Panginoon si Abel at ang kaniyang handog: 001 GEN 004 005 Datapuwa't hindi nilingap si Cain at ang kaniyang handog. At naginit na mainam si Cain, at namanglaw ang kaniyang mukha. 001 GEN 004 006 At sinabi ng Panginoon kay Cain, Bakit ka naginit? at bakit namanglaw ang iyong mukha? 001 GEN 004 007 Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, di ba ikaw mamarapatin? at kung hindi ka gumawa ng mabuti, ay nahahandusay ang kasalanan sa pintuan: at sa iyo'y pahihinuhod ang kaniyang nasa, at ikaw ang papanginoonin niya. 001 GEN 004 008 At yao'y sinabi ni Cain sa kaniyang kapatid na kay Abel. At nangyari, nang sila'y nasa parang ay nagtindig si Cain laban kay Abel na kaniyang kapatid, at siya'y kaniyang pinatay. 001 GEN 004 009 At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, Aywan ko: ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid? 001 GEN 004 010 At sinabi niya, Anong iyong ginawa? ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay dumadaing sa akin mula sa lupa. 001 GEN 004 011 At ngayo'y sinumpa ka sa lupa na siyang nagbuka ng bibig na tumanggap sa iyong kamay ng dugo ng iyong kapatid; 001 GEN 004 012 Pagbubukid mo ng lupa, ay di na ibibigay mula ngayon sa iyo ang kaniyang lakas; ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa. 001 GEN 004 013 At sinabi ni Cain sa Panginoon, Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko. 001 GEN 004 014 Narito, ako'y iyong itinataboy ngayon mula sa ibabaw ng lupa, at sa iyong harapan ay magtatago ako; at ako'y magiging palaboy at hampaslupa; at mangyayari, na sinomang makasumpong sa akin ay papatayin ako. 001 GEN 004 015 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Dahil dito'y sinomang pumatay kay Cain ay makapitong gagantihan. At nilagyan ng Panginoon ng isang tanda si Cain, baka siya'y sugatan ng sinomang makakasumpong sa kaniya. 001 GEN 004 016 At umalis si Cain sa harapan ng Panginoon at tumahan sa lupain ng Nod, sa silanganan ng Eden. 001 GEN 004 017 At nakilala ni Cain ang kaniyang asawa, at siya'y naglihi at ipinanganak si Enoc: at siya'y nagtayo ng isang bayan at tinawag ang bayan ayon sa pangalan ng kaniyang anak, Enoc. 001 GEN 004 018 At naging anak ni Enoc si Irad; at naging anak ni Irad si Mehujael; at naging anak ni Mehujael si Metusael; at naging anak ni Metusael si Lamec. 001 GEN 004 019 At si Lamec ay nagasawa ng dalawa; ang pangalan ng isa'y Ada, at ang pangalan ng ikalawa ay Zilla. 001 GEN 004 020 At naging anak ni Ada si Jabal: na siyang naging magulang ng nangagsisitahan sa mga tolda at may mga hayop. 001 GEN 004 021 At ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Jubal: na siyang naging magulang ng lahat na tumutugtog ng alpa at ng flauta. 001 GEN 004 022 At tungkol kay Zilla, ay ipinanganak naman niya si Tubal-Cain na mamamanday ng lahat na kagamitang patalim na tanso at bakal: at ang kapatid na babae ni Tubal-Cain ay si Naama. 001 GEN 004 023 At sinabi ni Lamec sa kaniyang mga asawa: Ada at Zilla pakinggan ninyo ang aking tinig: Kayong mga asawa ni Lamec ay makinig ng aking salaysay: Sapagka't pumatay ako ng isang tao, dahil sa ako'y sinugatan, At ng isang binata, dahil sa ako'y hinampas. 001 GEN 004 024 Kung makapitong gagantihan si Cain, tunay na si Lamec ay makapitong pung pito. 001 GEN 004 025 At nakilalang muli ni Adam ang kaniyang asawa; at nanganak ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang pangalan na Set; sapagka't aniya'y binigyan ako ng Dios ng ibang anak na kahalili ni Abel; sapagka't siya'y pinatay ni Cain. 001 GEN 004 026 At nagkaanak naman si Set ng isang lalake; at tinawag ang kaniyang pangalan na Enos. Noon ay pinasimulan ng mga tao ang pagtawag sa pangalan ng Panginoon. 001 GEN 005 001 Ito ang aklat ng mga lahi ni Adam. Nang araw na lalangin ng Dios ang tao, sa wangis ng Dios siya nilalang; 001 GEN 005 002 Lalake at babae silang nilalang; at sila'y binasbasan, at tinawag na Adam ang kanilang pangalan, nang araw na sila'y lalangin. 001 GEN 005 003 At nabuhay si Adam ng isang daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng isang lalaking kaniyang wangis na hawig sa kaniyang larawan; at tinawag ang kaniyang pangalan na Set: 001 GEN 005 004 At ang mga naging araw ni Adam, pagkatapos na maipanganak si Set, ay walong daang taon: at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. 001 GEN 005 005 At ang lahat na araw na ikinabuhay ni Adam ay siyam na raan at tatlong pung taon; at siya'y namatay. 001 GEN 005 006 At nabuhay si Set ng isang daan at limang taon at naging anak niya si Enos. 001 GEN 005 007 At nabuhay si Set pagkatapos na maipanganak si Enos ng walong daan at pitong taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae: 001 GEN 005 008 At ang lahat na naging araw ni Set ay siyam na raan at labing dalawang taon: at siya'y namatay. 001 GEN 005 009 At nabuhay si Enos ng siyam na pung taon, at naging anak si Cainan: 001 GEN 005 010 At nabuhay si Enos, pagkatapos na maipanganak si Cainan, ng walong daan at labing limang taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae: 001 GEN 005 011 At ang lahat na naging araw ni Enos ay siyam na raan at limang taon, at siya'y namatay. 001 GEN 005 012 At nabuhay si Cainan ng pitong pung taon, at naging anak si Mahalaleel: 001 GEN 005 013 At nabuhay si Cainan, pagkatapos na maipanganak si Mahalaleel, ng walong daan at apat na pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae: 001 GEN 005 014 At ang lahat na naging araw ni Cainan, siyam na raan at sangpung taon, at namatay. 001 GEN 005 015 At nabuhay si Mahalaleel ng anim na pu't limang taon, at naging anak si Jared: 001 GEN 005 016 At nabuhay si Mahalaleel, pagkatapos na maipanganak si Jared, ng walong daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae: 001 GEN 005 017 At ang lahat na naging araw ni Mahalaleel ay walong daan at siyam na pu't limang taon: at namatay. 001 GEN 005 018 At nabuhay si Jared ng isang daan at anim na pu't dalawang taon, at naging anak si Enoc: 001 GEN 005 019 At nabuhay si Jared, pagkatapos na maipanganak si Enoc, ng walong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae: 001 GEN 005 020 At ang lahat na naging araw ni Jared ay siyam na raan at anim na pu't dalawang taon: at namatay. 001 GEN 005 021 At nabuhay si Enoc na anim na pu't limang taon, at naging anak si Matusalem: 001 GEN 005 022 At lumakad si Enoc na kasama ng Dios, pagkatapos na maipanganak si Matusalem na tatlong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae: 001 GEN 005 023 At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at anim na pu't limang taon: 001 GEN 005 024 At lumakad si Enoc na kasama ng Dios: at di siya nasumpungan, sapagka't kinuha ng Dios. 001 GEN 005 025 At nabuhay si Matusalem ng isang daan at walong pu't pitong taon; at naging anak si Lamec: 001 GEN 005 026 At nabuhay si Matusalem pagkatapos na maipanganak si Lamec, ng pitong daan at walong pu't dalawang taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae; 001 GEN 005 027 At ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyam na raan at anim na pu't siyam na taon: at siya'y namatay. 001 GEN 005 028 At nabuhay si Lamec ng isang daan at walong pu't dalawang taon, at nagkaanak ng isang lalake: 001 GEN 005 029 At tinawag ang kaniyang pangalan na Noe, na sinabi, Ito nga ang aaliw sa atin tungkol sa ating gawa at sa pinagpagalan ng ating mga kamay, dahil sa lupang sinumpa ng Panginoon. 001 GEN 005 030 At nabuhay si Lamec, pagkatapos na maipanganak si Noe, ng limang daan at siyam na pu't limang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae: 001 GEN 005 031 At ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at pitong pu't pitong taon: at namatay. 001 GEN 005 032 At si Noe ay may limang daang taon: at naging anak ni Noe si Sem, si Cham, at si Japhet. 001 GEN 006 001 At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae, 001 GEN 006 002 Na nakita ng mga anak ng Dios, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila'y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili. 001 GEN 006 003 At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw. 001 GEN 006 004 Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog. 001 GEN 006 005 At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati. 001 GEN 006 006 At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso. 001 GEN 006 007 At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa; ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang sila. 001 GEN 006 008 Datapuwa't si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon. 001 GEN 006 009 Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios. 001 GEN 006 010 At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet. 001 GEN 006 011 At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan. 001 GEN 006 012 At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka't pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa. 001 GEN 006 013 At sinabi ng Dios kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka't ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila'y aking lilipuling kalakip ng lupa. 001 GEN 006 014 Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing. 001 GEN 006 015 At ganitong paraan gagawin mo: tatlong daang siko ang haba ng sasakyan, limang pung siko ang luwang, at tatlong pung siko ang taas. 001 GEN 006 016 Gagawa ka ng isang durungawan sa sasakyan; at wawakasan mo ng isang siko sa dakong itaas; at ang pintuan ng sasakyan ay ilalagay mo sa tagiliran; gagawin mong may lapag na lalong mababa, pangalawa at pangatlo. 001 GEN 006 017 At ako, narito, ako'y magpapadagsa ng isang baha ng tubig sa ibabaw ng lupa, upang lipulin sa silong ng langit ang lahat ng laman na may hininga ng buhay; ang lahat na nasa lupa ay mangamamatay. 001 GEN 006 018 Datapuwa't pagtitibayin ko ang aking tipan sa iyo; at ikaw ay lululan sa sasakyan, ikaw, at ang iyong mga anak na lalake, at ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo. 001 GEN 006 019 At sa bawa't nangabubuhay, sa lahat ng laman ay maglululan ka sa loob ng sasakyan ng dalawa sa bawa't uri upang maingatan silang buhay, na kasama mo; lalake at babae ang kinakailangan. 001 GEN 006 020 Sa mga ibon ayon sa kanikanilang uri, at sa mga hayop ayon sa kanikanilang uri, sa bawa't nagsisiusad, ayon sa kanikanilang uri, dalawa sa bawa't uri, ay isasama mo sa iyo, upang maingatan silang buhay. 001 GEN 006 021 At magbaon ka ng lahat na pagkain na kinakain, at imbakin mo sa iyo; at magiging pagkain mo at nila. 001 GEN 006 022 Gayon ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya. 001 GEN 007 001 At sinabi ng Panginoon kay Noe, Lumulan ka at ang iyong buong sangbahayan sa sasakyan; sapagka't ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito. 001 GEN 007 002 Sa bawa't malinis na hayop ay kukuha ka ng tigpipito, ng lalake at ng kaniyang babae; at sa mga hayop na hindi malinis ay dalawa, ng lalake at ng kaniyang babae; 001 GEN 007 003 Gayon din naman sa mga ibon sa himpapawid tigpipito, ng lalake at ng babae; upang ingatang binhing buhay sa ibabaw ng buong lupa. 001 GEN 007 004 Sapagka't pitong araw pa, at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi, at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa. 001 GEN 007 005 At ginawa ni Noe ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Panginoon. 001 GEN 007 006 At may anim na raang taon si Noe nang ang baha ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa. 001 GEN 007 007 At lumulan sa sasakyan si Noe at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak, dahil sa tubig ng baha. 001 GEN 007 008 Sa mga hayop na malinis, at sa mga hayop na hindi malinis, at sa mga ibon at sa bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa, 001 GEN 007 009 Ay dalawa't dalawang dumating kay Noe sa sasakyan, na lalake at babae ayon sa iniutos ng Dios kay Noe. 001 GEN 007 010 At nangyari na pagkaraan ng pitong araw, na ang tubig ng baha ay umapaw sa ibabaw ng lupa. 001 GEN 007 011 Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan. 001 GEN 007 012 At umulan sa ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi. 001 GEN 007 013 Nang araw ding yaon, ay lumulan sa sasakyan si Noe, at si Sem, at si Cham, at si Japhet, na mga anak ni Noe, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila; 001 GEN 007 014 Sila, at ang bawa't hayop gubat ayon sa kanikanilang uri, at lahat ng hayop na maamo ayon sa kanikanilang uri, at bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikanilang uri, at bawa't ibon ayon sa kanikanilang uri, lahat ng sarisaring ibon. 001 GEN 007 015 At nagsidating kay Noe sa sasakyan na dalawa't dalawa, ang lahat ng hayop na may hinga ng buhay. 001 GEN 007 016 At ang mga nagsilulan, ay lumulang lalake at babae, ng lahat na laman, gaya ng iniutos sa kaniya ng Dios: at kinulong siya ng Panginoon. 001 GEN 007 017 At tumagal ang baha ng apat na pung araw sa ibabaw ng lupa; at lumaki ang tubig at lumutang ang sasakyan, at nataas sa ibabaw ng lupa. 001 GEN 007 018 At dumagsa ang tubig at lumaking mainam sa ibabaw ng lupa; at lumutang ang sasakyan sa ibabaw ng tubig. 001 GEN 007 019 At dumagsang lubha ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inapawan ang lahat na mataas na bundok na nasa silong ng buong langit. 001 GEN 007 020 Labing limang siko ang lalim na idinagsa ng tubig; at inapawan ang mga bundok. 001 GEN 007 021 At namatay ang lahat ng lamang gumagalaw sa ibabaw ng lupa, ang mga ibon at gayon din ang hayop, at ang hayop gubat, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa, at ang bawa't tao. 001 GEN 007 022 Ang bawa't may hinga ng diwa ng buhay sa kanilang ilong, lahat na nasa lupang tuyo ay namatay. 001 GEN 007 023 At nilipol ang bawa't may buhay na nasa ibabaw ng lupa, ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; at sila'y nalipol sa lupa: at ang natira lamang, ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan. 001 GEN 007 024 At tumagal ang tubig sa ibabaw ng lupa, ng isang daan at limang pung araw. 001 GEN 008 001 At naalaala ng Dios si Noe, at ang lahat ng may buhay, at ang lahat ng hayop na kasama niya sa sasakyan: at nagpahihip ang Dios ng isang hangin sa ibabaw ng lupa, at humupa ang tubig; 001 GEN 008 002 Natakpan din ang mga bukal ng kalaliman at ang mga dungawan ng langit, at napigil ang ulan sa langit; 001 GEN 008 003 At humupang patuloy ang tubig sa lupa; at kumati ang tubig pagkaraan ng isang daan at limang pung araw. 001 GEN 008 004 At sumadsad ang sasakyan nang ikapitong buwan, nang ikalabing pitong araw ng buwan, sa ibabaw ng mga bundok ng Ararat. 001 GEN 008 005 At ang tubig ay nagpatuloy ng paghupa hanggang sa ikasangpung buwan: nang ikasangpung buwan, nang unang araw ng buwan, ay nakita ang mga taluktok ng mga bundok. 001 GEN 008 006 At nangyari, pagkaraan ng apat na pung araw, na binuksan ni Noe ang dungawan ng sasakyan na kaniyang ginawa: 001 GEN 008 007 At siya'y nagpalipad ng isang uwak, at ito'y nagparoo't parito hanggang sa natuyo ang tubig sa lupa. 001 GEN 008 008 At nagpalipad siya ng isang kalapati, upang tingnan kung humupa na ang tubig sa ibabaw ng lupa. 001 GEN 008 009 Datapuwa't hindi nakasumpong ang kalapati ng madapuan ng talampakan ng kaniyang paa, at nagbalik sa kaniya sa sasakyan, sapagka't ang tubig ay nangasa ibabaw pa ng buong lupa: at iniunat ang kaniyang kamay at hinawakan, at ipinasok niya sa sasakyan. 001 GEN 008 010 At naghintay pa ng muling pitong araw; at muling pinalipad ang kalapati sa labas ng sasakyan; 001 GEN 008 011 At ang kalapati ay nagbalik sa kaniya ng dakong hapon; at, narito't may dalang isang dahong sariwa ng olivo sa tuka: sa gayon ay naunawa ni Noe na humupa na ang tubig sa lupa. 001 GEN 008 012 At naghintay pang muli siya ng pitong araw; at pinalipad ang kalapati; at hindi na muling nagbalik pa sa kaniya. 001 GEN 008 013 At nangyari, nang taong ikaanim na raan at isa, nang unang buwan, nang unang araw ng buwan, ay natuyo ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inalis ni Noe ang takip ng sasakyan at tumanaw siya, at, narito't ang ibabaw ng lupa ay tuyo. 001 GEN 008 014 At nang ikalawang buwan nang ikadalawang pu't pitong araw ng buwan, ay natuyo ang lupa. 001 GEN 008 015 At nagsalita ang Dios kay Noe, na sinasabi, 001 GEN 008 016 Lumunsad ka sa sasakyan, ikaw at ang iyong asawa, at ang iyong mga anak, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo. 001 GEN 008 017 Ilabas mong kasama mo ang bawa't may buhay na kasama mo sa lahat ng laman, ang mga ibon, at ang mga hayop, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa; upang magsipanganak ng sagana sa lupa, at magpalaanakin, at mangagsidami sa ibabaw ng lupa. 001 GEN 008 018 At lumunsad si Noe, at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak na kasama niya: 001 GEN 008 019 Ang bawa't hayop, bawa't umuusad, at bawa't ibon, anomang gumagalaw sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang angkan ay nangagsilunsad sa sasakyan. 001 GEN 008 020 At ipinagtayo ni Noe ng isang dambana ang Panginoon; at kumuha sa lahat na malinis na hayop, at sa lahat na malinis na ibon, at nagalay ng mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana. 001 GEN 008 021 At sinamyo ng Panginoon ang masarap na amoy; at nagsabi ang Panginoon sa sarili, Hindi ko na muling susumpain ang lupa, dahil sa tao, sapagka't ang haka ng puso ng tao ay masama mula sa kaniyang pagkabata; ni hindi ko na muling lilipulin pa ang lahat na nabubuhay na gaya ng aking ginawa. 001 GEN 008 022 Samantalang ang lupa ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani, at ang lamig at init, at ang tagaraw at taginaw, at ang araw at gabi. 001 GEN 009 001 At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa. 001 GEN 009 002 At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay. 001 GEN 009 003 Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo. 001 GEN 009 004 Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin. 001 GEN 009 005 At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay: sa kamay ng bawa't ganid ay hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng bawa't kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao. 001 GEN 009 006 Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: sapagka't sa larawan ng Dios nilalang ang tao. 001 GEN 009 007 At kayo'y magpalaanakin at magpakarami; magsilago kayo ng sagana sa lupa, at kayo'y magsidami riyan. 001 GEN 009 008 At nagsalita ang Dios kay Noe, at sa kaniyang mga anak na kasama niya, na sinasabi, 001 GEN 009 009 At ako, narito, aking pinagtitibay ang aking tipan sa inyo, at sa inyong binhi na susunod sa inyo; 001 GEN 009 010 At sa bawa't nilikhang may buhay na kasama ninyo, ang mga ibon, ang hayop at bawa't ganid sa lupa na kasama ninyo; sa lahat ng lumunsad sa sasakyan pati sa bawa't ganid sa lupa. 001 GEN 009 011 At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa. 001 GEN 009 012 At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon: 001 GEN 009 013 Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa. 001 GEN 009 014 At mangyayari, pagka ako'y magbababa ng isang alapaap sa ibabaw ng lupa, na makikita ang bahaghari sa alapaap. 001 GEN 009 015 At aalalahanin ko ang aking tipan, na inilagda ko sa akin at sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay sa lahat ng laman; at ang tubig ay hindi na magiging bahang lilipol ng lahat ng laman. 001 GEN 009 016 At ang bahaghari ay pasa sa alapaap, at aking mamasdan, upang aking maalaala, ang walang hanggang tipan ng Dios at ng bawa't kinapal na may buhay sa lahat ng lamang nasa ibabaw ng lupa. 001 GEN 009 017 At sinabi ng Dios kay Noe, Ito ang tanda ng tipang inilagda ko sa akin at sa lahat ng laman na nasa ibabaw ng lupa. 001 GEN 009 018 At ang mga anak ni Noe na nagsilunsad sa sasakyan ay si Sem, at si Cham at si Japhet: at si Cham ay siyang ama ni Canaan. 001 GEN 009 019 Ang tatlong ito ay mga anak ni Noe: at sa mga ito'y nakalatan ang buong lupa. 001 GEN 009 020 At nagpasimula si Noe na maging mangbubukid, at naglagay ng isang ubasan. 001 GEN 009 021 At uminom ng alak at nalango; at siya'y nahubaran sa loob ng kaniyang tolda. 001 GEN 009 022 At si Cham na ama ni Canaan ay nakakita ng kahubaran ng kaniyang ama, at isinaysay sa kaniyang dalawang kapatid na nangasa labas. 001 GEN 009 023 At kumuha si Sem at si Japhet ng isang balabal, at isinabalikat nilang dalawa, at lumakad ng paurong, at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama; at ang mukha nila ay patalikod, at hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama. 001 GEN 009 024 At nagising si Noe sa kaniyang pagkalango sa alak, at naalaman ang ginawa sa kaniya ng kaniyang bunsong anak. 001 GEN 009 025 At sinabi, Sumpain si Canaan! Siya'y magiging alipin ng mga alipin sa kaniyang mga kapatid. 001 GEN 009 026 At sinabi niya, Purihin ang Panginoon, ang Dios ni Sem! At si Canaan ay maging alipin niya. 001 GEN 009 027 Pakapalin ng Dios si Japhet. At matira siya sa mga tolda ni Sem; At si Canaan ay maging alipin niya. 001 GEN 009 028 At nabuhay si Noe pagkaraan ng bahang gumunaw, ng tatlong daan at limang pung taon. 001 GEN 009 029 At ang lahat ng naging araw ni Noe ay siyam na raan at limang pung taon: at namatay. 001 GEN 010 001 Ito nga ang sali't saling lahi ng mga anak ni Noe: si Sem, si Cham, at si Japhet: at sila'y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw. 001 GEN 010 002 Ang mga anak ni Japhet; si Gomer, at si Magog, at si Madai, at si Javan, at si Tubal, at si Meshech, at si Tiras. 001 GEN 010 003 At ang mga anak ni Gomer: si Azkenaz, at si Rifat, at si Togarma. 001 GEN 010 004 At ang mga anak ni Javan; si Elisa, at si Tarsis, si Cittim, at si Dodanim. 001 GEN 010 005 Sa mga ito nangabahagi ang mga pulo ng mga bansa, sa kanilang mga lupain, na bawa't isa'y ayon sa kanikaniyang wika; ayon sa kanikanilang angkan, sa kanikanilang bansa. 001 GEN 010 006 At ang mga anak ni Cham; si Cush, at si Mizraim, at si Phut, at si Canaan. 001 GEN 010 007 At ang mga anak ni Cush; si Seba, at si Havila, at si Sabta, at si Raama, at si Sabtech: at ang mga anak ni Raama; si Sheba, at si Dedan. 001 GEN 010 008 At naging anak ni Cush si Nimrod: siyang napasimulang maging makapangyarihan sa lupa. 001 GEN 010 009 Siya'y makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon kaya't karaniwang sabihin: Gaya ni Nimrod, na makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon. 001 GEN 010 010 At ang pinagsimulan ng kaniyang kaharian ay ang Babel, at ang Erech, at ang Accad, at ang Calneh, sa lupain ng Shinar. 001 GEN 010 011 Buhat sa lupaing yaon ay napasa Asiria at itinayo ang Ninive, at ang Rehobotir, at ang Calah, 001 GEN 010 012 At ang Ressen, sa pagitan ng Ninive at ng Calah (na siyang malaking bayan). 001 GEN 010 013 At naging anak ni Mizraim si Ludim, at si Anamim, at si Lehabim, at si Naphtuhim. 001 GEN 010 014 At si Pathrusim, at si Casluim (na siyang pinagbuhatan ng mga Filisteo), at ang Caphtorim. 001 GEN 010 015 At naging anak ni Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth. 001 GEN 010 016 At ang Jebuseo, at ang Amorrheo, at ang Gergeseo; 001 GEN 010 017 At ang Heveo, at ang Araceo, at ang Sineo. 001 GEN 010 018 At ang Aradio, at ang Samareo at ang Amatheo: at pagkatapos ay kumalat ang mga angkan ng Cananeo. 001 GEN 010 019 At ang hangganan ng Cananeo ay mula sa Sidon, kung patungo sa Gerar, hanggang sa Gaza; kung patungo sa Sodoma at Gomorra, at Adma, at Zeboim hanggang Lasa. 001 GEN 010 020 Ito ang mga anak ni Cham, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang mga lupain, sa kanilang mga bansa. 001 GEN 010 021 At nagkaroon din naman ng mga anak si Sem, na ama ng lahat ng mga anak ni Heber, na siya ring lalong matandang kapatid ni Japhet. 001 GEN 010 022 Ang mga anak ni Sem; si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram. 001 GEN 010 023 At ang mga anak ni Aram: si Uz, at si Hul, at si Gether, at si Mas. 001 GEN 010 024 At naging anak ni Arphaxad si Sala; at naging anak ni Sala si Heber. 001 GEN 010 025 At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake; ang pangalan ng una'y Peleg; sapagka't sa mga araw niya'y nahati ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan. 001 GEN 010 026 At naging anak ni Joctan si Almodad, at si Sheleph, at si Hazarmavet, at si Jerah; 001 GEN 010 027 At si Hadoram, at si Uzal, at si Dicla. 001 GEN 010 028 At si Obal, at si Abimael, at si Sheba. 001 GEN 010 029 At si Ophir, at si Havila, at si Jobad: lahat ng ito ay mga naging anak ni Joctan. 001 GEN 010 030 At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa, kung patungo sa Sephar, na siyang bundok sa silanganan. 001 GEN 010 031 Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang lupain, ayon sa kanikanilang bansa. 001 GEN 010 032 Ito ang mga angkan ng mga anak ni Noe, ayon sa kanikanilang lahi, sa kanikanilang bansa: at sa mga ito nangabahagi ang mga bansa pagkatapos ng bahang gumunaw. 001 GEN 011 001 At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita. 001 GEN 011 002 At nangyari, na, sa kanilang paglalakbay sa silanganan, ay nakasumpong sila ng isang kapatagan sa lupain ng Sinar; at sila'y nanahan doon. 001 GEN 011 003 At nagsangusapang, Halikayo! tayo'y gumawa ng mga laryo, at ating lutuing mabuti. At inari nilang bato ang laryo at ang betun ay inaring argamasa. 001 GEN 011 004 At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa. 001 GEN 011 005 At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao. 001 GEN 011 006 At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga'y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin. 001 GEN 011 007 Halikayo! tayo'y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita. 001 GEN 011 008 Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa ibabaw ng buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan. 001 GEN 011 009 Kaya ang pangalang itinawag ay Babel; sapagka't doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa. 001 GEN 011 010 Ito ang sali't saling lahi ni Sem. May isang daan taon si Sem at naging anak si Arphaxad, dalawang taon pagkatapos ng bahang gumunaw, 001 GEN 011 011 At nabuhay si Sem, pagkatapos na maipanganak si Arphaxad, ng limang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. 001 GEN 011 012 At nabuhay si Arphaxad, ng tatlong pu't limang taon, at naging anak si Sala. 001 GEN 011 013 At nabuhay si Arphaxad pagkatapos na maipanganak si Sala, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. 001 GEN 011 014 At nabuhay si Sala ng tatlong pung taon, at naging anak si Heber: 001 GEN 011 015 At nabuhay si Sala pagkatapos na maipanganak si Heber, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. 001 GEN 011 016 At nabuhay si Heber ng tatlong pu't apat na taon, at naging anak si Peleg: 001 GEN 011 017 At nabuhay si Heber pagkatapos na maipanganak si Peleg, ng apat na raan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. 001 GEN 011 018 At nabuhay si Peleg ng tatlong pung taon, at naging anak si Reu: 001 GEN 011 019 At nabuhay si Peleg pagkatapos na maipanganak si Reu, ng dalawang daan at siyam na taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. 001 GEN 011 020 At nabuhay si Reu ng tatlong pu't dalawang taon, at naging anak si Serug: 001 GEN 011 021 At nabuhay si Reu pagkatapos na maipanganak si Serug, ng dalawang daan at pitong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. 001 GEN 011 022 At nabuhay si Serug ng tatlong pung taon, at naging anak si Nachor: 001 GEN 011 023 At nabuhay si Serug pagkatapos maipanganak si Nachor, ng dalawang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. 001 GEN 011 024 At nabuhay si Nachor ng dalawang pu't siyam na taon, at naging anak si Thare: 001 GEN 011 025 At nabuhay si Nachor pagkatapos na maipanganak si Thare, ng isang daan at labing siyam na taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. 001 GEN 011 026 At nabuhay si Thare ng pitong pung taon, at naging anak si Abram, si Nachor at si Haran. 001 GEN 011 027 Ito nga ang mga lahi ni Thare. Naging anak ni Thare si Abram, si Nachor, at si Haran; at naging anak ni Haran si Lot. 001 GEN 011 028 At namatay si Haran bago namatay ang kaniyang amang si Thare sa lupaing kaniyang tinubuan, sa Ur ng mga Caldeo. 001 GEN 011 029 At nagsipagasawa si Abram at si Nachor: ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai; at ang pangalan ng asawa ni Nachor, ay Milca, anak ni Haran, ama ni Milca at ama ni Iscah. 001 GEN 011 030 At si Sarai ay baog; siya'y walang anak. 001 GEN 011 031 At ipinagsama ni Thare si Abram na kaniyang anak, at si Lot na anak ni Haran, na anak ng kaniyang anak, at si Sarai na kaniyang manugang, asawa ni Abram na kaniyang anak; at samasamang nagsialis sa Ur ng mga Caldeo upang magsipasok sa lupain ng Canaan, at nagsidating sila sa Haran, at nagsitahan doon. 001 GEN 011 032 At ang mga naging araw ni Thare ay dalawang daan at limang taon: at namatay si Thare sa Haran. 001 GEN 012 001 Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo: 001 GEN 012 002 At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran: 001 GEN 012 003 At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa. 001 GEN 012 004 Kaya't yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon; at si Lot ay sumama sa kaniya: at si Abram ay may pitong pu't limang taon, nang umalis sa Haran. 001 GEN 012 005 Isinama ni Abram si Sarai na kaniyang asawa, at si Lot na anak ng kaniyang kapatid, at ang lahat ng pag-aaring kanilang natipon at ang mga taong kanilang nakuha sa Haran; at nagsialis upang pasa lupain ng Canaan; at dumating sa lupain ng Canaan. 001 GEN 012 006 At naglakbay sa lupain si Abram hanggang sa dako ng Sichem, hanggang sa punong encina ng More. At noo'y nasa lupaing yaon ang Cananeo, 001 GEN 012 007 At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya. 001 GEN 012 008 At mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silanganan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kaniyang tolda, na nasa kalunuran ang Bethel, at nasa silanganan ang Hai: at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon, at sinambitla ang pangalan ng Panginoon. 001 GEN 012 009 At si Abram ay naglakbay na nagtuloy sa dakong Timugan. 001 GEN 012 010 At nagkagutom sa lupaing yaon: at bumaba si Abram na nasok sa Egipto, upang manirahan doon; sapagka't mahigpit ang kagutom sa lupain. 001 GEN 012 011 At nangyari, nang siya'y malapit nang papasok sa Egipto, ay sinabi niya kay Sarai na kaniyang asawa, Narito, ngayon, talastas kong ikaw ay magandang babae sa tingin: 001 GEN 012 012 At mangyayari na pag makikita ka ng mga Egipcio, ay kanilang sasabihin, Ito'y kaniyang asawa; at ako'y kanilang papatayin, datapuwa't kanilang ililigtas kang buhay. 001 GEN 012 013 Isinasamo ko sa iyo, na sabihin mong ikaw ay aking kapatid, upang ako'y mapabuti dahil sa iyo, at upang ang kaluluwa ko'y mabuhay dahil sa iyo. 001 GEN 012 014 At nangyari, nang pumasok si Abram sa Egipto, nakita ng mga Egipcio, na ang babae ay napakaganda. 001 GEN 012 015 At nakita siya ng mga prinsipe ni Faraon, at kanilang pinuri siya kay Faraon: at dinala ang babae sa bahay ni Faraon. 001 GEN 012 016 At pinagpakitaan nito ng magandang loob si Abram dahil sa kaniya: at nagkaroon si Abram ng mga tupa, at ng mga baka, at ng mga asno, at ng mga aliping lalake at mga alilang babae, at ng mga asna, at ng mga kamelyo, 001 GEN 012 017 At sinalot ng Panginoon si Faraon at ang kaniyang sangbahayan, ng malaking pagsalot dahil kay Sarai na asawa ni Abram. 001 GEN 012 018 At tinawag ni Faraon si Abram, at sinabi, Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo ipinahayag sa akin na siya'y iyong asawa? 001 GEN 012 019 Bakit sinabi mong siya'y aking kapatid? na ano pa't siya'y aking kinuha upang maging asawa: ngayon nga'y nariyan ang iyong asawa; siya'y kunin mo at yumaon ka. 001 GEN 012 020 At nagbilin si Faraon sa mga tao tungkol sa kaniya: at siya'y kanilang inihatid sa daan, at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang pag-aari. 001 GEN 013 001 At umahon sa Timugan si Abram mula sa Egipto, siya at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang tinatangkilik, at si Lot na kaniyang kasama. 001 GEN 013 002 At si Abram ay totoong mayaman sa hayop, sa pilak, at sa ginto. 001 GEN 013 003 At nagpatuloy si Abram ng kaniyang paglalakbay mula sa Timugan hanggang sa Bethel, hanggang sa dakong kinaroroonan noong una ng kaniyang tolda sa pagitan ng Bethel at ng Hai; 001 GEN 013 004 Sa dako ng dambana na kaniyang ginawa roon nang una: at sinambitla doon ni Abram ang pangalan ng Panginoon. 001 GEN 013 005 At si Lot man na kinasama ni Abram ay may tupahan at bakahan, at mga tolda. 001 GEN 013 006 At sila'y hindi makayanan ng lupain, na sila'y manahan na magkasama: sapagka't napakarami ang kanilang pag-aari, na ano pa't hindi maaring manirahang magkasama. 001 GEN 013 007 At nagkaroon ng pagtatalo ang mga pastor ng hayop ni Abram at ang mga pastor ng hayop ni Lot; at ang Cananeo at ang Pherezeo ay naninirahan noon sa lupain. 001 GEN 013 008 At sinabi ni Abram kay Lot, Ipinamamanhik ko sa iyong huwag magkaroon ng pagtatalo, ikaw at ako, at ang mga pastor mo at mga pastor ko; sapagka't tayo'y magkapatid. 001 GEN 013 009 Di ba ang buong lupain ay nasa harap mo? Humiwalay ka nga sa akin, ipinamamanhik ko sa iyo: kung ikaw ay pasa sa kaliwa, ay pasa sa kanan ako: o kung ikaw ay pasa sa kanan, ay pasa sa kaliwa ako. 001 GEN 013 010 At itiningin ni Lot ang kaniyang mga mata, at natanaw niya ang buong kapatagan ng Jordan, na pawang patubigan na magaling sa magkabikabila, kung pasa sa Zoar, bago giniba ng Panginoon ang Sodoma at Gomorra, ay gaya ng halamanan ng Panginoon, gaya ng lupain ng Egipto. 001 GEN 013 011 Kaya't pinili ni Lot sa kaniya ang buong kapatagan ng Jordan; at si Lot ay naglakbay sa silanganan: at sila'y kapuwa naghiwalay. 001 GEN 013 012 Tumahan si Abram sa lupain ng Canaan; at si Lot ay tumahan sa mga bayan ng kapatagan, at inilipat ang kaniyang tolda hanggang sa Sodoma. 001 GEN 013 013 Ang mga tao nga sa Sodoma ay masasama at mga makasalanan sa harap ng Panginoon. 001 GEN 013 014 At sinabi ng Panginoon kay Abram, pagkatapos na makahiwalay si Lot sa kaniya, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, at tumanaw ka mula sa dakong iyong kinalalagyan, sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong kalunuran: 001 GEN 013 015 Sapagka't ang buong lupaing iyong natatanaw ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man. 001 GEN 013 016 At gagawin kong parang alabok ng lupa ang iyong binhi: na ano pa't kung mabibilang ng sinoman ang alabok ng lupa ay mabibilang nga rin ang iyong binhi. 001 GEN 013 017 Magtindig ka, lakarin mo ang lupain, ang hinabahaba at niluwang-luwang niyan; sapagka't ibibigay ko sa iyo. 001 GEN 013 018 At binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, at yumaon at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na nasa Hebron, at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon. 001 GEN 014 001 At nangyari sa mga kaarawan ni Amraphel, hari sa Sinar, ni Ariok hari sa Elasar, ni Chedorlaomer hari sa Elam, at ni Tidal na hari ng mga Goiim, 001 GEN 014 002 Na ang mga ito ay nakipagbaka laban kay Bera hari sa Sodoma, at laban kay Birsha hari sa Gomorra, kay Shinab hari sa Adma, at kay Shemeber, hari sa Zeboim, at sa hari sa Bela (na si Zoar). 001 GEN 014 003 Lahat ng ito'y nagkatipon sa libis ng Siddim (na siyang Dagat na Alat). 001 GEN 014 004 Labingdalawang taong nagsipaglingkod kay Chedorlaomer, at sa ikalabingtatlong taon ay nagsipaghimagsik. 001 GEN 014 005 At sa ikalabingapat na taon ay dumating si Chedorlaomer at ang mga haring kasama niya, at sinaktan ang mga Refaim sa Ashteroth-Carnaim, at ang mga Zuzita sa Ham, at ang mga Emita sa Shave-ciriataim. 001 GEN 014 006 At ang mga Horeo sa kanilang kabundukan ng Seir, hanggang Elparan na nasa tabi ng ilang. 001 GEN 014 007 At sila'y nangagbalik at nagsiparoon sa Enmispat (na siyang Cades), at kanilang sinaktan ang buong lupain ng mga Amalecita at pati ng mga Amorrheo na nagsisitahan sa Hazezon-tamar. 001 GEN 014 008 At nagsilabas ang hari sa Sodoma, at ang hari sa Gomorra, at ang hari sa Adma, at ang hari sa Zeboim, at ang hari sa Bela (na dili iba't si Zoar); at sila'y humanay ng pakikipagbaka laban sa kanila sa libis ng Siddim; 001 GEN 014 009 Laban kay Chedorlaomer, hari sa Elam, at kay Tidal na hari ng mga Goiim at kay Amraphel, hari sa Shinar, at kay Arioch, hari sa Elasar; apat na hari laban sa lima. 001 GEN 014 010 At ang libis ng Siddim ay puno ng hukay ng betun; at nagsitakas ang mga hari sa Sodoma at sa Gomorra, at nangahulog doon, at ang natira ay nagsitakas sa kabundukan. 001 GEN 014 011 At kanilang sinamsam ang lahat ng pag-aari ng Sodoma at Gomorra, at ang lahat nilang pagkain, at nagsiyaon. 001 GEN 014 012 At dinala nila si Lot, na anak ng kapatid ni Abram, na nananahan sa Sodoma at ang kaniyang mga pag-aari at sila'y nagsiyaon. 001 GEN 014 013 At dumating ang isang nakatanan, at ibinalita kay Abram na Hebreo; na tumatahan nga sa mga puno ng encina ni Mamre na Amorrheo, kapatid ni Eschol, at kapatid ni Aner; at ang mga ito ay kakampi ni Abram. 001 GEN 014 014 At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa Dan. 001 GEN 014 015 At sila'y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan, laban sa kaaway, siya at ang kaniyang mga alipin, at kanilang sinaktan sila, at hinabol nila sila hanggang sa Hobah, na nasa kaliwa ng Damasco. 001 GEN 014 016 At iniuwi niya ang lahat ng pag-aari; at iniuwi rin niya si Lot na kaniyang kapatid, at ang kaniyang mga pag-aari, at gayon din ang mga babae at ang bayan. 001 GEN 014 017 At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya'y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer, at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave (na siyang libis ng hari). 001 GEN 014 018 At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya'y saserdote ng Kataastaasang Dios. 001 GEN 014 019 At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na may-ari ng langit at ng lupa: 001 GEN 014 020 At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam. 001 GEN 014 021 At sinabi ng hari sa Sodoma kay Abram, Ibigay mo sa akin ang mga tao at kunin mo sa ganang iyo ang mga pag-aari. 001 GEN 014 022 At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma, Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan, na may ari ng langit at ng lupa. 001 GEN 014 023 Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid, o maging isang panali ng pangyapak, o ng anomang nauukol sa iyo, baka iyong sabihin, Pinayaman ko si Abram: 001 GEN 014 024 Liban na lamang ang kinain ng mga binata at ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko; si Aner, si Eschol, at si Mamre, ay pakunin mo ng kanilang bahagi. 001 GEN 015 001 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong kalasag, at ang iyong ganting pala na lubhang dakila. 001 GEN 015 002 At sinabi ni Abram, Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako'y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer? 001 GEN 015 003 At sinabi ni Abram, Narito, hindi mo ako binigyan ng anak at, narito't isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko. 001 GEN 015 004 At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsabi, Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; kundi lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo. 001 GEN 015 005 At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging ganiyan ang iyong binhi. 001 GEN 015 006 At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya. 001 GEN 015 007 At sinabi sa kaniya, Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo. 001 GEN 015 008 At sinabi niya, Oh Panginoong Dios, paanong pagkakilala ko na aking mamanahin? 001 GEN 015 009 At sinabi sa kaniya, Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati. 001 GEN 015 010 At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya, at pinaghati niya sa gitna, at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati; datapuwa't hindi hinati ang mga ibon. 001 GEN 015 011 At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram. 001 GEN 015 012 At nang lulubog na ang araw, ay nakatulog si Abram ng mahimbing; at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya. 001 GEN 015 013 At sinabi ng Dios kay Abram, Tunay na pakatalastasin mo, na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod sa mga yaon; at pahihirapang apat na raang taon. 001 GEN 015 014 At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan: at pagkatapos ay aalis silang may malaking pag-aari. 001 GEN 015 015 Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa iyong mga magulang; at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan. 001 GEN 015 016 At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisipagbalik rito: sapagka't hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga Amorrheo. 001 GEN 015 017 At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop. 001 GEN 015 018 Nang araw na yaon, ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates. 001 GEN 015 019 Ang mga Cineo, at ang mga Ceneceo, at ang mga Cedmoneo, 001 GEN 015 020 At ang mga Heteo, at ang mga Pherezeo, at ang mga Refaim, 001 GEN 015 021 At ang mga Amorrheo, at ang mga Cananeo, at ang mga Gergeseo, at ang mga Jebuseo. 001 GEN 016 001 Si Sarai nga na asawa ni Abram ay hindi nagkaanak sa kaniya; at siya'y may isang alilang babae na taga Egipto, na nagngangalang Agar. 001 GEN 016 002 At sinabi ni Sarai kay Abram, Narito, ngayon, ako'y hinadlangan ng Panginoon na ako'y magkaanak; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking alilang babae; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya. At dininig ni Abram ang sabi ni Sarai. 001 GEN 016 003 At kinuha ni Sarai na asawa ni Abram, si Agar na taga Egipto, na kaniyang alila, pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram sa lupain ng Canaan, at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa niya. 001 GEN 016 004 At siya'y sumiping kay Agar, at naglihi: at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalang halaga niya ang kaniyang panginoong babae sa kaniyang paningin. 001 GEN 016 005 At sinabi ni Sarai kay Abram, Ang aking pagkaapi ay sumaiyo: idinulot ko ang aking alila sa iyong sinapupunan; at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalan akong kabuluhan sa kaniyang paningin: ang Panginoon ang humatol sa akin at sa iyo. 001 GEN 016 006 Datapuwa't sinabi ni Abram kay Sarai, Narito, ang iyong alila ay nasa iyong kamay; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin. At dinuwahagi siya ni Sarai, at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap. 001 GEN 016 007 At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang, sa bukal na nasa daang patungo sa Shur. 001 GEN 016 008 At sinabi, Agar, alila ni Sarai, saan ka nanggaling? at saan ka paroroon? at kaniyang sinabi, Ako'y tumatakas mula sa harap ni Sarai na aking panginoon. 001 GEN 016 009 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Magbalik ka sa iyong panginoon, at pahinuhod ka sa kaniyang mga kamay. 001 GEN 016 010 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Pararamihin kong mainam ang iyong binhi, na hindi mabibilang dahil sa karamihan. 001 GEN 016 011 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Narito't ikaw ay nagdadalang-tao at ikaw ay manganganak ng isang lalake; at ang itatawag mo sa kaniyang ngalan ay Ismael, sapagka't diningig ng Panginoon ang iyong kadalamhatian. 001 GEN 016 012 At siya'y magiging parang asnong bundok sa gitna ng mga tao; ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat, at ang kamay ng lahat ay laban sa kaniya; at siya'y tatahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid. 001 GEN 016 013 At kaniyang tinawagan ang ngalan ng Panginoon na nagsalita sa kaniya, Ikaw ay Dios na nakakakita: sapagka't sinabi niya, Namasdan ko rin ba rito ang likuran niyaong nakakakita sa akin? 001 GEN 016 014 Kaya't nginalanan ang balong yaon Balon ng Nabubuhay na nakakakita sa akin; narito't ito'y nasa pagitan ng Cades at Bered. 001 GEN 016 015 At nanganak si Agar ng isang lalake kay Abram at ang itinawag ni Abram, na pangalan sa kaniyang anak na ipinanganak ni Agar, ay Ismael. 001 GEN 016 016 At si Abram ay may walong pu't anim na taon nang ipanganak si Ismael ni Agar kay Abram. 001 GEN 017 001 At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka. 001 GEN 017 002 At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam. 001 GEN 017 003 At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi, 001 GEN 017 004 Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa. 001 GEN 017 005 At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka't ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa. 001 GEN 017 006 At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari. 001 GEN 017 007 At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo. 001 GEN 017 008 At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pag-aaring walang hanggan at ako ang magiging Dios nila. 001 GEN 017 009 At sinabi pa ng Dios kay Abraham, At tungkol sa iyo, iingatan mo ang aking tipan, iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian nila. 001 GEN 017 010 Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawa't lalake sa inyo. 001 GEN 017 011 At kayo'y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo. 001 GEN 017 012 At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo, ang bawa't lalake sa buong kalahian ninyo; ang ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi. 001 GEN 017 013 Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng iyong salapi, ay dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan. 001 GEN 017 014 At ang lalaking hindi tuli, na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama, ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan; sinira niya ang aking tipan. 001 GEN 017 015 At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara ang magiging kaniyang pangalan. 001 GEN 017 016 At akin siyang pagpapalain, at saka sa kaniya'y bibigyan kita ng anak: oo, siya'y aking pagpapalain, at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya. 001 GEN 017 017 Nang magkagayo'y nagpatirapa si Abraham, at nagtawa, at nasabi sa kaniyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na? 001 GEN 017 018 At sinabi ni Abraham sa Dios, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo! 001 GEN 017 019 At sinabi ng Dios, Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya. 001 GEN 017 020 At tungkol kay Ismael, ay dininig din kita. Narito't aking pinagpala siya, at siya'y aking papagaanakin ng marami, at siya'y aking pararamihin ng di kawasa; labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging anak, at siya'y gagawin kong malaking bansa. 001 GEN 017 021 Nguni't ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating. 001 GEN 017 022 At nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay napaitaas ang Dios mula sa piling ni Abraham. 001 GEN 017 023 At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kaniyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay, at ang lahat ng binili niya ng kaniyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham, at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon, ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya. 001 GEN 017 024 At si Abraham ay may siyam na pu't siyam na taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama. 001 GEN 017 025 At si Ismael ay may labing tatlong taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama. 001 GEN 017 026 Nang araw ding yaon tinuli si Abraham, at si Ismael na kaniyang anak. 001 GEN 017 027 At lahat ng lalaking kasangbahay niya, maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama niya. 001 GEN 018 001 At napakita ang Panginoon sa kaniya sa mga punong encina ni Mamre, habang siya'y nakaupo sa pintuan ng tolda, ng kainitan ng araw. 001 GEN 018 002 At itiningin ang kaniyang mga mata at nagmalas, at, narito't tatlong lalake ay nakatayo sa tabi niya: at pagkakita niya sa kanila, ay tinakbo niya upang sila'y salubungin mula sa pintuan ng tolda, at yumukod siya sa lupa. 001 GEN 018 003 At nagsabi, Panginoon ko, kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay ipinamamanhik ko sa iyo, na huwag mong lagpasan ang iyong lingkod. 001 GEN 018 004 Itulot mong dalhan kayo rito ng kaunting tubig, at maghugas kayo ng inyong mga paa, at mangagpahinga kayo sa lilim ng kahoy. 001 GEN 018 005 At magdadala ako ng isang subong tinapay at inyong palakasin ang inyong puso; at pagkatapos ay magsisipagtuloy kayo: yamang kayo'y naparito sa inyong lingkod, At nagsipagsabi, Mangyari ang ayon sa iyong sinabi. 001 GEN 018 006 At si Abraham ay nagmadaling napasa tolda ni Sara, at sinabi, Maghanda ka agad ng tatlong takal ng mainam na harina, iyong tapayin at gawin mong mga munting tinapay. 001 GEN 018 007 At tumakbo si Abraham sa bakahan at nagdala ng isang bata at mabuting guya, at ibinigay sa alipin; at siya'y nagmadali, upang lutuin. 001 GEN 018 008 At siya'y kumuha ng mantekilla, at ng gatas, at ng guyang niluto niya, at inihain sa harapan nila; at siya'y tumayo sa siping nila sa lilim ng punong kahoy; at sila'y nagsikain. 001 GEN 018 009 At sinabi nila sa kaniya, Saan naroon si Sara na iyong asawa? At sinabi niya Narito, nasa tolda. 001 GEN 018 010 At sinabi niya, Walang salang di ako babalik sa iyo sa ganitong panahon ng taong darating; at narito't si Sara na iyong asawa ay magkakaanak ng isang lalake. At narinig ni Sara sa pintuan ng tolda, na nasa likod niya. 001 GEN 018 011 Si Abraham at si Sara nga'y matatanda na, at lipas na sa panahon; at tinigilan na si Sara ng kaugalian ng mga babae. 001 GEN 018 012 At nagtawa si Sara sa kaniyang sarili, na sinasabi, Pagkatapos na ako'y tumanda ay magtatamo ako ng kaligayahan, at matanda na rin pati ng panginoon ko? 001 GEN 018 013 At sinabi ng Panginoon kay Abraham, Bakit tumawa si Sara, na sinasabi, Tunay kayang ako'y manganganak, na matanda na ako? 001 GEN 018 014 May anomang bagay kayang napakahirap sa Panginoon? Sa tadhanang panahon ay babalik ako sa iyo, sa taong darating, at si Sara ay magkakaanak ng isang lalake. 001 GEN 018 015 Nang magkagayo'y nagkaila si Sara, na sinasabi, Hindi ako tumawa, sapagka't siya'y natakot. Nguni't sinabi niya, Hindi gayon; kundi ikaw ay tumawa. 001 GEN 018 016 At nangagtindig doon ang mga lalake, at nangagsitingin sa dakong Sodoma; at sinamahan sila ni Abraham, upang ihatid sila sa daan. 001 GEN 018 017 At sinabi ng Panginoon, Ililihim ko ba kay Abraham ang aking gagawin; 001 GEN 018 018 Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa? 001 GEN 018 019 Sapagka't siya'y aking kinilala, upang siya'y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang padatnin ng Panginoon, kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya. 001 GEN 018 020 At sinabi ng Panginoon, Sapagka't ang sigaw ng Sodoma at Gomorra ay malakas, at sapagka't ang kasalanan nila ay napakalubha; 001 GEN 018 021 Ay bababa ako ngayon at titingnan ko kung ginawa nga ang ayon sa sigaw na dumarating hanggang sa akin; at kung hindi ay aking malalaman. 001 GEN 018 022 At ang mga lalake ay nagsilayo roon at nagsitungo sa Sodoma datapuwa't si Abraham ay nakatayo pa sa harapan ng Panginoon. 001 GEN 018 023 At lumapit si Abraham, at nagsabi, Ang mga banal ba ay iyong lilipuling kasama ng mga masama? 001 GEN 018 024 Kung sakaling may limang pung banal sa loob ng bayan: lilipulin mo ba, at di mo patatawarin ang dakong yaon, alangalang sa limang pung banal na nasa loob niyaon? 001 GEN 018 025 Malayo nawa sa iyo ang paggawa ng ganito, na ang banal ay iyong pataying kasama ng masama, anopa't ang banal ay mapara sa masama; malayo nawa ito sa iyo: di ba gagawa ng matuwid ang Hukom ng buong lupa? 001 GEN 018 026 At sinabi ng Panginoon, Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limang pung banal sa loob ng bayan, patatawarin ko ang buong dakong yaon, alangalang sa kanila. 001 GEN 018 027 At sumagot si Abraham, at nagsabi, Narito, ngayo'y nangahas akong magsalita sa Panginoon, akong alabok at abo lamang: 001 GEN 018 028 Kung sakaling magkukulang ng lima sa limang pung banal: lilipulin mo ba, dahil sa limang kulang, ang buong bayan? At sinabi niya, Hindi ko lilipulin kung makasumpong ako roon ng apat na pu't lima. 001 GEN 018 029 At siya'y muling nagsalita pa sa kaniya, at nagsabi, Marahil ay may masusumpungang apat na pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin, alangalang sa apat na pu. 001 GEN 018 030 At sinabi niya, Oh huwag magalit ang Panginoon, at ako'y magsasalita: kung sakaling may masusumpungan doong tatlong pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin kung makakasumpong ako roon ng tatlong pu. 001 GEN 018 031 At kaniyang sinabi, Narito ngayon, ako'y nangahas na magsalita sa Panginoon: kung sakaling may masusumpungan doong dalawang pu. At sinabi niya, Hindi ko lilipulin, alangalang sa dalawang pu. 001 GEN 018 032 At sinabi niya, Oh huwag magalit ang Panginoon at magsasalita na lamang akong minsan: kung sakaling may masusumpungan doong sangpu: at sinabi niya, Hindi ko lilipulin, alangalang sa sangpu. 001 GEN 018 033 At ang Panginoon ay nagpatuloy, pagkatapos na makipagusap kay Abraham: at si Abraham ay nagbalik sa kaniyang dako. 001 GEN 019 001 At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila'y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa; 001 GEN 019 002 At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo'y matira sa buong magdamag, at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag. 001 GEN 019 003 At kaniyang pinakapilit sila; at sila'y nagsiliko, at nagsipasok sa kaniyang bahay; at sila'y kaniyang pinaghandaan, at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura, at nagsikain. 001 GEN 019 004 Datapuwa't bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga'y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot; 001 GEN 019 005 At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila. 001 GEN 019 006 At nilabas sila ni Lot sa pintuan, at isinara ang pinto sa likuran niya. 001 GEN 019 007 At sinabi niya, Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid ko, na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan. 001 GEN 019 008 Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila'y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila'y nangasa silong ng aking bubungan. 001 GEN 019 009 At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito'y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga'y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan. 001 GEN 019 010 Datapuwa't iniunat ng mga lalake ang kanilang kamay at binatak si Lot sa loob ng bahay at kanilang sinarhan ang pintuan. 001 GEN 019 011 At ang mga taong nangasa pintuan ng bahay ay mga pinagbulag nila, ang munti't malaki: ano pa't sila'y nangayamot sa paghahanap ng pintuan. 001 GEN 019 012 At sinabi ng mga lalake kay Lot, Mayroon ka pa ritong kamaganakan? Ang iyong mga manugang, at ang iyong mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng iyong tinatangkilik sa bayan: ay ipagaalis mo sa dakong ito: 001 GEN 019 013 Sapagka't aming lilipulin ang dakong ito dahil sa napakalakas ang kanilang sigaw sa harap ng Panginoon; at kami ay sinugo ng Panginoon upang aming lipulin. 001 GEN 019 014 At si Lot ay lumabas, at pinagsabihan niya ang kaniyang mga manugang na nagasawa sa kaniyang mga anak na babae, at sinabi, Magtindig kayo, magsialis kayo sa dakong ito; sapagka't gugunawin ng Panginoon ang bayan. Datapuwa't ang akala ng kaniyang mga manugang ay nagbibiro siya. 001 GEN 019 015 At nang umumaga ay pinapagmadali ng mga anghel si Lot, na sinasabi, Magbangon ka, ipagsama mo ang iyong asawa at ang iyong dalawang anak na babae na narito, baka pati ikaw ay madamay sa parusa sa bayan. 001 GEN 019 016 Datapuwa't siya'y nagluluwat; at hinawakan ng mga lalake ang kaniyang kamay, at ang kamay ng kaniyang asawa, at ang kamay ng kaniyang dalawang anak na babae; sa habag sa kaniya ng Panginoon: at siya'y kanilang inilabas, at siya'y kanilang inilagay sa labas ng bayan. 001 GEN 019 017 At nangyari, na nang sila'y mailabas na nila, ay sinabi, Itakas mo ang iyong buhay; huwag kang lumingon o huminto man sa buong kapatagan; tumakas ka hanggang sa bundok, baka ikaw ay mamatay. 001 GEN 019 018 At sinabi sa kanila ni Lot, Huwag ganiyan, panginoon ko: 001 GEN 019 019 Narito, ngayo't ang lingkod mo ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, at pinakalaki mo ang iyong awang ipinakita sa akin sa pagliligtas ng aking buhay; at ako'y di makatatakas sa bundok, baka ako'y abutan ng sama, at ako'y mamatay. 001 GEN 019 020 Narito, ang bayang ito ay malapit takasan at maliit: Oh tulutan mong tumakas ako roon, (di ba yao'y maliit?) at mabubuhay ako. 001 GEN 019 021 At sinabi sa kaniya, Narito, sa bagay mang ito ay pinayagan din kita, na hindi ko gugunawin ang bayang iyong sinalita. 001 GEN 019 022 Magmadali ka, tumakas ka roon; sapagka't wala akong magagawa hanggang sa dumating ka roon. Kaya't ang pangalang itinawag sa bayang yaon ay Zoar. 001 GEN 019 023 Ang araw ay nakalitaw na sa lupa nang dumating si Lot sa Zoar. 001 GEN 019 024 Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit; 001 GEN 019 025 At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon. 001 GEN 019 026 Datapuwa't ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot, at naging haliging asin. 001 GEN 019 027 At si Abraham ay sumampang maaga ng kinaumagahan sa dakong kinatayuan niya sa harap ng Panginoon. 001 GEN 019 028 At siya'y tumingin sa dakong Sodoma at Gomorra, at sa buong lupain ng Kapatagan, at tumanaw, at narito, ang usok ng lupain ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno. 001 GEN 019 029 At nangyari, na nang gunawin ng Dios ang mga bayan ng Kapatagan, na naalaala ng Dios si Abraham, at pinalabas si Lot, mula sa gitna ng pinaggunawan, nang gunawin ang mga bayan na kinatitirahan ni Lot. 001 GEN 019 030 At sumampa si Lot mula sa Zoar at tumira sa bundok, at ang kaniyang dalawang anak na babae na kasama niya; sapagka't siya'y natakot na tumira sa Zoar: at siya'y tumira sa isang yungib, siya at ang kaniyang dalawang anak na babae. 001 GEN 019 031 At sinabi ng panganay sa bunso: Ang ating ama ay matanda, at walang lalake sa lupa na sumiping sa atin, ayon sa ugali ng sangkalupaan: 001 GEN 019 032 Halika, painumin natin ng alak ang ating ama, at tayo'y sumiping sa kaniya; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama. 001 GEN 019 033 At pinainom nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon: at pumasok ang panganay at sumiping sa kaniyang ama; at hindi naalaman, ng ama nang siya'y mahiga ni nang siya'y magbangon. 001 GEN 019 034 At nangyari nang kinabukasan, na sinabi ng panganay sa bunso. Narito, ako'y sumiping kagabi sa aking ama; painumin din natin ng alak sa gabing ito; at pumasok ka, at sumiping ka sa kaniya; upang mapalagi natin ang binhi ng ating ama. 001 GEN 019 035 At pinainom din nila ng alak ang kanilang ama ng gabing yaon: at nagtindig ang bunso, at sumiping sa ama; at hindi naalaman ng ama nang siya'y mahiga, ni nang siya'y magbangon. 001 GEN 019 036 Sa ganito'y kapuwa nagdalangtao ang mga anak ni Lot sa pamamagitan ng kanilang ama. 001 GEN 019 037 At nanganak ang panganay ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang ngalang Moab: na siya ngang ama ng mga Moabita, hanggang sa araw na ito. 001 GEN 019 038 At ang bunso ay nanganak din ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang pangalang Ben-ammi: na siya ngang ama ng mga anak ni Ammon, hanggang ngayon. 001 GEN 020 001 At mula roon ay naglakbay si Abraham sa dakong lupain ng Timugan, at tumahan sa pagitan ng Cades at Shur; at siya'y nakipamayan sa Gerar. 001 GEN 020 002 At sinabi ni Abraham tungkol kay Sara na kaniyang asawa, Siya'y aking kapatid; at si Abimelech na hari sa Gerar, ay nagsugo at kinuha si Sara. 001 GEN 020 003 Datapuwa't naparoon ang Dios kay Abimelech sa panaginip sa gabi, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay dili iba't isang patay dahil sa babaing iyong kinuha; sapagka't siya'y asawa ng isang lalake. 001 GEN 020 004 Nguni't si Abimelech ay hindi pa, nakasisiping sa kaniya: at nagsabi, Panginoon, papatayin mo ba pati ng isang bansang banal? 001 GEN 020 005 Hindi ba siya rin ang nagsabi sa akin, Siya'y aking kapatid? at si Sara man ay nagsabi, Siya'y aking kapatid; sa katapatang loob ng aking puso, at kawalang sala ng aking mga kamay, ay ginawa ko ito. 001 GEN 020 006 At sinabi sa kaniya ng Dios sa panaginip: Oo, talastas ko, na sa katapatang loob ng iyong puso ay ginawa mo ito, at hinadlangan din naman kita sa pagkakasala ng laban sa akin: kaya't hindi ko ipinahintulot sa iyong galawin mo siya. 001 GEN 020 007 Ngayon nga'y isauli mo ang asawa ng lalaking ito; sapagka't siya'y profeta, at ikaw ay ipananalangin niya, at mabubuhay ka: at kung di mo siya isauli, ay talastasin mong walang pagsalang mamamatay ka, ikaw at ang lahat ng iyo. 001 GEN 020 008 At si Abimelech ay bumangong maaga ng kinaumagahan at tinawag ang lahat niyang bataan, at sinabi sa kanilang pakinig ang lahat ng bagay na ito: at ang mga tao'y natakot na mainam. 001 GEN 020 009 Nang magkagayo'y tinawag ni Abimelech si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, Anong ginawa mo sa amin? at sa ano ako nagkasala laban sa iyo, na dinalhan mo ako at ang aking kaharian ng isang malaking kasalanan? Ginawan mo ako ng mga gawang di marapat gawin. 001 GEN 020 010 At sinabi ni Abimelech kay Abraham, Anong nakita mo na ginawa mo ang bagay na ito? 001 GEN 020 011 At sinabi ni Abraham, Sapagka't inisip ko. Tunay na walang takot sa Dios sa dakong ito: at papatayin nila ako dahil sa aking asawa. 001 GEN 020 012 At saka talagang siya'y kapatid ko, na anak ng aking ama, datapuwa't hindi anak ng aking ina; at siya'y naging asawa ko: 001 GEN 020 013 At nangyari, na nang ako'y palayasin ng Dios sa bahay ng aking ama, na sinabi ko sa kaniya, Ito ang magandang kalooban mo na maipakikita sa akin; sa lahat ng dakong ating datnin, ay sabihin mo tungkol sa akin, Siya'y aking kapatid. 001 GEN 020 014 At si Abimelech ay kumuha ng mga tupa at mga baka, at mga aliping lalake at babae, at ipinagbibigay kay Abraham, at isinauli sa kaniya si Sara na kaniyang asawa. 001 GEN 020 015 At sinabi ni Abimelech, Narito ang lupain ko ay nasa harapan mo: tumahan ka kung saan mo magalingin. 001 GEN 020 016 At kay Sara'y sinabi niya, Narito, nagbigay ako ng isang libong putol na pilak sa iyong kapatid: narito, ito sa iyo'y piring sa mga mata ng lahat ng kasama mo; at sa harap ng lahat ay nagbangong puri ka. 001 GEN 020 017 At nanalangin si Abraham sa Dios; at pinagaling ng Dios si Abimelech, at ang kaniyang asawa, at ang kaniyang mga aliping babae, na ano pa't nagkaanak sila. 001 GEN 020 018 Sapagka't sinarhang lubos ng Panginoon ang lahat ng bahay-bata sa bahay ni Abimelech, dahil kay Sara, na asawa ni Abraham. 001 GEN 021 001 At dumalaw ang Panginoon kay Sara, ayon sa sinabi niya, at ginawa ng Panginoon kay Sara ang ayon sa kaniyang sinalita. 001 GEN 021 002 At si Sara ay naglihi at nagkaanak ng isang lalake kay Abraham sa kaniyang katandaan, sa tadhanang panahong sinabi ng Dios sa kaniya. 001 GEN 021 003 At tinawag na Isaac ni Abraham ang ngalan ng kaniyang anak na ipinanganak sa kaniya, na siyang ipinanganak ni Sara. 001 GEN 021 004 At tinuli ni Abraham si Isaac ng magkaroon ng walong araw gaya ng iniutos ng Dios sa kaniya. 001 GEN 021 005 At si Abraham ay may isang daang taon, nang sa kaniya'y ipanganak si Isaac na kaniyang anak. 001 GEN 021 006 At sinabi ni Sara, Pinatawa ako ng Dios, sinomang makarinig ay makikitawa. 001 GEN 021 007 At sinabi niya, Sinong nakapagsabi kay Abraham na si Sara ay magpapasuso ng anak? sapagka't ako'y nagkaanak sa kaniya ng isang lalake sa kaniyang katandaan. 001 GEN 021 008 At lumaki ang sanggol, at inihiwalay sa suso; at nagpiging ng malaki si Abraham ng araw na ihiwalay sa suso si Isaac. 001 GEN 021 009 At nakita ni Sara ang anak ni Agar na taga Egipto, na ito'y nagkaanak kay Abraham, na tumutuya sa kaniya. 001 GEN 021 010 Kaya't sinabi niya kay Abraham, Palayasin mo ang aliping ito at ang kaniyang anak: sapagka't hindi magmamana ang anak ng aliping ito na kahati ng aking anak, sa makatuwid baga'y ni Isaac. 001 GEN 021 011 At ang bagay na ito ay naging lubhang mabigat sa paningin ni Abraham dahil sa kaniyang anak. 001 GEN 021 012 At sinabi ng Dios kay Abraham, Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin; sa lahat na sabihin sa iyo ni Sara, ay makinig ka sa kaniyang tinig, sapagka't kay Isaac tatawagin ang iyong lahi. 001 GEN 021 013 At ang anak din naman ng alipin ay gagawin kong isang bansa, sapagka't siya'y anak mo. 001 GEN 021 014 At nagbangong maaga sa kinaumagahan si Abraham, at kumuha ng tinapay at ng isang bangang balat ng tubig, at ibinigay kay Agar, na ipinatong sa kaniyang balikat, at ang bata at siya ay pinapagpaalam, at siya'y nagpaalam at naggala sa ilang ng Beerseba. 001 GEN 021 015 At naubos ang tubig sa bangang balat, at kaniyang inilapag ang bata sa ilalim ng isa sa mabababang punong kahoy. 001 GEN 021 016 At yumaon at naupo sa tapat niya, na ang layo ay isang hilagpos ng pana; sapagka't sinabi niya, Huwag kong makita ang kamatayan ng bata. At naupo sa tapat, at naghihiyaw at umiyak. 001 GEN 021 017 At narinig ng Dios ang tinig ng bata; at tinawag ng anghel ng Dios si Agar, mula sa langit, at sa kaniya'y sinabi, Naano ka Agar? Huwag kang matakot; sapagka't narinig ng Dios ang tinig ng bata sa kinalalagyan. 001 GEN 021 018 Magtindig ka, iyong itayo ang bata, at alalayan mo siya ng iyong kamay; sapagka't siya'y gagawin kong isang bansang malaki. 001 GEN 021 019 At idinilat ng Dios ang kaniyang mga mata, at siya'y nakakita ng isang balon ng tubig: at naparoon at pinuno ng tubig ang bangang balat, at pinainom ang bata. 001 GEN 021 020 At ang Dios ay sumabata, at siya'y lumaki; at tumahan sa ilang at naging mamamana. 001 GEN 021 021 At nanahan siya sa ilang ng Paran: at ikinuha siya ng kaniyang ina ng asawa sa lupain ng Egipto. 001 GEN 021 022 At nangyari ng panahong yaon, na si Abimelech, at si Ficol na kapitan ng kaniyang hukbo ay nagsalita kay Abraham, na nagsasabi, Sumasaiyo ang Dios sa lahat mong ginagawa: 001 GEN 021 023 Ngayon nga'y ipanumpa mo sa akin dito alangalang sa Dios, na di ka maglililo sa akin, kahit sa aking anak, kahit sa anak ng aking anak; kundi ayon sa kagandahang loob na ipinakita ko sa iyo, ay gayon ang gagawin mo sa akin, at sa lupaing iyong pinakipamayanan. 001 GEN 021 024 At sinabi ni Abraham, Susumpa ako. 001 GEN 021 025 At pinagwikaan ni Abraham si Abimelech dahil sa isang balon ng tubig, na marahas na inalis sa kaniya ng mga bataan ni Abimelech. 001 GEN 021 026 At sinabi ni Abimelech, Aywan, kung sinong gumawa ng bagay na ito: na di mo man sinabi sa akin, at hindi ko man nabalitaan kundi ngayon. 001 GEN 021 027 At kumuha si Abraham ng mga tupa, at mga baka, at ibinigay kay Abimelech; at gumawa silang dalawa ng isang tipan. 001 GEN 021 028 At ibinukod ni Abraham ang pitong korderong babae sa kawan. 001 GEN 021 029 At sinabi ni Abimelech kay Abraham, Anong kahulugan nitong pitong korderong babae na iyong ibinukod? 001 GEN 021 030 At kaniyang sinabi, Itong pitong korderong babae ay iyong kukunin sa aking kamay, upang sa akin ay maging patotoo na hinukay ko ang balong ito. 001 GEN 021 031 Kaya't tinawag niya ang dakong yaong Beerseba; sapagka't doon sila kapuwa nanumpa. 001 GEN 021 032 Sa gayo'y gumawa sila ng isang tipan sa Beerseba: at nagtindig si Abimelech, at si Ficol na kapitan ng kaniyang hukbo at nagsipagbalik sa lupain ng mga Filisteo. 001 GEN 021 033 At nagtanim si Abraham ng isang punong kahoy na tamaring sa Beerseba, at sinambitla doon ang pangalan ng Panginoong Dios na walang hanggan. 001 GEN 021 034 At maraming araw na nakipamayan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo. 001 GEN 022 001 At nangyari pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinubok ng Dios si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, Abraham; at sinabi niya, Narito ako. 001 GEN 022 002 At kaniyang sinabi, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo. 001 GEN 022 003 At si Abraham ay bumangong maaga, at inihanda ang kaniyang asno, at ipinagsama ang dalawa sa kaniyang mga alila, at si Isaac na kaniyang anak: at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin, at bumangon at naparoon sa dakong sinabi sa kaniya ng Dios. 001 GEN 022 004 Nang ikatlong araw ay itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata at natanaw niya ang dakong yaon sa malayo. 001 GEN 022 005 At sinabi ni Abraham sa kaniyang mga alila, Maghintay kayo rito sangpu ng asno, at ako at ang bata ay paroroon doon; at kami ay sasamba, at pagbabalikan namin kayo. 001 GEN 022 006 At kinuha ni Abraham ang kahoy ng handog na susunugin, at ipinasan kay Isaac na kaniyang anak; at dinala sa kaniyang kamay ang apoy at ang sundang; at sila'y kapuwa yumaong magkasama. 001 GEN 022 007 At nagsalita si Isaac kay Abraham na kaniyang ama, na sinabi, Ama ko: at kaniyang sinabi, Narito ako, anak ko. At sinabi, Narito, ang apoy at ang kahoy, nguni't saan naroon ang korderong pinakahandog na susunugin? 001 GEN 022 008 At sinabi ni Abraham, Dios ang maghahanda ng korderong pinakahandog na susunugin, anak ko: ano pa't sila'y kapuwa yumaong magkasama. 001 GEN 022 009 At sila'y dumating sa dakong sa kaniya'y sinabi ng Dios; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy. 001 GEN 022 010 At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak. 001 GEN 022 011 At tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit, at sinabi, Abraham, Abraham: at kaniyang sinabi, Narito ako. 001 GEN 022 012 At sa kaniya'y sinabi, Huwag mong buhatin ang iyong kamay sa bata, o gawan man siya ng anoman: sapagka't talastas ko ngayon, na ikaw ay natatakot sa Dios, sa paraang hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak. 001 GEN 022 013 At itiningin ni Abraham ang kaniyang mga mata, at nagmalas, at narito, ang isang tupang lalake, sa dakong likuran niya na huli sa dawag sa kaniyang mga sungay: at pumaroon si Abraham, at kinuha ang tupa, at siyang inihandog na handog na susunugin na inihalili sa kaniyang anak. 001 GEN 022 014 At pinanganlan ni Abraham ang dakong yaon, ng Jehova-jireh: gaya ng kasabihan hanggang sa araw na ito: Sa bundok ng Panginoon ay mahahanda. 001 GEN 022 015 At tinawag ng anghel ng Panginoon si Abraham na ikalawa mula sa langit. 001 GEN 022 016 At sinabi, Sa aking sarili ay sumumpa ako, anang Panginoon, sapagka't ginawa mo ito, at hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak; 001 GEN 022 017 Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway; 001 GEN 022 018 At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka't sinunod mo ang aking tinig. 001 GEN 022 019 Sa gayo'y nagbalik si Abraham sa kaniyang mga alila, at nagsitindig at samasamang nagsiparoon sa Beerseba; at tumahan si Abraham sa Beerseba. 001 GEN 022 020 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na ibinalita kay Abraham na sinasabi, Narito, si Milca rin naman ay nagkaroon ng mga anak kay Nahor na iyong kapatid. 001 GEN 022 021 Si Huz ang kaniyang panganay, at si Buz na kaniyang kapatid, at si Kemuel na ama ni Aram; 001 GEN 022 022 Si Chesed din naman, at si Hazo, at si Pildas, at si Jidlaph, at si Bethuel. 001 GEN 022 023 At naging anak ni Bethuel si Rebeca: ang walong ito ay naging anak ni Milca kay Nachor na kapatid ni Abraham. 001 GEN 022 024 At ipinanganak din naman ng kaniyang babae na tinatawag na Reuma, si Teba, at si Gaham, at si Taas at si Maacha. 001 GEN 023 001 At ang buhay ni Sara ay tumagal ng isang daan at dalawang pu't pitong taon: ito ang naging mga taon ng buhay ni Sara. 001 GEN 023 002 At namatay si Sara sa Kiriatharba (na siyang Hebron), sa lupain ng Canaan: at naparoon si Abraham na ipinagluksa si Sara at iniyakan. 001 GEN 023 003 At tumindig si Abraham sa harap ng kaniyang patay, at nagsalita sa mga anak ni Heth, na sinasabi, 001 GEN 023 004 Ako'y tagaibang bayan at nakikipamayan sa inyo: bigyan ninyo ako ng isang pag-aaring libingan sa gitna ninyo, upang aking ilibing ang aking patay, na malingid sa aking paningin. 001 GEN 023 005 At ang mga anak ni Heth ay sumagot kay Abraham, na nagsasabi sa kaniya, 001 GEN 023 006 Dinggin mo kami, panginoon ko: ikaw ay prinsipe ng Dios sa gitna namin: sa pinakahirang sa aming mga libingan ay ilibing mo ang iyong patay; wala sa amin na magkakait sa iyo ng kaniyang libingan, upang paglibingan ng iyong patay. 001 GEN 023 007 At tumindig si Abraham, at yumukod sa bayan ng lupain, sa mga anak nga ni Heth. 001 GEN 023 008 At nakiusap sa kanila, na sinasabi, Kung kalooban ninyo na aking ilibing ang aking patay na malingid sa aking paningin, ay dinggin ninyo ako, at pamagitanan ninyo ako kay Ephron, na anak ni Zohar, 001 GEN 023 009 Upang ibigay niya sa akin ang yungib ng Macpela, na kaniyang inaari, na nasa hangganan ng kaniyang parang; sa tapat na halaga ay ibigay niya sa akin, upang maging pag-aaring libingan sa gitna ninyo. 001 GEN 023 010 Si Ephron nga ay nakaupo sa gitna ng mga anak ni Heth: at sumagot si Ephron na Hetheo kay Abraham, sa harap ng mga anak ni Heth, na naririnig ng lahat na pumapasok sa pintuan ng bayan, na sinasabi, 001 GEN 023 011 Hindi, panginoon ko, dinggin mo ako: ang parang ay ibinibigay ko sa iyo, at ang yungib na naroroon ay ibinibigay ko sa iyo; sa harap ng mga anak ng aking bayan, ay ibinigay ko sa iyo: ilibing mo ang iyong patay. 001 GEN 023 012 At si Abraham ay yumukod sa harapan ng bayan ng lupain. 001 GEN 023 013 At nagsalita kay Ephron sa harap ng bayan ng lupain, na sinasabi, Maanong ako lamang ay iyong pakinggan: ibibigay ko sa iyo ang halaga ng parang; tanggapin mo sa akin, at ililibing ko roon ang aking patay. 001 GEN 023 014 At sumagot si Ephron kay Abraham, na sinasabi sa kaniya, 001 GEN 023 015 Panginoon ko, dinggin mo ako: isang putol ng lupa na ang halaga'y apat na raang siklong pilak: gaano sa akin at sa iyo? ilibing mo nga ang iyong patay. 001 GEN 023 016 At dininig ni Abraham si Ephron; at tinimbang ni Abraham kay Ephron ang salaping sinabi, sa harap ng mga anak ni Heth, apat na raang siklong pilak, na karaniwang salapi ng mga mangangalakal. 001 GEN 023 017 Kaya't ang parang ni Ephron na nasa Macpela, na nasa tapat ng Mamre, ang parang at ang yungib na nandoon, at ang lahat ng mga punong kahoy na nasa parang na yaon, na ang nasa buong hangganan niyaon sa palibot, ay pinagtibay 001 GEN 023 018 Kay Abraham na pag-aari sa harap ng mga anak ni Heth, sa harapan ng lahat ng nagsisipasok sa pintuang daan ng kaniyang bayan. 001 GEN 023 019 At pagkatapos nito ay inilibing ni Abraham si Sara na kaniyang asawa sa yungib ng parang sa Macpela sa tapat ng Mamre (na siyang Hebron) sa lupain ng Canaan. 001 GEN 023 020 At ang parang at ang yungib na naroroon, ay pinagtibay kay Abraham ng mga anak ni Heth, na pag-aaring libingan niya. 001 GEN 024 001 At si Abraham ay matanda na, at lipas na sa panahon: at pinagpala ng Panginoon si Abraham sa lahat ng mga bagay. 001 GEN 024 002 At sinabi ni Abraham sa kaniyang alilang katiwala, sa pinakamatanda sa kaniyang bahay na namamahala ng lahat niyang tinatangkilik: Ipinamamanhik ko sa iyo na ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita: 001 GEN 024 003 At ikaw ay aking pasusumpain, alangalang sa Panginoon sa Dios ng langit at Dios ng lupa, na hindi mo papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak ng mga Cananeo na siyang aking pinakikitahanan: 001 GEN 024 004 Kundi ikaw ay paroroon sa aking lupain, at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak na si Isaac. 001 GEN 024 005 At sinabi sa kaniya ng lingkod, Sakaling hindi iibigin ng babae na sumama sa akin sa lupaing ito: dapat ko bang ibalik ang anak mo sa lupaing pinanggalingan mo? 001 GEN 024 006 At sinabi sa kaniya ni Abraham, Ingatan mong huwag ibalik doon ang aking anak. 001 GEN 024 007 Ang Panginoon, ang Dios ng langit, na kumuha sa akin sa bahay ng aking ama, at sa lupaing aking tinubuan, at sa akin ay nagsalita, at sa akin ay sumumpa, na nagsasabi, Sa iyong binhi, ibibigay ko ang lupaing ito: ay magsusugo siya ng kaniyang anghel sa unahan mo, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak. 001 GEN 024 008 At kung ang babae ay ayaw sumama sa iyo, ay maliligtas ka rito sa aking sumpa; huwag mo lamang pabalikin ang aking anak doon. 001 GEN 024 009 At inilagay ng alilang katiwala ang kaniyang kamay sa ilalim ng hita ni Abraham na kaniyang panginoon, at sumumpa sa kaniya tungkol sa bagay na ito. 001 GEN 024 010 At kumuha ang alilang katiwala ng sangpung kamelyo sa mga kamelyo ng kaniyang panginoon, at yumaon; na dala ang pinakamabuti sa lahat ng pag-aari ng kaniyang panginoon: at tumindig at napasa Mesopotamia, sa bayan ni Nachor. 001 GEN 024 011 At kaniyang pinaluhod ang mga kamelyo sa labas ng bayan, sa tabi ng balon ng tubig, ng dakong palubog na ang araw, na kapanahunan nang paglabas ng mga babae upang umigib ng tubig. 001 GEN 024 012 At sinabi, Oh Panginoon, Dios ng aking panginoong si Abraham, ipinamamanhik ko sa iyong pagkalooban mo ako ng mabuting kapalaran ngayon, at ikaw ay magmagandang loob sa aking panginoong kay Abraham. 001 GEN 024 013 Narito, ako'y nakatayo sa tabi ng bukal ng tubig: at ang mga anak na babae ng mga tao sa bayan, ay nagsilabas upang umigib ng tubig: 001 GEN 024 014 At mangyari nga na ang dalagang aking pagsabihan, Ibaba mo, isinasamo ko sa iyo, ang iyong banga upang ako'y uminom; at siya'y magsabi, Uminom ka, at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo: maging siyang iyong itinalaga sa iyong lingkod na kay Isaac: at sa ganito ay malalaman kong nagmagandang loob ka sa aking panginoon. 001 GEN 024 015 At nangyari, na bago natapos ang pananalita niya, ay narito si Rebeca na ipinanganak kay Bethuel, na anak ni Milca, na asawa ni Nachor na kapatid ni Abraham na lumalabas na pasan ang kaniyang banga sa kaniyang balikat. 001 GEN 024 016 At ang babae ay may magandang anyo, dalaga, na hindi pa nasisipingan ng lalake: at lumusong sa bukal, at pinuno ang kaniyang banga, at umahon. 001 GEN 024 017 At tumakbong sinalubong siya ng alilang katiwala na sinabi, Makikiinom ako ng kaunting tubig sa iyong banga. 001 GEN 024 018 At sinabi niya, Uminom ka, panginoon ko: at nagmadaling ibinaba ang banga sa kaniyang kamay, at pinainom siya. 001 GEN 024 019 At pagkatapos na kaniyang mapainom, ay sinabi, Iyiigib ko naman ang iyong mga kamelyo, hanggang sa makainom na lahat. 001 GEN 024 020 At ibinuhos na dalidali ang kaniyang banga sa inuman, at tumakbong muli sa balon upang umigib at iniigib ang lahat niyang kamelyo. 001 GEN 024 021 At siya'y tinitigan ng lalake; na hindi umiimik, upang maalaman kung pinagpala ng Panginoon ang kaniyang paglalakbay o hindi. 001 GEN 024 022 At nangyari, nang makainom ang mga kamelyo, na kumuha ang lalake ng isang singsing na ginto, na may kalahating siklo sa timbang, at dalawang pulsera upang ilagay sa kaniyang mga kamay, na may timbang na sangpung siklong ginto; 001 GEN 024 023 At sinabi, Kaninong anak ka? sabihin mo sa akin, ipinamamanhik ko sa iyo. May lugar ba sa bahay ng iyong ama na aming matutuluyan? 001 GEN 024 024 At sinabi niya sa kaniya, Anak ako ni Bethuel, na anak ni Milca, na ipinanganak niya kay Nahor. 001 GEN 024 025 Sinabi rin niya sa kaniya, Mayroon din naman kaming saganang dayami at pagkain sa hayop, at dakong matutuluyan. 001 GEN 024 026 At lumuhod ang lalake at sumamba sa Panginoon. 001 GEN 024 027 At siya'y nagsabi, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng aking panginoong si Abraham, na hindi inilayo ang kaniyang habag at ang kaniyang pagtatapat, sa aking panginoon: tungkol sa akin, ay pinatnugutan ako ng Panginoon sa daan hanggang sa bahay ng mga kapatid ng aking panginoon. 001 GEN 024 028 At tumakbo ang dalaga at isinaysay sa sangbahayan ng kaniyang ina ang ayon sa mga salitang ito. 001 GEN 024 029 At mayroon si Rebeca na isang kapatid na nagngangalang Laban: at tinakbo ni Laban ang lalake sa labas, sa bukal. 001 GEN 024 030 At nangyari, pagkakita ng singsing, at ng mga pulsera sa mga kamay ng kaniyang kapatid, at pagkarinig ng mga salita ni Rebeca na kaniyang kapatid, na sinasabi, Gayon sinalita sa akin ng lalake; na naparoon siya sa lalake; at narito, ito'y nakatayo sa siping ng mga kamelyo, sa bukal. 001 GEN 024 031 At sinabi niya, Pumasok ka, pinagpala ng Panginoon; bakit ka nakatayo sa labas? sapagka't inihanda ko ang bahay, at ang dako ng mga kamelyo. 001 GEN 024 032 At pumasok ang lalake sa bahay, at kinalagan ang mga kamelyo; at binigyan ni Laban ng dayami at pagkain ang mga kamelyo, at ng tubig upang ipaghugas ng kaniyang mga paa, at ng mga paa ng mga taong kasama niya. 001 GEN 024 033 At siya'y hinainan nila ng pagkain: datapuwa't kaniyang sinabi, Hindi ako kakain hanggang hindi ko nasasabi ang aking sadya. At sinabi ni Laban, Magsalita ka. 001 GEN 024 034 At kaniyang sinabi, Alilang katiwala ako ni Abraham. 001 GEN 024 035 At pinagpalang mainam ng Panginoon ang aking panginoon; at siya'y naging dakila: at siya'y binigyan ng kawan at bakahan, at ng pilak at ng ginto, at ng mga aliping lalake, at babae, at ng mga kamelyo, at ng mga asno. 001 GEN 024 036 At si Sara na asawa ng aking panginoon, ay nagkaanak ng lalake sa aking panginoon, nang siya'y matanda na: at siyang pinagbigyan ni Abraham ng kaniyang lahat na inaari. 001 GEN 024 037 At pinapanumpa ako ng aking panginoon, na sinasabi, Huwag mong papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak na babae ng mga Cananeo na siyang lupaing aking tinatahanan: 001 GEN 024 038 Kundi paroroon ka sa bahay ng aking ama at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak. 001 GEN 024 039 At sinabi ko sa aking panginoon, Sakaling hindi iibigin ng babaing sumama sa akin. 001 GEN 024 040 At kaniyang sinabi sa akin, Ang Panginoon na sa harap niya'y lumalakad ako, ay susuguin niyang kasama mo ang kaniyang anghel, at kaniyang pagpapalain ang iyong lakad, at papag-aasawahin mo ang aking anak sa aking kamaganakan, at sa angkan ng aking ama: 001 GEN 024 041 Kung magkagayo'y makakakawala ka sa aking sumpa, pagka ikaw ay dumating sa aking kamaganakan; at kung hindi nila ibigay sa iyo, ay makakakawala ka sa aking sumpa. 001 GEN 024 042 At dumating ako ng araw na ito, sa bukal, at aking sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng aking panginoong si Abraham, kung ngayo'y pinagpapala mo ang aking lakad na nilalakad ko: 001 GEN 024 043 Narito, nakatayo ako sa tabi ng bukal ng tubig; at mangyari, na ang dalagang lumabas na umigib na aking pagsasabihan, Makikiinom ako sa iyo ng kaunting tubig sa iyong banga; 001 GEN 024 044 At siya'y magsasabi sa akin, Uminom ka, at iyigib ko pati ng iyong mga kamelyo: ay siyang maging babaing itinalaga ng Panginoon sa anak ng aking panginoon. 001 GEN 024 045 At bago ko nasalita sa sarili, narito si Rebeca, na lumalabas na pasan ang kaniyang banga sa kaniyang balikat; at lumusong sa bukal at umigib: at aking sinabi sa kaniya, Makikiinom ako sa iyo. 001 GEN 024 046 At dalidali niyang ibinaba ang kaniyang banga sa kaniyang balikat, at nagsabi, Uminom ka, at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo: sa gayo'y uminom ako, at pinainom niya pati ng mga kamelyo, 001 GEN 024 047 At siya'y aking tinanong, at aking sinabi, Kaninong anak ka? at kaniyang sinabi, Anak ako ni Bethuel, na anak ni Nachor, na ipinanganak sa kaniya ni Milca: at inilagay ko ang hikaw sa kaniyang ilong, at ang mga pulsera sa kaniyang mga kamay. 001 GEN 024 048 At aking iniyukod ang aking ulo, at sumamba ako sa Panginoon at pumuri sa Panginoon, na Dios ng aking panginoong si Abraham, na pumatnubay sa akin sa daang matuwid upang kunin ang anak ng kapatid ng aking panginoon, para sa kaniyang anak. 001 GEN 024 049 At ngayon, kung inyong mamagandahing loob at mamatapatin sa aking panginoon ay sabihin ninyo sa akin: at kung hindi, ay sabihin din ninyo sa akin; upang pumihit ako sa kanan o sa kaliwa. 001 GEN 024 050 Nang magkagayo'y sumagot si Laban at si Bethuel, at sinabi, Sa Panginoon nagmumula ito: kami ay hindi makapagsasabi sa iyo ng masama o ng mabuti. 001 GEN 024 051 Narito, si Rebeca ay nasa harap mo, dalhin mo, at yumaon ka, at siya'y maging asawa ng anak ng iyong panginoon, na gaya ng sinalita ng Panginoon. 001 GEN 024 052 At nangyari, na pagkarinig ng alilang katiwala ni Abraham ng kaniyang mga salita, ay nagpatirapa sa lupa sa harap ng Panginoon. 001 GEN 024 053 At naglabas ang alilang katiwala ng mga hiyas na pilak at mga hiyas na ginto, at mga damit, at mga ibinigay kay Rebeca: nagbigay rin siya ng mga mahalagang bagay sa kaniyang kapatid na lalake at sa kaniyang ina. 001 GEN 024 054 At nangagsikain at nangagsiinom siya at ang mga taong kasama niya, at doon nagparaan ng magdamag, at sila'y nagsibangon ng umaga at kaniyang sinabi, Suguin ninyo ako sa aking panginoon. 001 GEN 024 055 At sinabi ng kaniyang kapatid na lalake, at ng kaniyang ina, Matira ang dalaga sa aming ilang araw, sangpung araw man lamang; pagkatapos ay paroroon siya. 001 GEN 024 056 At sinabi niya sa kanila, Huwag ninyo akong pigilin, yamang pinagpala ng Panginoon ang aking lakad; papagpaalamin na ninyo ako, upang ako'y umuwi sa aking panginoon. 001 GEN 024 057 At kanilang sinabi, Tatawagin namin ang dalaga at uusisain namin sa kaniyang bibig. 001 GEN 024 058 At kanila ngang tinawag si Rebeca, at kanilang sinabi sa kaniya, Sasama ka ba sa lalaking ito? At sinabi niya, Sasama ako. 001 GEN 024 059 At kanilang pinapagpaalam si Rebeca na kanilang kapatid, at ang kaniyang yaya, at ang alilang katiwala ni Abraham, at ang kaniyang mga tao. 001 GEN 024 060 At kanilang binasbasan si Rebeca, at sinabi nila sa kaniya, Kapatid namin, maging ina ka nawa ng yutayuta, at kamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan niyaong mga napopoot sa kanila. 001 GEN 024 061 At tumindig si Rebeca, at ang kaniyang mga abay, at nangagsisakay sa mga kamelyo, at nangagsisunod sa lalake; at dinala ng alilang katiwala si Rebeca at yumaon. 001 GEN 024 062 At si Isaac ay nanggaling sa daang Beer-lahai-roi; sapagka't siya'y natira sa lupaing Timugan. 001 GEN 024 063 At lumabas si Isaac sa parang upang magmunimuni ng dakong hapon: at kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata, at kaniyang nakita, at, narito, may dumarating na mga kamelyo. 001 GEN 024 064 Itiningin naman ni Rebeca ang kaniyang mga mata at nang makita niya si Isaac, ay bumaba sa kamelyo. 001 GEN 024 065 At sinabi ni Rebeca sa alilang katiwala, Sino yaong taong naglalakad sa parang na sumasalubong sa atin? At sinabi ng alilang katiwala, Yaon ang aking panginoon: at kinuha niya ang kaniyang lambong, at siya'y nagtakip. 001 GEN 024 066 At isinaysay ng alilang katiwala kay Isaac ang lahat ng kaniyang ginawa. 001 GEN 024 067 At dinala siya ni Isaac sa tolda ni Sara na kaniyang ina, at ipinagsama si Rebeca, at naging kaniyang asawa: at kaniya namang sininta: at naaliw si Isaac, pagkamatay ng kaniyang ina. 001 GEN 025 001 At si Abraham ay nagasawa ng iba, at ang pangalan ay Cetura. 001 GEN 025 002 At naging anak nito sa kaniya si Zimram at si Joksan, at si Medan, at si Midiam, at si Ishbak, at si Sua. 001 GEN 025 003 At naging anak ni Joksan si Seba at si Dedan. At ang mga anak na lalake ni Dedan, ay si Assurim at si Letusim, at si Leummim. 001 GEN 025 004 At ang mga anak ni Midian: si Epha at si Epher, at si Enech, at si Abida, at si Eldaa. Lahat ng ito ay mga anak ni Cetura. 001 GEN 025 005 At ibinigay ni Abraham ang lahat ng kaniyang tinatangkilik kay Isaac. 001 GEN 025 006 Datapuwa't ang mga anak ng naging mga babae ni Abraham, ay pinagbibigyan ni Abraham ng mga kaloob; at samantalang nabubuhay pa siya ay mga inilayo niya kay Isaac na kaniyang anak sa dakong silanganan sa lupaing silanganan. 001 GEN 025 007 At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham, isang daan at pitong pu't limang taon. 001 GEN 025 008 At nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan, matanda at puspos ng mga taon; at nalakip sa kaniyang bayan. 001 GEN 025 009 At inilibing siya ni Isaac at ni Ismael na kaniyang mga anak sa yungib ng Macpela, sa parang ni Ephron, na anak ni Zohar na Hetheo, na nasa tapat ng Mamre; 001 GEN 025 010 Sa parang na binili ni Abraham sa mga anak ni Heth: doon inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa. 001 GEN 025 011 At nangyari, pagkamatay ni Abraham, na pinagpala ng Dios si Isaac na kaniyang anak; at si Isaac ay nanahan sa tabi ng Beer-lahai-roi. 001 GEN 025 012 Ang mga ito nga ang sali't saling lahi ni Ismael, anak ni Abraham, na naging anak kay Abraham ni Agar na taga Egipto, na alila ni Sara: 001 GEN 025 013 At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael, ayon sa kanikaniyang lahi: ang panganay ni Ismael ay si Nabaioth; at si Cedar, at si Adbeel, at si Mibsam, 001 GEN 025 014 At si Misma, at si Duma, at si Maasa, 001 GEN 025 015 At si Hadad, at si Tema, si Jetur, si Naphis, at si Cedema: 001 GEN 025 016 Ito ang mga anak ni Ismael, at ito ang kanikaniyang pangalan, ayon sa kanikaniyang nayon, at ayon sa kanikaniyang hantungan: labing dalawang pangulo ayon sa kanilang bansa. 001 GEN 025 017 At ito ang mga naging taon ng buhay ni Ismael, isang daan at tatlong pu't pitong taon; at nalagot ang hininga at namatay; at siya'y nalakip sa kaniyang bayan. 001 GEN 025 018 At nagsisitahan sila mula sa Havila hanggang sa Shur, na natatapat sa Egipto, kung patutungo sa Asiria; siya'y tumahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid. 001 GEN 025 019 At ito ang mga sali't saling lahi ni Isaac, na anak ni Abraham: naging anak ni Abraham si Isaac, 001 GEN 025 020 At si Isaac ay may apat na pung taon, nang siya'y magasawa kay Rebeca, na anak ni Bethuel na taga Siria sa Padan-aram, kapatid na babae ni Laban na taga Siria. 001 GEN 025 021 At nanalangin si Isaac sa Panginoon dahil sa kaniyang asawa, sapagka't baog; at nadalanginan niya ang Panginoon, at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi. 001 GEN 025 022 At nagbubuno ang mga bata sa loob niya; at kaniyang sinabi, Kung ganito'y bakit nabubuhay pa ako? At siya'y yumaong nagsiyasat sa Panginoon. 001 GEN 025 023 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata, At dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan: At ang isang bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan; At ang matanda ay maglilingkod sa bata. 001 GEN 025 024 At nang matupad ang mga araw ng kaniyang kapanganakan, narito't kambal sa kaniyang bahay-bata. 001 GEN 025 025 At ang unang lumabas ay mapula na buong katawa'y parang mabalahibong damit; at siya'y pinanganlang Esau. 001 GEN 025 026 At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, at ang kaniyang kamay ay nakakapit sa sakong ni Esau; at ipinangalan sa kaniya ay Jacob: at si Isaac ay may anim na pung taon na, nang sila'y ipanganak ni Rebeca. 001 GEN 025 027 At nagsilaki ang mga bata; at si Esau ay naging maliksi sa pangangaso, lalake sa parang; at si Jacob ay lalaking tahimik, na tumatahan sa mga tolda. 001 GEN 025 028 Minamahal nga ni Isaac si Esau, sapagka't kumakain ng kaniyang pinangangasuhan: at minamahal ni Rebeca si Jacob. 001 GEN 025 029 At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot: 001 GEN 025 030 At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot: kaya't tinawag ang pangalan niya na Edom. 001 GEN 025 031 At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay. 001 GEN 025 032 At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay? 001 GEN 025 033 At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob. 001 GEN 025 034 At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay. 001 GEN 026 001 At nagkagutom sa lupain, bukod sa unang pagkakagutom na nangyari ng mga araw ni Abraham. At naparoon si Isaac kay Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa Gerar. 001 GEN 026 002 At napakita ang Panginoon sa kaniya, at nagsabi, Huwag kang bumaba sa Egipto; matira ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo: 001 GEN 026 003 Matira ka sa lupaing ito, at ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagka't sa iyo at sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham na iyong ama; 001 GEN 026 004 At aking pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; 001 GEN 026 005 Sapagka't sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan. 001 GEN 026 006 At tumahan si Isaac sa Gerar. 001 GEN 026 007 At tinanong siya ng mga taong tagaroon tungkol sa kaniyang asawa; at sinabi niya, Siya'y aking kapatid; sapagka't natakot na sabihin, Siya'y aking asawa: baka ako'y patayin, aniya, ng mga taong tagarito, dahil kay Rebeca; dahil sa siya'y may magandang anyo. 001 GEN 026 008 At nangyari nang siya'y naroong mahabang panahon, na dumungaw si Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at tumingin, at narito't si Isaac ay nakikipaglaro kay Rebeca na kaniyang asawa. 001 GEN 026 009 At tinawag ni Abimelech si Isaac, at sa kaniya'y sinabi, Narito, tunay na siya'y iyong asawa: at bakit sinabi mo, Siya'y aking kapatid? At sumagot sa kaniya si Isaac, Sapagka't sinabi ko, Baka ako'y mamatay dahil sa kaniya. 001 GEN 026 010 At sinabi ni Abimelech, Ano itong ginawa mo sa amin? hindi malayong ang sinoman sa bayan ay nakasiping sa iyong asawa, at sa gayon ay pinapagkasala mo kami. 001 GEN 026 011 At ibinilin ni Abimelech sa buong bayan, na sinabi, Ang gumalaw sa lalaking ito o sa kaniyang asawa ay tunay na papatayin. 001 GEN 026 012 At si Isaac ay naghasik sa lupaing yaon, at umani siya ng taong yaon, ng tigisang daan at pinagpala siya ng Panginoon. 001 GEN 026 013 At naging dakila ang lalake at lalo't lalong naging dakila hanggang sa naging totoong dakila. 001 GEN 026 014 At siya'y may tinatangkilik na mga kawan, at mga tinatangkilik na mga bakahan, at malaking sangbahayan: at kinainggitan siya ng mga Filisteo. 001 GEN 026 015 Lahat ng mga balon ngang hinukay ng mga bataan ng kaniyang ama, nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama, ay pinagtabunan ng mga Filisteo, na mga pinuno ng lupa. 001 GEN 026 016 At sinabi ni Abimelech kay Isaac; Humiwalay ka sa amin, sapagka't ikaw ay makapupong matibay kay sa amin. 001 GEN 026 017 At umalis si Isaac doon, at humantong sa libis ng Gerar, at tumahan doon. 001 GEN 026 018 At muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig na kanilang hinukay nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama; sapagka't pinagtabunan ng mga Filisteo, pagkamatay ni Abraham: at kaniyang mga pinanganlan ng ayon sa mga pangalang inilagay ng kaniyang ama. 001 GEN 026 019 At humukay sa libis ang mga bataan ni Isaac, at nangakasumpong doon ng isang balon ng tubig na bumubukal. 001 GEN 026 020 At nakipagtalo ang mga pastor ni Gerar sa mga pastor ni Isaac, na sinasabi, Amin ang tubig; at kaniyang tinawag ang pangalan ng balon, na Esec; sapagka't ipinakipagkaalit sa kaniya. 001 GEN 026 021 At sila'y humukay ng ibang balon; at kanilang pinagtalunan din: at kaniyang tinawag ang pangalan na Sitnah. 001 GEN 026 022 At bumunot siya roon, at humukay ng ibang balon; at hindi nila pinagtalunan: at kaniyang tinawag ang pangalan na Rehoboth; at kaniyang sinabi, Sapagka't ngayo'y binigyan tayo ng Panginoon ng kaluwagan, at lalago tayo sa lupain. 001 GEN 026 023 At mula roon ay umahon siya sa Beerseba. 001 GEN 026 024 At napakita sa kaniya ang Panginoon ng gabi ring yaon, at nagsabi, Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama: huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo, at ikaw ay aking pagpapalain, at aking pararamihin ang iyong binhi, alangalang kay Abraham na aking lingkod. 001 GEN 026 025 At si Isaac ay nagtayo roon ng isang dambana, at kaniyang sinambitla ang pangalan ng Panginoon, at itinindig niya roon ang kaniyang tolda: at humukay roon ang mga bataan ni Isaac ng isang balon. 001 GEN 026 026 Nang magkagayo'y si Abimelech ay naparoon sa kaniya mula sa Gerar, at si Ahuzath na kaniyang kaibigan, at si Phicol na kapitan ng kaniyang hukbo. 001 GEN 026 027 At sinabi sa kanila ni Isaac, Bakit kayo naparirito sa akin, dangang kayo'y nangapopoot sa akin at pinalayas ninyo ako sa inyo? 001 GEN 026 028 At sinabi nila, Malinaw na aming nakita, na ang Panginoon ay sumasaiyo: at aming sinabi, Magkaroon ng pagsusumpaan tayo, kami at ikaw at makipagtipan kami sa iyo: 001 GEN 026 029 Na hindi ka gagawa sa amin ng masama, gaya naman namin na hindi ka namin ginalaw, at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti, at pinayaon ka naming payapa: ikaw ngayon ang pinagpala ng Panginoon. 001 GEN 026 030 At pinaghandaan niya sila, at sila'y nagkainan at naginuman. 001 GEN 026 031 At sila'y gumising ng madaling araw, at sila'y nagpanumpaan: at sila'y pinagpaalam ni Isaac, at nagsialis na payapa sa kaniya. 001 GEN 026 032 At nangyari, nang araw ding yaon, na nagsidating ang mga bataan ni Isaac, at siya'y binalitaan tungkol sa balon nilang hinukay, at sinabi sa kaniya, Nakasumpong kami ng tubig. 001 GEN 026 033 At tinawag niyang Seba: kaya't ang pangalan ng bayang yaon ay Beerseba hanggang ngayon. 001 GEN 026 034 At nang si Esau ay may apat na pung taon ay nagasawa kay Judit, na anak ni Beeri na Heteo, at kay Basemat na anak ni Elon na Heteo: 001 GEN 026 035 At sila'y nakasama ng loob kay Isaac at kay Rebeca. 001 GEN 027 001 At nangyari, nang matanda na si Isaac, at malabo na ang kaniyang mga mata, na ano pa't hindi na siya makakita, ay tinawag si Esau na kaniyang anak na panganay, at sinabi sa kaniya, Anak ko: at kaniyang sinabi, Narito ako. 001 GEN 027 002 At sinabi niya, Narito, ako'y matanda, at hindi ko nalalaman ang kaarawan ng aking kamatayan. 001 GEN 027 003 Ngayon nga'y kunin mo ipinamamanhik ko sa iyo, ang iyong almas, ang iyong lalagyan ng pana, at ang iyong busog, at lumabas ka sa parang, at ihuli mo ako ng usa; 001 GEN 027 004 At igawa mo ako ng masarap na pagkain, na aking ibig, at dalhin mo rito sa akin, upang ako'y kumain; upang ikaw ay basbasan ko bago ako mamatay. 001 GEN 027 005 At pinakikinggan ni Rebeca nang nagsasalita si Isaac kay Esau na kaniyang anak. At naparoon si Esau sa parang upang manghuli ng usa, at upang madala. 001 GEN 027 006 At isinaysay ni Rebeca kay Jacob na kaniyang anak na sinasabi, Narito, narinig ko ang iyong ama na nagsasalita kay Esau na iyong kapatid, na sinasabi, 001 GEN 027 007 Dalhan mo ako ng usa, at igawa mo ako ng pagkaing masarap, upang ako'y kumain, at ikaw ay aking basbasan sa harap ng Panginoon, bago ako mamatay, 001 GEN 027 008 Ngayon nga, anak ko, sundin mo ang aking tinig, ayon sa iniutos ko sa iyo. 001 GEN 027 009 Pumaroon ka ngayon sa kawan, at dalhin mo rito sa akin ang dalawang mabuting anak ng kambing; at gagawin kong masarap na pagkain sa iyong ama, ayon sa kaniyang ibig. 001 GEN 027 010 At dadalhin mo sa iyong ama, upang kumain, ano pa't ikaw ay kaniyang basbasan bago siya mamatay. 001 GEN 027 011 At sinabi ni Jacob kay Rebeca na kaniyang ina, Narito, si Esau na aking kapatid ay taong mabalahibo, at ako'y taong makinis. 001 GEN 027 012 Marahil ay hihipuin ako ng aking ama, at aariin niya akong parang nagdaraya sa kaniya; at ang aking mahihita ay sumpa at hindi basbas. 001 GEN 027 013 At sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, Sa akin mapunta ang sumpa sa iyo, anak ko: sundin mo lamang ang aking tinig, at yumaon ka, na dalhin mo sa akin. 001 GEN 027 014 At siya'y yumaon at dinala sa kaniyang ina: at gumawa ang kaniyang ina ng masarap na pagkain, na ibig ng kaniyang ama. 001 GEN 027 015 At kinuha ni Rebeca ang mainam na damit ni Esau, na kaniyang anak na panganay, na nasa kaniya sa bahay, at isinuot kay Jacob na kaniyang bunsong anak: 001 GEN 027 016 At ang mga balat ng mga anak ng kambing ay ibinalot sa kaniyang mga kamay, at sa kinis ng kaniyang leeg. 001 GEN 027 017 At kaniyang ibinigay ang pagkaing masarap, at ang tinapay na kaniyang inihanda, sa kamay ni Jacob na kaniyang anak. 001 GEN 027 018 At siya'y lumapit sa kaniyang ama, at nagsabi, Ama ko; at sinabi niya: Narito ako; sino ka, anak ko? 001 GEN 027 019 At sinabi ni Jacob sa kaniyang ama, Ako'y si Esau na iyong panganay; ginawa ko ang ayon sa sinabi mo sa akin: bumangon ka, ipinamamanhik ko sa iyo, maupo ka at kumain ka ng aking usa, upang basbasan ako ng iyong kaluluwa. 001 GEN 027 020 At sinabi ni Isaac sa kaniyang anak, Ano't kay dali mong nakasumpong, anak ko? At sinabi niya, Sapagka't binigyan ako ng mabuting kapalaran ng Panginoon mong Dios. 001 GEN 027 021 At sinabi ni Isaac kay Jacob, Lumapit ka rito, ipinamamanhik ko sa iyo upang hipuin kita, anak ko, kung tunay na ikaw ang aking anak na si Esau o hindi. 001 GEN 027 022 At lumapit si Jacob kay Isaac na kaniyang ama: at hinipo siya, at sinabi, Ang tinig ay tinig ni Jacob, nguni't ang mga kamay ay mga kamay ni Esau. 001 GEN 027 023 At hindi siya nakilala, sapagka't ang kaniyang kamay ay mabalahibo, gaya ng mga kamay ni Esau na kaniyang kapatid: at sa gayo'y binasbasan siya. 001 GEN 027 024 At sinabi niya, Ikaw bang tunay ang aking anak na si Esau? At sinabi niya, Ako nga. 001 GEN 027 025 At kaniyang sinabi, Ilapit mo sa akin, at kakain ako ng usa ng aking anak, upang basbasan ka ng aking kaluluwa. At kaniyang inilapit sa kaniya at kumain siya: at siya'y dinalhan niya ng alak, at uminom. 001 GEN 027 026 At sinabi sa kaniya ni Isaac na kaniyang ama, Lumapit ka ngayon at humalik ka sa akin, anak ko. 001 GEN 027 027 At siya'y lumapit at humalik siya sa kaniya: at naamoy ng ama ang amoy ng kaniyang mga suot, at siya'y binasbasan, na sinabi, Narito, ang amoy ng aking anak Ay gaya ng amoy ng isang parang na pinagpala ng Panginoon: 001 GEN 027 028 At bigyan ka ng Dios ng hamog ng langit, At ng taba ng lupa, At ng saganang trigo at alak: 001 GEN 027 029 Ang mga bayan ay mangaglingkod nawa sa iyo. At ang mga bansa ay mangagsiyukod sa iyo: Maging panginoon ka nawa ng iyong mga kapatid, At magsiyukod sa iyo ang mga anak ng iyong ina: Sumpain nawa ang mga sumusumpa sa iyo. At maging mapapalad ang mga magpapala sa iyo. 001 GEN 027 030 At nangyari pagkatapos ng pagbabasbas ni Isaac kay Jacob, at bahagya nang kaaalis ni Jacob sa harap ni Isaac na kaniyang ama, ay dumating si Esau na kaniyang kapatid, na galing sa kaniyang panghuhuli. 001 GEN 027 031 At siya ma'y gumawa ng masarap na pagkain, at dinala niya sa kaniyang ama; at sinabi niya sa kaniyang ama, Bumangon ang ama ko, at kumain ng usa ng kaniyang anak, upang basbasan ako ng iyong kaluluwa. 001 GEN 027 032 At sinabi ni Isaac na kaniyang ama sa kaniya, Sino ka? At kaniyang sinabi, Ako ang iyong anak, ang iyong panganay na si Esau. 001 GEN 027 033 At nangilabot na mainam si Isaac, at sinabi, Sino nga yaong kumuha ng usa at dinala sa akin, at ako'y kumain niyaon bago ka dumating, at aking binasbasan siya? oo, at siya'y magiging mapalad! 001 GEN 027 034 Nang marinig ni Esau ang mga salita ng kaniyang ama ay humiyaw ng malakas at ng di kawasang kapanglawan: at sinabi sa kaniyang ama. Basbasan mo ako, ako naman, Oh ama ko. 001 GEN 027 035 At kaniyang sinabi, Naparito ang iyong kapatid sa pamamagitan ng daya, at kinuha ang basbas sa iyo. 001 GEN 027 036 At kaniyang sinabi, Hindi ba matuwid ang pagkatawag sa kaniyang Jacob? sapagka't kaniyang inagawan ako nitong makalawa: kaniyang kinuha ang aking pagkapanganay; at, narito, ngayo'y kinuha ang basbas sa akin. At kaniyang sinabi, Hindi mo ba ako ipinaglaan ng basbas. 001 GEN 027 037 At sumagot si Isaac, at sinabi kay Esau. Narito, inilagay ko siyang panginoon mo, at sa kaniya'y ibinigay kong lingkod ang lahat niyang mga kapatid; at sa trigo at sa bagong alak, ay kinandili ko siya; at sa iyo'y ano ngang magagawa ko ngayon anak ko? 001 GEN 027 038 At sinabi ni Esau sa kaniyang ama, Wala ka ba, kundi isa lamang basbas, ama ko? Basbasan mo ako, ako naman, Oh ama ko. At humiyaw si Esau at umiyak. 001 GEN 027 039 At sumagot si Isaac na kaniyang ama, at sinabi sa kaniya, Narito, magiging sadya sa taba ng lupa ang iyong tahanan, At sa hamog ng langit mula sa itaas; 001 GEN 027 040 At sa iyong tabak ay mabubuhay ka, at sa iyong kapatid ay maglilingkod ka; At mangyayari na pagka nakalaya ka, Papagpagin mo sa iyong leeg ang pamatok niya. 001 GEN 027 041 At kinapootan ni Esau si Jacob, dahil sa basbas na ibinasbas sa kaniya ng kaniyang ama; at sinasabi ni Esau sa sarili, Malapit na ang mga araw ng pagluluksa sa aking ama; kung magkagayo'y papatayin ko si Jacob na aking kapatid. 001 GEN 027 042 At ang mga salita ni Esau na kaniyang panganay ay nangaibalita kay Rebeca; at kaniyang pinasuguan at tinawag si Jacob, na kaniyang bunso at sa kaniya'y sinabi, Narito, ang iyong kapatid na si Esau ay naaaliw tungkol sa iyo, na inaakalang patayin ka. 001 GEN 027 043 Ngayon nga, anak ko, sundin mo ang aking tinig; at bumangon ka, at tumakas ka hanggang kay Laban na aking kapatid, sa Haran; 001 GEN 027 044 At dumoon ka sa kaniyang ilang araw hanggang sa mapawi ang galit ng iyong kapatid. 001 GEN 027 045 Hanggang ang galit sa iyo, ng iyong kapatid ay mapawi at malimutan niya ang ginawa mo sa kaniya: kung magkagayo'y pasusuguan kita at ipasusundo kita mula roon: bakit kapuwa mawawala kayo sa akin sa isang araw? 001 GEN 027 046 At sinabi ni Rebeca kay Isaac, Ako'y yamot na sa aking buhay, dahil sa mga anak na babae ni Heth: kung si Jacob ay magasawa sa mga anak ni Heth na gaya ng mga ito, ng mga anak ng lupaing ito, ano pang kabuluhan sa akin ng aking buhay? 001 GEN 028 001 At tinawag ni Isaac si Jacob, at siya'y binasbasan, at siya'y pinagbilinan, na sinabi sa kaniya, Huwag kang magaasawa sa mga anak ng Canaan. 001 GEN 028 002 Tumindig ka, pumaroon ka sa Padan-aram, sa bahay ni Bethuel, na ama ng iyong ina, at magasawa ka roon sa mga anak ni Laban, na kapatid na lalake ng iyong ina. 001 GEN 028 003 At ikaw ay pagpalain nawa ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay palaguin, at ikaw ay paramihin, upang ikaw ay maging kapisanan ng mga bayan; 001 GEN 028 004 At ibigay nawa sa iyo ang pagpapala kay Abraham, sa iyo, at sangpu sa iyong binhi; upang iyong ariin ang lupaing iyong pinaglakbayan, na ibinigay ng Dios kay Abraham. 001 GEN 028 005 At pinapagpaalam ni Isaac si Jacob: at naparoon siya sa Padan-aram kay Laban, anak ni Bethuel na taga Siria, na kapatid ni Rebeca, na ina ni Jacob at ni Esau. 001 GEN 028 006 Nakita nga ni Esau na binasbasan ni Isaac si Jacob, at siya'y pinaparoon sa Padan-aram, upang doon magasawa; at nang siya'y basbasan ay ipinagbilin sa kaniya, na sinasabi, Huwag kang magaasawa sa mga anak ng Canaan. 001 GEN 028 007 At sumunod si Jacob sa kaniyang ama at sa kaniyang ina, at naparoon sa Padan-aram; 001 GEN 028 008 At nakita ni Esau na hindi nakalulugod ang mga anak ng Canaan kay Isaac na kaniyang ama; 001 GEN 028 009 At naparoon si Esau kay Ismael, at nagasawa kay Mahaleth, anak ni Ismael, na anak ni Abraham, na kapatid na babae ni Nabaioth, bukod pa sa mga asawang mayroon na siya. 001 GEN 028 010 At umalis si Jacob sa Beerseba at napasa dakong Haran. 001 GEN 028 011 At dumating sa isang dako, at nagparaan ng buong gabi roon, sapagka't lumubog na ang araw; at kumuha ng isa sa mga bato sa dakong yaon, at inilagay sa kaniyang ulunan, at nahiga sa dakong yaon upang matulog. 001 GEN 028 012 At nanaginip, at narito, ang isang hagdan, na ang puno ay nasa lupa, at ang dulo ay umaabot sa langit; at narito, ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik manaog doon. 001 GEN 028 013 At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi; 001 GEN 028 014 At ang iyong binhi ay magiging parang alabok sa lupa, at kakalat ka sa kalunuran, at sa silanganan, at sa hilagaan, at sa timugan at sa iyo at sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng angkan sa lupa. 001 GEN 028 015 At, narito't ako'y sumasa iyo, at iingatan kita saan ka man pumaroon, at pababalikin kita sa lupaing ito sapagka't hindi kita iiwan hanggang hindi ko magawa ang sinalita ko sa iyo. 001 GEN 028 016 At nagising si Jacob sa kaniyang panaginip, at nagsabi, Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito, at hindi ko nalalaman. 001 GEN 028 017 At siya'y natakot, at kaniyang sinabi, Kakilakilabot na dako ito! ito'y hindi iba kundi bahay ng Dios, at ito ang pintuan ng langit. 001 GEN 028 018 At si Jacob ay bumangong maaga ng kinaumagahan, at kinuha ang batong kaniyang inilagay sa ulunan niya, at kaniyang itinayo na pinakaalaala, at kaniyang binuhusan ng langis sa ibabaw. 001 GEN 028 019 At ang ipinangalan niya sa dakong yaon ay Betel: datapuwa't ang pangalan ng bayan nang una ay Luz. 001 GEN 028 020 At si Jacob ay nagpanata, na sinasabi, Kung sasaakin ang Dios, at ako'y iingatan sa daang ito na aking nilalakaran, at ako'y bibigyan ng tinapay na makakain, at damit na maisusuot, 001 GEN 028 021 Na ano pa't ako'y makabalik na payapa sa bahay ng aking ama, ay ang Panginoon nga ang magiging aking Dios, 001 GEN 028 022 At ang batong ito na aking itinayo na pinakaalaala ay magiging bahay ng Dios; at sa lahat ng ibigay mo sa akin ay walang pagsalang ang ikasangpung bahagi ay ibibigay ko sa iyo. 001 GEN 029 001 Nang magkagayo'y nagpatuloy si Jacob ng kaniyang paglalakbay, at napasa lupain ng mga anak ng silanganan. 001 GEN 029 002 At siya'y tumingin, at nakakita ng isang balon sa parang, at narito, may tatlong kawan ng mga tupa na nagpapahinga sa tabi roon: sapagka't sa balong yaon pinaiinom ang mga kawan: at ang batong nasa ibabaw ng labi ng balon ay malaki. 001 GEN 029 003 At doon nagkakatipon ang lahat ng kawan: at kanilang iginugulong ang batong nasa ibabaw ng labi ng balon, at pinaiinom ang mga tupa, at muling inilalagay ang bato sa ibabaw ng labi ng balon, sa dako niyaon. 001 GEN 029 004 At sinabi sa kanila ni Jacob, Mga kapatid ko, taga saan kayo? At kanilang sinabi, Taga Haran kami. 001 GEN 029 005 At sinabi niya sa kanila, Nakikilala ba ninyo si Laban na anak ni Nachor? At kanilang sinabi, Nakikilala namin siya. 001 GEN 029 006 At sinabi niya sa kanila, Siya ba'y mabuti? At, kanilang sinabi, Siya'y mabuti: at, narito, si Raquel na kaniyang anak ay dumarating na dala ang mga tupa. 001 GEN 029 007 At sinabi niya, Narito, maaga pa, ni hindi oras tipunin ang mga hayop: painumin ninyo ang mga tupa, at inyo silang pasabsabin. 001 GEN 029 008 At kanilang sinabi, Hindi namin magagawa hanggang sa magkatipon ang lahat ng kawan, at igugulong ang bato mula sa labi ng balon; gayon nga aming pinaiinom ang mga tupa. 001 GEN 029 009 Samantalang nakikipagusap pa siya sa kanila, ay dumating si Raquel na dala ang mga tupa ng kaniyang ama; sapagka't siya ang nagaalaga ng mga iyon. 001 GEN 029 010 At nangyari, nang makita ni Jacob si Raquel na anak ni Laban, na kapatid ng kaniyang ina, at ang mga tupa ni Laban na kapatid ng kaniyang ina, na lumapit si Jacob at iginulong ang bato mula sa labi ng balon, at pinainom ang kawan ni Laban, na kapatid ng kaniyang ina. 001 GEN 029 011 At hinagkan ni Jacob si Raquel; at humiyaw ng malakas at umiyak. 001 GEN 029 012 At kay Raquel ay sinaysay ni Jacob na siya'y kapatid ni Laban, na kaniyang ama, at anak siya ni Rebeca: at siya'y tumakbo at isinaysay sa kaniyang ama. 001 GEN 029 013 At nangyari, nang marinig ni Laban ang mga balita tungkol kay Jacob, na anak ng kaniyang kapatid, ay tumakbo siya na kaniyang sinalubong, at kaniyang niyakap at kaniyang hinagkan, at kaniyang dinala sa kaniyang bahay. At isinaysay ni Jacob kay Laban ang lahat ng mga bagay na ito. 001 GEN 029 014 At sinabi sa kaniya ni Laban, Tunay na ikaw ay aking buto at aking laman. At dumoon sa kaniyang isang buwan. 001 GEN 029 015 At sinabi ni Laban kay Jacob, Sapagka't ikaw ay aking kapatid ay nararapat ka bang maglingkod sa akin ng walang bayad? sabihin mo sa akin kung ano ang magiging kaupahan mo. 001 GEN 029 016 At may dalawang anak na babae si Laban: ang pangalan ng panganay ay Lea, at ang pangalan ng bunso ay Raquel. 001 GEN 029 017 At ang mga mata ni Lea ay mapupungay; datapuwa't si Raquel ay maganda at kahalihalina. 001 GEN 029 018 At sininta ni Jacob si Raquel; at kaniyang sinabi, Paglilingkuran kitang pitong taon dahil kay Raquel na iyong anak na bunso. 001 GEN 029 019 At sinabi ni Laban, Magaling ang ibigay ko siya sa iyo, kay sa ibigay ko sa iba: matira ka sa akin. 001 GEN 029 020 At naglingkod si Jacob dahil kay Raquel, na pitong taon; at sa kaniya'y naging parang ilang araw, dahil sa pagibig na taglay niya sa kaniya. 001 GEN 029 021 At sinabi ni Jacob kay Laban, Ibigay mo sa akin ang aking asawa, sapagka't naganap na ang aking mga araw upang ako'y sumiping sa kaniya. 001 GEN 029 022 At pinisan ni Laban ang lahat ng tao roon at siya'y gumawa ng isang piging. 001 GEN 029 023 At nangyari nang kinagabihan, na kaniyang kinuha si Lea na kaniyang anak at dinala niya kay Jacob, at siya'y sumiping sa kaniya. 001 GEN 029 024 At sa kaniyang anak na kay Lea ay ibinigay na pinaka alilang babae ang kaniyang alilang si Zilpa. 001 GEN 029 025 At nangyari, na sa kinaumagahan, narito't si Lea: at kaniyang sinabi kay Laban: Ano itong ginawa mo sa akin? Hindi ba kita pinaglingkuran dahil kay Raquel? Bakit mo nga ako dinaya? 001 GEN 029 026 At sinabi ni Laban, Hindi ginagawa ang ganyan dito sa aming dako, na ibinibigay ang bunso, bago ang panganay. 001 GEN 029 027 Tapusin mo ang kaniyang sanglingo, at ibibigay rin naman namin sa iyo ang isa, dahil sa paglilingkod na gagawin mong pitong taon pa, sa akin. 001 GEN 029 028 At gayon ang ginawa ni Jacob, at tinapos niya ang sanglingo nito, at ibinigay ni Laban sa kaniya si Raquel na kaniyang anak na maging asawa niya. 001 GEN 029 029 At sa kaniyang anak na kay Raquel ay ibinigay ni Laban na pinaka alilang babae ang kaniyang alilang si Bilha. 001 GEN 029 030 At sumiping din naman si Jacob kay Raquel, at kaniya namang inibig si Raquel ng higit kay Lea, at naglingkod siya kay Laban na pitong taon pa. 001 GEN 029 031 At nakita ng Panginoon na si Lea ay kinapopootan niya, at binuksan ang kaniyang bahay-bata; datapuwa't si Raquel ay baog. 001 GEN 029 032 At naglihi si Lea, at nanganak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Ruben; sapagka't kaniyang sinabi, Sapagka't nilingap ng Panginoon ang aking kapighatian; dahil sa ngayo'y mamahalin ako ng aking asawa. 001 GEN 029 033 At naglihi uli, at nanganak ng isang lalake; at nagsabi, Sapagka't narinig ng Panginoon na ako'y kinapopootan ay ibinigay rin naman sa akin ito: at pinanganlan niyang Simeon. 001 GEN 029 034 At naglihi uli at nanganak ng isang lalake; at nagsabi, Ngayo'y masasama na sa akin ang aking asawa, sapagka't nagkaanak ako sa kaniya ng tatlong lalake: kaya't pinanganlan niyang Levi. 001 GEN 029 035 At muling naglihi at nanganak ng isang lalake, at nagsabi, Ngayo'y aking pupurihin ang Panginoon: kaya't pinanganlang Juda; at hindi na nanganak. 001 GEN 030 001 At nang makita ni Raquel, na hindi siya nagkakaanak kay Jacob, ay nainggit si Raquel sa kaniyang kapatid; at sinabi kay Jacob, Bigyan mo ako ng anak, o kung hindi ay mamamatay ako! 001 GEN 030 002 At nagningas ang galit ni Jacob laban kay Raquel; at nagsabi, Ako ba'y nasa kalagayan ng Dios, na nagkait sa iyo ng bunga ng bahay-bata? 001 GEN 030 003 At sinabi niya, Narito ang aking alilang si Bilha, sumiping ka sa kaniya; upang manganak sa ibabaw ng aking mga tuhod, at magkaroon din naman ako ng anak sa pamamagitan niya. 001 GEN 030 004 At ibinigay niyang asawa si Bilha na kaniyang alila: at sinipingan ni Jacob. 001 GEN 030 005 At naglihi si Bilha, at nagkaanak kay Jacob, ng isang lalake. 001 GEN 030 006 At sinabi ni Raquel, Hinatulan ako ng Dios, at dininig din naman ang aking tinig, at binigyan ako ng anak: kaya't pinanganlang Dan. 001 GEN 030 007 At si Bilhang alila ni Raquel ay naglihi uli at ipinanganak ang kaniyang ikalawang anak kay Jacob. 001 GEN 030 008 At sinabi ni Raquel, Ako'y nakipagbaka ng malaking pakikipagbaka sa aking kapatid, at ako'y nanaig: at siya'y pinanganlang Nephtali. 001 GEN 030 009 Nang makita ni Lea, na siya'y hindi na nanganganak, ay kinuha si Zilpa na kaniyang alila at ibinigay na asawa kay Jacob. 001 GEN 030 010 At si Zilpa na alila ni Lea ay nagkaanak ng isang lalake kay Jacob. 001 GEN 030 011 At sinabi ni Lea, Kapalaran! at pinanganlang Gad. 001 GEN 030 012 At ipinanganak ni Zilpa na alila ni Lea, ang kaniyang ikalawang anak kay Jacob. 001 GEN 030 013 At sinabi ni Lea, Mapalad ako! sapagka't tatawagin akong mapalad ng mga babae: at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Aser. 001 GEN 030 014 At yumaon si Ruben nang panahon ng paggapas ng trigo, at nakasumpong ng mga mandragoras sa bukid, at dinala sa kaniyang inang kay Lea. Nang magkagayo'y sinabi ni Raquel kay Lea, Ipinamamanhik ko sa iyo na bigyan mo ako ng mga mandragoras ng iyong anak. 001 GEN 030 015 At kaniyang sinabi, Kakaunti pa bang bagay na iyong kinuha ang aking asawa? at ibig mo pa ring kunin ang mga mandragoras ng aking anak? At sinabi ni Raquel, Kaya't sisiping siya sa iyo ngayong gabi, dahil sa mga mandragoras ng iyong anak. 001 GEN 030 016 At si Jacob ay umuwing galing sa bukid ng hapon, at sinalubong siya ni Lea, at sa kaniya'y sinabi, Sa akin ka dapat sumiping; sapagka't tunay na ikaw ay aking inupahan ng mga mandragoras ng aking anak. At sumiping siya sa kaniya ng gabing yaon. 001 GEN 030 017 At dininig ng Dios si Lea: at siya'y naglihi at kaniyang ipinanganak kay Jacob ang kaniyang ikalimang anak. 001 GEN 030 018 At sinabi ni Lea, Ibinigay sa akin ng Dios ang aking kaupahan, sapagka't ibinigay ko ang aking alila sa aking asawa: at kaniyang pinanganlang Issachar. 001 GEN 030 019 At naglihi uli si Lea, at kaniyang ipinanganak ang kaniyang ikaanim na anak kay Jacob. 001 GEN 030 020 At sinabi ni Lea, Binigyan ako ng Dios ng isang mabuting kaloob; ngayo'y makikisama na sa akin ang aking asawa, sapagka't nagkaanak ako sa kaniya ng anim na lalake: at kaniyang pinanganlang Zabulon. 001 GEN 030 021 At pagkatapos ay nanganak siya ng babae, at kaniyang pinanganlang Dina. 001 GEN 030 022 At naalala ng Dios si Raquel, at dininig ng Dios, at binuksan ang kaniyang bahay-bata. 001 GEN 030 023 At siya'y naglihi at nanganak ng lalake; at kaniyang sinabi, Inalis ng Dios sa akin ang kakutyaan ko: 001 GEN 030 024 At kaniyang tinawag ang pangalan niya na Jose, na sinasabi, Dagdagan pa ako ng Panginoon ng isang anak. 001 GEN 030 025 At nangyari, nang maipanganak ni Raquel si Jose, na sinabi ni Jacob kay Laban, Papagpaalamin mo ako upang ako'y makaparoon sa aking dakong tinubuan at sa aking lupain. 001 GEN 030 026 Ibigay mo sa akin ang aking mga asawa at ang aking mga anak, na siyang kadahilanan ng ipinaglingkod ko sa iyo, at papagpaalamin mo ako: sapagka't talastas mo ang paglilingkod na ipinaglingkod ko sa iyo. 001 GEN 030 027 At sinabi sa kaniya ni Laban, Kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa harap ng iyong mga mata, matira ka: aking napagkilala, na pinagpala ako ng Panginoon dahil sa iyo. 001 GEN 030 028 At kaniyang sinabi, Sabihin mo sa akin ang iyong kaupahan, at ibibigay ko sa iyo. 001 GEN 030 029 At sinabi niya sa kaniya, Nalalaman mo kung paanong pinaglingkuran kita, at kung anong lagay ng iyong mga hayop dahil sa akin. 001 GEN 030 030 Sapagka't kakaunti ang tinatangkilik mo bago ako dumating, at naging isang karamihan; at pinagpala ka ng Panginoon saan man ako pumihit; at ngayo'y kailan naman ako maghahanda ng sa aking sariling bahay? 001 GEN 030 031 At sa kaniya'y sinabi, Anong ibibigay ko sa iyo? At sinabi ni Jacob, Huwag mo akong bigyan ng anoman: kung ito'y iyong gawin sa akin, ay muli kong papastulin at aalagaan ang iyong kawan. 001 GEN 030 032 Dadaanan ko ang lahat mong kawan ngayon, na aking ihihiwalay doon ang lahat ng batikbatik at may dungis, at ang lahat na maitim sa mga tupa, at ang may dungis at batikbatik sa mga kambing: at siyang magiging aking kaupahan. 001 GEN 030 033 Gayon ako sasagutan ng aking katuwiran sa haharapin, pagparito mo, tungkol sa aking kaupahan, na nasa harap mo; yaong lahat na walang batik at walang dungis sa mga kambing, at hindi maitim sa mga tupa, na masusumpungan sa akin, ay maibibilang mong nakaw. 001 GEN 030 034 At sinabi ni Laban, Narito, mangyari nawa ayon sa iyong sabi. 001 GEN 030 035 At inihiwalay ni Laban ng araw ding yaon ang mga lalaking kambing na may batik at may dungis, at ang lahat ng babaing kambing na may batik at may dungis, lahat ng mayroong kaunting puti, at lahat ng maitim sa mga tupa, at ibinigay sa mga kamay ng kaniyang mga anak; 001 GEN 030 036 At siya'y naglakad ng tatlong araw ang pagitan kay Jacob; at pinakain ni Jacob ang nalabi sa mga kawan ni Laban. 001 GEN 030 037 At kumuha si Jacob ng mga sanga ng alamo, at almendro at kastano; at pinagbabakbakan ng mga batik na mapuputi, at kaniyang pinalitaw na gayon ang puti na nasa mga sanga. 001 GEN 030 038 At kaniyang inilagay ang mga sangang kaniyang binakbakan sa mga bangbang, sa harap ng kawan, sa mga pinagpapainuman; na pinaparoonan ng mga kawan upang uminom; at nangaglilihi pagka nagsisiparoon upang uminom. 001 GEN 030 039 At nangaglilihi ang mga kawan sa harap ng mga sanga at nanganganak ang mga kawan ng mga may guhit, may batik at may dungis. 001 GEN 030 040 At ang mga korderong ito ay inihihiwalay ni Jacob, at inihaharap ang kawan sa dakong may batik, at ang lahat ng maitim sa kawan ni Laban; sa kaniyang ibinukod ang mga kawan niya rin, at hindi isinama sa kawan ni Laban. 001 GEN 030 041 At nangyari, na kailan ma't maglilihi ang mga malakas sa kawan, ay inilalagay ni Jacob ang mga sanga sa harap ng mga mata ng kawan sa mga bangbang, upang sila'y papaglihihin sa gitna ng mga sanga. 001 GEN 030 042 Datapuwa't pagka ang kawan ay mahina ay hindi niya inilalagay, kaya't ang mahina ay nagiging kay Laban at ang malakas ay kay Jacob. 001 GEN 030 043 At ang lalake ay lumagong mainam; at nagkaroon ng malalaking kawan, at ng mga aliping babae at lalake, at ng mga kamelyo at ng mga asno. 001 GEN 031 001 At narinig ni Jacob ang mga salita ng mga anak ni Laban, na nagsisipagsabi, Kinuha ni Jacob ang lahat ng sa ating ama; at doon sa mga sa ating ama ay tinamo niya ang buong karangalang ito. 001 GEN 031 002 At minasdan ni Jacob ang mukha ni Laban, at narito't hindi sumasa kaniyang gaya ng dati. 001 GEN 031 003 At sinabi ng Panginoon kay Jacob, Magbalik ka sa lupain ng iyong mga magulang, at sa iyong kamaganakan; at ako'y sasaiyo. 001 GEN 031 004 At si Jacob ay nagsugo at tinawag si Raquel at si Lea sa bukid, sa kaniyang kawan, 001 GEN 031 005 At sinabi sa kanila, Nakikita ko ang mukha ng inyong ama, na hindi sumasaakin na gaya ng dati; datapuwa't ang Dios ng aking ama ay sumaakin. 001 GEN 031 006 At nalalaman ninyo, na ang aking buong lakas ay ipinaglingkod ko sa inyong ama. 001 GEN 031 007 At dinaya ako ng inyong ama, at binagong makasangpu ang aking kaupahan; datapuwa't hindi pinahintulutan siya ng Dios, na gawan ako ng masama. 001 GEN 031 008 Kung kaniyang sinabing ganito, Ang mga may batik ang magiging kaupahan mo; kung magkagayo'y nanganganak ang lahat ng kawan ng mga may batik: at kung kaniyang sinabing ganito, Ang mga may guhit ang magiging kaupahan mo; kung magkagayo'y ang lahat ng kawan ay manganganak ng mga may guhit. 001 GEN 031 009 Ganito inalis ng Dios ang mga hayop ng inyong ama, at ibinigay sa akin. 001 GEN 031 010 At nangyari, na sa panahong ang kawan ay naglilihi, ay itiningin ko ang aking mga mata, at nakita ko sa panaginip, at narito, ang mga kambing na lalake na nakatakip sa kawan ay mga may guhit, may batik at may dungis. 001 GEN 031 011 At sinabi sa akin ng anghel ng Dios, sa panaginip, Jacob: at sinabi ko, Narito ako. 001 GEN 031 012 At kaniyang sinabi, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, tingnan mo na ang lahat ng kambing na natatakip sa kawan ay may guhit, may batik at may dungis: sapagka't aking nakita ang lahat na ginagawa sa iyo ni Laban. 001 GEN 031 013 Ako ang Dios ng Betel, na doon mo pinahiran ng langis ang batong pinakaalaala, at doon ka gumawa ng panata sa akin: ngayo'y tumindig ka, umalis ka sa lupaing ito, at bumalik ka sa lupaing pinanganakan sa iyo. 001 GEN 031 014 At nagsisagot si Raquel at si Lea, at sa kaniya'y sinabi, Mayroon pa ba kaming natitirang bahagi o mana sa bahay ng aming ama? 001 GEN 031 015 Hindi ba inaari niya kaming taga ibang bayan? sapagka't ipinagbili niya kami at kaniyang lubos nang kinain ang aming halaga. 001 GEN 031 016 Sapagka't ang buong kayamanang inalis ng Dios sa aming ama, ay amin yaon at sa aming mga anak: ngayon nga, gawin mo ang lahat ng sinabi sa iyo ng Dios. 001 GEN 031 017 Nang magkagayo'y tumindig si Jacob, at pinasakay sa mga kamello ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga asawa; 001 GEN 031 018 At dinala ang kaniyang lahat na hayop, at ang kaniyang buong pag-aaring tinipon, ang hayop na kaniyang napakinabang, na kaniyang tinipon, sa Padan-aram, upang pumaroon kay Isaac na kaniyang ama, sa lupain ng Canaan. 001 GEN 031 019 Si Laban nga ay yumaon upang gupitan ang kaniyang mga tupa: at ninakaw ni Raquel ang mga larawang tinatangkilik ng kaniyang ama. 001 GEN 031 020 At tumanan si Jacob na di nalalaman ni Laban na taga Siria, sa di niya pagbibigay alam na siya'y tumakas. 001 GEN 031 021 Ganito tumakas si Jacob sangpu ng buong kaniya; at bumangon at tumawid sa ilog Eufrates, at siya'y tumungo sa bundok ng Gilead. 001 GEN 031 022 At binalitaan si Laban sa ikatlong araw, na tumakas si Jacob. 001 GEN 031 023 At ipinagsama niya ang kaniyang mga kapatid, at hinabol niyang pitong araw; at kaniyang inabutan sa bundok ng Gilead. 001 GEN 031 024 At naparoon ang Dios kay Laban na taga Siria, sa panaginip sa gabi, at sa kaniya'y sinabi, Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man, 001 GEN 031 025 At inabutan ni Laban si Jacob, At naitirik na ni Jacob ang kaniyang tolda sa bundok; at si Laban sangpu ng kaniyang mga kapatid ay nagtirik din sa bundok ng Gilead. 001 GEN 031 026 At sinabi ni Laban kay Jacob, Anong ginawa mo na tumanan ka ng di ko nalalaman, at dinala mo ang aking mga anak na parang mangabihag sa tabak? 001 GEN 031 027 Bakit ka tumakas ng lihim, at tumanan ka sa akin; at hindi mo ipinaalam sa akin, upang ikaw ay napagpaalam kong may sayahan at may awitan, may tambol at may alpa; 001 GEN 031 028 At hindi mo man lamang ipinahintulot sa aking humalik sa aking mga anak na lalake at babae? Ngayon nga'y gumawa ka ng kamangmangan. 001 GEN 031 029 Nasa kapangyarihan ng aking kamay ang gawan ko kayo ng masama: nguni't ang Dios ng inyong ama ay kinausap ako kagabi, na sinasabi, Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man. 001 GEN 031 030 At ngayon, bagaman iyong inibig yumaon, sapagka't pinagmimithian mong datnin ang bahay ng iyong ama ay bakit mo ninakaw ang aking mga dios? 001 GEN 031 031 At sumagot si Jacob, at sinabi kay Laban, Sapagka't ako'y natakot: sapagka't sinabi kong baka mo alising sapilitan sa akin ang iyong mga anak. 001 GEN 031 032 Kaya kung kanino mo masumpungan ang iyong mga dios, ay huwag mabuhay: sa harap ng ating mga kapatid ay iyong kilalanin kung anong mayroon akong iyo, at dalhin mo sa iyo. Sapagka't hindi nalalaman ni Jacob na si Raquel ang nagnakaw. 001 GEN 031 033 At pumasok si Laban sa tolda ni Jacob, at sa tolda ni Lea, at sa tolda ng dalawang alilang babae, datapuwa't hindi niya nasumpungan; at lumabas sa tolda ni Lea, at pumasok sa tolda ni Raquel. 001 GEN 031 034 Nakuha nga ni Raquel ang mga larawan, at naisiksik sa mga daladalahan ng kamello at kaniyang inupuan. At inapuhap ni Laban ang buong palibot ng tolda, nguni't hindi niya nasumpungan. 001 GEN 031 035 At sinabi niya sa kaniyang ama, Huwag magalit ang aking panginoon na ako'y hindi makatindig sa harap mo; sapagka't ako'y mayroon ng kaugalian ng mga babae. At kaniyang hinanap, datapuwa't hindi masumpungan ang mga larawan. 001 GEN 031 036 At naginit si Jacob at nakipagtalo kay Laban, at sumagot si Jacob, at sinabi kay Laban, Ano ang aking sinalangsang at ang aking kasalanan, upang ako'y habulin mong may pagiinit? 001 GEN 031 037 Yamang inapuhap mo ang lahat ng aking kasangkapan, anong nasumpungan mong kasangkapan, ng iyong bahay? Ilagay mo rito sa harap ng aking mga kapatid at ng iyong mga kapatid, upang hatulan nila tayong dalawa. 001 GEN 031 038 Ako'y natira sa iyo nitong dalawang pung taon: ang iyong mga babaing tupa, at ang iyong mga babaing kambing ay hindi nawalan ng kanilang mga anak, at ang mga tupang lalake ng iyong kawan ay hindi ko kinain. 001 GEN 031 039 Ang nilapa ng mga ganid ay hindi ko dinala sa iyo; ako ang nagbata ng kawalan; sa aking kamay mo hiningi, maging nanakaw sa araw, o nanakaw sa gabi. 001 GEN 031 040 Ganito nakaraan ako; sa araw ay pinupugnaw ako ng init, at ng lamig sa gabi; at ang pagaantok ay tumatakas sa aking mga mata. 001 GEN 031 041 Nitong dalawang pung taon ay natira ako sa iyong bahay; pinaglingkuran kitang labing apat na taon dahil sa iyong dalawang anak, at anim na taon dahil sa iyong kawan: at binago mo ang aking kaupahan na makasangpu. 001 GEN 031 042 Kung hindi sumaakin ang Dios ng aking ama, ang Dios ni Abraham, at ang Katakutan ni Isaac, ay walang pagsalang palalayasin mo ako ngayong walang dala. Nakita ng Dios ang aking kapighatian, ang kapaguran ng aking mga kamay, at sinaway ka niya kagabi. 001 GEN 031 043 At sumagot si Laban at sinabi kay Jacob, Ang mga anak na babaing ito, ay aking mga anak at itong mga anak ay mga anak ko, at ang mga kawan ay mga kawan ko, at ang lahat ng iyong nakikita ay akin: at anong magagawa ko ngayon sa mga anak kong babae, o sa kanilang mga anak na ipinanganak nila? 001 GEN 031 044 At ngayo'y halika, gumawa tayo ng isang tipan, ako't ikaw na maging patotoo sa akin at sa iyo. 001 GEN 031 045 At kumuha si Jacob ng isang bato, at itinindig na pinakaalaala. 001 GEN 031 046 At sinabi ni Jacob sa kaniyang mga kapatid, Manguha kayo ng mga bato; at kumuha sila ng mga bato at kanilang ginawang isang bunton: at sila'y nagkainan doon sa malapit sa bunton. 001 GEN 031 047 At pinanganlan ni Laban na Jegarsahadutha, datapuwa't pinanganlan ni Jacob na Galaad. 001 GEN 031 048 At sinabi ni Laban, Ang buntong ito ay saksi sa akin at sa iyo ngayon. Kaya't ang pangalan niya'y tinawag na Galaad; 001 GEN 031 049 At Mizpa sapagka't kaniyang sinabi, Bantayan ng Panginoon ako at ikaw, pag nagkakahiwalay tayo. 001 GEN 031 050 Kung pahirapan mo ang aking mga anak, o kung magasawa ka sa iba bukod sa aking mga anak, ay wala tayong ibang kasama; tingnan mo, ang Dios ay saksi sa akin at sa iyo. 001 GEN 031 051 At sinabi ni Laban kay Jacob, Narito, ang buntong ito at ang batong pinakaalaalang ito, na aking inilagay sa gitna natin. 001 GEN 031 052 Maging saksi ang buntong ito, at saksi ang batong ito, na hindi ko lalagpasan ang buntong ito sa dako mo, at hindi mo lalagpasan ang buntong ito at ang batong pinakaalaalang ito sa pagpapahamak sa amin. 001 GEN 031 053 Ang Dios ni Abraham at ang Dios ni Nachor, ang Dios ng ama nila ay siyang humatol sa atin. At si Jacob ay sumumpa ng ayon sa Katakutan ng kaniyang amang si Isaac. 001 GEN 031 054 At naghandog si Jacob ng hain sa bundok, at tinawag ang kaniyang mga kapatid upang magsikain ng tinapay: at sila'y nagsikain ng tinapay, at sila'y nagparaan ng buong gabi sa bundok. 001 GEN 031 055 At bumangong maaga sa kinaumagahan si Laban, at hinagkan ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at pinagbabasbasan: at yumaon at umuwi si Laban. 001 GEN 032 001 At ipinagpatuloy ni Jacob ang kaniyang paglakad, at sinalubong siya ng mga anghel ng Dios. 001 GEN 032 002 At sinabi ni Jacob nang makita niya sila, Ito'y hukbo ng Dios: at tinawag niya ang pangalan ng dakong yaon na Mahanaim. 001 GEN 032 003 At si Jacob ay nagpasugo sa unahan niya kay Esau, na kaniyang kapatid sa lupain ng Seir, na parang ng Edom. 001 GEN 032 004 At inutusan niya sila, na sinasabi, Ganito ninyo sabihin sa aking panginoong kay Esau, Ganito ang sabi ng iyong lingkod na si Jacob, Dumoon ako kay Laban at ako'y natira roon hanggang ngayon. 001 GEN 032 005 At mayroon akong mga baka, at mga asno, at mga kawan, at mga aliping lalake at babae: at ako'y nagpasugo upang magbigay alam sa aking panginoon, upang makasumpong ng biyaya sa iyong paningin. 001 GEN 032 006 At ang mga sugo ay nagsipagbalik kay Jacob, na nagsipagsabi, Dumating kami sa iyong kapatid na kay Esau, at siya rin naman ay sumasalubong sa iyo, at apat na raang tao ang kasama niya. 001 GEN 032 007 Nang magkagayo'y natakot na mainam si Jacob at nahapis at kaniyang binahagi ang bayang kasama niya, at ang mga kawan, at ang mga bakahan, at ang mga kamelyo ng dalawang pulutong. 001 GEN 032 008 At kaniyang sinabi, Kung dumating si Esau sa isang pulutong, at kaniyang saktan, ang pulutong ngang natitira ay tatanan. 001 GEN 032 009 At sinabi ni Jacob, Oh Dios ng aking amang si Abraham, at Dios ng aking amang si Isaac, Oh Panginoon, na nagsabi sa akin, Magbalik ka sa iyong lupain at sa iyong kamaganakan, at gagawan kita ng magaling: 001 GEN 032 010 Hindi ako marapat sa kababababaan ng lahat ng kaawaan, at ng buong katotohanan na iyong ipinakita sa iyong lingkod: sapagka't dala ko ang aking tungkod, na dinaanan ko ang Jordang ito; at ngayo'y naging dalawang pulutong ako. 001 GEN 032 011 Iligtas mo ako, ipinamamanhik ko sa iyo, sa kamay ng aking kapatid, sa kamay ni Esau; sapagka't ako'y natatakot sa kaniya, baka siya'y dumating at ako'y saktan niya, ang ina pati ng mga anak. 001 GEN 032 012 At ikaw ang nagsabi, Tunay na ikaw ay gagawan ko ng magaling, at gagawin ko ang iyong binhi na parang buhangin sa dagat, na hindi mabibilang dahil sa karamihan. 001 GEN 032 013 At siya'y nagparaan doon ng gabing yaon; at kumuha ng mayroon siya na ipagkakaloob kay Esau na kaniyang kapatid; 001 GEN 032 014 Dalawang daang kambing na babae, at dalawang pung lalaking kambing; dalawang daang tupang babae, at dalawang pung tupang lalake, 001 GEN 032 015 Tatlong pung kamelyong inahin na pati ng kanilang mga anak; apat na pung baka at sangpung toro, dalawang pung asna at sangpung anak ng mga yaon. 001 GEN 032 016 At ipinagbibigay sa kamay ng kaniyang mga bataan, bawa't kawan ay bukod; at sinabi sa kaniyang mga bataan, Lumagpas kayo sa unahan ko, at iiwanan ninyo ng isang pagitan ang bawa't kawan. 001 GEN 032 017 At iniutos sa una, na sinasabi, Pagka ikaw ay nasumpungan ni Esau na aking kapatid, at ikaw ay tinanong na sinasabi, Kanino ka? at saan ka paroroon? at kanino itong nangasa unahan mo. 001 GEN 032 018 Kung magkagayo'y sasabihin mo, Sa iyong lingkod na kay Jacob; isang kaloob nga, na padala sa aking panginoong kay Esau: at, narito, siya'y nasa hulihan din naman namin. 001 GEN 032 019 At iniutos din sa ikalawa, at sa ikatlo, at sa lahat ng sumusunod sa mga kawan, na sinasabi, Sa ganitong paraan sasalitain ninyo kay Esau, pagkasumpong ninyo sa kaniya; 001 GEN 032 020 At sasabihin ninyo, Saka, narito, ang iyong lingkod na si Jacob, ay nasa hulihan namin, sapagka't kaniyang sinabi, Paglulubagin ko ang kaniyang galit sa pamamagitan ng kaloob na sumasaunahan ko, at pagkatapos ay makikita ko ang kaniyang mukha; marahil ay tatanggapin niya ako. 001 GEN 032 021 Gayon isinaunahan niya ang mga kaloob; at siya'y natira ng gabing yaon sa pulutong. 001 GEN 032 022 At siya'y bumangon ng gabing yaon, at isinama niya ang kaniyang dalawang asawa, at ang kaniyang dalawang alilang babae, at ang kaniyang labing isang anak at tumawid sa tawiran ng Jaboc. 001 GEN 032 023 At sila'y kaniyang isinama at itinawid sa batis, at kaniyang itinawid ang kaniyang tinatangkilik. 001 GEN 032 024 At naiwang magisa si Jacob: at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang sa magbukang liwayway. 001 GEN 032 025 At nang makita nitong siya'y hindi manaig sa kaniya ay hinipo ang kasukasuan ng hita niya; at ang kasukasuan ni Jacob ay sinaktan samantalang nakikipagbuno sa kaniya. 001 GEN 032 026 At sinabi, Bitawan mo ako, sapagka't nagbubukang liwayway na. At kaniyang sinabi, Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo ako mabasbasan. 001 GEN 032 027 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang pangalan mo? At kaniyang sinabi, Jacob. 001 GEN 032 028 At sinabi niya, Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan, kundi Israel; sapagka't ikaw ay nakipagpunyagi sa Dios at sa mga tao, at ikaw ay nanaig. 001 GEN 032 029 At siya'y tinanong ni Jacob, at sinabi, Ipinamamanhik ko sa iyong sabihin mo sa akin ang iyong pangalan. At kaniyang sinabi, Bakit nagtatanong ka ng aking pangalan? At siya'y binasbasan doon. 001 GEN 032 030 At tinawag ni Jacob ang pangalan ng dakong yaon na Peniel; sapagka't aniya'y nakita ko ang Dios ng mukhaan, at naligtas ang aking buhay. 001 GEN 032 031 At sinikatan siya ng araw ng siya'y nagdadaan sa Penuel; at siya'y napipilay sa hita niya. 001 GEN 032 032 Kaya't hindi kumakain ang mga anak ni Israel ng litid ng balakang na nasa kasukasuan ng hita, hanggang ngayon: sapagka't hinipo ng taong yaon ang kasukasuan ng hita ni Jacob, sa litid ng pigi. 001 GEN 033 001 At itiningin ni Jacob ang kaniyang mga mata at tumingin, at, narito, si Esau ay dumarating, at kasama niya'y apat na raang tao. At kaniyang binahagi ang mga bata kay Lea at kay Raquel, at sa dalawang alilang babae. 001 GEN 033 002 At inilagay niya ang mga alila na kasama ng kanilang mga anak na pinakapanguna, at si Lea na kasama ng kaniyang mga anak na pinakapangalawa, at si Raquel at si Jose na pinakahuli. 001 GEN 033 003 At siya naman ay lumagpas sa unahan nila, at yumukod sa lupa na makapito, hanggang sa nalapit sa kaniyang kapatid. 001 GEN 033 004 At tumakbo si Esau na sinalubong siya, at niyakap siya at niyapos siya sa leeg, at hinagkan siya: at nagiyakan, 001 GEN 033 005 At itiningin ni Esau ang mga mata niya, at nakita ang mga babae at ang mga bata, at sinabi, Sinosino itong mga kasama mo? At kaniyang sinabi, Ang mga anak na ipinagkaloob ng Dios sa iyong lingkod. 001 GEN 033 006 Nang magkagayo'y nagsilapit ang mga alilang babae, sila at ang kanilang mga anak, at nagsiyukod. 001 GEN 033 007 At lumapit din si Lea at ang kaniyang mga anak, at nagsiyukod: at pagkatapos ay nagsilapit si Jose at si Raquel, at nagsiyukod. 001 GEN 033 008 At kaniyang sinabi, Anong palagay mo sa buong karamihang ito na nasumpungan ko? At kaniyang sinabi, Nang makasundo ng biyaya sa paningin ng aking panginoon. 001 GEN 033 009 At sinabi ni Esau, Mayroon akong kasiya; kapatid ko, ariin mo ang iyo. 001 GEN 033 010 At sinabi sa kaniya ni Jacob, Hindi, ipinamamanhik ko sa iyo, na kung ngayo'y nakasundo ako ng biyaya sa iyong paningin, ay tanggapin mo nga ang aking kaloob sa aking kamay: yamang nakita ko ang iyong mukha, na gaya ng nakakakita ng mukha ng Dios, at ikaw ay nalugod sa akin. 001 GEN 033 011 Tanggapin mo, ipinamamanhik ko sa iyo, ang kaloob na dala sa iyo; sapagka't ipinagkaloob sa akin ng Dios, at mayroon ako ng lahat. At ipinilit sa kaniya, at kaniyang tinanggap. 001 GEN 033 012 At kaniyang sinabi, Yumaon tayo at tayo'y lumakad, at ako'y mangunguna sa iyo. 001 GEN 033 013 At sinabi niya sa kaniya, Nalalaman ng aking panginoon na ang mga bata ay mahihina pa at ang mga kawan at ang mga baka ay nagpapasuso: at kung ipagmadali sa isa lamang araw ay mamamatay ang lahat ng kawan. 001 GEN 033 014 Magpauna ang aking panginoon sa kaniyang lingkod: at ako'y mamamatnubay na dahandahan, ayon sa hakbang ng mga hayop na nasa aking unahan, at ng hakbang ng mga bata, hanggang sa makarating ako sa aking panginoon sa Seir. 001 GEN 033 015 At sinabi ni Esau, Pahintulutan mong iwan ko sa iyo ang ilan sa mga taong kasama ko. At kaniyang sinabi, Ano pang dahil nito? Makasundo nawa ako ng biyaya sa paningin ng aking panginoon. 001 GEN 033 016 Gayon nagbalik si Esau ng araw ding yaon sa kaniyang lakad sa Seir. 001 GEN 033 017 At si Jacob ay naglakbay sa Succoth, at nagtayo ng isang bahay para sa kaniya, at iginawa niya ng mga balag ang kaniyang hayop: kaya't tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Succoth. 001 GEN 033 018 At dumating si Jacob na payapa sa bayan ng Sichem, na nasa lupain ng Canaan, nang siya'y manggaling sa Padan-aram; at siya'y humantong sa tapat ng bayan. 001 GEN 033 019 At binili ang pitak ng lupa na pinagtayuan ng kaniyang tolda, sa kamay ng mga anak ni Hamor, na ama ni Sichem, ng isang daang putol na salapi. 001 GEN 033 020 At siya'y nagtindig doon ng isang dambana, at tinawag niyang El-Elohe-Israel. 001 GEN 034 001 At lumabas si Dina na anak ni Lea, na ipinanganak nito kay Jacob, upang tingnan ang mga anak na babae ng lupaing yaon. 001 GEN 034 002 At siya'y nakita ni Sichem, anak ni Hamor, na Heveo, na prinsipe sa lupain; at siya'y kinuha at sumiping sa kaniya, at siya'y pinangayupapa. 001 GEN 034 003 At inilakip niya ang kaniyang kaluluwa kay Dina, na anak ni Jacob at kaniyang sininta ang dalaga, at nakiusap ng kalugodlugod sa dalaga. 001 GEN 034 004 At si Sichem ay nagsalita sa kaniyang amang kay Hamor, na sinabi, Ipakamit mo sa akin ang dalagang ito na maging asawa ko. 001 GEN 034 005 Nabalitaan nga ni Jacob na dinahas ang kaniyang anak na si Dina; at ang kaniyang mga anak ay nasa kasamahan ng mga hayop niya sa parang: at tumahimik si Jacob hanggang sa sila'y dumating. 001 GEN 034 006 At nilabas ni Hamor na ama ni Sichem si Jacob upang makiusap sa kaniya. 001 GEN 034 007 At ang mga anak ni Jacob ay nagsiuwi mula sa parang nang kanilang mabalitaan: at nangagdamdam ang mga lalake, at nagningas ang kanilang galit, sapagka't gumawa ng kaululan sa Israel, na sinipingan ang anak ni Jacob; bagay na di nararapat gawin. 001 GEN 034 008 At nakiusap si Hamor sa kanila, na sinasabi, Ang kaluluwa ni Sichem na aking anak ay sumasa iyong anak; ipinamamanhik ko sa inyo na ipagkaloob ninyo sa kaniya na maging asawa niya. 001 GEN 034 009 At magsipagasawa kayo sa amin; ibigay ninyo sa amin ang inyong mga anak na babae, at ibibigay namin sa inyo ang aming mga anak na babae. 001 GEN 034 010 At tatahan kayong kasama namin; at ang lupain ay sasa harap ninyo; tumahan kayo at mangalakal kayo riyan at magkaroon kayo ng mga pag-aari riyan. 001 GEN 034 011 At sinabi ni Sichem sa ama ni Dina, at sa mga kapatid niya, Makasundo nawa ako ng biyaya sa inyong mga mata at ang sabihin ninyo sa akin ay aking ibibigay. 001 GEN 034 012 Hingin ninyo sa akin ang walang bilang na bigay-kaya at kaloob, at aking ibibigay ayon sa sabihin ninyo sa akin; ipagkaloob lamang ninyo sa akin ang dalaga na maging asawa ko. 001 GEN 034 013 At nagsisagot na may pagdaraya ang mga anak ni Jacob kay Sichem at kay Hamor na kaniyang ama, at sila'y nagsalitaan, sapagka't kaniyang dinahas si Dina na kanilang kapatid. 001 GEN 034 014 At sinabi niya sa kanila, Hindi namin magagawa ito, na ibigay ang aming kapatid sa isang hindi tuli; sapagka't isang kasiraan ng puri namin. 001 GEN 034 015 Sa ganitong paraan lamang papayag kami sa inyo: kung kayo'y magiging gaya namin, na mangatuli ang lahat ng lalake sa inyo; 001 GEN 034 016 Ay ibibigay nga namin sa inyo ang aming mga anak na babae, at makikisama kami sa inyong mga anak na babae, at tatahan kami sa inyo, at tayo'y magiging isa lamang bayan. 001 GEN 034 017 Datapuwa't kung ayaw ninyo kaming pakinggan, na kayo'y mangatuli; ay dadalhin nga namin ang aming anak na babae at kami ay yayaon. 001 GEN 034 018 At ang kanilang mga salita ay kinalugdan ni Hamor at ni Sichem, na anak ni Hamor. 001 GEN 034 019 At hindi iniliban ng binata ang paggawa niyaon, sapagka't nalugod siya sa anak na babae ni Jacob: at siya ang pinarangalang higit sa buong sangbahayan ng kaniyang ama. 001 GEN 034 020 At si Hamor at si Sichem na kaniyang anak ay napasa pintuang-bayan ng kanilang bayan, at sila'y nakiusap sa mga tao sa kanilang bayan, na sinasabi. 001 GEN 034 021 Ang mga taong ito ay tahimik sa atin; kaya't magsitahan sila sa lupain at magsipangalakal sila riyan; sapagka't narito, ang lupain, ay may malabis na kaluwangan sa kanila; tayo'y makisama sa kanilang mga anak na babae, at ating ibigay sa kanila ang ating mga anak. 001 GEN 034 022 Sa ganito lamang paraan papayagan tayo ng mga taong iyan, sa pagtahan sa atin, na maging isa lamang bayan, kung patuli ang lahat ng lalake sa atin, na gaya naman nila na mga tuli. 001 GEN 034 023 Di ba magiging atin ang kanilang mga baka at ang kanilang mga pag-aari at ang lahat nilang hayop? Atin lamang silang payagan, at tatahan sa atin. 001 GEN 034 024 At pinakinggan si Hamor at si Sichem na kaniyang anak, ng lahat na lumalabas sa pintuan ng kaniyang bayan; at ang lahat ng lalake ay nagtuli, ang lahat ng lumalabas sa pintuan ng kaniyang bayan. 001 GEN 034 025 At nangyari, nang ikatlong araw, nang sila'y nangasasaktan, na ang dalawa sa mga anak ni Jacob, si Simeon at si Levi, na mga kapatid ni Dina, na kumuha ang bawa't isa ng kaniyang tabak, at sila'y lihim na pumasok sa bayan, at kanilang pinatay ang lahat ng mga lalake. 001 GEN 034 026 At kanilang pinatay si Hamor at si Sichem na kaniyang anak, sa talim ng tabak, at kanilang kinuha si Dina sa bahay ni Sichem, at sila'y nagsialis. 001 GEN 034 027 Nagsiparoon ang mga anak ni Jacob sa mga patay, at kanilang sinamsaman ang bayan, sapagka't kanilang dinahas ang kapatid nila. 001 GEN 034 028 Kinuha nila ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga bakahan, at ang kanilang mga asno, at ang nasa bayan, at ang nasa parang; 001 GEN 034 029 At ang kanilang buong yaman, at ang lahat ng kanilang mga anak, at mga asawa, ay dinala nilang bihag at samsam, sa makatuwid baga'y lahat na nasa bahay. 001 GEN 034 030 At sinabi ni Jacob kay Simeon at kay Levi, Ako'y inyong binagabag, na pinapaging mapagtanim ninyo ako sa mga tumatahan sa lupain, sa mga Cananeo, at sa mga Pherezeo; at akong may kaunting tao, ay magpipisan sila laban sa akin, at ako'y sasaktan nila; at lilipulin ako at ang aking sangbahayan. 001 GEN 034 031 At kanilang sinabi, Aariin ba niya ang aming kapatid na parang isang patutot? 001 GEN 035 001 At sinabi ng Dios kay Jacob, Tumindig ka, umahon ka sa Bethel, at tumahan ka roon; at gumawa ka roon ng isang dambana sa Dios na napakita sa iyo nang ikaw ay tumatakas mula sa harap ng iyong kapatid na si Esau. 001 GEN 035 002 Nang magkagayo'y sinabi ni Jacob sa kaniyang sangbahayan, at sa lahat niyang kasama. Ihiwalay ninyo ang mga dios ng iba na nangasa inyo, at magpakalinis kayo, at magbago kayo ng inyong mga suot: 001 GEN 035 003 At tayo'y magsitindig at magsisampa tayo sa Bethel; at gagawa ako roon ng dambana sa Dios na sumagot sa akin sa araw ng aking kahapisan, at sumaakin sa daan na aking nilakaran. 001 GEN 035 004 At kanilang ibinigay kay Jacob ang lahat ng ibang pinaka dios na nasa kamay nila, at ang mga hikaw na nasa kanilang mga tainga; at itinago ni Jacob sa ilalim ng punong encina na malapit sa Sichem. 001 GEN 035 005 At sila'y naglakbay; at ang isang malaking sindak mula sa Dios ay sumabayan na nasa mga palibot nila, at hindi nila hinabol ang mga anak ni Jacob. 001 GEN 035 006 Sa gayo'y naparoon si Jacob sa Luz, na nasa lupain ng Canaan (na siyang Bethel), siya at ang buong bayang kasama niya. 001 GEN 035 007 At siya'y nagtayo roon ng isang dambana at tinawag niya ang dakong yaon na El-beth-el; sapagka't ang Dios ay napakita sa kaniya roon, nang siya'y tumatakas sa harap ng kaniyang kapatid. 001 GEN 035 008 At namatay si Debora na yaya ni Rebeca, at nalibing sa paanan ng Bethel, sa ilalim ng encina, na ang pangalan ay tinawag na Allon-bacuth. 001 GEN 035 009 At ang Dios ay napakita uli kay Jacob, nang siya'y manggaling sa Padan-aram, at siya'y pinagpala. 001 GEN 035 010 At sinabi sa kaniya ng Dios, Ang pangalan mo'y Jacob; ang pangalan mo'y hindi na tatawagin pang Jacob kundi Israel ang itatawag sa iyo: at tinawag ang kaniyang pangalan na Israel. 001 GEN 035 011 At sinabi sa kaniya ng Dios, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat; ikaw ay lumago at dumami ka; isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay lalabas sa iyong balakang; 001 GEN 035 012 At ang lupaing ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac, ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong lahi pagkamatay mo ay ibibigay ko ang lupain. 001 GEN 035 013 At ang Dios ay napailanglang mula sa tabi niya sa dakong pinakipagusapan sa kaniya. 001 GEN 035 014 At si Jacob ay nagtayo ng isang batong pinakaalaala sa dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios, haliging bato: at binuhusan niya ng isang inuming handog at binuhusan niya ng langis. 001 GEN 035 015 At tinawag ni Jacob na Bethel ang dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios. 001 GEN 035 016 At sila'y naglakbay mula sa Bethel; at may kalayuan pa upang dumating sa Ephrata: at nagdamdam si Raquel, at siya'y naghihirap sa panganganak. 001 GEN 035 017 At nangyari, nang siya'y naghihirap sa panganganak, na sinabi sa kaniya ng hilot, Huwag kang matakot, sapagka't magkakaroon ka ng isa pang anak na lalake. 001 GEN 035 018 At nangyari, nang nalalagot ang kaniyang hininga (sapagka't namatay siya), ay kaniyang pinanganlang Benoni: datapuwa't pinanganlan ng kaniyang ama na Benjamin. 001 GEN 035 019 At namatay si Raquel at inilibing sa daang patungo sa Ephrata (na siyang Bethlehem). 001 GEN 035 020 At nagtayo si Jacob ng isang batong pinakaalaala sa ibabaw ng kaniyang libingan: na siyang batong pinakaalaala ng libingan ni Raquel hanggang ngayon. 001 GEN 035 021 At naglakbay si Israel at iniladlad ang kaniyang tolda sa dako pa roon ng moog ng Eder. 001 GEN 035 022 At nangyari, samantalang tumatahan si Israel sa lupaing yaon, na si Ruben ay yumaon at sumiping kay Bilha, na babae ng kaniyang ama; at ito'y nabalitaan ni Israel. Labing dalawa nga ang anak na lalake ni Jacob. 001 GEN 035 023 Ang mga anak ni Lea, ay: si Ruben, na panganay ni Jacob, at si Simeon, at si Levi, at si Juda at si Issachar, at si Zabulon. 001 GEN 035 024 Ang mga anak ni Raquel, ay: si Jose at si Benjamin: 001 GEN 035 025 At ang mga anak ni Bilha, na alila ni Raquel, ay: si Dan at si Nephtali: 001 GEN 035 026 At ang mga anak ni Zilpa na alilang babae ni Lea, ay: si Gad at si Aser: ito ang mga anak ni Jacob na ipinanganak sa kaniya sa Padan-aram. 001 GEN 035 027 At naparoon si Jacob kay Isaac na kaniyang ama, sa Mamre, sa Kiriat-arba (na siyang Hebron), na doon tumahan si Abraham at si Isaac. 001 GEN 035 028 At ang mga naging araw ni Isaac ay isang daan at walong pung taon. 001 GEN 035 029 At nalagot ang hininga ni Isaac at namatay, at siya'y nalakip sa kaniyang bayan, matanda at puspos ng mga araw: at inilibing siya ng kaniyang mga anak na si Esau at si Jacob. 001 GEN 036 001 Ito nga ang mga lahi ni Esau (na siyang Edom). 001 GEN 036 002 Si Esau ay nagasawa sa mga anak ng Canaan; kay Ada na anak ni Elon na Hethoh, at kay Aholibama, anak ni Ana na anak ni Zibeon na Heveo. 001 GEN 036 003 At kay Basemath na anak ni Ismael, na kapatid ni Nabaiot. 001 GEN 036 004 At ipinanganak si Eliphaz ni Ada kay Esau; at ipinanganak ni Basemath si Reuel; 001 GEN 036 005 At ipinanganak ni Aholibama si Jeus, at si Jaalam at si Cora; ito ang mga anak ni Esau, na ipinanganak sa kaniya sa lupain ng Canaan. 001 GEN 036 006 At dinala ni Esau ang kaniyang mga asawa, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng tao sa kaniyang bahay, at ang kaniyang hayop, at ang lahat ng kaniyang kawan, at ang lahat niyang tinatangkilik na kaniyang tinipon sa lupain ng Canaan; at napasa ibang lupaing bukod kay Jacob na kaniyang kapatid. 001 GEN 036 007 Sapagka't ang kanilang pag-aari ay totoong napakalaki para sa kanila na tumahang magkasama at ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi makaya sila, sapagka't napakarami ang kanilang hayop. 001 GEN 036 008 At tumahan si Esau sa bundok ng Seir: si Esau ay siyang Edom. 001 GEN 036 009 At ito ang mga lahi ni Esau, na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir: 001 GEN 036 010 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Eliphas, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemath, na asawa ni Esau. 001 GEN 036 011 At ang mga anak ni Eliphaz, ay si Teman, si Omar, si Zepho, si Gatham at si Cenaz. 001 GEN 036 012 At si Timna ay babae ni Eliphaz na anak ni Esau; at ipinanganak niya kay Eliphaz si Amalec; ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau. 001 GEN 036 013 At ito ang mga anak ni Reuel; si Nahat, si Zera, si Samma at si Mizza: ito ang mga anak ni Basemath na asawa ni Esau. 001 GEN 036 014 At ito ang mga anak ni Aholibama, na anak ni Ana, na anak ni Zibeon, na asawa ni Esau: at ipinanganak niya kay Esau: si Jeus at si Jaalam at si Cora. 001 GEN 036 015 Ito ang mga pangulo sa mga anak ni Esau: ang mga anak ni Eliphaz, na panganay ni Esau; ang pangulong Teman, ang pangulong Omar, ang pangulong Zepho, ang pangulong Cenaz, 001 GEN 036 016 Ang pangulong Cora, ang pangulong Gatam, ang pangulong Amalec: ito ang mga pangulong nagmula kay Eliphaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada. 001 GEN 036 017 At ito ang mga anak ni Reuel na anak ni Esau; ang pangulong Nahath, ang pangulong Zera, ang pangulong Samma ang pangulong Mizza: ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemath, na asawa ni Esau. 001 GEN 036 018 At ito ang mga anak ni Aholibama na asawa ni Esau; ang pangulong Jeus, ang pangulong Jaalam, ang pangulong Cora: ito ang mga pangulong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana, na asawa ni Esau. 001 GEN 036 019 Ito ang mga anak ni Esau, at ito ang kanilang mga pangulo: na siyang Edom. 001 GEN 036 020 Ito ang mga anak ni Seir na Horeo, na nagsisitahan sa lupain; si Lotan at si Sobal, at si Zibeon, at si Ana, 001 GEN 036 021 At si Dison, at si Ezer, at si Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo, na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom. 001 GEN 036 022 At ang mga anak ni Lotan, ay si Hori at si Heman; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna. 001 GEN 036 023 At ito ang mga anak ni Sobal; si Alvan, at si Manahath, at si Ebal, si Zepho, at si Onam. 001 GEN 036 024 At ito ang mga anak ni Zibeon; si Aja at si Ana: ito rin ang si Ana na nakasumpong ng maiinit na bukal sa ilang, nang pinapanginginain ang mga asno ni Zibeon na kaniyang ama. 001 GEN 036 025 At ito ang mga anak ni Ana; si Dison at si Aholibama, na anak na babae ni Ana. 001 GEN 036 026 At ito ang mga anak ni Dizon: si Hemdan, at si Eshban, at si Ithram, at si Cheran. 001 GEN 036 027 Ito ang mga anak ni Ezer: si Bilhan, at si Zaavan at si Acan. 001 GEN 036 028 Ito ang mga anak ni Disan: si Huz at si Aran. 001 GEN 036 029 Ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo; ang pangulong Lotan, ang pangulong Sobal, ang pangulong Zibeon, ang pangulong Ana, 001 GEN 036 030 Ang pangulong Dison, ang pangulong Ezer, ang pangulong Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga pangulo, sa lupain ng Seir. 001 GEN 036 031 At ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinomang hari sa angkan ni Israel. 001 GEN 036 032 At si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba. 001 GEN 036 033 At namatay si Bela, at naghari na kahalili niya si Jobab na anak ni Zera, na taga Bozra. 001 GEN 036 034 At namatay si Jobab at naghari na kahalili niya si Husam, na taga lupain ng mga Temaneo. 001 GEN 036 035 At namatay si Husam, at naghari na kahalili niya si Adad, na anak ni Badad, na siya ring sumakit kay Midian sa parang ni Moab: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avita. 001 GEN 036 036 At namatay si Adad at naghari na kahalili niya si Samla na taga Masreca. 001 GEN 036 037 At namatay si Samla at naghari na kahalili niya si Saul, na taga Rehoboth na tabi ng Ilog. 001 GEN 036 038 At namatay si Saul, at naghari na kahalili niya si Baalanan na anak ni Achbor. 001 GEN 036 039 At namatay si Baalanan na anak ni Achbor, at naghari na kahalili niya si Adar; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab. 001 GEN 036 040 At ito ang mga pangalan ng mga pangulong nagmula kay Esau, ayon sa kanikaniyang angkan, ayon sa kanikaniyang dako, alinsunod sa kanikaniyang pangalan; ang pangulong Timma, ang pangulong Alva, ang pangulong Jetheth; 001 GEN 036 041 Ang pangulong Aholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Pinon. 001 GEN 036 042 Ang pangulong Cenaz, ang pangulong Teman, ang pangulong Mibzar. 001 GEN 036 043 Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Hiram: ito ang mga pangulo ni Edom, ayon sa kanikaniyang tahanan sa lupain na kanilang pag-aari. Ito'y si Esau na ama ng mga Edomita. 001 GEN 037 001 At tumahan si Jacob sa lupaing pinangibahang lupain ng kaniyang ama, sa lupain ng Canaan. 001 GEN 037 002 Ito ang lahi ni Jacob. Si Jose, na may labing pitong taon, ay nagpapastol ng kawan na kasama ng kaniyang mga kapatid; at siya'y batang kasamahan ng mga anak ni Bilha at ng mga anak ni Zilpa, na mga asawa ng kaniyang ama; at ibinalita ni Jose sa kanilang ama ang kasamaan nila. 001 GEN 037 003 Minamahal nga ni Israel si Jose ng higit kay sa lahat niyang anak, sapagka't siya ang anak ng kaniyang katandaan: at siya'y iginawa ng isang tunika na may sarisaring kulay. 001 GEN 037 004 At nakita ng kaniyang mga kapatid na siya'y minamahal ng kanilang ama ng higit kay sa lahat niyang kapatid; at siya'y kinapootan, at hindi nila mapagsalitaan siya ng payapa. 001 GEN 037 005 At nanaginip si Jose ng isang panaginip, at isinaysay sa kaniyang mga kapatid: at lalo pa nilang kinapootan siya. 001 GEN 037 006 At sinabi niya sa kanila. Pakinggan ninyo, ipinamamanhik ko sa inyo, itong panaginip na aking napanaginip: 001 GEN 037 007 Sapagka't, narito, tayo'y nagtatali ng mga bigkis ng trigo sa bukid, at, narito, na tumindig ang aking bigkis, at tumuwid din naman at, narito, ang inyong mga bigkis ay napasa palibot at yumukod sa aking bigkis. 001 GEN 037 008 At sa kaniya'y sinabi ng kaniyang mga kapatid, Maghahari ka ba sa amin? o papapanginoon ka sa amin? At lalo pa siyang kinapootan nila dahil sa kaniyang mga panaginip at sa kaniyang mga salita. 001 GEN 037 009 At siya'y nanaginip pa ng ibang panaginip, at isinaysay sa kaniyang mga kapatid, at sinabi, Narito, ako'y nanaginip pa ng isang panaginip; at narito, na ang araw, at ang buwan at ang labing isang bituin ay yumukod sa akin. 001 GEN 037 010 At kaniyang isinaysay sa kaniyang ama at sa kaniyang mga kapatid; at sinaway siya ng kaniyang ama, at sa kaniya'y sinabi, Anong panaginip itong iyong napanaginip? Tunay bang ako at ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay yuyukod sa lupa sa harap mo? 001 GEN 037 011 At ang kaniyang mga kapatid ay nainggit sa kaniya: datapuwa't iningatan ng kaniyang ama ang salita sa pagiisip. 001 GEN 037 012 At yumaon ang kaniyang mga kapatid upang magpastol ng kawan ng kanilang ama, sa Sichem. 001 GEN 037 013 At sinabi ni Israel kay Jose, Di ba nagpapastol ng kawan sa Sichem ang iyong mga kapatid? Halika, at uutusan kita sa kanila. At sinabi niya sa kaniya, Narito ako. 001 GEN 037 014 At kaniyang sinabi sa kaniya, Yumaon ka, tingnan mo kung mabuti ang lagay ng iyong mga kapatid, at kung mabuti ang lagay ng kawan; at balitaan mo ako. Gayon sinugo siya mula sa libis ng Hebron, at siya'y naparoon sa Sichem. 001 GEN 037 015 At nasumpungan siya ng isang tao, at, narito, na siya'y naggagala sa parang; at siya'y tinanong ng taong yaon, na sinasabi, Anong hinahanap mo? 001 GEN 037 016 At kaniyang sinabi, Hinahanap ko ang aking mga kapatid; ipinamamanhik ko sa iyo na sabihin mo sa akin kung saan sila nagpapastol. 001 GEN 037 017 At sinabi ng tao, Nagsialis na sila: sapagka't narinig kong kanilang sinabi, Tayo na sa Dotan. At sinundan ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at nasumpungan niya sila sa Dotan. 001 GEN 037 018 At kanilang natanawan siya sa malayo, at bago nakalapit sa kanila ay nagbanta sila laban sa kaniya na siya'y patayin. 001 GEN 037 019 At nagsangusapan, Narito, dumarating itong mapanaginipin. 001 GEN 037 020 Halikayo ngayon, siya'y ating patayin, at siya'y ating itapon sa isa sa mga balon, at ating sasabihin, Sinakmal siya ng isang masamang hayop: at ating makikita kung anong mangyayari sa kaniyang mga panaginip. 001 GEN 037 021 At narinig ni Ruben, at iniligtas siya sa kanilang kamay; at sinabi, Huwag nating kitlin ang kaniyang buhay. 001 GEN 037 022 At sinabi ni Ruben sa kanila, Huwag kayong magbubo ng dugo; itapon ninyo sa balong ito na nasa ilang, datapuwa't huwag ninyong pagbuhatan ng kamay; upang iligtas sa kanilang kamay ng mapabalik sa kaniyang ama. 001 GEN 037 023 At nangyari, nang dumating si Jose sa kaniyang mga kapatid, na hinubdan siya ng kaniyang tunika, ng tunikang may sarisaring kulay na kaniyang suot; 001 GEN 037 024 At kanilang sinunggaban, at kanilang itinapon sa balon: at ang balon ay tuyo, walang tubig. 001 GEN 037 025 At nagsiupo upang kumain ng tinapay, at kanilang itiningin ang kanilang mga mata at tumingin sila, at, narito, ang isang pulutong na mga Ismaelita na nagsisipanggaling sa Gilead sangpu ng kanilang mga kamelyo at may dalang mga pabango, at mga balsamo, at mga mirra, na kanilang dadalhin sa Egipto. 001 GEN 037 026 At sinabi ni Juda sa kaniyang mga kapatid. Anong ating mapapakinabang kung ating patayin ang ating kapatid, at ilihim ang kaniyang dugo? 001 GEN 037 027 Halikayo, at atin siyang ipagbili sa mga Ismaelita, at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; sapagka't siya'y ating kapatid, atin din laman. At dininig siya ng kaniyang mga kapatid. 001 GEN 037 028 At nagsisipagdaan ang mga mangangalakal na mga Midianita; at kanilang isinampa si Jose sa balon, at ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita ng dalawang pung putol na pilak. At dinala si Jose sa Egipto. 001 GEN 037 029 At nagbalik si Ruben sa balon; at, narito, na si Jose ay wala sa balon; at kaniyang hinapak ang kaniyang mga suot. 001 GEN 037 030 At siya'y nagbalik sa kaniyang mga kapatid, at kaniyang sinabi, Wala ang bata; at ako, saan ako paroroon? 001 GEN 037 031 At kanilang kinuha ang tunika ni Jose, at sila'y pumatay ng isang lalaking kambing, at kanilang inilubog ang tunika sa dugo: 001 GEN 037 032 At kanilang ipinadala ang tunikang may sarisaring kulay, at dinala sa kanilang ama; at kanilang sinabi, Ito'y aming nasumpungan: kilalanin mo ngayon, kung tunika ng iyong anak o hindi. 001 GEN 037 033 At kaniyang kinilala, at sinabi, Siya ngang tunika ng aking anak; sinakmal siya ng isang masamang hayop; si Jose ay walang pagsalang nilapa. 001 GEN 037 034 At hinapak ni Jacob ang kaniyang mga suot, at kaniyang nilagyan ng magaspang na damit ang kaniyang mga balakang, at tinangisang maraming araw ang kaniyang anak. 001 GEN 037 035 At nagsitindig ang lahat niyang mga anak na lalake at babae upang siya'y aliwin; datapuwa't tumanggi siyang maaliw; at kaniyang sinabi, Sapagka't lulusong akong tumatangis sa aking anak hanggang sa Sheol. At tinangisan siya ng kaniyang ama. 001 GEN 037 036 At ipinagbili siya ng mga Midianita sa Egipto kay Potiphar, puno ni Faraon, na kapitan ng bantay. 001 GEN 038 001 At nangyari nang panahong yaon, na humiwalay si Juda sa kaniyang mga kapatid, at nagdaan sa isang Adullamita na ang pangalan ay Hira. 001 GEN 038 002 At nakita roon ni Juda ang anak na babae ng isang Cananeo, na tinatawag na Sua; at kinuha niya at kaniyang sinipingan. 001 GEN 038 003 At naglihi, at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Er. 001 GEN 038 004 At naglihi uli, at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Onan. 001 GEN 038 005 At muling naglihi at nanganak ng lalake; at tinawag niya ang kaniyang pangalang Selah: at si Juda ay nasa sa Chezib nang siya'y manganak. 001 GEN 038 006 At pinapag-asawa ni Juda si Er na kaniyang panganay, at ang pangalan niyao'y Thamar. 001 GEN 038 007 At si Er, na panganay ni Juda, ay naging masama sa paningin ng Panginoon; at siya'y pinatay ng Panginoon. 001 GEN 038 008 At sinabi ni Juda kay Onan, Sumiping ka sa asawa ng iyong kapatid, at tuparin mo sa kaniya ang tungkulin ng kapatid ng asawa, at ipagbangon mo ng binhi ang iyong kapatid. 001 GEN 038 009 At nalalaman ni Onan na hindi magiging kaniya ang binhi; at nangyari, na pagka sisiping siya sa asawa ng kaniyang kapatid, ay pinatutulo niya sa lupa, nang huwag lamang niyang bigyan ng binhi ang kaniyang kapatid. 001 GEN 038 010 At ang bagay na ginawa niya ay masama sa paningin ng Panginoon, at siya'y pinatay rin naman. 001 GEN 038 011 Nang magkagayo'y sinabi ni Juda kay Thamar na kaniyang manugang na babae: Manatili kang bao sa bahay ng iyong ama, hanggang sa lumaki si Selah na aking anak: sapagka't sinabi niya, Marahil ay hindi siya mamamatay ng gaya ng kaniyang mga kapatid. At yumaon si Thamar at tumahan sa bahay ng kaniyang ama. 001 GEN 038 012 At nagdaan ang maraming araw; at namatay ang anak na babae ni Sua, na asawa ni Juda; at nagaliw si Juda, at umahon sa Timnath sa mga manggugupit sa kaniyang mga tupa, siya at ang kaniyang kaibigang si Hira na Adullamita. 001 GEN 038 013 At naibalita kay Thamar, na sinasabi, Narito, ang iyong biyanang lalake ay umaahon sa Timnath upang pagupitan ang kaniyang mga tupa. 001 GEN 038 014 At siya'y nagalis ng suot pagkabao, at nagtakip ng kaniyang lambong, at pagkapagtakip ay naupo sa pasukan ng Enaim, na nasa daan ng Timnath; sapagka't kaniyang nakikita, na si Selah ay malaki na, at hindi pa siya ibinibigay na asawa. 001 GEN 038 015 Nang makita siya ni Juda ay ipinalagay siyang patutot, sapagka't siya'y nagtakip ng kaniyang mukha. 001 GEN 038 016 At lumapit sa kaniya, sa tabi ng daan, at sinabi, Narito nga, ipinamamanhik ko sa iyo na ako'y pasipingin mo sa iyo: sapagka't hindi niya nakilalang kaniyang manugang. At kaniyang sinabi, Anong ibibigay mo sa akin sa iyong pagsiping sa akin? 001 GEN 038 017 At kaniyang sinabi, Padadalhan kita ng isang anak ng kambing na mula sa kawan. At kaniyang sinabi, Bibigyan mo ba ako ng sangla hanggang sa maipadala mo? 001 GEN 038 018 At kaniyang sinabi, Anong sangla ang ibibigay ko sa iyo? At kaniyang sinabi, Ang iyong singsing, at ang iyong pamigkis, at ang tungkod na dala mo sa kamay. At kaniyang ipinagbibigay sa kaniya, at sumiping sa kaniya; at siya'y naglihi sa pamamagitan niya. 001 GEN 038 019 At siya'y bumangon, at yumaon, at siya'y nagalis ng kaniyang lambong, at isinuot ang mga kasuutan ng kaniyang pagkabao. 001 GEN 038 020 At ipinadala ni Juda ang anak ng kambing sa pamamagitan ng kamay ng kaniyang kaibigan, na Adullamita, upang tanggapin ang sangla sa kamay ng babae: datapuwa't hindi niya nasumpungan. 001 GEN 038 021 Nang magkagayo'y kaniyang itinanong sa mga tao sa dakong yaon na sinasabi, Saan nandoon ang patutot na nasa tabi ng daan sa Enaim? At kanilang sinabi, Walang naparitong sinomang patutot. 001 GEN 038 022 At nagbalik siya kay Juda, at sinabi, Hindi ko nasumpungan: at sinabi rin naman ng mga tao sa dakong yaon, Walang naging patutot rito. 001 GEN 038 023 At sinabi ni Juda, Pabayaang ariin niya, baka tayo'y mapahiya: narito, aking ipinadala itong anak ng kambing at hindi mo siya nasumpungan. 001 GEN 038 024 At nangyari, na pagkaraan ng tatlong buwan, humigit kumulang, ay naibalita kay Juda, na sinasabi, Ang iyong manugang na si Thamar ay nagpatutot; at, narito, siya'y buntis sa pakikiapid. At sinabi ni Juda, Siya'y ilabas upang sunugin. 001 GEN 038 025 Nang siya'y ilabas, ay nagpasabi siya sa kaniyang biyanan. Sa lalaking may-ari ng mga ito, ay nagdalangtao ako: at kaniyang sinabi pang, Ipinamamanhik ko sa iyo, na kilalanin mo kung kanino ang mga ito, ang singsing, ang pamigkis, at ang tungkod. 001 GEN 038 026 At nangakilala ni Juda, at sinabi, Siya'y matuwid kay sa akin; sapagka't hindi ko ibinigay sa kaniya si Selah na aking anak. At hindi na niya muling sinipingan pa. 001 GEN 038 027 At nangyari, na sa pagdaramdam niya, na, narito, kambal ang nasa kaniyang tiyan. 001 GEN 038 028 At nangyari, nang nanganganak siya, na inilabas ng isa ang kamay: at hinawakan ng hilot at tinalian sa kamay ng isang sinulid na mapula, na sinasabi, Ito ang unang lumabas. 001 GEN 038 029 At nangyari, na pagkaurong ng kaniyang kamay, na, narito, ang kaniyang kapatid ang lumabas. At kaniyang sinabi, Bakit nagpumiglas ka? kaya't tinawag ang pangalan niyang Phares. 001 GEN 038 030 At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, na siyang may sinulid na mapula sa kamay: at tinawag na Zara ang kaniyang pangalan. 001 GEN 039 001 At ibinaba si Jose sa Egipto; at binili siya ni Potiphar, puno ni Faraon, na kapitan ng bantay, na lalaking taga Egipto, sa kamay ng mga Ismaelita na nagdala sa kaniya roon. 001 GEN 039 002 At ang Panginoon ay suma kay Jose, at naging lalaking mapalad; at siya'y nasa bahay ng kaniyang panginoong taga Egipto. 001 GEN 039 003 At nakita ng kaniyang panginoon, na ang Panginoon ay sumasakaniya, at ang lahat ng kaniyang ginagawa ay pinagpapala ng Panginoon sa kaniyang kamay. 001 GEN 039 004 At nakasumpong si Jose ng biyaya sa kaniyang paningin, at pinaglingkuran niya siya: at sa kaniya'y ipinamahala niya ang bahay, at ang lahat niyang tinatangkilik ay isinakaniyang kamay. 001 GEN 039 005 At nangyari, na mula sa panahon na siya'y pamahalain sa kaniyang bahay, at sa lahat ng kaniyang tinatangkilik, ay pinagpala ng Panginoon ang bahay ng taga Egiptong yaon dahil kay Jose; at ang pagpapala ng Panginoon ay sumalahat ng kaniyang tinatangkilik, sa bahay at sa parang. 001 GEN 039 006 At kaniyang ipinamahala ang lahat niyang tinatangkilik sa kamay ni Jose; at hindi siya nakikialam ng anomang kaniya, liban sa tinapay na kaniyang kinakain. At si Jose ay may magandang pagmumukha at kahalihalina. 001 GEN 039 007 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na tinitigan si Jose ng asawa ng kaniyang panginoon at sinabi, Sipingan mo ako. 001 GEN 039 008 Datapuwa't siya'y tumanggi at sinabi niya sa asawa ng kaniyang panginoon, Narito, ang aking panginoon ay hindi nakikialam sa akin tungkol sa nasa bahay, at lahat ng kaniyang tinatangkilik ay ipinamahala sa aking kamay; 001 GEN 039 009 Walang sinomang dakila kay sa akin sa bahay na ito; walang ipinagkait sa aking anomang bagay, kung di ikaw lamang, sapagka't ikaw ay kaniyang asawa: paano ngang aking magagawa itong malaking kasamaan, at kasalanan laban sa Dios? 001 GEN 039 010 At nangyari, na nakikiusap man siya kay Jose araw-araw, ay hindi nakikinig sa kaniya na siya'y sipingan, o pakisamahan. 001 GEN 039 011 At nangyari nang panahong ito, na siya'y pumasok sa bahay upang gawin niya ang kaniyang gawain at wala sinoman sa mga tao sa bahay doon sa loob. 001 GEN 039 012 At siya'y pinigilan niya sa kaniyang suot, na sinasabi, Sipingan mo ako: at iniwan niya ang kaniyang suot sa kamay niya at tumakas, at lumabas. 001 GEN 039 013 At nangyari, na pagkakita niyang iniwan ang kaniyang suot sa kamay niya, at tumakas sa labas, 001 GEN 039 014 Na siya'y tumawag ng mga tao sa kaniyang bahay, at sinalita sa kanila, na sinasabi, Tingnan ninyo, na dinalhan niya tayo ng isang Hebreo, upang tayo'y tuyain; pinasok niya ako upang ako'y sipingan, at ako'y naghihiyaw ng malakas: 001 GEN 039 015 At nangyari nang marinig niyang ako'y nagtaas ng tinig at naghihiyaw, na iniwan ang kaniyang suot sa aking siping, at tumakas, at lumabas. 001 GEN 039 016 At kaniyang iningatan ang suot niya sa kaniyang siping, hanggang sa umuwi ang kaniyang panginoon sa kaniyang bahay. 001 GEN 039 017 At sinalita niya sa kaniya ng ayon sa mga salitang ito, na sinasabi, Pinasok ako ng aliping Hebreo na iyong dinala sa atin, upang tuyain ako: 001 GEN 039 018 At nangyari, na sapagka't nagtaas ako ng aking tinig at ako'y naghihiyaw, ay kaniyang iniwan ang suot niya sa aking siping, at tumakas sa labas. 001 GEN 039 019 At nangyari, na pagkarinig ng kaniyang panginoon ng mga salita na sinalita sa kaniya ng kaniyang asawa, na sinasabi, Ganitong paraan ang ginawa sa akin ng iyong alipin; ay nagalab ang kaniyang galit. 001 GEN 039 020 At dinala ng kaniyang panginoon si Jose, at inilagay sa bilangguan, sa dakong pinagkukulungan ng mga bilanggo ng hari: at siya'y natira roon sa bilangguan. 001 GEN 039 021 Datapuwa't ang Panginoon ay suma kay Jose, at iginawad sa kaniya ang awa, at pinagkalooban ng biyaya sa paningin ng katiwala sa bilangguan. 001 GEN 039 022 At ipinamahala ng katiwala sa bilangguan sa mga kamay ni Jose ang lahat na mga bilanggo na nasa bilangguan; at ang lahat ng ginagawa roon ay siya ang gumagawa. 001 GEN 039 023 Hindi tinitingnan ng katiwala ng bilangguan ang anomang bagay na nasa kaniyang kamay, sapagka't ang Panginoo'y suma kay Jose; at ang kaniyang ginagawa ay pinagpapala ng Panginoon. 001 GEN 040 001 At nangyari, na pagkatapos ng mga bagay na ito, na ang katiwala ng saro ng hari sa Egipto at ang kaniyang magtitinapay ay nangagkasala laban sa kanilang panginoon na hari sa Egipto. 001 GEN 040 002 At naginit si Faraon laban sa kaniyang dalawang tagapamahala, sa puno ng mga katiwala ng saro at sa puno ng mga magtitinapay. 001 GEN 040 003 At pinagpipiit sa bilangguan, sa bahay ng kapitan ng bantay, sa bilangguang kinabibilangguan ni Jose. 001 GEN 040 004 At ibinigay ng kapitan ng bantay kay Jose ang pamamahala sa kanila at pinaglingkuran niya sila: at sila'y natirang kaunting panahon sa bilangguan. 001 GEN 040 005 At ang katiwala at ang magtitinapay ng hari sa Egipto na nangabibilango sa bilangguan, ay kapuwa nanaginip ng kanikaniyang panaginip sa isang gabi, na bawa't isa ayon sa paliwanag ng kanikaniyang panaginip. 001 GEN 040 006 At pinaroonan sila ni Jose sa kinaumagahan, at sila'y tiningnan, at, narito, sila'y mapanglaw. 001 GEN 040 007 At kaniyang tinanong ang mga tagapamahala ni Faraon, na mga kasama niya sa bilangguan sa bahay ng kaniyang panginoon, na sinasabi, Bakit kayo'y mapanglaw ngayon? 001 GEN 040 008 At kanilang sinabi sa kaniya, Kami ay nanaginip ng panaginip, at walang sinomang makapagpaliwanag. At sinabi sa kanila ni Jose, Hindi ba ukol sa Dios ang mga paliwanag? Isinasamo ko sa inyo, na inyong saysayin sa akin. 001 GEN 040 009 At sinaysay ng puno ng mga katiwala ng saro kay Jose ang kaniyang panaginip, at nagsabi sa kaniya, Sa aking panaginip, narito, ang isang puno ng ubas ay nasa harap ko; 001 GEN 040 010 At sa puno ng ubas, ay may tatlong sanga: at yao'y pawang sumupling, na namulaklak, at ang mga buwig niyaon, ay nangagtaglay ng mga ubas na hinog. 001 GEN 040 011 At ang saro ni Faraon ay nasa aking kamay; at kumuha ako ng mga ubas at aking pinagpipiga sa saro ni Faraon, at ibinigay ko ang saro sa kamay ni Faraon. 001 GEN 040 012 At sinabi ni Jose sa kaniya, Ito ang kapaliwanagan niyaon, ang tatlong sanga ay tatlong araw; 001 GEN 040 013 Sa loob ng tatlong araw ay ititindig ni Faraon ang iyong ulo, at isasauli ka sa iyong katungkulan: at ibibigay mo ang saro ni Faraon sa kaniyang kamay, na gaya ng karaniwang ginagawa mong dati ng ikaw ay kaniyang katiwala. 001 GEN 040 014 Datapuwa't alalahanin mo ako kung ikaw ay mapabuti na, at isinasamo ko sa iyo, na pagpakitaan mo ako ng kagandahang loob, at banggitin mo ako kay Faraon, at ako'y alisin mo sa bahay na ito: 001 GEN 040 015 Sapagka't ako'y tunay na ninakaw sa lupain ng mga Hebreo: at dito naman ay wala akong ginawang anoman, upang ako'y ilagay nila sa bilangguan. 001 GEN 040 016 Nang makita ng puno ng mga magtitinapay, na mabuti ang kapaliwanagan ay nagsabi kay Jose, Ako'y nanaginip din, at narito, tatlong bakol ng tinapay na mabuti ay nasa ibabaw ng aking ulo: 001 GEN 040 017 At sa kaibaibabawan ng bakol ay mayroon ng lahat na sarisaring pagkaing niluto para kay Faraon; at kinakain ng mga ibon sa bakol na nasa ibabaw ng aking ulo. 001 GEN 040 018 At si Jose ay sumagot, at nagsabi, Ito ang kapaliwanagan niyaon; ang tatlong bakol, ay tatlong araw; 001 GEN 040 019 Sa loob ng tatlo pang araw ay itataas ni Faraon ang iyong ulo, at ibibitin ka sa isang punong kahoy; at kakanin ng mga ibon ang iyong laman. 001 GEN 040 020 At nangyari nang ikatlong araw, na siyang kapanganakan kay Faraon, na gumawa siya ng isang piging sa lahat ng kaniyang lingkod: at itinindig niya ang ulo ng puno ng mga katiwala ng saro, at ang ulo ng puno ng mga magtitinapay. 001 GEN 040 021 At ibinalik niya ang puno ng mga katiwala ng saro sa kaniyang pagkakatiwala ng saro; at ibinigay niya ang saro sa kamay ni Faraon: 001 GEN 040 022 Datapuwa't ang puno ng mga magtitinapay, ay ibinitin sa isang puno ng kahoy: gaya ng ipinaliwanag sa kanila ni Jose. 001 GEN 040 023 Gayon ma'y hindi na naalaala si Jose ng puno ng mga katiwala ng saro, kundi nalimutan siya. 001 GEN 041 001 At nangyari, sa katapusan ng dalawang taong ganap, na si Faraon ay nanaginip: at, narito, na siya'y nakatayo sa tabi ng ilog. 001 GEN 041 002 At, narito may nagsiahon sa ilog na pitong bakang magagandang anyo at matatabang laman; at nanginain sa talahiban. 001 GEN 041 003 At, narito, na ibang pitong baka, na nagsiahon sa ilog na nasa likuran nila, mga pangit na anyo, at payat; at nagsihinto roon sa tabi ng mga unang baka, sa tabi ng ilog. 001 GEN 041 004 At ang pitong bakang magagandang anyo at matataba, ay nilamon ng mga bakang pangit ang anyo at payat. Sa gayo'y nagising si Faraon. 001 GEN 041 005 At siya'y natulog at nanaginip na bilang ikalawa; at, narito may sumupling na pitong uhay na mabibintog at mabubuti, na may isa lamang tangkay. 001 GEN 041 006 At, narito, may pitong uhay na payat at tinutuyo ng hanging silanganan, na nagsitubong kasunod ng mga yaon. 001 GEN 041 007 At nilamon ng mga uhay na payat ang pitong uhay na mabibintog at malulusog. At nagising si Faraon, at, narito, isang panaginip. 001 GEN 041 008 At nangyari, sa kinaumagahan, na ang kaniyang diwa ay nagulumihanan at siya'y nagsugo at kaniyang ipinatawag ang lahat ng mago sa Egipto, at ang lahat ng pantas doon: at isinaysay ni Faraon sa kanila ang kaniyang panaginip: datapuwa't walang makapagpaliwanag kay Faraon. 001 GEN 041 009 Nang magkagayo'y nagsalita ang puno ng mga katiwala kay Faraon, na sinasabi, Naaalaala ko sa araw na ito ang aking mga sala: 001 GEN 041 010 Nguni't si Faraon laban sa kaniyang mga alila, at ibinilanggo ako sa bahay ng kapitan ng bantay, ako at ang puno ng mga magtitinapay. 001 GEN 041 011 At nanaginip kami ng panaginip sa isang gabi, ako at siya: kami ay kapuwa nanaginip ayon sa kapaliwanagan ng panaginip ng isa't isa sa amin. 001 GEN 041 012 At nandoong kasama namin ang isang binata, isang Hebreo, na alipin ng kapitan ng bantay; at siya naming pinagsaysayan, at kaniyang ipinaliwanag sa amin ang aming panaginip; ipinaliwanag niya ayon sa panaginip ng bawat isa sa amin. 001 GEN 041 013 At nangyari, na kung paano ang kaniyang pagkapaliwanag sa amin, ay nagkagayon; ako'y pinabalik sa aking katungkulan, at ipinabitin ang isa. 001 GEN 041 014 Nang magkagayo'y nagsugo si Faraon at ipinatawag si Jose, at siya'y inilabas na madalian sa bilangguan: siya'y nagahit at nagbihis ng suot, at naparoon kay Faraon. 001 GEN 041 015 At sinabi ni Faraon kay Jose, Ako'y nanaginip ng isang panaginip, at walang makapagpaliwanag: at nabalitaan kita, na pagkarinig mo ng isang panaginip ay naipaliwanag mo. 001 GEN 041 016 At sumagot si Jose kay Faraon, na sinasabi, Wala sa akin; Dios ang magbibigay ng sagot sa kapayapaan kay Faraon. 001 GEN 041 017 At sinalita ni Faraon kay Jose, Sa aking panaginip ay narito, nakatayo ako sa tabi ng ilog: 001 GEN 041 018 At, narito, may nagsiahon sa ilog na pitong bakang matatabang laman at magagandang anyo, at nanginain sa talahiban: 001 GEN 041 019 At, narito, may ibang pitong baka na nagsiahon sa likuran nila, mga payat, at napakapangit ang anyo, at payat na kailan ma'y hindi ako nakakita sa buong lupain ng Egipto ng ibang kawangis ng mga yaon sa kapangitan. 001 GEN 041 020 At kinain ng mga bakang payat at pangit, ang pitong nauunang bakang matataba: 001 GEN 041 021 At nang kanilang makain, ay hindi man lamang maalaman na sila'y kanilang nakain; kundi ang kanilang anyo ay pangit ding gaya ng una. Sa gayo'y nagising ako. 001 GEN 041 022 At nakakita ako sa aking panaginip, at, narito, pitong uhay ay tumataas sa isang tangkay, mapipintog at mabubuti. 001 GEN 041 023 At, narito, may pitong uhay na lanta, mga pipi at tinutuyo ng hanging silanganan na nagsitaas na kasunod ng mga yaon: 001 GEN 041 024 At nilamon ng mga uhay na lanta ang pitong uhay na mabubuti: at aking isinaysay sa mga mago: datapuwa't walang makapagpahayag niyaon sa akin. 001 GEN 041 025 At sinabi ni Jose kay Faraon, Ang panaginip ni Faraon ay iisa; ang gagawin ng Dios ay ipinahayag kay Faraon: 001 GEN 041 026 Ang pitong bakang mabubuti ay pitong taon; at ang pitong uhay na mabubuti ay pitong taon; ang panaginip ay iisa. 001 GEN 041 027 At ang pitong bakang payat at mga pangit, na nagsiahong kasunod ng mga yaon ay pitong taon, at gayon din ang pitong uhay na tuyo, na pinapaspas ng hanging silanganan; kapuwa magiging pitong taong kagutom. 001 GEN 041 028 Iyan ang bagay na sinalita ko kay Faraon: ang gagawin ng Dios, ipinaalam kay Faraon. 001 GEN 041 029 Narito, dumarating ang pitong taong may malaking kasaganaan sa buong lupain ng Egipto; 001 GEN 041 030 At may dadating, pagkatapos ng mga iyan, na pitong taong kagutom; at malilimutan iyang buong kasaganaan sa lupain ng Egipto; at pupuksain ng kagutom ang lupain; 001 GEN 041 031 At ang kasaganaan ay hindi malalaman sa lupain, dahil sa kagutom na sumusunod; sapagka't magiging napakahigpit. 001 GEN 041 032 At kaya't pinagibayo ang panaginip kay Faraon na makalawa, ay sapagka't bagay na itinatag ng Dios, at papangyayarihing madali ng Dios. 001 GEN 041 033 Ngayon nga'y humanap si Faraon ng isang taong matalino at pantas, at ilagay sa lupain ng Egipto. 001 GEN 041 034 Gawing ganito ni Faraon, at maglagay ng mga tagapamahala sa lupain, na paglimahing bahagi ang lupain ng Egipto sa loob ng pitong taon ng kasaganaan. 001 GEN 041 035 At kanilang tipunin ang lahat ng pagkain nitong mabubuting taon na dumarating, at magkamalig ng trigo sa kapangyarihan ng kamay ni Faraon, na pinakapagkain sa mga bayan at ingatan. 001 GEN 041 036 At ang pagkain ay kamaligin na itaan sa lupain sa pitong taong kagutom na mangyayari sa lupain ng Egipto; upang huwag mapuksa ang lupain sa kagutom. 001 GEN 041 037 At ang bagay ay minabuti ng mga mata ni Faraon, at ng mga mata ng kaniyang mga lingkod. 001 GEN 041 038 At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga lingkod, Makakasumpong kaya tayo ng isang gaya nito, na taong kinakasihan ng espiritu ng Dios? 001 GEN 041 039 At sinabi ni Faraon kay Jose, Yamang ipinabatid sa iyo ng Dios: ang lahat ng ito, ay walang matalino o pantas na gaya mo: 001 GEN 041 040 Ikaw ay magpupuno sa aking bahay, at ayon sa iyong salita ay pamamahalaan mo ang aking buong bayan: sa luklukang hari lamang magiging mataas ako sa iyo. 001 GEN 041 041 At sinabi ni Faraon kay Jose, Tingnan mo, ikaw ay inilagay ko sa buong lupain ng Egipto. 001 GEN 041 042 At inalis ni Faraon sa kamay niya ang kaniyang tandang singsing at inilagay sa kamay ni Jose, at siya'y sinuutan ng magandang lino at nilagyan siya ng isang kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg; 001 GEN 041 043 At siya'y pinasakay niya sa ikalawang karro na tinatangkilik ni Faraon at isinisigaw sa unahan niya. Lumuhod kayo: at inihalal siya na puno sa buong lupain ng Egipto. 001 GEN 041 044 At sinabi ni Faraon kay Jose, Ako'y si Faraon, at kung wala ka ay hindi magtataas ang sinomang tao ng kaniyang kamay o ng kaniyang paa sa buong lupain ng Egipto. 001 GEN 041 045 At pinanganlan ni Faraon si Jose na Zaphnath-paanea, at ibinigay na asawa sa kaniya si Asenath, na anak ni Potiphera, na saserdote sa On. At lumabas si Jose, sa lupain ng Egipto. 001 GEN 041 046 At si Jose ay may tatlong pung taon nang tumayo sa harap ni Faraon na hari sa Egipto. At si Jose ay umalis sa harap ni Faraon, at nilibot ang buong lupain ng Egipto. 001 GEN 041 047 At sa pitong taong sagana ay nagdulot ang lupa ng sagana. 001 GEN 041 048 At tinipon ni Jose ang lahat na pagkain sa pitong taon na tinamo sa lupain ng Egipto: at inimbak ang nangasabing pagkain sa mga bayan; na ang pagkain sa bukid na nasa palibot ng bawa't bayan ay inimbak sa bawa't kinauukulan ding bayan. 001 GEN 041 049 At si Jose ay nagkamalig ng trigo na parang buhangin sa dagat, na napakarami hanggang sa hindi nabilang; sapagka't walang bilang. 001 GEN 041 050 At bago dumating ang taong kagutom ay ipinanganak kay Jose ang dalawang lalake, na ipinanganak sa kaniya ni Asenath na anak ni Potiphera, na saserdote sa On. 001 GEN 041 051 At tinawag ni Jose ang pangalan ng panganay na Manases, sapagka't aniya'y, Ipinalimot ng Dios sa akin ang lahat ng aking kapagalan at ang buong bahay ng aking ama. 001 GEN 041 052 At ang ipinangalan sa ikalawa ay Ephraim: Sapagka't ako'y pinalago ng Dios sa lupain ng aking kadalamhatian. 001 GEN 041 053 At ang pitong taon ng kasaganaan na nagkaroon sa lupain ng Egipto ay natapos. 001 GEN 041 054 At ang pitong taon ng kagutom ay nagpasimulang dumating, ayon sa sinabi ni Jose: at nagkagutom sa lahat ng lupain; datapuwa't sa buong lupain ng Egipto ay may tinapay. 001 GEN 041 055 At nang ang buong lupain ng Egipto ay magutom, ay dumaing ng tinapay ang bayan kay Faraon: at sinabi ni Faraon sa lahat ng mga Egipcio, Pumaroon kayo kay Jose; ang kaniyang sabihin sa inyo ay inyong gawin. 001 GEN 041 056 At ang kagutom ay nasa ibabaw ng buong lupa: at binuksan ni Jose ang lahat ng kamalig at nagbili sa mga Egipcio; at lumala ang kagutom sa lupain ng Egipto. 001 GEN 041 057 At lahat ng mga taga ibang lupain ay nagsiparoon kay Jose upang magsibili ng trigo; sapagka't lumala ang kagutom sa buong lupa. 001 GEN 042 001 Nabalitaan nga ni Jacob na may trigo sa Egipto, at sinabi ni Jacob sa kaniyang mga anak, Bakit kayo nangagtitinginan? 001 GEN 042 002 At kaniyang sinabi, Narito, aking narinig na may trigo sa Egipto: bumaba kayo roon, at bumili kayo roon ng sa ganang atin, upang tayo'y mabuhay at huwag mamatay. 001 GEN 042 003 At ang sangpung kapatid ni Jose ay bumaba, na bumili ng trigo sa Egipto. 001 GEN 042 004 Datapuwa't si Benjamin na kapatid ni Jose, ay hindi sinugo ni Jacob na kasama ng kaniyang mga kapatid; sapagka't aniya'y, Baka sakaling may mangyari sa kaniyang anomang kapahamakan. 001 GEN 042 005 At ang mga anak ni Israel ay nagsiparoong bumili, na kasalamuha ng nagsisiparoon: sapagka't nagkakagutom sa lupain ng Canaan. 001 GEN 042 006 At si Jose ang tagapamahala sa lupain; siya ang nagbibili ng trigo sa lahat ng mga tao sa lupain: at nagsidating ang mga kapatid ni Jose at nangagpatirapa sa kaniya, na ang kanilang mga mukha ay pasubasob. 001 GEN 042 007 At nakita ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at kaniyang nangakilala, datapuwa't siya'y nagkunwaring iba sa kanila, at sila'y kinausap niya ng magilas; at sinabi sa kanila, Saan kayo nagsipanggaling? At sinabi nila, Sa lupain ng Canaan, upang bumili ng pagkain. 001 GEN 042 008 At nakilala ni Jose ang kaniyang mga kapatid, datapuwa't hindi nila siya nakilala. 001 GEN 042 009 At naalaala ni Jose ang mga panaginip na kaniyang napanaginip, tungkol sa kanila, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y mga tiktik; upang tingnan ninyo ang kahubaran ng lupain kaya kayo naparito. 001 GEN 042 010 At kanilang sinabi sa kaniya, Hindi panginoon ko, kundi ang iyong mga lingkod ay nagsiparito upang bumili ng pagkain. 001 GEN 042 011 Kaming lahat ay anak ng isa lamang lalake; kami ay mga taong tapat, ang iyong mga lingkod ay hindi mga tiktik. 001 GEN 042 012 At kaniyang sinabi sa kanila, Hindi, kungdi upang tingnan ang kahubaran ng lupain kaya kayo naparito. 001 GEN 042 013 At kanilang sinabi, Kaming iyong mga lingkod ay labing dalawang magkakapatid, na mga anak ng isa lamang lalake sa lupain ng Canaan; at, narito, ang bunso ay nasa aming ama ngayon, at ang isa'y wala na. 001 GEN 042 014 At sinabi sa kanila ni Jose, Iyan ang sinasalita ko sa inyo, na aking sinasabi, Kayo'y mga tiktik; 001 GEN 042 015 Dito ko kayo susubukin: alangalang sa buhay ni Faraon ay hindi kayo aalis dito, malibang pumarito ang inyong kapatid na bunso. 001 GEN 042 016 Suguin ninyo ang isa sa inyo, na dalhin dito ang inyong kapatid, at kayo'y mangabibilanggo; upang masubok ang inyong mga salita, kung may katotohanan sa inyo: o kung hindi alangalang sa buhay ni Faraon, ay tunay na mga tiktik kayo. 001 GEN 042 017 At kaniyang inilagay silang lahat na magkakasama sa bilangguan na tatlong araw. 001 GEN 042 018 At sinabi ni Jose sa kanila sa ikatlong araw, Gawin ninyo ito at mangabuhay kayo; sapagka't natatakot ako sa Dios: 001 GEN 042 019 Kung kayo'y mga taong tapat, ay matira ang isa sa inyong magkakapatid na bilanggo sa bahay na pinagbilangguan sa inyo; datapuwa't kayo'y yumaon, magdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay: 001 GEN 042 020 At dalhin ninyo sa akin ang inyong kapatid na bunso; sa ganito'y matototohanan ang inyong mga salita, at hindi kayo mangamamatay. At kanilang ginawang gayon. 001 GEN 042 021 At sila'y nagsabisabihan, Katotohanang tayo'y salarin tungkol sa ating kapatid, sapagka't nakita natin ang kahapisan ng kaniyang kaluluwa, nang namamanhik sa atin, at hindi natin siya dininig; kaya't dumarating sa atin ang kahapisang ito. 001 GEN 042 022 At si Ruben ay sumagot sa kanila, na nagsasabi, Di ba nagsalita ako sa inyo, na aking sinasabi, Huwag kayong magkasala laban sa bata; at ayaw kayong makinig? kaya naman, narito, ang kaniyang dugo ay nagsasakdal. 001 GEN 042 023 At hindi nila nalalaman na sila'y pinakikinggan ni Jose; sapagka't may tagapagpaliwanag sa kanila. 001 GEN 042 024 At siya'y humiwalay sa kanila, at umiyak; at siya'y bumalik sa kanila, at sila'y kinausap at kinuha sa kanila si Simeon, at siya'y tinalian sa harap ng kanilang mga mata. 001 GEN 042 025 Nang magkagayo'y ipinagutos ni Jose na punuin ang kanilang mga bayong ng trigo, at ibalik ang salapi ng bawa't isa sa kanikaniyang bayong, at sila'y bigyan ng mababaon sa daan: at ginawa sa kanilang gayon. 001 GEN 042 026 At kanilang pinasanan ng trigo ang kanilang mga asno, at sila'y yumaon mula roon. 001 GEN 042 027 At pagbubukas ng isa ng kaniyang bayong upang bigyan ng pagkain ang kaniyang asno sa tuluyan, ay nakita niya ang kaniyang salapi; at, narito, nasa labi ng kaniyang bayong. 001 GEN 042 028 At sinabi niya sa kaniyang mga kapatid, Ang salapi ko ay nasauli; at, narito, nasa aking bayong: at kumutob ang kanilang puso; at nangagtinginan na nanganginginig, na nagsasabihan, Ano itong ginawa ng Dios sa atin? 001 GEN 042 029 At sila'y dumating kay Jacob na kanilang ama sa lupain ng Canaan, at isinaysay nila sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila; na sinasabi: 001 GEN 042 030 Ang lalaking panginoon sa lupaing yaon ay kinausap kami na magilas, at inari kaming mga tiktik sa lupain. 001 GEN 042 031 At aming sinabi sa kaniya, Kami ay mga taong tapat; hindi kami mga tiktik: 001 GEN 042 032 Kami ay labing dalawang magkakapatid, na mga anak ng aming ama; ang isa'y wala na, at ang bunso ay nasa aming ama ngayon sa lupain ng Canaan. 001 GEN 042 033 At sinabi sa amin ng lalaking yaon, ng panginoon sa lupain, Dito ko makikilala na kayo'y mga taong tapat: magiwan kayo sa akin ng isa sa inyong magkakapatid, at magsipagdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay, at kayo'y yumaon. 001 GEN 042 034 At dalhin ninyo rito sa akin ang inyong kapatid na bunso: kung gayo'y makikilala ko, na kayo'y hindi mga tiktik, kundi kayo'y mga taong tapat: sa ganito'y isasauli ko sa inyo ang inyong kapatid at kayo'y mangangalakal sa lupain. 001 GEN 042 035 At nangyari na pagaalis ng laman ng kanilang mga bayong, na, narito, sa bayong ng bawa't isa ay nakalagay ang balot ng kanikaniyang salapi: at nang makita nila at ng kanilang ama ang kanilang mga balot ng salapi, ay nangatakot. 001 GEN 042 036 At sinabi sa kanila ng kanilang amang si Jacob, Inalis na ninyo sa akin ang aking mga anak: si Jose ay wala, at si Simeon ay wala, at aalisin pa ninyo si Benjamin: lahat ng bagay na ito ay laban sa akin. 001 GEN 042 037 At nagsalita, si Ruben sa kaniyang ama, na sinasabi, Ipapatay mo ang aking dalawang anak kung siya'y hindi ko dalhin sa iyo; ibigay mo sa aking kamay, at siya'y aking ibabalik sa iyo. 001 GEN 042 038 At kaniyang sinabi, Hindi yayaon ang aking anak na kasama ninyo; sapagka't ang kaniyang kapatid ay patay na, at siya lamang ang natitira; kung mangyari sa kaniya ang anomang kapahamakan sa daan na inyong paroroonan, ay pabababain nga ninyo ang aking mga uban sa Sheol na may kapanglawan. 001 GEN 043 001 At ang kagutom ay mahigpit sa lupain. 001 GEN 043 002 At nangyari, nang makain na nila ang trigong kanilang dinala mula sa Egipto, na sinabi sa kanila ng kanilang ama, Kayo'y pumaroong muli, ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain. 001 GEN 043 003 At si Juda ay nagsalita sa kaniya, na sinasabi, Ipinahayag sa aming mahigpit ng lalaking yaon, na sinasabi, Hindi ninyo makikita ang aking mukha, maliban na ipagsama ninyo ang inyong kapatid. 001 GEN 043 004 Kung pasasamahin mo sa amin ang aming kapatid, ay bababa kami, at ibibili ka namin ng pagkain. 001 GEN 043 005 Datapuwa't kung hindi mo paparoroonin ay hindi kami bababa: sapagka't sinabi sa amin ng lalaking yaon, Hindi ninyo makikita ang aking mukha, malibang kasama ninyo ang inyong kapatid. 001 GEN 043 006 At sinabi ni Israel, Bakit ninyo ako ginawan ng masama, na inyong sinabi sa lalake na mayroon pa kayong ibang kapatid? 001 GEN 043 007 At kanilang sinabi, Tinanong kami ng buong siyasat, tungkol sa amin, at tungkol sa aming kamaganakan, na sinasabi, Buhay pa ba ang inyong ama? May iba pa ba kayong kapatid? At isinaysay namin sa kaniya ayon sa mga salitang ito: saan namin malalaman, kaniyang sasabihin, Ibababa ninyo rito ang inyong kapatid? 001 GEN 043 008 At sinabi ni Juda kay Israel na kaniyang ama. Pasamahin mo sa akin ang bata at kami ay magsisitindig at magsisiyaon; upang tayo'y mabuhay at huwag mamatay, kami, at ikaw, at gayon din ang aming mga bata. 001 GEN 043 009 Ako ang mananagot sa kaniya; sa aking kamay hahanapin mo siya; kung hindi ko ibalik sa iyo, at ilagay sa harap mo, ay pasanin ko ang sala magpakailan pa man: 001 GEN 043 010 Sapagka't kung hindi tayo nagluwat, ay nakapagbalik na kaming makalawa. 001 GEN 043 011 At sinabi sa kanila ng kanilang amang si Israel, Kung gayon, ngayo'y gawin ninyo ito: magdala kayo sa inyong bayong ng mga piling bunga ng lupain, at dalhan ninyo ang lalaking yaon ng kaloob, ng kaunting balsamo at kaunting pulot, pabango, at mirra, mga pile at almendras. 001 GEN 043 012 At magdala kayo ng ibayong halaga ng salapi sa inyong kamay; at ang salaping nabalik sa labi ng inyong mga bayong ay dalhin ninyong muli sa inyong kamay; marahil ay kalituhan: 001 GEN 043 013 Dalhin din ninyo ang inyong kapatid, at magtindig kayo at pumaroon kayong muli sa lalaking yaon. 001 GEN 043 014 At pagkalooban nawa kayo ng Dios na Makapangyarihan sa lahat ng kaawaan sa harap ng lalaking yaon, upang isauli sa inyo ang inyong isang kapatid at si Benjamin. At kung mawalan ako ng mga anak, ay mawalan ako. 001 GEN 043 015 At dinala ng mga lalake ang kaloob na yaon, at ibayong halaga ng salapi ang dinala sa kanilang kamay, at si Benjamin; at nagsipagtindig, at nagsibaba sa Egipto, at nagsiharap kay Jose. 001 GEN 043 016 At nang makita ni Jose si Benjamin na kasama nila, ay sinabi niya sa katiwala ng kaniyang bahay: Dalhin mo ang mga lalaking iyan sa bahay, at magpatay ka ng mga hayop, at ihanda mo; sapagka't ang mga lalaking iyan ay magsisipananghaling kasalo ko. 001 GEN 043 017 At ginawa ng lalake ang ayon sa iniutos sa kaniya ni Jose; at dinala ng katiwala ang mga lalaking yaon sa bahay ni Jose. 001 GEN 043 018 At ang mga lalake ay nangatakot, sapagka't sila'y dinala sa bahay ni Jose; kanilang sinabi: Dahil sa salaping isinauli sa ating mga bayong ng una, ay dinala tayo rito; upang hanapan tayo ng dahilan, at tayo'y ibagsak niya, at tayo'y ariin niyang mga alipin, at pati ng atin mga asno. 001 GEN 043 019 At sila'y nagsilapit sa katiwala ng bahay ni Jose, at kinausap nila sa pintuan ng bahay. 001 GEN 043 020 At sinabi nila, Oh panginoon ko, tunay na kami ay bumaba ng una na bumili ng pagkain: 001 GEN 043 021 At nangyari, nang dumating kami sa tuluyan, na binuksan namin ang aming mga bayong, at, narito, ang salapi ng bawa't isa sa amin ay nasa labi ng kanikaniyang bayong, ang salapi namin sa tunay na timbang: at aming muling dinala sa aming kamay. 001 GEN 043 022 At nagdala kami ng ibang salapi sa aming kamay upang ibili ng pagkain; hindi namin nalalaman kung sino ang naglagay ng aming salapi sa aming mga bayong. 001 GEN 043 023 At kaniyang sinabi, Mapayapa kayo; huwag kayong matakot, ang Dios ninyo at ang Dios ng inyong ama ang nagbigay sa inyo ng kayamanang natatago sa inyong mga bayong: tinanggap ko ang inyong salapi. At inilabas si Simeon sa kanila. 001 GEN 043 024 At dinala ng katiwala ang mga lalake sa bahay ni Jose, at sila'y binigyan ng tubig, at nangaghugas ng kanilang mga paa; at binigyan ng pagkain ang kanilang mga asno. 001 GEN 043 025 At kanilang inihanda ang kaloob sa pagdating ni Jose sa tanghali; sapagka't kanilang narinig na doon sila magsisikain ng tinapay. 001 GEN 043 026 At nang dumating si Jose sa bahay, ay dinala nila sa kaniya sa loob ng bahay, ang kaloob na nasa kanilang kamay, at sila'y nagpatirapa sa harap niya. 001 GEN 043 027 At sila'y kaniyang tinanong tungkol sa kanilang kalagayan, at sinabi, Wala bang sakit ang inyong ama, ang matanda na inyong sinalita? buhay pa ba? 001 GEN 043 028 At kanilang sinabi, Walang sakit ang iyong lingkod na aming ama, buhay pa. At sila'y nagsiyukod at nagsigalang. 001 GEN 043 029 At itiningin niya ang kaniyang mga mata, at nakita si Benjamin na kapatid niya, na anak ng kaniyang ina, at sinabi, Ito ba ang inyong kapatid na bunso, na inyong sinalita sa akin? At kaniyang sinabi, Pagpalain ka nawa ng Dios, anak ko. 001 GEN 043 030 At nagmadali si Jose; sapagka't nagniningas ang kaniyang loob dahil sa kaniyang kapatid: at humanap ng dakong maiiyakan; at pumasok sa kaniyang silid, at umiyak doon. 001 GEN 043 031 At siya'y naghilamos at lumabas; at nagpigil ng loob, at nagsabi, Maghain kayo ng tinapay. 001 GEN 043 032 At kanilang hinainan siyang bukod, at silang bukod, at ang mga Egipcio na kumakaing kasama niya ay bukod: sapagka't ang mga taga Egipcio ay hindi makakaing kasalo ng mga Hebreo; sapagka't kasuklamsuklam ito sa mga Egipcio. 001 GEN 043 033 At sila'y nagsiupo sa harap niya, ang panganay ayon sa kaniyang pagkapanganay, at ang bunso ayon sa kaniyang pagkabunso: at ang mga lalake ay nangamamangha na nagtitinginan. 001 GEN 043 034 At sila'y idinampot ni Jose sa harap niya ng mga ulam: datapuwa't ang ulam ni Benjamin ay humihigit kay sa mga bahagi ng alin man sa kanila ng makalima. At nangaginuman at nangakipagkatuwa sa kaniya. 001 GEN 044 001 At kaniyang iniutos sa katiwala ng kaniyang bahay, na sinasabi, Punuin mo ng mga pagkain ang mga bayong ng mga lalaking ito, kung gaano ang kanilang madadala: at ilagay mo ang salapi ng bawa't isa sa labi ng kanikaniyang bayong. 001 GEN 044 002 At ilagay mo ang aking saro, ang sarong pilak, sa labi ng bayong ng bunso, at ang salapi ng kaniyang trigo. At ginawa niya ang ayon sa salita na sinalita ni Jose. 001 GEN 044 003 At pagliliwanag ng kinaumagahan, ay pinapagpaalam ang mga lalake, sila at ang kanilang mga asno. 001 GEN 044 004 Nang sila'y mangakalabas na sa bayan, at hindi pa sila nalalayo, ay sinabi ni Jose sa katiwala ng kaniyang bahay, Bumangon ka habulin mo ang mga lalake; at pagka sila'y iyong inabutan, ay sabihin mo sa kanila, Bakit iginanti ninyo ay kasamaan sa kabutihan? 001 GEN 044 005 Hindi ba ang sarong ito ang iniinuman ng aking panginoon, at tunay na kaniyang ipinanghuhula? Kayo'y gumawa ng masama sa paggawa ng ganiyan. 001 GEN 044 006 At kaniyang inabutan sila, at kaniyang sinalita sa kanila ang mga ito. 001 GEN 044 007 At kanilang sinabi sa kaniya, Bakit sinalita ng aking panginoon ang mga salitang ito? Huwag itulot ng Dios na gumawa ang iyong mga lingkod ng ganiyang bagay. 001 GEN 044 008 Narito, ang salapi na aming nasumpungan sa labi ng aming mga bayong ay aming isinauli sa iyo mula sa lupain ng Canaan: paano ngang kami ay magnanakaw sa bahay ng iyong panginoon ng pilak o ginto? 001 GEN 044 009 Yaong kasumpungan sa iyong mga lingkod, ay mamatay, at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon. 001 GEN 044 010 At kaniyang sinabi, Mangyari nga ang ayon sa inyong mga salita; yaong kasumpungan ay magiging aking alipin; at kayo'y mawawalan ng sala. 001 GEN 044 011 Nang magkagayo'y nagmadali sila, at ibinaba ng bawa't isa ang kaniyang bayong sa lupa, at binuksan ng bawa't isa ang kaniyang bayong. 001 GEN 044 012 At kaniyang sinaliksik, na pinasimulan sa panganay at niwakasan sa bunso; at nasumpungan ang saro sa bayong ni Benjamin. 001 GEN 044 013 Nang magkagayo'y kanilang hinapak ang kanilang mga suot, at pinasanan ng bawa't isa ang kaniyang asno, at nagsibalik sa bayan. 001 GEN 044 014 At si Juda at ang kaniyang mga kapatid ay dumating sa bahay ni Jose at siya'y nandoon pa, at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya. 001 GEN 044 015 At sinabi sa kanila ni Jose, Anong gawa itong inyong ginawa? Hindi ba ninyo nalalaman na ang isang tao na gaya ko ay tunay na makahuhula? 001 GEN 044 016 At sinabi ni Juda: Anong aming sasabihin sa aming panginoon? anong aming sasalitain? o paanong kami ay magpapatotoo? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, kami ay alipin ng aming panginoon, kami sampu niyaong kinasumpungan ng saro. 001 GEN 044 017 At kaniyang sinabi, Huwag nawang itulot ng Dios na ako'y gumawa ng ganiyan; ang taong kinasumpungan ng saro, ay siyang magiging aking alipin; datapuwa't tungkol sa inyo ay pumaroon kayong payapa sa inyong ama. 001 GEN 044 018 Nang magkagayo'y lumapit si Juda sa kaniya, at nagsabi, Oh panginoon ko, ipinamamanhik ko sa iyo na papagsalitain ang iyong lingkod, ng isang salita sa mga pakinig ng aking panginoon, at huwag nawang magalab ang iyong loob laban sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay parang si Faraon. 001 GEN 044 019 Tinanong ng aking panginoon ang kaniyang mga lingkod, na sinasabi; Kayo ba'y mayroong ama o kapatid? 001 GEN 044 020 At aming sinabi sa aking panginoon, Kami ay may ama, isang matanda, at isang anak sa kaniyang katandaan, isang munting bata at ang kaniyang kapatid ay namatay, at siya lamang ang naiwan ng kaniyang ina, at minamahal siya ng kaniyang ama. 001 GEN 044 021 At sinabi mo sa iyong mga lingkod, Dalhin ninyo rito sa akin, upang mamasdan ko siya ng aking mga mata. 001 GEN 044 022 At aming sinabi sa aking panginoon, Hindi maiiwan ng bata ang kaniyang ama: sapagka't kung iiwan niya ang kaniyang ama, ay mamamatay ang ama niya. 001 GEN 044 023 At iyong sinabi sa iyong mga lingkod, Hindi na ninyo makikita ang aking mukha, malibang inyong ipagsamang bumaba ang inyong kapatid na bunso. 001 GEN 044 024 At nangyari nang panhikin namin ang inyong lingkod na aking ama, ay aming isinaysay sa kaniya ang mga salita ng aking panginoon. 001 GEN 044 025 At sinabi ng aming ama, Pumaroon kayo uli, ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain. 001 GEN 044 026 At aming sinabi, Hindi kami makabababa: kung ang aming bunsong kapatid ay kasama namin ay bababa nga kami: sapagka't hindi namin makikita ang mukha ng lalaking yaon, malibang ang aming bunsong kapatid ay kasama namin. 001 GEN 044 027 At sinabi ng iyong lingkod na aming ama sa amin, Inyong talastas na ang aking asawa ay nagkaanak sa akin ng dalawang lalake: 001 GEN 044 028 At ang isa'y umalis sa akin, at aking sinabi, Tunay na siya'y nalapa; at hindi ko siya nakita mula noon. 001 GEN 044 029 At kung inyong kunin pa ang isang ito sa akin, at may mangyaring sakuna sa kaniya, ay inyong ibababa ang aking uban sa Sheol na may kapanglawan. 001 GEN 044 030 Ngayon nga'y kung ako'y dumating sa iyong lingkod na aking ama, at ang bata ay hindi namin kasama; sapagka't ang kaniyang buhay ay natatali sa buhay ng batang iyan; 001 GEN 044 031 Ay mangyayari nga na pagka kaniyang nakitang ang bata ay di namin kasama, na mamamatay siya: at ibababa sa Sheol na may kapanglawan ng iyong mga lingkod ang mga uban ng iyong lingkod na aming ama. 001 GEN 044 032 Sapagka't ang iyong lingkod ang siyang nanagot sa bata sa aking ama, na nagsasabi: Kung hindi ko siya dalhin sa iyo, ay papasanin ko nga ang kasalanan sa aking ama magpakailan man. 001 GEN 044 033 Ngayon nga, ay ipahintulot mo na ang iyong lingkod, aking isinasamo sa iyo, ay maiwan na kahalili ng bata na pinakaalipin ng aking panginoon; at iyong ipahintulot na ang bata ay umahong kasama ng kaniyang mga kapatid. 001 GEN 044 034 Sapagka't paanong paroroon ako sa aking ama, at ang bata'y di ko kasama? Baka aking makita pa ang sakunang sasapit sa aking ama. 001 GEN 045 001 Nang magkagayon ay hindi nakapagpigil si Jose sa harap nilang lahat na nakatayo sa siping niya; at sumigaw, Paalisin ninyo ang lahat ng tao sa aking harap. At walang taong tumayo na kasama niya samantalang si Jose ay napakikilala sa kaniyang mga kapatid. 001 GEN 045 002 At siya'y umiyak ng malakas: at narinig ng mga Egipcio, at narinig ng sangbahayan ni Faraon. 001 GEN 045 003 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, Ako'y si Jose; buhay pa ba ang aking ama? At ang kaniyang mga kapatid ay hindi mangakasagot sa kaniya: sapagka't sila'y nagugulumihanan sa kaniyang harap. 001 GEN 045 004 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, Lumapit kayo sa akin, isinasamo ko sa inyo. At sila'y lumapit. At kaniyang sinabi: Ako'y si Jose na inyong kapatid, na inyong ipinagbili upang dalhin sa Egipto. 001 GEN 045 005 At ngayo'y huwag kayong magdalamhati, o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: sapagka't sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang magadya ng buhay. 001 GEN 045 006 Sapagka't may dalawang taon nang ang kagutom ay nasa lupain; at may limang taon pang hindi magkakaroon ng pagbubukid, o pagaani man. 001 GEN 045 007 At sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang papanatilihin kayong pinakalahi sa lupa, at upang iligtas kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas. 001 GEN 045 008 Hindi nga kayo ang nagsugo sa akin dito, kundi ang Dios: at kaniya akong ginawang ama kay Faraon, at panginoon sa buo niyang bahay, at tagapamahala ng buong lupain ng Egipto. 001 GEN 045 009 Magmadali kayo, at pumaroon kayo sa aking ama, at sabihin ninyo sa kaniya: Ganito ang sabi ng iyong anak na si Jose: Ginawa akong panginoon ng Dios sa buong Egipto: pumarito ka sa akin, huwag kang magluwat. 001 GEN 045 010 At ikaw ay tatahan sa lupain ng Gosen, at malalapit ka sa akin, ikaw at ang iyong mga anak, at ang mga anak ng iyong mga anak, at ang iyong mga kawan, at ang iyong mga bakahan, at ang iyong buong tinatangkilik. 001 GEN 045 011 At doo'y kakandilihin kita; sapagka't may limang taong kagutom pa; baka ikaw ay madukha, ikaw at ang iyong sangbahayan, at ang lahat ng iyo. 001 GEN 045 012 At, narito, nakikita ng inyong mga mata at ng mga mata ng aking kapatid na si Benjamin, na ang aking bibig ang nagsasalita sa inyo. 001 GEN 045 013 At inyong sasaysayin sa aking ama ang aking buong kaluwalhatian sa Egipto, at ang inyong buong nakita; at kayo'y magmamadali at inyong ibababa rito ang aking ama. 001 GEN 045 014 At siya'y humilig sa leeg ng kaniyang kapatid na si Benjamin, at umiyak; at si Benjamin ay umiyak sa ibabaw ng kaniyang leeg. 001 GEN 045 015 At kaniyang hinagkan ang lahat niyang kapatid, at umiyak sa kanila: at pagkatapos ay nakipagsalitaan sa kaniya ang kaniyang mga kapatid. 001 GEN 045 016 At ang kabantugang yaon ay naibalita sa sangbahayan ni Faraon, na sinasabi, Nagsidating ang mga kapatid ni Jose: at ikinalugod ni Faraon, at ng kaniyang mga lingkod. 001 GEN 045 017 At sinabi ni Faraon kay Jose, Sabihin mo sa iyong mga kapatid, Ito'y gawin ninyo: pasanan ninyo ang inyong mga hayop, at kayo'y yumaon, umuwi sa lupain ng Canaan; 001 GEN 045 018 At dalhin ninyo ang inyong ama at ang inyong mga sangbahayan, at pumarito kayo sa akin: at aking ibibigay sa inyo ang pinakamabuti sa lupain ng Egipto, at kakanin ninyo ang katabaan ng lupain. 001 GEN 045 019 Ngayo'y inuutusan ka, ito'y gawin ninyo; kumuha kayo ng mga kariton sa lupain ng Egipto para sa inyong mga bata, at sa inyong mga asawa, at dalhin ninyo rito ang inyong ama, at kayo'y pumarito. 001 GEN 045 020 Huwag din ninyong lingapin ang inyong pag-aari; dahil sa ang buti ng buong lupain ng Egipto ay inyo. 001 GEN 045 021 At ginawang gayon ng mga anak ni Israel: at binigyan sila ni Jose ng mga kariton, ayon sa utos ni Faraon, at sila'y binigyan ng mababaon sa daan. 001 GEN 045 022 Sa kanilang lahat ay nagbigay siya ng mga pangpalit na bihisan; nguni't kay Benjamin ay nagbigay siya ng tatlong daang putol na pilak, at limang pangpalit na bihisan. 001 GEN 045 023 At sa kaniyang ama ay nagpadala siya ng ganitong paraan; sangpung asnong may pasang mabuting mga bagay sa Egipto, at sangpung asna na may pasang trigo at tinapay at pagkain ng kaniyang ama sa daan. 001 GEN 045 024 Sa ganito ay kaniyang pinapagpaalam ang kaniyang mga kapatid, at sila'y yumaon: at kaniyang sinabi sa kanila, Huwag kayong magkaaalit sa daan. 001 GEN 045 025 At sila'y sumumpa mula sa Egipto, at naparoon sa lupain ng Canaan, kay Jacob na kanilang ama. 001 GEN 045 026 At kanilang isinaysay sa kaniya, na sinasabi, Si Jose ay buhay pa, at siya'y puno sa buong lupain ng Egipto. At ang kaniyang puso ay nanglupaypay, sapagka't di niya pinaniwalaan sila. 001 GEN 045 027 At kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat ng salita ni Jose, na kaniyang sinabi sa kanila: nang kaniyang makita ang mga karitong ipinadala ni Jose upang dalhin sa kaniya, ay nagsauli ang diwa ni Jacob na kanilang ama. 001 GEN 045 028 At sinabi ni Israel, Siya na; si Jose na aking anak ay buhay pa: ako'y paroroon at titingnan ko siya, bago ako mamatay. 001 GEN 046 001 At si Israel ay naglakbay na dala ang lahat niyang tinatangkilik, at napasa Beerseba, at naghandog ng mga hain sa Dios ng kaniyang amang si Isaac. 001 GEN 046 002 At kinausap ng Dios si Israel sa mga panaginip sa gabi, at sinabi, Jacob, Jacob. At sinabi niya, Narito ako: 001 GEN 046 003 At kaniyang sinabi, Ako'y Dios, ang Dios ng iyong ama, huwag kang matakot na bumaba sa Egipto: sapagka't doo'y gagawin kitang isang dakilang bansa: 001 GEN 046 004 Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; at tunay na iaahon kita uli, at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata. 001 GEN 046 005 At bumangon si Jacob mula sa Beerseba; at dinala ng mga anak ni Israel si Jacob na kanilang ama, at ang kanilang mga bata, at ang kanilang mga asawa, sa mga kariton na ipinadala ni Faraon kay Jacob. 001 GEN 046 006 At kanilang dinala ang kanilang mga hayop, at ang kanilang mga pag-aari na kanilang inimpok sa lupain ng Canaan, at na pasa Egipto, si Jacob at ang buong binhi niya na kasama niya. 001 GEN 046 007 Ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang mga anak na lalake at babae ng kaniyang mga anak na kasama niya, at ang kaniyang buong binhi ay dinala niyang kasama niya sa Egipto. 001 GEN 046 008 At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na napasa Egipto, ni Jacob at ng kaniyang mga anak: si Ruben na anak na panganay ni Jacob. 001 GEN 046 009 At ang mga anak ni Ruben; si Hanoch, at si Phallu, at si Hezron, at si Carmi. 001 GEN 046 010 At ang mga anak ni Simeon; si Jemuel, at si Jamin, at si Ohad, at si Jachin, at si Zohar, at si Saul na anak ng isang babaing taga Canaan. 001 GEN 046 011 At ang mga anak ni Levi; si Gerson, si Coat at si Merari. 001 GEN 046 012 At ang mga anak ni Juda; si Er, at si Onan, at si Sela, at si Phares, at si Zara; nguni't si Er at si Onan ay namatay sa lupain ng Canaan. At ang mga anak ni Phares, si Hezron at si Hamul. 001 GEN 046 013 At ang mga anak ni Issachar; si Thola, at si Phua, at si Job, at si Simron. 001 GEN 046 014 At ang mga anak ni Zabulon; si Sered; at si Elon, at si Jahleel. 001 GEN 046 015 Ito ang mga anak ni Lea, na kaniyang ipinanganak kay Jacob sa Padan-aram, sangpu ng kaniyang anak na babaing si Dina: ang lahat na taong kaniyang mga anak na lalake at babae ay tatlong pu't tatlo. 001 GEN 046 016 At ang mga anak ni Gad; si Ziphion, at si Aggi, si Suni, at si Ezbon, si Heri, at si Arodi, at si Areli. 001 GEN 046 017 At ang mga anak ni Aser; si Jimna; at si Ishua, at si Isui, at si Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae: at ang mga anak ni Beria; si Heber, at si Malchel. 001 GEN 046 018 Ito ang mga anak ni Zilpa na siyang ibinigay ni Laban kay Lea na kaniyang anak na babae, at ang mga ito ay kaniyang ipinanganak kay Jacob, na labing anim na tao. 001 GEN 046 019 Ang mga anak ni Raquel na asawa ni Jacob; si Jose at si Benjamin. 001 GEN 046 020 At kay Jose ay ipinanganak sa lupain ng Egipto si Manases at si Ephraim, na ipinanganak sa kaniya ni Asenath, na anak ni Potiphera na saserdote sa On. 001 GEN 046 021 At ang mga anak ni Benjamin; si Bela; at si Becher, at si Asbel, si Gera, at si Naaman, si Ehi, at si Ros, si Muppim, at si Huppim, at si Ard. 001 GEN 046 022 Ito ang mga anak ni Raquel na ipinanganak kay Jacob: lahat ay labing apat. 001 GEN 046 023 At ang mga anak ni Dan; si Husim. 001 GEN 046 024 At ang mga anak ni Nephtali; si Jahzeel, at si Guni, at si Jezer, at si Shillem. 001 GEN 046 025 Ito ang mga anak ni Bilha, na siyang ibinigay ni Laban kay Raquel na kaniyang anak, at ang mga ito ang ipinanganak niya kay Jacob; lahat na tao ay pito. 001 GEN 046 026 Lahat na tao na sumama kay Jacob sa Egipto, na nagsilabas sa kaniyang mga balakang, bukod pa ang mga asawa ng mga anak ni Jacob, ang lahat na tao ay anim na pu't anim; 001 GEN 046 027 At ang mga anak ni Jose na ipinanganak sa kaniya sa Egipto, ay dalawang katao; ang lahat na tao sa sangbahayan ni Jacob, na napasa Egipto, ay pitongpu. 001 GEN 046 028 At pinapagpauna niya si Juda kay Jose, upang ituro ang daan na patungo sa Gosen; at sila'y nagsidating sa lupain ng Gosen. 001 GEN 046 029 At inihanda ni Jose ang kaniyang karro, at sumampang sinalubong si Israel na kaniyang ama sa Gosen; at siya'y humarap sa kaniya, at yumakap sa kaniyang leeg, at umiyak sa kaniyang leeg na matagal. 001 GEN 046 030 At sinabi ni Israel kay Jose, Ngayo'y mamatay na ako yamang nakita ko na ang iyong mukha, na ikaw ay buhay pa. 001 GEN 046 031 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, at sa sangbahayan ng kaniyang ama, Ako'y aahon, at aking sasaysayin kay Faraon, at aking sasabihin sa kaniya. Ang aking mga kapatid, at ang sangbahayan ng aking ama, na nangasa lupain ng Canaan, ay naparito sa akin; 001 GEN 046 032 At ang mga lalake ay mga pastor, sapagka't sila'y naging tagapagalaga ng hayop, at kanilang dinala ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik. 001 GEN 046 033 At mangyayaring, pagka tatawagin kayo ni Faraon, at sasabihin, Ano ang inyong hanapbuhay? 001 GEN 046 034 Na inyong sasabihin, Ang iyong mga lingkod ay naging tagapagalaga ng hayop mula sa aming pagkabata hanggang ngayon, kami at ang aming mga magulang; upang kayo'y matira sa lupain ng Gosen; sapagka't bawa't pastor ay kasuklamsuklam sa mga Egipcio. 001 GEN 047 001 Nang magkagayo'y pumasok si Jose at isinaysay kay Faraon, at sinabi, Ang aking ama, at ang aking mga kapatid, at ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik, ay dumating na mula sa lupain ng Canaan; at, narito, sila'y nasa lupain ng Gosen. 001 GEN 047 002 At sa kaniyang mga kapatid ay nagsama siya ng limang lalake, at mga iniharap niya kay Faraon. 001 GEN 047 003 At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga kapatid, Ano ang inyong hanapbuhay? At kanilang sinabi kay Faraon, Ang iyong mga lingkod ay mga pastor, kami at gayon din ang aming mga magulang. 001 GEN 047 004 At kanilang sinabi kay Faraon, Upang makipamayan sa bayang ito ay naparito kami; sapagka't walang makain ang mga kawan ng iyong mga lingkod; dahil sa ang kagutom ay mahigpit sa lupain ng Canaan: ngayon nga, ay isinasamo namin sa iyo, na pahintulutan mo na ang iyong mga lingkod ay tumahan sa lupain ng Gosen. 001 GEN 047 005 At sinalita ni Faraon kay Jose, na sinasabi, Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ay naparito sa iyo: 001 GEN 047 006 Ang lupain ng Egipto ay nasa harap mo; sa pinakamabuti sa lupain ay patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid; sa lupain ng Gosen patirahin mo sila: at kung may nakikilala kang mga matalinong lalake sa kanila, ay papamahalain mo sa aking hayop. 001 GEN 047 007 At ipinasok ni Jose si Jacob na kaniyang ama, at itinayo niya sa harap ni Faraon, at binasbasan ni Jacob si Faraon. 001 GEN 047 008 At sinabi ni Faraon kay Jacob, Ilan ang mga araw ng mga taon ng iyong buhay? 001 GEN 047 009 At sinabi ni Jacob kay Faraon, Ang mga araw ng mga taon ng aking pakikipamayan ay isang daan at tatlong pung taon; kaunti at masasama ang mga naging araw ng mga taon ng aking buhay, at hindi umabot sa mga araw ng mga taon ng buhay ng aking mga magulang sa mga araw ng kanilang pakikipamayan. 001 GEN 047 010 At binasbasan ni Jacob si Faraon at umalis sa harapan ni Faraon. 001 GEN 047 011 At itinatag ni Jose ang kaniyang ama, at ang kaniyang mga kapatid, at sila'y binigyan ng pag-aari sa lupain ng Egipto, sa pinakamabuti sa lupain, sa lupain ng Rameses, gaya ng iniutos ni Faraon. 001 GEN 047 012 At pinakain ni Jose ng tinapay ang kaniyang ama, at ang kaniyang mga kapatid, at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama, ayon sa kanikaniyang sangbahayan. 001 GEN 047 013 At walang tinapay sa buong lupain; sapagka't ang kagutom ay totoong malala, na ano pa't ang lupain ng Egipto, at ang lupain ng Canaan ay nanglulupaypay dahil sa kagutom. 001 GEN 047 014 At tinipon ni Jose ang lahat ng salapi na nasumpungan sa lupain ng Egipto, at sa lupain ng Canaan, dahil sa trigong kanilang binibili: at ipinasok ni Jose ang salapi sa bahay ni Faraon. 001 GEN 047 015 At nang ang salapi ay maubos na lahat sa lupain ng Egipto, at sa lupain ng Canaan, ay naparoon kay Jose ang lahat ng mga Egipcio, at nagsabi; Bigyan mo kami ng tinapay: sapagka't bakit kami mamamatay sa iyong harap? dahil sa ang aming salapi ay naubos. 001 GEN 047 016 At sinabi ni Jose, Ibigay ninyo ang inyong mga hayop; at bibigyan ko kayo dahil sa inyong mga hayop; kung naubos na ang salapi. 001 GEN 047 017 At kanilang dinala ang kanilang mga hayop kay Jose, at binigyan sila ni Jose ng tinapay na pinakapalit sa mga kabayo, at sa mga kawan, at sa mga bakahan, at sa mga asno; at kaniyang pinakain sila ng tinapay na pinakapalit sa kanilang lahat na hayop sa taong yaon. 001 GEN 047 018 At nang matapos ang taong yaon ay naparoon sila sa kaniya ng ikalawang taon, at kanilang sinabi sa kaniya: Hindi namin ililihim sa aming panginoon, na kung paanong ang aming salapi ay naubos, at ang mga kawan ng hayop ay sa aking panginoon; wala nang naiiwan sa paningin ng aking panginoon kundi ang aming katawan at ang aming mga lupa. 001 GEN 047 019 Bakit nga kami mamamatay sa harap ng iyong mga mata, kami at ang aming lupa? bilhin mo ng tinapay kami at ang aming lupa at kami at ang aming lupa ay paaalipin kay Faraon: at bigyan mo kami ng binhi, upang kami ay mabuhay, at huwag mamatay, at ang lupa ay huwag masira. 001 GEN 047 020 Sa ganito'y binili ni Jose ang buong lupain ng Egipto para kay Faraon; sapagka't ipinagbili ng bawa't isa sa mga Egipcio ang kaniyang bukid, dahil sa ang kagutom ay totoong mahigpit sa kanila: at ang lupain ay naging kay Faraon. 001 GEN 047 021 At tungkol sa mga tao ay kanilang ibinago sila sa mga bayan mula sa isang dulo ng hanganan ng Egipto hanggang sa kabilang dulo, 001 GEN 047 022 Ang lupa lamang ng mga saserdote ang hindi niya nabili: sapagka't ang mga saserdote'y may bahagi kay Faraon, at kanilang kinakain ang kanilang bahagi na ibinibigay sa kanila ni Faraon; kaya hindi nila ipinagbili ang kanilang lupa. 001 GEN 047 023 Nang magkagayo'y sinabi ni Jose sa bayan: Narito, aking binili kayo ng araw na ito, at ang inyong lupa'y para kay Faraon: narito, ito ang ipangbibinhi ninyo, at inyong hahasikan ang lupa. 001 GEN 047 024 At mangyayari sa pag-aani ay inyong ibibigay ang ikalimang bahagi kay Faraon, at ang apat na bahagi ay sa inyo, sa binhi sa bukid at sa inyong pagkain, at sa inyong mga kasangbahay, at pinakapagkain sa inyong mga bata. 001 GEN 047 025 At kanilang sinabi, Iyong iniligtas ang aming buhay: makasumpong nawa kami ng biyaya sa paningin ng aking panginoon, at kami ay maging mga alipin ni Faraon. 001 GEN 047 026 At ginawang kautusan ni Jose sa lupain ng Egipto sa araw na ito, na mapapasa kay Faraon ang ikalimang bahagi, liban lamang ang lupa ng mga saserdote na hindi naging kay Faraon. 001 GEN 047 027 At si Israel ay tumahan sa lupain ng Egipto, sa lupain ng Gosen; at sila'y nagkaroon ng mga pag-aari roon, at pawang sagana at totoong dumami. 001 GEN 047 028 At si Jacob ay tumira sa lupain ng Egipto na labing pitong taon; kaya't ang mga araw ni Jacob, ang mga taon ng kaniyang buhay, ay isang daan at apat na pu't pitong taon. 001 GEN 047 029 At ang panahon ay lumalapit na dapat nang mamatay si Israel: at kaniyang tinawag ang kaniyang anak na si Jose, at sinabi niya sa kaniya, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay ilagay mo, isinasamo ko sa iyo, ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita, at pagpakitaan mo ako ng kaawaan at katotohanan; isinasamo ko sa iyong huwag mo akong ilibing sa Egipto: 001 GEN 047 030 Kundi pagtulog kong kasama ng aking mga magulang ay dadalhin mo ako mula sa Egipto, at ililibing mo ako sa kanilang libingan. At kaniyang sinabi, Aking gagawin ang gaya ng iyong sabi. 001 GEN 047 031 At kaniyang sinabi, Sumumpa ka sa akin: at sumumpa siya sa kaniya. At yumukod si Israel sa ulunan ng higaan. 001 GEN 048 001 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinabi ng isa kay Jose, Narito, ang iyong ama ay may sakit: at kaniyang ipinagsama ang kaniyang dalawang anak, si Manases at si Ephraim. 001 GEN 048 002 At may nagsaysay kay Jacob, at nagsabi, Narito, pinaparituhan ka ng anak mong si Jose: at si Israel ay nagpakalakas at umupo sa higaan. 001 GEN 048 003 At sinabi ni Jacob kay Jose, Ang Dios na Makapangyarihan sa lahat ay napakita sa akin sa Luz sa lupain ng Canaan, at binasbasan ako. 001 GEN 048 004 At sinabi sa akin, Narito, palalaguin kita, at pararamihin kita, at gagawin kitang isang kapisanan ng mga bayan; at aking ibibigay ang lupaing ito sa iyong lahi pagkamatay mo, na pinakaari magpakailan man. 001 GEN 048 005 At ang iyo ngang dalawang anak na ipinanganak sa iyo sa lupain ng Egipto bago ako naparito sa iyo sa Egipto, ay akin; si Ephraim at si Manases, gaya ni Ruben at ni Simeon ay magiging akin. 001 GEN 048 006 At ang iyong mga anak, na iyong mga naging anak na sumunod sa kanila ay magiging iyo; sila'y tatawagin ayon sa pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana. 001 GEN 048 007 At tungkol sa akin, nang ako'y dumating mula sa Padan, si Raquel ay namatay sa akin sa lupain ng Canaan sa daan, nang kulang pa ng kaunti upang dumating sa Ephrata: at aking inilibing siya roon sa daan ng Ephrata (na siya ring Bethlehem). 001 GEN 048 008 At nakita ni Israel ang mga anak ni Jose, at sinabi, Sino sino ito? 001 GEN 048 009 At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, Sila'y aking mga anak, na silang mga ibinigay ng Dios sa akin dito. At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo, na iyong dalhin sila rito sa akin, at sila'y aking babasbasan. 001 GEN 048 010 Ang mga mata nga ni Israel ay malabo na dahil sa katandaan, na ano pa't hindi na siya makakita. At kaniyang inilapit sila sa kaniya; at sila'y kaniyang hinagkan, at niyakap. 001 GEN 048 011 At sinabi ni Israel kay Jose, Hindi ko akalaing makita ang iyong mukha: at, narito, ipinakita sa akin ng Dios pati ng iyong binhi. 001 GEN 048 012 At sila'y pinagkuha ni Jose sa pagitan ng kaniyang mga tuhod; at siya'y nagpatirapa sa lupa. 001 GEN 048 013 At kapuwa dinala ni Jose, si Ephraim sa kaniyang kanang kamay, sa dakong kaliwang kamay ni Israel, at si Manases sa kaniyang kaliwang kamay, sa dakong kanang kamay ni Israel, at inilapit niya sa kaniya. 001 GEN 048 014 At iniunat ni Israel ang kaniyang kanang kamay, at ipinatong sa ulo ni Ephraim, na siyang bunso, at ang kaniyang kaliwang kamay ay sa ulo ni Manases, na pinapatnubayang sadya ang kaniyang mga kamay; sapagka't si Manases ang panganay. 001 GEN 048 015 At kaniyang binasbasan si Jose, at sinabi, Ang Dios na sa harap niya ay lumakad ang aking mga magulang na si Abraham at si Isaac, ang Dios na nagpakain sa akin sa buong buhay ko hanggang sa araw na ito, 001 GEN 048 016 Ang anghel na tumubos sa akin sa buong kasamaan, ay siya nawang magpala sa mga batang ito; at tawagin nawa sila sa aking pangalan, at sa pangalan ng aking mga magulang na si Abraham at si Isaac; at magsidami nawa silang totoo sa ibabaw ng lupa. 001 GEN 048 017 At nang makita ni Jose na ipinatong ng kaniyang ama ang kaniyang kanang kamay sa ulo ni Ephraim, ay minasama niya; at itinaas niya ang kamay ng kaniyang ama, upang ilipat sa ulo ni Manases mula sa ulo ni Ephraim. 001 GEN 048 018 At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, Hindi ganyan, ama ko: sapagka't ito ang panganay; ipatong mo ang iyong kanang kamay sa kaniyang ulo. 001 GEN 048 019 At tumanggi ang kaniyang ama, at sinabi, Talastas ko, anak ko, talastas ko; siya man ay magiging isang bayan, at siya man ay magiging dakila: gayon ma'y ang kaniyang kapatid na bata ay magiging lalong dakila kay sa kaniya, at ang kaniyang binhi ay magiging isang makapal na bansa. 001 GEN 048 020 At kaniyang binasbasan sila ng araw na yaon, na sinasabi Sa iyo magbabasbas ang Israel, na magsasabi, Gawin ka nawa ng Dios na gaya ni Ephraim at gaya ni Manases, at kaniyang ipinagpauna si Ephraim bago si Manases. 001 GEN 048 021 At sinabi ni Israel kay Jose, Narito, ako'y namamatay: nguni't ang Dios ay sasainyo, at dadalhin kayo uli sa lupain ng inyong mga magulang. 001 GEN 048 022 Bukod dito'y binigyan kita ng isang bahaging higit kay sa iyong mga kapatid, na aking kinuha ng aking tabak at ng aking busog sa kamay ng Amorrheo. 001 GEN 049 001 At tinawag ni Jacob ang kaniyang mga anak, at sinabi, Magpipisan kayo, upang maisaysay ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa mga huling araw. 001 GEN 049 002 Magpipisan kayo at kayo'y makinig, kayong mga anak ni Jacob; At inyong pakinggan si Israel na inyong ama. 001 GEN 049 003 Ruben, ikaw ang aking panganay, ang aking kapangyarihan, at siyang pasimula ng aking kalakasan; Siyang kasakdalan ng kamahalan, at siyang kasakdalan ng kapangyarihan. 001 GEN 049 004 Kumukulong parang tubig na umaawas, hindi ka magtataglay ng kasakdalan, Sapagka't, sumampa ka sa higaan ng iyong ama: Hinamak mo nga; sumampa sa aking higaan. 001 GEN 049 005 Si Simeon at si Levi ay magkapatid; Mga almas na marahas ang kanilang mga tabak. 001 GEN 049 006 Oh kaluluwa ko, huwag kang pumasok sa kanilang payo; Sa kanilang kapisanan, ay huwag kang makiisa, kaluwalhatian ko; Sapagka't sa kanilang galit ay pumatay ng tao: At sa kanilang sariling kalooban ay pumutol ng hita ng baka. 001 GEN 049 007 Sumpain ang kanilang galit, sapagka't mabangis; At ang kanilang pagiinit, sapagka't mabagsik. Aking babahagihin sila sa Jacob. At aking pangangalatin sila sa Israel. 001 GEN 049 008 Juda, ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid: Ang iyong kamay ay magpapahinga sa leeg ng iyong mga kaaway: Ang mga anak ng iyong ama ay yuyukod sa harap mo. 001 GEN 049 009 Si Juda'y isang anak ng leon, Mula sa panghuhuli, anak ko umahon ka: Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon; At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya? 001 GEN 049 010 Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda, Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa, Hanggang sa ang Shiloh ay dumating; At sa kaniya tatalima ang mga bansa. 001 GEN 049 011 Naitatali ang kaniyang batang asno sa puno ng ubas. At ang guya ng kaniyang asno sa puno ng piling ubas; Nilabhan niya ang kaniyang suot sa alak, At ang kaniyang damit sa katas ng ubas. 001 GEN 049 012 Ang kaniyang mga mata ay mamumula sa alak, At ang kaniyang mga ngipin ay mamumuti sa gatas. 001 GEN 049 013 Si Zabulon ay tatahan sa daongan ng dagat: At siya'y magiging daongan ng mga sasakyan; At ang kaniyang hangganan ay magiging hanggang Sidon. 001 GEN 049 014 Si Issachar ay isang malakas na asno, Na lumulugmok sa gitna ng mga tupahan: 001 GEN 049 015 At nakakita siya ng dakong pahingahang mabuti, At ng lupang kaayaaya; At kaniyang iniyukod ang kaniyang balikat upang pumasan, At naging aliping mangaatag. 001 GEN 049 016 Si Dan ay hahatol sa kaniyang bayan, Gaya ng isa sa angkan ni Israel. 001 GEN 049 017 Si Dan ay magiging ahas sa daan, At ulupong sa landas, Na nangangagat ng mga sakong ng kabayo, Na ano pa't nahuhulog sa likuran ang sakay niyaon. 001 GEN 049 018 Aking hinintay ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon. 001 GEN 049 019 Si Gad, ay hahabulin ng isang pulutong: Nguni't siya ang hahabol sa kanila. 001 GEN 049 020 Hinggil kay Aser, ay lulusog ang tinapay niya, At gagawa ng masasarap na pagkain. 001 GEN 049 021 Si Nephtali ay isang usang babaing kawala: Siya'y nagbabadya ng maririkit na pananalita. 001 GEN 049 022 Si Jose ay sangang mabunga, Sangang mabunga na nasa tabi ng bukal; Ang kaniyang mga sanga'y gumagapang sa pader. 001 GEN 049 023 Pinamanglaw siya ng mga mamamana, At pinana siya, at inusig siya: 001 GEN 049 024 Nguni't ang kaniyang busog ay nanahan sa kalakasan, At pinalakas ang mga bisig ng kaniyang mga kamay, Sa pamamagitan ng mga kamay ng Makapangyarihan ni Jacob, (Na siyang pinagmulan ng pastor, ang bato ng Israel), 001 GEN 049 025 Sa pamamagitan nga ng Dios ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo, At sa pamamagitan ng Makapangyarihan sa lahat, na siyang magpapala sa iyo, Ng pagpapala ng langit sa itaas, Pagpapala ng mga kalaliman na nalalagay sa ibaba, Pagpapala ng mga dibdib at ng bahay-bata. 001 GEN 049 026 Ang mga basbas ng iyong ama na humigit sa basbas ng aking mga kanunuan Hanggang sa wakas ng mga burol na walang hanggan: Mangapapasa ulo ni Jose, At sa tuktok ng ulo niya na bukod tangi sa kaniyang mga kapatid. 001 GEN 049 027 Si Benjamin ay isang lobo na mangaagaw: Sa kinaumagaha'y kaniyang kakanin ang huli, At sa kinahapunan ay kaniyang babahagihin ang samsam. 001 GEN 049 028 Ang lahat ng ito ang labing dalawang angkan ng Israel: at ito ang sinalita ng ama nila sa kanila, at sila'y binasbasan; bawa't isa'y binasbasan ng ayon sa basbas sa kanikaniya, 001 GEN 049 029 At kaniyang ipinagbilin sa kanila, at sinabi sa kanila: Ako'y malalakip sa aking bayan: ilibing ninyo ako sa kasamahan ng aking mga magulang sa yungib na nasa parang ni Ephron na Hetheo, 001 GEN 049 030 Sa yungib na nasa parang ng Machpela, na nasa tapat ng Mamre, sa lupain ng Canaan, na binili ni Abraham, na kalakip ng parang kay Ephron na Hetheo, na pinakaaring libingan: 001 GEN 049 031 Na doon nila inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa; na doon nila inilibing si Isaac at si Rebeca na kaniyang asawa; at doon ko inilibing si Lea: 001 GEN 049 032 Sa parang at sa yungib na nandoon na binili sa mga anak ni Heth. 001 GEN 049 033 At nang matapos si Jacob na makapagbilin sa kaniyang mga anak, ay kaniyang itinaas at itinikom ang kaniyang mga paa sa higaan, at nalagot ang hininga, at nalakip sa kaniyang bayan. 001 GEN 050 001 At yumakap si Jose sa mukha ng kaniyang ama, at umiyak sa ibabaw niya, at hinalikan niya siya. 001 GEN 050 002 At iniutos ni Jose sa kaniyang mga lingkod na manggagamot, na embalsamahin ang kaniyang ama: at inembalsama ng mga manggagamot si Israel. 001 GEN 050 003 At apat na pung araw ang ginanap sa kaniya; sapagka't gayon ginaganap ang mga araw ng pagembalsama; at tinangisan siya ng mga Egipcio ng pitong pung araw. 001 GEN 050 004 At nang makaraan ang mga araw ng pagiyak sa kaniya ay nagsalita si Jose sa sangbahayan ni Faraon, na sinasabi, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa inyong mga mata ay salitain ninyo, isinasamo ko sa inyo, sa mga pakinig ni Faraon, na inyong sabihin, 001 GEN 050 005 Pinanumpa ako ng ama ko, na sinasabi, Narito, ako'y namamatay: sa libingan na aking hinukay sa akin sa lupain ng Canaan, ay doon mo ako ililibing. Ngayon nga'y pahintulutan ninyo akong umahon, isinasamo ko sa inyo, at aking ilibing ang aking ama, at babalik uli ako. 001 GEN 050 006 At sinabi ni Faraon, Umahon ka, at ilibing mo ang iyong ama, ayon sa kaniyang ipinasumpa sa iyo. 001 GEN 050 007 At umahon si Jose upang ilibing ang kaniyang ama: at kasama niyang umahon ang lahat ng lingkod ni Faraon, ang mga matanda sa kaniyang sangbahayan, at ang lahat na matanda sa lupain ng Egipto; 001 GEN 050 008 At ang buong sangbahayan ni Jose, at ang kaniyang mga kapatid, at ang sangbahayan ng kaniyang ama: ang kanila lamang mga bata, at ang kanilang mga kawan, at ang kanilang bakahan, ang iniwan nila sa lupain ng Gosen. 001 GEN 050 009 At umahong kasama niya ang mga karro at mga nangangabayo: at yao'y naging totoong malaking pulutong. 001 GEN 050 010 At sila'y dumating sa giikan ni Atad, na nasa dako pa roon ng Jordan, at doo'y nanaghoy sila ng malakas at kapaitpait na panaghoy: at kaniyang pinanangisan ang kaniyang ama na pitong araw. 001 GEN 050 011 At nang makita ng mga nananahan sa lupaing yaon, ng mga Cananeo, ang panaghoy sa giikan ni Atad, ay kanilang sinabi, Ito'y isang kahambalhambal na panaghoy ng mga Egipcio kaya't ang pangalang itinawag ay Abel-mizraim, nasa dako pa roon ng Jordan. 001 GEN 050 012 At ginawa sa kaniya ng kaniyang mga anak ang ayon sa iniutos sa kanila. 001 GEN 050 013 Sapagka't dinala siya ng kaniyang mga anak sa lupain ng Canaan, at inilibing siya sa yungib ng Machpela, na binili ni Abraham sangpu ng parang na pinakaaring libingan, kay Ephron na Hetheo, sa tapat ng Mamre. 001 GEN 050 014 At bumalik si Jose sa Egipto, siya, at ang kaniyang mga kapatid, at ang lahat na umahong kasama niya sa paglilibing sa kaniyang ama, pagkatapos na mailibing ang kaniyang ama. 001 GEN 050 015 At nang makita ng mga kapatid ni Jose, na ang kanilang ama'y namatay, ay kanilang sinabi, Marahil si Jose ay mapopoot sa atin, at lubos na gagantihin sa atin ang buong kasamaan na ating ginawa sa kaniya. 001 GEN 050 016 At ipinasabi nila kay Jose, Iniutos ng iyong ama bago namatay, na sinasabi, 001 GEN 050 017 Ganito sasabihin ninyo kay Jose. Ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo ngayon, ang pagsalangsang ng iyong mga kapatid, at ang kanilang kasalanan; at ngayon, ay aming isinasamo sa iyo, na ipatawad mo ang mga pagsalangsang ng mga lingkod ng Dios ng iyong ama. At si Jose ay umiyak ng kanilang salitain sa kaniya. 001 GEN 050 018 At naparoon ang kaniyang mga kapatid naman at nagpatirapa sa harap niya; at kanilang sinabi, Narito, kaming iyong mga lingkod. 001 GEN 050 019 At sinabi ni Jose sa kanila, Huwag kayong matakot, sapagka't nasa kalagayan ba ako ng Dios? 001 GEN 050 020 At tungkol sa inyo ay inyong ipinalagay na kasamaan laban sa akin; nguni't ipinalagay ng Dios na kabutihan upang mangyari ang gaya sa araw na ito, na iligtas ang buhay ng maraming tao. 001 GEN 050 021 Kaya nga huwag kayong matakot: aking pakakanin kayo at ang inyong mga bata. At kaniyang inaliw sila at kaniyang pinagsalitaan sila na may kagandahang loob. 001 GEN 050 022 At si Jose ay tumahan sa Egipto, siya at ang sangbahayan ng kaniyang ama: at si Jose ay nabuhay na isang daan at sangpung taon. 001 GEN 050 023 At nakita ni Jose ang mga anak ni Ephraim hanggang sa ikatlong salin ng lahi; ang mga anak man ni Machir na anak ni Manases ay ipinanganak sa mga tuhod ni Jose. 001 GEN 050 024 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: Ako'y namamatay: nguni't tunay na dadalawin kayo ng Dios, at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na kaniyang isinumpa kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob. 001 GEN 050 025 At ipinasumpa ni Jose sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Tunay na dadalawin kayo ng Dios, at inyong iaahon ang aking mga buto mula rito. 001 GEN 050 026 Sa gayo'y namatay si Jose na may isang daan at sangpung taon: at kanilang inembalsama siya, at siya'y inilagay sa isang kabaong sa Egipto. # # BOOK 002 EXO Exodus Exodo 002 EXO 001 001 Ito nga ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na nagsipasok sa Egipto: (bawa't lalake at ang kani-kaniyang sangbahayan ay sumama kay Jacob.) 002 EXO 001 002 Si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda; 002 EXO 001 003 Si Issachar, si Zabulon at si Benjamin; 002 EXO 001 004 Si Dan at si Nephtali, si Gad at si Aser. 002 EXO 001 005 At lahat ng tao na lumabas sa balakang ni Jacob ay pitong pung tao: at si Jose ay nasa Egipto na. 002 EXO 001 006 At namatay si Jose, at ang lahat niyang kapatid at ang buong lahing yaon. 002 EXO 001 007 At ang mga anak ni Israel ay lumago, at kumapal na maigi at dumami, at naging totoong makapangyarihan; at ang lupain ay napuno nila. 002 EXO 001 008 May bumangon ngang isang bagong hari sa Egipto, na hindi kilala si Jose. 002 EXO 001 009 At sinabi niya sa kaniyang bayan, Narito, ang bayan ng mga anak ni Israel ay higit at lalong malakas kay sa atin: 002 EXO 001 010 Hayo't tayo'y magpakadunong sa kanila; baka sila'y dumami, at mangyari, na, pagka nagkadigma, ay makisanib pati sila sa ating mga kaaway, at lumaban sa atin, at magsilayas sa lupain. 002 EXO 001 011 Kaya't nangaglagay sila ng mga tagapagpaatag, upang dalamhatiin sila sa atang sa kanila. At kanilang ipinagtayo si Faraon ng mga bayan na kamaligan, na dili iba't ang Phithom at Raamses. 002 EXO 001 012 Datapuwa't habang dinadalamhati nila sila, ay lalong dumadami at lalong kumakapal. At kinapootan nila ang mga anak ni Israel. 002 EXO 001 013 At pinapaglingkod na may kabagsikan ng mga Egipcio ang mga anak ni Israel: 002 EXO 001 014 At kanilang pinapamuhay sila ng masaklap sa pamamagitan ng mahirap na paglilingkod, sa argamasa at sa laryo, at sa lahat ng sarisaring paglilingkod sa bukid, at sa lahat ng paglilingkod nila na ipinapaglingkod sa kanila, na may kabagsikan. 002 EXO 001 015 At ang hari sa Egipto ay nagsalita sa mga hilot na Hebrea, na ang pangalan ng isa ay Siphra, at ang pangalan ng isa ay Phua: 002 EXO 001 016 At kaniyang sinabi, Paghilot ninyo sa mga babaing Hebrea, at pagtingin ninyo sa kanila sa dakong panganganakan; kung lalake, ay papatayin nga ninyo: datapuwa't kung babae ay inyong bubuhayin. 002 EXO 001 017 Datapuwa't ang mga hilot ay nangatakot sa Dios at hindi ginawa ang gaya ng iniutos sa kanila ng hari sa Egipto, kundi iniligtas na buhay ang mga batang lalake. 002 EXO 001 018 At ipinatawag ng hari sa Egipto ang mga hilot, at sinabi sa kanila, Bakit ninyo ginawa ang bagay na ito, at inyong iniligtas na buhay ang mga batang lalake? 002 EXO 001 019 At sinabi ng mga hilot kay Faraon, Sapagka't ang mga babaing Hebrea ay hindi gaya ng mga babaing Egipcia; sapagka't sila'y maliliksi, at nakapanganak na, bago dumating ang hilot sa kanila. 002 EXO 001 020 At ang Dios ay gumawa ng mabuti sa mga hilot: at ang bayan ay kumapal, at naging totoong makapangyarihan. 002 EXO 001 021 At nangyari, na sapagka't ang mga hilot ay natakot sa Dios, ay iginawa niya sila ng mga sangbahayan. 002 EXO 001 022 At iniutos ni Faraon sa kaniyang buong bayan, na sinasabi, Itatapon ninyo sa ilog bawa't lalake na ipanganak, at bawa't babae ay ililigtas ninyong buhay. 002 EXO 002 001 At isang lalake sa lipi ni Levi ay yumaon, at nagasawa sa isang anak na babae ng lipi ni Levi. 002 EXO 002 002 At ang babae ay naglihi, at nanganak ng isang lalake: at nang kaniyang makita na maganda, ay kaniyang itinagong tatlong buwan. 002 EXO 002 003 At nang hindi na niya maitatagong malaon ay ikinuha niya ng isang takbang yantok, at pinahiran niya ng betun at ng sahing; at kaniyang isinilid ang bata roon, at inilagay sa katalahiban sa tabi ng ilog. 002 EXO 002 004 At tumayo sa malayo ang kaniyang kapatid na babae, upang maalaman ang mangyayari sa bata. 002 EXO 002 005 At ang anak na babae ni Faraon ay lumusong upang maligo sa ilog; at nagsipaglakad ang kaniyang mga abay sa tabi ng ilog; at kaniyang nakita ang takba sa katalahiban, at ipinakuha sa kaniyang abay. 002 EXO 002 006 At kaniyang binuksan, at nakita niya ang bata: at narito, ang sanggol ay umiyak. At kaniyang kinaawaan at sinabi, Ito'y isa sa mga anak ng mga Hebreo. 002 EXO 002 007 Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang kapatid na babae sa anak ni Faraon, Yayaon ba ako at itatawag kita ng isang sisiwa sa mga babaing Hebrea, na makapagalaga sa iyo ng batang ito? 002 EXO 002 008 At sinabi sa kaniya ng anak ni Faraon, Yumaon ka. At ang dalaga ay yumaon, at tinawag ang ina ng bata. 002 EXO 002 009 At sinabi ng anak ni Faraon, sa kaniya, Dalhin mo ang batang ito, at alagaan mo sa akin, at bibigyan kita ng iyong kaupahan. At kinuha ng babae ang bata, at inalagaan. 002 EXO 002 010 At ang bata ay lumaki, at kaniyang dinala sa anak ni Faraon, at siya'y kaniyang inaring anak. At kaniyang pinanganlang Moises, at sinabi, Sapagka't aking sinagip siya sa tubig. 002 EXO 002 011 At nangyari nang mga araw na yaon, ng malaki na si Moises, na kaniyang nilabas ang kaniyang mga kapatid, at minasdan ang atang sa kanila: at kaniyang nakita ang isang Egipcio, na nananakit ng isang Hebreo, na isa sa kaniyang mga kapatid. 002 EXO 002 012 At siya'y nagmasid sa magkabikabilang dako, at nang siya'y walang makitang tao, ay kaniyang pinatay ang Egipcio at kaniyang tinabunan sa buhanginan. 002 EXO 002 013 At siya'y lumabas ng ikalawang araw, at, narito, na may dalawang lalaking Hebreo, na nagbababag: at kaniyang sinabi roon sa umaapi, Bakit mo sinasaktan ang iyong kasama? 002 EXO 002 014 At sinabi niya, Sinong naglagay sa iyong pangulo at hukom sa amin? Iniisip mo bang patayin ako, na gaya ng pagpatay mo sa Egipcio? At natakot si Moises, at nagsabi, Tunay na ang bagay na yaon ay nahayag. 002 EXO 002 015 Nang mabalitaan nga ni Faraon ang bagay na ito, ay minithi niyang patayin si Moises. Datapuwa't si Moises ay tumakas sa harapan ni Faraon, at tumahan sa lupain ng Madian: at siya'y umupo sa tabi ng isang balon. 002 EXO 002 016 Ang saserdote nga sa Madian ay may pitong anak na babae: at sila'y naparoon at umigib ng tubig, at kanilang pinuno ang mga inuman upang painumin ang kawan ng kanilang ama. 002 EXO 002 017 At ang mga pastor ay dumating, at sila'y pinalayas: datapuwa't si Moises ay tumayo, at sila'y tinulungan, at pinainom ang kanilang kawan. 002 EXO 002 018 At nang sila'y dumating kay Raquel na kanilang ama, ay sinabi niya, Bakit kayo tumindig na madali ngayon? 002 EXO 002 019 At kanilang sinabi, Ipinagsanggalang kami ng isang Egipcio sa kamay ng mga pastor, at saka iniigib pa niya kami ng tubig, at pinainom ang kawan. 002 EXO 002 020 At kaniyang sinabi sa mga anak niya, At saan naroon siya? bakit ninyo iniwan ang lalaking yaon? tawagin ninyo siya upang makakain ng tinapay. 002 EXO 002 021 At si Moises ay natuwa na makisuno sa lalaking yaon: at kaniyang pinapag-asawa kay Moises si Zephora na kaniyang anak. 002 EXO 002 022 At nanganak ng isang lalake, at kaniyang pinanganlan ng Gersom; sapagka't kaniyang sinabi, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan. 002 EXO 002 023 At nangyari pagkaraan ng maraming araw na ang hari sa Egipto ay namatay; at ang mga anak ni Israel ay nagbuntong hininga dahil sa pagkaalipin, at sila'y dumaing at ang kanilang daing ay umabot sa Dios dahil sa pagkaalipin. 002 EXO 002 024 At dininig ng Dios ang kanilang hibik, at naalaala ng Dios ang kaniyang tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, 002 EXO 002 025 At nilingap ng Dios ang mga anak ni Israel, at sila'y kinilala ng Dios. 002 EXO 003 001 Inalagaan nga ni Moises ang kawan ni Jethro na kaniyang biyanan, na saserdote sa Madian: at kaniyang pinatnubayan ang kawan sa likuran ng ilang, at napasa bundok ng Dios, sa Horeb. 002 EXO 003 002 At ang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya, sa isang ningas ng apoy na mula sa gitna ng isang mababang punong kahoy; at siya'y nagmasid, at, narito, ang kahoy ay nagniningas sa apoy, at ang kahoy ay hindi natutupok. 002 EXO 003 003 At sinabi ni Moises, Ako'y liliko ngayon, at titingnan ko itong dakilang panoorin, kung bakit ang kahoy ay hindi natutupok. 002 EXO 003 004 At nang makita ng Panginoon na panonoorin niya, ay tinawag siya ng Dios mula sa gitna ng mababang punong kahoy, at sinabi, Moises, Moises. At kaniyang sinabi, Narito ako. 002 EXO 003 005 At sinabi, Huwag kang lumapit dito, hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong mga paa, sapagka't ang dakong iyong kinatatayuan ay banal na lupa. 002 EXO 003 006 Bukod dito ay sinabi, Ako ang Dios ng iyong ama ang Dios ni Abraham, ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob. At si Moises nga ay nagtakip ng kaniyang mukha; sapagka't siya'y natakot na tumingin sa Dios. 002 EXO 003 007 At sinabi ng Panginoon, Akin ngang nakita ang kadalamhatian ng aking bayan na nasa Egipto, at aking dininig ang kanilang daing dahil sa mga tagapagpaatag sa kanila; sapagka't talastas ko ang kanilang kapanglawan. 002 EXO 003 008 At ako'y bumaba upang iligtas sila sa kamay ng mga Egipcio at upang sila'y isampa sa isang mabuting lupain at malawak, mula sa lupaing yaon, sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot sa dako ng Cananeo, at ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Heveo at ng Jebuseo. 002 EXO 003 009 At ngayon narito, ang daing ng mga anak ni Israel ay umabot sa akin; saka aking nakita ang kapighatian na ipinipighati sa kanila ng mga Egipcio. 002 EXO 003 010 Halika nga ngayon, at ikaw ay aking susuguin kay Faraon, upang iyong ilabas sa Egipto ang aking bayan na mga anak ni Israel. 002 EXO 003 011 At sinabi ni Moises sa Dios, Sino ako, upang pumaroon kay Faraon, at upang ilabas sa Egipto ang mga anak ni Israel? 002 EXO 003 012 At kaniyang sinabi, Tunay na ako'y sasaiyo; at ito'y magiging tanda sa iyo, na ikaw ay aking sinugo: pagka iyong nailabas na sa Egipto ang bayan ay maglilingkod kayo sa Dios sa bundok na ito. 002 EXO 003 013 At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila? 002 EXO 003 014 At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA. 002 EXO 003 015 At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi. 002 EXO 003 016 Yumaon ka at tipunin mo ang mga matanda sa Israel, at sabihin mo sa kanila, Ang Panginoon, ang Dios ng inyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob; ay napakita sa akin, na nagsasabi, tunay na kayo'y aking dinalaw, at aking nakita ang ginagawa sa inyo sa Egipto. 002 EXO 003 017 At aking sinabi, Aking aalisin kayo sa kapighatian sa Egipto at dadalhin ko kayo, sa lupain ng Cananeo, at ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Heveo, at ng Jebuseo, sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot. 002 EXO 003 018 At kanilang didinggin ang iyong tinig: at ikaw ay paroroon, ikaw at ang mga matanda sa Israel, sa hari sa Egipto, at inyong sasabihin sa kaniya, Ang Panginoon, ang Dios ng mga Hebreo, ay nakipagtagpo sa amin: at ngayo'y pahintulutan mo kami na maglakbay, na tatlong araw sa ilang, upang kami ay makapaghain sa Panginoon naming Dios. 002 EXO 003 019 At talastas ko, na hindi kayo pababayaang yumaon ng hari sa Egipto, kung hindi sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay. 002 EXO 003 020 At aking iuunat ang aking kamay, at sasaktan ko ang Egipto ng aking buong kababalaghan na aking gagawin sa gitna niyaon at pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niya kayong yumaon. 002 EXO 003 021 At pagkakalooban ko ang bayang ito ng biyaya sa paningin ng mga Egipcio: ay mangyayari, na pagyaon ninyo, ay hindi kayo yayaong walang dala: 002 EXO 003 022 Kundi bawa't babae ay hihingi sa kaniyang kapuwa, at sa tumatahan sa kaniyang bahay, ng mga hiyas na pilak, at mga hiyas na ginto at mga damit: at inyong ipagsusuot sa inyong mga anak na lalake at babae; at inyong sasamsaman ang mga Egipcio. 002 EXO 004 001 At si Moises ay sumagot at nagsabi, Datapuwa't, narito, hindi nila paniniwalaan ako, ni didinggin ang aking tinig sapagka't kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay hindi napakita sa iyo. 002 EXO 004 002 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Ano iyang nasa iyong kamay? At kaniyang sinabi, Isang tungkod. 002 EXO 004 003 At kaniyang sinabi, Ihagis mo sa lupa. At kaniyang inihagis sa lupa, at naging isang ahas; at si Moises ay tumakas sa harap ng ahas. 002 EXO 004 004 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay, at sunggaban mo sa buntot: (at kaniyang iniunat ang kaniyang kamay, at kaniyang hinawakan, at naging isang tungkod sa kaniyang kamay). 002 EXO 004 005 Upang sila'y maniwala, na ang Dios ng iyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob ay napakita sa iyo. 002 EXO 004 006 At sinabi pa sa kaniya ng Panginoon, Ipasok mo ang iyong kamay, sa iyong sinapupunan. At kaniyang ipinasok ang kamay niya sa kaniyang sinapupunan: at nang kaniyang ilabas, ay narito, ang kaniyang kamay ay may ketong, na maputing parang niebe. 002 EXO 004 007 At kaniyang sinabi, Ipasok mo uli ang iyong kamay sa iyong sinapupunan. (At kaniyang ipinasok uli ang kamay niya sa kaniyang sinapupunan, at nang kaniyang ilabas sa kaniyang sinapupunan, ay narito, nagsauling gaya ng kaniyang dating laman). 002 EXO 004 008 At mangyayari, na kung sila'y hindi maniniwala sa iyo, ni makikinig sa tinig ng unang tanda, ay kanilang paniniwalaan ang tinig ng huling tanda. 002 EXO 004 009 At mangyayari na kung sila'y hindi maniniwala sa dalawang tandang ito, ni hindi makikinig sa iyong tinig, ay kukuha ka ng tubig sa ilog, at iyong ibubuhos sa tuyong lupa, at ang tubig na iyong kukunin sa ilog ay magiging dugo sa tuyong lupa. 002 EXO 004 010 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Oh Panginoon, ako'y hindi marikit mangusap, kahit ng panahong nakaraan, kahit mula ng magsalita ka sa iyong lingkod: sapagka't ako'y kimi sa pangungusap at umid sa dila. 002 EXO 004 011 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Sinong gumawa ng bibig ng tao? o sinong gumawa ng pipi, o bingi, o may paningin, o bulag sa tao? Hindi ba akong Panginoon? 002 EXO 004 012 Ngayon nga'y yumaon ka, at ako'y sasaiyong bibig, at ituturo ko sa iyo kung ano ang iyong sasalitain. 002 EXO 004 013 At kaniyang sinabi, Oh Panginoon, magsugo ka, isinasamo ko sa iyo, sa pamamagitan ng kamay niyaong iyong susuguin. 002 EXO 004 014 At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban kay Moises, at kaniyang sinabi, Wala ba si Aarong kapatid mo na Levita? Nalalaman kong siya'y makapagsasalitang mabuti. At saka, narito, siya'y lumalabas upang salubungin ka; at pagkakita niya sa iyo, ay matutuwa sa kaniyang puso. 002 EXO 004 015 At ikaw ay magsasalita sa kaniya, at iyong isasabibig niya ang mga salita; at ako'y sasaiyong bibig at sasakaniyang bibig, at aking ituturo sa inyo, kung ano ang inyong gagawin. 002 EXO 004 016 At siya ang makikipagusap sa lagay mo sa bayan: at mangyayari na siya'y magiging sa iyo'y bibig, at ikaw ay magiging sa kaniya'y parang Dios. 002 EXO 004 017 At tatangnan mo sa iyong kamay ang tungkod na ito, na iyong ipaggagawa ng mga tanda. 002 EXO 004 018 At si Moises ay yumaon, at bumalik kay Jethro na kaniyang biyanan, at nagsabi sa kaniya, Pahintulutan mo akong yumaon, isinasamo ko sa iyo, at bumalik sa aking mga kapatid na nasa Egipto, at titingnan ko, kung sila'y nabubuhay pa. At sinabi ni Jethro kay Moises, Yumaon kang payapa. 002 EXO 004 019 At sinabi ng Panginoon kay Moises sa Madian, Yumaon ka, bumalik ka sa Egipto: sapagka't namatay na ang lahat ng tao, na nagmimithi ng iyong buhay. 002 EXO 004 020 At ipinagsama ni Moises ang kaniyang asawa at ang kaniyang mga anak, at kaniyang ipinagsasakay sa isang asno, at siya'y bumalik sa lupain ng Egipto: at tinangnan ni Moises ang tungkod ng Dios sa kaniyang kamay. 002 EXO 004 021 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pagkabalik mo sa Egipto, iyong gawin nga sa harap ni Faraon ang lahat ng kababalaghan na aking itiniwala sa iyong kamay: datapuwa't aking papagmamatigasin ang kaniyang puso, at hindi niya tutulutang yumaon ang bayan. 002 EXO 004 022 At iyong sasabihin kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang Israel ay aking anak, aking panganay: 002 EXO 004 023 At aking sinabi sa iyo, Pahintulutan mong ang aking anak ay yumaon, upang siya'y makapaglingkod sa akin; at ayaw mo siyang payaunin, narito, aking papatayin ang iyong anak, ang iyong panganay. 002 EXO 004 024 At nangyari sa daan, sa dakong panuluyanan, na sinalubong ng Panginoon siya, at pinagsikapang patayin siya. 002 EXO 004 025 Nang magkagayo'y sumunggab si Sephora ng isang batong matalim, at pinutol ang balat ng masama ng kaniyang anak, at inihagis sa kaniyang paanan; at kaniyang sinabi, Tunay na ikaw sa akin ay isang asawang mabagsik. 002 EXO 004 026 Sa gayo'y kaniyang binitiwan siya. Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Isang asawa kang mabagsik, dahil sa pagtutuli. 002 EXO 004 027 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Pumaroon ka sa ilang na salubungin mo si Moises. At siya'y pumaroon, at nasalubong niya sa bundok ng Dios, at kaniyang hinagkan. 002 EXO 004 028 At isinaysay ni Moises kay Aaron ang lahat ng salita ng Panginoon, na ipinagbilin sa kaniyang sabihin, at ang lahat ng tandang ipinagbilin sa kaniyang gawin. 002 EXO 004 029 At si Moises at si Aaron ay naparoon at tinipon ang lahat ng matanda sa mga anak ni Israel: 002 EXO 004 030 At sinalita ni Aaron ang lahat ng salita na sinalita ng Panginoon kay Moises, at ginawa ang mga tanda sa paningin ng bayan. 002 EXO 004 031 At ang bayan ay naniwala: at nang kanilang marinig na dinalaw ng Panginoon ang mga anak ni Israel, at kaniyang nakita ang kanilang kapighatian, ay iniyukod nga nila ang kanilang mga ulo at sumamba. 002 EXO 005 001 At pagkatapos nito, si Moises at si Aaron ay nagsipasok, at sinabi kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Bayaan mong ang aking bayan ay yumaon upang ipagdiwang nila ako ng isang kapistahan sa ilang. 002 EXO 005 002 At sinabi ni Faraon, Sino ang Panginoon na aking pakikinggan ang kaniyang tinig, upang pahintulutan kong yumaon ang Israel? Hindi ko nakikilala ang Panginoon at saka hindi ko pahihintulutang yumaon ang Israel. 002 EXO 005 003 At kanilang sinabi, Ang Dios ng mga Hebreo ay nakipagtagpo sa amin; pahintulutan mo nga kaming maglakbay na tatlong araw sa ilang, at maghain sa Panginoon naming Dios, baka hulugan niya kami ng salot o ng tabak. 002 EXO 005 004 At sinabi sa kanila ng hari sa Egipto, Bakit kinakalagan ninyo, Moises at Aaron, ang bayan sa kanilang mga gawain? pumaroon kayo sa mga atang sa inyo. 002 EXO 005 005 At sinabi ni Faraon, Narito, ang mga tao sa lupain ay marami na ngayon, at inyong pinapagpapahinga sila sa mga atang sa kanila. 002 EXO 005 006 At ng araw ring yaon ay nagutos si Faraon sa mga tagapagpaatag sa bayan at sa kanilang mga puno, na sinasabi, 002 EXO 005 007 Huwag na ninyong bibigyan ang bayan, ng dayami sa paggawa ng laryo, na gaya ng dati: sila ang pumaroon at magtipon ng dayami sa ganang kanilang sarili. 002 EXO 005 008 At ang bilang ng mga laryo, na kanilang ginagawang dati ay siya rin ninyong iaatang sa kanila; wala kayong babawasin: sapagka't sila'y mga pagayongayon; kaya't sila'y dumadaing, na nagsasabi, Bayaan mo kaming yumaon at maghain sa aming Dios. 002 EXO 005 009 Pabigatin ninyo ang gawain ng mga lalake upang kanilang pagpagalan at huwag nilang pakitunguhan ang mga kabulaanang salita. 002 EXO 005 010 At ang mga tagapagpaatag sa bayan, ay nagsilabas, at kanilang sinalita sa bayan, na sinasabi, Ganito ang sabi ni Faraon, Hindi ko kayo bibigyan ng dayami. 002 EXO 005 011 Yumaon kayo ng inyong sarili, kumuha kayo ng dayami kung saan kayo makakakuha: sapagka't walang babawasin kaunti man sa inyong gawain. 002 EXO 005 012 Kaya't ang bayan ay nangalat sa buong lupain ng Egipto, na humahanap ng pinagputulan ng trigo na panghalili sa dayami. 002 EXO 005 013 At hinihigpitan sila ng mga tagapagpaatag, na sinasabi, Tapusin ninyo ang inyong mga gawa, ang inyong gawain sa araw-araw, na gaya nang mayroong kayong dayami. 002 EXO 005 014 At ang mga pinuno sa mga anak ni Israel na ipinaglalagay sa kanila ng mga tagapagpaatag ni Faraon, ay nangapalo, at sa kanila'y sinabi, Bakit hindi ninyo tinapos ang inyong gawain kahapon at ngayon, sa paggawa ng laryo, na gaya ng dati? 002 EXO 005 015 Nang magkagayo'y ang mga pinuno sa mga anak ni Israel ay naparoon at dumaing kay Faraon, na nagsasabi, Bakit mo ginaganyan ang iyong mga alipin? 002 EXO 005 016 Walang anomang dayami, na ibinibigay sa iyong mga alipin, at kanilang sinasabi sa amin, Gumawa kayo ng laryo: at, narito, ang iyong mga alipin ay nangapapalo; nguni't ang sala'y nasa iyong sariling bayan. 002 EXO 005 017 Datapuwa't kaniyang sinabi, Kayo'y mga pagayongayon, kayo'y mga pagayongayon: kaya't inyong sinasabi, Bayaan mo kaming yumaon at maghain sa Panginoon. 002 EXO 005 018 Kayo nga'y yumaon ngayon at gumawa; sapagka't walang anomang dayaming ibibigay sa inyo, at gayon ma'y inyong ibibigay ang bilang ng mga laryo. 002 EXO 005 019 At nakita ng mga pinuno ng mga anak ni Israel, na sila'y nasa masamang kalagayan, nang sabihin, Walang mababawas na anoman sa inyong mga laryo sa inyong gawain sa araw-araw. 002 EXO 005 020 At kanilang nasalubong si Moises at si Aaron na nagsitayo sa daan, pagkapanggaling kay Faraon: 002 EXO 005 021 At sinabi nila sa kanila, Kayo nawa'y tunghan ng Panginoon, at hatulan; sapagka't ang aming katayuan ay ginawa mong nakamumuhi sa mga mata ni Faraon, at sa mga mata ng kaniyang mga lingkod, na naglagay ng tabak sa kanilang kamay upang kami ay patayin. 002 EXO 005 022 At si Moises ay bumalik sa Panginoon, at nagsabi, Panginoon, bakit mo ginawan ng kasamaan ang bayang ito? bakit mo sinugo ako? 002 EXO 005 023 Sapagka't mula nang ako'y pumaroon kay Faraon na magsalita sa iyong pangalan, ay kaniyang ginawan ng kasamaan ang bayang ito: at ni hindi mo man iniligtas ang iyong bayan. 002 EXO 006 001 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ngayo'y iyong makikita kung ano ang gagawin ko kay Faraon, sapagka't sa pamamagitan ng isang malakas na kamay ay payayaunin niya sila, at sa pamamagitan ng isang malakas na kamay ay palalayasin niya sila sa kaniyang lupain. 002 EXO 006 002 At ang Dios ay nagsalita kay Moises, at nagsabi sa kaniya, Ako'y si Jehova. 002 EXO 006 003 At ako'y napakita kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob na Dios na Makapangyarihan sa lahat; nguni't sa pamamagitan ng aking pangalang Jehova, noon ay hindi ako napakilala sa kanila. 002 EXO 006 004 At akin ding pinapagtibay ang aking tipan sa kanila na ibibigay ko sa kanila ang lupain ng Canaan, ang lupain ng kanilang pakikipamayan, na kanilang pinakipamayanan. 002 EXO 006 005 At bukod dito'y aking narinig ang hibik ng mga anak ni Israel na mga binibinbin ng mga Egipcio sa pagkaalipin; at aking naalaala ang aking tipan. 002 EXO 006 006 Kaya't sabihin mo sa mga anak ni Israel, Ako'y si Jehova at aking ilalabas kayo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio, at aking hahanguin kayo sa pagkaalipin sa kanila, at aking tutubusin kayo na may unat na kamay at may mga dakilang kahatulan: 002 EXO 006 007 At kayo'y aking aariin na pinakabayan ko at ako'y magiging sa inyo'y Dios, at inyong makikilala na ako'y si Jehova ninyong Dios, na naglalabas sa inyo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio. 002 EXO 006 008 At aking dadalhin kayo sa lupain, na siyang pinagtaasan ko ng aking kamay na aking ibibigay kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob; at aking ibibigay sa inyo na pinakamana: ako'y si Jehova. 002 EXO 006 009 At sinalitang gayon ni Moises sa mga anak ni Israel; datapuwa't hindi sila nakinig kay Moises, dahil sa yamot, at dahil sa mabagsik na pagkaalipin. 002 EXO 006 010 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, 002 EXO 006 011 Pumasok ka, salitain mo kay Faraon na hari sa Egipto, na kaniyang pahintulutang umalis sa lupain niya ang mga anak ni Israel. 002 EXO 006 012 At si Moises ay nagsalita sa harap ng Panginoon, na sinasabi, Narito ang mga anak ni Israel ay hindi nakinig sa akin; paano ngang si Faraon ay makikinig sa akin, na ako'y may mga labing di tuli? 002 EXO 006 013 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at kay Aaron, at pinagbilinan sila hinggil sa mga anak ni Israel, at kay Faraon, na hari sa Egipto, upang ilabas ang mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto. 002 EXO 006 014 Ito ang mga pangulo sa mga angkan ng kanilang mga magulang; ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel; si Hanoch, at si Phallu, at si Hezron, at si Carmi: ito ang mga angkan ni Ruben. 002 EXO 006 015 At ang mga anak ni Simeon; si Jemuel, at si Jamin, at si Ohad, at si Jachin, at si Zoar, at si Saul na anak sa isang babaing taga Canaan: ito ang mga angkan ni Simeon. 002 EXO 006 016 At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Levi ayon sa kanilang lahi; si Gerson, at si Coath, at si Merari; at ang mga naging taon ng buhay ni Levi ay isang daan at tatlong pu't pitong taon. 002 EXO 006 017 Ang mga anak ni Gerson; si Libni at si Shimi, ayon sa kanikanilang angkan. 002 EXO 006 018 At ang mga anak ni Coath; si Amram, at si Izhar, at si Hebron, at si Uzziel; at ang mga naging taon ng buhay ni Coath ay isang daan at tatlong pu't tatlong taon. 002 EXO 006 019 At ang mga anak ni Merari; si Mahali at si Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa kanilang lahi. 002 EXO 006 020 At nagasawa si Amram kay Jochebed na kapatid na babae ng kaniyang ama, at ipinanganak nito sa kaniya si Aaron at si Moises: at ang mga naging taon ng buhay ni Amram ay isang daan at tatlong pu't pitong taon. 002 EXO 006 021 At ang mga anak ni Izhar; si Cora, at si Nepheg, at si Zithri. 002 EXO 006 022 At ang mga anak ni Uzziel; si Misael, at si Elzaphan, at si Zithri. 002 EXO 006 023 At nagasawa si Aaron kay Elisabeth, na anak ni Aminadab, na kapatid ni Naason; at ipinanganak nito sa kaniya si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar. 002 EXO 006 024 At ang mga anak ni Cora; si Assir, at si Elcana, at si Abiasaph; ito ang mga angkan ng mga Corita. 002 EXO 006 025 At si Eleazar na anak ni Aaron, ay nagasawa sa isa sa mga anak ni Phutiel; at ipinanganak niya si Phinees. Ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita ayon sa kanilang mga angkan. 002 EXO 006 026 Ito'y yaong si Aaron at si Moises, na siyang pinagsabihan ng Panginoon. Ilabas ninyo ang mga anak ni Israel sa lupaing Egipto ayon sa kanilang mga hukbo. 002 EXO 006 027 Ito ang mga nagsalita kay Faraon na hari sa Egipto, upang ilabas ang mga anak ni Israel sa Egipto: ang mga ito'y si Moises at si Aaron. 002 EXO 006 028 At nangyari ng araw na magsalita ang Panginoon kay Moises sa lupain ng Egipto, 002 EXO 006 029 Na sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Ako nga ang Panginoon; salitain mo kay Faraon na hari sa Egipto, ang lahat ng aking sinasalita sa iyo. 002 EXO 006 030 At sinabi ni Moises sa harap ng Panginoon, Narito ako'y may mga labing di tuli, at paanong si Faraon ay makikinig sa akin? 002 EXO 007 001 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Tingnan mo, ginawa kitang dios kay Faraon: at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta. 002 EXO 007 002 Iyong sasalitaing lahat ang aking iniuutos sa iyo: at sasalitain kay Faraon ni Aaron na iyong kapatid upang kaniyang pahintulutan ang mga anak ni Israel ay lumabas sa kaniyang lupain. 002 EXO 007 003 At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon, at aking pararamihin ang aking mga tanda at ang aking mga kababalaghan sa lupain ng Egipto. 002 EXO 007 004 Nguni't si Faraon ay hindi makikinig sa inyo, at aking ipapatong sa Egipto ang aking kamay at ilalabas ko ang aking mga hukbo, ang aking bayan, na mga anak ni Israel, sa lupaing Egipto sa pamamagitan ng mga dakilang kahatulan. 002 EXO 007 005 At malalaman ng mga taga Egipto na ako ang Panginoon, pagka iniunat ko sa Egipto ang aking kamay, at pagka inilabas ko ang mga anak ni Israel sa gitna nila. 002 EXO 007 006 At ginawang gayon ni Moises at ni Aaron: kung paanong iniutos ng Panginoon sa kanila, ay gayon ginawa nila. 002 EXO 007 007 At si Moises ay may walong pung taon gulang, at si Aaron ay may walong pu't tatlong taong gulang nang sila'y magsalita kay Faraon. 002 EXO 007 008 At nagsalita ang Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, 002 EXO 007 009 Pagsasalita ni Faraon sa inyo, na sasabihin, Magpakita kayo ng isang kababalaghan sa ganang inyo; ay iyo ngang sasabihin kay Aaron: Kunin mo ang iyong tungkod, at ihagis mo sa harap ni Faraon, na magiging isang ahas. 002 EXO 007 010 At si Moises at si Aaron ay naparoon kay Faraon, at kanilang ginawang gayon gaya ng iniutos ng Panginoon, at inihagis ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harap ni Faraon at sa harap ng kaniyang mga lingkod at naging ahas. 002 EXO 007 011 Nang magkagayo'y tinawag naman ni Faraon ang mga marunong at ang mga manghuhula, at sila naman na mga mahiko sa Egipto, ay gumawa sa gayon ding paraan ng kanilang mga pag-enkanto. 002 EXO 007 012 Sapagka't inihagis ng bawa't isa ang kanikaniyang tungkod, at nangaging ahas: nguni't nilamon ng tungkod ni Aaron ang mga tungkod nila. 002 EXO 007 013 At ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon. 002 EXO 007 014 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang puso ni Farao'y nagmatigas, ayaw niyang paalisin ang bayan. 002 EXO 007 015 Pumaroon ka kay Faraon kinaumagahan; narito, siya'y pasasa tubig; at ikaw ay tatayo sa tabi ng ilog upang matagpuan mo siya; at ang tungkod na naging ahas ay iyong tatangnan sa iyong kamay. 002 EXO 007 016 At iyong sasabihin sa kaniya, Sinugo ako sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo, na sinasabi, Pahintulutan mong ang aking bayan ay yumaon, upang sila'y makapaglingkod sa akin sa ilang at, narito, hanggang ngayo'y hindi mo dininig. 002 EXO 007 017 Ganito ang sabi ng Panginoon, Dito mo makikilala, na ako ang Panginoon: narito, aking papaluin ng tungkod, na nasa aking kamay, ang tubig, na nasa ilog at magiging dugo. 002 EXO 007 018 At ang mga isda, na nasa ilog ay mamamatay, at ang ilog ay babaho; at ang mga Egipcio ay masusuklam na uminom ng tubig sa ilog. 002 EXO 007 019 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron, Kunin mo ang iyong tungkod, at iunat mo ang iyong kamay sa tubig sa Egipto, sa kanilang mga ilog, sa kanilang mga bangbang, at sa kanilang mga lawa at sa lahat nilang tipunan ng tubig, upang mga maging dugo; at magkakadugo sa buong lupain ng Egipto, maging sa mga sisidlang kahoy at maging sa mga sisidlang bato. 002 EXO 007 020 At ginawang gayon ni Moises at ni Aaron, gaya ng iniutos ng Panginoon; at kaniyang itinaas ang tungkod, at pinalo ang tubig, na nasa ilog, sa paningin ni Faraon, at sa paningin ng kaniyang mga lingkod; at ang lahat ng tubig, na nasa ilog ay naging dugo. 002 EXO 007 021 At ang isda, na nasa tubig ay namatay; at ang ilog ay bumaho at ang mga Egipcio ay hindi makainom ng tubig sa ilog; at nagkadugo sa buong lupain ng Egipto. 002 EXO 007 022 At ang mga mahiko sa Egipto ay gumawa ng gayon din, sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto; at ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon. 002 EXO 007 023 At si Faraon ay pumihit at umuwi sa kaniyang bahay, na hindi man lamang nabagbag ang kaniyang puso. 002 EXO 007 024 At lahat ng mga Egipcio ay humukay sa palibot ng ilog, upang makasumpong ng tubig na mainom; sapagka't sila'y hindi makainom ng tubig sa ilog. 002 EXO 007 025 At naganap ang pitong araw, pagkatapos na masalot ng Panginoon ang ilog. 002 EXO 008 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, Pasukin mo si Faraon at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Tulutan mong yumaon ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila. 002 EXO 008 002 At kung ayaw mo silang payaunin, ay narito, aking sasalutin ng mga palaka ang inyong buong lupain: 002 EXO 008 003 At ang ilog ay mapupuno ng mga palaka, na magsisiahon at magsisipasok sa iyong bahay, at sa iyong tulugan, at sa iyong higaan, at sa bahay ng iyong mga lingkod, at sa iyong bayan, at sa iyong mga hurno, at sa iyong mga masa ng tinapay. 002 EXO 008 004 At kapuwa aakyatin ng mga palaka ikaw at ang iyong bayan, at lahat ng iyong mga lingkod. 002 EXO 008 005 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron, Iunat mo ang iyong kamay pati ng iyong tungkod sa mga ilog, sa mga bangbang, at sa mga lawa, at magpaahon ka ng mga palaka sa lupain ng Egipto. 002 EXO 008 006 At iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay sa tubig sa Egipto; at ang mga palaka ay nagsiahon, at tinakpan ang lupain ng Egipto. 002 EXO 008 007 At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon din sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto, at nagpaahon ng mga palaka sa lupain ng Egipto. 002 EXO 008 008 Nang magkagayo'y tinawag ni Faraon si Moises at si Aaron, at sinabi, Manalangin kayo sa Panginoon, na alisin ang mga palaka sa akin, at sa aking bayan; at aking tutulutang yumaon, ang bayan upang sila'y makapaghain sa Panginoon. 002 EXO 008 009 At sinabi ni Moises kay Faraon, Magkaroon ka ng kaluwalhatiang ito sa akin: anong oras isasamo kita, at ang iyong mga lingkod, at ang iyong bayan, upang ang mga palaka ay malipol sa iyo at sa iyong mga bahay, at mangatira na lamang sa ilog? 002 EXO 008 010 At kaniyang sinabi, Sa kinabukasan. At sinabi ni Moises, Mangyayari ayon sa iyong salita: upang iyong maalaman na walang gaya ng Panginoon naming Dios. 002 EXO 008 011 At ang mga palaka ay magsisialis sa iyo, at sa iyong bahay, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan; mangatitira na lamang sa ilog. 002 EXO 008 012 At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ni Faraon: at si Moises ay dumaing sa Panginoon tungkol sa mga palaka na kaniyang dinala kay Faraon. 002 EXO 008 013 At ginawa ng Panginoon ayon sa salita ni Moises, at ang mga palaka ay namatay sa mga bahay, sa mga looban at sa mga parang. 002 EXO 008 014 At kanilang pinagpisan sa buntonbunton: at ang lupa ay bumaho. 002 EXO 008 015 Nguni't nang makita ni Faraon na may pahinga ay pinapagmatigas ang kaniyang puso, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon. 002 EXO 008 016 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron: Iunat mo ang iyong tungkod, at paluin mo ang alabok ng lupa, upang maging mga kuto sa lupaing Egipto. 002 EXO 008 017 At kaniyang ginawang gayon; at iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay pati ng kaniyang tungkod, at pinalo ang alabok ng lupa, at nagkakuto sa tao at sa hayop; lahat ng alabok ng lupa ay naging mga kuto sa buong lupain ng Egipto. 002 EXO 008 018 At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto, upang maglabas ng mga kuto, nguni't hindi nila nagawa: at nagkakuto sa tao at sa hayop. 002 EXO 008 019 Nang magkagayo'y sinabi ng mga mahiko kay Faraon, Ito'y daliri ng Dios: at ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon. 002 EXO 008 020 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumangon kang maaga sa kinaumagahan, at tumayo ka sa harap ni Faraon; narito, siya'y pasasa tubig, at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon: Payaunin mo ang aking bayan upang sila'y makapaglingkod sa akin. 002 EXO 008 021 Saka kung hindi mo payayaunin ang aking bayan ay magsusugo ako ng pulupulutong na langaw sa iyo, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan, at sa loob ng iyong mga bahay: at ang mga bahay ng mga Egipcio ay mapupuno ng pulupulutong na langaw, at gayon din ang lupa na kinaroroonan nila. 002 EXO 008 022 At aking ihihiwalay sa araw na yaon ang lupain ng Gosen, na kinatatahanan ng aking bayan, upang huwag magkaroon doon ng pulupulutong na langaw: ng iyong maalaman na ako ang Panginoon sa gitna ng lupa. 002 EXO 008 023 At aking paghihiwalayin ang aking bayan at ang iyong bayan: sa kinabukasan mangyayari ang tandang ito. 002 EXO 008 024 At ginawang gayon ng Panginoon, at nagsipasok ang mga makapal na pulupulutong na langaw sa bahay ni Faraon, at sa bahay ng kaniyang mga lingkod: at sa buong lupain ng Egipto ay nasisira ang lupa dahil sa mga pulupulutong na langaw. 002 EXO 008 025 At tinawag ni Faraon si Moises at si Aaron, at sinabi, Yumaon kayo, maghain kayo sa inyong Dios sa lupain. 002 EXO 008 026 At sinabi ni Moises, Hindi marapat na aming gawing ganyan; sapagka't aming ihahain ang mga kasuklamsuklam ng mga Egipcio, sa Panginoon naming Dios: narito, ihahain ba namin ang kasuklamsuklam ng mga Egipcio sa harap ng kanilang mga mata at di ba nila kami babatuhin? 002 EXO 008 027 Kami ay yayaong tatlong araw na maglalakbay sa ilang, at maghahain sa Panginoon naming Dios, ayon sa kaniyang iniutos sa amin. 002 EXO 008 028 At sinabi ni Faraon, Aking payayaunin kayo upang kayo'y makapaghain sa Panginoon ninyong Dios sa ilang; huwag lamang kayong pakakalayo: tuloy idaing ninyo ako. 002 EXO 008 029 At sinabi ni Moises, Narito iiwan kita, at aking idadalangin sa Panginoon, na ang mga pulupulutong na langaw ay magsialis bukas kay Faraon, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan: nguni't huwag nang magdaya pa si Faraon, na huwag na di payaunin ang bayan, upang maghain sa Panginoon. 002 EXO 008 030 At iniwan ni Moises si Faraon, at nanalangin sa Panginoon. 002 EXO 008 031 At ginawa ng Panginoon ang ayon sa salita ni Moises; at inialis niya ang mga pulupulutong na langaw kay Faraon, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan; na walang natira kahit isa. 002 EXO 008 032 At pinapagmatigas ding muli ni Faraon ang kaniyang puso at hindi pinayaon ang bayan. 002 EXO 009 001 Nang magkagayon ay sinabi ng Panginoon kay Moises, Pasukin mo si Faraon, at saysayin mo sa kaniya. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo: Payaunin mo ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila. 002 EXO 009 002 Sapagka't kung tatanggihan mong payaunin sila, at sila'y pipigilin mo pa, 002 EXO 009 003 Ay narito, ang kamay ng Panginoon ay nakapatong sa iyong hayop na nasa parang, nakapatong sa mga kabayo, nakapatong sa mga asno, nakapatong sa mga kamello, nakapatong sa mga bakahan, at nakapatong sa mga kawan; na magkakaroon ng malaking pagkakasalot. 002 EXO 009 004 At gagawan ng katangian ng Panginoon ang hayop ng Israel at ang hayop ng Egipto: at walang mamamatay sa lahat ng ukol sa mga anak ni Israel. 002 EXO 009 005 At ang Panginoon ay nagtakda ng panahon, na sinasabi, Bukas ay gagawin ng Panginoon ang bagay na ito sa lupain. 002 EXO 009 006 At ginawa ng Panginoon ang bagay na yaon ng kinabukasan, at ang lahat ng hayop sa Egipto ay namatay: nguni't sa hayop ng mga anak ni Israel ay walang namatay kahit isa. 002 EXO 009 007 At si Faraon ay nagsugo, at narito, walang namatay kahit isa sa kawan ng mga Israelita. Nguni't ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya pinayaon ang bayan. 002 EXO 009 008 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Dumakot kayo ng isang dakot na abo sa hurno, at isaboy ni Moises sa himpapawid sa paningin ni Faraon. 002 EXO 009 009 At magiging durog na alabok sa buong lupain ng Egipto, at magiging bukol na naknakin sa tao, at sa hayop, sa buong lupain ng Egipto. 002 EXO 009 010 At sila'y kumuha ng abo sa hurno, at tumayo sa harap ni Faraon, at isinaboy ni Moises sa himpapawid; at naging bukol na naknakin sa tao at sa hayop. 002 EXO 009 011 At ang mga mahiko ay hindi makatayo sa harap ni Moises dahil sa mga bukol; sapagka't nagkabukol ang mga mahiko at ang mga Egipcio. 002 EXO 009 012 At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya dininig sila gaya ng sinalita ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 009 013 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumangon kang maaga sa kinaumagahan, at tumayo ka sa harap ni Faraon, at sabihin mo sa kaniya: Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo: Payaunin mo ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila. 002 EXO 009 014 Sapagka't ngayo'y ibubugso ko na ang lahat ng aking salot sa iyong puso, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan upang iyong maalaman na walang gaya ko sa buong lupa. 002 EXO 009 015 Sapagka't ngayo'y iniunat ko na ang aking kamay, upang salutin kita, at ang iyong bayan, at nawala ka na sa lupa: 002 EXO 009 016 Datapuwa't totoong totoo, na dahil dito ay pinatayo kita, upang maipakilala sa iyo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangalan ay mahayag sa buong lupa. 002 EXO 009 017 Nagmamalaki ka pa ba laban sa aking bayan, na ayaw mo silang payaunin? 002 EXO 009 018 Narito, bukas, sa ganitong oras, ay magpapaulan ako ng malakas na granizo, na kailan ma'y hindi nagkaroon sa Egipto mula nang araw na itayo hanggang ngayon. 002 EXO 009 019 Ngayon nga'y magsugo ka, ipasilong mo ang iyong mga hayop at lahat ng iyong tinatangkilik sa parang; sapagka't bawa't tao at hayop na maabutan sa parang, at hindi masisilong, ay lalakpakan ng granizo at mamamatay. 002 EXO 009 020 Yaong natakot sa salita ng Panginoon, sa mga lingkod ni Faraon ay nagpauwing madali ng kaniyang mga bataan at ng kaniyang hayop sa mga bahay: 002 EXO 009 021 At yaong nagwalang bahala sa salita ng Panginoon ay nagpabaya ng kaniyang mga bataan at ng kaniyang kawan sa parang. 002 EXO 009 022 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit, upang magkaroon ng granizo sa buong lupain ng Egipto, na lumagpak sa tao, at sa hayop, at sa bawa't halaman sa parang sa buong lupain ng Egipto. 002 EXO 009 023 At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa dakong langit; at ang Panginoo'y nagsugo ng kulog at granizo, at may apoy na lumagpak sa lupa; at ang Panginoo'y nagpaulan ng granizo sa lupain ng Egipto. 002 EXO 009 024 Sa gayo'y nagkaroon ng granizo at apoy, na nagniningning sa granizo, at napakalakas, na kailan ma'y hindi nagkaroon sa buong lupain ng Egipto mula nang maging bansa. 002 EXO 009 025 At sinalot ng granizo ang buong lupain ng Egipto, ang lahat na nasa parang, maging tao at maging hayop, at sinalot ng granizo ang lahat ng halaman sa parang, at binali ang lahat ng punong kahoy sa parang. 002 EXO 009 026 Sa lupain lamang ng Gosen, na kinaroroonan ng mga anak ni Israel, hindi nagkaroon ng granizo. 002 EXO 009 027 At si Faraon ay nagsugo, at ipinatawag si Moises at si Aaron, at sinabi sa kanila, Ako'y nagkasala ngayon: ang Panginoo'y matuwid; at ako at ang aking bayan ay masama. 002 EXO 009 028 Dalanginan ninyo ang Panginoon; sapagka't nagkaroon na ng sukat na malalakas na kulog at granizo; at kayo'y aking payayaunin, at di ko na kayo bibinbinin. 002 EXO 009 029 At sinabi ni Moises sa kaniya, Pagkalabas ko sa bayan, ay aking ilalahad ang aking mga kamay sa Panginoon; at ang mga kulog ay titigil, at hindi na magkakaroon pa ng anomang granizo; upang iyong maalaman na ang lupa'y sa Panginoon. 002 EXO 009 030 Nguni't tungkol sa iyo at sa iyong mga lingkod, ay nalalaman ko, na di pa kayo matatakot sa Panginoong Dios. 002 EXO 009 031 At ang lino at ang cebada ay nasaktan; sapagka't ang cebada ay naguuhay na at ang lino ay namumulaklak na. 002 EXO 009 032 Datapuwa't ang trigo at ang espelta ay hindi nasaktan: sapagka't hindi pa tumutubo. 002 EXO 009 033 At si Moises ay lumabas sa bayan na galing kay Faraon, at inilahad ang kaniyang mga kamay sa Panginoon: at ang mga kulog at ang granizo ay tumigil, at ang ulan ay di na lumagpak sa lupa. 002 EXO 009 034 At nang makita ni Faraon, na ang ulan, at ang granizo, at ang mga kulog ay tumigil, ay lalong nagkasala pa, at nagmatigas ang kaniyang puso, siya at ang kaniyang mga lingkod. 002 EXO 009 035 At ang puso ni Farao'y nagmatigas, at hindi niya pinayaon ang mga anak ni Israel; gaya ng sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. 002 EXO 010 001 At sinabi ng Panginoon kay Moises: Pasukin mo si Faraon, sapagka't aking pinapagmatigas ang kaniyang puso, at ang puso ng kaniyang mga lingkod; upang aking maipakilala itong aking mga tanda sa gitna nila: 002 EXO 010 002 At upang iyong maisaysay sa mga pakinig ng iyong anak, at sa anak ng iyong anak, kung anong mga bagay ang ginawa ko sa Egipto, at ang aking mga tandang ginawa sa gitna nila; upang inyong maalaman, na ako ang Panginoon. 002 EXO 010 003 At pinasok ni Moises at ni Aaron si Faraon at sinabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo, Hanggang kailan tatanggi kang mangayupapa sa harap ko? payaunin mo ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila. 002 EXO 010 004 O kung tatanggihan mong payaunin ang aking bayan, ay narito, bukas ay magdadala ako ng mga balang sa iyong hangganan: 002 EXO 010 005 At kanilang tatakpan ang ibabaw ng lupa, na walang makakakita ng ibabaw ng lupa: at kanilang kakanin ang naiwan sa nangaligtas, na itinira sa inyo ng granizo, at kanilang kakanin ang bawa't kahoy na itinutubo sa inyo ng parang: 002 EXO 010 006 At ang inyong mga bahay ay mapupuno, at ang mga bahay ng lahat mong lingkod, at ang mga bahay ng mga Egipcio: na hindi nakita ng inyong mga magulang, mula nang araw na sila'y mapasa lupa hanggang sa araw na ito. At siya'y pumihit at nilisan si Faraon. 002 EXO 010 007 At sinabi sa kaniya ng mga lingkod ni Faraon, Hanggang kailan magiging isang silo sa atin ang taong ito? payaunin mo ang mga taong iyan upang sila'y makapaglingkod sa Panginoon nilang Dios: hindi mo pa ba natatalastas, na ang Egipto'y giba na? 002 EXO 010 008 At si Moises at si Aaron ay pinapagbalik kay Faraon, at kaniyang sinabi sa kanila, Kayo'y yumaon, maglingkod kayo sa Panginoon ninyong Dios: datapuwa't sino sino yaong magsisiyaon? 002 EXO 010 009 At sinabi ni Moises: Kami ay yayaon sangpu ng aming mga bata at sangpu ng mga matanda, sangpu ng aming mga anak na lalake at babae, sangpu ng aming mga kawan at sangpu ng aming mga bakahan, kami ay yayaon; sapagka't kami ay nararapat magdiwang ng isang pista sa Panginoon. 002 EXO 010 010 At kaniyang sinabi sa kanila, Sumainyo nawa ang Panginoon, na gaya ng aking pagpapayaon sa inyo, at sa inyong mga bata: magingat kayo; sapagka't ang kasamaan ay nasa harap ninyo. 002 EXO 010 011 Huwag ganyan: yumaon kayong mga lalake, at maglingkod sa Panginoon; sapagka't iyan ang inyong ninanasa. At sila'y pinaalis sa harap ni Faraon. 002 EXO 010 012 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa lupain ng Egipto, upang magdala ng mga balang, at bumaba sa lupain ng Egipto, at kumain ng lahat na halaman sa lupain, yaong lahat na iniwan ng granizo. 002 EXO 010 013 At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa lupain ng Egipto, at ang Panginoo'y nagpahihip ng hanging silanganan sa lupain ng buong araw na yaon, at ng buong gabi; at nang maumaga, ang hanging silanganan ay nagdala ng mga balang. 002 EXO 010 014 At ang mga balang ay bumaba sa buong lupain ng Egipto, at nagsipagpahinga sa lahat ng hangganan ng Egipto; totoong napakakapal; bago noon ay hindi nagkaroon ng gayong balang, at hindi na magkakaroon pa, pagkatapos noon, ng gayon. 002 EXO 010 015 Sapagka't tinakpan ng mga yaon ang balat ng buong lupa, na ano pa't ang lupain ay nagdilim; at kinain ang lahat na halaman sa lupain, at ang lahat na bunga ng mga kahoy na iniwan ng granizo; at walang natirang anomang sariwang bagay, maging sa punong kahoy o sa halaman sa parang, sa buong lupain ng Egipto. 002 EXO 010 016 Nang magkagayo'y tinawag na madali ni Faraon si Moises at si Aaron, at kaniyang sinabi, Ako'y nagkasala laban sa Panginoon ninyong Dios, at laban sa inyo. 002 EXO 010 017 Ngayon nga'y ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo, ang aking kasalanan, na ngayon na lamang at idalangin ninyo sa Panginoon ninyong Dios, na kaniya lamang ilayo sa akin ang kamatayang ito. 002 EXO 010 018 At nilisan niya si Faraon, at nanalangin sa Panginoon. 002 EXO 010 019 At pinapagbalik ng Panginoon ang isang napakalakas na hanging kalunuran, na siyang nagpaitaas sa mga balang, at tumangay ng mga yaon sa Dagat na Mapula; walang natira kahit isang balang sa buong hangganan ng Egipto. 002 EXO 010 020 Datapuwa't pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya pinayaon ang mga anak ni Israel. 002 EXO 010 021 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit, upang magdilim sa lupain ng Egipto, ng kadiliman na mahihipo. 002 EXO 010 022 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dakong langit; at nagsalimuutan ang dilim sa buong lupain ng Egipto, na tatlong araw; 002 EXO 010 023 Sila'y hindi nagkikita, at walang tumindig na sinoman sa kinaroroonan sa loob ng tatlong araw; kundi lahat ng mga anak ni Israel ay nagilaw sa kanikaniyang tahanan. 002 EXO 010 024 At tinawag ni Faraon si Moises, at sinabi, Yumaon kayo, maglingkod kayo sa Panginoon; inyo lamang iwan ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan; isama rin naman ninyo ang inyong mga bata. 002 EXO 010 025 At sinabi ni Moises, ikaw ay nararapat ding magbigay sa aming kamay ng mga hain at mga handog na susunugin, upang aming maihain sa Panginoon naming Dios. 002 EXO 010 026 Ang aming hayop man ay yayaong kasama namin; wala kahit isang paa na maiiwan; sapagka't sa kanila kami nararapat kumuha ng aming ipaglilingkod sa Panginoon naming Dios; at hindi namin nalalaman kung ano ang aming nararapat ipaglingkod sa Panginoon, hanggang sa kami ay dumating doon. 002 EXO 010 027 Datapuwa't pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya pinayaon sila. 002 EXO 010 028 At sinabi ni Faraon sa kaniya, Umalis ka sa harap ko, iyong pagingatang huwag mo nang makitang muli ang aking mukha; sapagka't sa araw na iyong makita ang aking mukha ay mamamatay ka. 002 EXO 010 029 At sinabi ni Moises, Mabuti ang sabi mo, hindi ko na muling makikita ang iyong mukha. 002 EXO 011 001 At sinabi ng Panginoon kay Moises, May isang salot pa akong dadalhin kay Faraon at sa Egipto; pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niyang kayo'y umalis dito: pagpapahintulot niya sa inyong yumaon, ay tunay na kayo'y samasamang palalayasin niya rito. 002 EXO 011 002 Magsalita ka ngayon sa pakinig ng bayan, at humingi ang bawa't lalake sa kaniyang kapuwa, at bawa't babae sa kaniyang kapuwa, ng mga hiyas na pilak, at ng mga hiyas na ginto. 002 EXO 011 003 At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan, sa paningin ng mga Egipcio. Saka si Moises ay lalaking naging dakila sa lupain ng Egipto, sa paningin ng mga lingkod ni Faraon, at sa paningin ng bayan. 002 EXO 011 004 At sinabi ni Moises, Ganito ang sinasabi ng Panginoon, Sa may hating gabi ay lalabas ako sa gitna ng Egipto: 002 EXO 011 005 At lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay mamamatay, mula sa panganay ni Faraon, na nakaluklok sa kaniyang luklukan, hanggang sa panganay ng aliping babaing nasa likuran ng gilingan; at ang lahat ng mga panganay sa mga hayop. 002 EXO 011 006 At magkakaroon ng malakas na hiyawan sa buong lupain ng Egipto, na hindi nagkaroon ng kaparis, at hindi na magkakaroon pa ng kaparis. 002 EXO 011 007 Datapuwa't sa lahat ng anak ng Israel mula sa tao hanggang sa hayop, ay walang maggagalaw kahit isang aso ng kaniyang dila laban sa tao o sa hayop: upang inyong makilala kung paano ang pagkakalagay ng pagkakaiba ng Panginoon sa mga Egipcio at sa Israel. 002 EXO 011 008 At bababain ako nitong lahat na iyong lingkod, at magsisiyukod sa akin, na magsasabi, Umalis ka, at ang buong bayan na sumusunod sa iyo: at pagkatapos niyaon ay aalis ako. At siya'y umalis sa harap ni Faraon na may maalab na galit. 002 EXO 011 009 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Hindi kayo didinggin ni Faraon: upang ang aking mga kababalaghan ay dumami sa lupain ng Egipto. 002 EXO 011 010 At ginawa ni Moises at ni Aaron ang lahat ng mga kababalaghang ito sa harap ni Faraon: at pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya pinahintulutan ang mga anak ni Israel ay umalis sa kaniyang lupain. 002 EXO 012 001 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at kay Aaron sa lupain ng Egipto, na sinasabi, 002 EXO 012 002 Ang buwang ito'y magiging sa inyo'y pasimula ng mga buwan: siyang magiging unang buwan ng taon sa inyo. 002 EXO 012 003 Salitain ninyo sa buong kapisanan ng Israel na inyong sabihin: Sa ikasangpung araw ng buwang ito ay magsisikuha sila sa ganang kanila, bawa't lalake, ng isang kordero, ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, isang kordero sa bawa't sangbahayan: 002 EXO 012 004 At kung ang sangbahayan ay napakakaunti upang kumain ng isang kordero, ay siya nga at ang kaniyang malapit na kapitbahay ay magsasalosalo sa isa ayon sa bilang ng mga tao; ayon sa bawa't tao na kumakain gagawin ninyo ang pagbilang, sa kordero. 002 EXO 012 005 Ang inyong korderong pipiliin ay yaong walang kapintasan, isang lalake, na iisahing taon: inyong kukunin sa mga tupa, o sa mga kambing: 002 EXO 012 006 At inyong aalagaan hanggang sa ikalabing apat na araw ng buwang ito, at papatayin ng buong kapulungan ng kapisanan ng Israel, sa paglubog ng araw. 002 EXO 012 007 At kukuha sila ng dugo niyan, at ilalagay sa dalawang haligi ng pinto at sa itaas ng pintuan, sa mga bahay na kanilang kakainan. 002 EXO 012 008 At kanilang kakanin ang laman sa gabing yaon, na inihaw sa apoy, at tinapay na walang lebadura, kakanin nilang kaulam ng mapapait na gulay. 002 EXO 012 009 Huwag ninyong kaning hilaw, o luto man sa tubig, kundi inihaw sa apoy; ang kaniyang ulo pati ng kaniyang mga paa at pati ng kaniyang mga lamang loob. 002 EXO 012 010 At huwag kayong magtitira ng anoman niyaon hanggang sa kinaumagahan; kundi yaong matitira niyaon sa kinaumagahan ay inyong susunugin sa apoy. 002 EXO 012 011 At ganito ninyo kakanin; may bigkis ang inyong baywang, ang inyong mga pangyapak ay nakasuot sa inyong mga paa, at ang inyong tungkod ay tangnan ninyo sa inyong kamay; at inyong kakaning dalidali; siyang paskua ng Panginoon. 002 EXO 012 012 Sapagka't ako'y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon, at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, maging tao at maging hayop; at gagawa ako ng kahatulan laban sa lahat ng mga dios sa Egipto, ako ang Panginoon. 002 EXO 012 013 At ang dugo ay magiging sa inyo'y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan: at pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo, pananakit ko sa lupaing Egipto. 002 EXO 012 014 At ang araw na ito'y magiging sa inyo'y isang alaala, at inyong ipagdidiwang na pinakapista sa Panginoon; sa buong panahon ng inyong lahi ay inyong ipagdidiwang na pinakapista na bilang tuntunin magpakailan man. 002 EXO 012 015 Pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura; sa unang araw ay inyong ihihiwalay sa inyong mga bahay ang lebadura; sapagka't sinomang kumain ng tinapay na may lebadura mula sa unang araw hanggang sa ikapitong araw ay ihihiwalay sa Israel, ang taong yaon. 002 EXO 012 016 At sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagkakatipon at sa ikapitong araw man ay magkakaroon ding kayo ng isang banal na pagkakatipon; walang anomang gawa na gagawin sa mga araw na iyan, liban na yaong nararapat kanin ng bawa't tao, na siya lamang maaaring gawin ninyo. 002 EXO 012 017 At iyong ipangingilin ang pista ng tinapay na walang lebadura; sapagka't sa araw ring ito kinuha ko ang inyong mga hukbo sa lupain ng Egipto: kaya't inyong ipangingilin ang araw na ito sa buong panahon ng inyong lahi, na bilang tuntunin magpakailan man. 002 EXO 012 018 Sa unang buwan ng ikalabing apat na araw ng buwan sa paglubog ng araw ay kakain kayo ng tinapay na walang lebadura, hanggang sa ikadalawang pu't isang araw ng buwan, sa paglubog ng araw. 002 EXO 012 019 Pitong araw, na walang masusumpungang lebadura sa inyong mga bahay: sapagka't sinomang kumain niyaong may lebadura, ay ihihiwalay sa kapisanan ng Israel, ang taong yaon, maging taga ibang lupa, o maging ipinanganak sa lupain. 002 EXO 012 020 Huwag kayong kakain ng anomang bagay na may lebadura; sa lahat ng inyong mga tahanan ay kakain kayo ng tinapay na walang lebadura. 002 EXO 012 021 Nang magkagayo'y ipinatawag ni Moises ang lahat ng matanda sa Israel, at sinabi sa kanila, Kayo'y lumabas at kumuha kayo ng mga kordero ayon sa inyo-inyong sangbahayan, at magpatay kayo ng kordero ng paskua. 002 EXO 012 022 At kayo'y kukuha ng isang bigkis na hisopo, at inyong babasain sa dugo, na nasa palanggana, at inyong papahiran ng dugo na nasa palanggana, ang itaas ng pinto at ang dalawang haligi ng pinto: at sinoman sa inyo ay huwag lalabas sa pinto ng kaniyang bahay hanggang sa kinaumagahan. 002 EXO 012 023 Sapagka't ang Panginoon ay daraan upang sugatan ang mga Egipcio; at pagkakita niya ng dugo sa itaas ng pinto at sa dalawang haligi ng pinto, ay lalampasan ng Panginoon ang pintong yaon, at hindi niya papayagan ang manunugat ay pumasok sa inyong mga bahay na sugatan kayo. 002 EXO 012 024 At inyong ipangingilin ang bagay na ito, na pinakatuntunin sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man. 002 EXO 012 025 At mangyayaring pagdating ninyo sa lupain na ibibigay sa inyo ng Panginoon, gaya ng kaniyang ipinangako, ay inyong tutuparin ang paglilingkod na ito. 002 EXO 012 026 At mangyayaring pagsasabi sa inyo ng inyong mga anak: Anong ibig ninyong sabihin sa paglilingkod na ito? 002 EXO 012 027 Na inyong sasabihin: Siyang paghahain sa paskua ng Panginoon, na kaniyang nilampasan ang mga bahay ng mga anak ni Israel sa Egipto, nang kaniyang sugatan ang mga Egipcio, at iniligtas ang aming mga sangbahayan. At ang bayan ay nagyukod ng ulo at sumamba. 002 EXO 012 028 At ang mga anak ni Israel ay yumaon at ginawang gayon; kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, ay gayong ginawa nila. 002 EXO 012 029 At nangyari sa hating gabi, na nilipol ng Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, mula sa panganay ni Faraon na nakaluklok sa kaniyang luklukan, hanggang sa panganay ng bilanggo na nasa bilangguan; at lahat ng panganay sa mga hayop. 002 EXO 012 030 At si Faraon ay bumangon sa kinagabihan, siya at lahat ng kaniyang mga lingkod, at lahat ng mga Egipcio, at nagkaroon ng isang malakas na hiyawan sa Egipto; sapagka't walang bahay na di mayroong isang patay. 002 EXO 012 031 At kaniyang tinawag si Moises at si Aaron sa kinagabihan, at sinabi, Kayo'y bumangon, umalis kayo sa gitna ng aking bayan kayo at sangpu ng mga anak ni Israel; at kayo'y yumaong maglingkod sa Panginoon, gaya ng inyong sinabi. 002 EXO 012 032 Dalhin ninyo kapuwa ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan, gaya ng inyong sinabi, at kayo'y yumaon: at pagpalain din naman ninyo ako. 002 EXO 012 033 At pinapagmadali ng mga Egipcio, ang bayan, na madaliang pinaalis sila sa lupain; sapagka't kanilang sinabi, Kaming lahat ay patay na. 002 EXO 012 034 At dinala ng bayan ang kanilang masa bago humilab, na nababalot ang kanilang mga masa sa kanikanilang damit sa ibabaw ng kanikanilang balikat. 002 EXO 012 035 At ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa salita ni Moises; at sila'y humingi sa mga Egipcio ng mga hiyas na pilak, at mga hiyas na ginto, at mga damit: 002 EXO 012 036 At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan sa paningin ng mga Egipcio, ano pa't ibinigay sa kanila anomang hingin nila. At kanilang hinubaran ang mga Egipcio. 002 EXO 012 037 At ang angkan ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses hanggang sa Succoth, na may anim na raang libong lalake na naglakad, bukod pa ang mga bata. 002 EXO 012 038 At isang karamihang samasama ang sumampa rin namang kasabay nila; at mga kawan, at mga bakahan, na napakaraming hayop. 002 EXO 012 039 At kanilang nilutong mga munting tinapay na walang lebadura ang masa na kanilang kinuha sa Egipto, sapagka't hindi pa humihilab, sapagka't sila'y itinaboy sa Egipto, at hindi sila nakatigil o nakapaghanda man ng anomang pagkain. 002 EXO 012 040 Ang pakikipamayan nga ng mga anak ni Israel, na ipinakipamayan nila sa Egipto, ay apat na raan at tatlong pung taon. 002 EXO 012 041 At nangyari sa katapusan ng apat na raan at tatlong pung taon, ng araw ding yaon ay nangyari, na ang lahat ng mga hukbo ng Panginoon ay umalis sa lupain ng Egipto. 002 EXO 012 042 Ito ay isang gabing pangingilin sa Panginoon dahil sa paglalabas niya sa kanila sa lupain ng Egipto: ito ay yaong gabi ng Panginoon na ipangingilin ng lahat ng mga anak ni Israel sa buong panahon ng kanilang lahi. 002 EXO 012 043 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Ito ang tuntunin sa paskua: walang sinomang taga ibang lupa na kakain niyaon: 002 EXO 012 044 Datapuwa't ang alipin ng bawa't lalake na nabili ng salapi, pagkatuli sa kaniya'y makakakain nga niyaon. 002 EXO 012 045 Ang nakikipamayan at ang alilang binabayaran ay hindi kakain niyaon. 002 EXO 012 046 Sa isang bahay kakanin; huwag kang magdadala ng laman sa labas ng bahay, ni sisira kayo ng kahit isang buto niyaon. 002 EXO 012 047 Ipangingilin ng buong kapisanan ng Israel. 002 EXO 012 048 At pagka ang isang taga ibang lupa ay makikipamayan kasama mo, at mangingilin ng paskua sa Panginoon, ay tuliin lahat ang kaniyang mga lalake at saka siya lumapit at ipangilin: at siya'y magiging parang ipinanganak sa lupain ninyo; datapuwa't sinomang di tuli ay hindi makakakain niyaon. 002 EXO 012 049 Isang kautusan magkakaroon sa ipinanganak sa lupain, at sa taga ibang bayan na nakikipamayang kasama ninyo. 002 EXO 012 050 Gayon ginawa ng lahat ng mga anak ni Israel; kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, gayon nila ginawa. 002 EXO 012 051 At nangyari nang araw ding yaon, na kinuha ng Panginoon ang mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo. 002 EXO 013 001 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, 002 EXO 013 002 Pakabanalin mo sa akin ang lahat ng mga panganay, anomang nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel: maging sa tao at maging sa hayop ay akin. 002 EXO 013 003 At sinabi ni Moises sa bayan, Alalahanin ninyo ang araw na ito na inialis ninyo sa Egipto, sa bahay ng pagkaalipin; sapagka't sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay hinango kayo ng Panginoon sa dakong ito, wala sinomang kakain ng tinapay na may lebadura. 002 EXO 013 004 Sa araw na ito ay umaalis kayo ng buwan ng Abib. 002 EXO 013 005 At mangyayari, na pagkadala sa iyo ng Panginoon sa lupain ng Cananeo, at ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Hebreo, at ng Jebuseo, na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, na ibibigay sa iyo, na lupang binubukalan ng gatas at pulot ay iyong ipangingilin ang paglilingkod na ito sa buwang ito. 002 EXO 013 006 Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura, at sa ikapitong araw ay magiging isang kapistahan sa Panginoon. 002 EXO 013 007 Tinapay na walang lebadura ang kakanin sa loob ng pitong araw, at huwag makakakita sa iyo, ng tinapay na may lebadura, ni makakakita ng lebadura sa iyo, sa lahat ng iyong mga hangganan. 002 EXO 013 008 At sasaysayin mo sa iyong anak sa araw na yaon, na iyong sasabihin: Dahil sa ginawa ng Panginoon sa akin nang ako'y umalis sa Egipto. 002 EXO 013 009 At sa iyo'y magiging pinakatanda sa ibabaw ng iyong kamay, at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata, upang ang kautusan ng Panginoon ay sumaiyong bibig: sapagka't sa pamamagitan ng malakas na kamay, ay inalis ka ng Panginoon sa Egipto. 002 EXO 013 010 Isasagawa mo nga ang palatuntunang ito sa kapanahunan nito taon taon. 002 EXO 013 011 At mangyayari, pagkadala sa iyo ng Panginoon sa lupain ng Cananeo, gaya ng isinumpa sa iyo at sa iyong mga magulang, at pagkabigay niyaon sa iyo, 002 EXO 013 012 Ay ihihiwalay mo para sa Panginoon yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata, at bawa't panganay na mayroon ka na mula sa hayop; ang mga lalake, ay sa Panginoon. 002 EXO 013 013 At bawa't panganay sa asno ay tutubusin mo ng isang kordero; at kung hindi mo tutubusin, ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg: at lahat ng mga panganay na lalake sa iyong mga anak ay iyong tutubusin. 002 EXO 013 014 At mangyayari, na pagtatanong sa iyo ng iyong anak sa panahong darating, na sasabihin, Ano ito? na iyong sasabihin sa kaniya: Sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ng Panginoon sa Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. 002 EXO 013 015 At nangyari, nang magmatigas si Faraon na hindi kami tulutang yumaon, ay pinatay ng Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ang panganay ng tao at gayon din ang panganay ng hayop: kaya't aking inihahain sa Panginoon ang lahat ng nagbubukas ng bahay-bata na mga lalake; nguni't lahat ng panganay ng aking anak ay aking tinutubos. 002 EXO 013 016 At magiging pinakatanda sa iyong kamay, at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata: sapagka't sa pamamagitan ng lakas ng kamay ay inilabas tayo ng Panginoon sa Egipto. 002 EXO 013 017 At nangyari, nang tulutan ni Faraon na ang bayan ay yumaon, na hindi sila pinatnubayan ng Dios sa daang patungo sa lupain ng mga Filisteo, bagaman malapit; sapagka't sinabi ng Dios, Baka sakaling ang bayan ay magsisi pagkakita ng pagbabaka, at magsipagbalik sa Egipto: 002 EXO 013 018 Kundi pinatnubayan ng Dios ang bayan sa palibot, sa daang patungo sa ilang sa tabi ng Dagat na Mapula: at ang mga anak ni Israel ay sumampang nangakasakbat mula sa lupain ng Egipto. 002 EXO 013 019 At dinala ni Moises ang mga buto ni Jose: sapagka't kaniyang ipinanumpang mahigpit sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Tunay na dadalawin kayo ng Dios; at inyong isasampa ang aking mga buto mula rito na kasama ninyo. 002 EXO 013 020 At sila'y naglakbay mula sa Succoth, at humantong sa Etham, sa hangganan ng ilang. 002 EXO 013 021 At ang Panginoon ay nangunguna sa kanila sa araw, sa isang haliging ulap, upang patnubayan sila sa daan; at sa gabi, ay sa isang haliging apoy, upang tanglawan sila; upang sila'y makapaglakad sa araw at sa gabi. 002 EXO 013 022 Ang haliging ulap sa araw at ang haliging apoy sa gabi ay hindi humihiwalay sa harapan ng bayan. 002 EXO 014 001 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, 002 EXO 014 002 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y bumalik at humantong sa tapat ng Pi-hahiroth, sa pagitan ng Migdol at ng dagat, sa tapat ng Baalzephon: sa tapat niyaon hahantong kayo, sa tabi ng dagat. 002 EXO 014 003 At sasabihin ni Faraon tungkol sa mga anak ni Israel: Nangasisilo sila sa lupain, sila'y naliligid ng ilang. 002 EXO 014 004 At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon, at kaniyang hahabulin sila at kayo'y magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa lahat niyang hukbo; at malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon. At kanilang ginawang gayon. 002 EXO 014 005 At nasabi sa hari sa Egipto, na ang bayan ay tumakas: at ang puso ni Faraon at ng kaniyang mga lingkod ay nagbago tungkol sa bayan, at kanilang sinabi, Ano itong ating ginawa, na ating pinayaon ang Israel, upang huwag na tayong mapaglingkuran? 002 EXO 014 006 At inihanda ni Faraon ang kaniyang karro, at kaniyang ipinagsama ang kaniyang bayan: 002 EXO 014 007 At siya'y nagdala ng anim na raang piling karro, at lahat ng mga karro sa Egipto, at ng mga kapitan na namumuno sa lahat ng mga yaon. 002 EXO 014 008 At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon na hari sa Egipto, at hinabol niya ang mga anak ni Israel, sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsialis na may lubos na pagkakatiwala. 002 EXO 014 009 At hinabol sila ng mga Egipcio, ng lahat ng mga kabayo at ng karro ni Faraon, at ng kaniyang mga taong mangangabayo, at ng kaniyang hukbo, at inabutan sila noong nakahantong sa tabi ng dagat, na nasa siping ng Pi-hahirot, sa tapat ng Baal-zefon. 002 EXO 014 010 At nang si Faraon ay nalalapit, ay itiningin ng mga anak ni Israel ang kanilang mga mata, at, narito, ang mga Egipcio ay sumusunod sa kanila; at sila'y natakot na mainam: at ang mga anak ni Israel ay humibik sa Panginoon. 002 EXO 014 011 At kanilang sinabi kay Moises, Dahil ba sa walang libingan sa Egipto, kung kaya dinala mo kami rito upang mamatay sa ilang? bakit ka gumawa ng ganito sa amin, na inilabas mo kami sa Egipto? 002 EXO 014 012 Di ba ito ang sinalita namin sa iyo sa Egipto, na sinasabi, Pabayaan mo kami na makapaglingkod sa mga Egipcio? Sapagka't lalong mabuti sa amin ang maglingkod sa mga Egipcio kay sa kami ay mamatay sa ilang. 002 EXO 014 013 At sinabi ni Moises sa bayan, Huwag kayong matakot, tumigil kayo, at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na gagawin sa inyo ngayon: sapagka't ang mga Egipcio na inyong nakikita ngayon, ay hindi na ninyo uli makikita magpakailan man. 002 EXO 014 014 Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon, at kayo'y tatahimik. 002 EXO 014 015 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bakit humihibik ka sa akin? salitain mo sa mga anak ni Israel na sila'y magpatuloy na yumaon. 002 EXO 014 016 At itaas mo ang iyong tungkod, at iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat, at hawiin mo; at ang mga anak ni Israel ay dadaan sa gitna ng dagat sa ibabaw ng lupang tuyo. 002 EXO 014 017 At ako, narito, aking papagmamatigasin ang puso ng mga Egipcio at susundan nila sila: at ako'y magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa buo niyang hukbo, sa kaniyang mga karro, at sa kaniyang mga nangangabayo. 002 EXO 014 018 At malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon, pagka ako ay nakapagimbot ng karangalan kay Faraon, sa kaniyang mga karro, at sa kaniyang mga nangangabayo. 002 EXO 014 019 At ang anghel ng Dios na nasa unahan ng kampamento ng Israel, ay humiwalay at napasa hulihan nila; at ang haliging ulap ay humiwalay sa harap nila at lumagay sa likod nila: 002 EXO 014 020 At lumagay sa pagitan ng kampamento ng Egipto at ng kampamento ng Israel; at mayroong ulap at kadiliman, gayon ma'y binigyan sila ng liwanag sa gabi at ang isa't isa ay hindi nagkalapit sa buong magdamag. 002 EXO 014 021 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag, at ang dagat ay pinapaging tuyong lupa at ang tubig ay nahawi. 002 EXO 014 022 At ang mga anak ni Israel ay pumasok sa gitna ng dagat sa ibabaw ng tuyong lupa: at ang tubig ay naging isang kuta sa kanila, sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa. 002 EXO 014 023 At hinabol sila ng mga Egipcio, at nagsipasok na kasunod nila sa gitna ng dagat, lahat ng mga kabayo ni Faraon, ang kaniyang mga karro, at ang kaniyang mga nangangabayo. 002 EXO 014 024 At nangyari, sa pagbabantay sa kinaumagahan, na minasdan ng Panginoon ang hukbo ng mga Egipcio sa gitna ng haliging apoy at ulap, at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio. 002 EXO 014 025 At inalisan ng gulong ang kanilang mga karro, na kanilang hinila ng buong hirap: na ano pa't sinabi ng mga Egipcio, Tumakas tayo sa harap ng Israel: sapagka't ipinakikipaglaban sila ng Panginoon sa mga Egipcio. 002 EXO 014 026 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dagat, upang ang tubig ay tumabon sa mga Egipcio, sa kanilang mga karro, at sa kanilang mga nangangabayo. 002 EXO 014 027 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dagat, at ang dagat ay nagsauli sa kaniyang dating lakas, nang umumaga; at ang mga Egipcio ay nagsitakas, at nilaginlin ng Panginoon ang mga Egipcio sa gitna ng dagat. 002 EXO 014 028 At ang tubig ay nagsauli, at tinakpan ang mga karro, at ang mga nangangabayo, sa makatuwid baga'y ang buong hukbo ni Faraon na pumasok na sumunod sa kanila sa dagat; walang natira kahit isa sa kanila. 002 EXO 014 029 Datapuwa't ang mga anak ni Israel ay lumakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat; at ang tubig sa kanila ay naging isang kuta sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa. 002 EXO 014 030 Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel ng araw na yaon sa kamay ng mga Egipcio; at nakita ng Israel ang mga Egipcio na mga patay sa tabi ng dagat. 002 EXO 014 031 At nakita ng Israel ang dakilang gawa, na ginawa ng Panginoon sa mga Egipcio, at ang bayan ay natakot sa Panginoon: at sila'y sumampalataya sa Panginoon at sa kaniyang lingkod na kay Moises. 002 EXO 015 001 Nang magkagayo'y inawit ni Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon, at sinalita, na sinasabi, Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati: Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat. 002 EXO 015 002 Ang Panginoon ay aking lakas at awit, At siya'y naging aking kaligtasan: Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin. Dios ng aking ama, at siya'y aking tatanghalin. 002 EXO 015 003 Ang Panginoo'y isang mangdidigma: Panginoon ang kaniyang pangalan. 002 EXO 015 004 Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat; At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa Dagat na Mapula. 002 EXO 015 005 Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila: Sila'y lumubog sa mga kalaliman, na parang isang bato. 002 EXO 015 006 Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan. Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway. 002 EXO 015 007 At sa kalakhan ng iyong karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo: Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit, at nililipol silang parang dayami. 002 EXO 015 008 At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang tubig, Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton; Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat. 002 EXO 015 009 Sinabi ng kaaway, Aking hahabulin, aking aabutan, magbabahagi ako ng samsam, Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila; Aking bubunutin ang aking tabak, lilipulin sila ng aking kamay. 002 EXO 015 010 Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin, at tinabunan sila ng dagat. Sila'y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig. 002 EXO 015 011 Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios? Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan, Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan? 002 EXO 015 012 Iyong iniunat ang iyong kanang kamay, Nilamon sila ng lupa. 002 EXO 015 013 Iyong pinapatnubayan sa iyong awa ang bayan na iyong tinubos: Sa iyong kalakasan ay iyong inihahatid sila sa banal mong tahanan. 002 EXO 015 014 Narinig ng mga bayan; at sila'y nanginig: Mga sakit ang kumapit sa mga taga Filistia. 002 EXO 015 015 Nang magkagayo'y natulig ang mga pangulo sa Edom; Sa matatapang sa Moab, ay panginginig ang sumasakanila: Lahat ng taga Canaan ay nauubos. 002 EXO 015 016 Sindak at gulat ang suma-sakanila; Sa kadakilaan ng iyong bisig ay nagiging walang kibo sila na parang bato; Hanggang sa ang iyong bayan ay makaraan, Oh Panginoon, Hanggang sa makaraan ang bayang ito na iyong kinamtan. 002 EXO 015 017 Sila'y iyong papapasukin, at sila'y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana, Sa dako, Oh Panginoon, na iyong ginawa sa iyo, upang iyong tahanan, Sa santuario, Oh Panginoon, na itinatag ng iyong mga kamay. 002 EXO 015 018 Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man. 002 EXO 015 019 Sapagka't ang mga kabayo ni Faraon, ay nagsipasok pati ng kaniyang mga karro at pati ng kaniyang mga nangangabayo sa dagat, at pinapanumbalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila; datapuwa't lumakad ang mga anak ni Israel sa tuyong lupa sa gitna ng dagat. 002 EXO 015 020 At si Miriam na propetisa na kapatid ni Aaron, ay tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsayawan. 002 EXO 015 021 At sila'y sinagot ni Miriam, Umawit kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati; Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat. 002 EXO 015 022 At pinatnubayan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Mapula, at sila'y lumabas sa ilang ng Shur; at sila'y lumakad na tatlong araw sa ilang, at hindi nakasumpong ng tubig. 002 EXO 015 023 At nang sila'y dumating sa Mara, ay hindi sila makainom ng tubig sa Mara, sapagka't mapait: kaya't ang pangalang itinawag ay Mara. 002 EXO 015 024 At inupasala ng bayan si Moises, na sinasabi, Anong aming iinumin? 002 EXO 015 025 At siya'y dumaing sa Panginoon; at pinapagkitaan siya ng Panginoon ng isang puno ng kahoy, at inihagis niya sa tubig, at ang tubig ay tumabang. Doon inatangan niya ng palatuntunan, at ng tagubilin at doon sila sinubok niya; 002 EXO 015 026 At sinabi, Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang kaniyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat niyang mga palatuntunan ay wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Egipcio: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo. 002 EXO 015 027 At sila'y dumating sa Elim, na doo'y mayroong labingdalawang bukal ng tubig, at pitongpung puno ng palma; at sila'y humantong doon sa tabi ng mga tubig. 002 EXO 016 001 At sila'y naglakbay mula sa Elim, at ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay dumating sa ilang ng Sin, na nasa pagitan ng Elim at Sinai, nang ikalabing limang araw ng ikalawang buwan, pagkatapos na sila'y makaalis sa lupain ng Egipto. 002 EXO 016 002 At inupasala ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron sa ilang: 002 EXO 016 003 At sinabi sa kanila ng mga anak ni Israel, Namatay na sana kami sa pamamagitan ng kamay ng Panginoon sa lupain ng Egipto, nang kami ay nauupo sa tabi ng mga palyok ng karne, nang kami ay kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog; sapagka't kami ay inyong dinala sa ilang na ito, upang patayin ng gutom ang buong kapisanang ito. 002 EXO 016 004 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, kayo'y aking pauulanan ng pagkain mula sa langit; at lalabasin at pupulutin ng bayan araw-araw ang bahagi sa bawa't araw; upang aking masubok sila, kung sila'y lalakad ng ayon sa aking kautusan, o hindi. 002 EXO 016 005 At mangyayari sa ikaanim na araw, na sila'y maghahanda ng kanilang dala, na ibayo ng kanilang pinupulot sa araw-araw. 002 EXO 016 006 At sinabi ni Moises at ni Aaron sa lahat ng mga anak ni Israel, Sa kinahapunan, ay inyong malalaman, na ang Panginoon ay siyang naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto. 002 EXO 016 007 At sa kinaumagahan, ay inyo ngang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon; sapagka't kaniyang naririnig ang inyong mga pagupasala laban sa Panginoon: at ano kami, na inyo kaming inuupasala? 002 EXO 016 008 At sinabi ni Moises, Ito'y mangyayari, pagbibigay ng Panginoon sa inyo sa kinahapunan ng karne na makakain, at sa kinaumagahan ng pagkain, na makabubusog; sapagka't naririnig ng Panginoon ang inyong mga pagupasala na inyong iniuupasala laban sa kaniya: at ano kami? ang inyong mga pagupasala ay hindi laban sa amin, kundi laban sa Panginoon. 002 EXO 016 009 At sinabi ni Moises kay Aaron, Sabihin mo sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, Lumapit kayo sa harap ng Panginoon; sapagka't kaniyang narinig ang inyong mga pagupasala. 002 EXO 016 010 At nangyari, pagkapagsalita ni Aaron sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sila'y tumingin sa dakong ilang, at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa ulap. 002 EXO 016 011 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, 002 EXO 016 012 Aking narinig ang mga pagupasala ng mga anak ni Israel: salitain mo sa kanila, na iyong sasabihin, Sa kinahapunan ay kakain kayo ng karne, at sa kinaumagahan, ay magpapakabusog kayo ng tinapay; at inyong makikilala na ako ang Panginoon ninyong Dios. 002 EXO 016 013 At nangyari sa kinahapunan na ang mga pugo ay nagsiahon at tinakpan ang kampamento at sa kinaumagahan, ay nalalatag sa palibot ng kampamento ang hamog. 002 EXO 016 014 At nang paitaas na ang hamog na nalalatag na, narito, sa balat ng ilang ay may munting bagay na mabilog at munti na gaya ng namuong hamog sa ibabaw ng lupa. 002 EXO 016 015 At nang makita ng mga anak ni Israel, ay nagsangusapan, Ano ito? sapagka't hindi nila nalalaman kung ano yaon. At sinabi ni Moises sa kanila, Ito ang pagkain na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kanin. 002 EXO 016 016 Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, Pumulot ang bawa't tao ayon sa kaniyang kain; isang omer sa bawa't ulo, ayon sa bilang ng inyong mga tao, ang kukunin ng bawa't tao para sa mga nasa kaniyang tolda. 002 EXO 016 017 At gayon ginawa ng mga anak ni Israel, at may namulot ng marami, at may kaunti. 002 EXO 016 018 At nang timbangin sa omer, ang namulot ng marami ay walang higit, at ang namulot ng kaunti ay hindi nagkulang; bawa't tao ay pumulot ng ayon sa kaniyang kain. 002 EXO 016 019 At sinabi ni Moises sa kanila, Huwag magtira niyaon ang sinoman ng hanggang sa umaga. 002 EXO 016 020 Gayon ma'y hindi sila nakinig kay Moises; kungdi ang iba sa kanila ay nagtira niyaon hanggang sa umaga, at inuod at bumaho; at naginit sa kanila si Moises. 002 EXO 016 021 At sila'y namumulot tuwing umaga, bawa't tao ayon sa kaniyang kain: at pagka ang araw ay umiinit na, ay natutunaw. 002 EXO 016 022 At nangyari, na nang ikaanim na araw, ay pumulot sila ng pagkain na ibayo ang dami, dalawang omer sa bawa't isa: at lahat ng puno sa kapisanan ay naparoon at nagsaysay kay Moises. 002 EXO 016 023 At kaniyang sinabi sa kanila, Ito ang sinalita ng Panginoon, Bukas ay takdang kapahingahan, banal na sabbath sa Panginoon: ihawin ninyo ang inyong iihawin, at lutuin ninyo ang inyong lulutuin; at lahat na lalabis ay itago ninyo sa ganang inyo, na inyong itira hanggang sa kinabukasan. 002 EXO 016 024 At kanilang itinago hanggang sa kinaumagahan, gaya ng iniutos ni Moises: at hindi bumaho, ni nagkaroon ng anomang uod. 002 EXO 016 025 At sinabi ni Moises, Kanin ninyo yaon ngayon; sapagka't ngayo'y sabbath na ipinangingilin sa Panginoon: ngayo'y hindi kayo makakasumpong sa parang. 002 EXO 016 026 Anim na araw na inyong pupulutin; datapuwa't sa ikapitong araw ay sabbath, hindi magkakaroon. 002 EXO 016 027 At nangyari sa ikapitong araw, na lumabas ang iba sa bayan upang mamulot, at walang nasumpungan. 002 EXO 016 028 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Hanggang kailan tatanggihan ninyo ganapin ang aking mga utos at ang aking mga kautusan? 002 EXO 016 029 Tingnan ninyo, na sapagka't ibinigay ng Panginoon sa inyo ang sabbath, kung kaya't kaniyang ibinibigay sa inyo sa ikaanim na araw ang pagkain ng sa dalawang araw; matira ang bawa't tao sa kaniyang kinaroroonan, huwag umalis ang sinoman sa kaniyang kinaroroonan, sa ikapitong araw. 002 EXO 016 030 Kaya ang bayan ay nagpahinga sa ikapitong araw. 002 EXO 016 031 At yao'y pinanganlan ng sangbahayan ng Israel na Mana: at kaparis ng buto ng kulantro, maputi; at ang lasa niyaon ay kasinglasa ng manipis na tinapay na may pulot. 002 EXO 016 032 At sinabi ni Moises, Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, Punuin ninyo ang isang omer ng mana, na inyong ingatan sa buong panahon ng inyong mga lahi; upang kanilang makita ang pagkain, na aking ipinakain sa inyo sa ilang nang kayo'y aking ilabas sa lupain ng Egipto. 002 EXO 016 033 At sinabi ni Moises kay Aaron, Kumuha ka ng isang palyok at sidlan mo ng isang omer na puno ng mana, at ilagay mo sa harap ng Panginoon, upang maingatan sa buong panahon ng inyong mga lahi. 002 EXO 016 034 Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon inilagay ni Aaron sa harap ng Patotoo upang ingatan. 002 EXO 016 035 At ang mga anak ni Israel ay kumain ng mana na apat na pung taon, hanggang sa sila'y dumating sa lupaing tinatahanan; sila'y kumain ng mana hanggang sa sila'y dumating sa mga hangganan ng lupain ng Canaan. 002 EXO 016 036 Ang isang omer nga ay ikasangpung bahagi ng isang efa. 002 EXO 017 001 At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa ilang ng Sin, sa kanilang paglalakbay ayon sa utos ng Panginoon, at humantong sa Rephidim: at walang tubig na mainom ang bayan. 002 EXO 017 002 Kaya't ang bayan ay nakipagtalo kay Moises, at nagsabi, Bigyan mo kami ng tubig na aming mainom. At sinabi ni Moises sa kanila, Bakit kayo nakikipagtalo sa akin? bakit ninyo tinutukso ang Panginoon? 002 EXO 017 003 At ang bayan ay nauhaw at inupasala ng bayan si Moises, at sinabi, Bakit mo kami isinampa rito mula sa Egipto, upang patayin mo kami sa uhaw, at ang aming mga anak, at ang aming kawan? 002 EXO 017 004 At si Moises ay dumaing sa Panginoon, na nagsasabi, Anong aking gagawin sa bayang ito? kulang na lamang batuhin nila ako. 002 EXO 017 005 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Dumaan ka sa harap ng bayan, at ipagsama mo ang mga matanda sa Israel; at ang iyong tungkod na iyong ipinalo sa ilog, ay tangnan mo sa iyong kamay, at yumaon ka. 002 EXO 017 006 Narito, ako'y tatayo sa harap mo roon sa ibabaw ng bato sa Horeb; at iyong papaluin ang bato, at lalabasan ng tubig, upang ang bayan ay makainom. At gayon ginawa ni Moises sa paningin ng mga matanda sa Israel. 002 EXO 017 007 At tinawag nila ang pangalan ng dakong yaon, na Massah at Meribah, dahil sa pakikipagtalo ng mga anak ni Israel, at dahil sa kanilang tinukso ang Panginoon, na kanilang sinasabi, Ang Panginoon ba'y nasa gitna natin o wala? 002 EXO 017 008 Nang magkagayo'y dumating si Amalec, at nakipaglaban sa Israel sa Rephidim. 002 EXO 017 009 At sinabi ni Moises kay Josue, Ipili mo tayo ng mga lalake, at ikaw ay lumabas, lumaban ka kay Amalec; bukas ay tatayo ako sa taluktok ng burol, na aking tangan ang tungkod ng Dios sa aking kamay. 002 EXO 017 010 Gayon ginawa ni Josue, gaya ng sinabi ni Moises sa kaniya, at lumaban kay Amalec: at si Moises, si Aaron at si Hur ay sumampa sa taluktok ng burol. 002 EXO 017 011 At nangyari, pagka itinataas ni Moises ang kaniyang kamay, ay nananaig ang Israel: at pagka kaniyang ibinababa ang kaniyang kamay, ay nananaig si Amalec. 002 EXO 017 012 Datapuwa't ang mga kamay ni Moises ay nangalay; at sila'y kumuha ng isang bato, at inilagay sa ibaba, at kaniyang inupuan; at inalalayan ni Aaron at ni Hur ang kaniyang mga kamay, ang isa'y sa isang dako, at ang isa'y sa kabilang dako; at ang kaniyang mga kamay ay nalagi sa itaas hanggang sa paglubog ng araw. 002 EXO 017 013 At nilito ni Josue si Amalec, at ang kaniyang bayan, sa pamamagitan ng talim ng tabak. 002 EXO 017 014 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ito na pinakaalaala sa isang aklat, at ipagbigay alam mo kay Josue na aking ipalilimot ang pagalaala kay Amalec sa silong ng langit. 002 EXO 017 015 At nagtayo si Moises ng isang dambana, at pinanganlang Jehovanissi. 002 EXO 017 016 At kaniyang sinabi, Isinumpa ng Panginoon: ang Panginoon ay makikipagdigma kay Amalec sa buong panahon ng lahi nito. 002 EXO 018 001 Si Jethro nga, saserdote sa Madian, biyanan ni Moises, ay nakabalita ng lahat na ginawa ng Dios kay Moises, at sa Israel na kaniyang bayan, kung paanong inilabas ng Panginoon ang Israel sa Egipto. 002 EXO 018 002 At ipinagsama ni Jethro, na biyanan ni Moises, si Sephora na asawa ni Moises, pagkatapos na kaniyang maipadala sa kanilang ama, 002 EXO 018 003 At ang dalawa niyang anak na lalake: na ang pangalan ng isa'y Gersom; sapagka't sinabi ni Moises, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan. 002 EXO 018 004 At ang pangalan ng isa'y Elieser; sapagka't kaniyang sinabi, Ang Dios ng aking ama'y naging aking saklolo, at ako'y iniligtas sa tabak ni Faraon; 002 EXO 018 005 At si Jethro, na biyanan ni Moises, ay dumating, na kasama ang kaniyang mga anak at ang kaniyang asawa, kay Moises sa ilang na kaniyang hinantungan sa tabi ng bundok ng Dios: 002 EXO 018 006 At kaniyang ipinasabi kay Moises, Akong iyong biyanang si Jethro ay naparito sa iyo, at ang iyong asawa, at ang kaniyang dalawang anak na kasama niya. 002 EXO 018 007 At si Moises ay lumabas na sinalubong ang kaniyang biyanan, at kaniyang niyukuran at hinalikan. At sila'y nagtanungang isa't isa ng kanilang kalagayan; at sila'y pumasok sa tolda. 002 EXO 018 008 At isinaysay ni Moises sa kaniyang biyanan ang lahat ng ginawa ng Panginoon kay Faraon at sa mga Egipcio dahil sa Israel, ang buong hirap na kanilang naranasan sa daan, at kung paanong iniligtas ng Panginoon sila. 002 EXO 018 009 At ikinagalak ni Jethro ang buong kabutihang ginawa ng Panginoon sa Israel, na iniligtas sila sa kamay ng mga Egipcio. 002 EXO 018 010 At sinabi ni Jethro, Purihin ang Panginoon, na nagligtas sa inyo, sa kamay ng mga Egipcio, at sa kamay ni Faraon; na siyang nagligtas sa bayan sa kamay ng mga Egipcio. 002 EXO 018 011 Ngayo'y aking natatalastas na ang Panginoon ay lalong dakila kay sa lahat ng mga dios: oo, sa bagay na ipinagpalalo ng mga Egipcio laban sa mga Hebreo. 002 EXO 018 012 At si Jethro, na biyanan ni Moises, ay kumuha ng handog na susunugin at mga hain para sa Dios: at si Aaron ay naparoon, at ang lahat ng mga matanda sa Israel, upang kumain ng tinapay na kasalo ng biyanan ni Moises sa harap ng Dios. 002 EXO 018 013 At nangyari kinabukasan, na lumuklok si Moises upang hatulan ang bayan: at ang bayan ay tumayo sa palibot ni Moises mula sa umaga hanggang sa hapon. 002 EXO 018 014 At nang makita ng biyanan ni Moises ang lahat ng kaniyang ginagawa sa bayan, ay nagsabi, Anong bagay itong ginagawa mo sa bayan? bakit nauupo kang magisa, at ang buong bayan ay nakatayo sa palibot mo mula sa umaga hanggang sa hapon? 002 EXO 018 015 At sinabi ni Moises sa kaniyang biyanan, Sapagka't ang bayan ay lumalapit sa akin, upang sumangguni sa Dios. 002 EXO 018 016 Pagka sila'y may usap ay lumapit sa akin; at aking hinahatulang isa't isa, at aking ipinakikilala sa kanila ang mga palatuntunan ng Dios, at ang kaniyang mga kautusan. 002 EXO 018 017 At sinabi ng biyanan ni Moises sa kaniya, Ang bagay na iyong ginagawa ay hindi mabuti. 002 EXO 018 018 Tunay na ikaw ay manghihina, ikaw at ang bayang ito, na nasa iyo: sapagka't ang bagay ay totoong mabigat sa iyo; hindi mo makakayang magisa. 002 EXO 018 019 Dinggin mo ngayon ang aking tinig; papayuhan kita, at sumaiyo nawa ang Dios: ikaw ang maging tagapagakay sa bayan sa harap ng Dios, at dalhin mo ang mga usap sa Dios: 002 EXO 018 020 At ituturo mo sa kanila ang mga palatuntunan, at ang mga kautusan, at ipakikilala mo sa kanila ang daang nararapat lakaran, at ang gawang kanilang nararapat gawin. 002 EXO 018 021 Bukod dito'y hahanap ka sa buong bayan ng mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin: 002 EXO 018 022 At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon: at mangyayari, na bawa't malaking usap ay dadalhin nila sa iyo, datapuwa't bawa't munting usap, ay silasila ang maghahatulan: sa ganyan ay magiging magaan sa iyo, at magpapasan silang katulong mo. 002 EXO 018 023 Kung gagawin mo ang bagay na ito, at iuutos sa iyong ganyan ng Dios ay iyo ngang mababata, at ang buong bayan namang ito ay uuwing payapa. 002 EXO 018 024 Sa gayon, ay dininig ni Moises ang kaniyang biyanan, at ginawang lahat yaong sinabi. 002 EXO 018 025 At pumili si Moises ng mga lalaking bihasa sa buong Israel, at ginawa niyang pangulo sa bayan, na mga puno ng lilibuhin, mga puno ng dadaanin, mga puno ng lilimangpuin, at mga puno ng sasangpuin. 002 EXO 018 026 At kanilang hinatulan ang bayan sa buong panahon: ang mabibigat na usap ay kanilang dinadala kay Moises, datapuwa't bawa't munting usap ay silasila ang naghahatulan. 002 EXO 018 027 At tinulutan ni Moises ang kaniyang biyanan na magpaalam at siya'y umuwi sa sariling lupain. 002 EXO 019 001 Sa ikatlong buwan, pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay makaalis sa lupain ng Egipto, ay dumating sila ng araw ding yaon sa ilang ng Sinai. 002 EXO 019 002 At nang sila'y umalis sa Rephidim, at dumating sa ilang ng Sinai, ay humantong sila sa ilang; at doo'y humantong ang Israel sa harap ng bundok. 002 EXO 019 003 At si Moises ay lumapit sa Dios, at tinawag ng Panginoon siya mula sa bundok, na sinasabi, Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob, at sasaysayin sa mga anak ni Israel. 002 EXO 019 004 Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio, at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila, at kayo'y inilapit ko sa akin din. 002 EXO 019 005 Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka't ang buong lupa ay akin; 002 EXO 019 006 At kayo'y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel. 002 EXO 019 007 At dumating si Moises at tinawag ang mga matanda sa bayan, at ipinahayag sa harap nila ang lahat ng salitang ito na iniutos ng Panginoon sa kaniya. 002 EXO 019 008 At ang buong bayan ay sumagot na magkakaisa, at nagsabi, Yaong lahat na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin. At ipinagbigay alam ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon. 002 EXO 019 009 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito ako'y naparirito sa iyo sa isang salimuot na ulap upang marinig ng bayan pagka ako'y magsasalita sa iyo, at paniwalaan ka rin naman nila magpakailan man. At sinalita ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon. 002 EXO 019 010 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pumaroon ka sa bayan at papagbanalin mo sila ngayon at bukas at labhan nila ang kanilang mga damit, 002 EXO 019 011 At humanda sa ikatlong araw: sapagka't sa ikatlong araw ay bababa ang Panginoon sa paningin ng buong bayan sa ibabaw ng bundok ng Sinai. 002 EXO 019 012 At lalagyan mo ng mga hangganan ang bayan sa palibot, na iyong sasabihin, Magingat kayo, na kayo'y huwag sumampa sa bundok, o sumalang sa hangganan: sinomang sumalang sa bundok ay papatayin na walang pagsala: 002 EXO 019 013 Walang kamay na hihipo sa kaniya, kundi, siya'y tunay na babatuhin, o papanain; maging hayop o tao ay hindi mabubuhay: pagka ang pakakak ay tumunog ng maluwat ay sasampa sila sa bundok. 002 EXO 019 014 At bumaba si Moises sa bayan mula sa bundok, at pinakabanal ang bayan, at sila'y naglaba ng kanilang mga damit. 002 EXO 019 015 At kaniyang sinabi sa bayan, humanda kayo sa ikatlong araw; huwag kayong sumiping sa babae. 002 EXO 019 016 At nangyari ng ikatlong araw, ng umaga, na kumulog at kumidlat, at may isang salimuot na ulap sa ibabaw ng bundok, at ang tunog ng pakakak ay napakalakas; at ang buong bayan na nasa kampamento ay nanginig. 002 EXO 019 017 At inilabas ni Moises ang bayan sa kampamento upang salubungin ang Dios; at sila'y tumayo sa paanan ng bundok. 002 EXO 019 018 At ang buong bundok ng Sinai ay umuusok, sapagka't ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw niyaon na nasa apoy: at ang usok niyaon ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno, at ang buong bundok ay umuugang mainam. 002 EXO 019 019 At nang lumalakas ng lumalakas ang tunog ng pakakak ay nagsasalita si Moises, at sinasagot siya ng Dios sa pamamagitan ng tinig. 002 EXO 019 020 At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa. 002 EXO 019 021 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila. 002 EXO 019 022 At gayon din ang mga saserdote, na lumalapit sa Panginoon ay papagbanalin mo, baka ang Panginoon ay hindi makapagpigil sa kanila. 002 EXO 019 023 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Ang baya'y hindi makasasampa sa bundok ng Sinai: sapagka't iyong pinagbilinan kami, na iyong sinabi, lagyan mo ng hangganan sa palibot ang bundok, at iyong ariing banal. 002 EXO 019 024 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Yumaon ka, bumaba ka; at ikaw ay sasampa, ikaw at si Aaron na iyong kasama: nguni't ang mga saserdote at ang bayan ay huwag lumampas sa mga hangganan upang lumapit sa Panginoon, baka siya ay hindi makapagpigil sa kanila. 002 EXO 019 025 Sa gayo'y bumaba si Moises sa bayan at isinaysay sa kanila. 002 EXO 020 001 At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi, 002 EXO 020 002 Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. 002 EXO 020 003 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. 002 EXO 020 004 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: 002 EXO 020 005 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; 002 EXO 020 006 At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos. 002 EXO 020 007 Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. 002 EXO 020 008 Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin. 002 EXO 020 009 Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. 002 EXO 020 010 Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan: 002 EXO 020 011 Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal. 002 EXO 020 012 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios. 002 EXO 020 013 Huwag kang papatay. 002 EXO 020 014 Huwag kang mangangalunya. 002 EXO 020 015 Huwag kang magnanakaw. 002 EXO 020 016 Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa. 002 EXO 020 017 Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa. 002 EXO 020 018 At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo. 002 EXO 020 019 At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay. 002 EXO 020 020 At sinabi ni Moises sa bayan, Huwag kayong matakot: sapagka't ang Dios ay naparito upang subukin kayo, at upang ang takot sa kaniya ay sumainyo, upang huwag kayong magkasala. 002 EXO 020 021 At ang bayan ay tumayo sa malayo, at si Moises ay lumapit sa salimuot na kadiliman na kinaroroonan ng Dios. 002 EXO 020 022 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ganito mo sasabihin sa mga anak ni Israel: Kayo ang nakakita na ako'y nakipagusap sa inyo mula sa langit. 002 EXO 020 023 Huwag kayong gagawa ng ibang mga dios na iaagapay sa akin; ng mga dios na pilak, o ng mga dios na ginto, huwag kayong gagawa para sa inyo. 002 EXO 020 024 Isang dambanang lupa ang inyong gagawin sa akin, at inyong ihahain doon ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan, ang inyong mga tupa, at ang inyong mga baka sa lahat ng dakong aking ipaaalaala ang aking pangalan, ay paparoonan kita at pagpapalain kita. 002 EXO 020 025 At kung igagawa mo ako ng isang dambanang bato, ay huwag mong itatayong may tapyas: sapagka't kung iyong gamitin ang iyong patalim doon, ay iyong nilapastangan yaon. 002 EXO 020 026 Ni huwag kang sasampa sa aking dambana sa pamamagitan ng mga baytang, upang ang inyong kahubaran ay huwag malitaw sa ibabaw niyaon. 002 EXO 021 001 Ito nga ang mga hatol na igagawad mo sa harap nila. 002 EXO 021 002 Kung ikaw ay bumili ng isang aliping Hebreo, ay anim na taong maglilingkod siya; at sa ikapito ay aalis siyang laya na walang sauling bayad. 002 EXO 021 003 Kung siya'y pumasok na magisa, ay aalis na mag-isa: kung may asawa ay aalis nga ang kaniyang asawa na kasama niya. 002 EXO 021 004 Kung siya'y bigyan ng kaniyang panginoon ng asawa, at magkaanak sa kaniya ng mga lalake, o mga babae; ang asawa at ang kaniyang mga anak ay magiging sa kaniyang panginoon, at siya'y aalis na magisa. 002 EXO 021 005 Datapuwa't kung maliwanag na sabihin ng alipin, Aking iniibig ang aking panginoon, ang aking asawa, at ang aking mga anak; ako'y hindi aalis na laya: 002 EXO 021 006 Kung magkagayo'y dadalhin siya ng kaniyang panginoon sa Dios, at dadalhin siya sa pinto, o sa haligi ng pinto; at bubutasan ng kaniyang panginoon ang kaniyang tainga ng isang pangbutas; at paglilingkuran niya siya magpakailan man. 002 EXO 021 007 At kung ipagbili ng isang lalake ang kaniyang anak na babae na maging alipin, ay hindi siya aalis na gaya ng pagalis ng mga aliping lalake. 002 EXO 021 008 Kung siya'y hindi makapagpalugod sa kaniyang panginoon, na umayaw magasawa sa kaniya, ay ipatutubos nga niya siya: walang kapangyarihang ipagbili siya sa isang taga ibang lupa, yamang siya'y nadaya. 002 EXO 021 009 At kung pinapag-asawa ng bumili sa kaniyang anak na lalake, ay kaniyang ipalalagay siya ng ayon sa kaugalian sa mga anak na babae. 002 EXO 021 010 Kung siya'y magasawa sa iba, ang kaniyang pagkain, ang kaniyang damit at ang kaniyang kapangyarihang pagkaasawa ay hindi niya babawasan. 002 EXO 021 011 At kung hindi niya gawin ang tatlong bagay na ito sa kaniya ay aalis nga siya na walang bayad, na walang tubos na salapi. 002 EXO 021 012 Ang sumakit sa isang tao, na ano pa't mamatay ay papataying walang pagsala. 002 EXO 021 013 At kung hindi sinasadya ng isang tao, kundi Dios ang naghulog sa kaniyang kamay; ay lalaanan kita ng isang dako na kaniyang tatakasan. 002 EXO 021 014 At kung magtangka ang sinoman sa kaniyang kapuwa, na pumatay na may daya, ay alisin mo siya sa aking dambana, upang patayin. 002 EXO 021 015 At ang sumakit sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, ay papataying walang pagsala. 002 EXO 021 016 At ang magnakaw ng isang tao, at ipagbili, o masumpungan sa kaniyang kamay, ay papataying walang pagsala. 002 EXO 021 017 At ang lumait sa kaniyang ama, o sa kaniyang ina, ay papataying walang pagsala. 002 EXO 021 018 At kung may magbabag, at saktan ng isa ang isa, ng bato, o ng kaniyang suntok, at hindi mamatay, kundi mahiga lamang sa banig: 002 EXO 021 019 Kung makabangon uli, at makalakad sa tulong ng kaniyang tungkod, ay ligtas nga yaong sumakit sa kaniya; pagbabayaran lamang niya ang panahong nasayang, at kaniyang pagagalinging maigi. 002 EXO 021 020 At kung saktan ng sinoman ang kaniyang aliping lalake o babae, ng tungkod at mamatay sa kaniyang kamay; ay parurusahan siyang walang pagsala. 002 EXO 021 021 Gayon ma'y kung tumagal ng isang araw o dalawa, ay hindi siya parurusahan: sapagka't siya'y kaniyang salapi. 002 EXO 021 022 At kung may magbabag, at makasakit ng isang babaing buntis, na ano pa't makunan, at gayon ma'y walang karamdamang sumunod: ay tunay na papagbabayarin siya, ayon sa iatang sa kaniya ng asawa ng babae; at siya'y magbabayad ng ayon sa ipasiya ng mga hukom. 002 EXO 021 023 Datapuwa't kung may anomang karamdamang sumunod, magbabayad ka nga ng buhay kung buhay, 002 EXO 021 024 Mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa, 002 EXO 021 025 Paso kung paso, sugat kung sugat, bugbog kung bugbog. 002 EXO 021 026 At kung saktan ng sinoman ang mata ng kaniyang aliping lalake, o ang mata ng kaniyang aliping babae at mabulag, ay kaniyang palalayain dahil sa kaniyang mata. 002 EXO 021 027 At kung kaniyang bungalan ang kaniyang aliping lalake, o babae, ay kaniyang palalayain dahil sa kaniyang ngipin. 002 EXO 021 028 At kung ang isang baka ay manuwag ng isang lalake o ng isang babae, na ano pa't mamatay, ay babatuhing walang pagsala ang baka at ang kaniyang lama'y hindi kakanin; datapuwa't ang may-ari ng baka ay maliligtas. 002 EXO 021 029 Datapuwa't kung ang baka ay dating manunuwag sa panahong nakaraan, at naisumbong na sa may-ari at hindi niya kinulong, na ano pa't makamatay ng isang lalake, o isang babae: ay babatuhin ang baka at ang may-ari naman ay papatayin. 002 EXO 021 030 Kung siya'y atangan ng katubusan ay magbibigay nga siya ng katubusan sa kaniyang buhay anomang iatang sa kaniya. 002 EXO 021 031 Maging manuwag sa isang anak na lalake o babae man, ay gagawin sa kaniya ayon sa kahatulang ito. 002 EXO 021 032 Kung ang baka ay manuwag sa isang aliping lalake o babae, ay magbabayad ang may-ari ng tatlong pung siklong pilak sa kanilang panginoon, at ang baka ay babatuhin. 002 EXO 021 033 At kung ang sinoman ay magbubukas ng isang balon, o huhukay ng isang balon at hindi tatakpan, at ang isang baka, o ang isang asno ay mahulog sa loob, 002 EXO 021 034 Ay sasaulian ng may-ari ng balon; magbabayad siya ng salapi sa may-ari ng mga yaon, at ang patay na hayop ay magiging kaniya. 002 EXO 021 035 At kung ang baka ng sinoman ay sumakit sa baka ng iba, na ano pa't mamatay; ay kanila ngang ipagbibili ang bakang buhay, at kanilang paghahatiin ang halaga niyaon; at ang patay ay paghahatiin din nila. 002 EXO 021 036 O kung kilala, na ang baka ay dating manunuwag sa panahong nakaraan, at hindi kinulong ng may-ari; ay tunay ngang magbabayad siya, ng baka kung baka, at ang patay na hayop ay magiging kaniyang sarili. 002 EXO 022 001 Kung ang isang lalake ay magnakaw ng isang baka, o ng isang tupa at patayin, o ipagbili: ay kaniyang pagbabayaran ng limang baka ang isang baka, at ng apat na tupa ang isang tupa. 002 EXO 022 002 Kung ang isang magnanakaw ay masumpungan, na naninira, at masaktan na ano pa't namatay ay hindi aariing mamamataytao ang pumatay. 002 EXO 022 003 Kung sikatan siya ng araw, ay aariin siyang mamamataytao; siya'y dapat magsauli ng kabayaran: kung siya'y wala ay ipagbibili siya dahil sa kaniyang ninakaw. 002 EXO 022 004 Kung ang ninakaw ay masumpungang buhay sa kaniyang kamay, maging baka, o asno, o tupa, ay magbabayad siya ng ibayo. 002 EXO 022 005 Kung ang sinoman ay magpastol sa isang bukid, o sa isang ubasan, at pawalan ang kaniyang hayop at pastulin sa bukid ng iba; sa pinakamainam sa kaniyang sariling parang, at sa pinakamainam sa kaniyang sariling ubasan, ay sasaulian niya. 002 EXO 022 006 Kung may magningas na apoy, at magtangay ng mga tinik, na ano pa't ang mga mandala, o ang mga uhay, o ang bukid ay masunog, ay tunay na magbabayad yaong nagpaningas ng apoy. 002 EXO 022 007 Kung ang sinoman ay magpatago sa kaniyang kapuwa ng salapi o pag-aari, at nakawin sa bahay ng taong yaon; kung masumpungan ang magnanakaw, ay magbabayad ng ibayo. 002 EXO 022 008 Kung hindi masumpungan ang magnanakaw, ay lalapit ang may-ari ng bahay sa Dios, upang maalaman kung hindi niya pinakialaman ang pag-aari ng kaniyang kapuwa. 002 EXO 022 009 Sapagka't lahat ng bagay na pagsalangsang, maging sa baka, sa asno, sa tupa, sa damit, o sa anomang bagay na nawala, na may magsabi, Ito nga ay akin; ay dadalhin sa harap ng Dios ang usap ng dalawa; yaong parurusahan ng Dios ay magbabayad ng ibayo sa kaniyang kapuwa. 002 EXO 022 010 Kung ang sinoman ay maghabilin sa kaniyang kapuwa ng isang asno, o ng isang baka, o ng isang tupa, o ng anomang hayop; at mamatay, o masasaktan, o maagaw, na walang nakakakitang sinoman: 002 EXO 022 011 Ay pamamagitanan silang dalawa ng pagsumpa sa Panginoon kung hindi niya pinakialaman ang pag-aari ng kaniyang kapuwa; at tatanggapin ng may-ari, at siya'y hindi magsasauli. 002 EXO 022 012 Datapuwa't kung kaniyang ninakaw sa kaniya ay sasaulian niya ang may-ari niyaon. 002 EXO 022 013 Kung nalapa ay dadalhing pinakapatotoo, at hindi sasaulian ang nalapa. 002 EXO 022 014 At kung ang sinoman ay humiram ng anoman sa kaniyang kapuwa, at masaktan, o mamatay, na hindi kaharap ang may-ari, ay walang pagsala na siya'y magsasauli. 002 EXO 022 015 Kung ang may-ari niyaon ay kaharap, ay hindi niya sasaulian; kung isang bagay na pinauupahan ay ihuhulog sa kaniyang kaupahan. 002 EXO 022 016 At kung dayain ng isang lalake ang isang dalaga, na hindi pa niya nagiging asawa at kaniyang sipingan, ay tunay na kaniyang ipagbabayad ng bigay-kaya upang maging asawa niya. 002 EXO 022 017 Kung itangging mainam ng kaniyang ama na ibigay sa kaniya, ay magbabayad siya ng salapi, ayon sa bigay-kaya sa mga dalaga. 002 EXO 022 018 Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway. 002 EXO 022 019 Sinomang makiapid sa isang hayop ay papataying walang pagsala. 002 EXO 022 020 Yaong maghain sa anomang dios, maliban sa Panginoon lamang, ay lubos na papatayin. 002 EXO 022 021 At ang taga ibang lupa ay huwag mong aapihin, o pipighatiin man; sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto. 002 EXO 022 022 Huwag mong papagdadalamhatiin ang sinomang babaing bao, o ulila. 002 EXO 022 023 Kung iyong dalamhatiin sila sa anomang paraan, at sila'y dumaing sa akin, ay walang pagsala, na aking didinggin ang kanilang daing; 002 EXO 022 024 At ang aking pagiinit ay magaalab, at aking papatayin kayo ng tabak; at ang inyong mga asawa ay magiging mga bao, at ang inyong mga anak ay mga ulila. 002 EXO 022 025 Kung magpautang ka ng salapi sa kanino man sa aking bayan na kasama mo na dukha, huwag kang magpapakamanunubo sa kaniya ni hihingan mo man siya ng tubo. 002 EXO 022 026 Kung iyong tanggapin sa anoman ang damit ng iyong kapuwa na pinakasangla, ay iyong isasauli sa kaniya bago lumubog ang araw; 002 EXO 022 027 Sapagka't iyan ang kaniya lamang pangbihis, siyang kaniyang pangdamit sa kaniyang balat: ano ngang kaniyang ipangtutulog? at mangyayari, na pagka siya'y dumaing sa akin, ay aking didinggin; sapagka't ako'y mapagbiyaya. 002 EXO 022 028 Huwag mong lalapastanganin ang Dios, ni susumpain man ang pinuno sa iyong bayan. 002 EXO 022 029 Huwag kang magmamakupad ng paghahandog ng iyong mga ani, at ng tulo ng iyong mga pigaan. Ang panganay sa iyong mga anak na lalake ay ibibigay mo sa akin. 002 EXO 022 030 Gayon din ang gagawin mo sa iyong mga baka, at sa iyong mga tupa: pitong araw na mapapa sa kaniyang ina; sa ikawalong araw ay ibibigay mo sa akin. 002 EXO 022 031 At kayo'y magpapakabanal na tao sa akin: na ano pa't huwag kayong kakain ng anomang laman, na nalapa ng ganid sa parang; inyong ihahagis sa mga asno. 002 EXO 023 001 Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan: huwag kang makikipagkayari sa masama, na maging saksi kang sinungaling. 002 EXO 023 002 Huwag kang susunod sa karamihan na gumawa ng masama; ni magbibigay patotoo man sa isang usap, na ang kiling ay sa karamihan upang sirain ang kahatulan: 002 EXO 023 003 Ni huwag mo ring kikilingan ang dukha sa kaniyang usap. 002 EXO 023 004 Kung iyong masumpungan ang baka ng iyong kaalit o ang kaniyang asno, na nakawala, ay tunay na ibabalik mo sa kaniya. 002 EXO 023 005 Kung iyong makita ang asno ng napopoot sa iyo, na nakalugmok sa ilalim ng kaniyang pasan, at ayaw mo mang alisan ng pasan, ay walang pagsalang iyong tutulungan pati ng may-ari niyaon. 002 EXO 023 006 Huwag mong sisirain ang kahatulan ng iyong dukha, sa kaniyang usap. 002 EXO 023 007 Layuan mo ang bagay na kasinungalingan, at ang walang sala at ang matuwid, ay huwag mong papatayin: sapagka't hindi ko patototohanan ang masama. 002 EXO 023 008 At huwag kang tatanggap ng suhol: sapagka't ang suhol ay bumubulag sa mga may paningin, at sinisira ang mga salita ng mga banal. 002 EXO 023 009 At ang taga ibang lupa ay huwag mong pipighatiin sapagka't talastas ninyo ang puso ng taga ibang lupa, yamang kayo'y naging mga taga ibang lupa, sa lupain ng Egipto. 002 EXO 023 010 Anim na taong hahasikan mo ang iyong lupa at aanihin mo ang bunga niyaon: 002 EXO 023 011 Datapuwa't sa ikapitong taon ay iyong iiwan at babayaan, upang kumain ang dukha sa iyong bayan: at ang kanilang iwan ay kakanin ng hayop sa bukid. Gayon din ang iyong gagawin sa iyong ubasan at sa iyong olibohan. 002 EXO 023 012 Anim na araw, na iyong gagawin ang iyong gawain, at sa ikapitong araw, ay magpapahinga ka: upang ang iyong baka at ang iyong asno ay makapagpahinga; at ang anak na lalake ng iyong aliping babae, at ang taga ibang lupa ay makapagpahinga. 002 EXO 023 013 At lahat ng mga bagay na aking sinabi sa inyo ay inyong ingatan: at huwag ninyong banggitin ang pangalan ng ibang dios, o marinig man sa inyong bibig. 002 EXO 023 014 Makaitlong magdidiwang ka ng pista sa akin, sa bawa't taon. 002 EXO 023 015 Ang pista ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipagdidiwang; pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura, gaya ng iniutos ko sa iyo, sa takdang panahon, sa buwan ng Abib (sapagka't niyaon ka umalis sa Egipto); at walang lalapit sa harap ko na walang dala: 002 EXO 023 016 At ang pista ng pagaani ng mga unang bunga ng iyong kapagalan, na iyong inihasik sa bukid: at ang pista ng pagaani, sa katapusan ng taon, nang pagaani mo ng iyong kapagalan sa bukid. 002 EXO 023 017 Makaitlo sa bawa't taon na ang lahat na iyong mga lalake ay haharap sa Panginoong Dios. 002 EXO 023 018 Huwag mong ihahandog ang dugo ng hain sa akin, na kasabay ng tinapay na may lebadura; o iiwan mo man ang taba ng aking pista sa buong magdamag hanggang sa kinaumagahan. 002 EXO 023 019 Ang mga pinakauna ng mga unang bunga ng iyong lupa ay iyong ipapasok sa bahay ng Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina. 002 EXO 023 020 Narito, aking sinusugo ang isang anghel sa unahan mo, upang ingatan ka sa daan, at upang dalhin ka sa dakong aking inihanda sa iyo. 002 EXO 023 021 Magingat kayo sa kaniya, at dinggin ninyo ang kaniyang tinig; huwag ninyong mungkahiin siya: sapagka't hindi niya patatawarin ang inyong pagsalangsang; sapagka't ang aking pangalan ay nasa kaniya. 002 EXO 023 022 Datapuwa't kung didinggin mong lubos ang kaniyang tinig, at gagawin mo ang lahat ng aking sinasalita; ay magiging kaaway nga ako ng iyong mga kaaway, kaalit ng iyong mga kaalit. 002 EXO 023 023 Sapagka't ang aking anghel ay magpapauna sa iyo at dadalhin ka sa Amorrheo, at sa Hetheo at sa Perezeo, at sa Cananeo, at sa Heveo, at sa Jebuseo, at aking lilipulin. 002 EXO 023 024 Huwag kang yuyukod sa kanilang mga dios, o maglilingkod man sa mga yaon, o gagawa man ng ayon sa kanilang mga gawa, kundi iyong iwawaksi at iyong pagpuputulputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala. 002 EXO 023 025 At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios, at kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig; at aking aalisin ang sakit sa gitna mo. 002 EXO 023 026 Walang babaing makukunan, o magiging baog man, sa iyong lupain: ang bilang ng iyong mga araw ay aking lulubusin. 002 EXO 023 027 Aking susuguin ang sindak sa unahan mo, at aking liligaligin ang buong bayan na iyong paroroonan, at aking patatalikurin sa iyo ang lahat ng iyong mga kaaway. 002 EXO 023 028 At aking susuguin ang mga putakti sa unahan mo, na magpapalayas sa Heveo, sa Cananeo at sa Hetheo, sa harap mo. 002 EXO 023 029 Hindi ko palalayasin sila sa harap mo sa isang taon; baka ang lupa'y maging ilang, at ang mga ganid sa parang ay magsidami laban sa iyo. 002 EXO 023 030 Untiunting aking palalayasin sila sa harap mo, hanggang sa ikaw ay kumapal at manahin mo ang lupain. 002 EXO 023 031 At aking itatatag ang iyong hangganan na mula sa Dagat na Mapula hanggang sa dagat ng Filistia at mula sa ilang hanggang sa Ilog ng Eufrates: sapagka't aking ibibigay ang mga nananahan sa lupain sa iyong kamay, at iyo silang palalayasin sa harap mo. 002 EXO 023 032 Huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni sa kanilang mga dios. 002 EXO 023 033 Sila'y hindi tatahan sa iyong lupain, baka papagkasalahin ka nila laban sa akin: sapagka't kung ikaw ay maglingkod sa kanilang mga dios, ay tunay na magiging silo sa iyo. 002 EXO 024 001 At kaniyang sinabi kay Moises, Sumampa ka sa kinaroroonan ng Panginoon, ikaw, at si Aaron, si Nadab, at si Abiu, at pitong pu ng mga matanda sa Israel; at sumamba kayo mula sa malayo: 002 EXO 024 002 At si Moises lamang ang lalapit sa Panginoon; datapuwa't sila'y hindi lalapit; o ang bayan man ay sasampang kasama niya. 002 EXO 024 003 At lumapit si Moises at isinaysay sa bayan ang lahat ng mga salita ng Panginoon, at ang lahat ng mga palatuntunan. At ang buong bayan ay sumagot ng paminsan, at nagsabi, Lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon, ay aming gagawin. 002 EXO 024 004 At sinulat ni Moises ang lahat ng mga salita ng Panginoon, at bumangon ng maaga sa kinaumagahan, at nagtayo ng isang dambana sa paanan ng bundok, at ng labing dalawang batong pinakaalaala, ayon sa labing dalawang lipi ng Israel. 002 EXO 024 005 At kaniyang sinugo ang mga binata ng mga anak ni Israel, na nagsipaghandog ng mga handog na susunugin at nagsipaghain sa Panginoon ng handog na baka tungkol sa kapayapaan. 002 EXO 024 006 At kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo, at inilagay sa mga tasa; at ang kalahati ng dugo ay iniwisik sa ibabaw ng dambana. 002 EXO 024 007 At kaniyang kinuha ang aklat ng tipan, at binasa sa pakinig ng bayan: at kanilang sinabi, Lahat ng sinalita ng Panginoon ay aming gagawin, at kami ay magmamasunurin. 002 EXO 024 008 At kinuha ni Moises ang dugo at iniwisik sa bayan, at sinabi, Narito ang dugo ng tipan, na ipinakipagtipan ng Panginoon sa inyo tungkol sa lahat ng mga salitang ito. 002 EXO 024 009 Nang magkagayo'y sumampa si Moises, at si Aaron, si Nadab, at si Abiu, at pitongpu ng mga matanda sa Israel: 002 EXO 024 010 At kanilang nakita ang Dios ng Israel; at mayroon sa ilalim ng kaniyang mga paa na parang isang yaring lapag na batong zafiro, at paris din ng langit sa kaliwanagan. 002 EXO 024 011 At sa mga mahal na tao sa mga anak ni Israel ay hindi niya ipinatong ang kaniyang kamay: at sila'y tumingin sa Dios, at kumain at uminom. 002 EXO 024 012 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sampahin mo ako sa bundok, at dumoon ka: at ikaw ay bibigyan ko ng mga tapyas na bato, at ng kautusan, at ng utos na aking isinulat, upang iyong maituro sa kanila. 002 EXO 024 013 At tumindig si Moises, at si Josue na kaniyang tagapangasiwa: at si Moises ay sumampa sa bundok ng Dios. 002 EXO 024 014 At kaniyang sinabi sa mga matanda, Hintayin ninyo kami rito hanggang sa kami ay bumalik sa inyo: at, narito si Aaron at si Hur ay kasama ninyo: sinomang magkaroon ng usap ay lumapit sa kanila. 002 EXO 024 015 At sumampa si Moises sa bundok at tinakpan ng ulap ang bundok. 002 EXO 024 016 At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nanahan sa ibabaw ng bundok ng Sinai, at tinakpan ng ulap na anim na araw: at sa ikapitong araw ay tinawag niya si Moises sa gitna ng ulap. 002 EXO 024 017 At ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon ay paris ng apoy na manunupok sa ibabaw ng taluktok ng bundok, sa harap ng mga mata ng mga anak ni Israel. 002 EXO 024 018 At pumasok si Moises sa gitna ng ulap, at sumampa sa bundok: at si Moises ay natira sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi. 002 EXO 025 001 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, 002 EXO 025 002 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa akin ng isang handog: ang bawa't tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin. 002 EXO 025 003 At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, at pilak, at tanso; 002 EXO 025 004 At kayong bughaw, kulay-ube, at pula, at lino at balahibo ng kambing; 002 EXO 025 005 At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia; 002 EXO 025 006 Langis sa ilawan, mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong pangsuob; 002 EXO 025 007 Mga batong onix, at mga batong pangkalupkop sa efod, at sa pektoral. 002 EXO 025 008 At kanilang igawa ako ng isang santuario; upang ako'y makatahan sa gitna nila. 002 EXO 025 009 Ayon sa lahat ng aking ipinakita sa iyo, sa anyo ng tabernakulo at sa anyo ng lahat ng kasangkapan niyaon ay gayon ninyo gagawin. 002 EXO 025 010 At sila'y gagawa ng isang kaban na kahoy na akasia: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon, at may isang siko't kalahati ang taas niyaon. 002 EXO 025 011 At iyong babalutin ng taganas na ginto; sa loob at sa labas ay iyong babalutin, at igagawa mo sa ibabaw ng isang kornisa sa palibot. 002 EXO 025 012 At ipagbububo mo ng apat na argolyang ginto, at ipaglalagay mo sa apat na paa niyaon, at dalawang argolya ang mapapasa isang tagiliran niyaon, at dalawang argolya sa kabilang tagiliran niyaon. 002 EXO 025 013 At gagawa ka ng mga pingga na kahoy na akasia at iyong babalutin ng ginto. 002 EXO 025 014 At iyong isusuot ang mga pingga sa loob ng mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban, upang mabuhat ang kaban. 002 EXO 025 015 Ang mga pingga ay masusuot sa loob ng mga argolya ng kaban: hindi aalisin doon. 002 EXO 025 016 At iyong isisilid sa kaban ang mga kinalalagdaan ng patotoo na aking ibibigay sa iyo. 002 EXO 025 017 At gagawa ka ng isang luklukan ng awa, na taganas na ginto: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon. 002 EXO 025 018 At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa. 002 EXO 025 019 At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon. 002 EXO 025 020 At ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas, na nilililiman ang luklukan ng awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap, sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin. 002 EXO 025 021 At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo. 002 EXO 025 022 At diya'y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel. 002 EXO 025 023 At gagawa ka ng isang dulang na kahoy na akasia: na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, at isang siko't kalahati ang taas niyaon. 002 EXO 025 024 At iyong babalutin ng taganas na ginto, at igagawa mo ng isang kornisang ginto sa palibot. 002 EXO 025 025 At igagawa mo ng isang gilid na may isang palad ng kamay ang luwang sa palibot, at igagawa mo ng isang kornisang ginto ang palibot ng gilid niyaon. 002 EXO 025 026 At igagawa mo ng apat na argolyang ginto, at ilalagay mo ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon. 002 EXO 025 027 Malalapit sa gilid ang mga argolya, sa daraanan ng mga pingga, upang madala ang dulang. 002 EXO 025 028 At gagawin mo ang mga pingga na kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto, upang ang dulang ay madala ng mga yaon. 002 EXO 025 029 At gagawa ka ng mga pinggan niyaon, at ng mga kutsara niyaon, at ng mga kopa niyaon, at ng mga tasa niyaon na pagbubuhusan; na iyong gagawing taganas na ginto. 002 EXO 025 030 At ilalagay mo sa dulang ang tinapay na handog sa harap ko na palagi. 002 EXO 025 031 At gagawa ka ng isang kandelerong taganas na ginto: yari sa pamukpok gagawin mo ang kandelero, ang tuntungan niyaon, at ang haligi niyaon; ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon at ang mga bulaklak niyaon ay mga kaputol: 002 EXO 025 032 At magkakaroon ng anim na sangang lumalabas sa mga tagiliran niyaon; tatlong sanga ng kandelero'y sa isang tagiliran niyaon, at ang tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran niyaon: 002 EXO 025 033 At magkakaroon ng tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga, isang globito at isang bulaklak; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga, isang globito at isang bulaklak; at gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero. 002 EXO 025 034 At sa haligi ng kandelero'y magkakaroon ng apat na kopang anyong bulaklak ng almendro, sangpu ng mga globito niyaon, at ng mga bulaklak niyaon: 002 EXO 025 035 At magkakaroon ng isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga, at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng dalawang sangang nalalabi ayon sa anim na sanga na lumalabas sa kandelero. 002 EXO 025 036 Ang magiging mga globito at mga sanga niyaon ay kaputol: kabuoan niyaon ay isa lamang putol na yari sa pamukpok, na taganas na ginto. 002 EXO 025 037 At igagawa mo ng kaniyang mga ilawan, na pito: at kanilang sisindihan ang mga ilawan niyaon, upang lumiwanag sa dakong tapat ng kandelero. 002 EXO 025 038 At ang magiging mga gunting at mga pinggan niyaon ay taganas na ginto. 002 EXO 025 039 Isang talentong taganas na ginto gagawin, sangpu ng lahat ng kasangkapang ito. 002 EXO 025 040 At ingatan mo, na iyong gawin ayon sa anyo ng mga yaon na ipinakita sa iyo sa bundok. 002 EXO 026 001 Bukod dito'y gagawin mo ang tabernakulo na may sangpung tabing; na linong pinili, at bughaw, at kulay-ube, at pula, na may mga querubin na gawa ng bihasang manggagawa, iyong gagawin. 002 EXO 026 002 Ang magiging haba ng bawa't tabing ay dalawang pu't walong siko, at ang luwang ng bawa't tabing ay apat na siko: lahat ng tabing ay magkakaroon ng isang kasukatan. 002 EXO 026 003 Limang tabing ay papagsusugpunging isa't isa; at ang ibang limang tabing ay papagsusugpunging isa't isa. 002 EXO 026 004 At gagawa ka ng mga presilyang bughaw sa gilid ng isang tabing sa hangganan ng pagkakasugpong, at gayon din gagawin mo sa gilid ng ikalawang tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong. 002 EXO 026 005 Limang pung presilya ang iyong gagawin sa isang tabing, at limang pung presilya ang iyong gagawin sa gilid ng tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong; ang mga presilya ay magkakatapat na isa't isa. 002 EXO 026 006 At limang pung pangawit na ginto ang iyong gagawin at pagsusugpungin mo ang mga tabing sa pamamagitan ng mga kawit; at magiging isa lamang. 002 EXO 026 007 At gagawa ka ng mga tabing na balahibo ng kambing na pinaka tolda sa ibabaw ng tabernakulo: labing isang tabing ang iyong gagawin. 002 EXO 026 008 Ang magiging haba ng bawa't tabing ay tatlong pung siko, at ang luwang ng bawa't tabing ay apat na siko: ang labing isang tabing ay magkakaroon ng isang sukat. 002 EXO 026 009 At iyong papagsusugpungin ang limang tabing, at gayon din ang anim na tabing, at iyong ititiklop ang ikaanim na tabing sa harapan ng tabernakulo. 002 EXO 026 010 At limang pung presilya ang iyong gagawin sa tagiliran ng isang tabing na nasa hangganan ng pagkakasugpong, at limang pung presilya sa tagiliran ng ikalawang pagkakasugpong. 002 EXO 026 011 At gagawa ka ng limang pung pangawit na tanso, at ikakabit mo ang mga pangawit sa mga presilya at pagsusugpungin mo ang tolda upang maging isa. 002 EXO 026 012 At ang dakong nakalawit na nalalabi sa mga tabing ng tolda, na siyang kalahati ng tabing na nalalabi ay ilalaylay sa likuran ng tabernakulo. 002 EXO 026 013 At ang siko ng isang dako at ang siko ng kabilang dako niyaong nalalabi sa haba ng mga tabing ng tolda, ay ilalaylay sa mga tagiliran ng tabernakulo, sa dakong ito at sa dakong yaon, upang takpan. 002 EXO 026 014 At gagawa ka ng isang pangtakip sa tolda na balat ng lalaking tupa na tininang pula, at isang pangtakip na balat ng poka, sa ibabaw. 002 EXO 026 015 At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo, na kahoy na akasia na mga patayo. 002 EXO 026 016 Sangpung siko ang magiging haba ng isang tabla, at isang siko at kalahati ang luwang ng bawa't tabla. 002 EXO 026 017 Dalawang mitsa magkakaroon ang bawa't tabla na nagkakasugpong na isa't isa: ang gagawin mo sa lahat ng tabla ng tabernakulo. 002 EXO 026 018 At igagawa mo ng mga tabla ang tabernakulo: dalawang pung tabla sa tagilirang timugan sa dakong timugan. 002 EXO 026 019 At gagawa ka ng apat na pung tungtungang pilak upang ilagay sa ilalim ng dalawang pung tabla, dalawang tungtungan sa bawa't tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa, at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa: 002 EXO 026 020 At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo, sa dakong hilagaan, ay dalawang pung tabla: 002 EXO 026 021 At ang kanilang apat na pung tungtungang pilak; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla. 002 EXO 026 022 At sa dakong hulihan ng tabernakulo, sa dakong kalunuran ay igagawa mo ng anim na tabla. 002 EXO 026 023 At igagawa mo ng dalawang tabla ang mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan. 002 EXO 026 024 At pagpapatungin sa dakong ibaba, at gayon din na maugnay sa itaas niyaon sa isang argolya; gayon ang gagawin sa dalawa; para sa dalawang sulok. 002 EXO 026 025 At magkakaroon ng walong tabla, at ang kanilang mga tungtungang pilak ay labing anim na tungtungan: dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng kabilang tabla. 002 EXO 026 026 At gagawa ka ng mga barakilan, na kahoy na akasia; lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo; 002 EXO 026 027 At limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo, at limang barakilan sa mga tabla ng tagiliran ng tabernakulo sa dakong hulihan, na dakong kalunuran. 002 EXO 026 028 At ang gitnang barakilan ay daraan sa kalagitnaan ng mga tabla mula sa isang dulo hanggang sa kabila. 002 EXO 026 029 At iyong babalutin ng ginto ang mga tabla, at gigintuin mo ang kanilang mga argolya na pagdaraanan ng mga barakilan: at iyong babalutin ng ginto ang mga barakilan. 002 EXO 026 030 At iyong itatayo ang tabernakulo ayon sa anyo niyaon, na ipinakita sa iyo sa bundok. 002 EXO 026 031 At gagawa ka ng isang lambong na bughaw at kulay-ube, at pula at linong pinili: na may mga querubing mainam ang pagkayari: 002 EXO 026 032 At iyong isasampay sa apat na haliging akasia na balot ng ginto, na pati ng kanilang mga pangipit ay ginto rin: na nakapatong sa ibabaw ng apat na tungtungang pilak. 002 EXO 026 033 At iyong ibibitin ang lambong sa ilalim ng mga pangalawit, at iyong ipapasok doon sa loob ng lambong ang kaban ng patotoo: at paghihiwalayin sa inyo ng lambong ang dakong banal at ang kabanalbanalang dako. 002 EXO 026 034 At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban ng patotoo sa kabanalbanalang dako. 002 EXO 026 035 At iyong ilalagay ang dulang sa labas ng lambong, at ang kandelero ay sa tapat ng dulang sa tagiliran ng tabernakulo na dakong timugan: at ang dulang ay ilalagay mo sa dakong hilagaan. 002 EXO 026 036 At igagawa mo ng isang tabing ang pintuan ng tolda na kayong bughaw at kulay-ube, at pula, at linong pinili, na yari ng mangbuburda. 002 EXO 026 037 At igagawa mo ang tabing ng limang haliging akasia at babalutin mo ng ginto; na ang sima ng mga yaon ay ginto rin: at ipagbububo mo ng limang tungtungan. 002 EXO 027 001 At gagawin mong kahoy ng akasia ang dambana, na limang siko ang haba at limang siko ang luwang; ang dambana ay gagawing parisukat: at ang taas ay magkakaroon ng tatlong siko. 002 EXO 027 002 At gagawin mo ang mga anyong sungay sa ibabaw ng apat na sulok niyaon: ang mga anyong sungay ay kaputol din, at iyong babalutin ng tanso. 002 EXO 027 003 At igagawa mo ng kaniyang mga kawa upang magalis ng mga abo, at ng mga pala, at ng mga mangkok, at ng mga pangalawit at ng mga suuban: lahat ng mga kasangkapa'y gagawin mong tanso. 002 EXO 027 004 At igagawa mo ng isang salang tanso na tila lambat ang yari, at ang ibabaw ng nilambat ay igagawa mo ng apat na argolyang tanso sa apat na sulok niyaon. 002 EXO 027 005 At ilalagay mo sa ibaba ng gilid ng dambana, sa dakong ibaba, upang ang nilambat ay umabot hanggang sa kalahatian ng dambana. 002 EXO 027 006 At igagawa mo ng mga pingga ang dambana, mga pinggang kahoy na akasia at babalutin mo ng tanso. 002 EXO 027 007 At ang mga pingga niyao'y isusuot sa mga argolya, at ang mga pingga ay ilalagay sa dalawang tagiliran ng dambana, pagka dinadala. 002 EXO 027 008 Gagawin mo ang dambana na kuluong sa pamamagitan ng mga tabla kung paano ang ipinakita sa iyo sa bundok, ay gayon gagawin nila. 002 EXO 027 009 At iyong gagawin ang looban ng tabernakulo: sa tagilirang timugan na dakong timugan ay magkakaroon ng mga tabing sa looban na linong pinili, na may isang daang siko ang haba sa isang tagiliran: 002 EXO 027 010 At ang ihahaligi doo'y dalawang pu, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawang pu na tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete niyaon ay pilak. 002 EXO 027 011 At gayon din sa tagilirang dakong hilagaan, sa kahabaan ay magkakaroon ng mga tabing na may isang daang siko ang haba, at ang mga haligi ng mga yaon ay dalawangpu, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawangpu na tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ng mga yaon ay pilak. 002 EXO 027 012 At sa kaluwangan ng looban sa kalunuran ay magkakaroon ng mga tabing na may limangpung siko: ang haligi ng mga yaon ay sangpu at ang mga tungtungan ng mga yaon ay sangpu. 002 EXO 027 013 At sa kaluwangan ng looban sa dakong silanganan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay magkakaroon ng limangpung siko. 002 EXO 027 014 Ang mga tabing sa isang dako ng pintuang-daan ay magkakaroon ng labinglimang siko: ang mga haligi ng mga yaon ay tatlo, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tatlo rin. 002 EXO 027 015 At sa kabilang dako'y magkakaroon ng mga tabing na ma'y labing limang siko: ang mga haligi ng mga yao'y tatlo, at ang mga tungtungan ng mga yao'y tatlo. 002 EXO 027 016 At sa pintuan ng looban ay magkakaroon ng isang tabing na may dalawang pung siko, na ang kayo'y bughaw, at kulay-ube, at pula, at kayong linong pinili, na yari ng mangbuburda: ang mga haligi ng mga yao'y apat, at ang mga tungtungan ng mga yao'y apat. 002 EXO 027 017 Lahat ng haligi sa palibot ng looban ay pagsusugpungin ng mga pileteng pilak; ang mga sima ng mga yaon ay pilak, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tanso. 002 EXO 027 018 Ang haba ng looban ay magkakaroon ng isang daang siko, at ang luwang ay limang pu magpasaan man, at ang taas ay limang siko, kayong linong pinili, at ang mga tuntungan ay tanso. 002 EXO 027 019 Lahat ng mga kasangkapan ng tabernakulo, sa buong paglilingkod doon, at lahat ng mga tulos niyaon, at lahat ng mga tulos ng looban ay tanso. 002 EXO 027 020 At iyong iuutos sa mga anak ni Israel na sila'y magdala sa iyo ng taganas na langis ng binayong oliba na pangilawan, upang papagningasing palagi ang ilawan. 002 EXO 027 021 Sa tabernakulo ng kapisanan sa labas ng lambong na nasa harap ng kaban ng patotoo, ay aayusin yaon ni Aaron at ng kaniyang mga anak mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: magiging palatuntunan sa buong panahon ng kanilang lahi sa ikagagaling ng mga anak ni Israel. 002 EXO 028 001 At ilapit mo sa iyo si Aarong iyong kapatid at ang kaniyang mga anak na kasama niya, mula sa gitna ng mga anak ni Israel, upang makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote, si Aaron, si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar, na mga anak ni Aaron. 002 EXO 028 002 At igagawa mo ng mga banal na kasuutan si Aarong iyong kapatid sa ikaluluwalhati at ikagaganda. 002 EXO 028 003 At iyong sasalitain sa lahat ng matalino, na aking pinagpupuspos ng diwa ng karunungan, na kanilang gawin ang kasuutan ni Aaron, upang siya'y italaga, na siya'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote. 002 EXO 028 004 At ito ang mga kasuutang kanilang gagawin; isang pektoral, at isang epod, at isang balabal, at isang tunika na tinahing guhitguhit na naaanyong pariparisukat, isang mitra at isang pamigkis: at kanilang igagawa ng mga banal na kasuutan si Aarong iyong kapatid, at ang kaniyang mga anak, upang makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote. 002 EXO 028 005 At kukuha sila ng ginto, at ng kayong bughaw, at ng kulay-ube, at ng pula, at ng lino. 002 EXO 028 006 At kanilang gagawin ang epod na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, pula, at linong pinili, na yari ng bihasang mangbuburda. 002 EXO 028 007 Magkakaroon ng dalawang pangbalikat na nagkakasugpong sa dalawang dulo niyaon; upang magkasugpong. 002 EXO 028 008 At ang mainam na pagkayaring pamigkis na nasa ibabaw ng epod upang ibigkis, ay gagawing gaya ng pagkayari ng epod at kaputol, na ginto, kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili. 002 EXO 028 009 At kukuha ka ng dalawang batong onix, at iyong iuukit na limbag sa ibabaw ng mga yaon ang mga pangalan ng mga anak ni Israel: 002 EXO 028 010 Anim sa kanilang mga pangalan ay sa isang bato, at ang mga pangalan ng anim na natitira ay sa isang bato, ayon sa kanilang kapanganakan. 002 EXO 028 011 Nayari ng manguukit sa bato, na gaya ng ukit ng isang panatak, iyong iuukit sa dalawang bato, ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel: iyong gagawing napamumutihan ng mga kalupkop na ginto. 002 EXO 028 012 At iyong ilalagay ang dalawang bato sa ibabaw ng pangbalikat ng epod, upang maging mga batong pinakaalaala sa ikagagaling ng mga anak ni Israel: at papasanin ni Aaron ang kanilang mga pangalan sa harap ng Panginoon, sa ibabaw ng kaniyang dalawang balikat, na pinakaalaala. 002 EXO 028 013 At gagawa ka ng mga kalupkop na ginto: 002 EXO 028 014 At ng dalawang tanikalang taganas na ginto; parang pisi iyong gagawin na yaring pinili: at iyong ilalapat sa mga kalupkop ang mga tanikalang pinili. 002 EXO 028 015 At gagawin mo ang pektoral ng kahatulan, na gawa ng bihasang manggagawa; na gaya ng pagkayari ng epod iyong gagawin; gagawin mo na ginto, na bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili. 002 EXO 028 016 Gagawing parisukat at nakatiklop; isang dangkal magkakaroon ang haba niyaon, at isang dangkal ang luwang niyaon. 002 EXO 028 017 At iyong kakalupkupan ng mga kalupkop na mga bato, apat na hanay na bato: isang hanay na sardio, topacio, at karbungko ang magiging unang hanay; 002 EXO 028 018 At ang ikalawang hanay, ay isang esmeralda, isang zapiro, at isang diamante; 002 EXO 028 019 At ang ikatlong hanay ay isang hasinto, isang agata, at isang amatista; 002 EXO 028 020 At ang ikaapat na hanay ay isang berilo, isang onix, at isang haspe: pawang pamumutihan ng ginto sa kanilang mga kalupkop. 002 EXO 028 021 At ang mga bato ay iaayos sa mga pangalan ng mga anak ni Israel; labingdalawa, ayon sa mga pangalan nila; gaya ng ukit ng isang panatak, bawa't isa'y ayon sa kanilang pangalan, na magiging ukol sa labing dalawang lipi. 002 EXO 028 022 At gagawa ka sa ibabaw ng pektoral ng mga tanikalang parang pisi, yaring pinili, na taganas na ginto. 002 EXO 028 023 At igagawa mo ang ibabaw ng pektoral ng dalawang singsing na ginto, at ilalagay mo ang dalawang singsing sa dalawang sulok ng itaas ng pektoral. 002 EXO 028 024 At inyong ilalagay ang dalawang pinising tanikalang ginto sa dalawang singsing sa mga sulok ng pektoral. 002 EXO 028 025 At ang dalawang dulo ng dalawang tanikala ng pinili ay iyong ilalapat sa dalawang kalupkop, at iyong mga ilalagay sa mga pangbalikat ng epod, sa harapan. 002 EXO 028 026 At gagawa ka ng dalawang singsing na ginto, at mga ilalagay mo sa dalawang sulok ng pektoral sa laylayan niyaon na nasa dakong kabaligtaran ng epod. 002 EXO 028 027 At gagawa ka ng dalawang singsing na ginto, at iyong mga ikakapit sa dalawang pangbalikat ng epod, sa dakong ibaba, sa harapan, na malapit sa pagkakasugpong sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod. 002 EXO 028 028 At kanilang itatali ang pektoral sa pamamagitan ng mga singsing niyaon sa mga singsing ng epod ng isang taling bughaw, upang mamalagi sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod, at upang ang pektoral ay huwag makalag sa epod. 002 EXO 028 029 At dadalhin ni Aaron sa kaniyang sinapupunan ang mga pangalan ng mga anak ni Israel na nasa pektoral ng kahatulan pagka siya'y pumapasok sa dakong banal, na pinakaalaala sa harap ng Panginoon, na palagi. 002 EXO 028 030 At ilalagay mo sa pektoral ng kahatulan ang Urim at ang Tummim at mga ilalagay sa sinapupunan ni Aaron, pagka siya'y pumapasok sa harap ng Panginoon at dadalhing palagi ni Aaron sa harap ng Panginoon ang kahatulan sa mga anak ni Israel na nasa kaniyang sinapupunan. 002 EXO 028 031 At gagawin mo ang balabal ng epod na taganas na bughaw. 002 EXO 028 032 At magkakaroon ng isang pinakaleeg sa gitna niyaon: magkakaroon ito ng isang uriang tinahi sa palibot ng pinakaleeg, gaya ng butas ng isang koselete, upang huwag mapunit. 002 EXO 028 033 At ang saya niyaon ay igagawa mo ng mga granadang bughaw, at kulay-ube, at pula, sa palibot ng saya niyaon; at ng mga kampanilyang ginto sa gitna ng mga yaon sa palibot: 002 EXO 028 034 Isang kampanilyang ginto at isang granada, isang kampanilyang ginto at isang granada sa saya sa ibaba ng balabal sa palibot. 002 EXO 028 035 At isusuot ni Aaron upang mangasiwa: at ang tunog niyao'y maririnig pagka siya'y pumapasok sa dakong banal sa harap ng Panginoon, at pagka siya'y lumalabas, upang siya'y huwag mamatay. 002 EXO 028 036 At gagawa ka ng isang laminang taganas na ginto, at doo'y isusulat mong ukit na ayon sa ukit ng isang panatak, Banal sa Panginoon. 002 EXO 028 037 At iyong ilalagay sa isang listong bughaw, at malalagay sa ibabaw ng mitra; sa ibabaw ng harapan ng mitra malalagay. 002 EXO 028 038 At malalagay sa noo ni Aaron, at dadalhin ni Aaron ang kasamaan ng mga banal na bagay, na pakakabanalin ng mga anak ni Israel sa lahat nilang mga banal na kaloob; at malalagay na palagi sa kaniyang noo, upang tanggapin sa harap ng Panginoon. 002 EXO 028 039 At iyong hahabihin ang kasuutan na anyong parisukat, na lino, at iyong gagawin ang mitra na lino, at iyong gagawin ang pamigkis na yari ng mangbuburda. 002 EXO 028 040 At iyong igagawa ang mga anak ni Aaron ng mga kasuutan, at iyong igagawa sila ng mga pamigkis, at iyong igagawa sila ng mga tiara sa ikaluluwalhati at ikagaganda. 002 EXO 028 041 At iyong isusuot kay Aarong iyong kapatid at sa kaniyang mga anak na kasama niya; at iyong papahiran ng langis sila, at iyong itatalaga sila, at iyong papagbanalin sila, upang sila'y makapangasiwa sa akin, sa katungkulang saserdote. 002 EXO 028 042 At iyong igagawa sila ng mga salawal na lino, upang takpan ang laman ng kanilang kahubaran; mula sa mga balakang hanggang sa mga hita aabot. 002 EXO 028 043 At isusuot ni Aaron at ng kaniyang mga anak, pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, o pagka sila'y lumalapit sa dambana upang mangasiwa sa dakong banal; upang sila'y huwag magdala ng kasamaan, at huwag mamatay: magiging isang palatuntunang walang hanggan sa kaniya at sa kaniyang binhi pagkamatay niya. 002 EXO 029 001 At ito ang bagay na iyong gagawin sa kanila na ibukod sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote: kumuha ka ng isang guyang toro at ng dalawang lalaking tupang walang kapintasan. 002 EXO 029 002 At tinapay na walang lebadura, at mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis, at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis: na gagawin mo sa mainam na harina ng trigo. 002 EXO 029 003 At iyong isisilid sa isang bakol, at dadalhin mo na nasa bakol, sangpu ng toro at ng dalawang tupang lalake. 002 EXO 029 004 At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay iyong dadalhin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong huhugasan sila ng tubig. 002 EXO 029 005 At iyong kukunin ang mga kasuutan, at iyong isusuot kay Aaron ang tunika niya, at ang balabal ng epod, at ang epod, at ang pektoral, at bibigkisan mo ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod: 002 EXO 029 006 At iyong ipuputong ang mitra sa kaniyang ulo, at ipapatong mo ang banal na korona sa mitra. 002 EXO 029 007 Saka mo kukunin ang langis na pangpahid, at ibubuhos mo sa ibabaw ng kaniyang ulo, at papahiran mo ng langis siya. 002 EXO 029 008 At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at susuutan mo ng mga tunika sila. 002 EXO 029 009 At iyong bibigkisan sila ng mga pamigkis, si Aaron at ang kaniyang mga anak, at itatali mo ang mga tiara sa kanikaniyang ulo: at tatamuhin nila ang pagkasaserdote na pinakapalatuntunang palagi: at iyong papagbabanalin si Aaron at ang kaniyang mga anak. 002 EXO 029 010 At iyong dadalhin ang toro sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng toro. 002 EXO 029 011 At iyong papatayin ang toro sa harap ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 002 EXO 029 012 At kukuha ka ng dugo ng toro, at ilalagay mo ng iyong daliri sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana; at iyong ibubuhos ang lahat ng dugo sa paanan ng dambana. 002 EXO 029 013 At kukunin mo ang buong taba na nakababalot sa bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at susunugin mo sa ibabaw ng dambana. 002 EXO 029 014 Datapuwa't ang laman ng toro, at ang balat, at ang dumi ay iyong susunugin sa apoy sa labas ng kampamento: handog nga dahil sa kasalanan. 002 EXO 029 015 Kukunin mo rin ang isang lalaking tupa; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng lalaking tupa. 002 EXO 029 016 At iyong papatayin ang lalaking tupa, at iyong kukunin ang dugo, at iyong iwiwisik sa palibot sa ibabaw ng dambana. 002 EXO 029 017 At iyong kakatayin ang tupa at huhugasan mo ang bituka, at ang mga hita, at ipapatong mo sa mga pinagputolputol at sa ulo. 002 EXO 029 018 At iyong susunugin ang buong tupa sa ibabaw ng dambana: handog na susunugin nga sa Panginoon; pinaka masarap na amoy na handog sa Panginoon, na pinaraan sa apoy. 002 EXO 029 019 At kukunin mo ang isang tupa; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng tupa. 002 EXO 029 020 Saka mo papatayin ang tupa, at kukunin mo ang dugo, at ilalagay mo sa pingol ng kanang tainga ni Aaron, at sa pingol ng kanang tainga ng kaniyang mga anak, at sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa, at iwiwisik mo ang dugong labis sa ibabaw ng dambana sa palibot. 002 EXO 029 021 At kukuha ka ng dugo na nasa ibabaw ng dambana, at ng langis na pangpahid, at iwiwisik mo kay Aaron, at sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak na kasama niya: at ikapapaging banal niya at ng kaniyang mga suot, at ng kaniyang mga anak, at ng mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya. 002 EXO 029 022 Kukunin mo rin naman sa lalaking tupa ang taba, at ang matabang buntot, at ang tabang nakababalot sa mga bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at ang kanang hita (sapagka't isang lalaking tupa na itinalaga), 002 EXO 029 023 At isang malaking tinapay, at isang munting tinapay na nilangisan, at isang manipis na tinapay sa bakol ng tinapay na walang lebadura na nasa harap ng Panginoon: 002 EXO 029 024 At iyong ilalagay ang kabuoan sa mga kamay ni Aaron, at sa mga kamay ng kaniyang mga anak; at iyong mga luluglugin na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon. 002 EXO 029 025 At iyong kukunin sa kanilang mga kamay, at iyong susunugin sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin, na pinaka masarap na amoy sa harap ng Panginoon: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 002 EXO 029 026 At kukunin mo ang dibdib ng tupa na itinalaga ni Aaron, at luglugin mo na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon: at magiging iyong bahagi. 002 EXO 029 027 At iyong ihihiwalay ang dibdib ng handog na niluglog, at ang hita ng handog na itinaas, ang niluglog at ang itinaas, ng lalaking tupa na itinalaga na kay Aaron at sa kaniyang mga anak; 002 EXO 029 028 At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na pinaka bahagi magpakailan man, na mula sa mga anak ni Israel: sapagka't isang handog na itinaas: at magiging isang handog na itinaas sa ganang mga anak ni Israel, na kinuha sa kanilang mga hain tungkol sa kapayapaan: na dili iba't kanilang handog ngang itinaas sa Panginoon. 002 EXO 029 029 At ang mga banal na kasuutan ni Aaron ay magiging sa kaniyang mga anak, pagkamatay niya, upang pahiran ng langis sa mga yaon, at upang italaga sa mga yaon. 002 EXO 029 030 Pitong araw na isusuot ng anak na magiging saserdote nakahalili niya, pagka siya'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan upang mangasiwa sa dakong banal. 002 EXO 029 031 At kukunin mo ang lalaking tupa na itinalaga at lulutuin mo ang kaniyang laman sa dakong banal. 002 EXO 029 032 At kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang laman ng tupa, at ang tinapay na nasa bakol sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 002 EXO 029 033 At kanilang kakanin ang mga bagay na yaon, na ipinangtubos ng sala, upang italaga at pakabanalin sila: datapuwa't hindi kakain niyaon ang sinomang taga ibang lupa, sapagka't mga bagay na banal. 002 EXO 029 034 At kung may lumabis sa laman na itinalaga, o sa tinapay, hanggang sa kinaumagahan, ay iyo ngang susunugin sa apoy ang labis: hindi kakanin, sapagka't yao'y banal. 002 EXO 029 035 At ganito mo gagawin kay Aaron, at sa kaniyang mga anak, ayon sa lahat na aking iniutos sa iyo: pitong araw na iyong itatalaga sila. 002 EXO 029 036 At araw-araw ay maghahandog ka ng toro na pinakahandog, dahil sa kasalanan na pinakapangtubos: at iyong lilinisin ang dambana pagka iyong ipinanggagawa ng katubusan yaon; at iyong papahiran ng langis upang pakabanalin. 002 EXO 029 037 Pitong araw na iyong tutubusin sa sala ang dambana, at iyong pakakabanalin; at ang dambana ay magiging kabanalbanalan; anomang masagi sa dambana ay magiging banal. 002 EXO 029 038 Ito nga ang iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana: dalawang kordero ng unang taon araw-araw na palagi. 002 EXO 029 039 Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga; at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon: 002 EXO 029 040 At kasama ng isang kordero na iyong ihahandog ang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na may halong ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo; at ang ikaapat na bahagi ng isang hin na alak, ay pinakahandog na inumin. 002 EXO 029 041 At ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon, at iyong gagawin ayon sa handog na harina sa umaga, at ayon sa inuming handog niyaon, na pinaka masarap na amoy, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 002 EXO 029 042 Magiging isang palaging handog na susunugin sa buong panahon ng inyong lahi sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa harap ng Panginoon; na aking pakikipagkitaan sa inyo, upang makipagusap ako roon sa iyo. 002 EXO 029 043 At doo'y makikipagtagpo ako sa mga anak ni Israel: at ang Tolda ay pakakabanalin sa pamamagitan ng aking kaluwalhatian. 002 EXO 029 044 At aking pakakabanalin ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana; si Aaron man at ang kaniyang mga anak ay aking papagbabanalin upang mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote. 002 EXO 029 045 At ako'y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel, at ako'y magiging kanilang Dios. 002 EXO 029 046 At kanilang makikilala, na ako ang Panginoon nilang Dios, na kumuha sa kanila sa lupain ng Egipto, upang ako'y tumahan sa gitna nila: ako ang Panginoon nilang Dios. 002 EXO 030 001 At gagawa ka ng isang dambana na mapagsusunugan ng kamangyan: na kahoy na akasia iyong gagawin. 002 EXO 030 002 Isang siko magkakaroon ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon; parisukat nga: at dalawang siko magkakaroon ang taas niyaon: ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din. 002 EXO 030 003 At iyong babalutin ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga sungay niyaon; at igagawa mo ng isang kornisang ginto sa palibot. 002 EXO 030 004 At igagawa mo yaon ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang tagiliran iyong gagawin; at magiging suutan ng mga pingga upang mabuhat. 002 EXO 030 005 At ang iyong gagawing mga pingga ay kahoy na akasia, at iyong babalutin ng ginto. 002 EXO 030 006 At iyong ilalagay sa harap ng tabing na nasa siping ng kaban ng patotoo, sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na aking pakikipagtagpuan sa iyo. 002 EXO 030 007 At magsusunog si Aaron sa ibabaw niyaon ng kamangyan na mababangong espesia: tuwing umaga pagka kaniyang inaayos ang mga ilawan, ay susunugin niya. 002 EXO 030 008 At pagka sinisindihan ni Aaron ang mga ilawan sa hapon, ay kaniyang susunugin, na isang kamangyang palagi sa harap ng Panginoon, sa buong panahon ng inyong mga lahi. 002 EXO 030 009 Huwag kayong maghahandog ng ibang kamangyan sa ibabaw niyaon, o ng handog na susunugin, o ng handog na harina man: at huwag kayong magbubuhos ng inuming handog sa ibabaw niyaon. 002 EXO 030 010 At si Aaron ay tutubos ng sala sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon. 002 EXO 030 011 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, 002 EXO 030 012 Pagbilang mo sa mga anak ni Israel, ayon sa mga nabilang sa kanila ay magbibigay nga ang bawa't isa sa kanila ng katubusan ng kaniyang kaluluwa sa Panginoon, pagka iyong binibilang sila; upang huwag magkaroon ng salot sa gitna nila pagka iyong binibilang sila. 002 EXO 030 013 Ito ang kanilang ibibigay, bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang: kalahati ng isang siklo ayon sa siklo ng santuario: (ang isang siklo ay dalawang pung gera): kalahating siklo na pinakahandog sa Panginoon. 002 EXO 030 014 Bawa't maraanan sa kanila na nangabibilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay magbibigay ng handog sa Panginoon. 002 EXO 030 015 Ang mayaman ay hindi magbibigay ng higit, at ang dukha ay hindi magbibigay ng kulang sa kalahating siklo, pagbibigay nila ng handog sa Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa. 002 EXO 030 016 At iyong kukunin sa mga anak ni Israel ang pangtubos na salapi, at iyong gugugulin sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan; na maging pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon, upang ipangtubos sa inyong mga kaluluwa. 002 EXO 030 017 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, 002 EXO 030 018 Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso, at ang tungtungan ay tanso, upang paghugasan: at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig. 002 EXO 030 019 At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas doon ng kanilang mga paa: 002 EXO 030 020 Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, ay maghuhugas sila ng tubig, upang sila'y huwag mamatay, o pagka sila'y lumalapit sa dambana na mangasiwa, upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon. 002 EXO 030 021 Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang huwag silang mamatay: at magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila, sa kaniya at sa kaniyang binhi, sa buong panahon ng kanilang mga lahi. 002 EXO 030 022 Bukod dito'y nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi, 002 EXO 030 023 Magdala ka rin ng mga pinakamagaling na espesia, ng taganas na mira ay limang daang siklo, at ng mabangong kanela ay kalahati nito, dalawang daan at limang pu; at ng mabangong kalamo ay dalawang daan at limang pu, 002 EXO 030 024 At ng kasia, limang daan, ayon sa siklo ng santuario, at ng langis ng oliva ay isang hin: 002 EXO 030 025 At iyong gagawing banal na langis na pangpahid, isang pabangong kinatha ng ayon sa katha ng manggagawa ng pabango: siya ngang magiging banal na langis na pangpahid. 002 EXO 030 026 At iyong papahiran niyaon ang tabernakulo ng kapisanan, at ang kaban ng patotoo, 002 EXO 030 027 At ang dulang, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, at ang kandelero at ang mga kasangkapan niyaon, at ang dambanang suuban. 002 EXO 030 028 At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga kasangkapan, at ang hugasan at ang tungtungan. 002 EXO 030 029 At pakabanalin mo upang maging mga kabanalbanalan: lahat ng makahipo sa mga yao'y magiging banal. 002 EXO 030 030 At iyong papahiran ng langis si Aaron at ang kaniyang mga anak, at iyong papagbabanalin sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote. 002 EXO 030 031 At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Ito'y magiging banal na langis na pangpahid sa akin sa buong panahon ng iyong mga lahi. 002 EXO 030 032 Sa laman ng tao ay huwag ninyong ibubuhos, ni huwag kayong gagawa ng gaya niyan sa pagkakatha: banal nga at aariin ninyong banal. 002 EXO 030 033 Sinomang kumatha ng gaya niyan, o sinomang gumamit niyan sa isang taga ibang lupa, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan. 002 EXO 030 034 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Magdala ka ng mababangong espesia, estacte, at onycha, at galbano; mabangong espesia na may taganas na kamangyan: na magkakaisa ng timbang; 002 EXO 030 035 At iyong gagawing kamangyan, na isang pabangong ayon sa katha ng manggagawa ng pabango, na tinimplahan ng asin, na pulos at banal; 002 EXO 030 036 At iyong didikdikin ang iba niyan ng durog na durog at ilalagay mo sa harap ng kaban ng patotoo, sa loob ng tabernakulo ng kapisanan na aking pakikipagtagpuan sa iyo: aariin ninyong kabanalbanalan. 002 EXO 030 037 At ang kamangyan na inyong gagawin, ayon sa pagkakatha niyan ay huwag ninyong gagawin para sa inyo: aariin mong banal sa Panginoon. 002 EXO 030 038 Sinomang gumawa ng gaya niyan, upang amuyin ay ihihiwalay sa kaniyang bayan. 002 EXO 031 001 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, 002 EXO 031 002 Tingnan mo aking tinawag sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda: 002 EXO 031 003 At aking pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, sa karunungan at pagkakilala, at kaalaman, at sa lahat ng sarisaring gawain, 002 EXO 031 004 Upang kumatha ng mga gawang kaayaaya, upang gumawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso, 002 EXO 031 005 At upang umukit ng mga batong pangkalupkop, upang gumawa ng mga nililok na kahoy, at upang gumawa sa lahat na sarisaring gawain. 002 EXO 031 006 At ako, narito, aking inihalal na kasama niya si Aholiab, na anak ni Ahisamac sa lipi ni Dan; at sa puso ng lahat na maalam na puso, ay aking isinilid ang karunungan, upang magawa nila ang lahat ng aking iniutos sa iyo: 002 EXO 031 007 Ang tabernakulo ng kapisanan at ang kaban ng patotoo, at ang luklukan ng awa na nasa ibabaw niyaon, at ang lahat ng kasangkapan ng Tolda: 002 EXO 031 008 At ang dulang at ang mga sisidlan niyaon at ang kandelerong dalisay, sangpu ng lahat na mga sisidlan; at ang dambana ng kamangyan; 002 EXO 031 009 At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang hugasan at ang tungtungan niyaon; 002 EXO 031 010 At ang mga kasuutang mabuting yari, at ang mga banal na kasuutan na pangsuot kay Aarong saserdote, at ang mga kasuutan sa kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote; 002 EXO 031 011 At ang langis na pangpahid, at ang kamangyan na mabangong mga kamangyan na itataan sa dakong banal: ayon sa lahat na iniutos ko sa iyo ay kanilang gagawin. 002 EXO 031 012 At ang Panginoo'y nagsalita kay Moises, na sinasabi, 002 EXO 031 013 Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo. 002 EXO 031 014 Inyong ipangingilin ang sabbath nga; sapagka't yao'y pangilin sa inyo: bawa't lumapastangan ay walang pagsalang papatayin: sapagka't sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na yaon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan. 002 EXO 031 015 Anim na araw na gagawin ang gawain; datapuwa't ang ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, pangilin sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw ng sabbath, ay walang pagsalang papatayin. 002 EXO 031 016 Kaya't ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan. 002 EXO 031 017 Ito'y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man: sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan. 002 EXO 031 018 At kaniyang ibinigay kay Moises, pagkatapos na makipagsalitaan sa kaniya sa ibabaw ng bundok ng Sinai, ang dalawang tapyas ng patotoo, na mga tapyas na bato, na sinulatan ng daliri ng Dios. 002 EXO 032 001 At nang makita ng bayan na nagluluwat si Moises ng pagpanaog sa bundok, ay nagpipisan ang bayan kay Aaron, at nagsabi sa kaniya, Tumindig ka at igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin; sapagka't tungkol sa Moises na ito, na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto, ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya. 002 EXO 032 002 At sinabi ni Aaron sa kanila, Alisin ninyo ang mga hikaw na ginto, na nasa tainga ng inyo-inyong asawa, ng inyong mga anak na lalake, at babae, at dalhin ninyo sa akin. 002 EXO 032 003 At inalis ng buong bayan ang mga hikaw na ginto na nangasa kanilang mga tainga, at dinala kay Aaron. 002 EXO 032 004 At kaniyang tinanggap sa kanilang kamay, at niyari sa pamamagitan ng isang buril, at ginawang isang guyang binubo, at kanilang sinabi, Ang mga ito ang maging iyong mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto. 002 EXO 032 005 At nang makita ito ni Aaron, ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon: at itinanyag ni Aaron at sinabi, Bukas ay pista sa Panginoon. 002 EXO 032 006 At sila'y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tumindig upang magkatuwa. 002 EXO 032 007 At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, bumaba ka, sapagka't ang iyong bayan, na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto ay nangagsisama: 002 EXO 032 008 Sila'y humiwalay na madali sa daan na aking iniutos sa kanila: sila'y gumawa ng isang guyang binubo, at kanilang sinamba, at kanilang hinainan, at kanilang sinabi, Ang mga ito'y iyong maging mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto. 002 EXO 032 009 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang may matigas na ulo; 002 EXO 032 010 Ngayo'y bayaan mo nga ako upang ang aking pagiinit ay magalab laban sa kanila, at upang aking lipulin sila: at ikaw ay aking gagawing dakilang bansa. 002 EXO 032 011 At dumalangin si Moises sa Panginoon niyang Dios, at sinabi, Panginoon, bakit ang iyong pagiinit ay pinapagaalab mo laban sa iyong bayan, na iyong inilabas sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng makapangyarihang kamay? 002 EXO 032 012 Bakit sasalitain ng mga Egipcio, na sasabihin, Dahil sa kasamaan, inilabas sila upang patayin sila sa mga bundok, at upang lipulin sila sa balat ng lupa? Iurong mo ang iyong mabangis na pagiinit, at pagsisihan mo ang kasamaang ito laban sa iyong bayan. 002 EXO 032 013 Alalahanin mo si Abraham, si Isaac, at si Israel na iyong mga lingkod, na silang iyong mga sinumpaan sa iyong sarili, at mga pinagsabihan, Aking pararamihin ang inyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at lahat ng lupaing ito na aking sinalita ay aking ibibigay sa inyong binhi, at kanilang mamanahin magpakailan man. 002 EXO 032 014 At pinagsisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kaniyang bayan. 002 EXO 032 015 At si Moises ay pumihit, at bumaba sa bundok, na dala ang dalawang tapyas ng patotoo sa kaniyang kamay; mga tapyas na may sulat sa dalawang mukha niyaon; sa isang mukha at sa kabilang mukha ay may sulat. 002 EXO 032 016 At ang mga tapyas ay gawa ng Dios, at ang sulat ay sulat ng Dios, na nakaukit sa mga tapyas. 002 EXO 032 017 At ng marinig ni Josue ang ingay ng bayan na humihiyaw, ay sinabi kay Moises, May ingay ng pagbabaka sa kampamento. 002 EXO 032 018 At kaniyang sinabi, Hindi ingay ng pagtatagumpay, o ingay man ng pagkatalo, kundi ingay ng mga umaawit ang aking naririnig. 002 EXO 032 019 At nangyari paglapit niya sa kampamento, na kaniyang nakita ang guya at ang sayawan; at ang galit ni Moises ay naginit at kaniyang inihagis ang mga tapyas na nasa kaniyang mga kamay at nangasira sa paanan ng bundok. 002 EXO 032 020 At kaniyang kinuha ang guya na kanilang ginawa, at sinunog ng apoy, at giniling hanggang sa naging alabok, at isinaboy sa ibabaw ng tubig, at ipinainom sa mga anak ni Israel. 002 EXO 032 021 At sinabi ni Moises kay Aaron, Anong ginawa ng bayang ito sa iyo, na dinalhan mo sila ng isang malaking sala? 002 EXO 032 022 At sinabi ni Aaron, Huwag maginit ang galit ng aking panginoon: iyong kilala ang bayan, na sila'y mahilig sa kasamaan. 002 EXO 032 023 Sapagka't kanilang sinabi sa akin, Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol sa Moises na ito, na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya. 002 EXO 032 024 At aking sinabi sa kanila, Sinomang may ginto, ay magalis; na anopa't kanilang ibinigay sa akin: at aking inihagis sa apoy at lumabas ang guyang ito. 002 EXO 032 025 At nang makita ni Moises na ang bayan ay nakakawala; sapagka't pinabayaan ni Aarong makawala ng maging isang kabiruan sa gitna ng kanilang mga kaaway: 002 EXO 032 026 Ay tumayo nga si Moises sa pintuang-daan ng kampamento, at nagsabi, Sinomang sa Panginoon ang kiling ay lumapit sa akin. At lahat ng mga anak ni Levi ay nagpipisan sa kaniya. 002 EXO 032 027 At sinabi niya sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel: Ipatong ng bawa't lalake ang kaniyang tabak sa kaniyang hita, at yumaon kayong paroo't parito sa mga pintuang-daan, sa buong kampamento, at patayin ng bawa't lalake ang kaniyang kapatid na lalake, at ng bawa't lalake ang kaniyang kasama, at ng bawa't lalake ang kaniyang kapuwa. 002 EXO 032 028 At ginawa ng mga anak ni Levi ang ayon sa salita ni Moises: at nabuwal sa bayan ng araw na yaon, ang may tatlong libong katao. 002 EXO 032 029 At sinabi ni Moises, Italaga ninyo ang inyong sarili ngayon sa Panginoon, oo, bawa't lalake laban sa kaniyang anak na lalake, at laban sa kaniyang kapatid na lalake, upang kaniyang ipagkaloob sa inyo ang pagpapala sa araw na ito. 002 EXO 032 030 At nangyari ng kinabukasan, na sinabi ni Moises sa bayan, Kayo'y nagkasala ng malaking kasalanan: at ngayo'y sasampahin ko ang Panginoon; marahil ay aking matutubos ang inyong kasalanan. 002 EXO 032 031 At bumalik si Moises sa Panginoon, at nagsabi, Oh, ang bayang ito'y nagkasala ng malaking kasalanan, at gumawa sila ng mga dios na ginto. 002 EXO 032 032 Gayon ma'y ngayon, kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan; at kung hindi, ay alisin mo ako, isinasamo ko sa iyo, sa iyong aklat na sinulat mo. 002 EXO 032 033 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang magkasala laban sa akin ay siya kong aalisin sa aking aklat. 002 EXO 032 034 At ngayo'y yumaon ka, iyong patnubayan ang bayan sa dakong aking sinalita sa iyo: narito, ang aking anghel ay magpapauna sa iyo: gayon ma'y sa araw na aking dalawin sila ay aking dadalawin ang kanilang kasalanang ipinagkasala nila. 002 EXO 032 035 At sinaktan nga ng Panginoon ang bayan, sapagka't kanilang ginawa ang guya na ginawa ni Aaron. 002 EXO 033 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, sumampa ka mula rito, ikaw at ang bayan na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto, na patungo kayo sa lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na aking sinasabi, Sa iyong binhi ay aking ibibigay. 002 EXO 033 002 At aking susuguin ang isang anghel sa unahan mo: at aking palalayasin ang Cananeo, ang Amorrheo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo: 002 EXO 033 003 Sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot: sapagka't hindi ako sasampa sa gitna mo; sapagka't ikaw ay bayang may matigas na ulo; baka ikaw ay aking lipulin sa daan. 002 EXO 033 004 At nang marinig ng bayan ang masasamang balitang ito, ay nanangis sila: at walang taong nagsuot ng kaniyang mga pahiyas. 002 EXO 033 005 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo sa mga anak ni Israel, Kayo'y isang bayang may matigas na ulo: kung ako'y sumampa sa gitna mo na sangdali, ay lilipulin kita: kaya't ngayo'y alisin mo ang iyong mga pahiyas sa iyo upang aking maalaman kung anong aking gagawin sa iyo. 002 EXO 033 006 At ang mga anak ni Israel ay naghubad ng kanilang mga pahiyas mula sa bundok ng Horeb. 002 EXO 033 007 Kinaugalian nga ni Moises na dalhin ang tolda at itayo sa labas ng kampamento, na malayo sa kampamento at kaniyang tinawag iyon, Tabernakulo ng kapisanan. At nangyari na bawa't magsiyasat sa Panginoon ay lumalabas na pumaparoon sa tabernakulo ng kapisanan, na nasa labas ng kampamento. 002 EXO 033 008 At nangyari, pagka si Moises ay lumalabas na napasa sa Tolda, na ang buong bayan ay bumabangon at tumatayo, bawa't lalake sa pintuan ng kaniyang tolda at pinanonood si Moises hanggang sa makapasok sa Tolda. 002 EXO 033 009 At nangyari, pagka si Moises ay pumapasok sa Tolda ay bumababa ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda ang Panginoon ay nakikipagsalitaan kay Moises. 002 EXO 033 010 At nakikita ng buong bayan ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda; at ang buong bayan ay tumitindig at sumasamba, na bawa't isa'y sa tabi ng pintuan ng kaniyang tolda. 002 EXO 033 011 At nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan. At siya'y bumabalik uli sa kampamento, datapuwa't ang kaniyang tagapangasiwang si Josue, na anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda. 002 EXO 033 012 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Tingnan mo, iyong sinasabi sa akin: Isampa mo ang bayang ito: at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko. Gayon ma'y iyong sinabi, Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin. 002 EXO 033 013 Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, na ano pa't ako'y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin: at akalain mo, na ang bansang ito ay iyong bayan. 002 EXO 033 014 At kaniyang sinabi, Ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking bibigyan ng kapahingahan. 002 EXO 033 015 At sinabi niya sa kaniya, Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito. 002 EXO 033 016 Sapagka't saan ngayon makikilala na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, upang kami ay maging bukod, ako at ang iyong bayan, sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa? 002 EXO 033 017 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: sapagka't ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan. 002 EXO 033 018 At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. 002 EXO 033 019 At kaniyang sinabi, Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo; at ako'y magkakaloob ng biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban, at ako'y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan. 002 EXO 033 020 At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay. 002 EXO 033 021 At sinabi ng Panginoon, Narito, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan: 002 EXO 033 022 At mangyayari, na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan, na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako'y makaraan: 002 EXO 033 023 At aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod: datapuwa't ang aking mukha ay hindi makikita. 002 EXO 034 001 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Humugis ka ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una: at aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas, na iyong sinira. 002 EXO 034 002 At iyong ihanda sa kinaumagahan, at sumampa ka sa kinaumagahan sa bundok ng Sinai at humarap ka roon sa akin sa taluktok ng bundok. 002 EXO 034 003 At sinomang tao ay huwag sasampang kasama mo, o makikita ang sinomang tao sa buong bundok; kahit ang mga kawan at ang mga bakahan ay huwag manginain sa harap ng bundok na yaon. 002 EXO 034 004 At siya'y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una; at bumangon si Moises na maaga sa kinaumagahan, at sumampa sa bundok ng Sinai, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya, at kinuha sa kaniyang kamay ang dalawang tapyas na bato. 002 EXO 034 005 At ang Panginoon ay bumaba sa ulap, at tumayong kasama niya roon at itinanyag ang pangalan ng Panginoon. 002 EXO 034 006 At ang Panginoo'y nagdaan sa harap niya, na itinanyag, Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan; 002 EXO 034 007 Na gumagamit ng kaawaan sa libolibo, na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalangsang, at ng kasalanan: at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin; na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak, at sa mga anak ng mga anak, hanggang sa ikatlo at ika apat na salin. 002 EXO 034 008 At nagmadali si Moises, at itinungo ang kaniyang ulo sa lupa, at sumamba. 002 EXO 034 009 At kaniyang sinabi, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, Oh Panginoon, ay ipahintulot nawa ng Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na pasa gitna namin; sapagka't isang bayang may matigas na ulo; at ipatawad mo ang aming kasamaan, at ang aming kasalanan, at ariin mo kaming iyong mana. 002 EXO 034 010 At kaniyang sinabi, Narito, ako'y nakikipagtipan sa harap ng iyong buong bayan at gagawa ako ng mga kababalaghan, na kailan ma'y hindi ginawa sa buong lupa, o sa alin mang bansa: at ang buong bayan sa gitna ng iyong kinaroroonan ay makakakita ng gawa ng Panginoon, sapagka't kakilakilabot na bagay ang aking gagawin sa pamamagitan mo. 002 EXO 034 011 Tuparin mo ang mga iniutos ko sa iyo sa araw na ito: narito, aking pinalalayas sa harap mo ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, at ang Jebuseo. 002 EXO 034 012 Magingat ka, na huwag kang makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain na iyong pinaroroonan, baka maging isang silo sa gitna mo: 002 EXO 034 013 Kundi inyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera. 002 EXO 034 014 Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios: 002 EXO 034 015 Magingat ka; baka ikaw ay makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain, at sila'y sumunod sa kanilang mga dios, at magsipaghain sa kanilang mga dios, at ikaw ay alukin ng isa at kumain ka ng kanilang hain; 002 EXO 034 016 At iyong papag-asawahin ang iyong mga anak na lalake at kanilang mga anak na babae, at ang kanilang mga anak na babae ay sumunod sa kanilang mga dios at pasunurin ang inyong mga anak na sumunod sa kanilang mga dios. 002 EXO 034 017 Huwag kang gagawa para sa iyo ng mga dios na binubo. 002 EXO 034 018 Ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipangingilin. Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura na gaya ng iniutos ko sa iyo, sa takdang panahon sa buwan ng Abib: sapagka't sa buwan ng Abib, ay umalis ka sa Egipto. 002 EXO 034 019 Yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata ay akin; at gayon din ang lahat ng hayop na lalake, ang panganay ng baka at ng tupa, 002 EXO 034 020 At ang panganay ng isang asno ay iyong tutubusin ng isang kordero: at kung hindi mo tutubusin ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg. Lahat ng panganay sa iyong mga anak ay iyong tutubusin. At walang lalapit sa harapan ko na walang dala. 002 EXO 034 021 Anim na araw na gagawa ka, nguni't sa ikapitong araw ay magpapahinga ka: sa panahon ng pagbubukid at sa pagaani ay magpapahinga ka. 002 EXO 034 022 At iyong ipangingilin ang kapistahan ng mga sanglinggo, ang sa mga unang bunga ng pagaani ng trigo, at ang kapistahan ng pagaani sa katapusan ng taon. 002 EXO 034 023 Makaitlo nga sa isang taon na haharap ang lahat ng iyong mga lalake sa Panginoong Dios, na Dios ng Israel. 002 EXO 034 024 Sapagka't aking palalayasin ang mga bansa sa harap mo, at aking palalaparin ang iyong mga hangganan: at hindi pagnanasaan ng sinoman ang iyong lupain, pagka ikaw ay pumapanhik na humarap sa Panginoong iyong Dios, na makaitlo sa isang taon. 002 EXO 034 025 Huwag kang maghahandog ng dugo ng hain sa akin, na kasabay ng tinapay na may lebadura; o magtitira man ng hain sa kapistahan ng paskua hanggang sa kinaumagahan. 002 EXO 034 026 Ang pinakaunang bunga ng iyong lupa ay iyong dadalhin sa bahay ng Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina. 002 EXO 034 027 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ang mga salitang ito: sapagka't ayon sa tunog ng mga salitang ito, ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel. 002 EXO 034 028 At siya'y natira doong kasama ng Panginoon, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi man lamang siya kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig. At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang sangpung utos. 002 EXO 034 029 At nangyari, nang bumaba si Moises sa bundok ng Sinai, na dala ang tapyas na bato ng patotoo sa kamay niya, noong bumaba sa bundok ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipagusap niya sa Dios. 002 EXO 034 030 At nang makita ni Aaron at ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises, narito, ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag; at sila'y natakot na lumapit sa kaniya. 002 EXO 034 031 At tinawag sila ni Moises; at si Aaron at ang lahat ng puno sa Israel ay nagbalik sa kaniya: at si Moises ay nagsalita sa kanila. 002 EXO 034 032 At pagkatapos, ang lahat ng mga anak ni Israel ay lumapit; at kaniyang ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng utos ang lahat ng salita ng Panginoon na sinalita sa kaniya sa bundok ng Sinai. 002 EXO 034 033 At pagkapagsalita sa kanila ni Moises ay naglagay siya ng isang lambong sa kaniyang mukha. 002 EXO 034 034 Datapuwa't pagka si Moises ay pumapasok sa harap ng Panginoon upang makipagsalitaan sa kaniya, ay nagaalis siya ng lambong hanggang siya'y makalabas; at siya'y lumabas at kaniyang sinalita sa mga anak ni Israel ang iniutos sa kaniya; 002 EXO 034 035 At nakita ng mga anak ni Israel ang mukha ni Moises, na ang balat ng mukha ni Moises ay nagliliwanag: at inilagay uli ni Moises ang lambong sa ibabaw ng kaniyang mukha, hanggang sa siya'y makapasok na nakipagsalitaan sa Dios. 002 EXO 035 001 At pinulong ni Moises ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sinabi sa kanila, Ito ang mga salita na iniutos ng Panginoon, na inyong gagawin. 002 EXO 035 002 Anim na araw na gagawa, datapuwa't ang ikapitong araw ay ipangingilin ninyo, isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na iyan ay papatayin. 002 EXO 035 003 Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa inyong buong tahanan sa araw ng sabbath. 002 EXO 035 004 At sinalita ni Moises, sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, na sinasabi, 002 EXO 035 005 Magsikuha kayo sa inyo ng isang handog na taan sa Panginoon; sinomang may kusang loob, ay magdala ng handog sa Panginoon; ginto, at pilak, at tanso; 002 EXO 035 006 At kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng kambing; 002 EXO 035 007 At mga balat ng tupang lalake na tininang pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia; 002 EXO 035 008 At langis na pangilawan, at mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong kamangyan: 002 EXO 035 009 At mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, na pang-epod, at pangpektoral. 002 EXO 035 010 At pumarito ang bawa't matalino sa inyo, at gawin ang lahat ng iniutos ng Panginoon; 002 EXO 035 011 Ang tabernakulo, ang tolda niyan, at ang takip niyan, ang mga kawit niyan, at ang mga tabla niyan, ang mga barakilan niyan, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan niyan; 002 EXO 035 012 Ang kaban, at ang mga pingga niyan, ang luklukan ng awa, at ang lambong ng tabing; 002 EXO 035 013 Ang dulang at ang mga pingga niyan, at ang lahat ng kasangkapan niyan at ang tinapay na handog; 002 EXO 035 014 Ang kandelero rin naman na pangilaw, at ang mga kasangkapan niyan, at ang mga ilawan niyan, at ang langis na pangilawan; 002 EXO 035 015 At ang dambana ng kamangyan at ang mga pingga niyan, at ang langis na pangpahid, at ang mabangong kamangyan, at ang tabing na pangpintuan sa pintuan ng tabernakulo; 002 EXO 035 016 Ang dambana ng handog na susunugin, sangpu ng salang tanso niyan, at lahat ng mga kasangkapan niyan, ang hugasan at ang tungtungan niyan; 002 EXO 035 017 Ang mga tabing sa looban, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan ng mga iyan, at ang tabing sa pintuan ng looban; 002 EXO 035 018 Ang mga tulos ng tabernakulo, at ang mga tulos ng looban, at ang mga panali ng mga iyan; 002 EXO 035 019 Ang mga mainam na yaring kasuutan sa pangangasiwa sa dakong banal, ang mga banal na kasuutan kay Aaron na saserdote, at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote. 002 EXO 035 020 At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay umalis sa harap ni Moises. 002 EXO 035 021 At sila'y lumapit, lahat ng tao na napukaw ang kalooban, at lahat na pinapagkusa ng sariling diwa, at nagdala ng panghandog sa Panginoon, sa gawain sa tabernakulo ng kapisanan, at sa buong ipaglilingkod at sa mga banal na kasuutan. 002 EXO 035 022 At sila'y naparoon, mga lalake at mga babae, yaong lahat na nagkaroon ng kusang loob, at nagdala ng mga espile, at ng mga hikaw, at ng mga singsing na panatak, at ng mga pulsera, ng madlang hiyas na ginto; sa makatuwid baga'y lahat na naghandog ng handog na ginto sa Panginoon. 002 EXO 035 023 At bawa't taong may kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng mga kambing, at balat ng mga tupa na tininang pula, at ng mga balat ng poka, ay nangagdala. 002 EXO 035 024 Ang lahat na naghandog ng handog na pilak at tanso, ay nagdala ng handog sa Panginoon: at lahat ng taong may kahoy na akasia na magagamit sa anomang gawa na paglilingkod ay nagdala. 002 EXO 035 025 At lahat ng mga babaing matatalino ay nagsihabi ng kanilang mga kamay, at dinala ang kanilang mga hinabi, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino. 002 EXO 035 026 At lahat ng mga babae na napukaw ang kalooban, sa karunungan, ay nagsihabi ng balahibo ng mga kambing. 002 EXO 035 027 At ang mga pinuno ay nagdala ng mga batong onix, at ng mga batong pangkalupkop na gamit sa epod, at sa pektoral; 002 EXO 035 028 At ng mga espesia, at ng langis; na pangilawan, at langis na pangpahid, at pangmabangong kamangyan. 002 EXO 035 029 Ang mga anak ni Israel ay nagdala ng kusang handog sa Panginoon; bawa't lalake at babae, na ang puso'y nagkusang nagpadala ng magagamit sa lahat na gawain, na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na gawin. 002 EXO 035 030 At sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel, Tingnan ninyo, tinawag ng Panginoon sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda; 002 EXO 035 031 At kaniyang pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, tungkol sa karunungan, sa pagkakilala, at sa kaalaman, at sa lahat ng sarisaring gawain; 002 EXO 035 032 At upang kumatha ng mga gawang kaayaaya, na gumawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso, 002 EXO 035 033 At sa pagputol ng mga batong pangkalupkop, at sa pagukit sa kahoy, na gumawa sa lahat ng sarisaring maiinam na gawa. 002 EXO 035 034 At isinapuso niya ang katalinuhan, na siya'y makapagturo, siya at gayon din si Aholiab, na anak ni Ahisamac, sa lipi ni Dan. 002 EXO 035 035 Sila'y kaniyang pinuspos ng karunungan sa puso upang gumawa ng lahat na sarisaring gawa, ng taga-ukit, at tagakatha, at ng mangbuburda sa kayong bughaw, at sa kulay-ube, sa pula, at sa lino, at ng manghahabi, ng mga gumagawa ng anomang gawain, at ng mga kumakatha ng maiinam na gawa. 002 EXO 036 001 At si Bezaleel at si Aholiab ay gagawa, at lahat ng matalino na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan at pagkakilala na maalaman kung paanong paggawa ng lahat ng gawa sa paglilingkod sa santuario, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon. 002 EXO 036 002 At tinawag ni Moises si Bezaleel at si Aholiab, at lahat ng marunong na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan sa puso, lahat ng may pusong napukaw na pumaroon sa gawang gagawin: 002 EXO 036 003 At kanilang tinanggap kay Moises ang lahat ng handog na dinala ng mga anak ni Israel na magagamit sa gawang paglilingkod sa santuario, upang gawin. At dinalhan pa nila siya ng kusang handog tuwing umaga. 002 EXO 036 004 At nagsidating ang lahat ng mga taong matatalino, na gumagawa ng lahat na gawa, sa santuario, na bawa't isa'y mula sa kaniyang gawain na ginagawa; 002 EXO 036 005 At sila'y nagsalita kay Moises, na nagsasabi, Ang baya'y nagdadala ng higit kay sa kinakailangan sa gawang paglilingkod, na iniutos gawin ng Panginoon. 002 EXO 036 006 At si Moises ay nagbigay utos at itinanyag nila sa buong kampamento na sinasabi, Huwag nang gumawa ang lalake o ang babae man ng anomang gawang handog sa santuario. Na ano pa't sinangsala na ang bayan sa pagdadala. 002 EXO 036 007 Sapagka't ang kagamitan na mayroon sila ay sapat na sa lahat ng gawa na gagawin, at higit pa. 002 EXO 036 008 At lahat ng matatalinong lalake sa gumagawa ng gawa, ay gumawa ng tabernakulo na may sangpung tabing, na linong pinili, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula na may mga querubin na niyari ng bihasang manggagawa. 002 EXO 036 009 Ang haba ng bawa't tabing ay dalawang pu't walong siko, at ang luwang ng bawa't tabing ay apat na siko: lahat ng tabing ay magkakaisang sukat. 002 EXO 036 010 At pinapagsugpong na isa't isa ang limang tabing: at ang ibang limang tabing ay pinapagsugpong na isa't isa. 002 EXO 036 011 At siya'y gumawa ng mga presilyang bughaw sa gilid ng tabing, sa gilid ng pagkakasugpong: gayon din ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa dulo ng ikalawang pagkakasugpong. 002 EXO 036 012 Limangpung presilya ang ginawa niya sa isang tabing, at limangpung presilya ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong: ang mga presilya ay nagkakatapat na isa't isa. 002 EXO 036 013 At siya'y gumawa ng limangpung kawit na ginto, at pinapagsugpong ang mga tabing na ang isa'y sa isa, sa pamamagitan ng mga kawit: sa gayo'y naging isa ang tabernakulo. 002 EXO 036 014 At siya'y gumawa ng mga tabing na balahibo ng mga kambing na magagamit sa tolda na nasa ibabaw ng tabernakulo: labing isang tabing ang ginawa niya. 002 EXO 036 015 Ang haba ng bawa't tabing ay tatlong pung siko, at apat na siko ang luwang ng bawa't tabing; ang labing isang tabing ay magkakaisa ng sukat. 002 EXO 036 016 At kaniyang pinapagsugpong ang limang tabing at ang anim na tabing ay bukod. 002 EXO 036 017 At siya'y gumawa ng limangpung presilya sa gilid ng unang tabing, sa dulo ng pagkakasugpong, at limangpung presilya ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa dulo ng ikalawang pagkakasugpong. 002 EXO 036 018 At siya'y gumawa ng limangpung kawit na tanso ng papagsugpungin ang tolda, upang maging isa. 002 EXO 036 019 At siya'y gumawa ng isang pantakip sa tolda na balat ng mga tupa na tininang pula, at ng isang takip na balat ng poka sa ibabaw. 002 EXO 036 020 At siya'y gumawa ng mga tabla para sa tabernakulo na kahoy na akasia, na pawang patayo. 002 EXO 036 021 Sangpung siko ang haba ng isang tabla, at isang siko't kalahati ang luwang ng bawa't tabla. 002 EXO 036 022 Bawa't tabla'y mayroong dalawang mitsa na nagkakasugpong na isa't isa: gayon ang ginawa niya sa lahat ng tabla ng tabernakulo. 002 EXO 036 023 At kaniyang iginawa ng mga tabla ang tabernakulo; dalawangpung tabla sa tagilirang timugan na dakong timugan: 002 EXO 036 024 At siya'y gumawa ng apat na pung tungtungang pilak sa ilalim ng dalawang pung tabla: dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa; at dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa. 002 EXO 036 025 At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan, ay gumawa siya ng dalawang pung tabla. 002 EXO 036 026 At ng kanilang apat na pung tungtungang pilak; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla. 002 EXO 036 027 At sa dakong hulihan ng tabernakulo, sa kalunuran ay gumawa siya ng anim na tabla. 002 EXO 036 028 At dalawang tabla ang ginawa niya sa mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan. 002 EXO 036 029 Na mga nasugpong sa tablang nauukol sa dakong ibaba at nauugnay na mainam hanggang sa itaas, sa isang argolya; gayon ginawa niya sa dalawang yaon sa dalawang sulok. 002 EXO 036 030 At mayroong walong tabla, at ang mga tungtungang pilak, ay labing anim na tungtungan; sa ilalim ng bawa't tabla ay dalawang tungtungan. 002 EXO 036 031 At siya'y gumawa ng mga barakilan na kahoy na akasia; lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo, 002 EXO 036 032 At limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo, at limang barakilan sa mga tabla ng tabernakulo sa dakong hulihan na dakong kalunuran. 002 EXO 036 033 At kaniyang pinaraan ang gitnang barakilan sa gitna ng mga tabla, mula sa isang dulo hanggang sa kabila. 002 EXO 036 034 At kaniyang binalot ang mga tabla ng ginto, at gininto niya ang kanilang mga argolya na mga daraanan ng mga barakilan, at binalot ang mga barakilan ng ginto. 002 EXO 036 035 At kaniyang ginawa ang lambong na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili na may mga querubin na gawa ng bihasang manggagawa. 002 EXO 036 036 At kanilang iginawa ng apat na haliging akasia, at pinagbalot ng ginto: ang kanilang mga sima ay ginto rin: at kaniyang mga ipinagbubo ng apat na tungtungang pilak. 002 EXO 036 037 At kaniyang iginawa ng tabing ang pintuan ng Tolda, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, linong pinili, na yari ng mangbuburda; 002 EXO 036 038 At iginawa niya ng limang haligi sangpu ng kanilang mga sima: at kaniyang binalot ang mga kapitel at ang kanilang mga pilete ng ginto; at ang kanilang limang tungtungan ay tanso. 002 EXO 037 001 At kahoy na akasia ang ginawang kaban ni Bezaleel: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon, at may isang siko't kalahati ang taas niyaon: 002 EXO 037 002 At kaniyang binalot ng taganas na ginto sa loob at sa labas, at iginawa ng isang kornisang ginto sa palibot. 002 EXO 037 003 At ipinagbubo niya ng apat na argolyang ginto, sa apat na sulok niyaon; sa makatuwid baga'y dalawang argolya sa isang tagiliran. 002 EXO 037 004 At siya'y gumawa ng mga pingga na kahoy na akasia, at pinagbalot ng ginto. 002 EXO 037 005 At isinuot ang mga pingga sa mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban, upang mabuhat ang kaban. 002 EXO 037 006 At gumawa siya ng isang luklukan ng awa na taganas na ginto: na may dalawang siko at kalahati ang haba, at may isang siko't kalahati ang luwang. 002 EXO 037 007 At siya'y gumawa ng dalawang querubing ginto; na niyari niya sa pamukpok sa dalawang dulo ng luklukan ng awa; 002 EXO 037 008 Isang querubin sa isang dulo, at isang querubin sa kabilang dulo: na kaputol ng luklukan ng awa, ginawa niya ang mga querubin sa dalawang dulo. 002 EXO 037 009 At ibinubuka ng mga querubin ang mga pakpak na paitaas, na nalililiman ng kanilang mga pakpak ang luklukan ng awa, na nagkakaharap ang kanilang mga mukha; sa dakong luklukan ng awa nakaharap ang mga mukha ng mga querubin. 002 EXO 037 010 At ginawa rin niya ang dulang na kahoy na akasia; na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, at isang siko't kalahati ang taas niyaon: 002 EXO 037 011 At binalot niya ng taganas na ginto, at iginawa niya ng isang kornisang ginto sa palibot. 002 EXO 037 012 At iginawa niya ng isang gilid na may isang kamay ang luwang sa palibot, at iginawa ng isang ginintong kornisa ang gilid sa palibot. 002 EXO 037 013 At ipinagbubo ng apat na argolyang ginto, at inilagay ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon. 002 EXO 037 014 Malapit sa gilid ang mga argolya, na daraanan ng mga pingga, upang mabuhat ang dulang. 002 EXO 037 015 At ginawa niya ang mga pingga na kahoy na akasia, at pinagbalot ng ginto, upang mabuhat ang dulang. 002 EXO 037 016 At ginawa niyang taganas na ginto ang mga kasangkapang nasa ibabaw ng dulang, ang mga pinggan niyaon, at ang mga kutsara niyaon, at ang mga tasa niyaon, at ang mga kopa niyaon, na pagbubuhusan. 002 EXO 037 017 At kaniyang ginawa ang kandelero na taganas na ginto: niyari niya sa pamukpuk ang kandelero, ang tungtungan niyaon at ang haligi niyaon; ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon, at ang mga bulaklak ay kaputol niyaon: 002 EXO 037 018 At may anim na sangang lumalabas sa dalawang tagiliran niyaon; tatlong sanga ng kandelero ay sa isang tagiliran, at tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran: 002 EXO 037 019 Tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga, isang globito at isang bulaklak; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga, isang globito at isang bulaklak; gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero. 002 EXO 037 020 At sa kandelero'y may apat na kopang anyong bulaklak ng almendro, sangpu ng mga globito niyaon, at ng mga bulaklak niyaon: 002 EXO 037 021 At may isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng dalawang sanga na kaputol niyaon, sapagka't ang anim na sanga ay lumalabas doon. 002 EXO 037 022 Ang mga globito at ang mga sanga ay kaputol ng kandelero: ang kabuoa'y isa lamang putol na yari sa pamukpok, taganas na ginto. 002 EXO 037 023 At kaniyang ginawa ang mga ilawan niyaong pito, at ang mga pangipit niyaon, at ang mga pinggan niyaon, na taganas na ginto. 002 EXO 037 024 Na isang talento na taganas na ginto ginawa niya, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon. 002 EXO 037 025 At kaniyang ginawa ang dambanang suuban na kahoy na akasia: isang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, parisukat at dalawang siko ang taas niyaon; ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din. 002 EXO 037 026 At kaniyang binalot ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga anyong sungay niyaon: at kaniyang iginawa ng isang kornisang ginto sa palibot. 002 EXO 037 027 At iginawa niya ng dalawang gintong argolya sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang panig, sa ibabaw ng dalawang panig, na pagsusuutan ng mga pingga upang mabuhat. 002 EXO 037 028 At kaniyang ginawa ang mga pingga na kahoy na akasia, at mga binalot na ginto. 002 EXO 037 029 At kaniyang ginawa ang banal na langis na pangpahid, at ang taganas na kamangyan na mainam na pabango ayon sa katha ng manggagawa ng pabango. 002 EXO 038 001 At kaniyang ginawa ang dambanang pagsusunugan ng handog na kahoy na akasia: limang siko ang haba niyaon, at limang siko ang luwang niyaon, parisukat; at tatlong siko ang taas niyaon. 002 EXO 038 002 At kaniyang ginawa ang mga anyong sungay niyaon sa ibabaw ng apat na sulok niyaon; ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din: at kaniyang binalot ng tanso. 002 EXO 038 003 At kaniyang ginawa ang lahat ng mga kasangkapan ng dambana: ang mga kawa, at ang mga pala, at ang mga mangkok, ang mga pangalawit, at ang mga suuban lahat ng kasangkapan ay kaniyang ginawang tanso. 002 EXO 038 004 At kaniyang iginawa ang dambana ng isang salang tanso na ayos lambat, sa ibaba ng gilid ng dambana sa palibot niyaon, sa dakong ibaba, na umaabot hanggang sa kalahatian ng dambana. 002 EXO 038 005 At siya'y nagbubo ng apat na argolya para sa apat na sulok ng pinakasalang tanso, sa mga dakong susuutan ng mga pingga. 002 EXO 038 006 At ginawa niya ang mga pingga na kahoy na akasia, at pinagbalot ng tanso. 002 EXO 038 007 At kaniyang isinuot ang mga pingga sa mga argolya na nasa mga tagiliran ng dambana, upang mabuhat; ginawa niya ang dambana na kuluong sa pamamagitan ng mga tabla. 002 EXO 038 008 At kaniyang ginawa ang hugasan na tanso, at ang tungtungan niyao'y tanso, na niyari sa mga salamin ang tanso ng mga tagapaglingkod na babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 002 EXO 038 009 At kaniyang ginawa ang looban, sa tagilirang timugan na dakong timugan, ang tabing ng looban ay mga linong pinili na may isang daang siko: 002 EXO 038 010 Ang mga haligi ng mga yao'y dalawangpu, at ang mga tungtungan ay dalawangpu, tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak. 002 EXO 038 011 At sa dakong hilagaan ay may isang daang siko, ang mga haligi ay dalawangpu, at ang mga tungtungan ay dalawangpu, tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak. 002 EXO 038 012 At sa tagilirang kalunuran, may mga tabing na may limangpung siko, ang mga haligi ay sangpu, at ang mga tungtungan ay sangpu; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak. 002 EXO 038 013 At sa tagilirang silanganan na dakong silanganan ay may limangpung siko. 002 EXO 038 014 Ang mga tabing sa isang dako ng pintuang-daan ay may labinglimang siko; ang mga haligi ay tatlo, at ang mga tungtungan ay tatlo; 002 EXO 038 015 At gayon din sa kabilang dako: sa dakong ito at sa dakong yaon ng pintuang daan ng looban ay may mga tabing na tiglalabing limang siko; ang mga haligi niyaon, ay tatlo, at ang mga tungtungan niyaon ay tatlo. 002 EXO 038 016 Lahat ng mga tabing ng looban sa palibot, ay linong pinili. 002 EXO 038 017 At ang mga tungtungan para sa mga haligi ay tanso: ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak; at ang mga balot ng mga kapitel ay pilak; at ang lahat ng haligi ng looban ay napipiletehan ng pilak. 002 EXO 038 018 At ang tabing sa pintuang daan ng looban ay yari ng mangbuburda, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili: at may dalawangpung siko ang haba, at ang taas sa luwang ay may limang siko, na kabagay ng mga tabing sa looban. 002 EXO 038 019 At ang mga haligi ay apat, at ang mga tungtungan ay apat, tanso; ang mga sima ay pilak, at ang mga balot ng kapitel, at ang mga pilete ay pilak. 002 EXO 038 020 At lahat ng mga tulos ng tabernakulo, at ng looban sa palibot, ay tanso. 002 EXO 038 021 Ito ang mga bilang ng mga bagay sa tabernakulo, sa makatuwid baga'y sa tabernakulo ng patotoo, gaya ng binilang nila, ayon sa utos ni Moises para sa paglilingkod ng mga Levita sa pamamagitan ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote. 002 EXO 038 022 At ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda, yaong lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 038 023 At kasama niya si Aholiab, na anak ni Ahisamac, sa lipi ni Dan, na tagapagukit, at bihasang manggagawa, at mangbuburda sa bughaw at sa kulay-ube, at sa pula, at sa lino. 002 EXO 038 024 Lahat ng ginto na ginamit sa gagawin sa buong gawain sa santuario, sa makatuwid baga'y ang gintong handog ay dalawangpu't siyam na talento, at pitong daan at tatlongpung siklo, ayon sa siklo ng santuario. 002 EXO 038 025 At ang pilak niyaong mga nabilang sa kapisanan ay isang daang talento, at isang libo't pitong daan at pitongpu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuario: 002 EXO 038 026 Na tigisang beka bawa't ulo, samakatuwid, kalahati ng isang siklo, ayon sa siklo ng santuario, sa bawa't isa na nasanib sa mga nabilang, magmula sa dalawangpung taong gulang na patanda, sa anim na raan at tatlong libo at limang daan at limangpung lalake. 002 EXO 038 027 At ang isang daang talentong pilak ay ginamit sa pagbububo ng mga tungtungan ng santuario, at ng mga tungtungan ng mga haligi ng lambong; isang daang tungtungan sa isang daang talento, isang talento sa bawa't tungtungan. 002 EXO 038 028 At sa isang libo't pitong daan at pitong pu't limang siklo, ay naigawa ng sima ang mga haligi at binalot ang mga kapitel, at iginawa ng mga pilete. 002 EXO 038 029 At ang tansong handog ay pitongpung talento, at dalawang libo at apat na raang siklo. 002 EXO 038 030 At siyang ipinaggawa ng mga tungtungan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at ng dambanang tanso, at ng salang tanso niyaon, at ng lahat ng kasangkapan ng dambana, 002 EXO 038 031 At ng mga tungtungan ng looban sa palibot, at ng mga tungtungan ng pintuan ng looban, at ng lahat ng mga tulos ng dampa, at ng lahat ng mga tulos ng looban sa palibot. 002 EXO 039 001 At sa kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, ay gumawa sila ng mga kasuutang mainam ang pagkayari upang gamitin sa pangangasiwa sa dakong banal, at ginawang mga banal na kasuutan kay Aaron; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 039 002 At kaniyang ginawa ang epod na ginto, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili. 002 EXO 039 003 At kanilang pinukpok ang ginto na pinanipis na pahaba at pinutol na ginawang kawad na ginto, upang itahi sa kayong bughaw, at sa kulay-ube, at sa pula, at sa lino na gawa ng bihasang manggagawa. 002 EXO 039 004 Kanilang iginawa ng mga pangbalikat, na nagkakasugpong: sa dalawang dulo ay nagkakasugpong. 002 EXO 039 005 At ang mainam na pagkayaring pamigkis, na nasa ibabaw ng epod upang ibigkis, ay kaputol at gaya ng pagkayari ng epod; na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, linong pinili; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 039 006 At kanilang ginawa ang mga batong onix na pinamutihan ng kalupkop na ginto, na ayos ukit ng isang panatak, ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel. 002 EXO 039 007 At kaniyang inilagay sa ibabaw ng pangbalikat ng epod upang maging mga batong pinakaalaala sa ikagagaling ng mga anak ni Israel; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 039 008 At kaniyang ginawa ang pektoral, na gawa ng bihasang manggagawa, gaya ng pagkayari ng epod; na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili. 002 EXO 039 009 Parisukat; kanilang ginawang nakatiklop ang pektoral: isang dangkal ang luwang niyaon, pagka nakatiklop. 002 EXO 039 010 At kanilang kinalupkupan ng apat na hanay na sarisaring bato: isang hanay ay sardio, topacio, at karbungko na siyang unang hanay. 002 EXO 039 011 At ang ikalawang hanay, ay isang esmeralda, isang zafiro, at isang diamante. 002 EXO 039 012 At ang ikatlong hanay, ay isang jacinto, isang agata, at isang ametista. 002 EXO 039 013 At ang ikaapat na hanay ay isang berilo, isang onix, at isang jaspe; na mga natatakpan ng mga pamuting ginto sa kanilang mga pagkakakalupkop. 002 EXO 039 014 At ang mga bato ay ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel, labingdalawa, ayon sa kanilang mga pangalan; na ayos ukit ng isang panatak; bawa't isa'y ayon sa kaniyang pangalan, na ukol sa labingdalawang lipi. 002 EXO 039 015 At kanilang iginawa ang pektoral ng mga tanikalang parang tirintas na ayos pinili na taganas na ginto. 002 EXO 039 016 At sila'y gumawa ng dalawang pangkalupkop na ginto, at ng dalawang singsing na ginto; at inilagay ang dalawang singsing sa dalawang dulo ng pektoral. 002 EXO 039 017 At kanilang ikinabit ang dalawang tanikalang pinili na ginto sa dalawang singsing sa mga sulok ng pektoral. 002 EXO 039 018 At ang ibang dalawang dulo ng dalawang tanikalang ayos singsing ay kanilang ikinabit sa dalawang pangkalupkop, at mga ikinabit sa mga pangbalikat ng epod sa dakong harapan niyaon. 002 EXO 039 019 At sila'y gumawa ng ibang dalawang singsing na ginto, at mga inilagay sa dalawang sulok ng pektoral sa gilid niyaon, na nasa dakong kabaligtaran ng epod. 002 EXO 039 020 At sila'y gumawa ng dalawang singsing na ginto, at mga ikinabit sa dalawang pangbalikat ng epod sa dakong ibaba, sa may harapan, na malapit sa pagkakasugpong, sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod. 002 EXO 039 021 At kanilang itinali ang pektoral sa pamamagitan ng mga singsing, sa mga singsing ng epod ng isang panaling bughaw upang mamalagi sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 039 022 At kaniyang ginawa ang balabal ng epod na yari ng manghahabi, na taganas na bughaw; 002 EXO 039 023 At ang butas ng balabal ay nasa gitna niyaon na gaya ng leeg ng isang koselete, na may isang uriang tinahi sa palibot ng pinakaleeg upang huwag mapunit. 002 EXO 039 024 At kanilang ginawan ang mga ribete ng balabal ng mga granadang kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili. 002 EXO 039 025 At sila'y gumawa ng mga kampanilyang taganas na ginto, at inilagay ang mga kampanilya sa pagitan ng mga granada sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot, sa pagitan ng mga granada; 002 EXO 039 026 Isang kampanilya at isang granada, isang kampanilya at isang granada, sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot, upang ipangasiwa gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 039 027 At kanilang ginawa ang mga tunika na lino na yaring hinabi para kay Aaron, at sa kaniyang mga anak, 002 EXO 039 028 At ang mitra na lino, at ang mga mainam na tiara na lino, at ang mga salawal na lino na kayong pinili na lino, 002 EXO 039 029 At ang bigkis na linong pinili, at kayong bughaw at kulay-ube, at pula, na gawa ng mangbuburda; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 039 030 At kanilang ginawa ang lamina ng banal na korona na taganas na ginto, at sinulatan ng isang titik na ayos ukit ng isang panatak, Banal sa Panginoon. 002 EXO 039 031 At kanilang tinalian ng isang panaling bughaw, upang ilapat sa ibabaw ng mitra; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 039 032 Gayon natapos ang buong gawa sa tabernakulo ng kapisanan: at ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa buong iniutos ng Panginoon kay Moises: gayon ginawa nila. 002 EXO 039 033 At kanilang dinala ang tabernakulo kay Moises, ang Tolda at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, ang mga kawit, ang mga tabla, ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan; 002 EXO 039 034 At ang takip na mga balat ng mga tupa na tinina sa pula, at ang takip na balat ng mga poka, at ang lambong ng tabing; 002 EXO 039 035 Ang kaban ng patotoo at ang mga pingga niyaon, at ang luklukan ng awa; 002 EXO 039 036 Ang dulang, lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang tinapay na handog; 002 EXO 039 037 Ang dalisay na kandelero, ang mga ilawan niyaon, ang mga ilawan na inayos, at lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang langis na pangilawan; 002 EXO 039 038 At ang dambanang ginto, at ang langis na pangpahid, ang mabangong kamangyan, at ang tabing na gamit sa pintuan ng Tolda; 002 EXO 039 039 Ang dambanang tanso, at ang pinakasalang tanso, ang mga pingga at ang lahat ng mga sisidlan niyaon, ang hugasan at ang tungtungan; 002 EXO 039 040 Ang mga tabing ng looban, ang mga haligi, at ang mga tungtungan at ang tabing na pangpintuang-daan ng looban, ang mga panali, at ang mga tulos, at lahat ng mga kasangkapan sa paglilingkod sa tabernakulo, na gamit sa tabernakulo ng kapisanan; 002 EXO 039 041 Ang maiinam na pagkayaring kasuutan na gamit sa pangangasiwa sa dakong banal, at ang mga banal na kasuutan para kay Aaron na saserdote, at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote. 002 EXO 039 042 Ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel ang lahat ng gawa. 002 EXO 039 043 At nakita ni Moises ang lahat ng gawain, at, narito, kanilang nagawa na kung paanong iniutos ng Panginoon ay gayon nila ginawa: at pinagbabasbasan ni Moises. 002 EXO 040 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises na sinasabi, 002 EXO 040 002 Sa unang araw ng unang buwan ay iyong itatayo ang tabernakulo ng kapisanan. 002 EXO 040 003 At iyong isisilid doon ang kaban ng patotoo, at iyong tatabingan ang kaban ng lambong. 002 EXO 040 004 At iyong ipapasok ang dulang, at iyong aayusin ang mga bagay na nasa ibabaw niyaon; at iyong ipapasok ang kandelero at iyong sisindihan ang mga ilawan niyaon. 002 EXO 040 005 At iyong ilalagay ang dambanang ginto para sa kamangyan sa harap ng kaban ng patotoo, at ilalagay mo ang tabing ng pintuan sa tabernakulo. 002 EXO 040 006 At iyong ilalagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa harap ng pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 002 EXO 040 007 At iyong ilalagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo at ng dambana, at iyong sisidlan ng tubig. 002 EXO 040 008 At iyong ilalagay ang looban sa palibot, at ibibitin mo ang tabing sa pintuang daan ng looban. 002 EXO 040 009 At kukuha ka ng langis na pangpahid, at papahiran mo ang tabernakulo, at lahat na nandoon, at iyong pakakabanalin, at lahat ng kasangkapan niyaon: at magiging banal. 002 EXO 040 010 At iyong papahiran ng langis ang dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng kasangkapan, at iyong pakakabanalin ang dambana: at ang dambana ay magiging kabanalbanalan. 002 EXO 040 011 At iyong papahiran din naman ng langis ang hugasan at ang tungtungan, at iyong pakakabanalin. 002 EXO 040 012 At iyong dadalhin si Aaron at ang kaniyang mga anak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong paliliguan ng tubig. 002 EXO 040 013 At iyong isusuot kay Aaron ang mga banal na kasuutan; at iyong papahiran ng langis siya, at iyong papagbanalin siya, upang siya'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote. 002 EXO 040 014 At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at iyong susuutan sila ng mga kasuutan: 002 EXO 040 015 At iyong papahiran ng langis sila gaya ng iyong pagkapahid sa kanilang ama, upang sila'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote, at ang pagpapahid sa kanila ay maging sa kanila'y pinakatanda ng walang hanggang pagka-saserdote sa buong panahon ng kanilang lahi. 002 EXO 040 016 Gayon ginawa ni Moises, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon sa kaniya, ay gayong ginawa niya. 002 EXO 040 017 At nangyari sa unang buwan nang ikalawang taon nang unang araw ng buwan, na ang tabernakulo'y itinayo. 002 EXO 040 018 At itinayo ni Moises ang tabernakulo, at inilagay ang mga tungtungan, at ipinatong ang mga malaking tabla, at isinuot ang mga barakilan, at itinayo ang mga haligi niyaon. 002 EXO 040 019 At kaniyang inunat ang tolda sa ibabaw ng tabernakulo, at kaniyang inilagay ang takip ng tabernakulo sa itaas ng ibabaw niyaon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 040 020 At kaniyang kinuha at inilagay ang mga tabla ng patotoo sa loob ng kaban, at kaniyang inilagay ang mga pingga sa kaban, at kaniyang inilagay ang luklukan ng awa sa itaas ng ibabaw ng kaban: 002 EXO 040 021 At kaniyang ipinasok ang kaban sa tabernakulo, at inayos ang lambong ng tabing, at tinabingan ang kaban ng patotoo: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 040 022 At kaniyang inilagay ang dulang sa loob ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong hilagaan ng tabernakulo, sa labas ng lambong. 002 EXO 040 023 At kaniyang inayos ang tinapay sa ibabaw ng dulang sa harap ng Panginoon, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 040 024 At kaniyang inilagay ang kandelero sa tabernakulo ng kapisanan, sa tapat ng dulang, sa tagilirang timugan ng tabernakulo. 002 EXO 040 025 At kaniyang sinindihan ang mga ilawan sa harap ng Panginoon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 040 026 At kaniyang inilagay ang dambanang ginto sa loob ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng lambong. 002 EXO 040 027 At siya'y nagsunog doon ng kamangyan na mabangong espesia; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 040 028 At kaniyang inilagay ang tabing ng pintuan sa tabernakulo. 002 EXO 040 029 At kaniyang inilagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at pinaghandugan ng handog na susunugin, at ng handog na harina; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 040 030 At kaniyang inilagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo, ng kapisanan at ng dambana, at sinidlan ng tubig upang paghugasan. 002 EXO 040 031 At si Moises at si Aaron at ang kaniyang mga anak, ay nagsipaghugas doon ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa; 002 EXO 040 032 Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, at pagka sila'y lumalapit sa dambana ay naghuhugas sila: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 002 EXO 040 033 At kaniyang inilagay ang looban sa palibot ng tabernakulo at ng dambana, at iniayos ang tabing ng pintuang daan ng looban. Gayon tinapos ni Moises ang gawain. 002 EXO 040 034 Nang magkagayo'y tinakpan ng ulap ang tabernakulo ng kapisanan, at pinuno ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo. 002 EXO 040 035 At si Moises ay hindi makapasok sa tabernakulo ng kapisanan, sapagka't lumagay sa ibabaw niyaon ang ulap, at pinuspos ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo. 002 EXO 040 036 At pagka ang ulap ay napaiitaas mula sa tabernakulo, ay nagpapatuloy ang mga anak ni Israel sa kanilang buong paglalakbay: 002 EXO 040 037 Datapuwa't kung ang ulap ay hindi napaiitaas, ay hindi nga sila naglalakbay hanggang sa araw na napaiitaas. 002 EXO 040 038 Sapagka't ang ulap ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw, at may apoy sa loob niyaon sa gabi, sa paningin ng buong lahi ng Israel, sa kanilang buong paglalakbay. # # BOOK 003 LEV Leviticus Levitico 003 LEV 001 001 At tinawag ng Panginoon si Moises at sinalita sa kaniya mula sa tabernakulo ng kapisanan, na sinasabi, 003 LEV 001 002 Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, Pagka ang sinoman sa inyo ay naghahandog ng alay sa Panginoon, ang ihahandog ninyong alay ay galing sa mga hayop, sa mga bakahan at sa kawan. 003 LEV 001 003 Kung ang kaniyang alay ay handog na susunugin na kinuha sa bakahan, ang ihahandog niya'y isang lalake na walang kapintasan: sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ihahandog niya, upang tanggapin sa harap ng Panginoon. 003 LEV 001 004 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin; at tatanggapin sa ikagagaling niya, upang gumawa ng pakikipagkasundo sa kaniya. 003 LEV 001 005 At kaniyang papatayin ang guyang toro sa harap ng Panginoon: at ang mga anak ni Aaron, ang mga saserdote, ay siyang mangaghaharap ng dugo at iwiwisik ang dugo sa palibot ng dambana na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 003 LEV 001 006 At lalaplapin ang handog na susunugin, at kakatayin. 003 LEV 001 007 At ang mga anak ni Aaron na saserdote ay magsisipaglagay ng apoy sa ibabaw ng dambana, at magsisipagayos ng kahoy sa apoy; 003 LEV 001 008 At aayusin ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang mga pinagputolputol, ang ulo, at ang taba, sa kahoy na nakapatong sa apoy na nasa ibabaw ng dambana: 003 LEV 001 009 Datapuwa't ang mga lamang loob at ang mga paa, ay huhugasan niya ng tubig. At susunugin ng saserdote ang kabuoan sa ibabaw ng dambana na pinakahandog na susunugin, isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 003 LEV 001 010 At kung ang kaniyang alay ay kinuha sa kawan, sa mga tupa, o sa mga kambing, na pinakahandog na susunugin; ang kaniyang ihahandog ay isang lalaking walang kapintasan. 003 LEV 001 011 At kaniyang papatayin sa dakong hilagaan ng dambana, sa harap ng Panginoon: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot. 003 LEV 001 012 At kaniyang kakatayin pati ang ulo, at ang taba; at mga iaayos ng saserdote sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy sa ibabaw ng dambana; 003 LEV 001 013 Datapuwa't ang mga lamang loob at ang mga paa ay huhugasan ng tubig. At ihahandog ng saserdote ang kabuoan, at susunugin sa dambana: isa ngang handog na susunugin na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 003 LEV 001 014 At kung ang kaniyang alay sa Panginoon ay handog na susunugin na mga ibon, ang ihahandog nga niyang alay ay mga batobato o mga inakay ng kalapati. 003 LEV 001 015 At dadalhin ng saserdote sa dambana, at pupugutan ng ulo yaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana; at ang dugo'y pipigain sa tabi ng dambana: 003 LEV 001 016 At aalisin niya ang butsi pati ang mga balahibo, at ihahagis sa tabi ng dambana, sa dakong silanganan, sa kinalalagyan ng mga abo: 003 LEV 001 017 At babaakin na hahawakan sa mga pakpak, datapuwa't hindi pakakahatiin. At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy: isa ngang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 003 LEV 002 001 At pagka ang sinoman ay maghahandog sa Panginoon ng alay na handog na harina, ay mainam na harina ang kaniyang iaalay; at kaniyang bubuhusan ng langis, at lalagyan ng kamangyan: 003 LEV 002 002 At dadalhin niya sa mga saserdote, na mga anak ni Aaron; at siya'y kukuha ng isang dakot na mainam na harina at ng langis, sangpu ng buong kamangyan niyaon. At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinakaalaala, na isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: 003 LEV 002 003 At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak: kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 003 LEV 002 004 At pagka ikaw ay maghahandog ng alay na handog na harina na luto sa hurno, ay mga munting tinapay na walang lebadura ang iaalay mo na mainam na harina, na hinaluan ng langis, o mga manipis na tinapay na walang lebadura, na hinaluan ng langis. 003 LEV 002 005 At kung ang iyong alay ay handog na harina, na luto sa kawali, ay mainam na harina ang iaalay mo na walang lebadura, na hinaluan ng langis. 003 LEV 002 006 Iyong pagpuputolputulin, at bubuhusan mo ng langis: isa ngang handog na harina. 003 LEV 002 007 At kung ang iyong alay ay handog na harina na luto sa kawaling bakal, ay yari sa mainam na harina na may langis ang iaalay mo. 003 LEV 002 008 At dadalhin mo sa Panginoon ang handog na harina na yari sa mga bagay na ito: at ihaharap sa saserdote at dadalhin niya sa dambana. 003 LEV 002 009 At kukuha ang saserdote ng handog na harina, na pinakaalaala rin niyaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana: handog ngang pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 003 LEV 002 010 At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak; kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 003 LEV 002 011 Walang handog na harina na ihahandog kayo sa Panginoon, na magkakalebadura: sapagka't huwag kayong magsusunog ng anomang lebadura ni ng anomang pulot na pinaka handog, sa Panginoon, na pinaraan sa apoy. 003 LEV 002 012 Bilang pinakaalay na mga pangunang bunga ihahandog ninyo sa Panginoon: nguni't hindi sasampa sa dambana na parang masarap na amoy. 003 LEV 002 013 At titimplahan mo ng asin ang lahat ng alay na iyong handog na harina, ni huwag mong titiising magkulang sa iyong handog na harina ng asin ng tipan ng iyong Dios: lahat ng alay mo'y ihahandog mong may asin. 003 LEV 002 014 At kung maghahandog ka sa Panginoon ng handog na harina na pangunang bunga, ay ihahandog mong pinakahandog na harina ng iyong pangunang bunga ay sinangag sa apoy, mga murang butil na pinipi. 003 LEV 002 015 At bubuhusan mo ng langis yaon, at lalagyan mo sa ibabaw ng kamangyan: yaon nga'y handog na harina. 003 LEV 002 016 At susunugin ng saserdote na nakaalaala niyaon, ang bahagi ng butil na pinipi at ang bahagi ng langis, pati ng buong kamangyan niyaon: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 003 LEV 003 001 At kung ang kanilang alay ay haing mga handog tungkol sa kapayapaan; kung ang ihahandog niya ay sa bakahan maging lalake o babae, ay ihahandog niya na walang kapintasan sa harap ng Panginoon. 003 LEV 003 002 At kaniyang ipapatong ang kamay niya sa ulo ng kaniyang alay, at papatayin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo sa ibabaw ng dambana, sa palibot. 003 LEV 003 003 At kaniyang ihahandog hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na pinakahandog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; ang tabang nakatatakip ng lamang loob at lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob, 003 LEV 003 004 At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon, ang nasa siping ng mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato. 003 LEV 003 005 At susunugin ng mga anak ni Aaron sa dambana, sa ibabaw ng handog na susunugin na nasa ibabaw ng kahoy na nakapatong sa apoy; handog ngang pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 003 LEV 003 006 At kung ang kaniyang alay sa Panginoon na pinakahaing mga handog tungkol sa kapayapaan ay kinuha sa kawan; maging lalake o babae, ay ihahandog niya na walang kapintasan. 003 LEV 003 007 Kung isang kordero ang kaniyang ihahandog na pinakaalay niya, ay ihahandog nga niya sa harap ng Panginoon: 003 LEV 003 008 At kaniyang ipapatong ang kamay niya sa ulo ng kaniyang alay, at papatayin sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot. 003 LEV 003 009 At kaniyang ihahandog hinggil sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay isang handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; ang taba niyaon, ang buong matabang buntot, ay aalisin niya sa siping ng gulugod; at ang tabang nakatatakip ng lamang loob, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob. 003 LEV 003 010 At ang dalawang bato, at ang tabang nasa ibabaw niyaon, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin niya na kalakip ng mga bato. 003 LEV 003 011 At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana: pagkaing handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 003 LEV 003 012 At kung kambing ang kaniyang alay ay ihahandog nga niya sa harap ng Panginoon: 003 LEV 003 013 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo niyaon, at papatayin yaon sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot. 003 LEV 003 014 At ang ihahandog niya roon na kaniyang alay, na pinakahandog sa Panginoon, na pinaraan sa apoy; ang tabang nakatatakip ng lamang loob, lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob, 003 LEV 003 015 At ang dalawang bato, at ang tabang nasa ibabaw, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin niya na kalakip ng mga bato. 003 LEV 003 016 At mga susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana; pagkaing handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy: lahat ng taba ay sa Panginoon. 003 LEV 003 017 Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong tahanan na hindi kayo kakain ng taba ni dugo man. 003 LEV 004 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 004 002 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Kung ang sinoman ay magkakasala ng hindi sinasadya sa alin man sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at gagawin ng sinoman sa kanila; 003 LEV 004 003 Kung ang pinahirang saserdote ang magkasala ng gayon na magdala ng sala sa bayan, ay maghahandog nga siya sa Panginoon dahil sa kaniyang kasalanan na ipinagkasala, ng isang guyang toro, na walang kapintasan, na pinakahandog dahil sa kasalanan. 003 LEV 004 004 At dadalhin niya ang toro sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng Panginoon: at ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng toro, at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon. 003 LEV 004 005 At ang pinahiran ng langis na saserdote ay kukuha ng dugo ng toro, at dadalhin sa tabernakulo ng kapisanan: 003 LEV 004 006 At ilulubog ng saserdote ang kaniyang daliri sa dugo, at magwiwisik na makapito ng dugo sa harap ng Panginoon, sa tapat ng tabing ng santuario. 003 LEV 004 007 At ang saserdote ay maglalagay ng dugong yaon sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana ng mabangong kamangyan sa harap ng Panginoon, na nasa tabernakulo ng kapisanan: at lahat ng dugo ng toro ay ibubuhos sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 003 LEV 004 008 At aalisin ang lahat ng taba ng toro na handog dahil sa kasalanan; ang tabang nakakatakip sa lamang loob, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob, 003 LEV 004 009 At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin na kalakip ng mga bato, 003 LEV 004 010 Na gaya ng pagaalis ng sa toro na hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: at susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambanang pagsusunugan ng handog. 003 LEV 004 011 At ang balat ng toro at ang buong laman pati ng ulo at ng mga hita, at ng lamang loob, at ng dumi, 003 LEV 004 012 Sa makatuwid baga'y ang buong toro ay ilalabas niya sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis, na pinagtatapunan ng mga abo, at doon susunugin sa apoy sa ibabaw ng kahoy: sa pinagtatapunan ng mga abo susunugin yaon. 003 LEV 004 013 At kung ang buong kapisanan ng Israel ay magkasala, at ang bagay ay malihim sa mga mata ng kapulungan, at sila'y nakagawa ng anoman sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at naging salarin; 003 LEV 004 014 Pagka nakilala ang kasalanan ng kanilang ipinagkasala, ay maghahandog nga ang kapisanan ng isang guyang toro na pinakahandog dahil sa kasalanan, at dadalhin sa harap ng tabernakulo ng kapisanan. 003 LEV 004 015 At ipapatong ng mga matanda ng kapulungan, ang kanilang kamay sa ulo ng toro sa harap ng Panginoon: at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon. 003 LEV 004 016 At ang saserdoteng pinahiran ng langis ay magdadala ng dugo ng toro sa tabernakulo ng kapisanan: 003 LEV 004 017 At ilulubog ng saserdote ang kaniyang daliri sa dugo, at iwiwisik na makapito sa harap ng Panginoon, sa harap ng tabing. 003 LEV 004 018 At maglalagay siya ng dugo sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana na nasa harap ng Panginoon, na nasa tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat ng dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 003 LEV 004 019 At aalisin niya ang lahat ng taba niyaon, at susunugin niya sa ibabaw ng dambana. 003 LEV 004 020 Gayon ang gagawin niya sa toro; kung paano ang ginawa niya sa torong handog dahil sa kasalanan, ay gayon gagawin niya rito: at itutubos sa kanila ng saserdote, at patatawarin sila. 003 LEV 004 021 At ilalabas niya ang toro sa kampamento, at susunugin niya, na gaya ng pagkasunog sa unang toro: handog nga dahil sa kasalanan ng kapisanan. 003 LEV 004 022 Pagka ang isang pinuno ay nagkasala, at nakagawa ng hindi sinasadya sa alinman sa lahat ng bagay na iniutos ng Panginoon niyang Dios na huwag gawin, at siya'y naging salarin; 003 LEV 004 023 Kung maipakilala sa kaniya ang kasalanan niyang ipinagkasala, ay magdadala siya ng pinakaalay niya na isang lalaking kambing na walang kapintasan; 003 LEV 004 024 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kambing, at papatayin niya sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin sa harap ng Panginoon: handog nga dahil sa kasalanan. 003 LEV 004 025 At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri, ng dugo ng handog dahil sa kasalanan at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang dugo'y ibubuhos sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog. 003 LEV 004 026 At ang lahat ng taba niyaon ay susunugin niya sa dambana, na gaya ng taba ng hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan, at siya'y patatawarin. 003 LEV 004 027 At kung ang sinomang karaniwang tao sa bayan ay magkasala ng hindi sinasadya, sa paggawa sa alinman sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at maging makasalanan; 003 LEV 004 028 Kung maipakilala sa kaniya ang kasalanan niyang pinagkasalahan, ay magdadala siya ng pinakaalay niya na isang babaing kambing na walang kapintasan, na dahil sa kaniyang kasalanang pinagkasalahan niya. 003 LEV 004 029 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog dahil sa kasalanan, at papatayin ang handog dahil sa kasalanan sa lagayan ng pagsusunugan ng handog. 003 LEV 004 030 At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri ng dugo at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng dugo niyaon ay ibubuhos niya sa paanan ng dambana. 003 LEV 004 031 At ang lahat ng taba niyaon ay kaniyang aalisin, na gaya ng pagaalis ng taba sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan; at susunugin ng saserdote sa dambana na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y patatawarin. 003 LEV 004 032 At kung kordero ang kaniyang dalhing pinakaalay na bilang handog dahil sa kasalanan, ay babaing walang kapintasan ang dadalhin niya. 003 LEV 004 033 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog dahil sa kasalanan, at papatayin na pinakahandog dahil sa kasalanan, sa pinagpapatayan ng handog na susunugin. 003 LEV 004 034 At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng dambana: 003 LEV 004 035 At ang lahat ng taba ay kaniyang aalisin, gaya ng pagkaalis ng taba sa kordero na hain na mga handog tungkol sa kapayapaan; at susunugin ng saserdote sa dambana, sa ibabaw ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kasalanan na kaniyang pinagkasalahan; at siya'y patatawarin. 003 LEV 005 001 At kung ang sinoman ay magkasala, sa pagkarinig niya ng tinig ng pautos, sa paraang siya'y saksi maging kaniyang nakita o nalaman, kung hindi niya ihayag, ay siya nga ang magtataglay ng kasamaan niya. 003 LEV 005 002 O kung ang sinoman ay nakahipo ng alinmang bagay na karumaldumal, maging bangkay ng ganid na karumaldumal, o ng bangkay na hayop na karumaldumal, o ng bangkay ng umuusad na karumaldumal, at nalihim sa kaniya, at siya'y maging karumaldumal, ay magiging makasalanan nga siya: 003 LEV 005 003 O kung siya'y nakahipo ng karumaldumal ng tao, maging anomang karumaldumal niyaon na ikinapaging karumaldumal niya, at nalihim sa kaniya; pagka nalaman niya ay magiging makasalanan nga siya: 003 LEV 005 004 O kung ang sinoma'y sumumpa ng kaniyang mga labi ng walang dilidili na gumawa ng masama o gumawa ng mabuti, maging anoman na sinasalita ng tao na walang dilidili na kaakbay ang sumpa, at sa kaniya'y nalihim; pagka nalaman niya yaon, ay magiging makasalanan nga siya sa isa sa mga bagay na ito: 003 LEV 005 005 At mangyayari, na pagka siya'y magiging makasalanan sa isa sa mga bagay na ito, ay kaniyang isasaysay yaong kaniyang ipinagkasala: 003 LEV 005 006 At dadalhin niya sa Panginoon ang handog niya dahil sa pagkakasala, dahil sa kasalanang pinagkasalahan niya, ay isang babae na kinuha sa kawan, isang kordero o isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan; at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan. 003 LEV 005 007 At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng isang kordero, ay magdadala nga siya sa Panginoon, na pinakahandog niya sa pagkakasala, dahil sa ipinagkasala niya, ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati: ang isa'y pinakahandog dahil sa kasalanan at ang isa'y pinakahandog na susunugin. 003 LEV 005 008 At sila'y dadalhin niya sa saserdote, na ang ihahandog nito na pinakahandog dahil sa kasalanan, ay ang una at pupugutin ang ulo sa leeg, nguni't hindi papaghihiwalaying bigla: 003 LEV 005 009 At magwiwisik siya ng dugo ng handog dahil sa kasalanan sa ibabaw ng gilid ng dambana; at ang labis sa dugo ay pipigain sa paanan ng dambana: handog nga dahil sa kasalanan. 003 LEV 005 010 At ihahandog niya ang ikalawa na pinakahandog na susunugin ayon sa alituntunin: at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan na kaniyang pinagkasalahan, at siya'y patatawarin. 003 LEV 005 011 Datapuwa't kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng dalawang batobato, o ng dalawang inakay ng kalapati, ay magdadala nga siya ng ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, na pinakahandog dahil sa kasalanan niya; hindi niya lalagyan ng langis ni bubuhusan man niya ng kamangyan; sapagka't handog dahil sa kasalanan. 003 LEV 005 012 At dadalhin niya sa saserdote, at ang saserdote ay kukuha ng kaniyang dakot sa pinaka alaala niyaon, na susunugin sa dambana; na gaya ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: handog nga dahil sa kasalanan. 003 LEV 005 013 At itutubos sa kaniya ng saserdote, tungkol sa kasalanan na kaniyang pinagkasalahan sa alinman sa mga bagay na ito, at siya'y patatawarin: at ang labis ay mapapasa saserdote, gaya ng handog na harina. 003 LEV 005 014 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 005 015 Kung ang sinoman ay makasuway at magkasala ng di sinasadya sa mga banal na bagay ng Panginoon; ay magdadala nga siya sa Panginoon ng handog dahil sa pagkakasala na isang tupang lalaking walang kapintasan na kinuha sa kawan, ayon sa iyong pagkahalaga sa siklong pilak, ayon sa siklo ng santuario na pinakahandog dahil sa pagkakasala: 003 LEV 005 016 At isasauli niya yaong kaniyang nadaya sa banal na bagay, at magdaragdag pa ng ikalimang bahagi, at ibibigay niya sa saserdote: at itutubos sa kaniya ng saserdote sa pamamagitan ng lalaking tupang handog dahil sa pagkakasala; at siya'y patatawarin. 003 LEV 005 017 At kung ang sinoman ay magkasala, at gumawa ng alin man sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin; bagama't hindi niya nalalaman, makasalanan din siya at magtataglay siya ng kaniyang kasamaan. 003 LEV 005 018 At siya'y magdadala sa saserdote ng isang tupang lalake na walang kapintasan na kinuha sa kawan ayon sa iyong pagkahalaga na pinakahandog dahil sa pagkakasala; at itutubos sa kaniya ng saserdote, tungkol sa bagay na pinagkamalian niya ng di sinasadya, at hindi niya nalalaman, at siya'y patatawarin. 003 LEV 005 019 Yaon nga'y handog dahil sa pagkakasala: tunay ngang siya'y makasalanan sa harap ng Panginoon. 003 LEV 006 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 006 002 Kung ang sinoman ay magkasala, at sumuway sa Panginoon, na magbulaan sa kaniyang kapuwa tungkol sa isang habilin, o sa isang sanla, o sa nakaw, o pumighati sa kaniyang kapuwa, 003 LEV 006 003 O nakasumpong ng nawala, at ipagkaila at sumumpa ng kasinungalingan; sa alin man sa lahat ng ito na ginawa ng tao ng pinagkakasalahan: 003 LEV 006 004 Ay mangyayari nga, na kung siya'y nagkasala at naging salarin, na isasauli niya ang ninakaw, o ang nakuha sa pagpighati, o ang habiling inihabilin sa kaniya, o ang bagay na nawala sa kaniyang nasumpungan, 003 LEV 006 005 O anomang bagay na kaniyang sinumpaan ng kabulaanan; na isasauli niyang buo, at daragdagan pa niya ng ikalimang bahagi niyaon: sa may-ari ibibigay niya sa araw na pagkasumpong sa kaniya na siya'y may kasalanan. 003 LEV 006 006 At dadalhin niya sa Panginoon ang kaniyang handog dahil sa pagkakasala, isang tupang lalake na walang kapintasan na kinuha sa kawan, ayon sa iyong pagkahalaga, at ibibigay sa saserdote na pinakahandog dahil sa pagkakasala: 003 LEV 006 007 At itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon; at siya'y patatawarin tungkol sa alin mang kaniyang nagawa, na kaniyang pinagkasalahan. 003 LEV 006 008 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 006 009 Iutos mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na iyong sabihin, Ito ang kautusan tungkol sa handog na susunugin: ang handog na susunugin ay malalagay sa ibabaw ng pinagsusunugan sa ibabaw ng dambana, buong gabi hanggang umaga; at ang apoy sa dambana ay papananatilihing nagniningas doon. 003 LEV 006 010 At isusuot ng saserdote ang kaniyang kasuutang lino, at ang kaniyang mga salawal na kayong lino at itatakip niya sa kaniyang katawan; at dadamputin niya ang mga abo ng handog na susunugin na sinunog sa apoy sa ibabaw ng dambana, at ilalagay niya sa tabi ng dambana. 003 LEV 006 011 At maghuhubad siya ng kaniyang mga suot, at magbibihis ng ibang mga kasuutan, at ilalabas ang mga abo sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis. 003 LEV 006 012 At ang apoy sa ibabaw ng dambana ay papananatilihing nagniningas doon, hindi papatayin; at ang saserdote ay magsusunog ng kahoy sa ibabaw niyaon tuwing umaga: at aayusin niya sa ibabaw niyaon ang handog na susunugin, at susunugin sa ibabaw niyaon ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan. 003 LEV 006 013 Ang apoy ay papananatilihing nagniningas sa ibabaw ng dambana; hindi papatayin. 003 LEV 006 014 At ito ang kautusan tungkol sa handog na harina: ihahandog ng mga anak ni Aaron sa harap ng Panginoon, sa harap ng dambana. 003 LEV 006 015 At kukuha siya niyaon ng kaniyang dakot, ng mainam na harina sa handog na harina, at ng langis niyaon, at ng lahat na kamangyan, na nasa ibabaw ng handog na harina, at kaniyang susunugin sa ibabaw ng dambana, na pinakamasarap na amoy, na alaala niyaon sa Panginoon. 003 LEV 006 016 At ang labis sa handog ay kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak: walang lebadurang kakanin sa dakong banal; sa looban ng tabernakulo ng kapisanan kakanin nila. 003 LEV 006 017 Hindi lulutuing may lebadura. Aking ibinigay sa kanilang pinakabahagi nila, sa mga handog sa akin na pinaraan sa apoy; kabanalbanalang bagay nga, na gaya ng handog dahil sa kasalanan, at gaya ng handog dahil sa pagkakasala. 003 LEV 006 018 Bawa't lalake sa mga anak ni Aaron ay kakain niyaon na pinakabahagi nila magpakailan man, sa buong panahon ng inyong lahi, sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; sinomang humipo ng mga iyan ay magiging banal. 003 LEV 006 019 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 006 020 Ito ang alay ni Aaron at ng kaniyang mga anak na kanilang ihahandog sa Panginoon sa araw na siya'y pahiran ng langis; ang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, na pinakahandog na harina magpakailan man, ang kalahati ay sa umaga at ang kalahati ay sa hapon. 003 LEV 006 021 Sa kawali ihahandang may langis; pagkatigmak niyaon dadalhin mo: lutong putolputol na ihaharap mo ang handog na harina na pinaka masarap na amoy sa Panginoon. 003 LEV 006 022 At ang saserdoteng pinahiran ng langis na mahahalili sa kaniya, na mula sa gitna ng kaniyang mga anak ay maghahandog niyaon: ayon sa palatuntunang walang hanggan ay susunuging lahat sa Panginoon. 003 LEV 006 023 At bawa't handog na harina ng saserdote ay susunuging lahat: hindi kakanin. 003 LEV 006 024 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 006 025 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na sabihin, Ito ang kautusan tungkol sa handog dahil sa kasalanan: sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin ay doon papatayin ang handog dahil sa kasalanan, sa harap ng Panginoon; kabanalbanalang bagay nga. 003 LEV 006 026 Ang saserdoteng maghandog niyaon dahil sa kasalanan ay kakain niyaon: sa dakong banal kakanin, sa looban ng tabernakulo ng kapisanan. 003 LEV 006 027 Anomang humipo ng laman niyaon ay magiging banal: at pagka pumilansik ang dugo sa alin mang damit, ay lalabhan mo yaong napilansikan sa dakong banal. 003 LEV 006 028 Datapuwa't ang sisidlang lupa na pinaglutuan ay babasagin: at kung niluto sa sisidlang tanso ay lilinisin at babanlawan ng tubig. 003 LEV 006 029 Bawa't lalake sa mga saserdote ay kakain niyaon: bagay ngang kabanalbanalan. 003 LEV 006 030 At hindi kakanin ang anomang handog dahil sa kasalanan, kung may dugo niyao'y ipinasok sa tabernakulo ng kapisanan upang ipangtubos sa dakong banal: sa apoy nga susunugin. 003 LEV 007 001 At ito ang kautusan tungkol sa handog dahil sa pagkakasala: bagay ngang kabanalbanalan. 003 LEV 007 002 Sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin ay doon papatayin ang handog dahil sa pagkakasala: at ang dugo niyao'y iwiwisik niya sa ibabaw ng dambana hanggang sa palibot. 003 LEV 007 003 At siya'y maghahandog niyaon ng lahat ng taba niyaon; ang buntot na mataba at ang tabang nakatatakip sa lamang loob, 003 LEV 007 004 At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon, ang nasa siping ng mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato: 003 LEV 007 005 At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinakahandog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; handog nga dahil sa pagkakasala. 003 LEV 007 006 Bawa't lalake sa mga saserdote ay kakain niyaon; sa dakong banal kakanin yaon: bagay ngang kabanalbanalan. 003 LEV 007 007 Kung paano ang handog dahil sa kasalanan ay gayon ang handog dahil sa pagkakasala: ang dalawa'y may isang kautusan: mapapasa saserdoteng tumutubos. 003 LEV 007 008 At ang saserdoteng naghahandog ng handog na susunugin ng sinomang tao, ay siyang magtatangkilik ng balat ng handog na susunugin na inihandog. 003 LEV 007 009 At bawa't handog na harina na niluto sa hurno, at yaong lahat na pinagyaman sa kawaling bakal at sa kawaling lupa, ay mapapasa saserdote na naghahandog. 003 LEV 007 010 At bawa't handog na harina na hinaluan ng langis o tuyo, ay mapapasa lahat ng anak ni Aaron; sa isa na gaya sa iba. 003 LEV 007 011 At ito ang kautusan hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na ihahandog sa Panginoon: 003 LEV 007 012 Kung ihahandog niya na pinaka pasalamat, ay ihahandog nga niyang kalakip ng haing pasalamat ang mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis, at ang mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis, at ang mainam na harina na munting tinapay na hinaluan ng langis. 003 LEV 007 013 Kalakip ng munting tinapay na walang lebadura kaniyang ihahandog ang alay niya, na kalakip ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na pinaka pasalamat. 003 LEV 007 014 At maghahandog ng isa niyaon na kaakbay ng bawa't alay na pinakahandog na itinaas sa Panginoon; mapapasa saserdoteng magwiwisik ng dugo ng mga handog tungkol sa kapayapaan. 003 LEV 007 015 At ang laman ng hain na kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan na pinaka pasalamat ay kakanin sa kaarawan ng kaniyang pagaalay; siya'y hindi magtitira niyaon ng hanggang sa umaga. 003 LEV 007 016 Nguni't kung ang hain ng kaniyang alay ay sa pagtupad ng isang panata, o kusang handog, ay kaniyang makakain sa araw na kaniyang ihandog ang kaniyang hain: at sa kinaumagahan man ay kaniyang makakain ang labis: 003 LEV 007 017 Datapuwa't ang lumabis sa laman ng hain hanggang sa ikatlong araw ay susunugin sa apoy. 003 LEV 007 018 At kung kanin sa ikatlong araw ang anomang bahagi ng laman ng haing kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan ay hindi tatanggapin, at hindi man maipatutungkol doon sa naghahandog niyaon: aariing kasuklamsuklam, at ang taong kumain niyaon ay magtataglay ng kaniyang kasamaan. 003 LEV 007 019 At ang lamang masagi sa anomang bagay na karumaldumal ay hindi kakanin; yao'y susunugin sa apoy. At tungkol sa lamang hindi nahawa, lahat ng taong malinis ay makakakain niyaon. 003 LEV 007 020 Nguni't ang taong kumain ng laman ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na ukol sa Panginoon, na taglay niya ang kaniyang karumihan, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan. 003 LEV 007 021 At pagka ang sinoman ay nakahipo ng anomang maruming bagay, ng dumi ng tao, o ng hayop na karumaldumal, o ng alin mang kasuklamsuklam, at kumain ng laman ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na ukol sa Panginoon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan. 003 LEV 007 022 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 007 023 Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, Huwag kayong kakain ng taba ng baka, ng tupa, o ng kambing. 003 LEV 007 024 At ang taba ng namatay sa kaniyang sarili, at ang taba ng nilapa ng ganid, ay magagamit sa alin mang kagamitan: nguni't sa anomang paraan ay huwag ninyong kakanin. 003 LEV 007 025 Sapagka't sinomang kumain ng taba ng hayop na yaon na inihahandog ng mga tao sa Panginoon, na handog na pinaraan sa apoy, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong kumain. 003 LEV 007 026 At huwag kayong kakain sa anomang paraan ng dugo sa lahat ng inyong tahanan, maging sa ibon o sa hayop. 003 LEV 007 027 Sinomang taong kumain ng alin mang dugo, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong yaon. 003 LEV 007 028 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 007 029 Iyong salitain sa mga anak ng Israel na sabihin, Ang naghahandog sa Panginoon ng hain niyang mga handog tungkol sa kapayapaan ay magdadala sa Panginoon ng kaniyang alay sa hain niyang mga handog tungkol sa kapayapaan; 003 LEV 007 030 Na dadalhin ng kaniyang sariling mga kamay sa Panginoon ang mga handog na pinaraan sa apoy; ang taba pati ng dibdib ay dadalhin niya, upang ang dibdib ay alugin na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon. 003 LEV 007 031 At susunugin ng saserdote ang taba sa ibabaw ng dambana: datapuwa't ang dibdib ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak. 003 LEV 007 032 At ibibigay ninyo sa saserdote na pinakahandog na itinaas, ang hitang kanan sa mga haing inyong mga handog tungkol sa kapayapaan. 003 LEV 007 033 Yaong sa mga anak ni Aaron na naghahandog ng dugo ng mga handog tungkol sa kapayapaan at ng taba, ay mapapasa kaniya ang kanang hita, na pinaka bahagi niya. 003 LEV 007 034 Sapagka't aking kinuha sa mga anak ni Israel, sa kanilang mga haing mga handog tungkol sa kapayapaan, ang dibdib na inalog at ang hitang itinaas, at aking ibinigay kay Aaron na saserdote at sa kaniyang mga anak, na karampatang bahagi nila magpakailan man, sa ganang mga anak ni Israel. 003 LEV 007 035 Ito ang nauukol sa pahid na langis ni Aaron at sa pahid na langis ng kaniyang mga anak, sa mga handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon, sa araw na iniharap sila, upang mangasiwa sa Panginoon sa katungkulang saserdote; 003 LEV 007 036 Na iniutos ng Panginoon sa kanila'y ibibigay para sa mga anak ni Israel sa araw na kaniyang pinahiran sila. Karampatang bahagi nga nila magpakailan man, sa buong panahon ng kanilang lahi. 003 LEV 007 037 Ito ang kautusan tungkol sa handog na susunugin, sa handog na harina, at sa handog dahil sa kasalanan, at sa handog dahil sa pagkakasala, at sa pagtatalaga, at sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan. 003 LEV 007 038 Na iniutos ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai, nang araw na iniutos sa mga anak ni Israel na kanilang ihandog ang kanilang mga alay sa Panginoon sa ilang ng Sinai. 003 LEV 008 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 008 002 Dalhin mo si Aaron at pati ng kaniyang mga anak, at ang mga kasuutan, at ang langis na pangpahid, at ang torong handog dahil sa kasalanan, at ang dalawang tupang lalake, at ang bakol ng mga tinapay na walang lebadura: 003 LEV 008 003 At pulungin mo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 003 LEV 008 004 At ginawa ni Moises ayon sa iniutos sa kaniya ng Panginoon; at nagpupulong ang kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 003 LEV 008 005 At sinabi ni Moises sa kapisanan, Ito ang ipinagawa ng Panginoon. 003 LEV 008 006 At dinala ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak, at hinugasan ng tubig. 003 LEV 008 007 At isinuot sa kaniya ang kasuutan, at binigkisan ng pamigkis, at ibinalabal sa kaniya ang balabal, at sa kaniya'y ipinatong ang epod, at ibinigkis sa kaniya ang pamigkis ng epod na mainam ang pagkayari, at tinalian nito. 003 LEV 008 008 At ipinatong sa kaniya ang pektoral: at inilagay sa loob ng pektoral ang Urim at ang Thummim. 003 LEV 008 009 At ipinatong ang mitra sa kaniyang ulo; at ipinatong sa mitra sa harap, ang laminang ginto, ang banal na putong; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 003 LEV 008 010 At kinuha ni Moises ang langis na pang-pahid, at pinahiran ang tabernakulo, at ang lahat ng nandoon, ay pinapaging banal. 003 LEV 008 011 At winisikan niya niyaon ang ibabaw ng dambana na makapito, at pinahiran ng langis ang dambana at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang hugasan at ang tungtungan niyaon, upang ariing banal. 003 LEV 008 012 At binuhusan ng langis na pang-pahid ang ulo ni Aaron, at pinahiran niya ng langis siya upang papagbanalin. 003 LEV 008 013 At pinalapit ni Moises ang mga anak ni Aaron, at sila'y sinuutan ng mga kasuutan, at binigkisan ng mga pamigkis, at itinali sa kanilang ulo ang mga tiara; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 003 LEV 008 014 At kaniyang inilapit ang torong handog dahil sa kasalanan: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng torong handog dahil sa kasalanan. 003 LEV 008 015 At pinatay niya; at kumuha si Moises ng dugo at ipinahid ng kaniyang daliri sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot, at nilinis ang dambana, at ang dugo'y ibinuhos sa tungtungan ng dambana, at inaring banal upang pagtubusan. 003 LEV 008 016 At kinuha niya ang lahat ng taba na nasa ibabaw ng mga lamang loob, at ang lamad ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba ng mga yaon, at sinunog ni Moises sa ibabaw ng dambana. 003 LEV 008 017 Datapuwa't ang toro, at ang balat, at ang laman, at ang dumi, ay sinunog niya sa apoy sa labas ng kampamento; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 003 LEV 008 018 At iniharap niya ang tupang lalake na handog na susunugin: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng tupa. 003 LEV 008 019 At kaniyang pinatay yaon: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot. 003 LEV 008 020 At kinatay niya ang tupa; at sinunog ni Moises ang ulo, at ang mga putolputol, at ang taba. 003 LEV 008 021 At kaniyang hinugasan sa tubig ang lamang loob at ang mga paa; at sinunog ni Moises ang buong tupa sa ibabaw ng dambana; handog na susunugin nga na pinakamasarap na amoy: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 003 LEV 008 022 At iniharap niya ang ikalawang tupa, ang tupa na itinatalaga: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo ng tupa. 003 LEV 008 023 At kaniyang pinatay yaon; at kumuha si Moises ng dugo niyaon, at inilagay sa pingol ng kanang tainga ni Aaron, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa. 003 LEV 008 024 At pinaharap niya ang mga anak ni Aaron, at nilagyan ni Moises ng dugong yaon sa pingol ng kanilang kanang tainga, at sa daliring hinlalaki ng kanang kamay nila, at sa daliring hinlalaki ng kanang paa nila: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot. 003 LEV 008 025 At kinuha niya ang taba, at ang matabang buntot, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob, at ang lamad ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba ng mga yaon, at ang kanang hita: 003 LEV 008 026 At sa bakol ng tinapay na walang lebadura na inilagay sa harap ng Panginoon, ay kumuha siya ng isang munting tinapay na walang lebadura, at ng isang munting tinapay na nilangisan at ng isang manipis na tinapay, at ipinaglalagay sa ibabaw ng taba at sa ibabaw ng kanang hita: 003 LEV 008 027 At inilagay na lahat sa mga kamay ni Aaron at sa mga kamay ng kaniyang mga anak, at pinagaalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon. 003 LEV 008 028 At kinuha ni Moises sa kanilang mga kamay, at sinunog sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin: mga talagang pinakamasarap na amoy: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 003 LEV 008 029 At kinuha ni Moises ang dibdib at inalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon: ito ang bahagi ni Moises sa tupang itinalaga; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 003 LEV 008 030 At kumuha si Moises ng langis na pang-pahid, at ng dugong nasa ibabaw ng dambana, at iniwisik kay Aaron, sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak, at sa mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya; at pinapaging banal si Aaron at ang kaniyang mga suot, at ang kaniyang mga anak at ang mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya. 003 LEV 008 031 At sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak, Pakuluan ninyo ang laman sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at doon ninyo kanin, at ang tinapay na nasa bakol ng itinatalaga, ayon sa iniutos ko, na sinasabi, Kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak. 003 LEV 008 032 At ang labis sa laman at sa tinapay ay susunugin ninyo sa apoy. 003 LEV 008 033 At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay huwag kayong lalabas na pitong araw, hanggang sa maganap ang mga kaarawan ng inyong pagtalaga: sapagka't pitong araw na kayo'y matatalaga. 003 LEV 008 034 Kung paano ang ginawa sa araw na ito, ay gayon ang iniutos ng Panginoon na gawin upang itubos sa inyo. 003 LEV 008 035 At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay matitira kayo gabi't araw na pitong araw, at inyong tutuparin ang kautusan ng Panginoon, upang huwag kayong mamatay: sapagka't gayon ang iniutos ko. 003 LEV 008 036 At ginawa ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang lahat na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. 003 LEV 009 001 At nangyari sa ikawalong araw, na tinawag ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak, at ang mga matanda sa Israel; 003 LEV 009 002 At sinabi niya kay Aaron, Magdala ka ng isang guyang toro, na handog dahil sa kasalanan at isang tupang lalake na handog na susunugin, na kapuwa walang kapintasan, at ihandog mo sa harap ng Panginoon. 003 LEV 009 003 At sa mga anak ni Israel ay sasalitain mo, na sasabihin, Kumuha kayo ng isang kambing na lalake na handog dahil sa kasalanan; at ng isang guyang baka, at ng isang kordero, na kapuwa na may gulang na isang taon, at walang kapintasan, na handog na susunugin; 003 LEV 009 004 At ng isang toro at ng isang tupang lalake na mga handog tungkol sa kapayapaan, upang ihain sa harap ng Panginoon, at ng isang handog na harina na hinaluan ng langis: sapagka't napakikita sa inyo ngayon ang Panginoon. 003 LEV 009 005 At kanilang dinala sa harap ng tabernakulo ng kapisanan ang iniutos ni Moises: at lumapit doon ang buong kapisanan, at tumayo sa harap ng Panginoon. 003 LEV 009 006 At sinabi ni Moises, Ito ang iniutos ng Panginoon na gawin ninyo: at lilitaw sa inyo ang kaluwalhatian ng Panginoon. 003 LEV 009 007 At sinabi ni Moises kay Aaron, Lumapit ka sa dambana, at ihandog mo ang iyong handog dahil sa kasalanan, at ang iyong handog na susunugin, at itubos mo sa iyong sarili at sa bayan: at ihandog mo ang alay ng bayan, at itubos mo sa kanila; gaya ng iniutos ng Panginoon. 003 LEV 009 008 Lumapit nga si Aaron sa dambana at pinatay ang guyang handog dahil sa kasalanan, na yao'y para sa kaniya. 003 LEV 009 009 At iniharap ng mga anak ni Aaron sa kaniya ang dugo: at itinubog niya ang kaniyang daliri sa dugo, at ipinahid sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana at ang dugong labis ay ibinuhos sa tungtungan ng dambana: 003 LEV 009 010 Datapuwa't ang taba at ang mga bato, at ang lamad na nasa atay ng handog dahil sa kasalanan, ay sinunog niya sa ibabaw ng dambana; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 003 LEV 009 011 At ang laman at ang balat ay sinunog niya sa apoy sa labas ng kampamento. 003 LEV 009 012 At pinatay niya ang handog na susunugin; at ibinigay sa kaniya ng mga anak ni Aaron ang dugo, at kaniyang iniwisik sa ibabaw ng palibot ng dambana. 003 LEV 009 013 At kaniyang ibinigay sa kaniya ang handog na susunugin, na isaisang putol, at ang ulo: at sinunog niya sa ibabaw ng dambana. 003 LEV 009 014 At kaniyang hinugasan ang lamang loob at ang mga paa at sinunog sa ibabaw ng handog na susunugin sa ibabaw ng dambana. 003 LEV 009 015 At iniharap niya ang alay ng bayan; at kinuha ang kambing na handog dahil sa kasalanan na para sa bayan, at pinatay at inihandog dahil sa kasalanan, na gaya ng una. 003 LEV 009 016 At iniharap niya ang handog na susunugin, at inihandog ayon sa palatuntunan. 003 LEV 009 017 At iniharap niya ang handog na harina, at kumuha ng isang dakot, at sinunog sa ibabaw ng dambana, bukod sa handog na susunugin sa umaga. 003 LEV 009 018 Kaniyang pinatay rin ang toro at ang tupang lalake na haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na para sa bayan: at ibinigay ng mga anak ni Aaron sa kaniya ang dugo, at kaniyang iniwisik sa ibabaw ng dambana hanggang sa palibot. 003 LEV 009 019 At ang taba ng toro at ng tupang lalake, ang matabang buntot at ang tabang nakatakip sa lamang loob, at ang mga bato, at ang lamad ng atay. 003 LEV 009 020 At kanilang inilagay ang mga taba sa ibabaw ng mga dibdib, at kaniyang sinunog ang taba sa ibabaw ng dambana: 003 LEV 009 021 At ang mga dibdib at ang kanang hita ay inalog ni Aaron na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon; gaya ng iniutos ni Moises. 003 LEV 009 022 At itinaas ni Aaron ang kaniyang mga kamay sa dakong bayan at binasbasan niya; at bumaba siya na mula sa paghahandog ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan. 003 LEV 009 023 At pumasok si Moises at si Aaron sa tabernakulo ng kapisanan, at sila'y lumabas, at binasbasan ang bayan: at lumitaw ang kaluwalhatian ng Panginoon sa buong bayan. 003 LEV 009 024 At may lumabas na apoy sa harap ng Panginoon, at sinunog sa ibabaw ng dambana ang handog na susunugin at ang taba: at nang makita yaon ng buong bayan, ay nagsigawan at nangagpatirapa. 003 LEV 010 001 At si Nadab at si Abiu, na mga anak ni Aaron, ay kumuha ang bawa't isa sa kanila ng kanikaniyang suuban, at sinidlan nila ng apoy, at pinatungan ng kamangyan, at sila'y naghandog sa harap ng Panginoon ng ibang apoy na hindi iniutos niya sa kanila. 003 LEV 010 002 At sa harap ng Panginoon ay may lumabas na apoy, at sinupok sila; at namatay sila sa harap ng Panginoon. 003 LEV 010 003 Nang magkagayo'y sinabi ni Moises kay Aaron, Ito ang sinalita ng Panginoon, na sinasabi, Ako'y babanalin ng mga lumalapit sa akin, at sa harap ng buong bayan ay luluwalhatiin ako. At si Aaron ay hindi umimik. 003 LEV 010 004 At tinawag ni Moises si Misael at si Elzaphan, na mga anak ni Uziel na amain ni Aaron, at sa kanila'y sinabi, Magsilapit kayo, ilabas ninyo ang inyong mga kapatid sa kampamento mula sa harap ng santuario. 003 LEV 010 005 Sa gayo'y lumapit sila, at kanilang binuhat sa kanilang mga kasuutan na inilabas sa kampamento, gaya ng sinabi ni Moises. 003 LEV 010 006 At sinabi ni Moises kay Aaron, at kay Eleazar at kay Itamar na kaniyang mga anak, Huwag ninyong ilugay ang buhok ng inyong ulo, o hapakin man ninyo ang inyong bihisan; upang huwag kayong mamatay at ng siya'y huwag magalit laban sa buong kapisanan: kundi ang inyong mga kapatid, ang buong sangbahayan ni Israel ay tumaghoy sa apoy na pinapagalab ng Panginoon. 003 LEV 010 007 At huwag kayong lalabas sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, baka kayo'y mamatay: sapagka't ang langis na pang-pahid ng Panginoon ay nasa ulo ninyo. At kanilang ginawa ayon sa salita ni Moises. 003 LEV 010 008 At sinalita ng Panginoon kay Aaron, na sinasabi, 003 LEV 010 009 Huwag iinom ng alak o ng matapang na inumin man, ikaw o ang iyong mga anak man, pagka kayo'y papasok sa tabernakulo ng kapisanan, upang kayo'y huwag mamatay: magiging palatuntunang walang hanggan sa buong panahon ng inyong mga lahi: 003 LEV 010 010 At upang inyong malagyan ng pagkakaiba ang banal at ang karaniwan, at ang karumaldumal at ang malinis: 003 LEV 010 011 At upang inyong maituro sa mga anak ni Israel ang lahat ng palatuntunang sa kanila'y sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. 003 LEV 010 012 At sinalita ni Moises kay Aaron, at kay Eleazar at kay Ithamar, na mga natitira niyang anak, Kunin ninyo ang handog na harina na lumabis sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at inyong kaning walang lebadura sa tabi ng dambana; sapagka't kabanalbanalan; 003 LEV 010 013 At inyong kakanin sa dakong banal, sapagka't karampatang bahagi ninyo, at karampatang bahagi ng inyong mga anak, sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: sapagka't gayon iniutos sa akin. 003 LEV 010 014 At ang dibdib na inalog at ang hita na itinaas, ay kakanin ninyo sa dakong malinis, kakanin mo at ng iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo: sapagka't yamang karampatang bahagi mo at karampatang bahagi ng iyong mga anak na ibinigay sa inyo sa mga hain ng mga anak ni Israel. 003 LEV 010 015 Ang hita na itinaas, at ang dibdib na inalog ay kanilang dadalhin na kalakip ng mga handog na pinaraan sa apoy, na mga taba upang alugin na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon: at mapapasa iyo, at sa iyong mga anak na kasama mo, na karampatang bahagi ninyo magpakailan man; gaya ng iniutos ng Panginoon. 003 LEV 010 016 At hinanap ni Moises ng buong sikap ang kambing na handog dahil sa kasalanan, at, narito, sinunog: at nagalit kay Eleazer at kay Ithamar na mga anak ni Aaron na natira na sinasabi, 003 LEV 010 017 Bakit hindi ninyo kinain ang handog dahil sa kasalanan sa dakong santuario, yamang kabanalbanalang bagay at sa inyo'y ibinigay upang dalhin ang kasamaan ng kapisanan na itubos sa kanila sa harap ng Panginoon? 003 LEV 010 018 Narito, hindi ipinasok ang dugo niyaon sa loob ng santuario; nararapat sana ninyong kanin sa santuario, gaya ng iniutos ko. 003 LEV 010 019 At sinalita ni Aaron kay Moises, Narito, kanilang inihandog ng araw na ito ang kanilang handog dahil sa kasalanan, at ang kanilang handog na susunugin sa harap ng Panginoon; at sa akin ay nangyari ang mga ganyang bagay na gaya ng mga ito: at kung ako nga'y nakakain ng handog dahil sa kasalanan ngayon, kalulugdan ba kaya ako ng Panginoon? 003 LEV 010 020 At nang marinig ni Moises, ay nakalugod sa kaniyang paningin. 003 LEV 011 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sa kanila'y sinasabi, 003 LEV 011 002 Inyong salitain sa mga anak ni Israel, na inyong sabihin, Ito ang mga bagay na may buhay na inyong makakain sa lahat ng mga hayop na nasa lupa. 003 LEV 011 003 Alinmang may hati ang paa na baak at ngumunguya, sa mga hayop, ay inyong makakain. 003 LEV 011 004 Gayon ma'y huwag ninyong kakanin ang mga ito sa mga ngumunguya o doon sa mga may hati ang paa: ang kamelyo, sapagka't ngumunguya, nguni't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo. 003 LEV 011 005 At ang koneho, sapagka't ngumunguya, datapuwa't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo. 003 LEV 011 006 At ang liebre; sapagka't ngumunguya datapuwa't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo. 003 LEV 011 007 At ang baboy, sapagka't may hati ang paa at baak, datapuwa't hindi ngumunguya, karumaldumal nga sa inyo. 003 LEV 011 008 Huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan, at ang bangkay ng mga yaon ay huwag ninyong hihipuin; mga karumaldumal nga sa inyo. 003 LEV 011 009 Ang mga ito'y inyong makakain sa mga nasa tubig: alin mang may mga palikpik at mga kaliskis sa tubig, sa mga dagat at sa mga ilog, ay makakain ninyo. 003 LEV 011 010 At lahat ng walang palikpik at kaliskis sa mga dagat, at sa mga ilog, at sa lahat ng mga gumagalaw sa tubig, at sa lahat ng may buhay sa tubig, ay pawang karumaldumal nga sa inyo. 003 LEV 011 011 At magiging karumaldumal sa inyo; huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan, at ang bangkay ng mga iyan ay aariin ninyong karumaldumal. 003 LEV 011 012 Anomang walang palikpik at kaliskis sa tubig ay magiging karumaldumal sa inyo. 003 LEV 011 013 At sa mga ibon ay aariin ninyong karumaldumal ang mga ito; hindi kakanin, mga karumaldumal nga; ang agila, ang agilang dumudurog ng mga buto, at ang agilang dagat: 003 LEV 011 014 At ang lawin, at ang limbas, ayon sa kaniyang pagkalimbas; 003 LEV 011 015 Lahat ng uwak ayon sa kaniyang pagkauwak; 003 LEV 011 016 At ang avestruz, at ang chotacabras at ang gaviota, at ang gavilan ayon sa kaniyang pagkagavilan; 003 LEV 011 017 At ang maliit na kuwago, at ang somormuho, at ang malaking kuwago; 003 LEV 011 018 At ang kuwagong tila may sungay at ang pelikano, at ang buitre; 003 LEV 011 019 At ang ciguena, ang tagak ayon sa kaniyang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag. 003 LEV 011 020 Lahat na may pakpak na umuusad na lumalakad na may apat na paa ay marumi nga sa inyo. 003 LEV 011 021 Gayon man, ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng may pakpak na umuusad na may apat na paa, ang mga may dalawang paang mahaba, bukod pa sa kanilang mga paa, upang kanilang ipanglukso sa lupa; 003 LEV 011 022 Sa kanila'y makakain ninyo ang mga ito: ang balang ayon sa kaniyang pagkabalang, at ang lukton ayon sa kaniyang pagkalukton, at ang kuliglig lupa ayon sa kaniyang pagkakuliglig, at ang tipaklong ayon sa kaniyang pagkatipaklong. 003 LEV 011 023 Datapuwa't lahat na may pakpak na umuusad na mayroong apat na paa, ay kasuklamsuklam nga sa inyo. 003 LEV 011 024 At sa mga ito ay magiging karumaldumal kayo: sinomang humipo ng bangkay ng mga iyan ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon: 003 LEV 011 025 At sinomang bumuhat ng bangkay ng mga iyan, ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 011 026 Bawa't hayop na may hati ang paa na hindi baak, o hindi ngumunguya, ay karumaldumal sa inyo: bawa't humipo sa mga iyan ay magiging karumaldumal. 003 LEV 011 027 At anomang inilalakad ang kaniyang pangamot sa lahat ng hayop na inilalakad ang apat na paa, ay karumaldumal nga sa inyo: sinomang humipo ng bangkay ng mga iyan ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 011 028 At ang bumuhat ng bangkay ng mga iyan, ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon: mga karumaldumal nga sa inyo. 003 LEV 011 029 At ang mga ito'y karumaldumal sa inyo, sa mga umuusad na nagsisiusad, sa ibabaw ng lupa: ang bubwit, at ang daga, at ang bayawak ayon sa kaniyang pagkabayawak; 003 LEV 011 030 At ang tuko, at ang buwaya, at ang butiki, at ang bubuli at ang hunyango. 003 LEV 011 031 Ang mga ito'y karumaldumal sa inyo sa lahat ng umuusad: sinomang mangakahipo sa mga iyan pagka ang mga iyan ay patay, ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 011 032 At yaong lahat na kabagsakan ng mga iyan, pagka patay, ay magiging karumaldumal nga: maging alin mang kasangkapan kahoy, o bihisan, o balat, o supot, alin mang kasangkapang ginagamit sa anomang gawa, sa tubig dapat ilubog, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon; kung magkagayo'y magiging malinis. 003 LEV 011 033 At bawa't sisidlang lupa na kahulugan ng mga iyan, lahat ng nalalaman doon ay magiging karumaldumal, at yao'y inyong babasagin. 003 LEV 011 034 Lahat ng pagkain na makakain na kabuhusan ng tubig, ay magiging karumaldumal; at lahat ng inuming maiinom na masilid sa alin man sa mga gayong sisidlang lupa, ay magiging karumaldumal. 003 LEV 011 035 At lahat na kahulugan ng anomang bahagi ng bangkay ng mga yaon ay magiging karumaldumal; maging hurno o kalan ng mga palyok, ay babasagin: mga karumaldumal nga at magiging karumaldumal sa inyo. 003 LEV 011 036 Gayon ma'y ang isang bukal o ang isang balon, na tipunan ng tubig, ay magiging malinis: datapuwa't ang masagi ng bangkay ng mga yaon ay magiging karumaldumal. 003 LEV 011 037 At kung mahulugan ng kanilang bangkay ang alin mang binhing panhasik na ihahasik, ay malinis. 003 LEV 011 038 Nguni't kung nabasa ang binhi at mahulugan ng bangkay ng mga yaon, ay magiging karumaldumal sa inyo. 003 LEV 011 039 At kung ang anomang hayop na inyong makakain ay mamatay; ang makahipo ng bangkay niyaon ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 011 040 At ang kumain ng bangkay niyaon ay maglalaba ng kaniyang suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon: gayon din ang bumuhat ng bangkay niyaon, ay maglalaba ng kaniyang suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 011 041 At bawa't umuusad na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa, ay karumaldumal; hindi kakanin. 003 LEV 011 042 Lahat ng lumalakad ng kaniyang tiyan, at lahat ng lumalakad ng apat na paa o mayroong maraming paa, sa lahat ng bagay na umuusad sa ibabaw ng lupa, ay huwag ninyong kakanin; sapagka't mga karumaldumal nga. 003 LEV 011 043 Huwag kayong magpakarumal sa anomang umuusad, o huwag kayong magpakalinis man sa mga iyan, na anopa't huwag kayong mangahawa riyan, 003 LEV 011 044 Sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios: magpakabanal nga kayo at kayo'y maging mga banal; sapagka't ako'y banal: ni huwag kayong magpakahawa sa anomang umuusad na gumagalaw sa ibabaw ng lupa. 003 LEV 011 045 Sapagka't ako ang Panginoon na nagsampa sa inyo mula sa lupain ng Egipto, upang ako'y inyong maging Dios: kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal. 003 LEV 011 046 Ito ang kautusan tungkol sa hayop, at sa ibon, at sa lahat na may buhay na gumagalaw sa tubig, at sa lahat ng nilikha na umuusad sa ibabaw ng lupa; 003 LEV 011 047 Upang lagyan ninyo ng pagkakaiba ang karumaldumal at ang malinis, at ang may buhay na makakain at ang may buhay na hindi makakain. 003 LEV 012 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 012 002 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Kung ang babae ay maglihi, at manganak ng isang lalake, ay magiging karumaldumal na pitong araw; ayon sa mga araw ng karumihan ng kaniyang sakit, ay magiging karumaldumal. 003 LEV 012 003 At sa ikawalong araw ay tutuliin ang bata sa laman ng kaniyang balat ng masama. 003 LEV 012 004 At siya'y mananatiling tatlong pu't tatlong araw na maglilinis ng kaniyang dugo; huwag siyang hihipo ng anomang bagay na banal, o papasok man sa santuario, hanggang sa matupad ang mga araw ng kaniyang paglilinis. 003 LEV 012 005 Nguni't kung manganak siya ng babae, ay magiging karumaldumal nga siya na dalawang linggo, ayon sa kaniyang karumihan: at mananatiling anim na pu't anim na araw na maglilinis ng kaniyang dugo. 003 LEV 012 006 At pagkaganap niya ng mga araw ng kaniyang paglilinis, maging sa anak na lalake o sa anak na babae, ay magdadala siya ng isang kordero ng unang taon, na pinakahandog na susunugin, at isang inakay ng kalapati o isang batobato na pinakahandog dahil sa kasalanan, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa saserdote; 003 LEV 012 007 At kaniyang ihahandog sa harap ng Panginoon, at itutubos sa kaniya; at siya'y malilinis sa agas ng kaniyang dugo. Ito ang kautusan tungkol sa nanganak ng lalake o ng babae. 003 LEV 012 008 At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng kordero, ay kukuha nga siya ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati; ang isa'y pinakahandog na susunugin at ang isa'y pinakahandog dahil sa kasalanan: at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y magiging malinis. 003 LEV 013 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, 003 LEV 013 002 Pagka ang sinomang tao ay nagkaroon sa balat ng kaniyang laman, ng pamamaga, o langib, o pantal na makintab at naging salot na ketong sa balat ng kaniyang laman, ay dadalhin nga siya kay Aaron na saserdote, o sa isa sa kaniyang mga anak na saserdote: 003 LEV 013 003 At titingnan ng saserdote ang tila salot na nasa balat ng kaniyang laman: at kung ang balahibo sa tila salot ay pumuti, at makitang ang sugat ay malalim kay sa balat ng kaniyang laman, ay salot na ketong nga: at siya'y mamasdan ng saserdote at ipakikilala siyang karumaldumal. 003 LEV 013 004 At kung ang pantal na makintab ay maputi sa balat ng kaniyang laman, at makitang hindi malalim kaysa balat, at ang balahibo niyaon ay hindi pumuti, ay kukulungin ng saserdote ang may tila salot na pitong araw. 003 LEV 013 005 At titingnan siya ng saserdote sa ikapitong araw: at, narito, kung makitang ang tila salot ay tumigil, at hindi kumalat ang tila salot sa balat, ay kukulungin uli siya ng saserdote na pitong araw: 003 LEV 013 006 At titingnan siya uli ng saserdote sa ikapitong araw: at, narito, kung makitang ang tila salot ay namutla, at ang tila salot ay hindi kumalat sa balat, ay ipakikilalang malinis siya ng saserdote: langib yaon; at kaniyang lalabhan ang kaniyang suot, at magiging malinis. 003 LEV 013 007 Datapuwa't kung ang langib ay kumakalat sa balat, pagkatapos na siya'y makapakita sa saserdote upang siya'y linisin, ay pakikita siya uli sa saserdote: 003 LEV 013 008 At titingnan siya ng saserdote; at, narito, kung ang langib ay kumakalat sa balat, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: ketong nga yaon. 003 LEV 013 009 Pagka nagkaroon ng tila salot na ketong ang sinomang tao, ay dadalhin siya sa saserdote; 003 LEV 013 010 At titingnan siya ng saserdote; at, narito, kung makitang may pamamaga na maputi sa balat, na pumuti ang balahibo, at may matigas na lamang buhay sa pamamaga, 003 LEV 013 011 Ay malaong ketong nga sa balat ng kaniyang laman, at ipakikilala ng saserdote na siya'y karumaldumal; hindi siya kukulungin; sapagka't siya'y karumaldumal. 003 LEV 013 012 At kung kumalat ang ketong sa balat, at matakpan ng ketong ang buong balat ng may tila salot, mula sa ulo hanggang sa kaniyang mga paa, sa buong maaabot ng paningin ng saserdote; 003 LEV 013 013 At titingnan nga siya ng saserdote; at, narito, kung makitang ang ketong ay kumalat sa buong laman niya, ay ipakikilalang malinis ang may tila salot: pumuting lahat: siya'y malinis. 003 LEV 013 014 Datapuwa't sa alin mang araw na makitaan siya ng lamang buhay, ay magiging karumaldumal siya. 003 LEV 013 015 At titingnan ng saserdote ang lamang buhay, at ipakikilala siyang karumaldumal: ang lamang buhay ay karumaldumal: ketong nga. 003 LEV 013 016 O kung magbago uli ang lamang buhay at pumuti, ay lalapit nga siya sa saserdote; 003 LEV 013 017 At titingnan siya ng saserdote: at, narito, kung pumuti ang tila salot ay ipakikilalang malinis ng saserdote ang may tila salot: siya'y malinis. 003 LEV 013 018 At kung magkaroon sa balat ng laman ng isang bukol at gumaling, 003 LEV 013 019 At humalili sa bukol ay isang pamamaga na maputi, o isang pantal na makintab, na namumulang puti, ay ipakikita sa saserdote; 003 LEV 013 020 At titingnan ng saserdote; at, narito, kung makitang tila impis kaysa balat, at ang balahibo niyaon ay tila pumuti, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: salot na ketong yaon; lumitaw sa bukol. 003 LEV 013 021 Datapuwa't kung pagtingin ng saserdote, ay makitang walang balahibong puti yaon, o hindi impis man kay sa balat, kungdi namutla, ay kukulungin ng saserdote siya na pitong araw. 003 LEV 013 022 At kung kumalat sa balat, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: salot nga yaon. 003 LEV 013 023 Nguni't kung ang pantal na makintab ay tumigil sa kaniyang kinaroroonan, at hindi kumalat, ay piklat nga ng bukol; at ipakikilala ng saserdote na malinis siya. 003 LEV 013 024 O pagka nagkaroon sa balat ng laman, ng paso ng apoy, at ang lamang paso ay naging tila pantal na makintab, na namumulang puti, o maputi; 003 LEV 013 025 At titingnan nga ng saserdote: at, narito, kung makitang ang buhok ay pumuti sa pantal na makintab, at tila mandin malalim kaysa balat; ay ketong nga na lumitaw sa paso: at ipakikilala ng saserdote na karumaldumal; salot na ketong nga yaon. 003 LEV 013 026 Nguni't kung pagtingin ng saserdote, at, narito, kung makita ngang sa pantal na makintab ay walang balahibong maputi, at hindi impis kaysa balat, kungdi namutla; ay kukulungin nga siya ng saserdote na pitong araw. 003 LEV 013 027 At titingnan siya ng saserdote sa ikapitong araw: kung kumalat sa balat, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: salot na ketong nga yaon. 003 LEV 013 028 At kung ang pantal na makintab ay tumigil sa kaniyang kinaroroonan at hindi kumalat sa balat, kungdi pumutla, ay pamamaga ng paso yaon, at ipakikilala ng saserdote na malinis: sapagka't piklat ng paso yaon. 003 LEV 013 029 At kung ang sinomang lalake o babae ay mayroong tila salot sa ulo o sa baba, 003 LEV 013 030 Ay titingnan nga ng saserdote ang tila salot: at, narito, kung makitang tila malalim kaysa balat, at yao'y may buhok na naninilaw na manipis, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: tina nga, ketong nga yaon sa ulo o sa baba. 003 LEV 013 031 At kung makita ng saserdote ang tila salot na tina, at, narito, tila hindi malalim kaysa balat, at walang buhok na maitim yaon, ay kukulungin ng saserdote na pitong araw ang may tila salot na tina; 003 LEV 013 032 At sa ikapitong araw ay titingnan ng saserdote ang tila salot; at, narito, kung makita ngang hindi kumalat ang tina, at walang buhok na naninilaw, at tila ang tina ay hindi malalim kaysa balat, 003 LEV 013 033 Ay aahitan nga, datapuwa't hindi aahitan ang kinaroroonan ng tina; at ipakukulong ng saserdote ang may tina ng muling pitong araw: 003 LEV 013 034 At titingnan ng saserdote ang tina sa ikapitong araw: at, narito, kung makitang hindi kumalat ang tina sa balat, at tila hindi malalim kaysa balat; ay ipakikilala nga ng saserdote na malinis at siya'y maglalaba ng kaniyang suot at magiging malinis. 003 LEV 013 035 Nguni't kung ang tina ay kumalat sa balat, pagkatapos ng kaniyang paglilinis; 003 LEV 013 036 Ay titingnan nga ng saserdote: at, narito, kung makitang kumalat sa balat ang tina ay hindi hahanapin ng saserdote ang buhok na maninilaw; siya'y karumaldumal. 003 LEV 013 037 Datapuwa't kung sa kaniyang paningin ay tumigil ang tina at may tumubong buhok na itim; ay gumaling ang tina, siya'y malinis: at ipakikilalang malinis siya ng saserdote. 003 LEV 013 038 At pagka ang isang lalake o babae ay nagkaroon sa balat ng kaniyang laman ng nangingintab na pantal, ng makikintab na pantal na puti; 003 LEV 013 039 Ay titingnan nga ng saserdote: at, narito, kung makitang ang nangingintab na pantal sa balat ng kaniyang laman ay namumutimuti; yao'y buni na sumibol sa balat; siya'y malinis. 003 LEV 013 040 At kung ang sinoman ay malugunan ng buhok, ay kalbo gayon ma'y malinis. 003 LEV 013 041 At kung sa dakong harapan ng ulo nalugunan ng buhok, ay kalbo yaon sa noo gayon ma'y malinis. 003 LEV 013 042 Datapuwa't kung sa kakalbuhan, sa ulo o sa noo ay magkaroon ng tila salot ng namumulang maputi; ay ketong na sumibol sa kaniyang kakalbuhan ng ulo o sa kaniyang kakalbuhan ng noo. 003 LEV 013 043 Kung magkagayo'y titingnan siya ng saserdote: at, narito, kung ang pamamaga ng tila salot ay namumulamula ng maputi sa kaniyang kakalbuhan ng ulo o sa kaniyang kakalbuhan ng noo, gaya ng anyo ng ketong sa balat ng kaniyang laman; 003 LEV 013 044 Ay ketongin siya, siya'y karumaldumal ipakikilala siya ng saserdote na tunay na karumaldumal; nasa kaniyang ulo ang salot niya. 003 LEV 013 045 At pupunitin ng may ketong na kinaroroonan ng salot, ang kaniyang mga suot at ang buhok ng kaniyang ulo ay ilulugay, at siya'y magtatakip ng kaniyang nguso, at maghihihiyaw. Karumaldumal, karumaldumal. 003 LEV 013 046 Sa buong panahong siya'y karoonan ng salot, ay magiging karumaldumal; siya'y karumaldumal: siya'y tatahang bukod; sa labas ng kampamento malalagay ang kaniyang tahanan. 003 LEV 013 047 Ang suot na kinaroroonan ng ketong, maging kasuutang balahibo ng tupa o kasuutang lino; 003 LEV 013 048 Maging nasa paayon o maging nasa pahalang; ng lino o ng balahibo ng tupa; maging sa balat o sa alin mang yaring balat; 003 LEV 013 049 Kung ang tila salot ay namemerde o namumula sa kasuutan, o sa balat, maging sa paayon, o maging sa pahalang, o sa alin mang kasangkapang balat; ay salot na ketong nga at ipakikita sa saserdote, 003 LEV 013 050 At titingnan ng saserdote ang tila salot, at ipatatago ng pitong araw ang bagay na may tila salot: 003 LEV 013 051 At titingnan ang bagay na may tila salot, sa ikapitong araw: kung kumalat ang tila salot sa kasuutan, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa balat, o alin mang ginagawa sa balat, ay ketong na ngumangatngat ang gayon tila salot; yao'y karumaldumal. 003 LEV 013 052 At kaniyang susunugin ang kasuutan, maging paayon, at maging pahalang ng balahibo ng tupa o lino o sa alin mang kasangkapang balat na kinaroroonan ng salot; sapagka't yao'y ketong na ngumangatngat, yao'y susunugin sa apoy. 003 LEV 013 053 At kung pagtingin ng saserdote, at, narito, kung makita ngang hindi kumalat ang salot sa kasuutan, maging sa paayon man, o sa pahalang man, o sa alin mang kasangkapang balat; 003 LEV 013 054 Ay palalabhan nga ng saserdote yaong kinaroroonan ng salot, at ipatatago pa ng pitong araw: 003 LEV 013 055 At titingnan ng saserdote ang bagay na may salot, pagkatapos na malabhan: at, narito, kung makitang ang salot ay hindi nagbago ang kulay, at hindi kumalat ang salot, yao'y karumaldumal; susunugin mo sa apoy: isang ngatngat nga, maging ang nanisnis ay nasa karayagan o nasa kabaligtaran. 003 LEV 013 056 At kung pagtingin ng saserdote, at, narito, kung makita ngang namutla ang dakong may salot pagkatapos na malabhan, ay hahapakin sa kasuutan, o sa balat, o sa paayon, o sa pahalang: 003 LEV 013 057 At kung muling lumitaw sa kasuutang yaon, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa alin mang yari sa balat, ay muling sumisibol: susunugin mo sa apoy yaong kinaroroonan ng salot. 003 LEV 013 058 At ang kasuutan, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa alin mang yari sa balat, na iyong labhan, at maalis ang salot, ay lalabhan ngang ikalawa, at magiging malinis. 003 LEV 013 059 Ito ang kautusan tungkol sa salot na ketong sa kasuutang balahibo ng tupa o lino, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa alin mang yari sa balat, upang ipakilalang malinis, o upang ipakilalang karumaldumal. 003 LEV 014 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 014 002 Ito ang magiging kautusan tungkol sa may ketong, sa kaarawan ng kaniyang paglilinis, siya'y dadalhin sa saserdote: 003 LEV 014 003 At ang saserdote ay lalabas sa kampamento; at titingnan ng saserdote, at, narito, kung ang salot na ketong ay gumaling sa may ketong; 003 LEV 014 004 Ay ipagutos nga ng saserdote na ikuha siya na lilinisin, ng dalawang ibong malinis na buhay, at kahoy na cedro, at grana, at hisopo; 003 LEV 014 005 At ipaguutos ng saserdote, na patayin ang isa sa mga ibon, sa isang sisidlang lupa sa ibabaw ng tubig na umaagos. 003 LEV 014 006 Tungkol sa ibong buhay, ay kaniyang kukunin at ang kahoy na cedro, at ang grana at ang hisopo, at babasain pati ng ibong buhay, sa dugo ng ibong pinatay sa ibabaw ng tubig na umaagos: 003 LEV 014 007 At iwiwisik niya na makapito doon sa kaniya na lilinisin sa ketong, at ipakikilalang malinis, at pawawalan ang ibong buhay sa kalawakan ng parang. 003 LEV 014 008 At siya na lilinisin ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magaahit ng lahat niyang buhok, at maliligo sa tubig; at magiging malinis: at pagkatapos ay papasok sa kampamento, datapuwa't tatahan sa labas ng kaniyang tolda na pitong araw. 003 LEV 014 009 At mangyayaring sa ikapitong araw, ay muling magaahit ng lahat niyang buhok, sa kaniyang ulo, at sa kaniyang baba, at sa kaniyang kilay, na anopa't aahitin niya ang lahat niyang buhok; at kaniyang lalabhan ang kaniyang mga suot, at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig, at magiging malinis. 003 LEV 014 010 At sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang korderong lalake na walang kapintasan, at ng isang korderong babae ng unang taon na walang kapintasan, at ng isang handog na harina na tatlong ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na hinaluan ng langis, at ng isang log na langis. 003 LEV 014 011 At ihaharap ang taong lilinisin ng saserdoteng naglilinis sa kaniya, at gayon din ang mga bagay na yaon, sa harap ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: 003 LEV 014 012 At kukuha ang saserdote ng isa sa mga korderong lalake at ihahandog na pinakahandog sa pagkakasala, at ng log ng langis, at aalugin na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon: 003 LEV 014 013 At papatayin ang korderong lalake sa pinagpapatayan ng handog dahil sa kasalanan at ng handog na susunugin, sa dako ng santuario: sapagka't kung paanong ang handog dahil sa kasalanan ay sa saserdote, gayon din ang handog dahil sa pagkakasala; bagay ngang kabanalbanalan: 003 LEV 014 014 At ang saserdote ay kukuha sa dugo ng handog dahil sa pagkakasala, at ilalagay ng saserdote sa pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa; 003 LEV 014 015 At kukuha ang saserdote sa log ng langis, at ibubuhos sa ibabaw ng palad ng kaniyang kaliwang kamay: 003 LEV 014 016 At itutubog ng saserdote ang kanang daliri niya sa langis na nasa kaniyang kaliwang kamay, at magwiwisik siyang makapito ng langis ng kaniyang daliri sa harap ng Panginoon: 003 LEV 014 017 At sa lumabis sa langis na nasa kaniyang kamay, ay maglalagay ang saserdote sa ibabaw ng pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa, sa ibabaw ng dugo ng dahil sa pagkakasala: 003 LEV 014 018 At ang labis sa langis na nasa kamay ng saserdote, ay ilalagay nito sa ulo niyaong lilinisin: at itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon. 003 LEV 014 019 At ihahandog ng saserdote ang handog dahil sa kasalanan, at itutubos sa kaniya, na lilinisin dahil sa kaniyang karumihan; at pagkatapos ay papatayin ang handog na susunugin: 003 LEV 014 020 At ihahandog ng saserdote ang handog na susunugin at ang handog na harina sa ibabaw ng dambana: at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y magiging malinis. 003 LEV 014 021 At kung siya'y dukha at ang kaniyang kaya ay hindi aabot, ay kukuha nga siya ng isang korderong lalake na handog dahil sa pagkakasala, na aalugin upang itubos sa kaniya, at ng ikasampung bahagi ng isang epa na mainam na harina, na hinaluan ng langis na pinakahandog na harina, at ng isang log ng langis; 003 LEV 014 022 At ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati, kung alin ang aabutin ng kaniyang kaya; at ang isa'y magiging handog dahil sa kasalanan, at ang isa'y handog na susunugin. 003 LEV 014 023 At sa ikawalong araw ay kaniyang dadalhin sa saserdote sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan upang gamitin sa kaniyang paglilinis sa harap ng Panginoon. 003 LEV 014 024 At kukunin ng saserdote ang korderong handog dahil sa pagkakasala at ang log ng langis, at aalugin ng saserdote na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon. 003 LEV 014 025 At kaniyang papatayin ang korderong handog dahil sa pagkakasala, at kukuha ang saserdote ng dugo ng handog dahil sa pagkakasala, at ilalagay sa pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa: 003 LEV 014 026 At magbubuhos ang saserdote ng langis sa ibabaw ng palad ng kaniyang kaliwang kamay: 003 LEV 014 027 At makapitong magwiwisik ang saserdote ng kaniyang kanang daliri, ng langis na nasa kaniyang kaliwang kamay, sa harap ng Panginoon: 003 LEV 014 028 At maglalagay ang saserdote ng langis na nasa kaniyang kamay, sa pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa, sa ibabaw ng pinaglagyan ng dugong handog dahil sa pagkakasala: 003 LEV 014 029 At ang labis ng langis na nasa kamay ng saserdote ay ilalagay niya sa ulo niyaong lilinisin, upang itubos sa kaniya sa harap ng Panginoon. 003 LEV 014 030 At kaniyang ihahandog ang isa sa mga batobato o sa mga inakay ng kalapati, kung alin ang kaniyang kaya; 003 LEV 014 031 Kung alin ang abutin ng kaniyang kaya, na ang isa'y handog dahil sa kasalanan, at ang isa'y handog na susunugin, pati ng handog na harina: at itutubos ng saserdote doon sa malilinis sa harap ng Panginoon. 003 LEV 014 032 Ito ang kautusan tungkol sa may salot na ketong, na ang kaniyang kaya ay hindi abot sa nauukol sa kaniyang paglilinis. 003 LEV 014 033 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, 003 LEV 014 034 Pagka kayo'y nakapasok na sa lupain ng Canaan, na ibibigay kong pag-aari sa inyo, at ako'y naglagay ng salot na ketong sa alin mang bahay sa lupain ninyong inaari; 003 LEV 014 035 Ay yayaon ang may-ari ng bahay at magbibigay alam sa saserdote, na sasabihin, Tila mandin mayroong parang salot sa bahay: 003 LEV 014 036 At ipaguutos ng saserdote na alisan ng laman ang bahay bago pumasok ang saserdote na kilalanin ang tila salot, upang ang lahat na nasa bahay ay huwag mahawa: at pagkatapos ay papasok ang saserdote upang tingnan ang bahay: 003 LEV 014 037 At titingnan ang salot, at kung makita ngang ang tila salot ay nasa mga panig ng bahay na may ukit na namemerde, o namumula at tila malalim kaysa panig; 003 LEV 014 038 Ay lalabas nga ang saserdote sa bahay hanggang sa pintuan ng bahay at ipasasara ang bahay na pitong araw: 003 LEV 014 039 At babalik ang saserdote sa ikapitong araw, at titingnan: at, narito, kung makita ngang kumalat ang salot sa mga panig ng bahay; 003 LEV 014 040 Ay ipaguutos nga ng saserdote na bunutin ang mga batong kinaroonan ng tila salot at ipatatapon sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal: 003 LEV 014 041 At ipakakayas ang palibot ng loob ng bahay, at ang argamasang inalis na kinayas ay itatapon sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal: 003 LEV 014 042 At magsisikuha ng ibang mga bato, at ihahalili sa mga batong yaon, at magsisikuha ng ibang argamasa at siyang ihahaplos sa mga panig ng bahay. 003 LEV 014 043 At kung muling bumalik ang tila salot, at sumibol sa bahay, pagkatapos na mabunot ang mga bato; at pagkatapos makayas ang bahay, at pagkatapos na mahaplusan ng argamasa; 003 LEV 014 044 Ay papasok nga ang saserdote at titingnan, at, narito, kung makita ngang ang salot ay kumalat sa bahay ay ketong na nakakahawa sa bahay; ito'y karumaldumal. 003 LEV 014 045 At gigibain niya ang bahay na yaon, ang mga bato at ang mga kahoy, at ang lahat ng argamasa ng bahay; ay dadalhin sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal. 003 LEV 014 046 Bukod dito'y ang pumasok sa bahay na yaon ng buong panahong nasasara ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 014 047 At ang mahiga sa bahay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga suot; at ang kumain sa bahay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga suot. 003 LEV 014 048 At kung papasok ang saserdote, at, narito, kung hindi nga kumalat ang salot sa bahay, pagkatapos na nahaplusan ng argamasa; ay ipakikilala nga ng saserdote na malinis ang bahay, sapagka't gumaling sa salot. 003 LEV 014 049 At upang linisin ang bahay ay kukuha ng dalawang ibon, at ng kahoy na cedro, at ng grana, at ng hisopo: 003 LEV 014 050 At papatayin ang isa sa mga ibon sa isang sisidlang lupa sa ibabaw ng tubig na umaagos: 003 LEV 014 051 At kukunin niya ang kahoy na cedro, at ang hisopo, at ang grana, at ang ibong buhay, at babasain sa dugo ng ibong pinatay, at sa tubig na umaagos, at wiwisikang makapito ang bahay: 003 LEV 014 052 At kaniyang lilinisin ng dugo ng ibon ang bahay at ng agos ng tubig, at ng ibong buhay at ng kahoy na cedro, at ng hisopo, at ng grana: 003 LEV 014 053 Datapuwa't pawawalan ang ibong buhay sa labas ng bayan, sa kalawakan ng parang: gayon tutubusin ang bahay: at magiging malinis. 003 LEV 014 054 Ito ang kautusan tungkol sa sarisaring salot na ketong at sa tina, 003 LEV 014 055 At sa ketong ng suot, at ng bahay. 003 LEV 014 056 At sa pamamaga at sa langib, at sa pantal na makintab: 003 LEV 014 057 Upang ituro kung kailan karumaldumal, at kung kailan malinis: ito ang kautusan tungkol sa ketong. 003 LEV 015 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron na sinasabi, 003 LEV 015 002 Salitain ninyo sa mga anak ni Israel, at inyong sabihin sa kanila, Pagka ang sinomang tao ay inagasan sa kaniyang laman, ay magiging karumaldumal siya dahil sa kaniyang agas. 003 LEV 015 003 At ito ang magiging kaniyang karumalan sa kaniyang agas: maging ang kaniyang laman ay balungan dahil sa kaniyang agas, o ang kaniyang laman ay masarhan dahil sa kaniyang agas, ay kaniyang karumalan nga. 003 LEV 015 004 Bawa't higaang mahigan ng inaagasan ay magiging karumaldumal: at bawa't bagay na kaniyang kaupuan, ay magiging karumaldumal. 003 LEV 015 005 At sinomang tao na makahipo ng kaniyang higaan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 015 006 At ang maupo sa anomang bagay na kaupuan ng inaagasan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 015 007 At ang humipo ng laman niyaong inaagasan ay maglalaba ng kaniyang mga damit at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 015 008 At kung ang inaagasan ay makalura sa taong malinis, ay maglalaba nga siya ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 015 009 At alin mang siya na kasakyan ng inaagasan, ay magiging karumaldumal. 003 LEV 015 010 At ang alin mang taong humipo ng alinmang bagay na napalagay sa ilalim niyaon, ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon: at ang magdala ng mga bagay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga damit at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 015 011 At yaong lahat na mahipo ng inaagasan na hindi nakapaghugas ng kaniyang mga kamay sa tubig, ay maglalaba nga rin ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 015 012 At ang sisidlang lupa na mahipo ng inaagasan, ay babasagin: at ang lahat ng kasangkapang kahoy ay babanlawan sa tubig. 003 LEV 015 013 At kung ang inaagasan ay gumaling sa kaniyang agas, ay bibilang siya ng pitong araw sa kaniyang paglilinis, at maglalaba ng kaniyang mga damit; at paliliguan din niya ang kaniyang laman sa tubig na umaagos, at magiging malinis. 003 LEV 015 014 At sa ikawalong araw ay magdadala siya ng dalawang batobato, o ng dalawang inakay ng kalapati, at ihaharap niya sa harap ng Panginoon sa pasukan ng tabernakulo ng kapisanan, at ibibigay niya sa saserdote. 003 LEV 015 015 At ihahandog ng saserdote, na ang isa'y handog dahil sa kasalanan, at ang isa'y handog na susunugin; at itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon, dahil sa kaniyang agas. 003 LEV 015 016 At kung ang sinomang tao ay labasan ng binhi ng pakikiapid, ay paliliguan nga niya ng tubig ang buong kaniyang laman, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 015 017 At lahat ng damit at lahat ng balat na kinaroonan ng binhi ng pakikiapid, ay lalabhan sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang hapon. 003 LEV 015 018 Ang babae rin namang sinipingan ng lalaking mayroong binhi ng pakikiapid, ay maliligo sila kapuwa sa tubig, at magiging karumaldumal sila hanggang sa hapon. 003 LEV 015 019 At kung ang babae ay agasan na ang umaagas sa kaniyang laman ay dugo, ay mapapasa kaniyang karumihan siyang pitong araw: at lahat ng humipo sa kaniya ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 015 020 At bawa't kaniyang kahigaan sa panahon ng kaniyang karumihan, ay magiging karumaldumal: bawa't din namang kaupuan niya ay magiging karumaldumal. 003 LEV 015 021 At sinomang humipo ng kaniyang higaan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 015 022 At ang sinomang humipo ng alin mang bagay na kaniyang kaupuan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 015 023 At kung may nasa higaan o nasa anomang bagay na kinaupuan niya, ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon ang humipo niyaon. 003 LEV 015 024 At kung ang sinomang lalake ay sumiping sa kaniya, at mapasa lalake ang karumihan niya, ay magiging karumaldumal ito na pitong araw; at bawa't higaang kaniyang hihigaan ay magiging karumaldumal. 003 LEV 015 025 At kung ang isang babae ay agasan ng kaniyang dugo ng maraming araw sa di kapanahunan ng kaniyang karumihan, o kung agasan sa dako pa roon ng panahon ng kaniyang karumihan; buong panahon ng agas ng kaniyang karumalan ay magiging para ng mga araw ng kaniyang karumihan: siya'y karumaldumal nga. 003 LEV 015 026 Bawa't higaan na kaniyang hinihigan buong panahon ng kaniyang agas, ay magiging sa kaniya'y gaya ng higaan ng kaniyang karumihan; at bawa't bagay na kaniyang kaupuan, ay magiging karumaldumal, na gaya ng karumalan ng kaniyang karumihan. 003 LEV 015 027 At sinomang humipo ng mga bagay na yaon ay magiging karumaldumal, at maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 003 LEV 015 028 Datapuwa't kung siya'y gumaling sa kaniyang agas, ay bibilang siya ng pitong araw, at pagkatapos niyaon ay magiging malinis siya. 003 LEV 015 029 At sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati, at dadalhin niya sa saserdote sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 003 LEV 015 030 At ihahandog ng saserdote ang isa na handog dahil sa kasalanan, at ang isa'y handog na susunugin; at itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon, dahil sa agas ng kaniyang karumihan. 003 LEV 015 031 Ganito ihihiwalay ninyo ang mga anak ni Israel sa kanilang karumalan; upang huwag mangamatay sa kanilang karumalan, kung kanilang ihawa ang aking tabernakulo na nasa gitna nila. 003 LEV 015 032 Ito ang kautusan tungkol sa inaagasan, at sa nilalabasan ng binhi ng pakikiapid, na ikinarurumal; 003 LEV 015 033 At sa babaing may sakit ng kaniyang karumihan, at sa inaagasan, sa lalake at sa babae, at doon sa sumisiping sa babaing karumaldumal. 003 LEV 016 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, pagkamatay ng dalawang anak ni Aaron, noong nagsilapit sa harap ng Panginoon, at namatay; 003 LEV 016 002 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Salitain mo kay Aaron na iyong kapatid na huwag pumasok tuwina sa dakong banal, sa loob ng tabing, sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban; upang siya'y huwag mamatay: sapagka't ako'y pakikitang nasa ulap sa ibabaw ng luklukan ng awa. 003 LEV 016 003 Ganito papasok nga si Aaron sa loob ng dakong banal, may dalang isang guyang toro na handog dahil sa kasalanan, at isang tupang lalake na handog na susunugin. 003 LEV 016 004 Siya'y magsusuot ng kasuutang banal, na lino at ng salawal na lino sa kaniyang laman, at magbibigkis siya ng pamigkis na lino, at ang mitra na lino ay kaniyang isusuot: ito ang mga bihisang banal; at paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig at pawang isusuot niya. 003 LEV 016 005 At siya'y kukuha sa kapisanan ng mga anak ni Israel, ng dalawang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ng isang tupang lalake na pinakahandog na susunugin. 003 LEV 016 006 At ihaharap ni Aaron ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili, at itutubos niya sa kaniya at sa kaniyang sangbahayan. 003 LEV 016 007 At kukunin niya ang dalawang kambing at ilalagay niya sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 003 LEV 016 008 At pagsasapalaran ni Aaron ang dalawang kambing; ang isang kapalaran ay sa Panginoon at ang isang kapalaran ay kay Azazel. 003 LEV 016 009 At ihaharap ni Aaron ang kambing na kinahulugan ng kapalaran sa Panginoon, at ihahandog na pinakahandog dahil sa kasalanan. 003 LEV 016 010 Nguni't ang kambing na kinahulugan ng kapalaran kay Azazel ay ilalagay na buhay sa harap ng Panginoon, upang itubos sa kaniya, at payaunin kay Azazel sa ilang. 003 LEV 016 011 At ihaharap ni Aaron ang toro na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa kaniyang sarili, at itutubos sa kaniyang sarili at sa kaniyang sangbahayan, at papatayin ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili: 003 LEV 016 012 At kukuha siya mula sa dambana na nasa harap ng Panginoon ng isang suuban na puno ng mga baga; at kukuha ng dalawang dakot ng masarap na kamangyan na totoong dikdik, at kaniyang dadalhin sa loob ng tabing: 003 LEV 016 013 At ilalagay niya ang kamangyan sa ibabaw ng apoy sa harap ng Panginoon, upang ang mga usok ng kamangyan ay tumakip sa luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patoo, upang huwag siyang mamatay: 003 LEV 016 014 At siya'y kukuha ng dugo ng toro at iwiwisik ng kaniyang daliri sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa dakong silanganan: at sa harap ng luklukan ng awa ay iwiwisik niyang makapito ng kaniyang daliri ang dugo. 003 LEV 016 015 Kung magkagayo'y papatayin niya ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa bayan, at dadalhin ang dugo niyaon sa loob ng tabing, at ang gagawin sa dugo niyaon ay gaya ng ginawa sa dugo ng toro, at iwiwisik sa ibabaw ng luklukan ng awa at sa harap ng luklukan ng awa: 003 LEV 016 016 At itutubos niya sa dakong banal dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel, at dahil sa kanilang mga pagsalangsang, sa makatuwid baga'y sa lahat nilang kasalanan: at gayon ang kaniyang gagawin sa tabernakulo ng kapisanan na nasa kanila, sa gitna ng kanilang mga karumalan, 003 LEV 016 017 At huwag magkakaroon ng sinomang tao sa tabernakulo pagka siya'y papasok upang itubos sa loob ng dakong banal, hanggang sa lumabas siya, at matubos ang sarili, at ang kaniyang kasangbahay, at ang buong kapisanan ng Israel. 003 LEV 016 018 At lalabas siya sa dambana na nasa harap ng Panginoon, at itutubos sa ito; at kukuha ng dugo ng toro, at ng dugo ng kambing, at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot. 003 LEV 016 019 At makapitong magwiwisik siya ng dugo sa dambana ng kaniyang daliri, at lilinisin at babanalin dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel. 003 LEV 016 020 At pagkatapos matubos niya ang dakong banal, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana, ay ihahandog ang kambing na buhay: 003 LEV 016 021 At ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay, at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan; at ilalagay niya sa ulo ng kambing, at ipadadala sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang taong handa: 003 LEV 016 022 At dadalhin ng kambing ang lahat ng mga kasamaan nila, sa lupaing hindi tinatahanan: at pawawalan niya ang kambing sa ilang. 003 LEV 016 023 At papasok si Aaron sa tabernakulo ng kapisanan, at maghuhubad ng mga suot na lino, na isinuot niya nang siya'y pumasok sa dakong banal, at iiwan niya roon: 003 LEV 016 024 At paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig, sa isang dakong banal, at magsusuot ng kaniyang mga suot, at lalabas, at ihahandog ang kaniyang handog na susunugin at ang handog na susunugin ng bayan, at itutubos sa kaniyang sarili at sa bayan. 003 LEV 016 025 At susunugin sa ibabaw ng dambana ang taba ng handog dahil sa kasalanan. 003 LEV 016 026 At yaong nagpakawala ng kambing na ukol kay Azazel, ay maglalaba ng kaniyang mga suot at maliligo ang kaniyang laman sa tubig, at pagkatapos ay papasok siya sa kampamento. 003 LEV 016 027 At ang toro na handog dahil sa kasalanan at ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na ang dugo ay dinala sa loob ng dakong banal upang itubos, ay ilalabas, sa kampamento; at susunugin nila sa apoy ang mga balat ng mga yaon, at ang laman at ang dumi. 003 LEV 016 028 At ang magsusunog ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at maliligo ang kaniyang laman sa tubig, at pagkatapos, ay papasok siya sa kampamento. 003 LEV 016 029 At ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa inyo: sa ikapitong buwan nang ikasangpung araw ng buwan, ay pagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa, at anomang gawain ay huwag gagawa ang tubo sa lupain, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo: 003 LEV 016 030 Sapagka't sa araw na ito gagawin ang pagtubos sa inyo upang linisin kayo; sa lahat ng inyong mga kasalanan ay magiging malinis kayo sa harap ng Panginoon. 003 LEV 016 031 Sabbath nga na takdang kapahingahan sa inyo, at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa; ito'y palatuntunang magpakailan man. 003 LEV 016 032 At ang saserdote na papahiran at itatalaga upang maging saserdote na kahalili ng kaniyang ama, ay siyang tutubos at magsusuot ng mga kasuutang lino, na mga banal ngang kasuutan: 003 LEV 016 033 At tutubusin niya ang banal na santuario, at tutubusin niya ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana; at tutubusin niya ang mga saserdote at ang buong bayan ng kapisanan. 003 LEV 016 034 At ito'y magiging palatuntunang walang hanggan sa inyo; na tubusin ang mga anak ni Israel, dahil sa lahat nilang mga kasalanan, ng minsan sa isang taon. At ginawa niya ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises. 003 LEV 017 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 017 002 Iyong salitain kay Aaron, at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ito ang iniutos ng Panginoon, na sinasabi, 003 LEV 017 003 Sinomang tao sa sangbahayan ni Israel, na pumatay ng baka, o kordero, o kambing sa loob ng kampamento, o pumatay sa labas ng kampamento, 003 LEV 017 004 At hindi dinala sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, upang ihandog na pinaka alay sa Panginoon, sa harap ng tabernakulo ng Panginoon: ay dugo ang ipararatang sa taong yaon; siya'y nagbubo ng dugo; at ang taong yaon: ay ihihiwalay sa kaniyang bayan: 003 LEV 017 005 Upang ang mga anak ni Israel ay magdala ng kanilang mga hain, na inihahain sa kalawakan ng parang, sa makatuwid baga'y upang kanilang dalhin sa Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa saserdote, at ihain sa Panginoon na mga pinakahandog tungkol sa kapayapaan. 003 LEV 017 006 At iwiwisik ng saserdote ang dugo sa ibabaw ng dambana ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at susunugin ang taba na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 003 LEV 017 007 At huwag na nilang ihahain ang kanilang mga hain sa mga kambing na lalake na kanilang pinanaligan. Magiging palatuntunan nga magpakailan man sa kanila sa buong panahon ng kanilang lahi. 003 LEV 017 008 At sasabihin mo sa kanila, Sinomang tao sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na naghandog ng handog na susunugin o hain, 003 LEV 017 009 At hindi dinala sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, upang ihain sa Panginoon: ay ihihiwalay nga ang taong yaon sa kaniyang bayan. 003 LEV 017 010 At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan. 003 LEV 017 011 Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay. 003 LEV 017 012 Kaya't aking sinabi sa mga anak ni Israel, Sinoman sa inyo ay huwag kakain ng dugo, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng dugo. 003 LEV 017 013 At sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na manghuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay ibubuhos niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa. 003 LEV 017 014 Sapagka't tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya rin ng buhay niyan. Kaya't sinabi ko sa mga anak ni Israel, Huwag kayong kakain ng dugo ng anomang laman: sapagka't ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo: sinomang kumain niyan ay ihihiwalay. 003 LEV 017 015 At yaong lahat na kumain ng namamatay sa sarili o nilapa ng mga ganid, maging sa mga tubo sa lupain o sa mga taga ibang bayan, ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon: kung magkagayon ay magiging malinis. 003 LEV 017 016 Datapuwa't kung di niya labhan, ni paliguan ang kaniyang laman, ay tataglayin nga niya ang kaniyang kasamaan. 003 LEV 018 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 018 002 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 018 003 Huwag kayong gagawa ng gaya ng ginawa sa lupain ng Egipto na inyong tinahanan: at huwag din kayong gagawa ng gaya ng ginagawa sa lupain ng Canaan, na pinagdadalhan ko sa inyo: ni huwag kayong lalakad ng ayon sa mga palatuntunan nila. 003 LEV 018 004 Tutuparin ninyo ang aking mga kahatulan, at iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan, na inyong lalakaran: ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 018 005 Tutuparin nga ninyo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan: na ikabubuhay ng mga taong magsisitupad: ako ang Panginoon. 003 LEV 018 006 Huwag lalapit ang sinoman sa inyo sa kanino man sa kaniyang kamaganak na malapit, upang ilitaw ang kaniyang kahubaran: ako ang Panginoon. 003 LEV 018 007 Ang kahubaran ng iyong ama, o ang kahubaran ng iyong ina ay huwag mong ililitaw: siya'y iyong ina; huwag mong ililitaw ang kahubaran niya. 003 LEV 018 008 Ang kahubaran ng asawa ng iyong ama ay huwag mong ililitaw: yaon nga'y kahubaran ng iyong ama. 003 LEV 018 009 Ang kahubaran ng iyong kapatid na babae, na anak ng iyong ama o anak ng iyong ina, maging ipinanganak sa sarili o sa ibang bayan, ay huwag mong ililitaw ang kahubaran nila. 003 LEV 018 010 Ang kahubaran ng anak na babae ng iyong anak na lalake, o ng anak na babae ng iyong anak na babae, ay huwag mong ililitaw ang kahubaran nila: sapagka't ang kahubaran nila ay kahubaran mo rin. 003 LEV 018 011 Ang kahubaran ng anak ng babae ng asawa ng iyong ama, na naging anak sa iyong ama, siya'y kapatid mo, huwag mong ililitaw ang kahubaran niya. 003 LEV 018 012 Ang kahubaran ng kapatid na babae ng iyong ama ay huwag mong ililitaw: siya'y kamaganak na malapit ng iyong ama. 003 LEV 018 013 Ang kahubaran ng kapatid na babae ng iyong ina ay huwag mong ililitaw: sapagka't siya'y kamaganak na malapit ng iyong ina. 003 LEV 018 014 Ang kahubaran ng kapatid na lalake ng iyong ama ay huwag mong ililitaw, sa asawa niya ay huwag kang sisiping: siya'y iyong ali. 003 LEV 018 015 Ang kahubaran ng iyong manugang na babae ay huwag mong ililitaw: siya'y asawa ng iyong anak; ang kahubaran niya ay huwag mong ililitaw. 003 LEV 018 016 Ang kahubaran ng asawa ng iyong kapatid na lalake ay huwag mong ililitaw: kahubaran nga ng iyong kapatid na lalake. 003 LEV 018 017 Ang kahubaran ng isang babae at ng kaniyang anak na babae ay huwag mong ililitaw; huwag mong pakikisamahan ang anak na babae ng kaniyang anak na lalake o ang anak na babae ng kaniyang anak na babae, upang ilitaw ang kaniyang kahubaran; sila'y kamaganak na malapit: kasamaan nga. 003 LEV 018 018 At huwag kang makikisama sa isang babaing kalakip ng kaniyang kapatid, na magiging kaagaw niya, na iyong ililitaw ang kahubaran nito, bukod sa kahubaran niyaon, sa buong buhay niya. 003 LEV 018 019 At huwag kang sisiping sa isang babae na ililitaw ang kahubaran niya habang siya'y marumi sa kaniyang karumalan. 003 LEV 018 020 At huwag kang sisiping sa asawa ng iyong kapuwa, na magpapakadumi sa kaniya. 003 LEV 018 021 At huwag kang magbibigay ng iyong binhi, na iyong palilipatin kay Moloch sa pamamagitan ng apoy; ni huwag mong lalapastanganin ang pangalan ng iyong Dios: ako ang Panginoon. 003 LEV 018 022 Huwag kang sisiping sa lalake ng gaya sa babae: karumaldumal nga. 003 LEV 018 023 At huwag kang sisiping sa anomang hayop na magpapakadumi riyan: ni ang babae ay huwag lalagay sa harap ng hayop upang pasiping: kahalayhalay nga. 003 LEV 018 024 Huwag kayong magpakarumi sa alin man sa mga bagay na ito; sapagka't lahat ng ito ay nangadumhan ang mga bansang aking palayasin sa harap ninyo: 003 LEV 018 025 At nadumhan ang lupain: kaya't aking dinadalaw ang kasamaang iyan diyan, at ang lupain din ang nagluluwa sa mga tumatahan diyan. 003 LEV 018 026 Inyo ngang iingatan ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga kahatulan, at huwag kayong gagawa ng anoman sa mga karumaldumal na ito; maging ang mga tubo sa lupain o ang mga taga ibang bayan man na nakikipamayan sa inyo: 003 LEV 018 027 (Sapagka't ang lahat ng karumaldumal na ito, ay ginawa ng mga tao sa lupaing iyan, na mga una kaysa inyo; at ang lupain ay nadumhan); 003 LEV 018 028 Upang huwag naman kayong iluwa ng lupain, sa pagkahawa ninyo, na gaya ng pagluluwa sa bansang nagsitahan ng una kaysa inyo. 003 LEV 018 029 Sapagka't yaong lahat na gumawa ng alin man sa mga kahalayang ito, sa makatuwid baga'y ang mga taong magsigawa ng gayon ay ihihiwalay sa kanilang bayan. 003 LEV 018 030 Kaya ingatan ninyo ang aking bilin, na huwag kayong gumawa ng alin man sa mga karumaldumal na kaugaliang ito na kanilang ginawa ng una bago kayo, at huwag kayong magpakarumal sa mga iyan: ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 019 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 019 002 Salitain mo sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Kayo'y magpakabanal; sapagka't akong Panginoon ninyong Dios ay banal. 003 LEV 019 003 Matatakot ang bawa't isa sa inyo, sa kaniyang ina at sa kaniyang ama, at ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath: ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 019 004 Huwag ninyong babalikan ang mga diosdiosan, ni huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga dios na binubo: ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 019 005 At pagka kayo'y maghahandog sa Panginoon ng hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay inyong ihahandog upang kayo'y tanggapin. 003 LEV 019 006 Sa araw ding ihandog ay kakanin, at sa kinabukasan: at kung may labis hanggang sa ikatlong araw ay susunugin sa apoy. 003 LEV 019 007 At kung kanin sa anomang paraan sa ikatlong araw, ay karumaldumal nga; ito'y hindi tatanggapin: 003 LEV 019 008 Kundi yaong kumain ay siyang magtataglay ng kaniyang kasamaan; sapagka't nilapastangan niya ang banal na bagay ng Panginoon: at ihihiwalay ang gayong tao sa kaniyang bayan. 003 LEV 019 009 At pagka gagapas kayo ng mga uhay sa inyong lupain, ay huwag ninyong pakakagapasin ang mga sulok ng inyong bukid, ni huwag ninyong pamulutan ang inyong lupang ginapasan. 003 LEV 019 010 At huwag ninyong sisimutin ang inyong ubasan, ni huwag ninyong pupulutin ang bungang nahulog sa inyong ubasan; sa dukha at sa taga ibang bayan, pababayaan ninyo: ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 019 011 Huwag kayong magnanakaw; ni magdadaya, ni magsisinungaling ang sinoman sa iba. 003 LEV 019 012 At huwag kayong susumpa ng di totoo sa aking pangalan, na anopa't lapastanganin ninyo ang pangalan ng inyong Dios; ako ang Panginoon. 003 LEV 019 013 Huwag kayong pipighati sa inyong kapuwa, o magnanakaw man sa kaniya: ang bayad ng isang mag-aaraw ay huwag matitira sa inyo ng buong gabi hanggang sa umaga. 003 LEV 019 014 Huwag ninyong lalaitin ang bingi, ni maglalagay ng katitisuran sa harap ng bulag, kundi katatakutan ninyo ang inyong Dios: ako ang Panginoon. 003 LEV 019 015 Huwag kayong gagawa ng kalikuan sa paghatol: huwag kayong magtatangi ng pagkatao ng dukha, ni huwag ninyong pararangalan ang pagkatao ng makapangyarihan: kundi hahatulan ninyo ng katuwiran ang inyong kapuwa. 003 LEV 019 016 Huwag kayong maghahatid dumapit sa inyong bayan, ni titindig laban sa dugo ng inyong kapuwa: ako ang Panginoon. 003 LEV 019 017 Huwag ninyong kapopootan ang inyong kapatid sa inyong puso; tunay na inyong sasawayin ang inyong kapuwa, at huwag kayong magtaglay ng kasalanan dahil sa kaniya. 003 LEV 019 018 Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan, kungdi iibigin ninyo ang inyong kapuwa na gaya ng sa inyong sarili: ako ang Panginoon. 003 LEV 019 019 Iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan. Huwag ninyong pagaasawahin ang dalawang hayop ninyong magkaiba; huwag kayong maghahasik sa inyong bukid ng dalawang magkaibang binhi; ni damit na hinabi na may magkahalong dalawang magkaibang kayo ay huwag kayong magsusuot. 003 LEV 019 020 At kung ang sinomang lalake ay sumiping sa isang babaing aliping may asawa, na hindi pa natutubos, o hindi pa man nabibigyan ng kalayaan; ay kapuwa parurusahan; hindi sila papatayin, sapagka't siya'y hindi laya. 003 LEV 019 021 At kaniyang dadalhin sa Panginoon ang kaniyang handog dahil sa pagkakasala, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa makatuwid baga'y isang tupang lalake na pinakahandog dahil sa pagkakasala: 003 LEV 019 022 At itutubos sa kaniya ng saserdote sa pamamagitan ng tupang handog dahil sa pagkakasala sa harap ng Panginoon, dahil sa kaniyang kasalanan niyang pinagkasalahan: at ipatatawad sa kaniya ang kasalanan niyang kaniyang pinagkasalahan. 003 LEV 019 023 At pagka kayo'y papasok sa lupain, at nakapagtanim na kayo ng sarisaring punong kahoy na pagkain, ay aariin ninyo ang bunga niyaon na parang hindi sa tuli: tatlong taong aariin ninyong parang hindi sa tuli; hindi kakanin. 003 LEV 019 024 Datapuwa't sa ikaapat na taon, ang lahat ng bunga niyaon ay magiging banal na pinaka papuri sa Panginoon. 003 LEV 019 025 At sa ikalimang taon ay kakain kayo ng bunga niyaon upang papagbungahin sa inyo: ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 019 026 Huwag kayong kakain ng anomang may dugo: ni huwag kayong mag-eenkanto ni magpapamahiin. 003 LEV 019 027 Huwag ninyong gugupitin ng pabilog ang mga buhok sa palibot ng inyong ulo, ni huwag mong sisirain ang mga dulo ng iyong balbas. 003 LEV 019 028 Huwag ninyong kukudlitan ang inyong laman dahil sa namatay: ni huwag ninyong lilimbagan ang inyong laman ng anomang tanda; ako ang Panginoon. 003 LEV 019 029 Huwag mong hahamakin ang iyong anak na babae, na siya'y iyong pagmamasamaing babae: baka ang lupain ay malugmok sa pakikiapid, at mapuno ang lupain ng kasamaan. 003 LEV 019 030 Ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath, at igagalang ninyo ang aking santuario: ako ang Panginoon. 003 LEV 019 031 Huwag ninyong babalikan ang mga inaalihan ng masasamang espiritu ni ang mga mangkukulam: huwag ninyong hanapin na magpakahawa sa kanila: ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 019 032 Titindig kayo sa harap ng may uban at igagalang ninyo ang mukha ng matanda, at katatakutan ninyo ang inyong Dios: ako ang Panginoon. 003 LEV 019 033 At kung ang isang taga ibang bayan ay nakikipamayan na kasama ninyo sa inyong lupain, ay huwag ninyong gagawan ng masama. 003 LEV 019 034 Ang taga ibang bayan na nakikipamayan na kasama ninyo, ay inyong aariing tubo sa lupain, at iibigin ninyo na gaya ng sa inyong sarili; sapagka't naging taga ibang bayan kayo sa lupain ng Egipto: ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 019 035 Huwag kayong gagawa ng kalikuan sa paghatol, sa pagsukat, sa pagtimbang, o sa pagtakal. 003 LEV 019 036 Timbangang matuwid, panimbang na matuwid, epa na matuwid at hin na matuwid ang aariin ninyo: ako ang Panginoon ninyong Dios na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto. 003 LEV 019 037 At inyong iingatan ang lahat ng aking palatuntunan, at ang lahat ng aking kahatulan, at inyong isasagawa: ako ang Panginoon. 003 LEV 020 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 020 002 Bukod dito'y sasabihin mo rin sa mga anak ni Israel, Sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa Israel, na magbigay ng kaniyang binhi kay Moloch; ay papataying walang pagsala; siya'y babatuhin ng mga bato ng mga tao ng lupain. 003 LEV 020 003 Akin ding itititig ang aking mukha laban sa taong yaon, at akin siyang ihihiwalay sa kaniyang bayan: sapagka't binigyan niya ng kaniyang binhi si Moloch, upang ihawa ang aking santuario, at lapastanganin ang aking banal na pangalan. 003 LEV 020 004 At kung ilingid ng bayan sa lupain sa paraang anoman ang kanilang mga mata sa taong yaon, pagka nagbibigay ng kaniyang binhi kay Moloch, at hindi papatayin: 003 LEV 020 005 Ay itititig ko nga ang aking mukha laban sa taong yaon, at laban sa kaniyang sangbahayan, at ihihiwalay ko sa kanilang bayan, siya at lahat ng manalig na sumunod sa kaniya, na nanalig kay Moloch. 003 LEV 020 006 At ang taong magbalik sa inaalihan ng masamang espiritu at sa mga mangkukulam, upang manalig sa mga yaon ay itititig ko ang aking mukha laban sa taong yaon, at ihihiwalay ko siya sa kaniyang bayan. 003 LEV 020 007 Magpakabanal nga kayo at kayo'y maging banal; sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 020 008 At iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan, at inyong isasagawa: ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo. 003 LEV 020 009 Sapagka't bawa't isa na lumalait sa kaniyang ama o sa kaniyang ina ay papatayin na walang pagsala: kaniyang nilait ang kaniyang ama o ang kaniyang ina: mabububo ang kaniyang dugo sa kaniya. 003 LEV 020 010 Ang lalake na mangalunya sa asawa ng iba, sa makatuwid baga'y yaong mangalunya sa asawa ng kaniyang kapuwa, ay papatayin na walang pagsala ang nangangalunya at ang napakalunya. 003 LEV 020 011 At ang lalaking sumiping sa asawa ng kaniyang ama, ay kahubaran ng kaniyang ama ang kaniyang inilitaw: kapuwa sila papatayin na walang pagsala; mabububo ang dugo nila sa kanila. 003 LEV 020 012 At kung ang isang lalake ay sumiping sa kaniyang manugang, ay kapuwa sila papatayin; sila'y gumawa ng kahalayhalay; mabububo ang kanilang dugo sa kanila. 003 LEV 020 013 At kung ang isang lalake ay sumiping sa kapuwa lalake, na gaya ng pagsiping sa babae: ay kapuwa sila nagkasala ng karumaldumal: sila'y papatayin na walang pagsala: mabububo ang kanilang dugo sa kanila. 003 LEV 020 014 At kung ang isang lalake ay magasawa sa isang babae at sa kaniyang ina, ay kasamaan; susunugin sa apoy kapuwa siya at sila; upang huwag magkaroon ng kasamaan sa inyo. 003 LEV 020 015 At kung ang isang lalake ay makiapid sa hayop, ay papatayin na walang pagsala: at papatayin din ninyo ang hayop. 003 LEV 020 016 At kung ang isang babae ay lumapit sa alin mang hayop at pasiping ay papatayin mo ang babae at ang hayop: sila'y papatayin na walang pagsala; mabububo ang kanilang dugo sa kanila. 003 LEV 020 017 At kung kunin ng isang lalake ang kaniyang kapatid na babae, na anak ng kaniyang ama o anak ng kaniyang ina, at kaniyang makita ang kaniyang kahubaran, at makita ng babae ang kahubaran niya: ay bagay na kahalayhalay nga; at sila'y ihihiwalay sa paningin ng mga anak ng kanilang bayan: ang kahubaran ng kaniyang kapatid na babae ay inilitaw niya; kaniyang tataglayin ang kasamaan niya. 003 LEV 020 018 At kung ang isang lalake ay sumiping sa isang babaing may karumalan, at ilitaw ang kahubaran niya; ay kaniyang hinubdan ang agas niya, at siya naman ay lumitaw ng agas ng kaniyang dugo: at sila'y kapuwa ihihiwalay sa kanilang bayan. 003 LEV 020 019 At huwag mong ililitaw ang kahubaran ng kapatid na babae ng iyong ina, ni ng kapatid na babae ng iyong ama: sapagka't hinubdan niya ang kaniyang kamaganak na malapit: kapuwa magtataglay ng kanilang kasamaan. 003 LEV 020 020 At kung ang isang lalake ay sumiping sa asawa ng kaniyang amain ay kaniyang inilitaw ang kahubaran ng kaniyang amain: tataglayin nila ang kanilang kasalanan; mamamatay silang walang anak. 003 LEV 020 021 At kung ang isang lalake ay makisama sa asawa ng kaniyang kapatid na lalake, ay kahalayan: kaniyang inilitaw ang kahubaran ng kaniyang kapatid na lalake; mabubuhay silang walang anak. 003 LEV 020 022 Ingatan nga ninyo ang lahat ng aking mga palatuntunan at ang lahat ng aking mga kahatulan, at inyong isasagawa: upang huwag kayong iluwa ng lupain na aking pinagdadalhan sa inyo na inyong tatahanan. 003 LEV 020 023 At huwag kayong lalakad ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansang aking palalayasin sa harap ninyo: sapagka't ang lahat ng kasamaang ito ay ginawa nila, at kaya ko kinapopootan. 003 LEV 020 024 Datapuwa't sa inyo'y aking sinabi, Mamanahin ninyo ang lupain nila, at ibibigay ko sa inyo upang inyong manahin, na isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot: ako ang Panginoon ninyong Dios na ibinukod ko kayo sa mga bayan. 003 LEV 020 025 Inyo ngang lalagyan ng pagkakaiba ang hayop na malinis at ang karumaldumal, at ang ibong karumaldumal at ang malinis: at huwag ninyong gagawing karumaldumal ang inyong pagkatao, sa hayop o sa ibon, o sa anomang bagay na umuusad sa lupa, na inihiwalay ko sa inyo palibhasa'y mga karumaldumal. 003 LEV 020 026 At kayo'y magpapakabanal sa akin: sapagka't akong, Panginoon, ay banal, at kayo'y ibinukod ko sa mga bayan, upang kayo'y maging akin. 003 LEV 020 027 Ang isang lalake rin naman o kaya'y ang isang babae na inaalihan ng masamang espiritu, o mangkukulam, ay papatayin na walang pagsala, sila'y babatuhin ng mga bato: mabububo ang kanilang dugo sa kanila. 003 LEV 021 001 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Salitain mo sa mga saserdote na mga anak ni Aaron, at sabihin mo sa kanila, Sinoman ay huwag magpakahawa ng dahil sa patay, sa gitna ng kaniyang bayan, 003 LEV 021 002 Maliban sa kamaganak na malapit, sa kaniyang ina at sa kaniyang ama at sa kaniyang anak na lalake at babae, at sa kaniyang kapatid na lalake, 003 LEV 021 003 At sa kaniyang kapatid na dalaga, na malapit sa kaniya, na walang asawa, ay maaring magpakahawa siya. 003 LEV 021 004 Yamang puno sa kaniyang bayan, ay huwag siyang magpapakahawa na magpapakarumi. 003 LEV 021 005 Huwag nilang kakalbuhin ang kanilang ulo, o gugupitin man ang dulo ng kanilang balbas, o kukudlitan man ang kanilang laman. 003 LEV 021 006 Sila'y magpakabanal sa kanilang Dios, at huwag nilang lalapastanganin ang pangalan ng kanilang Dios: sapagka't sila ang naghahandog ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, na tinapay ng kanilang Dios, kaya't sila'y magpapakabanal. 003 LEV 021 007 Huwag silang makikisama sa patutot o lapastangan, ni makikisama sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa: sapagka't ang saserdote ay banal sa kaniyang Dios. 003 LEV 021 008 Papagbabanalin mo nga siya; sapagka't siya ang naghahandog ng tinapay ng inyong Dios: siya'y magiging banal sa inyo; sapagka't akong Panginoon nagpapaging banal sa inyo ay banal. 003 LEV 021 009 At kung ang anak na babae ng isang saserdote ay magpakarumi sa pagpapatutot, ay kaniyang binigyan ng kahihiyan ang kaniyang ama: siya'y susunugin sa apoy. 003 LEV 021 010 At ang pangulong saserdote sa kanilang magkakapatid, na binuhusan ang ulo ng langis na pang-pahid, at itinalaga, upang makapagbihis ng mga banal na bihisan ay huwag maglulugay ng buhok ng kaniyang ulo ni huwag hahapakin ang kaniyang mga suot; 003 LEV 021 011 Ni papasok sa kinaroroonan ng bangkay nino man, ni magpapakahawa dahil sa kaniyang ama, o dahil sa kaniyang ina; 003 LEV 021 012 Ni lalabas sa santuario, ni lalapastanganin ang santuario ng kaniyang Dios; sapagka't ang talaga na langis na pang-pahid ng kaniyang Dios ay nasa ulo niya: ako ang Panginoon. 003 LEV 021 013 At siya'y magaasawa sa isang dalagang malinis. 003 LEV 021 014 Sa bao o inihiwalay, sa lamas o patutot ay huwag siyang magaasawa; kundi sa isang dalagang malinis sa kaniyang sariling bayan magaasawa siya. 003 LEV 021 015 At huwag niyang dudumhan ang kaniyang mga binhi sa gitna ng kaniyang bayan: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kaniya. 003 LEV 021 016 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 021 017 Iyong salitain kay Aaron, na iyong sasabihin, Sinoman sa iyong mga binhi, sa buong panahon ng kaniyang lahi, na magkaroon ng anomang kapintasan, ay huwag lumapit na maghandog ng tinapay ng kaniyang Dios. 003 LEV 021 018 Sapagka't sinomang magkaroon ng kapintasan ay huwag lalapit; maging ang taong bulag, o pilay, o magkaroon ng ilong na ungod, o ang mayroong kuntil, 003 LEV 021 019 O ang taong magkaroon ng paang bali o kamay na bali, 003 LEV 021 020 O taong kuba, o unano, o magkaroon ng kapintasan sa kaniyang mata, o galisin, o langibin, o luslusin: 003 LEV 021 021 Walang tao sa binhi ni Aaron na saserdote, na magkaroon ng kapintasan, na lalapit upang magharap ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: siya'y may kapintasan; siya'y huwag lalapit na magharap ng tinapay ng kaniyang Dios. 003 LEV 021 022 Kaniyang kakanin ang tinapay ng kaniyang Dios, ang pinakabanal at ang mga bagay na banal: 003 LEV 021 023 Hindi lamang siya papasok sa loob ng tabing, o lalapit man sa dambana, sapagka't may kapintasan siya; upang huwag niyang lapastanganin ang aking mga santuario: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila. 003 LEV 021 024 Gayon sinalita ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel. 003 LEV 022 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 022 002 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak na sila'y magsihiwalay sa mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, na ikinagiging banal nila sa akin, at huwag nilang lapastanganin ang aking banal na pangalan: ako ang Panginoon. 003 LEV 022 003 Sabihin mo sa kanila, Sinomang lalake sa lahat ng inyong binhi sa buong panahon ng inyong lahi, na lumapit sa mga banal na bagay na ikinagiging banal ng mga anak ni Israel sa Panginoon, na taglay ang kaniyang karumihan, ay ihihiwalay ang taong iyon sa harap ko: ako ang Panginoon. 003 LEV 022 004 Sinomang lalake sa binhi ni Aaron na may ketong o may agas; ay hindi kakain ng mga banal na bagay hanggang siya'y malinis. At ang humipo ng alin mang bagay na karumaldumal dahil sa patay, o lalaking nilabasan ng binhi nito; 003 LEV 022 005 O sinomang humipo ng anomang umuusad na makapagpaparumi, o lalaking makakahawa dahil sa alin mang karumihan niya; 003 LEV 022 006 Ang lalaking humipo ng gayon ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon, at hindi kakain ng mga banal na bagay maliban na maligo siya sa tubig. 003 LEV 022 007 At pagkalubog ng araw, ay magiging malinis siya; at pagkatapos ay makakakain ng mga banal na bagay, sapagka't siya niyang tinapay. 003 LEV 022 008 Yaong bagay na namatay sa sarili, o nilapa ng mga ganid, ay huwag niyang kakanin, na makapagpapahawa sa kaniya: ako ang Panginoon. 003 LEV 022 009 Iingatan nga nila ang aking bilin, baka sila'y magkasala sa paraang iyan, at kanilang ikamatay, kung kanilang lapastanganin: ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila. 003 LEV 022 010 Hindi makakakain ang sinomang taga ibang bayan ng banal na bagay: sinomang nakikipanuluyan sa saserdote, o aliping upahan niya ay hindi makakakain ng banal na bagay. 003 LEV 022 011 Nguni't kung ang saserdote ay bumili ng sinomang tao sa kaniyang salapi, ay makakakain ito; at gayon din ang aliping inianak sa kaniyang bahay ay makakakain ng kaniyang tinapay. 003 LEV 022 012 At kung ang isang anak na babae ng saserdote ay magasawa sa isang taga ibang bayan, ay hindi makakakain sa handog na itinaas sa mga banal na bagay. 003 LEV 022 013 Datapuwa't kung ang anak na babae ng saserdote ay bao o inihiwalay, na walang anak at bumalik sa bahay ng kaniyang ama na gaya rin ng kaniyang pagkadalaga, ay makakakain ng tinapay ng kaniyang ama, nguni't ang sinomang taga ibang bayan ay hindi makakakain niyaon. 003 LEV 022 014 At kung ang sinomang lalake ay magkamaling kumain ng banal na bagay, ay kaniyang daragdagan pa nga ng ikalimang bahagi yaon, at ibibigay niya sa saserdote ang banal na bagay. 003 LEV 022 015 At huwag nilang dudumhan ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, na inihahandog sa Panginoon; 003 LEV 022 016 At gayon papasanin ang kasamaan ng nagtataglay ng sala, pagka kanilang kinakain ang kanilang mga banal na bagay: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila. 003 LEV 022 017 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 022 018 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Sinoman sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang bayan sa Israel, na maghahandog ng kaniyang alay, maging anomang panata nila, o maging anomang kusang handog nila, na kanilang inihahandog sa Panginoon na pinakahandog na susunugin; 003 LEV 022 019 Upang kayo'y tanggapin, ang inyong ihahandog ay lalaking hayop na walang kapintasan, sa mga baka, sa mga tupa, o sa mga kambing. 003 LEV 022 020 Datapuwa't alin mang may kapintasan, ay huwag ninyong ihahandog; sapagka't hindi tatanggapin sa inyo. 003 LEV 022 021 At sinomang maghandog sa Panginoon ng haing handog tungkol sa kapayapaan, sa pagtupad ng isang panata o kaya'y kusang handog, na mula sa bakahan o sa kawan ay kinakailangang sakdal, upang tanggapin; anomang kapintasan ay huwag magkakaroon. 003 LEV 022 022 Bulag, o may bali, o may hiwa, o may sugat, o galisin, o malangib, ay huwag ninyong ihahandog ang mga ito sa Panginoon, ni huwag kayong maghahandog sa Panginoon ng mga iyan na pinaraan sa apoy sa ibabaw ng dambana. 003 LEV 022 023 Maging toro o tupa na may anomang kuntil o kulang sa kaniyang sangkap ng katawan, ay maihahandog mo na handog mo na kusa, datapuwa't sa panata ay hindi tatanggapin. 003 LEV 022 024 Yaong niluluslusan, o napisa, o nabasag, o naputol ay huwag ninyong ihahandog sa Panginoon; ni huwag kayong gagawa ng ganyan sa inyong lupain. 003 LEV 022 025 Ni mula sa kamay ng taga ibang lupa ay huwag ninyong ihahandog na pinakatinapay ng inyong Dios ang alin mang mga hayop na ito: sapagka't taglay nila ang kanilang karumhan, may kapintasan sa mga iyan: hindi tatanggapin sa inyo. 003 LEV 022 026 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 022 027 Pagka may ipinanganak, na baka, o tupa, o kambing ay mapapasa kaniyang ina ngang pitong araw; at mula sa ikawalong araw hanggang sa haharapin ay tatanggaping alay sa Panginoon na handog na pinaraan sa apoy. 003 LEV 022 028 At maging baka o tupa ay huwag ninyong papatayin sa isang araw siya at ang kaniyang anak. 003 LEV 022 029 At pagka kayo'y maghahandog ng haing pasalamat sa Panginoon, ay inyong ihahain upang kayo'y tanggapin. 003 LEV 022 030 Sa araw ding iyan kakanin; huwag kayong magtitira ng anoman niyan hanggang sa umaga: ako ang Panginoon. 003 LEV 022 031 Kaya't inyong iingatan ang aking mga utos, at inyong tutuparin: ako ang Panginoon. 003 LEV 022 032 At huwag ninyong lalapastanganin ang aking banal na pangalan; kundi ako'y sasambahin sa gitna ng mga anak ni Israel: ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa inyo, 003 LEV 022 033 Na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang ako'y maging inyong Dios: ako ang Panginoon. 003 LEV 023 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 023 002 Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, ay mga ito nga ang aking mga takdang kapistahan. 003 LEV 023 003 Anim na araw na gagawa: datapuwa't sa ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, siyang banal na pagpupulong; anomang gawa ay huwag ninyong gagawin: isang sabbath sa Panginoon sa lahat ng inyong tahanan. 003 LEV 023 004 Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon ng mga banal na pagpupulong na inyong itatanyag sa takdang panahon. 003 LEV 023 005 Sa unang buwan, nang ikalabing apat na araw ng buwan, sa paglubog ng araw, ay paskua sa Panginoon. 003 LEV 023 006 At nang ikalabing limang araw ng buwang iyan, ay kapistahan ng tinapay na walang lebadura sa Panginoon: pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura. 003 LEV 023 007 Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong: anomang gawang paglilingkod ay huwag ninyong gagawin. 003 LEV 023 008 Kundi maghahandog kayo sa Panginoon na pitong araw ng handog na pinaraan sa apoy; sa ikapitong araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong anomang gawang paglilingkod ay huwag ninyong gagawin. 003 LEV 023 009 At sinalita ng Panginoon kay Moises na sinasabi, 003 LEV 023 010 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagka kayo'y nakapasok sa lupain na ibibigay ko sa inyo, at inyong nagapas na ang ani niyaon, ay magdadala nga kayo sa saserdote ng bigkis na pinaka pangunang bunga ng inyong paggapas: 003 LEV 023 011 At aalugin niya ang bigkis sa harap ng Panginoon upang tanggapin sa ganang inyo: sa kinabukasan pagkatapos ng sabbath aalugin ng saserdote. 003 LEV 023 012 At sa araw na inyong alugin ang bigkis, ay maghahandog kayo ng isang korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan, na pinakahandog na susunugin sa Panginoon. 003 LEV 023 013 At ang handog na harina niyaon ay magiging dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na hinaluan ng langis, handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy: at ang pinakahandog na inumin niyaon ay alak, na ikaapat na bahagi ng isang hin. 003 LEV 023 014 At huwag kayong kakain ng tinapay, ni trigong sinangag, ni uhay na bago, hanggang sa araw na ito, hanggang sa inyong madala ang alay sa inyong Dios: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong mga tahanan. 003 LEV 023 015 At kayo'y bibilang sa inyo mula sa kinabukasan ng sabbath mula sa araw na inyong dalhin ang bigkis na handog na inalog: magiging pitong sabbath na ganap. 003 LEV 023 016 Sa makatuwid baga'y hanggang sa kinabukasan ng ikapitong sabbath, bibilang kayo ng limang pung araw; at maghahandog kayo ng bagong handog na harina sa Panginoon. 003 LEV 023 017 Sa inyong mga tahanan ay magdadala kayo ng dalawang tinapay na aalugin na may dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, at lulutuin na may levadura na pinaka pangunang bunga sa Panginoon. 003 LEV 023 018 At ihaharap ninyo ang tinapay na kalakip ng pitong kordero ng unang taon na walang kapintasan, at ng isang guyang toro at ng dalawang tupang lalake: mga handog sa Panginoon na susunugin, na kalakip ng kanilang handog na harina, at ng kanilang mga handog na inumin, handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 003 LEV 023 019 At maghahandog kayo ng isang lalaking kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ng dalawang korderong lalake ng unang taon na haing mga handog tungkol sa kapayapaan. 003 LEV 023 020 At aalugin ng saserdote pati ng tinapay ng mga unang bunga, na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon, na kalakip ng dalawang kordero: ang mga tinapay ay magiging itinalaga sa Panginoon na ukol sa saserdote. 003 LEV 023 021 At inyong ihahayag sa araw ding iyan; magiging banal na pagpupulong nga sa inyo; kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod: siyang palatuntunan sa lahat ng inyong mga tahanan, sa buong panahon ng inyong lahi. 003 LEV 023 022 At pagka inyong aanihin ang ani sa inyong lupain, ay huwag ninyong pakakaanihin ang mga sulok ng inyong bukid, ni pamulutan ang inyong naanihan: sa dukha at sa taga ibang lupa inyong ititira: ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 023 023 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 023 024 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, ay magkakaroon kayo ng takdang kapahingahan, na pinakaalaalang may tunog ng mga pakakak banal na pagpupulong nga. 003 LEV 023 025 Kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod: at kayo'y maghahandog ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 003 LEV 023 026 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 023 027 Gayon ma'y sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan ay araw ng pagtubos: magiging sa inyo'y banal na pagpupulong, at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa; at maghahandog kayo ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 003 LEV 023 028 At huwag kayong gagawa ng anomang gawa sa araw ding iyan: sapagka't araw ng pagtubos, upang itubos sa inyo sa harap ng Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 023 029 Sapagka't sinomang tao na hindi magdalamhati sa araw ding iyan ay ihihiwalay sa kaniyang bayan. 003 LEV 023 030 At sinomang tao na gumawa ng anomang gawa sa araw ding iyan ay pupuksain ko ang taong yaon sa kaniyang bayan. 003 LEV 023 031 Kayo'y huwag gagawa ng anomang gawa: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi sa lahat ng inyong mga tahanan. 003 LEV 023 032 Magiging sabbath na takdang kapahingahan sa inyo, at inyong pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa sa ikasiyam na araw ng buwan sa hapon, mula sa pagkalubog ng araw hanggang sa muling pagkalubog ng araw ay ipangingilin ninyo ang inyong sabbath. 003 LEV 023 033 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 023 034 Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, Sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwang ito ay kapistahan ng mga balag na pitong araw sa Panginoon. 003 LEV 023 035 Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong; kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod. 003 LEV 023 036 Pitong araw na maghahandog kayo sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; sa ikawalong araw ay magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong; at kayo'y maghahandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; siyang pinaka dakilang kapulungan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod. 003 LEV 023 037 Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, upang maghandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy, ng handog na susunugin, at ng handog na harina, ng hain, at ng mga handog na inumin na bawa't isa ay sa kaniyang sariling kaarawan: 003 LEV 023 038 Bukod sa mga sabbath sa Panginoon, at bukod sa inyong mga kaloob, at bukod sa lahat ng inyong mga panata, at bukod sa lahat ng inyong mga handog na kusa na inyong ibinibigay sa Panginoon. 003 LEV 023 039 Gayon ma'y sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, pagka inyong natipon ang bunga ng lupain, ay magdidiwang kayo sa Panginoon ng kapistahang pitong araw: ang unang araw ay magiging takdang kapahingahan, at ang ikawalong araw ay magiging takdang kapahingahan. 003 LEV 023 040 At magdadala kayo sa unang araw ng bunga ng magagandang punong kahoy, ng mga sanga ng mga palma, at ng mga sanga ng mayayabong na punong kahoy, at ng mga sause ng batis; at kayo'y magpapakagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios, na pitong araw. 003 LEV 023 041 At inyong ipangingiling isang kapistahan sa Panginoon na pitong araw sa bawa't taon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi: sa ikapitong buwan ay ipagdidiwang ninyo ang kapistahang ito. 003 LEV 023 042 Kayo'y tatahan sa mga balag na pitong araw; yaong lahat ng tubo sa Israel ay tatahan sa mga balag: 003 LEV 023 043 Upang maalaman ng inyong mga lahi na sa mga balag pinatahan ko ang mga anak ni Israel, nang aking ilabas sa lupain ng Egipto: ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 023 044 At ipinakilala ni Moises sa mga anak ni Israel ang mga takdang kapistahan sa Panginoon. 003 LEV 024 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 024 002 Iutos mo sa mga anak ni Israel na dalhan ka ng langis na dalisay na oliva, na hinalo para sa ilawan, upang laging papagliyabin ang ilawan. 003 LEV 024 003 Sa labas ng tabing ng kaban ng patotoo sa tabernakulo ng kapisanan, ay aayusing palagi ni Aaron, mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi. 003 LEV 024 004 Kanyang aayusin lagi ang mga ilawan sa ibabaw ng kandelerong dalisay sa harap ng Panginoon. 003 LEV 024 005 At kukuha ka ng mainam na harina, at magluluto ka niyan ng labing dalawang munting tinapay: tigdadalawang ikasampung bahagi ng isang epa ang bawa't munting tinapay. 003 LEV 024 006 At ilalagay mong dalawang hanay, anim sa bawa't hanay, sa ibabaw ng dulang na dalisay sa harap ng Panginoon. 003 LEV 024 007 At maglalagay ka sa bawa't hanay ng dalisay na kamangyan, upang ito'y maging paalaala na tinapay, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 003 LEV 024 008 Sa bawa't sabbath ay aayusing palagi ang tinapay sa harap ng Panginoon; sa ganang mga anak ni Israel, na pinakatipang walang hanggan. 003 LEV 024 009 At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak; at kanilang kakanin sa dakong banal: sapagka't kabanalbanalang bagay sa kaniya sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy sa pamamagitan ng palatuntunang walang hanggan. 003 LEV 024 010 At ang anak na lalake ng isang babaing, Israelita na ang ama'y Egipcio, ay napasa gitna ng mga anak ni Israel: at nagbabag sa gitna ng kampamento ang anak ng babaing Israelita at ang isang lalake ni Israel. 003 LEV 024 011 At nilapastangan ng anak ng babaing Israelita ang Pangalan, at nilait: at siya'y kanilang dinala kay Moises, at ang pangalan ng kaniyang ina ay Selomith, na anak ni Dribi sa lipi ni Dan. 003 LEV 024 012 At siya'y kanilang inilagay sa bilangguan hanggang sa ang hatol ay ipahayag sa kanila ng bibig ng Panginoon. 003 LEV 024 013 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 024 014 Dalhin mo ang mapaglait sa labas ng kampamento; at ang lahat ng nakarinig sa kaniya ay magpatong ng kanilang mga kamay sa kaniyang ulo, at pagbatuhanan siya ng buong kapisanan. 003 LEV 024 015 At sasalitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Sinomang mapanungayaw sa kaniyang Dios ay magpapasan ng kaniyang sala. 003 LEV 024 016 At ang lumapastangan sa pangalan ng Panginoon ay papataying walang pagsala; walang pagsalang pagbabatuhanan siya ng buong kapisanan: maging taga ibang lupa o maging tubo sa lupain, ay papatayin pagka lumapastangan sa Pangalan ng Panginoon. 003 LEV 024 017 At ang manakit ng malubha sa kanino mang tao, ay papataying walang pagsala; 003 LEV 024 018 At ang manakit ng malubha sa isang hayop ay magpapalit: hayop kung hayop. 003 LEV 024 019 At kung ang sinoman ay makasakit sa kaniyang kapuwa: ayon sa ginawa niya ay gayon ang gagawin sa kaniya; 003 LEV 024 020 Bugbog kung bugbog, mata kung mata, ngipin kung ngipin: ayon sa kaniyang pagkasakit sa tao, ay gayon din ang gagawin sa kaniya. 003 LEV 024 021 At ang pumatay ng isang hayop ay magpapalit, at ang pumatay sa isang tao ay papatayin. 003 LEV 024 022 Magkakaroon kayo ng isa lamang kautusan sa taga ibang bayan, na gaya sa tubo sa lupain: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 024 023 At nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel at siya na nanglait ay inilabas nila sa kampamento, at siya'y pinagbatuhanan ng mga bato. At ginawa ng mga anak ni Israel, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises. 003 LEV 025 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai, na sinasabi, 003 LEV 025 002 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupain na ibibigay ko sa inyo, ay mangingilin ng isang sabbath sa Panginoon ang lupain. 003 LEV 025 003 Anim na taong hahasikan mo ang iyong bukid, at anim na taong kakapunin mo ang iyong ubasan, at titipunin mo ang bunga ng mga iyan; 003 LEV 025 004 Datapuwa't sa ikapitong taon ay magiging sabbath na takdang kapahingahan sa lupain, sabbath sa Panginoon: huwag mong hahasikan ang iyong bukid, ni kakapunin ang iyong ubasan. 003 LEV 025 005 Yaong tumubo sa sarili sa iyong inaanihan ay huwag mong aanihin, at ang mga ubas ng iyong ubasan na hindi nakapon ay huwag mong titipunin: magiging taong takdang kapahingahan sa lupain. 003 LEV 025 006 At ang bunga sa sabbath ng lupain ay magiging pagkain sa inyo; sa iyo, at sa iyong aliping lalake at babae, at sa iyong aliping upahan, at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa iyo; 003 LEV 025 007 At sa iyong mga baka at sa mga hayop na nasa iyong lupain ay magiging pagkain ang lahat ng bunga ng mga iyan. 003 LEV 025 008 At bibilang ka ng pitong sabbath ng taon, makapitong pitong taon; at magiging sa iyo'y mga araw ng pitong sabbath ng mga taon, sa makatuwid baga'y apat na pu't siyam na taon. 003 LEV 025 009 Kung magkagayo'y maguutos ka na lumibot sa bayan ang pakakak na matunog sa ikasangpung araw ng ika pitong buwan; sa araw ng pagtubos patutunugin ninyo ang pakakak sa buong lupain ninyo. 003 LEV 025 010 At ipangingilin ninyo ang ikalimang pung taon, at ihahayag ninyo sa buong lupain ang kalayaan sa lahat na tumatahan sa lupain: iya'y magiging kapistahan ng jubileo sa inyo; at bawa't isa sa inyo ay babalik sa kaniyang pag-aari, at bawa't isa'y babalik sa kaniyang sangbahayan. 003 LEV 025 011 Magiging kapistahan ng jubileo nga sa inyo ang ikalimang pung taon: huwag ninyong hahasikan ni aanihin ang tumubo sa kaniyang sarili, ni titipunin ang mga ubas ng ubasan na hindi nakapon. 003 LEV 025 012 Sapagka't kapistahan ng jubileo; magiging banal sa inyo: kakanin ninyo ang bunga niyan sa bukid. 003 LEV 025 013 Sa taong ito ng jubileo, ay babalik kayo, bawa't isa sa kaniyang pag-aari. 003 LEV 025 014 At kung ikaw ay magbili ng anoman sa iyong kapuwa o bumili ng anoman sa kamay ng iyong kapuwa, ay huwag kayong magdadayaan. 003 LEV 025 015 Ayon sa bilang ng taon pagkatapos ng jubileo, ay bibilhin mo sa iyong kapuwa, ayon sa bilang ng taon ng pagaani, ay kaniyang ipagbibili sa iyo. 003 LEV 025 016 Ayon sa dami ng mga taon, ay daragdagan mo ang halaga niyan, at ayon sa kakauntian ng mga taon, ay babawasan mo ang halaga niyan; sapagka't ganyang bilang ng ani ang kaniyang ipagbibili sa iyo. 003 LEV 025 017 At huwag kayong magdadayaan; kundi matatakot kayo sa inyong Dios: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 025 018 Kaya't inyong tutuparin ang aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan at inyong isasagawa at tatahan kayong tiwasay sa lupain. 003 LEV 025 019 At ang lupain ay magbubunga, at kakain kayo hanggang sa mabusog at tatahan kayong tiwasay doon. 003 LEV 025 020 At kung sasabihin ninyo, Anong aming kakanin sa ikapitong taon? narito, hindi kami maghahasik ni magtitipon ng aming mga bunga: 003 LEV 025 021 At aking igagawad ang aking pagpapala sa inyo sa ikaanim na taon, at magbubunga ng kasya sa tatlong taon. 003 LEV 025 022 At maghahasik kayo sa ikawalong taon, at kakain kayo ng dating kinamalig na mga bunga hanggang sa ikasiyam na taon, hanggang sa dumating ang pagbubunga ng ikawalo ay kakain kayo ng dating kinamalig. 003 LEV 025 023 At ang lupain ay hindi maipagbibili ng magpakailan man; sapagka't akin ang lupain: sapagka't kayo'y taga ibang bayan at makikipamayang kasama ko. 003 LEV 025 024 At sa buong lupain na iyong pag-aari ay magkakaloob kayo ng pangtubos sa lupain. 003 LEV 025 025 Kung ang iyong kapatid ay maghirap, at ipagbili ang anoman sa kaniyang pag-aari, ay paroroon ang kaniyang kamaganak na pinakamalapit sa kaniya, at tutubusin ang ipinagbili ng kaniyang kapatid. 003 LEV 025 026 At kung ang taong yaon ay walang manunubos, at siya'y yumaman at nakasumpong ng kasapatan upang matubos yaon; 003 LEV 025 027 Ay kaniyang bilangin ang mga taon pagkatapos na kaniyang naipagbili, at isasauli ang labis sa taong kaniyang pinagbilhan; at babalik siya sa kaniyang pag-aari. 003 LEV 025 028 Nguni't kung siya'y walang kasapatan, upang maibalik niya sa kaniya, ang ipinagbili ay matitira nga sa kapangyarihan ng bumili hanggang sa taon ng jubileo; at sa jubileo ay maaalis sa kapangyarihan niyaon, at ang may-ari ay babalik sa kaniyang pag-aari. 003 LEV 025 029 At kung ang isang tao ay magbili ng bahay na tahanan sa nakukutaang bayan ay matutubos niya sa loob ng isang buong taon pagkatapos na maipagbili; sapagka't isang buong taon ang kaniyang matuwid ng pagtubos. 003 LEV 025 030 At kung hindi matubos sa loob ng isang buong taon, ang bahay na nasa nakukutaang bayan ay lalagi magpakailan man, na pag-aari niyaong bumili, sa buong panahon ng kaniyang lahi: hindi maaalis sa kaniya sa jubileo. 003 LEV 025 031 Nguni't ang mga bahay sa mga nayon na walang kuta sa palibot, ay aariing para ng sa mga bukirin sa lupain: kanilang matutubos; at sa jubileo ay magsisialis. 003 LEV 025 032 Gayon ma'y sa mga bayan ng mga Levita, kailan ma'y maaaring matubos ng mga Levita ang mga bahay sa mga bayan ng kanilang pag-aari. 003 LEV 025 033 At kung ang isa sa mga Levita ay tumubos, ang bahay na ipinagbili at ang bayang kaniyang pag-aari, ay maaalis sa jubileo, sapagka't ang mga bahay sa mga bayan ng mga Levita ay kanilang pag-aari sa gitna ng mga anak ni Israel. 003 LEV 025 034 Datapuwa't ang mga bukid sa palibot ng mga bayan nila, ay hindi maipagbibili, sapagka't pag-aari nila magpakailan man. 003 LEV 025 035 At kung maghirap ang iyong kapatid at manglupaypay sa iyong siping, ay iyo siyang aalalayan na patutuluyin mo, na manunuluyan sa iyong parang taga ibang bayan at nakikipamayan. 003 LEV 025 036 Huwag kang kukuha sa kaniya ng patubo o pakinabang, kundi matakot ka sa iyong Dios: patuluyin mo ang iyong kapatid. 003 LEV 025 037 Ang iyong salapi ay huwag mong ibibigay sa kaniya na may patubo, ni ibibigay mo sa kaniya na may pakinabang ang iyong pagkain. 003 LEV 025 038 Ako ang Panginoon ninyong Dios, na inilabas ko kayo sa lupain ng Egipto, upang ibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan, at ako'y maging inyong Dios. 003 LEV 025 039 At kung ang iyong kapatid na kasama mo ay maghirap at pabili siya sa iyo: ay huwag mo siyang papaglilingkuring parang alipin; 003 LEV 025 040 Ipalalagay mo siyang parang lingkod na upahan at parang nakikipamayan; hanggang sa taon ng jubileo ay maglilingkod siya sa iyo: 003 LEV 025 041 Kung magkagayo'y aalis siya sa iyo, siya at ang kaniyang mga anak na kasama niya, at babalik sa kaniyang sariling sangbahayan, at babalik sa pag-aari ng kaniyang mga magulang. 003 LEV 025 042 Sapagka't sila'y aking mga lingkod, na aking inilabas sa lupain ng Egipto; sila'y hindi maipagbibiling parang mga alipin. 003 LEV 025 043 Huwag kang papapanginoon sa kaniya na may kabagsikan; kundi ikaw ay matatakot sa iyong Dios. 003 LEV 025 044 At tungkol sa iyong mga aliping lalake at babae na magkakaroon ka; sa mga bansang nasa palibot ninyo, ay makabibili kayo sa kanila ng mga aliping lalake at babae. 003 LEV 025 045 Saka sa mga anak ng mga taga ibang lupa na nakikipamayan sa inyo, sa mga ito'y makabibili kayo, at sa kanilang mga sangbahayan na nasa inyo, na mga ipinanganak nila sa inyong lupain: at magiging inyong pag-aari. 003 LEV 025 046 At inyong iiwang pinakapamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, na pinakapag-aari; sa mga iyan kukuha kayo ng inyong mga alipin magpakailan man: nguni't sa inyong mga kapatid na mga anak ni Israel ay huwag kayong magpapanginoonan na may kabagsikan. 003 LEV 025 047 At kung ang taga ibang lupa o ang nakikipamayan na kasama mo ay yumaman, at ang iyong kapatid ay maghirap sa siping niya, at pabili sa taga ibang bayan o nakikipamayan sa iyo o sa sinomang kasangbahay ng taga ibang lupa; 003 LEV 025 048 Pagkatapos na siya'y maipagbili ay kaniyang matutubos: isa sa kaniyang mga kapatid ay makatutubos sa kaniya: 003 LEV 025 049 O ang kaniyang amain o ang anak ng kaniyang amain ay makatutubos sa kaniya; o sinomang kamaganak na malapit niya sa kaniyang sangbahayan ay makatutubos sa kaniya; o kung yumaman siya ay makatutubos siya sa kaniyang sarili. 003 LEV 025 050 At kaniyang bibilangan yaong bumili sa kaniya, mula sa taong bilhin siya hanggang sa taon ng jubileo: at ang halaga ng pagkabili sa kaniya ay magiging ayon sa bilang ng mga taon; at gagawin sa kaniya ay ayon sa panahon ng isang lingkod na upahan. 003 LEV 025 051 Kung maraming taon pa ang kulang niya, ayon sa dami ng mga iyan, ay isasauli ang halaga ng kaniyang pagkatubos sa kaniya na salaping sa kaniya'y ibinili. 003 LEV 025 052 At kung kaunti ang mga taong nagkukulang hanggang sa taon ng jubileo ay ibibilang sa kaniya; ayon sa kaniyang mga taon na nagkukulang ay isasauli ang halaga ng kaniyang katubusan. 003 LEV 025 053 Kung paano ang alilang may bayad sa taon-taon, ay gayon matitira sa kaniya: siya'y huwag papapanginoon sa kaniya na may kabagsikan sa iyong paningin. 003 LEV 025 054 At kung hindi siya tubusin sa mga paraang ito, ay aalis siya sa taon ng jubileo, siya at ang kaniyang mga anak na kasama niya. 003 LEV 025 055 Sapagka't sa akin ang mga anak ni Israel ay mga lingkod; sila'y aking mga lingkod na aking inilabas sa lupain ng Egipto: ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 026 001 Huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diosdiosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haligi, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain, upang inyong yukuran yaon: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios. 003 LEV 026 002 Inyong ipangingilin ang aking mga sabbath, at inyong igagalang ang aking santuario: ako ang Panginoon. 003 LEV 026 003 Kung lalakad kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan at iingatan ninyo ang aking mga utos, at inyong tutuparin: 003 LEV 026 004 Ay maglalagpak nga ako ng ulan sa kapanahunan, at ang lupain ay pakikinabangan, at ang mga kahoy sa parang ay magbubunga. 003 LEV 026 005 At ang inyong paggiik ay aabot hanggang sa pagaani ng mga ubas, at ang pagaani ng ubas ay aabot sa paghahasik: at kakanin ninyo ang inyong pagkain na sagana, at tatahan kayong tiwasay sa inyong lupain. 003 LEV 026 006 At magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain, at mahihiga kayo, at walang katatakutan kayo: at aking papawiin sa lupain ang mababangis na hayop, ni hindi dadaanan ang inyong lupain sa tabak. 003 LEV 026 007 At hahabulin ninyo ang inyong mga kaaway, at mangabubuwal sa harap ninyo sa tabak. 003 LEV 026 008 At lima sa inyo'y hahabol sa isang daan, at isang daan sa inyo'y hahabol sa sangpung libo: at ang inyong mga kaaway ay mangabubuwal sa tabak sa harap ninyo. 003 LEV 026 009 At lilingapin ko kayo, at palalaguin ko kayo, at pararamihin ko kayo; at papagtitibayin ko ang aking tipan sa inyo. 003 LEV 026 010 At kakanin ninyo ang malaong kinamalig, at inyong ilalabas ang luma dahil sa bago. 003 LEV 026 011 At ilalagay ko ang aking tabernakulo sa gitna ninyo: at hindi ko kayo kapopootan. 003 LEV 026 012 At lalakad ako sa gitna ninyo at ako'y magiging inyong Dios, at kayo'y magiging aking bayan. 003 LEV 026 013 Ako ang Panginoon ninyong Dios, na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang huwag kayong maging mga alipin nila; at sinira ko ang mga kahoy ng inyong pamatok, at pinalakad ko kayo ng mga ulong matuwid. 003 LEV 026 014 Nguni't kung hindi ninyo pakikinggan ako, at hindi ninyo tutuparin ang lahat ng mga utos na ito; 003 LEV 026 015 At kung inyong tatanggihan ang aking mga palatuntunan, at kasusuklaman nga ninyo ang aking mga hatol, na anopa't hindi ninyo tutuparin ang lahat ng aking mga utos, kundi inyong sisirain ang aking tipan; 003 LEV 026 016 Ay gagawin ko naman ito sa inyo; ilalagay ko sa gitna ninyo ang sindak, at pagkatuyo, at ang lagnat na uubos sa mga mata, at magpapalupaypay sa kaluluwa: at maghahasik kayo ng inyong binhi na walang kabuluhan, sapagka't kakanin ng inyong mga kaaway. 003 LEV 026 017 At itititig ko ang aking mukha laban sa inyo, at kayo'y masasaktan sa harap ng inyong mga kaaway: kayo'y pagpupunuan ng mga napopoot sa inyo; at kayo'y tatakas nang walang humahabol sa inyo. 003 LEV 026 018 At kung sa mga bagay na ito man ay hindi ninyo ako pakinggan, ay parurusahan ko kayong makapito pa, dahil sa inyong mga kasalanan. 003 LEV 026 019 At sisirain ko ang kahambugan ng inyong kapangyarihan; at gagawin kong parang bakal ang inyong langit at parang tanso ang inyong lupa: 003 LEV 026 020 At gugugulin ninyo ang inyong kalakasan ng walang kabuluhan; sapagka't hindi ibibigay sa inyo ng inyong lupain ang kaniyang bunga ni ng kahoy sa parang ang kaniyang bunga. 003 LEV 026 021 At kung kayo'y sasalangsang sa akin, at hindi ninyo ako didinggin; ay dadalhan ko kayo ng makapito ang higit ng salot ayon sa inyong mga kasalanan. 003 LEV 026 022 At susuguin ko sa inyo ang mga halimaw sa parang, ng samsaman kayo ng inyong mga anak, at papatayin ang inyong mga hayop, at kayo'y pakakauntiin sa bilang; at mangungulila ang inyong mga lakad. 003 LEV 026 023 At kung sa mga bagay mang ito ay hindi pa kayo magbago sa akin, kundi sasalangsang kayo sa akin: 003 LEV 026 024 At lalakad din naman ako ng laban sa inyo, at sasaktan ko kayo, ng makapito pa dahil sa inyong mga kasalanan: 003 LEV 026 025 At pararatingin ko sa inyo ang tabak na gaganap ng higanti ng tipan; at kayo'y matitipon sa loob ng inyong mga bayan: at pararatingin ko ang salot sa gitna ninyo; at kayo'y mabibigay sa kamay ng kaaway. 003 LEV 026 026 Pagka masisira ko ang tungkod ninyong tinapay, ang sangpung babae ay magluluto ng inyong tinapay sa isa lamang hurno, at sa inyo'y isasauli sa timbang ang inyong tinapay: at kayo'y kakain at hindi kayo mangabubusog. 003 LEV 026 027 At kung sa lahat ng ito ay hindi ninyo ako pakikinggan, kundi kayo'y sasalangsang sa akin; 003 LEV 026 028 Ay sasalangsang ako sa inyo na may kapusukan; at parurusahan ko kayong makapito pa dahil sa inyong mga kasalanan. 003 LEV 026 029 At kakanin ninyo ang laman ng inyong mga anak na lalake, at ang mga laman ng inyong mga anak na babae ay inyong kakanin. 003 LEV 026 030 At sisirain ko ang inyong matataas na dako, at aking wawasakin ang inyong mga larawang araw, at itatapon ko ang inyong mga bangkay sa mga katawan ng inyong mga diosdiosan; at kapopootan kayo ng aking kaluluwa. 003 LEV 026 031 At gagawin kong giba ang inyong mga bayan, at gigibain ko ang inyong mga santuario, at hindi ko na sasamyuin ang amoy ng inyong mga may amoy na masarap. 003 LEV 026 032 At gagawin kong ilang ang lupain: at pagtatakhan ng inyong mga kaaway na tumatahan doon. 003 LEV 026 033 At kayo'y aking pangangalatin sa mga bansa, at pagbubunutan ko kayo ng tabak sa hulihan ninyo: at ang inyong lupain ay magiging isang ilang, at ang inyong mga bayan ay magiging sira. 003 LEV 026 034 Kung magkagayo'y magagalak ang lupain sa kaniyang mga sabbath, habang nahahandusay na sira, at kayo'y mapapasa lupain ng inyong mga kaaway; ang lupain nga ay magpapahinga, at magagalak sa kaniyang mga sabbath. 003 LEV 026 035 Habang nahahandusay na sira ay magkakaroon ng kapahingahan, sa makatuwid baga'y ang hindi ipinagpahinga sa inyong mga sabbath, nang kayo'y nagsisitahan doon. 003 LEV 026 036 At tungkol sa mga matitira sa inyo, ay sisidlan ko ng takot sa kanilang puso, sa mga lupain ng kaniyang mga kaaway: at hahabulin sila ng kalatis ng isang dahong nalalaglag; at sila'y tatakas na parang tumatakas sa tabak; at sila'y mabubuwal nang walang humahabol sa kanila. 003 LEV 026 037 At mangagkakatisuran sila na parang nasa harap ng tabak, kahit walang humahabol: at hindi kayo makatatayo sa harap ng inyong mga kaaway. 003 LEV 026 038 At mamamatay kayo sa gitna ng mga bansa, at sasakmalin kayo ng lupain ng inyong mga kaaway. 003 LEV 026 039 At ang mga matitira sa inyo ay magsisipanglupaypay sa kanilang kasamaan sa mga lupain ng inyong mga kaaway; at sa mga kasamaan naman ng kanilang mga magulang ay magsisipanglupaypay na kasama nila. 003 LEV 026 040 At kanilang isasaysay ang kanilang kasamaan, at ang kasamaan ng kanilang mga magulang, sa ang kanilang pagsalangsang na isinalangsang laban sa akin, sapagka't sila'y lumakad naman ng laban sa akin. 003 LEV 026 041 Ako naman ay lumakad ng laban sa kanila, at sila'y aking dinala sa lupain ng kanilang mga kaaway: kung magpapakababa nga ang kanilang mga pusong hindi tuli, at kanilang tatanggapin ang parusa sa kanilang kasamaan; 003 LEV 026 042 Ay aalalahanin ko nga ang aking tipan kay Jacob; at ang akin ding tipan kay Isaac, at gayon din ang aking tipan kay Abraham ay aking aalalahanin; at aking aalalahanin ang lupain. 003 LEV 026 043 Ang lupain naman ay pababayaan nila, at magagalak sa kaniyang mga sabbath, samantalang nahahandusay na sira na wala sila; at kanilang tatanggapin ang kaparusahan ng kanilang kasamaan: sapagka't kanilang tinanggihan ang aking mga hatol, at kinapootan ng kanilang kaluluwa ang aking mga palatuntunan. 003 LEV 026 044 At sa lahat mang ito, pagka sila'y nasa lupain ng kanilang mga kaaway ay hindi ko sila itatakuwil, ni kapopootan ko sila na sila'y aking lubos na lilipulin, at aking sisirain ang aking tipan sa kanila: sapagka't ako ang Panginoon nilang Dios: 003 LEV 026 045 Kundi aalalahanin ko alangalang sa kanila ang tipan ng kanilang mga magulang, na aking inilabas sa lupain ng Egipto, sa paningin ng mga bansa, upang ako'y maging kanilang Dios: ako ang Panginoon. 003 LEV 026 046 Ito ang mga palatuntunan at ang mga hatol at ang mga kautusang ginawa ng Panginoon sa kaniyang sarili at sa mga anak ni Israel sa bundok ng Sinai sa pamamagitan ni Moises. 003 LEV 027 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 003 LEV 027 002 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagka ang sinoman ay tutupad ng panata ayon sa iyong inihalaga, ay magiging sa Panginoon ang mga tao. 003 LEV 027 003 At ang iyong inihalaga tungkol sa lalake, na mula sa may dalawang pung taong gulang hanggang sa may anim na pu, ay limang pung siklong pilak, ang iyong ihahalaga ayon sa siklo ng santuario. 003 LEV 027 004 At kung tungkol sa babae tatlong pung siklo ang ihahalaga mo. 003 LEV 027 005 At kung mula sa may limang taon hanggang sa may dalawang pung taon, ay dalawang pung siklo, ang ihahalaga mo sa lalake at sa babae ay sangpung siklo. 003 LEV 027 006 At kung mula sa may isang buwan hanggang sa may limang taon ay limang siklong pilak ang iyong ihahalaga sa lalake at sa babae ay tatlong siklong pilak ang iyong ihahalaga. 003 LEV 027 007 At kung sa may anim na pung taon na patanda; kung lalake, ay labing limang siklo ang iyong ihahalaga, at sa babae ay sangpung siklo. 003 LEV 027 008 Nguni't kung kapos ng ikababayad sa iyong inihalaga, ay pahaharapin mo siya sa harap ng saserdote, at hahalagahan siya ng saserdote; ayon sa ikakakaya ng may panata, ay siyang ihahalaga sa kaniya ng saserdote. 003 LEV 027 009 At kung hayop na ihahandog na alay sa Panginoon, lahat na ibibigay niyaon ng sinoman sa Panginoon ay magiging banal. 003 LEV 027 010 Huwag niyang babaguhin o papalitan ang mabuti ng masama o ang masama ng mabuti: at kung sa anomang paraan ay palitan ang isang hayop ng iba, ay magiging kapuwa banal yaon at ang kapalit niyaon. 003 LEV 027 011 At kung yao'y anomang hayop na karumaldumal na sa hindi maihahandog na alay sa Panginoon, ay ilalagay nga niya ang hayop sa harap ng saserdote: 003 LEV 027 012 At hahalagahan ng saserdote, maging mabuti o masama: ayon sa inihalaga ng saserdote ay magiging gayon. 003 LEV 027 013 Datapuwa't kung tunay na kaniyang tutubusin, ay magdadagdag nga siya ng ikalimang bahagi niyaon sa inihalaga mo. 003 LEV 027 014 At pagka ang sinoman ay magtatalaga ng kaniyang bahay upang maging banal sa Panginoon, ay hahalagahan nga ng saserdote, kung mabuti o masama: ayon sa ihahalaga ng saserdote ay magiging gayon. 003 LEV 027 015 At kung tutubusin ng nagtalaga ang kaniyang bahay, ay magdadagdag nga ng ikalimang bahagi ng salapi na inihalaga mo roon, at magiging kaniya. 003 LEV 027 016 At kung ang sinoman ay magtatalaga sa Panginoon ng bahagi ng bukid na kaniyang pag-aari, ay ayon sa hasik doon ang iyong ihahalaga nga: ang hasik na isang omer na cebada ay hahalagahan ng limang pung siklong pilak. 003 LEV 027 017 Kung itatalaga niya ang kaniyang bukid mula sa taon ng jubileo, ay magiging ayon sa iyong inihalaga. 003 LEV 027 018 Datapuwa't kung italaga niya ang kaniyang bukid pagkatapos ng jubileo, ay bibilangan sa kaniya ng saserdote ng salapi ayon sa mga taong natitira hanggang sa taon ng jubileo at bababaan ang iyong inihalaga. 003 LEV 027 019 At kung tutubusin ng nagtalaga ng bukid ay magdadagdag ng ikalimang bahagi ng salaping iyong inihalaga roon, at mapapasa kaniya. 003 LEV 027 020 At kung hindi niya tutubusin ang bukid, o kung ipinagbili niya ang bukid sa ibang tao ay hindi na niya matutubos: 003 LEV 027 021 Kundi ang bukid pagka naalis sa jubileo, ay magiging banal sa Panginoon, na parang bukid na itinalaga: ang kapangyarihan doon ay mapapasa saserdote. 003 LEV 027 022 At kung ang sinoman ay magtalaga sa Panginoon ng bukid na binili, na hindi sa bukid na kaniyang pag-aari; 003 LEV 027 023 Ay ibibilang nga sa kaniya ng saserdote ang halaga ng iyong inihalaga hanggang sa taon ng jubileo, at babayaran niya ang iyong inihalaga ng araw ding iyon, na parang banal na bagay sa Panginoon. 003 LEV 027 024 Sa taon ng jubileo ay mababalik ang bukid doon sa kaniyang binilhan, doon sa kinararapatan ng pag-aari ng lupa. 003 LEV 027 025 At ang buo mong ihahalaga ay magiging ayon sa siklo ng santuario: dalawang pung gera ang isang siklo. 003 LEV 027 026 Ang panganay lamang sa mga hayop na iniukol ang pagkapanganay sa Panginoon, ang hindi maitatalaga ninoman; maging baka o tupa, ay ukol sa Panginoon. 003 LEV 027 027 At kung hayop na karumaldumal, ay kaniyang tutubusin nga yaon sa iyong inihalaga at idadagdag pa niya ang ikalimang bahagi niyaon; o kung hindi tutubusin ay ipagbibili ayon sa iyong inihalaga. 003 LEV 027 028 Gayon ma'y walang bagay na itinalaga, na itatalaga ninoman sa Panginoon, sa lahat ng sariling kaniya, maging sa tao o sa hayop, o sa bukid na kaniyang pag-aari, ay maipagbibili o matutubos: bawa't bagay na itinalaga ay kabanalbanalan sa Panginoon. 003 LEV 027 029 Walang itinalaga na itatalaga ng mga tao, ay matutubos: papataying walang pagsala. 003 LEV 027 030 At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon: magiging banal sa Panginoon. 003 LEV 027 031 At kung ang sinoman ay tutubos ng alin mang bahagi ng kaniyang ikasangpung bahagi ay idagdag niya roon ang ikalimang bahagi niyaon. 003 LEV 027 032 At lahat ng ikasangpung bahagi sa bakahan o sa kawan, anomang madaan sa tungkod, ay magiging banal sa Panginoon ang ikasangpung bahagi. 003 LEV 027 033 Huwag niyang sisiyasatin kung mabuti o masama, ni huwag niyang papalitan: at kung sa anomang paraan ay palitan niya, ay kapuwa magiging banal; hindi matutubos. 003 LEV 027 034 Ito ang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises, sa bundok ng Sinai hinggil sa mga anak ni Israel. # # BOOK 004 NUM Numbers Mga Bilang 004 NUM 001 001 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises sa ilang ng Sinai sa tabernakulo ng kapisanan, nang unang araw ng ikalawang buwan, sa ikalawang taon pagkatapos na makaalis sila sa lupain ng Egipto, na sinasabi, 004 NUM 001 002 Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, ayon sa mga angkan nila, ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, bawa't lalake ayon sa dami ng mga ulo nila; 004 NUM 001 003 Mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa Israel sa pakikibaka, na bibilangin ninyo at ni Aaron sila ayon sa kanilang mga hukbo. 004 NUM 001 004 At magsasama kayo ng isang lalake ng bawa't lipi; na bawa't isa'y pangulo sa sangbahayan ng kaniyang mga magulang. 004 NUM 001 005 At ito ang mga pangalan ng mga lalake na sasama sa inyo. Sa lipi ni Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur. 004 NUM 001 006 Sa lipi ni Simeon; si Selumiel na anak ni Zurisaddai. 004 NUM 001 007 Sa lipi ni Juda; si Naason na anak ni Aminadab. 004 NUM 001 008 Sa lipi ni Issachar; si Nathanael na anak ni Suar. 004 NUM 001 009 Sa lipi ni Zabulon; si Eliab na anak ni Helon. 004 NUM 001 010 Sa mga anak ni Jose: sa lipi ni Ephraim; si Elisama na anak ni Ammiud: sa lipi ni Manases; si Gamaliel na anak ni Pedasur. 004 NUM 001 011 Sa lipi ni Benjamin; si Abidan na anak ni Gedeon. 004 NUM 001 012 Sa lipi ni Dan; si Ahiezer na anak ni Ammisaddai. 004 NUM 001 013 Sa lipi ni Aser; si Phegiel na anak ni Ocran. 004 NUM 001 014 Sa lipi ni Gad; si Eliasaph na anak ni Deuel. 004 NUM 001 015 Sa lipi ni Nephtali; si Ahira na anak ni Enan. 004 NUM 001 016 Ito ang mga tinawag sa kapisanan, na mga prinsipe sa mga lipi ng kanikanilang mga magulang; sila ang mga pangulo ng libolibong taga Israel. 004 NUM 001 017 At dinala ni Moises at ni Aaron ang mga lalaking ito na nasaysay sa pamamagitan ng kanikaniyang pangalan: 004 NUM 001 018 At kanilang pinisan ang buong kapisanan nang unang araw ng ikalawang buwan; at kanilang sinaysay ang kanikaniyang kanunuan ayon sa kanikanilang angkan, sangayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa dami ng mga ulo nila. 004 NUM 001 019 Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya binilang sa ilang ng Sinai. 004 NUM 001 020 At ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, sangayon sa dami ng kanilang mga ulo, bawa't lalake mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka; 004 NUM 001 021 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Ruben, ay apat na pu't anim na libo at limang daan. 004 NUM 001 022 Sa mga anak ni Simeon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng mga pangalan, sangayon sa dami ng mga ulo nila, bawa't lalaking mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka; 004 NUM 001 023 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Simeon, ay limang pu't siyam na libo at tatlong daan. 004 NUM 001 024 Sa mga anak ni Gad, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka, 004 NUM 001 025 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Gad, ay apat na pu't limang libo at anim na raan at limang pu. 004 NUM 001 026 Sa mga anak ni Juda, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka; 004 NUM 001 027 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Juda, ay pitong pu't apat na libo at anim na raan. 004 NUM 001 028 Sa mga anak ni Issachar, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka; 004 NUM 001 029 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Issachar, ay limang pu't apat na libo at apat na raan. 004 NUM 001 030 Sa mga anak ni Zabulon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka; 004 NUM 001 031 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Zabulon, ay limang pu't pitong libo at apat na raan. 004 NUM 001 032 Sa mga anak ni Jose, sa mga anak ni Ephraim, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka; 004 NUM 001 033 Ay nangabilang sa kanila sa lipi ni Ephraim, ay apat na pung libo at limang daan. 004 NUM 001 034 Sa mga anak ni Manases, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka; 004 NUM 001 035 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Manases, ay tatlong pu't dalawang libo at dalawang daan. 004 NUM 001 036 Sa mga anak ni Benjamin, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka; 004 NUM 001 037 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Benjamin, ay tatlong pu't limang libo at apat na raan. 004 NUM 001 038 Sa mga anak ni Dan, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka; 004 NUM 001 039 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Dan, ay anim na pu't dalawang libo at pitong daan. 004 NUM 001 040 Sa mga anak ni Aser, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka; 004 NUM 001 041 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Aser, ay apat na pu't isang libo at limang daan. 004 NUM 001 042 Sa mga anak ni Nephtali, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka; 004 NUM 001 043 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Nephtali, ay limang pu't tatlong libo at apat na raan. 004 NUM 001 044 Ito ang nangabilang na binilang ni Moises at ni Aaron at ng labing dalawang lalake, na mga pangulo sa Israel: na bawa't isa sa kanila'y sa sangbahayan ng kanikaniyang mga magulang. 004 NUM 001 045 Kaya't lahat ng nangabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng sa Israel ay makalalabas sa pakikibaka: 004 NUM 001 046 Lahat ng nangabilang ay anim na raan at tatlong libo at limang daan at limang pu. 004 NUM 001 047 Datapuwa't ang mga Levita ayon sa lipi ng kanilang mga magulang ay hindi ibinilang sa kanila. 004 NUM 001 048 Sapagka't sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 001 049 Ang lipi lamang ni Levi ang hindi mo bibilangin, ni di mo ilalahok ang bilang nila sa mga anak ni Israel: 004 NUM 001 050 Kundi ipamamahala mo sa mga Levita ang tabernakulo ng patotoo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tabernakulo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y hahantong sa palibot ng tabernakulo. 004 NUM 001 051 At pagka ililipat ang tabernakulo ay pagtatanggaltanggalin ng mga Levita: at pagka itatayo ang tabernakulo ay paguugnay-ugnayin ng mga Levita: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin. 004 NUM 001 052 At ang mga anak ni Israel ay magtatayo ng kanilang mga tolda, na bawa't lalake ay sa kaniyang sariling kampamento at bawa't lalake ay sa siping ng kaniyang sariling watawat ayon sa kanilang mga hukbo. 004 NUM 001 053 Datapuwa't ang mga Levita ay magsisitayo sa palibot ng tabernakulo ng patotoo, upang huwag magtaglay ng galit sa kapisanan ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay mamahala ng tabernakulo ng patotoo. 004 NUM 001 054 Gayon ginawa ng mga anak ni Israel; ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon nila ginawa. 004 NUM 002 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, 004 NUM 002 002 Ang mga anak ni Israel ay magsisitayo bawa't lalake sa siping ng kaniyang sariling watawat, na may tanda ng mga sangbahayan ng kaniyang mga magulang: sa tapat ng tabernakulo ng kapisanan ay tatayo sila sa palibot. 004 NUM 002 003 At yaong tatayo sa dakong silanganan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay ang mga sa watawat ng kampamento ng Juda, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Juda ay si Naason na anak ni Aminadab. 004 NUM 002 004 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay pitong pu't apat na libo at anim na raan. 004 NUM 002 005 At yaong magsisitayo sa siping niya ay ang lipi ni Issachar: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Issachar ay si Nathanael na anak ni Suar. 004 NUM 002 006 At ang kaniyang hukbo, at ang nangabilang niyaon ay limang pu't apat na libo at apat na raan. 004 NUM 002 007 At ang lipi ni Zabulon: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Zabulon, ay si Eliab na anak ni Helon: 004 NUM 002 008 At ang kaniyang hukbo, at ang nangabilang niyaon, ay limang pu't pitong libo at apat na raan. 004 NUM 002 009 Lahat ng nangabilang sa kampamento ng Juda ay isang daan at walong pu't anim na libo at apat na raan, ayon sa kanilang mga hukbo. Sila ang unang magsisisulong. 004 NUM 002 010 Sa dakong timugan, ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Ruben, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe ng mga anak ni Ruben, ay si Elisur na anak ni Sedeur. 004 NUM 002 011 At ang kaniyang hukbo at ang nangabilang niyaon, ay apat na pu't anim na libo at limang daan. 004 NUM 002 012 At yaong tatayo sa siping niya ay ang lipi ni Simeon: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Simeon ay si Selumiel na anak ni Zurisaddai. 004 NUM 002 013 At ang kaniyang hukbo at yaong nangabilang sa kanila, ay limang pu't siyam na libo at tatlong daan: 004 NUM 002 014 At ang lipi ni Gad: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Gad ay si Eliasaph na anak ni Rehuel: 004 NUM 002 015 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila, ay apat na pu't limang libo at anim na raan at limang pu. 004 NUM 002 016 Lahat ng nangabilang sa kampamento ng Ruben ay isang daan at limang pu't isang libo at apat na raan at limang pu, ayon sa kanilang mga hukbo. At sila ang pangalawang magsisisulong. 004 NUM 002 017 Kung magkagayon, ang tabernakulo ng kapisanan ay susulong na kaakbay ng kampamento ng mga Levita sa gitna ng mga kampamento: ayon sa kanilang pagkahantong, ay gayon sila magsisisulong, na bawa't lalake ay sa kanikaniyang sariling dako, sa siping ng kanilang mga watawat. 004 NUM 002 018 Sa dakong kalunuran ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Ephraim, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Ephraim ay si Elisama na anak ni Ammiud. 004 NUM 002 019 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pung libo at limang daan. 004 NUM 002 020 At sa siping niya ay malalagay ang lipi ni Manases at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Manases ay si Gamaliel na anak ni Pedasur. 004 NUM 002 021 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay tatlong pu't dalawang libo at dalawang daan: 004 NUM 002 022 At ang lipi ni Benjamin: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Benjamin, ay si Abidan na anak ni Gedeon. 004 NUM 002 023 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila, ay tatlong pu't limang libo at apat na raan. 004 NUM 002 024 Yaong lahat na nangabilang sa kampamento ng Ephraim ay isang daan at walong libo at isang daan, ayon sa kanilang mga hukbo. At sila ang pangatlong magsisisulong. 004 NUM 002 025 Sa dakong hilagaan ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Dan, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Dan, ay si Ahiezer na anak ni Ammisaddai. 004 NUM 002 026 At ang kanilang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay anim na pu't dalawang libo at pitong daan. 004 NUM 002 027 At yaong hahantong sa siping niya ay ang lipi ni Aser: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Aser ay si Phegiel na anak ni Ocran: 004 NUM 002 028 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pu't isang libo at limang daan. 004 NUM 002 029 At ang lipi ni Nephtali: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Nephtali ay si Ahira na anak ni Enan. 004 NUM 002 030 At ang kaniyang hukbo at yaong nangabilang sa kanila ay limang pu't tatlong libo at apat na raan. 004 NUM 002 031 Yaong lahat na nangabilang sa kampamento ng Dan, ay isang daan at limang pu't pitong libo at anim na raan. Sila ang magsisisulong na huli, ayon sa kanilang mga watawat. 004 NUM 002 032 Ito ang nangabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: yaong lahat na nangabilang sa mga kampamento, ayon sa kanilang mga hukbo, ay anim na raan at tatlong libo at limang daan at limang pu. 004 NUM 002 033 Datapuwa't ang mga Levita ay hindi ibinilang sa mga anak ni Israel: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 004 NUM 002 034 Gayon ginawa ng mga anak ni Israel; ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises ay gayon sila humantong sa siping ng kanilang mga watawat, at gayon sila nagsisulong, na bawa't isa'y ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 004 NUM 003 001 At ito ang mga lahi ni Aaron at ni Moises, nang araw na magsalita ang Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai. 004 NUM 003 002 At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron: si Nadab ang panganay, at si Abiu, si Eleazar, at si Ithamar. 004 NUM 003 003 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote na pinahiran ng langis, na itinalaga upang mangasiwa sa katungkulang saserdote. 004 NUM 003 004 At si Nadab at si Abiu ay nangamatay sa harap ng Panginoon, nang sila'y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon, sa ilang ng Sinai, at sila'y hindi nagkaanak: at si Eleazar at si Ithamar ay nangasiwa sa katungkulang saserdote sa harap ni Aaron na kanilang ama. 004 NUM 003 005 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 003 006 Ilapit mo ang lipi ni Levi, at ilagay mo sila sa harap ni Aaron na saserdote, upang pangasiwaan nila siya. 004 NUM 003 007 At kanilang gaganapin ang kaniyang katungkulan, at ang katungkulan ng buong kapisanan sa harap ng tabernakulo ng kapisanan upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo. 004 NUM 003 008 At kanilang iingatan ang lahat ng kasangkapan ng tabernakulo ng kapisanan at ang katungkulan ng mga anak ni Israel upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo. 004 NUM 003 009 At iyong ibibigay ang mga Levita kay Aaron at sa kaniyang mga anak: sila'y tunay na ibinigay sa kaniya sa ganang mga anak ni Israel. 004 NUM 003 010 At iyong ihahalal si Aaron at ang kaniyang mga anak, at kanilang gaganapin ang kanilang pagkasaserdote: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin. 004 NUM 003 011 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 003 012 At tungkol sa akin, narito, aking kinuha ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel sa halip ng mga panganay na nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay magiging akin: 004 NUM 003 013 Sapagka't lahat ng mga panganay ay sa akin; sapagka't nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay aking pinapagingbanal sa akin, ang lahat ng mga panganay sa Israel, maging tao at maging hayop: sila'y magiging akin; ako ang Panginoon. 004 NUM 003 014 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa ilang ng Sinai, na sinasabi, 004 NUM 003 015 Bilangin mo ang mga anak ni Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa kanilang mga angkan: bawa't lalake na mula sa isang buwang gulang na patanda ay bibilangin mo. 004 NUM 003 016 At sila'y binilang ni Moises ayon sa salita ng Panginoon, gaya ng iniutos sa kaniya. 004 NUM 003 017 At ito ang mga naging anak ni Levi ayon sa kanilang mga pangalan: si Gerson, at si Coath, at si Merari. 004 NUM 003 018 At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gerson ayon sa kanilang mga angkan: si Libni at si Simei. 004 NUM 003 019 At ang mga anak ni Coath ayon sa kanilang mga angkan, ay si Amram, at si Izhar, si Hebron, at si Uzziel. 004 NUM 003 020 At ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan; ay si Mahali at si Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 004 NUM 003 021 Kay Gerson galing ang angkan ng mga Libnita, at ang angkan ng mga Simeita: ito ang mga angkan ng mga Gersonita. 004 NUM 003 022 Yaong nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng lahat ng mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay pitong libo at limang daan ang nangabilang sa kanila. 004 NUM 003 023 Ang mga angkan ng mga Gersonita ay hahantong sa likuran ng tabernakulo sa dakong kalunuran. 004 NUM 003 024 At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga Gersonita ay si Eliasaph na anak ni Lael. 004 NUM 003 025 At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Gerson sa tabernakulo ng kapisanan ay ang tabernakulo, at ang Tolda, ang takip niyaon at ang tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, 004 NUM 003 026 At ang mga tabing ng looban at ang tabing sa pintuan ng looban na nasa palibot ng tabernakulo at sa palibot ng dambana, at ang mga tali niyaon na naukol sa buong paglilingkod doon. 004 NUM 003 027 At kay Coath ang angkan ng mga Amramita at ang angkan ng mga Izharita, at ang angkan ng mga Hebronita, at ang angkan ng mga Uzzielita: ito ang mga angkan ng mga Coathita. 004 NUM 003 028 Ayon sa bilang ng lahat na mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay may walong libo at anim na raang nangamamahala ng katungkulan sa santuario. 004 NUM 003 029 Ang mga angkan ng mga anak ni Coath ay magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo, sa dakong timugan. 004 NUM 003 030 At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ng mga Coathita ay si Elisaphan na anak ni Uzziel. 004 NUM 003 031 At ang magiging katungkulan nila ay ang kaban, at ang dulang, at ang kandelero, at ang mga dambana, at ang mga kasangkapan ng santuario na kanilang pinangangasiwaan, at ang tabing at ang lahat ng paglilingkod doon. 004 NUM 003 032 At si Eleazar na anak ni Aaron na saserdote ay siyang magiging prinsipe ng mga prinsipe ng mga Levita at mamamahala sa mga may katungkulan sa santuario. 004 NUM 003 033 Kay Merari ang angkan ng mga Mahalita at angkan ng mga Musita: ito ang mga angkan ni Merari. 004 NUM 003 034 At yaong nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng lahat na mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay anim na libo at dalawang daan. 004 NUM 003 035 At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ni Merari ay si Suriel na anak ni Abihail: sila'y magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan. 004 NUM 003 036 At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Merari, ay ang mga tabla ng tabernakulo, at ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan, at ang lahat ng kasangkapan, at lahat ng paglilingkod doon; 004 NUM 003 037 At ang mga haligi sa palibot ng looban, at ang mga tungtungan, at ang mga tulos, at ang mga tali ng mga yaon. 004 NUM 003 038 At yaong lahat na hahantong sa harap ng tabernakulo sa dakong silanganan, sa harap ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay si Moises, at si Aaron, at ang kaniyang mga anak na mamamahala ng katungkulan sa santuario, upang ganapin ang pamamahala ng mga anak ni Israel: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin. 004 NUM 003 039 Yaong lahat na nangabilang sa mga Levita na binilang ni Moises at ni Aaron sa utos ng Panginoon ayon sa kanilang mga angkan, lahat ng lalake mula sa isang buwang gulang na patanda, ay dalawang pu't dalawang libo. 004 NUM 003 040 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bilangin mo ang lahat ng mga lalaking panganay sa mga anak ni Israel mula sa isang buwang gulang na patanda, at iguhit mo ang bilang ng kanilang mga pangalan. 004 NUM 003 041 At iuukol mo sa akin ang mga Levita (ako ang Panginoon) sa halip ng lahat ng mga panganay sa mga anak ni Israel; at ang mga hayop ng mga Levita sa halip ng lahat ng mga panganay sa mga hayop ng mga anak ni Israel. 004 NUM 003 042 At binilang ni Moises, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ang lahat ng mga panganay sa mga anak ni Israel. 004 NUM 003 043 At lahat ng mga panganay na lalake ayon sa bilang ng mga pangalan, mula sa isang buwang gulang na patanda, doon sa nangabilang sa kanila, ay dalawang pu't dalawang libo at dalawang daan at pitong pu't tatlo. 004 NUM 003 044 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 003 045 Kunin mo ang mga Levita sa halip ng lahat na mga panganay sa mga anak ni Israel, at ang mga hayop ng mga Levita sa halip ng kanilang mga hayop: at ang mga Levita ay magiging akin; ako ang Panginoon. 004 NUM 003 046 At sa ikatutubos sa dalawang daan at pitong pu't tatlong panganay ng mga anak ni Israel na higit sa bilang ng mga Levita, 004 NUM 003 047 Ay kukuha ka ng limang siklo sa bawa't isa ayon sa ulo; ayon sa siklo ng santuario kukunin mo (isang siklo ay dalawang pung gera): 004 NUM 003 048 At ibibigay mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak ang salaping ikatutubos na humigit sa bilang nila. 004 NUM 003 049 At kinuha ni Moises ang salaping pangtubos sa mga labis na humigit sa mga natubos ng mga Levita: 004 NUM 003 050 Mula sa mga panganay ng mga anak ni Israel kinuha niya ang salapi; isang libo at tatlong daan at anim na pu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuario: 004 NUM 003 051 At ibinigay ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak ang salaping pangtubos ayon sa salita ng Panginoon, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 004 NUM 004 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, 004 NUM 004 002 Ayusin ninyo ang bilang ng mga anak ni Coath, sa gitna ng mga anak ni Levi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 004 NUM 004 003 Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang, lahat ng pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa ng gawain sa tabernakulo ng kapisanan. 004 NUM 004 004 Ito ang paglilingkod ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan, sa mga bagay na kabanalbanalan: 004 NUM 004 005 Pagka ang kampamento ay isusulong, ay papasok si Aaron sa loob, at ang kaniyang mga anak, at kanilang ibababa ang lambong ng tabing, at kanilang tatakpan niyaon ang kaban ng patotoo: 004 NUM 004 006 At kanilang ilalagay sa ibabaw ang isang takip na balat ng foka at kanilang lalatagan ang ibabaw ng isang kayong taganas na bughaw, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon. 004 NUM 004 007 At sa ibabaw ng dulang ng tinapay na handog ay maglalatag sila ng isang kayong bughaw, at kanilang ilalagay sa ibabaw nito ang mga pinggan, at ang mga sandok, at ang mga mangkok, at ang mga tasa upang buhusan; at ang namamalaging tinapay ay malalagay sa ibabaw niyaon. 004 NUM 004 008 At kanilang lalatagan ang ibabaw ng mga yaon ng kayong pula, at kanilang tatakpan ito ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga. 004 NUM 004 009 At kukuha sila ng isang kayong bughaw at kanilang tatakpan ang kandelerong pangtanglaw at ang mga ilawan, at ang mga gunting, at ang mga pinggan, at ang lahat ng sisidlan ng langis niyaon, na kanilang pinangangasiwaan: 004 NUM 004 010 At kanilang ilalagay, pati ang lahat ng kasangkapan niyaon sa loob ng isang takip na balat ng foka, at kanilang ilalagay sa ibabaw ng isang patungan. 004 NUM 004 011 At ang ibabaw ng dambanang ginto ay kanilang lalatagan ng isang kayong bughaw, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon: 004 NUM 004 012 At kanilang kukunin ang lahat ng mga kasangkapan na ukol sa pangangasiwa na ipinangangasiwa nila sa santuario, at kanilang ilalagay sa isang kayong bughaw, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ipapatong sa patungan. 004 NUM 004 013 At kanilang aalisin ang mga abo sa dambana at kanilang lalatagan ng isang kayong kulay ube. 004 NUM 004 014 At kanilang ipapatong doon ang lahat ng mga kasangkapan na kanilang ipinangangasiwa sa palibot ng dambana, ang suuban at ang mga pangipit, at ang mga pala at ang mga mangkok, lahat ng mga kasangkapan ng dambana; at kanilang lalatagan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon. 004 NUM 004 015 At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma't isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: datapuwa't huwag silang hihipo sa santuario, baka sila'y mamatay. Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan. 004 NUM 004 016 At ang magiging katungkulan ni Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, ay ang langis sa ilawan, at ang mabangong kamangyan, at ang palaging handog na harina, at ang langis na pang-pahid, at ang pagiingat ng buong tabernakulo at ng lahat na nandoon, ang santuario at ang mga kasangkapan niyaon. 004 NUM 004 017 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, 004 NUM 004 018 Huwag ninyong ihiwalay ang lipi ng mga angkan ng mga Coathita sa gitna ng mga Levita. 004 NUM 004 019 Kundi gawin ninyo sa kanila ang ganito, upang sila'y mabuhay at huwag mamatay, paglapit nila sa mga kabanalbanalang bagay: si Aaron at ang kaniyang mga anak ay paparoon at ituturo sa bawa't isa ang kanikaniyang paglilingkod at ang kanikaniyang pasanin: 004 NUM 004 020 Nguni't sila'y huwag magsisipasok upang tingnan ang santuario kahit sandali man, baka sila'y mamatay. 004 NUM 004 021 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 004 022 Aayusin mo rin ang bilang ng mga anak ni Gerson, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ayon sa kanilang mga angkan; 004 NUM 004 023 Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang ay bibilangin mo sila; yaong lahat na pumapasok na nangangasiwa sa paglilingkod upang gawin ang gawain sa tabernakulo ng kapisanan. 004 NUM 004 024 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita, sa paglilingkod at sa pagdadala ng mga pasanin: 004 NUM 004 025 Dadalhin nila ang mga tabing ng tabernakulo, at ang tabernakulo ng kapisanan, ang takip niyaon, at ang panakip na balat ng foka na nasa ibabaw nito, at ang tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan; 004 NUM 004 026 At ang mga tabing sa looban, at ang tabing sa pintuang-daan ng looban na nasa siping ng tabernakulo, at ng dambana, at ang mga tali ng mga yaon, at ang lahat ng kasangkapan sa kanilang paglilingkod at ang lahat na marapat na gawin sa mga yaon ay kanilang ipaglilingkod. 004 NUM 004 027 Mapapasa kapangyarihan ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang buong paglilingkod ng mga anak ng mga Gersonita sa buong kanilang pasanin, at sa buong kanilang paglilingkod: at inyong ituturo sa kanila ang mga nauukol sa kanilang buong pasanin. 004 NUM 004 028 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita sa tabernakulo ng kapisanan: at ang katungkulan nila ay mapapasa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote. 004 NUM 004 029 Tungkol sa mga anak ni Merari, ay bibilangin mo sila ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang; 004 NUM 004 030 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang ay iyong bibilangin sila, lahat na pumapasok sa paglilingkod, upang gawin ang gawain sa tabernakulo ng kapisanan. 004 NUM 004 031 At ito ang katungkulan sa kanilang pasanin ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan: ang mga tabla ng tabernakulo, at ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan; 004 NUM 004 032 At ang mga haligi sa palibot ng looban, at ang mga tungtungan, at ang mga tulos, at ang mga tali pati ng lahat ng kasangkapan at ng buong paglilingkod: at ayon sa pangalan, ay ituturo mo sa kanila ang mga kasangkapan na katungkulan sa kanilang pasanin. 004 NUM 004 033 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan, sa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote. 004 NUM 004 034 At binilang ni Moises at ni Aaron, at ng mga prinsipe ng kapisanan ang mga anak ng mga Coathita ayon sa kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, 004 NUM 004 035 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, ang bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan; 004 NUM 004 036 At yaong nangabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan, ay dalawang libo at pitong daan at limangpu. 004 NUM 004 037 Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga Coathita, lahat ng nagsisipaglingkod sa tabernakulo ng kapisanan na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. 004 NUM 004 038 At yaong nangabilang sa mga anak ni Gerson, ang kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, 004 NUM 004 039 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan. 004 NUM 004 040 Sa makatuwid baga'y ang nangabilang sa kanila, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay dalawang libo at anim na raan at tatlong pu. 004 NUM 004 041 Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Gerson, sa lahat ng naglingkod sa tabernakulo ng kapisanan, na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon. 004 NUM 004 042 At ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 004 NUM 004 043 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan, 004 NUM 004 044 Sa makatuwid baga'y yaong lahat na nangabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan, ay tatlong libo at dalawang daan. 004 NUM 004 045 Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. 004 NUM 004 046 Yaong lahat na nangabilang sa mga Levita, na binilang ni Moises at ni Aaron at ng mga prinsipe sa Israel, ayon sa kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, 004 NUM 004 047 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok upang gumawa ng gawang paglilingkod, at ng gawang pagdadala ng mga pasanin sa tabernakulo ng kapisanan, 004 NUM 004 048 Sa makatuwid baga'y yaong nangabilang sa kanila, ay walong libo at limang daan at walong pu. 004 NUM 004 049 Ayon sa utos ng Panginoon ay nangabilang sa pamamagitan ni Moises, bawa't isa ayon sa kaniyang paglilingkod, at ayon sa kaniyang pasanin: ganito niya binilang sila gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 004 NUM 005 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 005 002 Iutos mo sa mga anak ni Israel na ilabas sa kampamento ang bawa't may ketong, at bawa't inaagasan, at ang sinomang karumaldumal sa pagkahipo sa patay: 004 NUM 005 003 Lalake at babae ay kapuwa ninyo ilalabas, sa labas ng kampamento ilalagay ninyo sila; upang huwag nilang ihawa ang kanilang kampamento na aking tinatahanan sa gitna. 004 NUM 005 004 At ginawang gayon ng mga anak ni Israel, at inilabas sa labas ng kampamento: kung paanong sinalita ng Panginoon kay Moises ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel. 004 NUM 005 005 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 005 006 Salitain mo sa mga anak ni Israel, Pagka ang isang lalake o babae ay nakagawa ng anomang kasalanan na nagagawa ng mga tao, na sumasalangsang laban sa Panginoon at ang gayong tao ay naging salarin; 004 NUM 005 007 Ay kaniyang isusulit nga ang kaniyang kasalanang nagawa: at kaniyang pagbabayarang lubos ang kaniyang sala, at dadagdagan pa niya ng ikalimang bahagi at ibibigay sa pinagkasalahan. 004 NUM 005 008 Datapuwa't kung ang lalake ay walang kamaganak na mapagbabayaran ng sala, ay mapapasa saserdote ang kabayaran ng sala na handog sa Panginoon, bukod sa tupang lalaking pinakatubos na ipangtutubos sa kaniya. 004 NUM 005 009 At ang bawa't handog na itinaas sa lahat ng bagay na banal ng mga anak ni Israel, na kanilang ihaharap sa saserdote ay magiging kaniya. 004 NUM 005 010 At ang mga bagay na banal ng bawa't lalake ay magiging kaniya: ang ibigay ng sinomang tao sa saserdote ay magiging kaniya. 004 NUM 005 011 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 005 012 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Kung ang asawa ng sinomang lalake ay malilisya, at sasalangsang sa kaniya, 004 NUM 005 013 At ang ibang lalake ay sisiping sa kaniya, at ito'y makukubli sa mga mata ng kaniyang asawa at ang bagay ay malilihim, at ang babae ay madudumhan at walang saksi laban sa kaniya, o hindi man matututop siya sa pagkakasala; 004 NUM 005 014 At ang diwa ng paninibugho ay sasakaniya, at siya'y maninibugho sa kaniyang asawa at siya'y madudumhan: o kung sasakaniya ang diwa ng paninibugho at siya'y maninibugho sa kaniyang asawa, at ito'y hindi madudumhan: 004 NUM 005 015 Ay dadalhin nga ng lalake sa saserdote ang kaniyang asawa, at ipagdadala ng alay ng babae ng ikasangpung bahagi ng isang epa ng harina ng sebada: hindi niya bubuhusan ng langis o lalagyan man ng kamangyan; sapagka't handog na harina tungkol sa paninibugho, handog na harinang alaala na nagpapaalaala ng kasalanan. 004 NUM 005 016 At ilalapit ng saserdote ang babae, at pahaharapin sa Panginoon: 004 NUM 005 017 At ang saserdote ay kukuha ng banal na tubig sa isang sisidlang lupa: at sa alabok na nasa lapag ng tabernakulo ay dadampot ang saserdote, at ilalagay sa tubig: 004 NUM 005 018 At pahaharapin ng saserdote ang babae sa Panginoon, at ipalulugay ang buhok ng babae, at ilalagay ang handog na harina na alaala sa kaniyang mga kamay, na handog na harina tungkol sa paninibugho: at tatangnan ng saserdote sa kamay ang mapapait na tubig na nagbubugso ng sumpa: 004 NUM 005 019 At siya'y papanunumpain ng saserdote, at sasabihin sa babae, Kung walang sumiping sa iyo na ibang lalake, at kung di ka nalisya sa karumihan, sa isang hindi mo asawa, ay maligtas ka nga sa mapapait na tubig na ito na nagbubugso ng sumpa: 004 NUM 005 020 Datapuwa't kung ikaw ay tunay na nalisya sa iba na di mo asawa, at kung ikaw ay nadumhan, at ibang lalake ay sumiping sa iyo, bukod sa iyong asawa: 004 NUM 005 021 Ay panunumpain nga ng saserdote ang babae ng panunumpang sumpa, at sasabihin ng saserdote sa babae, Ilagay ka ng Panginoon na pinakasumpa at pinakapula sa gitna ng iyong bayan, kung papanglumuhin ng Panginoon ang iyong hita at pamagain ang iyong tiyan; 004 NUM 005 022 At ang tubig na ito na nagbubugso ng sumpa ay tatalab sa iyong tiyan, at ang iyong katawan ay pamamagain at ang iyong hita ay panglulumuhin. At ang babae ay magsasabi, Siya nawa, Siya nawa. 004 NUM 005 023 At isusulat ng saserdote ang mga sumpang ito sa isang aklat, at kaniyang buburahin sa mapait na tubig: 004 NUM 005 024 At kaniyang ipaiinom sa babae ang mapait na tubig ng nagbubugso ng sumpa at tatalab sa kaniya ang tubig na nagbubugso ng sumpa, at magiging mapait. 004 NUM 005 025 At kukunin ng saserdote sa kamay ng babae ang handog na harina tungkol sa paninibugho at kaniyang aalugin ang handog na harina sa harap ng Panginoon, at dadalhin sa dambana: 004 NUM 005 026 At ang saserdote ay kukuha ng isang dakot ng handog na harina na pinakaalaala niyaon at susunugin sa ibabaw ng dambana, at pagkatapos ay ipaiinom sa babae ang tubig. 004 NUM 005 027 At pagka napainom na siya ng tubig, ay mangyayari na kung siya'y nadumhan, at siya'y sumalangsang sa kaniyang asawa, na ang tubig na nagbubugso ng sumpa ay tatalab sa kaniya at magiging mapait, at ang kaniyang katawan ay mamamaga at ang kaniyang hita ay manglulumo: at ang babae ay magiging sumpa sa gitna ng kaniyang bayan. 004 NUM 005 028 At kung ang babae ay hindi nadumhan, kundi malinis; ay magiging laya nga at magdadalang-tao. 004 NUM 005 029 Ito ang kautusan tungkol sa paninibugho, pagka ang isang babae ay nalilisiya sa lalaking di niya asawa, at nadumhan; 004 NUM 005 030 O pagka ang diwa ng paninibugho ay sumasaisang lalake, at naninibugho sa kaniyang asawa; ay pahaharapin nga ang babae sa Panginoon at gagawin ng saserdote sa kaniya ang buong kautusang ito. 004 NUM 005 031 At ang lalake ay maliligtas sa kasamaan, at ang babae ay siyang magdadala ng kaniyang kasamaan. 004 NUM 006 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 006 002 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagka ang sinomang lalake o babae ay gagawa ng isang tanging panata, ng panata ng isang Nazareo, upang tumalaga sa Panginoon: 004 NUM 006 003 Ay hihiwalay siya sa alak at sa matapang na inumin; siya'y hindi iinom ng suka ng alak, o tubang nakalalasing, ni iinom man ng anomang katas na galing sa ubas o kakain man ng sariwang ubas o pasas. 004 NUM 006 004 Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay hindi siya kakain ng anomang bagay na ibinubunga ng puno ng ubas, magmula sa mga butil hanggang sa balat. 004 NUM 006 005 Sa lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay walang pang-ahit na daraan sa ibabaw ng kaniyang ulo: hanggang sa matupad ang mga araw na kaniyang itinalaga sa Panginoon, ay magpapakabanal siya; kaniyang pababayaang humaba ang buhok ng kaniyang ulo. 004 NUM 006 006 Sa lahat ng araw ng kaniyang pagtalaga sa Panginoon, ay huwag siyang lalapit sa patay na katawan. 004 NUM 006 007 Siya'y huwag magpapakarumi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, o sa kaniyang kapatid na lalake, o babae, pagka sila'y namatay: sapagka't ang pagtalaga niya sa Dios, ay sumasa kaniyang ulo. 004 NUM 006 008 Sa lahat ng araw ng kaniyang pagtalaga, ay banal siya sa Panginoon. 004 NUM 006 009 At kung ang sinoman ay biglang mamatay sa kaniyang siping, at mahawa ang ulo ng kaniyang pagkatalaga: ay aahitan nga niya ang kaniyang ulo sa araw ng paglilinis, sa ikapitong araw ay aahitan niya ito. 004 NUM 006 010 At sa ikawalong araw ay magdadala siya ng dalawang batobato o dalawang inakay ng kalapati sa saserdote, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 004 NUM 006 011 At ihahandog ng saserdote ang isa na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ang isa'y pinakahandog na susunugin at itutubos sa kaniya, sapagka't siya'y nagkasala dahil sa patay, at babanalin ang kaniyang ulo sa araw ding yaon. 004 NUM 006 012 At itatalaga niya sa Panginoon ang mga araw ng kaniyang pagkatalaga, at siya'y magdadala ng isang korderong lalake ng unang taon na pinakahandog dahil sa pagkakasala: datapuwa't ang mga unang araw ay mawawalan ng kabuluhan, sapagka't ang kaniyang pagkatalaga ay nadumhan. 004 NUM 006 013 At ito ang kautusan tungkol sa Nazareo, pagka natupad na ang mga araw ng kaniyang pagkatalaga: siya'y dadalhin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan; 004 NUM 006 014 At kaniyang ihahandog ang kaniyang alay sa Panginoon, na isang korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan, na pinakahandog na susunugin, at isang korderong babae ng unang taon na walang kapintasan na pinakahandog dahil sa kasalanan at isang tupang lalake na walang kapintasan na pinakahandog tungkol sa kapayapaan, 004 NUM 006 015 At isang bakol na tinapay na walang lebadura, mga munting tinapay ng mainam na harina na hinaluan ng langis at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis, at ang handog na harina niyaon at ang mga handog na inumin niyaon. 004 NUM 006 016 At ihaharap ng saserdote yaon sa harapan ng Panginoon, at ihahandog ang kaniyang handog dahil sa kasalanan at ang kaniyang handog na susunugin: 004 NUM 006 017 At kaniyang ihahandog sa Panginoon ang tupang lalake na pinaka-hain na handog tungkol sa kapayapaan na kalakip ng bakol ng mga tinapay na walang lebadura: ihahandog din ng saserdote ang handog na harina niyaon at ang handog na inumin niyaon. 004 NUM 006 018 At ang Nazareo ay magaahit ng ulo sa kaniyang pagkatalaga sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan at kaniyang dadamputin ang buhok ng ulo ng kaniyang pagkatalaga at ilalagay sa ibabaw ng apoy na nasa ilalim ng hain na handog tungkol sa kapayapaan. 004 NUM 006 019 At kukunin ng saserdote ang lutong balikat ng tupa, at isang munting tinapay na walang lebadura sa bakol, at isang manipis na tinapay na walang lebadura, at ilalagay sa mga kamay ng Nazareo, pagkatapos na makapagahit ng ulo ng kaniyang pagkatalaga: 004 NUM 006 020 At aalugin ng saserdote na pinakahandog na inalog sa harapan ng Panginoon; ito'y banal sa saserdote, pati ng dibdib na inalog at ng hitang itinaas; at pagkatapos nito'y ang Nazareo ay makaiinom ng alak. 004 NUM 006 021 Ito ang kautusan tungkol sa Nazareo na nagpanata, at tungkol sa kaniyang alay sa Panginoon dahil sa kaniyang pagtalaga, bukod pa sa aabutin ng kaniyang mga kaya: ayon sa kaniyang panata na kaniyang ipinanata, ay gayon niya dapat gagawin, ayon sa kautusan tungkol sa kaniyang pagkatalaga. 004 NUM 006 022 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 006 023 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na sasabihin, Sa ganitong paraan babasbasan ninyo ang mga anak ni Israel; inyong sasabihin sa kanila: 004 NUM 006 024 Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan ka: 004 NUM 006 025 Paliwanagin nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, at mahabag sa iyo: 004 NUM 006 026 Ilingap nawa ng Panginoon ang kaniyang mukha sa iyo, at bigyan ka ng kapayapaan. 004 NUM 006 027 Gayon nila ilalagay ang aking pangalan sa mga anak ni Israel; at aking pagpapalain sila. 004 NUM 007 001 At nangyari ng araw na matapos ni Moises na maitayo ang tabernakulo, at mapahiran ng langis at mapaging banal, pati ng lahat ng kasangkapan niyaon, at ang dambana pati ng lahat na kasangkapan niyaon, at mapahiran ng langis at mapaging banal; 004 NUM 007 002 Na naghandog ang mga prinsipe sa Israel, ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. Ito ang mga prinsipe sa mga lipi, ito ang mga namamahala roon sa nangabilang: 004 NUM 007 003 At kanilang dinala ang kanilang alay sa harap ng Panginoon, anim na karitong may takip, at labing dalawang baka; isang kariton sa bawa't dalawa sa mga prinsipe, at sa bawa't isa'y isang baka: at kanilang iniharap sa harapan ng tabernakulo. 004 NUM 007 004 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 007 005 Tanggapin mo sa kanila, upang sila'y gumawa ng paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan, at ibibigay mo sa mga Levita, sa bawa't lalake ang ayon sa kanikaniyang paglilingkod. 004 NUM 007 006 At tinanggap ni Moises ang mga kariton at ang mga baka, at ibinigay sa mga Levita. 004 NUM 007 007 Dalawang kariton at apat na baka ay ibinigay niya sa mga anak ni Gerson, ayon sa kanilang paglilingkod: 004 NUM 007 008 At apat na kariton at walong baka ay kaniyang ibinigay sa mga anak ni Merari, ayon sa kanilang paglilingkod, sa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote. 004 NUM 007 009 Nguni't sa mga anak ni Coath ay walang ibinigay siya: sapagka't ang paglilingkod sa santuario ay nauukol sa kanila; kanilang pinapasan sa kanilang mga balikat. 004 NUM 007 010 At ang mga prinsipe ay naghandog sa pagtatalaga sa dambana noong araw na pahiran ng langis, sa makatuwid baga'y ang mga prinsipe ay naghandog ng kanilang alay sa harap ng dambana. 004 NUM 007 011 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sila'y maghahandog ng kanilang alay, na bawa't prinsipe'y sa kaniyang kaarawan, sa pagtatalaga sa dambana. 004 NUM 007 012 At ang naghandog ng kaniyang alay nang unang araw ay si Naason na anak ni Aminadab sa lipi ni Juda: 004 NUM 007 013 At ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina; 004 NUM 007 014 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan, 004 NUM 007 015 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin; 004 NUM 007 016 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan; 004 NUM 007 017 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Naason na anak ni Aminadab. 004 NUM 007 018 Nang ikalawang araw, si Nathanael na anak ni Suar, na prinsipe ni Issachar ay naghandog: 004 NUM 007 019 Kaniyang inihandog na pinakaalay niya, ay isang pinggang pilak na ang bigat ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina; 004 NUM 007 020 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo na puno ng kamangyan; 004 NUM 007 021 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin; 004 NUM 007 022 Isang lalaking kambing na handog dahil sa kasalanan; 004 NUM 007 023 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Nathanael na anak ni Suar. 004 NUM 007 024 Nang ikatlong araw ay si Eliab na anak ni Helon, na prinsipe sa mga anak ni Zabulon: 004 NUM 007 025 Ang kaniyang alay, ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina; 004 NUM 007 026 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan; 004 NUM 007 027 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin; 004 NUM 007 028 Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan; 004 NUM 007 029 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Eliab na anak ni Helon. 004 NUM 007 030 Nang ikaapat na araw ay si Elisur na anak ni Sedeur, na prinsipe sa mga anak ni Ruben: 004 NUM 007 031 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina. 004 NUM 007 032 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan; 004 NUM 007 033 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin; 004 NUM 007 034 Isang lalaking kambing na handog dahil sa kasalanan; 004 NUM 007 035 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Elisur na anak ni Sedeur. 004 NUM 007 036 Nang ikalimang araw ay si Selumiel na anak ni Zurisaddai, na prinsipe sa mga anak ni Simeon: 004 NUM 007 037 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina; 004 NUM 007 038 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo na puno ng kamangyan. 004 NUM 007 039 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin; 004 NUM 007 040 Isang kambing na lalake, na handog dahil sa kasalanan; 004 NUM 007 041 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Selumiel na anak ni Zurisaddai. 004 NUM 007 042 Nang ikaanim na araw ay si Eliasaph na anak ni Dehuel, na prinsipe sa mga anak ni Gad: 004 NUM 007 043 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina; 004 NUM 007 044 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan; 004 NUM 007 045 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin; 004 NUM 007 046 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan; 004 NUM 007 047 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Eliasaph na anak ni Dehuel. 004 NUM 007 048 Nang ikapitong araw ay si Elisama na anak ni Ammiud, na prinsipe sa mga anak ni Ephraim: 004 NUM 007 049 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina; 004 NUM 007 050 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan; 004 NUM 007 051 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon na handog na susunugin; 004 NUM 007 052 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan; 004 NUM 007 053 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Elisama na anak ni Ammiud. 004 NUM 007 054 Nang ikawalong araw ay si Gamaliel na anak ni Pedasur, na prinsipe sa mga anak ni Manases: 004 NUM 007 055 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina; 004 NUM 007 056 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan; 004 NUM 007 057 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin; 004 NUM 007 058 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan; 004 NUM 007 059 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Gamaliel na anak ni Pedasur. 004 NUM 007 060 Nang ikasiyam na araw ay si Abidan, na anak ni Gedeon, na prinsipe sa mga anak ni Benjamin: 004 NUM 007 061 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina; 004 NUM 007 062 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan; 004 NUM 007 063 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin; 004 NUM 007 064 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan; 004 NUM 007 065 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Abidan na anak ni Gedeon. 004 NUM 007 066 Nang ikasangpung araw ay si Ahiezer na anak ni Ammisaddai, na prinsipe sa mga anak ni Dan: 004 NUM 007 067 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina; 004 NUM 007 068 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan; 004 NUM 007 069 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin; 004 NUM 007 070 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan; 004 NUM 007 071 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Ahiezer na anak ni Ammisaddai. 004 NUM 007 072 Nang ikalabing isang araw ay si Pagiel na Anak ni Ocran, na prinsipe sa mga anak ni Aser: 004 NUM 007 073 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina; 004 NUM 007 074 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan; 004 NUM 007 075 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin; 004 NUM 007 076 Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan; 004 NUM 007 077 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, at limang kambing na lalake, at limang korderong lalake, ng unang taon: ito ang alay ni Pagiel na anak ni Ocran. 004 NUM 007 078 Nang ikalabing dalawang araw ay si Ahira na anak ni Enan, na prinsipe sa mga anak ni Nephtali: 004 NUM 007 079 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina; 004 NUM 007 080 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan; 004 NUM 007 081 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin; 004 NUM 007 082 Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan; 004 NUM 007 083 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Ahira na anak ni Enan. 004 NUM 007 084 Ito ang pagtatalaga ng dambana nang araw na pahiran ng langis ng mga prinsipe sa Israel: labing dalawang pinggang pilak, labing dalawang mangkok na pilak, labing dalawang kutsarang ginto: 004 NUM 007 085 Na bawa't pinggang pilak ay isang daan at tatlong pung siklo ang bigat, at bawa't mangkok ay pitong pu: lahat ng pilak ng mga sisidlan ay dalawang libo at apat na raang siklo, ayon sa siklo ng santuario; 004 NUM 007 086 Ang labing dalawang kutsarang ginto, na puno ng kamangyan, na ang bigat ay sangpung siklo bawa't isa, ayon sa siklo ng santuario; lahat ng ginto ng mga kutsara, ay isang daan at dalawang pung siklo: 004 NUM 007 087 Lahat ng mga baka na handog na susunugin ay labing dalawang toro, ang mga tupang lalake ay labing dalawa, ang mga korderong lalake ng unang taon ay labing dalawa, at ang mga handog na harina niyaon; at ang mga kambing na lalake na handog dahil sa kasalanan ay labing dalawa: 004 NUM 007 088 At lahat ng mga baka na pinaka-hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang pu't apat na toro, ang mga tupang lalake ay anim na pu, ang mga kambing na lalake ay anim na pu, ang mga korderong lalake ng unang taon ay anim na pu. Ito ang pagtatalaga sa dambana pagkatapos na mapahiran ng langis. 004 NUM 007 089 At nang si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng kapisanan, upang makipagsalitaan sa kaniya, ay narinig nga niya ang tinig na nagsasalita sa kaniya, mula sa itaas ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na nasa gitna ng dalawang querubin: at siya'y nagsalita sa kaniya. 004 NUM 008 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 008 002 Salitain mo kay Aaron, at sabihin mo sa kaniya, Pagsisindi mo ng mga ilawan, ay iyong papagliliwanagin ang pitong ilawan sa harap ng kandelero. 004 NUM 008 003 At ginawang gayon ni Aaron: kaniyang sinindihan ang mga ilawan upang magliwanag sa harap ng kandelero, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 004 NUM 008 004 At ito ang pagkayari ng kandelero, gintong niyari sa pamukpok; mula sa tungtungan niyaon hanggang sa mga bulaklak niyaon ay yari sa pamukpok: ayon sa anyo na ipinakita ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya ginawa ang kandelero. 004 NUM 008 005 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 008 006 Kunin mo ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel at linisin mo sila. 004 NUM 008 007 At ganito ang gagawin mo sa kanila, upang linisin sila: iwisik mo sa kanila ang tubig na panglinis ng sala, at kanilang paraanin ang pang-ahit sa buong laman nila, at labhan nila ang kanilang mga suot, at sila'y magpakalinis. 004 NUM 008 008 Kung magkagayo'y pakunin mo sila ng isang guyang toro at ng handog na harina niyaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, at kukuha ka ng ibang guyang toro na handog dahil sa kasalanan. 004 NUM 008 009 At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng tabernakulo ng kapisanan at pipisanin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel: 004 NUM 008 010 At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng Panginoon. At ipapatong ng mga anak ni Israel ang kanilang mga kamay sa mga Levita: 004 NUM 008 011 At ihahandog ni Aaron ang mga Levita sa harap ng Panginoon na pinakahandog, na inalog sa ganang mga anak ni Israel upang kanilang gawin ang paglilingkod sa Panginoon. 004 NUM 008 012 At ipapatong ng mga Levita ang kanilang mga kamay sa mga ulo ng mga guyang toro: at ihandog mo ang isa na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ang isa'y pinakahandog na susunugin sa Panginoon, upang itubos sa mga Levita. 004 NUM 008 013 At patayuin mo ang mga Levita sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak, at ihahandog mo ang mga yaon na pinakahandog na inalog sa Panginoon. 004 NUM 008 014 Ganito mo ihihiwalay ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay magiging akin. 004 NUM 008 015 At pagkatapos nito ay magsisipasok ang mga Levita, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan at iyo silang lilinisin, at ihahandog mo na pinakahandog na inalog. 004 NUM 008 016 Sapagka't sila'y buong nabigay sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel; na kinuha ko silang kapalit ng lahat ng nagsisipagbukas ng bahay-bata, ng mga panganay sa lahat ng mga anak ni Israel. 004 NUM 008 017 Sapagka't lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel ay akin, maging tao at maging hayop: nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ay aking pinapagingbanal para sa akin. 004 NUM 008 018 At aking kinuha ang mga Levita na kapalit ng lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel. 004 NUM 008 019 At aking ibinigay ang mga Levita na pinaka kaloob kay Aaron at sa kaniyang mga anak mula sa gitna ng mga anak ni Israel upang gawin nila ang paglilingkod sa mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, at upang magsigawa ng pangtubos sa mga anak ni Israel, upang huwag magkaroon ng salot sa gitna ng mga anak ni Israel, pagka ang mga anak ni Israel, ay lumalapit sa santuario. 004 NUM 008 020 Ganito ang ginawa ni Moises, at ni Aaron, at ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel sa mga Levita: ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel sa kanila. 004 NUM 008 021 At ang mga Levita ay nagsipaglinis ng kanilang sarili sa kasalanan, at nagsipaglaba ng kanilang mga damit; at inihandog ni Aaron sila na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon; at si Aaron ay naggawa ng pangtubos sa kanila upang linisin sila. 004 NUM 008 022 At pagkatapos niyaon ay nagsipasok ang mga Levita upang gawin ang kanilang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak: kung paano ang iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ang ginawa nila sa kanila. 004 NUM 008 023 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 008 024 Ito ang nauukol sa mga Levita: mula sa dalawang pu't limang taong gulang na patanda, ay papasok upang maglingkod sa gawa ng tabernakulo ng kapisanan. 004 NUM 008 025 At mula sa limang pung taong gulang ay titigil sila sa paglilingkod sa gawain at hindi na sila maglilingkod; 004 NUM 008 026 Nguni't sila'y mangangasiwa ng kanilang mga kapatid sa tabernakulo ng kapisanan, upang ingatan ang katungkulan, at sila'y walang gagawing paglilingkod. Gayon ang gagawin mo sa mga Levita tungkol sa kanilang mga katungkulan. 004 NUM 009 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa ilang ng Sinai, sa unang buwan ng ikalawang taon pagkatapos na sila'y makaalis sa lupain ng Egipto, na sinasabi, 004 NUM 009 002 Bukod sa rito ay ipagdiwang ng mga anak ni Israel ang paskua sa kaniyang kaukulang panahon. 004 NUM 009 003 Sa ikalabing apat na araw ng buwang ito, sa paglubog ng araw ay inyong ipagdidiwang sa kaniyang kaukulang panahon: ayon sa lahat na palatuntunan niyaon, at ayon sa lahat ng ayos niyaon, ay inyong ipagdidiwang. 004 NUM 009 004 At si Moises ay nagsalita sa mga anak ni Israel upang ipagdiwang ang paskua. 004 NUM 009 005 At kanilang ipinagdiwang ang paskua nang unang buwan, sa ikalabing apat na araw ng buwan, sa paglubog ng araw, sa ilang ng Sinai: ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel. 004 NUM 009 006 At may mga lalake na mga marurumi dahil sa bangkay ng isang tao, na anopa't hindi nila naipagdiwang ang paskua nang araw na yaon; at nagsiharap sila kay Moises at kay Aaron nang araw na yaon: 004 NUM 009 007 At ang mga lalaking yaon ay nagsipagsabi sa kanila, Kami ay mga marumi dahil sa bangkay ng isang tao: bakit kami ay masasansala na anopa't kami ay huwag maghandog ng alay sa Panginoon sa kaniyang kaukulang panahon na kasama ng mga anak ni Israel? 004 NUM 009 008 At sinabi ni Moises sa kanila, Maghintay kayo; upang aking marinig ang ipaguutos ng Panginoon tungkol sa inyo. 004 NUM 009 009 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 009 010 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Kung ang sinomang tao sa inyo o sa inyong sali't saling lahi ay maging marumi dahil sa isang bangkay, o masumpungan sa isang malayong paglalakbay, ay kaniyang ipagdidiwang din ang paskua sa Panginoon: 004 NUM 009 011 Sa ikalawang buwan nang ikalabing apat na araw sa paglubog ng araw, ay kanilang ipagdidiwang; kanilang kakanin na may mga tinapay na walang lebadura at mga gulay na mapait: 004 NUM 009 012 Wala silang ititira niyaon hanggang sa kinaumagahan, ni sisira ng buto niyaon: ayon sa buong palatuntunan ng paskua ay kanilang ipagdidiwang. 004 NUM 009 013 Datapuwa't ang lalaking malinis, at wala sa paglalakbay, at hindi magdiwang ng paskua, ay ihihiwalay ang taong yaon, sa kaniyang bayan; sapagka't siya'y hindi naghandog ng alay sa Panginoon sa kaukulang panahon, ang taong yaon ay magtataglay ng kaniyang kasalanan. 004 NUM 009 014 At kung ang isang taga ibang bayan ay makikipamayan sa inyo, at ipagdidiwang ang paskua sa Panginoon; ayon sa palatuntunan ng paskua, at ayon sa ayos, ay gayon gagawin niya; kayo'y magkakaroon ng isang palatuntunan, maging sa taga ibang lupa, at maging sa ipinanganak sa lupain. 004 NUM 009 015 At nang araw na ang tabernakulo ay itayo, ay tinakpan ng ulap ang tabernakulo, sa makatuwid baga'y ang tabernakulo ng patotoo: at sa paglubog ng araw ay nasa ibabaw ng tabernakulo na parang anyong apoy hanggang sa kinaumagahan. 004 NUM 009 016 Gayon namalagi: ang ulap ang tumakip doon, at ang anyong apoy sa gabi. 004 NUM 009 017 At kailan pa man ang ulap ay napaitaas mula sa ibabaw ng Tolda ay naglakbay nga pagkatapos ang mga anak ni Israel: at sa dakong tigilan ng ulap ay doon humantong ang mga anak ni Israel. 004 NUM 009 018 Sa utos ng Panginoon ay nagsisipaglakbay ang mga anak ni Israel, at sa utos ng Panginoon ay humantong sila: kung gaano kalaon ang itigil ng ulap sa ibabaw ng tabernakulo, ay siya nilang ipina-nanatili sa kampamento. 004 NUM 009 019 At pagka ang ulap ay tumigil sa ibabaw ng tabernakulo na maluwat, ay iningatan ng mga anak ni Israel ang bilin ng Panginoon at hindi naglalakbay. 004 NUM 009 020 At kung minsan ay nananatiling ilang araw sa ibabaw ng tabernakulo ang ulap; ayon nga sa utos ng Panginoon ay tumitira sila sa mga tolda at ayon sa utos ng Panginoon ay naglakbay sila. 004 NUM 009 021 At kung minsan ang ulap ay nananatili mula sa hapon hanggang sa kinaumagahan; at pagka ang ulap ay napaitaas sa kinaumagahan, ay naglakbay sila: maging araw maging gabi, na ang ulap ay paitaas, ay naglakbay sila. 004 NUM 009 022 Maging dalawang araw o isang buwan, o isang taon na nakatigil ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo, na manatili sa ibabaw niyaon, ay tumitira ang mga anak ni Israel sa mga tolda at hindi naglakbay: datapuwa't pagtaas ay naglakbay sila. 004 NUM 009 023 Sa utos ng Panginoon ay humantong sila, at sa utos ng Panginoon ay naglakbay sila; kanilang iningatan ang bilin ng Panginoon, sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. 004 NUM 010 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 010 002 Gumawa ka ng dalawang pakakak na pilak; yari sa pamukpok gagawin mo: at iyong gagamitin sa pagtawag sa kapisanan, at sa paglalakbay ng mga kampamento. 004 NUM 010 003 At pagka kanilang hihipan, ay magpipisan sa iyo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 004 NUM 010 004 At kung kanilang hihipan ang isa lamang, ang mga prinsipe nga, ang mga pangulo sa mga libolibong taga Israel, ay magpipisan sa iyo. 004 NUM 010 005 At paghihip ninyo ng hudyat, ay magsisisulong ang mga kampamento na nasa dakong silanganan. 004 NUM 010 006 At paghihip ninyo ng hudyat na ikalawa, ay magsisisulong ang mga kampamento na nasa dakong timugan: sila'y hihihip ng isang hudyat para sa kanilang paglalakbay. 004 NUM 010 007 Datapuwa't pagka ang kapisanan ay magpipisan ay hihihip kayo, nguni't huwag ninyong patutunuging ayon sa hudyat. 004 NUM 010 008 At ang mga anak ni Aaron, ang mga saserdote, ay magsisihihip ng mga pakakak; at magiging palatuntunan sa inyo magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi. 004 NUM 010 009 At pagka makikipagbaka kayo sa inyong lupain laban sa kaaway na sa inyo'y pumipighati, ay inyo ngang patutunugin ang hudyat ng pakakak; at kayo'y aalalahanin sa harap ng Panginoon ninyong Dios, at kayo'y maliligtas sa inyong mga kaaway. 004 NUM 010 010 Gayon sa kaarawan ng inyong kasayahan, at sa inyong mga takdang kapistahan, at sa mga pasimula ng inyong mga buwan, ay inyong hihipan ang mga pakakak sa ibabaw ng inyong mga handog na susunugin, at sa ibabaw ng mga hain ng inyong mga handog tungkol sa kapayapaan; at sa inyo'y magiging alaala sa harap ng inyong Dios: ako ang Panginoon ninyong Dios. 004 NUM 010 011 At nangyari sa ikalawang taon, nang ikalawang buwan, nang ikadalawang pung araw ng buwan, na ang ulap ay napaitaas mula sa tabernakulo ng patotoo. 004 NUM 010 012 At ang mga anak ni Israel ay nagsisulong, ayon sa kanilang mga paglalakbay mula sa ilang ng Sinai; at ang ulap ay tumahan sa ilang ng Paran. 004 NUM 010 013 At kanilang pinasimulan ang kanilang paglalakbay ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. 004 NUM 010 014 At unang sumulong ang watawat ng kampamento ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga hukbo; at nangungulo sa kaniyang hukbo si Naason na anak ni Aminadab. 004 NUM 010 015 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Issachar, si Nathanael na anak ni Suar. 004 NUM 010 016 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Zebulon, si Eliab na anak ni Helon. 004 NUM 010 017 At ang tabernakulo ay tinanggal at ang mga anak ni Gerson at ang mga anak ni Merari, na mga may dala ng tabernakulo ay nagsisulong. 004 NUM 010 018 At ang watawat ng kampamento ng Ruben ay sumulong ayon sa kanilang mga hukbo: at nangungulo sa kaniyang hukbo si Elisur na anak ni Sedeur. 004 NUM 010 019 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Simeon si Selumiel na anak ni Zurisaddai. 004 NUM 010 020 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Gad, si Eliasaph na anak ni Dehuel. 004 NUM 010 021 At ang mga Coathita ay nagsisulong na dala ang santuario: at itinayo ng iba ang tabernakulo samantalang ang mga ito'y nagsisidating. 004 NUM 010 022 At ang watawat ng kampamento ng mga anak ni Ephraim ay nagsisulong ayon sa kanilang mga hukbo: at nangungulo sa kaniyang hukbo si Elisama na anak ni Ammiud. 004 NUM 010 023 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Manases, si Gamaliel na anak ni Pedasur. 004 NUM 010 024 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Benjamin, si Abidan na anak ni Gedeon. 004 NUM 010 025 At ang watawat ng kampamento ng mga anak ni Dan na siyang nasa hulihan ng lahat ng mga kampamento ay nagsisulong ayon sa kanilang mga hukbo: at nangungulo sa kaniyang hukbo si Ahiezer na anak ni Ammisaddai. 004 NUM 010 026 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Aser si Phegiel na anak ni Ocran. 004 NUM 010 027 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Nephtali si Ahira na anak ni Enan. 004 NUM 010 028 Ganito ang mga paglalakbay ng mga anak ni Israel, ayon sa kanilang mga hukbo; at sila'y nagsisulong. 004 NUM 010 029 At si Moises ay nagsabi kay Hobab na anak ni Rehuel na Madianita, biyanan ni Moises: Kami ay naglalakbay sa dakong sinabi ng Panginoon, Aking ibibigay sa inyo: sumama ka sa amin at gagawan ka namin ng mabuti: sapagka't ang Panginoon ay nagsalita ng mabuti tungkol sa Israel. 004 NUM 010 030 At sinabi niya sa kaniya, Ako'y hindi paroroon; kundi ako'y babalik sa aking sariling lupain, at sa aking kamaganakan. 004 NUM 010 031 At sinabi ni Moises, Huwag mo kaming iwan, ipinamamanhik ko sa iyo; sapagka't nalalaman mo kung paanong hahantong kami sa ilang, at ikaw ay maaari sa aming pinakamata. 004 NUM 010 032 At mangyayari, na kung ikaw ay sasama sa amin, oo, mangyayari, na anomang mabuting gagawin ng Panginoon sa amin, ay siya rin naming gagawin sa iyo. 004 NUM 010 033 At sila'y nagsisulong mula sa bundok ng Panginoon ng tatlong araw na paglalakbay; at ang kaban ng tipan ng Panginoon ay nasa unahan nila ng tatlong araw nilang paglalakbay, upang ihanap sila ng dakong kanilang mapagpapahingahan. 004 NUM 010 034 At ang ulap ng Panginoon ay nasa itaas nila sa araw, pagka sila'y sumulong mula sa kampamento. 004 NUM 010 035 At nangyari pagka ang kaban ay isinulong na sinabi ni Moises, Bumangon ka, Oh Panginoon, at mangalat ang mga kaaway mo, at magsitakas sa harap mo ang nangapopoot sa iyo. 004 NUM 010 036 At pagka inilapag ay kaniyang sinabi, Bumalik ka, Oh Panginoon sa mga laksang libolibong Israelita. 004 NUM 011 001 At ang bayan ay naging parang mapag-upasala na nagsalita ng masasama sa pakinig ng Panginoon: at nang marinig ng Panginoon ay nagningas ang kaniyang galit; at ang apoy ng Panginoon ay sumunog sa gitna nila, at sinupok ang kahulihulihang bahagi ng kampamento. 004 NUM 011 002 At ang bayan ay humibik kay Moises; at si Moises ay nanalangin sa Panginoon at ang apoy ay namatay. 004 NUM 011 003 At ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Tabera: sapagka't ang apoy ng Panginoon ay sumunog sa gitna nila. 004 NUM 011 004 At ang halohalong karamihan na nasa gitna nila ay nahulog sa kasakiman: at ang mga anak ni Israel naman ay muling umiyak at nagsabi, Sino ang magbibigay sa atin ng karneng makakain? 004 NUM 011 005 Ating naaalaala ang isda, na ating kinakain sa Egipto na walang bayad; ang mga pipino, at ang mga milon, at ang mga puero, at ang mga sibuyas, at ang bawang: 004 NUM 011 006 Nguni't ngayo'y ang ating kaluluwa ay natutuyo; walang kaanoanoman: sa ating harapan ay walang anoman kundi ang manang ito. 004 NUM 011 007 At ang mana ay gaya ng butil ng culantro, at ang kulay niyaon ay gaya ng kulay ng bdelio. 004 NUM 011 008 Ang bayan ay dumadaan sa palibot, at pinupulot yaon, at kanilang ginigiling sa mga gilingan, o kanilang dinidikdik sa mga lusong, at kanilang niluluto sa mga palyok, at ginagawa nilang munting tinapay at ang lasa ay gaya ng lasa ng bagong langis. 004 NUM 011 009 At pagka ang hamog ay nahuhulog sa ibabaw ng kampamento sa gabi, ang mana ay nahuhulog. 004 NUM 011 010 At narinig ni Moises ang pag-iiyakan ng bayan sa kanikaniyang sangbahayan, na bawa't lalake ay nasa pintuan ng kaniyang tolda; at ang galit ng Panginoon ay nagningas na mainam; at sumama ang loob ni Moises. 004 NUM 011 011 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Bakit mo ginawan ng masama ang iyong lingkod? at bakit hindi ako nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, na iyong iniatang sa akin ang pasan ng buong bayang ito. 004 NUM 011 012 Akin ba kayang ipinaglihi ang buong bayang ito? ipinanganak ko ba upang iyong sabihin sa akin, Kandungin mo sila sa iyong kandungan, na gaya ng nag-aalagang magulang na kinakandong ang kaniyang batang pasusuhin, sa lupain na iyong isinumpa sa kanilang mga magulang? 004 NUM 011 013 Saan ako kukuha ng karne upang ibigay sa buong bayang ito? sapagka't sila'y umiyak sa akin, na nagsisipagsabi, Bigyan mo kami ng karneng aming makain. 004 NUM 011 014 Hindi ko kayang dalhing magisa ang buong bayang ito, sapagka't totoong mabigat sa akin. 004 NUM 011 015 At kung ako'y ginagawan mo ng ganito ay patayin mo na ako, ipinamamanhik ko sa iyo, kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin; at huwag ko nang makita ang aking kahirapan. 004 NUM 011 016 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pisanin mo sa akin ang pitong pung lalake sa mga matanda sa Israel, sa iyong mga nalalaman na mga matanda sa bayan at mga nangungulo sa kanila; at dalhin mo sa tabernakulo ng kapisanan, upang sila'y makatayo roon na kasama mo. 004 NUM 011 017 At ako'y bababa at makikipag-usap sa iyo doon; at ako'y kukuha sa Espiritung sumasaiyo at aking isasalin sa kanila; at kanilang dadalhin ang pasan ng bayan na kasama mo, upang huwag mong dalhing magisa. 004 NUM 011 018 At sabihin mo sa bayan, Magpakabanal kayo, para sa kinabukasan, at kayo'y magsisikain ng karne: sapagka't kayo'y nagsisiiyak sa pakinig ng Panginoon, na sinasabi, Sinong magbibigay sa amin ng karne na aming makakain? sapagka't maigi kahit nang nasa Egipto: dahil dito bibigyan kayo ng Panginoon ng karne at kakain kayo. 004 NUM 011 019 Hindi ninyo kakaning isang araw, ni dalawang araw, ni limang araw, ni sangpung araw, ni dalawang pung araw; 004 NUM 011 020 Kundi isang buong buwan, hanggang sa lumabas sa inyong mga ilong, at inyong kasuyaan: sapagka't inyong itinakuwil ang Panginoon na nasa gitna ninyo, at kayo'y umiyak sa harap niya, na nagsasabi, Bakit kami nakaalis sa Egipto? 004 NUM 011 021 At sinabi ni Moises, Ang bayan na kinaroroonan ko, ay anim na raang libong katao na nakatayo; at iyong sinabi, Akin silang bibigyan ng karne na kanilang makakain sa buong buwan. 004 NUM 011 022 Papatayin ba kaya ang mga kawan at mga bakahan, upang magkasya sa kanila? o ang lahat ng isda sa dagat at titipunin sa kanila upang magkasya sa kanila? 004 NUM 011 023 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Umikli na ba kaya ang kamay ng Panginoon? ngayo'y makikita mo kung ang aking salita ay matutupad sa iyo o hindi. 004 NUM 011 024 At si Moises ay lumabas, at isinaysay sa bayan ang mga salita ng Panginoon: at siya'y nagpisan ng pitong pung lalake sa mga matanda sa bayan at kaniyang pinatayo sa palibot ng Tolda. 004 NUM 011 025 At ang Panginoon ay bumaba sa ulap, at nagsalita sa kaniya; at kumuha sa Espiritung sumasakaniya at isinalin sa pitong pung matanda: at nangyari, na nang sumakanila ang Espiritu, ay nanganghula, nguni't hindi na sila umulit. 004 NUM 011 026 Nguni't naiwan ang dalawang lalake sa kampamento, na ang pangalan ng isa ay Eldad, at ang pangalan ng isa ay Medad: at ang Espiritu ay sumasakanila; at sila'y kabilang sa nangasulat, nguni't hindi nagsilabas sa Tolda: at sila'y nanghula sa kampamento. 004 NUM 011 027 At tumakbo ang isang binata, at isinaysay kay Moises, at sinabi, Si Eldad at si Medad ay nanghuhula sa kampamento. 004 NUM 011 028 At si Josue na anak ni Nun, na tagapangasiwa ni Moises, na isa sa kaniyang mga piling lalake, ay sumagot at nagsabi, Panginoon kong Moises, pagbawalan mo sila. 004 NUM 011 029 At sinabi ni Moises sa kaniya, Ikaw ba'y may paninibugho sa akin? ibigin nawa na ang buong bayan ng Panginoon ay maging propeta na isakanila ng Panginoon ang kaniyang Espiritu! 004 NUM 011 030 At naparoon si Moises sa kampamento, siya at ang mga matanda sa Israel. 004 NUM 011 031 At lumabas ang isang hanging galing sa Panginoon, at nagdala ng mga pugo na mula sa dagat, at pinalapag sa kampamento na may isang araw lakarin sa dakong ito, at isang araw lakarin sa kabilang dako sa palibot ng kampamento, at nagsilipad na may dalawang siko ang taas sa balat ng lupa. 004 NUM 011 032 At ang bayan ay nangakatindig ng buong araw na yaon at ng buong gabi, at ng buong ikalawang araw, at nagsipanghuli ng mga pugo; yaong kaunti ang napisan ay nakapisan ng sangpung homer: at kanilang ikinalat para sa kanila sa buong palibot ng kampamento. 004 NUM 011 033 Samantalang ang karne ay nasa kanilang mga ngipin pa, na hindi pa nila nangunguya ay nagningas laban sa bayan ang galit ng Panginoon at sinaktan ng Panginoon ang bayan ng isang salot na di kawasa. 004 NUM 011 034 At ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Kibroth-hattaavah; sapagka't doon inilibing nila ang bayang sakim. 004 NUM 011 035 Mula sa Kibroth-hattaavah ay naglakbay ang bayan na patungo sa Haseroth; at sila'y tumira sa Haseroth. 004 NUM 012 001 At si Miriam at si Aaron ay nagsalitaan laban kay Moises tungkol sa pagkapagasawa niya sa isang babaing Cusita: sapagka't siya'y nag-asawa sa isang babaing Cusita. 004 NUM 012 002 At kanilang sinabi, Ang Panginoon ba'y kay Moises lamang nakipagsalitaan? hindi ba nakipagsalitaan din naman sa atin? At narinig ng Panginoon. 004 NUM 012 003 Ang lalake ngang si Moises ay totoong maamong loob, na higit kay sa lahat ng lalaking nasa ibabaw ng lupa. 004 NUM 012 004 At sinalita agad ng Panginoon kay Moises, at kay Aaron, at kay Miriam, Lumabas kayong tatlo sa tabernakulo ng kapisanan. At silang tatlo ay lumabas. 004 NUM 012 005 At ang Panginoon ay bumaba sa isang tila haliging ulap, at tumayo sa pintuan ng Tolda, at tinawag si Aaron at si Miriam: at sila'y kapuwa lumabas. 004 NUM 012 006 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya sa pangitain, na kakausapin ko siya sa panaginip. 004 NUM 012 007 Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; siya'y tapat sa aking buong buhay: 004 NUM 012 008 Sa kaniya'y makikipag-usap ako ng bibig, sa bibig, ng maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang anyo ng Panginoon ay kaniyang makikita: bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises? 004 NUM 012 009 At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa kanila; at siya'y umalis. 004 NUM 012 010 At ang ulap ay lumayo sa Tolda; at narito, si Miriam ay nagkaketong, na pumuting gaya ng niebe; at tiningnan ni Aaron si Miriam, at narito, siya'y nagkaketong. 004 NUM 012 011 At sinabi ni Aaron kay Moises, Oh panginoon ko, isinasamo ko sa iyo na huwag mong iparatang ang kasalanan sa amin, sapagka't ginawa namin na may kamangmangan, at sapagka't kami ay nagkasala. 004 NUM 012 012 Huwag mong itulot sa kaniya, isinasamo ko sa iyo, na maging parang isang patay na tunaw ang kalahati ng kaniyang laman paglabas sa tiyan ng kaniyang ina. 004 NUM 012 013 At humibik si Moises sa Panginoon, na sinasabi, Pagalingin mo siya, Oh Dios, ipinamamanhik ko sa iyo. 004 NUM 012 014 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Kung siya'y niluran ng kaniyang ama sa kaniyang mukha, hindi ba siya mahihiyang pitong araw? kulungin siyang pitong araw sa labas ng kampamento, at pagkatapos ay madadala siyang muli sa loob. 004 NUM 012 015 At si Miriam ay kinulong na pitong araw sa labas ng kampamento: at ang bayan ay hindi naglakbay hanggang si Miriam ay nadalang muli sa loob. 004 NUM 012 016 At pagkatapos nito ay naglakbay ang bayan mula sa Haseroth, at humantong sa ilang ng Paran. 004 NUM 013 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 013 002 Magsugo ka ng mga lalake na makakapaniktik sa lupain ng Canaan, na aking ibibigay sa mga anak ni Israel: isang lalake sa bawa't isa sa mga lipi ng kanilang mga magulang ay susuguin ninyo, na bawa't isa'y prinsipe sa kanila. 004 NUM 013 003 At sinugo sila ni Moises mula sa ilang ng Paran ayon sa utos ng Panginoon: silang lahat ay mga lalaking pangulo sa mga anak ni Israel. 004 NUM 013 004 At ito ang kanilang mga pangalan: sa lipi ni Ruben, ay si Sammua na anak ni Zaccur. 004 NUM 013 005 Sa lipi ni Simeon, ay si Saphat na anak ni Huri. 004 NUM 013 006 Sa lipi ni Juda, ay si Caleb na anak ni Jephone. 004 NUM 013 007 Sa lipi ni Issachar, ay si Igal na anak ni Jose. 004 NUM 013 008 Sa lipi ni Efraim, ay si Oseas na anak ni Nun. 004 NUM 013 009 Sa lipi ni Benjamin, ay si Palti na anak ni Raphu. 004 NUM 013 010 Sa lipi ni Zabulon, ay si Gaddiel na anak ni Sodi. 004 NUM 013 011 Sa lipi ni Jose, sa makatuwid baga'y sa lipi ni Manases, ay si Gaddi na anak ni Susi. 004 NUM 013 012 Sa lipi ni Dan, ay si Ammiel na anak ni Gemalli. 004 NUM 013 013 Sa lipi ni Aser, ay si Sethur, na anak ni Michael. 004 NUM 013 014 Sa lipi ni Nephtali, ay si Nahabi na anak ni Vapsi. 004 NUM 013 015 Sa lipi ni Gad, ay si Geuel na anak ni Machi. 004 NUM 013 016 Ito ang mga pangalan ng mga lalake na sinugo ni Moises upang tiktikan ang lupain. At tinawag ni Moises na Josue ang anak ni Nun na si Oseas. 004 NUM 013 017 At sinugo sila ni Moises upang tiktikan ang lupain ng Canaan, at sinabi sa kanila, Sumampa kayo rito sa dakong Timugan at umakyat kayo sa mga bundok: 004 NUM 013 018 At tingnan ninyo ang lupain, kung ano; at ang bayan na tumatahan doon, kung sila'y malakas o mahina, kung sila'y kaunti o marami; 004 NUM 013 019 At kung ano ang lupain na kanilang tinatahanan, kung mabuti o masama; at kung ano ang mga bayan na kanilang tinatahanan, kung sa mga kampamento, o sa mga nakukutaan; 004 NUM 013 020 At kung ano ang lupain, kung mataba o payat, kung mayroong kahoy o wala. At magpakatapang kayo, at magdala kayo rito ng bunga ng lupain. Ngayon ang panahon ay panahon ng mga unang hinog na ubas. 004 NUM 013 021 Sila nga'y umakyat, at kanilang tiniktikan ang lupain mula sa ilang ng Zin hanggang sa Rehob, sa pagpasok sa Emath. 004 NUM 013 022 At sila'y umakyat sa dakong Timugan, at sila'y dumating sa Hebron; at si Aimen, si Sesai at si Talmai, na mga anak ni Anac, ay nangaroon. (Ngayon ang Hebron ay natayong pitong taon bago ang Zoan sa Egipto). 004 NUM 013 023 At sila'y dumating sa libis ng Escol, at sila'y pumutol doon ng isang sangang may isang kumpol na ubas, at dinala sa isang pingga ng dalawa; sila'y nagdala rin ng mga granada, at mga igos. 004 NUM 013 024 Ang dakong yaon ay tinawag na libis ng Escol, dahil sa kumpol na kinitil ng mga anak ni Israel doon. 004 NUM 013 025 At sila'y nagbalik pagkatiktik sa lupain, sa katapusan ng apat na pung araw. 004 NUM 013 026 At sila'y nagsiyaon at nagsiparoon kay Moises, at kay Aaron at sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, sa ilang ng Paran, sa Cades; at kanilang binigyang sagot sila, at ang buong kapisanan, at kanilang ipinakita sa kanila ang bunga ng lupain. 004 NUM 013 027 At kanilang isinaysay sa kaniya, at sinabi, Kami ay dumating sa lupaing yaong pinaparoonan mo sa amin, at tunay na binubukalan ng gatas at pulot; at ito ang bunga niyaon. 004 NUM 013 028 Gayon man ang bayan na tumitira sa lupaing yaon ay malakas, at ang mga bayan ay nakukutaan, at napakalalaki: at saka aming nakita ang mga anak ni Anac doon. 004 NUM 013 029 Si Amalec ay tumatahan sa lupain ng Timugan: at ang Hetheo, at ang Jebuseo, at ang Amorrheo ay tumatahan sa mga bundok: at ang Cananeo ay tumatahan sa tabi ng dagat, at sa mga pangpang ng Jordan. 004 NUM 013 030 At pinatahimik ni Caleb ang bayan sa harapan ni Moises, at sinabi, Ating akyating paminsan, at ating ariin; sapagka't kaya nating lupigin. 004 NUM 013 031 Nguni't sinabi ng mga lalaking nagsiakyat na kasama niya, Hindi tayo makaaakyat laban sa bayan; sapagka't sila'y malakas kay sa atin. 004 NUM 013 032 At sila'y nagdala ng masamang balita tungkol sa lupaing kanilang tiniktikan, sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Ang lupain na aming pinaroonan upang tiktikan ay isang lupain na kinakain ang mga tumatahan doon; at lahat ng bayan na aming nakita roon, ay mga taong malalaki. 004 NUM 013 033 At doo'y aming nakita ang mga Nefilim, ang mga anak ni Anac, na mula sa mga Nefilim: at kami sa aming sariling paningin ay naging parang mga balang, at gayon din kami sa kanilang paningin. 004 NUM 014 001 At ang buong kapisanan ay naglakas ng kanilang tinig, at humiyaw; at ang bayan ay umiyak ng gabing yaon. 004 NUM 014 002 At inupasala ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron: at sinabi sa kanila ng buong kapisanan, Nangamatay na sana tayo sa lupain ng Egipto! o kaya'y nangamatay na sana tayo sa ilang na ito! 004 NUM 014 003 At bakit kaya tayo dinala ng Panginoon sa lupaing ito, upang tayo'y mabuwal sa tabak? Ang ating mga asawa at ang ating mga anak ay magiging mga huli: hindi ba magaling sa atin na tayo'y magbalik sa Egipto? 004 NUM 014 004 At nag-sangusapan sila, Tayo'y maglagay ng isang kapitan at tayo'y magbalik sa Egipto. 004 NUM 014 005 Nang magkagayon, si Moises at si Aaron ay nagpatirapa sa harap ng buong kapulungan na kapisanan ng mga anak ni Israel. 004 NUM 014 006 At hinapak ni Josue na anak ni Nun, at ni Caleb na anak ni Jephone, na mga kasamang tumiktik sa lupain, ang kanilang mga suot: 004 NUM 014 007 At sinalita nila sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, Ang lupain na aming dinaanan upang tiktikan ay isang napakainam na lupain. 004 NUM 014 008 Kung kalulugdan tayo ng Panginoon ay dadalhin nga niya tayo sa lupaing yaon, at ibibigay niya sa atin; na yao'y lupaing binubukalan ng gatas at pulot. 004 NUM 014 009 Huwag lamang kayong manghimagsik laban sa Panginoon, ni matakot sa bayan ng lupaing yaon, sapagka't sila'y tinapay sa atin; ang kaniyang kalinga ay inilayo sa kanila, at ang Panginoon ay sumasaatin: huwag kayong matakot sa kanila. 004 NUM 014 010 Datapuwa't tinangka ng buong kapisanan na pagbatuhanan sila. At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa tabernakulo ng kapisanan sa lahat ng mga anak ni Israel. 004 NUM 014 011 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Hanggang kailan hahamakin ako ng bayang ito? at hanggang kailan hindi sila mananampalataya sa akin, sa lahat ng mga tanda na aking ginawa sa kanila? 004 NUM 014 012 Aking sasaktan sila ng salot, at hindi ko sila pamamanahan at gagawin kita na isang bansang malaki at matibay kay sa kanila. 004 NUM 014 013 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Kung gayo'y mababalitaan ng mga taga Egipto; sapagka't isinampa mo ang bayang ito ng iyong kapangyarihan sa gitna nila; 004 NUM 014 014 At kanilang sasaysayin sa mga tumatahan sa lupaing ito. Kanilang nabalitaan na ikaw Panginoon, ay nasa gitna ng bayang ito; sapagka't ikaw Panginoon, ay napakita ng mukhaan, at ang iyong ulap ay nakatindig sa ibabaw ng mga yaon, at ikaw ay nangunguna sa kanila, sa isang haliging ulap sa araw, at sa isang haliging apoy sa gabi. 004 NUM 014 015 Kung iyong papatayin nga ang bayang ito na parang isang tao, ay magsasalita nga ang mga bansang nakabalita ng iyong kabantugan na sasabihin, 004 NUM 014 016 Sapagka't hindi madadala ng Panginoon ang bayang ito sa lupain, na kaniyang isinumpa sa kanila, kaya't kaniyang pinatay sila sa ilang. 004 NUM 014 017 At ngayon, idinadalangin ko sa iyo, na itulot mo na ang kapangyarihan ng Panginoon ay maging dakila, ayon sa iyong sinalita, na sinasabi, 004 NUM 014 018 Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit at sagana sa kaawaan, na nagpapatawad ng kasamaan at ng pagsalangsang; at sa anomang paraan ay hindi aariing walang muang ang may sala, na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng lahi. 004 NUM 014 019 Ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo, ang kasamaan ng bayang ito ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan, at ayon sa iyong pagkapatawad sa bayang ito, mula sa Egipto hanggang ngayon. 004 NUM 014 020 At sinabi ng Panginoon, Aking pinatawad ayon sa iyong salita: 004 NUM 014 021 Nguni't tunay, na kung paanong ako'y buhay at kung paanong mapupuspos ng kaluwalhatian ng Panginoon ang buong lupa: 004 NUM 014 022 Sapagka't ang lahat ng taong yaon na nakakita ng aking kaluwalhatian at ng aking mga tanda, na aking ginawa sa Egipto at sa ilang ay tinukso pa rin ako nitong makasangpu, at hindi dininig ang aking tinig; 004 NUM 014 023 Tunay na hindi nila makikita ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, ni sinoman sa kanila na humamak sa akin ay hindi makakakita: 004 NUM 014 024 Kundi ang aking lingkod na si Caleb, sapagka't siya'y nagtaglay ng ibang diwa at siya'y sumunod na lubos sa akin, ay aking dadalhin siya sa lupain na kaniyang pinaroonan; at aariin ng kaniyang lahi. 004 NUM 014 025 Ngayon nga'y ang mga Amalecita at ang mga Cananeo ay tumatahan sa libis: bukas ay magbalik kayo at kayo'y pasa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula. 004 NUM 014 026 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, 004 NUM 014 027 Hanggang kailan titiisin ko ang masamang kapisanang ito, na naguupasala laban sa akin? Aking narinig ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel na kanilang inuupasala laban sa akin. 004 NUM 014 028 Sabihin mo sa kanila, Ako'y buhay, sabi ng Panginoon, tunay na kung paano ang sinalita ninyo sa aking pakinig ay gayon ang gagawin ko sa inyo: 004 NUM 014 029 Ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito; at yaong lahat na nangabilang sa inyo ayon sa inyong kabuoan ng bilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda na nag-upasala laban sa akin, 004 NUM 014 030 Ay tunay na hindi kayo papasok sa lupaing pinagtaasan ko ng aking kamay, na patatahanan ko sana sa inyo, maliban si Caleb na anak ni Jephone, at si Josue na anak ni Nun. 004 NUM 014 031 Nguni't ang inyong mga bata, na inyong sinabing magiging mga huli ay aking papapasukin, at kanilang makikilala ang lupain na inyong itinakuwil. 004 NUM 014 032 Nguni't tungkol sa inyo, ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito. 004 NUM 014 033 At ang inyong mga anak ay magiging gala sa ilang na apat na pung taon, at kanilang tataglayin ang inyong pakikiapid, hanggang sa ang inyong mga bangkay ay matunaw sa ilang. 004 NUM 014 034 Ayon sa bilang ng mga araw na inyong itiniktik sa lupain, sa makatuwid baga'y apat na pung araw, sa bawa't araw ay isang taon, ay inyong tataglayin ang inyong mga kasamaan, na apat na pung taon, at inyong makikilala ang pagsira ko ng kapangakuan. 004 NUM 014 035 Akong Panginoon ang nagsalita, tunay na ito'y aking gagawin sa buong masamang kapisanang ito, na nagpipisan laban sa akin: sa ilang na ito matutunaw sila, at diyan sila mamamatay. 004 NUM 014 036 At ang mga lalake, na sinugo ni Moises upang tumiktik ng lupain, na nagsipagbalik, at nagpaupasala ng buong kapisanan laban sa kaniya sa paghahatid ng masamang balita laban sa lupain, 004 NUM 014 037 Sa makatuwid baga'y ang mga taong yaon na nagsipaghatid ng masamang balita ng lupain, ay nangamatay sa salot sa harap ng Panginoon. 004 NUM 014 038 Nguni't si Josue na anak ni Nun, at si Caleb na anak ni Jephone, ay naiwang buhay sa mga taong yaon na nagsiparoong tumiktik ng lupain. 004 NUM 014 039 At sinaysay ni Moises ang mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel: at ang bayan ay tumaghoy na mainam. 004 NUM 014 040 At sila'y bumangong maaga sa kinaumagahan, at umakyat sila sa taluktok ng bundok, na sinasabi, Narito kami, at kami ay aakyat sa dakong ipinangako ng Panginoon: sapagka't kami ay nagkasala. 004 NUM 014 041 At sinabi ni Moises, Bakit sinasalangsang ninyo ngayon ang utos ng Panginoon, sa bagay ay hindi ninyo ikasusulong? 004 NUM 014 042 Huwag kayong umakyat, sapagka't ang Panginoon ay wala sa gitna ninyo; upang huwag kayong masaktan sa harap ng inyong mga kaaway. 004 NUM 014 043 Sapagka't nandoon ang mga Amalecita at ang mga Cananeo sa harap ninyo, at kayo'y mangabubuwal sa tabak: sapagka't kayo'y humiwalay sa pagsunod sa Panginoon, kaya't ang Panginoon ay wala sa inyo. 004 NUM 014 044 Nguni't sila'y nagpumilit umakyat sa taluktok ng bundok: gayon ma'y ang kaban ng tipan ng Panginoon, at si Moises ay hindi nagsilabas sa kampamento. 004 NUM 014 045 Nang magkagayon ang mga Amalecita ay bumaba at ang mga Cananeo na tumatahan sa bundok na yaon, ay sinaktan sila at nilupig silang hinabol, hanggang sa Horma. 004 NUM 015 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 015 002 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupain na inyong mga tahanan, na aking ibibigay sa inyo, 004 NUM 015 003 At maghahandog kayo sa Panginoon ng pinaraan sa apoy na handog na susunugin, o ng hain upang tumupad ng panata, o ng kusang handog, o sa inyong mga takdang kapistahan, upang gawing masarap na amoy sa Panginoon, na mula sa bakahan, o mula sa kawan: 004 NUM 015 004 Kung gayon ay maghandog sa Panginoon yaong maghahandog ng alay ng isang handog na harina, na ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis: 004 NUM 015 005 At ng alak na inuming handog, na ikaapat na bahagi ng isang hin, ang iyong ihahanda na kalakip ng handog na susunugin, o ng hain, sa bawa't kordero. 004 NUM 015 006 O kung isang tupang lalake, ay iyong ihahanda na pinakahandog na harina, ang dalawang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng ikatlong bahagi ng isang hin ng langis: 004 NUM 015 007 At bilang pinakainuming handog ay iyong ihahandog ang ikatlong bahagi ng isang hin ng alak na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 004 NUM 015 008 At pagka maghahanda ka ng isang toro na handog na susunugin, o upang ihain, sa katuparan ng isang panata, o upang mga handog sa Panginoon tungkol sa kapayapaan; 004 NUM 015 009 Ay kaniyang ihahandog nga na kalakip ng toro ang isang handog na harina na tatlong ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng kalahating hin ng langis. 004 NUM 015 010 At iyong ihahandog na pinakainuming handog ay kalahating hin ng alak na pinakahandog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 004 NUM 015 011 Gayon gagawin sa bawa't toro, o sa bawa't tupang lalake, o sa bawa't korderong lalake, o sa mga anak ng kambing. 004 NUM 015 012 Ayon sa bilang ng inyong ihahanda, ay gayon ninyong gagawin sa bawa't isa ayon sa kanilang bilang. 004 NUM 015 013 Lahat ng tubo sa lupain ay gagawa ng mga bagay na ito sa ganitong paraan, sa paghahandog ng handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 004 NUM 015 014 At kung ang isang taga ibang bayan ay makipamayang kasama ninyo, o sinomang nasa gitna ninyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, at maghahandog ng handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; ay kaniyang gagawin ang gaya ng inyong ginagawa. 004 NUM 015 015 Sa kapisanan ay magkakaroon ng isang palatuntunan sa inyo, at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo, isang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi: kung paano kayo, ay magiging gayon din ang taga ibang bayan sa harap ng Panginoon. 004 NUM 015 016 Isang kautusan at isang ayos ay magkakaroon sa inyo, at sa taga ibang bayan sa nakikipamayan sa inyo. 004 NUM 015 017 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 015 018 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupaing aking pinagdadalhan sa inyo, 004 NUM 015 019 Ay mangyayari nga, na pagkain ninyo ng tinapay sa lupain, ay maghahandog kayo ng isang handog na itinaas sa Panginoon. 004 NUM 015 020 Sa pinaka una sa inyong masang harina ay maghahandog kayo ng isang munting tinapay na pinakahandog na itinaas: kung paano ninyo ginagawa ang handog na itinaas tungkol sa giikan, ay gayon ninyo itataas ito. 004 NUM 015 021 Sa pinaka una sa inyong masang harina ay magbibigay kayo sa Panginoon ng isang handog na itinaas sa buong panahon ng inyong mga lahi. 004 NUM 015 022 At pagka kayo'y nagkamali, at hindi ninyo tinupad ang lahat ng utos na ito, na sinalita ng Panginoon kay Moises, 004 NUM 015 023 Sa makatuwid baga'y lahat ng iniutos ng Panginoon sa inyo sa pamamagitan ni Moises, mula sa araw na lagdaan kayo ng utos ng Panginoon, at sa haharapin sa buong panahon ng inyong mga lahi; 004 NUM 015 024 Ay mangyayari nga na kung magkasala ng walang malay, na hindi nalalaman ng kapisanan, na ang buong kapisanan ay maghahandog ng isang guyang toro na pinakahandog na susunugin, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon, na kalakip ng handog na harina niyaon at inuming handog niyaon, ayon sa ayos, at isang lalaking kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan. 004 NUM 015 025 At itutubos ng saserdote sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sila'y patatawarin; sapagka't isang kamalian, at kanilang dinala ang kanilang alay, na handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at ang kanilang handog dahil sa kasalanan sa harap ng Panginoon, dahil sa kanilang kamalian: 004 NUM 015 026 At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay patatawarin at ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila; sapagka't tungkol sa buong bayang nakagawa ng walang malay. 004 NUM 015 027 At kung ang isang tao ay nagkasala ng walang malay, ay maghahandog nga siya ng isang kambing na babae ng unang taon na pinakahandog dahil sa kasalanan. 004 NUM 015 028 At itutubos ng saserdote sa taong nagkamali, kung tunay na siya'y nagkasala ng walang malay sa harap ng Panginoon, upang itubos sa kaniya; at siya'y patatawarin. 004 NUM 015 029 Kayo'y magkakaroon ng isang kautusan sa kaniya na nagkasala ng walang malay, sa kaniya na ipinanganak sa gitna ng mga anak ni Israel, at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila. 004 NUM 015 030 Nguni't ang tao na makagawa ng anoman ng buong kapusukan, maging tubo sa lupain o taga ibang lupa, ay lumapastangan sa Panginoon; at ang taong yaon ay ihihiwalay sa gitna ng kaniyang bayan. 004 NUM 015 031 Sapagka't kaniyang hinamak ang salita ng Panginoon, at kaniyang sinira ang kaniyang utos; ang taong yaon ay lubos na ihihiwalay, ang kaniyang kasamaan ay tataglayin niya. 004 NUM 015 032 At samantalang ang mga anak ni Israel ay nangasa ilang, ay nakasumpong sila ng isang lalake na namumulot ng kahoy sa araw ng sabbath. 004 NUM 015 033 At silang nakasumpong sa kaniya na namumulot ng kahoy, ay dinala siya kay Moises, at kay Aaron, at sa buong kapisanan. 004 NUM 015 034 At kanilang inilagay siya sa bilangguan, sapagka't hindi pa ipinahahayag kung ano ang gagawin sa kaniya. 004 NUM 015 035 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang lalake ay walang pagsalang papatayin; babatuhin siya ng buong kapisanan sa labas ng kampamento. 004 NUM 015 036 At inilabas siya ng buong kapisanan sa kampamento at kanilang binato siya hanggang sa mamatay ng mga bato; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 004 NUM 015 037 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 015 038 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila na sila'y gumawa ng mga tirintas sa mga laylayan ng kanilang mga damit sa buong panahon ng kanilang mga lahi, at kanilang patungan ang tirintas ng bawa't laylayan ng isang panaling bughaw: 004 NUM 015 039 At sa inyo'y magiging isang tirintas, upang inyong mamasdan, at inyong maalaala ang lahat ng mga utos ng Panginoon, at inyong tuparin; at upang huwag kayong sumunod sa inyong sariling puso at sa inyong sariling mga mata, na siya ninyong ipinangaapid: 004 NUM 015 040 Upang inyong maalaala at gawin ang lahat ng aking mga utos, at maging banal kayo sa inyong Dios. 004 NUM 015 041 Ako ang Panginoon ninyong Dios, na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang maging inyong Dios: ako ang Panginoon ninyong Dios. 004 NUM 016 001 Si Core nga na anak ni Ishar, na anak ni Coath, na anak ni Levi sangpu ni Dathan at ni Abiram na mga anak ni Eliab, at si Hon na anak ni Peleth, na mga anak ni Ruben, ay nagsikuha ng mga tao: 004 NUM 016 002 At sila'y tumindig sa harap ni Moises, na kasama ng ilang mga anak ni Israel, na dalawang daan at limang pung prinsipe sa kapisanan na tinawag sa kapulungan na mga lalaking bantog: 004 NUM 016 003 At sila'y nagpupulong laban kay Moises at laban kay Aaron, at sinabi nila sa kanila, Kayo'y kumukuha ng malabis sa inyo, dangang ang buong kapisanan ay banal, bawa't isa sa kanila, at ang Panginoon ay nasa gitna nila: bakit nga kayo'y magmamataas sa kapisanan ng Panginoon? 004 NUM 016 004 At nang marinig ni Moises, ay nagpatirapa. 004 NUM 016 005 At sinalita niya kay Core at sa kaniyang buong pulutong, na sinasabi, Sa kinaumagahan ay ipakikilala ng Panginoon kung sino ang kaniya, at kung sino ang banal, at kung sino ang palalapitin niya sa kaniya: sa makatuwid baga'y ang piliin ay siyang kaniyang palalapitin sa kaniya. 004 NUM 016 006 Ito'y inyong gawin; kumuha kayo ng mga suuban, si Core at ang kaniyang buong pulutong; 004 NUM 016 007 At lagyan ninyo ng apoy at patungan ninyo ng kamangyan bukas sa harap ng Panginoon: at mangyayari na ang tao na piliin ng Panginoon, ay siyang banal: kayo'y kumukuha ng malabis sa inyo, kayong mga anak ni Levi. 004 NUM 016 008 At sinabi ni Moises kay Core, Dinggin ninyo ngayon, kayong mga anak ni Levi: 004 NUM 016 009 Minumunting bagay pa ba ninyo na kayo'y ibinukod ng Dios ng Israel sa kapisanan ng Israel, upang ilapit niya kayo sa kaniya, upang gawin ninyo ang paglilingkod sa tabernakulo ng Panginoon, at upang kayo'y tumayo sa harap ng kapisanan na mangasiwa sa kanila; 004 NUM 016 010 At inilapit ka niya sangpu ng lahat ng iyong mga kapatid na mga anak ni Levi? at hangarin din naman ninyo ang pagkasaserdote? 004 NUM 016 011 Kaya't ikaw at ang iyong buong pulutong ay napipisan laban sa Panginoon: at si Aaron, ano nga't siya'y inyong inupasala? 004 NUM 016 012 At ipinatawag ni Moises si Dathan at si Abiram, na mga anak ni Eliab: at kanilang sinabi, Hindi kami sasampa: 004 NUM 016 013 Munting bagay pa ba na kami ay iyong pinasampa sa isang lupain na binubukalan ng gatas at pulot, upang kami ay patayin sa ilang, kundi napapanginoon ka pa mandin sa amin? 004 NUM 016 014 Bukod dito'y hindi mo kami dinala sa isang lupain na binubukalan ng gatas at pulot, ni binigyan mo kami ng manang bukid at mga ubasan: dudukitin mo ba ang mga mata ng mga taong ito? hindi kami sasampa. 004 NUM 016 015 At si Moises ay nag-init na mainam, at sinabi sa Panginoon, Huwag mong pagpitaganan ang kanilang handog: ako'y hindi kumuha ng isang asno sa kanila ni gumawa ng masama sa kanino man sa kanila. 004 NUM 016 016 At sinabi ni Moises kay Core, Humarap ka at ang iyong buong kapisanan sa Panginoon, ikaw, at sila, at si Aaron, bukas: 004 NUM 016 017 At kumuha ang bawa't isa ng kaniyang suuban, at lagyan ninyo ng kamangyan, at dalhin ninyo sa harap ng Panginoon, na bawa't isa'y magdala ng kaniyang suuban, na dalawang daan at limang pung suuban; ikaw naman at si Aaron, bawa't isa sa inyo'y may kaniyang suuban. 004 NUM 016 018 At kinuha ng bawa't isa ang kaniyang suuban, at kanilang nilagyan ng apoy at kanilang pinatungan ng kamangyan, at sila'y tumayo sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan na kasama ni Moises at ni Aaron. 004 NUM 016 019 At pinisan ni Core ang buong kapisanan laban sa kanila sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa buong kapisanan. 004 NUM 016 020 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, 004 NUM 016 021 Humiwalay kayo sa gitna ng kapisanang ito, upang aking lipulin sila sa isang sangdali. 004 NUM 016 022 At sila'y nagpatirapa, at nagsabi, Oh Dios, na Dios ng mga diwa ng lahat ng laman, sa pagkakasala ba ng isang tao ay magagalit ka sa buong kapisanan? 004 NUM 016 023 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 016 024 Salitain mo sa kapisanan na iyong sabihin, Lumayo kayo sa palibot ng tabernakulo ni Core, ni Dathan, at ni Abiram. 004 NUM 016 025 At si Moises ay tumayo at naparoon kay Dathan at kay Abiram; at ang mga matanda sa Israel ay sumunod sa kaniya. 004 NUM 016 026 At sinalita ni Moises sa kapisanan na sinasabi, Magsilayo kayo, isinasamo ko sa inyo, sa mga tolda ng masasamang taong ito, at huwag kayong humipo ng anomang bagay nila, baka kayo'y mamatay sa lahat nilang kasalanan. 004 NUM 016 027 Gayon sila nagsilayo sa tabernakulo ni Core, ni Dathan, at ni Abiram sa lahat ng dako: at si Dathan at si Abiram ay nagsilabas, at nagsitayo sa pintuan ng kanilang mga tolda, at ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak, at ang kanilang bata. 004 NUM 016 028 At sinabi ni Moises, Dito ninyo makikilala na ako'y sinugo ng Panginoon na gawin ang lahat ng mga gawang ito; sapagka't hindi kinatha ng aking sariling pagiisip. 004 NUM 016 029 Kung ang mga taong ito ay mamatay sa karaniwang kamatayan ng lahat ng tao, o kung sila'y dalawin ayon sa karaniwang pagdalaw sa lahat ng tao; ay hindi nga ako sinugo ng Panginoon. 004 NUM 016 030 Nguni't kung ang Panginoon ay lumikha ng isang bagong bagay, na anopa't ibuka ng lupa ang kaniyang bibig, at sila'y lamunin, sangpu ng buong nauukol sa kanila, at sila'y ibabang mga buhay sa Sheol; ay inyo ngang mapagkikilala na minungkahi ng mga taong ito ang Panginoon. 004 NUM 016 031 At nangyari, na pagkatapos na masalita niya ang lahat ng salitang ito, na ang lupa na nasa ilalim nila ay bumuka: 004 NUM 016 032 At ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig at nilamon sila, at ang kanilang mga sangbahayan, at ang lahat ng lalake na nauukol kay Core, at lahat ng kanilang pag-aari. 004 NUM 016 033 Na anopa't sila at lahat ng nauukol sa kanila, ay nababang buhay sa Sheol: at sila'y pinagtikuman ng lupa, at sila'y nalipol sa gitna ng kapisanan. 004 NUM 016 034 At ang buong Israel na nasa palibot nila ay tumakas sa hiyaw nila; sapagka't kanilang sinabi, Baka pati tayo'y lamunin ng lupa. 004 NUM 016 035 At apoy ang lumabas na mula sa Panginoon, at nilamon ang dalawang daan at limang pung lalake na naghandog ng kamangyan. 004 NUM 016 036 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 016 037 Salitain mo kay Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, na kaniyang kunin ang mga suuban sa sunog, at magkalat ng apoy doon; sapagka't mga banal yaon; 004 NUM 016 038 Pati ng mga suuban ng mga makasalanang ito laban sa kanilang sariling buhay, at gawin mo sa kanilang mga laminang pinukpok na pinaka pangtakip sa dambana: sapagka't kanilang inihandog sa harap ng Panginoon: kaya't mga banal: at magiging isang tanda sa mga anak ni Israel. 004 NUM 016 039 At kinuha ni Eleazar na saserdote ang mga tansong suuban na inihandog ng mga nasunog; at kanilang pinukpok na ginawang pinaka pangtakip sa dambana: 004 NUM 016 040 Upang maging pinakaalaala sa mga anak ni Israel, upang sinomang ibang tao na hindi sa mga anak ni Aaron ay huwag lumapit na magsunog ng kamangyan sa harap ng Panginoon; upang huwag magaya kay Core at sa kaniyang mga kasama: gaya ng sinalita ng Panginoon sa kaniya sa pamamagitan ni Moises. 004 NUM 016 041 Datapuwa't sa kinabukasan ay inupasala ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron, na sinasabi, Inyong pinatay ang bayan ng Panginoon. 004 NUM 016 042 At nangyari, nang magpipisan ang kapisanan laban kay Moises at laban kay Aaron, na sila'y tumingin sa dako ng tabernakulo ng kapisanan; at, narito, tinakpan ng ulap at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw. 004 NUM 016 043 At si Moises at si Aaron ay naparoon sa tapat ng tabernakulo ng kapisanan. 004 NUM 016 044 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 016 045 Lumayo kayo sa gitna ng kapisanang ito, upang aking lipulin sila sa isang sangdali. At sila'y nagpatirapa. 004 NUM 016 046 At sinabi ni Moises kay Aaron, Kunin mo ang iyong suuban, at lagyan mo ng apoy mula sa dambana at patungan ng kamangyan, at dalhin mong madali sa kapisanan, at itubos mo sa kanila: sapagka't may galit na lumabas sa harap ng Panginoon; ang salot ay nagpapasimula na. 004 NUM 016 047 At kinuha ni Aaron gaya ng sinalita ni Moises, at siya'y tumakbo sa gitna ng kapulungan; at, narito, ang salot ay nagpasimula sa gitna ng bayan; at siya'y naglagay ng kamangyan at itinubos sa bayan. 004 NUM 016 048 At siya'y tumayo sa gitna ng mga patay at ng mga buhay; at ang salot ay tumigil. 004 NUM 016 049 Ang nangamatay nga sa salot ay labing apat na libo at pitong daan, bukod pa yaong nangamatay dahil kay Core. 004 NUM 016 050 At si Aaron ay nagbalik kay Moises sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at ang salot ay tumigil. 004 NUM 017 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 017 002 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at kumuha ka sa kanila ng mga tungkod, isa sa bawa't sangbahayan ng mga magulang; sa lahat nilang mga prinsipe ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, labing dalawang tungkod: isulat mo ang pangalan ng bawa't isa sa kaniyang tungkod. 004 NUM 017 003 At isusulat mo ang pangalan ni Aaron sa tungkod ni Levi: sapagka't isa lamang tungkod magkakaroon sa bawa't pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 004 NUM 017 004 At iyong ilalagay sa tabernakulo ng kapisanan sa harap ng patotoo, na aking pinakikipagkitaan sa inyo. 004 NUM 017 005 At mangyayari na ang lalaking aking pipiliin, ay mamumulaklak ang kaniyang tungkod: at aking ipatitigil sa akin, ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel, na kanilang iniupasala laban sa inyo. 004 NUM 017 006 At si Moises ay nagsalita sa mga anak ni Israel, at ang lahat nilang mga prinsipe ay nagbigay sa kaniya ng tungkod, na bawa't pangulo ay isa, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, labing dalawang tungkod: at ang tungkod ni Aaron ay nasa gitna ng kanilang mga tungkod. 004 NUM 017 007 At inilagay ni Moises ang mga tungkod sa harap ng Panginoon sa tabernakulo ng patotoo; 004 NUM 017 008 At nangyari nang kinabukasan, na si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng patotoo; at, narito, na ang tungkod ni Aaron sa sangbahayan ni Levi ay namulaklak at nagkaroon ng mga hinog na almendras. 004 NUM 017 009 At mula sa harap ng Panginoon ay inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod sa lahat ng mga anak ni Israel: at kanilang pinagmalas, at kinuha ng bawa't lalake ang kaniyang tungkod. 004 NUM 017 010 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ibalik mo ang tungkod ni Aaron sa harap ng patotoo, upang ingatang pinakatanda laban sa mga anak ng panghihimagsik; upang iyong wakasan ang kanilang mga pag-upasala laban sa akin, upang huwag silang mamatay. 004 NUM 017 011 Gayon ginawa ni Moises: kung paanong iniutos ng Panginoon sa kaniya, ay gayon niya ginawa. 004 NUM 017 012 At sinalita ng mga anak ni Israel kay Moises, na sinasabi, Narito, kami ay mga patay, kami ay napahamak, kaming lahat ay napahamak. 004 NUM 017 013 Lahat ng lumalapit, na lumalapit sa tabernakulo ng Panginoon, ay namamatay: kami bang lahat ay malilipol? 004 NUM 018 001 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Ikaw at ang iyong mga anak at ang sangbahayan ng iyong mga magulang na kasama mo ay magtataglay ng kasamaan ng santuario: at ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo ay magtataglay ng kasamaan ng inyong pagkasaserdote. 004 NUM 018 002 At ang iyong mga kapatid naman, ang lipi ni Levi, ang lipi ng iyong ama, ay palalapitin mo sa iyo upang sila'y lumakip sa iyo at mangasiwa sa iyo: nguni't ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo, ay lalagay sa harap ng tabernakulo ng patotoo. 004 NUM 018 003 At kanilang iingatan ang iyong katungkulan, at ang katungkulan ng buong tolda: huwag lamang silang lalapit sa mga kasangkapan ng santuario ni sa dambana, upang huwag silang mamatay, ni maging kayo. 004 NUM 018 004 At sila'y lalakip sa iyo, at mag-iingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, sa buong paglilingkod sa tolda: at sinomang taga ibang lupa ay huwag lalapit sa inyo. 004 NUM 018 005 At inyong iingatan ang katungkulan ng santuario, at ang katungkulan ng dambana; upang huwag nang magkaroon pa ng kagalitan sa mga anak ni Israel. 004 NUM 018 006 At ako, narito, aking pinili ang inyong mga kapatid na mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: sa inyo sila ay isang kaloob, na bigay sa Panginoon, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan. 004 NUM 018 007 At iingatan mo at ng iyong mga anak na kasama mo at ang inyong pagkasaserdote sa bawa't bagay ng dambana; at doon sa nasa loob ng tabing; at kayo'y maglilingkod: aking ibinibigay sa inyo ang pagkasaserdote na parang isang paglilingkod na kaloob: at ang taga ibang lupa na lumapit ay papatayin. 004 NUM 018 008 At sinalita ng Panginoon kay Aaron, At ako'y, narito, aking ibinigay sa iyo ang katungkulan sa mga handog na itinaas sa aking, lahat ng mga banal na bagay ng mga anak ni Israel; aking ibinigay sa iyo dahil sa pagpapahid, at sa iyong mga anak na marapat na bahagi ninyo, magpakailan man. 004 NUM 018 009 Ito'y magiging iyo sa mga pinakabanal na bagay, na hindi pinaraan sa apoy: bawa't alay nila, bawa't handog na harina nila, at bawa't handog nila dahil sa kasalanan, at bawa't handog nila dahil sa pagkakasala na kanilang ihahandog sa akin, ay magiging pinaka banal sa iyo at sa iyong mga anak. 004 NUM 018 010 Gaya ng mga kabanalbanalang bagay ay kakain ka ng mga iyan: bawa't lalake ay kakain niyaon magiging banal na bagay sa iyo. 004 NUM 018 011 At ito ay iyo; ang handog na itinaas na kanilang kaloob, sa makatuwid baga'y ang lahat ng mga handog na inalog ng mga anak ni Israel: aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo na marapat na bahagi magpakailan man: bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon. 004 NUM 018 012 Lahat ng pinakamainam sa langis, at lahat ng pinakamainam sa alak, at sa trigo, ang mga pinakaunang bunga ng mga yaon na kanilang ibibigay sa Panginoon, ay ibibigay ko sa iyo. 004 NUM 018 013 Ang mga unang hinog na bunga ng lahat na nasa kanilang lupain, na kanilang dinadala sa Panginoon, ay magiging iyo; bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon. 004 NUM 018 014 Lahat ng mga bagay na natatalaga sa Israel ay magiging iyo. 004 NUM 018 015 Lahat ng mga bagay na nagbubukas ng bahay-bata, sa lahat ng laman na kanilang inihahandog sa Panginoon, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, ay magiging iyo: gayon man ang panganay sa tao ay tunay na iyong tutubusin, at ang panganay sa maruruming hayop ay iyong tutubusin. 004 NUM 018 016 At yaong mga matutubos sa kanila, mula sa isang buwang gulang ay iyong tutubusin, ayon sa iyong pagkahalaga, ng limang siklong pilak, ayon sa siklo ng santuario (na dalawang pung gera). 004 NUM 018 017 Nguni't ang panganay ng baka, o ang panganay ng tupa, o ang panganay ng kambing ay huwag mong tutubusin; mga banal: iyong iwiwisik ang kanilang dugo sa ibabaw ng dambana, at iyong susunugin ang kanilang taba na pinakahandog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 004 NUM 018 018 At ang laman nila ay magiging iyo, gaya ng dibdib na inalog at gaya ng kanang hita ay magiging iyo. 004 NUM 018 019 Lahat ng mga handog na itinaas sa mga banal na bagay na ihahandog ng mga anak ni Israel sa Panginoon, ay aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo, na marapat na bahagi magpakailan man: tipan ng asin magpakailan man sa harap ng Panginoon sa iyo, at sa iyong binhi na kasama mo. 004 NUM 018 020 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Huwag kang magkakaroon ng mana sa kanilang lupain, ni magkakaroon ka ng anomang bahagi sa gitna nila: ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga anak ni Israel. 004 NUM 018 021 At sa mga anak ni Levi, ay narito, aking ibinigay ang lahat ng ikasangpung bahagi sa Israel na pinakamana, na ganti sa kanilang paglilingkod na kanilang ipinaglilingkod, sa makatuwid baga'y sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan. 004 NUM 018 022 At sa haharapin ay huwag lalapit ang mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, baka sila'y magtaglay ng kasalanan, at mamatay. 004 NUM 018 023 Nguni't gagawin ng mga Levita ang paglilingkod ng tabernakulo ng kapisanan; at kanilang tataglayin ang kanilang kasamaan: ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi, at sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana. 004 NUM 018 024 Sapagka't ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana: kaya't aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana. 004 NUM 018 025 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 018 026 Bukod dito'y sasalitain mo sa mga Levita, at sasabihin mo sa kanila, Pagkuha ninyo sa mga anak ni Israel ng ikasangpung bahagi na aking ibinigay sa inyo mula sa kanila na inyong pinakamana, ay inyong ihahandog nga na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ang ikasangpung bahagi ng ikasangpung bahagi. 004 NUM 018 027 At ang inyong handog na itinaas ay ibibilang sa inyo, na parang trigo ng giikan at ng kasaganaan ng pisaan ng ubas. 004 NUM 018 028 Ganito rin kayo maghahandog ng handog na itinaas sa Panginoon sa inyong buong ikasangpung bahagi, na inyong tinatanggap sa mga anak ni Israel; at ganito ibibigay ninyo ang handog na itinaas sa Panginoon kay Aaron na saserdote. 004 NUM 018 029 Sa lahat ng inyong natanggap na kaloob ay inyong ihahandog ang bawa't handog na itinaas sa Panginoon, ang lahat ng pinakamainam niyaon, sa makatuwid baga'y ang banal na bahagi niyaon. 004 NUM 018 030 Kaya't iyong sasabihin sa kanila, Pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa handog, ay ibibilang nga sa mga Levita, na parang bunga ng giikan, at parang pakinabang sa pisaan ng ubas. 004 NUM 018 031 At inyong kakanin saa't saan man, ninyo at ng inyong mga kasangbahay: sapagka't kabayaran sa inyo, na ganti sa inyong paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan. 004 NUM 018 032 At hindi kayo magtataglay ng kasalanan dahil dito, pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa mga yaon: at huwag ninyong lalapastanganin ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, upang huwag kayong mamatay. 004 NUM 019 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, 004 NUM 019 002 Ito ang palatuntunan ng kautusan na iniutos ng Panginoon, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa iyo ng isang mapulang guyang bakang babae, na walang kapintasan, na walang dungis, na hindi pa napapatungan ng pamatok. 004 NUM 019 003 At ibibigay ninyo kay Eleazar na saserdote, at kaniyang ilalabas sa kampamento at papatayin ng isa sa kaniyang harapan: 004 NUM 019 004 At si Eleazar na saserdote ay dadampot ng dugo sa pamamagitan ng kaniyang daliri, at magwiwisik ng dugo na makapito sa dakong harap ng tabernakulo ng kapisanan: 004 NUM 019 005 At susunugin ng isa sa paningin niya ang guyang bakang babae; ang balat niyaon at ang laman niyaon, at ang dugo niyaon, sangpu ng dumi niyaon, ay susunugin niya: 004 NUM 019 006 At ang saserdote ay kukuha ng kahoy na sedro, at ng isopo, at ng kulay grana, at ihahagis sa gitna ng pinagsusunugan sa guyang bakang babae. 004 NUM 019 007 Saka lalabhan ng saserdote ang kaniyang mga suot at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig, at pagkatapos ay papasok siya sa kampamento at ang saserdote ay magiging marumi hanggang sa hapon. 004 NUM 019 008 At yaong sumunog sa baka ay maglalaba ng kaniyang mga suot sa tubig at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig, at magiging marumi hanggang sa hapon. 004 NUM 019 009 At pupulutin ng isang taong malinis ang mga abo ng guyang bakang babae at ilalagay sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis; at iingatan ukol sa kapisanan ng mga anak ni Israel na pinaka tubig para sa karumihan: handog nga dahil sa kasalanan. 004 NUM 019 010 At yaong pumulot ng mga abo ng guyang bakang babae ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magiging marumi hanggang sa hapon; at sa mga anak ni Israel at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, ay magiging isang palatuntunan magpakailan man. 004 NUM 019 011 Ang makahipo ng bangkay ng sinomang tao, ay magiging marumi na pitong araw: 004 NUM 019 012 Ang gayon ay maglilinis sa pamamagitan ng tubig na yaon sa ikatlong araw, at sa ikapitong araw ay magiging malinis: nguni't kung siya'y hindi maglinis sa ikatlong araw, ay hindi nga siya magiging malinis sa ikapitong araw. 004 NUM 019 013 Sinomang humipo ng patay, ng bangkay ng taong patay, at hindi maglilinis, ay ihahawa ang tabernakulo ng Panginoon; at ang taong yaon ay ihihiwalay sa Israel: sapagka't ang tubig para sa karumihan ay hindi iniwisik sa kaniya, siya'y magiging marumi; ang kaniyang karumihan ay sumasakaniya pa. 004 NUM 019 014 Ito ang kautusan pagka ang isang tao ay namamatay sa isang tolda: lahat na pumapasok sa tolda at lahat na nasa tolda ay magiging maruming pitong araw. 004 NUM 019 015 At bawa't sisidlang bukas na walang takip na nakatali roon, ay marumi. 004 NUM 019 016 At sinomang humipo sa luwal na parang ng alin mang pinatay ng tabak, o ng bangkay, o ng buto ng tao, o ng libingan, ay magiging maruming pitong araw. 004 NUM 019 017 At sa taong marumi, ay kukuha sila ng mga abo sa sunog niyang handog dahil sa kasalanan, sa mga yaon ay ilalagay ang tubig na buhay sa isang sisidlan. 004 NUM 019 018 At isang malinis na tao ay kukuha ng isopo, at itutubog sa tubig at iwiwisik sa tolda at sa lahat ng kasangkapan, at sa mga taong nandoon, at sa humipo ng buto, o ng bangkay, o ng patay, o ng libingan: 004 NUM 019 019 At iwiwisik ng taong malinis sa marumi sa ikatlong araw, at sa ikapitong araw: at lilinisin niya siya sa ikapitong araw; at siya'y maglalaba ng kaniyang mga suot, at maliligo sa tubig at magiging malinis sa hapon. 004 NUM 019 020 Nguni't ang taong magiging marumi, at hindi maglilinis, ay ihihiwalay ang taong yaon sa gitna ng kapulungan, sapagka't kaniyang inihawa ang santuario ng Panginoon: ang tubig para sa karumihan ay hindi nawisik sa kaniya; siya'y marumi. 004 NUM 019 021 At ito'y magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila: at yaong nagwiwisik ng tubig para sa karumihan, ay maglalaba ng kaniyang mga suot; at yaong humipo ng tubig para sa karumihan ay magiging marumi hanggang sa hapon. 004 NUM 019 022 At anomang hipuin ng taong marumi ay magiging marumi; at ang taong humipo niyaon ay magiging marumi hanggang sa hapon. 004 NUM 020 001 At ang mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan ay nagsipasok sa ilang ng Zin nang unang buwan: at ang bayan ay tumahan sa Cades; at si Miriam ay namatay doon, at inilibing doon. 004 NUM 020 002 At walang tubig na mainom ang kapisanan; at sila'y nagpulong laban kay Moises at laban kay Aaron. 004 NUM 020 003 At sinisi ng bayan si Moises, at nagsipagsalita, na sinasabi, Ibigin sana na kami ay nangamatay, nang mamatay ang aming mga kapatid sa harap ng Panginoon! 004 NUM 020 004 At bakit ninyo dinala ang kapulungan ng Panginoon sa ilang na ito, upang mamatay rito, kami at ang aming mga hayop? 004 NUM 020 005 At bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang dalhin kami sa masamang dakong ito? hindi dakong bukirin, o ng igos; o ng ubasan, o ng mga granada; at wala kahit tubig na mainom. 004 NUM 020 006 At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at napasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at nangagpatirapa: at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa kanila. 004 NUM 020 007 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 020 008 Hawakan mo ang tungkod, at pisanin mo ang kapisanan, pisanin mo at ni Aaron na iyong kapatid, at magsalita kayo sa bato sa harap ng kanilang mga mata, na ibibigay niyaon ang kaniyang tubig; at ikukuha mo sila ng tubig sa bato: sa ganito paiinumin mo ang kapisanan at ang kanilang mga hayop. 004 NUM 020 009 At kinuha ni Moises ang tungkod sa harap ng Panginoon, na gaya ng iniutos sa kaniya. 004 NUM 020 010 At pinisan ni Moises at ni Aaron ang kapulungan sa harap ng bato, at kaniyang sinabi sa kanila, Makinig kayo ngayon, mga mapanghimagsik, ikukuha ba namin kayo ng tubig sa batong ito? 004 NUM 020 011 At itinaas ni Moises ang kaniyang kamay, at pinalong makalawa ang bato ng kaniyang tungkod: at ang tubig ay lumabas na sagana, at ang kapisanan ay uminom at ang kanilang mga hayop. 004 NUM 020 012 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Sapagka't hindi kayo sumampalataya sa akin upang ipakilala ninyong banal ako sa mga mata ng mga anak ni Israel, kaya't hindi ninyo dadalhin ang kapisanang ito sa lupain na aking ibinigay sa kanila. 004 NUM 020 013 Ito ang tubig ng Meriba; sapagka't sinisi ng mga anak ni Israel ang Panginoon, at siya'y napakilalang banal sa kanila. 004 NUM 020 014 At si Moises ay nagutos ng mga sugo sa hari sa Edom mula sa Cades, na ipinasabi, Ganito, ang sabi ng iyong kapatid na Israelita, Talastas mo ang buong kahirapan na dumating sa amin: 004 NUM 020 015 Kung paanong ang aming mga magulang ay bumaba sa Egipto, at kami ay tumahan sa Egipto na malaong panahon, at inalipusta ng mga Egipcio kami at ang aming mga magulang: 004 NUM 020 016 At nang kami ay dumaing sa Panginoon ay dininig niya ang aming tinig, at nagsugo siya ng isang anghel, at inilabas kami sa Egipto: at, narito, kami ay nasa Cades, na isang bayan na nasa dulo ng iyong hangganan: 004 NUM 020 017 Isinasamo ko sa iyo, na paraanin mo kami, sa iyong lupain: hindi kami dadaan sa kabukiran o sa ubasan, ni di kami iinom ng tubig sa mga balon: kami ay manunuwid sa maluwang na lansangan, hindi kami liliko sa dakong kanan ni sa dakong kaliwa man hanggang sa maraanan namin ang iyong hangganan. 004 NUM 020 018 At sinabi ni Edom sa kaniya, Huwag kang magdadaan sa aking lupain, baka kita'y salubungin ng tabak. 004 NUM 020 019 At sinabi ng mga anak ni Israel sa kaniya, Kami ay aahon sa lansangan: at kung kami ay uminom ng iyong tubig, ako at ang aking mga hayop, ay pagbabayaran ko ang halaga: pahintulutan mo lamang ako na makaraan ng aking mga paa na walang anoman. 004 NUM 020 020 At kaniyang sinabi, Huwag kang magdadaan. At si Edom ay lumabas laban sa kaniya na may dalang maraming tao, at may malakas na kamay. 004 NUM 020 021 Ganito tumanggi si Edom na paraanin ang Israel sa kaniyang hangganan: kaya't ang Israel ay lumayo sa kaniya. 004 NUM 020 022 At sila'y naglakbay mula sa Cades: at ang mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan, ay napasa bundok ng Hor. 004 NUM 020 023 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron sa bundok ng Hor, sa tabi ng hangganan ng lupain ng Edom, na sinasabi, 004 NUM 020 024 Si Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan: sapagka't siya'y hindi makapapasok sa lupain na aking ibinigay sa mga anak ni Israel, sapagka't kayo'y nagsipanghimagsik laban sa aking salita sa tubig ng Meriba. 004 NUM 020 025 Dalhin mo si Aaron at si Eleazar na kaniyang anak, at isampa mo sila sa bundok ng Hor. 004 NUM 020 026 At hubaran mo si Aaron ng kaniyang mga suot at isuot mo kay Eleazar na kaniyang anak: at si Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan, at doon siya mamamatay. 004 NUM 020 027 At ginawa ni Moises gaya ng iniutos ng Panginoon: at sila'y sumampa sa bundok ng Hor sa paningin ng buong kapisanan. 004 NUM 020 028 At hinubaran ni Moises si Aaron, ng kaniyang mga suot, at isinuot kay Eleazar na kaniyang anak; at namatay si Aaron doon sa taluktok ng bundok: at si Moises at si Eleazar ay bumaba sa bundok. 004 NUM 020 029 At nang makita ng buong kapisanan na si Aaron ay namatay, ay kanilang tinangisan si Aaron na tatlong pung araw, sa makatuwid baga'y ng buong sangbahayan ni Israel. 004 NUM 021 001 At ang Cananeo, na hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan ay nakabalita na ang Israel ay dumating sa daan ng Atarim; at nilabanan niya ang Israel at binihag ang iba sa kanila. 004 NUM 021 002 At ang Israel ay nanata sa Panginoon, at nagsabi, Kung tunay na ibibigay mo ang bayang ito sa aking kamay, ay aking lubos na gigibain nga ang kanilang mga bayan. 004 NUM 021 003 At dininig ng Panginoon ang tinig ng Israel, at ibinigay ang Cananeo sa kanila, at kanilang lubos na nilipol sila at ang kanilang mga bayan: at ang ipinangalan sa dakong yaon ay Horma. 004 NUM 021 004 At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor na napasa daang patungo sa Dagat na Mapula upang lumiko sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng bayan ay nainip dahil sa daan. 004 NUM 021 005 At ang bayan ay nagsalita laban sa Dios at laban kay Moises: Bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang mamatay sa ilang? sapagka't walang tinapay at walang tubig; at ang aming kaluluwa ay nasusuya na sa manang ito. 004 NUM 021 006 At ang Panginoon ay nagsugo ng mababangis na ahas sa gitna ng bayan, at kanilang kinagat ang bayan: at maraming tao sa Israel ay namatay. 004 NUM 021 007 At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi, Kami ay nagkasala, sapagka't kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan. 004 NUM 021 008 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon. 004 NUM 021 009 At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso, 004 NUM 021 010 At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at humantong sa Oboth. 004 NUM 021 011 At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Ije-abarim sa ilang na nasa tapat ng Moab, sa dakong sinisikatan ng araw. 004 NUM 021 012 Mula roon ay naglakbay sila, at humantong sa libis ng Zared. 004 NUM 021 013 Mula roon ay naglakbay sila, at humantong sa kabilang ibayo ng Arnon, na nasa ilang na lumalabas sa hangganan ng mga Amorrheo: sapagka't ang Arnon ay hangganan ng Moab, na nasa pagitan ng Moab at ng mga Amorrheo. 004 NUM 021 014 Kaya't sinasabi sa aklat ng Mga Pakikipagbaka ng Panginoon, Ang Vaheb ay sa Sufa, At ang mga libis ng Arnon, 004 NUM 021 015 At ang kiling ng mga libis Na kumikiling sa dakong tahanan ng Ar, At humihilig sa hangganan ng Moab. 004 NUM 021 016 At mula roon, ay napasa Beer sila, na siyang balong pinagsabihan ng Panginoon kay Moises, Pisanin mo ang bayan at aking bibigyan sila ng tubig. 004 NUM 021 017 Nang magkagayo'y inawit ng Israel ang awit na ito: Bumalong ka, Oh balon; awitan ninyo siya; 004 NUM 021 018 Siyang balong hinukay ng mga prinsipe, Na pinalalim ng mga mahal sa bayan, Ng setro at ng kanilang mga tungkod. At mula sa ilang, sila'y napasa Mathana. 004 NUM 021 019 At mula sa Mathana ay napasa Nahaliel: at mula sa Nahaliel ay napasa Bamoth; 004 NUM 021 020 At mula sa Bamoth ay napasa libis na nasa bukid ng Moab, sa taluktok ng Pisga, na patungo sa ilang. 004 NUM 021 021 At ang Israel ay nagutos ng mga sugo kay Sehon, na hari ng mga Amorrheo, na sinasabi, 004 NUM 021 022 Paraanin mo ako sa iyong lupain: kami ay hindi liliko sa bukid, ni sa ubasan; kami ay hindi iinom ng tubig ng mga balon: kami ay magdadaan sa maluwang na lansangan, hanggang sa aming maraanan ang iyong hangganan. 004 NUM 021 023 At hindi ipinahintulot paraanin ni Sehon ang Israel sa kaniyang hangganan: kungdi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan, at lumabas sa ilang laban sa Israel at dumating hanggang Jahaz: at nilabanan ang Israel. 004 NUM 021 024 At sinaktan siya ng Israel ng talim ng tabak, at inari ang kaniyang lupain mula sa Arnon hanggang Jaboc, hanggang sa mga anak ni Ammon: sapagka't ang hangganan ng mga anak ni Ammon ay matibay. 004 NUM 021 025 At sinakop ng Israel ang lahat ng mga bayang ito: at ang Israel ay tumahan sa lahat ng mga bayan ng mga Amorrheo, sa Hesbon at sa lahat ng mga bayan niyaon. 004 NUM 021 026 Sapagka't ang Hesbon ay siyang bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na siyang nakipaglaban sa unang hari sa Moab, at sumakop ng buong lupain niyaon sa kaniyang kamay hanggang sa Arnon. 004 NUM 021 027 Kaya't yaong mga nagsasalita ng mga kawikaan ay nagsasabi, Halina kayo sa Hesbon, Itayo at itatag ang bayan ni Sehon: 004 NUM 021 028 Sapagka't may isang apoy na lumabas sa Hesbon, Isang liyab na mula sa bayan ni Sehon: Na sumupok sa Ar ng Moab, Sa mga panginoon sa matataas na dako ng Arnon. 004 NUM 021 029 Sa aba mo, Moab! Ikaw ay napahamak, Oh bayan ni Chemos: Na nagpagala ng kaniyang mga anak na lalake, At ipinabihag ang kaniyang mga anak na babae, Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo. 004 NUM 021 030 Aming pinana sila; ang Hesbon ay namatay hanggang sa Dibon, At aming iniwasak hanggang Nopha, Na umaabot hanggang Medeba. 004 NUM 021 031 Ganito tumahan ang Israel sa lupain ng mga Amorrheo. 004 NUM 021 032 At si Moises ay nagsugo upang tumiktik sa Jazer, at kanilang sinakop ang mga bayan niyaon at pinalayas nila ang mga Amorrheo na nandoon. 004 NUM 021 033 At sila'y lumiko at umahon sa daan ng Basan: at si Og na hari sa Basan ay lumabas laban sa kanila, siya at ang buong bayan niya, upang makipagbaka sa Edrei. 004 NUM 021 034 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Huwag mo siyang katakutan; sapagka't aking ibinigay siya sa iyong kamay, at ang buong bayan niya, at ang kaniyang lupain, at iyong gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa Hesbon. 004 NUM 021 035 Gayon nila sinaktan siya, at ang kaniyang mga anak, at ang buong bayan niya hanggang sa walang natira sa kaniya: at kanilang inari ang kaniyang lupain. 004 NUM 022 001 At ang mga anak ni Israel ay naglakbay at humantong sa mga kapatagan ng Moab sa dako roon ng Jordan na nasa tapat ng Jerico. 004 NUM 022 002 At nakita ni Balac na anak ni Zippor ang lahat ng ginawa ng Israel sa mga Amorrheo. 004 NUM 022 003 At ang Moab ay natakot na mainam sa bayan, sapagka't sila'y marami: at ang Moab ay nagulumihanan dahil sa mga anak ni Israel. 004 NUM 022 004 At sinabi ng Moab sa mga matanda sa Madian, Ngayon ay hihimuran ng karamihang ito yaong lahat na nasa palibot natin, gaya ng baka na humihimod sa damo sa parang. At si Balac na anak ni Zippor, ay hari sa Moab ng panahong yaon. 004 NUM 022 005 At siya'y nagutos ng mga sugo kay Balaam na anak ni Beor, hanggang sa Pethor na nasa tabi ng ilog, hanggang sa lupain ng mga anak ng kaniyang bayan, upang tawagin siya, na sabihin, Narito, may isang bayan na lumabas mula sa Egipto: narito, kanilang tinatakpan ang ibabaw ng lupa, at sila'y nangakatayo laban sa akin: 004 NUM 022 006 Parito ka ngayon, isinasamo ko sa iyo, na sumpain mo sa akin ang bayang ito; sapagka't sila'y totoong makapangyarihan kay sa akin; marahil ako'y mananaig, na aming masasaktan sila, at aking silang mapalalayas sa lupain; sapagka't talastas ko na ang iyong pinagpapala ay mapalad at ang iyong sinusumpa ay mapapasama. 004 NUM 022 007 At ang mga matanda sa Moab at ang mga matanda sa Madian, ay nagsiparoon na dala sa kanilang kamay ang mga ganting pala sa panghuhula; at sila'y dumating kay Balaam at sinalita nila sa kaniya ang mga salita ni Balac. 004 NUM 022 008 At kaniyang sinabi sa kanila, Dito na kayo tumuloy ngayong gabi, at bibigyan ko kayo ng kasagutan, kung ano ang sasalitain ng Panginoon sa akin; at ang mga prinsipe sa Moab ay tumuloy na kasama ni Balaam. 004 NUM 022 009 At ang Dios ay naparoon kay Balaam, at nagsabi, Sinong mga tao itong kasama mo? 004 NUM 022 010 At sinabi ni Balaam sa Dios, Si Balac, na anak ni Zippor, hari sa Moab, ay nagpasugo sa akin, na sinasabi, 004 NUM 022 011 Narito, ang bayan na lumabas sa Egipto, ay tumatakip sa ibabaw ng lupa: ngayo'y parito ka, sumpain mo sila sa akin; marahil ako'y makababaka sa kanila, at sila'y aking mapalalayas. 004 NUM 022 012 At sinabi ng Dios kay Balaam, Huwag kang paroroong kasama nila; huwag mong susumpain ang bayan; sapagka't sila'y pinagpala. 004 NUM 022 013 At si Balaam ay bumangon nang kinaumagahan, at sinabi sa mga prinsipe ni Balac, Yumaon kayo sa inyong lupain: sapagka't ipinagkait ng Panginoon ang pahintulot na ako'y pumaroong kasama ninyo. 004 NUM 022 014 At ang mga prinsipe sa Moab ay bumangon, at sila'y naparoon kay Balac, at nagsabi, Si Balaam ay tumangging pumarito na kasama namin. 004 NUM 022 015 At si Balac ay nagsugong muli ng marami pang prinsipe, at lalong mga mahal kay sa kanila. 004 NUM 022 016 At sila'y naparoon kay Balaam at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ni Balac na anak ni Zippor, Isinasamo ko sa iyo, na ang anomang bagay huwag mong tulutan na makaabala sa iyo sa pagparito mo sa akin: 004 NUM 022 017 Sapagka't ikaw ay aking papupurihan ng mga dakilang karangalan, at anomang sabihin mo sa akin ay gagawin ko: parito ka nga, isinasamo ko sa iyo, na sumpain mo sa akin ang bayang ito. 004 NUM 022 018 At si Balaam ay sumagot at nagsabi sa mga lingkod ni Balac, Kahit ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto, ay hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon kong Dios, na ako'y gumawa ng kulang o higit. 004 NUM 022 019 Ngayon nga, isinasamo ko sa inyo, na tumuloy rin kayo rito ngayong gabi, upang aking maalaman kung ano ang sasalitain pa ng Panginoon sa akin. 004 NUM 022 020 At ang Dios ay naparoon kay Balaam nang kinagabihan, at nagsabi sa kaniya, Kung ang mga taong iyan ay nagsiparito, upang tawagin ka ay bumangon ka, sumama ka sa kanila: nguni't ang salita lamang na aking sasalitain sa iyo, ay siya mong gagawin. 004 NUM 022 021 At si Balaam ay bumangon nang kinaumagahan, at siniyahan ang kaniyang asno, at sumama sa mga prinsipe sa Moab. 004 NUM 022 022 At ang galit ng Dios ay nagningas sapagka't siya'y naparoon: at ang anghel ng Panginoon ay lumagay sa daan na pinaka kalaban niya. Siya nga'y nakasakay sa kaniyang asno at ang kaniyang dalawang alipin ay kasama niya. 004 NUM 022 023 At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa daan, na hawak ang kaniyang bunot na tabak: at ang asno ay lumiko sa daan, at napasa parang: at pinalo ni Balaam ang asno, upang ibalik siya sa daan. 004 NUM 022 024 Nang magkagayo'y tumayo ang anghel ng Panginoon sa isang makipot na daan sa pagitan ng mga ubasan, na ang isang bakod ay sumasadako rito, at ang isang bakod ay sumasadakong yaon. 004 NUM 022 025 At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon, at siya'y inipit sa bakod, at naipit ang paa ni Balaam sa bakod: at kaniyang pinalo uli ang asno. 004 NUM 022 026 At ang anghel ng Panginoon ay nagpauna uli at tumayo sa isang makipot na dako na walang daan lilikuan kahit sa kanan ni sa kaliwa. 004 NUM 022 027 At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon, at siya'y nalugmok sa ilalim ni Balaam: at ang galit ni Balaam ay nagningas, at kaniyang pinalo ang asno ng kaniyang tungkod. 004 NUM 022 028 At ibinuka ng Panginoon ang bibig ng asno, at nagsabi kay Balaam, Ano ang ginawa ko sa iyo, na ako'y pinalo mo nitong makaitlo? 004 NUM 022 029 At sinabi ni Balaam sa asno, Sapagka't tinuya mo ako: mayroon sana ako sa aking kamay na isang tabak, pinatay disin kita ngayon. 004 NUM 022 030 At sinabi ng asno kay Balaam, Di ba ako'y iyong asno na iyong sinakyan sa buong buhay mo hanggang sa araw na ito? gumawa ba kaya ako kailan man ng ganito sa iyo? At kaniyang sinabi, Hindi. 004 NUM 022 031 Nang magkagayo'y idinilat ng Panginoon ang mga mata ni Balaam, at kaniyang nakita ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa daan, na hawak ang kaniyang bunot na tabak: at kaniyang iniyukod ang kaniyang ulo, at nagpatirapa. 004 NUM 022 032 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Bakit mo pinalo ang iyong asno nitong makaitlo? Narito, ako'y naparito na pinaka kalaban, sapagka't ang iyong lakad ay masama sa harap ko: 004 NUM 022 033 At nakita ako ng asno, at lumiko sa harap ko nitong makaitlo: kundi siya lumihis sa harap ko, ay tunay na ngayon ay napatay kita, at nailigtas ang kaniyang buhay. 004 NUM 022 034 At sinabi ni Balaam sa anghel ng Panginoon, Ako'y nagkasala; sapagka't hindi ko nalamang ikaw ay nakatayo sa daan laban sa akin: ngayon nga, kung inaakala mong masama, ay babalik ako uli. 004 NUM 022 035 At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Balaam, Sumama ka sa mga tao: nguni't ang salita lamang na aking sasalitain sa iyo, ang siyang sasalitain mo. Sa gayon ay sumama si Balaam sa mga prinsipe ni Balac. 004 NUM 022 036 At nang mabalitaan ni Balac na si Balaam ay dumarating, ay lumabas upang kaniyang salubungin siya sa bayan ng Moab, na nasa hangganan ng Arnon, na siyang katapusang bahagi ng hangganan. 004 NUM 022 037 At sinabi ni Balac kay Balaam, Di ba ikaw ay aking pinaparoonang dalidali upang tawagin ka? bakit nga hindi ka naparito sa akin? hindi ba tunay na mapapupurihan kita? 004 NUM 022 038 At sinabi ni Balaam kay Balac, Narito, ako'y naparito sa iyo: mayroon ba ako ngayong anomang kapangyarihan na makapagsalita ng anomang bagay? ang salitang ilagay ng Dios sa aking bibig, yaon ang aking sasalitain. 004 NUM 022 039 At si Balaam ay sumama kay Balac, at sila'y naparoon sa Chiriath-huzoth. 004 NUM 022 040 At naghain si Balac, ng mga baka at mga tupa, at ipinadala kay Balaam, at sa mga prinsipe na kasama niya. 004 NUM 022 041 At nangyari nang kinaumagahan, na isinama ni Balac si Balaam at isinampa siya sa matataas na dako ni Baal, at kaniyang nakita mula roon ang katapustapusang bahagi ng bayan. 004 NUM 023 001 At sinabi ni Balaam kay Balac, Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake. 004 NUM 023 002 At ginawa ni Balac gaya ng sinalita ni Balaam; at si Balac at si Balaam ay naghandog sa bawa't dambana ng isang toro at ng isang tupang lalake. 004 NUM 023 003 At sinabi ni Balaam kay Balac, Tumayo ka sa tabi ng iyong handog na susunugin, at ako'y yayaon; marahil ang Panginoon ay paririto na sasalubungin ako: at anomang bagay na kaniyang ipakita sa akin ay aking sasaysayin sa iyo. At siya'y naparoon sa isang dakong mataas na walang tanim. 004 NUM 023 004 At sinalubong ng Dios si Balaam: at sinabi niya sa kaniya, Aking inihanda ang pitong dambana, at aking inihandog ang isang toro at ang isang tupang lalake sa bawa't dambana. 004 NUM 023 005 At nilagyan ng Panginoon ng salita ang bibig ni Balaam, at sinabi: Bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain. 004 NUM 023 006 At siya'y bumalik sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, siya at ang lahat ng mga prinsipe sa Moab. 004 NUM 023 007 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Mula sa Aram ay dinala ako rito ni Balac, Niyang hari sa Moab, na mula sa mga bundok ng Silanganan: Parito ka, sumpain mo sa akin ang Jacob. At parito ka, laitin mo ang Israel. 004 NUM 023 008 Paanong aking susumpain ang hindi sinumpa ng Dios? At paanong aking lalaitin ang hindi nilait ng Panginoon? 004 NUM 023 009 Sapagka't mula sa taluktok ng mga bato ay aking nakikita siya, At mula sa mga burol ay akin siyang natatanawan: Narito, siya'y isang bayang tatahang magisa, At hindi ibinibilang sa gitna ng mga bansa. 004 NUM 023 010 Sinong makabibilang ng alabok ng Jacob, O ng bilang ng ikaapat na bahagi ng Israel? Mamatay nawa ako ng kamatayan ng matuwid, At ang aking wakas ay magiging gaya nawa ng kaniya! 004 NUM 023 011 At sinabi ni Balac kay Balaam, Anong ginawa mo sa akin? Ipinagsama kita upang sumpain mo ang aking mga kaaway, at, narito, iyong pinagpala silang totoo. 004 NUM 023 012 At siya'y sumagot, at nagsabi, Hindi ba nararapat na aking pagingatang salitain yaong isinasa bibig ko ng Panginoon? 004 NUM 023 013 At sinabi sa kaniya ni Balac, Isinasamo ko sa iyo, na sumama ka sa akin sa ibang dako, na iyong pagkakakitaan sa kanila; ang iyo lamang makikita ay ang kahulihulihang bahagi nila, at hindi mo makikita silang lahat: at sumpain mo sila sa akin mula roon. 004 NUM 023 014 At dinala niya siya sa parang ng Sophim, sa taluktok ng Pisga, at nagtayo roon ng pitong dambana, at naghandog ng isang toro, at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana. 004 NUM 023 015 At kaniyang sinabi kay Balac, Tumayo ka rito sa tabi ng iyong handog na susunugin, samantalang aking sinasalubong ang Panginoon doon. 004 NUM 023 016 At sinalubong ng Panginoon si Balaam, at pinapagsalita siya ng salita sa kaniyang bibig, at sinabi, bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain. 004 NUM 023 017 At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at ang mga prinsipe sa Moab na kasama niya. At sinabi sa kaniya ni Balac, Anong sinalita ng Panginoon? 004 NUM 023 018 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinghaga, at sinabi, Tumindig ka, Balac, at iyong dinggin; Makinig ka sa akin, ikaw anak ni Zippor: 004 NUM 023 019 Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa? 004 NUM 023 020 Narito, ako'y tumanggap ng utos na magpala: At kaniyang pinagpala, at hindi ko na mababago. 004 NUM 023 021 Wala siyang nakitang kasamaan sa Jacob, Ni wala siyang nakitang kasamaan sa Israel: Ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya, At ang sigaw ng hari ay nasa gitna nila. 004 NUM 023 022 Dios ang naglalabas sa kanila sa Egipto; Siya'y may lakas na gaya ng mabangis na toro. 004 NUM 023 023 Tunay na walang enkanto laban sa Jacob, Ni panghuhula laban sa Israel: Ngayo'y sasabihin tungkol sa Jacob at sa Israel, Anong ginawa ng Dios! 004 NUM 023 024 Narito, ang bayan ay tumitindig na parang isang leong babae, At parang isang leon na nagpakataas: Siya'y hindi mahihiga hanggang sa makakain ng huli, At makainom ng dugo ng napatay. 004 NUM 023 025 At sinabi ni Balac kay Balaam, Ni huwag mo silang pakasumpain ni pakapagpalain. 004 NUM 023 026 Nguni't si Balaam ay sumagot at nagsabi kay Balac, Di ba isinaysay ko sa iyo, na sinasabi, Yaong lahat na sinasalita ng Panginoon, ay siya kong nararapat gawin? 004 NUM 023 027 At sinabi ni Balac kay Balaam, Halika ngayon, ipagsasama kita sa ibang dako; marahil ay kalulugdan ng Dios na iyong sumpain sila sa akin mula roon. 004 NUM 023 028 At ipinagsama ni Balac si Balaam sa taluktok ng Peor, na nakatungo sa ilang. 004 NUM 023 029 At sinabi ni Balaam kay Balac, Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake. 004 NUM 023 030 At ginawa ni Balac gaya ng sinabi ni Balaam, at naghandog ng isang toro at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana. 004 NUM 024 001 At nang makita ni Balaam na kinalugdan ng Panginoon na pagpalain ang Israel, ay hindi naparoon na gaya ng una na kumita ng pamahiin, kundi kaniyang itinitig ang kaniyang mukha sa dakong ilang. 004 NUM 024 002 At itinaas ni Balaam ang kaniyang mga mata, at kaniyang nakita ang Israel na tumatahan ayon sa kanilang mga lipi; at ang Espiritu ng Dios ay sumakaniya. 004 NUM 024 003 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Si Balaam na anak ni Beor ay nagsabi, At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi; 004 NUM 024 004 Siya'y nagsabi na nakarinig ng mga salita ng Dios, Na nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat, Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata: 004 NUM 024 005 Pagka iinam ng iyong mga tolda, Oh Jacob, Ang iyong mga tabernakulo, Oh Israel! 004 NUM 024 006 Gaya ng mga libis na nalalatag, Gaya ng mga halamanan sa tabi ng ilog, Gaya ng linaloes na itinanim ng Panginoon, Gaya ng mga puno ng sedro sa siping ng tubig. 004 NUM 024 007 Tubig ay aagos mula sa kaniyang pang-igib, At ang kaniyang binhi ay matatatag sa maraming tubig, At ang kaniyang hari ay tataas ng higit kay Agag, At ang kaniyang kaharian ay mababantog. 004 NUM 024 008 Dios ang naglalabas sa kaniya sa Egipto; May lakas na gaya ng mabangis na toro: Kaniyang lalamunin ang mga bansa na kaniyang mga kaaway, At kaniyang pagwawaraywarayin ang kanilang mga buto, At palalagpasan sila ng kaniyang mga pana. 004 NUM 024 009 Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon, At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya? Pagpalain nawa yaong lahat na nagpapala sa iyo, At sumpain yaong lahat na sumusumpa sa iyo. 004 NUM 024 010 At ang galit ni Balac ay nagningas laban kay Balaam, at pinaghampas niya ang kaniyang mga kamay; at sinabi ni Balac kay Balaam, Tinawag kita upang iyong sumpain ang aking mga kaaway, at, narito, iyong binasbasan totoo sila nitong makaitlo. 004 NUM 024 011 Ngayon nga ay tumakas ka sa iyong sariling dako: aking inisip na itaas kita sa dakilang karangalan; nguni't, narito, pinigil ka ng Panginoon sa karangalan. 004 NUM 024 012 At sinabi ni Balaam kay Balac, Di ba sinalita ko rin sa iyong mga sugo na iyong sinugo sa akin, na sinasabi, 004 NUM 024 013 Kahit ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto, ay hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon, na gumawa ako ng mabuti o masama sa aking sariling akala; kung ano nga ang salitain ng Panginoon, ay siya kong sasalitain? 004 NUM 024 014 At ngayon, narito, ako'y paroroon sa aking bayan: parito ka nga, at aking ipahahayag sa iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan sa mga huling araw. 004 NUM 024 015 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Nagsabi si Balaam na anak ni Beor, At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi; 004 NUM 024 016 Siya'y nagsabi, na nakarinig ng mga salita ng Dios, At nakaalam ng karunungan ng Kataastaasan, Na siyang nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat, Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata: 004 NUM 024 017 Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon; Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob, At may isang setro na lilitaw sa Israel, At sasaktan ang mga sulok ng Moab, At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan. 004 NUM 024 018 At ang Edom ay magiging pag-aari niya. Ang Seir man ay magiging pag-aari niya, na siyang dating kaniyang mga kaaway; Samantalang ang Israel ay magpapakatapang. 004 NUM 024 019 At mula sa Jacob ay magkakaroon ng isang may kapangyarihan, At gigibain niya sa bayan ang nalalabi. 004 NUM 024 020 At kaniyang minasdan ang Amalec, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Ang Amalec ay siyang dating panguna sa mga bansa; Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapupuksa. 004 NUM 024 021 At kaniyang minasdan ang Cineo, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Matibay ang iyong dakong tahanan, At ang iyong pugad ay nalalapag sa malaking bato. 004 NUM 024 022 Gayon ma'y mawawasak ang Cain, Hanggang sa ikaw ay madalang bihag ng Assur. 004 NUM 024 023 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Ay! sinong mabubuhay pagka ginawa ng Dios ito? 004 NUM 024 024 Datapuwa't ang mga sasakyan ay manggagaling sa baybayin ng Cittim. At kanilang pagdadalamhatiin ang Assur, at kanilang pagdadalamhatiin ang Eber, At siya man ay mapupuksa. 004 NUM 024 025 At si Balaam ay tumindig, at yumaon at bumalik sa kaniyang sariling dako: at si Balac naman ay yumaon ng kaniyang lakad. 004 NUM 025 001 At ang Israel ay tumahan sa Sittim, at ang bayan ay nagpasimulang magkasala ng pakikiapid sa mga anak na babae ng Moab: 004 NUM 025 002 Sapagka't kanilang tinawag ang bayan sa mga hain sa kanilang mga dios; at ang bayan ay kumain at yumukod sa kanilang mga dios. 004 NUM 025 003 At ang Israel ay nakilakip sa diosdiosang Baal-peor; at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel. 004 NUM 025 004 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo ang lahat ng pangulo sa bayan at bitayin mo sila sa Panginoon sa harap ng araw, upang ang maningas na galit ng Panginoon ay mapawi sa Israel. 004 NUM 025 005 At sinabi ni Moises sa mga hukom sa Israel, Patayin ng bawa't isa sa inyo yaong mga nakilakip sa diosdiosang Baal-peor. 004 NUM 025 006 At, narito, isa sa mga anak ni Israel ay naparoon at nagdala sa kaniyang mga kapatid ng isang babaing Madianita sa paningin ni Moises, at sa paningin ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel, samantalang sila'y umiiyak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 004 NUM 025 007 At nang makita ni Phinees, na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ay tumindig siya sa gitna ng kapisanan, at humawak ng isang sibat sa kaniyang kamay; 004 NUM 025 008 At siya'y naparoon sa likod ng lalaking Israelita sa loob ng tolda, at kapuwa niya sinaksak, ang lalaking Israelita at ang babae sa kaniyang tiyan. Sa gayon ang salot ay natigil sa mga anak ni Israel. 004 NUM 025 009 At yaong nangamatay sa salot ay dalawang pu't apat na libo. 004 NUM 025 010 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 025 011 Pinawi ni Phinees na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ang aking galit sa mga anak ni Israel, sa paraang siya'y nagsikap dahil sa aking pagsisikap sa kanila, na anopa't hindi ko nilipol ang mga anak ni Israel sa aking sikap. 004 NUM 025 012 Kaya't sabihin mo, Narito, ako'y nakikipagtipan sa kaniya tungkol sa kapayapaan: 004 NUM 025 013 At magiging kaniya, at sa kaniyang binhi pagkamatay niya, ang tipan ng pagkasaserdoteng walang hanggan; sapagka't siya'y nagsikap sa kaniyang Dios, at tumubos sa mga anak ni Israel. 004 NUM 025 014 Ang pangalan nga ng lalaking Israelita na napatay, na pinatay na kalakip ng babaing Madianita ay Zimri na anak ni Salu, na prinsipe sa isang sangbahayan ng mga magulang sa mga Simeonita. 004 NUM 025 015 At ang pangalan ng babaing Madianita na napatay ay Cozbi, na anak ni Zur; siya'y prinsipe sa bayan ng isang sangbahayan ng mga magulang sa Madian. 004 NUM 025 016 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 025 017 Bagabagin ninyo ang mga Madianita, at inyong saktan sila: 004 NUM 025 018 Sapagka't kanilang binagabag kayo ng kanilang mga lalang na kanilang ipinangdaya sa inyo sa bagay ng Peor, at sa bagay ni Cozbi, na anak na babae ng prinsipe sa Madian, na kanilang kapatid na namatay nang kaarawan ng salot dahil sa Peor. 004 NUM 026 001 At nangyari, pagkatapos ng salot, na sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, na sinasabi, 004 NUM 026 002 Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, yaong lahat na makalalabas sa Israel sa pakikibaka. 004 NUM 026 003 At si Moises at si Eleazar na saserdote ay nakipagsalitaan sa kanila sa mga kapatagan ng Moab sa siping ng Jordan sa Jerico, na sinasabi, 004 NUM 026 004 Bilangin ninyo ang bayan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises at sa mga anak ni Israel, na lumabas sa lupain ng Egipto. 004 NUM 026 005 Si Ruben ang panganay ni Israel: ang mga anak ni Ruben; kay Hanoc, ang angkan ng mga Hanocitas; kay Phallu, ang angkan ng mga Palluita: 004 NUM 026 006 Kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Carmi, ang angkan ng mga Carmita. 004 NUM 026 007 Ito ang mga angkan ng mga Rubenita: at yaong nangabilang sa kanila, ay apat na pu't tatlong libo at pitong daan at tatlong pu. 004 NUM 026 008 At ang mga anak ni Phallu; ay si Eliab. 004 NUM 026 009 At ang mga anak ni Eliab; ay si Nemuel, at si Dathan, at si Abiram. Ito yaong Dathan at Abiram, na tinawag sa kapisanan na siya ngang nagsilaban kay Moises at kay Aaron, sa pulutong ni Core, nang sila'y lumaban sa Panginoon; 004 NUM 026 010 At ibinuka ng lupain ang kaniyang bibig, at nilamon sila pati ni Core, nang mamatay ang pulutong na yaon; noong panahong lamunin ng apoy ang dalawang daan at limang pung tao, at sila'y naging isang tanda. 004 NUM 026 011 Gayon ma'y hindi namatay ang mga anak ni Core. 004 NUM 026 012 Ang mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan; kay Nemuel, ang angkan ng mga Nemuelita: kay Jamin, ang angkan ng mga Jaminita: kay Jachin, ang angkan ng mga Jachinita; 004 NUM 026 013 Kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita; kay Saul, ang angkan ng mga Saulita. 004 NUM 026 014 Ito ang mga angkan ng mga Simeonita, dalawang pu't dalawang libo at dalawang daan. 004 NUM 026 015 Ang mga anak ni Gad ayon sa kaniyang mga angkan; kay Zephon, ang angkan ng mga Zephonita; kay Aggi, ang angkan ng mga Aggita; kay Suni, ang angkan ng mga Sunita; 004 NUM 026 016 Kay Ozni, ang angkan ng mga Oznita; kay Eri, ang angkan ng mga Erita; 004 NUM 026 017 Kay Arod, ang angkan ng mga Arodita; kay Areli, ang angkan ng mga Arelita. 004 NUM 026 018 Ito ang mga angkan ng mga anak ni Gad ayon sa nangabilang sa kanila apat na pung libo at limang daan. 004 NUM 026 019 Ang mga anak ni Juda, ay si Er at si Onan; at si Er at si Onan ay nangamatay sa lupain ng Canaan. 004 NUM 026 020 At ang mga anak ni Juda ayon sa kaniyang mga angkan: kay Sela, ang angkan ng mga Selaita; kay Phares, ang angkan ng mga Pharesita; kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita. 004 NUM 026 021 At ang mga naging anak ni Phares: kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Hamul, ang angkan ng mga Hamulita. 004 NUM 026 022 Ito ang mga angkan ni Juda ayon sa nangabilang sa kanila, pitong pu't anim na libo at limang daan. 004 NUM 026 023 Ang mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan: kay Thola, ang angkan ng mga Tholaita; kay Pua, ang angkan ng mga Puanita; 004 NUM 026 024 Kay Jasub, ang angkan ng mga Jasubita; kay Simron, ang angkan ng mga Simronita. 004 NUM 026 025 Ito ang mga angkan ni Issachar ayon sa nangabilang sa kanila, anim na pu't apat na libo at tatlong daan. 004 NUM 026 026 Ang mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan: kay Sered, ang angkan ng mga Seredita: kay Elon, ang angkan ng mga Elonita: kay Jalel, ang angkan ng mga Jalelita. 004 NUM 026 027 Ito ang mga angkan ng mga Zebulonita ayon sa nangabilang sa kanila, anim na pung libo at limang daan. 004 NUM 026 028 Ang mga anak ni Jose ayon sa kanilang mga angkan: si Manases at si Ephraim. 004 NUM 026 029 Ang mga anak ni Manases: kay Machir, ang angkan ng mga Machirita: at naging anak ni Machir si Galaad: kay Galaad, ang angkan ng mga Galaadita. 004 NUM 026 030 Ito ang mga anak ni Galaad: kay Jezer, ang angkan ng mga Jezerita: kay Helec, ang angkan ng mga Helecita; 004 NUM 026 031 At kay Asriel, ang angkan ng mga Asrielita: at kay Sechem, ang angkan ng mga Sechemita: 004 NUM 026 032 At kay Semida, ang angkan ng mga Semidaita: at kay Hepher, ang angkan ng mga Hepherita. 004 NUM 026 033 At si Salphaad na anak ni Hepher ay hindi nagkaanak ng lalake, kundi mga babae: at ang mga pangalan ng mga anak na babae ni Salphaad ay Maala, at Noa, Hogla, Milca, at Tirsa. 004 NUM 026 034 Ito ang mga angkan ni Manases; at yaong nangabilang sa kanila, ay limang pu at dalawang libo at pitong daan. 004 NUM 026 035 Ito ang mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan: kay Suthala, ang angkan ng mga Suthalaita: kay Becher, ang angkan ng mga Becherita: kay Tahan, ang angkan ng mga Tahanita. 004 NUM 026 036 At ito ang mga anak ni Suthala: kay Heran, ang angkan ng mga Heranita. 004 NUM 026 037 Ito ang mga angkan ng mga anak ni Ephraim ayon sa nangabilang sa kanila, tatlong pu't dalawang libo at limang daan. Ito ang mga anak ni Jose, ayon sa kanilang mga angkan. 004 NUM 026 038 Ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan: kay Bela, ang angkan ng mga Belaita; kay Asbel, ang angkan ng mga Asbelita: kay Achiram, ang angkan ng mga Achiramita; 004 NUM 026 039 Kay Supham ang angkan ng mga Suphamita; kay Hupham, ang angkan ng mga Huphamita. 004 NUM 026 040 At ang mga anak ni Bela ay si Ard at si Naaman: kay Ard, ang angkan ng mga Ardita: kay Naaman, ang angkan ng mga Naamanita. 004 NUM 026 041 Ito ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan; at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pu't limang libo at anim na raan. 004 NUM 026 042 Ito ang mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan: kay Suham, ang angkan ng mga Suhamita. Ito ang mga angkan ni Dan ayon sa kanilang mga angkan. 004 NUM 026 043 Lahat ng mga angkan ng mga Suhamita, ayon sa nangabilang sa kanila, ay anim na pu't apat na libo at apat na raan. 004 NUM 026 044 Ang anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan: kay Imna, ang angkan ng mga Imnaita: kay Issui, ang angkan ng mga Issuita, kay Beria, ang angkan ng mga Beriaita. 004 NUM 026 045 Sa mga anak ni Beria: kay Heber, ang angkan ng mga Heberita; kay Malchiel ang angkan ng mga Malchielita. 004 NUM 026 046 At ang pangalan ng anak na babae ni Aser ay si Sera. 004 NUM 026 047 Ito ang mga angkan ng mga anak ni Aser ayon sa nangabilang sa kanila, limang pu't tatlong libo at apat na raan. 004 NUM 026 048 Ang mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan: kay Jahzeel ang angkan ng mga Jahzeelita: kay Guni, ang angkan ng mga Gunita. 004 NUM 026 049 Kay Jeser, ang angkan ng mga Jeserita: kay Sillem, ang angkan ng mga Sillemita. 004 NUM 026 050 Ito ang mga angkan ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan: at yaong nangabilang sa kanila, ay apat na pu't limang libo at apat na raan. 004 NUM 026 051 Ito yaong nangabilang sa angkan ni Israel, anim na raan at isang libo at pitong daan at tatlong pu. 004 NUM 026 052 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 026 053 Sa mga ito babahagihin ang lupain na pinakamana ayon sa bilang ng mga pangalan. 004 NUM 026 054 Sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: ang bawa't isa ayon sa mga bilang sa kaniya ay bibigyan ng kaniyang mana. 004 NUM 026 055 Gayon ma'y babahagihin ang lupain sa pamamagitan ng sapalaran: ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng kanilang mga magulang ay kanilang mamanahin. 004 NUM 026 056 Ayon sa sapalaran babahagihin ang kanilang mana, alinsunod sa dami o kaunti. 004 NUM 026 057 Ito yaong nangabilang sa mga Levita ayon sa kanilang mga angkan: kay Gerson, ang angkan ng mga Gersonita: kay Coath, ang angkan ng mga Coathita: kay Merari, ang angkan ng mga Merarita. 004 NUM 026 058 Ito ang mga angkan ni Levi: ang angkan ng mga Libnita, ang angkan ng mga Hebronita, ang angkan ng mga Mahalita, ang angkan ng mga Musita, ang angkan ng mga Corita. At naging anak ni Coath si Amram. 004 NUM 026 059 At ang pangalan ng asawa ni Amram ay Jochabed, na anak na babae ni Levi, na ipinanganak kay Levi sa Egipto: at ipinanganak niya kay Amram si Aaron at si Moises, at si Miriam na kapatid nila. 004 NUM 026 060 At naging anak ni Aaron si Nadad at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar. 004 NUM 026 061 At si Nadab at si Abiu ay namatay nang sila'y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon. 004 NUM 026 062 At yaong nangabilang sa kanila ay dalawang pu't tatlong libo, lahat ng lalake mula sa isang buwang gulang na patanda: sapagka't sila'y hindi nangabilang sa mga anak ni Israel, sapagka't sila'y hindi binigyan ng mana sa gitna ng mga anak ni Israel. 004 NUM 026 063 Ito yaong nangabilang ni Moises at ni Eleazar na saserdote, na bumilang ng mga anak ni Israel sa mga kapatagan ng Moab sa siping ng Jordan sa Jerico. 004 NUM 026 064 Nguni't sa mga ito ay walang tao sa kanila, na ibinilang ni Moises at ni Aaron na saserdote, na bumilang ng mga anak ni Israel sa ilang ng Sinai. 004 NUM 026 065 Sapagka't sinabi ng Panginoon tungkol sa kanila, Sila'y mamamatay na walang pagsala sa ilang. At walang natira kahi't isang tao sa kanila, liban kay Caleb na anak ni Jephone, at kay Josue na anak ni Nun. 004 NUM 027 001 Nang magkagayo'y nagsilapit ang mga anak na babae ni Salphaad, na anak ni Hepher, na anak ni Galaad, na anak ni Machir, na anak ni Manases, sa mga angkan ni Manases, na anak ni Jose; at ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak: Maala, at Noa, at Hogla, at Milca, at Tirsa. 004 NUM 027 002 At sila'y nagsitayo sa harap ni Moises, at sa harap ni Eleazar na saserdote, at sa harap ng mga prinsipe at ng buong kapisanan, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, na sinasabi, 004 NUM 027 003 Ang aming ama ay namatay sa ilang, at siya'y hindi kasama ng nagpipisang magkakasama laban sa Panginoon, sa pulutong ni Core: kundi siya'y namatay sa kaniyang sariling kasalanan; at hindi nagkaanak ng lalake. 004 NUM 027 004 Bakit ang pangalan ng aming ama ay aalisin sa angkan niya, sapagka't siya'y hindi nagkaanak ng lalake? Bigyan ninyo kami ng pag-aari sa gitna ng mga kapatid ng aming ama. 004 NUM 027 005 At dinala ni Moises ang kanilang usap sa harap ng Panginoon. 004 NUM 027 006 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 027 007 Ang mga anak na babae ni Salphaad ay nagsasalita ng matuwid: bibigyan mo nga sila ng isang pag-aari na pinakamana sa gitna ng mga kapatid ng kanilang ama; at iyong isasalin ang mana ng kanilang ama sa kanila. 004 NUM 027 008 At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Kung ang isang lalake ay mamatay, at walang anak na lalake, ay inyo ngang isasalin ang kaniyang mana sa kaniyang anak na babae. 004 NUM 027 009 At kung siya'y walang anak na babae, ay inyo ngang ibibigay ang kaniyang mana sa kaniyang mga kapatid. 004 NUM 027 010 At kung siya'y walang kapatid, ay inyo ngang ibibigay ang kaniyang mana sa mga kapatid ng kaniyang ama. 004 NUM 027 011 At kung ang kaniyang ama ay walang kapatid, ay inyo ngang ibibigay ang kaniyang mana sa kaniyang kamaganak na pinakamalapit sa kaniya sa kaniyang angkan, at kaniyang aariin: at sa mga anak ni Israel ay magiging isang palatuntunan ng kahatulan, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 004 NUM 027 012 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sumampa ka sa bundok na ito ng Abarim, at tanawin mo ang lupain na aking ibinigay sa mga anak ni Israel. 004 NUM 027 013 At pagkakita mo niyaon ay malalakip ka rin naman sa iyong bayan, na gaya ng pagkalakip ni Aaron na iyong kapatid: 004 NUM 027 014 Sapagka't kayo'y nanghimagsik laban sa aking salita sa ilang ng Zin, sa pakikipagtalo ng kapisanan, na ipakilala ninyong banal ako sa harap ng mga mata nila sa tubig. (Ito ang tubig ng Meriba sa Cades sa ilang ng Zin.) 004 NUM 027 015 At sinalita ni Moises sa Panginoon, na sinasabi, 004 NUM 027 016 Maghalal ang Panginoon, ang Dios ng mga diwa ng lahat ng laman, ng isang lalake sa kapisanan, 004 NUM 027 017 Na makalalabas sa harap nila, at makapapasok sa harap nila, at makapaglalabas sa kanila, at makapagpapasok sa kanila; upang ang kapisanan ng Panginoon ay huwag maging parang mga tupa na walang pastor. 004 NUM 027 018 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo si Josue na anak ni Nun, isang lalake na kinakasihan ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya; 004 NUM 027 019 At iharap mo siya kay Eleazar na saserdote, at sa buong kapisanan; at pagbilinan mo siya sa kanilang paningin. 004 NUM 027 020 At lalagyan mo siya ng iyong karangalan upang sundin siya ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel. 004 NUM 027 021 At siya'y tatayo sa harap ni Eleazar na saserdote, na siyang maguusisa tungkol sa kaniya, ng hatol ng Urim sa harap ng Panginoon: sa kaniyang salita, ay lalabas sila, at sa kaniyang salita, ay papasok sila, siya at ang lahat ng mga anak ni Israel na kasama niya, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan. 004 NUM 027 022 At ginawa ni Moises gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya: at kaniyang ipinagsama si Josue, at kaniyang iniharap kay Eleazar na saserdote, at sa buong kapisanan: 004 NUM 027 023 At kaniyang ipinatong ang mga kamay niya sa kaniya, at pinagbilinan niya siya, gaya ng sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. 004 NUM 028 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 028 002 Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ang alay sa akin, ang aking pagkain na pinakahandog sa akin na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa akin, ay inyong pagiingatang ihandog sa akin sa ukol na kapanahunan. 004 NUM 028 003 At iyong sasabihin sa kanila, Ito ang handog na pinaraan sa apoy na inyong ihahandog sa Panginoon; mga korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan, dalawa araw-araw, na pinakapalaging handog na susunugin. 004 NUM 028 004 Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga, at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa paglubog ng araw; 004 NUM 028 005 At ang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo. 004 NUM 028 006 Isang palaging handog na susunugin, na iniutos sa bundok ng Sinai na pinakamasarap na amoy, handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 004 NUM 028 007 At ang pinakahandog na inumin niyaon, ay ang ikaapat na bahagi ng isang hin sa isang kordero: sa dakong banal magbubuhos ka ng handog na inumin na pinaka mainam na alak para sa Panginoon. 004 NUM 028 008 At ang isang kordero, ay iyong ihahandog sa paglubog ng araw: gaya ng handog na harina sa umaga, at gaya ng handog na inumin niyaon, ay iyong ihahandog, isang handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. 004 NUM 028 009 At sa araw ng sabbath ay dalawang korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan, at dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, na pinakahandog na harina na hinaluan ng langis, at ang handog na inumin niyaon: 004 NUM 028 010 Ito ang handog na susunugin sa bawa't sabbath, bukod pa sa palaging handog na susunugin, at ang inuming handog niyaon. 004 NUM 028 011 At sa mga pasimula ng inyong mga buwan ay maghahandog kayo ng handog na susunugin sa Panginoon; dalawang guyang toro at isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan; 004 NUM 028 012 At tatlong ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng langis, para sa bawa't toro; at dalawang ikasangpung bahagi ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng langis para sa isang tupang lalake; 004 NUM 028 013 At isang ikasangpung bahagi ng mainam na harina, na hinaluan ng langis na pinakahandog na harina para sa bawa't kordero; pinakahandog na susunugin na pinakamasarap na amoy, handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 004 NUM 028 014 At ang magiging handog na inumin ng mga yaon ay kalahati ng isang hin ng alak sa toro, at ang ikatlong bahagi ng isang hin ay sa tupang lalake, at ang ikaapat na bahagi ng isang hin ay sa kordero: ito ang handog na susunugin sa bawa't buwan sa lahat ng buwan ng taon. 004 NUM 028 015 At isang kambing na lalake na pinakahandog sa Panginoon dahil sa kasalanan; ihahandog ito bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa inuming handog niyaon. 004 NUM 028 016 At sa unang buwan, sa ikalabing apat na araw ng buwan, ay paskua ng Panginoon. 004 NUM 028 017 At sa ikalabing limang araw ng buwang ito ay magkakaroon ng isang pista; pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura. 004 NUM 028 018 Sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod: 004 NUM 028 019 Kundi maghahandog kayo sa Panginoon ng isang handog na pinaraan sa apoy, na pinakahandog na susunugin; dalawang guyang toro, at isang lalaking tupa, at pitong korderong lalake ng unang taon; na mga walang kapintasan: 004 NUM 028 020 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis: tatlong ikasangpung bahagi ang inyong ihahandog para sa isang toro, at dalawang ikasangpung bahagi para sa tupang lalake; 004 NUM 028 021 At isang ikasangpung bahagi ang iyong ihahandog para sa bawa't kordero sa pitong kordero; 004 NUM 028 022 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan, upang itubos sa inyo. 004 NUM 028 023 Inyong ihahandog ang mga ito bukod pa sa handog na susunugin sa umaga, na pinakapalaging handog na susunugin, 004 NUM 028 024 Ganitong paraan ihahandog ninyo araw-araw, sa loob ng pitong araw, ang pagkain na handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: ihahandog ito bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa inuming handog niyaon. 004 NUM 028 025 At sa ikapitong araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod. 004 NUM 028 026 Gayon din sa araw ng mga unang bunga, na paghahandog ninyo ng isang bagong handog na harina sa Panginoon sa inyong pista ng mga sanglinggo, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod: 004 NUM 028 027 Kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; dalawang guyang toro, isang tupang lalake, at pitong korderong lalake ng unang taon; 004 NUM 028 028 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi para sa bawa't toro, dalawang ikasangpung bahagi sa isang tupang lalake, 004 NUM 028 029 Isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero; 004 NUM 028 030 Isang kambing na lalake upang itubos sa inyo. 004 NUM 028 031 Bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, ay inyong ihahandog ang mga yaon (yaong mga walang kapintasan sa inyo), at ang mga inuming handog ng mga yaon. 004 NUM 029 001 At sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod; isang araw ngang sa inyo'y paghihip ng mga pakakak. 004 NUM 029 002 At kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon, ng isang guyang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan; 004 NUM 029 003 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina, na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa toro, dalawang ikasangpung bahagi sa lalaking tupa, 004 NUM 029 004 At isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero: 004 NUM 029 005 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan upang itubos sa inyo: 004 NUM 029 006 Bukod pa sa handog na susunugin sa bagong buwan, at sa handog na harina niyaon, at sa palaging handog na susunugin at sa handog na harina niyaon, at sa mga inuming handog niyaon, ayon sa kanilang palatuntunan, na pinakamasarap na amoy, na handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy. 004 NUM 029 007 At sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; at inyong pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa; huwag kayong gagawa ng anomang gawa: 004 NUM 029 008 Kundi kayo'y maghahandog sa Panginoon ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy; isang guyang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon: na mga walang kapintasan sa inyo: 004 NUM 029 009 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa toro, dalawang ikasangpung bahagi sa isang tupang lalake, 004 NUM 029 010 Isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero: 004 NUM 029 011 Isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan, bukod pa sa handog dahil sa kasalanan na pangtubos at sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa mga inuming handog ng mga yaon. 004 NUM 029 012 At sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod, at mangingilin kayong pitong araw sa Panginoon: 004 NUM 029 013 At maghahandog kayo ng isang handog na susunugin, na pinakahandog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: labing tatlong guyang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon: na mga walang kapintasan: 004 NUM 029 014 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa bawa't toro sa labing tatlong toro, dalawang ikasangpung bahagi sa bawa't tupang lalake sa dalawang tupang lalake, 004 NUM 029 015 At isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa labing apat na kordero 004 NUM 029 016 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon at sa inuming handog niyaon. 004 NUM 029 017 At sa ikalawang araw ay maghahandog kayo ng labing dalawang guyang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan: 004 NUM 029 018 At ang handog na harina ng mga yaon, at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa bilang ng mga yaon, alinsunod sa palatuntunan: 004 NUM 029 019 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa mga inuming handog ng mga yaon. 004 NUM 029 020 At sa ikatlong araw ay labing isang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan; 004 NUM 029 021 At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan. 004 NUM 029 022 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon. 004 NUM 029 023 At sa ikaapat na araw ay sangpung toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan: 004 NUM 029 024 Ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan: 004 NUM 029 025 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon. 004 NUM 029 026 At sa ikalimang araw ay siyam na toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan: 004 NUM 029 027 At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan: 004 NUM 029 028 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa handog na inumin niyaon. 004 NUM 029 029 At sa ikaanim na araw, ay walong toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan: 004 NUM 029 030 At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan: 004 NUM 029 031 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan: bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa mga inuming handog niyaon, 004 NUM 029 032 At sa ikapitong araw ay pitong toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan: 004 NUM 029 033 At ang handog na harina ng mga yaon, at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan: 004 NUM 029 034 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon. 004 NUM 029 035 Sa ikawalong araw, ay magkakaroon kayo ng isang takdang pagpupulong; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod; 004 NUM 029 036 Kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: isang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan: 004 NUM 029 037 Ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa toro, sa lalaking tupa, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang alinsunod sa palatuntunan: 004 NUM 029 038 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon. 004 NUM 029 039 Ang mga ito ay inyong ihahandog sa Panginoon sa inyong mga takdang kapistahan, bukod pa sa inyong mga panata, at sa inyong mga kusang handog, na mga pinakahandog ninyong susunugin, at ang inyong mga pinakahandog na harina, at ang inyong mga pinakainuming handog, at ang inyong mga pinakahandog tungkol sa kapayapaan. 004 NUM 029 040 At isinaysay ni Moises sa mga anak ni Israel, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 004 NUM 030 001 At sinalita ni Moises sa mga pangulo ng mga lipi ng mga anak ni Israel, na sinasabi, Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon. 004 NUM 030 002 Pagka ang isang lalake ay nagpanata ng isang panata sa Panginoon, o sumumpa ng isang sumpa, na itinali ang kaniyang kaluluwa sa isang gampanin, ay huwag niyang sisirain ang kaniyang salita, kaniyang gaganapin ayon sa lahat ng binuka ng kaniyang bibig. 004 NUM 030 003 Pagka ang isang babae naman ay nagpanata ng isang panata sa Panginoon, at itinali ang kaniyang sarili sa isang gampanin, sa bahay ng kaniyang ama, sa kaniyang kadalagahan; 004 NUM 030 004 At narinig ng kaniyang ama ang kaniyang panata, at ang kaniyang gampanin na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa, at ang kaniyang ama ay hindi umimik sa kaniya: ay lahat nga niyang panata ay magkakabisa, at ang bawa't tali na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa ay magkakabisa. 004 NUM 030 005 Nguni't kung sawayin siya ng kaniyang ama sa araw na marinig; alin man sa kaniyang panata, o sa kaniyang gampanin na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa ay hindi magkabisa: at patatawarin siya ng Panginoon, sapagka't sinaway siya ng kaniyang ama. 004 NUM 030 006 At kung siya'y may asawa at magpanata o magbitiw na walang dilidili sa kaniyang labi ng anomang gampanin na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa; 004 NUM 030 007 At marinig ng kaniyang asawa, at hindi umimik sa kaniya sa araw na marinig yaon: ay magkakabisa nga ang kaniyang mga panata, at ang kaniyang mga gampanin na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa ay magkakabisa. 004 NUM 030 008 Nguni't kung sawayin siya ng kaniyang asawa sa araw na marinig yaon; ay mawawalan ng kabuluhan ang kaniyang panata na itinali niya sa kaniya at ang nabitawang pangako ng kaniyang mga labi na ipinanali niya sa kaniyang kaluluwa: at patatawarin siya ng Panginoon. 004 NUM 030 009 Nguni't ang panata ng isang babaing bao, o ng isang hiniwalayan ng asawa, ay magkakabisa sa bawa't bagay na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa. 004 NUM 030 010 At kung siya'y nagpanata sa bahay ng kaniyang asawa, o kaniyang tinalian ang kaniyang kaluluwa ng isang gampanin na kaakbay ng isang sumpa, 004 NUM 030 011 At narinig ng kaniyang asawa, at hindi umimik sa kaniya, at hindi sinaway siya; ay magkakabisa ang lahat niyang panata, at bawa't gampanin na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa ay magkakabisa. 004 NUM 030 012 Nguni't kung niwalan ng kabuluhan ng kaniyang asawa sa araw na marinig, ay hindi magkakabisa ang anomang bagay na binitiwan ng kaniyang mga labi tungkol sa kaniyang mga panata o tungkol sa tali ng kaniyang kaluluwa: niwalan ng kabuluhan ng kaniyang asawa; at patatawarin siya ng Panginoon. 004 NUM 030 013 Bawa't panata o bawa't gampaning inakbayan ng sumpa, na makapagpapadalamhati ng kaluluwa, ay mabibigyang bisa ng kaniyang asawa, o mapawawalan ng kabuluhan ng kaniyang asawa. 004 NUM 030 014 Nguni't kung ang kaniyang asawa ay hindi umimik sa kaniya sa araw-araw; ay binigyan nga ng bisa ang lahat niyang panata, o ang lahat niyang gampaning taglay niya: kaniyang binigyan bisa, sapagka't hindi umimik nang araw na kaniyang marinig. 004 NUM 030 015 Nguni't kung kaniyang pawawalan ng kabuluhan pagkatapos na kaniyang marinig, ay tataglayin nga niya ang kasamaan ng kaniyang asawa. 004 NUM 030 016 Ito ang mga palatuntunan na iniutos ng Panginoon kay Moises, sa magasawa at sa magama samantalang ang anak na dalaga ay nasa bahay ng kaniyang ama. 004 NUM 031 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 031 002 Ipanghiganti mo ang mga anak ni Israel sa mga Madianita; pagkatapos nito'y malalakip ka sa iyong bayan. 004 NUM 031 003 At sinalita ni Moises sa bayan, na sinasabi, Magsipagsakbat kayong mga lalake na humanda sa pakikibaka, upang magsiyaon sila laban sa Madian, upang isagawa ang panghihiganti ng Panginoon sa Madian. 004 NUM 031 004 Sa bawa't lipi ay isang libo, sa lahat ng mga lipi ng Israel, ang susuguin ninyo sa pakikibaka. 004 NUM 031 005 Sa gayo'y sinugo sa libolibong Israelita, ang isang libo sa bawa't lipi, na labing dalawang libo ngang nasasakbatan sa pakikibaka. 004 NUM 031 006 At sinugo sila ni Moises, sa pakikibaka, isang libo sa bawa't lipi, sila at si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote, sa pakikibaka, na may mga kasangkapan ng santuario, at may mga pakakak na panghudyat sa kaniyang kamay. 004 NUM 031 007 At binaka nila ang Madian, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises; at kanilang pinatay ang bawa't lalake. 004 NUM 031 008 At pinatay nila ang mga hari sa Madian na kasama ng mga napatay: si Evi at si Recem, at si Zur, at si Hur, at si Reba, limang hari sa Madian: si Balaam man na anak ni Beor ay kanilang pinatay ng tabak. 004 NUM 031 009 At binihag ng mga anak ng Israel ang mga babae sa Madian at ang kanilang mga bata; at ang lahat nilang mga hayop at ang lahat nilang mga kawan, at ang lahat nilang pag-aari ay kanilang sinamsam. 004 NUM 031 010 At ang lahat nilang mga bayan sa mga dakong kanilang tinatahanan at ang lahat nilang mga tolda ay kanilang sinunog sa apoy. 004 NUM 031 011 At kanilang dinala ang lahat ng kanilang nakuha, at ang lahat ng kanilang nasamsam, maging sa tao at maging sa hayop. 004 NUM 031 012 At kanilang dinala ang mga bihag, ang nasamsam at ang nahuli, kay Moises, at kay Eleazar na saserdote, at sa kapisanan ng mga anak ni Israel, na nasa kampamento sa mga kapatagan ng Moab, na nasa tabi ng Jordan sa Jerico. 004 NUM 031 013 At si Moises at si Eleazar na saserdote, at ang lahat ng mga prinsipe sa kapisanan, ay nagsilabas na sinalubong sila sa labas ng kampamento. 004 NUM 031 014 At si Moises ay nag-init sa mga pinuno ng hukbo, sa mga kapitan ng libolibo at sa mga kapitan ng daandaan, na nagsipanggaling sa pakikipagbaka. 004 NUM 031 015 At sinabi ni Moises sa kanila, Iniligtas ba ninyo na buhay ang lahat ng mga babae? 004 NUM 031 016 Narito, sila'y naging sanhi, sa payo ni Balaam, upang ang mga anak ni Israel ay sumalangsang laban sa Panginoon sa bagay ng Peor, at kaya't nagkasalot sa kapisanan ng Panginoon. 004 NUM 031 017 Ngayon nga ay patayin ninyo ang lahat ng mga batang lalake at patayin ninyo ang bawa't babae na nasipingan ng lalake. 004 NUM 031 018 Nguni't ang lahat ng batang babae na hindi pa nasisipingan ng lalake ay buhayin ninyo upang mapasa inyo. 004 NUM 031 019 At matira kayo sa labas ng kampamento na pitong araw: sinoman sa inyo na nakamatay ng sinomang tao, at sinoman sa inyo na nakahipo ng anomang pinatay, ay maglilinis kayo sa ikatlong araw at sa ikapitong araw, kayo at ang inyong mga bihag. 004 NUM 031 020 At tungkol sa bawa't kasuutan, at sa lahat ng yari sa balat, at sa lahat ng yari sa balahibo ng kambing, at sa lahat ng bagay na yari sa kahoy, ay pakalinisin ninyo. 004 NUM 031 021 At sinabi ni Eleazar na saserdote sa mga lalake ng hukbo na nagsiparoon sa pakikipagbaka, Ito ang palatuntunan ng kautusan na iniutos ng Panginoon kay Moises: 004 NUM 031 022 Gayon ma'y ang ginto at ang pilak, ang tanso, ang bakal, ang lata, at ang tingga, 004 NUM 031 023 Bawa't bagay na hindi naaano sa apoy, ay inyong pararaanin sa apoy, at magiging malinis; gayon ma'y inyong lilinisin ng tubig para sa karumihan: at ang lahat na hindi nakatatagal sa apoy, ay inyong pararaanin sa tubig. 004 NUM 031 024 At inyong lalabhan ang inyong mga damit sa ikapitong araw, at kayo'y magiging malinis, at pagkatapos nito'y makapapasok kayo sa kampamento. 004 NUM 031 025 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 031 026 Bilangin mo ang samsam na nakuha sa tao at gayon din sa hayop, ninyo at ni Eleazar na saserdote, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng kapisanan: 004 NUM 031 027 At hatiin mo ang samsam ng dalawa; sa mga lalaking mangbabaka na nagsilabas sa pakikipagbaka, at sa buong kapisanan: 004 NUM 031 028 Bigyan mo ng buwis ang Panginoon sa mga lalaking mangdidigma na nagsilabas sa pakikipagbaka: isang tao sa bawa't limang daan, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, at sa mga asno at sa mga kawan: 004 NUM 031 029 Sa kalahating nauukol sa kanila, ay kukunin mo at ibibigay mo kay Eleazar na saserdote na pinakahandog na itinaas sa Panginoon. 004 NUM 031 030 At sa kalahati na nauukol sa mga anak ni Israel, ay kunin mo ang isang nakuha sa bawa't limang pu, sa mga tao, sa mga bata, sa mga asno, at sa mga kawan, sa lahat ng hayop at ibigay mo sa mga Levita, na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon. 004 NUM 031 031 At ginawa ni Moises at ni Eleazar na saserdote, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 004 NUM 031 032 Ang nabihag nga bukod pa sa nasamsam ng mga taong nakipagbaka, ay anim na raan at pitong pu't limang libong tupa, 004 NUM 031 033 At pitong pu't dalawang libong baka, 004 NUM 031 034 Anim na pu't isang libong asno, 004 NUM 031 035 At tatlong pu't dalawang libong tao sa lahat, sa mga babae na hindi pa nasisipingan ng lalake. 004 NUM 031 036 At ang kalahati, na siyang bahagi niyaong mga nagsilabas sa pakikipagbaka ay umaabot sa bilang na tatlong daan at tatlong pu't pitong libo at limang daang tupa: 004 NUM 031 037 At ang buwis na tupa sa Panginoon, ay anim na raan at pitong pu't lima. 004 NUM 031 038 At ang mga baka ay tatlong pu't anim na libo; na ang buwis sa Panginoon ay pitong pu't dalawa. 004 NUM 031 039 At ang mga asno ay tatlong pung libo at limang daan; na ang buwis sa Panginoon ay anim na pu't isa. 004 NUM 031 040 At ang mga asno ay labing anim na libo; na ang buwis sa Panginoon ay tatlong pu't dalawang tao. 004 NUM 031 041 At ibinigay ni Moises ang buwis, na ukol sa handog na itinaas sa Panginoon, kay Eleazar na saserdote, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 004 NUM 031 042 At ang kalahati ay sa mga anak ni Israel, na inihiwalay ni Moises sa mga taong nakipagbaka 004 NUM 031 043 (Siya ngang kalahati na nauukol sa kapisanan ay tatlong daan at tatlong pu't pitong libo at limang daang tupa, 004 NUM 031 044 At tatlong pu't anim na libong baka, 004 NUM 031 045 At tatlong pung libo't limang daang asno, 004 NUM 031 046 At labing anim na libong tao), 004 NUM 031 047 At sa kalahati nga na nauukol sa mga anak ni Israel, ay kinuha ni Moises ang isa sa bawa't limang pu, sa tao at gayon din sa hayop, at ibinigay sa mga Levita, na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 004 NUM 031 048 At ang mga pinuno na namamahala sa libolibo ng hukbo, ang mga kapitan ng libolibo, at ang mga kapitan ng daandaan ay nangagsilapit kay Moises: 004 NUM 031 049 At sinabi nila kay Moises, Binilang ng iyong mga lingkod ang mga lalaking mangdidigma na nasa aming kapangyarihan, at walang kulang kahit isa man sa amin. 004 NUM 031 050 At aming dinala na pinakaalay sa Panginoon, ang nakuha ng bawa't lalake, na mga hiyas na ginto, mga tanikala sa bukongbukong, at mga pulsera, mga singsing na pinaka tanda, mga hikaw, at mga kuwintas sa leeg upang itubos sa aming mga kaluluwa sa harap ng Panginoon. 004 NUM 031 051 At kinuha ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang ginto nila, lahat ng hiyas na dalisay. 004 NUM 031 052 At ang buong gintong handog na itinaas, na kanilang inihandog sa Panginoon, ng mga kapitan ng libolibo, at ng mga kapitan ng daandaan, ay labing anim na libo at pitong daan at limang pung siklo. 004 NUM 031 053 (Sapagka't ang mga lalake na nakipagbaka ay naguwi ng samsam, na bawa't isa ay may sariling dala.) 004 NUM 031 054 At kinuha ni Moises at ni Eleazar na saserdote ang ginto ng mga kapitan ng libolibo at ng daandaan, at isinilid sa tabernakulo ng kapisanan, pinakaalaala sa mga anak ni Israel sa harap ng Panginoon. 004 NUM 032 001 Ang mga anak nga ni Ruben, at ang mga anak ni Gad ay mayroong napakaraming hayop: at nang kanilang makita ang lupain ng Jazer, at ang lupain ng Galaad, na, narito, ang dako ay minagaling nilang dako sa hayop, 004 NUM 032 002 Ay lumapit at nagsalita ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben kay Moises, at kay Eleazar na saserdote, at sa mga prinsipe ng kapisanan na sinasabi, 004 NUM 032 003 Ang Ataroth, at ang Dibon, at ang Jazer, at ang Nimra, at ang Hesbon, at ang Eleale, at ang Saban, at ang Nebo, at ang Beon, 004 NUM 032 004 Na lupaing sinaktan ng Panginoon sa harap ng kapisanan ng Israel, ay lupaing mabuti sa hayop, at ang iyong mga lingkod ay may mga hayop. 004 NUM 032 005 At sinabi nila, Kung kami ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay ibigay mong pinakaari ang lupaing ito sa iyong mga lingkod; at huwag mo kaming paraanin sa Jordan. 004 NUM 032 006 At sinabi ni Moises sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Ruben, Paroroon ba ang inyong mga kapatid sa pakikipagbaka, at kayo'y mauupo rito? 004 NUM 032 007 At bakit pinapanghihina ninyo ang loob ng mga anak ni Israel, na huwag magpatuloy sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa kanila? 004 NUM 032 008 Ganyan ang ginawa ng inyong mga magulang nang sila'y aking suguin, mula sa Cades-barnea upang tiktikan ang lupain. 004 NUM 032 009 Sapagka't nang sila'y makasampa sa libis ng Eskol at matiktikan ang lupain, ay kanilang pinapanghina ang loob ng mga anak ni Israel upang huwag pumasok sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa kanila. 004 NUM 032 010 At ang galit ng Panginoon ay nagningas nang araw na yaon, at siya'y sumumpa na sinasabi, 004 NUM 032 011 Tunay na walang taong lumabas sa Egipto, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ay makakakita ng lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob; sapagka't sila'y hindi lubos na sumunod sa akin: 004 NUM 032 012 Liban si Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo, at si Josue na anak ni Nun: sapagka't sila'y sumunod na lubos sa Panginoon. 004 NUM 032 013 At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel, at kaniyang pinagala sila sa ilang, na apat na pung taon hanggang sa ang buong lahing yaon na gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ay nalipol. 004 NUM 032 014 At, narito, kayo'y nagsipagtindig na kahalili ng inyong mga magulang, supling ng mga taong makasalanan, upang dagdagan pa ninyo ang mabangis na galit ng Panginoon sa Israel. 004 NUM 032 015 Sapagka't kung kayo'y lumihis ng pagsunod sa kaniya ay kaniyang iiwang muli sila sa ilang; at inyong lilipulin ang buong bayang ito. 004 NUM 032 016 At sila'y nagsilapit sa kaniya, at nagsabi, Gagawa kami rito ng mga kulungan sa aming mga hayop, at ng mga bayan sa aming mga bata: 004 NUM 032 017 Nguni't kami ay magsisipagalmas upang magpauna sa mga anak ni Israel hanggang sa aming maipasok sa kanilang dakong karoroonan: at ang aming mga bata ay magsisitahan sa mga bayang nakukutaan dahil sa mga nagsisitahan sa lupain. 004 NUM 032 018 Kami ay hindi magsisibalik sa aming mga bahay, hanggang sa ang mga anak ni Israel ay magari bawa't isa ng kaniyang sariling pag-aari. 004 NUM 032 019 Sapagka't hindi kami makikimana sa kanila sa kabilang ibayo ng Jordan, at sa dako pa roon; sapagka't tinaglay na namin ang aming mana rito sa dakong silanganan ng Jordan. 004 NUM 032 020 At sinabi ni Moises sa kanila, Kung gagawin ninyo ang bagay na ito; kung kayo'y magsisipagalmas upang pumaroon sa harap ng Panginoon sa pakikipagbaka, 004 NUM 032 021 At bawa't may almas sa inyo ay daraan sa Jordan sa harap ng Panginoon, hanggang sa kaniyang mapalayas ang kaniyang mga kaaway sa harap niya. 004 NUM 032 022 At ang lupain ay mapasuko sa harap ng Panginoon: ay makababalik nga kayo pagkatapos, at hindi kayo magiging salarin sa Panginoon, at sa Israel; at ang lupaing ito ay magiging inyong pag-aari sa harap ng Panginoon. 004 NUM 032 023 Nguni't kung hindi ninyo gagawing ganito ay, narito, kayo'y nagkasala laban sa Panginoon: at talastasin ninyo na aabutin kayo ng inyong kasalanan. 004 NUM 032 024 Igawa ninyo ng mga siyudad ang inyong mga bata, at ng mga kulungan ang inyong mga tupa; at isagawa ninyo ang nabuka sa inyong bibig. 004 NUM 032 025 At sinalita ng mga anak ni Gad at ng mga anak ni Ruben kay Moises, na sinasabi, Isasagawa ng iyong mga lingkod ang gaya ng iniutos ng aking panginoon. 004 NUM 032 026 Ang aming mga bata, ang aming mga asawa, ang aming kawan at ang aming buong bakahan ay matitira riyan sa mga bayan ng Galaad: 004 NUM 032 027 Nguni't ang iyong mga lingkod ay magsisitawid, bawa't lalake na may almas sa pakikipagbaka, sa harap ng Panginoon upang makipagbaka, gaya ng sinabi ng aking panginoon. 004 NUM 032 028 Sa gayo'y ipinagbilin sila ni Moises kay Eleazar na saserdote, at kay Josue na anak ni Nun, at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel. 004 NUM 032 029 At sinabi sa kanila ni Moises, Kung ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben ay magsisitawid na kasama ninyo sa Jordan, ang lahat ng lalake na may almas sa pakikipagbaka, sa harap ng Panginoon, at kung ang lupain ay mapasuko sa harap ninyo: ay ibibigay nga ninyo sa kanila na pinakaari ang lupain ng Galaad. 004 NUM 032 030 Nguni't kung sila'y hindi tatawid na kasama ninyo na may almas, ay magkakaroon sila ng pag-aari na kasama ninyo sa lupain ng Canaan. 004 NUM 032 031 At ang mga anak ni Gad at ang mga anak ni Ruben ay nagsisagot, na nangagsasabi, Kung paano ang sinabi ng Panginoon sa iyong mga lingkod ay gayon ang gagawin namin, 004 NUM 032 032 Kami ay tatawid na may almas sa harap ng Panginoon sa lupain ng Canaan, at ang magiging pag-aari naming mana ay sa dakong ito ng Jordan. 004 NUM 032 033 At ibinigay ni Moises sa kanila, sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Ruben, at sa kalahati ng lipi ni Manases na anak ni Jose, ang kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, at ang kaharian ni Og na hari sa Basan, ang lupain ayon sa mga bayan niyaon, sa loob ng mga hangganan niyaon, sa makatuwid baga'y ang mga bayan sa palibot ng lupain. 004 NUM 032 034 At itinayo ng mga anak ni Gad ang Dibon, at ang Ataroth, at ang Aroer, 004 NUM 032 035 At ang Ataroth-sophan, at ang Jazer, at ang Jogbaa, 004 NUM 032 036 At ang Beth-nimra at ang Bet-haran: na mga bayang nakukutaan, at kulungan din naman ng mga tupa. 004 NUM 032 037 At itinayo naman ng mga anak ni Ruben ang Hesbon, at ang Eleale, at ang Ciriathaim, 004 NUM 032 038 At ang Nebo, at ang Baal-meon, (na ang pangalan ng mga yaon ay binago, ) at ang Sibma: at nilagyan ng ibang mga pangalan ang mga bayan na kanilang itinayo. 004 NUM 032 039 At ang mga anak ni Machir na anak ni Manases ay nagsiparoon sa Galaad, at kanilang sinakop, at pinalayas ang mga Amorrheo na nandoon. 004 NUM 032 040 At ibinigay ni Moises ang Galaad kay Machir na anak ni Manases; at kaniyang tinahanan. 004 NUM 032 041 At si Jair na anak ni Manases ay naparoon at sinakop ang mga bayan niyaon at tinawag na Havoth-jair. 004 NUM 032 042 At si Noba ay naparoon at sinakop ang Kenath, at ang mga nayon niyaon, at tinawag na Noba, ayon sa kaniyang sariling pangalan. 004 NUM 033 001 Ito ang mga paglalakbay ng mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo sa ilalim ng kapangyarihan ni Moises at ni Aaron. 004 NUM 033 002 At isinulat ni Moises ang kanilang mga pagyao ayon sa kanilang mga paglalakbay alinsunod sa utos ng Panginoon: at ito ang kanilang mga paglalakbay ayon sa kanilang mga pagyao. 004 NUM 033 003 At sila'y nagsipaglakbay mula sa Rameses nang unang buwan, nang ikalabing limang araw ng unang buwan; nang kinabukasan pagkatapos ng paskua ay nagsialis ang mga anak ni Israel na may kamay na nakataas sa paningin ng lahat ng mga taga Egipto, 004 NUM 033 004 Samantalang inililibing ng mga taga Egipto ang lahat ng kanilang panganay, na nilipol ng Panginoon sa gitna nila: na pati ng kanilang mga dios ay hinatulan ng Panginoon. 004 NUM 033 005 At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses at humantong sa Succoth. 004 NUM 033 006 At sila'y naglakbay mula sa Succoth at humantong sa Etham na nasa gilid ng ilang. 004 NUM 033 007 At sila'y naglakbay mula sa Etham, at lumiko sa Pi-hahiroth, na nasa tapat ng Baal-sephon: at humantong sa tapat ng Migdol. 004 NUM 033 008 At sila'y naglakbay mula sa tapat ng Hahiroth, at nagsipagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang: at sila'y naglakbay na tatlong araw sa ilang ng Etham at humantong sa Mara. 004 NUM 033 009 At sila'y naglakbay mula sa Mara, at dumating sa Elim: at sa Elim ay may labing dalawang bukal ng tubig at pitong pung puno ng palma; at sila'y humantong doon. 004 NUM 033 010 At sila'y naglakbay mula sa Elim, at humantong sa tabi ng Dagat na Mapula. 004 NUM 033 011 At sila'y naglakbay mula sa Dagat na Mapula, at humantong sa ilang ng Zin. 004 NUM 033 012 At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Zin, at humantong sa Dophca. 004 NUM 033 013 At sila'y naglakbay mula sa Dophca, at humantong sa Alus. 004 NUM 033 014 At sila'y naglakbay mula sa Alus, at humantong sa Rephidim, na doon, nga walang tubig na mainom ang bayan. 004 NUM 033 015 At sila'y naglakbay mula sa Rephidim, at humantong sa ilang ng Sinai. 004 NUM 033 016 At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Sinai, at humantong sa Kibroth-hataava. 004 NUM 033 017 At sila'y naglakbay mula sa Kibroth-hataava, at humantong sa Haseroth. 004 NUM 033 018 At sila'y naglakbay mula sa Haseroth, at humantong sa Ritma. 004 NUM 033 019 At sila'y naglakbay mula sa Ritma, at humantong sa Rimmon-peres. 004 NUM 033 020 At sila'y naglakbay mula sa Rimmon-peres, at humantong sa Libna. 004 NUM 033 021 At sila'y naglakbay mula sa Libna, at humantong sa Rissa. 004 NUM 033 022 At sila'y naglakbay mula sa Rissa, at humantong sa Ceelatha. 004 NUM 033 023 At sila'y naglakbay mula sa Ceelatha at humantong sa bundok ng Sepher. 004 NUM 033 024 At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Sepher, at humantong sa Harada. 004 NUM 033 025 At sila'y naglakbay mula sa Harada, at humantong sa Maceloth. 004 NUM 033 026 At sila'y naglakbay mula sa Maceloth, at humantong sa Tahath. 004 NUM 033 027 At sila'y naglakbay mula sa Tahath at humantong sa Tara. 004 NUM 033 028 At sila'y naglakbay mula sa Tara, at humantong sa Mithca. 004 NUM 033 029 At sila'y naglakbay mula sa Mithca, at humantong sa Hasmona. 004 NUM 033 030 At sila'y naglakbay mula sa Hasmona, at humantong sa Moseroth. 004 NUM 033 031 At sila'y naglakbay mula sa Moseroth, at humantong sa Bene-jaacan. 004 NUM 033 032 At sila'y naglakbay mula sa Bene-jaacan, at humantong sa Horhagidgad. 004 NUM 033 033 At sila'y naglakbay mula sa Horhagidgad at humantong sa Jotbatha. 004 NUM 033 034 At sila'y naglakbay mula sa Jotbatha, at humantong sa Abrona. 004 NUM 033 035 At sila'y naglakbay mula sa Abrona, at humantong sa Esion-geber. 004 NUM 033 036 At sila'y naglakbay mula sa Esion-geber, at humantong sa ilang ng Zin (na siya ring Cades). 004 NUM 033 037 At sila'y naglakbay mula sa Cades, at humantong sa bundok ng Hor, sa gilid ng lupain ng Edom. 004 NUM 033 038 At si Aaron na saserdote ay sumampa sa bundok ng Hor sa utos ng Panginoon, at namatay roon, sa ikaapat na pung taon, pagkaalis ng mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, sa ikalimang buwan, nang unang araw ng buwan. 004 NUM 033 039 At si Aaron ay may isang daan at dalawang pu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor. 004 NUM 033 040 At ang Cananeo na hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan, sa lupain ng Canaan, ay nakarinig ng pagdating ng mga anak ni Israel. 004 NUM 033 041 At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor, at humantong sa Salmona. 004 NUM 033 042 At sila'y naglakbay mula sa Salmona, at humantong sa Phunon. 004 NUM 033 043 At sila'y naglakbay mula sa Phunon, at humantong sa Oboth. 004 NUM 033 044 At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Igeabarim, sa hangganan ng Moab. 004 NUM 033 045 At sila'y naglakbay mula sa Igeabarim, at humantong sa Dibon-gad. 004 NUM 033 046 At sila'y naglakbay mula sa Dibon-gad, at humantong sa Almon-diblathaim. 004 NUM 033 047 At sila'y naglakbay mula sa Almon-diblathaim, at humantong sa mga bundok ng Abarim, sa harap ng Nebo. 004 NUM 033 048 At sila'y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim, at humantong sa mga kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico. 004 NUM 033 049 At sila'y humantong sa tabi ng Jordan, mula sa Beth-jesimoth hanggang sa Abel-sitim, sa mga kapatagan ng Moab. 004 NUM 033 050 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico, na sinasabi, 004 NUM 033 051 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagtawid ninyo sa Jordan sa lupain ng Canaan, 004 NUM 033 052 Ay inyo ngang palalayasin ang lahat ng nananahan sa lupain sa harap ninyo, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga batong tinapyasan, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga larawang binubo, at inyong gigibain ang lahat ng kanilang mga mataas na dako: 004 NUM 033 053 At inyong ariin ang lupain, at tatahan kayo roon: sapagka't sa inyo ibinigay ko ang lupain upang ariin. 004 NUM 033 054 At inyong aariin ang lupain sa sapalaran ayon sa inyong mga angkan; sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: kung kanino mahulog ang palad sa bawa't isa, ay yaon ang magiging kaniya; ayon sa mga lipi ng inyong mga magulang ay inyong mamanahin. 004 NUM 033 055 Nguni't kung hindi ninyo palalayasin ang mga nananahanan sa lupain sa harap ninyo; ay magiging parang mga tibo nga sa inyong mga mata, at parang mga tinik sa inyong mga tagiliran ang mga ititira ninyo sa kanila, at kanilang babagabagin kayo sa lupain na inyong tinatahanan. 004 NUM 033 056 At mangyayari, na kung ano ang iniisip kong gawin sa kanila, ay gayon ang gagawin ko sa inyo. 004 NUM 034 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 034 002 Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupain ng Canaan, (na ito ang lupaing mahuhulog sa inyo na pinakamana, ang lupain ng Canaan ayon sa mga hangganan niyaon), 004 NUM 034 003 At inyong hahantungan ang dakong timugan mula sa ilang ng Zin hanggang sa gilid ng Edom, at ang inyong hangganang timugan ay magiging mula sa dulo ng Dagat na Alat sa dakong silanganan: 004 NUM 034 004 At ang inyong hangganan ay paliko sa dakong timugan sa sampahan ng Acrabbim, at patuloy hanggang sa Zin: at ang mga labasan niyaon ay magiging sa dakong timugan ng Cades-barnea; at mula rito ay pasampa sa Hasar-addar, at patuloy sa Asmon: 004 NUM 034 005 At ang hangganan ay paliko mula sa Asmon hanggang sa batis ng Egipto, at ang magiging mga labasan niyaon ay sa dagat. 004 NUM 034 006 At ang magiging inyong hangganang kalunuran ay ang malaking dagat at ang baybayin niyaon: ito ang magiging inyong hangganang kalunuran. 004 NUM 034 007 At ito ang magiging inyong hangganang hilagaan mula sa malaking dagat ay inyong gagawing palatandaan ang bundok ng Hor: 004 NUM 034 008 Mula sa bundok ng Hor ay inyong gagawing palatandaan ang pasukan ng Hamath; at ang magiging mga labasan ng hangganan ay sa Sedad; 004 NUM 034 009 At ang magiging hangganan ay palabas sa Ziphron, at ang magiging mga labasan niyaon, ay ang Hasar-enan: ito ang magiging inyong hangganang hilagaan. 004 NUM 034 010 At inyong gagawing palatandaan ang inyong hangganang silanganan mula sa Hasar-enan hanggang Sepham: 004 NUM 034 011 At ang hangganan ay pababa mula sa Sepham hanggang sa Ribla, sa dakong silanganan ng Ain; at ang hangganan ay pababa at abot hanggang sa gilid ng dagat ng Cinnereth sa dakong silanganan: 004 NUM 034 012 At ang hangganan ay pababa sa Jordan, at ang magiging mga labasan niyaon ay abot sa Dagat na Alat: ito ang magiging inyong lupain, ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot. 004 NUM 034 013 At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Ito ang lupain na inyong mamanahin sa pamamagitan ng sapalaran, na iniutos ng Panginoon na ibigay sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi; 004 NUM 034 014 Sapagka't ang lipi ng mga anak ni Ruben ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang lipi ng mga anak ni Gad ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nagsitanggap na, at gayon din naman ang kalahating lipi ni Manases ay nagsitanggap na ng kanilang mana: 004 NUM 034 015 Ang dalawang lipi na ito, at ang kalahating lipi ay nagsitanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan sa dakong silanganan ng Jerico, sa dakong sinisikatan ng araw. 004 NUM 034 016 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 034 017 Ito ang mga pangalan ng mga lalake na magbabahagi ng lupain sa inyo na pinakamana: si Eleazar na saserdote, at si Josue na anak ni Nun. 004 NUM 034 018 At maglalagay kayo ng isang prinsipe sa bawa't lipi, upang magbahagi ng lupain na pinakamana. 004 NUM 034 019 At ito ang mga pangalan ng mga lalake: sa lipi ni Juda, ay si Caleb na anak ni Jephone. 004 NUM 034 020 At sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay si Samuel na anak ni Ammiud. 004 NUM 034 021 Sa lipi ni Benjamin, ay si Elidad na anak ni Chislon. 004 NUM 034 022 At sa lipi ng mga anak ni Dan, ay ang prinsipe Bucci na anak ni Jogli. 004 NUM 034 023 Sa mga anak ni Jose: sa lipi ng mga anak ni Manases, ay ang prinsipe Haniel na anak ni Ephod: 004 NUM 034 024 At sa lipi ng mga anak ni Ephraim, ay ang prinsipe Chemuel na anak ni Siphtan. 004 NUM 034 025 At sa lipi ng mga anak ni Zabulon, ay ang prinsipe Elisaphan na anak ni Pharnach. 004 NUM 034 026 At sa lipi ng mga anak ni Issachar, ay ang prinsipe Paltiel na anak ni Azan. 004 NUM 034 027 At sa lipi ng mga anak ni Aser, ay ang prinsipe Ahiud na anak ni Selomi. 004 NUM 034 028 At sa lipi ng mga anak ni Nephtali, ay ang prinsipe Pedael na anak ni Ammiud. 004 NUM 034 029 Ito yaong mga inutusan ng Panginoon na bumahagi ng mana sa mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan. 004 NUM 035 001 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico, na sinasabi, 004 NUM 035 002 Iutos mo sa mga anak ni Israel, na kanilang bigyan ang mga Levita sa mana na kanilang pag-aari, ng mga bayan na matahanan; at ang mga pastulan sa palibot ng mga bayang yaon ay ibibigay ninyo sa mga Levita, 004 NUM 035 003 At mapapasa kanila ang mga bayan upang tahanan; at ang kanilang mga pastulan ay sa kanilang mga kawan, at sa kanilang mga pag-aari, at sa lahat nilang mga hayop. 004 NUM 035 004 At ang mga pastulan sa mga bayan, na inyong ibibigay sa mga Levita, ay isang libong siko sa palibot mula sa kuta ng bayan hanggang sa dakong labas. 004 NUM 035 005 At ang inyong susukatin sa labas ng bayan sa dakong silanganan ay dalawang libong siko, at sa dakong timugan ay dalawang libong siko, at sa dakong kalunuran ay dalawang libong siko, at sa dakong hilagaan ay dalawang libong siko, na ang bayan ay sa gitna. Ito ang magiging sa kanila'y mga pastulan sa mga bayan. 004 NUM 035 006 At ang mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay ang anim na bayan na ampunan, na siya ninyong ibibigay na matatakasan ng nakamatay ng tao: at bukod sa rito ay magbibigay kayo ng apat na pu't dalawang bayan. 004 NUM 035 007 Lahat ng mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay apat na pu't walong bayan: inyong ibibigay sangpu ng kanilang mga pastulan. 004 NUM 035 008 At tungkol sa mga bayan na pag-aari ng mga anak ni Israel na inyong ibibigay ay kukuha kayo ng marami sa marami; at sa kaunti ay kukuha kayo ng kaunti: bawa't isa ayon sa kaniyang mana na kaniyang minamana ay magbibigay sa kaniyang mga bayan sa mga Levita. 004 NUM 035 009 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 004 NUM 035 010 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagkaraan ninyo ng Jordan sa lupain ng Canaan, 004 NUM 035 011 Ay pipili nga kayo ng mga bayan na maging mga bayang ampunan sa inyo, upang ang nakamatay ng tao na pumatay ng sinomang tao na hindi sinasadya, ay makatakas doon. 004 NUM 035 012 At ang mga bayang yaong ay magiging sa inyo'y pinaka ampunan laban sa manghihiganti; upang ang nakamatay ay huwag mamatay, hanggang sa maitayo sa kapisanan na hatulan. 004 NUM 035 013 At ang mga bayan na inyong ibibigay ay anim na bayang ampunan sa inyo. 004 NUM 035 014 Magbibigay kayo ng tatlong bayan sa dako roon ng Jordan, at tatlong bayan ang ibibigay ninyo sa lupain ng Canaan; siyang magiging mga bayang ampunan. 004 NUM 035 015 Sa mga anak ni Israel, at sa taga ibang lupa, at sa makikipamayan sa kanila ay magiging ampunan ang anim na bayang ito: upang ang bawa't nakamatay ng sinomang tao, na hindi sinasadya, ay makatakas doon. 004 NUM 035 016 Nguni't kung kaniyang saktan ang kaniyang kapuwa ng isang kasangkapang bakal, na ano pa't namatay, siya nga'y mamamatay tao; ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin. 004 NUM 035 017 At kung kaniyang saktan ng isang batong tangan niya sa kamay na ikamamatay ng isang tao, at namatay nga, mamamatay tao siya: ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin. 004 NUM 035 018 O kung kaniyang saktan ng isang almas na kahoy na tangan niya sa kamay na ikamamatay ng tao, at namatay nga, ay mamamatay tao siya: ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin. 004 NUM 035 019 Ang manghihiganti sa dugo ay siyang papatay sa pumatay: pagka nasumpungan niya ay kaniyang papatayin. 004 NUM 035 020 At kung kaniyang itinulak sa kapootan, o kaniyang hinagis na binanta, ano pa't siya'y namatay; 004 NUM 035 021 O sa pakikipagkaalit ay sinaktan niya ng kaniyang kamay, na ano pa't siya'y namatay: siya na sumakit ay walang pagsalang papatayin; siya'y mamamatay tao: ang manghihiganti sa dugo ay siyang papatay sa pumatay, pagka nasumpungan niya. 004 NUM 035 022 Nguni't kung sa kabiglaanan ay kaniyang maitulak na walang pakikipagkaalit, o mahagisan niya ng anomang bagay na hindi binanta, 004 NUM 035 023 O ng anomang bato na ikamamatay ng tao, na hindi niya nakikita at kaniyang maihagis sa kaniya, na ano pa't namatay at hindi niya kaaway, at hindi niya pinagaakalaan ng masama: 004 NUM 035 024 Kung gayo'y ang kapisanan ang siyang hahatol sa sumakit at sa manghihiganti sa dugo, ayon sa mga kahatulang ito: 004 NUM 035 025 At ililigtas ng kapisanan ang nakamatay sa kamay ng manghihiganti sa dugo, at siya'y pababalikin ng kapisanan sa kaniyang bayang ampunan, na kaniyang tinakasan: at siya'y tatahan doon hanggang sa pagkamatay ng pangulong saserdote, na pinahiran ng banal na langis. 004 NUM 035 026 Nguni't kung ang nakamatay ay lumabas sa anomang dahilan, sa hangganan ng kaniyang bayang ampunan, na kaniyang tinakasan; 004 NUM 035 027 At masumpungan siya ng manghihiganti sa dugo sa labas ng hangganan ng kaniyang bayang ampunan, at patayin ng manghihiganti sa dugo ang nakamatay, ay hindi siya magiging salarin sa dugo, 004 NUM 035 028 Sapagka't siya'y nararapat na tumira sa kaniyang bayang ampunan, hanggang sa pagkamatay ng dakilang saserdote: nguni't pagkamatay ng dakilang saserdote ang nakamatay ay makababalik sa lupain ng kaniyang pag-aari. 004 NUM 035 029 At ang mga bagay na ito ay magiging isang palatuntunan sa kahatulan sa inyo, sa buong panahon ng inyong mga lahi sa lahat ng inyong mga tahanan. 004 NUM 035 030 Sinomang pumatay sa kaninoman, ay papatayin ang pumatay sa patotoo ng mga saksi: nguni't ang isang saksi ay hindi makapagpapatotoo laban sa kaninomang tao upang patayin. 004 NUM 035 031 Bukod sa rito, huwag kayong tatanggap ng suhol sa buhay ng pumatay na nagiging salarin sa pagpapatay: kundi siya'y walang pagsalang papatayin. 004 NUM 035 032 At huwag kayong tatanggap ng suhol sa kaninomang tumakas sa kaniyang bayang ampunan, upang bumalik na manahan sa kaniyang lupain, hanggang sa pagkamatay ng dakilang saserdote. 004 NUM 035 033 Kaya't huwag ninyong dudumhan ang lupain na inyong kinaroroonan; sapagka't ang dugo ay nagpaparumi ng lupain: at walang paglilinis na magagawa sa lupa dahil sa dugo na nabubo doon, kundi sa pamamagitan ng dugo niyaong nagbubo. 004 NUM 035 034 At huwag ninyong dudumhan ang lupain na inyong tinatahanan, na ako'y tumahan sa gitna niyan: sapagka't akong Panginoon ay tumatahan sa gitna ng mga anak ni Israel. 004 NUM 036 001 At ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Galaad, na anak ni Machir, na anak ni Manases, sa mga angkan ng mga anak ni Jose, ay nagsilapit, at nagsalita sa harap ni Moises at sa harap ng mga prinsipe, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel: 004 NUM 036 002 At sinabi nila, Ang Panginoon ay nagutos sa aking panginoon na ibigay sa sapalaran ang lupain na pinakamana sa mga anak ni Israel: at inutusan din naman ng Panginoon ang aking panginoon na ibigay ang mana ni Salphaad na aming kapatid sa kaniyang mga anak na babae. 004 NUM 036 003 At kung sila'y magasawa sa kaninoman sa mga anak ng ibang mga lipi ng mga anak ni Israel ay aalisin nga ang mana nila na mula sa mana ng aming mga magulang, at sa idaragdag sa mana ng lipi na kinauukulan nila: sa gayo'y aalisin sa manang naukol sa amin. 004 NUM 036 004 At pagjujubileo ng mga anak ni Israel, ay idaragdag nga ang kanilang mana sa mana ng lipi na kanilang kinaukulan: sa gayo'y ang kanilang mana ay aalisin sa mana ng lipi ng aming mga magulang. 004 NUM 036 005 At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel ayon sa salita ng Panginoon na sinasabi, Ang lipi ng mga anak ni Jose ay nagsasalita ng matuwid. 004 NUM 036 006 Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon tungkol sa mga anak na babae ni Salphaad, na sinasabi, Magasawa sila sa kaninomang kanilang magalingin; nguni't sa angkan ng lipi lamang ng kanilang ama magasawa sila. 004 NUM 036 007 Sa gayon ay hindi magkakalipatlipat ang mana ng mga anak ni Israel sa iba't ibang lipi: sapagka't ang mga anak ni Israel ay masasanib bawa't isa sa mana ng lipi ng kaniyang mga magulang. 004 NUM 036 008 At bawa't anak na babae na nagaari sa anomang lipi ng mga anak ni Israel ay magasawa sa isa ng angkan ng lipi ng kaniyang ama, upang ang mga anak ni Israel ay magmana bawa't isa ng mana ng kaniyang mga magulang. 004 NUM 036 009 Sa gayon ay hindi magkakalipatlipat ang mana sa ibang lipi; sapagka't ang mga lipi ng mga anak ni Israel ay masasanib bawa't isa sa kaniyang sariling mana. 004 NUM 036 010 Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayong ginawa ng mga anak na babae ni Salphaad: 004 NUM 036 011 Sapagka't si Maala, si Tirsa, si Holga, at si Milca, at si Noa, na mga anak na babae ni Salphaad ay nagsipagasawa sa mga anak ng mga kapatid ng kanilang ama. 004 NUM 036 012 Sila'y nag-asawa sa mga angkan ng mga anak ni Manases na anak ni Jose; at ang kanilang mana ay naiwan sa lipi ng angkan ng ama nila. 004 NUM 036 013 Ito ang mga utos at ang mga kahatulan, na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises sa mga anak ni Israel sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico. # # BOOK 005 DEU Deuteronomy Deuteronomio 005 DEU 001 001 Ito ang mga salita na sinalita ni Moises sa buong Israel sa dako roon ng Jordan sa ilang, sa Araba na katapat ng Suph, sa pagitan ng Paran, at ng Thopel, at ng Laban, at ng Haseroth, at ng Di-zahab. 005 DEU 001 002 Labing isang araw na lakbayin mula sa Horeb kung dadaan ng bundok ng Seir hanggang sa Cades-barnea. 005 DEU 001 003 At nangyari nang ikaapat na pung taon, nang ikalabing isang buwan, nang unang araw ng buwan, na nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel, tungkol sa lahat na ibinigay sa kaniyang utos ng Panginoon sa kanila; 005 DEU 001 004 Pagkatapos na kaniyang masaktan si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumatahan sa Hesbon, at si Og na hari sa Basan, na tumatahan sa Astarot sa Edrei: 005 DEU 001 005 Sa dako roon ng Jordan, sa lupain ng Moab, pinasimulan ni Moises na ipinahayag ang kautusang ito, na sinasabi, 005 DEU 001 006 Ang Panginoon nating Dios ay nagsalita sa atin sa Horeb, na nagsasabi, Kayo'y nakatahan ng malaon sa bundok na ito: 005 DEU 001 007 Pumihit kayo, at kayo'y maglakbay, at kayo'y pumaroon sa lupaing maburol ng mga Amorrheo, at sa lahat ng mga dakong malapit, sa Araba, sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Timugan, at sa baybayin ng dagat, sa lupain ng mga Cananeo at sa Lebano, hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates. 005 DEU 001 008 Narito, aking inilagay ang lupain sa harap ninyo: inyong pasukin at ariin ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi pagkamatay nila. 005 DEU 001 009 At ako'y nagsalita sa inyo nang panahong yaon na sinasabi, Hindi ko madadalang magisa kayo: 005 DEU 001 010 Pinarami kayo ng Panginoon ninyong Dios, at, narito, kayo sa araw na ito ay gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan. 005 DEU 001 011 Kayo nawa'y dagdagan ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng makalibo pa sa dami ninyo ngayon, at kayo nawa'y pagpalain, na gaya ng ipinangako niya sa inyo! 005 DEU 001 012 Paanong madadala kong magisa ang inyong ligalig, at ang inyong pasan, at ang inyong pagkakaalitan? 005 DEU 001 013 Kumuha kayo sa inyo ng mga lalaking pantas, at nakakaalam, at kilala, ayon sa inyong mga lipi, at sila'y aking gagawing pangulo sa inyo. 005 DEU 001 014 At kayo'y sumagot sa akin at nagsabi, Ang bagay na iyong sinalita ay mabuting gawin namin. 005 DEU 001 015 Sa gayo'y kinuha ko sa inyo ang mga pangulo ng inyong mga lipi, na mga taong pantas, at kilala, at akin silang ginawang pangulo sa inyo, na mga punong kawal ng libolibo, at mga punong kawal ng mga daandaan, at mga punong kawal ng mga limangpu-limangpu, at mga punong kawal ng mga sangpu-sangpu, at mga pinuno ayon sa inyong mga lipi. 005 DEU 001 016 At aking pinagbilinan ang inyong mga hukom nang panahong yaon na sinasabi, Inyong dinggin ang mga usap ng inyong mga kapatid, at inyong hatulan ng matuwid ang tao at ang kaniyang kapatid, at ang taga ibang lupa na kasama niya. 005 DEU 001 017 Huwag kayong magtatangi ng tao sa kahatulan; inyong didinggin ang maliliit, na gaya ng malaki: huwag kayong matatakot sa mukha ng tao; sapagka't ang kahatulan ay sa Dios: at ang usap na napakahirap sa inyo, ay inyong dadalhin sa akin, at aking didinggin. 005 DEU 001 018 At aking iniutos sa inyo nang panahong yaon ang lahat ng mga bagay na inyong dapat gagawin. 005 DEU 001 019 At tayo ay naglakbay mula sa Horeb at ating tinahak yaong buong malawak at kakilakilabot na ilang na inyong nakita, sa daang patungo sa lupaing maburol ng mga Amorrheo, na gaya ng iniutos ng Panginoon nating Dios sa atin, at tayo'y dumating sa Cades-barnea. 005 DEU 001 020 At aking sinabi sa inyo, Inyong narating ang lupaing maburol ng mga Amorrheo na ibinibigay sa atin ng Panginoon nating Dios. 005 DEU 001 021 Narito, inilalagay ng Panginoon ninyong Dios ang lupain sa harap mo: sampahin mo, ariin mo, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang; huwag kang matakot, ni manglupaypay. 005 DEU 001 022 At kayo'y lumapit sa akin, bawa't isa sa inyo, at nagsabi, Tayo'y magsugo ng mga lalake sa unahan natin, upang kanilang kilalanin ang lupain para sa atin, at magbigay alam sa atin ng daang ating marapat sampahan, at ng mga bayang ating daratnin. 005 DEU 001 023 At ang bagay na yaon ay inakala kong magaling: at ako'y kumuha ng labing dalawang lalake sa inyo, na isang lalake sa bawa't lipi. 005 DEU 001 024 At sila'y pumihit at sumampa sa bundok, at dumating hanggang sa libis ng Escol, at kanilang tiniktikan. 005 DEU 001 025 At sila'y nagbitbit ng bunga ng lupain sa kanilang mga kamay, at kanilang ipinanaog sa atin, at sila'y nagdala ng kasagutan at nagsabi, Mabuting lupain ang ibinibigay sa atin ng Panginoon nating Dios. 005 DEU 001 026 Gayon ma'y hindi kayo umakyat, kundi nanghimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios. 005 DEU 001 027 At kayo'y dumaing sa inyong mga tolda, at inyong sinabi, Sapagka't kinapootan tayo ng Panginoon, ay inilabas tayo sa lupain ng Egipto, upang tayo'y ibigay sa kamay ng mga Amorrheo, upang tayo'y lipulin. 005 DEU 001 028 Saan tayo sasampa? pinapanglupaypay ng ating mga kapatid ang ating puso, na sinasabi, Ang mga tao ay malalaki at matataas kay sa atin; ang mga bayan ay malalaki at nakukutaan ng hanggang sa himpapawid; at bukod dito'y aming nakita roon ang mga anak ng mga Anaceo. 005 DEU 001 029 Nang magkagayo'y sinabi ko sa inyo, Huwag kayong mangilabot ni matakot sa kanila. 005 DEU 001 030 Ang Panginoon ninyong Dios, na nangunguna sa inyo, ay kaniyang ipakikipaglaban kayo, ayon sa lahat ng kaniyang ginawa sa Egipto dahil sa inyo sa harap ng inyong mga mata; 005 DEU 001 031 At sa ilang, na inyong kinakitaan kung paanong dinala ka ng Panginoon ninyong Dios, na gaya ng pagdadala ng tao sa kaniyang anak, sa buong daang inyong nilakaran hanggang sa dumating kayo sa dakong ito. 005 DEU 001 032 Gayon ma'y sa bagay na ito, ay hindi kayo sumampalataya sa Panginoon ninyong Dios, 005 DEU 001 033 Na nagpauna sa inyo sa daan, upang ihanap kayo ng dakong mapagtatayuan ng inyong mga tolda, na nasa apoy pagka gabi, upang ituro sa inyo kung saang daan kayo dadaan, at nasa ulap pagka araw. 005 DEU 001 034 At narinig ng Panginoon ang tinig ng inyong mga salita, at nag-init, at sumumpa, na nagsasabi, 005 DEU 001 035 Tunay na hindi makikita ng isa man nitong mga taong masamang lahi ang mabuting lupain na aking isinumpang ibigay sa inyong mga magulang, 005 DEU 001 036 Liban si Caleb na anak ni Jephone; at siya ang makakakita; at sa kaniya ko ibibigay ang lupain na kaniyang tinuntungan, at sa kaniyang mga anak: sapagka't siya'y lubos na sumunod sa Panginoon. 005 DEU 001 037 Ang Panginoon ay nagalit din sa akin, dahil sa inyo, na nagsasabi, Ikaw man ay hindi papasok doon: 005 DEU 001 038 Si Josue na anak ni Nun, na nakatayo sa harap mo, ay siyang papasok doon: palakasin mo ang kaniyang loob; sapagka't kaniyang ipamamana sa Israel. 005 DEU 001 039 Bukod dito'y ang inyong mga bata, na inyong sinasabing magiging bihag, at ang inyong mga anak na sa araw na ito ay hindi nakakaalam ng mabuti o ng masama, ay sila ang papasok doon, at sa kanila'y aking ibibigay, at kanilang aariin. 005 DEU 001 040 Nguni't tungkol sa inyo, ay bumalik kayo, at maglakbay kayo sa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula. 005 DEU 001 041 Nang magkagayo'y sumagot kayo at sinabi ninyo sa akin, Kami ay nagkasala laban sa Panginoon, kami ay sasampa at lalaban, ayon sa buong iniutos sa amin ng Panginoon naming Dios. At nagsipagsakbat bawa't isa sa inyo ng kanikaniyang sandata na pangdigma, at kayo'y nagmadaling sumampa sa bundok. 005 DEU 001 042 At sinabi sa akin ng Panginoon, Sabihin mo sa kanila, Huwag kayong sumampa, ni lumaban; sapagka't ako'y wala sa inyo; baka kayo'y masugatan sa harap ng inyong mga kaaway. 005 DEU 001 043 Gayon sinalita ko sa inyo, at hindi ninyo dininig; kundi kayo'y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon, at naghambog at umakyat sa bundok. 005 DEU 001 044 At ang mga Amorrheo na tumatahan sa bundok na yaon, ay nagsilabas na laban sa inyo, at kayo'y hinabol, na gaya ng ginagawa ng mga pukyutan, at kayo'y tinalo sa Seir, hanggang sa Horma. 005 DEU 001 045 At kayo'y bumalik at umiyak sa harap ng Panginoon; nguni't hindi dininig ng Panginoon ang inyong tinig, ni pinakinggan kayo. 005 DEU 001 046 Sa gayon, ay natira kayong malaon sa Cades, ayon sa mga araw na inyong itinira roon. 005 DEU 002 001 Nang magkagayo'y pumihit tayo, at lumakad tayo sa ilang na daang patungo sa Dagat na Mapula, gaya ng sinalita sa akin ng Panginoon; at tayo'y malaong lumigid sa bundok ng Seir. 005 DEU 002 002 At ang Panginoon ay nagsalita sa akin, na sinasabi, 005 DEU 002 003 Malaon na ninyong naligid ang bundok na ito: lumiko kayo sa dakong hilagaan. 005 DEU 002 004 At iutos mo sa bayan, na iyong sabihin, Kayo'y dadaan sa hangganan ng inyong mga kapatid na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir; at sila'y matatakot sa inyo. Magsipagingat nga kayong mabuti: 005 DEU 002 005 Huwag kayong makipagkaalit sa kanila; sapagka't hindi ko ibibigay sa inyo ang kanilang lupain, kahit ang natutungtungan ng talampakan ng isang paa: sapagka't ibinigay ko kay Esau, na pinakaari ang bundok ng Seir. 005 DEU 002 006 Kayo'y bibili sa kanila ng pagkain sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makakain; at kayo'y bibili rin sa kanila ng tubig sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makainom. 005 DEU 002 007 Sapagka't pinagpala ka ng Panginoon mong Dios, sa lahat ng gawa ng iyong kamay; kaniyang natalastas ang iyong paglalakbay dito sa malawak na ilang; sa loob nitong apat na pung taon ay sumaiyo ang Panginoon mong Dios; ikaw ay di kinulang ng anoman. 005 DEU 002 008 Gayon tayo nagdaan sa ating mga kapatid, na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, mula sa daan ng Araba, mula sa Elath at mula sa Esion-geber. At tayo'y bumalik at nagdaan sa ilang ng Moab. 005 DEU 002 009 At sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong kaalitin ang Moab, ni kakalabanin sila sa digma; sapagka't hindi kita bibigyan sa kaniyang lupain ng pinakaari; sapagka't aking ibinigay na pinakaari ang Ar sa mga anak ni Lot. 005 DEU 002 010 (Ang mga Emimeo ay nanahan doon noong una, bayang malaki, at marami, at matataas na gaya ng mga Anaceo: 005 DEU 002 011 Ang mga ito man ay ibinilang na mga Rephaim, na gaya ng mga Anaceo; nguni't tinatawag silang Emimeo ng mga Moabita. 005 DEU 002 012 Ang mga Hereo man ay tumahan sa Seir noong una, nguni't ang mga anak ni Esau ay humalili sa kanila; at nalipol sila ng mga ito sa harap din nila, at tumahan na kahalili nila; gaya ng ginawa ng Israel sa lupaing kaniyang pag-aari, na ibinigay ng Panginoon sa kanila.) 005 DEU 002 013 Ngayon, tumindig kayo, at tumawid kayo sa batis ng Zered. At tayo'y tumawid sa batis ng Zered. 005 DEU 002 014 At ang mga araw na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnea hanggang sa tayo'y nakarating sa batis ng Zered, ay tatlong pu't walong taon, hanggang sa ang buong lahi ng mga lalaking mangdidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon. 005 DEU 002 015 Bukod dito'y ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa kanila, upang lipulin sila sa gitna ng kampamento, hanggang sa sila'y nalipol. 005 DEU 002 016 Kaya't nangyari, nang malipol at mamatay sa gitna ng bayan ang lahat ng lalaking mangdidigma. 005 DEU 002 017 Ay sinalita sa akin ng Panginoon, na sinasabi, 005 DEU 002 018 Ikaw ay dadaan sa araw na ito sa Ar, na hangganan ng Moab: 005 DEU 002 019 At pagka ikaw ay matatapat sa mga anak ni Ammon, ay huwag kang manampalasan sa kanila ni makipagtalo sa kanila: sapagka't hindi ko ibibigay sa iyo na pinakaari ang lupain ng mga anak ni Ammon: sapagka't aking ibinigay na pinakaari sa mga anak ni Lot. 005 DEU 002 020 (Yaon man ay ibinilang na lupain ng mga Rephaim: ang mga Rephaim ang tumatahan doon noong una; nguni't tinawag na mga Zomzommeo ng mga Ammonita; 005 DEU 002 021 Bayang malaki at marami at matataas na gaya ng mga Anaceo; nguni't nilipol sila ng Panginoon sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila: 005 DEU 002 022 Gaya ng ginawa ng Panginoon sa mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, nang kaniyang lipulin ang mga Horeo sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila hanggang sa araw na ito: 005 DEU 002 023 At ang mga Heveo na nangagsitahan sa mga nayon hanggang sa Gaza, ay nilipol ng mga Caftoreo na nangagmula sa Caftor, at tumahang kahalili nila.) 005 DEU 002 024 Magsitindig kayo, kayo'y maglakbay, at magdaan kayo sa libis ng Arnon: narito, aking ibinigay sa iyong kamay si Sehon na Amorrheo, na hari sa Hesbon, at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin, at kalabanin mo siya sa digma. 005 DEU 002 025 Sa araw na ito ay pasisimulan kong ilagay sa mga bayang nangasa silong ng buong langit, ang sindak sa iyo at ang takot sa iyo, na maririnig nila ang iyong kabantugan, at magsisipanginig, at mangahahapis, dahil sa iyo. 005 DEU 002 026 At ako'y nagsugo ng mga sugo mula sa ilang ng Cademoth kay Sehon na hari sa Hesbon na may mapayapang pananalita, na sinasabi, 005 DEU 002 027 Paraanin mo ako sa iyong lupain: sa daan lamang ako lalakad, hindi ako liliko maging sa kanan ni sa kaliwa. 005 DEU 002 028 Pagbibilhan mo ako ng pagkain sa salapi, upang makakain ako, at bibigyan mo ako ng tubig sa salapi, upang makainom ako; paraanin mo lamang ako ng aking mga paa; 005 DEU 002 029 Gaya ng ginawa sa akin ng mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, at ng mga Moabita na tumatahan sa Ar; hanggang sa makatawid ako sa Jordan, sa lupaing sa amin ay ibinibigay ng Panginoon naming Dios. 005 DEU 002 030 Nguni't ayaw tayong paraanin ni Sehon na hari sa Hesbon sa lupa niya; sapagka't pinapagmatigas ng Panginoon mong Dios ang kaniyang diwa, at pinapagmatigas ang kaniyang puso, upang maibigay siya sa iyong kamay gaya sa araw na ito. 005 DEU 002 031 At sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, aking pinasimulang ibigay sa harap mo si Sehon at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin upang iyong mamana ang kaniyang lupain. 005 DEU 002 032 Nang magkagayo'y lumabas si Sehon laban sa atin, siya at ang buong bayan niya, sa pakikipagbaka sa Jahaz. 005 DEU 002 033 At ibinigay siya ng Panginoon nating Dios sa harap natin; at ating sinaktan siya, at ang kaniyang mga anak at ang kaniyang buong bayan. 005 DEU 002 034 At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon, at ating lubos na nilipol ang bawa't bayan na tinatahanan, sangpu ng mga babae at ng mga bata; wala tayong itinira: 005 DEU 002 035 Ang mga hayop lamang ang dinalang pinakasamsam, sangpu ng mga nasamsam sa mga bayan na ating sinakop. 005 DEU 002 036 Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon at mula sa bayan na nasa libis, hanggang sa Galaad, ay wala tayong minataas na bayan: ibinigay na lahat sa harap natin ng Panginoon nating Dios: 005 DEU 002 037 Sa lupain lamang ng mga anak ni Ammon hindi ka lumapit; sa buong pangpang ng ilog Jaboc at sa mga bayan ng lupaing maburol, at saan man na ipinagbawal sa atin ng Panginoon nating Dios. 005 DEU 003 001 Nang magkagayo'y pumihit tayo, at ating sinampa ang daang patungo sa Basan: at si Og na hari sa Basan ay lumabas laban sa atin, siya at ang buong bayan niya, sa pakikipagbaka sa Edrei. 005 DEU 003 002 At sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong katakutan siya, sapagka't aking ibinigay sa iyong kamay siya, at ang kaniyang buong bayan, at ang kaniyang lupain; at iyong gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa Hesbon. 005 DEU 003 003 Gayon din ibinigay ng Panginoon nating Dios sa ating kamay si Og, na hari sa Basan, at ang buong bayan niya; at ating sinaktan siya hanggang sa walang natira sa kaniya. 005 DEU 003 004 At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon; walang bayan na di sinakop natin sa kanila; anim na pung bayan ang buong lupain ng Argob, ang kaharian ni Og, sa Basan. 005 DEU 003 005 Ang lahat ng ito'y mga bayang nakukutaan ng matataas na kuta, na may mga pintuang-bayan at mga halang; bukod pa ang napakaraming mga bayan na walang kuta. 005 DEU 003 006 At ating lubos na nilipol, na gaya ng ating ginawa kay Sehon na hari sa Hesbon, na lubos nating nilipol bawa't bayan na tinatahanan, sangpu ng mga babae at ng mga bata. 005 DEU 003 007 Nguni't ang madlang kawan at ang nasamsam sa mga bayan ay ating dinala. 005 DEU 003 008 At ating sinakop ang lupain nang panahong yaon sa kamay ng dalawang hari ng mga Amorrheo na nasa dako roon ng Jordan, mula sa libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Hermon; 005 DEU 003 009 (Na siyang Hermon ay tinatawag ng mga taga Sidon na Sirion, at tinatawag ng mga Amorrheo na Senir): 005 DEU 003 010 Lahat ng mga bayan ng kapatagan, at ang buong Galaad, at ang buong Basan, hanggang Salcha at Edrei, na mga bayan ng kaharian ni Og sa Basan. 005 DEU 003 011 (Sapagka't si Og lamang na hari sa Basan ang nalalabi sa natira sa mga Rephaim; narito, ang kaniyang higaan ay higaang bakal; wala ba ito sa Rabbath ng mga anak ni Ammon? siyam na siko ang haba niyaon at apat na siko ang luwang niyaon, ayon sa siko ng isang lalake). 005 DEU 003 012 At ang lupaing ito'y ating sinakop na pinakaari nang panahong yaon; mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at kalahati ng lupaing maburol ng Galaad, at ang mga bayan niyaon, ay aking ibinigay sa mga Rubenita at sa mga Gadita: 005 DEU 003 013 At ang labis ng Galaad, at ang buong Basan, na kaharian ni Og, ay aking ibinigay sa kalahating lipi ni Manases; ang buong lupain ng Argob, sa makatuwid baga'y ang buong Basan. (Siya ring tinatawag na lupain ng mga Rephaim. 005 DEU 003 014 Sinakop ni Jair na anak ni Manases ang buong lupain ng Argob, hanggang sa hangganan ng mga Gessureo at ng mga Machateo; at mga tinawag niya ng Basan ayon sa kaniyang pangalang Havot-jair hanggang sa araw na ito.) 005 DEU 003 015 At aking ibinigay ang Galaad kay Machir. 005 DEU 003 016 At sa mga Rubenita at sa mga Gadita ay aking ibinigay ang mula sa Galaad hanggang sa libis ng Arnon, na siyang kalahatian ng libis, na pinaka hangganan niyaon hanggang sa ilog Jaboc, na siyang hangganan ng mga anak ni Ammon; 005 DEU 003 017 Pati ng Araba at ng Jordan at ng hangganan niyaon, mula sa Cinereth hanggang sa Dagat ng Araba na Dagat na Alat, sa ibaba ng gulod ng Pisga sa dakong silanganan. 005 DEU 003 018 At kayo'y aking inutusan nang panahong yaon, na sinasabi, Ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios ang lupaing ito upang ariin: kayo'y daraang may sakbat sa harap ng inyong mga kapatid na mga anak ni Israel, lahat ng taong matapang. 005 DEU 003 019 Nguni't ang inyong mga asawa at ang inyong mga bata, at ang inyong mga hayop, (aking talastas na kayo'y mayroong maraming hayop), ay mangatitira sa inyong mga bayan na aking ibinigay sa inyo; 005 DEU 003 020 Hanggang sa bigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, at kanilang ariin naman ang lupain na ibinigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios, sa dako roon ng Jordan; kung magkagayon ay babalik ang bawa't lalake sa inyo sa kaniyang pag-aari, na aking ibinigay sa inyo. 005 DEU 003 021 At aking iniutos kay Josue nang panahong yaon, na sinasabi, Nakita ng iyong mga mata ang lahat ng ginawa ng Panginoon mong Dios sa dalawang haring ito; gayon ang gagawin ng Panginoon sa lahat ng mga kahariang iyong daraanan. 005 DEU 003 022 Huwag kayong matakot sa kanila: sapagka't ipinakikipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios. 005 DEU 003 023 At ako'y dumalangin sa Panginoon nang panahong yaon, na sinasabi, 005 DEU 003 024 Oh Panginoong Dios, iyong minulang ipinakilala sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan at ang iyong kamay na makapangyarihan: ano ngang Dios sa langit o sa lupa ang makagagawa ng ayon sa iyong mga gawa, at ayon sa iyong mga makapangyarihang kilos? 005 DEU 003 025 Paraanin mo nga ako, isinasamo ko sa iyo, at aking makita ang mabuting lupain na nasa dako roon ng Jordan, yaong mainam na bundok, at ang Libano. 005 DEU 003 026 Nguni't ang Panginoon ay nagalit sa akin dahil sa inyo, at hindi ako dininig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Siya na; huwag ka nang magsalita pa sa akin ng tungkol sa bagay na ito. 005 DEU 003 027 Sumampa ka sa taluktok ng Pisga at ilingap mo ang iyong mga mata sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at masdan mo ng iyong mga mata; sapagka't hindi ka makatatawid sa Jordang ito. 005 DEU 003 028 Nguni't pagbilinan mo si Josue, at palakasin mo ang kaniyang loob at palakasin mo siya: sapagka't siya'y daraan sa harap ng bayang ito, at kaniyang ipamamana sa kanila ang lupain na iyong makikita. 005 DEU 003 029 Sa gayo'y tumahan tayo sa libis, na nasa tapat ng Beth-peor. 005 DEU 004 001 At ngayon, Oh Israel, dinggin mo ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan, na aking itinuturo sa inyo, upang sundin ninyo; upang kayo'y mabuhay, at pumasok, at inyong ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang. 005 DEU 004 002 Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo. 005 DEU 004 003 Nakita ng inyong mga mata ang ginawa ng Panginoon tungkol kay Baal-peor, sapagka't lahat ng mga tao na sumunod kay Baal-peor, ay nilipol ng Panginoon mong Dios sa gitna mo. 005 DEU 004 004 Nguni't kayong umayon sa Panginoon ninyong Dios ay nangabubuhay pa ang bawa't isa sa inyo sa araw na ito. 005 DEU 004 005 Narito, aking tinuruan kayo ng mga palatuntunan at ng mga kahatulan, na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon kong Dios upang inyong gawing gayon sa gitna ng lupain na inyong paroroonan upang ariin. 005 DEU 004 006 Ingatan nga ninyo at inyong isagawa; sapagka't ito ang inyong karunungan at ang inyong kaalaman sa paningin ng mga tao, na makakarinig ng mga palatuntunang ito, at magsasabi, Tunay na ang dakilang bansang ito ay isang pantas at maalam na bayan. 005 DEU 004 007 Sapagka't anong dakilang bansa nga ang may dios na napakalapit sa kanila, na gaya ng Panginoon nating Dios kailan man tayo'y tumawag sa kaniya? 005 DEU 004 008 At anong dakilang bansa nga, ang may mga palatuntunan at mga kahatulang napaka-tuwid na gaya ng buong kautusang ito, na aking inilalagda sa harap ninyo sa araw na ito? 005 DEU 004 009 Magingat ka lamang sa iyong sarili, at ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap, baka iyong malimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata, at baka mangahiwalay sa iyong puso ang lahat ng araw ng iyong buhay; kundi iyong ipakilala sa iyong mga anak at sa mga anak ng iyong mga anak; 005 DEU 004 010 Yaong araw na ikaw ay tumayo sa harap ng Panginoon mong Dios sa Horeb, nang sabihin sa akin ng Panginoon, Papagpisanin mo sa akin ang bayan, at aking iparirinig sa kanila ang aking mga salita, upang sila'y magaral na matakot sa akin sa lahat ng araw na kanilang ikabubuhay sa ibabaw ng lupa, at upang kanilang maituro sa kanilang mga anak. 005 DEU 004 011 At kayo'y lumapit at tumayo sa ibaba ng bundok; at ang bundok ay nagningas sa apoy hanggang sa kaibuturan ng langit, sangpu ng kadiliman, ulap, at salisalimuot na kadiliman. 005 DEU 004 012 At ang Panginoo'y nagsalita sa inyo mula sa gitna ng apoy; inyong narinig ang tinig ng mga salita, nguni't wala kayong anyong nakita; ang inyo lamang narinig ay isang tinig. 005 DEU 004 013 At kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang tipan, na kaniyang iniutos sa inyong ganapin, sa makatuwid baga'y ang sangpung utos; at kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato. 005 DEU 004 014 At iniutos sa akin ng Panginoon nang panahong yaon, na turuan ko kayo ng mga palatuntunan at mga kahatulan, upang inyong mangagawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin. 005 DEU 004 015 Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka't wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy: 005 DEU 004 016 Baka kayo'y mangagpakasama, at kayo'y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng lalake o babae, 005 DEU 004 017 Na kahawig ng anomang hayop na nasa lupa, na kahawig ng anomang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid, 005 DEU 004 018 Na kahawig ng anomang bagay na umuusad sa lupa, na kahawig ng anomang isda na nasa tubig sa ilalim ng lupa: 005 DEU 004 019 At baka iyong itingin ang iyong mga mata sa langit, at kung iyong makita ang araw at ang buwan, at ang mga bituin, sangpu ng buong natatanaw sa langit, ay mabuyo ka at iyong sambahin, at paglingkuran, na binahagi ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng mga bayan na nasa silong ng buong langit. 005 DEU 004 020 Nguni't kinuha kayo ng Panginoon, at hinango kayo sa hurnong bakal, sa Egipto, upang kayo'y maging sa kaniya'y isang bayang mana, gaya sa araw na ito. 005 DEU 004 021 Bukod dito'y nagalit sa akin ang Panginoon dahil sa inyo, at sumumpa na ako'y hindi tatawid sa Jordan, at hindi ako papasok sa mabuting lupaing yaon, na ibinigay ng Panginoon mong Dios sa iyo na pinakamana: 005 DEU 004 022 Kundi ako'y nararapat mamatay sa lupaing ito, ako'y hindi nararapat tumawid sa Jordan: nguni't kayo'y tatawid, at inyong aariin ang mabuting lupaing yaon. 005 DEU 004 023 Mangagingat nga kayo, baka inyong malimutan ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang pinagtibay sa inyo, at kayo'y gumawa ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay na ipinagbawal sa iyo ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 004 024 Sapagka't ang Panginoon mong Dios ay isang apoy na mamumugnaw, mapanibughuing Dios nga. 005 DEU 004 025 Pagka ikaw ay nagkaanak at nagkaanak ang inyong mga anak, at nagluwat kayo ng malaon sa lupaing yaon, at nagpakasama kayo, at gumawa kayo ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay, at gumawa kayo ng masama sa paningin ng Panginoon mong Dios, upang mungkahiin ninyo siya sa kagalitan: 005 DEU 004 026 Ay aking tinatawag ang langit at ang lupa upang sumaksi laban sa inyo sa araw na ito, na kayo'y malilipol na madali na walang pagsala sa lupain na inyong tinutungo ng pagdadaan sa Jordan, upang ariin: hindi ninyo mapatatagal doon ang inyong mga araw, kundi kayo'y lubos na malilipol. 005 DEU 004 027 At pangangalatin kayo ng Panginoon sa mga bayan, at kayo'y malalabing kaunti sa bilang sa gitna ng mga bansa, na pagdadalhan sa inyo ng Panginoon. 005 DEU 004 028 At doo'y maglilingkod kayo sa mga dios, na yari ng mga kamay ng mga tao, kahoy at bato na hindi nangakakakita, ni nangakakarinig, ni nangakakakain, ni nangakakaamoy. 005 DEU 004 029 Nguni't mula roon ay iyong hahanapin ang Panginoon mong Dios, at iyong masusumpungan, kung iyong hahanapin siya ng buo mong puso at ng buo mong kaluluwa. 005 DEU 004 030 Pagka ikaw ay nasa kapighatian, at ang lahat ng mga bagay na ito ay dumating sa iyo sa mga huling araw, ay magbabalik loob ka sa Panginoon mong Dios, at iyong didinggin ang kaniyang tinig. 005 DEU 004 031 Sapagka't ang Panginoon mong Dios ay maawaing Dios; hindi ka niya pababayaan, ni lilipulin ka niya ni kalilimutan ang tipan sa iyong mga magulang na kaniyang isinumpa sa kanila. 005 DEU 004 032 Sapagka't ipagtanong mo nga sa mga araw na nagdaan, na nangauna sa iyo, mula nang araw na lalangin ng Dios ang tao sa ibabaw ng lupa, at mula sa isang hangganan ng langit hanggang sa kabila, kung nagkaroon ng gaya ng dakilang bagay na ito, o may narinig na gaya nito? 005 DEU 004 033 Narinig ba kaya kailan man ng mga tao ang tinig ng Dios na nagsalita sa gitna ng apoy, gaya ng narinig mo, at nabuhay? 005 DEU 004 034 O may Dios kaya na nagsikap na yumaon at sumakop ng isang bansa sa gitna ng ibang bansa, sa pamamagitan ng mga tukso, ng mga tanda, at ng mga kababalaghan, at ng pagbabaka, at ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng mga malaking kakilabutan ayon sa lahat na ginawa ng Panginoon mong Dios sa iyo sa Egipto, sa harap ng iyong mga mata? 005 DEU 004 035 Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na ang Panginoon ay siyang Dios; wala nang iba liban sa kaniya. 005 DEU 004 036 Mula sa langit ay ipinarinig niya sa iyo ang kaniyang tinig, upang kaniyang turuan ka; at sa ibabaw ng lupa ay kaniyang ipinakita sa iyo ang kaniyang dakilang apoy, at iyong narinig ang kaniyang mga salita sa gitna ng apoy. 005 DEU 004 037 At sapagka't kaniyang inibig ang iyong mga magulang, kaya kaniyang pinili ang kaniyang binhi pagkatapos nila, at inilabas ka niya sa Egipto ng kaniyang pagharap, ng kaniyang dakilang kapangyarihan; 005 DEU 004 038 Upang palayasin sa harap mo ang mga bansang lalong malalaki at lalong makapangyarihan kay sa iyo, upang ikaw ay kaniyang papasukin, na ibigay sa iyo na pinakamana ang kanilang lupain, gaya sa araw na ito. 005 DEU 004 039 Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo, na ang Panginoon ay siyang Dios sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa. 005 DEU 004 040 At iyong iingatan ang kaniyang mga palatuntunan at ang kaniyang mga utos, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, at upang iyong mapalaon ang iyong mga araw sa ibabaw ng lupaing yaon, na ibinigay sa iyo magpakailan man ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 004 041 Nang magkagayo'y inihiwalay ni Moises ang tatlong bayan sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw; 005 DEU 004 042 Upang ang nakamatay ng tao ay tumakas doon, na nakamatay sa kaniyang kapuwa na hindi sinasadya, at hindi niya kinapopootan nang panahong nakaraan; at sa pagtakas sa isa sa mga bayang ito ay mabuhay siya: 005 DEU 004 043 Sa makatuwid baga'y sa Beser, sa ilang, sa kapatagang lupa, na ukol sa mga Rubenita; at sa Ramoth sa Galaad, na ukol sa mga Gadita; at sa Golan sa Basan, na ukol sa mga Manasita. 005 DEU 004 044 At ito ang kautusang sinalaysay ni Moises sa harap ng mga anak ni Israel: 005 DEU 004 045 Ito ang mga patotoo, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na sinalita ni Moises sa mga anak ni Israel, nang sila'y lumabas sa Egipto; 005 DEU 004 046 Sa dako pa roon ng Jordan, sa libis na nasa tapat ng Beth-peor, sa lupain ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na tumatahan sa Hesbon, na siyang sinaktan ni Moises at ng mga anak ni Israel, nang sila'y umalis sa Egipto; 005 DEU 004 047 At kanilang sinakop ang kaniyang lupain na pinakaari, at ang lupain ni Og na hari sa Basan, ang dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako pa roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw; 005 DEU 004 048 Mula sa Aroer na nasa hangganan ng libis ng Arnon, hanggang sa bundok ng Sion (na siya ring Hermon), 005 DEU 004 049 At ang buong Araba sa dako roon ng Jordan sa dakong silanganan, hanggang sa dagat ng Araba sa ibaba ng gulod ng Pisga. 005 DEU 005 001 At tinawag ni Moises ang buong Israel, at sinabi sa kanila, Dinggin mo, Oh Israel, ang mga palatuntunan at mga kahatulan na aking sinalita sa inyong mga pakinig sa araw na ito, upang matutunan ninyo sila, at ingatan at isagawa sila. 005 DEU 005 002 Ang Panginoong ating Dios ay nakipagtipan sa atin sa Horeb. 005 DEU 005 003 Hindi pinagtibay ng Panginoon ang tipang ito sa ating mga magulang, kundi sa atin, sa atin ngang nangariritong lahat na buhay sa araw na ito. 005 DEU 005 004 Sinalita ng Panginoon sa inyo ng mukhaan sa bundok mula sa gitna ng apoy 005 DEU 005 005 (Ako'y tumayo sa pagitan ng Panginoon at ninyo nang panahong yaon, upang ipatalastas sa inyo ang salita ng Panginoon: sapagka't kayo'y natatakot dahil sa apoy, at hindi kayo sumampa sa bundok; ) na sinasabi, 005 DEU 005 006 Ako ang Panginoon mong Dios na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. 005 DEU 005 007 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ko. 005 DEU 005 008 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: 005 DEU 005 009 Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin; 005 DEU 005 010 At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos. 005 DEU 005 011 Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoon na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. 005 DEU 005 012 Iyong ipagdiwang ang araw ng sabbath, upang ipangilin, gaya ng iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 005 013 Anim na araw na gagawa ka, at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain: 005 DEU 005 014 Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong asno, ni anoman sa iyong hayop, ni ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan; upang ang iyong aliping lalake at babae ay makapagpahingang gaya mo. 005 DEU 005 015 At iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa lupain ng Egipto, at ikaw ay inilabas ng Panginoon mong Dios doon sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay at unat na bisig: kaya't iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipangilin mo ang araw ng sabbath. 005 DEU 005 016 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios: upang ang iyong mga araw ay lumawig at upang ikabuti mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 005 017 Huwag kang papatay. 005 DEU 005 018 Ni mangangalunya. 005 DEU 005 019 Ni magnanakaw. 005 DEU 005 020 Ni sasaksi sa di katotohanan laban sa iyong kapuwa. 005 DEU 005 021 Ni huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa; ni huwag mong pagnanasaan ang bahay ng iyong kapuwa, ang kaniyang bukid, ni ang kaniyang aliping lalake, o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa. 005 DEU 005 022 Ang mga salitang ito ay sinalita ng Panginoon sa buong kapisanan ninyo sa bundok mula sa gitna ng apoy, sa ulap, at sa salisalimuot na kadiliman, ng malakas na tinig: at hindi na niya dinagdagan pa. At kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato, at ibinigay sa akin. 005 DEU 005 023 At nangyari, nang inyong marinig ang tinig mula sa gitna ng kadiliman, samantalang ang bundok ay nagliliyab sa apoy, ay lumapit kayo sa akin, sa makatuwid baga'y ang lahat ng mga pangulo sa inyong mga lipi, at ang inyong mga matanda; 005 DEU 005 024 At inyong sinabi, Narito, ipinakita sa amin ng Panginoon nating Dios ang kaniyang kaluwalhatian at ang kaniyang kadakilaan, at aming narinig ang kaniyang tinig mula sa gitna ng apoy: aming nakita sa araw na ito, na ang Dios ay nakikipag-usap sa tao, at siya'y buhay. 005 DEU 005 025 Ngayon nga, bakit kami mamamatay? sapagka't pupugnawin kami ng dakilang apoy na ito: kung marinig pa namin ang tinig ng Panginoon nating Dios, ay mamamatay nga kami. 005 DEU 005 026 Sapagka't sino sa lahat ng laman na nakarinig ng tinig ng buhay na Dios na nagsasalita mula sa gitna ng apoy, na gaya namin, at nabuhay? 005 DEU 005 027 Lumapit ka, at iyong pakinggan ang lahat ng sasabihin ng Panginoon nating Dios: at iyong salitain sa amin, yaong lahat na sasalitain sa iyo ng Panginoon nating Dios; at aming didinggin, at gagawin. 005 DEU 005 028 At narinig ng Panginoon ang tinig ng inyong mga salita, nang kayo'y magsalita sa akin; at sinabi ng Panginoon sa akin, Aking narinig ang tinig ng mga salita ng bayang ito, na kanilang sinalita sa iyo; mabuti ang kanilang pagkasabi ng lahat na kanilang sinalita. 005 DEU 005 029 Oh mamalagi nawa sa kanila ang kaloobang ito, na sila'y matakot sa akin, at kanilang ingatan kailan man ang lahat ng aking mga utos upang ikabuti nila at pati ng kanilang mga anak magpakailan man! 005 DEU 005 030 Yumaon ka, sabihin mo sa kanila, Magsibalik kayo sa inyong mga tolda. 005 DEU 005 031 Nguni't tungkol sa iyo, matira ka rito sa akin, at aking sasalitain sa iyo ang lahat ng utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na iyong ituturo sa kanila, upang kanilang gawin sa lupain na aking ibinibigay sa kanila upang ariin. 005 DEU 005 032 Inyo ngang isagawa na gaya ng iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios: huwag kayong liliko sa kanan o sa kaliwa. 005 DEU 005 033 Kayo'y lalakad ng buong lakad na iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, upang kayo'y mabuhay, at upang ikabuti ninyo, at upang inyong mapalawig ang inyong mga araw sa lupain na inyong aariin. 005 DEU 006 001 Ito nga ang utos, ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na iniutos ng Panginoon ninyong Dios na ituro sa inyo, upang inyong magawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin: 005 DEU 006 002 Na ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios, na iyong ingatan ang lahat niyang mga palatuntunan at ang kaniyang mga utos, na aking iniutos sa iyo, sa iyo, at sa iyong anak, at sa anak ng iyong anak sa lahat ng araw ng iyong buhay; at upang ang iyong mga araw ay lumawig. 005 DEU 006 003 Dinggin mo nga, Oh Israel, at iyong isagawa upang ikabuti mo, at upang kayo'y dumaming maigi, na gaya ng ipinangako sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang, sa lupaing binubukalan ng gatas at pulot. 005 DEU 006 004 Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon: 005 DEU 006 005 At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas. 005 DEU 006 006 At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso; 005 DEU 006 007 At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon. 005 DEU 006 008 At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo. 005 DEU 006 009 At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay at sa iyong mga pintuan-daan. 005 DEU 006 010 At mangyayari, pagka ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, upang ibigay sa iyo; na may malalaki at mabubuting bayan na hindi mo itinayo, 005 DEU 006 011 At mga bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay, na hindi mo pinuno, at mga balong hukay na hindi mo hinukay, mga ubasan at mga puno ng olibo, na hindi mo itinanim, at iyong kakanin at ikaw ay mabubusog; 005 DEU 006 012 At magingat ka nga, baka iyong malimutan ang Panginoon, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. 005 DEU 006 013 Ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios; at sa kaniya'y maglilingkod ka, at sa pamamagitan lamang ng kaniyang pangalan susumpa ka. 005 DEU 006 014 Huwag kang susunod sa ibang mga dios, sa mga dios ng mga bansang nasa palibot mo; 005 DEU 006 015 Sapagka't ang Panginoon mong Dios na nasa gitna mo, ay isang mapanibughuing Dios; baka ang galit ng Panginoon mong Dios ay magalab laban sa iyo, at ikaw ay kaniyang lipulin sa ibabaw ng lupa. 005 DEU 006 016 Huwag ninyong tutuksuhin ang Panginoon ninyong Dios, gaya ng tuksuhin ninyo siya sa Massah. 005 DEU 006 017 Inyong iingatan ng buong sikap ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, at ang kaniyang mga patotoo, at ang kaniyang mga palatuntunan, na kaniyang iniutos sa iyo. 005 DEU 006 018 At iyong gagawin ang matuwid at mabuti sa paningin ng Panginoon: upang ikabuti mo, at upang iyong mapasok at ariin ang mabuting lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang, 005 DEU 006 019 Upang palayasin ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo, gaya ng sinalita ng Panginoon. 005 DEU 006 020 Pagka tatanungin ka ng iyong anak sa panahong darating, na sasabihin: Anong kahulugan ng mga patotoo, at ng mga palatuntunan, at ng mga kahatulan, na iniutos sa inyo ng Panginoon nating Dios? 005 DEU 006 021 Ay iyo ngang sasabihin sa iyong anak: Kami ay naging mga alipin ni Faraon sa Egipto, at inilabas kami ng Panginoon sa Egipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay. 005 DEU 006 022 At ang Panginoon ay nagpakita ng mga tanda at ng mga kababalaghan, dakila at panggiba, sa Egipto, kay Faraon, at sa kaniyang buong sangbahayan, sa harap ng aming mga mata: 005 DEU 006 023 At kami ay inilabas niya roon, na kaniyang ipinasok kami rito, upang ibigay sa amin ang lupain na kaniyang isinumpa sa ating mga magulang. 005 DEU 006 024 At iniutos ng Panginoon sa amin na gawin ang lahat ng mga palatuntunang ito, na matakot sa Panginoon nating Dios, sa ikabubuti natin kailan man, upang ingatan niya tayong buhay, gaya sa araw na ito. 005 DEU 006 025 At siya'y magiging katuwiran sa atin, kung ating isagawa ang buong utos na ito sa harap ng Panginoon nating Dios, gaya ng iniutos niya sa atin. 005 DEU 007 001 Pagka ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, at palalayasin ang maraming bansa sa harap mo, ang Hetheo, at ang Gergeseo at ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Pherezeo, at ang Heveo, at ang Jebuseo, na pitong bansang lalong malalaki at mga lalong makapangyarihan kay sa iyo; 005 DEU 007 002 At pagka sila'y ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Dios, at iyong sasaktan sila; ay lubos mo ngang lilipulin sila; huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawaan sila: 005 DEU 007 003 Ni magaasawa sa kanila; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong papag-aasawahin sa iyong anak na lalake. 005 DEU 007 004 Sapagka't kaniyang ihihiwalay ang iyong anak na lalake sa pagsunod sa akin, upang sila'y maglingkod sa ibang mga dios: sa gayo'y magaalab ang galit ng Panginoon laban sa iyo, at kaniyang lilipulin kang madali. 005 DEU 007 005 Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila; inyong igigiba ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera, at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan. 005 DEU 007 006 Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios; pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa. 005 DEU 007 007 Hindi kayo inibig ng Panginoon, ni pinili kayo ng dahil sa kayo'y marami sa bilang kay sa alin mang bayan; sapagka't kayo ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan: 005 DEU 007 008 Kundi dahil sa inibig kayo ng Panginoon, at dahil sa kaniyang tinupad ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo ng Panginoon sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng pagkaalipin, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto. 005 DEU 007 009 Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: ang tapat na Dios, na nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi; 005 DEU 007 010 At pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga napopoot sa kaniya, upang lipulin: siya'y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha. 005 DEU 007 011 Iyo ngang iingatan ang utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, na iyong ganapin. 005 DEU 007 012 At mangyayari, na sapagka't iyong dininig ang mga kahatulang ito, at iyong tinutupad at iyong ginaganap, ay tutuparin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang tipan, at igagawad ang kagandahang-loob, na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang: 005 DEU 007 013 At kaniyang iibigin ka, at pagpapalain ka, at padadamihin ka: kaniya rin namang pagpapalain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis, ang karagdagan ng iyong mga bakahan, at ang mga guya ng iyong kawan sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, upang ibigay sa iyo. 005 DEU 007 014 Magiging mapalad ka kay sa lahat ng mga bayan: walang magiging baog na babae o lalake sa inyo o sa inyong mga hayop. 005 DEU 007 015 At ilalayo sa iyo ng Panginoon ang lahat ng sakit: at wala siyang ihuhulog sa inyo sa masamang sakit sa Egipto, na iyong nalalaman, kundi ihuhulog niya sa lahat ng nangapopoot sa iyo. 005 DEU 007 016 At iyong lilipulin ang lahat ng mga bayan na ibibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios; ang iyong mata ay huwag mahahabag sa kanila; ni huwag kang maglilingkod sa kanilang mga dios; sapagka't magiging isang silo sa iyo. 005 DEU 007 017 Kung iyong sasabihin sa iyong puso, Ang mga bansang ito ay higit kay sa akin; paanong aking makakamtan sila? 005 DEU 007 018 Huwag kang matatakot sa kanila; iyong aalalahaning mabuti ang ginawa ng Panginoon mong Dios kay Faraon, at sa buong Egipto. 005 DEU 007 019 Ang mga dakilang tukso na nakita ng iyong mga mata, at ang mga tanda, at ang mga kababalaghan, at ang makapangyarihang kamay, at ang unat na bisig, na ipinaglabas sa iyo ng Panginoon mong Dios: ay gayon ang gagawin ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bayan na iyong kinatatakutan. 005 DEU 007 020 Bukod dito'y susuguin sa kanila ng Panginoon mong Dios ang malaking putakti hanggang sa ang nangaiiwan, at nangagtatago ay mamatay sa harap mo. 005 DEU 007 021 Huwag kang masisindak sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, dakilang Dios at kakilakilabot. 005 DEU 007 022 At itataboy na untiunti ng Panginoon mong Dios ang mga bansang yaon sa harap mo: hindi mo malilipol silang paminsan, baka ang mga hayop sa parang ay kumapal sa iyo. 005 DEU 007 023 Kundi ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo, at pagtataglayin sila ng isang malaking kalituhan hanggang sa sila'y mangalipol. 005 DEU 007 024 At kaniyang ibibigay ang kanilang mga hari sa iyong kamay, at iyong papawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit: walang lalaking makatatayo doon sa harap mo, hanggang sa iyong malipol sila. 005 DEU 007 025 Ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios ay iyong susunugin sa apoy: huwag mong iimbutin ang pilak o ang ginto na nasa mga yaon, ni huwag mong kukunin para sa iyo, baka sa iyo'y maging silo: sapagka't ito'y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios. 005 DEU 007 026 At huwag kang magpapasok ng karumaldumal sa iyong bahay, at baka ikaw ay maging itinalaga na gaya niyaon: iyong lubos na kapopootan at iyong lubos na kasusuklaman, sapagka't itinalagang bagay. 005 DEU 008 001 Ang lahat ng utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay inyong isasagawa, upang kayo'y mangabuhay at dumami, at inyong mapasok at ariin ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang. 005 DEU 008 002 At iyong aalalahanin ang buong paraan na ipinatnubay sa iyo ng Panginoon mong Dios nitong apat na pung taon sa ilang, upang kaniyang mapangumbaba ka, at subukin ka, na maalaman kung ano ang nasa iyong puso, kung iyong gaganapin ang kaniyang mga utos o hindi. 005 DEU 008 003 At ikaw ay pinapangumbaba niya, at pinapagdamdam ka niya ng gutom, at pinakain ka niya ng mana, na hindi mo nakilala, ni nakilala ng iyong mga magulang; upang kaniyang maipakilala sa iyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawa't bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon. 005 DEU 008 004 Ang iyong suot ay hindi naluma sa iyo, ni hindi namaga ang iyong paa nitong apat na pung taon. 005 DEU 008 005 At iyong pagmunimuniin sa iyong puso, na kung paanong pinarurusahan ng tao ang kaniyang anak, ay gayon pinarurusahan ka ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 008 006 At iyong tutuparin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, na lumakad ka sa kaniyang mga daan, at matakot ka sa kaniya. 005 DEU 008 007 Sapagka't dinala ka ng Panginoon mong Dios sa isang mabuting lupain, na lupain ng mga batis ng tubig, ng mga bukal at ng mga kalaliman, na bumubukal sa mga libis at mga bundok. 005 DEU 008 008 Lupain ng trigo at ng sebada at ng puno ng ubas at ng mga puno ng igos, at ng mga granada; lupain ng mga puno ng olibo at ng pulot: 005 DEU 008 009 Lupain na kakainan mo ng tinapay na di kapos, na walang magkukulang sa iyo roon; lupain na ang mga bato ay bakal, at ang kaniyang mga burol ay makukunan mo ng tanso. 005 DEU 008 010 At kakain ka, at mabubusog ka, at iyong pupurihin ang Panginoon mong Dios dahil sa mabuting lupain na kaniyang ibinigay sa iyo. 005 DEU 008 011 Magingat ka na baka iyong malimutan ang Panginoon mong Dios, sa hindi mo pagtupad ng kaniyang mga utos, at ng kaniyang mga kahatulan, at ng kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito: 005 DEU 008 012 Baka pagka ikaw ay nakakain at nabusog, at nakapagtayo ng mabubuting bahay, at iyong natahanan; 005 DEU 008 013 At pagka ang iyong mga bakahan at ang iyong mga kawan ay dumami at ang iyong pilak at ang iyong ginto ay dumami at ang lahat ng tinatangkilik mo ay dumami; 005 DEU 008 014 Ay magmataas ang iyong puso, at iyong malimutan ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin; 005 DEU 008 015 Na siyang pumatnubay sa iyo sa malaki at kakilakilabot na ilang na tinatahanan ng mga makamandag na ahas at mga alakdan, at uhaw na lupa, na walang tubig; na siyang naglabas sa iyo ng tubig mula sa batong pingkian; 005 DEU 008 016 Na siyang nagpakain sa iyo ng mana sa ilang, na hindi nakilala ng iyong mga magulang; upang kaniyang mapangumbaba ka, at kaniyang subukin ka, na pabutihin ka sa iyong wakas: 005 DEU 008 017 At baka iyong sabihin sa iyong puso, Ang aking kapangyarihan at ang lakas ng aking kamay ang siyang nagbigay sa akin ng kayamanang ito. 005 DEU 008 018 Kundi iyong aalalahanin ang Panginoon mong Dios, sapagka't siya ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan upang magkaroon ka ng kayamanan; upang kaniyang papagtibayin ang kaniyang tipan na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, gaya nga sa araw na ito. 005 DEU 008 019 At mangyayari, na kung iyong kalilimutan ang Panginoon mong Dios, at ikaw ay susunod sa ibang mga dios, at iyong paglilingkuran sila, at iyong sasambahin sila ay aking pinatototohanan laban sa inyo sa araw na ito, na kayo'y tunay na malilipol. 005 DEU 008 020 Kung paano ang bansang nililipol ng Panginoon sa harap ninyo, ay gayon kayo malilipol; sapagka't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon ninyong Dios. 005 DEU 009 001 Dinggin mo, Oh Israel, ikaw ay tatawid sa Jordan sa araw na ito, upang iyong pasukin na ariin ang mga bansang lalong dakila at lalong makapangyarihan kay sa iyo, na mga bayang malaki at nakukutaan hanggang sa himpapawid, 005 DEU 009 002 Isang bayang malaki at mataas ng mga anak ng Anaceo, na iyong nakikilala, at tungkol sa kanila ay narinig mong sinasabi, Sinong makatatayo sa harap ng mga anak ni Anac? 005 DEU 009 003 Talastasin mo nga sa araw na ito, na ang Panginoon mong Dios ay siyang mangunguna sa iyo na parang mamumugnaw na apoy; kaniyang lilipulin sila, at kaniyang payuyukurin sila sa harap mo; sa gayo'y iyong mapalalayas sila, at iyong malilipol silang madali, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon. 005 DEU 009 004 Huwag kang magsasalita sa iyong puso, pagkatapos na mapalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo, na iyong sasabihin, Dahil sa aking katuwiran ay ipinasok ako ng Panginoon upang ariin ang lupaing ito; na dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas ng Panginoon sila sa harap mo. 005 DEU 009 005 Hindi dahil sa iyong katuwiran o dahil sa pagtatapat ng iyong loob ay iyong pinapasok upang ariin ang kanilang lupain: kundi dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas sila ng Panginoong Dios sa harap mo, at upang kaniyang papagtibayin ang salita na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob. 005 DEU 009 006 Talastasin mo nga na hindi ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios ang mabuting lupaing ito upang ariin ng dahil sa iyong katuwiran; sapagka't ikaw ay isang bayang matigas ang ulo. 005 DEU 009 007 Alalahanin mo, huwag mong kalimutan, kung paanong minungkahi mo sa galit ang Panginoon mong Dios sa ilang: mula nang araw na kayo'y umalis sa lupain ng Egipto, hanggang sa kayo'y dumating sa dakong ito ay naging mapanghimagsik kayo laban sa Panginoon. 005 DEU 009 008 Gayon din sa Horeb na inyong minungkahi ang Panginoon sa galit, at ang Panginoon ay nagalit sa inyo na kayo sana'y lilipulin. 005 DEU 009 009 Nang ako'y sumampa sa bundok upang tanggapin ang mga tapyas na bato, sa makatuwid baga'y ang mga tapyas ng tipan na ginawa ng Panginoon sa inyo, ay natira nga ako sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig. 005 DEU 009 010 At ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato na sinulatan ng daliri ng Dios; at sa mga yao'y nasusulat ang ayon sa lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy nang araw ng kapulungan. 005 DEU 009 011 At nangyari sa katapusan ng apat na pung araw at apat na pung gabi, na ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato, sa makatuwid baga'y ang mga tapyas ng tipan. 005 DEU 009 012 At sinabi ng Panginoon sa akin, Tumindig ka, manaog kang madali rito; sapagka't ang iyong bayan na iyong inilabas sa Egipto ay nangagpakasama; sila'y madaling lumihis sa daang aking iniutos sa kanila; sila'y nagsigawa para sa kanila ng isang larawang binubo. 005 DEU 009 013 Bukod dito'y sinalita sa akin ng Panginoon, na sinasabi, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang matigas ang ulo: 005 DEU 009 014 Bayaan mo ako na aking lipulin sila, at aking pawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit; at gagawin kita na isang bansang lalong makapangyarihan at lalong malaki kay sa kanila. 005 DEU 009 015 Sa gayo'y pumihit ako at bumaba ako mula sa bundok, at ang bundok ay nagniningas sa apoy, at ang dalawang tapyas ng tipan ay nasa aking dalawang kamay. 005 DEU 009 016 At tumingin ako, at, narito, kayo'y nakapagkasala na laban sa Panginoon ninyong Dios: kayo'y nagsigawa para sa inyo ng isang guyang binubo: kayo'y lumihis na madali sa daan na iniutos sa inyo ng Panginoon. 005 DEU 009 017 At aking tinangnan ang dalawang tapyas, at aking inihagis sa aking dalawang kamay, at aking iniwalat sa harap ng inyong mga mata. 005 DEU 009 018 At ako'y nagpatirapa sa harap ng Panginoon, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig; dahil sa inyong buong kasalanan na inyong ipinagkasala sa paggawa ninyo ng masama sa paningin ng Panginoon na minungkahi ninyo siya sa galit; 005 DEU 009 019 Sapagka't natatakot ako dahil sa galit at maningas na poot, na ikinayamot ng Panginoon sa inyo, na lilipulin sana kayo. Nguni't dininig din naman ako noon ng Panginoon. 005 DEU 009 020 At ang Panginoo'y totoong nagalit kay Aaron na siya sana'y papatayin: at akin din namang idinalangin si Aaron nang panahon ding yaon. 005 DEU 009 021 At aking kinuha ang inyong kasalanan, ang guyang inyong ginawa, at aking sinunog sa apoy, at aking niyapakan, na dinurog na mainam, hanggang sa naging durog na parang alabok; at aking inihagis ang alabok niyaon sa batis na umaagos mula sa bundok. 005 DEU 009 022 At sa Tabera, at sa Massa, at sa Kibroth-hataa-vah, ay inyong minungkahi ang Panginoon sa galit. 005 DEU 009 023 At nang suguin kayo ng Panginoon mula sa Cades-barnea, na sabihin, Sumampa kayo at ariin ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyo; kayo nga'y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios, at hindi ninyo pinanampalatayanan siya, ni dininig ang kaniyang tinig. 005 DEU 009 024 Kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon, mula nang araw na kayo'y aking makilala. 005 DEU 009 025 Sa gayo'y nagpatirapa ako sa harap ng Panginoon na apat na pung araw at apat na pung gabi na ako'y nagpatirapa, sapagka't sinabi ng Panginoon, na kaniyang lilipulin kayo. 005 DEU 009 026 At aking ipinanalangin sa Panginoon, at sinabi, Oh Panginoong Dios, huwag mong lipulin ang iyong bayan at ang iyong mana, na iyong tinubos ng iyong kadakilaan na iyong inilabas sa Egipto ng makapangyarihang kamay. 005 DEU 009 027 Alalahanin mo ang iyong mga lingkod, si Abraham, si Isaac, at si Jacob; huwag mong masdan ang pagmamatigas ng bayang ito, ni ang kasamaan nila, ni ang kasalanan nila: 005 DEU 009 028 Baka sabihin ng mga taga lupaing pinaglabasan mo sa amin: Sapagka't hindi sila naipasok ng Panginoon sa lupain na ipinangako sa kanila, at sa kapootan niya sa kanila, ay inilabas sila upang patayin sa ilang. 005 DEU 009 029 Gayon man sila'y iyong bayan at iyong mana, na iyong inilabas ng iyong dakilang kapangyarihan at ng iyong unat na bisig. 005 DEU 010 001 Nang panahong yaon ay sinabi ng Panginoon sa akin, Humugis ka ng dalawang tapyas na bato, na gaya ng una, at sampahin mo ako sa bundok, at gumawa ka ng isang kaban na kahoy; 005 DEU 010 002 At aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas na iyong binasag, at iyong isisilid ang mga iyan sa kaban. 005 DEU 010 003 Sa gayo'y gumawa ako ng isang kaban na kahoy na akasia, at ako'y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una, at ako'y sumampa sa bundok na aking dala sa aking kamay ang dalawang tapyas. 005 DEU 010 004 At kaniyang isinulat sa mga tapyas, ang ayon sa unang sulat, ang sangpung utos na sinalita ng Panginoon sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy nang kaarawan ng kapulungan: at ang mga yaon ay ibinigay sa akin ng Panginoon. 005 DEU 010 005 At ako'y pumihit at bumaba mula sa bundok, at aking isinilid ang mga tapyas sa kaban na aking ginawa, at nangandoon, na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon. 005 DEU 010 006 (At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Beerot Bene-ja-acan hanggang sa Mosera: doon namatay si Aaron, at doon siya inilibing; at si Eleazar na kaniyang anak ay nangasiwa sa katungkulang saserdote na kahalili niya. 005 DEU 010 007 Mula roon ay naglakbay sila hanggang Gudgod; at mula sa Gudgod hanggang sa Jotbatha, na lupain ng mga batis ng tubig. 005 DEU 010 008 Nang panahong yaon ay inihiwalay ng Panginoon ang lipi ni Levi, upang magdala ng kaban ng tipan ng Panginoon, upang tumayo sa harap ng Panginoon na mangasiwa sa kaniya, at upang magbasbas sa kaniyang pangalan hanggang sa araw na ito. 005 DEU 010 009 Kaya't ang Levi ay walang bahagi ni mana sa kasamahan ng kaniyang mga kapatid; ang Panginoo'y siyang kaniyang mana, ayon sa sinalita ng Panginoon mong Dios sa kaniya.) 005 DEU 010 010 At ako'y nalabi sa bundok, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; at ako'y dininig din noon ng Panginoon; hindi ka lilipulin ng Panginoon. 005 DEU 010 011 At sinabi ng Panginoon sa akin, Tumindig ka, lumakad ka na manguna sa bayan; at sila'y papasok at kanilang aariin ang lupain, na aking isinumpa sa kanilang mga magulang upang ibigay sa kanila. 005 DEU 010 012 At ngayon, Israel, ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi matakot ka sa Panginoon mong Dios, lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan, at ibigin mo siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios, ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo. 005 DEU 010 013 Na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon, at ang kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito sa iyong ikabubuti? 005 DEU 010 014 Narito, sa Panginoon mong Dios nauukol ang langit, at ang langit ng mga langit, ang lupa, sangpu ng lahat na nangariyan. 005 DEU 010 015 Ang Panginoon ay nagkaroon lamang ng hilig sa iyong mga magulang na ibigin sila, at kaniyang pinili ang kanilang binhi pagkamatay nila, sa makatuwid baga'y kayo, sa lahat ng mga bayan na gaya ng nakikita sa araw na ito. 005 DEU 010 016 Tuliin nga ninyo ang balat ng inyong puso, at huwag ninyong papagmatigasin ang inyong ulo. 005 DEU 010 017 Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol. 005 DEU 010 018 Kaniyang hinahatulan ng matuwid ang ulila at babaing bao, at iniibig ang taga ibang lupa, na binibigyan niya ng pagkain at kasuutan. 005 DEU 010 019 Ibigin nga ninyo ang taga ibang lupa: sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto. 005 DEU 010 020 Katatakutan mo ang Panginoon mong Dios; sa kaniya'y maglilingkod ka, at sa kaniya'y lalakip ka, at sa pamamagitan ng kaniyang pangalan susumpa ka. 005 DEU 010 021 Siya ang iyong kapurihan, at siya ang iyong Dios, na iginawa ka niya nitong mga dakila at kakilakilabot na mga bagay, na nakita ng iyong mga mata. 005 DEU 010 022 Ang iyong mga magulang ay lumusong sa Egipto na may pitong pung tao; at ngayo'y ginawa ka ng Panginoon mong Dios na gaya ng mga bituin sa langit ang dami. 005 DEU 011 001 Kaya't iyong iibigin ang Panginoon mong Dios, at iyong susundin ang kaniyang bilin, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga utos kailan man. 005 DEU 011 002 At talastasin ninyo sa araw na ito: sapagka't hindi ko sinasalita sa inyong mga anak na hindi nangakakilala, at hindi nangakakita ng parusa ng Panginoon ninyong Dios ng kaniyang kadakilaan, ng kaniyang makapangyarihang kamay at ng kaniyang unat na bisig, 005 DEU 011 003 At ng kaniyang mga tanda, at ng kaniyang mga gawa, na kaniyang ginawa sa gitna ng Egipto kay Faraon na hari sa Egipto, at sa kaniyang buong lupain; 005 DEU 011 004 At ang kaniyang ginawa sa hukbo ng Egipto, sa kanilang mga kabayo, at sa kanilang mga karo; kung paanong tinakpan niya sila ng tubig ng Dagat na Mapula nang kanilang habulin kayo, at kung paanong nilipol sila ng Panginoon sa araw na ito; 005 DEU 011 005 At kung ano ang kaniyang ginawa sa inyo sa ilang hanggang sa dumating kayo sa dakong ito; 005 DEU 011 006 At kung ano ang kaniyang ginawa kay Dathan at kay Abiram, na mga anak ni Eliab, na anak ni Ruben; kung paanong ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig, at nilamon sila, at ang kanilang mga sangbahayan, at ang kanilang mga tolda, at bawa't bagay na may buhay na sa kanila'y sumusunod sa gitna ng buong Israel: 005 DEU 011 007 Nguni't nakita ng inyong mga mata ang lahat ng dakilang gawa ng Panginoon na kaniyang ginawa. 005 DEU 011 008 Kaya't inyong susundin ang buong utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang kayo'y lumakas at kayo'y pumasok at ariin ninyo ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin; 005 DEU 011 009 At upang inyong maparami ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi na lupaing binubukalan ng gatas at pulot. 005 DEU 011 010 Sapagka't ang lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, ay hindi gaya ng lupain ng Egipto, na inyong pinanggalingan, na doo'y nagtatanim ka ng iyong binhi, at iyong dinidilig ng iyong paa, na parang taniman ng mga gulay; 005 DEU 011 011 Kundi ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin, ay lupaing maburol at malibis, at dinidilig ng tubig ng ulan sa langit: 005 DEU 011 012 Lupaing inaalagaan ng Panginoon mong Dios, at ang mga mata ng Panginoon mong Dios ay nandoong lagi, mula sa pasimula ng taon hanggang sa katapusan ng taon. 005 DEU 011 013 At mangyayari, na kung inyong didingging maigi ang aking mga utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios at siya'y paglingkuran ng buo ninyong puso, at ang buo ninyong kaluluwa, 005 DEU 011 014 Ay ibibigay ko ang ulan ng inyong lupain sa kaniyang kapanahunan, ang una at huling ulan upang iyong makamalig ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis. 005 DEU 011 015 At aking bibigyan ng damo ang iyong mga hayop sa iyong mga bukid, at ikaw ay kakain at mabubusog. 005 DEU 011 016 Mangagingat kayo, baka ang inyong puso ay madaya, at kayo'y maligaw, at maglingkod sa ibang mga dios, at sumamba sa kanila; 005 DEU 011 017 At ang galit ng Panginoon ay magalab laban sa inyo, at kaniyang sarhan ang langit, upang huwag magkaroon ng ulan, at ang lupa'y huwag magbigay ng kaniyang bunga; at kayo'y malipol na madali sa mabuting lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon. 005 DEU 011 018 Kaya't inyong ilalagak itong aking mga salita sa inyong puso, at sa inyong kaluluwa; at inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo. 005 DEU 011 019 At inyong ituturo sa inyong mga anak, na inyong sasalitain sa kanila, pagka ikaw ay nauupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumalakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga, at pagka ikaw ay bumabangon. 005 DEU 011 020 At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay, at sa iyong mga pintuang-daan: 005 DEU 011 021 Upang ang inyong mga araw ay dumami at ang mga araw ng inyong mga anak, sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila, gaya ng mga araw ng langit sa ibabaw ng lupa. 005 DEU 011 022 Sapagka't kung inyong susunding masikap ang buong utos na ito na aking iniuutos sa inyo upang gawin, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios, lumakad sa lahat ng kaniyang daan, at makilakip sa kaniya: 005 DEU 011 023 Ay palalayasin nga ng Panginoon ang lahat ng mga bansang ito sa harap ninyo, at kayo'y magaari ng mga bansang lalong malaki at lalong makapangyarihan kay sa inyo. 005 DEU 011 024 Bawa't dakong tutuntungan ng talampakan ng inyong paa ay magiging inyo: mula sa ilang, at sa Libano, mula sa ilog, sa ilog Eufrates, hanggang sa dagat kalunuran ay magiging inyong hangganan. 005 DEU 011 025 Walang lalaking makatatayo sa harap ninyo: sisidlan ng Panginoon ninyong Dios ng takot sa inyo at ng sindak sa inyo sa ibabaw ng buong lupain na inyong tutuntungan, gaya ng kaniyang sinalita sa inyo. 005 DEU 011 026 Narito, inilalagay ko sa harap ninyo sa araw na ito ang pagpapala at ang sumpa; 005 DEU 011 027 Ang pagpapala, kung inyong didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, na aking iniutos sa inyo sa araw na ito; 005 DEU 011 028 At ang sumpa, kung hindi ninyo didinggin ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios, kundi kayo lilihis sa daan na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang sumunod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala. 005 DEU 011 029 At mangyayari, na pagka ikaw ay ipapasok ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, na iyong ilalagay ang pagpapala sa bundok ng Gerizim, at ang sumpa sa bundok ng Ebal. 005 DEU 011 030 Di ba sila'y nasa dako pa roon ng Jordan, sa dakong nilulubugan ng araw, sa lupain ng mga Cananeo na tumatahan sa Araba, sa tapat ng Gilgal na kasiping ng mga encina sa More? 005 DEU 011 031 Sapagka't kayo'y tatawid sa Jordan upang inyong pasukin na ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, at inyong aariin, at tatahan kayo roon. 005 DEU 011 032 At inyong isasagawa ang lahat ng mga palatuntunan at mga kahatulan na aking iginagawad sa inyo sa araw na ito. 005 DEU 012 001 Ito ang mga palatuntunan at mga kahatulan na inyong isasagawa sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang upang ariin, sa lahat ng mga araw na inyong ikabubuhay sa ibabaw ng lupa. 005 DEU 012 002 Tunay na gigibain ninyo ang lahat ng mga dako, na pinaglilingkuran sa kanilang dios ng mga bansang inyong aariin, sa ibabaw ng matataas na bundok, at sa ibabaw ng mga burol, at sa lilim ng bawa't punong kahoy na sariwa: 005 DEU 012 003 At iyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputol-putulin ang kanilang mga haliging pinakaalaala, at susunugin ang kanilang mga Asera sa apoy; at inyong ibubuwal ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa dakong yaon. 005 DEU 012 004 Huwag kayong gagawa ng ganito sa Panginoon ninyong Dios. 005 DEU 012 005 Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng inyong mga lipi na paglalagyan ng kaniyang pangalan, sa makatuwid baga'y sa kaniyang tahanan ay inyong hahanapin, at doon kayo paroroon: 005 DEU 012 006 At doon ninyo dadalhin ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, at ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang inyong mga panata, at ang inyong mga kusang handog, at ang mga panganay sa inyong mga bakahan at sa inyong mga kawan: 005 DEU 012 007 At doon kayo kakain sa harap ng Panginoon ninyong Dios, at kayo'y mangagagalak sa lahat na kalagyan ng inyong kamay, kayo at ang inyong mga sangbahayan kung saan ka pinagpala ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 012 008 Huwag ninyong gagawin ang ayon sa lahat ng mga bagay na ating ginagawa dito sa araw na ito, na ang magalingin ng bawa't isa sa kaniyang paningin; 005 DEU 012 009 Sapagka't hindi pa kayo nakararating sa kapahingahan at sa mana, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon ninyong Dios. 005 DEU 012 010 Datapuwa't pagtawid ninyo ng Jordan, at pagtahan sa lupain na ipinamamana sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, at pagkabigay niya sa inyo ng kapahingahan sa lahat ng inyong mga kaaway sa palibot, na ano pa't kayo'y tumahang tiwasay; 005 DEU 012 011 Ay mangyayari nga, na ang dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan ay doon ninyo dadalhin ang lahat na aking iniuutos sa inyo; ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang lahat ng inyong piling panata na inyong ipinananata sa Panginoon: 005 DEU 012 012 At kayo'y magagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios, kayo at ang inyong mga anak na lalake at babae, at ang inyong mga aliping lalake at babae, at ang Levita na nasa loob ng inyong mga pintuang-daan, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama ninyo. 005 DEU 012 013 Magingat ka na huwag mong ihahandog ang iyong handog na susunugin sa alinmang dakong iyong makikita: 005 DEU 012 014 Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon sa isa sa iyong mga lipi ay doon mo ihahandog ang iyong mga handog na susunugin, at doon mo gagawin ang lahat na aking iniuutos sa iyo. 005 DEU 012 015 Gayon ma'y makapapatay ka at makakakain ka ng karne sa loob ng lahat ng iyong mga pintuang-daan, ayon sa buong nasa ng iyong kaluluwa, ayon sa pagpapala ng Panginoon mong Dios na kaniyang ibinigay sa iyo: ang marumi at ang malinis ay makakakain niyaon, gaya ng maliit na usa, at gaya ng malaking usa. 005 DEU 012 016 Huwag lamang ninyong kakanin ang dugo; iyong ibubuhos sa lupa na parang tubig. 005 DEU 012 017 Hindi mo makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, o ng iyong alak, o ng iyong langis, o ng mga panganay sa iyong bakahan o sa iyong kawan, ni anoman sa iyong mga panata na iyong ipananata, ni ang iyong mga kusang handog, ni ang handog na itataas ng iyong kamay: 005 DEU 012 018 Kundi iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, kakanin mo, at ng iyong anak na lalake at babae, at ng iyong aliping lalake at babae, at ng Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan: at kagagalakan mo sa harap ng Panginoon mong Dios, ang lahat ng kalagyan ng iyong kamay. 005 DEU 012 019 Ingatan mong huwag mong pabayaan ang Levita samantalang nabubuhay ka sa iyong lupain. 005 DEU 012 020 Pagka palalakihin ng Panginoon mong Dios ang iyong hangganan, gaya ng kaniyang ipinangako sa iyo, at iyong sasabihin, Ako'y kakain ng karne, sapagka't nasa mong kumain ng karne; ay makakakain ka ng karne, ayon sa buong nasa mo. 005 DEU 012 021 Kung ang dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan ay totoong malayo sa iyo, ay papatay ka nga sa iyong bakahan at sa iyong kawan, na ibinigay sa iyo ng Panginoon, gaya ng iniutos ko sa iyo, at makakakain ka sa loob ng iyong mga pintuang-daan, ayon sa buong nasa mo. 005 DEU 012 022 Kung paano ang pagkain sa maliit at malaking usa, ay gayon kakanin; ang marumi at ang malinis ay kapuwang makakakain niyaon. 005 DEU 012 023 Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman. 005 DEU 012 024 Huwag mong kakanin yaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig. 005 DEU 012 025 Huwag mong kakanin yaon; upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, kung iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon. 005 DEU 012 026 Ang iyo lamang mga itinalagang bagay na tinatangkilik mo, at ang iyong mga panata, ang iyong dadalhin, at yayaon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon: 005 DEU 012 027 At iyong ihahandog ang iyong mga handog na susunugin, ang laman at ang dugo, sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Dios: at ang dugo ng iyong mga hain ay ibubuhos sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Dios; at iyong kakanin ang karne. 005 DEU 012 028 Iyong sundin at dinggin ang lahat ng mga salitang ito na iniuutos ko sa iyo, upang magpakailan man ay ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, pagka iyong ginawa ang mabuti at matuwid sa paningin ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 012 029 Pagka naihiwalay ng Panginoon mong Dios sa harap mo, ang mga bansa na iyong pinapasok upang ariin, at iyong halinhan sila, at nakatahan ka sa kanilang lupain, 005 DEU 012 030 Ay magingat ka na huwag masilong sumunod sa kanila, pagkatapos na sila'y malipol sa harap mo; at huwag kang magusisa ng tungkol sa kanilang mga dios, na magsabi, Paanong naglilingkod ang mga bansang ito sa kanilang mga dios? na gayon din ang gagawin ko. 005 DEU 012 031 Huwag mong gagawing gayon sa Panginoon mong Dios: sapagka't bawa't karumaldumal sa Panginoon, na kaniyang kinapopootan, ay kanilang ginagawa sa kanilang mga dios; sapagka't pati ng kanilang mga anak na lalake at babae ay kanilang sinusunog sa apoy sa kanilang mga dios. 005 DEU 012 032 Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan. 005 DEU 013 001 Kung may bumangon sa gitna mo na isang manghuhula, o isang mapanaginipin ng mga panaginip, at kaniyang bigyan ka ng isang tanda o kababalaghan, 005 DEU 013 002 At ang tanda o ang kababalaghan ay mangyari, na kaniyang pagsalitaan ka, na sabihin, Sumunod tayo sa ibang mga dios, na hindi mo nakikilala, at ating paglingkuran sila; 005 DEU 013 003 Ay huwag mong didinggin ang mga salita ng manghuhulang yaon, o ng mapanaginiping yaon ng mga panaginip: sapagka't sinusubok kayo ng Panginoon ninyong Dios, upang maalaman kung iniibig ninyo ang Panginoon ninyong Dios ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa. 005 DEU 013 004 Kayo'y lalakad ayon sa Panginoon ninyong Dios, at matatakot sa kaniya, at gaganap ng kaniyang mga utos, at susunod sa kaniyang tinig at maglilingkod sa kaniya at lalakip sa kaniya. 005 DEU 013 005 At ang manghuhulang yaon o ang mapanaginiping yaon ng mga panaginip, ay papatayin, sapagka't siya'y nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon ninyong Dios na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, at tumubos sa iyo sa bahay ng pagkaalipin, upang iligaw ka sa daan na iniutos sa iyong lakaran mo ng Panginoon mong Dios. Ganito mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo. 005 DEU 013 006 Kung ang inyong kapatid na lalake, na anak ng iyong ina, o ang iyong anak na lalake o babae, o ang asawa ng iyong sinapupunan, o ang iyong kaibigan, na parang iyong sariling kaluluwa, ay humimok sa iyo ng lihim, na magsabi, Tayo'y yumaon at maglingkod sa ibang mga dios, na hindi mo nakilala, ninyo o ng iyong mga magulang; 005 DEU 013 007 Sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot ninyo na malapit sa iyo, o malayo sa iyo, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; 005 DEU 013 008 Ay huwag mong papayagan siya ni didinggin siya; ni huwag mong kahahabagan siya ng iyong mata, ni patatawarin, ni ikukubli: 005 DEU 013 009 Kundi papatayin mo nga; ang iyong kamay ang mangunguna sa kaniya upang patayin siya, at pagkatapos ay ang kamay ng buong bayan. 005 DEU 013 010 At iyong babatuhin siya ng mga bato upang siya'y mamatay, sapagka't kaniyang pinagsikapang ihiwalay ka sa Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. 005 DEU 013 011 At maririnig ng buong Israel, at matatakot, at hindi na gagawa ng anomang kasamaan pa na gaya nito sa gitna mo. 005 DEU 013 012 Kung iyong maririnig saysayin ang tungkol sa isa sa iyong mga bayan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang tumahan ka roon, na sasabihin. 005 DEU 013 013 Ilang hamak na tao ay nagsialis sa gitna mo, at iniligaw ang mga nananahan sa kanilang bayan, na sinasabi, Tayo'y yumaon at maglingkod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala; 005 DEU 013 014 Ay iyo ngang sisiyasatin at uusisain, at itatanong na mainam; at, narito, kung magkatotoo at ang bagay ay tunay, na nagawa sa gitna mo ang gayong karumaldumal; 005 DEU 013 015 Iyo ngang susugatan ng talim ng tabak, ang mga nananahan sa bayang yaon, na iyong lubos na lilipulin, at ang lahat na nandoon at ang mga hayop doon ay iyong lilipulin ng talim ng tabak. 005 DEU 013 016 At iyong titipunin ang buong nasamsam doon, sa gitna ng lansangan niyaon, at iyong susunugin sa apoy ang bayan, at ang buong nasamsam doon, na bawa't putol, ay sa Panginoon mong Dios; at magiging isang bunton ng dumi magpakailan man; hindi na muling matatayo. 005 DEU 013 017 At huwag kang magsasagi ng bagay na itinalaga sa iyong kamay: upang talikdan ng Panginoon ang kabagsikan ng kaniyang galit, at pagpakitaan ka niya ng kaawaan, at mahabag sa iyo at paramihin ka, na gaya ng isinumpa niya sa iyong mga magulang; 005 DEU 013 018 Pagka iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios, na iyong gaganapin ang lahat ng kaniyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 014 001 Kayo'y mga anak ng Panginoon ninyong Dios: huwag kayong magkukudlit, ni magpapakakalbo sa pagitan ng inyong mga mata, ng dahil sa patay. 005 DEU 014 002 Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa. 005 DEU 014 003 Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay. 005 DEU 014 004 Ito ang mga hayop na inyong makakain: ang baka, ang tupa, at ang kambing, 005 DEU 014 005 Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mabangis na kambing, at ang pigargo, at ang antilope, at ang gamuza. 005 DEU 014 006 At bawa't hayop na may hati ang paa, at baak, at ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain. 005 DEU 014 007 Gayon ma'y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya, o sa baak ang paa: ang kamelyo, at ang liebre, at ang coneho, sapagka't sila'y ngumunguya, nguni't walang hati ang paa; mga marumi sa inyo; 005 DEU 014 008 At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin. 005 DEU 014 009 At ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng nasa tubig: anomang may mga kaliskis at mga palikpik, ay inyong makakain: 005 DEU 014 010 At anomang walang kaliskis at palikpik, ay huwag ninyong kakanin; marumi nga ito sa inyo. 005 DEU 014 011 Sa lahat ng ibong malinis ay makakakain kayo. 005 DEU 014 012 Nguni't ang mga ito'y hindi ninyo makakain: ang aguila, at ang aguilang dumudurog ng mga buto, at ang aguilang dagat; 005 DEU 014 013 At ang ixio, at ang halkon, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin; 005 DEU 014 014 At lahat na uwak ayon sa kanilang pagkauwak; 005 DEU 014 015 At ang avestruz, at ang chotacabras, at ang graviota, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin; 005 DEU 014 016 Ang munting kuwago, at ang malaking kuwago, at ang kuwagong tila may sungay; 005 DEU 014 017 At ang pelikano, at ang buitre, at ang somormuho; 005 DEU 014 018 At ang ciguena at ang tagak, ayon sa kanilang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag. 005 DEU 014 019 At lahat ng may pakpak na umuusad, ay marumi sa inyo: hindi kakanin. 005 DEU 014 020 Sa lahat ng ibong malinis ay kayo'y makakakain. 005 DEU 014 021 Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili: iyong maibibigay sa taga ibang bayang nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kaniyang kanin; o iyong maipagbibili sa taga ibang bayan: sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kaniyang ina. 005 DEU 014 022 Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat na bunga ng iyong binhi na nanggagaling taontaon sa iyong bukid. 005 DEU 014 023 At iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi. 005 DEU 014 024 At kung ang daan ay totoong mahaba sa ganang iyo, na ano pa't hindi mo madadala, sapagka't totoong malayo sa iyo ang dako, na pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan, pagka ikaw ay pagpapalain ng Panginoon mong Dios: 005 DEU 014 025 Ay iyo ngang sasalapiin, at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios: 005 DEU 014 026 At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan; 005 DEU 014 027 At ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay huwag mong pababayaan: sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo. 005 DEU 014 028 Sa katapusan ng bawa't tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasangpung bahagi ng iyong bunga ng taong yaon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan: 005 DEU 014 029 At ang Levita, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nangasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay magsisiparoon at magsisikain at mangabubusog; upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay sa iyong ginagawa. 005 DEU 015 001 Sa katapusan ng bawa't pitong taon ay magpapatawad ka ng iyong mga pautang. 005 DEU 015 002 At ito ang paraan ng pagpapatawad: bawa't may pautang ay magpapatawad ng kaniyang ipinautang sa kaniyang kapuwa; huwag niyang sisingilin sa kaniyang kapuwa, at sa kaniyang kapatid; sapagka't ang pagpapatawad ng Panginoon ay ipinahayag. 005 DEU 015 003 Sa isang taga ibang lupa ay iyong masisingil; nguni't anomang tinatangkilik mo na nasa iyong kapatid ay ipatatawad ng iyong kamay. 005 DEU 015 004 Nguni't hindi magkakadukha sa iyo (sapagka't pagpapalain ka nga ng Panginoon sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana upang iyong ariin), 005 DEU 015 005 Kung iyong didinggin lamang na masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, na isagawa ang buong utos na ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito. 005 DEU 015 006 Sapagka't pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios, na gaya ng ipinangako niya sa iyo: at ikaw ay magpapautang sa maraming bansa, nguni't hindi ka mangungutang; at ikaw ay magpupuno sa maraming bansa, nguni't hindi ka nila pagpupunuan. 005 DEU 015 007 Kung magkaroon sa iyo ng isang dukha, na isa sa iyong mga kapatid, na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan sa iyong lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay huwag mong pagmamatigasin ang iyong puso, ni pagtitikuman ng iyong kamay ang iyong dukhang kapatid: 005 DEU 015 008 Kundi iyo ngang bubukhin ang iyong kamay sa kaniya, at iyo ngang pauutangin siya ng sapat sa kaniyang kailangan sa kaniyang kinakailangan. 005 DEU 015 009 Pagingatan mong huwag magkaroon ng masamang pagiisip sa iyong puso, na iyong sabihin, Ang ikapitong taon, na taon ng pagpapatawad, ay malapit na; at ang iyong mata'y magmasama laban sa iyong dukhang kapatid at hindi mo siya bigyan; at siya'y dumaing sa Panginoon laban sa iyo, at maging kasalanan sa iyo. 005 DEU 015 010 Siya nga'y bibigyan mo, at ang iyong puso'y huwag magdamdam pagka binibigyan mo siya; sapagka't dahil sa bagay na ito'y pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong gawa, at sa lahat ng hipuin ng iyong kamay. 005 DEU 015 011 Sapagka't hindi mawawalan ng dukha sa lupain kailan man: kaya't aking iniutos sa iyo, na aking sinasabi, Bubukhin mo nga ang iyong kamay sa iyong kapatid, sa nagkakailangan sa iyo, at sa dukha mo, sa iyong lupain. 005 DEU 015 012 Kung ang iyong kapatid, na Hebreong lalake o babae, ay ipagbili sa iyo, at maglingkod sa iyong anim na taon; sa ikapitong taon nga ay iyong papagpapaalaming laya sa iyo. 005 DEU 015 013 At pagka iyong papagpapaalaming laya sa iyo, ay huwag mo siyang papagpapaalaming walang dala: 005 DEU 015 014 Iyo siyang papagbabaunin na may kasaganaan ng bunga ng iyong kawan, at ng iyong giikan, at ng iyong pisaan ng ubas, kung paano ang ipinagpala sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay bibigyan mo siya. 005 DEU 015 015 At iyong aalalahanin na ikaw ay alipin sa lupain ng Egipto, at tinubos ka ng Panginoon mong Dios: kaya't iniuutos ko sa iyo ngayon ang bagay na ito. 005 DEU 015 016 At mangyayari, na kung sabihin niya sa iyo, Hindi ako aalis sa iyo; sapagka't iniibig ka niya at ang iyong bahay, sapagka't kinalulugdan mo siya; 005 DEU 015 017 At kukuha ka nga ng isang pangbutas at ibutas mo sa kaniyang tainga sa pintuan, at siya'y magiging iyong alipin magpakailan man. At sa iyong aliping babae man ay gayon din ang iyong gagawin. 005 DEU 015 018 Huwag mong mamabigatin, pagka iyong papagpapaalaming laya sa iyo: sapagka't ibayo ng kaupahang magpapaupa ang kaniyang ipinaglingkod sa iyo sa anim na taon: at pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong ginagawa. 005 DEU 015 019 Lahat ng panganay na lalake na ipinanganak sa iyong bakahan, at sa iyong kawan ay iyong itatalaga sa Panginoon mong Dios: huwag mong pagagawin ang panganay ng iyong baka, ni huwag mong gugupitan ang panganay ng iyong kawan. 005 DEU 015 020 Iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios taontaon sa dakong pipiliin ng Panginoon, kakanin mo, at ng iyong mga sangbahayan. 005 DEU 015 021 At kung may anomang kapintasan, na pilay o bulag, anomang masamang kapintasan, ay huwag mong ihahain sa Panginoon mong Dios. 005 DEU 015 022 Iyong kakanin sa loob ng iyong mga pintuang-daan: ang marumi at ang malinis ay kapuwa kakain, na gaya ng maliit na usa at gaya ng malaking usa. 005 DEU 015 023 Huwag mo lamang kakanin ang dugo niyaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig. 005 DEU 016 001 Magdidiwang ka sa buwan ng Abib, at ipangingilin ang paskua sa Panginoon mong Dios: sapagka't sa buwan ng Abib inilabas ka ng Panginoon mong Dios sa Egipto sa gabi. 005 DEU 016 002 At iyong ihahain ang paskua sa Panginoon mong Dios, ang sa kawan at sa bakahan, sa dakong pipiliin ng Panginoon na patatahanan sa kaniyang pangalan. 005 DEU 016 003 Huwag kang kakain sa paskua ng tinapay na may lebadura; pitong araw na kakanin mo sa paskua ang tinapay na walang lebadura, ang tinapay ng pagkapighati; sapagka't umalis kang madalian sa lupain ng Egipto: upang iyong maalaala ang araw na inialis mo sa lupain ng Egipto sa lahat ng mga araw ng iyong buhay. 005 DEU 016 004 At pitong araw na walang makikitang lebadura sa iyo, sa lahat ng iyong mga hangganan; ni sa anomang karne na iyong ihahain sa unang araw sa paglubog ng araw ay walang maiiwan sa buong gabi, hanggang sa umaga; 005 DEU 016 005 Hindi mo maihahain ang paskua sa loob ng alin man sa iyong mga pintuang-daan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios: 005 DEU 016 006 Kundi sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan, ay doon mo ihahain ang paskua sa pagtatakip silim, sa paglubog ng araw, sa panahon na iyong inialis sa Egipto. 005 DEU 016 007 At iyong iihawin at kakanin sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios; at ikaw ay babalik sa kinaumagahan, at uuwi sa iyong mga tolda. 005 DEU 016 008 Anim na araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura: at sa ikapitong araw ay magkakaroon ka ng takdang pagpupulong sa Panginoon mong Dios: huwag kang gagawa ng anomang gawa sa araw na iyan. 005 DEU 016 009 Pitong sanglinggo ang iyong bibilangin sa iyo: mula sa iyong pagpapasimulang isuot ang panggapas sa mga nakatayong trigo ay magpapasimula kang bumilang ng pitong sanglinggo. 005 DEU 016 010 At iyong ipagdidiwang ang kapistahan ng mga sanglinggo sa Panginoon mong Dios na may dulot ng kusang handog ng iyong kamay, na iyong ibibigay, ayon sa ipinagpala sa iyo ng Panginoon mong Dios: 005 DEU 016 011 At ikaw ay magagalak sa harap ng Panginoon mong Dios, ikaw at ang iyong anak na lalake at babae, at ang iyong aliping lalake at babae, at ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nasa gitna mo, sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan. 005 DEU 016 012 At iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa Egipto: at iyong gaganapin at gagawin ang mga palatuntunang ito. 005 DEU 016 013 Iyong ipagdidiwang na pitong araw ang kapistahan ng mga tabernakulo, pagkatapos na makamalig mo ang aning mula sa iyong giikan at sa iyong pisaan ng ubas: 005 DEU 016 014 At ikaw ay magagalak sa iyong pagpipista, ikaw, at ang iyong anak na lalake at babae, at ang iyong aliping lalake at babae, at ang Levita, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan. 005 DEU 016 015 Pitong araw na ipagdidiwang mo ang pista sa Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon: sapagka't pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong kinikita, at sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay, at ikaw ay lubos na magagalak. 005 DEU 016 016 Makaitlo sa isang taon na ang iyong mga lalake ay magsisiharap sa Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin; sa kapistahan ng tinapay na walang lebadura, at sa kapistahan ng mga sanglinggo, at sa kapistahan ng mga tabernakulo: at huwag silang haharap na walang dala sa Panginoon: 005 DEU 016 017 Bawa't lalake ay magbibigay ng kaniyang kaya, ayon sa pagpapala na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 016 018 Maghahalal ka sa iyo ng mga hukom at ng mga pinuno sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ayon sa iyong mga lipi: at sila'y hahatol sa bayan ng matuwid na paghatol. 005 DEU 016 019 Huwag kang magliliko ng paghatol; huwag kang tatangi ng mga pagkatao: ni kukuha ng suhol; sapagka't ang suhol ay bumubulag ng mga mata ng marunong, at nagliliko ng mga salita ng matuwid. 005 DEU 016 020 Susundin mo ang tunay na katuwidtuwiran, upang mabuhay ka at manahin mo ang lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 016 021 Huwag kang magtatanim sa iyo ng Asera ng anomang kahoy sa siping ng dambana ng Panginoon mong Dios, na gagawin mo para sa iyo. 005 DEU 016 022 Ni magtatayo ka para sa iyo ng pinakaalaalang haligi; na kinapopootan ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 017 001 Huwag kang maghahain sa Panginoon mong Dios ng baka o tupa, na may dungis o anomang kapintasan; sapagka't yao'y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios. 005 DEU 017 002 Kung may masusumpungan sa gitna mo, sa loob ng alin man sa iyong mga pintuang-daan, na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ang lalake o babae na gumagawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon mong Dios, sa pagsalangsang sa kaniyang tipan, 005 DEU 017 003 At yumaon at naglingkod sa ibang mga dios, at sumamba sa kanila, o sa araw, o sa buwan, o sa anomang natatanaw sa langit na hindi ko iniutos; 005 DEU 017 004 At maisaysay sa iyo, at iyong mabalitaan; ay iyo ngang sisiyasating masikap; at, narito, kung totoo, at ang bagay ay tunay, na ang gayong karumaldumal ay nagawa sa Israel, 005 DEU 017 005 Ay iyo ngang ilalabas ang lalake o babaing yaon, na gumawa nitong bagay na kasamaan, sa iyong mga pintuang-daan, sa makatuwid baga'y ang lalake o babae; at iyong babatuhin sila ng mga bato, hanggang sila'y mamatay. 005 DEU 017 006 Sa bibig ng dalawang saksi, o ng tatlong saksi ay papatayin ang dapat mamatay; sa bibig ng isang saksi ay hindi siya papatayin. 005 DEU 017 007 Ang kamay ng mga saksi ay siyang unang papatay sa kaniya at pagkatapos ang kamay ng buong bayan. Ganito mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo. 005 DEU 017 008 Kung magkakaroon ng totoong mahirap na bagay sa iyo sa paghatol, na dugo't dugo, usap at usap, at bugbog at bugbog, na bagay na pagkakaalit sa loob ng iyong mga pintuang-daan, ikaw nga'y titindig at sasampa sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios; 005 DEU 017 009 At ikaw ay paroroon sa mga saserdote na mga Levita, at sa magiging hukom sa mga araw na yaon: at iyong sisiyasatin; at kanilang ipakikilala sa iyo ang hatol ng kahatulan. 005 DEU 017 010 At iyong gagawin ayon sa tinig ng hatol, na kanilang ipakikilala sa iyo mula sa dakong yaon na pipiliin ng Panginoon; at iyong isasagawa ayon sa lahat na kanilang ituturo sa iyo: 005 DEU 017 011 Ayon sa tinig ng kautusan na kanilang ituturo sa iyo, at ayon sa kahatulan na kanilang isasaysay sa iyo, ay gagawin mo: huwag kang liliko sa hatol na kanilang ipakikilala sa iyo, maging sa kanan o sa kaliwa man. 005 DEU 017 012 At ang tao na gumawa ng pagpapalalo, sa di pakikinig sa saserdote na tumatayo upang mangasiwa doon sa harap ng Panginoon mong Dios, o sa hukom, ay papatayin nga ang taong yaon: at iyong aalisin ang kasamaan sa Israel. 005 DEU 017 013 At maririnig ng buong bayan at matatakot, at di na gagawa pa ng pagpapalalo. 005 DEU 017 014 Pagka ikaw ay dumating sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at iyong aariin, at iyong tatahanan; at iyong sasabihin, Ako'y maglalagay ng isang hari sa akin gaya ng lahat ng mga bansang nasa palibot ko; 005 DEU 017 015 Ay ilalagay mo ngang hari sa iyo, yaong pipiliin ng Panginoon mong Dios: na isa sa iyong mga kapatid ang ilalagay mong hari sa iyo: hindi mo mailalagay sa iyo ang isang taga ibang bayan, na hindi mo kapatid. 005 DEU 017 016 Huwag lamang siyang magpaparami ng mga kabayo, ni pababalikin niya ang bayan sa Egipto, upang siya'y makapagparami ng mga kabayo: sapagka't sinabi sa inyo ng Panginoon, Huwag na ninyong babalikan mula ngayon ang daang yaon. 005 DEU 017 017 Ni huwag siyang magpaparami ng mga asawa, upang huwag maligaw ang kaniyang puso: ni huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto. 005 DEU 017 018 At mangyayari, na pagka siya'y luluklok sa luklukan ng kaniyang kaharian, ay kaniyang susulatin ang isang salin ng kautusang ito sa isang aklat, na nasa harap ng mga saserdote na mga Levita: 005 DEU 017 019 At mamamalagi sa kaniya, at kaniyang babasahin sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay: upang siya'y magaral na matakot sa Panginoon niyang Dios, upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito at ng mga palatuntunang ito; 005 DEU 017 020 Upang ang kaniyang puso ay huwag magmataas sa kaniyang mga kapatid at siya'y huwag maligaw sa utos, maging sa kanan, o sa kaliwa: upang kaniyang maparami ang kaniyang mga araw sa kaniyang kaharian, niya, at ng kaniyang mga anak sa gitna ng Israel. 005 DEU 018 001 Ang mga saserdote na mga Levita, ang buong lipi ni Levi, ay hindi magkakaroon ng bahagi ni mana na kasama ng Israel; sila'y kakain ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at ng kaniyang mana. 005 DEU 018 002 At sila'y hindi magkakaroon ng mana na kasama ng kanilang mga kapatid; ang Panginoon ang kanilang mana, gaya ng sinalita niya sa kanila. 005 DEU 018 003 At ito ang magiging karampatan ng mga saserdote sa bayan, sa kanila na naghahandog ng hain, maging baka o tupa, na kanilang ibibigay sa saserdote ang balikat, at ang dalawang pisngi, at ang sikmura. 005 DEU 018 004 Ang mga unang bunga ng iyong trigo, ng iyong alak, at ng iyong langis, at ang unang balahibo ng iyong mga tupa, ay ibibigay mo sa kaniya. 005 DEU 018 005 Sapagka't pinili siya ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong mga lipi, upang tumayong mangasiwa sa pangalan ng Panginoon, siya at ang kaniyang mga anak magpakailan man. 005 DEU 018 006 At kung ang isang Levita ay umalis sa alinman sa iyong mga pintuang-daan ng buong Israel na kaniyang pinakikipamayanan at pumaroon ng buong nasa ng kaniyang kaluluwa sa dakong pipiliin ng Panginoon; 005 DEU 018 007 Ay mangangasiwa nga siya sa pangalan ng Panginoon niyang Dios, na gaya ng ginagawa ng lahat ng kaniyang mga kapatid na mga Levita, na tumatayo roon sa harap ng Panginoon. 005 DEU 018 008 Sila'y magkakaroon ng magkakaparehong bahagi na kakanin, bukod sa magmumula sa pinagbilhan sa pamana ng kaniyang ama. 005 DEU 018 009 Pagpasok mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay huwag kang magaaral gumawa ng ayon sa mga karumaldumal ng mga bansang yaon. 005 DEU 018 010 Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway, 005 DEU 018 011 O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. 005 DEU 018 012 Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo. 005 DEU 018 013 Ikaw ay magpapakasakdal sa Panginoon mong Dios. 005 DEU 018 014 Sapagka't ang mga bansang ito, na iyong aariin, ay nakikinig sa kanila na nagmamasid ng mga pamahiin, at sa mga manghuhula: nguni't tungkol sa iyo, ay hindi pumayag ang Panginoon mong Dios na gawin mo. 005 DEU 018 015 Palilitawin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang isang propeta sa gitna mo, sa iyong mga kapatid, na gaya ko; sa kaniya kayo makikinig; 005 DEU 018 016 Ayon sa lahat ng iyong ninasa sa Panginoon mong Dios sa Horeb, sa araw ng kapulungan, na sinasabi, Huwag mong iparinig uli sa akin ang tinig ng Panginoon kong Dios, ni ipakita pa sa akin itong dakilang apoy, upang huwag akong mamatay. 005 DEU 018 017 At sinabi ng Panginoon sa akin, Mabuti ang kanilang pagkasabi ng kanilang salitain. 005 DEU 018 018 Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya. 005 DEU 018 019 At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya. 005 DEU 018 020 Nguni't ang propeta na magsasalita ng salitang may pagpapalalo sa aking pangalan, na hindi ko iniutos sa kaniyang salitain o magsasalita sa pangalan ng ibang mga dios, ay papatayin nga ang propetang yaon. 005 DEU 018 021 At kung iyong sasabihin sa iyong puso: Paanong malalaman namin ang salita na hindi sinalita ng Panginoon? 005 DEU 018 022 Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya. 005 DEU 019 001 Pagka ihihiwalay ng Panginoon mong Dios ang mga bansa, na lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at hahalili ka sa kanila, at iyong tatahanan ang kanilang mga bayan, at ang kanilang mga bahay; 005 DEU 019 002 Ay maghihiwalay ka para sa iyo ng tatlong bayan sa gitna ng iyong lupain, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin. 005 DEU 019 003 Ikaw ay maghahanda sa iyo ng daan, at pagtatluhin mong bahagi ang mga hangganan ng iyong lupain, na ipinamamana sa iyo ng Panginoon mong Dios, upang matakasan ng bawa't nakamatay tao. 005 DEU 019 004 At ito ang bagay ng nakamatay tao, na tatakas doon at mabubuhay: sinomang makapatay sa kaniyang kapuwa ng di sinasadya, at hindi niya kinapopootan ng panahong nakaraan; 005 DEU 019 005 Gaya ng isang tao na yumaon sa gubat na kasama ang kaniyang kapuwa upang pumutol ng kahoy, at sa kamay niya na pumapalakol upang pumutol ng kahoy, ay humagpos ang patalim sa tatangnan, at bumagsak sa kaniyang kapuwa, na anopa't mamatay; ay tatakas siya sa isa sa mga bayang yaon at siya'y mabubuhay: 005 DEU 019 006 Baka habulin ng tagapanghiganti sa dugo ang nakamatay, samantalang ang puso'y nagaalab, at siya'y kaniyang abutan, sapagka't ang daan ay mahaba, at siya'y saktan ng malubha; na siya'y di marapat patayin, sapagka't hindi niya kinapopootan nang panahong nakaraan. 005 DEU 019 007 Kaya't iniuutos ko sa iyo, na sinasabi, Maghihiwalay ka para sa iyo ng tatlong bayan. 005 DEU 019 008 At kung palakihin ng Panginoon mong Dios ang iyong hangganan gaya ng kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, at ibigay niya sa iyo ang buong lupain na kaniyang ipinangakong ibibigay sa iyong mga magulang; 005 DEU 019 009 Kung iyong isasagawa ang buong utos na ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ibigin ang Panginoon mong Dios, at lumakad kailan man sa kaniyang mga daan; ay magdadagdag ka pa nga ng tatlong bayan sa iyo, bukod sa tatlong ito: 005 DEU 019 010 Upang huwag mabubo ang dugong walang sala sa gitna ng iyong lupain, na ibinibigay sa iyo na pinakamana ng Panginoon mong Dios, at sa gayo'y maging salarin ka sa iyo. 005 DEU 019 011 Nguni't kung ang sinoman ay mapoot sa kaniyang kapuwa, at pag-abangan niya siya, at siya'y tumindig laban sa kaniya, at saktan niya siya ng malubha, na anopa't mamatay; at siya'y tumakas sa isa sa mga bayang ito: 005 DEU 019 012 Ay magsusugo nga ang mga matanda sa kaniyang bayan at kukunin siya roon, at ibibigay siya sa kamay ng tagapanghiganti sa dugo, upang siya'y mamatay. 005 DEU 019 013 Ang iyong mata'y huwag mahahabag sa kaniya; kundi aalisin mo sa Israel ang dugong walang sala, upang ikabuti mo. 005 DEU 019 014 Huwag mong babaguhin ang lindero ng iyong kapuwa, na kanilang inilagay ng una, sa iyong mana na iyong mamanahin, sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin. 005 DEU 019 015 Isang saksi ay huwag titindig laban sa kanino man sa anomang kasamaan, o sa anomang kasalanang kaniyang pinagkasalahan: sa bibig ng dalawang saksi, o sa bibig ng tatlong saksi ay pagtitibayin ang usap. 005 DEU 019 016 Kung ang isang sinungaling na saksi ay tumindig laban sa kanino man upang sumaksi laban sa kaniya ng isang masamang gawa, 005 DEU 019 017 Ang dalawang taong naguusapin ay tatayo sa harap ng Panginoon, sa harap ng mga saserdote at ng mga magiging hukom sa mga araw na yaon; 005 DEU 019 018 At sisiyasating masikap ng mga hukom: at, narito, kung ang saksi ay saksing sinungaling, at sumaksi ng kasinungalingan laban sa kaniyang kapatid; 005 DEU 019 019 Ay gagawin mo nga sa kaniya, ang gaya ng kaniyang inisip gawin sa kaniyang kapatid: sa gayo'y iyong aalisin ang kasamaan sa gitna mo. 005 DEU 019 020 At maririnig niyaong mga natitira at matatakot, at hindi na sila magkakamit pa ng gayong kasamaan sa gitna mo. 005 DEU 019 021 At ang iyong mata'y huwag mahahabag: buhay kung buhay, mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa. 005 DEU 020 001 Pagka ikaw ay lalabas upang makibaka laban sa iyong mga kaaway at makakita ka ng mga kabayo, at mga karo, at ng isang bayang higit kay sa iyo, ay huwag kang matatakot sa kanila: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasaiyo, na siyang naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto. 005 DEU 020 002 At mangyayari paglapit ninyo sa pakikibaka, na ang saserdote ay lalapit at magsasalita sa bayan. 005 DEU 020 003 At magsasabi sa kanila, Dinggin mo, Oh Israel, kayo'y lumapit sa araw na ito sa pakikibaka laban sa inyong mga kaaway: huwag manglupaypay ang inyong puso; huwag kayong matakot, ni manginig, ni maduwag dahil sa kanila. 005 DEU 020 004 Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios ay siyang yumayaong kasama ninyo, upang ipakipaglaban kayo sa inyong mga kaaway, upang kayo'y iligtas. 005 DEU 020 005 At ang mga pinuno ay magsasalita sa bayan, na sasabihin, Sinong tao ang nagtayo ng isang bagong bahay, at hindi pa niya natatalagahan? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka at ibang tao ang magtalaga. 005 DEU 020 006 At sinong lalake ang may itinanim na isang ubasan at hindi pa niya napapakinabangan ang bunga niyaon? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka at ibang lalake ang makinabang ng bunga niyaon. 005 DEU 020 007 At sinong lalake ang nagasawa sa isang babae at di pa niya nakukuha? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka, at ibang lalake ang kumuha sa kaniyang asawa. 005 DEU 020 008 At muling magsasalita ang mga puno sa bayan, at kanilang sasabihin, Sinong lalake ang matatakutin at mahinang loob? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka ang puso ng kaniyang mga kapatid ay manglupaypay na gaya ng kaniyang puso. 005 DEU 020 009 At mangyayari, pagka ang mga pinuno ay natapos nang makapanalita sa bayan, na sila'y maghahalal ng mga kapitan ng mga hukbo sa unahan ng bayan. 005 DEU 020 010 Pagka ikaw ay lalapit sa isang bayan upang makipaglaban, ay iyo ngang ihahayag ang kapayapaan doon. 005 DEU 020 011 At mangyayari, na kung sagutin ka ng kapayapaan, at pagbuksan ka, ay mangyayari nga, na ang buong bayang masusumpungan sa loob ay magiging sakop mo, at maglilingkod sa iyo. 005 DEU 020 012 At kung ayaw makipagpayapaan sa iyo, kundi makikipagbaka laban sa iyo, ay kukubkubin mo nga siya: 005 DEU 020 013 At pagka ibinigay ng Panginoon mong Dios sa iyong kamay ay iyong susugatan ang bawa't lalake niyaon ng talim ng tabak: 005 DEU 020 014 Nguni't ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga hayop, at ang buong nasa bayan, pati ng buong nasamsam doon, ay kukunin mong pinakasamsam; at kakanin mo ang samsam sa iyong mga kaaway na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 020 015 Gayon ang iyong gagawin sa lahat ng bayang totoong malayo sa iyo, na hindi sa mga bayan ng mga bansang ito. 005 DEU 020 016 Nguni't sa mga bayan ng mga taong ito na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana, ay huwag kang magtitira ng may buhay sa anomang bagay na humihinga: 005 DEU 020 017 Kundi iyong lilipulin sila; ang Hetheo, at ang Amorrheo, ang Cananeo, at ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo; gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 020 018 Upang huwag kayong turuan nilang gumawa ng ayon sa lahat nilang karumaldumal, na kanilang ginawa sa kanilang mga dios; na anopa't kayo'y magkasala laban sa Panginoon ninyong Dios. 005 DEU 020 019 Pagka iyong kukubkubing mahabang panahon ang isang bayan sa pakikibaka upang sakupin, ay huwag mong sisirain ang mga punong kahoy niyaon, na pagbubuhatan ng palakol; sapagka't makakain mo, at huwag mong ipagbububuwal; sapagka't tao ba ang kahoy sa parang na kukubkubin mo? 005 DEU 020 020 Ang mga punong kahoy lamang na iyong kilala na hindi mga kahoy na nakakain, ang iyong sisirain at ibubuwal; at iyong itatayong mga kuta laban sa bayang nakikibaka sa iyo, hanggang sa maibuwal mo. 005 DEU 021 001 Kung may masumpungang pinatay sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin, na nabubulagta sa parang, at hindi maalaman kung sinong sumugat sa kaniya: 005 DEU 021 002 Ay lalabas nga ang iyong mga matanda at ang iyong mga hukom, at kanilang susukatin ang layo ng mga bayang nasa palibot ng pinatay: 005 DEU 021 003 At mangyayari, na ang mga matanda sa bayang yaon, na bayang malapit sa pinatay, ay kukuha ng isang dumalagang baka sa bakahan, na hindi pa nagagamit at hindi pa nakakapagpasan ng pamatok; 005 DEU 021 004 At ibababa ng mga matanda ang dumalagang baka sa isang libis na may agos ng tubig, na di pa nabubukid, ni nahahasikan, at babaliin ang leeg ng dumalagang baka doon sa libis: 005 DEU 021 005 At ang mga saserdote na mga anak ni Levi ay lalapit, sapagka't sila ang pinili ng Panginoon mong Dios na mangasiwa sa kaniya, at bumasbas sa pangalan ng Panginoon; at ayon sa kanilang salita ay pasisiyahan ang bawa't pagkakaalit at bawa't awayan: 005 DEU 021 006 At lahat ng mga matanda sa bayang yaon, na malapit sa pinatay, ay maghuhugas ng kanilang kamay sa ibabaw ng dumalagang baka na binali ang leeg sa libis: 005 DEU 021 007 At sila'y sasagot at sasabihin, Ang aming kamay ay hindi nagbubo ng dugong ito, ni nakita ng aming mga mata. 005 DEU 021 008 Patawarin mo, Oh Panginoon, ang iyong bayang Israel, na iyong tinubos, at huwag mong tikising matira sa gitna ng iyong bayang Israel, ang dugong walang sala. At ang dugo'y ipatatawad sa kanila. 005 DEU 021 009 Gayon mo aalisin ang dugong walang sala sa gitna mo, pagka iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon. 005 DEU 021 010 Pagka ikaw ay lalabas upang makipagbaka laban sa iyong mga kaaway, at ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa iyong mga kamay, at dadalhin mo silang bihag, 005 DEU 021 011 At makakakita ka sa mga bihag ng isang magandang babae, at magkaroon ka ng nasa sa kaniya, at iibigin mo siyang kuning asawa, 005 DEU 021 012 Ay iyo nga siyang dadalhin sa iyong bahay; at kaniyang aahitan ang kaniyang ulo, at gugupitin ang kaniyang mga kuko; 005 DEU 021 013 At kaniyang huhubarin ang suot na pagkabihag sa kaniya, at matitira sa iyong bahay, at iiyakan ang kaniyang ama at ang kaniyang ina na isang buong buwan: at pagkatapos noo'y sisiping ka sa kaniya, at ikaw ay magiging asawa niya, at siya'y magiging iyong asawa. 005 DEU 021 014 At mangyayari, na kung di mo kalugdan siya, ay iyo ngang pababayaan siyang yumaon kung saan niya ibig; nguni't huwag mo siyang ipagbibili ng salapi, huwag mo siyang aalipinin, sapagka't iyong pinangayupapa siya. 005 DEU 021 015 Kung ang isang lalake ay may dalawang asawa, na ang isa'y sinisinta, at ang isa'y kinapopootan, at kapuwa magkaanak sa kaniya, ang sinisinta at ang kinapopootan; at kung ang maging panganay ay sa kinapopootan: 005 DEU 021 016 Ay mangyayari nga sa araw na kaniyang pagmanahin ang kaniyang mga anak ng kaniyang tinatangkilik, ay hindi niya magagawang panganay ang anak ng sinisinta na higit kay sa anak ng kinapopootan, na siyang panganay; 005 DEU 021 017 Kundi kaniyang kikilalaning panganay, ang anak ng kinapopootan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dalawang bahagi sa buong kaniyang tinatangkilik; sapagka't siya ang pasimula ng kaniyang lakas; ang karapatan nga ng pagkapanganay ay kaniya. 005 DEU 021 018 Kung ang isang lalake ay may matigas na loob at mapanghimagsik na anak, na ayaw makinig ng tinig ng kaniyang ama, o ng tinig ng kaniyang ina, at bagaman kanilang parusahan siya ay ayaw makinig sa kanila: 005 DEU 021 019 Ay hahawakan nga ng kaniyang ama at ng kaniyang ina at dadalhin sa mga matanda sa kaniyang bayan, at sa pintuang-bayan ng kaniyang pook; 005 DEU 021 020 At kanilang sasabihin sa mga matanda sa kaniyang bayan. Itong aming anak ay matigas na loob at mapanghimagsik, na ayaw niyang dinggin ang aming tinig; siya'y may masamang pamumuhay, at manglalasing. 005 DEU 021 021 At babatuhin siya ng mga bato, ng lahat ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya'y mamatay: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo; at maririnig ng buong Israel, at matatakot. 005 DEU 021 022 Kung ang isang lalake ay magkasala ng kasalanang marapat sa kamatayan, at siya'y patayin, at iyong ibitin siya sa isang punong kahoy; 005 DEU 021 023 Ay huwag maiiwan buong gabi ang kaniyang bangkay sa punong kahoy, kundi walang pagsalang siya'y iyong ililibing sa araw ding yaon; sapagka't ang bitin ay sinumpa ng Dios; upang huwag mong ihawa ang iyong lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipinamana. 005 DEU 022 001 Huwag mong makikitang naliligaw ang baka ng iyong kapatid o ang kaniyang tupa, at ikaw ay magkukubli sa mga yaon: iyo ngang ibabalik sa iyong kapatid. 005 DEU 022 002 At kung ang iyong kapatid ay hindi malapit sa iyo, o kung hindi mo siya nakikilala, ay iyo ngang iuuwi sa iyong bahay, at mapapasaiyo hanggang sa hanapin ng iyong kapatid, at iyong isasauli sa kaniya. 005 DEU 022 003 At gayon ang iyong gagawin sa kaniyang asno; at gayon ang iyong gagawin sa kaniyang damit, at gayon ang iyong gagawin sa bawa't nawalang bagay ng iyong kapatid, na nawala sa kaniya at iyong nasumpungan: huwag kang magkukubli. 005 DEU 022 004 Huwag mong makikitang napahiga sa daan ang asno ng iyong kapatid o ang kaniyang baka at ikaw ay magkukubli sa mga yaon; iyo ngang tutulungan siya upang itindig sila uli. 005 DEU 022 005 Ang babae ay huwag mananamit ng nauukol sa lalake, ni ang lalake ay magsusuot ng pananamit ng babae; sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon mong Dios. 005 DEU 022 006 Kung ang isang pugad ng ibon ay magkataong masumpungan mo sa daan, sa anomang punong kahoy, o sa lupa, na may mga inakay, o mga itlog at humahalimhim ang inahin sa mga inakay, o sa mga itlog, ay huwag mong kukunin ang inahin na kasama ng mga inakay: 005 DEU 022 007 Sa anomang paraan, ay iyong pawawalan ang inahin, nguni't ang inakay ay makukuha mong sa iyo; upang ikabuti mo at upang tumagal ang iyong mga araw. 005 DEU 022 008 Pagka ikaw ay magtatayo ng isang bagong bahay, ay igagawa mo nga ng isang halang ang iyong bubungan, upang huwag kang magtaglay ng sala ng dugo sa iyong bahay, kung ang sinomang tao ay mahulog mula roon. 005 DEU 022 009 Huwag mong tatamnan ang iyong ubasan ng dalawang magkaibang binhi: baka ang buong bunga ay masira, ang binhi na iyong inihasik at ang bunga ng ubasan. 005 DEU 022 010 Huwag kang mag-aararo na may isang baka at isang asno na magkatuwang. 005 DEU 022 011 Huwag kang magbibihis ng magkahalong kayo, ng lana at lino na magkasama. 005 DEU 022 012 Gagawa ka sa iyo ng mga tirintas sa apat na laylayan ng iyong balabal, na ipinangbabalabal mo sa iyo. 005 DEU 022 013 Kung ang sinoman ay magasawa, at sumiping sa kaniya, at kaniyang kapootan siya, 005 DEU 022 014 At kaniyang bintangan ng mga kahiyahiyang bagay, at ikalat ang isang masamang dangal niya, at sabihin, Aking kinuha ang babaing ito, at nang sipingan ko siya, ay hindi ko nasumpungan sa kaniya ang mga tanda ng pagka donselya: 005 DEU 022 015 Kung magkagayo'y ang ama ng dalaga at ang kaniyang ina ay kukuha at maglalabas ng mga tanda ng pagka donselya ng dalaga sa harap ng mga matanda sa bayan, sa pintuang-bayan; 005 DEU 022 016 At sasabihin ng ama ng dalaga sa mga matanda, Ibinigay ko ang aking anak sa lalaking ito na maging asawa at kaniyang kinapootan siya; 005 DEU 022 017 At, narito, kaniyang binibintangan ng mga kahiyahiyang bagay, na sinasabi, Hindi ko nasumpungan sa iyong anak ang mga tanda ng pagka donselya: at gayon ma'y ito ang mga tanda ng pagka donselya ng aking anak. At kanilang ilaladlad ang kasuutan sa harap ng matatanda sa bayan. 005 DEU 022 018 At kukunin ng mga matanda sa bayang yaon ang lalake at parurusahan siya; 005 DEU 022 019 At kanilang sisingilin siya ng isang daang siklong pilak at ibibigay sa ama ng dalaga sapagka't kaniyang ikinalat ang isang masamang dangal ng isang donselya sa Israel: at siya'y magiging kaniyang asawa; hindi niya mapalalayas siya sa lahat ng kaniyang kaarawan. 005 DEU 022 020 Nguni't kung ang bagay na ito ay totoo na ang mga tanda ng pagka donselya ay hindi masumpungan sa dalaga; 005 DEU 022 021 Ay kanila ngang ilalabas ang dalaga sa pintuan ng bahay ng kaniyang ama, at babatuhin siya ng mga bato, ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya'y mamatay: sapagka't nagkasala siya ng kaululan sa Israel, na nagpatutot sa bahay ng kaniyang ama: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo. 005 DEU 022 022 Kung ang isang lalake ay masumpungan, na sumisiping sa isang babaing may asawa, ay kapuwa nga sila papatayin, ang lalake na sumiping sa babae, at ang babae: gayon mo aalisin ang kasamaan sa Israel. 005 DEU 022 023 Kung ang isang dalagang magaasawa sa isang lalake, at masumpungan siya ng isang lalake sa bayan, at sumiping sa kaniya; 005 DEU 022 024 Ay inyo ngang ilalabas kapuwa sila sa pintuan ng bayang yaon, at inyong babatuhin sila ng mga bato upang sila'y mamatay; ang babae, sapagka't di siya sumigaw, ay nasa bayan; at ang lalake, sapagka't pinangayupapa ang asawa ng kaniyang kapuwa: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo. 005 DEU 022 025 Nguni't kung masumpungan sa parang ng lalake ang isang dalagang magaasawa, at dahasin ng lalake siya, at sumiping sa kaniya; ang lalake nga lamang na sumiping sa kaniya ang papatayin: 005 DEU 022 026 Nguni't sa babae ay huwag kang gagawa ng anoman, wala sa babaing yaon ang anomang kasalanang marapat ikamatay: sapagka't gaya ng kung ang isang lalake ay bumabangon laban sa kaniyang kapuwa, at pinapatay niya siya, ay gayon din ang bagay na ito: 005 DEU 022 027 Sapagka't nasumpungan niya siya sa parang, ang dalagang magaasawa ay sumigaw, at walang magligtas sa kaniya. 005 DEU 022 028 Kung masumpungan ng isang lalake ang isang dalagang donselya na hindi pa naipangangako, at ihiga niya siya, at sipingan niya siya, at sila'y masumpungan; 005 DEU 022 029 Ang lalake nga na sumiping sa kaniya ay magbibigay sa ama ng babae ng limang pung siklong pilak, at siya'y magiging kaniyang asawa, sapagka't kaniyang pinangayupapa siya; hindi niya mapalalayas sa lahat ng kaniyang kaarawan. 005 DEU 022 030 Huwag kukunin ng isang lalake ang asawa ng kaniyang ama, at huwag ililitaw ang balabal ng kaniyang ama. 005 DEU 023 001 Ang nasaktan sa mga iklog, o ang may lihim na sangkap na putol ng katawan ay hindi makapapasok sa kapisanan ng Panginoon. 005 DEU 023 002 Isang anak sa ligaw ay huwag papasok sa kapisanan ng Panginoon; hanggang sa ikasangpung salin ng lahi ay walang sa kaniya'y makapapasok sa kapisanan ng Panginoon. 005 DEU 023 003 Huwag papasok ang isang Ammonita o Moabita sa kapulungan ng Panginoon; hanggang sa ikasangpung salin ng lahi ay walang nauukol sa kanila na makapapasok magpakailan man sa kapisanan ng Panginoon: 005 DEU 023 004 Sapagka't hindi kayo sinalubong nila ng tinapay at ng tubig sa daan, nang kayo'y umalis sa Egipto; at sapagka't kanilang inupahan laban sa iyo si Balaam na anak ni Beor mula sa Pethor ng Mesopotamia upang sumpain ka. 005 DEU 023 005 Gayon ma'y hindi dininig ng Panginoon mong Dios si Balaam; kundi pinapaging pagpapala ng Panginoon mong Dios, ang sumpa sa iyo; sapagka't iniibig ka ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 023 006 Huwag mong hahanapin ang kanilang kapayapaan o ang kanilang ikasusulong sa lahat ng iyong araw magpakailan man. 005 DEU 023 007 Huwag mong kasusuklaman ang Idumeo; sapagka't siya'y iyong kapatid: huwag mong kasusuklaman ang taga Egipto; sapagka't ikaw ay nakipamayan sa kaniyang lupain. 005 DEU 023 008 Ang mga anak ng ikatlong salin ng lahi nila na ipinanganak sa kanila ay makapapasok sa kapisanan ng Panginoon. 005 DEU 023 009 Pagka ikaw ay lalabas sa kampamento laban sa iyong mga kaaway, ay magbabawa ka nga sa iyo sa bawa't masamang bagay. 005 DEU 023 010 Kung magkaroon sa iyo ng sinomang lalake, na hindi malinis dahil sa anomang nangyari sa kaniya ng kinagabihan, ay lalabas nga sa kampamento, hindi siya papasok sa kampamento: 005 DEU 023 011 Nguni't mangyayari kinahapunan, na siya'y maliligo sa tubig: at pagka ang araw ay nakalubog na, ay papasok siya sa kampamento. 005 DEU 023 012 Ikaw ay magkakaroon naman, ng isang pook sa labas ng kampamento, na iyong lalabasan: 005 DEU 023 013 At ikaw ay magkakaroon din ng isang pala sa kasamahan ng iyong mga kasangkapan; at mangyayari, na pagka ikaw ay palilikod sa labas ay huhukay ka, at ikaw ay babalik at tatabunan mo ang ipinalikod mo: 005 DEU 023 014 Sapagka't ang Panginoon mong Dios ay lumalakad sa gitna ng iyong kampamento, upang iligtas ka, at ibigay ang iyong mga kaaway sa harap mo; kaya't ang iyong kampamento ay magiging banal: upang huwag siyang makakita ng anomang maruming bagay sa iyo, at baka humiwalay sa iyo. 005 DEU 023 015 Huwag mong ibibigay sa kaniyang panginoon ang isang aliping nagtanan sa kaniyang panginoon na napasa iyo: 005 DEU 023 016 Siya'y tatahang kasama mo, sa gitna mo, sa dakong kaniyang pipiliin sa loob ng isa sa iyong mga pintuang-daan na kaniyang magalingin: huwag mo siyang pipighatiin. 005 DEU 023 017 Huwag kang magkakaroon ng masamang babae sa mga anak ng Israel, ni magkakaroon ng sodomita sa mga anak ng Israel. 005 DEU 023 018 Huwag mong dadalhin ang bayad sa isang masamang babae, o ang kaupahan sa isang aso, sa bahay ng Panginoon mong Dios sa anomang panata: sapagka't ang mga ito ay kapuwa karumaldumal sa Panginoon mong Dios. 005 DEU 023 019 Huwag kang magpapahiram na may tubo sa iyong kapatid; tubo ng salapi, tubo ng kakanin, tubo ng anomang bagay na ipinahihiram na may tubo: 005 DEU 023 020 Sa isang taga ibang lupa ay makapagpapahiram ka na may tubo; nguni't sa iyong kapatid ay huwag kang magpapahiram na may tubo: upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng pagpapatungan mo ng iyong kamay, sa lupain na iyong pinapasok upang ariin. 005 DEU 023 021 Pagka ikaw ay magpapanata ng isang panata sa Panginoon mong Dios, ay huwag kang magluluwat ng pagtupad: sapagka't walang pagsalang uusisain sa iyo ng Panginoon mong Dios; at magiging kasalanan sa iyo. 005 DEU 023 022 Nguni't kung ikaw ay magbawang manata, ay hindi magiging kasalanan, sa iyo: 005 DEU 023 023 Ang nabuka sa iyong mga labi ay iyong gaganapin at gagawin; ayon sa iyong ipinanata sa Panginoon mong Dios, na isang kusang handog, na ipinangako mo ng iyong bibig. 005 DEU 023 024 Pagka ikaw ay pumasok sa ubasan ng iyong kapuwa, ay makakakain ka nga ng mga ubas sa iyong kagustuhan hanggang sa ikaw ay mabusog; nguni't huwag kang maglalagay sa iyong sisidlan. 005 DEU 023 025 Pagka ikaw ay pumasok sa nangakatayong trigo ng iyong kapuwa, ay makikitil mo nga ng iyong kamay ang mga uhay; nguni't huwag mong gagalawin ng karit ang nakatayong trigo ng iyong kapuwa. 005 DEU 024 001 Pagka ang isang lalake ay kumuha ng isang babae at pinakasalan, ay mangyayari nga, na kung ang babae ay hindi kalugdan ng kaniyang mga mata, sapagka't kinasumpungan niya ng isang kahiyahiyang bagay, ay lalagda siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibibigay niya sa kaniyang kamay, at papagpapaalamin niya siya sa kaniyang bahay. 005 DEU 024 002 At pagkaalis niya sa bahay ng lalake, ay makayayaon siya at makapagaasawa sa ibang lalake. 005 DEU 024 003 At kung kapootan siya ng huling asawa, at lagdaan siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibigay sa kaniyang kamay, at papagpaalamin siya sa kaniyang bahay; o kung mamatay ang huling asawa, na kumuha sa kaniya upang maging asawa niya; 005 DEU 024 004 Hindi na siya makukuhang muling maging asawa ng kaniyang unang asawa na humiwalay sa kaniya, pagkatapos na kaniyang mapangayupapa siya; sapagka't yao'y karumaldumal sa harap ng Panginoon: at huwag mong papagkakasalahin ang lupain na ibinibigay na pinakamana sa iyo ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 024 005 Pagka ang isang lalake ay bagong kasal, ay huwag lalabas na sasama sa hukbo ni mamamahala ng anomang katungkulan; siya'y magiging laya sa bahay na isang taon at kaniyang pasasayahin ang kaniyang asawa na kaniyang kinuha. 005 DEU 024 006 Walang taong kukuha ng gilingan o ng batong nasa itaas ng gilingan na pinakasangla: sapagka't parang kaniyang kinuhang pinakasangla ang buhay ng tao. 005 DEU 024 007 Kung ang sinoman ay masumpungang nagnanakaw ng sinoman sa kaniyang mga kapatid, sa mga anak ni Israel, at kaniyang inalipin siya, o ipinagbili siya; ang magnanakaw ngang yaon ay papatayin: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo. 005 DEU 024 008 Magingat ka sa salot na ketong, na iyong isagawang masikap at gawin ang ayon sa lahat na ituturo sa iyo ng mga saserdote na mga Levita: kung paanong iniutos ko sa kanila ay gayon mo isasagawa. 005 DEU 024 009 Alalahanin mo ang ginawa ng Panginoon mong Dios kay Miriam sa daan nang kayo'y lumalabas sa Egipto. 005 DEU 024 010 Pagka ikaw ay magpapahiram sa iyong kapuwa ng anomang bagay na hiram, ay huwag kang papasok sa kaniyang bahay upang kumuha ng kaniyang sangla. 005 DEU 024 011 Ikaw ay tatayo sa labas, at ang taong iyong pinahihiram ay maglalabas ng sangla sa iyo. 005 DEU 024 012 At kung siya'y taong mahirap ay huwag kang matutulog na may sangla niya: 005 DEU 024 013 Iyo ngang isasauli sa kaniya ang sangla paglubog ng araw, upang siya'y matulog sa kaniyang damit, at pagpalain ka: at magiging katuwiran mo sa harap ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 024 014 Huwag mong pipighatiin ang isang nagpapaupang dukha at salat, maging siya'y sa iyong mga kapatid, o sa mga iyong taga ibang bayan na nangasa iyong bayan sa loob ng iyong mga pintuang-daan: 005 DEU 024 015 Sa kaniyang kaarawan ay ibibigay mo sa kaniya ang kaniyang kaupahan, ni huwag lulubugan ng araw (sapagka't siya'y mahirap, at siyang inaasahan ng kaniyang puso); baka siya'y dumaing sa Panginoon laban sa iyo at maging kasalanan sa iyo. 005 DEU 024 016 Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan. 005 DEU 024 017 Huwag mong ililiko ang matuwid ng taga ibang bayan, ni ng ulila; ni huwag mong kukuning sangla ang damit ng babaing bao: 005 DEU 024 018 Kundi aalalahanin mo na ikaw ay naging alipin sa Egipto, at tinubos ka ng Panginoon mong Dios mula roon: kaya't iniuutos ko sa iyong gawin mo ang bagay na ito. 005 DEU 024 019 Pagka iyong aanihin ang iyong ani sa bukid, at nakalimot ka ng isang bigkis sa bukid, ay huwag mong pagbabalikang kunin: magiging sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao: upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay. 005 DEU 024 020 Pagka iyong papaspasan ang iyong puno ng olibo, ay huwag mong pagbabalikan ang mga nalagpasan; magiging sa taga ibang bayan, sa ulila, at sa babaing bao. 005 DEU 024 021 Pagka ikaw ay namimitas sa iyong ubasan, ay huwag mong pupulutin ang nasa likuran mo; magiging sa taga ibang bayan, sa ulila, at sa babaing bao. 005 DEU 024 022 At iyong aalalahanin na naging alipin ka sa lupain ng Egipto: kaya't iniuutos ko sa iyong gawin ang bagay na ito. 005 DEU 025 001 Kung magkaroon ng pagkakaalit ang mga tao, at sila'y dumating sa hukuman, at sila'y hatulan ng mga hukom; ay kanila ngang mamatuwirin ang may matuwid at hahatulan ang salarin: 005 DEU 025 002 At mangyayari, na kung ang salarin ay marapat paluin, ay padadapain siya ng hukom sa lupa, at papaluin sa kaniyang harap, ayon sa kaniyang sala na may bilang, 005 DEU 025 003 Apat na pung palo ang maibibigay niya sa kaniya, huwag niyang lalagpasan: baka kung siya'y lumagpas, at paluin niya ng higit sa mga ito ng maraming palo, ay maging hamak nga sa iyo ang iyong kapatid. 005 DEU 025 004 Huwag mong lalagyan ng pugong ang baka pagka gumigiik. 005 DEU 025 005 Kung ang magkapatid ay tumahang magkasama, at isa sa kanila'y mamatay, at walang anak, ang asawa ng patay ay huwag magaasawa ng iba sa labas: ang kapatid ng kaniyang asawa ay sisiping sa kaniya, at kukunin siya niyang asawa, at tutuparin sa kaniya ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa. 005 DEU 025 006 At mangyayari, na ang panganay na kaniyang ipanganganak ay hahalili sa pangalan ng kaniyang kapatid na namatay, upang ang kaniyang pangalan ay huwag mapawi sa Israel. 005 DEU 025 007 At kung ayaw kunin ng lalake ang asawa ng kaniyang kapatid, ay sasampa nga ang asawa ng kaniyang kapatid sa pintuang-bayan sa mga matanda, at sasabihin, Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging itindig ang pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel; ayaw niyang tuparin sa akin ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa. 005 DEU 025 008 Kung magkagayo'y tatawagin siya ng mga matanda sa kaniyang bayan at pangungusapan siya: at kung siya'y tumayo at sabihin niya, Ayaw kong kunin siya; 005 DEU 025 009 Ang asawa nga ng kapatid ay paroroon sa kaniya sa harap ng mga matanda at huhubarin ang panyapak niya sa kaniyang mga paa, at luluran siya sa mukha; at siya'y sasagot at sasabihin, Ganyan ang gagawin sa lalake, na ayaw magtayo ng sangbahayan ng kaniyang kapatid. 005 DEU 025 010 At ang kaniyang pangala'y tatawagin sa Israel, Ang bahay ng hinubaran ng panyapak. 005 DEU 025 011 Pag may dalawang lalaking nag-away, at ang asawa ng isa ay lumapit upang iligtas ang kaniyang asawa sa kamay ng nananakit sa kaniya, at iniunat niya ang kaniyang kamay at hinawakan niya ang mga sangkap na lihim: 005 DEU 025 012 Ay iyo ngang puputulin ang kaniyang kamay; ang iyong mata'y huwag manghihinayang. 005 DEU 025 013 Huwag kang magkakaroon sa iyong supot ng iba't ibang panimbang, ng isang malaki at ng isang maliit. 005 DEU 025 014 Huwag kang magkakaroon sa iyong bahay ng iba't ibang takalan, ng isang malaki at ng isang maliit. 005 DEU 025 015 Isang tunay at tapat na takalan magkakaroon ka; isang tunay at tapat na takalan magkakaroon ka: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 025 016 Sapagka't yaong lahat na gumagawa ng gayong mga bagay, sa makatuwid baga'y yaong lahat ng gumagawa ng di matuwid ay kasuklamsuklam sa Panginoon mong Dios. 005 DEU 025 017 Alalahanin mo ang ginawa sa iyo ng Amalec sa daan nang ikaw ay lumabas sa Egipto; 005 DEU 025 018 Na kung paanong sinalubong ka niya sa daan, at sinaktan niya ang mga kahulihulihan sa iyo, yaong lahat na mahina sa hulihan mo, nang ikaw ay pagod at pagal; at siya'y hindi natakot sa Dios. 005 DEU 025 019 Kaya't mangyayari, na pagka binigyan ka ng Panginoon mong Dios ng kapahingahan sa lahat ng iyong mga kaaway sa palibot, sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana upang ariin, ay iyong papawiin ang pagalaala sa Amalec sa silong ng langit; huwag mong lilimutin. 005 DEU 026 001 At mangyayari, pagka nakapasok ka sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana, at iyong inaari, at iyong tinatahanan; 005 DEU 026 002 Na iyong kukunin ang mga una sa lahat ng bunga ng lupain, na iyong mga pipitasin sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios: at iyong isisilid sa isang buslo, at ikaw ay paroroon sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, na patatahanan sa kaniyang pangalan: 005 DEU 026 003 At paroroon ka sa saserdote sa mga araw na yaon, at sasabihin mo sa kaniya, Aking ipinahahayag sa araw na ito sa Panginoon mong Dios, na ako'y nasok sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa aming mga magulang, upang ibigay sa amin. 005 DEU 026 004 At kukunin ng saserdote ang buslo sa iyong kamay at ilalagay sa harap ng dambana ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 026 005 At ikaw ay sasagot, at magsasabi sa harap ng Panginoon mong Dios, Isang taga Siria na kamunti nang mamatay ang aking ama; siyang bumaba sa Egipto, at nakipamayan doon, na kaunti sa bilang; at doo'y naging isang bansang malaki, makapangyarihan, at makapal: 005 DEU 026 006 At kami ay tinampalasan ng mga taga Egipto, at pinighati kami at inatangan kami ng isang mabigat na pagkaalipin: 005 DEU 026 007 At kami ay dumaing sa Panginoon, sa Dios ng aming mga magulang at dininig ng Panginoon ang aming tinig, at nakita ang aming kadalamhatian, at ang aming gawa, at ang aming kapighatian; 005 DEU 026 008 At inilabas kami ng Panginoon sa Egipto ng kamay na makapangyarihan, at ng unat na bisig, at ng malaking kakilabutan, at ng mga tanda, at ng mga kababalaghan: 005 DEU 026 009 At kaniyang dinala kami sa lupaing ito, at ibinigay sa amin ang lupaing binubukalan ng gatas at pulot. 005 DEU 026 010 At ngayon, narito, aking dala ang mga una sa bunga ng lupa, na ibinigay mo sa akin, Oh Panginoon. At iyong ilalapag sa harap ng Panginoon mong Dios, at sasamba ka sa harap ng Panginoon mong Dios: 005 DEU 026 011 At magagalak ka sa lahat ng magaling na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at sa iyong sangbahayan, ikaw, at ang Levita, at ang taga ibang lupa na nasa gitna mo. 005 DEU 026 012 Pagkatapos mo ng pagbibigay ng buong ikasangpung bahagi ng iyong pakinabang sa ikatlong taon, na siyang taon ng pagbibigay ng ikasangpung bahagi, ay magbibigay ka nga rin sa Levita, sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao, upang sila'y makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan, at mabusog; 005 DEU 026 013 At iyong sasabihin sa harap ng Panginoon mong Dios, Aking inalis ang mga pinapaging banal na bagay sa aking bahay, at akin ding ibinigay sa Levita, at sa taga ibang lupa, sa ulila at sa babaing bao, ayon sa iyong madlang utos na iyong iniutos sa akin: hindi ko sinalangsang ang anoman sa iyong mga utos, ni kinalimutan ko: 005 DEU 026 014 Hindi ko kinain sa aking pagluluksa, ni inilabas ko nang ako'y marumi, ni ibinigay ko upang gamitin sa patay: aking dininig ang tinig ng Panginoon kong Dios; aking ginawa ayon sa buong iniutos mo sa akin. 005 DEU 026 015 Tumungo ka mula sa iyong banal na tahanan, mula sa langit, at pagpalain mo ang iyong bayang Israel, at ang lupa na iyong ibinigay sa amin, gaya ng iyong isinumpa sa aming mga magulang, na isang lupang binubukalan ng gatas at pulot. 005 DEU 026 016 Sa araw na ito ay iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Dios, na tuparin mo ang mga palatuntunan at mga hatol na ito: iyo ngang gaganapin at tutuparin ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa. 005 DEU 026 017 Iyong ipinahayag sa araw na ito na ang Panginoo'y iyong Dios, at ikaw ay lalakad sa kaniyang mga daan, at iyong gaganapin ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga hatol, at iyong didinggin ang kaniyang tinig: 005 DEU 026 018 At inihayag ka ng Panginoon sa araw na ito, na maging isang bayan sa kaniyang sariling pag-aari, gaya ng ipinangako niya sa iyo, upang iyong ganapin ang lahat ng kaniyang utos; 005 DEU 026 019 At upang itaas ka sa lahat ng bansa na kaniyang nilikha, sa ikapupuri, at sa ikababantog, at sa ikararangal; at upang ikaw ay maging isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, gaya ng kaniyang sinabi. 005 DEU 027 001 At si Moises at ang mga matanda sa Israel ay nagutos sa bayan, na sinasabi, Ganapin mo ang lahat ng utos na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito. 005 DEU 027 002 At mangyayaring sa araw na iyong tatawirin ang Jordan na patungo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay maglalagay ka ng malalaking bato, at iyong tatapalan ng argamasa; 005 DEU 027 003 At iyong isusulat sa mga ito ang lahat ng mga salita ng kautusang ito, pagka iyong naraanan; upang iyong mapasok ang lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, na isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot, na gaya ng ipinangako sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang. 005 DEU 027 004 At mangyayari na pagtawid mo ng Jordan, na iyong ilalagay ang mga batong ito, na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito, sa bundok ng Ebal, at iyong tatapalan ng argamasa. 005 DEU 027 005 At doo'y magtatayo ka ng isang dambana sa Panginoon mong Dios, ng isang dambana na mga bato; huwag mong pagbubuhatan ang mga ito ng kasangkapang bakal. 005 DEU 027 006 Iyong itatayo na buong bato ang dambana ng Panginoon mong Dios, at maghahandog ka roon ng mga handog na susunugin, sa Panginoon mong Dios. 005 DEU 027 007 At ikaw ay maghahain ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at iyong kakanin doon; at ikaw ay magagalak sa harap ng Panginoon mong Dios; 005 DEU 027 008 At iyong isusulat na malinaw sa mga batong yaon, ang lahat ng mga salita ng kautusang ito. 005 DEU 027 009 At si Moises at ang mga saserdote na ang mga Levita ay nagsalita sa buong Israel, na sinasabi, Tumahimik ka at dinggin mo, Oh Israel; sa araw na ito ay naging bayan ka ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 027 010 Iyo ngang susundin ang tinig ng Panginoon mong Dios, at tutuparin mo ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito. 005 DEU 027 011 At ibinilin ni Moises sa bayan nang araw ding yaon, na sinasabi, 005 DEU 027 012 Ang mga ito'y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Gerizim, upang basbasan ang bayan, pagka inyong naraanan na ang Jordan; ang Simeon, at ang Levi, at ang Juda, at ang Issachar at ang Jose, at ang Benjamin: 005 DEU 027 013 At ang mga ito'y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Ebal upang sumumpa; ang Ruben, ang Gad, at ang Aser, at ang Zabulon, ang Dan, at ang Nephtali. 005 DEU 027 014 At ang mga Levita ay sasagot, at magsasabi ng malakas na tinig sa lahat ng mga lalake sa Israel. 005 DEU 027 015 Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng mga kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim. At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa. 005 DEU 027 016 Sumpain yaong sumira ng puri sa kaniyang ama o sa kaniyang ina. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 005 DEU 027 017 Sumpain yaong bumago ng muhon ng kaniyang kapuwa. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 005 DEU 027 018 Sumpain yaong magligaw ng bulag sa daan. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 005 DEU 027 019 Sumpain yaong magliko ng matuwid ng taga ibang bayan, ng ulila at ng babaing bao. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 005 DEU 027 020 Sumpain yaong sumiping sa asawa ng kaniyang ama; sapagka't kaniyang inilitaw ang balabal ng kaniyang ama. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 005 DEU 027 021 Sumpain yaong sumiping sa alinmang hayop. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 005 DEU 027 022 Sumpain yaong sumiping sa kaniyang kapatid na babae, sa anak ng kaniyang ama, o sa anak na babae ng kaniyang ina. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 005 DEU 027 023 Sumpain yaong sumiping sa kaniyang biyanan. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 005 DEU 027 024 Sumpain yaong sumakit ng lihim sa kaniyang kapuwa. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 005 DEU 027 025 Sumpain yaong tumanggap ng suhol upang pumatay ng isang taong walang sala. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 005 DEU 027 026 Sumpain yaong hindi umayon sa mga salita ng kautusang ito upang gawin. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 005 DEU 028 001 At mangyayaring kung iyong didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang isagawa ang lahat niyang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bansa sa lupa: 005 DEU 028 002 At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 028 003 Magiging mapalad ka sa bayan, at magiging mapalad ka sa parang. 005 DEU 028 004 Magiging mapalad ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, at ang bunga ng iyong mga hayop, ang karagdagan sa iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan. 005 DEU 028 005 Magiging mapalad ang iyong buslo at ang iyong palayok. 005 DEU 028 006 Magiging mapalad ka sa iyong pagpasok, at magiging mapalad ka sa iyong paglabas. 005 DEU 028 007 Pasasaktan ng Panginoon sa harap mo ang iyong mga kaaway na nagbabangon laban sa iyo: sila'y lalabas laban sa iyo sa isang daan at tatakas sa harap mo sa pitong daan. 005 DEU 028 008 Igagawad sa iyo ng Panginoon ang kaniyang pagpapala sa iyong mga kamalig, at sa lahat ng pagpatungan mo ng iyong kamay at pagpapalain ka niya sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 028 009 Itatatag ka ng Panginoon na isang banal na bayan sa kaniya, gaya ng kaniyang isinumpa sa iyo; kung iyong gaganapin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, at lalakad ka sa kaniyang mga daan. 005 DEU 028 010 At makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa, na ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon at sila'y matatakot sa iyo. 005 DEU 028 011 At ikaw ay pasasaganain ng Panginoon, sa ikabubuti mo, sa bunga ng iyong katawan, at sa bunga ng iyong mga hayop, at sa bunga ng iyong lupa, sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang upang ibigay sa iyo. 005 DEU 028 012 Bubuksan ng Panginoon sa iyo ang kaniyang mabuting kayamanan, ang langit, upang ibigay ang ulan sa iyong lupain sa kapanahunan, at upang pagpalain ang buong gawa ng iyong kamay; at ikaw ay magpapahiram sa maraming bansa, at ikaw ay hindi hihiram. 005 DEU 028 013 At gagawin ka ng Panginoon na ulo at hindi buntot, at ikaw ay magiging sa ibabaw lamang, at hindi ka mapapasailalim; kung iyong didinggin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na iyong sundin at gawin; 005 DEU 028 014 At huwag kang lilihis sa anoman sa mga salita na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, sa kanan o sa kaliwa, upang sumunod sa ibang mga dios na paglilingkuran sila. 005 DEU 028 015 Nguni't mangyayari, na kung hindi mo didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios, na isasagawa ang lahat ng kaniyang mga utos at ang kaniyang palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ang lahat ng sumpang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo. 005 DEU 028 016 Susumpain ka sa bayan, at susumpain ka sa parang. 005 DEU 028 017 Susumpain ang iyong buslo at ang iyong palayok. 005 DEU 028 018 Susumpain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang karagdagan ng iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan. 005 DEU 028 019 Susumpain ka sa iyong pagpasok, at susumpain ka sa iyong paglabas. 005 DEU 028 020 Ibubugso ng Panginoon sa iyo ang sumpa, ang kalituhan, at ang saway, sa lahat ng pagpapatungan ng iyong kamay na iyong gagawin, hanggang sa ikaw ay mabuwal, at hanggang sa ikaw ay malipol na madali; dahil sa kasamaan ng iyong mga gawa, na sa gayo'y pinabayaan mo ako. 005 DEU 028 021 Ikakapit sa iyo ng Panginoon ang salot hanggang sa maubos ka sa lupa, na iyong pinapasok upang ariin. 005 DEU 028 022 Sasalutin ka ng Panginoon ng sakit na tuyo, at ng lagnat, at ng pamamaga, at ng nagaapoy na init, at ng tabak, at ng salot ng hangin, at ng sakit sa pagani; at kanilang hahabulin ka hanggang sa ikaw ay malipol. 005 DEU 028 023 At ang iyong langit na nasa itaas ng iyong ulo, ay magiging tanso, at ang lupa na nasa ilalim mo ay magiging bakal. 005 DEU 028 024 Ang ipauulan ng Panginoon sa iyong lupa ay abo at alabok; mula sa langit ay bababa sa iyo, hanggang sa ikaw ay magiba. 005 DEU 028 025 Pasasaktan ka ng Panginoon sa harap ng iyong mga kaaway; ikaw ay lalabas sa isang daan laban sa kanila, at tatakas sa pitong daan sa harap nila: at ikaw ay papagpaparoo't parituhin sa lahat ng mga kaharian sa lupa. 005 DEU 028 026 At ang iyong bangkay ay magiging pagkain sa lahat ng mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa; at walang taong bubugaw sa kanila. 005 DEU 028 027 Sasalutin ka ng Panginoon ng bukol sa Egipto, at ng mga grano, at ng kati, at ng galis, na hindi mapagagaling. 005 DEU 028 028 Sasaktan ka ng Panginoon ng pagkaulol, at ng pagkabulag, at ng pagkagulat ng puso; 005 DEU 028 029 At ikaw ay magaapuhap sa katanghaliang tapat na gaya ng bulag na nagaapuhap sa kadiliman, at hindi ka giginhawa sa iyong mga lakad: at ikaw ay mapipighati at sasamsaman kailan man, at walang taong magliligtas sa iyo. 005 DEU 028 030 Ikaw ay magaasawa, at ibang lalake ang sisiping sa kaniya: ikaw ay magtatayo ng isang bahay, at hindi mo tatahanan: ikaw ay maguubasan, at hindi mo mapapakinabangan ang bunga niyaon. 005 DEU 028 031 Ang iyong baka ay papatayin sa harap ng iyong mga mata, at hindi mo makakain yaon; ang iyong asno ay aagawin sa harap ng iyong mukha, at hindi na masasauli sa iyo: ang iyong tupa ay mabibigay sa iyong mga kaaway, at walang magliligtas sa iyo. 005 DEU 028 032 Ang iyong mga anak na lalake at babae ay magbibigay sa ibang bayan; at ang iyong mga mata ay titingin, at mangangalay ng paghihintay sa kanila sa buong araw: at ang iyong kamay ay walang magagawa. 005 DEU 028 033 Ang bunga ng iyong lupa, at lahat ng iyong gawa ay kakanin ng bansang di mo nakikilala; at ikaw ay mapipighati at magigipit na palagi: 005 DEU 028 034 Na anopa't ikaw ay mauulol dahil sa makikita ng paningin ng iyong mga mata. 005 DEU 028 035 Sasaktan ka ng Panginoon sa mga tuhod at sa mga hita, ng isang masamang bukol na hindi mo mapagagaling, mula sa talampakan ng iyong paa hanggang sa bao ng iyong ulo. 005 DEU 028 036 Dadalhin ka ng Panginoon, at ang iyong haring ilalagay mo sa iyo, sa isang bansang hindi mo nakilala, ninyo ng iyong mga magulang at doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na kahoy at bato. 005 DEU 028 037 At ikaw ay magiging isang kamanghaan, isang kawikaan, at isang kabiruan sa lahat ng bayang pagdadalhan sa iyo ng Panginoon. 005 DEU 028 038 Kukuha ka ng maraming binhi sa bukid, at kaunti ang iyong titipunin; sapagka't uubusin ng balang. 005 DEU 028 039 Ikaw ay maguubasan at iyong aalagaan, nguni't ni hindi ka iinom ng alak, ni mamimitas ng ubas; sapagka't kakanin yaon ng uod. 005 DEU 028 040 Magkakaroon ka ng mga puno ng olibo sa lahat ng iyong mga hangganan, nguni't hindi ka magpapahid ng langis; sapagka't ang iyong olibo ay malalagasan ng buko. 005 DEU 028 041 Ikaw ay magkakaanak ng mga lalake at mga babae, nguni't sila'y hindi magiging iyo; sapagka't sila'y yayaon sa pagkabihag. 005 DEU 028 042 Lahat ng iyong puno ng kahoy at bunga ng iyong lupa ay aariin ng balang. 005 DEU 028 043 Ang taga ibang lupa na nasa gitna mo ay tataas ng higit at higit sa iyo, at ikaw ay pababa ng pababa ng pababa. 005 DEU 028 044 Siya'y magpapahiram sa iyo, at ikaw ay hindi makapagpapahiram sa kaniya: siya'y magiging ulo, at ikaw ay magiging buntot. 005 DEU 028 045 At lahat ng mga sumpang ito ay darating sa iyo at hahabulin ka, at aabutan ka, hanggang sa magiba ka; sapagka't hindi mo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na kaniyang iniutos sa iyo: 005 DEU 028 046 At ang mga yao'y magiging isang tanda at isang kababalaghan sa iyo, at sa iyong lahi magpakailan man: 005 DEU 028 047 Sapagka't hindi ka naglingkod sa Panginoon mong Dios na may kagalakan, at may kasayahan ng puso, dahil sa kasaganaan ng lahat ng mga bagay: 005 DEU 028 048 Kaya't maglilingkod ka sa iyong mga kaaway na susuguin ng Panginoon laban sa iyo, na may gutom, at uhaw, at kahubaran, at sa kakulangan ng lahat ng mga bagay: at lalagyan ka niya ng isang pamatok na bakal sa iyong leeg hanggang sa maibuwal ka niya. 005 DEU 028 049 Magdadala ang Panginoon ng isang bansang laban sa iyo mula sa malayo, mula sa katapusan ng lupa, na gaya ng lumilipad ang aguila; isang bansang ang wika'y hindi mo nababatid; 005 DEU 028 050 Bansang mukhang mabangis, na hindi igagalang ang pagkatao ng matanda, ni magpapakundangan sa bata: 005 DEU 028 051 At kaniyang kakanin ang anak ng iyong hayop at ang bunga ng iyong lupa, hanggang sa maibuwal ka; na wala ring matitira sa iyong trigo, alak, o langis, ng karagdagan ng iyong bakahan, o ng anak ng iyong kawan, hanggang sa ikaw ay maipalipol. 005 DEU 028 052 At kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, hanggang sa ang iyong mataas at nakababakod na kuta ay malagpak, na siyang iyong inaasahan, sa iyong buong lupain; at kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan sa iyong buong lupain, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 028 053 At kakain ka ng bunga ng iyong sariling katawan, ng laman ng iyong mga anak na lalake at babae, na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, sa pagkakubkob at sa kagipitan, na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway. 005 DEU 028 054 Ang lalaking mahabagin sa gitna mo, at totoong maramdamin, ay magiging masama ang kaniyang mata sa kaniyang kapatid, at sa asawa ng kaniyang sinapupunan, at sa labis sa kaniyang mga anak na ititira: 005 DEU 028 055 Na anopa't hindi niya ibibigay sa kaninoman sa kanila ang laman ng kaniyang mga anak na kaniyang kakanin, sapagka't walang natira sa kaniya, sa pagkubkob at sa kagipitan na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan. 005 DEU 028 056 Ang mahabagin at maramdaming babae sa gitna mo, na hindi pa natitikmang itungtong ang talampakan ng kaniyang paa sa lupa dahil sa kahinhinan at pagkamahabagin, ay magiging masama ang kaniyang mata sa asawa ng kaniyang sinapupunan, at sa kaniyang anak na lalake, at babae; 005 DEU 028 057 At sa kaniyang sanggol na lumalabas sa pagitan ng kaniyang mga paa at sa kaniyang mga anak na kaniyang ipanganganak; sapagka't kaniyang kakanin ng lihim sila dahil sa kakulangan ng lahat ng mga bagay, sa pagkubkob at sa kagipitan, na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway sa iyong mga pintuang-bayan. 005 DEU 028 058 Kung hindi mo isasagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito na nasusulat sa aklat na ito, upang ikaw ay matakot dito sa maluwalhati at kakilakilabot na pangalang, Ang Panginoon Mong Dios. 005 DEU 028 059 Kung magkagayo'y gagawin ng Panginoon na kamanghamangha ang salot sa iyo, at ang salot sa iyong binhi, malaking salot, at totoong malaon, at kakilakilabot na sakit, at totoong malaon. 005 DEU 028 060 At kaniyang pararatingin uli sa iyo ang lahat ng mga sakit sa Egipto, na iyong kinatakutan at kakapit sa iyo. 005 DEU 028 061 Bawa't sakit din naman, at bawa't salot, na hindi nasusulat sa aklat ng kautusang ito'y pararatingin nga sa iyo ng Panginoon, hanggang sa ikaw ay maibuwal. 005 DEU 028 062 At kayo'y malalabing kaunti sa bilang, pagkatapos na kayo'y naging gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan; sapagka't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 028 063 At mangyayari, na kung paanong ang Panginoon ay nagagalak sa inyo na gawin kayong mabuti at paramihin kayo: ay gayon magagalak ang Panginoon sa inyo na ipalipol kayo, at ibuwal kayo; at kayo'y palalayasin sa lupa na inyong pinapasok upang ariin. 005 DEU 028 064 At pangangalatin ka ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; at doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na hindi mo nakilala, ninyo ng inyong mga magulang, sa makatuwid baga'y sa mga dios na kahoy at bato. 005 DEU 028 065 At sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa, at mawawalan ng kapahingahan ang talampakan ng iyong paa: kundi bibigyan ka ng Panginoon doon ng sikdo ng puso, at pangangalumata, at panglalambot ng kaluluwa: 005 DEU 028 066 At ang iyong buhay ay mabibitin sa pagaalinglangan sa harap mo; at ikaw ay matatakot gabi't araw, at mawawalan ng katiwalaan ang iyong buhay. 005 DEU 028 067 Sa kinaumagaha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay gumabi na! at sa kinagabiha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay umumaga na! dahil sa takot ng iyong puso na iyong ikatatakot, at dahil sa paningin ng iyong mga mata na iyong ikakikita. 005 DEU 028 068 At pababalikin ka ng Panginoon sa Egipto sa pamamagitan ng sasakyan, sa daan na aking sinabi sa iyo, Hindi mo na uli makikita; at doo'y pabibili kayo sa inyong mga kaaway na pinaka aliping lalake, at babae, at walang taong bibili sa inyo. 005 DEU 029 001 Ito ang mga salita ng tipan na iniutos ng Panginoon kay Moises na gawin sa mga anak ni Israel sa lupain ng Moab, bukod sa tipang kaniyang ginawa sa kanila sa Horeb. 005 DEU 029 002 At tinawag ni Moises ang buong Israel, at sinabi sa kanila, Inyong nakita yaong lahat na ginawa ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata sa lupain ng Egipto, kay Faraon at sa lahat ng kaniyang lingkod at kaniyang buong lupain; 005 DEU 029 003 Ang mga dakilang tukso na nakita ng iyong mga mata, ang mga tanda, at yaong mga dakilang kababalaghan: 005 DEU 029 004 Nguni't hindi kayo binigyan ng Panginoon ng pusong ikakikilala at ng mga matang ikakikita, at ng mga pakinig na ikaririnig, hanggang sa araw na ito. 005 DEU 029 005 At aking pinatnubayan kayong apat na pung taon sa ilang: ang inyong mga damit ay hindi naluma sa inyo, at ang iyong panyapak ay hindi naluma sa iyong paa. 005 DEU 029 006 Hindi kayo kumain ng tinapay, ni uminom ng alak o inuming nakalalasing: upang inyong makilala na ako ang Panginoon ninyong Dios. 005 DEU 029 007 At nang kayo'y dumating sa dakong ito, ay lumabas si Sehon na hari sa Hesbon at si Og na hari sa Basan, laban sa atin sa pakikibaka, at ating sinugatan sila; 005 DEU 029 008 At ating sinakop ang kanilang lupain at ating ibinigay na pinaka mana sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases. 005 DEU 029 009 Ganapin nga ninyo ang mga salita ng tipang ito, at inyong gawin, upang kayo'y guminhawa sa lahat ng inyong ginagawa. 005 DEU 029 010 Kayo'y tumatayong lahat sa araw na ito, sa harap ng Panginoon ninyong Dios; ang inyong mga pangulo, ang inyong mga lipi, ang inyong mga matanda, at ang inyong mga puno, sa makatuwid baga'y lahat ng mga lalake sa Israel, 005 DEU 029 011 Ang inyong mga bata, ang inyong mga asawa at ang iyong taga ibang lupa na nasa gitna ng iyong mga kampamento mula sa iyong mangangahoy hanggang sa iyong mananalok: 005 DEU 029 012 Upang ikaw ay pumasok sa tipan ng Panginoon mong Dios, at sa kaniyang sumpa na ginagawa sa iyo ng Panginoon mong Dios sa araw na ito: 005 DEU 029 013 Upang kaniyang itatag ka sa araw na ito na isang bayan, at upang siya'y maging iyong Dios, na gaya ng kaniyang sinalita sa iyo, at gaya ng kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob. 005 DEU 029 014 At hindi lamang sa inyo ginagawa ko ang tipang ito at ang sumpang ito; 005 DEU 029 015 Kundi doon sa nakatayo ritong kasama natin sa araw na ito sa harap ng Panginoon nating Dios, at gayon din sa hindi natin kasama sa araw na ito: 005 DEU 029 016 (Sapagka't talastas ninyo kung paanong tumahan tayo sa lupain ng Egipto; at kung paanong tayo'y pumasok sa gitna ng mga bansang inyong dinaanan; 005 DEU 029 017 At inyong nakita ang kanilang mga karumaldumal, at ang kanilang mga idolo, na kahoy at bato, pilak at ginto na nasa gitna nila: ) 005 DEU 029 018 Baka magkaroon sa gitna ninyo ng lalake, o babae, o angkan, o lipi, na ang puso'y humiwalay sa araw na ito, sa Panginoon nating Dios, na yumaong maglingkod sa mga dios ng mga bansang yaon; baka magkaroon sa gitna ninyo ng isang ugat na nagbubunga ng nakakalason at ng ajenjo; 005 DEU 029 019 At mangyari, na pagka kaniyang narinig ang mga salita ng sumpang ito, na kaniyang basbasan ang kaniyang sarili sa kaniyang puso, na magsabi, Ako'y magkakaroon ng kapayapaan, bagaman ako'y lumalakad sa pagmamatigas ng aking puso upang ilakip ang paglalasing sa kauhawan: 005 DEU 029 020 Ay hindi siya patatawarin ng Panginoon, kundi ang galit nga ng Panginoon at ang kaniyang paninibugho ay maguusok laban sa taong yaon, at ang lahat ng sumpa na nasusulat sa aklat na ito ay hihilig sa kaniya, at papawiin ng Panginoon ang kaniyang pangalan sa silong ng langit. 005 DEU 029 021 At ihihiwalay siya ng Panginoon sa lahat ng mga lipi sa Israel sa kasamaan, ayon sa lahat ng mga sumpa ng tipan na nasusulat sa aklat na ito ng kautusan. 005 DEU 029 022 At ang mga lahing darating, ang inyong mga anak na magsisibangon pagkamatay ninyo, at ang taga ibang bayan na magmumula sa malayong lupain, ay magsasabi, pagka nakita nila ang mga salot ng lupaing yaon, at ang sakit na inilagay ng Panginoon, na ipinagkasakit; 005 DEU 029 023 At ang buong lupaing yaon ay asupre, at asin, at sunog, na hindi nahahasikan, at walang ibubunga, ni walang tumutubong damo, na gaya ng nangyari sa pagkagiba ng Sodoma at Gomorra, Adma at Seboim, na giniba ng Panginoon sa kaniyang kagalitan at sa kaniyang maningas na pagiinit; 005 DEU 029 024 Na anopa't lahat ng mga bansa ay magsasabi, Bakit ginawa ito ng Panginoon sa lupaing ito? ano ang kahulugan ng init nitong malaking kagalitan? 005 DEU 029 025 Kung magkagayo'y sasabihin ng mga tao, Sapagka't kanilang pinabayaan ang tipan ng Panginoon, ng Dios ng kanilang mga magulang, na kaniyang ginawa sa kanila, nang kaniyang kunin sila sa lupain ng Egipto; 005 DEU 029 026 At sila'y yumaon at naglingkod sa ibang mga dios, at sinamba nila, na mga dios na hindi nila nakilala, at hindi niya ibinigay sa kanila: 005 DEU 029 027 Kaya't ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa lupaing ito, upang dalhin sa kaniya ang buong sumpa na nasusulat sa aklat na ito: 005 DEU 029 028 At sila'y binunot ng Panginoon sa kanilang lupain, sa kagalitan, at sa pagiinit, at sa malaking pagkagalit, at sila'y itinaboy sa ibang lupain gaya sa araw na ito. 005 DEU 029 029 Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Dios: nguni't ang mga bagay na hayag ay nauukol sa atin at sa ating mga anak magpakailan man, upang ating magawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito. 005 DEU 030 001 At mangyayari, na pagka ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa iyo, ang pagpapala at ang sumpa na inilagay ko sa harap mo, at iyong mga didilidilihin sa gitna ng lahat ng mga bansa na pinagtabuyan sa iyo ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 030 002 At magbabalik ka sa Panginoon mong Dios, at iyong susundin ang kaniyang tinig ayon sa lahat na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito, ninyo at ng iyong mga anak, ng iyong buong puso at ng iyong buong kaluluwa; 005 DEU 030 003 Ay babawiin nga ng Panginoon mong Dios ang iyong pagkabihag, at mahahabag sa iyo, at ibabalik, at titipunin ka sa lahat ng mga bayang pinagkalatan sa iyo ng Panginoon mong Dios. 005 DEU 030 004 Kung ang bihag sa iyo ay nasa kaduluduluhang bahagi ng langit, mula roo'y titipunin ka ng Panginoon mong Dios, at mula roo'y kukunin ka. 005 DEU 030 005 At dadalhin ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na inari ng iyong mga magulang, at iyong aariin, at gagawan ka niya ng mabuti at pararamihin ka niya ng higit kay sa iyong mga magulang. 005 DEU 030 006 At tutuliin ng Panginoon mong Dios ang iyong puso, at ang puso ng iyong binhi, upang ibigin mo ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, upang ikaw ay mabuhay. 005 DEU 030 007 At lahat ng mga sumpang ito ng Panginoon mong Dios ay isasa iyong mga kaaway at sa kanila na nangapopoot sa iyo, na nagsiusig sa iyo. 005 DEU 030 008 At ikaw ay babalik at susunod sa tinig ng Panginoon, at iyong gagawin ang lahat ng kaniyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito. 005 DEU 030 009 At pasasaganain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay, sa bunga ng iyong katawan, at sa anak ng iyong bakahan, at sa bunga ng iyong lupa, sa ikabubuti: sapagka't pagagalakin ka uli ng Panginoon, sa ikabubuti mo, gaya ng kaniyang iginalak sa iyong mga magulang: 005 DEU 030 010 Kung iyong susundin ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin mo ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na nasusulat sa aklat na ito ng kautusan; kung ikaw ay manunumbalik sa Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa. 005 DEU 030 011 Sapagka't ang utos na ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay hindi totoong mabigat sa iyo, ni malayo. 005 DEU 030 012 Wala sa langit, upang huwag mong sabihin, Sinong sasampa sa langit para sa atin, at magdadala niyaon sa atin, at magpaparinig sa atin, upang ating magawa? 005 DEU 030 013 Ni wala sa dako roon ng dagat, upang huwag mong sabihin, Sino ang daraan sa dagat para sa atin, at magdadala niyaon sa atin, at magpaparinig sa atin, upang ating magawa? 005 DEU 030 014 Kundi ang salita ay totoong malapit sa iyo, sa iyong bibig, at sa iyong puso, upang iyong magawa. 005 DEU 030 015 Tingnan mo, na inilagay ko sa harap mo sa araw na ito ang buhay at ang kabutihan, at ang kamatayan at ang kasamaan; 005 DEU 030 016 Na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito na ibigin mo ang Panginoon mong Dios, na lumakad ka sa kaniyang mga daan, at tuparin mo ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, upang ikaw ay mabuhay at dumami, at upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinapasok upang ariin. 005 DEU 030 017 Nguni't kung ang iyong puso ay lumiko, at hindi mo didinggin, kundi maliligaw ka at sasamba ka sa ibang mga Dios, at maglilingkod ka sa kanila; 005 DEU 030 018 Ay aking pinatutunayan sa inyo sa araw na ito, na kayo'y tunay na malilipol; hindi ninyo palalaunin ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain na inyong ipinagtatawid ng Jordan, upang pumasok na ariin. 005 DEU 030 019 Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na ito, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa; kaya't piliin mo ang buhay, upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi; 005 DEU 030 020 Na iyong ibigin ang Panginoon mong Dios, na sundin ang kaniyang tinig, at lumakip sa kaniya: sapagka't siya ang iyong buhay, at ang kalaunan ng iyong mga araw; upang matahanan mo ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila. 005 DEU 031 001 At si Moises ay yumaon at sinalita ang mga salitang ito sa buong Israel. 005 DEU 031 002 At kaniyang sinabi sa kanila, Ako'y may isang daan at dalawang pung taon sa araw na ito; hindi na ako makapaglalabas at pumasok; at sinabi ng Panginoon sa akin, Huwag kang tatawid sa Jordang ito. 005 DEU 031 003 Magpapauna ang Panginoon mong Dios at kaniyang lilipulin ang mga bansang ito sa harap mo, at iyong aariin: si Josue ay magpapauna sa iyo, gaya ng sinalita ng Panginoon. 005 DEU 031 004 At gagawin sa kanila ng Panginoon ang gaya ng ginawa kay Sehon, at kay Og, na mga hari ng mga Amorrheo, at sa kanilang lupain na kaniyang nilipol. 005 DEU 031 005 At ibibigay sila ng Panginoon sa harap mo, at iyong gagawin sa kanila ang ayon sa buong utos na aking iniutos sa iyo. 005 DEU 031 006 Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay siyang yumayaong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya. 005 DEU 031 007 At tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa paningin ng buong Israel, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't ikaw ay yayaong kasama ng bayang ito sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila; at iyong ipamamana sa kanila. 005 DEU 031 008 At ang Panginoon, ay siyang nagpapauna sa iyo; siya'y sasa iyo, hindi ka niya iiwan, ni pababayaan ka: ikaw ay huwag matatakot ni manglulupaypay. 005 DEU 031 009 At isinulat ni Moises ang kautusang ito, at ibinigay sa mga saserdote na mga anak ni Levi, na silang nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at sa lahat ng matanda sa Israel. 005 DEU 031 010 At iniutos sa kanila ni Moises, na sinabi, Sa katapusan ng bawa't pitong taon, sa takdang panahon ng taon ng pagtubos, sa kapistahan ng mga balag, 005 DEU 031 011 Pagdating ng buong Israel upang pakita sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong kaniyang pipiliin ay iyong babasahin ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa kanilang pakinig. 005 DEU 031 012 Pisanin mo ang bayan, ang mga lalake at mga babae at mga bata, at ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kanilang marinig, at upang kanilang pagaralan, at matakot sa Panginoon mong Dios, at isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito; 005 DEU 031 013 At upang ang kanilang mga anak, na hindi nakakilala, ay makarinig at magaral na matakot sa Panginoon ninyong Dios, habang kayo'y nabubuhay sa lupain na inyong pinaroroonan, na inyong itinatawid ng Jordan upang ariin. 005 DEU 031 014 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ang iyong mga araw na ikamamatay ay nalalapit: tawagin mo si Josue, at magsiharap kayo sa tabernakulo ng kapisanan upang siya'y aking mapagbilinan. At si Moises at si Josue ay yumaon at humarap sa tabernakulo ng kapisanan. 005 DEU 031 015 At ang Panginoon ay napakita sa Tolda, sa isang tila haliging ulap; at ang tila haliging ulap ay tumayo sa pintuan ng tabernakulo. 005 DEU 031 016 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang; at ang bayang ito'y babangon, at sasamba sa kakaibang mga dios sa lupain, na kanilang pinaroroonan upang sumagitna nila, at ako'y pababayaan, at sisirain ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanila. 005 DEU 031 017 Kung magkagayo'y ang aking galit ay magaalab laban sa kanila sa araw na yaon, at aking pababayaan sila, at aking ikukubli ang aking mukha sa kanila, at sila'y sasakmalin, at maraming kasamaan at kabagabagan ang darating sa kanila; na anopa't kanilang sasabihin sa araw na yaon, Hindi ba ang mga kasamaang ito ay dumating sa atin dahil sa ang ating Dios ay wala sa gitna natin? 005 DEU 031 018 At ikukubli ko nga ang aking mukha sa araw na yaon dahil sa buong kasamaang kanilang ginawa, sa paraang sila'y pumihit sa ibang mga dios. 005 DEU 031 019 Ngayon nga'y sulatin ninyo sa ganang inyo ang awit na ito, at ituro mo sa mga anak ni Israel: ilagay mo sa kanilang mga bibig, upang ang awit na ito'y maging saksi sa akin laban sa mga anak ni Israel. 005 DEU 031 020 Sapagka't pagka sila'y naipasok ko na sa lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, na binubukalan ng gatas at pulot, at sila'y nakakain at nabusog at tumaba; ay pipihit nga sila sa ibang mga dios, at paglilingkuran nila, at ako'y lalabagin nila, at sisirain ang aking tipan. 005 DEU 031 021 At mangyayari na pagka ang maraming kasamaan at kabagabagan ay dumating sa kanila, ay magpapatotoo ang awit na ito sa harap nila na pinakasaksi; sapagka't hindi malilimutan ng mga bibig ng kanilang binhi; sapagka't talastas ko ang kanilang iniisip na kanilang inaakala ngayon pa, bago ko sila ipasok sa lupain na isinumpa ko. 005 DEU 031 022 Kaya't isinulat ni Moises ang awit na ito nang araw ding yaon, at itinuro sa mga anak ni Israel. 005 DEU 031 023 At kaniyang pinagbilinan si Josue na anak ni Nun, at sinabi, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't iyong ipapasok ang mga anak ni Israel sa lupain na isinumpa ko sa kanila; at ako'y sasa iyo. 005 DEU 031 024 At nangyari, nang matapos ni Moises na masulat ang mga salita ng kautusang ito sa isang aklat, hanggang sa natapos, 005 DEU 031 025 Na nagutos si Moises sa mga Levita, na may dala ng kaban ng tipan ng Panginoon, na sinasabi, 005 DEU 031 026 Kunin ninyo ang aklat na ito ng kautusan at ilagay ninyo sa siping ng kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, upang doo'y maging pinakasaksi laban sa iyo. 005 DEU 031 027 Sapagka't talastas ko ang iyong panghihimagsik, at ang iyong matigas na ulo: narito, nabubuhay pa akong kasama ninyo, sa araw na ito, kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon: at gaano pa kaya pagkamatay ko? 005 DEU 031 028 Pulungin mo ang mga matanda sa iyong mga lipi at ang inyong mga pinuno upang masalita ko ang mga salitang ito sa kanilang pakinig, at matawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa kanila. 005 DEU 031 029 Sapagka't talastas ko na pagkamatay ko, kayo'y mangagsisisama at mangaliligaw sa daan na aking itinuro sa inyo; at ang kasamaan ay sasapit sa inyo sa mga huling araw; sapagka't inyong gagawin yaong masama sa paningin ng Panginoon, upang ipamungkahi niya kayo sa kagalitan sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay. 005 DEU 031 030 At sinalita ni Moises sa pakinig ng buong kapisanan ng Israel ang mga salita ng awit na ito, hanggang sa natapos. 005 DEU 032 001 Makinig kayo, mga langit, at ako'y magsasalita, At pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig. 005 DEU 032 002 Ang aking aral ay papatak na parang ulan; Ang aking salita ay bababa na parang hamog; Gaya ng ambon sa malambot na damo, At gaya ng mahinang ambon sa gugulayin: 005 DEU 032 003 Sapagka't aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon: Dakilain ninyo ang ating Dios. 005 DEU 032 004 Siya ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka't lahat niyang daan ay kahatulan: Isang Dios na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal siya. 005 DEU 032 005 Sila'y nagpakasama, sila'y hindi kaniyang mga anak, itong kanilang kapintasan; Mga tampalasan at likong lahi. 005 DEU 032 006 Ganyan ba ninyo ginaganti ang Panginoon, O mangmang na bayan at hindi pantas? Hindi ba siya ang iyong ama na tumangkilik sa iyo? Kaniyang nilalang ka, at itinatag ka. 005 DEU 032 007 Alalahanin mo ang mga araw ng una, Isipin mo ang mga taon ng lahi't lahi: Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo; Sa iyong mga matanda, at kanilang sasaysayin sa iyo. 005 DEU 032 008 Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang mana, Nang kaniyang ihiwalay ang mga anak ng tao, Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel. 005 DEU 032 009 Sapagka't ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan; Si Jacob ang bahaging mana niya. 005 DEU 032 010 Kaniyang nasumpungan sa isang ilang sa lupain, At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang; Kaniyang kinanlungan sa palibot, kaniyang nilingap, Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata: 005 DEU 032 011 Parang aguila na kumikilos ng kaniyang pugad, Na yumuyungyong sa kaniyang mga inakay, Kaniyang ibinubuka ang kaniyang mga pakpak, kaniyang kinukuha, Kaniyang dinadala sa ibabaw ng kaniyang mga pakpak: 005 DEU 032 012 Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya. 005 DEU 032 013 Ipinaari sa kaniya ang matataas na dako ng lupa, At siya'y kumain ng tubo sa bukid; At kaniyang pinahitit ng pulot na mula sa bato, At ng langis na mula sa batong pinkian; 005 DEU 032 014 Ng mantika ng baka, at gatas ng tupa, Na may taba ng mga kordero, At ng mga tupang lalake sa Basan, at mga kambing, Na may taba ng mga butil ng trigo; At sa katas ng ubas ay uminom ka ng alak. 005 DEU 032 015 Nguni't tumaba si Jeshurun, at tumutol: Ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis: Nang magkagayo'y kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya, At niwalang kabuluhan ang Bato na kaniyang kaligtasan. 005 DEU 032 016 Siya'y kinilos nila sa paninibugho sa ibang mga dios, Sa pamamagitan ng mga karumaldumal, minungkahi nila siya sa kagalitan. 005 DEU 032 017 Kanilang inihain sa mga demonio, na hindi Dios, Sa mga dios na hindi nila nakilala, Sa mga bagong dios, na kalilitaw pa lamang, Na hindi kinatakutan ng inyong mga magulang. 005 DEU 032 018 Sa Batong nanganak sa iyo, ay nagwalang bahala ka, At iyong kinalimutan ang Dios na lumalang sa iyo. 005 DEU 032 019 At nakita ng Panginoon, at kinayamutan sila, Dahil sa pamumungkahi ng kaniyang mga anak na lalake at babae. 005 DEU 032 020 At kaniyang sinabi, Aking ikukubli ang aking mukha sa kanila, Aking titingnan kung anong mangyayari sa kanilang wakas; Sapagka't sila'y isang napakasamang lahi, Na mga anak na walang pagtatapat. 005 DEU 032 021 Kinilos nila ako sa paninibugho doon sa hindi Dios; Kanilang minungkahi ako sa galit sa kanilang mga walang kabuluhan: At akin silang kikilusin sa paninibugho sa mga hindi bayan: Aking ipamumungkahi sila sa galit, sa pamamagitan ng isang mangmang na bansa. 005 DEU 032 022 Sapagka't may apoy na nagalab sa aking galit, At nagniningas hanggang sa Sheol, At lalamunin ang lupa sangpu ng tubo nito, At paniningasan ng apoy ang mga tungtungan ng mga bundok. 005 DEU 032 023 Aking dadaganan sila ng mga kasamaan; Aking gugugulin ang aking busog sa kanila: 005 DEU 032 024 Sila'y mangapupugnaw sa gutom, at lalamunin ng maningas na init, At ng mapait na pagkalipol; At ang mga ngipin ng mga hayop ay susunugin ko sa kanila, Sangpu ng kamandag ng nangagsisiusad sa alabok. 005 DEU 032 025 Sa labas ay pipighatiin ng tabak. At sa mga silid ay kakilabutan; Malilipol kapuwa ang binata at dalaga, Ang sanggol sangpu ng lalaking may uban. 005 DEU 032 026 Aking sinabi, Aking pangangalatin sila sa malayo, Aking papaglilikatin sa mga tao ang alaala sa kanila; 005 DEU 032 027 Kundi aking kinatatakutan ang mungkahi ng kaaway; Baka ang kanilang mga kalaban ay humatol ng mali, Baka kanilang sabihin, Ang aming kamay ay tanghal, At hindi ginawa ng Panginoon ang lahat ng ito. 005 DEU 032 028 Sapagka't sila'y bansang salat sa payo, At walang kaalaman sa kanila. 005 DEU 032 029 Oh kung sila'y mga pantas, na kanilang tinalastas ito, Kung nababatid nila ang kanilang wakas! 005 DEU 032 030 Kung paanong hahabulin ng isa ang isang libo, At ang dalawa'y magpapatakas sa sangpung libo, Malibang ipagbili sila ng kanilang Bato, At ibigay sila ng Panginoon? 005 DEU 032 031 Sapagka't ang kanilang bato ay hindi gaya ng ating Bato, Kahit ang ating mga kaaway man ang maging mga hukom. 005 DEU 032 032 Sapagka't ang kanilang puno ng ubas ay mga puno ng ubas sa Sodoma, At sa mga parang ng Gomorra: Ang kanilang ubas ay ubas ng apdo, Ang kanilang mga buwig ay mapait: 005 DEU 032 033 Ang kanilang alak ay kamandag ng mga dragon, At mabagsik na kamandag ng mga ahas. 005 DEU 032 034 Di ba ito'y natatago sa akin, Na natatatakan sa aking mga kayamanan? 005 DEU 032 035 Ang panghihiganti ay akin, at gayon din ang gantingpala, Sa panahon na madudulas ang kanilang mga paa: Sapagka't ang araw ng kanilang pagdadalita ay nalalapit, At ang mga bagay na darating sa kanila ay mangagmamadali. 005 DEU 032 036 Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan, At magsisisi dahil sa kaniyang mga lingkod; Pagka kaniyang nakitang ang kanilang kapangyarihan ay nawala, At wala ng natitira na natatakpan o naiwan. 005 DEU 032 037 At kaniyang sasabihin, Saan nandoon ang kanilang mga dios, Ang bato na siya nilang pinanganlungan; 005 DEU 032 038 Yaong mga kumakain ng taba ng kanilang mga hain, At umiinom ng alak ng kanilang inuming handog? Bumangon sila at tumulong sa inyo, At sila'y maging pagkupkop sa inyo. 005 DEU 032 039 Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay. 005 DEU 032 040 Sapagka't aking itinataas ang aking kamay sa langit, At aking sinasabi, Buhay ako magpakailan man, 005 DEU 032 041 Kung aking ihahasa ang aking makintab na tabak, At ang aking kamay ay hahawak ng kahatulan; Aking ibibigay ang aking panghihiganti sa aking mga kaaway, At aking gagantihan yaong nangapopoot sa akin. 005 DEU 032 042 At aking lalanguin ng dugo ang aking tunod, At ang aking tabak ay sasakmal ng laman; Sa dugo ng patay at ng mga bihag, Mula sa ulo ng mga pangulo ng kaaway. 005 DEU 032 043 Mangagalak kayo, O mga bansa, na kasama ng kaniyang bayan; Sapagka't ipanghihiganti ang dugo ng kaniyang mga lingkod, At manghihiganti sa kaniyang mga kaalit, At patatawarin ang kaniyang lupain, ang kaniyang bayan. 005 DEU 032 044 At si Moises ay naparoon at sinalita ang lahat ng mga salita ng awit na ito sa pakinig ng bayan, siya, at si Josue na anak ni Nun. 005 DEU 032 045 At tinapos ni Moises na salitain ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel: 005 DEU 032 046 At kaniyang sinabi sa kanila, Ilagak ninyo ang inyong puso sa lahat ng mga salita na aking pinatototohanan sa inyo sa araw na ito, na inyong iuutos sa inyong mga anak upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito. 005 DEU 032 047 Sapagka't ito'y hindi hamak na bagay sa inyo; sapagka't inyong kabuhayan, at sa bagay na ito ay inyong palalaunin ang inyong ipinagtatawid ng Jordan upang ariin. 005 DEU 032 048 At sinalita ng Panginoon kay Moises nang araw ding yaon, na sinasabi, 005 DEU 032 049 Sumampa ka sa bundok na ito ng Abarim, sa bundok ng Nebo na nasa lupain ng Moab, na nasa tapat ng Jerico; at masdan mo ang lupain ng Canaan, na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel, na pinakaari: 005 DEU 032 050 At mamatay ka sa bundok na iyong sinasampa, at malakip ka sa iyong bayan, gaya ni Aaron na iyong kapatid na namatay sa bundok ng Hor, at nalakip sa kaniyang bayan: 005 DEU 032 051 Sapagka't kayo'y sumalansang laban sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel sa tubig ng Meriba ng Cades, sa ilang ng Zin; sapagka't hindi ninyo ako inaring banal sa gitna ng mga anak ni Israel. 005 DEU 032 052 Sapagka't iyong matatanaw ang lupain sa harap mo; nguni't doo'y hindi ka makapapasok, sa lupain na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel. 005 DEU 033 001 At ito ang basbas na ibinasbas ni Moises, tao ng Dios, sa mga anak ni Israel bago siya namatay. 005 DEU 033 002 At kaniyang sinabi, Ang Panginoo'y nanggaling sa Sinai, At bumangon mula sa Seir na patungo sa kanila; Siya'y lumiwanag mula sa bundok ng Paran, At siya'y nanggaling sa laksa-laksa ng mga banal: Sa kaniyang kanan, ay may hawak na isang mahigpit na kautusan sa kanila. 005 DEU 033 003 Oo't kaniyang iniibig ang bayan: Lahat ng kaniyang mga banal ay nasa iyong kamay: At sila'y umupo sa iyong paanan; Na bawa't isa'y tatanggap ng iyong mga salita. 005 DEU 033 004 Si Moises ay nagutos sa atin ng isang kautusan, Na mana sa kapisanan ng Jacob. 005 DEU 033 005 At siya'y hari sa Jeshurun, Nang magkatipon ang mga pangulo ng bayan, Sangpu ng lahat ng mga lipi ni Israel. 005 DEU 033 006 Mabuhay nawa ang Ruben, at huwag mamatay; Gayon ma'y kumaunti nawa ang kaniyang mga tao. 005 DEU 033 007 At ito ang basbas sa Juda; at kaniyang sinabi, Dinggin mo, Panginoon, ang tinig ng Juda, At padatnin mo sa kaniyang bayan: Sukat na sa kaniya ang kaniyang mga kamay; At ikaw ay maging tulong laban sa kaniyang mga kaalit. 005 DEU 033 008 At tungkol sa Levi ay kaniyang sinabi, Ang iyong Thummim at ang iyong Urim ay sumaiyong banal, Na siyang iyong sinubok sa Massa, Na siya mong kinatunggali sa tubig ng Meriba; 005 DEU 033 009 Na siyang nagsabi tungkol sa kaniyang ama, at tungkol sa kaniyang ina, Hindi ko siya nakita; Ni kinilala niya ang kaniyang mga kapatid, Ni kinilala niya ang kaniyang sariling mga anak; Sapagka't kanilang sinunod ang iyong salita, At ginaganap ang iyong tipan. 005 DEU 033 010 Sila'y magtuturo sa Jacob ng iyong mga kahatulan, At ng iyong mga kautusan, sa Israel; Sila'y maglalagay ng kamangyan sa harap mo, At ng buong handog na susunugin sa ibabaw ng iyong dambana. 005 DEU 033 011 Basbasan mo, Panginoon, ang kaniyang tinatangkilik, At tanggapin mo ang gawa ng kaniyang mga kamay; Saktan mo ang mga balakang niyaong nagsisibangon laban sa kaniya, At niyaong nangapopoot sa kaniya, upang sila'y huwag bumangon uli. 005 DEU 033 012 Tungkol sa Benjamin, ay kaniyang sinabi, Ang minamahal ng Panginoon ay tatahang ligtas sa siping niya; Siya'y kakanlungan niya buong araw, At siya'y mananahan sa pagitan ng kaniyang mga balikat. 005 DEU 033 013 At tungkol sa Jose ay kaniyang sinabi, Pagpalain nawa ng Panginoon ang kaniyang lupain, Sa mga mahalagang bagay ng langit, sa hamog, At sa kalaliman na nasa ilalim niya, 005 DEU 033 014 At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng araw, At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng buwan, 005 DEU 033 015 At sa pinakamarikit na mga bagay ng matandang bundok, At sa mga mahalagang bagay ng mga burol na walang hanggan, 005 DEU 033 016 At sa mga mahalagang bagay ng lupa at ng kapunuan niyaon, At ang mabuting kalooban niyaong tumahan sa mababang punong kahoy: Sumaulo nawa ni Jose ang kapalaran, At sa tuktok ng ulo niya na hiwalay sa kaniyang mga kapatid. 005 DEU 033 017 Ang panganay ng kaniyang baka, na may kamahalan; At ang mga sungay niyaon ay parang mga sungay ng mabangis na toro: Siya niyang ipantutulak sa mga bayan, lahat sa kanila, kahit na nasa mga hangganan ng lupa: At sila ang laksa-laksa ng Ephraim, At sila ang libolibo ng Manases. 005 DEU 033 018 At tungkol sa Zabulon ay kaniyang sinabi, Magalak ka, Zabulon, sa iyong paglabas; At ikaw, Issachar, sa iyong mga tolda. 005 DEU 033 019 Kanilang tatawagin ang mga bayan sa bundok; Doo'y maghahandog sila ng mga hain ng katuwiran: Sapagka't kanilang hihititin ang mga kasaganaan ng mga dagat, At ang natatagong kayamanan sa buhanginan. 005 DEU 033 020 At tungkol sa Gad, ay kaniyang sinabi, Pagpalain yaong magpalaki sa Gad: Siya'y tumatahan parang isang leona, At dudurog ng bisig, sangpu ng bao ng ulo. 005 DEU 033 021 At kaniyang inagap ang unang bahagi para sa kaniya, Sapagka't doon natago ang bahagi ng gumagawa ng kautusan; At siya'y pumaroong kasama ng mga pangulo ng bayan, Kaniyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon, At ang kaniyang mga kahatulan sa Israel. 005 DEU 033 022 At tungkol sa Dan ay kaniyang sinabi, Ang Dan ay anak ng leon, Na lumukso mula sa Basan. 005 DEU 033 023 At tungkol sa Nephtali ay kaniyang sinabi, Oh Nephtali, busog ng lingap, At puspos ng pagpapala ng Panginoon: Ariin mo ang kalunuran at ang timugan. 005 DEU 033 024 At tungkol sa Aser ay kaniyang sinabi, Pagpalain nawa sa mga anak ang Aser, Mahalin nawa siya ng kaniyang mga kapatid, At ilubog ang kaniyang paa sa langis. 005 DEU 033 025 Ang iyong mga halang ay magiging bakal at tanso; At kung paano ang iyong mga kaarawan ay magkagayon nawa ang iyong lakas. 005 DEU 033 026 Walang gaya ng Dios, Oh Jeshurun, Na sumasakay sa langit dahil sa pagtulong sa iyo, At sa himpapawid dahil sa kaniyang karangalan. 005 DEU 033 027 Ang walang hanggang Dios ay iyong dakong tahanan, At sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig: At kaniyang itinutulak sa harap mo ang kaaway, At sinabi, Lansagin mo. 005 DEU 033 028 At ang Israel ay tumatahang tiwala, Ang bukal ng Jacob na nagiisa, Sa isang lupain ng trigo at alak; Oo't, ang kaniyang mga langit ay nagbababa ng hamog. 005 DEU 033 029 Maginhawa ka, Oh Israel: Sino ang gaya mo, bayang iniligtas ng Panginoon, Ng kalasag na iyong tulong, At siyang tabak ng iyong karangalan! At ang iyong mga kaaway ay susuko sa iyo: At ikaw ay tutungtong sa kanilang mga matataas na dako. 005 DEU 034 001 At sumampa si Moises mula sa mga kapatagan ng Moab sa bundok ng Nebo, sa taluktok ng Pisga, na nasa tapat ng Jerico. At itinuro ng Panginoon ang buong lupain ng Galaad hanggang sa Dan, 005 DEU 034 002 At ang buong Nephtali at ang lupain ng Ephraim at ng Manases, at ang buong lupain ng Juda hanggang sa dagat kalunuran, 005 DEU 034 003 At ang Timugan at ang Kapatagan ng libis ng Jerico na bayan ng mga puno ng palma hanggang sa Soar. 005 DEU 034 004 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ito ang lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na sinasabi, Aking ibibigay sa iyong binhi: aking pinatingnan sa iyo ng iyong mga mata, nguni't hindi ka daraan doon. 005 DEU 034 005 Sa gayo'y si Moises na lingkod ng Panginoon ay namatay roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon. 005 DEU 034 006 At kaniyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab na nasa tapat ng Beth-peor; nguni't sinomang tao ay hindi nakaaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito. 005 DEU 034 007 At si Moises ay may isang daan at dalawang pung taong gulang nang siya'y mamatay: ang kaniyang mata'y hindi lumabo, ni ang kaniyang talagang lakas ay humina. 005 DEU 034 008 At iniyakan ng mga anak ni Israel si Moises sa mga kapatagan ng Moab, na tatlong pung araw: sa gayon, natapos ang mga araw ng pagtangis sa pagluluksa kay Moises. 005 DEU 034 009 At si Josue na anak ni Nun ay napuspos ng diwa ng karunungan: sapagka't ipinatong ni Moises ang kaniyang mga kamay sa kaniya; at dininig siya ng mga anak ni Israel, at ginawa nila ang gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 005 DEU 034 010 At wala pang bumangong propeta sa Israel na gaya ni Moises, na kilala ng Panginoon sa mukhaan, 005 DEU 034 011 Sa lahat ng mga tanda at mga kababalaghan na iniutos ng Panginoon gawin sa lupain ng Egipto kay Faraon at sa lahat ng kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang buong lupain, 005 DEU 034 012 At sa buong makapangyarihang kamay at sa buong dakilang kakilabutan, na ginawa ni Moises sa paningin ng buong Israel. # # BOOK 006 JOS Joshua Josue 006 JOS 001 001 Nangyari nga pagkamatay ni Moises na lingkod ng Panginoon, na ang Panginoon ay nagsalita kay Josue na anak ni Nun na tagapangasiwa ni Moises, na sinasabi, 006 JOS 001 002 Si Moises na aking lingkod ay patay na; ngayon nga'y tumindig ka, tumawid ka sa Jordang ito, ikaw, at ang buong bayang ito, hanggang sa lupain na aking ibinibigay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Israel. 006 JOS 001 003 Bawa't dakong tuntungan ng talampakan ng inyong paa, ay naibigay ko na sa inyo, gaya ng sinalita ko kay Moises. 006 JOS 001 004 Mula sa ilang, at ang Libanong ito, hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates, buong lupain ng mga Hetheo, at hanggang sa malaking dagat sa dakong nilulubugan ng araw, ay magiging inyong hangganan. 006 JOS 001 005 Walang makatatayong sinomang tao sa harap mo sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: kung paanong ako'y suma kay Moises, ay gayon ako sasa iyo: hindi kita iiwan ni pababayaan kita. 006 JOS 001 006 Magpakalakas ka at magpakatapang na mabuti: sapagka't iyong ipamamana sa bayang ito ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila. 006 JOS 001 007 Magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti, na isagawa mo ang ayon sa buong kautusan na iniutos sa iyo ni Moises na aking lingkod: huwag kang liliko sa kanan o sa kaliwa, upang ikaw ay magtamo ng mabuting kawakasan saan ka man pumaroon. 006 JOS 001 008 Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan. 006 JOS 001 009 Hindi ba kita inutusan? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasa iyo saan ka man pumaroon. 006 JOS 001 010 Nang magkagayo'y nagutos si Josue sa mga pinunong bayan, na sinasabi, 006 JOS 001 011 Kayo'y magdaan sa gitna ng kampamento, at magutos sa bayan, na sabihin, Maghanda kayo ng baon; sapagka't sa loob ng tatlong araw ay tatawid kayo sa Jordang ito, upang yumaong ariin ang lupain, na ibinibigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios upang ariin. 006 JOS 001 012 At sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases, ay nagsalita si Josue, na sinasabi, 006 JOS 001 013 Alalahanin ninyo ang salita na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na sinasabi, Binibigyan kayo ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios, at ibibigay sa inyo ang lupaing ito. 006 JOS 001 014 Ang inyong mga asawa, ang inyong mga bata, at ang inyong mga hayop ay tatahan sa lupain na ibinigay sa inyo ni Moises sa dako roon ng Jordan; nguni't kayo'y tatawid na may sandata sa harap ng inyong mga kapatid, kayong lahat na makapangyarihang lalaking matapang, at tutulong sa kanila; 006 JOS 001 015 Hanggang sa mabigyan ng kapahingahan ng Panginoon ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, at kanila namang maari ang lupaing ibinibigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios: kung magkagayo'y babalik kayo sa lupain na inyong ari, at inyong aariin, yaong ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw. 006 JOS 001 016 At sila'y sumagot kay Josue, na sinasabi, Lahat ng iyong iniutos sa amin ay aming gagawin, at saan mo man kami suguin ay paroroon kami. 006 JOS 001 017 Kung paanong aming dininig si Moises sa lahat ng mga bagay, ay gayon ka namin didinggin: sumaiyo lamang ang Panginoon mong Dios, na gaya kay Moises. 006 JOS 001 018 Sinomang manghihimagsik laban sa iyong utos, at hindi makikinig ng iyong mga salita sa lahat ng iyong iniuutos sa kaniya, ay ipapapatay: magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti. 006 JOS 002 001 At si Josue na anak ni Nun ay nagsugong lihim mula sa Sittim ng dalawang lalake na pinakatiktik, na sinasabi, Yumaon kayo na inyong kilalanin ang lupain, at ang Jerico. At sila'y yumaon at pumasok sa isang bahay ng isang patutot na ang pangalan ay Rahab, at nakituloy doon. 006 JOS 002 002 At ito'y nasaysay sa hari sa Jerico, na sinasabi, Narito, may mga lalake, sa mga anak ni Israel na pumasok dito ngayong gabi upang kilalanin ang lupain. 006 JOS 002 003 At ang hari sa Jerico ay nagsugo kay Rahab, na sinasabi, Ilabas mo ang mga lalake na naparito sa iyo, na pumasok sa iyong bahay; sapagka't sila'y naparito upang kilalanin ang buong lupain. 006 JOS 002 004 At ipinagsama ng babae ang dalawang lalake at ikinubli, at sinabi niya, Oo, ang mga lalake ay naparito sa akin, nguni't hindi ko talastas kung sila'y taga saan: 006 JOS 002 005 At nangyari, sa may oras ng pagsasara ng pintuang-bayan, nang madilim na, na ang mga lalake ay lumabas; hindi ko talastas kung saan naparoon ang mga lalaking yaon; habulin ninyong madali sila; sapagka't inyo silang aabutan. 006 JOS 002 006 Nguni't kaniyang isinampa sila sa bubungan, at ikinubli sa mga puno ng lino, na kaniyang inilagay na maayos sa bubungan. 006 JOS 002 007 At hinabol ng mga tao sila sa daan na patungo sa Jordan hanggang sa mga tawiran: at pagkalabas ng humabol sa kanila, ay kanilang sinarhan ang pintuang-bayan. 006 JOS 002 008 At bago sila nahiga, ay sinampa niya sila sa bubungan. 006 JOS 002 009 At sinabi niya sa mga lalake, Talastas ko na ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupain, at dinatnan kami ng pangingilabot sa inyo at ang lahat na nananahan sa lupain ay nauupos sa harap ninyo. 006 JOS 002 010 Sapagka't aming nabalitaan kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig sa Dagat na Mapula sa harap ninyo, nang kayo'y lumabas sa Egipto; at kung ano ang inyong ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako roon ng Jordan, kay Sehon at kay Og, na inyong lubos na pinuksa. 006 JOS 002 011 At pagkabalita namin, ay nanglumo ang aming puso, ni walang diwa na naiwan sa kanino mang tao, dahil sa inyo; sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba. 006 JOS 002 012 Ngayon nga, isinasamo ko sa inyo, sumumpa kayo sa akin sa pangalan ng Panginoon, na kung paanong ako'y nagmagandang loob sa inyo ay magmamagandang loob naman kayo sa sangbahayan ng aking magulang, at bibigyan ninyo ako ng tunay na tanda; 006 JOS 002 013 At inyong ililigtas na buhay ang aking ama, at ang aking ina, at ang aking mga kapatid na lalake at babae, at ang lahat nilang tinatangkilik, at inyong ililigtas ang aming mga buhay sa kamatayan. 006 JOS 002 014 At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Ang aming buhay ay ilalagak namin sa inyo, kung hindi ninyo ihahayag itong aming pakay; at mangyayari, na pagka ibinigay sa amin ng Panginoon ang lupain, kami ay magmamagandang loob at magtatapat sa inyo. 006 JOS 002 015 Nang magkagayo'y kaniyang pinababa sila sa pamamagitan ng isang lubid sa dungawan: sapagka't ang kaniyang bahay ay nasa kuta ng bayan, at siya'y tumatahan sa kuta. 006 JOS 002 016 At sinabi niya sa kanila, Pumaroon kayo sa bundok, baka kayo'y abutan ng manghahabol sa inyo; at kayo'y magkubli roon na tatlong araw, hanggang sa magsibalik ang mga manghahabol: at pagkatapos ay makayayaon kayo ng inyong lakad. 006 JOS 002 017 At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Kami ay hindi magpapakasala sa sumpang ito, na iyong ipinasumpa sa amin. 006 JOS 002 018 Narito, pagka kami ay pumasok sa lupain, ay iyong itatali itong panaling pula sa dungawan na iyong pinagpababaan sa amin: at iyong pipisanin sa iyo sa loob ng bahay ang iyong ama, at ang iyong ina, at ang iyong mga kapatid, at ang buong sangbahayan ng iyong ama. 006 JOS 002 019 At mangyayari, na sinomang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay sa lansangan, ay mabububo sa kaniyang ulo ang kaniyang dugo at hindi namin magiging kasalanan: at sinomang kasama mo sa bahay ay mahuhulog sa aming ulo ang dugo niya, kung may magbuhat sa kaniya ng kamay. 006 JOS 002 020 Nguni't kung iyong ihayag itong aming pakay, ay hindi namin ipagkakasala ang pagkapanumpa sa iyo, na iyong ipinapanumpa sa amin. 006 JOS 002 021 At kaniyang sinabi, Ayon sa inyong mga salita, ay siya nawang mangyari. At kaniyang pinapagpaalam sila at sila'y yumaon: at kaniyang itinali ang panaling pula sa dungawan. 006 JOS 002 022 At sila'y yumaon at naparoon sa bundok, at tumahan doon na tatlong araw, hanggang sa nagsibalik ang mga manghahabol; at hinanap sila ng mga manghahabol sa lahat ng daan, nguni't hindi sila nasumpungan. 006 JOS 002 023 Nang magkagayo'y nagsibalik ang dalawang lalake at bumaba sa bundok, at tumawid at naparoon kay Josue na anak ni Nun; at kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila. 006 JOS 002 024 At kanilang sinabi kay Josue, Tunay na ibinigay ng Panginoon sa ating mga kamay ang buong lupain; at bukod dito'y nangliliit ang lahat na nananahan sa lupain sa harap natin. 006 JOS 003 001 At bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan; at sila'y umalis sa Sittim at napasa Jordan, siya at ang lahat na mga anak ni Israel; at sila'y tumigil doon bago sila tumawid. 006 JOS 003 002 At nangyari pagkatapos ng tatlong araw, na ang mga pinuno ay napasa gitna ng kampamento; 006 JOS 003 003 At sila'y nagutos sa bayan, na sinasabi, Pagka inyong nakita ang kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, at dinadala ng mga saserdote na Levita, ay kikilos nga kayo sa inyong dako at susunod doon. 006 JOS 003 004 Gayon ma'y magkakapagitan sa inyo at sa kaban ng may dalawang libong siko ang sukat: huwag ninyong lapitan, upang alamin ang daan na inyong marapat paroonan; sapagka't hindi pa ninyo nararaanan ang daang ito ng una. 006 JOS 003 005 At sinabi ni Josue sa bayan, Magpakabanal kayo; sapagka't bukas ay gagawa ng mga kababalaghan ang Panginoon sa inyo. 006 JOS 003 006 At nagsalita si Josue sa mga saserdote, na sinasabi, Buhatin ninyo ang kaban ng tipan at magpauna kayo sa bayan. At kanilang binuhat ang kaban ng tipan, at nagpauna sa bayan. 006 JOS 003 007 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay pasisimulan kong padakilain ka sa paningin ng buong Israel, upang kanilang makilala, na kung paanong ako'y suma kay Moises ay gayon ako sasaiyo. 006 JOS 003 008 At iyong uutusan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan, na iyong sasabihin, Pagka kayo'y dumating sa tabi ng tubig ng Jordan, ay tumigil kayo sa Jordan. 006 JOS 003 009 At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, Magsilapit kayo at dinggin ninyo ang mga salita ng Panginoon ninyong Dios. 006 JOS 003 010 At sinabi ni Josue, Sa ganito ay inyong makikilala na ang buhay na Dios ay nasa gitna ninyo, at walang pagsalang kaniyang itataboy sa harap ninyo ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Heveo, at ang Pherezeo, at ang Gergeseo, at ang Amorrheo, at ang Jebuseo. 006 JOS 003 011 Narito, ang kaban ng tipan ng Panginoon ng buong lupa ay nagpapauna sa inyo sa Jordan. 006 JOS 003 012 Ngayon nga ay kumuha kayo ng labing dalawang lalake sa mga lipi ni Israel, na isang lalake sa bawa't lipi. 006 JOS 003 013 At mangyayari, na pagka ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ng Panginoon, ng Panginoon ng buong lupa, ay titigil sa tubig ng Jordan, na ang tubig ng Jordan ay mahahawi, sa makatuwid baga'y ang tubig na bumababang mula sa itaas; at magiisang bunton. 006 JOS 003 014 At nangyari nang umalis ang bayan sa kanilang mga tolda, upang tumawid sa Jordan, ay nasa unahan ng bayan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan; 006 JOS 003 015 At nang dumating sa Jordan ang mga may dala ng kaban, at ang mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ay nabasa sa gilid ng tubig, (sapagka't inaapawan ng Jordan ang lahat niyang pangpang sa buong panahon ng pagaani, ) 006 JOS 003 016 Na ang tubig na bumababang mula sa itaas ay tumigil, at nagisang bunton na malayo sa kanila, sa Adam, na bayang nasa tabi ng Sarethan: at yaong nagsisibaba sa dagat ng Araba, na Dagat na Alat ay lubos na nahawi: at ang bayan ay tumawid sa tapat ng Jerico. 006 JOS 003 017 At ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ay tumayong panatag sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan; at ang buong Israel ay dumaan sa tuyong lupa, hanggang sa nakatawid na lubos sa Jordan ang buong bansa. 006 JOS 004 001 At nangyari nang nakatawid na lubos sa Jordan ang buong bansa, na ang Panginoon ay nagsalita kay Josue, na nagsasabi, 006 JOS 004 002 Kumuha ka ng labing dalawang lalake sa bayan, na isa sa bawa't lipi, 006 JOS 004 003 At iutos ninyo sa kanila, na sabihin, Kumuha kayo mula rito sa gitna ng Jordan, mula sa dakong tinatayuang matatag ng mga paa ng mga saserdote, ng labing dalawang bato, at dalhin ninyo, at ilapag ninyo sa tigilang dako, na inyong tutuluyan sa gabing ito. 006 JOS 004 004 Nang magkagayo'y tinawag ni Josue ang labing dalawang lalake, na kaniyang inihanda sa mga anak ni Israel, na isang lalake sa bawa't lipi. 006 JOS 004 005 At sinabi ni Josue sa kanila, Dumaan kayo sa harap ng kaban ng Panginoon ninyong Dios sa gitna ng Jordan, at pasanin ng bawa't isa sa inyo ang isang bato sa kaniyang balikat, ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Israel; 006 JOS 004 006 Upang ito'y maging pinaka tanda sa gitna ninyo, na pagka itinanong ng inyong mga anak sa panahong darating, na sasabihin, Anong kahulugan sa inyo ng mga batong ito? 006 JOS 004 007 At inyo ngang sasabihin sa kanila, Sapagka't ang tubig ng Jordan ay nahawi sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon; nang magdaan yaon sa Jordan, ay nahawi ang tubig sa Jordan: at ang mga batong ito ay magiging pinaka alaala sa mga anak ni Israel magpakailan man. 006 JOS 004 008 At ginawang gayon ng mga anak ni Israel gaya ng iniutos ni Josue, at pumasan ng labing dalawang bato mula sa gitna ng Jordan, gaya ng sinalita ng Panginoon kay Josue, ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Israel; at kanilang dinala sa dakong kanilang tutuluyan, at inilapag doon. 006 JOS 004 009 At si Josue ay nagpabunton ng labing dalawang bato sa gitna ng Jordan, sa dakong tinayuan ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan: at nangandoon, hanggang sa araw na ito. 006 JOS 004 010 Sapagka't ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ay tumayo sa gitna ng Jordan, hanggang sa natapos ang bawa't bagay na iniutos ng Panginoon kay Josue na salitain sa bayan, ayon sa buong iniutos ni Moises kay Josue: at ang bayan ay nagmadali at tumawid. 006 JOS 004 011 At nangyari nang nakatawid na lubos ang buong bayan, na ang kaban ng Panginoon ay itinawid at ang mga saserdote sa harap ng bayan. 006 JOS 004 012 At ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahati ni Manases, ay dumaang may sandata sa harap ng mga anak ni Israel, gaya ng salita ni Moises sa kanila: 006 JOS 004 013 May apat na pung libo na nasasakbatang handa sa pakikidigma ang dumaan sa harap ng Panginoon na patungo sa pakikibaka, sa mga kapatagan ng Jerico. 006 JOS 004 014 Nang araw na yaon ay pinadakila ng Panginoon si Josue sa paningin ng buong Israel; at sila'y natakot sa kaniya, gaya ng kanilang pagkatakot kay Moises, sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay. 006 JOS 004 015 At ang Panginoon ay nagsalita kay Josue, na sinasabi, 006 JOS 004 016 Iutos mo sa mga saserdote na nagdadala ng kaban ng patotoo, na sila'y sumampa mula sa Jordan. 006 JOS 004 017 Nagutos nga si Josue sa mga saserdote, na sinasabi, Umahon kayo mula sa Jordan. 006 JOS 004 018 At nangyari, nang umahon mula sa gitna ng Jordan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at nang matungtong sa tuyong lupa ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote, na ang tubig ng Jordan ay nanauli sa kanilang dako, at umapaw sa pangpang na gaya ng dati. 006 JOS 004 019 At ang bayan ay umahon mula sa Jordan nang ikasangpung araw ng unang buwan, at humantong sa Gilgal, sa hangganang silanganan ng Jerico. 006 JOS 004 020 At yaong labing dalawang bato, na kanilang kinuha sa Jordan, ay ibinunton ni Josue sa Gilgal. 006 JOS 004 021 At siya'y nagsalita sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Pagka itatanong ng inyong mga anak sa kanilang mga magulang sa panahong darating, na sasabihin, Anong kahulugan ng mga batong ito? 006 JOS 004 022 Ay inyo ngang ipatatalastas sa mga anak ninyo, na sasabihin, Ang Israel ay tumawid sa Jordang ito sa tuyong lupa. 006 JOS 004 023 Sapagka't tinuyo ng Panginoon ninyong Dios ang tubig ng Jordan sa harap ninyo, hanggang sa kayo'y nakatawid, gaya ng ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa Dagat na Mapula, na kaniyang tinuyo sa harap namin, hanggang sa kami ay nakatawid; 006 JOS 004 024 Upang makilala ng lahat na mga bayan sa lupa ang kamay ng Panginoon, na makapangyarihan; upang sila'y matakot sa Panginoon ninyong Dios magpakailan man. 006 JOS 005 001 At nangyari, nang mabalitaan ng lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nasa dako roon ng Jordan sa dakong kalunuran, at ng lahat ng mga hari ng mga Cananeo, na nangasa tabi ng dagat, kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig ng Jordan sa harap ng mga anak ni Israel, hanggang sa kami ay nangakatawid, na nanglumo ang kanilang puso, at sila'y nawalan ng loob dahil sa mga anak ni Israel. 006 JOS 005 002 Nang panahong yaon ay sinabi ng Panginoon kay Josue, Gumawa ka ng mga sundang na pinkiang bato at tuliin mo uli na ikalawa ang mga anak ni Israel. 006 JOS 005 003 At gumawa si Josue ng mga sundang na pinkiang bato, at tinuli ang mga anak ni Israel sa burol ng mga balat ng masama. 006 JOS 005 004 At ito ang dahil na itinuli ni Josue: ang buong bayan na lumabas mula sa Egipto, na mga lalake, lahat na lalaking pangdigma, ay namatay sa ilang sa daan, pagkatapos na sila'y makalabas na mula sa Egipto. 006 JOS 005 005 Sapagka't ang buong bayan na lumabas ay mga tuli; nguni't ang buong bayan na ipinanganak sa ilang sa daan pagkalabas sa Egipto, ay hindi tuli. 006 JOS 005 006 Sapagka't ang mga anak ni Israel ay lumakad na apat na pung taon sa ilang, hanggang sa ang buong bansa, sa makatuwid baga'y ang mga lalaking pangdigma na lumabas mula sa Egipto, ay nalipol, sapagka't hindi nila dininig ang tinig ng Panginoon: na siyang sinumpaan ng Panginoon na hindi niya ipakikita sa kanila ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa atin, na lupaing binubukalan ng gatas at pulot. 006 JOS 005 007 At ang kanilang mga anak na kaniyang ibinangong kahalili nila, ay pinagtuli ni Josue, sapagka't mga hindi tuli, sapagka't hindi nila tinuli sila sa daan. 006 JOS 005 008 At nangyari nang kanilang matuli ang buong bansa, na tumahan sila sa kanilang mga dako sa kampamento hanggang sa sila'y magsigaling. 006 JOS 005 009 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay inalis ko sa inyo ang pagdusta ng Egipto. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Gilgal hanggang sa araw na ito. 006 JOS 005 010 At ang mga anak ni Israel ay humantong sa Gilgal; at kanilang ipinagdiwang ang paskua nang ikalabing apat na araw ng buwan sa kinahapunan sa mga kapatagan ng Jerico. 006 JOS 005 011 At sila'y kumain ng imbak na trigo ng lupain sa kinabukasan pagkatapos ng paskua, ng mga tinapay na walang lebadura, at ng sinangag na trigo, sa araw ding yaon. 006 JOS 005 012 At ang mana ay naglikat nang kinabukasan, pagkatapos na sila'y makakain ng imbak na trigo ng lupain; at hindi naman nagkaroon pa ng mana ang mga anak ni Israel; kundi sila'y kumain ng bunga ng lupain ng Canaan ng taong yaon. 006 JOS 005 013 At nangyari, nang si Josue ay malapit sa Jerico, na kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata at tumingin, at, narito, nakatayo ang isang lalake sa tapat niya na may kaniyang tabak sa kaniyang kamay na bunot: at si Josue ay naparoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ikaw ba'y sa amin, o sa aming mga kaaway? 006 JOS 005 014 At kaniyang sinabi, Hindi; kundi ako'y naparito ng parang prinsipe ng hukbo ng Panginoon. At si Josue ay nagpatirapa sa lupa at sumamba, at nagsabi sa kaniya, Anong sabi ng aking panginoon sa kaniyang lingkod? 006 JOS 005 015 At sinabi ng prinsipe ng hukbo ng Panginoon kay Josue, Hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong paa; sapagka't ang dakong iyong kinatatayuan ay banal. At ginawang gayon ni Josue. 006 JOS 006 001 Ang Jerico nga ay lubos na nakukubkob dahil sa mga anak ni Israel: walang nakalalabas, at walang nakapapasok. 006 JOS 006 002 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Tingnan mo, aking ibinigay sa iyong kamay ang Jerico, at ang hari niyaon, at ang mga makapangyarihang lalaking matapang. 006 JOS 006 003 At iyong liligirin ang bayan, lahat ng mga lalaking pangdigma, na liligid na minsan sa bayan. Ganito mo gagawin na anim na araw. 006 JOS 006 004 At pitong saserdote sa unahan ng kaban ay magdadala ng pitong pakakak na mga sungay ng tupa: at sa ikapitong araw ay inyong liligiring makapito ang bayan, at ang mga saserdote ay hihipan ang mga pakakak. 006 JOS 006 005 At mangyayari, na pagka hinipan nila ng matagal ang sungay ng tupa, at pagka inyong narinig ang tunog ng pakakak, ay hihiyaw ng malakas ang buong bayan; at ang kuta ng bayan ay guguho, at ang bayan ay sasampa ang bawa't isa'y tapatan sa harap niya. 006 JOS 006 006 At tinawag ni Josue na anak ni Nun ang mga saserdote, at sinabi sa kanila, Buhatin ninyo ang kaban ng tipan, at magdala ang pitong saserdote ng pitong pakakak na mga sungay ng tupa sa unahan ng kaban ng Panginoon. 006 JOS 006 007 At kaniyang sinabi sa bayan, Magpauna kayo, at ligirin ninyo ang bayan, at papagpaunahin ninyo ang mga lalaking may sandata sa unahan ng kaban ng Panginoon. 006 JOS 006 008 At nangyari, na pagkapagsalita ni Josue sa bayan, ay nagpauna sa Panginoon ang pitong saserdote na may tangang pitong pakakak na mga sungay ng tupa, at humihip ng mga pakakak; at ang kaban ng tipan ng Panginoon ay sumusunod sa kanila. 006 JOS 006 009 At ang mga lalaking may sandata ay nagpauna sa mga saserdote na humihihip ng mga pakakak, at ang bantay likod ay sumusunod sa kaban, na ang mga saserdote ay humihip ng mga pakakak habang sila'y yumayaon. 006 JOS 006 010 At iniutos ni Josue sa bayan, na sinasabi, Huwag kayong hihiyaw, ni huwag ninyong iparirinig ang inyong tinig, ni huwag magbubuka ang inyong bibig ng anomang salita, hanggang sa araw na aking sabihing kayo'y humiyaw; kung magkagayo'y hihiyaw kayo. 006 JOS 006 011 Sa gayo'y kaniyang iniligid sa bayan ang kaban ng Panginoon, na lumigid na minsan: at sila'y nasok sa kampamento, at tumigil sa kampamento. 006 JOS 006 012 At si Josue ay bumangong maaga sa kinaumagahan, at binuhat ng mga saserdote ang kaban ng Panginoon. 006 JOS 006 013 At ang pitong saserdote na may tangang pitong pakakak na mga sungay ng tupa sa unahan ng kaban ng Panginoon ay yumaon na patuloy, at humihihip ng mga pakakak: at ang mga lalaking may sandata ay nagpauna sa kanila; at ang bantay likod ay sumusunod sa kaban ng Panginoon, na ang mga saserdote ay humihihip ng mga pakakak habang sila'y yumayaon. 006 JOS 006 014 At sa ikalawang araw ay kanilang niligid na minsan ang bayan, at nagsibalik sa kampamento: kanilang ginawang gayon na anim na araw. 006 JOS 006 015 At nangyari nang ikapitong araw, na sila'y bumangong maaga sa pagbubukang liwayway, at niligid ang bayan ng gayon ding paraan na makapito: nang araw lamang na yaon kanilang niligid ang bayan na makapito. 006 JOS 006 016 At nangyari, sa ikapito, nang humihip ng mga pakakak ang mga saserdote, ay sinabi ni Josue sa bayan, Humiyaw kayo; sapagka't ibinigay na ng Panginoon sa inyo ang bayan. 006 JOS 006 017 At ang bayan ay matatalaga sa Panginoon, yaon at ang lahat na tumatahan doon: si Rahab na patutot lamang ang mabubuhay, siya at ang lahat na kasama niya sa bahay, sapagka't kaniyang ikinubli ang mga sugo na ating sinugo. 006 JOS 006 018 At kayo, sa anomang paraan ay magsipagingat sa itinalagang bagay; baka pagka naitalaga na sa inyo ay kumuha kayo sa itinalagang bagay; sa gayo'y inyong ipasusumpa ang kampamento ng Israel, at inyong babagabagin. 006 JOS 006 019 Nguni't lahat na pilak, at ginto, at mga sisidlang tanso at bakal, ay banal sa Panginoon: pawang ipapasok sa silid ng kayamanan ng Panginoon. 006 JOS 006 020 Sa gayo'y humiyaw ang bayan, at ang mga saserdote ay humihip ng mga pakakak: at nangyari nang marinig ng bayan ang tunog ng pakakak na ang bayan ay humiyaw ng malakas, at ang kuta ay gumuho, na ano pa't ang bayan ay sumampang nasok sa siyudad, na bawa't isa'y matuwid na nagpatuloy, at kanilang sinakop ang bayan. 006 JOS 006 021 At kanilang lubos na nilipol ng talim ng tabak ang lahat na nasa bayan, ang lalake at gayon din ang babae, ang binata at gayon din ang matanda, at ang baka, at ang tupa, at ang asno. 006 JOS 006 022 At sinabi ni Josue sa dalawang lalaking tumiktik sa lupain, Pumasok kayo sa bahay ng patutot, at ilabas ninyo roon ang babae, at ang lahat niyang tinatangkilik, na gaya ng inyong isinumpa sa kaniya. 006 JOS 006 023 At ang mga binata na mga tiktik ay pumasok, at inilabas si Rahab, at ang kaniyang ama, at ang kaniyang ina, at ang kaniyang mga kapatid, at lahat ng kaniyang tinatangkilik; lahat niyang kamaganakan naman ay kanilang inilabas; at kanilang inilagay sila sa labas ng kampamento ng Israel. 006 JOS 006 024 At kanilang sinunog ng apoy ang bayan, at lahat na nandoon: ang pilak lamang, at ang ginto, at ang mga sisidlang tanso at bakal, ang kanilang ipinasok sa silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon. 006 JOS 006 025 Nguni't si Rahab na patutot at ang sangbahayan ng kaniyang ama, at ang lahat niyang tinatangkilik, ay iniligtas na buhay ni Josue; at siya'y tumahan sa gitna ng Israel, hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang ikinubli ang mga sugo na sinugo ni Josue upang tumiktik sa Jerico. 006 JOS 006 026 At binilinan sila ni Josue sa pamamagitan ng sumpa nang panahong yaon, na sinasabi, Sumpain ang lalake sa harap ng Panginoon, na magbangon at magtayo nitong bayan ng Jerico; kaniyang inilagay ang tatagang-baon niyaon sa kamatayan ng kaniyang panganay, at kaniyang itatayo ang mga pintuang-bayan niyaon sa kamatayan ng kaniyang bunso. 006 JOS 006 027 Sa gayo'y ang Panginoon ay sumama kay Josue; at ang kaniyang kabantugan ay lumaganap sa buong lupain. 006 JOS 007 001 Nguni't ang mga anak ni Israel ay nakagawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay: sapagka't si Achan na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda; ay kumuha sa itinalagang bagay, at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa mga anak ni Israel. 006 JOS 007 002 At mula sa Jerico ay nagsugo si Josue ng mga lalake sa Hai na nasa siping ng Beth-aven, sa dakong silanganan ng Beth-el, at nagsalita sa kanila, na nagsasabi, Sumampa kayo at tiktikan ninyo ang lupain. At ang mga lalake ay yumaon at tiniktikan ang Hai. 006 JOS 007 003 At sila'y nagsibalik kay Josue, at sinabi sa kaniya, Huwag sumampa ang buong bayan, kundi sumampa lamang ang dalawa o tatlong libong lalake at sugatan ang Hai; huwag mong pagurin ang buong bayan doon; sapagka't sila'y kakaunti. 006 JOS 007 004 Sa gayo'y sumampa roon sa bayan ay may tatlong libong lalake: at sila'y tumakas sa harap ng mga lalake sa Hai. 006 JOS 007 005 At ang mga lalake sa Hai ay sumakit sa kanila ng may tatlong pu't anim na lalake; at hinabol nila sila mula sa harap ng pintuang-bayan hanggang sa Sebarim, at sinaktan sila sa babaan: at ang mga puso ng mga tao ay nanglumo, at naging parang tubig. 006 JOS 007 006 At hinapak ni Josue ang kaniyang mga suot, at nagpatirapa sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon hanggang sa kinahapunan, siya at ang mga matanda ng Israel; at sila'y nagsipagbuhos ng alabok sa kanilang ulo. 006 JOS 007 007 At sinabi ni Josue, Ay, Oh Panginoong Dios, bakit mo pinatawid ang bayang ito sa Jordan, upang ibigay kami sa kamay ng mga Amorrheo, na ipalipol kami? nakatigil sana kaming masaya at nakatahan sa dakong yaon ng Jordan! 006 JOS 007 008 Oh Panginoon, anong aking sasabihin pagkatapos na ang mga anak ng Israel ay makatalikod sa harap ng kanilang mga kaaway! 006 JOS 007 009 Sapagka't mababalitaan ng mga Cananeo at ng lahat na nananahan sa lupain, at kami ay kukubkubin at ihihiwalay ang aming pangalan sa lupa: at ano ang iyong gagawin sa iyong dakilang pangalan? 006 JOS 007 010 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Bumangon ka; bakit ka nagpatirapa ng ganito? 006 JOS 007 011 Ang Israel ay nagkasala; oo, kanilang sinalangsang din ang aking tipan na aking iniutos sa kanila; oo, sila'y kumuha rin sa itinalagang bagay, at nagnakaw rin, at nagbulaan din; at sila'y naglagay rin sa kanilang sariling daladalahan. 006 JOS 007 012 Kaya't ang mga anak ni Israel ay hindi makatatayo sa harap ng kanilang mga kaaway; sila'y tumalikod sa harap ng kanilang mga kaaway, sapagka't sila'y naging sinumpa: ako'y hindi na sasa inyo pa, maliban sa inyong sirain ang itinalagang bagay sa gitna ninyo. 006 JOS 007 013 Bumangon ka, papagbanalin mo ang bayan, at sabihin mo, Mangagpakabanal kayo sa kinabukasan: sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, May itinalagang bagay sa gitna mo, Oh Israel: ikaw ay hindi makatatayo sa harap ng iyong mga kaaway, hanggang sa inyong alisin ang itinalagang bagay sa gitna ninyo. 006 JOS 007 014 Sa kinaumagahan nga ay lalapit kayo ayon sa inyong mga lipi: at mangyayari, na ang lipi na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga angkan: at ang angkan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga sangbahayan; at ang sangbahayan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit bawa't lalake. 006 JOS 007 015 At mangyayari, na ang makunan ng itinalagang bagay ay susunugin sa apoy, siya at ang lahat niyang tinatangkilik: sapagka't kaniyang sinalangsang ang tipan ng Panginoon, at sapagka't siya'y gumawa ng kaululan sa Israel. 006 JOS 007 016 Sa gayo'y bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan, at inilapit ang Israel ayon sa kanilang mga lipi: at ang lipi ni Juda ay napili: 006 JOS 007 017 At kaniyang inilapit ang angkan ni Juda; at napili ang angkan ng mga Zeraita: at kaniyang inilapit ang angkan ng mga Zeraita na bawa't lalake; at si Zabdi ay napili: 006 JOS 007 018 At kaniyang inilapit ang kaniyang sangbahayan bawa't lalake: at si Achan, na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda, ay napili. 006 JOS 007 019 At sinabi ni Josue kay Achan, Anak ko, isinasamo ko sa iyo, na iyong luwalhatiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at magpahayag ka sa kaniya; at ipahayag mo sa akin ngayon kung ano ang iyong ginawa; huwag kang maglihim sa akin. 006 JOS 007 020 At sumagot si Achan kay Josue, at sinabi, Sa katotohanan ay nagkasala ako laban sa Panginoon, sa Dios ng Israel, at ganito't ganito ang aking ginawa: 006 JOS 007 021 Nang aking makita sa samsam ang mainam na balabal na yaring Babilonia, at ang dalawang daang siklong pilak, at ang isang dila na ginto, na limang pung siklo ang timbang, ay akin ngang inimbot, at aking kinuha; at, narito, nangakukubli sa lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon. 006 JOS 007 022 Sa gayo'y nagsugo si Josue ng mga sugo at kanilang tinakbo ang tolda; at, narito, nakakubli sa kaniyang tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon. 006 JOS 007 023 At kanilang kinuha sa gitna ng tolda, at dinala kay Josue, at sa lahat ng mga anak ni Israel; at kanilang inilapag sa harap ng Panginoon. 006 JOS 007 024 At kinuha ni Josue, at ng buong Israel na kasama niya, si Achan na anak ni Zera at ang pilak, at ang balabal, at ang dila na ginto, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang kaniyang mga baka, at ang kaniyang mga asno, at ang kaniyang mga tupa, at ang kaniyang tolda, at ang lahat niyang tinatangkilik: at kanilang isinampa sa libis ng Achor. 006 JOS 007 025 At sinabi ni Josue, Bakit mo kami binagabag? babagabagin ka sa araw na ito ng Panginoon. At binato siya ng mga bato ng buong Israel; at sinunog nila sila sa apoy, at binato sila ng mga bato. 006 JOS 007 026 At kanilang binuntunan siya ng malaking bunton na mga bato, hanggang sa araw na ito; at ang Panginoon ay nagpigil ng kabangisan ng kaniyang galit. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na, Ang libis ng Achor, hanggang sa araw na ito. 006 JOS 008 001 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag kang matakot, ni manglumo: ipagsama mo ang buong bayang pangdigma, at bumangon ka, na sumampa ka sa Hai: tingnan mo, aking ibinigay sa iyong kamay ang hari sa Hai, at ang kaniyang bayan, at ang kaniyang siyudad, at ang kaniyang lupain; 006 JOS 008 002 At iyong gagawin sa Hai at sa kaniyang hari ang gaya ng iyong ginawa sa Jerico at sa kaniyang hari: ang samsam lamang doon, at ang mga hayop niyaon, ang iyong kukunin na pinakasamsam ninyo: lagyan mo ng mga bakay ang bayan sa likuran. 006 JOS 008 003 Sa gayo'y bumangon si Josue, at ang buong bayang pangdigma, upang sumampa sa Hai: at pumili si Josue ng tatlong pung libong lalake, na mga makapangyarihang lalaking matapang, at sinugo ng kinagabihan. 006 JOS 008 004 At iniutos niya sa kanila, na sinasabi, Narito, kayo'y babakay laban sa bayan, sa likuran ng bayan: huwag kayong lumayong totoo sa bayan kundi humanda kayo; 006 JOS 008 005 At ako, at ang buong bayan na kasama ko ay lalapit sa bayan. At mangyayari, na pagka sila'y lumabas laban sa amin gaya ng una, ay tatakas kami sa harap nila; 006 JOS 008 006 At sila'y lalabas na susunod sa amin, hanggang sa aming mailayo sila sa bayan, sapagka't kanilang sasabihin, Sila'y tumatakas sa harap natin, na gaya ng una; gayon kami tatakas sa harap nila: 006 JOS 008 007 At kayo'y babangon sa pagbakay, at inyong aariin ang bayan: sapagka't ibibigay ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay. 006 JOS 008 008 At mangyayari, na pagka inyong nasakop ang bayan, ay inyong sisilaban ng apoy ang bayan; ayon sa salita ng Panginoon ay inyong gagawin: narito, aking iniutos sa inyo. 006 JOS 008 009 At pinapagpaalam sila ni Josue: at sila'y yumaon sa pagbakay, at lumagay sa pagitan ng Beth-el at ng Hai, sa dakong kalunuran ng Hai: nguni't si Josue ay tumigil ng gabing yaon sa gitna ng bayan. 006 JOS 008 010 At si Josue ay bumangong maaga sa kinaumagahan, at binilang ang bayan, at sumampa siya at ang mga matanda ng Israel, sa unahan ng bayan, sa Hai. 006 JOS 008 011 At ang buong bayan, sa makatuwid baga'y ang mga taong pangdigma na kinasama niya, ay sumampa, at lumapit, at naparoon sa harap ng bayan, at humantong sa dakong hilagaan ng Hai: mayroon ngang isang libis sa pagitan niya at ng Hai. 006 JOS 008 012 At siya'y kumuha ng may limang libong lalake at inilagay niya silang bakay sa pagitan ng Beth-el at ng Hai sa dakong kalunuran ng bayan. 006 JOS 008 013 Gayon inilagay nila ang bayan, ang buong hukbo na nasa hilagaan ng bayan, at ang kanilang mga bakay na nasa kalunuran ng bayan; at si Josue ay naparoon ng gabing yaon sa gitna ng libis. 006 JOS 008 014 At nangyari, nang makita ng hari sa Hai, na sila'y nagmadali at bumangong maaga, at ang mga lalake sa bayan ay lumabas laban sa Israel upang makipagbaka, siya at ang kaniyang buong bayan, sa kapanahunang takda, sa harap ng Araba, nguni't hindi niya talastas na may bakay laban sa kaniya sa likuran ng bayan. 006 JOS 008 015 At ginawa ni Josue at ng buong Israel na parang sila'y nadaig sa harap nila, at tumakas sa daan na ilang. 006 JOS 008 016 At ang lahat ng mga tao na nasa bayan ay pinisan upang humabol sa kanila: at kanilang hinabol si Josue, at nangalayo sa bayan. 006 JOS 008 017 At walang lalake na naiwan sa Hai o sa Beth-el, na hindi humabol sa Israel: at kanilang iniwang bukas ang bayan, at hinabol ang Israel. 006 JOS 008 018 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Iunat mo ang sibat na nasa iyong kamay sa dakong Hai; sapagka't aking ibibigay sa iyong kamay. At iniunat ni Josue ang sibat na nasa kaniyang kamay sa dakong bayan. 006 JOS 008 019 At ang bakay ay bumangong bigla sa kanilang dako, at sila'y tumakbo pagkaunat niya ng kaniyang kamay, at pumasok sa bayan at sinakop at sila'y nagmadali at sinilaban ang bayan. 006 JOS 008 020 At nang lumingon ang mga lalake sa Hai sa likuran nila, ay kanilang nakita, at, narito, ang usok ng bayan ay napaiilanglang sa langit, at wala silang kapangyarihan na makatakas sa daang ito o sa daang yaon: at ang bayan na tumakas sa ilang ay pumihit sa mga manghahabol. 006 JOS 008 021 At nang makita ni Josue at ng buong Israel na nasakop ng bakay ang bayan at ang usok ng bayan ay napaiilanglang, ay nagsibalik nga uli sila at pinatay ang mga lalake sa Hai. 006 JOS 008 022 At ang iba'y lumabas sa bayan laban sa kanila, na anopa't sila'y nasa gitna ng Israel, na ang iba'y sa dakong ito, at ang iba'y sa dakong yaon: at sinaktan nila sila, na anopa't wala silang iniwan sa kanila na nalabi o nakatanan. 006 JOS 008 023 At ang hari sa Hai ay hinuli nilang buhay, at dinala nila siya kay Josue. 006 JOS 008 024 At nangyari, nang matapos ng Israel na mapatay sa parang ang lahat ng mga taga Hai, sa ilang na kanilang pinaghabulan sa kanila, at mangabuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, hanggang sa nalipol nila sila, ay bumalik ang buong Israel sa Hai, at sinugatan ng talim ng tabak. 006 JOS 008 025 At ang lahat na nabuwal ng araw na yaon, lalake at gayon din ang babae ay labing dalawang libo, lahat ng mga tao sa Hai. 006 JOS 008 026 Sapagka't hindi iniurong ni Josue ang kaniyang kamay na kaniyang ipinag-unat ng sibat hanggang sa kaniyang nalipol na lubos ang lahat ng mga taga Hai. 006 JOS 008 027 Ang hayop lamang at ang samsam sa bayan na yaon ang kinuha ng Israel na pinakasamsam, ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang iniutos kay Josue. 006 JOS 008 028 Gayon sinunog ni Josue ang Hai, at pinapaging isang bunton magpakailan man na isang kagibaan, hanggang sa araw na ito. 006 JOS 008 029 At ibinitin niya ang hari sa Hai sa isang punong kahoy hanggang sa kinahapunan: at sa paglubog ng araw ay iniutos ni Josue, at ibinaba nila ang kaniyang bangkay sa punong kahoy at inihagis sa pasukan ng pintuan ng bayan, at binuntunan ng malaking bunton ng mga bato, hanggang sa araw na ito. 006 JOS 008 030 Nang magkagayo'y ipinagtayo ni Josue ng isang dambana ang Panginoon, ang Dios ng Israel, sa bundok ng Ebal, 006 JOS 008 031 Gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, sa mga anak ni Israel, gaya ng nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises, na isang dambana na hindi hinitsurahang mga bato, na hindi pinagbuhatan ng sinomang tao ng bakal: at kanilang pinaghandugan sa Panginoon ng mga handog na susunugin, at pinaghainan ng mga handog tungkol sa kapayapaan. 006 JOS 008 032 At siya'y sumulat doon sa mga bato ng isang salin ng kautusan ni Moises na kaniyang sinulat, sa harap ng mga anak ni Israel. 006 JOS 008 033 At ang buong Israel, at ang kanilang mga matanda at mga pinuno at ang kanilang mga hukom, ay tumayo sa dakong ito ng kaban at sa dakong yaon sa harap ng mga saserdote na mga Levita, na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa na gaya rin ng mga taga-roon; kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Gerizim at kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Ebal; gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, na kanilang basbasan muna ang bayan ng Israel. 006 JOS 008 034 At pagkatapos ay kaniyang binasa ang lahat ng mga salita ng kautusan, ang pagpapala at ang sumpa, ayon sa lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan. 006 JOS 008 035 Walang salita sa lahat na iniutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng buong kapulungan ng Israel at ng mga babae, at ng mga bata, at ng mga taga ibang lupa na nakikipamayan sa kanila. 006 JOS 009 001 At nangyari, nang mabalitaan ng lahat ng hari na nangasa dako roon ng Jordan sa lupaing maburol, at sa mga kapatagan, at sa lahat ng baybayin ng malaking dagat sa tapat ng Libano, ng Hetheo, at ng Amorrheo, ng Cananeo, ng Pherezeo, ng Heveo, at ng Jebuseo; 006 JOS 009 002 Ay nagpipisan upang labanan si Josue at ang Israel, na may pagkakaisa. 006 JOS 009 003 Nguni't nang mabalitaan ng mga taga Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Hai, 006 JOS 009 004 Ay gumawa naman silang may katusuhan at yumaon at nagpakunwaring sila'y mga sugo, at nagpasan ng mga lumang bayong sa kanilang mga asno at mga sisidlang balat ng alak na luma, at punit at tinahi; 006 JOS 009 005 At mga tagpi-tagping pangyapak na nakasuot sa kanilang mga paa, at ng mga lumang bihisan na suot nila; at ang lahat na tinapay na kanilang baon ay tuyo at inaamag. 006 JOS 009 006 At sila'y nagsiparoon kay Josue sa kampamento sa Gilgal, at nangagsabi sa kaniya at sa mga lalake ng Israel, Kami ay mula sa malayong lupain: ngayon nga'y makipagtipan kayo sa amin. 006 JOS 009 007 At sinabi ng mga lalake ng Israel sa mga Heveo, Marahil kayo'y nananahang kasama namin; at paanong kami ay makikipagtipan sa inyo? 006 JOS 009 008 At kanilang sinabi kay Josue, Kami ay iyong mga lingkod. At sinabi ni Josue sa kanila, Sino kayo at mula saan kayo? 006 JOS 009 009 At sinabi nila sa kaniya, Mula sa totoong malayong lupain ang iyong mga lingkod, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios: sapagka't aming nabalitaan ang kabantugan niya, at ang lahat niyang ginawa sa Egipto, 006 JOS 009 010 At lahat ng kaniyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nasa dako roon ng Jordan, kay Sehon na hari sa Hesbon, at kay Og, na hari sa Basan, na nasa Astaroth. 006 JOS 009 011 At ang aming mga matanda at ang lahat na tagaroon sa aming lupain ay nagsalita sa amin, na sinasabi, Magbaon kayo sa inyong kamay ng maipaglalakbay, at yumaon kayo na salubungin ninyo sila, at inyong sabihin sa kanila, Kami ay inyong mga lingkod: at ngayo'y makipagtipan kayo sa amin. 006 JOS 009 012 Itong aming tinapay ay kinuha naming mainit na pinakabaon namin mula sa aming mga bahay nang araw na kami ay lumabas na patungo sa inyo; nguni't ngayon, narito, tuyo at inaamag: 006 JOS 009 013 At ang mga sisidlang balat ng alak na ito na aming pinuno ay bago; at, narito, mga hapak: at itong aming mga bihisan at aming mga pangyapak ay naluma dahil sa totoong mahabang paglalakbay. 006 JOS 009 014 At kumuha ang mga tao sa Israel ng kanilang baon, at hindi humingi ng payo sa bibig ng Panginoon. 006 JOS 009 015 At si Josue ay nakipagpayapaan sa kanila at nakipagtipan sa kanila, na pabayaan silang mabuhay: at ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila. 006 JOS 009 016 At nangyari, sa katapusan ng tatlong araw, pagkatapos na sila'y makapagtipanan sa kanila, na kanilang nabalitaan na sila'y kanilang kalapit bayan, at sila'y nananahang kasama nila. 006 JOS 009 017 At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at naparoon sa kanilang mga bayan sa ikatlong araw. Ang kanila ngang mga bayan ay Gabaon, Caphira, at Beeroth, at Kiriath-jearim. 006 JOS 009 018 At hindi sila sinaktan ng mga anak ni Israel, sapagka't ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel. At inupasala ng buong kapisanan ang mga prinsipe. 006 JOS 009 019 Nguni't sinabi ng lahat ng mga prinsipe sa buong kapisanan, Kami ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel: ngayon nga'y hindi natin magagalaw sila. 006 JOS 009 020 Ito ang ating gagawin sa kanila at sila'y ating pababayaang mabuhay; baka ang pagiinit ay sumaatin dahil sa sumpa na ating isinumpa sa kanila. 006 JOS 009 021 At sinabi ng mga prinsipe sa kanila, Pabayaan silang mabuhay: sa gayo'y sila'y naging mamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig sa buong kapisanan; gaya ng sinalita ng mga prinsipe sa kanila. 006 JOS 009 022 At ipinatawag sila ni Josue, at nagsalita siya sa kanila, na sinasabi, Bakit kayo'y nagdaya sa amin na nagsasabi, Kami ay totoong malayo sa inyo; dangang nananahan kayong kasama namin? 006 JOS 009 023 Ngayon nga'y sumpain kayo, at hindi mawawalan sa inyo kailan man ng mga alipin, ng mamumutol ng kahoy at gayon din ng mananalok ng tubig sa bahay ng aking Dios. 006 JOS 009 024 At sila'y sumagot kay Josue, at nagsabi, Sapagka't tunay na nasaysay sa iyong mga lingkod, kung paanong iniutos ng Panginoon ninyong Dios kay Moises na kaniyang lingkod na ibibigay sa inyo ang buong lupain, at inyong lilipulin ang lahat na nananahan sa lupain sa harap ninyo; kaya't ikinatakot naming mainam ang aming buhay dahil sa inyo, at aming ginawa ang bagay na ito. 006 JOS 009 025 At ngayon, narito, kami ay nasa iyong kamay: kung ano ang inaakala mong mabuti at matuwid na gawin sa amin, ay gawin mo. 006 JOS 009 026 At gayon ang ginawa niya sa kanila, at iniligtas niya sila sa kamay ng mga anak ni Israel, na hindi sila pinatay. 006 JOS 009 027 At ginawa sila ni Josue nang araw na yaon na mga mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig sa kapisanan, at sa dambana ng Panginoon, hanggang sa araw na ito, sa dakong kaniyang pipiliin. 006 JOS 010 001 Nangyari nga, nang mabalitaan ni Adoni-sedec na hari sa Jerusalem na kung paanong nasakop ni Josue ang Hari at nagibang lubos (na kung paanong kaniyang ginawa sa Jerico at sa hari niyaon, gayon ang kaniyang ginawa sa Hai at sa hari niyaon), at kung paanong nakipagpayapaan sa kanila ang mga taga Gabaon, at nangasa gitna nila; 006 JOS 010 002 Ay natakot silang mainam, sapagka't ang Gabaon ay malaking bayan na gaya ng isa sa mga bayan ng hari, at sapagka't lalong malaki kay sa Hai, at ang lahat na lalake roon ay mga makapangyarihan. 006 JOS 010 003 Kaya't si Adoni-sedec na hari sa Jerusalem ay nagsugo kay Oham na hari sa Hebron, at kay Phiream na hari sa Jarmuth, at kay Japhia, na hari sa Lachis, at kay Debir na hari sa Eglon na ipinasasabi, 006 JOS 010 004 Sampahin ninyo ako at inyong tulungan ako, at saktan natin ang Gabaon: sapagka't nakipagpayapaan kay Josue at sa mga anak ni Israel. 006 JOS 010 005 Kaya't ang limang hari ng mga Amorrheo, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon, ay nagpipisan at sumampa, sila at ang lahat nilang hukbo, at humantong laban sa Gabaon, at nakipagdigma laban doon. 006 JOS 010 006 At ang mga tao sa Gabaon ay nagsugo kay Josue sa kampamento sa Gilgal, na sinasabi, Huwag mong papanlambutin ang iyong kamay sa iyong mga lingkod; sampahin mo kaming madali, at iligtas mo kami, at tulungan mo kami: sapagka't ang lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nangananahan sa lupaing maburol ay nagpipisan laban sa amin. 006 JOS 010 007 Sa gayo'y sumampa si Josue mula sa Gilgal, siya at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, at ang lahat ng mga makapangyarihang lalake na matatapang. 006 JOS 010 008 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag mo silang katakutan: sapagka't aking ibinigay sila sa iyong mga kamay; walang lalake roon sa kanila na tatayo sa harap mo. 006 JOS 010 009 Si Josue nga ay naparoong bigla sa kanila; siya'y sumampa mula sa Gilgal buong gabi. 006 JOS 010 010 At nilito sila ng Panginoon sa harap ng Israel, at kaniyang pinatay sila ng malaking pagpatay sa Gabaon, at hinabol niya sila sa daan na sampahan sa Beth-horon, at sinaktan niya sila hanggang sa Azeca, at sa Maceda. 006 JOS 010 011 At nangyari, na habang tumatakas sa harap ng Israel samantalang sila'y nasa babaan sa Beth-horon, na binagsakan sila ng Panginoon sa Azeca ng mga malaking bato na mula sa langit, at sila'y namatay: sila'y higit na namatayan sa pamamagitan ng mga batong granizo kay sa pinatay ng mga anak ni Israel sa pamamagitan ng tabak. 006 JOS 010 012 Nang magkagayo'y nagsalita si Josue sa Panginoon nang araw na ibinigay ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel; at kaniyang sinabi sa paningin ng Israel, Araw, tumigil ka sa Gabaon; At ikaw, Buwan, sa libis ng Ajalon. 006 JOS 010 013 At ang araw ay tumigil, at ang buwan ay huminto, Hanggang sa ang bansa ay nakapanghiganti sa kaniyang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher? At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw. 006 JOS 010 014 At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyaon bago nangyari yaon o pagkatapos niyaon, na ang Panginoon ay nakinig sa tinig ng tao: sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon ang Israel. 006 JOS 010 015 At si Josue ay bumalik at ang buong Israel na kasama niya, sa kampamento sa Gilgal. 006 JOS 010 016 At ang limang haring ito ay tumakas at nagsipagkubli sa yungib sa Maceda. 006 JOS 010 017 At nasaysay kay Josue, na sinasabi, Ang limang hari ay nasumpungan, na nakatago sa yungib sa Maceda. 006 JOS 010 018 At sinabi ni Josue, Maggulong kayo ng mga malaking bato sa bunganga ng yungib, at maglagay kayo ng mga lalake roon upang magbantay sa kanila: 006 JOS 010 019 Nguni't huwag kayong magsitigil; inyong habulin ang inyong mga kaaway, at inyong sasaktan ang kahulihulihan sa kanila; huwag ninyong tiising pumasok, sa kanilang mga bayan: sapagka't ibinigay sila ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay. 006 JOS 010 020 At nangyari, nang makatapos si Josue at ang mga anak ni Israel ng pagpatay ng malaking pagpatay sa kanila, hanggang sa nangalipol at ang labi na natira sa kanila ay pumasok sa mga nakukutaang bayan, 006 JOS 010 021 Na ang buong bayan ay bumalik sa kampamento kay Josue sa Maceda na tiwasay: walang maggalaw ng kaniyang dila laban sa kaninoman sa mga anak ni Israel. 006 JOS 010 022 Nang magkagayo'y sinabi ni Josue, Inyong buksan ang bunganga ng yungib, at inyong ilabas sa akin ang limang haring iyan sa yungib. 006 JOS 010 023 At kanilang ginawang gayon, at inilabas ang limang haring yaon mula sa yungib, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon. 006 JOS 010 024 At nangyari, nang kanilang ilabas ang mga haring yaon kay Josue na ipinatawag ni Josue ang lahat na lalake sa Israel, at sinabi sa mga pinuno ng mga lalaking mangdidigma na sumama sa kaniya, Lumapit kayo, ilagay ninyo ang inyong mga paa sa mga leeg ng mga haring ito. At sila'y lumapit at inilagay ang kanilang mga paa sa mga leeg ng mga yaon. 006 JOS 010 025 At sinabi ni Josue sa kanila, Huwag kayong matakot, ni manglupaypay; kayo'y magpakalakas at magpakatapang na maigi: sapagka't ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong kinakalaban. 006 JOS 010 026 At pagkatapos ay sinaktan sila ni Josue, at ipinapatay sila, at ibinitin sila sa limang puno ng kahoy; at sila'y nangabitin sa mga puno ng kahoy hanggang sa kinahapunan. 006 JOS 010 027 At nangyari sa paglubog ng araw, na si Josue ay nagutos at kanilang ibinaba sa mga punong kahoy, at kanilang inihagis sa yungib na kanilang pinagtaguan, at kanilang nilagyan ng mga malaking bato ang bunganga ng yungib hanggang sa araw na ito. 006 JOS 010 028 At sinakop ni Josue ang Maceda nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon; kaniyang lubos silang nilipol at ang lahat na tao na nandoon, wala siyang iniwang nalabi: at kaniyang ginawa sa hari sa Maceda ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari ng Jerico. 006 JOS 010 029 At si Josue ay dumaan mula sa Maceda, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Libna, at lumaban sa Libna: 006 JOS 010 030 At ibinigay rin ng Panginoon, sangpu ng hari niyaon, sa kamay ng Israel; at kaniyang sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwan doon; at kaniyang ginawa sa hari niyaon ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari sa Jerico. 006 JOS 010 031 At dumaan si Josue mula sa Libna, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Lachis, at humantong laban doon, at lumaban doon. 006 JOS 010 032 At ibinigay ng Panginoon ang Lachis sa kamay ng Israel at kaniyang sinakop sa ikalawang araw, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon, ayon sa lahat na ginawa niya sa Libna. 006 JOS 010 033 Nang magkagayo'y sumampa si Horam na hari sa Gezer upang tulungan ang Lachis; at sinaktan ni Josue siya at ang kaniyang bayan, hanggang sa walang iniwan siya. 006 JOS 010 034 At dumaan si Josue mula sa Lachis, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Eglon; at sila'y humantong laban doon, at nakipaglaban doon; 006 JOS 010 035 At kanilang sinakop nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon ay kaniyang lubos na nilipol nang araw na yaon, ayon sa lahat niyang ginawa sa Lachis. 006 JOS 010 036 At sumampa si Josue mula sa Eglon, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Hebron; at sila'y nakipaglaban doon: 006 JOS 010 037 At kanilang sinakop, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwang nalabi, ayon sa lahat niyang ginawa sa Eglon; kundi kaniyang lubos na nilipol, at ang lahat na tao na nandoon. 006 JOS 010 038 At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa Debir; at nakipaglaban doon: 006 JOS 010 039 At kaniyang sinakop at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon; at kanilang sinugatan ng talim ng tabak at lubos na nilipol ang lahat na tao na nandoon: wala siyang iniwang nalabi: kung paano ang kaniyang ginawa sa Hebron, ay gayon ang kaniyang ginawa sa Debir, at sa hari niyaon; gaya ng kaniyang ginawa sa Libna at sa hari niyaon. 006 JOS 010 040 Ganito sinaktan ni Josue ang buong lupain, ang lupaing maburol, at ang Timugan, at ang mababang lupain, at ang mga tagudtod, at ang lahat ng hari niyaon; wala siyang iniwang nalabi: kundi kaniyang lubos na nilipol ang lahat na humihinga, gaya ng iniutos ng Panginoon ng Dios ng Israel. 006 JOS 010 041 At sinaktan sila ni Josue mula sa Cades-barnea hanggang sa Gaza, at ang buong lupain ng Gosen, hanggang sa Gabaon. 006 JOS 010 042 At ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain ay sinakop ni Josue na paminsan, sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel. 006 JOS 010 043 At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa kampamento sa Gilgal. 006 JOS 011 001 At nangyari nang mabalitaan ni Jabin na hari sa Hasor, na siya'y nagsugo kay Jobab na hari sa Madon, at sa hari sa Simron, at sa hari sa Achsaph, 006 JOS 011 002 At sa mga hari na nangasa hilagaan, sa lupaing maburol, at sa Araba sa timugan ng Cinneroth at sa mababang lupain, at sa mga kaitaasan ng Dor sa kalunuran, 006 JOS 011 003 Sa Cananeo sa silanganan at sa kalunuran at sa Amorrheo, at sa Hetheo, at sa Pherezeo, at sa Jebuseo sa lupaing maburol, at sa Heveo sa ibaba ng Hermon, sa lupain ng Mizpa. 006 JOS 011 004 At sila'y lumabas, sila at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, maraming tao, na gaya nga ng mga buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan, na may mga kabayo at mga karo na totoong marami. 006 JOS 011 005 At ang lahat ng mga haring ito ay nagpipisan; at sila'y naparoon at humantong na magkakasama sa tubig ng Merom, upang makipaglaban sa Israel. 006 JOS 011 006 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag kang matakot ng dahil sa kanila; sapagka't bukas sa ganitong oras ay ibibigay ko silang lahat na patay sa harap ng Israel: inyong pipilayan ang kanilang mga kabayo, at sisilaban ng apoy ang kanilang mga karo. 006 JOS 011 007 Sa gayo'y biglang naparoon si Josue, at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, laban sa kanila sa tabi ng tubig ng Merom, at dumaluhong sila sa kanila. 006 JOS 011 008 At ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel, at sinaktan nila, at hinabol nila sila hanggang sa malaking Sidon, at hanggang sa Misrephoth-maim, at hanggang sa libis ng Mizpa, sa dakong silanganan; at sinaktan nila sila hanggang sa wala silang iniwan sa kanila nalabi. 006 JOS 011 009 At ginawa ni Josue sa kanila ang gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya; kaniyang pinilayan ang kanilang mga kabayo, at sinilaban ng apoy ang kanilang mga karo. 006 JOS 011 010 At bumalik si Josue nang panahong yaon at sinakop ang Hasor, at sinugatan ng tabak ang hari niyaon: sapagka't ang Hasor ng una ay pangulo ng lahat ng mga kahariang yaon. 006 JOS 011 011 At kanilang sinugatan ng talim ng tabak ang lahat na tao na nandoon, na kanilang lubos na nilipol: walang naiwan na may hininga, at kaniyang sinilaban ng apoy ang Hasor. 006 JOS 011 012 At ang lahat ng mga bayan ng mga haring yaon at ang lahat ng mga hari ng mga yaon ay sinakop ni Josue, at sinugatan niya sila ng talim ng tabak at lubos na nilipol sila; gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon. 006 JOS 011 013 Nguni't tungkol sa mga bayang natatayo sa kanilang mga bunton, ay walang sinunog ang Israel sa mga yaon, liban sa Hasor lamang, na sinunog ni Josue. 006 JOS 011 014 At ang lahat na samsam sa mga bayang ito at ang mga hayop ay kinuha ng mga anak ni Israel na pinakasamsam para sa kanilang sarili; nguni't ang bawa't tao ay sinugatan nila ng talim ng tabak hanggang sa kanilang nalipol sila, ni hindi nagiwan sila ng anomang may hininga. 006 JOS 011 015 Kung paanong nagutos ang Panginoon kay Moises na kaniyang lingkod, ay gayon nagutos si Moises kay Josue: at gayon ang ginawa ni Josue; wala siyang iniwang hindi yari sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises. 006 JOS 011 016 Sa gayo'y sinakop ni Josue ang buong lupaing yaon, ang lupaing maburol, at ang buong Timugan, at ang buong lupain ng Gosen, at ang mababang lupain, at ang Araba, at ang lupaing maburol ng Israel, at ang mababang lupain niyaon; 006 JOS 011 017 Mula sa bundok ng Halac na paahon sa Seir, hanggang sa Baal-gad sa libis ng Libano sa ibaba ng bundok Hermon: at kinuha niya ang lahat nilang hari, at sinaktan niya sila at ipinapatay niya sila. 006 JOS 011 018 Si Josue ay nakipagdigmang malaong panahon sa lahat ng mga haring yaon. 006 JOS 011 019 Walang bayan na nakipagpayapaan sa mga anak ni Israel, liban ang mga Heveo na mga taga Gabaon: kanilang kinuhang lahat sa pakikipagbaka. 006 JOS 011 020 Sapagka't inakala nga ng Panginoon na papagmatigasin ang kanilang puso, upang pumaroon laban sa Israel sa pakikipagbaka, upang kanilang malipol silang lubos, na huwag silang magtamo ng biyaya, kundi kaniyang malipol sila, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 006 JOS 011 021 At naparoon si Josue nang panahong yaon at nilipol ang mga Anaceo mula sa lupaing maburol, sa Hebron, sa Debir, sa Anab, at sa buong lupaing maburol ng Juda, at sa buong lupaing maburol ng Israel: nilipol silang lubos ni Josue sangpu ng kanilang mga bayan. 006 JOS 011 022 Walang naiwan sa mga Anaceo sa lupain ng mga anak ni Israel: sa Gaza, sa Gath, at sa Asdod lamang, nagiwan siya ng ilan. 006 JOS 011 023 Gayon sinakop ni Josue ang buong lupain ayon sa lahat na sinalita ng Panginoon kay Moises; at ibinigay ni Josue na pinakamana sa Israel, ayon sa kanilang pagkakabahagi sangayon sa kanilang mga lipi. At ang lupain ay nagpahinga sa pakikipagdigma. 006 JOS 012 001 Ang mga ito nga ang mga hari sa lupain na sinaktan ng mga anak ni Israel, at inari ang kanilang lupain sa dako roon ng Jordan na dakong sinisikatan ng araw mula sa libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Hermon, at ng buong Araba na dakong silanganan: 006 JOS 012 002 Si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na nanahan sa Hesbon at nagpuno mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ang kalahati ng Galaad, hanggang sa ilog Jaboc, na hangganan ng mga anak ni Ammon; 006 JOS 012 003 At ang Araba hanggang sa dagat ng Cinneroth, na dakong silanganan, at hanggang sa dagat ng Araba, Dagat na Alat, na dakong silanganan, na daang patungo sa Beth-jesimoth; at sa timugan sa ilalim ng mga tagudtod ng Pisga: 006 JOS 012 004 At ang hangganan ni Og na hari sa Basan, sa nalabi ng mga Rephaim na nanahan sa Astaroth at sa Edrei, 006 JOS 012 005 At nagpuno sa bundok ng Hermon, at sa Salca, at sa buong Basan, hanggang sa hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo, at ng kalahati ng Galaad, na hangganan ni Sehon na hari sa Hesbon. 006 JOS 012 006 Sinaktan sila ni Moises na lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel: at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pinakaari sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases. 006 JOS 012 007 At ang mga ito'y ang mga hari ng lupain na sinaktan ni Josue at ng mga anak ni Israel sa dako roon ng Jordan na dakong kalunuran, mula sa Baal-gad na libis ng Libano hanggang sa bundok ng Halac, na pasampa sa Seir (at ibinigay ni Josue na pinakaari sa mga lipi ng Israel ayon sa kanilang pagkakabahagi; 006 JOS 012 008 Sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Araba, at sa mga tagudtod, at sa ilang, at sa Timugan; ang Hatheo, ang Amorrheo, at ang Cananeo, ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo); 006 JOS 012 009 Ang hari sa Jerico, isa; ang hari sa Hai na nasa tabi ng Beth-el, isa; 006 JOS 012 010 Ang hari sa Jerusalem, isa; ang hari sa Hebron, isa. 006 JOS 012 011 Ang hari sa Jarmuth, isa; ang hari sa Lachis, isa; 006 JOS 012 012 Ang hari sa Eglon, isa; ang hari sa Gezer, isa; 006 JOS 012 013 Ang hari sa Debir, isa; ang hari sa Geder, isa; 006 JOS 012 014 Ang hari sa Horma, isa; ang hari sa Arad, isa; 006 JOS 012 015 Ang hari sa Libna, isa; ang hari sa Adullam, isa; 006 JOS 012 016 Ang hari sa Maceda, isa; ang hari sa Beth-el, isa; 006 JOS 012 017 Ang hari sa Tappua, isa; ang hari sa Hepher, isa; 006 JOS 012 018 Ang hari sa Aphec, isa; ang hari sa Lasaron, isa; 006 JOS 012 019 Ang hari sa Madon, isa; ang hari sa Hasor, isa; 006 JOS 012 020 Ang hari sa Simron-meron, isa; ang hari sa Achsaph, isa; 006 JOS 012 021 Ang hari sa Taanach, isa; ang hari sa Megiddo, isa; 006 JOS 012 022 Ang hari sa Chedes, isa; ang hari sa Jocneam sa Carmel, isa; 006 JOS 012 023 Ang hari sa Dor sa kaitaasan ng Dor, isa; ang hari ng mga bansa sa Gilgal, isa; 006 JOS 012 024 Ang hari sa Tirsa, isa; lahat ng hari ay tatlong pu't isa; 006 JOS 013 001 Si Josue nga'y matanda at puspos ng mga taon; at sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ikaw ay matanda at puspos ng mga taon, at may nalalabi pang totoong maraming lupain na aariin. 006 JOS 013 002 Ito ang lupain na nalalabi pa: ang lahat na lupain ng mga Filisteo, at ang lahat na Gessureo: 006 JOS 013 003 Mula sa Sihor na nasa tapat ng Egipto, hanggang sa hangganan ng Accaron na dakong hilagaan, na nabilang sa mga Cananeo: ang limang pangulo ng mga Filisteo, ang mga Gazeo, ang mga Asdodeo, ang mga Ascaloneo, ang mga Getheo, ang mga Accaronneo; gayon din ang mga Heveo, 006 JOS 013 004 Sa dakong timugan: ang lahat na lupain ng mga Cananeo, at ang Mehara, na nauukol sa mga Sidonio hanggang sa Aphec, na hangganan ng mga Amorrheo; 006 JOS 013 005 At ang lupain ng mga Gebalita at ang buong Libano, sa dakong sinisikatan ng araw, mula sa Baal-gad, sa ibaba ng bundok Hermon hanggang sa pasukan sa Hamat: 006 JOS 013 006 Ang lahat ng taga lupaing maburol mula sa Libano hanggang sa Misrephoth-maim, sa makatuwid baga'y lahat ng mga Sidonio; sila'y aking itataboy mula sa harap ng mga anak ni Israel: iyo lamang bahagihin sa Israel na pinakamana, gaya ng iniutos ko sa iyo. 006 JOS 013 007 Iyo ngang bahagihin ang lupaing ito na pinakamana sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi ni Manases. 006 JOS 013 008 Sa kaniya'y tinanggap ng mga Rubenita at ng mga Gadita, ang kanilang mana, na ibinigay sa kanila ni Moises, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan gaya ng ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon; 006 JOS 013 009 Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ng buong kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon: 006 JOS 013 010 At ang lahat na bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na naghahari sa Hesbon hanggang sa hangganan ng mga anak ni Ammon; 006 JOS 013 011 At ang Galaad, at ang hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo at ang buong bundok ng Hermon, at ang buong Basan hanggang sa Salca; 006 JOS 013 012 Ang buong kaharian ni Og sa Basan, na naghari sa Astaroth at sa Edrei (na siyang naiwang labi sa mga Rephaim); sapagka't sinaktan ang mga ito ni Moises at mga itinaboy. 006 JOS 013 013 Gayon ma'y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Gessureo, ni ang mga Maachateo; kundi ang Gessureo at ang Maachateo ay tumahan sa gitna ng Israel hanggang sa araw na ito. 006 JOS 013 014 Ang lipi lamang ni Levi ang hindi niya binigyan ng mana; ang mga handog sa Panginoon, sa Dios ng Israel na pinaraan sa apoy ay siyang kaniyang mana, gaya ng sinalita niya sa kaniya. 006 JOS 013 015 At nagbigay si Moises sa lipi ng mga anak ni Ruben ng ayon sa kanilang mga angkan. 006 JOS 013 016 At ang kanilang hangganan ay mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayang nasa gitna ng libis, at ang buong kapatagan sa tabi ng Medeba; 006 JOS 013 017 Ang Hesbon at ang lahat ng mga bayan niyaon na nasa kapatagan; ang Dibon at ang Bamoth-baal, at ang Beth-baal-meon; 006 JOS 013 018 At ang Jaas, at ang Ced-demoth, at ang Mephaath; 006 JOS 013 019 At ang Chiriataim, at ang Sibma, at ang Zereth-shahar, sa bundok ng libis; 006 JOS 013 020 At ang Beth-peor, at ang mga tagudtod ng Pisga, at ng Beth-jesimoth; 006 JOS 013 021 At ang lahat ng mga bayan sa kapatagan at ang buong kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na naghari sa Hesbon, na siyang sinaktan ni Moises na gayon din ang mga pinuno sa Madian, si Hevi, si Recem, at si Sur, at si Hur, at si Reba, na mga prinsipe ni Sehon, na tumahan sa lupain. 006 JOS 013 022 Si Balaam man na anak ni Beor na manghuhula, ay pinatay ng mga anak ni Israel ng tabak sa gitna ng nalabi sa kanilang nangapatay. 006 JOS 013 023 At ang hangganan ng mga anak ni Ruben ay ang Jordan, at ang hangganan niyaon. Ito ang mana ng mga anak ni Ruben ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon. 006 JOS 013 024 At si Moises ay nagbigay sa lipi ni Gad, sa mga anak ni Gad, ng ayon sa kanilang mga angkan. 006 JOS 013 025 At ang kanilang hangganan ay ang Jacer, at ang lahat na bayan ng Galaad, at ang kalahati ng lupain ng mga anak ni Ammon hanggang sa Aroer na nasa tapat ng Rabba; 006 JOS 013 026 At mula sa Hesbon hanggang sa Ramathmizpe, at sa Betonim; at mula sa Mahanaim hanggang sa hangganan ng Debir. 006 JOS 013 027 At sa libis, ang Beth-aram, at ang Beth-nimra, at ang Sucoth, at ang Saphon, na labis ng kaharian ni Sehon na hari sa Hesbon, ang Jordan at ang hangganan niyaon, hanggang sa kaduluduluhang bahagi ng dagat ng Cinnereth, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan. 006 JOS 013 028 Ito ang mana ng mga anak ni Gad ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon. 006 JOS 013 029 At si Moises ay nagbigay ng mana sa kalahating lipi ni Manases: at yao'y sa kalahating lipi ng mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan. 006 JOS 013 030 At ang kanilang hangganan ay mula sa Mahanaim, ang buong Basan, ang buong kaharian ni Og na hari sa Basan at ang lahat ng mga bayan ng Jair na nasa Basan, anim na pung bayan. 006 JOS 013 031 At ang kalahati ng Galaad at ang Astaroth at ang Edrei, ang mga bayan ng kaharian ni Og sa Basan, ay sa mga anak ni Machir na anak ni Manases, sa makatuwid baga'y sa kalahati ng mga anak ni Machir ayon sa kanilang mga angkan. 006 JOS 013 032 Ito ang mga mana na binahagi ni Moises sa mga kapatagan ng Moab, sa dako roon ng Jordan sa Jerico, na dakong silanganan. 006 JOS 013 033 Nguni't sa lipi ni Levi ay walang ibinigay si Moises na mana: ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay siyang kanilang mana, gaya ng kaniyang sinalita sa kanila. 006 JOS 014 001 At ito ang mga mana na sinakop ng mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan, na binahagi sa kanila ni Eleazar na saserdote, at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel, 006 JOS 014 002 Sa pamamagitan ng sapalaran ng kanilang mana, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises, sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi. 006 JOS 014 003 Sapagka't nabigyan na ni Moises ng mana ang dalawang lipi at ang kalahating lipi sa dako roon ng Jordan: nguni't sa mga Levita ay wala siyang ibinigay na mana sa kanila. 006 JOS 014 004 Sapagka't ang mga anak ni Jose ay naging dalawang lipi ang Manases at ang Ephraim: at hindi sila nagbigay ng bahagi sa mga Levita sa lupain, liban ang mga bayan na matahanan, pati ng mga nayon niyaon sa kanilang hayop at sa kanilang pag-aari. 006 JOS 014 005 Kung paano iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel, at kanilang binahagi ang lupain. 006 JOS 014 006 Nang magkagayo'y lumapit ang mga anak ni Juda kay Josue sa Gilgal: at sinabi sa kaniya ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo, Iyong talastas ang bagay na sinalita ng Panginoon kay Moises na lalake ng Dios, tungkol sa akin at tungkol sa iyo sa Cades-barnea. 006 JOS 014 007 Ako'y may apat na pung taon nang ako'y suguin ni Moises na lingkod ng Panginoon mula sa Cades-barnea upang tiktikan ang lupain; at aking dinalhan ng sagot siya ng gaya ng nasa aking puso. 006 JOS 014 008 Gayon ma'y pinapanglumo ng mga kapatid na kasama ko ang puso ng bayan: nguni't ako'y lubos na sumunod sa Panginoon kong Dios. 006 JOS 014 009 At si Moises ay sumumpa nang araw na yaon, na nagsasabi, Tunay na ang lupain na tinuntungan ng iyong paa ay magiging isang mana sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man, sapagka't sumunod kang lubos sa Panginoon kong Dios. 006 JOS 014 010 At ngayon, narito, iningatan akong buhay ng Panginoon, gaya ng kaniyang sinalita, nitong apat na pu't limang taon, mula nang panahon na salitain ng Panginoon ang salitang ito kay Moises, samantalang lumalakad ang Israel sa ilang; at ngayon, narito, sa araw na ito ako'y may walong pu't limang taon na. 006 JOS 014 011 Gayon ma'y malakas pa ako sa araw na ito na gaya nang araw na suguin ako ni Moises: kung paano nga ang lakas ko noon, ay gayon ang lakas ko ngayon, sa pakikidigma, at gayon din sa paglalabas pumasok. 006 JOS 014 012 Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinalita ng Panginoon nang araw na yaon: sapagka't iyong nabalitaan nang araw na yaon kung paanong nariyan ang mga Anaceo, at mga bayang malalaki at nakukutaan: marahil ay sasa akin ang Panginoon, at akin silang maitataboy na gaya ng sinalita ng Panginoon. 006 JOS 014 013 At binasbasan siya ni Josue at kaniyang ibinigay ang Hebron kay Caleb na Anak ni Jephone, na pinakaari niya. 006 JOS 014 014 Kaya't ang Hebron ay naging mana ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang lubos na sinunod ang Panginoon, ang Dios ng Israel. 006 JOS 014 015 Ang pangalan nga ng Hebron nang una ay Chiriath-arba; na siyang Arba na pinaka malaking lalake sa mga Anaceo. At ang lupain ay nagpahinga sa pakikidigma. 006 JOS 015 001 At naging kapalaran ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan ay hanggang sa hangganan ng Edom; hanggang sa ilang ng Zin na dakong timugan, sa kahulihulihang bahagi ng timugan. 006 JOS 015 002 At ang kanilang hangganang timugan ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Dagat na Alat, mula sa dagat-dagatan na nakaharap sa dakong timugan: 006 JOS 015 003 At palabas sa dakong timugan ng pagsampa sa Acrabim, at patuloy sa Zin at pasampa sa timugan ng Cades-barnea, at patuloy sa Hezron, at pasampa sa Addar, at paliko sa Carca: 006 JOS 015 004 At patuloy sa Azmon, at palabas sa batis ng Egipto, at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat: ito ang magiging inyong hangganang timugan. 006 JOS 015 005 At ang hangganang silanganan ay ang Dagat na Alat, hanggang sa katapusan ng Jordan. At ang hangganan ng hilagaang dako ay mula sa dagat-dagatan ng dagat na nasa katapusan ng Jordan: 006 JOS 015 006 At pasampa ang hangganan sa Beth-hogla, at patuloy sa hilagaan ng Beth-araba; at ang hangganan ay pasampa sa bato ni Bohan na anak ni Ruben: 006 JOS 015 007 At ang hangganan ay pasampa sa Debir mula sa libis ng Achor, at gayon sa dakong hilagaang paharap sa dakong Gilgal, na nasa tapat ng pagsampa sa Adumin, na nasa dakong timugan ng ilog: at ang hangganan ay patuloy sa tubig ng En-semes, at ang mga labasan niyaon ay sa En-rogel: 006 JOS 015 008 At ang hangganan ay pasampa sa libis ng anak ni Hinnom hanggang sa dako ng Jebuseo na dakong timugan (na siya ring Jerusalem): at ang hangganan ay pasampa sa taluktok ng bundok na dumudoon sa harap ng libis ng Hinnom na dakong kalunuran, na sa kahulihulihang bahagi ng libis ng Rephaim na dakong hilagaan: 006 JOS 015 009 At ang hangganan ay paabot mula sa taluktok ng bundok hanggang sa bukal ng tubig ng Nephtoa, at palabas sa mga bayan ng bundok ng Ephron, at ang hangganan ay paabot sa Baala (na siya ring Chiriath-jearim): 006 JOS 015 010 At ang hangganan ay paliko mula sa Baala sa dakong kalunuran sa bundok ng Seir, at patuloy sa tabi ng bundok Jearim sa hilagaan (na siya ring Chesalon), at pababa sa Beth-semes at patuloy sa Timna. 006 JOS 015 011 At ang hangganan ay palabas sa siping ng Ecron na dakong hilagaan; at ang hangganan ay paabot sa Sicheron, at patuloy sa bundok ng Baala, at palabas sa Jabneel; at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat. 006 JOS 015 012 At ang hangganang kalunuran ay ang malaking dagat, at ang hangganan niyaon. Ito ang hangganan ng mga anak ni Juda sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan. 006 JOS 015 013 At kay Caleb na anak ni Jephone ay nagbigay siya ng isang bahagi sa gitna ng mga anak ni Juda, ayon sa utos ng Panginoon kay Josue, sa makatuwid baga'y ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac (na siya ring Hebron). 006 JOS 015 014 At pinalayas ni Caleb mula roon ang tatlong anak ni Anac: si Sesai, si Aiman at si Talmai, na mga anak ni Anac. 006 JOS 015 015 At siya'y sumampa mula roon laban sa mga taga Debir: ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher. 006 JOS 015 016 At sinabi ni Caleb, Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop, sa kaniya ko papagaasawahin si Axa na aking anak na babae. 006 JOS 015 017 At sinakop ni Othoniel na anak ni Cenez, na kapatid ni Caleb: at pinapagasawa niya sa kaniya si Axa na kaniyang anak na babae. 006 JOS 015 018 At nangyari, nang si Axa ay malakip sa kaniya, na kinilos nito siya na humingi sa kaniyang ama ng isang parang: at siya'y bumaba sa kaniyang asno, at sinabi ni Caleb sa kaniya, Anong ibig mo? 006 JOS 015 019 At kaniyang sinabi, Pagpalain mo ako; sapagka't inilagay mo ako sa lupaing Timugan, ay bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig. At ibinigay niya sa kaniya ang mga bukal sa itaas at ang mga bukal sa ibaba. 006 JOS 015 020 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan. 006 JOS 015 021 At ang mga kaduluduluhang bayan ng lipi ng mga anak ni Juda sa dako ng hangganan ng Edom sa timugan ay Cabseel, at Eder, at Jagur, 006 JOS 015 022 At Cina, at Dimona, at Adada, 006 JOS 015 023 At Cedes, at Asor, at Itnan, 006 JOS 015 024 At Ziph, at Telem, at Bealoth, 006 JOS 015 025 At Asor-hadatta, at Cheriothhesron (na siya ring Asor), 006 JOS 015 026 Amam, at Sema, at Molada, 006 JOS 015 027 At Asar-gadda, at Hesmon, at Beth-pelet, 006 JOS 015 028 At Hasar-sual, at Beer-seba, at Bizotia, 006 JOS 015 029 Baala, at Iim, at Esem, 006 JOS 015 030 At Eltolad, at Cesil, at Horma, 006 JOS 015 031 At Siclag, at Madmanna, at Sansana, 006 JOS 015 032 At Lebaoth at Silim, at Ain at Rimmon: lahat ng mga bayan ay dalawang pu't siyam, pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 015 033 Sa mababang lupain: Estaol, at Sorea, at Asena, 006 JOS 015 034 At Zanoa, at En-gannim, Tappua, at En-am, 006 JOS 015 035 Jarmuth at Adullam, Socho at Aceca, 006 JOS 015 036 At Saraim at Adithaim, at Gedera at Gederothaim; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 015 037 Senan, at Hadasa, at Migdalgad; 006 JOS 015 038 At Dilan, at Mizpe, at Jocteel, 006 JOS 015 039 Lachis, at Boscat, at Eglon, 006 JOS 015 040 At Cabon, at Lamas, at Chitlis; 006 JOS 015 041 At Gederoth, at Beth-dagon, at Naama at Maceda: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 015 042 Libna, at Ether, at Asan, 006 JOS 015 043 At Jiphta, at Asna, at Nesib, 006 JOS 015 044 At Ceila, at Achzib, at Maresa; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 015 045 Ecron at ang mga bayan niyaon, at ang mga nayon niyaon: 006 JOS 015 046 Mula sa Ecron hanggang sa dagat, lahat na nasa siping ng Asdod pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 015 047 Asdod, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon, Gaza, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon; hanggang sa batis ng Egipto, at ang malaking dagat at ang hangganan niyaon. 006 JOS 015 048 At sa lupaing maburol, Samir, at Jattir, at Soco, 006 JOS 015 049 At Danna, at Chiriat-sanna (na siyang Debir), 006 JOS 015 050 At Anab, at Estemo, at Anim; 006 JOS 015 051 At Gosen, at Olon, at Gilo: labing isang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 015 052 Arab, at Dumah, at Esan, 006 JOS 015 053 At Janum, at Beth-tappua, at Apheca: 006 JOS 015 054 At Humta, at Chiriath-arba (na siyang Hebron), at Sior; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 015 055 Maon, Carmel, at Ziph, at Juta, 006 JOS 015 056 At Izreel, at Jocdeam, at Zanoa, 006 JOS 015 057 Cain, Gibea, at Timna: sangpung bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 015 058 Halhul, Beth-zur, at Gedor. 006 JOS 015 059 At Maarath, at Beth-anoth, at Eltecon; anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 015 060 Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), at Rabba: dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 015 061 Sa ilang; Beth-araba, Middin, at Sechacha; 006 JOS 015 062 At Nibsan, at ang Bayan ng Asin, at En-gedi: anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 015 063 At tungkol sa mga Jebuseo na mga taga Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda: kundi ang mga Jebuseo ay nanahang kasama ng mga anak ni Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito. 006 JOS 016 001 At ang kapalaran ng mga anak ni Jose ay nagmula sa Jordan sa Jerico, sa tubig ng Jerico sa dakong silanganan, hanggang sa ilang na pasampa, mula sa Jerico at patuloy sa lupaing maburol hanggang sa Beth-el; 006 JOS 016 002 At palabas mula sa Beth-el na patungo sa Luz at patuloy sa hangganan ng mga Archita na patungo sa Ataroth; 006 JOS 016 003 At pababa sa dakong kalunuran sa hangganan ng mga Japhleteo, hanggang sa hangganan ng Beth-horon sa ibaba, hanggang sa Gezer: at ang mga labasan niyaon ay sa dagat. 006 JOS 016 004 At kinuha ang kanilang mana ng mga anak ni Jose, ng Manases, at ng Ephraim. 006 JOS 016 005 At ang hangganan ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan ay ito: ang hangganan ng kanilang mana na dakong silanganan ay Ataroth-addar, hanggang sa Beth-horon sa itaas: 006 JOS 016 006 At ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran sa Michmetat, sa hilagaan; at ang hangganan ay paliko sa dakong silanganan hanggang sa Tanath-silo at patuloy sa silanganan ng Janoa: 006 JOS 016 007 At pababa mula sa Janoa na patungo sa Ataroth at sa Naara, at abot hanggang sa Jerico, at palabas sa Jordan. 006 JOS 016 008 Mula sa Tappua ay patuloy ang hangganan sa dakong kalunuran sa batis ng Cana: at ang labasan niyaon ay sa dagat. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan, 006 JOS 016 009 Pati ng mga bayan na inihiwalay sa mga anak ni Ephraim sa gitna ng mana ng mga anak ni Manases, lahat ng mga bayan na kalakip ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 016 010 At hindi nila pinalayas ang mga Cananeo na nananahan sa Gezer: kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa gitna ng Ephraim hanggang sa araw na ito, at naging mga alilang tagapagatag. 006 JOS 017 001 At ito ang kapalaran ng lipi ni Manases; sapagka't siya ang panganay ni Jose. Tungkol kay Machir na panganay ni Manases, na ama ni Galaad, sapagka't siya'y lalaking mangdidigma, ay kaniya ngang tinangkilik ang Galaad at ang Basan. 006 JOS 017 002 At ang napasa ibang mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan, sa mga anak ng Abiezer, at sa mga anak ng Helec, at sa mga anak ng Esriel, at sa mga anak ng Sichem, at sa mga anak ng Hepher, at sa mga anak ng Semida; ang mga ito ang mga anak na lalake ni Manases na anak ni Jose, ayon sa kanilang mga angkan. 006 JOS 017 003 Nguni't si Salphaad na anak ni Hepher, na anak ni Galaad na anak ni Machir, na anak ni Manases, ay hindi nagkaroon ng mga anak na lalake kundi mga babae: at ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak: Maala, at Noa, Hogla, Milcha, at Tirsa. 006 JOS 017 004 At sila'y lumapit sa harap ni Eleazar na saserdote at sa harap ni Josue na anak ni Nun, at sa harap ng mga prinsipe, na sinasabi, Iniutos ng Panginoon kay Moises na bigyan kami ng mana sa gitna ng aming mga kapatid: kaya't ayon sa utos ng Panginoon ay binigyan niya sila ng mana sa gitna ng mga kapatid ng kanilang ama. 006 JOS 017 005 At nahulog ang sangpung bahagi kay Manases, bukod sa lupain ng Galaad at ang Basan, na nasa dako roon ng Jordan; 006 JOS 017 006 Sapagka't ang mga anak na babae ni Manases ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kaniyang mga anak; at ang lupain ng Galaad ay ukol sa nalabi sa mga anak ni Manases. 006 JOS 017 007 At ang hangganan ng Manases ay mula sa Aser hanggang sa Michmetat, na nasa tapat ng Sichem; at ang hangganan ay patuloy sa kanan, hanggang sa mga taga En-tappua. 006 JOS 017 008 Ang lupain ng Tappua ay ukol sa Manases: nguni't ang Tappua sa hangganan ng Manases ay ukol sa mga anak ni Ephraim. 006 JOS 017 009 At ang hangganan ay pababa hanggang sa batis ng Cana, na dakong timugan ng batis: ang mga bayang ito ay ukol sa Ephraim sa gitna ng mga bayan ng Manases: at ang hangganan ng Manases ay nasa dakong hilagaan ng batis, at ang labasan niyaon ay sa dagat; 006 JOS 017 010 Ang dakong timugan ay ang sa Ephraim, at ang dakong hilagaan ay ang sa Manases, at ang dagat ay hangganan niyaon; at abot sa Aser sa hilagaan at sa Issachar sa silanganan. 006 JOS 017 011 At tinatangkilik ng Manases sa Issachar at sa Aser ang Beth-san at ang mga nayon niyaon, at ang Ibleam at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Dor, at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga En-dor at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Taanach at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Megiddo, at ang mga nayon niyaon, ang tatlong kaitaasan. 006 JOS 017 012 Gayon ma'y hindi napalayas ng mga anak ni Manases ang mga taga-roon sa mga bayang yaon; kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa lupaing yaon. 006 JOS 017 013 At nangyari, nang ang mga anak ni Israel ay lumakas, na kanilang inilagay ang mga Cananeo sa pagaatag, at hindi nila lubos na pinalayas. 006 JOS 017 014 At ang mga anak ni Jose ay nagsalita kay Josue, na sinasabi, Bakit ang ibinigay mo sa akin ay isang kapalaran at isang bahagi lamang na pinakamana, dangang malaking bayan ako, sapagka't pinagpala ako hanggang ngayon ng Panginoon? 006 JOS 017 015 At sinabi ni Josue sa kanila, Kung ikaw ay malaking bayan, sumampa ka sa gubat, at iyong malalawag doon sa iyong sarili ang lupain ng mga Pherezeo at ng mga Rephaim; yamang ang lupaing maburol ng Ephraim ay totoong makipot sa ganang iyo. 006 JOS 017 016 At sinabi ng mga anak ni Jose, Ang lupaing maburol ay hindi sukat sa amin; at ang lahat ng mga Cananeo na tumatahan sa lupain ng libis ay may mga karong bakal, sila na tumatahan sa Beth-san at sa mga nayon niyaon, at gayon din sila na nasa libis ng Jezreel. 006 JOS 017 017 At si Josue ay nagsalita sa sangbahayan ni Jose, ni Ephraim at ni Manases, na sinasabi, Ikaw ay malaking bayan, at may dakilang kapangyarihan: hindi marapat sa iyo ang isang kapalaran lamang: 006 JOS 017 018 Kundi ang lupaing maburol ay magiging iyo; sapagka't bagaman isang gubat ay iyong malalawag, at ang labasan niyaon ay magiging iyo, sapagka't iyong palalayasin ang mga Cananeo, bagaman sila'y may mga karong bakal, at bagaman sila'y matibay. 006 JOS 018 001 At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay nagpupulong sa Silo, at itinayo ang tabernakulo ng kapisanan doon: at ang lupain ay sumuko sa harap nila. 006 JOS 018 002 At nalabi sa mga anak ni Israel ay pitong lipi na hindi pa nababahaginan ng kanilang mana. 006 JOS 018 003 At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, Hanggang kailan magpapakatamad kayo upang pasukin ninyong ariin ang lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang? 006 JOS 018 004 Maghalal kayo sa inyo ng tatlong lalake sa bawa't lipi: at aking susuguin, at sila'y babangon at lalakad sa lupain, at iguguhit ayon sa kanilang mana; at sila'y paririto sa akin. 006 JOS 018 005 At kanilang babahagihin ng pitong bahagi: ang Juda ay mananahan sa hangganan niyaon na dakong timugan, at ang sangbahayan ni Jose ay mananahan sa kanilang hangganan sa dakong hilagaan. 006 JOS 018 006 At inyong iguguhit ang lupain ng pitong bahagi, at inyong dadalhin ang pagkaguhit dito sa akin: at aking ipagsasapalaran dito sa inyo sa harap ng Panginoon natin Dios; 006 JOS 018 007 Sapagka't ang mga Levita ay walang bahagi sa gitna ninyo; sapagka't ang pagkasaserdote sa Panginoon ay siyang kanilang mana: at ang Gad, at ang Ruben at ang kalahating lipi ni Manases ay tumanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan, na ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon. 006 JOS 018 008 At ang mga lalake ay tumindig at yumaon: at ibinilin sa kanila ni Josue na yumaong iguhit ang lupain, na sinasabi, Yumaon kayo at lakarin ninyo ang lupain at iguhit ninyo at bumalik kayo sa akin, at aking ipagsasapalaran sa inyo dito sa harap ng Panginoon sa Silo. 006 JOS 018 009 At ang mga lalake ay yumaon at nilakad ang lupain, at iginuhit sa isang aklat ayon sa mga bayan na pitong bahagi, at sila'y naparoon kay Josue sa kampamento sa Silo. 006 JOS 018 010 At ipinagsapalaran ni Josue sa kanila sa Silo sa harap ng Panginoon; at binahagi roon ni Josue ang lupain sa mga anak ni Israel ayon sa kanilang mga bahagi. 006 JOS 018 011 At ang kapalaran ng lipi ng mga anak ni Benjamin ay lumabas ayon sa kanilang mga angkan: at ang hangganan ng kanilang kapalaran ay palabas sa pagitan ng mga anak ni Juda at ng mga anak ni Jose. 006 JOS 018 012 At ang kanilang hangganan sa hilagaang sulok ay mula sa Jordan; at ang hangganan ay pasampa sa dako ng Jerico sa hilagaan, at pasampa sa lupaing maburol na dakong kalunuran; at ang labasan niyaon ay sa ilang ng Beth-aven. 006 JOS 018 013 At ang hangganan ay patuloy mula roon hanggang sa Luz, sa dako ng Luz (na siyang Beth-el), na dakong timugan; at ang hangganan ay pababa sa Ataroth-addar, sa tabi ng bundok na dumudoon sa timugan ng Beth-horon sa ibaba. 006 JOS 018 014 At ang hangganan ay patuloy at paliko sa kalunurang sulok na dakong timugan mula sa bundok na nakalatag sa harap ng Beth-horon na dakong timugan, at ang mga labasan niyaon ay sa Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), na bayan ng mga anak ni Juda: ito ang kalunurang sulok. 006 JOS 018 015 At ang timugang sulok ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Chiriath-jearim at ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran, at palabas sa bukal ng tubig ng Nephtoa: 006 JOS 018 016 At ang hangganan ay pababa sa kahulihulihang bahagi ng bundok na nakalatag sa harap ng libis ng anak ni Hinnom, na nasa libis ng Rephaim na dakong hilagaan; at pababa sa libis ni Hinnom, sa dako ng Jebuseo na dakong timugan at pababa sa En-rogel; 006 JOS 018 017 At paabot sa hilagaan at palabas sa En-semes, at palabas sa Geliloth na nasa tapat ng pagsampa sa Adummim; at pababa sa bato ng Bohan na anak ni Ruben, 006 JOS 018 018 At patuloy sa tagiliran na tapat ng Araba sa dakong hilagaan, at pababa sa Araba; 006 JOS 018 019 At ang hangganan ay patuloy sa tabi ng Beth-hogla na dakong hilagaan, at ang labasan ng hangganan ay sa hilagaang dagat-dagatan ng Dagat na Alat, sa timugang dulo ng Jordan; ito ang timugang hangganan. 006 JOS 018 020 At ang Jordan ay hangganan niyaon sa sulok na silanganan. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan. 006 JOS 018 021 Ang mga bayan nga ng lipi ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan ay Jerico, at Beth-hogla, at Emec-casis: 006 JOS 018 022 At Beth-araba, at Samaraim, at Beth-el, 006 JOS 018 023 At Avim, at Para, at Ophra, 006 JOS 018 024 At Cephar-hammonai, at Ophni, at Gaba, labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 018 025 Gabaon, at Rama, at Beeroth, 006 JOS 018 026 At Mizpe, at Chephira, at Moza; 006 JOS 018 027 At Recoem, at Irpeel, at Tarala; 006 JOS 018 028 At Sela, Eleph, at Jebus (na siyang Jerusalem), Gibeath, at Chiriath; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan. 006 JOS 019 001 At ang ikalawang kapalaran ay napasa Simeon, sa lipi ng mga anak ng Simeon ayon sa kanilang mga angkan: at ang kanilang mana ay nasa gitna ng mana ng mga anak ni Juda. 006 JOS 019 002 At kanilang tinamo na pinakamana ang Beerseba, o Seba, at Molada; 006 JOS 019 003 At Hasar-sual, at Bala, at Esem; 006 JOS 019 004 At Heltolad, at Betul, at Horma; 006 JOS 019 005 At Siclag, at Beth-marchaboth, at Hasarsusa, 006 JOS 019 006 At Beth-lebaoth, at Saruhen: labing tatlong bayan pati ng mga nayon niyaon: 006 JOS 019 007 Ain, Rimmon, at Eter, at Asan, apat na bayan pati ng mga nayon niyaon: 006 JOS 019 008 At ang lahat ng mga nayon na nasa palibot ng mga bayang ito hanggang sa Baalathbeer, Ramat ng Timugan. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan. 006 JOS 019 009 Mula sa bahagi ng mga anak ni Juda ang mana ng mga anak ni Simeon: sapagka't ang bahagi ng mga anak ni Juda ay totoong marami sa ganang kanila; kaya't ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kanilang mana. 006 JOS 019 010 At ang ikatlong kapalaran ay napasa mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan. At ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid: 006 JOS 019 011 At ang kanilang hangganan ay pasampa sa dakong kalunuran sa Merala, at abot sa Dabbeseth at mula roo'y abot sa batis na nasa harap ng Jocneam, 006 JOS 019 012 At paliko mula sa Sarid sa dakong silanganan na dakong sinisikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Chisiloth-tabor, at palabas sa Dabrath, at pasampa sa Japhia; 006 JOS 019 013 At mula roon ay patuloy sa dakong silanganan sa Gith-hepher, sa Ittakazin; at palabas sa Rimmon na luwal hanggang sa Nea: 006 JOS 019 014 At ang hangganan ay paliko sa hilagaan na patungo sa Hanaton: at ang labasan niyaon ay sa libis ng Iphta-el; 006 JOS 019 015 At sa Catah, at sa Naalal, at sa Simron, at sa Ideala, at sa Bethlehem: labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 019 016 Ito ang mana ng mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito. 006 JOS 019 017 Ang ikaapat na kapalaran ay napasa Issachar, sa mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan. 006 JOS 019 018 At ang kanilang hangganan ay hanggang sa Izreel, at Chesulloth, at Sunem, 006 JOS 019 019 At Hapharaim, at Sion, at Anaarath, 006 JOS 019 020 At Rabbit, at Chision, at Ebes, 006 JOS 019 021 At Rameth, at En-gannim, at En-hadda, at Beth-passes, 006 JOS 019 022 At ang hangganan ay abot sa Tabor, at Sahasim, at sa Beth-semes; at ang mga labasan ng hangganan ng mga yaon ay sa Jordan: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 019 023 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 019 024 At ang ikalimang kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan. 006 JOS 019 025 At ang kanilang hangganan ay Helchat, at Hali, at Beten, at Axaph, 006 JOS 019 026 At Alammelec, at Amead, at Miseal; at abot sa Carmel na dakong kalunuran at sa Sihorlibnath; 006 JOS 019 027 At paliko sa dakong sinisikatan ng araw sa Beth-dagon, at abot sa Zabulon, at sa libis ng Iphta-el na dakong hilagaan sa Beth-emec at Nehiel; at palabas sa Cabul sa kaliwa. 006 JOS 019 028 At Hebron, at Rehob, at Hammon, at Cana, hanggang sa malaking Sidon, 006 JOS 019 029 At ang hangganan ay paliko sa Rama, at sa bayang nakukutaan ng Tiro; at ang hangganan ay paliko sa Hosa, at ang mga labasan niyaon ay sa dagat mula sa lupain ni Achzib; 006 JOS 019 030 Gayon din ang Umma, at Aphek, at Rehob: dalawang pu't dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 019 031 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito. 006 JOS 019 032 Ang ikaanim na kapalaran ay napasa mga anak ni Nephtali, sa mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan. 006 JOS 019 033 At ang kanilang hangganan ay mula sa Heleph, mula sa encina sa Saananim, at sa Adamineceb, at sa Jabneel, hanggang sa Lacum; at ang mga labasan niyaon ay sa Jordan; 006 JOS 019 034 At ang hangganan ay paliko sa dakong kalunuran sa Aznot-tabor, at palabas sa Hucuca mula roon; at abot sa Zabulon sa timugan, at abot sa Aser sa kalunuran, at sa Juda sa Jordan na dakong sinisikatan ng araw. 006 JOS 019 035 At ang mga bayang nakukutaan ay Siddim, Ser, at Hamath, Raccath, at Cinneret, 006 JOS 019 036 At Adama, at Rama, at Asor, 006 JOS 019 037 At Cedes, at Edrei, at En-hasor, 006 JOS 019 038 At Iron, at Migdalel, Horem, at Beth-anath, at Beth-semes: labing siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 019 039 Ito ang mana ng lipi, ng mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 019 040 Ang ikapitong kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan. 006 JOS 019 041 At ang hangganan ng kanilang mana ay Sora, at Estaol, at Ir-semes, 006 JOS 019 042 At Saalabin, at Ailon, at Jeth-la, 006 JOS 019 043 At Elon, at Timnath, at Ecron, 006 JOS 019 044 At Elteche, at Gibbethon, at Baalat, 006 JOS 019 045 At Jehul, at Bene-berac, at Gatrimmon, 006 JOS 019 046 At Me-jarcon, at Raccon pati ng hangganan sa tapat ng Joppa. 006 JOS 019 047 At ang hangganan ng mga anak ni Dan ay palabas sa dako roon ng mga yaon; sapagka't ang mga anak ni Dan ay sumampa at bumaka laban sa Lesem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at inari at tumahan doon, at tinawag ang Lesem, na Dan, ayon sa pangalan ni Dan, na kanilang ama. 006 JOS 019 048 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 019 049 Gayon kanilang tinapos ang pagbabahagi ng lupain na pinakamana ayon sa mga hangganan niyaon; at binigyan ng mga anak ni Israel ng mana si Josue na anak ni Nun sa gitna nila: 006 JOS 019 050 Ayon sa utos ng Panginoon ay kanilang ibinigay sa kaniya ang bayang kaniyang hiningi, ang Timnath-sera sa lupaing maburol ng Ephraim: at kaniyang itinayo ang bayan at tumahan doon. 006 JOS 019 051 Ito ang mga mana na binahagi ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel na pinakamana, sa pamamagitan ng pagsasapalaran sa Silo sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. Gayon nila niwakasan ang pagbabahagi ng lupain. 006 JOS 020 001 At ang Panginoon ay nagsalita kay Josue, na sinasabi, 006 JOS 020 002 Magsalita ka sa mga anak ni Israel, na sabihin mo, Italaga ninyo sa inyo ang mga bayang ampunan, na aking sinalita sa inyo sa pamamagitan ni Moises: 006 JOS 020 003 Upang matakasan ng nakamatay, na nakapatay sa sinoman na hindi sinasadya at hindi kusa: at magiging ampunan ninyo laban sa manghihiganti sa dugo. 006 JOS 020 004 At siya'y tatakas sa isa sa mga bayang yaon, at tatayo sa pasukan ng pintuan ng bayan, at magsasaysay sa mga pakinig ng mga matanda sa bayang yaon; at kanilang kukunin siya sa bayan na ipagsasama nila, at bibigyan nila siya ng isang dako, upang siya'y tumahan sa gitna nila. 006 JOS 020 005 At kung siya'y habulin ng manghihiganti sa dugo, hindi nga nila ibibigay ang nakamatay sa kaniyang kamay; sapagka't kaniyang napatay ang kaniyang kapuwa na hindi sinasadya, at hindi niya kinapootan nang una. 006 JOS 020 006 At siya'y tatahan sa bayang yaon, hanggang sa siya'y tumayo sa harap ng kapisanan upang hatulan, hanggang sa pagkamatay ng pangulong saserdote, na nalalagay sa mga araw na yaon: kung magkagayo'y uuwi ang nakamatay, at paroroon sa kaniyang sariling bayan, at sa kaniyang sariling bahay, hanggang sa pinagmulan niyang bayan na tinakasan. 006 JOS 020 007 At kanilang ibinukod ang Cedes sa Galilea sa lupaing maburol ng Nepthali, at ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim, at ang Chiriath-arba (na siyang Hebron) sa lupaing maburol ng Juda. 006 JOS 020 008 At sa dako roon ng Jordan sa Jerico na dakong silanganan, ay kaniyang itinalaga ang Beser sa ilang sa kapatagan, mula sa lipi ni Ruben, at ang Ramoth sa Galaad na mula sa lipi ni Gad, at ang Gaulon sa Basan na mula sa lipi ni Manases. 006 JOS 020 009 Ito ang mga itinalagang bayan sa lahat ng mga anak ni Israel, at sa taga ibang lupa na tumatahan sa gitna nila, na sinomang makamatay ng sinomang tao, na hindi sinasadya, ay makatakas doon, at huwag mapatay ng kamay ng manghihiganti sa dugo, hanggang hindi nahaharap sa kapisanan. 006 JOS 021 001 Nang magkagayo'y lumapit ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita kay Eleazar na saserdote, at kay Josue na anak ni Nun at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel; 006 JOS 021 002 At sila'y nagsalita sa kanila sa Silo, sa lupain ng Canaan, na sinasabi, Ang Panginoon ay nagutos sa pamamagitan ni Moises, na bigyan kami ng mga bayan na matatahanan, pati ng mga nayon niyaon para sa aming hayop. 006 JOS 021 003 At sa kanilang mana ay ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita, ayon sa utos ng Panginoon, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito. 006 JOS 021 004 At ang kapalarang ukol sa mga angkan ng mga Coathita ay lumabas; at ang mga anak ni Aaron na saserdote, na kabilang sa mga Levita, ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ni Juda, at sa lipi ng mga Simeonita, at sa lipi ni Benjamin, ng labing tatlong bayan. 006 JOS 021 005 At ang nalabi sa mga anak ni Coath ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Ephraim, at sa lipi ni Dan, at sa kalahating lipi ni Manases, ng sangpung bayan. 006 JOS 021 006 At ang mga anak ni Gerson ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Basan, ng labing tatlong bayan. 006 JOS 021 007 Ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan ay nagtamo sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, ng labing dalawang bayan. 006 JOS 021 008 At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita sa pamamagitan ng sapalaran ang mga bayang ito pati ng mga nayon nito, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. 006 JOS 021 009 At sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay kanilang ibinigay ang mga bayang ito na nabanggit sa pangalan: 006 JOS 021 010 At pawang sa mga anak ni Aaron, sa mga angkan ng mga Coathita, na mga anak ni Levi: sapagka't sa kanila ang unang kapalaran. 006 JOS 021 011 At ibinigay nila sa kanila ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac, (na siya ring Hebron, ) sa lupaing maburol ng Juda, pati ng mga nayon niyaon sa palibot. 006 JOS 021 012 Nguni't ang mga parang ng bayan, at ang mga nayon, ay ibinigay nila kay Caleb na anak ni Jephone na pinakaari niya. 006 JOS 021 013 At sa mga anak ni Aaron na saserdote ay ibinigay nila ang Hebron pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at ang Libna pati ng mga nayon niyaon; 006 JOS 021 014 At ang Jattir pati ng mga nayon niyaon, at ang Estemoa, pati ng mga nayon niyaon. 006 JOS 021 015 At ang Helon pati ng mga nayon niyaon, at ang Debir pati ng mga nayon niyaon; 006 JOS 021 016 At ang Ain pati ng mga nayon niyaon, at ang Jutta pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon; siyam na bayan sa dalawang liping yaon. 006 JOS 021 017 At sa lipi ni Benjamin, ang Gabaon pati ng mga nayon niyaon, ang Geba pati ng mga nayon niyaon; 006 JOS 021 018 Ang Anathoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Almon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan. 006 JOS 021 019 Lahat ng mga bayan ng mga anak ni Aaron na saserdote ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 021 020 At tinamo ng mga angkan ng mga anak ni Coath, na mga Levita, sa makatuwid baga'y ang nangalabi sa mga anak ni Coath, ang mga bayan na kanilang kapalaran sa lipi ni Ephraim. 006 JOS 021 021 At ibinigay nila sa kanila ang Sichem pati ng mga nayon niyaon sa lupaing maburol ng Ephraim, na bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at ang Geser pati ng mga nayon niyaon. 006 JOS 021 022 At ang Kibsaim pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-horon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan. 006 JOS 021 023 At sa lipi ni Dan, ang Eltheco pati ng mga nayon niyaon, ang Gibbethon pati ng mga nayon niyaon; 006 JOS 021 024 Ang Ailon pati ng mga nayon niyaon; ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan. 006 JOS 021 025 At sa kalahating lipi ni Manases, ang Taanach pati ng mga nayon niyaon; at ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan. 006 JOS 021 026 Lahat na bayan sa mga angkan ng nangalabi sa mga anak ni Coath ay sangpu pati ng mga nayon niyaon. 006 JOS 021 027 At sa mga anak ni Gerson, sa mga angkan ng mga Levita, ay ibinigay sa kanila sa kalahating lipi ni Manases ang Gaulon sa Basan pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay; at ang Be-estera pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan. 006 JOS 021 028 At sa lipi ni Issachar, ang Cesion pati ng mga nayon niyaon, ang Dabereth pati ng mga nayon niyaon; 006 JOS 021 029 Ang Jarmuth pati ng mga nayon niyaon, ang En-gannim pati ng mga nayon niyaon: apat na bayan. 006 JOS 021 030 At sa lipi ni Aser, ang Miseal pati ng mga nayon niyaon, ang Abdon pati ng mga nayon niyaon; 006 JOS 021 031 Ang Helchath pati ng mga nayon niyaon, ang Rehob pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan. 006 JOS 021 032 At sa lipi ni Nephtali ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon, at ang Hammoth-dor pati ng mga nayon niyaon, at ang Cartan pati ng mga nayon niyaon; tatlong bayan. 006 JOS 021 033 Lahat na bayan ng mga Gersonita ayon sa kanilang mga angkan ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 021 034 At sa mga angkan ng mga anak ni Merari, na nalabi sa mga Levita, sa lipi ni Zabulon, ang Jocneam pati ng mga nayon niyaon, at ang Kartha pati ng mga nayon niyaon, 006 JOS 021 035 Ang Dimna pati ng mga nayon niyaon, ang Naalal pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan. 006 JOS 021 036 At sa lipi ni Ruben; ang Beser pati ng mga nayon niyaon, at ang Jasa pati ng mga nayon niyaon. 006 JOS 021 037 Ang Cedemoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Mephaat pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan. 006 JOS 021 038 At sa lipi ni Gad ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, ang Ramoth sa Galaad pati ng mga nayon niyaon, ang Mahanaim pati ng mga nayon niyaon; 006 JOS 021 039 Ang Hesbon pati ng mga nayon niyaon, at ang Jacer pati ng mga nayon niyaon, apat na bayang lahat. 006 JOS 021 040 Lahat ng mga ito ay mga bayan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa mga angkan ng mga Levita; at ang kanilang kapalaran ay labing dalawang bayan. 006 JOS 021 041 Lahat na bayan ng mga Levita sa gitna ng mga pag-aari ng mga anak ni Israel ay apat na pu't walong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. 006 JOS 021 042 Ang mga bayang ito ay kalakip bawa't isa ang mga nayon nito sa palibot ng mga yaon: gayon sa lahat ng mga bayang ito. 006 JOS 021 043 Sa gayo'y ibinigay ng Panginoon sa Israel ang boong lupain na kaniyang isinumpa na ibibigay sa kanilang mga magulang: at kanilang inari at tumahan doon. 006 JOS 021 044 At binigyan sila ng kapahingahan ng Panginoon sa palibot, ayon sa lahat ng kaniyang isinumpa sa kanilang mga magulang: at walang tumayong isang lalake sa lahat ng kanilang mga kaaway sa harap nila; ibinigay ng Panginoon ang lahat nilang mga kaaway sa kanilang kamay. 006 JOS 021 045 Walang nagkulang na isang mabuting bagay na sinalita ng Panginoon sa sangbahayan ng Israel, lahat ay nangyari. 006 JOS 022 001 Tinawag nga ni Josue ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases, 006 JOS 022 002 At sinabi sa kanila, Inyong iningatan ang lahat na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, at inyong dininig ang aking tinig sa lahat na aking iniutos sa inyo; 006 JOS 022 003 Hindi ninyo iniwan ang inyong mga kapatid na malaong panahon hanggang sa araw na ito, kundi inyong iningatan ang bilin na utos ng Panginoon ninyong Dios. 006 JOS 022 004 At ngayo'y binigyan ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios ang inyong mga kapatid, gaya ng sinalita niya sa kanila: kaya't ngayo'y pumihit kayo at yumaon kayo sa inyong mga tolda sa lupain na inyong ari, na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan. 006 JOS 022 005 Ingatan lamang ninyong mainam na gawin ang utos at ang kautusan na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios, at lumakad sa lahat niyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at lumakip sa kaniya, at maglingkod sa kaniya ng boo ninyong puso at ng boo ninyong kaluluwa. 006 JOS 022 006 Gayon sila binasbasan ni Josue at pinagpaalam sila: at sila'y umuwi sa kanilang mga tolda. 006 JOS 022 007 Ibinigay nga ni Moises sa kalahating lipi ni Manases ang mana sa Basan: nguni't ang kalahating lipi ay binigyan ni Josue sa gitna ng kanilang mga kapatid sa dako rito ng Jordan na dakong kalunuran. Bukod dito'y nang papagpaalamin sila ni Josue na pauwiin sa kanilang mga tolda, ay binasbasan sila, 006 JOS 022 008 At sinalita sa kanila, na sinasabi, Kayo'y bumalik na may maraming kayamanan sa inyong mga tolda, at may maraming hayop, may pilak, at may ginto, at may tanso, at may bakal, at may maraming kasuutan: magbahagi kayo sa inyong mga kapatid ng samsam sa inyong mga kaaway. 006 JOS 022 009 At ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagsibalik na humiwalay sa mga anak ni Israel mula sa Silo, na nasa lupain ng Canaan, upang pumaroon sa lupain ng Galaad, sa lupain ng kanilang ari na kanilang inari, ayon sa utos ng Panginoon, sa pamamagitan ni Moises. 006 JOS 022 010 At nang sila'y dumating sa may lupain ng Jordan, na nasa lupain ng Canaan, ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo roon ng dambana sa tabi ng Jordan, isang malaking dambana na matatanaw. 006 JOS 022 011 At narinig ng mga anak ni Israel, na sinabi, Narito, ang mga anak ni Ruben, ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo ng isang dambana sa tapat ng lupain ng Canaan sa may lupain ng Jordan, sa dako na nauukol sa mga anak ni Israel. 006 JOS 022 012 At nang marinig ng mga anak ni Israel, ay nagpipisan sa Silo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, upang sumampa laban sa kanila na makipagdigma. 006 JOS 022 013 At sinugo ng mga anak ni Israel sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Galaad, si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote; 006 JOS 022 014 At kasama niya ay sangpung prinsipe, na isang prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang sa bawa't isa sa mga lipi ng Israel; at bawa't isa sa kanila'y pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang sa mga libolibo sa Israel. 006 JOS 022 015 At sila'y naparoon sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manases sa lupain ng Galaad, at sinalita nila sa kanila na sinasabi, 006 JOS 022 016 Ganito ang sabi ng buong kapisanan ng Panginoon, Anong pagsalangsang ito na inyong ginawa laban sa Dios ng Israel, na humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon, sa inyong pagtatayo para sa inyo ng isang dambana, upang manghimagsik sa araw na ito laban sa Panginoon? 006 JOS 022 017 Napakaliit ba sa ganang atin ang kasamaan ng Peor, na hindi natin nilinis hanggang sa araw na ito, bagaman dumating ang salot sa kapisanan ng Panginoon, 006 JOS 022 018 Upang kayo'y humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon? at mangyayari na sapagka't kayo'y nanghihimagsik ngayon laban sa Panginoon ay magiinit siya bukas sa buong kapisanan ng Israel. 006 JOS 022 019 Gayon man, kung ang lupain na inyong ari ay maging marumi, lumipat nga kayo sa lupain na ari ng Panginoon, na kinatahanan ng tabernakulo ng Panginoon, at kumuha kayo ng ari sa gitna namin: nguni't huwag kayong manghimagsik laban sa Panginoon, ni manghimagsik laban sa amin, sa pagtatayo ng isang dambana bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios. 006 JOS 022 020 Hindi ba si Achan na anak ni Zera ay nagkasala ng pagsalangsang sa itinalagang bagay, at ang pagiinit ay nahulog sa buong kapisanan ng Israel? at ang taong yaon ay hindi namatay na magisa sa kaniyang kasamaan. 006 JOS 022 021 Nang magkagayo'y sumagot ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases, at nagsalita sa mga pangulo ng mga libolibo sa Israel. 006 JOS 022 022 Ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ay siyang nakatatalastas; at matatalastas ng Israel; kung panghihimagsik nga o kung pagsalangsang laban sa Panginoon, (huwag mo kaming iligtas sa araw na ito, ) 006 JOS 022 023 Na kami ay nagtayo para sa amin ng isang dambana upang humiwalay sa pagsunod sa Panginoon; o kung paghandugan ng mga handog na susunugin o ng handog na harina, o kung paghandugan ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, siyasatin nga ng Panginoon; 006 JOS 022 024 At kung hindi namin ginawang maingat ito, at inakala, na sabihin. Marahil sa panahong darating ay masasalita ng inyong mga anak, na sasabihin, Anong ipakikialam ninyo sa Panginoon, sa Dios ng Israel? 006 JOS 022 025 Sapagka't ginawang hangganan ng Panginoon ang Jordan sa pagitan namin at ninyo, ninyong mga anak ni Ruben at mga anak ni Gad: kayo'y walang bahagi sa Panginoon: sa gayo'y patitigilin ng inyong mga anak ang aming mga anak sa pagkatakot sa Panginoon. 006 JOS 022 026 Kaya't aming sinabi, Maghanda tayo na magtayo para sa atin ng isang dambana, hindi upang sa handog na susunugin, ni sa hain man: 006 JOS 022 027 Kundi magiging saksi sa pagitan namin at ninyo, at sa pagitan ng ating mga lahi pagkamatay natin, upang aming magawa ang paglilingkod sa Panginoon sa harap niya ng aming mga handog na susunugin at ng aming mga hain at ng aming mga handog tungkol sa kapayapaan; upang huwag masabi ng inyong mga anak sa aming mga anak sa panahong darating, Kayo'y walang bahagi sa Panginoon. 006 JOS 022 028 Kaya't sinabi namin, Mangyayari na pagka kanilang sasabihing gayon sa amin o sa aming lahi sa panahong darating, ay aming sasabihin, Narito ang anyo ng dambana ng Panginoon na ginawa ng aming mga magulang, hindi upang sa handog na susunugin, ni sa hain: kundi isang saksi sa pagitan namin at ninyo. 006 JOS 022 029 Malayo nawa sa amin na kami ay manghimagsik laban sa Panginoon, at humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon sa pagtatayo ng isang dambana para sa handog na susunugin, para sa handog na harina, o para sa hain bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios na nasa harap ng kaniyang tabernakulo. 006 JOS 022 030 At nang marinig ni Phinees na saserdote, at ng mga prinsipe ng kapisanan ng mga pangulo ng mga libolibo ng Israel na kasama niya, ang mga salita na sinalita ng mga anak ni Ruben, at ng mga anak ni Gad, at ng mga anak ni Manases, ay nakalugod na mabuti sa kanila. 006 JOS 022 031 At sinabi ni Phinees na anak ni Eleazar na saserdote sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Manases, Sa araw na ito ay talastas namin, na ang Panginoon ay nasa gitna natin, sapagka't kayo'y hindi nagkasala ng pagsalangsang na ito laban sa Panginoon: inyo ngang iniligtas ang mga anak ni Israel sa kamay ng Panginoon. 006 JOS 022 032 At si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote at ang mga prinsipe, ay nagsibalik na mula sa mga anak ni Ruben, at mula sa mga anak ni Gad, sa lupain ng Galaad, na tumungo sa lupain ng Canaan, sa mga anak ni Israel, at binigyan nilang sagot. 006 JOS 022 033 At ang bagay ay nakalugod sa mga anak ni Israel; at pinuri ng mga anak ni Israel ang Dios at hindi na nagsalita pa ng pagsampa laban sa kanila na bumaka na gibain ang lupain na kinatatahanan ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad. 006 JOS 022 034 At ang dambana ay tinawag na Ed ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad: Sapagka't anila, saksi sa pagitan natin, na ang Panginoon ay Dios. 006 JOS 023 001 At nangyari pagkaraan ng maraming araw, nang mabigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang Israel sa lahat nilang mga kaaway sa palibot, at si Josue ay matanda na at puspos ng mga taon; 006 JOS 023 002 Na tinawag ni Josue ang buong Israel, ang kanilang mga matanda, at ang kanilang mga pangulo, at ang kanilang mga hukom at ang kanilang mga pinuno, at sinabi sa kanila, Ako'y matanda na at puspos ng mga taon: 006 JOS 023 003 At inyong nakita ang lahat na ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng bansang ito dahil sa inyo; sapagka't ipinakipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios. 006 JOS 023 004 Narito, aking binahagi sa inyo ang mga bansang ito na nangalabi, upang maging mana sa inyong mga lipi, mula sa Jordan pati ng lahat na bansa na aking inihiwalay, hanggang sa malaking dagat na dakong nilulubugan ng araw. 006 JOS 023 005 At itataboy sila ng Panginoon ninyong Dios mula sa harap ninyo, at palalayasin sila sa inyong paningin, at inyong aariin ang kanilang lupain na gaya ng sinalita ng Panginoon ninyong Dios sa inyo. 006 JOS 023 006 Kaya't kayo'y magpakatapang na mabuti na ingatan at gawin ang lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises na huwag kayong lumiko sa kanan o sa kaliwa; 006 JOS 023 007 Na huwag kayong pumasok sa mga bansang ito, sa mga ito na nangalalabi sa gitna ninyo; huwag din ninyong banggitin ang pangalan ng kanilang mga dios, ni magpasumpa sa pangalan ng mga yaon, ni maglingkod sa mga yaon, ni yumukod sa mga yaon: 006 JOS 023 008 Kundi lumakip kayo sa Panginoon ninyong Dios, na gaya ng inyong ginawa hanggang sa araw na ito. 006 JOS 023 009 Sapagka't pinalayas ng Panginoon sa harap ninyo ang mga malaking bansa at malakas: nguni't tungkol sa inyo, ay walang tao na tumayo sa harap ninyo hanggang sa araw na ito. 006 JOS 023 010 Isang lalake sa inyo ay hahabol sa isang libo: sapagka't ipinakikipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios, gaya ng sinalita niya sa inyo. 006 JOS 023 011 Magpakaingat nga kayong mabuti sa inyong sarili, na inyong ibigin ang Panginoon ninyong Dios. 006 JOS 023 012 Kung inyo ngang tatalikuran sa anomang paraan at lalakip sa nangalabi sa mga bansang ito, sa mga ito na nangalabi sa gitna ninyo, at kayo'y magaasawa sa kanila, at kayo'y lalakip sa kanila, at sila sa inyo: 006 JOS 023 013 Ay tatalastasin ninyong lubos na hindi pa palalayasin ng Panginoon ninyong Dios ang mga bansang ito sa inyong paningin: kundi sila'y magiging silo at lalang sa inyo, at panghampas sa inyong tagiliran at mga tinik sa inyong mga mata hanggang sa kayo'y malipol dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios. 006 JOS 023 014 At, narito, sa araw na ito ay yumayaon ako sa lakad ng buong lupa: at inyong talastas sa inyong buong puso at sa inyong buong kaluluwa na walang bagay na nagkulang sa lahat na mga mabuting bagay na sinalita ng Panginoon ninyong Dios tungkol sa inyo; lahat ay nangyari sa inyo, wala kahit isang bagay na nagkulang. 006 JOS 023 015 At mangyayari, na kung paanong ang lahat ng mga mabuting bagay ay nangyari sa inyo na sinalita sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, ay gayon dadalhin ng Panginoon sa inyo ang lahat ng mga masamang bagay, hanggang sa kayo'y malipol niya dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios. 006 JOS 023 016 Pagka inyong sinalangsang ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang iniutos sa inyo, at yumaon at naglingkod sa ibang mga dios at yumukod sa mga yaon; ang galit nga ng Panginoon ay magaalab laban sa inyo, at kayo'y malilipol na madali sa mabuting lupain na kaniyang ibinigay sa inyo. 006 JOS 024 001 At pinisan ni Josue ang lahat ng mga lipi ng Israel sa Sichem, at tinawag ang mga matanda ng Israel at ang kanilang mga pangulo, at ang kanilang mga hukom, at ang kanilang mga pinuno; at sila'y nagsiharap sa Dios. 006 JOS 024 002 At sinabi ni Josue sa buong bayan, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ang inyong mga magulang ay tumahan nang unang panahon sa dako roon ng Ilog, na dili iba't si Thare, na ama ni Abraham at ama ni Nachor: at sila'y naglingkod sa ibang mga dios. 006 JOS 024 003 At kinuha ko ang inyong amang si Abraham mula sa dako roon ng Ilog at pinatnubayan ko siya sa buong lupain ng Canaan, at pinarami ko ang kaniyang binhi at ibinigay ko sa kaniya si Isaac. 006 JOS 024 004 At ibinigay ko kay Isaac si Jacob at si Esau: at ibinigay ko kay Esau ang bundok ng Seir upang ariin; at si Jacob at ang kaniyang mga anak ay bumabang pumasok sa Egipto. 006 JOS 024 005 At aking sinugo si Moises at si Aaron, at sinalot ko ang Egipto, ayon sa aking ginawa sa gitna niyaon: at pagkatapos ay inilabas ko kayo. 006 JOS 024 006 At inilabas ko ang inyong mga magulang sa Egipto: at kayo'y naparoon sa dagat; at hinabol ng mga taga Egipto ang inyong mga magulang, ng mga karo at ng mga nangangabayo hanggang sa Dagat na Mapula. 006 JOS 024 007 At nang sila'y dumaing sa Panginoon ay nilagyan niya ng kadiliman ang pagitan ninyo at ang mga taga Egipto, at itinabon ang dagat sa kanila, at tinakpan sila; at nakita ng inyong mga mata kung ano ang aking ginawa sa Egipto at kayo'y tumahan sa ilang na malaon. 006 JOS 024 008 At ipinasok ko kayo sa lupain ng mga Amorrheo, na tumatahan sa dako roon ng Jordan, at sila'y nakipagbaka sa inyo; at ibinigay ko sila sa inyong kamay, at inyong inari ang kanilang lupain: at nilipol ko sila sa harap ninyo. 006 JOS 024 009 Nang magkagayo'y tumindig si Balac na anak ni Zippor, na hari sa Moab, at dumigma laban sa Israel; at siya'y nagsugo at tinawag si Balaam na anak ni Beor, upang sumpain kayo: 006 JOS 024 010 Nguni't hindi ko dininig si Balaam; kaya't binasbasan nga niya kayo: gayon iniligtas ko kayo sa kaniyang kamay. 006 JOS 024 011 At kayo'y tumawid sa Jordan at dumating sa Jerico: at ang mga tao sa Jerico ay nakipaglaban sa inyo, ang Amorrheo, at ang Pherezeo, at ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Gergeseo, ang Heveo, at ang Jebuseo, at ibinigay ko sila sa inyong kamay. 006 JOS 024 012 At sinugo ko ang malalaking putakti sa unahan ninyo, na siyang nagtaboy sa kanila sa harap ninyo, sa makatuwid baga'y sa dalawang hari ng mga Amorrheo: hindi sa pamamagitan ng inyong tabak, ni ng inyong busog. 006 JOS 024 013 At aking binigyan kayo ng lupain na hindi ninyo binukid, at ng mga bayang hindi ninyo itinayo, at inyong tinatahanan; at mga ubasan at mga olibohan na hindi ninyo itinanim ay inyong kinakain. 006 JOS 024 014 Ngayon nga ay matakot kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa pagtatapat at sa katotohanan: at inyong alisin ang mga dios na mga pinaglingkuran ng inyong mga magulang sa dako roon ng Ilog at sa Egipto; at inyong paglingkuran ang Panginoon. 006 JOS 024 015 At kung inaakala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon, ay piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; kung ang mga dios ng inyong mga magulang na pinaglingkuran sa dako roon ng Ilog, o ang dios ng mga Amorrheo na ang lupain nila ay inyong tinatahanan: nguni't sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon. 006 JOS 024 016 At ang bayan ay sumagot at nagsabi, Malayo nawa sa amin na aming pabayaan ang Panginoon sa paglilingkod sa ibang mga dios: 006 JOS 024 017 Sapagka't ang Panginoon nating Dios ay siyang nagsampa sa atin at sa ating mga magulang mula sa lupain ng Egipto, mula sa bahay ng pagkaalipin, at siyang gumawa ng mga dakilang tandang yaon sa ating paningin, at iningatan tayo sa lahat ng daan na ating pinaroonan, at sa gitna ng lahat ng mga bayan na ating dinaanan: 006 JOS 024 018 At itinaboy ng Panginoon sa harap natin ang lahat ng mga bayan, ang mga Amorrheo na tumahan sa lupain: kaya't kami ay maglilingkod din sa Panginoon; sapagka't siya'y ating Dios. 006 JOS 024 019 At sinabi ni Josue sa bayan, Kayo'y hindi makapaglilingkod sa Panginoon; sapagka't siya'y isang banal na Dios; siya'y mapanibughuing Dios; hindi niya ipatatawad ang inyong pagsalangsang ni ang inyong mga kasalanan. 006 JOS 024 020 Kung inyong pabayaan ang Panginoon, at maglingkod sa ibang mga dios: ay hihiwalay nga siya at gagawan kayo ng kasamaan at lilipulin kayo pagkatapos na kaniyang nagawan kayo ng mabuti. 006 JOS 024 021 At sinabi ng bayan kay Josue, Hindi: kundi kami ay maglilingkod sa Panginoon. 006 JOS 024 022 At sinabi ni Josue sa bayan, Kayo'y mga saksi laban sa inyong sarili na inyong pinili sa inyo ang Panginoon, upang paglingkuran siya. At sinabi nila, Kami ay mga saksi. 006 JOS 024 023 Ngayon nga'y alisin ninyo, sabi niya, ang ibang mga dios na nasa gitna ninyo at ikiling ninyo ang inyong puso sa Panginoon, na Dios ng Israel. 006 JOS 024 024 At sinabi ng bayan kay Josue, Ang Panginoon nating Dios ay aming paglilingkuran, at ang kaniyang tinig ay aming didinggin. 006 JOS 024 025 Sa gayo'y nakipagtipan si Josue sa bayan nang araw na yaon, at nilagdaan niya sila ng palatuntunan at ng ayos sa Sichem. 006 JOS 024 026 At sinulat ni Josue ang mga salitang ito sa aklat ng kautusan ng Dios; at siya'y kumuha ng malaking bato, at inilagay sa lilim ng encina na nasa tabi ng santuario ng Panginoon. 006 JOS 024 027 At sinabi ni Josue sa buong bayan, Narito, ang batong ito ay magiging saksi laban sa atin, sapagka't narinig nito ang lahat ng mga salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa atin: ito nga'y magiging saksi laban sa inyo, baka ninyo itakuwil ang inyong Dios. 006 JOS 024 028 Sa gayo'y pinapagpaalam ni Josue ang bayan, bawa't isa sa kaniyang mana. 006 JOS 024 029 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na si Josue, na anak ni Nun na lingkod ng Panginoon, ay namatay na may isang daan at sangpung taon ang gulang. 006 JOS 024 030 At inilibing nila siya sa hangganan ng kaniyang mana sa Timnath-sera, na nasa lupaing maburol ng Ephraim sa hilagaan ng bundok ng Gaas. 006 JOS 024 031 At naglingkod ang Israel sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue at nakilala ang lahat na gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel. 006 JOS 024 032 At ang mga buto ni Jose, na isinampa ng mga anak ni Israel mula sa Egipto ay inilibing nila sa Sichem, sa putol ng lupa na binili ni Jacob sa mga anak ni Hemor na ama ni Sichem ng isang daang putol na salapi: at mga naging mana ng mga anak ni Jose. 006 JOS 024 033 At namatay si Eleazar na anak ni Aaron; at inilibing nila siya sa burol ni Phinees na kaniyang anak na nabigay sa kaniya sa lupaing maburol ng Ephraim. # # BOOK 007 JDG Judges Mga Hukom 007 JDG 001 001 At nangyari, pagkamatay ni Josue, na itinanong ng mga anak ni Israel sa Panginoon, na sinasabi, Sino ang unang sasampa sa amin laban sa mga Cananeo, upang lumaban sa kanila? 007 JDG 001 002 At sinabi ng Panginoon, Ang Juda ang sasampa: narito, aking ibinigay ang lupain sa kaniyang kamay. 007 JDG 001 003 At sinabi ng Juda sa Simeon na kaniyang kapatid, Sumampa kang kasama ko sa aking kapalaran, upang ating kalabanin ang mga Cananeo; at ako nama'y sasama sa iyong kapalaran. Sa gayo'y yumaon ang Simeon na kasama niya. 007 JDG 001 004 At sumampa ang Juda; at ibinigay ng Panginoon ang mga Cananeo, at ang mga Pherezeo sa kanilang kamay: at sinaktan nila sa kanila sa Bezec ay sangpung libong lalake. 007 JDG 001 005 At kanilang nasumpungan si Adoni-bezec sa Bezec: at siya'y nilabanan nila, at kanilang sinaktan ang mga Cananeo at ang mga Pherezeo. 007 JDG 001 006 Nguni't tumakas si Adoni-bezec; at kanilang hinabol siya, at hinuli siya, at pinutol nila ang mga daliring hinlalaki ng kaniyang kamay at paa. 007 JDG 001 007 At sinabi ni Adoni-bezec, Pitong pung hari, na mga may putol ng kanilang mga hinlalaki sa kamay at sa paa ay namulot ng kanilang pagkain sa ilalim ng aking dulang: kung paano ang aking ginawa ay gayon ako pinaghigantihan ng Dios. At dinala nila siya sa Jerusalem, at siya'y namatay roon. 007 JDG 001 008 At ang mga anak ni Juda ay lumaban sa Jerusalem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at sinilaban ng apoy ang bayan. 007 JDG 001 009 At pagkatapos, ang mga anak ni Juda ay lumusong na lumaban sa mga Cananeo na tumatahan sa mga lupaing maburol, at sa Timugan, at sa mababang lupa. 007 JDG 001 010 At ang Juda'y yumaon laban sa mga Cananeo na tumatahan sa Hebron (ang pangalan ng Hebron nang una ay Chiriath-arba: ) at kanilang sinaktan ang Sesai, at ang Ahiman, at ang Talmai. 007 JDG 001 011 At mula roo'y yumaon laban sa mga taga Debir. (Ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher.) 007 JDG 001 012 At sinabi ni Caleb, Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop niyaon, ay doon ko papagaasawahin si Axa na aking anak. 007 JDG 001 013 At si Othoniel na anak ni Cenez, kapatid na bata ni Caleb, ay siyang sumakop: at pinapag-asawa nito sa kaniya si Axa na kaniyang anak. 007 JDG 001 014 At nangyari, nang makipisan si Axa, na kaniyang kinilos siya na humingi sa kaniyang ama ng isang bukid: at siya'y bumaba sa kaniyang asno, at sinabi ni Caleb sa kaniya, Anong ibig mo? 007 JDG 001 015 At sinabi ni Axa sa kaniya, Bigyan mo ako ng isang kaloob; sapagka't inilagay mo ako sa lupain na Timugan, bigyan mo naman ako ng mga bukal ng tubig. At ibinigay ni Caleb sa kaniya ang mga bukal sa itaas, at ang mga bukal sa ibaba. 007 JDG 001 016 At ang mga anak ni Cineo, na bayaw ni Moises ay umahon sa bayan ng mga puno ng palma na kasama ng mga anak ni Juda sa ilang ng Juda, na nasa timugan ng Arad; at sila'y naparoon at nagsitahang kasama ng bayan. 007 JDG 001 017 At ang Juda'y yumaong kasama ng Simeon na kaniyang kapatid, at kanilang sinaktan ang mga Cananeo na nagsisitahan sa Sephath at lubos na pinuksa. At ang pangalan ng bayan ay tinawag na Horma. 007 JDG 001 018 Sinakop rin naman ng Juda ang Gaza pati ng hangganan niyaon at ang Ascalon pati ng hangganan niyaon, at ang Ecron pati ng hangganan niyaon. 007 JDG 001 019 At ang Panginoon ay sumasa Juda; at kaniyang pinalayas ang mga taga lupaing maburol; sapagka't hindi niya mapalayas ang mga nananahan sa libis, dahil sa sila'y may mga karong bakal. 007 JDG 001 020 At kanilang ibinigay ang Hebron kay Caleb, gaya ng sinalita ni Moises: at kaniyang pinalayas doon ang tatlong anak ni Anac. 007 JDG 001 021 At hindi pinalayas ng mga anak ni Benjamin ang mga Jebuseo na tumatahan sa Jerusalem: kundi ang mga Jebuseo ay nagsitahang kasama ng mga anak ni Benjamin sa Jerusalem hanggang sa araw na ito. 007 JDG 001 022 At ang sangbahayan ni Jose, sila'y umahon din laban sa Beth-el: at ang Panginoon ay sumakanila. 007 JDG 001 023 At ang sangbahayan ni Jose, ay nagsugo upang tiktikan ang Beth-el. (Ang pangalan nga ng bayan nang una ay Luz.) 007 JDG 001 024 At nakita ng mga bakay ang isang lalake na lumalabas sa bayan at kanilang sinabi sa kaniya, Ituro mo sa amin, isinasamo namin sa iyo ang pasukan sa bayan at kahahabagan ka namin. 007 JDG 001 025 At itinuro niya sa kanila ang pasukan sa bayan, at kanilang sinugatan ng talim ng tabak ang bayan nguni't pinayaon ang lalake at ang madlang sangbahayan niya. 007 JDG 001 026 At ang lalake ay pumasok sa lupain ng mga Hetheo, at nagtayo ng isang bayan, at tinawag ang pangalan niyaon na Luz: na siyang pangalan niyaon hanggang sa araw na ito. 007 JDG 001 027 At hindi pinalayas ng Manases ang mga taga Beth-sean at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Taanach at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Dor at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Ibleam at ang mga bayan niyaon, ni ang mga taga Megiddo at ang mga bayan niyaon: kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa lupaing yaon. 007 JDG 001 028 At nangyari, nang lumakas ang Israel, na kanilang pinapagatag ang mga Cananeo, at hindi nila lubos na pinalayas. 007 JDG 001 029 At hindi pinalayas ni Ephraim ang mga Cananeo na tumatahan sa Gezer; kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa Gezer sa gitna nila. 007 JDG 001 030 Hindi pinalayas ni Zabulon ang mga nananahan sa Chitron, ni ang mga nananahan sa Naalol; kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa gitna nila, at naging mga tagapagpaatag. 007 JDG 001 031 Hindi pinalayas ng Aser ang mga taga Acho, ni ang mga taga Sidon, ni ang taga Ahlab, ni ang taga Achzib, ni ang taga Helba, ni ang taga Aphec, ni ang taga Rehob: 007 JDG 001 032 Kundi ang mga Aserita ay nagsitahang kasama ng mga Cananeo, na mga taga lupaing yaon: sapagka't hindi nila pinalayas sila. 007 JDG 001 033 Hindi pinalayas ng Nephtali ang mga nananahan sa Beth-semes, ni ang mga nananahan sa Beth-anath; kundi siya'y tumahan sa gitna ng mga Cananeo, na nagsisitahan sa lupaing yaon: gayon ma'y ang mga nananahan sa Beth-semes at nananahan sa Beth-anath ay naging mga tagapagpaatag sa kaniya. 007 JDG 001 034 At piniit ng mga Amorrheo ang mga anak ni Dan sa mga lupaing maburol; sapagka't ayaw nilang payagang sila'y lumusong sa libis; 007 JDG 001 035 Nguni't inibig ng mga Amorrheo na tumahan sa bundok ng Heres, sa Ajalon, at sa Saalbin: gayon ma'y nanaig ang kamay ng sangbahayan ni Jose, na anopa't sila'y naging mga tagapagpaatag. 007 JDG 001 036 At ang hangganan ng mga Amorrheo ay mula sa sampahan ng Acrabim, buhat sa batuhan, at paitaas. 007 JDG 002 001 At sumampa ang anghel ng Panginoon sa Bochim mula sa Gilgal. At kaniyang sinabi, Kayo'y pinaahon ko mula sa Egipto, at dinala ko kayo sa lupain na aking isinumpa sa inyong mga magulang; at sinabi ko, Kailan ma'y hindi ko sisirain ang aking tipan sa inyo: 007 JDG 002 002 At huwag kayong makikipagtipan sa mga taga lupaing ito; inyong iwawasak ang kanilang mga dambana. Nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig: bakit ginawa ninyo ito? 007 JDG 002 003 Kaya't aking sinabi rin, Hindi ko sila palalayasin sa harap ninyo; kundi sila'y magiging parang mga tinik sa inyong mga tagiliran, at ang kanilang mga dios ay magiging silo sa inyo. 007 JDG 002 004 At nangyari, pagkasalita ng anghel ng Panginoon ng mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel, na inilakas ng bayan ang kanilang tinig at umiyak. 007 JDG 002 005 At kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Bochim; at sila'y naghain doon sa Panginoon. 007 JDG 002 006 Nang mapayaon nga ni Josue ang bayan, pumaroon ang mga anak ni Israel, bawa't isa, sa kaniyang mana, upang ariin ang lupa. 007 JDG 002 007 At naglingkod ang bayan sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue, na nakakita ng mga dakilang gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel. 007 JDG 002 008 At si Josue na anak ni Nun, na lingkod ng Panginoon, ay namatay, na may isang daan at sangpung taon ang gulang. 007 JDG 002 009 At kanilang inilibing siya sa hangganan ng kaniyang mana, sa Timnath-heres, sa lupaing maburol ng Ephraim, sa hilagaan ng bundok Gaas. 007 JDG 002 010 At ang buong lahing yaon ay nalakip din sa kanilang mga magulang; at doo'y may ibang lahing bumangon pagkamatay nila, na hindi nakilala ang Panginoon, ni ang mga gawa na kaniyang ginawa sa Israel. 007 JDG 002 011 At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, at naglingkod sa mga Baal: 007 JDG 002 012 At kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto, at sumunod sa ibang mga dios, sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot nila, at sila'y yumukod sa mga yaon: at kanilang minungkahi ang Panginoon sa galit. 007 JDG 002 013 At kanilang pinabayaan ang Panginoon, at naglingkod kay Baal at kay Astaroth. 007 JDG 002 014 At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng mga mangloloob na lumoob sa kanila; at kaniyang ipinagbili sila sa mga kamay ng kanilang mga kaaway sa palibot, na anopa't sila'y hindi makatayong maluwat sa harap ng kanilang mga kaaway. 007 JDG 002 015 Saan man sila yumaon, ang kamay ng Panginoon ay laban sa kanila sa ikasasama nila, gaya ng sinalita ng Panginoon, at gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon: sila'y nagipit na mainam. 007 JDG 002 016 At nagbangon ang Panginoon ng mga hukom, na nagligtas sa kanila sa kamay niyaong mga lumoloob sa kanila. 007 JDG 002 017 At gayon ma'y hindi nila dininig ang kanilang mga hukom: sapagka't sila'y sumamba sa ibang mga dios, at kanilang niyukuran ang mga yaon: sila'y nagpakaligaw na madali sa daan na nilakaran ng kanilang mga magulang, na sumunod ng mga utos ng Panginoon; nguni't hindi sila gumawa ng gayon. 007 JDG 002 018 At nang ipagbangon sila ng Panginoon ng mga hukom, ang Panginoon ay suma hukom, at iniligtas sila sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom: sapagka't nagsisi ang Panginoon dahil sa kanilang daing, dahil doon sa mga pumighati sa kanila at nagpakalupit sa kanila. 007 JDG 002 019 Nguni't nangyari pagkamatay ng hukom, na sila'y tumalikod at lalong sumama kay sa kanilang mga magulang sa pagsunod sa ibang mga dios, upang maglingkod sa kanila, at yumukod sa kanila; sila'y hindi naglikat sa kanilang mga gawa, ni sa kanilang tampalasang lakad. 007 JDG 002 020 At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel; at kaniyang sinabi, Sapagka't sinalangsang ng bansang ito ang aking tipan na aking iniutos sa kanilang mga magulang, at hindi dininig ang aking tinig; 007 JDG 002 021 Hindi ko na naman palalayasin pa sa harap nila ang sinoman ng mga bansang iniwan ni Josue nang siya'y mamatay; 007 JDG 002 022 Upang sa pamamagitan nila'y aking masubok ang Israel, kung kanilang susundin o hindi ang daan ng Panginoon upang lakaran nila, na gaya ng inilakad ng kanilang mga magulang. 007 JDG 002 023 Kaya't iniwan ng Panginoon ang mga bansang yaon, na hindi niya pinalayas silang biglaan; ni ibinigay sila sa kamay ni Josue. 007 JDG 003 001 Ito nga ang mga bansang iniwan ng Panginoon, upang subukin ang Israel sa pamamagitan nila, sa makatuwid baga'y sa mga hindi nakaalam ng mga pagbabaka sa Canaan; 007 JDG 003 002 Nang maalaman man lamang yaon ng mga sali't saling lahi ng mga anak ni Israel, upang turuan sila ng pakikibaka, yaon man lamang nang una'y hindi nakaalam: 007 JDG 003 003 Ang nangabanggit ay ang limang pangulo ng mga Filisteo at ang lahat ng mga Cananeo, at ang mga Sidonio, at ang mga Heveo, na tumatahan sa bundok ng Libano, mula sa bundok ng Baal-hermon hanggang sa pasukan ng Hamath. 007 JDG 003 004 At sila nga upang subukin ang Israel sa pamamagitan nila, na maalaman kung kanilang didinggin ang mga utos ng Panginoon, na kaniyang iniutos sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ni Moises. 007 JDG 003 005 At ang mga anak ni Israel ay tumahan sa gitna ng mga Cananeo, ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Heveo, at ng Jebuseo: 007 JDG 003 006 At kinuha nila ang kanilang mga anak na babae upang maging mga asawa nila, at ibinigay ang kanilang sariling mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalake, at naglingkod sa kanilang mga dios. 007 JDG 003 007 At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, at nilimot ang Panginoon nilang Dios, at naglingkod sa mga Baal at sa mga Aseroth. 007 JDG 003 008 Kaya't ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at kaniyang ipinagbili sila sa kamay ni Chusan-risathaim, na hari sa Mesopotamia: at ang mga anak ni Israel ay naglingkod kay Chusan-risathaim na walong taon. 007 JDG 003 009 At nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel ay nagbangon ang Panginoon ng isang tagapagligtas sa mga anak ni Israel, na siyang nagligtas sa kanila, sa makatuwid baga'y si Othoniel na anak ni Cenaz, na kapatid na bata ni Caleb. 007 JDG 003 010 At ang Espiritu ng Panginoon ay sumakaniya, at siya'y naghukom sa Israel; at siya'y lumabas na nakibaka, at ibinigay ng Panginoon si Chusan-risathaim na hari sa Mesopotamia sa kaniyang kamay: at ang kaniyang kamay ay nanaig laban kay Chusan-risathaim. 007 JDG 003 011 At nagpahinga ang lupain na apat na pung taon. At si Othoniel na anak ni Cenaz ay namatay. 007 JDG 003 012 At ginawang muli ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon: at pinatibay ng Panginoon si Eglon na hari sa Moab laban sa Israel, sapagka't kanilang ginawa ang masama sa paningin ng Panginoon. 007 JDG 003 013 At kaniyang tinipon ang mga anak ni Ammon at ni Amalec; at siya'y yumaon at sinaktan niya ang Israel, at kanilang inari ang bayan ng mga puno ng palma. 007 JDG 003 014 At ang mga anak ni Israel ay naglingkod kay Eglon na labing walong taon. 007 JDG 003 015 Nguni't nang dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon, ibinangon sa kanila ng Panginoon ang isang tagapagligtas, si Aod na anak ni Gera, ang Benjamita, na isang lalaking kaliwete. At ang mga anak ni Israel, ay nagpadala ng isang kaloob sa pamamagitan niya kay Eglon na hari sa Moab. 007 JDG 003 016 At si Aod ay gumawa ng isang tabak na may dalawang talim, na may isang siko ang haba; at kaniyang ibinigkis sa loob ng kaniyang suot, sa kaniyang dakong kanang hita. 007 JDG 003 017 At kaniyang inihandog ang kaloob kay Eglon na hari sa Moab: at si Eglon ay lalaking napakataba. 007 JDG 003 018 At nang siya'y matapos makapaghandog ng kaloob, ay pinapagpaalam niya ang mga tao na nagdala ng kaloob. 007 JDG 003 019 Nguni't siya nga ay bumalik mula sa tibagan ng bato na nasa piling ng Gilgal, at nagsabi, Ako'y may isang pasugong lihim sa iyo, Oh hari. At kaniyang sinabi, Tumahimik ka. At yaong lahat na nakatayo sa siping niya, ay umalis sa harap niya. 007 JDG 003 020 At si Aod ay naparoon sa kaniya; at siya'y nakaupong magisa sa kaniyang kabahayan na pangtaginit. At sinabi ni Aod, Ako'y may dalang pasugo sa iyo na mula sa Dios. At siya'y tumindig sa kaniyang upuan. 007 JDG 003 021 At inilabas ni Aod ang kaniyang kaliwang kamay, at binunot ang tabak mula sa kaniyang kanang hita, at isinaksak sa kaniyang tiyan: 007 JDG 003 022 At pati ng puluhan ay sumuot na kasunod ng talim; at natikom ang taba sa tabak, sapagka't hindi niya binunot ang tabak sa kaniyang tiyan; at lumabas sa likod. 007 JDG 003 023 Nang magkagayo'y lumabas si Aod sa pintuan, at sinarhan niya siya sa mga pintuan ng kabahayan, at pinagtatrangkahan. 007 JDG 003 024 Nang makalabas nga siya ay dumating ang kaniyang mga alila; at kanilang nakita, at, narito, ang mga pintuan ng kabahayan ay nakakandaduhan; at kanilang sinabi, Walang pagsalang kaniyang tinatakpan ang kaniyang mga paa sa kaniyang silid na pangtaginit. 007 JDG 003 025 At sila'y nangaghintay hanggang sa sila'y nangapahiya; at, narito, hindi niya binuksan ang mga pintuan ng kabahayan: kaya't sila'y kumuha ng susi, at binuksan; at, narito, ang kanilang panginoon, ay nakabulagtang patay sa lupa. 007 JDG 003 026 At tumakas si Aod samantalang sila'y nangaghihintay, at siya'y dumaan sa dako roon ng tibagan ng bato at tumakas hanggang sa Seirath. 007 JDG 003 027 At nangyari, pagdating niya, ay kaniyang hinipan ang pakakak sa lupaing maburol ng Ephraim, at ang mga anak ni Israel ay nagsilusong na kasama niya mula sa lupaing maburol, at siya'y sa unahan nila. 007 JDG 003 028 At kaniyang sinabi sa kanila, Sumunod kayo sa akin; sapagka't ibinigay ng Panginoon ang inyong mga kaaway na mga Moabita sa inyong kamay. At sila'y nagsilusong na kasunod niya, at sinakop ang mga tawiran sa Jordan laban sa mga Moabita, at hindi nila pinayagang tumawid doon ang sinomang tao. 007 JDG 003 029 At sila'y sumakit sa Moab nang panahong yaon ng may sangpung libong lalake, bawa't lalaking may loob, at bawa't lalaking may tapang; at doo'y walang nakatakas na lalake. 007 JDG 003 030 Gayon napasuko ang Moab nang araw na yaon, sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ng Israel: at ang lupa'y nagpahingang walong pung taon. 007 JDG 003 031 At pagkatapos niya'y si Samgar, na anak ni Anat, ay siyang nanakit sa mga Filisteo, ng anim na raang lalake, sa pamamagitan ng panundot sa baka: at kaniya ring iniligtas ang Israel. 007 JDG 004 001 At ginawa uli ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, nang mamatay si Aod. 007 JDG 004 002 At ipinagbili sila ng Panginoon sa kamay ni Jabin na hari sa Canaan, na naghahari sa Asor; na ang puno sa hukbong yaon ay si Sisara, na siyang tumatahan sa Haroseth ng mga bansa. 007 JDG 004 003 At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon: sapagka't siya'y may siyam na raan na karong bakal; at dalawang pung taong pinighati niyang mainam ang mga anak ni Israel. 007 JDG 004 004 Si Debora nga, na propetisa, asawa ni Lapidoth, ay naghukom sa Israel nang panahong yaon. 007 JDG 004 005 At siya'y tumahan sa ilalim ng puno ng palma ni Debora, sa pagitan ng Rama at Beth-el, sa lupaing maburol ng Ephraim; at sinampa siya ng mga anak ni Israel upang pahatol. 007 JDG 004 006 At kaniyang ipinatawag si Barac, na anak ni Abinoam mula sa Cedes-nephtali, at sinabi sa kaniya, Hindi ba ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagutos na sinasabi, Yumaon ka, at pumaroon ka sa bundok ng Tabor, at magsama ka ng sangpung libong lalake sa mga anak ni Nephtali at sa mga anak ni Zabulon? 007 JDG 004 007 At aking isusulong sa iyo sa ilog Cison, si Sisara, na puno sa hukbo ni Jabin, pati ng kaniyang mga karo at ng kaniyang karamihan; at aking ibibigay siya sa iyong kamay. 007 JDG 004 008 At sinabi ni Barac sa kaniya, Kung ikaw ay sasama sa akin ay paroroon nga ako: nguni't kung hindi ka sasama sa akin, ay hindi ako paroroon. 007 JDG 004 009 At kaniyang sinabi, Walang pagsalang sasama ako sa iyo: gayon ma'y ang lakad na iyong ipagpapatuloy ay hindi magiging sa iyong kapurihan; sapagka't ipagbibili ng Panginoon si Sisara sa kamay ng isang babae. At si Debora ay tumindig at sumama kay Barac sa Cedes. 007 JDG 004 010 At tinawag ni Barac ang Zabulon at ang Nephtali na magkasama sa Cedes; at doo'y umahon ang sangpung libong lalake na kasunod niya: at si Debora ay umahong kasama niya. 007 JDG 004 011 Si Heber nga na Cineo ay humiwalay sa mga Cineo, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Hobab, na biyanan ni Moises, at itinayo ang kaniyang tolda hanggang sa encina sa Zaananim, na nasa siping ng Cedes. 007 JDG 004 012 At kanilang isinaysay kay Sisara na si Barac na anak ni Abinoam ay umahon sa bundok ng Tabor. 007 JDG 004 013 At pinapagpisang magkakasama ni Sisara ang lahat niyang mga karo, na siyam na raang karong bakal, at ang buong bayan na kasama niya, mula sa Haroseth ng mga bansa hanggang sa ilog Cison. 007 JDG 004 014 At sinabi ni Debora kay Barac, Tumindig ka; sapagka't ito ang araw na ibinigay ng Panginoon si Sisara sa iyong kamay: hindi ba lumabas ang Panginoon sa harap mo? Sa gayo'y lumusong si Barac mula sa bundok ng Tabor, at sangpung libong lalake ang kasunod niya. 007 JDG 004 015 At nilansag ng Panginoon si Sisara, at lahat ng mga karo niya, at ang buong hukbo niya, ng talim ng tabak sa harap ni Barac; at lumunsad si Sisara sa kaniyang karo, at tumakas na tumakbo. 007 JDG 004 016 Nguni't hinabol ni Barac ang mga karo, at ang hukbo, hanggang sa Haroseth ng mga bansa: at ang buong hukbo ni Sisara ay nahulog sa talim ng tabak; walang lalaking nalabi. 007 JDG 004 017 Gayon ma'y tumakas si Sisara na tumakbo sa tolda ni Jael na asawa ni Heber na Cineo; sapagka't may kapayapaan si Jabin na hari sa Asor at ang sangbahayan ni Heber na Cineo. 007 JDG 004 018 At sinalubong ni Jael si Sisara, at sinabi sa kaniya, Lumiko ka, panginoon ko, lumiko ka rito sa akin: huwag kang matakot. At siya'y lumiko sa kaniya sa loob ng tolda, at siya'y tinalukbungan niya ng isang banig. 007 JDG 004 019 At sinabi niya sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na bigyan mo ako ng kaunting tubig na mainom; sapagka't ako'y nauuhaw. At binuksan niya ang isang balat na sisidlan ng gatas, at pinainom niya siya, at tinakpan siya. 007 JDG 004 020 At sinabi ni Sisara sa kaniya, Tumayo ka sa pintuan ng tolda, at mangyayari, na pagka ang sinoman ay darating at magtatanong sa iyo, at magsasabi, May tao ba riyan? na iyong sasabihin, Wala. 007 JDG 004 021 Nang magkagayo'y kumuha si Jael na asawa ni Heber ng isang tulos ng tolda, at kumuha ng isang pamukpok sa kaniyang kamay at naparoong dahandahan sa kaniya, at itinusok ang tulos sa kaniyang pilipisan, at pinalagpasan siya hanggang sa lupa; sapagka't siya'y nakatulog ng mahimbing; sa gayo'y nanglupaypay siya at namatay. 007 JDG 004 022 At, narito, sa paraang hinahabol ni Barac si Sisara, ay lumabas si Jael na sinalubong siya, at sinabi sa kaniya: Parito ka, at ituturo ko sa iyo ang lalake na iyong hinahanap. At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, si Sisara ay nakabulagtang patay, at ang tulos ay nasa kaniyang ulo. 007 JDG 004 023 Gayon pinasuko ng Dios nang araw na yaon si Jabin na hari sa Canaan sa harap ng mga anak ni Israel. 007 JDG 004 024 At nanaig ang kamay ng mga anak ni Israel ng higit at higit laban kay Jabin na hari sa Canaan, hanggang sa naigiba nila si Jabin na hari sa Canaan. 007 JDG 005 001 Nang magkagayo'y umawit si Debora at si Barac na anak ni Abinoam nang araw na yaon, na sinasabi, 007 JDG 005 002 Sapagka't namatnubay ang mga tagapatnubay sa Israel, Sapagka't ang bayan ay humandog na kusa, Purihin ninyo ang Panginoon. 007 JDG 005 003 Dinggin ninyo, Oh ninyong mga hari; pakinggan ninyo, Oh ninyong mga prinsipe; Ako, ako'y aawit sa Panginoon, Ako'y aawit ng pagpupuri sa Panginoon, na Dios ng Israel. 007 JDG 005 004 Panginoon, nang ikaw ay lumabas sa Seir, Nang ikaw ay yumaon mula sa bukid ng Edom, Ang lupa'y nayanig, ang langit naman ay pumatak, Oo, ang mga alapaap ay nagpatak ng tubig. 007 JDG 005 005 Ang mga bundok ay humuho sa harap ng Panginoon, Pati yaong Sinai, sa harap ng Panginoon, ng Dios ng Israel. 007 JDG 005 006 Sa mga kaarawan ni Samgar na anak ni Anat, Sa mga kaarawan ni Jael, ang mga paglalakbay ay naglikat, At ang mga manglalakbay ay bumagtas sa mga lihis na landas. 007 JDG 005 007 Ang mga pinuno ay naglikat sa Israel, sila'y naglikat, Hanggang sa akong si Debora, ay bumangon, Na ako'y bumangon na isang ina sa Israel. 007 JDG 005 008 Sila'y nagsipili ng mga bagong dios; Nang magkagayo'y nagkaroon ng digma sa mga pintuang-bayan: May nakita kayang kalasag o sibat sa apat na pung libo sa Israel? 007 JDG 005 009 Ang aking puso ay nasa mga gobernador sa Israel, Na nagsihandog na kusa sa bayan; Purihin ninyo ang Panginoon! 007 JDG 005 010 Saysayin ninyo, ninyong mga nakasakay sa mapuputing asno, Ninyong nangakaupo sa maiinam na latag, At ninyong nangagsisilakad sa daan. 007 JDG 005 011 Malayo sa ingay ng mga manghuhutok, sa mga dakong igiban ng tubig, Doon sila magpapanibagong magsanay sa mga matuwid na gawa ng Panginoon, Ng mga matuwid na gawa ng kaniyang pagpupuno sa Israel. Bumaba nga ang bayan ng Panginoon sa mga pintuang-bayan. 007 JDG 005 012 Gumising ka, gumising ka, Debora; gumising ka, gumising ka, bumigkas ka ng awit: Bumangon ka, Barac, at ihatid mo ang iyong mga bihag, ikaw na anak ni Abinoam. 007 JDG 005 013 Nagsibaba nga ang nalabi sa mga mahal, at ang bayan; Ang Panginoon ay bumaba dahil sa akin laban sa mga makapangyarihan. 007 JDG 005 014 Sa Ephraim nangagmula silang nasa Amalec ang ugat; Sa likuran mo, ay ang Benjamin, na kasama ng iyong mga bayan; Sa Machir nangagmula ang mga gobernador, At sa Zabulon yaong nangaghahawak ng tungkod ng pagpupuno. 007 JDG 005 015 At ang mga prinsipe sa Issachar ay kasama ni Debora; Na kung paano si Issachar ay gayon si Barac, Sa libis nagsisubasob sa kaniyang paanan. Sa tabi ng mga agusan ng tubig ng Ruben ay nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso. 007 JDG 005 016 Bakit ka nakaupo sa gitna ng mga kulungan ng tupa, Upang makinig ba ng mga tawag sa mga kawan? Sa agusan ng tubig ng Ruben Nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso. 007 JDG 005 017 Ang Galaad ay tumahan sa dako roon ng Jordan: At ang Dan, bakit siya'y natira sa mga sasakyan sa tubig? Ang Aser ay nanatili sa mga baybayin ng dagat, At nanahan sa kaniyang mga daong. 007 JDG 005 018 Ang Zabulon ay isang bayan na isinapanganib ang kanilang buhay sa ikamamatay, At ang Nephtali, ay sa matataas na dako ng bukiran. 007 JDG 005 019 Ang mga hari ay nagsiparito at nagsilaban; Nang magkagayo'y nagsilaban ang mga hari ng Canaan, Sa Taanach na nasa tabi ng tubig sa Megiddo: Sila'y hindi nagdala ng mga pakinabang na salapi. 007 JDG 005 020 Ang mga bituin ay nakipaglaban mula sa langit, Sa kanilang paglakad sila'y nakipaglaban kay Sisara. 007 JDG 005 021 Tinangay sila ng ilog Cison, Ng matandang ilog na yaon, ng ilog Cison. Oh kaluluwa ko, lumakad kang may lakas. 007 JDG 005 022 Nang magkagayo'y nagsiyabag ang mga kuko ng mga kabayo, Dahil sa mga pagdamba, sa pagdamba ng kanilang mga malakas. 007 JDG 005 023 Sumpain ninyo si Meroz, sabi ng anghel ng Panginoon, Sumpain ninyo ng kapaitpaitan ang mga tagaroon sa kaniya; Sapagka't sila'y hindi naparoon na tumulong sa Panginoon, Na tumulong sa Panginoon, laban sa mga makapangyarihan. 007 JDG 005 024 Pagpalain sa lahat ng babae si Jael, Ang asawa ni Heber na Cineo, Pagpalain siya sa lahat ng babae sa tolda. 007 JDG 005 025 Siya'y humingi ng tubig, at binigyan niya ng gatas; Kaniyang binigyan siya ng mantekilya sa pinggang mahal. 007 JDG 005 026 Kaniyang hinawakan ng kaniyang kamay ang tulos, At ng kaniyang kanang kamay ang pamukpok ng mga manggagawa; At sa pamamagitan ng pamukpok ay kaniyang sinaktan si Sisara, pinalagpasan niya sa kaniyang ulo, Oo, kaniyang tinarakan at pinalagpasan ang kaniyang pilipisan. 007 JDG 005 027 Sa kaniyang paanan ay nasubasob, siya'y nabuwal, siya'y nalugmok: Sa kaniyang paanan siya'y nasubasob, siya'y nabuwal. Kung saan siya sumubasob, doon siya nalugmok na patay. 007 JDG 005 028 Sa dungawan ay sumungaw, at sumigaw; Ang ina ni Sisara ay humiyaw mula sa mga silahia: Bakit kaya ang kaniyang karo ay nagluluwat ng pagdating? Bakit kaya bumabagal ang mga gulong ng kaniyang mga karo? 007 JDG 005 029 Ang kaniyang mga pantas na babae ay sumagot sa kaniya, Oo, siya'y nagbalik ng sagot sa kaniyang sarili, 007 JDG 005 030 Hindi ba sila nakasumpong, hindi ba nila binahagi ang samsam? Isang dalaga, dalawang dalaga sa bawa't lalake; Kay Sisara ay samsam na damit na may sarisaring kulay, Samsam na sarisaring kulay ang pagkaburda, Na sarisaring kulay, na burda sa dalawang tagiliran, Na suot sa leeg ng mga bihag? 007 JDG 005 031 Gayon malipol ang lahat ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon: Nguni't yaong mga umiibig sa kaniya ay maging parang araw pagka lumalabas sa kaniyang kalakasan. At ang lupain ay nagpahinga na apat na pung taon. 007 JDG 006 001 At ginawa ng mga anak ni Israel yaong masama sa paningin ng Panginoon: at ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Madian na pitong taon. 007 JDG 006 002 At ang kamay ng Madian ay nanaig laban sa Israel: at dahil sa Madian ay gumawa ang mga anak ni Israel ng mga kutang nangasa bundok, at ng mga yungib, at ng mga dakong matibay. 007 JDG 006 003 At ganito ang nangyari, noong ang Israel ay nakapaghasik, na nagsiahon ang mga Madianita, at ang mga Amalecita, at ang mga anak sa silanganan; sila'y nagsiahon laban sa kanila; 007 JDG 006 004 At sila'y humantong laban sa kanila, at kanilang sinira ang bunga ng lupa, hanggang sa sila'y dumating sa Gaza, at wala silang iniwang anoman sa Israel, maging tupa, o baka man, o asno man. 007 JDG 006 005 Sapagka't sila'y nagsiahong dala nila ang kanilang kawan at ang kanilang mga tolda; at sila'y nagsipasok na parang balang sa karamihan; sila at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang: at kanilang pinasok ang lupain upang gibain. 007 JDG 006 006 At ang Israel ay huminang totoo dahil sa Madian; at ang mga anak ni Israel ay dumaing sa Panginoon. 007 JDG 006 007 At nangyari, nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel, dahil sa Madian. 007 JDG 006 008 Ay nagsugo ang Panginoon ng isang propeta sa mga anak ni Israel: at kaniyang sinabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ng Israel, Kayo'y aking iniahon mula sa Egipto, at inilabas ko kayo sa bahay ng pagkaalipin; 007 JDG 006 009 At pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto, at sa kamay ng mga pumipighati sa inyo, at aking pinalayas sila sa harap ninyo, at ibinigay ko sa inyo ang kanilang lupain; 007 JDG 006 010 At aking sinabi sa inyo, Ako ang Panginoon ninyong Dios; kayo'y huwag matatakot sa mga dios ng mga Amorrheo, na siyang lupaing inyong tinatahanan: nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig. 007 JDG 006 011 At ang anghel ng Panginoon ay naparoon at umupo sa ilalim ng encina na nasa Ophra, na kay Joas na Abiezerita: at ang kaniyang anak na si Gedeon ay pumapalo ng trigo sa ubasan, upang itago sa mga Madianita. 007 JDG 006 012 At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ang Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang. 007 JDG 006 013 At sinabi ni Gedeon sa kaniya, Oh Panginoon ko, kung ang Panginoon ay sumasaamin, bakit nga ang lahat ng ito ay sumapit sa amin? at saan naroon ang lahat niyang kababalaghang gawa na isinaysay sa amin ng aming mga magulang, na sinasabi, Hindi ba tayo iniahon ng Panginoon mula sa Egipto? nguni't ngayo'y hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian. 007 JDG 006 014 At tiningnan siya ng Panginoon, at sinabi, Yumaon ka sa kalakasan mong ito, at iligtas mo ang Israel sa kamay ng Madian: hindi ba kita sinugo? 007 JDG 006 015 At sinabi niya sa kaniya, Oh Panginoon, paanong ililigtas ko ang Israel? narito, ang aking angkan ay siyang pinakadukha sa Manases, at ako ang pinakamaliit sa bahay sangbahayan ng aking ama. 007 JDG 006 016 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Walang pagsalang ako'y sasaiyo; at iyong sasaktan ang mga Madianita na parang isang lalake. 007 JDG 006 017 At sinabi niya sa kaniya, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay bigyan mo nga ako ng isang tanda, na ikaw ang nakikipagusap sa akin. 007 JDG 006 018 Isinasamo ko sa iyo na huwag kang umalis dito, hanggang sa ako'y parito sa iyo, at ilabas ko ang aking handog, at ilapag ko sa harap mo. At kaniyang sinabi, Ako'y maghihintay hanggang sa ikaw ay bumalik. 007 JDG 006 019 At si Gedeon ay pumasok, at naglutong madali ng isang anak ng kambing, at ng isang efa ng harina, ng mga munting tinapay na walang lebadura: inilagay ang karne sa isang buslo, at kaniyang inilagay ang sabaw sa isang palyok, at inilabas sa kaniya sa ilalim ng encina, at inihain. 007 JDG 006 020 At sinabi ng anghel ng Dios sa kaniya, Kunin mo ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura at ipatong mo sa batong ito at ibuhos mo ang sabaw. At kaniyang ginawang gayon. 007 JDG 006 021 Nang magkagayo'y iniunat ng anghel ng Panginoon ang dulo ng tungkod, na nasa kaniyang kamay, at sinalang ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura; at napailanglang ang apoy sa bato, at pinugnaw ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura; at ang anghel ng Panginoon ay nawala sa kaniyang paningin. 007 JDG 006 022 At nakita ni Gedeon na siya ang anghel ng Panginoon; at sinabi ni Gedeon, Aba, Oh Panginoon Dios! sapagka't aking nakita ang anghel ng Panginoon na mukhaan. 007 JDG 006 023 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Kapayapaan ang sumaiyo; huwag kang matakot: hindi ka mamamatay. 007 JDG 006 024 Nang magkagayo'y nagtayo roon si Gedeon ng isang dambana sa Panginoon, at tinawag na Jehova-salom: hanggang sa araw na ito ay nasa sa Ophra pa ng mga Abiezerita. 007 JDG 006 025 At nangyari nang gabi ring yaon, na sinabi ng Panginoon sa kaniya, Kunin mo ang toro ng iyong ama, ang ikalawang toro na may pitong taong katandaan, at iwasak mo ang dambana ni Baal na tinatangkilik ng iyong ama, at putulin mo ang Asera na nasa siping niyaon. 007 JDG 006 026 At ipagtayo mo, sa isang paraang maayos ng isang dambana ang Panginoon mong Dios sa taluktok nitong matibay na dako; at kunin mo ang ikalawang toro, at maghandog ka ng isang handog na susunugin sangpu ng kahoy ng Asera na iyong puputulin. 007 JDG 006 027 Nang magkagayo'y kumuha si Gedeon ng sangpung lalake sa kaniyang mga bataan, at ginawa ang ayon sa sinalita ng Panginoon sa kaniya: at nangyari, na sapagka't siya'y natakot sa sangbahayan ng kaniyang ama at sa mga lalake sa bayan, kaya't hindi niya nagawa sa araw ay kaniyang ginawa sa gabi. 007 JDG 006 028 At nang bumangong maaga ang mga lalake sa bayan ng kinaumagahan narito, ang dambana ni Baal ay wasak, at ang Asera na nasa siping niyaon ay putol, at ang ikalawang toro ay inihandog sa dambana na itinayo. 007 JDG 006 029 At sila'y nangagsalitaan, Sino ang gumawa ng bagay na ito? At nang kanilang usisain at itanong ay kanilang sinabi, Ginawa ni Gedeon na anak ni Joas ang bagay na ito. 007 JDG 006 030 Nang magkagayo'y sinabi kay Joas ng mga lalake sa bayan, Ilabas mo ang iyong anak upang siya'y mamatay: sapagka't kaniyang iniwasak ang dambana ni Baal, at sapagka't kaniyang pinutol ang Asera na nasa siping niyaon. 007 JDG 006 031 At sinabi ni Joas sa lahat na nakatayong laban sa kaniya, Ipagsasanggalang ba ninyo si Baal? o ililigtas ba ninyo siya? yaong magsasanggalang sa kaniya ay papatayin samantalang umaga pa; kung siya'y dios ay magsanggalang siya sa kaniyang sarili, sapagka't may nagwasak ng kaniyang dambana. 007 JDG 006 032 Kaya't nang araw na yaon ay tinawag siyang Jerobaal, na sinasabi, Magsanggalang si Baal laban sa kaniya, sapagka't iniwasak niya ang kaniyang dambana. 007 JDG 006 033 Nang magkagayo'y lahat ng mga Madianita, at mga Amalecita at mga anak sa silanganan ay nagpulong; at sila'y nagtuloy at humantong sa libis ng Jezreel. 007 JDG 006 034 Nguni't ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Gedeon; at humihip siya ng isang pakakak; at ang mga Abiezerita ay nangagkapisan sa kaniya. 007 JDG 006 035 At nagsugo ng mga sugo sa buong Manases; at sila man ay nangakipisan sa kaniya: at siya'y nagsugo ng mga sugo sa Aser, at sa Zabulon, at sa Nephtali, at sila'y umahong sumalubong sa kanila. 007 JDG 006 036 At sinabi ni Gedeon sa Dios, Kung iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita. 007 JDG 006 037 Narito, aking ilalagay ang isang balat na lana sa giikan; kung dumoon lamang sa balat ang hamog, at maging tuyo ang buong lupa, ay malalaman ko nga na iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita. 007 JDG 006 038 At nagkagayon: sapagka't siya'y bumangong maaga ng kinaumagahan, at hinigpit ang buong balat, at piniga ang hamog sa balat, na isang tasang malaki ng tubig. 007 JDG 006 039 At sinabi ni Gedeon sa Dios, Huwag magalab ang iyong galit laban sa akin, at magsasalita na lamang ako ng minsan pa: isinasamo ko sa iyo na ipasubok mo pa sa aking minsan sa pamamagitan ng balat: tuyuin mo ngayon ang balat lamang, at sa buong lupa ay magkaroon ng hamog. 007 JDG 006 040 At ginawang gayon ng Dios nang gabing yaon: sapagka't natuyo ang balat lamang, at nagkaroon ng hamog sa buong lupa. 007 JDG 007 001 Nang magkagayo'y si Jerobaal na siyang Gedeon, at ang buong bayan na kasama niya ay bumangong maaga, at humantong sa bukal ng Harod: at ang kampamento ng Madian ay nasa dakong hilagaan nila, sa dako roon ng Moreh, sa libis. 007 JDG 007 002 At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayang kasama mo ay totoong marami sa akin upang aking ibigay ang mga Madianita sa kanilang kamay, baka ang Israel ay magmalaki laban sa akin, na sabihin, Aking sariling kamay ang nagligtas sa akin. 007 JDG 007 003 Kaya't ngayo'y yumaon ka, ipagpatawag mo sa mga pakinig ng bayan, na iyong sabihin, Sinomang matatakutin at mapanginig, ay bumalik at pumihit mula sa bundok ng Galaad. At bumalik sa bayan ang dalawang pu't dalawang libo; at naiwan ang sangpung libo. 007 JDG 007 004 At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayan ay totoong marami pa; palusungin mo sila sa tubig, at doo'y aking susubukin sila sa iyo: at mangyayari, na sinomang aking sabihin sa iyo, Ito'y sumama sa iyo, yaon sumama sa iyo; at sa sinomang sabihin ko sa iyo, Ito'y huwag sumama sa iyo, yao'y huwag sumama sa iyo. 007 JDG 007 005 Sa gayo'y kaniyang inilusong ang bayan sa tubig: at sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Bawa't humimod sa tubig ng kaniyang dila, gaya ng paghimod ng aso, ay iyong ihihiwalay: gayon din ang bawa't yumukong lumuhod upang uminom. 007 JDG 007 006 At ang bilang ng mga humimod, na inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ay tatlong daang lalake: nguni't ang buong labis ng bayan ay yumukong lumuhod upang uminom ng tubig. 007 JDG 007 007 At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Sa pamamagitan ng tatlong daang lalake na humimod ay ililigtas ko kayo, at ibibigay ko ang mga Madianita sa iyong kamay: at pabayaan mong ang buong bayan ay yumaon bawa't isa sa kanikaniyang dako. 007 JDG 007 008 Sa gayo'y nagbaon ang bayan sa kanilang kamay ng mga pagkain at ng kanilang mga pakakak: at kaniyang sinugo ang lahat ng mga lalake sa Israel na bawa't isa ay umuwi sa kanikaniyang tolda, nguni't pinigil ang tatlong daang lalake: at ang kampamento ng Madian ay nasa ibaba niya sa libis. 007 JDG 007 009 At nangyari nang gabi ring yaon, na sinabi ng Panginoon sa kaniya, Bumangon ka, lusungin mo ang kampamento; sapagka't aking ibinigay sa iyong kamay. 007 JDG 007 010 Nguni't kung ikaw ay natatakot na lumusong, ay lumusong ka sa kampamento na kasama ni Phara na iyong lingkod. 007 JDG 007 011 At iyong maririnig kung ano ang kanilang sinasabi, at pagkatapos ang iyong mga kamay ay lalakas na lumusong sa kampamento. Nang magkagayo'y lumusong siyang kasama si Phara na kaniyang lingkod sa pinakahangganan ng mga lalaking may sakbat na nangasa kampamento. 007 JDG 007 012 At ang mga Madianita at ang mga Amalecita at ang lahat ng mga anak sa silanganan ay nalalatag sa libis na parang balang dahil sa karamihan; at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang, na gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat dahil sa karamihan. 007 JDG 007 013 At nang dumating si Gedeon, narito, may isang lalake na nagsasaysay ng isang panaginip sa kaniyang kasama, at kaniyang sinabi, Nanaginip ako ng isang panaginip; at, narito, isang munting tinapay na sebada, ay gumulong hanggang sa kampamento ng Madian, at umabot sa tolda, at tinamaan yaon ng malakas na tuloy bumagsak, at natiwarik, na ang tolda'y lumagpak. 007 JDG 007 014 At sumagot ang kaniyang kasama, at nagsabi, Ito'y hindi iba, kundi ang tabak ni Gedeon, na anak ni Joas, isang lalaking Israelita, na ibinigay ng Dios sa kaniyang kamay ang Madian at ang buong hukbo niya. 007 JDG 007 015 At nangyari, nang marinig ni Gedeon ang salaysay tungkol sa panaginip, at ang pagkapaliwanag niyaon, na siya'y sumamba; at siya'y bumalik sa kampamento ng Israel, at sinabi, Tumindig kayo; sapagka't ibinigay ng Panginoon sa inyong kamay ang hukbo ng Madian. 007 JDG 007 016 At binahagi niya ang tatlong daang lalake ng tatlong pulutong, at kaniyang nilagyan ang mga kamay nilang lahat ng mga pakakak, at mga bangang walang laman at mga sulo sa loob ng mga banga. 007 JDG 007 017 At kaniyang sinabi sa kanila, Masdan ninyo ako, at inyong parisan: at, narito, pagka ako'y dumating sa pinakahuling bahagi ng kampamento, ay mangyayari, na kung anong aking gawin ay siya ninyong gagawin. 007 JDG 007 018 Pagka ako'y hihihip ng pakakak, ako at lahat na kasama ko, ay humihip nga naman kayo ng mga pakakak, sa buong palibot ng buong kampamento, at sabihin ninyo, Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon. 007 JDG 007 019 Sa gayo'y si Gedeon, at ang isang daang lalake na kasama niya ay napasa pinakahuling bahagi ng kampamento sa pasimula ng pagbabantay sa hating gabi, ng halos kahahalili lamang ng bantay: at sila'y humihip ng mga pakakak, at kanilang binasag ang mga banga na nasa kanilang mga kamay. 007 JDG 007 020 At hinipan ng tatlong pulutong ang mga pakakak, at binasag ang mga banga, at itinaas ang mga sulo sa kanilang kaliwang kamay, at ang mga pakakak sa kanilang kanang kamay na kanilang hinihipan, at sila'y naghiyawan, Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon. 007 JDG 007 021 At sila'y nangakatayo, bawa't isa, sa kaniyang dako sa palibot ng kampamento: at ang buong hukbo ay tumakbo; at sila'y sumigaw at pinatakas nila. 007 JDG 007 022 At hinipan nila ang tatlong daang pakakak at inilagay ng Panginoon ang tabak ng bawa't isa laban sa kaniyang kasama, at laban sa buong hukbo: at tumakas ang hukbo hanggang sa Beth-sitta sa dakong Cerera, hanggang sa hangganan ni Abelmehola, sa siping ng Tabbat. 007 JDG 007 023 At ang mga lalake ng Israel ay nagpipisan, ang sa Nephtali, at ang sa Aser, at sa buong Manases, at hinabol ang Madian. 007 JDG 007 024 At nagsugo si Gedeon ng mga sugo sa buong lupaing maburol ng Ephraim, na sinasabi, Lusungin ninyo ang Madian, at agapan ninyo ang tubig, hanggang sa Beth-bara, at ang Jordan. Sa gayo'y ang lahat ng mga lalake ng Ephraim ay nagkapisan, at inagapan ang tubig hanggang sa Beth-bara, at ang Jordan. 007 JDG 007 025 At kanilang hinuli ang dalawang prinsipe sa Madian, si Oreb at si Zeeb: at kanilang pinatay si Oreb sa batuhan ni Oreb at si Zeeb ay kanilang pinatay sa pisaan ng ubas ni Zeeb, at hinabol ang Madian: at kanilang dinala ang mga ulo ni Oreb at ni Zeeb kay Gedeon sa dako roon ng Jordan. 007 JDG 008 001 At sinabi ng mga lalake ng Ephraim sa kaniya, Bakit ginawa mo sa amin ang ganyan, na hindi mo kami tinawag nang ikaw ay yumaong makipaglaban sa Madian? At siya'y pinagwikaan nilang mainam. 007 JDG 008 002 At sinabi niya sa kanila, Ano ang aking ginawa ngayon na paris ng inyo? Di ba mainam ang pagsimot ng ubas ng Ephraim kay sa pagaani ng sa Abiezer? 007 JDG 008 003 Ibinigay ng Dios sa inyong kamay ang mga prinsipe sa Madian, si Oreb, at si Zeeb, at ano ang aking magagawa na paris ng inyo? Nang magkagayo'y ang kanilang galit sa kaniya ay lumamig, nang kaniyang sabihin yaon. 007 JDG 008 004 At si Gedeon ay dumating sa Jordan, at siya'y tumawid, siya, at ang tatlong daang lalake na mga kasama niya, mga pagod na, ay humahabol pa. 007 JDG 008 005 At sinabi niya sa mga lalake sa Succoth, Isinasamo ko sa inyo na bigyan ninyo ng mga tinapay ang bayan na sumusunod sa akin; sapagka't sila'y mga pagod, at aking hinahabol si Zeba at si Zalmunna, na mga hari sa Madian. 007 JDG 008 006 At sinabi ng mga prinsipe sa Succoth, Nasa iyo na bang kamay ngayon ang mga kamay ni Zeba at ni Zalmunna, upang bigyan namin ng tinapay ang iyong hukbo? 007 JDG 008 007 At sinabi ni Gedeon, Kaya, pagka ibinigay ng Panginoon, si Zeba at si Zalmunna sa aking kamay, ay akin ngang gagalusan ang inyong laman ng mga tinik sa ilang at ng mga dawag. 007 JDG 008 008 At inahon niya mula roon ang Penuel, at siya'y nagsalita sa kanila ng gayon din: at sinagot siya ng mga lalake sa Penuel na gaya ng isinagot ng mga lalake sa Succoth. 007 JDG 008 009 At sinalita niya naman sa mga lalake sa Penuel, na sinasabi, Pagbabalik kong payapa, ay aking ilalagpak ang moog na ito. 007 JDG 008 010 Ngayo'y si Zeba at si Zalmunna ay nasa Carcor, at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, na may labing limang libong lalake, yaong lahat na nalabi sa buong hukbo ng mga anak sa silanganan: sapagka't nabuwal ang isang daan at dalawang pung libong lalake na humahawak ng tabak. 007 JDG 008 011 At si Gedeon ay umahon sa daan ng mga tumatahan sa mga tolda sa silanganan ng Noba at Jogbea, at sinaktan ang hukbo; sapagka't ang hukbo ay tiwasay. 007 JDG 008 012 At si Zeba at si Zalmunna ay tumakas; at kaniyang hinabol sila: at kaniyang hinuli ang dalawang hari sa Madian, na si Zeba at si Zalmunna, at nalito ang buong hukbo. 007 JDG 008 013 At tinalikdan ni Gedeon na anak ni Joas ang pagbabaka, mula sa sampahan sa Heres. 007 JDG 008 014 At hinuli niya ang isang may kabataan sa mga lalake sa Succoth, at nagusisa siya sa kaniya: at ipinaalam sa kaniya ang mga prinsipe sa Succoth, at ang mga matanda niyaon na pitong pu't pitong lalake. 007 JDG 008 015 At sila'y naparoon sa mga lalake sa Succoth, at sinabi, Narito si Zeba at si Zalmunna, na tungkol sa kanila, ay inyo akong tinuya na inyong sinasabi, Nasa iyo na bang kamay ngayon ang mga kamay ni Zeba at ni Zalmunna, upang bigyan namin ng tinapay ang iyong mga lalake na mga pagod? 007 JDG 008 016 At kaniyang kinuha ang mga matanda sa bayan, at mga tinik sa ilang at mga dawag, at sa pamamagitan ng mga yaon ay kaniyang tinuruan ang mga lalake sa Succoth. 007 JDG 008 017 At kaniyang inilagpak ang moog ng Penuel, at pinatay ang mga lalake sa bayan. 007 JDG 008 018 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi kay Zeba at kay Zalmunna. Anong mga lalake yaong inyong pinatay sa Tabor? At sila'y sumagot, Kung ano ikaw ay gayon sila; bawa't isa'y nahuhuwad sa mga anak ng isang hari. 007 JDG 008 019 At kaniyang sinabi, Sila'y aking mga kapatid, na mga anak ng aking ina: buhay ang Panginoon, kung inyong iniligtas sana silang buhay, disin hindi ko kayo papatayin. 007 JDG 008 020 At sinabi niya kay Jether na kaniyang panganay, Bangon, at patayin mo sila. Nguni't ang bata'y hindi humawak ng tabak: sapagka't siya'y natakot, dahil sa siya'y bata pa. 007 JDG 008 021 Nang magkagayo'y sinabi ni Zeba at ni Zalmunna, Bumangon ka, at daluhungin mo kami: sapagka't kung paano ang pagkalalake ay gayon ang kaniyang lakas. At bumangon si Gedeon, at pinatay si Zeba at si Zalmunna, at kinuha ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan na nasa mga leeg ng kanilang mga kamelyo. 007 JDG 008 022 Nang magkagayo'y sinabi ng mga lalake ng Israel kay Gedeon, Magpuno ka sa amin ngayon, ikaw at ang iyong anak, sapagka't iniligtas mo kami sa kamay ng Madian. 007 JDG 008 023 At sinabi ni Gedeon sa kanila, Hindi ako magpupuno sa inyo, o magpupuno man ang aking anak sa inyo: ang Panginoon ang magpupuno sa inyo. 007 JDG 008 024 At sinabi ni Gedeon sa kanila, Hangad ko ang isang kahilingan sa inyo, na bigyan ako ng bawa't isa sa inyo ng mga hikaw na kaniyang samsam. (Sapagka't sila'y may mga gintong hikaw, dahil sa sila'y mga Ismaelita.) 007 JDG 008 025 At sumagot sila, Ibibigay namin ng buong pagibig. At sila'y naglatag ng isang balabal, at inilagay roon ng bawa't isa ang mga hikaw na kaniyang samsam. 007 JDG 008 026 At ang timbang ng mga gintong hikaw na kaniyang hiniling, ay isang libo at pitong daang siklong ginto; bukod pa ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan, at ang mga hikaw at ang mga damit na morado na suot ng mga hari sa Madian, at bukod pa ang mga tanikala na nangasa leeg ng mga kamelyo. 007 JDG 008 027 At ginawang epod ni Gedeon at inilagay sa kaniyang bayan, sa makatuwid baga'y sa Ophra: at ang buong Israel ay naparoroon na sumasamba sa kaniya roon: at siyang naging ikinasilo ni Gedeon at ng kaniyang sangbahayan. 007 JDG 008 028 Gayon napasuko ang Madian sa harap ng mga anak ni Israel, at hindi na nila itinaas pa ang kanilang ulo. At ang lupain ay nagpahingang apat na pung taon sa mga araw ni Gedeon. 007 JDG 008 029 At si Jerobaal na anak ni Joas ay yumaon at tumahan sa kaniyang sariling bahay. 007 JDG 008 030 At nagkaroon si Gedeon ng pitong pung anak na lumabas sa kaniyang mga balakang: sapagka't siya'y mayroong maraming asawa. 007 JDG 008 031 At ang kaniyang babae na nasa Sichem ay nagkaanak naman sa kaniya ng isang lalake, at kaniyang tinawag ang pangalan na Abimelech. 007 JDG 008 032 At namatay si Gedeon na anak ni Joas na may mabuting katandaan at inilibing sa libingan ni Joas na kaniyang ama, sa Ophra ng mga Abiezerita. 007 JDG 008 033 At nangyari, pagkamatay ni Gedeon, na ang mga anak ni Israel ay bumalik at sumamba sa mga Baal, at ginawang kanilang dios ang Baal-berith. 007 JDG 008 034 At hindi naalaala ng mga anak ni Israel ang Panginoon nilang Dios, na siyang nagpapaging laya sa kanila sa kamay ng lahat nilang mga kaaway sa buong palibot: 007 JDG 008 035 O gumanti man lamang ng kagandahang loob sa sangbahayan ni Jerobaal, na siyang Gedeon ayon sa lahat ng kabutihan na kaniyang ipinakita sa Israel. 007 JDG 009 001 At si Abimelech na anak ni Jerobaal ay napasa Sichem, sa mga kapatid ng kaniyang ina, at nagsalita sa kanila, at sa lahat ng angkan ng sangbahayan ng ama ng kaniyang ina, na nagsasabi, 007 JDG 009 002 Isinasamo ko sa inyo na inyong salitain sa mga pakinig ng lahat ng mga lalake sa Sichem, Kung ano ang magaling sa inyo, na lahat na anak ni Jerobaal na pitong pung lalake ay magpuno sa inyo, o isa ang magpuno sa inyo? alalahanin din naman ninyo na ako ay inyong buto at inyong laman. 007 JDG 009 003 At tungkol sa kaniya ay sinalita ng mga kapatid ng ina niya, sa mga pakinig ng lahat ng mga lalake sa Sichem ang lahat ng mga salitang ito at ang kanilang puso ay kumiling na sumunod kay Abimelech, sapagka't kanilang sinabi, Siya'y ating kapatid. 007 JDG 009 004 At nagbigay sila ng pitong pung putol na pilak, mula sa bahay ng Baal-berith, na siyang iniupa ni Abimelech sa mga taong hampas lupa at mga palaboy, na siyang mga sumunod sa kaniya. 007 JDG 009 005 At siya'y naparoon sa bahay ng kaniyang ama sa Ophra, at pinatay ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Jerobaal, na pitong pung katao, sa ibabaw ng isang bato: nguni't si Jotham na bunsong anak ni Jerobaal ay nalabi; sapagka't siya'y nagtago. 007 JDG 009 006 At lahat ng mga lalake sa Sichem ay nagpupulong at ang buong sangbahayan ni Millo, at yumaon at ginawang hari si Abimelech sa tabi ng encina ng haliging nasa Sichem. 007 JDG 009 007 At nang kanilang saysayin kay Jotham, siya'y yumaon at tumayo sa taluktok ng bundok Gerizim, at inilakas ang kaniyang tinig, at sumigaw, at sinabi sa kanila, Dinggin ninyo ako, ninyong mga lalake sa Sichem, upang dinggin kayo ng Dios. 007 JDG 009 008 Ang mga puno ng kahoy ay naghalal ng hari na minsan; at kanilang sinabi sa puno ng olibo, Maghari ka sa amin. 007 JDG 009 009 Nguni't sinabi ng puno ng olibo sa kanila, Akin bang iiwan ang aking katabaan, na siyang sa akin ay nakapagpaparangal sa Dios at sa tao, at makipagindayunan sa mga puno ng kahoy? 007 JDG 009 010 At sinabi ng mga punong kahoy sa puno ng igos, Halika, at maghari ka sa amin. 007 JDG 009 011 Nguni't sinabi ng puno ng igos sa kanila, Akin bang iiwan ang aking katamisan, at ang aking mabuting bunga, at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy? 007 JDG 009 012 At sinabi ng mga puno ng kahoy sa puno ng ubas, Halika, at maghari ka sa amin. 007 JDG 009 013 At sinabi ng puno ng ubas sa kanila, Akin bang iiwan ang aking alak, na nagpapasaya sa Dios at sa tao, at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy? 007 JDG 009 014 Nang magkagayo'y sinabi ng lahat ng mga puno ng kahoy sa dawag, Halika, at maghari ka sa amin. 007 JDG 009 015 At sinabi ng dawag sa mga puno ng kahoy, Kung tunay na ako'y inyong inihahalal na hari ninyo, pumarito nga kayo at manganlong kayo sa aking lilim: at kung hindi ay labasan ng apoy ang dawag at pugnawin ang mga sedro ng Libano. 007 JDG 009 016 Ngayon nga'y kung tapat at matuwid mong ginawang hari si Abimelech, at kung gumawa kayo ng mabuti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan, at kayo'y gumawa sa kaniya ng ayon sa marapat sa kaniyang mga kamay; 007 JDG 009 017 (Sapagka't ipinakipaglaban kayo ng aking ama at inihadlang ang kaniyang buhay, at pinapaging laya kayo sa kamay ni Madian: 007 JDG 009 018 At kayo'y bumangon laban sa sangbahayan ng aking ama sa araw na ito, at pinatay ninyo ang kaniyang mga anak, na pitong pung lalake, sa ibabaw ng isang bato, at ginawa ninyong hari si Abimelech, na anak ng kaniyang aliping babae, sa mga lalake sa Sichem, sapagka't siya'y inyong kapatid; ) 007 JDG 009 019 Kung tapat nga at matuwid na kayo'y gumanti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan sa araw na ito, magalak nga kayo kay Abimelech at magalak naman siya sa inyo: 007 JDG 009 020 Nguni't kung hindi ay labasan ng apoy si Abimelech, at pugnawin ang mga lalake sa Sichem, at ang sangbahayan ni Millo, at labasan ng apoy ang mga lalake sa Sichem, at ang sangbahayan ni Millo, at pugnawin si Abimelech. 007 JDG 009 021 At si Jotham ay tumakbong umalis, at tumakas, at napasa Beer, at tumahan doon, dahil sa takot kay Abimelech na kaniyang kapatid. 007 JDG 009 022 At si Abimelech ay naging prinsipe sa Israel na tatlong taon. 007 JDG 009 023 At nagsugo ang Dios ng isang masamang espiritu kay Abimelech at sa mga lalake sa Sichem; at ang mga lalake sa Sichem ay naglilo kay Abimelech. 007 JDG 009 024 Upang ang dahas na ginawa sa pitong pung anak ni Jerobaal ay dumating, at upang ang kanilang dugo ay malagpak kay Abimelech na kanilang kapatid, na siyang pumatay sa kanila, at sa mga lalake sa Sichem, na nagpalakas ng kaniyang mga kamay upang patayin ang kaniyang mga kapatid. 007 JDG 009 025 At binakayan siya ng mga lalake sa Sichem sa mga taluktok ng mga bundukin, at kanilang pinagnakawan yaong lahat na dumaan sa daang yaon na malapit sa kanila; at naibalita kay Abimelech. 007 JDG 009 026 At dumating si Gaal na anak ni Ebed na kasama ng kaniyang mga kapatid, at dumaan sa Sichem: at inilagak ng mga lalake sa Sichem ang kanilang tiwala sa kaniya. 007 JDG 009 027 At sila'y lumabas sa bukid, at namitas sa kanilang mga ubasan, at pinisa, at nagpapista, at napasa bahay ng kanilang dios, at nagkainan at naginuman, at sinumpa si Abimelech. 007 JDG 009 028 At sinabi ni Gaal na anak ni Ebed, Sino si Abimelech at sino si Sichem, upang, aming paglingkuran siya? hindi ba siya ang anak ni Jerobaal? at si Zebul ay kaniyang pinuno? Maglingkod kayo sa mga lalake ni Hamor na ama ni Sichem: nguni't bakit kami maglilingkod sa kaniya? 007 JDG 009 029 At kahi manawari ang bayang ito'y mapasa ilalim ng aking kamay. Kung magkagayo'y aking hahalinhan si Abimelech. At kaniyang sinabi kay Abimelech, Dagdagan mo ang iyong kawal at lumabas ka. 007 JDG 009 030 At nang marinig ni Zebul na puno ng bayan ang mga salita ni Gaal na anak ni Ebed, ay nagalab ang kaniyang galit. 007 JDG 009 031 At lihim na nagsugo siya ng mga sugo kay Abimelech, na nagsabi, Narito, si Gaal na anak ni Ebed at ang kaniyang mga kapatid ay naparoon sa Sichem; at, narito, kanilang pinilit ang bayan laban sa iyo. 007 JDG 009 032 Ngayon nga'y bumangon ka sa gabi, ikaw at ang bayan na kasama mo, at bakayan mo sa bukid: 007 JDG 009 033 At mangyayari, na sa kinaumagahan, pagsikat ng araw, ay babangon kang maaga, at isasalakay mo ang bayan: at, narito, pagka siya at ang bayan na kasama niya ay lumabas laban sa iyo, ay magagawa mo nga sa kanila ang magalingin mo. 007 JDG 009 034 At bumangon si Abimelech, at ang buong bayan na kasama niya, sa kinagabihan at sinalakay nila ang Sichem, na sila'y apat na pulutong. 007 JDG 009 035 At lumabas si Gaal na anak ni Ebed, at tumayo sa pasukan ng pintuang-bayan; at si Abimelech ay bumangon sa pagbakay at ang bayan na kasama niya. 007 JDG 009 036 At nang makita ni Gaal ang bayan, ay kaniyang sinabi kay Zebul, Narito, bumababa ang bayan mula sa taluktuk ng mga bundok. At sinabi ni Zebul sa kaniya, Iyong nakikita'y mga lilim ng mga bundukin, na parang mga lalake. 007 JDG 009 037 At nagsalita uli si Gaal, at nagsabi, Tignan mo, bumababa ang bayan sa kalagitnaan ng lupain, at isang pulutung ay dumarating sa daan ng encina ng Meonenim. 007 JDG 009 038 Nang magkagayo'y sinabi ni Zebul sa kaniya, Saan nandoon ngayon ang iyong bibig, na iyong ipinagsabi, Sino si Abimelech upang tayo'y maglingkod sa kaniya? hindi ba ito ang bayan na iyong niwalan ng kabuluhan? lumabas ka ngayon at lumaban sa kanila. 007 JDG 009 039 At lumabas si Gaal sa harap ng mga lalake sa Sichem, at lumaban kay Abimelech. 007 JDG 009 040 At hinabol ni Abimelech siya, at siya'y tumakas sa harap niya, at nabuwal ang maraming sugatan hanggang sa pasukan ng pintuang-bayan. 007 JDG 009 041 At si Abimelech ay tumahan sa Aruma: at pinalayas ni Zebul si Gaal at ang kaniyang mga kapatid, upang sila'y huwag tumahan sa Sichem. 007 JDG 009 042 At nangyari nang kinaumagahan, na ang baya'y lumabas sa parang; at kanilang isinaysay kay Abimelech. 007 JDG 009 043 At kaniyang kinuha ang bayan, at binahagi niya ng tatlong pulutong, at bumakay sa parang; at siya'y tumingin, at narito, ang bayan ay lumabas sa kabayanan; at siya'y bumangon laban sa kanila, at sila'y sinaktan niya. 007 JDG 009 044 At si Abimelech at ang mga pulutong na kasama niya ay nagsidaluhong at nagsitayo sa pasukan ng pintuan ng bayan: at ang dalawang pulutong ay nagsidaluhong doon sa lahat ng nasa bukid, at sila'y sinaktan nila. 007 JDG 009 045 At lumaban si Abimelech sa bayan nang buong araw na yaon; at sinakop ang bayan, at pinatay ang bayan na nasa loob niyaon: at iginiba ang kabayanan at hinasikan ng asin. 007 JDG 009 046 At nang mabalitaan yaon ng lahat ng mga lalake sa moog ng Sichem, ay pumasok sila sa kuta ng bahay ng El-berith. 007 JDG 009 047 At nasaysay kay Abimelech, na ang lahat ng mga tao sa moog ng Sichem ay nagpipisan. 007 JDG 009 048 At umahon si Abimelech sa bundok ng Salmon, siya at ang buong bayan na kasama niya; at sumunggab si Abimelech ng isang palakol sa kaniyang kamay, at pumutol ng isang sanga sa mga kahoy at itinaas, at ipinasan sa kaniyang balikat: at sinabi niya sa bayan na kasama niya, Kung ano ang makita ninyo na gawin ko, magmadali kayo, at gawin ninyo ang aking ginawa. 007 JDG 009 049 At ang buong bayan ay pumutol na gayon din ang bawa't lalake ng kanikaniyang sanga, at sumunod kay Abimelech, at ipinaglalagay sa kuta, at sinilaban ang kuta sa pamamagitan niyaon; na ano pa't ang lahat ng mga lalake sa moog ng Sichem ay namatay rin, na may isang libong lalake at babae. 007 JDG 009 050 Nang magkagayo'y naparoon si Abimelech sa Thebes, at humantong ng laban sa Thebes, at sinakop. 007 JDG 009 051 Nguni't may isang matibay na moog sa loob ng bayan, at doo'y nagsitakas ang lahat na lalake at babae at ang lahat na nasa bayan, at sinarhan, at nagsisampa sa bubungan ng moog. 007 JDG 009 052 At naparoon si Abimelech sa moog, at lumaban, at lumapit sa pintuan ng moog, upang sunugin ng apoy. 007 JDG 009 053 At hinagis ng isang babae, ng isang pangibabaw na bato ng gilingan ang ulo ni Abimelech at nabasag ang kaniyang bungo. 007 JDG 009 054 Nang magkagayo'y tinawag niyang madali ang bataang kaniyang tagadala ng almas, at sinabi niya sa kaniya, Kunin mo ang iyong tabak, at patayin mo ako, upang huwag sabihin tungkol sa akin ng mga tao, Isang babae ang pumatay sa kaniya. At pinalagpasan siya ng kaniyang bataan, at siya'y namatay. 007 JDG 009 055 At nang makita ng Israel na namatay si Abimelech, ay yumaon ang bawa't lalake sa kanikaniyang dako. 007 JDG 009 056 Ganito pinaghigantihan ng Dios ang kasamaan ni Abimelech, na kaniyang ginawa sa kaniyang ama, sa pagpatay ng kaniyang pitong pung kapatid: 007 JDG 009 057 At ang buong kasamaan ng mga lalake sa Sichem ay pinaghigantihan ng Dios sa kanilang mga ulo: at dumating sa kanila ang sumpa ni Jotham na anak ni Jerobaal. 007 JDG 010 001 At pagkamatay ni Abimelech ay bumangon doon, upang magligtas sa Israel, si Tola na anak ni Pua, na anak ni Dodo, na lalake ng Issachar; at siya'y tumahan sa Samir sa lupaing maburol ng Ephraim. 007 JDG 010 002 At siya'y naghukom sa Israel na dalawang pu't tatlong taon; at namatay, at inilibing sa Samir. 007 JDG 010 003 At pagkamatay niya'y bumangon si Jair, na Galaadita; at siya'y naghukom sa Israel na dalawang pu't dalawang taon. 007 JDG 010 004 At siya'y may tatlong pung anak na sumasakay sa tatlong pung asno, at sila'y may tatlong pung bayan na tinatawag na Havot-jair hanggang sa araw na ito, na nangasa lupain ng Galaad. 007 JDG 010 005 At namatay si Jair, at inilibing sa Camon. 007 JDG 010 006 At ginawa uli ng mga anak ni Israel ang kasamaan sa paningin ng Panginoon, at naglingkod sa mga Baal, at kay Astaroth, at sa mga dios sa Siria, at sa mga dios sa Sidon, at sa mga dios sa Moab, at sa mga dios ng mga anak ni Ammon, at sa mga dios ng mga Filisteo; at pinabayaan nila ang Panginoon, at hindi naglingkod sa kaniya. 007 JDG 010 007 At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at ipinagbili niya sila sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng mga anak ni Ammon. 007 JDG 010 008 At kanilang pinahirapan at pinighati ang mga anak ni Israel nang taong yaon: labing walong taong pinighati ang lahat ng mga anak ni Israel na nangasa dako roon ng Jordan sa lupain ng mga Amorrheo, na nasa Galaad. 007 JDG 010 009 At ang mga anak ni Ammon ay tumawid sa Jordan upang lumaban naman sa Juda, at sa Benjamin, at sa sangbahayan ni Ephraim; na ano pa't ang Israel ay totoong pinapaghinagpis. 007 JDG 010 010 At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon, na sinasabi, Kami ay nagkasala laban sa iyo, sapagka't aming pinabayaan ang aming Dios, at kami ay naglingkod sa mga Baal. 007 JDG 010 011 At sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel, Di ba pinapaging laya ko kayo sa mga taga Egipto, at sa mga Amorrheo, sa mga anak ni Ammon, at sa mga Filisteo? 007 JDG 010 012 Ang mga Sidonio man, at ang mga Amalecita, at ang mga Maonita ay pumighati rin sa iyo; at kayo'y dumaing sa akin, at pinapaging laya ko kayo sa kanilang mga kamay. 007 JDG 010 013 Gayon ma'y pinabayaan ninyo ako, at kayo'y naglingkod sa ibang mga dios: kaya't hindi ko na kayo palalayain. 007 JDG 010 014 Kayo'y yumaon at dumaing sa mga dios na inyong pinili; palayain kayo nila sa panahon ng inyong kapighatian. 007 JDG 010 015 At sinabi ng mga anak ni Israel sa Panginoon, Kami ay nagkasala: gawin mo sa amin anomang iyong mabutihin; isinasamo namin sa iyo, na iligtas mo lamang kami sa araw na ito. 007 JDG 010 016 At kanilang inihiwalay ang mga dios ng iba sa kanila, at naglingkod sa Panginoon: at ang kaniyang kaluluwa ay nagdalamhati dahil sa karalitaan ng Israel. 007 JDG 010 017 Nang magkagayon ang mga anak ni Ammon ay nagpipisan, at humantong sa Galaad. At ang mga anak ni Israel ay nagpipisan, at humantong sa Mizpa. 007 JDG 010 018 At ang bayan, at ang mga prinsipe sa Galaad, ay nagsangusapan, Sinong tao ang magpapasimulang lumaban sa mga anak ni Ammon? siya'y magiging pangulo ng lahat na taga Galaad. 007 JDG 011 001 Si Jephte nga na Galaadita ay lalaking makapangyarihang may tapang, at siya'y anak ng isang patutot: at si Jephte ay naging anak ni Galaad. 007 JDG 011 002 At ang asawa ni Galaad ay nagkaanak sa kaniya ng mga lalake; at nang magsilaki ang mga anak ng kaniyang asawa ay kanilang pinalayas si Jephte, at sinabi nila sa kaniya, Ikaw ay hindi magmamana sa sangbahayan ng aming ama; sapagka't ikaw ay anak ng ibang babae. 007 JDG 011 003 Nang magkagayo'y tumakas si Jephte sa harap ng kaniyang mga kapatid, at tumahan sa lupain ng Tob: at doo'y nakipisan kay Jephte ang mga lalaking walang kabuluhan, at nagsilabas na kasama niya. 007 JDG 011 004 At nangyari pagkaraan ng ilang panahon, na ang mga anak ni Ammon ay nakipagdigma sa Israel. 007 JDG 011 005 At nangyari, nang lumaban ang mga anak ni Ammon sa Israel, na ang mga matanda sa Galaad ay naparoon upang sunduin si Jephte mula sa lupain ng Tob: 007 JDG 011 006 At kanilang sinabi kay Jephte, Halika't ikaw ay maging aming pinuno, upang kami ay makalaban sa mga anak ni Ammon. 007 JDG 011 007 At sinabi ni Jephte sa mga matanda sa Galaad, Di ba kayo'y napoot sa akin at pinalayas ninyo ako sa bahay ng aking ama? at bakit kayo'y naparito sa akin ngayon, pagka kayo'y nasa paghihinagpis? 007 JDG 011 008 At sinabi ng mga matanda sa Galaad kay Jephte, Kaya't kami ay bumabalik sa iyo ngayon, upang ikaw ay makasama namin, at makipaglaban sa mga anak ni Ammon, at ikaw ay magiging pangulo naming lahat na taga Galaad. 007 JDG 011 009 At sinabi ni Jephte sa mga matanda sa Galaad, Kung pauuwiin ninyo ako upang makipaglaban sa mga anak ni Ammon, at ibigay ng Panginoon sila sa harap ko, magiging pangulo ba ninyo ako? 007 JDG 011 010 At sinabi ng mga matanda sa Galaad kay Jephte, Ang Panginoon ang maging saksi natin: tunay na ayon sa iyong salita ay siya naming gagawin. 007 JDG 011 011 Nang magkagayo'y si Jephte ay yumaong kasama ng mga matanda sa Galaad, at ginawa nila siyang pangulo at pinuno: at sinalita ni Jephte sa Mizpa ang lahat ng kaniyang salita sa harap ng Panginoon. 007 JDG 011 012 At nagsugo si Jephte ng mga sugo sa hari ng mga anak ni Ammon, na nagsasabi, Anong ipinakikialam mo sa akin, na ikaw ay naparito sa akin upang lumaban sa aking lupain? 007 JDG 011 013 At isinagot ng hari ng mga anak ni Ammon sa mga sugo ni Jephte, Sapagka't sinakop ng Israel ang aking lupain, nang siya'y umahong galing sa Egipto, mula sa Arnon hanggang sa Jaboc, at hanggang sa Jordan: kaya't ngayo'y ibalik mo ng payapa ang mga lupaing yaon. 007 JDG 011 014 At nagsugo uli si Jephte ng mga sugo sa hari ng mga anak ni Ammon: 007 JDG 011 015 At kaniyang sinabi sa kaniya, Ganito ang sabi ni Jephte, Hindi sumakop ang Israel ng lupain ng Moab, o ng lupain ng mga anak ni Ammon; 007 JDG 011 016 Kundi nang sila'y umahon mula sa Egipto, at ang Israel ay naglakad sa ilang hanggang sa Dagat na Mapula, at napasa Cades: 007 JDG 011 017 Nagsugo nga ang Israel ng mga sugo sa hari sa Edom, na nagsasabi, Isinasamo ko sa iyong paraanin mo ako sa iyong lupain: nguni't hindi dininig ng hari sa Edom. At gayon din nagsugo siya sa hari sa Moab; nguni't ayaw siya: at ang Israel ay tumahan sa Cades: 007 JDG 011 018 Nang magkagayo'y naglakad sila sa ilang, at lumiko sa lupain ng Edom, at sa lupain ng Moab, at napasa dakong silanganan ng lupain ng Moab, at sila'y humantong sa kabilang dako ng Arnon; nguni't hindi sila pumasok sa hangganan ng Moab, sapagka't ang Arnon ay siyang hangganan ng Moab. 007 JDG 011 019 At nagsugo ang Israel ng mga sugo kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na hari sa Hesbon; at sinabi ng Israel sa kaniya, Isinasamo namin sa iyo na paraanin mo kami sa iyong lupain hanggang sa aking dako. 007 JDG 011 020 Nguni't si Sehon ay hindi tumiwala sa Israel upang paraanin sa kaniyang hangganan: kundi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan, at humantong sa Jaas, at lumaban sa Israel. 007 JDG 011 021 At ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel si Sehon, at ang kaniyang buong bayan sa kamay ng Israel, at sinaktan nila sila: sa gayo'y inari ng Israel ang buong lupain ng mga Amorrheo, na mga tagaroon sa lupaing yaon. 007 JDG 011 022 At kanilang inari ang buong hangganan ng mga Amorrheo, mula sa Arnon hanggang sa Jaboc, at mula sa ilang hanggang sa Jordan. 007 JDG 011 023 Ngayon nga'y inalisan ng ari ng Panginoon, ng Dios ng Israel ang mga Amorrheo sa harap ng bayang Israel, at iyo bang aariin ang mga iyan? 007 JDG 011 024 Hindi mo ba aariin ang ibinigay sa iyo ni Chemos na iyong dios upang ariin? Sinoman ngang inalisan ng ari ng Panginoon naming Dios sa harap namin, ay aming aariin. 007 JDG 011 025 At ngayo'y gagaling ka pa ba sa anomang paraan kay Balac na anak ni Zippor, na hari sa Moab? siya ba'y nakipagkaalit kailan man sa Israel o lumaban kaya sa kanila? 007 JDG 011 026 Samantalang ang Israel ay tumatahan sa Hesbon at sa mga bayan nito, at sa Aroer at sa mga bayan nito, at sa lahat ng mga bayang nangasa tabi ng Arnon, na tatlong daang taon; bakit hindi ninyo binawi nang panahong yaon? 007 JDG 011 027 Ako nga'y hindi nagkasala laban sa iyo, kundi ikaw ang gumawa ng masama sa pakikipagdigma mo sa akin: ang Panginoon, ang Hukom, ay maging hukom sa araw na ito sa mga anak ni Israel at sa mga anak ni Ammon. 007 JDG 011 028 Nguni't hindi dininig ng hari ng mga anak ni Ammon ang mga salita ni Jephte na ipinaalam sa kaniya. 007 JDG 011 029 Nang magkagayo'y ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Jephte, at siya'y nagdaan ng Galaad at Manases, at nagdaan sa Mizpa ng Galaad, at mula sa Mizpa ng Galaad ay nagdaan siya sa mga anak ni Ammon. 007 JDG 011 030 At nagpanata si Jephte ng isang panata sa Panginoon, at nagsabi, Kung tunay na iyong ibibigay ang mga anak ni Ammon sa aking kamay, 007 JDG 011 031 Ay mangyayari nga, na sinomang lumabas na sumalubong sa akin sa mga pintuan ng aking bahay, pagbalik kong payapa na galing sa mga anak ni Ammon, ay magiging sa Panginoon, at aking ihahandog na pinakahandog na susunugin. 007 JDG 011 032 Sa gayo'y nagdaan si Jephte sa mga anak ni Ammon upang lumaban sa kanila; at sila'y ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay. 007 JDG 011 033 At sila'y sinaktan niya ng di kawasang pagpatay mula sa Aroer hanggang sa Minnith, na may dalawang pung bayan, at hanggang sa Abelkeramim. Sa gayo'y sumuko ang mga anak ni Ammon sa mga anak ni Israel. 007 JDG 011 034 At si Jephte ay naparoon sa Mizpa sa kaniyang bahay; at, narito, ang kaniyang anak na babae ay lumalabas na sinasalubong siya ng pandereta at ng sayaw: at siya ang kaniyang bugtong na anak: liban sa kaniya'y wala na siyang anak na lalake o babae man. 007 JDG 011 035 At nangyari, pagkakita niya sa kaniya, na kaniyang hinapak ang kaniyang damit, at sinabi, Sa aba ko, aking anak! pinapakumbaba mo akong lubos, at ikaw ay isa sa mga bumabagabag sa akin: sapagka't aking ibinuka ang aking bibig sa Panginoon, at hindi na ako makapanumbalik. 007 JDG 011 036 At sinabi niya sa kaniya, Ama ko, iyong ibinuka ang iyong bibig sa Panginoon; gawin mo sa akin ang ayon sa ipinangusap ng iyong bibig; yamang ipinanghiganti ka ng Panginoon sa iyong mga kaaway, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Ammon. 007 JDG 011 037 At sinabi niya sa kaniyang ama, Ipagawa mo ang bagay na ito sa akin: pahintulutan mo lamang akong dalawang buwan, upang ako'y humayo't yumaon sa mga bundukin at aking itangis ang aking pagkadalaga, ako at ang aking mga kasama. 007 JDG 011 038 At kaniyang sinabi, Yumaon ka. At pinapagpaalam niya siyang dalawang buwan: at siya'y yumaon, siya at ang kaniyang mga kasama, at itinangis ang kaniyang pagkadalaga sa mga bundukin. 007 JDG 011 039 At nangyari, sa katapusan ng dalawang buwan, na siya'y nagbalik sa kaniyang ama, na ginawa sa kaniya ang ayon sa kaniyang panata na kaniyang ipinanata: at siya'y hindi nasipingan ng lalake. At naging kaugalian sa Israel, 007 JDG 011 040 Na ipinagdidiwang taon taon ng mga anak na babae ng Israel ang anak ni Jephte na Galaadita, na apat na araw sa isang taon. 007 JDG 012 001 At ang mga lalake ng Ephraim ay nagpipisan at nagdaan sa dakong hilagaan: at sinabi nila kay Jephte, Bakit ka nagpatuloy na lumaban sa mga anak ni Ammon, at hindi mo kami tinawag upang yumaong kasama mo? susunugin ka namin pati ng iyong bahay. 007 JDG 012 002 At sinabi ni Jephte sa kanila, Ako at ang aking bayan ay totoong nakipaglaban sa mga anak ni Ammon; at nang tawagan ko kayo ay hindi ninyo ako iniligtas sa kanilang kamay. 007 JDG 012 003 At nang makita ko na ako'y hindi ninyo iniligtas ay aking inilagak ang aking buhay sa aking kamay, at ako'y nagdaan laban sa mga anak ni Ammon, at sila'y ibinigay ng Panginoon sa aking kamay: bakit nga inahon ninyo ako sa araw na ito, upang makipaglaban sa akin? 007 JDG 012 004 Nang magkagayo'y pinisan ni Jephte ang mga lalake sa Galaad, at nakipaglaban sa Ephraim; at sinaktan ng mga lalake ng Galaad ang Ephraim, sapagka't kanilang sinabi, Kayo'y mga tanan sa Ephraim, kayong mga Galaadita, sa gitna ng Ephraim, at sa gitna ng Manases. 007 JDG 012 005 At sinakop ng mga Galaadita ang mga tawiran sa Jordan sa dako ng mga Ephraimita. At nangyari, na pagkasinabi ng mga tanan sa Ephraim na, Paraanin mo ako, ay sinasabi ng mga lalake ng Galaad sa kaniya, Ikaw ba'y Ephraimita? Kung kaniyang sabihin, Hindi; 007 JDG 012 006 Ay sinabi nga nila sa kaniya, Sabihin mong Shiboleth; at sinasabi niya, Shiboleth; sapagka't hindi matumpakang sabihing matuwid; kung magkagayo'y kanilang hinuhuli, at pinapatay sa mga tawiran ng Jordan: at nahulog nang panahong yaon sa Ephraim ay apat na pu't dalawang libo. 007 JDG 012 007 At naghukom si Jephte sa Israel na anim na taon. Nang magkagayo'y namatay si Jephte na Galaadita, at inilibing sa isang bayan ng Galaad. 007 JDG 012 008 At pagkamatay niya, si Ibzan na taga Bethlehem ang naghukom sa Israel. 007 JDG 012 009 At siya'y nagkaanak ng tatlong pung lalake, at ang tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinadala sa ibang bayan, at tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinasok mula sa ibang bayan para sa kaniyang mga anak na lalake. At naghukom siya sa Israel na pitong taon. 007 JDG 012 010 At si Ibzan ay namatay, at inilibing sa Bethlehem. 007 JDG 012 011 At pagkamatay niya, si Elon na Zabulonita ang naghukom sa Israel; at naghukom siya sa Israel na sangpung taon. 007 JDG 012 012 At si Elon na Zabulonita ay namatay, at inilibing sa Ajalon sa lupain ng Zabulon. 007 JDG 012 013 At pagkamatay niya, si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ang naghukom sa Israel. 007 JDG 012 014 At siya'y nagkaroon ng apat na pung anak at tatlong pung apo na sumasakay sa pitong pung asno: at siya'y naghukom sa Israel na walong taon. 007 JDG 012 015 At si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ay namatay, at inilibing sa Piraton sa lupain ng Ephraim, sa lupaing maburol ng mga Amalecita. 007 JDG 013 001 At ang mga anak ni Israel ay gumawa uli ng kasamaan sa paningin ng Panginoon; at ibinigay ng Panginoon sila na apat na pung taon sa kamay ng mga Filisteo. 007 JDG 013 002 At may isang lalake sa Sora sa angkan ng mga Danita, na ang pangala'y Manoa; at ang kaniyang asawa ay baog, at hindi nagkaanak. 007 JDG 013 003 At napakita ang anghel ng Panginoon sa babae, at nagsabi sa kaniya, Narito ngayon, ikaw ay baog at hindi ka nagkakaanak: nguni't ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake. 007 JDG 013 004 Ngayon nga'y magingat ka, isinasamo ko sa iyo, at huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay: 007 JDG 013 005 Sapagka't, narito, ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake; at walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo: sapagka't ang bata ay magiging Nazareo sa Dios, mula sa tiyan: at kaniyang pasisimulang iligtas ang Israel sa kamay ng mga Filisteo. 007 JDG 013 006 Nang magkagayo'y ang babae'y yumaon at isinaysay sa kaniyang asawa, na sinasabi, Isang lalake ng Dios ay naparito sa akin, at ang kaniyang anyo ay gaya ng anyo ng anghel ng Dios, na kakilakilabot: at hindi ko natanong siya kung siya'y taga saan, ni kaya'y sinaysay niya sa akin ang kaniyang pangalan: 007 JDG 013 007 Nguni't sinabi niya sa akin, Narito, ikaw ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake; at ngayo'y huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing man, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay: sapagka't ang bata'y magiging Nazareo sa Dios mula sa tiyan hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan. 007 JDG 013 008 Nang magkagayo'y nanalangin si Manoa sa Panginoon, at sinabi niya, Isinasamo ko sa iyo, Oh Panginoon, na pabalikin mo uli ang lalake ng Dios na iyong sinugo sa amin, at ituro sa amin kung ano ang aming gagawin sa bata na ipanganganak. 007 JDG 013 009 At dininig ng Dios ang tinig ni Manoa; at nagbalik ang anghel ng Dios sa babae habang siya'y nakaupo sa bukid: nguni't si Manoa na kaniyang asawa ay hindi niya kasama. 007 JDG 013 010 At nagmadali ang babae, at tumakbo, at isinaysay sa kaniyang asawa, at sinabi sa kaniya, Narito, ang lalake ay napakita sa akin, yaong naparito sa akin ng ibang araw. 007 JDG 013 011 At bumangon si Manoa, at sumunod sa kaniyang asawa, at naparoon sa lalake, at sinabi sa kaniya, Ikaw ba ang lalake na nagsalita sa babaing ito? At kaniyang sinabi, Ako nga. 007 JDG 013 012 At sinabi ni Manoa, Mano nawa'y mangyari ang iyong mga salita: ano ang ipagpapagawa sa bata, at paanong aming gagawin sa kaniya? 007 JDG 013 013 At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa, Sa lahat ng aking sinabi sa babae ay magingat siya. 007 JDG 013 014 Siya'y hindi makakakain ng anomang bagay na nanggagaling sa ubasan, ni uminom man lamang ng alak ni ng inuming nakalalasing, ni kumain man ng anomang maruming bagay; lahat ng iniutos ko sa kaniya ay sundin niya. 007 JDG 013 015 At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, Isinasamo ko sa iyo na ikaw ay aming mapigil, upang maipagluto ka namin ng isang anak ng kambing. 007 JDG 013 016 At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa, Bagaman ako'y iyong pigilin, hindi ako kakain ng iyong pagkain: at kung ikaw ay maghahanda ng handog na susunugin, ay iyong nararapat ihandog sa Panginoon. Sapagka't hindi naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon. 007 JDG 013 017 At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, Ano ang iyong pangalan, upang pangyayari ng iyong mga salita ay mabigyan ka namin ng karangalan? 007 JDG 013 018 At sinabi ng anghel ng Panginoon sa kaniya, Bakit mo itinatanong ang aking pangalan, dangang kagilagilalas? 007 JDG 013 019 Sa gayo'y kumuha si Manoa ng isang anak ng kambing pati ng handog na harina, at inihandog sa Panginoon sa ibabaw ng bato: at gumawa ng kamanghamangha ang anghel, at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa. 007 JDG 013 020 Sapagka't nangyari, nang umilanglang sa langit ang alab mula sa dambana, na ang anghel ng Panginoon ay napailanglang sa alab ng dambana: at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa; at sila'y nangapasubasob sa lupa. 007 JDG 013 021 Nguni't hindi na napakita ang anghel ng Panginoon kay Manoa o sa kaniyang asawa. Nang magkagayo'y naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon. 007 JDG 013 022 At sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, Walang pagsalang tayo'y mamamatay, sapagka't ating nakita ang Dios. 007 JDG 013 023 Nguni't sinabi ng asawa niya sa kaniya, Kung nalulugod ang Panginoon na patayin tayo, hindi sana niya tinanggap ang handog na sinunog at ang handog na harina sa ating kamay, ni ipinakita man sa atin ang lahat ng mga bagay na ito ni nasaysay man sa panahong ito, ang mga bagay na gaya nito. 007 JDG 013 024 At nanganak ang babae ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang pangalan na Samson. At ang bata'y lumaki, at pinagpala ng Panginoon. 007 JDG 013 025 At pinasimulang kinilos siya ng Espiritu ng Panginoon sa Mahanedan, sa pagitan ng Sora at Esthaol. 007 JDG 014 001 At lumusong si Samson sa Timnah, at nakita ang isang babae sa Timnah sa mga anak ng mga Filisteo. 007 JDG 014 002 At siya'y umahon, at isinaysay sa kaniyang ama at sa kaniyang ina, at sinabi, Aking nakita ang isang babae sa Timnah, sa mga anak ng mga Filisteo: ngayon nga'y papagasawahin ninyo ako sa kaniya. 007 JDG 014 003 Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang ama at ng kaniyang ina sa kaniya, Wala na bang babae sa mga anak ng iyong kapatid, o sa aking buong bayan, na ikaw ay yayaong magaasawa sa mga di tuling Filisteo? At sinabi ni Samson sa kaniyang ama, Papag-asawahin mo ako sa kaniya; sapagka't siya'y lubhang nakalulugod sa akin. 007 JDG 014 004 Nguni't hindi naalaman ng kaniyang ama at ng kaniyang ina, na kalooban ng Panginoon; sapagka't siya'y humahanap ng pagkakataon laban sa mga Filisteo. Nang panahong yaon nga'y nagpupuno ang mga Filisteo sa Israel. 007 JDG 014 005 Nang magkagayo'y lumusong si Samson, at ang kaniyang ama, at ang kaniyang ina, sa Timnah, at naparoon sa ubasan ng Timnah: at, narito, isang batang leon ay umuungal laban sa kaniya, 007 JDG 014 006 At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya, at nilamuray niya siya na parang naglamuray ng isang batang kambing, at siya'y walang anoman sa kaniyang kamay; nguni't hindi niya sinaysay sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang kaniyang ginawa. 007 JDG 014 007 At siya'y lumusong at nakipagusap sa babae, at siya'y lubhang nakalulugod kay Samson. 007 JDG 014 008 At pagkaraan ng sandali ay bumalik siya upang kunin niya siya, at siya'y lumiko upang tingnan ang patay na leon: at, narito, may isang kawan ng pukyutan sa loob ng bangkay ng leon, at pulot-pukyutan. 007 JDG 014 009 At kaniyang dinala sa kaniyang kamay at yumaon, na kinakain niya samantalang siya'y yumayaon, at siya'y naparoon sa kaniyang ama at ina, at ibinigay sa kanila, at kanilang kinain; nguni't hindi niya sinaysay sa kanila na kaniyang kinuha ang pulot sa bangkay ng leon. 007 JDG 014 010 At nilusong ng kaniyang ama ang babae: at gumawa si Samson ng isang kasayahan doon; sapagka't kinaugaliang ginagawang gayon ng mga binata. 007 JDG 014 011 At nangyari, pagkakita nila sa kaniya, na sila'y nagdala ng tatlong pung kasama, upang maging kasama niya. 007 JDG 014 012 At sinabi ni Samson sa kanila, Pagbubugtungan ko kayo: kung maisaysay ninyo sa akin sa loob ng pitong araw na kasayahan, at inyong maturingan, ay bibigyan ko nga kayo ng tatlong pung kasuutang lino at tatlong pung bihisan: 007 JDG 014 013 Nguni't kung hindi ninyo maisaysay sa akin, ay bibigyan nga ninyo ako ng tatlong pung kasuutang lino at ng tatlong pung bihisan. At kanilang sinabi sa kaniya, Ipagbadya mo ang iyong bugtong, upang aming marinig. 007 JDG 014 014 At sinabi niya sa kanila, Sa mangangain ay lumabas ang pagkain, At sa malakas ay lumabas ang katamisan. At hindi nila maisaysay sa tatlong araw. 007 JDG 014 015 At nangyari, nang ikapitong araw, na kanilang sinabi sa asawa ni Samson, Dayain mo ang iyong asawa, upang maisaysay niya sa amin ang bugtong, baka ikaw ay sunugin namin at ang sangbahayan ng iyong ama: inanyayahan ba ninyo kami upang papaghirapin? di ba gayon? 007 JDG 014 016 At umiyak ang asawa ni Samson sa harap niya, at nagsabi, Kinapopootan mo lamang ako, at hindi mo ako iniibig: ikaw ay nagbugtong ng isang bugtong sa mga anak ng aking bayan, at hindi mo isinaysay sa akin. At sinabi niya sa kaniya, Narito, hindi ko isinaysay sa aking ama, o sa aking ina man, at akin bang sasaysayin sa iyo? 007 JDG 014 017 At umiyak siya sa harap niya na pitong araw, habang hindi natapos ang kanilang kasayahan: at nangyari nang ikapitong araw, na isinaysay niya sa kaniya, sapagka't pinilit niya siya: at isinaysay niya ang bugtong sa mga anak ng kaniyang bayan. 007 JDG 014 018 At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Samson nang ikapitong araw bago lumubog ang araw. Alin kaya ang lalong matamis kay sa pulot? at ano pa kaya ang lalong malakas kay sa leon? At sinabi niya sa kanila. Kung hindi kayo nag-araro ng aking dumalaga, Hindi sana ninyo naturingan ang aking bugtong. 007 JDG 014 019 At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya, at siya'y lumusong sa Ascalon, at pumatay ng tatlong pung lalake sa kanila, at kinuha ang samsam sa kanila, at ibinigay ang mga bihisan sa mga nakaturing ng bugtong at ang kaniyang galit ay nagalab, at siya'y umahon sa bahay ng kaniyang ama. 007 JDG 014 020 Nguni't ang asawa ni Samson ay ibinigay sa kaniyang kasama, na siya niyang inaaring parang kaniyang kaibigan. 007 JDG 015 001 Nguni't nangyari pagkatapos ng sangdaling panahon, sa panahon ng pagaani ng trigo, na dumalaw si Samson na may dalang isang anak ng kambing sa kaniyang asawa; at kaniyang sinabi, Aking papasukin ang aking asawa sa loob ng silid. Nguni't ayaw papasukin siya ng kaniyang biyanang lalake. 007 JDG 015 002 At sinabi ng kaniyang biyanang lalake, Aking tunay na inisip na iyong lubos na kinapootan siya; kaya't aking ibinigay siya sa iyong kasama: di ba ang kaniyang kapatid na bata ay maganda kay sa kaniya? Isinasamo ko sa iyo na kunin mong kahalili niya. 007 JDG 015 003 At sinabi ni Samson sa kanila, Ngayon ay wala akong ipagkakasala sa mga Filisteo, kung gawan ko man sila ng kasamaan. 007 JDG 015 004 At yumaon si Samson at humuli ng tatlong daang zorra at kumuha ng mga sigsig at pinag-kabitkabit ang mga buntot, at nilagyan ng isang sigsig sa gitna ng pagitan ng bawa't dalawang buntot. 007 JDG 015 005 At nang kaniyang masulsulan ang mga sigsig, ay kaniyang binitiwan sa nakatayong trigo ng mga Filisteo at sinunog kapuwa ang mga mangdala at ang nakatayong trigo, at gayon din ang mga olibohan. 007 JDG 015 006 Nang magkagayo'y sinabi ng mga Filisteo, Sinong gumawa nito? At kanilang sinabi, Si Samson na manugang ni Timnateo, sapagka't kaniyang kinuha ang asawa niya at ibinigay sa kaniyang kasama. At sumampa ang mga Filisteo, at sinunog ang babae at ang kaniyang ama. 007 JDG 015 007 At sinabi ni Samson sa kanila, Kung ginawa ninyo ang ganito ay walang pagsalang aking igaganti sa inyo; at pagkatapos ay magtitigil ako. 007 JDG 015 008 At sinaktan niya sila, sa hita at sasapnan ng di kawasang pagpatay: at siya'y bumaba at tumahan sa isang guwang ng bato ng Etam. 007 JDG 015 009 Nang magkagayo'y nagsisampa ang mga Filisteo, at humantong sa Juda, at nagsikalat sa Lehi. 007 JDG 015 010 At sinabi ng mga lalake sa Juda, Bakit kayo nagsisampa laban sa amin? At kanilang sinabi, Upang gapusin si Samson kung kaya't kami ay nagsisampa upang gawin sa kaniya ang gaya ng ginawa niya sa amin. 007 JDG 015 011 Nang magkagayo'y ang tatlong libong lalake sa Juda ay nagsilusong sa guwang ng bato ng Etam, at sinabi kay Samson, Hindi mo ba nalalaman na ang mga Filisteo ay nagpupuno sa atin? ano nga itong ginawa mo sa amin? At sinabi niya sa kanila, Kung paano ang ginawa nila sa akin ay gayon ang ginawa ko sa kanila. 007 JDG 015 012 At sinabi nila sa kaniya, Kami ay nagsilusong upang gapusin ka, upang maibigay ka namin sa kamay ng mga Filisteo. At sinabi ni Samson sa kanila, Sumumpa kayo sa akin, na hindi kayo ang dadaluhong sa akin. 007 JDG 015 013 At sinalita nila sa kaniya, Hindi kundi gagapusin ka lamang namin, at ibibigay sa kanilang kamay: nguni't tunay na hindi ka namin papatayin. At kanilang ginapos siya ng dalawang bagong lubid, at iniahon mula sa bato. 007 JDG 015 014 Nang siya'y dumating sa Lehi, ang mga Filisteo ay naghihiyawan samantalang sinasalubong nila siya: at ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya, at ang mga lubid na nasa kaniyang mga bisig ay naging parang lino na nasupok sa apoy, at ang kaniyang mga tali ay nalaglag sa kaniyang mga kamay. 007 JDG 015 015 At siya'y nakasumpong ng isang bagong panga ng asno, at iniunat ang kaniyang kamay, at kinuha, at ipinanakit sa isang libong lalake. 007 JDG 015 016 At sinabi ni Samson, Sa pamamagitan ng panga ng isang asno, ay nagkabuntonbunton, Sa pamamagitan ng panga ng isang asno ay nanakit ako ng isang libong lalake. 007 JDG 015 017 At nangyari, pagkatapos niyang makapagsalita, na kaniyang inihagis ang panga na nasa kaniyang kamay, at ang dakong yao'y tinawag na Ramath-lehi. 007 JDG 015 018 At siya'y nauhaw na mainam at tumawag sa Panginoon, at sinabi, Iyong ibinigay itong dakilang kaligtasan sa kamay ng iyong lingkod: at ngayo'y mamamatay ako dahil sa uhaw at mahuhulog sa kamay ng mga hindi tuli. 007 JDG 015 019 Nguni't binuksan ng Dios ang isang guwang na nasa Lehi, at nilabasan ng tubig yaon; at nang siya'y makainom, ang kaniyang diwa ay nanumbalik, at siya'y nabuhay: kaya't ang pangalan niyaon ay tinawag na En-haccore, na nasa Lehi hanggang sa araw na ito. 007 JDG 015 020 At siya'y naghukom sa Israel sa mga kaarawan ng mga Filisteo, ng dalawang pung taon. 007 JDG 016 001 At naparoon si Samson sa Gaza, at nakakita roon ng isang patutot at sinipingan. 007 JDG 016 002 At ibinalita sa mga taga Gaza na sinasabi, Si Samson ay naparito. At kanilang kinulong siya, at binakayan siya buong gabi sa pintuang-bayan, at tahimik buong gabi, na sinasabi, Maghintay tayo hanggang magbukang liwayway, saka natin patayin siya. 007 JDG 016 003 At si Samson ay humiga hanggang hating gabi, at bumangon sa hating gabi at humawak sa mga pinto ng pintuang-bayan, at sa dalawang haligi, at kapuwa binunot, pati ng sikang, at pinasan sa kaniyang mga balikat, at isinampa sa taluktok ng bundok na nasa tapat ng Hebron. 007 JDG 016 004 At nangyari pagkatapos, na siya'y suminta sa isang babae sa libis ng Sorec, na ang pangala'y Dalila. 007 JDG 016 005 At inahon ng mga pangulo ng mga Filisteo ang babae, at sinabi sa kaniya: Dayain mo siya, at tingnan mo kung saan naroon ang kaniyang dakilang kalakasan, at sa anong paraan mananaig kami laban sa kaniya upang aming matalian at mapighati siya: at bibigyan ka ng bawa't isa sa amin ng isang libo't isang daang putol na pilak. 007 JDG 016 006 At sinabi ni Dalila kay Samson, Saysayin mo sa akin, isinasamo ko sa iyo, kung saan naroon ang iyong dakilang kalakasan, at kung paanong matatalian ka upang pighatiin ka. 007 JDG 016 007 At sinabi ni Samson sa kaniya, Kung tatalian nila ako ng pitong sariwang yantok na kailan man ay hindi natuyo, ay hihina ako, at ako'y magiging gaya ng alinmang tao. 007 JDG 016 008 Nang magkagayo'y nagdala ang mga pangulo ng mga Filisteo sa kaniya ng pitong sariwang yantok na hindi pa natutuyo, at ipinagtali niya sa kaniya. 007 JDG 016 009 Ngayo'y may mga bakay na sa silid sa loob. At sinabi niya sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At kaniyang pinatid ang mga yantok, na tulad sa taling estopa pagka nadidikitan ng apoy. Sa gayo'y hindi naalaman ang kaniyang lakas. 007 JDG 016 010 At sinabi ni Dalila kay Samson, Narito, pinaglaruan mo ako, at pinagbulaanan mo ako: isinasamo ko ngayon sa iyo na saysayin mo sa akin kung paano matatalian ka. 007 JDG 016 011 At sinabi niya sa kaniya, Kung tatalian lamang nila ako ng mga bagong lubid na hindi pa nagagamit, ay hihina nga ako at magiging gaya ng alinmang tao. 007 JDG 016 012 Sa gayo'y kumuha si Dalila ng mga bagong lubid, at itinali sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At ang mga bakay ay nangasa silid sa loob. At pawang pinatid niya sa kaniyang mga bisig na parang sinulid. 007 JDG 016 013 At sinabi ni Dalila kay Samson, Hanggang dito'y pinaglaruan mo ako, at pinagbulaanan mo ako: saysayin mo sa akin kung paanong matatalian ka. At sinabi niya sa kaniya, Kung iyong hahabihin ang pitong tirintas sa aking ulo ng hinabing kayo. 007 JDG 016 014 At kaniyang pinagtibay ng tulos, at sinabi sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At siya'y gumising sa kaniyang pagkakatulog, at binunot ang tulos ng panghabi, at ang hinabi. 007 JDG 016 015 At sinabi niya sa kaniya, Bakit nasasabi mo, na iniibig kita, sa bagay ang iyong puso ay hindi sumasaakin? pinaglaruan mo akong makaitlo, at hindi mo isinaysay sa akin kung saan nagpapahinga ang iyong dakilang kalakasan. 007 JDG 016 016 At nangyari, nang kaniyang igiit araw araw, at kaniyang ipilit sa kaniya, na ang kaniyang loob ay naligalig sa ikamamatay. 007 JDG 016 017 At isinaysay niya sa kaniya ang kaniyang buong taglayin sa kaniyang puso, at sinabi sa kaniya, Walang pangahit na nagdaan sa aking ulo; sapagka't ako'y naging Nazareo sa Dios mula sa tiyan ng aking ina: kung ako'y ahitan, hihiwalay nga sa akin ang aking lakas, at ako'y hihina, at magiging gaya ng alinmang tao. 007 JDG 016 018 At nang makita ni Dalila na sinaysay sa kaniya, ang buong taglayin niya sa kaniyang puso, ay nagsugo siya at tinawag ang mga pangulo ng mga Filisteo, na sinasabi, Ahunin pa ninyong minsan, sapagka't sinaysay niya sa akin ang buong taglayin niya sa kaniyang puso. Nang magkagayo'y inahon siya ng mga pangulo ng mga Filisteo, at nagdala ng salapi sa kanilang kamay. 007 JDG 016 019 At pinatulog niya siya sa kaniyang mga tuhod; at nagpatawag siya ng isang lalake, at inahit ang pitong tirintas sa kaniyang ulo; at pinasimulan niyang pighatiin siya, at ang kaniyang lakas ay nawala. 007 JDG 016 020 At sinabi niya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At siya'y gumising sa kaniyang pagkakatulog, at sinabi, Ako'y lalabas na gaya ng dati, at ako'y magpupumiglas. Nguni't hindi niya talos na ang Panginoo'y humiwalay sa kaniya. 007 JDG 016 021 At hinuli ng mga Filisteo, at dinukit ang kaniyang mga mata; at inilusong nila sa Gaza, at tinalian siya ng mga pangaw na tanso; at siya'y gumiling sa bilangguan. 007 JDG 016 022 Gayon ma'y nagpasimulang tumubo uli ang buhok ng kaniyang ulo, pagkatapos na siya'y maahitan. 007 JDG 016 023 At nagpipisan ang mga pangulo ng mga Filisteo upang maghandog ng isang dakilang hain kay Dagon na kanilang dios, at mangagalak: sapagka't kanilang sinabi, Ibinigay ng ating dios si Samson na ating kaaway sa ating kamay. 007 JDG 016 024 At nang makita siya ng bayan, ay kanilang pinuri ang kanilang dios: sapagka't kanilang sinabi, Ibinigay ng ating dios sa ating kamay ang ating kaaway, at ang mangwawasak sa ating lupain, na pumatay sa marami sa atin. 007 JDG 016 025 At nangyari, nang masayahan ang kanilang puso, na kanilang sinabi, Tawagin si Samson, upang siya'y ating mapaglaruan. At tinawag nga si Samson mula sa bilangguan; at siya'y pinaglaruan nila. At kanilang inilagay sa pagitan ng mga haligi: 007 JDG 016 026 At sinabi ni Samson sa bata na umaakay sa kaniya sa kamay, Ipahipo mo sa akin ang mga haliging pumipigil ng bahay, upang aking mangahiligan. 007 JDG 016 027 Ang bahay nga ay puno ng mga lalake at babae, at ang lahat ng mga pangulo ng mga Filisteo ay nandoon; at sa bubungan ay may tatlong libong lalake at babae, na nanonood samantalang pinaglalaruan si Samson. 007 JDG 016 028 At tumawag si Samson sa Panginoon, at sinabi, Oh Panginoong Dios, idinadalangin ko sa iyo na alalahanin mo ako, at idinadalangin ko sa iyong palakasin mo ako, na minsan na lamang, Oh Dios, upang maiganti kong paminsan sa mga Filisteo ang aking dalawang mata. 007 JDG 016 029 At si Samson ay pumigil sa dalawang gitnang haligi na pumipigil ng bahay, at isinuhay sa mga yaon, ang isa sa kaniyang kanang kamay, at ang isa'y sa kaniyang kaliwa. 007 JDG 016 030 At sinabi ni Samson, Mamatay nawa akong kasama ng mga Filisteo, At iniubos niya ang kaniyang buong lakas; at ang bahay ay bumagsak sa mga pangulo, at sa buong bayan na nandoon sa loob. Sa gayo'y ang nangamatay na kaniyang pinatay sa kaniyang kamatayan ay higit kay sa pinatay niya sa kaniyang kabuhayan. 007 JDG 016 031 Nang magkagayo'y lumusong ang kaniyang mga kapatid at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama, at kinuha siya, at iniahon siya, at inilibing siya sa pagitan ng Sora at Esthaol sa libingan ni Manoa na kaniyang ama. At siya'y naghukom sa Israel na dalawang pung taon. 007 JDG 017 001 At may isang lalake sa lupaing maburol ng Ephraim, na ang pangala'y Michas. 007 JDG 017 002 At sinabi niya sa kaniyang ina, Ang isang libo at isang daang putol na pilak na kinuha sa iyo, na siyang ikinapagtungayaw mo, at sinalita mo rin sa aking mga pakinig, narito, ang pilak ay nasa akin; aking kinuha. At sinabi ng kaniyang ina, Pagpalain nawa ng Panginoon ang aking anak. 007 JDG 017 003 At isinauli niya ang isang libo at isang daang putol na pilak sa kaniyang ina, at sinabi ng kaniyang ina, Aking tunay na itinalaga ng aking kamay ang pilak na ito sa Panginoon, na ukol sa aking anak, upang igawa ng isang larawang inanyuan at ng isang larawang binubo: kaya ngayo'y isasauli ko sa iyo. 007 JDG 017 004 At nang kaniyang isauli ang salapi sa kaniyang ina, ay kinuha ng kaniyang ina ang dalawang daang putol na pilak na ibinigay sa mga mangbububo, na siyang gumawa ng isang larawang inanyuan at ng isang larawang binubo: at nasa bahay ni Michas. 007 JDG 017 005 At ang lalaking si Michas ay nagkaroon ng isang bahay ng mga dios, at siya'y gumawa ng isang epod at mga terap at itinalaga ang isa ng kaniyang mga anak, na maging kaniyang saserdote. 007 JDG 017 006 Nang mga araw na yaon ay walang hari sa Israel: bawa't tao'y gumagawa ng minamatuwid niya sa kaniyang sariling mga mata. 007 JDG 017 007 At may isa namang may kabataan sa Bethlehem-juda, sa angkan ni Juda; na isang Levita; at siya'y nakikipamayan doon. 007 JDG 017 008 At ang lalake ay umalis sa bayan, sa Bethlehem-juda, upang makipamayan kung saan siya makakasumpong ng matutuluyan: at siya'y naparoon sa lupaing maburol ng Ephraim, sa bahay ni Michas habang siya'y naglalakbay. 007 JDG 017 009 At sinabi ni Michas sa kaniya, Saan ka nanggaling? At sinabi niya sa kaniya, Ako'y Levita sa Bethlehem-juda, at ako'y yayaong makikipamayan kung saan ako makasumpong ng matutuluyan. 007 JDG 017 010 At sinabi ni Michas sa kaniya, Tumahan ka sa akin, at ikaw ay maging sa akin ay isang ama at isang saserdote, at bibigyan kita ng sangpung putol na pilak isang taon, at ng bihisan, at ng iyong pagkain. Sa gayo'y ang Levita ay pumasok. 007 JDG 017 011 At ang Levita ay nakipagkasundong tumahang kasama ng lalake: at ang binata sa kaniya'y parang isa sa kaniyang mga anak. 007 JDG 017 012 At itinalaga ni Michas ang Levita, at ang binata ay naging kaniyang saserdote, at nasa bahay ni Michas. 007 JDG 017 013 Nang magkagayo'y sinabi ni Michas, Ngayo'y talastas ko, na gagawan ako ng mabuti ng Panginoon, yamang ako'y may isang Levita na pinakasaserdote ko. 007 JDG 018 001 Nang mga araw na yaon ay walang hari sa Israel: at nang panahong yaon ay humahanap ang lipi ng mga Danita, ng isang mana na matatahanan; sapagka't hanggang sa araw na yaon, ay hindi nahuhulog sa mga lipi ng Israel ang kanilang mana. 007 JDG 018 002 At ang mga anak ni Dan ay nagsugo ng limang lalake ng kanilang angkan, sa kanilang kabuoang bilang, ng mga lalaking may tapang, na mula sa Sora, at sa Esthaol, upang tiktikan ang lupain, at kilalanin; at sinabi nila sa kanila, Kayo'y yumaon, at inyong kilalanin ang lupain. At sila'y naparoon sa lupaing maburol ng Ephraim, sa bahay ni Michas, at tumuloy roon. 007 JDG 018 003 Nang sila'y malapit sa bahay ni Michas, ay nakilala nila ang tinig ng binatang Levita: at sila'y lumiko roon, at sinabi nila sa kaniya, Sinong nagdala sa iyo rito? at ano ang iyong ginagawa sa dakong ito? at anong mayroon ka rito? 007 JDG 018 004 At sinabi niya sa kanila, Ganito't ganito ang ginawa sa akin ni Michas, at kaniyang kinayaring upahan ako, at ako'y naging kaniyang saserdote. 007 JDG 018 005 At sinabi nila sa kaniya, Isinasamo namin sa iyo na usisain mo sa Dios, upang aming maalaman, kung ang aming lakad ay papalarin. 007 JDG 018 006 At sinabi ng saserdote sa kanila, Yumaon kayong payapa: nasa harap ng Panginoon ang daang inyong nilalakaran. 007 JDG 018 007 Nang magkagayo'y lumakad ang limang lalake at dumating sa Lais, at nakita ang bayan na naroon, kung paanong sila'y tumatahan sa katiwasayan, na gaya ng mga Sidonio, na tahimik at tiwasay: sapagka't wala sa lupain na nagaaring may kapangyarihan na makapagbibigay kahihiyan sa alin mang bagay, at malayo sa mga Sidonio, at walang pagkikipagkasundo sa kaninoman. 007 JDG 018 008 At sila'y naparoon sa kanilang mga kapatid sa Sora at Esthaol: at sinabi ng kanilang mga kapatid sa kanila, Ano kayo? 007 JDG 018 009 At kanilang sinabi, Kayo'y bumangon at tayo'y umahon laban sa kanila: sapagka't aming nakita ang lupain, at, narito, napakabuti: at natatamad ba kayo? huwag kayong magmakupad na yumaon at pumasok upang ariin ang lupain. 007 JDG 018 010 Paglakad ninyo'y darating kayo sa isang bayang tiwasay, at ang lupain ay malaki: sapagka't ibinigay ng Dios sa inyong kamay, isang dakong walang kakailanganing anomang bagay na nasa lupa. 007 JDG 018 011 At umalis mula roon ang ilan sa angkan ng mga Danita, mula sa Sora at sa Esthaol, na anim na raang lalake na may sandata ng mga kasakbatan na pangdigma. 007 JDG 018 012 At sila'y yumaon, at humantong sa Chiriath-jearim, sa Juda; kaya't kanilang tinawag ang dakong yaon na Mahane-dan hanggang sa araw na ito: narito, ito'y nasa likod ng Chiriath-jearim. 007 JDG 018 013 At sila'y nagdaan doon hanggang sa lupaing maburol ng Ephraim, at naparoon sa bahay ni Michas. 007 JDG 018 014 Nang magkagayo'y sumagot ang limang lalake na tumiktik ng lupain ng Lais, at sinabi sa kanilang mga kapatid, Nalalaman ba ninyo na mayroon sa mga bahay na ito na isang epod, at mga terap, at isang larawang inanyuan, at isang larawang binubo? ngayon nga'y akalain ninyo ang marapat ninyong gawin. 007 JDG 018 015 At sila'y lumiko roon, at naparoon sa bahay ng binatang Levita, sa makatuwid baga'y hanggang sa bahay ni Michas, at tinanong nila siya ng kaniyang kalagayan. 007 JDG 018 016 At ang anim na raang lalake na may sandata ng kanilang mga kasakbatan na pangdigma, na pawang mga anak ni Dan, ay nagsitayo sa pasukan ng pintuang-bayan. 007 JDG 018 017 At ang limang lalake na yumaong tumiktik ng lupain ay nagsiahon at pumasok doon, at kinuha ang larawang inanyuan, at ang epod, at ang mga terap, at ang larawang binubo, at ang saserdote ay nakatayo sa pasukan ng pintuang-bayan na kasama ng anim na raang lalake na may sandata ng kanilang mga kasakbatang pangdigma. 007 JDG 018 018 At nang pumasok ang mga ito sa bahay ni Michas, at makuha ang larawang inanyuan, ang epod, at ang mga terap, at ang larawang binubo, ay sinabi ng saserdote sa kanila, Ano ang inyong gagawin? 007 JDG 018 019 At sinabi nila sa kaniya, Pumayapa ka, itakip mo ang iyong kamay sa iyong bibig at sumama ka sa amin, at maging ama at saserdote ka namin: magaling ba kaya sa iyo ang maging saserdote sa bahay ng isang lalake o maging saserdote sa isang lipi at sa isang angkan sa Israel? 007 JDG 018 020 At natuwa ang puso ng saserdote, at kaniyang kinuha ang epod, at ang mga terap, at ang larawang inanyuan, at yumaon sa gitna ng bayan. 007 JDG 018 021 Sa gayo'y bumalik sila, at yumaon, at inilagay ang mga bata at ang kawan, at ang mga daladalahan, sa unahan nila. 007 JDG 018 022 Nang sila'y malayo na sa bahay ni Michas, ang mga lalaking nasa mga bahay na kalapit ng bahay ni Michas ay nagpipisan at inabot ang mga anak ni Dan. 007 JDG 018 023 At kaniyang sinigawan ang mga anak ni Dan. At inilingon nila ang kanilang mga mukha, at sinabi kay Michas, Anong mayroon ka, na ikaw ay nagpisan ng ganyang pulutong? 007 JDG 018 024 At kaniyang sinabi, Inyong kinuha ang aking mga dios na aking ginawa, at ang saserdote, at kayo'y yumaon, at ano pang mayroon ako? at bakit nga sasabihin ninyo sa akin, Anong mayroon ka? 007 JDG 018 025 At sinabi ng mga anak ni Dan sa kaniya, Huwag ng marinig ang iyong tinig, baka daluhungin ka ng mga mapusok na kasama, at iyong iwala ang iyong buhay, pati ng buhay ng iyong sangbahayan. 007 JDG 018 026 At ipinagpatuloy ng mga anak ni Dan ang kanilang lakad: at nang makita ni Michas na sila'y totoong malakas kay sa kaniya, ay bumalik at umuwi sa kaniyang bahay. 007 JDG 018 027 At kanilang kinuha ang ginawa ni Michas, at ang saserdote na kaniyang tinatangkilik, at naparoon sa Lais, sa bayang tahimik at tiwasay, at sinaktan nila ng talim ng tabak: at sinunog nila ang bayan. 007 JDG 018 028 At walang magligtas, sapagka't malayo sa Sidon, at sila'y walang pakikipagkasundo sa kanino man, at nasa libis na lumalaganap sa dakong Bethrehob. At kanilang itinayo ang bayan, at tinahanan nila. 007 JDG 018 029 At kanilang tinawag na Dan ang pangalan ng bayan, ayon sa pangalan ni Dan na kanilang ama na ipinanganak sa Israel: gayon ma'y ang pangalan ng bayan nang una ay Lais. 007 JDG 018 030 At itinayo sa kanilang sarili ng mga anak ni Dan ang larawang inanyuan: at si Jonathan na anak ni Gerson, na anak ni Moises, siya at ang kaniyang mga anak ay siyang mga saserdote sa lipi ng mga Danita hanggang sa araw ng pagkabihag sa lupain. 007 JDG 018 031 Gayon nila itinayo ang larawang inanyuan ni Michas na kaniyang ginawa, sa buong panahon na ang bahay ng Dios ay nasa Silo. 007 JDG 019 001 At nangyari nang mga araw na yaon, nang walang hari sa Israel, na may isang Levita na nakikipamayan sa malayong dako ng lupaing maburol ng Ephraim, na kumuha ng babae mula sa Bethlehem-juda. 007 JDG 019 002 At ang kaniyang babae ay nagpatutot at iniwan siya na napasa bahay ng kaniyang ama sa Bethlehem-juda, at dumoon sa loob ng apat na buwan. 007 JDG 019 003 At ang kaniyang asawa ay yumaon at sumunod sa kaniya, upang makiusap na maigi sa kaniya, na ibalik siya, na kasama ang kaniyang bataan, at dalawang magkatuwang na asno: at ipinasok siya ng babae sa bahay ng kaniyang ama: at nang makita siya ng ama ng babae, ay galak na sinalubong siya. 007 JDG 019 004 At pinigil siya ng kaniyang biyanan, ng ama ng babae; at siya'y tumahang kasama niya na tatlong araw: sa gayo'y sila'y nagkainan at naginuman, at tumuloy roon. 007 JDG 019 005 At nangyari nang ikaapat na araw, na sila'y bumangong maaga ng kinaumagahan, at siya'y bumangon upang yumaon: at sinabi ng ama ng babae sa kaniyang manugang, Palakasin mo muna ang iyong puso ng isang subong tinapay, at pagkatapos ay ipagpatuloy ninyo ang inyong lakad. 007 JDG 019 006 Sa gayo'y naupo sila, at kumain at uminom silang dalawa: at sinabi ng ama ng babae sa lalake, Isinasamo ko sa iyo na magsaya ka, at magpahinga sa buong gabi, at matuwa ang iyong puso. 007 JDG 019 007 At ang lalake ay bumangon upang umalis; nguni't pinilit siya ng kaniyang biyanan; at siya'y tumigil uli roon. 007 JDG 019 008 At siya'y bumangong maaga sa kinaumagahan nang ikalimang araw upang yumaon; at sinabi ng ama ng babae, Isinasamo ko sa iyong palakasin mo muna ang iyong puso, at maghintay ka hanggang sa kumulimlim ang araw; at sila'y kumain, silang dalawa. 007 JDG 019 009 At nang tumindig ang lalake upang yumaon, siya, at ang kaniyang babae, at ang kaniyang bataan, ay sinabi ng kaniyang biyanan, na ama ng kaniyang babae, sa kaniya, Narito, ngayo'y ang araw ay gumagabi na, isinasamo ko sa inyong magpahinga sa buong gabi: narito, ang araw ay nananaw; tumigil dito, upang ang iyong puso ay sumaya; at bukas ay yumaon kayong maaga sa inyong paglakad, upang makauwi ka. 007 JDG 019 010 Nguni't hindi na inibig ng lalake na magpahinga roon nang gabing yaon, kundi siya'y tumindig at yumaon at tinapat ang Jebus (na siyang Jerusalem): at may dala siyang dalawang magkatuwang na asno na gayak; ang kaniyang babae ay kasama rin niya. 007 JDG 019 011 Nang sila'y nasa tabi na ng Jebus, ang araw ay nananaw; at sinabi ng bataan sa kaniyang panginoon, Isinasamo ko sa iyo na halina, at tayo'y lumiko sa bayang ito ng mga Jebuseo, at tumigil dito. 007 JDG 019 012 At sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya, Hindi tayo liliko sa bayan ng iba, na hindi sa mga anak ni Israel; kundi dadaan tayo sa Gabaa. 007 JDG 019 013 At sinabi niya sa kaniyang alipin, Halina at tayo'y lumapit sa isa sa mga dakong ito; at tayo'y titigil sa Gabaa o sa Rama. 007 JDG 019 014 Sa gayo'y nagdaan sila at nagpatuloy ng kanilang paglakad; at nilubugan sila ng araw sa malapit sa Gabaa, na nauukol sa Benjamin. 007 JDG 019 015 At sila'y lumiko roon, upang pumasok na tumigil sa Gabaa: at sila'y pumasok, at naupo sila sa lansangan ng bayan: sapagka't walang taong magpatuloy sa kanila. 007 JDG 019 016 At, narito, may umuwing isang matandang lalake na galing sa kaniyang paggawa sa bukid sa paglubog ng araw; ang lalake nga'y taga lupaing maburol ng Ephraim, at nakikipamayan sa Gabaa; nguni't ang mga tao sa dakong yaon ay mga Benjamita. 007 JDG 019 017 At itiningin niya ang kaniyang mga mata, at nakita niya ang naglalakbay sa lansangan ng bayan; at sinabi ng matandang lalake, Saan ka paroroon? at saan ka nanggaling? 007 JDG 019 018 At sinabi niya sa kaniya, Kami ay nagdadaang mula sa Bethlehem-juda na patungo sa malayong dako ng lupaing maburol ng Ephraim; tagaroon ako at ako'y naparon sa Bethlehem-juda: at ako'y pasasabahay ng Panginoon; at walang taong magpatuloy sa akin. 007 JDG 019 019 Gayon man ay may dayami at damo para sa aming mga asno; at may tinapay at alak naman para sa akin, at sa iyong lingkod na babae, at sa batang kasama ng iyong mga lingkod: walang kakulangang anomang bagay, 007 JDG 019 020 At sinabi ng matandang lalake, Kapayapaan nawa ang sumaiyo; sa anomang paraa'y pabayaan mo sa akin ang lahat ng iyong mga kailangan: at huwag ka lamang tumigil sa lansangan. 007 JDG 019 021 Sa gayo'y kaniyang ipinasok sa kaniyang bahay, at binigyan ng pagkain ang mga asno: at sila'y naghugas ng kanilang mga paa, at nagkainan at naginuman. 007 JDG 019 022 Nang nangatutuwa na ang kanilang mga puso, narito, ang mga lalake sa bayan, na ilang hamak na tao, ay kinubkob ang bahay sa palibot, na hinahampas ang pintuan; at sila'y nagsalita sa may-ari ng bahay, sa matanda, na sinasabi, Ilabas mo ang lalake na pumasok sa iyong bahay upang makilala namin siya. 007 JDG 019 023 At lumabas sa kanila ang lalake, ang may-ari ng bahay, at sinabi sa kanila, Huwag, mga kapatid ko, isinasamo ko sa inyong huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan; yamang ang lalaking ito'y pumasok sa aking bahay, ay huwag ninyong gawin ang kaululang ito. 007 JDG 019 024 Narito, nandito ang aking anak na dalaga, at ang kaniyang babae; akin silang ilalabas ngayon, at pangayupapain ninyo sila, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa kanila: nguni't sa lalaking ito ay huwag kayong gumawa ng anomang masama. 007 JDG 019 025 Nguni't hindi siya dininig ng mga lalake: sa gayo'y hinawakan ng lalake ang kaniyang babae at inilabas sa kanila: at sinipingan nila siya, at hinalay buong gabi hanggang sa kinaumagahan; at nang magbukang liwayway, ay pinayaon nila siya. 007 JDG 019 026 Nang magkagayo'y dumating ang babae, pagbubukang liwayway, at nabuwal sa pintuan ng bahay ng lalake, na kinaroroonan ng kaniyang panginoon, hanggang sa lumiwanag. 007 JDG 019 027 At bumangon ang kaniyang panginoon ng kinaumagahan, at ibinukas ang mga pinto ng bahay, at lumabas na nagpatuloy ng kaniyang lakad: at, narito, ang babae na kaniyang kinakasama ay nakabuwal sa pintuan ng bahay, na ang kaniyang mga kamay ay nasa tayuan. 007 JDG 019 028 At sinabi niya sa kaniya, Bumangon ka, at tayo na; nguni't walang sumagot: nang magkagayo'y kaniyang isinakay sa asno; at ang lalake ay bumangon, at napasa kaniyang dako. 007 JDG 019 029 At nang siya'y pumasok sa kaniyang bahay, ay kumuha siya ng isang sundang, at itinaga sa kaniyang babae, at pinagputolputol siya ayon sa kaniyang buto, ng labing dalawang putol; at ipinadala siya sa lahat ng hangganan ng Israel. 007 JDG 019 030 At nangyari, na lahat ng nakakita ay nagsabi, Walang ganitong gawang ginawa o nakita man mula sa araw na umahon ang mga anak ni Israel na mula sa lupain ng Egipto hanggang sa araw na ito: kayo'y magdilidili, pumayo, at magsalita. 007 JDG 020 001 Nang magkagayo'y lumabas ang lahat ng mga anak ni Israel, at ang kapisanan ay nagpisang gaya ng isang tao sa Panginoon sa Mizpa, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, na kalakip ng lupain ng Galaad. 007 JDG 020 002 At nagsiharap ang mga pinuno ng buong bayan, sa makatuwid baga'y ng lahat ng mga lipi ng Israel, sa kapulungan ng bayan ng Dios, na apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak. 007 JDG 020 003 (Nabalitaan nga ng mga anak ni Benjamin na umahon ang mga anak ni Israel sa Mizpa.) At sinabi ng mga anak ni Israel, Saysayin ninyo sa amin kung bakit ang kasamaang ito ay nangyari? 007 JDG 020 004 At ang Levita, ang asawa ng babaing pinatay, ay sumagot at kaniyang sinabi, Ako'y naparoon sa Gabaa na ukol sa Benjamin, ako at ang aking babae upang tumigil. 007 JDG 020 005 At bumangon ang mga lalake sa Gabaa laban sa akin, at kinubkob ang bahay sa palibot laban sa akin nang kinagabihan; ako'y kanilang pinagakalaang patayin, at kanilang dinahas ang aking babae, at siya'y namatay. 007 JDG 020 006 At aking kinuha ang aking babae, at aking pinagputolputol, at ipinadala ko sa buong lupain ng mana ng Israel: sapagka't sila'y nagkasala ng kalibugan at ng kaululan sa Israel. 007 JDG 020 007 Narito, kayong mga anak ni Israel, kayong lahat, ibigay ninyo rito ang inyong payo at pasiya. 007 JDG 020 008 At ang buong bayan ay bumangong parang isang tao, na nagsasabi, Hindi na babalik ang sinoman sa amin sa kaniyang tolda, ni uuwi man ang sinoman sa amin sa kaniyang bahay. 007 JDG 020 009 Kundi ngayo'y ito ang bagay na aming gagawin sa Gabaa; magsisiahon kami laban sa kaniya na aming pagsasapalaran; 007 JDG 020 010 At magsisikuha kami ng sangpung lalake sa isang daan, sa lahat ng mga lipi ng Israel, at isang daan sa isang libo, at isang libo sa sangpung libo, upang ipagbaon ng pagkain ang bayan, upang kanilang gawin pagparoon nila sa Gabaa ng Benjamin ang ayon sa buong kaululang kanilang ginawa sa Israel. 007 JDG 020 011 Sa gayo'y nagpipisan ang lahat ng mga lalake ng Israel laban sa bayang yaon, na nagtibay na magkakapisang parang isang tao. 007 JDG 020 012 At nagsugo ang mga lipi ng Israel ng mga lalake sa buong lipi ng Benjamin, na sinasabi, Anong kasamaan ito na nangyari sa gitna ninyo? 007 JDG 020 013 Ngayon nga'y ibigay ninyo ang mga lalake, ang mga hamak na tao, na nasa Gabaa, upang aming patayin sila, at alisin ang kasamaan sa Israel. Nguni't hindi dininig ng mga anak ni Benjamin ang tinig ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Israel. 007 JDG 020 014 At nagpisan ang mga anak ni Benjamin sa mga bayang patungo sa Gabaa, upang lumabas na makibaka laban sa mga anak ni Israel. 007 JDG 020 015 At ang mga anak ni Benjamin ay binilang nang araw na yaon sa mga bayan, na dalawang pu't anim na libong lalake na humahawak ng tabak, bukod pa ang mga tumatahan sa Gabaa na binilang, na pitong daang piling lalake. 007 JDG 020 016 Sa kabuoan ng bayang ito ay may pitong daang piling lalake na kaliwete: na bawa't isa'y nakapagpapahilagpos ng pagpapatama ng bato sa isang buhok, at hindi sumasala. 007 JDG 020 017 At binilang ang mga lalake sa Israel, bukod pa ang sa Benjamin, ay apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak: lahat ng mga ito ay mga lalaking mangdidigma. 007 JDG 020 018 At bumangon ang mga anak ni Israel, at nagsiahon sa Beth-el upang sumangguni sa Dios; at kanilang sinabi, Sino ang unang aahon sa amin upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin? At sinabi ng Panginoon, Ang Juda ang unang aahon. 007 JDG 020 019 At nagsibangon ang mga anak ni Israel sa kinaumagahan, at humantong laban sa Gabaa. 007 JDG 020 020 At lumabas ang mga lalake ng Israel upang makibaka laban sa Benjamin; at humanay ang mga lalake ng Israel sa Gabaa, sa pakikibaka laban sa kanila. 007 JDG 020 021 At lumabas ang mga anak ni Benjamin sa Gabaa at ibinuwal sa lupa sa mga Israelita sa araw na yaon ay dalawang pu't dalawang libong lalake. 007 JDG 020 022 At ang bayan, ang mga lalake ng Israel, ay nagpakatapang, at humanay uli sa pakikibaka sa dakong kanilang hinanayan nang unang araw. 007 JDG 020 023 At nagsiahon ang mga anak ni Israel, at nagsiiyak sa harap ng Panginoon hanggang sa kinahapunan; at sila'y sumangguni sa Panginoon, na sinasabi, Lalapit ba uli ako upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin na aking kapatid? At sinabi ng Panginoon. Umahon ka laban sa kanila. 007 JDG 020 024 At lumapit uli ang mga anak ni Israel laban sa mga anak ni Benjamin nang ikalawang araw. 007 JDG 020 025 At lumabas ang sa Benjamin sa Gabaa laban sa kanila nang ikalawang araw, at nabuwal uli sa lupa sa mga anak ni Israel ay labing walong libong lalake; lahat ng mga ito ay humahawak ng tabak. 007 JDG 020 026 Nang magkagayo'y nagsiahon ang lahat ng mga anak ni Israel, at ang buong bayan, at nagsiparoon sa Bethel, at nagsiiyak, at nagsiupo roon sa harap ng Panginoon, at nagsipagayuno nang araw na yaon hanggang sa kinahapunan; at sila'y naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon. 007 JDG 020 027 At itinanong ng mga anak ni Israel sa Panginoon (sapagka't ang kaban ng tipan ng Dios ay nandoon nang mga araw na yaon, 007 JDG 020 028 At si Phinees, na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron, ay tumayo sa harap niyaon nang mga araw na yaon, ) na sinasabi, Lalabas ba ako uli upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin na aking kapatid, o magtitigil ako? At sinabi ng Panginoon, Umahon ka; sapagka't bukas ay ibibigay ko siya sa iyong kamay. 007 JDG 020 029 At bumakay ang Israel laban sa Gabaa, sa buong palibot. 007 JDG 020 030 At nagsiahon ang mga anak ni Israel laban sa mga anak ni Benjamin nang ikatlong araw, at humanay laban sa Gabaa, gaya ng dati. 007 JDG 020 031 At ang mga anak ni Benjamin ay nagsilabas laban sa bayan, na ipinalayo sa bayan; at kanilang pinasimulang sinaktan at pinatay ang bayan gaya ng dati, sa mga lansangan, na ang isa'y umahon sa Beth-el, at ang isa'y sa Gabaa, sa bukid, na may tatlong pung lalake ng Israel. 007 JDG 020 032 At sinabi ng mga anak ni Benjamin, Sila'y nangasaktan sa harap natin, gaya ng una. Nguni't sinabi ng mga anak ni Israel, Tayo'y tumakas, at palabasin natin sila mula sa bayan hanggang sa mga lansangan. 007 JDG 020 033 At lahat ng mga lalake sa Israel ay bumangon sa kanilang dako, at nagsihanay sa Baal-tamar: at ang mga bakay ng Israel ay nagsilabas mula sa kanilang dako, sa makatuwid baga'y mula sa Maare-Gabaa. 007 JDG 020 034 At nagsidating laban sa Gabaa ang sangpung libong piling lalake sa buong Israel, at ang pagbabaka ay lumala: nguni't hindi nila naalaman na ang kasamaan ay malapit na sa kanila. 007 JDG 020 035 At sinaktan ng Panginoon ang Benjamin sa harap ng Israel: at pinatay ng mga anak ni Israel sa Benjamin nang araw na yaon ay dalawang pu't limang libo at isang daang lalake: lahat ng mga ito'y humahawak ng tabak. 007 JDG 020 036 Sa gayo'y nakita ng mga anak ni Benjamin na sila'y nasaktan: sapagka't binigyang kaluwagan ng mga lalake ng Israel ang Benjamin, sapagka't sila'y umaasa sa mga bakay na kanilang inilagay laban sa Gabaa. 007 JDG 020 037 At nangagmadali ang mga bakay at nagsidaluhong sa Gabaa, at nangagpatuloy ang mga bakay, at sinugatan ang buong bayan ng talim ng tabak. 007 JDG 020 038 Nagkaroon nga ng palatandaan ang mga anak ng Israel at ang mga bakay, na sila'y gagawa ng alapaap na usok na pauusukin mula sa bayan. 007 JDG 020 039 At nang ang mga lalake ng Israel ay nagsipihit mula sa pagbabaka, at pinasimulang sinaktan at pinatay ng Benjamin ang mga lalake ng Israel na may tatlong pung lalake: sapagka't kanilang sinabi, Walang pagsalang sila'y nasaktan sa harap natin gaya ng unang pagbabaka. 007 JDG 020 040 Nguni't nang ang alapaap ay magpasimulang umilanglang mula sa bayan, sa isang haliging usok, ang mga Benjaminita ay lumingon sa likuran, at, narito, ang apoy ng buong bayan ay napaiilanglang sa langit. 007 JDG 020 041 At nangagbalik ang mga lalake ng Israel, at ang mga lalake ng Benjamin ay nangabalisa: sapagka't kanilang nakita na ang kasamaan ay dumating sa kanila. 007 JDG 020 042 Kaya't kanilang itinalikod ang kanilang likod sa harap ng mga lalake ng Israel, na nangagsitungo sa ilang; nguni't hinabol silang mainam ng pakikibaka; at yaong nangagsilabas sa mga bayan, ay nagsilipol sa kanila sa gitna ng ilang. 007 JDG 020 043 Kanilang kinubkob ang mga Benjamita sa palibot, at kanilang hinabol, at kanilang inabutan sa pahingahang dako hanggang sa tapat ng Gabaa, sa dakong sinisikatan ng araw. 007 JDG 020 044 At nabuwal sa Benjamin, ay labing walong libong lalake; lahat ng mga ito ay mga lalaking may tapang. 007 JDG 020 045 At sila'y nagsiliko at nagsitakas sa dakong ilang sa malaking bato sa Rimmon. At hinabol nila sa mga lansangan ang limang libong lalake; at hinabol silang mainam hanggang sa Gidom, at pumatay sa kanila ng dalawang libong lalake. 007 JDG 020 046 Na ano pa't lahat na nabuwal nang araw na yaon sa Benjamin ay dalawang pu't limang libong lalake na humawak ng tabak; lahat ng mga ito ay mga lalaking may tapang. 007 JDG 020 047 Nguni't anim na raang lalake ay nagsiliko at nagsitakas sa dakong ilang sa malaking bato ng Rimmon, at nagsitahan sa malaking bato ng Rimmon na apat na buwan. 007 JDG 020 048 At binalikan ng mga lalake ng Israel ang mga anak ni Benjamin, at sinugatan nila ng talim ng tabak, ang buong bayan, at gayon din ang kawan, at yaong lahat na kanilang nasumpungan: bukod dito'y yaong lahat ng mga bayan na kanilang nasumpungan ay kanilang sinilaban. 007 JDG 021 001 Ang mga lalake nga ng Israel ay nagsisumpa sa Mizpa, na nagsasabi, Walang sinoman sa atin na magbibigay ng kaniyang anak na babae sa Benjamin upang maging asawa. 007 JDG 021 002 At ang bayan ay naparoon sa Beth-el at umupo roon hanggang sa kinahapunan sa harap ng Dios, at inilakas ang kanilang mga tinig, at tumangis na mainam. 007 JDG 021 003 At kanilang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, bakit nangyari ito sa Israel, na mababawas ngayon ang isang lipi sa Israel? 007 JDG 021 004 At nangyari nang kinabukasan, na ang bayan ay bumangong maaga, at nagtayo roon ng dambana, at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan. 007 JDG 021 005 At sinabi ng mga anak ni Israel, Sino yaong hindi umahon sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa kapulungan sa Panginoon? Sapagka't sila'y gumawa ng dakilang sumpa laban doon sa hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa, na sinasabi, Walang pagsalang siya'y papatayin. 007 JDG 021 006 At nangagsisi ang mga anak ni Israel dahil sa Benjamin na kanilang kapatid, at sinabi, May isang angkan na nahiwalay sa Israel sa araw na ito. 007 JDG 021 007 Paano ang ating gagawing paghanap ng mga asawa sa kanila na nangaiwan, yamang tayo'y nagsisumpa sa Panginoon na hindi natin ibibigay sa kanila ang ating mga anak na babae upang maging asawa? 007 JDG 021 008 At kanilang sinabi, Sino sa mga lipi ng Israel ang hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa? At, narito, walang naparoon sa kampamento sa Jabes-galaad sa kapulungan. 007 JDG 021 009 Sapagka't nang bilangin ang bayan, narito, wala sa nagsisitahan sa Jabes-galaad doon. 007 JDG 021 010 At nagsugo ang kapisanan ng labing dalawang libong lalaking napaka matapang, at iniutos sa kanila, na sinasabi, Kayo'y yumaon sugatan ninyo ng talim ng tabak ang nagsisitahan sa Jabes-galaad pati ang mga babae at mga bata. 007 JDG 021 011 At ito ang bagay na inyong gagawin: inyong lubos na lilipulin ang bawa't lalake, at bawa't babae na sinipingan ng lalake. 007 JDG 021 012 At kanilang nasumpungan sa nagsisitahan sa Jabes-galaad ay apat na raang dalaga, na hindi nakakilala ng lalake sa pagsiping sa kaniya: at kanilang dinala sa kampamento sa Silo, na nasa lupain ng Canaan. 007 JDG 021 013 At nagsugo ang buong kapisanan at nagsalita sa mga anak ni Benjamin na nangasa bato ng Rimmon, at inihayag ang kapayapaan sa kanila. 007 JDG 021 014 At bumalik ang Benjamin nang panahong yaon; at ibinigay nila sa kanila ang mga babaing kanilang iniligtas na buhay sa mga babae sa Jabes-galaad: at gayon ma'y hindi sapat sa kanila. 007 JDG 021 015 At ang bayan ay nagsisi dahil sa Benjamin, sapagka't ginawan ng kasiraan ng Panginoon ang mga lipi ng Israel. 007 JDG 021 016 Nang magkagayo'y sinabi ng mga matanda ng kapisanan, Paanong ating gagawin na paghanap ng asawa doon sa nangatitira, yamang ang mga babae ay nalipol sa Benjamin? 007 JDG 021 017 At kanilang sinabi, Nararapat magkaroon ng mana yaong nangakatakas sa Benjamin, upang ang isang lipi ay huwag mapawi sa Israel. 007 JDG 021 018 Gayon man ay hindi natin maibibigay na asawa sa kanila ang ating mga anak na babae: sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa, na nangagsasabi, Sumpain yaong magbigay ng asawa sa Benjamin. 007 JDG 021 019 At kanilang sinabi, Narito, may isang kasayahan sa Panginoon sa taon-taon sa Silo, na nasa hilagaan ng Beth-el sa dakong silanganan ng lansangan na paahon sa Sichem mula sa Beth-el, at sa timugan ng Lebona. 007 JDG 021 020 At kanilang iniutos sa mga anak ni Benjamin, na sinasabi, kayo'y yumaon at bumakay sa mga ubasan; 007 JDG 021 021 At tingnan ninyo, at, narito, kung ang mga anak na babae sa Silo ay lumabas na sumayaw ng mga sayaw, lumabas nga kayo sa ubasan, at kumuha ang bawa't lalake sa inyo, ng kaniyang asawa sa mga anak sa Silo; at yumaon kayo sa lupain ng Benjamin. 007 JDG 021 022 At mangyayari, na pagka ang kanilang mga magulang o ang kanilang mga kapatid ay naparito upang kami ay usapin, ay aming sasabihin sa kanila, Ipagkaloob na ninyo sila sa amin: sapagka't hindi namin kinuha na asawa sa bawa't isa sa kanila sa pagkikipagbaka: o ibinigay man ninyo sila sa kanila, sa ibang paraan kayo'y magkakasala. 007 JDG 021 023 At ginawang gayon ng mga anak ni Benjamin, at kinuha nila silang asawa ayon sa kanilang bilang, sa mga sumasayaw, na kanilang dinala: at sila'y yumaon at nagbalik sa kanilang mana, at itinayo ang mga bayan, at tinahanan nila. 007 JDG 021 024 At yumaon ang mga anak ni Israel mula roon nang panahong yaon, bawa't lalake ay sa kaniyang lipi at sa kaniyang angkan, at yumaon mula roon ang bawa't lalake na umuwi sa kaniyang mana. 007 JDG 021 025 Nang mga araw na yao'y walang hari sa Israel: ginagawa ng bawa't isa ang matuwid sa kaniyang sariling mga mata. # # BOOK 008 RUT Ruth Ruth 008 RUT 001 001 At nangyari nang mga kaarawan nang humatol ang mga hukom, na nagkagutom sa lupain. At isang lalaking taga Bethlehem-juda ay yumaong nakipamayan sa lupain ng Moab, siya, at ang kaniyang asawa, at ang kaniyang dalawang anak na lalake. 008 RUT 001 002 At ang pangalan ng lalake ay Elimelech, at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Noemi, at ang pangalan ng kaniyang dalawang anak ay Mahalon at Chelion, mga Ephrateo na taga Bethlehem-juda. At sila'y naparoon sa lupain ng Moab, at nanirahan doon. 008 RUT 001 003 At si Elimelech na asawa ni Noemi ay namatay: at siya'y naiwan at ang kaniyang dalawang anak. 008 RUT 001 004 At sila'y nagsipagasawa sa mga babae sa Moab; ang pangalan ng isa'y Orpha, at ang pangalan ng isa'y Ruth: at sila'y tumahan doon na may sangpung taon. 008 RUT 001 005 At namatay kapuwa si Mahalon at si Chelion; at ang babae ay naiwan ng kaniyang dalawang anak at ng kaniyang asawa. 008 RUT 001 006 Nang magkagayo'y bumangon siya na kasama ng kaniyang dalawang manugang upang siya'y bumalik mula sa lupain ng Moab: sapagka't kaniyang nabalitaan sa lupain ng Moab kung paanong dinalaw ng Panginoon ang kaniyang bayan sa pagbibigay sa kanila ng tinapay. 008 RUT 001 007 At siya'y umalis sa dakong kaniyang kinaroroonan, at ang kaniyang dalawang manugang na kasama niya: at sila'y yumaon upang bumalik sa lupain ng Juda. 008 RUT 001 008 At sinabi ni Noemi sa kaniyang dalawang manugang, Kayo'y yumaon, na bumalik ang bawa't isa sa inyo sa bahay ng kaniyang ina: gawan nawa kayo ng magaling ng Panginoon, na gaya ng inyong ginawa sa mga namatay at sa akin. 008 RUT 001 009 Ipagkaloob nawa ng Panginoon na kayo'y makasumpong ng kapahingahan, bawa't isa sa inyo sa bahay ng kaniyang asawa. Nang magkagayo'y kaniyang hinagkan sila; at inilakas nila ang kanilang tinig at nagsiiyak. 008 RUT 001 010 At sinabi nila sa kaniya, Hindi, kundi kami ay babalik na kasama mo sa iyong bayan. 008 RUT 001 011 At sinabi ni Noemi, Kayo'y magsibalik, mga anak ko: bakit kayo'y yayaong kasama ko? may mga anak pa ba ako sa aking tiyan, na magiging inyong mga asawa? 008 RUT 001 012 Kayo'y magsibalik, mga anak ko, magpatuloy kayo ng inyong lakad; sapagka't ako'y totoong matanda na upang magkaroon pa ng asawa. Kung aking sabihin, Ako'y may pagasa, kung ako'y magkaasawa man ngayong gabi, at ako'y magkakaanak man; 008 RUT 001 013 Maghihintay kaya kayo hanggang sa sila'y lumaki? magbabawa kaya kayo na magkaasawa? huwag, mga anak ko: sapagka't daramdamin kong mainam dahil sa inyo, sapagka't ang kamay ng Panginoon ay nanaw laban sa akin. 008 RUT 001 014 At inilakas nila ang kanilang tinig at nagsiiyak uli; at hinagkan ni Orpha ang kaniyang biyanan; nguni't si Ruth ay yumakap sa kaniya. 008 RUT 001 015 At sinabi niya, Narito, ang iyong hipag ay bumalik na sa kaniyang bayan, at sa kaniyang dios; bumalik kang sumunod sa iyong hipag. 008 RUT 001 016 At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita'y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka't kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios: 008 RUT 001 017 Kung saan ka mamatay, ay mamamatay ako, at doon ako ililibing; hatulan ako ng Panginoon at lalo na, maliban ang kamatayan ang maghiwalay sa iyo at sa akin. 008 RUT 001 018 At nang makita ni Noemi na mapilit ng pagsama sa kaniya, ay tumigil ng pagsasalita sa kaniya. 008 RUT 001 019 Sa gayo'y yumaon silang dalawa hanggang sa sila'y dumating sa Bethlehem. At nangyari, nang sila'y dumating sa Bethlehem, na ang buong bayan ay napataka sa kanila; at sinabi ng mga babae, Ito ba'y si Noemi? 008 RUT 001 020 At sinabi niya sa kanila, Huwag na ninyo akong tawaging Noemi, tawagin ninyo akong Mara: sapagka't ginawan ako ng kapaitpaitan ng Makapangyarihan sa lahat. 008 RUT 001 021 Ako'y umalis na puno, at ako'y iniuwi ng Panginoon na walang dala. Bakit ninyo ako tinatawag na Noemi, yamang ang Panginoon ay nagpatotoo laban sa akin, at dinalamhati ako ng Makapangyarihan sa lahat? 008 RUT 001 022 Sa gayo'y nagsibalik si Noemi at si Ruth na Moabita, na kaniyang manugang na kasama niya, na nagsibalik mula sa lupain ng Moab: at sila'y nagsidating sa Bethlehem sa pasimula ng pagaani ng sebada. 008 RUT 002 001 At si Noemi ay may kamaganak ng kaniyang asawa, isang mayamang makapangyarihan, sa angkan ni Elimelech; at ang pangalan niya'y Booz. 008 RUT 002 002 At sinabi ni Ruth na Moabita kay Noemi, Paparoonin mo ako ngayon sa bukid, at mamulot ng mga uhay sa likuran niyaong aking kasumpungan ng biyaya sa paningin. At sinabi niya sa kaniya, Yumaon ka, anak ko. 008 RUT 002 003 At siya'y yumaon at naparoon, at namulot sa bukid sa likuran ng mga mangaani: at nagkataong dumating sa bahagi ng lupa na nauukol kay Booz, na sa angkan ni Elimelech. 008 RUT 002 004 At, narito, si Booz ay nanggaling sa Bethlehem, at nagsabi sa mga mangaani, Ang Panginoo'y sumainyo nawa. At sila'y sumagot sa kaniya, Pagpalain ka nawa ng Panginoon. 008 RUT 002 005 Nang magkagayo'y sinabi ni Booz sa kaniyang lingkod na kaniyang katiwala sa mga mangaani, Sinong babae ito? 008 RUT 002 006 At ang lingkod na katiwala sa mga mangaani ay sumagot at nagsabi, Siya'y babaing Moabita na bumalik na kasama ni Noemi na mula sa lupain ng Moab: 008 RUT 002 007 At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyong pamulutin mo ako, at papagtipunin sa likuran ng mga mangaani sa gitna ng mga bigkis. Sa gayo'y naparoon siya at nagpatuloy, sa makatuwid baga'y mula sa umaga hanggang ngayon, liban sa siya'y nagpahingang sangdali sa bahay. 008 RUT 002 008 Nang magkagayo'y sinabi ni Booz kay Ruth, Di mo ba naririnig, anak ko? Huwag kang mamulot sa ibang bukid, o lumagpas man dito, kundi manahan ka ritong malapit sa piling ng aking mga alilang babae. 008 RUT 002 009 Itanaw mo ang iyong mga mata sa bukid na kanilang inaanihan, at sumunod ka sa kanila; di ba ibinilin ko sa mga bataan na huwag ka nilang gagalawin? At pagka ikaw ay nauuhaw, pumaroon ka sa mga banga, at uminom ka sa inigib ng mga bataan. 008 RUT 002 010 Nang magkagayo'y nagpatirapa siya at yumukod sa lupa, at nagsabi sa kaniya, Bakit ako nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin na nilingap mo ako, dangang ako'y taga ibang lupa? 008 RUT 002 011 At si Booz ay sumagot at nagsabi sa kaniya, Ipinatalastas sa akin ang buong iyong ginawa sa iyong biyanan mula sa pagkamatay ng iyong asawa: at kung paanong iyong iniwan ang iyong ama at iyong ina, at ang lupang pinanganakan sa iyo, at ikaw ay naparito sa bayan na hindi mo nakilala nang una. 008 RUT 002 012 Gantihin nawa ng Panginoon ang iyong gawa, at bigyan ka nawa ng lubos na ganting pala ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa ilalim ng mga pakpak niyaong iyong kakanlungan. 008 RUT 002 013 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Makasumpong nawa ako ng biyaya sa iyong paningin, panginoon ko; sapagka't ako'y iyong inaliw, at sapagka't may kagandahang loob na pinagsalitaan mo ang iyong lingkod, bagaman ako'y hindi gaya ng isa sa iyong mga alila. 008 RUT 002 014 At sa pagkain ay sinabi ni Booz sa kaniya, Parito ka, at kumain ka ng tinapay, at basain mo ang iyong subo sa suka. At siya'y umupo sa siping ng mga mangaani: at iniabot niya sa kaniya, ang sinangag na trigo, at siya'y kumain, at nabusog, at lumabis. 008 RUT 002 015 At nang siya'y tumindig upang mamulot, ay iniutos ni Booz sa kaniyang mga bataan, na sinasabi, Pamulutin ninyo siya hanggang sa gitna ng mga bigkis, at huwag ninyo siyang hiyain. 008 RUT 002 016 At ihugot din ninyo siya ng ilan sa mga bigkis, at iwan ninyo at pamulutin niya, at huwag ninyong hiyain siya. 008 RUT 002 017 Sa gayo'y namulot siya sa bukid hanggang sa paglubog ng araw; at kaniyang hinampas yaong kaniyang napamulot, at may isang epa ng sebada. 008 RUT 002 018 At kaniyang dinala at pumasok sa bayan: at nakita ng kaniyang biyanan ang kaniyang napamulot: at kaniyang inilabas at ibinigay sa kaniya ang lumabis sa kaniya pagkatapos na siya'y nabusog. 008 RUT 002 019 At sinabi ng kaniyang biyanan sa kaniya, Saan ka namulot ngayon? at saan ka gumawa? Pagpalain nawa yaong lumingap sa iyo, At itinuro niya sa kaniyang biyanan kung kanino siya gumawa, at sinabi, Ang pangalan ng lalake na aking ginawan ngayon ay Booz. 008 RUT 002 020 At sinabi ni Noemi sa kaniyang manugang: Pagpalain nawa siya ng Panginoon, na hindi ikinait ang kaniyang kagandahang loob sa mga buhay at sa mga patay. At sinabi ni Noemi sa kaniya, Ang lalaking yaon ay isa sa mga kamaganak na malapit natin, isang pinakamalapit na kamaganak natin. 008 RUT 002 021 At sinabi ni Ruth na Moabita, Oo, sinabi niya sa akin, Ikaw ay sumunod na malapit sa aking mga bataan hanggang sa kanilang matapos ang aking ani. 008 RUT 002 022 At sinabi ni Noemi kay Ruth na kaniyang manugang, Mabuti, anak ko, na ikaw ay lumabas na kasama ng kaniyang mga alila, at huwag kang masumpungan sa ibang bukid. 008 RUT 002 023 Sa gayo'y nakipisang maliksi na kasiping ng mga alila ni Booz, upang mamulot hanggang sa katapusan ng pagaani ng sebada at pagaani ng trigo; at siya'y tumahang kasama ng kaniyang biyanan. 008 RUT 003 001 At sinabi sa kaniya ni Noemi na kaniyang biyanan, Anak ko, hindi ba kita ihahanap ng kapahingahan, na ikabubuti mo? 008 RUT 003 002 At ngayo'y wala ba rito si Booz na ating kamaganak, na ang kaniyang mga alila ay siya mong kinasama? Narito, kaniyang pahahanginan ang sebada ngayong gabi sa giikan. 008 RUT 003 003 Maligo ka nga, at magpahid ka ng langis, at magbihis ka at bumaba ka sa giikan: nguni't huwag kang pakilala sa lalake, hanggang siya'y makakain at makainom. 008 RUT 003 004 At mangyayari, paghiga niya, na iyong tatandaan ang dakong kaniyang hihigaan, at ikaw ay papasok, at iyong alisan ng takip ang kaniyang mga paa, at mahiga ka; at sasabihin niya sa iyo kung ano ang iyong gagawin. 008 RUT 003 005 At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng iyong sinasabi sa akin ay aking gagawin. 008 RUT 003 006 At siya'y bumaba sa giikan, at ginawa niya ang ayon sa buong iniutos sa kaniya ng kaniyang biyanan. 008 RUT 003 007 At nang si Booz ay makakain at makainom, at ang kaniyang puso'y maligayahan, siya'y yumaong nahiga sa dulo ng bunton ng trigo; at siya'y naparoong marahan, at inalisan ng takip ang kaniyang mga paa, at siya'y nahiga. 008 RUT 003 008 At nangyari, sa hating gabi, na ang lalake ay natakot at pumihit: at, narito, isang babae ay nakahiga sa kaniyang paanan. 008 RUT 003 009 At sinabi niya, Sino ka? At siya'y sumagot, Ako'y si Ruth, na iyong lingkod: iladlad mo nga ang iyong kumot sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay malapit na kamaganak. 008 RUT 003 010 At kaniyang sinabi, Pagpalain ka nawa ng Panginoon, anak ko: ikaw ay nagpakita ng higit na kagandahang loob sa huli kay sa ng una, sa hindi mo pagsunod sa mga bagong tao maging sa dukha o sa mayaman. 008 RUT 003 011 At ngayon, anak ko, huwag kang matakot; gagawin ko sa iyo ang lahat na iyong sinasabi, sapagka't buong bayan ng aking bayan ay nakakaalam na ikaw ay isang babaing may bait. 008 RUT 003 012 At tunay nga na ako'y kamaganak na malapit; gayon man ay may kamaganak na lalong malapit kay sa akin. 008 RUT 003 013 Maghintay ka ngayong gabi, at mangyayari sa kinaumagahan, na kung kaniyang tutuparin sa iyo ang bahagi ng pagkakamaganak, ay mabuti; gawin niya ang bahagi ng pagkakamaganak: nguni't kundi niya gagawin ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, ay gagawin ko nga ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, kung paano ang Panginoon ay nabubuhay: mahiga ka nga hanggang kinaumagahan. 008 RUT 003 014 At siya'y nahiga sa kaniyang paanan hanggang kinaumagahan: at siya'y bumangong maaga bago magkakilala ang isa't isa. Sapagka't kaniyang sinabi, Huwag maalaman na ang babae ay naparoon sa giikan. 008 RUT 003 015 At kaniyang sinabi, Dalhin mo rito ang balabal na nasa ibabaw mo at hawakan; at hinawakan niya; at siya'y tumakal ng anim na takal na sebada, at isinunong sa kaniya; at siya'y pumasok sa bayan. 008 RUT 003 016 At nang siya'y pumaroon sa kaniyang biyanan, ay sinabi niya, Ano nga, anak ko? At isinaysay niya sa kaniya ang lahat na ginawa sa kaniya ng lalake. 008 RUT 003 017 At sinabi niya, Ang anim na takal na sebadang ito ay ibinigay niya sa akin; sapagka't kaniyang sinabi, Huwag kang pumaroong walang dala sa iyong biyanan. 008 RUT 003 018 Nang magkagayo'y sinabi niya, Maupo kang tahimik, anak ko, hanggang sa iyong maalaman kung paanong kararatnan ng bagay: sapagka't ang lalaking yaon ay hindi magpapahinga, hanggang sa kaniyang matapos ang bagay sa araw na ito. 008 RUT 004 001 Si Booz nga'y sumampa sa pintuang-bayan, at naupo siya roon: at, narito, ang malapit na kamaganak na sinalita ni Booz ay nagdaan; sa lalaking yao'y sinabi niya, Oy, kuwan! lumiko ka, maupo ka rito. At siya'y lumiko, at naupo. 008 RUT 004 002 At siya'y kumuha ng sangpung lalake sa mga matanda sa bayan, at sinabi, Maupo kayo rito. At sila'y naupo. 008 RUT 004 003 At sinabi niya sa malapit na kamaganak, Ipinagbibili ni Noemi, na bumalik na galing sa lupain ng Moab, ang bahagi ng lupa, na naging sa ating kapatid na kay Elimelech: 008 RUT 004 004 At aking inisip na ipahayag sa iyo, na sabihin, Bilhin mo sa harap nilang nakaupo rito, at sa harap ng mga matanda ng aking bayan. Kung iyong tutubusin ay tubusin mo; nguni't kung hindi mo tutubusin ay saysayin mo nga, upang matalastas ko: sapagka't wala nang tutubos na iba pa liban sa iyo: at ako ang sumusunod sa iyo. At sinabi niya, Aking tutubusin. 008 RUT 004 005 Nang magkagayo'y sinabi ni Booz, Anomang araw na iyong bilhin ang parang sa kamay ni Noemi, ay marapat na iyong bilhin din ang kay Ruth na Moabita, na asawa ng namatay, upang ibangon ang pangalan ng namatay sa kaniyang mana. 008 RUT 004 006 At sinabi ng malapit na kamaganak, Hindi ko matutubos sa ganang akin, baka masira ang aking sariling mana: iyo na ang aking matuwid ng pagtubos; sapagka't hindi ko matutubos. 008 RUT 004 007 Ito nga ang kaugalian ng unang panahon sa Israel tungkol sa pagtubos at tungkol sa pagpapalit, upang patotohanan ang lahat ng mga bagay; hinuhubad ng isa ang kaniyang pangyapak, at ibinibigay sa kaniyang kapuwa: at ito ang paraan ng pagpapatotoo sa Israel. 008 RUT 004 008 Sa gayo'y sinabi ng malapit na kamaganak kay Booz, Bilhin mo sa ganang iyo. At hinubad niya ang kaniyang pangyapak. 008 RUT 004 009 At sinabi ni Booz sa mga matanda at sa buong bayan, Kayo'y mga saksi sa araw na ito, na aking binili ang lahat ng kay Elimelech, at lahat na kay Chelion, at kay Mahalon, sa kamay ni Noemi. 008 RUT 004 010 Bukod dito'y si Ruth na Moabita, na asawa ni Mahalon, ay aking binili na maging aking asawa, upang ibangon ang pangalan ng namatay sa kaniyang mana, upang ang pangalan ng namatay ay huwag mahiwalay sa gitna ng kaniyang mga kapatid, at sa pintuang-bayan ng kaniyang dako: kayo'y mga saksi sa araw na ito. 008 RUT 004 011 At ang buong bayan na nasa pintuang-bayan, at ang mga matanda ay nagsabi, Kami ay mga saksi. Gawin ng Panginoon ang babae na pumapasok sa iyong bahay, na gaya ni Rachel at gaya ni Lea, na silang dalawa ang nagtatag ng sangbahayan ni Israel, at maging makapangyarihan ka sa Ephrata, at maging bantog sa Bethlehem: 008 RUT 004 012 At ang iyong sangbahayan ay maging gaya ng sangbahayan ni Phares, na ipinanganak ni Thamar kay Juda, sa binhi na ibibigay ng Panginoon sa iyo sa batang babaing ito. 008 RUT 004 013 Sa gayo'y kinuha ni Booz si Ruth, at siya'y naging kaniyang asawa; at siya'y sumiping sa kaniya, at pinapaglihi ng Panginoon, at siya'y nanganak ng isang lalake. 008 RUT 004 014 At sinabi ng mga babae kay Noemi, Pagpalain ka nawa ng Panginoon na hindi ka binayaan sa araw na ito, na mawalan ng isang malapit na kamaganak; at maging bantog nawa ang kaniyang pangalan sa Israel. 008 RUT 004 015 At siya'y magiging sa iyo ay isang tagapagsauli ng buhay, at tagapagkandili sa iyong katandaan: sapagka't ang inyong manugang na nagmamahal sa iyo, ay nagkaanak sa kaniya, at siya'y mahigit pa sa iyo kay sa pitong anak. 008 RUT 004 016 At kinuha ni Noemi ang bata, at inihilig sa kaniyang kandungan, at siya'y naging yaya. 008 RUT 004 017 At nilagyan ng pangalan ng mga babaing kaniyang kapitbahay, na sinasabi, May isang lalake na ipinanganak kay Noemi; at tinawag nila ang pangalan niya na Obed; siya ang ama ni Isai, na ama ni David. 008 RUT 004 018 Ito nga ang mga lahi ni Phares: naging anak ni Phares si Hesron; 008 RUT 004 019 At naging anak ni Hesron si Ram, at naging anak ni Ram si Aminadab; 008 RUT 004 020 At naging anak ni Aminadab si Nahason, at naging anak ni Nahason si Salmon: 008 RUT 004 021 At naging anak ni Salmon si Booz, at naging anak ni Booz si Obed; 008 RUT 004 022 At naging anak ni Obed si Isai, at naging anak ni Isai si David. # # BOOK 009 1SA 1 Samuel 1 Samuel 009 1SA 001 001 May isa ngang lalake na taga Ramathaim-sophim, sa lupaing maburol ng Ephraim, at ang pangalan niya'y Elcana, na anak ni Jeroham, na anak ni Eliu, na anak ni Thohu, na anak ni Suph na Ephraimita: 009 1SA 001 002 At siya'y may dalawang asawa; ang pangalan ng isa'y Ana, at ang pangalan ng isa'y Peninna: at si Peninna ay may mga anak nguni't si Ana ay walang anak. 009 1SA 001 003 At ang lalaking ito ay umaahon sa taon-taon mula sa kaniyang bayan upang sumamba at maghain sa Panginoon ng mga hukbo sa Silo. At ang dalawang anak ni Eli, na si Ophni at si Phinees, na mga saserdote sa Panginoon, ay nangandoon. 009 1SA 001 004 At pagka dumarating ang araw na si Elcana ay naghahain, ay kaniyang binibigyan ng mga bahagi si Peninna na kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang mga anak na lalake at babae: 009 1SA 001 005 Nguni't si Ana ay binibigyan niya ng ibayong bahagi: sapagka't minamahal niya si Ana, bagaman sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata. 009 1SA 001 006 At minumungkahi siyang mainam ng kaniyang kaagaw upang yamutin siya, sapagka't sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata. 009 1SA 001 007 At gayon ang ginagawa niya sa taon-taon, na pagka inaahon niya ang bahay ng Panginoon ay minumungkahi niyang gayon ang isa; kaya't siya'y umiiyak, at hindi kumakain. 009 1SA 001 008 At sinabi ni Elcana na kaniyang asawa sa kaniya, Ana, bakit ka umiiyak? at bakit hindi ka kumakain? at bakit nagdadalamhati ang iyong puso? hindi ba ako mabuti sa iyo kay sa sangpung anak? 009 1SA 001 009 Sa gayo'y bumangon si Ana pagkatapos na makakain sila sa Silo at pagkatapos na sila'y makainom. Ngayo'y si Eli na saserdote ay nakaupo sa upuan niya sa siping ng haligi ng pintuan ng templo ng Panginoon. 009 1SA 001 010 At siya'y nanalangin sa Panginoon ng buong paghihinagpis ng kaluluwa, at tumangis na mainam. 009 1SA 001 011 At siya'y nanata ng isang panata, at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, kung tunay na iyong lilingunin ang pagkapighati ng iyong lingkod, at aalalahanin mo at hindi mo kalilimutan ang iyong lingkod, kundi iyong pagkakalooban ang iyong lingkod ng anak na lalake, ay akin ngang ibibigay sa Panginoon sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, at walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo. 009 1SA 001 012 At nangyari, habang siya'y nananatili ng pananalangin sa harap ng Panginoon, ay pinagmamasdan ni Eli ang kaniyang bibig. 009 1SA 001 013 Si Ana nga'y nagsasalita sa kaniyang puso; ang kaniya lamang mga labi ang gumagalaw, nguni't ang kaniyang tinig ay hindi naririnig: kaya't inakala ni Eli na siya'y lasing. 009 1SA 001 014 At sinabi ni Eli sa kaniya, Hanggang kailan magiging lasing ka? ihiwalay mo ang iyong alak sa iyo. 009 1SA 001 015 At sumagot si Ana, at nagsabi, Hindi, panginoon ko, ako'y isang babae na may diwang mapanglaw: hindi ako nakainom ng alak o inuming nakalalasing, kundi aking inihayag ang aking kaluluwa sa harap ng Panginoon. 009 1SA 001 016 Huwag mong ibilang na babaing hamak ang iyong lingkod: sapagka't sa kasaganaan ng aking daing at ng aking pagkaduwahagi ay nagsalita ako hanggang ngayon. 009 1SA 001 017 Nang magkagayo'y sumagot si Eli, at nagsabi, Yumaon kang payapa: at ipagkaloob nawa sa iyo ng Dios ng Israel ang iyong hiling na hinihingi mo sa kaniya. 009 1SA 001 018 At sinabi niya, Makasumpong nawa ang iyong lingkod ng biyaya sa iyong paningin. Sa gayo'y nagpatuloy ng kaniyang lakad ang babae at kumain, at ang kaniyang mukha'y hindi na malumbay. 009 1SA 001 019 At sila'y bumangong maaga ng kinaumagahan, at sumamba sa Panginoon, at bumalik, at umuwi sa kanilang bahay sa Ramatha; at nakilala ni Elcana si Ana na kaniyang asawa; at inalaala siya ng Panginoon. 009 1SA 001 020 At nangyari, nang sumapit ang panahon, na si Ana ay naglihi, at nanganak ng isang lalake; at tinawag ang pangalan niya na Samuel, na sinasabi, Sapagka't aking hiningi siya sa Panginoon. 009 1SA 001 021 At ang lalaking si Elcana, at ang buong sangbahayan niya, ay nagsiahon upang maghandog sa Panginoon ng hain sa taon-taon, at ganapin ang kaniyang panata. 009 1SA 001 022 Nguni't si Ana ay hindi umahon; sapagka't sinabi niya sa kaniyang asawa, Hindi ako aahon hanggang sa ang bata'y mahiwalay sa suso; at kung magkagayo'y aking dadalhin siya, upang siya'y pakita sa harap ng Panginoon, at tumahan doon magpakailan man. 009 1SA 001 023 At sinabi ni Elcana na kaniyang asawa sa kaniya, Gawin mo ang inaakala mong mabuti; maghintay ka hanggang sa maihiwalay mo siya sa suso; pagtibayin lamang ng Panginoon ang kaniyang salita. Sa gayo'y naghintay ang babae, at pinasuso ang kaniyang anak, hanggang sa naihiwalay niya sa suso. 009 1SA 001 024 At nang kaniyang maihiwalay na sa suso, ay kaniyang iniahon, na may dala siyang tatlong guyang lalake, at isang epang harina, at isang sisidlang balat ng alak, at dinala niya siya sa bahay ng Panginoon sa Silo: at ang anak ay sanggol. 009 1SA 001 025 At kanilang pinatay ang guyang lalake, at dinala ang bata kay Eli. 009 1SA 001 026 At sinabi niya, Oh panginoon ko, alangalang sa buhay ng iyong kaluluwa, panginoon ko, ako ang babaing tumayo sa siping mo rito, na nanalangin sa Panginoon. 009 1SA 001 027 Dahil sa batang ito ako nanalangin; at ipinagkaloob sa akin ng Panginoon ang aking hiling na aking hiningi sa kaniya: 009 1SA 001 028 Kaya't aking ipinagkakaloob naman sa Panginoon habang siya'y nabubuhay ay ipinagkakaloob ko siya sa Panginoon. At siya ay sumamba sa Panginoon doon. 009 1SA 002 001 At si Ana ay nanalangin, at nagsabi: Nagagalak ang aking puso sa Panginoon; Ang aking sungay ay pinalaki ng Panginoon; Binigyan ako ng bibig sa aking mga kaaway; Sapagka't ako'y nagagalak sa iyong pagliligtas. 009 1SA 002 002 Walang banal na gaya ng Panginoon; Sapagka't walang iba liban sa iyo, Ni may bato mang gaya ng aming Dios. 009 1SA 002 003 Huwag na kayong magsalita ng totoong kapalaluan; Huwag mabuka ang kahambugan sa inyong bibig; Sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kaalaman, At sa pamamagitan niya'y sinusukat ang mga kilos. 009 1SA 002 004 Ang mga busog ng mga makapangyarihang tao ay nasisira; At yaong nangatisod ay nabibigkisan ng kalakasan. 009 1SA 002 005 Yaong mga busog ay nagpaupa dahil sa tinapay; At yaong mga gutom ay hindi na gutom: Oo, ang baog ay nanganak ng pito; At yaong may maraming anak ay nanghihina. 009 1SA 002 006 Ang Panginoo'y pumapatay, at bumubuhay: Siya ang nagbababa sa Sheol, at nagsasampa. 009 1SA 002 007 Ang Panginoo'y nagpapadukha at nagpapayaman: Siya ang nagpapababa, at siya rin naman ang nagpapataas. 009 1SA 002 008 Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan, Upang sila'y palukluking kasama ng mga prinsipe, At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian: Sapagka't ang mga haligi ng lupa ay sa Panginoon, At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila. 009 1SA 002 009 Kaniyang iingatan ang mga paa ng kaniyang mga banal; Nguni't ang masama ay patatahimikin sa mga kadiliman; Sapagka't sa pamamagitan ng kalakasan ay walang lalaking mananaig. 009 1SA 002 010 Yaong makipagkaalit sa Panginoon ay malalansag; Laban sa kanila'y kukulog siya mula sa langit: Ang Panginoon ang huhukom sa mga wakas ng lupa; At bibigyan niya ng kalakasan ang kaniyang hari, At palalakihin ang sungay ng kaniyang pinahiran ng langis. 009 1SA 002 011 At si Elcana ay umuwi sa Ramatha sa kaniyang bahay. At ang bata'y nangangasiwa sa Panginoon sa harap ni Eli na saserdote. 009 1SA 002 012 Ngayo'y ang mga anak ni Eli ay mga hamak na lalake; hindi nila nakikilala ang Panginoon. 009 1SA 002 013 At ang kaugalian ng mga saserdote sa bayan, ay, na pagka ang sinoma'y naghahandog ng hain, lumalapit ang bataan ng saserdote, samantalang ang laman ay niluluto, na may hawak sa kamay na pang-ipit na may tatlong ngipin; 009 1SA 002 014 At kaniyang dinuduro sa kawali, o sa kaldera, o sa kaldero, o sa palyok; at lahat ng nadadala ng pang-ipit ay kinukuha ng saserdote para sa kaniya. Gayon ang ginagawa nila sa Silo sa lahat ng mga Israelita na naparoroon. 009 1SA 002 015 Oo, bago nila sunugin ang taba, ay lumalapit ang bataan ng saserdote, at sinasabi sa lalake na naghahain, Magbigay ka ng lamang maiihaw para sa saserdote, sapagka't hindi siya tatanggap sa iyo ng lamang luto, kundi hilaw. 009 1SA 002 016 At kung sabihin ng lalake sa kaniya, Walang pagsalang kanila munang susunugin ang taba, at saka mo kunin kung gaano ang nasain ng iyong kaluluwa; kaniya ngang sinasabi, Hindi, kundi ibibigay mo sa akin ngayon: at kung hindi ay aking kukuning sapilitan. 009 1SA 002 017 At ang kasalanan ng mga binatang yaon ay totoong malaki sa harap ng Panginoon; sapagka't niwawalan ng kabuluhan ng mga tao ang handog sa Panginoon. 009 1SA 002 018 Nguni't si Samuel ay nangangasiwa sa harap ng Panginoon, sa bagay ay bata pa, na may bigkis na isang kayong linong epod. 009 1SA 002 019 Bukod sa rito'y iginagawa siya ng kaniyang ina ng isang munting balabal, at dinadala sa kaniya taon-taon, pagka siya'y umaahon na kasama ng kaniyang asawa upang maghandog ng hain sa taon-taon. 009 1SA 002 020 At binasbasan ni Eli si Elcana at ang kaniyang asawa, at sinabi, Bigyan ka nawa ng Panginoon ng binhi sa babaing ito sa lugar ng hingi na kaniyang hiningi sa Panginoon. At sila'y umuwi sa kanilang sariling bahay. 009 1SA 002 021 At dinalaw ng Panginoon si Ana, at siya'y naglihi, at nagkaanak ng tatlong lalake at dalawang babae. At ang batang si Samuel ay lumalaki sa harap ng Panginoon. 009 1SA 002 022 Si Eli nga ay totoong matanda na; at kaniyang nababalitaan ang lahat ng ginagawa ng kaniyang mga anak sa buong Israel, at kung paanong sila'y sumisiping sa mga babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. 009 1SA 002 023 At sinabi niya sa kanila, Bakit ginagawa ninyo ang mga ganiyang bagay? sapagka't aking nababalitaan sa buong bayang ito ang inyong mga masamang kilos. 009 1SA 002 024 Huwag, mga anak ko; sapagka't hindi mabuting balita ang aking naririnig: inyong pinasasalangsang ang bayan ng Panginoon. 009 1SA 002 025 Kung ang isang tao ay magkasala laban sa iba, ay hahatulan siya ng Dios; nguni't kung ang isang tao ay magkasala laban sa Panginoon, sino ang mamamagitan sa kaniya? Gayon ma'y hindi nila dininig ang tinig ng kanilang ama, sapagka't inakalang patayin sila ng Panginoon. 009 1SA 002 026 At ang batang si Samuel ay lumalaki, at kinalulugdan ng Panginoon at ng mga tao rin naman. 009 1SA 002 027 At naparoon ang isang lalake ng Dios kay Eli, at sinabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Napakita ba ako ng hayag sa sangbahayan ng iyong ama, nang sila'y nasa Egipto sa pagkaalipin sa sangbahayan ni Faraon? 009 1SA 002 028 At pinili ko ba siya sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging saserdote ko, upang maghandog sa aking dambana, upang magsunog ng kamangyan, at upang magsuot ng epod sa harap ko? at ibinigay ko ba sa sangbahayan ng iyong ama ang lahat ng mga handog ng mga anak ni Israel na pinaraan sa apoy? 009 1SA 002 029 Bakit nga kayo'y tumututol sa aking hain at sa aking handog, na aking iniutos sa aking tahanan, at iyong pinararangalan ang iyong mga anak ng higit kaysa akin, upang kayo'y magpakataba sa mga pinakamainam sa lahat ng mga handog ng Israel na aking bayan? 009 1SA 002 030 Kaya't sinasabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Aking sinabi nga na ang iyong sangbahayan, at ang sangbahayan ng iyong ama, ay lalakad sa harap ko magpakailan man: nguni't sinasabi ngayon ng Panginoon, Malayo sa akin; sapagka't yaong mga nagpaparangal sa akin ay aking pararangalin, at yaong mga humahamak sa akin ay mawawalan ng kabuluhan. 009 1SA 002 031 Narito, ang mga araw ay dumarating, na aking ihihiwalay ang iyong bisig, at ang bisig ng sangbahayan ng iyong ama, upang huwag magkaroon ng matanda sa iyong sangbahayan. 009 1SA 002 032 At iyong mamasdan ang kadalamhatian sa aking tahanan, sa buong kayamanan na ibibigay ng Dios sa Israel; at mawawalan ng matanda sa iyong sangbahayan magpakailan man. 009 1SA 002 033 At ang lalaking iyo, na hindi ko ihihiwalay sa aking dambana, ay magiging upang lunusin ang iyong mga mata at papanglawin ang iyong puso; at ang madlang mararagdag sa iyong sangbahayan ay mamamatay sa kanilang kabataan. 009 1SA 002 034 At ito ang magiging tanda sa iyo, na darating sa iyong dalawang anak, kay Ophni at kay Phinees: sa isang araw, sila'y kapuwa mamamatay. 009 1SA 002 035 At ako'y magbabangon para sa akin ng isang tapat na saserdote, na gagawa ng ayon sa nasa aking puso at nasa aking pagiisip: at ipagtatayo ko siya ng panatag na sangbahayan; at siya'y lalakad sa harap ng aking pinahiran ng langis, magpakailan man. 009 1SA 002 036 At mangyayari, na bawa't isa na naiwan sa iyong sangbahayan, ay paroroon at yuyukod sa kaniya dahil sa isang putol na pilak at sa isang putol na tinapay, at magsasabi, Isinasamo ko sa iyong ilagay mo ako sa isa sa mga katungkulang pagkasaserdote, upang makakain ako ng isang subong tinapay. 009 1SA 003 001 At ang batang si Samuel ay nangangasiwa sa Panginoon sa harap ni Eli. At ang salita ng Panginoon ay mahalaga noong mga araw na yaon; walang hayag na pangitain. 009 1SA 003 002 At nangyari nang panahon na yaon, nang si Eli ay mahiga sa kaniyang dako, (ang kaniya ngang mata'y nagpasimulang lumabo, na siya'y hindi nakakita, ) 009 1SA 003 003 At ang ilawan ng Dios ay hindi pa namamatay, at si Samuel ay nakahiga upang matulog, sa templo ng Panginoon, na kinaroroonan ng kaban ng Dios; 009 1SA 003 004 Na tinawag ng Panginoon si Samuel: at kaniyang sinabi, Narito ako. 009 1SA 003 005 At siya'y tumakbo kay Eli, at nagsabi, Narito ako; sapagka't tinawag mo ako. At kaniyang sinabi, Hindi ako tumawag; mahiga ka uli. At siya'y yumaon at nahiga. 009 1SA 003 006 At tumawag pa uli ang Panginoon, Samuel. At bumangon si Samuel at naparoon kay Eli, at nagsabi, Narito ako: sapagka't ako'y tinawag mo. At siya'y sumagot, Hindi ako tumawag, anak ko; mahiga ka uli. 009 1SA 003 007 Hindi pa nga nakikilala ni Samuel ang Panginoon, o ang salita man ng Panginoon ay nahahayag pa sa kaniya. 009 1SA 003 008 At tinawag uli ng Panginoon na ikaitlo. At siya'y bumangon, at naparoon kay Eli, at nagsabi, Narito ako; sapagka't ako'y iyong tinawag. At nahalata ni Eli na tinatawag ng Panginoon ang bata. 009 1SA 003 009 Kaya't sinabi ni Eli kay Samuel, Yumaon ka, mahiga ka: at mangyayari, na kung tatawagin ka niya, ay iyong sasabihin, Magsalita ka, Panginoon; sapagka't dinirinig ng iyong lingkod. Sa gayo'y yumaon si Samuel at nahiga sa kaniyang dako. 009 1SA 003 010 At ang Panginoon ay naparoon, at tumayo, at tumawag na gaya ng una, Samuel, Samuel. Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel, Magsalita ka; sapagka't dinirinig ng iyong lingkod. 009 1SA 003 011 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Narito, gagawa ako ng isang bagay sa Israel, na ang dalawang tainga ng bawa't isa na nakikinig ay magpapanting. 009 1SA 003 012 Sa araw na yaon ay aking tutuparin kay Eli ang lahat na aking sinalita tungkol sa kaniyang sangbahayan, mula sa pasimula hanggang sa wakas. 009 1SA 003 013 Sapagka't aking isinaysay sa kaniya na aking huhukuman ang kaniyang sangbahayan magpakailan man, dahil sa kasamaan na kaniyang nalalaman, sapagka't ang kaniyang mga anak ay nagdala ng sumpa sa kanilang sarili, at hindi niya sinangsala sila. 009 1SA 003 014 At kaya't ako'y sumumpa sa sangbahayan ni Eli, na ang kasamaan ng sangbahayan ni Eli ay hindi mapapawi ng hain, o handog man magpakailan man. 009 1SA 003 015 At nahiga si Samuel hanggang sa kinaumagahan, at ibinukas ang mga pinto ng bahay ng Panginoon. At natakot si Samuel na saysayin kay Eli ang panaginip. 009 1SA 003 016 Nang magkagayo'y tinawag ni Eli si Samuel, at nagsabi, Samuel, anak ko. At kaniyang sinabi, Narito ako. 009 1SA 003 017 At kaniyang sinabi, Ano ang bagay na sinalita sa iyo? isinasamo ko sa iyo na huwag mong ilihim sa akin: hatulan ka ng Dios, at lalo na, kung iyong ililihim sa akin ang anomang bagay sa lahat ng mga bagay na kaniyang sinalita sa iyo. 009 1SA 003 018 At isinaysay sa kaniya ni Samuel ang buong sinalita, at hindi naglihim ng anoman sa kaniya. At kaniyang sinabi, Panginoon nga: gawin niya ang inaakala niyang mabuti. 009 1SA 003 019 At si Samuel ay lumalaki at ang Panginoon ay sumasakaniya, at walang di pinapangyari sa kaniyang mga salita. 009 1SA 003 020 At nakilala ng buong Israel mula sa Dan hanggang sa Beer-seba na si Samuel ay itinatag na maging propeta ng Panginoon. 009 1SA 003 021 At napakilala uli ang Panginoon sa Silo, sapagka't ang Panginoo'y napakilala kay Samuel sa Silo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon. 009 1SA 004 001 At ang salita ni Samuel ay dumating sa buong Israel, Ngayo'y lumabas ang Israel laban sa mga Filisteo upang makipagbaka, at humantong sa Ebenezer: at ang mga Filisteo ay humantong sa Aphec. 009 1SA 004 002 At ang mga Filisteo ay humanay laban sa Israel: at nang sila'y magsagupa, ang Israel ay nasaktan sa harap ng mga Filisteo; at kanilang pinatay sa hukbo sa parang, ay may apat na libong lalake. 009 1SA 004 003 At nang ang bayan ay dumating sa kampamento, ay sinabi ng mga matanda sa Israel, Bakit sinaktan tayo ngayon ng Panginoon sa harap ng mga Filisteo? Ating dalhin sa atin ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa Silo, upang mapasa gitna natin yaon, at iligtas tayo sa kamay ng ating mga kaaway. 009 1SA 004 004 Sa gayo'y nagsugo ang bayan sa Silo, at kanilang dinala mula roon ang kaban ng tipan ng Panginoon ng mga hukbo, na nauupo sa gitna ng mga querubin: at ang dalawang anak ni Eli, si Ophni at si Phinees, ay nandoon na binabantayan ang kaban ng tipan ng Dios. 009 1SA 004 005 At nang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay pumasok sa kampamento, ang buong Israel ay humiyaw ng malakas na hiyaw, na ano pa't naghinugong sa lupa. 009 1SA 004 006 At nang marinig ng mga Filisteo ang ingay ng hiyaw, ay nagsipagsabi, Ano ang kahulugan ng ingay nitong malakas na hiyaw sa kampamento ng mga Hebreo? At kanilang natalastas na ang kaban ng Panginoon ay ipinasok sa kampamento. 009 1SA 004 007 At ang mga Filisteo ay nangatakot, sapagka't kanilang sinabi, Ang Dios ay pumasok sa kampamento. At kanilang sinabi, Sa aba natin! sapagka't hindi pa nagkakaroon ng ganyang bagay kailan man. 009 1SA 004 008 Sa aba natin! sino ang magliligtas sa atin sa kamay ng makapangyarihang mga dios na ito? ito ang mga dios na nanakit sa mga taga-Egipto ng sarisaring salot sa ilang. 009 1SA 004 009 Kayo'y magpakalakas at magpakalalake, Oh kayong mga Filisteo, upang kayo'y huwag maging mga alipin ng mga Hebreo, na gaya ng naging lagay nila sa inyo: kayo'y magpakalalake, at magsilaban. 009 1SA 004 010 At ang mga Filisteo ay nagsilaban, at ang Israel ay nasaktan, at tumakas ang bawa't isa sa kanila sa kaniyang tolda: at nagkaroon ng malaking patayan; sapagka't nabuwal sa Israel ay tatlong pung libong lalaking lakad. 009 1SA 004 011 At ang kaban ng Dios ay kinuha; at ang dalawang anak ni Eli, si Ophni at Phinees ay pinatay. 009 1SA 004 012 At tumakbo ang isang lalake ng Benjamin na mula sa hukbo, at naparoon sa Silo nang araw ding yaon, na may barong hapak at may lupa sa kaniyang ulo. 009 1SA 004 013 At nang siya'y dumating, narito, si Eli ay nakaupo sa kaniyang upuan sa tabi ng daan na nagbabantay; sapagka't ang kaniyang puso'y nanginginig dahil sa kaban ng Dios. At nang ang tao ay pumasok sa bayan, at saysayin ang mga balita, ang buong bayan ay humiyaw. 009 1SA 004 014 At nang marinig ni Eli ang ingay ng hiyawan, ay kaniyang sinabi, Ano ang kahulugan ng kaingay ng gulong ito? At ang tao'y nagmadali, at naparoon, at isinaysay kay Eli. 009 1SA 004 015 Si Eli nga'y may siyam na pu't walong taon na; at ang kaniyang mga mata'y malalabo na, siya'y di na makakita. 009 1SA 004 016 At sinabi ng lalake kay Eli, Ako yaong nanggaling sa hukbo, at ako'y tumakas ngayon mula sa hukbo. At kaniyang sinabi, Paano ang nangyari, anak ko? 009 1SA 004 017 At siya na nagdala ng mga balita ay sumagot at nagsabi, Ang Israel ay tumakas sa harap ng mga Filisteo, at nagkaroon din naman doon ng isang malaking patayan sa gitna ng bayan, at pati ng iyong dalawang anak, si Ophni at si Phinees ay patay na, at ang kaban ng Dios ay kinuha. 009 1SA 004 018 At nangyari, nang kaniyang banggitin ang kaban ng Dios, na siya'y nabuwal sa likuran sa kaniyang upuan sa dako ng pintuang-bayan; at nabalian siya sa leeg, at siya'y namatay: sapagka't siya'y lalaking matanda at mabigat. At hinatulan niya ang Israel na apat na pung taon. 009 1SA 004 019 At ang kaniyang manugang, na asawa ni Phinees, ay buntis na kagampan: at pagkarinig niya ng balita na ang kaban ng Dios ay kinuha, at ang kaniyang biyanan at kaniyang asawa ay patay na, ay yumukod siya at napanganak; sapagka't ang kaniyang pagdaramdam ay dumating sa kaniya. 009 1SA 004 020 At nang mamatay na siya, ay sinabi sa kaniya ng mga babaing nakatayo sa siping niya, Huwag kang matakot; sapagka't ikaw ay nanganak ng isang lalake. Nguni't hindi siya sumagot, o inalumana man niya. 009 1SA 004 021 At ipinangalan niya sa bata ay Ichabod, na sinasabi, Ang kaluwalhatian ay nahiwalay sa Israel; sapagka't ang kaban ng Dios ay kinuha, at dahil sa kaniyang biyanan at sa kaniyang asawa. 009 1SA 004 022 At kaniyang sinabi, Ang kaluwalhatian ng Dios ay nahiwalay sa Israel; sapagka't ang kaban ng Dios ay kinuha. 009 1SA 005 001 Kinuha nga ng mga Filisteo ang kaban ng Dios, at kanilang dinala sa Asdod mula sa Eben-ezer. 009 1SA 005 002 At kinuha ng mga Filisteo ang kaban ng Dios at ipinasok sa bahay ni Dagon, at inilagay sa tabi ni Dagon. 009 1SA 005 003 At nang bumangong maaga ang mga taga Asdod ng kinaumagahan, narito, si Dagon ay buwal na nakasubasob sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon. At kanilang kinuha si Dagon, at inilagay siya uli sa dako niyang kinaroroonan. 009 1SA 005 004 At nang sila'y bumangong maaga ng kinaumagahan, narito, si Dagon ay buwal na nakasubasob sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon; at ang ulo ni Dagon at gayon din ang mga palad ng kaniyang mga kamay ay putol na nasa tayuan ng pintuan; ang katawan lamang ang naiwan sa kaniya. 009 1SA 005 005 Kaya't ang mga saserdote man ni Dagon, o ang sinomang nanasok sa bahay ni Dagon, ay hindi itinutungtong ang paa sa tayuan ng pintuan ni Dagon sa Asdod, hanggang sa araw na ito. 009 1SA 005 006 Nguni't ang kamay ng Panginoon ay bumigat sa mga taga Asdod, at mga ipinahamak niya, at mga sinaktan ng mga bukol, sa makatuwid baga'y ang Asdod at ang mga hangganan niyaon. 009 1SA 005 007 At nang makita ng mga lalake sa Asdod na gayon, ay kanilang sinabi, Ang kaban ng Dios ng Israel ay huwag matirang kasama natin; sapagka't ang kaniyang kamay ay mabigat sa atin, at kay Dagon ating dios. 009 1SA 005 008 Sila'y nagsugo nga at nagpipisan ang lahat ng mga pangulo ng mga Filisteo sa kanila at sinabi, Ano ang ating gagawin sa kaban ng Dios ng Israel? At sila'y sumagot, Dalhin sa Gath ang kaban ng Dios ng Israel. At kanilang dinala roon ang kaban ng Dios ng Israel. 009 1SA 005 009 At nangyari, na pagkatapos na kanilang madala, ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa bayan, na nagkaroon ng malaking pagkalito: at sinaktan niya ang mga tao sa bayan, ang maliit at gayon din ang malaki; at mga bukol ay sumibol sa kanila. 009 1SA 005 010 Sa gayo'y kanilang ipinadala ang kaban ng Dios sa Ecron. At nangyari, pagdating ng kaban ng Dios sa Ecron, na ang mga Ecronita ay sumigaw, na nagsasabi, Kanilang dinala sa atin ang kaban ng Dios ng Israel, upang patayin tayo at ang ating bayan. 009 1SA 005 011 Pinasuguan nga nilang magpipisan ang lahat ng pangulo ng mga Filisteo, at kanilang sinabi, Ipadala ninyo ang kaban ng Dios ng Israel, at ipabalik ninyo sa kaniyang sariling dako, upang huwag kaming patayin at ang aming bayan. Sapagka't nagkaroon ng panglitong ikamamatay sa buong bayan: ang kamay ng Dios ay totoong bumigat doon. 009 1SA 005 012 At ang mga lalaking hindi namatay ay nasaktan ng mga bukol; at ang daing ng bayan ay umabot sa langit. 009 1SA 006 001 At ang kaban ng Panginoon ay napasa lupain ng mga Filisteo na pitong buwan. 009 1SA 006 002 At tinawag ng mga Filisteo ang mga saserdote at ang mga manghuhula, na sinasabi, Anong aming gagawin sa kaban ng Panginoon? Ipatalastas ninyo sa amin kung aming ipadadala sa kaniyang dako. 009 1SA 006 003 At kanilang sinabi, Kung inyong ipadadala ang kaban ng Dios ng Israel, ay huwag ninyong ipadalang walang laman; kundi sa ano pa man ay inyong ibalik siya na may handog ng dahil sa pagkakasala: kung magkagayo'y gagaling kayo, at malalaman ninyo kung bakit ang kaniyang kamay ay hindi humiwalay sa inyo. 009 1SA 006 004 Nang magkagayo'y kanilang sinabi, Ano ang handog dahil sa pagkakasala na aming igaganti sa kaniya? At kanilang sinabi, Limang gintong bukol, at limang gintong daga ayon sa bilang ng mga pangulo ng mga Filisteo; sapagka't iisang salot ang napasa inyong lahat, at napasa inyong mga pangulo. 009 1SA 006 005 Kaya't kayo'y gagawa ng mga larawan ng inyong mga bukol, at mga larawan ng inyong mga daga na sumira ng lupain, at inyong bibigyan ng kaluwalhatian ang Dios ng Israel: baka sakaling kaniyang gaanan ang kaniyang kamay sa inyo, at sa inyong mga dios, at sa inyong lupain. 009 1SA 006 006 Bakit nga ninyo pinapagmamatigas ang inyong puso, na gaya ng mga taga Egipto at ni Faraon na pinapagmatigas ang kanilang puso? Nang siya'y makagawa ng kahangahanga sa kanila, di ba nila pinayaon ang bayan, at sila'y yumaon? 009 1SA 006 007 Ngayon nga'y kumuha kayo at maghanda kayo ng isang bagong karo, at dalawang bagong bakang gatasan, na hindi napatungan ng pamatok; at ikabit ninyo ang mga baka sa karo, at iuwi ninyo ang kanilang mga guya. 009 1SA 006 008 At kunin ninyo ang kaban ng Panginoon, at isilid ninyo sa karo; at isilid ninyo sa isang kahang nasa tabi niyaon ang mga hiyas na ginto na inyong ibabalik sa kaniya na pinakahandog dahil sa pagkakasala; at inyong ipadala upang yumaon. 009 1SA 006 009 At tingnan ninyo; kung umahon sa daan ng kaniyang sariling hangganan sa Beth-semes, ginawa nga niya sa atin ang malaking kasamaang ito: nguni't kung hindi, malalaman nga natin na hindi kaniyang kamay ang nanakit sa atin; isang pagkakataong nangyari sa atin. 009 1SA 006 010 At ginawang gayon ng mga lalake, at kumuha ng dalawang bagong bakang gatasan, at mga ikinabit sa karo, at kinulong ang kanilang mga guya sa bahay: 009 1SA 006 011 At kanilang inilagay ang kaban ng Panginoon sa karo, at ang kaha na may mga dagang ginto at mga larawan ng kanilang mga bukol. 009 1SA 006 012 At tinuwid ng mga baka ang daan sa Beth-semes; sila'y nagpatuloy sa lansangan, na umuungal habang yumayaon, at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa; at ang mga pangulo ng mga Filisteo ay sumunod sa kanila hanggang sa hangganan ng Beth-semes. 009 1SA 006 013 At silang mga Beth-semita ay umaani ng kanilang trigo sa libis: at kanilang itiningin ang kanilang mga mata, at nakita ang kaban, at nangagalak sa pagkakita niyaon. 009 1SA 006 014 At ang karo ay pumasok sa bukid ni Josue na Beth-semita, at tumayo roon, sa kinaroroonan ng isang malaking bato: at kanilang biniyak ang kahoy ng karo, at inihandog sa Panginoon ang mga baka na pinakahandog na susunugin. 009 1SA 006 015 At ibinaba ng mga Levita ang kaban ng Panginoon, at ang kaha na kasama niyaon, na may silid na mga hiyas na ginto, at mga ipinatong sa malaking bato at ang mga lalake sa Beth-semes ay naghandog ng mga handog na susunugin at naghain ng mga hain ng araw ding yaon sa Panginoon. 009 1SA 006 016 At nang makita ng limang pangulo ng mga Filisteo, ay bumalik sa Ecron nang araw ding yaon. 009 1SA 006 017 At ito ang mga bukol na ginto na ibinalik ng mga Filisteo sa Panginoon na pinakahandog dahil sa pagkakasala: sa Asdod ay isa, sa Gaza ay isa, sa Ascalon ay isa, sa Gath ay isa, sa Ecron ay isa; 009 1SA 006 018 At ang mga dagang ginto, ayon sa bilang ng lahat ng mga bayan ng mga Filisteo na nauukol sa limang pangulo, ng mga bayan na nakukutaan at gayon din ng mga nayon sa parang; sa makatuwid baga'y hanggang sa malaking bato na kanilang pinagbabaan ng kaban ng Panginoon, na ang batong yaon ay namamalagi hanggang sa araw na ito sa bukid ni Josue na Beth-semita. 009 1SA 006 019 At sumakit ang Dios sa mga tao sa Beth-semes, sapagka't kanilang tiningnan ang loob ng kaban ng Panginoon, sa makatuwid baga'y pumatay siya sa bayan ng pitong pung lalake at limang pung libong tao. At ang bayan ay nanaghoy, sapagka't sinaktan ng Panginoon ang bayan ng di kawasang pagpatay. 009 1SA 006 020 At ang mga lalake sa Beth-semes ay nagsabi, Sino ang makatatayo sa harap ng Panginoon, dito sa banal na Dios? at sino ang kaniyang sasampahin mula sa atin? 009 1SA 006 021 At sila'y nagsugo ng mga sugo sa mga tumatahan sa Chiriath-jearim, na nagsasabi, Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ng Panginoon; kayo'y magsilusong at iahon ninyo sa inyo. 009 1SA 007 001 At ang mga lalake sa Chiriath-jearim ay nagsiparoon, at iniahon ang kaban ng Panginoon, at dinala sa bahay ni Abinadab sa burol, at pinapagbanal si Eleazar na kaniyang anak, upang ingatan ang kaban ng Panginoon. 009 1SA 007 002 At nangyari, mula nang araw na itahan ang kaban sa Chiriath-jearim, na ang panahon ay nagtatagal; sapagka't naging dalawang pung taon; at ang buong sangbahayan ng Israel ay tumaghoy sa Panginoon. 009 1SA 007 003 At nagsalita si Samuel sa buong sangbahayan ng Israel, na nagsasabi, Kung kayo'y babalik sa Panginoon ng buo ninyong puso ay inyo ngang alisin sa inyo ang mga dios na iba, at ang mga Astaroth, at ihanda ninyo ang inyong mga puso sa Panginoon, at sa kaniya lamang kayo maglingkod; at ililigtas niya kayo sa kamay ng mga Filisteo. 009 1SA 007 004 Nang magkagayo'y inalis ng mga anak ni Israel ang mga Baal at ang mga Astaroth, at sa Panginoon lamang naglingkod. 009 1SA 007 005 At sinabi ni Samuel, Pisanin ninyo ang buong Israel sa Mizpa at idadalangin ko kayo sa Panginoon. 009 1SA 007 006 At sila'y nagtitipon sa Mizpa, at nagsiigib ng tubig, at ibinuhos sa harap ng Panginoon, at nagsipagayuno nang araw na yaon, at nangagsabi, Kami ay nangagkasala laban sa Panginoon. At naghukom si Samuel sa mga anak ni Israel sa Mizpa. 009 1SA 007 007 At nang mabalitaan ng mga Filisteo na ang mga anak ni Israel ay nagtitipon sa Mizpa, nagsiahon laban sa Israel ang mga pangulo ng mga Filisteo. At nang mabalitaan ng mga anak ni Israel, ay nangatakot sa mga Filisteo. 009 1SA 007 008 At sinabi ng mga anak ni Israel kay Samuel, Huwag kang tumigil ng kadadalangin sa Panginoon nating Dios, ng dahil sa atin, upang iligtas niya tayo sa kamay ng mga Filisteo. 009 1SA 007 009 At kumuha si Samuel ng isang korderong pasusuhin, at inihandog na pinaka buong handog na susunugin sa Panginoon: at dumaing si Samuel sa Panginoon dahil sa Israel; at ang Panginoon ay sumagot sa kaniya. 009 1SA 007 010 At samantalang si Samuel ay naghahandog ng handog na susunugin, ay lumapit ang mga Filisteo upang makipagbaka laban sa Israel; nguni't ang Panginoon ay nagpakulog ng isang malakas na kulog nang araw na yaon sa mga Filisteo, at nilito sila; at sila'y nangabuwal sa harap ng Israel. 009 1SA 007 011 At ang mga lalake sa Israel ay nagsilabas sa Mizpa, at hinabol ang mga Filisteo, at sinaktan sila, hanggang sa nagsidating sila sa Beth-car. 009 1SA 007 012 Nang magkagayo'y kumuha si Samuel ng isang bato, at inilagay sa pagitan ng Mizpa at ng Sen, at tinawag ang pangalan niyaon na Ebenezer, na sinasabi, Hanggang dito'y tinulungan tayo ng Panginoon. 009 1SA 007 013 Sa gayo'y nagsisuko ang mga Filisteo, at hindi na sila pumasok pa sa hangganan ng Israel: at ang kamay ng Panginoon ay laban sa Filisteo lahat ng mga araw ni Samuel. 009 1SA 007 014 At ang mga bayan na sinakop ng mga Filisteo sa Israel ay nasauli sa Israel, mula sa Ecron hanggang sa Gath; at ang mga hangganan niyaon ay pinapaging laya ng Israel sa kamay ng mga Filisteo. At nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Israel at ng mga Amorrheo. 009 1SA 007 015 At hinatulan ni Samuel ang Israel lahat ng mga araw ng kaniyang buhay. 009 1SA 007 016 At siya'y naparoon na lumigid taon-taon sa Beth-el, at sa Gilgal, at sa Mizpa; at hinatulan niya ang Israel sa lahat ng mga dakong yaon. 009 1SA 007 017 At ang kaniyang balik ay sa Rama, sapagka't nandoon ang kaniyang bahay; at doo'y hinatulan niya ang Israel: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon. 009 1SA 008 001 At nangyari, nang si Samuel ay matanda na, na kaniyang ginawang mga hukom sa Israel ang kaniyang mga anak. 009 1SA 008 002 Ang pangalan nga ng kaniyang panganay ay Joel; at ang pangalan ng kaniyang ikalawa ay Abia: sila'y mga hukom sa Beer-seba. 009 1SA 008 003 At ang kaniyang mga anak ay hindi lumakad sa kaniyang mga daan, kundi lumingap sa mahalay na kapakinabangan, at tumanggap ng mga suhol, at sinira ang paghatol. 009 1SA 008 004 Nang magkagayo'y nagpipisan ang mga matanda ng Israel, at naparoon kay Samuel sa Ramatha; 009 1SA 008 005 At kanilang sinabi sa kaniya, Narito, ikaw ay matanda na, at ang iyong mga anak ay hindi lumalakad sa iyong mga daan: ngayon nga'y lagyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin gaya ng lahat ng mga bansa. 009 1SA 008 006 Nguni't hindi minabuti ni Samuel, nang kanilang sabihin, Bigyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin. At si Samuel ay nanalangin sa Panginoon. 009 1SA 008 007 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Dinggin mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo; sapagka't hindi ikaw ang kanilang itinakuwil, kundi itinakuwil nila ako, upang huwag akong maghari sa kanila. 009 1SA 008 008 Ayon sa lahat na gawa na kanilang ginawa mula nang araw na iahon ko sila mula sa Egipto hanggang sa araw na ito, sa kanilang pagiiwan sa akin, at paglilingkod sa ibang mga dios ay gayon ang ginagawa nila sa iyo. 009 1SA 008 009 Ngayon nga'y dinggin mo ang kanilang tinig: gayon ma'y tatanggi kang mainam sa kanila, at ipakikilala mo sa kanila ang paraan ng hari na maghahari sa kanila. 009 1SA 008 010 At isinaysay ni Samuel ang buong salita ng Panginoon sa bayan na humihingi sa kaniya ng isang hari. 009 1SA 008 011 At kaniyang sinabi, Ito ang magiging paraan ng hari na maghahari sa inyo: kaniyang kukunin ang inyong mga anak at kaniyang ilalagay sa kaniyang mga karo, at upang maging mga mangangabayo niya; at sila'y tatakbo sa unahan ng kaniyang mga karo; 009 1SA 008 012 At kaniyang mga ihahalal sa kaniya na mga kapitan ng lilibuhin at mga kapitan ng lilimangpuin; at ang iba ay upang umararo ng kaniyang lupa, at umani ng kaniyang aanihin, at upang gumawa ng kaniyang mga sangkap na pangdigma, at sangkap sa kaniyang mga karo. 009 1SA 008 013 At kaniyang kukunin ang inyong mga anak na babae upang maging mga manggagawa ng pabango, at maging mga tagapagluto, at maging mga magtitinapay. 009 1SA 008 014 At kaniyang kukunin ang inyong mga bukid, at ang inyong mga ubasan, at ang inyong mga olibohan, sa makatuwid baga'y ang pinakamabuti sa mga yaon, upang mga ibigay sa kaniyang mga lingkod. 009 1SA 008 015 At kaniyang kukunin ang ika-sangpung bahagi ng inyong binhi, at ng inyong mga ubasan, at ibibigay sa kaniyang mga punong kawal, at sa kaniyang mga lingkod. 009 1SA 008 016 At kaniyang kukunin ang inyong mga aliping lalake at babae, at ang inyong pinakamabuting bataan, at ang inyong mga asno, at mga ilalagay sa kaniyang mga gawain. 009 1SA 008 017 Kaniyang kukunin ang ikasangpung bahagi ng inyong mga kawan: at kayo'y magiging kaniyang mga lingkod. 009 1SA 008 018 At kayo'y dadaing sa araw na yaon, dahil sa inyong hari na inyong pipiliin; at hindi kayo sasagutin ng Panginoon sa araw na yaon. 009 1SA 008 019 Nguni't tinanggihang dinggin ng bayan ang tinig ni Samuel; at kanilang sinabi, Hindi; kundi magkakaroon kami ng hari sa amin; 009 1SA 008 020 Upang kami naman ay maging gaya ng lahat ng mga bansa, at upang hatulan kami ng aming hari, at lumabas sa unahan namin, at ipakipaglaban ang aming pakikipagbaka. 009 1SA 008 021 At narinig ni Samuel ang lahat ng mga salita ng bayan, at kaniyang mga isinaysay sa pakinig ng Panginoon. 009 1SA 008 022 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Dinggin mo ang kanilang tinig at lagyan mo sila ng hari. At sinabi ni Samuel sa mga tao sa Israel, Yumaon ang bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang bayan. 009 1SA 009 001 May isang lalake nga sa Benjamin, na ang pangala'y Cis, na anak ni Abiel, na anak ni Seor, na anak ni Bechora, na anak ni Aphia, na anak ng isang Benjamita, na isang makapangyarihang lalake na may tapang. 009 1SA 009 002 At siya'y may isang anak na lalake, na ang pangala'y Saul, isang bata at makisig: at sa mga anak ni Israel ay walang lalong makisig na lalake kay sa kaniya: mula sa kaniyang mga balikat at hanggang sa paitaas ay lalong mataas siya kay sa sinoman sa bayan. 009 1SA 009 003 At ang mga asno ni Cis na ama ni Saul ay nawala. At sinabi ni Cis kay Saul na kaniyang anak, Ipagsama mo ngayon ang isa sa mga bataan, at ikaw ay tumindig, at hanapin mo ang mga asno. 009 1SA 009 004 At siya'y nagdaan sa lupaing maburol ng Ephraim, at nagdaan sa lupain ng Salisa, nguni't hindi nila nangasumpungan: nang magkagayo'y nagdaan sila sa lupain ng Saalim, at wala roon: at sila'y nagdaan sa lupain ng mga Benjamita, nguni't hindi nila nangasumpungan doon. 009 1SA 009 005 Nang sila'y dumating sa lupain ng Suph, ay sinabi ni Saul sa kaniyang bataan na kasama niya, Halina at bumalik tayo, baka walaing bahala ng aking ama ang mga asno at ang alalahanin ay tayo. 009 1SA 009 006 At sinabi niya sa kaniya, Narito, may isa ngang lalake ng Dios sa bayang ito, at siya'y isang lalaking may dangal; lahat ng kaniyang sinasabi ay tunay na nangyayari: ngayo'y pumaroon tayo; marahil ay masasaysay niya sa atin ang tungkol sa ating paglalakbay kung saan tayo paroroon. 009 1SA 009 007 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang bataan, Nguni't narito, kung tayo'y pumaroon, ano ang ating dadalhin sa lalake? sapagka't naubos na ang tinapay sa ating mga buslo, at wala na tayong madadalang kaloob sa lalake ng Dios: anong mayroon tayo? 009 1SA 009 008 At sumagot uli ang bataan kay Saul, at nagsabi, Narito, mayroon ako sa aking kamay na ikaapat na bahagi ng isang siklong pilak: iyan ang aking ibibigay sa lalake ng Dios, upang saysayin sa atin ang ating paglalakbay. 009 1SA 009 009 (Nang una sa Israel, pagka ang isang lalake ay mag-uusisa sa Dios, ay ganito ang sinasabi, Halika, at tayo'y pumaroon sa tagakita: sapagka't yaon ngang tinatawag na Propeta ngayon ay tinatawag nang una na Tagakita.) 009 1SA 009 010 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang bataan, Mabuti ang sinasabi mo; halika, tayo'y pumaroon. Sa gayo'y naparoon sila sa bayang kinaroroonan ng lalake ng Dios. 009 1SA 009 011 Samantalang inaahon nila ang ahunan sa bayan ay nakasalubong sila ng mga dalagang lumalabas upang umigib ng tubig, at sinabi nila sa kanila, Narito ba ang tagakita? 009 1SA 009 012 At sila'y sumagot sa kanila, at nagsabi, Siya'y nariyan, narito, nasa unahan mo: magmadali kayo ngayon, sapagka't siya'y naparoon ngayon sa bayan; sapagka't ang bayan ay may hain ngayon sa mataas na dako. 009 1SA 009 013 Pagkapasok ninyo sa bayan, ay agad masusumpungan ninyo siya, bago siya umahon sa mataas na dako upang kumain; sapagka't ang bayan ay hindi kakain hanggang sa siya'y dumating, sapagka't kaniyang binabasbasan ang hain; at pagkatapos ay kumakain ang mga inanyayahan. Kaya nga umahon kayo; sapagka't sa oras na ito'y inyong masusumpungan siya. 009 1SA 009 014 At sila'y umahon sa bayan; at pagpasok nila sa bayan, narito, si Samuel ay nasasalubong nila, na papaahon sa mataas na dako. 009 1SA 009 015 Inihayag nga ng Panginoon kay Samuel isang araw bago si Saul ay naparoon, na sinasabi, 009 1SA 009 016 Bukas sa ganitong oras ay susuguin ko sa iyo ang isang lalake na mula sa lupain ng Benjamin, at iyong papahiran siya ng langis upang maging pangulo sa aking bayang Israel; at kaniyang ililigtas ang aking bayan sa kamay ng mga Filisteo: sapagka't aking tiningnan ang aking bayan, dahil sa ang kanilang daing ay sumapit sa akin. 009 1SA 009 017 At nang makita ni Samuel si Saul, ay sinabi ng Panginoon sa kaniya, Narito ang lalake na aking sinalita sa iyo! ito nga ang magkakaroon ng kapangyarihan sa aking bayan. 009 1SA 009 018 Nang magkagayo'y lumapit si Saul kay Samuel sa pintuang-bayan, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin, kung saan nandoon ang bahay ng tagakita. 009 1SA 009 019 At sumagot si Samuel kay Saul, at nagsabi, Ako ang tagakita; umahon kang magpauna sa akin sa mataas na dako, sapagka't kakain kang kasalo ko ngayon: at sa kinaumagahan ay payayaunin kita, at sasaysayin ko sa iyo ang lahat na nasa loob mo. 009 1SA 009 020 At tungkol sa iyong mga asno na may tatlong araw ng nawawala ay huwag mong alalahanin; sapagka't nasumpungan na. At kanino ang buong pagnanasa sa Israel? Hindi ba sa iyo, at sa buong sangbahayan ng iyong ama? 009 1SA 009 021 At si Saul ay sumagot, at nagsabi, Hindi ba ako Benjamita, sa pinakamaliit na lipi ng Israel? at ang aking angkan ang pinakamababa sa mga angkan ng lipi ng Benjamin? bakit nga nagsasalita ka sa akin ng ganitong paraan? 009 1SA 009 022 At ipinagsama ni Samuel si Saul at ang kaniyang bataan, at ipinasok niya sila sa kabahayan, at pinaupo sila sa pinakapangulong dako sa gitna niyaong mga naanyayahan, na may tatlong pung katao. 009 1SA 009 023 At sinabi ni Samuel sa tagapagluto, Dalhin mo rito ang bahagi na ibinigay ko sa iyo, na siyang aking sinabi sa iyo, Ilagay mo ito sa iyo. 009 1SA 009 024 At itinaas nga ng tagapagluto ang hita, at yaong nakapatong, at inilagay sa harap ni Saul. At sinabi ni Samuel, Narito, siya ngang itinago! ilagay mo sa harap mo at iyong kanin; sapagka't iningatan sa takdang panahon na ukol sa iyo, sapagka't aking sinabi, Aking inanyayahan ang bayan. Sa gayo'y kumain si Saul na kasalo ni Samuel nang araw na yaon. 009 1SA 009 025 At nang sila'y makalusong sa bayan mula sa mataas na dako, siya'y nakipagpulong kay Saul sa bubungan ng bahay. 009 1SA 009 026 At sila'y bumangong maaga: at nangyari sa pagbubukang liwayway, na tinawag ni Samuel si Saul sa bubungan, na sinasabi, Bangon, upang mapagpaalam kita. At si Saul ay bumangon, at lumabas kapuwa sila, siya at si Samuel. 009 1SA 009 027 At nang sila'y lumalabas sa hangganan ng bayan, ay sinabi ni Samuel kay Saul, Sabihin mo sa bataang magpauna sa atin (at siya'y nagpauna, ) nguni't tumigil ka sa oras na ito, upang maiparinig ko sa iyo ang salita ng Dios. 009 1SA 010 001 Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang mana? 009 1SA 010 002 Paghiwalay mo sa akin ngayon, ay masusumpungan mo nga ang dalawang lalake sa siping ng libingan ni Rachel, sa hangganan ng Benjamin sa Selsah; at sasabihin nila sa iyo, Ang mga asno na iyong hinahanap ay nasumpungan na; at, narito, niwalang bahala ng iyong ama ang mga asno, at ang inaalaala ay kayo, na sinasabi, Paano ang aking gagawin sa aking anak? 009 1SA 010 003 Kung magkagayo'y magpapatuloy ka mula roon, at darating ka sa ensina ng Tabor; at masasalubong ka roon ng tatlong lalake na inaahon ang Dios sa Beth-el, ang isa'y may dalang tatlong batang kambing, at ang isa'y may dalang tatlong tinapay, at ang isa'y may dalang isang balat na sisidlan ng alak: 009 1SA 010 004 At babatiin ka nila, at bibigyan ka ng dalawang tinapay, na iyong tatanggapin sa kanilang kamay. 009 1SA 010 005 Pagkatapos ay darating ka sa burol ng Dios, na nandoon ang isang pulutong ng mga Filisteo: at mangyayari pagdating mo roon sa bayan, na makakasalubong ka ng isang pulutong na mga propeta na lumulusong mula sa mataas na dako, na may salterio, at pandereta, at flauta, at alpa sa harap nila; at sila'y magsisipanghula. 009 1SA 010 006 At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sasaiyo, at manghuhula kang kasama nila, at ikaw ay magiging ibang lalake. 009 1SA 010 007 At mano nawa, na pagka ang mga tandang ito ay mangyari sa iyo, na gawin mo ang idudulot ng pagkakataon; sapagka't ang Dios ay sumasaiyo. 009 1SA 010 008 At ikaw ay lulusong na una sa akin sa Gilgal; at, narito, lulusungin kita, upang maghandog ng mga handog na susunugin, at maghain ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: pitong araw na maghihintay ka, hanggang sa ako'y pumaroon sa iyo, at ituro sa iyo kung ano ang iyong gagawin. 009 1SA 010 009 At nangyaring gayon, na nang kaniyang matalikdan na iwan niya si Samuel, ay binigyan siya ng Dios ng ibang puso: at ang lahat na tandang yaon ay nangyari sa araw na yaon. 009 1SA 010 010 At nang sila'y dumating doon sa burol, narito, isang pulutong na mga propeta ay nasasalubong niya; at ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihang suma kaniya, at siya'y nanghula sa gitna nila. 009 1SA 010 011 At nangyari nang makita siya ng lahat na nakakakilala sa kaniya nang una, na, narito siya'y nanghuhulang kasama ng mga propeta, ay nagsalisalitaan ang bayan, Ano itong nangyari sa anak ni Cis? Si Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta? 009 1SA 010 012 At isang taga dakong yaon ay sumagot at nagsabi, At sino ang kanilang ama? Kaya't naging kawikaan, Si Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta? 009 1SA 010 013 At nang siya'y makatapos ng panghuhula, siya'y sumampa sa mataas na dako. 009 1SA 010 014 At sinabi ng amain ni Saul sa kaniya at sa kaniyang bataan, Saan kayo naparoon? At kaniyang sinabi, Upang hanapin ang mga asno, at nang aming makita na hindi mangasumpungan, ay naparoon kami kay Samuel. 009 1SA 010 015 At sinabi ng amain ni Saul, Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin, kung ano ang sinabi ni Samuel sa inyo. 009 1SA 010 016 At sinabi ni Saul sa kaniyang amain, Sinabi niyang maliwanag sa amin na ang mga asno ay nasumpungan na. Nguni't tungkol sa bagay ng kaharian, na sinalita ni Samuel, ay hindi niya isinaysay sa kaniya. 009 1SA 010 017 At tinipon ni Samuel ang bayan sa Panginoon sa Mizpa; 009 1SA 010 018 At sinabi niya sa mga anak ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Iniahon ko ang Israel mula sa Egipto, at pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto, at sa kamay ng lahat ng mga kaharian na pumighati sa inyo: 009 1SA 010 019 Nguni't itinakuwil ninyo sa araw na ito ang inyong Dios, na siyang nagligtas sa inyo sa lahat ng mga inyong kasakunaan at mga kapighatian; at sinabi ninyo sa kaniya, Hindi, kundi lagyan mo kami ng isang hari. Ngayon nga'y humarap kayo sa Panginoon ayon sa inyoinyong mga lipi, at ayon sa inyong mga libolibo. 009 1SA 010 020 Sa gayo'y pinalapit ni Samuel ang lahat ng mga lipi, at ang lipi ni Benjamin ang napili. 009 1SA 010 021 At kaniyang inilapit ang lipi ni Benjamin ayon sa kaniyang mga angkan; at ang angkan ni Matri ay siyang napili; at si Saul na anak ni Cis, ay siyang napili: nguni't nang kanilang hanapin siya ay hindi nasumpungan. 009 1SA 010 022 Kaya't kanilang itinanong uli sa Panginoon, May lalake pa bang paririto? At ang Panginoon ay sumagot, Narito siya'y nagtago sa mga kasangkapan. 009 1SA 010 023 At sila'y tumakbo at kinuha nila siya roon; at nang siya'y tumayo sa gitna ng bayan, ay mataas siya kay sa sinoman sa bayan, mula sa kaniyang mga balikat at paitaas. 009 1SA 010 024 At sinabi ni Samuel sa buong bayan, Nakikita ba ninyo siya na pinili ng Panginoon, na walang gaya niya sa buong bayan? At ang buong bayan ay sumigaw, at nagsabi, Mabuhay ang hari. 009 1SA 010 025 Nang magkagayo'y sinaysay ni Samuel sa bayan ang paraan ng kaharian, at isinulat sa isang aklat, at inilagay sa harap ng Panginoon. At pinayaon ni Samuel ang buong bayan, na pinauwi bawa't tao sa kaniyang bahay. 009 1SA 010 026 At si Saul man ay umuwi sa kaniyang bahay sa Gabaa; at yumaong kasama niya ang hukbo, na ang kanilang mga kalooban ay kinilos ng Dios. 009 1SA 010 027 Nguni't sinabi ng ilang hamak na tao, Paanong ililigtas tayo ng taong ito? At kanilang niwalang kabuluhan at hindi nila dinalhan ng kaloob. Nguni't siya'y hindi umimik. 009 1SA 011 001 Nang magkagayo'y umahon si Naas na Ammonita at humantong laban sa Jabes-galaad: at sinabi kay Naas ng lahat na lalake sa Jabes, Makipagtipan ka sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo. 009 1SA 011 002 At sinabi ni Naas na Ammonita sa kanila, Sa ganitong paraan gagawin ko sa inyo, na ang lahat ninyong kanang mata ay dukitin; at aking ilalagay na pinakapintas sa buong Israel. 009 1SA 011 003 At sinabi ng mga matanda sa Jabes sa kaniya, Bigyan mo kami ng palugit na pitong araw upang kami ay makapagpasugo ng mga sugo sa lahat ng mga hangganan ng Israel; at kung wala ngang magliligtas sa amin, lalabasin ka namin. 009 1SA 011 004 Nang magkagayo'y pumaroon ang mga sugo sa Gabaa kay Saul at sinalita ang mga salitang ito sa mga pakinig ng bayan: at ang buong bayan ay naglakas ng tinig at umiyak. 009 1SA 011 005 At, narito, sinusundan ni Saul ang mga baka sa bukid; at sinabi ni Saul, Anong mayroon ang bayan na sila'y umiiyak? At kanilang isinaysay ang mga salita ng mga lalake sa Jabes. 009 1SA 011 006 At ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihan suma kay Saul nang kaniyang marinig ang mga salitang yaon, at ang kaniyang galit ay nagalab na mainam. 009 1SA 011 007 At siya'y kumuha ng dalawang magkatuwang na baka, at kaniyang kinatay, at ipinadala niya sa lahat ng mga hangganan ng Israel sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo, na sinasabi, Sinomang hindi lumabas na sumunod kay Saul at kay Samuel, ay ganyan ang gagawin sa kaniyang mga baka. At ang takot sa Panginoon ay nahulog sa bayan, at sila'y lumabas na parang iisang tao. 009 1SA 011 008 At binilang niya sila sa Bezec; at ang mga anak ni Israel, ay tatlong daang libo, at ang mga lalake ng Juda ay tatlong pung libo. 009 1SA 011 009 At sinabi nila sa mga sugo na naparoon, Ganito ang inyong sasabihin sa mga lalake sa Jabes-galaad, Bukas sa kainitan ng araw, ay magtataglay kayo ng kaligtasan. At naparoon ang mga sugo at isinaysay sa mga lalake sa Jabes; at sila'y natuwa. 009 1SA 011 010 Kaya't sinabi ng mga lalake sa Jabes, Bukas ay lalabasin namin kayo at inyong gagawin sa amin ang lahat na inyong inaakalang mabuti sa inyo. 009 1SA 011 011 At naging gayon sa kinabukasan, na inilagay ni Saul ang bayan ng tatlong pulutong; at sila'y pumasok sa gitna ng kampamento sa pagbabantay sa kinaumagahan at sinaktan ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw: at nangyari, na ang mga nalabi ay nangalat, na anopa't walang naiwang dalawang magkasama. 009 1SA 011 012 At sinabi ng bayan kay Samuel, Sino yaong nagsasabi, Maghahari ba si Saul sa amin? dalhin dito ang mga taong yaon upang aming patayin sila. 009 1SA 011 013 At sinabi ni Saul, Walang taong papatayin sa araw na ito; sapagka't ngayo'y gumawa ang Panginoon ng pagliligtas sa Israel. 009 1SA 011 014 Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel sa bayan, Halikayo at tayo'y paroon sa Gilgal, at ating baguhin ang kaharian doon. 009 1SA 011 015 At ang buong bayan ay naparoon sa Gilgal; at doo'y ginawa nilang hari sa Gilgal si Saul sa harap ng Panginoon; at doo'y naghain sila ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon; at si Saul at ang lahat ng mga lalake sa Israel ay nagalak na mainam doon. 009 1SA 012 001 At sinabi ni Samuel sa buong Israel, Narito, aking dininig ang inyong tinig sa lahat na inyong sinabi sa akin, at naghalal ako ng isang hari sa inyo. 009 1SA 012 002 At ngayo'y narito, ang hari ay lumalakad sa unahan ninyo; at ako'y matanda na at mauban; at, narito, ang aking mga anak ay kasama ninyo: at ako'y lumakad sa unahan ninyo mula sa aking kabataan hanggang sa araw na ito. 009 1SA 012 003 Narito ako: sumaksi kayo laban sa akin sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang pinahiran ng langis: kung kaninong baka ang kinuha ko? kung kaninong asno ang kinuha ko? o kung sino ang aking dinaya? kung sino ang aking pinighati? o kung kaninong kamay ako kumuha ng suhol upang bulagin ang aking mga mata niyaon? at aking isasauli sa inyo. 009 1SA 012 004 At kanilang sinabi, Hindi ka nagdaya sa amin, ni pumighati man sa amin, ni tumanggap man ng anoman sa kamay ng sinoman. 009 1SA 012 005 At sinabi niya sa kanila, Ang Panginoon ay saksi laban sa inyo at ang kaniyang pinahiran ng langis ay saksi sa araw na ito na hindi kayo nakasumpong ng anoman sa aking kamay. At kanilang sinabi, Siya'y saksi. 009 1SA 012 006 At sinabi ni Samuel sa bayan, Ang Panginoon ang siyang naghalal kay Moises at kay Aaron, at siyang nagahon sa inyong mga magulang mula sa lupain ng Egipto. 009 1SA 012 007 Ngayon nga'y tumayo kayo, upang aking maisaysay sa inyo sa harap ng Panginoon ang tungkol sa lahat na matuwid na gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa inyo at sa inyong mga magulang. 009 1SA 012 008 Nang si Jacob ay makapasok sa Egipto, at ang inyong mga magulang ay dumaing sa Panginoon, sinugo nga ng Panginoon si Moises at si Aaron, na siyang nagsipaglabas sa inyong mga magulang mula sa Egipto, at pinatira sila sa dakong ito. 009 1SA 012 009 Nguni't nilimot nila ang Panginoon nilang Dios; at ipinagbili niya sila sa kamay ng Sisara, na kapitan ng hukbo ni Azor, at sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng hari sa Moab; at sila'y nakipaglaban sa kanila. 009 1SA 012 010 At sila'y dumaing sa Panginoon at nagsabi, Kami ay nagkasala, sapagka't pinabayaan namin ang Panginoon at naglingkod kami sa mga Baal at sa mga Astaroth: nguni't ngayo'y palayain mo kami sa kamay ng aming mga kaaway, at kami ay maglilingkod sa iyo. 009 1SA 012 011 At sinugo ng Panginoon si Jerobaal, at si Bedan, at si Jephte, at si Samuel, at pinapaging laya ko sa kamay ng inyong mga kaaway sa bawa't dako, at kayo'y tumahang tiwasay. 009 1SA 012 012 At nang makita ninyo na si Naas na hari ng mga anak ni Ammon ay naparito laban sa inyo, ay inyong sinabi sa akin, Hindi, kundi isang hari ang maghahari sa amin; dangang ang Panginoon ninyong Dios ay siya ninyong hari. 009 1SA 012 013 Ngayon nga'y masdan ninyo ang hari na inyong pinili, at siya ninyong hiningi: at, narito, nilagyan kayo ng Panginoon ng isang hari sa inyo. 009 1SA 012 014 Kung kayo'y matatakot sa Panginoon, at maglilingkod sa kaniya, at makikinig sa kaniyang tinig, at hindi manghihimagsik laban sa utos ng Panginoon, at kayo at gayon din ang hari na naghahari sa inyo ay maging masunurin sa Panginoon ninyong Dios, ay mabuti: 009 1SA 012 015 Nguni't kung hindi ninyo didinggin ang tinig ng Panginoon, kundi manghihimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon, ay magiging laban nga sa inyo ang kamay ng Panginoon gaya sa inyong mga magulang. 009 1SA 012 016 Ngayon nga'y tumahimik kayo at tingnan ninyo itong dakilang bagay na gagawin ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata. 009 1SA 012 017 Hindi ba pagaani ng trigo sa araw na ito? Ako'y tatawag sa Panginoon, na siya'y magpapasapit ng kulog at ulan; at inyong malalaman at makikita na ang inyong kasamaan ay dakila, na inyong ginawa sa paningin ng Panginoon sa paghingi ninyo ng isang hari. 009 1SA 012 018 Sa gayo'y tumawag si Samuel sa Panginoon; at ang Panginoon ay nagpasapit ng kulog at ulan ng araw na yaon: at ang buong bayan ay natakot na mainam sa Panginoon at kay Samuel. 009 1SA 012 019 At sinabi ng buong bayan kay Samuel, Ipanalangin mo ang iyong mga lingkod sa Panginoon mong Dios, upang huwag kaming mamatay; sapagka't aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaang ito, na humingi kami para sa amin ng isang hari. 009 1SA 012 020 At sinabi ni Samuel sa bayan, Huwag kayong matakot: tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito; gayon ma'y huwag kayong lumihis ng pagsunod sa Panginoon, kundi kayo'y maglingkod ng buong puso sa Panginoon. 009 1SA 012 021 At huwag kayong lumiko; sapagka't kung gayo'y susunod kayo sa mga walang kabuluhang bagay na hindi ninyo mapapakinabangan o makapagpapalaya man, sapagka't mga walang kabuluhan. 009 1SA 012 022 Sapagka't hindi pababayaan ng Panginoon ang kaniyang bayan dahil sa kaniyang dakilang pangalan, sapagka't kinalulugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan niya. 009 1SA 012 023 Saka sa ganang akin, malayo nawang sa akin na ako'y magkasala laban sa Panginoon sa paglilikat ng pananalangin dahil sa inyo: kundi ituturo ko sa inyo ang mabuti at matuwid na daan. 009 1SA 012 024 Matakot lamang kayo sa Panginoon, at maglingkod kayo sa kaniya sa katotohanan ng inyong buong puso; dilidilihin nga ninyo kung gaanong dakilang mga bagay ang kaniyang ginawa sa inyo. 009 1SA 012 025 Nguni't kung kayo'y mamamalaging gagawa ng kasamaan, kayo'y malilipol, kayo at gayon din ang inyong hari. 009 1SA 013 001 Si Saul ay may (apat na pung) taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang taon sa Israel. 009 1SA 013 002 At pumili si Saul para sa kaniya ng tatlong libong lalake sa Israel, na ang dalawang libo ay kasama ni Saul sa Michmas at sa bundok ng Bethel, at ang isang libo ay kasama ni Jonathan sa Gabaa ng Benjamin: at ang labis ng bayan ay sinugo niya bawa't isa sa kaniyang tolda. 009 1SA 013 003 At sinaktan ni Jonathan ang pulutong ng mga Filisteo na nasa Geba; at nabalitaan ng mga Filisteo. At hinipan ni Saul ang pakakak sa buong lupain, na sinasabi, Marinig ng mga Hebreo. 009 1SA 013 004 At narinig nga ng buong Israel ng sabihin na sinaktan ni Saul ang pulutong ng mga Filisteo, at ang Israel naman ay naging kasuklam-suklam sa mga Filisteo. At ang bayan ay nagpipisan na sumunod kay Saul sa Gilgal. 009 1SA 013 005 At ang mga Filisteo ay nagpupulong upang lumaban sa Israel, tatlong pung libong karo, at anim na libong mangangabayo, at ang bayan na gaya ng buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan: at sila'y umahon at humantong sa Michmas sa dakong silanganan ng Beth-aven. 009 1SA 013 006 Nang makita ng mga lalake ng Israel na sila'y nasa kagipitan, (sapagka't ang bayan ay napipighati) ang bayan nga ay nagkubli sa mga yungib, at sa mga tinikan, at sa mga bato, at sa mga katibayan, at sa mga hukay. 009 1SA 013 007 Ang iba nga sa mga Hebreo ay tumawid sa Jordan na patungo sa lupain ng Gad, at ng Galaad; nguni't si Saul ay nasa Gilgal siya, at ang buong bayan ay sumunod sa kaniya na nanginginig. 009 1SA 013 008 At siya'y naghintay ng pitong araw, ayon sa takdang panahon na itinakda ni Samuel: nguni't si Samuel ay hindi naparoon sa Gilgal; at ang bayan ay nangangalat sa kaniya. 009 1SA 013 009 At sinabi ni Saul, Dalhin dito sa akin ang handog na susunugin, at ang handog tungkol sa kapayapaan. At kaniyang inihandog ang handog na susunugin. 009 1SA 013 010 At nangyari, na pagkatapos niyang maihandog ang handog na susunugin, narito, si Samuel ay dumating; at lumabas si Saul na sinalubong siya upang bumati sa kaniya. 009 1SA 013 011 At sinabi ni Samuel, Ano ang iyong ginawa? At sinabi ni Saul, Sapagka't aking nakita na ang bayan ay nangangalat sa akin, at hindi ka dumarating sa mga takdang araw, at ang mga Filisteo ay nagpupulong sa Michmas; 009 1SA 013 012 Kaya aking sinabi, Ngayo'y lulusungin ako ng mga Filisteo sa Gilgal, at hindi ko pa naipamamanhik ang kagalingan sa Panginoon: ako'y nagpumilit nga at inihandog ko ang handog na susunugin. 009 1SA 013 013 At sinabi ni Samuel kay Saul, Gumawa kang may kamangmangan; hindi mo ginanap ang utos ng Panginoon mong Dios na iniutos niya sa iyo: sapagka't itinatag sana ng Panginoon ang kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man. 009 1SA 013 014 Nguni't ngayon ay hindi matutuloy ang iyong kaharian: ang Panginoo'y humanap para sa kaniya ng isang lalaking ayon sa kaniyang sariling puso, at inihalal ng Panginoon siya na maging prinsipe sa kaniyang bayan, sapagka't hindi mo ginanap ang iniutos ng Panginoon sa iyo. 009 1SA 013 015 At bumangon si Samuel at umahon siya mula sa Gilgal hanggang sa Gabaa ng Benjamin. At binilang ni Saul ang bayan na nakaharap sa kaniya, na may anim na raang lalake. 009 1SA 013 016 At si Saul, at si Jonathan na kaniyang anak, at ang bayan na nakaharap sa kanila, ay tumigil sa Geba ng Benjamin: nguni't ang mga Filisteo ay humantong sa Michmas. 009 1SA 013 017 At ang mga mananamsam ay lumabas na tatlong pulutong sa kampamento ng mga Filisteo; ang isang pulutong ay lumiko sa daan na patungo sa Ophra, na patungo sa lupain ng Sual: 009 1SA 013 018 At ang isang pulutong ay lumiko sa daan na patungo sa Beth-horon at ang isang pulutong ay lumiko sa daan ng hangganan na humaharap na palusong sa libis ng Seboim sa dakong ilang. 009 1SA 013 019 Wala ngang panday na masumpungan sa buong lupain ng Israel: sapagka't sinasabi ng mga Filisteo, Baka ang mga Hebreo ay igawa nila ng mga tabak o mga sibat: 009 1SA 013 020 Nguni't nilusong ng lahat ng mga taga Israel ang mga Filisteo upang ihasa ng bawa't lalake ang kaniyang pangararo, at ang kaniyang asarol, at ang kaniyang palakol, at ang kaniyang piko; 009 1SA 013 021 Gayon ma'y mayroon silang pangkikil sa mga piko at sa mga asarol, at sa mga kalaykay, at sa mga palakol, at upang ipang-hasa ng mga panundot. 009 1SA 013 022 Sa gayo'y nangyari, na sa araw ng pagbabaka, ay wala kahit tabak o sibat mang masumpungan sa kamay ng sinoman sa bayan na kasama ni Saul at ni Jonathan: kundi si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ang kinasumpungan lamang. 009 1SA 013 023 At ang pulutong ng mga Filisteo ay lumabas na napatungo sa daanan ng Michmas. 009 1SA 014 001 Nangyari nga isang araw, na si Jonathan na anak ni Saul ay nagsabi sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata, Halika at tayo'y dumaan sa pulutong ng mga Filisteo, na nasa dakong yaon. Nguni't hindi niya ipinagbigay alam sa kaniyang ama. 009 1SA 014 002 At tumigil si Saul sa kaduluduluhang bahagi ng Gabaa sa ilalim ng puno ng granada na nasa Migron: at ang bayan na nasa kaniya ay may anim na raang lalake. 009 1SA 014 003 At si Achias na anak ni Achitob, na kapatid ni Ichabod, na anak ni Phinees, na anak ni Eli, na saserdote ng Panginoon sa Silo, ay nagsusuot ng epod. At hindi nalalaman ng bayan na si Jonathan ay yumaon. 009 1SA 014 004 At sa pagitan ng mga daanan, na pinagsikapan ni Jonathan na pagdaanan ng pulutong ng mga Filisteo, ay mayroong isang tila tukang bato sa isang dako at isang tila tukang bato sa kabilang dako: at ang pangalan ng isa ay Boses at ang pangalan niyaon isa ay Sene. 009 1SA 014 005 Ang isang tila tuka ay pataas sa hilagaan sa tapat ng Michmas, at ang isa ay sa timugan sa tapat ng Gabaa. 009 1SA 014 006 At sinabi ni Jonathan sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata: Halika at tayo ay dumaan sa pulutong ng mga hindi tuling ito: marahil ang Panginoon ay tutulong sa atin: sapagka't hindi maliwag sa Panginoon na magligtas sa pamamagitan ng marami o ng kaunti. 009 1SA 014 007 At sinabi sa kaniya ng tagadala niya ng sandata, Gawin mo ang buong nasa loob mo: lumiko ka, narito, ako'y sumasa iyo ayon sa nasa loob mo. 009 1SA 014 008 Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan, Narito, tayo'y dumaan sa mga lalaking yaon, at tayo'y pakikilala sa kanila. 009 1SA 014 009 Kung kanilang sabihing ganito sa atin, Kayo'y maghintay hanggang sa kami ay dumating sa inyo; ay maghihintay nga tayo sa ating dako at hindi natin aahunin sila. 009 1SA 014 010 Nguni't kung kanilang sabihing ganito, Ahunin ninyo kami; aahon nga tayo: sapagka't ibinigay sila ng Panginoon sa ating kamay: at ito ang magiging tanda sa atin. 009 1SA 014 011 At kapuwa nga sila napakilala sa pulutong ng mga Filisteo: at sinabi ng mga Filisteo: Narito, ang mga Hebreo na lumabas sa mga hukay na kanilang pinagtaguan. 009 1SA 014 012 At sumagot ang mga lalake sa pulutong kay Jonathan at sa kaniyang tagadala ng sandata, at sinabi, Ahunin ninyo kami, at pagpapakitaan namin kayo ng isang bagay. At sinabi ni Jonathan sa kaniyang tagadala ng sandata, Umahon ka na kasunod ko: sapagka't ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel. 009 1SA 014 013 At gumapang si Jonathan ng kaniyang mga kamay at ng kaniyang mga paa, at ang kaniyang tagadala ng sandata ay kasunod niya. At sila'y nangabuwal sa harap ni Jonathan; at ang mga yao'y pinagpapatay ng kaniyang tagadala ng sandata na kasunod niya. 009 1SA 014 014 At yaon ang unang pagpatay na ginawa ni Jonathan at ng kaniyang tagadala ng sandata, sa may dalawang pung lalake, sa may pagitan ng kalahating akre ng lupa. 009 1SA 014 015 At nagkaroon ng panginginig sa kampamento, sa parang, at sa buong bayan: ang pulutong at ang mga mananamsam ay nagsipanginig din; lumindol; sa gayo'y nagkaroon ng totoong malaking pagkayanig. 009 1SA 014 016 At ang mga bantay ni Saul sa Gabaa ng Benjamin ay tumanaw; at, narito, ang karamihan ay nawawala at sila'y nagparoo't parito. 009 1SA 014 017 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa bayan na kasama niya, Magbilang kayo ngayon at inyong tingnan kung sino ang umalis sa atin. At nang sila'y magbilang, narito, si Jonathan at ang kaniyang tagadala ng sandata ay wala roon. 009 1SA 014 018 At sinabi ni Saul kay Achias, Dalhin ninyo rito ang kaban ng Dios. Sapagka't ang kaban ng Dios ay nandoon nang panahong yaon sa mga anak ni Israel. 009 1SA 014 019 At nangyari, samantalang nagsasalita si Saul sa saserdote, na ang kaingay na nasa kampamento ng mga Filisteo ay lumala ng lumala: at sinabi ni Saul sa saserdote, Iurong mo ang iyong kamay. 009 1SA 014 020 At nagpipisan si Saul at ang buong bayan na nasa kaniya at naparoon sa pakikibaka: at, narito, ang tabak ng bawa't isa ay laban sa kaniyang kasama, at nagkaroon ng malaking pagkalito. 009 1SA 014 021 Ang mga Hebreo nga na napasa mga Filisteo nang una, na umahong kasama nila sa kampamento mula sa palibot ng lupain, ay nagsibalik pa rin na nakipisan sa mga Israelita na kasama ni Saul at ni Jonathan. 009 1SA 014 022 Gayon din ang mga lalake sa Israel na nagsikubli sa lupaing maburol ng Ephraim, na nang kanilang mabalitaan na ang mga Filisteo ay tumakas, ay nakihabol pati sila sa kanila sa pakikipagbaka. 009 1SA 014 023 Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel nang araw na yaon: at ang pagbabaka ay napalipat sa Beth-aven. 009 1SA 014 024 At ang mga lalake sa Israel ay namanglaw nang araw na yaon: sapagka't ibinilin ni Saul sa bayan, na sinasabi, Sumpain ang lalake na kumain ng anomang pagkain hanggang sa kinahapunan, at ako'y nakaganti sa aking mga kaaway. Sa gayo'y wala sinoman sa bayan na lumasap ng pagkain. 009 1SA 014 025 At ang buong bayan ay naparoon sa gubat; at may pulot sa ibabaw ng lupa. 009 1SA 014 026 At nang dumating ang bayan sa gubat, narito, ang pulot ay tumutulo nguni't walang tao na naglagay ng kaniyang kamay sa kaniyang bibig; sapagka't ang bayan ay natakot sa sumpa. 009 1SA 014 027 Nguni't hindi narinig ni Jonathan, nang ibilin ng kaniyang ama sa bayan na may sumpa: kaya't kaniyang iniunat ang dulo ng tungkod na nasa kaniyang kamay at isinagi sa pulot, at inilagay ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig, at ang kaniyang mga mata ay lumiwanag. 009 1SA 014 028 Nang magkagayo'y sumagot ang isa sa bayan, at nagsabi, Ibiniling mahigpit ng iyong ama sa bayan na may sumpa, na sinasabi, Sumpain ang tao na kumain ng pagkain sa araw na ito. At ang bayan ay pata. 009 1SA 014 029 Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan, Binagabag ng aking ama ang lupain: tingnan ninyo, isinasamo ko sa inyo, kung paanong ang aking mga mata ay lumiwanag, sapagka't ako'y lumasa ng kaunti sa pulot na ito. 009 1SA 014 030 Gaano pa kaya kung ang bayan ay kumaing may kalayaan ngayon sa samsam sa kanilang mga kaaway na kanilang nasumpungan? sapagka't hindi nagkaroon ng malaking patayan ngayon sa gitna ng mga Filisteo. 009 1SA 014 031 At kanilang sinaktan ang mga Filisteo nang araw na yaon mula sa Michmas hanggang sa Ajalon: at ang bayan ay totoong pata. 009 1SA 014 032 At ang bayan ay dumaluhong sa samsam, at kumuha ng mga tupa, at mga baka, at mga guyang baka, at mga pinatay sa lupa: at kinain ng bayan pati ng dugo. 009 1SA 014 033 Nang magkagayo'y kanilang isinaysay kay Saul, na sinasabi, Narito, ang bayan ay nagkakasala laban sa Panginoon, sa kanilang pagkain ng dugo. At kaniyang sinabi, Kayo'y gumawang may paglililo: inyong igulong ang isang malaking bato sa akin sa araw na ito. 009 1SA 014 034 At sinabi ni Saul, Magsikalat kayo sa bayan at inyong sabihin sa kanila, Dalhin sa akin dito ng bawa't tao ang kaniyang baka, at ng bawa't tao ang kaniyang tupa, at patayin dito, at kanin; at huwag nang magkasala laban sa Panginoon sa pagkain ng dugo. At dinala ng buong bayan, bawa't tao ang kaniyang baka nang gabing yaon at pinatay roon. 009 1SA 014 035 At nagtayo si Saul ng isang dambana sa Panginoon: yaon ang unang dambana na itinayo niya sa Panginoon. 009 1SA 014 036 At sinabi ni Saul, Ating lusungin na sundan ang mga Filisteo sa kinagabihan, at atin silang samsaman hanggang sa pagliliwanag sa umaga, at huwag tayong maglabi ng isang tao sa kanila. At kanilang sinabi, Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo. Nang magkagayo'y sinabi ng saserdote, Tayo'y lumapit dito sa Dios. 009 1SA 014 037 At si Saul ay humingi ng payo sa Dios: Lulusungin ko ba na susundan ang mga Filisteo? ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel? Nguni't hindi siya sinagot nang araw na yaon. 009 1SA 014 038 At sinabi ni Saul, Lumapit kayo rito, kayong lahat na puno ng bayan: at maalaman at makita kung saan nanggaling ang kasalanang ito sa araw na ito. 009 1SA 014 039 Sapagka't buhay nga ang Panginoon na nagliligtas sa Israel, na kahit si Jonathan na aking anak, ay walang pagsalang mamatay. Nguni't walang tao sa buong bayan na sumagot sa kaniya. 009 1SA 014 040 Nang magkagayo'y sinabi niya sa buong Israel, Lumagay kayo sa isang dako, at ako at si Jonathan na aking anak ay lalagay sa kabilang dako. At sinabi ng bayan kay Saul, Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo. 009 1SA 014 041 Kaya sinabi ni Saul sa Panginoon, sa Dios ng Israel, Ituro mo ang matuwid. At si Jonathan at si Saul ay napili: nguni't ang bayan ay nakatanan. 009 1SA 014 042 At sinabi ni Saul, Pagsapalaran ninyo ako at si Jonathan na aking anak: at si Jonatan ay napili. 009 1SA 014 043 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul kay Jonathan, Saysayin mo sa akin kung ano ang iyong ginawa. At isinaysay ni Jonathan sa kaniya, at sinabi, Tunay na ako'y lumasa ng kaunting pulot sa dulo ng tungkod na nasa aking kamay: at, narito, ako'y marapat mamatay. 009 1SA 014 044 At sinabi ni Saul, Gawing gayon ng Dios at lalo na: sapagka't ikaw ay walang pagsalang mamamatay, Jonathan. 009 1SA 014 045 At sinabi ng bayan kay Saul, Mamamatay ba si Jonathan, na gumawa nitong dakilang kaligtasan sa Israel? Malayo nawa: buhay ang Panginoon, hindi malalaglag ang isang buhok ng kaniyang ulo sa lupa; sapagka't siya'y gumawa na kasama ng Dios sa araw na ito. Sa gayo'y iniligtas ng bayan si Jonathan, na anopa't siya'y hindi namatay. 009 1SA 014 046 Nang magkagayo'y umahon si Saul na mula sa pagsunod sa mga Filisteo: at ang mga Filisteo ay naparoon sa kanilang sariling dako. 009 1SA 014 047 Nang masakop nga ni Saul ang kaharian sa Israel, ay bumaka siya laban sa lahat niyang mga kaaway sa bawa't dako, laban sa Moab, at laban sa mga anak ni Ammon, at laban sa Edom, at laban sa mga hari sa Soba, at laban sa mga Filisteo: at saan man siya pumihit ay kaniyang binabagabag sila. 009 1SA 014 048 At kaniyang ginawang may katapangan, at sinaktan ang mga Amalecita, at iniligtas ang Israel sa mga kamay ng mga sumamsam sa kanila. 009 1SA 014 049 Ang mga anak nga ni Saul ay si Jonathan, at si Isui, at si Melchi-sua: at ang pangalan ng kaniyang dalawang anak na babae ay ito; ang pangalan ng panganay ay Merab, at ang pangalan ng bata ay Michal: 009 1SA 014 050 At ang pangalan ng asawa ni Saul ay Ahinoam, na anak ni Aimaas: at ang pangalan ng kaniyang kapitan sa hukbo ay Abner na anak ni Ner, amain ni Saul. 009 1SA 014 051 At si Cis ay ama ni Saul; at si Ner na ama ni Abner ay anak ni Abiel. 009 1SA 014 052 At nagkaroon ng mahigpit na pagbabaka laban sa mga Filisteo sa lahat ng mga araw ni Saul: at sa tuwing nakakakita si Saul ng sinomang makapangyarihang lalake, o ng sinomang matapang na lalake ay kaniyang ipinagsasama. 009 1SA 015 001 At sinabi ni Samuel kay Saul, Sinugo ako ng Panginoon upang pahiran kita ng langis na maging hari sa kaniyang bayan, sa Israel: ngayon nga'y dinggin mo ang tinig ng mga salita ng Panginoon. 009 1SA 015 002 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel, kung paanong siya'y humadlang sa kaniya sa daan, nang siya'y umahon mula sa Egipto. 009 1SA 015 003 Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na lipulin ang buo nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi patayin mo ang lalake at babae, sanggol at sumususo, baka at tupa, kamelyo at asno. 009 1SA 015 004 At pinisan ni Saul ang bayan at binilang sila sa Telaim, dalawang yutang lalake na naglalakad, at sangpung libong lalake sa Juda. 009 1SA 015 005 At dumating si Saul sa bayan ng Amalec, at bumakay sa libis. 009 1SA 015 006 At sinabi ni Saul sa mga Cineo, Kayo'y magsiyaon, humiwalay kayo at umalis kayo sa gitna ng mga Amalecita, baka kayo'y lipulin kong kasama nila; sapagka't kayo'y nagpakita ng kagandahang loob sa mga anak ni Israel, nang sila'y umahong mula sa Egipto. Sa gayo'y umalis ang mga Cineo sa gitna ng mga Amalecita. 009 1SA 015 007 At sinaktan ni Saul ang mga Amalecita mula sa Havila kung patungo ka sa Shur, na nasa tapat ng Egipto. 009 1SA 015 008 At kaniyang kinuhang buhay si Agag na hari ng mga Amalecita, at lubos na nilipol ang buong bayan ng talim ng tabak. 009 1SA 015 009 Nguni't pinanghinayangan ni Saul at ng bayan si Agag, at ang pinakamabuti sa mga tupa, sa mga baka, at sa mga pinataba, at sa mga kordero, at lahat ng mabuti, at yaong mga hindi nila lubos na nilipol: nguni't bawa't bagay na hamak at walang kabuluhan, ay kanilang lubos na nilipol. 009 1SA 015 010 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Samuel, na sinasabi, 009 1SA 015 011 Ikinalulungkot ko na aking inilagay na hari si Saul; sapagka't siya'y tumalikod na hindi sumunod sa akin, at hindi tinupad ang aking mga utos. At si Samuel ay nagalit, at siya'y dumaing sa Panginoon buong gabi. 009 1SA 015 012 At si Samuel ay bumangong maaga upang salubungin si Saul sa kinaumagahan; at nasaysay kay Samuel, na sinasabi, Si Saul ay naparoon sa Carmel, at, narito, ipinagtayo niya siya ng isang monumento, at siya'y lumibot at nagpatuloy, at lumusong sa Gilgal. 009 1SA 015 013 At naparoon si Samuel kay Saul, at sinabi ni Saul sa kaniya, Pagpalain ka nawa ng Panginoon, aking tinupad ang utos ng Panginoon. 009 1SA 015 014 At sinabi ni Samuel, Anong kahulugan nga nitong iyak ng tupa sa aking pakinig, at ng ungal ng mga baka na aking naririnig? 009 1SA 015 015 At sinabi ni Saul, Sila'y dinala mula sa mga Amalecita: sapagka't ang bayan ay nagligtas ng pinakamabuti sa mga tupa at sa mga baka, upang ihain sa Panginoon mong Dios; at ang natira ay aming lubos na nilipol. 009 1SA 015 016 Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel kay Saul, Tumigil ka, at aking sasaysayin sa iyo kung ano ang sinabi ng Panginoon sa akin nang gabing ito. At sinabi niya sa kaniya, Sabihin mo. 009 1SA 015 017 At sinabi ni Samuel, Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel? At pinahiran ka ng langis ng Panginoon na maging hari sa Israel; 009 1SA 015 018 At sinugo ka ng Panginoon sa isang paglalakbay, at sinabi, Ikaw ay yumaon, at iyong lubos na lipulin ang mga makasalanang Amalecita, at labanan mo sila hanggang sa sila'y malipol. 009 1SA 015 019 Bakit nga hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, kundi ikaw ay dumaluhong sa pananamsam, at ikaw ay gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon? 009 1SA 015 020 At sinabi ni Saul kay Samuel, Oo, aking sinunod ang tinig ng Panginoon, at ako'y yumaon sa daan na pinagsuguan sa akin ng Panginoon, at aking dinala si Agag na hari ng Amalec, at aking lubos na nilipol ang mga Amalecita. 009 1SA 015 021 Nguni't ang bayan ay kumuha sa samsam ng mga tupa at mga baka, ng pinakamabuti sa mga itinalagang bagay, upang ihain sa Panginoon mong Dios sa Gilgal. 009 1SA 015 022 At sinabi ni Samuel, Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake. 009 1SA 015 023 Sapagka't ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap. Sapagka't dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, ay kaniya namang itinakuwil ka upang huwag ka nang maging hari. 009 1SA 015 024 At sinabi ni Saul kay Samuel, Ako'y nagkasala; sapagka't ako'y sumalangsang sa utos ng Panginoon, at sa iyong mga salita; sapagka't ako'y natakot sa bayan, at sumunod sa kanilang tinig. 009 1SA 015 025 Ngayon nga'y isinasamo ko sa iyo, ipatawad mo ang aking kasalanan, at bumalik ka uli na kasama ko, upang ako'y sumamba sa Panginoon. 009 1SA 015 026 At sinabi ni Samuel kay Saul, Hindi ako babalik na kasama mo; sapagka't iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, at itinakuwil ka ng Panginoon upang huwag ka nang maging hari sa Israel. 009 1SA 015 027 At nang pumihit si Samuel upang yumaon, siya'y pumigil sa laylayan ng kaniyang balabal, at nahapak. 009 1SA 015 028 At sinabi ni Samuel sa kaniya, Hinapak sa iyo ng Panginoon ang kaharian ng Israel sa araw na ito, at ibinigay sa iyong kapuwa, na maigi kay sa iyo. 009 1SA 015 029 At ang Lakas ng Israel naman ay hindi magbubulaan o magsisisi man; sapagka't siya'y hindi isang tao na magsisisi. 009 1SA 015 030 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Ako'y nagkasala: gayon ma'y parangalan mo ako ngayon, isinasamo ko sa iyo, sa harap ng mga matanda ng aking bayan at sa harap ng Israel, at bumalik ka uli na kasama ko upang aking sambahin ang Panginoon mong Dios. 009 1SA 015 031 Gayon bumalik uli na sumunod si Samuel kay Saul; at sumamba si Saul sa Panginoon. 009 1SA 015 032 Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel, Dalhin ninyo rito sa akin si Agag na hari ng mga Amalecita. At masayang naparoon si Agag sa kaniya. At sinabi ni Agag, Tunay na ang kapaitan ng kamatayan ay nakaraan na. 009 1SA 015 033 At sinabi ni Samuel, Kung paanong niwalan ng anak ng iyong tabak ang mga babae, ay magiging gayon ang iyong ina na mawawalan ng anak, sa gitna ng mga babae. At pinagputolputol ni Samuel si Agag sa harap ng Panginoon sa Gilgal. 009 1SA 015 034 Nang magkagayo'y naparoon si Samuel sa Rama, at si Saul ay sumampa sa kaniyang bahay sa Gabaa ni Saul. 009 1SA 015 035 At si Samuel ay hindi na bumalik na napakitang muli kay Saul hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan; sapagka't tinangisan ni Samuel si Saul: at ang Panginoon ay nagdamdam na kaniyang nagawang hari si Saul sa Israel. 009 1SA 016 001 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Hanggang kailan pananangisan mo si Saul yamang aking itinakuwil siya na maging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay, at ikaw ay yumaon, susuguin kita kay Isai na Bethlehemita: sapagka't ako'y naglaan sa kaniyang mga anak ng isang hari. 009 1SA 016 002 At sinabi ni Samuel, Paanong ako'y paroroon? Kung mabalitaan ni Saul, ay kaniyang papatayin ako. At sinabi ng Panginoon, Magdala ka ng isang dumalagang baka, at iyong sabihin, Ako'y naparito upang maghain sa Panginoon. 009 1SA 016 003 At tawagin mo si Isai sa paghahain at aking ituturo sa iyo kung ano ang iyong gagawin; at iyong papahiran sa akin yaong sa iyo'y aking sabihin. 009 1SA 016 004 At ginawa ni Samuel ang sinalita ng Panginoon at naparoon sa Bethlehem. At ang mga matanda sa bayan ay naparoon upang salubungin siya na nagsisipanginig, at nagsabi, Naparirito ka bang may kapayapaan? 009 1SA 016 005 At kaniyang sinabi, May kapayapaan: ako'y naparito upang maghain sa Panginoon: magpakabanal kayo at sumama kayo sa akin sa paghahain. At pinapagbanal niya si Isai at ang kaniyang mga anak, at tinawag niya sila sa paghahain. 009 1SA 016 006 At nangyari, nang sila'y dumating na siya'y tumingin kay Eliab, at nagsabi, Tunay na ang pinahiran ng Panginoon ay nasa harap niya. 009 1SA 016 007 Nguni't sinabi ng Panginoon kay Samuel, Huwag mong tingnan ang kaniyang mukha, o ang taas ng kaniyang kataasan; sapagka't aking itinakuwil siya: sapagka't hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso. 009 1SA 016 008 Nang magkagayo'y tinawag ni Isai si Abinadab, at pinaraan niya sa harap ni Samuel. At kaniyang sinabi, Kahit ito man, ay hindi pinili ng Panginoon. 009 1SA 016 009 Nang magkagayo'y pinaraan ni Isai si Samma. At kaniyang sinabi, Kahit ito man, ay hindi pinili ng Panginoon. 009 1SA 016 010 At pinaraan ni Isai ang pito sa kaniyang mga anak sa harap ni Samuel. At sinabi ni Samuel kay Isai, Hindi pinili ng Panginoon ang mga ito. 009 1SA 016 011 At sinabi ni Samuel kay Isai, Narito ba ang iyong lahat na anak? At kaniyang sinabi, Natitira pa ang bunso, at, narito, siya'y nag-aalaga sa mga tupa. At sinabi ni Samuel kay Isai, Ipasundo mo siya; sapagka't hindi tayo uupo hanggang sa siya'y dumating dito. 009 1SA 016 012 At siya'y nagsugo, at sinundo siya roon. Siya nga'y may mapulang pisngi, may magandang bikas, at mabuting anyo. At sinabi ng Panginoon, Tumindig ka: pahiran mo siya ng langis, sapagka't ito nga. 009 1SA 016 013 Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis, at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid: at ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama. 009 1SA 016 014 Ang Espiritu nga ng Panginoon ay humiwalay kay Saul, at isang masamang espiritu na mula sa Panginoon ay bumagabag sa kaniya. 009 1SA 016 015 At sinabi ng mga bataan ni Saul sa kaniya, Narito ngayon, isang masamang espiritu na mula sa Dios ay bumabagabag sa iyo. 009 1SA 016 016 Iutos ngayon ng aming panginoon sa iyong mga bataan na nasa harap mo na humanap ng isang lalake na bihasang manunugtog ng alpa; at mangyayari, pagka ang masamang espiritu na mula sa Dios ay nasa iyo na siya'y tutugtog ng kaniyang kamay at ikaw ay bubuti. 009 1SA 016 017 At sinabi ni Saul sa kaniyang mga bataan, Ipaghanda ninyo ako ngayon ng isang lalake na makatutugtog na mabuti, at dalhin ninyo sa akin siya. 009 1SA 016 018 Nang magkagayo'y sumagot ang isa sa mga bataan, at nagsabi, Narito, aking nakita ang isang anak ni Isai na Bethlehemita, na bihasa sa panunugtog, at makapangyarihang lalake na may tapang, at lalaking mangdidigma, at matalino sa pananalita, at makisig na lalake, at ang Panginoon ay sumasa kaniya. 009 1SA 016 019 Kaya't nagsugo si Saul ng mga sugo kay Isai, at sinabi, Suguin mo sa akin si David na iyong anak, na nasa kawan ng mga tupa. 009 1SA 016 020 At kumuha si Isai ng isang asno na may pasang tinapay, at isang balat ng alak, at isang anak ng kambing, at ipinadala kay Saul sa pamamagitan ni David na kaniyang anak. 009 1SA 016 021 At dumating si David kay Saul at tumayo sa harap niya: at minahal niya siyang mainam; at siya'y naging tagadala ng sandata niya. 009 1SA 016 022 At nagpasabi si Saul kay Isai, Isinasamo ko sa iyo na bayaang tumayo si David sa harapan ko, sapagka't siya'y nakasumpong ng biyaya sa aking paningin. 009 1SA 016 023 At nangyari, pagka ang masamang espiritu na mula sa Dios ay sumasa kay Saul, ay kinukuha ni David ang alpa, at tinutugtog ng kaniyang kamay: gayon nagiginhawahan si Saul, at bumubuti, at ang masamang espiritu ay nahihiwalay sa kaniya. 009 1SA 017 001 Ngayo'y pinisan ng mga Filisteo ang kanilang hukbo upang bumaka at sila'y nagpipisan sa Socho, na nauukol sa Juda, at nagsihantong sa pagitan ng Socho at ng Azeca, sa Ephesdammim. 009 1SA 017 002 At nagpipisan si Saul at ang mga lalake ng Israel, at nagsihantong sa libis ng Ela, at nagsihanay sa pakikipagbaka laban sa mga Filisteo. 009 1SA 017 003 At nagsitayo ang mga Filisteo sa isang dako sa bundok, at tumayo ang Israel sa kabilang dako sa bundok: at may isang libis sa pagitan nila. 009 1SA 017 004 At lumabas ang isang bayani sa kampamento ng mga Filisteo na nagngangalang Goliath, taga Gath, na ang taas ay anim na siko at isang dangkal. 009 1SA 017 005 At siya'y mayroong isang turbanteng tanso, sa kaniyang ulo, at siya'y nasusuutan ng isang baluti sa katawan; at ang bigat ng baluti ay limang libong siklong tanso. 009 1SA 017 006 At siya'y mayroong kasuutang tanso sa kaniyang mga hita, at isang sibat na tanso sa pagitan ng kaniyang mga balikat. 009 1SA 017 007 At ang puluhan ng kaniyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi; at ang dulo ng kaniyang sibat ay may anim na raang siklong bakal ang bigat: at ang kaniyang tagadala ng kalasag ay nauuna sa kaniya. 009 1SA 017 008 At siya'y tumayo at humiyaw sa mga hukbo ng Israel, at nagsabi sa kanila, Bakit kayo'y lumabas na nagsihanay sa pakikipagbaka? hindi ba ako'y Filisteo, at kayo'y mga lingkod ni Saul? pumili kayo ng isang lalake sa inyo, at pababain ninyo siya sa akin. 009 1SA 017 009 Kung siya'y makalaban sa akin at mapatay ako, magiging alipin nga ninyo kami; nguni't kung ako'y manaig laban sa kaniya, at mapatay ko siya ay magiging alipin nga namin kayo at maglilingkod sa amin. 009 1SA 017 010 At sinabi ng Filisteo, Aking hinahamon ang mga hukbo ng Israel sa araw na ito; bigyan ninyo ako ng isang lalake, upang maglaban kami. 009 1SA 017 011 At nang marinig ni Saul at ng buong Israel ang mga salitang yaon ng Filisteo, sila'y nanglupaypay, at natakot na mainam. 009 1SA 017 012 Si David nga ay anak niyaong Ephrateo sa Bethlehem-juda, na ang pangala'y Isai; at may walong anak: at ang lalaking yaon ay matanda na sa mga kaarawan ni Saul na totoong napakatanda sa gitna ng mga tao. 009 1SA 017 013 At ang tatlong pinakamatandang anak ni Isai ay naparoong sumunod kay Saul sa pakikipagbaka: at ang mga pangalan ng kaniyang tatlong anak na naparoon sa pakikipagbaka ay si Eliab na panganay, at ang kasunod niya ay si Abinadab, at ang ikatlo ay si Samma. 009 1SA 017 014 At si David ang bunso: at ang tatlong pinakamatanda ay sumunod kay Saul. 009 1SA 017 015 Nguni't si David ay nagpaparoo't parito mula kay Saul upang pasabsabin ang mga tupa ng kaniyang ama sa Bethlehem. 009 1SA 017 016 At lumalapit ang Filisteo sa umaga at hapon, at humarap na apat na pung araw. 009 1SA 017 017 At sinabi ni Isai kay David na kaniyang anak, Dalhin mo ngayon sa iyong mga kapatid ang isang epa nitong trigo na sinangag, at itong sangpung tinapay, at dalhin mong madali sa kampamento, sa iyong mga kapatid; 009 1SA 017 018 At dalhin mo ang sangpung kesong ito sa kapitan ng kanilang libo, at tingnan mo kung ano ang kalagayan ng iyong mga kapatid, at kumuha ka ng pinakakatunayan. 009 1SA 017 019 Si Saul nga, at sila at ang lahat ng mga lalake ng Israel ay nasa libis ng Ela, na nakikipaglaban sa mga Filisteo. 009 1SA 017 020 At si David ay bumangong maaga sa kinaumagahan, at iniwan ang tupa na may isang tagapagalaga, at nagdala at yumaon, na gaya ng iniutos sa kaniya ni Isai; at siya'y naparoon sa kinaroroonan ng mga karo, habang ang hukbo na lumalabas sa pakikipaglaban ay sumisigaw ng pakikipagbaka. 009 1SA 017 021 At ang Israel at ang mga Filisteo ay nakahanay na sa pagbabaka, hukbo laban sa hukbo. 009 1SA 017 022 At iniwan ni David ang kaniyang daladalahan sa kamay ng tagapagingat ng daladalahan, at tumakbo sa hukbo, at naparoon, at bumati sa kaniyang mga kapatid. 009 1SA 017 023 At sa kaniyang pakikipagusap sa kanila, narito, dumating ang bayani, ang Filisteo na taga Gath, na Goliath ang pangalan, mula sa hanay ng mga Filisteo, at nagsalita ng ayon sa mga gayon ding salita: at narinig ni David. 009 1SA 017 024 At lahat ng mga lalake sa Israel pagkakita sa lalaking yaon ay tumakas mula sa kaniyang harapan, at natakot na mainam. 009 1SA 017 025 At ang mga lalake ng Israel ay nagsabi, Nakita ba ninyo ang lalaking iyan na sumasampa? Tunay na sumasampa siya upang manghamon sa Israel: at mangyayari, na ang lalaking makapatay sa kaniya, ay payayamanin ng hari ng malaking kayamanan, at ibibigay sa kaniya ang kaniyang anak na babae, at palalayain sa Israel ang sangbahayan ng kaniyang ama. 009 1SA 017 026 At nagsalita si David sa mga lalaking nakatayo sa siping niya, na nagsasabi, Ano ang gagawin sa lalaking makapatay sa Filisteong ito, at mag-alis sa Israel ng kadustaang ito? sapagka't sinong Filisteong ito na hindi tuli na siya'y humahamon sa mga hukbo ng buhay na Dios? 009 1SA 017 027 At sumagot sa kaniya ang bayan, ng ganitong paraan, na sinabi, Ganito ang gagawin sa lalake na makapatay sa kaniya. 009 1SA 017 028 At narinig ni Eliab na kaniyang pinakamatandang kapatid, nang siya'y magsalita sa mga lalake; at ang galit ni Eliab ay nagalab laban kay David, at kaniyang sinabi, Bakit ka lumusong dito? at kanino mo iniwan ang ilang tupang yaon sa ilang? Talastas ko ang iyong kahambugan, at ang kalikutan ng iyong puso; sapagka't ikaw ay lumusong upang iyong makita ang pagbabaka. 009 1SA 017 029 At sinabi ni David, Anong aking ginawa ngayon? Wala bang dahilan? 009 1SA 017 030 At tinalikdan niya siya na napatungo sa iba, at siya'y nagsalita ng gayon ding paraan: at sinagot siya uli ng bayan na gaya ng una. 009 1SA 017 031 At nang marinig ang mga salita na sinalita ni David, ay sinaysay nila sa harap ni Saul; at siya'y ipinasundo niya. 009 1SA 017 032 At sinabi ni David kay Saul, Huwag manglupaypay ang puso ng sinoman dahil sa kaniya; ang iyong lingkod ay yayaon at makikipaglaban sa Filisteong ito. 009 1SA 017 033 At sinabi ni Saul kay David: Hindi ka makaparoroon laban sa Filisteong ito upang makipaglaban sa kaniya: sapagka't ikaw ay isang bata, at siya'y isang lalaking mangdidigma mula sa kaniyang pagkabata. 009 1SA 017 034 At sinabi ni David kay Saul, Ang iyong lingkod ay nagaalaga ng mga tupa ng kaniyang ama; at pagka pumaroon ang isang leon, o isang oso, at kinukuha ang isang kordero sa kawan, 009 1SA 017 035 Ay lumalabas akong hinahabol ko siya, at aking sinasaktan, at aking inililigtas sa kaniyang bibig: at pagka dinadaluhong ako ay aking pinapangahan, at aking sinasaktan, at aking pinapatay. 009 1SA 017 036 Pinapatay ng iyong lingkod ang leon at gayon din ang oso: at ang Filisteong ito na hindi tuli ay magiging isa sa kanila, yamang kaniyang hinahamon ang mga hukbo ng Dios na buhay. 009 1SA 017 037 At sinabi ni David, Ang Panginoon na nagligtas sa akin sa mga pangamot ng leon, at sa pangamot ng oso, ay siyang magliligtas sa akin sa kamay ng Filisteong ito. At sinabi ni Saul kay David, Yumaon ka, at ang Panginoon ay sasa iyo. 009 1SA 017 038 At sinandatahan ni Saul si David ng kaniyang mga sandata, at kaniyang inilagay ang isang turbanteng tanso sa kaniyang ulo, at kaniyang sinuutan siya ng isang baluti sa katawan. 009 1SA 017 039 At ibinigkis ni David, ang tabak niya sa kaniyang sandata, at kaniyang tinikmang yumaon; sapagka't hindi pa niya natitikman. At sinabi ni David kay Saul, Hindi ako makayayaon na dala ko ang mga ito; sapagka't hindi ko pa natitikman. At pawang hinubad ni David sa kaniya. 009 1SA 017 040 At tinangnan niya ang kaniyang tungkod sa kaniyang kamay, at pumili siya ng limang makinis na bato mula sa batis, at isinilid sa supot na kaniyang dala, sa makatuwid baga'y sa kaniyang supot pastor; at ang kaniyang panghilagpos ay nasa kaniyang kamay: at siya'y lumapit sa Filisteo. 009 1SA 017 041 At nagpatuloy ang Filisteo at lumapit kay David; at ang lalake na may dala ng kalasag ay nangunguna sa kaniya. 009 1SA 017 042 At nang tumingin ang Filisteo, at makita si David, ay kaniyang niwalan ng kabuluhan siya; sapagka't siya'y bata pa, at mapula ang pisngi, at may magandang bikas. 009 1SA 017 043 At sinabi ng Filisteo kay David, Ako ba ay aso, na ikaw ay paririto sa akin na may mga tungkod? At nilait ng Filisteo si David sa pamamagitan ng kaniyang mga dios. 009 1SA 017 044 At sinabi ng Filisteo kay David, Halika, at aking ibibigay ang iyong laman sa mga ibon sa himpapawid at sa mga hayop sa parang. 009 1SA 017 045 Nang magkagayo'y sinabi ni David sa Filisteo, Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may kalasag; nguni't ako'y naparirito laban sa iyo sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng mga kawal ng Israel na iyong hinahamon. 009 1SA 017 046 Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; at sasaktan kita, at pupugutin ko ang ulo mo; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel: 009 1SA 017 047 At upang maalaman ng buong kapisanang ito na hindi nagliligtas ang Panginoon sa pamamagitan ng tabak o ng sibat: sapagka't ang pagbabakang ito ay sa Panginoon, at ibibigay niya kayo sa aming kamay. 009 1SA 017 048 At nangyari, nang bumangon ang Filisteo, at sumulong at lumapit upang salubungin si David, na si David ay nagmadali, at tumakbo sa dako ng kawal upang salubungin ang Filisteo. 009 1SA 017 049 At isinuot ni David ang kaniyang kamay sa kaniyang supot; at kumuha roon ng isang bato, at inihilagpos, at tinamaan ang Filisteo sa kaniyang noo; at ang bato ay bumaon sa kaniyang noo, at nabuwal na pasubsob sa lupa. 009 1SA 017 050 Sa gayo'y nanaig si David sa Filisteo sa pamamagitan ng isang panghilagpos at ng isang bato, at sinaktan ang Filisteo at pinatay niya siya; nguni't walang tabak sa kamay ni David. 009 1SA 017 051 Nang magkagayo'y tumakbo si David, at tinunghan ang Filisteo, at kinuha ang kaniyang tabak, at binunot sa kaniyang kaluban, at pinatay siya, at ipinagpugot ng kaniyang ulo. At nang makita ng mga Filisteo na ang kanilang bayani ay patay na, sila'y tumakas. 009 1SA 017 052 At nagsibangon ang mga lalake ng Israel at ng Juda, at humiyaw at hinabol ang mga Filisteo hanggang sa Gath, at sa mga pintuang-bayan ng Ecron. At ang mga sugatan sa mga Filisteo ay nabuwal sa daang patungo sa Saraim, hanggang sa Gath, at sa Ecron. 009 1SA 017 053 At nagsibalik ang mga anak ni Israel sa paghabol sa mga Filisteo, at kanilang sinamsam ang kanilang kampamento. 009 1SA 017 054 At kinuha ni David ang ulo ng Filisteo, at dinala sa Jerusalem; nguni't kaniyang inilagay ang sandata niya sa kaniyang tolda. 009 1SA 017 055 At nang makita ni Saul si David na lumalabas laban sa Filisteo, kaniyang sinabi kay Abner, na kapitan ng hukbo, Abner, kaninong anak ang batang ito? At sinabi ni Abner, Buhay ang iyong kaluluwa, Oh hari, hindi ko masabi. 009 1SA 017 056 At sinabi ng hari, Usisain mo kung kaninong anak ang batang ito. 009 1SA 017 057 At pagbalik ni David sa pagpatay sa Filisteo, kinuha siya ni Abner, at dinala siya sa harap ni Saul na dala ang ulo ng Filisteo sa kaniyang kamay. 009 1SA 017 058 At sinabi ni Saul sa kaniya, Kaninong anak ka, binata? At sumagot si David, Ako'y anak ng iyong lingkod na si Isai na Bethlehemita. 009 1SA 018 001 At nangyari, nang siya'y makatapos na magsalita kay Saul, na ang kaluluwa ni Jonathan ay nalakip sa kaluluwa ni David, at minahal ni Jonathan siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa. 009 1SA 018 002 At kinuha siya ni Saul nang araw na yaon, at hindi na siya tinulutang umuwi sa bahay ng kaniyang ama. 009 1SA 018 003 Nang magkagayo'y si Jonathan at si David ay nagtibay ng isang tipan, sapagka't minahal niya siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa. 009 1SA 018 004 At hinubad ni Jonathan ang kaniyang balabal na nakasuot sa kaniya, at ibinigay kay David, at ang kaniyang kasuutan pati ng kaniyang tabak, at ng kaniyang busog at ng kaniyang pamigkis. 009 1SA 018 005 At lumalabas si David saan man suguin ni Saul, at siya'y nagpakabait: at inilagay ni Saul siya sa mga lalaking mangdidigma, at minabuti ng paningin ng buong bayan, at gayon din ng paningin ng mga lingkod ni Saul. 009 1SA 018 006 At nangyari pagdating nila, nang bumalik si David mula sa pagpatay sa Filisteo, na ang mga babae ay lumabas mula sa lahat ng mga bayan ng Israel, na nagaawitan at nagsasayawan, upang salubungin ang haring si Saul, ng mga pandereta, ng kagalakan, at ng panugtog ng tugtugin. 009 1SA 018 007 At nagaawitan ang mga babae sa kanilang pagtugtog, at sinasabi, Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo, At ni David ang kaniyang laksa-laksa. 009 1SA 018 008 At nagalit na mainam si Saul at ang sabing ito ay isinama niya ng loob; at kaniyang sinabi, Kanilang inilagay kay David ay laksalaksa, at sa akin ay kanilang inilagay ang libolibo lamang: at ano na lamang ang kaniyang tatangkilikin kundi ang kaharian? 009 1SA 018 009 At inirapan ni Saul si David mula sa araw na yaon. 009 1SA 018 010 At nangyari nang kinabukasan, na ang masamang espiritu na mula sa Dios ay dumating na makapangyarihan kay Saul, at siya'y nanghula sa gitna ng bahay: at si David ay tumugtog ng kaniyang kamay, gaya ng kaniyang ginagawa araw-araw; at hawak ni Saul ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay. 009 1SA 018 011 At inihagis ni Saul ang sibat; sapagka't kaniyang sinabi, Aking tutuhugin si David sa dinding. At tumanan si David sa kaniyang harap na makalawa. 009 1SA 018 012 At natakot si Saul kay David, sapagka't ang Panginoon ay sumasakaniya, at nahiwalay na kay Saul. 009 1SA 018 013 Kaya't inihiwalay ni Saul siya sa kaniya, at siya'y ginawa niyang punong kawal sa isang libo; at siya'y naglalabas pumasok sa harap ng bayan. 009 1SA 018 014 Nagpakabait si David sa lahat ng kaniyang kilos; at ang Panginoon ay sumasakaniya. 009 1SA 018 015 At nang makita ni Saul na siya'y nagpakabait, siya'y natakot sa kaniya. 009 1SA 018 016 Nguni't minamahal ng buong Israel at Juda si David; sapagka't siya'y naglalabas pumasok sa harap nila. 009 1SA 018 017 At sinabi ni Saul kay David, Narito ang aking lalong matandang anak na babae na si Merab; siya'y aking ibibigay sa iyo na asawa: magpakatapang ka lamang dahil sa akin, at iyong ilaban ang mga pagbabaka ng Panginoon. Sapagka't sinabi ni Saul, Huwag pagbuhatan siya ng aking kamay, kundi ang kamay ng mga Filisteo, ang magbuhat sa kaniya. 009 1SA 018 018 At sinabi ni David kay Saul, Sino ako at ano ang aking buhay, o ang sangbahayan ng aking ama sa Israel, upang maging manugang ako ng hari? 009 1SA 018 019 Nguni't nangyari na sa panahong ibibigay kay David si Merab na anak na babae ni Saul, ay ibinigay na asawa kay Adriel na Meholatita. 009 1SA 018 020 At sinisinta ni Michal na anak na babae ni Saul si David: at kanilang isinaysay kay Saul, at ang bagay ay ikinalugod niya. 009 1SA 018 021 At sinabi ni Saul, Aking ibibigay sa kaniya siya, upang siya'y maging silo sa kaniya, at upang ang kamay ng mga Filisteo ay maging laban sa kaniya. Kaya't sinabing ikalawa ni Saul kay David: Ikaw ay magiging aking manugang sa araw na ito. 009 1SA 018 022 At iniutos ni Saul sa kaniyang mga lingkod, na sinasabi, Makipagusap kayo kay David ng lihim, at inyong sabihin, Narito, kinatutuwaan ka ng hari at minamahal ka ng lahat ng kaniyang mga lingkod: ngayon nga ay maging manugang ka ng hari. 009 1SA 018 023 At sinalita ng mga lingkod ni Saul ang mga salitang yaon sa pakinig ni David. At sinabi ni David, Inaakala ba ninyo na magaang bagay ang maging manugang ng hari, dangang ako'y isang dukhang tao at niwawalang kabuluhan? 009 1SA 018 024 At isinaysay ng mga lingkod ni Saul sa kaniya, na sinabi, Ganitong paraan nagsalita si David. 009 1SA 018 025 At sinabi ni Saul, Ganito ang inyong sasabihin kay David: Hindi nagnanasa ang hari ng anomang bigaykaya, kundi isang daang balat ng masama ng mga Filisteo, upang mapanghigantihan ang mga kaaway ng hari. Ang balak nga ni Saul ay maibuwal si David sa pamamagitan ng kamay ng mga Filisteo. 009 1SA 018 026 At nang saysayin ng kaniyang mga lingkod kay David ang mga salitang ito, ay ikinalugod na mabuti ni David na maging manugang siya ng hari. At ang mga araw ay hindi pa nagaganap; 009 1SA 018 027 At tumindig si David at yumaon, siya at ang kaniyang mga lalake, at pumatay sa mga Filisteo ng dalawang daang lalake; at dinala ni David ang kanilang mga balat ng masama, at kaniyang ibinigay ng buong bilang sa hari, upang siya'y maging manugang ng hari. At ibinigay na asawa sa kaniya ni Saul si Michal na kaniyang anak na babae. 009 1SA 018 028 At nakita at nalaman ni Saul na ang Panginoon ay sumasa kay David; at sinisinta si David ni Michal na anak ni Saul. 009 1SA 018 029 At si Saul ay lalong natatakot kay David; at naging kaaway ni David si Saul na palagi. 009 1SA 018 030 Nang magkagayo'y lumabas ang mga pangulo ng mga Filisteo: at nangyari, na sa tuwing sila'y lumalabas ay nagpakabait si David kay sa lahat ng mga lingkod ni Saul; sa gayon ang kaniyang pangalan ay lalong namahal. 009 1SA 019 001 At nagsalita si Saul kay Jonathan na kaniyang anak, at sa lahat ng kaniyang mga lingkod, na kanilang patayin si David. Nguni't si Jonathan na anak ni Saul ay naliligayang mainam kay David. 009 1SA 019 002 At isinaysay ni Jonathan kay David, na sinasabi, Pinagsisikapan ni Saul na aking ama na patayin ka: ngayon nga'y isinasamo ko sa iyo, na magingat ka sa kinaumagahan, at manatili sa isang lihim na dako, at magtago ka: 009 1SA 019 003 At ako'y lalabas at tatayo sa siping ng aking ama sa parang na iyong kinaroroonan, at ako'y makikipagusap sa aking ama ng tungkol sa iyo; at kung may makita akong anoman, ay aking sasaysayin sa iyo. 009 1SA 019 004 At nagsalita si Jonathan kay Saul na kaniyang ama, ng mabuti tungkol kay David, at sinabi sa kaniya, Huwag magkasala ang hari laban sa kaniyang lingkod na si David; sapagka't hindi siya nagkasala laban sa iyo; at sapagka't ang kaniyang mga gawa ay naging mabuti sa iyo: 009 1SA 019 005 Sapagka't kaniyang ipinain ang kaniyang buhay, at sinaktan ang Filisteo, at gumawa ang Panginoon ng dakilang pagtatagumpay sa ganang buong Israel: nakita mo at nagalak ka; bakit nga magkakasala ka laban sa walang salang dugo, na papatayin si David ng walang anomang kadahilanan? 009 1SA 019 006 At dininig ni Saul ang tinig ni Jonathan; at sumumpa si Saul: Buhay ang Panginoon, siya'y hindi papatayin. 009 1SA 019 007 At tinawag ni Jonathan si David, at isinaysay ni Jonathan sa kaniya ang lahat ng mga bagay na yaon. At dinala ni Jonathan si David kay Saul, at siya'y lumagay sa kaniyang harap, na gaya ng dati. 009 1SA 019 008 At nagkaroong muli ng digma: at lumabas si David, at nakipaglaban sa mga Filisteo, at pumatay sa kanila ng malaking pagpatay; at sila'y tumakas sa harap niya. 009 1SA 019 009 At isang espiritung masama na mula sa Panginoon ay suma kay Saul, nang siya'y nakaupo sa kaniyang bahay na tangan niya ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay; at tumugtog si David sa pamamagitan ng kaniyang kamay. 009 1SA 019 010 At pinagsikapan ni Saul na tuhugin ng sibat si David sa dinding; nguni't siya'y nakatakas sa harap ni Saul at ang kaniyang tinuhog ng sibat ay ang dinding: at tumakas si David at tumanan ng gabing yaon. 009 1SA 019 011 At nagsugo si Saul ng mga sugo sa bahay ni David, upang siya'y bantayan, at siya'y patayin sa kinaumagahan: at sinaysay sa kaniya ni Michal na asawa ni David, na sinasabi, Kundi mo iligtas ang iyong buhay ngayong gabi bukas ay papatayin ka. 009 1SA 019 012 Kaya inihugos ni Michal si David sa isang dungawan, at siya'y yumaon, at tumakas, at tumanan. 009 1SA 019 013 At kinuha ni Michal ang mga terap, at inihiga sa higaan at nilagyan sa ulunan ng isang unan na buhok ng kambing, at tinakpan ng mga kumot. 009 1SA 019 014 At nang magsugo si Saul ng mga sugo upang dakpin si David, kaniyang sinabi, Siya'y may sakit. 009 1SA 019 015 At nagsugo si Saul ng mga sugo upang tingnan si David, na sinasabi, Ipanhik ninyo siya sa akin na nasa kaniyang higaan, upang aking patayin siya. 009 1SA 019 016 At nang pumasok ang mga sugo, narito, ang mga terap at nasa higaan, pati ng unang buhok ng kambing sa ulunan niyaon. 009 1SA 019 017 At sinabi ni Saul kay Michal, Bakit mo ako dinaya ng ganiyan, at iyong pinaalis ang aking kaaway, na anopa't siya'y nakatanan? At sumagot si Michal kay Saul, Kaniyang sinabi sa akin: Bayaan mo akong yumaon: bakit kita papatayin? 009 1SA 019 018 Si David nga ay tumakas, at tumanan, at naparoon kay Samuel sa Rama, at isinaysay sa kaniya ang lahat ng ginawa ni Saul sa kaniya. At siya at si Samuel ay yumaon at tumahan sa Najoth. 009 1SA 019 019 At nasaysay kay Saul na sinasabi, Narito si David ay nasa Najoth sa Rama. 009 1SA 019 020 At nagsugo si Saul ng mga sugo upang dakpin si David: at nang kanilang makita ang pulutong ng mga propeta na nanganghuhula, at si Samuel ay tumatayong pinakapangulo sa kanila, ang Espiritu ng Dios ay dumating sa mga sugo ni Saul, at sila naman ay nanganghula. 009 1SA 019 021 At nang maisaysay kay Saul, siya'y nagsugo ng ibang mga sugo, at sila man ay nanganghula. At si Saul ay nagsugo uli ng mga sugo na ikaitlo, at sila man ay nanganghula. 009 1SA 019 022 Nang magkagayo'y naparoon din naman siya sa Rama, at dumating sa dakilang balon na nasa Socho: at siya'y tumanong, at nagsabi, Saan naroon si Samuel at si David? At sinabi ng isa, Narito, sila'y nasa Najoth sa Rama. 009 1SA 019 023 At siya'y naparoon doon sa Najoth sa Rama: at ang Espiritu ng Dios ay dumating din sa kaniya, at siya'y nagpatuloy, at nanghula hanggang sa siya'y dumating sa Najoth sa Rama. 009 1SA 019 024 At siya rin nama'y naghubad ng kaniyang mga suot, at siya man ay nanghula sa harap ni Samuel, at nahigang hubad sa buong araw na yaon at sa buong gabing yaon. Kaya't kanilang sinasabi, Pati ba si Saul ay nasa gitna ng mga propeta? 009 1SA 020 001 At si David ay tumakas mula sa Najoth, na nasa Rama, at siya'y dumating at nagsabi sa harap ni Jonathan, Anong aking ginawa? anong aking kasamaan? at anong aking kasalanan sa harap ng iyong ama, upang kaniyang usigin ang aking buhay? 009 1SA 020 002 At sinabi niya sa kaniya, Malayo nawa; hindi ka mamamatay: narito, ang aking ama ay hindi gumagawa ng anomang bagay na malaki o maliit kundi niya ipaalam sa akin: at bakit ililihim sa akin ng aking ama ang bagay na ito? hindi gayon. 009 1SA 020 003 At gayon ma'y si David ay sumumpa, at nagsabi, Talastas na maigi ng iyong ama, na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin; at kaniyang sinasabi, Huwag maalaman ni Jonathan ito, baka siya'y magdalamhati; nguni't buhay nga ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, na iisang hakbang ang pagitan ko sa kamatayan. 009 1SA 020 004 Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan kay David, Anomang adhikain ng iyong kaluluwa ay aking gagawin dahil sa iyo. 009 1SA 020 005 At sinabi ni David kay Jonathan, Narito, bukas ay bagong buwan, at ako'y di marapat na di sumalo sa hari; nguni't bayaan mo akong yumaon upang ako'y magkubli sa parang hanggang sa ikatlong araw sa paglubog ng araw. 009 1SA 020 006 Kung ako'y punahin ng iyong ama, iyo ngang sabihing, Hiniling na mainam sa akin ni David na siya'y patakbuhin sa Bethlehem na kaniyang bayan: sapagka't siyang paghahain na taonan sa lahat ng angkan. 009 1SA 020 007 Kung kaniyang sabihing ganito, Mabuti; ang iyong lingkod ay matitiwasay; nguni't kung siya'y magalit, talastasin mo nga na ang kasamaan ay ipinasiya niya. 009 1SA 020 008 Kaya pagmagandahang loob mo ang iyong lingkod; sapagka't iyong dinala ang iyong lingkod sa isang tipan ng Panginoon sa iyo; nguni't kung magtaglay ako ng kasamaan, patayin mo ako; sapagka't bakit mo pa dadalhin ako sa iyong ama? 009 1SA 020 009 At sinabi ni Jonathan, Malayo nawa sa iyo: sapagka't kung matalastas ko sa anomang paraan na ang kasamaan ay ipinasiya ng ama kong sumapit sa iyo, hindi ko ba sasaysayin sa iyo? 009 1SA 020 010 Nang magkagayo'y sinabi ni David kay Jonathan, Sino ang magsasaysay sa akin, kung sakaling ang iyong ama ay sumagot sa iyo na may kagalitan? 009 1SA 020 011 At sinabi ni Jonathan kay David, Halika at tayo'y lumabas sa parang. At sila'y kapuwa lumabas sa parang. 009 1SA 020 012 At sinabi ni Jonathan kay David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel, maging saksi; pagka aking natarok ang aking ama sa oras na ito sa kinabukasan o sa ikatlong araw, narito, kung maging mabuti kay David, hindi ko nga ba pasasapitin sa iyo, at ipababatid sa iyo? 009 1SA 020 013 Kung mabutihin ng aking ama na gawan ka ng kasamaan, ay hatulan ng Panginoon si Jonathan, malibang ipabatid ko sa iyo at payaunin ka, upang ikaw ay yumaong payapa: at ang Panginoon ay sumaiyo nawa na gaya ng siya'y nasa aking ama. 009 1SA 020 014 At huwag mangyari kailanman hanggang ako'y nabubuhay, na di mo ako pagpakitaan ng kagandahang loob ng Panginoon upang ako'y huwag mamatay: 009 1SA 020 015 Subali't huwag mo ring ihihiwalay ang iyong kagandahang loob sa aking sangbahayan magpakailan man: huwag kahit man lipulin ng Panginoon ang lahat ng mga kaaway ni David sa balat ng lupa. 009 1SA 020 016 Sa gayo'y nakipagtipan si Jonathan sa sangbahayan ni David, na sinabi, At hihingin ng Panginoon sa kamay ng mga kaaway ni David. 009 1SA 020 017 At pinasumpa uli ni Jonathan si David dahil sa pagibig niya sa kaniya: sapagka't kaniyang minamahal siya na gaya ng pagmamahal niya sa kaniyang sariling kaluluwa. 009 1SA 020 018 Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan sa kaniya, Bukas ay bagong buwan, at ikaw ay pupunahin, sapagka't sa iyong upuan ay walang nakaupo. 009 1SA 020 019 At pagtatagal mo ng tatlong araw ay bababa kang madali at paroroon ka sa dakong iyong pinagtaguan ng araw na pag-usapan ito, at ikaw ay maghihintay sa tabi ng bato ng Ezel. 009 1SA 020 020 At ako'y papana ng tatlong palaso sa dako niyaon na parang ako'y may pinatatamaan. 009 1SA 020 021 At, narito, aking susuguin ang bata: Ikaw ay yumaon na hanapin mo ang mga palaso. Kung aking sabihin sa bata: Narito, ang mga palaso ay nangarito sa dako mo rito: pagkunin mo, at parito ka; sapagka't may kapayapaan sa iyo at walang anoman, buhay ang Panginoon. 009 1SA 020 022 Nguni't kung aking sabihing ganito sa bata: Narito, ang mga palaso ay nangasa dako mo pa roon: ituloy mo ang iyong lakad, sapagka't pinayaon ka ng Panginoon. 009 1SA 020 023 At tungkol sa usap na ating pinagsalitaan, narito, ang Panginoon ay nasa gitna natin magpakailan man. 009 1SA 020 024 Sa gayo'y nagkubli si David sa parang: at nang dumating ang bagong buwan, ang hari ay umupong kumain. 009 1SA 020 025 At umupo ang hari sa kaniyang upuan na gaya ng kinaugalian niya sa makatuwid baga'y sa upuang nasa siping ng dinding; at tumayo si Jonathan, at umupo si Abner sa siping ni Saul; nguni't sa upuan ni David ay walang nakaupo. 009 1SA 020 026 Gayon ma'y hindi nagsalita si Saul ng anoman sa araw na yaon: sapagka't kaniyang inisip: May bagay na nangyari sa kaniya, siya'y hindi malinis; tunay na siya'y hindi malinis. 009 1SA 020 027 At nangyari nang kinabukasan, pagkaraan ng bagong buwan na ikalawang araw, na sa upuan ni David ay walang nakaupo, sinabi ni Saul kay Jonathan na kaniyang anak, Bakit hindi naparirito ang anak ni Isai upang kumain, ni kahapon, ni ngayon man. 009 1SA 020 028 At sumagot si Jonathan kay Saul, Namanhik si David na bayaan ko siya na pumaroon sa Bethlehem: 009 1SA 020 029 At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako; sapagka't ang aming angkan ay may paghahain sa bayan; at iniutos sa akin ng aking kapatid na dumoon; at ngayon, kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay bayaan mo akong yumaon, isinasamo ko sa iyo, at aking tingnan ang aking mga kapatid. Kaya hindi siya naparito sa dulang ng hari. 009 1SA 020 030 Nang magkagayo'y nagalab ang galit ni Saul laban kay Jonathan, at sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay anak ng masama at mapanghimagsik na babae, hindi ko ba nalalaman na iyong pinili ang anak ni Isai sa ikahihiya mo, at sa ikahihiya ng kahubaran ng iyong ina? 009 1SA 020 031 Sapagka't habang nabubuhay ang anak ni Isai sa ibabaw ng lupa, ikaw ay hindi mapapanatag ni ang iyong kaharian man. Kaya ngayo'y iyong ipasundo at dalhin siya sa akin, sapagka't siya'y walang pagsalang mamamatay. 009 1SA 020 032 At sumagot si Jonathan kay Saul na kaniyang ama; at nagsabi sa kaniya, Bakit siya papatayin? anong kaniyang ginawa? 009 1SA 020 033 At inihandulong ni Saul ang kaniyang sibat sa kaniya upang saktan siya; na doon nakilala ni Jonathan na pasiya ng kaniyang ama na patayin si David. 009 1SA 020 034 Sa gayo'y tumindig si Jonathan sa dulang na may mabangis na galit, at hindi kumain sa ikalawang araw ng buwan: sapagka't siya'y nagdalamhati dahil kay David, sapagka't hiniya siya ng kaniyang ama. 009 1SA 020 035 At nangyari sa kinaumagahan, na si David ay nilabas ni Jonathan sa parang sa takdang panahon, at isang munting bata ang kasama niya. 009 1SA 020 036 At sinabi niya sa kaniyang bataan, Takbo, hanapin mo ngayon ang mga palaso na aking ipinana. At pagtakbo ng bataan, kaniyang ipinana ang palaso sa dako roon niya. 009 1SA 020 037 At nang dumating ang bataan sa dako ng palaso na ipinana ni Jonathan, sinigawan ni Jonathan ang bataan, at sinabi, Hindi ba ang palaso ay nasa dako mo pa roon? 009 1SA 020 038 At sinigawan ni Jonathan ang bataan, Tulin, magmadali ka, huwag kang tumigil. At pinulot ng bataan ni Jonathan ang mga palaso, at naparoon sa kaniyang panginoon. 009 1SA 020 039 Nguni't hindi naalaman ng bataan ang anoman: si Jonathan at si David lamang ang nakaalam ng bagay. 009 1SA 020 040 At ibinigay ni Jonathan ang kaniyang sandata sa kaniyang bataan, at sinabi sa kaniya, Yumaon ka, dalhin mo sa bayan. 009 1SA 020 041 At pagkayaon ng bataan, si David ay tumindig sa dakong tungo sa Timugan, at sumubsob sa lupa, at yumukod na makaitlo: at sila'y naghalikan, at umiyak kapuwa, hanggang si David ay humigit. 009 1SA 020 042 At sinabi ni Jonathan kay David, Yumaon kang payapa, yamang tayo'y kapuwa sumumpa sa pangalan ng Panginoon na nagsasabi, Ang Panginoon ay lalagay sa gitna natin, at sa gitna ng aking binhi at ng iyong binhi, magpakailan man. At siya'y bumangon at yumaon: at pumasok si Jonathan sa bayan. 009 1SA 021 001 Nang magkagayo'y naparoon si David sa Nob kay Ahimelech na saserdote: at sinalubong si David ni Ahimelech na nanginginig, at sinabi sa kaniya, Bakit ka nagiisa, at walang taong kasama ka? 009 1SA 021 002 At si David ay nagsabi kay Ahimelech na saserdote, Inutusan ako ng hari ng isang bagay, at sinabi sa akin, Huwag maalaman ng sinoman ang bagay na aking isinusugo sa iyo, at ang aking iniutos sa iyo: at aking inilagay ang mga bataan sa gayo't gayong dako. 009 1SA 021 003 Ngayon nga anong mayroon ka sa iyong kamay? Bigyan mo ako ng limang tinapay sa aking kamay, o anomang mayroon ka. 009 1SA 021 004 At sumagot ang saserdote kay David, at nagsabi, Walang karaniwang tinapay sa aking kamay, nguni't mayroong banal na tinapay; kung disin ang mga bataan ay magpakalayo lamang sa mga babae. 009 1SA 021 005 At sumagot si David sa saserdote, at nagsabi sa kaniya, Sa katotohanan ang mga babae ay nalayo sa amin humigit kumulang sa tatlong araw na ito; nang ako'y lumabas ang mga daladalahan ng mga bataan ay banal, bagaman isang karaniwang paglalakad; gaano pa kaya kabanal ngayon ang kanilang mga daladalahan? 009 1SA 021 006 Sa gayo'y binigyan siya ng saserdote ng banal na tinapay: sapagka't walang tinapay roon, kundi tinapay na handog, na kinuha sa harap ng Panginoon, upang lagyan ng tinapay na mainit sa araw ng pagkuha. 009 1SA 021 007 Isang lalake nga sa mga lingkod ni Saul ay naroon nang araw na yaon, na pinigil sa harap ng Panginoon: at ang kaniyang pangalan ay Doeg na Idumeo, na pinakapuno ng mga pastor na nauukol kay Saul. 009 1SA 021 008 At sinabi ni David kay Ahimelech, At wala ka ba sa iyong kamay na sibat o tabak? sapagka't hindi ko nadala kahit ang aking tabak o ang aking mga sandata man, dahil sa ang bagay ng hari ay madalian. 009 1SA 021 009 At sinabi ng saserdote, Ang tabak ni Goliath na Filisteo, na iyong pinatay sa libis ng Ela, narito, nabibilot sa isang kayo na nasa likod ng epod: kung iyong kukunin yaon, kunin mo: sapagka't walang iba rito liban yaon. At sinabi ni David, Walang ibang gaya niyaon; ibigay mo sa akin. 009 1SA 021 010 At tumindig si David, at tumakas nang araw na yaon dahil sa takot kay Saul, at naparoon kay Achis na hari sa Gath. 009 1SA 021 011 At sinabi ng mga lingkod ni Achis sa kaniya, Hindi ba ito'y si David na hari sa lupain? Hindi ba pinagaawitanan siya sa mga sayaw, na sinasabi, Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo, At ni David ang kaniyang laksalaksa? 009 1SA 021 012 At iningatan ni David ang mga salitang ito sa kaniyang puso, at natakot na mainam kay Achis na hari sa Gath. 009 1SA 021 013 At kaniyang binago ang kaniyang kilos sa harap nila at nagpakunwaring ulol sa kanilang mga kamay, at nagguhit sa mga pinto ng pintuang-daan, at pinatulo ang kaniyang laway sa kaniyang balbas. 009 1SA 021 014 Nang magkagayo'y sinabi ni Achis sa kaniyang mga lingkod, Narito, tingnan ninyo ang lalake ay ulol: bakit nga ninyo dinala siya sa akin? 009 1SA 021 015 Kulang ba ako ng mga ulol, na inyong dinala ang taong ito upang maglaro ng kaululan sa aking harapan? papasok ba ang taong ito sa aking bahay? 009 1SA 022 001 Umalis nga si David doon, at tumakas sa yungib ng Adullam: at nang mabalitaan ng kaniyang mga kapatid at ng sangbahayan ng kaniyang ama, kanilang nilusong siya roon. 009 1SA 022 002 At bawa't isa na napipighati, at bawa't isa na may utang, at bawa't isa na may kalumbayan ay nakipisan sa kaniya; at siya'y naging punong kawal nila: at nagkaroon siya ng may apat na raang tao. 009 1SA 022 003 At naparoon si David mula roon sa Mizpa ng Moab, at kaniyang sinabi sa hari sa Moab: Isinasamo ko sa iyo na ang aking ama at aking ina ay makalabas, at mapasama sa inyo, hanggang sa aking maalaman kung ano ang gagawin ng Dios sa akin. 009 1SA 022 004 At kaniyang dinala sila sa harap ng hari sa Moab: at sila'y tumahan na kasama niya buong panahon na si David ay nasa moog. 009 1SA 022 005 At sinabi ng propetang si Gad kay David, Huwag kang tumahan sa moog; ikaw ay yumaon at pumasok sa lupain ng Juda. Nang magkagayo'y yumaon si David, at pumasok sa gubat ng Hareth. 009 1SA 022 006 At nabalitaan ni Saul na si David ay nasumpungan, at ang mga lalake na kasama niya: si Saul nga'y nauupo sa Gabaa sa ilalim ng punong tamarisko sa Rama, na tangan ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay, at ang lahat ng kaniyang mga lingkod ay nakatayo sa palibot niya. 009 1SA 022 007 At sinabi ni Saul sa kaniyang mga lingkod na nakatayo sa palibot niya, Dinggin ninyo ngayon, mga Benjamita; bibigyan ba ng anak ni Isai ang bawa't isa sa inyo ng mga bukiran at mga ubasan, gagawin ba niya kayong lahat na mga punong kawal ng lilibuhin at mga punong kawal ng dadaanin; 009 1SA 022 008 Upang kayong lahat ay magsipagsuwail laban sa akin, at walang nagpakilala sa akin nang gawin ng aking anak ang isang pakikipagtipan sa anak ni Isai, at wala sinoman sa inyo na nagdamdam dahil sa akin, o nagpakilala sa akin na ang aking anak ay humihikayat sa aking lingkod laban sa akin upang bumakay, gaya sa araw na ito? 009 1SA 022 009 Nang magkagayo'y sumagot si Doeg na Idumeo na nakatayo sa siping ng mga lingkod ni Saul, at nagsabi, Aking nakita ang anak ni Isai na naparoroon sa Nob, kay Ahimelech na anak ni Ahitob. 009 1SA 022 010 At isinangguni niya siya sa Panginoon, at binigyan siya ng mga pagkain, at ibinigay sa kaniya ang tabak ni Goliath na Filisteo. 009 1SA 022 011 Nang magkagayo'y ipinatawag ng hari si Ahimelech na saserdote na anak ni Ahitob, at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama, na mga saserdote na nasa Nob, at sila'y naparoong lahat sa hari. 009 1SA 022 012 At sinabi ni Saul, Iyong dinggin ngayon, ikaw na anak ni Ahitob. At siya'y sumagot. Narito ako, panginoon ko. 009 1SA 022 013 At sinabi ni Saul sa kaniya, Bakit kayo ay nagsipagsuwail laban sa akin, ikaw, at ang anak ni Isai, na iyong binigyan siya ng tinapay, at ng tabak, at isinangguni siya sa Dios upang siya'y bumangon laban sa akin na bumakay, gaya sa araw na ito? 009 1SA 022 014 Nang magkagayo'y sumagot si Ahimelech sa hari, at nagsabi, At sino sa gitna ng lahat ng iyong mga lingkod ang tapat na gaya ni David, na manugang ng hari, at tinatanggap sa iyong pulong, at karangaldangal sa iyong bahay? 009 1SA 022 015 Pinasimulan ko bang isangguni siya ngayon sa Dios? malayo sa akin: huwag ibintang ng hari ang anomang bagay sa kaniyang lingkod, o sa buong sangbahayan man ng aking ama: sapagka't walang nalalamang bagay ang iyong lingkod tungkol sa lahat na ito, munti o malaki. 009 1SA 022 016 At sinabi ng hari, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay, Ahimelech, ikaw at ang buong sangbahayan ng iyong ama. 009 1SA 022 017 At sinabi ng hari sa bantay na nangakatayo sa palibot niya, Pumihit kayo at patayin ninyo ang mga saserdote ng Panginoon; sapagka't ang kanilang kamay man ay sumasa kay David, at sapagka't kanilang nalaman na siya'y tumakas, at hindi nila ipinakilala sa akin. Nguni't hindi inibig ng mga lingkod ng hari na iunat ang kanilang kamay upang daluhungin ang mga saserdote ng Panginoon. 009 1SA 022 018 At sinabi ng hari kay Doeg: Pumihit ka, at iyong daluhungin ang mga saserdote. At pumihit si Doeg na Idumeo, at kaniyang dinaluhong ang mga saserdote, at kaniyang pinatay nang araw na yaon ay walong pu't limang lalake na nagsusuot ng epod na lino. 009 1SA 022 019 At sinugatan ng talim ng tabak ang Nob, ang bayan ng mga saserdote, ang mga lalake at gayon din ang mga babae, ang mga bata at ang mga pasusuhin, at ang mga baka at mga asno at mga tupa, ng talim ng tabak. 009 1SA 022 020 At isa sa mga anak ni Ahimelech na anak ni Ahitob na nagngangalang Abiathar ay tumanan, at tumakas na sumunod kay David. 009 1SA 022 021 At isinaysay ni Abiathar kay David na pinatay na ni Saul ang mga saserdote ng Panginoon. 009 1SA 022 022 At sinabi ni David kay Abiathar, Talastas ko nang araw na yaon na si Doeg na Idumeo ay naroon, na kaniyang tunay na sasaysayin kay Saul: ako'y naging kadahilanan ng kamatayan ng lahat ng mga tao sa sangbahayan ng iyong ama. 009 1SA 022 023 Matira kang kasama ko, huwag kang matakot; sapagka't siya na umuusig ng aking buhay ay umuusig ng iyong buhay: sapagka't kasama kita ay maliligtas ka. 009 1SA 023 001 At kanilang isinaysay kay David, na sinasabi, Narito, ang mga Filisteo ay nakikipaglaban sa Keila, at kanilang ninanakaw ang mga giikan. 009 1SA 023 002 Kaya't sumangguni si David sa Panginoon, na nagsasabi, Yayaon ba ako at aking sasaktan ang mga Filisteong ito? At sinabi ng Panginoon kay David, Yumaon ka at iyong saktan ang mga Filisteo, at iligtas mo ang Keila. 009 1SA 023 003 At sinabi ng mga lalake ni David sa kaniya, Narito, tayo'y natatakot dito sa Juda: gaano pa nga kaya kung tayo ay pumaroon sa Keila laban sa mga hukbo ng mga Filisteo? 009 1SA 023 004 Nang magkagayo'y sumangguni uli si David sa Panginoon. At sumagot ang Panginoon sa kaniya at sinabi, Bumangon ka at lumusong ka sa Keila; sapagka't aking ibibigay ang mga Filisteo, sa iyong kamay. 009 1SA 023 005 At si David at ang kaniyang mga lalake ay naparoon sa Keila, at bumaka sa mga Filisteo, at dinala ang kanilang kawan, at pinatay nila sila ng malaking pagpatay. Gayon iniligtas ni David ang mga tumatahan sa Keila. 009 1SA 023 006 At nangyari nang makatakas si Abiathar na anak ni Ahimelech kay David sa Keila, na siya'y lumusong na may isang epod sa kaniyang kamay. 009 1SA 023 007 At nasaysay kay Saul na si David ay naparoon sa Keila. At sinabi ni Saul, Ibinigay ng Dios siya sa aking kamay; sapagka't siya'y nasarhan sa kaniyang pagpasok sa isang bayan na mayroong mga pintuang-bayan at mga halang. 009 1SA 023 008 At tinawag ni Saul ang buong bayan sa pakikidigma, upang lumusong sa Keila na kubkubin si David at ang kaniyang mga tao. 009 1SA 023 009 At naalaman ni David na nagiisip si Saul ng masama laban sa kaniya; at kaniyang sinabi kay Abiathar na saserdote, Dalhin mo rito ang epod. 009 1SA 023 010 Nang magkagayo'y sinabi ni David, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, tunay na nabalitaan ng iyong lingkod na pinagsisikapan ni Saul na pumaroon sa Keila, upang ipahamak ang bayan dahil sa akin. 009 1SA 023 011 Ibibigay ba ako ng mga tao sa Keila sa kaniyang kamay? lulusong ba si Saul ayon sa nabalitaan ng iyong lingkod? Oh Panginoon, na Dios ng Israel, idinadalangin ko sa iyo, na saysayin mo sa iyong lingkod. At sinabi ng Panginoon, Siya'y lulusong. 009 1SA 023 012 Nang magkagayo'y sinabi ni David, Ibibigay ba ng mga tao sa Keila ako at ang aking mga tao sa kamay ni Saul? At sinabi ng Panginoon, Ibibigay ka nila. 009 1SA 023 013 Nang magkagayo'y si David at ang kaniyang mga tao na anim na raan, ay tumindig at umalis sa Keila, at naparoon kung saan sila makakaparoon. At nasaysay kay Saul na si David ay tumanan sa Keila, at siya'y tumigil ng paglabas. 009 1SA 023 014 At si David ay tumahan sa ilang sa mga katibayan, at nanira sa lupaing maburol sa ilang ng Ziph. At pinag-uusig siya ni Saul araw-araw, nguni't hindi siya ibinigay ng Dios sa kaniyang kamay. 009 1SA 023 015 At nakita ni David na lumalabas si Saul upang usigin ang kaniyang buhay: at si David ay nasa ilang ng Ziph sa gubat. 009 1SA 023 016 At si Jonathan na anak ni Saul ay bumangon, at naparoon kay David sa gubat, at pinagtibay ang kaniyang kamay sa Dios. 009 1SA 023 017 At sinabi niya sa kaniya, Huwag kang matakot: sapagka't hindi ka masusumpungan ng kamay ni Saul na aking ama; at ikaw ay magiging hari sa Israel, at ako'y magiging pangalawa mo; at nalalamang gayon ni Saul na aking ama. 009 1SA 023 018 At silang dalawa ay nagtipanan sa harap ng Panginoon: at si David ay tumahan sa gubat, at si Jonathan ay umuwi sa kaniyang bahay. 009 1SA 023 019 Nang magkagayo'y inahon ng mga Zipheo si Saul, sa Gabaa, na sinasabi, Hindi ba nagkukubli sa amin si David sa mga katibayan sa gubat, sa burol ng Hachila, na nasa timugan ng ilang? 009 1SA 023 020 Ngayon nga, Oh hari, lumusong ka, ayon sa buong adhika ng iyong kalooban na lumusong; at ang aming bahagi ay ibibigay sa kamay ng hari. 009 1SA 023 021 At sinabi ni Saul, Pagpalain nawa kayo ng Panginoon; sapagka't kayo'y nahabag sa akin. 009 1SA 023 022 Kayo'y yumaon, isinasamo ko sa inyo, inyong turuling maigi, at alamin at tingnan ang kaniyang kinaroroonan, at kung sino ang nakakita sa kaniya roon: sapagka't nasaysay sa akin na siya'y nagpapakatalino. 009 1SA 023 023 Inyo ngang tingnan, at alamin ang mga kublihang dako na kaniyang pinagtataguan, at bumalik kayo sa akin na may katunayan, at ako'y paroroong kasama ninyo: at mangyayari, kung siya'y nasa lupain, ay aking sisiyasatin siya sa gitna ng lahat ng mga libolibo sa Juda. 009 1SA 023 024 At sila'y tumindig at naparoon sa Ziph na nagpauna kay Saul: nguni't si David at ang kaniyang mga tao ay nasa ilang ng Maon sa Araba sa timugan ng ilang. 009 1SA 023 025 At si Saul at ang kaniyang mga tao ay naparoon upang pag-usigin siya. At kanilang sinaysay kay David: kaya't siya'y lumusong sa burol na bato at tumahan sa ilang ng Maon. At nang mabalitaan ni Saul, kaniyang hinabol si David sa ilang ng Maon. 009 1SA 023 026 At naparoon si Saul sa dakong ito ng bundok, at si David at ang kaniyang mga tao ay sa dakong yaon ng bundok: at si David ay nagmadaling umalis dahil sa takot kay Saul; sapagka't kinukubkob ni Saul at ng kaniyang mga tao si David at ang kaniyang mga tao upang sila'y hulihin. 009 1SA 023 027 Nguni't dumating ang isang sugo kay Saul, na nagsasabi, Magmadali ka at parito ka; sapagka't ang mga Filisteo ay sumalakay sa lupain. 009 1SA 023 028 Sa gayo'y bumalik si Saul na mula sa paghabol kay David, at naparoon laban sa mga Filisteo: kaya't kanilang tinawag ang dakong yaon na Sela-hammahlecoth. 009 1SA 023 029 At si David ay umahon mula roon, at tumahan sa mga katibayan ng En-gaddi. 009 1SA 024 001 At nangyari, nang si Saul ay bumalik na mula sa paghabol sa mga Filisteo, na nasaysay sa kaniya, na sinasabi, Narito, si David ay nasa ilang ng En-gaddi. 009 1SA 024 002 Nang magkagayo'y kumuha si Saul ng tatlong libong piling lalake sa buong Israel, at yumaong inusig si David at ang kaniyang mga lalake sa mga bundok ng maiilap na kambing. 009 1SA 024 003 At siya'y naparoon sa mga kulungan ng kawan sa daan, na kinaroroonan ng isang yungib; at pumasok si Saul upang takpan ang kaniyang mga paa. Si David nga at ang kaniyang mga tao ay tumatahan sa pinakaloob na bahagi ng yungib. 009 1SA 024 004 At sinabi ng mga tao ni David sa kaniya, Narito, ang araw na sinabi ng Panginoon sa iyo, Narito, aking ibibigay ang iyong kaaway sa iyong kamay, at iyong gagawin sa kaniya kung ano ang mabutihin mo. Nang magkagayo'y tumindig si David at pinutol na lihim ang laylayan ng balabal ni Saul. 009 1SA 024 005 At nangyari pagkatapos, na nagdamdam ang puso ni David, sapagka't kaniyang pinutol ang laylayan ng balabal ni Saul. 009 1SA 024 006 At kaniyang sinabi sa kaniyang mga lalake, Huwag itulot ng Panginoon na ako'y gumawa ng ganitong bagay sa aking panginoon, na pinahiran ng langis ng Panginoon, na aking iunat ang aking kamay laban sa kaniya, yamang siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon. 009 1SA 024 007 Sa gayo'y pinigilan ni David ang kaniyang mga tao ng mga salitang ito, at hindi niya sila binayaang bumangon laban kay Saul. At tumindig si Saul sa yungib at nagpatuloy ng kaniyang lakad. 009 1SA 024 008 Si David naman ay tumindig pagkatapos, at lumabas sa yungib, at hiniyawan si Saul, na sinasabi, Panginoon ko na hari. At nang lumingon si Saul ay iniyukod ni David ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay galang. 009 1SA 024 009 At sinabi ni David kay Saul, Bakit ka nakikinig sa mga salita ng mga tao, na nagsasabi, Narito, pinagsisikapan kang saktan ni David? 009 1SA 024 010 Narito, nakita ngayon ng iyong mga mata kung paanong ibinigay ka ngayon ng Panginoon sa aking kamay sa yungib: at sinabi sa akin ng iba na patayin kita: nguni't hindi kita inano; at aking sinabi, Hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa aking panginoon; sapagka't siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon. 009 1SA 024 011 Bukod dito'y iyong tingnan, ama ko, oo, tingnan mo ang laylayan ng iyong balabal sa aking kamay: sapagka't sa pagputol ko ng laylayan ng iyong balabal ay hindi kita pinatay, talastasin mo at tingnan mo na wala kahit kasamaan o pagsalangsang man sa aking kamay, at hindi ako nagkasala laban sa iyo, bagaman iyong pinag-uusig ang aking kaluluwa upang kunin. 009 1SA 024 012 Hatulan tayo ng Panginoon, at ipanghiganti ako ng Panginoon sa iyo: nguni't ikaw ay hindi ko pagbubuhatan ng kamay. 009 1SA 024 013 Gaya ng sabi ng kawikaan ng mga matanda: Sa masama magmumula ang kasamaan: nguni't ikaw ay hindi ko pagbubuhatan ng kamay. 009 1SA 024 014 Sinong nilabas ng hari ng Israel? sinong hinahabol mo? isang patay na aso, isang kuto. 009 1SA 024 015 Maging hukom nga ang Panginoon, at hatulan tayo, at tingnan, at ipagsanggalang ang aking usap, at iligtas ako sa iyong kamay. 009 1SA 024 016 At nangyari, nang makatapos si David ng pagsasalita ng mga salitang ito kay Saul, ay sinabi ni Saul, Ito ba ang iyong tinig, anak kong David? At inilakas ni Saul ang kaniyang tinig, at umiyak. 009 1SA 024 017 At kaniyang sinabi kay David, Ikaw ay lalong matuwid kay sa akin: sapagka't ikaw ay gumanti sa akin ng mabuti, samantalang ikaw ay aking ginantihan ng kasamaan. 009 1SA 024 018 At iyong ipinakilala sa araw na ito kung paanong gumawa ka sa akin ng mabuti, sapagka't nang ibigay ako ng Panginoon sa iyong kamay, ay hindi mo ako pinatay. 009 1SA 024 019 Sapagka't kung masumpungan ng isang tao ang kaniyang kaaway, pababayaan ba niyang yumaong mabuti? kaya't gantihan ka nawa ng Panginoon ng mabuti dahil sa iyong ginawa sa akin sa araw na ito. 009 1SA 024 020 At ngayo'y narito, talastas ko na ikaw ay tunay na magiging hari, at ang kaharian ng Israel ay matatatag sa iyong kamay. 009 1SA 024 021 Isumpa mo nga ngayon sa akin sa pangalan ng Panginoon, na hindi mo puputulin ang aking binhi pagkamatay ko, at hindi mo papawiin ang aking pangalan sa sangbahayan ng aking magulang. 009 1SA 024 022 At sumumpa si David kay Saul. At si Saul ay umuwi; nguni't si David at ang kaniyang mga lalake ay umakyat sa katibayan. 009 1SA 025 001 At namatay si Samuel; at nagpipisan ang buong Israel, at pinanaghuyan siya, at inilibing siya sa kaniyang bahay sa Rama. At bumangon si David, at lumusong sa ilang ng Paran. 009 1SA 025 002 At may isang lalake sa Maon, na ang mga pag-aari ay nasa Carmelo; at ang lalake ay lubhang dakila, at siya'y mayroong tatlong libong tupa, at isang libong kambing; at kaniyang ginugupitan ng balahibo ang kaniyang tupa sa Carmelo. 009 1SA 025 003 Ang pangalan nga ng lalake ay Nabal; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Abigail: at ang babae ay matalino, at may magandang pagmumukha; nguni't ang lalake ay masungit at masama sa kaniyang mga gawa; at siya'y supling sa sangbahayan ni Caleb. 009 1SA 025 004 At narinig ni David sa ilang na ginugupitan ni Nabal ng balahibo ang kaniyang tupa. 009 1SA 025 005 At nagsugo si David ng sangpung bataan, at sinabi ni David sa mga bataan, Umahon kayo sa Carmelo, at kayo'y pumaroon kay Nabal, at batiin ninyo siya sa aking pangalan: 009 1SA 025 006 At ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya na nabubuhay na maginhawa, Kapayapaan nawa ang sumaiyo, at kapayapaan nawa ang sumaiyong sangbahayan, at kapayapaan nawa ang suma lahat ng iyong tinatangkilik. 009 1SA 025 007 At ngayo'y aking narinig na ikaw ay nagpapagupit ng balahibo ng tupa; ang iyong mga pastor nga ay nasa sa amin, at hindi namin inano sila, o nagkulang man ng anomang bagay sa kanilang buong panahon na kanilang ikinaroon sa Carmelo. 009 1SA 025 008 Tanungin mo ang iyong mga bataan at kanilang sasaysayin sa iyo: kaya't makasumpong nawa ng biyaya sa iyong mga mata ang mga bataan; sapagka't kami ay naparito sa mabuting araw: isinasamo ko sa iyo, na ibigay mo ang anomang masumpungan mo ng iyong kamay, sa iyong mga lingkod, at sa iyong anak na kay David. 009 1SA 025 009 At nang dumating ang mga bataan ni David, kanilang sinalita kay Nabal ang ayon sa lahat ng mga salitang yaon sa pangalan ni David, at nagsitahimik. 009 1SA 025 010 At sinagot ni Nabal ang mga lingkod ni David, at nagsabi, Sino si David? at sino ang anak ni Isai? maraming mga bataan ngayon sa mga araw na ito na nagsisilayas bawa't isa sa kaniyang panginoon. 009 1SA 025 011 Akin nga bang kukunin ang aking tinapay at ang aking tubig, at ang aking hayop na aking pinatay dahil sa aking mga manggugupit, at aking ibibigay sa mga tao na hindi ko nakikilala kung taga saan? 009 1SA 025 012 Sa gayo'y ang mga bataan ni David ay pumihit sa kanilang lakad, at nagsibalik, at naparoon, at isinaysay sa kaniya ang ayon sa lahat ng mga salitang ito. 009 1SA 025 013 At sinabi ni David sa kaniyang mga lalake, Ibigkis ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang tabak. At nagbigkis ang bawa't isa ng kaniyang tabak; at si David ay nagbigkis din ng kaniyang tabak: at ang umahon na sumunod kay David ay may apat na raang lalake; at naiwan ang dalawang daan sa daladalahan. 009 1SA 025 014 Nguni't isinaysay ng isa sa mga bataan kay Abigail, na asawa ni Nabal, na sinasabi, Narito, si David ay nagsugo ng mga sugo mula sa ilang upang bumati sa ating panginoon; at kaniyang tinanggihan. 009 1SA 025 015 Nguni't ang mga lalake ay napakabuti sa amin, at hindi kami sinaktan, o nagkulang man ng anomang bagay habang kami ay nakikisama sa kanila, nang kami ay nasa mga parang: 009 1SA 025 016 Sila'y naging kuta sa amin sa gabi at gayon din sa araw buong panahong aming ikinaroon sa kanila sa pagaalaga ng mga tupa. 009 1SA 025 017 Ngayon nga'y iyong alamin at dilidilihin kung ano ang iyong gagawin; sapagka't ang kasamaan ay ipinasiya na laban sa ating panginoon, at laban sa kaniyang buong sangbahayan: sapagka't siya'y isang hamak na tao, na sinoma'y hindi makapakiusap sa kaniya. 009 1SA 025 018 Nang magkagayo'y nagmadali si Abigail, at kumuha ng dalawang daang tinapay, at dalawang balat ng alak, at limang handang tupa, at limang takal ng trigo na sinangag, at isang daang kumpol na pasas, at dalawang daang binilong igos, at ipinagpapasan sa mga asno. 009 1SA 025 019 At sinabi niya sa kaniyang mga bataan, Magpauna kayo sa akin; narito ako'y susunod sa inyo. Nguni't hindi niya isinaysay sa kaniyang asawang kay Nabal. 009 1SA 025 020 At nagkagayon na samantalang siya'y nakasakay sa kaniyang asno at lumulusong sa isang kubling dako ng bundok na narito, si David at ang kaniyang mga lalake ay lumulusong na patungo sa kaniya, at sinalubong niya sila. 009 1SA 025 021 Sinabi nga ni David, Tunay na walang kabuluhang aking iningatan ang lahat na tinatangkilik ng taong yaon sa ilang, na anopa't hindi nawala ang anoman sa lahat na nauukol sa kaniya: at kaniyang iginanti sa akin ay masama sa mabuti. 009 1SA 025 022 Hatulan nawa ng Dios ang mga kaaway ni David, at lalo na, kung ako'y magiwan ng labis sa lahat na nauukol sa kaniya sa pagbubukang liwayway kahit isang batang lalake. 009 1SA 025 023 At nang makita ni Abigail si David, ay nagmadali siya, at lumunsad sa kaniyang asno, at nagpatirapa sa harap ni David at yumukod sa lupa. 009 1SA 025 024 At siya'y nagpatirapa sa kaniyang mga paa at nagsabi, Mapasa akin, panginoon ko, mapasa akin ang kasamaan: at isinasamo ko sa iyo na iyong papagsalitain ang iyong lingkod sa iyong mga pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng iyong lingkod. 009 1SA 025 025 Isinasamo ko sa iyo, na ang aking panginoon ay huwag makitungo sa lalaking ito na hamak, sa makatuwid baga'y kay Nabal; sapagka't kung ano ang kaniyang pangalan ay gayon siya: Nabal ang kaniyang pangalan, at ang kamangmangan ay sumasakaniya: nguni't akong iyong lingkod, hindi nakakita sa mga bataan ng aking panginoon, na iyong sinugo. 009 1SA 025 026 Ngayon nga, panginoon ko, buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, yamang ikaw ay pinigil ng Panginoon sa pagbububo ng dugo, at sa panghihiganti mo ng iyong sariling kamay kaya nga ang iyong mga kaaway at yaong mga umuusig ng kasamaan sa aking panginoon ay maging gaya ni Nabal. 009 1SA 025 027 At ngayo'y itong kaloob na dinala ng iyong lingkod sa aking panginoon ay mabigay sa mga bataan na sumusunod sa aking panginoon. 009 1SA 025 028 Isinasamo ko sa iyo na iyong ipatawad ang pagkasalangsang ng iyong lingkod: sapagka't tunay na gagawin ng Panginoon ang aking panginoon ng isang sangbahayan na tiwasay, sapagka't ibinabaka ng aking panginoon ang mga pagbabaka ng Panginoon; at ang kasamaan ay hindi masusumpungan sa iyo sa lahat ng iyong mga araw. 009 1SA 025 029 At bagaman bumangon ang isang lalake upang habulin ka, at usigin ang iyong kaluluwa, gayon ma'y ang kaluluwa ng aking panginoon ay matatali sa talian ng buhay na kasama ng Panginoon mong Dios; at ang mga kaluluwa ng iyong mga kaaway, ay pahihilagpusin niya, na parang mula sa gitna ng isang panghilagpos. 009 1SA 025 030 At mangyayari, pagka nagawa ng Panginoon sa aking panginoon ang ayon sa lahat ng mabuti na kaniyang sinalita tungkol sa iyo, at kaniyang naihalal ka na prinsipe sa Israel; 009 1SA 025 031 Na ito'y hindi magiging kalumbayan sa iyo o kutog man ng loob sa aking panginoon, maging ikaw ay nagbubo ng dugo sa walang kabuluhan, o gumanti ng sa kaniyang sarili ang aking panginoon: at pagka gumawa ang Panginoon ng mabuti sa aking panginoon, alalahanin mo nga ang iyong lingkod. 009 1SA 025 032 At sinabi ni David kay Abigail, Purihin nawa ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsugo sa iyo sa araw na ito upang salubungin ako: 009 1SA 025 033 At purihin nawa ang iyong kabaitan, at pagpalain ka, na pumigil sa akin sa araw na ito sa pagbububo ng dugo, at sa panghihiganti ng aking sariling kamay. 009 1SA 025 034 Sapagka't tunay, buhay ang Panginoon, ang Dios ng Israel na siyang pumigil sa akin sa pagsakit sa iyo, kundi ka nagmadali, at pumaritong sumalubong sa akin, tunay na walang malalabi kay Nabal sa pagbubukang liwayway kahit isang batang lalake. 009 1SA 025 035 Sa gayo'y tinanggap ni David sa kaniyang kamay ang dinala niya sa kaniya: at sinabi niya sa kaniya, Umahon kang payapa na umuwi sa iyong bahay; tingnan mo, aking dininig ang iyong tinig, at aking tinanggap ang iyong pagkatao. 009 1SA 025 036 At naparoon si Abigail kay Nabal; at, narito, siya'y gumawa ng isang kasayahan sa kaniyang bahay, na gaya ng pagsasaya ng isang hari; at ang puso ni Nabal ay nagalak sa kaniyang loob, sapagka't siya'y lubhang nalango; kaya't siya'y hindi nagsaysay sa kaniya ng anoman, munti o malaki, hanggang sa pagbubukang liwayway. 009 1SA 025 037 At nangyari sa kinaumagahan, nang ang alak ay mapawi kay Nabal, na isinaysay ng asawa niya sa kaniya ang mga bagay na ito, at nagkasakit siya sa puso, at siya'y naging parang isang bato. 009 1SA 025 038 At nangyari, pagkaraan ng may sangpung araw, at sinaktan ng Panginoon si Nabal, na anopa't siya'y namatay. 009 1SA 025 039 At nang mabalitaan ni David na si Nabal ay namatay, ay kaniyang sinabi, Purihin nawa ang Panginoon na siyang nagsanggalang ng aking kadustaan mula sa kamay ni Nabal, at pinigil ang kaniyang lingkod sa kasamaan: at ang masamang gawa ni Nabal ay ibinalik ng Panginoon sa kaniyang sariling ulo. At nagsugo si David upang salitain kay Abigail na kunin siya na maging asawa niya. 009 1SA 025 040 At nang dumating ang mga lingkod ni David kay Abigail sa Carmelo, ay kanilang sinalita sa kaniya, na sinasabi, Sinugo kami ni David sa iyo, upang kunin ka na maging asawa niya. 009 1SA 025 041 At siya'y bumangon at nagpatirapa sa lupa, at nagsabi, Narito, ang iyong lingkod ay isang aba upang maghugas ng mga paa ng mga lingkod ng aking panginoon. 009 1SA 025 042 At nagmadali si Abigail, at bumangon, at sumakay sa isang asno, na kasama ng limang dalaga niya na sumusunod sa kaniya; at siya'y sumunod sa mga sugo ni David, at naging kaniyang asawa. 009 1SA 025 043 Kinuha naman ni David si Ahinoam, na taga Jezreel; at sila'y kapuwa naging asawa niya. 009 1SA 025 044 Ngayo'y ibinigay ni Saul si Michal na kaniyang anak, na asawa ni David, kay Palti na anak ni Lais na taga Gallim. 009 1SA 026 001 At naparoon ang mga Zipheo kay Saul sa Gabaa, na nagsasabi, Hindi ba nagtatago si David sa burol ng Hachila, sa tapat ng ilang? 009 1SA 026 002 Nang magkagayo'y bumangon si Saul at lumusong sa ilang ng Ziph, na may tatlong libong piling lalake sa Israel na kasama niya upang hanapin si David sa ilang ng Ziph. 009 1SA 026 003 At humantong si Saul sa burol ng Hachila na nasa tapat ng ilang sa tabi ng daan. Nguni't si David ay tumahan sa ilang, at kaniyang nakita na sinusundan siya ni Saul sa ilang. 009 1SA 026 004 Nagsugo nga si David ng mga tiktik, at nalaman na tunay na dumarating si Saul. 009 1SA 026 005 At si David ay bumangon at naparoon sa dakong kinahahantungan ni Saul: at nakita ni David ang dakong kinaroroonan ni Saul at ni Abner na anak ni Ner, na kapitan ng kaniyang hukbo: at si Saul ay nakahiga sa dako ng mga karo, at ang bayan ay humantong sa palibot niya. 009 1SA 026 006 Nang magkagayo'y sumagot si David, at nagsabi kay Ahimelech na Hetheo, at kay Abisai na anak ni Sarvia, na kapatid ni Joab, na nagsasabi, Sinong lulusong na kasama ko kay Saul sa kampamento? At sinabi ni Abisai, Ako'y lulusong na kasama mo. 009 1SA 026 007 Sa gayo'y naparoon si David at si Abisai sa bayan sa kinagabihan: at, narito, si Saul ay nakatulog sa loob ng dako ng mga karo na dala ang kaniyang sibat na nakasaksak sa lupa sa kaniyang ulunan: at si Abner at ang bayan ay nakahiga sa palibot niya. 009 1SA 026 008 Nang magkagayo'y sinabi ni Abisai kay David, Ibinigay ng Dios ang iyong kaaway sa iyong kamay sa araw na ito: ngayon nga'y isinasamo ko sa iyo, na bayaan mong tuhugin ko siya ng sibat sa lupa sa isang saksak, at hindi ko pagmamakalawahin. 009 1SA 026 009 At sinabi ni David kay Abisai, Huwag mong patayin siya: sapagka't sinong maguunat ng kaniyang kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon at mawawalan ng sala? 009 1SA 026 010 At sinabi ni David, Buhay ang Panginoon, ang Panginoon ay siyang sasakit sa kaniya; o darating ang kaniyang kaarawan upang mamatay; o siya'y lulusong sa pagbabaka, at mamamatay. 009 1SA 026 011 Huwag itulot ng Panginoon na aking iunat ang aking kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon: nguni't ngayo'y iyong kunin, isinasamo ko sa iyo, ang sibat na nasa kaniyang ulunan, at ang banga ng tubig, at tayo'y yumaon. 009 1SA 026 012 Sa gayo'y kinuha ni David ang sibat at ang banga ng tubig sa ulunan ni Saul; at sila'y umalis, at walang nakakita, o nakaalam man, o nagising man ang sinoman: sapagka't sila'y pawang mga tulog; sapagka't isang mahimbing na pagkakatulog ang inihulog sa kanila ng Panginoon. 009 1SA 026 013 Nang magkagayo'y dumaan si David sa kabilang dako, at tumayo sa taluktok ng bundok na may kalayuan; na may malaking pagitan sa kanila: 009 1SA 026 014 At sumigaw si David sa bayan at kay Abner na anak ni Ner, na nagsabi, Hindi ka sumasagot, Abner? Nang magkagayo'y sumagot si Abner at nagsabi, Sino kang sumisigaw sa hari? 009 1SA 026 015 At sinabi ni David kay Abner, Hindi ka ba matapang na lalake? at sinong gaya mo sa Israel? bakit nga hindi mo binantayan ang iyong panginoon na hari? sapagka't pumasok ang isa sa bayan upang patayin ang hari na iyong panginoon. 009 1SA 026 016 Ang bagay na ito na iyong ginawa ay hindi mabuti. Buhay ang Panginoon, kayo'y marapat na mamatay, sapagka't hindi ninyo binantayan ang inyong panginoon, ang pinahiran ng langis ng Panginoon. At ngayo'y tingnan ninyo kung saan nandoon ang sibat ng hari, at ang banga ng tubig na nasa kaniyang ulunan. 009 1SA 026 017 At nakilala ni Saul ang tinig ni David at nagsabi, Ito ba ang tinig mo, anak kong David? At sinabi ni David, Aking tinig nga, panginoon ko, Oh hari. 009 1SA 026 018 At kaniyang sinabi, Bakit hinahabol ng aking panginoon ang kaniyang lingkod? sapagka't anong aking ginawa? o anong kasamaan ang nasa aking kamay? 009 1SA 026 019 Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na dinggin ng aking panginoon na hari ang mga salita ng kaniyang lingkod. Kung ang Panginoon ay siyang nagudyok sa iyo laban sa akin, ay tumanggap siya ng isang handog: nguni't kung ang mga anak ng tao, sumpain sila sa harap ng Panginoon; sapagka't sila'y nagpalayas sa akin sa araw na ito upang huwag akong magkaroon ng bahagi ng mana sa Panginoon, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, maglingkod ka sa ibang mga dios. 009 1SA 026 020 Ngayon nga'y huwag ibubo ang aking dugo sa lupa sa harap ng Panginoon; sapagka't lumabas ang hari sa Israel upang humanap ng isang kuto, gaya ng isang humahabol ng isang pugo sa mga bundok. 009 1SA 026 021 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul, Ako'y nagkasala: bumalik ka, anak kong David: sapagka't hindi na ako gagawa ng masama sa iyo, sapagka't ang aking buhay ay mahalaga sa iyong mga mata sa araw na ito: narito, ako'y nagpakamangmang, at ako'y nagkamali ng di kawasa. 009 1SA 026 022 At sumagot si David at nagsabi, Tingnan mo ang sibat, Oh hari! paparituhin mo ang isa sa mga bataan at kunin. 009 1SA 026 023 At gagantihin ng Panginoon ang bawa't tao sa kaniyang katuwiran at sa kaniyang pagtatapat: sapagka't ibinigay ka ng Panginoon sa aking kamay ngayon, at hindi ko iniunat ang aking kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon. 009 1SA 026 024 At, narito, kung paanong ang iyong buhay ay mahalagang mainam sa aking paningin sa araw na ito, ay maging gayon nawang mahalagang mainam ang aking buhay sa paningin ng Panginoon, at iligtas niya nawa ako sa madlang kapighatian. 009 1SA 026 025 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul kay David, Pagpalain ka, anak kong David: ikaw ay gagawa na makapangyarihan, at tunay na ikaw ay mananaig. Sa gayo'y nagpatuloy si David ng kaniyang lakad, at si Saul ay bumalik sa kaniyang dako. 009 1SA 027 001 At nasabi ni David sa kaniyang sarili, Ako'y mamamatay isang araw sa kamay ni Saul: walang anomang bagay na mabuti sa akin kundi ang tumakas sa lupain ng mga Filisteo; at si Saul ay mawawalan ng pagasa tungkol sa akin, upang huwag na akong pag-usigin sa lahat ng mga hangganan ng Israel: sa gayo'y tatakas ako mula sa kaniyang kamay. 009 1SA 027 002 At si David ay bumangon at lumipat, siya at ang anim na raang lalake na nasa kaniya, kay Achis na anak ni Maoch na hari sa Gath. 009 1SA 027 003 At tumahan si David na kasama ni Achis sa Gath, siya at ang kaniyang mga lalake, bawa't lalake ay kasama ang kaniyang sangbahayan, sa makatuwid baga'y si David pati ng kaniyang dalawang asawa, si Ahinoam na taga Jezreel at si Abigail na taga Carmelo na asawa ni Nabal. 009 1SA 027 004 At nasaysay kay Saul na si David ay tumakas na napatungo sa Gath: at hindi na niya pinagusig siya uli. 009 1SA 027 005 At sinabi ni David kay Achis, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, bigyan nila ako ng isang matatahanan sa isa sa mga bayan sa lupain, upang ako'y tumahan doon: sapagka't bakit tatahan kasama mo ang iyong lingkod sa bayan ng hari? 009 1SA 027 006 Nang magkagayo'y ibinigay ni Achis sa kaniya ang Siclag nang araw na yaon: kaya't ang Siclag ay nauukol sa mga hari sa Juda hanggang sa araw na ito. 009 1SA 027 007 At ang bilang ng mga araw na itinahan ni David sa lupain ng mga Filisteo ay isang buong taon, at apat na buwan. 009 1SA 027 008 At umahon si David at ang kaniyang mga lalake, at sinalakay ang mga Gesureo, at ang mga Gerzeo, at ang mga Amalecita; sapagka't ang mga yaon ay dating nangananahan sa lupain, mula nang gaya ng kung ikaw ay paroroon sa Shur, hanggang sa lupain ng Egipto. 009 1SA 027 009 At sinaktan ni David ang lupain, at walang iniligtas na buhay kahit lalake o babae man, at dinala ang mga tupa at ang mga baka, at ang mga asno, at ang mga kamelyo, at ang mga kasuutan; at siya'y bumalik, at naparoon kay Achis. 009 1SA 027 010 At sinabi ni Achis, Saan kayo sumalakay ngayon? At sinabi ni David, Laban sa Timugan ng Juda, at laban sa Timugan ng mga Jerameeliteo, at laban sa Timugan ng mga Cineo. 009 1SA 027 011 At walang iniligtas na buhay si David kahit ng lalake o ng babae man, upang dalhin sa Gath, na sinasabi, Baka sila'y magsumbong laban sa atin, na sabihin, Ganoon ang ginawa ni David, at gayon ang kaniyang paraan sa buong panahon na kaniyang itinahan sa lupain ng mga Filisteo. 009 1SA 027 012 At naniwala si Achis kay David, na nagsasabi, Kaniyang ginawa na ang kaniyang bayang Israel ay lubos na nakayayamot sa kaniya: kaya't siya'y magiging aking lingkod magpakailan man. 009 1SA 028 001 At nangyari sa mga araw na yaon, na pinisan ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo sa pakikidigma upang lumaban sa Israel. At sinabi ni Achis kay David, Talastasin mong maigi na ikaw ay lalabas na kasama ko sa hukbo, ikaw at ang inyong mga lalake. 009 1SA 028 002 At sinabi ni David kay Achis, Kaya't iyong nalalaman kung anong gagawin ng iyong lingkod. At sinabi ni Achis kay David, Kaya't gagawin kitang bantay sa aking ulo magpakailan man. 009 1SA 028 003 Si Samuel nga ay namatay, at pinanaghuyan ng buong Israel at inilibing siya sa Rama, sa makatuwid baga'y sa kaniyang sariling bayan. At pinalayas ni Saul sa lupain, yaong mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at ang mga manghuhula. 009 1SA 028 004 At nagpipisan ang mga Filisteo, at naparoon at humantong sa Sunam: at pinisan ni Saul ang buong Israel, at sila'y humantong sa Gilboa. 009 1SA 028 005 At nang makita ni Saul ang hukbo ng mga Filisteo, siya'y natakot, at ang kaniyang puso ay nanginig na mainam. 009 1SA 028 006 At nang magusisa si Saul sa Panginoon, ay hindi siya sinagot ng Panginoon, maging sa panaginip man, ni sa Urim man, ni sa pamamagitan man ng mga propeta. 009 1SA 028 007 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang mga lingkod, Ihanap ninyo ako ng isang babae na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, upang ako'y pumaroon sa kaniya, at magusisa sa kaniya. At sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya. Narito, may isang babae na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu sa Endor. 009 1SA 028 008 At hindi napakilala si Saul, at nagsuot ng ibang kasuutan, at naparoon siya at ang dalawang lalake na kasama niya, at sila'y dumating sa babae nang kinagabihan: at kaniyang sinabi, Hulaan mo ako isinasamo ko sa iyo, sa pamamagitan ng sinasanggunian mong espiritu, at iahon mo sa akin sinomang banggitin ko sa iyo. 009 1SA 028 009 At sinabi ng babae sa kaniya, Narito, iyong nalalaman ang ginawa ni Saul, kung paanong kaniyang inihiwalay yaong mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at ang mga manghuhula, sa lupain: bakit nga ipinaglalagay mo ng silo ang aking buhay, upang ipapatay ako? 009 1SA 028 010 At sumumpa si Saul sa kaniya sa pamamagitan ng Panginoon, na sinasabi, Buhay ang Panginoon, walang parusang mangyayari sa iyo dahil sa bagay na ito. 009 1SA 028 011 Nang magkagayo'y sinabi ng babae, Sinong iaahon ko sa iyo? At kaniyang sinabi, Iahon mo si Samuel sa akin. 009 1SA 028 012 At nang makita ng babae si Samuel, ay sumigaw ng malakas na tinig at nagsalita ang babae kay Saul, na sinasabi, Bakit mo ako dinaya? sapagka't ikaw ay si Saul. 009 1SA 028 013 At sinabi ng hari sa kaniya, Huwag kang matakot: sapagka't anong iyong nakikita? At sinabi ng babae kay Saul, Aking nakikita'y isang dios na lumilitaw sa lupa. 009 1SA 028 014 At kaniyang sinabi sa kaniya, Ano ang kaniyang anyo? At sinabi niya, Isang matandang lalake ay lumilitaw; at siya'y nabibilot ng isang balabal. At nakilala ni Saul, na si Samuel, at siya'y yumukod sa lupa, at nagbigay galang. 009 1SA 028 015 At sinabi ni Samuel kay Saul, Bakit mo binagabag ako sa aking pagahon? At sumagot si Saul, Ako'y totoong naliligalig; sapagka't ang mga Filisteo ay nangdidigma laban sa akin, at ang Dios ay humiwalay sa akin, at hindi na ako sinasagot, kahit sa pamamagitan ng mga propeta, ni ng panaginip man: kaya tinawag kita, upang maipakilala mo sa akin kung ano ang aking gagawin. 009 1SA 028 016 At sinabi ni Samuel, Bakit nga nagtatanong ka sa akin, dangang ang Panginoon ay humiwalay sa iyo, at naging iyong kaaway? 009 1SA 028 017 At ginawa ng Panginoon ang gaya ng sinalita niya sa pamamagitan ko: at inihiwalay ng Panginoon ang kaharian sa iyong kamay, at ibinigay sa iyong kapuwa, sa makatuwid baga'y kay David. 009 1SA 028 018 Sapagka't hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, at hindi mo ginawa ang kaniyang mabagsik na galit sa Amalec, kaya't ginawa ng Panginoon ang bagay na ito sa iyo sa araw na ito. 009 1SA 028 019 Bukod dito'y ibibigay ng Panginoon ang Israel naman na kalakip mo sa kamay ng mga Filisteo: at bukas, ikaw at ang iyong mga anak ay masasama sa akin: ibibigay naman ng Panginoon ang hukbo ng Israel sa kamay ng mga Filisteo. 009 1SA 028 020 Nang magkagayo'y biglang nabulagta si Saul sa lupa, at siya'y natakot na mainam, dahil sa mga salita ni Samuel; at nawalan siya ng lakas; sapagka't hindi siya kumain ng tinapay buong araw, ni buong gabi man. 009 1SA 028 021 At naparoon ang babae kay Saul at nakita na siya'y totoong bagabag, at sinabi sa kaniya, Narito, narinig ng iyong lingkod ang iyong tinig, at aking inilagay ang aking buhay sa aking kamay, at aking dininig ang iyong mga salita na iyong sinalita sa akin. 009 1SA 028 022 Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, iyong dinggin naman ang tinig ng iyong lingkod, at papaglagyin mo ako ng isang subo na tinapay sa harap mo; at iyong kanin upang ikaw ay lumakas, paglakad mo ng iyong lakad. 009 1SA 028 023 Nguni't siya'y tumanggi at nagsabi, Hindi ako kakain. Nguni't ipinilit ng kaniyang mga lingkod na pati ng babae; at dininig niya ang kanilang tinig. Sa gayo'y siya'y bumangon sa lupa, ay umupo sa higaan. 009 1SA 028 024 At ang babae ay mayroong isang matabang guyang baka sa bahay; at siya'y nagmadali, at pinatay niya; at siya'y kumuha ng harina at kaniyang minasa, at kaniyang niluto na tinapay na walang lebadura; 009 1SA 028 025 At kaniyang dinala sa harap ni Saul, at sa harap ng kaniyang mga lingkod; at sila'y kumain. Nang magkagayo'y sila'y bumangon, at umalis nang gabing yaon. 009 1SA 029 001 Pinisan nga ng mga Filisteo ang lahat nilang hukbo sa Aphec: at ang mga taga Israel ay humantong sa bukal na nasa Jezreel. 009 1SA 029 002 At ang mga pangulo ng mga Filisteo ay nagdadaan na mga daan daan, at mga libolibo: at si David at ang kaniyang mga tao ay nagdadaan sa mga huli na kasama ni Achis. 009 1SA 029 003 Nang magkagayo'y sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo, Ano ang mga Hebreong ito? At sumagot si Achis sa mga prinsipe ng mga Filisteo, Hindi ba ito ay si David na lingkod ni Saul na hari sa Israel na napasa akin ng mga araw na ito, o ng mga taong ito, at hindi ako nakasumpong ng anomang kakulangan sa kaniya mula nang siya'y lumapit sa akin hanggang sa araw na ito? 009 1SA 029 004 Nguni't ang mga prinsipe ng mga Filisteo ay nagalit sa kaniya; at sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo sa kaniya, Pabalikin mo ang taong iyan, upang siya'y bumalik sa kaniyang dako na iyong pinaglagyan sa kaniya, at huwag mong pababain na kasama natin sa pakikipagbaka, baka sa pagbabaka ay maging kaaway natin siya: sapagka't paanong makikipagkasundo ito sa kaniyang panginoon? hindi ba sa pamamagitan ng mga ulo ng mga taong ito? 009 1SA 029 005 Hindi ba ito ang David na siyang kanilang pinagaawitanan sa mga sayaw, na sinasabi, Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo, At ni David ang kaniyang laksalaksa? 009 1SA 029 006 Nang magkagayo'y tinawag ni Achis si David, at sinabi sa kaniya, Buhay ang Panginoon, ikaw ay matuwid, at ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok na kasama ko sa hukbo ay mabuti sa aking paningin: sapagka't hindi ako nakasumpong ng kasamaan sa iyo mula sa araw ng iyong pagdating sa akin hanggang sa araw na ito: gayon ma'y hindi ka kinalulugdan ng mga pangulo. 009 1SA 029 007 Kaya't ngayo'y ikaw ay bumalik at yumaong payapa, upang huwag kang kagalitan ng mga pangulo ng mga Filisteo. 009 1SA 029 008 At sinabi ni David kay Achis, Nguni't anong aking ginawa? at anong iyong nasumpungan sa iyong lingkod habang ako'y nasa sa harap mo hanggang sa araw na ito, upang ako'y huwag yumaon at lumaban sa mga kaaway ng aking panginoon na hari? 009 1SA 029 009 At sumagot si Achis, at sinabi kay David, Talastas ko na ikaw ay mabuti sa aking paningin, na gaya ng isang anghel ng Dios: gayon ma'y sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo. Hindi siya aahon na kasama natin sa pakikipagbaka. 009 1SA 029 010 Kaya't bumangon kang maaga sa kinaumagahan na kasama ng mga lingkod ng iyong panginoon na naparitong kasama mo; at pagbangon ninyong maaga sa kinaumagahan, at pagliliwanag ay yumaon kayo. 009 1SA 029 011 Sa gayo'y bumangong maaga si David, siya at ang kaniyang mga lalake, upang yumaon sa kinaumagahan, na bumalik sa lupain ng mga Filisteo. At ang mga Filisteo ay umahon sa Jezreel. 009 1SA 030 001 At nangyari, nang si David at ang kaniyang mga lalake ay dumating sa Siclag, sa ikatlong araw, na ang mga Amalecita ay sumalakay sa Timugan, at sa Siclag, at sinaktan ang Siclag, at sinunog ng apoy; 009 1SA 030 002 At dinalang bihag ang mga babae at lahat na nandoon, ang maliliit at gayon din ang malalaki; hindi nila pinatay ang sinoman, kundi kanilang pinagdadala, at nagpatuloy ng kanilang lakad. 009 1SA 030 003 At nang si David at ang kaniyang mga lalake ay dumating sa bayan, narito, sinunog ng apoy; at ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak na lalake at babae ay pinagdadalang bihag. 009 1SA 030 004 Nang magkagayo'y si David at ang bayan na nasa kaniya ay naglakas ng tinig, at umiyak, hanggang sa sila'y nawalan ng lakas na umiyak. 009 1SA 030 005 At ang dalawang asawa ni David ay nabihag, si Ahinoam na taga Jezreel, at si Abigail, na asawa ni Nabal, na taga Carmelo. 009 1SA 030 006 At nagdalamhating totoo si David, sapagka't pinagsasalitaan ng bayan na batuhin siya, sapagka't ang kaluluwa ng buong bayan ay pumanglaw, bawa't tao dahil sa kanikaniyang mga anak na lalake at babae; nguni't si David ay nagpakatibay sa Panginoon niyang Dios. 009 1SA 030 007 At sinabi ni David kay Abiathar na saserdote, na anak ni Ahimelech, Isinasamo ko sa iyo na dalhin mo rito ang epod. At dinala doon ni Abiathar ang epod kay David. 009 1SA 030 008 At sumangguni si David sa Panginoon, na nagsasabi, Kung aking habulin ang pulutong na ito, ay akin kayang aabutan sila? At sinagot niya siya, Iyong habulin: sapagka't tunay na iyong aabutan, at walang pagsalang mababawi mo ang lahat. 009 1SA 030 009 Sa gayo'y yumaon si David, siya at ang anim na raang lalake na kasama niya, at naparoon sa batis ng Besor, na kinaroroonan niyaong mga naiwan sa likuran. 009 1SA 030 010 Nguni't hinabol ni David, niya at ng apat na raang lalake: sapagka't ang dalawang daan natira sa likuran, na mga pata na hindi na nakatawid sa batis ng Besor: 009 1SA 030 011 At sila'y nakasumpong ng isang taga Egipto sa parang, at dinala nila siya kay David, at binigyan nila siya ng tinapay, at kumain: at binigyan nila siya ng tubig na mainom: 009 1SA 030 012 At binigyan nila siya ng isang putol ng binilong igos, at dalawang buwig na ubas; at nang kaniyang makain, ang kaniyang diwa ay nagsauli uli sa kaniya: sapagka't hindi siya nakakain ng tinapay o nakainom man ng tubig, na tatlong araw at tatlong gabi. 009 1SA 030 013 At sinabi ni David sa kaniya, Kanino ka ba nauukol? at taga saan ka? At sinabi niya, Ako'y isang binatang taga Egipto, bataan ng isang Amalecita; at iniwan ako ng aking panginoon, sapagka't tatlong araw na ako'y nagkasakit. 009 1SA 030 014 Kami ay sumalakay sa Timugan ng mga Ceretheo, at sa nauukol sa Juda, at sa Timugan ng Caleb; at aming sinunog ng apoy ang Siclag. 009 1SA 030 015 At sinabi ni David sa kaniya, Ilulusong mo ba ako sa pulutong na ito? At kaniyang sinabi, Ipanumpa mo sa akin ang Dios, hindi mo ako papatayin, o ibibigay man sa mga kamay ng aking panginoon, at aking ilulusong ka sa pulutong na ito. 009 1SA 030 016 At nang kaniyang mailusong, narito, sila'y nangangalat sa buong lupa, na nagkakainan at nagiinuman, at nagkakasayahan, dahil sa lahat na malaking samsam na kanilang nakuha sa lupain ng mga Filisteo, at sa lupain ng Juda. 009 1SA 030 017 At sinaktan ni David sila mula sa pagtatakip silim hanggang sa paglubog ng araw sa sumunod na araw: at walang taong nakatanan sa kanila liban sa apat na raang bataan na nakasakay sa mga kamelyo at tumakas. 009 1SA 030 018 At binawi ni David ang lahat na nakuha ng mga Amalecita: at iniligtas ni David ang kaniyang dalawang asawa. 009 1SA 030 019 At walang nagkulang sa kanila, kahit maliit o malaki man, kahit mga anak na lalake o babae man, kahit samsam man, kahit anomang bagay na nakuha nila sa kanila: ibinalik na lahat ni David. 009 1SA 030 020 At kinuha ni David ang lahat ng kawan at bakahan, na kanilang dinala na nasa unahan niyaong mga ibang hayop, at sinabi, Ito'y samsam ni David. 009 1SA 030 021 At naparoon si David sa dalawang daang lalake, na totoong mga pata na hindi nangakasunod kay David, na kanila namang pinatahan sa batis ng Besor; at sila'y lumabas upang salubungin si David, at upang salubungin ang mga taong kasama niya: at nang lumapit si David sa bayan, siya'y bumati sa kanila. 009 1SA 030 022 Nang magkagayo'y sumagot ang lahat ng masamang tao, at mga tao na hamak, sa mga yumaong kasama ni David, at nagsabi, Sapagka't hindi sila yumaong kasama namin, hindi namin bibigyan sila ng samsam na aming nabawi, liban sa bawa't lalake ay ang kaniyang asawa at ang kaniyang mga anak, upang kanilang dalhin, at yumaon. 009 1SA 030 023 Nang magkagayo'y sinabi ni David, Huwag ninyong gagawing gayon, mga kapatid ko, sa ibinigay sa atin ng Panginoon, na siyang nagadya sa atin, at nagbigay sa ating kamay ng pulutong na naparito laban sa atin. 009 1SA 030 024 At sino ang didinig sa inyo sa bagay na ito? sapagka't kung gaano ang bahagi ng lumusong sa pakikipagbaka, ay gayon ang bahagi ng naiwan sa daladalahan: sila'y paraparang magkakabahagi. 009 1SA 030 025 At nagkagayon, na mula sa araw na yaon, na siya'y gumawa ng isang palatuntunan at ayos sa Israel, hanggang sa araw na ito. 009 1SA 030 026 At nang dumating si David sa Siclag, siya'y nagpadala ng mga samsam sa mga matanda sa Juda, sa makatuwid baga'y sa kaniyang mga kaibigan, na sinasabi, Narito, ang isang kaloob sa inyo na mula sa samsam sa mga kaaway ng Panginoon; 009 1SA 030 027 Sa kanila na nasa Beth-el, at sa kanila na nasa Ramoth ng Timugan, at sa kanila na nasa Jathir; 009 1SA 030 028 At sa kanila na nasa Aroer, at sa kanila na nasa Siphmoth, at sa kanila na nasa Esthemoa; 009 1SA 030 029 At sa kanila na nasa Rachal, at sa kanila na nasa mga bayan ng mga Jerameelita, at sa kanila na nasa mga bayan ng mga Cineo; 009 1SA 030 030 At sa kanila na sa Horma, at sa kanila na nasa Chorasan, at sa kanila na nasa Athach; 009 1SA 030 031 At sa kanila na nasa Hebron, at sa lahat na dako na karaniwang pinaroroonan ni David at ng kaniyang mga lalake. 009 1SA 031 001 Ang mga Filisteo nga ay lumaban sa Israel: at ang mga lalake sa Israel ay tumakas sa harap ng mga Filisteo, at nangabuwal na patay sa bundok ng Gilboa. 009 1SA 031 002 At hinabol ng panunod ng mga Filisteo si Saul at ang kaniyang mga anak; at pinatay ng mga Filisteo si Jonathan, at si Abinadab, at si Melchisua, na mga anak ni Saul. 009 1SA 031 003 At ang pagbabaka ay lumubha laban kay Saul, at inabutan siya ng mga mamamana; at siya'y totoong nahirapan dahil sa mga mamamana. 009 1SA 031 004 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang tagadala ng sandata, Bunutin mo ang iyong tabak at palagpasan mo ako niyaon; baka dumating ang mga hindi tuling ito at ako'y palagpasan, at ako'y kanilang pahirapan. Nguni't ayaw ang kaniyang tagadala ng sandata; sapagka't siya'y totoong natakot. Kaya't kinuha ni Saul ang kaniyang tabak, at nagpakabuwal sa kaniyang tabak. 009 1SA 031 005 At nang makita ng kaniyang tagadala ng sandata na si Saul ay patay, siya naman ay nagpakabuwal sa kaniyang tabak, at nagpakamatay na kasama niya. 009 1SA 031 006 Gayon namatay si Saul, at ang kaniyang tatlong anak, at ang kaniyang tagadala ng sandata, at ang lahat niyang mga lalake nang araw na yaon na magkakasama. 009 1SA 031 007 At nang makita ng mga lalake sa Israel na nasa kabilang dako ng libis, at ng mga nasa dako roon ng Jordan, na ang mga lalake sa Israel ay tumakas, at si Saul at ang kaniyang mga anak ay namatay, kanilang iniwan ang mga bayan, at nagsitakas; at naparoon ang mga Filisteo, at tumahan sa mga yaon. 009 1SA 031 008 At nangyari nang kinabukasan nang ang mga Filisteo ay dumating upang hubaran ang mga patay, ay kanilang nasumpungan si Saul at ang kaniyang tatlong anak na nabuwal sa bundok ng Gilboa. 009 1SA 031 009 At kanilang pinugot ang kaniyang ulo, at hinubad ang kaniyang mga sakbat, at ipinadala sa lupain ng mga Filisteo sa palibot upang ibalita sa mga bahay ng kanilang mga diosdiosan at sa bayan. 009 1SA 031 010 At kanilang inilagay ang kaniyang sakbat, sa bahay ni Astaroth: at kanilang ibinitin ang bangkay niya sa kuta ng Beth-san. 009 1SA 031 011 At nang mabalitaan ng mga tumatahan sa Jabes-galaad ang tungkol sa ginawa ng mga Filisteo kay Saul, 009 1SA 031 012 Lahat ng matapang na lalake ay bumangon at nagsilakad sa buong gabi at kinuha ang bangkay ni Saul at ang mga bangkay ng kaniyang mga anak sa kuta ng Beth-san; at sila'y naparoon sa Jabes, at kanilang pinagsunog doon. 009 1SA 031 013 At kanilang kinuha ang kanilang mga buto at ibinaon sa ilalim ng isang puno ng tamarisko sa Jabes, at nagayuno silang pitong araw. # # BOOK 010 2SA 2 Samuel 2 Samuel 010 2SA 001 001 At nangyari, pagkamatay ni Saul, nang magbalik si David na mula sa pagpatay sa mga Amalecita, at tumahan si David na dalawang araw sa Siclag; 010 2SA 001 002 Ay nangyari, sa ikatlong araw, na narito, ang isang lalake ay lumabas sa kampamento na mula kay Saul na hapak ang kaniyang suot, at may lupa ang kaniyang ulo: at nagkagayon, na nang dumating siya kay David, ay nagpatirapa at nagbigay galang. 010 2SA 001 003 At sinabi ni David sa kaniya, Saan ka nanggaling? At kaniyang sinabi sa kaniya, Sa kampamento ng Israel ay tumakas ako. 010 2SA 001 004 At sinabi ni David sa kaniya, Ano ang nangyari? isinasamo ko sa iyo na iyong saysayin sa akin. At siya'y sumagot: Ang bayan ay tumakas sa pakikipagbaka, at karamihan sa bayan naman ay nangabuwal at nangamatay; at si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay nangamatay rin. 010 2SA 001 005 At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya: Paanong nalalaman mo na si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ay patay? 010 2SA 001 006 At sinabi sa kaniya ng binatang nagsaysay, Sa isang pagkakataon ay napasa bundok ako ng Gilboa, narito, si Saul ay nagpakabuwal sa kaniyang sibat; at, narito, hinahabol siyang mainam ng mga karo at ng mga mangangabayo. 010 2SA 001 007 At nang siya'y lumingon, kaniyang nakita ako, at tinawag niya ako, at ako'y sumagot: Narito ako. 010 2SA 001 008 At sinabi niya sa akin, Sino ka? At ako'y sumagot sa kaniya, Ako'y isang Amalecita. 010 2SA 001 009 At kaniyang sinabi uli sa akin, Tumayo ka sa siping ko, isinasamo ko sa iyo, at patayin mo ako, dahil sa dinatnan ako ng panglulumo; sapagka't ang aking buhay ay lubos ko pang taglay. 010 2SA 001 010 Sa gayo'y tumayo ako sa siping niya, at aking pinatay siya, sapagka't talastas ko na siya'y hindi mabubuhay pagkatapos na siya'y nabuwal: at aking kinuha ang putong na nasa kaniyang ulo, at ang pulsera na nasa kaniyang kamay, at aking dinala rito sa aking panginoon. 010 2SA 001 011 Nang magkagayo'y tinangnan ni David ang kaniyang mga suot at pinaghapak; at gayon din ang ginawa ng lahat na lalake na kasama niya: 010 2SA 001 012 At sila'y tumangis, at umiyak, at nagayuno hanggang sa paglubog ng araw, dahil kay Saul, at dahil kay Jonathan na kaniyang anak, at dahil sa bayan ng Panginoon, at dahil sa sangbahayan ng Israel; sapagka't sila'y nangabuwal sa pamamagitan ng tabak. 010 2SA 001 013 At sinabi ni David sa binata na nagsaysay sa kaniya, Taga saan ka? At siya'y sumagot: Ako'y anak ng isang taga ibang lupa, na Amalecita. 010 2SA 001 014 At sinabi ni David sa kaniya, Bakit hindi ka natakot na iunat mo ang iyong kamay na patayin ang pinahiran ng langis ng Panginoon? 010 2SA 001 015 At tinawag ni David ang isa sa mga bataan, at sinabi, Lumapit ka, at daluhungin mo siya. At kaniyang sinaktan siya, na anopa't namatay. 010 2SA 001 016 At sinabi ni David sa kaniya, Ang iyong dugo ay sumaiyong ulo; sapagka't ang iyong bibig ang sumaksi laban sa iyo, na nagsasabi, Aking pinatay ang pinahiran ng langis ng Panginoon. 010 2SA 001 017 At tinaghuyan ni David ng ganitong panaghoy si Saul at si Jonathan na kaniyang anak: 010 2SA 001 018 (At kaniyang ipinaturo sa mga anak ni Juda ang awit sa pamamana narito, nasusulat sa aklat ni Jaser): 010 2SA 001 019 Ang iyong kaluwalhatian, Oh Israel, ay napatay sa iyong matataas na dako! Ano't nangabuwal ang mga makapangyarihan! 010 2SA 001 020 Huwag ninyong saysayin sa Gath, Huwag ninyong ihayag sa mga lansangan ng Ascalon; Baka ang mga anak na babae ng mga Filisteo ay mangagalak, Baka ang mga anak na babae ng mga hindi tuli ay magtagumpay. 010 2SA 001 021 Kayong mga bundok ng Gilboa, Huwag magkaroon ng hamog, o ulan man sa inyo, kahit mga bukid na mga handog: Sapagka't diyan ang kalasag ng makapangyarihan ay nahagis ng kahalayhalay. Ang kalasag ni Saul, na parang isa, na hindi pinahiran ng langis. 010 2SA 001 022 Sa dugo ng pinatay, sa taba ng makapangyarihan, Ang busog ni Jonathan ay hindi umurong, At ang tabak ni Saul ay hindi nagbalik na walang dala. 010 2SA 001 023 Si Saul at si Jonathan ay nagibigan at nagmagandahang-loob sa kanilang kabuhayan. At sa kanilang kamatayan sila'y hindi naghiwalay; Sila'y lalong maliliksi kay sa mga agila, Sila'y lalong malalakas kay sa mga leon. 010 2SA 001 024 Kayong mga anak na babae ng Israel, iyakan ninyo si Saul, Na siyang sa inyo'y maselang na nagbihis ng escarlata, Na siyang naggayak ng ginto sa inyong mga kasuutan. 010 2SA 001 025 Ano't nangabuwal ang mga makapangyarihan sa gitna ng pagbabaka! Oh Jonathan, napatay ka sa iyong matataas na dako. 010 2SA 001 026 Ako'y namanglaw dahil sa iyo, kapatid kong Jonathan: Naging totoong kalugodlugod ka sa akin; Ang iyong pag-ibig sa akin ay kagilagilalas, Na humihigit sa pagsinta ng mga babae. 010 2SA 001 027 Ano't nangabuwal ang mga makapangyarihan, At nangalipol ang mga sandata na pandigma! 010 2SA 002 001 At nangyari, pagkatapos nito, na nagusisa si David sa Panginoon, na nagsasabi, Aahon ba ako sa alinman sa mga bayan ng Juda? At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Umahon ka. At sinabi ni David, Saan ako aahon? At kaniyang sinabi, Sa Hebron. 010 2SA 002 002 Sa gayo'y umahon si David doon, at pati ng kaniyang dalawang asawa, si Ahinoam na taga Jezreel, at si Abigail na asawa ni Nabal, na taga Carmelo. 010 2SA 002 003 At ang kaniyang mga lalake na kasama niya ay iniahon ni David bawa't lalake na kasama ang kanikaniyang sangbahayan: at sila'y nagsitahan sa mga bayan ng Hebron. 010 2SA 002 004 At nagsiparoon ang mga lalake ng Juda, at kanilang pinahiran ng langis doon si David upang maging hari sa sangbahayan ng Juda. At kanilang isinaysay kay David, na sinasabi, Ang mga lalake sa Jabes-galaad ay siyang naglibing kay Saul. 010 2SA 002 005 At nagsugo ng mga sugo si David sa mga lalake sa Jabes-galaad, at sinabi sa kanila, Pagpalain nawa kayo ng Panginoon, na kayo'y nagpakita ng kagandahang loob na ito sa inyong panginoon, sa makatuwid baga'y kay Saul, at inyong inilibing siya. 010 2SA 002 006 At ngayon nawa'y pagpakitaan kayo ng Panginoon ng kagandahang loob at katotohanan: at ako naman ay gaganti sa inyo nitong kagandahang loob, sapagka't inyong ginawa ang bagay na ito. 010 2SA 002 007 Ngayon nga, magsilakas nawa ang inyong mga kamay, at kayo nawa'y maging matatapang: sapagka't patay na si Saul na inyong panginoon, at pinahiran ng langis naman ako ng sangbahayan ni Juda upang maging hari sa kanila. 010 2SA 002 008 Kinuha nga ni Abner na anak ni Ner na kapitan sa hukbo ni Saul, si Is-boseth na anak ni Saul, at inilipat sa Mahanaim; 010 2SA 002 009 At kaniyang ginawa siyang hari sa Galaad, at sa mga Asureo, at sa Jezreel, at sa Ephraim, at sa Benjamin, at sa buong Israel. 010 2SA 002 010 Si Is-boseth na anak ni Saul ay may apat na pung taon nang siya'y magpasimulang maghari sa Israel, at siya'y naghari na dalawang taon. Nguni't ang sangbahayan ni Juda ay sumunod kay David. 010 2SA 002 011 At ang panahon na ipinaghari ni David sa Hebron sa sangbahayan ni Juda ay pitong taon at anim na buwan. 010 2SA 002 012 At si Abner na anak ni Ner, at ang mga lingkod ni Is-boseth na anak ni Saul, ay nangapasa Gabaon mula sa Mahanaim. 010 2SA 002 013 At si Joab na anak ni Sarvia, at ang mga lingkod ni David ay nagsilabas, at sinalubong sila sa siping ng tangke sa Gabaon; at sila'y naupo, na ang isa'y sa isang dako ng tangke, at ang isa'y sa kabilang dako ng tangke. 010 2SA 002 014 At sinabi ni Abner kay Joab, Isinasamo ko sa iyo na bumangon ang mga bataan at magsanay ng tabak sa harap natin. At sinabi ni Joab, Bumangon sila. 010 2SA 002 015 Nang magkagayo'y bumangon sila at tumawid ayon sa bilang; labing dalawa sa Benjamin, at sa ganang kay Is-boseth na anak ni Saul, at labing dalawa sa mga lingkod ni David. 010 2SA 002 016 At hinawakan sa ulo ng bawa't isa sa kanila ang kaniyang kaaway, at isinaksak ang kaniyang tabak sa tagiliran ng kaniyang kaaway; sa gayo'y nangabuwal sila na magkakasama: kaya't ang dakong yaon ay tinatawag na Helcath-assurim na nasa Gabaon. 010 2SA 002 017 At ang pagbabaka ay lumalalang mainam nang araw na yaon; at si Abner ay nadaig, at ang mga lalake ng Israel sa harap ng mga lingkod ni David. 010 2SA 002 018 At nandoon ang tatlong anak ni Sarvia, si Joab, at si Abisai, at si Asael: at si Asael ay magaan ang paa na gaya ng mailap na usa. 010 2SA 002 019 At hinabol ni Asael si Abner; at sa pagyaon, siya'y hindi lumihis sa kanan o sa kaliwa man sa pagsunod kay Abner. 010 2SA 002 020 Nang magkagayo'y nilingon ni Abner, at sinabi, Ikaw ba'y si Asael? At siya'y sumagot: Ako nga. 010 2SA 002 021 At sinabi ni Abner sa kaniya, Lumihis ka sa iyong kanan o sa iyong kaliwa, at iyong tangnan ang isa sa mga bataan, at kunin mo ang kaniyang sakbat. Nguni't ayaw ni Asael na humiwalay sa pagsunod sa kaniya. 010 2SA 002 022 At sinabi uli ni Abner kay Asael, Lumihis ka sa pagsunod sa akin: bakit nga kita ibubulagta sa lupa? paanong aking maitataas nga ang aking mukha kay Joab na iyong kapatid? 010 2SA 002 023 Gayon ma'y tumanggi siyang lumihis: kaya't sinaktan siya ni Abner sa tiyan ng dulo ng sibat, na anopa't ang sibat ay lumabas sa likod niya; at siya'y nabuwal doon at namatay sa dako ring yaon: at nangyari, na lahat na naparoon sa dakong kinabuwalan ni Asael at kinamatayan, ay nangapatigil. 010 2SA 002 024 Nguni't hinabol ni Joab at ni Abisai si Abner: at ang araw ay nakalubog na nang sila'y dumating sa burol ng Amma, na nasa harap ng Gia sa siping ng daan sa ilang ng Gabaon. 010 2SA 002 025 At ang mga anak ng Benjamin ay nagpipisan sa likuran ni Abner, at nagisang pulutong, at nagsitayo sa taluktok ng isang burol. 010 2SA 002 026 Nang magkagayo'y tinawag ni Abner si Joab, at nagsabi, Mananakmal ba ang tabak magpakailan man? hindi mo ba nalalaman na magkakaroon ng kapaitan sa katapusan? hanggang kailan mo nga pababalikin ang bayan na mula sa pagsunod sa kanilang mga kapatid? 010 2SA 002 027 At sinabi ni Joab, Buhay ang Dios, kung hindi mo sana sinalita ay tunay nga na umalis disin ang bayan sa kinaumagahan, o sinundan man ng sinoman ang bawa't isa sa kaniyang kapatid. 010 2SA 002 028 Sa gayo'y hinipan ni Joab ang pakakak, at ang buong bayan ay tumigil, at hindi na hinabol ang Israel, o sila man ay lumaban pa. 010 2SA 002 029 At si Abner at ang kaniyang mga lalake ay nagdaan buong gabi sa Araba; at sila'y nagsitawid ng Jordan, at nagsidaan sa buong Bitron, at nagsidating sa Mahanaim. 010 2SA 002 030 At bumalik si Joab na humiwalay ng paghabol kay Abner: at nang kaniyang mapisan ang buong bayan, nagkulang sa mga lingkod ni David ay labing siyam na lalake at si Asael. 010 2SA 002 031 Nguni't sinaktan ng mga lingkod ni David ang Benjamin, at ang mga lalake ni Abner, na anopa't nangamatay ay tatlong daan at anim na pung lalake. 010 2SA 002 032 At kanilang iniahon si Asael, at inilibing nila siya sa libingan ng kaniyang ama, na nasa Bethlehem. At si Joab at ang kaniyang mga lalake ay nagsiyaon buong gabi, at dumating sila sa Hebron sa kinaumagahan. 010 2SA 003 001 Nagkaroon nga ng matagal na pagbabaka ang sangbahayan ni Saul at ang sangbahayan ni David: at si David ay lumakas ng lumakas, nguni't ang sangbahayan ni Saul ay humina ng humina. 010 2SA 003 002 At nagkaanak si David sa Hebron: at ang kaniyang panganay ay si Amnon kay Ahinoam na taga Jezreel; 010 2SA 003 003 At ang kaniyang pangalawa ay si Chileab, kay Abigail na asawa ni Nabal na taga Carmelo; at ang ikatlo ay si Absalom na anak ni Maacha na anak ni Talmai na hari sa Gessur; 010 2SA 003 004 At ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Haggith; at ang ikalima ay si Saphatias na anak ni Abital; 010 2SA 003 005 At ang ikaanim ay si Jetream kay Egla, na asawa ni David. Ang mga ito'y ipinanganak kay David sa Hebron. 010 2SA 003 006 At nangyari, samantalang may pagbabaka ang sangbahayan ni Saul at ang sangbahayan ni David, na si Abner ay nagpakalakas sa sangbahayan ni Saul. 010 2SA 003 007 Si Saul nga ay may babae na ang pangalan ay Rispa, na anak ni Aja: at sinabi ni Is-boseth kay Abner, Bakit ka sumiping sa babae ng aking ama? 010 2SA 003 008 Nang magkagayo'y nagalit na mainam si Abner dahil sa mga salita ni Is-boseth, at sinabi, Ako ba'y isang ulo ng aso na nauukol sa Juda? Sa araw na ito ay nagpapakita ako ng kagandahang loob sa sangbahayan ni Saul na iyong ama, sa kaniyang mga kapatid, at sa kaniyang mga kaibigan, at hindi ka ibinigay sa kamay ni David, at gayon ma'y iyong ibinibintang sa araw na ito sa akin ang isang kasalanan tungkol sa babaing ito. 010 2SA 003 009 Hatulan ng Dios si Abner, at lalo na, malibang gawin kong gayon sa kaniya, na gaya ng isinumpa ng Panginoon kay David; 010 2SA 003 010 Na ilipat ang kaharian mula sa sangbahayan ni Saul, at itatag ang luklukan ni David sa Israel, at sa Juda mula sa Dan hanggang sa Beer-seba. 010 2SA 003 011 At hindi siya nakasagot kay Abner ng isang salita, sapagka't siya'y natakot sa kaniya. 010 2SA 003 012 At si Abner ay nagsugo ng mga sugo kay David, sa ganang kaniya, na sinasabi naman, Makipagtipan ka sa akin, at, narito, ang aking kamay ay sasa iyo, upang dalhin sa iyo ang buong Israel. 010 2SA 003 013 At kaniyang sinabi, Mabuti; ako'y makikipagtipan sa iyo; nguni't isang bagay ang hinihiling ko sa iyo, na ito nga: huwag mong titingnan ang aking mukha, maliban na iyo munang dalhin si Michal na anak na babae ni Saul, pagparito mo upang tingnan ang aking mukha. 010 2SA 003 014 At nagsugo ng mga sugo si David kay Is-boseth na anak ni Saul, na sinasabi, Isauli mo sa akin ang aking asawa na si Michal, na siyang aking pinakasalan sa halaga na isang daang balat ng masama ng mga Filisteo. 010 2SA 003 015 At nagsugo si Is-boseth, at kinuha siya sa kaniyang asawa, kay Paltiel na anak ni Lais. 010 2SA 003 016 At ang kaniyang asawa'y yumaong kasama niya na umiyak habang siya'y yumayaon, at sumusunod sa kaniya hanggang sa Bahurim. Nang magkagayo'y sinabi ni Abner sa kaniya, Ikaw ay yumaon, bumalik ka: at siya'y bumalik. 010 2SA 003 017 At nakipag-usap si Abner sa mga matanda sa Israel, na sinasabi, Sa panahong nakaraan ay inyong hinanap si David upang maging hari sa inyo: 010 2SA 003 018 Ngayon nga ay inyong gawin: sapagka't sinalita ng Panginoon tungkol kay David, na sinasabi, Sa pamamagitan ng kamay ng aking lingkod na si David ay aking ililigtas ang aking bayang Israel sa kamay ng mga Filisteo at sa kamay ng lahat nilang mga kaaway. 010 2SA 003 019 At nagsalita naman si Abner sa pakinig ng Benjamin: at si Abner naman ay naparoong nagsalita sa pakinig ni David sa Hebron ng lahat na inaakalang mabuti ng Israel, at ng buong sangbahayan ni Benjamin. 010 2SA 003 020 Sa gayo'y naparoon si Abner kay David sa Hebron, at dalawang pung lalake ang kasama niya. At ginawan ni David ng isang kasayahan si Abner at ang mga lalake na kasama niya. 010 2SA 003 021 At sinabi ni Abner kay David, Ako'y babangon at yayaon, at aking pipisanin ang buong Israel sa aking panginoon na hari, upang sila'y makipagtipan sa iyo, at upang iyong pagharian ng buong ninanasa ng iyong kaluluwa. At pinayaon ni David si Abner; at siya'y yumaong payapa. 010 2SA 003 022 At, narito, ang mga lingkod ni David at si Joab ay nagsidating na mula sa isang paghabol, at may dalang malaking samsam: nguni't si Abner ay wala kay David sa Hebron, sapagka't pinayaon niya siya, at siya'y yumaong payapa. 010 2SA 003 023 Nang si Joab at ang buong hukbo na kasama niya ay magsidating, kanilang isinaysay kay Joab, na sinasabi, Si Abner na anak ni Ner ay naparoon sa hari, at siya'y pinayaon at siya'y yumaong payapa. 010 2SA 003 024 Nang magkagayo'y naparoon si Joab sa hari, at nagsabi, Ano ang iyong ginawa? narito, si Abner ay naparito sa iyo; bakit mo pinayaon siya, at siya'y lubos na yumaon? 010 2SA 003 025 Nalalaman mo si Abner na anak ni Ner ay naparito upang dayain ka at upang maalaman ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, at upang maalaman ang lahat na iyong ginagawa. 010 2SA 003 026 At nang lumabas si Joab na mula kay David, siya'y nagsugo ng mga sugo na sumunod kay Abner, at kanilang ibinalik siya na mula sa balon ng Sira: nguni't hindi nalalaman ni David. 010 2SA 003 027 At nang bumalik si Abner sa Hebron, ay dinala siya ni Joab na bukod sa gitna ng pintuang-bayan upang makipagsalitaan sa kaniya ng lihim, at sinaktan niya siya roon sa tiyan, na anopa't siya'y namatay, dahil sa dugo ni Asael na kaniyang kapatid. 010 2SA 003 028 At pagkatapos nang mabalitaan ni David, ay kaniyang sinabi, Ako at ang aking kaharian ay walang sala sa harap ng Panginoon magpakailan man sa dugo ni Abner na anak ni Ner: 010 2SA 003 029 Bumagsak sa ulo ni Joab, at sa buong sangbahayan ng kaniyang ama; at huwag na di magkaroon sa sangbahayan ni Joab ng isang inaagasan, o ng isang may ketong, o ng umaagapay sa isang tungkod, o nabubuwal sa pamamagitan ng tabak, o ng kinukulang ng tinapay. 010 2SA 003 030 Sa gayo'y pinatay si Abner ni Joab at ni Abisal na kaniyang kapatid, sapagka't pinatay niya ang kanilang kapatid na si Asael sa Gabaon, sa pagbabaka. 010 2SA 003 031 At sinabi ni David kay Joab at sa buong bayan na kasama niya: Hapakin ninyo ang inyong mga suot, at magbigkis kayo ng magaspang na damit, at magluksa kayo sa harap ni Abner. At ang haring si David ay sumunod sa kabaong. 010 2SA 003 032 At kanilang inilibing si Abner sa Hebron: at inilakas ng hari ang kaniyang tinig, at umiyak sa libingan ni Abner; at ang buong bayan ay umiyak. 010 2SA 003 033 At tinangisan ng hari si Abner, at sinabi, Marapat bang mamatay si Abner, na gaya ng pagkamatay ng isang mangmang? 010 2SA 003 034 Ang iyong mga kamay ay hindi nangatatalian, o ang iyong mga paa man ay nangagagapos: Kung paanong nabubuwal ang isang lalake sa harap ng mga anak ng kasamaan ay gayon ka nabuwal. At iniyakan siyang muli ng buong bayan. 010 2SA 003 035 At ang buong bayan ay naparoon upang pakanin ng tinapay si David samantalang araw pa; nguni't sumumpa si David, na sinasabi, Hatulan ng Dios ako, at lalo na, kung ako'y tumikim ng tinapay o ng anomang bagay hanggang sa ang araw ay lumubog. 010 2SA 003 036 At nahalata ng buong bayan, at minagaling nila: palibhasa'y anomang ginagawa ng hari ay nakalulugod sa buong bayan. 010 2SA 003 037 Sa gayo'y naunawa ng buong bayan at ng buong Israel sa araw na yaon, na hindi sa hari ang pagpatay kay Abner na anak ni Ner. 010 2SA 003 038 At sinabi ng hari sa kaniyang mga bataan, Hindi ba ninyo nalalaman na may isang prinsipe at mahal na tao, na nabuwal sa araw na ito sa Israel? 010 2SA 003 039 At ako'y mahina sa araw na ito, bagaman pinahirang hari; at ang mga lalaking ito na mga anak ni Sarvia ay totoong mahirap kasamahin: gantihan nawa ng Panginoon ang manggagawang masama ayon sa kaniyang kasamaan. 010 2SA 004 001 At nang mabalitaan ni Is-boseth, na anak ni Saul, na si Abner ay patay na sa Hebron, ang kaniyang mga kamay ay nanghina, at ang lahat na taga Israel ay nabagabag. 010 2SA 004 002 At si Is-boseth, na anak ni Saul, ay may dalawang lalake na mga punong kawal sa mga pulutong: ang pangalan ng isa ay Baana, at ang pangalan ng isa ay Rechab, na mga anak ni Rimmon na Beerothita sa mga anak ni Benjamin: (sapagka't ang Beeroth din naman ay ibinilang sa Benjamin: 010 2SA 004 003 At ang mga Beerothita ay nagsitakas sa Githaim, at nangakipamayan doon hanggang sa araw na ito.) 010 2SA 004 004 Si Jonathan nga na anak ni Saul, ay may isang anak na pilay sa kaniyang mga paa. Siya'y may limang taon nang dumating ang balita tungkol kay Saul at kay Jonathan na mula sa Jezreel, at kinalong siya ng kaniyang yaya at tumakas: at nangyari, habang siya'y nagmamadali ng pagtakas, na siya'y nabagsak, at naging pilay. At ang kaniyang pangalan ay Mephiboseth. 010 2SA 004 005 At ang mga anak ni Rimmon na Beerothita, na si Rechab at si Baana, ay nagsiyaon at nagsiparoon ng may kainitan ang araw sa bahay ni Is-boseth, na doon siya nagpahinga sa katanghalian tapat. 010 2SA 004 006 At sila'y nagsipasok doon sa gitna ng bahay, na parang sila'y kukuha ng trigo; at kanilang sinaktan siya sa tiyan; at si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid ay nangagtanan. 010 2SA 004 007 Sapagka't nang sila nga'y magsipasok sa bahay habang siya'y nahihiga sa kaniyang higaan sa kaniyang silid, kanilang sinaktan siya, at pinatay siya, at pinugutan siya ng ulo, at dinala ang kaniyang ulo at nagpatuloy ng lakad sa Araba buong gabi. 010 2SA 004 008 At kanilang dinala ang ulo ni Is-boseth kay David sa Hebron, at sinabi nila sa hari, Tingnan mo ang ulo ni Is-boseth na anak ni Saul na iyong kaaway na umuusig ng iyong buhay; at ipinanghiganti ng Panginoon ang aking panginoon na hari sa araw na ito kay Saul, at sa kaniyang binhi. 010 2SA 004 009 At sinagot ni David si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid, na mga anak ni Rimmon na Beerothita, at sinabi sa kanila, Buhay ang Panginoon na siyang tumubos ng aking kaluluwa sa buong kahirapan. 010 2SA 004 010 Nang saysayin sa akin ng isa, na sinasabi, Narito, si Saul ay namatay, na inakala niyang nagdala siya ng mabuting balita, ay aking hinawakan siya, at pinatay ko siya sa Siclag na siyang kagantihang ibinigay ko sa kaniya dahil sa kaniyang balita. 010 2SA 004 011 Gaano pa kaya kung pinatay ng masasamang lalake ang isang matuwid na tao sa kaniyang sariling bahay, sa kaniyang higaan, hindi ko ba sisiyasatin ngayon ang kaniyang dugo sa inyong kamay, at aalisin kayo sa lupa? 010 2SA 004 012 At iniutos ni David sa kaniyang mga bataan, at pinatay nila sila, at pinutol ang kanilang mga kamay at ang kanilang mga paa, at mga ibinitin sa tabi ng tangke sa Hebron. Nguni't kanilang kinuha ang ulo ni Is-boseth, at inilibing sa libingan ni Abner sa Hebron. 010 2SA 005 001 Nang magkagayo'y naparoon ang lahat ng mga lipi ng Israel kay David sa Hebron, at nagsipagsalita, na nagsisipagsabi, Narito, kami ay iyong buto at iyong laman. 010 2SA 005 002 Sa panahong nakaraan nang si Saul ay hari sa amin, ikaw ang naglalabas at nagpapasok sa Israel: at sinabi ng Panginoon sa iyo: Ikaw ay magiging pastor ng aking bayang Israel: at ikaw ay magiging prinsipe sa Israel. 010 2SA 005 003 Sa gayo'y nagsiparoon ang lahat ng mga matanda sa Israel sa hari sa Hebron: at ang haring si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron sa harap ng Panginoon: at kanilang pinahiran ng langis si David na maging hari sa Israel. 010 2SA 005 004 Si David ay may tatlong pung taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing apat na pung taon. 010 2SA 005 005 Sa Hebron ay naghari siya sa Juda na pitong taon at anim na buwan: at sa Jerusalem ay naghari siya na tatlong pu at tatlong taon sa buong Israel at Juda. 010 2SA 005 006 At ang hari at ang kaniyang mga lalake ay nagsiparoon sa Jerusalem laban sa mga Jebuseo na nagsisitahan sa lupain, na nangagsalita kay David, na nangagsasabi, Maliban na iyong alisin ang bulag at ang pilay, hindi ka papasok dito: na iniisip, na si David ay hindi makapapasok doon. 010 2SA 005 007 Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan sa Sion; na siyang bayan ni David. 010 2SA 005 008 At sinabi ni David nang araw na yaon, Sino mang sumakit sa mga Jebuseo, ay pumaroon siya sa inaagusan ng tubig, at saktan ang pilay at ang bulag, na kinapopootan ng kaluluwa ni David. Kaya't kanilang sinasabi, Mayroong bulag at pilay; hindi siya makapapasok sa bahay. 010 2SA 005 009 At tumahan si David sa katibayan at tinawag na bayan ni David. At itinayo ni David ang kuta sa palibot mula sa Millo, at sa loob. 010 2SA 005 010 At si David ay dumakila ng dumakila; sapagka't ang Panginoon na Dios ng mga hukbo, ay sumasa kaniya. 010 2SA 005 011 At si Hiram na hari sa Tiro ay nagpadala kay David ng mga sugo, at ng mga puno ng sedro, at mga anluwagi, at mangdadaras sa bato; at kanilang ipinagtayo si David ng isang bahay. 010 2SA 005 012 At nahalata ni David, na itinalaga siya ng Panginoon na maging hari sa Israel, at kaniyang itinaas ang kaniyang kaharian dahil sa kaniyang bayang Israel. 010 2SA 005 013 At kumuha pa si David ng mga babae at mga asawa sa Jerusalem, panggagaling niya sa Hebron: at may mga ipinanganak pa na lalake at babae kay David. 010 2SA 005 014 At ito ang mga pangalan niyaong mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem; si Sammua, at si Sobab, at si Nathan, at si Salomon, 010 2SA 005 015 At si Ibhar, at si Elisua; at si Nephegh at si Japhia; 010 2SA 005 016 At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet. 010 2SA 005 017 At nang mabalitaan ng mga Filisteo na kanilang inihalal si David na hari sa Israel, ang lahat ng Filisteo ay nagsiahon upang usigin si David; at nabalitaan ni David, at lumusong sa katibayan. 010 2SA 005 018 Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nagsikalat sa libis ng Rephaim. 010 2SA 005 019 At nagusisa si David sa Panginoon, na nagsasabi, Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? ibibigay mo ba sila sa aking kamay? At sinabi ng Panginoon kay David, Umahon ka: sapagka't tunay na aking ibibigay ang mga Filisteo sa iyong kamay. 010 2SA 005 020 At naparoon si David sa Baal-perasim at sila'y sinaktan doon ni David; at kaniyang sinabi, Pinanambulat ng Panginoon ang aking mga kaaway sa harap ko, na gaya ng pilansik ng tubig. Kaya't kaniyang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Baal-perasim. 010 2SA 005 021 At kanilang iniwan doon ang kanilang mga larawan, at mga inalis ni David at ng kaniyang mga lalake. 010 2SA 005 022 At nagsiahon pa uli ang mga Filisteo, at nagsikalat sa libis ng Rephaim. 010 2SA 005 023 At nang isangguni ni David sa Panginoon, kaniyang sinabi, Huwag kang aahon: liligid ka sa likuran nila, at ikaw ay sasagupa sa kanila sa mga puno ng morales. 010 2SA 005 024 At mangyayari, pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw nga ay magmamadali: sapagka't lumabas na ang Panginoon sa harap mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo. 010 2SA 005 025 At ginawang gayon ni David; gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya; at sinaktan niya ang mga Filisteo mula sa Geba hanggang sa dumating sa Gezer. 010 2SA 006 001 At pinisan uli ni David ang lahat na piling lalake sa Israel, na tatlong pung libo. 010 2SA 006 002 At bumangon si David at yumaon na kasama ng buong bayan na nasa kaniya, mula sa Baale Juda, upang iahon mula roon ang kaban ng Dios, na tinatawag sa Pangalan, sa makatuwid baga'y sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, na tumatahan sa gitna ng mga querubin. 010 2SA 006 003 At kanilang inilagay ang kaban ng Dios sa isang bagong karo, at kanilang inilabas sa bahay ni Abinadab na nasa burol: at si Uzza at si Ahio, na mga anak ni Abinadab, ay siyang nagpatakbo ng bagong karo. 010 2SA 006 004 At kanilang inilabas sa bahay ni Abinadab, na nasa burol, pati ng kaban ng Dios: at si Ahio ay nagpauna sa kaban. 010 2SA 006 005 At si David at ang buong sangbahayan ni Israel ay nagsitugtog sa harap ng Panginoon ng sarisaring panugtog na kahoy na abeto, at ng mga alpa, at ng mga salterio, at ng mga pandereta, at ng mga kastaneta at ng mga simbalo. 010 2SA 006 006 At nang sila'y magsidating sa giikan ni Nachon, iniunat ni Uzza ang kaniyang kamay sa kaban ng Dios, at hinawakan; sapagka't ang mga baka ay nangatisod. 010 2SA 006 007 At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Uzza; at sinaktan siya ng Dios doon dahil sa kaniyang kamalian; at doo'y namatay siya sa siping ng kaban ng Dios. 010 2SA 006 008 At hindi minagaling ni David, sapagka't nagalit ang Panginoon kay Uzza: at kaniyang tinawag ang dakong yaon na Perez-uzza hanggang sa araw na ito. 010 2SA 006 009 At natakot si David sa Panginoon sa araw na yaon; at kaniyang sinabi, Paanong madadala rito ang kaban ng Panginoon sa akin? 010 2SA 006 010 Sa gayo'y hindi inilipat ni David ang kaban ng Panginoon sa kaniya sa bayan ni David, kundi iniliko ni David sa bahay ni Obed-edom na Getheo. 010 2SA 006 011 At ang kaban ng Panginoon ay natira sa bahay ni Obed-edom na Getheo na tatlong buwan: at pinagpala ng Panginoon si Obed-edom, at ang kaniyang buong sangbahayan. 010 2SA 006 012 At nasaysay sa haring kay David, na sinasabi, Pinagpala ng Panginoon ang sangbahayan ni Obed-edom, at ang lahat ng nauukol sa kaniya, dahil sa kaban ng Dios. At yumaon si David at iniahon ang kaban ng Dios mula sa bahay ni Obed-edom, hanggang sa bayan ni David, na may kagalakan. 010 2SA 006 013 At nagkagayon na nang yaong mga nagdadala ng kaban ng Panginoon ay makalakad ng anim na hakbang, siya'y naghain ng isang baka at isang pinataba. 010 2SA 006 014 At nagsayaw si David ng kaniyang buong lakas sa harap ng Panginoon; at si David ay nabibigkisan ng isang epod na lino. 010 2SA 006 015 Sa gayo'y iniahon ni David at ng buong sangbahayan ng Israel ang kaban ng Panginoon, na may hiyawan, at may tunog ng pakakak. 010 2SA 006 016 At nagkagayon, sa pagpapasok ng kaban ng Panginoon sa bayan ni David, na si Michal na anak ni Saul ay tumitingin sa dungawan, at nakita na ang haring si David ay naglulukso at nagsasayaw sa harap ng Panginoon; at kaniyang niwalan ng kabuluhan siya sa kaniyang puso. 010 2SA 006 017 At kanilang ipinasok ang kaban ng Panginoon, at inilagay sa kaniyang dako, sa gitna ng tolda na itinayo ni David: at naghandog si David ng mga handog na susunugin at mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon. 010 2SA 006 018 At nang makatapos si David na maghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, kaniyang binasbasan ang bayan sa pangalan ng Panginoon ng mga hukbo. 010 2SA 006 019 At kaniyang binahagi sa buong bayan, sa makatuwid baga'y sa buong karamihan ng Israel, sa mga lalake at gayon din sa mga babae, sa bawa't isa ay isang tinapay at isang bahaging lamang kati, at isang binilong pasas. Sa gayo'y ang buong bayan ay yumaon bawa't isa sa kaniyang bahay. 010 2SA 006 020 Nang magkagayo'y bumalik si David upang basbasan ang kaniyang sangbahayan. At si Michal na anak ni Saul ay lumabas na sinalubong si David, at sinabi, Pagkaluwalhati ngayon ng hari sa Israel, na siya'y naghubad ngayon sa mga mata ng mga babaing lingkod ng kaniyang mga lingkod, na gaya ng naghuhubad na kahiyahiya ang isang walang kabuluhang tao. 010 2SA 006 021 At sinabi ni David kay Michal, Yao'y sa harap ng Panginoon, na siyang pumili sa akin na higit sa iyong ama, at sa buong sangbahayan niya, upang ihalal ako na prinsipe sa bayan ng Panginoon, sa Israel: kaya't ako'y tutugtog sa harap ng Panginoon. 010 2SA 006 022 At ako'y magpapakawalang kabuluhan pa kay sa yaon, at ako'y magpapakababa sa aking sariling paningin: nguni't sa mga babaing lingkod na iyong sinalita, ay pararangalan ako. 010 2SA 006 023 At si Michal na anak ni Saul ay hindi nagkaanak hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan. 010 2SA 007 001 At nangyari nang ang hari ay tumahan sa kaniyang bahay, at binigyan siya ng Panginoon ng kapahingahan sa lahat niyang mga kaaway sa palibot, 010 2SA 007 002 Na sinabi ng hari kay Nathan na propeta: Tingnan mo ngayon ako'y tumatahan sa isang bahay na sedro, nguni't ang kaban ng Dios ay nanahanan sa loob ng mga tabing. 010 2SA 007 003 At sinabi ni Nathan sa hari, Yumaon ka, gawin mo ang lahat na nasa iyong puso; sapagka't ang Panginoon ay sumasa iyo. 010 2SA 007 004 At nangyari, nang gabi ring yaon, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Nathan, na sinasabi, 010 2SA 007 005 Yumaon ka at saysayin mo sa aking lingkod na kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ipagtatayo mo ba ako ng isang bahay na matatahanan? 010 2SA 007 006 Sapagka't hindi ako tumahan sa isang bahay mula sa araw na aking iahon ang mga anak ni Israel mula sa Egipto, hanggang sa araw na ito, kundi ako'y lumakad sa tolda at sa tabernakulo. 010 2SA 007 007 Sa lahat ng dako na aking nilakaran na kasama ng lahat ng mga anak ni Israel, nagsalita ba ako ng isang salita sa isa sa mga lipi ng Israel na aking inutusan na maging pastor ng aking bayang Israel, na nagsasabi, Bakit hindi ninyo ipinagtayo ako ng isang bahay na sedro? 010 2SA 007 008 Ngayon nga'y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Kinuha kita mula sa kulungan ng tupa, sa pagsunod sa tupa, upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayan, sa Israel: 010 2SA 007 009 At ako'y suma iyo saan ka man naparoon, at aking inihiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang dakilang pangalan, gaya ng pangalan ng mga dakila na nasa lupa. 010 2SA 007 010 At aking tatakdaan ng isang dako ang aking bayan na Israel, at aking itatatag sila, upang sila'y magsitahan sa kanilang sariling dako, at huwag nang mabago pa; ni pipighatiin pa man sila ng mga anak ng kasamaan, na gaya ng una. 010 2SA 007 011 At gaya mula sa araw na aking halalan ng mga hukom ang aking bayang Israel; at aking papagpapahingahin ka sa lahat ng iyong mga kaaway. Bukod sa rito ay isinaysay ng Panginoon na igagawa ka ng Panginoon ng isang bahay. 010 2SA 007 012 Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian. 010 2SA 007 013 Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man. 010 2SA 007 014 Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao; 010 2SA 007 015 Nguni't ang aking kagandahang loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na gaya nang aking pagkaalis niyan kay Saul, na aking inalis sa harap mo. 010 2SA 007 016 At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo: ang iyong luklukan ay matatatag magpakailan man. 010 2SA 007 017 Ayon sa lahat ng mga salitang ito, at ayon sa buong pangitaing ito ay gayon sinalita ni Nathan kay David. 010 2SA 007 018 Nang magkagayo'y ang haring si David ay pumasok, at umupo sa harap ng Panginoon: at kaniyang sinabi, Sino ako, Oh Panginoong Dios, at ano ang aking sangbahayan na ako'y iyong dinala sa ganiyang kalayo? 010 2SA 007 019 At ito'y munting bagay pa sa iyong paningin, Oh Panginoong Dios; nguni't ikaw ay nagsalita naman ng tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod nang hanggang sa malaong panahong darating; at ito ay ayon sa paraan ng tao, Oh Panginoong Dios! 010 2SA 007 020 At ano pa ang masasabi ni David sa iyo? sapagka't iyong kilala ang iyong lingkod, Oh Panginoong Dios. 010 2SA 007 021 Dahil sa iyong salita, at ayon sa iyong sariling puso, iyong ginawa ang buong kadakilaang ito, upang iyong ipakilala sa iyong lingkod. 010 2SA 007 022 Kaya't ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka't walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig. 010 2SA 007 023 At anong bansa sa lupa ang gaya ng iyong bayan, gaya ng Israel, na tinubos ng Dios sa kaniyang sarili na pinakabayan, at upang gawin niya sa kaniyang isang pangalan, at upang igawa kayo ng mga dakilang bagay, at ng mga kakilakilabot na mga bagay ang iyong lupain, sa harap ng iyong bayan na iyong tinubos para sa iyo mula sa Egipto, mula sa mga bansa at sa kanilang mga dios? 010 2SA 007 024 At iyong itinatag sa iyong sarili ang iyong bayang Israel upang maging bayan sa iyo magpakailan man; at ikaw, Panginoon, ay naging kanilang Dios. 010 2SA 007 025 At ngayon, Oh Panginoong Dios, ang salita na iyong sinalita tungkol sa iyong lingkod, at tungkol sa kaniyang sangbahayan, iyong pagtibayin nawa magpakailan man, at iyong gawin gaya ng iyong sinalita. 010 2SA 007 026 At dumakila ang iyong pangalan magpakailan man, sa pagsasabi: Ang Panginoon ng mga hukbo ay Dios sa Israel: at ang sangbahayan ng iyong lingkod na si David ay matatag sa harap mo. 010 2SA 007 027 Sapagka't ikaw, Oh Panginoon ng mga hukbo, ang Dios ng Israel ay napakita ka sa iyong lingkod na iyong sinasabi, Aking ipagtatayo ka ng isang bahay; kaya't nasumpungan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na idalangin ang panalanging ito sa iyo. 010 2SA 007 028 At ngayon, Oh Panginoong Dios, ikaw ay Dios at ang iyong mga salita ay katotohanan, at iyong ipinangako ang mabuting bagay na ito sa iyong lingkod: 010 2SA 007 029 Ngayon nga'y kalugdan mong pagpalain ang sangbahayan ng iyong lingkod, upang mamalagi magpakailan man sa harap mo: sapagka't ikaw, Oh Panginoong Dios ay nagsalita: at sa pamamagitan ng iyong pagpapala ay maging mapalad nawa ang sangbahayan ng iyong lingkod magpakailan man. 010 2SA 008 001 At pagkatapos nito ay nangyari na sinaktan ni David ang mga Filisteo at mga pinasuko: at kinuha ni David ang Metheg-amma sa kamay ng mga Filisteo. 010 2SA 008 002 At kaniyang sinaktan ang Moab, at sinukat niya sila ng tali, na pinahiga sila sa lupa; at kaniyang sinukat ng dalawang tali upang patayin, at ng isang buong tali upang buhayin. At ang mga Moabita ay naging mga alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob. 010 2SA 008 003 Sinaktan din ni David si Hadadezer na anak ni Rehob, na hari sa Soba, habang siya'y yumayaon upang bawiin ang kaniyang pamumuno sa Ilog. 010 2SA 008 004 At kinuha ni David sa kaniya ang isang libo at pitong daan na mangangabayo, at dalawang pung libo na naglalakad: at pinilayan ni David ang lahat ng mga kabayo ng mga karo, nguni't sa mga yaon ay nagtaan ng sa isang daang karo. 010 2SA 008 005 At nang sumaklolo ang mga taga Siria sa Damasco kay Hadadezer na hari sa Soba, ay sinaktan ni David sa mga taga Siria ang dalawang pu't dalawang libong tao. 010 2SA 008 006 Nang magkagayo'y naglagay si David ng mga pulutong sa Siria sa Damasco: at ang mga taga Siria ay nangaging mga alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob. At pinapagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumaroon. 010 2SA 008 007 At kinuha ni David ang mga kalasag na ginto na nangasa lingkod ni Hadadezer, at dinala sa Jerusalem. 010 2SA 008 008 At sa Beta at sa Berothai na mga bayan ni Hadadezer, ay kumuha ang haring si David ng lubhang maraming tanso. 010 2SA 008 009 Nang mabalitaan ni Toi na hari sa Hamath na sinaktan ni David ang buong hukbo ni Hadadezer, 010 2SA 008 010 Sinugo nga ni Toi si Joram na kaniyang anak sa haring David, upang bumati sa kaniya, at upang purihin siya, sapagka't siya'y nakipagdigma laban kay Hadadezer at sinaktan niya siya: sapagka't si Hadadezer ay nagkaroon ng mga pakikipagbaka kay Toi. At nagdala si Joram ng mga sisidlang pilak, at mga sisidlang ginto, at mga sisidlang tanso; 010 2SA 008 011 Na itinalaga naman ni David sa Panginoon ang mga ito, na kasama ng pilak at ng ginto na kaniyang itinalaga na mula sa lahat ng mga bansa na kaniyang pinasuko; 010 2SA 008 012 Sa Siria, at sa Moab, at sa mga anak ni Ammon, at sa mga Filisteo, at sa Amalec, at sa samsam kay Hadadezer na anak ni Rehob na hari sa Soba. 010 2SA 008 013 At nabantog si David nang siya'y bumalik na mula sa pagsakit sa mga taga Siria sa Libis na Alat, sa makatuwid baga'y sa labing walong libong lalake. 010 2SA 008 014 At naglagay siya ng mga pulutong sa Edom; sa buong Edom ay naglagay siya ng mga pulutong, at ang lahat na Idumeo ay nangaging alipin ni David. At pinapagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumaroon. 010 2SA 008 015 At naghari si David sa buong Israel; at iginawad ni David ang kahatulan at ang katuwiran sa kaniyang buong bayan. 010 2SA 008 016 At si Joab na anak ni Sarvia ay nasa hukbo; at si Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni: 010 2SA 008 017 At si Sadoc na anak ni Ahitub at si Ahimelech na anak ni Abiathar ay mga saserdote; at si Seraia ay kalihim; 010 2SA 008 018 At si Benahia na anak ni Joiada ay nasa mga Ceretheo at sa mga Peletheo; at ang mga anak ni David ay mga pangulong tagapangasiwa. 010 2SA 009 001 At sinabi ni David, May nalalabi pa ba sa sangbahayan ni Saul, upang aking mapagpakitaan ng kagandahang loob dahil kay Jonathan? 010 2SA 009 002 At may isang lingkod sa sangbahayan ni Saul na nagngangalang Siba, at kanilang tinawag siya sa harap ni David; at sinabi ng hari sa kaniya, Ikaw ba'y si Siba? At kaniyang sinabi, Ang iyong lingkod nga. 010 2SA 009 003 At sinabi ng hari, wala na ba kayang natitira sa sangbahayan ni Saul, upang aking mapagpakitaan siya ng kagandahang loob ng Dios? At sinabi ni Siba sa hari, Si Jonathan ay may isang anak pa, na pilay ang kaniyang mga paa. 010 2SA 009 004 At sinabi ng hari sa kaniya, Saan nandoon siya? At sinabi ni Siba sa hari, Narito, siya'y nasa bahay ni Machir na anak ni Amiel, sa Lo-debar. 010 2SA 009 005 Nang magkagayo'y nagsugo ang haring si David at ipinakuha siya sa bahay ni Machir na anak ni Amiel mula sa Lo-debar. 010 2SA 009 006 At si Mephiboseth, na anak ni Jonathan, na anak ni Saul, ay naparoon kay David, at nagpatirapa sa kaniyang harap, at nagbigay galang. At sinabi ni David, Mephiboseth. At siya'y sumagot: Narito, ang iyong lingkod! 010 2SA 009 007 At sinabi ni David sa kaniya, Huwag kang matakot: sapagka't aking tunay na pagpapakitaan ka ng kagandahang loob dahil kay Jonathan na iyong ama, at aking isasauli ang buong lupa ni Saul na iyong ama, sa iyo; at ikaw ay parating kakain ng pagkain sa aking dulang. 010 2SA 009 008 At siya'y nagbigay galang at nagsabi, Ano ang iyong lingkod upang iyong lingapin akong isang asong patay? 010 2SA 009 009 Nang magkagayo'y tinawag ng hari si Siba na lingkod ni Saul, at sinabi sa kaniya, Lahat ng nauukol kay Saul at sa buong kaniyang sangbahayan ay aking ibinigay sa anak ng iyong panginoon. 010 2SA 009 010 At iyong bubukirin ang lupain para sa kaniya, ninyo ng iyong mga anak, at ng iyong mga bataan at iyong dadalhin dito ang mga bunga, upang ang anak ng iyong panginoon ay magkaroon ng tinapay na makakain: nguni't si Mephiboseth na anak ng iyong panginoon ay kakain ng tinapay kailan man sa aking dulang. Si Siba nga ay may labing limang anak at dalawang pung bataan. 010 2SA 009 011 Nang magkagayo'y sinabi ni Siba sa hari, Ayon sa lahat na iniutos ng aking panginoon na hari sa kaniyang lingkod, ay gayon gagawin ng iyong lingkod. Tungkol kay Mephiboseth, sinabi ng hari, Siya'y kakain sa aking dulang na gaya ng isa sa mga anak ng hari. 010 2SA 009 012 At si Mephiboseth ay may isang anak na binata, na ang pangalan ay Micha. At lahat na nagsisitahan sa bahay ni Siba ay mga bataan ni Mephiboseth. 010 2SA 009 013 Gayon tumahan si Mephiboseth sa Jerusalem: sapagka't siya'y kumaing palagi sa dulang ng hari. At siya'y pilay sa kaniyang dalawang paa. 010 2SA 010 001 At nangyari pagkatapos nito, na ang hari ng mga anak ni Ammon ay namatay, at si Hanun na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 010 2SA 010 002 At sinabi ni David, Aking pagpapakitaan ng kagandahang loob si Hanun na anak ni Naas, na gaya ng pagpapakita ng kagandahang loob ng kaniyang ama sa akin. Sa gayo'y nagsugo si David sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod upang aliwin siya tungkol sa kaniyang ama. At nagsiparoon ang mga lingkod ni David sa lupain ng mga anak ni Ammon. 010 2SA 010 003 Nguni't sinabi ng mga prinsipe ng mga anak ni Ammon kay Hanun na kanilang panginoon, Inakala mo bang pinararangalan ni David ang iyong ama, kaya't siya'y nagsugo ng mga tagaaliw sa iyo? hindi ba nagsugo si David ng kaniyang mga bataan sa iyo upang kilalanin ang bayan, at upang tiktikan, at upang daigin? 010 2SA 010 004 Sa gayo'y kinuha ni Hanun ang mga lingkod ni David, at inahit ang kalahati ng kanilang balbas, at pinutol ang kanilang mga suot sa gitna, sa kanilang pigi, at pinayaon. 010 2SA 010 005 Nang kanilang saysayin kay David, siya'y nagsugo upang salubungin sila; sapagka't ang mga lalake ay totoong nangapahiya. At sinabi ng hari, Mangaghintay kayo sa Jerico hanggang sa tumubo ang inyong balbas, at kung magkagayo'y mangagbalik kayo. 010 2SA 010 006 At nang makita ng mga anak ni Ammon na sila'y naging nakapopoot kay David, ang mga anak ni Ammon ay nangagsugo, at inupahan ang mga taga Siria sa Beth-rehob, at ang mga taga Siria sa Soba, na dalawang pung libong naglalakad, at ang hari sa Maaca na may isang libong lalake, at ang mga lalaking taga Tob na labing dalawang libong lalake. 010 2SA 010 007 At nang mabalitaan ni David, kaniyang sinugo si Joab at ang buong hukbo ng makapangyarihang mga lalake. 010 2SA 010 008 At ang mga anak ni Ammon ay nagsilabas at nagsihanay ng pakikipagbaka sa pasukan sa pintuang-bayan: at ang mga taga Siria sa Soba, at sa Rehob, at ang mga lalaking taga Tob at mga taga Maaca, ay nangabubukod sa parang. 010 2SA 010 009 Nang makita nga ni Joab na ang pagbabaka ay nauumang laban sa kaniyang harapan at likuran, siya'y pumili ng lahat na mga hirang na lalake sa Israel, at ipinaghahanay niya laban sa mga taga Siria: 010 2SA 010 010 At ang nalabi sa bayan ay kaniyang ibinigay sa kamay ni Abisai na kaniyang kapatid, at kaniyang ipinaghahanay laban sa mga anak ni Ammon. 010 2SA 010 011 At kaniyang sinabi, Kung ang mga taga Siria ay maging malakas kay sa akin, iyo ngang tutulungan ako: nguni't kung ang mga anak ni Ammon ay maging malakas kay sa iyo, ay paparoon nga ako at tutulungan kita. 010 2SA 010 012 Magpakatapang ka, at tayo'y magpakalalake para sa ating bayan, at sa mga bayan ng ating Dios: at gawin nawa ng Panginoon ang inaakala niyang mabuti. 010 2SA 010 013 Sa gayo'y nagsilapit si Joab at ang bayan na kasama niya sa pakikipagbaka laban sa mga taga Siria: at sila'y nagsitakas sa harap niya. 010 2SA 010 014 At nang makita ng mga anak ni Ammon na ang mga taga Siria ay nagsitakas, sila naman ay nagsitakas sa harap ni Abisai, at nagsipasok sa bayan. Ngayo'y bumalik si Joab na mula sa mga anak ni Ammon, at naparoon sa Jerusalem. 010 2SA 010 015 At nang makita ng mga taga Siria na sila'y nasasahol sa harap ng Israel, sila'y nagpipisan. 010 2SA 010 016 At nagsugo si Hadadezer at dinala ang mga taga Siria na nangaroon sa dako pa roon ng Ilog; at sila'y nagsiparoon sa Helam, na kasama ni Sobach na puno ng hukbo ni Hadadezer sa kanilang unahan. 010 2SA 010 017 At nasaysay kay David, at kaniyang pinisan ang buong Israel, at tumawid sa Jordan, at naparoon sa Helam. At ang mga taga Siria ay nagsihanay laban kay David, at nagsilaban sa kaniya. 010 2SA 010 018 At ang mga taga Siria ay nagsitakas sa harap ng Israel; at pumatay si David sa mga taga Siria ng mga tao ng pitong daang karo, at apat na pung libo na nangangabayo, at sinaktan si Sobach na kapitan sa kanilang hukbo, na anopa't namatay roon. 010 2SA 010 019 At nang makita ng lahat na hari na mga lingkod ni Hadadezer na sila'y nasahol sa harap ng Israel, ay nangakipagpayapaan sa Israel at nangaglingkod sa kanila. Sa gayo'y nangatakot ang mga taga Siria na magsitulong pa sa mga anak ni Ammon. 010 2SA 011 001 At nangyari sa pagpihit ng taon sa panahon ng paglabas ng mga hari sa pakikipagbaka, na sinugo ni David si Joab, at ang kaniyang mga lingkod na kasama niya, at ang buong Israel; at kanilang nilipol ang mga anak ni Ammon at kinubkob sa Rabba. Nguni't si David ay naghintay sa Jerusalem. 010 2SA 011 002 At nangyari sa kinahapunan, na si David ay bumangon sa kaniyang higaan, at lumakad sa bubungan ng bahay ng hari: at mula sa bubungan ay kaniyang nakita ang isang babae na naliligo; at ang babae ay totoong napakagandang masdan. 010 2SA 011 003 At nagsugo si David, at nagpasiyasat tungkol sa babae. At sinabi ng isa, Hindi ba ito ay si Bath-sheba na anak ni Eliam, na asawa ni Uria na Hetheo? 010 2SA 011 004 At si David ay nagsugo ng mga sugo, at kinuha siya; at siya'y pumaroon sa kaniya, at kaniyang sinipingan siya (sapagka't siya'y malinis sa kaniyang karumihan; ) at siya'y bumalik sa kaniyang bahay. 010 2SA 011 005 At ang babae ay naglihi; at siya'y nagsugo at nasaysay kay David, at nagsabi: Ako'y buntis. 010 2SA 011 006 At nagsugo si David kay Joab, na sinasabi, Suguin mo sa akin si Uria na Hetheo. At sinugo ni Joab si Uria kay David. 010 2SA 011 007 At nang si Uria ay dumating sa kaniya, tinanong ni David siya kung paano ang tayo ni Joab, at kung ano ang kalagayan ng bayan, at kung paano ang tayo ng pagbabaka. 010 2SA 011 008 At sinabi ni David kay Uria, Babain mo ang iyong bahay, at iyong hugasan ang iyong mga paa. At umalis si Uria sa bahay ng hari at isinusunod sa kaniya ang isang pagkain na mula sa hari. 010 2SA 011 009 Nguni't natulog si Uria sa pintuan ng bahay ng hari na kasama ng lahat ng mga lingkod ng kaniyang panginoon, at hindi binaba ang kaniyang bahay. 010 2SA 011 010 At nang masaysay kay David, na sabihin, Hindi binaba ni Uria ang kaniyang bahay, sinabi ni David kay Uria, Hindi ka pa ba nakapaglalakbay? bakit hindi mo binaba ang iyong bahay? 010 2SA 011 011 At sinabi ni Uria kay David, Ang kaban, at ang Israel, at ang Juda, ay nasa mga tolda at ang aking panginoon si Joab, at ang mga lingkod ng aking panginoon, ay nangahahantong sa luwal na parang; yayaon nga ba ako sa aking bahay, upang kumain, at upang uminom, at upang sumiping sa aking asawa? buhay ka, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi ko gagawin ang bagay na ito. 010 2SA 011 012 At sinabi ni David kay Uria, Tumigil ka rin dito ngayon at bukas ay aking payayaunin ka. Sa gayo'y tumigil si Uria sa Jerusalem sa araw na yaon, at sa kinabukasan. 010 2SA 011 013 At nang tawagin siya ni David, siya'y kumain at uminom sa harap niya; at kaniyang nilango siya: at sa kinahapunan, siya'y lumabas upang mahiga sa kaniyang higaan na kasama ng mga lingkod ng kaniyang panginoon, nguni't hindi niya binaba ang kaniyang bahay. 010 2SA 011 014 At nangyari, sa kinaumagahan, na sumulat si David ng isang sulat kay Joab, at ipinadala sa pamamagitan ng kamay ni Uria. 010 2SA 011 015 At kaniyang isinulat sa sulat, na sinasabi, Ilagay mo si Uria sa pinakaunahan ng mahigpit na pagbabaka, at kayo'y magsiurong mula sa kaniya, upang siya'y masaktan, at mamatay. 010 2SA 011 016 At nangyari, nang bantayan ni Joab ang bayan, na kaniyang inilagay si Uria sa dakong kaniyang nalalaman na kinaroroonan ng mga matapang na lalake. 010 2SA 011 017 At ang mga lalake sa bayan ay nagsilabas at nakipagbaka kay Joab: at nangabuwal ang iba sa bayan, sa mga lingkod ni David; at si Uria na Hetheo ay namatay rin. 010 2SA 011 018 Nang magkagayo'y nagsugo si Joab, at isinaysay kay David ang lahat ng mga bagay tungkol sa pagbabaka; 010 2SA 011 019 At kaniyang ibinilin sa sugo, na sinasabi, Pagka ikaw ay nakatapos na magsaysay sa hari ng lahat ng mga bagay tungkol sa pagbabaka, 010 2SA 011 020 Mangyari na, kung ang galit ng hari ay maginit, at kaniyang sabihin sa iyo: Bakit kayo lumapit na mabuti sa bayan upang bumaka? hindi ba ninyo nalalaman na sila'y papana mula sa kuta? 010 2SA 011 021 Sino ang sumakit kay Abimelech na anak ni Jerobaal? hindi ba isang babae ang naghagis ng isang bato sa ibabaw ng gilingan sa kaniya mula sa kuta, na anopa't siya'y namatay sa Thebes? bakit kayo'y nagpakalapit sa kuta? saka mo sasabihin, Ang iyong lingkod na si Uria na Hetheo ay namatay rin. 010 2SA 011 022 Sa gayo'y yumaon ang sugo, at naparoon at isinaysay kay David ang lahat na iniutos sa kaniya ni Joab. 010 2SA 011 023 At sinabi ng sugo kay David, Ang mga lalake ay nanganaig laban sa amin, at nilabas kami sa parang, at aming pinaurong sila hanggang sa pasukan ng pintuang-bayan. 010 2SA 011 024 At pinana ng mga mamamana ang iyong mga lingkod mula sa kuta; at ang iba sa mga lingkod ng hari ay nangamatay, at ang iyong lingkod na si Uria na Hetheo ay namatay rin. 010 2SA 011 025 Nang magkagayo'y sinabi ni David sa sugo, Ganito ang iyong sasabihin kay Joab: Huwag mong masamain ang bagay na ito, sapagka't nilalamon ng tabak maging ito gaya ng iba: iyong palakasin pa ang iyong pagbabaka laban sa bayan, at iwasak: at iyong palakasin ang loob niya. 010 2SA 011 026 At nang marinig ng asawa ni Uria na si Uria na kaniyang asawa ay namatay, kaniyang tinangisan ang kaniyang asawa. 010 2SA 011 027 At nang ang pagtangis ay makaraan, ay nagsugo si David at kinuha siya sa kaniyang bahay, at siya'y naging kaniyang asawa, at nagkaanak sa kaniya ng isang lalake. Nguni't ang bagay na ginawa ni David ay minasama ng Panginoon. 010 2SA 012 001 At sinugo ng Panginoon si Nathan kay David. At siya'y naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, May dalawang lalake sa isang bayan; ang isa ay mayaman at ang isa ay mahirap. 010 2SA 012 002 Ang mayaman ay mayroon totoong maraming kawan at bakahan: 010 2SA 012 003 Nguni't ang mahirap ay walang anomang bagay, liban sa isang munting korderong babae, na kaniyang binili at inalagaan: at lumaki sa kaniya, at sa kaniyang mga anak; kumakain ng kaniyang sariling pagkain at umiinom ng kaniyang sariling inumin, at humihiga sa kaniyang sinapupunan, at sa kaniya'y parang isang anak. 010 2SA 012 004 At naparoon ang isang maglalakbay sa mayaman, at ipinagkait niya ang kaniyang sariling kawan at ang kaniyang sariling bakahan, na ihanda sa naglalakbay na dumating sa kaniya, kundi kinuha ang kordero ng mahirap na lalake, at inihanda sa lalake na dumating sa kaniya. 010 2SA 012 005 At ang galit ni David ay nagalab na mainam laban sa lalake; at kaniyang sinabi kay Nathan, Buhay ang Panginoon, ang lalake na gumawa nito ay karapatdapat na mamatay: 010 2SA 012 006 At isinauli ang kordero na may dagdag na apat, sapagka't kaniyang ginawa ang bagay na ito, at sapagka't siya'y hindi naawa. 010 2SA 012 007 At sinabi ni Nathan kay David, Ikaw ang lalaking yaon. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Pinahiran kita ng langis na maging hari sa Israel, at aking iniligtas ka sa kamay ni Saul; 010 2SA 012 008 At ibinigay ko sa iyo ang bahay ng iyong panginoon, at ang mga asawa ng iyong panginoon sa iyong sinapupunan, at ibinigay ko sa iyo ang sangbahayan ng Israel at ng Juda; at kung totoong kakaunti pa ito, ay dadagdagan pa kita ng gayong bagay. 010 2SA 012 009 Bakit nga iyong niwalang kabuluhan ang salita ng Panginoon, na iyong ginawa ang masama sa kaniyang paningin? iyong sinugatan ng tabak si Uria na Hetheo, at iyong kinuha ang kaniyang asawa upang maging iyong asawa, at iyong pinatay siya ng tabak ng mga anak ni Ammon. 010 2SA 012 010 Ngayon nga'y ang tabak ay hindi hihiwalay kailan man sa iyong sangbahayan; sapagka't iyong niwalan ng kabuluhan ako, at iyong kinuha ang asawa ni Uria na Hetheo upang maging iyong asawa. 010 2SA 012 011 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magtitindig ng kasamaan laban sa iyo na mula sa iyong sariling sangbahayan, at aking kukunin ang iyong mga asawa sa harap ng iyong mga mata, at aking ipagbibigay sa iyong kapuwa, at kaniyang sisipingan ang iyong mga asawa sa sikat ng araw na ito. 010 2SA 012 012 Sapagka't iyong ginawa na lihim: nguni't aking gagawin ang bagay na ito sa harap ng buong Israel, at sa harap ng araw. 010 2SA 012 013 At sinabi ni David kay Nathan, Ako'y nagkasala laban sa Panginoon. At sinabi ni Nathan kay David, Inalis din ng Panginoon ang iyong kasalanan; hindi ka mamamatay. 010 2SA 012 014 Gayon ma'y sapagka't sa gawang ito'y iyong binigyan ng malaking pagkakataon ang mga kaaway ng Panginoon upang magsipanungayaw, ang bata naman na ipinanganak sa iyo ay walang pagsalang mamamatay. 010 2SA 012 015 At si Nathan ay umuwi sa kaniyang bahay. At sinaktan ng Panginoon ang bata na ipinanganak ng asawa ni Uria kay David, at totoong malubha. 010 2SA 012 016 Ipinanalangin nga ni David sa Dios ang bata; at si David ay nagaayuno, at pumapasok, at humihiga buong gabi sa lupa. 010 2SA 012 017 At bumabangon ang mga matanda sa kaniyang bahay, at tumatayo sa siping niya, upang itindig siya sa lupa; nguni't siya'y ayaw kahit kumain ng tinapay na kasalo nila. 010 2SA 012 018 At nangyari, nang ikapitong araw, na ang bata ay namatay. At nangatakot ang mga lingkod ni David na saysayin sa kaniya na ang bata ay patay na: sapagka't kanilang sinabi, Narito, samantalang ang bata ay buhay pa, tayo ay nakipagsalitaan sa kaniya, at hindi siya nakinig sa ating tinig: gaano ngang ikababagabag niya kung ating sasabihin sa kaniya na ang bata ay patay na? 010 2SA 012 019 Nguni't nang makita ni David na ang kaniyang mga lingkod ay nagbubulong-bulungan, nahalata ni David na ang bata ay patay na: at sinabi ni David sa kaniyang mga lingkod, Patay na ba ang bata? At kanilang sinabi, Siya'y patay na. 010 2SA 012 020 Nang magkagayo'y bumangon si David sa lupa at naligo, at nagpahid ng langis, at nagbihis ng kaniyang suot; at siya'y naparoon sa bahay ng Panginoon, at sumamba: saka naparoon siya sa kaniyang sariling bahay; at nang siya'y humingi, hinainan nila ng tinapay siya sa harap, at siya'y kumain. 010 2SA 012 021 Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya, Anong bagay ito na iyong ginawa? ikaw ay nagaayuno at umiiyak dahil sa bata, samantalang siya'y buhay; nguni't nang mamatay ang bata, ikaw ay bumangon at kumain ng tinapay. 010 2SA 012 022 At kaniyang sinabi, Samantalang ang bata'y buhay pa, ako'y nagaayuno at umiiyak: sapagka't aking sinabi, Sino ang nakakaalam kung maaawa sa akin ang Panginoon, na anopa't ang bata'y mabuhay? 010 2SA 012 023 Nguni't ngayo'y patay na siya; bakit pa ako magaayuno? Maibabalik ko pa ba siya? Ako'y paroroon sa kaniya, nguni't siya'y hindi babalik sa akin. 010 2SA 012 024 At inaliw ni David si Bath-sheba na kaniyang asawa, at lumapit sa kaniya, at sumiping sa kaniya: At siya'y nanganak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Salomon. At minahal siya ng Panginoon. 010 2SA 012 025 At nagsugo siya sa pamamagitan ng kamay ni Nathan na propeta, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Jedidiah alang-alang sa Panginoon. 010 2SA 012 026 Nakipaglaban nga si Joab, sa Rabba sa mga anak ni Ammon, at sinakop ang bayang hari. 010 2SA 012 027 At nagsugo si Joab ng mga sugo kay David, at nagsabi, Ako'y nakipaglaban sa Rabba, oo, aking sinakop ang bayan ng mga bukal ng tubig. 010 2SA 012 028 Ngayon nga'y pisanin mo ang nalabi sa bayan, at humantong ka laban sa bayan, at sakupin mo: baka aking sakupin ang bayan, at tawagin ayon sa aking pangalan. 010 2SA 012 029 At pinisan ni David ang buong bayan, at naparoon sa Rabba, at bumaka laban doon, at sinakop. 010 2SA 012 030 At inalis ang putong ng kanilang hari sa kaniyang ulo: at ang bigat niyaon ay isang talentong ginto, at may mga mahalagang bato; at ipinutong sa ulo ni David. At siya'y naglabas ng samsam sa bayan na totoong marami. 010 2SA 012 031 At kaniyang inilabas ang bayan na nandoon, at inilagay sa ilalim ng mga lagari, at ng mga suyod na bakal, at ng mga palakol na bakal, at mga pinaraan sa mga lutuan ng laryo: at gayon ang ginawa niya sa lahat ng mga bayan ng mga anak ni Ammon. At si David at ang buong bayan ay bumalik sa Jerusalem. 010 2SA 013 001 At nangyari, pagkatapos nito, na si Absalom na anak ni David ay mayroong isang kapatid na babae na maganda, na ang pangala'y Thamar; at sininta siya ni Amnon na anak ni David. 010 2SA 013 002 At si Amnon ay totoong nagdamdam, na anopa't siya'y nagkasakit dahil sa kaniyang kapatid na kay Thamar; sapagka't siya'y dalaga; at inaakala ni Amnon na mahirap gawan siya ng anomang bagay. 010 2SA 013 003 Nguni't si Amnon ay may isang kaibigan na ang pangala'y Jonadab, na anak ni Simea na kapatid ni David: at si Jonadab ay isang lalaking totoong magdaraya. 010 2SA 013 004 At sinabi niya sa kaniya, Bakit, Oh anak ng hari, sa araw araw ay nangangayayat kang ganyan? hindi mo ba sasaysayin sa akin? At sinabi ni Amnon sa kaniya, Aking sinisinta si Thamar na kapatid ng aking kapatid na si Absalom. 010 2SA 013 005 At sinabi ni Jonadab sa kaniya, Mahiga ka sa iyong higaan, at magsakitsakitan ka: at pagka ang iyong ama ay naparoon upang tingnan ka, sabihin mo sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na bayaang ang aking kapatid na si Thamar ay pumarito, at bigyan ako ng tinapay na makakain, at maghanda ng pagkain sa aking paningin upang aking makita, at kanin sa kaniyang kamay. 010 2SA 013 006 Sa gayo'y nahiga si Amnon at nagsakitsakitan: at nang pumaroon ang hari upang tingnan siya, sinabi ni Amnon sa hari, Isinasamo ko sa iyo na bayaang pumarito ang aking kapatid na si Thamar, at igawa ako ng dalawang tinapay na maliit sa aking paningin upang aking makain sa kaniyang kamay. 010 2SA 013 007 Nang magkagayo'y nagsugo si David sa bahay kay Thamar, na sinasabi, Pumaroon ka ngayon sa bahay ng iyong kapatid na si Amnon, at ipaghanda mo siya ng pagkain. 010 2SA 013 008 Sa gayo'y naparoon si Thamar sa bahay ng kaniyang kapatid na si Amnon; at siya'y nakahiga. At siya'y kumuha ng isang masa, at minasa, at ginawang mga binilong tinapay sa kaniyang paningin, at niluto na mga munting tinapay. 010 2SA 013 009 At kinuha niya ang kawali, at mga ibinuhos sa harap niya; nguni't kaniyang tinanggihang kanin. At sinabi ni Amnon: Palabasin ang lahat na tao sa harap ko. At silang lahat ay lumabas, bawa't isa mula sa harap niya. 010 2SA 013 010 At sinabi ni Amnon kay Thamar: Dalhin mo rito sa silid ang pagkain, upang aking makain sa iyong kamay. At kinuha ni Thamar ang mga munting tinapay na kaniyang ginawa, at mga dinala sa silid kay Amnon na kaniyang kapatid. 010 2SA 013 011 At nang ilapit niya sa kaniya upang kanin, kaniyang tinangnan siya, at sinabi niya sa kaniya, Halika, sumiping ka sa akin, kapatid ko. 010 2SA 013 012 At sumagot siya sa kaniya, Huwag kapatid ko, huwag mo akong dahasin; sapagka't hindi marapat gawin sa Israel ang ganyang bagay: huwag kang gumawa ng ganitong kaululan. 010 2SA 013 013 At ako, saan ko dadalhin ang aking hiya? at tungkol sa iyo, ikaw ay magiging gaya ng isa sa mga mangmang sa Israel. Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, magsalita ka sa hari, sapagka't hindi ipagkakait ako sa iyo. 010 2SA 013 014 Gayon ma'y hindi niya dininig ang kaniyang tinig: kundi palibhasa't siya'y malakas kay sa kaniya, dinahas niya siya, at sumiping sa kaniya. 010 2SA 013 015 Nang magkagayo'y kinapootan siya ni Amnon na may mahigpit na poot; sapagka't ang kapootan na kaniyang ikinapoot sa kaniya ay malaki kay sa pagsinta na kaniyang isininta sa kaniya. At sinabi ni Amnon sa kaniya, Bumangon ka, ikaw ay yumaon. 010 2SA 013 016 At sinabi niya sa kaniya, Huwag ganyan, sapagka't itong malaking kasamaan sa pagpapalabas mo sa akin ay higit kay sa iba na iyong ginawa sa akin. Nguni't ayaw niyang dinggin siya. 010 2SA 013 017 Nang magkagayo'y tinawag niya ang kaniyang alipin na nagaalaga sa kaniya, at sinabi, Ilabas mo ang babaing ito sa harap ko, at itrangka mo ang pintuan pagkalabas niya. 010 2SA 013 018 At siya'y may suot na sarisaring kulay: sapagka't ang mga gayong kasuutan ang isinusuot ng mga anak na dalaga ng hari. Nang magkagayo'y inilabas siya ng kaniyang alipin at tinarangkahan ang pintuan pagkalabas niya. 010 2SA 013 019 At binuhusan ni Thamar ng mga abo ang kaniyang ulo, at hinapak ang kaniyang suot na sarisaring kulay na nakasuot sa kaniya; at kaniyang ipinatong ang kaniyang kamay sa kaniyang ulo, at ipinagpatuloy ang kaniyang lakad, na umiiyak ng malakas habang siya'y yumayaon. 010 2SA 013 020 At sinabi ni Absalom na kaniyang kapatid sa kaniya, Napasa iyo ba si Amnon na iyong kapatid? nguni't ngayo'y tumahimik ka, kapatid ko: siya'y iyong kapatid; huwag mong isapuso ang bagay na ito. Sa gayo'y si Thamar ay nagpighati sa bahay ng kaniyang kapatid na si Absalom. 010 2SA 013 021 Nguni't nang mabalitaan ng haring si David ang lahat ng mga bagay na ito, siya'y totoong napoot. 010 2SA 013 022 At hindi nagsalita si Absalom kay Amnon kahit mabuti o masama man; sapagka't pinagtaniman ni Absalom si Amnon dahil sa kaniyang dinahas ang kaniyang kapatid na si Thamar. 010 2SA 013 023 At nangyari, pagkatapos ng dalawang buong taon, na nagpagupit ng mga tupa si Absalom sa Baal-hasor na nasa siping ng Ephraim: at inanyayahan ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari. 010 2SA 013 024 At naparoon si Absalom sa hari, at sinabi niya, Narito ngayon, ang iyong lingkod ay nagpapagupit ng mga tupa; isinasamo ko sa iyo na ang hari at ang kaniyang mga lingkod ay magsiyaong kasama ng iyong lingkod. 010 2SA 013 025 At sinabi ng hari kay Absalom, Huwag anak ko, huwag tayong magsiyaong lahat, baka maging mabigat na pasan sa iyo. At pinilit niya siya: gayon ma'y hindi siya yumaon, kundi binasbasan siya. 010 2SA 013 026 Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom, Kung hindi isinasamo ko sa iyo, pasamahin mo sa amin ang aking kapatid na si Amnon. At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit siya sasama sa iyo? 010 2SA 013 027 Nguni't pinilit siya ni Absalom, na anopa't kaniyang pinasama sa kaniya si Amnon at ang lahat ng mga anak ng hari. 010 2SA 013 028 At iniutos ni Absalom sa kaniyang mga lingkod na sinasabi, Tandaan ninyo ngayon, pagka ang puso ni Amnon ay sumaya dahil sa alak; at pagka ang aking sinabi sa inyo, Saktan ninyo si Amnon, patayin nga ninyo siya: huwag kayong mangatakot: hindi ba ako ang nagutos sa inyo? kayo nga'y magpakalakas, at magpakatapang. 010 2SA 013 029 At ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon kung ano ang iniutos ni Absalom. Nang magkagayo'y nagsitindig ang lahat ng mga anak ng hari, at sumakay bawa't lalake sa kaniyang mula, at tumakas. 010 2SA 013 030 At nangyari, samantalang sila'y nasa daan, na ang balita ay dumating kay David, na sinasabi, Pinatay ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari, at walang nalabi isa man sa kanila. 010 2SA 013 031 Nang magkagayo'y bumangon ang hari at hinapak ang kaniyang mga suot, at humiga sa lupa; at lahat niyang mga lingkod ay nakatayo sa palibot na hapak ang kanilang mga suot. 010 2SA 013 032 At si Jonadab na anak ni Simea na kapatid ni David, ay sumagot at nagsabi, Huwag akalain ng aking panginoon na kanilang pinatay ang lahat ng mga binatang anak ng hari, sapagka't si Amnon lamang ang patay: sapagka't sa pasiya ni Absalom ay pinasiyahan ito mula sa araw na kaniyang dahasin ang kaniyang kapatid na si Thamar. 010 2SA 013 033 Ngayon nga'y huwag isapuso ng aking panginoon na hari ang bagay, na akalain ang lahat ng mga anak ng hari ay patay: sapagka't si Amnon lamang ang patay. 010 2SA 013 034 Nguni't si Absalom ay tumakas. At ang bataan na nagbabantay ay tumanaw ng kaniyang mga mata, at tumingin, at, narito, dumarating ay maraming tao sa daan na mula sa burol, sa likuran niya. 010 2SA 013 035 At sinabi ni Jonadab sa hari, Narito, ang mga anak ng hari ay nagsisidating: kung ano ang sinabi ng inyong lingkod, ay nagkagayon. 010 2SA 013 036 At nangyari pagkatapos niyang makapagsalita, na, narito, ang mga anak ng hari ay nagsidating, at inilakas ang kanilang tinig at nagsiiyak: at ang hari naman at ang lahat niyang mga lingkod ay nagsiiyak na mainam. 010 2SA 013 037 Nguni't tumakas si Absalom at naparoon kay Talmai na anak ni Amiud na hari sa Gessur. At tinangisan ni David ang kaniyang anak araw araw. 010 2SA 013 038 Sa gayo'y tumakas si Absalom at naparoon sa Gessur, at dumoong tatlong taon. 010 2SA 013 039 At pinanabikan ng haring David na paroonan si Absalom: sapagka't siya'y naaliw na tungkol kay Amnon yamang patay na. 010 2SA 014 001 Nahalata nga ni Joab, na anak ni Sarvia, na ang puso ng hari ay nahihilig kay Absalom. 010 2SA 014 002 At nagsugo si Joab sa Tecoa, at nagdala mula roon ng isang pantas na babae, at sinabi sa kaniya, Isinasamo ko sa iyong ikaw ay magpakunwari na tagapanaghoy at magluksa, at huwag kang magpahid ng langis, kundi ikaw ay magpakunwaring isang babae na mahabang panahon na tumatangis dahil sa isang namatay: 010 2SA 014 003 At pasukin mo ang hari, at magsalita ka ng ganitong paraan sa kaniya. Sa gayo'y inilagay ni Joab ang mga salita sa kaniyang bibig. 010 2SA 014 004 At nang magsalita ang babae sa Tecoa sa hari, ay nagpatirapa sa lupa, at nagbigay galang, at nagsabi: Tulungan mo ako, Oh hari. 010 2SA 014 005 At sinabi ng hari sa kaniya, Anong mayroon ka? At siya'y sumagot: Sa katotohanan ako'y bao, at ang aking asawa ay patay na. 010 2SA 014 006 At ang iyong lingkod ay may dalawang anak, at silang dalawa'y nagaway sa parang at walang maghiwalay sa kanila, kundi sinaktan ng isa ang isa, at pinatay siya. 010 2SA 014 007 At, narito, ang buong angkan ay bumangon laban sa iyong lingkod, at sila'y nagsabi, Ibigay mo siya na sumakit sa kaniyang kapatid, upang siya'y mapatay namin dahil sa buhay ng kaniyang kapatid na kaniyang pinatay, at sa gayo'y iwasak namin ang tagapagmana naman; ganito nila papatayin ang aking baga na nalabi; at walang iiwan sa aking asawa kahit pangalan o anomang labi sa balat ng lupa. 010 2SA 014 008 At sinabi ng hari sa babae, Umuwi ka sa iyong bahay, at ako'y magbibilin tungkol sa iyo. 010 2SA 014 009 At ang babae sa Tecoa ay nagsabi sa hari: Panginoon ko, Oh hari, ang kasamaan ay suma akin nawa, at sa sangbahayan ng aking ama: at ang hari at ang kaniyang luklukan ay mawalan nawa ng sala. 010 2SA 014 010 At sinabi ng hari, Sinomang magsabi sa iyo ng anoman, dalhin mo sa akin, at hindi ka na niya gagalawin pa. 010 2SA 014 011 Nang magkagayo'y sinabi niya, Isinasamo ko sa iyo, na alalahanin ng hari ang Panginoon mong Dios, na huwag patayin ng mapanghiganti sa dugo kailan man, baka kanilang ibuwal ang aking anak. At kaniyang sinabi: Buhay ang Panginoon, walang buhok ng iyong anak na mahuhulog sa lupa. 010 2SA 014 012 Nang magkagayo'y sinabi ng babae: Pahintulutan mo ang iyong lingkod, isinasamo ko sa iyo, na magsalita ng isang salita sa aking panginoon na hari. At kaniyang sinabi, Sabihin mo. 010 2SA 014 013 At sinabi ng babae, Bakit nga iyong inakala ang gayong bagay laban sa bayan ng Dios? sapagka't sa pagsasalita ng ganitong salita ay parang may sala ang hari, dangang hindi ipinabalik ng hari ang kaniyang sariling itinapon. 010 2SA 014 014 Sapagka't tayo'y mamamatay na walang pagsala at gaya ng tubig na mabubuhos sa lupa, na hindi mapupulot uli: ni nagaalis man ang Dios ng buhay, kundi humahanap ng paraan na siya na itinapon ay huwag mamalagi na tapon sa kaniya. 010 2SA 014 015 Ngayon nga'y kung kaya't ako'y naparito upang salitain ang salitang ito sa aking panginoon na hari, ay sapagka't tinakot ako ng bayan: at sinabi ng iyong lingkod, Ako'y magsasalita sa hari; marahil ay gagawin ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod. 010 2SA 014 016 Sapagka't didinggin ng hari upang iligtas ang kaniyang lingkod sa kamay ng lalake na nagiibig magbuwal sa akin at sa aking anak na magkasama sa mana ng Dios. 010 2SA 014 017 Nang magkagayo'y sinabi ng iyong lingkod, Isinasamo ko sa iyo na ang salita ng aking panginoon na hari ay sa ikaaaliw: sapagka't kung paano ang anghel ng Dios, ay gayon ang aking panginoon na hari na magdilidili ng mabuti at masama: at ang Panginoong iyong Dios ay sumaiyo nawa. 010 2SA 014 018 Nang magkagayo'y sumagot ang hari at nagsabi sa babae, Huwag mong ikubli sa akin, isinasamo ko sa iyo, ang anoman na aking itatanong sa iyo. At sinabi ng babae, Magsalita nga ang aking panginoon na hari. 010 2SA 014 019 At sinabi ng hari, sumasaiyo ba ang kamay ni Joab sa bagay na ito? At sumagot ang babae at nagsabi, Buhay ang iyong kaluluwa, panginoon ko na hari, walang makaliliko sa kanan o sa kaliwa sa anoman na sinalita ng aking panginoon na hari, sapagka't ang iyong lingkod na si Joab ay siyang nagutos sa akin, at siyang naglagay ng lahat ng mga salitang ito sa bibig ng iyong lingkod: 010 2SA 014 020 Upang baguhin ang anyo ng bagay ay ginawa ng iyong lingkod na si Joab ang bagay na ito: at ang aking panginoon ay pantas ayon sa karunungan ng anghel ng Dios, na makaalam ng lahat ng mga bagay na nasa lupa. 010 2SA 014 021 At sinabi ng hari kay Joab, Narito, ngayon, aking ginawa ang bagay na ito: yumaon ka nga, dalhin mo rito uli ang binatang si Absalom. 010 2SA 014 022 At nagpatirapa si Joab sa lupa, at nagbigay galang, at binasbasan ang hari: at sinabi ni Joab, Ngayo'y talastas ng iyong lingkod na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, panginoon ko, Oh hari, sa paraang pinayagan ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod. 010 2SA 014 023 Sa gayo'y bumangon si Joab at naparoon sa Gessur, at dinala si Absalom sa Jerusalem. 010 2SA 014 024 At sinabi ng hari, Bumalik siya sa kaniyang sariling bahay, nguni't huwag makita ang aking mukha. Sa gayo'y bumalik si Absalom sa kaniyang sariling bahay, at hindi nakita ang mukha ng hari. 010 2SA 014 025 Sa buong Israel nga'y walang gaya ni Absalom na pinakakapuri dahil sa kagandahan: mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa tuktok ng kaniyang ulo, ay walang ipipintas sa kaniya. 010 2SA 014 026 At pagka kaniyang ipinagugupit ang kaniyang buhok (sa bawa't katapusan nga ng bawa't taon siya ay nagpapagupit: sapagka't mabigat sa kaniya ang buhok kaya't kaniyang ipinagugupit: ) kaniyang tinitimbang ang buhok ng kaniyang ulo na may dalawang daang siklo, ayon sa timbangan ng hari. 010 2SA 014 027 At ipinanganak kay Absalom ay tatlong lalake, at isang babae, na ang pangala'y Thamar: siya'y isang babae na may magandang mukha. 010 2SA 014 028 At tumahan si Absalom na dalawang buong taon sa Jerusalem; at hindi niya nakita ang mukha ng hari. 010 2SA 014 029 Nang magkagayo'y pinasuguan ni Absalom si Joab, upang suguin sa hari: nguni't hindi siya naparoon sa kaniya: at siya'y nagsugo na ikalawa, nguni't siya'y ayaw paroon. 010 2SA 014 030 Kaya't kaniyang sinabi sa kaniyang mga alipin: Tingnan ninyo, ang bukid ni Joab ay malapit sa akin, at siya'y may sebada roon; yumaon kayo, at silaban ninyo. At sinilaban ng mga alipin ni Absalom ang bukid. 010 2SA 014 031 Nang magkagayo'y bumangon si Joab, at naparoon kay Absalom sa kaniyang bahay, at nagsabi sa kaniya, Bakit sinilaban ng iyong alipin ang aking bukid? 010 2SA 014 032 At sinagot ni Absalom si Joab, Narito, ako'y nagpasugo sa iyo, na nagpasabi, Parito ka, upang aking masugo ka sa hari, na magsabi, Sa anong kapararakan naparoon ako mula sa Gessur? lalong mabuti sa akin na tumigil doon. Ngayon nga'y ipakita mo sa akin ang mukha ng hari; at kung may kasamaan sa akin, patayin niya ako. 010 2SA 014 033 Sa gayo'y naparoon si Joab sa hari at isinaysay sa kaniya: at nang kaniyang matawag na si Absalom, siya'y naparoon sa hari, at nagpatirapa sa lupa sa harap ng hari; at hinagkan ng hari si Absalom. 010 2SA 015 001 At nangyari, pagkatapos nito, na naghanda si Absalom ng isang karo at mga kabayo, at limang pung lalaking tatakbo sa unahan niya. 010 2SA 015 002 At bumangong maaga si Absalom, at tumayo sa tabi ng daan sa pintuang-bayan; at nangyari, na pagka ang sinomang tao ay mayroong usap na ilalapit sa hari upang hatulan, na tinatawag nga ni Absalom, at sinabi, Taga saang bayan ka? At kaniyang sinabi, Ang iyong lingkod ay isa sa mga lipi ng Israel. 010 2SA 015 003 At sinabi ni Absalom sa kaniya, Tingnan mo, ang iyong usap ay mabuti at matuwid: nguni't walang kinatawan ang hari na duminig sa iyong usap. 010 2SA 015 004 Sinabi ni Absalom bukod dito: Oh maging hukom sana ako sa lupain, upang ang bawa't tao na may anomang usap, o anomang bagay, ay pumarito sa akin at siya'y aking magawan ng katuwiran! 010 2SA 015 005 At nangyayari na pagka ang sinoman ay lumalapit upang magbigay galang sa kaniya, na kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay at hinahawakan siya at hinahalikan siya. 010 2SA 015 006 At ganitong paraan ang ginagawa ni Absalom sa buong Israel na naparoroon sa hari sa pagpapahatol: sa gayo'y ginanyak ni Absalom ang mga kalooban ng mga tao ng Israel. 010 2SA 015 007 At nangyari, sa katapusan ng apat na pung taon, na sinasabi ni Absalom sa hari, Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako at ako'y tumupad ng aking panata na aking ipinanata sa Panginoon, sa Hebron. 010 2SA 015 008 Sapagka't ang iyong lingkod ay nanata ng isang panata samantalang ako'y tumatahan sa Gesur sa Siria, na nagsabi, Kung tunay na dadalhin uli ako ng Panginoon sa Jerusalem, maglilingkod nga ako sa Panginoon. 010 2SA 015 009 At sinabi ng hari sa kaniya, Yumaon kang payapa. Sa gayo'y bumangon siya, at naparoon sa Hebron. 010 2SA 015 010 Nguni't si Absalom ay nagsugo ng mga tiktik sa lahat ng mga lipi ng Israel, na sinasabi, Pagkarinig ninyo ng tunog ng pakakak, inyo ngang sasabihin, Si Absalom ay hari sa Hebron. 010 2SA 015 011 At lumabas sa Jerusalem na kasama ni Absalom ay dalawang daang lalake na mga inanyayahan, at nangaparoon silang walang malay; at wala silang nalalamang anoman. 010 2SA 015 012 At pinagsuguan ni Absalom si Achitophel na Gilonita, na kasangguni ni David, mula sa kaniyang bayan, mula sa Gilo samantalang siya'y naghahandog ng mga hain. At mahigpit ang pagbabanta: sapagka't ang bayan na kasama ni Absalom ay dumadami ng dumadami. 010 2SA 015 013 At naparoon ang isang sugo kay David, na nagsasabi, Ang mga puso ng mga lalake ng Israel ay sumusunod kay Absalom. 010 2SA 015 014 At sinabi ni David sa lahat ng kaniyang mga lingkod na nasa kaniya sa Jerusalem, magsibangon kayo, at tayo'y magsitakas; sapagka't liban na rito ay walang makatatanan sa atin kay Absalom: mangagmadali kayo ng pagtakas, baka sa pagmamadali ay abutan tayo, at dalhan tayo ng kasamaan, at sugatan ang bayan ng talim ng tabak. 010 2SA 015 015 At sinabi ng mga lingkod ng hari sa hari, Narito, ang iyong mga lingkod ay handa na gumawa ng anoman na pipiliin ng aming panginoon na hari. 010 2SA 015 016 At lumabas ang hari at ang buong sangbahayan niya na sumunod sa kaniya. At nagiwan ang hari ng sangpung babae, na mga kinakasama niya, upang magingat ng bahay. 010 2SA 015 017 At lumabas ang hari at ang buong bayan na kasunod niya: at sila'y nagpahinga sa Beth-merac. 010 2SA 015 018 At ang lahat niyang mga lingkod ay nagsidaan sa siping niya; at ang lahat na Ceretheo, at ang lahat na Peletheo, at ang lahat ng mga Getheo, na anim na raang lalake na nagsisunod sa kaniya mula sa Gath, na nangagpapauna sa hari. 010 2SA 015 019 Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Ittai na Getheo, Bakit pati ikaw ay sumasama sa amin? bumalik ka at tumahan kang kasama ng hari: sapagka't ikaw ay taga ibang lupa at tapon pa: bumalik ka sa iyong sariling dako. 010 2SA 015 020 Yamang kahapon ka lamang dumating ay papagpapanhik manaugin na ba kita sa araw na ito na kasama namin, dangang ako'y yumayaon kung saan maaari? bumalik ka, at ibalik mo ang iyong mga kapatid; kaawaan at katotohanan nawa ang sumaiyo. 010 2SA 015 021 At sumagot si Ittai sa hari, at nagsabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang aking panginoon na hari, tunay na kung saan dumoon ang aking panginoon na hari, maging sa kamatayan o sa kabuhayan ay doroon naman ang iyong lingkod. 010 2SA 015 022 At sinabi ni David kay Ittai, Ikaw ay yumaon at magpauna. At si Ittai na Getheo ay nagpauna, at ang lahat niyang lalake, at ang lahat na bata na kasama niya. 010 2SA 015 023 At ang buong lupain ay umiyak ng malakas, at ang buong bayan ay tumawid: ang hari man ay tumawid din sa batis ng Cedron, at ang buong bayan ay tumawid, sa daan ng ilang. 010 2SA 015 024 At, narito, pati si Sadoc at ang lahat na Levita na kasama niya, na may dala ng kaban ng tipan ng Dios; at kanilang inilapag ang kaban ng Dios, at sumampa si Abiathar, hanggang sa ang buong bayan ay nakalabas sa bayan. 010 2SA 015 025 At sinabi ng hari kay Sadoc, Ibalik mo ang kaban ng Dios sa bayan: kung ako'y makakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon, kaniyang ibabalik ako at ipakikita sa akin ang kaban at gayon din ang kaniyang tahanan. 010 2SA 015 026 Nguni't kung sabihin niyang ganito, Hindi kita kinalulugdan; narito, ako'y nandito, gawin niya; sa akin ang inaakala niyang mabuti. 010 2SA 015 027 Sinabi rin ng hari kay Sadoc na saserdote, Hindi ka ba tagakita? bumalik kang payapa sa bayan, at ang iyong dalawang anak na kasama ninyo, si Ahimaas na iyong anak, at si Jonathan na anak ni Abiathar. 010 2SA 015 028 Tingnan mo, ako'y maghihintay sa mga tawiran sa ilang, hanggang sa may dumating na salita na mula sa inyo na magpatotoo sa akin. 010 2SA 015 029 Dinala nga uli sa Jerusalem ni Sadoc at ni Abiathar ang kaban ng Dios: at sila'y nagsitahan doon. 010 2SA 015 030 At umahon si David sa ahunan sa bundok ng mga Olibo, at umiiyak habang siya'y umaahon; at ang kaniyang ulo ay may takip, at lumalakad siya na walang suot ang paa; at ang buong bayan na kasama niya ay may takip ang ulo ng bawa't isa, at sila'y nagsisiahon, na nagsisiiyak habang sila'y nagsisiahon. 010 2SA 015 031 At isinaysay ng isa kay David na sinasabi, Si Achitophel ay nasa nanganghihimagsik na kasama ni Absalom. At sinabi ni David, Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na iyong gawing kamangmangan ang payo ni Achitophel. 010 2SA 015 032 At nangyari na nang si David ay dumating sa taluktok ng bundok, na doon sinasamba ang Dios, narito, si Husai na Arachita ay sumalubong sa kaniya, na ang kaniyang suot ay hapak, at may lupa sa kaniyang ulo: 010 2SA 015 033 At sinabi ni David sa kaniya, Kung ikaw ay magpatuloy na kasama ko ay magiging isang pasan ka nga sa akin. 010 2SA 015 034 Nguni't kung ikaw ay bumalik sa bayan, at sabihin mo kay Absalom, Ako'y magiging iyong lingkod, Oh hari; kung paanong ako'y naging lingkod ng iyong ama nang panahong nakaraan, ay gayon magiging lingkod mo ako ngayon: kung magkagayo'y iyo ngang masasansala ang payo ni Achitophel sa ikabubuti ko. 010 2SA 015 035 At hindi ba kasama mo roon si Sadoc at si Abiathar na mga saserdote? kaya't mangyayari, na anomang bagay ang iyong marinig sa sangbahayan ng hari, iyong sasaysayin kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote. 010 2SA 015 036 Narito nasa kanila roon ang kanilang dalawang anak, si Ahimaas na anak ni Sadoc, at si Jonathan na anak ni Abiathar; at sa pamamagitan nila ay inyong maipadadala sa akin ang bawa't bagay na inyong maririnig. 010 2SA 015 037 Sa gayo'y si Husai na kaibigan ni David ay pumasok sa bayan; at si Absalom ay pumasok sa Jerusalem. 010 2SA 016 001 At nang si David ay makaraan sa dako pa noon ng kaunti ng taluktok ng bundok, narito, si Siba na lingkod ni Mephiboseth ay sumalubong sa kaniya, na may handang isang tuwang na asno, at sa ibabaw ng mga yaon ay dalawang daang tinapay, at isang daang kumpol na pasas, at isang daang bunga sa taginit, at isang sisidlang balat ng alak. 010 2SA 016 002 At sinabi ng hari kay Siba, Ano ang iyong ibig sabihin sa mga ito? At sinabi ni Siba, Ang mga asno ay upang sakyan ng sangbahayan ng hari; at ang tinapay at ang bunga sa taginit ay upang mangakain ng mga binata; at ang alak ay upang mainom ng nangapapagod sa ilang. 010 2SA 016 003 At sinabi ng hari, At nasaan ang anak ng iyong panginoon? At sinabi ni Siba sa hari, Narito, siya'y tumatahan sa Jerusalem; sapagka't kaniyang sinabi, Ngayo'y ibabalik sa akin ang sangbahayan ng Israel, ang kaharian ng aking ama. 010 2SA 016 004 Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Siba, Narito, iyo ang buong nauukol kay Mephiboseth. At sinabi ni Siba, Ako'y yumuyukod; makasumpong nawa ako ng biyaya sa paningin mo, panginoon ko, Oh hari. 010 2SA 016 005 At nang dumarating ang hari sa Bahurim, narito, lumalabas na mula roo'y isang lalake sa angkan ng sangbahayan ni Saul, na ang pangala'y Semei, na anak ni Gera: siya'y lumalabas, at manunumpa habang siya'y lumalabas. 010 2SA 016 006 At kaniyang hinagis ng mga bato si David, at ang lahat ng lingkod ng haring si David: at ang buong bayan, at ang lahat na malalakas na lalake ay nasa kaniyang kanan, at sa kaniyang kaliwa. 010 2SA 016 007 At ganito ang sinabi ni Semei nang siya'y nanunumpa, Lumayas ka, lumayas ka, ikaw na lalaking mabagsik, at hamak na lalake: 010 2SA 016 008 Ibinalik sa iyo ng Panginoon ang buong dugo ng sangbahayan ni Saul na siya mong hinalinhan ng pagkahari; at ibinigay ng Panginoon ang kaharian sa kamay ni Absalom na iyong anak: at, narito, ikaw ay nasa iyong sariling kasamaan, sapagka't ikaw ay lalaking mabagsik. 010 2SA 016 009 Nang magkagayo'y sinabi ni Abisai na anak ni Sarvia sa hari, Bakit susumpain nitong asong patay ang aking panginoon na hari? payaunin mo ako, isinasamo ko sa iyo, at pugutin ang kaniyang ulo. 010 2SA 016 010 At sinabi ng hari, Anong ipakikialam ko sa inyo, kayong mga anak ni Sarvia? Sapagka't siya'y nanunumpa, at sapagka't sinabi ng Panginoon sa kaniya, Sumpain mo si David, sino nga ang magsasabi, Bakit ka gumawa ng ganyan? 010 2SA 016 011 At sinabi ni David kay Abisai, at sa lahat niyang mga lingkod, Narito, ang anak ko, na lumabas sa aking tiyan, siyang humahanap ng aking buhay: gaano pa nga kaya ang gagawin ngayon ng Benjamitang ito? bayaan ninyo siya at manumpa siya: sapagka't iniutos ng Panginoon sa kaniya. 010 2SA 016 012 Marahil ay titingnan ng Panginoon ang kasamaang ginagawa sa akin, at gagawan ako ng mabuti ng Panginoon sa sumpa niya sa akin sa araw na ito. 010 2SA 016 013 Sa gayo'y nagpatuloy ng lakad si David at ang kaniyang mga lalake: at si Semei ay yumaon sa tagiliran ng bundok sa tapat niya, at sumusumpa habang siya'y yumayaon, at hinahagis ng bato siya, at nananaboy ng alabok. 010 2SA 016 014 At ang hari at ang buong bayan na nasa kaniya ay nagsidating na pagod; at siya'y nagpahinga roon. 010 2SA 016 015 At si Absalom at ang buong bayan, na mga lalake ng Israel, ay nagsidating sa Jerusalem at si Achitophel na kasama niya. 010 2SA 016 016 At nangyari, nang si Husai na Arachita, na kaibigan ni David, ay dumating kay Absalom, na sinabi ni Husai kay Absalom, Mabuhay ang hari, mabuhay ang hari. 010 2SA 016 017 At sinabi ni Absalom kay Husai, Ito ba ang iyong kagandahang loob sa iyong kaibigan? bakit hindi ka sumama sa iyong kaibigan? 010 2SA 016 018 At sinabi ni Husai kay Absalom, Hindi; kundi kung sinong piliin ng Panginoon, at ng bayang ito, at ng lahat na lalake sa Israel, doroon ako, at sa kasamahan noon tatahan ako. 010 2SA 016 019 At saka, kanino ako maglilingkod? hindi ba sa harap ng kaniyang anak? kung paanong ako'y naglingkod sa harap ng iyong ama, ay magiging gayon ako sa iyong harap. 010 2SA 016 020 Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom kay Achitophel, Magbigay payo kayo kung ano ang ating gagawin. 010 2SA 016 021 At sinabi ni Achitophel kay Absalom, Sipingan mo ang mga babae ng iyong ama, na kaniyang iniwan na magsipagingat ng bahay; at mababalitaan ng buong Israel na ikaw ay makayayamot sa iyong ama: kung magkagayo'y lalakas ang mga kamay ng lahat na nasa iyo. 010 2SA 016 022 Sa gayo'y kanilang ipinagladlad si Absalom ng isang tolda sa bubungan ng bahay; at sinipingan ni Absalom ang mga babae ng kaniyang ama sa paningin ng buong Israel. 010 2SA 016 023 At ang payo ni Achitophel, na kaniyang ipinapayo sa mga araw na yaon, ay gaya ng kung ang isang lalake ay nagsisiyasat sa salita ng Dios: gayong lahat ang payo ni Achitophel kay David at gayon din kay Absalom. 010 2SA 017 001 Bukod dito'y sinabi ni Achitophel kay Absalom, Papiliin mo ako ng labing dalawang libong lalake, at ako'y titindig at aking hahabulin si David sa gabing ito: 010 2SA 017 002 At ako'y darating sa kaniya samantalang siya'y pagod at may mahinang kamay, at akin siyang tatakutin: at ang buong bayan na nasa kaniya ay tatakas; at ang hari lamang ang aking sasaktan: 010 2SA 017 003 At aking ibabalik sa iyo ang buong bayan: ang lalake na iyong inuusig ay parang kung ang lahat ay nagbabalik: sa gayo'y ang buong bayan ay mapapayapa. 010 2SA 017 004 At ang sabi ay nakalugod na mabuti kay Absalom, at sa lahat ng matanda sa Israel. 010 2SA 017 005 Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom, Tawagin mo naman ngayon si Husai na Arachita, at atin ding dinggin ang kaniyang sasabihin. 010 2SA 017 006 At nang dumating si Husai kay Absalom, ay sinalita ni Absalom sa kaniya, na sinasabi, Nagsalita si Achitophel ng ganitong paraan: atin bang gagawin ang ayon sa kaniyang sabi? Kung hindi, magsalita ka. 010 2SA 017 007 At sinabi ni Husai kay Absalom, Ang payo na ibinigay ni Achitophel ngayon ay hindi mabuti. 010 2SA 017 008 Sinabi ni Husai bukod sa rito, Iyong kilala ang iyong Ama at ang kaniyang mga lalake, na sila'y makapangyarihang lalake at sila'y nagngingitngit sa kanilang mga pagiisip na gaya ng isang oso na ninakawan sa parang ng kaniyang mga anak: at ang iyong ama ay lalaking mangdidigma, at hindi tatahan na kasama ng bayan. 010 2SA 017 009 Narito, siya'y nagkukubli ngayon sa isang hukay o sa ibang dako: at mangyayari, na pagka ang ilan sa kanila ay nabuwal sa pasimula, sinomang makarinig ay magsasabi, May patayan sa bayang sumusunod kay Absalom. 010 2SA 017 010 At pati ng matapang, na ang puso ay gaya ng puso ng leon, ay lubos na manglulupaypay: sapagka't kilala ng buong Israel na ang iyong ama ay makapangyarihang lalake, at sila na nasa kaniya ay matatapang na lalake. 010 2SA 017 011 Nguni't aking ipinapayo na ang buong Israel ay mapisan sa iyo, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, na gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat ang dami; at ikaw ay pumaroon sa pagbabaka ng iyong sariling pagkatao. 010 2SA 017 012 Sa gayo'y aabutin natin siya sa ibang dako na kasusumpungan natin sa kaniya, at tayo'y babagsak sa kaniya na gaya ng hamog na lumalapag sa lupa: at sa kaniya at sa lahat ng mga lalake na nasa kaniya ay hindi tayo magiiwan kahit isa. 010 2SA 017 013 Bukod dito, kung siya'y umurong sa isang bayan, ang buong Israel ay magdadala nga ng mga lubid sa bayang yaon, at ating babatakin sa ilog, hanggang sa walang masumpungan doon kahit isang maliit na bato. 010 2SA 017 014 At si Absalom at ang lahat na lalake sa Israel ay nagsipagsabi, Ang payo ni Husai na Arachita ay lalong mabuti kay sa payo ni Achitophel. Sapagka't ipinasiya ng Panginoon na masansala ang mabuting payo ni Achitophel, upang dalhin ng Panginoon ang kasamaan kay Absalom. 010 2SA 017 015 Nang magkagayo'y sinabi ni Husai kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote. Ganito't ganito ang ipinayo ni Achitophel kay Absalom at sa mga matanda sa Israel; at ganito't ganito ang aking ipinayo. 010 2SA 017 016 Ngayon nga'y magsugo kang madali, at saysayin kay David, na sabihin, Huwag kang tumigil ng gabing ito sa mga tawiran sa ilang, kundi sa anomang paraan ay tumawid ka: baka ang hari ay mapatay at ang buong bayan na nasa kaniya. 010 2SA 017 017 Si Jonathan at si Ahimaas nga ay nagsitigil sa tabi ng Enrogel; at isang alilang babae ang pinaparoon at pinapagsaysay sa kanila; at sila'y nagsiparoon, at isinaysay sa haring kay David: sapagka't sila'y hindi makapakitang pumasok sa bayan. 010 2SA 017 018 Nguni't nakita sila ng isang bata, at isinaysay kay Absalom: at sila'y kapuwa lumabas na nagmadali, at sila'y nagsiparoon sa bahay ng isang lalake sa Bahurim, na may isang balon sa kaniyang looban; at sila'y nagsilusong doon. 010 2SA 017 019 At ang babae ay kumuha ng isang panakip at inilatag sa bunganga ng balon, at nilagyan ng mga trigo na giniik; at walang bagay na naalaman. 010 2SA 017 020 At ang mga bataan ni Absalom ay nagsidating sa babae sa bahay; at kanilang sinabi, Saan nandoon si Ahimaas at si Jonathan? At sinabi ng babae sa kanila, Sila'y tumawid sa batis ng tubig. At nang kanilang mahanap at hindi nila masumpungan ay bumalik sila sa Jerusalem. 010 2SA 017 021 At nangyari, pagkatapos na sila'y makaalis, na sila'y nagsilabas sa balon, at nagsiyaon at isinaysay sa haring kay David: at kanilang sinabi kay David, Kayo'y magsibangon, at magsitawid na madali sa tubig: sapagka't ganito ang ipinayo ni Achitophel laban sa inyo. 010 2SA 017 022 Nang magkagayo'y nagsibangon si David, at ang buong bayan na kasama niya, at sila'y tumawid sa Jordan; sa pagbubukang liwayway ay walang naiwan kahit isa sa kanila na hindi tumawid sa Jordan. 010 2SA 017 023 At nang makita ni Achitophel na ang kaniyang payo ay hindi sinunod, kaniyang siniyahan ang kaniyang asno, at bumangon, at umuwi siya sa bahay, sa kaniyang bayan at kaniyang inayos ang kaniyang bahay, at nagbigti; at siya'y namatay, at nalibing sa libingan ng kaniyang ama. 010 2SA 017 024 Nang magkagayon ay naparoon si David sa Mahanaim. At si Absalom ay tumawid sa Jordan, siya at ang lahat na lalake ng Israel na kasama niya. 010 2SA 017 025 At inilagay ni Absalom si Amasa sa hukbo na kahalili ni Joab. Si Amasa nga ay anak ng isang lalake na ang pangalan ay Itra, na Israelita, na sumiping kay Abigal na anak na babae ni Naas, na kapatid ni Sarvia, na ina ni Joab. 010 2SA 017 026 At ang Israel at si Absalom ay nagsihantong sa lupain ng Galaad. 010 2SA 017 027 At nangyari, ng si David ay dumating sa Mahanaim, na si Sobi na anak ni Naas na taga Rabba sa mga anak ni Ammon, at si Machir na anak ni Ammiel na taga Lodebar, at si Barzillai na Galaadita na taga Rogelim. 010 2SA 017 028 Ay nangagdala ng mga higaan, at mga mangkok, at mga sisidlang lupa, at trigo, at sebada, at harina, at butil na sinangag, at habas, at lentehas, at pagkain na sinangag. 010 2SA 017 029 At pulot pukyutan, at mantekilya, at mga tupa, at keso ng baka para kay David, at sa bayan na kasama niya, upang kanin; sapagka't kanilang sinabi, Ang bayan ay gutom, at pagod, at uhaw sa ilang. 010 2SA 018 001 At binilang ni David ang bayan na kasama niya, at naglagay ng mga puno ng mga libolibo, at puno ng mga daandaan sa kanila. 010 2SA 018 002 At pinayaon ni David ang bayan, ang isang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Joab, at ang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Abisai na anak ni Sarvia, na kapatid ni Joab, at ang ikatlong bahagi ay nasa kamay ni Ittai na Getheo. At sinabi ng hari sa bayan, Walang pagsalang ako'y lalabas na kasama ninyo. 010 2SA 018 003 Nguni't sinabi ng bayan, Huwag kang lalabas: sapagka't kung kami man ay tumakas, ay hindi nila kami aalumanahin, o kung ang kalahati man namin ay mamatay, ay hindi nila kami aalumanahin: nguni't ikaw ay may halagang sangpung libo sa amin: kaya't ngayo'y lalong maigi na ikaw ay maghanda na iyong saklolohan kami mula sa bayan. 010 2SA 018 004 At sinabi ng hari sa kanila, Kung ano ang inaakala ninyong mabuti ay aking gagawin. At ang hari ay tumayo sa tabi ng pintuang-bayan, at ang buong bayan ay lumabas na daan daan at libolibo. 010 2SA 018 005 At ang hari ay nagutos kay Joab at kay Abisai, at kay Ittai, na nagsasabi, Inyong gamitan ng kaawaan, alangalang sa akin, ang binata, sa makatuwid baga'y si Absalom. At narinig ng buong bayan nang ipagbilin ng hari sa lahat ng punong kawal ang tungkol kay Absalom. 010 2SA 018 006 Sa gayo'y lumabas ang bayan sa parang laban sa Israel; at ang pagbabaka ay nasa gubat ng Ephraim. 010 2SA 018 007 At ang bayan ng Israel ay nasaktan doon sa harap ng mga lingkod ni David, at nagkaroon ng malaking patayan doon sa araw na yaon, na may dalawang pung libong lalake. 010 2SA 018 008 Sapagka't doon ang pagbabaka ay nakalat sa ibabaw ng buong lupain: at ang gubat ay lumamon ng higit na bayan sa araw na yaon kay sa nilamon ng tabak. 010 2SA 018 009 At nakasagupa ni Absalom ang mga lingkod ni David. At si Absalom ay nakasakay sa kaniyang mula, at ang mula ay nagdaan sa ilalim ng mayabong na mga sanga ng isang malaking ensina, at ang kaniyang ulo ay nasabit sa ensina, at siya'y nabitin; at ang mula na nasa ilalim niya ay nagpatuloy. 010 2SA 018 010 At nakita siya ng isang lalake at isinaysay kay Joab, at sinabi, Narito, aking nakita si Absalom na nakabitin sa isang ensina. 010 2SA 018 011 At sinabi ni Joab sa lalaking nagsaysay sa kaniya, At, narito, iyong nakita, at bakit hindi mo sinaktan doon sa lupa? at nabigyan sana kita ng sangpung putol na pilak, at isang pamigkis. 010 2SA 018 012 At sinabi ng lalake kay Joab, Bagaman ako'y tatanggap ng isang libong putol na pilak sa aking kamay, gayon ma'y hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa anak ng hari: sapagka't sa aming pakinig ay ibinilin ng hari sa iyo, at kay Abisai, at kay Ittai, na sinabi, Ingatan ninyo na huwag galawin ninoman ang binatang si Absalom. 010 2SA 018 013 Sa ibang paraan, kung ako'y gumawa ng paglililo laban sa kaniyang buhay (at walang bagay na makukubli sa hari, ) ikaw man sa iyong sarili ay mananayong laban sa akin. 010 2SA 018 014 Nang magkagayo'y sinabi ni Joab, Hindi ako makatitigil ng ganito sa iyo. At siya'y kumuha ng tatlong pana sa kaniyang kamay at pinalagpas sa puso ni Absalom, samantalang siya'y buhay pa sa gitna ng ensina. 010 2SA 018 015 At sangpung bataan na tagadala ng sandata ni Joab ay kumubkob at sinaktan si Absalom, at pinatay siya. 010 2SA 018 016 At hinipan ni Joab ang pakakak, at ang bayan ay bumalik na mula sa paghabol sa Israel: sapagka't pinigil ni Joab ang bayan. 010 2SA 018 017 At kanilang kinuha si Absalom at inihagis nila siya sa malaking hukay sa gubat, at tinabunan siya ng isang malaking bunton ng bato: at ang buong Israel ay tumakas bawa't isa sa kaniyang tolda. 010 2SA 018 018 Si Absalom nga sa kaniyang kabuhayan ay nagpasiya at nagtayo sa ganang kaniya ng haligi, na pinaka alaala, na nasa libis ng hari: sapagka't kaniyang sinasabi, Wala akong anak na magiingat ng alaala ng aking pangalan: at kaniyang tinawag ang haligi ng ayon sa kaniyang sariling pangalan: at tinawag na monumento ni Absalom, hanggang sa araw na ito. 010 2SA 018 019 Nang magkagayo'y sinabi ni Ahimaas na anak ni Sadoc, Patakbuhin mo ako ngayon, at magdala ng balita sa hari, kung paanong iginanti siya ng Panginoon sa kaniyang kaaway. 010 2SA 018 020 At sinabi ni Joab sa kaniya, Hindi ka magiging tagapagdala ng balita sa araw na ito: kundi magdadala ka ng balita sa ibang araw: nguni't sa araw na ito ay hindi ka magdadala ng balita, sapagka't ang anak ng hari ay namatay. 010 2SA 018 021 Nang magkagayo'y sinabi ni Joab sa Cusita, Yumaon ka na saysayin mo sa hari kung ano ang iyong nakita. At ang Cusita ay yumukod kay Joab, at tumakbo. 010 2SA 018 022 Nang magkagayo'y nagsabi pa uli si Ahimaas na anak ni Sadoc kay Joab, Nguni't sa anomang kahinatnan, isinasamo ko sa iyo, na ako naman ay iyong patakbuhin na kasunod ng Cusita. At sinabi ni Joab, Bakit tatakbo ka, anak ko, dangang wala kang mapapala ng dahil sa balita? 010 2SA 018 023 Nguni't sa anomang kahinatnan, ako'y tatakbo. At sinabi niya sa kaniya, Tumakbo ka. Nang magkagayo'y tumakbo si Ahimaas sa daan ng kapatagan, at inunahan ang Cusita. 010 2SA 018 024 Si David nga ay nakaupo sa pagitan ng dalawang pintuang-bayan: at ang bantay ay sumampa sa ibabaw ng pintuang-bayan, sa kuta, at itinanaw ang kaniyang mga mata, at tumingin, at narito, isang lalake ay tumatakbong nagiisa. 010 2SA 018 025 At sumigaw ang bantay, at isinaysay sa hari. At sinabi ng hari, Kung siya'y nagiisa, may balita sa kaniyang bibig. At siya'y nagpatuloy at lumapit. 010 2SA 018 026 At ang bantay ay nakakita ng ibang lalake na tumatakbo at tinawag ng bantay ang tanod-pinto, at sinabi, Narito, may ibang lalake na tumatakbong nagiisa. At sinabi ng hari, Siya'y may dala ring balita. 010 2SA 018 027 At sinabi ng bantay, Inaakala ko na ang takbo ng una ay gaya ng takbo ni Ahimaas na anak ni Sadoc. At sinabi ng hari, Siya'y mabuting lalake at napariritong may mabuting balita. 010 2SA 018 028 At tumawag si Ahimaas at nagsabi sa hari, Lahat ay mabuti. At siya'y nagpatirapa sa lupa sa harap ng hari, at nagsabi, Purihin ang Panginoon mong Dios, na nagbigay ng mga lalaking nagsipagtaas ng kanilang kamay laban sa aking panginoon na hari. 010 2SA 018 029 At sinabi ng hari, Ligtas ba ang binatang si Absalom? At sumagot si Ahimaas. Nang suguin ni Joab, ang lingkod ng hari, sa makatuwid baga'y ako na iyong lingkod, ako'y nakakita ng isang malaking pagkakagulo, nguni't hindi ko nalalaman kung ano. 010 2SA 018 030 At sinabi ng hari, Pumihit ka, at tumayo ka rito. At siya'y pumihit at tumayo. 010 2SA 018 031 At, narito, ang Cusita ay dumating; at sinabi ng Cusita, Balita sa aking panginoon na hari: sapagka't iginanti ka ng Panginoon sa araw na ito doon sa lahat na nagsibangon laban sa iyo. 010 2SA 018 032 At sinabi ng hari sa Cusita, Ligtas ba ang binatang si Absalom? At sumagot ang Cusita, Ang mga kaaway ng aking panginoon na hari, at yaong lahat na nagsibangon laban sa iyo upang gawan ka ng masama ay maging gaya nawa ng binatang yaon. 010 2SA 018 033 At ang hari ay nagulumihanan, at sumampa sa silid na nasa ibabaw ng pintuang bayan, at umiyak: at habang siya'y yumayaon, ganito ang sinasabi niya, Oh anak kong Absalom, anak ko, anak kong Absalom! Mano nawa'y ako ang namatay na kahalili mo, Oh Absalom, anak ko, anak ko! 010 2SA 019 001 At nasaysay kay Joab; narito, ang hari ay tumatangis at namamanglaw dahil kay Absalom. 010 2SA 019 002 At ang pagtatagumpay sa araw na yaon ay naging kapanglawan sa buong bayan: sapagka't narinig ng bayan na sinasabi sa araw na yaon. Ang hari ay nahahapis dahil sa kaniyang anak. 010 2SA 019 003 At ang bayan ay pumasok sa bayan na patago sa araw na yaon, na gaya ng pagpasok ng bayang napapahiya pagka tumatakas sa pagbabaka. 010 2SA 019 004 At tinakpan ng hari ang kaniyang mukha, at ang hari ay sumigaw ng malakas. Oh anak kong Absalom, Oh Absalom, anak ko, anak ko! 010 2SA 019 005 At pumasok si Joab sa bahay, sa hari, at nagsabi, Iyong hiniya sa araw na ito ang mga mukha ng lahat na iyong lingkod na nagligtas sa araw na ito ng iyong buhay, at ng mga buhay ng iyong mga anak na lalake at babae, at ng mga buhay ng iyong mga asawa, at ng mga buhay ng iyong mga babae; 010 2SA 019 006 Sa iyong pagibig sa nangapopoot sa iyo, at pagkapoot sa nagsisiibig sa iyo. Sapagka't iyong inihayag sa araw na ito, na ang mga prinsipe at mga lingkod ay walang anoman sa iyo: sapagka't aking nagugunita sa araw na ito, na kung si Absalom ay nabuhay, at kaming lahat ay namatay sa araw na ito, ay disin nakapagpalugod na mabuti sa iyo. 010 2SA 019 007 Ngayon nga'y bumangon ka, ikaw ay lumabas, at magsalita na may kagandahang loob sa iyong mga lingkod: sapagka't aking isinusumpa sa pangalan ng Panginoon, na kung ikaw ay hindi lalabas, ay walang matitira sa iyong isang tao sa gabing ito: at yao'y magiging masama sa iyo kay sa lahat ng kasamaan na sumapit sa iyo mula sa iyong kabataan hanggang ngayon. 010 2SA 019 008 Nang magkagayo'y tumindig ang hari, at naupo sa pintuang-bayan. At kanilang isinaysay sa buong bayan, na sinasabi, Narito ang hari ay nakaupo sa pintuang-bayan: at ang buong bayan ay naparoon sa harap ng hari. Nakatakas nga ang Israel bawa't isa sa kaniyang tolda. 010 2SA 019 009 At ang buong bayan ay nagtatalo sa lahat ng mga lipi ng Israel, na sinasabi, Iniligtas tayo ng hari sa kamay ng ating mga kaaway; at iniligtas niya tayo sa kamay ng mga Filisteo; at ngayo'y kaniyang tinakasan si Absalom sa lupain. 010 2SA 019 010 At si Absalom na ating pinahiran ng langis, upang maging hari sa atin ay namatay sa pagbabaka. Ngayon nga'y bakit hindi kayo nagsasalita ng isang salita sa pagbabalik sa hari? 010 2SA 019 011 At nagsugo ang haring si David kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote, na sinasabi, Magsipagsalita kayo sa mga matanda sa Juda, na magsipagsabi, Bakit kayo ang huli sa pagbabalik sa hari sa kaniyang bahay? dangang ang pananalita ng buong Israel ay dumating sa hari, upang ibalik siya sa kaniyang bahay. 010 2SA 019 012 Kayo'y aking mga kapatid, kayo'y aking buto at aking laman: bakit nga kayo ang huli sa pagbabalik sa hari? 010 2SA 019 013 At sabihin ninyo kay Amasa, Hindi ka ba aking buto at aking laman? Hatulan ng Dios ako, at lalo na, kung ikaw ay hindi maging palaging punong kawal ng mga hukbo sa harap ko na kahalili ni Joab. 010 2SA 019 014 At kaniyang ikiniling ang puso ng lahat ng mga lalake ng Juda na parang puso ng isang tao; na anopa't sila'y nagsipagsugo sa hari, na nagsisipagsabi, Ikaw ay bumalik, at ang lahat ng iyong lingkod. 010 2SA 019 015 Sa gayo'y bumalik ang hari, at naparoon sa Jordan. At ang Juda ay naparoon sa Gilgal, upang salubungin ang hari, na itawid ang hari sa Jordan. 010 2SA 019 016 At si Semei na anak ni Gera, na Benjamita, na taga Bahurim, ay nagmadali at lumusong na kasama ang mga lalake ng Juda upang salubungin ang haring si David. 010 2SA 019 017 At may isang libong lalake ng Benjamin na kasama siya, at si Siba, na alila sa sangbahayan ni Saul, at ang kaniyang labing limang anak at ang kaniyang dalawang pung alila na kasama niya; at sila'y nagsitawid sa Jordan sa harap ng hari. 010 2SA 019 018 At may tawiran naman upang tawiran ng sangbahayan ng hari, at gawin ang kaniyang inaakalang mabuti. At si Semei na anak ni Gera ay nagpatirapa sa harap ng hari, nang siya'y makatawid sa Jordan. 010 2SA 019 019 At sinabi niya sa hari, Huwag paratangan ng kasamaan ako ng aking panginoon, o alalahanin man ang ginawa na may kalikuan ng iyong lingkod sa araw na ang aking panginoon na hari ay lumabas sa Jerusalem, upang isapuso ng hari. 010 2SA 019 020 Sapagka't nalalaman ng iyong lingkod na ako'y nagkasala: kaya't, narito, ako'y naparirito sa araw na ito, na una sa lahat ng sangbahayan ni Jose upang lumusong na salubungin ang aking panginoon na hari. 010 2SA 019 021 Nguni't si Abisai na anak ni Sarvia ay sumagot, at nagsabi, Hindi ba papatayin si Semei dahil dito, sapagka't kaniyang isinumpa ang pinahiran ng langis ng Panginoon? 010 2SA 019 022 At sinabi ni David, Ano ang ipakikialam ko sa inyo, mga anak ni Sarvia, na kayo'y magiging mga kaaway ko sa araw na ito? may sinoman bang papatayin sa araw na ito sa Israel? sapagka't di ko ba talastas na ako'y hari sa araw na ito sa Israel? 010 2SA 019 023 At sinabi ng hari kay Semei, Ikaw ay hindi mamamatay. At ang hari ay sumumpa sa kaniya. 010 2SA 019 024 At si Mephiboseth na anak ni Saul ay lumusong na sinalubong ang hari; at hindi man siya naghugas ng kaniyang mga paa, o naggupit man ng kaniyang balbas, o nilabhan man ang kaniyang mga suot, mula sa araw na ang hari ay umalis hanggang sa araw na siya'y umuwi na payapa sa bahay. 010 2SA 019 025 At nangyari, nang siya'y dumating sa Jerusalem upang salubungin ang hari, na sinabi ng hari sa kaniya, Bakit hindi ka yumaong kasama ko, Mephiboseth? 010 2SA 019 026 At siya'y sumagot, Panginoon ko, Oh hari, dinaya ako ng aking lingkod: sapagka't sinabi ng iyong lingkod, Ako'y maghahanda ng isang asno, upang aking masakyan, at yumaong kasama ng hari; sapagka't ang iyong lingkod ay pilay. 010 2SA 019 027 At kaniyang binintangan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari; nguni't ang panginoon kong hari ay gaya ng isang anghel ng Dios: gawin mo nga kung ano ang mabuti sa iyong mga mata. 010 2SA 019 028 Sapagka't ang buong sangbahayan ng aking ama ay mga patay na lalake lamang sa harap ng panginoon kong hari: gayon ma'y inilagay mo ang iyong lingkod sa kasamahan ng nagsisikain sa iyong sariling dulang. Ano pa ngang matuwid mayroon ako, na aking maisisigaw pa sa hari? 010 2SA 019 029 At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit nagsasalita ka pa ng iyong mga bagay? Aking sinabi, Ikaw at si Siba ay maghati sa lupa. 010 2SA 019 030 At sinabi ni Mephiboseth sa hari, Oo, ipakuha mo sa kaniya ang lahat, yamang ang aking panginoon na hari ay dumating na payapa sa kaniyang sariling bahay. 010 2SA 019 031 At si Barzillai na Galaadita ay lumusong mula sa Rogelim; at siya'y tumawid sa Jordan na kasama ng hari, upang ihatid niya siya sa dako roon ng Jordan. 010 2SA 019 032 Si Barzillai nga ay lalaking matanda nang totoo, na may walong pung taon: at kaniyang ipinaghanda ang hari ng pagkain samantalang siya'y nasa Mahanaim; sapagka't siya'y totoong dakilang tao. 010 2SA 019 033 At sinabi ng hari kay Barzillai, Tumawid kang kasama ko, at aking pakakanin ka sa Jerusalem. 010 2SA 019 034 At sinabi ni Barzillai sa hari, Gaano na lamang ang mga araw ng mga taon ng aking buhay, na aahon pa ako sa Jerusalem na kasama ng hari? 010 2SA 019 035 Ako sa araw na ito'y may walong pung taon na; makapapansin pa ba ako ng mabuti at masama? malalasahan pa ba ng iyong lingkod ang kaniyang kinakain at iniinom? maririnig ko pa ba ang tinig ng mangaawit na lalake at babae? bakit pa nga magiging isang pasan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari? 010 2SA 019 036 Ang iyong lingkod ay yayaon na lamang ng kaunti sa dako roon ng Jordan na kasama ng hari: at bakit gagantihin ng hari ako ng ganyang ganting pala? 010 2SA 019 037 Isinasamo ko sa iyo na pabalikin mo ang iyong lingkod, upang ako'y mamatay sa aking sariling bayan, sa siping ng libingan ng aking ama at ng aking ina. Nguni't, narito, ang iyong lingkod na Chimham: bayaan siyang tumawid na kasama ng aking panginoon na hari; at gawin mo sa kaniya, kung ano ang mamabutihin mo. 010 2SA 019 038 At sumagot ang hari, Si Chimham ay tatawid na kasama ko, at gagawin ko sa kaniya ang aakalain mong mabuti: at anomang iyong kailanganin sa akin ay aking gagawin alangalang sa iyo. 010 2SA 019 039 At ang buong bayan ay tumawid sa Jordan, at ang hari ay tumawid: at hinagkan ng hari si Barzillai, at binasbasan siya; at siya'y bumalik sa kaniyang sariling dako. 010 2SA 019 040 Sa gayo'y tumawid sa Gilgal ang hari, at si Chimham ay tumawid na kasama niya: at itinawid ng buong bayan ng Juda ang hari, at ng kalahati rin naman ng bayan ng Israel. 010 2SA 019 041 At, narito, ang lahat na lalake ng Israel ay nagsiparoon sa hari, at nagsipagsabi sa hari, Bakit ninakaw ka ng aming mga kapatid na mga lalake ng Juda, at itinawid ang hari at ang kaniyang sangbahayan sa Jordan, at ang lahat na lalake ni David na kasama niya? 010 2SA 019 042 At ang lahat na lalake ng Juda ay nagsisagot sa mga lalake ng Israel, Sapagka't ang hari ay kamaganak na malapit namin: bakit nga kayo mangagagalit dahil sa bagay na ito? nagsikain ba kami ng anoman sa gugol ng hari? o binigyan ba niya kami ng anomang kaloob? 010 2SA 019 043 At ang mga lalake ng Israel ay nagsisagot sa mga lalake ng Juda, at nagsipagsabi, Kami ay may sangpung bahagi sa hari, at kami ay may higit na matuwid kay David kay sa inyo; bakit nga ninyo niwalan ng kabuluhan kami, na ang aming payo'y hindi siyang una sa pagbabalik sa aming hari? At ang mga salita ng mga lalake ng Juda ay lalong mababagsik kay sa mga salita ng mga lalake ng Israel. 010 2SA 020 001 At nagkataon, na may isang lalake, na ang pangala'y Seba, na anak ni Bichri, na Benjamita: at kaniyang hinipan ang pakakak, at nagsabi, Kami ay walang bahagi kay David, o anomang mana sa anak ni Isai: bawa't tao ay sa kaniyang mga tolda, Oh Israel. 010 2SA 020 002 Sa gayo'y lahat ng mga lalake ng Israel ay nagsiahong mula sa pagsunod kay David, at nagsisunod kay Seba na anak ni Bichri: nguni't ang mga anak ni Juda ay nagsisanib sa kanilang hari, mula sa Jordan hanggang sa Jerusalem. 010 2SA 020 003 At dumating si David sa kaniyang bahay sa Jerusalem; at kinuha ng hari ang sangpung babae na kaniyang mga kinakasama, na siyang mga iniwan niya upang magsipagingat ng bahay, at mga inilagay sa pagbabantay at mga hinandaan sila ng pagkain, nguni't hindi sumiping sa kanila. Sa gayo'y nasarhan sila hanggang sa kaarawan ng kanilang kamatayan, na nangamuhay sa pagkabao. 010 2SA 020 004 Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Amasa, Pisanin mo sa akin ang mga lalake ng Juda sa loob ng tatlong araw, at humarap ka rito. 010 2SA 020 005 Sa gayo'y yumaon si Amasa upang pisanin ang mga lalake sa Juda: nguni't siya'y nagluwa't kay sa panahong takda na kaniyang itinakda sa kaniya. 010 2SA 020 006 At sinabi ni David kay Abisai, Gagawa nga si Seba na anak ni Bichri ng lalong masama kay sa ginawa ni Absalom: kunin mo ngayon ang mga lingkod ng iyong panginoon, at habulin ninyo siya, baka siya'y makaagap ng mga bayan na nakukutaan, at makatanan sa ating paningin. 010 2SA 020 007 At nagsilabas na hinabol siya ng mga lalake ni Joab, at ang mga Ceretheo at ang mga Peletheo, at ang lahat na makapangyarihang lalake; at sila'y nagsilabas sa Jerusalem, upang habulin si Seba na anak ni Bichri. 010 2SA 020 008 Nang sila'y na sa malaking bato na nasa Gabaon, ay sumalubong sa kanila si Amasa. At si Joab ay nabibigkisan ng kaniyang suot na pangdigma na kaniyang isinuot, at sa ibabaw niyaon ay ang pamigkis na may tabak na sukat sa kaniyang mga balakang sa kaniyang kaloban: at samantalang siya'y lumalabas ay nahulog. 010 2SA 020 009 At sinabi ni Joab kay Amasa, Mabuti ba sa iyo, kapatid ko? At hinawakan ni Joab sa balbas si Amasa ng kaniyang kanang kamay upang hagkan niya siya. 010 2SA 020 010 Nguni't si Amasa ay hindi nagingat sa tabak na nasa kamay ni Joab; sa gayo'y sinaktan siya sa tiyan, at lumuwa ang kaniyang bituka sa lupa, at hindi na siya inulit pa; at siya'y namatay. At si Joab at si Abisai na kaniyang kapatid ay humabol kay Seba na anak ni Bichri. 010 2SA 020 011 At tumayo sa siping niyaon ang isa sa mga bataan ni Joab, at nagsabi, Siyang nagpapabuti kay Joab at siyang kay David, ay sumunod kay Joab. 010 2SA 020 012 At si Amasa ay nagugumon sa kaniyang dugo sa gitna ng lansangan. At nang makita ng lalake na ang buong bayan ay nakatayong natitigil, ay kaniyang dinala si Amasa mula sa lansangan hanggang sa parang, at tinakpan siya ng isang kasuutan, nang kaniyang makita na bawa't dumating sa siping niya ay tumitigil. 010 2SA 020 013 Nang siya'y alisin sa lansangan, ay nagpatuloy ang buong bayan na nagsisunod kay Joab, upang habulin si Seba na anak ni Bichri. 010 2SA 020 014 At siya ay naparoon sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa Abel, at sa Beth-maacha, at ang lahat na Berita: at sila'y nangagpisan at nagsiyaon namang kasunod niya. 010 2SA 020 015 At sila'y nagsidating at kinulong nila siya sa Abel ng Beth-maacha, at sila'y nagtindig ng isang bunton laban sa bayan, at tumayo laban sa kuta: at sinasaksak ang kuta ng buong bayan na kasama ni Joab, upang ibuwal. 010 2SA 020 016 Nang magkagayo'y sumigaw ang isang pantas na babae sa bayan, Dinggin ninyo, dinggin ninyo: Isinasamo ko sa inyo na inyong sabihin kay Joab, Lumapit ka rito, na ako'y makapagsalita sa iyo. 010 2SA 020 017 At siya'y lumapit sa kaniya, at sinabi ng babae, Ikaw ba'y si Joab? At siya'y sumagot, Ako nga. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniya, Dinggin mo ang mga salita ng iyong lingkod. At siya'y sumagot, Aking dinidinig. 010 2SA 020 018 Nang magkagayo'y nagsalita siya, na sinasabi, Sinasalita noong unang panahon, na sinasabi, Sila'y walang pagsalang hihingi ng payo sa Abel; at gayon nila tinapos ang usap. 010 2SA 020 019 Ako'y doon sa mga tahimik at tapat sa Israel: ikaw ay nagsisikap na gumiba ng isang bayan at ng isang bayan at ng isang ina sa Israel: bakit ibig mong lamunin ang mana ng Panginoon? 010 2SA 020 020 At si Joab ay sumagot, at nagsabi, Malayo, malayo nawa sa akin na aking lamunin o gibain. 010 2SA 020 021 Ang usap ay hindi ganyan: kundi ang isang lalake sa lupaing maburol ng Ephraim, si Seba na anak ni Bichri ang pangalan, ay nagtaas ng kaniyang kamay laban sa hari, sa makatuwid baga'y laban kay David: ibigay mo lamang siya sa akin, at aking ihihiwalay sa bayan. At sinabi ng babae kay Joab, Narito, ang kaniyang ulo ay mahahagis sa iyo sa kuta. 010 2SA 020 022 Nang magkagayo'y naparoon ang babae sa buong bayan sa kaniyang karunungan. At kanilang pinugot ang ulo ni Seba na anak ni Bichri, at inihagis kay Joab. At kaniyang hinipan ang pakakak at sila'y nangalat mula sa bayan, bawa't tao ay sa kaniyang tolda. At si Joab ay bumalik sa Jerusalem sa hari. 010 2SA 020 023 Si Joab nga ay na sa buong hukbo ng Israel: at si Benaia na anak ni Joiada ay na sa mga Ceretheo at sa mga Peletheo: 010 2SA 020 024 At si Adoram ay nasa mga magpapabuwis at si Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni: 010 2SA 020 025 At si Seba ay kalihim: at si Sadoc at si Abiathar ay mga saserdote: 010 2SA 020 026 At si Ira naman sa Jaireo ay pangulong tagapangasiwa kay David. 010 2SA 021 001 At nagkaroon ng kagutom sa mga kaarawan ni David na taon taon, sa tatlong taon; at hinanap ni David ang mukha ng Panginoon. At sinabi ng Panginoon, Dahil kay Saul, at dahil sa kaniyang salaring sangbahayan, sapagka't kaniyang pinatay ang mga Gabaonita. 010 2SA 021 002 At tinawag ng hari ang mga Gabaonita at sinabi sa kanila; (ang mga Gabaonita nga ay hindi sa mga anak ni Israel, kundi sa nalabi sa mga Amorrheo; at ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa sa kanila: at pinagsikapan ni Saul na patayin sa kaniyang sikap dahil sa mga anak ni Israel at Juda: ) 010 2SA 021 003 At sinabi ni David sa mga Gabaonita, Ano ang gagawin ko sa inyo? at ano ang itutubos ko, upang inyong basbasan ang mana ng Panginoon? 010 2SA 021 004 At sinabi ng mga Gabaonita sa kaniya, Hindi kabagayan ng pilak o ginto sa amin at kay Saul, o sa kaniyang sangbahayan; kahit sa amin ang pumatay ng sinomang tao sa Israel. At kaniyang sinabi, Ano ang inyong sasabihin, na aking gagawin sa inyo? 010 2SA 021 005 At kanilang sinabi sa hari, Ang lalake na pumupugnaw sa amin, at yaong nagbabanta laban sa amin, na kami ay malipol sa pagtahan sa alinman sa mga hangganan ng Israel, 010 2SA 021 006 Ay ibigay sa amin ang pito sa kaniyang mga anak, at aming ibibitin sa Panginoon sa Gabaa ni Saul na pinili ng Panginoon. At sinabi ng hari, Aking ibibigay sila. 010 2SA 021 007 Nguni't ang hari ay nanghinayang kay Mephiboseth na anak ni Jonathan na anak ni Saul, dahil sa sumpa ng Panginoon na namamagitan sa kanila, kay David at kay Jonathan na anak ni Saul. 010 2SA 021 008 Nguni't kinuha ng hari ang dalawang anak ni Rispa, na anak ni Aja, na kaniyang ipinanganak kay Saul, si Armoni at si Mephiboseth; at ang limang anak ni Michal na anak na babae ni Saul na kaniyang ipinanganak kay Adriel na anak ni Barzillai, na Molathita: 010 2SA 021 009 At ibinigay niya sila sa mga kamay ng mga Gabaonita at mga ibinitin nila sa bundok sa harap ng Panginoon, at nangabuwal ang pito na magkakasama. At sila'y pinatay sa mga kaarawan ng pagaani, sa mga unang araw, sa pasimula ng pagaani ng sebada. 010 2SA 021 010 At kumuha si Rispa na anak ni Aja ng isang magaspang na kayong damit, at inilatag niya sa ibabaw ng bato, mula sa pasimula ng pagaani hanggang sa ang tubig ay nabuhos sa mga yaon na mula sa langit; at hindi niya tiniis sa araw na dapuan yaon ng mga ibon sa himpapawid, o lapitan man sa gabi ng mga hayop sa parang. 010 2SA 021 011 At nasaysay kay David ang ginawa ni Rispa na anak ni Aja, na babae ni Saul. 010 2SA 021 012 At yumaon at kinuha ni David ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak sa mga lalake ng Jabes-galaad, na siyang nagsipagnakaw ng mga yaon sa daan ng Beth-san, na doon sila ibinitin ng mga Filisteo nang araw na patayin ng mga Filisteo si Saul sa Gilboa: 010 2SA 021 013 At kaniyang iniahon mula roon ang mga buto ni Saul at ang mga buto ni Jonathan na kaniyang anak; at kanilang pinisan ang mga buto ng mga ibinitin. 010 2SA 021 014 At kanilang ibinaon ang mga buto ni Saul at ni Jonathan na kaniyang anak sa lupain ng Benjamin sa Sela sa libingan ni Cis na kaniyang ama: at kanilang tinupad yaong lahat na iniutos ng hari. At pagkatapos ang Dios ay nadalanginan dahil sa lupain. 010 2SA 021 015 At ang mga Filisteo ay nagkaroon ng pakikidigma uli sa Israel; at si David ay lumusong, at ang kaniyang mga lingkod na kasama niya, at nangakipagbaka laban sa mga Filisteo. At si David ay napagod. 010 2SA 021 016 At si Isbi-benob, na sa mga anak ng higante; na ang bigat ng sibat niya ay tatlong daang siklong tanso, na palibhasa'y nabibigkisan ng bagong tabak ay nagmunukalang patayin si David. 010 2SA 021 017 Nguni't sinaklolohan siya ni Abisai na anak ni Sarvia, at sinaktan ang Filisteo, at pinatay niya. Nang magkagayo'y nagsisumpa sa kaniya ang mga lalake ni David, na nangagsasabi, Hindi ka na lalabas pa na kasama namin sa pakikipagbaka, upang huwag mong patayin ang tanglaw ng Israel. 010 2SA 021 018 At nangyari, pagkatapos nito, na nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob; nang magkagayo'y sinaktan ni Sibechai na Husathita si Saph, na sa mga anak ng higante. 010 2SA 021 019 At nagkaroon uli ng pakikidigma sa mga Filisteo sa Gob; at pinatay ni Elhanan na anak ni Jaare-oregim, na Bethlehemita, si Goliath na Getheo, na ang puluhan ng kaniyang sibat ay gaya ng panghabi ng manghahabi. 010 2SA 021 020 At nagkaroon uli ng pakikipagbaka sa Gath, na doo'y may isang lalaking lubhang mataas, na mayroon sa bawa't kamay na anim na daliri, at sa bawa't paa'y anim na daliri, na dalawang pu't apat sa bilang: at siya ay ipinanganak din sa higante. 010 2SA 021 021 At nang kaniyang hamunin ang Israel, ay pinatay siya ni Jonathan na anak ni Sima na kapatid ni David. 010 2SA 021 022 Ang apat na ito ay ipinanganak sa higante sa Gath; nangabuwal sa pamamagitan ng kamay ni David, at ng kamay ng kaniyang mga lingkod. 010 2SA 022 001 At sinalita ni David ang mga salita ng awit na ito sa Panginoon nang araw na iligtas ng Panginoon siya sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ni Saul. 010 2SA 022 002 At kaniyang sinabi, Ang Panginoo'y aking malaking bato at aking katibayan, at tagapagligtas sa akin, sa makatuwid baga'y akin; 010 2SA 022 003 Ang Dios, ang aking malaking bato, na sa kaniya ako'y manganganlong: Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at ampunan sa akin; Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan. 010 2SA 022 004 Ako'y tatawag sa Panginoon na karapatdapat purihin: Sa ganya'y maliligtas ako sa aking mga kaaway. 010 2SA 022 005 Sapagka't ang mga alon ng kamatayan ay kumulong sa akin; Ang mga baha ng kalikuan ay tumakot sa akin. 010 2SA 022 006 Ang mga panali ng Sheol ay lumibid sa akin: Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin. 010 2SA 022 007 Sa aking pagkahapis ay tumawag ako sa Panginoon; Oo, ako'y tumawag sa aking Dios: At kaniyang dininig ang aking tinig mula sa kaniyang templo, At ang aking daing ay sumapit sa kaniyang mga pakinig. 010 2SA 022 008 Nang magkagayo'y umuga ang lupa at nayanig. Ang mga pinagtitibayan ng langit ay nangakilos. At nangauga, sapagka't siya'y nagalit. 010 2SA 022 009 Umilanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, At apoy na mula sa kaniyang bibig ay nanupok: Mga baga ay nagalab sa pamamagitan niyaon. 010 2SA 022 010 Kaniyang pinayukod din naman ang langit at bumaba: At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa. 010 2SA 022 011 At siya'y sumakay sa isang querubin at lumipad: Oo, siya'y nakita sa mga pakpak ng hangin. 010 2SA 022 012 At ang kadiliman ay kaniyang ginawang mga kulandong sa palibot niya. Na nagpisan ng tubig, ng masisinsing alapaap sa langit. 010 2SA 022 013 Sa kaningningan sa harap niya Mga bagang apoy ay nagsipagalab. 010 2SA 022 014 Ang Panginoo'y kumulog sa langit, At ang Kataastaasan ay nagbigkas ng tinig niya. 010 2SA 022 015 At nagpahilagpos ng mga palaso, at pinangalat niya sila; Kumidlat, at nangatulig sila. 010 2SA 022 016 Nang magkagayo'y ang mga kalaliman sa dagat ay nangalitaw, Ang mga pinagtibayan ng sanglibutan ay nangakita. Dahil sa saway ng Panginoon, Sa hihip ng hinga ng kaniyang mga butas ng ilong. 010 2SA 022 017 Siya'y nagsugo mula sa itaas, kaniyang kinuha ako; kaniyang kinuha ako sa maraming tubig; 010 2SA 022 018 Kaniyang iniligtas ako sa aking malakas na kaaway, Sa nangagtatanim sa akin; sapagka't sila'y totoong malakas kay sa akin. 010 2SA 022 019 Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng sakuna ko: Nguni't ang Panginoon ay siyang alalay sa akin. 010 2SA 022 020 Kaniyang dinala din ako sa maluwang na dako: Kaniyang iniligtas ako, sapagka't kaniyang kinalugdan ako. 010 2SA 022 021 Ginanti ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran: Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay kaniyang ginanti ako. 010 2SA 022 022 Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon, At hindi ako humiwalay na may kasamaan sa aking Dios. 010 2SA 022 023 Sapagka't ang lahat niyang kahatulan ay nasa harap ko: At tungkol sa kaniyang mga palatuntunan ay hindi ko hiniwalayan. 010 2SA 022 024 Ako rin nama'y sakdal sa harap niya, At iningatan ko ang aking sarili mula sa kasamaan. 010 2SA 022 025 Kaya't ginanti ng Panginoon ako ayon sa aking katuwiran; Ayon sa aking kalinisan sa kaniyang paningin. 010 2SA 022 026 Sa maawain ay magpapakamaawain ka; Sa sakdal ay magpapakasakdal ka; 010 2SA 022 027 Sa dalisay ay magpapakadalisay ka; At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka. 010 2SA 022 028 At ang nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas: Nguni't ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain. 010 2SA 022 029 Sapagka't ikaw ang aking ilawan, Oh Panginoon: At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman. 010 2SA 022 030 Sapagka't sa pamamagitan mo ay aking tatakbuhin ang pulutong: Sa pamamagitan ng aking Dios ay aking luluksuhin ang kuta. 010 2SA 022 031 Tungkol sa Dios, ang kaniyang lakad ay sakdal; Ang salita ng Panginoon ay subok; Siya'y kalasag sa lahat ng sa kaniya'y kumakanlong. 010 2SA 022 032 Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato liban sa ating Dios? 010 2SA 022 033 Ang Dios ay aking matibay na katibayan: At pinapatnubayan niya ang sakdal sa kaniyang lakad. 010 2SA 022 034 Kaniyang ginagawa ang mga paa niya na gaya ng sa mga usa; At inilalagay niya ako sa aking matataas na dako. 010 2SA 022 035 Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay ng pakikidigma. Na anopa't binabaluktok ng aking mga kamay ang busog na tanso. 010 2SA 022 036 Binigyan mo rin ako ng kalasag mong pangligtas: At pinadakila ako ng iyong kaamuan. 010 2SA 022 037 Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa tinutungtungan ko, At ang aking mga paa ay hindi nadulas. 010 2SA 022 038 Aking hinabol ang aking mga kaaway at akin silang pinapagpapatay; Ni hindi ako bumalik uli hanggang sa sila'y nalipol. 010 2SA 022 039 At aking pinaglilipol, at aking pinagsasaktan sila, na anopa't sila'y hindi nangakabangon: Oo, sila'y nangabuwal sa paanan ko. 010 2SA 022 040 Sapagka't ako'y binigkisan mo ng kalakasan sa pagbabaka: Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin. 010 2SA 022 041 Iyo ring pinatalikod sa akin ang aking mga kaaway, Upang aking mangaihiwalay ang nangagtatanim sa akin. 010 2SA 022 042 Sila'y nagsitingin, nguni't walang mangagligtas: Sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila. 010 2SA 022 043 Nang magkagayo'y pinagbabayo ko sila na gaya ng alabok sa lupa; Aking pinagyurakan sila na gaya ng putik sa mga lansangan, at akin silang pinapangalat. 010 2SA 022 044 Iniligtas mo rin ako sa mga pakikipagtalo sa aking bayan: Iningatan mo ako na maging pangulo sa mga bansa; Ang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin. 010 2SA 022 045 Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin. Pagkarinig nila tungkol sa akin, sila'y magsisitalima sa akin. 010 2SA 022 046 Ang mga taga ibang lupa ay manganglulupaypay, At magsisilabas na nanganginginig sa kanilang mga kublihan. 010 2SA 022 047 Ang Panginoon ay buhay; at purihin nawa ang aking malaking bato; At itanghal nawa ang Dios na malaking bato ng aking kaligtasan, 010 2SA 022 048 Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako. At pinangangayupapa sa akin ang mga bayan, 010 2SA 022 049 At inilalabas ako sa aking mga kaaway: Oo, iyong pinapangingibabaw ako sa kanila na nagsisibangon laban sa akin: Inililigtas mo ako sa marahas na lalake. 010 2SA 022 050 Kaya't pasasalamat ako sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa, At aawit ako ng mga pagpuri sa iyong pangalan. 010 2SA 022 051 Dakilang pagliligtas ang ibinibigay niya sa kaniyang hari: At nagmamagandang loob sa kaniyang pinahiran ng langis, Kay David at sa kaniyang binhi magpakailan man. 010 2SA 023 001 Ito nga ang mga huling salita ni David. Sinabi ni David na anak ni Isai, At sinabi ng lalake na pinapangibabaw, Na pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob, At kalugodlugod na mangaawit sa Israel: 010 2SA 023 002 Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang kaniyang salita ay suma aking dila. 010 2SA 023 003 Sinabi ng Dios ng Israel, Ang malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin: Ang naghahari sa mga tao na may katuwiran, Na mamamahala sa katakutan sa Dios, 010 2SA 023 004 Siya'y magiging gaya ng liwanag sa kinaumagahan pagka ang araw ay sumisikat, Sa isang umagang walang mga alapaap; Pagka ang malambot na damo ay sumisibol sa lupa, Sa maliwanag na sikat pagkatapos ng ulan. 010 2SA 023 005 Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios; Gayon ma'y nakipagtipan siya sa akin ng isang tipang walang hanggan, Maayos sa lahat ng mga bagay, at maasahan: Sapagka't siyang aking buong kaligtasan, at buong nasa. Bagaman hindi niya pinatubo. 010 2SA 023 006 Nguni't ang mga di banal ay ipaghahagis na gaya ng mga tinik, Sapagka't hindi nila matatangnan ng kamay: 010 2SA 023 007 Kundi ang lalake na humipo sa kanila, Marapat magsakbat ng bakal at ng puluhan ng sibat; At sila'y lubos na susunugin ng apoy sa kanilang kinaroroonan. 010 2SA 023 008 Ito ang mga pangalan ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David: Si Josebbasebet na Tachemonita, na pinuno ng mga kapitan; na siya ring si Adino na Eznita, na siyang dumaluhong laban sa walong daan na nangapatay ng paminsan. 010 2SA 023 009 At pagkatapos niya'y si Eleazar, na anak ni Dodo, na anak ng isang Ahohita, na isa sa tatlong malalakas na lalake na kasama ni David, nang sila'y mangakipagaway sa mga Filisteo, na nangapipisan doon upang makipagbaka, at ang mga lalake ng Israel ay nagsialis: 010 2SA 023 010 Siya'y bumangon, at sinaktan ang mga Filisteo hanggang sa ang kaniyang kamay ay nangalay, at ang kaniyang kamay ay nadikit sa tabak: at ang Panginoo'y gumawa ng dakilang pagtatagumpay sa araw na yaon: at ang bayan ay bumalik na kasunod niya, upang manamsam lamang. 010 2SA 023 011 At pagkatapos niya'y si Samma na anak ni Age, na Araita. At ang mga Filisteo ay nagpipisan sa isang pulutong, na kinaroroonan ng isang putol na lupa sa puno ng lentehas; at tinakasan ng bayan ang mga Filisteo. 010 2SA 023 012 Nguni't siya'y tumayo sa gitna ng putol na yaon, at ipinagsanggalang niya, at pinatay ang mga Filisteo: at ang Panginoo'y gumawa ng dakilang pagtatagumpay. 010 2SA 023 013 At tatlo sa tatlong pung pinuno ay nagsilusong at nagsiparoon kay David sa pagaani sa yungib ng Adullam; at ang pulutong ng mga Filisteo ay nagsihantong sa libis ng Rephaim. 010 2SA 023 014 At si David nga'y nasa katibayan, at ang pulutong nga ng mga Filisteo ay nasa Bethlehem. 010 2SA 023 015 At nagnais si David, at nagsabi, Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Bethlehem, na nasa tabi ng pintuang-bayan! 010 2SA 023 016 At ang tatlong malalakas na lalake ay nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo, at nagsiigib ng tubig sa balon ng Bethlehem, na nasa siping ng pintuang bayan, at kinuha, at dinala kay David: nguni't hindi niya ininom yaon, kundi kaniyang ibinuhos na handog sa Panginoon. 010 2SA 023 017 At kaniyang sinabi, Malayo sa akin, Oh Panginoon, na aking gawin ito: iinumin ko ba ang dugo ng mga lalake na nagsiparoon na ipinain ang kanilang buhay? kaya't hindi niya ininom. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong malalakas na lalake. 010 2SA 023 018 At si Abisai, na kapatid ni Joab, na anak ni Sarvia, ay pinuno ng tatlo. At kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay niya sila, at nagkapangalan sa tatlo. 010 2SA 023 019 Hindi ba siya ang lalong marangal sa tatlo? kaya't siya'y ginawang punong kawal nila: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo. 010 2SA 023 020 At si Benaia, na anak ni Joiada, na anak ng matapang na lalake na taga Cabseel, na gumawa ng makapangyarihang gawa, na kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab; siya'y lumusong din at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa kapanahunan ng niebe. 010 2SA 023 021 At siya'y pumatay ng isang taga Egipto na malakas na lalake: at ang taga Egipto ay may sibat sa kaniyang kamay; nguni't siya'y nilusong niyang may tungkod, at inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat. 010 2SA 023 022 Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias, na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong malalakas na lalake. 010 2SA 023 023 Siya'y marangal kay sa tatlongpu, nguni't sa unang tatlo'y hindi siya umabot. At inilagay ni David siya sa kaniyang bantay. 010 2SA 023 024 At si Asael na kapatid ni Joab ay isa sa tatlongpu; si Elhaanan na anak ni Dodo, na taga Bethlehem, 010 2SA 023 025 Si Samma na Harodita, si Elica na Harodita, 010 2SA 023 026 Si Heles na Paltita, si Hira na anak ni Jecces na Tecoita. 010 2SA 023 027 Si Abiezer na Anathothita, si Mebunai na Husatita, 010 2SA 023 028 Si Selmo na Hahohita, si Maharai na Netophathita, 010 2SA 023 029 Si Helec na anak ni Baana, na Netophathita, si Ithai na anak ni Ribai, na taga Gabaa, sa mga anak ng Benjamin. 010 2SA 023 030 Si Benaia na Pirathonita, si Hiddai sa mga batis ng Gaas, 010 2SA 023 031 Si Abi-albon na Arbathita, si Azmaveth na Barhumita, 010 2SA 023 032 Si Eliahba na Saalbonita, ang mga anak ni Jassen, si Jonathan, 010 2SA 023 033 Si Samma na Ararita, si Ahiam na anak ni Sarar, na Ararita, 010 2SA 023 034 Si Elipheleth na anak ni Asbai, na anak ni Maachateo, si Eliam na anak ni Achitophel na Gelonita, 010 2SA 023 035 Si Hesrai na Carmelita, si Pharai na Arbita; 010 2SA 023 036 Si Igheal na anak ni Nathan na taga Soba, si Bani na Gadita, 010 2SA 023 037 Si Selec na Ammonita, si Naharai na Beerothita, na mga tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia; 010 2SA 023 038 Si Ira na Ithrita, si Gareb na Ithrita, 010 2SA 023 039 Si Uria na Hetheo: silang lahat ay tatlong pu't pito. 010 2SA 024 001 At ang galit ng Panginoon ay nagalab uli laban sa Israel, at kaniyang kinilos si David laban sa kanila, na sinabi, Ikaw ay yumaon, iyong bilangin ang Israel at Juda. 010 2SA 024 002 At sinabi ng hari kay Joab na puno ng hukbo, na kasama niya, Magparoo't parito ka nga sa lahat ng mga lipi ng Israel, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, at bilangin ninyo ang bayan, upang aking maalaman ang kabuoan ng bayan. 010 2SA 024 003 At sinabi ni Joab sa hari, Ngayo'y dagdagan ng Panginoon mong Dios ang bayan, sa gaano man karami sila, ng makaisang daan pa; at makita ng mga mata ng aking panginoon na hari: nguni't bakit nalulugod ang panginoon ko na hari sa bagay na ito? 010 2SA 024 004 Gayon ma'y ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab, at laban sa mga puno ng hukbo. At si Joab at ang mga puno ng hukbo ay nagsilabas mula sa harapan ng hari upang bilangin ang bayan ng Israel. 010 2SA 024 005 At sila'y nagsitawid ng Jordan, at nagsihantong sa Aroer sa dakong kanan ng bayan na nasa gitna ng libis ng Gad, at sa Jazer: 010 2SA 024 006 Saka sila nagsiparoon sa Galaad, at sa lupain ng Tatimhodsi; at sila'y nagsidating sa Dan-jaan at sa palibot hanggang sa Sidon. 010 2SA 024 007 At nagsiparoon sa katibayan ng Tiro, at sa lahat ng mga bayan ng mga Heveo, at ng mga Cananeo; at sila'y nagsilabas sa timugan ng Juda, sa Beer-seba. 010 2SA 024 008 Sa gayon nang sila'y makapagparoo't parito na, sa buong lupain, ay nagsiparoon sila sa Jerusalem sa katapusan ng siyam na buwan at dalawang pung araw. 010 2SA 024 009 At ibinigay ni Joab sa hari ang bilang ng pagkabilang sa bayan; at mayroon sa Israel na walong daang libo na matapang na lalake na nagsisihawak ng tabak; at ang mga tao sa Juda ay limang daang libong lalake. 010 2SA 024 010 At ang puso ni David ay sinaktan niya pagkatapos na kaniyang nabilang ang bayan. At sinabi ni David sa Panginoon, Ako'y nagkasala ng malaki sa aking nagawa: nguni't ngayo'y isinasamo ko sa iyo na iyong pawiin ang kasamaan ng iyong lingkod; sapagka't aking ginawa ng buong kamangmangan. 010 2SA 024 011 At nang bumangon si David sa kinaumagahan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa propeta Gad na tagakita ni David, na sinasabi, 010 2SA 024 012 Ikaw ay yumaon at salitain mo kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon, Pinagpapalagayan kita ng tatlong bagay; pumili ka ng isa sa mga yaon upang aking magawa sa iyo. 010 2SA 024 013 Sa gayo'y naparoon si Gad kay David, at nagsaysay sa kaniya: at nagsabi sa kaniya, Darating ba sa iyo ang pitong taon na kagutom sa iyong lupain? o tatakas ka bang tatlong buwan sa harap ng iyong mga kaaway samantalang hinahabol ka nila? o magkakaroon ba ng tatlong araw na pagkasalot sa iyong lupain? ngayo'y muniin mo, at dilidilihin mo kung anong kasagutan ang aking ibabalik doon sa nagsugo sa akin. 010 2SA 024 014 At sinabi ni David kay Gad, Ako'y nasa totoong kagipitan: mahulog tayo ngayon sa kamay ng Panginoon; sapagka't ang kaniyang mga kaawaan ay dakila: at huwag akong mahulog sa kamay ng tao. 010 2SA 024 015 Sa gayo'y nagsugo ang Panginoon ng salot sa Israel mula sa umaga hanggang sa takdang panahon: at namatay sa bayan mula sa Dan hanggang sa Beer-seba ay pitong pung libong lalake. 010 2SA 024 016 At nang iunat ng anghel ang kaniyang kamay sa dakong Jerusalem upang gibain ay nagsisi ang Panginoon sa kasamaan, at sinabi sa anghel na lumipol ng bayan, Siya na; ngayo'y itigil mo ang iyong kamay. At ang anghel ng Panginoon ay nasa giikan ni Arauna na Jebuseo. 010 2SA 024 017 At nagsalita si David sa Panginoon, nang kaniyang makita ang anghel na sumakit sa bayan, at nagsabi, Narito, ako'y nagkasala, at ako'y gumawa ng kalikuan; nguni't ang mga tupang ito, ano ang ginawa? isinasamo ko sa iyo na ang iyong kamay ay maging laban sa akin, at laban sa sangbahayan ng aking ama. 010 2SA 024 018 At si Gad ay naparoon sa araw na yaon kay David, at nagsabi sa kaniya, Ikaw ay yumaon, magtayo ka ng isang dambana sa Panginoon sa giikan ni Arauna na Jebuseo. 010 2SA 024 019 At si David ay umahon ayon sa sinabi ni Gad, kung paanong iniutos ng Panginoon. 010 2SA 024 020 At tumanaw si Arauna, at nakita ang hari, at ang kaniyang mga lingkod na nagsisilapit sa kaniya; at si Arauna ay lumabas at nagpatirapa sa harap ng hari. 010 2SA 024 021 At sinabi ni Arauna: Bakit ang aking panginoon na hari ay naparito sa kaniyang lingkod? At sinabi ni David, Upang bilhin ang giikan sa iyo, na mapagtayuan ng isang dambana sa Panginoon, upang ang salot ay magtigil sa bayan. 010 2SA 024 022 At sinabi ni Arauna kay David, Kunin ng aking panginoon na hari, at ihandog kung ano ang inaakala niyang mabuti: narito, ang mga baka na panghandog na susunugin, at ang mga kagamitan sa giikan at ang mga pamatok ng mga baka na pang kahoy: 010 2SA 024 023 Ang lahat na ito, Oh hari, ibinibigay ni Arauna sa hari. At sinabi ni Arauna sa hari, Tanggapin ka nawa ng Panginoon mong Dios. 010 2SA 024 024 At sinabi ng hari kay Arauna, Huwag; kundi katotohanang bibilhin ko sa iyo sa halaga: hindi nga ako maghahandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon kong Dios na hindi nagkahalaga sa akin ng anoman. Sa gayo'y binili ni David ang giikan at ang mga baka ng limang pung siklong pilak. 010 2SA 024 025 At nagtayo roon si David ng isang dambana sa Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan. Sa gayo'y nadalanginan ang Panginoon dahil sa lupain, at ang salot ay tumigil sa Israel. # # BOOK 011 1KI 1 Kings 1 Mga Hari 011 1KI 001 001 Si David na hari nga ay matanda at totoong magulang na; at kanilang tinakpan siya ng mga kumot, nguni't siya'y hindi naiinitan. 011 1KI 001 002 Kaya't sinabi ng mga lingkod niya sa kaniya, Ihanap ang aking panginoon na hari ng isang dalaga: at patayuin siya sa harap ng hari, at libangin niya siya; at mahiga siya sa iyong sinapupunan, upang ang aking panginoon na hari ay mainitan. 011 1KI 001 003 Sa gayo'y inihanap nila siya ng isang magandang dalaga sa lahat ng mga hangganan ng Israel, at nasumpungan si Abisag na Sunamita, at dinala sa hari. 011 1KI 001 004 At ang dalaga ay totoong maganda: at kaniyang nilibang ang hari at nagaalaga sa kaniya; nguni't hindi siya ginalaw ng hari. 011 1KI 001 005 Nang magkagayo'y nagmataas si Adonia na anak ni Haggith, na nagsabi, Ako'y magiging hari: at siya'y naghanda ng mga karo at mga mangangabayo, at limang pung lalaking mananakbo sa unahan niya. 011 1KI 001 006 At hindi siya kinasamaan ng loob ng kaniyang ama kailan man, na nagsabi, Bakit ka gumawa ng ganyan? at siya'y totoong makisig na lalake rin naman; at siya'y ipinanganak na kasunod ni Absalom. 011 1KI 001 007 At siya'y nakipagsalitaan kay Joab na anak ni Sarvia, at sa saserdoteng kay Abiathar: at pagsunod nila kay Adonia ay nagsitulong sa kaniya. 011 1KI 001 008 Nguni't si Sadoc na saserdote, at si Benaia na anak ni Joiada, at si Nathan na propeta, at si Semei, at si Reihi, at ang mga makapangyarihang lalake na nauukol kay David, ay hindi kasama ni Adonia. 011 1KI 001 009 At nagpatay si Adonia ng mga tupa, at mga baka at ng mga pinataba sa siping ng bato ng Zoheleth, na nasa tabi ng Enrogel: at kaniyang tinawag ang lahat niyang kapatid na mga anak ng hari, at ang lahat na lalake sa Juda na mga lingkod ng hari. 011 1KI 001 010 Nguni't si Nathan na propeta, at si Benaia, at ang mga makapangyarihang lalake, at si Salomon na kaniyang kapatid ay hindi niya tinawag. 011 1KI 001 011 Nang magkagayo'y nagsalita si Nathan kay Bath-sheba na ina ni Salomon, na nagsasabi, Hindi mo ba nabalitaan na naghahari si Adonia na anak ni Haggith, at hindi nalalaman ni David na ating panginoon? 011 1KI 001 012 Ngayon nga'y parito ka, isinasamo ko sa iyo, na bigyang payo kita, upang iyong mailigtas ang iyong sariling buhay, at ang buhay ng iyong anak na si Salomon. 011 1KI 001 013 Ikaw ay yumaon, at pasukin mo ang haring si David, at sabihin mo sa kaniya, Di ba, panginoon ko, isinumpa mo sa iyong lingkod, na iyong sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan? bakit nga maghahari si Adonia? 011 1KI 001 014 Narito, samantalang nagsasalita ka pa roon sa hari, ay papasok naman ako na kasunod mo, at aking patototohanan ang iyong mga salita. 011 1KI 001 015 At pinasok ni Bath-sheba ang hari sa silid; at ang hari ay totoong matanda na; at si Abisag na Sunamita ay siyang nagaalaga sa hari. 011 1KI 001 016 At si Bath-sheba ay yumukod at nagbigay galang sa hari. At sinabi ng hari, Anong ibig mo? 011 1KI 001 017 At sinabi niya sa kaniya, Panginoon ko, isinumpa mo ang Panginoon mong Dios sa iyong lingkod, na sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan. 011 1KI 001 018 At ngayo'y narito, si Adonia ay naghahari; at ikaw, panginoon ko na hari, ay hindi mo nalalaman; 011 1KI 001 019 At siya'y pumatay ng mga baka, at mga pinataba, at tupa na sagana, at tinawag ang lahat na anak ng hari, at si Abiathar na saserdote, at si Joab na puno ng hukbo: nguni't si Salomon na iyong lingkod ay hindi niya tinawag. 011 1KI 001 020 At ikaw, panginoon ko na hari, ang mga mata ng buong Israel ay nasa iyo, upang iyong saysayin sa kanila kung sino ang uupo sa luklukan ng aking panginoon na hari pagkamatay niya. 011 1KI 001 021 Sa ibang paraa'y mangyayari, na pagka ang aking panginoon na hari ay natutulog na kasama ng kaniyang mga magulang, na ako at ang aking anak na si Salomon ay mabibilang sa mga may sala. 011 1KI 001 022 At, narito, samantalang siya'y nakikipagsalitaan pa sa hari, ay pumasok si Nathan na propeta. 011 1KI 001 023 At kaniyang isinaysay sa hari, na sinasabi, Narito, si Nathan na propeta. At nang siya'y dumating sa harap ng hari, siya'y yumukod ng kaniyang mukha sa lupa sa harap ng hari. 011 1KI 001 024 At sinabi ni Nathan, Panginoon ko, Oh hari, iyo bang sinabi, Si Adonia ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan? 011 1KI 001 025 Sapagka't siya'y lumusong nang araw na ito, at nagpatay ng mga baka, at mga pinataba, at mga tupa na sagana, at tinawag ang lahat na anak ng hari, at ang mga puno ng hukbo, at si Abiathar na saserdote; at, narito, sila'y nagkakainan at nagiinuman sa harap niya at nagsisipagsabi, Mabuhay ang haring si Adonia. 011 1KI 001 026 Nguni't ako, akong iyong lingkod, at si Sadoc na saserdote, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang iyong lingkod na si Salomon, hindi niya tinawag. 011 1KI 001 027 Ang bagay na ito baga ay ginawa ng aking panginoon na hari, at hindi mo ipinakilala sa iyong mga lingkod kung sino ang uupo sa luklukan ng aking panginoon na hari pagkamatay niya? 011 1KI 001 028 Nang magkagayo'y sumagot ang haring si David, at nagsabi, Tawagin ninyo sa akin si Bath-sheba. At siya'y pumasok sa harap ng hari, at tumayo sa harap ng hari. 011 1KI 001 029 At sumumpa ang hari, at nagsabi, Buhay ang Panginoon, na tumubos ng aking kaluluwa sa lahat ng karalitaan, 011 1KI 001 030 Katotohanang kung paanong sumumpa ako sa iyo sa pangalan ng Panginoon, na Dios ng Israel, na sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan na kahalili ko; katotohanang gayon ang aking gagawin sa araw na ito. 011 1KI 001 031 Nang magkagayo'y iniyukod ni Bath-sheba ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay galang sa hari, at nagsabi, Mabuhay ang aking panginoon na haring si David magpakailan man. 011 1KI 001 032 At sinabi ng haring si David, Tawagin ninyo sa akin si Sadoc na saserdote, at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada. At sila'y pumasok sa harap ng hari. 011 1KI 001 033 At sinabi ng hari sa kanila, Ipagsama ninyo ang mga lingkod ng inyong panginoon, at pasakayin ninyo ang aking anak na si Salomon sa aking sariling mula, at ilusong ninyo siya sa Gihon. 011 1KI 001 034 At pahiran siya ng langis doon ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta na maging hari sa Israel: at kayo'y magsihihip ng pakakak, at magsipagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon. 011 1KI 001 035 Kung magkagayo'y magsisiahon kayong kasunod niya, at siya'y paririto, at uupo sa aking luklukan: sapagka't siya'y magiging hari, na kahalili ko: at inihalal ko siyang maging prinsipe sa Israel at sa Juda. 011 1KI 001 036 At si Benaia na anak ni Joiada ay sumagot sa hari, at nagsabi, Siya nawa: ang Panginoon, ang Dios ng aking panginoon na hari ay magsabi nawa ng ganyan din. 011 1KI 001 037 Kung paanong ang Panginoon ay sumaaking panginoon na hari ay gayon suma kay Salomon at gawin nawa ang kaniyang luklukang lalong dakila kay sa luklukan ng aking panginoong haring si David. 011 1KI 001 038 Sa gayo'y si Sadoc na saserdote at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang mga Ceretheo, at ang mga Peletheo ay nagsibaba, at pinasakay si Salomon sa mula ng haring si David, at dinala sa Gihon. 011 1KI 001 039 At kinuha ni Sadoc na saserdote ang sisidlang sungay ng langis mula sa Tolda, at pinahiran ng langis si Salomon. At sila'y humihip ng pakakak; at ang buong bayan ay nagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon. 011 1KI 001 040 At ang buong bayan ay nagsiahong kasunod niya, at ang bayan ay humihip ng mga plauta, at nangagalak ng malaking pagkagalak, anopa't ang lupa ay umalingawngaw sa hugong nila. 011 1KI 001 041 At narinig ni Adonia at ng buong inanyayahan na nasa kaniya pagkatapos nilang makakain. At nang marinig ni Joab ang tunog ng pakakak, ay kaniyang sinabi, Anong dahil nitong hugong sa bayan na kaingay? 011 1KI 001 042 Samantalang siya'y nagsasalita pa, narito, si Jonathan na anak ni Abiathar na saserdote ay dumating at si Adonia ay nagsabi, Pumasok ka; sapagka't ikaw ay karapatdapat na tao, at nagdadala ka ng mabubuting balita. 011 1KI 001 043 At si Jonathan ay sumagot, at nagsabi kay Adonia, Katotohanang ginawang hari si Salomon ng ating panginoong haring si David: 011 1KI 001 044 At sinugo ng hari na kasama niya si Sadoc na saserdote, at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang mga Ceretheo at ang mga Peletheo at pinasakay nila siya sa mula ng hari: 011 1KI 001 045 At siya'y pinapaging hari na pinahiran ng langis ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta sa Gihon: at sila'y nagsiahong galak mula roon, na anopa't ang bayan ay umalingawngaw uli. Ito ang hugong na iyong narinig. 011 1KI 001 046 At si Salomon naman ay nauupo sa luklukan ng kaharian. 011 1KI 001 047 At bukod dito'y ang mga lingkod ng hari ay nagsiparoon upang purihin ang ating panginoong haring si David, na nagsisipagsabi, Gawin nawa ng iyong Dios ang pangalan ni Salomon na lalong maigi kay sa iyong pangalan, at gawin ang kaniyang luklukan na lalong dakila kay sa iyong luklukan; at ang hari ay yumukod sa kaniyang higaan. 011 1KI 001 048 At ganito pa ang sinabi ng hari, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na siyang nagbigay sa akin ng isa na makakaupo sa aking luklukan sa araw na ito, na nakita ng aking mga mata. 011 1KI 001 049 At ang lahat na inanyayahan ni Adonia ay nangatakot at nagsitindig, at yumaon bawa't isa sa kaniyang lakad. 011 1KI 001 050 At natakot si Adonia dahil kay Salomon: at siya'y tumindig at yumaon, at pumigil sa mga anyong sungay ng dambana. 011 1KI 001 051 At nasaysay kay Salomon na sinasabi, Narito, si Adonia ay natatakot sa haring Salomon: sapagka't, narito, siya'y pumigil sa mga anyong sungay ng dambana, na nagsasabi, Isumpa ng haring Salomon sa akin sa araw na ito, na hindi niya papatayin ng tabak ang kaniyang lingkod. 011 1KI 001 052 At sinabi ni Salomon, Kung siya'y pakikilalang karapatdapat na tao, ay walang malalaglag na isang buhok sa kaniya sa lupa; nguni't kung kasamaan ang masumpungan sa kaniya siya'y mamamatay. 011 1KI 001 053 Sa gayo'y nagsugo ang haring Salomon, at kanilang ibinaba siya mula sa dambana. At siya'y naparoon at nagbigay galang sa haring Salomon; at sinabi ni Salomon sa kaniya, Umuwi ka sa iyong bahay. 011 1KI 002 001 Ang mga araw nga ni David na ikamamatay ay nalalapit; at kaniyang ibinilin kay Salomon na kaniyang anak, na sinasabi, 011 1KI 002 002 Ako'y yumayaon ng lakad ng buong lupa; ikaw ay magpakalakas nga at magpakalalake; 011 1KI 002 003 At iyong ingatan ang bilin ng Panginoon mong Dios, na lumakad sa kaniyang mga daan, na ingatan ang kaniyang mga palatuntunan, ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga patotoo, ayon sa nasusulat sa kautusan ni Moises, upang ikaw ay guminhawa sa lahat ng iyong ginagawa, at saan ka man pumihit: 011 1KI 002 004 Upang papagtibayin ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita tungkol sa akin, na sinasabi, Kung ang iyong mga anak ay magsisipagingat sa kanilang lakad, na lalakad sa harap ko sa katotohanan ng kanilang buong puso at ng kanilang buong kaluluwa, hindi ka kukulangin (sabi niya) ng lalake sa luklukan ng Israel. 011 1KI 002 005 Bukod dito'y talastas mo naman ang ginawa ni Joab na anak ni Sarvia sa akin, sa makatuwid baga'y ang ginawa niya sa dalawang puno ng mga hukbo ng Israel, kay Abner na anak ni Ner, at kay Amasa na anak ni Jether na kaniyang pinatay, at ibinubo sa kapayapaan ang dugo ng pakikidigma at nabubo ang dugo ng pakikidigma sa kaniyang bigkis na nasa kaniyang mga balakang, at sa loob ng kaniyang mga pangyapak na nasa kaniyang mga paa. 011 1KI 002 006 Gumawa ka nga ng ayon sa iyong karunungan, at huwag mong tulutang ang kaniyang uban sa ulo ay bumabang payapa sa Sheol. 011 1KI 002 007 Nguni't pagpakitaan mo ng kagandahang loob ang mga anak ni Barzillai na Galaadita, at maging kabilang sa nagsisikain sa iyong dulang; sapagka't gayon sila nagsilapit sa akin nang ako'y tumakas kay Absalom na iyong kapatid. 011 1KI 002 008 At, narito, nasa iyo si Semei na anak ni Gera na Benjamita, na taga Bahurim, na siyang sumumpa sa akin ng mahigpit na sumpa nang araw na ako'y pumaroon sa Mahanaim: nguni't nilusong niyang sinalubong ako sa Jordan, at isinumpa ko sa kaniya ang Panginoon, na sinasabi, Hindi kita papatayin ng tabak. 011 1KI 002 009 Ngayon nga'y huwag mong ariing walang sala, sapagka't ikaw ay lalaking pantas: at iyong maaalaman ang dapat gawin sa kaniya, at iyong ilusong na may dugo ang kaniyang uban sa ulo sa Sheol. 011 1KI 002 010 At si David ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa bayan ni David. 011 1KI 002 011 At ang mga araw na ipinaghari ni David sa Israel ay apat na pung taon: pitong taong naghari siya sa Hebron, at tatlong pu't tatlong taong naghari siya sa Jerusalem. 011 1KI 002 012 At si Salomon ay naupo sa luklukan ni David na kaniyang ama: at ang kaniyang kaharian ay natatag na mainam. 011 1KI 002 013 Nang magkagayo'y si Adonia na anak ni Hagith ay naparoon kay Bath-sheba na ina ni Salomon. At kaniyang sinabi, Naparirito ka bang payapa? At sinabi niya, Payapa. 011 1KI 002 014 Kaniyang sinabi bukod dito: Mayroon pa akong sasabihin sa iyo. At sinabi niya, Sabihin mo. 011 1KI 002 015 At kaniyang sinabi, Talastas mo na ang kaharian ay naging akin, at itinitig ng buong Israel ang kanilang mukha sa akin, upang ako'y maghari: gayon ma'y ang kaharian ay nagbago, at napasa aking kapatid: sapagka't kaniya sa ganang Panginoon. 011 1KI 002 016 At ngayo'y hihingi ako ng isang hiling sa iyo, huwag mo akong pahindian. At sinabi niya sa kaniya, Sabihin mo. 011 1KI 002 017 At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo na iyong salitain kay Salomon na hari, (sapagka't hindi siya pahihindi sa iyo, ) na ibigay niyang asawa sa akin si Abisag na Sunamita. 011 1KI 002 018 At sinabi ni Bath-sheba, Mabuti; aking ipakikiusap ka sa hari. 011 1KI 002 019 Si Bath-sheba nga'y naparoon sa haring Salomon, upang ipakiusap sa kaniya si Adonia. At tumindig ang hari na sinalubong siya, at yumukod siya sa kaniya, at umupo sa kaniyang luklukan, at nagpalagay ng luklukan para sa ina ng hari; at siya'y naupo sa kaniyang kanan. 011 1KI 002 020 Nang magkagayo'y sinabi niya, Ako'y humihingi ng isang munting hiling sa iyo: huwag mo akong pahindian. At sinabi ng hari sa kaniya, Hilingin mo, ina ko: sapagka't hindi kita pahihindian. 011 1KI 002 021 At sinabi niya, Ibigay mong asawa si Abisag na Sunamita sa iyong kapatid na kay Adonia. 011 1KI 002 022 At ang haring Salomon ay sumagot, at nagsabi sa kaniyang ina, At bakit mo hinihiling si Abisag na Sunamita para kay Adonia? hilingin mo para sa kaniya pati ng kaharian; sapagka't siya'y aking matandang kapatid; oo, para sa kaniya, at kay Abiathar na saserdote, at kay Joab na anak ni Sarvia. 011 1KI 002 023 Nang magkagayo'y isinumpa ng haring Salomon ang Panginoon, na sinasabi, Hatulan ako ng Dios, at lalo na kung si Adonia ay hindi nagsalita ng salitang ito laban sa kaniyang sariling buhay. 011 1KI 002 024 Ngayon nga'y buhay ang Panginoon, na nagtatag sa akin, at naglagay sa akin sa luklukan ni David na aking ama, at siyang gumawa sa akin ng isang bahay, gaya ng kaniyang ipinangako, tunay na si Adonia ay papatayin sa araw na ito. 011 1KI 002 025 At nagsugo ang haring Salomon sa pamamagitan ng kamay ni Benaia na anak ni Joiada; at siyang dumaluhong sa kaniya, na anopa't siya'y namatay. 011 1KI 002 026 At kay Abiathar na saserdote ay sinabi ng hari, Umuwi ka sa Anathoth, sa iyong sariling mga bukid; sapagka't ikaw ay karapatdapat sa kamatayan: nguni't sa panahong ito'y hindi kita papatayin, sapagka't iyong dinala ang kaban ng Panginoong Dios sa harap ni David na aking ama, at sapagka't ikaw ay napighati sa lahat ng kinapighatian ng aking ama. 011 1KI 002 027 Sa gayo'y inalis ni Salomon si Abiathar sa pagkasaserdote sa Panginoon upang kaniyang tuparin ang salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita tungkol sa sangbahayan ni Eli, sa Silo. 011 1KI 002 028 At ang mga balita ay dumating kay Joab: sapagka't si Joab ay umanib kay Adonia, bagaman hindi siya umanib kay Absalom. At si Joab ay tumakas na napatungo sa Tolda ng Panginoon, at pumigil sa mga anyong sungay ng dambana. 011 1KI 002 029 At nasaysay sa haring Salomon, Si Joab ay tumakas na napatungo sa Tolda ng Panginoon, at, narito, siya'y nasa siping ng dambana. Nang magkagayo'y sinugo niya si Benaia na anak ni Joiada, na sinasabi, Ikaw ay yumaon, daluhungin mo siya. 011 1KI 002 030 At si Benaia ay naparoon sa Tolda ng Panginoon, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng hari, Lumabas ka. At kaniyang sinabi, Hindi; kundi ako'y mamamatay rito, At dinala ni Benaia sa hari ang salita uli, na sinasabi, Ganito ang sinabi ni Joab, at ganito ang isinagot sa akin. 011 1KI 002 031 At sinabi ng hari sa kaniya, Gawin kung paano ang sinabi niya, at daluhungin mo siya, at ilibing mo siya; upang iyong maalis ang dugo na ibinubo ni Joab ng walang kadahilanan sa akin at sa sangbahayan ng aking ama. 011 1KI 002 032 At ibabalik ng Panginoon ang kaniyang dugo sa kaniyang sariling ulo, sapagka't siya'y dumaluhong sa dalawang lalake, na lalong matuwid, at maigi kay sa kaniya, at mga pinatay ng tabak, at hindi nalalaman ng aking amang si David, sa makatuwid baga'y si Abner na anak ni Ner, na puno ng hukbo ng Israel, at si Amasa na anak ni Jether, na puno ng hukbo ng Juda. 011 1KI 002 033 Sa gayo'y ang kanilang dugo ay mababalik sa ulo ni Joab, at sa ulo ng kaniyang binhi magpakailan man: nguni't kay David, at sa kaniyang binhi, at sa kaniyang sangbahayan, sa kaniyang luklukan ay magkakaroon ng kapayapaan magpakailan man na mula sa Panginoon. 011 1KI 002 034 Nang magkagayo'y sinampa ni Benaia na anak ni Joiada, at dinaluhong siya, at pinatay siya; at siya'y inilibing sa kaniyang sariling bahay sa ilang. 011 1KI 002 035 At inilagay ng hari si Benaia na anak ni Joiada na kahalili niya sa hukbo: at si Sadoc na saserdote ay inilagay ng hari na kahalili ni Abiathar. 011 1KI 002 036 At ang hari ay nagsugo at ipinatawag si Semei, at sinabi sa kaniya, Magtayo ka ng isang bahay sa Jerusalem, at tumahan ka roon, at huwag kang pumaroon saan man na mula roon. 011 1KI 002 037 Sapagka't sa araw na ikaw ay lumabas, at tumawid sa batis ng Cedron, talastasin mong mainam, na ikaw ay walang pagsalang mamamatay: ang iyong dugo ay sasa iyong sariling ulo. 011 1KI 002 038 At sinabi ni Semei sa hari, Ang sabi ay mabuti: kung paanong sinabi ng aking panginoong hari, gayon gagawin ng iyong lingkod. At si Semei ay tumahan sa Jerusalem na malaon. 011 1KI 002 039 At nangyari, sa katapusan ng tatlong taon, na dalawa sa mga alipin ni Semei ay tumanan na pumaroon kay Achis, na anak ni Maacha, hari sa Gath. At kanilang sinaysay kay Semei, na sinasabi, Narito, ang iyong mga alipin ay nasa Gath. 011 1KI 002 040 At tumindig si Semei, at siniyahan ang kaniyang asno, at napasa Gath kay Achis, upang hanapin ang kaniyang mga alipin: at si Semei ay yumaon at dinala ang kaniyang mga alipin mula sa Gath. 011 1KI 002 041 At nasaysay kay Salomon na si Semei ay naparoon sa Gath mula sa Jerusalem, at bumalik uli. 011 1KI 002 042 At ang hari ay nagsugo at ipinatawag si Semei, at nagsabi sa kaniya, Di ba ipinasumpa ko sa iyo ang Panginoon, at ipinatalastas kong totoo sa iyo, na aking sinasabi, Talastasin mong tunay na sa araw na ikaw ay lumabas, at yumaon saan man, ay walang pagsalang mamamatay ka? at iyong sinabi sa akin. Ang sabi na aking narinig ay mabuti. 011 1KI 002 043 Bakit nga hindi mo iningatan ang sumpa sa Panginoon, at ang utos na aking ibinilin sa iyo? 011 1KI 002 044 Sinabi pa ng hari kay Semei, Iyong talastas ang buong kasamaan na nalalaman ng iyong puso, na iyong ginawa kay David na aking ama: kaya't ibabalik ng Panginoon ang iyong kasamaan sa iyong sariling ulo. 011 1KI 002 045 Nguni't ang haring si Salomon ay magiging mapalad, at ang luklukan ni David ay magiging matatag sa harap ng Panginoon magpakailan man. 011 1KI 002 046 Sa gayo'y inutusan ng hari si Benaia na anak ni Joiada; at siya'y lumabas, at dumaluhong sa kaniya, na anopa't siya'y namatay. At ang kaharian ay matatag sa kamay ni Salomon, 011 1KI 003 001 At si Salomon ay nakipagkamaganak kay Faraon na hari sa Egipto sa pag-aasawa niya sa anak na babae ni Faraon, at dinala niya sa bayan ni David, hanggang sa kaniyang natapos itayo ang kaniyang sariling bahay, at ang bahay ng Panginoon, at ang kuta ng Jerusalem sa palibot. 011 1KI 003 002 Ang bayan ay naghahain lamang sa mga mataas na dako, sapagka't walang bahay na itinayo sa pangalan ng Panginoon hanggang sa mga araw na yaon. 011 1KI 003 003 At inibig ni Salomon ang Panginoon, na lumalakad sa mga palatuntunan ni David na kaniyang ama: siya'y naghahain lamang at nagsusunog ng kamangyan sa matataas na dako. 011 1KI 003 004 At ang hari ay naparoon sa Gabaon upang maghain doon; sapagka't yaon ang pinakamataas na dako; isang libong handog na susunugin ang inihandog ni Salomon sa dambanang yaon. 011 1KI 003 005 Sa Gabaon ay napakita ang Panginoon kay Salomon sa panaginip sa gabi: at sinabi ng Dios, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo. 011 1KI 003 006 At sinabi ni Salomon, Ikaw ay nagpakita sa iyong lingkod na aking amang kay David ng malaking kagandahang loob, ayon sa kaniyang inilakad sa harap mo sa katotohanan, at sa katuwiran, at sa katapatan ng puso sa iyo; at iyong iningatan sa kaniya itong dakilang kagandahang loob, na iyong binigyan siya ng isang anak na makauupo sa kaniyang luklukan, gaya sa araw na ito. 011 1KI 003 007 At ngayon, Oh Panginoon kong Dios, iyong ginawang hari ang iyong lingkod na kahalili ni David na aking ama; at ako'y isang munting bata lamang; hindi ko nalalaman ang paglulumabas at pumasok. 011 1KI 003 008 At ang iyong lingkod ay nasa gitna ng iyong bayan na iyong pinili, isang malaking bayan na hindi mabibilang o matuturingan dahil sa karamihan. 011 1KI 003 009 Bigyan mo nga ang iyong lingkod ng isang matalinong puso upang humatol sa iyong bayan, upang aking makilala ang mabuti at ang masama; sapagka't sino ang makahahatol dito sa iyong malaking bayan? 011 1KI 003 010 At ang pangungusap ay nakalugod sa Panginoon, na hiningi ni Salomon ang bagay na ito. 011 1KI 003 011 At sinabi ng Dios sa kaniya, Sapagka't iyong hiningi ang bagay na ito, at hindi mo hiningi sa iyo ang mahabang buhay; o hiningi mo man sa iyo ang mga kayamanan, o hiningi mo man ang buhay ng iyong mga kaaway; kundi hiningi mo sa iyo'y katalinuhan upang kumilala ng kahatulan; 011 1KI 003 012 Narito, aking ginawa ayon sa iyong salita: narito, aking binigyan ka ng isang pantas at matalinong puso; na anopa't walang naging gaya mo na una sa iyo, o may babangon mang sinoman pagkamatay mo. 011 1KI 003 013 At akin namang ibinigay sa iyo ang hindi mo hinihingi, ang kayamanan at gayon din ang karangalan, na anopa't walang magiging gaya mo sa mga hari, sa lahat ng iyong mga kaarawan. 011 1KI 003 014 At kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, upang ingatan ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos, gaya ng inilakad ng iyong amang si David, ay akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan. 011 1KI 003 015 At nagising si Salomon, at narito, yao'y isang panaginip: at siya'y naparoon sa Jerusalem, at tumayo sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin, at naghandog ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at gumawa ng kasayahan sa lahat ng kaniyang mga lingkod. 011 1KI 003 016 Nang magkagayo'y naparoon sa hari ang dalawang babae na mga patutot, at nagsitayo sa harap niya. 011 1KI 003 017 At sinabi ng isang babae, Oh panginoon ko, ako at ang babaing ito ay tumatahan sa isang bahay; at ako'y nanganak ng isang batang lalake sa bahay na kasama ko siya. 011 1KI 003 018 At nangyari, nang ikatlong araw pagkatapos na ako'y makapanganak, na ang babaing ito'y nanganak naman; at kami ay magkasama; walang iba sa amin sa bahay, liban sa kaming dalawa sa bahay. 011 1KI 003 019 At ang anak ng babaing ito ay namatay sa kinagabihan; sapagka't kaniyang nahigan. 011 1KI 003 020 At siya'y bumangon sa hating gabi, at kinuha niya ang anak kong lalake sa siping ko, samantalang ang iyong lingkod ay natutulog, at inihiga niya sa kaniyang sinapupunan, at inilagay ang kaniyang patay na anak sa aking sinapupunan. 011 1KI 003 021 At nang ako'y bumangon sa kinaumagahan upang aking pasusuhin ang aking anak, narito, siya'y patay: nguni't nang aking kilalanin ng kinaumagahan, narito, hindi ang aking anak na aking ipinanganak. 011 1KI 003 022 At sinabi ng isang babae, Hindi; kundi ang buhay ay aking anak at ang patay ay iyong anak. At sinabi ng isa: Hindi; kundi ang patay ay ang iyong anak, at ang buhay ay siyang aking anak. Ganito sila nangagsalita sa harap ng hari. 011 1KI 003 023 Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Ang isa'y nagsasabi, Ang aking anak ay ang buhay, at ang iyong anak ay ang patay: at ang isa'y nagsasabi, Hindi; kundi ang iyong anak ay ang patay, at ang aking anak ay ang buhay. 011 1KI 003 024 At sinabi ng hari, Dalhan ninyo ako ng isang tabak. At sila'y nagdala ng isang tabak sa harap ng hari. 011 1KI 003 025 At sinabi ng hari, Hatiin ng dalawa ang buhay na bata, at ibigay ang kalahati sa isa at ang kalahati ay sa isa. 011 1KI 003 026 Nang magkagayo'y nagsalita ang babae na ina ng buhay na bata sa hari, sapagka't ang kaniyang pagmamahal ay nagniningas sa kaniyang anak, at sinabi niya, Oh panginoon ko, ibigay mo sa kaniya ang buhay na bata, at sa anomang paraa'y huwag mong patayin. Nguni't ang sabi ng isa, Hindi magiging akin ni iyo man; hatiin siya. 011 1KI 003 027 Nang magkagayo'y sumagot ang hari at nagsabi, ibigay sa kaniya ang buhay na bata, at sa anomang paraa'y huwag patayin: siya ang ina niya. 011 1KI 003 028 At nabalitaan ng buong Israel ang kahatulan na inihatol ng hari; at sila'y nangatakot sa hari: sapagka't kanilang nakita na ang karunungan ng Dios ay nasa kaniya, upang gumawa ng kahatulan. 011 1KI 004 001 At ang haring Salomon, ay hari sa buong Israel. 011 1KI 004 002 At ito ang mga naging prinsipe na napasa kaniya: si Azarias, na anak ng saserdoteng si Sadoc. 011 1KI 004 003 Si Elioreph at si Ahia, na mga anak ni Sisa, ay mga kalihim; si Josaphat na anak ni Ahilud, ay kasangguni; 011 1KI 004 004 At si Benaia, na anak ni Joiada ay nangungulo sa hukbo; at si Sadoc at si Abiathar ay mga saserdote; 011 1KI 004 005 At si Azarias na anak ni Nathan ay nangungulo sa mga pinuno; at si Zabud na anak ni Nathan ay pangulong tagapangasiwa, na kaibigan ng hari; 011 1KI 004 006 At si Ahisar ay katiwala sa kaniyang bahay; at si Adoniram na anak ni Abda ay nasa mga magpapabuwis. 011 1KI 004 007 At si Salomon ay may labing dalawang katiwala sa buong Israel, na sila ang nag-iimbak ng pagkain ukol sa hari, at sa kaniyang sangbahayan: bawa't isa sa kanila'y nag-iimbak ng pagkain na isang buwan sa bawa't taon. 011 1KI 004 008 At ito ang kanilang mga pangalan: si Ben-hur sa lupaing maburol ng Ephraim: 011 1KI 004 009 Si Ben-dacer, sa Maccas, at sa Saalbim, at sa Beth-semes, at sa Elonbeth-hanan: 011 1KI 004 010 Si Ben-hesed, sa Aruboth (sa kaniya'y nauukol ang Socho, at ang buong lupain ng Ephet: ) 011 1KI 004 011 Si Ben-abinadab sa buong kataasan ng Dor (na ang asawa'y si Taphat na anak ni Salomon: ) 011 1KI 004 012 Si Baana na anak ni Ahilud sa Taanach, at sa Megiddo, at sa buong Beth-san na nasa siping ng Zaretan, sa ibaba ng Jezreel, mula sa Bethsan hanggang sa Abel-mehola, na may layong hanggang sa dako roon ng Jocmeam: 011 1KI 004 013 Si Ben-geber, sa Ramoth-galaad; (sa kaniya nauukol ang mga bayan ni Jair na anak ni Manases, na nasa Galaad; sa makatuwid baga'y sa kaniya nauukol ang lupain ng Argob, na nasa Basan, anim na pung malaking bayan na may mga kuta at mga halang na tanso: ) 011 1KI 004 014 Si Ahinadab, anak ni Iddo sa Mahanaim: 011 1KI 004 015 Si Ahimaas, sa Nephtali; (Ito rin ang nagasawa kay Basemath na anak na babae ni Salomon.) 011 1KI 004 016 Si Baana, na anak ni Husai sa Aser at sa Alot. 011 1KI 004 017 Si Josaphat, na anak ni Pharua sa Issachar: 011 1KI 004 018 Si Semei, na anak ni Ela sa Benjamin: 011 1KI 004 019 Si Geber, na anak ni Uri sa lupain ng Galaad, na lupain ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, at ni Og na hari sa Basan; at siya lamang ang katiwala sa lupaing yaon. 011 1KI 004 020 Ang Juda at ang Israel ay marami, na gaya ng buhangin sa tabi ng dagat sa karamihan, na nagkakainan, at nagiinuman, at nagkakatuwa. 011 1KI 004 021 At si Salomon ay nagpupuno sa lahat ng kaharian na mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo, at hanggang sa hangganan ng Egipto: sila'y nagsipagdala ng mga kaloob, at nagsipaglingkod kay Salomon lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay. 011 1KI 004 022 At ang pagkain ni Salomon sa isang araw ay tatlong pung takal ng mainam na harina, at anim na pung takal na harina, 011 1KI 004 023 Sangpung matabang baka, at dalawang pung baka na mula sa pastulan, at isang daang tupa, bukod pa ang mga usang lalake at babae, at mga usang masungay, at mga pinatabang hayop na may pakpak. 011 1KI 004 024 Sapagka't sakop niya ang buong lupain ng dakong ito ng Ilog, mula sa Tiphsa hanggang sa Gaza, sa lahat ng mga hari sa dakong ito ng Ilog: at siya'y may kapayapaan sa lahat ng mga dako sa palibot niya. 011 1KI 004 025 At ang Juda at ang Israel ay nagsitahang tiwasay, na bawa't tao'y sa ilalim ng kaniyang puno ng ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, sa lahat ng kaarawan ni Salomon. 011 1KI 004 026 At mayroon si Salomong apat na pung libong kabayo sa kaniyang mga silungan para sa kaniyang mga karo, at labing dalawang libong mangangabayo. 011 1KI 004 027 At ipinag-imbak ng mga katiwalang yaon ng pagkain ang haring Salomon, at ang lahat na naparoon sa dulang ng haring Salomon, bawa't isa'y sa kaniyang buwan: walang nagkulang na anoman. 011 1KI 004 028 Sebada naman at dayami sa mga kabayo, at sa mga matuling kabayo ay nagsipagdala sila sa dakong kinaroroonan ng mga pinuno, bawa't isa'y ayon sa kaniyang katungkulan. 011 1KI 004 029 At binigyan ng Dios si Salomon ng karunungan, at di kawasang katalinuhan at kaluwagan ng puso, gaya ng buhanging nasa tabi ng dagat. 011 1KI 004 030 At ang karunungan ni Salomon ay mahigit kay sa karunungan ng lahat na anak ng silanganan, at kay sa buong karunungan ng Egipto. 011 1KI 004 031 Sapagka't lalong pantas kay sa lahat ng mga tao; kay sa kay Ethan na Ezrahita, at kay Eman, at kay Calchol, at kay Darda, na mga anak ni Mahol: at ang kaniyang kabantugan ay lumipana sa lahat ng mga bansa sa palibot. 011 1KI 004 032 At siya'y nagsalita ng tatlong libong kawikaan; at ang kaniyang mga awit ay isang libo at lima. 011 1KI 004 033 At siya'y nagsalita ng tungkol sa mga punong kahoy, mula sa sedro na nasa Libano hanggang sa isopo na sumisibol sa pader: siya'y nagsalita rin ng tungkol sa mga hayop, at sa mga ibon, at sa nagsisiusad at sa mga isda. 011 1KI 004 034 At naparoon ang mga taong mula sa lahat na bayan, upang marinig ang karunungan ni Salomon na mula sa lahat na hari sa lupa, na nakabalita ng kaniyang karunungan. 011 1KI 005 001 At si Hiram na hari sa Tiro ay nagsugo ng kaniyang mga lingkod kay Salomon; dahil sa kaniyang nabalitaan na siya'y kanilang pinahiran ng langis na maging hari na kahalili ng kaniyang ama, sapagka't si Hiram ay naging laging maibigin kay David. 011 1KI 005 002 At si Salomon ay nagsugo kay Hiram, na kaniyang sinasabi, 011 1KI 005 003 Talastas mo na kung paanong si David na aking ama ay hindi nakapagtayo ng bahay sa pangalan ng Panginoon niyang Dios dahil sa mga pagdidigmaan sa palibot niya sa bawa't dako, hanggang sa inilagay sila ng Panginoon sa ilalim ng mga talampakan ng kaniyang mga paa. 011 1KI 005 004 Nguni't ngayo'y binigyan ako ng Panginoon kong Dios ng katiwasayan sa bawa't dako; wala kahit kaaway, o masamang pangyayari man. 011 1KI 005 005 At, narito, ako'y tumalagang ipagtayo ng bahay ang pangalan ng Panginoon kong Dios, gaya ng sinalita ng Panginoon kay David na aking ama, na nagsasabi, Ang iyong anak na aking iuupo sa iyong luklukan na kahalili mo, siya ang magtatayo ng bahay para sa aking pangalan. 011 1KI 005 006 Ngayon nga'y ipagutos mo na iputol nila ako ng mga puno ng sedro sa Libano; at ang aking mga bataan ay makakasama ng iyong mga bataan: at aking bibigyan ka ng kaupahan sa iyong mga bataan ayon sa lahat na iyong sasabihin: sapagka't iyong talastas na wala sinoman sa amin na makapagdadaras ng mga kahoy ng gaya ng mga Sidonio. 011 1KI 005 007 At nangyari nang mabalitaan ni Hiram ang mga salita ni Salomon, na siya'y nagalak na mainam, at nagsabi, Purihin ang Panginoon sa araw na ito, na nagbigay kay David ng isang pantas na anak, sa malaking bayang ito. 011 1KI 005 008 At si Hiram ay nagsugo kay Salomon, na nagsasabi, Aking narinig ang pasugo na iyong ipinasugo sa akin: aking gagawin ang iyong buong nasa tungkol sa kahoy na sedro, at tungkol sa kahoy na abeto. 011 1KI 005 009 Ang aking mga bataan ay magsisipagbaba mula sa Libano hanggang sa dagat: at aking gagawing mga balsa upang dumaan sa dagat hanggang sa dakong iyong pagtuturuan sa akin, at aking ipakakalag doon, at iyong tatanggapin: at iyong tutuparin ang aking nasa, sa pagbibigay ng pagkain sa aking sangbahayan. 011 1KI 005 010 Sa gayo'y binigyan ni Hiram si Salomon ng kahoy na sedro, at kahoy na abeto ayon sa kaniyang buong nasa. 011 1KI 005 011 At binigyan ni Salomon si Hiram ng dalawang pung libong takal na trigo na pinaka pagkain ng kaniyang sangbahayan, at dalawang pung takal na taganas na langis; ganito binigyan ni Salomon si Hiram sa taon-taon. 011 1KI 005 012 At binigyan ng Panginoon si Salomon ng karunungan, gaya ng kaniyang ipinangako sa kaniya; at may kapayapaan si Hiram at si Salomon; at silang dalawa'y gumawa ng kasunduan. 011 1KI 005 013 At ang haring Salomon ay humingi ng mga mang-aatag sa buong Israel; at ang mga mang-aatag ay tatlong pung libong lalake. 011 1KI 005 014 At kaniyang sinusugo sila sa Libano na sangpu-sangpung libo bawa't buwan na halinhinan: isang buwan ay nasa Libano, at dalawang buwan ay sa bahay: at si Adoniram ay tagapamahala sa mga mang-aatag. 011 1KI 005 015 At si Salomon ay may pitong pung libong nagsisipagdala ng mga pasan at walong pung libong mangdadaras sa bundukin: 011 1KI 005 016 Bukod pa ang mga kapatas ni Salomon na nasa gawain, na tatlong libo at tatlong daan, na nagpupuno sa mga taong nagsisigawa ng gawain. 011 1KI 005 017 At ang hari ay nagutos, at nagsitibag sila ng malalaking bato, ng mga mahahalagang bato, upang ilagay ang tatagang-baon ng bahay na gumagamit ng mga batong tabas. 011 1KI 005 018 At tinabas ng mga tagapagtayo ni Salomon, at ng mga tagapagtayo ni Hiram at ng mga Gebalita, at inihanda ang mga kahoy, at ang mga bato upang itayo ang bahay. 011 1KI 006 001 At nangyari nang ikaapat na raan at walong pung taon pagkatapos na ang mga anak ni Israel ay nangakalabas sa lupain ng Egipto, nang ikaapat na taon ng paghahari ni Salomon sa Israel, nang buwan ng Ziph, na ikalawang buwan, na kaniyang pinasimulang itinayo ang bahay ng Panginoon. 011 1KI 006 002 At ang bahay na itinayo ng haring Salomon ukol sa Panginoon, ang haba niyao'y anim na pung siko, at ang luwang ay dalawang pung siko, at ang taas ay tatlong pung siko. 011 1KI 006 003 At ang portiko sa harap ng templo ng bahay, may dalawang pung siko ang haba, ayon sa luwang ng bahay; at sangpung siko ang luwang niyaon sa harap ng bahay. 011 1KI 006 004 At iginawa ang bahay ng mga dungawan na may silahia. 011 1KI 006 005 At sa karatig ng pader ng bahay ay naglagay siya ng mga grado sa palibot, sa siping ng mga pader ng bahay sa palibot ng templo at gayon din sa sanggunian: at siya'y gumawa ng mga silid sa tagiliran sa palibot: 011 1KI 006 006 Ang kababababaan ay may limang siko ang luwang, at ang pangalawang grado ay may anim na siko ang luwang, at ang ikatlo ay may pitong siko ang luwang: sapagka't siya'y gumawa ng mga tungtungan sa labas ng bahay sa palibot, upang ang mga sikang ay huwag kumapit sa mga pader ng bahay. 011 1KI 006 007 At ang bahay, nang ginagawa, ay ginawa na mga bato na inihanda sa tibagan ng bato: at wala kahit pamukpok o palakol man, o anomang kasangkapang bakal na narinig sa bahay, samantalang itinatayo. 011 1KI 006 008 Ang pintuan sa mga kababababaang silid sa tagiliran ay nasa dakong kanan ng bahay: at sa pamamagitan ng isang hagdanang sinuso ay nakapapanhik sa pangalawang grado, at mula sa pangalawang grado ay sa ikatlo. 011 1KI 006 009 Gayon itinayo niya ang bahay, at tinapos at binubungan ang bahay ng mga sikang at mga tabla ng sedro. 011 1KI 006 010 At kaniyang ginawa ang mga grado na karatig ng buong bahay, na bawa't isa'y limang siko ang taas: at kumakapit sa bahay sa pamamagitan ng kahoy na sedro. 011 1KI 006 011 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Salomon, na sinasabi, 011 1KI 006 012 Tungkol sa bahay na ito na iyong itinatayo, kung ikaw ay lalakad sa aking mga palatuntunan, at gagawin ang aking mga kahatulan, at iingatan ang lahat ng aking mga utos upang lakaran; ay akin ngang pagtitibayin ang aking salita sa iyo, na aking sinalita kay David na iyong ama. 011 1KI 006 013 At ako'y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel, at hindi ko pababayaan ang aking bayang Israel. 011 1KI 006 014 Gayon itinayo ni Salomon ang bahay, at tinapos. 011 1KI 006 015 At kaniyang ginawa ang mga panig sa loob ng bahay na kahoy na sedro; mula sa lapag ng bahay hanggang sa mga panig ng kisame, na kaniyang binalot ng kahoy sa loob; at kaniyang tinakpan ang lapag ng bahay ng tabla na abeto. 011 1KI 006 016 At siya'y gumawa ng isang silid na dalawang pung siko sa pinakaloob ng bahay, ng tabla na sedro mula sa lapag hanggang sa mga panig sa itaas: na kaniyang ginawa sa loob na ukol sa sanggunian, sa makatuwid baga'y ukol sa kabanalbanalang dako. 011 1KI 006 017 At ang bahay, sa makatuwid baga'y ang templo sa harap ng sanggunian ay apat na pung siko ang haba. 011 1KI 006 018 At may mga sedro sa loob ng bahay na inukitan ng kulukuti at mga bukang bulaklak: lahat ay sedro; walang batong makikita. 011 1KI 006 019 At siya'y naghanda ng isang sanggunian sa gitna ng pinakaloob ng bahay, upang ilagay roon ang kaban ng tipan ng Panginoon. 011 1KI 006 020 At ang loob ng sanggunian ay may dalawang pung siko ang haba, at dalawang pung siko ang luwang, at dalawang pung siko ang taas: at binalot niya ng taganas na ginto: at binalot niya ng sedro ang dambana. 011 1KI 006 021 Sa gayo'y binalot ni Salomon ang loob ng bahay ng taganas na ginto: at kaniyang kinanaan ng mga tanikalang ginto ang harapan ng sanggunian; at binalot ng ginto. 011 1KI 006 022 At binalot ng ginto ang buong bahay, hanggang sa ang bahay ay nayari: gayon din ang buong dambana na nauukol sa sanggunian ay kaniyang binalot ng ginto. 011 1KI 006 023 At sa sanggunian ay gumawa siya ng dalawang querubin na kahoy na olibo, na bawa't isa'y may sangpung siko ang taas. 011 1KI 006 024 At limang siko ang isang pakpak ng querubin, at limang siko ang kabilang pakpak ng querubin: mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa dulo ng kabila ay sangpung siko. 011 1KI 006 025 At ang isang querubin ay sangpung siko: ang dalawang querubin ay may isang sukat at isang anyo. 011 1KI 006 026 Ang taas ng isang querubin ay may sangpung siko, at gayon din ang isang querubin. 011 1KI 006 027 At kaniyang inilagay ang mga querubin sa pinakaloob ng bahay: at ang mga pakpak ng mga querubin ay nangakabuka na anopa't ang pakpak ng isa ay dumadaiti sa isang panig, at ang pakpak ng ikalawang querubin ay dumadaiti sa kabilang panig; at ang kanilang mga kabilang pakpak ay nagkakadaiti sa gitna ng bahay. 011 1KI 006 028 At kaniyang binalot ng ginto ang mga querubin. 011 1KI 006 029 At kaniyang inukitan ang lahat na panig ng bahay sa palibot ng mga ukit na larawan ng mga querubin, at ng mga puno ng palma, at ng mga bukang bulaklak, sa loob at sa labas. 011 1KI 006 030 At ang lapag ng bahay ay binalot niya ng ginto, sa loob at sa labas. 011 1KI 006 031 At sa pasukan ng sanggunian, siya'y gumawa ng mga pintuan na kahoy na olibo: ang itaas ng pintuan at ang mga haligi niyaon ay ikalimang bahagi ng panig ang laki. 011 1KI 006 032 Sa gayo'y gumawa siya ng dalawang pinto na kahoy na olibo; at kaniyang inukitan ng mga ukit na mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak, at binalot niya ng ginto; at kaniyang ikinalat ang ginto sa mga querubin, at sa mga puno ng palma, 011 1KI 006 033 Sa gayo'y gumawa naman siya sa pasukan ng templo ng mga haligi ng pintuan na kahoy na olibo, sa ikaapat na bahagi ng panig; 011 1KI 006 034 At dalawang pinto na kahoy na abeto; ang dalawang pohas ng isang pinto ay naititiklop, at ang dalawang pohas ng kabilang pinto ay naititiklop. 011 1KI 006 035 At kaniyang pinagukitan ng mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak; at binalot niya ng ginto na kapit sa mga ukit na gawa. 011 1KI 006 036 At kaniyang ginawa ang loob na looban, na tatlong hanay na batong tabas, at isang hanay na sikang na kahoy na sedro. 011 1KI 006 037 Nang ikaapat na taon, sa buwan ng Ziph, inilagay ang mga tatagang-baon ng bahay ng Panginoon. 011 1KI 006 038 At nang ikalabing isang taon, sa buwan ng Bul, na siyang ikawalong buwan ay nayari ang bahay sa lahat ng bahagi niyaon, at ayon sa buong anyo niyaon. Na anopa't pitong taong ginawa. 011 1KI 007 001 At itinayo ni Salomon ang kaniyang sariling bahay na labing tatlong taon, at kaniyang nayari ang kaniyang buong bahay. 011 1KI 007 002 Sapagka't kaniyang itinayo ang bahay na kahoy sa gubat ng Libano; ang haba'y isang daang siko, at ang luwang ay limang pung siko, at ang taas ay tatlong pung siko, sa apat na hanay na haliging sedro na may sikang na sedro sa ibabaw ng mga haligi. 011 1KI 007 003 At binubungan ng sedro sa ibabaw ng apat na pu't limang sikang, na nasa ibabaw ng mga haligi; labing lima sa isang hanay. 011 1KI 007 004 At may mga dungawan sa tatlong grado, at ang liwanag ng mga yaon ay nangagkakatapatan, sa tatlong grado. 011 1KI 007 005 At ang lahat na pintuan at mga haligi ay pawang parisukat ang anyo: at ang mga liwanag ay nangagkakatapatan, sa tatlong grado. 011 1KI 007 006 At siya'y gumawa ng portiko na may mga haligi: ang haba niyao'y limang pung siko, at ang luwang niyao'y tatlong pung siko, at may isang portiko na nasa harap ng mga yaon; at mga haligi at sikang ang nangasa harap ng mga yaon. 011 1KI 007 007 At kaniyang ginawa ang portiko ng luklukan na kaniyang paghuhukuman, sa makatuwid baga'y ang portiko ng hukuman: at nababalot ng sedro sa lapag at lapag. 011 1KI 007 008 At ang kaniyang bahay na tahanan, ibang looban sa loob ng portiko ay sa gayon ding gawa. Kaniyang iginawa rin naman ng bahay ang anak na babae ni Faraon (na naging asawa ni Salomon) na hawig portikong ito. 011 1KI 007 009 Ang lahat na ito'y mga mahalagang bato, sa makatuwid baga'y mga batong tabas, ayon sa sukat, na nilagari ng mga lagari, sa labas at sa loob, mula sa mga tatagang-baon hanggang sa kataastaasan, at gayon sa labas hanggang sa malaking looban. 011 1KI 007 010 At ang tatagang-baon ay mga mahalagang bato, sa makatuwid baga'y mga malaking bato, mga batong may sangpung siko, at mga batong may walong siko. 011 1KI 007 011 At sa ibabaw ay may mga mahalagang bato, sa makatuwid baga'y mga batong tabas, ayon sa sukat, at kahoy na sedro. 011 1KI 007 012 At ang malaking looban sa palibot ay may tatlong hanay ng batong tabas, at isang hanay na sikang na sedro; gaya ng pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at ng portiko ng bahay. 011 1KI 007 013 At nagsugo ang haring Salomon, at ipinasundo si Hiram sa Tiro. 011 1KI 007 014 Siya'y anak ng isang babaing bao sa lipi ni Nephtali, at ang kaniyang ama ay lalaking taga Tiro, na manggagawa sa tanso; at siya'y puspos ng karunungan, at katalinuhan, at kabihasahan, upang gumawa ng lahat na gawain sa tanso. At siya'y naparoon sa haring Salomon, at ginawa ang lahat niyang gawain. 011 1KI 007 015 Sapagka't kaniyang tinabas ang dalawang haligi na tanso, na may labing walong siko ang taas ng bawa't isa: at isang panukat na pisi na may labing dalawang siko ay maipalilibid sa bilog ng alinman sa bawa't isa. 011 1KI 007 016 At siya'y gumawa ng dalawang kapitel na binubong tanso, upang ilagay sa mga dulo ng mga haligi: ang taas ng isang kapitel ay limang siko at ang taas ng kabilang kapitel ay limang siko. 011 1KI 007 017 May mga yaring nilambat, at mga tirintas na yaring tinanikala, na ukol sa mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; pito sa isang kapitel, at pito sa kabilang kapitel. 011 1KI 007 018 Gayon ginawa niya ang mga haligi: at mayroong dalawang hanay sa palibot ng isang yaring lambat, upang takpan ang mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; at gayon ang ginawa niya sa kabilang kapitel. 011 1KI 007 019 At ang mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi sa portiko ay mga yaring lila, na apat na siko. 011 1KI 007 020 At may mga kapitel naman sa dulo ng dalawang haligi, na malapit sa pinakatiyan na nasa siping ng yaring lambat: at ang mga granada ay dalawang daan, na nahahanay sa palibot sa ikalawang kapitel. 011 1KI 007 021 At kaniyang itinayo ang mga haligi sa portiko ng templo: at kaniyang itinayo ang kanang haligi, at pinanganlang Jachin: at kaniyang itinayo ang kaliwang haligi, at pinanganlang Boaz. 011 1KI 007 022 At sa dulo ng mga haligi ay may yaring lila: sa gayo'y ang gawain sa mga haligi ay nayari. 011 1KI 007 023 At kaniyang ginawa ang binubong dagatdagatan na may sangpung siko mula sa labi't labi, na lubos na mabilog, at ang taas ay limang siko: at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko ang maipalilibid sa palibot. 011 1KI 007 024 At sa ilalim ng labi sa paligid ay may mga kulukuti sa palibot, na sangpu sa bawa't siko, na nakalibid sa dagatdagatan sa palibot: ang mga kulukuti ay dalawang hanay, na binubo ng bubuin ang binubong dagatdagatan. 011 1KI 007 025 Nakapatong ang dagatdagatan sa labing dalawang baka, ang tatlo'y nakaharap sa dakong hilagaan, ang tatlo'y nakaharap sa dakong kalunuran, ang tatlo'y nakaharap sa dakong timugan, at ang tatlo'y nakaharap sa dakong silanganan; at ang dagatdagatan ay napapatong sa mga yaon, at ang lahat na puwitan ng mga yaon ay nasa loob. 011 1KI 007 026 At ang kapal ng dagatdagatan ay isang dangkal; at ang labi niyaon ay yaring gaya ng labi ng isang tasa, gaya ng bulaklak na lila: naglalaman ng dalawang libong bath. 011 1KI 007 027 At siya'y gumawa ng sangpung patungang tanso: apat na siko ang haba ng bawa't isa at apat na siko ang luwang, at tatlong siko ang taas. 011 1KI 007 028 At ang pagkayari ng mga patungan ay ganitong paraan: may mga gilid na takip sa pagitan ng mga sugpong: 011 1KI 007 029 At sa mga gilid na takip na nasa pagitan ng mga sugpong ay may mga leon, mga baka, at mga querubin; at sa itaas ng mga sugpong ay may tungtungan sa ibabaw; at sa ibaba ng mga leon, at mga baka, ay may mga tirintas na nangagbitin. 011 1KI 007 030 At bawa't patungan ay may apat na gulong na tanso, at mga ejeng tanso: at ang apat na paa niyao'y may mga lapatan: sa ilalim ng hugasan ay may mga lapatan na binubo, na may mga tirintas sa siping ng bawa't isa. 011 1KI 007 031 At ang bunganga niyaong nasa loob ng kapitel, at ang taas ay may isang siko: at ang bunganga niyao'y mabilog ayon sa pagkayari ng tungtungan, na may isang siko't kalahati: at sa bunganga naman niyao'y may mga ukit, at ang mga gilid ng mga yaon ay parisukat, hindi mabilog. 011 1KI 007 032 At ang apat na gulong ay nasa ibaba ng mga gilid; at ang mga eje ng mga gulong ay nasa patungan: at ang taas ng bawa't gulong ay isang siko at kalahati. 011 1KI 007 033 At ang pagkagawa ng mga gulong ay gaya ng pagkagawa ng mga gulong ng karo: ang mga eje ng mga yaon, at ang mga Ilanta ng mga yaon, at ang mga rayos ng mga yaon at ang mga boha niyaon ay pawang binubo. 011 1KI 007 034 At may apat na lapatan sa apat na panulok ng bawa't patungan: ang mga lapatan ay kaputol ng patungan. 011 1KI 007 035 At sa ibabaw ng patungan ay may isang nakababakod na mabilog na may kalahating siko ang taas: at sa ibabaw ng patunga'y nandoon ang mga panghawak, at ang mga gilid ay kaputol niyaon. 011 1KI 007 036 At sa mga lamina ng mga panghawak niyaon at sa mga gilid niyaon, ay kaniyang inukitan ng mga querubin, mga leon, at mga puno ng palma ayon sa pagitan ng bawa't isa, na may mga tirintas sa palibot. 011 1KI 007 037 Ayon sa paraang ito ay kaniyang ginawa ang sangpung patungan: lahat ng yaon ay iisa ang pagkabubo, iisa ang sukat, at iisa ang anyo. 011 1KI 007 038 At siya'y gumawa ng sangpung hugasang tanso: isang hugasan ay naglalaman ng apat na pung bath: at bawa't hugasan ay may apat na siko: at sa bawa't isa sa sangpung patungan ay isang hugasan. 011 1KI 007 039 At kaniyang inilagay ang mga patungan, lima sa kanang tagiliran ng bahay, at lima sa kaliwang tagiliran ng bahay: at kaniyang inilagay ang dagatdagatan sa tagilirang kanan ng bahay sa dakong silanganan, na dakong timugan. 011 1KI 007 040 At ginawa ni Hiram ang mga hugasan, at ang mga pala, at ang mga mangkok. Gayon tinapos gawin ni Hiram ang lahat na gawa na kaniyang ginawa sa haring Salomon, sa bahay ng Panginoon: 011 1KI 007 041 Ang dalawang haligi, at ang dalawang kabilugan sa paligid ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; at ang dalawang yaring lambat na nakaligid sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; 011 1KI 007 042 At ang apat na raang granada sa dalawang yaring lambat; ang dalawang hanay na granada sa bawa't yaring lambat, upang makaligid sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; 011 1KI 007 043 At ang sangpung patungan, at ang sangpung hugasan sa ibabaw ng mga patungan; 011 1KI 007 044 At ang isang dagatdagatan, at ang labing dalawang baka sa ilalim ng dagatdagatan; 011 1KI 007 045 At ang mga palyok, at ang mga pala, at ang mga mangkok: sa makatuwid baga'y lahat ng kasangkapang ito na ginawa ni Hiram sa haring Salomon, sa bahay ng Panginoon, ay pawang tansong binuli. 011 1KI 007 046 Sa kapatagan ng Jordan binubo ng hari, sa malagkit na lupa na nasa pagitan ng Succoth at ng Sarthan. 011 1KI 007 047 At lahat na kasangkapan ay hindi tinimbang ni Salomon, sapagka't totoong napakarami: ang timbang ng tanso ay hindi makukuro. 011 1KI 007 048 At ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapan na nasa bahay ng Panginoon: ang ginintong dambana, at ang dulang na gininto na kinaroroonan ng tinapay na handog; 011 1KI 007 049 At ang mga kandelero na taganas na ginto na lima sa dakong kanan, at lima sa kaliwa sa harap ng sanggunian; at ang mga bulaklak, at ang mga ilawan, at mga pangipit na ginto; 011 1KI 007 050 At ang mga saro, at ang mga panggupit ng micha, at ang mga mangkok, at ang mga panandok, at ang mga suuban, na taganas na ginto; at ang mga pihitang ginto maging ang sa mga pinto ng bahay sa loob, na kabanalbanalang dako, at ang sa mga pinto ng bahay, sa makatuwid baga'y ng templo. 011 1KI 007 051 Ganito nayari ang buong gawa ng haring Salomon na ginawa sa bahay ng Panginoon. At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama, ang pilak at ang ginto, at ang mga kasangkapan, at ipinasok sa mga silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon. 011 1KI 008 001 Nang magkagayo'y pinisan ni Salomon ang mga matanda ng Israel at ang lahat na pangulo sa mga lipi, ang mga prinsipe sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel, sa haring Salomon sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David na siyang Sion. 011 1KI 008 002 At ang lahat na lalake sa Israel ay nagpisan kay haring Salomon sa kapistahan, sa buwan ng Ethanim, na siyang ikapitong buwan. 011 1KI 008 003 At ang lahat na matanda sa Israel ay naparoon, at binuhat ng mga saserdote ang kaban. 011 1KI 008 004 At kanilang iniahon ang kaban ng Panginoon, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat na banal na kasangkapan na nasa Tolda; iniahon nga ang mga ito ng mga saserdote at ng mga Levita. 011 1KI 008 005 At ang haring Salomon at ang buong kapulungan ng Israel na nangagpisan sa kaniya, ay mga kasama niya sa harap ng kaban, na naghahain ng mga tupa at mga baka, na di masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan. 011 1KI 008 006 At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa karoroonan, sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa ilalim ng mga pakpak ng mga querubin. 011 1KI 008 007 Sapagka't nangakabuka ang mga pakpak ng mga querubin sa dako ng kaban, at ang mga querubin ay nagbibigay kanlong sa kaban at sa mga pingga niyaon sa ibabaw. 011 1KI 008 008 At ang mga pingga ay nangapakahaba, na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa dakong banal sa harap ng sanggunian; nguni't hindi nangakikita sa labas: at nandoon hanggang sa araw na ito. 011 1KI 008 009 Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises doon sa Horeb, nang ang Panginoon ay makipagtipan sa mga anak ni Israel, nang sila'y lumabas sa lupain ng Egipto. 011 1KI 008 010 At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa dakong banal, na napuno ng ulap ang bahay ng Panginoon. 011 1KI 008 011 Na anopa't ang mga saserdote ay hindi makatayo upang mangasiwa dahil sa ulap: sapagka't napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon. 011 1KI 008 012 Nang magkagayo'y nagsalita si Salomon, Ang Panginoo'y nagsabi na siya'y tatahan sa salimuot na kadiliman. 011 1KI 008 013 Tunay na ipinagtayo kita ng isang bahay na tahanan, ng isang dako upang iyong tahanan magpakailan man. 011 1KI 008 014 At ipinihit ng hari ang kaniyang mukha, at binasbasan ang buong kapisanan ng Israel: at ang buong kapisanan ng Israel ay tumayo. 011 1KI 008 015 At kaniyang sinabi, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsalita ng kaniyang bibig kay David na aking ama, at tinupad ng kaniyang kamay, na sinasabi, 011 1KI 008 016 Mula nang araw na aking ilabas ang aking bayang Israel sa Egipto, hindi ako pumili ng bayan sa lahat ng mga lipi ng Israel upang magtayo ng bahay, upang ang aking pangalan ay dumoon; nguni't aking pinili si David upang maging pangulo sa aking bayang Israel. 011 1KI 008 017 Nasa puso nga ni David na aking ama ang ipagtayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel. 011 1KI 008 018 Nguni't sinabi ng Panginoon kay David na aking ama, Sa paraang nasa iyong puso ang ipagtayo ng isang bahay ang aking pangalan, mabuti ang iyong ginawa na inakala mo sa iyong puso; 011 1KI 008 019 Gayon ma'y hindi mo itatayo ang bahay; kundi ang iyong anak na lalabas sa iyong mga balakang, siyang magtatayo ng bahay na ukol sa aking pangalan. 011 1KI 008 020 At pinagtibay ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita: sapagka't ako'y bumangon na kahalili ni David na aking ama, at nakaupo sa luklukan ng Israel, gaya ng ipinangako ng Panginoon, at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel. 011 1KI 008 021 At doo'y aking ipinaghanda ng isang dako ang kaban, na kinaroroonan ng tipan ng Panginoon na kaniyang ginawa sa ating mga magulang, nang kaniyang ilabas sila sa lupain ng Egipto. 011 1KI 008 022 At si Salomon ay tumayo sa harap ng dambana ng Panginoon, sa harapan ng buong kapisanan ng Israel, at iginawad ang kaniyang mga kamay sa dakong langit: 011 1KI 008 023 At kaniyang sinabi, Oh Panginoong Dios ng Israel, walang Dios na gaya mo, sa langit sa itaas, o sa lupa sa ibaba; na siyang nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod, na lumalakad sa harap mo ng kanilang buong puso. 011 1KI 008 024 Na siyang nagingat sa iyong lingkod na kay David na aking ama ng iyong ipinangako sa kaniya: oo, ikaw ay nagsalita ng iyong bibig, at ginanap mo ng iyong kamay, gaya sa araw na ito. 011 1KI 008 025 Ngayon nga, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya, na iyong sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin, na uupo sa luklukan ng Israel, kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad, na magsisilakad sa harap ko na gaya ng inilakad mo sa harap ko. 011 1KI 008 026 Ngayon nga, Oh Dios ng Israel, idinadalangin ko sa iyo na papangyarihin mo ang iyong salita na iyong sinalita sa iyong lingkod na kay David na aking ama. 011 1KI 008 027 Nguni't katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? Narito, sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo! 011 1KI 008 028 Gayon ma'y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang pamanhik, Oh Panginoon kong Dios, na dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo sa araw na ito: 011 1KI 008 029 Na anopa't ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito gabi at araw, sa dakong iyong sinabi, Ang aking pangalan ay doroon; upang dinggin ang panalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa dakong ito. 011 1KI 008 030 At dinggin mo ang pamanhik ng iyong lingkod, at ng iyong bayang Israel, pagka sila'y mananalangin sa dakong ito: oo, dinggin mo sa langit na iyong tahanang dako; at pagka iyong narinig patawarin mo. 011 1KI 008 031 Kung ang isang tao ay magkasala laban sa kaniyang kapuwa, at papanumpain siya upang siya'y sumumpa, at siya'y pumarito at manumpa sa harap ng iyong dambana sa bahay na ito: 011 1KI 008 032 Dinggin mo nga sa langit, at iyong gawin, at hatulan mo ang iyong mga lingkod, na iyong parusahan ang masama, upang iyong dalhin ang kaniyang lakad sa kaniyang sariling ulo; at ariing-ganap ang matuwid, upang bigyan siya ng ayon sa kaniyang katuwiran. 011 1KI 008 033 Pagka ang iyong bayang Israel ay nasaktan sa harap ng kaaway, dahil sa sila'y nagkasala laban sa iyo; kung sila'y bumalik sa iyo, at ipahayag ang iyong pangalan, at dumalangin at pumanhik sa iyo sa bahay na ito: 011 1KI 008 034 Dinggin mo nga sa langit, at ipatawad mo ang sala ng iyong bayang Israel, at dalhin mo sila uli sa lupain na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang. 011 1KI 008 035 Pagka ang langit ay nasarhan, at walang ulan, dahil sa sila'y nagkasala laban sa iyo; kung sila'y dumalangin sa dakong ito, at ipahayag ang iyong pangalan, at talikdan ang kanilang kasalanan, pagka iyong pinighati sila: 011 1KI 008 036 Dinggin mo nga sa langit, at ipatawad mo ang sala ng iyong mga lingkod, at ng iyong bayang Israel, pagka iyong tuturuan sila ng mabuting daan na kanilang dapat lakaran; at paulanan mo ang iyong lupain na iyong ibinigay sa iyong bayan na pinakamana. 011 1KI 008 037 Kung magkaroon ng kagutom sa lupain, kung magkaroon ng salot, kung magkaroon ng pagkakatuyot, o amag, balang o tipaklong, kung kulungin sila ng kanilang kaaway sa lupain ng kanilang mga bayan; anomang salot, anomang sakit na magkaroon, 011 1KI 008 038 Anomang dalangin at pamanhik na gawin ng sinomang tao, o ng iyong buong bayang Israel, na makikilala ng bawa't tao ang salot sa kaniyang sariling puso, at iuunat ang kaniyang mga kamay sa dako ng bahay na ito: 011 1KI 008 039 Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at ikaw ay magpatawad at gumawa, at gumanti ka sa bawa't tao ayon sa lahat niyang mga lakad na ang puso ay iyong natataho; (sapagka't ikaw, ikaw lamang ang nakakataho ng mga puso ng lahat ng mga anak ng mga tao; ) 011 1KI 008 040 Upang sila'y matakot sa iyo sa lahat ng kaarawan na kanilang ikabubuhay sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang. 011 1KI 008 041 Bukod dito'y tungkol sa taga ibang lupa, na hindi sa iyong bayang Israel, pagka siya'y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa iyong pangalan; 011 1KI 008 042 (Sapagka't kanilang mababalitaan ang iyong dakilang pangalan, at ang iyong makapangyarihang kamay, at ang iyong unat na bisig: ) pagka siya'y paririto at dadalangin sa dako ng bahay na ito; 011 1KI 008 043 Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at gawin mo ang ayon sa lahat na idalangin sa iyo ng taga ibang lupa; upang makilala ng lahat ng mga bayan sa lupa ang iyong pangalan, upang matakot sa iyo, gaya ng iyong bayang Israel, at upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa pamamagitan ng iyong pangalan. 011 1KI 008 044 Kung ang iyong bayan ay lumabas sa pakikipagbaka laban sa kaniyang mga kaaway, saan mo man sila suguin, at manalangin sa Panginoon sa dako ng bayan na iyong pinili, at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan: 011 1KI 008 045 Dinggin mo nga sa langit ang kanilang dalangin at ang kanilang pamanhik, at alalayan mo ang kanilang usap. 011 1KI 008 046 Kung sila'y magkasala laban sa iyo, (sapagka't walang tao na di nagkakasala, ) at ikaw ay magalit sa kanila, at ibigay mo sila sa kaaway, na anopa't sila'y dalhing bihag sa lupain ng kaaway sa malayo o sa malapit; 011 1KI 008 047 Gayon ma'y kung sila'y magbulay sa kanilang sarili sa lupain na pagdadalhang bihag sa kanila, at magbalik-loob, at mamanhik sa iyo sa lupaing pinagdalhan sa kanila na bihag, na magsabi, Kami ay nagkasala, at kami ay gumawa ng kalikuan, kami ay gumawa ng kasamaan; 011 1KI 008 048 Kung sila'y bumalik sa iyo ng buong puso nila at ng buong kaluluwa nila sa lupain ng kanilang mga kaaway, na nagdala sa kanilang bihag, at manalangin sa iyo sa dako ng kanilang lupain, na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang, na bayang pinili mo, at bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan: 011 1KI 008 049 Dinggin mo nga ang kanilang dalangin at ang kanilang pamanhik sa langit na iyong tahanang dako, at alalayan mo ang kanilang usap; 011 1KI 008 050 At patawarin mo ang iyong bayan, na nagkasala laban sa iyo, at ang lahat nilang pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa iyo; at mahabag ka sa kanila sa harap niyaong mga nagdalang bihag sa kanila, upang sila'y mahabag sa kanila: 011 1KI 008 051 (Sapagka't sila'y iyong bayan at iyong mana, na iyong inilabas sa Egipto sa gitna ng hurnong bakal): 011 1KI 008 052 Upang ang iyong mga mata'y madilat sa dalangin ng iyong lingkod, at sa dalangin ng iyong bayang Israel, upang iyong dinggin sila sa anomang panahong kanilang idaing sa iyo. 011 1KI 008 053 Sapagka't iyong inihiwalay sila sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa upang maging iyong mana, gaya ng iyong sinalita sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod nang iyong ilabas ang aming mga magulang sa Egipto, Oh Panginoong Dios. 011 1KI 008 054 At nangyari, na pagkatapos ni Salomon na makapanalangin nitong lahat na dalangin at pamanhik sa Panginoon, siya'y tumindig mula sa harap ng dambana ng Panginoon, sa pagkaluhod ng kaniyang mga tuhod na ang kaniyang mga kamay ay nakagawad sa dakong langit. 011 1KI 008 055 At siya'y tumayo, at binasbasan ang buong kapisanan ng Israel ng malakas na tinig, na sinasabi, 011 1KI 008 056 Purihin ang Panginoon na nagbigay kapahingahan sa kaniyang bayang Israel, ayon sa lahat na kaniyang ipinangako: walang nagkulang na isang salita sa lahat niyang mabuting pangako, na kaniyang ipinangako sa pamamagitan ni Moises na kaniyang lingkod. 011 1KI 008 057 Sumaatin nawa ang Panginoon nating Dios, kung paanong siya'y sumaating mga magulang: huwag niya tayong iwan o pabayaan man; 011 1KI 008 058 Upang kaniyang ihilig ang ating mga puso sa kaniya, upang magsilakad sa lahat ng kaniyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, na kaniyang iniutos sa ating mga magulang. 011 1KI 008 059 At ang mga salitang ito na aking idinalangin sa harap ng Panginoon ay malapit nawa sa Panginoon nating Dios sa araw at gabi, na kaniyang alalayan ang usap ng kaniyang lingkod, at ang usap ng kaniyang bayang Israel, ayon sa kailangan sa araw araw; 011 1KI 008 060 Upang maalaman ng lahat na bayan sa lupa, na ang Panginoon ay siyang Dios: walang iba. 011 1KI 008 061 Kaya't maging sakdal nawa ang inyong puso sa Panginoon nating Dios, na magsilakad sa kaniyang mga palatuntunan, at ingatan ang kaniyang mga utos, gaya sa araw na ito. 011 1KI 008 062 At ang hari, at ang buong Israel na kasama niya, ay naghandog ng hain sa harap ng Panginoon. 011 1KI 008 063 At naghandog si Salomon ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan ng kaniyang inihandog sa Panginoon, na dalawang pu't dalawang libong baka, at isang daan at dalawang pung libong tupa. Ganito itinalaga ng hari at ng lahat ng mga anak ni Israel ang bahay ng Panginoon. 011 1KI 008 064 Nang araw ding yaon ay pinapaging banal ng hari ang gitna ng looban na nasa harap ng bahay ng Panginoon: sapagka't doon niya inihandog ang handog na susunugin, at ang handog na harina, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan, sapagka't ang tansong dambana na nasa harap ng Panginoon ay totoong maliit na hindi magkasya roon ang handog na susunugin, at ang handog na harina, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan. 011 1KI 008 065 Sa gayo'y ipinagdiwang ni Salomon ang kapistahan nang panahong yaon at ang buong Israel na kasama niya, isang malaking kapisanan na mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Egipto sa harap ng Panginoon nating Dios, na pitong araw, at pitong araw, sa makatuwid baga'y labing apat na araw. 011 1KI 008 066 Nang ikawalong araw, ay kaniyang pinapagpaalam ang bayan: at kanilang pinuri ang hari, at naparoon sa kanilang mga tolda na galak at may masayang puso dahil sa lahat na kabutihan na ipinakita ng Panginoon kay David na kaniyang lingkod, at sa Israel na kaniyang bayan. 011 1KI 009 001 At nangyari, nang matapos ni Salomon ang pagtatayo ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, at ang lahat na nasa ni Salomon na kaniyang kinalulugurang gawin. 011 1KI 009 002 Na ang Panginoo'y napakita kay Salomon na ikalawa, gaya ng siya'y pakita sa kaniya sa Gabaon. 011 1KI 009 003 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Aking dininig ang iyong panalangin at ang iyong pamanhik na iyong ipinagbadya sa harap ko: aking pinapaging banal ang bahay na ito na iyong itinayo, upang ilagay ang aking pangalan doon magpakailan man; at ang aking mga mata at ang aking puso ay doroong palagi. 011 1KI 009 004 At tungkol sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harap ko, gaya ng inilakad ni David, na iyong ama sa pagtatapat ng puso at sa katuwiran na gagawa ka ng ayon sa lahat ng aking iniutos sa iyo, at iingatan mo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan: 011 1KI 009 005 Ay akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian sa Israel magpakailan man, ayon sa aking ipinangako kay David na iyong ama, na sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa luklukan ng Israel. 011 1KI 009 006 Nguni't kung kayo ay magsisihiwalay sa pagsunod sa akin, kayo o ang inyong mga anak, at hindi ingatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, na aking inilagay sa harap ninyo, kundi kayo'y magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios, at magsisisamba sa kanila: 011 1KI 009 007 Aking ngang ihihiwalay ang Israel sa lupain na aking ibinigay sa kanila; at ang bahay na ito na aking pinapaging banal sa aking pangalan, ay aking iwawaksi sa aking paningin; at ang Israel ay magiging kawikaan at kakutyaan sa gitna ng lahat ng bayan: 011 1KI 009 008 At bagaman ang bahay na ito ay totoong mataas, gayon ma'y ang bawa't magdaan sa kaniya ay magtataka at susutsot at kanilang sasabihin, Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito, at sa bahay na ito? 011 1KI 009 009 At sila'y magsisisagot, Sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon nilang Dios na naglabas sa kanilang mga magulang sa lupain ng Egipto, at nagsipanghawak sa ibang mga dios, at sinamba nila, at pinaglingkuran nila: at kaya't pinarating ng Panginoon sa kanila ang lahat na kasamaang ito. 011 1KI 009 010 At nangyari sa katapusan ng dalawang pung taon, nang si Salomon ay makapagtayo ng dalawang bahay, ng bahay ng Panginoon at ng bahay ng hari, 011 1KI 009 011 (Si Hiram nga na hari sa Tiro ay nagpadala kay Salomon ng mga kahoy na sedro, at mga kahoy na abeto, at ng ginto, ayon sa buo niyang nasa, ) na binigyan nga ng haring Salomon si Hiram ng dalawang pung bayan sa lupain ng Galilea. 011 1KI 009 012 At lumabas si Hiram sa Tiro upang tingnan ang mga bayan na ibinigay ni Salomon sa kaniya; at hindi niya kinalugdan. 011 1KI 009 013 At kaniyang sinabi, Anong mga bayan itong iyong ipinagbibigay sa akin, kapatid ko? At tinawag niya: lupain ng Cabul, hanggang sa araw na ito. 011 1KI 009 014 At nagpadala si Hiram sa hari ng isang daan at dalawang pung talentong ginto. 011 1KI 009 015 At ito ang kadahilanan ng atang na iniatang ng haring Salomon, upang itayo ang bahay ng Panginoon at ang kaniyang bahay, at ang Millo at ang kuta sa Jerusalem at ang Hasor, at ang Megiddo, at ang Gezer. 011 1KI 009 016 Si Faraong hari sa Egipto ay umahon, at sinakop ang Gezer, at sinunog ng apoy, at pinatay ang mga Cananeo na nagsisitahan sa bayan, at ibinigay na pinakabahagi sa kaniyang anak na babae, na asawa ni Salomon. 011 1KI 009 017 At itinayo ni Salomon ang Gezer, at ang Beth-horon sa ibaba, 011 1KI 009 018 At ang Baalath, at ang Tamar sa ilang, sa lupain, 011 1KI 009 019 At ang lahat na bayan na imbakan na tinatangkilik ni Salomon, at ang mga bayan sa kaniyang mga karo, at ang mga bayan sa kaniyang mga mangangabayo, at yaong pinagnasaang pagtayuan ni Salomon sa kalulugdan niya sa Jerusalem, at sa Libano, at sa lahat ng lupain na kaniyang sakop. 011 1KI 009 020 Tungkol sa lahat na tao na naiwan, sa mga Amorrheo, mga Hetheo, mga Pherezeo, mga Heveo, at mga Jebuseo, na hindi sa mga anak ni Israel; 011 1KI 009 021 Sa kanilang mga anak na naiwan pagkamatay nila sa lupain, na hindi nalipol na lubos ng mga anak ni Israel, ay sa kanila nagtindig si Salomon ng pulutong ng alipin, hanggang sa araw na ito. 011 1KI 009 022 Nguni't hinggil sa mga anak ni Israel ay walang ginawang alipin si Salomon; kundi sila'y mga lalaking mangdidigma, at kaniyang mga lingkod, at kaniyang mga prinsipe, at kaniyang mga punong kawal, at mga pinuno sa kaniyang mga karo, at sa kaniyang mga mangangabayo. 011 1KI 009 023 Ito ang mga punong kapatas na nangasa gawain ni Salomon, limangdaan at limangpu, na nagsisipagpuno sa bayan na nagsisigawa sa gawain. 011 1KI 009 024 Nguni't ang anak na babae ni Faraon ay umahon mula sa bayan ni David sa kaniyang bahay na itinayo ni Salomon na ukol sa kaniya: saka itinayo niya ang Millo. 011 1KI 009 025 At makaitlo sa isang taon na naghahandog si Salomon ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana na kaniyang itinayo sa Panginoon, na pinagsusunugan niya ng kamangyan sa harap ng Panginoon. Ganoon niya niyari ang bahay. 011 1KI 009 026 At nagpagawa ang haring Salomon ng mga sasakyang dagat sa Ezion-geber na nasa siping ng Elath, sa baybayin ng Dagat na Mapula, sa lupain ng Edom. 011 1KI 009 027 At sinugo ni Hiram sa mga sasakyan ang kaniyang mga bataan, mga magdadagat na bihasa sa dagat, na kasama ng mga bataan ni Salomon. 011 1KI 009 028 At sila'y nagsiparoon sa Ophir at nagsikuha mula roon ng ginto, na apat na raan at dalawang pung talento, at dinala sa haring Salomon. 011 1KI 010 001 At nang mabalitaan ng reina sa Seba ang kabantugan ni Salomon tungkol sa pangalan ng Panginoon, ay naparoon siya upang subukin niya siya ng mga mahirap na tanong. 011 1KI 010 002 At siya'y naparoon sa Jerusalem na may maraming kaakbay, may mga kamelyo na may pasang mga espesia at totoong maraming ginto, at mga mahalagang bato: at nang siya'y dumating kay Salomon ay kaniyang inihinga sa kaniya ang lahat na laman ng kaniyang dibdib. 011 1KI 010 003 At isinaysay ni Salomon sa kaniya ang lahat ng kaniyang mga tanong: walang bagay na lihim sa hari na hindi niya isinaysay sa kaniya. 011 1KI 010 004 At nang makita ng reina sa Seba ang buong karunungan ni Salomon, at ang bahay na kaniyang itinayo, 011 1KI 010 005 At ang pagkain sa kaniyang dulang, at ang pagkaayos ng kaniyang mga alila, at ang tayo ng kaniyang mga tagapangasiwa, at ang kanilang mga pananamit, at ang kaniyang mga tagahawak ng saro, at ang kaniyang sampahan na kaniyang sinasampahan sa bahay ng Panginoon; ay nawalan siya ng diwa. 011 1KI 010 006 At sinabi niya sa hari, Tunay na balita ang aking narinig sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga gawa, at sa iyong karunungan. 011 1KI 010 007 Gayon may hindi ko pinaniwalaan ang mga salita hanggang sa ako'y dumating, at nakita ng aking mga mata: at, narito, ang kalahati ay hindi nasaysay sa akin: ang iyong karunungan at pagkaginhawa ay higit kay sa kabantugan na aking narinig. 011 1KI 010 008 Maginhawa ang iyong mga lalake, maginhawa ang iyong mga lingkod na ito, na nagsisitayong palagi sa harap mo, at nakakarinig ng iyong karunungan. 011 1KI 010 009 Purihin ang Panginoon mong Dios, na nalulugod sa iyo, upang ilagay ka sa luklukan ng Israel: sapagka't minamahal ng Panginoon ang Israel magpakailan man, kaya't ginawa ka niyang hari upang gumawa ng kahatulan at ng katuwiran. 011 1KI 010 010 At siya'y nagbigay sa hari ng isang daan at dalawang pung talentong ginto, at mga espesia na totoong sagana, at mga mahalagang bato; kailan ma'y hindi nagkaroon ng gayong kasaganaan ng mga espesia, gaya ng mga ito na ibinigay ng reina sa Seba sa haring Salomon. 011 1KI 010 011 At ang mga sasakyang dagat naman ni Hiram na nagsipagdala ng ginto mula sa Ophir, ay nagsipagdala ng saganang kahoy na almug at mga mahalagang bato mula sa Ophir. 011 1KI 010 012 At ginawa ng hari na mga haligi ang mga kahoy na almug sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari, at ginawa ring mga alpa. At mga salterio sa mga mangaawit: kailan ma'y hindi dumating ang mga gayong kahoy na almug, o nakita man, hanggang sa araw na ito. 011 1KI 010 013 At ang haring Salomon ay nagbigay sa reina sa Seba ng lahat niyang naibigan, at lahat niyang hiningi, bukod doon sa ibinigay ni Salomon sa kaniya na kaloob-hari. Sa gayo'y bumalik siya, at umuwi sa kaniyang sariling lupain, siya, at ang kaniyang mga lingkod. 011 1KI 010 014 Ang timbang nga ng ginto na dumating kay Salomon sa isang taon ay anim na raan at anim na pu't anim na talentong ginto, 011 1KI 010 015 Bukod doon sa dinala ng mga naglalako, at sa kalakal ng mga mangangalakal, at sa lahat na hari ng halohalong bayan, at sa mga gobernador sa lupain. 011 1KI 010 016 At ang haring Salomon ay gumawa ng dalawang daang kalasag na pinukpok na ginto: anim na raang siklong ginto ang ginamit sa bawa't kalasag. 011 1KI 010 017 At siya'y gumawa ng tatlong daang ibang kalasag na pinukpok na ginto: tatlong librang ginto ang ginamit sa bawa't kalasag: at ipinaglalagay ng hari sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano. 011 1KI 010 018 Bukod dito'y gumawa ang hari ng isang malaking luklukang garing, at binalot ng gintong pinakamainam. 011 1KI 010 019 May anim na baytang sa luklukan, at ang pinakalangit ng luklukan ay mabilog sa likuran: at may mga pinakakamay sa bawa't tagiliran sa siping ng dako ng upuan, at dalawang leon ang nakatayo sa siping ng mga pinakakamay. 011 1KI 010 020 At labing dalawang leon ang nakatayo roon sa isang dako at sa kabilang dako sa ibabaw ng anim na baytang: walang nagawang gayon sa alinmang kaharian. 011 1KI 010 021 At ang lahat na sisidlang inuman ng haring Salomon ay ginto, at ang lahat na sisidlan sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano ay taganas na ginto: walang pilak; hindi mahalaga ito sa mga kaarawan ni Salomon. 011 1KI 010 022 Sapagka't ang hari ay mayroon sa dagat ng mga sasakyan na yari sa Tharsis na kasama ng mga sasakyang dagat ni Hiram: minsan sa bawa't tatlong taon ay nanggagaling ang mga sasakyang dagat na yari sa Tharsis, na nagdadala ng ginto, at pilak, at garing, at mga unggoy, at mga pabo real. 011 1KI 010 023 Sa gayo'y ang haring Salomon ay humigit sa lahat ng mga hari sa lupa sa kayamanan at sa karunungan. 011 1KI 010 024 At hinanap ng buong lupa ang harapan ni Salomon, upang makinig ng kaniyang karunungan, na inilagay ng Dios sa kaniyang puso. 011 1KI 010 025 At sila'y nagsipagdala bawa't isa ng kanikaniyang kaloob, na mga sisidlang pilak, at mga sisidlang ginto, at damit, at sandata, at mga espesia, mga kabayo, at mga mula, na sanggayon taontaon. 011 1KI 010 026 At pinisan ni Salomon ang mga karo, at ang mga mangangabayo: at siya'y may isang libo't apat na raang karo, at labing dalawang libong mangangabayo, na kaniyang inilagay sa mga bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem. 011 1KI 010 027 At ginawa ng hari na maging gaya ng mga bato ang pilak sa Jerusalem, at ang mga sedro, ay ginawa niyang maging gaya ng mga puno ng sikomoro na nasa mababang lupa dahil sa kasaganaan. 011 1KI 010 028 At ang mga kabayo na tinatangkilik ni Salomon ay inilabas sa Egipto: at ang mga mangangalakal ng hari ay nagsitanggap ng kawan ng mga yaon, bawa't kawan ay sa halaga. 011 1KI 010 029 At kanilang isinasampa at inilalabas sa Egipto ang isang karo sa halagang anim na raang siklong pilak, at ang isang kabayo, ay sa isang daan at limangpu: at gayon sa lahat ng mga hari sa mga Hetheo, at sa mga hari sa Siria ay kanilang inilabas sa pamamagitan nila. 011 1KI 011 001 Ang haring Salomon nga ay sumisinta sa maraming babaing taga ibang lupa na pati sa anak ni Faraon, mga babaing Moabita, Ammonita, Idumea, Sidonia, at Hethea; 011 1KI 011 002 Sa mga bansa na sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel: Kayo'y huwag makikihalo sa kanila o sila man ay makikihalo sa inyo: sapagka't walang pagsalang kanilang ililigaw ang inyong puso sa pagsunod sa kanilang mga dios: nasabid si Salomon sa mga ito sa pagsinta. 011 1KI 011 003 At siya'y nagkaroon ng pitong daang asawa, na mga prinsesa, at tatlong daang babae: at iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso. 011 1KI 011 004 Sapagka't nangyari, nang si Salomon ay matanda na, iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso sa ibang mga dios: at ang kaniyang puso ay hindi naging sakdal sa Panginoon niyang Dios, na gaya ng puso ni David na kaniyang ama. 011 1KI 011 005 Sapagka't si Salomon ay sumunod kay Astaroth, diosa ng mga Sidonio, at kay Milcom, na karumaldumal ng mga Ammonita. 011 1KI 011 006 At gumawa si Salomon ng masama sa paningin ng Panginoon, at hindi sumunod na lubos sa Panginoon, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama. 011 1KI 011 007 Nang magkagayo'y ipinagtayo ni Salomon ng mataas na dako si Chemos na karumaldumal ng Moab, sa bundok na nasa tapat ng Jerusalem, at si Moloch na kasuklamsuklam ng mga anak ni Ammon. 011 1KI 011 008 At gayon ang ginawa niya sa lahat niyang asawang mga taga ibang lupa, na nagsunog ng mga kamangyan at naghain sa kanikanilang mga dios. 011 1KI 011 009 At ang Panginoo'y nagalit kay Salomon, dahil sa ang kaniyang puso ay humiwalay sa Panginoon, sa Dios ng Israel, na napakita sa kaniyang makalawa, 011 1KI 011 010 At siyang nagutos sa kaniya tungkol sa bagay na ito, na siya'y huwag sumunod sa ibang mga dios; nguni't hindi niya iningatan ang iniutos ng Panginoon. 011 1KI 011 011 Kaya't sinabi ng Panginoon kay Salomon, Yamang ito'y nagawa mo, at hindi mo iningatan ang aking tipan, at ang aking mga palatuntunan na aking iniutos sa iyo, walang pagsalang aking aagawin ang kaharian sa iyo, at aking ibibigay sa iyong lingkod. 011 1KI 011 012 Gayon ma'y sa iyong mga kaarawan ay hindi ko gagawin alangalang kay David na iyong ama: kundi sa kamay ng iyong anak aking aagawin. 011 1KI 011 013 Gayon ma'y hindi ko aagawin ang buong kaharian; kundi ibibigay ko ang isang lipi sa iyong anak alangalang kay David na aking lingkod, at alangalang sa Jerusalem na aking pinili. 011 1KI 011 014 At ipinagbangon ng Panginoon, si Salomon, ng isang kaaway na si Adad na Idumeo: siya'y sa lahi ng hari sa Edom. 011 1KI 011 015 Sapagka't nangyari, nang si David ay nasa Edom, at si Joab na puno ng hukbo ay umahon upang ilibing ang mga patay, at masaktan ang lahat na lalake sa Edom; 011 1KI 011 016 (Sapagka't si Joab at ang buong Israel ay natira roong anim na buwan, hanggang sa kaniyang naihiwalay ang lahat na lalake sa Edom; ) 011 1KI 011 017 Na si Adad ay tumakas, siya at ang ilan sa mga Idumeo na kasama niya na mga bataan ng kaniyang ama, upang pumasok sa Egipto, na si Adad noo'y munting bata pa. 011 1KI 011 018 At sila'y nagsitindig sa Madian, at naparoon sa Paran; at sila'y nagsipagsama ng mga lalake sa Paran, at sila'y nagsiparoon sa Egipto, kay Faraon na hari sa Egipto; na siyang nagbigay sa kaniya ng bahay, at naghanda sa kaniya ng pagkain, at nagbigay sa kaniya ng lupa. 011 1KI 011 019 At si Adad ay nakasumpong ng malaking biyaya sa paningin ni Faraon, na anopa't kaniyang ibinigay na asawa sa kaniya ang kapatid ng kaniyang sariling asawa, ang kapatid ni Thaphenes na reina. 011 1KI 011 020 At ipinanganak ng kapatid ni Thaphenes sa kaniya si Genubath, na anak na lalake niya, na inihiwalay sa suso ni Thaphenes sa bahay ni Faraon: at si Genubath ay nasa bahay ni Faraon sa kasamahan ng mga anak ni Faraon. 011 1KI 011 021 At nang mabalitaan ni Adad sa Egipto na si David ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at si Joab na puno ng hukbo ay namatay, sinabi ni Adad kay Faraon, Payaunin mo ako, upang ako'y makauwi sa aking sariling lupain. 011 1KI 011 022 Sinabi nga ni Faraon sa kaniya, Datapuwa't anong ipinagkukulang mo sa akin, na, narito, ikaw ay nagsisikap na umuwi sa iyong sariling lupain? At siya'y sumagot: Wala: gayon ma'y isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako sa anomang paraan. 011 1KI 011 023 At ipinagbangon ng Dios si Salomon ng ibang kaaway, na si Rezon na anak ni Eliada, na tumakas sa kaniyang panginoong kay Adadezer na hari sa Soba: 011 1KI 011 024 At siya'y nagpisan ng mga lalake, at naging puno sa isang hukbo, nang patayin ni David ang mga taga Soba; at sila'y nagsiparoon sa Damasco, at tumahan doon, at naghari sa Damasco. 011 1KI 011 025 At siya'y naging kaaway ng Israel sa lahat ng kaarawan ni Salomon, bukod pa sa ligalig na ginawa ni Adad: at kaniyang kinapootan ang Israel, at naghari sa Siria. 011 1KI 011 026 At si Jeroboam na anak ni Nabat, na Ephrateo sa Sereda, na lingkod ni Salomon, na ang pangalan ng ina ay Serva, na baong babae, ay nagtaas din ng kaniyang kamay laban sa hari. 011 1KI 011 027 At ito ang kadahilanan ng kaniyang pagtataas ng kaniyang kamay laban sa hari: itinayo ni Salomon ang Millo at hinusay ang sira ng bayan ni David na kaniyang ama. 011 1KI 011 028 At ang lalaking si Jeroboam ay makapangyarihang lalake na matapang: at nakita ni Salomon ang binata na masipag, at kaniyang ipinagkatiwala sa kaniya ang lahat na gawain ng sangbahayan ni Jose. 011 1KI 011 029 At nangyari, nang panahong yaon, nang si Jeroboam ay lumabas sa Jerusalem, na nasalubong siya sa daan ng propeta Ahias na Silonita; si Ahias nga ay may suot na bagong kasuutan; at silang dalawa ay nag-iisa sa parang. 011 1KI 011 030 At tinangnan ni Ahias ang bagong kasuutan na nakasuot sa kaniya, at hinapak ng labing dalawang putol. 011 1KI 011 031 At kaniyang sinabi kay Jeroboam, Kunin mo sa iyo ang sangpung putol: sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Narito, aking aagawin ang kaharian sa kamay ni Salomon, at ibibigay ko ang sangpung lipi sa iyo: 011 1KI 011 032 (Nguni't mapapasa kaniya ang isang lipi dahil sa aking lingkod na si David, at dahil sa Jerusalem, na bayan na aking pinili sa lahat ng mga lipi ng Israel: ) 011 1KI 011 033 Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at sinamba si Astaroth na diosa ng mga Sidonio, si Chemos na dios ng Moab, at si Milcom na dios ng mga anak ni Ammon; at sila'y hindi nagsilakad sa aking mga daan upang gawin ang matuwid sa aking paningin, at upang ingatan ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama. 011 1KI 011 034 Gayon ma'y hindi ko kukunin ang buong kaharian sa kaniyang kamay: kundi aking gagawin siyang prinsipe sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, dahil kay David na aking lingkod na aking pinili, sapagka't kaniyang iningatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan: 011 1KI 011 035 Kundi aking kukunin ang kaharian sa kamay ng kaniyang anak, at ibibigay ko sa iyo, sa makatuwid baga'y ang sangpung lipi. 011 1KI 011 036 At sa kaniyang anak, ay ibibigay ko ang isang lipi upang si David na aking lingkod ay magkaroon ng ilawan magpakailan man sa harap ko sa Jerusalem, na bayang aking pinili upang ilagay ang aking pangalan doon. 011 1KI 011 037 At kukunin kita, at ikaw ay maghahari ayon sa buong ninanasa ng iyong kaluluwa, at magiging hari ka sa Israel. 011 1KI 011 038 At mangyayari, kung iyong didinggin ang lahat na aking iniuutos sa iyo, at lalakad sa aking mga daan, at gagawin ang matuwid sa aking paningin, upang tuparin ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos, gaya ng ginawa ni David na aking lingkod; na ako'y sasa iyo, at ipagtatayo kita ng isang tiwasay na sangbahayan, gaya ng aking itinayo kay David, at ibibigay ko sa iyo ang Israel. 011 1KI 011 039 At dahil dito'y aking pipighatiin ang binhi ni David, nguni't hindi magpakailan man. 011 1KI 011 040 Pinagsikapan nga ni Salomon na patayin si Jeroboam: nguni't si Jeroboam ay tumindig, at tumakas na napasa Egipto, kay Sisac, na hari sa Egipto, at dumoon sa Egipto hanggang sa pagkamatay ni Salomon. 011 1KI 011 041 Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon, at ang lahat na kaniyang ginawa, at ang kaniyang karunungan, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga gawa ni Salomon? 011 1KI 011 042 At ang panahon na ipinaghari ni Salomon sa Jerusalem sa buong Israel ay apat na pung taon. 011 1KI 011 043 At natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa bayan ni David na kaniyang ama: at si Roboam, na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya, 011 1KI 012 001 At si Roboam ay naparoon sa Sichem: sapagka't ang buong Israel ay naparoon sa Sichem upang gawin siyang hari. 011 1KI 012 002 At nangyari, nang mabalitaan ni Jeroboam na anak ni Nabat (sapagka't siya'y nasa Egipto pa, na doon siya'y tumakas mula sa harapan ng haring Salomon, at tumahan sa Egipto, 011 1KI 012 003 At sila'y nagsugo at ipinatawag nila siya, ) si Jeroboam nga at ang buong kapisanan ng Israel ay nagsiparoon, at nagsipagsalita kay Roboam, na sinasabi, 011 1KI 012 004 Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin: ngayon nga'y pagaanin mo ang mabigat na paglilingkod sa iyong ama, at ang mabigat niyang atang na iniatang niya sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo. 011 1KI 012 005 At sinabi niya sa kanila, Kayo'y magsiyaon pang tatlong araw, saka magsibalik kayo sa akin. At ang bayan ay yumaon. 011 1KI 012 006 At ang haring Roboam ay kumuhang payo sa mga matanda na nagsitayo sa harap ni Salomon na kaniyang ama samantalang nabubuhay pa, na sinasabi, Anong payo ang ibinibigay ninyo sa akin, upang magbalik ng sagot sa bayang ito? 011 1KI 012 007 At nagsipagsalita sa kaniya, na nagsipagsabi, Kung ikaw ay magiging lingkod sa bayang ito sa araw na ito, at maglilingkod sa kanila, at sasagot sa kanila, at magsasalita ng mabuting mga salita sa kanila, ay iyo ngang magiging lingkod sila magpakailan man. 011 1KI 012 008 Nguni't tinalikdan niya ang payo ng mga matanda na kanilang ibinigay sa kaniya, at kumuhang payo sa mga binata na nagsilaking kasabay niya, na nagsitayo sa harap niya. 011 1KI 012 009 At sinabi niya sa kanila, Anong payo ang ibinibigay ninyo, upang maibalik nating sagot sa bayang ito, na nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pagaanin mo ang atang na iniatang ng iyong ama sa amin? 011 1KI 012 010 At ang mga binata na nagsilaking kasabay niya ay nagsipagsalita sa kaniya, na nagsisipagsabi, Ganito ang iyong sasabihin sa bayang ito na nagsalita sa iyo, na nagsasabi, Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin, nguni't pagaanin mo sa amin; ganito ang iyong sasalitain sa kanila, Ang aking kalingkingan ay makapal kay sa mga balakang ng aking ama. 011 1KI 012 011 At yaman ngang inatangan kayo ng aking ama ng mabigat na atang, ay aking dadagdagan pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit; nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan. 011 1KI 012 012 Sa gayo'y naparoon si Jeroboam at ang buong bayan kay Roboam sa ikatlong araw, gaya ng iniutos ng hari, na sinasabi, Magsibalik kayo sa akin sa ikatlong araw. 011 1KI 012 013 At ang hari ay sumagot sa bayan na may katigasan, at tinalikdan ang payo na ibinigay sa kaniya ng mga matanda; 011 1KI 012 014 At nagsalita sa kanila ayon sa payo ng mga binata, na nagsasabi, Pinabigat ng aking ama ang atang sa inyo, nguni't dadagdagan ko pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit, nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan. 011 1KI 012 015 Sa gayo'y hindi dininig ng hari ang bayan; sapagka't bagay na buhat sa Panginoon upang kaniyang itatag ang kaniyang salita, na sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng kamay ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat. 011 1KI 012 016 At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari, ay sumagot ang bayan sa hari, na nagsasabi, Anong bahagi mayroon kami kay David? at wala man kaming mana sa anak ni Isai: sa iyong mga tolda, Oh Israel: ngayon ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan, David. Sa gayo'y yumaon ang Israel sa kanikaniyang tolda. 011 1KI 012 017 Nguni't tungkol sa mga anak ni Israel na nagsitahan sa mga bayan ng Juda, ay pinagharian sila ni Roboam. 011 1KI 012 018 Nang magkagayo'y sinugo ng haring Roboam si Adoram na nasa pagpapaatag; at binato ng buong Israel siya ng mga bato, na anopa't siya'y namatay. At nagmadali ang haring Roboam na sumakay sa kaniyang karo, upang tumakas sa Jerusalem. 011 1KI 012 019 Gayon nanghimagsik ang Israel laban sa sangbahayan ni David, hanggang sa araw na ito. 011 1KI 012 020 At nangyari, nang mabalitaan ng buong Israel na si Jeroboam ay bumalik, na sila'y nagsugo at ipinatawag siya sa kapisanan, at ginawa siyang hari sa buong Israel: walang sumunod sa sangbahayan ni David, kundi ang lipi ni Juda lamang. 011 1KI 012 021 At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang buong sangbahayan ng Juda, at ang lipi ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling lalake, na mga mangdidigma, upang magsilaban sa sangbahayan ng Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam na anak ni Salomon. 011 1KI 012 022 Nguni't ang salita ng Dios ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios, na nagsasabi, 011 1KI 012 023 Salitain mo kay Roboam na anak ni Salomon, na hari sa Juda, at sa buong sangbahayan ng Juda, at ng Benjamin, at sa nalabi sa bayan, na sabihin, 011 1KI 012 024 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y huwag magsisiahon o magsisilaban sa inyong mga kapatid na mga anak ni Israel: bumalik ang bawa't isa sa kaniyang bahay; sapagka't ang bagay na ito ay mula sa akin. Sa gayo'y kanilang dininig ang salita ng Panginoon, at sila'y nagsibalik at nagsiyaon, ayon sa salita ng Panginoon. 011 1KI 012 025 Nang magkagayo'y itinayo ni Jeroboam ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim, at tumahan doon; at siya'y umalis mula roon, at itinayo ang Penuel. 011 1KI 012 026 At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang sarili, Ngayo'y mababalik ang kaharian sa sangbahayan ni David: 011 1KI 012 027 Kung ang bayang ito ay umahon upang maghandog ng mga hain sa bahay ng Panginoon sa Jerusalem, ang puso nga ng bayang ito'y mababalik sa kanilang panginoon, sa makatuwid baga'y kay Roboam na hari sa Juda; at ako'y papatayin nila, at mababalik kay Roboam na hari sa Juda. 011 1KI 012 028 Kaya't ang hari ay kumuhang payo, at gumawa ng dalawang guyang ginto; at sinabi niya sa kanila, Mahirap sa inyo na magsiahon sa Jerusalem; tingnan mo ang iyong mga dios, Oh Israel, na iniahon ka mula sa lupain ng Egipto. 011 1KI 012 029 At inilagay niya ang isa sa Bethel, at ang isa'y inilagay sa Dan. 011 1KI 012 030 At ang bagay na ito ay naging kasalanan: sapagka't ang bayan ay umahon upang sumamba sa harap ng isa, hanggang sa Dan. 011 1KI 012 031 At siya'y gumawa ng mga bahay sa mga mataas na dako, at naghalal ng mga saserdote sa buong bayan, na hindi sa mga anak ni Levi. 011 1KI 012 032 At si Jeroboam ay nagpadaos ng isang kapistahan nang ikawalong buwan, sa ikalabing limang araw ng buwan, gaya ng kapistahan sa Juda, at siya'y sumampa sa dambana; gayon ang ginawa niya sa Beth-el, na kaniyang hinahainan ang mga guya na kaniyang ginawa: at kaniyang inilagay sa Beth-el ang mga saserdote sa mataas na dako, na kaniyang mga inihalal. 011 1KI 012 033 At siya'y sumampa sa dambana na kaniyang ginawa sa Beth-el nang ikalabing limang araw ng ikawalong buwan, sa makatuwid baga'y sa buwan na kaniyang inakala sa kaniyang puso: at kaniyang ipinadaos ang isang kapistahan sa mga anak ni Israel, at sumampa sa dambana upang magsunog ng kamangyan. 011 1KI 013 001 At, narito, dumating ang isang lalake ng Dios na mula sa Juda ayon sa salita ng Panginoon sa Beth-el: at si Jeroboam ay nakatayo sa siping ng dambana upang magsunog ng kamangyan. 011 1KI 013 002 At siya'y sumigaw laban sa dambana ayon sa salita ng Panginoon, at nagsabi, Oh dambana, dambana, ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, isang bata'y ipanganganak sa sangbahayan ni David na ang pangalan ay Josias: at sa iyo'y ihahain ang mga saserdote ng mga mataas na dako na nagsisipagsunog ng kamangyan sa iyo, at mga buto ng mga tao ang kanilang susunugin sa iyo. 011 1KI 013 003 At siya'y nagbigay ng tanda nang araw ding yaon, na nagsasabi, Ito ang tanda na sinalita ng Panginoon: Narito, ang dambana ay mababaak, at ang mga abo na nasa ibabaw ay mabubuhos. 011 1KI 013 004 At nangyari, nang marinig ng hari ang sabi ng lalake ng Dios, na kaniyang isinigaw laban sa dambana sa Beth-el, na iniunat ni Jeroboam ang kaniyang kamay mula sa dambana, na sinasabi, Hulihin siya. At ang kaniyang kamay na kaniyang iniunat laban sa kaniya ay natuyo, na anopa't hindi niya napanauli sa dati. 011 1KI 013 005 Ang dambana naman ay nabaak, at ang mga abo ay nabuhos mula sa dambana, ayon sa tanda na ibinigay ng lalake ng Dios ayon sa salita ng Panginoon. 011 1KI 013 006 At ang hari ay sumagot, at nagsabi sa lalake ng Dios, Isamo mo ngayon ang biyaya ng Panginoon mong Dios, at idalangin mo ako, upang ang aking kamay ay gumaling. At idinalangin ng lalake ng Dios sa Panginoon, at ang kamay ng hari ay gumaling uli, at naging gaya ng dati. 011 1KI 013 007 At sinabi ng hari sa lalake ng Dios, Umuwi kang kasama ko, at kumain ka, at bibigyan kita ng kagantihan. 011 1KI 013 008 At sinabi ng lalake ng Dios sa hari, Kung ang ibibigay mo sa akin ay kalahati ng iyong bahay ay hindi ako yayaong kasama mo, o kakain man ako ng tinapay o iinom man ako ng tubig sa dakong ito: 011 1KI 013 009 Sapagka't gayon ibinilin sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na sinasabi, Huwag kang kakain ng tinapay, o iinom man ng tubig, ni babalik man sa daan na iyong pinanggalingan. 011 1KI 013 010 Sa gayo'y yumaon siya sa ibang daan, at hindi na bumalik sa daan na kaniyang pinanggalingan sa Beth-el. 011 1KI 013 011 Tumatahan nga ang isang matandang propeta sa Beth-el; at isa sa kaniyang mga anak ay naparoon, at isinaysay sa kaniya ang lahat ng mga gawa na ginawa ng lalake ng Dios sa araw na yaon sa Beth-el: ang mga salita na kaniyang sinalita sa hari, ay siya ring isinaysay nila sa kanilang ama. 011 1KI 013 012 At sinabi ng kanilang ama sa kanila, Saan siya napatungo? At itinuro sa kaniya ng kaniyang mga anak ang daang pinatunguhan ng lalake ng Dios na nanggaling sa Juda. 011 1KI 013 013 At sinabi niya sa kaniyang mga anak, Siyahan ninyo sa akin ang asno. Sa gayo'y kanilang siniyahan ang asno sa kaniya: at kaniyang sinakyan. 011 1KI 013 014 At kaniyang sinundan ang lalake ng Dios, at nasumpungan niyang nakaupo sa ilalim ng isang puno ng encina: at sinabi niya sa kaniya, Ikaw ba ang lalake ng Dios na nanggaling sa Juda? At sinabi niya, Ako nga. 011 1KI 013 015 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniya, Umuwi kang kasama ko, at kumain ng tinapay. 011 1KI 013 016 At sinabi niya, Hindi ako makababalik na kasama mo, o makapapasok na kasama mo: ni makakakain man ng tinapay o makaiinom man ng tubig na kasalo mo sa dakong ito: 011 1KI 013 017 Sapagka't isinaysay sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon. Huwag kang kakain ng tinapay o iinom man ng tubig doon, o babalik man na yumaon sa daan na iyong pinanggalingan. 011 1KI 013 018 At sinabi niya sa kaniya, Ako man ay propeta na gaya mo; at isang anghel ay nagsalita sa akin sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na nagsasabi, Ibalik mo siya na kasama mo sa iyong bahay, upang siya'y makakain ng tinapay at makainom ng tubig. Nguni't siya'y nagbulaan sa kaniya. 011 1KI 013 019 Sa gayo'y bumalik na kasama niya, at kumain ng tinapay sa kaniyang bahay at uminom ng tubig. 011 1KI 013 020 At nangyari, samantalang sila'y nauupo sa dulang, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa propeta na nagpabalik sa kaniya: 011 1KI 013 021 At siya'y sumigaw sa lalake ng Dios na nanggaling sa Juda, na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon: Sa paraang ikaw ay naging manunuway sa bibig ng Panginoon, at hindi mo iningatan ang utos na iniutos ng Panginoon sa iyo, 011 1KI 013 022 Kundi ikaw ay bumalik at kumain ng tinapay, at uminom ng tubig sa dakong kaniyang pinagsabihan sa iyo: Huwag kang kumain ng tinapay, at huwag kang uminom ng tubig; ang iyong bangkay ay hindi darating sa libingan ng iyong mga magulang. 011 1KI 013 023 At nangyari, pagkatapos na makakain ng tinapay, at pagkatapos na makainom, na siniyahan niya ang asno para sa kaniya, sa makatuwid baga'y, para sa propeta na kaniyang pinabalik. 011 1KI 013 024 At nang siya'y makayaon, isang leon ay nasalubong niya sa daan, at pinatay siya: at ang kaniyang bangkay ay napahagis sa daan, at ang asno ay nakatayo sa siping; ang leon naman ay nakatayo sa siping ng bangkay. 011 1KI 013 025 At, narito, may mga taong nagsipagdaan, at nakita ang bangkay na nakahagis sa daan, at ang leon ay nakatayo sa siping ng bangkay: at sila'y yumaon at isinaysay nila sa bayan na kinatatahanan ng matandang propeta. 011 1KI 013 026 At nang marinig ng propeta na nagpabalik sa kaniya sa daan, sinabi niya: Lalake nga ng Dios, na naging masuwayin sa bibig ng Panginoon, kaya't ibinigay siya ng Panginoon sa leon, na lumapa sa kaniya at pumatay sa kaniya ayon sa salita ng Panginoon, na sinalita sa kaniya. 011 1KI 013 027 At sinalita niya sa kaniyang mga anak na sinasabi, Siyahan ninyo sa akin ang asno. At kanilang siniyahan. 011 1KI 013 028 At siya'y yumaon, at nasumpungan ang kaniyang bangkay na nakahagis sa daan, at ang leon at ang asno ay nakatayo sa siping ng bangkay: hindi nilamon ng leon ang bangkay, o nilapa man ang asno. 011 1KI 013 029 At kinuha ng propeta ang bangkay ng lalake ng Dios, at ipinatong sa asno, at ibinalik: at naparoon sa bayan ng matandang propeta, upang tumangis, at ilibing siya. 011 1KI 013 030 At inilagay niya ang kaniyang bangkay sa kaniyang sariling libingan; at kanilang tinangisan siya, na sinasabi, Ay kapatid ko! 011 1KI 013 031 At nangyari, pagkatapos na kaniyang mailibing, na siya'y nagsalita sa kaniyang mga anak, na sinasabi, Pagka ako'y namatay, ilibing nga ninyo ako sa libingan na pinaglibingan sa lalake ng Dios: ilagay ninyo ang aking mga buto sa siping ng kaniyang mga buto. 011 1KI 013 032 Sapagka't ang sabi na kaniyang isinigaw sa pamamagitan ng salita ng Panginoon laban sa dambana sa Beth-el, at laban sa lahat ng mga bahay sa mga mataas na dako na nangasa mga bayan ng Samaria, ay walang pagsalang mangyayari. 011 1KI 013 033 Pagkatapos ng bagay na ito, si Jeroboam ay hindi tumalikod sa kaniyang masamang lakad, kundi gumawa uli mula sa buong bayan ng mga saserdote sa mga mataas na dako: sinomang may ibig, kaniyang itinatalaga upang magkaroon ng mga saserdote sa mga mataas na dako. 011 1KI 013 034 At ang bagay na ito ay naging kasalanan sa sangbahayan ni Jeroboam, kaya't inihiwalay at nilipol sa ibabaw ng lupa. 011 1KI 014 001 Nang panahong yaon si Abias na anak ni Jeroboam ay nagkasakit. 011 1KI 014 002 At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang asawa, Bumangon ka, isinasamo ko sa iyo at magpakunwari kang iba upang huwag kang makilala na asawa ni Jeroboam; at pumaroon ka sa Silo; narito, naroon si Ahias na propeta na nagsalita tungkol sa akin, na ako'y magiging hari sa bayang ito. 011 1KI 014 003 At magdala ka ng sangpung tinapay, at mga munting tinapay, at isang bangang pulot, at paroon ka sa kaniya: kaniyang sasaysayin sa iyo kung ano ang mangyayari sa bata. 011 1KI 014 004 At ginawang gayon ng asawa ni Jeroboam at bumangon, at naparoon sa Silo, at naparoon sa bahay ni Ahias. Si Ahias nga ay di na makakita; sapagka't ang kaniyang mga mata'y malabo na, dahil sa kaniyang gulang. 011 1KI 014 005 At sinabi ng Panginoon kay Ahias, Narito, ang asawa ni Jeroboam ay naparirito na tinatanong ka tungkol sa kaniyang anak; sapagka't siya'y may sakit: ganito't ganito ang iyong sasabihin sa kaniya: sapagka't mangyayari, pagka siya'y pumasok, na siya'y magpapakunwari na ibang babae. 011 1KI 014 006 At nagkagayon, nang marinig ni Ahias ang ingay ng kaniyang mga paa, pagpasok niya sa pintuan, na sinabi niya, Pumasok ka, ikaw, na asawa ni Jeroboam; bakit ka nagpapakunwaring iba? Sapagka't ako'y sinugo sa iyo na may masamang balita. 011 1KI 014 007 Ikaw ay yumaon na saysayin mo kay Jeroboam, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Yamang kita'y itinaas sa gitna ng bayan, at ginawa kitang pangulo sa aking bayang Israel, 011 1KI 014 008 At inagaw ang kaharian mula sa sangbahayan ni David, at ibinigay sa iyo: at gayon ma'y ikaw ay hindi naging gaya ng lingkod kong si David, na nagingat ng aking mga utos, at sumunod sa akin ng kaniyang buong puso, upang gawin ang matuwid lamang sa harap ng aking mga mata; 011 1KI 014 009 Kundi ikaw ay gumawa ng masama na higit kay sa lahat ng nauna sa iyo, at ikaw ay yumaon, at gumawa ka sa ganang iyo ng mga ibang dios, at mga larawang binubo upang mungkahiin mo ako sa galit, at inihagis mo ako sa iyong likuran; 011 1KI 014 010 Kaya't, narito ako'y magdadala ng kasamaan sa sangbahayan ni Jeroboam, at aking ihihiwalay kay Jeroboam ang bawa't lalake ang nakukulong, at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel, at aking lubos na papalisin ang sangbahayan ni Jeroboam, kung paanong pinapalis ng isang tao ang dumi, hanggang sa mapaalis. 011 1KI 014 011 Ang mamatay kay Jeroboam sa bayan ay kakanin ng mga aso; at ang mamatay sa parang ay kakanin ng mga ibon sa himpapawid: sapagka't sinalita ng Panginoon. 011 1KI 014 012 Tumindig ka nga, umuwi ka sa iyong bahay: pagpasok ng iyong mga paa sa bayan ay mamamatay ang bata. 011 1KI 014 013 At tatangisan siya ng buong Israel, at ililibing siya; sapagka't siya lamang ang kay Jeroboam na darating sa libingan: sapagka't siya'y kinasumpungan sa sangbahayan ni Jeroboam, ng bagay na mabuti sa Panginoon, sa Dios ng Israel. 011 1KI 014 014 Bukod dito'y magtitindig ang Panginoon ng isang hari sa Israel, na siyang maghihiwalay ng sangbahayan ni Jeroboam sa araw na yaon; nguni't ano? ngayon din. 011 1KI 014 015 Sapagka't sasaktan ng Panginoon ang Israel ng gaya ng isang tambo na gumagalaw sa tubig; at kaniyang bubunutin ang Israel dito sa mabuting lupa na ibinigay sa kanilang mga magulang, at pangangalatin sila sa dako roon ng ilog; dahil sa kanilang ginawa ang kanilang mga Asera, na minungkahi ang Panginoon sa galit. 011 1KI 014 016 At kaniyang pababayaan ang Israel dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam, na kaniyang ipinagkasala, at ipinapagkasala sa Israel. 011 1KI 014 017 At ang asawa ni Jeroboam ay tumindig, at yumaon, at naparoon sa Thirsa: at pagpasok niya sa pasukan ng bahay, ang bata'y namatay. 011 1KI 014 018 At inilibing siya ng buong Israel, at tinangisan siya; ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Ahias na propeta. 011 1KI 014 019 At ang iba sa mga gawa ni Jeroboam kung paanong siya'y nakidigma, at kung paanong siya'y naghari, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel. 011 1KI 014 020 At ang mga araw na ipinaghari ni Jeroboam ay dalawang pu't dalawang taon: at siya'y natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at si Nadab na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 011 1KI 014 021 At si Roboam na anak ni Salomon ay naghari sa Juda. Si Roboam ay apat na pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y naghari na labing pitong taon sa Jerusalem, na bayan na pinili ng Panginoon sa lahat ng mga lipi ng Israel, upang ilagay ang kaniyang pangalan doon: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita. 011 1KI 014 022 At gumawa ang Juda ng masama sa paningin ng Panginoon, at kanilang minungkahi siya sa paninibugho sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan na kanilang nagawa, na higit kay sa lahat na ginawa ng kanilang mga magulang, 011 1KI 014 023 Sapagka't sila'y nagsipagtayo naman para sa kanila ng mga mataas na dako, at ng mga haligi, at ng mga Asera, sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy; 011 1KI 014 024 At nagkaroon din naman ng mga sodomita ang lupain: sila'y nagsigawa ng ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ng Israel. 011 1KI 014 025 At nangyari, nang ikalimang taon ng haring Roboam, na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem: 011 1KI 014 026 At kaniyang dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng bahay ng hari; kaniya ngang dinalang lahat: at kaniyang dinala ang lahat na kalasag na ginto na ginawa ni Salomon. 011 1KI 014 027 At ang haring Roboam ay gumawa ng mga kalasag na tanso na kahalili ng mga yaon, at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga punong kawal na bantay, na nagiingat ng pintuan ng bahay ng hari. 011 1KI 014 028 At nangyari, na pagka nanasok ang hari sa bahay ng Panginoon, ay dinadala ng bantay, at ibinabalik sa silid ng bantay. 011 1KI 014 029 Ang iba nga sa mga gawa ni Roboam at ang lahat na bagay na kaniyang ginawa, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? 011 1KI 014 030 At nagkaroong palagi ng pagdidigmaan si Roboam at si Jeroboam. 011 1KI 014 031 At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita. At si Abiam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 011 1KI 015 001 Nang ikalabing walong taon nga ng haring Jeroboam, na anak ni Nabat, ay nagpasimula si Abiam na maghari sa Juda. 011 1KI 015 002 Tatlong taon siyang naghari sa Jerusalem, at ang pangalan ng kaniyang ina ay Maacha na anak ni Abisalom. 011 1KI 015 003 At siya'y lumakad sa lahat ng mga kasalanan ng kaniyang ama na ginawa nito na una sa kaniya: at ang kaniyang puso ay hindi sakdal sa Panginoon niyang Dios, na gaya ng puso ni David na kaniyang magulang. 011 1KI 015 004 Gayon ma'y dahil kay David ay binigyan siya ng Panginoon na kaniyang Dios ng isang ilawan sa Jerusalem, upang itaas ang kaniyang anak pagkamatay niya, at upang itatag sa Jerusalem: 011 1KI 015 005 Sapagka't ginawa ni David ang matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, at hindi lumihis sa anomang bagay na iniutos niya sa kaniya sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, liban lamang sa bagay ni Uria na Hetheo. 011 1KI 015 006 Nagkaroon nga ng pagdidigmaan si Roboam at si Jeroboam sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay. 011 1KI 015 007 At ang iba nga sa mga gawa ni Abiam, at ang lahat niyang ginagawa, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? At nagkaroon ng pagdidigmaan si Abiam at si Jeroboam. 011 1KI 015 008 At si Abiam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at inilibing nila siya sa bayan ni David: at si Asa na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 011 1KI 015 009 At nang ikadalawang pung taon ni Jeroboam na hari sa Israel ay nagpasimula si Asa na maghari sa Juda. 011 1KI 015 010 At apat na pu't isang taong naghari siya sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Maacha, na anak ni Abisalom. 011 1KI 015 011 At ginawa ni Asa ang matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, gaya ng ginawa ni David na kaniyang magulang. 011 1KI 015 012 At kaniyang inalis ang mga Sodomita sa lupain, at inalis ang lahat ng diosdiosan na ginawa ng kaniyang mga magulang. 011 1KI 015 013 At si Maacha naman na kaniyang ina ay inalis niya sa pagkareina, sapagka't gumawa ng karumaldumal na larawan na pinaka Asera; at pinutol ni Asa ang kaniyang larawan, at sinunog sa batis Cedron. 011 1KI 015 014 Nguni't ang matataas na dako ay hindi inalis: gayon ma'y ang puso ni Asa ay sakdal sa Panginoon sa lahat ng kaniyang kaarawan. 011 1KI 015 015 At kaniyang ipinasok sa bahay ng Panginoon ang mga bagay na itinalaga ng kaniyang ama, at ang mga bagay na itinalaga niya, pilak, at ginto, at mga sisidlan. 011 1KI 015 016 At nagkaroon ng pagdidigmaan si Asa at si Baasa na hari sa Israel sa lahat ng kanilang kaarawan. 011 1KI 015 017 At si Baasa na hari sa Israel ay umahon laban sa Juda, at itinayo ang Rama upang huwag niyang matiis na sinoma'y lumabas o pumaroon kay Asa na hari sa Juda. 011 1KI 015 018 Nang magkagayo'y kinuha ni Asa ang lahat na pilak at ginto na naiwan sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari, at ibinigay sa kamay ng kaniyang mga lingkod: at ipinadala ang mga yaon ng haring Asa kay Ben-adad na anak ni Tabrimon, na anak ni Hezion, na hari sa Siria, na tumatahan sa Damasco, na nagsasabi, 011 1KI 015 019 May pagkakasundo ako at ikaw, ang aking ama at ang iyong ama: narito, aking ipinadala sa iyo ang isang kaloob na pilak at ginto; ikaw ay yumaon, sirain mo ang iyong pakikipagkasundo kay Baasa na hari sa Israel, upang siya'y lumayas sa akin. 011 1KI 015 020 At dininig ni Ben-adad ang haring Asa, at sinugo ang mga puno ng kaniyang mga hukbo laban sa mga bayan ng Israel, at sinaktan ang Ahion at ang Dan, at ang Abel-bethmaacha at ang buong Cinneroth, sangpu ng buong lupain ng Nephtali. 011 1KI 015 021 At nangyari nang mabalitaan yaon ni Baasa, na iniwan ang pagtatayo ng Rama, at tumahan sa Thirsa. 011 1KI 015 022 Nang magkagayo'y itinanyag ng haring Asa ang buong Juda; walang natangi: at kanilang inalis ang mga bato ng Rama, at ang mga kahoy niyaon, na ipinagtayo ni Baasa; at itinayo ng haring Asa sa pamamagitan niyaon ang Gabaa ng Benjamin at ang Mizpa. 011 1KI 015 023 Ang iba nga sa lahat na gawa ni Asa, at sa kaniyang buong kapangyarihan, at ang lahat niyang ginawa, at ang mga bayan na kaniyang itinayo, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? Nguni't sa panahon ng kaniyang katandaan, siya'y nagkasakit sa kaniyang mga paa. 011 1KI 015 024 At si Asa ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang: at si Josaphat na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 011 1KI 015 025 At si Nadab na anak ni Jeroboam ay nagpasimulang maghari sa Israel sa ikalawang taon ni Asa na hari sa Juda, at siya'y naghari sa Israel na dalawang taon. 011 1KI 015 026 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, at lumakad ng lakad ng kaniyang ama, at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ipinapagkasala sa Israel. 011 1KI 015 027 At si Baasa na anak ni Ahia, sa sangbahayan ni Issachar ay nagbanta laban sa kaniya; at sinaktan siya ni Baasa sa Gibbethon, na nauukol sa mga Filisteo; sapagka't kinukulong ni Nadab at ng buong Israel ang Gibbethon. 011 1KI 015 028 Nang ikatlong taon nga ni Asa na hari sa Juda, ay pinatay siya ni Baasa, at naghari na kahalili niya. 011 1KI 015 029 At nangyari, na pagkapaging hari niya, sinaktan niya ang buong sangbahayan ni Jeroboam, hindi siya nag-iwan kay Jeroboam ng sinomang may hininga, hanggang sa kaniyang nilipol siya, ayon sa sabi ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Ahias na Silonita: 011 1KI 015 030 Dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam na kaniyang ipinagkasala, at kaniyang ipinapagkasala sa Israel; dahil sa kaniyang pamumungkahi na kaniyang iminungkahing galit sa Panginoon, sa Dios ng Israel. 011 1KI 015 031 Ang iba nga sa mga gawa ni Nadab, at ang lahat niyang ginawa, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 011 1KI 015 032 At nagkaroon ng pagdidigmaan si Asa at si Baasa na hari sa Israel sa lahat ng kanilang kaarawan. 011 1KI 015 033 Nang ikatlong taon ni Asa na hari sa Juda, ay nagpasimulang maghari si Baasa na anak ni Ahia sa buong Israel sa Thirsa, at naghari na dalawang pu't apat na taon. 011 1KI 015 034 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, at lumakad ng lakad ni Jeroboam, at sa kaniyang kasalanan na ipinapagkasala sa Israel. 011 1KI 016 001 At ang salita ng Panginoon ay, dumating kay Jehu na anak ni Hanani, laban kay Baasa, na sinasabi, 011 1KI 016 002 Yamang itinaas kita mula sa alabok, at ginawa kitang pangulo sa aking bayang Israel; at ikaw ay lumakad ng lakad ni Jeroboam, at iyong pinapagkasala ang aking bayang Israel, upang mungkahiin mo ako sa galit sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan; 011 1KI 016 003 Narito, aking lubos na papalisin si Baasa at ang kaniyang sangbahayan; at aking gagawin ang iyong sangbahayan na gaya ng sangbahayan ni Jeroboam na anak ni Nabat. 011 1KI 016 004 Ang mamatay kay Baasa sa bayan ay kakanin ng mga aso; at ang mamatay sa kaniya sa parang ay kakanin ng mga ibon sa himpapawid, 011 1KI 016 005 Ang iba nga sa mga gawa ni Baasa, at ang kaniyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 011 1KI 016 006 At natulog si Baasa na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa Thirsa; at si Ela na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 011 1KI 016 007 At bukod dito'y, sa pamamagitan ng propetang si Jehu na anak ni Hanani, ay dumating ang salita ng Panginoon laban kay Baasa, at laban sa kaniyang sangbahayan, dahil sa lahat na kasamaan na kaniyang ginawa sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin siya sa galit sa pamamagitan ng gawa ng kaniyang mga kamay, sa pagkagaya sa sangbahayan ni Jeroboam, at sapagka't sinaktan din niya siya. 011 1KI 016 008 Nang ikadalawang pu't anim na taon ni Asa na hari sa Juda ay nagpasimula si Ela na anak ni Baasa na maghari sa Israel sa Thirsa, at nagharing dalawang taon. 011 1KI 016 009 At ang kaniyang lingkod na si Zimri, na punong kawal sa kalahati ng kaniyang mga karo, ay nagbanta laban sa kaniya. Siya'y nasa Thirsa nga, na nagiinom at lasing sa bahay ni Arsa, na siyang katiwala sa sangbahayan sa Thirsa: 011 1KI 016 010 At pumasok si Zimri, at sinaktan siya, at pinatay siya, nang ikadalawang pu't pitong taon ni Asa na hari sa Juda, at naghari na kahalili niya. 011 1KI 016 011 At nangyari, nang siya'y magpasimulang maghari, pagupo niya sa kaniyang luklukan, ay kaniyang sinaktan ang buong sangbahayan ni Baasa: hindi siya nagiwan ng isa man lamang lalaking bata, kahit kamaganak niya, kahit mga kaibigan niya. 011 1KI 016 012 Ganito nilipol ni Zimri ang buong sangbahayan ni Baasa, ayon sa salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita laban kay Baasa, sa pamamagitan ni Jehu na propeta, 011 1KI 016 013 Dahil sa lahat ng mga kasalanan ni Baasa, at mga kasalanan ni Ela na kaniyang anak, na kanilang ipinagkasala, at kanilang ipinapagkasala sa Israel, upang mungkahiin sa galit ang Panginoon, ang Dios ng Israel sa pamamagitan ng kanilang mga kalayawan. 011 1KI 016 014 Ang iba nga sa mga gawa ni Ela, at ang lahat na kaniyang ginawa, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 011 1KI 016 015 Nang ikadalawang pu't pitong taon ni Asa na hari sa Juda, ay naghari si Zimri na pitong araw sa Thirsa. Ang bayan nga ay humantong laban sa Gibbethon na nauukol sa mga Filisteo. 011 1KI 016 016 At narinig ng bayan na nasa hantungan na sinabing nagbanta si Zimri, at sinaktan ang hari: kaya't ginawang hari sa Israel ng buong Israel si Omri na punong kawal ng hukbo nang araw na yaon sa kampamento. 011 1KI 016 017 At si Omri ay umahon mula sa Gibbethon, at ang buong Israel ay kasama niya, at kanilang kinubkob ang Thirsa. 011 1KI 016 018 At nangyari, nang makita ni Zimri na ang bayan ay nasakop, na siya'y naparoon sa castilyo ng bahay ng hari, at sinunog ng apoy ang bahay na kinaroroonan ng hari at siya'y namatay. 011 1KI 016 019 Dahil sa kaniyang mga kasalanan na kaniyang ipinagkasala sa paggawa ng masama sa paningin ng Panginoon sa paglakad sa lakad ni Jeroboam, at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ginawa, upang papagkasalahin ang Israel. 011 1KI 016 020 Ang iba nga sa mga gawa ni Zimri, at ang kaniyang panghihimagsik na kaniyang ginawa, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 011 1KI 016 021 Nang magkagayo'y ang bayan ng Israel ay nahati sa dalawa: ang kalahati ng bayan ay sumunod kay Thibni na anak ni Gineth, upang gawin siyang hari; at ang kalahati ay sumunod kay Omri. 011 1KI 016 022 Nguni't ang bayan na sumunod kay Omri ay nanaig laban sa bayan na sumunod kay Thibni na anak ni Gineth: sa gayo'y namatay si Thibni at naghari si Omri. 011 1KI 016 023 Nang ikatatlong pu't isang taon ni Asa na hari sa Juda ay nagpasimula si Omri na maghari sa Israel, at naghari na labing dalawang taon: anim na taon na naghari siya sa Thirsa. 011 1KI 016 024 At binili niya ang burol ng Samaria kay Semer sa halagang dalawang talentong pilak; at siya'y nagtayo sa burol, at tinawag ang pangalan ng bayan na kaniyang itinayo, ayon sa pangalan ni Semer, na may-ari ng burol, na Samaria. 011 1KI 016 025 At gumawa si Omri ng masama sa paningin ng Panginoon, at gumawa ng masama na higit kay sa lahat na nauna sa kaniya. 011 1KI 016 026 Sapagka't siya'y lumakad sa buong lakad ni Jeroboam na anak ni Nabat, at sa kaniyang mga kasalanan na ipinapagkasala niya sa Israel, upang mungkahiin sa galit ang Panginoon, ang Dios ng Israel sa pamamagitan ng kanilang mga kalayawan. 011 1KI 016 027 Ang iba nga sa mga gawa ni Omri na kaniyang ginawa, at ang kapangyarihan niya na kaniyang ipinamalas, di ba nasusulat sa mga aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 011 1KI 016 028 Sa gayo'y natulog si Omri na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa Samaria; at si Achab na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 011 1KI 016 029 At nang ikatatlong pu't walong taon ni Asa na hari sa Juda, ay nagpasimula si Achab na anak ni Omri na maghari sa Israel: at si Achab na anak ni Omri ay naghari sa Israel sa Samaria na dalawang pu't dalawang taon. 011 1KI 016 030 At si Achab na anak ni Omri ay gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon na higit kay sa lahat na nauna sa kaniya. 011 1KI 016 031 At nangyari, na wari isang magaang bagay sa kaniya na lumakad sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na siya'y nagasawa kay Jezabel, na anak ni Ethbaal na hari ng mga Sidonio, at yumaon at naglingkod kay Baal, at sumamba sa kaniya. 011 1KI 016 032 At kaniyang ipinagtayo ng dambana si Baal sa bahay ni Baal na kaniyang itinayo sa Samaria. 011 1KI 016 033 At gumawa si Achab ng Asera; at gumawa pa ng higit si Achab upang mungkahiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, sa galit kay sa lahat ng mga hari sa Israel na nauna sa kaniya. 011 1KI 016 034 Sa kaniyang mga kaarawan itinayo ni Hiel na taga Beth-el ang Jerico: siya'y naglagay ng talagang-baon sa pagkamatay ni Abiram na kaniyang panganay, at itinayo ang mga pintuang-bayan niyaon sa pagkamatay ng kaniyang bunsong anak na si Segub; ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ni Josue na anak ni Nun. 011 1KI 017 001 At si Elias na Thisbita, na sa mga nakikipamayan sa Galaad, ay nagsabi kay Achab: Buhay ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na ako'y nakatayo sa harap niya hindi magkakaroon ng hamog o ulan man sa mga taong ito, kundi ayon sa aking salita. 011 1KI 017 002 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsasabi, 011 1KI 017 003 Umalis ka rito, at lumiko ka sa dakong silanganan, at magkubli ka sa tabi ng batis Cherith na nasa tapat ng Jordan. 011 1KI 017 004 At mangyayari, na ikaw ay iinom sa batis; at aking iniutos sa mga uwak na pakanin ka roon. 011 1KI 017 005 Sa gayo'y naparoon siya at ginawa ang ayon sa salita ng Panginoon: sapagka't siya'y pumaroon at tumahan sa tabi ng batis Cherith, na nasa tapat ng Jordan. 011 1KI 017 006 At dinadalhan siya ng tinapay at laman ng mga uwak sa umaga, at tinapay at laman sa hapon, at siya'y umiinom sa batis. 011 1KI 017 007 At nangyari, pagkaraan ng sanggayon, na ang batis ay natuyo, sapagka't walang ulan sa lupain. 011 1KI 017 008 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na sinasabi, 011 1KI 017 009 Ikaw ay bumangon, paroon ka sa Sarepta, na nauukol sa Sidon, at tumahan ka roon: narito, aking inutusan ang isang baong babae roon na pakanin ka. 011 1KI 017 010 Sa gayo'y bumangon siya, at naparoon sa Sarepta; at nang siya'y dumating sa pintuan ng bayan, narito, isang baong babae ay nandoon na namumulot ng mga patpat: at tinawag niya siya, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo na dalhan mo ako ng kaunting tubig sa inuman, upang aking mainom. 011 1KI 017 011 At nang siya'y yumayaon upang kumuha, tinawag niya siya, at sinabi, Dalhan mo ako, isinasamo ko sa iyo, ng isang subong tinapay sa iyong kamay. 011 1KI 017 012 At kaniyang sinabi, Ang Panginoon mong Dios ay buhay, ako'y wala kahit munting tinapay, kundi isang dakot na harina sa gusi, at kaunting langis sa banga: at, narito, ako'y namumulot ng dalawang patpat, upang ako'y pumasok, at ihanda sa akin at sa aking anak, upang aming makain, bago kami mamatay. 011 1KI 017 013 At sinabi ni Elias sa kaniya, Huwag kang matakot; yumaon ka, at gawin mo ang iyong sinabi, nguni't igawa mo muna ako ng munting tinapay, at ilabas mo sa akin, at pagkatapos ay gumawa ka para sa iyo at para sa iyong anak. 011 1KI 017 014 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ang gusi ng harina ay hindi makukulangan, o ang banga ng langis man ay mababawasan hanggang sa araw na magpaulan ang Panginoon sa ibabaw ng lupa. 011 1KI 017 015 At siya'y yumaon, at ginawa ang ayon sa sabi ni Elias: at kumain ang babae, at siya, at ang kaniyang sangbahayan na maraming araw. 011 1KI 017 016 Ang gusi ng harina ay hindi nakulangan, o ang banga ng langis man ay nabawasan, ayon sa salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa pamamagitan ni Elias. 011 1KI 017 017 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na ang anak na lalake ng babae, na may-ari ng bahay ay nagkasakit; at ang kaniyang sakit ay malubha, na walang hiningang naiwan sa kaniya. 011 1KI 017 018 At sinabi niya kay Elias, Ano ang ipakikialam ko sa iyo, Oh ikaw na lalake ng Dios? ikaw ay naparito sa akin upang ipaalala mo ang aking kasalanan, at upang patayin ang aking anak! 011 1KI 017 019 At sinabi niya sa kaniya, Ibigay mo sa akin ang iyong anak. At kinuha niya sa kaniyang kandungan, at dinala sa silid na kaniyang tinatahanan, at inihiga sa kaniyang sariling higaan. 011 1KI 017 020 At siya'y dumaing sa Panginoon, at nagsabi, Oh Panginoon kong Dios, dinalhan mo rin ba ng kasamaan ang bao na aking kinatutuluyan, sa pagpatay sa kaniyang anak? 011 1KI 017 021 At siya'y umunat sa bata na makaitlo, at dumaing sa Panginoon, at nagsabi, Oh Panginoon kong Dios, idinadalangin ko sa iyo na iyong pabalikin sa kaniya ang kaluluwa ng batang ito. 011 1KI 017 022 At dininig ng Panginoon ang tinig ni Elias; at ang kaluluwa ng bata ay bumalik sa kaniya, at siya'y muling nabuhay. 011 1KI 017 023 At kinuha ni Elias ang bata, at ibinaba sa loob ng bahay na mula sa silid, at ibinigay siya sa kaniyang ina: at sinabi ni Elias, Tingnan mo, ang iyong anak ay buhay. 011 1KI 017 024 At sinabi ng babae kay Elias, Ngayo'y talastas ko na ikaw ay lalake ng Dios, at ang salita ng Panginoon sa iyong bibig ay katotohanan. 011 1KI 018 001 At nangyari, pagkaraan ng maraming araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias, sa ikatlong taon, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, pakita ka kay Achab; at ako'y magpapaulan sa lupa. 011 1KI 018 002 At si Elias ay yumaon napakita kay Achab. At ang kagutom ay malala sa Samaria. 011 1KI 018 003 At tinawag ni Achab si Abdias na siyang katiwala sa bahay. (Si Abdias nga ay natatakot na mainam sa Panginoon: 011 1KI 018 004 Sapagka't nangyari, nang ihiwalay ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, na kumuha si Abdias ng isang daang propeta, at ikinubli na limalimangpu sa isang yungib, at pinakain sila ng tinapay at tubig, ) 011 1KI 018 005 At sinabi ni Achab kay Abdias, Lakarin mo ang lupain, hanggang sa lahat ng mga bukal ng tubig, at hanggang sa lahat ng mga batis: marahil tayo'y makakasumpong ng damo, at maililigtas nating buhay ang mga kabayo at mga mula upang huwag tayong mawalan ng lahat na hayop. 011 1KI 018 006 Sa gayo'y pinaghati nila ang lupain sa gitna nila upang lakarin: si Achab ay lumakad ng kaniyang sarili sa isang daan, at si Abdias ay lumakad ng kaniyang sarili sa isang daan. 011 1KI 018 007 At samantalang si Abdias ay nasa daan, narito, nasalubong siya ni Elias: at nakilala niya siya, at nagpatirapa, at nagsabi, Di ba ikaw, ang panginoon kong si Elias? 011 1KI 018 008 At siya'y sumagot sa kaniya, Ako nga: ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon, Narito, si Elias ay nandito. 011 1KI 018 009 At kaniyang sinabi, Sa ano ako nagkasala na iyong ibibigay ang iyong lingkod sa kamay ni Achab, upang patayin ako? 011 1KI 018 010 Buhay ang Panginoon mong Dios, walang bansa o kaharian man na hindi pinagpahanapan sa iyo ng aking panginoon: at pagka kanilang sinasabi, Siya'y wala rito, kaniyang pinasusumpa ang kaharian at bansa, na hindi kinasusumpungan sa iyo. 011 1KI 018 011 At ngayo'y iyong sinasabi, Ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon, Narito, si Elias ay nandito. 011 1KI 018 012 At mangyayari, pagkahiwalay ko sa iyo na dadalhin ka ng Espiritu ng Panginoon sa hindi ko nalalaman; na anopa't pagka ako'y pumaroon at isinaysay ko kay Achab, at ikaw ay hindi niya nasumpungan, papatayin niya ako: nguni't akong iyong lingkod ay natatakot sa Panginoon mula sa aking pagkabinata. 011 1KI 018 013 Hindi ba nasaysay sa aking panginoon, kung ano ang aking ginawa nang patayin ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, kung paanong nagkubli ako ng isang daan sa mga propeta ng Panginoon, na limalimangpu sa isang yungib, at pinakain ko sila ng tinapay at tubig? 011 1KI 018 014 At ngayo'y iyong sinasabi, Ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon. Narito, si Elias ay nandito; at papatayin niya ako. 011 1KI 018 015 At sinabi ni Elias, Buhay ang Panginoon ng mga hukbo, na sa harap niya'y nakatayo ako, ako'y walang salang pakikita sa kaniya ngayon. 011 1KI 018 016 Sa gayo'y yumaon si Abdias upang salubungin si Achab, at sinaysay sa kaniya: at si Achab ay yumaon upang salubungin si Elias. 011 1KI 018 017 At nangyari, nang makita ni Achab si Elias, na sinabi ni Achab sa kaniya, Di ba ikaw, ang mangbabagabag sa Israel? 011 1KI 018 018 At siya'y sumagot, Hindi ko binagabag ang Israel; kundi ikaw, at ang sangbahayan ng iyong ama, sa inyong pagkapabaya ng mga utos ng Panginoon, at ikaw ay sumunod kay Baal. 011 1KI 018 019 Ngayon nga'y magsugo ka, at pisanin mo sa akin ang buong Israel sa bundok ng Carmelo, at ang mga propeta ni Baal na apat na raan at limangpu, at ang mga propeta ni Asera na apat na raan, na nagsikain sa dulang ni Jezabel. 011 1KI 018 020 Sa gayo'y nagsugo si Achab sa lahat ng mga anak ni Israel, at pinisan ang mga propeta sa bundok ng Carmelo. 011 1KI 018 021 At si Elias ay lumapit sa buong bayan, at nagsabi, Hanggang kaylan kayo mangagaalinlangan sa dalawang isipan? kung ang Panginoon ay Dios, sumunod kayo sa kaniya: nguni't kung si Baal, sumunod nga kayo sa kaniya. At ang bayan ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita. 011 1KI 018 022 Nang magkagayo'y sinabi ni Elias sa bayan, Ako, ako lamang, ang naiwang propeta ng Panginoon; nguni't ang mga propeta ni Baal ay apat na raan at limang pung lalake. 011 1KI 018 023 Bigyan nga nila tayo ng dalawang baka; at pumili sila sa ganang kanila ng isang baka, at katayin, at ilagay sa ibabaw ng kahoy, at huwag lagyan ng apoy sa ilalim: at ihahanda ko ang isang baka at ilalagay ko sa kahoy, at hindi ko lalagyan ng apoy sa ilalim. 011 1KI 018 024 At tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios, at tatawagan ko ang pangalan ng Panginoon: at ang Dios na sumagot sa pamamagitan ng apoy, ay siyang maging Dios. At ang buong bayan ay sumagot, at nagsabi, Mabuti ang pagkasabi. 011 1KI 018 025 At sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal, Magsipili kayo ng isang baka sa ganang inyo, at inyong ihandang una, sapagka't kayo'y marami; at tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios, nguni't huwag ninyong lagyan ng apoy sa ilalim. 011 1KI 018 026 At kanilang kinuha ang baka na ibinigay sa kanila, at kanilang inihanda, at tinawagan ang pangalan ni Baal mula sa kinaumagahan hanggang sa kinatanghaliang tapat, na nagsisipagsabi, Oh Baal dinggin mo kami. Nguni't walang tinig, o sinomang sumagot. At sila'y nagsisilukso sa siping ng dambana na ginawa. 011 1KI 018 027 At nangyari, nang kinatanghaliang tapat, na biniro sila ni Elias, at sinabi, Sumigaw kayo ng malakas: sapagka't siya'y dios; siya nga'y nagmumunimuni, o nasa tabi, o nasa paglalakbay, o marahil siya'y natutulog, at marapat gisingin. 011 1KI 018 028 At sila'y nagsisigaw ng malakas, at sila'y nagsipagkudlit ayon sa kanilang kaugalian ng sundang at mga sibat, hanggang sa bumuluwak ang dugo sa kanila. 011 1KI 018 029 At nangyari nang makaraan ang kinatanghaliang tapat, na sila'y nanghula hanggang sa oras ng paghahandog ng alay na ukol sa hapon: nguni't wala kahit tinig, ni sinomang sumagot, ni sinomang makinig. 011 1KI 018 030 At sinabi ni Elias sa buong bayan, Lumapit kayo sa akin; at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya. At kaniyang inayos ang dambana ng Panginoon na nabagsak. 011 1KI 018 031 At kumuha si Elias ng labing dalawang bato, ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Jacob, na sa kaniya ang salita ng Panginoon ay dumating, na sinasabi, Israel ang magiging iyong pangalan. 011 1KI 018 032 At sa pamamagitan ng mga bato ay kaniyang itinayo ang dambana sa pangalan ng Panginoon; at kaniyang nilagyan ng hukay sa palibot ng dambana, na ang laki ay kasisidlan ng dalawang takal na binhi. 011 1KI 018 033 At kaniyang inilagay ang kahoy na maayos, at kinatay ang baka at ipinatong sa kahoy. At kaniyang sinabi, Punuin ninyo ang apat na tapayan ng tubig, at ibuhos ninyo sa handog na susunugin, at sa kahoy. 011 1KI 018 034 At kaniyang sinabi, Gawin ninyong ikalawa; at kanilang ginawang ikalawa. At kaniyang sinabi, Gawin ninyong ikaitlo; at kanilang ginawang ikaitlo. 011 1KI 018 035 At ang tubig ay umagos sa palibot ng dambana; at kaniyang pinuno naman ng tubig ang hukay. 011 1KI 018 036 At nangyari, sa oras ng paghahandog ng alay sa hapon, na si Elias, na propeta ay lumapit, at nagsabi, Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, pakilala ka sa araw na ito, na ikaw ay Dios sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginawa ang lahat na bagay na ito sa iyong salita. 011 1KI 018 037 Dinggin mo ako, Oh Panginoon, dinggin mo ako, upang matalastas ng bayang ito, na ikaw, na Panginoon, ay Dios, at iyong pinapanumbalik ang kanilang puso. 011 1KI 018 038 Nang magkagayo'y ang apoy ng Panginoon ay nalaglag, at sinupok ang handog na susunugin at ang kahoy, at ang mga bato, at ang alabok, at hinimuran ang tubig na nasa hukay. 011 1KI 018 039 At nang makita ng buong bayan, sila'y nagpatirapa: at kanilang sinabi, Ang Panginoon ay siyang Dios; ang Panginoon ay siyang Dios. 011 1KI 018 040 At sinabi ni Elias sa kanila, Dakpin ninyo ang mga propeta ni Baal; huwag makatanan ang sinoman sa kanila. At kanilang dinakip sila: at sila'y ibinaba ni Elias sa batis ng Cison, at pinatay roon. 011 1KI 018 041 At sinabi ni Elias kay Achab, Ikaw ay umahon, kumain ka at uminom ka; sapagka't may hugong ng kasaganaan ng ulan. 011 1KI 018 042 Sa gayo'y umahon si Achab upang kumain at uminom. At si Elias ay umahon sa taluktok ng Carmelo; at siya'y yumukod sa lupa, at inilagay ang kaniyang mukha sa pagitan ng kaniyang mga tuhod. 011 1KI 018 043 At kaniyang sinabi sa kaniyang lingkod, Umahon ka ngayon, tumingin ka sa dakong dagat. At siya'y umahon at tumingin, at nagsabi, Walang anomang bagay. At kaniyang sinabi, Yumaon ka uling makapito. 011 1KI 018 044 At nangyari, sa ikapito, na kaniyang sinabi, Narito, may bumangong isang ulap sa dagat, na kasingliit ng kamay ng isang lalake. At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, sabihin mo kay Achab, Ihanda mo ang iyong karo, at ikaw ay lumusong baka ka mapigil ng ulan. 011 1KI 018 045 At nangyari, pagkaraan ng sangdali, na ang langit ay nagdilim sa alapaap at hangin, at nagkaroon ng malakas na ulan. At si Achab ay sumakay, at naparoon sa Jezreel. 011 1KI 018 046 At ang kamay ng Panginoon ay nasa kay Elias; at kaniyang binigkisan ang kaniyang mga balakang, at tumakbong nagpauna kay Achab sa pasukan ng Jezreel. 011 1KI 019 001 At sinaysay ni Achab kay Jezabel ang lahat na ginawa ni Elias, at kung paanong kaniyang pinatay ng tabak ang lahat ng mga propeta. 011 1KI 019 002 Nang magkagayo'y nagsugo si Jezabel ng sugo kay Elias, na nagsasabi, Ganito ang gawin sa akin ng mga dios, at lalo na, kung hindi ko gawin ang buhay mo na gaya ng buhay ng isa sa kanila kinabukasan sa may ganitong panahon. 011 1KI 019 003 At nang makita niya ay bumangon siya, at yumaon dahil sa kaniyang buhay, at naparoon sa Beerseba, na nauukol sa Juda, at iniwan ang kaniyang lingkod doon. 011 1KI 019 004 Nguni't siya'y lumakad ng paglalakbay na isang araw sa ilang at naparoon, at umupo sa ilalim ng isang punong kahoy na enebro: at siya'y humiling sa ganang kaniya na siya'y mamatay sana, at nagsabi, Sukat na; ngayon, Oh Panginoon kunin mo ang aking buhay; sapagka't hindi ako mabuti kay sa aking mga magulang. 011 1KI 019 005 At siya'y nahiga at natulog sa ilalim ng punong kahoy na enebro; at, narito, kinalabit siya ng isang anghel, at sinabi sa kaniya, Ikaw ay gumising at kumain. 011 1KI 019 006 At siya'y tumingin, at, narito, na sa kaniyang ulunan ang isang munting tinapay na luto sa baga, at isang sarong tubig. At siya'y kumain at uminom, at nahiga uli. 011 1KI 019 007 At ang anghel ng Panginoon ay nagbalik na ikalawa, at kinalabit siya, at sinabi, Ikaw ay bumangon at kumain; sapagka't ang paglalakbay ay totoong malayo sa ganang iyo. 011 1KI 019 008 At siya'y bumangon, at kumain, at uminom, at siya'y yumaon sa lakas ng pagkaing yaon, na apat na pung araw at apat na pung gabi hanggang sa Horeb sa bundok ng Dios. 011 1KI 019 009 At siya'y naparoon sa isang yungib, at tumuloy roon: at, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, at sinabi niya sa kaniya, Ano ang ginagawa mo rito Elias? 011 1KI 019 010 At sinabi niya, Ako'y naging totoong marubdob dahil sa Panginoon, sa Dios ng mga hukbo; sapagka't pinabayaan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan, ibinagsak ang iyong mga dambana, at pinatay ng tabak ang iyong mga propeta: at ako, ako lamang, ang naiwan; at kanilang pinaguusig ang aking buhay, upang kitlin. 011 1KI 019 011 At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka sa ibabaw ng bundok sa harap ng Panginoon. At, narito, ang Panginoon ay nagdaan, at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin, at pinagputolputol ang mga bato sa harap ng Panginoon; nguni't ang Panginoon ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang lindol; nguni't ang Panginoon ay wala sa lindol: 011 1KI 019 012 At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni't ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay isang marahang bulong na tinig. 011 1KI 019 013 At nangyari, nang marinig ni Elias, ay tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal, at lumabas, at tumayo sa pasukan sa yungib. At, narito, dumating ang isang tinig sa kaniya, at nagsabi, Ano ang ginagawa mo rito Elias? 011 1KI 019 014 At kaniyang sinabi, Ako'y naging totoong marubdob dahil sa Panginoon, sa Dios ng mga hukbo: sapagka't pinabayaan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan, ibinagsak ang iyong mga dambana, at pinatay ng tabak ang iyong mga propeta; at ako, ako lamang, ang naiwan; at kanilang pinaguusig ang buhay ko, upang kitlin. 011 1KI 019 015 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ikaw ay yumaon, bumalik ka sa iyong lakad sa ilang ng Damasco: at pagdating mo, ay iyong pahiran ng langis si Hazael upang maging hari sa Siria. 011 1KI 019 016 At si Jehu na anak ni Nimsi ay iyong papahiran ng langis upang maging hari sa Israel: at si Eliseo na anak ni Saphat sa Abel-mehula ay iyong papahiran ng langis upang maging propeta na kahalili mo. 011 1KI 019 017 At mangyayari na ang makatanan sa tabak ni Hazael ay papatayin ni Jehu: at ang makatanan sa tabak ni Jehu ay papatayin ni Eliseo. 011 1KI 019 018 Gayon ma'y iiwan ko'y pitong libo sa Israel, lahat na tuhod na hindi nagsiluhod kay Baal, at lahat ng bibig na hindi nagsihalik sa kaniya. 011 1KI 019 019 Sa gayo'y umalis siya roon at nasumpungan niya si Eliseo na anak ni Saphat, na nag-aararo, na may labing dalawang parehang baka sa unahan niya, at siya'y kasabay ng ikalabing dalawa: at dinaanan siya ni Elias at inihagis sa kaniya ang balabal niya. 011 1KI 019 020 At kaniyang iniwan ang mga baka, at tumakbong sinundan si Elias, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo na pahagkan mo sa akin ang aking ama at aking ina, at susunod nga ako sa iyo. At sinabi niya sa kaniya, Bumalik ka uli; sapagka't ano ang ginawa ko sa iyo? 011 1KI 019 021 At siya'y bumalik na mula sa pagsunod sa kaniya, at kinuha ang parehang mga baka, at pinatay ang mga yaon, at inilaga ang laman ng mga yaon sa pamamagitan ng mga kasangkapan ng mga baka, at ibinigay sa bayan, at kanilang kinain. Nang magkagayo'y tumindig siya, at sumunod kay Elias, at naglingkod sa kaniya. 011 1KI 020 001 At pinisan ni Ben-adad na hari sa Siria ang buong hukbo niya: at may tatlong pu't dalawang hari na kasama siya, at mga kabayo, at mga karo: at siya'y umahon at kinubkob ang Samaria, at nilabanan yaon. 011 1KI 020 002 At siya'y nagsugo ng mga sugo kay Achab na hari sa Israel, sa loob ng bayan, at sinabi niya sa kaniya, Ganito ang sabi ni Ben-adad, 011 1KI 020 003 Ang iyong pilak at ang iyong ginto ay akin: pati ng iyong mga asawa at ng iyong mga anak, ang mga pinaka mahusay, ay akin. 011 1KI 020 004 At ang hari ng Israel ay sumagot, at nagsabi, Ayon sa iyong sabi, panginoon ko, Oh hari; ako'y iyo, at lahat ng aking tinatangkilik. 011 1KI 020 005 At ang mga sugo ay bumalik, at nagsabi, Ganito ang sinasalita ni Ben-adad na sinasabi, Ako'y tunay na nagsugo sa iyo, na nagpapasabi, Iyong ibibigay sa akin ang iyong pilak, at ang iyong ginto, at ang iyong mga asawa, at ang iyong mga anak; 011 1KI 020 006 Nguni't susuguin ko sa iyo kinabukasan ang aking mga lingkod; sa may ganitong panahon, at kanilang sasaliksikin ang iyong bahay, at ang mga bahay ng iyong mga lingkod, at mangyayari, na anomang maligaya sa harap ng iyong mga mata ay hahawakan nila ng kanilang kamay, at dadalhin. 011 1KI 020 007 Nang magkagayo'y tinawag ng hari ng Israel ang lahat na matanda sa lupain, at sinabi, Isinasamo ko sa inyo na inyong tandaan at tingnan kung paanong ang taong ito'y humahanap ng pakikipagkaalit: sapagka't kaniyang ipinagbilin ang aking mga asawa, at aking mga anak, at aking pilak, at aking ginto; at hindi ko ipinahindi sa kaniya. 011 1KI 020 008 At sinabi sa kaniya ng lahat na matanda at ng buong bayan, Huwag mong dinggin, o tulutan man. 011 1KI 020 009 Kaya't kaniyang sinabi sa mga sugo ni Ben-adad, Saysayin ninyo sa aking panginoon na hari, Ang lahat na iyong ipinasugo sa iyong lingkod ng una ay aking gagawin: nguni't ang bagay na ito ay hindi ko magagawa. At ang mga sugo ay nagsialis at nagsipagbalik ng salita sa kaniya. 011 1KI 020 010 At si Ben-adad ay nagsugo sa kaniya, at nagsabi, Gawing gayon ng mga dios sa akin, at lalo na kung ang alabok sa Samaria ay magiging sukat na dakutin ng buong bayan na sumusunod sa akin. 011 1KI 020 011 At ang hari sa Israel ay sumagot, at nagsabi, Saysayin ninyo sa kaniya na huwag maghambog ang nagbibigkis ng sakbat na gaya ng naghuhubad. 011 1KI 020 012 At nangyari, nang marinig ni Ben-adad ang pasugong ito, sa paraang siya'y umiinom, siya, at ang mga hari sa mga kulandong, na kaniyang sinabi sa kaniyang mga lingkod, Magsihanay kayo. At sila'y nagsihanay laban sa bayan. 011 1KI 020 013 At, narito, isang propeta ay lumapit kay Achab na hari sa Israel, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Nakita mo ba ang lubhang karamihang ito? narito, aking ibibigay sa iyong kamay sa araw na ito; at iyong makikilala na ako ang Panginoon. 011 1KI 020 014 At sinabi ni Achab, Sa pamamagitan nino? At kaniyang sinabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa pamamagitan ng mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan. Nang magkagayo'y sinabi niya, Sino ang magpapasimula ng pagbabaka? At siya'y sumagot, Ikaw. 011 1KI 020 015 Nang magkagayo'y kaniyang hinusay ang mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan, at sila'y dalawang daan at tatlong pu't dalawa; at pagkatapos ay kaniyang pinisan ang buong bayan, ang lahat ng mga anak ni Israel, na may pitong libo. 011 1KI 020 016 At sila'y nagsialis ng katanghaliang tapat. Nguni't si Ben-adad ay umiinom na lango sa mga kulandong, siya, at ang mga hari, na tatlong pu't dalawang hari na nagsisitulong sa kaniya. 011 1KI 020 017 At ang mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan ay nagsilabas na una; at si Ben-adad ay nagsugo, at isinaysay nila sa kaniya, na sinabi, May mga taong nagsilabas na mula sa Samaria. 011 1KI 020 018 At kaniyang sinabi, Maging sila'y magsilabas sa ikapapayapa, ay hulihin ninyong buhay; o maging sila'y magsilabas sa pakikidigma, ay hulihin ninyong buhay. 011 1KI 020 019 Sa gayo'y ang mga ito ay lumabas sa bayan, ang mga bataan ng mga prinsipe sa mga lalawigan, at ang hukbong sumusunod sa kanila. 011 1KI 020 020 At pinatay ng bawa't isa ang kanikaniyang kalabang lalake; at ang mga taga Siria ay nagsitakas, at hinabol sila ng Israel; at si Ben-adad na hari sa Siria ay tumakas na nakasakay sa isang kabayo na kasama ng mga mangangabayo. 011 1KI 020 021 At ang hari sa Israel ay lumabas, at sinaktan ang mga kabayo at mga karo, at pinatay ang mga taga Siria ng malaking pagpatay. 011 1KI 020 022 At ang propeta ay lumapit sa hari sa Israel, at nagsabi sa kaniya, Ikaw ay yumaon, magpakalakas ka, at iyong tandaan, at tingnan mo kung ano ang iyong ginagawa; sapagka't sa pagpihit ng taon ay aahon ang hari sa Siria laban sa iyo. 011 1KI 020 023 At sinabi ng mga lingkod ng hari sa Siria sa kaniya, Ang kanilang dios ay dios sa mga burol; kaya't sila'y nagsipanaig sa atin: nguni't magsilaban tayo laban sa kanila sa kapatagan, at walang pagsalang tayo'y magiging lalong malakas kay sa kanila. 011 1KI 020 024 At gawin mo ang bagay na ito; alisin mo ang mga hari sa kanikaniyang kalagayan, at maglagay ka ng mga punong kawal na kahalili nila: 011 1KI 020 025 At bumilang ka sa iyo ng isang hukbo, na gaya ng hukbo na iyong ipinahamak, kabayo kung kabayo, at karo kung karo: at tayo'y magsisilaban sa kanila sa kapatagan, at walang pagsalang tayo'y magiging lalong malakas kay sa kanila. At kaniyang dininig ang kanilang tinig at ginawang gayon. 011 1KI 020 026 At nangyari, sa pagpihit ng taon, na hinusay ni Ben-adad ang mga taga Siria at umahon sa Aphec upang lumaban sa Israel. 011 1KI 020 027 At ang mga anak ng Israel ay nangaghusay rin, at nangagbaon, at nagsiyaon laban sa kanila: at ang mga anak ng Israel ay humantong sa harap nila na wari dalawang munting kawang anak ng kambing; nguni't linaganapan ng mga taga Siria ang lupain. 011 1KI 020 028 At isang lalake ng Dios ay lumapit at nagsalita sa hari ng Israel at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sapagka't sinabi ng mga taga Siria, Ang Panginoon ay dios sa mga burol, nguni't hindi siya dios sa mga libis: kaya't aking ibibigay ang buong malaking karamihang ito sa iyong kamay, at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 011 1KI 020 029 At sila'y humantong na ang isa ay tapat sa isa na pitong araw. At nagkagayon, nang sa ikapitong araw, ay sinimulan ang pagbabaka; at ang mga anak ni Israel ay nagsipatay sa mga taga Siria ng isang daang libong nangaglalakad sa isang araw. 011 1KI 020 030 Nguni't ang nangatira ay nagsitakas sa Aphec sa loob ng bayan; at ang kuta ay nabuwal sa dalawang pu't pitong libong lalake na nangatira. At si Ben-adad ay tumakas at pumasok sa bayan, sa isang silid na pinakaloob. 011 1KI 020 031 At sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya, Narito, ngayon, aming narinig na ang mga hari sa sangbahayan ng Israel ay maawaing mga hari: isinasamo namin sa iyo na kami ay papagbigkisin ng magaspang na kayo sa aming mga balakang, at mga lubid sa aming mga leeg at labasin namin ang hari ng Israel: marahil, kaniyang ililigtas ang iyong buhay. 011 1KI 020 032 Sa gayo'y nagsipagbigkis sila ng magaspang na kayo sa kanilang mga balakang, at mga lubid sa kanilang mga leeg, at nagsiparoon sa hari ng Israel, at nagsipagsabi, Sinasabi ng iyong lingkod na si Ben-adad, Isinasamo ko sa iyo, na tulutan mong ako'y mabuhay. At sinabi niya, Siya ba'y buhay pa? siya'y aking kapatid. 011 1KI 020 033 Minatyagan ngang maingat ng mga lalake, at nagsipagmadaling hinuli kung sa ano nandoon ang kaniyang pagiisip: at kanilang sinabi, Ang iyong kapatid na si Ben-adad. Nang magkagayo'y sinabi niya, Kayo'y magsiyaon, dalhin ninyo siya sa akin. Nang magkagayo'y nilabas siya ni Ben-adad; at kaniyang pinasampa sa karo. 011 1KI 020 034 At sinabi ni Ben-adad sa kaniya, Ang mga bayan na sinakop ng aking ama sa iyong ama ay aking isasauli; at ikaw ay gagawa sa ganang iyo ng mga lansangan sa Damasco, gaya ng ginawa ng aking ama sa Samaria. At ako, sabi ni Achab, payayaunin kita sa tipang ito. Sa gayo'y nakipagtipan siya sa kaniya, at pinayaon niya siya. 011 1KI 020 035 At isang lalake sa mga anak ng mga propeta ay nagsabi sa kaniyang kasama sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, Isinasamo ko sa iyo na saktan mo ako. At tumanggi ang lalake na saktan niya. 011 1KI 020 036 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniya, Sapagka't hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, narito, pagkahiwalay mo sa akin, ay papatayin ka ng isang leon. At pagkahiwalay niya sa kaniya, ay nasumpungan siya ng isang leon, at pinatay siya. 011 1KI 020 037 Nang magkagayo'y nakasumpong siya ng isang lalake, at nagsabi, Isinasamo ko sa iyo na saktan mo ako. At sinaktan siya ng lalake, na sinaktan at sinugatan siya. 011 1KI 020 038 Sa gayo'y umalis ang propeta at hinintay ang hari sa daan, at nagpakunwari na may isang piring sa kaniyang mga mata. 011 1KI 020 039 At pagdadaan ng hari ay kaniyang sinigawan ang hari: at kaniyang sinabi, Ang iyong lingkod ay lumabas sa gitna ng pagbabaka; at, narito, isang lalake ay lumihis, at nagdala ng isang lalake sa akin, at nagsabi, Ingatan mo ang lalaking ito: kung sa anomang paraan ay makatanan siya, ang iyo ngang buhay ang mapapalit sa kaniyang buhay, o magbabayad ka kaya ng isang talentong pilak. 011 1KI 020 040 At sa paraang ang iyong lingkod ay may ginagawa rito at doon, siya'y nakaalis. At sinabi ng hari ng Israel sa kaniya, Magiging ganyan ang iyong kahatulan: ikaw rin ang magpasiya. 011 1KI 020 041 At siya'y nagmadali, at inalis niya ang piring sa kaniyang mga mata; at nakilala siya ng hari ng Israel na siya'y isa sa mga propeta. 011 1KI 020 042 At sinabi niya sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sapagka't iyong pinabayaang makatanan sa iyong kamay ang lalake na aking itinalaga sa kamatayan, ang iyo ngang buhay ay papanaw na kapalit ng kaniyang buhay, at ang iyong bayan ng kaniyang bayan. 011 1KI 020 043 At ang hari ng Israel ay umuwi sa kaniyang bahay na yamot at lunos at, naparoon sa Samaria. 011 1KI 021 001 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na si Naboth na Jezreelita ay mayroong isang ubasan na nasa Jezreel, na malapit sa bahay ni Achab na hari ng Samaria. 011 1KI 021 002 At sinalita ni Achab kay Naboth, na sinabi, Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan, upang aking tangkilikin na pinaka halamanang pananim, sapagka't malapit sa aking bahay; at aking ipapalit sa iyo na kahalili niyaon ang isang mainam na ubasan kay sa roon; o kung inaakala mong mabuti, aking ibibigay sa iyo ang halaga niyaon na salapi. 011 1KI 021 003 At sinabi ni Naboth kay Achab, Huwag itulot ng Panginoon sa akin, na aking ibigay ang mana sa aking mga magulang sa iyo. 011 1KI 021 004 At pumasok si Achab sa kaniyang bahay na yamot at lunos dahil sa salita na sinalita ni Naboth na Jezreelita sa kaniya: sapagka't kaniyang sinabi, Hindi ko ibibigay sa iyo ang mana sa aking mga magulang. At siya'y nahiga sa kaniyang higaan, at ipinihit ang kaniyang mukha, at ayaw kumain ng tinapay. 011 1KI 021 005 Nguni't si Jezabel na kaniyang asawa ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Bakit ang iyong diwa ay totoong malungkot na hindi ka kumakain ng tinapay? 011 1KI 021 006 At sinabi niya sa kaniya, Sapagka't nagsalita ako kay Naboth na Jezreelita, at nagsabi sa kaniya, Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan sa kahalagahang salapi; o kung dili, kung iyong minamabuti, papalitan ko sa iyo ng ibang ubasan: at siya'y sumagot, Hindi ko ibibigay sa iyo ang aking ubasan. 011 1KI 021 007 At sinabi ni Jezabel na kaniyang asawa sa kaniya, Ikaw ba ngayon ang namamahala sa kaharian ng Israel? ikaw ay bumangon, at kumain ng tinapay, at pasayahin mo ang iyong puso: aking ibibigay sa iyo ang ubasan ni Naboth na Jezreelita. 011 1KI 021 008 Sa gayo'y sumulat siya ng mga sulat sa pangalan ni Achab, at pinagtatakan ng kaniyang tatak; at ipinadala ang mga sulat sa mga matanda at sa mga maginoo na nangasa kaniyang bayan, at nagsisitahang kasama ni Naboth. 011 1KI 021 009 At kaniyang isinulat sa mga sulat, na sinasabi, Mangagtanyag kayo ng isang ayuno at ilagay ninyo si Naboth sa pangulo na kasamahan ng bayan: 011 1KI 021 010 At lumagay ang dalawang lalake na mga hamak na tao sa harap niya, at mangagsisaksi laban sa kaniya, na magsipagsabi, Ikaw ay namusong sa Dios at sa hari. At ilabas nga siya, at batuhin siya upang siya'y mamatay. 011 1KI 021 011 At ginawa ng mga tao sa kaniyang bayan, sa makatuwid baga'y ng mga matanda at ng mga maginoo na nagsisitahan sa kaniyang bayan, kung ano ang ipinagutos ni Jezabel sa kanila, ayon sa nangasusulat sa mga sulat na kaniyang ipinadala sa kanila. 011 1KI 021 012 Sila'y nangagtanyag ng isang ayuno, at inilagay si Naboth sa pangulo na kasamahan ng bayan. 011 1KI 021 013 At ang dalawang lalake na mga hamak na tao ay nagsipasok at nagsiupo sa harap niya: at ang mga lalake na hamak ay nagsisaksi laban sa kaniya, sa makatuwid baga'y laban kay Naboth sa harap ng bayan, na nagsisipagsabi, Si Naboth ay namusong sa Dios at sa hari. Nang magkagayo'y inilabas nila sa bayan, at binato nila siya ng mga bato, na anopa't siya'y namatay. 011 1KI 021 014 Nang magkagayo'y sila'y nagsipagsugo kay Jezabel, na nagsisipagsabi, Si Naboth ay pinagbatuhanan, at patay. 011 1KI 021 015 At nangyari, nang mabalitaan ni Jezabel na si Naboth ay pinagbatuhanan, at patay, na sinabi ni Jezabel kay Achab, Ikaw ay bumangon, ariin mo ang ubasan ni Naboth, na Jezreelita na kaniyang ipinagkait na ibigay sa iyo sa halaga ng salapi: sapagka't si Naboth ay hindi buhay, kundi patay. 011 1KI 021 016 At nangyari, nang mabalitaan ni Achab na patay si Naboth, na bumangon si Achab na bumaba sa ubasan ni Naboth na Jezreelita, upang ariin. 011 1KI 021 017 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias na Thisbita, na nagsabi, 011 1KI 021 018 Bumangon ka, panaugin mong salubungin si Achab na hari ng Israel, na tumatahan sa Samaria: narito, siya'y nasa ubasan ni Naboth na kaniyang pinapanaog upang ariin. 011 1KI 021 019 At iyong sasalitain sa kaniya, na sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Iyo bang pinatay at iyo rin namang inari? at iyong sasalitain sa kaniya, na sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa dakong pinaghimuran ng mga aso ng dugo ni Naboth ay hihimuran ng mga aso ang iyong dugo, sa makatuwid baga'y ang iyong dugo. 011 1KI 021 020 At sinabi ni Achab kay Elias, Nasumpungan mo ba ako, Oh aking kaaway? At sumagot siya, Nasumpungan kita: sapagka't ikaw ay napabili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon. 011 1KI 021 021 Narito, aking dadalhan ng kasamaan ka, at aking lubos na papalisin ka, at aking ihihiwalay kay Achab ang bawa't anak na lalake, at ang nakukulong at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel. 011 1KI 021 022 At aking gagawin ang iyong sangbahayan na gaya ng sangbahayan ni Jeroboam na anak ni Nabat, at gaya ng sangbahayan ni Baasa na anak ni Ahia, dahil sa pamumungkahi na iyong iminungkahi sa akin sa galit, at iyong pinapagkasala ang Israel. 011 1KI 021 023 At tungkol kay Jezabel ay nagsalita naman ang Panginoon, na nagsabi, Lalapain ng mga aso si Jezabel sa tabi ng kuta ng Jezreel. 011 1KI 021 024 Ang mamatay kay Achab sa bayan ay lalapain ng mga aso; at ang mamatay sa parang ay tutukain ng mga ibon sa himpapawid. 011 1KI 021 025 (Nguni't walang gaya ni Achab na nagbili ng kaniyang sarili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, na hinikayat ni Jezabel na kaniyang asawa. 011 1KI 021 026 At siya'y gumawa ng totoong karumaldumal sa pagsunod sa mga diosdiosan, ayon sa lahat na ginawa ng mga Amorrheo, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.) 011 1KI 021 027 At nangyari, nang marinig ni Achab ang mga salitang yaon, na kaniyang hinapak ang kaniyang mga damit, at nagsuot ng kayong magaspang sa kaniyang katawan, at nagayuno, at nahiga sa kayong magaspang, at lumakad ng marahan. 011 1KI 021 028 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias na Thisbita, na sinabi, 011 1KI 021 029 Nakita mo ba kung paanong si Achab ay nagpakababa sa harap ko? sapagka't siya'y nagpakababa sa harap ko, hindi ko dadalhin ang kasamaan sa kaniyang mga kaarawan: kundi sa mga kaarawan ng kaniyang anak dadalhin ko ang kasamaan sa kaniyang sangbahayan. 011 1KI 022 001 At sila'y nagpatuloy na tatlong taon na walang pagdidigma ang Siria at ang Israel. 011 1KI 022 002 At nangyari, nang ikatlong taon, na binaba ni Josaphat na hari sa Juda ang hari sa Israel. 011 1KI 022 003 At sinabi ng hari sa Israel sa kaniyang mga lingkod, Di ba talastas ninyo na ang Ramoth-galaad ay atin, at tayo'y tatahimik, at hindi natin aagawin sa kamay ng hari sa Siria? 011 1KI 022 004 At sinabi niya kay Josaphat, Sasama ka ba sa akin sa pagbabaka sa Ramoth-galaad? At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel, Ako'y gaya mo, ang aking bayan ay gaya ng iyong bayan, ang aking mga kabayo ay gaya ng iyong mga kabayo. 011 1KI 022 005 At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel, Sumangguni ka, isinasamo ko sa iyo, sa salita ng Panginoon ngayon. 011 1KI 022 006 Nang magkagayo'y pinisan ng hari sa Israel ang mga propeta na may apat na raang lalake, at nagsabi sa kanila, Yayaon ba akong laban sa Ramoth-galaad upang bumaka, o uurong ako? At sinabi nila, Umahon ka: sapagka't ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari. 011 1KI 022 007 Nguni't sinabi ni Josaphat, Wala ba ritong ibang propeta ng Panginoon upang makapagusisa tayo sa kaniya? 011 1KI 022 008 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, May isa pang lalake na mapaguusisaan natin sa Panginoon, si Micheas na anak ni Imla: nguni't kinapopootan ko siya; sapagka't hindi siya nanghuhula ng mabuti tungkol sa akin, kundi kasamaan. At sinabi ni Josaphat: Huwag sabihing gayon ng hari. 011 1KI 022 009 Nang magkagayo'y tumawag ang hari sa Israel ng isang punong kawal, at nagsabi, Dalhin mo ritong madali si Micheas na anak ni Imla. 011 1KI 022 010 Ang hari nga sa Israel at si Josaphat na hari sa Juda, ay nagsiupo kapuwa sa kanikaniyang luklukan, na nakapanamit hari sa isang hayag na dako sa pasukan ng pintuang-bayan ng Samaria; at ang lahat na propeta ay nagsipanghula sa harap nila. 011 1KI 022 011 At si Sedechias na anak ni Chanaana ay gumawa ng mga sungay na bakal, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa pamamagitan ng mga ito ay iyong itutulak ang mga taga Siria hanggang sa mangalipol. 011 1KI 022 012 At ang lahat na propeta ay nagsisipanghulang gayon, na nagsisipagsabi, Umahon ka sa Ramoth-galaad, at guminhawa ka: sapagka't ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari. 011 1KI 022 013 At ang sugo na yumaong tumawag kay Micheas ay nagsalita sa kaniya, na nagsasabi, Narito ngayon, ang mga salita ng mga propeta ay mabuti sa hari na magkakaisa: isinasamo ko sa iyo na ang iyong bibig ay maging gaya ng isa sa kanila, at magsalita ka ng mabuti. 011 1KI 022 014 At sinabi ni Micheas, Buhay ang Panginoon kung ano ang sabihin ng Panginoon sa akin, yaon ang aking sasalitain. 011 1KI 022 015 At nang siya'y dumating sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, Micheas, paroroon ba kami sa Ramoth-galaad upang bumaka, o uurong kami? At kaniyang isinagot sa kaniya, Ikaw ay yumaon, at guminhawa; at ibibigay ng Panginoon yaon sa kamay ng hari. 011 1KI 022 016 At sinabi ng hari sa kaniya, Makailang manunumpa ako sa iyo, na ikaw ay huwag magsalita ng anoman sa akin, kundi ng katotohanan sa pangalan ng Panginoon? 011 1KI 022 017 At kaniyang sinabi, Aking nakita ang buong Israel na nangangalat sa mga bundok, na gaya ng mga tupa na walang pastor: at sinabi ng Panginoon, Ang mga ito ay walang panginoon; umuwi ang bawa't lalake sa kaniyang bahay na payapa. 011 1KI 022 018 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, Di ba isinaysay ko sa iyo na siya'y hindi manghuhula ng mabuti tungkol sa akin, kundi ng kasamaan? 011 1KI 022 019 At sinabi ni Micheas, Kaya't iyong dinggin ang salita ng Panginoon: Aking nakita ang Panginoon na nakaupo sa kaniyang luklukan, at ang buong hukbo ng langit ay nakatayo sa siping niya sa kaniyang kanan at sa kaniyang kaliwa. 011 1KI 022 020 At sinabi ng Panginoon, Sinong dadaya kay Achab, upang siya'y umahon at mabuwal sa Ramoth-galaad? At ang isa'y nagsalita ng ganitong paraan; at ang iba'y nagsalita ng gayong paraan. 011 1KI 022 021 At lumabas ang isang espiritu at tumayo sa harap ng Panginoon, at nagsabi, Aking dadayain siya. 011 1KI 022 022 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Paano? At kaniyang sinabi, Ako'y lalabas, at magiging magdarayang espiritu sa bibig ng lahat niyang mga propeta. At kaniyang sinabi, Iyong dadayain siya, at mananaig ka rin: lumabas ka, at gawin mong gayon. 011 1KI 022 023 Ngayon nga, narito, inilagay ng Panginoon ang magdarayang espiritu sa bibig ng lahat ng iyong mga propetang ito: at ang Panginoon ay nagsalita ng kasamaan tungkol sa iyo. 011 1KI 022 024 Nang magkagayo'y lumapit si Sedechias na anak ni Chanaana, at sinampal si Micheas, at sinabi, Saan nagdaan ang Espiritu ng Panginoon na mula sa akin, upang magsalita sa iyo? 011 1KI 022 025 At sinabi ni Micheas, Narito, iyong makikita sa araw na yaon pagka ikaw ay papasok sa pinakaloob na silid upang magkubli. 011 1KI 022 026 At sinabi ng hari sa Israel, Kunin mo si Micheas, at ibalik mo kay Amon na tagapamahala ng bayan, at kay Joas na anak ng hari; 011 1KI 022 027 At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng hari, Ilagay ninyo ang taong ito sa bilangguan, at pakanin ninyo siya ng tinapay ng kadalamhatian at ng tubig ng kadalamhatian hanggang sa ako'y dumating na payapa. 011 1KI 022 028 At sinabi ni Micheas, Kung ikaw ay bumalik sa anomang paraan na payapa, ang Panginoon ay hindi nagsalita sa pamamagitan ko. At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, ninyong mga bayan, ninyong lahat. 011 1KI 022 029 Sa gayo'y ang hari sa Israel, at si Josaphat na hari sa Juda ay nagsiahon sa Ramoth-galaad. 011 1KI 022 030 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, Ako'y magpapakunwaring iba, at paroroon sa pagbabaka; nguni't ikaw ay magsuot ng iyong mga balabal-hari. At ang hari ng Israel ay nagpakunwaring iba, at naparoon sa pagbabaka. 011 1KI 022 031 Ang hari nga ng Siria ay nagutos sa tatlong pu't dalawang punong kawal ng kaniyang mga karo, na nagsasabi, Huwag kayong magsilaban kahit sa maliit o sa malaki man, liban lamang sa hari sa Israel. 011 1KI 022 032 At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo si Josaphat na kanilang sinabi, Walang pagsalang hari sa Israel; at sila'y nagsibalik upang magsilaban sa kaniya: at si Josaphat ay humiyaw. 011 1KI 022 033 At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo na hindi siyang hari sa Israel, na sila'y humiwalay ng paghabol sa kaniya. 011 1KI 022 034 At inihilagpos ng isang lalake ang kaniyang pana sa pagbabakasakali, at tinamaan ang hari sa Israel sa pagitan ng mga pagkakasugpong ng sakbat; kaya't kaniyang sinabi sa nagpapatakbo ng kaniyang karo, Ipihit mo ang iyong kamay, at ihiwalay mo ako sa hukbo; sapagka't ako'y nasugatan ng malubha. 011 1KI 022 035 At ang pagbabaka ay lumala nang araw na yaon; at ang hari ay natigil sa kaniyang karo sa harap ng mga taga Siria, at namatay sa kinahapunan: at ang dugo ay bumuluwak sa sugat sa pinakaloob ng karo. 011 1KI 022 036 At nagkaroon ng hiyawan sa buong hukbo sa may paglubog ng araw, na nagsasabi, Bawa't lalake ay sa kaniyang bayan, at bawa't lalake ay sa kaniyang lupain. 011 1KI 022 037 Sa gayo'y namatay ang hari at dinala sa Samaria; at kanilang inilibing ang hari sa Samaria. 011 1KI 022 038 At kanilang hinugasan ang karo sa tabi ng tangke ng Samaria; at hinimuran ng mga aso ang kaniyang dugo (ang mga masamang babae nga ay nagsipaligo roon; ) ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita. 011 1KI 022 039 Ang iba nga sa mga gawa ni Achab, at ang lahat niyang ginawa, at ang bahay na garing na kaniyang itinayo, at ang lahat na bayan na kaniyang itinayo, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 011 1KI 022 040 Sa gayo'y natulog si Achab na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Ochozias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 011 1KI 022 041 At si Josaphat na anak ni Asa ay nagpasimulang maghari sa Juda, nang ikaapat na taon ni Achab na hari sa Israel. 011 1KI 022 042 Si Josaphat ay tatlong pu't limang taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang pu't limang taon sa Jerusalem. At ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba na anak ni Silai. 011 1KI 022 043 At siya'y lumakad ng buong lakad ni Asa na kaniyang ama; hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa mga mata ng Panginoon: gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis; ang bayan ay nagpatuloy na naghahain, at nagsusunog ng kamangyan sa mga mataas na dako. 011 1KI 022 044 At si Josaphat ay nakipagpayapaan sa hari ng Israel. 011 1KI 022 045 Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakita, at kung paanong siya'y nakidigma, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? 011 1KI 022 046 At ang nangalabi sa mga sodomita na nangalabi sa mga kaarawan ng kaniyang ama na si Asa, ay pinaalis niya sa lupain. 011 1KI 022 047 At walang hari sa Edom: isang kinatawan ay hari. 011 1KI 022 048 Si Josaphat ay gumawa ng mga sasakyang dagat sa Tharsis, upang pumaroon sa Ophir dahil sa ginto: nguni't hindi sila nagsiparoon; sapagka't ang mga sasakyan ay nangasira sa Ezion-geber. 011 1KI 022 049 Nang magkagayo'y sinabi ni Ochozias na anak ni Achab kay Josaphat, Magsiyaon ang aking mga lingkod na kasama ng iyong mga lingkod sa mga sasakyan. Nguni't tumanggi si Josaphat. 011 1KI 022 050 At si Josaphat ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang: at si Joram na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 011 1KI 022 051 Si Ochozias na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari sa Israel sa Samaria, nang ikalabing pitong taon ni Josaphat na hari sa Juda, at siya'y nagharing dalawang taon sa Israel. 011 1KI 022 052 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, at lumakad sa lakad ng kaniyang ama, at sa lakad ng kaniyang ina, at sa lakad ni Jeroboam na anak ni Nabat, na ipinagkasala niya sa Israel. 011 1KI 022 053 At siya'y naglingkod kay Baal, at sumamba sa kaniya, at minungkahi sa galit ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang ama. # # BOOK 012 2KI 2 Kings 2 Mga Hari 012 2KI 001 001 At ang Moab ay nanghimagsik laban sa Israel pagkamatay ni Achab. 012 2KI 001 002 At si Ochozias ay nahulog sa silahia sa kaniyang silid sa itaas na nasa Samaria, at nagkasakit: at siya'y nagsugo ng mga sugo, at nagsabi sa kanila, Kayo ay magsiyaon, usisain ninyo kay Baal-zebub, na dios sa Ecron, kung ako'y gagaling sa sakit na ito. 012 2KI 001 003 Nguni't sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias na Thisbita, Ikaw ay bumangon, umahon ka na salubungin mo ang mga sugo ng hari ng Samaria, at sabihin mo sa kanila, Dahil ba sa walang Dios sa Israel, na kaya kayo'y nagsisiyaon upang magsipagusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron? 012 2KI 001 004 Ngayon nga'y ganito ang sabi ng Panginoon, Ikaw ay hindi bababa sa higaan na iyong sinampahan, kundi walang pagsalang ikaw ay mamamatay. At si Elias ay umalis. 012 2KI 001 005 At ang mga sugo ay nagsibalik sa kaniya, at sinabi niya sa kanila. Bakit kayo'y nagsibalik? 012 2KI 001 006 At sinabi nila sa kaniya, May umahong isang lalake na sinalubong kami, at sinabi sa amin, Kayo'y magsiyaon, magsibalik kayo sa hari na nagsugo sa inyo, at sabihin ninyo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil ba sa walang Dios sa Israel na kaya ikaw ay nagsusugo upang magusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron? Kaya't hindi ka bababa sa higaan na iyong sinampahan, kundi walang pagsalang ikaw ay mamamatay. 012 2KI 001 007 At sinabi niya sa kanila, Anong anyo ng lalaking yaong umahon na sumalubong sa inyo, at nagsaysay sa inyo ng mga salitang ito? 012 2KI 001 008 At sila'y nagsisagot sa kaniya: Siya'y lalaking mabalahibo at nakabigkis ng bigkis na balat ng hayop sa kaniyang mga balakang. At kaniyang sinabi, Siya'y si Elias na Thisbita. 012 2KI 001 009 Nang magkagayo'y nagsugo ang hari sa kaniya ng isang punong kawal ng lilimangpuin na kasama ang kaniyang limangpu. At inahon niya siya: at, narito, siya'y nakaupo sa taluktok ng burol. At siya'y nagsalita sa kaniya: Oh lalake ng Dios, sinabi ng hari: Bumaba ka. 012 2KI 001 010 At si Elias ay sumagot, at nagsabi sa punong kawal ng lilimangpuin: Kung ako'y lalake ng Dios, bumaba ang apoy na mula sa langit, at sakupin ka at ang iyong limangpu. At bumaba ang apoy na mula sa langit, at sinupok siya at ang kaniyang limangpu. 012 2KI 001 011 At muli siyang nagsugo sa kaniya ng ibang punong kawal ng limangpuin na kasama ang kaniyang limangpu. At siya'y sumagot, at nagsabi sa kaniya: Oh lalake ng Dios, ganito ang sabi ng hari, Bumaba kang madali. 012 2KI 001 012 At si Elias ay sumagot, at nagsabi sa kanila, Kung ako'y lalake ng Dios, bumaba ang apoy na mula sa langit, at supukin ka at ang iyong limangpu. At ang apoy ng Dios ay bumaba na mula sa langit, at sinupok siya at ang kaniyang limangpu. 012 2KI 001 013 At muling siya'y nagsugo ng punong kawal ng ikatlong lilimangpuin na kasama ng kaniyang limangpu. At ang ikatlong punong kawal ng lilimangpuin ay umahon, at naparoon at lumuhod sa harap ni Elias, at namanhik sa kaniya at nagsabi sa kaniya, Oh lalake ng Dios, isinasamo ko sa iyo na ang aking buhay, at ang buhay ng limangpung ito na iyong mga lingkod ay maging mahalaga nawa sa iyong paningin. 012 2KI 001 014 Narito, bumaba ang apoy na mula sa langit, at sinupok ang dalawang unang punong kawal ng lilimangpuin sangpu ng kanilang limalimangpu; nguni't ang aking buhay nga'y maging mahalaga nawa sa iyong paningin. 012 2KI 001 015 At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias, Bumaba kang kasama niya: huwag kang matakot sa kaniya. At siya'y tumindig, at bumabang kasama niya hanggang sa hari. 012 2KI 001 016 At sinabi niya sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon: Yamang ikaw ay nagsugo ng mga sugo upang magusisa kay Baal-zebub na dios sa Ecron, dahil ba sa walang Dios sa Israel na mapaguusisaan ng kaniyang salita? kaya't hindi ka bababa sa higaan na iyong sinampahan, kundi walang pagsalang mamamatay ka. 012 2KI 001 017 Sa gayo'y namatay siya, ayon sa salita ng Panginoon na sinalita ni Elias. At si Joram ay nagpasimulang maghari na kahalili niya nang ikalawang taon ni Joram na anak ni Josaphat na hari sa Juda; sapagka't wala siyang anak. 012 2KI 001 018 Ang iba nga sa mga gawa ni Ochozias na kaniyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 012 2KI 002 001 At nangyari, nang isasampa ng Panginoon si Elias sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo, na si Elias ay yumaong kasama ni Eliseo mula sa Gilgal. 012 2KI 002 002 At sinabi ni Elias kay Eliseo, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito: sapagka't sinugo ako ng Panginoon hanggang sa Beth-el. At sinabi ni Eliseo, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. Sa gayo'y bumaba sila sa Beth-el. 012 2KI 002 003 At nilabas ng mga anak ng mga propeta na nasa Beth-el si Eliseo, at nagsipagsabi sa kaniya, Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon? At kaniyang sinabi, Oo, talastas ko; pumayapa kayo. 012 2KI 002 004 At sinabi ni Elias sa kaniya, Eliseo, isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito; sapagka't sinugo ako ng Panginoon sa Jerico. At kaniyang sinabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. Sa gayo'y nagsiparoon sila sa Jerico. 012 2KI 002 005 At nagsilapit kay Eliseo ang mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico, at nagsipagsabi sa kaniya, Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon? At siya'y sumagot, Oo, talastas ko; pumayapa kayo. 012 2KI 002 006 At sinabi ni Elias sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito; sapagka't sinugo ako ng Panginoon sa Jordan. At kaniyang sinabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. At silang dalawa ay nagsiyaon. 012 2KI 002 007 At limangpu sa mga anak ng mga propeta ay nagsiyaon, at nagsitayo sa tapat nila sa malayo; at silang dalawa ay nagsitayo sa tabi ng Jordan. 012 2KI 002 008 At kinuha ni Elias ang kaniyang balabal, at tiniklop, at hinampas ang tubig, at nahawi dito at doon, na ano pa't silang dalawa'y nagsidaan sa tuyong lupa. 012 2KI 002 009 At nangyari, nang sila'y makatawid, na sinabi ni Elias kay Eliseo, Hingin mo kung ano ang gagawin ko sa iyo, bago ako ihiwalay sa iyo. At sinabi ni Eliseo, Isinasamo ko sa iyo, na ang ibayong bahagi ng iyong diwa ay sumaakin. 012 2KI 002 010 At sinabi niya, Ikaw ay humingi ng mabigat na bagay: gayon ma'y kung makita mo ako pagka ako'y inihiwalay sa iyo, magiging gayon sa iyo; nguni't kung hindi ay hindi magiging gayon. 012 2KI 002 011 At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo. 012 2KI 002 012 At nakita ni Eliseo, at siya'y sumigaw. Ama ko, ama ko, mga karo ng Israel at mga mangangabayo niyaon! At hindi na niya nakita siya: at kaniyang hinawakan ang kaniyang sariling kasuutan, at hinapak ng dalawang hati. 012 2KI 002 013 Kinuha rin niya ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at siya'y bumalik, at tumayo sa tabi ng pangpang ng Jordan. 012 2KI 002 014 At kaniyang kinuha ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at hinampas ang tubig, at sinabi, Saan nandoon ang Panginoon, ang Dios ni Elias? at nang kaniyang mahampas naman ang tubig, ay nahawi dito at doon: at si Eliseo ay tumawid. 012 2KI 002 015 At nang makita siya ng mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico sa tapat niya, ay kanilang sinabi, Ang diwa ni Elias ay sumasa kay Eliseo. At sila'y nagsiyaon na sinalubong siya, at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya. 012 2KI 002 016 At kanilang sinabi sa kaniya, Narito ngayon, sa iyong mga lingkod ay may limangpung malalakas na lalake; isinasamo namin sa iyo na payaunin mo sila, at hanapin ang inyong panginoon, baka sakaling itinaas ng Espiritu ng Panginoon, at inihagis sa isang bundok, o sa isang libis. At kaniyang sinabi, Huwag kayong magsipagsugo. 012 2KI 002 017 At nang kanilang pilitin siya hanggang sa siya'y mapahiya, at kaniyang sinabi, Magsipagsugo kayo. Sila'y nagsipagsugo nga ng limangpung lalake, at hinanap nilang tatlong araw, nguni't hindi nasumpungan siya. 012 2KI 002 018 At sila'y nagsibalik sa kaniya, samantalang siya'y naghihintay sa Jerico; at kaniyang sinabi sa kanila, Di ba sinabi ko sa inyo: Huwag kayong magsiyaon? 012 2KI 002 019 At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Eliseo: Tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, na ang kalagayan ng bayang ito ay maligaya, gaya ng nakikita ng aking panginoon: nguni't ang tubig ay masama, at ang lupa ay nagpapalagas ng bunga. 012 2KI 002 020 At kaniyang sinabi, Dalhan ninyo ako ng isang bagong banga, at sidlan ninyo ng asin. At kanilang dinala sa kaniya. 012 2KI 002 021 At siya'y naparoon sa bukal ng tubig, at hinagisan niya ng asin, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Aking pinabuti ang tubig na ito; hindi na magkakaroon mula rito ng kamatayan pa o pagkalagas ng bunga. 012 2KI 002 022 Sa gayo'y bumuti ang tubig hanggang sa araw na ito, ayon sa salita ni Eliseo na kaniyang sinalita. 012 2KI 002 023 At siya'y umahon sa Beth-el mula roon: at samantalang siya'y umaahon sa daan, may nagsilabas sa bayan na mga bata, at tinuya siya, at sinabi nila sa kaniya, Umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo; umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo. 012 2KI 002 024 At siya'y lumingon sa likuran niya, at nangakita niya, at sinumpa niya sila sa pangalan ng Panginoon. At doo'y lumabas ang dalawang osong babae sa gubat, at lumapa ng apat na pu't dalawang bata sa kanila. 012 2KI 002 025 At siya'y naparoon sa bundok ng Carmelo mula roon, at mula roo'y bumalik siya sa Samaria. 012 2KI 003 001 Si Joram nga na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari sa Israel sa Samaria nang ikalabing walong taon ni Josaphat na hari sa Juda, at nagharing labing dalawang taon. 012 2KI 003 002 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon; nguni't hindi gaya ng kaniyang ama, at ng kaniyang ina: sapagka't kaniyang inalis ang haligi na pinakaalaala kay Baal na ginawa ng kaniyang ama. 012 2KI 003 003 Gayon ma'y lumakip siya sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na ipinagkasala niya sa Israel; hindi niya hiniwalayan. 012 2KI 003 004 Si Mesa nga na hari sa Moab ay may mga tupa; at siya'y nagbubuwis sa hari sa Israel ng balahibo ng isang daang libong kordero at ng isang daang libong lalaking tupa. 012 2KI 003 005 Nguni't nangyari nang mamatay si Achab, na ang hari sa Moab ay nanghimagsik laban sa hari sa Israel. 012 2KI 003 006 At ang haring Joram ay lumabas sa Samaria nang panahong yaon, at hinusay ang buong Israel. 012 2KI 003 007 At siya'y yumaon, at nagsugo kay Josaphat na hari sa Juda, na nagsasabi, Ang hari sa Moab ay nanghimagsik laban sa akin: yayaong ka ba na kasama ko laban sa Moab upang bumaka? At kaniyang sinabi, Ako'y aahon: ako'y gaya mo, ang aking bayan ay gaya ng iyong bayan, ang aking mga kabayo ay gaya ng iyong mga kabayo. 012 2KI 003 008 At kaniyang sinabi, Sa aling daan magsisiahon tayo? At siya'y sumagot, Sa daan ng ilang ng Edom. 012 2KI 003 009 Sa gayo'y yumaon ang hari sa Israel, at ang hari sa Juda, at ang hari sa Edom: at sila'y nagsiligid ng pitong araw na paglalakbay; at walang tubig para sa hukbo, o sa mga hayop man na nagsisisunod sa kanila. 012 2KI 003 010 At sinabi ng hari sa Israel, Sa aba natin! sapagka't tinawag ng Panginoon ang tatlong haring ito na magkakasama upang ibigay sa kamay ng Moab. 012 2KI 003 011 Nguni't sinabi ni Josaphat, Wala ba ritong isang propeta ng Panginoon, upang tayo'y makapagusisa sa Panginoon sa pamamagitan niya? At isa sa mga lingkod ng hari sa Israel ay sumagot, at nagsabi, Si Eliseo na anak ni Saphat ay nandito na nagbuhos ng tubig sa mga kamay ni Elias. 012 2KI 003 012 At sinabi ni Josaphat, Ang salita ng Panginoon ay sumasa kaniya. Sa gayo'y binaba siya ng hari sa Israel, at ni Josaphat at ng hari sa Edom. 012 2KI 003 013 At sinabi ni Eliseo sa hari sa Israel, Anong ipakikialam ko sa iyo? pumaroon ka sa mga propeta ng iyong ama, at sa mga propeta ng iyong ina. At sinabi ng hari sa Israel sa kaniya, Hindi; sapagka't tinawag ng Panginoon ang tatlong haring ito na magkakasama upang ibigay sila sa kamay ng Moab. 012 2KI 003 014 At sinabi ni Eliseo, Buhay ang Panginoon ng mga hukbo, na nakatayo ako sa harap niya, tunay na kung wala akong pagtingin sa harap ni Josaphat na hari sa Juda, hindi kita lilingapin, ni titingnan man. 012 2KI 003 015 Nguni't ngayo'y dalhan ninyo ako ng isang manunugtog. At nangyari, nang ang manunugtog ay tumugtog, na ang kamay ng Panginoon ay suma kaniya. 012 2KI 003 016 At kaniyang sinabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Punuin ninyo ang libis na ito ng mga hukay. 012 2KI 003 017 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y hindi makakakita ng hangin, ni kayo'y makakakita man ng ulan; gayon ma'y ang libis na yaon ay mapupuno ng tubig, at kayo'y iinom, kayo at gayon din ang inyong mga baka, at ang inyong mga hayop. 012 2KI 003 018 At ito'y isang bagay na magaan sa paningin ng Panginoon: kaniya rin namang ibibigay ang mga Moabita sa inyong kamay. 012 2KI 003 019 At inyong sasaktan ang bawa't bayang nakukutaan, at ang bawa't piling bayan, at inyong ibubuwal ang bawa't mabuting punong kahoy, at inyong patitigilin ang lahat na bukal ng tubig, at inyong sisirain ng mga bato ang bawa't mabuting bahagi ng lupain. 012 2KI 003 020 At nangyari, sa kinaumagahan, sa may panahon ng paghahandog ng alay, na, narito, humuho ang tubig sa daan ng Edom, at ang lupain ay napuno ng tubig. 012 2KI 003 021 Nang mabalitaan nga ng lahat na Moabita na ang mga hari ay nagsiahon upang magsilaban sa kanila, ay nagpipisan silang lahat na makapagsasakbat ng sandata at hanggang sa katandatandaan, at nagsitayo sa hangganan. 012 2KI 003 022 At sila'y nagsibangong maaga nang kinaumagahan, at ang araw ay suminag sa tubig, at nakita ng mga Moabita ang tubig sa tapat nila na mapulang gaya ng dugo: at kanilang sinabi, 012 2KI 003 023 Ito'y dugo; ang mga hari ay walang pagsalang lipol, at sinaktan ng bawa't isa sa kanila ang kaniyang kasama: ngayon nga, Moab, sa pagsamsam. 012 2KI 003 024 At nang sila'y dumating sa kampamento ng Israel, ang mga taga Israel ay nagsitindig, at sinaktan ang mga Moabita, na anopa't sila'y tumakas sa harap nila; at sila'y nagpatuloy sa lupain na sinasaktan ang mga Moabita. 012 2KI 003 025 At kanilang giniba ang mga bayan at sa bawa't mabuting bahagi ng lupain ay naghagis ang bawa't tao ng kaniyang bato, at pinuno; at kanilang pinatigil ang lahat ng bukal ng tubig, at ibinuwal ang lahat na mabuting punong kahoy, hanggang sa Cir-hareseth lamang nagiwan ng mga bato niyaon; gayon ma'y kinubkob ng mga manghihilagpos, at sinaktan. 012 2KI 003 026 At nang makita ng hari sa Moab na ang pagbabaka ay totoong malala sa ganang kaniya ay nagsama siya ng pitong daang lalake na nagsisihawak ng tabak, upang dumaluhong sa hari sa Edom: nguni't hindi nila nagawa. 012 2KI 003 027 Nang magkagayo'y kinuha niya ang kaniyang pinaka matandang anak na maghahari sana na kahalili niya, at inihandog niya na pinakahandog na susunugin sa ibabaw ng kuta. At nagkaroon ng malaking galit laban sa Israel: at kanilang nilisan siya, at bumalik sa kanilang sariling lupain. 012 2KI 004 001 Sumigaw nga kay Eliseo ang isang babae na isa sa mga asawa ng mga anak ng mga propeta, na nagsasabi, Ang iyong lingkod na aking asawa ay patay na: at iyong talastas na ang iyong lingkod ay natakot sa Panginoon: at ang pinagkautangan ay naparito upang kuning alipinin niya ang aking dalawang anak. 012 2KI 004 002 At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Anong gagawin ko sa iyo? saysayin mo sa akin; anong mayroon ka sa bahay? At sinabi niya, Ang iyong lingkod ay walang anomang bagay sa bahay liban sa isang palyok na langis. 012 2KI 004 003 Nang magkagayo'y sinabi niya, Ikaw ay yumaon, manghiram ka ng mga sisidlan sa labas sa lahat ng iyong mga kapitbahay, sa makatuwid baga'y ng mga walang lamang sisidlan; huwag kang manghiram ng kaunti. 012 2KI 004 004 At ikaw ay papasok, at ikaw at ang iyong mga anak ay magsasara ng pintuan, at iyong ibubuhos ang langis sa lahat ng sisidlang yaon; at iyong itatabi ang mapuno. 012 2KI 004 005 Sa gayo'y nilisan niya siya, at siya at ang kaniyang mga anak ay nagsara ng pintuan; kanilang dinala ang mga sisidlan sa kaniya, at kaniyang pinagbuhusan. 012 2KI 004 006 At nangyari, nang mapuno ang mga sisidlan, na kaniyang sinabi sa kaniyang anak, Dalhan mo pa ako ng isang sisidlan. At sinabi niya sa kaniya: Wala pang sisidlan. At ang langis ay tumigil. 012 2KI 004 007 Nang magkagayo'y naparoon siya, at kaniyang isinaysay sa lalake ng Dios. At kaniyang sinabi, ikaw ay yumaon, ipagbili mo ang langis, at bayaran mo ang iyong utang, at mabuhay ka at ang iyong mga anak sa nalabi. 012 2KI 004 008 At nangyari, isang araw na si Eliseo ay nagdaan sa Sunem, na kinaroroonan ng isang dakilang babae; at pinilit siya niya na kumain ng tinapay. At nagkagayon, na sa tuwing siya'y daraan doon ay lumiliko roon upang kumain ng tinapay. 012 2KI 004 009 At sinabi niya sa kaniyang asawa, Narito ngayon, aking nahahalata na ito'y isang banal na lalake ng Dios na nagdadaan sa ating palagi. 012 2KI 004 010 Isinasamo ko sa iyo na tayo'y gumawa ng isang maliit na silid sa pader; at ating ipaglagay siya roon ng isang higaan, at ng isang dulang, at ng isang upuan, at ng isang kandelero: at mangyayari, pagka siya'y dumarating sa atin, na siya'y papasok doon. 012 2KI 004 011 At nangyari, isang araw, na siya'y dumating doon, at siya'y lumiko na pumasok sa silid, at nahiga roon. 012 2KI 004 012 At sinabi niya kay Giezi na kaniyang lingkod, Tawagin mo ang Sunamitang ito. At nang matawag niya, siya'y tumayo sa harap niya. 012 2KI 004 013 At sinabi niya sa kaniya, Sabihin mo ngayon sa kaniya, Narito, ikaw ay naging maingat sa amin ng buong pagiingat na ito; ano nga ang magagawa sa iyo? ibig mo bang ipakiusap kita sa hari, o sa punong kawal ng hukbo? At siya'y sumagot, Ako'y tumatahan sa gitna ng aking sariling bayan. 012 2KI 004 014 At kaniyang sinabi, Ano nga ang magagawa sa kaniya? At sumagot si Giezi. Katotohanang siya'y walang anak, at ang kaniyang asawa ay matanda na. 012 2KI 004 015 At kaniyang sinabi, Tawagin siya. At nang kaniyang tawagin siya, siya'y tumayo sa pintuan. 012 2KI 004 016 At kaniyang sinabi, Sa panahong ito, pagpihit ng panahon, ikaw ang kakalong ng isang anak na lalake. At kaniyang sinabi, Hindi panginoon ko, ikaw na lalake ng Dios huwag kang magsinungaling sa iyong lingkod. 012 2KI 004 017 At ang babae ay naglihi, at nanganak ng isang lalake nang panahong yaon, nang ang panahon ay makapihit gaya ng sinabi ni Eliseo sa kaniya. 012 2KI 004 018 At nang lumaki ang bata ay nangyari, isang araw, nang siya'y umalis na patungo sa kaniyang ama, sa mga manggagapas. 012 2KI 004 019 At kaniyang sinabi sa kaniyang ama, Ulo ko, ulo ko. At sinabi niya sa kaniyang bataan, Dalhin mo siya sa kaniyang ina. 012 2KI 004 020 At nang kaniyang makuha siya at dalhin siya sa kaniyang ina, siya'y umupo sa kaniyang tuhod hanggang sa katanghaliang tapat, at nang magkagayo'y namatay. 012 2KI 004 021 At siya'y pumanhik at inihiga siya sa higaan ng lalake ng Dios, at pinagsarhan niya ng pintuan siya, at lumabas. 012 2KI 004 022 At kaniyang dinaingan ang kaniyang asawa, at nagsabi, Isinasamo ko sa iyo na iyong suguin sa akin ang isa sa iyong mga bataan, at ang isa sa mga asno, upang aking takbuhin ang lalake ng Dios, at bumalik uli. 012 2KI 004 023 At kaniyang sinabi, Bakit paroroon ka sa kaniya ngayon? hindi bagong buwan o sabbath man. At kaniyang sinabi, Magiging mabuti. 012 2KI 004 024 Nang magkagayo'y siniyahan niya ang isang asno, at nagsabi sa kaniyang bataan, Ikaw ay magpatakbo, at magpatuloy; huwag mong pahinain ang pagpapatakbo sa akin, malibang sabihin ko sa iyo. 012 2KI 004 025 Sa gayo'y yumaon siya at naparoon sa lalake ng Dios sa bundok ng Carmelo. At nangyari, nang makita siya ng lalake ng Dios sa malayo, na kaniyang sinabi kay Giezi na kaniyang lingkod, Narito, nandoon ang Sunamita: 012 2KI 004 026 Tumakbo ka, isinasamo ko sa iyo ngayon, na salubungin siya, at iyong sabihin sa kaniya, Mabuti ka ba? mabuti ba ang iyong asawa? mabuti ba ang bata? At siya'y sumagot, Mabuti. 012 2KI 004 027 At nang siya'y dumating sa lalake ng Dios sa burol, siya'y humawak sa kaniyang mga paa. At lumapit si Giezi upang ihiwalay siya; nguni't sinabi ng lalake ng Dios: Bayaan siya; sapagka't siya'y namamanglaw; at inilihim ng Panginoon sa akin, at hindi isinaysay sa akin. 012 2KI 004 028 Nang magkagayo'y sinabi niya, Ako ba'y humiling ng isang anak sa aking panginoon? di ba sinabi ko, Huwag mo akong dayain? 012 2KI 004 029 Nang magkagayo'y sinabi niya kay Giezi, Bigkisan mo ang iyong mga balakang, at tangnan mo ang aking tungkod sa iyong kamay, at yumaon ka ng iyong lakad: kung ikaw ay makasasalubong ng sinomang tao, huwag mo siyang batiin; at kung ang sinoman ay bumati sa iyo, huwag mo siyang sagutin: at ipatong mo ang aking tungkod sa mukha ng bata. 012 2KI 004 030 At sinabi ng ina ng bata, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. At siya'y tumindig, at sumunod sa kaniya. 012 2KI 004 031 At si Giezi ay nagpauna sa kanila, at ipinatong ang tungkod sa mukha ng bata; nguni't wala kahit tinig, o pakinig man. Kaya't siya'y bumalik na sinalubong siya, at nagsaysay sa kaniya, na nagsabi, Ang bata'y hindi magising. 012 2KI 004 032 At nang si Eliseo ay dumating sa bahay, narito, ang bata'y patay, at nakahiga sa kaniyang higaan. 012 2KI 004 033 Siya'y pumasok nga at sinarhan ang pintuan sa kanilang dalawa, at dumalangin sa Panginoon. 012 2KI 004 034 At siya'y sumampa, at dumapa sa ibabaw ng bata, at idinikit ang kaniyang bibig sa bibig niya, at ang kaniyang mga mata sa mga mata niya, at ang kaniyang mga kamay sa mga kamay niya: at siya'y dumapa sa kaniya; at ang laman ng bata ay uminit. 012 2KI 004 035 Nang magkagayo'y bumalik siya, at lumakad sa bahay na paroo't parito na minsan; at sumampa, at dumapa sa ibabaw niya: at ang bata'y nagbahing makapito, at idinilat ng bata ang kaniyang mga mata. 012 2KI 004 036 At tinawag niya si Giezi, at sinabi, Tawagin mo ang Sunamitang ito. Sa gayo'y tinawag niya siya. At nang siya'y pumaroon sa kaniya, sinabi niya, Kalungin mo ang iyong anak. 012 2KI 004 037 Nang magkagayo'y pumasok siya at nagpatirapa sa kaniyang mga paa, at yumukod sa lupa; at kinalong niya ang kaniyang anak, at umalis. 012 2KI 004 038 At si Eliseo ay bumalik sa Gilgal: at may kagutom sa lupain; at ang mga anak ng mga propeta ay nangakaupo sa harap niya: at sinabi niya sa kaniyang lingkod: Isalang mo ang malaking palayok, at ipagluto mo ng lutuin ang mga anak ng mga propeta. 012 2KI 004 039 At ang isa ay lumabas sa bukid upang manguha ng mga gugulayin, at nakasumpong ng isang baging gubat, at namitas doon ng mga kalabasang gubat na ang kaniyang kandungan ay napuno, at bumalik at pinagputolputol sa palayok ng lutuin: sapagka't hindi nila nalalaman. 012 2KI 004 040 Sa gayo'y kanilang ibinuhos para sa mga tao upang kanin. At nangyari, samantalang sila'y nagsisikain ng lutuin, na sila'y nagsisigaw, at nagsipagsabi, Oh lalake ng Dios, may kamatayan sa palayok. At hindi nakain yaon. 012 2KI 004 041 Nguni't kaniyang sinabi, Magdala nga rito ng harina. At kaniyang isinilid sa palayok; at kaniyang sinabi, Ibuhos ninyo para sa bayan, upang sila'y makakain. At wala nang makasasama sa palayok. 012 2KI 004 042 At dumating ang isang lalake na mula sa Baal-salisa, at nagdala sa lalake ng Dios ng tinapay ng mga unang bunga, na dalawang pung tinapay na sebada, at mga murang uhay ng trigo na nangasa kaniyang bayong. At kaniyang sinabi, Ibigay mo sa bayan, upang kanilang makain. 012 2KI 004 043 At sinabi ng kaniyang lingkod: Ano, ilalapag ko ba ito sa harap ng isang daang tao? Nguni't kaniyang sinabi, Ibigay sa bayan upang kanilang makain; sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Sila'y kakain, at magtitira niyaon. 012 2KI 004 044 Sa gayo'y inilapag niya sa harap nila, at sila'y nagsikain, at nagsipagtira niyaon, ayon sa salita ng Panginoon. 012 2KI 005 001 Si Naaman nga, na punong kawal ng hukbo ng hari sa Siria, ay dakilang lalake sa kaniyang panginoon, at marangal, sapagka't sa pamamagitan niya'y nagbigay ang Panginoon ng pagtatagumpay sa Siria: siya rin nama'y malakas na lalake na may tapang, nguni't may ketong. 012 2KI 005 002 At ang mga taga Siria ay nagsilabas na mga pulupulutong, at nagdala ng bihag na mula sa lupain ng Israel na isang dalagita; at siya'y naglingkod sa asawa ni Naaman. 012 2KI 005 003 At sinabi niya sa kaniyang babaing panginoon. Mano nawa ang aking panginoon ay humarap sa propeta na nasa Samaria! kung magkagayo'y pagagalingin niya siya sa kaniyang ketong. 012 2KI 005 004 At pumasok ang isa, at isinaysay sa kaniyang panginoon, na sinasabi, Ganito't ganito ang sabi ng dalagita na nagmula sa lupain ng Israel. 012 2KI 005 005 At sinabi ng hari sa Siria, Yumaon ka, yumaon ka, at ako'y magpapadala ng sulat sa hari sa Israel. At siya'y yumaon, at nagdala siya ng sangpung talentong pilak, at anim na libong putol na ginto, at sangpung pangpalit na bihisan. 012 2KI 005 006 At kaniyang dinala ang sulat sa hari sa Israel, na sinasabi, At pagka nga dumating sa iyo ang sulat na ito, ay talastasin mo na aking sinugo si Naaman na aking lingkod sa iyo, upang iyong pagalingin siya sa kaniyang ketong. 012 2KI 005 007 At nangyari, nang mabasa ng hari sa Israel ang sulat, na kaniyang hinapak ang kaniyang suot at nagsabi, Ako ba'y Dios upang pumatay at bumuhay, na ang lalaking ito ay nagsugo sa akin upang pagalingin ito sa kaniyang ketong? nguni't talastasin mo, isinasamo ko sa iyo, at tingnan mo kung paanong siya'y humahanap ng dahilan laban sa akin. 012 2KI 005 008 At nagkagayon, nang mabalitaan ni Eliseo na lalake ng Dios na hinapak ng hari sa Israel ang kaniyang suot, na siya'y nagsugo sa hari, na nagsabi: Bakit mo hinapak ang iyong mga kasuutan? paparituhin mo siya sa akin, at kaniyang malalaman na may isang propeta sa Israel. 012 2KI 005 009 Sa gayo'y naparoon si Naaman na dala ang kaniyang mga kabayo at ang kaniyang mga karo, at tumayo sa pintuan ng bahay ni Eliseo. 012 2KI 005 010 At si Eliseo ay nagsugo ng sugo sa kaniya, na nagsasabi, ikaw ay yumaon, at maligo sa Jordan na makapito, at ang iyong laman ay sasauli sa iyo, at ikaw ay magiging malinis. 012 2KI 005 011 Nguni't si Naaman ay naginit, at umalis, at nagsabi, Narito, aking inakalang, walang pagsalang lalabasin niya ako, at tatayo, at tatawag sa pangalan ng Panginoon niyang Dios, at pagagalawgalawin ang kaniyang kamay sa kinaroroonan, at mapapawi ang ketong. 012 2KI 005 012 Hindi ba ang Abana at ang Pharphar, na mga ilog ng Damasco, ay mainam kay sa lahat ng tubig sa Israel? hindi ba ako makapaliligo sa mga yaon, at maging malinis? Sa gayo'y pumihit siya at umalis sa paginit. 012 2KI 005 013 At ang kaniyang mga lingkod ay nagsilapit, at nagsipagsalita sa kaniya, at nagsabi, Ama ko, kung ipinagawa sa iyo ng propeta ang anomang mahirap na bagay, hindi mo ba gagawin? gaano nga kung sabihin niya sa iyo, Ikaw ay maligo, at maging malinis? 012 2KI 005 014 Nang magkagayo'y lumusong siya at sumugbong makapito sa Jordan, ayon sa sabi ng lalake ng Dios: at ang kaniyang laman ay nagsauling gaya ng laman ng isang munting bata, at siya'y naging malinis. 012 2KI 005 015 At siya'y bumalik sa lalake ng Dios, siya at ang buong pulutong niya, at naparoon, at tumayo sa harap niya: at siya'y nagsabi, Narito ngayon, aking talastas na walang Dios sa buong lupa, kundi sa Israel: isinasamo ko ngayon sa iyo na tanggapin mo ang kaloob ng iyong lingkod. 012 2KI 005 016 Nguni't kaniyang sinabi, Buhay ang Panginoon, na nakatayo ako sa harap niya, wala akong tatanggapin. At ipinilit niya sa kaniyang kunin; nguni't siya'y tumanggi. 012 2KI 005 017 At sinabi ni Naaman, Kung hindi, isinasamo ko pa sa iyo, na bigyan ko ang iyong lingkod ng lupang mapapasan ng dalawang mula; sapagka't ang iyong lingkod buhat ngayon ay hindi maghahandog ng handog na susunugin o hain man sa ibang mga dios, kundi sa Panginoon. 012 2KI 005 018 Sa bagay na ito'y patawarin nawa ng Panginoon ang iyong lingkod, pagka ang aking panginoon ay pumasok sa bahay ni Rimmon upang sumamba roon, at siya'y umagapay sa aking kamay, at ako'y yumukod sa bahay ni Rimmon, pagyukod ko sa bahay ni Rimmon, na patawarin nawa ng Panginoon ang iyong lingkod sa bagay na ito. 012 2KI 005 019 At sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay yumaong payapa. Sa gayo'y nilisan niya siya ng may aguwat na kaunti. 012 2KI 005 020 Nguni't si Giezi, na lingkod ni Eliseo na lalake ng Dios, ay nagsabi, Narito, pinalagpas ng aking panginoon ang Naamang ito na taga Siria, sa di pagtanggap sa kaniyang mga kamay ng kaniyang dala; buhay ang Panginoon, tatakbuhin ko siya, at kukuha ako ng anoman sa kaniya. 012 2KI 005 021 Sa gayo'y sinundan ni Giezi si Naaman, at nang makita ni Naaman na isa'y humahabol sa kaniya, siya'y bumaba sa karo na sinalubong niya, at sinabi, Lahat ba'y mabuti? 012 2KI 005 022 At kaniyang sinabi, Lahat ay mabuti. Sinugo ako ng aking panginoon, na sinabi, Narito, dumating sa akin ngayon mula sa lupaing maburol ng Ephraim ang dalawang binata sa mga anak ng mga propeta: isinasamo ko sa iyo na bigyan mo sila ng isang talentong pilak, at dalawang pangpalit na bihisan. 012 2KI 005 023 At sinabi ni Naaman, Matuwa ka, kunin mo ang dalawang talento. At ipinilit niya sa kaniya, at ibinalot ang dalawang talentong pilak sa dalawang supot, sangpu ng dalawang pangpalit na bihisan, at mga ipinasan sa dalawa sa kaniyang mga bataan; at dinala nila sa unahan niya. 012 2KI 005 024 At nang siya'y dumating sa burol, kinuha niya sa kanilang kamay, at itinago niya sa bahay: at pinayaon niya ang mga lalake, at sila'y nagsiyaon. 012 2KI 005 025 Nguni't siya'y pumasok at tumayo sa harap ng kaniyang panginoon. At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Saan ka nanggaling Giezi? At kaniyang sinabi, Ang iyong lingkod ay walang pinaroonan. 012 2KI 005 026 At kaniyang sinabi, Hindi ba sumasa iyo ang aking puso nang ang lalake ay bumalik mula sa kaniyang karo na sinasalubong ka? panahon ba ng pagtanggap ng salapi, at pagtanggap ng bihisan, at ng mga olibohan, at ng mga ubasan, at ng mga tupa, at ng mga baka, at ng mga aliping lalake at babae? 012 2KI 005 027 Ang ketong nga ni Naaman ay kakapit sa iyo, at sa iyong binhi magpakailan man. At siya'y umalis sa kaniyang harapan na may ketong na kasingputi ng niebe. 012 2KI 006 001 At sinabi ng mga anak ng mga propeta kay Eliseo, Narito ngayon, ang dakong aming kinatitirahan sa harap mo ay totoong gipit sa ganang amin. 012 2KI 006 002 Isinasamo namin sa iyo na kami ay paparoonin sa Jordan, at kumuha roon ang bawa't isa ng sikang, at gumawa kami para sa amin ng isang dako roon, na aming matatahanan. At siya'y sumagot, Magsiyaon kayo. 012 2KI 006 003 At sinabi ng isa, Isinasamo ko sa iyo na ikaw ay matuwa, at yumaon na kasama ng iyong mga lingkod. At siya'y sumagot, Ako'y yayaon. 012 2KI 006 004 Sa gayo'y yumaon siyang kasama nila. At nang sila'y dumating sa Jordan, sila'y nagsiputol ng kahoy. 012 2KI 006 005 Nguni't samantalang ang isa'y pumuputol ng isang sikang, ang talim ng palakol ay nalaglag sa tubig: at siya'y sumigaw, at nagsabi, Sa aba ko, panginoon ko! sapagka't hiram. 012 2KI 006 006 At sinabi ng lalake ng Dios, Saan nalaglag? At itinuro niya sa kaniya ang dako. At siya'y pumutol ng isang patpat, at inihagis doon, at pinalutang ang bakal. 012 2KI 006 007 At kaniyang sinabi, Kunin mo. Sa gayo'y kaniyang iniunat ang kaniyang kamay, at kinuha. 012 2KI 006 008 Ang hari nga sa Siria ay nakipagdigma sa Israel; at siya'y kumuhang payo sa kaniyang mga lingkod, na nagsasabi, Sa gayo't gayong dako malalagay ang aking kampamento. 012 2KI 006 009 At ang lalake ng Dios ay nagsugo sa hari sa Israel, na nagsasabi, Magingat ka na huwag dumaan sa dakong yaon; sapagka't doo'y lumulusong ang mga taga Siria. 012 2KI 006 010 At nagsugo ang hari sa Israel sa dakong isinaysay sa kaniya ng lalake ng Dios at ipinagpauna sa kaniya; at siya'y lumigtas doon, na hindi miminsan o mamakalawa. 012 2KI 006 011 At ang puso ng hari sa Siria ay nabagabag na mainam dahil sa bagay na ito; at kaniyang tinawag ang kaniyang mga lingkod, at sinabi sa kanila, Hindi ba ninyo ipakikilala sa akin kung sino sa atin ang sa hari sa Israel? 012 2KI 006 012 At sinabi ng isa sa kaniyang mga lingkod, Hindi panginoon ko, Oh hari: kundi si Eliseo, na propeta na nasa Israel, ay nagsaysay sa hari sa Israel ng mga salita na iyong sinalita sa iyong silid na tulugan. 012 2KI 006 013 At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon at tingnan mo kung saan siya nandoon, upang ako'y makapagpasundo at dalhin siya. At nasaysay sa kaniya, na sinabi, Narito, siya'y nasa Dothan. 012 2KI 006 014 Kaya't siya'y nagsugo roon ng mga kabayo at mga karo, at ng isang malaking hukbo: at sila'y naparoon sa gabi, at kinubkob ang bayan sa palibot. 012 2KI 006 015 At nang ang lingkod ng lalake ng Dios ay magbangong maaga, at maglabas, narito, isang hukbo na may mga kabayo at mga karo ay nakalibot sa bayan. At ang kaniyang lingkod ay nagsabi sa kaniya, Sa aba natin, panginoon ko! paano ang ating gagawin? 012 2KI 006 016 At siya'y sumagot, Huwag kang matakot: sapagka't ang sumasaatin ay higit kay sa sumasa kanila. 012 2KI 006 017 At si Eliseo ay nanalangin, at nagsabi, Idinadalangin ko sa iyo, Panginoon, na idilat ang kaniyang mga mata, upang siya'y makakita. At idinilat ng Panginoon ang mga mata ng binata; at siya'y nakakita, at narito, ang bundok ay puno ng mga kabayo at ng mga karo ng apoy sa palibot ni Eliseo. 012 2KI 006 018 At nang kanilang lusungin siya, ay nanalangin si Eliseo sa Panginoon, at nagsabi, Idinadalangin ko sa iyo, na bulagin mo ang bayang ito. At kaniyang binulag sila ayon sa salita ni Eliseo. 012 2KI 006 019 At sinabi ni Eliseo sa kanila, Hindi ito ang daan, o ang bayan man: sumunod kayo sa akin, at dadalhin ko kayo sa lalake na inyong hinahanap. At kaniyang pinatnubayan sila hanggang sa Samaria. 012 2KI 006 020 At nangyari, nang sila'y magsidating sa Samaria, na sinabi ni Eliseo, Panginoon, idilat mo ang mga mata ng mga lalaking ito, upang sila'y makakita. At idinilat ng Panginoon ang kanilang mga mata, at sila'y nangakakita; at, narito, sila'y nangasa gitna ng Samaria. 012 2KI 006 021 At sinabi ng hari sa Israel kay Eliseo, nang makita niya sila, Ama ko, sasaktan ko ba sila? sasaktan ko ba sila? 012 2KI 006 022 At siya'y sumagot. Huwag mong sasaktan sila; sasaktan mo ba ang iyong binihag ng iyong tabak at ng iyong busog? maghain ka ng tinapay at tubig sa harap nila, upang kanilang makain at mainom, at magsiparoon sa kanilang panginoon. 012 2KI 006 023 At ipinaghanda niya ng malaking pagkain sila: at nang sila'y makakain at makainom, kaniyang pinayaon sila, at sila'y nagsiparoon sa kanilang panginoon. At ang pulutong ng Siria ay hindi na naparoon pa sa lupain ng Israel. 012 2KI 006 024 At nangyari, pagkatapos nito, na pinisan ni Ben-adad na hari sa Siria, ang buo niyang hukbo, at umahon, at kinubkob ang Samaria. 012 2KI 006 025 At nagkaroon ng malaking kagutom sa Samaria: at, narito, kanilang kinubkob, hanggang sa ang ulo ng isang asno ay naipagbili ng walong pung putol na pilak, at ang ikaapat na bahagi ng isang takal ng dumi ng kalapati ay ng limang putol na pilak. 012 2KI 006 026 At pagdaraan sa kuta ng hari sa Israel, humiyaw ang isang babae sa kaniya, na nagsasabi, Saklolo, panginoon ko, Oh hari. 012 2KI 006 027 At kaniyang sinabi, Kung hindi ka saklolohan ng Panginoon, sa ano kita sasaklolohan sa giikan ba, o sa ubasan. 012 2KI 006 028 At sinabi ng hari sa kaniya, Anong nangyayari sa iyo? At siya'y sumagot, Sinabi ng babaing ito sa akin, Ibigay mo ang iyong anak, upang makain natin siya ngayon, at kakanin natin ang anak ko bukas. 012 2KI 006 029 Sa gayo'y pinakuluan namin ang anak ko, at kinain namin siya: at sinabi ko sa kaniya sa sumunod na araw, Ibigay mo ang iyong anak, upang makain natin siya; at kaniyang ikinubli ang kaniyang anak. 012 2KI 006 030 At nangyari, nang marinig ng hari ang mga salita ng babae, na kaniyang hinapak ang kaniyang suot (nagdadaan nga siya sa kuta; ) at ang bayan ay tumingin, at, narito, siya'y may magaspang na damit sa loob sa kaniyang katawan. 012 2KI 006 031 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Gawing gayon ng Dios sa akin, at lalo na, kung ang ulo ni Eliseo, na anak ni Saphat ay matira sa kaniya sa araw na ito. 012 2KI 006 032 Nguni't si Eliseo ay nakaupo sa kaniyang bahay, at ang mga matanda ay nagsiupo na kasama niya; at ang hari ay nagsugo ng isang lalake na mula sa harap niya: nguni't bago dumating ang sugo sa kinaroroonan niya, sinabi niya sa mga matanda, Hindi ba ninyo nakita kung paanong ang anak na ito ng isang mamamatay tao ay nagsugo sa akin na alisin ang aking ulo? masdan ninyo, pagdating ng sugo, sarhan ninyo ang pintuan, at itulak ninyo ang pinto laban sa kaniya: di ba ang ingay ng mga paa ng kaniyang panginoon sa likod niya? 012 2KI 006 033 At samantalang siya'y nakikipagusap sa kanila, narito, nilusong siya ng sugo: at kaniyang sinabi, Narito, ang kasamaang ito'y mula sa Panginoon; bakit pa ako maghihintay sa Panginoon? 012 2KI 007 001 At sinabi ni Eliseo, Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon, ganito ang sabi ng Panginoon: Bukas sa may ganitong oras, ang isang takal ng mainam na harina ay maipagbibili ng isang siklo, at ang dalawang takal ng sebada ay ng dalawang siklo, sa pintuang-bayan ng Samaria. 012 2KI 007 002 Nang magkagayo'y ang punong kawal na pinangangapitan ng hari ay sumagot sa lalaki ng Dios, at nagsabi, Narito, kung ang Panginoo'y gagawa ng mga dungawan sa langit, mangyayari ba ito? At kaniyang sinabi, Narito, makikita mo yaon ng iyong mga mata, nguni't hindi ka kakain niyaon. 012 2KI 007 003 Mayroon ngang apat na may ketong sa pasukan ng pintuang-bayan: at sila'y nagsangusapan. Bakit nauupo tayo rito hanggang sa tayo'y mamatay? 012 2KI 007 004 Kung ating sabihin, Tayo'y magsisipasok sa bayan, ang kagutom nga'y nasa bayan, at tayo'y mamamatay roon: at kung tayo'y magsisitigil ng pagkaupo rito, tayo'y mamamatay rin. Ngayon nga'y halina, at tayo'y lumapit sa hukbo ng mga taga Siria: kung tayo'y iligtas nilang buhay, tayo'y mabubuhay; at kung tayo'y patayin nila, mamamatay lamang tayo. 012 2KI 007 005 At sila'y nagsitindig pagtatakip silim, upang magsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria: at nang sila'y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento ng mga taga Siria, narito, walang tao roon. 012 2KI 007 006 Sapagka't ipinarinig ng Panginoon sa hukbo ng mga taga Siria ang hugong ng mga karo, at ang huni ng mga kabayo, sa makatuwid baga'y ang hugong ng malaking hukbo: at sila'y nagsangusapan. Narito, inupahan ng hari ng Israel laban sa atin ang mga hari ng mga Hetheo, at ang mga hari ng mga taga Egipto, upang magsidaluhong sa atin. 012 2KI 007 007 Kaya't sila'y nagsitindig, at nagsitakas sa pagtatakip silim, at iniwan ang kanilang mga tolda, at ang kanilang mga kabayo, at ang kanilang mga asno, at ang buong kampamento, na gaya ng dati, at nagsitakas dahil sa kanilang buhay. 012 2KI 007 008 At nang ang mga may ketong na ito'y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento, sila'y nagsipasok sa isang tolda, at nagsikain at nagsiinom, at nagsipagdala mula roon ng pilak, at ng ginto, at ng bihisan, at nagsiyaon at itinago; at sila'y bumalik, at pumasok sa ibang tolda, at nagdala rin mula roon, at nagsiyaon at itinago. 012 2KI 007 009 Nang magkagayo'y nagsangusapan sila. Hindi mabuti ang ginagawa natin: ang araw na ito ay araw ng mabubuting balita, at tayo'y tumatahimik: kung tayo'y magsipaghintay ng hanggang sa pagliliwayway sa kinaumagahan, parusa ang aabot sa atin: ngayon nga'y halina, tayo'y magsiyaon at ating saysayin sa sangbahayan ng hari. 012 2KI 007 010 Sa gayo'y nagsiparoon sila, at nagsitawag sa tagatanod-pinto ng bayan: at kanilang isinaysay sa kanila, na sinasabi, Kami ay nagsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria, at, narito, walang lalake roon ni tinig man ng lalake, kundi mga nakataling kabayo, at mga asnong nangakatali, at ang mga tolda na gaya ng dati. 012 2KI 007 011 At tinawag niya ang mga tagatanod-pinto; at kanilang sinaysay sa sangbahayan ng hari sa loob. 012 2KI 007 012 At ang hari ay bumangon sa gabi, at nagsabi sa kaniyang mga lingkod, Ipakikita ko sa inyo ngayon kung ano ang ginawa ng mga taga Siria sa atin. Kanilang talastas na tayo'y gutom; kaya't sila'y nagsilabas ng kampamento upang magsipangubli sa parang, na nagsasabi, Pagka sila'y nagsilabas sa bayan, ating kukunin silang buhay at papasok tayo sa bayan. 012 2KI 007 013 At isa sa kaniyang mga lingkod ay sumagot, at nagsabi, Isinasamo ko sa inyo na kunin ng ilan ang lima sa mga kabayong nalabi, na natira sa bayan (narito, sila'y gaya ng buong karamihan ng Israel na natira roon; narito, sila'y gaya ng buong karamihan ng Israel na nalipol: ) at tayo'y magsugo at ating tingnan. 012 2KI 007 014 Sila nga'y nagsikuha ng dalawang karo na may mga kabayo; at ang hari ay nagsugo na pinasundan ang hukbo ng mga taga Siria, na nagsabi, Kayo ay yumaon at tingnan ninyo. 012 2KI 007 015 At kanilang sinundan sila hanggang sa Jordan; at, narito, ang buong daa'y puno ng mga kasuutan at ng mga kasangkapan na mga inihagis ng mga taga Siria sa kanilang pagmamadali. At ang mga sugo ay nagsibalik at nagsaysay sa hari. 012 2KI 007 016 At ang bayan ay lumabas, at sinamsaman ang kampamento ng mga taga Siria. Sa gayo'y ang takal ng mainam na harina ay naipagbili ng isang siklo, at ang dalawang takal ng sebada ay isang siklo, ayon sa salita ng Panginoon. 012 2KI 007 017 At inihabilin ng hari sa punong kawal na pinangangapitan niya, ang katungkulan sa pintuang-bayan: at niyapakan siya ng bayan sa pintuang-bayan, at siya'y namatay na gaya ng sinabi ng lalake ng Dios, na nagsalita nang lusungin siya ng hari. 012 2KI 007 018 At nangyari, gaya ng sinabi ng lalake ng Dios sa hari, na sinasabi, Ang dalawang takal ng sebada ay maipagbibili isang siklo, at ang isang takal ng mainam na harina ay isang siklo, mangyayari bukas sa may ganitong oras sa pintuang-bayan ng Samaria; 012 2KI 007 019 At ang punong kawal na yaon ay sumagot sa lalake ng Dios, at nagsabi, Ngayon, narito, kung ang Panginoon ay gagawa ng mga dungawan sa langit, mangyayari ba ang gayong bagay? At kaniyang sinabi, Narito, makikita mo yaon ng iyong mga mata, nguni't hindi ka kakain niyaon: 012 2KI 007 020 Nangyari ngang gayon sa kaniya; sapagka't niyapakan siya ng bayan sa pintuang-bayan, at siya'y namatay. 012 2KI 008 001 Nagsalita nga si Eliseo sa babae, na ang anak ay kaniyang sinaulian ng buhay, na sinasabi, Ikaw ay bumangon at yumaon ka at ang iyong sangbahayan, at mangibang bayan ka kung saan ka makakapangibang bayan: sapagka't nagtalaga ang Panginoon ng kagutom; at magtatagal naman sa lupain na pitong taon. 012 2KI 008 002 At ang babae ay bumangon, at ginawa ang ayon sa sinalita ng lalake ng Dios: at siya'y yumaon na kasama ng kaniyang sangbahayan, at nangibang bayan sa lupain ng mga Filisteo na pitong taon. 012 2KI 008 003 At nangyari, sa katapusan ng ikapitong taon, na ang babae ay bumalik na mula sa lupain ng mga Filisteo: at siya'y lumabas upang dumaing sa hari dahil sa kaniyang bahay at dahil sa kaniyang lupain. 012 2KI 008 004 Ang hari nga'y nakipagusap kay Giezi na lingkod ng lalake ng Dios, na sinasabi, Isinasamo ko sa iyo, na saysayin mo sa akin ang lahat na mga dakilang bagay na ginawa ni Eliseo. 012 2KI 008 005 At nangyari, samantalang kaniyang sinasaysay sa hari kung paanong kaniyang isinauli ang buhay niyaon na patay, na narito, ang babae, na ang anak ay kaniyang sinaulian ng buhay, ay dumaing sa hari dahil sa kaniyang bahay at dahil sa kaniyang lupain. At sinabi ni Giezi, Panginoon ko, Oh hari, ito ang babae, at ito ang kaniyang anak na sinaulian ng buhay ni Eliseo. 012 2KI 008 006 At nang tanungin ng hari ang babae, sinaysay niya sa kaniya. Sa gayo'y hinalalan ng hari siya ng isang pinuno, na sinasabi, Isauli mo ang lahat ng kaniya, at ang lahat ng bunga ng bukid mula nang araw na kaniyang iwan ang lupain, hanggang ngayon. 012 2KI 008 007 At si Eliseo ay naparoon sa Damasco; at si Ben-adad na hari sa Siria ay may sakit: at nasaysay sa kaniya, na sinabi, Ang lalake ng Dios ay naparito. 012 2KI 008 008 At sinabi ng hari kay Hazael, Magdala ka ng isang kaloob sa iyong kamay, at yumaon kang salubungin mo ang lalake ng Dios, at magusisa ka sa Panginoon sa pamamagitan niya, na magsabi, Gagaling ba ako sa sakit na ito? 012 2KI 008 009 Sa gayo'y naparoon na sinalubong siya ni Hazael, at nagdala siya ng kaloob, ng bawa't mabuting bagay sa Damasco, na apat na pung pasang kamelyo at naparoon at tumayo sa harap niya, at nagsabi, Sinugo ako sa iyo ng anak mong si Ben-adad na hari sa Siria, na sinasabi, Gagaling ba ako sa sakit na ito? 012 2KI 008 010 At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Ikaw ay yumaon, sabihin mo sa kaniya, Walang pagsalang ikaw ay gagaling? gayon ma'y ipinakilala sa akin ng Panginoon na siya'y walang pagsalang mamamatay. 012 2KI 008 011 At kaniyang itinitig ang kaniyang mukha, hanggang sa siya'y napahiya: at ang lalake ng Dios ay umiyak. 012 2KI 008 012 At sinabi ni Hazael, Bakit umiyak ang panginoon ko? At siya'y sumagot, Sapagka't talastas ko ang kasamaan na iyong gagawin sa mga anak ni Israel: ang kanilang mga katibayan ay iyong sisilaban ng apoy, at ang kanilang mga binata ay iyong papatayin ng tabak, at mga pagpuputol-putulin ang kanilang mga bata, at iyong paluluwain ang bituka ng mga babaing buntis. 012 2KI 008 013 At sinabi ni Hazael, Nguni't ano ang iyong lingkod na isang aso lamang na kaniyang gagawin ang dakilang bagay na ito? At sumagot si Eliseo, Ipinakilala sa akin ng Panginoon, na ikaw ay magiging hari sa Siria. 012 2KI 008 014 Nang magkagayo'y nilisan niya si Eliseo, at naparoon sa kaniyang panginoon; na nagsabi sa kaniya, Ano ang sabi ni Eliseo sa iyo? At siya'y sumagot, Kaniyang sinaysay sa akin na walang pagsalang ikaw ay gagaling. 012 2KI 008 015 At nangyari, nang kinabukasan, na kaniyang kinuha ang munting kumot at binasa sa tubig, at iniladlad sa kaniyang mukha, na anopa't siya'y namatay: at si Hazael ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 008 016 At nang ikalimang taon ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel, noong si Josaphat ay hari sa Juda, ay nagpasimulang maghari si Joram na anak ni Josaphat na hari sa Juda. 012 2KI 008 017 Tatlongpu't dalawang taon ang gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing walong taon sa Jerusalem. 012 2KI 008 018 At siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab: sapagka't ang anak ni Achab ay kaniyang asawa: at siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon. 012 2KI 008 019 Gayon ma'y hindi giniba ng Panginoon ang Juda, dahil kay David na kaniyang lingkod gaya ng kaniyang ipinangako sa kaniya na bibigyan siya ng isang ilawan sa ganang kaniyang mga anak magpakailan man. 012 2KI 008 020 Sa kaniyang mga kaarawan ay nanghimagsik ang Edom na humiwalay sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ng Juda, at naghalal sila ng hari sa kanila. 012 2KI 008 021 Nang magkagayo'y nagdaan si Joram sa Seir, at ang lahat niyang mga karo na kasama niya: at siya'y bumangon sa gabi, at sinaktan ang mga Edomeo na kumubkob sa kaniya, at ang mga punong kawal ng mga karo; at ang bayan ay tumakas sa kanilang mga tolda. 012 2KI 008 022 Sa gayo'y nanghimagsik ang Edom sa kamay ng Juda, hanggang sa araw na ito. Nang magkagayo'y nanghimagsik ang Libna nang panahon ding yaon. 012 2KI 008 023 At ang iba sa mga gawa ni Joram, at ang lahat niyang ginawa di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? 012 2KI 008 024 At si Joram ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Ochozias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 008 025 Nang ikalabing dalawang taon ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari si Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda. 012 2KI 008 026 May dalawangpu't dalawang taon si Ochozias nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing isang taon sa Jerusalem. At ang pangalan ng kaniyang ina ay Athalia na anak ni Omri na hari sa Israel. 012 2KI 008 027 At siya'y lumakad ng lakad ng sangbahayan ni Achab; at gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab: sapagka't siya'y manugang sa sangbahayan ni Achab. 012 2KI 008 028 At siya'y yumaong kasama ni Joram na anak ni Achab upang makipagdigma laban kay Hazael na hari sa Siria sa Ramoth-galaad: at sinugatan ng mga taga Siria si Joram. 012 2KI 008 029 At ang haring Joram ay bumalik upang magpagaling sa Jezreel, ng mga sugat na isinugat sa kaniya ng mga taga Siria sa Ramoth nang siya'y lumaban kay Hazael na hari sa Siria. At si Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda ay lumusong upang tingnan si Joram na anak ni Achab sa Jezreel, sapagka't siya'y nasugatan. 012 2KI 009 001 At tinawag ni Eliseo na propeta ang isa sa mga anak ng mga propeta at nagsabi sa kaniya, Bigkisan mo ang iyong mga balakang, at hawakan mo ang sisidlang ito ng langis sa iyong kamay, at pumaroon ka sa Ramoth-galaad. 012 2KI 009 002 At pagdating mo roon, hanapin mo roon si Jehu na anak ni Josaphat na anak ni Nimsi, at iyong pasukin at patayuin mo sa gitna ng kaniyang mga kapatid, at dalhin mo siya sa isang silid sa loob. 012 2KI 009 003 Kung magkagayo'y kunin mo ang sisidlan ng langis, at ibuhos mo sa kaniyang ulo, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Pinahiran kita upang maging hari sa Israel. Kung magkagayo'y buksan mo ang pintuan, at ikaw ay tumakas at huwag kang maghintay. 012 2KI 009 004 Sa gayon ang binata, sa makatuwid baga'y ang binatang propeta, ay naparoon sa Ramoth-galaad. 012 2KI 009 005 At nang siya'y dumating, narito; ang mga punong kawal ng hukbo ay nangakaupo: at kaniyang sinabi, Ako'y may isang sadya sa iyo, Oh punong kawal. At sinabi ni Jehu, Sa alin sa aming lahat? At kaniyang sinabi, Sa iyo, Oh punong kawal. 012 2KI 009 006 At siya'y tumindig at pumasok sa bahay, at kaniyang ibinuhos ang langis sa kaniyang ulo, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel. Aking pinahiran ka upang maging hari sa bayan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y sa Israel. 012 2KI 009 007 At iyong sasaktan ang sangbahayan ni Achab na iyong panginoon, upang aking ipaghiganti ang dugo ng aking mga lingkod na mga propeta, at ang dugo ng lahat na lingkod ng Panginoon sa kamay ni Jezabel. 012 2KI 009 008 Sapagka't ang buong sangbahayan ni Achab ay malilipol: at aking ihihiwalay kay Achab ang bawa't batang lalake, at ang nakulong at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel. 012 2KI 009 009 At aking gagawin ang sangbahayan ni Achab na gaya ng sangbahayan ni Jeroboam na anak ni Nabat, at gaya ng sangbahayan ni Baasa na anak ni Ahia. 012 2KI 009 010 At lalapain ng mga aso si Jezabel sa putol ng lupa ni Jezreel, at walang maglilibing sa kaniya. At kaniyang binuksan ang pintuan, at tumakas. 012 2KI 009 011 Nang magkagayon, nilabas ni Jehu ang mga lingkod ng kaniyang panginoon: at sinabi ng isa sa kaniya, Lahat ba'y mabuti? bakit naparito ang ulol na taong ito sa iyo? At sinabi niya sa kanila, Inyong kilala ang lalake at ang kaniyang pananalita. 012 2KI 009 012 At kanilang sinabi, Kabulaanan nga; saysayin mo sa amin ngayon. At kaniyang sinabi, Ganito't ganito ang sinalita niya sa akin, na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon: Pinahiran kita ng langis upang maging hari sa Israel. 012 2KI 009 013 Nang magkagayo'y sila'y nangagmadali, at kinuha ng bawa't isa ang kaniyang kasuutan, at inilagay sa ilalim niya sa ibabaw ng hagdan, at humihip ng pakakak, na nagsasabi, Si Jehu ay hari. 012 2KI 009 014 Ganito, si Jehu na anak ni Josaphat, na anak ni Nimsi, nanghimagsik laban kay Joram. (Iningatan nga ni Joram ang Ramoth-galaad niya at ng buong Israel, dahil kay Hazael na hari sa Siria; 012 2KI 009 015 Nguni't bumalik ang haring Joram upang magpagaling sa Jezreel ng mga sugat na isinugat sa kaniya ng mga taga Siria, nang siya'y lumaban kay Hazael na hari sa Siria.) At sinabi ni Jehu, Kung ito ang inyong isipan, huwag tumanan ang sinoman at lumabas sa bayan, upang yumaon na saysayin sa Jezreel. 012 2KI 009 016 Sa gayo'y sumakay si Jehu sa karo at naparoon sa Jezreel; sapagka't si Joram ay nahihiga roon. At si Ochozias na hari sa Juda ay bumaba upang tingnan si Joram. 012 2KI 009 017 Ang tagatanod nga ay tumayo sa moog sa Jezreel, at kaniyang tinanaw ang pulutong ni Jehu habang dumarating siya, at nagsabi, Ako'y nakakakita ng isang pulutong. At sinabi ni Joram, Kumuha ka ng isang mangangabayo, at iyong suguin na salubungin sila, at magsabi, Kapayapaan ba? 012 2KI 009 018 Sa gayo'y naparoon ang isa na nangangabayo na sinalubong siya, at nagsabi, Ganito ang sabi ng hari, Kapayapaan ba? At sinabi ni Jehu, Anong ipakikialam mo sa kapayapaan? bumalik kang kasunod ko. At isinaysay ng tagatanod, na sinasabi, Ang sugo ay dumating sa kanila, nguni't siya'y hindi bumabalik. 012 2KI 009 019 Nang magkagayo'y nagsugo ng ikalawa na nangangabayo na dumating sa kanila, at nagsabi, Ganito ang sabi ng hari, Kapayapaan ba? At sumagot si Jehu, Ano ang iyong ipakikialam sa kapayapaan? bumalik kang kasunod ko. 012 2KI 009 020 At isinaysay ng tagatanod, na sinasabi, Siya'y dumating hanggang sa kanila, at hindi bumabalik: at ang pagpapatakbo ay gaya ng pagpapatakbo ni Jehu, na anak ni Nimsi; sapagka't siya'y nagpapatakbo na magilas. 012 2KI 009 021 At sinabi ni Joram, Magsingkaw. At kanilang isiningkaw ang kaniyang karo. At si Joram na hari sa Israel at si Ochozias na hari sa Juda ay nagsilabas, bawa't isa sa kaniyang karo, at sila'y nagsilabas upang salubungin si Jehu, at nasumpungan nila siya sa putol ng lupa ni Naboth na Jezreelita. 012 2KI 009 022 At nangyari, nang makita ni Joram si Jehu, na kaniyang sinabi, Kapayapaan ba Jehu? At siya'y sumagot. Anong kapayapaan, habang ang mga pakikiapid ng iyong inang si Jezabel at ang kaniyang panggagaway ay totoong lumalala? 012 2KI 009 023 At ipinihit ni Joram ang kaniyang mga kamay, at tumakas, at nagsabi kay Ochozias. May paglililo, Oh Ochozias. 012 2KI 009 024 At binunot ni Jehu ang kaniyang busog ng kaniyang buong lakas, at sinaktan si Joram sa pagitan ng kaniyang mga balikat, at ang pana ay lumagpas sa kaniyang puso, at siya'y nabuwal sa kaniyang karo. 012 2KI 009 025 Nang magkagayo'y sinabi ni Jehu kay Bidkar na kaniyang punong kawal: Itaas mo, at ihagis mo sa bahagi ng bukid ni Naboth na Jezreelita: sapagka't alalahanin mo kung paanong ako't ikaw ay sumakay na magkasama na kasunod ni Achab na kaniyang ama, na ipinasan ng Panginoon ang pasang ito sa kaniya; 012 2KI 009 026 Tunay na aking nakita kahapon ang dugo ni Naboth, at ang dugo ng kaniyang mga anak, sabi ng Panginoon; at aking sisiyasatin sa iyo sa panig na ito, sabi ng Panginoon. Ngayon nga'y kunin mo, at ihagis mo sa panig ng lupa, ayon sa salita ng Panginoon. 012 2KI 009 027 Nguni't nang makita ito ni Ochozias na hari sa Juda, siya'y tumakas sa daan ng bahay sa halamanan. At si Jehu ay sumunod sa kaniya, at nagsabi, Saktan mo rin siya sa karo: at sinaktan nila siya sa ahunan sa Gur, na nasa siping ng Ibleam. At siya'y tumakas na napatungo sa Megiddo, at namatay roon. 012 2KI 009 028 At dinala siya ng kaniyang mga lingkod sa isang karo sa Jerusalem, at inilibing siya sa kaniyang libingan na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David. 012 2KI 009 029 At nang ikalabing isang taon ni Joram na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari si Ochozias sa Juda. 012 2KI 009 030 At nang si Jehu ay dumating sa Jezreel nabalitaan ni Jezabel; at kaniyang kinulayan ang kaniyang mga mata, at ginayakan ang kaniyang ulo, at dumungaw sa dungawan. 012 2KI 009 031 At samantalang si Jehu ay pumapasok sa pintuang-bayan, kaniyang sinabi, Kapayapaan ba ikaw Zimri, ikaw na mamamatay sa iyong Panginoon? 012 2KI 009 032 At kaniyang itiningala ang kaniyang mukha sa dungawan, at nagsabi, Sino ang sa ganang akin? sino? At dinungaw siya ng dalawa o tatlong bating. 012 2KI 009 033 At kaniyang sinabi, Ibagsak ninyo siya. Sa gayo'y ibinagsak nila siya: at ang iba sa kaniyang dugo ay pumilansik sa pader, at sa mga kabayo: at siya'y kaniyang niyapakan ng paa. 012 2KI 009 034 At pagkapasok niya, siya'y kumain at uminom; at kaniyang sinabi, Tingnan ninyo ngayon ang sinumpang babaing ito, at ilibing ninyo siya: sapagka't anak ng hari. 012 2KI 009 035 At sila'y nagsiyaon upang ilibing siya: nguni't wala na silang nasumpungan sa kaniya kundi ang bungo, at ang mga paa, at ang mga palad ng kaniyang mga kamay. 012 2KI 009 036 Kaya't sila'y nagsibalik, at isinaysay sa kaniya. At kaniyang sinabi, Ito ang salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Elias na Thisbita, na sinasabi, Sa bahagi ng Jezreel kakanin ng mga aso ang laman ni Jezabel: 012 2KI 009 037 At ang bangkay ni Jezabel ay magiging gaya ng dumi na itinapon sa ibabaw ng bukid sa bahagi ng Jezreel; na anopa't hindi nila sasabihin, Ito'y si Jezabel. 012 2KI 010 001 Si Achab nga'y may pitong pung anak sa Samaria. At sumulat si Jehu ng mga sulat, at ipinadala sa Samaria, sa mga pinuno sa Jezreel, sa makatuwid baga'y sa mga matanda, at sa kanila na tagapagalaga sa mga anak ni Achab, na nagsasabi, 012 2KI 010 002 At pagdating nga ng sulat na ito sa inyo, sa paraang ang mga anak ng inyong panginoon ay kasama ninyo, at mayroon kayong mga karo at mga kabayo, at bayan na nakukutaan naman, at sakbat; 012 2KI 010 003 Piliin ninyo ang pinaka mainam at ang pinaka marapat sa mga anak ng inyong panginoon, at iupo ninyo sa luklukan ng kaniyang ama, at ipakipaglaban ang sangbahayan ng inyong panginoon. 012 2KI 010 004 Nguni't sila'y natakot na mainam, at nagsabi, Narito, ang dalawang hari ay hindi nagsitayo sa harap niya: paano ngang tayo'y tatayo? 012 2KI 010 005 At ang katiwala, at ang tagapamahala ng bayan, gayon din ang mga matanda, at ang mga tagapagalaga sa mga bata, ay nagsipagsugo kay Jehu, na nagsisipagsabi, Kami ay iyong mga lingkod, at gagawin namin ang lahat na iyong iuutos sa amin; hindi namin gagawing hari ang sinoman; gawin mo ang mabuti sa iyong mga mata. 012 2KI 010 006 Nang magkagayo'y sumulat siya ng isang sulat na ikalawa sa kanila, na nagsasabi, Kung kayo'y sasa aking siping, at kung inyong didinggin ang aking tinig, kunin ninyo ang mga ulo ng mga lalake na mga anak ng inyong panginoon, at magsiparito kayo sa akin sa Jezreel sa kinabukasan sa may ganitong panahon. Ang mga anak nga ng hari, yamang pitong pung katao ay nangasa kasamahan ng mga dakilang tao sa bayan, na nagalaga sa kanila. 012 2KI 010 007 At nangyari, nang ang sulat ay dumating sa kanila, na kanilang kinuha ang mga anak ng hari, at pinagpapatay sila, pitongpung katao, at inilagay ang kanilang mga ulo sa mga batulang na ipinadala sa kaniya sa Jezreel. 012 2KI 010 008 At dumating ang isang sugo, at isinaysay sa kaniya, na sinasabi, Kanilang dinala ang mga ulo ng mga anak ng hari. At kaniyang sinabi, Inyong ihanay ng dalawang bunton sa pasukan ng pintuang-bayan hanggang sa kinaumagahan. 012 2KI 010 009 At nangyari, sa kinaumagahan, na siya'y lumabas, at tumayo, at nagsabi sa buong bayan, Kayo'y mga matuwid: narito, aking pinagbantaan ang aking panginoon, at pinatay siya, nguni't sinong sumakit sa lahat ng ito? 012 2KI 010 010 Talastasin ninyo ngayon na walang mahuhulog sa lupa sa salita ng Panginoon, na sinalita ng Panginoon tungkol sa sangbahayan ni Achab: sapagka't ginawa ng Panginoon ang kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Elias. 012 2KI 010 011 Sa gayo'y sinaktan ni Jehu ang lahat na nalabi sa sangbahayan ni Achab sa Jezreel, at ang lahat niyang dakilang tao, at ang kaniyang mga kasamasamang kaibigan, at ang kaniyang mga saserdote, hanggang sa wala siyang inilabi. 012 2KI 010 012 At siya'y nagtindig at yumaon, at naparoon sa Samaria. At samantalang siya'y nasa pagupitang-bahay ng mga pastor sa daan, 012 2KI 010 013 Ay nasalubong ni Jehu ang mga kapatid ni Ochozias na hari sa Juda, at sinabi, Sino kayo? At sila'y nagsisagot, Kami ay mga kapatid ni Ochozias: at kami ay nagsilusong upang magsibati sa mga anak ng hari at mga anak ng reina. 012 2KI 010 014 At kaniyang sinabi, Hulihin ninyo silang buhay. At hinuli nila silang buhay, at pinatay sa hukay ng pagupitang-bahay, sa makatuwid baga'y apat na pu't dalawang lalake; hindi nagiwan ng sinoman sa kanila. 012 2KI 010 015 At nang siya'y makayaon mula roon, kaniyang nasumpungan si Jonadab na anak ni Rechab na sumasalubong sa kaniya: at kaniyang binati siya, at nagsabi sa kaniya, Ang iyo bang puso ay tapat, na gaya ng aking puso sa iyong puso? At sumagot si Jonadab, Tapat. Kung gayon, iabot mo sa akin ang iyong kamay. At iniabot niya sa kaniya ang kaniyang kamay; at isinampa niya siya sa loob ng karo. 012 2KI 010 016 At kaniyang sinabi, Sumama ka sa akin at tingnan mo ang aking sikap sa Panginoon. Sa gayo'y kanilang pinasakay sila sa kaniyang karo. 012 2KI 010 017 At nang siya'y dumating sa Samaria, kaniyang sinaktan ang lahat na nalabi kay Achab sa Samaria, hanggang sa kaniyang naibuwal siya, ayon sa salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita kay Elias. 012 2KI 010 018 At pinisan ni Jehu ang buong bayan, at sinabi sa kanila, Si Achab ay naglingkod kay Baal ng kaunti: nguni't si Jehu ay maglilingkod sa kaniya ng marami. 012 2KI 010 019 Ngayon nga'y tawagin ninyo sa akin ang lahat na propeta ni Baal, ang lahat niyang mananamba, at ang lahat niyang mga saserdote; huwag may magkulang; sapagka't mayroon akong dakilang haing gagawin kay Baal; sinomang magkulang ay hindi mabubuhay. Nguni't ginawa ni Jehu na may katusuhan, na ang nasa ay kaniyang malipol ang mga mananamba kay Baal. 012 2KI 010 020 At sinabi ni Jehu, Magdaos kayo ng isang dakilang kapulungan kay Baal. At kanilang itinanyag yaon. 012 2KI 010 021 At nagsugo si Jehu sa buong Israel, at ang lahat ng mananamba kay Baal ay nagsiparoon, na anopa't walang naiwan na hindi naparoon. At sila'y nagsipasok sa bahay ni Baal; at ang bahay ni Baal ay napuno sa magkabikabilang dulo. 012 2KI 010 022 At sinabi niya sa kaniya na katiwala sa bihisang-silid, Ilabas mo ang mga kasuutang para sa lahat na mananamba kay Baal. At nilabasan niya sila ng mga kasuutan. 012 2KI 010 023 At si Jehu, at si Jonadab na anak ni Rechab, ay pumasok sa bahay ni Baal; at kaniyang sinabi sa mga mananamba kay Baal, Kayo'y magsihanap, at magsipagmasid kayo na huwag magkaroon sa kasamahan ninyo ng mga lingkod ng Panginoon, kundi mga mananamba kay Baal lamang. 012 2KI 010 024 At sila'y nagsipasok na nangaghandog ng mga hain at ng mga handog na susunugin. Si Jehu nga ay naghalal para sa kaniya ng walongpung lalake sa labas, at nagsabi, Kung sinoman sa mga lalake na aking dalhin sa inyong mga kamay ay makatanan ang buhay ng nagpakawala ay isasagot sa buhay niyaon. 012 2KI 010 025 At nangyari, pagkatapos niyang makapaghandog ng mga handog na susunugin, na sinabi ni Jehu sa bantay at sa mga punong kawal, Kayo'y magsipasok at inyo silang patayin; huwag makalabas ang sinoman. At sinaktan nila sila ng talim ng tabak; at inihagis sila sa labas ng bantay, at ng mga punong kawal, at nagsiparoon sa bayan ng bahay ni Baal. 012 2KI 010 026 At kanilang inilabas ang mga haligi na pinakaalaala na nasa bahay ni Baal, at pinagsunog. 012 2KI 010 027 At kanilang sinira ang haligi na pinakaalaala kay Baal, at sinira ang bahay ni Baal, at ginawang bahay na tapunan ng dumi, hanggang sa araw na ito. 012 2KI 010 028 Ganito ibinuwal ni Jehu si Baal, sa Israel. 012 2KI 010 029 Gayon ma'y ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang pinapagkasala sa Israel, hindi mga hiniwalayan ni Jehu, sa makatuwid baga'y ang pagsunod sa mga guyang ginto na nangasa Beth-el, at nangasa Dan. 012 2KI 010 030 At sinabi ng Panginoon kay Jehu, Sapagka't ikaw ay gumawa ng mabuti sa paggawa ng matuwid sa harap ng aking mga mata, at iyong ginawa sa sangbahayan ni Achab ang ayon sa nasa aking buong puso, ang iyong mga anak sa ikaapat na lahi ay uupo sa luklukan ng Israel. 012 2KI 010 031 Nguni't si Jehu ay hindi nagingat na lumakad sa kautusan ng Panginoon, na Dios ng Israel, ng kaniyang buong puso: siya'y hindi humiwalay sa mga kasalanan ni Jeroboam, na kaniyang ipinagkasala sa Israel. 012 2KI 010 032 Nang mga araw na yaon ay pinasimulan ng Panginoon na pinaikli ang Israel: at sinaktan sila ni Hazael sa lahat ng mga hangganan ng Israel; 012 2KI 010 033 Mula sa Jordan, hanggang sa silanganan, ang buong lupain ng Galaad, ang mga Gadita, at ang mga Rubenita at ang mga Manasita, mula sa Aroer, na nasa siping ng libis ng Arnon, hanggang sa Galaad at Basan. 012 2KI 010 034 Ang iba nga sa mga gawa ni Jehu, at ang lahat niyang ginawa, at ang buo niyang kapangyarihan, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 012 2KI 010 035 At si Jehu ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang: at inilibing nila siya sa Samaria. At si Joachaz na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 010 036 At ang panahon na ipinaghari ni Jehu sa Israel sa Samaria ay dalawangpu't walong taon. 012 2KI 011 001 Nang makita nga ni Athalia na ina ni Ochozias na ang kaniyang anak ay patay, siya'y tumindig at nilipol ang lahat na lahing hari. 012 2KI 011 002 Nguni't kinuha ni Josaba, na anak na babae ng haring Joram, na kapatid na babae ni Ochozias, si Joas na anak ni Ochozias, at kinuhang lihim siya sa gitna ng mga anak ng hari na nangapatay, siya, at ang kaniyang yaya, at inilagay sila sa silid na tulugan; at kaniyang ikinubli siya kay Athalia, na anopa't siya'y hindi napatay. 012 2KI 011 003 At siya'y nakakubling kasama niya sa bahay ng Panginoon na anim na taon: at si Athalia ay naghari sa lupain. 012 2KI 011 004 At nang ikapitong taon, si Joiada ay nagsugo, at kinuha ang mga punong kawal ng dadaanin, sa mga Cariteo, at sa bantay, at ipinagsama niya sa bahay ng Panginoon; at siya'y nakipagtipan sa kanila, at pinasumpa sila sa bahay ng Panginoon, at ipinakita sa kanila ang anak ng hari; 012 2KI 011 005 At kaniyang iniutos sa kanila, na sinasabi, ito ang bagay na inyong gagawin: ang ikatlong bahagi ninyo na papasok sa sabbath ay magiging bantay sa bahay ng hari; 012 2KI 011 006 At ang ikatlong bahagi ay malalagay sa pintuang-bayan ng Sur; at ang ikatlong bahagi ay sa pintuang-bayan sa likod ng bantay: gayon kayo magbabantay sa bahay, at magiging hadlang. 012 2KI 011 007 At ang dalawang pulutong ninyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na nagsilabas sa sabbath, ay magbabantay ng bahay ng Panginoon sa palibot ng hari. 012 2KI 011 008 At inyong kukulungin ang hari sa palibot, na bawa't isa'y may dalang kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay; at ang pumasok sa hanay, patayin: at kayo'y magsiabay sa hari pagka siya'y lumalabas, at pagka siya'y pumapasok. 012 2KI 011 009 At ginawa ng mga punong kawal ng dadaanin ang ayon sa lahat na iniutos ni Joiada na saserdote: at kinuha ng bawa't lalake ang kaniyang mga lalake, yaong nagsisipasok sa sabbath na kasama ng mga nagsisilabas sa sabbath, at nagsiparoon kay Joiada na saserdote. 012 2KI 011 010 At ibinigay ng saserdote sa mga punong kawal ng dadaanin ang mga sibat at ang mga kalasag na naging sa haring David, na nangasa bahay ng Panginoon. 012 2KI 011 011 At ang bantay ay tumayo, bawa't isa'y may kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay, mula sa dakong kanan ng bahay hanggang sa dakong kaliwa ng bahay, sa siping ng dambana at ng bahay, sa siping ng hari sa palibot. 012 2KI 011 012 Nang magkagayo'y inilabas niya ang anak ng hari, at inilagay niya ang putong sa kaniya, at binigyan siya ng patotoo; at ginawa nila siyang hari, at pinahiran siya ng langis; at kanilang ipinakpak ang kanilang mga kamay, at nagsipagsabi, Mabuhay ang hari. 012 2KI 011 013 At nang marinig ni Athalia ang ingay ng bantay at ng bayan, ay naparoon siya sa bayan sa loob ng bahay ng Panginoon. 012 2KI 011 014 At siya'y tumingin, at, narito, ang hari ay nakatayo sa siping ng haligi ayon sa kaugalian, at ang mga punong kawal at ang mga pakakak sa siping ng hari; at ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at humihip ng mga pakakak. Nang magkagayo'y hinapak ni Athalia ang kaniyang kasuutan, at humiyaw Paglililo! paglililo! 012 2KI 011 015 At si Joiada na saserdote ay nagutos sa mga punong kawal ng dadaanin na nalalagay sa hukbo, at nagsabi sa kanila, Palabasin ninyo siya sa pagitan ng mga hanay, at ang sumunod sa kaniya, patayin ng tabak: sapagka't sinabi ng saserdote, Huwag patayin siya sa bahay ng Panginoon. 012 2KI 011 016 Sa gayo'y binigyang daan nila siya, at siya'y naparoon sa daan na pinapasukan ng mga kabayo sa bahay ng hari; at doon siya pinatay. 012 2KI 011 017 At si Joiada ay nakipagtipan sa Panginoon at sa hari at sa bayan, na sila'y magiging bayan ng Panginoon; gayon din sa hari at sa bayan. 012 2KI 011 018 At ang buong bayan ng lupain ay naparoon sa bahay ni Baal, at ibinagsak; ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan ay pinagputolputol nilang mainam, at pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana. At ang saserdote ay naghalal ng mga katiwala sa bahay ng Panginoon. 012 2KI 011 019 At kaniyang ipinagsama ang mga punong kawal ng mga dadaanin, at ang mga Cariteo, at ang bantay, at ang buong bayan ng lupain; at kanilang ibinaba ang hari mula sa bahay ng Panginoon, at nagsipagdaan sa pintuang-bayan ng bantay hanggang sa bahay ng hari. At siya'y naupo sa luklukan ng mga hari. 012 2KI 011 020 Sa gayo'y ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at ang bayan ay tahimik. At pinatay nila ng tabak si Athalia sa bahay ng hari. 012 2KI 011 021 Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari. 012 2KI 012 001 Nang ikapitong taon ni Jehu ay nagpasimulang maghari si Joas: at siya'y nagharing apat na pung taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beerseba. 012 2KI 012 002 At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, sa lahat ng kaniyang kaarawan na ipinagturo sa kaniya ni Joiada na saserdote. 012 2KI 012 003 Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako. 012 2KI 012 004 At sinabi ni Joas sa mga saserdote, Ang buong salapi ng mga bagay na itinalaga na napasok sa bahay ng Panginoon, na karaniwang salapi, na salapi na inihalaga sa mga pagkatao na hiniling sa bawa't isa, at ang buong salapi na nagudyok sa puso ng sinomang lalake na dalhin sa bahay ng Panginoon. 012 2KI 012 005 Kunin ng mga saserdote, ng bawa't isa sa kaniyang kakilala: at kanilang huhusayin ang mga sira ng bahay saan man makakasumpong ng anomang sira. 012 2KI 012 006 Nguni't nangyari, nang ikadalawangpu't tatlong taon ng haring si Joas, na hindi hinusay ng mga saserdote ang mga sira ng bahay. 012 2KI 012 007 Nang magkagayo'y tinawag ng haring si Joas si Joiada na saserdote, at ang ibang mga saserdote, at sinabi sa kanila, Bakit hindi ninyo hinuhusay ang mga sira ng bahay? ngayon nga'y huwag na kayong magsikuha pa ng salapi sa inyong mga kakilala, kundi inyong ibigay para sa mga sira ng bahay. 012 2KI 012 008 At pinayagan ng mga saserdote na huwag na silang magsikuha pa ng salapi sa bayan, o husayin man ang mga sira ng bahay. 012 2KI 012 009 Nguni't si Joiada na saserdote ay kumuha ng isang kaban, at binutasan ang takip niyaon, at inilagay sa tabi ng dambana sa dakong kanan ng pumapasok sa bahay ng Panginoon: at isinilid doon ng mga saserdote na tagatanod-pinto ang buong salapi na dinala sa bahay ng Panginoon. 012 2KI 012 010 At nagkagayon, nang makita nila na maraming salapi sa kaban, na ang kalihim ng hari at ang dakilang saserdote ay sumampa, at kanilang isinilid sa mga supot at binilang ang salapi na nasumpungan sa bahay ng Panginoon. 012 2KI 012 011 At ibinigay nila ang salapi na tinimbang sa mga kamay nila na gumawa ng gawain, na siyang mga tagapangasiwa sa bahay ng Panginoon; at kanilang ibinayad sa mga anluwagi at sa mga manggagawa, na gumawa sa bahay ng Panginoon, 012 2KI 012 012 At sa mga mangdadaras ng bato, at sa mga mananabas ng bato, at sa pagbili ng mga kahoy, at mga batong tabas upang husayin ang mga sira ng bahay ng Panginoon, at sa lahat sa magugugol sa bahay upang husayin. 012 2KI 012 013 Nguni't walang ginawa para sa bahay ng Panginoon na mga tasang pilak, mga gunting, mga mangkok, mga pakakak, anomang mga kasangkapang ginto, o mga kasangkapang pilak, sa salapi na napasok sa bahay ng Panginoon: 012 2KI 012 014 Sapagka't kanilang ibinigay yaon sa kanila na nagsigawa ng gawain, at ipinaghusay ng bahay ng Panginoon. 012 2KI 012 015 Bukod dito'y hindi sila nangakikipagtuos sa mga lalake, na pinagabutan nila sa kamay ng salapi upang ibigay sa nagsisigawa ng gawain: sapagka't sila'y nagsisigawang may pagtatapat. 012 2KI 012 016 Ang salaping handog dahil sa pagkakasala, at ang salaping handog dahil sa kasalanan, ay hindi ipinasok sa bahay ng Panginoon: yao'y sa mga saserdote nga. 012 2KI 012 017 Nang magkagayo'y si Hazael na hari sa Siria ay umahon, at lumaban sa Gath, at sinakop yaon: at itinanaw ni Hazael ang kaniyang mukha upang umahon sa Jerusalem. 012 2KI 012 018 At kinuha ni Joas sa hari sa Juda ang lahat na bagay na itinalaga ni Josaphat, at ni Joram, at ni Ochozias, na kaniyang mga magulang, na mga hari sa Juda, at ang kaniyang mga itinalagang bagay, at ang lahat na ginto na masusumpungan sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, at ipinadala kay Hazael na hari sa Siria: at siya'y umalis sa Jerusalem. 012 2KI 012 019 Ang iba nga sa mga gawa ni Joas, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? 012 2KI 012 020 At ang kaniyang mga lingkod ay nagsibangon, at nagsipagbanta, at sinaktan si Joas sa bahay sa Millo, sa daan na palusong sa Silla. 012 2KI 012 021 Sapagka't sinaktan siya ni Josachar na anak ni Simaath, at ni Jozabad na anak ni Somer, na kaniyang mga lingkod, at siya'y namatay; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at naghari si Amasias na kaniyang anak na kahalili niya. 012 2KI 013 001 Nang ikadalawangpu't tatlong taon ni Joas na anak ni Ochozias na hari sa Juda, nagpasimulang maghari si Joachaz na anak ni Jehu sa Israel sa Samaria, at nagharing labing pitong taon. 012 2KI 013 002 At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon, at sumunod sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel; hindi niya hiniwalayan ang mga yaon. 012 2KI 013 003 At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at palagi niyang ibinigay sila sa kamay ni Hazael na hari sa Siria, at sa kamay ni Ben-adad na anak ni Hazael. 012 2KI 013 004 At si Joachaz ay dumalangin sa Panginoon, at dininig siya ng Panginoon: sapagka't nakita niya ang kapighatian ng Israel, kung paanong inapi sila ng hari sa Siria. 012 2KI 013 005 (At binigyan ng Panginoon ang Israel ng isang tagapagligtas, na anopa't sila'y nagsilabas na mula sa kamay ng mga taga Siria: at ang mga anak ni Israel ay nagsitahan sa kanilang mga tolda, gaya ng dati. 012 2KI 013 006 Gayon ma'y hindi sila nagsihiwalay sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Jeroboam, na ipinapagkasala sa Israel, kundi nilakaran nila: at nalabi ang Asera naman na Samaria). 012 2KI 013 007 Sapagka't hindi siya nagiwan kay Joachaz sa mga tao liban sa limangpung nangangabayo, at sangpung karo, at sangpung libong taong lakad; sapagka't nilipol sila ng hari sa Siria, at ginawa silang parang alabok sa giikan. 012 2KI 013 008 Ang iba nga sa mga gawa ni Joachaz, at ang lahat niyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 012 2KI 013 009 At si Joachaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang: at inilibing nila siya sa Samaria: at si Joas na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 013 010 Nang ikatatlongpu't pitong taon ni Joas na hari sa Juda ay nagpasimula si Joas na anak ni Joachaz na maghari sa Israel sa Samaria, at nagharing labing anim na taon. 012 2KI 013 011 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon; siya'y hindi humiwalay sa lahat na kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel; kundi kaniyang nilakaran. 012 2KI 013 012 Ang iba nga sa mga gawa ni Joas, at ang lahat niyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakipaglaban kay Amasias na hari sa Juda, hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 012 2KI 013 013 At si Joas ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Jeroboam ay naupo sa kaniyang luklukan; at si Joas ay nalibing sa Samaria na kasama ng mga hari sa Israel. 012 2KI 013 014 Si Eliseo nga ay nagkasakit ng sakit na kaniyang ikinamatay: at binaba siya at iniyakan siya ni Joas na hari sa Israel, at nagsabi, Ama ko, ama ko, ang mga karo ng Israel at ang mga nangangabayo niyaon! 012 2KI 013 015 At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Kumuha ka ng busog at mga pana: at siya'y kumuha ng busog at mga pana. 012 2KI 013 016 At sinabi niya sa hari sa Israel, Ilagay mo ang iyong kamay sa busog: at inilagay niya ang kaniyang kamay roon. At inilagay ni Eliseo ang kaniyang mga kamay sa mga kamay ng hari. 012 2KI 013 017 At kaniyang sinabi, Buksan mo ang dungawan sa dakong silanganan: at binuksan niya. Nang magkagayo'y sinabi ni Eliseo, Magpahilagpos ka: at siya'y nagpahilagpos. At kaniyang sinabi, Ang pana nga ng pagtatagumpay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang pana ng pagtatagumpay sa Siria: sapagka't iyong sasaktan ang mga taga Siria sa Aphec, hanggang sa iyong mangalipol. 012 2KI 013 018 At kaniyang sinabi, Tangnan mo ang mga pana: at tinangnan niya ang mga yaon. At sinabi niya sa hari sa Israel, Humampas ka sa lupa: at siya'y humampas na makaitlo, at tumigil. 012 2KI 013 019 At ang lalake ng Dios ay naginit sa kaniya, at nagsabi, Marapat nga sana na iyong hampasing makalima o makaanim; sinaktan mo nga sana ang Siria hanggang sa iyong nalipol: kaya't ngayo'y sasaktan mo ang Siria na makaitlo lamang. 012 2KI 013 020 At namatay si Eliseo, at kanilang inilibing siya. Ang mga pulutong nga ng mga Moabita ay nagsilusob sa lupain sa pagdating ng taon. 012 2KI 013 021 At nangyari, samantalang kanilang inililibing ang isang lalake, na, narito, kanilang natanaw ang isang pulutong; at kanilang inihagis ang lalake sa libingan ni Eliseo: at pagkasagi ng tao ng mga buto ni Eliseo, siya'y nabuhay uli, at tumayo sa kaniyang mga paa. 012 2KI 013 022 At pinighati ni Hazael na hari sa Siria ang Israel sa lahat ng kaarawan ni Joachaz. 012 2KI 013 023 Nguni't ang Panginoo'y naawa sa kanila at nahabag sa kanila, at kaniyang pinakundanganan sila, dahil sa kaniyang tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, at hindi nilipol sila o pinalayas man sila sa kaniyang harapan hanggang noon. 012 2KI 013 024 At si Hazael na hari sa Siria ay namatay; at si Ben-adad na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 013 025 At inalis uli ni Joas na anak ni Joachaz sa kamay ni Ben-adad na anak ni Hazael ang mga bayan na kaniyang inalis sa kamay ni Joachaz na kaniyang ama sa pakikipagdigma. Makaitlong sinaktan siya ni Joas, at binawi ang mga bayan ng Israel. 012 2KI 014 001 Nang ikalawang taon ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel ay nagpasimula si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda na maghari. 012 2KI 014 002 Siya'y may dalawangpu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawangpu't siyam na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Joaddan na taga Jerusalem. 012 2KI 014 003 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, gayon man di gaya ni David na kaniyang magulang: kaniyang ginawa ang ayon sa lahat na ginawa ni Joas na kaniyang ama. 012 2KI 014 004 Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako. 012 2KI 014 005 At nangyari, pagkatatag ng kaharian sa kaniyang kamay, na kaniyang pinatay ang kaniyang mga lingkod na nagsipatay sa hari na kaniyang ama. 012 2KI 014 006 Nguni't ang mga anak ng mga mamamatay tao ay hindi niya pinatay; ayon doon sa nasusulat sa aklat ng kautusan ni Moises, gaya ng iniutos ng Panginoon, na sinasabi, Ang mga ama ay hindi papatayin dahil sa mga anak, o ang mga anak man ay papatayin dahil sa mga ama; kundi bawa't tao ay mamamatay dahil sa kaniyang sariling kasalanan. 012 2KI 014 007 Siya'y pumatay sa mga Idumeo ng sangpung libo sa Libis ng Asin, at sinakop ang Sela sa pakikipagdigma, at pinanganlang Jocteel, hanggang sa araw na ito. 012 2KI 014 008 Nang magkagayo'y nagsugo ng mga sugo si Amasias kay Joas na anak ni Joachaz na anak ni Jehu, na hari sa Israel, na sinasabi, Halika, tayo'y magtitigan, 012 2KI 014 009 At si Joas na hari sa Israel ay nagsugo kay Amasias na hari sa Juda, na nagsasabi, Ang dawag na nasa Libano ay nagsugo sa sedro na nasa Libano, na nagsasabi, Ibigay mong asawa ang iyong anak na babae sa aking anak: at nagdaan ang isang mabangis na hayop na nasa Libano, at niyapakan ang dawag. 012 2KI 014 010 Iyong tunay na sinaktan ang Edom, at pinapagmataas ka ng iyong puso: lumuwalhati ka nawa, at tumahan sa bahay: sapagka't bakit ka nakikialam sa ikasasama, upang ikaw ay mabuwal, ikaw, at ang Juda na kasama mo? 012 2KI 014 011 Nguni't hindi dininig ni Amasias. Sa gayo'y umahon si Joas na hari sa Israel; at siya, at si Amasias na hari sa Juda ay nagtitigan sa Beth-semes, na ukol sa Juda. 012 2KI 014 012 At ang Juda ay napariwara sa harap ng Israel; at sila'y tumakas bawa't isa sa kaniyang tolda. 012 2KI 014 013 At kinuha ni Joas na hari sa Israel si Amasias na hari sa Juda, na anak ni Joas na anak ni Ochozias, sa Beth-semes, at naparoon sa Jerusalem, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem mula sa pintuang-bayan ng Ephraim hanggang sa pintuang-bayan ng sulok, na apat na raang siko. 012 2KI 014 014 At kinuha niya ang lahat na ginto at pilak, at ang lahat na kasangkapan na masumpungan sa bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari, pati ng mga sanglang tao at bumalik sa Samaria. 012 2KI 014 015 Ang iba nga sa mga gawa ni Joas na kaniyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, at kung paanong siya'y lumaban kay Amasias na hari sa Juda, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 012 2KI 014 016 At natulog si Joas na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa Samaria na kasama ng mga hari sa Israel; at si Jeroboam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 014 017 At si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda ay nabuhay pagkamatay ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel, na labing limang taon. 012 2KI 014 018 Ang iba nga sa mga gawa ni Amasias, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? 012 2KI 014 019 At sila'y nagsipagbanta laban sa kaniya sa Jerusalem; at siya'y tumakas sa Lachis: nguni't pinasundan nila siya sa Lachis, at pinatay siya roon. 012 2KI 014 020 At dinala nila siya na nakapatong sa mga kabayo: at siya'y nalibing sa Jerusalem na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David. 012 2KI 014 021 At kinuha ng buong bayan ng Juda si Azarias na may labing anim na taon, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias. 012 2KI 014 022 Kaniyang itinayo ang Elath, at isinauli sa Juda pagkatapos na ang hari ay matulog na kasama ng kaniyang mga magulang. 012 2KI 014 023 Nang ikalabing limang taon ni Amasias na Anak ni Joas na hari sa Juda, si Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari sa Samaria, at nagharing apat na pu't isang taon. 012 2KI 014 024 At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon: hindi niya hiniwalayan ang lahat na kasalanan ni Jeroboam na Anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel. 012 2KI 014 025 Kaniyang isinauli ang hangganan ng Israel mula sa pasukan ng Hamath hanggang sa dagat ng Araba, ayon sa salita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Jonas na anak ni Amittai, na propeta na taga Gath-hepher. 012 2KI 014 026 Sapagka't nakita ng Panginoon ang kapighatian ng Israel, na totoong masaklap: sapagka't walang nakulong o naiwan sa kaluwangan man, o sinomang tumulong sa Israel. 012 2KI 014 027 At hindi sinabi ng Panginoon na kaniyang papawiin ang pangalan ng Israel mula sa silong ng langit, kundi iniligtas nila siya sa pamamagitan ng kamay ni Jeroboam na anak ni Joas. 012 2KI 014 028 Ang iba nga sa mga gawa ni Jeroboam, at ang lahat na kaniyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, kung paanong siya'y nakipagdigma, at kung paanong binawi niya para sa Israel ang Damasco at ang Hamath, na nangaukol sa Juda, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 012 2KI 014 029 At si Jeroboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, sa makatuwid baga'y ng mga hari sa Israel; at si Zacharias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 015 001 Nang ikadalawangpu't pitong taon ni Jeroboam na hari sa Israel ay nagpasimulang maghari si Azarias na anak ni Amasias na hari sa Juda. 012 2KI 015 002 May labing anim na taon siya nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limangpu't dalawang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jecolia na taga Jerusalem. 012 2KI 015 003 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias. 012 2KI 015 004 Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako. 012 2KI 015 005 At sinaktan ng Panginoon ang hari, na anopa't siya'y nagkaketong hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan, at tumahan na bukod sa bahay. At si Jotham na anak ng hari ay nasa pamamahala ng sangbahayan na humahatol sa bayan ng lupain. 012 2KI 015 006 Ang iba nga sa mga gawa ni Azarias, at ang lahat ng kaniyang ginawa di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? 012 2KI 015 007 At si Azarias ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Jotham na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 015 008 Nang ikatatlongpu't walong taon ni Azarias na hari sa Juda, ay naghari sa Israel si Zacharias na anak ni Jeroboam sa Samaria na anim na buwan. 012 2KI 015 009 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ng kaniyang mga magulang: hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel. 012 2KI 015 010 At si Sallum na anak ni Jabes ay nagbanta laban sa kaniya, at sinaktan siya sa harap ng bayan, at pinatay siya, at naghari na kahalili niya. 012 2KI 015 011 Ang iba nga sa mga gawa ni Zacharias, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel. 012 2KI 015 012 Ito ang salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita kay Jehu, na sinasabi, Ang iyong mga anak sa ikaapat na salin ng lahi ay magsisiupo sa luklukan ng Israel. At gayon ang nangyari. 012 2KI 015 013 Si Sallum na anak ni Jabes ay nagpasimulang maghari nang ikatatlongpu't siyam na taon ni Uzzia na hari sa Juda; at siya'y naghari sa loob ng isang buwan sa Samaria. 012 2KI 015 014 At si Manahem na anak ni Gadi ay umahon mula sa Thirza, at naparoon sa Samaria, at sinaktan si Sallum na anak ni Jabes sa Samaria, at pinatay niya siya at naghari na kahalili niya. 012 2KI 015 015 Ang nalabi nga sa mga gawa ni Sallum, at ang pagbabanta niya na kaniyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel. 012 2KI 015 016 Nang magkagayo'y sinaktan ni Manahem si Tiphsa, at ang lahat na nandoon, at ang mga hangganan niyaon, mula sa Thirza: sapagka't hindi nila siya pinabuksan, kaya't sinaktan niya; at ang lahat na babae na nandoon na buntis ay pinaluwa niya ang bituka. 012 2KI 015 017 Nang ikatatlongpu't siyam na taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari sa Israel si Manahem na anak ni Gadi, at nagharing sangpung taon sa Samaria. 012 2KI 015 018 At kaniyang ginawa ang masama sa paningin ng Panginoon: siya'y hindi humiwalay ng lahat niyang kaarawan sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel. 012 2KI 015 019 Naparoon laban sa lupain si Phul na hari sa Asiria; at binigyan ni Manahem si Phul ng isang libong talentong pilak, upang ang kamay niya'y sumakaniya, upang pagtibayin ang kaharian sa kaniyang kamay. 012 2KI 015 020 At siningil ni Manahem ng salapi ang Israel, ang lahat na makapangyarihang lalake na mayaman, na bawa't lalake ay limangpung siklo na pilak upang ibigay sa hari sa Asiria. Sa gayo'y ang hari sa Asiria ay bumalik, at hindi tumigil doon sa lupain. 012 2KI 015 021 Ang iba nga sa mga gawa ni Manahem, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 012 2KI 015 022 At natulog si Manahem na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Pekaia na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 015 023 Nang ikalimangpung taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari sa Israel si Pekaia na anak ni Manahem sa Samaria, at nagharing dalawang taon. 012 2KI 015 024 At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon: hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel. 012 2KI 015 025 At si Peka na anak ni Remalias, na kaniyang punong kawal, ay nagbanta laban sa kaniya, at sinaktan siya sa Samaria, sa castilyo ng bahay ng hari, na kasama si Argob at si Ariph; at kasama niya'y limangpung lalake na mga Galaadita: at pinatay niya siya, at naghari na kahalili niya. 012 2KI 015 026 Ang iba nga sa mga gawa ni Pekaia, at ang lahat niyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel. 012 2KI 015 027 Nang ikalimangpu't dalawang taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari si Peka na anak ni Remalias sa Israel sa Samaria, at nagharing dalawangpung taon. 012 2KI 015 028 At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon: hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel. 012 2KI 015 029 Nang mga kaarawan ni Peka na hari sa Israel ay naparoon si Tiglathpileser na hari sa Asiria, at sinakop ang Ihion, at ang Abel-bethmaacha, at ang Janoa, at ang Cedes, at ang Asor, at ang Galaad, at ang Galilea, ang buong lupain ng Nephtali; at kaniyang dinalang bihag sila sa Asiria. 012 2KI 015 030 At si Oseas na anak ni Ela ay nagbanta laban kay Peka na anak ni Remalias, at sinaktan niya siya, at pinatay niya siya, at naghari na kahalili niya, nang ikadalawangpung taon ni Jotham na anak ni Uzzia. 012 2KI 015 031 Ang iba nga sa mga gawa ni Peka, at ang lahat niyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel. 012 2KI 015 032 Nang ikalawang taon ni Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel, ay nagpasimulang maghari si Jotham na anak ni Uzzia na hari sa Juda. 012 2KI 015 033 Siya'y may dalawangpu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jerusa na anak ni Sadoc. 012 2KI 015 034 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon: kaniyang ginawa ang ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Uzzia. 012 2KI 015 035 Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi nangaalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako. Itinayo niya ang mataas na pintuang-bayan sa bahay ng Panginoon. 012 2KI 015 036 Ang iba nga sa mga gawa ni Jotham, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? 012 2KI 015 037 Nang mga araw na yao'y pinasimulan ng Panginoon na suguin laban sa Juda si Resin na hari sa Siria, at si Peka na anak ni Remalias. 012 2KI 015 038 At si Jotham ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang: at si Achaz na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 016 001 Nang ikalabing pitong taon ni Peka na anak ni Remalias ay nagpasimulang maghari si Achaz na anak ni Jotham na hari sa Juda. 012 2KI 016 002 May dalawangpung taon si Achaz nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem: at hindi siya gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon niyang Dios, na gaya ni David na kaniyang magulang. 012 2KI 016 003 Kundi siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, oo, at kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy, ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon mula sa harap ng mga anak ni Israel. 012 2KI 016 004 At siya'y naghain, at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako, at sa mga burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy. 012 2KI 016 005 Nang magkagayo'y si Resin na hari sa Siria at si Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel ay umahon sa Jerusalem upang makipagdigma: at kanilang kinulong si Achaz, nguni't hindi nila nadaig. 012 2KI 016 006 Nang panahong yaon ay binawi ni Resin na hari sa Siria ang Elath sa Siria at pinalayas ang mga Judio sa Elath: at ang mga taga Siria ay nagsiparoon sa Elath, at tumanan doon, hanggang sa araw na ito. 012 2KI 016 007 Sa gayo'y nagsugo si Achaz ng mga sugo kay Tiglath-pileser na hari sa Asiria, na ipinasabi, Ako ang iyong lingkod at ang iyong anak: ikaw ay umahon, at iligtas mo ako sa kamay ng hari sa Siria at sa kamay ng hari sa Israel, na bumabangon laban sa akin. 012 2KI 016 008 At kinuha ni Achaz ang pilak at ginto na nasumpungan sa bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari, at ipinadalang kaloob sa hari sa Asiria. 012 2KI 016 009 At dininig siya ng hari sa Asiria; at ang hari sa Asiria ay umahon laban sa Damasco, at sinakop, at dinala sa Cir ang bayan na bihag, at pinatay si Resin. 012 2KI 016 010 At ang haring si Achaz ay naparoon sa Damasco upang salubungin si Tiglath-pileser na hari sa Asiria: at nakita ang dambana na nasa Damasco: at ipinadala ng haring si Achaz kay Urias na saserdote ang ayos ng dambana at ang anyo niyaon, ayon sa buong pagkayari niyaon. 012 2KI 016 011 At si Urias na saserdote ay nagtayo ng isang dambana: ayon sa buong ipinadala ng haring si Achaz mula sa Damasco, gayon ginawa ni Urias na saserdote, bago dumating ang haring Achaz mula sa Damasco. 012 2KI 016 012 At nang dumating ang hari mula sa Damasco, ay nakita ng hari ang dambana: at ang hari ay lumapit sa dambana, at naghandog doon. 012 2KI 016 013 At kaniyang sinunog ang kaniyang handog na susunugin, at ang kaniyang handog na harina, at ibinuhos ang kaniyang inuming handog, at iniwisik ang dugo ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana. 012 2KI 016 014 At ang dambana na tanso na nasa harap ng Panginoon ay kaniyang dinala mula sa harapan ng bahay, mula sa pagitan ng kaniyang dambana at ng bahay ng Panginoon, at inilagay sa dakong hilagaan ng kaniyang dambana. 012 2KI 016 015 At inutusan ng haring Achaz si Urias na saserdote, na sinasabi, Sa ibabaw ng malaking dambana, ay magsunog ka ng handog na susunugin sa umaga, at ng handog na harina sa hapon, at ng handog na susunugin ng hari at ng kaniyang handog na harina sangpu ng handog na susunugin ng buong bayan ng lupain at ng kanilang handog na harina, at ng kanilang mga handog na inumin; at iwisik mo roon ang buong dugo ng handog na susunugin, at ang buong dugo ng hain: nguni't ang dambanang tanso ay mapapasa akin upang pagusisaan. 012 2KI 016 016 Ganito ang ginawa ni Urias na saserdote, ayon sa buong iniutos ng haring Achaz. 012 2KI 016 017 At pinutol ng haring Achaz ang mga hangganan ng mga tungtungan, at inalis sa mga yaon ang hugasan, at ibinaba ang dagatdagatan mula sa mga bakang tanso na nasa ilalim niyaon, at ipinatong sa isang pavimentong bato. 012 2KI 016 018 At ang dakong natatakpan na daan sa sabbath na kanilang itinayo sa bahay, at ang pasukan ng hari na nasa labas, ibinago sa bahay ng Panginoon, dahil sa hari sa Asiria. 012 2KI 016 019 Ang iba nga sa mga gawa ni Achaz na kaniyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda. 012 2KI 016 020 At si Achaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Ezechias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 017 001 Nang ikalabing dalawang taon ni Achaz na hari sa Juda ay nagpasimula si Oseas na anak ni Ela na maghari sa Samaria sa Israel, at nagharing siyam na taon. 012 2KI 017 002 At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon, bagaman hindi gaya ng mga hari sa Israel na mga una sa kaniya. 012 2KI 017 003 Laban sa kaniya ay umahon si Salmanasar na hari sa Asiria; at si Oseas ay naging kaniyang lingkod, at dinalhan siya ng mga kaloob. 012 2KI 017 004 At ang hari sa Asiria ay nakasumpong kay Oseas ng pagbabanta; sapagka't siya'y nagsugo ng mga sugo kay So na hari sa Egipto, at hindi naghandog ng kaloob sa hari sa Asiria, na gaya ng kaniyang ginagawa taontaon; kaya't kinulong siya ng hari sa Asiria, at ipinangaw siya sa bilangguan. 012 2KI 017 005 Nang magkagayon ay umahon ang hari sa Asiria sa buong lupain, at umahon sa Samaria, at kinulong na tatlong taon. 012 2KI 017 006 Nang ikasiyam na taon ni Oseas, sinakop ng hari sa Asiria ang Samaria, at dinala ang Israel sa Asiria, at inilagay sila sa Hala, at sa Habor, sa ilog ng Gozan, at sa mga bayan ng mga Medo. 012 2KI 017 007 At nagkagayon, sapagka't ang mga anak ni Israel ay nangagkasala laban sa Panginoon nilang Dios, na siyang nagahon sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto, at sila'y natakot sa ibang mga dios. 012 2KI 017 008 At lumakad sa mga palatuntunan ng mga bansa, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel, at ng mga hari ng Israel, na kanilang ginawa. 012 2KI 017 009 At ang mga anak ni Israel ay nagsigawa ng mga lihim na bagay na hindi matuwid sa Panginoon nilang Dios, at sila'y nagsipagtayo sa kanila ng mga mataas na dako sa lahat nilang bayan mula sa moog ng mga bantay hanggang sa bayang nakukutaan. 012 2KI 017 010 At sila'y nangagsipaglagay ng mga haligi na pinakaalaala at mga Asera sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng lahat na sariwang punong kahoy; 012 2KI 017 011 At doo'y nagsunog sila ng kamangyan sa lahat na mataas na dako, gaya ng ginawa ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap nila; at nagsigawa ng masasamang bagay upang mungkahiin ang Panginoon sa galit; 012 2KI 017 012 At sila'y nagsipaglingkod sa mga diosdiosan, na siyang sa kanila ay sinabi ng Panginoon, Huwag ninyong gagawin ang bagay na ito. 012 2KI 017 013 Gayon ma'y tumutol ang Panginoon sa Israel, at sa Juda, sa pamamagitan ng bawa't propeta, at ng bawa't tagakita, na sinasabi, Iwan ninyo ang inyong masasamang lakad, at ingatan ninyo ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, ayon sa buong kautusan na aking iniutos sa inyong mga magulang, at aking ipinadala sa inyo, sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta. 012 2KI 017 014 Gayon ma'y hindi nila dininig, kundi kanilang pinatigas ang kanilang ulo, na gaya ng ulo ng kanilang mga magulang, na hindi nagsisampalataya sa Panginoon nilang Dios. 012 2KI 017 015 At kanilang itinakuwil ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang tipan na kaniyang itinipan sa kanilang mga magulang, at ang kaniyang mga patotoo na kaniyang ipinatotoo sa kanila; at sila'y nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan, at nagsisunod sa mga bansa na nangasa palibot nila, ayon sa ibinilin ng Panginoon na huwag silang magsigawa ng gaya ng mga yaon. 012 2KI 017 016 At kanilang iniwan ang lahat na utos ng Panginoon nilang Dios, at nagsigawa ng mga larawang binubo, sa makatuwid baga'y ng dalawang guya, at nagsigawa ng isang Asera, at sinamba ang buong natatanaw sa langit, at nagsipaglingkod kay Baal. 012 2KI 017 017 At kanilang pinaraan ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy, at nagsihilig sa panghuhula at mga panggagaway, at nangapabili upang magsigawa ng masama sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin siya sa galit. 012 2KI 017 018 Kaya't ang Panginoon ay totoong nagalit sa Israel, at inalis sila sa kaniyang paningin: walang naiwan kundi ang lipi ni Juda lamang. 012 2KI 017 019 Hindi rin naman iningatan ng Juda ang mga utos ng Panginoon nilang Dios, kundi nagsilakad sa mga palatuntunan ng Israel na kanilang ginawa. 012 2KI 017 020 At itinakuwil ng Panginoon ang buong binhi ng Israel, at pinighati sila at ibinigay sila sa kamay ng mga mananamsam hanggang sa kaniyang pinalayas sila sa kaniyang paningin. 012 2KI 017 021 Sapagka't kaniyang inihiwalay ang Israel sa sangbahayan ni David, at kanilang ginawang hari si Jeroboam na anak ni Nabat: at pinahiwalay ni Jeroboam ang Israel sa pagsunod sa Panginoon at pinapagkasala sila ng malaking kasalanan. 012 2KI 017 022 At ang mga anak ni Israel ay nagsilakad sa lahat ng kasalanan ni Jeroboam na kaniyang ginawa; hindi nila hiniwalayan; 012 2KI 017 023 Hanggang sa inihiwalay ng Panginoon ang Israel sa kaniyang paningin, gaya ng kaniyang sinalita sa pamamagitan ng lahat niyang lingkod na mga propeta. Gayon dinala ang Israel sa Asiria na mula sa kanilang sariling lupain, hanggang sa araw na ito. 012 2KI 017 024 At ang hari sa Asiria ay nagdala ng mga tao na mula sa Babilonia, at sa Cutha, at sa Ava, at sa Hamath at sa Sepharvaim, at inilagay sila sa mga bayan ng Samaria na kahalili ng mga anak ni Israel: at kanilang inari ang Samaria, at nagsitahan sa mga bayan niyaon. 012 2KI 017 025 At nagkagayon, sa pasimula ng kanilang pagtahan doon, na hindi sila nangatakot sa Panginoon: kaya't ang Panginoon ay nagsugo ng mga leon sa gitna nila, na pinatay ang ilan sa kanila. 012 2KI 017 026 Kaya't kanilang sinalita sa hari sa Asiria, na sinasabi, Ang mga bansa na iyong dinala at inilagay sa mga bayan ng Samaria, hindi nakaaalam ng paraan ng Dios sa lupain; kaya't siya'y nagsugo ng mga leon sa gitna nila, at, narito, pinatay sila, sapagka't hindi sila nakakaalam ng paraan ng Dios sa lupain. 012 2KI 017 027 Nang magkagayo'y nagutos ang hari sa Asiria, na nagsasabi, Dalhin ninyo roon ang isa sa mga saserdote na inyong dinala mula roon; at inyong payaunin at patahanin doon, at turuan niya sila ng paraan ng Dios sa lupain. 012 2KI 017 028 Sa gayo'y isa sa mga saserdote na kanilang dinala mula sa Samaria ay naparoon at tumahan sa Beth-el, at tinuruan sila kung paanong sila'y marapat na matakot sa Panginoon. 012 2KI 017 029 Gayon ma'y bawa't bansa ay gumawa ng mga dios sa kanikaniyang sarili, at ipinaglalagay sa mga bahay sa mga mataas na dako na ginawa ng mga Samaritano, na bawa't bansa ay sa kanilang mga bayan na kanilang tinatahanan. 012 2KI 017 030 At itinayo ng mga lalake sa Babilonia ang Succoth-benoth, at itinayo ng mga lalake sa Cutha ang Nergal, at itinayo ng mga lalake sa Hamath ang Asima, 012 2KI 017 031 At itinayo ng mga Avveo ang Nibhaz at ang Tharthac, at sinunog ng mga Sepharvita ang kanilang mga anak sa apoy sa Adrammelech at sa Anammelech, na mga dios ng Sefarvaim. 012 2KI 017 032 Sa gayo'y nangatakot sila sa Panginoon, at nagsipaghalal sila sa gitna nila ng mga saserdote sa mga mataas na dako, na siyang naghahain para sa kanila sa mga bahay, na nangasa mga mataas na dako. 012 2KI 017 033 Sila'y nangatakot sa Panginoon, at nagsipaglingkod sa kanilang sariling mga dios, ayon sa paraan ng mga bansa na kinadalhang bihag nila. 012 2KI 017 034 Hanggang sa araw na ito ay ginagawa nila ang ayon sa mga dating paraan: sila'y hindi nangatatakot sa Panginoon, o nagsisigawa man ng ayon sa kanilang mga palatuntunan, o ayon sa kanilang mga ayos, o ayon sa kautusan, o ayon sa utos na iniutos ng Panginoon sa mga anak ni Jacob, na kaniyang pinanganlang Israel, 012 2KI 017 035 Na siyang pinakipagtipanan ng Panginoon, at pinagbilinan na sinasabi, Kayo'y huwag mangatatakot sa ibang mga dios, o nagsisiyukod man sa kanila, o magsisipaglingkod man sa kanila, o magsisipaghain man sa kanila: 012 2KI 017 036 Kundi ang Panginoon, na nagahon sa inyo mula sa lupain ng Egipto na may dakilang kapangyarihan at may unat na kamay, siya ninyong katatakutan, at sa kaniya kayo magsisiyukod, at sa kaniya kayo magsisipaghain. 012 2KI 017 037 At ang mga palatuntunan, at ang mga ayos, at ang kautusan, at ang utos na kaniyang sinulat para sa inyo ay inyong isasagawa magpakailan man; at kayo'y huwag mangatatakot sa ibang mga dios: 012 2KI 017 038 At ang tipan na aking ipinakipagtipan sa inyo, huwag ninyong kalilimutan; ni mangatatakot man kayo sa ibang mga dios: 012 2KI 017 039 Nguni't sa Panginoon ninyong Dios ay mangatatakot kayo; at kaniyang ililigtas kayo sa kamay ng lahat ninyong mga kaaway. 012 2KI 017 040 Gayon ma'y hindi nila dininig, kundi kanilang ginawa ang ayon sa kanilang dating paraan. 012 2KI 017 041 Sa gayo'y ang mga bansang ito ay nangatakot sa Panginoon, at nagsipaglingkod sa kanilang mga larawang inanyuan; ang kanilang mga anak ay gayon din, at ang mga anak ng kanilang mga anak, kung ano ang ginawa ng kanilang mga magulang ay gayon ang ginawa nila hanggang sa araw na ito. 012 2KI 018 001 Nangyari nga, nang ikatlong taon ni Oseas na anak ni Ela na hari sa Israel, na si Ezechias na anak ni Achaz na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari. 012 2KI 018 002 May dalawangpu't limang taon siya nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawangpu't siyam na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Abi na anak ni Zacharias. 012 2KI 018 003 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ni David na kaniyang magulang. 012 2KI 018 004 Kaniyang inalis ang mga mataas na dako, at sinira ang mga haligi, at ibinagsak ang mga Asera: at kaniyang pinagputolputol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises; sapagka't hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel; at pinanganlang Nehustan. 012 2KI 018 005 Siya'y tumiwala sa Panginoon, na Dios ng Israel; na anopa't nang mamatay siya ay walang naging gaya niya sa lahat ng hari sa Juda, o sa nangauna man sa kaniya. 012 2KI 018 006 Sapagka't siya'y lumakip sa Panginoon; siya'y hindi humiwalay ng pagsunod sa kaniya, kundi iningatan ang kaniyang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises. 012 2KI 018 007 At ang Panginoon ay sumasa kaniya; saan man siya lumabas ay gumiginhawa siya; at siya'y nanghimagsik laban sa hari sa Asiria, at hindi niya pinaglingkuran. 012 2KI 018 008 Kaniyang sinaktan ang mga Filisteo hanggang sa Gaza, at ang mga hangganan niyaon, mula sa moog ng bantay hanggang sa bayang nakukutaan. 012 2KI 018 009 At nangyari, nang ikaapat na taon ng haring Ezechias, na siyang ikapitong taon ni Oseas na anak ni Ela na hari sa Israel, na si Salmanasar na hari sa Asiria ay umahon laban sa Samaria, at kinubkob niya. 012 2KI 018 010 At sa katapusan ng tatlong taon ay kanilang sinakop: sa makatuwid baga'y nang ikaanim na taon ni Ezechias, na siyang ikasiyam na taon ni Oseas na hari sa Israel, ang Samaria ay sinakop. 012 2KI 018 011 At dinala ng hari sa Asiria ang Israel sa Asiria, at inilagay sa Hala, at sa Habor, sa ilog ng Gozan, at sa mga bayan ng mga Medo: 012 2KI 018 012 Sapagka't hindi nila sinunod ang tinig ng Panginoon nilang Dios, kundi kanilang sinalangsang ang kaniyang tipan, ang lahat na iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, at hindi dininig o ginawa man. 012 2KI 018 013 Nang ikalabing apat na taon nga ng haring Ezechias ay umahon si Sennacherib na hari sa Asiria laban sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda, at pinagsakop. 012 2KI 018 014 At si Ezechias na hari sa Juda ay nagsugo sa hari sa Asiria sa Lachis, na nagsasabi, Ako'y nagkasala; talikdan mo ako: ang iyong ipabayad sa akin ay aking babayaran. At siningil ng hari sa Asiria si Ezechias na hari sa Juda ng tatlong daang talentong pilak at tatlong pung talentong ginto. 012 2KI 018 015 At ibinigay ni Ezechias ang lahat na pilak na nasumpungan sa bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari. 012 2KI 018 016 Nang panahong yaon ay inihiwalay ni Ezechias ang ginto sa mga pintuan ng templo ng Panginoon, at sa mga haligi na binalutan ni Ezechias na hari sa Juda, at ibinigay sa hari sa Asiria. 012 2KI 018 017 At sinugo ng hari sa Asiria si Thartan at si Rab-saris, at si Rabsaces, sa haring kay Ezechias na mula sa Lachis na may malaking hukbo sa Jerusalem. At sila'y nagsiahon at nagsiparoon sa Jerusalem. At nang sila'y mangakaahon, sila'y nagsiparoon at nagsitayo sa tabi ng padaluyan ng tubig ng mataas na tipunan ng tubig na nasa lansangan sa parang ng tagapagpaputi ng kayo. 012 2KI 018 018 At nang matawag na nila ang hari, ay nilabas sila ni Eliacim na anak ni Hilcias, na siyang katiwala ng bahay, at ni Sebna na kalihim, at ni Joah na anak ni Asaph na kasangguni. 012 2KI 018 019 At sinabi ni Rabsaces sa kanila, Sabihin ninyo ngayon kay Ezechias, Ganito ang sabi ng dakilang hari, ng hari sa Asiria, Anong pagasa ito sa iyong tinitiwalaan? 012 2KI 018 020 Iyong sinasabi (nguni't mga salitang walang kabuluhan lamang) May payo at kalakasan sa pakikipagdigma. Ngayon, kanino ka tumitiwala, na ikaw ay nanghimagsik laban sa akin? 012 2KI 018 021 Ngayon, narito, ikaw ay tumitiwala sa tungkod na ito na kahoy na lapok, sa makatuwid baga'y sa Egipto; na kung sinoman ay sumandal, ay tutuhog sa kaniyang kamay, at palalagpasan: gayon si Faraon na hari sa Egipto sa lahat na tumitiwala sa kaniya. 012 2KI 018 022 Nguni't kung inyong sabihin sa akin: Kami ay tumitiwala sa Panginoon naming Dios: hindi ba siya'y yaong inalisan ni Ezechias ng mga mataas na dako, at ng mga dambana, at nagsabi sa Juda at sa Jerusalem, Kayo'y magsisisamba sa harap ng dambanang ito sa Jerusalem? 012 2KI 018 023 Isinasamo ko nga ngayon sa iyo na magbigay ka ng mga sangla sa aking panginoon na hari sa Asiria, at bibigyan kita ng dalawang libong kabayo, kung ikaw ay makapaglalagay sa ganang iyo ng mga mangangabayo sa mga yaon. 012 2KI 018 024 Paano ngang iyong mapapipihit ang mukha ng isang punong kawal sa pinaka mababa sa mga lingkod ng aking panginoon, at iyong ilalagak ang iyong tiwala sa Egipto dahil sa mga karo at sa mga mangangabayo? 012 2KI 018 025 Ako ba'y umahon na di ko kasama ang Panginoon laban sa dakong ito upang lipulin? Sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay umahon laban sa lupaing ito, at iyong lipulin. 012 2KI 018 026 Nang magkagayo'y sinabi ni Eliacim na anak ni Hilcias, at si Sebna, at ni Joah, kay Rabsaces. Isinasamo ko sa iyo na magsalita ka sa iyong mga lingkod ng wikang Siria; sapagka't aming naiintindihan yaon; at huwag kang magsalita sa amin ng wikang Judio, sa mga pakinig ng bayan na nasa kuta. 012 2KI 018 027 Nguni't sinabi ni Rabsaces sa kanila, Sinugo ba ako ng aking panginoon sa iyong panginoon, at sa iyo, upang salitain ang mga salitang ito? di ba niya ako sinugo sa mga lalake na nangakaupo sa kuta, upang magsikain ng kanilang sariling dumi, at upang magsiinom ng kanilang sariling ihi na kasalo ninyo? 012 2KI 018 028 Nang magkagayo'y si Rabsaces ay tumayo at sumigaw ng malakas sa wikang Judio, at nagsalita, na sinasabi, Dinggin ninyo ang salita ng dakilang hari, ng hari sa Asiria. 012 2KI 018 029 Ganito ang sabi ng hari, Huwag kayong dayain ni Ezechias; sapagka't hindi niya kayo maililigtas sa kaniyang kamay. 012 2KI 018 030 Ni patiwalain man kayo ni Ezechias sa Panginoon, na sabihin, Walang pagsalang ililigtas tayo ng Panginoon, at ang bayang ito ay hindi mabibigay sa kamay ng hari sa Asiria. 012 2KI 018 031 Huwag ninyong dinggin si Ezechias: sapagka't ganito ang sabi ng hari sa Asiria, Makipagpayapaan kayo sa akin, at labasin ninyo ako; at kumain ang bawa't isa sa inyo ng bunga ng kaniyang puno ng ubas, at ang bawa't isa ng bunga ng kaniyang puno ng igos, at uminom ang bawa't isa sa inyo ng tubig ng kaniyang sariling balon; 012 2KI 018 032 Hanggang sa ako'y dumating at dalhin ko kayo sa isang lupaing gaya ng inyong sariling lupain, na lupain ng trigo at ng alak, na lupain ng tinapay at ng mga ubasan, na lupain ng langis na olibo at ng pulot, upang kayo'y mangabuhay, at huwag mangamatay: at huwag ninyong dinggin si Ezechias, pagka kayo'y hinihikayat niya, na sinasabi, Ililigtas tayo ng Panginoon. 012 2KI 018 033 Nagligtas ba kailan man ang sinoman sa mga dios sa mga bansa ng kaniyang lupain sa kamay ng hari sa Asiria? 012 2KI 018 034 Saan nandoon ang mga dios ng Hamath, at ng Arphad? Saan nandoon ang mga dios ng Sepharvaim, ng Hena, at ng Hiva? Iniligtas ba nila ang Samaria sa aking kamay? 012 2KI 018 035 Sino sa kanila sa lahat na dios ng mga lupain, ang nagligtas ng kanilang lupain sa aking kamay, na ililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking kamay? 012 2KI 018 036 Nguni't ang bayan ay tumahimik, at hindi sumagot ng kahit isang salita: sapagka't utos ng hari, na sinasabi, Huwag ninyong sagutin siya. 012 2KI 018 037 Nang magkagayo'y naparoon si Eliacim na anak ni Hilcias, na siyang katiwala sa sangbahayan, at si Sebna na kalihim, at si Joah na anak ni Asaph na kasangguni, kay Ezechias na ang kanilang suot ay hapak, at isinaysay sa kaniya ang mga salita ni Rabsaces. 012 2KI 019 001 At nangyari, nang mabalitaan ng haring Ezechias, ay hinapak niya ang kaniyang mga suot, at nagbalot ng kayong magaspang, at pumasok sa bahay ng Panginoon. 012 2KI 019 002 At kaniyang sinugo si Eliacim, na katiwala sa bahay, at si Sebna na kalihim, at ang mga matanda sa mga saserdote na may mga balot na kayong magaspang, kay Isaias na propeta na anak ni Amos. 012 2KI 019 003 At sinabi nila sa kaniya, Ganito ang sabi ni Ezechias, Ang araw na ito ay araw ng kabagabagan, at ng pagsaway, at ng pagkutya: sapagka't ang mga anak ay nagsidating sa kapanganakan, at walang kalakasang ilabas. 012 2KI 019 004 Marahil ay didinggin ng Panginoon mong Dios ang lahat ng mga salita ni Rabsaces na siyang sinugo ng kaniyang panginoon na hari sa Asiria upang tungayawin ang buhay na Dios, at sasansalain ang mga salita na narinig ng Panginoon mong Dios: kaya't idalangin mo ang labis na natitira. 012 2KI 019 005 Sa gayo'y ang mga lingkod ng haring Ezechias ay nagsiparoon kay Isaias. 012 2KI 019 006 At sinabi ni Isaias sa kanila, Ganito ang inyong sasabihin sa inyong panginoon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kang matakot sa mga salita na iyong narinig, na ipinanungayaw sa akin ng mga lingkod ng hari sa Asiria. 012 2KI 019 007 Narito, ako'y maglalagay ng isang espiritu sa kaniya, at siya'y makakarinig ng kaingay, at babalik sa kaniyang sariling lupain; at aking ipabubuwal siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain. 012 2KI 019 008 Sa gayo'y bumalik si Rabsaces, at nasumpungan ang hari sa Asiria na nakikipagdigma laban sa Libna: sapagka't nabalitaan niya na kaniyang nilisan ang Lachis. 012 2KI 019 009 At ng kaniyang marinig na sabihin ang tungkol kay Thiraca na hari sa Ethiopia, Narito, siya'y lumabas upang lumaban sa iyo, siya'y nagsugo ng mga sugo uli kay Ezechias, na sinasabi, 012 2KI 019 010 Ganito ang inyong sasalitain kay Ezechias na hari sa Juda, na sasabihin, Huwag kang dayain ng Dios na iyong tinitiwalaan na sabihin, Ang Jerusalem ay hindi mabibigay sa kamay ng hari sa Asiria. 012 2KI 019 011 Narito, nabalitaan mo ang ginawa ng mga hari sa Asiria sa lahat ng lupain, sa paglipol na lubos sa kanila: at maliligtas ka ba? 012 2KI 019 012 Iniligtas ba sila ng mga dios ng mga bansa na nilipol ng aking mga magulang, gaya ng Gozan, at ng Haran, at ng Reseph, at ng mga anak ni Eden na nangasa Thalasar? 012 2KI 019 013 Saan nandoon ang hari sa Hamath, at ang hari sa Arphad, at ang hari sa bayan ng Sepharvaim, ng Hena, at ng Hiva? 012 2KI 019 014 At tinanggap ni Ezechias ang sulat sa kamay ng mga sugo, at binasa; at pumanhik si Ezechias sa bahay ng Panginoon, at iniladlad sa harap ng Panginoon. 012 2KI 019 015 At si Ezechias ay dumalangin sa harap ng Panginoon at nagsabi, Oh Panginoon, na Dios ng Israel na nauupo sa mga querubin, ikaw ang Dios, ikaw lamang sa lahat ng kaharian sa lupa; ikaw ang lumikha ng langit at lupa. 012 2KI 019 016 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at iyong dinggin; idilat mo ang iyong mga mata, Oh Panginoon, at tumingin ka: at dinggin mo ang mga salita ni Sennacherib, na kaniyang ipinasugo upang ipanungayaw sa buhay na Dios. 012 2KI 019 017 Sa katotohanan, Panginoon, sinira ng mga hari sa Asiria ang mga bansa, at ang kanilang mga lupain, 012 2KI 019 018 At inihagis ang kanilang mga dios sa apoy: sapagka't sila'y hindi mga dios, kundi gawa ng mga kamay ng mga tao, na kahoy at bato; kaya't kanilang nilipol ang mga yaon. 012 2KI 019 019 Ngayon nga, Oh Panginoon naming Dios, iligtas mo kami, isinasamo ko sa iyo sa kaniyang kamay, upang makilala ng lahat na kaharian sa lupa na ikaw ang Panginoong Dios, ikaw lamang. 012 2KI 019 020 Nang magkagayo'y nagsugo si Isaias na anak ni Amos kay Ezechias, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Yamang ikaw ay dumalangin sa akin laban kay Sennacherib na hari sa Asiria, dininig kita. 012 2KI 019 021 Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa kaniya. Niwalang kabuluhan ka ng anak na dalaga ng Sion at tinatawanan ka, ang anak na babae ng Jerusalem ay iginalaw ang kaniyang ulo sa iyo. 012 2KI 019 022 Sino ang iyong pinulaan at tinungayaw? at laban kanino itinaas mo ang iyong tinig at ipinandilat mo ang iyong mga mata ng mataas? sa makatuwid baga'y laban sa Isang Banal ng Israel. 012 2KI 019 023 Sa pamamagitan ng iyong mga sugo ay iyong pinulaan ang Panginoon, at sinabi mo, Sa karamihan ng aking mga karo ako'y nakaahon sa kataasan ng mga bundok, sa mga kaloobloobang bahagi ng Libano; at aking ibubuwal ang mga matayog na sedro niyaon, at ang mga piling puno ng abeto niyaon: at ako'y papasok sa kaniyang pinaka malayong tuluyan, sa gubat ng kaniyang mabungang bukid. 012 2KI 019 024 Ako'y humukay at uminom ng tubig ng iba, at aking tutuyuin ang lahat na ilog ng Egipto ng talampakan ng aking mga paa. 012 2KI 019 025 Hindi mo ba nabalitaan kung paanong aking ginawa na malaon na, at aking iniakma ng una? ngayo'y aking pinapangyari, upang iyong sirain ang mga bayang nakukutaan na magiging mga guho na bunton. 012 2KI 019 026 Kaya't ang kanilang mga mananahan ay may munting kapangyarihan, sila'y nanganglupaypay at nangatulig; sila'y gaya ng damo sa bukid, at ng sariwang gugulayin, na gaya ng damo sa mga bubungan, at gaya ng trigo na lanta bago nakalaki. 012 2KI 019 027 Nguni't talastas ko ang iyong pagupo, at ang iyong paglabas, at ang iyong pagpasok, at ang iyong pag-iinit laban sa akin. 012 2KI 019 028 Dahil sa iyong galit laban sa akin, at dahil sa iyong kagilasan ay dumating sa aking mga pakinig, kaya't aking ikakawit ang aking taga sa iyong ilong, at ang aking paningkaw sa iyong mga labi, at ibabalik kita sa daan na iyong pinanggalingan. 012 2KI 019 029 At ito ang magiging tanda sa iyo: ikaw ay kakain sa taong ito ng tumutubo sa sarili, at sa ikalawang taon ay ang tumubo roon; at sa ikatlong taon ay maghasik kayo, at umani, at mag-ubasan, at kanin ninyo ang bunga niyaon. 012 2KI 019 030 At ang nalabi na nakatanan sa mga anak ni Juda ay maguugat uli sa ilalim, at magbubunga sa itaas, 012 2KI 019 031 Sapagka't sa Jerusalem ay lalabas ang isang nalabi, at sa bundok ng Sion ay silang magtatanan: gaganapin ito ng sikap ng Panginoon. 012 2KI 019 032 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, tungkol sa hari sa Asiria. Siya'y hindi paririto sa bayang ito, o magpapahilagpos man ng pana riyan, ni haharap man siya riyan na may kalasag, o maghahagis man ng bunton laban doon. 012 2KI 019 033 Sa daang kaniyang pinanggalingan, doon din siya babalik, at hindi siya darating sa bayang ito, sabi ng Panginoon. 012 2KI 019 034 Sapagka't aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas, dahil sa akin at dahil sa aking lingkod na si David. 012 2KI 019 035 At nangyari, nang gabing yaon, na ang anghel ng Panginoon ay lumabas, at nanakit sa kampamento ng mga taga Asiria ng isang daan at walong pu't limang libo: at nang ang mga tao ay magsibangong maaga sa kinaumagahan, narito, silang lahat ay mga bangkay. 012 2KI 019 036 Sa gayo'y umalis si Sennacherib na hari sa Asiria, at yumaon, at bumalik, at tumahan sa Ninive. 012 2KI 019 037 At nangyari, nang siya'y sumamba sa bahay ni Nisroch na kaniyang dios, na sinugatan siya ng tabak ni Adramelech, at ni Saresar: at sila'y nagsitanan na patungo sa lupain ng Ararat. At si Esar-hadon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 020 001 Nang mga araw na yaon ay may sakit na ikamamatay si Ezechias. At si Isaias na propeta na anak ni Amos ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayusin mo ang iyong bahay; sapagka't ikaw ay mamamatay, at hindi mabubuhay. 012 2KI 020 002 Nang magkagayo'y kaniyang ipinihit ang kaniyang mukha sa panig ng bahay, at nanalangin sa Panginoon, na nagsasabi, 012 2KI 020 003 Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon, na iyong alalahanin, kung paanong ako'y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso at gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak na mainam. 012 2KI 020 004 At nangyari, bago si Isaias ay lumabas sa pinakaloob ng bayan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsasabi, 012 2KI 020 005 Bumalik ka uli, at sabihin mo kay Ezechias na pangulo ng aking bayan. Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ni David na iyong magulang, Aking narinig ang iyong panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking pagagalingin ka: sa ikatlong araw ay sasampa ka sa bahay ng Panginoon. 012 2KI 020 006 At aking idadagdag sa iyong mga kaarawan ay labing limang taon; at aking ililigtas ka at ang bayang ito sa kamay ng hari sa Asiria; at aking ipagsasanggalang ang bayang ito dahil sa akin, at dahil sa aking lingkod na si David. 012 2KI 020 007 At sinabi ni Isaias, Kayo'y magsikuha ng isang binilong igos. At kinuha nila at itinapal sa bukol at siya'y gumaling. 012 2KI 020 008 At sinabi ni Ezechias kay Isaias, Ano ang magiging tanda na ako'y pagagalingin ng Panginoon, at ako'y sasampa sa bahay ng Panginoon sa ikatlong araw? 012 2KI 020 009 At sinabi ni Isaias, Ito ang magiging tanda sa iyo na mula sa Panginoon, na gagawin ng Panginoon ang bagay na kaniyang sinalita: magpapauna ba ang anino ng sangpung grado, o magpapahuli ng sangpung grado? 012 2KI 020 010 At sumagot si Ezechias, Magaang bagay sa anino na kumiling ng sangpung grado: hindi, kundi pahulihin ang anino ng sangpung grado. 012 2KI 020 011 At si Isaias na propeta ay dumalangin sa Panginoon: at kaniyang pinapagpahuli ang anino ng sangpung grado, na nakababa na sa orasan ni Achaz. 012 2KI 020 012 Nang panahong yaon ay si Berodach-baladan, na anak ni Baladan, na hari sa Babilonia, ay nagpadala ng mga sulat at ng kaloob kay Ezechias: sapagka't kaniyang nabalitaan na si Ezechias ay nagkasakit. 012 2KI 020 013 At dininig ni Ezechias sila, at ipinakita sa kanila ang buong bahay ng kaniyang mahalagang mga bagay, ang pilak, at ang ginto, at ang mga espesia, at ang mahalagang langis, at ang bahay na taguan ng kaniyang sandata, at ang lahat na nasusumpungan sa mga kayamanan niya: walang anoman sa kaniyang bahay, o sa buong kaniyang sakop, na hindi ipinakita sa kanila ni Ezechias. 012 2KI 020 014 Nang magkagayo'y naparoon si Isaias na propeta sa haring Ezechias, at nagsabi sa kaniya, Anong sinasabi ng mga lalaking ito? at saan nagsipanggaling na napasa iyo? At sinabi ni Ezechias, Sila'y nagsipanggaling sa malayong lupain, sa makatuwid baga'y sa Babilonia. 012 2KI 020 015 At kaniyang sinabi, Anong kanilang nakita sa iyong bahay? At sumagot si Ezechias. Lahat na nasa aking bahay ay kanilang nakita: walang anomang bagay na nasa aking mga kayamanan na di ko ipinakita sa kanila. 012 2KI 020 016 At sinabi ni Isaias kay Ezechias, Dinggin mo ang salita ng Panginoon. 012 2KI 020 017 Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, na ang lahat na nangasa iyong bahay, at ang itinago ng iyong mga magulang hanggang sa araw na ito, ay dadalhin sa Babilonia: walang maiiwan, sabi ng Panginoon. 012 2KI 020 018 At ang ilan sa iyong mga anak na magmumula sa iyo na iyong ipanganganak, sila'y dadalhin; at sila'y magiging bating sa bahay ng hari sa Babilonia. 012 2KI 020 019 Nang magkagayo'y sinabi ni Ezechias kay Isaias, Mabuti ang salita ng Panginoon na iyong sinalita. Kaniyang sinabi, bukod dito, Hindi ba, kung magkakaroon ng kapayapaan at katotohanan sa aking mga kaarawan? 012 2KI 020 020 Ang iba nga sa mga gawa ni Ezechias, at ang buo niyang kapangyarihan, at kung paano niyang ginawa ang tipunan ng tubig, at ang padaluyan, at nagdala ng tubig sa bayan, hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? 012 2KI 020 021 At natulog si Ezechias na kasama ng kaniyang mga magulang: at si Manases na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 021 001 Si Manases ay may labing dalawang taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limangpu't limang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Hepsi-ba. 012 2KI 021 002 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel. 012 2KI 021 003 Sapagka't kaniyang itinayo uli ang mga mataas na dako na iginiba ni Ezechias na kaniyang ama; at kaniyang ipinagtayo ng mga dambana si Baal, at gumawa ng Asera, gaya ng ginawa ni Achab na hari sa Israel, at sumamba sa lahat ng natatanaw sa langit, at naglingkod sa kanila. 012 2KI 021 004 At siya'y nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon, na pinagsabihan ng Panginoon, Sa Jerusalem ay ilalagay ko ang aking pangalan. 012 2KI 021 005 At kaniyang ipinagtayo ng mga dambana ang lahat na natatanaw sa langit sa dalawang looban ng bahay ng Panginoon. 012 2KI 021 006 At kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy, at nagpamahiin, at nagsanay ng panghuhula, at nakipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit. 012 2KI 021 007 At siya'y naglagay ng larawang inanyuan na Asera, na kaniyang ginawa, sa bahay na pinagsabihan ng Panginoon kay David, at kay Salomon na kaniyang anak, Sa bahay na ito, at sa Jerusalem, na aking pinili sa lahat na lipi ng Israel, aking ilalagay ang aking pangalan magpakailan man. 012 2KI 021 008 At hindi ko na pagagalain pa ang mga paa ng Israel sa labas ng lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang, kung kanila lamang tutuparing gawin ang ayon sa lahat na aking iniutos sa kanila, at ayon sa buong kautusan na iniutos sa kanila ng aking lingkod na si Moises. 012 2KI 021 009 Nguni't hindi nila dininig: at hinikayat sila ni Manases na gumawa ng lalong masama kay sa ginawa ng mga bansa, na pinaglipol ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel. 012 2KI 021 010 At ang Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta, na nagsasabi, 012 2KI 021 011 Sapagka't ginawa ni Manases na hari sa Juda ang mga karumaldumal na ito, at gumawa ng kasamaan na higit kay sa lahat na ginawa ng mga Amorrheo, na una sa kaniya, at ipinapagkasala sa Juda naman sa pamamagitan ng kaniyang mga diosdiosan: 012 2KI 021 012 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Narito, aking dadalhin ang ganiyang kasamaan sa Jerusalem at sa Juda, na sinomang makabalita ay magpapanting ang dalawang tainga. 012 2KI 021 013 At aking paaabutin sa Jerusalem ang pising panukat ng Samaria, at ang pabato ng bahay ni Achab: at aking lilinisin ang Jerusalem gaya ng paglilinis ng isang tao ng isang pinggan, na nililinis at itinataob. 012 2KI 021 014 At aking ihihiwalay ang nalabi sa aking mana, at aking ibibigay sa kamay ng kanilang mga kaaway: at sila'y magiging bihag at samsam sa lahat nilang kaaway. 012 2KI 021 015 Sapagka't gumawa sila ng masama sa aking paningin at minungkahi nila ako sa galit, mula nang araw na ang kanilang mga magulang ay magsilabas sa Egipto, hanggang nga sa araw na ito. 012 2KI 021 016 Bukod dito'y nagbubong mainam si Manases ng dugong walang sala, hanggang sa kaniyang napuno ang Jerusalem mula sa isang dulo hanggang sa kabila; bukod sa kaniyang sala na kaniyang ipinapagkasala sa Juda, sa paggawa ng masama sa paningin ng Panginoon. 012 2KI 021 017 Ang iba nga sa mga gawa ni Manases, at ang lahat niyang ginawa, at ang sala na kaniyang ipinagkasala, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? 012 2KI 021 018 At si Manases ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa halamanan ng kaniyang sariling bahay, sa halamanan ng Uzza: at si Amon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 021 019 Si Amon ay may dalawang pu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Mesalemeth na anak ni Harus na taga Jotba. 012 2KI 021 020 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon gaya ng ginawa ni Manases na kaniyang ama. 012 2KI 021 021 At siya'y lumakad ng buong lakad na inilakad ng kaniyang ama, at naglingkod sa mga diosdiosan na pinaglingkuran ng kaniyang ama, at sinamba niya ang mga yaon: 012 2KI 021 022 At binayaan ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang, at hindi lumakad sa daan ng Panginoon. 012 2KI 021 023 At ang mga lingkod ni Amon ay nagsipagbanta laban sa kaniya, at pinatay ang hari sa kaniyang sariling bahay. 012 2KI 021 024 Nguni't pinatay ng bayan ng lupain ang lahat na nagsipagbanta laban sa haring Amon; at ginawang hari ng bayan ng lupain si Josias na kaniyang anak na kahalili niya. 012 2KI 021 025 Ang iba nga sa mga gawa ni Amon na kaniyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? 012 2KI 021 026 At siya'y nalibing sa kaniyang libingan sa halamanan ng Uzza; at si Josias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 022 001 Si Josias ay may walong taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing tatlongpu't isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Idida na anak ni Adaia na taga Boscat. 012 2KI 022 002 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, at lumakad sa buong lakad ni David na kaniyang magulang, at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa. 012 2KI 022 003 At nangyari, nang ikalabing walong taon ng haring Josias, na sinugo ng hari si Saphan na anak ni Azalia, na anak ni Mesullam, na kalihim, sa bahay ng Panginoon, na sinasabi, 012 2KI 022 004 Ahunin mo si Hilcias na dakilang saserdote, upang kaniyang bilangin ang salapi na ipinasok sa bahay ng Panginoon, na tinipon sa bayan ng tagatanod-pinto: 012 2KI 022 005 At ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang tumitingin ng gawain sa bahay ng Panginoon; at ibigay sa mga manggagawa na nangasa bahay ng Panginoon, upang husayin ang mga sira ng bahay. 012 2KI 022 006 Sa mga anluwagi, at sa mga manggagawa, at sa mga kantero at sa pagbili ng kahoy, at ng batong tabas upang husayin ang bahay. 012 2KI 022 007 Gayon ma'y walang pagtutuos na ginawa sila sa kanila sa salapi na nabigay sa kanilang kamay; sapagka't kanilang ginawang may pagtatapat. 012 2KI 022 008 At si Hilcias na dakilang saserdote ay nagsabi kay Saphan na kalihim, Aking nasumpungan ang aklat ng kautusan sa bahay ng Panginoon. At ibinigay ni Hilcias ang aklat kay Saphan, at kaniyang binasa. 012 2KI 022 009 At si Saphan na kalihim ay naparoon sa hari, at nagbalik ng salita sa hari, at nagsabi, Inilabas ng iyong mga lingkod ang salapi na nasumpungan sa bahay, at ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang tumitingin ng gawain sa bahay ng Panginoon. 012 2KI 022 010 At isinaysay ni Saphan na kalihim, sa hari na sinasabi, Si Hilcias na saserdote ay nagbigay sa akin ng isang aklat. 012 2KI 022 011 At binasa ni Saphan sa harap ng hari. At nangyari, nang marinig ng hari ang mga salita ng aklat ng kautusan, na kaniyang hinapak ang kaniyang suot. 012 2KI 022 012 At ang hari ay nagutos kay Hilcias na saserdote, at kay Ahicam na anak ni Saphan, at kay Achbor na anak ni Michaia, at kay Saphan na kalihim, at kay Asaia na lingkod ng hari, na sinasabi, 012 2KI 022 013 Kayo'y magsiyaon, isangguni ninyo sa Panginoon ako, at ang bayan, at ang buong Juda, tungkol sa mga salita ng aklat na ito na nasumpungan: sapagka't malaki ang pagiinit ng Panginoon na nabugso sa atin, sapagka't hindi dininig ng ating mga magulang ang mga salita ng aklat na ito, na gawin ang ayon sa lahat na nasusulat tungkol sa atin. 012 2KI 022 014 Sa gayo'y si Hilcias na saserdote, at si Ahicam, at si Achbor, at si Saphan, at si Asaia, ay nagsiparoon kay Hulda na propetisa, na asawa ni Sallum na anak ni Ticva na anak ni Araas, na katiwala sa mga kasuutan (siya nga'y tumatahan sa Jerusalem sa ikalawang bahagi; ) at sila'y nakipagsanggunian sa kaniya. 012 2KI 022 015 At sinabi niya sa kanila, Ganito, ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel: Saysayin ninyo sa lalake na nagsugo sa inyo sa akin, 012 2KI 022 016 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa dakong ito, at sa mga tagarito, sa makatuwid baga'y lahat na salita ng aklat na nabasa ng hari sa Juda: 012 2KI 022 017 Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at nagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, upang ipamungkahi nila ako sa galit sa lahat na gawa ng kanilang mga kamay, kaya't ang aking pagiinit ay magaalab sa dakong ito, at hindi mapapatay. 012 2KI 022 018 Nguni't sa hari sa Juda, na nagsugo sa inyo upang magusisa sa Panginoon, ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel. Tungkol sa mga salita na inyong narinig. 012 2KI 022 019 Sapagka't ang iyong puso ay malumanay, at ikaw ay nagpakababa sa harap ng Panginoon, nang iyong marinig ang aking sinalita laban sa dakong ito, at laban sa mga tagarito na sila'y magiging kagibaan, at sumpa, at hinapak mo ang iyong kasuutan, at umiyak sa harap ko: ay dininig naman kita, sabi ng Panginoon. 012 2KI 022 020 Kaya't narito, ipipisan kita sa iyong mga magulang, at ikaw ay malalagay sa iyong libingan na payapa, at hindi makikita ng iyong mga mata ang lahat ng kasamaan na aking dadalhin sa dakong ito. At sila'y nagbalik ng salita sa hari. 012 2KI 023 001 At ang hari ay nagsugo, at pinisan nila sa kaniya ang lahat na matanda sa Juda, at sa Jerusalem. 012 2KI 023 002 At sumampa ang hari sa bahay ng Panginoon, at ang lahat na lalake ng Juda, at ang lahat na taga Jerusalem na kasama niya, at ang mga saserdote, at ang mga propeta, at ang buong bayan, maliit at gayon din ang malaki: at kanilang binasa sa kanilang mga pakinig ang lahat na salita ng aklat ng tipan na nasumpungan sa bahay ng Panginoon. 012 2KI 023 003 At ang hari ay tumayo sa tabi ng haligi, at nakipagtipan sa harap ng Panginoon, upang lumakad ng ayon sa Panginoon, at upang ingatan ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga patotoo, at ang kaniyang mga palatuntunan, ng buong puso at ng buong kaluluwa, upang tuparin ang mga salita ng tipang ito na nasusulat sa aklat na ito: at ang buong bayan ay nananayo sa tipan. 012 2KI 023 004 At inutusan ng hari si Hilcias na dakilang saserdote, at ang mga saserdote sa ikalawang hanay, at ang mga tagatanod-pinto, na ilabas sa templo ng Panginoon ang lahat na kasangkapan na ginawa kay Baal at sa mga Asera, at sa lahat na natatanaw sa langit; at kaniyang sinunog sa labas ng Jerusalem sa mga parang ng Cedron, at dinala ang mga abo niyaon sa Beth-el. 012 2KI 023 005 At kaniyang inalis ang mga saserdote na palasamba sa mga dios-diosan na inihalal ng mga hari sa Juda na nagpasunog ng kamangyan sa mga mataas na dako sa mga bayan ng Juda, at sa mga dakong nangasa palibot ng Jerusalem; pati silang nagsisipagsunog ng kamangyan kay Baal, sa araw, at sa buwan, at sa mga tala, at sa lahat ng natatanaw sa langit. 012 2KI 023 006 At kaniyang inilabas ang mga Asera sa bahay ng Panginoon, sa labas ng Jerusalem sa batis ng Cedron, at sinunog sa batis ng Cedron, at dinurog, at inihagis ang nangadurog niyaon sa libingan ng karaniwang mga tao. 012 2KI 023 007 At kaniyang ibinagsak ang mga bahay ng mga sodomita, na nangasa bahay ng Panginoon, na pinagtatahian ng mga tabing ng mga babae para sa mga Asera. 012 2KI 023 008 At dinala ang lahat na saserdote mula sa mga bayan ng Juda, at nilapastangan ang mga mataas na dako, sa pinagsusunugan ng kamangyan ng mga saserdote, mula sa Geba hanggang sa Beerseba; at kaniyang ibinagsak ang mga mataas na dako ng mga pintuang-bayan na nangasa pasukan ng pintuang-bayan ni Josue, na tagapamahala ng bayan, na nangasa kaliwa ng pasukan sa pintuan ng bayan. 012 2KI 023 009 Gayon ma'y ang mga saserdote sa mga mataas na dako ay hindi sumampa sa dambana ng Panginoon sa Jerusalem, kundi sila'y nagsikain ng tinapay na walang lebadura sa gitna ng kanilang mga kapatid. 012 2KI 023 010 At kaniyang nilapastangan ang Topheth, na nasa libis ng mga anak ni Hinnom, upang huwag paraanin ng sinoman ang kaniyang anak na lalake o babae sa apoy kay Moloch. 012 2KI 023 011 At kaniyang inalis ang mga kabayo na ibinigay ng hari ng Juda sa araw, sa pasukan ng bahay ng Panginoon, sa siping ng silid ni Nathan-melech na kamarero, na nasa looban; at sinunog niya sa apoy ang mga karo ng araw. 012 2KI 023 012 At ang mga dambana na nangasa bubungan ng silid sa itaas ni Achaz, na ginawa ng mga hari sa Juda, at ang mga dambana na ginawa ni Manases sa dalawang looban ng bahay ng Panginoon ay ipinagbabagsak ng hari, at pinaggigiba mula roon, at inihagis ang alabok ng mga yaon sa batis ng Cedron. 012 2KI 023 013 At ang mga mataas na dako na nangasa harap ng Jerusalem, na nasa kanan ng bundok ng kapahamakan, na itinayo ng haring Salomon kay Asthareth na karumaldumal ng mga Sidonio, at kay Chemos na karumaldumal ng Moab, at sa kay Milcom na karumaldumal ng mga anak ni Ammon, ay nilapastangan ng hari. 012 2KI 023 014 At kaniyang pinagputolputol ang mga haligi na pinakaalaala, at pinutol ang mga Asera, at pinuno ang kanilang mga dako ng mga buto ng tao. 012 2KI 023 015 Bukod dito'y ang dambana na nasa Bethel at ang mataas na dako na ginawa ni Jeroboam, na anak ni Nabat, na nakapagkasala sa Israel, sa makatuwid baga'y ang dambanang yaon at ang mataas na dako ay kaniyang ibinagsak; at kaniyang sinunog ang mataas na dako at dinurog, at sinunog ang mga Asera. 012 2KI 023 016 At pagpihit ni Josias, ay kaniyang natanawan ang mga libingan na nangasa bundok; at siya'y nagsugo, at kinuha ang mga buto sa mga libingan, at sinunog sa dambana, at dinumhan, ayon sa salita ng Panginoon na itinanyag ng lalake ng Dios, na siyang nagtanyag ng mga bagay na ito. 012 2KI 023 017 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Anong monumento yaong aking nakikita? At isinaysay ng mga lalake ng bayan sa kaniya, Yao'y libingan ng lalake ng Dios, na nanggaling sa Juda, at itinanyag ang mga bagay na ito na iyong ginawa laban sa dambana sa Beth-el. 012 2KI 023 018 At kaniyang sinabi, Bayaan ninyo; huwag galawin ng sinoman ang mga buto niya. Sa gayo'y binayaan nila ang mga buto niya, na kasama ng mga buto ng propeta na nanggaling sa Samaria. 012 2KI 023 019 At ang lahat na bahay naman sa mga mataas na dako na nangasa bayan ng Samaria, na ginawa ng mga hari sa Israel upang mungkahiin ang Panginoon sa galit, ay pinagaalis ni Josias, at ginawa sa mga yaon ang ayon sa lahat na gawa na kaniyang ginawa sa Beth-el. 012 2KI 023 020 At kaniyang pinatay ang lahat na saserdote sa mga mataas na dako na nangandoon, sa ibabaw ng mga dambana, at sinunog ang mga buto ng mga tao sa mga yaon; at siya'y bumalik sa Jerusalem. 012 2KI 023 021 At iniutos ng hari sa buong bayan, na sinasabi, Ipagdiwang ninyo ang paskua sa Panginoon ninyong Dios, gaya ng nasusulat sa aklat na ito ng tipan. 012 2KI 023 022 Tunay na hindi ipinagdiwang ang gayong paskua mula sa mga araw ng mga hukom na naghukom sa Israel, o sa lahat ng mga araw man ng mga hari sa Israel, o ng mga hari man sa Juda; 012 2KI 023 023 Kundi nang ikalabing walong taon ng haring Josias ay ipinagdiwang ang paskuang ito sa Panginoon sa Jerusalem. 012 2KI 023 024 Bukod dito'y sila na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at ang mga manghuhula, at ang mga terap, at ang mga diosdiosan, at ang lahat na karumaldumal na natanawan sa lupain ng Juda, at sa Jerusalem, ay pinagaalis ni Josias, upang kaniyang matupad ang mga salita ng kautusan na nasusulat sa aklat na nasumpungan ni Hilcias na saserdote sa bahay ng Panginoon. 012 2KI 023 025 At walang naging hari na gaya niya na una sa kaniya, na bumalik sa Panginoon ng buong puso niya, at ng buong kaluluwa niya, at ng buong kapangyarihan niya, ayon sa buong kautusan ni Moises; ni may bumangon mang sumunod sa kaniya na gaya niya. 012 2KI 023 026 Gayon ma'y hindi tinalikdan ng Panginoon ang bagsik ng kaniyang malaking pag-iinit, na ipinagalab ng kaniyang galit laban sa Juda, dahil sa lahat na pamumungkahi na iminungkahi ni Manases sa kaniya. 012 2KI 023 027 At sinabi ng Panginoon, Akin ding aalisin ang Juda sa aking paningin, gaya ng aking pagaalis sa Israel, at aking itatakuwil ang bayang ito na aking pinili, sa makatuwid baga'y ang Jerusalem, at ang bahay na aking pinagsabihan. Ang pangalan ko'y doroon. 012 2KI 023 028 Ang iba nga sa mga gawa ni Josias, at ang lahat na kaniyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? 012 2KI 023 029 Nang mga kaarawan niya, si Faraon-nechao na hari sa Egipto at umahon laban sa hari sa Asiria, sa ilog Eufrates: at ang haring Josias ay naparoon laban sa kaniya; at pinatay niya siya sa Megiddo, nang makita niya siya. 012 2KI 023 030 At dinala siyang patay ng kaniyang mga lingkod sa isang karo, mula sa Megiddo at dinala siya sa Jerusalem, at inilibing siya sa kaniyang sariling libingan. At kinuha ng bayan ng lupain si Joachaz na anak ni Josias, at pinahiran ng langis siya, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama. 012 2KI 023 031 Si Joachaz ay may dalawangpu't tatlong taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing tatlong buwan sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Amutal na anak ni Jeremias na taga Libna. 012 2KI 023 032 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang mga magulang. 012 2KI 023 033 At inilagay ni Faraon-nechao siya sa pangawan sa Ribla, sa lupain ng Hamath, upang siya'y huwag makapaghari sa Jerusalem; at siningilan ang bayan ng isang daang talentong pilak, at isang talentong ginto. 012 2KI 023 034 At ginawa ni Faraon-nechao si Eliacim na anak ni Josias, na hari na kahalili ni Josias, na kaniyang ama, at pinalitan ang kaniyang pangalan ng Joacim: nguni't kaniyang dinala si Joachaz; at siya'y naparoon sa Egipto, at namatay roon. 012 2KI 023 035 At ibinigay ni Joacim ang pilak at ginto kay Faraon; nguni't kaniyang pinabuwis ang lupain upang magbigay ng salapi ayon sa utos ni Faraon; kaniyang siningil ang pilak at ginto ng bayan ng lupain, sa bawa't isa ayon sa ipinabuwis niya upang ibigay kay Faraon-nechao. 012 2KI 023 036 Si Joacim ay may dalawangpu't limang taon nang magpasimulang maghari: at siya'y nagharing labing isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Zebuda na anak ni Pedaia na taga Ruma. 012 2KI 023 037 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang mga magulang. 012 2KI 024 001 Nang kaniyang mga kaarawan ay umahon si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at si Joacim ay naging kaniyang alipin na tatlong taon: nang magkagayo'y bumalik siya at nanghimagsik laban sa kaniya. 012 2KI 024 002 At ang Panginoon ay nagsugo laban sa kaniya ng mga pulutong ng mga Caldeo, at ng mga pulutong ng mga taga Siria, at ng mga pulutong ng mga Moabita, at ng mga pulutong ng mga anak ni Ammon, at sinugo sila laban sa Juda upang lipulin ayon sa salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta. 012 2KI 024 003 Tunay na sa utos ng Panginoon ay dumating ito sa Juda, upang alisin sila sa kaniyang paningin, dahil sa mga kasalanan ni Manases, ayon sa lahat niyang ginawa. 012 2KI 024 004 At dahil naman sa walang salang dugo na kaniyang ibinubo; sapagka't kaniyang pinuno ang Jerusalem ng walang salang dugo: at hindi pinatawad ng Panginoon. 012 2KI 024 005 Ang iba nga sa mga gawa ni Joacim, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda. 012 2KI 024 006 Sa gayo'y natulog si Joacim na kasama ng kaniyang mga magulang: at si Joachin na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 012 2KI 024 007 At ang hari sa Egipto ay hindi na bumalik pa mula sa kaniyang lupain: sapagka't sinakop ng hari ng Babilonia, mula sa batis ng Egipto hanggang sa ilog Eufrates, lahat na nauukol sa hari sa Egipto. 012 2KI 024 008 Si Joachin ay may labing walong taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y naghari sa Jerusalem na tatlong buwan: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Neusta na anak na babae ni Elnathan na taga Jerusalem. 012 2KI 024 009 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang ama. 012 2KI 024 010 Nang panahong yao'y ang mga lingkod ni Nabucodonosor, na hari sa Babilonia ay nagsiahon sa Jerusalem, at ang bayan ay nakubkob. 012 2KI 024 011 At si Nabucodonosor, na hari sa Babilonia ay naparoon sa bayan, samantalang ang kaniyang mga lingkod ay nangakukulong. 012 2KI 024 012 At nilabas ni Joachin na hari sa Juda ang hari sa Babilonia, niya, at ng kaniyang ina, at ng kaniyang mga lingkod, at ng kaniyang mga prinsipe, at ng kaniyang mga pinuno: at kinuha siya ng hari ng Babilonia sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari. 012 2KI 024 013 At dinala niya mula roon ang lahat na kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng bahay ng hari, at pinagputolputol ang lahat na kasangkapang ginto na ginawa ng haring Salomon sa templo ng Panginoon, gaya ng sinabi ng Panginoon. 012 2KI 024 014 At kaniyang dinala ang buong Jerusalem, at ang lahat na prinsipe, at ang lahat na makapangyarihang lalake na may tapang, sa makatuwid baga'y sangpung libong bihag, at ang lahat na manggagawa at mangbabakal; walang nalabi liban sa mga pinakadukha sa bayan ng lupain. 012 2KI 024 015 At dinala niya si Joachin sa Babilonia; at ang ina ng hari, at ang mga asawa ng hari, at ang kaniyang mga pinuno, at ang mga pinakamahal sa lupain, ay dinala niya sa pagkabihag sa Babilonia mula sa Jerusalem. 012 2KI 024 016 At ang lahat na makapangyarihang lalake na pitong libo, at ang mga manggagawa at ang mga mangbabakal na isang libo, lahat na sa kanila ay malakas at matalino sa pakikipagdigma, ay pinagdadalang bihag sa Babilonia ng hari. 012 2KI 024 017 At ginawa ng hari sa Babilonia na hari si Matanias na kapatid ng ama ni Joachin na kahalili niya, at binago ang kaniyang pangalan ng Sedecias. 012 2KI 024 018 Si Sedecias ay may dalawangpu't isang taon nang magpasimulang maghari, at siya'y nagharing labing isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Amutal na anak ni Jeremias na taga Libna. 012 2KI 024 019 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ni Joachin. 012 2KI 024 020 Sapagka't sa pamamagitan ng galit ng Panginoon ay nangyari sa Jerusalem at sa Juda, hanggang sa kaniyang itinaboy sila sa kaniyang harap: at si Sedecias ay nanghimagsik laban sa hari sa Babilonia. 012 2KI 025 001 At nangyari nang ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari sa ikasangpung buwan, nang ikasangpung araw ng buwan, na si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay naparoon, siya at ang buo niyang hukbo, laban sa Jerusalem, at humantong laban doon; at nagsipagtayo sila ng mga kuta sa palibot laban doon. 012 2KI 025 002 Sa gayo'y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedecias. 012 2KI 025 003 Nang ikasiyam na araw ng ikaapat na buwan, ang kagutom ay lumala sa bayan, na anopa't walang tinapay sa bayan ng lupain. 012 2KI 025 004 Nang magkagayo'y gumawa ng isang butas sa kuta ng bayan, at ang lahat na lalaking mangdidigma ay nagsitakas sa gabi sa daan ng pintuang-bayan sa pagitan ng dalawang kuta, na nasa siping ng halamanan ng hari (ang mga Caldeo nga ay nangasa tapat ng palibot ng bayan; ) at ang hari ay yumaon sa daan ng Araba. 012 2KI 025 005 Nguni't hinabol ng hukbo ng mga Caldeo ang hari, at inabutan nila siya sa mga kapatagan ng Jerico: at ang buo niyang hukbo ay nangalat sa kaniya. 012 2KI 025 006 Nang magkagayo'y kinuha nila ang hari at dinala nila siya sa hari sa Babilonia sa Ribla; at sila'y nangagbigay ng kahatulan sa kaniya. 012 2KI 025 007 At kanilang pinatay ang mga anak ni Sedecias, sa harap ng kaniyang mga mata, at inukit ang mga mata ni Sedecias at siya'y nilagyan ng damal, at dinala siya sa Babilonia. 012 2KI 025 008 Nang ikalimang buwan nga, nang ikapitong araw ng buwan, na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor, na hari sa Babilonia, ay naparoon sa Jerusalem si Nabuzaradan na punong kawal ng bantay, na lingkod ng hari sa Babilonia. 012 2KI 025 009 At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon, at ang bahay ng hari; at ang lahat na bahay sa Jerusalem, sa makatuwid baga'y bawa't malaking bahay, ay sinunog niya ng apoy. 012 2KI 025 010 At ibinagsak ang mga kuta ng Jerusalem sa palibot, ng buong hukbo ng mga Caldeo, na kasama ng punong kawal ng bantay. 012 2KI 025 011 At ang nalabi na mga tao na naiwan sa bayan, at yaong nagsihiwalay, na nagsihilig sa hari sa Babilonia, at ang labi sa karamihan, ay dinalang bihag ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay. 012 2KI 025 012 Nguni't iniwan ng punong kawal ng bantay ang mga pinakadukha sa lupain upang maging maguubas at magbubukid. 012 2KI 025 013 At ang mga haliging tanso na nangasa bahay ng Panginoon, at ang mga tungtungan at ang dagatdagatan na tanso na nasa bahay ng Panginoon, ay dinurog ng mga Caldeo, at dinala ang tanso sa Babilonia. 012 2KI 025 014 At ang mga palayok, at ang mga pala, at ang mga gunting, at ang mga kutchara, at ang lahat na kasangkapan na tanso na kanilang ipinangangasiwa, ay kanilang dinala. 012 2KI 025 015 At ang mga apuyan, at ang mga mangkok; na ang sa ginto, ay ginto, at ang sa pilak ay pilak, pinagdadala ng punong kawal ng bantay. 012 2KI 025 016 Ang dalawang haligi, ang dagatdagatan, at ang mga tungtungan, na ginawa ni Salomon sa bahay ng Panginoon; ang tanso ng lahat ng kasangkapang ito ay walang timbang. 012 2KI 025 017 Ang taas ng isang haligi ay labing walong siko, at isang kapitel na tanso ang nasa dulo niyaon; at ang taas ng kapitel ay tatlong siko, na may yaring lambat at mga granada sa kapitel sa palibot, lahat ay tanso; at mayroong gaya ng mga ito ang ikalawang haligi na may yaring lambat. 012 2KI 025 018 At kinuha ng punong kawal ng bantay si Saraias na dakilang saserdote, at si Sophonias na ikalawang saserdote, at ang tatlong tagatanod-pinto: 012 2KI 025 019 At sa bayan ay kumuha siya ng isang pinuno na inilagay sa mga lalaking mangdidigma: at limang lalake sa kanila na nakakita ng mukha ng hari na nangasumpungan sa bayan: at ang kalihim, ang punong kawal ng hukbo, na humusay ng bayan ng lupain; at anim na pung lalake ng bayan ng lupain, na nangasumpungan sa bayan. 012 2KI 025 020 At kinuha sila ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay, at dinala sila sa hari sa Babilonia sa Ribla. 012 2KI 025 021 At sinaktan sila ng hari sa Babilonia, at pinatay sila sa Ribla, sa lupain ng Hamath. Sa gayo'y dinala ang Juda na bihag mula sa kaniyang lupain. 012 2KI 025 022 At tungkol sa bayan na naiwan sa lupain ng Juda, na iniwan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, ay sa mga yaon ginawa niyang tagapamahala si Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan. 012 2KI 025 023 Nang mabalitaan nga ng lahat ng pinuno ng mga hukbo, nila, at ng kanilang mga lalake, na ginawang tagapamahala si Gedalias ng hari sa Babilonia, ay nagsiparoon sila kay Gedalias sa Mizpa, sa makatuwid bagay si Ismael na anak ni Nathanias, at si Johanan na anak ni Carea, at si Saraia na anak ni Tanhumet, na Netofatita, at si Jaazanias na anak ng Maachateo, sila at ang kanilang mga lalake. 012 2KI 025 024 At si Gedalias ay sumampa sa kanila at sa kanilang mga lalake, at nagsabi sa kanila, Kayo'y huwag mangatakot ng dahil sa mga lingkod ng mga Caldeo: magsitahan kayo sa lupain, at kayo'y magsipaglingkod sa hari sa Babilonia, at ikabubuti ninyo. 012 2KI 025 025 Nguni't nangyari nang ikapitong buwan, na si Ismael na anak ni Nathanias, na anak ni Elisama, na mula sa lahing hari, at sangpung lalake na kasama niya, ay naparoon, at sinaktan si Gedalias, na anopa't namatay, at ang mga Judio at ang mga Caldeo, na mga kasama niya sa Mizpa. 012 2KI 025 026 At ang buong bayan, maliit at gayon din ang malaki, at ang mga pinuno ng hukbo, ay nagsitindig, at nagsiparoon sa Egipto; sapagka't sila'y nangatakot sa mga Caldeo. 012 2KI 025 027 At nangyari nang ikatatlongpu't pitong taon ng pagkabihag ni Joachin na hari sa Juda, nang ikalabing dalawang buwan, nang ikadalawangpu't pitong araw ng buwan, na si Evil-merodach na hari sa Babilonia, nang taon na siya'y magpasimulang maghari, ay itinaas ang ulo ni Joachin na hari sa Juda sa bilangguan; 012 2KI 025 028 At siya'y nagsalita na may kagandahang loob sa kaniya, at inilagay ang kaniyang luklukan sa itaas ng luklukan ng mga hari na kasama niya sa Babilonia. 012 2KI 025 029 At kaniyang pinalitan ang kaniyang damit na pagkabihag. At kumain si Joachin ng tinapay sa harap niya na palagi sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay. 012 2KI 025 030 At tungkol sa kaloob sa kaniya, may palaging kaloob na ibinibigay sa kaniya ang hari, bawa't araw isang bahagi ng pagkain, lahat ng mga araw ng kaniyang buhay. # # BOOK 013 1CH 1 Chronicles 1 Mga Cronica 013 1CH 001 001 Si Adam, si Seth, si Enos; 013 1CH 001 002 Si Cainan, si Mahalaleel, si Jared; 013 1CH 001 003 Si Enoch, si Mathusalem, si Lamech, 013 1CH 001 004 Si Noe, si Sem, si Cham, at si Japhet. 013 1CH 001 005 Ang mga anak ni Japhet: si Gomer, at si Magog, at si Dadai, at si Javan, at si Tubal, at si Mesec, at si Tiras. 013 1CH 001 006 At ang mga anak ni Gomer: si Askenaz at si Riphath, at si Thogorma. 013 1CH 001 007 At ang mga anak ni Javan: si Elisa, at si Tharsis, si Chithim at si Dodanim. 013 1CH 001 008 Ang mga anak ni Cham: si Chus, at si Misraim, si Phuth, at si Canaan. 013 1CH 001 009 At ang mga anak ni Chus: si Seba, at si Havila, at si Sabtha, at si Racma, at si Sabtecha. At ang mga anak ni Racma: si Seba, at si Dedan. 013 1CH 001 010 At naging anak ni Chus si Nimrod: siya ang nagpasimulang naging makapangyarihan sa lupa. 013 1CH 001 011 At naging anak ni Misraim si Ludim, at si Ananim, at si Laabim, at si Nephtuim, 013 1CH 001 012 At si Phetrusim, at si Chasluim (na pinanggalingan ng mga Filisteo), at si Caphtorim. 013 1CH 001 013 At naging anak ni Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth, 013 1CH 001 014 At ang Jebuseo, at ang Amorrheo, at ang Gergeseo, 013 1CH 001 015 At ang Heveo, at ang Araceo, at ang Sineo, 013 1CH 001 016 At ang Arvadeo, at ang Samareo, at ang Hamatheo. 013 1CH 001 017 Ang mga anak ni Sem: si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram, at si Hus, at si Hul, at si Gether, at si Mesec. 013 1CH 001 018 At naging anak ni Arphaxad si Sela, at naging anak ni Sela si Heber. 013 1CH 001 019 At si Heber ay nagkaanak ng dalawang lalake: ang pangalan ng isa'y Peleg; sapagka't sa kaniyang mga kaarawan ay nakalatan ng tao ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan. 013 1CH 001 020 At naging anak ni Joctan si Elmodad, at si Seleph, at si Asarmaveth, at si Jera, 013 1CH 001 021 At si Adoram, at si Uzal, at si Dicla; 013 1CH 001 022 At si Hebal, at si Abimael, at si Seba; 013 1CH 001 023 At si Ophir, at si Havila, at si Jobab. Lahat ng ito'y mga anak ni Joctan. 013 1CH 001 024 Si Sem, si Arphaxad, si Sela; 013 1CH 001 025 Si Heber, si Peleg, si Reu; 013 1CH 001 026 Si Serug, si Nachor, si Thare; 013 1CH 001 027 Si Abram, (na siyang Abraham.) 013 1CH 001 028 Ang mga anak ni Abraham: si Isaac, at si Ismael. 013 1CH 001 029 Ito ang kanilang mga lahi: ang panganay ni Ismael, si Nabajot; saka si Cedar, at si Adbeel, at si Misam, 013 1CH 001 030 Si Misma, at si Duma, si Maasa; si Hadad, at si Thema, 013 1CH 001 031 Si Jetur, si Naphis, at si Cedma. Ito ang mga anak ni Ismael. 013 1CH 001 032 At ang mga anak ni Cethura, na babae ni Abraham: kaniyang ipinanganak si Zimram, at si Jocsan, at si Medan, at si Madian, at si Isbac, at si Sua. At ang mga anak ni Jocsan: si Seba, at si Dan. 013 1CH 001 033 At ang mga anak ni Madian: si Epha, at si Epher, at si Henoch, at si Abida, at si Eldaa. Lahat ng ito'y mga anak ni Cethura. 013 1CH 001 034 At naging anak ni Abraham si Isaac. Ang mga anak ni Isaac: si Esau, at si Israel. 013 1CH 001 035 Ang mga anak ni Esau: si Eliphas, si Rehuel, at si Jeus, at si Jalam, at si Cora. 013 1CH 001 036 Ang mga anak ni Eliphas: si Theman, at si Omar, si Sephi, at si Gatham, si Chenas, at si Timna, at si Amalec. 013 1CH 001 037 Ang mga anak ni Rehuel: si Nahath, si Zera, si Samma, at si Mizza. 013 1CH 001 038 At ang mga anak ni Seir: si Lotan at si Sobal at si Sibeon at si Ana, at si Dison at si Eser at si Disan. 013 1CH 001 039 At ang mga anak ni Lotan: si Hori at si Homam: at si Timna ay kapatid na babae ni Lotan. 013 1CH 001 040 Ang mga anak ni Sobal: si Alian at si Manahach at si Ebal, si Sephi at si Onam. At ang mga anak ni Sibeon: si Aia at si Ana. 013 1CH 001 041 Ang mga anak ni Ana: si Dison. At ang mga anak ni Dison: si Hamran at si Hesban at si Ithran at si Cheran. 013 1CH 001 042 Ang mga anak ni Eser: si Bilham, at si Zaavan, at si Jaacan. Ang mga anak ni Disan: si Hus at si Aran. 013 1CH 001 043 Ang mga ito nga ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago naghari ang sinomang hari sa mga anak ni Israel: si Belah na anak ni Beor: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba. 013 1CH 001 044 At namatay si Belah, at si Jobab na anak ni Zera na taga Bosra ay naghari na kahalili niya. 013 1CH 001 045 At namatay si Jobab, at si Husam sa lupain ng mga Themaneo ay naghari na kahalili niya. 013 1CH 001 046 At namatay si Husam, at si Adad na anak ni Bedad na sumakit kay Madian sa parang ng Moab, ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avith. 013 1CH 001 047 At namatay si Adad, at si Samla na taga Masreca ay naghari na kahalili niya. 013 1CH 001 048 At namatay si Samla, at si Saul na taga Rehoboth sa tabi ng Ilog ay naghari na kahalili niya. 013 1CH 001 049 At namatay si Saul, at si Baal-hanan na anak ni Achbor ay naghari na kahalili niya. 013 1CH 001 050 At namatay si Baal-hanan, at si Adad ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pai: at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel, na anak na babae ni Matred, na anak na babae ni Me-zaab. 013 1CH 001 051 At namatay si Adad. At ang mga pangulo ng Edom: ang pangulong Timna, ang pangulong Alia, ang pangulong Jetheh; 013 1CH 001 052 Ang pangulong Oholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Phinon; 013 1CH 001 053 Ang pangulong Chenaz, ang pangulong Theman, ang pangulong Mibzar; 013 1CH 001 054 Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Iram. Ito ang mga pangulo ng Edom. 013 1CH 002 001 Ito ang mga anak ni Israel: si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda, at si Issachar, at si Zabulon; 013 1CH 002 002 Si Dan, si Jose, at si Benjamin, si Neftali, si Gad at si Aser. 013 1CH 002 003 Ang mga anak ni Juda: si Er, at si Onan, at si Sela: na siyang tatlong ipinanganak sa kaniya ng anak na babae ni Sua, na Cananea. At si Er, na panganay ni Juda, ay masama sa paningin ng Panginoon; at pinatay niya siya. 013 1CH 002 004 At ipinanganak sa kaniya ni Thamar na kaniyang manugang na babae si Phares at si Zara. Lahat na anak ni Juda ay lima. 013 1CH 002 005 Ang mga anak ni Phares: si Hesron at si Hamul. 013 1CH 002 006 At ang mga anak ni Zara: si Zimri, at si Ethan, at si Heman, at si Calcol, at si Darda: lima silang lahat. 013 1CH 002 007 At ang mga anak ni Carmi: si Achar, na mangbabagabag ng Israel, na gumawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay. 013 1CH 002 008 At ang mga anak ni Ethan: si Azaria. 013 1CH 002 009 Ang mga anak naman ni Hesron, na mga ipinanganak sa kaniya: si Jerameel, at si Ram, at si Chelubai. 013 1CH 002 010 At naging anak ni Ram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Nahason, na prinsipe ng mga anak ng Juda; 013 1CH 002 011 At naging anak ni Nahason si Salma, at naging anak ni Salma si Booz; 013 1CH 002 012 At naging anak ni Booz si Obed, at naging anak ni Obed si Isai; 013 1CH 002 013 At naging anak ni Isai ang kaniyang panganay na si Eliab, at si Abinadab ang ikalawa, at si Sima ang ikatlo; 013 1CH 002 014 Si Nathanael ang ikaapat, si Radai ang ikalima; 013 1CH 002 015 Si Osem ang ikaanim, si David ang ikapito: 013 1CH 002 016 At ang kanilang mga kapatid na babae si Sarvia at si Abigail. At ang mga naging anak ni Sarvia; si Abisai, at si Joab, at si Asael, tatlo. 013 1CH 002 017 At ipinanganak ni Abigail si Amasa: at ang ama ni Amasa ay si Jether na Ismaelita. 013 1CH 002 018 At nagkaanak si Caleb na anak ni Hesron kay Azuba na asawa niya, at kay Jerioth: at ang mga ito ang kaniyang mga anak: si Jeser, at si Sobad, at si Ardon. 013 1CH 002 019 At namatay si Azuba, at nagasawa si Caleb kay Ephrata, na siyang nanganak kay Hur sa kaniya. 013 1CH 002 020 At naging anak ni Hur si Uri, at naging anak ni Uri si Bezaleel. 013 1CH 002 021 At pagkatapos ay sumiping si Hesron sa anak na babae ni Machir na ama ni Galaad; na siya niyang naging asawa, nang siya'y may anim na pung taong gulang; at ipinanganak niya si Segub sa kaniya. 013 1CH 002 022 At naging anak ni Segub si Jair, na nagkaroon ng dalawang pu't tatlong bayan sa lupain ng Galaad. 013 1CH 002 023 At sinakop ni Gesur at ni Aram ang mga bayan ni Jair sa kanila, pati ng Cenath, at ang mga nayon niyaon, sa makatuwid baga'y anim na pung bayan. Lahat ng ito'y mga anak ni Machir na ama ni Galaad. 013 1CH 002 024 At pagkamatay ni Hesron sa Caleb-ephrata ay ipinanganak nga ni Abia na asawa ni Hesron sa kaniya si Ashur na ama ni Tecoa. 013 1CH 002 025 At ang mga anak ni Jerameel na panganay ni Hesron ay si Ram ang panganay, at si Buna, at si Orem, at si Osem, si Achia. 013 1CH 002 026 At si Jerameel ay nagasawa ng iba, na ang pangalan ay Atara; siya ang ina ni Onam. 013 1CH 002 027 At ang mga anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay si Maas, at si Jamin, at si Acar. 013 1CH 002 028 At ang mga anak ni Onam ay si Sammai, at si Jada. At ang mga anak ni Sammai: si Nadab, at si Abisur. 013 1CH 002 029 At ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail; at ipinanganak niya sa kaniya si Aban, at si Molib. 013 1CH 002 030 At ang mga anak ni Nadab: si Seled, at si Aphaim: nguni't si Seled ay namatay na walang anak. 013 1CH 002 031 At ang mga anak ni Aphaim: si Isi. At ang mga anak ni Isi; si Sesan. At ang mga anak ni Sesan: si Alai. 013 1CH 002 032 At ang mga anak ni Jada, na kapatid ni Sammai: si Jether, at si Jonathan: at si Jether ay namatay na walang anak. 013 1CH 002 033 At ang mga anak ni Jonathan: si Peleth, at si Zaza. Ito ang mga anak ni Jerameel. 013 1CH 002 034 Si Sesan nga ay hindi nagkaanak ng mga lalake, kundi mga babae. At si Sesan ay may isang alipin na taga Egipto, na ang pangalan ay Jarha. 013 1CH 002 035 At pinapagasawa ni Sesan ang kaniyang anak na babae kay Jarha na kaniyang alipin at ipinanganak niya si Athai sa kaniya. 013 1CH 002 036 At naging anak ni Athai si Nathan, at naging anak ni Nathan si Zabad; 013 1CH 002 037 At naging anak ni Zabad si Ephlal, at naging anak ni Ephlal, si Obed. 013 1CH 002 038 At naging anak ni Obed si Jehu, at naging anak ni Jehu si Azarias; 013 1CH 002 039 At naging anak ni Azarias si Heles, at naging anak ni Heles si Elasa; 013 1CH 002 040 At naging anak ni Elasa si Sismai, at naging anak ni Sismai si Sallum; 013 1CH 002 041 At naging anak ni Sallum si Jecamia, at naging anak ni Jecamia si Elisama. 013 1CH 002 042 At ang mga anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na kaniyang panganay, na siyang ama ni Ziph; at ang mga anak ni Maresa na ama ni Hebron. 013 1CH 002 043 At ang mga anak ni Hebron: si Core, at si Thaphua, at si Recem, at si Sema. 013 1CH 002 044 At naging anak ni Sema si Raham, na ama ni Jorcaam; at naging anak ni Recem si Sammai. 013 1CH 002 045 At ang anak ni Sammai ay si Maon; at si Maon ay ama ni Beth-zur. 013 1CH 002 046 At ipinanganak ni Epha, na babae ni Caleb, si Haran, at si Mosa, at si Gazez: at naging anak ni Haran si Gazez. 013 1CH 002 047 At ang mga anak ni Joddai: si Regem, at si Jotham, at si Gesan, at si Pelet, at si Epha, at si Saaph. 013 1CH 002 048 Ipinanganak ni Maacha, na babae ni Caleb, si Sebet, at si Thirana. 013 1CH 002 049 Ipinanganak din niya si Saaph na ama ni Madmannah, si Seva na ama ni Macbena, at ang ama ni Ghiba; at ang anak na babae ni Caleb ay si Acha. 013 1CH 002 050 Ito ang mga naging anak ni Caleb, na anak ni Hur, na panganay ni Ephrata: si Sobal na ama ni Chiriath-jearim; 013 1CH 002 051 Si Salma na ama ni Bethlehem, si Hareph na ama ni Beth-gader. 013 1CH 002 052 At si Sobal na ama ni Chiriath-jearim ay nagkaanak; si Haroeh, na kalahati ng mga Manahethita. 013 1CH 002 053 At ang mga angkan ni Chiriath-jearim: ang mga Ithreo, at ang mga Phuteo, at ang mga Samateo, at ang mga Misraiteo; na mula sa kanila ang mga Soratita at ang mga Estaolita. 013 1CH 002 054 Ang mga anak ni Salma: ang Bethlehem, at ang mga Netophatita, ang Atroth-beth-joab, at ang kalahati ng mga Manahethita, ang mga Soraita. 013 1CH 002 055 At ang mga angkan ng mga kalihim na nagsisitahan sa Jabes: ang mga Thiratheo, ang mga Simatheo, at ang mga Sucatheo. Ito ang mga Cineo, na nagsipagmula kay Hamath, na ama ng sangbahayan ni Rechab. 013 1CH 003 001 Ang mga ito nga ang mga anak ni David, na mga ipinanganak sa kaniya sa Hebron: ang panganay ay si Amnon, ni Achinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, ni Abigail na Carmelita; 013 1CH 003 002 Ang ikatlo'y si Absalom, na anak ni Maacha na anak na babae ni Talmai na hari sa Gesur; ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Aggith; 013 1CH 003 003 Ang ikalima'y si Sephatias, ni Abithal; ang ikaanim ay si Itream, ni Egla na asawa niya. 013 1CH 003 004 Anim ang ipinanganak sa kaniya sa Hebron; at doo'y naghari siyang pitong taon at anim na buwan: At sa Jerusalem ay naghari siyang tatlong pu't tatlong taon. 013 1CH 003 005 At ito ang mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: si Simma, at si Sobab, at si Nathan, at si Solomon, apat, ni Beth-sua na anak na babae ni Ammiel: 013 1CH 003 006 At si Ibaar, at si Elisama, at si Eliphelet; 013 1CH 003 007 At si Noga, at si Nepheg, at si Japhia; 013 1CH 003 008 At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet, siyam; 013 1CH 003 009 Lahat ng ito'y mga anak ni David, bukod pa ang mga anak ng mga babae; at si Thamar ay kanilang kapatid na babae. 013 1CH 003 010 At ang anak ni Solomon ay si Roboam, si Abia na kaniyang anak, si Asa na kaniyang anak, si Josaphat na kaniyang anak; 013 1CH 003 011 Si Joram na kaniyang anak, si Ochozias na kaniyang anak, si Joas na kaniyang anak; 013 1CH 003 012 Si Amasias na kaniyang anak, si Azarias na kaniyang anak, si Jotham na kaniyang anak; 013 1CH 003 013 Si Achaz na kaniyang anak, si Ezechias na kaniyang anak, si Manases na kaniyang anak; 013 1CH 003 014 Si Amon na kaniyang anak, si Josias na kaniyang anak. 013 1CH 003 015 At ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Joacim, ang ikatlo'y si Sedecias, ang ikaapat ay si Sallum. 013 1CH 003 016 At ang mga anak ni Joacim: si Jechonias na kaniyang anak, si Sedecias na kaniyang anak. 013 1CH 003 017 At ang mga anak ni Jechonias, na bihag: si Salathiel na kaniyang anak, 013 1CH 003 018 At si Mechiram, at si Pedaia at si Seneaser, si Jecamia, si Hosama, at si Nedabia. 013 1CH 003 019 At ang mga anak, ni Pedaia: si Zorobabel, at si Simi. At ang mga anak ni Zorobabel; si Mesullam, at si Hananias; at si Selomith, na kanilang kapatid na babae: 013 1CH 003 020 At si Hasuba, at si Ohel, at si Berechias, at si Hasadia, at si Jusabhesed, lima. 013 1CH 003 021 At ang mga anak ni Hananias: si Pelatias, at si Jesaias; ang mga anak ni Rephaias, ang mga anak ni Arnan, ang mga anak ni Obdias, ang mga anak ni Sechanias. 013 1CH 003 022 At ang mga anak ni Sechanias: si Semaias; at ang mga anak ni Semaias: si Hattus, at si Igheal, at si Barias, at si Nearias, at si Saphat, anim. 013 1CH 003 023 At ang mga anak ni Nearias: si Elioenai, at si Ezechias, at si Azricam, tatlo. 013 1CH 003 024 At ang mga anak ni Elioenai: si Odavias, at si Eliasib, at si Pelaias, at si Accub, at si Johanan at si Delaias, at si Anani, pito. 013 1CH 004 001 Ang mga anak ni Juda: si Phares, si Hesron, at si Carmi, at si Hur, at si Sobal. 013 1CH 004 002 At naging anak ni Reaias na anak ni Sobal si Jahath: at naging anak ni Jahath si Ahumai; at si Laad. Ito ang mga angkan ng mga Sorathita. 013 1CH 004 003 At ito ang mga anak ng ama ni Etham: si Jezreel, at si Isma, at si Idbas: at ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Haslelponi: 013 1CH 004 004 At si Penuel na ama ni Gedor, at si Ezer na ama ni Husa. Ito ang mga anak ni Hur, na panganay ni Ephrata, na ama ni Bethlehem. 013 1CH 004 005 At si Asur na ama ni Tecoa ay nagasawa ng dalawa: si Helea, at si Naara. 013 1CH 004 006 At ipinanganak sa kaniya ni Naara si Auzam, at si Hepher, at si Themeni, at si Ahastari. Ito ang mga anak ni Naara. 013 1CH 004 007 At ang mga anak ni Helea ay si Sereth, at si Jesohar, at si Ethnan. 013 1CH 004 008 At naging anak ni Coz si Anob, at si Sobeba, at ang mga angkan ni Aharhel na anak ni Arum. 013 1CH 004 009 At si Jabes ay bantog kay sa kaniyang mga kapatid: at tinawag ng kaniyang ina ang kaniyang pangalan na Jabes, na sinasabi, Sapagka't ipinanganak kong may kahirapan siya. 013 1CH 004 010 At si Jabes ay dumalangin sa Dios ng Israel, na nagsasabi, Oh ako nawa'y iyong pagpalain, at palakihin ang aking hangganan, at ang iyong kamay ay suma akin, at ingatan mo ako sa kasamaan, na huwag akong maghirap! At ipinagkaloob ng Dios sa kaniya ang kaniyang hiniling. 013 1CH 004 011 At naging anak ni Celub na kapatid ni Sua si Machir, na siyang ama ni Esthon. 013 1CH 004 012 At naging anak ni Esthon si Beth-rapha, at si Phasea, at si Tehinna, na ama ni Ir-naas. Ito ang mga lalake ni Recha. 013 1CH 004 013 At ang mga anak ni Cenez: si Othniel, at si Seraiah; at ang anak ni Othniel; si Hathath. 013 1CH 004 014 At naging anak ni Maonathi si Ophra: at naging anak ni Seraiah si Joab, na ama ng Geharasim; sapagka't sila'y mga manggagawa. 013 1CH 004 015 At ang mga anak ni Caleb na anak ni Jephone; si Iru, si Ela, at si Naham; at ang anak ni Ela; at si Cenez. 013 1CH 004 016 At ang mga anak ni Jaleleel: si Ziph, at si Zipha, si Tirias, at si Asareel. 013 1CH 004 017 At ang mga anak ni Ezra: si Jeter, at si Mered, at si Epher, at si Jalon; at ipinanganak niya si Mariam, at si Sammai, at si Isba, na ama ni Esthemoa. 013 1CH 004 018 At ipinanganak ng kaniyang asawang Judia si Jered, na ama ni Gedor, at si Heber na ama ni Socho, at si Icuthiel na ama ni Zanoa. At ito ang mga anak ni Bethia na anak na babae ni Faraon, na naging asawa ni Mered. 013 1CH 004 019 At ang mga anak ng asawa ni Odias, na kapatid na babae ni Naham, ay ang ama ni Keila na Garmita, at ni Esthemoa na Maachateo. 013 1CH 004 020 At ang mga anak ni Simon: si Amnon, at si Rinna, si Benhanan, at si Tilon. At ang mga anak ni Isi: si Zoheth, at si Benzoheth. 013 1CH 004 021 Ang mga anak ni Sela na anak ni Juda: si Er na ama ni Lecha, at si Laada na ama ni Maresa, at ang mga angkan ng sangbahayan ng nagsisigawa ng mainam na kayong lino, sa sangbahayan ni Asbea; 013 1CH 004 022 At si Jaocim, at ang mga lalake ni Chozeba, at si Joas, at si Saraph, na siyang mga nagpasuko sa Moab, at si Jasubi-lehem. At ang alaalang ito'y matanda na. 013 1CH 004 023 Ang mga ito'y mga magpapalyok, at mga taga Netaim at Gedera: doo'y nagsisitahan sila na kasama ng hari para sa kaniyang gawain. 013 1CH 004 024 Ang mga anak ni Simeon: si Nemuel, at si Jamin, si Jarib, si Zera, si Saul: 013 1CH 004 025 Si Sallum na kaniyang anak, si Mibsam na kaniyang anak, si Misma na kaniyang anak. 013 1CH 004 026 At ang mga anak ni Misma: si Hamuel na kaniyang anak, si Sachur na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak. 013 1CH 004 027 At si Simi ay nagkaanak ng labing anim na lalake at anim na anak na babae; nguni't ang kaniyang mga kapatid ay di nagkaanak ng marami, o dumami man ang buong angkan nila na gaya ng mga anak ni Juda. 013 1CH 004 028 At sila'y nagsitahan sa Beer-seba, at sa Molada, at sa Hasar-sual; 013 1CH 004 029 At sa Bala, at sa Esem, at sa Tholad; 013 1CH 004 030 At sa Bethuel, at sa Horma, at sa Siclag; 013 1CH 004 031 At sa Beth-marchaboth, at sa Hasa-susim, at sa Beth-birai, at sa Saaraim. Ito ang kanilang mga bayan hanggang sa paghahari ni David. 013 1CH 004 032 At ang kanilang mga nayon ay Etam, at Ain, Rimmon, at Tochen, at Asan, limang bayan: 013 1CH 004 033 At ang lahat ng kanilang mga nayon ay nangasa palibot ng mga bayang yaon, hanggang sa Baal. Ang mga ito ang naging kanilang mga tahanan, at sila'y mayroong kanilang talaan ng lahi. 013 1CH 004 034 At si Mesobab, at si Jamlech, at si Josias na anak ni Amasias; 013 1CH 004 035 At si Joel, at si Jehu na anak ni Josibias, na anak ni Seraiah, na anak ni Aziel; 013 1CH 004 036 At si Elioenai, at si Jacoba, at si Jesohaia, at si Asaias, at si Adiel, at si Jesimiel, at si Benaias; 013 1CH 004 037 At si Ziza, na anak ni Siphi, na anak ni Allon, na anak ni Jedaia, na anak ni Simri, na anak ni Semaias. 013 1CH 004 038 Ang mga itong nangabanggit sa pangalan ay mga prinsipe sa kanilang mga angkan: at ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ay lumaking mainam. 013 1CH 004 039 At sila'y nagsiparoon sa pasukan ng Gador, hanggang sa dakong silanganan ng libis, upang ihanap ng pastulan ang kanilang mga kawan. 013 1CH 004 040 At sila'y nakasumpong ng mainam na pastulan at mabuti, at ang lupain ay maluwang, at tahimik, at payapa; sapagka't ang nagsisitahan nang una roon ay kay Cham. 013 1CH 004 041 At ang mga itong nangasusulat sa pangalan ay nagsiparoon sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda, at iniwasak ang kanilang mga tolda, at ang mga Meunim na nangasumpungan doon, at nilipol na lubos, hanggang sa araw na ito, at sila'y nagsitahan na kahalili nila: sapagka't may pastulan doon sa kanilang mga kawan. 013 1CH 004 042 At ang iba sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Simeon, na limang daang lalake, ay nagsiparoon sa bundok ng Seir, na ang kanilang mga punong kawal ay si Pelatia, at si Nearias, at si Rephaias, at si Uzziel, na mga anak ni Isi. 013 1CH 004 043 At kanilang sinaktan ang nalabi sa mga Amalecita na nakatanan, at tumahan doon hanggang sa araw na ito. 013 1CH 005 001 At ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel (sapagka't siya ang panganay; nguni't sa paraang kaniyang dinumhan ang higaan ng kaniyang ama, ang kaniyang pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel; at sa talaan ng lahi ay hindi marapat ibilang ayon sa pagkapanganay. 013 1CH 005 002 Sapagka't si Juda'y nanaig sa kaniyang mga kapatid, at sa kaniya nanggaling ang pangulo; nguni't ang pagkapanganay ay kay Jose: ) 013 1CH 005 003 Ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel: si Enoch, at si Phallu, at si Esron, at si Charmi. 013 1CH 005 004 Ang mga anak ni Joel: si Semaias na kaniyang anak, si Gog na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak, 013 1CH 005 005 Si Micha na kaniyang anak, si Recaia na kaniyang anak, si Baal na kaniyang anak, 013 1CH 005 006 Si Beera na kaniyang anak, na dinalang bihag ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria: siya'y prinsipe ng mga Rubenita. 013 1CH 005 007 At ang kaniyang mga kapatid ayon sa kanilang mga angkan nang bilangin sa talaan ng kanilang mga lahi; ang pinuno'y si Jeiel, at si Zacharias, 013 1CH 005 008 At si Bela, na anak ni Azaz, na anak ni Sema, na anak ni Joel, na tumatahan sa Aroer, hanggang sa Nebo at Baal-meon: 013 1CH 005 009 At sa dakong silanganan ay tumahan hanggang sa pasukan sa ilang na mula sa ilog Eufrates, sapagka't ang kanilang mga hayop ay dumami sa lupain ng Galaad. 013 1CH 005 010 At sa mga kaarawan ni Saul ay nakipagdigma sila sa mga Hagreo, na nangahulog sa kanilang kamay; at sila'y nagsitahan sa kanilang mga tolda sa buong lupaing silanganan ng Galaad. 013 1CH 005 011 At ang mga anak ni Gad ay nagsitahan sa tapat nila, sa lupain ng Basan hanggang sa Salca: 013 1CH 005 012 Si Joel ang pinuno, at si Sepham ang ikalawa, at si Janai, at si Saphat sa Basan: 013 1CH 005 013 At ang kanilang mga kapatid sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: si Michael, at si Mesullam, at si Seba, at si Jorai, si Jachan, at si Zia, at si Heber, pito. 013 1CH 005 014 Ang mga ito ang mga anak ni Abihail na anak ni Huri, na anak ni Jaroa, na anak ni Galaad, na anak ni Michael, na anak ni Jesiai, na anak ni Jaddo, na anak ni Buz; 013 1CH 005 015 Si Ahi na anak ni Abdiel, na anak ni Guni, na pinuno sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 013 1CH 005 016 At sila'y nagsitahan sa Galaad sa Basan, at sa kaniyang mga bayan, at sa lahat ng palibot ng Saron, na kasinglayo ng kanilang mga hangganan. 013 1CH 005 017 Ang lahat ng mga ito'y nangasulat sa pamamagitan ng mga talaan ng lahi sa mga kaarawan ni Jotham na hari sa Juda, at sa mga kaarawan ni Jeroboam na hari sa Israel. 013 1CH 005 018 Ang mga anak ni Ruben, at ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases, na mga matapang na lalake na mga lalaking makadadala ng kalasag at tabak, at makapagpapahilagpos ng busog, at bihasa sa pakikipagdigma, ay apat na pu't apat na libo, at pitong daan at anim na pu na makalalabas sa pakikipagdigma. 013 1CH 005 019 At sila'y nakipagdigma sa mga Hagreo, kay Jethur, at kay Naphis, at kay Nodab. 013 1CH 005 020 At sila'y tinulungan sa pakikilaban sa kanila, at ang mga Hagreo ay ibinigay sa kanilang kamay, at ang lahat sa nangasa kanila: sapagka't sila'y nagsidalangin sa Dios sa pagbabaka, at kaniyang inayunan sila; sapagka't sila'y naglagak ng kanilang tiwala sa kaniya. 013 1CH 005 021 At kanilang dinala ang kanilang mga hayop; sa kanilang mga kamelyo ay limangpung libo, at sa mga tupa ay dalawang daan at limangpung libo, at sa mga asno ay dalawang libo, at sa mga lalake ay isang daang libo. 013 1CH 005 022 Sapagka't maraming nangapatay na nangabuwal, sapagka't ang pagdidigma ay sa Dios. At sila'y nagsitahan na kahalili nila hanggang sa pagkabihag. 013 1CH 005 023 At ang mga anak ng kalahating lipi ni Manases ay tumahan sa lupain: sila'y nagsidami mula sa Basan hanggang sa Baal-hermon at sa Senir at sa bundok ng Hermon. 013 1CH 005 024 At ang mga ito ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: sa makatuwid baga'y si Epher, at si Isi, at si Eliel, at si Azriel, at si Jeremias, at si Odavia, at si Jadiel, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga bantog na lalake, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 013 1CH 005 025 At sila'y nagsisuway laban sa Dios ng kanilang mga magulang, at yumaong sumamba sa mga dios ng mga bayan ng lupain, na nilipol ng Dios sa harap nila. 013 1CH 005 026 At hinikayat ng Dios ng Israel ang diwa ni Phul na hari sa Asiria, at ang diwa ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria, at dinalang bihag sila, sa makatuwid baga'y ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahati ng lipi ni Manases, at dinala hanggang sa Hala, at sa Habor, at sa Hara, at sa ilog ng Gozan, hanggang sa araw na ito. 013 1CH 006 001 Ang mga anak ni Levi: si Gerson, si Coath, at si Merari. 013 1CH 006 002 At ang mga anak ni Coath: si Amram, si Ishar, at si Hebron, at si Uzziel. 013 1CH 006 003 At ang mga anak ni Amram: si Aaron, at si Moises, at si Mariam. At ang mga anak ni Aaron: si Nadab, at si Abiu, si Eleazar, at si Ithamar. 013 1CH 006 004 Naging anak ni Eleazar si Phinees, naging anak ni Phinees si Abisua; 013 1CH 006 005 At naging anak ni Abisua si Bucci, at naging anak ni Bucci si Uzzi; 013 1CH 006 006 At naging anak ni Uzzi si Zeraias, at naging anak ni Zeraias si Meraioth; 013 1CH 006 007 Naging anak ni Meraioth si Amarias, at naging anak ni Amarias si Achitob; 013 1CH 006 008 At naging anak ni Achitob si Sadoc, at naging anak ni Sadoc si Achimaas; 013 1CH 006 009 At naging anak ni Achimaas si Azarias, at naging anak ni Azarias si Johanan; 013 1CH 006 010 At naging anak ni Johanan si Azarias (na siyang pangulong saserdote sa bahay na itinayo ni Salomon sa Jerusalem: ) 013 1CH 006 011 At naging anak ni Azarias si Amarias, at naging anak ni Amarias si Achitob; 013 1CH 006 012 At naging anak ni Achitob si Sadoc, at naging anak ni Sadoc si Sallum; 013 1CH 006 013 At naging anak ni Sallum si Hilcias, at naging anak ni Hilcias si Azarias; 013 1CH 006 014 At naging anak ni Azarias si Seraiah, at naging anak ni Seraiah si Josadec; 013 1CH 006 015 At si Josadec ay nabihag nang dalhing bihag ng Panginoon ang Juda at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Nabucodonosor. 013 1CH 006 016 Ang mga anak ni Levi: si Gersom, si Coath, at si Merari. 013 1CH 006 017 At ang mga ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gersom: si Libni at si Simi. 013 1CH 006 018 At ang mga anak ni Coath ay si Amram, at si Ishar at si Hebron, at si Uzziel. 013 1CH 006 019 Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi. At ang mga ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 013 1CH 006 020 Kay Gerson: si Libni na kaniyang anak, si Joath na kaniyang anak, si Zimma na kaniyang anak; 013 1CH 006 021 Si Joab na kaniyang anak, si Iddo na kaniyang anak, si Zera na kaniyang anak, si Jeothrai na kaniyang anak. 013 1CH 006 022 Ang mga anak ni Coath: si Aminadab na kaniyang anak, si Core na kaniyang anak, si Asir na kaniyang anak; 013 1CH 006 023 Si Elcana na kaniyang anak, at si Abiasaph na kaniyang anak, at si Asir na kaniyang anak; 013 1CH 006 024 Si Thahath na kaniyang anak, si Uriel na kaniyang anak, si Uzzia na kaniyang anak, at si Saul na kaniyang anak. 013 1CH 006 025 At ang mga anak ni Elcana: si Amasai at si Achimoth. 013 1CH 006 026 Tungkol kay Elcana, ang mga anak ni Elcana: si Sophai na kaniyang anak, at si Nahath na kaniyang anak; 013 1CH 006 027 Si Eliab na kaniyang anak, si Jeroham na kaniyang anak, si Elcana na kaniyang anak. 013 1CH 006 028 At ang mga anak ni Samuel: ang panganay ay si Joel, at ang ikalawa'y si Abias. 013 1CH 006 029 Ang mga anak ni Merari: si Mahali, si Libni na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak, si Uzza na kaniyang anak; 013 1CH 006 030 Si Sima na kaniyang anak, si Haggia na kaniyang anak, si Assia na kaniyang anak. 013 1CH 006 031 At ang mga ito ang mga inilagay ni David sa pag-awit sa bahay ng Panginoon, pagkatapos na maipagpahinga ang kaban. 013 1CH 006 032 At sila'y nagsipangasiwa sa pamamagitan ng awit sa harap ng tolda ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa itinayo ni Salomon ang bahay ng Panginoon sa Jerusalem: at sila'y nagsipaglingkod sa kanilang katungkulan ayon sa kanilang pagkakahalihalili. 013 1CH 006 033 At ang mga ito ang nagsipaglingkod at ang kanilang mga anak. Sa mga anak ng mga Coathita: si Heman, na mangaawit, na anak ni Joel, na anak ni Samuel; 013 1CH 006 034 Na anak ni Elcana, na anak ni Jeroham, na anak ni Eliel, na anak ni Thoa; 013 1CH 006 035 Na anak ni Suph, na anak ni Elcana, na anak ni Mahath, na anak ni Amasai; 013 1CH 006 036 Na anak ni Elcana, na anak ni Joel, na anak ni Azarias, na anak ni Sophonias; 013 1CH 006 037 Na anak ni Thahat, na anak ni Asir, na anak ni Ahiasaph, na anak ni Core; 013 1CH 006 038 Na anak ni Ishar, na anak ni Coath, na anak ni Levi, na anak ni Israel. 013 1CH 006 039 At ang kaniyang kapatid na si Asaph, na siyang nakatayo sa kaniyang kanan, sa makatuwid baga'y si Asaph na anak ni Berachias, na anak ni Sima; 013 1CH 006 040 Na anak ni Michael, na anak ni Baasias, na anak ni Malchias; 013 1CH 006 041 Na anak ni Athanai, na anak ni Zera, na anak ni Adaia; 013 1CH 006 042 Na anak ni Ethan, na anak ni Zimma, na anak ni Simi; 013 1CH 006 043 Na anak ni Jahat, na anak ni Gersom, na anak ni Levi. 013 1CH 006 044 At sa kaliwa ay ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Merari: si Ethan na anak ni Chisi, na anak ni Abdi, na anak ni Maluch; 013 1CH 006 045 Na anak ni Hasabias, na anak ni Amasias, na anak ni Hilcias; 013 1CH 006 046 Na anak ni Amasias, na anak ni Bani, na anak ni Semer; 013 1CH 006 047 Na anak ni Mahali, na anak ni Musi, na anak ni Merari, na anak ni Levi. 013 1CH 006 048 At ang kanilang mga kapatid na mga Levita ay nangahalal sa buong paglilingkod sa tabernakulo ng bahay ng Dios. 013 1CH 006 049 Nguni't si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nagsipaghandog sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin, at sa ibabaw ng dambana ng kamangyan, para sa buong gawain sa kabanalbanalang dako, at upang tubusin sa sala ang Israel, ayon sa lahat na iniutos ni Moises na lingkod ng Dios. 013 1CH 006 050 At ang mga ito ang mga anak ni Aaron: si Eleazar na kaniyang anak, si Phinees na kaniyang anak, si Abisua na kaniyang anak, 013 1CH 006 051 Si Bucci na kaniyang anak, si Uzzi na kaniyang anak, si Zeraias na kaniyang anak, 013 1CH 006 052 Si Meraioth na kaniyang anak, si Amarias na kaniyang anak, si Achitob na kaniyang anak, 013 1CH 006 053 Si Sadoc na kaniyang anak, si Achimaas na kaniyang anak. 013 1CH 006 054 Ang mga ito nga ang kanilang mga tahanang dako ayon sa kanilang mga kampamento sa kanilang mga hangganan; sa mga anak ni Aaron, na sa mga angkan ng mga Coathita, (sapagka't sa kanila ang unang palad.) 013 1CH 006 055 Sa kanila ibinigay nila ang Hebron sa lupain ng Juda, at ang mga nayon niyaon sa palibot, 013 1CH 006 056 Nguni't ang mga bukid ng bayan, at ang mga nayon niyaon, ay kanilang ibinigay kay Caleb na anak ni Jephone. 013 1CH 006 057 At sa mga anak ni Aaron ay kanilang ibinigay ang mga bayang ampunan, ang Hebron; gayon din ang Libna pati ng mga nayon niyaon, at ang Jathir, at ang Esthemoa pati ng mga nayon niyaon: 013 1CH 006 058 At ang Hilem pati ng mga nayon niyaon, ang Debir pati ng mga nayon niyaon; 013 1CH 006 059 At ang Asan pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon: 013 1CH 006 060 At mula sa lipi ni Benjamin; ang Geba pati ng mga nayon niyaon, at ang Alemeth pati ng mga nayon niyaon, at ang Anathoth pati ng mga nayon niyaon. Ang lahat na kanilang bayan sa lahat na kanilang angkan ay labing tatlong bayan. 013 1CH 006 061 At sa nalabi sa mga anak ni Coath ay nabigay sa pamamagitan ng sapalaran, sa angkan ng lipi, sa kalahating lipi, na kalahati ng Manases, sangpung bayan. 013 1CH 006 062 At sa mga anak ni Gerson, ayon sa kanilang mga angkan, sa lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa lipi ni Manases sa Basan, labing tatlong bayan. 013 1CH 006 063 Sa mga anak ni Merari ay nabigay sa pamamagitan ng sapalaran, ayon sa kanilang mga angkan sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, labing dalawang bayan. 013 1CH 006 064 At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita ang mga bayan pati ng mga nayon niyaon. 013 1CH 006 065 At kanilang ibinigay sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon, at sa lipi ng mga anak ni Benjamin, ang mga bayang ito na binanggit sa pangalan. 013 1CH 006 066 At ang ilan sa mga angkan ng mga anak ni Coath ay may mga bayan sa kanilang mga hangganan na mula sa lipi ni Ephraim. 013 1CH 006 067 At ibinigay nila sa kanila ang mga bayang ampunan: ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim pati ng mga nayon niyaon; gayon din ang Gezer pati ng mga nayon niyaon. 013 1CH 006 068 At ang Jocmeam pati ng mga nayon niyaon, at ang Bet-horon pati ng mga nayon niyaon; 013 1CH 006 069 At ang Ajalon pati ng mga nayon niyaon; at ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon: 013 1CH 006 070 At mula sa kalahating lipi ni Manases; ang Aner pati ng mga nayon niyaon, at ang Bilam pati ng mga nayon niyaon, sa ganang nangalabi sa angkan ng mga anak ng Coath. 013 1CH 006 071 Sa mga anak ng Gerson ay nabigay, mula sa angkan ng kalahating lipi ni Manases, ang Golan sa Basan pati ng mga nayon niyaon, at ang Astharoth pati ng mga nayon niyaon; 013 1CH 006 072 At mula sa lipi ni Issachar, ang Cedes pati ng mga nayon niyaon, ang Dobrath pati ng mga nayon niyaon; 013 1CH 006 073 At ang Ramoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Anem pati ng mga nayon niyaon: 013 1CH 006 074 At mula sa lipi ni Aser; ang Masal pati ng mga nayon niyaon, at ang Abdon pati ng mga nayon niyaon; 013 1CH 006 075 At ang Ucoc pati ng mga nayon niyaon, at ang Rehob pati ng mga nayon niyaon: 013 1CH 006 076 At mula sa lipi ni Nephtali; ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon, at ang Ammon pati ng mga nayon niyaon, at ang Chiriat-haim pati ng mga nayon niyaon. 013 1CH 006 077 Sa nangalabi sa mga Levita, na mga anak ni Merari, ay nabigay mula sa lipi ni Zabulon, ang Rimmono pati ng mga nayon niyaon, ang Thabor pati ng mga nayon niyaon: 013 1CH 006 078 At sa dako roon ng Jordan sa Jerico sa dakong silanganan ng Jordan nabigay sa kanila, mula sa lipi ni Ruben, ang Beser sa ilang pati ng mga nayon niyaon, at ang Jasa pati ng mga nayon niyaon, 013 1CH 006 079 At ang Chedemoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Mephaath pati ng mga nayon niyaon: 013 1CH 006 080 At mula sa lipi ni Gad; ang Ramot sa Galaad pati ng mga nayon niyaon, at ang Mahanaim pati ng mga nayon niyaon, 013 1CH 006 081 At ang Hesbon pati ng mga nayon niyaon, at ang Jacer pati ng mga nayon niyaon. 013 1CH 007 001 At sa mga anak ni Issachar; si Thola, at si Phua, si Jabsub, at si Simron, apat. 013 1CH 007 002 At sa mga anak ni Thola: si Uzzi, at si Rephaias, at si Jeriel, at si Jamai, at si Jibsam, at si Samuel, mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa makatuwid baga'y ni Thola; mga makapangyarihang lalaking may tapang sa kanilang mga lahi: ang kanilang bilang sa mga kaarawan ni David ay dalawang pu't dalawang libo at anim na raan. 013 1CH 007 003 At ang mga anak ni Uzzi: si Izrahias: at ang mga anak ni Izrahias: si Michael, at si Obadias, at si Joel, si Isias, lima: silang lahat ay mga pinuno. 013 1CH 007 004 At sa kasamahan nila, ayon sa kanilang mga lahi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, may mga pulutong ng hukbo sa pakikipagdigma, tatlong pu't anim na libo: sapagka't sila'y nagkaroon ng maraming asawa at mga anak. 013 1CH 007 005 At ang kanilang mga kapatid sa lahat na angkan ni Issachar, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, na nangabilang silang lahat, ayon sa talaan ng lahi, ay walong pu't pitong libo. 013 1CH 007 006 Ang mga anak ni Benjamin: si Bela, at si Becher, at si Jediael, tatlo. 013 1CH 007 007 At ang mga anak ni Bela: si Esbon, at si Uzzi, at si Uzziel, at si Jerimoth, at si Iri, lima; mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang, mga makapangyarihang lalaking may tapang; at sila'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi, ay dalawang pu't dalawang libo at tatlong pu't apat. 013 1CH 007 008 At ang mga anak ni Becher: si Zemira, at si Joas, at si Eliezer, at si Elioenai, at si Omri, at si Jerimoth, at si Abias, at si Anathoth, at si Alemeth. Lahat ng ito'y mga anak ni Becher. 013 1CH 007 009 At sila'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi, ayon sa kanilang lahi, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, dalawang pung libo at dalawang daan. 013 1CH 007 010 At ang mga anak ni Jediael: si Bilhan: at ang mga anak ni Bilhan: si Jebus, at si Benjamin, at si Aod, at si Chenaana, at si Zethan, at si Tharsis, at si Ahisahar. 013 1CH 007 011 Lahat ng ito'y mga anak ni Jediael, ayon sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mga makapangyarihang lalaking may tapang labing pitong libo at dalawang daan na nakalalabas sa hukbo upang makidigma. 013 1CH 007 012 Si Suppim rin naman, at si Huppim na mga anak ni Hir, si Husim na mga anak ni Aher. 013 1CH 007 013 Ang mga anak ni Nephtali: si Jaoel, at si Guni, at si Jezer, at si Sallum, na mga anak ni Bilha. 013 1CH 007 014 Ang mga anak ni Manases: si Asriel, na siyang ipinanganak ng kaniyang babae na Aramita; ipinanganak niya si Machir na ama ni Galaad. 013 1CH 007 015 At si Machir ay nagasawa kay Huppim at kay Suppim, na ang pangalan ng kapatid na babae nila ay Maacha; at ang pangalan ng ikalawa ay Salphaad: at si Salphaad ay nagkaanak ng mga babae. 013 1CH 007 016 At si Maacha na asawa ni Machir ay nanganak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Peres; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Seres; at ang kaniyang mga anak ay si Ulam at si Recem. 013 1CH 007 017 At ang mga anak ni Ulam; si Bedan. Ito ang mga anak ni Galaad na anak ni Machir, na anak ni Manases. 013 1CH 007 018 At ipinanganak ng kaniyang kapatid na babae na si Molechet si Ichod, at si Abiezer, at si Mahala. 013 1CH 007 019 At ang mga anak ni Semida ay si Ahian, at si Sechem at si Licci, at si Aniam. 013 1CH 007 020 At ang mga anak ni Ephraim: si Suthela, at si Bered na kaniyang anak, at si Thahath na kaniyang anak, at si Elada na kaniyang anak, at si Thahath na kaniyang anak. 013 1CH 007 021 At si Zabad na kaniyang anak, at si Suthela na kaniyang anak, at si Ezer, at si Elad, na siyang mga pinatay ng mga lalake ng Gath na mga ipinanganak sa lupain, sapagka't sila'y nagsilusong upang kunin ang kanilang mga hayop. 013 1CH 007 022 At si Ephraim na kanilang ama ay tumangis na maraming araw, at ang kaniyang mga kapatid ay nagsiparoon upang aliwin siya. 013 1CH 007 023 At siya'y sumiping sa kaniyang asawa, at siya'y naglihi, at nagkaanak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Beria, sapagka't sumakaniyang bahay ang kasamaan. 013 1CH 007 024 At ang kaniyang anak na babae ay si Seera, na siyang nagtayo ng Bet-horon sa ibaba at sa itaas, at ng Uzzen-seera. 013 1CH 007 025 At naging anak niya si Repha, at si Reseph, at si Thela na kaniyang anak, at si Taan na kaniyang anak; 013 1CH 007 026 Si Laadan na kaniyang anak, si Ammiud na kaniyang anak, si Elisama na kaniyang anak; 013 1CH 007 027 Si Nun na kaniyang anak, si Josue na kaniyang anak. 013 1CH 007 028 At ang kanilang mga pag-aari at mga tahanan ay ang Beth-el at ang mga nayon niyaon, at ang dakong silanganan ng Naaran, at ang dakong kalunuran ng Gezer pati ng mga nayon niyaon; ang Sichem rin naman at ang mga nayon niyaon, hanggang sa Asa at ang mga nayon niyaon: 013 1CH 007 029 At sa siping ng mga hangganan ng mga anak ni Manases, ang Beth-sean at ang mga nayon niyaon, ang Thanach at ang mga nayon niyaon, ang Megiddo at ang mga nayon niyaon, ang Dor at ang mga nayon niyaon. Sa mga ito nagsitahan ang mga anak ni Jose na anak ni Israel. 013 1CH 007 030 Ang mga anak ni Aser: si Imna, at si Isua, at si Isui, at si Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae. 013 1CH 007 031 At ang mga anak ni Beria: si Heber, at si Machiel na siyang ama ni Birzabith. 013 1CH 007 032 At naging anak ni Heber si Japhlet, at si Semer, at si Hotham, at si Sua na kapatid na babae nila. 013 1CH 007 033 At ang mga anak ni Japhlet si Pasac, at si Bimhal, at si Asvath. Ang mga ito ang mga anak ni Japhlet. 013 1CH 007 034 At ang mga anak ni Semer, si Ahi, at si Roga, si Jehubba, at si Aram. 013 1CH 007 035 At ang mga anak ni Helem na kaniyang kapatid: si Sopha, at si Imna, at si Selles, at si Amal. 013 1CH 007 036 Ang mga anak ni Sopha: si Sua, at si Harnapher, at si Sual, at si Beri; at si Imra: 013 1CH 007 037 Si Beser, at si Hod, at si Samma, at si Silsa, at si Ithram, at si Beera. 013 1CH 007 038 At ang mga anak ni Jether: si Jephone, at si Pispa, at si Ara. 013 1CH 007 039 At ang mga anak ni Ulla: si Ara, at si Haniel, at si Resia. 013 1CH 007 040 Ang lahat na ito ay mga anak ni Aser, mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang, mga pili at makapangyarihang lalake na may tapang, mga pinuno ng mga prinsipe. At ang bilang nilang nangabilang ayon sa talaan ng lahi sa paglilingkod sa pagdidigma ay dalawang pu't anim na libong lalake. 013 1CH 008 001 At naging anak ni Benjamin si Bela na kaniyang panganay, si Asbel ang ikalawa, at si Ara ang ikatlo; 013 1CH 008 002 Si Noha ang ikaapat, at si Rapha ang ikalima. 013 1CH 008 003 At ang mga naging anak ni Bela: si Addar, at si Gera, at si Abiud; 013 1CH 008 004 At si Abisua, at si Naaman, at si Ahoa, 013 1CH 008 005 At si Gera, at si Sephuphim, at si Huram. 013 1CH 008 006 At ang mga ito ang mga anak ni Ehud; ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga taga Gabaa, at dinala nila silang bihag sa Manahath. 013 1CH 008 007 At si Naaman, at si Achias, at si Gera, ay kaniyang dinalang bihag; at kaniyang ipinanganak si Uzza at si Ahihud. 013 1CH 008 008 At si Saharaim ay nagkaanak sa parang ng Moab, pagkatapos na kaniyang mapagpaalam sila; si Husim, at si Baara ay ang kaniyang mga asawa. 013 1CH 008 009 At ipinanganak sa kaniya ni Chodes na kaniyang asawa, si Jobab, at si Sibias, at si Mesa, at si Malcham, 013 1CH 008 010 At si Jeus, at si Sochias, at si Mirma. Ang mga ito ang kaniyang mga anak na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang. 013 1CH 008 011 At ipinanganak sa kaniya ni Husim si Abitob, at si Elphaal. 013 1CH 008 012 At ang mga anak ni Elphaal: si Heber, at si Misam, at si Semeb, na siyang nagsipagtayo ng Ono at ng Loth, pati ng mga nayon niyaon: 013 1CH 008 013 At si Berias, at si Sema na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga taga Ajalon na siyang nangagpatakas sa mga taga Gath; 013 1CH 008 014 At si Ahio, si Sasac, at si Jeremoth; 013 1CH 008 015 At si Zebadias, at si Arad, at si Heder; 013 1CH 008 016 At si Michael, at si Ispha, at si Joa, na mga anak ni Berias; 013 1CH 008 017 At si Zebadias, at si Mesullam, at si Hizchi, at si Heber. 013 1CH 008 018 At si Ismari, at si Izlia, at si Jobab, na mga anak ni Elphaal; 013 1CH 008 019 At si Jacim, at si Zichri, at si Zabdi; 013 1CH 008 020 At si Elioenai, at si Silithai, at si Eliel; 013 1CH 008 021 At si Adaias, at si Baraias, at si Simrath, na mga anak ni Simi; 013 1CH 008 022 At si Isphan, at si Heber, at si Eliel; 013 1CH 008 023 At si Adon, at si Zichri, at si Hanan; 013 1CH 008 024 At si Hanania, at si Belam, at si Anthothias; 013 1CH 008 025 At si Iphdaias, at si Peniel, na mga anak ni Sasac; 013 1CH 008 026 At si Samseri, at si Seharias, at si Atalia; 013 1CH 008 027 At si Jaarsias, at si Elias, at si Ziri, na mga anak ni Jeroham. 013 1CH 008 028 Ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ayon sa kanilang lahi, na mga pinunong lalake: ang mga ito'y nagsitahan sa Jerusalem. 013 1CH 008 029 At sa Gabaon ay tumahan ang ama ni Gabaon, si Jeiel, na ang pangalan ng asawa ay Maacha: 013 1CH 008 030 At ang kaniyang anak na panganay si Abdon, at si Sur, at si Cis, at si Baal, at si Nadab; 013 1CH 008 031 At si Gedor, at si Ahio, at si Zecher. 013 1CH 008 032 At naging anak ni Micloth si Simea. At sila nama'y nagsitahang kasama ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem, sa tapat ng kanilang mga kapatid. 013 1CH 008 033 At naging anak ni Ner si Cis; at naging anak ni Cis si Saul; at naging anak ni Saul si Jonathan, at si Malchi-sua, at si Abinadab, at si Esbaal. 013 1CH 008 034 At ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal; at naging anak ni Merib-baal si Micha. 013 1CH 008 035 At ang mga anak ni Micha: si Phiton, at si Melech, at si Thaarea, at si Ahaz. 013 1CH 008 036 At naging anak ni Ahaz si Joadda; at naging anak ni Joadda si Alemeth, at si Azmaveth, at si Zimri; at naging anak ni Zimri si Mosa; 013 1CH 008 037 At naging anak ni Mosa si Bina; si Rapha na kaniyang anak, si Elasa na kaniyang anak, si Asel na kaniyang anak: 013 1CH 008 038 At si Asel ay nagkaroon ng anim na anak, na ang mga pangalan ay ito: si Azricam, si Bochru, at si Ismael, at si Searias, at si Obadias, at si Hanan. Lahat ng ito'y ang mga anak ni Asel. 013 1CH 008 039 At ang mga anak ni Esec na kaniyang kapatid: si Ulam na kaniyang panganay, si Jehus na ikalawa, at si Elipheleth na ikatlo. 013 1CH 008 040 At ang mga anak ni Ulam ay mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga mamamana, at nagkaroon ng maraming anak, at mga anak ng mga anak, na isang daan at limangpu. Lahat, ng ito'y ang mga anak ni Benjamin. 013 1CH 009 001 Sa gayo'y ang buong Israel ay nabilang ayon sa mga talaan ng lahi; at, narito, sila'y nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel. At ang Juda'y dinalang bihag sa Babilonia dahil sa kanilang pagsalangsang. 013 1CH 009 002 Ang mga unang mananahanan na nagsitahan sa kanilang mga pag-aari sa kanilang mga bayan ay ang Israel, ang mga saserdote, ang mga Levita, at ang mga Nethineo. 013 1CH 009 003 At sa Jerusalem ay tumahan sa mga anak ni Juda, at sa mga anak ni Benjamin, at sa mga anak ni Ephraim at Manases; 013 1CH 009 004 Si Urai, na anak ni Amiud, na anak ni Omri, na anak ni Imrai, na anak ni Bani, sa mga anak ni Phares na anak ni Juda. 013 1CH 009 005 At sa mga Silonita: si Asaias na panganay, at ang kaniyang mga anak. 013 1CH 009 006 At sa mga anak ni Zara: si Jehuel, at ang kanilang mga kapatid, na anim na raan at siyam na pu. 013 1CH 009 007 At sa mga anak ni Benjamin: si Sallu, na anak ni Mesullam, na anak ni Odavia, na anak ni Asenua; 013 1CH 009 008 At si Ibnias na anak ni Jeroham, at si Ela na anak ni Uzzi, na anak ni Michri, at si Mesullam na anak ni Sephatias, na anak ni Rehuel, na anak ni Ibnias; 013 1CH 009 009 At ang kanilang mga kapatid, ayon sa kanilang mga lahi, na siyam na raan at limangpu't anim. Lahat ng mga lalaking ito ay mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 013 1CH 009 010 At sa mga saserdote: si Jedaia, at si Joiarib, at si Joachim. 013 1CH 009 011 At si Azarias na anak ni Hilcias, na anak ni Mesullam, na anak ni Sadoc, na anak ni Meraioth, na anak ni Achitob, na tagapamahala sa bahay ng Dios; 013 1CH 009 012 At si Adaias na anak ni Jeroham, na anak ni Phasur, na anak ni Machias, at si Mahsai na anak ni Adiel, na anak ni Jazera, na anak ni Mesullam, na anak ni Mesillemith, na anak ni Immer; 013 1CH 009 013 At ang kanilang mga kapatid, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na isang libo at pitong daan at anim na pu; na mga lalaking totoong bihasa sa gawaing paglilingkod sa bahay ng Dios. 013 1CH 009 014 At sa mga Levita: si Semeias na anak ni Hassub, na anak ni Azricam, na anak ni Hasabias sa mga anak ni Merari; 013 1CH 009 015 At si Bacbacar, si Heres, at si Galal, at si Mattania na anak ni Michas, na anak ni Zichri, na anak ni Asaph; 013 1CH 009 016 At si Obadias na anak ni Semeias, na anak ni Galal, na anak ni Iduthum, at si Berechias na anak ni Asa na anak ni Elcana, na tumahan sa mga nayon ng mga Nethophatita. 013 1CH 009 017 At ang mga tagatanod-pinto: si Sallum, at si Accub, at si Talmon, at si Ahiman: at ang kanilang mga kapatid (si Sallum ang puno), 013 1CH 009 018 Na hanggang ngayo'y namamalagi sa pintuang-daan ng hari na dakong silanganan: sila ang mga tagatanod-pinto sa kampamento ng mga anak ni Levi. 013 1CH 009 019 At si Sallum na anak ni Core, na anak ni Abiasath, na anak ni Corah, at ang kaniyang mga kapatid, sa sangbahayan ng kaniyang magulang, ang mga Koraita ay nangamamahala sa gawaing paglilingkod, na mga tagapagingat ng mga pintuang-daan ng tabernakulo; at ang kanilang mga magulang ay nangapasa kampamento ng Panginoon, na mga tagapagingat ng pasukan. 013 1CH 009 020 At si Phinees na anak ni Eleazar ay pinuno sa kanila nang panahong nakaraan, at ang Panginoon ay sumasa kaniya. 013 1CH 009 021 Si Zacarias na anak ni Meselemia ay tagatanod-pinto ng tabernakulo ng kapisanan. 013 1CH 009 022 Lahat ng mga ito na mga napili upang maging mga tagatanod-pinto sa mga pintuang-daan ay dalawang daan at labing dalawa. Ang mga ito'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi sa kanilang mga nayon, na siyang pinagkatiwalaan sa kanilang katungkulan ni David at ni Samuel na tagakita. 013 1CH 009 023 Sa gayo'y sila, at ang kanilang mga anak ay namahala na pinakabantay sa mga pintuang-daan ng bahay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ng bahay ng tabernakulo, ayon sa paghahalinhinan. 013 1CH 009 024 Na sa apat na sulok ang mga tagatanod-pinto, sa dakong silanganan, kalunuran, hilagaan, at timugan. 013 1CH 009 025 At ang kanilang mga kapatid, sa kanilang mga nayon, ay paroroon sa bawa't pitong araw, tuwing kapanahunan upang sumakanila: 013 1CH 009 026 Sapagka't ang apat na punong tagatanod-pinto, na mga Levita, ay nangasa takdang katungkulan, at nangasa mga silid at sa mga ingatangyaman sa bahay ng Dios. 013 1CH 009 027 At sila'y nagsitahan sa palibot ng bahay ng Dios, sapagka't ang katungkulan doon ay kanila, at sa kanila nauukol ang pagbubukas tuwing umaga. 013 1CH 009 028 At ang ilan sa kanila ay may katungkulan sa mga kasangkapan na ipinaglilingkod; sapagka't ayon sa bilang ipinapasok, at ayon sa bilang inilalabas. 013 1CH 009 029 Ang ilan naman sa kanila ay nangahalal sa kasangkapan, at sa lahat ng mga kasangkapan ng santuario, at sa mainam na harina, at sa alak, at sa langis, at sa kamangyan, at sa mga espesia. 013 1CH 009 030 At ang ilan sa mga anak ng mga saserdote ay nagsisipaghanda ng paghahalohalo ng mga espesia. 013 1CH 009 031 At si Mathathias, na isa sa mga Levita, na siyang panganay ni Sallum na Coraita, may takdang katungkulan sa mga bagay na niluluto sa kawali. 013 1CH 009 032 At ang ilan sa kanilang mga kapatid sa mga anak ng mga Coatita, ay nangasa tinapay na handog upang ihanda bawa't sabbath. 013 1CH 009 033 At ang mga ito ang mga mangaawit, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita, na mga nagsisitahan sa mga silid, at mga laya sa ibang katungkulan: sapagka't sila'y nangalalagay sa kanilang gawain araw at gabi. 013 1CH 009 034 Ang mga ito ay mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita, ayon sa kanilang lahi na mga lalaking pinuno: ang mga ito'y nagsitahan sa Jerusalem. 013 1CH 009 035 At sa Gabaon ay tumahan ang ama ni Gabaon, si Jehiel, na ang pangalan ng kaniyang asawa ay Maacha: 013 1CH 009 036 At ang anak niyang panganay si Abdon, at si Sur, at si Cis, at si Baal, at si Ner, at si Nadab; 013 1CH 009 037 At si Gedor, at si Ahio, at si Zacharias, at si Micloth. 013 1CH 009 038 At naging anak ni Micloth si Samaam. At sila nama'y nagsitahan na kasama ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem, sa tapat ng kanilang mga kapatid. 013 1CH 009 039 At naging anak ni Ner si Cis; at naging anak ni Cis si Saul; at naging anak ni Saul si Jonathan, at si Malchi-sua, at si Abinadab, at si Esbaal. 013 1CH 009 040 At ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal; at naging anak ni Merib-baal si Micha. 013 1CH 009 041 At ang mga anak ni Micha: si Phiton, at si Melech, at si Tharea, at si Ahaz. 013 1CH 009 042 At naging anak ni Ahaz si Jara; at naging anak ni Jara si Alemeth, at si Azmaveth, at si Zimri; at naging anak ni Zimri si Mosa; 013 1CH 009 043 At naging anak ni Mosa si Bina; at si Rephaia na kaniyang anak, si Elasa na kaniyang anak, si Asel na kaniyang anak: 013 1CH 009 044 At si Asel ay nagkaroon ng anim na anak, na ang kanilang mga pangalan ay ang mga ito: si Azricam, si Bochru, at si Ismael, at si Seraia, at si Obadias, at si Hanan: ang mga ito ang mga naging anak ni Asel. 013 1CH 010 001 Ang mga Filisteo nga ay nakipaglaban sa Israel: at ang mga lalake ng Israel ay nagsitakas sa harap ng mga Filisteo, at nangabuwal na patay sa bundok ng Gilboa. 013 1CH 010 002 At ang mga Filisteo ay nangagsisunod na mainam sa likuran ni Saul at ng kaniyang mga anak; at pinatay ng mga Filisteo si Jonathan, at si Abinadab, at si Malchi-sua, na mga anak ni Saul. 013 1CH 010 003 At ang pagbabaka ay lumalang mainam laban kay Saul, at inabutan siya ng mga mamamana; at siya'y nahirapan dahil sa mga mamamana. 013 1CH 010 004 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang tagadala ng sandata: Bunutin mo ang iyong tabak, at iyong palagpasin sa akin; baka ang mga hindi tuling ito ay magsiparito at pahirapan ako. Nguni't hindi inibig ng kaniyang tagadala ng sandata; sapagka't siya'y totoong natakot. Kaya't kinuha ni Saul ang kaniyang tabak, at nagpatibuwal doon. 013 1CH 010 005 At nang makita ng kaniyang tagadala ng sandata na si Saul ay patay, siya nama'y nagpatibuwal sa kaniyang tabak, at namatay. 013 1CH 010 006 Gayon namatay si Saul, at ang kaniyang tatlong anak; at ang kaniyang buong sangbahayan ay namatay na magkakasama. 013 1CH 010 007 At nang makita ng lahat na lalake ng Israel na nangasa libis na sila'y nagsitakas, at si Saul at ang kaniyang mga anak ay patay, ay kanilang iniwan ang kanilang mga bayan at nagsitakas; at ang mga Filisteo ay nagsiparoon at nagsitahan sa mga yaon. 013 1CH 010 008 At nangyari nang kinaumagahan nang magsiparoon upang hubaran ng mga Filisteo ang nangapatay, na kanilang nasumpungan si Saul at ang kaniyang mga anak na buwal sa bundok ng Gilboa. 013 1CH 010 009 At hinubaran nila siya at kinuha ang kaniyang ulo, at ang kaniyang sandata, at ipinadala sa lupain ng mga Filisteo sa palibot, upang ibalita sa kanilang mga diosdiosan, at sa bayan. 013 1CH 010 010 At inilagay nila ang kaniyang sandata sa bahay ng kanilang mga dios, at ipinako ang kaniyang ulo sa bahay ni Dagon. 013 1CH 010 011 At nang mabalitaan ng buong Jabes-galaad ang buong ginawa ng mga Filisteo kay Saul, 013 1CH 010 012 Ang lahat na matapang na lalake ay nagsitindig, at kinuha ang bangkay ni Saul, at ang mga bangkay ng kaniyang mga anak, at dinala sa Jabes, at inilibing ang kanilang mga buto sa ilalim ng ensina sa Jabes, at nangagayunong pitong araw. 013 1CH 010 013 Sa gayo'y namatay si Saul dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang nagawa laban sa Panginoon, dahil sa salita ng Panginoon na hindi niya iningatan; at dahil naman na siya'y nakipagsanggunian sa masamang espiritu, upang pagsiyasatan. 013 1CH 010 014 At hindi nagsiyasat sa Panginoon: kaya't pinatay niya siya, at inilipat ang kaharian kay David na anak ni Isai. 013 1CH 011 001 Nang magkagayo'y ang buong Israel ay nagpipisan kay David sa Hebron, na nagsasabi, Narito, kami ay iyong buto at iyong laman. 013 1CH 011 002 Nang mga panahong nakaraan, sa makatuwid baga'y nang si Saul ay hari, ikaw ang pumapatnubay at nagpapasok sa Israel: at sinabi sa iyo ng Panginoon mong Dios, Iyong aalagaan ang aking bayang Israel, at ikaw ay magiging pangulo ng aking bayang Israel. 013 1CH 011 003 Sa gayo'y lahat ng mga matanda sa Israel ay nagsiparoon sa hari sa Hebron; at si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron sa harap ng Panginoon, at kanilang pinahiran ng langis si David na hari sa Israel, ayon sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Samuel. 013 1CH 011 004 At si David at ang buong Israel ay naparoon sa Jerusalem (na siyang Jebus); at ang mga Jebuseo na mga tagaroon sa lupain, ay nangandoon. 013 1CH 011 005 At sinabi ng mga taga Jebus kay David, Ikaw ay hindi makapapasok rito. Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan ng Sion; na siyang bayan ni David. 013 1CH 011 006 At sinabi ni David, Sinomang sumakit sa mga Jebuseo na una ay magiging pinuno at kapitan. At si Joab na anak ni Sarvia ay sumampang una, at naging pinuno. 013 1CH 011 007 At si David ay tumahan sa katibayan; kaya't kanilang tinawag na bayan ni David. 013 1CH 011 008 At kaniyang itinayo ang bayan sa palibot, mula sa Millo hanggang sa palibot: at hinusay ni Joab ang nalabi sa bayan. 013 1CH 011 009 At si David ay dumakila ng dumakila; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa kaniya. 013 1CH 011 010 Ang mga ito ang mga pinuno ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David, na napakilala na malakas na kasama niya sa kaniyang kaharian, na kasama ng buong Israel, upang gawin siyang hari, ayon sa salita ng Panginoon tungkol sa Israel. 013 1CH 011 011 At ito ang bilang ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David: si Jasobam, na anak ng isang Hachmonita, na pinuno ng tatlongpu; siya ang nagtaas ng kaniyang sibat laban sa tatlong daan, at pinatay niya sila na paminsan. 013 1CH 011 012 At pagkatapos niya ay si Eleazar na anak ni Dodo, na Ahohita, na isa sa tatlong makapangyarihang lalake. 013 1CH 011 013 Siya'y kasama ni David sa Pasdammin, at doo'y ang mga Filisteo ay nagpipisan upang bumaka, na kinaroroonan ng isang putol na lupa na puno ng sebada; at ang bayan ay tumakas sa harap ng mga Filisteo. 013 1CH 011 014 At sila'y nagsitayo sa gitna ng putol na yaon at ipinagsanggalang, at pinatay ang mga Filisteo; at iniligtas ng Panginoon sila sa pamamagitan ng isang dakilang pagtatagumpay. 013 1CH 011 015 At binaba sa malaking bato si David ng tatlo sa tatlongpung pinuno, sa loob ng yungib ni Adullam; at ang hukbo ng mga Filisteo ay humantong sa libis ng Raphaim. 013 1CH 011 016 At si David nga ay nasa katibayan, at ang pulutong ng mga Filisteo ay nasa Bethlehem noon. 013 1CH 011 017 At si David ay nagbuntonghininga, at nagsabi, Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Bethlehem na mainom, na nasa siping ng pintuang-bayan! 013 1CH 011 018 At ang tatlo'y nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo, at nagsiigib ng tubig sa balon ng Bethlehem na nasa siping ng pintuang-bayan, at kinuha at dinala kay David: nguni't hindi ininom ni David yaon, kundi ibinuhos na pinakainuming handog sa Panginoon. 013 1CH 011 019 At sinabi, Huwag itulot sa akin ng aking Dios na aking gawin ito; iinumin ko ba ang dugo ng mga lalaking ito na ipinain ang kanilang buhay sa pagkamatay? sapagka't sa pagpapain ng kanilang mga buhay ay kanilang dinala. Kaya't hindi niya ininom. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong makapangyarihang lalake. 013 1CH 011 020 At si Abisai na kapatid ni Joab, siyang pinuno ng tatlo: sapagka't kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan, at pinatay niya sila, at nagkaroon ng pangalan sa tatlo. 013 1CH 011 021 Sa tatlo, siya'y lalong marangal kay sa dalawa, at ginawang kanilang pinunong kawal: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo. 013 1CH 011 022 Si Benaias na anak ni Joiada, na anak ng isang matapang na lalake sa Cabseel, na gumawa ng mga makapangyarihang gawa, ay kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab: siya'y bumaba rin naman at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa panahon ng niebe. 013 1CH 011 023 At siya'y pumatay ng isang taga Egipto, na isang lalaking may malaking bulas, na limang siko ang taas; at sa kamay ng taga Egipto ay may isang sibat na gaya ng panghabi ng manghahabi; at binaba niya siya na may isang tungkod, at inagaw ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat. 013 1CH 011 024 Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong makapangyarihang lalake. 013 1CH 011 025 Narito, siya'y lalong marangal kay sa tatlongpu, nguni't hindi siya umabot sa unang tatlo: at inilagay ni David sa kaniya na bantay. 013 1CH 011 026 Ang mga makapangyarihang lalake naman sa mga hukbo; si Asael na kapatid ni Joab, si Elchanan na anak ni Dodo na taga Bethlehem: 013 1CH 011 027 Si Samoth na Arorita, si Helles na Pelonita; 013 1CH 011 028 Si Ira na anak ni Acces na Tecoita, si Abiezer na Anathothita; 013 1CH 011 029 Si Sibbecai na Husatita, si Ilai na Ahohita; 013 1CH 011 030 Si Maharai na Nethophatita, si Heled na anak ni Baana na Nethophatita; 013 1CH 011 031 Si Ithai na anak ni Ribai na taga Gabaath, sa mga anak ni Benjamin, si Benaias na Phirathita. 013 1CH 011 032 Si Hurai sa mga batis ng Gaas, si Abiel na Arbathonita; 013 1CH 011 033 Si Azmaveth na Baharumita, si Eliaba na Saalbonita; 013 1CH 011 034 Ang mga anak ni Asem na Gizonita, si Jonathan na anak ni Saje na Hararita; 013 1CH 011 035 Si Ahiam na anak ni Sachar, na Ararita, si Eliphal na anak ni Ur; 013 1CH 011 036 Si Hepher na Mecherathita, si Ahia na Phelonita; 013 1CH 011 037 Si Hesro na Carmelita, si Nahari na anak ni Ezbai; 013 1CH 011 038 Si Joel na kapatid ni Nathan, si Mibhar na anak ni Agrai, 013 1CH 011 039 Si Selec na Ammonita, si Naarai na Berothita, na tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia; 013 1CH 011 040 Si Ira na Ithrita, si Yared na Ithrita: 013 1CH 011 041 Si Uria na Hetheo, si Zabad na anak ni Ahli; 013 1CH 011 042 Si Adina na anak ni Siza na Rubenita, na pinuno ng mga Rubenita, at tatlongpu ang kasama niya; 013 1CH 011 043 Si Hanan na anak ni Maacha, at si Josaphat na Mithnita; 013 1CH 011 044 Si Uzzias na Astarothita, si Samma at si Jehiel na mga anak ni Hotham na Arorita; 013 1CH 011 045 Si Jediael na anak ni Simri; at si Joha na kaniyang kapatid, na Thisaita; 013 1CH 011 046 Si Eliel na Mahavita, at si Jeribai, at si Josabias na mga anak ni Elnaam, at si Ithma na Moabita; 013 1CH 011 047 Si Eliel, at si Obed, at si Jaasiel, na taga Mesobiata. 013 1CH 012 001 Ang mga ito nga ang nagsiparoon kay David sa Siclag, samantalang siya'y nagkukubli pa dahil kay Saul na anak ni Cis: at sila'y nasa mga makapangyarihang lalake, na kaniyang mga katulong sa pakikipagdigma. 013 1CH 012 002 Sila'y nasasakbatan ng mga busog, at kanilang ginagamit kapuwa ang kanang kamay at kaliwa sa pagpapahilagpos ng mga bato, at sa pagpapahilagpos ng mga pana mula sa busog; sila'y sa mga kapatid ni Saul sa Benjamin. 013 1CH 012 003 Ang pinuno ay si Ahiezer, saka si Joas, na mga anak ni Semaa na Gabaathita; at si Jeziel, at si Pheleth, na mga anak ni Azmaveth; at si Beraca, at si Jehu na Anathothita; 013 1CH 012 004 At si Ismaias na Gabaonita, na makapangyarihang lalake sa tatlongpu, at pinuno ng tatlongpu; at si Jeremias, at si Jahaziel, at si Joanan, at si Jozabad na Gederathita; 013 1CH 012 005 Si Eluzai, at si Jeremoth, at si Bealias, at si Semarias, at si Sephatias na Haruphita; 013 1CH 012 006 Si Elcana, at si Isias, at si Azareel, at si Joezer, at si Jasobam, na mga Corita: 013 1CH 012 007 At si Joela, at si Zebadias, na mga anak ni Jeroham na taga Gedor. 013 1CH 012 008 At sa mga Gadita ay nagsihiwalay na nagsilakip kay David sa katibayan sa ilang, ang mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga lalaking bihasa sa pakikidigma, na makahahawak ng kalasag at sibat; na ang mga mukha nila ay gaya ng mga mukha ng mga leon, at sila'y maliliksing gaya ng mga usa sa mga bundok; 013 1CH 012 009 Si Eser ang pinuno, si Obadias ang ikalawa, si Eliab ang ikatlo; 013 1CH 012 010 Si Mismana ang ikaapat, si Jeremias ang ikalima; 013 1CH 012 011 Si Attai ang ikaanim, si Eliel ang ikapito; 013 1CH 012 012 Si Johanan ang ikawalo, si Elzabad ang ikasiyam; 013 1CH 012 013 Si Jeremias ang ikasangpu, si Machbani ang ikalabingisa. 013 1CH 012 014 Ang mga ito sa mga anak ni Gad ay mga pinunong kawal ng hukbo; ang pinakamaliit ay katimbang ng isang daan, at ang pinakamalaki ay ng isang libo. 013 1CH 012 015 Ang mga ito ang nagsitawid sa Jordan sa unang buwan, nang apawan ang lahat niyang mga pangpang; at kanilang pinatakas ang lahat na sa mga libis, ang sa dakong silanganan, at gayon din ang sa dakong kalunuran. 013 1CH 012 016 At nagsiparoon ang ilan sa mga anak ni Benjamin at ni Juda sa katibayan kay David. 013 1CH 012 017 At si David ay lumabas na sinalubong sila, at sumagot at nagsabi sa kanila, Kung kayo'y nagsisiparitong payapa sa akin upang tulungan ako, ang aking puso ay malalakip sa inyo: nguni't kung upang pagliluhan ako sa aking mga kaaway, dangang walang kasamaan sa aking mga kamay, masdan ng Dios ng ating mga magulang, at sawayin. 013 1CH 012 018 Nang magkagayo'y ang Espiritu ay dumating kay Amasai, na siyang pinuno ng tatlongpu, at sinabi niya, Iyo kami, David, at para sa iyo, ikaw anak ni Isai: kapayapaan, kapayapaan ang sumaiyo, at kapayapaan ang sumaiyong mga katulong; sapagka't tinutulungan ka ng iyong Dios. Nang magkagayo'y tinanggap ni David sila, at ginawa silang mga pinunong kawal ng pulutong. 013 1CH 012 019 Sa Manases naman ay nagsihilig ang ilan kay David, nang siya'y pumaroong kasama ng mga Filisteo laban kay Saul upang bumaka: nguni't hindi nila tinulungan sila: sapagka't pinapagpaalam siya ng mga panginoon ng mga Filisteo sa payo na sinasabi, Siya'y mahihilig sa kaniyang panginoong kay Saul sa pamumuhunan ng ating mga ulo. 013 1CH 012 020 Sa pagparoon niya sa Siclag, ay nagsihilig sa kaniya mula sa Manases, si Adnas, at si Jozabad, at si Jediaiel, at si Michael, at si Jozabad at si Eliu, at si Sillethai, na mga pinunong kawal ng mga lilibuhin na nasa Manases. 013 1CH 012 021 At kanilang tinulungan si David laban sa pulutong ng mga magnanakaw: sapagka't silang lahat ay mga makapangyarihang lalake na may tapang, at mga pinunong kawal sa hukbo. 013 1CH 012 022 Sapagka't araw-araw ay may naparoon kay David upang tumulong sa kaniya, hanggang sa naging malaking hukbo, na gaya ng hukbo ng Dios. 013 1CH 012 023 At ito ang bilang ng mga ulo nila na mga may sandata na handa sa pakikidigma, na nagsiparoon kay David sa Hebron, upang ibalik ang kaharian ni Saul sa kaniya, ayon sa salita ng Panginoon. 013 1CH 012 024 Ang mga anak ni Juda na nagsisihawak ng kalasag at sibat ay anim na libo at walong daan, na may mga sandata sa pakikipagdigma. 013 1CH 012 025 Sa mga anak ni Simeon, na mga makapangyarihang lalake na may tapang na handa sa pakikipagdigma, pitong libo at isang daan. 013 1CH 012 026 Sa mga anak ni Levi ay apat na libo at anim na raan. 013 1CH 012 027 At si Joiada ang tagapamatnugot ng sangbahayan ni Aaron, at kasama niya'y tatlong libo at pitong daan; 013 1CH 012 028 At si Sadoc, na isang binatang makapangyarihan na may tapang, at sa sangbahayan ng kaniyang magulang ay dalawang pu at dalawang pinunong kawal. 013 1CH 012 029 At sa mga anak ni Benjamin, na mga kapatid ni Saul, tatlong libo: sapagka't ang kalakhang bahagi sa kanila ay nagsisipagingat ng kanilang pakikipagkasundo sa sangbahayan ni Saul. 013 1CH 012 030 At sa mga anak ni Ephraim, dalawang pung libo at walong daan, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, mga bantog na lalake sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 013 1CH 012 031 At sa kalahating lipi ng Manases ay labing walong libo, na mga nasaysay sa pamamagitan ng pangalan, upang magsiparoon at gawing hari si David. 013 1CH 012 032 At sa mga anak ni Issachar, na mga lalaking maalam ng mga panahon, upang matalastas kung ano ang marapat gawin ng Israel; ang mga pinuno sa kanila ay dalawang daan; at ang lahat nilang kapatid ay nasa kanilang utos. 013 1CH 012 033 Sa Zabulon, yaong mga makalalabas sa hukbo, na makahahanay sa pagbabaka na may sarisaring kasangkapang pangdigma, ay limangpung libo; at makapagaayos sa hanay sa pagbabaka, at hindi nagaalinlangan ang loob. 013 1CH 012 034 At sa Nephtali ay isang libong pinunong kawal, at may kasama silang mga may kalasag at sibat na tatlong pu't pitong libo. 013 1CH 012 035 At sa mga Danita na makahahanay sa pagbabaka ay dalawangpu't walong libo at anim na raan. 013 1CH 012 036 At sa Aser, yaong mga makalalabas sa hukbo, na makahahanay sa pagbabaka, apat na pung libo. 013 1CH 012 037 At sa kabilang dako ng Jordan, sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases, na may sarisaring kasangkapang pangdigma sa pakikipagbaka, isang daan at dalawangpung libo. 013 1CH 012 038 Lahat ng mga ito na mga lalaking mangdidigma na makahahanay sa pagbabaka, ay nagsiparoong may sakdal na puso sa Hebron, upang gawing hari si David sa buong Israel: at ang lahat na nangalabi sa Israel ay nagkaisang loob din naman upang gawing hari si David. 013 1CH 012 039 At sila'y dumoong kasama ni David na tatlong araw, na kumain at uminom: sapagka't ipinaghanda sila ng kanilang mga kapatid. 013 1CH 012 040 Bukod dito'y silang malapit sa kaniya, sa makatuwid baga'y hanggang sa Issachar, at Zabulon at Nephtali, ay nagsipagdala ng tinapay na nasa ibabaw ng mga asno, at ng mga kamelyo, at ng mga mula, at ng mga baka, mga pagkaing harina, at mga binilong igos, at mga buwig ng pasas, at alak, at langis, at mga baka, at mga tupa na sagana: sapagka't may kagalakan sa Israel. 013 1CH 013 001 At sumangguni si David sa mga pinunong kawal ng mga lilibuhin, at mga dadaanin, sa bawa't tagapamatnugot. 013 1CH 013 002 At sinabi ni David sa buong kapisanan ng Israel, Kung inaakala ninyong mabuti, at kung sa Panginoon nating Dios, ay pasuguan natin sa bawa't dako ang ating mga kapatid na nangaiwan sa buong lupain ng Israel, na makasama nila ang mga saserdote at mga Levita sa kanilang mga bayan na may mga nayon, upang sila'y mapapisan sa atin; 013 1CH 013 003 At ating dalhin uli ang kaban ng ating Dios sa atin: sapagka't hindi natin hinanap ng mga kaarawan ni Saul. 013 1CH 013 004 At ang buong kapulungan ay nagsabi na kanilang gagawing gayon: sapagka't ang bagay ay matuwid sa harap ng mga mata ng buong bayan. 013 1CH 013 005 Sa gayo'y pinisan ni David ang buong Israel, mula sa Sihor, na batis ng Egipto hanggang sa pasukan sa Hamath, upang dalhin ang kaban ng Dios mula sa Chiriath-jearim. 013 1CH 013 006 At si David ay umahon, at ang buong Israel sa Baala, sa makatuwid baga'y sa Chiriath-jearim, na nauukol sa Juda, upang iahon mula roon ang kaban ng Dios, ng Panginoon na nauupo sa mga querubin, na tinatawag ayon sa Pangalan. 013 1CH 013 007 At kanilang dinala ang kaban ng Dios na nakasakay sa isang bagong karo, at inilabas sa bahay ni Abinadab: at pinalakad ni Uzza at ni Ahio ang karo. 013 1CH 013 008 At si David at ang buong Israel ay tumugtog sa harap ng Dios ng kanilang buong lakas: sa pamamagitan ng mga awit, at ng mga alpa, at ng mga salterio, at ng mga pandereta at ng mga simbalo, at ng mga pakakak. 013 1CH 013 009 At nang sila'y dumating sa giikan ng Chidon, ay iniunat ni Uzza ang kaniyang kamay upang hawakan ang kaban; sapagka't ang mga baka ay natisod. 013 1CH 013 010 At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Uzza, at sinaktan niya siya, sapagka't kaniyang iniunat ang kaniyang kamay sa kaban; at doo'y namatay siya sa harap ng Dios. 013 1CH 013 011 At sumama ang loob ni David, sapagka't nagalit ang Panginoon kay Uzza: at kaniyang tinawag ang dakong yaon na Perez-uzza hanggang sa araw na ito. 013 1CH 013 012 At si David ay natakot sa Dios nang araw na yaon, na nagsasabi, Paanong aking iuuwi ang kaban ng Dios? 013 1CH 013 013 Sa gayo'y hindi inilipat ni David ang kaban sa kaniya sa bayan ni David, kundi nilihisan ang daan at dinala sa bahay ni Obed-edom na Getheo. 013 1CH 013 014 At ang kaban ng Dios ay naiwan sa sangbahayan ni Obed-edom sa kaniyang bahay na tatlong buwan: at pinagpala ng Panginoon ang sangbahayan ni Obed-edom, at ang buo niyang tinatangkilik. 013 1CH 014 001 At si Hiram na hari sa Tiro ay nagsugo ng mga sugo kay David, at nagpadala ng mga puno ng sedro, at mga mananabas ng bato, at mga anluwagi, upang ipagtayo siya ng bahay. 013 1CH 014 002 At nahalata ni David na itinatag siyang hari ng Panginoon sa Israel; sapagka't ang kaniyang kaharian ay itinaas ng mataas, dahil sa kaniyang bayang Israel. 013 1CH 014 003 At si David ay kumuha pa ng mga asawa sa Jerusalem: at si David ay nagkaanak pa ng mga lalake at mga babae. 013 1CH 014 004 At ito ang mga pangalan ng mga naging anak niya sa Jerusalem: si Smua, at si Sobab, si Nathan, at si Salomon. 013 1CH 014 005 At si Ibhar, at si Elisua, at si Elphelet; 013 1CH 014 006 At si Noga, at si Nepheg, at si Japhias; 013 1CH 014 007 At si Elisama, at si Beeliada, at si Eliphelet. 013 1CH 014 008 At nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ay pinahiran ng langis na maging hari sa buong Israel, ay nagsiahon ang lahat ng Filisteo upang hanapin si David: at nabalitaan ni David, at nilabas sila. 013 1CH 014 009 Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nanganamsam sa libis ng Raphaim. 013 1CH 014 010 At si David ay sumangguni sa Dios, na nagsasabi, Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? at iyo bang ibibigay sila sa aking kamay? At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Umahon ka: sapagka't aking ibibigay sila sa iyong kamay. 013 1CH 014 011 Sa gayo'y nagsiahon sila sa Baal-perasim, at sinaktan sila ni David doon; at sinabi ni David, Nilansag ng Dios ang aking mga kaaway na gaya ng baha ng tubig. Kaya't kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Baal-perasim. 013 1CH 014 012 At kanilang iniwan doon ang kanilang mga dios; at nagutos si David, at sinunog sa apoy ang mga yaon. 013 1CH 014 013 At nanganamsam pa uli ang mga Filisteo sa libis. 013 1CH 014 014 At si David ay sumangguni uli sa Dios; at sinabi ng Dios sa kaniya, Huwag kang aahong kasunod nila; lihisan mo sila, at pumaroon ka sa kanila sa tapat ng mga puno ng morales. 013 1CH 014 015 At mangyayari, na pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw nga ay lalabas sa pakikipagbaka: sapagka't ang Dios ay yumaon sa unahan mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo. 013 1CH 014 016 At ginawa ni David kung ano ang iniutos sa kaniya ng Dios: at kanilang sinaktan ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gabaon hanggang sa Gezer. 013 1CH 014 017 At ang kabantugan ni David ay lumaganap sa lahat ng lupain; at sinidlan ng Panginoon ng takot sa kaniya ang lahat na bansa. 013 1CH 015 001 At gumawa si David ng mga bahay sa bayan ni David; at ipinaghanda niya ng isang dako ang kaban ng Dios, at ipinaglagay roon ng isang tolda. 013 1CH 015 002 Nang magkagayo'y sinabi ni David, Walang makapagdadala ng kaban ng Dios kundi ang mga Levita: sapagka't sila ang pinili ng Panginoon upang magsipagdala ng kaban ng Dios, at upang mangasiwa sa kaniya magpakailan man. 013 1CH 015 003 At pinisan ni David ang buong Israel sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng Panginoon sa dakong pinaghandaan. 013 1CH 015 004 At pinisan ni David ang mga anak ni Aaron, at ang mga Levita: 013 1CH 015 005 Sa mga anak ni Coath: si Uriel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at dalawangpu; 013 1CH 015 006 Sa mga anak ni Merari: si Asaias na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, dalawang daan at dalawangpu; 013 1CH 015 007 Sa mga anak ni Gersom: si Joel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at tatlongpu; 013 1CH 015 008 Sa mga anak ni Elisaphan: si Semeias na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, dalawang daan: 013 1CH 015 009 Sa mga anak ni Hebron: si Eliel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, walongpu; 013 1CH 015 010 Sa mga anak ni Uzziel: si Aminadab na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at labing dalawa. 013 1CH 015 011 At ipinatawag ni David si Sadoc at si Abiathar na mga saserdote, at ang mga Levita, si Uriel, si Asaias, at si Joel, si Semeias, at si Eliel, at si Aminadab, 013 1CH 015 012 At sinabi sa kanila, Kayo ang mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita: magpakabanal kayo, at gayon din ang inyong mga kapatid, upang inyong maiahon ang kaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel, hanggang sa dakong aking pinaghandaan. 013 1CH 015 013 Sapagka't dahil sa hindi ninyo dinala nang una, ang Panginoon nating Dios ay nagalit sa atin, sapagka't hindi natin hinanap siya ayon sa utos. 013 1CH 015 014 Sa gayo'y ang mga saserdote at ang mga Levita ay nagpakabanal, upang iahon ang kaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel. 013 1CH 015 015 At pinisan ng mga anak ng mga Levita ang kaban ng Dios sa kanilang mga balikat sa pamamagitan ng mga pingga niyaon, gaya ng iniutos ni Moises ayon sa salita ng Panginoon. 013 1CH 015 016 At si David ay nagsalita sa pinuno ng mga Levita, na ihalal ang kanilang mga kapatid na mangaawit, na may mga panugtog ng tugtugin, mga salterio, at mga alpa, at mga simbalo, upang magsitugtog ng malakas, at maglakas ng tinig na may kagalakan. 013 1CH 015 017 Sa gayo'y inihalal ng mga Levita si Heman na anak ni Joel; at sa kaniyang mga kapatid ay si Asaph na anak ni Berechias; at sa mga anak ni Merari na kanilang mga kapatid ay si Ethan na anak ni Cusaias; 013 1CH 015 018 At kasama nila, ang kanilang mga kapatid sa ikalawang hanay, si Zacharias, si Ben, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, si Eliab, at si Benaias, at si Maasias, at si Mathithias, at si Eliphelehu, at si Micnias, at si Obed-edom, at si Jehiel, na mga tagatanod-pinto. 013 1CH 015 019 Sa gayo'y ang mga mangaawit, si Heman, si Asaph, at si Ethan, ay nangahalal na may mga simbalong tanso upang patunuging malakas; 013 1CH 015 020 At si Zacharias, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, at si Eliab, at si Maasias, at si Benaias, na may mga salterio na itinugma sa Alamoth; 013 1CH 015 021 At si Mathithias, at si Eliphelehu, at si Micnias, at si Obed-edom, at si Jehiel, at si Azazias, na may mga alpa na itinugma sa Seminit, upang magayos sa pagawit. 013 1CH 015 022 At si Chenanias, na pinuno ng mga Levita, nasa pamamahala sa awitan: siya ang nagtuturo tungkol sa pagawit, sapagka't siya'y bihasa. 013 1CH 015 023 At si Berechias, at si Elcana ay mga tagatanod sa kaban. 013 1CH 015 024 At si Sebanias, at si Josaphat, at si Nathanael, at si Amasai, at si Zacharias, at si Benaias at si Eliezer na mga saserdote, ay nagsihihip ng mga pakakak sa harap ng Dios: at si Obed-edom, at si Jehias ay mga tagatanod sa kaban. 013 1CH 015 025 Sa gayo'y si David, at ang mga matanda sa Israel, at ang mga punong kawal sa mga lilibuhin, ay nagsiyaon upang iahong may sayahan ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bahay ni Obed-edom: 013 1CH 015 026 At nangyari, na pagka tinulungan ng Dios ang mga Levita na nangagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, na sila'y naghahain ng pitong baka at pitong tupa. 013 1CH 015 027 At si David ay nababalot ng isang balabal na mainam na kayong lino, at ang lahat na Levita na nagsisipasan ng kaban, at ang mga mangaawit, at si Chenanias na tagapagturo ng awit na kasama ng mga mangaawit: at si David ay mayroong isang epod na lino. 013 1CH 015 028 Gayon iniahon ng buong Israel ang kaban ng tipan ng Panginoon na may mga hiyawan, at may mga tunog ng korneta, at mga pakakak, at may mga simbalo, na tumutunog ng malakas na may mga salterio at mga alpa. 013 1CH 015 029 At nangyari, samantalang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay dumarating sa bayan ni David, na si Michal na anak ni Saul ay tumanaw sa dungawan, at nakita niya ang haring David na sumasayaw at tumutugtog; at kaniyang niwalang kabuluhan siya sa kaniyang puso. 013 1CH 016 001 At kanilang ipinasok ang kaban ng Dios, at inilagay sa gitna ng tolda na itinayo ni David para roon: at sila'y nagsipaghandog ng mga handog na susunugin, at mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Dios. 013 1CH 016 002 At nang si David ay makatapos na maghandog ng handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, ay kaniyang binasbasan ang bayan sa pangalan ng Panginoon. 013 1CH 016 003 At siya'y nagbigay sa bawa't isa sa Israel, sa lalake at gayon din sa babae, sa bawa't isa ng isang tinapay, at ng isang bahaging laman, at isang binilong pasas. 013 1CH 016 004 At siya'y naghalal ng ilan sa mga Levita upang magsipangasiwa sa harap ng kaban ng Panginoon, at upang magsipagdiwang at mangagpasalamat, at mangagpuri sa Panginoon, sa Dios ng Israel: 013 1CH 016 005 Si Asaph ang pinuno, at ang ikalawa niya'y si Zacharias, si Jeiel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Eliab, at si Benaias, at si Obed-edom, at si Jeiel, na may mga salterio at mga alpa; at si Asaph na may mga simbalo, na tumutunog ng malakas; 013 1CH 016 006 At si Benaias at si Jahaziel na mga saserdote na mga may pakakak na palagi, sa harap ng kaban ng tipan ng Dios. 013 1CH 016 007 Nang magkagayo'y nang araw na yao'y unang iniutos ni David ang magpasalamat sa Panginoon, sa pamamagitan ng kamay ni Asaph at ng kaniyang mga kapatid. 013 1CH 016 008 Oh kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon, magsitawag kayo sa kaniyang pangalan; Ipakilala ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga gawa. 013 1CH 016 009 Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya; Salitain ninyo ang lahat niyang mga kamanghamanghang gawa. 013 1CH 016 010 Mangagpakaluwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: Mangagalak ang puso niyaong nagsisihanap sa Panginoon. 013 1CH 016 011 Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang lakas; Hanapin ninyo ang kaniyang mukha na palagi. 013 1CH 016 012 Alalahanin ninyo ang kaniyang kamanghamanghang mga gawa na kaniyang ginawa; Ang kaniyang mga kababalaghan, at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig; 013 1CH 016 013 Oh kayong binhi ng Israel na kaniyang lingkod, Kayong mga anak ni Jacob na kaniyang pinili. 013 1CH 016 014 Siya ang Panginoon nating Dios; Ang kaniyang mga kahatulan ay nasa sangkalupaan. 013 1CH 016 015 Alalahanin ninyo ang kaniyang tipan magpakailan man, Ang salita na kaniyang iniutos sa libolibong sali't saling lahi; 013 1CH 016 016 Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, At ang kaniyang sumpa kay Isaac: 013 1CH 016 017 At pinatotohanan din kay Jacob na pinaka palatuntunan, Kay Israel na pinaka walang hanggang tipan: 013 1CH 016 018 Na sinasabi, Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan, Ang kapalaran ng inyong mana: 013 1CH 016 019 Noong kayo'y kakaunting tao sa bilang; Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon; 013 1CH 016 020 At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa, At mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan. 013 1CH 016 021 Hindi niya tiniis na gawan sila nino man ng kasamaan; Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila; 013 1CH 016 022 Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang aking mga pinahiran ng langis, At huwag ninyong saktan ang aking mga propeta. 013 1CH 016 023 Kayo'y magsiawit sa Panginoon, buong lupa, Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw. 013 1CH 016 024 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa, Ang kaniyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan. 013 1CH 016 025 Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihing mainam: Siya rin nama'y marapat na katakutan ng higit sa lahat na dios. 013 1CH 016 026 Sapagka't lahat ng dios ng mga bayan ay mga diosdiosan: Nguni't nilikha ng Panginoon ang mga langit. 013 1CH 016 027 Karangalan at kamahalan ang nangasa harap niya: Kalakasan at kasayahan ang nangasa kaniyang tahanan. 013 1CH 016 028 Mangagbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan, Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at ng kalakasan. 013 1CH 016 029 Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: Mangagdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya: Inyong sambahin ang Panginoon sa ganda ng kabanalan. 013 1CH 016 030 Manginig sa harap niya ang buong lupa: Ang sanglibutan nama'y natatatag na hindi makikilos. 013 1CH 016 031 Mangagsaya ang mga langit, at magalak ang lupa; At sabihin nila sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari. 013 1CH 016 032 Umugong ang dagat at ang kapunuan niyaon; Matuwa ang parang at ang lahat na nandoon; 013 1CH 016 033 Kung magkagayo'y aawit ang mga puno ng kahoy sa gubat dahil sa kagalakan sa harap ng Panginoon, Sapagka't siya'y naparirito upang hatulan ang lupa. 013 1CH 016 034 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: Sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. 013 1CH 016 035 At sabihin ninyo, Iligtas mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, At pisanin mo kami, at iligtas mo kami sa mga bansa, Upang kami ay pasalamat sa iyong banal na pangalan, At magtagumpay sa iyong kapurihan. 013 1CH 016 036 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sinabi ng buong bayan, Siya nawa: at pinuri ang Panginoon. 013 1CH 016 037 Sa gayo'y iniwan niya roon sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon, si Asaph at ang kaniyang mga kapatid upang magsipangasiwang palagi sa harap ng kaban, gaya ng kinakailangan ng gawain sa araw-araw: 013 1CH 016 038 At si Obed-edom pati ng kanilang mga kapatid, ay anim na pu't walo; si Obed-edom din na anak ni Jeduthun at si Asa ay upang maging mga tagatanod-pinto: 013 1CH 016 039 At si Sadoc na saserdote, at ang kaniyang mga kapatid na mga saserdote, sa harap ng tabernakulo ng Panginoon sa mataas na dako na nasa Gabaon, 013 1CH 016 040 Upang maghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa Panginoon sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin sa umaga at hapon, ayon sa lahat na nangasusulat sa kautusan ng Panginoon na kaniyang iniutos sa Israel; 013 1CH 016 041 At kasama nila si Heman at si Jeduthun, at ang nalabi sa mga pinili, na nangasaysay sa pangalan upang pasalamat sa Panginoon, sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man; 013 1CH 016 042 At kasama nila si Heman at si Jeduthun na may mga pakakak at mga simbalo sa mangagpapatunog ng malakas, at mga may panugtog sa mga awit sa Dios: at ang mga anak ni Jeduthun upang mangalagay sa pintuang-daan. 013 1CH 016 043 At ang buong bayan ay nagsiuwi bawa't tao sa kanikaniyang bahay: at si David ay bumalik upang basbasan ang kaniyang sangbahayan. 013 1CH 017 001 At nangyari, nang si David ay tumahan sa kaniyang bahay, na sinabi ni David kay Nathan na propeta, Narito, ako'y tumatahan sa isang bahay na sedro, nguni't ang kaban ng tipan ng Panginoon ay sa ilalim ng mga kubong. 013 1CH 017 002 At sinabi ni Nathan kay David, Gawin mo ang buong nasa iyong kalooban; sapagka't ang Dios ay sumasaiyo. 013 1CH 017 003 At nangyari, nang gabing yaon, na ang salita ng Dios ay dumating kay Nathan na sinasabi, 013 1CH 017 004 Ikaw ay yumaon at saysayin mo kay David na aking lingkod, Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag mo akong ipagtatayo ng bahay na matatahanan: 013 1CH 017 005 Sapagka't hindi ako tumahan sa bahay mula nang araw na aking iahon ang Israel, hanggang sa araw na ito; kundi ako'y yumaon sa tolda at tolda, at sa tabernakulo, at tabernakulo. 013 1CH 017 006 Sa lahat ng mga dako na aking nilakaran na kasama ang buong Israel, ako ba'y nagsalita ng isang salita sa sinoman sa mga hukom ng Israel, na siyang aking inutusang maging pastor sa aking bayan, na nagsasabi, Bakit hindi ninyo ako ipinagtayo ng bahay na sedro? 013 1CH 017 007 Ngayon nga'y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kita'y kinuha sa pasabsaban, sa pagsunod sa mga tupa upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayang Israel: 013 1CH 017 008 At ako'y sumaiyo saan ka man naparoon, at aking inihiwalay ang lahat na iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang pangalan, na gaya ng pangalan ng mga dakila na nangasa lupa. 013 1CH 017 009 At aking ipagtataan ng isang dako ang aking bayang Israel, at itatatag sila, upang sila'y mangakatahan sa kanilang sariling dako, at huwag nang mabago pa; ni sisirain pa man sila ng mga anak ng kasamaan, na gaya ng una, 013 1CH 017 010 At gaya ng araw na maghalal ako ng mga hukom upang malagay sa aking bayang Israel; at aking pasusukuin ang lahat mong mga kaaway. Bukod dito'y isinaysay ko sa iyo na ipagtatayo ka ng Panginoon ng isang bahay. 013 1CH 017 011 At mangyayari, pagka ang iyong mga araw ay nalubos na ikaw ay marapat yumaon na makasama ng iyong mga magulang, na aking patatatagin ang iyong binhi pagkamatay mo, na magiging sa iyong mga anak; at aking itatatag ang kaniyang kaharian. 013 1CH 017 012 Kaniyang ipagtatayo ako ng isang bahay, at aking itatatag ang kaniyang luklukan magpakailan man. 013 1CH 017 013 Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: at hindi ko na aalisin ang aking kaawaan sa kaniya, gaya ng aking pagkakuha roon sa nauna sa iyo: 013 1CH 017 014 Kundi siya'y aking ilalagay sa aking bahay at sa aking kaharian magpakailan man: at ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man. 013 1CH 017 015 Ayon sa lahat na salitang ito, at ayon sa buong pangitaing ito, ay gayon sinalita ni Nathan kay David. 013 1CH 017 016 Nang magkagayo'y yumaon ang haring David at naupo sa harap ng Panginoon; at kaniyang sinabi, Sino ako, Oh Panginoong Dios, at ano ang aking bahay na ako'y dinala mo sa ganyang kalayo? 013 1CH 017 017 At ito'y munting bagay sa harap ng iyong mga mata, Oh Dios; nguni't iyong sinalita tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod ang hanggang sa malaong panahong darating, at ako'y iyong nilingap na ayon sa kalagayan ng isang tao na may mataas na kalagayan, Oh Panginoong Dios. 013 1CH 017 018 Ano pa ang masasabi ni David sa iyo, tungkol sa karangalang ginawa sa iyong lingkod? sapagka't iyong kilala ang iyong lingkod. 013 1CH 017 019 Oh Panginoon, dahil sa iyong lingkod, at ayon sa iyong sariling puso, ay iyong ginawa ang buong kadakilaang ito, upang ipakilala ang lahat na dakilang bagay na ito. 013 1CH 017 020 Oh Panginoon, walang gaya mo, ni mayroon mang sinomang Dios liban sa iyo, ayon sa lahat naming narinig ng aming mga pakinig. 013 1CH 017 021 At anong bansa sa lupa ang gaya ng iyong bayang Israel, na tinubos ng Dios upang maging kaniyang sariling bayan, upang gawin kang pangalan sa pamamagitan ng malaki at kakilakilabot na mga bagay, sa pagpapalayas ng mga bansa sa harap ng iyong bayan, na iyong tinubos sa Egipto? 013 1CH 017 022 Sapagka't ang iyong bayang Israel ay iyong ginawang iyong sariling bayan magpakailan man; at ikaw, Panginoon, ay naging kanilang Dios. 013 1CH 017 023 At ngayon, Oh Panginoon, matatag nawa ang salita na iyong sinalita tungkol sa iyong lingkod, at tungkol sa kaniyang sangbahayan magpakailan man, at gawin mo nawa na gaya ng iyong sinalita. 013 1CH 017 024 At ang iyong pangalan ay mamalagi nawa, at dakilain magpakailan man, na sabihin, Ang Panginoon ng mga hukbo ay Dios ng Israel, sa makatuwid baga'y Dios sa Israel: at ang sangbahayan ni David na iyong lingkod ay natatag sa harap mo. 013 1CH 017 025 Sapagka't ikaw, Oh aking Dios, napakilala sa iyong lingkod na iyong ipagtatayo siya ng bahay: kaya't pinangahasan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na dumalangin sa harap mo. 013 1CH 017 026 At ngayon, Oh Panginoon, ikaw ang Dios, at iyong ipinangako ang dakilang bagay na ito sa iyong lingkod: 013 1CH 017 027 At ngayo'y kinalugdan mong pagpalain ang sangbahayan ng iyong lingkod, upang mamalagi magpakailan man sa harap mo: sapagka't iyong pinagpala, Oh Panginoon, at yao'y magiging mapalad magpakailan man. 013 1CH 018 001 At pagkatapos nito'y nangyari na sinaktan ni David ang mga Filisteo, at pinasuko sila, at sinakop ang Gath, at ang mga nayon niyaon sa kamay ng mga Filisteo. 013 1CH 018 002 At sinaktan niya ang Moab; at ang mga Moabita ay naging alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob. 013 1CH 018 003 At sinaktan ni David sa Hamath si Adarezer na hari sa Soba samantalang kaniyang itinatatag ang kaniyang kapangyarihan sa tabi ng ilog Eufrates. 013 1CH 018 004 At kumuha si David sa kaniya ng isang libong karo, at pitong libong mangangabayo, at dalawangpung libong naglalakad: at pinilayan ni David ang lahat ng mga kabayo ng mga karo, nguni't nagtira sa mga yaon ng sa isang daang karo. 013 1CH 018 005 At nang ang mga taga Siria sa Damasco ay magsiparoon upang magsisaklolo kay Adarezer na hari sa Soba, sumakit si David sa mga taga Siria ng dalawangpu't dalawang libong lalake. 013 1CH 018 006 Nang magkagayo'y naglagay si David ng mga pulutong sa Siria ng Damasco; at ang mga taga Siria ay naging mga alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob. At binigyan ng Panginoon ng pagtatagumpay si David saan man siya naparoon. 013 1CH 018 007 At kinuha ni David ang mga kalasag na ginto, na nangasa mga lingkod ni Adarezer, at pinagdadala sa Jerusalem. 013 1CH 018 008 At mula sa Thibath at mula sa Chun, na mga bayan ni Adarezer; ay kumuha si David ng totoong maraming tanso, na siyang ginawa ni Salomon na dagatdagatan na tanso, at mga haligi, at mga kasangkapang tanso. 013 1CH 018 009 At nang mabalitaan ni Tou na hari sa Hamath na sinaktan ni David ang buong hukbo ni Adarezer na hari sa Soba, 013 1CH 018 010 Kaniyang sinugo si Adoram na kaniyang anak sa haring David, upang bumati sa kaniya, at purihin siya, sapagka't siya'y lumaban kay Adarezer at sinaktan niya siya (sapagka't si Adarezer ay may mga pakikipagdigma kay Tou); at siya'y nagdala ng lahat na sarisaring kasangkapang ginto, at pilak, at tanso. 013 1CH 018 011 Ang mga ito naman ay itinalaga ng haring David sa Panginoon, pati ng pilak at ginto na kaniyang kinuha sa lahat na bansa; na mula sa Edom, at mula sa Moab, at mula sa mga anak ni Ammon, at mula sa mga Filisteo, at mula sa Amalec. 013 1CH 018 012 Bukod dito'y si Abisai na anak ni Sarvia ay sumakit sa mga Idumeo sa Libis ng Asin, ng labingwalong libo. 013 1CH 018 013 At naglagay siya ng mga pulutong sa Edom; at lahat ng mga Idumeo ay naging mga alipin ni David. At binigyan ng pagtatagumpay ng Panginoon si David saan man siya naparoon. 013 1CH 018 014 At si David ay naghari sa buong Israel; at siya'y gumawa ng kahatulan at ng katuwiran sa buong bayan niya. 013 1CH 018 015 At si Joab na anak ni Sarvia ay nasa pamamahala sa hukbo; at si Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni. 013 1CH 018 016 At si Sadoc na anak ni Achitob, at si Abimelec na anak ni Abiathar, ay mga saserdote; at si Sausa ay kalihim; 013 1CH 018 017 At si Benaias na anak ni Joiada ay nasa pamamahala sa mga Ceretheo at sa mga Peletheo; at ang mga anak ni David ay mga pinuno sa siping ng hari. 013 1CH 019 001 At nangyari, pagkatapos nito, na si Naas na hari ng mga anak ni Ammon ay namatay, at ang kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 013 1CH 019 002 At sinabi ni David, Ako'y magpapakita ng kagandahang loob kay Hanan na anak ni Naas, sapagka't ang kaniyang ama ay nagpakita ng kagandahang loob sa akin. Sa gayo'y nagsugo si David ng mga sugo upang aliwin siya tungkol sa kaniyang ama. At ang mga lingkod ni David ay naparoon sa lupain ng mga anak ni Ammon kay Hanan, upang aliwin siya. 013 1CH 019 003 Nguni't sinabi ng mga prinsipe ng mga anak ni Ammon kay Hanan: Inaakala mo bang pinararangalan ni David ang iyong ama, na siya'y nagsugo ng mga mangaaliw sa iyo? hindi ba ang kaniyang mga lingkod ay nagsiparito sa iyo upang kilalanin, at upang gibain, at upang tiktikan ang lupain? 013 1CH 019 004 Sa gayo'y sinunggaban ni Hanan ang mga lingkod ni David, at inahitan, at pinutol ang kanilang mga suot sa gitna hanggang sa kanilang pigi, at sila'y pinayaon. 013 1CH 019 005 Nang magkagayo'y may nagsiparoong ilan at nagsipagsaysay kay David kung paanong dinuwahagi ang mga lalake. At kaniyang sinugong salubungin sila; sapagka't ang mga lalake ay nangapahiyang mainam. At sinabi ng hari, Kayo'y magsipaghintay sa Jerico hanggang sa ang inyong balbas ay tumubo, at kung magkagayo'y magsibalik kayo. 013 1CH 019 006 At nang makita ng mga anak ni Ammon na sila'y naging nakapopoot kay David, si Hanan at ang mga anak ni Ammon ay nagpadala ng isang libong talentong pilak, upang mangupahan sila ng mga karo at mga mangangabayo na mula sa Mesopotamia, at mula sa Aram-maacha, at mula sa Soba. 013 1CH 019 007 Sa gayo'y nangupahan sila ng tatlongpu't dalawang libong karo, at sa hari sa Maacha at sa kaniyang bayan; na siyang pumaroon at humantong sa harap ng Medeba. At ang mga anak ni Ammon ay nagpipisan mula sa kanilang mga bayan, at nagsiparoon upang makipagbaka. 013 1CH 019 008 At nang mabalitaan ni David, ay kaniyang sinugo si Joab at ang buong hukbo ng makapangyarihang mga lalake. 013 1CH 019 009 At ang mga anak ni Ammon, ay nagsilabas, at nagsihanay ng pakikipagbaka sa pintuan ng bayan: at ang mga hari na nagsiparoon ay nangagisa sa parang. 013 1CH 019 010 Nang makita nga ni Joab na ang pagbabaka ay nahahanay laban sa kaniya sa harapan at sa likuran, pinili niya yaong mga piling lalake ng Israel, at inihanay laban sa mga taga Siria. 013 1CH 019 011 At ang nalabi sa bayan ay kaniyang ipinamahala sa kapangyarihan ng kaniyang kapatid na si Abisai, at sila'y nagsihanay laban sa mga anak ni Ammon. 013 1CH 019 012 At sinabi niya, Kung ang mga taga Siria ay manaig sa akin, iyo ngang tutulungan ako: nguni't kung ang mga anak ni Ammon ay manaig sa iyo, akin ngang tutulungan ka. 013 1CH 019 013 Magpakatapang kang mabuti, at tayo'y magpakalalake para sa ating bayan, at sa mga bayan ng ating Dios: at gawin ng Panginoon ang inaakala niyang mabuti. 013 1CH 019 014 Sa gayo'y si Joab at ang bayan na nasa kaniya ay nagsilapit sa harap ng mga taga Siria sa pakikipagbaka; at sila'y nagsitakas sa harap niya. 013 1CH 019 015 At nang makita ng mga anak ni Ammon na ang mga taga Siria ay nagsitakas, sila ma'y nagsitakas sa harap ni Abisai na kaniyang kapatid, at nagsipasok sa bayan. Nang magkagayo'y si Joab ay naparoon sa Jerusalem. 013 1CH 019 016 At nang makita ng mga taga Siria na sila'y nalagay sa kasamaan sa harap ng Israel, sila'y nagsipagsugo ng mga sugo, at dinala ang mga taga Siria na nandoon sa dako roon ng Ilog, na kasama ni Sophach na punong kawal ng hukbo ni Adarezer sa kanilang unahan. 013 1CH 019 017 At nasaysay kay David; at kaniyang pinisan ang buong Israel, at tumawid sa Jordan, at naparoon sa kanila, at humanay laban sa kanila. Sa gayo'y nang humanay sa pakikipagbaka si David laban sa mga taga Siria, sila'y nangakipaglaban sa kaniya. 013 1CH 019 018 At ang mga taga Siria ay nagsitakas sa harap ng Israel; at si David ay pumatay sa mga taga Siria ng mga tao sa pitong libong karo, at apat na pung libong naglalakad, at pinatay si Sophach na pinunong kawal ng hukbo. 013 1CH 019 019 At nang makita ng mga lingkod ni Adarezer na sila'y nangalagay sa kasamaan sa harap ng Israel, sila'y nakipagpayapaan kay David, at nangaglingkod sa kaniya: ni hindi na tumulong pa ang mga taga Siria sa mga anak ni Ammon. 013 1CH 020 001 At nangyari sa panahon ng pagpihit ng taon, sa panahong ang mga hari ay nagsisilabas sa pakikipagbaka, na pinatnubayan ni Joab ang hukbo, at sinira ang lupain ng mga anak ni Ammon, at naparoon at kinubkob ang Rabba. Nguni't si David ay naghintay sa Jerusalem. At sinaktan ni Joab ang Rabba, at sinira. 013 1CH 020 002 At kinuha ni David ang putong ng kanilang hari sa ibabaw ng kaniyang ulo, at nasumpungang may timbang na isang talentong ginto, at may mga mahalagang bato roon: at naputong sa ulo ni David: at kaniyang inilabas ang samsam sa bayan, na totoong marami. 013 1CH 020 003 At kaniyang inilabas ang bayan na nandoon, at pinutol sila ng mga lagari, at ng mga suyod na bakal, at ng mga palakol. At ganito ang ginawa ni David sa lahat ng mga bayan ng mga anak ni Ammon. At si David at ang buong bayan ay bumalik sa Jerusalem. 013 1CH 020 004 At nangyari, pagkatapos nito, na nagkaroon ng pagdidigma sa Gezer laban sa mga Filisteo: nang magkagayo'y pinatay ni Sibbecai na Husathita si Sippai, sa mga anak ng mga higante; at sila'y sumuko. 013 1CH 020 005 At nagkaroon uli ng pakikipagdigma laban sa mga Filisteo; at pinatay ni Elhanan na anak ni Jair si Lahmi na kapatid ni Goliath na Getheo, na ang puluhan ng sibat niya ay gaya ng panghabi ng manghahabi. 013 1CH 020 006 At nagkaroon uli ng pagdidigma sa Gath, na doo'y may isang lalaking may malaking bulas, na ang mga daliri ng kamay at paa ay dalawangpu't apat, anim sa bawa't kamay at anim sa bawa't paa; at siya rin nama'y ipinanganak sa higante. 013 1CH 020 007 At nang kaniyang hamunin ang Israel, pinatay siya ni Jonathan na anak ni Sima na kapatid ni David. 013 1CH 020 008 Ang mga ito ang ipinanganak sa higante sa Gath, at sila'y nangabuwal sa pamamagitan ng kamay ni David, at sa pamamagitan ng kamay ng mga lingkod niya. 013 1CH 021 001 At si Satan ay tumayo laban sa Israel, at kinilos si David na bilangin ang Israel. 013 1CH 021 002 At sinabi ni David kay Joab, at sa mga prinsipe ng bayan, Kayo'y magsiyaon, bilangin ninyo ang Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan; at dalhan ninyo ako ng salita; upang aking maalaman ang bilang nila. 013 1CH 021 003 At sinabi ni Joab, Gawin nawa ng Panginoon ang kaniyang bayan na makasandaang higit sa dami nila; nguni't, panginoon ko na hari, di ba silang lahat ay mga lingkod ng aking panginoon? bakit kinakailangan ng panginoon ko ang bagay na ito? bakit siya'y magiging sanhi ng ipagkakasala ng Israel? 013 1CH 021 004 Gayon ma'y ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab. Kaya't si Joab ay yumaon, at naparoon sa buong Israel, at dumating sa Jerusalem. 013 1CH 021 005 At ibinigay ni Joab ang kabuuan ng bilang ng bayan kay David. At silang lahat na taga Israel ay labing isang daan libo na nagsisihawak ng tabak: at ang Juda ay apat na raan at pitongpung libong lalake na nagsisihawak ng tabak. 013 1CH 021 006 Nguni't ang Levi at ang Benjamin ay hindi binilang; sapagka't ang pananalita ng hari ay kahalayhalay kay Joab. 013 1CH 021 007 At sumama ang loob ng Dios sa bagay na ito; kaya't kaniyang sinaktan ang Israel. 013 1CH 021 008 At sinabi ni David sa Dios, Ako'y nagkasala ng mabigat sa aking paggawa ng bagay na ito: nguni't ngayo'y alisin mo, ipinamamanhik ko sa iyo, ang kasamaan ng iyong lingkod, sapagka't aking ginawang may lubhang kamangmangan. 013 1CH 021 009 At ang Panginoon ay nagsalita kay Gad na tagakita ni David, na sinasabi, 013 1CH 021 010 Yumaon ka at magsalita kay David na sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Pinagpapalagayan kita ng tatlong bagay; pumili ka ng isa sa mga iyan, upang aking magawa sa iyo. 013 1CH 021 011 Sa gayo'y naparoon si Gad kay David, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Piliin mo ang iniibig mo: 013 1CH 021 012 Tatlong taong kagutom; o tatlong buwan na pagkalipol sa harap ng iyong mga kaaway, samantalang ang tabak ng iyong mga kaaway ay umabot sa iyo; o kung dili ay tatlong araw na ang tabak ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang salot sa lupain, at ang anghel ng Panginoon ay mangwawasak sa lahat na hangganan ng Israel. Ngayon nga'y akalain mo kung anong sagot ang ibabalik ko sa kaniya na nagsugo sa akin. 013 1CH 021 013 At sinabi ni David kay Gad, Ako'y totoong nasa kagipitan: ipinamamanhik ko na ihulog mo ako ngayon sa kamay ng Panginoon; sapagka't totoong malaki ang kaniyang kaawaan; at huwag akong mahulog sa kamay ng tao. 013 1CH 021 014 Sa gayo'y nagsugo ang Panginoon ng salot sa Israel: at nabuwal sa Israel ay pitongpung libong lalake. 013 1CH 021 015 At ang Dios ay nagsugo ng isang anghel sa Jerusalem, upang gibain; at nang kaniyang lilipulin, ang Panginoo'y tumingin, at nagsisi siya tungkol sa kasamaan, at sinabi sa manglilipol na anghel, Siya na, ngayo'y itigil mo ang iyong kamay. At ang anghel ng Panginoon ay tumayo sa tabi ng giikan ni Ornan na Jebuseo. 013 1CH 021 016 At itinanaw ni David ang kaniyang mga mata, at nakita ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa pagitan ng lupa at ng langit, na may hawak na tabak sa kaniyang kamay na nakaunat sa Jerusalem. Nang magkagayo'y si David at ang mga matanda, na nangakapanamit ng kayong magaspang ay nangagpatirapa. 013 1CH 021 017 At sinabi ni David sa Dios, Hindi ba ako ang nagpabilang sa bayan? sa makatuwid baga'y ako yaong nagkasala at gumawa ng totoong kasamaan; nguni't ang mga tupang ito, ano ang kanilang ginawa? Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon kong Dios, na ang iyong kamay ay maging laban sa akin, at laban sa sangbahayan ng aking ama; nguni't huwag laban sa iyong bayan, na sila'y masasalot. 013 1CH 021 018 Nang magkagayo'y inutusan ng anghel ng Panginoon si Gad upang sabihin kay David na siya'y sumampa, at magtayo ng isang dambana sa Panginoon sa giikan ni Ornan na Jebuseo. 013 1CH 021 019 At si David ay sumampa sa sabi ni Gad na kaniyang sinalita sa pangalan ng Panginoon. 013 1CH 021 020 At si Ornan ay bumalik at nakita ang anghel; at ang kaniyang apat na anak na kasama niya ay nagsipagkubli. Si Ornan nga ay gumigiik ng trigo. 013 1CH 021 021 At samantalang si David ay naparoroon kay Ornan, si Ornan ay tumanaw at nakita si David, at lumabas sa giikan, at iniyukod kay David ang kaniyang mukha sa lupa. 013 1CH 021 022 Nang magkagayo'y sinabi ni David kay Ornan, Ibigay mo sa akin ang dako ng giikang ito, upang aking mapagtayuan ng isang dambana sa Panginoon: sa buong halaga ay ibibigay mo sa akin: upang ang salot ay tumigil sa bayan. 013 1CH 021 023 At sinabi ni Ornan kay David, Kunin mo, at gawin ng panginoon kong hari ang mabuti sa harap ng kaniyang mga mata: narito, aking ibinibigay sa iyo ang mga baka na mga pinakahandog na susunugin, at ang mga kasangkapan ng giikan na pinaka kahoy, at ang trigo na pinakahandog na harina; aking ibinibigay sa lahat. 013 1CH 021 024 At sinabi ng haring David kay Ornan, Huwag; kundi katotohanang aking bibilhin ng buong halaga: sapagka't hindi ko kukunin ang iyo para sa Panginoon, o maghahandog man ng handog na susunugin na walang bayad. 013 1CH 021 025 Sa gayo'y ibinigay ni David kay Ornan dahil sa dakong yaon ang anim na raang siklong ginto na pinakatimbang. 013 1CH 021 026 At ipinagtayo roon ni David ng isang dambana ang Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at tumawag sa Panginoon; at sinagot niya siya mula sa langit sa pamamagitan ng apoy sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin. 013 1CH 021 027 At inutusan ng Panginoon ang anghel; at kaniyang isinuksok sa kaluban ang kaniyang tabak. 013 1CH 021 028 Nang panahong yaon, nang makita ni David na sinagot siya ng Panginoon sa giikan ni Ornan na Jebuseo, siya nga'y naghain doon. 013 1CH 021 029 Sapagka't ang tabernakulo ng Panginoon na ginawa ni Moises sa ilang at ang dambana ng handog na susunugin, ay nasa mataas na dako nang panahong yaon sa Gabaon. 013 1CH 021 030 Nguni't si David ay hindi makaparoon sa harap niyaon upang magusisa sa Dios: sapagka't siya'y natakot dahil sa tabak ng anghel ng Panginoon. 013 1CH 022 001 Nang magkagayo'y sinabi ni David, Ito ang bahay ng Panginoong Dios, at ito ang dambana ng handog na susunugin para sa Israel. 013 1CH 022 002 At iniutos ni David na pisanin ang mga taga ibang bayan na nasa lupain ng Israel; at siya'y naglagay ng mga kantero upang magsitabas ng mga yaring bato, upang itayo ang bahay ng Dios. 013 1CH 022 003 At si David ay naghanda ng bakal na sagana na mga pinaka pako sa mga pinto ng mga pintuang-daan, at sa mga sugpong; at tanso na sagana na walang timbang; 013 1CH 022 004 At mga puno ng sedro na walang bilang; sapagka't ang mga Sidonio at ang mga taga Tiro ay nangagdala kay David ng mga puno ng sedro na sagana. 013 1CH 022 005 At sinabi ni David, Si Salomong aking anak ay bata at mura, at ang bahay na matatayo na laan sa Panginoon ay marapat na totoong mainam, na bantog at maluwalhati sa lahat na lupain: akin ngang ipaghahanda. Sa gayo'y naghanda si David ng sagana bago sumapit ang kaniyang kamatayan. 013 1CH 022 006 Nang magkagayo'y ipinatawag niya si Salomon na kaniyang anak, at binilinan niyang magtayo ng isang bahay na laan sa Panginoon, sa Dios ng Israel. 013 1CH 022 007 At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak, Tungkol sa akin, na sa aking kalooban ang magtayo ng isang bahay sa pangalan ng Panginoon kong Dios. 013 1CH 022 008 Nguni't ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, Ikaw ay nagbubo ng dugo na sagana, at gumawa ng malaking pagdidigma: huwag mong ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, sapagka't ikaw ay nagbubo ng maraming dugo sa lupa sa aking paningin: 013 1CH 022 009 Narito, isang lalake ay ipanganganak sa iyo, na siyang magiging lalaking mapayapa; at bibigyan ko siya ng kapahingahan sa lahat ng kaniyang mga kaaway sa palibot: sapagka't ang kaniyang magiging pangalan ay Salomon, at bibigyan ko ng kapayapaan at katahimikan ang Israel sa kaniyang mga kaarawan: 013 1CH 022 010 Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan; at siya'y magiging aking anak, at ako'y magiging kaniyang ama; at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man. 013 1CH 022 011 Ngayon, anak ko, ang Panginoon ay sumaiyo; at guminhawa ka, at iyong itayo ang bahay ng Panginoon mong Dios, gaya ng kaniyang sinalita tungkol sa iyo. 013 1CH 022 012 Pagkalooban ka lamang ng Panginoon ng pagmumunimuni, at pagkakilala, at bigyan ka niya ng bilin tungkol sa Israel; na anopa't iyong maingatan ang kautusan ng Panginoon mong Dios. 013 1CH 022 013 Kung magkagayo'y giginhawa ka, kung isasagawa mo ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan na ibinilin ng Panginoon kay Moises tungkol sa Israel: ikaw ay magpakalakas at magpakatapang; huwag kang matakot o manglupaypay man. 013 1CH 022 014 Ngayon, narito, sa aking karalitaan ay ipinaghanda ko ang bahay ng Panginoon ng isang daang libong talentong ginto, at isang libong libong talentong pilak; at ng tanso at bakal na walang timbang; dahil sa kasaganaan: gayon din ng kahoy at bato ay naghanda ako; at iyong madadagdagan. 013 1CH 022 015 Bukod dito'y may kasama kang mga manggagawa na sagana, mga mananabas ng bato at manggagawa sa bato at sa kahoy, at lahat ng mga tao na bihasa sa anoman gawain; 013 1CH 022 016 Sa ginto, sa pilak, at sa tanso, at sa bakal, walang bilang. Ikaw ay bumangon at iyong gawin, at ang Panginoon ay sumaiyo. 013 1CH 022 017 Iniutos naman ni David sa lahat na prinsipe ng Israel na tulungan si Salomon na kaniyang anak, na sinasabi, 013 1CH 022 018 Hindi ba ang Panginoon ninyong Dios ay sumasainyo? at hindi ba binigyan niya kayo ng kapahingahan sa lahat na dako? sapagka't kaniyang ibinigay ang mga nananahan sa lupain sa aking kamay; at ang lupain ay suko sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang bayan. 013 1CH 022 019 Ngayo'y inyong ilagak ang inyong puso at ang inyong kaluluwa upang hanaping sundin ang Panginoon ninyong Dios; kayo'y bumangon nga, at itayo ninyo ang santuario ng Panginoong Dios, upang dalhin ang kaban ng tipan ng Panginoon, at ang mga banal na kasangkapan ng Dios, sa loob ng bahay na itatayo sa pangalan ng Panginoon. 013 1CH 023 001 Si David nga ay matanda na at puspos ng mga araw: at ginawa niyang hari si Salomon na kaniyang anak sa Israel. 013 1CH 023 002 At pinisan niya ang lahat na prinsipe ng Israel, pati ang mga saserdote at ng mga Levita. 013 1CH 023 003 At ang mga Levita ay binilang mula sa tatlongpung taon na patanda: at ang kanilang bilang, ayon sa kanilang mga ulo, lalake't lalake, ay tatlongpu't walong libo. 013 1CH 023 004 Sa mga ito, dalawangpu't apat na libo ang nagsisitingin ng gawa sa bahay ng Panginoon; at anim na libo ay mga pinuno at mga hukom: 013 1CH 023 005 At apat na libo ay tagatanod-pinto: at apat na libo ay mangaawit sa Panginoon na may mga panugtog na aking ginawa, sabi ni David, upang ipangpuri. 013 1CH 023 006 At hinati sila ni David sa mga hanay ayon sa mga anak ni Levi; si Gerson, si Coath, at si Merari. 013 1CH 023 007 Sa mga Gersonita: si Ladan, at si Simi. 013 1CH 023 008 Ang mga anak ni Ladan: si Jehiel na pinuno, at si Zetham, at si Joel, tatlo. 013 1CH 023 009 Ang mga anak ni Simi: si Selomith, at si Haziel, at si Aran, tatlo. Ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ni Ladan. 013 1CH 023 010 At ang mga anak ni Simi: si Jahath, si Zinat, at si Jeus, at si Berias. Ang apat na ito ang mga anak ni Simi. 013 1CH 023 011 At si Jahath ay siyang pinuno, at si Zinat ang ikalawa: nguni't si Jeus at si Berias ay hindi nagkaroon ng maraming anak; kaya't sila'y naging isang sangbahayan ng mga magulang sa isang bilang. 013 1CH 023 012 Ang mga anak ni Coath: si Amram, si Ishar, si Hebron, at si Uzziel, apat. 013 1CH 023 013 Ang mga anak ni Amram: si Aaron at si Moises: at si Aaron ay nahiwalay, upang kaniyang ariing banal ang mga kabanalbanalang bagay, niya at ng kaniyang mga anak magpakailan man, upang magsunog ng kamangyan sa harap ng Panginoon, upang mangasiwa sa kaniya, at upang bumasbas sa pamamagitan ng kaniyang pangalan, magpakailan man. 013 1CH 023 014 Nguni't tungkol kay Moises na lalake ng Dios, ang kaniyang mga anak ay ibinilang na lipi ni Levi. 013 1CH 023 015 Ang mga anak ni Moises: si Gerson at si Eliezer. 013 1CH 023 016 Ang mga anak ni Gerson: si Sebuel na pinuno. 013 1CH 023 017 At ang mga anak ni Eliezer: si Rehabia na pinuno. At si Eliezer ay hindi nagkaroon ng ibang mga anak; nguni't ang mga anak ni Rehabia ay totoong marami. 013 1CH 023 018 Ang mga anak ni Ishar: si Selomith na pinuno. 013 1CH 023 019 Ang mga anak ni Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, at si Jecaman ang ikaapat. 013 1CH 023 020 Ang mga anak ni Uzziel: si Micha ang pinuno, at si Isia ang ikalawa. 013 1CH 023 021 Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi. Ang mga anak ni Mahali: si Eleazar at si Cis. 013 1CH 023 022 At si Eleazar ay namatay, at hindi nagkaanak ng lalake, kundi mga babae lamang: at nangagasawa sa kanila ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Cis. 013 1CH 023 023 Ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth, tatlo. 013 1CH 023 024 Ang mga ito ang mga anak ni Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa makatuwid baga'y mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang doon sa mga nabilang, sa bilang ng mga pangalan, ayon sa kanilang mga ulo, na nagsigawa ng gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, mula sa dalawangpung taong gulang na patanda. 013 1CH 023 025 Sapagka't sinabi ni David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayan; at siya'y tumatahan sa Jerusalem magpakailan man: 013 1CH 023 026 At ang mga Levita naman ay hindi na magkakailangan pang pasanin ang tabernakulo at ang lahat na kasangkapan niyaon sa paglilingkod doon. 013 1CH 023 027 Sapagka't ayon sa mga huling salita ni David ay nabilang ang mga anak ni Levi, mula sa dalawangpung taong gulang na patanda. 013 1CH 023 028 Sapagka't ang kanilang katungkulan ay tumulong sa mga anak ni Aaron sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, sa mga looban, at sa mga silid, at sa paglilinis ng lahat na banal na bagay, sa gawain na paglilingkod sa bahay ng Dios; 013 1CH 023 029 Gayon din sa tinapay na handog, at sa mainam na harina na pinakahandog na harina, maging sa mga manipis na tinapay na walang lebadura, at doon sa niluto sa kawali, at doon sa pinirito; at sa lahat na sarisaring takalan at panakal; 013 1CH 023 030 At upang tumayo tuwing umaga na pasalamat at pumuri sa Panginoon, at gayon din naman sa hapon; 013 1CH 023 031 At upang maghandog ng lahat na handog sa Panginoon na susunugin sa mga sabbath, sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan, sa bilang alinsunod sa utos tungkol sa kanila, na palagi sa harap ng Panginoon: 013 1CH 023 032 At sila ang magsisipagingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, at ng katungkulan sa banal na dako, at ng katungkulan ng mga anak ni Aaron na kanilang mga kapatid, sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon. 013 1CH 024 001 At ang pagkabahagi ng mga anak ni Aaron ay ito. Ang mga anak ni Aaron; si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar. 013 1CH 024 002 Nguni't si Nadab at si Abiu ay namatay na una sa kanilang ama, at hindi nangagkaanak: kaya't si Eleazar at si Ithamar ang nagsigawa ng katungkulang pagkasaserdote. 013 1CH 024 003 At si David na kasama ni Sadoc sa mga anak ni Eleazar, at si Ahimelech sa mga anak ni Ithamar, ay siyang bumahagi sa kanila ayon sa kanilang paglilingkod. 013 1CH 024 004 At may higit na mga pinuno na nasumpungan sa mga anak ni Eleazar kay sa mga anak ni Ithamar: at ganito nila binahagi: sa mga anak ni Eleazar ay may labing anim, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang; at sa mga anak ni Ithamar, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, walo. 013 1CH 024 005 Ganito nila binahagi sa pamamagitan ng sapalaran, ng isa't isa sa kanila; sapagka't may mga prinsipe sa santuario, at mga prinsipe ng Dios, sa mga anak ni Eleazar, at gayon din sa mga anak ni Ithamar. 013 1CH 024 006 At si Semeias na anak ni Nathanael na kalihim, na sa mga Levita ay isinulat sila sa harapan ng hari, at ng mga prinsipe, at si Sadoc na saserdote, at ni Ahimelech na anak ni Abiathar, at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote, at ng mga Levita: isang sangbahayan ng mga magulang ay kinuha para sa kay Eleazar, at isa'y kinuha para sa kay Ithamar. 013 1CH 024 007 Ang una ngang kapalaran ay lumabas kay Joiarib, ang ikalawa'y kay Jedaia; 013 1CH 024 008 Ang ikatlo ay kay Harim, ang ikaapat ay kay Seorim; 013 1CH 024 009 Ang ikalima ay kay Malchias, ang ikaanim ay kay Miamim; 013 1CH 024 010 Ang ikapito ay kay Cos, ang ikawalo ay kay Abias; 013 1CH 024 011 Ang ikasiyam ay kay Jesua, ang ikasangpu ay kay Sechania; 013 1CH 024 012 Ang ikalabing isa ay kay Eliasib, ang ikalabing dalawa ay kay Jacim; 013 1CH 024 013 Ang ikalabing tatlo ay kay Uppa, ang ikalabing apat ay kay Isebeab; 013 1CH 024 014 Ang ikalabing lima ay kay Bilga, ang ikalabing anim ay kay Immer; 013 1CH 024 015 Ang ikalabing pito ay kay Hezir, ang ikalabing walo ay kay Aphses; 013 1CH 024 016 Ang ikalabing siyam ay kay Pethaia, ang ikadalawangpu ay kay Hezeciel; 013 1CH 024 017 Ang ikadalawangpu't isa ay kay Jachin, ang ikadalawangpu't dalawa ay kay Hamul; 013 1CH 024 018 Ang ikadalawangpu't tatlo ay kay Delaia, ang ikadalawangpu't apat ay kay Maazia. 013 1CH 024 019 Ito ang ayos nila sa kanilang paglilingkod, upang pumasok sa bahay ng Panginoon ayon sa alituntunin na ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng kamay ni Aaron na kanilang magulang, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ng Dios ng Israel. 013 1CH 024 020 At sa nalabi sa mga anak ni Levi: sa mga anak ni Amram: si Subael; sa mga anak ni Subael, si Jehedias. 013 1CH 024 021 Kay Rehabia: sa mga anak ni Rehabia, si Isias ang pinuno. 013 1CH 024 022 Sa mga Isharita, si Selomoth; sa mga anak ni Selomoth, si Jath. 013 1CH 024 023 At sa mga anak ni Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, si Jecaman ang ikaapat. 013 1CH 024 024 Ang mga anak ni Uzziel; si Micha; sa mga anak ni Micha, si Samir. 013 1CH 024 025 Ang kapatid ni Micha, si Isia; sa mga anak ni Isia, si Zacharias. 013 1CH 024 026 Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi: ang mga anak ni Jaazia: si Benno. 013 1CH 024 027 Ang mga anak ni Merari: kay Jaazia, si Benno, at si Soam, at si Zachur, at si Ibri. 013 1CH 024 028 Kay Mahali: si Eleazar, na hindi nagkaanak. 013 1CH 024 029 Kay Cis: ang mga anak ni Cis, si Jerameel. 013 1CH 024 030 At ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth. Ang mga ito ang mga anak ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 013 1CH 024 031 Ang mga ito nama'y nagsapalaran din na gaya ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Aaron, sa harap ni David na hari, at ni Sadoc, at ni Ahimelech at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote at ng mga Levita: ang mga sangbahayan ng mga magulang ng pinuno, gaya ng kaniyang batang kapatid. 013 1CH 025 001 Bukod dito'y si David at ang mga punong kawal ng hukbo ay nagsipaghiwalay sa paglilingkod ng ilan sa mga anak ni Asaph, at ni Heman, at ni Jeduthun; na magsisipuri na may mga alpa, at mga salterio, at may mga simbalo: at ang bilang ng nagsigawa ng ayon sa kanilang paglilingkod. 013 1CH 025 002 Sa mga anak ni Asaph: si Zachur, at si Jose, at si Methanias, at si Asareela, na mga anak ni Asaph; sa ilalim ng kapangyarihan ni Asaph na siyang pumuri ayon sa utos ng hari. 013 1CH 025 003 Kay Jeduthun: ang mga anak ni Jeduthun; si Gedalias, at si Sesi, at si Jesaias, si Hasabias, at si Mathithias, anim; sa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang ama na si Jeduthun na may alpa, na siyang pumuri na may pagpapasalamat at pagpapaunlak sa Panginoon. 013 1CH 025 004 Kay Heman: ang mga anak ni Heman: si Buccia, at si Mathania, si Uzziel, si Sebuel, at si Jerimoth, si Hananias, si Hanani, si Eliatha, si Gidalthi, at si Romamti-ezer, si Josbecasa, si Mallothi, si Othir, si Mahazioth: 013 1CH 025 005 Lahat ng mga ito'y mga anak ni Haman na tagakita ng hari sa mga salita ng Dios, upang magtaas ng sungay. At ibinigay ng Dios kay Heman ay labing apat na anak na lalake at tatlong anak na babae. 013 1CH 025 006 Lahat ng mga ito'y nangasa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang ama sa pagawit sa bahay ng Panginoon, na may mga simbalo, mga salterio, at mga alpa, sa paglilingkod sa bahay ng Dios; sa ilalim ng kapangyarihan ng hari, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Jeduthun, at si Heman. 013 1CH 025 007 At ang bilang nila, pati ng kanilang mga kapatid na mga tinuruan sa pagawit sa Panginoon, lahat na bihasa ay dalawang daan at walongpu't walo. 013 1CH 025 008 At sila'y nagsapalaran sa ganang kanilang mga katungkulan, silang lahat na parapara, kung paano ang maliit ay gayon din ang malaki, ang guro na gaya ng mga alagad. 013 1CH 025 009 Ang una ngang kapalaran ay kay Asaph na nahulog kay Jose; ang ikalawa'y kay Gedalias; siya at ang kaniyang mga kapatid at mga anak ay labing dalawa: 013 1CH 025 010 Ang ikatlo ay kay Zachur, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 011 Ang ikaapat ay kay Isri, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 012 Ang ikalima ay kay Nethanias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 013 Ang ikaanim ay kay Buccia, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 014 Ang ikapito ay kay Jesarela, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 015 Ang ikawalo ay kay Jesahias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 016 Ang ikasiyam ay kay Mathanias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 017 Ang ikasangpu ay kay Simi, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 018 Ang ikalabing isa ay kay Azareel, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa. 013 1CH 025 019 Ang ikalabing dalawa ay kay Hasabias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa. 013 1CH 025 020 Ang ikalabing tatlo ay kay Subael, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 021 Ang ikalabing apat ay kay Mathithias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 022 Ang ikalabing lima ay kay Jerimoth, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 023 Ang ikalabing anim ay kay Hananias sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 024 Ang ikalabing pito ay kay Josbecasa, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 025 Ang ikalabing walo ay kay Hanani, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 026 Ang ikalabing siyam ay kay Mallothi, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 027 Ang ikadalawangpu ay kay Eliatha, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 028 Ang ikadalawangpu't isa ay kay Othir, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 029 Ang ikadalawangpu't dalawa'y kay Giddalthi, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 030 Ang ikadalawangpu't tatlo ay kay Mahazioth, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa: 013 1CH 025 031 Ang ikadalawangpu't apat ay kay Romamti-ezer, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa. 013 1CH 026 001 Sa pagka bahagi ng mga tagatanod-pinto: sa mga Coraita: si Meselemia na anak ni Core, sa mga anak ni Asaph. 013 1CH 026 002 At si Meselemia ay nagkaanak; si Zacharias ang panganay, si Jediael ang ikalawa, si Zebadias ang ikatlo, si Jatnael ang ikaapat; 013 1CH 026 003 Si Elam ang ikalima, si Johanam ang ikaanim, si Elioenai ang ikapito. 013 1CH 026 004 At si Obed-edom ay nagkaanak; si Semeias ang panganay, si Jozabad ang ikalawa, si Joab ang ikatlo, at si Sachar ang ikaapat, at si Nathanael ang ikalima; 013 1CH 026 005 Si Anmiel ang ikaanim, si Issachar ang ikapito, si Peullethai ang ikawalo; sapagka't pinagpala siya ng Dios. 013 1CH 026 006 Kay Semeias namang kaniyang anak ay nagkaanak ng mga lalake na nagsipagpuno sa sangbahayan ng kanilang magulang: sapagka't sila'y mga makapangyarihang lalaking matatapang. 013 1CH 026 007 Ang mga anak ni Semeias: si Othni, at si Raphael at si Obed, si Elzabad, na ang mga kapatid ay matatapang na lalake, si Eliu, at si Samachias. 013 1CH 026 008 Lahat ng mga ito'y sa mga anak ni Obed-edom: sila at ang kanilang mga anak at ang kanilang mga kapatid, mga bihasang lalake sa kalakasan ukol sa paglilingkod; anim na pu't dalawa kay Obed-edom. 013 1CH 026 009 At si Meselemia ay nagkaroon ng mga anak at mga kapatid na matatapang na lalake, labing walo. 013 1CH 026 010 Si Hosa naman sa mga anak ni Merari ay nagkaroon ng mga anak; si Simri ang pinuno (sapagka't bagaman hindi siya panganay, gayon ma'y ginawa siyang pinuno ng kaniyang ama; ) 013 1CH 026 011 Si Hilcias ang ikalawa, si Tebelias ang ikatlo, si Zacharias ang ikaapat; lahat ng mga anak at mga kapatid ni Hosa ay labing tatlo. 013 1CH 026 012 Sa mga ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto, sa makatuwid baga'y ng mga pinuno na may mga katungkulang gaya ng kanilang mga kapatid na magsipangasiwa sa bahay ng Panginoon. 013 1CH 026 013 At sila'y nangagsapalaran, gayon ang maliit na gaya ng malaki, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang na ukol sa bawa't pintuang-daan. 013 1CH 026 014 At ang kapalaran sa dakong silanganan ay nahulog kay Selemia. Sa ganang kay Zacharias nga na kaniyang anak na matalinong kasangguni, sila'y nagsapalaran; at ang kaniyang kapalaran ay nahulog sa dakong hilagaan. 013 1CH 026 015 Kay Obed-edom ay dakong timugan; at sa kaniyang mga anak ay ang kamalig. 013 1CH 026 016 Kay Suppim at kay Hosa ay dakong kalunuran, sa tabi ng pintuang-daan ng Sallechet, sa daanang paahon, na pulutong at pulutong. 013 1CH 026 017 Sa dakong silanganan ay anim na Levita, sa dakong hilagaan ay apat araw-araw, sa dakong timugan ay apat araw-araw, at sa kamalig ay dalawa't dalawa. 013 1CH 026 018 Sa Parbar sa dakong kalunuran, apat sa daanan, at dalawa sa Parbar. 013 1CH 026 019 Ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto; sa mga anak ng mga Coraita, at sa mga anak ni Merari. 013 1CH 026 020 At sa mga Levita, si Achias ay nasa mga kayamanan ng bahay ng Dios, at nasa mga kayamanan ng mga itinalagang bagay. 013 1CH 026 021 Ang mga anak ni Ladan: ang mga anak ng mga Gersonita na nauukol kay Ladan; ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na ukol kay Ladan na Gersonita; si Jehieli. 013 1CH 026 022 Ang mga anak ni Jehieli: si Zethan at si Joel na kaniyang kapatid, sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Panginoon. 013 1CH 026 023 Sa mga Amramita, sa mga Isharita, sa mga Hebronita, sa mga Uzzielita: 013 1CH 026 024 At si Sebuel na anak ni Gerson, na anak ni Moises, ay puno sa mga ingatang-yaman. 013 1CH 026 025 At ang kaniyang mga kapatid kay Eliezer ay nanggaling si Rehabia na kaniyang anak, at si Isaias na kaniyang anak, at si Joram na kaniyang anak, at si Zichri na kaniyang anak, at si Selomith na kaniyang anak. 013 1CH 026 026 Ang Selomith na ito at ang kaniyang mga kapatid ay nangasa lahat ng ingatang-yaman ng nangatalagang mga bagay na itinalaga ni David na hari, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ng mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ng mga pinunong kawal ng hukbo. 013 1CH 026 027 Ang samsam na pinanalunan sa pakikipagbaka, ay kanilang itinalaga upang ayusin ang bahay ng Panginoon. 013 1CH 026 028 At lahat na itinalaga ni Samuel na tagakita, at ni Saul na anak ni Cis, at ni Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Sarvia; ang anomang bagay na itinalaga ninoman ay nasa ilalim ng pamamahala ni Selomith, at ng kaniyang mga kapatid. 013 1CH 026 029 Sa mga Isharita, si Chenania at ang kaniyang mga anak ay mga tagapamahala at hukom sa mga gawain sa labas ng Israel. 013 1CH 026 030 Sa mga Hebronita, si Hasabias, at ang kaniyang mga kapatid na mga lalaking matapang, na isang libo't pitong daan, ay nangamamahala sa Israel sa dako roon ng Jordan sa dakong kalunuran, na ukol sa lahat ng gawain sa Panginoon, at sa paglilingkod sa hari. 013 1CH 026 031 Sa mga Hebronita ay si Jerias ang pinuno, sa makatuwid baga'y sa mga Hebronita, ayon sa kanilang mga lahi ayon sa mga sangbahayan ng mga magulang. Nang ikaapat na pung taon ng paghahari ni David, sila'y hinanapan, at may nasumpungan, sa kanilang mga makapangyarihang lalaking matapang sa Jazer ng Galaad. 013 1CH 026 032 At ang kaniyang mga kapatid na mga lalaking matapang, ay dalawang libo at pitong daan, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na siyang ginawa ni David na mga tagapamahala sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ng mga Manasita, sa lahat ng usap na ukol sa Dios, at sa mga bagay ng hari. 013 1CH 027 001 Ang mga anak nga ni Israel ayon sa kanilang bilang, sa makatuwid baga'y ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ang kanilang mga pinuno na nangaglilingkod sa hari, sa anomang bagay sa mga bahagi ng pumapasok at lumalabas buwan-buwan sa lahat ng mga buwan ng taon, sa bawa't bahagi ay dalawang pu't apat na libo. 013 1CH 027 002 Sa unang pagka bahagi na ukol sa unang buwan ay si Jasobam na anak ni Zabdiel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. 013 1CH 027 003 Siya'y sa mga anak ni Phares, na pinuno sa lahat na punong kawal ng hukbo na ukol sa unang buwan. 013 1CH 027 004 At sa bahagi sa ikalawang buwan ay si Dodai na Ahohita, at ang kaniyang bahagi, at si Miclot na tagapamahala: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. 013 1CH 027 005 Ang ikatlong pinuno ng pulutong na ukol sa ikatlong buwan ay si Benaias, na anak ni Joiada na saserdote, pinuno: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. 013 1CH 027 006 Ito yaong Benaias na siyang makapangyarihang lalake sa tatlong pu, at pinuno sa tatlong pu; at sa kaniyang bahagi ay si Amisabad na kaniyang anak. 013 1CH 027 007 Ang ikaapat na pinuno sa ikaapat na buwan ay si Asael na kapatid ni Joab, at si Zebadias na kaniyang kapatid ang sumusunod sa kaniya: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. 013 1CH 027 008 Ang ikalimang pinuno sa ikalimang buwan ay si Sambuth na Izrita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. 013 1CH 027 009 Ang ikaanim na pinuno sa ikaanim na buwan ay si Ira na anak ni Icces na Tecoita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. 013 1CH 027 010 Ang ikapitong pinuno sa ikapitong buwan ay si Helles na Pelonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kanilang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. 013 1CH 027 011 Ang ikawalong pinuno sa ikawalong buwan ay si Sibbecai na Husatita, sa mga Zarahita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. 013 1CH 027 012 Ang ikasiyam na pinuno sa ikasiyam na buwan ay si Abiezer na Anathothita sa mga Benjamita; at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. 013 1CH 027 013 Ang ikasangpung pinuno sa ikasangpung buwan ay si Maharai na Nethophathita sa mga Zarahita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. 013 1CH 027 014 Ang ikalabing isang pinuno sa ikalabing isang buwan ay si Benaias na Piratonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. 013 1CH 027 015 Ang ikalabing dalawang pinuno sa ikalabing dalawang buwan ay si Heldai na Nethophatita, sa Othniel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo. 013 1CH 027 016 Bukod dito'y sa mga lipi ng Israel: sa mga Rubenita, si Eliezer, na anak ni Zichri, na tagapamahala; sa mga Simeonita, si Sephatias na anak ni Maacha. 013 1CH 027 017 Sa Levi, si Hasabias, na anak ni Camuel; sa Aaron, si Sadoc; 013 1CH 027 018 Sa Juda, si Eliu, isa sa mga kapatid ni David; sa Issachar, si Omri na anak ni Michael: 013 1CH 027 019 Sa Zabulon, si Ismaias na anak ni Abdias: sa Nephtali, si Jerimoth na anak ni Azriel: 013 1CH 027 020 Sa mga anak ni Ephraim, si Oseas na anak ni Azazia: sa kalahating lipi ni Manases, si Joel na anak ni Pedaia: 013 1CH 027 021 Sa kalahating lipi ni Manases sa Galaad, si Iddo na anak ni Zacharias: sa Benjamin, si Jaaciel na anak ni Abner. 013 1CH 027 022 Sa Dan, si Azarael na anak ni Jeroam. Ang mga ito ang mga pinunong kawal ng mga lipi ng Israel. 013 1CH 027 023 Nguni't hindi tinuos ni David ang bilang nila mula sa dalawang pung taon na paibaba: sapagka't sinabi ng Panginoon na kaniyang pararamihin ang Israel na gaya ng mga bituin sa langit. 013 1CH 027 024 Si Joab na anak ni Sarvia ay nagpasimulang bumilang, nguni't hindi natapos; at dumating sa Israel ang pag-iinit dahil dito: ni hindi nalagda ang bilang sa mga alaala ng haring David. 013 1CH 027 025 At nasa mga ingatang-yaman ng hari, si Azmaveth na anak ni Adiel: at sa mga ingatang-yaman sa mga bukid, sa mga bayan, at sa mga nayon, at sa mga kastilyo ay si Jonathan na anak ni Uzzias: 013 1CH 027 026 At sa nagsisigawa sa bukiran, na ukol sa pagbubukid sa lupa ay si Izri na anak ni Chelud: 013 1CH 027 027 At sa mga ubasan ay si Simi na Ramathita: at sa mga pakinabang sa mga ubasan na ukol sa mga kamalig ng alak ay si Zabdias na Siphmita: 013 1CH 027 028 At sa mga puno ng olibo at sa mga puno ng sikomoro na nangasa mababang lupa ay si Baal-hanan na Gederita: at sa mga kamalig ng langis ay si Joas: 013 1CH 027 029 At sa mga bakahan na pinasasabsab sa Saron ay si Sitrai na Saronita: at sa mga bakahan na nangasa mga libis ay si Saphat na anak ni Adlai: 013 1CH 027 030 At sa mga kamelyo ay si Obil na Ismaelita: at sa mga asno ay si Jedias na Meronothita: At sa mga kawan ay si Jaziz na Hagrita. 013 1CH 027 031 Lahat ng mga ito'y mga katiwala sa mga pag-aari ng haring David. 013 1CH 027 032 At si Jonathan na amain ni David ay kasangguni at lalaking matalino, at kalihim; at si Jehiel na anak ni Hacmoni ay nasa mga anak ng hari: 013 1CH 027 033 At si Achitophel ay kasangguni ng hari: at si Husai na Archita ay kaibigan ng hari: 013 1CH 027 034 At sumusunod kay Achitophel ay si Joiada na anak ni Benaias, at si Abiathar: at ang pinunong kawal sa hukbo ng hari ay si Joab. 013 1CH 028 001 At pinulong ni David ang lahat na prinsipe sa Israel, ang mga prinsipe ng mga lipi, at ang mga punong kawal ng mga pulutong na nagsisipaglingkod sa hari ayon sa halinhinan, at ang mga punong kawal ng lilibuhin, at ang mga punong kawal ng dadaanin, at ang mga katiwala sa lahat ng tinatangkilik at pag-aari ng hari at ng kaniyang mga anak, na kasama ng mga pinuno at ng mga makapangyarihang lalake, lahat na makapangyarihang lalaking matapang, sa Jerusalem. 013 1CH 028 002 Nang magkagayo'y tumayo si David na hari sa kaniyang mga paa, at nagsabi, Dinggin ninyo ako: mga kapatid ko, at bayan ko sa ganang akin, na sa aking puso ang ipagtayo ng isang bahay na pahingahan ang kaban ng tipan ng Panginoon, at upang tungtungan ng mga paa ng ating Dios; at ako'y humanda sa pagtatayo. 013 1CH 028 003 Nguni't sinabi ng Dios sa akin, Huwag mong ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, sapagka't ikaw ay lalaking mangdidigma, at nagbubo ka ng dugo. 013 1CH 028 004 Gayon ma'y pinili ako ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa buong sangbahayan ng aking ama upang maging hari sa Israel magpakailan man: sapagka't kaniyang pinili ang Juda upang maging pangulo: at sa sangbahayan ng Juda, ang sangbahayan ng aking ama; at sa gitna ng mga anak ng aking ama ay kinaluguran niya ako upang gawin akong hari sa buong Israel: 013 1CH 028 005 At sa lahat ng aking mga anak (sapagka't binigyan ako ng Panginoon ng maraming anak, ) pinili niya si Salomon na aking anak upang umupo sa luklukan ng kaharian ng Panginoon sa Israel. 013 1CH 028 006 At kaniyang sinabi sa akin, Si Salomon na iyong anak ay siyang magtatayo ng aking bahay at ng aking mga looban; sapagka't aking pinili siya upang maging anak ko, at ako'y magiging kaniyang ama. 013 1CH 028 007 At aking itatatag ang kaniyang kaharian magpakailan man, kung kaniyang pamamalagiang sundin ang aking mga utos at ang aking mga kahatulan, gaya sa araw na ito. 013 1CH 028 008 Ngayon nga'y sa paningin ng buong Israel, ng kapisanan ng Panginoon, at sa pakinig ng ating Dios, sundin at suriin ang lahat na utos ng Panginoon ninyong Dios: upang inyong ariin ang mabuting lupaing ito, at maiwang pinakamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, magpakailan man. 013 1CH 028 009 At ikaw, Salomon na aking anak, kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man. 013 1CH 028 010 Magingat ka ngayon; sapagka't pinili ka ng Panginoon upang ipagtayo mo ng bahay ang santuario; magpakalakas ka, at gawin mo. 013 1CH 028 011 Nang magkagayo'y ibinigay ni David kay Salomon na kaniyang anak ang anyo ng portiko ng templo, at ng mga kabahayan niyaon, at ng mga ingatang-yaman niyaon, at ng mga mataas na silid niyaon, at ng mga pinakaloob na silid niyaon, at ng dakong luklukan ng awa: 013 1CH 028 012 At ang anyo ng lahat na kaniyang naisip sa pamamagitan ng Espiritu tungkol sa mga looban ng bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat ng silid sa palibot, tungkol sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Dios, at tungkol sa mga ingatang-yaman ng mga natalagang bagay: 013 1CH 028 013 Tungkol din naman sa mga bahagi ng mga saserdote at ng mga Levita, at tungkol sa lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat na kasangkapan na ipinaglilingkod sa bahay ng Panginoon. 013 1CH 028 014 Sa ginto na ang timbang na ukol sa mga kasangkapang ginto, sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod; sa pilak na ukol sa lahat ng kasangkapan na pilak ang timbang, sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod: 013 1CH 028 015 Na ang timbang din naman na ukol sa mga kandelero na ginto, at sa mga ilawan niyaon, na ginto: na ang timbang sa bawa't kandelero at sa mga ilawan niyaon: at sa mga kandelerong pilak, pilak na ang timbang sa bawa't kandelero, at sa mga ilawan niyaon, ayon sa kagamitan sa bawa't kandelero: 013 1CH 028 016 At ang ginto na ang timbang na ukol sa mga dulang ng tinapay na handog, na ukol sa bawa't dulang; at pilak na ukol sa mga dulang na pilak: 013 1CH 028 017 At ang mga panduro, at ang mga mangkok, at ang mga saro, na taganas na ginto: at sa mga gintong taza ay ang timbang sa bawa't taza; at sa mga pilak na taza ay ang timbang sa bawa't taza; 013 1CH 028 018 At sa dambana ng kamangyan ay gintong dalisay ayon sa timbang: at ginto sa anyo ng karo, sa makatuwid baga'y ang mga querubin na nakabuka ang mga pakpak at lumililim sa kaban ng tipan ng Panginoon. 013 1CH 028 019 Lahat ng ito'y, sabi ni David, aking naalaman sa sulat na mula sa kamay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y lahat ng gawain sa anyong ito. 013 1CH 028 020 At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang, at gawin mo: huwag kang matakot, o manglupaypay man; sapagka't ang Panginoong Dios, na aking Dios, ay sumasaiyo; hindi ka niya iiwan, o pababayaan man, hanggang sa ang lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon ay matapos. 013 1CH 028 021 At, narito, may mga bahagi sa mga saserdote at sa mga Levita, na ukol sa lahat na paglilingkod sa bahay ng Dios: at magkakaroon sa iyo sa lahat ng sarisaring gawain ng bawa't may kusang kaloobang tao na bihasa sa sarisaring paglilingkod: ang mga punong kawal naman at ang buong bayan ay lubos na sasa iyong utos. 013 1CH 029 001 At sinabi ni David na hari sa buong kapisanan, si Salomon na aking anak na siya lamang pinili ng Dios ay bata pa at sariwa, at ang gawain ay malaki; sapagka't ang templo ay hindi ukol sa tao, kundi sa Panginoong Dios. 013 1CH 029 002 Akin ngang ipinaghanda ng aking buong kaya ang bahay ng aking Dios, ng ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at ng pilak na ukol sa mga bagay na pilak, at ng tanso na ukol sa mga bagay na tanso, ng bakal na ukol sa mga bagay na bakal, at ng kahoy na ukol sa mga bagay na kahoy; ng mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, ng mga batong panggayak, at may sarisaring kulay, at ng lahat na sarisaring mahalagang bato, at ng mga batong marmol na sagana. 013 1CH 029 003 Bukod din naman dito, sapagka't aking inilagak ang aking loob sa bahay ng aking Dios, na yamang may tinatangkilik ako na aking sariling ginto at pilak, ay aking ibinibigay sa bahay ng aking Dios, bukod sa lahat na aking inihanda na ukol sa banal na bahay; 013 1CH 029 004 Sa makatuwid baga'y tatlong libong talentong ginto, na ginto sa Ophir, at pitong libong talentong dalisay na pilak upang ibalot sa mga panig ng mga bahay: 013 1CH 029 005 Ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at pilak na ukol sa mga bagay na pilak at sa lahat na sarisaring gawain na yayariin ng mga kamay ng mga manggagawa. Sino nga ang naghahandog na kusa upang magtalaga sa Panginoon sa araw na ito? 013 1CH 029 006 Nang magkagayo'y naghandog na kusa ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang, at ang mga prinsipe ng mga lipi ng Israel, at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, pati ng mga tagapamahala sa gawain ng hari; 013 1CH 029 007 At ibinigay nila sa paglilingkod sa bahay ng Dios, ay ginto, na limang libong talento, at sangpung libong dariko, at pilak na sangpung libong talento, at tanso na labing walong libong talento, at bakal na isang daang libong talento. 013 1CH 029 008 At sila'y nangasumpungang may mga mahalagang bato ay nagsipagbigay sa kayamanan ng bahay ng Panginoon, sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ni Jehiel na Gersonita. 013 1CH 029 009 Nang magkagayo'y nagalak ang bayan, dahil sa sila'y nangaghandog na kusa, sapagka't sila'y may dalisay na puso na nangaghandog na kusa sa Panginoon: at si David naman na hari ay nagalak ng dakilang pagkagalak. 013 1CH 029 010 Kaya't pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng buong kapisanan; at sinabi ni David, Purihin ka, Oh Panginoon, na Dios ng Israel na aking ama, magpakailan kailan man. 013 1CH 029 011 Iyo, Oh Panginoon ang kadakilaan, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan: sapagka't lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo: iyo ang kaharian, Oh Panginoon, at ikaw ay nataas na pangulo sa lahat. 013 1CH 029 012 Ang mga kayamanan at gayon din ang karangalan ay nangagmumula sa iyo, at ikaw ang nagpupuno sa lahat; at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan; at nasa iyong kamay ang pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat. 013 1CH 029 013 Kaya't ngayon, aming Dios, kami ay nagpasasalamat sa iyo, at aming pinupuri ang iyong maluwalhating pangalan. 013 1CH 029 014 Nguni't sino ako, at ano ang aking bayan, na makapaghahandog na ganyang kusa ayon sa ganitong paraan? sapagka't ang lahat na bagay ay nangagmumula sa iyo, at ang iyong sarili ay aming ibinigay sa iyo. 013 1CH 029 015 Sapagka't kami ay mga taga ibang lupa sa harap mo, at mga nakikipamayan, gaya ng lahat naming mga magulang: ang aming mga kaarawan sa lupa ay gaya ng anino, at hindi nagtatagal. 013 1CH 029 016 Oh Panginoon naming Dios, lahat ng bagay na ito na aming inihanda upang ipagtayo ka ng bahay na ukol sa iyong banal na pangalan ay nangagmumula sa iyong kamay, at iyong sariling lahat. 013 1CH 029 017 Talastas ko rin, Dios ko na iyong sinusubok ang puso, at nalulugod sa katuwiran. Sa ganang akin, sa katuwiran ng aking puso ay aking inihandog na kusa ang lahat na bagay na ito: at ngayo'y nakita kong may kagalakan ang iyong bayan na nahaharap dito, na naghahandog na kusa sa iyo. 013 1CH 029 018 Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel na aming mga magulang, ingatan mo ito magpakailan man sa akala ng mga pagiisip ng puso ng iyong bayan, at ihanda mo ang kanilang puso sa iyo: 013 1CH 029 019 At bigyan mo naman si Salomon na aking anak ng sakdal na puso, upang ingatan ang iyong mga utos, ang iyong mga patotoo, at ang iyong mga palatuntunan, at upang gawin ang lahat na bagay na ito, at upang itayo ang templo, na siyang aking ipinaghanda. 013 1CH 029 020 At sinabi ni David sa buong kapisanan, Ngayo'y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Dios. At ang buong kapisanan ay pumuri sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, at iniyukod ang kanilang mga ulo, at sumamba sa Panginoon, at sa hari. 013 1CH 029 021 At sila'y nagsipaghain ng mga hain sa Panginoon, at nagsipaghandog sa Panginoon ng mga handog na susunugin sa kinabukasan, pagkatapos nang araw na yaon, sa makatuwid baga'y isang libong baka, at isang libong tupang lalake, at isang libong kordero, pati ng mga inuming handog na ukol sa mga yaon, at ng mga hain na sagana ukol sa buong Israel; 013 1CH 029 022 At nagkainan at naginuman sa harap ng Panginoon nang araw na yaon na may malaking kasayahan. At kanilang ginawang hari na ikalawa si Salomon na anak ni David, at pinahiran ng langis siya sa Panginoon upang maging pangulo, at si Sadoc upang maging saserdote. 013 1CH 029 023 Nang magkagayo'y naupo si Salomon sa luklukan ng Panginoon na pinaka hari na kahalili ni David na kaniyang ama, at guminhawa; at ang buong Israel ay tumalima sa kaniya. 013 1CH 029 024 At ang lahat na prinsipe at mga matapang na lalake, at ang lahat ding anak ng haring David, ay sumailalim ng kapangyarihan ng haring Salomon. 013 1CH 029 025 At pinadakilang mainam ng Panginoon si Salomon sa paningin ng buong Israel, at isinakaniya ang gayong karangalang pagkahari na hindi napasa kanino mang hari na nauna sa kaniya sa Israel. 013 1CH 029 026 Si David nga na anak ni Isai ay naghari sa buong Israel. 013 1CH 029 027 At ang panahon na kaniyang ipinaghari sa Israel ay apat na pung taon; pitong taon na naghari siya sa Hebron, at tatlong pu't tatlong taon na naghari siya sa Jerusalem. 013 1CH 029 028 At siya'y namatay sa mabuting katandaan, puspus ng mga araw, mga kayamanan, at karangalan: at si Salomon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 013 1CH 029 029 Ang mga gawa nga ni David na hari, na una at huli, narito, nangasusulat sa kasaysayan ni Samuel na tagakita, at sa kasaysayan ni Nathan na propeta, at sa kasaysayan ni Gad na tagakita; 013 1CH 029 030 Pati ng buo niyang paghahari, at kaniyang kapangyarihan at ang mga panahong dinaanan niya, at ng Israel, at ng lahat ng mga kaharian ng mga lupain. # # BOOK 014 2CH 2 Chronicles 2 Mga Cronica 014 2CH 001 001 At si Salomon na anak ni David ay tumibay sa kaniyang kaharian, at ang Panginoon niyang Dios ay sumakaniya, at pinadakila siyang mainam. 014 2CH 001 002 At si Salomon ay nagsalita sa buong Israel, sa mga pinunong kawal ng lilibuhin at dadaanin, at sa mga hukom, at sa bawa't prinsipe sa buong Israel, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang. 014 2CH 001 003 Sa gayo'y si Salomon, at ang buong kapisanan na kasama niya, ay naparoon sa mataas na dako na nasa Gabaon; sapagka't nandoon ang tabernakulo ng kapisanan ng Dios, na ginawa sa ilang ni Moises na lingkod ng Panginoon. 014 2CH 001 004 Nguni't ang kaban ng Dios ay iniahon ni David mula sa Chiriath-jearim hanggang sa dakong pinaghandaan ni David: sapagka't kaniyang ipinagtayo ng tolda sa Jerusalem. 014 2CH 001 005 Bukod dito'y ang dambanang tanso na ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, ay nandoon sa harap ng tabernakulo ng Panginoon: at doo'y sumangguni si Salomon at ang buong kapisanan. 014 2CH 001 006 At si Salomon ay sumampa roon sa dambanang tanso sa harap ng Panginoon, na nasa tabernakulo ng kapisanan, at naghandog ng isang libong handog na susunugin doon. 014 2CH 001 007 Nang gabing yaon ay napakita ang Dios kay Salomon, at nagsabi sa kaniya, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo. 014 2CH 001 008 At sinabi ni Salomon sa Dios, Ikaw ay nagpakita ng malaking kagandahang loob kay David na aking ama, at ginawa mo akong hari na kahalili niya. 014 2CH 001 009 Ngayon, Oh Panginoong Dios, itatag mo ang iyong pangako kay David na aking ama: sapagka't ginawa mo akong hari sa bayang gaya ng alabok ng lupa sa karamihan. 014 2CH 001 010 Bigyan mo ako ngayon ng karunungan at kaalaman, upang ako'y makapaglabas pumasok sa harap ng bayang ito: sapagka't sinong makahahatol dito sa iyong bayan na totoong malaki? 014 2CH 001 011 At sinabi ng Dios kay Salomon, Sapagka't ito ang sumaiyong puso, at hindi ka humingi ng kayamanan, pag-aari o karangalan o ng buhay man ng nangapopoot sa iyo, o humingi ka kaya ng mahabang buhay; kundi humingi ka ng karunungan at kaalaman sa ganang iyong sarili, upang iyong mahatulan ang aking bayan, na aking pinaggawan sa iyo na hari: 014 2CH 001 012 Karunungan at kaalaman ay nabigay sa iyo; at bibigyan kita ng kayamanan, at pag-aari, at karangalan na walang hari na una sa iyo na nagkaroon ng ganyan, o sinoman ay magkakaroon ng gayong pagkamatay mo. 014 2CH 001 013 Sa gayo'y dumating si Salomon mula sa mataas na dako na nasa Gabaon, mula sa harap ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa Jerusalem; at siya'y naghari sa Israel. 014 2CH 001 014 At si Salomon ay nagpisan ng mga karo at mga mangangabayo: at siya'y mayroong isang libo at apat na raang karo, at labing dalawang libong mangangabayo, na kaniyang inilagay sa bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem. 014 2CH 001 015 At ginawa ng hari ang pilak at ginto na maging gaya ng mga bato sa Jerusalem, at ang mga sedro na maging gaya ng mga sikomoro na nangasa mababang lupa dahil sa kasaganaan. 014 2CH 001 016 At ang mga kabayo na tinatangkilik ni Salomon ay inilabas sa Egipto; ang mga mangangalakal ng hari ay nagsitanggap sa kanila ng mga kawan, na bawa't kawan ay sa halaga. 014 2CH 001 017 At kanilang iniaahon at inilalabas sa Egipto ang isang karo sa halagang anim na raang siklong pilak, at ang isang kabayo sa isang daan at limangpu: at gayon sa lahat na hari ng mga Hetheo, at sa mga hari sa Siria, kanilang mga inilalabas sa pamamagitan nila. 014 2CH 002 001 Si Salomon nga ay nagpasiya na ipagtayo ng bahay ang pangalan ng Panginoon, at ng isang bahay ang kaniyang kaharian. 014 2CH 002 002 At si Salomon ay bumilang ng pitong pung libong lalake upang magsipagpasan ng mga pasan, at walong pung libong lalake na mga maninibag ng bato sa mga bundok, at tatlong libo at anim na raan upang mamahala sa kanila. 014 2CH 002 003 At si Salomon ay nagsugo kay Hiram na hari sa Tiro, na ipinasasabi, Kung paanong iyong ginawa kay David na aking ama at pinadalhan siya ng mga sedro upang ipagtayo siya ng bahay na matirahan doon, gayon din ang gawin mo sa akin. 014 2CH 002 004 Narito, aking ipinagtatayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon kong Dios, upang italaga sa kaniya, at upang magsunog sa harap niya ng kamangyan na may mga mainam na espesia, at maiukol sa palaging tinapay na handog, at sa mga handog na susunugin sa umaga at hapon, sa mga sabbath, at sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan sa Panginoon naming Dios. Ito ang utos sa Israel magpakailan man. 014 2CH 002 005 At ang bahay na aking itinatayo ay dakila: sapagka't dakila ang aming Dios kay sa lahat ng mga Dios. 014 2CH 002 006 Nguni't sinong makapagtatayo para sa kaniya ng isang bahay, dangang sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi siya magkasiya? sino nga ako, na ipagtatayo ko siya ng isang bahay, liban sa magsunog lamang ng kamangyan sa harap niya? 014 2CH 002 007 Ngayon nga'y suguan mo ako ng isang lalake na bihasang manggagawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso, at sa bakal, at sa kulay ube, at matingkad na pula, at bughaw, at ng makauukit ng sarisaring ukit, upang makasama ng mga matalinong lalake na kasama ko sa Juda at sa Jerusalem, na itinaan ni David na aking ama. 014 2CH 002 008 Padalhan mo rin ako ng mga kahoy na sedro, mga kahoy na abeto, at mga kahoy na algum, na mula sa Libano, sapagka't talastas ko na ang iyong mga bataan ay matalinong pumutol ng kahoy sa Libano. At, narito, ang aking mga alipin ay sasama sa iyong mga bataan, 014 2CH 002 009 Sa makatuwid baga'y upang ipaghanda ako ng kahoy na sagana: sapagka't ang bahay na aking itatayo ay magiging dakila at kagilagilalas. 014 2CH 002 010 At narito, aking ibibigay sa iyong mga bataan, na mga mamumutol ng kahoy, ang dalawangpung libong koro ng binayong trigo, at dalawang pung libong koro ng sebada, at dalawangpung libong bath ng alak, at dalawangpung libong bath ng langis. 014 2CH 002 011 Nang magkagayo'y si Hiram na hari sa Tiro ay sumagot sa sulat, na kaniyang ipinadala kay Salomon, Sapagka't minamahal ng Panginoon ang kaniyang bayan, ay ginawa ka niyang hari sa kanila. 014 2CH 002 012 Sinabi ni Hiram bukod dito, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na lumikha ng langit at lupa, na nagbigay kay David na hari ng isang pantas na anak, na may bait at kaalaman, na ipagtatayo ng isang bahay ang Panginoon, at ng isang bahay ang kaniyang kaharian. 014 2CH 002 013 At ngayo'y nagsugo ako ng bihasang lalake na may kaalaman, kay Hiram na aking ama, 014 2CH 002 014 Na anak ng isang babae sa mga anak ni Dan; at ang kaniyang ama ay taga Tiro na bihasang manggagawa sa ginto, at sa pilak, sa tanso, sa bakal, sa bato, at sa kahoy, sa kulay ube, sa bughaw, at sa mainam na kayong lino, at sa matingkad na pula; upang umukit din naman ng anomang paraan ng ukit, at magmunakala ng anoman; upang magkaroon ng isang takdang dako sa kaniya na kasama ng iyong mga bihasang lalake at ng mga bihasang lalake ng aking panginoong si David na iyong ama. 014 2CH 002 015 Ngayon nga'y ang trigo at ang sebada, ang langis at ang alak, na sinalita ng aking panginoon, ipadala niya sa kaniyang mga bataan: 014 2CH 002 016 At kami ay magsisiputol ng kahoy mula sa Libano, kung gaano ang iyong kakailanganin: at aming dadalhin sa iyo sa mga balsa na idadaan sa dagat hanggang sa Joppe; at iyong iaahon sa Jerusalem. 014 2CH 002 017 At binilang ni Salomon ang lahat na taga ibang lupa na nangasa lupain ng Israel, ayon sa bilang na ibinilang ni David na kaniyang ama sa kanila; at nasumpungan ay isang daan at limang pu't tatlong libo at anim na raan. 014 2CH 002 018 At kaniyang inilagay sa kanila ay pitong pung libong tagadala ng pasan, at walong pung libo na mga maninibag ng bato sa mga bundok, at tatlong libo at anim na raan na kapatas upang magayos ng gawain ng bayan. 014 2CH 003 001 Nang magkagayo'y pinasimulan ni Salomon na itayo ang bahay ng Panginoon, sa Jerusalem sa bundok ng Moria, na pinagkakitaan ng Panginoon kay David na kaniyang ama, sa dakong kaniyang pinaghandaan na pinagtakdaan ni David sa giikan ni Ornan na Jebuseo. 014 2CH 003 002 At siya'y nagpasimulang magtayo nang ikalawang araw ng ikalawang buwan ng ikaapat na taon ng kaniyang paghahari. 014 2CH 003 003 Ang mga ito nga ay ang mga tatagangbaon na inilagay ni Salomon na ukol sa pagtatayo ng bahay ng Dios. Ang haba sa mga siko ayon sa panukat ng una ay anim na pung siko, at ang luwang ay dalawangpung siko. 014 2CH 003 004 At ang portiko na nasa harap ng bahay, ang haba niyao'y ayon sa luwang ng bahay ay dalawang pung siko, at ang taas ay isang daang at dalawangpu: at kaniyang binalutan sa loob ng taganas na ginto. 014 2CH 003 005 At ang lalong malaking bahay ay kaniyang kinisamihan ng kahoy na abeto, na kaniyang binalot ng dalisay na ginto, at ginawan niya ng mga palma at mga tanikala. 014 2CH 003 006 At kaniyang ginayakan ang bahay ng mga mahalagang bato na pinakapangpaganda: at ang ginto, ay ginto sa Parvaim. 014 2CH 003 007 Kaniyang binalutan din naman ng ginto ang bahay, ang mga sikang, ang mga pintuan, at ang mga panig niyaon at ang mga pinto; at inukitan ng mga querubin sa mga panig niyaon. 014 2CH 003 008 At kaniyang ginawa ang kabanalbanalang bahay; ang haba niyaon, ayon sa luwang ng bahay, ay dalawangpung siko, at ang luwang niyaon ay dalawangpung siko; at kaniyang binalutan ng dalisay na ginto, na may timbang na anim na raang talento. 014 2CH 003 009 At ang bigat ng mga pako ay limangpung siklong ginto. At kaniyang binalot ng ginto ang pinakamataas na silid. 014 2CH 003 010 At sa kabanalbanalang bahay ay gumawa siya ng dalawang querubin na gawang nilarawan; at binalot nila ng ginto. 014 2CH 003 011 At ang mga pakpak ng mga querubin ay dalawangpung siko ang haba; ang pakpak ng isang querubin ay limang siko, na abot sa panig ng bahay; at ang kabilang pakpak ay gayon din na limang siko na abot sa pakpak ng isang querubin. 014 2CH 003 012 At ang pakpak ng isang querubin ay limang siko, na abot sa panig ng bahay: at ang kabilang pakpak ay limang siko rin, na nakadaiti sa pakpak ng isang querubin. 014 2CH 003 013 Ang mga pakpak ng mga querubing ito ay nangakaladlad ng dalawangpung siko: at sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mukha ay paharap sa dako ng bahay. 014 2CH 003 014 At kaniyang ginawa ang lambong na bughaw, at kulay ube, at matingkad na pula, at mainam na kayong lino, at ginawan ng mga querubin. 014 2CH 003 015 Siya'y gumawa rin sa harap ng bahay ng dalawang haligi na may tatlongpu't limang siko ang taas, at ang kapitel na nasa ibabaw ng bawa't isa sa mga yaon ay limang siko. 014 2CH 003 016 At kaniyang ginawan ng mga tanikala ang sanggunian at inilagay sa ibabaw ng mga haligi; at siya'y gumawa ng isang daang granada, at inilagay sa mga tanikala. 014 2CH 003 017 At kaniyang itinayo ang mga haligi sa harap ng templo, ang isa'y sa kanan, at ang isa'y sa kaliwa; at tinawag ang pangalan niyaong nasa kanan ay Jachin, at ang pangalan niyaong nasa kaliwa ay Boaz. 014 2CH 004 001 Bukod dito'y gumawa siya ng dambanang tanso na dalawangpung siko ang haba niyaon, at dalawangpung siko ang luwang niyaon, at sangpung siko ang taas niyaon. 014 2CH 004 002 Gumawa rin siya ng dagatdagatan na binubo na may sangpung siko sa labi't labi, na mabilog, at ang taas niyaon ay limang siko; at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko na nakalibid sa paligid. 014 2CH 004 003 At sa ilalim niyao'y may kawangis ng mga baka na lumilibot sa palibot, na sangpung siko, na nakaligid sa palibot ng dagatdagatan. Ang mga baka ay dalawang hanay, na binubo nang bubuin yaon. 014 2CH 004 004 Nakapatong ang dagatdagatan sa labing dalawang baka, tatlo'y nakaharap sa dakong hilagaan, at tatlo'y nakaharap sa dakong kalunuran, at tatlo'y nakaharap sa dakong timugan, at tatlo'y nakaharap sa dakong silanganan: at ang dagatdagatan ay napapatong sa mga yaon sa ibabaw, at lahat nilang puwitan ay nasa dakong loob. 014 2CH 004 005 At ang kapal ng dagatdagatan ay isang dangkal; at ang labi niyao'y yaring gaya ng labi ng isang saro, gaya ng bulaklak ng lila: naglalaman ng tatlong libong bath. 014 2CH 004 006 Siya nama'y gumawa ng sangpung hugasan, at inilagay ang lima sa kanan, at lima sa kaliwa, upang paghugasan: na ang mga bagay na nauukol sa handog na susunugin ay hinugasan doon: nguni't ang dagatdagatan ay upang paghugasan ng mga saserdote. 014 2CH 004 007 At siya'y gumawa ng sangpung kandelero na ginto ayon sa ayos tungkol sa mga yaon; at inilagay niya sa templo, na lima sa kanan, at lima sa kaliwa. 014 2CH 004 008 Gumawa rin naman siya ng sangpung dulang, at inilagay sa templo, na lima sa dakong kanan, at lima sa kaliwa. At siya'y gumawa ng isang daang mangkok na ginto. 014 2CH 004 009 Bukod dito'y ginawa niya ang looban ng mga saserdote, at ang malaking looban, at ang mga pinto na ukol sa looban at binalot ng tanso ang mga pinto ng mga yaon. 014 2CH 004 010 At kaniyang inilagay ang dagatdagatan sa dakong kanan ng bahay sa may dakong silanganan na gawing timugan. 014 2CH 004 011 At ginawa ni Hiram ang mga palayok, at ang mga pala, at ang mga mangkok. Gayon tinapos ni Hiram ang paggawa ng gawain na ginawa niya na ukol sa haring Salomon sa bahay ng Dios: 014 2CH 004 012 Ang dalawang haligi, at ang mga kabilugan, at ang dalawang kapitel na nasa dulo ng mga haligi, at ang dalawang yaring lambat na nagsisitakip sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nangasa dulo ng mga haligi; 014 2CH 004 013 At ang apat na raang granada na ukol sa dalawang yaring lambat; dalawang hanay na granada na ukol sa bawa't yaring lambat, upang tumakip sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nangasa dulo ng mga haligi. 014 2CH 004 014 Ginawa rin niya ang mga tungtungan, at ang mga hugasan ay ginawa niya sa ibabaw ng mga tungtungan; 014 2CH 004 015 Isang dagatdagatan, at ang labing dalawang baka ay sa ilalim niyaon. 014 2CH 004 016 Ang mga palayok naman, at ang mga pala, at ang mga pangduro, at lahat ng kasangkapan niyaon, ay ginawa ni Hiram na kaniyang ama para sa haring Salomon na ukol sa bahay ng Panginoon na tansong binuli. 014 2CH 004 017 Sa kapatagan ng Jordan binubo ng hari, sa malagkit na lupa sa pagitan ng Suchot at ng Sereda. 014 2CH 004 018 Ganito ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapang ito na totoong sagana; sapagka't ang timbang ng tanso ay hindi makukuro. 014 2CH 004 019 At ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapan na nangasa bahay ng Dios, ang gintong dambana rin naman, at ang mga dulang na kinaroroonan ng tinapay na handog; 014 2CH 004 020 At ang mga kandelero na kalakip ng mga ilawan niyaon, na mga paniningasan ayon sa ayos sa harap ng sanggunian, na taganas na ginto; 014 2CH 004 021 At ang mga bulaklak, at ang mga ilawan at ang mga gunting, na ginto, at yao'y dalisay na ginto; 014 2CH 004 022 At ang mga gunting, at ang mga mangkok, at ang mga panandok, at ang mga pangsuob, na taganas na ginto: at tungkol sa pasukan ng bahay, ang mga pinakaloob na pinto niyaon na ukol sa kabanalbanalang dako, at ang mga pinto ng bahay, ng templo, ay ginto. 014 2CH 005 001 Ganito natapos ang gawaing ginawa ni Salomon sa bahay ng Panginoon. At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama; sa makatuwid baga'y ang pilak, at ang ginto, at ang lahat ng mga kasangkapan, at inilagay sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Dios. 014 2CH 005 002 Nang magkagayo'y pinulong ni Salomon ang mga matanda ng Israel, at ang lahat na pangulo ng mga lipi, ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel, sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David na siyang Sion. 014 2CH 005 003 At ang lahat na lalake ng Israel ay nangakipagpulong sa hari sa kapistahan, na sa ikapitong buwan. 014 2CH 005 004 At ang lahat ng mga matanda sa Israel ay nagsiparoon; at pinasan ng mga Levita ang kaban; 014 2CH 005 005 At kanilang iniahon ang kaban, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat ng mga banal na kasangkapan na nangasa Tolda; ang mga ito'y iniahon ng mga saserdote na mga Levita. 014 2CH 005 006 At ang haring Salomon at ang buong kapisanan ng Israel, na nangakipagpulong sa kaniya, ay nangasa harap ng kaban na nagsisipaghain ng mga tupa at mga baka, na hindi masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan. 014 2CH 005 007 At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa dako niyaon, sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa makatuwid baga'y sa ilalim ng mga pakpak ng mga querubin. 014 2CH 005 008 Sapagka't ibinubuka ng mga querubin ang kanilang mga pakpak sa dako ng kaban, at ang mga querubin ay nagsisitakip sa kaban, at sa mga pingga niyaon sa ibabaw. 014 2CH 005 009 At ang mga pingga ay nangapakahaba na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa kaban sa harap ng sanggunian: nguni't hindi nangakikita sa labas: at nandoon hanggang sa araw na ito. 014 2CH 005 010 Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises sa Horeb, nang ang Panginoon ay nakipagtipan sa mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa Egipto. 014 2CH 005 011 At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa banal na dako (sapagka't ang lahat na saserdote na nangahaharap ay nangagpakabanal, at hindi sinunod ang kanilang pagkakahalihalili; 014 2CH 005 012 Ang mga Levita rin naman na mga mangaawit, silang lahat, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Heman, si Jeduthun, at ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga kapatid na may suot na mainam na kayong lino, na may mga simbalo at mga salterio at mga alpa, ay nangakatayo sa dakong sulok na silanganan ng dambana, at kasama nila'y isang daan at dalawang pung saserdote na nagpapatunog ng mga pakakak: ) 014 2CH 005 013 Nangyari nga, nang ang mga nangagpapakakak at mga mangaawit ay nangagkakatugma, upang mangagpatunog ng isang tunog na maririnig sa pagdalangin at pasasalamat sa Panginoon; at nang kanilang itaas ang kanilang tinig na katugma ng mga pakakak, at mga simbalo, at mga panugtog ng tugtugin at magsipuri sa Panginoon, na magsipagsabi, Sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man: na nang magkagayo'y ang bahay ay napuno ng ulap; sa makatuwid bagay ang bahay ng Panginoon, 014 2CH 005 014 Na anopa't ang mga saserdote ay hindi mangakatayo na mangakapangasiwa dahil sa ulap: sapagka't napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Dios. 014 2CH 006 001 Nang magkagayo'y nagsalita si Salomon, Ang Panginoo'y nagsabi na siya'y tatahan sa salimuot na kadiliman, 014 2CH 006 002 Nguni't ipinagtayo kita ng isang bahay na tahanan, at isang dako na ukol sa iyo na tahanan magpakailan man. 014 2CH 006 003 At ipinihit ng hari ang kaniyang mukha, at binasbasan ang buong kapisanan ng Israel: at ang buong kapisanan ng Israel ay tumayo. 014 2CH 006 004 At kaniyang sinabi, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsalita ng kaniyang bibig kay David na aking ama, at tinupad ng kaniyang mga kamay, na sinasabi, 014 2CH 006 005 Mula sa araw na aking ilabas ang aking bayan mula sa lupain ng Egipto, hindi ako pumili ng siyudad mula sa lahat ng mga lipi ng Israel upang pagtayuan ng bahay, upang ang aking pangalan ay dumoon; o pumili man ako ng sinomang lalake upang maging pangulo sa aking bayang Israel: 014 2CH 006 006 Kundi aking pinili ang Jerusalem upang ang aking pangalan ay dumoon; aking pinili si David upang mamahala sa aking bayang Israel. 014 2CH 006 007 Nasa puso nga ni David na aking ama ang ipagtayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel. 014 2CH 006 008 Nguni't sinabi ng Panginoon kay David na aking ama, Yamang nasa iyong puso ang ipagtayo ng isang bahay ang aking pangalan, mabuti ang iyong ginawa na inakala mo sa iyong puso; 014 2CH 006 009 Gayon ma'y hindi mo itatayo ang bahay; kundi ang iyong anak na lalabas sa iyong mga balakang ay siyang magtatayo ng bahay na ukol sa aking pangalan. 014 2CH 006 010 At tinupad ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita; sapagka't ako'y bumangon na kahalili ni David na aking ama, at umupo sa luklukan ng Israel, gaya ng ipinangako ng Panginoon, at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel. 014 2CH 006 011 At doo'y aking inilagay ang kaban na kinaroroonan ng tipan ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa mga anak ni Israel. 014 2CH 006 012 At siya'y tumayo sa harap ng dambana ng Panginoon sa harapan ng buong kapisanan ng Israel, at iniunat ang kaniyang mga kamay: 014 2CH 006 013 (Sapagka't gumawa si Salomon ng isang tungtungang tanso, na may limang siko ang haba, at limang siko ang luwang, at tatlong siko ang taas, at inilagay sa gitna ng looban; at sa ibabaw niyao'y tumayo siya, at lumuhod ng kaniyang mga tuhod sa harap ng buong kapisanan ng Israel, at iginawad ang kaniyang mga kamay sa dakong langit: ) 014 2CH 006 014 At kaniyang sinabi, Oh Panginoon ang Dios ng Israel, walang Dios na gaya mo, sa langit o sa lupa; na nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod, na nagsisilakad sa harap mo ng kanilang buong puso: 014 2CH 006 015 Na siyang tumupad sa iyong lingkod na kay David na aking ama, ng iyong ipinangako sa kaniya: oo, ikaw ay nagsalita ng iyong bibig, at tinupad mo ng iyong kamay, gaya sa araw na ito. 014 2CH 006 016 Ngayon nga, Oh Panginoon, ang Dios ng Israel, tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya, na iyong sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin na uupo sa luklukan ng Israel; kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad, na magsisilakad sa aking kautusan, gaya ng inilakad mo sa harap ko. 014 2CH 006 017 Ngayon nga, Oh Panginoon, ang Dios ng Israel, papangyarihin mo ang iyong salita na iyong sinalita sa iyong lingkod na kay David. 014 2CH 006 018 Nguni't katotohanan bang ang Dios ay tatahang kasama ng mga tao sa lupa? narito, sa langit, at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa nga sa bahay na ito na aking itinayo! 014 2CH 006 019 Gayon ma'y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod, at ang kaniyang samo, Oh Panginoon kong Dios, na dinggin ang daing at ang dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo: 014 2CH 006 020 Na anopa't ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito araw at gabi, sa makatuwid baga'y sa gawi ng dakong iyong pinagsabihan na iyong ilalagay ang iyong pangalan doon: upang dinggin ang dalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa dakong ito. 014 2CH 006 021 At dinggin mo ang mga samo ng iyong lingkod, at ng iyong bayang Israel, pagka sila'y dadalangin sa gawi ng dakong ito: oo, dinggin mo mula sa iyong tahanang dako, sa makatuwid baga'y mula sa langit; at pagka iyong narinig ay patawarin mo. 014 2CH 006 022 Kung ang isang tao ay magkasala laban sa kaniyang kapuwa, at papanumpain siya upang siya'y sumumpa, at siya'y pumarito at manumpa sa harap ng iyong dambana sa bahay na ito: 014 2CH 006 023 Dinggin mo nga sa langit, at iyong gawin, at hatulan mo ang iyong mga lingkod, na papagbayarin ang masama, upang iyong dalhin ang kaniyang lakad sa kaniyang sariling ulo: at patotohanan ang matuwid, upang bigyan siya ng ayon sa kaniyang katuwiran. 014 2CH 006 024 At kung ang iyong bayang Israel ay masaktan sa harap ng kaaway, dahil sa sila'y nagkasala laban sa iyo, at magbabalik-loob, at kikilalanin ang iyong pangalan, at mananalangin at mamamanhik sa harap mo sa bahay na ito: 014 2CH 006 025 Dinggin mo nga sa langit, at ipatawad mo ang sala ng iyong bayang Israel, at dalhin mo sila uli sa lupain na iyong ibinigay sa kanila at sa kanilang mga magulang. 014 2CH 006 026 Pagka ang langit ay nasarhan, at walang ulan, dahil sa sila'y nagkasala laban sa iyo: kung sila'y dumalangin sa gawi ng dakong ito, at kilalanin ang iyong pangalan, at talikdan ang kanilang kasalanan, pagka iyong pinagdadalamhati sila: 014 2CH 006 027 Dinggin mo nga sa langit, at ipatawad mo ang kasalanan ng iyong mga lingkod, at ng iyong bayang Israel, pagka iyong tinuturuan sila ng mabuting daan na kanilang lalakaran; at hulugan mo ng ulan ang iyong lupain na iyong ibinigay sa iyong bayan na pinakamana. 014 2CH 006 028 Kung magkaroon ng kagutom sa lupain, kung magkaroon ng salot, kung magkaroon ng pagkalanta o amag, balang o tipaklong; kung kubkubin sila ng kanilang mga kaaway sa lupain ng kanilang mga bayan; anomang salot o anomang sakit na magkaroon; 014 2CH 006 029 Anomang dalangin at samo na gawin ng sinomang tao, o ng iyong buong bayang Israel, pagka makikilala ng bawa't isa ang kaniyang sariling salot at ang kaniyang sariling sakit, at igagawad ang kaniyang mga kamay sa dako ng bahay na ito: 014 2CH 006 030 Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at iyong ipatawad, at gantihin mo ang bawa't tao, ng ayon sa lahat niyang mga lakad, na ang puso ay iyong natataho: (sapagka't ikaw, sa makatuwid baga'y ikaw lamang, ang nakatataho ng mga puso ng mga anak ng mga tao; ) 014 2CH 006 031 Upang sila'y mangatakot sa iyo, upang magsilakad sa iyong mga daan, samantalang sila'y nangabubuhay sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang. 014 2CH 006 032 Bukod dito'y tungkol sa taga ibang lupa, na hindi sa iyong bayang Israel, pagka siya'y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa iyong dakilang pangalan, at sa iyong makapangyarihang kamay, at sa iyong unat na bisig; pagka sila'y magsisiparito at magsisidalangin sa dako ng bahay na ito: 014 2CH 006 033 Dinggin mo nga sa langit, sa makatuwid baga'y sa iyong tahanang dako, at gawin mo ang ayon sa lahat na itawag sa iyo ng taga ibang lupa; upang makilala ng lahat ng mga bayan sa lupa ang iyong pangalan, at mangatakot sa iyo, na gaya ng iyong bayang Israel, at upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa pamamagitan ng iyong pangalan. 014 2CH 006 034 Kung ang iyong bayan ay lumabas sa pakikipagbaka laban sa kanilang mga kaaway, saan mo man sila suguin, at manalangin sa iyo sa dako ng bayang ito na iyong pinili, at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan: 014 2CH 006 035 Dinggin mo nga sa langit ang kanilang dalangin at ang kanilang samo, at alalayan mo ang kanilang usap. 014 2CH 006 036 Kung sila'y magkasala laban sa iyo, (sapagka't walang tao na di nagkakasala, ) at ikaw ay magalit sa kanila, at ibigay mo sila sa kaaway, na anopa't sila'y dalhing bihag sa isang lupaing malayo o malapit; 014 2CH 006 037 Gayon ma'y kung sila'y magbulay sa kanilang sarili sa lupain na pagdadalhang bihag sa kanila, at magbalik-loob, at sumamo sa iyo sa lupain ng kanilang pagkabihag, na sasabihin, Kami ay nangagkasala, kami ay nagsigawa ng kalikuan, at nagsigawa ng kasamaan; 014 2CH 006 038 Kung sila'y nangagbalik-loob sa iyo ng buong puso nila at ng buong kaluluwa nila sa lupain ng kanilang pagkabihag, saan man sila dalhing bihag, at manalangin sa dako ng kanilang lupain na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang, at ng bayan na iyong pinili, at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan: 014 2CH 006 039 Dinggin mo nga sa langit, sa makatuwid baga'y sa iyong tahanang dako, ang kanilang dalangin at ang kanilang mga pamanhik, at alalayan mo ang kanilang usap; at patawarin mo ang iyong bayan na nagkasala laban sa iyo. 014 2CH 006 040 Ngayon, Oh Dios ko, isinasamo ko sa iyo na iyong idilat ang iyong mga mata, at pakinggan ng iyong mga pakinig ang dalangin na gawin sa dakong ito. 014 2CH 006 041 Ngayon nga'y bumangon ka, Oh Panginoong Dios, sa iyong pahingahang dako, ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan: suutan mo ng kaligtasan, Oh Panginoong Dios, ang iyong mga saserdote, at ang iyong mga banal ay mangagalak sa kabutihan. 014 2CH 006 042 Oh Panginoon, Dios, huwag mong papihitin ang mukha ng iyong pinahiran ng langis: alalahanin mo ang iyong mga kaawaan kay David na iyong lingkod. 014 2CH 007 001 Nang makatapos nga ng pananalangin si Salomon, ang apoy ay lumagpak mula sa langit, at sinupok ang handog na susunugin at ang mga hain; at napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay. 014 2CH 007 002 At ang mga saserdote ay hindi mangakapasok sa bahay ng Panginoon, sapagka't napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon. 014 2CH 007 003 At ang lahat na mga anak ni Israel ay nagsitingin, nang ang apoy ay lumagpak, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nasa bahay; at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa pabimento, at nagsisamba, at nangagpasalamat sa Panginoon, na nagsisipagsabi, Sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. 014 2CH 007 004 Nang magkagayo'y ang hari at ang buong bayan ay naghandog ng hain sa harap ng Panginoon. 014 2CH 007 005 At ang haring Salomon ay naghandog ng hain sa dalawangpu't dalawang libong baka, at isang daan at dalawangpung libong tupa. Gayon ang hari at ang buong bayan ay nagtalaga sa bahay ng Dios. 014 2CH 007 006 At ang mga saserdote ay nagsitayo ayon sa kanilang mga katungkulan; gayon din ang mga Levita na may mga panugtog ng tugtugin ng Panginoon, na ginawa ni David na hari na ipinagpasalamat sa Panginoon, (sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man), nang si David ay dumalangin sa pamamagitan ng kanilang pangangasiwa: at ang mga saserdote ay nangagpatunog ng mga pakakak sa harap nila, at ang buong Israel ay tumayo. 014 2CH 007 007 Bukod dito'y itinalaga ni Salomon ang gitna ng looban na nasa harap ng bahay ng Panginoon; sapagka't doon niya inihandog ang mga handog na susunugin, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan, sapagka't ang tansong dambana na ginawa ni Salomon ay hindi makakaya sa handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa taba. 014 2CH 007 008 Sa gayo'y ipinagdiwang ang kapistahan nang panahong yaon na pitong araw, ni Salomon, at ng buong Israel na kasama niya, ng totoong malaking kapisanan, mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Egipto. 014 2CH 007 009 At sa ikawalong araw ay nagsipagdiwang sila ng dakilang kapulungan: sapagka't kanilang iningatan ang pagtatalaga sa dambana na pitong araw, at ang kapistahan ay pitong araw. 014 2CH 007 010 At sa ikadalawangpu't tatlong araw ng ikapitong buwan, ay kaniyang pinauwi ang bayan sa kanilang mga tolda, na galak at may masayang puso dahil sa kabutihan na ipinakita ng Panginoon kay David, at kay Salomon, at sa Israel na kaniyang bayan. 014 2CH 007 011 Ganito tinapos ni Salomon ang bahay ng Panginoon, at ang bahay ng hari: at lahat na isinaloob ni Salomon gawin sa bahay ng Panginoon, at sa kaniyang sariling bahay, ay nagkawakas ng mabuti. 014 2CH 007 012 At ang Panginoon ay napakita kay Salomon sa gabi, at sinabi sa kaniya, Aking narinig ang iyong dalangin, at pinili ko ang dakong ito sa aking sarili na pinakabahay na hainan. 014 2CH 007 013 Kung aking sarhan ang langit na anopa't huwag magkaroon ng ulan, o kung aking utusan ang balang na lamunin ang lupain, o kung ako'y magsugo ng salot sa gitna ng aking bayan; 014 2CH 007 014 Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain. 014 2CH 007 015 Ngayo'y ang aking mga mata ay didilat, at ang aking pakinig ay makikinig, sa dalangin na gagawin sa dakong ito. 014 2CH 007 016 Sapagka't ngayon ay aking pinili at itinalaga ang bahay na ito, upang ang aking pangalan ay dumoon magpakailan man; at ang aking mga mata at ang aking puso ay doroong palagi. 014 2CH 007 017 At tungkol sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harap ko, gaya ng inilakad ni David na iyong ama, at iyong gagawin ang ayon sa lahat na aking iniutos sa iyo, at iyong iingatan ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan; 014 2CH 007 018 Akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian ayon sa aking itinipan kay David na iyong ama, na sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake na magpupuno sa Israel. 014 2CH 007 019 Nguni't kung kayo ay magsisihiwalay, at iiwan ninyo ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos na aking inilagay sa harap ninyo, at magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios, at magsisisamba sa kanila: 014 2CH 007 020 Akin ngang bubunutin sila sa aking lupain na aking ibinigay sa kanila; at ang bahay na ito na aking itinalaga para sa aking pangalan, at iwawaksi ko sa aking paningin, at gagawin kong isang kawikaan, at isang kakutyaan sa gitna ng lahat ng mga bayan. 014 2CH 007 021 At ang bahay na ito na totoong mataas, bawa't magdaan sa kaniya'y magtataka, at magsasabi, Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito, at sa bahay na ito? 014 2CH 007 022 At sila'y magsisisagot, Sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto, at nanghawak sa ibang mga dios at sinamba nila, at pinaglingkuran nila: kaya't kaniyang dinala ang lahat na kasamaang ito sa kanila. 014 2CH 008 001 At nangyari, sa katapusan ng dalawangpung taon na ipinagtayo ni Salomon ng bahay ng Panginoon, at ng kaniyang sariling bahay. 014 2CH 008 002 Na ang mga bayan na ibinigay ni Hiram kay Salomon, mga itinayo ni Salomon, at pinatahan doon ang mga anak ni Israel. 014 2CH 008 003 At si Salomon ay naparoon sa Hamath-soba, at nanaig laban doon. 014 2CH 008 004 At kaniyang itinayo ang Tadmor sa ilang, at lahat na bayan na imbakan na kaniyang itinayo sa Hamath. 014 2CH 008 005 Itinayo rin niya ang Bet-horon sa itaas, at ang Bet-horon sa ibaba, na mga bayang nakukutaan, na may mga kuta, mga pintuang-bayan, at mga halang; 014 2CH 008 006 At ang Baalath at ang lahat na bayan na imbakan na tinatangkilik ni Salomon, at lahat na bayan na ukol sa kaniyang mga karo, at ang mga bayan na ukol sa kaniyang mga mangangabayo, at lahat na ninasa ni Salomon, na itayo para sa kaniyang kasayahan sa Jerusalem, at sa Libano, at sa buong lupain ng kaniyang sakop. 014 2CH 008 007 Tungkol sa buong bayan na naiwan sa mga Hetheo, at mga Amorrheo, at mga Perezeo, at mga Heveo, at mga Jebuseo, na hindi sa Israel; 014 2CH 008 008 Ang kanilang mga anak na naiwan pagkamatay nila sa lupain na hindi nilipol ng mga anak ni Israel, ay sa kanila naglagay si Salomon ng mangaatag na mga alipin, hanggang sa araw na ito. 014 2CH 008 009 Nguni't sa mga anak ni Israel ay walang ginawang alipin si Salomon sa kaniyang gawain; kundi sila'y mga lalaking mangdidigma, at mga pinuno sa kaniyang mga pinunong kawal, at mga pinuno sa kaniyang mga karo, at sa kaniyang mga mangangabayo. 014 2CH 008 010 At ito ang mga pangulong pinuno ng haring Salomon, na dalawang daan at limang pu na nagpupuno sa bayan. 014 2CH 008 011 At iniahon ni Salomon ang anak na babae ni Faraon mula sa bayan ni David hanggang sa bahay na kaniyang itinayo na ukol sa kaniya; sapagka't kaniyang sinabi, Hindi tatahan ang aking asawa sa bahay ni David na hari sa Israel, sapagka't ang mga dako ay banal na pinagpasukan sa kaban ng Panginoon. 014 2CH 008 012 Nang magkagayo'y naghandog si Salomon sa Panginoon ng mga handog na susunugin, sa dambana ng Panginoon, na kaniyang itinayo sa harap ng portiko, 014 2CH 008 013 Sa makatuwid baga'y ayon sa kailangan sa bawa't araw, na naghahandog ayon sa utos ni Moises, sa mga sabbath, at sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan, na makaitlo sa isang taon, sa kapistahan ng tinapay na walang lebadura, at sa kapistahan ng mga sanglinggo, at sa kapistahan ng mga balag. 014 2CH 008 014 At siya'y naghalal, ayon sa utos ni David na kaniyang ama ng mga bahagi ng mga saserdote sa kanilang paglilingkod, at ng mga Levita sa kanilang mga katungkulan upang mangagpuri, at upang mangasiwa sa harap ng mga saserdote, ayon sa kailangan ng katungkulan sa bawa't araw: ang mga tagatanod-pinto naman ayon sa kanilang mga bahagi sa bawa't pintuang-daan: sapagka't gayon ang iniutos ni David na lalake ng Dios. 014 2CH 008 015 At sila'y hindi nagsihiwalay sa utos ng hari sa mga saserdote at mga Levita tungkol sa anomang bagay, o tungkol sa mga kayamanan. 014 2CH 008 016 Ang lahat ngang gawain ni Salomon ay nahanda sa araw ng pagtatayo ng bahay ng Panginoon, at hanggang sa natapos. Sa gayo'y nayari ang bahay ng Panginoon. 014 2CH 008 017 Nang magkagayo'y naparoon si Salomon sa Ezion-geber, at sa Eloth, sa tabi ng dagat sa lupain ng Edom. 014 2CH 008 018 At nagpadala sa kaniya si Hiram ng mga sasakyang dagat sa pamamagitan ng kamay ng kaniyang mga bataan, at mga bataan na bihasa sa dagat; at sila'y nagsiparoon sa Ophir na kasama ng mga bataan ni Salomon, at nagsipagdala mula roon ng apat na raan at limangpung talentong ginto, at dinala sa haring Salomon. 014 2CH 009 001 At nang mabalitaan ng reina sa Seba ang kabantugan ni Salomon, siya'y naparoon upang subukin si Salomon, sa mga mahirap na tanong sa Jerusalem, na may maraming kaakbay, at mga kamelyo na may pasang mga espesia, at ginto na sagana, at mga mahalagang bato: at nang siya'y dumating kay Salomon, kaniyang inihinga sa kaniya ang lahat na laman ng kaniyang dibdib. 014 2CH 009 002 At isinaysay ni Salomon sa kaniya ang lahat niyang tanong: at walang bagay na nalingid kay Salomon na hindi niya isinaysay sa kaniya. 014 2CH 009 003 At nang makita ng reina sa Seba ang karunungan ni Salomon, at ang bahay na kaniyang itinayo. 014 2CH 009 004 At ang pagkain sa kaniyang dulang, at ang pagkaayos ng kaniyang mga alila, at ang tayo ng kaniyang mga tagapaglingkod, at ang kanilang mga pananamit, gayon din ang kaniyang mga tagahawak ng saro, at ang kanilang mga pananamit; at ang kaniyang sampahan na kaniyang sinasampahan sa bahay ng Panginoon: nawalan siya ng loob. 014 2CH 009 005 At sinabi niya sa hari, Tunay na balita ang aking narinig sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga gawa, at sa iyong karunungan. 014 2CH 009 006 Gayon ma'y hindi ko pinaniwalaan ang kanilang mga salita hanggang sa ako'y dumating, at nakita ng aking mga mata: at, narito, ang kalahati ng kalakhan ng iyong karunungan ay hindi nasaysay sa akin: ikaw ay humigit sa kabantugan na aking narinig. 014 2CH 009 007 Mapapalad ang iyong mga tao, at mapapalad itong iyong mga lingkod, na nagsisitayong palagi sa harap mo, at nangakakarinig ng iyong karunungan. 014 2CH 009 008 Purihin ang Panginoon mong Dios, na nalulugod sa iyo, na inilagay ka sa kaniyang luklukan, upang maging hari na ukol sa Panginoon mong Dios: sapagka't minamahal ng iyong Dios ang Israel, upang itatag magpakailan man, kaya't ginawa ka niyang hari sa kanila, upang magsagawa ng kahatulan at ng katuwiran. 014 2CH 009 009 At siya'y nagbigay sa hari ng isang daan at dalawangpung talentong ginto, at mga espesia na totoong sagana, at mga mahalagang bato: ni nagkaroon pa man ng gayong espesia na gaya ng ibinigay ng reina sa Seba sa haring Salomon. 014 2CH 009 010 At ang mga bataan naman ni Hiram, at ang mga bataan ni Salomon, na nagsipagdala ng ginto mula sa Ophir, nagsipagdala ng mga kahoy na algum at mga mahalagang bato. 014 2CH 009 011 At ginawang mga hagdanan ng hari ang mga kahoy na algum sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari, at mga alpa, at mga salterio na ukol sa mga mangaawit: at wala nang nakita pang gaya niyaon sa lupain ng Juda. 014 2CH 009 012 At ang haring Salomon ay nagbigay sa reina sa Seba ng lahat niyang nasa, anomang hiningi niya, bukod sa timbang ng kaniyang dinala sa hari. Sa gayo'y siya'y bumalik, at umuwi sa kaniyang sariling lupain, siya at ang kaniyang mga lingkod. 014 2CH 009 013 Ang timbang nga ng ginto na dumating kay Salomon sa isang taon ay anim na raan at anim na pu't anim na talentong ginto, 014 2CH 009 014 Bukod doon sa dinala ng mga manglalako at mga mangangalakal; at ang lahat na hari sa Arabia at ang mga tagapamahala sa lupain ay nagsipagdala ng ginto at pilak kay Salomon. 014 2CH 009 015 At ang haring Salomon ay gumawa ng dalawang daang kalasag na pinukpok na ginto: anim na raang siklo na pinukpok na ginto ang ginamit sa bawa't kalasag. 014 2CH 009 016 At siya'y gumawa ng tatlong daang kalasag na pinukpok na ginto; tatlong daang siklo na ginto ang ginamit sa bawa't kalasag: at inilagay ng hari sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano. 014 2CH 009 017 Bukod dito'y gumawa ang hari ng isang malaking luklukang garing, at binalot ng taganas na ginto. 014 2CH 009 018 At may anim na baytang sa luklukan, at isang gintong tungtungan, na mga nakakapit sa luklukan, at may mga pinakakamay sa bawa't tagiliran sa siping ng dako ng upuan, at dalawang leon ang nakatayo sa siping ng mga pinakakamay. 014 2CH 009 019 At labing dalawang leon ang nakatayo roon sa isang dako at sa kabilang dako sa ibabaw ng anim na baytang: walang nagawang gayon sa alinmang kaharian. 014 2CH 009 020 At ang lahat na sisidlang inuman ni Salomon ay ginto, at ang lahat ng sisidlan sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano ay taganas na ginto; ang pilak ay hindi mahalaga sa mga kaarawan ni Salomon. 014 2CH 009 021 Sapagka't ang hari ay may mga sasakyan na nagsisiparoon sa Tharsis na kasama ng mga bataan ni Hiram: minsan sa bawa't tatlong taon ay dumarating ang mga sasakyang dagat ng Tharsis, na nagsisipagdala ng ginto, at pilak, garing, at mga ungoy, at mga pabo real. 014 2CH 009 022 Sa gayo'y ang haring Salomon ay humihigit sa lahat ng hari sa lupa, sa kayamanan at sa karunungan. 014 2CH 009 023 At hinanap ng lahat na hari sa lupa ang harapan ni Salomon, upang magsipakinig ng kaniyang karunungan, na inilagay ng Dios sa kaniyang puso. 014 2CH 009 024 At sila'y nagsipagdala bawa't isa ng kanikaniyang kaloob, na mga sisidlang pilak, at mga sisidlang ginto, at damit, sandata, at mga espesia, mga kabayo, at mga mula, isang takdang kayamanan sa taon-taon. 014 2CH 009 025 At si Salomon ay may apat na libong silungan ng kabayo at mga karo, at labing dalawang libong mangangabayo, na kaniyang mga inilagay sa mga bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem. 014 2CH 009 026 At siya'y nagpuno sa lahat ng mga hari mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo, at sa hangganan ng Egipto. 014 2CH 009 027 At ginawa ng hari na maging parang mga bato ang pilak sa Jerusalem, at ang mga sedro ay ginawa niyang maging parang mga puno ng sikomoro na nasa mababang lupa, dahil sa kasaganaan. 014 2CH 009 028 At sila'y nagsipagdala ng mga kabayo kay Salomon mula sa Egipto, at mula sa lahat ng mga lupain. 014 2CH 009 029 Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon, na una at huli, di ba nangasusulat sa kasaysayan ni Nathan na propeta, at sa panghuhula ni Ahias na Silonita, at sa mga pangitain ni Iddo na tagakita tungkol kay Jeroboam na anak ni Nabat? 014 2CH 009 030 At si Salomon ay naghari sa Jerusalem sa buong Israel na apat na pung taon. 014 2CH 009 031 At natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang, at siya'y nalibing sa bayan ni David na kaniyang ama: at si Roboam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 014 2CH 010 001 At si Roboam ay naparoon sa Sichem: sapagka't ang buong Israel ay naparoon sa Sichem upang gawin siyang hari. 014 2CH 010 002 At nangyari, nang mabalitaan ni Jeroboam na anak ni Nabat (sapagka't siya'y nasa Egipto, na siya niyang tinakasan mula sa harap ng haring Salomon, ) na si Jeroboam ay bumalik mula sa Egipto. 014 2CH 010 003 At sila'y nangagsugo at ipinatawag nila siya; at si Jeroboam at ang buong Israel ay nagsiparoon, at sila'y nagsipagsalita kay Roboam, na nagsisipagsabi, 014 2CH 010 004 Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin: ngayon nga'y pagaanin mo ang mabigat na paglilingkod sa iyong ama, at ang mabigat niyang atang na iniatang niya sa amin, at kami ay magsisipaglingkod sa iyo. 014 2CH 010 005 At sinabi niya sa kanila, Magsiparito uli kayo sa akin pagkatapos ng tatlong araw. At ang bayan ay yumaon. 014 2CH 010 006 At ang haring Roboam ay kumuhang payo sa mga matanda na nagsitayo sa harap ni Salomon na kaniyang ama samantalang siya'y nabubuhay pa, na sinasabi, Anong payo ang ibinibigay ninyo sa akin upang magbalik ng sagot sa bayang ito? 014 2CH 010 007 At sila'y nagsipagsalita sa kaniya, na nagsisipagsabi, Kung ikaw ay magmagandang loob sa bayang ito, at iyong pagbigyang loob sila, at magsalita ng mga mabuting salita sa kanila, iyo ngang magiging lingkod sila magpakailan man. 014 2CH 010 008 Nguni't iniwan niya ang payo ng mga matanda na kanilang ibinigay sa kaniya, at kumuhang payo sa mga binata na nagsilaking kasabay niya, na nagsitayo sa harap niya. 014 2CH 010 009 At sinabi niya sa kanila, Anong payo ang ibinibigay ninyo, upang maibalik nating sagot sa bayang ito, na nagsalita sa akin, na sinasabi, Pagaanin mo ang atang na iniatang ng iyong ama sa amin? 014 2CH 010 010 At ang mga binata na nagsilaki na kasabay niya, ay nagsipagsalita sa kaniya, na nagsisipagsabi, Ganito ang iyong sasabihin sa bayan na nagsalita sa iyo, na sinasabi, Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin, nguni't pagaanin mo sa amin; ganito ang iyong sasabihin sa kanila, Ang aking kalingkingan ay makapal kay sa mga balakang ng aking ama. 014 2CH 010 011 At sa paraan ngang inatangan kayo ng aking ama ng mabigat na atang, aking dadagdagan pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit, nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan. 014 2CH 010 012 Sa gayo'y naparoon si Jeroboam at ang buong bayan kay Roboam sa ikatlong araw, gaya ng iniutos ng hari na sinasabi, Magsibalik kayo sa akin sa ikatlong araw. 014 2CH 010 013 At ang hari ay sumagot sa kanila na may katigasan, at iniwan ng haring Roboam ang payo ng mga matanda. 014 2CH 010 014 At nagsalita sa kanila ayon sa payo ng mga binata, na sinasabi, Pinabigat ng aking ama ang atang sa inyo, nguni't aking dadagdagan pa: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit, nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan. 014 2CH 010 015 Sa gayo'y hindi dininig ng hari ang bayan: sapagka't buhat sa Dios, upang itatag ng Panginoon ang kaniyang sinalita sa pamamagitan ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat. 014 2CH 010 016 At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari, sumagot ang bayan sa hari, na sinasabi, Anong bahagi mayroon kami kay David? wala man kaming mana sa anak ni Isai: bawa't tao sa inyo-inyong tolda, Oh Israel: ngayo'y ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan, David. Sa gayo'y yumaon ang buong Israel sa kanikanilang tolda. 014 2CH 010 017 Nguni't tungkol sa mga anak ni Israel na nagsisitahan sa mga bayan ng Juda, pinagharian sila ni Roboam. 014 2CH 010 018 Nang magkagayo'y sinugo ng haring Roboam si Adoram, na nasa buwisan; at binato siya ng mga bato ng mga anak ni Israel, na anopa't siya'y namatay. At ang haring Roboam ay nagmadaling sumampa sa kaniyang karo, upang tumakas sa Jerusalem. 014 2CH 010 019 Gayon nanghimagsik ang Israel laban sa sangbahayan ni David, hanggang sa araw na ito. 014 2CH 011 001 At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang sangbahayan ni Juda at ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling mga lalake, na mga mangdidigma, na magsisilaban sa Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam. 014 2CH 011 002 Nguni't ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios, na sinasabi, 014 2CH 011 003 Salitain mo kay Roboam na anak ni Salomon, na hari sa Juda, at sa buong Israel sa Juda at Benjamin, na iyong sabihin, 014 2CH 011 004 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y huwag magsisiahon, o magsisilaban man sa inyong mga kapatid: bumalik ang bawa't lalake sa kaniyang bahay; sapagka't ang bagay na ito ay sa akin. Sa gayo'y kanilang dininig ang mga salita ng Panginoon, at umurong ng kanilang lakad laban kay Jeroboam. 014 2CH 011 005 At si Roboam ay tumahan sa Jerusalem, at nagtayo ng mga bayan na pinaka sanggalang sa Juda. 014 2CH 011 006 Kaniyang itinayo nga ang Bethlehem, at ang Etham, at ang Tecoa, 014 2CH 011 007 At ang Beth-sur, at ang Socho, at ang Adullam, 014 2CH 011 008 At ang Gath, at ang Maresa, at ang Ziph, 014 2CH 011 009 At ang Adoraim, at ang Lachis, at ang Asecha, 014 2CH 011 010 At ang Sora, at ang Ajalon, at ang Hebron, na nangasa Juda at sa Benjamin, na mga bayang nangakukutaan. 014 2CH 011 011 At kaniyang pinagtibay ang mga katibayan, at mga nilagyan ng mga pinunong kawal, at saganang pagkain, at ng langis at alak. 014 2CH 011 012 At sa bawa't bayan, siya'y naglagay ng mga kalasag at mga sibat, at pinatibay niyang mainam ang mga yaon. At ang Juda at ang Benjamin ay ukol sa kaniya. 014 2CH 011 013 At ang mga saserdote at mga Levita na nangasa buong Israel ay napasakop sa kaniya na mula sa kanilang buong hangganan. 014 2CH 011 014 Sapagka't iniwan ng mga Levita ang kanilang mga nayon at ang kanilang pag-aari, at nagsiparoon sa Juda at Jerusalem: sapagka't pinalayas sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak, na huwag nilang gagawin ang katungkulang pagkasaserdote sa Panginoon; 014 2CH 011 015 At siya'y naghalal para sa kaniya ng mga saserdote na ukol sa mga mataas na dako, at sa mga kambing na lalake, at sa mga guya na kaniyang ginawa. 014 2CH 011 016 At pagkatapos nila, yaong sa lahat ng mga lipi ng Israel na naglagak ng kanilang puso na hanapin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsiparoon sa Jerusalem upang maghain sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang. 014 2CH 011 017 Sa gayo'y kanilang pinagtibay ang kaharian ng Juda, at pinalakas si Roboam na anak ni Salomon sa tatlong taon: sapagka't sila'y nagsilakad na tatlong taon sa lakad ni David at ni Salomon. 014 2CH 011 018 At nagasawa si Roboam kay Mahalath na anak ni Jerimoth na anak ni David, at kay Abihail na anak ni Eliab, na anak ni Isai; 014 2CH 011 019 At siya'y nagkaanak sa kaniya ng mga lalake; si Jeus, at si Samaria, at si Zaham. 014 2CH 011 020 At pagkatapos sa kaniya ay nagasawa siya kay Maacha na anak ni Absalom; ipinanganak nito sa kaniya si Abias, at si Athai, at si Ziza, at si Selomith. 014 2CH 011 021 At minahal ni Roboam si Maacha na anak ni Absalom ng higit kay sa lahat ng kaniyang mga asawa at sa kaniyang mga babae (sapagka't siya'y nagasawa ng labing walo, at anim na pung babae, at nagkaanak ng dalawang pu't walong lalake, at anim na pung babae.) 014 2CH 011 022 At inihalal ni Roboam si Abias na anak ni Maacha na maging pinuno, sa makatuwid baga'y prinsipe sa kaniyang mga kapatid: sapagka't kaniyang inisip na gawin siyang hari. 014 2CH 011 023 At siya'y kumilos na may katalinuhan, at kaniyang pinangalat ang lahat niyang mga anak na nalabi, sa lahat ng lupain ng Juda at Benjamin, hanggang sa bawa't bayang nakukutaan: at binigyan niya sila ng pagkaing sagana. At inihanap niya sila ng maraming asawa. 014 2CH 012 001 At nangyari, nang matatag ang kaharian ni Roboam at siya'y malakas, na kaniyang iniwan ang kautusan ng Panginoon, at ang buong Israel ay kasama niya. 014 2CH 012 002 At nangyari nang ikalimang taon ng haring Roboam, na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem, sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa Panginoon, 014 2CH 012 003 Na may isang libo at dalawang daang karo, at anim na pung libong mangangabayo. At ang bayan ay walang bilang na naparoong kasama niya mula sa Egipto; ang mga Lubim, ang mga Sukim, at ang mga taga Etiopia. 014 2CH 012 004 At sinupok niya ang mga bayang nakukutaan na nauukol sa Juda, at naparoon sa Jerusalem. 014 2CH 012 005 Si Semeias nga na propeta ay naparoon kay Roboam, at sa mga prinsipe ng Juda, na pagpipisan sa Jerusalem dahil kay Sisac, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inyo akong pinabayaan, kaya't iniwan ko naman kayo sa kamay ni Sisac. 014 2CH 012 006 Nang magkagayo'y ang mga prinsipe ng Israel at ang hari ay nagpakababa; at kanilang sinabi, Ang Panginoon ay matuwid. 014 2CH 012 007 At nang makita ng Panginoon na sila'y nangagpakumbaba, ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias, na sinasabi, Sila'y nangagpakumbaba; hindi ko gigibain sila: kundi aking bibigyan sila ng kaunting pagliligtas, at ang aking galit ay hindi mabubugso sa Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Sisac. 014 2CH 012 008 Gayon ma'y sila'y magiging kaniyang alipin; upang kanilang makilala ang paglilingkod sa akin, at ang paglilingkod sa mga kaharian ng mga lupain. 014 2CH 012 009 Sa gayo'y umahon si Sisac na hari sa Egipto laban sa Jerusalem, at dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at mga kayamanan ng bahay ng hari; kaniyang kinuhang lahat: kaniyang kinuha pati ng mga kalasag na ginto na ginawa ni Salomon. 014 2CH 012 010 At ang haring Roboam ay gumawa ng mga kalasag na tanso na kahalili ng mga yaon, at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga punong kawal ng bantay, na nagsisipagingat ng pintuan ng bahay ng hari. 014 2CH 012 011 At nangyari, na kung gaanong kadalas pumapasok ang hari sa bahay ng Panginoon, ang bantay ay naparoroon at dinadala ang mga yaon, at ibinabalik sa silid ng bantay. 014 2CH 012 012 At nang siya'y magpakumbaba, ang galit ng Panginoon ay nahiwalay sa kaniya, na anopa't siya'y hindi lubos na pinatay: at bukod dito'y may nasumpungan sa Juda na mga mabuting bagay. 014 2CH 012 013 Sa gayo'y ang haring Roboam ay nagpakalakas sa Jerusalem at naghari: sapagka't si Roboam ay may apat na pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing labing pitong taon sa Jerusalem, na bayang pinili ng Panginoon sa lahat na lipi ng Israel, upang ilagay ang kaniyang pangalan doon: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita. 014 2CH 012 014 At siya'y gumawa ng masama, sapagka't hindi niya inilagak ang kaniyang puso na hanapin ang Panginoon. 014 2CH 012 015 Ang mga gawa nga ni Roboam, na una at huli, di ba nangasusulat sa kasaysayan ni Semeias na propeta at ni Iddo na tagakita, ayon sa ayos ng mga talaan ng lahi? At nagkaroong palagi ng mga digmaan si Roboam at si Jeroboam. 014 2CH 012 016 At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang at nalibing sa bayan ni David: at si Abias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 014 2CH 013 001 Nang ikalabing walong taon ng haring Jeroboam ay nagpasimula si Abias na maghari sa Juda. 014 2CH 013 002 Tatlong taong naghari siya sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Michaia na anak ni Uriel na taga Gabaa. At nagkaroon ng digmaan si Abias at si Jeroboam. 014 2CH 013 003 At si Abias ay nagpisan sa pakikipagbaka ng isang hukbo na matatapang na lalaking mangdidigma, na apat na raang libo, na mga piling lalake: at humanay si Jeroboam sa pakikipagbaka laban sa kaniya na may walong daang libo, na piling mga lalake, na mga makapangyarihang lalaking may tapang. 014 2CH 013 004 At si Abias ay tumayo sa bundok ng Semaraim, na nasa lupaing maburol ng Ephraim, at nagsabi, Dinggin ninyo ako, Oh Jeroboam at buong Israel; 014 2CH 013 005 Hindi ba ninyo nalalaman na ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel, ang kaharian sa Israel kay David magpakailan man, sa kaniya at sa kaniyang mga anak, sa pamamagitan ng tipan na asin? 014 2CH 013 006 Gayon ma'y si Jeroboam na anak ni Nabat, na lingkod ni Salomon na anak ni David, ay tumindig, at nanghimagsik laban sa kaniyang panginoon. 014 2CH 013 007 At napisan sa kaniya ay mga walang kabuluhang lalake, na mga hamak na tao, na nangagpakatibay laban kay Roboam na anak ni Salomon, nang si Roboam ay bata at malumanay na puso, at hindi makapanaig sa kanila. 014 2CH 013 008 At ngayo'y inyong inaakalang daigin ang kaharian ng Panginoon sa kamay ng mga anak ni David; at kayo'y isang malaking karamihan, at mayroon kayong mga gintong guya, na ginawang mga dios sa inyo ni Jeroboam. 014 2CH 013 009 Hindi ba ninyo pinalayas ang mga saserdote ng Panginoon, na mga anak ni Aaron, at ang mga Levita, at kayo'y naghalal ng mga saserdote na ayon sa kaugalian ng mga bayan ng mga ibang lupain? na anopa't sinomang naparoroon upang tumalaga sa pamamagitan ng isang guyang baka, at pitong lalaking tupa, yao'y maaaring saserdote sa mga yaon na hindi mga dios. 014 2CH 013 010 Nguni't tungkol sa amin, ang Panginoon ay ang aming Dios, at hindi namin pinabayaan siya; at mayroon kaming mga saserdote na nagsisipangasiwa sa Panginoon, ang mga anak ni Aaron, at ang mga Levita sa kanilang gawain: 014 2CH 013 011 At sila'y nagsisipagsunog sa Panginoon tuwing umaga at tuwing hapon ng mga handog na susunugin at ng mainam na kamangyan: ang tinapay na handog naman ay inihanay nila sa dulang na dalisay; at ang kandelerong ginto na may mga ilawan, upang magsipagningas tuwing hapon: sapagka't aming iningatan ang bilin ng Panginoon naming Dios; nguni't pinabayaan ninyo siya. 014 2CH 013 012 At, narito, ang Dios ay nangungulo sa amin, at ang kaniyang mga saserdote ay mga may pakakak na panghudyat, upang mangagpatunog ng hudyat laban sa iyo. Oh mga anak ni Israel, huwag kayong mangakipaglaban sa Panginoon, sa Dios ng inyong mga magulang; sapagka't kayo'y hindi magsisiginhawa. 014 2CH 013 013 Nguni't pinaligid sa likuran nila ni Jeroboam ang isang kawal na bakay: na anopa't sila'y nangasa harap ng Juda, at ang bakay ay nasa likuran nila. 014 2CH 013 014 At nang ang Juda ay lumingon, narito, ang pagbabaka'y nasa harap at likuran nila: at sila'y nagsidaing sa Panginoon, at ang mga saserdote ay nangagpatunog ng mga pakakak. 014 2CH 013 015 Nang magkagayo'y nagsihiyaw ang mga lalake ng Juda: at habang nagsisihiyaw ang mga anak ng Juda, nangyari, na sinaktan ng Dios si Jeroboam at ang buong Israel sa harap ni Abias at ng Juda. 014 2CH 013 016 At ang mga anak ni Israel ay nagsitakas sa harap ng Juda: at ibinigay ng Dios sila sa kanilang kamay. 014 2CH 013 017 At pinatay sila ni Abias at ng kaniyang bayan ng malaking pagpatay: sa gayo'y nangabuwal na patay sa Israel ay limang daang libo na piling mga lalake. 014 2CH 013 018 Ganito nangasakop ang mga anak ni Israel nang panahong yaon, at ang mga anak ni Juda ay nagsipanaig, sapagka't sila'y nagsitiwala sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang. 014 2CH 013 019 At hinabol ni Abias si Jeroboam, at inagawan siya ng mga bayan, ang Beth-el pati ng mga nayon niyaon, at ang Jesana pati ng mga nayon niyaon at ang Ephron pati ng mga nayon niyaon. 014 2CH 013 020 Na hindi man nagsauling lakas si Jeroboam uli sa mga kaarawan ni Abias: at sinaktan siya ng Panginoon at siya'y namatay. 014 2CH 013 021 Nguni't si Abias ay naging makapangyarihan, at nagasawa ng labing apat, at nagkaanak ng dalawang pu't dalawang lalake, at labing anim na babae. 014 2CH 013 022 At ang iba sa mga gawa ni Abias, at ang kaniyang mga lakad, at ang kaniyang mga sabi ay nangakasulat sa kasaysayan ni Iddo na propeta. 014 2CH 014 001 Sa gayo'y natulog si Abias na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing nila siya sa bayan ni David, at si Asa na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. Nang kaniyang mga kaarawan ay tahimik ang lupain na sangpung taon. 014 2CH 014 002 At gumawa si Asa ng mabuti at matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon niyang Dios: 014 2CH 014 003 Sapagka't kaniyang inalis ang mga dambana ng iba, at ang mga mataas na dako, at pinagputolputol ang mga haligi, at ibinagsak ang mga Asera, 014 2CH 014 004 At iniutos sa Juda na hanapin ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, at tuparin ang kautusan at ang utos. 014 2CH 014 005 Kaniya rin namang inalis sa lahat na bayan ng Juda ang mga mataas na dako at ang mga larawang araw: at ang kaharian ay tahimik sa harap niya. 014 2CH 014 006 At siya'y nagtayo ng mga bayang nakukutaan sa Juda: sapagka't ang lupain ay tahimik, at siya'y hindi nagkaroon ng pakikipagdigma sa mga taong yaon; sapagka't binigyan siya ng Panginoon ng kapahingahan. 014 2CH 014 007 Sapagka't sinabi niya sa Juda, Itayo natin ang mga bayang ito, at gawan sa palibot ng mga kuta, at ng mga moog, ng mga pintuang-bayan, at ng mga halang; ang lupain ay nasa harap pa natin, sapagka't ating hinahanap ang Panginoon nating Dios; ating hinanap siya, at binigyan niya tayo ng kapahingahan sa lahat ng dako. Sa gayo'y kanilang itinayo at nagsiginhawa. 014 2CH 014 008 At si Asa ay may isang hukbo na may dalang mga kalasag at mga sibat, na mula sa Juda, na tatlong daang libo; at mula sa Benjamin, na nagdadala ng mga kalasag at nagpapahilagpos ng mga busog na dalawang daan at walong pung libo: lahat ng mga ito ay mga makapangyarihang lalake na matatapang. 014 2CH 014 009 At lumabas laban sa kanila si Zera na taga Etiopia na may hukbo na isang angaw, at tatlong daang karo; at siya'y naparoon sa Maresa. 014 2CH 014 010 Nang magkagayo'y lumabas si Asa na sumalubong sa kaniya, at sila'y nagsihanay ng pakikipagbaka sa libis ng Sephata sa Maresa. 014 2CH 014 011 At si Asa ay dumaing sa Panginoon niyang Dios, at kaniyang sinabi, Panginoon, walang iba liban sa iyo na makatutulong, sa pagitan ng makapangyarihan at niya na walang lakas: tulungan mo kami, Oh Panginoon naming Dios: sapagka't kami ay nagsisitiwala sa iyo, at sa iyong pangalan ay kami nagsisiparito laban sa karamihang ito. Oh Panginoon, ikaw ay aming Dios; huwag mong panaigin ang tao laban sa iyo. 014 2CH 014 012 Sa gayo'y sinaktan ng Panginoon ang mga taga Etiopia sa harap ni Asa, at sa harap ng Juda; at ang mga taga Etiopia ay nagsitakas. 014 2CH 014 013 At si Asa at ang bayan na kasama niya ay nagsihabol sa kanila hanggang sa Gerar: at nangabuwal sa mga taga Etiopia ang totoong marami, na anopa't sila'y hindi makabawi, sapagka't sila'y nalansag sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang hukbo; at sila'y nagsipagdala ng totoong maraming samsam. 014 2CH 014 014 At kanilang sinaktan ang lahat na bayan sa palibot ng Gerar; sapagka't sila'y naratnan ng takot sa Panginoon; at kanilang sinamsaman ang lahat na bayan; sapagka't maraming nasamsam sa kanila. 014 2CH 014 015 Kanila rin namang sinaktan ang mga toldang silungan ng mga hayop, at nagsipagdala ng mga tupa na sagana, at mga kamelyo, at nagsibalik sa Jerusalem. 014 2CH 015 001 At ang espiritu ng Dios ay suma kay Azarias na anak ni Obed: 014 2CH 015 002 At siya'y lumabas na sinalubong si Asa, at sinabi niya sa kaniya, Dinggin ninyo ako, Asa, at buong Juda at Benjamin: ang Panginoon ay sumasa inyo samantalang kayo'y sumasa kaniya: at kung inyong hanapin siya, siya'y masusumpungan ninyo; nguni't kung pabayaan ninyo siya, kaniyang pababayaan kayo. 014 2CH 015 003 Ngayon nga ang Israel ay malaon nang walang Dios na tunay at walang tagapagturong saserdote, at walang kautusan: 014 2CH 015 004 Nguni't nang sa kanilang kapanglawan ay nagsipagbalik sila sa Panginoon, sa Dios ng Israel, at hinanap nila siya, siya'y nasumpungan nila. 014 2CH 015 005 At nang mga panahong yaon ay walang kapayapaan sa kaniya na lumabas, o sa kaniya na pumasok, kundi malaking ligalig ang nangasa lahat ng mga nananahan sa mga lupain. 014 2CH 015 006 At sila'y nagkapangkatpangkat, bansa laban sa bansa, at bayan laban sa bayan: sapagka't niligalig sila ng Dios ng buong kapighatian. 014 2CH 015 007 Nguni't mangagpakalakas kayo, at huwag manglata ang inyong mga kamay; sapagka't ang inyong mga gawa ay gagantihin. 014 2CH 015 008 At nang marinig ni Asa ang mga salitang ito, at ang hula ni Obed na propeta, siya'y lumakas, at inalis ang mga karumaldumal sa buong lupain ng Juda at ng Benjamin, at sa mga bayan na kaniyang sinakop sa lupaing maburol ng Ephraim; at kaniyang binago ang dambana ng Panginoon, na nasa harap ng portiko ng Panginoon. 014 2CH 015 009 At kaniyang pinisan ang buong Juda at Benjamin, at silang mga nakikipamayan na kasama nila mula sa Ephraim at Manases, at mula sa Simeon; sapagka't sila'y nagsihilig sa kaniya na mula sa Israel na sagana, nang kanilang makita na ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya. 014 2CH 015 010 Sa gayo'y nangagpipisan sila sa Jerusalem sa ikatlong buwan, sa ikalabing limang taon ng paghahari ni Asa. 014 2CH 015 011 At sila'y nagsipaghain sa Panginoon sa araw na yaon, sa samsam na kanilang dinala, na pitong daang baka at pitong libong tupa. 014 2CH 015 012 At sila'y pumasok sa tipan upang hanapin ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, ng kanilang buong puso, at ng kanilang buong kaluluwa. 014 2CH 015 013 At sinomang hindi humanap sa Panginoon, sa Dios ng Israel, ay papatayin, maging maliit o malaki, maging lalake o babae. 014 2CH 015 014 At sila'y nagsisumpa sa Panginoon ng malakas na tinig, at may mga hiyawan, at may mga pakakak, at may mga patunog. 014 2CH 015 015 At ang buong Juda ay nagalak sa sumpa: sapagka't sila'y nagsisumpa ng kanilang buong puso, at hinanap siya ng buo nilang nasa; at siya'y nasumpungan sa kanila: at binigyan sila ng Panginoon ng kapahingahan sa palibot. 014 2CH 015 016 At si Maacha naman na ina ni Asa na hari, ay inalis niya sa pagkareina, sapagka't siya'y gumawa ng nakasusuklam na larawan na pinaka Asera; at pinutol ni Asa ang kaniyang larawan, at ginawang alabok, at sinunog sa batis ng Cedron. 014 2CH 015 017 Nguni't ang mga mataas na dako ay hindi inalis sa Israel: gayon ma'y ang puso ni Asa ay sakdal sa lahat ng kaniyang mga kaarawan. 014 2CH 015 018 At kaniyang ipinasok sa bahay ng Dios ang mga bagay na itinalaga ng kaniyang ama, at yaon mang kaniyang itinalaga, na pilak, at ginto, at mga sisidlan. 014 2CH 015 019 At nawalan na ng digma sa ikatatlong pu't limang taon ng paghahari ni Asa. 014 2CH 016 001 Nang ikatatlong pu't anim na taon ng paghahari ni Asa, si Baasa na hari sa Israel ay umahon laban sa Juda, at itinayo ang Rama, upang huwag niyang matiis na sinoma'y lumabas o pumaroon kay Asa na hari sa Juda. 014 2CH 016 002 Nang magkagayo'y kumuha si Asa ng pilak, at ginto sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari, at nagsugo kay Ben-adad, na hari sa Siria, na tumatahan sa Damasco, na ipinasasabi, 014 2CH 016 003 May pagkakasundo ako at ikaw, na gaya ng aking ama at ng iyong ama: narito, ako'y nagpapadala sa iyo ng pilak at ginto; yumaon ka, sirain mo ang iyong pakikipagkasundo kay Baasa na hari sa Israel, upang siya'y lumayas sa akin. 014 2CH 016 004 At dininig ni Ben-adad ang haring Asa, at sinugo niya ang mga pinunong kawal ng kaniyang mga hukbo laban sa mga bayan ng Israel, at kanilang sinaktan ang Ion, at ang Dan, at ang Abel-maim, at ang lahat na bayang kamaligan ng Nephtali. 014 2CH 016 005 At nangyari, nang mabalitaan ni Baasa, na iniwan niya ang pagtatayo ng Rama, at ipinatigil ang kaniyang gawa. 014 2CH 016 006 Nang magkagayo'y ipinagsama ni Asa na hari ang buong Juda; at kanilang dinala ang mga bato ng Rama, at ang kahoy niyaon, na ipinagtayo ni Baasa; at itinayo niya sa pamamagitan niyaon ang Gibaa at Mizpa. 014 2CH 016 007 At nang panahong yaon ay naparoon kay Asa na hari sa Juda si Hanani na tagakita, at nagsabi sa kaniya, Sapagka't ikaw ay nagtiwala sa hari sa Siria, at hindi ka nagtiwala sa Panginoon mong Dios, kaya't ang hukbo ng hari sa Siria ay nagtanan sa iyong kamay. 014 2CH 016 008 Hindi ba ang mga taga Etiopia at ang mga Lubim ay makapal na hukbo, na may mga karo at mangangabayo na totoong marami? gayon ma'y sapagka't ikaw ay nagtiwala sa Panginoon, ibinigay sila sa iyong kamay. 014 2CH 016 009 Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nagsisiyasat sa palibot ng buong lupa, upang pakilala na matibay sa ikagagaling ng mga yaon na ang puso ay sakdal sa kaniya. Ikaw ay gumawang may kamangmangan; sapagka't mula ngayo'y magkakaroon ka ng mga pakikipagdigma. 014 2CH 016 010 Nang magkagayo'y nagalit si Asa sa tagakita, at inilagay niya siya sa bilangguan: sapagka't siya'y nagalit sa kaniya dahil sa bagay na ito. At pinighati ni Asa ang iba sa bayan nang panahon ding yaon. 014 2CH 016 011 At, narito, ang mga gawa ni Asa, na una at huli, narito, nangakasulat sa aklat ng mga hari sa Juda at Israel. 014 2CH 016 012 At nang ikatatlong pu't siyam na taon ng kaniyang paghahari, si Asa ay nagkasakit sa kaniyang mga paa; ang kaniyang sakit ay totoong malubha: gayon ma'y sa kaniyang sakit ay hindi niya hinanap ang Panginoon, kundi ang mga manggagamot. 014 2CH 016 013 At si Asa ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at namatay sa ikaapat na pu't isang taon ng kaniyang paghahari. 014 2CH 016 014 At inilibing nila siya sa kaniyang sariling mga libingan, na kaniyang ipinahukay para sa kaniya sa bayan ni David, at inihiga siya sa higaan na pinunu ng mga masarap na amoy at sarisaring espesia na inihanda ng manggagawa ng mga pabango; at ipinagsunog nila niyaon ng di kawasa. 014 2CH 017 001 At si Josaphat na kaniyang anak ay naghari, na kahalili niya, at nagpakalakas laban sa Israel. 014 2CH 017 002 At siya'y naglagay ng mga kawal sa lahat ng bayang nakukutaan ng Juda, at naglagay ng mga pulutong sa lupain ng Juda, at sa mga bayan ng Ephraim, na sinakop ni Asa sa kaniyang ama. 014 2CH 017 003 At ang Panginoon ay sumasa kay Josaphat, sapagka't siya'y lumakad ng mga unang lakad ng kaniyang magulang na si David, at hindi hinanap ang mga Baal; 014 2CH 017 004 Kundi hinanap ang Dios ng kaniyang ama, at lumakad sa kaniyang mga utos, at hindi ayon sa mga gawa ng Israel. 014 2CH 017 005 Kaya't itinatag ng Panginoon ang kaharian sa kaniyang kamay; at ang buong Juda ay nagdala kay Josaphat ng mga kaloob; at siya'y nagkaroon ng mga kayamanan at dangal na sagana. 014 2CH 017 006 At ang kaniyang puso ay nataas sa mga daan ng Panginoon: at bukod dito'y inalis niya ang mga mataas na dako at ang mga Asera sa Juda. 014 2CH 017 007 Nang ikatlong taon naman ng kaniyang paghahari ay kaniyang sinugo ang kaniyang mga prinsipe, sa makatuwid bagay si Ben-hail, at si Obdias, at si Zacharias, at si Nathaniel, at si Micheas, upang mangagturo sa mga bayan ng Juda. 014 2CH 017 008 At kasama nila ang mga Levita, na si Semeias, at si Nethanias, at si Zebadias, at si Asael, at si Semiramoth, at si Jonathan, at si Adonias, at si Tobias, at si Tob-adonias, na mga Levita; at kasama nila si Elisama, at si Joram na mga saserdote. 014 2CH 017 009 At sila'y nangagturo sa Juda, na may aklat ng kautusan ng Panginoon; at sila'y nagsiyaon sa palibot ng lahat na bayan ng Juda, at nangagturo sa gitna ng bayan. 014 2CH 017 010 At ang takot sa Panginoon ay nahulog sa lahat ng kaharian ng mga lupain na nangasa palibot ng Juda, na anopa't sila'y hindi nangakipagdigma laban kay Josaphat. 014 2CH 017 011 At ang ilan sa mga Filisteo ay nangagdala ng mga kaloob kay Josaphat, at pilak na pinakabuwis; ang mga taga Arabia man ay nangagdala rin sa kaniya ng mga kawan, na pitong libo at pitong daang lalaking tupa, at pitong libo at pitong daang kambing na lalake. 014 2CH 017 012 At si Josaphat ay dumakilang mainam; at siya'y nagtayo sa Juda ng mga kastilyo at mga bayang kamaligan. 014 2CH 017 013 At siya'y nagkaroon ng maraming mga gawain sa mga bayan ng Juda; at ng mga lalaking mangdidigma, na mga makapangyarihang lalaking matatapang, sa Jerusalem. 014 2CH 017 014 At ito ang bilang nila ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: sa Juda, ang mga pinunong kawal ng lilibuhin; si Adna na pinunong kawal, at ang kasama niya na mga makapangyarihang lalaking matatapang ay tatlong daang libo: 014 2CH 017 015 At sumusunod sa kaniya ay si Johanan na pinunong kawal, at kasama niya'y dalawang daan at walong pung libo; 014 2CH 017 016 At sumusunod sa kaniya ay si Amasias na anak ni Zichri, na humandog na kusa sa Panginoon; at kasama niya ay dalawang daang libo na mga makapangyarihang lalaking matatapang: 014 2CH 017 017 At sa Benjamin; si Eliada na makapangyarihang lalaking matapang, at kasama niya ay dalawang daang libong may sakbat na busog at kalasag: 014 2CH 017 018 At sumusunod sa kaniya ay si Jozabad, at kasama niya ay isang daan at walong pung libo na handa sa pakikipagdigma. 014 2CH 017 019 Ang mga ito ang nangaglingkod sa hari bukod doon sa inilagay ng hari sa mga bayang nakukutaan sa buong Juda. 014 2CH 018 001 Si Josaphat nga ay nagkaroon ng kayamanan, at dangal na sagana; at siya'y nakipagkamaganak kay Achab. 014 2CH 018 002 At pagkatapos ng ilang taon, kaniyang nilusong si Achab sa Samaria. At ipinagpatay siya ni Achab ng mga tupa at baka na sagana, at ang bayan na kasama niya; at inupahan siya na umahon na kasama niya sa Ramoth-galaad. 014 2CH 018 003 At sinabi ni Achab na hari sa Israel kay Josaphat na hari sa Juda, Sasama ka ba sa akin sa Ramoth-galaad? At sinagot niya siya, Ako'y gaya mo, at ang aking bayan ay gaya ng iyong bayan; at kami ay sasaiyo sa pakikipagdigma. 014 2CH 018 004 At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel, Magusisa ka ngayon, isinasamo ko sa iyo, sa salita ng Panginoon. 014 2CH 018 005 Nang magkagayo'y pinisan ng hari sa Israel ang mga propeta, na apat na raang lalake, at sinabi sa kanila, Magsisiparoon ba kami sa Ramoth-galaad upang makipagbaka, o uurong ako? At sinabi nila, Umahon ka; sapagka't ibibigay ng Dios sa kamay ng hari. 014 2CH 018 006 Nguni't sinabi ni Josaphat: Wala ba ritong ibang propeta ng Panginoon, upang tayo'y makapagusisa sa kaniya? 014 2CH 018 007 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, May isa pang lalake na mapaguusisaan natin sa Panginoon: nguni't kinapopootan ko siya: sapagka't kailan man ay hindi siya nanghuhula ng mabuti tungkol sa akin, kundi laging kasamaan; si Micheas nga na anak ni Imla. At sinabi ni Josaphat, Huwag magsabi ng ganyan ang hari. 014 2CH 018 008 Nang magkagayo'y tumawag ang hari sa Israel ng isang pinuno, at kaniyang sinabi, Dalhin mo ritong madali si Micheas na anak ni Imla. 014 2CH 018 009 Ang hari nga ng Israel at si Josaphat na hari sa Juda, ay nakaupo bawa't isa sa kanikaniyang luklukan na nakapanamit hari, at sila'y nakaupo sa isang hayag na dako sa pasukan ng pintuang-bayan ng Samaria; at ang lahat na propeta ay nanganghula sa harap nila. 014 2CH 018 010 At si Sedechias na anak ni Chenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal, at kaniyang sinabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa pamamagitan ng mga ito ay iyong itutulak ang mga taga Siria, hanggang sa mangalipol. 014 2CH 018 011 At lahat na propeta ay nanganghulang gayon, na sinasabi, Umahon ka sa Ramoth-galaad, at guminhawa ka: sapagka't ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari. 014 2CH 018 012 At ang sugo na yumaong tumawag kay Micheas ay nagsalita sa kaniya na sinasabi, Narito, ang mga salita ng mga propeta ay nagsaysay ng mabuti sa hari na magkakaisa: isinasamo ko nga sa iyo na ang iyong salita ay maging gaya ng isa sa kanila, at magsalita ka ng mabuti. 014 2CH 018 013 At sinabi ni Micheas, Buhay ang Panginoon, kung ano ang sabihin ng aking Dios, yaon ang aking sasalitain. 014 2CH 018 014 At nang siya'y dumating sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, Micheas, magsisiyaon ba kami sa Ramoth-galaad upang makipagbaka, o uurong ako? At sinabi niya, Magsiyaon kayo at magsiginhawa nawa; at sila'y mangabibigay sa inyong kamay. 014 2CH 018 015 At sinabi ng hari sa kaniya: Makailang ipasusumpa ko sa iyo na ikaw ay huwag magsalita ng anoman sa akin kundi katotohanan sa pangalan ng Panginoon? 014 2CH 018 016 At kaniyang sinabi, Aking nakita ang buong Israel na nangangalat sa mga bundok, na gaya ng mga tupa na walang pastor: at sinabi ng Panginoon, Ang mga ito'y walang panginoon; umuwing payapa ang bawa't lalake sa kaniyang bayan. 014 2CH 018 017 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, Di ba isinaysay ko sa iyo na siya'y hindi manghuhula ng mabuti tungkol sa akin, kundi kasamaan? 014 2CH 018 018 At sinabi ni Micheas, Kaya't dinggin ninyo ang salita ng Panginoon: Aking nakita ang Panginoon na nakaupo sa kaniyang luklukan, at ang buong hukbo ng langit na nakatayo sa kaniyang kanan at sa kaniyang kaliwa. 014 2CH 018 019 At sinabi ng Panginoon, Sinong dadaya kay Achab na hari sa Israel, upang siya'y umahon at mabuwal sa Ramoth-galaad? At ang isa'y nagsalita na nagsabi ng ayon sa ganitong paraan, at ang iba'y nagsabi ayon sa gayong paraan. 014 2CH 018 020 At lumabas ang isang espiritu, at tumayo sa harap ng Panginoon, at nagsabi, Aking dadayain siya. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Sa ano? 014 2CH 018 021 At kaniyang sinabi, Ako'y lalabas, at ako'y magiging magdarayang espiritu sa bibig ng lahat niyang mga propeta. At kaniyang sinabi, Iyong dadayain siya, at mananaig ka rin: lumabas ka, at gawin mong gayon. 014 2CH 018 022 Ngayon nga, narito, inilagay ng Panginoon ang magdarayang espiritu sa bibig ng iyong mga propetang ito; ang Panginoon ay nagsalita ng kasamaan tungkol sa iyo. 014 2CH 018 023 Nang magkagayo'y lumapit si Sedechias na anak ni Chenaana, at sinampal si Micheas, at nagsabi, Saan nagdaan ang Espiritu ng Panginoon na mula sa akin upang magsalita sa iyo? 014 2CH 018 024 At sinabi ni Micheas, Narito, iyong makikita sa araw na yaon, pagka ikaw ay papasok sa pinakaloob na silid upang magkubli. 014 2CH 018 025 At sinabi ng hari sa Israel, Dalhin ninyo si Micheas, at ibalik ninyo siya kay Amon na tagapamahala ng bayan, at kay Joas na anak ng hari; 014 2CH 018 026 At sabihin ninyo, Ganito ang sabi ng hari, Ilagay ang taong ito sa bilangguan, at pakanin siya ng tinapay ng kadalamhatian at ng tubig ng kadalamhatian hanggang sa ako'y bumalik na payapa. 014 2CH 018 027 At sinabi ni Micheas, Kung ikaw ay bumalik sa anomang paraan na payapa, ang Panginoon ay hindi nagsalita sa pamamagitan ko. At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, ninyong mga bayan, ninyong lahat. 014 2CH 018 028 Sa gayo'y ang hari sa Israel at si Josaphat na hari sa Juda ay nagsiahon sa Ramoth-galaad. 014 2CH 018 029 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, Ako'y magpapakunwaring iba, at paroroon ako sa pagbabaka; nguni't ikaw ay magbalabal ng iyong mga balabal hari. Sa gayo'y ang hari ng Israel ay nagpakunwaring iba; at sila'y nagsiparoon sa pagbabaka. 014 2CH 018 030 Ang hari nga sa Siria ay nagutos sa mga pinunong kawal ng kaniyang mga karo, na sinasabi, Huwag kayong magsilaban kahit sa maliit o sa malaki man, liban lamang sa hari sa Israel. 014 2CH 018 031 At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo ni Josaphat, na kanilang sinabi, Siyang hari sa Israel. Kaya't sila'y nagsiligid upang magsilaban sa kaniya: nguni't si Josaphat ay humiyaw, at tinulungan siya ng Panginoon; at kinilos sila ng Dios na humiwalay sa kaniya. 014 2CH 018 032 At nangyari nang makita ng mga pinunong kawal ng mga karo na hindi siyang hari sa Israel, na sila'y nagsihiwalay ng paghabol sa kaniya. 014 2CH 018 033 At inihilagpos ng isang lalake ang kaniyang pana sa isang pagbabakasakali, at tinamaan ang hari sa Israel, sa pagitan ng mga pagkakasugpong ng sakbat kaya't sinabi niya sa nagpapatakbo ng karo, Ipihit mo ang iyong kamay, at ihiwalay mo ako sa hukbo; sapagka't ako'y nasugatan ng mabigat. 014 2CH 018 034 At ang pagbabaka ay lumala nang araw na yaon; gayon ma'y ang hari sa Israel ay nanatili sa kaniyang karo laban sa mga taga Siria hanggang sa kinahapunan: at sa may paglubog ng araw ay namatay siya. 014 2CH 019 001 At si Josaphat na hari sa Juda ay umuwing payapa sa kaniyang bahay sa Jerusalem. 014 2CH 019 002 At si Jehu na anak ni Hanani na tagakita ay lumabas na sinalubong siya, at sinabi sa haring Josaphat: Tutulungan mo ba ang mga masama at mamahalin yaong mga napopoot sa Panginoon? dahil sa bagay na ito ay kapootan ang sasaiyo na mula sa harap ng Panginoon. 014 2CH 019 003 Gayon ma'y may mabuting mga bagay na nasumpungan sa iyo, sa iyong pagaalis ng mga Asera sa lupain, at inilagak mo ang iyong puso upang hanapin ang Dios. 014 2CH 019 004 At si Josaphat ay tumahan sa Jerusalem: at siya'y lumabas uli sa gitna ng bayan na mula sa Beer-seba hanggang sa lupaing maburol ng Ephraim, at ibinalik niya sila sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang. 014 2CH 019 005 At siya'y naglagay ng mga hukom sa lupain sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda sa bayan at bayan. 014 2CH 019 006 At sinabi sa mga hukom, Buhayin ninyo kung ano ang inyong ginagawa: sapagka't hindi kayo nagsisihatol ng dahil sa tao, kundi dahil sa Panginoon, at siya'y sumasainyo sa kahatulan. 014 2CH 019 007 Ngayon nga'y sumainyo nawa ang takot sa Panginoon; magsipagingat kayo at inyong gawin: sapagka't walang kasamaan sa Panginoon nating Dios, o tumangi man sa mga tao, o tumanggap man ng mga suhol. 014 2CH 019 008 Bukod dito'y naglagay si Josaphat sa Jerusalem ng ilan sa mga Levita, at sa mga saserdote, at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, dahil sa kahatulan ng Panginoon, at sa mga pagkakaalitan. At sila'y nagsibalik sa Jerusalem. 014 2CH 019 009 At kaniyang binilinan sila, na sinasabi, Ganito ang inyong gagawin, sa takot sa Panginoon, na may pagtatapat, at may sakdal na puso. 014 2CH 019 010 At anomang kaalitan ang dumating sa inyo na mula sa inyong mga kapatid na nagsisitahan sa kanilang mga bayan, na dugo't dugo, kautusan at utos, mga palatuntunan at mga kahatulan, ay inyong papayuhan sila, upang sila'y huwag maging salarin sa Panginoon, at sa gayo'y kapootan ay huwag dumating sa inyo, at sa inyong mga kapatid: ito'y inyong gawin, at kayo'y hindi magiging salarin. 014 2CH 019 011 At, narito, si Amarias na punong saserdote ay nasa inyo sa lahat ng bagay ng Panginoon; at si Zebadias na anak ni Ismael, na tagapamahala sa sangbahayan ni Juda, sa lahat ng mga bagay ng hari: ang mga Levita rin naman ay magiging mga pinuno sa harap ninyo. Gawin ninyong may katapangan at ang Panginoon ay sumasamabuti nawa. 014 2CH 020 001 At nangyari, pagkatapos nito, na ang mga anak ni Moab, at ang mga anak ni Ammon, at pati ng iba sa mga Ammonita, ay naparoon laban kay Josaphat upang makipagbaka. 014 2CH 020 002 Nang magkagayo'y nagsiparoon ang iba na nagsipagsaysay kay Josaphat, na nagsasabi, May lumalabas na isang lubhang karamihan laban sa iyo na mula sa dako roon ng dagat na mula sa Siria; at, narito, sila'y nangasa Hasason-tamar (na siyang Engedi). 014 2CH 020 003 At si Josaphat ay natakot, at tumalagang hanapin ang Panginoon; at siya'y nagtanyag ng ayuno sa buong Juda. 014 2CH 020 004 At ang Juda'y nagpipisan, upang huminging tulong sa Panginoon: sa makatuwid baga'y mula sa lahat na bayan ng Juda ay nagsiparoon upang hanapin ang Panginoon. 014 2CH 020 005 At si Josaphat ay tumayo sa kapisanan ng Juda at Jerusalem, sa bahay ng Panginoon, sa harap ng bagong looban; 014 2CH 020 006 At kaniyang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng aming mga magulang, di ba ikaw ay Dios sa langit? at di ba ikaw ay puno sa lahat na kaharian ng mga bansa? at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at lakas, na anopa't walang makahaharap sa iyo. 014 2CH 020 007 Di mo ba pinalayas, Oh aming Dios, ang mga nananahan sa lupaing ito sa harap ng iyong bayang Israel, at iyong ibinigay sa binhi ni Abraham na iyong kaibigan magpakailan man? 014 2CH 020 008 At nagsitahan sila roon at ipinagtayo ka ng santuario roon na ukol sa iyong pangalan, na sinasabi, 014 2CH 020 009 Kung ang kasamaan ay dumating sa amin, ang tabak ng kahatulan, o salot, o kagutom, kami ay magsisitayo sa harap ng bahay na ito, at sa harap mo, (sapagka't ang iyong pangalan ay nasa bahay na ito, ) at kami ay dadaing sa iyo sa aming pagdadalamhati, at kami ay iyong didinggin at ililigtas. 014 2CH 020 010 At ngayon, narito, ang mga anak ni Ammon at ni Moab, at ng sa bundok ng Seir na hindi mo ipinalusob sa Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, kundi kanilang nilikuan sila, at hindi sila nilipol; 014 2CH 020 011 Tingnan mo, kung paanong sila'y gumaganti sa amin, na nagsisiparito upang palayasin kami sa iyong pag-aari, na iyong ibinigay sa amin upang manahin. 014 2CH 020 012 Oh aming Dios, hindi mo ba hahatulan sila? sapagka't wala kaming kaya laban sa malaking pulutong na ito na naparirito laban sa amin, ni hindi man nalalaman namin kung anong marapat gawin; nguni't ang aming mga mata ay nasa iyo. 014 2CH 020 013 At ang buong Juda ay tumayo sa harap ng Panginoon, pati ang kanilang mga bata, ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak. 014 2CH 020 014 Nang magkagayo'y dumating kay Jahaziel na anak ni Zacharias, na anak ni Benaias, na anak ni Jeiel, na anak ni Mathanias na Levita, sa mga anak ni Asaph ang Espiritu ng Panginoon sa gitna ng kapisanan; 014 2CH 020 015 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, buong Juda, at ninyong mga taga Jerusalem, at ikaw na haring Josaphat: ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo, Huwag kayong mangatakot, o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito; sapagka't ang pakikipagbaka ay hindi inyo, kundi sa Dios. 014 2CH 020 016 Bukas ay magsilusong kayo laban sa kanila: narito, sila'y nagsiahon sa ahunan ng Sis; at inyong masusumpungan sila sa dulo ng libis, sa harap ng ilang ng Jeruel. 014 2CH 020 017 Kayo'y hindi magkakailangan na makipaglaban sa pagbabakang ito: magsilagay kayo, magsitayo kayong panatag, at tingnan ninyo ang pagliligtas, ng Panginoon na kasama ninyo, Oh Juda at Jerusalem: huwag kayong mangatakot, o manganglupaypay man: bukas ay magsilabas kayo laban sa kanila; sapagka't ang Panginoon ay sumasa inyo. 014 2CH 020 018 At itinungo ni Josaphat ang kaniyang ulo sa lupa: at ang buong Juda at ang mga taga Jerusalem ay nangagpatirapa sa harap ng Panginoon, na nagsisamba sa Panginoon. 014 2CH 020 019 At ang mga Levita, sa mga anak ng mga Coathita at sa mga anak ng mga Coraita; ay nagsitayo upang purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ng totoong malakas na tinig. 014 2CH 020 020 At sila'y nagsibangong maaga sa kinaumagahan, at nagsilabas sa ilang ng Tecoa: at habang sila'y nagsisilabas, si Josaphat ay tumayo, at nagsabi, Dinggin ninyo ako, Oh Juda, at ninyong mga taga Jerusalem; sumampalataya kayo sa Panginoon ninyong Dios, sa gayo'y matatatag kayo; sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta, sa gayo'y giginhawa kayo. 014 2CH 020 021 At nang siya'y makakuhang payo sa bayan, kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila'y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. 014 2CH 020 022 At nang sila'y mangagpasimulang magsiawit at magsipuri, ang Panginoon ay naglagay ng mga bakay laban sa mga anak ni Ammon, ni Moab, at ng sa bundok ng Seir, na nagsiparoon laban sa Juda; at sila'y nangasugatan. 014 2CH 020 023 Sapagka't ang mga anak ni Ammon at ni Moab ay nagsitayo laban sa mga taga bundok ng Seir, upang lubos na magsipatay at lipulin sila: at nang sila'y makatapos sa mga taga bundok ng Seir, bawa't isa'y tumulong na lumipol sa iba. 014 2CH 020 024 At nang ang Juda ay dumating sa bantayang moog sa ilang, sila'y nagsitingin sa karamihan; at, narito, mga bangkay na nangakabuwal sa lupa, at walang nakatanan. 014 2CH 020 025 At nang si Josaphat at ang kaniyang bayan ay magsiparoon upang kunin ang samsam sa kanila, kanilang nasumpungan sa kanila na sagana ay mga kayamanan at mga bangkay, at mga mahahalagang hiyas na kanilang mga sinamsam para sa kanilang sarili, na higit kay sa kanilang madala: at sila'y nagsidoon na tatlong araw, sa pagkuha ng samsam, na totoong marami. 014 2CH 020 026 At nang ikaapat na araw, sila'y nagpupulong sa libis ng Baracah; sapagka't doo'y kanilang pinuri ang Panginoon: kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Libis ng Baracah, hanggang sa araw na ito. 014 2CH 020 027 Nang magkagayo'y nagsibalik sila, bawa't lalake sa Juda, at sa Jerusalem, at si Josaphat ay sa unahan nila, upang bumalik sa Jerusalem na may kagalakan; sapagka't sila'y pinapagkatuwa ng Panginoon sa kanilang mga kaaway. 014 2CH 020 028 At sila'y nagsiparoon sa Jerusalem na may mga salterio at mga alpa, at mga pakakak sa bahay ng Panginoon. 014 2CH 020 029 At ang takot sa Dios ay napasa lahat na kaharian ng mga lupain, nang kanilang mabalitaang ang Panginoon ay nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel. 014 2CH 020 030 Sa gayo'y ang kaharian ni Josaphat ay natahimik: sapagka't binigyan siya ng kaniyang Dios ng kapahingahan sa palibot. 014 2CH 020 031 At si Josaphat ay naghari sa Juda: siya'y may tatlong pu't limang taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang pu't limang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba na anak ni Silhi. 014 2CH 020 032 At siya'y lumakad ng lakad ni Asa na kaniyang ama, at hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon. 014 2CH 020 033 Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis; ni inilagak pa man ng bayan ang kanilang puso sa Dios ng kanilang mga magulang. 014 2CH 020 034 Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, na una at huli, narito, nangakasulat sa kasaysayan ni Jehu na anak ni Hanani, na nasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel. 014 2CH 020 035 At pagkatapos nito ay nakipisan si Josaphat na hari sa Juda kay Ochozias na hari sa Israel; na siyang gumawa ng totoong masama: 014 2CH 020 036 At siya'y nakipisan sa kaniya upang gumawa ng mga sasakyang dagat na magsisiparoon sa Tharsis: at kanilang ginawa ang mga sasakyan sa Esion-geber. 014 2CH 020 037 Nang magkagayo'y si Eliezer na anak ni Dodava sa Mareosah ay nanghula laban kay Josaphat, na kaniyang sinabi, Sapagka't ikaw ay nakipisan kay Ochozias, giniba ng Panginoon ang iyong mga gawa. At ang mga sasakyan ay nangabasag, na anopa't sila'y hindi na makaparoon sa Tharsis. 014 2CH 021 001 At si Josaphat ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Joram na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 014 2CH 021 002 At siya'y nagkaroon ng mga kapatid, na mga anak ni Josaphat, na si Azarias, at si Jehiel, at si Zacharias, at si Azarias, at si Michael, at si Sephatias: lahat ng ito ay mga anak ni Josaphat na hari sa Israel. 014 2CH 021 003 At binigyan sila ng kanilang ama ng mga dakilang kaloob, na pilak, at ginto, at mga mahalagang bagay, pati ng mga bayang nakukutaan ng Juda: nguni't ang kaharian ay ibinigay niya kay Joram, sapagka't siya ang panganay. 014 2CH 021 004 Nang si Joram nga ay bumangon sa kaharian ng kaniyang ama, at lumakas, ay kaniyang pinatay ng tabak ang lahat niyang mga kapatid, at gayon din ang iba sa mga prinsipe ng Israel. 014 2CH 021 005 Si Joram ay tatlongpu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing walong taon sa Jerusalem. 014 2CH 021 006 At siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab; sapagka't siya'y nagasawa sa anak ni Achab: at siya'y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon. 014 2CH 021 007 Gayon ma'y hindi nilipol ng Panginoon ang sangbahayan ni David, dahil sa tipan na kaniyang ginawa kay David, at yamang siya'y nangako na bibigyan siya ng ilawan at ang kaniyang mga anak magpakailan man. 014 2CH 021 008 Sa kaniyang mga kaarawan ay nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda, at naghalal ng hari sa kanilang sarili. 014 2CH 021 009 Nang magkagayo'y nagdaan si Joram na kasama ang kaniyang mga punong kawal, at dala ang lahat niyang mga karo: at siya'y bumangon ng kinagabihan at sinaktan ang mga Idumeo na kumubkob sa kaniya, at ang mga pinunong kawal sa mga karo. 014 2CH 021 010 Sa gayo'y nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda, hanggang sa araw na ito: nang magkagayo'y nanghimagsik ang Libna nang panahong yaon na mula sa kaniyang kapangyarihan: sapagka't kaniyang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang. 014 2CH 021 011 Bukod dito'y kaniyang ginawa ang mga mataas na dako sa mga bundok ng Juda, at pinasamba sa diosdiosan ang mga taga Jerusalem, at iniligaw ang Juda. 014 2CH 021 012 At dumating ang isang sulat sa kaniya na mula kay Elias na propeta, na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ni David na iyong ama, sapagka't hindi ka lumakad ng mga lakad ni Josaphat na iyong ama, o ng mga lakad man ni Asa na hari sa Juda: 014 2CH 021 013 Kundi ikaw ay lumakad ng mga lakad ng mga hari sa Israel, at iyong pinasamba sa diosdiosan ang Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab; at iyo rin namang pinatay ang iyong mga kapatid sa sangbahayan ng iyong ama, na lalong mabuti kay sa iyo: 014 2CH 021 014 Narito, ang Panginoon ay mananalot ng malaki sa iyong bayan, at sa iyong mga anak, at sa iyong mga asawa, at sa lahat ng iyong pag-aari: 014 2CH 021 015 At ikaw ay magkakasakit ng mabigat, na sakit ng iyong tiyan, hanggang sa lumabas ang loob ng iyong tiyan dahil sa sakit araw-araw. 014 2CH 021 016 At inudyukan ng Panginoon laban kay Joram ang diwa ng mga Filisteo, at ng mga taga Arabia na nangasa siping ng mga taga Etiopia: 014 2CH 021 017 At sila'y nagsiahon laban sa Juda, at nagpumilit doon, at dinala ang lahat na pag-aari na nasumpungan sa bahay ng hari, at pati ang mga anak niya, at ang mga asawa niya; na anopa't walang naiwang anak sa kaniya, liban si Joachaz na bunso sa kaniyang mga anak. 014 2CH 021 018 At pagkatapos ng lahat na ito ay sinaktan siya ng Panginoon sa kaniyang tiyan ng walang kagamutang sakit. 014 2CH 021 019 At nangyari, sa lakad ng panahon sa katapusan ng dalawang taon, na ang loob ng kaniyang tiyan ay lumabas dahil sa kaniyang sakit, at siya'y namatay sa mabigat na sakit. At hindi ipinagsunog siya ng kaniyang bayan, na gaya ng pagsusunog sa kaniyang mga magulang. 014 2CH 021 020 May tatlongpu't dalawang taon siya nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y naghari sa Jerusalem na walong taon: at siya'y nanaw na walang nagnasang pumigil; at inilibing nila siya sa bayan ni David, nguni't hindi sa mga libingan ng mga hari. 014 2CH 022 001 At ginawang hari ng mga taga Jerusalem si Ochozias na kaniyang bunsong anak na kahalili niya: sapagka't pinatay ang mga pinaka matanda sa kampamento ng pulutong na lalake na naparoon na kasama ng mga taga Arabia. Sa gayo'y si Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda ay naghari. 014 2CH 022 002 May apat na pu't dalawang taon si Ochozias nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Athalia na anak ni Omri. 014 2CH 022 003 Siya rin naman ay lumakad ng mga lakad ng sangbahayan ni Achab: sapagka't ang kaniyang ina ay siyang kaniyang taga-payo upang gumawang may kasamaan. 014 2CH 022 004 At siya'y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab: sapagka't sila ang naging kaniyang taga-payo pagkamatay ng kaniyang ama, sa ikapapahamak niya. 014 2CH 022 005 Siya'y lumakad din naman ng ayon sa kanilang payo, at yumaon na kasama ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel upang makipagdigma laban kay Hazael na hari sa Siria sa Ramoth-galaad: at sinugatan ng mga taga Siria si Joram. 014 2CH 022 006 At siya'y bumalik upang magpagaling sa Jezreel ng mga sugat na isinugat nila sa kaniya sa Rama, ng siya'y makipaglaban kay Hazael na hari sa Siria. At si Azarias na anak ni Joram na hari sa Juda ay lumusong upang tingnan si Joram na anak ni Achab sa Jezreel, sapagka't siya'y may sakit. 014 2CH 022 007 Ang kapahamakan nga ni Ochozias ay sa ganang Dios, sa kaniyang pagparoon kay Joram: sapagka't nang siya'y dumating, siya'y lumabas na kasama ni Joram laban kay Jehu na anak ni Nimsi, na siyang pinahiran ng langis ng Panginoon upang ihiwalay ang sangbahayan ni Achab. 014 2CH 022 008 At nangyari, nang si Jehu ay maglalapat ng kahatulan sa bahay ni Achab, na kaniyang nasumpungan ang mga prinsipe sa Juda, at ang mga anak ng mga kapatid ni Ochozias, na nagsisipangasiwa kay Ochozias, at pinatay sila. 014 2CH 022 009 At kaniyang hinanap si Ochozias, at hinuli nila siya, (siya nga'y nagtatago sa Samaria, ) at dinala nila siya kay Jehu, at pinatay siya; at inilibing nila siya, sapagka't kanilang sinabi, Siya'y anak ni Josaphat, na humanap sa Panginoon ng buo niyang puso. At ang sangbahayan ni Ochozias ay walang kapangyarihang humawak ng kaharian. 014 2CH 022 010 Nang makita nga ni Athalia na ina ni Ochozias na ang kaniyang anak ay patay, siya'y tumindig at nilipol ang lahat na binhing hari ng sambahayan ni Juda. 014 2CH 022 011 Nguni't kinuha ni Josabeth, na anak na babae ng hari, si Joas na anak ni Ochozias, at inalis niyang lihim siya sa gitna ng mga anak ng hari na nangapatay, at inilagay niya siya at ang kaniyang yaya sa silid na higaan. Gayon ikinubli ni Josabeth, na anak ng haring Joram, na asawa ni Joiada na saserdote, (sapagka't siya'y kapatid ni Ochozias) kay Athalia, na anopa't siya'y hindi napatay. 014 2CH 022 012 At siya'y nakakubling kasama nila sa bahay ng Dios na anim na taon: at si Athalia ay naghari sa lupain. 014 2CH 023 001 At sa ikapitong taon ay lumakas si Joiada, at nakipagtipan siya sa mga pinunong kawal ng dadaanin, kay Azarias na anak ni Joram, at kay Ismael na anak ni Johanan, at kay Azarias na anak ni Obed, at kay Maasias na anak ni Adaias, at kay Elisaphat na anak ni Zichri. 014 2CH 023 002 At kanilang nilibot ang Juda, at pinisan ang mga Levita mula sa lahat na bayan ng Juda, at ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, at sila'y nagsiparoon sa Jerusalem. 014 2CH 023 003 At ang buong kapisanan ay nakipagtipan sa hari sa bahay ng Dios. At sinabi niya sa kanila, Narito, ang anak ng hari ay maghahari, gaya ng sinalita ng Panginoon tungkol sa mga anak ni David. 014 2CH 023 004 Ito ang bagay na inyong gagawin: isang ikatlong bahagi ninyo, na pumapasok sa sabbath, sa mga saserdote at sa mga Levita, magiging mga tagatanod-pinto; 014 2CH 023 005 At ang ikatlong bahagi ay magiging sa bahay ng hari; at ang ikatlong bahagi sa pintuang-bayan ng patibayan; at ang buong bayan ay malalagay sa mga looban ng bahay ng Panginoon. 014 2CH 023 006 Nguni't walang papasok sa bahay ng Panginoon, liban sa mga saserdote, at nagsisipangasiwang mga Levita; sila'y magsisipasok, sapagka't sila'y mga banal: nguni't ang buong bayan ay magiingat ng pagbabantay sa Panginoon. 014 2CH 023 007 At kukulungin ng mga Levita ang hari sa palibot, bawa't isa'y may dalang kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay; at sinomang pumasok sa bahay, patayin: at kayo'y magsiabay sa hari pagka siya'y pumapasok at pagka siya'y lumalabas. 014 2CH 023 008 Gayon ginawa ng mga Levita at ng buong Juda ang ayon sa lahat na iniutos ni Joiada na saserdote: at sila'y kumuha bawa't lalake ng kaniyang mga lalake, yaong nagsisipasok sa sabbath, na kasama niyaong nagsisilabas sa sabbath; sapagka't hindi pinayaon ni Joiada na saserdote ang mga pangkat. 014 2CH 023 009 At si Joiada na saserdote ay nagbigay sa mga pinunong kawal ng mga dadaanin ng mga sibat, at mga maliit na kalasag at mga kalasag na naging sa haring David, na nangasa bahay ng Dios. 014 2CH 023 010 At kaniyang inilagay ang buong bayan, na bawa't isa'y may kaniyang sandata sa kaniyang kamay, mula sa dakong kanan ng bahay hanggang sa dakong kaliwa ng bahay, sa siping ng dambana at ng bahay, sa siping ng hari sa palibot. 014 2CH 023 011 Nang magkagayo'y kanilang inilabas ang anak ng hari, at ipinutong nila ang putong sa kaniya, at binigyan siya ng patotoo, at ginawa siyang hari: at pinahiran siya ng langis ni Joiada at ng kaniyang mga anak; at kanilang sinabi, Mabuhay ang hari. 014 2CH 023 012 At nang marinig ni Athalia ang kaingay ng bayan, na tumatakbo at pinupuri ang hari, siya'y naparoon sa bayan sa loob ng bahay ng Panginoon: 014 2CH 023 013 At siya'y tumingin, at, narito, ang hari ay nakatayo sa siping ng kaniyang haligi sa pasukan, at ang mga punong kawal at ang mga may pakakak ay sa siping ng hari: at ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at humihip ng mga pakakak; ang mga mangaawit naman ay nagsitugtog ng mga panugtog ng tugtugin, at tinugmaan ang awit ng papuri. Nang magkagayo'y hinapak ni Athalia ang kaniyang suot, at sinabi: Paglililo, paglililo. 014 2CH 023 014 At inilabas ni Joiada na saserdote ang mga pinunong kawal ng dadaanin na nangalalagay sa hukbo, at sinabi sa kanila, Palabasin ninyo siya sa pagitan ng mga hanay; at sinomang sumunod sa kaniya, patayin ng tabak: sapagka't sinabi ng saserdote, Huwag patayin siya sa bahay ng Panginoon. 014 2CH 023 015 Sa gayo'y binigyang daan nila siya; at siya'y naparoon sa pasukan ng pintuang-daan ng kabayo sa bahay ng hari: at pinatay nila siya roon. 014 2CH 023 016 At si Joiada ay nakipagtipan sa kaniya, at sa buong bayan, at sa hari na sila'y magiging bayan ng Panginoon. 014 2CH 023 017 At ang buong bayan ay naparoon sa bahay ni Baal, at ibinagsak, at pinagputolputol ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan, at pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana. 014 2CH 023 018 At inihalal ni Joiada ang mga katungkulan sa bahay ng Panginoon, sa kapangyarihan ng kamay ng mga saserdote na mga Levita, na siyang binahagi ni David sa bahay ng Panginoon, upang maghandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon, gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, na may pagkagalak, at may pagawit ayon sa ayos ni David. 014 2CH 023 019 At kaniyang inilagay ang mga tagatanod-pinto sa mga pintuangdaan ng bahay ng Panginoon, upang walang pumasok na marumi sa anomang bagay. 014 2CH 023 020 At kaniyang ipinagsama ang mga pinunong kawal ng dadaanin at ang mga mahal na tao, at ang mga tagapamahala ng bayan, at ang buong bayan ng lupain, at ibinaba ang hari mula sa bahay ng Panginoon: at sila'y pumasok sa bahay ng hari, na nagdaan sa pinakamataas na pintuang-daan, at inilagay ang hari sa luklukan ng kaharian. 014 2CH 023 021 Sa gayo'y ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at ang bayan ay natahimik: at pinatay nila ng tabak si Athalia. 014 2CH 024 001 Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing apat na pung taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beer-seba. 014 2CH 024 002 At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon lahat ng mga kaarawan ni Joiada na saserdote. 014 2CH 024 003 At kumuha si Joiada ng dalawang babae upang maging asawa ng hari, at siya'y nagkaanak ng mga lalake at mga babae. 014 2CH 024 004 At nangyari, pagkatapos nito, na inisip ni Joas na husayin ang bahay ng Panginoon. 014 2CH 024 005 At kaniyang pinisan ang mga saserdote at ang mga Levita, at sinabi sa kanila, Magsilabas kayo hanggang sa mga bayan ng Juda, at magtipon kayo sa buong Israel ng salapi upang husayin ang bahay ng inyong Dios sa taontaon, at sikapin ninyo na inyong madaliin ang bagay. Gayon ma'y hindi minadali ng mga Levita. 014 2CH 024 006 At ipinatawag ng hari si Joiada na pinuno, at sinabi sa kaniya, Bakit hindi mo ipinadala sa mga Levita ang buwis na iniutos ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng kapisanan ng Israel, mula sa Juda, at mula sa Jerusalem, na ukol sa tabernakulo ng patotoo? 014 2CH 024 007 Sapagka't giniba ng mga anak ni Athalia, niyaong masamang babae, ang bahay ng Dios, at kanila namang ginugol sa mga Baal ang lahat na itinalagang bagay sa bahay ng Panginoon. 014 2CH 024 008 Sa gayo'y nagutos ang hari, at sila'y nagsigawa ng isang kaban, at inilagay sa labas sa pintuang daan ng bahay ng Panginoon. 014 2CH 024 009 At sila'y nangagtanyag sa Juda at sa Jerusalem, na dalhin sa Panginoon ang buwis na iniatang ni Moises na lingkod ng Dios sa Israel sa ilang. 014 2CH 024 010 At ang lahat na prinsipe at ang buong bayan ay nagalak, at dinala, at inilagay sa kaban, hanggang sa natapos. 014 2CH 024 011 At nagkagayon, nang dalhin ang kaban sa kawanihan ng hari, sa pamamagitan ng kamay ng mga Levita, at nang kanilang makita na maraming salapi, na ang kalihim ng hari at ang pinuno ng pangulong saserdote ay naparoon at inalisan ng laman ang kaban, at kinuha, at dinala uli sa dakong kinaroroonan. Ganito ang kanilang ginawa araw-araw, at nagtipon ng salapi na sagana. 014 2CH 024 012 At ibinigay ng hari at ni Joiada sa gumagawa ng gawaing paglilingkod sa bahay ng Panginoon; at sila'y nagsiupa ng mga kantero at ng mga anluwagi upang husayin ang bahay ng Panginoon, at ng nagsisigawa naman sa bakal at tanso upang husayin ang bahay ng Panginoon. 014 2CH 024 013 Sa gayo'y nagsigawa ang mga manggagawa, at ang gawa ay nayari sa pamamagitan nila, at kanilang itinayo ang bahay ng Dios sa kaniyang kalagayan, at pinatibay. 014 2CH 024 014 At nang kanilang matapos, kanilang dinala ang labis ng salapi sa harap ng hari at ni Joiada, na siyang mga ipinagpagawa ng mga sisidlan sa bahay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y mga sisidlan upang ipangasiwa, at upang ipaghandog ng hain, at mga sandok, at mga sisidlang ginto, at pilak. At sila'y nangaghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon sa lahat ng mga kaarawan ni Joiada. 014 2CH 024 015 Nguni't si Joiada ay tumanda at napuspos ng mga araw, at siya'y namatay; siya'y may isang daan at tatlongpung taon nang siya'y mamatay. 014 2CH 024 016 At inilibing nila siya sa bayan ni David sa kasamahan ng mga hari, sapagka't siya'y gumawa ng mabuti sa Israel, at sa Dios at sa kaniyang sangbahayan. 014 2CH 024 017 Pagkamatay nga ni Joiada ay nagsiparoon ang mga prinsipe ng Juda, at nangagbigay galang sa hari. Nang magkagayo'y dininig sila ng hari. 014 2CH 024 018 At kanilang pinabayaan ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng kanilang mga magulang, at nangaglingkod sa mga Asera at sa mga dios-diosan: at ang pag-iinit ay dumating sa Juda at sa Jerusalem dahil sa kanilang salang ito. 014 2CH 024 019 Gayon ma'y nagsugo siya ng mga propeta sa kanila upang dalhin sila uli sa Panginoon; at sila'y sumaksi laban sa kanila; nguni't hindi sila pinakinggan. 014 2CH 024 020 At ang Espiritu ng Dios ay dumating kay Zacharias na anak ni Joiada na saserdote; at siya'y tumayong mataas kay sa bayan, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Dios, Bakit kayo'y nagsisisalangsang sa mga utos ng Panginoon, na anopa't kayo'y huwag magsiginhawa? sapagka't inyong pinabayaan ang Panginoon, kaniya namang pinabayaan kayo. 014 2CH 024 021 At sila'y nagsipagbanta laban sa kaniya, at binato siya ng mga bato, sa utos ng hari sa looban ng bahay ng Panginoon. 014 2CH 024 022 Sa ganito ay hindi inalaala ni Joas na hari ang kagandahang loob na ginawa ni Joiada na kaniyang ama sa kaniya, kundi pinatay ang kaniyang anak. At nang siya'y mamatay, kaniyang sinabi, Masdan ng Panginoon, at pakialaman. 014 2CH 024 023 At nangyari, sa katapusan ng taon, na ang hukbo ng mga taga Siria ay umahon laban sa kaniya: at sila'y nagsiparoon sa Juda at sa Jerusalem, at nilipol ang lahat na prinsipe ng bayan mula sa gitna ng bayan, at ipinadala ang buong samsam sa kanila sa hari sa Damasco. 014 2CH 024 024 Sapagka't ang hukbo ng mga taga Siria ay naparoong may munting pangkat ng mga lalake; at ibinigay ng Panginoon ang isang totoong malaking hukbo sa kanilang kamay sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang. Sa gayo'y nilapatan nila ng kahatulan si Joas. 014 2CH 024 025 At nang kanilang lisanin siya, (sapagka't iniwan nila siya sa maraming mga sakit, ) ang kaniyang sariling mga lingkod ay nagsipagbanta laban sa kaniya dahil sa dugo ng mga anak ni Joiada na saserdote, at pinatay siya sa kaniyang higaan, at siya'y namatay: at inilibing nila siya sa bayan ni David, nguni't hindi inilibing nila siya sa mga libingan ng mga hari. 014 2CH 024 026 At ang mga ito ang nagsipagbanta laban sa kaniya; si Zabad na anak ni Simath, na Ammonita, at si Jozabad na anak ni Simrith, na Moabita. 014 2CH 024 027 Tungkol nga sa kaniyang mga anak, at sa kalakhan ng mga pasang ipinasan sa kaniya, at sa pagtatayong muli ng bahay ng Dios, narito, nakasulat sa kasaysayan ng aklat ng mga hari. At si Amasias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 014 2CH 025 001 Si Amasias ay may dalawangpu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y naghari na dalawangpu't siyam na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay si Joadan na taga Jerusalem. 014 2CH 025 002 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, nguni't hindi ng sakdal na puso. 014 2CH 025 003 Nangyari nga nang ang kaharian ay matatag sa kaniya, na kaniyang pinatay ang kaniyang mga lingkod na nagsipatay sa hari na kaniyang ama. 014 2CH 025 004 Nguni't hindi niya pinatay ang kanilang mga anak, kundi gumawa ng ayon sa nakasulat sa kautusan sa aklat ni Moises, gaya ng iniutos ng Panginoon, na sinasabi, ang mga ama ay hindi mangamamatay ng dahil sa mga anak, ni ang mga anak man ay nangamamatay ng dahil sa ama: kundi bawa't tao ay mamamatay dahil sa kaniyang sariling kasalanan. 014 2CH 025 005 Bukod dito'y pinisan ni Amasias ang Juda, at iniutos sa kanila ang ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa kapangyarihan ng mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng mga pinunong kawal ng dadaanin, sa makatuwid baga'y ang buong Juda at Benjamin: at kaniyang binilang sila mula sa dalawangpung taong gulang na patanda, at nasumpungan niya silang tatlong daang libong piling lalake, na makalalabas sa pakikipagdigma, na makahahawak ng sibat at kalasag. 014 2CH 025 006 Siya'y umupa rin naman ng isang daang libong makapangyarihang lalake na matatapang na mula sa Israel sa halagang isang daang talentong pilak. 014 2CH 025 007 Nguni't naparoon ang isang lalake ng Dios sa kaniya, na nagsasabi, Oh hari, huwag mong pasamahin sa iyo ang hukbo ng Israel; sapagka't ang Panginoon ay hindi sumasa Israel, sa makatuwid baga'y sa lahat ng mga anak ni Ephraim. 014 2CH 025 008 Nguni't kung ikaw ay yayaon, gumawa kang may katapangan, magpakalakas ka sa pakikipagbaka: ibubuwal ka ng Dios sa harap ng kaaway: sapagka't ang Dios ay may kapangyarihang tumulong at magbuwal. 014 2CH 025 009 At sinabi ni Amasias sa lalake ng Dios, Nguni't anong aming gagawin sa isang daang talento na aking ibinigay sa hukbo ng Israel? At ang lalake ng Dios ay sumagot: Ang Panginoon ay makapagbibigay sa iyo ng mahigit kay sa rito. 014 2CH 025 010 Nang magkagayo'y inihiwalay sila ni Amasias, sa makatuwid baga'y ang hukbo na paparoon sa kaniya na mula sa Ephraim, upang umuwi uli: kaya't ang kanilang galit ay totoong nagalab laban sa Juda, at sila'y nagsiuwi na may malaking galit. 014 2CH 025 011 At si Amasias ay tumapang, at inilabas ang kaniyang bayan, at naparoon sa Libis ng Asin, at sumakit sa mga anak ni Scir ng sangpung libo. 014 2CH 025 012 At sangpung libo ang dinala ng mga anak ni Juda na buhay, at dinala sila sa taluktok ng burol at inihagis sila mula sa taluktok ng burol na anopa't silang lahat ay nagkawaraywaray. 014 2CH 025 013 Nguni't ang mga lalake ng hukbo na ipinabalik ni Amasias, upang sila'y huwag magsisunod sa kaniya sa pakikipagbaka, ay nagsidaluhong sa mga bayan ng Juda, mula sa Samaria hanggang sa Bet-horon, at nanakit sa kanila ng tatlong libo, at nagsikuha ng maraming samsam. 014 2CH 025 014 Nangyari nga, pagkatapos na si Amasias ay manggaling na mula sa pagpatay sa mga Idumio na kaniyang dinala ang mga dios ng mga anak ni Seir, at inilagay na maging kaniyang mga dios, at yumukod sa harap ng mga yaon, at nagsunog ng kamangyan sa mga yaon. 014 2CH 025 015 Kaya't ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Amasias, at siya'y nagsugo sa kaniya ng isang propeta, na sinabi sa kaniya, Bakit mo hinanap ang dios ng bayan na hindi nakapagligtas ng kanilang sariling bayan sa iyong kamay? 014 2CH 025 016 At nangyari, habang siya'y nakikipagusap sa kaniya, na sinabi ng hari sa kaniya, Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari? umurong ka; bakit ka sasaktan? Nang magkagayo'y umurong ang propeta, at nagsabi, Talastas ko na pinasiyahan ng Dios na patayin ka, sapagka't iyong ginawa ito, at hindi mo dininig ang aking payo. 014 2CH 025 017 Nang magkagayo'y kumuhang payo si Amasias na hari sa Juda, at nagsugo kay Joas na anak ni Joachaz na anak ni Jehu, na hari sa Israel, na nagsabi, Halika, tayo'y magtitigan. 014 2CH 025 018 At si Joas na hari sa Israel ay nagsugo kay Amasias na hari sa Juda, na nagsasabi, Ang dawag na nasa Libano, ay nagsugo sa sedro na nasa Libano, na nagsasabi, Ibigay mong asawa ang iyong anak na babae sa aking anak: at nagdaan ang mabangis na hayop na nasa Libano, at niyapakan ang dawag. 014 2CH 025 019 Ikaw ay nagsasabi, Narito, iyong sinaktan ang Edom; at itinaas ka ng iyong puso upang magmalaki: tumahan ka ngayon sa bahay; bakit ibig mong makialam sa iyong ikapapahamak, upang ikaw ay mabuwal, ikaw, at ang Juda na kasama mo? 014 2CH 025 020 Nguni't hindi dininig ni Amasias; sapagka't sa Dios, upang sila'y mabigay sa kamay ng kanilang mga kaaway, sapagka't hinanap nila ang mga dios ng Edom. 014 2CH 025 021 Sa gayo'y umahon si Joas na hari sa Israel; at siya at si Amasias na hari sa Juda ay nagtitigan sa Beth-semes, na ukol sa Juda. 014 2CH 025 022 At ang Juda ay nalagay sa kasamasamaan sa harap ng Israel; at sila'y nagsitakas bawa't isa sa kanikaniyang tolda. 014 2CH 025 023 At kinuha ni Joas na hari sa Israel si Amasias na hari sa Juda, na anak ni Joas, na anak ni Joachaz, sa Beth-semes, at dinala siya sa Jerusalem, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem mula sa pintuang-bayan ng Ephraim hanggang sa pintuang-bayan ng sulok, na apat na raang siko. 014 2CH 025 024 At kinuha niya ang lahat na ginto at pilak, at lahat na sisidlan na nasumpungan sa bahay ng Dios na kay Obed-edom; at ang mga kayamanan ng bahay ng hari, pati ng mga sanglang tao, at bumalik sa Samaria. 014 2CH 025 025 At si Amasias na anak ni Joas na hari sa Juda ay nabuhay pagkamatay ni Joas na anak ni Joachaz na hari sa Israel na labing limang taon. 014 2CH 025 026 Ang iba nga sa mga gawa ni Amasias, na una at huli, narito, di ba nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Juda at sa Israel? 014 2CH 025 027 Mula sa panahon nga na humiwalay si Amasias sa pagsunod sa Panginoon ay nagsipagbanta sila laban sa kaniya sa Jerusalem; at siya'y tumakas sa Lachis: nguni't pinasundan nila siya sa Lachis, at pinatay siya roon. 014 2CH 025 028 At dinala siya na nakapatong sa mga kabayo, at inilibing siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ng Juda. 014 2CH 026 001 At kinuha ng buong bayan ng Juda si Uzzias na may labing anim na taon, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias. 014 2CH 026 002 Kaniyang itinayo ang Eloth at isinauli sa Juda, pagkatapos na ang hari ay makatulog na kasama ng kaniyang mga magulang. 014 2CH 026 003 May labing anim na taon si Uzzias nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limangpu't dalawang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jecholia na taga Jerusalem. 014 2CH 026 004 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias. 014 2CH 026 005 At siya'y tumalagang hanapin ang Dios sa mga kaarawan ni Zacharias, na siyang maalam sa pangitain sa Dios: at habang kaniyang hinahanap ang Panginoon, pinagiginhawa siya ng Dios. 014 2CH 026 006 At siya'y lumabas at nakipagdigma laban sa mga Filisteo, at ibinagsak ang kuta ng Gath, at ang kuta ng Jabnia, at ang kuta ng Asdod; at siya'y nagtayo ng mga bayan sa lupain ng Asdod, at sa gitna ng mga Filisteo. 014 2CH 026 007 At tinulungan siya ng Dios laban sa mga Filisteo, at laban sa mga taga Arabia na nagsisitahan sa Gurbaal, at sa mga Meunim. 014 2CH 026 008 At ang mga Ammonita ay nagsipagbigay ng mga kaloob kay Uzzias; at ang kaniyang pangalan ay lumaganap hanggang sa pasukan ng Egipto; sapagka't siya'y lumakas na mainam. 014 2CH 026 009 Bukod dito'y si Uzzias ay nagtayo ng mga moog sa Jerusalem sa pintuang-bayan na nasa panulok, at sa pintuang-bayan sa libis, at sa pagliko ng kuta, at mga pinagtibay. 014 2CH 026 010 At siya'y nagtayo ng mga moog sa ilang, at humukay ng maraming balon, sapagka't siya'y nagkaroon ng maraming kawan; sa mababang lupa rin naman, at sa kapatagan; at siya'y may mangbubukid at manggagawa sa ubasan sa mga bundok at sa mga mabungang bukid; sapagka't siya'y may hilig sa bukiran. 014 2CH 026 011 Bukod dito'y si Uzzias ay may hukbo ng mga manglalaban, na nagsisilabas sa pakikipagdigma na pulupulutong ayon sa bilang ng kanilang kabilangan na ginawa ni Jehiel na kalihim, at ni Maasias na pinuno, sa kapangyarihan ni Hananias, na isa sa mga punong kawal ng hari. 014 2CH 026 012 Ang buong bilang ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, na mga makapangyarihang lalaking matatapang, ay dalawang libo at anim na raan. 014 2CH 026 013 At sa kapangyarihan ng kanilang kamay ay may isang maayos na hukbo, na tatlong daan at pitong libo at limang daan, na nakikipagdigmang may malakas na kapangyarihan, upang tulungan ang hari laban sa kaaway. 014 2CH 026 014 At ipinaghanda sila ni Uzzias sa makatuwid baga'y ang buong hukbo, ng mga kalasag, at mga sibat, at ng mga turbante, at ng mga sapyaw, at ng mga busog, at ng mga bato na ukol sa panghilagpos. 014 2CH 026 015 At siya'y gumawa sa Jerusalem ng mga makina, na katha ng mga bihasang tao, upang malagay sa mga moog at sa kuta upang magpahilagpos ng mga pana at mga malaking bato. At ang kaniyang pangalan ay lumaganap na mainam: sapagka't siya'y tinulungang kagilagilalas hanggang sa siya'y lumakas. 014 2CH 026 016 Nguni't nang siya'y lumakas, ang kaniyang puso ay nagmataas, na anopa't siya'y gumawa ng kapahamakan, at siya'y sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios; sapagka't siya'y pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan. 014 2CH 026 017 At si Azarias na saserdote ay pumasok pagkatapos niya, at kasama niya'y walong pung saserdote ng Panginoon, na mga matapang na lalake: 014 2CH 026 018 At kanilang hinadlangan si Uzzias na hari, at nagsipagsabi sa kaniya, Hindi nauukol sa iyo, Uzzias, na magsunog ng kamangyan sa Panginoon, kundi sa mga saserdote na mga anak ni Aaron, na mga itinalaga na magsunog ng kamangyan; lumabas ka sa santuario; sapagka't ikaw ay sumalangsang; ni di magiging karangalan sa iyo sa ganang Panginoong Dios. 014 2CH 026 019 Nang magkagayo'y si Uzzias ay naginit; at siya'y may suuban sa kaniyang kamay upang magsunog ng kamangyan; at habang siya'y nagiinit sa mga saserdote, ang ketong ay lumabas sa kaniyang noo sa harap ng mga saserdote sa bahay ng Panginoon, sa siping ng dambana ng kamangyan, 014 2CH 026 020 At si Azarias na punong saserdote, at ang lahat ng mga saserdote, ay nagsitingin sa kaniya, at narito, siya'y may ketong sa kaniyang noo, at kanilang itinulak siya na madalian mula roon; oo, siya nama'y nagmadaling lumabas sapagka't sinaktan siya ng Panginoon. 014 2CH 026 021 At si Uzzias na hari ay nagkaketong hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan, at tumahan sa bahay na bukod dahil sa may ketong: sapagka't siya'y nahiwalay sa bahay ng Panginoon; at si Joatham na kaniyang anak ay katiwala ng bahay ng hari, na humahatol sa bayan ng lupain. 014 2CH 026 022 Ang iba nga sa mga gawa ni Uzzias, na una at huli, isinulat ni Isaias na propeta, na anak ni Amos. 014 2CH 026 023 Sa gayo'y natulog si Uzzias na kasama ng kaniyang mga magulang; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa parang na libingan na ukol sa mga hari; sapagka't kanilang sinabi, Siya'y may ketong: at si Joatham na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 014 2CH 027 001 Si Joatham ay may dalawangpu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jerusa na anak ni Sadoc. 014 2CH 027 002 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Uzzias: gayon ma'y hindi siya pumasok sa templo ng Panginoon, At ang bayan ay gumawa pa ng kapahamakan. 014 2CH 027 003 Siya'y nagtayo ng mataas na pintuang-daan ng bahay ng Panginoon, at sa kuta ng Ophel ay nagtayo siya ng marami. 014 2CH 027 004 Bukod dito'y nagtayo siya ng mga bayan sa lupaing maburol ng Juda, at sa mga gubat ay nagtayo siya ng mga palasyo at mga moog. 014 2CH 027 005 Siya'y nakipaglaban din naman sa hari ng mga anak ni Ammon, at nanaig laban sa kanila. At ang mga anak ni Ammon ay nagsipagbigay sa kaniya ng taon ding yaon ng isang daang talentong pilak, at sangpung libong karo ng trigo, at sangpung libo ng sebada. Gayon ding karami ang ibinayad ng mga anak ni Ammon sa kaniya sa ikalawang taon naman, at sa ikatlo. 014 2CH 027 006 Sa gayo'y si Joatham ay naging makapangyarihan, sapagka't kaniyang inayos ang kaniyang mga lakad sa harap ng Panginoon niyang Dios. 014 2CH 027 007 Ang iba nga sa mga gawa ni Joatham, at ang lahat niyang mga pakikipagdigma, at ang kaniyang mga lakad, narito, nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel, at sa Juda. 014 2CH 027 008 Siya'y may dalawangpu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at nagharing labing anim na taon sa Jerusalem. 014 2CH 027 009 At si Joatham ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing nila siya sa bayan ni David: at si Achaz na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 014 2CH 028 001 Si Achaz ay may dalawangpung taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem: at hindi siya gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, na gaya ni David na kaniyang magulang. 014 2CH 028 002 Kundi siya'y lumakad ng mga lakad ng mga hari sa Israel, at iginawa rin naman ng mga larawang binubo ang mga Baal. 014 2CH 028 003 Bukod dito'y nagsunog siya ng kamangyan sa libis ng anak ni Hinnom, at sinunog ang kaniyang mga anak sa apoy, ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa, na mga pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel. 014 2CH 028 004 At siya'y naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako, at sa mga burol, at sa ilalim ng bawa't punong kahoy na sariwa. 014 2CH 028 005 Kaya't ibinigay ng Panginoon niyang Dios siya sa kamay ng hari sa Siria; at sinaktan nila siya, at tumangay sa kaniya ng isang malaking karamihang bihag, at mga dinala sa Damasco. At siya nama'y nabigay sa kamay ng hari sa Israel na siyang sumakit sa kaniya ng malaking pagpatay. 014 2CH 028 006 Sapagka't si Peca na anak ni Remalias ay pumatay sa Juda ng isang daan at dalawangpung libo sa isang araw, silang lahat ay mga matapang na lalake; sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang. 014 2CH 028 007 At pinatay ni Zichri, na makapangyarihang lalake sa Ephraim, si Maasias na anak ng hari, at si Azricam na pinuno sa bahay, at si Elcana na pangalawa ng hari. 014 2CH 028 008 At ang mga anak ni Israel ay nagsipagdala ng bihag sa kanilang mga kapatid na dalawang daang libo, mga babae, mga anak na lalake at babae, at nagsipaglabas din ng maraming samsam na mula sa kanila, at dinala ang samsam sa Samaria. 014 2CH 028 009 Nguni't isang propeta ng Panginoon ay nandoon, na ang pangalan ay Obed: at siya'y lumabas na sinalubong ang hukbo na dumarating sa Samaria, at sinabi sa kanila, Narito, sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng inyong mga magulang, ay naginit sa Juda, ay ibinigay niya sila sa inyong kamay, at inyong pinatay sila sa isang pagaalab ng loob na umaabot hanggang sa langit. 014 2CH 028 010 At ngayo'y inyong inaakalang pasukuin ang mga anak ni Juda at ng Jerusalem na maging pinaka aliping lalake at babae sa inyo: wala ba kayong pagsalangsang sa inyong sarili laban sa Panginoon ninyong Dios? 014 2CH 028 011 Ngayo'y dinggin nga ninyo ako, at pabalikin ninyo ang mga bihag, na inyong kinuhang bihag sa inyong mga kapatid: sapagka't ang malaking pagiinit ng Panginoon ay dumating sa inyo. 014 2CH 028 012 Nang magkagayo'y ilan sa mga pangulo sa mga anak ni Ephraim, si Azarias na anak ni Johanan, si Berachias na anak ni Mesillemoth at si Ezechias na anak ni Sallum, at si Amasa na anak ni Hadlai, ay nagsitayo laban sa kanila na nanggaling sa pakikipagdigma, 014 2CH 028 013 At sinabi sa kanila, Huwag kayong magsisipagdala ng mga bihag dito: sapagka't inyong inaakala na magdala sa atin ng pagsalangsang laban sa Panginoon, upang idagdag sa ating mga kasalanan at sa ating mga pagsalangsang: sapagka't ang ating pagsalangsang ay malaki, at may malaking pagiinit laban sa Israel. 014 2CH 028 014 Sa gayo'y iniwan ng mga lalaking may sakbat ang mga bihag at ang mga samsam sa harap ng mga prinsipe at ng buong kapisanan. 014 2CH 028 015 At ang mga lalaking nasaysay sa pangalan ay nagsitindig, at kinuha ang mga bihag, at sa samsam ay binihisan ang lahat na hubad sa kanila, at dinamtan at sinapatusan, at mga pinakain at pinainom, at mga pinahiran ng langis, at dinala ang lahat na mahina sa kanila na nakasakay sa mga asno, at mga dinala sa Jerico, na bayan ng mga puno ng palma, sa kanilang mga kapatid: saka nagsibalik sila sa Samaria. 014 2CH 028 016 Nang panahong yao'y nagsugo ang haring Achaz sa mga hari sa Asiria upang tulungan siya. 014 2CH 028 017 Sapagka't nagsiparoon uli ang mga Idumeo at sinaktan ang Juda, at dinalang bihag. 014 2CH 028 018 Nilusob naman ng mga Filisteo ang mga bayan ng mababang lupain, at ang Timugan ng Juda, at sinakop ang Beth-semes, at ang Ajalon, at ang Gederoth, at ang Socho pati ang mga nayon niyaon, at ang Timna pati ang mga nayon niyaon, ang Gimzo man at ang mga nayon niyaon: at sila'y nagsitahan doon. 014 2CH 028 019 Sapagka't ibinaba ng Panginoon ang Juda dahil kay Achaz na hari sa Israel; sapagka't hinubaran ang Juda, at sumalangsang na mainam laban sa Panginoon. 014 2CH 028 020 At si Tilgath-pilneser na hari sa Asiria ay naparoon sa kaniya, at ginipit siya, nguni't hindi siya pinalakas. 014 2CH 028 021 Sapagka't si Achas ay kumuha ng bahagi sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari at sa mga prinsipe, at ibinigay sa hari sa Asiria: nguni't hindi siya tinulungan. 014 2CH 028 022 At sa panahon ng kaniyang kagipitan ay lalo pa manding sumalangsang siya laban sa Panginoon, ang hari ring ito na si Achaz. 014 2CH 028 023 Sapagka't siya'y naghain sa mga dios ng Damasco, na sumakit sa kaniya: at sinabi niya, Sapagka't tinulungan sila ng mga dios ng mga hari sa Siria, kaya't ako'y maghahain sa kanila, upang tulungan nila ako. Nguni't sila ang naging kapahamakan niya at ng buong Israel. 014 2CH 028 024 At pinisan ni Achaz ang mga sisidlan ng bahay ng Dios, at pinagputolputol ang mga sisidlan ng bahay ng Dios, at isinara ang mga pinto ng bahay ng Panginoon; at siya'y gumawa sa kaniya ng mga dambana sa bawa't sulok ng Jerusalem. 014 2CH 028 025 At sa bawa't iba't ibang bayan ng Juda ay gumawa siya ng mga mataas na dako upang pagsunugan ng kamangyan sa mga ibang dios, at minungkahi sa galit ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang. 014 2CH 028 026 Ang iba nga sa kaniyang mga gawa, at ang lahat niyang mga lakad, na una at huli, narito, nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Juda at Israel. 014 2CH 028 027 At si Achaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing nila siya sa bayan, sa Jerusalem; sapagka't hindi nila dinala siya sa mga libingan ng mga hari sa Israel: at si Ezechias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 014 2CH 029 001 Si Ezechias ay nagpasimulang maghari nang siya'y dalawangpu't limang taon: at siya'y naghari na dalawangpu't siyam na taon sa Jerusalem, at ang pangalan ng kaniyang ina ay Abia na anak ni Zacharias. 014 2CH 029 002 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ni David na kaniyang magulang. 014 2CH 029 003 Siya'y nagbukas sa unang taon ng kaniyang paghahari, na unang buwan, ng mga pinto ng bahay ng Panginoon, at mga hinusay. 014 2CH 029 004 At kaniyang ipinasok ang mga saserdote at mga Levita, at pinisan sila sa maluwang na dako sa silanganan, 014 2CH 029 005 At sinabi sa kanila, Dinggin ninyo ako, ninyong mga Levita; ngayo'y mangagpakabanal kayo, at italaga ninyo ang bahay ng Panginoon, ang Dios ng inyong mga magulang, at ilabas ninyo ang dumi mula sa dakong banal. 014 2CH 029 006 Sapagka't ang ating mga magulang ay nagsisalangsang, at nagsigawa ng masama sa paningin ng Panginoon nating Dios, at pinabayaan siya, at itinalikod ang kanilang mga mukha sa tahanan ng Panginoon, at nagsitalikod. 014 2CH 029 007 Kanila ring isinara ang mga pinto ng portiko, at pinatay ang mga ilawan, at hindi nagsipagsunog ng kamangyan ni nagsipaghandog man ng mga handog na susunugin sa dakong banal sa Dios ng Israel. 014 2CH 029 008 Kaya't ang pagiinit ng Panginoon ay dumating sa Juda at Jerusalem, at ibinigay niya sila upang hamakin saa't saan man, upang maging katigilan, at kasutsutan, gaya ng inyong nakikita ng inyong mga mata. 014 2CH 029 009 Sapagka't narito, ang ating mga magulang ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang ating mga anak na lalake at babae at ang ating mga asawa ay nangasa pagkabihag dahil dito. 014 2CH 029 010 Nasa akin ngang puso na makipagtipan sa Panginoon, sa Dios ng Israel, upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa atin. 014 2CH 029 011 Mga anak ko, huwag kayong mangagpabaya: sapagka't pinili kayo ng Panginoon upang magsitayo sa harap niya, upang magsipangasiwa sa kaniya, at kayo'y maging kaniyang mga tagapangasiwa, at mangagsunog kayo ng kamangyan. 014 2CH 029 012 Nang magkagayo'y nagsitindig ang mga Levita, si Mahath na anak ni Amasai, at si Joel na anak ni Azarias sa mga anak ng mga Coathita: at sa mga anak ni Merari, si Cis na anak ni Abdi, at si Azarias na anak ni Jehaleleel: at sa mga Gersonita, si Joah na anak ni Zimma, at si Eden na anak ni Joah: 014 2CH 029 013 At sa mga anak ni Elisaphan, si Simri, at si Jehiel: at sa mga anak ni Asaph, si Zacharias at si Mathanias: 014 2CH 029 014 At sa mga anak ni Heman, si Jehiel at si Simi: at sa mga anak ni Jeduthun, si Semeias at si Uzziel. 014 2CH 029 015 At pinisan nila ang kanilang mga kapatid, at nangagpakabanal, at nagsipasok ayon sa utos ng hari sa pamamagitan ng mga salita ng Panginoon, upang linisin ang bahay ng Panginoon. 014 2CH 029 016 At ang mga saserdote ay nagsipasok sa pinakaloob ng bahay ng Panginoon, upang linisin, at inilabas ang lahat na dumi na kanilang nasumpungan sa templo ng Panginoon. At kinuha ng mga Levita upang ilabas sa batis ng Cedron. 014 2CH 029 017 Sila nga'y nagpasimula na mangagpakabanal nang unang araw ng unang buwan, at nang ikawalong araw ng buwan ay nagsiparoon sila sa portiko ng Panginoon; at kanilang itinalaga ang bahay ng Panginoon sa walong araw; at sa ikalabing anim na araw ng unang buwan ay kanilang niwakasan. 014 2CH 029 018 Nang magkagayo'y kanilang pinasok si Ezechias na hari, sa loob ng palasio, at kanilang sinabi, Aming nilinis ang buong bahay ng Panginoon, at ang dambana ng handog na susunugin, pati ng lahat na kasangkapan niyaon, at ang dulang ng tinapay na handog, pati ng lahat na kasangkapan niyaon. 014 2CH 029 019 Bukod dito'y lahat na kasangkapan, na inihagis ng haring Achaz sa kaniyang paghahari, nang siya'y sumalangsang, aming inihanda at itinalaga, at, narito, nangasa harap ng dambana ng Panginoon. 014 2CH 029 020 Nang magkagayo'y si Ezechias na hari ay bumangong maaga, at pinisan ang mga prinsipe ng bayan, at sumampa sa bahay ng Panginoon. 014 2CH 029 021 At sila'y nagsipagdala ng pitong baka, at pitong tupa, at pitong kordero, at pitong kambing na lalake, na pinakahandog dahil sa kasalanan sa ikagagaling ng kaharian, at ng santuario, at ng Juda. At siya'y nagutos sa mga saserdote na mga anak ni Aaron na ihandog ang mga yaon sa dambana ng Panginoon. 014 2CH 029 022 Sa gayo'y kanilang pinatay ang mga baka, at tinanggap ng mga saserdote ang dugo, at iniwisik sa dambana: at kanilang pinatay ang mga tupa, at iwinisik ang dugo sa ibabaw ng dambana: pinatay rin nila ang mga kordero, at iniwisik ang dugo sa ibabaw ng dambana. 014 2CH 029 023 At kanilang inilapit ang mga kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan sa harap ng hari at ng kapisanan; at ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon: 014 2CH 029 024 At mga pinatay ng mga saserdote, at sila'y nagsigawa ng isang handog dahil sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng mga yaon sa ibabaw ng dambana, upang itubos sa buong Israel: sapagka't iniutos ng hari na ang handog na susunugin at ang handog dahil sa kasalanan ay gagawin para sa buong Israel. 014 2CH 029 025 At kaniyang inilagay ang mga Levita sa bahay ng Panginoon na may mga simbalo, may mga salterio, at may mga alpa, ayon sa utos ni David, at ni Gad na tagakita ng hari, at ni Nathan na propeta: sapagka't ang utos ay mula sa Panginoon sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta. 014 2CH 029 026 At ang mga Levita ay nagsitayo na may mga panugtog ni David, at ang mga saserdote na may mga pakakak. 014 2CH 029 027 At si Ezechias ay nagutos na maghandog ng handog na susunugin sa ibabaw ng dambana. At nang ang handog na susunugin ay pasimulan, ang awit sa Panginoon ay pinasimulan naman, at ang mga pakakak, pati ang mga panugtog ni David na hari sa Israel. 014 2CH 029 028 At ang buong kapisanan ay sumamba, at ang mga mangaawit ay nagsiawit, at ang mga manghihihip ng pakakak ay nangagpatunog; lahat ng ito ay ipinagpatuloy hanggang sa ang handog na susunugin ay natapos. 014 2CH 029 029 At nang sila'y makatapos ng paghahandog ang hari at ang lahat na nakaharap na kasama niya ay nagsiyukod at nagsisamba. 014 2CH 029 030 Bukod dito'y iniutos ni Ezechias na hari at ng mga prinsipe sa mga Levita na magsiawit ng mga pagpuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga salita ni David, at ni Asaph na tagakita. At sila'y nagsiawit ng mga pagpuri na may kasayahan, at kanilang itinungo ang kanilang mga ulo at nagsisamba. 014 2CH 029 031 Nang magkagayo'y sumagot si Ezechias na nagsabi, Ngayo'y nagsitalaga kayo sa Panginoon, kayo'y magsilapit at mangagdala ng mga hain at mga handog na pasalamat sa bahay ng Panginoon: At nagdala ng mga hain at ng mga handog na pasalamat ang kapisanan; at lahat ng may kusang kalooban ay nagsipagdala ng mga handog na susunugin. 014 2CH 029 032 At ang bilang ng mga handog na susunugin na dinala ng kapisanan, pitongpung baka, isang daang tupang lalake, dalawang daang kordero: lahat ng mga ito ay pinakahandog na susunugin sa Panginoon. 014 2CH 029 033 At ang mga bagay na itinalaga ay anim na raang baka at tatlong libong tupa. 014 2CH 029 034 Nguni't ang mga saserdote ay naging kakaunti, na anopa't hindi nila malapnusan ang lahat na handog na susunugin kaya't tinulungan sila ng kanilang mga kapatid na mga Levita, hanggang sa natapos ang gawain, at hanggang sa nangagpakabanal ang mga saserdote; sapagka't ang mga Levita ay matuwid ang puso na mangagpakabanal na higit kay sa mga saserdote. 014 2CH 029 035 At ang mga handog na susunugin naman ay sagana, pati ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at pati ang mga handog na inumin na ukol sa bawa't handog na susunugin. Sa gayo'y ang paglilingkod sa bahay ng Panginoon ay naayos. 014 2CH 029 036 At si Ezechias ay nagalak, at ang buong bayan, dahil sa inihanda ng Dios ang bayan: sapagka't ang bagay ay biglang nagawa. 014 2CH 030 001 At si Ezechias ay nagsugo sa buong Israel at Juda, at sumulat ng mga liham naman sa Ephraim at Manases, na sila'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon sa Jerusalem, upang ipangilin ang paskua sa Panginoon, sa Dios ng Israel. 014 2CH 030 002 Sapagka't ang hari ay nakipagsanggunian, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang buong kapisanan sa Jerusalem, upang ipangilin ang paskua sa ikalawang buwan. 014 2CH 030 003 Sapagka't hindi nila maipangilin sa panahong yaon, sapagka't ang mga saserdote ay hindi nangagpakabanal sa sukat na bilang, ni nagsipisan man ang bayan sa Jerusalem. 014 2CH 030 004 At ang bagay ay matuwid sa harap ng mga mata ng hari at sa buong kapisanan. 014 2CH 030 005 Sa gayo'y itinatag nila ang pasiya upang magtanyag sa buong Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na sila'y magsisiparoon na ipangilin ang paskua sa Panginoon, sa Dios ng Israel, sa Jerusalem: sapagka't hindi nila ipinagdiwang sa malaking bilang sa gayong paraan na gaya ng nakasulat. 014 2CH 030 006 Sa gayo'y ang mga mangdadala ng sulat ay nagsiyaong dala ang sulat na mula sa hari at sa kaniyang mga prinsipe sa buong Israel at Juda, at ayon sa utos ng hari, na sinasabi, Kayong mga anak ni Israel manumbalik kayo sa Panginoon, sa Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, upang siya'y manumbalik sa nalabi na nakatanan sa inyo na mula sa kamay ng mga hari sa Asiria. 014 2CH 030 007 At kayo'y huwag maging gaya ng inyong mga magulang, at gaya ng inyong mga kapatid, na nagsisalangsang laban sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, na anopa't ibinigay niya sila sa pagkapahamak, gaya ng inyong nakikita. 014 2CH 030 008 Ngayo'y huwag kayong maging mapagmatigas na ulo, na gaya ng inyong mga magulang; kundi magsitalaga kayo sa Panginoon, at magsipasok sa kaniyang santuario, na kaniyang itinalaga magpakailan man at kayo'y mangaglingkod sa Panginoon ninyong Dios, upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa inyo. 014 2CH 030 009 Sapagka't kung kayo'y manumbalik sa Panginoon, ang inyong mga kapatid at ang inyong mga anak ay mangagkakasumpong ng habag sa harap nilang nagsibihag, at magsisibalik sa lupaing ito: sapagka't ang Panginoon ninyong Dios ay mapagbiyaya at maawain, at hindi itatalikod ang kaniyang mukha sa inyo, kung kayo'y manumbalik sa kaniya. 014 2CH 030 010 Sa gayo'y ang mangdadala ng sulat ay nagdaan sa bayan at bayan sa lupain ng Ephraim at Manases hanggang sa Zabulon: nguni't sila'y tinatawanang mainam, at tinutuya sila. 014 2CH 030 011 Gayon ma'y ang iba sa Aser, at sa Manases, at sa Zabulon ay nangagpakumbaba, at nagsiparoon sa Jerusalem. 014 2CH 030 012 Suma Juda naman ang kamay ng Dios upang papagisahing puso sila upang gawin ang utos ng hari at ng mga prinsipe sa pamamagitan ng salita ng Panginoon. 014 2CH 030 013 At nagpupulong sa Jerusalem ang maraming tao upang ipagdiwang ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura sa ikalawang buwan, na isang totoong malaking kapisanan. 014 2CH 030 014 At sila'y nagsitindig at inalis ang mga dambana na nangasa Jerusalem, at ang lahat na dambana na ukol sa kamangyan ay inalis nila, at kanilang inihagis sa batis ng Cedron. 014 2CH 030 015 Nang magkagayo'y kanilang pinatay ang kordero ng paskua nang ikalabing apat ng ikalawang buwan: at ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangapahiya, at nangagpakabanal, at nangagdala ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon. 014 2CH 030 016 At sila'y nagsitayo sa kanilang dako ayon sa kanilang ayos, ayon sa kautusan ni Moises na lalake ng Dios: iniwisik ng mga saserdote ang dugo, na kanilang tinanggap sa kamay ng mga Levita. 014 2CH 030 017 Sapagka't marami sa kapisanan na hindi nangagpakabanal; kaya't ang mga Levita ang may katungkulan ng pagpatay sa kordero ng paskua na ukol sa bawa't isa na hindi malinis, upang mga italaga sa Panginoon. 014 2CH 030 018 Sapagka't isang karamihan sa bayan, sa makatuwid baga'y marami sa Ephraim at sa Manases, sa Issachar, at sa Zabulon, ay hindi nangagpakalinis, gayon ma'y nagsikain sila ng kordero ng paskua na hindi gaya ng nasusulat. Sapagka't idinalangin sila ni Ezechias, na sinasabi, Patawarin nawa ng mabuting Panginoon ang bawa't isa. 014 2CH 030 019 Na naglalagak ng kaniyang puso upang hanapin ang Dios, ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang, bagaman hindi siya nalinis ng ayon sa paglilinis sa santuario. 014 2CH 030 020 At dininig ng Panginoon si Ezechias, at pinagaling ang bayan. 014 2CH 030 021 At ang mga anak ni Israel na nakaharap sa Jerusalem ay nagdiwang ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw, na may malaking kasayahan: at ang mga Levita at ang mga saserdote ay nagsipuri araw-araw sa Panginoon na nagsisiawit na may matunog na panugtog sa Panginoon. 014 2CH 030 022 At si Ezechias ay nagsalitang may kagandahang loob sa lahat na Levita sa mga matalino sa paglilingkod sa Panginoon. Sa gayo'y nagsikain sila sa buong kapistahan sa loob ng pitong araw, na nangaghahandog ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, at nangagpahayag ng kasalanan sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang. 014 2CH 030 023 At ang buong kapisanan ay nagsanggunian upang magdiwang ng ibang pitong araw: at sila'y nangagdiwang ng ibang pitong araw na may kasayahan. 014 2CH 030 024 Sapagka't si Ezechias na hari sa Juda ay nagbigay sa kapisanan ng pinakahandog na isang libong baka at pitong libong tupa; at ang mga prinsipe ay nangagbigay sa kapisanan ng isang libong baka at sangpung libong tupa; at lubhang maraming bilang ng mga saserdote ay nangagpakabanal. 014 2CH 030 025 At ang buong kapisanan ng Juda, pati ng mga saserdote at mga Levita, at ang buong kapisanan na lumabas sa Israel, at ang mga taga ibang lupa na nagsilabas sa lupain ng Israel, at nagsitahan sa Juda, ay nangagalak. 014 2CH 030 026 Sa gayo'y nagkaroon ng malaking kagalakan sa Jerusalem: sapagka't mula sa panahon ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel, ay hindi nagkaroon ng gayon sa Jerusalem. 014 2CH 030 027 Nang magkagayo'y ang mga saserdote na mga Levita ay nagsitindig at binasbasan ang bayan: at ang kanilang tinig ay narinig, at ang kanilang dalangin ay umilanglang sa kaniyang banal na tahanan, hanggang sa langit. 014 2CH 031 001 Nang matapos nga ang lahat ng ito, ang buong Israel na nakaharap ay lumabas sa mga bayan ng Juda, at pinagputolputol ang mga haligi na pinakaalaala, at ibinuwal ang mga Asera, at iginiba ang mga mataas na dako at ang mga dambana mula sa buong Juda at Benjamin, sa Ephraim man at sa Manases, hanggang sa kanilang naigibang lahat. Nang magkagayo'y ang lahat ng mga anak ni Israel ay nagsibalik, bawa't isa'y sa kaniyang pag-aari, sa kanilang sariling mga bayan. 014 2CH 031 002 At inihalal ni Ezechias ang mga bahagi ng mga saserdote, at ng mga Levita ayon sa kanilang pagkakabahagi, bawa't lalake ay ayon sa kaniyang katungkulan, ang mga saserdote at gayon din ang mga Levita, na ukol sa mga handog na susunugin at sa mga handog tungkol sa kapayapaan, upang magsipangasiwa, at upang mangagpasalamat, at upang mangagpuri sa mga pintuang-daan ng hantungan ng Panginoon. 014 2CH 031 003 Itinakda naman niya ang bahagi ng hari sa kaniyang pag-aari na ukol sa mga handog na susunugin, sa makatuwid baga'y sa mga handog na susunugin sa umaga at sa hapon, at ang mga handog na susunugin sa mga sabbath, at sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan, na gaya ng nakasulat sa kautusan ng Panginoon. 014 2CH 031 004 Bukod dito'y inutusan niya ang bayan na tumatahan sa Jerusalem, na ibigay ang pagkain ng mga saserdote at ng mga Levita, upang magsitalaga sa kautusan ng Panginoon. 014 2CH 031 005 At paglabas ng utos, ang mga anak ni Israel ay nangagbigay na sagana ng mga unang bunga ng trigo, alak, at langis, at pulot, at sa lahat na bunga sa bukid; at ang ikasangpung bahagi ng lahat na bagay ay dinala nila na sagana. 014 2CH 031 006 At ang mga anak ni Israel at ni Juda, na nagsisitahan sa mga bayan ng Juda, sila nama'y nangagdala ng ikasangpung bahagi ng mga baka at mga tupa, at ng ikasangpung bahagi ng mga itinalagang bagay na mga itinalaga sa Panginoon nilang Dios, at inilagay ang mga yaon na bunton bunton. 014 2CH 031 007 Nang ikatlong buwan ay nangagpasimula silang naglagay ng pasimula ng mga bunton, at nangatapos sa ikapitong buwan. 014 2CH 031 008 At nang pumaroon si Ezechias at ang mga prinsipe at makita ang mga bunton, kanilang pinuri ang Panginoon, at ang kaniyang bayang Israel. 014 2CH 031 009 Nang magkagayo'y nagtanong si Ezechias sa mga saserdote at sa mga Levita tungkol sa mga bunton. 014 2CH 031 010 At si Azarias na punong saserdote sa bahay ni Sadoc, ay sumagot sa kaniya, at nagsabi, Mula ng magpasimulang magdala ang bayan ng mga alay sa bahay ng Panginoon, kami ay nagsikain at nangabusog kami, at lumabis ng sagana sapagka't pinagpala ng Panginoon ang kaniyang bayan; at ang naiwan ay ang malaking kasaganaang ito. 014 2CH 031 011 Nang magkagayo'y nagutos si Ezechias na maghanda ng mga silid sa bahay ng Panginoon; at inihanda nila. 014 2CH 031 012 At kanilang pinagdalhan ng mga alay at ng mga ikasangpung bahagi, at ng mga itinalagang bagay, na may pagtatapat. At sa mga yaon ay katiwala si Chonanias na Levita, at si Simi na kaniyang kapatid ay siyang ikalawa. 014 2CH 031 013 At si Jehiel, at si Azazias, at si Nahat, at si Asael, at si Jerimoth, at si Josabad, at si Eliel, at si Ismachias, at si Mahaath, at si Benaias, ay mga tagapangasiwa sa kapangyarihan ng kamay ni Chonanias, at ni Simi na kaniyang kapatid, ayon sa pagkahalal ni Ezechias, na hari, at ni Azarias na tagapamahala sa bahay ng Dios. 014 2CH 031 014 At si Core na anak ni Imna na Levita, na tagatanod-pinto sa silanganang pintuang-daan, ay katiwala sa mga kusang handog sa Dios, upang magbahagi ng mga alay sa Panginoon, at ng mga kabanalbanalang bagay. 014 2CH 031 015 At nasa kapangyarihan niya si Eden, at si Benjamin, at si Jeshua, at si Semaias, si Amarias, at si Sechanias, sa mga bayan ng mga saserdote, sa kanilang takdang katungkulan, upang magbigay sa kanilang mga kapatid ng ayon sa mga bahagi, gayon sa malaki na gaya sa maliit: 014 2CH 031 016 Bukod doon sa nangabilang sa mga talaan ng lahi ng mga lalake, na mula sa tatlong taong gulang na patanda, sa makatuwid baga'y sa bawa't pumapasok sa bahay ng Panginoon, ayon sa kailangan sa bawa't araw, na ukol sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga katungkulan ayon sa kanilang mga bahagi. 014 2CH 031 017 At silang mangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi ng mga saserdote ayon sa sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang mga Levita mula sa dalawangpung taong gulang na patanda, sa kanilang mga katungkulan ayon sa kanilang mga bahagi; 014 2CH 031 018 At silang nangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi ng lahat nilang mga bata, ng kanilang mga asawa, at ng kanilang mga anak na lalake at babae, sa buong kapisanan: sapagka't sa kanilang takdang katungkulan ay nangagpakabanal: 014 2CH 031 019 Gayon din sa mga anak ni Aaron na mga saserdote, na nangasa bukiran ng mga nayon ng kanilang mga bayan, sa bawa't iba't ibang bayan, may mga lalake na nasaysay sa pangalan, upang magbigay ng mga pagkain sa lahat na lalake na saserdote, at sa lahat na nangabilang ayon sa talaan ng lahi ng mga Levita. 014 2CH 031 020 At ganito ang ginawa ni Ezechias sa buong Juda; at siya'y gumawa ng mabuti, at matuwid, at tapat sa harap ng Panginoon niyang Dios. 014 2CH 031 021 At sa bawa't gawain na kaniyang pinasimulan sa paglilingkod sa bahay ng Dios, at sa kautusan at sa mga utos, upang hanapin ang kaniyang Dios, kaniyang ginawa ng buong puso niya, at guminhawa. 014 2CH 032 001 Pagkatapos ng mga bagay na ito, at ng pagtatapat na ito, ay naparoon si Sennacherib na hari sa Asiria at pumasok sa Juda, at humantong laban sa mga bayan na nakukutaan, at kaniyang inisip sakupin upang kaniyahin. 014 2CH 032 002 At nang makita ni Ezechias na si Sennacherib ay dumating, at siya'y tumalaga na lumaban sa Jerusalem, 014 2CH 032 003 Ay nakipagsanggunian siya sa kaniyang mga prinsipe at sa kaniyang mga makapangyarihang lalake upang patigilin ang tubig sa mga bukal na nangasa labas ng bayan at kanilang tinulungan siya. 014 2CH 032 004 Sa gayo'y nagpipisan ang maraming tao sa bayan at kanilang pinatigil ang lahat na bukal, at ang batis na umaagos sa gitna ng lupain, na sinasabi, Bakit paririto ang mga hari sa Asiria, at makakasumpong ng maraming tubig? 014 2CH 032 005 At siya'y nagdalang tapang, at itinayo niya ang lahat na kuta na nabagsak, at pinataas pa ang mga moog, at ang ibang kuta sa labas, at pinagtibay ang Millo sa bayan ni David, at gumawa ng mga sandata at mga kalasag na sagana. 014 2CH 032 006 At siya'y naglagay ng mga pinunong kawal sa bayan na mangdidigma, at pinisan niya sila sa luwal na dako sa pintuang-bayan, at nagsalita na may kagandahang loob sa kanila, na sinasabi, 014 2CH 032 007 Kayo'y mangagpakalakas at mangagpakatapang na mabuti, huwag ninyong katakutan o panglupaypayan man ang hari sa Asiria, o ang buong karamihan man na kasama niya; sapagka't may lalong dakila sa atin kay sa kaniya: 014 2CH 032 008 Sumasakaniya ay isang kamay na laman; nguni't sumasaatin ay ang Panginoon nating Dios upang tulungan tayo, at ipakipaglaban ang ating mga pagbabaka, At ang bayan ay sumandal sa mga salita ni Ezechias na hari sa Juda. 014 2CH 032 009 Pagkatapos nito'y sinugo ni Sennacherib na hari sa Asiria ang kaniyang mga lingkod sa Jerusalem, (siya nga'y nasa harap ni Lachis, at ang kaniyang buong kapangyarihan ay sumasa kaniya, ) kay Ezechias na hari sa Juda, at sa buong Juda na nasa Jerusalem, na sinasabi, 014 2CH 032 010 Ganito ang sabi ni Sennacherib na hari sa Asiria, Sa ano kayo nagsisiasa na kayo'y nagsisitahan sa pagkakubkob sa Jerusalem? 014 2CH 032 011 Hindi ba kayo hinihikayat ni Ezechias, upang kayo'y ibigay sa pagkamatay sa pamamagitan ng kagutom at ng kauhaw, na sinasabi, Ililigtas tayo ng Panginoon nating Dios sa kamay ng hari sa Asiria? 014 2CH 032 012 Hindi ba ang Ezechias ding ito ang nagalis ng kaniyang mga mataas na dako at ng kaniyang mga dambana, at nagutos sa Juda at sa Jerusalem, na sinasabi, Kayo'y magsisisamba sa harap ng isang dambana, at sa ibabaw niyao'y mangagsusunog kayo ng kamangyan. 014 2CH 032 013 Hindi ba ninyo nalalaman, kung ano ang ginawa ko at ng aking mga magulang sa lahat ng bayan ng mga lupain? Ang mga dios ba ng mga bansa ng mga lupain ay nakapagligtas sa anomang paraan ng kanilang lupain sa aking kamay? 014 2CH 032 014 Sino sa lahat ng mga dios ng mga bansang yaon na lubos na giniba ng aking mga magulang na nakapagligtas ng kaniyang bayan sa aking kamay, upang kayo'y mailigtas ng inyong Dios sa aking kamay? 014 2CH 032 015 Kaya't huwag nga kayong padaya kay Ezechias, ni hikayatin kayo ng ganitong paraan, ni paniwalaan man ninyo siya: sapagka't walang dios sa alinmang bansa o kaharian na nakapagligtas ng kaniyang bayan sa aking kamay, at sa kamay ng aking mga magulang: gasino pa nga kaya ang inyong Dios na makapagliligtas sa inyo sa aking kamay? 014 2CH 032 016 At ang kaniyang mga lingkod ay nagsalita pa laban sa Panginoong Dios, at laban sa kaniyang lingkod na si Ezechias. 014 2CH 032 017 Siya'y sumulat din ng mga sulat upang tungayawin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at upang magsalita laban sa kaniya, na sinasabi, Kung paanong hindi iniligtas ng mga dios ng mga bansa ng mga lupain ang kanilang bayan sa aking kamay, gayon hindi iniligtas ng Dios ni Ezechias ang kaniyang bayan sa aking kamay. 014 2CH 032 018 At siya'y sumigaw ng malakas sa wikang Judio sa bayan ng Jerusalem na nasa kuta, upang takutin sila, at upang bagabagin sila; upang kanilang masakop ang bayan. 014 2CH 032 019 At sila'y nangagsalita tungkol sa Dios ng Jerusalem, na gaya sa mga dios ng mga bayan sa lupa, na gawa ng mga kamay ng mga tao. 014 2CH 032 020 At si Ezechias na hari, at si Isaias na propeta na anak ni Amos, ay nagsidalangin dahil dito, at nagsidaing sa langit. 014 2CH 032 021 At ang Panginoon ay nagsugo ng isang anghel, na naghiwalay ng lahat na makapangyarihang lalaking may tapang, at ng mga pangulo at mga pinunong kawal, sa kampamento ng hari sa Asiria. Sa gayo'y bumalik siya na nahihiya sa kaniyang sariling lupain. At nang siya'y dumating sa bahay ng kaniyang dios, ay pinatay siya roon ng tabak ng nagsilabas sa kaniyang sariling tiyan. 014 2CH 032 022 Ganito iniligtas ng Panginoon si Ezechias at ang mga taga Jerusalem sa kamay ni Sennacherib na hari, sa Asiria, at sa kamay ng lahat na iba, at pinatnubayan sila sa bawa't dako. 014 2CH 032 023 At marami ay nangagdala ng mga kaloob ng Panginoon sa Jerusalem, at ng mga mahalagang bagay kay Ezechias na hari sa Juda: na anopa't siya'y nataas sa paningin ng lahat na bansa mula noon. 014 2CH 032 024 Nang mga araw na yao'y nagkasakit ng ikamamatay si Ezechias: at siya'y dumalangin sa Panginoon; at siya'y nagsalita sa kaniya, at binigyan niya siya ng tanda. 014 2CH 032 025 Nguni't si Ezechias ay hindi nagbayad uli ng ayon sa kabutihang ginawa sa kaniya; sapagka't ang kaniyang puso ay nagmataas: kaya't nagkaroon ng kapootan sa kaniya, at sa Juda, at sa Jerusalem. 014 2CH 032 026 Gayon ma'y nagpakababa si Ezechias dahil sa kapalaluan ng kaniyang puso, siya, at gayon din ang mga taga Jerusalem, na anopa't ang poot ng Panginoon ay hindi dumating sa kanila sa mga kaarawan ni Ezechias. 014 2CH 032 027 At si Ezechias ay nagkaroon ng malabis na mga kayamanan at karangalan: at siya'y nagtaan para sa kaniya, ng mga ingatang-yaman na ukol sa pilak, at sa ginto; at sa mga mahalagang bato, at sa mga espisia, at sa mga kalasag, at sa lahat na sarisaring mabubuting mga sisidlan: 014 2CH 032 028 Mga kamalig din naman na ukol sa saganang trigo, at alak at langis; at mga silungan na ukol sa lahat na sarisaring hayop, at mga silungan na ukol sa mga kawan. 014 2CH 032 029 Bukod dito'y nagtaan siya sa kaniya ng mga bayan, at mga pag-aari na mga kawan at mga bakahan na sagana: sapagka't binigyan siya ng Dios ng maraming tinatangkilik. 014 2CH 032 030 Ang Ezechias ding ito ang nagpatigil ng pinakamataas na bukal ng tubig sa Gihon, at ibinabang tuloy sa dakong kalunuran ng bayan ni David. At si Ezechias ay guminhawa sa lahat ng kaniyang mga gawa. 014 2CH 032 031 Gayon ma'y sa bagay ng mga sugo ng mga prinsipe sa Babilonia, na nangagsugo sa kaniya upang magusisa ng kagilagilalas na gawa sa lupain ay pinabayaan siya ng Dios upang tikman siya, upang kaniyang maalaman ang lahat na nasa kaniyang puso. 014 2CH 032 032 Ang iba nga sa mga gawa ni Ezechias, at ang kaniyang mga mabuting gawa, narito, nangakasulat sa pangitain ni Isaias na propeta na anak ni Amos, na aklat ng mga hari, sa Juda at Israel. 014 2CH 032 033 At si Ezechias ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing nila siya sa ahunan ng mga libingan ng mga anak ni David: at binigyan siyang karangalan ng buong Juda at ng mga taga Jerusalem sa kaniyang kamatayan. At si Manases na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 014 2CH 033 001 Si Manases ay may labing dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limang pu't limang taon sa Jerusalem. 014 2CH 033 002 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel. 014 2CH 033 003 Sapagka't kaniyang itinayo uli ang mga mataas na dako na iginiba ni Ezechias na kaniyang ama: at siya'y nagtayo ng mga dambana na ukol sa mga Baal, at gumawa ng mga Asera, at sumamba sa lahat ng natatanaw sa langit, at naglingkod sa mga yaon, 014 2CH 033 004 At siya'y nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon, na pinagsabihan ng Panginoon, Sa Jerusalem ay malalagay ang aking pangalan magpakailan man. 014 2CH 033 005 At siya'y nagtayo ng mga dambana na ukol sa mga natatanaw sa langit sa dalawang looban ng bahay ng Panginoon. 014 2CH 033 006 Kaniya rin namang pinaraan ang kaniyang mga anak sa apoy sa libis ng anak ni Hinnom: at siya'y nagpamahiin, at nagsanay ng panggagaway at nanghula, at nakipagsanggunian sa mga masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit. 014 2CH 033 007 At siya'y naglagay ng larawan ng diosdiosan na inanyuan, na kaniyang ginawa, sa bahay ng Dios na pinagsabihan ng Dios kay David, at kay Salomon na kaniyang anak, Sa bahay na ito, at sa Jerusalem na aking pinili sa lahat ng mga lipi ni Israel, aking ilalagay ang aking pangalan magpakailan man: 014 2CH 033 008 Ni babaguhin pa man ang paa ng Israel sa lupain na aking itinakda na ukol sa inyong mga magulang, kung kanila lamang isasagawa ang lahat na aking iniutos sa kanila, sa makatuwid baga'y ang buong kautusan at ang mga palatuntunan at ang mga ayos, sa pamamagitan ng kamay ni Moises. 014 2CH 033 009 At iniligaw ni Manases ang Juda at ang mga taga Jerusalem, na anopa't sila'y nagsigawa ng higit na sama kay sa ginawa ng mga bansang nilipol ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel. 014 2CH 033 010 At ang Panginoon ay nagsalita kay Manases, at sa kaniyang bayan: nguni't niwalang bahala nila. 014 2CH 033 011 Kaya't dinala ng Panginoon sa kanila ang mga punong kawal ng hukbo ng hari sa Asiria, na siyang nagdala kay Manases na may mga tanikala, at ginapos siya ng mga damal, at nagdala sa kaniya sa Babilonia. 014 2CH 033 012 At nang siya'y nasa pagkapighati siya'y dumalangin sa Panginoon niyang Dios, at nagpakumbabang mainam sa harap ng Dios ng kaniyang mga magulang. 014 2CH 033 013 At siya'y dumalangin sa kaniya; at siya'y dininig, at pinakinggan ang kaniyang pamanhik, at ibinalik siya sa Jerusalem sa kaniyang kaharian. Nang magkagayo'y nakilala ni Manases na ang Panginoon ay siyang Dios. 014 2CH 033 014 Pagkatapos nga nito ay nagtayo siya ng isang kutang panglabas sa bayan ni David, sa dakong kalunuran ng Gihon, sa libis, hanggang sa pasukan sa pintuang-bayan ng mga isda; at kaniyang kinulong ang Ophel, at itinaas ng malaking kataasan: at kaniyang nilagyan ng mga matapang na pinunong kawal ang lahat ng bayan na nakukutaan sa Juda. 014 2CH 033 015 At kaniyang inalis ang mga dios ng iba, at ang diosdiosan sa bahay ng Panginoon, at ang lahat na dambana na kaniyang itinayo sa bundok ng bahay ng Panginoon, at sa Jerusalem, at inihagis ang mga yaon mula sa bayan. 014 2CH 033 016 At kaniyang itinayo ang dambana ng Panginoon, at naghandog doon ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, at tungkol sa mga pasalamat, at inutusan ang Juda na maglingkod sa Panginoon, sa Dios ng Israel. 014 2CH 033 017 Gayon ma'y naghain ang bayan na nagpatuloy sa mga mataas na dako, nguni't sa Panginoon lamang na kanilang Dios. 014 2CH 033 018 Ang iba nga sa mga gawa ni Manases, at ang kaniyang dalangin sa kaniyang Dios, at ang mga salita ng mga tagakita na nagsalita sa kaniya sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, narito, nangakasulat sa mga gawa ng mga hari sa Israel. 014 2CH 033 019 Gayon din ang kaniyang panalangin, at kung paanong dininig siya, at ang buo niyang kasalanan at pagsalangsang niya, at ang mga dakong kaniyang pinagtayuan ng mga mataas na dako, at pinagtindigan ng mga Asera at ng mga larawang inanyuan, bago siya nagpakumbaba: narito, nangakasulat sa kasaysayan ni Hozai. 014 2CH 033 020 Sa gayo'y natulog si Manases na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing nila siya sa kaniyang sariling bahay: at si Amon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 014 2CH 033 021 Si Amon ay may dalawang pu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang taon sa Jerusalem. 014 2CH 033 022 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ni Manases na kaniyang ama: at si Amon ay naghain sa lahat ng larawang inanyuan na ginawa ni Manases na kaniyang ama, at naglingkod sa mga yaon. 014 2CH 033 023 At siya'y hindi nagpakumbaba sa harap ng Panginoon, na gaya na pagpapakumbaba ni Manases na kaniyang ama: kundi ang Amon ding ito ay siyang sumalangsang ng higit at higit. 014 2CH 033 024 At ang kaniyang mga lingkod ay naghimagsik laban sa kaniya, at pinatay siya sa kaniyang sariling bahay. 014 2CH 033 025 Nguni't pinatay ng bayan ng lupain ang lahat na nagsipanghimagsik laban sa haring Amon; at ginawang hari ng bayan ng lupain si Josias na kaniyang anak na kahalili niya. 014 2CH 034 001 Si Josias ay may walong taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing tatlong pu't isang taon sa Jerusalem. 014 2CH 034 002 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, at lumakad ng mga lakad ni David na kaniyang magulang, at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa. 014 2CH 034 003 Sapagka't sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari, samantalang siya'y bata pa, kaniyang pinasimulang hinanap ang Dios ni David na kaniyang magulang: at sa ikalabing dalawang taon ay kaniyang pinasimulang nilinis ang Juda at Jerusalem na inalis ang mga mataas na dako, at ang mga Asera, at ang mga larawang inanyuan, at ang mga larawang binubo. 014 2CH 034 004 At kanilang ibinagsak ang mga dambana ng mga Baal sa kaniyang harapan; at ang mga larawang araw na nasa ibabaw nila, ay kaniyang ibinagsak; at ang mga Asera, at ang mga larawang inanyuan, at ang mga larawang binubo, ay kaniyang pinagputolputol, at dinurog, at isinabog sa mga libingan ng nangaghain sa kanila. 014 2CH 034 005 At sinunog niya ang mga buto ng mga saserdote sa kanilang mga dambana, at nilinis ang Juda at ang Jerusalem. 014 2CH 034 006 At gayon ang ginawa niya sa mga bayan ng Manases at Ephraim at Simeon, hanggang sa Nephtali, sa kanilang mga guho sa palibot. 014 2CH 034 007 At kaniyang ibinagsak ang mga dambana at pinukpok ang mga Asera at ang mga larawang inanyuan ay dinurog, at pinagputolputol ang lahat na larawang araw sa buong lupain ng Israel, at nagbalik sa Jerusalem. 014 2CH 034 008 Sa ikalabing walong taon nga ng kaniyang paghahari, nang kaniyang malinis ang lupain, at ang bahay, ay kaniyang sinugo si Saphan na anak ni Asalias, at si Maasias na tagapamahala ng bayan, at si Joah na anak ni Joachaz na kasangguni, upang husayin ang bahay ng Panginoon niyang Dios. 014 2CH 034 009 At sila'y nagsiparoon kay Hilcias na dakilang saserdote at ibinigay ang salapi na napasok sa bahay ng Dios, na nakuha ng mga Levita, na mga tagatanod-pinto, sa kamay ng Manases at ng Ephraim, at sa lahat ng nalabi sa Israel, at sa buong Juda, at Benjamin, at sa mga taga Jerusalem. 014 2CH 034 010 At kanilang ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang namamahala sa bahay ng Panginoon; at ibinigay ng mga manggagawa ng bahay ng Panginoon upang husayin at pagtibayin ang bahay; 014 2CH 034 011 Sa makatuwid baga'y sa mga anluwagi at sa mga nagtatayo ibinigay nila, upang ibili ng mga batong tinabas, at ng mga kahoy na panghalang, at upang ipaggawa ng mga sikang sa mga bahay na giniba ng mga hari, sa Juda. 014 2CH 034 012 At ginawa ng mga lalake na may pagtatapat ang gawain: at ang mga tagapamahala ng mga yaon ay si Jahath at si Abdias, na mga Levita, sa mga anak ni Merari; at si Zacharias at si Mesullam, sa mga anak ng mga Coathita, upang ipagpatuloy: at ang iba sa mga Levita, lahat na bihasa sa mga panugtog ng tugtugin. 014 2CH 034 013 Nasa mga tagadala ng mga pasan naman sila, at pinamamahalaan ang lahat na nagsisigawa ng gawain sa sarisaring paglilingkod: at sa mga Levita ay may mga kalihim, at mga pinuno, at mga tagatanod-pinto. 014 2CH 034 014 At nang kanilang ilalabas ang salapi na napasok sa bahay ng Panginoon, nasumpungan ni Hilcias na saserdote ang aklat ng kautusan ng Panginoon na ibinigay sa pamamagitan ni Moises. 014 2CH 034 015 At si Hilcias ay sumagot, at sinabi niya kay Saphan na kalihim: Aking nasumpungan ang aklat ng kautusan sa bahay ng Panginoon, At ibinigay ni Hilcias ang aklat kay Saphan. 014 2CH 034 016 At dinala ni Saphan ang aklat sa hari, at bukod dito'y nagdala ng salita sa hari, na sinasabi, Lahat na ipinamahala sa iyong mga lingkod, ay kanilang ginagawa. 014 2CH 034 017 At kanilang ibinubo ang salapi na nasumpungan sa bahay ng Panginoon, at ibinigay sa kamay ng mga tagapamahala, at sa kamay ng mga manggagawa. 014 2CH 034 018 At sinaysay ni Saphan na kalihim sa hari, na sinasabi, Si Hilcias na saserdote ay nagbigay sa akin ng isang aklat. At binasa ni Saphan sa harap ng hari. 014 2CH 034 019 At nangyari, nang marinig ng hari ang mga salita ng kautusan, na kaniyang hinapak ang kaniyang suot. 014 2CH 034 020 At ang hari ay nagutos kay Hilcias, at kay Ahicham na anak ni Saphan, at kay Abdon na anak ni Micha, at kay Saphan na kalihim, at kay Asaia na lingkod ng hari, na kaniyang sinasabi, 014 2CH 034 021 Kayo'y magsiyaon, isangguni ninyo ako sa Panginoon, at silang naiwan sa Israel, at sa Juda, tungkol sa mga salita ng aklat na nasumpungan: sapagka't malaki ang pagiinit ng Panginoon na nabugso sa atin, sapagka't hindi iningatan ng ating mga magulang ang salita ng Panginoon, upang gawin ayon sa lahat na nasusulat sa aklat na ito. 014 2CH 034 022 Sa gayo'y si Hilcias at silang pinagutusan ng hari, nagsiparoon kay Hulda na propetisa, na asawa ni Sallum na anak ni Tikoath, na anak ni Hasra, na tagapagingat ng silid ng kasuutan; (siya nga'y tumahan sa Jerusalem sa ikalawang pook; ) at kanilang sinabi sa kanila sa gayong paraan. 014 2CH 034 023 At sinabi niya sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel: Saysayin ninyo sa lalake na nagsugo sa inyo sa akin. 014 2CH 034 024 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa dakong ito, at sa mga tagarito, sa makatuwid baga'y lahat ng sumpa na nangakasulat sa aklat na kanilang nabasa sa harap ng hari sa Juda: 014 2CH 034 025 Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at nagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, upang mungkahiin nila ako sa galit ng lahat na gawa ng kanilang mga kamay; kaya't ang aking pagiinit ay nabugso sa dakong ito, at hindi mapapawi. 014 2CH 034 026 Nguni't sa hari sa Juda, na nagsugo sa inyo upang magusisa sa Panginoon, ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel: Tungkol sa mga salita na iyong narinig, 014 2CH 034 027 Sapagka't ang iyong puso ay malumanay, at ikaw ay nagpakababa sa harap ng Dios ng iyong marinig ang kaniyang mga salita laban sa dakong ito, at laban sa mga tagarito; at ikaw ay nagpakababa sa harap ko, at hinapak mo ang iyong suot, at umiyak sa harap ko; dininig naman kita, sabi ng Panginoon. 014 2CH 034 028 Narito, ipipisan kita sa iyong mga magulang, at ikaw ay mapipisan na payapa sa iyong libingan, at hindi makikita ng iyong mga mata ang lahat na kasamaan na aking dadalhin sa dakong ito, at sa mga tagarito. At sila'y nagbalik ng salita sa hari. 014 2CH 034 029 Nang magkagayo'y nagsugo ang hari at pinisan ang lahat na matanda sa Juda at sa Jerusalem. 014 2CH 034 030 At sumampa ang hari sa bahay ng Panginoon, at ang lahat na lalake ng Juda, at ang mga taga Jerusalem, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang buong bayan, malaki at gayon din ang maliit: at kaniyang binasa sa kanilang mga pakinig ang lahat na salita ng aklat ng tipan na nasumpungan sa bahay ng Panginoon. 014 2CH 034 031 At ang hari ay tumayo sa kaniyang dako, at nakipagtipan sa harap ng Panginoon, upang lumakad ng ayon sa Panginoon, at upang ingatan ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga patotoo, at ang kaniyang mga palatuntunan, ng buong puso niya, at ng buong kaluluwa niya, upang tuparin ang mga salita ng tipan na nasusulat sa aklat na ito. 014 2CH 034 032 At kaniyang pinapanayo sa tipan ang lahat na nasumpungan sa Jerusalem at Benjamin. At ginawa ng mga taga Jerusalem ang ayon sa tipan ng Dios ng kanilang mga magulang. 014 2CH 034 033 At inalis ni Josias ang lahat na karumaldumal sa lahat ng lupain na ukol sa mga anak ni Israel, at pinapaglingkod ang lahat na nangasumpungan sa Israel, upang mangaglingkod nga sa Panginoon nilang Dios. Lahat ng mga kaarawan niya ay hindi sila nagsihiwalay sa pagsunod sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang. 014 2CH 035 001 At ipinagdiwang ni Josias ang isang paskua sa Panginoon sa Jerusalem; at kanilang pinatay ang kordero ng paskua, sa ikalabing apat na araw ng unang buwan. 014 2CH 035 002 At inilagay niya ang mga saserdote sa kanilang mga katungkulan, at pinatapang sila sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon. 014 2CH 035 003 At sinabi niya sa mga Levita na nangagturo sa buong Israel, na mga banal sa Panginoon, Ilagay ninyo ang banal na kaban sa bahay na itinayo ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel; hindi na magkakaroon pa ng pasan sa inyong mga balikat. Maglingkod kayo ngayon sa Panginoon ninyong Dios, at sa kaniyang bayang Israel; 014 2CH 035 004 At magsihanda kayo ayon sa mga sangbahayan ng inyong mga magulang ayon sa inyong mga bahagi, ayon sa sulat ni David na hari sa Israel, at ayon sa sulat ni Salomon sa kaniyang anak. 014 2CH 035 005 At magsitayo kayo sa dakong banal ayon sa mga bahagi ng mga sangbahayan ng mga magulang ng inyong mga kapatid na mga anak ng bayan, at maukol sa bawa't isa'y isang bahagi ng sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita. 014 2CH 035 006 At patayin ninyo ang kordero ng paskua, at mangagpakabanal kayo, at ihanda ninyo sa inyong mga kapatid, upang magsigawa ng ayon sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ng kamay ni Moises. 014 2CH 035 007 At si Josias ay nagbigay sa mga anak ng bayan, buhat sa kawan, ng mga kordero at ng mga anak ng kambing, lahat ng yaon ay mga pinakahandog sa paskua, sa lahat na nakaharap, sa bilang na tatlong pung libo, at tatlong libo na baka: ang mga ito'y mga pag-aari ng hari. 014 2CH 035 008 At ang kaniyang mga prinsipe ay nangagbigay ng pinakakusang handog sa bayan, sa mga saserdote, at sa mga Levita. Si Hilcias at si Zacharias at si Jehiel, na mga pinuno sa bahay ng Dios, nangagbigay sa mga saserdote ng mga pinakahandog sa paskua, na dalawang libo at anim na raang tupa at kambing, at tatlong daang baka. 014 2CH 035 009 Si Chonanias naman, at si Semeias, at si Nathanael, na kaniyang mga kapatid, at si Hasabias at si Jehiel at si Josabad, na mga pinuno ng mga Levita, nangagbigay sa mga Levita ng mga pinakahandog sa paskua, na limang libong tupa at kambing, at limang daang baka. 014 2CH 035 010 Sa gayo'y ang paglilingkod ay nahanda, at ang mga saserdote ay nagsitayo sa kanilang dako, at ang mga Levita ayon sa kanilang mga bahagi, ayon sa utos ng hari. 014 2CH 035 011 At kanilang pinatay ang kordero ng paskua, at iwinisik ng mga saserdote ang dugo, na tinangnan nila sa kanilang kamay, at mga nilapnusan ng mga Levita. 014 2CH 035 012 At kanilang ibinago ang mga handog na susunugin, upang kanilang ipamigay ayon sa mga bahagi ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ng bayan, upang ihandog sa Panginoon, gaya ng nasusulat sa aklat ni Moises. At gayon ang ginawa nila sa mga baka. 014 2CH 035 013 At kanilang inihaw ang kordero ng paskua, sa apoy ayon sa ayos: at ang mga banal na handog ay niluto sa mga palayok, at sa mga kaldera, at sa mga kawali, at pinagdadalang madali sa lahat na anak ng bayan. 014 2CH 035 014 At pagkatapos ay nangaghanda sila sa kanilang sarili, at sa mga saserdote; sapagka't ang mga saserdote na mga anak ni Aaron ay nangasa paghahandog ng mga handog na susunugin at ng taba hanggang sa kinagabihan: kaya't ang mga Levita ay nangaghanda sa kanilang sarili, at sa mga saserdote na mga anak ni Aaron. 014 2CH 035 015 At ang mga mangaawit na mga anak ni Asaph, ay nangasa kanilang dako, ayon sa utos ni David, at ni Asaph, at ni Heman, at ni Jeduthun na tagakita ng hari; at ang mga tagatanod-pinto ay nangasa bawa't pintuang-daan: sila'y hindi nangagkakailangang magsialis sa kanilang paglilingkod; sapagka't ipinaghanda sila ng kanilang mga kapatid na mga Levita. 014 2CH 035 016 Sa gayo'y ang lahat na paglilingkod sa Panginoon ay nahanda nang araw ding yaon, upang ipagdiwang ang paskua, at upang maghandog ng mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana ng Panginoon, ayon sa utos ng haring Josias. 014 2CH 035 017 At ang mga anak ni Israel na nangakaharap ay nangagdiwang ng paskua nang panahong yaon, at ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw. 014 2CH 035 018 At hindi nagkaroon ng paskua na gaya ng ipinagdiwang na yaon sa Israel mula sa mga araw ni Samuel na propeta; ni nagdiwang man ang sinoman sa mga hari sa Israel ng gayong paskua na gaya ng ipinagdiwang ni Josias, at ng mga saserdote, at ng mga Levita, at ng buong Juda at Israel na nangakaharap, at ng mga taga Jerusalem. 014 2CH 035 019 Nang ikalabing walong taon ng paghahari ni Josias ay ipinagdiwang ang paskuang ito. 014 2CH 035 020 Pagkatapos ng lahat ng ito, nang maihanda ni Josias ang templo, si Nechao na hari sa Egipto ay umahon upang makipaglaban sa Carchemis sa siping ng Eufrates: at si Josias ay lumabas laban sa kaniya. 014 2CH 035 021 Nguni't siya'y nagsugo ng mga sugo sa kaniya, na ipinasasabi, Anong aking ipakikialam sa iyo, ikaw na hari sa Juda? ako'y hindi naparirito laban sa iyo sa araw na ito, kundi laban sa sangbahayan na kinakalaban ko: at iniutos sa akin ng Dios na ako'y magmamadali: iwan mo ang pakikialam sa Dios, na nasa akin nga, upang huwag ka niyang lipulin. 014 2CH 035 022 Gayon ma'y hindi itinalikod ni Josias ang kaniyang mukha sa kaniya, kundi nagpakunwaring iba, upang siya'y makipaglaban sa kaniya, at hindi dininig ang salita ni Nechao, na mula sa bibig ng Dios, at naparoong nakipaglaban sa libis ng Megiddo. 014 2CH 035 023 At pinana ng mga mamamana si Josias: at sinabi ng hari sa kaniyang mga lingkod, Ilabas ninyo ako; sapagka't ako'y nasugatan ng mabigat. 014 2CH 035 024 Sa gayo'y inalis siya ng kaniyang mga lingkod sa karo, at inilagay siya sa ikalawang karo, na kaniyang dala, at dinala siya sa Jerusalem; at siya'y namatay, at nalibing sa mga libingan ng kaniyang mga magulang. At ang buong Juda at Jerusalem ay tumangis kay Josias. 014 2CH 035 025 At tinaghuyan ni Jeremias si Josias: at ang lahat na mangaawit na lalake at babae ay nagsipanambitan tungkol kay Josias sa kanilang mga panaghoy, hanggang sa araw na ito; at sila'y nagsigawa ng alituntunin sa Israel; at, narito, nangasusulat sa mga panaghoy. 014 2CH 035 026 Ang iba nga sa mga gawa ni Josias, at ang kaniyang mga mabuting gawa, ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon, 014 2CH 035 027 At ang kaniyang mga gawa, na una at huli, narito, nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel at Juda. 014 2CH 036 001 Nang magkagayo'y kinuha ng bayan ng lupain si Joachaz na anak ni Josias, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama sa Jerusalem. 014 2CH 036 002 Si Joachaz ay may dalawang pu't tatlong taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing tatlong buwan sa Jerusalem. 014 2CH 036 003 At inalis siya sa Jerusalem ng hari sa Egipto, at pinabuwis ang lupain ng isang daang talentong pilak at ng isang talentong ginto. 014 2CH 036 004 At inihalal na hari sa Juda at sa Jerusalem ng hari sa Egipto si Eliacim na kaniyang kapatid, at pinalitan ang kaniyang pangalan ng Joacim. At kinuha ni Nechao si Joachaz na kaniyang kapatid, at dinala niya siya sa Egipto. 014 2CH 036 005 Si Joacim ay may dalawang pu't limang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing isang taon, sa Jerusalem: at siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon niyang Dios. 014 2CH 036 006 Laban sa kaniya ay umahon si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at tinanikalaan siya, upang dalhin siya sa Babilonia. 014 2CH 036 007 Si Nabucodonosor ay nagdala naman ng mga sisidlan ng bahay ng Panginoon sa Babilonia, at inilagay sa kaniyang templo sa Babilonia. 014 2CH 036 008 Ang iba nga sa mga gawa ni Joacim, at ang kaniyang mga karumaldumal na kaniyang ginawa, at ang nasumpungan sa kaniya, narito, nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel at Juda: at si Joachin, na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 014 2CH 036 009 Si Joachin ay may walong taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari: at siya'y nagharing tatlong buwan at sangpung araw sa Jerusalem: at siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon. 014 2CH 036 010 At sa pagpihit ng taon, si Nabucodonosor ay nagsugo, at dinala siya sa Babilonia, pati ng mga mainam na sisidlan ng bahay ng Panginoon at ginawang hari si Zedecias na kaniyang kapatid sa Juda at Jerusalem. 014 2CH 036 011 Si Zedecias ay may dalawang pu't isang taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing isang taon sa Jerusalem: 014 2CH 036 012 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon niyang Dios; siya'y hindi nagpakababa sa harap ni Jeremias na propeta na nagsasalita ng galing sa bibig ng Panginoon. 014 2CH 036 013 At siya rin nama'y nanghimagsik laban sa haring Nabucodonosor, na siyang nagpasumpa sa kaniya sa pangalan ng Dios: nguni't pinapagmatigas niya ang kaniyang ulo at pinapagmatigas niya ang kaniyang puso sa panunumbalik sa Panginoon, sa Dios ng Israel. 014 2CH 036 014 Bukod dito'y lahat ng mga pinuno ng mga saserdote, at ang bayan, ay nagsisalangsang na mainam ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa; at kanilang dinumhan ang bahay ng Panginoon na kaniyang itinalaga sa Jerusalem. 014 2CH 036 015 At ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, nagsugo sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga sugo, na bumangong maaga at nagsugo, sapagka't siya'y nagdalang habag sa kaniyang bayan, at sa kaniyang tahanang dako: 014 2CH 036 016 Nguni't kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan. 014 2CH 036 017 Kaya't dinala niya sa kanila ang hari ng mga Caldeo, na siyang pumatay sa kanilang mga binata sa pamamagitan ng tabak sa bahay ng kanilang santuario, at hindi nagkaroon ng habag sa binata, o sa dalaga, sa matanda o sa may uban: ibinigay niya silang lahat sa kaniyang kamay. 014 2CH 036 018 At lahat ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios, malaki at maliit, at ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng hari, at ng kaniyang mga prinsipe; lahat ng mga ito'y dinala niya sa Babilonia. 014 2CH 036 019 At sinunog nila ang bahay ng Dios, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem, at sinunog sa apoy ang lahat na bahay hari niya, at giniba ang lahat na mainam na sisidlan niyaon. 014 2CH 036 020 At ang mga nakatanan sa tabak, dinala niya sa Babilonia; at mga naging alipin niya at ng kaniyang mga anak hanggang sa paghahari ng kaharian ng Persia: 014 2CH 036 021 Upang ganapin ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, hanggang sa ang lupain ay nagalak sa kaniyang mga sabbath: sapagka't habang giba ay kaniyang ipinagdidiwang ang sabbath, upang ganapin ang pitong pung taon. 014 2CH 036 022 Sa unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang loob ni Ciro na hari sa Persia, na siya'y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi, 014 2CH 036 023 Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia: Lahat ng kaharian sa lupa ay ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit; at kaniyang binilinan ako na ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda. Sinomang mayroon sa inyo sa buong kaniyang bayan, sumakaniya nawa ang Panginoon niyang Dios, at umahon siya. # # BOOK 015 EZR Ezra Ezra 015 EZR 001 001 Nang unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang diwa ni Ciro na hari sa Persia, na siya'y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi, 015 EZR 001 002 Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia, Ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit, ang lahat na kaharian sa lupa; at ibinilin niya sa akin na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda. 015 EZR 001 003 Sinoman sa inyo sa kaniyang buong bayan, sumakaniya nawa ang kaniyang Dios, at umahon siya sa Jerusalem, na nasa Juda, at itayo ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (siya'y Dios, ) na nasa Jerusalem. 015 EZR 001 004 At sinomang naiwan sa alinmang dako na kaniyang pinakikipamayanan, tulungan siya ng mga lalake sa kaniyang kinaroroonan ng pilak, at ng ginto, at ng mga pag-aari, at ng mga hayop, bukod sa kusang handog sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem. 015 EZR 001 005 Nang magkagayo'y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, sa makatuwid baga'y lahat na ang diwa'y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem. 015 EZR 001 006 At lahat na nangasa palibot nila ay nangagpatibay sa kanilang mga kamay ng mga sisidlang pilak, ng ginto, ng mga pag-aari, at ng mga hayop, at ng mga mahalagang bagay, bukod pa sa lahat na kusang inihandog. 015 EZR 001 007 Inilabas din naman ni Ciro na hari ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon na inilabas ni Nabucodonosor sa Jerusalem, at inilagay sa bahay ng kaniyang mga dios; 015 EZR 001 008 Sa makatuwid baga'y yaong mga inilabas ni Ciro na hari sa Persia sa pamamagitan ng kamay ni Mitridates na tagaingat-yaman, at mga binilang kay Sesbassar, na prinsipe sa Juda. 015 EZR 001 009 At ito ang bilang ng mga yaon: tatlong pung pinggang ginto, at isang libong pinggang pilak, dalawang pu't siyam na sundang; 015 EZR 001 010 Tatlong pung mangkok na ginto, mga mangkok na pilak na ikalawang ayos ay apat na raan at sangpu, at ang ibang mga sisidlan ay isang libo. 015 EZR 001 011 Lahat na sisidlang ginto at pilak ay limang libo at apat na raan. Ang lahat ng mga ito ay ipinaahon ni Sesbassar, nang silang sa pagkabihag ay ipagahong mula sa Babilonia hanggang sa Jerusalem. 015 EZR 002 001 Ang mga ito nga'y ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag sa mga nayon na nangadala, na dinala sa Babilonia ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nangagbalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan; 015 EZR 002 002 Na nagsidating na kasama ni Zorobabel, si Jesua, si Nehemias, si Seraias, si Reelias, si Mardocheo, si Bilsan, si Mispar, si Bigvai, si Rehum, si Baana. Ang bilang ng mga lalake ng bayan ng Israel ay ito: 015 EZR 002 003 Ang mga anak ni Paros, dalawang libo't isang daan at pitong pu't dalawa. 015 EZR 002 004 Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa. 015 EZR 002 005 Ang mga anak ni Ara, pitong daan at pitong pu't lima. 015 EZR 002 006 Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Josue at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labing dalawa. 015 EZR 002 007 Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat. 015 EZR 002 008 Ang mga anak ni Zattu, siyam na raan at apat na pu't lima. 015 EZR 002 009 Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu. 015 EZR 002 010 Ang mga anak ni Bani, anim na raan at apat na pu't dalawa. 015 EZR 002 011 Ang mga anak ni Bebai, anim na raan at dalawang pu't tatlo. 015 EZR 002 012 Ang mga anak ni Azgad, isang libo at dalawang daan at dalawang pu't dalawa. 015 EZR 002 013 Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't anim. 015 EZR 002 014 Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo at limang pu't anim. 015 EZR 002 015 Ang mga anak ni Adin, apat na raan at limang pu't apat. 015 EZR 002 016 Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu't walo. 015 EZR 002 017 Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't tatlo. 015 EZR 002 018 Ang mga anak ni Jora, isang daan at labing dalawa. 015 EZR 002 019 Ang mga anak ni Hasum ay dalawang daan at dalawang pu't tatlo. 015 EZR 002 020 Ang mga anak ni Gibbar siyam na pu't lima. 015 EZR 002 021 Ang mga anak ni Bethlehem, isang daan at dalawang pu't tatlo. 015 EZR 002 022 Ang mga lalake ng Nethopha, limang pu't anim. 015 EZR 002 023 Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu't walo. 015 EZR 002 024 Ang mga anak ni Azmaveth, apat na pu't dalawa. 015 EZR 002 025 Ang mga anak ni Chiriathjearim, ni Cephira, at ni Beeroth, pitong daan at apat na pu't tatlo. 015 EZR 002 026 Ang mga anak ni Rama at ni Gaaba, anim na raan at dalawang pu't isa. 015 EZR 002 027 Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu't dalawa. 015 EZR 002 028 Ang mga lalake ng Beth-el at ng Hai, dalawang daan at dalawang pu't tatlo. 015 EZR 002 029 Ang mga anak ni Nebo, limang pu't dalawa. 015 EZR 002 030 Ang mga anak ni Magbis, isang daan at limang pu't anim. 015 EZR 002 031 Ang mga anak ng ibang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat. 015 EZR 002 032 Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu. 015 EZR 002 033 Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, pitong daan at dalawang pu't lima. 015 EZR 002 034 Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima. 015 EZR 002 035 Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo't anim na raan at tatlong pu. 015 EZR 002 036 Ang mga saserdote: ang mga anak ni Jedaia, sa sangbahayan ng Jesua, siyam na raan at pitong pu't tatlo. 015 EZR 002 037 Ang mga anak ni Immer, isang libo at limang pu't dalawa. 015 EZR 002 038 Ang mga anak ni Pashur, isang libo't dalawang daan at apat na pu't pito. 015 EZR 002 039 Ang mga anak ni Harim, isang libo at labing pito. 015 EZR 002 040 Ang mga Levita: ang mga anak ni Jesua at ni Cadmiel, sa mga anak ni Hodavias, pitong pu't apat. 015 EZR 002 041 Ang mga mangaawit: ang mga anak ni Asaph, isang daan at dalawang pu't walo. 015 EZR 002 042 Ang mga anak ng mga tagatanod-pinto: ang mga anak ni Sallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Accub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, ang lahat ay isang daan at tatlong pu't siyam. 015 EZR 002 043 Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth. 015 EZR 002 044 Ang mga anak ni Cheros, ang mga anak ni Siaa, ang mga anak ni Phadon; 015 EZR 002 045 Ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Accub; 015 EZR 002 046 Ang mga anak ni Hagab, ang mga anak ni Samlai, ang mga anak ni Hanan; 015 EZR 002 047 Ang mga anak ni Gidiel, ang mga anak ni Gaher, ang mga anak ni Reaia; 015 EZR 002 048 Ang mga anak ni Resin, ang mga anak ni Necoda, ang mga anak ni Gazam; 015 EZR 002 049 Ang mga anak ni Uzza, ang mga anak ni Phasea, ang mga anak ni Besai; 015 EZR 002 050 Ang mga anak ni Asena, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nephusim; 015 EZR 002 051 Ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacusa, ang mga anak ni Harhur; 015 EZR 002 052 Ang mga anak ni Bazluth, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa; 015 EZR 002 053 Ang mga anak ni Bercos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema; 015 EZR 002 054 Ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatipha. 015 EZR 002 055 Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon ay: ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Sophereth, ang mga anak ni Peruda; 015 EZR 002 056 Ang mga anak ni Jaala, ang mga anak ni Darcon, ang mga anak ni Giddel; 015 EZR 002 057 Ang mga anak ni Sephatias, ang mga anak ni Hatil, ang mga anak ni Pochereth-hassebaim, ang mga anak ni Ami. 015 EZR 002 058 Lahat ng mga Nethineo, at ng mga anak ng mga lingkod ni Salomon, tatlong daan at siyam na pu't dalawa. 015 EZR 002 059 At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Tel-mela, Tel-harsa, Cherub, Addan, at Immer: nguni't hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang kanilang binhi kung sila'y taga Israel: 015 EZR 002 060 Ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Nicoda, anim na raan at limang pu't dalawa. 015 EZR 002 061 At sa mga anak ng mga saserdote: ang mga anak ni Abaia, ang mga anak ni Cos, ang mga anak ni Barzillai, na nagasawa sa mga anak ni Barzillai na Galaadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan. 015 EZR 002 062 Ang mga ito ay nagsihanap ng talaan ng kanilang pangalan sa nangabilang ayon sa talaan ng lahi, nguni't hindi nangasumpungan: kaya't sila'y nangabilang na hawa, at nangaalis sa pagkasaserdote. 015 EZR 002 063 At sinabi ng tagapamahala sa kanila, na sila'y huwag magsisikain ng mga pinakabanal na bagay, hanggang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at Thummim. 015 EZR 002 064 Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu't dalawang libo at tatlong daan at anim na pu, 015 EZR 002 065 Bukod sa kanilang mga aliping lalake at babae, na may pitong libo't tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y nangagkaroon ng dalawang daan na mangaawit na lalake at babae. 015 EZR 002 066 Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu't anim; ang kanilang mga mula ay dalawang daan at apat na pu't lima; 015 EZR 002 067 Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu't lima; ang kanilang mga asno, anim na libo't pitong daan at dalawang pu. 015 EZR 002 068 At ang ilan sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, nang sila'y magsidating sa bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem, ay nangaghandog na kusa sa bahay ng Dios, upang husayin sa kinatatayuan: 015 EZR 002 069 Sila'y nangagbigay ayon sa kanilang kaya sa ingatang-yaman ng gawain, na anim na pu't isang libong darikong ginto, at limang libong librang pilak, at isang daan na bihisan ng mga saserdote. 015 EZR 002 070 Gayon ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang iba sa bayan, at ang mga mangaawit, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga Nethineo, nagsitahan sa kanilang mga bayan, at ang buong Israel ay sa kanilang mga bayan. 015 EZR 003 001 At nang dumating ang ikapitong buwan, at ang mga anak ni Israel ay nangasa mga bayan, ang bayan ay nagpipisan na parang isang tao sa Jerusalem. 015 EZR 003 002 Nang magkagayo'y tumayo si Jesua na anak ni Josadec, at ang kaniyang mga kapatid na mga saserdote, at si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at ang kaniyang mga kapatid, at itinayo ang dambana ng Dios ng Israel, upang paghandugan ng mga handog na susunugin, gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, na lalake ng Dios. 015 EZR 003 003 At ipinatong nila ang dambana sa tungtungan niya; sapagka't ang takot ay sumakanila dahil sa mga bayan ng mga lupain: at kanilang pinaghandugan ng mga handog na susunugin sa Panginoon, sa makatuwid baga'y ng mga handog na susunugin sa umaga't hapon. 015 EZR 003 004 At kanilang ipinagdiwang ang kapistahan ng mga balag, gaya ng nasusulat, at naghandog ng mga handog na susunugin sa araw-araw ayon sa bilang, ayon sa ayos, gaya ng katungkulang kinakailangan sa bawa't araw; 015 EZR 003 005 At pagkatapos ng palaging handog na susunugin, at ng mga handog sa mga bagong buwan, at ng lahat na takdang kapistahan sa Panginoon na mga itinalaga, at ng lahat na naghandog na kusa ng kusang handog sa Panginoon. 015 EZR 003 006 Mula sa unang araw ng ikapitong buwan, nangagpasimula sila na nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon: nguni't ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay hindi pa nalalagay. 015 EZR 003 007 Sila'y nangagbigay rin naman ng salapi sa mga kantero, at sa mga anluwagi; at pagkain, at inumin, at langis, sa kanila na mga taga Sidon, at sa kanila na mga taga Tiro, upang mangagdala ng mga kahoy na sedro na mula sa Libano na paraanin sa dagat, hanggang sa Joppa ayon sa pahintulot na nangagkaroon sila kay Ciro na hari sa Persia. 015 EZR 003 008 Nang ikalawang taon nga ng kanilang pagparoon sa bahay ng Dios sa Jerusalem, sa ikalawang buwan, nangagpasimula si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at si Jesua na anak ni Josadec, at ang nalabi sa kanilang mga kapatid na mga saserdote at mga Levita, at silang lahat na nagsipanggaling sa Jerusalem na mula sa pagkabihag; at inihalal ang mga Levita, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda upang magsipamahala sa gawain sa bahay ng Panginoon. 015 EZR 003 009 Nakatayo nga si Jesua na kasama ng kaniyang mga anak, at ng kaniyang mga kapatid, si Cadmiel at ang kaniyang mga anak, ang mga anak ni Juda, na magkakasama, upang magsipamahala sa mga manggagawa sa bahay ng Dios: ang mga anak ni Henadad, na kasama ng kanilang mga anak at ng kanilang mga kapatid na mga Levita. 015 EZR 003 010 At nang ilagay ng mga manggagawa ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon, kanilang inilagay ang mga saserdote na bihis, na may mga pakakak, at ang mga Levita na mga anak ni Asaph na may mga simbalo, upang magsipuri sa Panginoon, ayon sa alituntunin ni David na hari sa Israel. 015 EZR 003 011 At sila'y nagawitang isa't isa sa pagpuri at pagpapasalamat sa Panginoon, na nangagsasabi: Sapagka't siya'y mabuti, sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man sa Israel. At ang buong bayan ay humiyaw ng malakas, nang sila'y magsipuri sa Panginoon, sapagka't ang tatagang-baon ng bahay ng Panginoon ay nalagay. 015 EZR 003 012 Nguni't marami sa mga saserdote, at mga Levita, at mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, mga matanda na nangakakita ng unang bahay, ng ang tatagang-baon ng bahay na ito ay malagay sa harap ng kanilang mga mata, ay nagsiiyak ng malakas; at marami ay nagsihiyaw ng malakas dahil sa kagalakan: 015 EZR 003 013 Na anopa't hindi makilala ng bayan ang kaibhan ng ingay ng hiyaw ng kagalakan sa ingay ng iyak ng bayan; sapagka't ang bayan ay humiyaw ng malakas na hiyaw, at ang ingay ay narinig sa malayo. 015 EZR 004 001 Nang mabalitaan nga ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang mga anak sa pagkabihag ay nangagtatayo ng templo na ukol sa Panginoon, sa Dios ng Israel; 015 EZR 004 002 Nagsilapit nga sila kay Zorobabel, at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, at nangagsabi sa kanila, Papagtayuin ninyo kami na kasama ninyo: sapagka't aming hinahanap ang inyong Dios, na gaya ng inyong ginagawa; at kami ay nangaghahain sa kaniya mula ng mga kaarawan ni Esar-haddon na hari sa Asiria, na nagahon sa amin dito. 015 EZR 004 003 Nguni't si Zorobabel, at si Jesua, at ang nalabi sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, ay nangagsabi sa kanila, Kayo'y walang ipakikialam sa amin sa pagtatayo ng isang bahay na ukol sa aming Dios; kundi kami rin na magkakasama ay aming ipagtatayo ang Panginoon, ang Dios ng Israel, gaya ng iniutos sa amin ni Ciro na hari sa Persia, 015 EZR 004 004 Nang magkagayo'y pinahina ng bayan ng lupain ang mga kamay ng bayan ng Juda, at binagabag sila sa pagtatayo. 015 EZR 004 005 At umupa ng mga tagapayo laban sa kanila, upang iurong ang kanilang akala, sa lahat ng kaarawan ni Ciro na hari sa Persia, hanggang sa paghahari ni Dario na hari sa Persia. 015 EZR 004 006 At sa paghahari ni Assuero, sa pasimula ng kaniyang paghahari, nagsisulat sila ng isang sakdal laban sa mga taga Juda at Jerusalem. 015 EZR 004 007 At sa mga kaarawan ni Artajerjes, nagsisulat si Bislam, si Mitridates, si Tabeel at ang nalabi sa kaniyang mga kasama kay Artajerjes na hari sa Persia; at ang pagkasulat ng sulat ay nasusulat ng sulat Siria, at ang laman niyaon ay wikang Siria. 015 EZR 004 008 Si Rehum na kasangguni at si Simsai na kalihim, sumulat ng isang sulat laban sa Jerusalem kay Artajerjes na hari ng ganitong paraan: 015 EZR 004 009 Nang magkagayo'y nagsisulat si Rehum na tagapayo at si Simsai na kalihim, at ang nalabi sa kanilang mga kasama; ang mga Dinaita, at ang mga Apharsacita, ang mga Tharphelita, ang mga Apharsita, ang mga Archevita, ang mga Babilonio, ang mga Susanchita, ang mga Dehaita, ang mga Elamita. 015 EZR 004 010 At ang nalabi sa mga bansa na itinawid ng dakila at marangal na si Asnappar, at inilagay sa bayan ng Samaria, at sa nalabi sa lupain, na nasa dako roon ng Ilog, at sa iba pa. 015 EZR 004 011 Ito ang salin ng sulat na kanilang ipinadala kay Artajerjes na hari: Ang iyong mga lingkod na mga lalake sa dako roon ng Ilog, at iba pa. 015 EZR 004 012 Talastasin ng hari, na ang mga Judio na nagsiahong galing sa iyo ay nagsiparoon sa amin sa Jerusalem; kanilang itinatayo ang mapanghimagsik at masamang bayan, at nayari ang mga kuta, at isinauli ang mga tatagang-baon. 015 EZR 004 013 Talastasin ngayon ng hari, na, kung ang bayang ito ay matayo, at ang mga kuta ay mayari, sila'y hindi mangagbabayad ng buwis, kabayaran, o upa, at sa wakas ay ikapapahamak ng mga hari. 015 EZR 004 014 Sapagka't aming kinakain nga ang asin ng bahay-hari, at hindi marapat sa amin na aming makita ang ikasisirang puri ng hari, kaya't kami ay nangagsugo at nangagpatotoo sa hari; 015 EZR 004 015 Upang ang pagsaliksik ay maisagawa sa aklat ng mga alaala ng iyong mga magulang: sa gayo'y iyong masusumpungan sa aklat ng mga alaala, at malalaman na ang bayang ito ay mapanghimagsik na bayan, at mapangpahamak sa mga hari at mga lalawigan, at sila'y nagsipanghimagsik doon nang unang panahon: na siyang ikinagiba ng bayang ito. 015 EZR 004 016 Aming pinatototohanan sa hari, na, kung ang bayang ito ay matayo, at ang mga kuta ay mayari, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa dako roon ng Ilog sa kadahilanang ito. 015 EZR 004 017 Nang magkagayo'y nagpadala ang hari ng kasagutan kay Rehum na kasangguni, at kay Simsai na kalihim, at sa mga nalabi sa kanilang mga kasama na nagsisitahan sa Samaria, at sa nalabi sa lupain sa dako roon ng Ilog: Kapayapaan, at iba pa. 015 EZR 004 018 Ang sulat na inyong ipinadala sa amin, ay nabasa na maliwanag sa harap ko. 015 EZR 004 019 At ako'y nagpasiya, at ang pagsaliksik ay naisagawa at nasumpungan na ang bayang ito nang una ay gumawa ng panghihimagsik laban sa mga hari, at ang panghihimagsik at pagbabanta ay nagawa roon. 015 EZR 004 020 Nagkaroon naman doon ng mga may kayang hari sa Jerusalem, na nagpuno sa buong lupain sa dako roon ng Ilog; at buwis, kabayaran, at upa, ay nabayad sa kanila. 015 EZR 004 021 Magpasiya kayo ngayon na inyong patigilin ang mga taong ito, at upang ang bayang ito ay huwag matayo, hanggang sa ang pasiya ay magawa ko. 015 EZR 004 022 At kayo'y mangagingat na huwag kayong magpabaya dito: bakit ang pagkapahamak ay mangyayari sa ikapapahamak ng mga hari? 015 EZR 004 023 Nang mabasa nga ang salin ng sulat ng haring Artajerjes sa harap ni Rehum, at ni Simsai na kalihim, at ng kanilang mga kasama, sila'y nangagmadaling nagsiparoon sa Jerusalem sa mga Judio, at pinatigil nila sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan. 015 EZR 004 024 Nang magkagayo'y natigil ang gawa sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at natigil hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario, na hari sa Persia. 015 EZR 005 001 Ang mga propeta nga, si Haggeo na propeta, at si Zacharias na anak ni Iddo, ay nanghula sa mga Judio na nasa Juda at Jerusalem; sa pangalan ng Dios ng Israel ay nagsipanghula sila sa kanila; 015 EZR 005 002 Nang magkagayo'y bumangon si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at si Jesua na anak ni Josadach, at pinasimulang itinayo ang bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at kasama nila ang mga propeta ng Dios, na nagsisitulong sa kanila. 015 EZR 005 003 Nang panahon ding yaon ay naparoon sa kanila si Tatnai, na tagapamahala sa dako roon ng Ilog, at si Sethar-boznai, at ang kanilang mga kasama, at nagsabi ng ganito sa kanila: Sino ang nagbigay sa inyo ng pasiya upang itayo ang bahay na ito, at yariin ang kutang ito? 015 EZR 005 004 Nang magkagayo'y nangagsalita kami sa kanila ng ganitong paraan: Ano-ano ang mga pangalan ng mga tao na nagsigawa ng bahay na ito? 015 EZR 005 005 Nguni't ang mata ng kanilang Dios ay nakatingin sa mga matanda ng mga Judio, at hindi nila pinatigil, hanggang sa ang bagay ay dumating kay Dario, at nang magkagayo'y ang sagot ay nabalik sa pamamagitan ng sulat tungkol doon. 015 EZR 005 006 Ang salin ng sulat na ipinadala ni Tatnai, na tagapamahala sa dako roon ng Ilog at ni Sethar-boznai, at ng kaniyang mga kasama na mga Apharsachita, na nangasa dako roon ng Ilog, kay Dario na hari: 015 EZR 005 007 Sila'y nangagpadala ng isang sulat sa kaniya, na kinasusulatan ng ganito: Kay Dario na hari, buong kapayapaan. 015 EZR 005 008 Talastasin ng hari, na kami ay nagsiparoon sa lalawigan ng Juda, sa bahay ng dakilang Dios, na natayo ng mga malaking bato, at mga kahoy ay nalapat sa mga kuta; at ang gawaing ito ay pinagsisikapan at nayayari sa kanilang mga kamay. 015 EZR 005 009 Nang magkagayo'y tumanong kami sa mga matandang yaon, at nagsabi sa kanila ng ganito: Sino ang nagbigay sa inyo ng pasiya upang itayo ang bahay na ito at upang yariin ang kutang ito? 015 EZR 005 010 Aming itinanong naman sa kanila ang kanilang mga pangalan, na patotohanan sa iyo, upang aming maisulat ang mga pangalan ng mga tao na nangungulo sa kanila. 015 EZR 005 011 At ganito sila nangagbalik ng sagot sa amin, na nangagsasabi, Kami ay mga lingkod ng Dios ng langit at lupa, at nangagtatayo ng bahay na natayo nitong malaong panahon, na itinayo at niyari ng isang dakilang hari sa Israel. 015 EZR 005 012 Nguni't pagkamungkahi sa pagiinit sa Dios ng langit ng aming mga magulang, ibinigay niya sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na Caldeo, na siyang gumiba ng bahay na ito, at dinala ang bayan sa Babilonia. 015 EZR 005 013 Nguni't sa unang taon ni Ciro na hari sa Babilonia, gumawa ng pasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios, 015 EZR 005 014 At ang ginto at pilak na mga sisidlan rin naman sa bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem, at nangadala sa loob ng templo ng Babilonia, ang mga yaon ay inilabas sa templo ng Babilonia ni Ciro na hari, at ibinigay sa isang nagngangalang Sesbassar, na siya niyang ginawang tagapamahala, 015 EZR 005 015 At sinabi niya sa kaniya, Kunin mo ang mga sisidlang ito, ikaw ay yumaon, ipagpasok mo sa templo na nasa Jerusalem, at ipahintulot mo na matayo ang bahay ng Dios sa kaniyang dako. 015 EZR 005 016 Nang magkagayo'y naparoon ang Sesbassar na yaon, at inilagay ang mga tatagang-baon ng bahay ng Dios na nasa Jerusalem: at mula sa panahong yaon hanggang ngayon ay itinatayo, at hindi pa yari. 015 EZR 005 017 Ngayon nga, kung inaakalang mabuti ng hari, magsagawa ng pagsaliksik sa bahay na ingatang-yaman ng hari, na nandiyan sa Babilonia, kung gayon nga, na nagpasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios sa Jerusalem, at ipasabi sa amin ng hari ang kaniyang kalooban tungkol sa bagay na ito. 015 EZR 006 001 Nang magkagayo'y si Dario, na hari ay gumawa ng pasiya, at ang pagsaliksik ay isinagawa sa bahay ng mga aklat, na kinalalagyan ng mga kayamanan sa Babilonia. 015 EZR 006 002 At nasumpungan sa Achmetta, sa bahay-hari na nasa lalawigan ng Media, ang isang ikid, at doo'y nasusulat ang ganito na pinakaalaala. 015 EZR 006 003 Nang unang taon ni Ciro na hari, si Ciro na hari ay gumawa ng pasiya: Tungkol sa bahay ng Dios sa Jerusalem, ipahintulot na matayo ang bahay, ang dako na kanilang pinaghahandugan ng mga hain, at ipahintulot na malagay na matibay ang mga tatagang-baon; ang taas niyao'y anim na pung siko, at ang luwang niyao'y anim na pung siko, 015 EZR 006 004 Na may tatlong hanay na mga malaking bato, at isang hanay ng bagong kahoy: at ang magugugol ay ibigay na mula sa bahay ng hari: 015 EZR 006 005 At ang ginto at pilak na mga sisidlan din naman ng bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem, at nangadala sa Babilonia, masauli, at ipasok uli sa templo na nasa Jerusalem, bawa't isa'y sa kanikaniyang dako, at iyong ipaglalagay sa bahay ng Dios. 015 EZR 006 006 Ngayon nga, Tatnai, na tagapamahala sa dako roon ng Ilog, Setharboznai, at ang inyong mga kasama na mga Apharsachita, na nasa dako roon ng Ilog, magsilayo kayo mula riyan: 015 EZR 006 007 Pabayaan ninyo ang gawain sa bahay na ito ng Dios; ipahintulot ninyo na itayo ng tagapamahala ng mga Judio at ng mga matanda ng mga Judio ang bahay na ito ng Dios sa kaniyang dako. 015 EZR 006 008 Bukod dito'y gumagawa ako ng pasiya kung ano ang inyong gagawin sa mga matandang ito ng mga Judio sa pagtatayo ng bahay na ito ng Dios: na sa mga pag-aari ng hari, sa makatuwid baga'y sa buwis sa dako roon ng Ilog, ang mga magugugol ay ibigay ng buong sikap sa mga taong ito upang huwag mangagluwat. 015 EZR 006 009 At ang kanilang kakailanganin, mga guyang toro, at gayon din ang mga tupa, at mga kordero, na ukol sa mga handog na susunugin para sa Dios ng langit; trigo, asin, alak, at langis, ayon sa salita ng mga saserdote na nangasa Jerusalem, ibigay sa kanila araw-araw na walang pagsala. 015 EZR 006 010 Upang sila'y makapaghandog ng mga hain na pinaka masarap na amoy sa Dios ng langit, at idalangin ang buhay ng hari at ng kaniyang mga anak. 015 EZR 006 011 Ako nama'y gumawa ng pasiya, na sinomang bumago ng salitang ito, hugutan ng isang sikang ang kaniyang bahay at itaas siya, at mabitin doon; at ang kaniyang bahay ay maging tipunan ng dumi dahil dito: 015 EZR 006 012 At lipulin ng Dios na nagpatahan ng kaniyang pangalan doon ang lahat ng mga hari at mga bayan, na maguunat ng kanilang kamay na baguhin, upang gibain ang bahay na ito ng Dios na nasa Jerusalem. Akong si Dario ang gumawa ng pasiya: isagawa ng buong sikap. 015 EZR 006 013 Nang magkagayo'y si Tatnai na tagapamahala sa dako roon ng Ilog, si Sethar-boznai, at ang kanilang mga kasama, dahil sa iniutos ni Dario na hari, ay gumawa ng buong sikap. 015 EZR 006 014 At ang mga matanda ng mga Judio ay nangagtayo at nangapasulong, ayon sa hula ni Haggeo na propeta at ni Zacarias na anak ni Iddo. At kanilang itinayo at niyari, ayon sa utos ng Dios ng Israel, at ayon sa pasiya ni Ciro at ni Dario, at ni Artajerjes na hari sa Persia. 015 EZR 006 015 At ang bahay na ito ay nayari nang ikatlong araw ng buwan ng Adar, nang ikaanim na taon ng paghahari ni Dario na hari. 015 EZR 006 016 At ang mga anak ni Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga nalabi sa mga anak sa pagkabihag, ay nangagdiwang ng pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios na may kagalakan. 015 EZR 006 017 At sila'y nangaghandog sa pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios ng isang daang baka, dalawang daang lalaking tupa, apat na raang kordero; at ang pinakahandog dahil sa kasalanan na ukol sa buong Israel, ay labing dalawang lalaking kambing, ayon sa bilang ng mga lipi ng Israel. 015 EZR 006 018 At kanilang inilagay ang mga saserdote sa kanilang mga bahagi, at ang mga Levita sa kanilang mga paghahalihalili, sa paglilingkod sa Dios na nasa Jerusalem; gaya ng nasusulat sa aklat ni Moises. 015 EZR 006 019 At ang mga anak sa pagkabihag ay nangagdiwang ng pascua nang ikalabing apat ng unang buwan. 015 EZR 006 020 Sapagka't ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangagpakalinis na magkakasama; silang lahat ay malilinis: at kanilang pinatay ang kordero ng paskua na ukol sa lahat ng mga anak sa pagkabihag, at sa kanilang mga kapatid na mga saserdote, at sa kanilang sarili. 015 EZR 006 021 At ang mga anak ni Israel, na nangagbalik uli na mula sa pagkabihag, at yaong lahat na sa kanila'y nagsihiwalay sa karumihan ng mga bansa ng lupain, upang hanapin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsikain. 015 EZR 006 022 At nangagdiwang ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw na may kagalakan: sapagka't pinapagkatuwa sila ng Panginoon at nanumbalik ang puso ng hari sa Asiria sa kanila, upang palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain sa bahay ng Dios, ng Dios ng Israel. 015 EZR 007 001 Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, sa paghahari ni Artajerjes na hari sa Persia, si Ezra na anak ni Seraias, na anak ni Azarias, na anak ni Hilcias, 015 EZR 007 002 Na anak ni Sallum, na anak ni Sadoc, na anak ni Achitob, 015 EZR 007 003 Na anak ni Amarias, na anak ni Azarias, na anak ni Meraioth, 015 EZR 007 004 Na anak ni Zeraias, na anak ni Uzzi, na anak ni Bucci, 015 EZR 007 005 Na anak ni Abisue, na anak ni Phinees, na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron, na pangulong saserdote: 015 EZR 007 006 Ang Ezra na ito ay yumaon mula sa Babilonia. At siya'y kalihim na bihasa sa kautusan ni Moises, na ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel: at tinulutan siya ng hari sa lahat niyang kahilingan, ayon sa kamay ng Panginoon niyang Dios na sumasa kaniya. 015 EZR 007 007 At nakiahon sa Jerusalem ang ilan sa mga anak ni Israel, at sa mga saserdote, at sa mga Levita, at sa mga mangaawit, at sa mga tagatanod-pinto, at sa mga Nethineo, sa ikapitong taon ni Artajerjes na hari. 015 EZR 007 008 At siya'y naparoon sa Jerusalem sa ikalimang buwan, na sa ikapitong taon ng hari. 015 EZR 007 009 Sapagka't sa unang araw ng unang buwan ay nagpasimula siyang umahon mula sa Babilonia, at sa unang araw ng ikalimang buwan ay dumating siya sa Jerusalem, ayon sa mabuting kamay ng kaniyang Dios na sumasa kaniya. 015 EZR 007 010 Sapagka't inilagak ni Ezra ang kaniyang puso na hanapin ang kautusan ng Panginoon, at upang gawin, at upang magturo sa Israel ng mga palatuntunan at mga kahatulan. 015 EZR 007 011 Ito nga ang salin ng sulat na ibinigay ng haring Artajerjes kay Ezra na saserdote, na kalihim, na kalihim sa mga salita ng mga utos ng Panginoon, at ng kaniyang mga palatuntunan sa Israel. 015 EZR 007 012 Si Artajerjes, na hari ng mga hari, kay Ezra na saserdote, na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit, na sakdal at iba pa. 015 EZR 007 013 Ako'y gumagawa ng pasiya, na silang lahat na sa bayan ng Israel, at ang kanilang mga saserdote at ang mga Levita, sa aking kaharian, na nagakala ng kanilang sariling kusang kalooban na nagsiparoon sa Jerusalem, ay magsisama sa iyo. 015 EZR 007 014 Yamang ikaw ay sinugo sa ganang hari at ng kaniyang pitong kasangguni, upang magusisa tungkol sa Juda at Jerusalem, ayon sa kautusan ng iyong Dios na nasa iyong kamay; 015 EZR 007 015 At dalhin ang pilak at ginto na inihandog na kusa ng hari at ng kaniyang mga kasangguni sa Dios ng Israel, na ang tahanan ay nasa Jerusalem. 015 EZR 007 016 At ang lahat na pilak at ginto na iyong masusumpungan sa buong lalawigan ng Babilonia, pati ng kusang handog ng bayan, at ng mga saserdote, na mga naghahandog na kusa sa bahay ng kanilang Dios na nasa Jerusalem; 015 EZR 007 017 Kaya't ibibili mo ng buong sikap ang salaping ito ng mga toro, mga lalaking tupa, mga kordero, pati ng mga handog na harina at ng mga handog na inumin ng mga yaon, at iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana ng bahay ng inyong Dios na nasa Jerusalem. 015 EZR 007 018 At anomang akalain mong mabuti at ng iyong mga kapatid na gawin sa labis sa pilak at ginto, gawin ninyo ayon sa kalooban ng inyong Dios. 015 EZR 007 019 At ang mga sisidlang nabigay sa iyo na ukol sa paglilingkod sa bahay ng iyong Dios, ibigay mo sa harap ng Dios sa Jerusalem. 015 EZR 007 020 At anomang kakailanganin pa sa bahay ng iyong Dios, na ipagkakailangan mong ibigay, ibigay mo na mula sa bahay ng kayamanan ng hari. 015 EZR 007 021 At ako, akong si Artajerjes na hari, nagpasiya sa lahat na mga tagaingat-yaman na nasa dako roon ng Ilog, na anomang hingin sa inyo ni Ezra na saserdote, na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit, ibigay ng buong sikap, 015 EZR 007 022 Hanggang isang daang talentong pilak, at hanggang isang daang takal ng trigo, at isang daang bath ng alak at isang daang bath ng langis, at asin na walang tasa. 015 EZR 007 023 Anomang iniutos ng Dios ng langit, gawing lubos sa bahay ng Dios ng langit; sapagka't bakit magkakaroon ng poot ng Dios laban sa kaharian ng hari at ng kaniyang mga anak? 015 EZR 007 024 Pinatototohanan din naman namin sa inyo, na tungkol sa sinoman sa mga saserdote at mga Levita, mga mangaawit, mga tagatanod-pinto, mga Nethineo, o mga lingkod sa bahay na ito ng Dios, ay hindi marapat na lapatan sila ng buwis, kabayaran, o upa. 015 EZR 007 025 At ikaw, Ezra, ayon sa karunungan ng iyong Dios na nasa iyong kamay, maghalal ka ng mga magistrado, at mga hukom, na makakahatol sa buong bayan na nasa dako roon ng Ilog, niyaong lahat na nakatatalos ng mga kautusan ng iyong Dios; at turuan ninyo yaong hindi nakakaalam. 015 EZR 007 026 At sinomang hindi tumupad ng kautusan ng iyong Dios, at ng kautusan ng hari, gawin sa kaniya ang kahatulan ng buong sikap, maging sa kamatayan, o sa pagtatapon o sa pagsamsam ng mga pag-aari, o sa pagkabilanggo. 015 EZR 007 027 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng ating mga magulang, na naglagak ng ganyang mga bagay na gaya nito sa puso ng hari, na pagandahin ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem: 015 EZR 007 028 At nagdulot sa akin ng kahabagan sa harap ng hari, at ng kaniyang mga kasangguni, at sa harap ng lahat na may kayang prinsipe ng hari. At ako'y tumibay ayon sa kamay ng Panginoon kong Dios na sumasa akin, at ako'y nagpisan mula sa Israel ng mga pangulong lalake upang magsiahong kasama ko. 015 EZR 008 001 Ito nga ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ito ang talaan ng lahi nila na nagsiahong kasama ko mula sa Babilonia, sa paghahari ni Artajerjes na hari. 015 EZR 008 002 Sa mga anak ni Phinees, si Gerson; sa mga anak ni Ithamar, si Daniel; sa mga anak ni David, si Hattus. 015 EZR 008 003 Sa mga anak ni Sechanias: sa mga anak ni Pharos, si Zacarias; at kasama niya na nabilang ayon sa talaan ng lahi ang mga lalake na isang daan at limang pu. 015 EZR 008 004 Sa mga anak ni Pahath-moab, si Eliehoenai na anak ni Zarahias, at kasama niya'y dalawang daang lalake. 015 EZR 008 005 Sa mga anak ni Sechanias, ang anak ni Jahaziel; at kasama niya'y tatlong daang lalake. 015 EZR 008 006 At sa mga anak ni Adin, si Ebed na anak ni Jonathan; at kasama niya ay limang pung lalake. 015 EZR 008 007 At sa mga anak ni Elam, si Isaia na anak ni Athalias, at kasama niya'y pitong pung lalake. 015 EZR 008 008 At sa mga anak ni Sephatias, si Zebadias na anak ni Michael; at kasama niya'y walong pung lalake. 015 EZR 008 009 Sa mga anak ni Joab, si Obadias na anak ni Jehiel; at kasama niya'y dalawang daan at labing walong lalake. 015 EZR 008 010 At sa mga anak ni Solomit, ang anak ni Josiphias; at kasama niya'y isang daan at anim na pung lalake. 015 EZR 008 011 At sa mga anak ni Bebai, si Zacarias na anak ni Bebai; at kasama niya ay dalawang pu't walong lalake. 015 EZR 008 012 At sa mga anak ni Azgad, si Johanan na anak ni Catan; at kasama niya ay isang daan at sangpung lalake. 015 EZR 008 013 At sa mga anak ni Adonicam, na siyang mga huli: at ang mga ito ang kanilang mga pangalan: Eliphelet, Jeiel, at Semaias, at kasama nila ay anim na pung lalake. 015 EZR 008 014 At sa mga anak ni Bigvai, si Utai at si Zabud: at kasama nila ay pitong pung lalake. 015 EZR 008 015 At pinisan ko sila sa ilog na umaagos patungo sa Ahava; at doo'y nangagpahinga kaming tatlong araw; at aking minasdan ang bayan at ang mga saserdote, at walang nasumpungan doon sa mga anak ni Levi. 015 EZR 008 016 Nang magkagayo'y ipinasundo ko si Eliezer, si Ariel, si Semaias, at si Elnathan, at si Jarib, at si Elnathan, at si Nathan, at si Zacarias, at si Mesullam, na mga pangulong lalake; gayon din si Joiarib, at si Elnathan, na mga tagapagturo. 015 EZR 008 017 At aking sinugo sila kay Iddo na pangulo sa dako ng Casipia; at aking sinaysay sa kanila kung ano ang kanilang nararapat sabihin kay Iddo, at sa kaniyang mga kapatid na mga Nethineo, sa dako ng Casipia, upang sila'y mangagdala sa atin ng mga tagapangasiwa sa bahay ng ating Dios. 015 EZR 008 018 At ayon sa mabuting kamay ng ating Dios na sumasa atin ay nagdala sila sa atin ng isang lalake na matalino, sa mga anak ni Mahali, na anak ni Levi, na anak ni Israel; at si Serebias, pati ng kaniyang mga anak na lalake at mga kapatid, labing walo: 015 EZR 008 019 At si Hasabias, at kasama niya'y si Isaia sa mga anak ni Merari, ang kaniyang mga kapatid at kaniyang mga anak na lalake, dalawang pu; 015 EZR 008 020 At sa mga Nethineo, na ibinigay ni David at ng mga pangulo sa paglilingkod sa mga Levita, dalawang daan at dalawang pung Nethineo; silang lahat ay nasasaysay ayon sa pangalan. 015 EZR 008 021 Nang magkagayo'y nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava, upang tayo'y magpakababa sa harap ng ating Dios, upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan, sa ganang atin, at sa ating mga bata, at sa lahat ng ating pag-aari. 015 EZR 008 022 Sapagka't ako'y nahiyang humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo, at ng mga mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan: sapagka't aming sinalita sa hari, na sinasabi, Ang kamay ng ating Dios ay sumasa kanilang lahat na humahanap sa kaniya, sa ikabubuti; nguni't ang kaniyang kapangyarihan at ang pagiinit ay laban sa kanilang lahat na nagpapabaya sa kaniya. 015 EZR 008 023 Sa gayo'y nangagayuno tayo at nagsidalangin sa ating Dios dahil dito: at dininig niya tayo. 015 EZR 008 024 Nang magkagayo'y inihiwalay ko ang labing dalawa sa mga puno ng mga saserdote, sa makatuwid baga'y si Serebias, si Hasabias, at sangpu sa kanilang mga kapatid na kasama nila. 015 EZR 008 025 At tinimbang sa kanila ang pilak, at ang ginto, at ang mga sisidlan, sa makatuwid baga'y ang handog sa bahay ng ating Dios, na pinaghandugan ng hari, at ng kaniyang mga kasangguni, at ng kaniyang mga prinsipe, at ng buong Israel na nakaharap doon: 015 EZR 008 026 Akin ngang tinimbang sa kanilang kamay ay anim na raan at limang pung talentong pilak, at mga pilak na sisidlan ay isang daang talento: sa ginto ay isang daang talento; 015 EZR 008 027 At dalawang pung mangkok na ginto, na may isang libong dariko; at dalawang sisidlan na pinong makinang na tanso, na halagang gaya ng ginto. 015 EZR 008 028 At sinabi ko sa kanila, Kayo'y banal sa Panginoon, at ang mga sisidlan ay natatalaga; at ang pilak at ang ginto ay kusang handog sa Panginoon, na Dios ng inyong mga magulang. 015 EZR 008 029 Magsipagbantay kayo, at ingatan ninyo, hanggang sa inyong matimbang sa harap ng mga puno ng mga saserdote, at ng mga Levita, at ng mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, sa Jerusalem, sa mga silid ng bahay ng Panginoon. 015 EZR 008 030 Sa gayo'y tinanggap ng mga saserdote at ng mga Levita ang timbang ng pilak at ginto, at ng mga sisidlan, upang dalhin sa Jerusalem, sa bahay ng ating Dios. 015 EZR 008 031 Nang magkagayo'y nagsiyaon tayo mula sa ilog ng Ahava, nang ikalabing dalawang araw ng unang buwan, upang pumaroon sa Jerusalem: at ang kamay ng ating Dios ay sumaatin, at iniligtas niya tayo sa kamay ng kaaway at sa bumabakay sa daan. 015 EZR 008 032 At tayo ay nagsidating sa Jerusalem, at nagsitahan doon na tatlong araw. 015 EZR 008 033 At nang ikaapat na araw, ang pilak at ang ginto at ang mga sisidlan ay natimbang sa bahay ng ating Dios sa kamay ni Meremoth na anak ni Urias na saserdote (at kasama niya si Eleazar na anak ni Phinees; at kasama nila si Jozabad na anak ni Jesua, at si Noadias na anak ni Binnui, na mga Levita) 015 EZR 008 034 Ang kabuoan sa pamamagitan ng bilang, at ng timbang: at ang buong timbang ay nasulat nang panahong yaon. 015 EZR 008 035 Ang mga anak sa pagkabihag, na nagsipanggaling sa pagkatapon, ay nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Dios ng Israel, labing dalawang toro sa ganang buong Israel, siyam na pu't anim na lalaking tupa, pitong pu't pitong kordero, labing dalawang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan: lahat ng ito'y handog na susunugin sa Panginoon. 015 EZR 008 036 At kanilang ibinigay ang mga bilin ng hari sa mga satrapa ng hari, at sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog: at kanilang pinasulong ang bayan at ang bahay ng Dios. 015 EZR 009 001 Nang magawa nga ang mga bagay na ito, ang mga prinsipe ay nagsilapit sa akin, na nangagsasabi: Ang bayan ng Israel, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, ay hindi nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain, na nagsisigawa ng ayon sa kanilang mga karumaldumal, sa makatuwid baga'y ang mga Cananeo, ang mga Hetheo, ang mga Pherezeo, ang mga Jebuseo, ang mga Ammonita, ang mga Moabita, ang mga taga Egipto, at ang mga Amorrheo. 015 EZR 009 002 Sapagka't kinuha nila ang kanilang mga anak na babae sa ganang kanilang sarili, at sa kanilang mga anak na lalake, na anopa't ang banal na binhi ay nahalo nga sa bayan ng mga lupain: oo, ang kamay ng mga prinsipe at ng mga pinuno ay naging puno sa pagsalangsang na ito. 015 EZR 009 003 At nang mabalitaan ko ang bagay na ito, aking hinapak ang aking suot at ang aking balabal, at binaltak ko ang buhok ng aking ulo at ng aking baba, at ako'y naupong natitigilan. 015 EZR 009 004 Nang magkagayo'y nagpipisan sa akin ang lahat na nanginginig sa mga salita ng Dios ng Israel, dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag; at ako'y naupong natitigilan hanggang sa pagaalay sa hapon. 015 EZR 009 005 At sa pagaalay sa kinahapunan ay bumangon ako sa aking pagpapakumbaba, na hapak ang aking suot at ang aking balabal; at ako'y lumuhod ng aking mga tuhod, at iniunat ko ang aking mga kamay sa Panginoon kong Dios; 015 EZR 009 006 At aking sinabi, Oh aking Dios; ako'y napahiya at namula na itaas ang aking mukha sa iyo, na aking Dios: sapagka't ang aming mga kasamaan ay nagsilala sa aming ulo, at ang aming sala ay umabot hanggang sa langit. 015 EZR 009 007 Mula ng mga kaarawan ng aming mga magulang ay naging totoong salarin kami hanggang sa araw na ito; at dahil sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at ang aming mga saserdote ay nangabigay sa kamay ng mga hari ng mga lupain, sa tabak, sa pagkabihag, sa pagkasamsam, at sa kahihiyan ng mukha, gaya sa araw na ito. 015 EZR 009 008 At ngayon sa sandaling panahon ay napakita ang biyaya na mula sa Panginoon naming Dios, upang iwan sa amin ang isang nalabi na nakatanan at upang bigyan kami ng isang pako sa kaniyang dakong banal, upang palinawin ng aming Dios ang aming mga mata, at bigyan kami ng kaunting kabuhayan sa aming pagkaalipin. 015 EZR 009 009 Sapagka't kami ay mga alipin; gayon ma'y hindi kami pinabayaan ng aming Dios sa aming pagkaalipin, kundi naggawad ng kaawaan sa amin sa paningin ng mga hari sa Persia, upang bigyan kami ng kabuhayan, upang itayo ang bahay ng aming Dios, at upang husayin ang sira niyaon, at upang bigyan kami ng kuta sa Juda at sa Jerusalem. 015 EZR 009 010 At ngayon, Oh aming Dios, ano ang aming sasabihin pagkatapos nito? sapagka't aming pinabayaan ang iyong mga utos. 015 EZR 009 011 Na iyong iniutos sa pamamagitan ng iyong mga lingkod na mga propeta, na nangagsasabi, Ang lupain, na inyong pinaroroonan upang ariin, ay maruming lupain dahil sa mga karumihan ng mga bayan ng mga lupain, dahil sa kanilang mga karumaldumal, na pinuno sa dulo't dulo ng kanilang karumihan. 015 EZR 009 012 Ngayon nga'y huwag ninyong ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalake, ni kunin man ninyo ang kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake, ni hanapin ang kanilang kapayapaan o ang kanilang kaginhawahan magpakailan man: na kayo baga'y magsilakas, at magsikain ng buti ng lupain, at iwan ninyo na pinakamana sa inyong mga anak magpakailan man. 015 EZR 009 013 At pagkatapos ng lahat na dumating sa amin dahil sa aming masamang mga gawa, at dahil sa aming malaking sala, sa paraang ikaw na aming Dios ay nagparusa sa amin, ng kulang kay sa marapat sa aming mga kasamaan, at binigyan mo kami ng ganitong nalabi. 015 EZR 009 014 Amin ba uling sisirain ang iyong mga utos, at makikipisan ng mahigpit sa mga bayan na nagsisigawa ng mga karumaldumal na ito? hindi ka ba magagalit sa amin hanggang sa inyong malipol kami, na anopa't huwag magkaroon ng nalabi, o ng sinomang nakatanan. 015 EZR 009 015 Oh Panginoon, na Dios ng Israel, ikaw ay matuwid, sapagka't kami ay naiwan na isang nalabi na nakatanan, na gaya sa araw na ito: narito, kami ay nangasa harap mo sa aming sala; sapagka't walang makatatayo sa harap mo dahil dito. 015 EZR 010 001 Habang si Ezra nga ay dumadalangin, at nagpapahayag ng kasalanan na umiiyak at nagpapatirapa sa harap ng bahay ng Dios, nagpipisan sa kaniya mula sa Israel ang isang napakalaking kapisanan ng mga lalake at mga babae at mga bata: sapagka't ang bayan ay umiyak na mainam. 015 EZR 010 002 At si Sechanias na anak ni Jehiel, na isa sa mga anak ni Elam, ay sumagot at nagsabi kay Ezra: Kami ay nagsisalangsang laban sa ating Dios, at nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan ng lupain: gayon man, may pagasa sa Israel tungkol sa bagay na ito. 015 EZR 010 003 Ngayon nga'y mangakipagtipan tayo sa ating Dios, na ating ihiwalay ang lahat na asawa, at ang mga ipinanganak nila, ayon sa payo ng aking panginoon, at niyaong mga nanginginig sa utos ng ating Dios; at gawin ayon sa kautusan. 015 EZR 010 004 Bumangon ka: sapagka't bagay na ukol sa iyo, at kami ay sumasaiyo: magpakatapang kang mabuti, at iyong gawin. 015 EZR 010 005 Nang magkagayo'y tumindig si Ezra at pinasumpa ang mga puno ng mga saserdote, ang mga Levita at ang buong Israel, na kanilang gagawin ayon sa salitang ito. Sa gayo'y sumumpa sila. 015 EZR 010 006 Nang magkagayo'y tumindig si Ezra mula sa harap ng bahay ng Dios, at naparoon sa silid ni Johanan na anak ni Eliasib: at nang siya'y dumating doon, siya'y hindi kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig: sapagka't siya'y nanangis dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag. 015 EZR 010 007 At siya'y gumawa ng pahayag sa Juda't Jerusalem sa lahat na mga anak sa pagkabihag, na sila'y magpipisan sa Jerusalem; 015 EZR 010 008 At yaong hindi pumaroon sa loob ng tatlong araw, ayon sa payo ng mga prinsipe at ng mga matanda, lahat niyang pag-aari ay sasamsamin, at ihihiwalay siya sa kapisanan ng sa pagkabihag. 015 EZR 010 009 Nang magkagayo'y ang lahat na lalake ng Juda at Benjamin ay nagpipisan sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw (siyang ikasiyam na buwan nang ikadalawang pung araw ng buwan): at ang buong bayan ay naupo sa luwal na dako sa harap ng bahay ng Dios, na nanginginig dahil sa bagay na ito at dahil sa malakas na ulan. 015 EZR 010 010 At si Ezra na saserdote ay tumayo, at nagsabi sa kanila: Kayo'y nagsisalangsang, at nangagasawa ng mga babaing tagaibang bayan, upang palalain ang sala ng Israel. 015 EZR 010 011 Ngayon nga'y mangagpahayag kayo sa Panginoon, sa Dios ng inyong mga magulang, at inyong gawin ang kaniyang kalooban: at magsihiwalay kayo sa mga bayan ng lupain, at sa mga babaing tagaibang bayan. 015 EZR 010 012 Nang magkagayo'y ang buong kapisanan ay sumagot at nagsabi ng malakas, Kung ano ang iyong sinabi tungkol sa amin, gayon ang nararapat naming gawin. 015 EZR 010 013 Nguni't ang bayan ay marami, at panahong maulan, at kami ay hindi makatatayo sa labas: ni ito man ay gawa sa isang araw o dalawa: sapagka't kami ay nagkasalang mainam sa bagay na ito. 015 EZR 010 014 Mahalal ngayon ang ating mga prinsipe sa buong kapisanan, at magsiparito sa takdang panahon yaong lahat na nangasa ating mga bayan na nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan, at pumaritong kasama nila ang mga matanda ng lahat na bayan, at ang mga hukom doon, hanggang sa ang mabangis na kapootan ng ating Dios ay mahiwalay sa atin, hanggang sa ang bagay na ito ay matapos. 015 EZR 010 015 Si Jonathan lamang na anak ni Asael, at si Jaazias na anak ni Tikvah ang tumayo laban sa bagay na ito: at si Mesullam, at si Sabethai na Levita ang tumulong sa kanila. 015 EZR 010 016 At ginawang gayon ng mga anak sa pagkabihag. At si Ezra na saserdote na kasama ng ilang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at silang lahat ayon sa kanilang mga pangalan, ay nangaghiwalay; at sila'y nangaupo sa unang araw ng ikasangpung buwan upang litisin ang bagay. 015 EZR 010 017 At kanilang tinapos ang tungkol sa lahat na lalake na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan nang unang araw ng unang buwan. 015 EZR 010 018 At sa mga anak ng mga saserdote ay nangasumpungan na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan; sa mga anak ni Jesua, na anak ni Josadec, at sa kaniyang mga kapatid, si Maasias, at si Elieser, at si Jarib, at si Gedalias. 015 EZR 010 019 At sila'y nangakipagkamay na kanilang ihihiwalay ang kanilang mga asawa; at yamang mga salarin, sila'y nangaghandog ng isang lalaking tupa sa kawan dahil sa kanilang sala. 015 EZR 010 020 At sa mga anak ni Immer; si Hanani at si Zebadias. 015 EZR 010 021 At sa mga anak ni Harim; si Maasias, at si Elias, at si Semeias, at si Jehiel, at si Uzzias. 015 EZR 010 022 At sa mga anak ni Phasur; si Elioenai, si Maasias, si Ismael, si Nathanael, si Jozabad at si Elasa. 015 EZR 010 023 At sa mga Levita; si Jozabad, at si Simi, at si Kelaia (na siya ring Kelita), si Pethaia, si Juda, at si Eliezer. 015 EZR 010 024 At sa mga mangaawit: si Eliasib: at sa mga tagatanod-pinto; si Sellum, at si Telem, at si Uri. 015 EZR 010 025 At sa Israel: sa mga anak ni Pharos; si Ramia at si Izzias, at si Malchias, at si Miamim, at si Eleazar, at si Malchias, at si Benaias. 015 EZR 010 026 At sa mga anak ni Elam: si Mathanias, si Zacharias, at si Jehiel, at si Abdi, at si Jeremoth, at si Elia. 015 EZR 010 027 At sa mga anak ni Zattu; si Elioenai, si Eliasib, si Mathanias, at si Jeremoth, at si Zabad, at si Aziza. 015 EZR 010 028 At sa mga anak ni Bebai; si Johanan, si Hananias, si Zabbai, at si Atlai. 015 EZR 010 029 At sa mga anak ni Bani; si Mesullam, si Malluch, at si Adaias, si Jasub, si Seal, at si Ramoth. 015 EZR 010 030 At sa mga anak ni Pahath-moab; si Adna, at si Cheleal, si Benaias, si Maasias, si Mathanias, si Besaleel, at si Bennui, at si Manases. 015 EZR 010 031 At sa mga anak ni Harim; si Eliezer, si Issia, at si Malchias, si Semeia, si Simeon; 015 EZR 010 032 Si Benjamin, si Malluch, si Semarias. 015 EZR 010 033 Sa mga anak ni Hasum; si Mathenai, si Mathatha, si Zabad, si Eliphelet, si Jeremai, si Manases, at si Sami. 015 EZR 010 034 Sa mga anak ni Bani; si Maadi si Amram, at si Uel; 015 EZR 010 035 Si Benaias, si Bedias, si Cheluhi; 015 EZR 010 036 Si Vanias, si Meremoth, si Eliasib; 015 EZR 010 037 Si Mathanias, si Mathenai, at si Jaasai; 015 EZR 010 038 At si Bani, at si Binnui, si Simi; 015 EZR 010 039 At si Selemias, at si Nathan, at si Adaias; 015 EZR 010 040 Si Machnadbai, si Sasai, si Sarai; 015 EZR 010 041 Si Azareel, at si Selemias, si Semarias; 015 EZR 010 042 Si Sallum, si Amarias, si Joseph. 015 EZR 010 043 Sa mga anak ni Nebo; si Jehiel, si Matithias, si Zabad, si Zebina, si Jadau, at si Joel, si Benaias. 015 EZR 010 044 Lahat ng mga ito'y nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan: at ang iba sa kanila ay may mga asawang pinagkaroonan ng mga anak. # # BOOK 016 NEH Nehemiah Nehemias 016 NEH 001 001 Ang mga salita ni Nehemias na anak ni Hachalias. Nangyari nga sa buwan ng Chislu, sa ikadalawang pung taon, samantalang ako'y nasa bahay-hari sa Susan. 016 NEH 001 002 Na si Hanani, na isa sa aking mga kapatid, ay dumating, siya at ilang lalake na mula sa Juda; at tinanong ko sila ng tungkol sa mga Judio na nakatanan, na nangaiwan sa pagkabihag, at tungkol sa Jerusalem. 016 NEH 001 003 At sinabi nila sa akin, Ang nalabi na naiwan sa pagkabihag doon sa lalawigan, ay nasa malaking kapighatian at kakutyaan: ang kuta naman sa Jerusalem ay nabagsak, at ang mga pintuang-bayan ay nangasunog sa apoy. 016 NEH 001 004 At nangyari, nang marinig ko ang mga salitang ito, na ako'y naupo at umiyak, at nanangis na ilang araw; at ako'y nagayuno, at dumalangin sa harap ng Dios ng langit. 016 NEH 001 005 At nagsabi, Aking idinadalangin sa iyo, Oh Panginoon, na Dios ng langit, na dakila at kakilakilabot na Dios, na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa kaniya, at nangagiingat ng kaniyang mga utos: 016 NEH 001 006 Pakinggan ngayon ng iyong tainga, at idilat ang iyong mga mata, upang iyong dinggin ang dalangin ng iyong lingkod, na aking idinadalangin sa harap mo sa panahong ito, araw at gabi, dahil sa mga anak ni Israel na iyong mga lingkod, habang aking ipinahahayag ang mga kasalanan ng mga anak ni Israel, na aming ipinagkasala laban sa iyo. Oo, ako at ang sangbahayan ng aking magulang ay nagkasala: 016 NEH 001 007 Kami ay lubhang nagpakahamak laban sa iyo, at hindi nangagingat ng mga utos, o ng mga palatuntunan man, o ng mga kahatulan, na iyong iniutos sa iyong lingkod na kay Moises. 016 NEH 001 008 Alalahanin mo, isinasamo ko sa iyo, ang salita na iyong iniutos sa iyong lingkod na kay Moises, na sinasabi, Kung kayo'y magsisalangsang, aking pangangalatin kayo sa lahat na bayan: 016 NEH 001 009 Nguni't kung kayo'y magsibalik sa akin, at ingatan ninyo ang aking mga utos, at gawin, bagaman ang nangatapon sa inyo ay nasa kaduluduluhang bahagi ng mga langit, akin ngang pipisanin sila mula roon, at dadalhin ko sila sa dakong aking pinili upang patahanin doon ang aking pangalan. 016 NEH 001 010 Ang mga ito nga'y ang iyong mga lingkod at ang iyong bayan, na iyong tinubos sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng iyong malakas na kamay. 016 NEH 001 011 Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, pakinggan ngayon ng inyong pakinig ang dalangin ng iyong lingkod, at ang dalangin ng iyong mga lingkod, na nangasasayahang matakot sa iyong pangalan: at paginhawahin mo, isinasamo ko sa iyo, ang iyong lingkod sa araw na ito, at pagkalooban mo siya ng kaawaan sa paningin ng lalaking ito. (Ngayo'y tagahawak ako ng saro ng hari.) 016 NEH 002 001 At nangyari sa buwan ng Nisan, sa ikadalawang pung taon ni Artajerjes na hari, nang ang alak ay nasa harap niya, na aking kinuha ang alak at ibinigay ko sa hari. Hindi nga ako nalungkot nang una sa kaniyang harapan. 016 NEH 002 002 At sinabi ng hari sa akin, Bakit ang iyong mukha ay malungkot, dangang wala kang sakit? ito'y dili iba kundi kalungkutan ng puso. Nang magkagayo'y natakot akong mainam. 016 NEH 002 003 At sinabi ko sa hari, Mabuhay ang hari magpakailan man: bakit ang aking mukha ay hindi malulungkot, kung ang bayan, ang dako ng mga libingan sa aking mga magulang ay giniba, at ang mga pintuang-bayan niyaon ay nasupukan ng apoy? 016 NEH 002 004 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa akin, Ano ang iyong hinihiling? Sa gayo'y dumalangin ako sa Dios ng langit. 016 NEH 002 005 At nagsabi ako sa hari, Kung ikinalulugod ng hari, at kung ang iyong lingkod ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin ay suguin mo ako sa Juda, sa bayan ng libingan sa aking mga magulang, upang aking maitayo. 016 NEH 002 006 At ang hari ay nagsabi sa akin, (ang reina ay nakaupo naman sa siping niya, ) Magiging gaano kalaon ang iyong paglalakbay? at kailan ka babalik? Sa gayo'y nalugod ang hari na suguin ako, at nagtakda ako sa kaniya ng panahon. 016 NEH 002 007 Bukod dito'y sinabi ko sa hari, Kung ikinalulugod ng hari, bigyan ako ng mga sulat sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog, upang ako'y kanilang paraanin hanggang sa ako'y dumating sa Juda; 016 NEH 002 008 At isang sulat kay Asaph na tagapagingat ng gubat ng hari, upang bigyan niya ako ng mga kahoy na magawang mga tahilan sa mga pintuang-daan ng kastillo na nauukol sa bahay, at sa kuta ng bayan at sa bahay na aking papasukan. At pinagkalooban ako ng hari ayon sa mabuting kamay ng aking Dios na sumasa akin. 016 NEH 002 009 Nang magkagayo'y pumaroon ako sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog, at ibinigay ko sa kanila ang mga sulat ng hari. Sinugo nga ako ng hari na may kasamang mga punong kawal ng hukbo at mga mangangabayo. 016 NEH 002 010 At nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita, at ni Tobias na lingkod, na Ammonita, ay namanlaw na mainam, sapagka't may naparoong isang lalake upang hanapin ang ikagagaling ng mga anak ni Israel. 016 NEH 002 011 Sa gayo'y naparoon ako sa Jerusalem, at dumoon akong tatlong araw. 016 NEH 002 012 At ako'y bumangon sa kinagabihan, ako, at ilang lalake na kasama ko; ni hindi ko man isinaysay sa kanino man kung anong inilagak ng aking Dios sa aking puso na gawin sa ikagagaling ng Jerusalem: wala rin namang anomang hayop na kasama ako, liban sa hayop na aking sinasakyan. 016 NEH 002 013 At ako'y lumabas ng kinagabihan sa pintuang-bayan ng libis, sa makatuwid baga'y sa dako ng balon ng dragon, at sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi, at minasdan ko ang mga kuta ng Jerusalem, na nangabagsak, at ang mga pintuang-bayan na sinupok ng apoy. 016 NEH 002 014 Nang magkagayo'y nagpatuloy ako sa pintuang-bayan ng bukal at sa tangke ng hari: nguni't walang dakong mararaanan ang hayop sa ilalim ko. 016 NEH 002 015 Nang magkagayo'y namaybay ako ng kinagabihan sa batis, at aking minasdan ang kuta; at ako'y bumalik, at pumasok sa pintuang-bayan ng libis, at sa gayo'y pumihit ako. 016 NEH 002 016 At hindi naalaman ng mga pinuno kung saan ako naparoon, o kung ano ang ginawa ko; ni hindi ko rin isinaysay sa mga Judio, ni sa mga saserdote man, ni sa mga mahal na tao man, ni sa mga pinuno man, ni sa nalabi man na gumagawa ng gawain. 016 NEH 002 017 Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Inyong nakikita ang masamang kalagayan na kinaroroonan natin, kung paanong ang Jerusalem ay guho at ang mga pintuang-bayan nito ay nasunog sa apoy: kayo'y parito, at ating itayo ang kuta ng Jerusalem, upang tayo'y huwag nang maging kadustaan. 016 NEH 002 018 At isinaysay ko sa kanila ang kamay ng aking Dios na naging mabuti sa akin, at gayon din ang mga salita ng hari na sinalita niya sa akin. At kanilang sinabi, Magbangon tayo at magtayo. Sa gayo'y kanilang pinalakas ang kanilang mga kamay sa mabuting gawa. 016 NEH 002 019 Nguni't nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita, at ni Tobias na lingkod, na Ammonita, at ni Gesem na taga Arabia, ay kanilang tinawanang mainam kami, at hinamak kami, at sinabi, Ano itong bagay na inyong ginagawa? manghihimagsik ba kayo laban sa hari? 016 NEH 002 020 Nang magkagayo'y sumagot ako sa kanila, at sinabi ko sa kanila, Ang Dios ng langit, siya ang magpapaginhawa sa amin: kaya't kaming kaniyang mga lingkod ay magbabangon at magtatayo: nguni't kayo'y walang bahagi, o matuwid man, o alaala man, sa Jerusalem. 016 NEH 003 001 Nang magkagayo'y si Eliasib na pangulong saserdote ay tumayo na kasama ng kaniyang mga kapatid na mga saserdote, at kanilang itinayo ang pintuang-bayan ng mga tupa; kanilang itinalaga, at inilagay ang mga pinto niyaon; hanggang sa moog ng Meah ay kanilang itinalaga, hanggang sa moog ng Hananeel. 016 NEH 003 002 At sumunod sa kaniya ay nagsipagtayo ang mga lalake ng Jerico. At sumunod sa kanila ay nagtayo si Zachur na anak ni Imri. 016 NEH 003 003 At ang pintuang-bayan ng mga isda ay itinayo ng mga anak ni Senaa; kanilang inilapat ang mga tahilan niyaon, at inilagay ang mga pinto niyaon, ang mga trangka niyaon, at ang mga halang niyaon. 016 NEH 003 004 At sumunod sa kanila ay hinusay ni Meremoth na anak ni Urias, na anak ni Cos. At sumunod sa kanila ay hinusay ni Mesullam, na anak ni Berechias, na anak ni Mesezabeel. At sumunod sa kanila ay hinusay ni Sadoc na anak ni Baana. 016 NEH 003 005 At sumunod sa kanila ay hinusay ng mga Tecoita; nguni't hindi inilagay ng kanilang mga mahal na tao ang kanilang mga leeg sa gawain ng kanilang Panginoon. 016 NEH 003 006 At ang dating pintuang-bayan ay hinusay ni Joiada na anak ni Pasea at ni Mesullam na anak ni Besodias; kanilang inilapat ang mga tahilan niyaon, at inilagay ang mga pinto niyaon, at ang mga trangka niyaon, at ang mga halang niyaon. 016 NEH 003 007 At sumunod sa kanila ay hinusay ni Melatias na Gabaonita, at ni Jadon na Meronothita, ng mga lalaking taga Gabaon, at taga Mizpa, na ukol sa luklukan ng tagapamahala sa dako roon ng Ilog. 016 NEH 003 008 Sumunod sa kanila ay hinusay ni Uzziel na anak ni Harhaia, na platero. At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Hananias na isa sa mga manggagawa ng pabango, at kanilang pinagtibay ang Jerusalem, hanggang sa maluwang na kuta. 016 NEH 003 009 At sumunod sa kanila ay hinusay ni Repaias na anak ni Hur, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem. 016 NEH 003 010 At sumunod sa kanila ay hinusay ni Jedaias na anak ni Harumaph, sa tapat ng kaniyang bahay. At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Hattus na anak ni Hasbanias. 016 NEH 003 011 Ang ibang bahagi at ang moog ng mga hurno ay hinusay ni Malchias na anak ni Harim, at ni Hasub na anak ni Pahatmoab. 016 NEH 003 012 At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Sallum na anak ni Lohes, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem, niya at ng kaniyang mga anak na babae. 016 NEH 003 013 Ang pintuang-bayan ng libis ay hinusay ni Hanun, at ng mga taga Zanoa; kanilang itinayo, at inilagay ang mga pinto niyaon, ang mga trangka niyaon, at ang mga halang niyaon, at isang libong siko sa kuta hanggang sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi. 016 NEH 003 014 At ang pintuang-bayan ng tapunan ng dumi ay hinusay ni Malchias na anak ni Rechab, na pinuno ng distrito ng Beth-haccerem; kaniyang itinayo, at inilagay ang mga pinto niyaon, ang mga trangka niyaon, at ang mga halang niyaon. 016 NEH 003 015 At ang pintuang-bayan ng bukal ay hinusay ni Sallum na anak ni Cholhoce, na pinuno ng distrito ng Mizpa, kaniyang itinayo, at tinakpan, at inilagay ang mga pinto niyaon, ang trangka niyaon, at ang mga halang niyaon, at ang pader ng tangke ng Selah sa tabi ng halamanan ng hari, hanggang sa mga baytang na paibaba mula sa bayan ni David. 016 NEH 003 016 Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Nehemias na anak ni Azbuc, na pinuno ng kalahating distrito ng Beth-sur, hanggang sa dako ng tapat ng mga libingan ni David, at hanggang sa tangke na ginawa, at hanggang sa bahay ng mga makapangyarihang lalake. 016 NEH 003 017 Sumunod sa kaniya ay hinusay ng mga Levita, ni Rehum na anak ni Bani. Sumunod sa kaniya, ay hinusay ni Asabias, na pinuno ng kalahating distrito ng Ceila, na pinaka distrito niya. 016 NEH 003 018 Sumunod sa kaniya ay hinusay ng kanilang mga kapatid, ni Bavvai na anak ni Henadad, na pinuno ng kalahating distrito ng Ceila. 016 NEH 003 019 At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Ezer na anak ni Jesua, na pinuno ng Mizpa, na ibang bahagi, sa tapat ng sampahan sa lagayan ng mga sandata sa pagliko ng kuta. 016 NEH 003 020 Sumunod sa kaniya ay hinusay na masikap ni Baruch na anak ni Zachai ang ibang bahagi, mula sa may pagliko ng kuta hanggang sa pintuan ng bahay ni Eliasib na pangulong saserdote. 016 NEH 003 021 Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Meremoth, na anak ni Urias na anak ni Cos ang ibang bahagi mula sa pintuan ng bahay ni Eliasib hanggang sa hangganan ng bahay ni Eliasib. 016 NEH 003 022 At sumunod sa kaniya, ay hinusay ng mga saserdote, na mga lalake sa Kapatagan. 016 NEH 003 023 Sumunod sa kanila, ay hinusay ni Benjamin at ni Hasub sa tapat ng kanilang bahay. Sumunod sa kanila ay hinusay ni Azarias na anak ni Maasias na anak ni Ananias, sa siping ng kaniyang sariling bahay. 016 NEH 003 024 Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Binnui na anak ni Henadad ang ibang bahagi, mula sa bahay ni Azarias hanggang sa pagliko ng kuta, at hanggang sa sulok. 016 NEH 003 025 Si Paal na anak ni Uzai ay naghusay ng tapat ng may pagliko ng kuta, at ng moog na lumalabas mula sa lalong mataas na bahay ng hari, na nasa tabi ng looban ng bantay. Sumunod sa kaniya'y si Pedaia na anak ni Pharos ang naghusay. 016 NEH 003 026 (Ang mga Nethineo nga ay nagsitahan sa Ophel, hanggang sa dako na nasa tapat ng pintuang-bayan ng tubig sa dakong silanganan, at ng moog na nakalabas.) 016 NEH 003 027 Sumunod sa kaniya ay hinusay ng mga Tecoita ang ibang bahagi, sa tapat ng malaking moog na nakalabas, at hanggang sa pader ng Ophel. 016 NEH 003 028 Sa itaas ng pintuang-bayan ng mga kabayo, mga saserdote ang naghusay na bawa't isa'y sa tapat ng kaniyang sariling bahay. 016 NEH 003 029 Sumunod sa kanila ay hinusay ni Sadoc na anak ni Immer sa tapat ng kaniyang sariling bahay. At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Semaias na anak ni Sechanias na tagatanod ng pintuang silanganan. 016 NEH 003 030 Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Hananias na anak ni Selemias, at ni Anun na ikaanim na anak ni Salaph ang ibang bahagi. Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Mesullam na anak ni Berechias sa tapat ng kaniyang silid. 016 NEH 003 031 Sumunod sa kaniya, ay hinusay ni Malchias na isa sa mga platero sa bahay ng mga Nethineo, at sa mga mangangalakal, sa tapat ng pintuang-bayan ng Hammiphcad, at sa sampahan sa sulok. 016 NEH 003 032 At sa pagitan ng sampahan sa sulok at ng pintuang-bayan ng mga tupa, ang naghusay ay ang mga platero at ang mga mangangalakal. 016 NEH 004 001 Nguni't nangyari, na nang mabalitaan ni Sanballat na aming itinayo ang kuta, siya'y naginit, at nagalit na mainam, at tinuya ang mga Judio. 016 NEH 004 002 At siya'y nagsalita sa harap ng kaniyang mga kapatid, at ng hukbo ng Samaria, at nagsabi, Anong ginagawa nitong mahihinang Judio? magpapakatibay ba sila? mangaghahain ba sila? wawakasan ba nila sa isang araw? kanila bang bubuhayin ang mga bato mula sa mga bunton ng dumi, dangang nangasunog na ang mga yaon? 016 NEH 004 003 Si Tobias nga na Ammonita ay nasa tabi niya, at sinabi niya, Bagaman sila'y nangagtatayo, kung ang isang zorra ay sumampa, ibabagsak ang kanilang mga batong kuta. 016 NEH 004 004 Dinggin mo, Oh aming Dios: sapagka't kami ay hinamak; at ibalik mo ang kanilang pagdusta sa kanilang sariling ulo, at ibigay mo sila sa pagkasamsam sa isang lupain sa pagkabihag: 016 NEH 004 005 At huwag mong ikubli ang kanilang kasamaan, at huwag mong pawiin ang kanilang kasalanan sa harap mo: sapagka't kanilang minungkahi ka sa galit sa harap ng mga manggagawa. 016 NEH 004 006 Sa gayo'y aming itinayo ang kuta; at ang buong kuta ay nahusay hanggang sa kalahatian ng taas niyaon: sapagka't ang bayan ay nagkaroon ng kaloobang gumawa. 016 NEH 004 007 Nguni't nangyari, na nang mabalitaan ni Sanballat, at ni Tobias, at ng mga taga Arabia, at ng mga Ammonita, at ng mga Asdodita, na ipinatuloy ang paghuhusay ng mga kuta ng Jerusalem, at ang mga sira ay pinasimulang tinakpan, sila nga'y nangaginit na mainam; 016 NEH 004 008 At nagsipagbanta silang lahat na magkakasama upang magsiparoon, at magsilaban sa Jerusalem, at upang manggulo roon. 016 NEH 004 009 Nguni't kami ay nagsidalangin sa aming Dios, at naglagay ng bantay laban sa kanila araw at gabi, dahil sa kanila. 016 NEH 004 010 At ang Juda ay nagsabi, Nawalan ng lakas ang mga tagadala ng mga pasan, at may maraming dumi; na anopa't hindi kami makapagtayo ng kuta. 016 NEH 004 011 At sinabi ng aming mga kalaban: Sila'y hindi mangakakaalam, o mangakakakita man hanggang sa kami ay magsidating sa gitna nila, at patayin sila, at ipatigil ang gawain. 016 NEH 004 012 At nangyari, na nang magsidating ang mga Judio na nagsisitahan sa siping nila, sinabi nila sa aming makasangpu, mula sa lahat na dako: Kayo'y marapat magsibalik sa amin. 016 NEH 004 013 Kaya't inilagay ko sa mga pinakamababang dako ng pagitan ng likuran ng kuta, sa mga luwal na dako, sa makatuwid baga'y aking inilagay ang bayan ayon sa kanilang mga angkan, pati ng kanilang mga tabak, ng kanilang mga sibat, at ng kanilang mga busog. 016 NEH 004 014 At ako'y tumingin, at tumayo, at nagsabi sa mga mahal na tao, at sa mga pinuno, at sa nalabi sa bayan: Huwag kayong mangatakot sa kanila: inyong alalahanin ang Panginoon, na dakila at kakilakilabot, at ipakipaglaban ninyo ang inyong mga kapatid, ang inyong mga anak na lalake at babae, ang inyong mga asawa at ang inyong mga bahay. 016 NEH 004 015 At nangyari, nang mabalitaan ng aming mga kaaway na naalaman namin, at iniuwi sa wala ng Dios ang kanilang payo, na kami na nagsibalik na lahat sa kuta, bawa't isa'y sa kaniyang gawa. 016 NEH 004 016 At nangyari, mula nang panahong yaon, na kalahati sa aking mga lingkod ay nagsigawa sa gawain, at kalahati sa kanila ay nagsisihawak ng mga sibat, mga kalasag, at mga busog, at ng mga baluti; at ang mga pinuno ay nangasa likuran ng buong sangbahayan ng Juda. 016 NEH 004 017 Silang nangagtayo ng kuta, at silang nangagpapasan ng mga pasan ay nagsipagsakbat, bawa't isa'y may isa ng kaniyang mga kamay na iginagawa sa gawain, at may isa na inihahawak ng kaniyang sakbat; 016 NEH 004 018 At ang mga manggagawa, bawa't isa'y may kaniyang tabak na nakasabit sa kaniyang tagiliran, at gayon gumagawa. At ang nagpapatunog ng pakakak ay nasa siping ko. 016 NEH 004 019 At sinabi ko sa mga mahal na tao at sa mga pinuno, at sa nalabi sa bayan: Ang gawain ay malaki at malaon, at tayo'y nangagkakahiwalay sa kuta, isa'y malayo sa isa: 016 NEH 004 020 Sa anomang dako na inyong marinig ang tunog ng pakakak, ay makipisan kayo sa amin; ipakikipaglaban tayo ng ating Dios. 016 NEH 004 021 Ganito nagsigawa kami sa gawain: at kalahati sa kanila ay nagsisihawak ng mga sibat mula sa pagbubukang liwayway hanggang sa ang mga bituin ay magsilitaw. 016 NEH 004 022 Sinabi ko rin nang panahong yaon sa bayan: Magsitahan bawa't isa sa Jerusalem, na kasama ng kanikaniyang lingkod upang sa gabi ay maging bantay sila sa atin, at makagawa sa araw. 016 NEH 004 023 Sa gayo'y maging ako, ni ang aking mga kapatid man, ni ang aking mga lingkod man, ni ang mga lalake mang bantay na nagsisisunod sa akin, ay walang naghubad sa amin ng aming mga suot, na bawa't isa'y yumaon na may kaniyang sandata sa tubig. 016 NEH 005 001 Nang magkagayo'y umalingawngaw ang malakas na daing ng bayan at ng kanilang mga asawa laban sa kanilang mga kapatid na mga Judio, 016 NEH 005 002 Sapagka't may nagsisipagsabi, Kami, ang aming mga anak na lalake at babae ay marami: tulutan kaming magsikuha ng trigo, upang aming makain at mabuhay kami. 016 NEH 005 003 May nagsisipagsabi naman: Aming isinasangla ang aming mga bukid at ang aming mga ubasan, at ang aming mga bahay: tulutan kaming magsikuha ng trigo, dahil sa kasalatan. 016 NEH 005 004 May nagsisipagsabi naman: Aming ipinangutang ng salapi ang buwis sa hari na hinihingi sa aming mga bukid at aming mga ubasan. 016 NEH 005 005 Gayon ma'y ang aming laman ngayon ay gaya ng laman ng aming mga kapatid, ang aming mga anak ay gaya ng kanilang mga anak: at, narito, aming dinadala sa pagkaalipin ang aming mga anak na lalake at babae upang maging mga alipin, at ang iba sa aming mga anak na babae ay nangadala sa pagkaalipin: wala man lamang kaming kapangyarihang makatulong; sapagka't ibang mga tao ang nagtatangkilik ng aming bukid at ng aming mga ubasan. 016 NEH 005 006 At ako'y nagalit na mainam, nang aking marinig ang kanilang daing at ang mga salitang ito. 016 NEH 005 007 Nang magkagayo'y sumangguni ako sa aking sarili, at nakipagtalo ako sa mga mahal na tao at sa mga pinuno, at nagsabi sa kanila, Kayo'y nangagpapatubo, bawa't isa sa kaniyang kapatid. At ako'y nagdaos ng malaking kapulungan laban sa kanila. 016 NEH 005 008 At sinabi ko sa kanila, Kami ayon sa aming kaya ay aming tinubos ang aming mga kapatid na mga Judio, na mga naipagbili sa mga bansa; at inyo ba ring ipagbibili ang inyong mga kapatid, at sila'y maipagbibili sa amin? Nang magkagayo'y nagsitahimik sila, at hindi nakasumpong kailan man ng salita. 016 NEH 005 009 Sinabi ko rin, Ang bagay na inyong ginagawa ay hindi mabuti: hindi ba kayo marapat magsilakad sa takot sa ating Dios, dahil sa pagdusta ng mga bansa, na ating mga kaaway? 016 NEH 005 010 At ako'y gayon din, ang aking mga kapatid at ang aking mga lingkod ay nangutang sa kanila ng salapi at trigo. Isinasamo ko sa inyo na ating iwan ang patubong ito. 016 NEH 005 011 Isinasamo ko sa inyo, na isauli ninyo sa kanila, sa araw ding ito, ang kanilang mga bukid, at ang kanilang mga ubasan, ang kanilang mga olibohan, at ang kanilang mga bahay, gayon din ang ikasangdaang bahagi ng salapi, at ng trigo, ng alak, at ng langis, na inyong hinihingi sa kanila. 016 NEH 005 012 Nang magkagayo'y sinabi nila, Aming isasauli, at wala kaming hihilingin sa kanila; gayon namin gagawin, gaya ng iyong sinasabi. Nang magkagayo'y tinawag ko ang mga saserdote at pinanumpa ko sila, na sila'y magsisigawa ng ayon sa pangakong ito. 016 NEH 005 013 Ipinagpag ko naman ang aking laylayan, at ako'y nagsabi, Ganito ipagpag ng Dios ang bawa't tao mula sa kaniyang bahay, at mula sa kaniyang gawain, na hindi tumupad ng pangakong ito; sa makatuwid baga'y ganito ipagpag siya, at mahungkag. At ang buong kapisanan ay nagsabi, Siya nawa, at pumuri sa Panginoon. At ginawa ng bayan ayon sa pangakong ito. 016 NEH 005 014 Bukod dito'y mula sa panahon na ako'y mahalal na kanilang tagapamahala sa lupain ng Juda, mula sa ikadalawang pung taon hanggang sa ikatatlong pu't dalawang taon ni Artajerjes na hari, sa makatuwid baga'y labing dalawang taon, ako at ang aking mga kapatid ay hindi nagsikain ng tinapay ng tagapamahala. 016 NEH 005 015 Nguni't ang mga dating tagapamahala na una sa akin ay naging pasan sa bayan, at kumuha sa kanila ng tinapay at alak, bukod sa apat na pung siklong pilak; oo, pati ng kanilang mga lingkod ay nagpupuno sa bayan: nguni't ang gayon ay hindi ko ginawa, dahil sa takot sa Dios. 016 NEH 005 016 Oo, ako nama'y nagpatuloy sa gawain ng kutang ito, ni hindi man lamang kami nagsibili ng anomang lupain: at ang lahat ng aking mga lingkod ay nagpipisan doon sa gawain. 016 NEH 005 017 Bukod dito'y nagkaroon sa dulang ko ng mga Judio at mga pinuno na isang daan at limang pung tao, bukod sa nagsiparoon sa amin na mula sa mga bansa na nasa palibot namin. 016 NEH 005 018 Ang inihahanda nga sa bawa't araw ay isang baka at anim na piling tupa; mga ibon naman ay nahanda sa akin, at minsan sa sangpung araw ay sarisaring alak na masagana: gayon ma'y sa lahat ng ito ay hindi ako humingi ng tinapay sa tagapamahala, sapagka't ang pagkaalipin ay mabigat sa bayang ito. 016 NEH 005 019 Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, sa ikabubuti, lahat na aking ginawa dahil sa bayang ito. 016 NEH 006 001 Nangyari nga nang maibalita kay Sanballat at kay Tobias, at kay Gesem na taga Arabia, at sa nalabi sa aming mga kaaway, na aking naitayo na ang kuta, at wala nang sirang naiiwan doon; (bagaman hanggang sa panahong yaon ay hindi ko pa nailalagay ang mga pinto sa mga pintuang-bayan; ) 016 NEH 006 002 Na si Sanballat at si Gesem ay nagsugo sa akin, na nagpapasabi, Ikaw ay parito, magkikita tayo sa isa ng mga nayon sa mga kapatagan ng Ono. Nguni't pinagisipan nila akong gawan ng masama. 016 NEH 006 003 At ako'y nagsugo ng mga sugo sa kanila, na nangagsasabi, Ako'y gumagawa ng dakilang gawain, na anopa't hindi ako makababa: bakit ititigil ang gawain, habang aking maiiwan, at binababa kayo? 016 NEH 006 004 At sila'y nangagsugo sa aking makaapat sa dahilang ito; at sinagot ko sila ng ayon sa gayon ding paraan. 016 NEH 006 005 Nang magkagayo'y sinugo ni Sanballat ang kaniyang lingkod sa akin ng gaya ng paraan ng ikalima na may bukas na sulat sa kaniyang kamay. 016 NEH 006 006 Na kinasusulatan: Naibalita sa mga bansa, at sinasabi ni Gasmu na ikaw at ang mga Judio ay nagaakalang manghimagsik; na siyang kadahilanan ng iyong pagtatayo ng kuta: at ikaw ay magiging kanilang hari ayon sa mga salitang ito. 016 NEH 006 007 At ikaw naman ay naghalal ng mga propeta upang magsipangaral tungkol sa iyo sa Jerusalem, na nangagsasabi, May isang hari sa Juda; at ngayo'y ibabalita sa hari ang ayon sa mga salitang ito. Parito ka nga ngayon, at magsanggunian tayo. 016 NEH 006 008 Nang magkagayo'y nagsugo ako sa kaniya, na aking sinasabi, Walang ganyang mga bagay na nagawa na gaya ng iyong sinasabi, kundi iyong mga pinagbubuhat sa iyong sariling puso. 016 NEH 006 009 Sapagka't ibig nilang lahat na sidlan ng takot kami, na sinasabi, Ang kanilang mga kamay ay manganghihina sa gawain na anopa't hindi mayayari. Nguni't ngayon, Oh Dios, palakasin mo ang aking mga kamay. 016 NEH 006 010 At ako'y naparoon sa bahay ni Semaias na anak ni Delaias na anak ni Mehetabeel na nakulong; at kaniyang sinabi, Tayo'y magpupulong na magkakasama sa bahay ng Dios, sa loob ng templo, at ating isara ang mga pinto ng templo: sapagka't sila'y magsisiparito upang patayin ka; oo, sa kinagabiha'y magsisiparito sila upang patayin ka. 016 NEH 006 011 At aking sinabi, Tatakas ba ang isang lalaking gaya ko? at sino kaya; na sa paraang gaya ko, ay paroroon sa templo upang iligtas ang kaniyang buhay? hindi ako papasok. 016 NEH 006 012 At nahalata ko, at, narito, hindi siya sinugo ng Dios; kundi kaniyang sinaysay ang hulang ito laban sa akin: at inupahan siya ni Tobias, at ni Sanballat. 016 NEH 006 013 Dahil sa bagay na ito inupahan siya, upang ako'y matakot, at gumawa ng gayon, at magkasala, at upang sila'y magkaroon ng dahilan sa isang masamang pinaka hiwatig, upang kanilang madusta ako. 016 NEH 006 014 Alalahanin mo, Oh aking Dios, si Tobias at si Sanballat ayon sa ganitong mga gawa nila, at gayon din ang propetisa na Noadias, at ang nalabi sa mga propeta, na ibig nilang sidlan ako ng katakutan. 016 NEH 006 015 Sa gayo'y natapos ang kuta sa ikadalawang pu't limang araw ng buwan ng Elul, sa limang pu't dalawang araw. 016 NEH 006 016 At nangyari, nang mabalitaan ng lahat naming mga kaaway, na ang lahat ng mga bansa na nangasa palibot namin ay nangatakot, at nangalumatang mainam: sapagka't kanilang nahalata na ang gawang ito ay gawa ng aming Dios. 016 NEH 006 017 Bukod dito'y sa mga araw na yao'y ang mga mahal na tao sa Juda ay nangagpadala ng maraming sulat kay Tobias at ang mga sulat ni Tobias ay dumating sa kanila. 016 NEH 006 018 Sapagka't marami sa Juda na nanganumpa sa kaniya, sapagka't siya'y manugang ni Sechanias na anak ni Arah; at ang kaniyang anak na si Johanan ay nagasawa sa anak na babae ni Mesullam na anak ni Berechias. 016 NEH 006 019 Sila nama'y nangagsalita ng kaniyang mga mabuting gawa sa harap ko, at ibinalita ang aking mga salita sa kaniya. At si Tobias ay nagpadala ng mga sulat upang sidlan ako ng katakutan. 016 NEH 007 001 Nangyari nga nang ang kuta ay maitayo, at aking mailagay ang mga pinto, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang mga Levita ay mangahalal. 016 NEH 007 002 Na aking ibinigay kay Hanani, na aking kapatid at kay Hananias na tagapamahala ng kuta, ang pamamahala sa Jerusalem: sapagka't siya'y tapat na lalake at natatakot sa Dios na higit kay sa marami. 016 NEH 007 003 At aking sinabi sa kanila, Huwag buksan ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem hanggang sa ang araw ay uminit; at samantalang sila'y nangagbabantay, isara nila ang mga pinto, at inyong mga itrangka: at kayo'y mangaghalal ng mga bantay sa mga taga Jerusalem, bawa't isa'y sa kaniyang pagbabantay, at bawa't isa'y sa tapat ng kaniyang bahay. 016 NEH 007 004 Ang bayan nga ay maluwang at malaki: nguni't ang mga tao ay kakaunti roon, at ang mga bahay ay hindi naitatayo pa. 016 NEH 007 005 At inilagak ng aking Dios sa aking puso na pisanin ang mga mahal na tao, at ang mga pinuno, at ang bayan, upang mangabilang ayon sa talaan ng lahi. At aking nasumpungan ang aklat ng talaan ng lahi nila na nagsiahon noong una, at aking nasumpungang nakasulat doon: 016 NEH 007 006 Ang mga ito sa nangadala, ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan; 016 NEH 007 007 Na siyang nagsisama kay Zorobabel, kay Jesua, kay Nehemias, kay Azarias, kay Raamias, kay Nahamani, kay Mardocheo, kay Bilsan, kay Misperet, kay Bigvai, kay Nehum, kay Baana. Ang bilang ng mga lalake ng Israel ay ito: 016 NEH 007 008 Ang mga anak ni Paros, dalawang libo't isang daan at pitong pu't dalawa. 016 NEH 007 009 Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa. 016 NEH 007 010 Ang mga anak ni Ara, anim na raan at limang pu't dalawa. 016 NEH 007 011 Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Jesua at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labing walo. 016 NEH 007 012 Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat. 016 NEH 007 013 Ang mga anak ni Zattu, walong daan at apat na pu't lima. 016 NEH 007 014 Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu. 016 NEH 007 015 Ang mga anak ni Binnui, anim na raan at apat na pu't walo. 016 NEH 007 016 Ang mga anak ni Bebai, anim na raan at dalawang pu't walo. 016 NEH 007 017 Ang mga anak ni Azgad, dalawang libo't tatlong daan at dalawang pu't dalawa. 016 NEH 007 018 Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't pito. 016 NEH 007 019 Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo't anim na pu't pito. 016 NEH 007 020 Ang mga anak ni Addin, anim na raan at limang pu't lima. 016 NEH 007 021 Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu't walo. 016 NEH 007 022 Ang mga anak ni Hasum, tatlong daan at dalawang pu't walo. 016 NEH 007 023 Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't apat. 016 NEH 007 024 Ang mga anak ni Hariph, isang daan at labing dalawa. 016 NEH 007 025 Ang mga anak ni Gabaon, siyam na pu't lima. 016 NEH 007 026 Ang mga lalake ng Bethlehem, at ng Netopha, isang daan at walong pu't walo. 016 NEH 007 027 Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu't walo. 016 NEH 007 028 Ang mga lalake ng Beth-azmaveth, apat na pu't dalawa. 016 NEH 007 029 Ang mga lalake ng Chiriathjearim, ng Chephra, at ng Beeroth, pitong daan at apat na pu't tatlo. 016 NEH 007 030 Ang mga lalake ng Rama, at ng Gebaa, anim na raan at dalawang pu't isa. 016 NEH 007 031 Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu't dalawa. 016 NEH 007 032 Ang mga lalake ng Beth-el at ng Ai isang daan at dalawang pu't tatlo. 016 NEH 007 033 Ang mga lalake ng isang Nebo, limang pu't dalawa. 016 NEH 007 034 Ang mga anak ng isang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat. 016 NEH 007 035 Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu. 016 NEH 007 036 Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima. 016 NEH 007 037 Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, pitong daan at dalawang pu't isa. 016 NEH 007 038 Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo at siyam na raan at tatlong pu. 016 NEH 007 039 Ang mga saserdote: ang mga anak ni Jedaias sa sangbahayan ni Jesua, siyam na raan at pitong pu't tatlo. 016 NEH 007 040 Ang mga anak ni Immer, isang libo't limang pu't dalawa. 016 NEH 007 041 Ang mga anak ni Pashur, isang libo't dalawang daan at apat na pu't pito. 016 NEH 007 042 Ang mga anak ni Harim, isang libo't labing pito. 016 NEH 007 043 Ang mga Levita: ang mga anak ni Jesua, ni Cadmiel, sa mga anak ni Odevia, pitong pu't apat. 016 NEH 007 044 Ang mga mangaawit: ang mga anak ni Asaph isang daan at apat na pu't walo. 016 NEH 007 045 Ang mga tagatanod-pinto: ang mga anak ni Sallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Accub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, isang daan at tatlong pu't walo. 016 NEH 007 046 Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth; 016 NEH 007 047 Ang mga anak ni Ceros, ang mga anak ni Siaa, ang mga anak ni Phadon: 016 NEH 007 048 Ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Salmai; 016 NEH 007 049 Ang mga anak ni Hanan, ang mga anak ni Giddel, ang mga anak ni Gahar; 016 NEH 007 050 Ang mga anak ni Rehaia, ang mga anak ni Resin, ang mga anak ni Necoda; 016 NEH 007 051 Ang mga anak ni Gazzam, ang mga anak ni Uzza, ang mga anak ni Phasea; 016 NEH 007 052 Ang mga anak ni Besai, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nephisesim; 016 NEH 007 053 Ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacupha, ang mga anak ni Harhur; 016 NEH 007 054 Ang mga anak ni Baslit, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa; 016 NEH 007 055 Ang mga anak ni Barcos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema; 016 NEH 007 056 Ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatipha. 016 NEH 007 057 Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon; ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Sophereth, ang mga anak ni Perida; 016 NEH 007 058 Ang mga anak ni Jahala, ang mga anak ni Darcon, ang mga anak ni Giddel; 016 NEH 007 059 Ang mga anak ni Sephatias, ang mga anak ni Hattil, ang mga anak ni Pochereth-hassebaim, ang mga anak ni Amon. 016 NEH 007 060 Lahat ng Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon, ay tatlong daan at siyam na pu't dalawa. 016 NEH 007 061 At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Telmelah, Telharsa, Cherub, Addon, at Immer: nguni't hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, o ang kanilang binhi man kung mga taga Israel: 016 NEH 007 062 Ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Necoda, anim na raan at apat na pu't dalawa. 016 NEH 007 063 At sa mga saserdote: ang mga anak ni Hobaias, ang mga anak ni Cos, ang mga anak ni Barzillai, na nagasawa sa anak ni Barzillai, na Galaadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan. 016 NEH 007 064 Ang mga ito ay nagsihanap ng kanilang talaan ng lahi sa mga yaon na nangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi, nguni't hindi nasumpungan: kaya't sila'y nangabilang na hawa, at nangaalis sa pagkasaserdote. 016 NEH 007 065 At ang tagapamahala ay nagsabi sa kanila na sila'y huwag magsikain ng mga kabanalbanalang bagay, hangang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at may Thummim. 016 NEH 007 066 Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu't dalawang libo at tatlong daan at anim na pu. 016 NEH 007 067 Bukod sa kanilang mga bataang lalake at babae, na may pitong libo at tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y may dalawang daan at apat na pu't lima na mangaawit na lalake at babae. 016 NEH 007 068 Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu't anim; ang kanilang mga mula, dalawang daan at apat na pu't lima; 016 NEH 007 069 Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu't lima; ang kanilang mga asno, anim na libo't pitong daan at dalawang pu. 016 NEH 007 070 At ang mga iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa gawain. Ang tagapamahala ay nagbigay sa ingatang-yaman ng isang libong darikong ginto, limangpung mangkok, limang daan at tatlong pung bihisan ng mga saserdote. 016 NEH 007 071 At ang iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa ingatang-yaman ng gawain ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libo at dalawang daang librang pilak. 016 NEH 007 072 At ang nangalabi sa bayan ay nangagbigay ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libong librang pilak, at anim na pu't pitong bihisan ng mga saserdote. 016 NEH 007 073 Sa gayo'y ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang iba sa bayan, at ang mga Nethineo, at ang buong Israel, ay nagsitahan sa kanilang mga bayan. At nang dumating ang ikapitong buwan ang mga anak ni Israel ay nangasa kanilang mga bayan. 016 NEH 008 001 At ang buong bayan ay nagpipisan na parang isang lalake sa luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig; at sila'y nangagsalita kay Ezra na kalihim, na dalhin ang aklat ng kautusan ni Moises, na iniutos ng Panginoon sa Israel. 016 NEH 008 002 At dinala ni Ezra na saserdote ang aklat ng kautusan sa harap ng kapisanan, na mga lalake at mga babae, at lahat na makadidinig na may kaalaman nang unang araw ng ikapitong buwan. 016 NEH 008 003 At binasa niya roon sa harap ng luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig, mula sa madaling araw hanggang sa katanghaliang tapat sa harapan ng mga lalake at mga babae, at ng makakaalam: at ang mga pakinig ng buong bayan ay nakikinig sa aklat ng kautusan. 016 NEH 008 004 At si Ezra na kalihim ay tumayo sa pulpitong kahoy, na kanilang ginawa sa panukalang ito; at sa tabi niya ay nakatayo si Mathithias, at si Sema, at si Anaias, at si Urias, at si Hilcias, at si Maasias, sa kaniyang kanan; at sa kaniyang kaliwa, si Pedaias, at si Misael, at si Malchias, at si Hasum, at si Hasbedana, si Zacharias, at si Mesullam. 016 NEH 008 005 At binuksan ni Ezra ang aklat sa paningin ng buong bayan; (sapagka't siya'y nasa mataas sa buong bayan; ) at nang kaniyang buksan, ang buong bayan ay tumayo: 016 NEH 008 006 At si Ezra ay pumuri sa Panginoon, na dakilang Dios. At ang buong bayan ay sumagot: Siya nawa, Siya nawa, na may pagtataas ng kanilang mga kamay: at kanilang iniyukod ang kanilang mga ulo, at nagsisamba sa Panginoon na ang kanilang mga mukha'y nakatungo sa lupa. 016 NEH 008 007 Si Jesua naman, at si Bani, at si Serebias, at si Jamin, si Accub, si Sabethai, si Odias, si Maasias, si Celita, si Azarias, si Jozabed, si Hanan, si Pelaia, at ang mga Levita, ay nangagpakilala sa bayan ng kautusan; at ang bayan ay nakatayo sa kanilang dako. 016 NEH 008 008 At sila'y nagsibasa sa aklat, sa kautusan ng Dios, na maliwanag; at kanilang ibinigay ang kahulugan, na anopa't kanilang nabatid ang binasa. 016 NEH 008 009 At si Nehemias na siyang tagapamahala, at si Ezra na saserdote na kalihim, at ang mga Levita na nangagturo sa bayan, ay nangagsabi sa buong bayan: Ang araw na ito ay banal sa Panginoon ninyong Dios; huwag kayong magsitaghoy, ni magsiiyak man. Sapagka't ang buong bayan ay umiyak, nang kanilang marinig ang mga salita ng kautusan. 016 NEH 008 010 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi sa kanila, Magsilakad kayo ng inyong lakad, magsikain kayo ng taba, at magsiinom kayo ng matamis; at mangagpadala kayo ng mga bahagi roon sa walang naihanda: sapagka't ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon: huwag din kayong mangamanglaw; sapagka't ang kagalakan sa Panginoon ay inyong kalakasan. 016 NEH 008 011 Sa gayo'y napatahimik ng mga Levita ang buong bayan, na sinasabi, Kayo'y magsitahimik, sapagka't ang kaarawan ay banal; ni huwag man kayong mamanglaw. 016 NEH 008 012 At ang buong bayan ay yumaon ng kanilang lakad na nagsikain at nagsiinom at nangagpadala ng mga bahagi, at nangagsayang mainam sapagka't kanilang nabatid ang mga salita na ipinahayag sa kanila. 016 NEH 008 013 At nang ikalawang araw ay nagpipisan ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng buong bayan, ang mga saserdote, at ang mga Levita, kay Ezra na kalihim, upang makinig sa mga salita ng kautusan. 016 NEH 008 014 At kanilang nasumpungang nakasulat sa kautusan, kung paanong iniutos ng Panginoon, sa pamamagitan ni Moises, na ang mga anak ni Israel ay magsitahan sa mga balag sa kapistahan ng ikapitong buwan: 016 NEH 008 015 At kanilang ihahayag at itatanyag sa lahat ng kanilang mga bayan, at sa Jerusalem, na sasabihin: Magsilabas kayo sa bundok, at magsikuha kayo ng mga sanga ng olibo, at ng mga sanga ng olibong gubat, at ng mga sanga ng mirto, at mga sanga ng palma, at mga sanga ng mga mayabong na punong kahoy, upang magsigawa ng mga balag, gaya ng nakasulat. 016 NEH 008 016 Sa gayo'y lumabas ang bayan, at nangagdala sila, at nagsigawa ng mga balag, bawa't isa'y sa bubungan ng kaniyang bahay, at sa kanilang mga looban, at sa mga looban ng bahay ng Dios, at sa luwal na dako ng pintuang-bayan ng tubig, at sa luwal na dako ng pintuang-bayan ng Ephraim. 016 NEH 008 017 At ang buong kapisanan nila na bumalik na mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga balag, at tumahan sa mga balag: sapagka't mula ng mga araw ni Josue na anak ni Nun hanggang sa araw na yaon ay hindi nagsigawa ang mga anak ni Israel ng gayon. At nagkaroon ng totoong malaking kasayahan. 016 NEH 008 018 Gayon din naman araw-araw, mula sa unang araw hanggang sa huling araw, kaniyang binasa ang aklat ng kautusan ng Dios. At kanilang ipinagdiwang ang kapistahan na pitong araw; at sa ikawalong araw ay takdang kapulungan, ayon sa ayos. 016 NEH 009 001 Nang ikadalawang pu't apat na araw nga ng buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno, at may pananamit na magaspang, at may lupa sa ulo nila. 016 NEH 009 002 At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan, at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang mga kasalanan, at ng mga kasamaan ng kanilang mga magulang. 016 NEH 009 003 At sila'y nagsitayo sa kanilang dako, at bumasa sa aklat ng kautusan ng Panginoon nilang Dios ng isang ikaapat na bahagi ng araw; at ang isang ikaapat na bahagi ay nagpahayag ng kasalanan, at nagsisamba sa Panginoon nilang Dios. 016 NEH 009 004 Nang magkagayo'y nagsitayo sa mga baytang ng mga Levita, si Jesua, at si Bani, si Cadmiel, si Sebanias, si Bunni, si Serebias, si Bani at si Chenani, at nagsidaing ng malakas sa Panginoon nilang Dios. 016 NEH 009 005 Nang magkagayo'y ang mga Levita; si Jesua at si Cadmiel, si Bani, at si Hosabnias, si Serebias, si Odaias, si Sebanias, at si Pethaia, ay nagsipagsabi, Kayo'y magsitayo at magsipuri sa Panginoon ninyong Dios na mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan: at purihin ang iyong maluwalhating pangalan, na nataas ng higit sa lahat ng pagpapala at pagpuri. 016 NEH 009 006 Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo. 016 NEH 009 007 Ikaw ang Panginoon na Dios, na siyang pumili kay Abram, at naglabas sa kaniya sa Ur ng mga Caldeo, at nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham. 016 NEH 009 008 At nasumpungan mo ang kaniyang puso na tapat sa harap mo, at nakipagtipan ka sa kaniya, upang ibigay ang lupain ng Cananeo, ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Jebuseo, at ng Gergeseo, upang ibigay sa kaniyang binhi, at tumupad ng iyong mga salita; sapagka't ikaw ay matuwid. 016 NEH 009 009 At iyong nakita ang kadalamhatian ng aming mga magulang sa Egipto, at iyong dininig ang kanilang daing sa tabi ng Dagat na Mapula: 016 NEH 009 010 At nagpakita ka ng mga tanda at mga kababalaghan kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod, at sa buong bayan ng kaniyang lupain; sapagka't iyong nakilala na sila'y nagsigawa na may kapalaluan laban sa kanila; at ipinagimbot mo ikaw ng pangalan gaya sa araw na ito. 016 NEH 009 011 At iyong hinawi ang dagat sa harap nila na anopa't sila'y nagsidaan sa gitna ng dagat sa tuyong lupa; at ang mga manghahabol sa kanila ay iyong ibinulusok sa mga kalaliman na gaya ng isang bato sa malalim na tubig. 016 NEH 009 012 Bukod dito'y iyong pinatnubayan sila sa isang tila haliging ulap sa araw; at sa isang tila haliging apoy sa gabi, upang bigyan sila ng tanglaw sa daan na kanilang lalakaran. 016 NEH 009 013 Ikaw rin naman ay bumaba sa bundok ng Sinai, at nagsalita ka sa kanila mula sa langit, at binigyan mo sila ng mga matuwid na kahatulan at mga tunay na kautusan, mga mabuting palatuntunan at mga utos: 016 NEH 009 014 At ipinakilala mo sa kanila ang iyong banal na sabbath, at nagutos ka sa kanila ng mga utos, at ng mga palatuntunan, at ng kautusan, sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod: 016 NEH 009 015 At nagbigay ka sa kanila ng tinapay na mula sa langit sa kanilang pagkagutom, at nilabasan mo sila ng tubig na mula sa malaking bato sa kanilang pagkauhaw, at inutusan mo sila na magsipasok na ariin ang lupain na iyong isinumpa upang ibigay sa kanila. 016 NEH 009 016 Nguni't sila at ang aming mga magulang ay nagsigawa na may kapalaluan, at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi dininig ang iyong mga utos. 016 NEH 009 017 At nagsitanggi na magsisunod, ni hindi man inalaala ang iyong mga kababalaghan na iyong ginawa sa gitna nila, kundi nagpatigas ng kanilang leeg, at sa kanilang panghihimagsik ay naghalal ng isang punong kawal upang magsibalik sa kanilang pagkabihag. Nguni't ikaw ay Dios na madaling magpatawad, mapagbiyaya at puspos ng kaawaan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kahabagan, at hindi mo pinabayaan sila. 016 NEH 009 018 Oo, nang sila'y magsigawa sa kanila ng isang guyang binubo, at magsabi, Ito ay iyong Dios na nagahon sa iyo mula sa Egipto, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi; 016 NEH 009 019 Gayon ma'y ikaw sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo pinabayaan sila sa ilang: ang tila haliging ulap ay hindi humiwalay sa kanila sa araw, upang patnubayan sila sa daan; ni ang tila haliging apoy man sa gabi, upang pagpakitaan sila ng liwanag at ng daan na kanilang lalakaran. 016 NEH 009 020 Iyo rin namang ibinigay ang iyong mabuting Espiritu upang turuan sila, at hindi mo inaalis ang iyong mana sa kanilang bibig, at bigyan mo sila ng tubig sa kanilang pagkauhaw. 016 NEH 009 021 Oo apat na pung taon na iyong kinandili sila sa ilang, at hindi sila nagkulang ng anoman; ang kanilang mga suot ay hindi naluma, at ang kanilang mga paa ay hindi namaga. 016 NEH 009 022 Bukod dito'y binigyan mo sila ng mga kaharian at mga bayan, na iyong binahagi ayon sa kanilang mga bahagi: sa gayo'y kanilang inari ang lupain ng Sehon, sa makatuwid baga'y ang lupain ng hari sa Hesbon, at ang lupain ni Og na hari, sa Basan. 016 NEH 009 023 Ang kanila namang mga anak ay pinarami mo na gaya ng mga bituin sa langit, at mga ipinasok mo sila sa lupain, tungkol doon sa iyong sinabi sa kanilang mga magulang, na sila'y magsiparoon, upang ariin. 016 NEH 009 024 Sa gayo'y ang mga anak ay pumasok at inari ang lupain, at iyong pinasuko sa harap nila ang mga mananahan sa lupain, ang mga Cananeo, at ibinigay mo sa kanilang mga kamay, pati ng kanilang mga hari, at ang mga bayan ng lupain, upang magawa nila sa kanila kung ano ang kanilang ibigin. 016 NEH 009 025 At sila'y nagsisakop ng mga bayan na nakukutaan, at ng matabang lupain, at nangagari ng mga bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay, ng mga balon na hinukay, ng mga ubasan, at ng mga olibohan, at ng mga punong kahoy na may bungang sagana: na anopa't sila'y nagsikain, at nangabusog, at naging mataba, at nangaaliw sa iyong malaking kagandahang loob. 016 NEH 009 026 Gayon ma'y naging manunuway sila at nanghimagsik laban sa iyo, at tinalikdan ang iyong kautusan, at pinatay ang iyong mga propeta na nangagpatotoo laban sa kanila na sila'y magsipanumbalik sa iyo, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi. 016 NEH 009 027 Kaya't iyong ibinigay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban, na siyang nangagpapanglaw sa kanila: at sa panahon ng kanilang kabagabagan, nang sila'y magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at ayon sa iyong saganang mga kaawaan ay iyong binigyan sila ng mga tagapagligtas, na nangagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kalaban. 016 NEH 009 028 Nguni't pagkatapos ng kanilang kapahingahan, sila'y nagsigawa uli ng kasamaan sa harap mo: kaya't pinabayaan mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na anopa't mga napapanginoon sa kanila: gayon ma'y nang sila'y magsipanumbalik, at magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at madalas na iyong iniligtas sila ayon sa iyong mga kaawaan. 016 NEH 009 029 At sumaksi ka laban sa kanila, upang mangaibalik mo sila sa iyong kautusan. Gayon ma'y nagsigawa sila na may kapalaluan, at hindi dininig ang iyong mga utos, kundi nangagkasala laban sa iyong mga kahatulan, (na kung gawin ng isang tao, siya'y mabubuhay sa kanila, ) at iniurong ang balikat at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi nangakinig. 016 NEH 009 030 Gayon ma'y tiniis mong malaon sila, at sumaksi ka laban sa kanila ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta: gayon ma'y hindi sila nangakinig: kaya't ibinigay mo sila sa kamay ng mga bayan ng mga lupain. 016 NEH 009 031 Gayon ma'y sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo lubos na niwakasan sila, o pinabayaan man sila; sapagka't ikaw ay mapagbiyaya at maawaing Dios. 016 NEH 009 032 Ngayon nga, aming Dios, na dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios, na nagiingat ng tipan at kaawaan, huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga saserdote, at sa aming mga propeta, at sa aming mga magulang, at sa iyong buong bayan, mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito. 016 NEH 009 033 Gayon ma'y banal ka sa lahat na dumating sa amin; sapagka't gumawa kang may pagtatapat, nguni't nagsigawa kaming may kasamaan: 016 NEH 009 034 Kahit ang aming mga hari, ang aming mga pangulo, ang aming mga saserdote, o ang aming mga magulang man, hindi nangagingat ng iyong kautusan, o nakinig man sa iyong mga utos at sa iyong mga patotoo, na iyong ipinatotoo laban sa kanila. 016 NEH 009 035 Sapagka't sila'y hindi nangaglingkod sa iyo sa kanilang kaharian, at sa iyong dakilang kagandahang loob na iyong ipinakita sa kanila, at sa malaki at mabungang lupain na iyong ibinigay sa harap nila, o nagsihiwalay man sila sa kanilang mga masamang gawa. 016 NEH 009 036 Narito, kami ay mga alipin sa araw na ito, at tungkol sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang upang kanin ang bunga niyaon, at ang buti niyaon, narito, kami ay mga alipin doon. 016 NEH 009 037 At ang lupain ay nagbubunga ng marami sa ganang mga hari na iyong inilagay sa amin dahil sa aming mga kasalanan: sila nama'y may kapangyarihan din sa aming mga katawan, at sa aming hayop sa ikapagsasaya nila, at kami ay nangasa malaking kapanglawan. 016 NEH 009 038 At gayon ma'y dahil sa lahat na ito ay tapat na nangakikipagtipan kami, at isinusulat namin; at tinatakdaan ng aming mga prinsipe, ng aming mga Levita, at ng aming mga saserdote. 016 NEH 010 001 Yaon ngang nagsipagtakda ay: si Nehemias, ang tagapamahala, na anak ni Hachalias, at si Sedecias; 016 NEH 010 002 Si Seraias, si Azarias, si Jeremias; 016 NEH 010 003 Si Pashur, si Amarias, si Malchias; 016 NEH 010 004 Si Hattus, si Sebanias, si Malluch; 016 NEH 010 005 Si Harim, si Meremoth, si Obadias; 016 NEH 010 006 Si Daniel, si Ginethon, si Baruch; 016 NEH 010 007 Si Mesullam, si Abias, si Miamin; 016 NEH 010 008 Si Maazias, si Bilgai, si Semeias: ang mga ito'y saserdote. 016 NEH 010 009 At ang mga Levita: sa makatuwid baga'y, si Jesua na anak ni Azanias, si Binnui, sa mga anak ni Henadad, si Cadmiel; 016 NEH 010 010 At ang kanilang mga kapatid, si Sebanias, si Odaia, si Celita, si Pelaias, si Hanan; 016 NEH 010 011 Si Micha, si Rehob, si Hasabias; 016 NEH 010 012 Si Zachur, si Serebias, si Sebanias; 016 NEH 010 013 Si Odaia, si Bani, si Beninu; 016 NEH 010 014 Ang mga puno ng bayan: si Pharos, si Pahath-moab, si Elam, si Zattu, si Bani; 016 NEH 010 015 Si Bunni, si Azgad, si Bebai; 016 NEH 010 016 Si Adonias, si Bigvai, si Adin; 016 NEH 010 017 Si Ater, si Ezekias, si Azur; 016 NEH 010 018 Si Odaia, si Hasum, si Bezai; 016 NEH 010 019 Si Ariph, si Anathoth, si Nebai; 016 NEH 010 020 Si Magpias, si Mesullam, si Hezir; 016 NEH 010 021 Si Mesezabel, Sadoc, si Jadua; 016 NEH 010 022 Si Pelatias, si Hanan, si Anaias; 016 NEH 010 023 Si Hoseas, si Hananias, si Asub; 016 NEH 010 024 Si Lohes, si Pilha, si Sobec; 016 NEH 010 025 Si Rehum, si Hasabna, si Maaseias; 016 NEH 010 026 At si Ahijas, si Hanan, si Anan; 016 NEH 010 027 Si Malluch, si Harim, si Baana. 016 NEH 010 028 At ang nalabi sa bayan, ang mga saserdote, ang mga Levita, ang mga tagatanod-pinto, ang mga mangaawit, ang mga Nethineo, at lahat ng nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain sa kautusan ng Dios, ang kanilang mga asawa, ang kanilang mga anak, na lalake at babae, bawa't may kaalaman at kaunawaan; 016 NEH 010 029 Sila'y nagsilakip sa kanilang mga kapatid, na kanilang mga mahal na tao, at nagsisumpa, at nagsipanumpa, na magsilakad sa kautusan ng Dios, na nabigay sa pamamagitan ni Moises na lingkod ng Dios, at upang magsiganap at magsigawa ng lahat na utos ng Panginoon na aming Panginoon, at ng kaniyang mga kahatulan, at ng kaniyang mga palatuntunan; 016 NEH 010 030 At hindi namin ibibigay ang aming mga anak na babae sa mga bayan ng lupain, o papagaasawahin man ang kanilang mga anak na babae para sa aming mga anak na lalake. 016 NEH 010 031 At kung ang mga bayan ng lupain ay mangagdala ng mga kalakal o ng anomang pagkain sa araw ng sabbath upang ipagbili, na kami ay hindi magsisibili sa kanila sa sabbath, o sa pangiling araw: aming ipagpapahinga ang ikapitong taon, at ang pagsingil ng bawa't utang. 016 NEH 010 032 Kami naman ay nangagpasiya rin sa sarili namin, na makiambag sa taon-taon ng ikatlong bahagi ng isang siklo ukol sa paglilingkod sa bahay ng aming Dios: 016 NEH 010 033 Ukol sa tinapay na handog, at sa palaging handog na harina, at sa palaging handog na susunugin, sa mga sabbath, sa mga bagong buwan sa mga takdang kapistahan, at sa mga banal na bagay at sa mga handog dahil sa kasalanan upang itubos sa Israel, at sa lahat na gawain sa bahay ng aming Dios, 016 NEH 010 034 At kami ay nangagsapalaran, ang mga saserdote, ang mga Levita, at ang bayan, dahil sa kaloob na panggatong upang dalhin sa bahay ng aming Dios, ayon sa mga sangbahayan ng aming mga magulang sa mga panahong takda, taon-taon, upang sunugin sa ibabaw ng dambana ng Panginoon naming Dios, gaya ng nasusulat sa kautusan. 016 NEH 010 035 At upang dalhin ang mga unang bunga ng aming lupa, at ang mga unang bunga ng lahat na bunga ng sarisaring puno ng kahoy, taon-taon, sa bahay ng Panginoon: 016 NEH 010 036 Gayon din ang panganay sa aming mga anak na lalake, at sa aming hayop, gaya ng nasusulat sa kautusan, at ang mga panganay sa aming bakahan at sa aming mga kawan, upang dalhin sa bahay ng aming Dios, sa mga saserdote, na nagsisipangasiwa sa bahay ng aming Dios: 016 NEH 010 037 At upang aming dalhin ang mga unang bunga ng aming harina, at ang aming mga handog na itataas, at ang bunga ng sarisaring punong kahoy, ang alak, at ang langis, sa mga saserdote, sa mga silid ng bahay ng aming Dios; at ang ikasangpung bahagi ng aming lupa sa mga Levita; sapagka't sila, na mga Levita, ay nagsisikuha ng mga ikasangpung bahagi sa lahat na aming mga bayan na bukiran. 016 NEH 010 038 At ang saserdote na anak ni Aaron ay sasama sa mga Levita, pagka ang mga Levita ay nagsisikuha ng mga ikasangpung bahagi; at isasampa ng mga Levita ang ikasangpung bahagi ng mga ikasangpung bahagi sa bahay ng aming Dios, sa mga silid sa loob ng bahay ng kayamanan. 016 NEH 010 039 Sapagka't ang mga anak ni Israel, at ang mga anak ni Levi ay mangagdadala ng mga handog na itataas, na trigo, alak, at langis, sa mga silid, na kinaroroonan ng mga sisidlan ng santuario, at ng mga saserdote na nagsisipangasiwa, at ng mga tagatanod-pinto, at ng mga mangaawit: at hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Dios. 016 NEH 011 001 At ang mga prinsipe ng bayan ay nagsitahan sa Jerusalem: ang nalabi naman sa bayan ay nangagsapalaran upang mangagdala ng isa sa bawa't sangpu na magsisitahan sa Jerusalem na bayang banal, at siyam na bahagi sa ibang mga bayan. 016 NEH 011 002 At pinagpala ng bayan ang lahat na lalake na nagsihandog na kusa na magsisitahan sa Jerusalem. 016 NEH 011 003 Ang mga ito nga ang mga pinuno sa lalawigan na nagsitahan sa Jerusalem: nguni't sa bayan ng Juda ay tumahan bawa't isa sa kaniyang pag-aari sa kanilang mga bayan, sa makatuwid baga'y ang Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon. 016 NEH 011 004 At sa Jerusalem ay nagsitahan ang ilan sa mga anak ni Juda, at sa mga anak ni Benjamin. Sa mga anak ni Juda: si Athaias na anak ni Uzzias, na anak ni Zacarias, na anak ni Amarias, na anak ni Sephatias na anak ni Mahalaleel, sa mga anak ni Phares. 016 NEH 011 005 At si Maasias na anak ni Baruch, na anak ni Col-hoze, na anak ni Hazaias, na anak ni Adaias, na anak ni Joiarib, na anak ni Zacarias, na anak ng Silonita. 016 NEH 011 006 Ang lahat ng mga anak ni Phares na nagsitahan sa Jerusalem, ay apat na raan at anim na pu't walo na mga matapang na lalake. 016 NEH 011 007 At ang mga ito ang mga anak ni Benjamin: si Salu na anak ni Mesullam, na anak ni Joed, na anak ni Pedaias, na anak ni Colaias, na anak ni Maaseias, na anak ni Ithiel, na anak ni Jesaia. 016 NEH 011 008 At sumusunod sa kaniya, si Gabbai, si Sallai, na siyam na raan at dalawang pu't walo. 016 NEH 011 009 At si Joel na anak ni Zichri ay kanilang tagapamahala: at si Jehudas na anak ni Senua ay ikalawa sa bayan. 016 NEH 011 010 Sa mga saserdote: si Jedaias na anak ni Joiarib, si Jachin, 016 NEH 011 011 Si Seraias na anak ni Hilcias, na anak ni Mesullam, na anak ni Sadoc, na anak ni Meraioth, na anak ni Ahitub, na pinuno sa bahay ng Dios, 016 NEH 011 012 At ang kanilang mga kapatid na nagsigawa ng gawain sa bahay, walong daan at dalawang pu't dalawa: at si Adaias na anak ni Jeroham, na anak ni Pelalias, na anak ni Amsi, na anak ni Zacarias, na anak ni Pashur, na anak ni Malchias, 016 NEH 011 013 At ang kaniyang mga kapatid, na mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang, dalawang daan at apat na pu't dalawa: at si Amasai na anak ni Azarael, na anak ni Azai, na anak ni Mesillemoth, na anak ni Imer. 016 NEH 011 014 At ang kanilang mga kapatid, na mga makapangyarihang lalake na matatapang, isang daan at dalawang pu't walo: at ang kanilang tagapamahala ay si Zabdiel na anak ni Gedolim. 016 NEH 011 015 At sa mga Levita; si Semaias na anak ni Hassub, na anak ni Azricam, na anak ni Hasabias, na anak ni Buni; 016 NEH 011 016 At si Sabethai at si Jozabad, sa mga pinuno ng mga Levita, na siyang nagsipamahala sa mga gawain sa labas sa bahay ng Dios; 016 NEH 011 017 At si Mattanias, na anak ni Micha, na anak ni Zabdi, na anak ni Asaph, na siyang pinuno upang magpasimula na magpasalamat sa panalangin, at si Bacbucias, sa ikalawa sa kaniyang mga kapatid; at si Abda na anak ni Samua, na anak ni Galal, na anak ni Jeduthun. 016 NEH 011 018 Lahat na Levita sa bayang banal, dalawang daan at walong pu't apat. 016 NEH 011 019 Bukod dito'y ang mga tagatanod-pinto, na si Accub, si Talmon, at ang kanilang mga kapatid, na nangagbabantay sa mga pintuang-bayan, ay isang daan at pitong pu't dalawa. 016 NEH 011 020 At ang nalabi sa Israel, sa mga saserdote, sa mga Levita, ay nangasa lahat na bayan ng Juda, bawa't isa'y sa kaniyang mana. 016 NEH 011 021 Nguni't ang mga Nethineo ay nagsitahan sa Ophel: at si Siha at si Gispa ay nasa mga Nethineo. 016 NEH 011 022 Ang tagapamahala naman sa mga Levita sa Jerusalem ay si Uzzi na anak ni Bani, na anak ni Hasabias, na anak ni Mattanias, na anak ni Micha, sa mga anak ni Asaph, na mga mangaawit, na nasa mga gawain sa bahay ng Dios. 016 NEH 011 023 Sapagka't may utos na mula sa hari tungkol sa kanila, at takdang pagkain na ukol sa mga mangaawit, ayon sa kailangan sa bawa't araw. 016 NEH 011 024 At si Pethahias na anak ni Mesezabel, sa mga anak ni Zerah, na anak ni Juda, ay nasa kapangyarihan ng hari sa lahat ng bagay na tungkol sa bayan. 016 NEH 011 025 At tungkol sa mga nayon, pati ng kanilang mga bukid, ang ilan sa mga anak ni Juda ay nagsitahan sa Chiriat-arba at sa mga nayon niyaon, at sa Dibon at sa mga nayon niyaon, at sa Jecabzeel at sa mga nayon niyaon; 016 NEH 011 026 At sa Jesua, at sa Moladah, at sa Beth-pelet; 016 NEH 011 027 At sa Hasar-sual, at sa Beerseba at sa mga nayon niyaon; 016 NEH 011 028 At sa Siclag, at sa Mechona at sa mga nayon niyaon; 016 NEH 011 029 At sa En-rimmon, at sa Soreah, at sa Jarmuth; 016 NEH 011 030 Sa Zanoah, sa Adullam, at sa mga nayon niyaon, sa Lachis, at sa mga parang niyaon, sa Azeca at sa mga nayon niyaon. Gayon sila nagsihantong mula sa Beer-seba hanggang sa libis ni Hinnom. 016 NEH 011 031 Ang mga anak ni Benjamin naman ay nagsitahan mula sa Geba, hanggang sa Michmas at sa Aia, at sa Beth-el at sa mga nayon niyaon; 016 NEH 011 032 At sa Anathoth, sa Nob, sa Ananiah; 016 NEH 011 033 Sa Hasor, sa Rama, sa Gitthaim; 016 NEH 011 034 Sa Hadid, sa Seboim, sa Neballath; 016 NEH 011 035 Sa Lod, at sa Ono, na libis ng mga manggagawa. 016 NEH 011 036 At sa mga Levita ay ang ibang mga bahagi sa Juda na pumisan sa Benjamin. 016 NEH 012 001 Ang mga ito nga ang mga saserdote at ang mga Levita na nagsisampa na kasama ni Zorobabel na anak ni Sealthiel, at ni Jesua: si Seraias, si Jeremias, si Ezra; 016 NEH 012 002 Si Amarias; si Malluch, si Hartus; 016 NEH 012 003 Si Sechanias, si Rehum, si Meremoth; 016 NEH 012 004 Si Iddo, si Ginetho, si Abias; 016 NEH 012 005 Si Miamin, si Maadias, si Bilga; 016 NEH 012 006 Si Semaias, at si Joiarib, si Jedaias; 016 NEH 012 007 Si Sallum, si Amoc, si Hilcias, si Jedaias. Ang mga ito'y ang mga pinuno sa mga saserdote at sa kanilang mga kapatid sa mga kaarawan ni Jesua. 016 NEH 012 008 Bukod dito'y ang mga Levita: si Jesua, si Binnui, si Cadmiel, si Serebias, si Juda, at si Mathanias, na namamahala sa pagpapasalamat, siya at ang kaniyang mga kapatid. 016 NEH 012 009 Si Bacbucias, naman at si Unni, na kanilang mga kapatid, ay nagkakaharapan sa kanikaniyang pulutong. 016 NEH 012 010 At naging anak ni Jesua si Joiacim, at naging anak ni Joiacim si Eliasib, at naging anak ni Eliasib, si Joiada, 016 NEH 012 011 At naging anak ni Joiada si Jonathan at naging anak ni Jonathan si Jaddua. 016 NEH 012 012 At sa mga kaarawan ni Joiacim, ay mga saserdote, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang: kay Seraias, si Meraias; kay Jeremias, si Hananias; 016 NEH 012 013 Kay Ezra, si Mesullam; kay Amarias, si Johanan; 016 NEH 012 014 Kay Melicha si Jonathan; kay Sebanias, si Joseph; 016 NEH 012 015 Kay Harim, si Adna; kay Meraioth, si Helcai; 016 NEH 012 016 Kay Iddo, si Zacarias; kay Ginnethon, si Mesullam; 016 NEH 012 017 Kay Abias, si Zichri; kay Miniamin, kay Moadias, si Piltai; 016 NEH 012 018 Kay Bilga, si Sammua; kay Semaias, si Jonathan; 016 NEH 012 019 At kay Joiarib, si Mathenai; kay Jedaias, si Uzzi; 016 NEH 012 020 Kay Sallai, si Callai; kay Amoc, si Eber; 016 NEH 012 021 Kay Hilcias, si Hasabias; kay Jedaias, si Nathanael. 016 NEH 012 022 Ang mga Levita sa mga kaarawan ni Eliasib, ni Joiada, at ni Johanan, at ni Jaddua, ay nangasulat sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang: gayon din ang mga saserdote sa paghahari ni Dario na taga Persia. 016 NEH 012 023 Ang mga anak ni Levi, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ay nangasulat sa aklat ng mga alaala, hanggang sa mga kaarawan ni Johanan na anak ni Eliasib. 016 NEH 012 024 At ang mga pinuno ng mga Levita: si Hasabias, si Serabias, si Jesua na anak ni Cadmiel, na may mga kapatid na nangasa tapat nila upang magsipuri at nangagpasalamat, ayon sa utos ni David na lalake ng Dios, sa pulutong at pulutong. 016 NEH 012 025 Si Mathanias, at si Bucbucias, si Obadias, si Mesullam, si Talmon, si Accub, ay mga tagatanod-pinto, na nangagbabantay sa mga kamalig ng mga pintuang-bayan. 016 NEH 012 026 Ang mga ito'y sa mga kaarawan ni Joiacim, na anak ni Jesua, na anak ni Josadac, at sa mga kaarawan ni Nehemias na tagapamahala, at ng saserdoteng Ezra na kalihim. 016 NEH 012 027 At sa pagtatalaga ng kuta ng Jerusalem ay kanilang hinanap ang mga Levita mula sa lahat nilang dako upang dalhin nila sila sa Jerusalem, na ipagdiwang ang pagtatalaga na may kasayahan, na may mga pagpapasalamat, at may mga awitan din may mga cimbalo, mga salterio, at may mga alpa. 016 NEH 012 028 At ang mga anak ng mga mangaawit ay nagpipisan mula sa kapatagan ng palibot ng Jerusalem, at mula sa mga nayon ng mga Netophatita; 016 NEH 012 029 Mula rin naman sa Beth-gilgal, at mula sa mga parang ng Geba at ng Azmaveth: sapagka't nangagtayo sa ganang kanila ang mga mangaawit ng mga nayon sa palibot ng Jerusalem. 016 NEH 012 030 At ang mga saserdote at ang mga Levita ay nangagpakalinis; at kanilang nilinis ang bayan, at ang mga pintuang-bayan, at ang kuta. 016 NEH 012 031 Nang magkagayo'y isinampa ko ang mga prinsipe sa Juda sa ibabaw ng kuta, at akin silang pinapagdalawang malaking pulutong na nangagpasalamat at nagsiyaong sunodsunod; na ang isa'y lumalakad sa kanan sa ibabaw ng kuta sa dako ng pintuang-bayan ng tapunan ng dumi; 016 NEH 012 032 At sumusunod sa kanila si Osaias, at ang kalahati sa mga prinsipe sa Juda, 016 NEH 012 033 At si Azarias, si Ezra, at si Mesullam, 016 NEH 012 034 Si Juda, at si Benjamin, at si Semaias, at si Jeremias, 016 NEH 012 035 At ang iba sa mga anak ng mga saserdote na may mga pakakak: si Zacarias na anak ni Jonathan, na anak ni Semaias, na anak ni Mathanias, na anak ni Micaya, na anak ni Zacur, na anak ni Asaph; 016 NEH 012 036 At ang kaniyang mga kapatid, na si Semaias, at si Azarel, si Milalai, si Gilalai, si Maai, si Nathanael, at si Juda, si Hanani, na may mga panugtog ng tugtugin ni David na lalake ng Dios; at si Ezra na kalihim ay nasa unahan nila: 016 NEH 012 037 At sa tabi ng pintuang-bayan ng bukal, at nagtuwid sila sa harapan nila, na sila'y nagsisampa sa mga baytang ng bayan ni David sa sampahan sa kuta, sa ibabaw ng bahay ni David, hanggang sa pintuang-bayan ng tubig sa dakong silanganan. 016 NEH 012 038 At ang isang pulutong nila na nagpapasalamat ay yumaong sinalubong sila, at ako'y sa hulihan nila, na kasama ko ang kalahati ng bayan sa ibabaw ng kuta, sa itaas ng moog ng mga hurno, hanggang sa maluwang na kuta; 016 NEH 012 039 At sa ibabaw ng pintuang-bayan ng Ephraim, at sa matandang pintuang-bayan at sa pintuang-bayan ng mga isda, at sa moog ng Hananel, at sa moog ng Meah, hanggang sa pintuang-bayan ng mga tupa: at sila'y nagsitayong nangakatigil sa pintuang-bayan ng bantay. 016 NEH 012 040 Sa gayo'y nagsitayo ang dalawang pulutong nila na nangagpasalamat sa bahay ng Dios, at ako, at ang kalahati sa mga pinuno na kasama ko. 016 NEH 012 041 At ang mga saserdote, si Eliacim, si Maaseias, si Miniamin, si Michaias, si Elioenai, si Zacarias, at si Hananias, na may mga pakakak; 016 NEH 012 042 At si Maaseias, at si Semeias, at si Eleazar, at si Uzzi, at si Johanan, at si Malchias, at si Elam, at si Ezer. At ang mga mangaawit ay nagsiawit ng malakas, na kasama si Jezrahias, na tagapamahala sa kanila. 016 NEH 012 043 At sila'y nangaghandog ng malalaking hain ng araw na yaon, at nangagalak; sapagka't sila'y pinapagkatuwa ng Dios ng di kawasa; at ang mga babae naman at ang mga bata ay nangagalak: na anopa't ang kagalakan ng Jerusalem ay narinig hanggang sa malayo. 016 NEH 012 044 At nang araw na yaon ay nahalal ang ilan sa mga lalake sa mga silid na ukol sa mga kayamanan, sa mga handog na itataas, sa mga unang bunga, at sa mga ikasangpung bahagi, upang pisanin sa mga yaon, ayon sa mga bukid ng mga bayan, na mga bahaging takda ng kautusan sa mga saserdote at mga Levita: sapagka't kinagagalakan ng Juda ang mga saserdote at mga Levita na nagsitayo. 016 NEH 012 045 At sila'y nangagingat ng tungkulin sa kanilang Dios, at ng tungkulin sa paglilinis, at gayong ginawa ng mga mangaawit at mga tagatanod-pinto, ayon sa utos ni David, at ni Salomon sa kaniyang anak. 016 NEH 012 046 Sapagka't sa mga kaarawan ni David at ni Asaph ng una ay may pinuno sa mga mangaawit, at mga awit na pagpuri at pasasalamat sa Dios. 016 NEH 012 047 At ang buong Israel sa mga kaarawan ni Zorobabel, at sa mga kaarawan ni Nehemias, ay nangagbigay ng mga bahagi ng mga mangaawit, at mga tagatanod-pinto, ayon sa kailangan sa bawa't araw: at kanilang itinalaga sa mga Levita; at itinalaga ng mga Levita sa mga anak ni Aaron. 016 NEH 013 001 Nang araw na yaon ay bumasa sila sa aklat ni Moises sa pakinig ng bayan; at doo'y nasumpungang nakasulat, na ang Ammonita at Moabita, ay huwag papasok sa kapulungan ng Dios magpakailan man. 016 NEH 013 002 Sapagka't hindi nila sinalubong ang mga anak ni Israel ng tinapay at ng tubig, kundi inupahan si Balaam laban sa kanila, upang sumpain sila: gayon ma'y pinapaging pagpapala ng aming Dios ang sumpa. 016 NEH 013 003 At nangyari, nang kanilang marinig ang kautusan, na inihiwalay nila sa Israel ang buong karamihang halohalo. 016 NEH 013 004 Bago nga nangyari ito, si Eliasib na saserdote, na nahalal sa mga silid ng bahay ng aming Dios, palibhasa'y nakipisan kay Tobias. 016 NEH 013 005 Ay ipinaghanda siya ng isang malaking silid, na kinasisidlan noong una ng mga handog na harina, ng mga kamangyan, at ng mga sisidlan, at ng mga ikasangpung bahagi ng trigo, ng alak, at ng langis, na nabigay sa pamamagitan ng utos sa mga Levita, at sa mga mangaawit, at sa mga tagatanod-pinto; at ang mga handog na itataas na ukol sa mga saserdote. 016 NEH 013 006 Nguni't sa buong panahong ito ay wala ako sa Jerusalem: sapagka't sa ikatatlong pu't dalawang taon ni Artajerjes na hari sa Babilonia ay naparoon ako sa hari, at pagkatapos ng ilang araw ay nagpaalam ako sa hari: 016 NEH 013 007 At ako'y naparoon sa Jerusalem, at naalaman ko ang kasamaang ginawa ni Eliasib tungkol kay Tobias, sa paghahanda niya sa kaniya ng isang silid sa mga looban ng bahay ng Dios. 016 NEH 013 008 At ikinamanglaw kong mainam: kaya't aking inihagis ang lahat na kasangkapan ni Tobias sa labas ng silid. 016 NEH 013 009 Nang magkagayo'y nagutos ako, at nilinis nila ang mga silid; at dinala ko uli roon ang mga sisidlan ng bahay ng Dios pati ng mga handog na harina at ng kamangyan. 016 NEH 013 010 At nahalata ko na ang mga bahagi ng mga Levita ay hindi nangabigay sa kanila; na anopa't ang mga Levita, at ang mga mangaawit na nagsisigawa ng gawain, ay nangagsitakas bawa't isa sa kanikaniyang bukid. 016 NEH 013 011 Nang magkagayo'y nakipagtalo ako sa mga pinuno, at sinabi ko, Bakit pinabayaan ang bahay ng Dios? At pinisan ko sila, at inilagay sa kanilang kalagayan. 016 NEH 013 012 Nang magkagayo'y dinala ng buong Juda ang ikasangpung bahagi ng trigo at ng alak at ng langis sa mga ingatang-yaman. 016 NEH 013 013 At ginawa kong mga tagaingat-yaman sa mga ingatang-yaman, si Selemias na saserdote, at si Sadoc na kalihim, at sa mga Levita, si Pedaias: at kasunod nila ay si Hanan na anak ni Zaccur, na anak ni Mathanias: sapagka't sila'y nangabilang na tapat, at ang kanilang mga katungkulan ay magbahagi sa kanilang mga kapatid. 016 NEH 013 014 Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, tungkol dito, at huwag mong pawiin ang aking mga mabuting gawa na aking ginawa sa ikabubuti ng bahay ng aking Dios, at sa pagganap ng kaugaliang paglilingkod doon. 016 NEH 013 015 Nang mga araw na yaon ay nakita ko sa Juda ang ilang nagpipisa sa mga ubasan sa sabbath, at nagdadala ng mga uhay, at nangasasakay sa mga asno; gaya naman ng alak, mga ubas, at mga higos, at lahat na sarisaring pasan, na kanilang ipinapasok sa Jerusalem sa araw ng sabbath: at ako'y nagpatotoo laban sa kanila sa kaarawan na kanilang ipinagbibili ang mga pagkain. 016 NEH 013 016 Doo'y nagsisitahan naman ang mga taga Tiro, na nangagpapasok ng isda, at ng sarisaring kalakal, at nangagbibili sa sabbath sa mga anak ni Juda, at sa Jerusalem. 016 NEH 013 017 Nang magkagayo'y nakipagtalo ako sa mga mahal na tao sa Juda, at sinabi ko sa kanila, Anong masamang bagay itong inyong ginagawa, at inyong nilalapastangan ang araw ng sabbath? 016 NEH 013 018 Hindi ba nagsigawa ng ganito ang inyong mga magulang, at hindi ba dinala ng ating Dios ang buong kasamaang ito sa atin, at sa bayang ito? gayon ma'y nangagdala pa kayo ng higit na pag-iinit sa Israel, sa paglapastangan ng sabbath. 016 NEH 013 019 At nangyari, na nang ang pintuang-bayan ng Jerusalem ay magpasimulang magdilim bago dumating ang sabbath, aking iniutos na ang mga pintuan ay sarhan, at iniutos ko na huwag nilang buksan hanggang sa makaraan ang sabbath: at ang ilan sa aking mga lingkod ay inilagay ko sa mga pintuang-bayan, upang walang maipasok na pasan sa araw ng sabbath. 016 NEH 013 020 Sa gayo'y ang mga mangangalakal at manininda ng sarisaring kalakal, ay nangatigil sa labas ng Jerusalem na minsan o makalawa. 016 NEH 013 021 Nang magkagayo'y nagpatotoo ako laban sa kanila, at nagsabi sa kanila, Bakit nagsisitigil kayo sa may kuta? kung kayo'y magsigawa uli ng ganiyan, aking pagbubuhatan ng kamay kayo. Mula nang panahong yaon ay hindi na sila naparoon pa ng sabbath. 016 NEH 013 022 At ako'y nagutos sa mga Levita na sila'y mangagpakalinis, at sila'y magsiparoon, at ingatan ang mga pintuang-bayan, upang ipangilin ang araw ng sabbath. Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, dito man, at kahabagan mo ako ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan. 016 NEH 013 023 Nang mga araw namang yaon ay nakita ko ang mga Judio na nangagaasawa sa mga babae ng Asdod, ng Ammon, at ng Moab: 016 NEH 013 024 At ang kanilang mga anak ay nagsasalita ng kalahati sa wikang Asdod, at hindi makapagsalita ng wikang Judio, kundi ayon sa wika ng bawa't bayan. 016 NEH 013 025 At ako'y nakipagtalo sa kanila, at sinumpa ko sila, at sinaktan ko ang iba sa kanila, at sinabunutan ko sila, at pinasumpa ko sila sa pamamagitan ng Dios, na sinasabi ko, Kayo'y huwag mangagbibigay ng inyong mga anak na babae na maging asawa sa kanilang mga anak na lalake, ni magsisikuha man ng kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake, o sa inyong sarili. 016 NEH 013 026 Hindi ba nagkasala si Salomon na hari sa Israel sa pamamagitan ng mga bagay na ito? gayon man sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya; at siya'y minahal ng kaniyang Dios, at ginawa siyang hari ng Dios sa buong Israel: gayon ma'y pinapagkasala rin siya ng mga babaing taga ibang lupa. 016 NEH 013 027 Didinggin nga ba namin kayo na inyong gawin ang lahat na malaking kasamaang ito, na sumalangsang laban sa ating Dios sa pagaasawa sa mga babaing taga ibang lupa? 016 NEH 013 028 At isa sa mga anak ni Joiada, na anak ni Eliasib na dakilang saserdote, ay manugang ni Sanballat na Horonita: kaya't aking pinalayas siya sa akin. 016 NEH 013 029 Alalahanin mo sila, Oh Dios ko, sapagka't kanilang dinumhan ang pagkasaserdote, at ang tipan ng pagkasaserdote at ng sa mga Levita. 016 NEH 013 030 Ganito ko nilinis sila sa lahat ng taga ibang lupa, at tinakdaan ko ng mga katungkulan ang mga saserdote at ang mga Levita, na bawa't isa'y sa kaniyang gawain; 016 NEH 013 031 At tungkol sa kaloob na panggatong, sa mga takdang panahon, at tungkol sa mga unang bunga. Alalahanin mo ako, Oh Dios ko, sa ikabubuti. # # BOOK 017 EST Esther Ester 017 EST 001 001 Nangyari nga, sa mga kaarawan ni Assuero, (ito ang Assuero na naghari, mula sa India hanggang sa Etiopia, sa isang daan at dalawang pu't pitong lalawigan: ) 017 EST 001 002 Na sa mga kaarawang yaon, nang maupo ang haring Assuero sa luklukan ng kaniyang kaharian, na nasa Susan na bahay-hari, 017 EST 001 003 Sa ikatlong taon ng kaniyang paghahari, siya'y gumawa ng isang kapistahan sa kaniyang lahat na mga prinsipe, at mga lingkod niya; ang kapangyarihan ng Persia at Media, ang mga mahal na tao at mga prinsipe, ng mga lalawigan ay nangasa harap nga niya: 017 EST 001 004 Nang kaniyang ipakita ang mga kayamanan ng kaniyang maluwalhating kaharian at ang karangalan ng kaniyang marilag na kamahalan na malaong araw, na isang daan at walong pung araw. 017 EST 001 005 At nang maganap ang mga kaarawang ito, ang hari ay nagdaos ng isang kapistahan sa buong bayan na nangasa Susan na bahay-hari sa mataas at gayon din sa mababa, na pitong araw, sa looban ng halamanan ng bahay ng hari; 017 EST 001 006 Na may tabing na kayong puti, verde, at bughaw, na naiipit ng mga panaling mainam na lino at ng kulay ube sa mga singsing na pilak at mga haliging marmol: na ang mga hiligan ay ginto at pilak, sa isang lapag na mapula, at maputi, at madilaw, at maitim na marmol. 017 EST 001 007 At sila'y nangagbigay sa kanila ng inumin sa mga sisidlang ginto, (na ang mga sisidlan ay magkakaiba, ) at saganang alak hari, ayon sa kasaganaan ng hari. 017 EST 001 008 At ang paginom ay ayon sa kautusan; walang pagpilit: sapagka't gayon ibinilin ng hari sa lahat na pinuno ng kaniyang bahay, na kanilang gawin ayon sa kalooban ng bawa't isa. 017 EST 001 009 Si Vasthi na reina naman ay nagdaos ng kapistahan sa mga babae sa bahay-hari na ukol sa haring Assuero. 017 EST 001 010 Nang ikapitong araw, nang masayahan ang puso ng hari sa pamamagitan ng alak, kaniyang iniutos kay Mehuman, kay Biztha, kay Harbona, kay Bigtha, at kay Abagtha, kay Zetar, at kay Carcas, na pitong kamarero na nangaglilingkod sa harapan ng haring Assuero. 017 EST 001 011 Na dalhin si Vasthi na reina na may putong pagkareina sa harap ng hari, upang ipakita sa mga tao at sa mga prinsipe ang kaniyang kagandahan: sapagka't siya'y may magandang anyo. 017 EST 001 012 Nguni't ang reinang si Vasthi ay tumanggi na pumaroon sa utos ng hari sa pamamagitan ng mga kamarero: kaya't ang hari ay lubhang naginit, at ang kaniyang galit ay nagalab sa kaniya. 017 EST 001 013 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa mga pantas na nakakaalam ng mga panahon (sapagka't gayon ang paraan ng hari sa lahat na nakakaalam ng kautusan at ng kahatulan. 017 EST 001 014 At ang sumusunod sa kaniya ay si Carsena, si Sethar, si Admatha, si Tharsis, si Meres, si Marsena, at si Memucan, na pitong prinsipe sa Persia at Media, na nangakakita ng mukha ng hari, at nangaupong una sa kaharian, 017 EST 001 015 Anong ating gagawin sa reinang si Vasthi ayon sa kautusan, sapagka't hindi niya sinunod ang bilin ng haring Assuero sa pamamagitan ng mga kamarero? 017 EST 001 016 At si Memucan ay sumagot sa harap ng hari at ng mga prinsipe: Ang reinang si Vasthi ay hindi lamang sa hari nagkasala, kundi pati sa lahat na prinsipe, at sa lahat ng mga bayan na nangasa lahat na lalawigan ng haring Assuero. 017 EST 001 017 Sapagka't ang gawang ito ng reina ay kakalat sa lahat ng babae, upang hamakin ang kanilang mga asawa sa harap ng kanilang mga mata, pagka nabalitaan: Ang haring Assuero ay nagpautos kay Vasthi na reina, na dalhin sa harap niya, nguni't hindi siya naparoon. 017 EST 001 018 At sa araw na ito ay lahat na asawa ng mga prinsipe sa Persia at Media, na nangakabalita ng gawang ito ng reina ay mangagsasabi ng gayon sa lahat na prinsipe ng hari. Na anopa't kasasanghian ng maraming pagkahamak at pagkapoot. 017 EST 001 019 Kung kalulugdan ng hari, maglabas ng utos hari sa ganang hari, at isulat sa mga kautusan ng mga taga Persia at mga Medo, upang huwag mabago, na si Vasthi ay huwag nang pumaroon sa harap ng haring Assuero; at ibigay ng hari ang kaniyang kalagayang reina sa iba na maigi kay sa kaniya. 017 EST 001 020 At pagka ang pasiya ng hari na kaniyang isasagawa ay mahahayag sa lahat niyang kaharian, (sapagka't dakila, ) lahat ng babae ay mangagbibigay sa kanilang mga asawa ng karangalan, sa mataas at gayon din sa mababa. 017 EST 001 021 At ang sabi ay nakalugod sa hari at sa mga prinsipe; at ginawa ng hari ang ayon sa salita ni Memucan: 017 EST 001 022 Sapagka't siya'y nagpadala ng mga sulat sa lahat ng mga lalawigan ng hari, sa bawa't lalawigan, ayon sa sulat noon, at sa bawa't bayan ayon sa kanilang wika, na ang bawa't lalake ay magpupuno sa kaniyang sariling bahay at mahahayag ayon sa wika ng kaniyang bayan. 017 EST 002 001 Pagkatapos ng mga bagay na ito, nang mapayapa ang pagiinit ng haring Assuero kaniyang inalaala si Vasthi, at kung ano ang kaniyang ginawa, at kung ano ang ipinasiya laban sa kaniya. 017 EST 002 002 Nang magkagayo'y sinabi ng mga lingkod ng hari na nagsisipaglingkod sa kaniya: Ihanap ng magagandang batang dalaga ang hari: 017 EST 002 003 At maghalal ang hari ng mga pinuno sa lahat ng mga lalawigan ng kaniyang kaharian, upang kanilang mapisan ang lahat na magandang batang dalaga sa Susan na bahay-hari, sa bahay ng mga babae, sa pamamahala ni Hegai, na kamarero ng hari, na tagapagingat ng mga babae; at ibigay sa kanila ang kanilang mga bagay na kailangan sa paglilinis: 017 EST 002 004 At ang dalaga na kalugdan ng hari ay maging reina na kahalili ni Vasthi. At ang bagay ay nakalugod sa hari; at ginawa niyang gayon. 017 EST 002 005 May isang Judio sa Susan na bahay-hari, na ang pangala'y Mardocheo, na anak ni Jair, na anak ni Simi, na anak ni Cis na Benjamita; 017 EST 002 006 Na nadala mula sa Jerusalem na kasama ng mga bihag na nangadalang kasama ni Jechonias na hari sa Juda, na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia. 017 EST 002 007 At pinalaki niya si Hadasa, sa makatuwid baga'y si Esther, na anak na babae ng kaniyang amain: sapagka't siya'y wala kahit ama o ina man, at ang dalaga ay maganda at may mabuting anyo; at nang mamatay ang kaniyang ama't ina inari siya ni Mardocheo na parang tunay na anak. 017 EST 002 008 Sa gayo'y nangyari nang mabalitaan ang utos ng hari at ang kaniyang pasiya, at nang napipisan ang maraming dalaga sa Susan na bahay-hari, sa pamamahala ni Hegai, na si Esther ay dinala sa bahay ng hari, sa pamamahala ni Hegai, na tagapagingat sa mga babae. 017 EST 002 009 At ang dalaga ay nakalugod sa kaniya, at nilingap niya; at nagbigay siyang madali sa kaniya ng mga bagay na ukol sa paglilinis, pati ng mga bahagi niya, at ng pitong dalaga na marapat na ibigay sa kaniya, na mula sa bahay ng hari: at inilipat niya siya at ang kaniyang mga dalaga sa pinaka mabuting dako ng bahay ng mga babae. 017 EST 002 010 Hindi ipinakilala ni Esther ang kaniyang bayan o ang kaniyang kamaganakan man; sapagka't ibinilin sa kaniya ni Mardocheo na huwag niyang ipakilala. 017 EST 002 011 At si Mardocheo ay lumakad araw-araw sa harap ng looban ng bahay ng mga babae, upang maalaman kung anong ginagawa ni Esther, at kung ano ang mangyayari sa kaniya. 017 EST 002 012 Nang sumapit nga ang paghahalihalili ng bawa't dalaga na pasukin ang haring Assuero, pagkatapos na magawa sa kaniya ang ayon sa kautusan sa mga babae, na labing dalawang buwan, (sapagka't ganito nagaganap ang mga araw ng kanilang paglilinis, sa makatuwid baga'y anim na buwan na ma'y langis na mirra, at anim na buwan na may mainam na pabango, at ng mga bagay na ukol sa paglilinis ng mga babae.) 017 EST 002 013 Sa ganito ngang paraan naparoroon ang dalaga sa hari: Na anomang kaniyang nasain ay ibinibigay sa kaniya upang yumaong kasama niya na mula sa bahay ng mga babae hanggang sa bahay ng hari. 017 EST 002 014 Sa kinahapunan ay naparoroon siya, at sa kinaumagahan ay bumabalik siya sa ikalawang bahay ng mga babae, sa pamamahala ni Saasgaz, na kamarero ng hari, na nagiingat sa mga babae; hindi na niya pinapasok ang hari malibang ang hari ay malugod sa kaniya, at siya'y tawagin sa pangalan. 017 EST 002 015 Nang sumapit ang paghalili nga ni Esther, na anak ni Abihail, na amain ni Mardocheo, na umaring anak kay Esther, upang pasukin ang hari, wala siyang tinamong anoman, kundi ang ibinigay ni Hegai na kamarero ng hari, na tagapagingat sa mga babae. At si Esther ay nilingap ng lahat na nakakita sa kaniya. 017 EST 002 016 Sa gayo'y dinala si Esther sa haring Assuero sa loob ng kaniyang bahay-hari, nang ikasangpung buwan na siyang buwan ng Tebeth nang ikapitong taon ng kaniyang paghahari. 017 EST 002 017 At sininta ng hari si Esther ng higit kay sa lahat na babae, at siya'y nilingap at minahal na higit kay sa lahat na dalaga; na anopa't kaniyang ipinutong ang putong na pagkareina sa kaniyang ulo, at ginawa siyang reina na kahalili ni Vasthi. 017 EST 002 018 Nang magkagayo'y gumawa ang hari ng malaking kapistahan sa kaniyang lahat na prinsipe at kaniyang mga lingkod, sa makatuwid baga'y kapistahan ni Esther; at siya'y gumawa ng pagpapatawad ng sala sa mga lalawigan, at nagbigay ng mga kaloob, ayon sa kalooban ng hari. 017 EST 002 019 At nang mapisan na ikalawa ang mga dalaga, naupo nga si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari. 017 EST 002 020 Hindi pa ipinakikilala ni Esther ang kaniyang kamaganakan o ang kaniyang bayan man; gaya ng ibinilin sa kaniya ni Mardocheo: sapagka't ginawa ni Esther ang utos ni Mardocheo, na gaya ng siya'y palakihing kasama niya. 017 EST 002 021 Sa mga araw na yaon, samantalang nauupo si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari, dalawa sa kamarero ng hari, si Bigthan at si Teres, sa nangagiingat ng pintuan, ay nangapoot at nangagaakalang buhatan ng kamay ang haring Assuero. 017 EST 002 022 At ang bagay ay naalaman ni Mardocheo na siyang nagturo kay Esther na reina: at sinaysay ni Esther sa hari, sa pangalan ni Mardocheo. 017 EST 002 023 At nang siyasatin ang bagay at masumpungang gayon, sila'y kapuwa binigti sa punong kahoy: at nasulat sa aklat ng mga alaala sa harap ng hari. 017 EST 003 001 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dinakila ng haring Assuero si Aman na anak ni Amedatha na Agageo, at pinataas siya, at inilagay ang kaniyang upuan na mataas kay sa lahat na prinsipe na kasama niya. 017 EST 003 002 At lahat ng mga lingkod ng hari na nangasa pintuang-daan ng hari, ay nagsiyukod at nagsigalang kay Aman; sapagka't iniutos na gayon ng hari tungkol sa kaniya. Nguni't si Mardocheo ay hindi yumukod, o gumalang man sa kaniya. 017 EST 003 003 Nang magkagayo'y sinabi ng mga lingkod ng hari na nangasa pintuang-daan ng hari kay Mardocheo: Bakit mo sinasalangsang ang utos ng hari? 017 EST 003 004 Nangyari nga, nang sila'y mangagsalita araw-araw sa kaniya, at hindi niya dinggin sila, na kanilang sinaysay kay Aman, upang makita kung mangyayari ang bagay ni Mardocheo: sapagka't sinaysay niya sa kanila na siya'y Judio. 017 EST 003 005 At nang makita ni Aman na si Mardocheo ay hindi yumuyukod, o gumagalang man sa kaniya, napuspos nga ng pagkapoot si Aman. 017 EST 003 006 Nguni't inakala niyang walang kabuluhan na pagbuhatan ng kamay si Mardocheo na magisa; sapagka't ipinakilala nila sa kaniya ang bayan ni Mardocheo: kaya't inisip ni Aman na lipulin ang lahat na Judio na nangasa buong kaharian ni Assuero, sa makatuwid baga'y ang bayan ni Mardocheo. 017 EST 003 007 Nang unang buwan, na siyang buwan ng Nisan, nang ikalabing dalawang taon ng haring Assuero, kanilang pinagsapalaran nga ang Pur sa harap ni Aman sa araw-araw, at sa buwan-buwan, hanggang sa ikalabing dalawang buwan, na siyang buwan ng Adar. 017 EST 003 008 At sinabi ni Aman sa haring Assuero, May isang bayang nakakalat at nakasabog sa gitna ng mga bayan sa lahat ng mga lalawigan ng iyong kaharian at ang kanilang kautusan ay kaiba sa bawa't bayan; na hindi man lamang iniingatan nila ang mga kautusan ng hari; kaya't hindi mapakinabang sa hari na sila'y tiisin. 017 EST 003 009 Kung kalugdan ng hari, masulat na sila'y lipulin: at ako'y magbabayad ng sangpung libong talentong pilak sa mga kamay niyaong mga may katungkulan sa mga gawain ng hari, upang dalhin sa mga ingatang-yaman ng hari. 017 EST 003 010 Nang magkagayo'y hinubad ng hari ang kaniyang singsing sa kaniyang kamay, at ibinigay kay Aman na anak ni Amedatha na Agageo, na kaaway ng mga Judio. 017 EST 003 011 At sinabi ng hari kay Aman, Ang pilak ay nabigay sa iyo at gayon din ang bayan upang gawin mo sa mga yaon kung ano ang inaakala mong mabuti. 017 EST 003 012 Nang magkagayo'y tinawag ang mga kalihim ng hari sa unang buwan, nang ikalabing tatlong araw niyaon; at nangasulat ayon sa lahat na iniutos ni Aman sa mga satrapa ng hari, at sa mga tagapamahala na nangasa bawa't lalawigan, at sa mga prinsipe ng bawa't bayan, sa bawa't lalawigan ayon sa sulat niyaon, at sa bawa't bayan ayon sa kanilang wika; sa pangalan ng haring Assuero nasulat, at tinatakan ng singsing ng hari. 017 EST 003 013 At nagpadala ng mga sulat sa pamamagitan ng mga sugo sa lahat ng mga lalawigan ng hari, upang ipahamak, upang patayin, at upang lipulin ang lahat na Judio, ang bata at gayon din ang matanda, ang mga bata at ang mga babae sa isang araw, sa makatuwid baga'y sa ikalabing tatlong araw ng ikalabing dalawang buwan, na siyang buwan ng Adar, at upang kumuha ng samsam sa kanila na pinakahuli. 017 EST 003 014 Isang salin ng sulat ay ibigay sa bawa't lalawigan upang ang pasiya ay mahayag sa lahat na bayan, na sila'y magsihanda sa araw na yaon. 017 EST 003 015 Ang mga sugo ay nagsilabas na madalian sa utos ng hari, at ang pasiya ay natanyag sa Susan na bahay-hari. At ang hari at si Aman ay naupo upang uminom; nguni't ang bayan ng Susan ay natitigilan. 017 EST 004 001 Nang maalaman nga ni Mardocheo ang lahat na nagawa, hinapak ni Mardocheo ang kaniyang suot, at nanamit ng kayong magaspang na may mga abo, at lumabas sa gitna ng bayan, at humiyaw ng malakas at kalagimlagim na hiyaw: 017 EST 004 002 At siya'y naparoon hanggang sa harap ng pintuang-daan ng hari: sapagka't walang makapapasok sa loob ng pintuang-daan ng hari na nakapanamit ng magaspang na kayo. 017 EST 004 003 At sa bawa't lalawigan, na kinararatingan ng utos ng hari at ng kaniyang pasiya, ay nagkaroon ng malakas na panangisan sa gitna ng mga Judio, at ng pagaayuno, at ng iyakan at ng taghuyan; at marami ay nagsipanamit ng kayong magaspang at mga abo. 017 EST 004 004 At ang mga dalaga ni Esther at ang kaniyang mga kamarero ay nagsiparoon, at isinaysay sa kaniya; at ang reina ay namanglaw na mainam: at siya'y nagpadala ng bihisan upang isuot ni Mardocheo, at upang hubarin ang kaniyang kayong magaspang: nguni't hindi niya tinanggap. 017 EST 004 005 Nang magkagayo'y tinawag ni Esther si Atach, na isa sa mga kamarero ng hari, na siya niyang inihalal na magingat sa kaniya, at binilinan niyang pumaroon kay Mardocheo, upang maalaman kung ano yaon, at kung bakit gayon. 017 EST 004 006 Sa gayo'y nilabas nga ni Atach si Mardocheo, sa luwal na dako ng bayan, na nasa harap ng pintuang-daan ng hari. 017 EST 004 007 At isinaysay sa kaniya ni Mardocheo ang lahat na nangyari sa kaniya, at ang lubos na kabilangan ng salapi na ipinangako ni Aman na ibayad sa mga ingatang-yaman ng hari hinggil sa mga Judio, upang lipulin sila. 017 EST 004 008 Binigyan din niya siya ng salin ng pasiya na natanyag sa Susan upang lipulin sila, upang ipakilala kay Esther, at ipahayag sa kaniya: at upang ibilin sa kaniya na siya'y paroon sa hari upang mamanhik sa kaniya, at upang hingin sa kaniya, dahil sa kaniyang bayan. 017 EST 004 009 At si Atach ay naparoon, at isinaysay kay Esther ang mga salita ni Mardocheo. 017 EST 004 010 Nang magkagayo'y nagsalita si Esther kay Atach, at nagpasabi kay Mardocheo, na sinasabi, 017 EST 004 011 Lahat ng lingkod ng hari at ang bayan ng mga lalawigan ng hari ay nangakakaalam, na sinoman, maging lalake o babae, na paroroon sa hari sa pinakaloob na looban, na hindi tinatawag, may isang kautusan sa kaniya, na siya'y patayin, liban yaong paglawitan ng hari ng gintong cetro, upang siya'y mabuhay: nguni't hindi ako tinawag na paroon sa hari ng tatlong pung araw na ito. 017 EST 004 012 At isinaysay nila kay Mardocheo ang mga salita ni Esther. 017 EST 004 013 Nang magkagayo'y pinapagbalik ng sagot sila ni Mardocheo kay Esther: Huwag mong isipin sa iyong sarili na ikaw ay makatatanan sa bahay ng hari, ng higit kay sa lahat na mga Judio. 017 EST 004 014 Sapagka't kung ikaw ay lubos na tumahimik sa panahong ito, ay magtataglay nga ng katiwasayan at kaligtasan ang mga Judio sa ibang dako, nguni't ikaw at ang sangbahayan ng iyong magulang ay mapapahamak: at sinong nakakaalam na kung kaya ka pinasapit sa kaharian ay dahil sa bagay na ito? 017 EST 004 015 Nang magkagayo'y nagpabalik ng sagot si Esther kay Mardocheo: 017 EST 004 016 Ikaw ay yumaon, pisanin mo ang lahat na Judio, na nangakaharap sa Susan, at ipagayuno ninyo ako, at huwag kayong magsikain o magsiinom man na tatlong araw, gabi o araw; ako naman at ang aking mga dalaga ay mangagaayuno ng gayon ding paraan; at sa gayo'y papasukin ko ang hari, na hindi ayon sa kautusan: at kung ako'y mamatay ay mamatay. 017 EST 004 017 Sa gayo'y yumaon si Mardocheo at ginawa ang ayon sa lahat na iniutos ni Esther sa kaniya. 017 EST 005 001 Nangyari nga, nang ikatlong araw, na nagsuot si Esther ng kaniyang bihisang pagkareina, at tumayo sa pinakaloob ng bahay ng hari, sa tapat ng bahay-hari; at ang hari ay naupo sa kaniyang luklukang hari sa bahay-hari, sa tapat ng pasukan sa bahay. 017 EST 005 002 At nagkagayon, nang makita ng hari si Esther na reina na nakatayo sa looban, na siya'y nagtamo ng biyaya sa kaniyang paningin: at inilawit ng hari kay Esther ang gintong cetro na nasa kaniyang kamay. Sa gayo'y lumapit si Esther, at hinipo ang dulo ng cetro. 017 EST 005 003 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa kaniya, Anong ibig mo, reina Esther? at ano ang iyong hiling? mabibigay sa iyo kahit kalahati ng kaharian. 017 EST 005 004 At sinabi ni Esther, Kung inaakalang mabuti ng hari, pumaroon sa araw na ito ang hari at si Aman sa pigingan na aking inihanda sa kaniya. 017 EST 005 005 Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Papagmadaliin si Aman upang magawa ang gaya ng sinabi ni Esther. Sa gayo'y naparoon ang hari at si Aman sa pigingan na inihanda ni Esther. 017 EST 005 006 At sinabi ng hari kay Esther sa pigingan ng alak: Ano ang iyong hingi? at ipagkakaloob sa iyo at ano ang iyong hiling? kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob. 017 EST 005 007 Nang magkagayo'y sumagot si Esther, at nagsabi, Ang aking hingi at ang aking hiling ay ito; 017 EST 005 008 Kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa paningin ng hari, at kung kalugdan ng hari na ipagkaloob ang aking hingi, at gawin ang aking hiling, na pumaroon ang hari at si Aman sa pigingan na aking ihahanda sa kanila, at aking gagawin bukas na gaya ng sinabi ng hari. 017 EST 005 009 Nang magkagayo'y lumabas si Aman sa araw na yaon na galak at may masayang puso: nguni't nang makita ni Aman si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari, na hindi siya tumayo o kumilos man sa kaniya, siya'y napuno ng pagkapoot laban kay Mardocheo. 017 EST 005 010 Gayon may nagpigil si Aman sa kaniyang sarili, at umuwi sa bahay; at siya'y nagsugo at tinipon ang kaniyang mga kaibigan at si Zeres na kaniyang asawa. 017 EST 005 011 At isinaysay ni Aman sa kanila ang kaluwalhatian ng kaniyang mga kayamanan, at ang karamihan ng kaniyang mga anak, at lahat ng bagay na ipinagkaloob ng hari sa kaniya, at kung paanong siya'y nataas ng higit kay sa mga prinsipe at mga lingkod ng hari. 017 EST 005 012 Sinabi ni Aman, bukod dito: Oo, si Esther na reina ay hindi nagpasok ng sinoman na kasama ng hari sa pigingan na kaniyang inihanda kundi ako lamang; at kinabukasan naman ay inaanyayahan niya ako na kasama ng hari. 017 EST 005 013 Gayon ma'y ang lahat ng ito'y walang kabuluhan sa akin habang aking nakikita si Mardocheo na Judio na nakaupo sa pintuang-daan ng hari. 017 EST 005 014 Nang magkagayo'y sinabi ni Zeres na kaniyang asawa at ng lahat niyang kaibigan sa kaniya: Magpagawa ka ng isang bibitayan na may limang pung siko ang taas, at sa kinaumagahan ay salitain mo sa hari na bitayin doon si Mardocheo: kung magkagayo'y yumaon kang masaya na kasama ng hari sa pigingan. At ang bagay ay nakalugod kay Aman; at kaniyang ipinagawa ang bibitayan. 017 EST 006 001 Nang gabing yaon ay hindi makatulog ang hari; at kaniyang iniutos na dalhin ang aklat ng mga alaala ng mga gawa, at mga binasa sa harap ng hari. 017 EST 006 002 At nasumpungang nakasulat, na si Mardocheo ay nagsaysay tungkol kay Bigthana at kay Teres, dalawa sa mga kamarero ng hari, sa nangagingat ng pintuan na nangagisip magbuhat ng kamay sa haring Assuero. 017 EST 006 003 At sinabi ng hari, Anong karangalan at kamahalan ang nagawa kay Mardocheo sa bagay na ito? Nang magkagayo'y sinabi ng mga lingkod ng hari na nagsisipaglingkod sa kaniya, Walang anomang nagawa sa kaniya. 017 EST 006 004 At sinabi ng hari, Sino ang nasa looban? Si Aman nga ay pumasok sa looban ng bahay ng hari, upang magsalita sa hari na bitayin si Mardocheo sa bibitayan na inihanda niya sa kaniya. 017 EST 006 005 At ang mga lingkod ng hari ay nagsabi sa kaniya. Narito, si Aman ay nakatayo sa looban. At sinabi ng hari, Papasukin siya. 017 EST 006 006 Sa gayo'y pumasok si Aman. At ang hari ay nagsabi sa kaniya, Anong gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari? Sinabi nga ni Aman sa kaniyang sarili: Sino ang kinalulugdang parangalin ng hari na higit kay sa akin? 017 EST 006 007 At sinabi ni Aman sa hari, Sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari, 017 EST 006 008 Ay dalhan ng damit-hari na isinusuot ng hari, at ng kabayo na sinasakyan ng hari, at putungan sa ulo ng putong na hari: 017 EST 006 009 At ang bihisan at ang kabayo ay mabigay sa kamay ng isa sa pinakamahal na prinsipe ng hari, upang bihisang gayon ang lalake na kinalulugdang parangalin ng hari, at pasakayin siya sa kabayo sa lansangan ng bayan, at itanyag sa unahan niya; Ganito ang gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari. 017 EST 006 010 Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Aman, Ikaw ay magmadali, at kunin mo ang bihisan at ang kabayo, gaya ng iyong sinabi, at gawin mong gayon kay Mardocheo, na Judio, na nauupo sa pintuang-daan ng hari; huwag magkulang ang anomang bagay sa lahat na iyong sinalita. 017 EST 006 011 Nang magkagayo'y kinuha ni Aman ang bihisan at ang kabayo, at binihisan si Mardocheo, at pinasakay sa lansangan ng bayan, at nagtanyag sa unahan niya: Ganito ang gagawin sa lalake na kinalulugdang parangalin ng hari. 017 EST 006 012 At si Mardocheo ay bumalik sa pintuang-daan ng hari. Nguni't si Aman ay nagmadaling umuwi, na tumatangis at may takip ang ulo. 017 EST 006 013 At isinaysay ni Aman kay Zeres na kaniyang asawa at sa lahat niyang mga kaibigan ang bawa't bagay na nangyari sa kaniya. Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang mga pantas na lalake, at ni Zeres na kaniyang asawa sa kaniya: Kung si Mardocheo, na iyong pinasimulang kinahulugan sa harap, ay sa binhi ng mga Judio, hindi ka mananaig laban sa kaniya, kundi ikaw ay walang pagsalang mahuhulog sa harap niya. 017 EST 006 014 Samantalang sila'y nakikipagsalitaan pa sa kaniya, dumating ang mga kamarero ng hari at nagmadaling dinala si Aman sa pigingan na inihanda ni Esther. 017 EST 007 001 Sa gayo'y naparoon ang hari at si Aman sa pigingan na kasama ni Esther na reina. 017 EST 007 002 At sinabi uli ng hari kay Esther nang ikalawang araw sa pigingan ng alak: Ano ang iyong hingi, reina Esther? at ibibigay sa iyo: at ano ang iyong hiling? kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob. 017 EST 007 003 Nang magkagayo'y sumagot, at nagsabi si Esther na reina, Kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, Oh hari, at kung kalulugdan ng hari, ipagkaloob sa akin ang aking buhay sa aking hingi at ang aking bayan sa aking hiling: 017 EST 007 004 Sapagka't kami ay naipagbili, ako at ang aking bayan upang ipahamak, upang patayin, at upang lipulin. Nguni't kung kami ay naipagbili na mga pinakaaliping lalake at babae, ako'y tumahimik, bagaman hindi mababayaran ng kaaway ang bagabag sa hari. 017 EST 007 005 Nang magkagayo'y nagsalita ang haring Assuero, at nagsabi kay Esther na reina: Sino siya, at saan nandoon siya, na nangangahas magbanta na gumawa ng gayon? 017 EST 007 006 At sinabi ni Esther, Ang isang kaaway at kaalit: itong masamang si Aman. Nang magkagayo'y natakot si Aman sa harap ng hari at ng reina. 017 EST 007 007 At ang hari ay tumindig sa pigingan ng alak sa kaniyang pagkapoot, at pumasok sa halamanan ng bahay-hari: at si Aman ay tumayo upang ipamanhik ang kaniyang buhay kay Esther na reina; sapagka't nakita niya na may kasamaang ipinasiya laban sa kaniya ang hari. 017 EST 007 008 Nang magkagayo'y bumalik ang hari na mula sa halamanan ng bahay-hari hanggang sa pigingan ng alak; at si Aman ay sumubsob sa hiligan na kinaroroonan ni Esther. Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Kaniya bang dadahasin ang reina sa harap ko sa bahay? Pagkabigkas ng salita sa bibig ng hari ay kanilang tinakpan ang mukha ni Aman. 017 EST 007 009 Nang magkagayo'y sinabi ni Harbona, na isa sa kamarero na nasa harap ng hari: Narito naman, ang bibitayan na may limang pung siko ang taas, na ginawa ni Aman ukol kay Mardocheo, na siyang nagsalita sa ikabubuti ng hari, ay nakatayo sa bahay ni Aman. At sinabi ng hari, Bitayin siya roon. 017 EST 007 010 Sa gayo'y binitay nila si Aman sa bibitayan na inihanda niya ukol kay Mardocheo. Nang magkagayo'y napayapa ang kapootan ng hari. 017 EST 008 001 Nang araw na yaon ay ibinigay ng haring Assuero ang bahay ni Aman na kaaway ng mga Judio kay Esther na reina. At si Mardocheo ay naparoon sa harap ng hari; sapagka't isinaysay ni Esther kung ano niya siya. 017 EST 008 002 At hinubad ng hari ang kaniyang singsing na hinubad niya kay Aman, at ibinigay kay Mardocheo. At inilagay ni Esther si Mardocheo sa bahay ni Aman. 017 EST 008 003 At si Esther ay nagsalita pa uli sa harap ng hari, at nagpatirapa sa kaniyang mga paa, at ipinamanhik sa kaniya na may luha, na pawiin ang kasamaan ni Aman na Agageo, at ang kaniyang banta na kaniyang ibinanta sa mga Judio. 017 EST 008 004 Nang magkagayo'y inilawit ng hari kay Esther ang gintong cetro. Sa gayo'y tumindig si Esther, at tumayo sa harap ng hari. 017 EST 008 005 At sinabi niya, Kung kinalulugdan ng hari at kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa kaniyang paningin, at ang bagay ay inaakalang matuwid sa harap ng hari, at ako'y nakalulugod sa kaniyang mga mata, masulat na tiwaliin ang mga sulat na ibinanta ni Aman na anak ni Amedata, na Agageo, na kaniyang sinulat upang lipulin ang mga Judio na nangasa lahat na lalawigan ng hari: 017 EST 008 006 Sapagka't paanong ako'y makapagtitiis na makita ang kasamaan na darating sa aking bayan? o paanong ako'y makapagtitiis na makita ang paglipol sa aking kamaganakan? 017 EST 008 007 Nang magkagayo'y sinabi ng haring Assuero kay Esther na reina, at kay Mardocheo na Judio: Narito, ibinigay ko kay Esther ang bahay ni Aman, at siya ang kanilang binitay sa bibitayan, sapagka't siya'y nagbuhat ng kaniyang kamay sa mga Judio. 017 EST 008 008 Sumulat naman kayo sa mga Judio, kung anong maibigan ninyo sa pangalan ng hari, at tatakan ninyo ng singsing ng hari: sapagka't ang sulat na nasusulat sa pangalan ng hari, at natatakan ng singsing ng hari ay walang taong makatitiwali. 017 EST 008 009 Nang magkagayo'y tinawag ang mga kalihim ng hari ng panahong yaon, sa ikatlong buwan, na siyang buwan ng Sivan, nang ikadalawang pu't tatlo niyaon; at nasulat ayon sa lahat na iniutos ni Mardocheo sa mga Judio at sa mga satrapa, at sa mga tagapamahala at mga prinsipe ng mga lalawigan na nandoon mula sa India hanggang sa Etiopia, na isang daan at dalawang pu't pitong lalawigan, sa bawa't lalawigan ayon sa sulat niyaon, at sa bawa't bayan ayon sa wika nila, at sa mga Judio ayon sa sulat nila, at ayon sa wika nila. 017 EST 008 010 At kaniyang sinulat sa pangalan ng haring Assuero, at tinatakan ng singsing ng hari, at nagpadala ng mga sulat sa pamamagitan ng mga sugo na nagsisipangabayo na nangakasakay sa mga matulin na kabayo na ginagamit sa paglilingkod sa hari, at sa mga batang dromedario; 017 EST 008 011 Na pinagkakalooban ng hari ang mga Judio na nangasa bawa't bayan, na magpipisan, at ipagsanggalang ang kanilang buhay, upang magpahamak, pumatay, at magpalipol, sa buong kapangyarihan ng bayan at lalawigan na loloob sa kanila, sa kanilang mga bata at mga babae, at kumuha ng samsam sa kanila na pinakahuli, 017 EST 008 012 Sa isang araw sa lahat na lalawigan ng haring Assuero, nang ikalabing tatlong araw ng ikalabing dalawang buwan, na siyang buwan ng Adar. 017 EST 008 013 Isang salin ng sulat na ang pasiya'y ihayag sa bawa't lalawigan, ay nahayag sa lahat ng mga bayan, at upang ang mga Judio ay magsihanda sa araw na yaon na magsipanghiganti sa kanilang mga kaaway. 017 EST 008 014 Sa gayo'y ang mga sugo na nangasasakay sa mga matulin na kabayo na ginagamit sa paglilingkod sa hari ay nagsilabas, na nangagmamadali at nangagtutumulin sa utos ng hari; at ang pasiya ay nahayag sa Susan na bahay-hari. 017 EST 008 015 At si Mardocheo ay lumabas mula sa harapan ng hari na nakapanamit hari na bughaw, at puti, at may dakilang putong na ginto, at may balabal na mainam na lino at kulay ube: at ang bayan ng Susan ay humiyaw at natuwa. 017 EST 008 016 Nagkaroon ang mga Judio ng kaliwanagan at ng kasayahan, at ng kagalakan at ng karangalan. 017 EST 008 017 At sa bawa't lalawigan, at sa bawa't bayan, saan man dumating ang utos ng hari at pasiya niya, ay nagkaroon ang mga Judio ng kasayahan at kagalakan, ng kapistahan at mabuting araw. At marami na mula sa mga bayan ng lupain ay naging mga Judio; sapagka't ang takot sa mga Judio ay suma kanila. 017 EST 009 001 Sa ikalabing dalawang buwan nga, na siyang buwan ng Adar, nang ikalabing tatlong araw ng buwan ding yaon, nang ang utos ng hari at ang pasiya niya ay malapit nang gagawin, nang araw na inaasahan ng mga kaaway ng mga Judio na magpuno sa kanila; (yamang napabaligtad, na ang mga Judio ay siyang naghari sa kanila na nangapopoot sa kanila), 017 EST 009 002 Ang mga Judio ay nagpipisan sa kanilang mga bayan sa lahat na lalawigan ng haring Assuero, upang magbuhat ng kamay sa mga nagbabanta ng kanilang kapahamakan: at walang makatayo sa kanila; sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa lahat ng mga bayan. 017 EST 009 003 At lahat ng mga prinsipe sa mga lalawigan, at ang mga satrapa, at ang mga tagapamahala, at ang mga nagsisigawa ng gawain ng hari, ay nagsitulong sa mga Judio; sapagka't ang takot kay Mardocheo ay suma kanila, 017 EST 009 004 Sapagka't si Mardocheo ay dakila sa bahay ng hari, at ang kaniyang kabantugan ay lumaganap sa lahat ng mga lalawigan: sapagka't ang lalaking si Mardocheo ay dumakila, ng dumakila. 017 EST 009 005 At sinaktan ng mga Judio ang lahat ng kanilang mga kaaway sa taga ng tabak, at sa pagpatay at paggiba, at ginawa ang naibigan nila sa nangapopoot sa kanila. 017 EST 009 006 At sa Susan na bahay-hari ay nagsipatay ang mga Judio at nagsilipol ng limang daang lalake. 017 EST 009 007 At si Phorsandatha, at si Dalphon, at si Asphatha, 017 EST 009 008 At si Phoratha, at si Ahalia, at si Aridatha. 017 EST 009 009 At si Pharmastha, at si Arisai, at si Aridai, at si Vaizatha, 017 EST 009 010 Na sangpung anak ni Aman, na anak ni Amedatha, na kaaway ng mga Judio, ay pinatay nila; nguni't sa pagsamsam, hindi nila binuhat ang kanilang kamay. 017 EST 009 011 Nang araw na yaon ay ang bilang ng nangapatay sa Susan na bahay-hari ay dinala sa harap ng hari. 017 EST 009 012 At sinabi ng hari kay Esther na reina; Ang mga Judio ay nagsipatay at nagsilipol ng limang daang lalake sa Susan na bahay-hari, at ng sangpung anak ni Aman; ano nga ang kanilang ginawa kaya sa ibang mga lalawigan ng hari? Ngayon, ano pa ang iyong kahilingan? at ipagkakaloob sa iyo: o ano pa ang iyong kahingian? at gagawin. 017 EST 009 013 Nang magkagayo'y sinabi ni Esther, Kung kinalulugdan ng hari ipagkaloob sa mga Judio na nangasa Susan na gawin din bukas ang ayon sa pasiya ng araw na ito, at ang sangpung anak ni Aman ay mabitin sa bibitayan. 017 EST 009 014 At iniutos ng hari na gawing gayon: at ang pasiya ay nabigay mula sa Susan; at kanilang ibinitin ang sangpung anak ni Aman. 017 EST 009 015 At ang mga Judio na nangasa Susan ay nagpipisan nang ikalabing apat na araw din ng buwan ng Adar, at nagsipatay ng tatlong daang lalake sa Susan: nguni't sa pagsamsam ay hindi sila nangagbuhat na kanilang kamay. 017 EST 009 016 At ang ibang mga Judio na nangasa mga lalawigan ng hari ay nagpipisan, at ipinagsanggalang ang kanilang buhay, at nangagkaroon ng kapahingahan sa kanilang mga kaaway, at nagsipatay sa mga nangapopoot sa kanila ng pitong pu't limang libo; nguni't sa pagsamsam ay hindi nila binuhat ang kanilang kamay. 017 EST 009 017 Ito'y nagawa nang ikalabing tatlong araw ng buwan ng Adar: at nang ikalabing apat na araw ng buwan ding yaon ay nangagpahinga sila, at ginawang araw ng pistahan at kasayahan. 017 EST 009 018 Nguni't ang mga Judio na nangasa Susan ay nagpipisan nang ikalabing tatlong araw niyaon, at nang ikalabing apat niyaon; at nang ikalabing limang araw ng buwan ding yaon ay nangagpahinga sila, at ginawang araw ng kapistahan at kasayahan. 017 EST 009 019 Kaya't ang mga Judio sa mga nayon, na nagsisitahan sa mga bayan na hindi nangakukutaan, ginagawa ang ikalabing apat na araw ng buwan ng Adar na araw ng kasayahan at pistahan, at mabuting araw, at ng padalahan ng mga bahagi ng isa't isa. 017 EST 009 020 At sinulat ni Mardocheo ang mga bagay na ito, at nagpadala ng mga sulat sa lahat ng Judio, na nangasa lahat na lalawigan ng haring Assuero, sa malapit at gayon din sa malayo, 017 EST 009 021 Upang ipagbilin sa kanila na kanilang ipangilin ang ikalabing apat na araw ng buwan ng Adar, at ang ikalabing lima niyaon, taon-taon. 017 EST 009 022 Na mga pinakaaraw na ipinagkaroon ng kapahingahan ng mga Judio sa kanilang mga kaaway, at buwan ng ikinapaging kasayahan ng kapanglawan, at ikinapaging mabuting araw ng pagtangis: upang kanilang gawing mga araw ng pistahan at kasayahan, at ng pagpapadalahan ng mga bahagi ng isa't isa, at ng mga kaloob sa mga dukha. 017 EST 009 023 At pinagkasunduan ng mga Judio na gawin ang gaya ng kanilang pinasimulan, at ang isinulat ni Mardocheo sa kanila; 017 EST 009 024 Sapagka't si Aman na anak ni Amedatha na Agageo, na kaaway ng lahat na Judio ay nagbanta laban sa mga Judio upang lipulin sila, at pinagsapalaran nga ang Pur, upang patayin, at upang lipulin sila; 017 EST 009 025 Nguni't nang dumating sa harap ng hari ang bagay, ay kaniyang iniutos sa pamamagitan ng mga sulat na ang kaniyang masamang banta, na kaniyang ibinanta laban sa mga Judio, ay mauwi sa kaniyang sariling ulo; at siya at ang kaniyang mga anak ay mabitay sa bibitayan. 017 EST 009 026 Kaya't kanilang tinawag ang mga araw na ito na Purim, ayon sa pangalan ng Pur. Kaya't dahil sa lahat na salita ng sulat na ito, at ng kanilang nakita tungkol sa bagay na ito, at ng dumating sa kanila, 017 EST 009 027 Ang mga Judio ay nangagpasiya at nagsipangako sa kanilang sarili at sa kanilang binhi, at sa lahat ng yaon na nagpipisan sa kanila, na anopa't huwag magkulang, na kanilang ipangingilin ang dalawang araw na ito ayon sa sulat niyaon, at ayon sa takdang panahon niyaon taon-taon; 017 EST 009 028 At ang mga araw na ito ay aalalahanin at ipangingilin sa buong panahon, na bawa't angkan, ng bawa't lalawigan, at ng bawa't bayan; at ang mga araw na ito ng Purim ay hindi lilipas sa mga Judio, o ang alaala man sa mga yaon ay lilipas sa kanilang binhi. 017 EST 009 029 Nang magkagayo'y si Esther na reina na anak ni Abihail, at si Mardocheo na Judio, sumulat ng buong kapamahalaan upang pagtibayin ang ikalawang sulat na ito ng Purim. 017 EST 009 030 At siya'y nagpadala ng mga sulat sa lahat ng mga Judio, sa isang daan at dalawang pu't pitong lalawigan ng kaharian ni Assuero, na may mga salita ng kapayapaan at katotohanan, 017 EST 009 031 Upang pagtibayin ang mga araw na ito ng Purim, sa kanilang mga takdang panahon, ayon sa ibinilin sa kanila ni Mardocheo na Judio at ni Esther na reina, at ayon sa kanilang ipinasiya sa kanilang sarili at sa kanilang binhi, sa bagay ng pag-aayuno at ng kanilang pagdaing. 017 EST 009 032 At pinagtibay ng utos ni Esther ang mga bagay na ito ng Purim; at nasulat sa aklat. 017 EST 010 001 At ang haring Assuero ay nagatang ng buwis sa lupain, at sa mga pulo ng dagat. 017 EST 010 002 At lahat ng mga gawa ng kaniyang kapangyarihan at ng kaniyang kakayahan, at ang lubos na kasaysayan ng kadakilaan ni Mardocheo, na ipinagtaas sa kaniya ng hari, hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Media at Persia? 017 EST 010 003 Sapagka't si Mardocheo na Judio ay pangalawa ng haring Assuero, at dakila sa gitna ng mga Judio, at kinalulugdan ng karamihan ng kaniyang mga kapatid: na humahanap ng ikabubuti ng kaniyang bayan, at nagsasalita ng kapayapaan sa kaniyang buong lahi. # # BOOK 018 JOB Job Job 018 JOB 001 001 May isang lalake sa lupain ng Uz, na ang pangalan ay Job; at ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid, at natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan. 018 JOB 001 002 At may ipinanganak sa kaniya na pitong anak na lalake at tatlong anak na babae. 018 JOB 001 003 Ang kaniyang pag-aari naman ay pitong libong tupa, at tatlong libong kamelyo, at limang daang magkatuwang na baka, at limang daang asnong babae, at isang totoong malaking sangbahayan; na anopa't ang lalaking ito ay siyang pinaka dakila sa lahat na mga anak ng silanganan. 018 JOB 001 004 At ang kaniyang mga anak ay nagsiyaon at nagsipagdaos ng kapistahan sa bahay ng bawa't isa sa kanikaniyang kaarawan; at sila'y nangagsugo, at ipinatawag ang kanilang tatlong kapatid na babae upang magsikain at magsiinom na kasalo nila. 018 JOB 001 005 At nangyari, nang makaraan ang mga kaarawan ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo, at pinapagbanal sila, at bumangong maaga sa kinaumagahan, at naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat: sapagka't sinabi ni Job, Marahil ang aking mga anak ay nangagkasala, at itinakuwil ang Dios sa kanilang mga puso. Ganito ang ginawa ni Job na palagi. 018 JOB 001 006 Isang araw nga nang ang mga anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon, na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila. 018 JOB 001 007 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo'y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Sa pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon. 018 JOB 001 008 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka't walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan. 018 JOB 001 009 Nang magkagayo'y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Dios? 018 JOB 001 010 Hindi mo ba kinulong siya, at ang kaniyang sangbahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawa't dako? iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay, at ang kaniyang pag-aari ay dumami sa lupain. 018 JOB 001 011 Nguni't pagbuhatan mo siya ng iyong kamay ngayon, at galawin mo ang lahat niyang tinatangkilik, at itatakuwil ka niya ng mukhaan, 018 JOB 001 012 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo'y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon. 018 JOB 001 013 At nangyari isang araw, nang ang kaniyang mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay. 018 JOB 001 014 Na dumating ang isang sugo kay Job, at nagsabi, Ang mga baka ay nagsisipagararo, at ang mga asno ay nagsisisabsab sa siping nila: 018 JOB 001 015 At dinaluhong ng mga Sabeo, at pinagdadala; oo, kanilang pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo. 018 JOB 001 016 Samantalang siya'y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, Ang apoy ng Dios ay nalaglag mula sa langit, at sinunog ang mga tupa, at ang mga bataan, at pinagsupok; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo. 018 JOB 001 017 Samantalang siya'y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, Ang mga Caldeo ay nagtatlong pulutong, at dumaluhong sa mga kamelyo, at pinagdadala, oo, at pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo. 018 JOB 001 018 Samantalang siya'y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, Ang iyong mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay: 018 JOB 001 019 At, narito, dumating ang malakas na hangin na mula sa ilang, at hinampas ang apat na sulok ng bahay, at lumagpak sa mga binata, at sila'y nangamatay; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo. 018 JOB 001 020 Nang magkagayo'y bumangon si Job, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba; 018 JOB 001 021 At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon. 018 JOB 001 022 Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job, ni inari mang mangmang ang Dios. 018 JOB 002 001 Nangyari uli na sa araw nang pagparoon ng mga anak ng Dios upang magsiharap sa Panginoon, na nakiparoon din si Satanas, upang humarap sa Panginoon. 018 JOB 002 002 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Sa pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon. 018 JOB 002 003 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka't walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan: at siya'y namamalagi sa kaniyang pagtatapat, bagaman ako'y kinilos mo laban sa kaniya, upang ilugmok siya ng walang kadahilanan. 018 JOB 002 004 At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kaniyang buhay. 018 JOB 002 005 Nguni't pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay, at galawin mo ang kaniyang buto at ang kaniyang laman, at kaniyang itatakuwil ka ng mukhaan. 018 JOB 002 006 At ang Panginoon ay nagsabi kay Satanas, Narito, siya'y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kaniyang buhay. 018 JOB 002 007 Sa gayo'y umalis si Satanas mula sa harapan ng Panginoon, at pinasibulan si Job ng mga masamang bukol na mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa kaniyang puyo. 018 JOB 002 008 At kumuha siya ng isang bibinga ng palyok upang ipangkayod ng langib; at siya'y naupo sa mga abo. 018 JOB 002 009 Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya, Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka. 018 JOB 002 010 Nguni't sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama? Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job ng kaniyang mga labi. 018 JOB 002 011 Nang mabalitaan nga ng tatlong kaibigan ni Job ang lahat na kasamaang ito na sumapit sa kaniya sila'y naparoon bawa't isa na mula sa kanikaniyang sariling pook, si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamathita: at sila'y nangagkaiisang loob na magsiparoon upang makidamay sa kaniya at aliwin siya. 018 JOB 002 012 At nang kanilang itanaw ang kanilang mga mata mula sa malayo, at hindi siya makilala, kanilang inilakas ang kanilang tinig, at nagsiiyak at hinapak ng bawa't isa sa kanila ang kanikaniyang balabal, at nagbuhos ng alabok sa kanilang mga ulo sa dakong langit. 018 JOB 002 013 Sa gayo'y nangakiumpok sila sa kaniya sa ibabaw ng lupa na pitong araw at pitong gabi, at walang nagsalita sa kaniya: sapagka't kanilang nakita na ang kaniyang paghihirap ay totoong malaki. 018 JOB 003 001 Pagkatapos nito'y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan. 018 JOB 003 002 At si Job ay sumagot, at nagsabi, 018 JOB 003 003 Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi. 018 JOB 003 004 Magdilim nawa ang kaarawang yaon; huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas, ni silangan man ng liwanag. 018 JOB 003 005 Ang dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon; pag-ulapan nawa yaon; Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw. 018 JOB 003 006 Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman: huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon; huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan. 018 JOB 003 007 Narito, mapagisa ang gabing yaon; huwag nawang datnan yaon ng masayang tinig. 018 JOB 003 008 Sumpain nawa yaong nanganunumpa sa araw, ng nangamimihasang gumalaw sa buwaya. 018 JOB 003 009 Mangagdilim nawa ang mga bituin ng pagtatakip-silim niyaon: maghintay nawa ng liwanag, nguni't huwag magkaroon: ni huwag mamalas ang mga bukang liwayway ng umaga: 018 JOB 003 010 Sapagka't hindi tinakpan ang mga pinto ng bahay-bata ng aking ina, o ikinubli man ang kabagabagan sa aking mga mata. 018 JOB 003 011 Bakit hindi pa ako namatay mula sa bahay-bata? Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina? 018 JOB 003 012 Bakit tinanggap ako ng mga tuhod? O bakit ng mga suso, na aking sususuhin? 018 JOB 003 013 Sapagka't ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik; ako sana'y nakakatulog; na napapahinga ako: 018 JOB 003 014 Na kasama ng mga hari at ng mga kasangguni sa lupa, na nagsisigawa ng mga dakong ilang sa ganang kanila; 018 JOB 003 015 O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto, na pumuno sa kanilang bahay ng pilak: 018 JOB 003 016 O gaya sana ng nalagas na nakatago, na hindi nabuhay; gaya sana ng sanggol na kailan man ay hindi nakakita ng liwanag. 018 JOB 003 017 Doo'y naglilikat ang masama sa pagbagabag; at doo'y nagpapahinga ang pagod. 018 JOB 003 018 Doo'y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama; hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag. 018 JOB 003 019 Ang mababa at ang mataas ay nangaroon; at ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon. 018 JOB 003 020 Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa karalitaan, at ng buhay ang kaluluwang nasa kahirapan; 018 JOB 003 021 Na naghihintay ng kamatayan, nguni't hindi dumarating; at hinahangad ng higit kaysa mga kayamanang nakatago; 018 JOB 003 022 Na nagagalak ng di kawasa, at nangasasayahan, pagka nasumpungan ang libingan? 018 JOB 003 023 Bakit binibigyan ng liwanag ang tao na kinalilingiran ng lakad, at ang kinulong ng Dios? 018 JOB 003 024 Sapagka't nagbubuntong hininga ako bago ako kumain, at ang aking mga angal ay bumubugsong parang tubig. 018 JOB 003 025 Sapagka't ang bagay na aking kinatatakutan ay dumarating sa akin, at ang aking pinangingilabutan ay dumarating sa akin. 018 JOB 003 026 Hindi ako tiwasay, ni ako man ay tahimik, ni ako man ay napapahinga; kundi kabagabagan ang dumarating. 018 JOB 004 001 Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, 018 JOB 004 002 Kung tikman ng isa na makipagusap sa iyo, ikababalisa mo ba? Nguni't sinong makapipigil ng pagsasalita? 018 JOB 004 003 Narito, ikaw ay nagturo sa marami, at iyong pinalakas ang mahinang mga kamay. 018 JOB 004 004 Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal, at iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod. 018 JOB 004 005 Nguni't ngayo'y dinaratnan ka ng kasamaan, at ikaw ay nanglulupaypay; ginagalaw ka, at ikaw ay nababagabag. 018 JOB 004 006 Hindi ba ang iyong takot sa Dios ay ang iyong tiwala, at ang iyong pagasa ay ang pagtatapat ng iyong mga lakad? 018 JOB 004 007 Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, kung sino ang namatay, na walang malay? O saan nangahiwalay ang mga matuwid? 018 JOB 004 008 Ayon sa aking pagkakita yaong nagsisipagararo ng kasamaan, at nangaghahasik ng kabagabagan ay gayon din ang inaani. 018 JOB 004 009 Sa hinga ng Dios sila'y nangamamatay, at sa bugso ng kaniyang galit sila'y nangalilipol. 018 JOB 004 010 Ang ungal ng leon, at ang tinig ng mabangis na leon, at ang mga ngipin ng mga batang leon, ay nangabali. 018 JOB 004 011 Ang matandang leon ay namamatay dahil sa kawalan ng huli, at ang mga batang leong babae ay nagsisipangalat. 018 JOB 004 012 Ngayo'y nadalang lihim sa akin ang isang bagay, at ang aking pakinig ay nakakaulinig ng bulong niyaon. 018 JOB 004 013 Sa mga pagiisip na mula sa mga pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na tulog ay nahuhulog sa mga tao, 018 JOB 004 014 Takot ay dumating sa akin, at panginginig, na nagpapanginig ng lahat ng aking mga buto. 018 JOB 004 015 Nang magkagayo'y dumaan ang isang espiritu sa aking mukha. Ang balahibo ng aking balat ay nanindig. 018 JOB 004 016 Tumayong nakatigil, nguni't hindi ko mawari ang anyo niyaon; isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata: tahimik, at ako'y nakarinig ng tinig, na nagsasabi, 018 JOB 004 017 Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios? Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya? 018 JOB 004 018 Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga lingkod; at inaari niyang mga mangmang ang kaniyang mga anghel: 018 JOB 004 019 Gaano pa kaya sila na nagsisitahan sa mga bahay na putik, na ang patibayan ay nasa alabok, na napipisang gaya ng paroparo! 018 JOB 004 020 Sa pagitan ng umaga at hapon, ay nangagigiba; nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna. 018 JOB 004 021 Hindi ba nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila? Sila'y nangamamatay at walang karunungan. 018 JOB 005 001 Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo? At sa kanino sa mga banal babalik ka? 018 JOB 005 002 Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal, at ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang. 018 JOB 005 003 Aking nakita ang hangal na umuunlad: nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan. 018 JOB 005 004 Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan, at sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan, na wala mang magligtas sa kanila. 018 JOB 005 005 Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom, at kinukuha na mula sa mga tinik, at ang silo ay nakabuka sa kanilang pag-aari. 018 JOB 005 006 Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok, ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan; 018 JOB 005 007 Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan. Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas. 018 JOB 005 008 Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios, at sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap: 018 JOB 005 009 Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita; ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang: 018 JOB 005 010 Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa, at nagpapahatid ng tubig sa mga bukid; 018 JOB 005 011 Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas yaong nangasa mababa; at yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan. 018 JOB 005 012 Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha, na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala. 018 JOB 005 013 Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha: at ang payo ng suwail ay napapariwara. 018 JOB 005 014 Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw, at nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi. 018 JOB 005 015 Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig, sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas. 018 JOB 005 016 Na anopa't ang dukha ay may pagasa, at ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig. 018 JOB 005 017 Narito, maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios: kaya't huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat. 018 JOB 005 018 Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal; siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay. 018 JOB 005 019 Kaniyang ililigtas ka sa anim na kabagabagan. Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo. 018 JOB 005 020 Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan; at sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak. 018 JOB 005 021 Ikaw ay makukubli sa talas ng dila; na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating. 018 JOB 005 022 Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka; ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa. 018 JOB 005 023 Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang; at ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo. 018 JOB 005 024 At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan; at iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman. 018 JOB 005 025 Iyo rin namang makikilala na ang iyong binhi ay magiging dakila, at ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa. 018 JOB 005 026 Ikaw ay darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan. Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan. 018 JOB 005 027 Narito, aming siniyasat, at gayon nga; dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti. 018 JOB 006 001 Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi, 018 JOB 006 002 Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama. 018 JOB 006 003 Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: kaya't ang aking pananalita ay napabigla. 018 JOB 006 004 Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin. 018 JOB 006 005 Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain? 018 JOB 006 006 Makakain ba ng walang asin ang matabang? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog? 018 JOB 006 007 Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa; mga karumaldumal na pagkain sa akin. 018 JOB 006 008 Oh mangyari nawa ang aking kahilingan; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi! 018 JOB 006 009 Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako; na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako! 018 JOB 006 010 Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan; Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit; sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal. 018 JOB 006 011 Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis? 018 JOB 006 012 Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato? O ang akin bang laman ay tanso? 018 JOB 006 013 Di ba ako'y walang sukat na kaya, at ang karunungan ay lumayo sa akin? 018 JOB 006 014 Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan; kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat. 018 JOB 006 015 Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis, na parang daan ng mga batis na nababago; 018 JOB 006 016 Na malabo dahil sa hielo, at siyang kinatunawan ng nieve: 018 JOB 006 017 Paginit ay nawawala: pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako. 018 JOB 006 018 Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw; nagsisilihis sa ilang at nawawala. 018 JOB 006 019 Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema, hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba. 018 JOB 006 020 Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa; sila'y nagsiparoon at nangatulig. 018 JOB 006 021 Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala; kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot. 018 JOB 006 022 Sinabi ko baga: Bigyan mo ako? O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pag-aari? 018 JOB 006 023 O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway? O, tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati? 018 JOB 006 024 Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa; at ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan. 018 JOB 006 025 Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran! Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo? 018 JOB 006 026 Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin. 018 JOB 006 027 Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila, at ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan. 018 JOB 006 028 Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako; sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap. 018 JOB 006 029 Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan; Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid. 018 JOB 006 030 May di ganap ba sa aking dila? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay? 018 JOB 007 001 Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa? 018 JOB 007 002 Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim, at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan: 018 JOB 007 003 Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan at mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin. 018 JOB 007 004 Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi, kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi? At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw. 018 JOB 007 005 Ang aking laman ay nabibihisan ng mga uod at ng libag na alabok; ang aking balat ay namamaga at putok putok. 018 JOB 007 006 Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa panghabi ng manghahabi, at nagugugol na walang pagasa. 018 JOB 007 007 Oh alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga: Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti. 018 JOB 007 008 Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan: ang iyong mga mata ay sasa akin, nguni't wala na ako. 018 JOB 007 009 Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa. 018 JOB 007 010 Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako. 018 JOB 007 011 Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig; ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa; ako'y dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa. 018 JOB 007 012 Ako ba'y isang dagat, o isang malaking hayop dagat, na pinababantayan mo ako sa isang bantay? 018 JOB 007 013 Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan, papayapain ng aking unan ang aking karamdaman; 018 JOB 007 014 Kung magkagayo'y pinupukaw mo ako ng mga panaginip, at pinangingilabot mo ako sa mga pangitain: 018 JOB 007 015 Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis, at ang kamatayan kay sa aking mga butong ito. 018 JOB 007 016 Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man: bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan. 018 JOB 007 017 Ano ang tao, na iyong palalakhin siya, at iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya, 018 JOB 007 018 At iyong dadalawin siya tuwing umaga, at susubukin siya sa tuwi-tuwina? 018 JOB 007 019 Hanggang kailan di mo ako iiwan, ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway? 018 JOB 007 020 Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao? Bakit mo nga inilalagay akong pinakatanda sa iyo. Na anopa't ako'y isang pasan sa aking sarili? 018 JOB 007 021 At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan? Sapagka't ngayo'y mahihiga ako sa alabok; at ako'y hahanapin mong mainam, nguni't wala na ako. 018 JOB 008 001 Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi, 018 JOB 008 002 Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito? At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig? 018 JOB 008 003 Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios? O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan? 018 JOB 008 004 Kung ang iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya, at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang: 018 JOB 008 005 Kung hanapin mong mainam ang Dios, at iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat; 018 JOB 008 006 Kung ikaw ay malinis at matuwid; walang pagsalang ngayo'y gigising siya dahil sa iyo. At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran. 018 JOB 008 007 At bagaman ang iyong pasimula ay maliit, gayon ma'y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam. 018 JOB 008 008 Sapagka't ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon, at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang: 018 JOB 008 009 (Sapagka't tayo'y kahapon lamang, at walang nalalaman, sapagka't ang ating mga kaarawan sa lupa ay anino: ) 018 JOB 008 010 Hindi ka ba nila tuturuan, at sasaysayin sa iyo, at mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso? 018 JOB 008 011 Makatataas ba ang yantok ng walang putik? Tutubo ba ang tambo ng walang tubig? 018 JOB 008 012 Samantalang nasa kasariwaan, at hindi pinuputol, natutuyong una kay sa alin mang damo. 018 JOB 008 013 Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios; at ang pagasa ng di banal ay mawawala: 018 JOB 008 014 Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam, at ang kaniyang tiwala ay isang bahay gagamba. 018 JOB 008 015 Siya'y sasandal sa kaniyang bahay, nguni't hindi tatayo; siya'y pipigil na mahigpit dito, nguni't hindi makapagmamatigas. 018 JOB 008 016 Siya'y sariwa sa harap ng araw, at ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan. 018 JOB 008 017 Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton, kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato. 018 JOB 008 018 Kung siya'y magiba sa kaniyang dako, kung magkagayo'y itatakuwil niya siya, na sinasabi: Hindi kita nakita. 018 JOB 008 019 Narito, ito ang kagalakan ng kaniyang lakad, at mula sa lupa ay sisibol ang mga iba. 018 JOB 008 020 Narito, hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao, ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan. 018 JOB 008 021 Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa, at ang iyong mga labi ng paghiyaw. 018 JOB 008 022 Silang nangapopoot sa iyo ay mabibihisan ng pagkahiya; at ang tolda ng masama ay mawawala. 018 JOB 009 001 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, 018 JOB 009 002 Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon: nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios? 018 JOB 009 003 Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo. 018 JOB 009 004 Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa? 018 JOB 009 005 Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit. 018 JOB 009 006 Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig. 018 JOB 009 007 Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin. 018 JOB 009 008 Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat. 018 JOB 009 009 Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, at sa mga silid ng timugan. 018 JOB 009 010 Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang. 018 JOB 009 011 Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan. 018 JOB 009 012 Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya? Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo? 018 JOB 009 013 Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit; ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya. 018 JOB 009 014 Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya, at mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya? 018 JOB 009 015 Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya; ako'y mamamanhik sa aking hukom. 018 JOB 009 016 Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin; gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig. 018 JOB 009 017 Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan. 018 JOB 009 018 Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga, nguni't nililipos niya ako ng hirap. 018 JOB 009 019 Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon? 018 JOB 009 020 Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama. 018 JOB 009 021 Ako'y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay. 018 JOB 009 022 Lahat ay isa; kaya't aking sinasabi: kaniyang ginigiba ang sakdal at ang masama. 018 JOB 009 023 Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla, tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala. 018 JOB 009 024 Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga? 018 JOB 009 025 Ngayo'y ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo: dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti. 018 JOB 009 026 Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan: parang agila na dumadagit ng huli. 018 JOB 009 027 Kung aking sabihin: Aking kalilimutan ang aking daing, aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako: 018 JOB 009 028 Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan, talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala. 018 JOB 009 029 Ako'y mahahatulan; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan? 018 JOB 009 030 Kung ako'y maligo ng nieveng tubig, at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis; 018 JOB 009 031 Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay, at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan. 018 JOB 009 032 Sapagka't siya'y hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya, na tayo'y pumasok kapuwa sa kahatulan, 018 JOB 009 033 Walang hukom sa pagitan natin, na makapaglagay ng kaniyang kamay sa ating dalawa. 018 JOB 009 034 Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod, at huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot: 018 JOB 009 035 Kung magkagayo'y magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya; sapagka't hindi gayon ako sa aking sarili. 018 JOB 010 001 Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay; aking palalayain ang aking daing; ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa. 018 JOB 010 002 Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan; ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin. 018 JOB 010 003 Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati, na iyong itakuwil ang gawa ng iyong mga kaaway, at iyong pasilangin ang payo ng masama? 018 JOB 010 004 Ikaw ba'y may mga matang laman, o nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao? 018 JOB 010 005 Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao, o ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao, 018 JOB 010 006 Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan, at magusisa ng aking kasalanan, 018 JOB 010 007 Bagaman iyong nalalaman na ako'y hindi masama; at walang makapagliligtas sa iyong kamay? 018 JOB 010 008 Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin sa buong palibot; gayon ma'y pinahihirapan mo ako. 018 JOB 010 009 Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, na ako'y iyong binigyang anyo na gaya ng putik; at iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok? 018 JOB 010 010 Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas, at binuo mo akong parang keso? 018 JOB 010 011 Ako'y binihisan mo ng balat at laman, at sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid. 018 JOB 010 012 Ako'y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob, at pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw. 018 JOB 010 013 Gayon ma'y ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso; talastas ko na ito'y sa iyo: 018 JOB 010 014 Kung ako'y magkasala, iyo nga akong tinatandaan, at hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan. 018 JOB 010 015 Kung ako'y maging masama, sa aba ko; at kung ako'y maging matuwid, hindi ko man itataas ang aking ulo; yamang puspos ng kakutyaan, at ng pagmamasid niring kadalamhatian. 018 JOB 010 016 At kung ang aking ulo ay mataas, iyong hinuhuli akong parang leon: at napakikita ka uling kagilagilalas sa akin. 018 JOB 010 017 Iyong binabago ang iyong mga pagsaksi laban sa akin, at dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin; paninibago at pakikipagbaka ang sumasaakin. 018 JOB 010 018 Bakit mo nga ako inilabas mula sa bahay-bata? Napatid sana ang aking hininga, at wala nang matang nakakita pa sa akin. 018 JOB 010 019 Ako sana'y naging parang hindi nabuhay; nadala sana ako mula sa bahay-bata hanggang sa libingan, 018 JOB 010 020 Hindi ba kaunti ang aking mga araw? paglikatin mo nga, at ako'y iyong bayaan, upang ako'y maginhawahan ng kaunti, 018 JOB 010 021 Bago ako manaw doon na hindi ako babalik, sa lupain ng kadiliman at ng lilim ng kamatayan; 018 JOB 010 022 Ang lupain na dilim, na gaya ng salimuot na kadiliman; lupain ng lilim ng kamatayan, na walang anomang ayos, at doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman. 018 JOB 011 001 Nang magkagayo'y sumagot si Sophar na Naamathita, at nagsabi, 018 JOB 011 002 Hindi ba sasagutin ang karamihan ng mga salita? At ang lalaking masalita ay aariing ganap? 018 JOB 011 003 Pamamayapain ba ang mga tao ng iyong mga paghahambog. At kung ikaw ay nanunuya, wala bang hihiya sa iyo? 018 JOB 011 004 Sapagka't iyong sinasabi, Ang aking aral ay dalisay, at ako'y malinis sa iyong mga mata. 018 JOB 011 005 Nguni't Oh ang Dios nawa'y magsalita, at bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo; 018 JOB 011 006 At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan, pagka't siya ay masagana sa pagkaunawa. Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan. 018 JOB 011 007 Masusumpungan mo ba ang Dios sa pagsaliksik? Masusumpungan mo ba sa kasakdalan ang Makapangyarihan sa lahat? 018 JOB 011 008 Mataas na gaya ng langit; anong iyong magagawa? Malalim kay sa Sheol: anong iyong malalaman? 018 JOB 011 009 Ang sukat niyao'y mahaba kay sa lupa. At maluwang kay sa dagat. 018 JOB 011 010 Kung siya'y dumaan at magsara, at tumawag sa kahatulan, sino ngang makapipigil sa kaniya? 018 JOB 011 011 Sapagka't nakikilala niya ang mga walang kabuluhang tao: Nakikita rin naman niya ang kasamaan, bagaman hindi niya pinapansin. 018 JOB 011 012 Nguni't ang walang kabuluhang tao ay walang unawa, Oo, ang tao ay ipinanganak na gaya ng anak ng mabangis na asno. 018 JOB 011 013 Kung iyong ihahanda ang iyong puso, at iuunat mo ang iyong kamay sa kaniya; 018 JOB 011 014 Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay, ilayo mo, at huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda; 018 JOB 011 015 Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan; Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot: 018 JOB 011 016 Sapagka't iyong malilimutan ang iyong karalitaan; iyong aalalahaning parang tubig na umaagos: 018 JOB 011 017 At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat; bagaman magkaroon ng kadiliman, ay magiging gaya ng umaga. 018 JOB 011 018 At ikaw ay matitiwasay sapagka't may pagasa; Oo, ikaw ay magsiyasat sa palibot mo, at magpapahinga kang tiwasay. 018 JOB 011 019 Ikaw nama'y hihiga at walang tatakot sa iyo; Oo, maraming liligaw sa iyo. 018 JOB 011 020 Nguni't ang mga mata ng masama ay mangangalumata, at mawawalan sila ng daang tatakasan, at ang kanilang pagasa ay pagkalagot ng hininga. 018 JOB 012 001 Nang magkagayo'y sumagot si Job; at nagsabi, 018 JOB 012 002 Walang pagaalinlangan na kayo ang bayan, At ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo. 018 JOB 012 003 Nguni't ako'y may pagkaunawang gaya ninyo: Hindi ako huli sa inyo: Oo, sinong hindi nakaalam ng mga bagay na gaya nito? 018 JOB 012 004 Ako'y gaya ng tinatawanan ng kaniyang kapuwa, ako na tumawag sa Dios, at sinagot niya: Ang ganap, ang taong sakdal ay tinatawanan. 018 JOB 012 005 Sa pagiisip niyaong nasa katiwasayan ay may pagkakutya sa ikasasawi; nahahanda sa mga iyan yaong nangadudulas ang paa. 018 JOB 012 006 Ang mga tolda ng mga tulisan ay gumiginhawa, at silang nangagmumungkahi sa Dios ay tiwasay; na ang kamay ay pinadadalhan ng Dios ng sagana. 018 JOB 012 007 Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila: at ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo: 018 JOB 012 008 O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo; at ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo. 018 JOB 012 009 Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito, na ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito? 018 JOB 012 010 Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay, at ang hininga ng lahat ng mga tao. 018 JOB 012 011 Hindi ba lumilitis ng mga salita ang pakinig; gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain niya? 018 JOB 012 012 Nasa mga matanda ang karunungan, at sa kagulangan ang unawa. 018 JOB 012 013 Nasa Dios ang karunungan at kakayahan; kaniya ang payo at pagkaunawa. 018 JOB 012 014 Narito, siya'y nagbabagsak at hindi maitayo uli; siya'y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan. 018 JOB 012 015 Narito, kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo; muli, kaniyang binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa. 018 JOB 012 016 Nasa kaniya ang kalakasan at ang karunungan, ang nadadaya at ang magdaraya ay kaniya. 018 JOB 012 017 Kaniyang pinalalakad ang mga kasangguni na hubad sa bait, at ginagawa niyang mga mangmang ang mga hukom. 018 JOB 012 018 Kaniyang kinakalag ang panali ng mga hari, at binibigkisan ang kanilang mga baywang ng pamigkis. 018 JOB 012 019 Kaniyang pinalalakad na hubad sa bait ang mga saserdote. 018 JOB 012 020 Kaniyang pinapagbabago ang pananalita ng napagtitiwalaan. At inaalis ang pagkaunawa ng mga matanda. 018 JOB 012 021 Siya'y nagbubuhos ng kutya sa mga pangulo, at kinakalag ang pamigkis ng malakas. 018 JOB 012 022 Siya'y naglilitaw ng mga malalim na bagay mula sa kadiliman, at inilalabas sa liwanag ang lihim ng kamatayan. 018 JOB 012 023 Kaniyang pinararami ang mga bansa at mga nililipol niya: kaniyang pinalaki ang mga bansa, at mga dinala sa pagkabihag. 018 JOB 012 024 Kaniyang inaalis ang pangunawa mula sa mga pinuno ng bayan sa lupa, at kaniyang pinagagala sila sa ilang na doo'y walang lansangan. 018 JOB 012 025 Sila'y nagsisikapa sa dilim na walang liwanag, at kaniyang pinagigiraygiray sila na gaya ng lango. 018 JOB 013 001 Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata, ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa. 018 JOB 013 002 Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: hindi ako huli sa inyo. 018 JOB 013 003 Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, at nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios. 018 JOB 013 004 Nguni't kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan. Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan. 018 JOB 013 005 Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat! At magiging inyong karunungan. 018 JOB 013 006 Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, at inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi. 018 JOB 013 007 Kayo ba'y mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios, at mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya? 018 JOB 013 008 Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios? 018 JOB 013 009 Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya? 018 JOB 013 010 Walang pagsalang sasawayin niya kayo, kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao. 018 JOB 013 011 Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan, at ang gulat sa kaniya ay sasa inyo? 018 JOB 013 012 Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo, ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik. 018 JOB 013 013 Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita, at paratingin sa akin ang darating. 018 JOB 013 014 Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman, at aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay? 018 JOB 013 015 Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin siya: gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya. 018 JOB 013 016 Ito man ay magiging aking kaligtasan; sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya. 018 JOB 013 017 Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita, at ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig. 018 JOB 013 018 Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap; talastas ko na ako'y matuwid. 018 JOB 013 019 Sino ang makikipagtalo sa akin? Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga. 018 JOB 013 020 Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin, kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha: 018 JOB 013 021 Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin; at huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo. 018 JOB 013 022 Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot; o papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin. 018 JOB 013 023 Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan. 018 JOB 013 024 Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha, at inaari mo akong iyong kaaway? 018 JOB 013 025 Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin? At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo? 018 JOB 013 026 Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin, at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan: 018 JOB 013 027 Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan, at pinupuna mo ang lahat kong landas: ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa: 018 JOB 013 028 Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw, na parang damit na kinain ng tanga. 018 JOB 014 001 Taong ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan. 018 JOB 014 002 Siya'y umuusli na gaya ng bulaklak, at nalalagas: siya rin nama'y tumatakas na gaya ng anino, at hindi namamalagi. 018 JOB 014 003 At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, at ipinagsasama mo ako upang hatulan mo? 018 JOB 014 004 Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala. 018 JOB 014 005 Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan, ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo, at iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan; 018 JOB 014 006 Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga, hanggang sa maganap niya, na gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw. 018 JOB 014 007 Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli, at ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat. 018 JOB 014 008 Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa, at ang puno niyao'y mamatay sa lupa; 018 JOB 014 009 Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol, at magsasanga na gaya ng pananim. 018 JOB 014 010 Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw; Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya? 018 JOB 014 011 Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, at ang ilog ay humuhupa at natutuyo; 018 JOB 014 012 Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog. 018 JOB 014 013 Oh ikubli mo nawa ako sa Sheol. Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan, na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako! 018 JOB 014 014 Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya? Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako, hanggang sa dumating ang pagbabago. 018 JOB 014 015 Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo: ikaw ay magtataglay ng nasa sa gawa ng iyong mga kamay. 018 JOB 014 016 Nguni't ngayo'y binibilang mo ang aking mga hakbang: hindi mo ba pinapansin ang aking kasalanan? 018 JOB 014 017 Ang aking pagsalangsang ay natatatakan sa isang supot, at iyong inilalapat ang aking kasamaan. 018 JOB 014 018 At tunay na ang bundok na natitibag, ay nawawala, at ang bato ay napababago mula sa kinaroroonan niyaon; 018 JOB 014 019 Inuukit ng tubig ang mga bato; tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa: sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao. 018 JOB 014 020 Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya'y pumapanaw; iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha, at iyong pinayayaon siya. 018 JOB 014 021 Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, at hindi niya nalalaman; at sila'y ibinababa, nguni't hindi niya nahahalata sila. 018 JOB 014 022 Nguni't ang kaniyang laman sa kaniya ay masakit, at ang kaniyang kaluluwa sa loob niya ay namamanglaw. 018 JOB 015 001 Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, 018 JOB 015 002 Sasagot ba ang isang pantas ng walang kabuluhang kaalaman, at pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan? 018 JOB 015 003 Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap, o ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti? 018 JOB 015 004 Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan, at iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios. 018 JOB 015 005 Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig, at iyong pinipili ang dila ng mapagkatha. 018 JOB 015 006 Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako; Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo. 018 JOB 015 007 Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak? O nalabas ka bang una kay sa mga burol? 018 JOB 015 008 Iyo bang narinig ang lihim na payo ng Dios? At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili? 018 JOB 015 009 Anong nalalaman mo na di namin nalalaman? Anong nauunawa mo na wala sa amin? 018 JOB 015 010 Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao, matandang makapupo kay sa iyong ama. 018 JOB 015 011 Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo, sa makatuwid baga'y ang salitang napakabuti sa iyo? 018 JOB 015 012 Bakit ka napadadala sa iyong puso? At bakit kumikindat ang iyong mga mata? 018 JOB 015 013 Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios, at binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig. 018 JOB 015 014 Ano ang tao upang maging malinis? At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid? 018 JOB 015 015 Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga banal; Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin. 018 JOB 015 016 Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak, ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig! 018 JOB 015 017 Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako; at ang aking nakita ay aking ipahahayag: 018 JOB 015 018 (Ang isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang, at hindi inilingid; 018 JOB 015 019 Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain, at walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila: ) 018 JOB 015 020 Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw, sa makatuwid baga'y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati. 018 JOB 015 021 Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig; sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam: 018 JOB 015 022 Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman, at siya'y hinihintay ng tabak: 018 JOB 015 023 Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan? Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay: 018 JOB 015 024 Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya: nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka; 018 JOB 015 025 Sapagka't iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios. At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat; 018 JOB 015 026 Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg, sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag; 018 JOB 015 027 Sapagka't tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan at nagpangulubot ng kaniyang mga pigi; 018 JOB 015 028 At siya'y tumahan sa mga sirang bayan, sa mga bahay na walang taong tumatahan, na madaling magiging mga bunton. 018 JOB 015 029 Hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kaniyang pag-aari. Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik. 018 JOB 015 030 Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman; tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga, at sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya. 018 JOB 015 031 Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili: sapagka't kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya. 018 JOB 015 032 Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan, at ang kaniyang sanga ay hindi mananariwa. 018 JOB 015 033 Lalagasin niya ang kaniyang mga hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas, at lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo. 018 JOB 015 034 Sapagka't ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago, at susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan. 018 JOB 015 035 Sila'y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan, at ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya. 018 JOB 016 001 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, 018 JOB 016 002 Ako'y nakarinig ng maraming ganyang bagay: maralitang mga mangaaliw kayong lahat. 018 JOB 016 003 Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita? O anong naguudyok sa iyo, na ikaw ay sumagot? 018 JOB 016 004 Ako nama'y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa; kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa, ako'y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo, at maigagalaw ang aking ulo sa inyo. 018 JOB 016 005 Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig, at ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap, 018 JOB 016 006 Bagaman ako'y nagsasalita, ang aking hirap ay hindi naglilikat: at bagaman ako'y tumatahimik, anong ikinalalayo sa akin? 018 JOB 016 007 Nguni't ngayo'y niyamot niya ako: nilansag mo ang aking buong pulutong. 018 JOB 016 008 At ako'y pinagdalamhati mo, na siyang saksi laban sa akin; at ang aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin, nagpapatotoo sa aking mukha. 018 JOB 016 009 Niluray niya ako sa kaniyang kapootan, at inusig ako; pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin: pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway. 018 JOB 016 010 Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig: kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya: sila'y nagpipisan laban sa akin. 018 JOB 016 011 Ibinibigay ako ng Dios sa di banal, at inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama. 018 JOB 016 012 Ako'y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam; Oo, sinunggaban niya ako sa leeg, at pinagwaraywaray niya ako: inilagay naman niya akong pinakatanda niya. 018 JOB 016 013 Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga mamamana, kaniyang sinaksak ang aking mga bato, at hindi nagpapatawad; kaniyang ibinubuhos ang aking apdo sa lupa. 018 JOB 016 014 Kaniyang binubugbog ako ng bugbog at bugbog; siya'y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako. 018 JOB 016 015 Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan, at aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok. 018 JOB 016 016 Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak, at nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan; 018 JOB 016 017 Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay, at ang aking dalangin ay malinis, 018 JOB 016 018 Oh lupa, huwag mong tabunan ang aking dugo, at huwag magkaroon ng pahingahang dako ang aking daing. 018 JOB 016 019 Kahit na ngayon, narito, ang aking saksi ay nasa langit, at siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan. 018 JOB 016 020 Ginagalit ako ng aking mga kaibigan: nguni't ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios; 018 JOB 016 021 Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios; at ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa. 018 JOB 016 022 Sapagka't pagsapit ng ilang taon, ako'y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan. 018 JOB 017 001 Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos, ang libingan ay handa sa akin. 018 JOB 017 002 Tunay na may mga manunuya na kasama ako, at ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi. 018 JOB 017 003 Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili; sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin? 018 JOB 017 004 Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa: kaya't hindi mo sila itataas. 018 JOB 017 005 Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli, ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata. 018 JOB 017 006 Nguni't ginawa rin niya akong kakutyaan ng bayan: at niluraan nila ako sa mukha. 018 JOB 017 007 Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan. At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino. 018 JOB 017 008 Mga matuwid na tao ay matitigilan nito, at ang walang sala ay babangon laban sa di banal. 018 JOB 017 009 Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad, at ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas. 018 JOB 017 010 Nguni't tungkol sa inyong lahat, magsiparito kayo ngayon uli; at hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo. 018 JOB 017 011 Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira, sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso. 018 JOB 017 012 Kanilang ipinalit ang araw sa gabi: ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman. 018 JOB 017 013 Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman: 018 JOB 017 014 Kung sinabi ko sa kapahamakan: ikaw ay aking ama: sa uod: ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae; 018 JOB 017 015 Nasaan nga ang aking pagasa? At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita? 018 JOB 017 016 Lulusong sa mga pangawan ng Sheol, pagtataglay ng kapahingahan sa alabok. 018 JOB 018 001 Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi, 018 JOB 018 002 Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita? Inyong bulayin, at pagkatapos ay magsasalita kami. 018 JOB 018 003 Bakit kami nangabibilang na parang mga hayop, at naging marumi sa iyong paningin? 018 JOB 018 004 Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit, pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo? O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan? 018 JOB 018 005 Oo, ang ilaw ng masama ay papatayin, at ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag. 018 JOB 018 006 Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda, at ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin. 018 JOB 018 007 Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil, at ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya. 018 JOB 018 008 Sapagka't siya'y inihagis sa lambat ng kaniyang sariling mga paa, at siya'y lumalakad sa mga silo. 018 JOB 018 009 Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong. At isang silo ay huhuli sa kaniya. 018 JOB 018 010 Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa, at isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan. 018 JOB 018 011 Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya sa lahat ng dako, at hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong. 018 JOB 018 012 Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom, at ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran. 018 JOB 018 013 Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan, Oo, lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga sangkap. 018 JOB 018 014 Siya'y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan; at siya'y dadalhin sa hari ng mga kakilabutan. 018 JOB 018 015 Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano: azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan. 018 JOB 018 016 Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo sa ilalim, at sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga. 018 JOB 018 017 Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa, at siya'y mawawalan ng pangalan sa lansangan. 018 JOB 018 018 Siya'y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag, at itatapon sa labas ng sanglibutan. 018 JOB 018 019 Siya'y hindi magkakaroon kahit anak, ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan, ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan. 018 JOB 018 020 Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa kaniyang kaarawan, gaya ng nangauna na nangatakot. 018 JOB 018 021 Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko, at ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios. 018 JOB 019 001 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, 018 JOB 019 002 Hanggang kailan pahihirapan ninyo ang aking kaluluwa, at babagabagin ako ng mga salita? 018 JOB 019 003 Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako: kayo'y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin. 018 JOB 019 004 At kahima't ako'y magkamali, ang aking kamalian ay maiwan sa aking sarili. 018 JOB 019 005 Kung tunay na kayo'y magpapakalaki laban sa akin, at ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko: 018 JOB 019 006 Talastasin ninyo ngayon na inilugmok ako ng Dios, at inikid ako ng kaniyang silo. 018 JOB 019 007 Narito, ako'y humihiyaw dahil sa kamalian, nguni't hindi ako dinidinig; ako'y humihiyaw ng tulong, nguni't walang kahatulan. 018 JOB 019 008 Kaniyang pinadiran ang aking daan upang huwag akong makaraan, at naglagay ng kadiliman sa aking mga landas. 018 JOB 019 009 Hinubaran niya ako ng aking kaluwalhatian, at inalis ang putong sa aking ulo. 018 JOB 019 010 Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw: at ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy. 018 JOB 019 011 Kaniya rin namang pinapagalab ang kaniyang pagiinit laban sa akin, at ibinilang niya ako sa kaniya na gaya ng isa sa kaniyang mga kaaway, 018 JOB 019 012 Ang kaniyang mga hukbo ay dumarating na magkakasama, at ipinagpatuloy ang kanilang lakad laban sa akin, at kinubkob ang palibot ng aking tolda. 018 JOB 019 013 Inilayo niya ang aking mga kapatid sa akin, at ang aking mga kakilala ay pawang nangiba sa akin. 018 JOB 019 014 Ang aking mga kamaganak ay nangagsilayo, at nilimot ako ng aking mga kasamasamang kaibigan. 018 JOB 019 015 Silang nagsisitahan sa aking bahay, at ang aking mga lingkod na babae, ay ibinibilang akong manunuluyan; ako'y naging kaiba sa kanilang paningin. 018 JOB 019 016 Aking tinatawag ang aking lingkod, at hindi ako sinasagot, bagaman sinasamo ko siya ng aking bibig. 018 JOB 019 017 Ang aking hininga ay iba sa aking asawa, at ang aking pamanhik sa mga anak ng tunay kong ina. 018 JOB 019 018 Pati ng mga bata ay humahamak sa akin; kung ako'y bumangon, sila'y nangagsasalita ng laban sa akin: 018 JOB 019 019 Lahat ng aking mahal na kaibigan ay nangayayamot sa akin: at ang aking minamahal ay nagsipihit ng laban sa akin, 018 JOB 019 020 Ang aking buto ay dumidikit sa aking balat at sa aking laman, at ako'y nakatanan ng sukat sa balat ng aking mga ngipin. 018 JOB 019 021 Mahabag kayo sa akin, mahabag kayo sa akin, Oh kayong mga kaibigan ko; sapagka't kinilos ako ng kamay ng Dios, 018 JOB 019 022 Bakit ninyo ako inuusig na gaya ng Dios. At hindi pa kayo nasisiyahan sa akin laman? 018 JOB 019 023 Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita! Oh mangalagda nawa sa isang aklat! 018 JOB 019 024 Ng isa nawang panulat na bakal at tingga, na mangaukit nawa sa bato magpakailan man! 018 JOB 019 025 Nguni't talastas ko na manunubos sa akin ay buhay, at siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan: 018 JOB 019 026 At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, gayon ma'y makikita ko ang Dios sa aking laman: 018 JOB 019 027 Siyang makikita ko ng sarili, at mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba. Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko. 018 JOB 019 028 Kung inyong sabihin: paanong aming pag-uusigin siya? Dangang ang kadahilanan ay nasusumpungan sa akin; 018 JOB 019 029 Mangatakot kayo sa tabak: sapagka't ang kapootan ang nagdadala ng mga parusa ng tabak, upang inyong malaman na may kahatulan. 018 JOB 020 001 Nang magkagayo'y sumagot si Zophar na Naamathita, at nagsabi, 018 JOB 020 002 Kaya't nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip, dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko. 018 JOB 020 003 Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan, at ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin. 018 JOB 020 004 Hindi mo ba nalalaman ito ng una, mula nang ang tao'y malagay sa lupa, 018 JOB 020 005 Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli, at ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang? 018 JOB 020 006 Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit, at ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap; 018 JOB 020 007 Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi: silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya? 018 JOB 020 008 Siya'y mawawala na gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan. Oo, siya'y mawawala na parang pangitain sa gabi. 018 JOB 020 009 Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa; ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook. 018 JOB 020 010 Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha, at ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan. 018 JOB 020 011 Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan, nguni't hihiga na kasama niya sa alabok. 018 JOB 020 012 Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig, bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila; 018 JOB 020 013 Bagaman kaniyang patawarin, at hindi niya ito babayaan, kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig; 018 JOB 020 014 Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan, siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya. 018 JOB 020 015 Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli: mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan. 018 JOB 020 016 Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas; papatayin siya ng dila ng ulupong. 018 JOB 020 017 Hindi niya matitingnan ang mga ilog, ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya. 018 JOB 020 018 Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan, at hindi lalamunin; ayon sa pag-aari na kaniyang tinangkilik, hindi siya magagalak. 018 JOB 020 019 Sapagka't kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha; kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay; at hindi niya itatayo. 018 JOB 020 020 Sapagka't hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya, hindi siya makapagliligtas ng anoman sa kaniyang kinaluluguran. 018 JOB 020 021 Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal; kaya't ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili. 018 JOB 020 022 Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya; ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya. 018 JOB 020 023 Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan, ihuhulog ng Dios ang kaniyang mabangis na poot sa kaniya. At ibubugso sa kaniya samantalang siya'y kumakain. 018 JOB 020 024 Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal, at ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya. 018 JOB 020 025 Binubunot niya ang pana, at lumalabas sa kaniyang katawan: Oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo; mga kakilabutan ang sumasa kaniya. 018 JOB 020 026 Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya; isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya: susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda. 018 JOB 020 027 Ihahayag ng mga langit ang kaniyang kasamaan, at ang lupa ay babangon laban sa kaniya. 018 JOB 020 028 Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon, ang kaniyang mga pag-aari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan. 018 JOB 020 029 Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios, at ang manang takda sa kaniya ng Dios. 018 JOB 021 001 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, 018 JOB 021 002 Pakinggan ninyong mainam ang aking pananalita; at ito'y maging inyong mga kaaliwan. 018 JOB 021 003 Pagdalitaan ninyo ako, at ako nama'y magsasalita, at pagkatapos na ako'y makapagsalita, ay manuya kayo. 018 JOB 021 004 Tungkol sa akin, ay sa tao ba ang aking daing? At bakit hindi ako maiinip? 018 JOB 021 005 Tandaan ninyo ako, at matigilan kayo. At ilagay ninyo ang inyong kamay sa inyong bibig, 018 JOB 021 006 Pagka aking naaalaala nga ay nababagabag ako, at kikilabutan ang humahawak sa aking laman. 018 JOB 021 007 Bakit nabubuhay ang masama, nagiging matanda, oo, nagiging malakas ba sa kapangyarihan? 018 JOB 021 008 Ang kanilang binhi ay natatatag nakasama nila sa kanilang paningin, at ang kanilang mga suwi ay nasa harap ng kanilang mga mata. 018 JOB 021 009 Ang kanilang mga bahay ay tiwasay na walang takot, kahit ang pamalo man ng Dios ay wala sa kanila. 018 JOB 021 010 Ang kanilang baka ay naglilihi, at hindi nababaog; ang kanilang baka ay nanganganak, at hindi napapahamak ang kaniyang guya. 018 JOB 021 011 Kaniyang inilabas ang kanilang mga bata na gaya ng kawan, at ang kanilang mga anak ay nangagsasayawan, 018 JOB 021 012 Sila'y nangagaawitan na katugma ng pandereta at alpa, at nangagkakatuwa sa tunog ng plauta. 018 JOB 021 013 Kanilang ginugugol ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at sa isang sandali ay nagsisilusong sila sa Sheol. 018 JOB 021 014 At sinasabi nila sa Dios: Lumayo ka sa amin; sapagka't hindi namin ninanasa ang pagkaalam ng inyong mga lakad. 018 JOB 021 015 Ano ang Makapangyarihan sa lahat na siya'y paglilingkuran namin? At anong pakinabang magkakaroon kami, kung kami ay magsidalangin sa kaniya? 018 JOB 021 016 Narito, ang kanilang kaginhawahan ay wala sa kanilang kamay: ang payo ng masama ay malayo sa akin. 018 JOB 021 017 Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masama? Na ang kanilang kapahamakan ay dumarating ba sa kanila? Na nagbabahagi ba ang Dios ng mga kapanglawan sa kaniyang galit? 018 JOB 021 018 Na sila'y gaya ng dayami sa harap ng hangin, at gaya ng ipa na tinatangay ng bagyo? 018 JOB 021 019 Inyong sinasabi, Inilalapat ng Dios ang kaniyang parusa sa kaniyang mga anak. Gantihin sa kaniyang sarili upang maalaman niya. 018 JOB 021 020 Makita ng kaniyang mga mata ang kaniyang pagkagiba, at uminom siya ng poot ng Makapangyarihan sa lahat. 018 JOB 021 021 Sapagka't anong kasayahan magkakaroon siya sa kaniyang bahay pagkamatay niya, pagka ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nahiwalay sa gitna? 018 JOB 021 022 May makapagtuturo ba ng kaalaman sa Dios? Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas. 018 JOB 021 023 Isa'y namamatay sa kaniyang lubos na kalakasan, palibhasa't walang bahala at tahimik: 018 JOB 021 024 Ang kaniyang mga suso ay puno ng gatas, at ang utak ng kaniyang mga buto ay halumigmig. 018 JOB 021 025 At ang iba'y namamatay sa paghihirap ng kaluluwa, at kailan man ay hindi nakakalasa ng mabuti. 018 JOB 021 026 Sila'y nahihigang magkakasama sa alabok, at tinatakpan sila ng uod. 018 JOB 021 027 Narito, aking nalalaman ang inyong pagiisip, at ang mga maling haka ng inyong inaakala laban sa akin. 018 JOB 021 028 Sapagka't inyong sinasabi, Saan naroon ang bahay ng prinsipe? At saan naroon ang tolda na tinatahanan ng masama? 018 JOB 021 029 Hindi ba ninyo itinanong sa kanilang nangagdadaan? At hindi ba ninyo nalalaman ang kanilang mga pinagkakakilanlan? 018 JOB 021 030 Na ang masamang tao ay natataan sa kaarawan ng kasakunaan? Na sila'y pinapatnubayan sa kaarawan ng kapootan? 018 JOB 021 031 Sinong magpapahayag ng kaniyang lakad sa kaniyang mukha? At sinong magbabayad sa kaniya ng kaniyang ginawa? 018 JOB 021 032 Gayon ma'y dadalhin siya sa libingan, at magbabantay ang mga tao sa libingan. 018 JOB 021 033 Ang mga bugal ng libis ay mamabutihin niya, at lahat ng tao ay magsisisunod sa kaniya, gaya ng nauna sa kaniya na walang bilang. 018 JOB 021 034 Paano ngang inyong aaliwin ako ng walang kabuluhan, dangang sa inyong mga sagot ang naiiwan lamang ay kabulaanan? 018 JOB 022 001 Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi, 018 JOB 022 002 Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios? Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili. 018 JOB 022 003 May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid? O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad? 018 JOB 022 004 Dahil ba sa iyong takot sa kaniya na kaniyang sinasaway ka, na siya'y pumasok sa iyo sa kahatulan? 018 JOB 022 005 Hindi ba malaki ang iyong kasamaan? Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan. 018 JOB 022 006 Sapagka't ikaw ay kumuha ng sangla ng iyong kapatid sa wala, at iyong hinubdan ng kanilang suot ang hubad. 018 JOB 022 007 Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom, at ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom. 018 JOB 022 008 Nguni't tungkol sa makapangyarihang tao, siya'y nagtatangkilik ng lupa; at ang marangal na tao, ay tumatahan doon. 018 JOB 022 009 Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao, at ang mga kamay ng ulila ay nangabali. 018 JOB 022 010 Kaya't ang mga silo ay nangasa palibot mo, at biglang takot ay bumabagabag sa iyo, 018 JOB 022 011 O kadiliman, upang huwag kang makakita. At kasaganaan ng tubig ay tumatabon sa iyo. 018 JOB 022 012 Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit? At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila! 018 JOB 022 013 At iyong sinasabi, Anong nalalaman ng Dios? Makahahatol ba siya sa salisalimuot na kadiliman? 018 JOB 022 014 Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya'y hindi nakakakita; at siya'y lumalakad sa balantok ng langit. 018 JOB 022 015 Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan, na nilakaran ng mga masamang tao? 018 JOB 022 016 Na siyang mga naalis bago dumating ang kanilang kapanahunan. Na ang patibayan ay nahuhong parang agos: 018 JOB 022 017 Na nagsabi sa Dios: Lumayo ka sa amin; at, anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat? 018 JOB 022 018 Gayon ma'y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mga mabuting bagay; nguni't ang payo ng masama ay malayo sa akin. 018 JOB 022 019 Nakikita ng mga matuwid at nangatutuwa; at tinatawanang mainam ng walang sala: 018 JOB 022 020 Na nagsasabi, Walang pagsalang silang nagsisibangon laban sa atin ay nahiwalay, at ang nalabi sa kanila ay sinupok ng apoy. 018 JOB 022 021 Makipagkilala ka sa kaniya, at ikaw ay mapayapa: anopa't ang mabuti ay darating sa iyo. 018 JOB 022 022 Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig, at ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso. 018 JOB 022 023 Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat, ay matatayo ka; kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda. 018 JOB 022 024 At ilagay mo ang iyong kayamanan sa alabok, at ang ginto ng Ophir sa gitna ng mga bato ng mga batis: 018 JOB 022 025 At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan, at mahalagang pilak sa iyo. 018 JOB 022 026 Sapagka't ikaw ay magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat, at iyong itataas ang iyong mukha sa Dios. 018 JOB 022 027 Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka: at iyong babayaran ang iyong mga panata. 018 JOB 022 028 Ikaw nama'y magpapasiya ng isang bagay, at ito'y matatatag sa iyo; at liwanag ay sisilang sa iyong mga daan. 018 JOB 022 029 Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas; at ililigtas niya ang mapagpakumbabang tao. 018 JOB 022 030 Kaniyang ililigtas, pati ng hindi banal: Oo, siya'y maliligtas sa kalinisan ng iyong mga kamay. 018 JOB 023 001 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, 018 JOB 023 002 Magpahanggang ngayo'y mapanghimagsik ang aking daing: ang bugbog sa akin ay lalong mabigat kaysa aking hibik. 018 JOB 023 003 Oh mano nawang maalaman ko kung saan ko masusumpungan siya, upang ako'y dumating hanggang sa kaniyang likmuan! 018 JOB 023 004 Aking aayusin ang aking usap sa harap niya, at pupunuin ko ang aking bibig ng mga pangangatuwiran. 018 JOB 023 005 Aking malalaman ang mga salita na kaniyang isasagot sa akin, at matatalastas ko kung ano ang kaniyang sasabihin sa akin. 018 JOB 023 006 Makikipagtalo ba siya sa akin sa kalakhan ng kaniyang kapangyarihan? Hindi; kundi pakikinggan niya ako. 018 JOB 023 007 Doo'y makapangangatuwiran sa kaniya ang matuwid; sa gayo'y maliligtas ako magpakailan man sa aking hukom. 018 JOB 023 008 Narito, ako'y nagpapatuloy, nguni't wala siya; at sa dakong likuran, nguni't hindi ko siya mamataan: 018 JOB 023 009 Sa kaliwa pagka siya'y gumagawa, nguni't hindi ko mamasdan siya: siya'y nagkukubli sa kanan, na hindi ko makita siya. 018 JOB 023 010 Nguni't nalalaman niya ang daang aking nilalakaran; pagka kaniyang nasubok ako ay lalabas akong parang ginto. 018 JOB 023 011 Ang aking paa ay sumunod na lubos sa kaniyang mga hakbang. Ang kaniyang daan ay aking iningatan, at hindi ako lumiko. 018 JOB 023 012 Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi; aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain. 018 JOB 023 013 Nguni't siya'y sa isang akala, at sinong makapagpapabalik sa kaniya? At kung ano ang ninanasa ng kaniyang kaluluwa siya nga niyang ginagawa. 018 JOB 023 014 Sapagka't kaniyang isinasagawa ang itinakda sa akin: at maraming gayong mga bagay ang nasa kaniya. 018 JOB 023 015 Kaya't ako'y nababagabag sa kaniyang harapan; pagka aking binubulay, ay natatakot ako sa kaniya. 018 JOB 023 016 Dahil sa pinapanglupaypay ng Dios ang aking puso, at binagabag ako ng Makapangyarihan sa lahat: 018 JOB 023 017 Sapagka't hindi ako inihiwalay sa harap ng kadiliman, ni tinakpan man niya ang salimuot na kadiliman sa aking mukha. 018 JOB 024 001 Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat? At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya? 018 JOB 024 002 May nagsisipagbago ng lindero; kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan, at pinasasabsab. 018 JOB 024 003 Kanilang itinataboy ang asno ng ulila, kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla. 018 JOB 024 004 Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan: ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama. 018 JOB 024 005 Narito, gaya ng mga mabangis na asno sa ilang, sila'y nagsisilabas sa kanilang gawa, na nagsisihanap na masikap ng pagkain; ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak. 018 JOB 024 006 Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain; at kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama. 018 JOB 024 007 Sila'y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot. At walang kumot sa ginaw. 018 JOB 024 008 Sila'y basa ng ulan sa mga bundok, at niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan. 018 JOB 024 009 May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso, at nagsisikuha ng sangla ng dukha: 018 JOB 024 010 Na anopa't sila'y yumayaong hubad na walang damit, at palibhasa'y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis; 018 JOB 024 011 Sila'y nagsisigawa ng langis sa loob ng olibohan ng mga taong ito; sila'y nagpipisa sa kanilang pisaan ng ubas, at nagtitiis ng uhaw. 018 JOB 024 012 Mula sa makapal na bayan ay nagsisidaing ang mga tao, at ang kaluluwa ng may sugat ay humihiyaw; gayon ma'y hindi inaaring mangmang ng Dios. 018 JOB 024 013 Ito'y sa mga nangaghihimagsik laban sa liwanag; Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon, ni tumatahan man sa mga landas niyaon. 018 JOB 024 014 Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag, pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan; at sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw. 018 JOB 024 015 Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay ng pagtatakip-silim, na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin: at nagiiba ng kaniyang mukha. 018 JOB 024 016 Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay: sila'y nagkukulong sa sarili kung araw; hindi nila nalalaman ang liwanag, 018 JOB 024 017 Sapagka't ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman, sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman. 018 JOB 024 018 Siya'y matulin sa ibabaw ng tubig; ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa: siya'y hindi babalik sa daan ng mga ubasan. 018 JOB 024 019 Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng tubig: gaya ng Sheol ng mga nagkakasala. 018 JOB 024 020 Kalilimutan siya ng bahay-bata: siya'y kakaning maigi ng uod; siya'y hindi na maaalaala pa: at ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy. 018 JOB 024 021 Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak; at hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao. 018 JOB 024 022 Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan: siya'y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay. 018 JOB 024 023 Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan, at sila'y nagpapahinga roon; at ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad. 018 JOB 024 024 Sila'y nangataas, gayon ma'y isang sandali pa, at sila'y wala na. Oo, sila'y nangababa, sila'y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba, at nangaputol na gaya ng mga uhay. 018 JOB 024 025 At kung hindi gayon ngayon, sinong magpapatotoo na ako'y sinungaling, at magwawala ng kabuluhan ng aking pananalita? 018 JOB 025 001 Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi, 018 JOB 025 002 Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya; siya'y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga mataas na dako. 018 JOB 025 003 May anomang bilang ba sa kaniyang mga hukbo? At doon sa hindi sinisikatan ng kaniyang liwanag? 018 JOB 025 004 Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae. 018 JOB 025 005 Narito, pati ng buwan ay walang liwanag, at ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin: 018 JOB 025 006 Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod! At ang anak ng tao, na isang uod! 018 JOB 026 001 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, 018 JOB 026 002 Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan! Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas! 018 JOB 026 003 Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan, at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman! 018 JOB 026 004 Kanino mo binigkas ang mga salita? At kanino ang diwa na lumabas sa iyo? 018 JOB 026 005 Ang mga patay ay nanginginig sa ilalim ng tubig, at ang mga nananahan doon. 018 JOB 026 006 Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios, at ang Abaddon ay walang takip. 018 JOB 026 007 Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala. 018 JOB 026 008 Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap; at ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila. 018 JOB 026 009 Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan, at iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon. 018 JOB 026 010 Siya'y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig, hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman. 018 JOB 026 011 Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig. At nangatitigilan sa kaniyang saway. 018 JOB 026 012 Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan, at sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab. 018 JOB 026 013 Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit; sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas. 018 JOB 026 014 Narito, ang mga ito ang mga gilid lamang ng kaniyang mga daan: at pagkarahan ng bulong na ating naririnig sa kaniya! Nguni't sinong makakaunawa ng kulog ng kaniyang kapangyarihan? 018 JOB 027 001 At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga, at nagsabi, 018 JOB 027 002 Buhay ang Dios, na siyang nagalis ng aking katuwiran, at ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa; 018 JOB 027 003 (Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin, at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong); 018 JOB 027 004 Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan, ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan. 018 JOB 027 005 Malayo nawa sa aking kayo'y ariin kong ganap: Hanggang sa ako'y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat. 018 JOB 027 006 Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan: hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako'y buhay. 018 JOB 027 007 Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama, at ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko. 018 JOB 027 008 Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya, pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa? 018 JOB 027 009 Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak, pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya? 018 JOB 027 010 Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat, at tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon? 018 JOB 027 011 Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios; ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim. 018 JOB 027 012 Narito, kayong lahat ay nangakakita; bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan? 018 JOB 027 013 Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios, at ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat. 018 JOB 027 014 Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa tabak, at ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay. 018 JOB 027 015 Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan, at ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy. 018 JOB 027 016 Bagaman siya'y magbunton ng pilak na parang alabok, at maghahanda ng bihisan na parang putik; 018 JOB 027 017 Maihahanda niya, nguni't ang ganap ang magsusuot niyaon. At babahagihin ng walang sala ang pilak. 018 JOB 027 018 Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga, at gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay. 018 JOB 027 019 Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya pupulutin; kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya. 018 JOB 027 020 Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na gaya ng tubig; bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan, 018 JOB 027 021 Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw; at pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako. 018 JOB 027 022 Sapagka't hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad; siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay. 018 JOB 027 023 Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya. At hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako. 018 JOB 028 001 Tunay na may mina na mayroong pilak, at dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan. 018 JOB 028 002 Bakal ay hinuhukay sa lupa, at tanso ay binububo mula sa bato. 018 JOB 028 003 Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman, at sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman. 018 JOB 028 004 Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao: nililimot ng paa na dumadaan nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito. 018 JOB 028 005 Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay: at sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy. 018 JOB 028 006 Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro. At ito'y may alabok na ginto. 018 JOB 028 007 Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam. Ni nakita man ng mata ng falkon: 018 JOB 028 008 Hindi natungtungan ng mga palalong hayop, ni naraanan man ng mabangis na leon, 018 JOB 028 009 Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian; binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok. 018 JOB 028 010 Siya'y nagbabangbang sa gitna ng mga bato; at ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa't mahalagang bagay. 018 JOB 028 011 Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos; at ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag. 018 JOB 028 012 Nguni't saan masusumpungan ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa? 018 JOB 028 013 Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon; ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay. 018 JOB 028 014 Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin: at sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin. 018 JOB 028 015 Hindi mabibili ng ginto, ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon. 018 JOB 028 016 Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir, ng mahalagang onix, o ng zafiro. 018 JOB 028 017 Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon: ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto. 018 JOB 028 018 Hindi mabibilang ang coral o ang cristal; Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga rubi. 018 JOB 028 019 Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon, ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto. 018 JOB 028 020 Saan nanggagaling nga ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa? 018 JOB 028 021 Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay, at natatago sa mga ibon sa himpapawid. 018 JOB 028 022 Ang kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi, narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon. 018 JOB 028 023 Nauunawa ng Dios ang daan niyaon, at nalalaman niya ang dako niyaon. 018 JOB 028 024 Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, at nakikita ang silong ng buong langit; 018 JOB 028 025 Upang bigyan ng timbang ang hangin; Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan. 018 JOB 028 026 Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan, at ng daan sa kidlat ng kulog: 018 JOB 028 027 Nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag; kaniyang itinatag ito, oo, at siniyasat. 018 JOB 028 028 At sa tao ay sinabi niya, Narito, ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan; at ang paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa. 018 JOB 029 001 At muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi, 018 JOB 029 002 Oh ako nawa'y napasa mga buwan noong dakong una, gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios; 018 JOB 029 003 Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo at sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman; 018 JOB 029 004 Gaya noong ako'y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan, noong ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda; 018 JOB 029 005 Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa, at ang aking mga anak ay nangasa palibot ko; 018 JOB 029 006 Noong ang aking mga hakbang ay naliligo sa gatas, at ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis! 018 JOB 029 007 Noong ako'y lumalabas sa pintuang-bayan hanggang sa bayan, noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan, 018 JOB 029 008 Nakikita ako ng mga binata, at nagsisipagkubli, at ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo: 018 JOB 029 009 Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap, at inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig; 018 JOB 029 010 Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik, at ang kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig. 018 JOB 029 011 Sapagka't pagka naririnig ako ng pakinig, ay pinagpapala nga ako; at pagka nakikita ako ng mata, ay sumasaksi sa akin: 018 JOB 029 012 Sapagka't aking iniligtas ang dukha na dumadaing, ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya. 018 JOB 029 013 Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin: at aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao. 018 JOB 029 014 Ako'y nagbibihis ng katuwiran, at sinusuutan niya ako: ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema. 018 JOB 029 015 Ako'y naging mga mata sa bulag, at naging mga paa ako sa pilay. 018 JOB 029 016 Ako'y naging ama sa mapagkailangan; at ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat. 018 JOB 029 017 At aking binali ang mga pangil ng liko, at inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin. 018 JOB 029 018 Nang magkagayo'y sinabi ko, mamamatay ako sa aking pugad, at aking pararamihin ang aking mga kaarawan na gaya ng buhangin: 018 JOB 029 019 Ang aking ugat ay nakalat sa tubig, at ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking sanga: 018 JOB 029 020 Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin, at ang aking busog ay nababago sa aking kamay. 018 JOB 029 021 Sa akin ay nangakikinig ang mga tao, at nangaghihintay, at nagsisitahimik sa aking payo. 018 JOB 029 022 Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli; at ang aking pananalita ay tumutulo sa kanila. 018 JOB 029 023 At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan, at kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa huling ulan. 018 JOB 029 024 Ako'y ngumingiti sa kanila pagka sila'y hindi nanganiniwala: at ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak. 018 JOB 029 025 Ako'y namimili sa kanilang daan, at nauupong gaya ng puno, at tumatahang gaya ng hari sa hukbo, gaya ng nangaaliw sa nananangis. 018 JOB 030 001 Nguni't ngayo'y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin, na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan. 018 JOB 030 002 Oo, ang kalakasan ng kanilang kamay, sa ano ko mapapakinabangan? Mga taong ang kalusugan ng gulang ay lumipas na. 018 JOB 030 003 Sila'y lata sa pangangailangan at sa kagutom; kanilang nginangata ang tuyong lupa, sa kadiliman ng kasalatan at kapahamakan. 018 JOB 030 004 Sila'y nagsisibunot ng mga malvas sa tabi ng mabababang punong kahoy; at ang mga ugat ng enebro ay siyang kanilang pinakapagkain. 018 JOB 030 005 Sila'y pinalayas mula sa gitna ng mga tao; sila'y sumisigaw sa likuran nila, na gaya ng sa likuran ng isang magnanakaw. 018 JOB 030 006 Upang sila'y magsitahan sa nakatatakot na mga libis, sa mga puwang ng lupa, at ng mga bato. 018 JOB 030 007 Sa gitna ng mabababang punong kahoy ay nagsisiangal; sa ilalim ng mga tinikan ay nangapipisan. 018 JOB 030 008 Mga anak ng mga mangmang, oo, mga anak ng mga walang puring tao; sila'y mga itinapon mula sa lupain. 018 JOB 030 009 At ngayon ay naging kantahin nila ako, Oo, ako'y kasabihan sa kanila. 018 JOB 030 010 Kanilang kinayayamutan ako, nilalayuan nila ako, at hindi sila nagpipigil ng paglura sa aking mukha. 018 JOB 030 011 Sapagka't kinalag niya ang kaniyang panali, at pinighati ako, at kanilang inalis ang paningkaw sa harap ko. 018 JOB 030 012 Sa aking kanan ay tumatayo ang tanga; itinutulak nila ang aking mga paa, at kanilang pinapatag laban sa akin ang kanilang mga paraan ng paghamak. 018 JOB 030 013 Kanilang sinisira ang aking landas, kanilang isinusulong ang aking kapahamakan, mga taong walang tumulong. 018 JOB 030 014 Tila dumarating sila sa isang maluwang na pasukan: sa gitna ng kasiraan ay nagsisigulong sila. 018 JOB 030 015 Mga kakilabutan ay dumadagan sa akin, kanilang tinatangay ang aking karangalan na gaya ng hangin; at ang aking kaginhawahan ay napaparam na parang alapaap. 018 JOB 030 016 At ngayo'y nanglulupaypay ang aking kaluluwa sa loob ko; mga kaarawan ng pagkapighati ay humawak sa akin. 018 JOB 030 017 Sa gabi ay nagaantakan ang aking mga buto, at ang mga antak na nagpapahirap sa akin ay hindi nagpapahinga. 018 JOB 030 018 Sa matinding karahasan ng aking sakit ay nagiging katuwa ang aking suot: tumatali sa akin sa palibot na gaya ng leeg ng aking baro. 018 JOB 030 019 Inihahagis niya ako sa banlik, at ako'y naging parang alabok at mga abo. 018 JOB 030 020 Ako'y dumadaing sa iyo, at hindi mo ako sinasagot: ako'y tumatayo, at minamasdan mo ako. 018 JOB 030 021 Ikaw ay naging mabagsik sa akin: sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong kamay ay hinahabol mo ako. 018 JOB 030 022 Itinataas mo ako sa hangin, pinasasakay mo ako roon; at tinutunaw mo ako sa bagyo. 018 JOB 030 023 Sapagka't talastas ko na iyong dadalhin ako sa kamatayan, at sa bahay na takda sa lahat na may buhay. 018 JOB 030 024 Gayon man ang isa ay di ba naguunat ng kamay sa kaniyang pagkahulog? O sa kaniyang kasakunaan kung kaya sisigaw ng tulong? 018 JOB 030 025 Hindi ko ba iniyakan yaong nasa kabagabagan? Hindi ba ang aking kaluluwa ay nakikidamay sa mapagkailangan? 018 JOB 030 026 Pagka ako'y humahanap ng mabuti, ang kasamaan nga ang dumarating: at pagka ako'y naghihintay ng liwanag ay kadiliman ang dumarating. 018 JOB 030 027 Ang aking puso'y nababagabag at walang pahinga; mga araw ng kapighatian ay dumating sa akin. 018 JOB 030 028 Ako'y yumayaong tumatangis na walang araw; ako'y tumatayo sa kapulungan at humihinging tulong. 018 JOB 030 029 Ako'y kapatid ng mga chakal, at mga kasama ng mga avestruz. 018 JOB 030 030 Ang aking balat ay maitim, at natutuklap, at ang aking mga buto ay nagpapaltos. 018 JOB 030 031 Kaya't ang aking alpa ay naging panangis, at ang aking flauta ay naging tinig ng umiiyak. 018 JOB 031 001 Ako'y nakipagtipan sa aking mga mata; paano nga akong titingin sa isang dalaga? 018 JOB 031 002 Sapagka't ano ang bahagi sa ganang akin sa Dios mula sa itaas, at ang mana sa Makapangyarihan sa lahat mula sa kaitaasan? 018 JOB 031 003 Hindi ba kasakunaan sa liko, at kasawiang palad sa mga manggagawa ng kasamaan? 018 JOB 031 004 Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad, at binibilang ang lahat ng aking mga hakbang? 018 JOB 031 005 Kung ako'y lumakad na walang kabuluhan, at ang aking paa ay nagmadali sa pagdaraya; 018 JOB 031 006 (Timbangin ako sa matuwid na timbangan, upang mabatid ng Dios ang aking pagtatapat; ) 018 JOB 031 007 Kung ang aking hakbang ay lumiko sa daan, at ang aking puso ay lumakad ayon sa aking mga mata, at kung ang anomang dungis ay kumapit sa aking mga kamay: 018 JOB 031 008 Kung gayo'y papaghasikin mo ako, at bayaang kanin ng iba; Oo, bunutin ang bunga ng aking bukid. 018 JOB 031 009 Kung ang aking puso ay napadaya sa babae, at ako'y bumakay sa pintuan ng aking kapuwa: 018 JOB 031 010 Kung magkagayo'y iba ang ipaggiling ng aking asawa, at iba ang yumuko sa kaniya. 018 JOB 031 011 Sapagka't iya'y isang mabigat na sala; Oo, isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom: 018 JOB 031 012 Sapagka't isang apoy na namumugnaw hanggang sa pagkapahamak, at bubunutin ang lahat ng aking bunga. 018 JOB 031 013 Kung hinamak ko ang katuwiran ng aking aliping lalake o aliping babae, nang sila'y makipagtalo sa akin: 018 JOB 031 014 Ano nga ang aking gagawin pagka bumabangon ang Dios? At pagka kaniyang dinadalaw, anong isasagot ko sa kaniya? 018 JOB 031 015 Hindi ba siyang lumalang sa akin sa bahay-bata ang lumalang sa kaniya; at hindi ba iisa ang humugis sa atin sa bahay-bata? 018 JOB 031 016 Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa, o pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao: 018 JOB 031 017 O kumain akong magisa ng aking subo, at ang ulila ay hindi kumain niyaon; 018 JOB 031 018 (Hindi, mula sa aking kabataan ay lumaki siyang kasama ko, na gaya ng may isang ama, at aking pinatnubayan siya mula sa bahay-bata ng aking ina; ) 018 JOB 031 019 Kung ako'y nakakita ng sinomang nangangailangan ng kasuutan, o ng mapagkailangan ng walang kumot; 018 JOB 031 020 Kung hindi ako pinagpala ng kaniyang mga balakang, at kung siya'y hindi nainitan ng balahibo ng aking mga tupa: 018 JOB 031 021 Kung binuhat ko ang aking kamay laban sa ulila, sapagka't nakita ko ang tulong sa akin sa pintuang-bayan: 018 JOB 031 022 Kung nagkagayo'y malaglag ang aking balikat sa abot-agawin, at ang aking kamay ay mabali sa buto. 018 JOB 031 023 Sapagka't ang kasakunaang mula sa Dios ay kakilabutan sa akin, at dahil sa kaniyang karilagan ay wala akong magawa. 018 JOB 031 024 Kung aking pinapaging ginto ang aking pagasa, at sinabi ko sa dalisay na ginto, ikaw ay aking tiwala; 018 JOB 031 025 Kung ako'y nagalak sapagka't ang aking kayamanan ay malaki, at sapagka't ang aking kamay ay nagtamo ng marami; 018 JOB 031 026 Kung ako'y tumingin sa araw pagka sumisikat, o sa buwan na lumalakad sa kakinangan; 018 JOB 031 027 At ang aking puso ay napadayang lihim, at hinagkan ng aking bibig ang aking kamay: 018 JOB 031 028 Ito may isang kasamaang marapat parusahan ng mga hukom: sapagka't itinakuwil ko ang Dios na nasa itaas. 018 JOB 031 029 Kung ako'y nagalak sa kasakunaan niyaong nagtatanim ng loob sa akin, o nagmataas ako ng datnan siya ng kasamaan; 018 JOB 031 030 (Oo, hindi ko tiniis ang aking bibig sa kasalanan sa paghingi ng kaniyang buhay na may sumpa; ) 018 JOB 031 031 Kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi, sinong makakasumpong ng isa na hindi nabusog sa kaniyang pagkain? 018 JOB 031 032 Ang taga ibang lupa ay hindi tumigil sa lansangan; kundi aking ibinukas ang aking mga pinto sa manglalakbay, 018 JOB 031 033 Kung aking tinakpan na gaya ni Adan ang aking mga pagsalangsang, sa pagkukubli ng aking kasamaan sa aking sinapupunan; 018 JOB 031 034 Sapagka't aking kinatakutan ang lubhang karamihan, at pinangilabot ako ng paghamak ng mga angkan. Na anopa't ako'y tumahimik, at hindi lumabas sa pintuan? 018 JOB 031 035 O mano nawang may duminig sa akin! (Narito ang aking tala, sagutin ako ng Makapangyarihan sa lahat; ) At mano nawang magkaroon ako ng sumbong na isinulat ng aking kaaway! 018 JOB 031 036 Tunay na aking papasanin ito sa aking balikat; aking itatali sa akin na gaya ng isang putong. 018 JOB 031 037 Aking ipahahayag sa kaniya ang bilang ng aking mga hakbang, gaya ng isang pangulo na lalapitan ko siya. 018 JOB 031 038 Kung ang aking lupa ay humiyaw laban sa akin, at ang mga bungkal niyaon ay umiyak na magkakasama; 018 JOB 031 039 Kung kumain ako ng bunga niyaon na walang bayad, o ipinahamak ko ang buhay ng mga may-ari niyaon: 018 JOB 031 040 Tubuan ng dawag sa halip ng trigo, at ng mga masamang damo sa halip ng cebada. Ang mga salita ni Job ay natapos. 018 JOB 032 001 Sa gayo'y ang tatlong lalaking ito ay nagsitigil ng pagsagot kay Job, sapagka't siya'y matuwid sa kaniyang sariling paningin. 018 JOB 032 002 Nang magkagayo'y nagalab ang poot ni Eliu, na anak ni Barachel na Bucita, na angkan ni Ram: laban kay Job ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't siya'y nagpapanggap na ganap kay sa Dios. 018 JOB 032 003 Laban din naman sa kaniyang tatlong kaibigan ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't sila'y hindi nakasumpong ng sagot, at gayon man ay nahatulan si Job. 018 JOB 032 004 Si Eliu nga ay naghintay upang magsalita kay Job, sapagka't sila'y matanda kay sa kaniya. 018 JOB 032 005 At nang makita ni Eliu na walang kasagutan sa bibig ng tatlong lalaking ito, ay nagalab ang kaniyang poot. 018 JOB 032 006 At si Eliu na anak ni Barachel na Bucita ay sumagot at nagsabi, Ako'y bata, at kayo'y totoong matatanda; kaya't ako'y nagpakapigil at hindi ako nangahas magpatalastas sa inyo ng aking haka. 018 JOB 032 007 Aking sinabi, Ang mga kaarawan ang mangagsasalita, at ang karamihan ng mga taon ay mangagtuturo ng karunungan. 018 JOB 032 008 Nguni't may espiritu sa tao, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa kanila ng unawa. 018 JOB 032 009 Hindi ang dakila ang siyang pantas, ni ang matanda man ang siyang nakakaunawa ng kahatulan. 018 JOB 032 010 Kaya't aking sinabi, Dinggin ninyo ako; akin namang ipakikilala ang aking haka. 018 JOB 032 011 Narito, aking hinintay ang inyong mga salita, aking dininig ang inyong mga pangangatuwiran, samantalang kayo'y naghahagilap ng masasabi. 018 JOB 032 012 Oo, aking inulinig kayo, at, narito, walang isang makahikayat kay Job, o sa inyo'y may makasagot sa kaniyang mga salita. 018 JOB 032 013 Magbawa nga kayo, baka kayo'y magsabi, Kami ay nakasumpong ng karunungan; madadaig ng Dios siya, hindi ng tao; 018 JOB 032 014 Sapagka't hindi itinukoy ang kaniyang mga salita sa akin; ni hindi ko sasagutin siya ng inyong mga pananalita. 018 JOB 032 015 Sila'y nangalito, sila'y hindi na nagsisagot pa; Sila'y walang salitang masabi, 018 JOB 032 016 At ako ba'y maghihintay, sapagka't sila'y hindi nangagsasalita, sapagka't sila'y nangakatigil, at hindi na nagsisisagot. 018 JOB 032 017 Ako nama'y sasagot ng ganang akin, akin namang ipakikilala ang aking haka. 018 JOB 032 018 Sapagka't ako'y puspos ng mga salita; ang diwa na sumasaloob ko ay pumipigil sa akin, 018 JOB 032 019 Narito, ang aking dibdib ay parang alak na walang pahingahan: parang mga bagong sisidlang-balat na handa sa pagkahapak. 018 JOB 032 020 Ako'y magsasalita, upang ako'y maginhawahan: aking ibubuka ang aking mga labi at sasagot ako. 018 JOB 032 021 Huwag itulot sa akin na pakundanganan ko, isinasamo ko sa inyo, ang pagkatao ninoman; ni gumamit man sa kanino man ng mga pakunwaring papuring salita. 018 JOB 032 022 Sapagka't hindi ako marunong sumambit ng mga pakunwaring papuring salita; na kung dili ay madaling papanawin ako ng Maylalang sa akin. 018 JOB 033 001 Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita, at pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita. 018 JOB 033 002 Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig; nagsalita ang aking dila sa aking bibig. 018 JOB 033 003 Sasaysayin ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso; at ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat. 018 JOB 033 004 Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay. 018 JOB 033 005 Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin; ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka. 018 JOB 033 006 Narito, ako'y sa Dios na gaya mo: ako ma'y nilalang mula rin sa putik. 018 JOB 033 007 Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan, ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo. 018 JOB 033 008 Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig, at aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi, 018 JOB 033 009 Ako'y malinis na walang pagsalangsang; ako'y walang sala, ni may kasamaan man sa akin: 018 JOB 033 010 Narito, siya'y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin, ibinilang niya ako na pinakakaaway: 018 JOB 033 011 Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan, kaniyang pinupuna ang lahat na aking landas. 018 JOB 033 012 Narito, ako'y sasagot sa iyo, dito'y hindi ka ganap; sapagka't ang Dios ay dakila kay sa tao. 018 JOB 033 013 Bakit ka nakikilaban sa kaniya? Sapagka't hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap. 018 JOB 033 014 Sapagka't ang Dios ay minsang nagsasalita, Oo, makalawa, bagaman hindi pinakikinggan ng tao. 018 JOB 033 015 Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao, sa mga pagkakatulog sa higaan; 018 JOB 033 016 Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao, at itinatatak ang kanilang turo, 018 JOB 033 017 Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala, at ikubli ang kapalaluan sa tao; 018 JOB 033 018 Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay, at ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak. 018 JOB 033 019 Siya nama'y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan, at ng palaging antak sa kaniyang mga buto: 018 JOB 033 020 Na anopa't kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay, at ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap, 018 JOB 033 021 Ang kaniyang laman ay natutunaw, na hindi makita; at ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw. 018 JOB 033 022 Oo, ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay, at ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak. 018 JOB 033 023 Kung doroong kasama niya ang isang anghel, isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo, upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya; 018 JOB 033 024 Kung magkagayo'y binibiyayaan niya siya at nagsasabi, Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay, ako'y nakasumpong ng katubusan. 018 JOB 033 025 Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata; siya'y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan: 018 JOB 033 026 Siya'y dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya: na anopa't kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan: at kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran. 018 JOB 033 027 Siya'y umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi, Ako'y nagkasala, at sumira ng matuwid, at hindi ko napakinabangan: 018 JOB 033 028 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay, at ang aking buhay ay makakakita ng liwanag. 018 JOB 033 029 Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios, makalawa, oo, makaitlo sa tao, 018 JOB 033 030 Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay. 018 JOB 033 031 Pansinin mong mabuti, Oh Job, dinggin mo ako: tumahimik ka, at ako'y magsasalita. 018 JOB 033 032 Kung ikaw ay may anomang bagay na sasabihin, sagutin mo ako: ikaw ay magsalita, sapagka't ibig kong ariin kang ganap. 018 JOB 033 033 Kung hindi, dinggin mo ako: tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan. 018 JOB 034 001 Bukod dito'y sumagot si Eliu, at nagsabi, 018 JOB 034 002 Dinggin ninyo ang aking mga salita, kayong mga pantas; at pakinggan ninyo ako, ninyong may kaalaman. 018 JOB 034 003 Sapagka't ang pakinig ay tumitikim ng mga salita, gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain. 018 JOB 034 004 Ating piliin sa ganang atin ang matuwid: ating alamin sa gitna natin kung ano ang mabuti. 018 JOB 034 005 Sapagka't sinabi ni Job, Ako'y matuwid, at inalis ng Dios ang aking katuwiran: 018 JOB 034 006 Gayon ma'y akong may matuwid ay nabilang akong sinungaling; at ang aking sugat ay walang kagamutan, bagaman ako'y walang pagsalangsang. 018 JOB 034 007 Sinong tao ang gaya ni Job, na umiinom ng pagkaduwahagi na tila tubig, 018 JOB 034 008 Na yumayaon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan, at lumalakad na kasama ng mga masamang tao? 018 JOB 034 009 Sapagka't kaniyang sinabi, Walang napapakinabang ang tao na siya'y makapagpalugod sa Dios. 018 JOB 034 010 Kaya't dinggin ninyo ako, ninyong mga lalaking may unawa: malayo nawa sa Dios na siya'y gumawa ng masama; at sa Makapangyarihan sa lahat, na siya'y magkamit ng kasamaan. 018 JOB 034 011 Sapagka't ang gawa ng tao ay tutuusin niya sa kaniya, at ipatatagpo sa bawa't tao ang ayon sa kaniyang mga lakad. 018 JOB 034 012 Oo, sa katotohanan, ang Dios ay hindi gagawa ng kasamaan, ni ang Makapangyarihan sa lahat ay sisira ng kahatulan. 018 JOB 034 013 Sinong nagbigay sa kaniya ng bilin sa lupa? O sinong nagayos ng buong sanglibutan? 018 JOB 034 014 Kung kaniyang ilagak ang kaniyang puso sa tao, kung kaniyang pisanin sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at ang kaniyang hininga; 018 JOB 034 015 Tanang laman ay mamamatay na magkakasama, at ang tao ay mababalik uli sa alabok. 018 JOB 034 016 Kung ngayon ay mayroon kang unawa ay dinggin mo ito: Dinggin mo ang tinig ng aking mga salita. 018 JOB 034 017 Mamamahala ba ang nagtatanim sa katuwiran? At iyo bang parurusahan siyang ganap at may kaya? 018 JOB 034 018 Siya na nagsabi sa isang hari: ikaw ay hamak? O sa mga mahal na tao: Kayo'y masasama? 018 JOB 034 019 Na hindi gumagalang sa mga pagkatao ng mga pangulo, ni nagpakundangan man sa mayaman ng higit kay sa mahirap; sapagka't silang lahat ay gawa ng kaniyang mga kamay. 018 JOB 034 020 Sa isang sangdali ay nangamamatay sila, kahit sa hating gabi; ang bayan ay inuuga at nawawala, at inaalis ang may kaya ng wala man lamang kamay. 018 JOB 034 021 Sapagka't ang kaniyang mga mata ay nangasa lakad ng tao, at nakikita niya ang lahat niyang pagyaon. 018 JOB 034 022 Walang kadiliman, ni makapal man pangungulimlim, na mapagtataguan ng mga manggagawa ng kasamaan. 018 JOB 034 023 Sapagka't hindi na niya pakukundanganan ang tao, upang siya'y humarap sa Dios sa kahatulan. 018 JOB 034 024 Kaniyang niluluray ang mga makapangyarihang tao ng mga paraang di masayod, at naglalagay ng mga iba na kahalili nila. 018 JOB 034 025 Kaya't siya'y kumukuhang kaalaman sa kanilang mga gawa; at kaniyang binabaligtad sila sa gabi, na anopa't sila'y nangalilipol. 018 JOB 034 026 Kaniyang hinahampas sila na parang masasamang tao sa hayag na paningin ng mga iba, 018 JOB 034 027 Sapagka't sila'y nagsilihis ng pagsunod sa kaniya, at hindi binulay ang anoman sa kaniyang mga lakad: 018 JOB 034 028 Na anopa't kaniyang pinadating ang daing ng dukha sa kaniya, at dininig niya ang daing ng napipighati. 018 JOB 034 029 Pagka siya'y nagbibigay ng katahimikan, sino ngang makahahatol? At pagka kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, sinong makakakita sa kaniya? Maging gawin sa isang bansa, o sa isang tao: 018 JOB 034 030 Upang ang taong di banal ay huwag maghari, upang huwag maging silo sa bayan. 018 JOB 034 031 Sapagka't may nagsabi ba sa Dios: Aking tinitiis ang parusa, hindi na ako magkakasala pa: 018 JOB 034 032 Yaong hindi ko nakikita ay ituro mo sa akin: kung ako'y nakagawa ng kasamaan hindi ko na ito gagawin pa? 018 JOB 034 033 Mangyayari pa ba ang kaniyang kagantihan na gaya ng iyong ibig na iyong tinatanggihan? Sapagka't ikaw ang marapat pumili at hindi ako: kaya't salitain mo kung ano ang iyong nalalaman. 018 JOB 034 034 Mga taong may unawa ay magsasabi sa akin, Oo, bawa't pantas na taong nakakarinig sa akin: 018 JOB 034 035 Si Job ay nagsasalita ng walang kaalaman. At ang kaniyang mga salita ay walang karunungan. 018 JOB 034 036 Si Job nawa'y subukin hanggang sa wakas, dahil sa ang kaniyang sagot ay gaya ng mga masamang tao. 018 JOB 034 037 Sapagka't siya'y nagdadagdag ng panghihimagsik sa kaniyang kasalanan, kaniyang pinagagalaw ang kaniyang mga kamay sa gitna natin, at pinararami ang kaniyang mga salita laban sa Dios. 018 JOB 035 001 Bukod dito'y sumagot si Eliu, at nagsabi, 018 JOB 035 002 Iniisip mo bang ito'y matuwid? O sinasabi mong: Ang aking katuwiran ay higit kay sa Dios, 018 JOB 035 003 Na iyong sinasabi, Anong pakinabang ang tatamuhin mo? At, anong pakinabang ang tataglayin kong higit kung ako'y nagkasala? 018 JOB 035 004 Sasagutin kita, at ang iyong mga kasamahang kasama mo. 018 JOB 035 005 Tumingala ka sa mga langit at iyong tingnan; at masdan mo ang mga alapaap na lalong mataas kay sa iyo. 018 JOB 035 006 Kung ikaw ay nagkasala, anong iyong ginagawa laban sa kaniya? At kung ang iyong mga pagsalangsang ay dumami, anong iyong ginagawa sa kaniya? 018 JOB 035 007 Kung ikaw ay matuwid anong ibinibigay mo sa kaniya? O anong tinatanggap niya sa iyong kamay? 018 JOB 035 008 Ang iyong kasamaan ay makapagpapahamak sa isang lalaking gaya mo; at ang iyong katuwiran ay makapagpapakinabang sa anak ng tao. 018 JOB 035 009 Dahil sa karamihan ng mga kapighatian, sila'y humihiyaw: sila'y humihingi ng tulong dahil sa kamay ng makapangyarihan. 018 JOB 035 010 Nguni't walang nagsasabing, Saan nandoon ang Dios na Maylalang sa akin, na siyang nagbibigay ng awit kung gabi; 018 JOB 035 011 Na siyang nagtuturo sa atin ng higit kay sa mga hayop sa lupa. At ginagawa tayong lalong pantas kay sa mga ibon sa himpapawid? 018 JOB 035 012 Doo'y tumatawag sila, nguni't walang sumasagot, dahil sa kapalaluan ng mga masamang tao. 018 JOB 035 013 Tunay na hindi didinggin ng Dios ang walang kabuluhan, ni pakukundanganan man ito ng Makapangyarihan sa lahat. 018 JOB 035 014 Gaano pa kaliit kung iyong sinasabing hindi mo nakikita siya. Ang usap ay nasa harap niya, at iyong hinihintay siya! 018 JOB 035 015 Nguni't ngayon sapagka't hindi niya dinalaw sa kaniyang galit, ni ginunita mang maigi; 018 JOB 035 016 Kaya't ibinubuka ni Job ang kaniyang bibig sa walang kabuluhan; siya'y nagpaparami ng mga salita na walang kaalaman. 018 JOB 036 001 Si Eliu rin naman ay nagpatuloy at nagsabi, 018 JOB 036 002 Pagdalitaan mo akong sandali, at aking ipakikilala sa iyo; sapagka't mayroon pa akong masasalita sa pagsasanggalang sa Dios. 018 JOB 036 003 Dadalhin ko ang aking kaalaman mula sa malayo, at aking itutungkol ang katuwiran sa Maylalang sa akin. 018 JOB 036 004 Sapagka't tunay na ang aking mga salita ay hindi kabulaanan: Siyang sakdal sa kaalaman ay sumasaiyo. 018 JOB 036 005 Narito ang Dios ay makapangyarihan, at hindi humahamak sa kanino man; siya'y makapangyarihan sa lakas ng unawa. 018 JOB 036 006 Hindi niya pinanatili ang buhay ng masama: nguni't nagbibigay ng matuwid sa napipighati. 018 JOB 036 007 Hindi niya inihihiwalay ang kaniyang mga mata sa matuwid: kundi kasama ng mga hari sa luklukan, kaniyang itinatatag sila magpakailan man, at sila'y natataas. 018 JOB 036 008 At kung sila'y mapapangaw, at mapipigil sa mga panali ng kapighatian; 018 JOB 036 009 Itinuturo nga niya sa kanila ang kanilang gawa, at ang kanilang mga pagsalangsang na kanilang pinalalo. 018 JOB 036 010 Ibinubuka rin naman niya ang kanilang pakinig sa turo, at iniuutos na sila'y magsihiwalay sa kasamaan. 018 JOB 036 011 Kung sila'y makinig at maglingkod sa kaniya, kanilang gugugulin ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at ang kanilang mga taon sa kasayahan. 018 JOB 036 012 Nguni't kung hindi sila mangakinig, sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, at sila'y mangamamatay na walang kaalaman. 018 JOB 036 013 Nguni't ang di banal sa puso ay nagbubunton ng galit: hindi humihiyaw sila ng saklolo pagka tinatalian niya sila. 018 JOB 036 014 Sila'y nangamamatay sa kabataan, at ang kanilang buhay ay napapahamak sa gitna ng marumi. 018 JOB 036 015 Inililigtas niya ang mga dukha sa kanilang pagkapighati, at ibinubuka ang kanilang mga pakinig sa pagkapighati. 018 JOB 036 016 Oo, hahanguin ka niya mula sa kagipitan, hanggang sa luwal na dako na walang kagipitan; at ang malalagay sa iyong dulang ay mapupuno ng katabaan. 018 JOB 036 017 Nguni't ikaw ay puspos ng kahatulan ng masama: kahatulan at kaganapan ang humahawak sa iyo. 018 JOB 036 018 Sapagka't may poot, magingat ka baka ikaw ay iligaw ng iyong kasiyahan; ni mailigaw ka man ng kalakhan ng katubusan. 018 JOB 036 019 Mapapaari ba ang iyong sigaw na ikaw ay hindi mapapasa kapanglawan, O ang madlang lakas man ng iyong kalakasan? 018 JOB 036 020 Huwag mong nasain ang gabi, pagka ang mga bayan ay nangahiwalay sa kanilang kinaroroonang dako. 018 JOB 036 021 Ikaw ay magingat, huwag mong lingunin ang kasamaan; sapagka't ito'y iyong pinili sa halip ng kadalamhatian. 018 JOB 036 022 Narito, ang Dios ay gumagawa ng mainam sa kaniyang kapangyarihan: sinong tagapagturo ang gaya niya? 018 JOB 036 023 Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan? O sinong makapagsasabi, ikaw ay gumawa ng kalikuan? 018 JOB 036 024 Alalahanin mo na iyong dinakila ang kaniyang gawa, na inawit ng mga tao. 018 JOB 036 025 Lahat ng mga tao'y nakakita noon; makikita ito ng tao sa malayo. 018 JOB 036 026 Narito, ang Dios ay dakila, at hindi natin nakikilala siya; hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon. 018 JOB 036 027 Sapagka't pinailanglang niya ang mga patak ng tubig, na nagiging ulan mula sa singaw na yaon: 018 JOB 036 028 Na ibinubuhos ng mga langit at ipinapatak na sagana sa tao. 018 JOB 036 029 Oo, may makakaunawa ba ng paglaganap ng mga alapaap, ng mga kulog ng kaniyang kulandong? 018 JOB 036 030 Narito, pinalalaganap niya ang kaniyang liwanag sa palibot niya; at inaapawan ang kalaliman ng dagat. 018 JOB 036 031 Sapagka't sa pamamagitan ng mga ito ay hinahatulan niya ang mga bayan; siya'y nagbibigay ng pagkaing sagana. 018 JOB 036 032 Tinatakpan niya ang kaniyang mga kamay ng kidlat; at ibinilin sa kidlat na tumama sa pinakatanda. 018 JOB 036 033 Ang hugong niyaon ay nagsasaysay ng tungkol sa kaniya, ang hayop nama'y ng tungkol sa bagyo na dumarating. 018 JOB 037 001 Oo, dahil din dito'y nanginginig ang aking puso, at napapabago sa kaniyang kinaroroonang dako. 018 JOB 037 002 Dinggin ninyo oh dinggin ang hiyaw ng kaniyang tinig, at ang sigaw na lumalabas sa kaniyang bibig. 018 JOB 037 003 Kaniyang ipinadadala sa silong ng buong langit, at ang kidlat niya'y sa mga wakas ng lupa. 018 JOB 037 004 Sumunod nito'y isang hugong na dumadagundong; siya'y kumukulog ng hugong ng kaniyang karilagan: at hindi tumitigil doon kung naririnig ang kaniyang tinig. 018 JOB 037 005 Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig; dakilang mga bagay ang ginawa niya, na hindi natin matalastas. 018 JOB 037 006 Sapagka't sinabi niya sa nieve, Lumagpak ka sa lupa; gayon din sa ambon, at sa bugso ng kaniyang malakas na ulan, 018 JOB 037 007 Tinatatakan niya ang kamay ng bawa't tao: upang maalaman ng lahat ng mga tao na kaniyang nilalang. 018 JOB 037 008 Kung gayo'y nagsisipasok ang mga hayop sa mga lungga, at namamalagi sa kanilang mga tahanan. 018 JOB 037 009 Mula sa timog nanggagaling ang bagyo: at ang ginaw ay mula sa hilagaan. 018 JOB 037 010 Sa pamamagitan ng hinga ng Dios ay nayayari ang hielo: at ang kaluwangan ng tubig ay naiipit. 018 JOB 037 011 Oo, kaniyang nilalagyan ang masinsing ulap ng halomigmig; kaniyang pinangangalat ang alapaap ng kaniyang kidlat: 018 JOB 037 012 At pumipihit sa palibot sa pamamagitan ng kaniyang patnubay, upang kanilang gawin ang anomang iutos niya sa kanila, sa ibabaw ng balat ng sanglibutang natatahanan: 018 JOB 037 013 Maging sa saway, o maging sa kaniyang lupain, o maging sa kaawaan ay pinalilitaw niya. 018 JOB 037 014 Dinggin mo ito, Oh Job: Tumigil ka, at bulayin ang kagilagilalas na mga gawa ng Dios. 018 JOB 037 015 Nalalaman mo ba kung paanong pinararatangan sila ng Dios, at pinasisilang ang kidlat ng kaniyang alapaap? 018 JOB 037 016 Nalalaman mo ba ang mga pagtitimbang ng mga alapaap, ang kagilagilalas na mga gawa niya na sakdal sa kaalaman? 018 JOB 037 017 Paanong umiinit ang inyong mga suot, pagka tumatahimik ang lupa sa pamamagitan ng hanging timugan? 018 JOB 037 018 Mailalatag mo ba na kasama niya ang langit, na matibay na gaya ng isang salaming binubo? 018 JOB 037 019 Ituro mo sa amin kung anong aming sasabihin sa kaniya; sapagka't hindi namin maayos ang aming pananalita dahil sa kadiliman. 018 JOB 037 020 Sasaysayin ba sa kaniya na ako'y magsasalita? O iisipin ba ng isang tao na siya'y sasakmalin. 018 JOB 037 021 At ngayo'y hindi nakikita ng mga tao ang makinang na liwanag na nasa mga langit: nguni't ang hangin ay dumadaan, at pinapalis ang mga yaon. 018 JOB 037 022 Karilagang ginto ay nagmumula sa hilagaan; may taglay ang Dios na kakilakilabot na karilagan. 018 JOB 037 023 Tungkol sa Makapangyarihan sa lahat, hindi natin mauunawa; siya'y marilag sa kapangyarihan; at sa kahatulan at saganang kaganapan siya'y hindi pipighati. 018 JOB 037 024 Kinatatakutan nga siya ng mga tao: hindi niya binibigyang pitagan ang sinomang pantas sa puso. 018 JOB 038 001 Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi, 018 JOB 038 002 Sino ito na nagpapadilim ng payo sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman? 018 JOB 038 003 Bigkisan mo ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake: sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin. 018 JOB 038 004 Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa. 018 JOB 038 005 Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan? 018 JOB 038 006 Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon; 018 JOB 038 007 Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan? 018 JOB 038 008 O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat, nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata? 018 JOB 038 009 Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon, at ang salimuot na kadiliman na pinakabalot niyaon, 018 JOB 038 010 At aking itinatag doon ang aking pasiya, at nilagyan ko ng mga halang at mga pinto, 018 JOB 038 011 At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas: at dito'y titigil ang iyong mga palalong alon? 018 JOB 038 012 Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan, at ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako; 018 JOB 038 013 Upang humawak sa mga wakas ng lupa, at ang masasama ay maugoy doon? 018 JOB 038 014 Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak; at lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan: 018 JOB 038 015 At sa masama ay inalis ang kanilang liwanag, at ang mataas na kamay ay mababali. 018 JOB 038 016 Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat? O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman? 018 JOB 038 017 Nangahayag ba sa iyo ang mga pintuan ng kamatayan? O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan? 018 JOB 038 018 Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa? Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat. 018 JOB 038 019 Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag, at tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon; 018 JOB 038 020 Upang iyong madala sa hangganan niyaon, at upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon? 018 JOB 038 021 Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon, at ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami? 018 JOB 038 022 Pumasok ka ba sa mga tipunan ng nieve, o nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo, 018 JOB 038 023 Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan, laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma? 018 JOB 038 024 Sa aling daan naghiwalay ang liwanag, o sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa? 018 JOB 038 025 Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig, o ng daanan ng kidlat ng kulog; 018 JOB 038 026 Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao, sa ilang na doon ay walang tao. 018 JOB 038 027 Upang busugin ang giba at sirang lupa; at upang pasibulin ang sariwang damo? 018 JOB 038 028 May ama ba ang ulan? O sinong nanganak sa mga patak ng hamog? 018 JOB 038 029 Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo? At ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino? 018 JOB 038 030 Ang mga tubig ay nakukubling gaya ng bato, at ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno. 018 JOB 038 031 Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade, o makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion? 018 JOB 038 032 Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak? 018 JOB 038 033 Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa? 018 JOB 038 034 Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap, upang takpan ka ng saganang tubig? 018 JOB 038 035 Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon, at magsabi sa iyo: Nangarito kami? 018 JOB 038 036 Sinong naglagay ng karunungan sa mga pinakaloob na bahagi? O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip? 018 JOB 038 037 Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan? O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit, 018 JOB 038 038 Pagka ang alabok ay napuputik, at ang mga bugal ay nanganinikit na maigi? 018 JOB 038 039 Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon, 018 JOB 038 040 Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga, at nagsisitahan sa guwang upang bumakay? 018 JOB 038 041 Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya, pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios, at nagsisigala sa kakulangan ng pagkain. 018 JOB 039 001 Nalalaman mo ba ang panahong ipinanganganak ng mga kambing bundok? O matatandaan mo ba ang mga pagdaramdam ng mga usa? 018 JOB 039 002 Mabibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang kagampanan? O nalalaman mo ba ang panahong kanilang ipinanganak? 018 JOB 039 003 Sila'y nagsisiyuko, kanilang inilalabas ang kanilang mga anak, kaniyang iniwawaksi ang kanilang kapanglawan. 018 JOB 039 004 Ang kanilang mga anak ay nagiging malakas, sila'y nagsisilaki sa kaparangan; sila'y nagsisiyao at hindi na nagsisibalik. 018 JOB 039 005 Sinong nagpakawala sa mabangis na asno? O sinong nagkalag ng mga tali ng mailap na asno? 018 JOB 039 006 Na ginawa kong bahay niya ang ilang, at ang lupaing maasin na kaniyang tahanan. 018 JOB 039 007 Kaniyang nililibak ang kaguluhan ng bayan. Ni hindi niya dinidinig ang sigaw ng nagpapatakbo ng hayop. 018 JOB 039 008 Ang libot ng mga bundok ay kaniyang pastulan, at kaniyang sinasaliksik ang bawa't sariwang bagay. 018 JOB 039 009 Matutuwa ba ang bakang gubat na maglingkod sa iyo? O matitira ba sa siping ng iyong pasabsaban? 018 JOB 039 010 Matatalian mo ba ang bakang gubat ng iyong panali sa pangbukid? O magbubusagsag ba ng mga libis sa likuran mo? 018 JOB 039 011 Aasa ka ba sa kaniya, dahil sa siya'y totoong malakas? O iiwan mo ba ang iyong gawain sa kaniya? 018 JOB 039 012 Ipagkakatiwala mo ba sa kaniya na iuuwi sa bahay ang iyong binhi, at pipisanin ang mga butil sa iyong giikan? 018 JOB 039 013 Ang pakpak ng avestruz ay nagagalak; nguni't may kagandahang loob ba ang kanilang mga pakpak at mga balahibo? 018 JOB 039 014 Sapagka't nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa, at pinaiinit ang mga yaon sa alabok, 018 JOB 039 015 At kinalilimutang mangapipisa ng paa, o mangayuyurakan ng mabangis na hayop. 018 JOB 039 016 Siya'y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya: bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan, hindi niya ikinatatakot; 018 JOB 039 017 Sapagka't binawian siya ng Dios ng karunungan, ni hindi siya binahaginan ng unawa. 018 JOB 039 018 Anomang panahon na siya'y napaiitaas, hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito. 018 JOB 039 019 Nagbigay ka ba sa kabayo ng kalakasan? Binihisan mo ba ang kaniyang leeg ng buhok na gumagalaw? 018 JOB 039 020 Pinalulukso mo ba siya na parang balang? Ang kaluwalhatian ng kaniyang bahin ay kakilakilabot. 018 JOB 039 021 Siya'y kumukutkot sa libis, at nagagalak sa kaniyang kalakasan, siya'y sumasagupa sa mga taong may sandata. 018 JOB 039 022 Tinutuya niya ang takot at hindi nanglulupaypay: ni hindi tinatalikuran ang tabak. 018 JOB 039 023 Ang suksukan ng pana ay tumutunog laban sa kaniya, ang makintab na sibat at ang kalasag. 018 JOB 039 024 Kaniyang sinasakmal ang lupa na may kabangisan at poot; ni hindi siya naniniwala na yao'y tunog ng pakakak. 018 JOB 039 025 Kaniyang sinasabi sa tuwing tutunog ang mga pakakak: Aha! At kaniyang naaamoy ang pagbabaka sa malayo, ang sigaw ng mga kapitan at ang hiyaw. 018 JOB 039 026 Lumilipad ba ang uwak sa pamamagitan ng inyong karunungan, at iniuunat ba ang kaniyang mga pakpak sa dakong timugan? 018 JOB 039 027 Napaiilanglang ba ang agila sa iyong utos, at gumagawa ba ng kaniyang pugad sa itaas? 018 JOB 039 028 Sila'y nananahan sa malaking bato, at doon tumitira, sa taluktok ng burol at sa katibayan, 018 JOB 039 029 Mula roo'y tumitingin siya ng madadagit; ang kaniyang mga mata ay tumatanaw sa malayo. 018 JOB 039 030 Ang mga anak naman niya ay nagsisihitit ng dugo: at kung saan naroon ang pinatay ay naroon siya. 018 JOB 040 001 Bukod dito'y sumagot ang Panginoon kay Job, at nagsabi, 018 JOB 040 002 Magmamatapang ba siya na makipagtalo sa Makapangyarihan sa lahat? Siyang nakikipagkatuwiranan sa Dios, ay sagutin niya ito. 018 JOB 040 003 Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi, 018 JOB 040 004 Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo? Aking inilalagay ang aking kamay sa aking bibig, 018 JOB 040 005 Minsan ay nagsalita ako, at hindi ako sasagot: Oo, makalawa, nguni't hindi ako magpapatuloy. 018 JOB 040 006 Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi, 018 JOB 040 007 Magbigkis ka ng iyong mga balakang ngayon na parang lalake: ako'y magtatanong sa iyo at magpahayag ka sa akin. 018 JOB 040 008 Iyo bang wawaling kabuluhan ang aking kahatulan? Iyo bang hahatulan ako, upang ikaw ay ariing ganap? 018 JOB 040 009 O mayroon ka bang kamay na parang Dios? At makakukulog ka ba ng tinig na gaya niya? 018 JOB 040 010 Magpakagayak ka ngayon ng karilagan at karapatan; at magbihis ka ng karangalan at kalakhan. 018 JOB 040 011 Ibugso mo ang mga alab ng iyong galit: at tunghan mo ang bawa't palalo, at abain mo siya. 018 JOB 040 012 Masdan mo ang bawa't palalo, at papangumbabain mo siya; at iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan. 018 JOB 040 013 Ikubli mo sila sa alabok na magkakasama; talian mo ang kanilang mukha sa lihim na dako. 018 JOB 040 014 Kung magkagayo'y ipahayag naman kita; na maililigtas ka ng iyong kanan. 018 JOB 040 015 Narito ngayon, ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo: siya'y kumakain ng damo na gaya ng baka. 018 JOB 040 016 Narito, ngayon, ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang, at ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan. 018 JOB 040 017 Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang isang cedro: ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran. 018 JOB 040 018 Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso; ang kaniyang mga paa ay parang mga halang na bakal. 018 JOB 040 019 Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios: ang lumalang sa kaniya, ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya. 018 JOB 040 020 Tunay na ang mga bundok ay naglalabas sa kaniya ng pagkain; na pinaglalaruan ng lahat ng mga hayop sa parang. 018 JOB 040 021 Siya'y humihiga sa ilalim ng punong loto, sa puwang ng mga tambo, at mga lumbak. 018 JOB 040 022 Nilililiman siya ng mga puno ng loto ng kanilang lilim; nililigid sa palibot ng mga sauce sa batis. 018 JOB 040 023 Narito, kung bumubugso ang isang ilog hindi nanginginig: siya'y tiwasay bagaman umapaw ang Jordan hanggang sa kaniyang bunganga. 018 JOB 040 024 May kukuha ba sa kaniya pag siya'y natatanod, o may tutuhog ba ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng isang silo. 018 JOB 041 001 Mahuhuli mo ba ang buwaya ng isang bingwit? O mailalabas mo ba ang kaniyang dila ng isang panali? 018 JOB 041 002 Makapaglalagay ka ba ng tali sa kaniyang ilong? O makabubutas sa kaniyang panga ng isang taga ng bingwit? 018 JOB 041 003 Mamamanhik ba siya ng marami sa iyo? O magsasalita ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo? 018 JOB 041 004 Makikipagtipan ba siya sa iyo, upang ariin mo siyang alipin magpakailan man? 018 JOB 041 005 Makikipaglaro ka ba sa kaniya na gaya sa isang ibon? O iyong tatalian ba siya para sa iyong mga dalaga? 018 JOB 041 006 Makakalakal ba siya ng mga pulutong ng mangingisda? Mababahagi ba siya nila sa mga mangangalakal? 018 JOB 041 007 Mahihiwa mo ba ang kaniyang balat ng sundang na bakal, o ang kaniyang ulo ng panaksak ng isda? 018 JOB 041 008 Ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya; alalahanin mo ang pagbabaka at huwag mo nang gawin. 018 JOB 041 009 Narito, ang pagasa riyan ay walang kabuluhan: hindi ba malulugmok ang sinoman makita lamang yaon? 018 JOB 041 010 Walang malakas na makapangahas kumilos niyaon: sino ngang makatatayo sa harap ko? 018 JOB 041 011 Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya? Anomang nasa silong ng buong langit ay akin. 018 JOB 041 012 Hindi ako tatahimik tungkol sa kaniyang mga sangkap ng katawan, ni sa kaniya mang dakilang kapangyarihan, ni sa kaniya mang mainam na hugis. 018 JOB 041 013 Sinong makapaglilitaw na karayagan ng kaniyang mga damit? Sinong makalalapit sa kaniyang magkasaping pangil? 018 JOB 041 014 Sinong makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha? Sa palibot ng kaniyang ngipin ay kakilabutan. 018 JOB 041 015 Ang kaniyang mga matibay na palikpik ay kaniyang kapalaluan, nangagkakadikit na maigi na gaya sa isang tatak na mahigpit. 018 JOB 041 016 Nagkakadikit sa isa't isa, na ang hangin ay hindi makaraan sa pagitan sa mga yaon. 018 JOB 041 017 Sila'y nagkakasugpongan sa isa't isa; Nagkakalakip na magkasama, na hindi maihihiwalay. 018 JOB 041 018 Ang kanilang mga bahin ay kumikislap ng apoy, at ang kanilang mga mata ay gaya ng mga bukang liwayway kung umaga. 018 JOB 041 019 Mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang nagliliyab na sulo, at mga alipatong apoy ay nagsisilabas. 018 JOB 041 020 Mula sa kaniyang mga butas ng ilong ay lumalabas ang usok, na gaya ng isang kumukulong talyasi at nagniningas na mga talahib. 018 JOB 041 021 Ang kaniyang hinga ay nagpapaningas ng mga baga, at isang alab ay lumalabas sa kaniyang bibig. 018 JOB 041 022 Sa kaniyang leeg ay tumitira ang kalakasan, at ang kakilabutan ay sumasayaw sa harap niya. 018 JOB 041 023 Ang mga kaliskis ng kaniyang laman ay nangagkakadikitan; nangagtutumibay sa kaniya; hindi magagalaw. 018 JOB 041 024 Ang kaniyang puso ay matatag na gaya ng isang bato; Oo, matatag na gaya ng batong pangibaba ng gilingan. 018 JOB 041 025 Pagka siya'y tumitindig ay natatakot ang makapangyarihan: dahil sa pagkagulat ay nangalilito sila. 018 JOB 041 026 Kung siya'y tagain ninoman ng tabak ay hindi tumatalab; ni ng sibat man, ng pana, ni ng matalas na tulis man. 018 JOB 041 027 Kaniyang ipinalalagay ang bakal na parang dayami, at ang tanso na parang lapok na kahoy. 018 JOB 041 028 Hindi niya mapatakas ng palaso: ang mga batong panghilagpos ay nagiging sa kaniya'y parang pinagputulan ng trigo. 018 JOB 041 029 Ang mga panakbat ay nangapapalagay na parang pinagputulan ng trigo: kaniyang tinatawanan ang galaw ng sibat. 018 JOB 041 030 Ang kaniyang mga sangkap sa ibaba ay gaya ng mga matulis na bibinga: lumalaganap na tila saksak sa banlik. 018 JOB 041 031 Kaniyang pinagpapakuluan ang kalaliman na parang palyok: kaniyang ginagawa ang dagat na parang pamahid. 018 JOB 041 032 Kaniyang pinasisilang ang landas sa likuran niya; aakalain ng sinoman na mauban ang kalaliman. 018 JOB 041 033 Sa ibabaw ng lupa ay walang gaya niya, na likhang walang takot. 018 JOB 041 034 Kaniyang minamasdan ang bawa't mataas na bagay: siya'y hari sa lahat ng mga anak na palalo. 018 JOB 042 001 Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi, 018 JOB 042 002 Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, at wala kang akala na mapipigil. 018 JOB 042 003 Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman? Kaya't aking sinambit na hindi ko nauunawa, mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman. 018 JOB 042 004 Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako'y magsasalita; ako'y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin. 018 JOB 042 005 Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata, 018 JOB 042 006 Kaya't ako'y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo. 018 JOB 042 007 At nangyari, na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job, sinabi ng Panginoon kay Eliphaz na Temanita, Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka't hindi kayo nangagsalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job. 018 JOB 042 008 Kaya't magsikuha kayo sa inyo ngayon ng pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at magsiparoon kayo sa aking lingkod na kay Job, at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin: at idadalangin kayo ng aking lingkod na si Job: sapagka't siya'y aking tatanggapin, baka kayo'y aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan; sapagka't hindi kayo nangagsasalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng aking lingkod na si Job. 018 JOB 042 009 Sa gayo'y nagsiyaon si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamatita, at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ng Panginoon: at nilingap ng Panginoon si Job. 018 JOB 042 010 At inalis ng Panginoon ang pagkabihag ni Job, nang kaniyang idalangin ang kaniyang mga kaibigan; at binigyan ng Panginoon si Job na makalawa ang higit ng dami kay sa tinatangkilik niya ng dati. 018 JOB 042 011 Nang magkagayo'y nagsiparoon sa kaniya ang lahat niyang mga kapatid na lalake at babae, at lahat na naging kakilala niya ng una, at nagsikain ng tinapay na kasalo niya sa kaniyang bahay; at nakipagdamdam sa kaniya, at inaliw siya tungkol sa lahat na kasamaan na pinasapit sa kaniya ng Panginoon: bawa't tao nama'y nagbigay sa kaniya ng isang putol na salapi, at bawa't isa'y ng isang singsing na ginto. 018 JOB 042 012 Sa gayo'y pinagpala ng Panginoon, ang huling wakas ni Job na higit kay sa kaniyang pasimula: at siya'y nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae. 018 JOB 042 013 Siya nama'y nagkaroon din ng pitong anak na lalake at tatlong anak na babae. 018 JOB 042 014 At tinawag niya ang pangalan ng una na Jemima; at ang pangalan ng ikalawa, Cesiah, at ang pangalan ng ikatlo, Keren-hapuch. 018 JOB 042 015 At sa buong lupain ay walang mga babaing masumpungan na totoong maganda na gaya ng mga anak na babae ni Job: at binigyan sila ng kanilang ama ng mana sa kasamahan ng kanilang mga kapatid. 018 JOB 042 016 At pagkatapos nito'y nabuhay si Job na isang daan at apat na pung taon, at nakita niya ang kaniyang mga anak, at ang mga anak ng kaniyang mga anak, hanggang sa apat na saling lahi. 018 JOB 042 017 Gayon namatay si Job, na matanda at puspos ng mga kaarawan. # # BOOK 019 PSA Psalms Mga Awit 019 PSA 001 001 Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak. 019 PSA 001 002 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi. 019 PSA 001 003 At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa. 019 PSA 001 004 Ang masama ay hindi gayon; kundi parang ipa na itinataboy ng hangin. 019 PSA 001 005 Kaya't ang masama ay hindi tatayo sa paghatol, ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid. 019 PSA 001 006 Sapagka't nalalaman ng Panginoon ang lakad ng mga matuwid: nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak. 019 PSA 002 001 Bakit ang mga bansa ay nangagugulo, at ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay? 019 PSA 002 002 Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi: 019 PSA 002 003 Lagutin natin ang kanilang tali, at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin. 019 PSA 002 004 Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa: ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan. 019 PSA 002 005 Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot, at babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob: 019 PSA 002 006 Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion. 019 PSA 002 007 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. 019 PSA 002 008 Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari. 019 PSA 002 009 Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok. 019 PSA 002 010 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa. 019 PSA 002 011 Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig. 019 PSA 002 012 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya. 019 PSA 003 001 Panginoon, ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin. 019 PSA 003 002 Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah) 019 PSA 003 003 Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. 019 PSA 003 004 Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah) 019 PSA 003 005 Ako'y nahiga, at natulog; ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon. 019 PSA 003 006 Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot. 019 PSA 003 007 Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios: sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway; iyong binungal ang mga ngipin ng masasama. 019 PSA 003 008 Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah) 019 PSA 004 001 Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran; inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako'y nasa kagipitan: maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin. 019 PSA 004 002 Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian? Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah) 019 PSA 004 003 Nguni't talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal: didinggin ng Panginoon pagka ako'y tumawag sa kaniya. 019 PSA 004 004 Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala: mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik. 019 PSA 004 005 Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran, at ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon. 019 PSA 004 006 Marami ang mangagsasabi, sinong magpapakita sa amin ng mabuti? Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin. 019 PSA 004 007 Ikaw ay naglagay ng kasayahan sa aking puso, ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami. 019 PSA 004 008 Payapa akong hihiga at gayon din matutulog: sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan. 019 PSA 005 001 Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon, pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay. 019 PSA 005 002 Dinggin mo ang tinig ng aking daing, Hari ko, at Dios ko; sapagka't sa iyo'y dumadalangin ako. 019 PSA 005 003 Oh Panginoon, sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig; sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako. 019 PSA 005 004 Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan: ang masama ay hindi tatahang kasama mo. 019 PSA 005 005 Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin: iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan. 019 PSA 005 006 Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga kabulaanan: kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya, 019 PSA 005 007 Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo. 019 PSA 005 008 Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; patagin mo ang iyong daan sa harapan ko. 019 PSA 005 009 Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig; ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan; ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan; sila'y nanganunuya ng kanilang dila. 019 PSA 005 010 Bigyan mong sala sila, Oh Dios; ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo: palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang; Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo, 019 PSA 005 011 Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila: mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan. 019 PSA 005 012 Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid; Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap na gaya ng isang kalasag. 019 PSA 006 001 Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong galit, ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob. 019 PSA 006 002 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog. 019 PSA 006 003 Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam: at ikaw, Oh Panginoon, hanggang kailan? 019 PSA 006 004 Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa: iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob. 019 PSA 006 005 Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo? 019 PSA 006 006 Ako'y pagal ng aking pagdaing; gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha. 019 PSA 006 007 Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan; tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway. 019 PSA 006 008 Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan: sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis. 019 PSA 006 009 Narinig ng Panginoon ang aking pananaing; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin. 019 PSA 006 010 Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam: sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat. 019 PSA 007 001 Oh Panginoon kong Dios, sa iyo nanganganlong ako. Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako: 019 PSA 007 002 Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa, na lurayin ito, habang walang magligtas. 019 PSA 007 003 Oh Panginoon kong Dios, kung ginawa ko ito; kung may kasamaan sa aking mga kamay; 019 PSA 007 004 Kung ako'y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin; (Oo, aking pinawalan siya, na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway: ) 019 PSA 007 005 Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa, at abutan; Oo, yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa, at ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok. (Selah) 019 PSA 007 006 Ikaw ay bumangon, Oh Panginoon, sa iyong galit, magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway; at gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagutos ng kahatulan. 019 PSA 007 007 At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot: at sila'y pihitan mong nasa mataas ka. 019 PSA 007 008 Ang panginoo'y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan: iyong hatulan ako, Oh Panginoon, ayon sa aking katuwiran, at sa aking pagtatapat na nasa akin. 019 PSA 007 009 Oh wakasan ang kasamaan ng masama, nguni't itatag mo ang matuwid; sapagka't sinubok ng matuwid na Dios ang mga pagiisip at ang mga puso. 019 PSA 007 010 Ang aking kalasag ay sa Dios. na nagliligtas ng matuwid sa puso. 019 PSA 007 011 Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-araw. 019 PSA 007 012 Kung ang tao ay hindi magbalik-loob, kaniyang ihahasa ang kaniyang tabak; kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at inihanda. 019 PSA 007 013 Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan; kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana. 019 PSA 007 014 Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan; Oo, siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan. 019 PSA 007 015 Siya'y gumawa ng balon, at hinukay, at nahulog sa hukay na kaniyang ginawa. 019 PSA 007 016 Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo, at ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan. 019 PSA 007 017 Ako'y magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran: at aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan. 019 PSA 008 001 Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit. 019 PSA 008 002 Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti. 019 PSA 008 003 Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos; 019 PSA 008 004 Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? 019 PSA 008 005 Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. 019 PSA 008 006 Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa: 019 PSA 008 007 Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang; 019 PSA 008 008 Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat. 019 PSA 008 009 Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! 019 PSA 009 001 Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa. 019 PSA 009 002 Ako'y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo: ako'y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan. 019 PSA 009 003 Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik, sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan. 019 PSA 009 004 Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap; ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran. 019 PSA 009 005 Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama, iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man. 019 PSA 009 006 Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man; at ang mga siyudad na iyong dinaig, ang tanging alaala sa kanila ay napawi. 019 PSA 009 007 Nguni't ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man: inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan. 019 PSA 009 008 At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan, siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao. 019 PSA 009 009 Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan; 019 PSA 009 010 At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo. 019 PSA 009 011 Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion: ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa. 019 PSA 009 012 Sapagka't siyang nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila: hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha. 019 PSA 009 013 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin, ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga pintuan ng kamatayan; 019 PSA 009 014 Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan: sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion, ako'y magagalak sa iyong pagliligtas. 019 PSA 009 015 Ang mga bansa ay nangahulog sa balon na kanilang ginawa: sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli. 019 PSA 009 016 Ang Panginoon ay napakilala, siya'y naglapat ng kahatulan: ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion, Selah) 019 PSA 009 017 Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios. 019 PSA 009 018 Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan, ni ang pagasa ng dukha ay mapapawi magpakailan man. 019 PSA 009 019 Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao: mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin. 019 PSA 009 020 Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon: ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang. (Selah) 019 PSA 010 001 Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon? Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan? 019 PSA 010 002 Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala. 019 PSA 010 003 Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso, at ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon. 019 PSA 010 004 Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, hindi niya sisiyasatin. Lahat niyang pagiisip ay, walang Dios. 019 PSA 010 005 Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon; ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin: tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila. 019 PSA 010 006 Sinasabi niya sa kaniyang puso, Hindi ako makikilos: sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan. 019 PSA 010 007 Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi: sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan. 019 PSA 010 008 Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon: sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala; ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili. 019 PSA 010 009 Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga: siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha: hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya. 019 PSA 010 010 Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit, at ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas. 019 PSA 010 011 Sinasabi niya sa kaniyang puso: ang Dios ay nakalimot: kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man. 019 PSA 010 012 Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, itaas mo ang iyong kamay: huwag mong kalimutan ang dukha. 019 PSA 010 013 Bakit sinusumpa ng masama ang Dios, at nagsasabi sa kaniyang puso: hindi mo sisiyasatin? 019 PSA 010 014 Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay: ang walang nagkakandili ay napakukupkop sa iyo; ikaw ay naging tagakandili sa ulila. 019 PSA 010 015 Baliin mo ang bisig ng masama: at tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan. 019 PSA 010 016 Ang Panginoon ay Hari magpakailan-kailan man. Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain. 019 PSA 010 017 Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo: iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig: 019 PSA 010 018 Upang hatulan ang ulila at ang napipighati, upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa. 019 PSA 011 001 Sa Panginoon ay nanganganlong ako: ano't inyong sinasabi sa aking kaluluwa, tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok? 019 PSA 011 002 Sapagka't, narito, binalantok ng masama ang busog, kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting, upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso, 019 PSA 011 003 Kung ang mga patibayan ay masira, anong magagawa ng matuwid? 019 PSA 011 004 Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo, ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit; ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao. 019 PSA 011 005 Sinusubok ng Panginoon ang matuwid; nguni't ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa. 019 PSA 011 006 Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo; apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro. 019 PSA 011 007 Sapagka't ang Panginoon ay matuwid; minamahal niya ang katuwiran: Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha. 019 PSA 012 001 Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay nalilipol; sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao. 019 PSA 012 002 Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa: na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita. 019 PSA 012 003 Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi, ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay: 019 PSA 012 004 Na nagsipagsabi, sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami; ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin? 019 PSA 012 005 Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan, titindig nga ako, sabi ng Panginoon; ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian. 019 PSA 012 006 Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay. 019 PSA 012 007 Iyong iingatan sila, Oh Panginoon, iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man. 019 PSA 012 008 Ang masama ay naggala saa't saan man. Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao. 019 PSA 013 001 Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man? Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin? 019 PSA 013 002 Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa, na may kalumbayan sa aking puso buong araw? Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin? 019 PSA 013 003 Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios: liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan; 019 PSA 013 004 Baka sabihin ng aking kaaway, ako'y nanaig laban sa kaniya; baka ang aking mga kaaway ay mangagalak pagka ako'y nakilos. 019 PSA 013 005 Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob. Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas: 019 PSA 013 006 Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't ginawan niya ako ng sagana. 019 PSA 014 001 Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti, 019 PSA 014 002 Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa, na hinahanap ng Dios. 019 PSA 014 003 Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay; walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa. 019 PSA 014 004 Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan? na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay, at hindi nagsisitawag sa Panginoon. 019 PSA 014 005 Doo'y nangapasa malaking katakutan sila: sapagka't ang Dios ay nasa lahi ng matuwid. 019 PSA 014 006 Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha, sapagka't ang Panginoon ang kaniyang kanlungan. 019 PSA 014 007 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling sa Sion! Kung ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan, magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel. 019 PSA 015 001 Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo? Sinong tatahan sa iyong banal na bundok? 019 PSA 015 002 Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran, at nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso. 019 PSA 015 003 Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila, ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan, ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa. 019 PSA 015 004 Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama; kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon, siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago, 019 PSA 015 005 Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala. Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man. 019 PSA 016 001 Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako. 019 PSA 016 002 Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, ikaw ay aking Panginoon: ako'y walang kabutihan liban sa iyo. 019 PSA 016 003 Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos. 019 PSA 016 004 Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios: ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog, ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan sa aking mga labi. 019 PSA 016 005 Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng aking saro: iyong inaalalayan ang aking kapalaran. 019 PSA 016 006 Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako; Oo, ako'y may mainam na mana. 019 PSA 016 007 Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo: Oo, tinuturuan ako sa gabi ng aking puso. 019 PSA 016 008 Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos. 019 PSA 016 009 Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay. 019 PSA 016 010 Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan. 019 PSA 016 011 Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man. 019 PSA 017 001 Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing; ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi. 019 PSA 017 002 Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan; masdan ng iyong mga mata ang karampatan. 019 PSA 017 003 Iyong sinubok ang aking puso; iyong dinalaw ako sa kinagabihan; iyong nilitis ako, at wala kang nasumpungan; ako'y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang. 019 PSA 017 004 Tungkol sa mga gawa ng mga tao, sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi. Ako'y nagingat sa mga daan ng pangdadahas. 019 PSA 017 005 Ang aking mga hakbang ay nagsipanatili sa iyong mga landas, ang aking mga paa ay hindi nangadulas. 019 PSA 017 006 Ako'y tumawag sa iyo, sapagka't ikaw ay sasagot sa akin, Oh Dios: Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at dinggin mo ang aking pananalita. 019 PSA 017 007 Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob, Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo. Sa nagsisibangon laban sa kanila, sa pamamagitan ng iyong kanan. 019 PSA 017 008 Ingatan mo ako na gaya ng itim ng mata, ikubli mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak, 019 PSA 017 009 Sa masama na sumasamsam sa akin, sa aking mga kaaway na nagsisipatay, na nagsisikubkub sa akin. 019 PSA 017 010 Sila'y nangabalot sa kanilang sariling taba: sila'y nangagsasalita ng kanilang bibig na may kapalaluan. 019 PSA 017 011 Kanilang kinubkob nga kami sa aming mga hakbang: itinititig nila ang kanilang mga mata upang ibuwal kami sa lupa. 019 PSA 017 012 Sila'y parang leon na masiba sa kaniyang huli, at parang batang leon na nanunubok sa mga lihim na dako. 019 PSA 017 013 Bumangon ka, Oh Panginoon, harapin mo siya, ilugmok mo siya: iligtas mo ang aking kaluluwa sa masama sa pamamagitan ng iyong tabak; 019 PSA 017 014 Sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, Oh Panginoon, sa mga tao ng sanglibutan, na ang bahagi nila ay nasa buhay na ito, at ang tiyan nila'y pinupuno mo ng iyong kayamanan: kanilang binubusog ang kanilang mga anak, at iniiwan nila ang natira sa kanilang pag-aari sa kanilang sanggol. 019 PSA 017 015 Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran: ako'y masisiyahan pagka bumangon sa iyong wangis. 019 PSA 018 001 Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking kalakasan. 019 PSA 018 002 Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog. 019 PSA 018 003 Ako'y tatawag sa Panginoon, na marapat na purihin: sa gayo'y maliligtas ako sa aking mga kaaway. 019 PSA 018 004 Pinamuluputan ako ng mga tali ng kamatayan, at tinakot ako ng mga baha ng kasamaan. 019 PSA 018 005 Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko: ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin. 019 PSA 018 006 Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, at dumaing ako sa aking Dios: dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, at ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig. 019 PSA 018 007 Nang magkagayo'y nauga at nayanig ang lupa, ang mga patibayan naman ng mga bundok ay nakilos, at nauga, sapagka't siya'y napoot. 019 PSA 018 008 Napailanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, at apoy na mula sa kaniyang bibig ay sumupok: mga baga ay nangagalab sa pamamagitan niyaon. 019 PSA 018 009 Kaniya namang iniyuko ang mga langit, at ibinaba; at salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa. 019 PSA 018 010 At siya'y sumakay sa isang querubin, at lumipad: Oo, siya'y lumipad na maliksi sa mga pakpak ng hangin. 019 PSA 018 011 Ginawa niya ang kadiliman na kaniyang kublihang dako, ang kaniyang kulandong sa buong palibot niya; mga kadiliman ng tubig, masinsing mga alapaap sa langit. 019 PSA 018 012 Sa kakinangan sa harap niya ay dumaan ang kaniyang mga masinsing alapaap, mga granizo at mga bagang apoy. 019 PSA 018 013 Ang Panginoon naman ay kumulog sa mga langit, at pinatunog ng Kataastaasan ang kaniyang tinig; mga granizo, at mga bagang apoy. 019 PSA 018 014 At kaniyang inihilagpos ang kaniyang mga pana, at pinapangalat sila; Oo, mga kidlat na di masayod at ginulo sila. 019 PSA 018 015 Nang magkagayo'y nagsilitaw ang mga lagusan ng tubig, at ang mga patibayan ng sanglibutan ay nangahubdan, sa iyong pagsaway, Oh Panginoon, sa hihip ng hinga ng iyong mga butas ng ilong. 019 PSA 018 016 Siya'y nagsugo mula sa itaas, kinuha niya ako; sinagip niya ako sa maraming tubig. 019 PSA 018 017 Iniligtas niya ako sa aking malakas na kaaway, At sa mga nangagtatanim sa akin, sapagka't sila'y totoong makapangyarihan sa ganang akin. 019 PSA 018 018 Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng aking kasakunaan, nguni't ang Panginoon ay siyang aking gabay. 019 PSA 018 019 Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako; iniligtas niya ako, sapagka't siya'y nalulugod sa akin. 019 PSA 018 020 Ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran; ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay ginanting-pala niya ako. 019 PSA 018 021 Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon, at hindi ako humiwalay ng masama sa aking Dios. 019 PSA 018 022 Sapagka't lahat niyang mga kahatulan ay nangasa harap ko, at hindi ko inihiwalay ang kaniyang mga palatuntunan sa akin. 019 PSA 018 023 Ako rin nama'y sakdal sa kaniya, at ako'y nagingat ng aking sarili sa aking kasamaan. 019 PSA 018 024 Kaya't ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran, ayon sa kalinisan ng aking mga kamay sa kaniyang paningin. 019 PSA 018 025 Sa mahabagin ay pakikilala kang mahabagin; sa sakdal na tao ay pakikilala kang sakdal; 019 PSA 018 026 Sa dalisay ay pakikilala kang dalisay; at sa matigas na loob ay pakikilala kang mapagmatigas. 019 PSA 018 027 Sapagka't iyong ililigtas ang napipighating bayan: nguni't ang mga mapagmataas na mata ay iyong ibababa. 019 PSA 018 028 Sapagka't iyong papagniningasin ang aking ilawan; liliwanagan ng Panginoon kong Dios ang aking kadiliman. 019 PSA 018 029 Sapagka't sa pamamagitan mo ay dadaluhungin ko ang isang hukbo; at sa pamamagitan ng aking Dios ay lulukso ako sa kuta. 019 PSA 018 030 Tungkol sa Dios ang kaniyang lakad ay sakdal: ang salita ng Panginoon ay subok; siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kaniya, 019 PSA 018 031 Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato maliban sa ating Dios? 019 PSA 018 032 Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, at nagpapasakdal sa aking lakad. 019 PSA 018 033 Kaniyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng mga paa ng mga usa: at inilalagay niya ako sa aking mga mataas na dako. 019 PSA 018 034 Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay na makipagdigma, na anopa't ang aking mga kamay ay bumabali ng busog na tanso. 019 PSA 018 035 Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag na iyong pangligtas: at inalalayan ako ng iyong kanan, at pinadakila ako ng iyong kahinahunan. 019 PSA 018 036 Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa ilalim ko, at ang aking mga paa ay hindi nangadulas. 019 PSA 018 037 Aking hahabulin ang aking mga kaaway, at aabutan ko sila: hindi man ako babalik hanggang sa sila'y malipol. 019 PSA 018 038 Aking sasaktan sila, na anopa't sila'y huwag makatayo: sila'y mangalulugmok sa ilalim ng aking mga paa. 019 PSA 018 039 Sapagka't iyong binigkisan ako ng kalakasan sa pagbabaka: iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin. 019 PSA 018 040 Iyo rin namang pinatatalikod sa akin ang aking mga kaaway, upang aking maihiwalay silang nangagtatanim sa akin. 019 PSA 018 041 Sila'y nagsihiyaw, nguni't walang magligtas: pati sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila. 019 PSA 018 042 Nang magkagayo'y aking dinurog sila na gaya ng alabok sa harap ng hangin: aking inihagis sila na gaya ng putik sa mga lansangan. 019 PSA 018 043 Iniligtas mo ako sa mga pakikipagtalo sa bayan; iyong ginawa ako na pangulo ng mga bansa: isang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin. 019 PSA 018 044 Pagkarinig nila sa akin ay tatalimahin nila ako; ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin. 019 PSA 018 045 Ang mga taga ibang lupa ay manganghihiluka, at sila'y magsisilabas na nanganginginig mula sa kanilang mga taguang dako. 019 PSA 018 046 Mabuhay nawa ang Panginoon at maging mapalad nawa ang aking malaking bato; at dakilain ang Dios ng aking kaligtasan: 019 PSA 018 047 Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako, at nagpapasuko ng mga bayan sa akin. 019 PSA 018 048 Kaniyang inililigtas ako sa aking mga kaaway: Oo, itinataas mo ako sa nagsisibangon laban sa akin: iyong inililigtas ako sa mangdadahas na tao. 019 PSA 018 049 Kaya't ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa, at aawit ako ng mga pagpupuri sa iyong pangalan. 019 PSA 018 050 Dakilang kaligtasan ay ibinibigay niya sa kaniyang hari; at nagpapakita ng kagandahang-loob sa kaniyang pinahiran ng langis. Kay David at sa kaniyang binhi magpakailan man. 019 PSA 019 001 Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay. 019 PSA 019 002 Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita, at sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman. 019 PSA 019 003 Walang pananalita o wika man; ang kanilang tinig ay hindi marinig. 019 PSA 019 004 Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa, at ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan. Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw, 019 PSA 019 005 Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid. At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo. 019 PSA 019 006 Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit, at ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon: at walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon. 019 PSA 019 007 Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: ang patotoo ng Panginoon ay tunay, na nagpapapantas sa hangal. 019 PSA 019 008 Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso: ang utos ng Panginoon ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata. 019 PSA 019 009 Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man: ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid. 019 PSA 019 010 Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto: lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan. 019 PSA 019 011 Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod: sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala. 019 PSA 019 012 Sinong makasisiyasat ng kaniyang mga kamalian? Paliwanagan mo ako sa mga kubling kamalian. 019 PSA 019 013 Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala: huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin: kung magkagayo'y magiging matuwid ako, at magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang. 019 PSA 019 014 Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos. 019 PSA 020 001 Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan; itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob; 019 PSA 020 002 Saklolohan ka mula sa santuario, at palakasin ka mula sa Sion; 019 PSA 020 003 Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog, at tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah) 019 PSA 020 004 Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso, at tuparin ang lahat ng iyong payo. 019 PSA 020 005 Kami ay magtatagumpay sa iyong pagliligtas, at sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat: ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi. 019 PSA 020 006 Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay. 019 PSA 020 007 Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo: nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios. 019 PSA 020 008 Sila'y nangakasubsob at buwal: nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid. 019 PSA 020 009 Magligtas ka, Panginoon: sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag. 019 PSA 021 001 Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan, Oh Panginoon; at sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya! 019 PSA 021 002 Ibinigay mo sa kaniya ang nais ng kaniyang puso, at hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi. (Selah) 019 PSA 021 003 Sapagka't iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan: iyong pinuputungan ng isang putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo. 019 PSA 021 004 Siya'y humingi ng buhay sa iyo, iyong binigyan siya; pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man. 019 PSA 021 005 Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila sa iyong pagliligtas: karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya. 019 PSA 021 006 Sapagka't ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man: iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan. 019 PSA 021 007 Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon, at sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay hindi siya makikilos. 019 PSA 021 008 Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway: masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo. 019 PSA 021 009 Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit. Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot, at susupukin sila ng apoy. 019 PSA 021 010 Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa, at ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao. 019 PSA 021 011 Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo: sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa. 019 PSA 021 012 Sapagka't iyong patatalikurin sila, ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila. 019 PSA 021 013 Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan: sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan. 019 PSA 022 001 Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pagangal? 019 PSA 022 002 Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot: at sa gabi, at hindi ako tahimik. 019 PSA 022 003 Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel. 019 PSA 022 004 Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo: sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila. 019 PSA 022 005 Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas: sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya. 019 PSA 022 006 Nguni't ako'y uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan. 019 PSA 022 007 Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako: inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi, 019 PSA 022 008 Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya: iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya: 019 PSA 022 009 Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata: Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina. 019 PSA 022 010 Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata: ikaw ay aking Dios mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina. 019 PSA 022 011 Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit; sapagka't walang tumulong. 019 PSA 022 012 Niligid ako ng maraming toro; mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin. 019 PSA 022 013 Sila'y magbubuka sa akin ng kanilang bibig, na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon. 019 PSA 022 014 Ako'y nabuhos na parang tubig, at lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad: ang aking puso ay parang pagkit; natutunaw ito sa loob ko. 019 PSA 022 015 Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga; at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; at dinala mo ako sa alabok ng kamatayan. 019 PSA 022 016 Sapagka't niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa. 019 PSA 022 017 Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; kanilang minamasdan, at pinapansin ako: 019 PSA 022 018 Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan. 019 PSA 022 019 Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon: Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako. 019 PSA 022 020 Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak; ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso. 019 PSA 022 021 Iligtas mo ako sa bibig ng leon; Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako. 019 PSA 022 022 Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid: sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita. 019 PSA 022 023 Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya: kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya; at magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel. 019 PSA 022 024 Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati; ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya; kundi nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig. 019 PSA 022 025 Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan: aking tutuparin ang aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya. 019 PSA 022 026 Ang maamo ay kakain at mabubusog: kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya; mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man. 019 PSA 022 027 Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at magsisipanumbalik sa Panginoon: at lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo. 019 PSA 022 028 Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon: at siya ang puno sa mga bansa. 019 PSA 022 029 Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba: silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya, sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa. 019 PSA 022 030 Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya, sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi, 019 PSA 022 031 Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran, sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa. 019 PSA 023 001 Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan. 019 PSA 023 002 Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan, 019 PSA 023 003 Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa: pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan. 019 PSA 023 004 Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin. 019 PSA 023 005 Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway: iyong pinahiran ang aking ulo ng langis; ang aking saro ay inaapawan. 019 PSA 023 006 Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay: at ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man. 019 PSA 024 001 Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito; ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito. 019 PSA 024 002 Sapagka't itinatag niya sa ibabaw ng mga dagat, at itinatayo sa ibabaw ng mga baha. 019 PSA 024 003 Sinong aahon sa bundok ng Panginoon? At sinong tatayo sa kaniyang dakong banal? 019 PSA 024 004 Siyang may malinis na mga kamay at may dalisay na puso; na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan, at hindi sumumpa na may kabulaanan. 019 PSA 024 005 Siya'y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon, at ng katuwiran sa Dios ng kaniyang kaligtasan. 019 PSA 024 006 Ito ang lahi ng mga nagsisihanap sa kaniya, na nagsisihanap ng iyong mukha, sa makatuwid baga'y Jacob. (Selah) 019 PSA 024 007 Itaas ninyo ang inyong mga ulo, Oh kayong mga pintuang-bayan; at kayo'y mangataas, kayong mga walang hanggang pintuan: at ang hari ng kaluwalhatian ay papasok. 019 PSA 024 008 Sino ang Hari ng kaluwalhatian? Ang Panginoong malakas at makapangyarihan, ang Panginoong makapangyarihan sa pagbabaka. 019 PSA 024 009 Itaas ninyo ang inyong mga ulo, Oh kayong mga pintuang-bayan; Oo, magsitaas kayo, kayong mga walang hanggang pintuan: at ang hari ng kaluwalhatian ay papasok. 019 PSA 024 010 Sino itong Hari ng kaluwalhatian? Ang Panginoon ng mga hukbo, siya ang Hari ng kaluwalhatian. (Selah) 019 PSA 025 001 Sa iyo, Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa. 019 PSA 025 002 Oh Dios ko sa iyo'y tumiwala ako, huwag nawa akong mapahiya; huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway. 019 PSA 025 003 Oo, walang naghihintay sa iyo na mapapahiya; sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan, 019 PSA 025 004 Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. 019 PSA 025 005 Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako buong araw. 019 PSA 025 006 Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob; sapagka't magpakailan man mula ng una. 019 PSA 025 007 Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang: ayon sa iyong kagandahang-loob ay alalahanin mo ako, dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon. 019 PSA 025 008 Mabuti at matuwid ang Panginoon: kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan. 019 PSA 025 009 Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan: at ituturo niya sa maamo ang daan niya. 019 PSA 025 010 Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo. 019 PSA 025 011 Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon, iyong ipatawad ang aking kasamaan, sapagka't malaki. 019 PSA 025 012 Anong tao siya na natatakot sa Panginoon? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin. 019 PSA 025 013 Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan; at mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain. 019 PSA 025 014 Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya; at ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan. 019 PSA 025 015 Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon; sapagka't huhugutin niya ang aking mga paa sa silo. 019 PSA 025 016 Panumbalikan mo ako, at maawa ka sa akin; sapagka't ako'y nag-iisa at nagdadalamhati. 019 PSA 025 017 Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki: Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan. 019 PSA 025 018 Gunitain mo ang aking pagkapighati at aking damdam; at ipatawad mo ang lahat kong mga kasalanan. 019 PSA 025 019 Masdan mo ang aking mga kaaway, sapagka't sila'y marami; at pinagtataniman nila ako ng mabagsik na pagkagalit. 019 PSA 025 020 Oh ingatan mo ang aking kaluluwa, at iyong iligtas ako: huwag nawa akong mapahiya, sapagka't nanganganlong ako sa iyo. 019 PSA 025 021 Magingat sa akin ang pagtatapat at katuwiran, sapagka't hinihintay kita. 019 PSA 025 022 Tubusin mo ang Israel, Oh Dios, mula sa lahat na kaniyang kabagabagan. 019 PSA 026 001 Iyong hatulan ako Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad sa aking pagtatapat: ako naman ay tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay. 019 PSA 026 002 Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako; subukin mo ang aking puso at ang aking isip. 019 PSA 026 003 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata: at ako'y lumakad sa iyong katotohanan. 019 PSA 026 004 Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao; ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari. 019 PSA 026 005 Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan, at hindi ako uupo na kaumpok ng masama. 019 PSA 026 006 Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala; sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon: 019 PSA 026 007 Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat, at maisaysay ang lahat na iyong kagilagilalas na gawa. 019 PSA 026 008 Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay, at ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian. 019 PSA 026 009 Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan, ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao: 019 PSA 026 010 Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan, at ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol. 019 PSA 026 011 Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat: iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin. 019 PSA 026 012 Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako: sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon. 019 PSA 027 001 Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak? 019 PSA 027 002 Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman, ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa. 019 PSA 027 003 Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin, hindi matatakot ang aking puso: bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin, gayon ma'y titiwala rin ako. 019 PSA 027 004 Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin; na ako'y makatahan sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, upang malasin ang kagandahan ng Panginoon, at magusisa sa kaniyang templo. 019 PSA 027 005 Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong: sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako; Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato. 019 PSA 027 006 At ngayo'y matataas ang aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko; at ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan; ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon. 019 PSA 027 007 Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig: maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako. 019 PSA 027 008 Nang iyong sabihin, hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo, ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko. 019 PSA 027 009 Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin; huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit: ikaw ay naging aking saklolo; huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, Oh Dios ng aking kaligtasan. 019 PSA 027 010 Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina, gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon. 019 PSA 027 011 Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon: at patnubayan mo ako sa patag na landas, dahil sa aking mga kaaway. 019 PSA 027 012 Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway: sapagka't mga sinungaling na saksi ay nagsibangon laban sa akin, at ang nagsisihinga ng kabagsikan. 019 PSA 027 013 Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon. Sa lupain ng may buhay. 019 PSA 027 014 Magantay ka sa Panginoon: ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso; Oo, umasa ka sa Panginoon. 019 PSA 028 001 Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako; bato ko, huwag kang magpakabingi sa akin: baka kung ikaw ay tumahimik sa akin, ako'y maging gaya nila na bumaba sa hukay. 019 PSA 028 002 Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo, pagka aking iginagawad ang aking mga kamay sa dako ng banal na sanggunian sa iyo. 019 PSA 028 003 Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama, at ng mga manggagawa ng kasamaan; na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa, Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso. 019 PSA 028 004 Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain: gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay. Bayaran mo sila ng ukol sa kanila, 019 PSA 028 005 Sapagka't ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon, ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay, kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo. 019 PSA 028 006 Purihin ang Panginoon, sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing. 019 PSA 028 007 Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kalasag; ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan: kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam; at aking pupurihin siya ng aking awit. 019 PSA 028 008 Ang Panginoon ay kanilang kalakasan, at siya'y kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis. 019 PSA 028 009 Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo ang iyong pamana: naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo sila magpakailan man. 019 PSA 029 001 Mangagbigay kayo sa Panginoon, Oh kayong mga anak ng makapangyarihan, mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan. 019 PSA 029 002 Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan. 019 PSA 029 003 Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig: ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog, sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig. 019 PSA 029 004 Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan; ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan. 019 PSA 029 005 Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro; Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano. 019 PSA 029 006 Kaniya namang pinalulukso na gaya ng guya: ang Libano at Sirion na gaya ng mailap na guyang baka. 019 PSA 029 007 Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon. 019 PSA 029 008 Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang: niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades. 019 PSA 029 009 Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa, at hinuhubdan ang mga gubat: at sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: kaluwalhatian. 019 PSA 029 010 Ang Panginoon ay naupo sa baha na parang Hari; Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man. 019 PSA 029 011 Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan. 019 PSA 030 001 Dadakilain kita, Oh Panginoon; sapagka't itinindig mo ako, at hindi mo pinagalak sa akin ang aking mga kaaway. 019 PSA 030 002 Oh Panginoon kong Dios, dumaing ako sa iyo, at ako'y pinagaling mo. 019 PSA 030 003 Oh Panginoon, iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol: iyong iningatan akong buhay, upang huwag akong bumaba sa hukay. 019 PSA 030 004 Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya, at mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan. 019 PSA 030 005 Sapagka't ang kaniyang galit ay sangdali lamang; ang kaniyang paglingap ay habang buhay: pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan. 019 PSA 030 006 Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan: hindi ako makikilos kailan man. 019 PSA 030 007 Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok: iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag. 019 PSA 030 008 Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; at sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik: 019 PSA 030 009 Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay? Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan? 019 PSA 030 010 Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin: Panginoon, maging saklolo nawa kita. 019 PSA 030 011 Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis; iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan: 019 PSA 030 012 Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik: Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man. 019 PSA 031 001 Sa iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako; huwag akong mapahiya kailan man; palayain mo ako sa iyong katuwiran. 019 PSA 031 002 Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali: maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin, bahay na sanggalangan upang iligtas ako. 019 PSA 031 003 Sapagka't ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta; alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako. 019 PSA 031 004 Hugutin mo ako sa silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka't ikaw ang aking katibayan. 019 PSA 031 005 Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa; iyong tinubos ako, Oh Panginoon, ikaw na Dios ng katotohanan. 019 PSA 031 006 Aking pinagtataniman ang nangagmamasid ng mga walang kabuluhang karayaan: nguni't tumitiwala ako sa Panginoon. 019 PSA 031 007 Ako'y matutuwa at magagalak sa iyong kagandahang-loob: sapagka't iyong nakita ang aking kadalamhatian: iyong nakilala ang aking kaluluwa sa mga kasakunaan: 019 PSA 031 008 At hindi mo kinulong sa kamay ng kaaway; iyong inilagay ang aking mga paa sa maluwag na dako. 019 PSA 031 009 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't ako'y nasa kahirapan: ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan, oo, ang aking kaluluwa, at aking katawan. 019 PSA 031 010 Sapagka't ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan, at ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga: ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan, at ang aking mga buto ay nangangatog. 019 PSA 031 011 Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako, Oo, lubha nga sa aking mga kapuwa, at takot sa aking mga kakilala: silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako. 019 PSA 031 012 Ako'y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao: Ako'y parang basag na sisidlan. 019 PSA 031 013 Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami, kakilabutan sa bawa't dako. Samantalang sila'y nagsasangguniang magkakasama laban sa akin, kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay. 019 PSA 031 014 Nguni't tumiwala ako sa iyo, Oh Panginoon: aking sinabi: Ikaw ay aking Dios. 019 PSA 031 015 Ang aking mga kapanahunan ay nasa iyong kamay: iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin. 019 PSA 031 016 Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod: iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob. 019 PSA 031 017 Huwag nawa akong mapahiya, Oh Panginoon; sapagka't ako'y tumawag sa iyo: mapahiya nawa ang masama, magsitahimik nawa sila sa Sheol. 019 PSA 031 018 Matahimik nawa ang mga sinungaling na labi; na nangagsasalita laban sa matuwid ng kalasuwaan, ng kapalaluan at paghamak. 019 PSA 031 019 Oh pagkadakila ng iyong kabutihan, na iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa iyo, na iyong ginawa sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo, sa harap ng mga anak ng mga tao! 019 PSA 031 020 Sa lihim ng iyong harapan ay iyong ikukubli sila sa mga banta ng mga tao: iyong iingatan silang lihim sa kulandong mula sa mga talas ng mga dila. 019 PSA 031 021 Purihin ang Panginoon: sapagka't ipinakilala niya sa akin ang kaniyang kagilagilalas na kagandahang-loob sa isang matibay na bayan. 019 PSA 031 022 Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking pagmamadali, nahiwalay ako sa harap ng iyong mga mata: gayon ma'y dininig mo ang tinig ng aking mga pamanhik, nang ako'y dumaing sa iyo. 019 PSA 031 023 Oh ibigin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga banal niya: pinalalagi ng Panginoon ang tapat, at pinanghihigantihang lubos ang manggagawang palalo. 019 PSA 031 024 Kayo'y mangagpakalakas, at mangagdalang tapang ang inyong puso, kayong lahat na nagsisiasa sa Panginoon. 019 PSA 032 001 Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang, na tinakpan ang kasalanan. 019 PSA 032 002 Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng Panginoon, at walang pagdaraya ang diwa niya. 019 PSA 032 003 Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang aking mga buto dahil sa aking pagangal buong araw. 019 PSA 032 004 Sapagka't araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay: ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah) 019 PSA 032 005 Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli: aking sinabi, aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan. 019 PSA 032 006 Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa panahong masusumpungan ka: tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya. 019 PSA 032 007 Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan; iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah) 019 PSA 032 008 Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran: papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo. 019 PSA 032 009 Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa: na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila, na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo. 019 PSA 032 010 Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama: nguni't siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot. 019 PSA 032 011 Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid: at magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso. 019 PSA 033 001 Mangagalak kayo sa Panginoon, Oh kayong mga matuwid: pagpuri ay maganda sa ganang matuwid. 019 PSA 033 002 Kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon na may alpa: magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas. 019 PSA 033 003 Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit; magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay. 019 PSA 033 004 Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid; at lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat. 019 PSA 033 005 Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan: ang lupa ay puno ng kagandahang-loob ng Panginoon. 019 PSA 033 006 Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig. 019 PSA 033 007 Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton: inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan. 019 PSA 033 008 Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon: magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya. 019 PSA 033 009 Sapagka't siya'y nagsalita, at nangyari; siya'y nagutos, at tumayong matatag. 019 PSA 033 010 Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa: kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan. 019 PSA 033 011 Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man, ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi. 019 PSA 033 012 Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon; ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana. 019 PSA 033 013 Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit; kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao; 019 PSA 033 014 Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya sa lahat na nangananahan sa lupa; 019 PSA 033 015 Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat, na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa. 019 PSA 033 016 Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo: ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan. 019 PSA 033 017 Ang kabayo ay walang kabuluhang bagay sa pagliligtas: ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan; 019 PSA 033 018 Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob; 019 PSA 033 019 Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at upang ingatan silang buhay sa kagutom. 019 PSA 033 020 Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon: siya'y aming saklolo at aming kalasag. 019 PSA 033 021 Sapagka't ang aming puso ay magagalak sa kaniya, sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan. 019 PSA 033 022 Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ayon sa aming pagasa sa iyo. 019 PSA 034 001 Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon: ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig. 019 PSA 034 002 Ang aking kaluluwa ay maghahambog sa Panginoon: maririnig ng maamo at masasayahan. 019 PSA 034 003 Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon, at tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan. 019 PSA 034 004 Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan. 019 PSA 034 005 Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: at ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man. 019 PSA 034 006 Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon. At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan. 019 PSA 034 007 Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya, at ipinagsasanggalang sila. 019 PSA 034 008 Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti: mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya. 019 PSA 034 009 Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya: sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya. 019 PSA 034 010 Ang mga batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom. Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay. 019 PSA 034 011 Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako: aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon. 019 PSA 034 012 Sinong tao ang nagnanasa ng buhay, at umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti? 019 PSA 034 013 Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama. At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan. 019 PSA 034 014 Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo. 019 PSA 034 015 Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid, at ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing. 019 PSA 034 016 Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan, upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa. 019 PSA 034 017 Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon, at iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan. 019 PSA 034 018 Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa. 019 PSA 034 019 Marami ang kadalamhatian ng matuwid; nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat. 019 PSA 034 020 Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto: wala isa man sa mga yaon na nababali. 019 PSA 034 021 Papatayin ng kasamaan ang masama: at silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala. 019 PSA 034 022 Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod: at wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala. 019 PSA 035 001 Awayin mo, Oh Panginoon, silang nagsisiaway sa akin: lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin. 019 PSA 035 002 Humawak ka ng kalasag at ng longki, at tumayo ka na pinaka tulong sa akin. 019 PSA 035 003 Kumuha ka rin naman ng sibat, at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol sa akin: sabihin mo sa aking kaluluwa, Ako'y iyong kaligtasan. 019 PSA 035 004 Mangahiya nawa sila, at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa: mangapabalik sila, at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan. 019 PSA 035 005 Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin, at itaboy sila ng anghel ng Panginoon. 019 PSA 035 006 Maging madilim nawa, at madulas ang kanilang daan, at habulin sila ng anghel ng Panginoon. 019 PSA 035 007 Sapagka't walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng kanilang silo sa hukay, walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa. 019 PSA 035 008 Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak; at hulihin nawa siya ng kaniyang silo na kaniyang ikinubli: mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya. 019 PSA 035 009 At ang aking kaluluwa ay magagalak sa Panginoon: magagalak na mainam sa kaniyang pagliligtas. 019 PSA 035 010 Lahat ng aking mga buto ay magsasabi, Panginoon, sino ang gaya mo, na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya, Oo, ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya? 019 PSA 035 011 Mga saksing masasama ay nagsisitayo; sila'y nangagtatanong sa akin ng mga bagay na di ko nalalaman. 019 PSA 035 012 Iginaganti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti, sa pagpapaulila ng aking kaluluwa. 019 PSA 035 013 Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo: aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno; at ang aking dalangin ay nagbabalik sa aking sariling sinapupunan. 019 PSA 035 014 Ako'y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid: ako'y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina. 019 PSA 035 015 Nguni't pagka ako'y natisod sila'y nangagagalak, at nagpipisan: ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin, at hindi ko nalaman; 019 PSA 035 016 Gaya ng mga nanunuyang suwail sa mga kapistahan, kanilang pinagngangalit sa akin ang kanilang mga ngipin. 019 PSA 035 017 Panginoon, hanggang kailan titingin ka? Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira, ang aking sinta mula sa mga leon. 019 PSA 035 018 Ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan: aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao. 019 PSA 035 019 Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway; ni magkindat man ng mata ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan. 019 PSA 035 020 Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan: kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain. 019 PSA 035 021 Oo, kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin; kanilang sinasabi: Aha, aha, nakita ng aming mata. 019 PSA 035 022 Iyong nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik, Oh Panginoon, huwag kang lumayo sa akin. 019 PSA 035 023 Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan, sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko. 019 PSA 035 024 Hatulan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, ayon sa iyong katuwiran; at huwag mo silang pagalakin sa akin. 019 PSA 035 025 Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin: huwag silang magsabi: Aming sinakmal siya. 019 PSA 035 026 Mangapahiya nawa sila, at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak: manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin. 019 PSA 035 027 Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran: Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon, na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod. 019 PSA 035 028 At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran, at ng pagpuri sa iyo sa buong araw. 019 PSA 036 001 Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso: walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata. 019 PSA 036 002 Sapagka't siya'y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata, na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman. 019 PSA 036 003 Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan: iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti. 019 PSA 036 004 Siya'y kumakatha ng kasamaan sa kaniyang higaan; siya'y lumagay sa isang daan na hindi mabuti; hindi niya kinayayamutan ang kasamaan. 019 PSA 036 005 Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay nasa mga langit: ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit. 019 PSA 036 006 Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios: ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman: Oh Panginoon, iyong iniingatan ang tao at hayop. 019 PSA 036 007 Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios! At ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak. 019 PSA 036 008 Sila'y nangabubusog ng sagana ng katabaan ng iyong bahay; at iyong paiinumin sila sa ilog ng iyong kaluguran. 019 PSA 036 009 Sapagka't nasa iyo ang bukal ng buhay: sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag. 019 PSA 036 010 Oh, ilagi mo nawa ang iyong kagandahang-loob sa kanila na nangakakakilala sa iyo: at ang iyong katuwiran sa matuwid sa puso. 019 PSA 036 011 Huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan, at huwag nawa akong itaboy ng kamay ng masama. 019 PSA 036 012 Doo'y nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan: sila'y nangalugmok at hindi makakatindig. 019 PSA 037 001 Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan. 019 PSA 037 002 Sapagka't sila'y madaling puputuling gaya ng damo, at matutuyong gaya ng sariwang damo. 019 PSA 037 003 Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat. 019 PSA 037 004 Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso. 019 PSA 037 005 Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin. 019 PSA 037 006 At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran, at ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat. 019 PSA 037 007 Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya: huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad, dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha. 019 PSA 037 008 Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan. 019 PSA 037 009 Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay: nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, ay mangagmamana sila ng lupain. 019 PSA 037 010 Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na: Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na. 019 PSA 037 011 Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain, at masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan. 019 PSA 037 012 Ang masama ay kumakatha laban sa ganap, at pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin. 019 PSA 037 013 Tatawanan siya ng Panginoon: sapagka't kaniyang nakikita na ang kaniyang kaarawan ay dumarating. 019 PSA 037 014 Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog: upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan, upang patayin ang matuwid sa paglakad: 019 PSA 037 015 Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso, at ang kanilang busog ay mababali. 019 PSA 037 016 Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid, kay sa kasaganaan ng maraming masama. 019 PSA 037 017 Sapagka't ang mga bisig ng masasama ay mangababali: nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid. 019 PSA 037 018 Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal: at ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man. 019 PSA 037 019 Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan: at sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila. 019 PSA 037 020 Nguni't ang masama ay mamamatay, at ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero: sila'y mangapupugnaw: sa usok mangapupugnaw sila. 019 PSA 037 021 Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli: nguni't ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay. 019 PSA 037 022 Sapagka't ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain; at silang sinumpa niya ay mahihiwalay. 019 PSA 037 023 Ang lakad ng tao ay itinatag ng Panginoon; at siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad. 019 PSA 037 024 Bagaman siya'y mabuwal, hindi siya lubos na mapapahiga: Sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay. 019 PSA 037 025 Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda; gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan, ni ang kaniyang lahi man ay nagpapalimos ng tinapay. 019 PSA 037 026 Lahat ng araw ay nahahabag, at nagpapahiram; at ang kaniyang lahi ay pinagpapala. 019 PSA 037 027 Ikaw ay humiwalay sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; at manahan ka magpakailan man. 019 PSA 037 028 Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan, at hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal; sila'y iniingatan magpakailan man: nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay. 019 PSA 037 029 Mamanahin ng matuwid ang lupain, at tatahan doon magpakailan man. 019 PSA 037 030 Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan, at ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan. 019 PSA 037 031 Ang kautusan ng kaniyang Dios ay nasa kaniyang puso, walang madudulas sa kaniyang mga hakbang. 019 PSA 037 032 Inaabatan ng masama ang matuwid, at pinagsisikapang patayin niya siya. 019 PSA 037 033 Hindi siya iiwan ng Panginoon sa kaniyang kamay, ni parurusahan man siya pagka siya'y nahatulan. 019 PSA 037 034 Hintayin mo ang Panginoon, at ingatan mo ang kaniyang daan, at ibubunyi ka upang manahin mo ang lupain: pagka nahiwalay ang masama, iyong makikita. 019 PSA 037 035 Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan, at lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan. 019 PSA 037 036 Nguni't may dumaan at, narito, wala na siya: Oo, hinanap ko siya, nguni't hindi siya masumpungan. 019 PSA 037 037 Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid: sapagka't may isang maligayang wakas sa taong may kapayapaan. 019 PSA 037 038 Tungkol sa mga mananalangsang, mangalilipol silang magkakasama: ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay. 019 PSA 037 039 Nguni't ang kaligtasan ng matuwid ay sa Panginoon: siya'y ang kanilang kuta sa panahon ng kabagabagan. 019 PSA 037 040 At sila'y tinutulungan ng Panginoon, at sinasagip sila: sinasagip niya sila sa masama, at inililigtas sila. Sapagka't sila'y nagsipagkanlong sa kaniya. 019 PSA 038 001 Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong pag-iinit: ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob. 019 PSA 038 002 Sapagka't ang iyong mga pana ay nagsitimo sa akin, at pinipisil akong mainam ng iyong kamay. 019 PSA 038 003 Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit; ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan. 019 PSA 038 004 Sapagka't ang aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo: gaya ng isang pasang mabigat ay napakabigat sa akin. 019 PSA 038 005 Ang aking mga sugat ay mabaho, at putokputok, dahil sa aking kamangmangan. 019 PSA 038 006 Ako'y nahirapan at ako'y nahukot; ako'y tumatangis buong araw. 019 PSA 038 007 Sapagka't ang aking mga balakang ay lipos ng hirap; at walang kagalingan sa aking laman. 019 PSA 038 008 Ako'y nanglalata, at bugbog na mainam: ako'y umangal dahil sa kaba ng aking loob. 019 PSA 038 009 Panginoon, lahat ng aking nais ay nasa harap mo; at ang aking hibik ay hindi lingid sa iyo. 019 PSA 038 010 Ang aking loob ay kakabakaba, ang aking kalakasan ay nanglalata: tungkol sa liwanag ng aking mga mata, ay napawi rin ito sa akin. 019 PSA 038 011 Ang mga mangliligaw at mga kaibigan ko ay nangatayong malayo sa aking paghihirap; at ang aking mga kamaganak ay nakalayo. 019 PSA 038 012 Sila namang nangaguusig ng aking buhay ay nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin; at silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay, at nangagiisip ng pagdaraya buong araw. 019 PSA 038 013 Nguni't ako'y gaya ng binging tao, na hindi nakakarinig; at ako'y gaya ng piping tao, na hindi ibinubuka ang kaniyang bibig. 019 PSA 038 014 Oo, ako'y gaya ng tao na hindi nakakarinig, at sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan. 019 PSA 038 015 Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon ay umaasa ako: ikaw ay sasagot, Oh Panginoon kong Dios. 019 PSA 038 016 Sapagka't aking sinabi: Baka ako'y kagalakan nila: pagka ang aking paa ay nadudulas, ay nagsisipagmataas sila laban sa akin. 019 PSA 038 017 Sapagka't ako'y madali ng mahulog, at ang aking kapanglawan ay laging nasa harap ko. 019 PSA 038 018 Sapagka't aking ipahahayag ang aking kasamaan; aking ikamamanglaw ang aking kasalanan. 019 PSA 038 019 Nguni't ang aking mga kaaway ay buhay at malalakas: at silang nangagtatanim sa akin na may kamalian ay dumami. 019 PSA 038 020 Sila namang nangagbabayad ng kasamaan sa mabuti ay mga kaaway ko, sapagka't aking sinunod ang bagay na mabuti. 019 PSA 038 021 Huwag mo akong pabayaan, Oh Panginoon: Oh Dios ko, huwag kang lumayo sa akin. 019 PSA 038 022 Magmadali kang tulungan mo ako, Oh Panginoon na aking kaligtasan. 019 PSA 039 001 Aking sinabi, ako'y magiingat sa aking mga lakad, upang huwag akong magkasala ng aking dila: aking iingatan ang aking dila ng paningkaw, samantalang ang masama ay nasa harap ko. 019 PSA 039 002 Ako'y napipi ng pagtahimik, ako'y tumahimik pati sa mabuti; at ang aking kalungkutan ay lumubha. 019 PSA 039 003 Ang aking puso ay mainit sa loob ko; habang ako'y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy: nang magkagayo'y nagsalita ako ng aking dila: 019 PSA 039 004 Panginoon, ipakilala mo sa akin ang aking wakas, at ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano; ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako. 019 PSA 039 005 Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan; at ang aking gulang ay tila wala sa harap mo: tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang walang kabuluhan. (Selah) 019 PSA 039 006 Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim: tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan: kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot. 019 PSA 039 007 At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay? Ang aking pagasa ay nasa iyo. 019 PSA 039 008 Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang: huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal. 019 PSA 039 009 Ako'y pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig; sapagka't ikaw ang gumawa. 019 PSA 039 010 Iurong mo sa akin ang iyong suntok: ako'y bugbog na sa suntok ng iyong kamay. 019 PSA 039 011 Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao, iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga: tunay na bawa't tao ay walang kabuluhan. (Selah) 019 PSA 039 012 Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing: huwag kang tumahimik sa aking mga luha: sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo; nakikipamayan na gaya ng lahat na aking mga magulang. 019 PSA 039 013 Oh tulungan mo ako, upang ako'y magbawing lakas, Bago ako manaw, at mawala. 019 PSA 040 001 Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon; at siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing. 019 PSA 040 002 Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; at itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad. 019 PSA 040 003 At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios: marami ang mangakakakita at mangatatakot, at magsisitiwala sa Panginoon. 019 PSA 040 004 Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon, at hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan. 019 PSA 040 005 Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa, at ang iyong mga pagiisip sa amin: hindi malalagay na maayos sa harap mo; kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila, sila'y higit kay sa mabibilang. 019 PSA 040 006 Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran; ang aking pakinig ay iyong binuksan: handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi. 019 PSA 040 007 Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako; sa balumbon ng aklat ay nakasulat tungkol sa akin: 019 PSA 040 008 Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso. 019 PSA 040 009 Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran sa dakilang kapisanan; narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi, Oh Panginoon, iyong nalalaman. 019 PSA 040 010 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso; aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas: hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan. 019 PSA 040 011 Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon: panatilihin mong lagi sa akin ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan. 019 PSA 040 012 Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan. Ang mga kasamaan ko ay umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin; sila'y higit kay sa mga buhok ng aking ulo, at ang aking puso ay nagpalata sa akin. 019 PSA 040 013 Kalugdan mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako: Ikaw ay magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon. 019 PSA 040 014 Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak: Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri na nangalulugod sa aking kapahamakan. 019 PSA 040 015 Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan na nangagsasabi sa akin, Aha, aha. 019 PSA 040 016 Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo: yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay mangagsabi nawang palagi, Ang Panginoon ay dakilain. 019 PSA 040 017 Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan; Gayon ma'y inalaala ako ng Panginoon: Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas; huwag kang magluwat, Oh Dios ko. 019 PSA 041 001 Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha: ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan. 019 PSA 041 002 Pananatilihin siya, at iingatan siyang buhay ng Panginoon, at siya'y pagpapalain sa ibabaw ng lupa; at huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway. 019 PSA 041 003 Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina: iyong inaayos ang buo niyang higaan sa kaniyang pagkakasakit. 019 PSA 041 004 Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka sa akin: pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala laban sa iyo. 019 PSA 041 005 Ang aking mga kaaway ay nangagsasalita ng kasamaan laban sa akin, na nangagsasabi, kailan siya mamamatay, at mapapawi ang kaniyang pangalan? 019 PSA 041 006 At kung siya'y pumaritong tingnang ako siya'y nagsasalita ng walang kabuluhan; ang kaniyang puso ay nagpipisan ng kasamaan sa kaniyang sarili; pagka siya'y lumabas, isinasaysay niya. 019 PSA 041 007 Yaong lahat na nangagtatanim sa akin ay nangagbubulong-bulungan laban sa akin: laban sa akin ay nagsisikatha ng panghamak. 019 PSA 041 008 Isang masamang sakit, wika nila, ay kumapit na madali sa kaniya; at ngayon siyang nahihiga ay hindi na babangon pa. 019 PSA 041 009 Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan, na kumain ng aking tinapay, nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin. 019 PSA 041 010 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, maawa ka sa akin, at ibangon mo ako, upang aking magantihan sila. 019 PSA 041 011 Sa pamamagitan nito ay natatalastas ko na nalulugod ka sa akin, sapagka't ang aking kaaway ay hindi nagtatagumpay sa akin. 019 PSA 041 012 At tungkol sa akin, iyong inaalalayan ako sa aking pagtatapat, at inilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha magpakailan man. 019 PSA 041 013 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula at hanggang sa walang hanggan. Siya nawa, at Siya nawa. 019 PSA 042 001 Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig ng mga batis, gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios. 019 PSA 042 002 Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, ang buhay na Dios: kailan ako paririto, at haharap sa Dios? 019 PSA 042 003 Ang aking mga luha ay naging aking pagkain araw at gabi, Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, saan nandoon ang iyong Dios? 019 PSA 042 004 Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko, kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios, na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan. 019 PSA 042 005 Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha. 019 PSA 042 006 Oh Dios ko, ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko; kaya't aking inaalaala ka mula sa lupain ng Jordan, at ng Hermonitas, mula sa burol ng Mizhar. 019 PSA 042 007 Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha: lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin. 019 PSA 042 008 Gayon ma'y uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw, at sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya, sa makatuwid baga'y isang dalangin sa Dios ng aking buhay. 019 PSA 042 009 Aking sasabihin sa Dios na aking malaking bato, bakit mo ako kinalimutan? Bakit ako'y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway? 019 PSA 042 010 Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway; habang sinasabi nilang lagi sa akin, saan nandoon ang iyong Dios? 019 PSA 042 011 Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya, na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios. 019 PSA 043 001 Hatulan mo ako, Oh Dios, at ipagsanggalang mo ang aking usap laban sa masamang bansa: Oh iligtas mo ako sa magdaraya at hindi ganap na tao. 019 PSA 043 002 Sapagka't ikaw ang Dios ng aking kalakasan; bakit mo ako itinakuwil? Bakit ako yumayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway? 019 PSA 043 003 Oh suguin mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan; patnubayan nawa nila ako: dalhin nawa nila ako sa iyong banal na bundok, at sa iyong mga tabernakulo. 019 PSA 043 004 Kung magkagayo'y paparoon ako sa dambana ng Dios, sa Dios na aking malabis na kagalakan: at sa alpa ay pupuri ako sa iyo, Oh Dios, aking Dios. 019 PSA 043 005 Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya, na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios. 019 PSA 044 001 Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios, isinaysay sa amin ng aming mga magulang, kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan, ng mga kaarawan ng una. 019 PSA 044 002 Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa, nguni't itinatag mo sila; iyong dinalamhati ang mga bayan, nguni't iyong pinangalat sila. 019 PSA 044 003 Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak, ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay: kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng liwanag ng iyong mukha, sapagka't iyong nilingap sila. 019 PSA 044 004 Ikaw ang aking Hari, Oh Dios: magutos ka ng kaligtasan sa Jacob. 019 PSA 044 005 Dahil sa iyo'y itutulak namin ang aming mga kaaway: sa iyong pangalan ay yayapakan namin sila na nagsisibangon laban sa amin. 019 PSA 044 006 Sapagka't hindi ako titiwala sa aking busog, ni ililigtas man ako ng aking tabak. 019 PSA 044 007 Nguni't iniligtas mo kami sa aming mga kaaway, at inilagay mo sila sa kahihiyan na nangagtatanim sa amin. 019 PSA 044 008 Sa Dios ay naghahambog kami buong araw, at mangagpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailan man. (Selah) 019 PSA 044 009 Nguni't ngayo'y itinakuwil mo kami, at inilagay mo kami sa kasiraang puri; at hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo. 019 PSA 044 010 Iyong pinatatalikod kami sa kaaway: at silang nangagtatanim sa amin ay nagsisisamsam ng sa ganang kanilang sarili. 019 PSA 044 011 Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain; at pinangalat mo kami sa mga bansa. 019 PSA 044 012 Iyong ipinagbibili ang iyong bayan na walang bayad, at hindi mo pinalago ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng kanilang halaga. 019 PSA 044 013 Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa, isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin. 019 PSA 044 014 Iyong ginawa kaming kawikaan sa gitna ng mga bansa, at kaugaan ng ulo sa gitna ng mga bayan. 019 PSA 044 015 Buong araw ay nasa harap ko ang aking kasiraang puri, at ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin, 019 PSA 044 016 Dahil sa tinig niya na dumuduwahagi at tumutungayaw; dahil sa kaaway at sa manghihiganti. 019 PSA 044 017 Lahat ng ito'y dumating sa amin; gayon ma'y hindi namin kinalimutan ka, ni gumawa man kami na may karayaan sa iyong tipan. 019 PSA 044 018 Ang aming puso ay hindi tumalikod, ni ang amin mang mga hakbang ay humiwalay sa iyong daan; 019 PSA 044 019 Na kami ay iyong lubhang nilansag sa dako ng mga chakal, at tinakpan mo kami ng lilim ng kamatayan. 019 PSA 044 020 Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios, O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios; 019 PSA 044 021 Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios? Sapagka't nalalaman niya ang mga lihim ng puso. 019 PSA 044 022 Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw; kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan. 019 PSA 044 023 Ikaw ay gumising, bakit ka natutulog, Oh Panginoon? Ikaw ay bumangon, huwag mo kaming itakuwil magpakailan man. 019 PSA 044 024 Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha, at kinalilimutan mo ang aming kadalamhatian at aming kapighatian? 019 PSA 044 025 Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ang aming katawan ay nadidikit sa lupa. 019 PSA 044 026 Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan, at tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob. 019 PSA 045 001 Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay: aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari: ang aking dila ay panulat ng bihasang manunulat. 019 PSA 045 002 Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao; biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi: kaya't pinagpala ka ng Dios magpakailan man. 019 PSA 045 003 Ibigkis mo ang iyong tabak sa iyong hita, Oh makapangyarihan, kalakip ang iyong kaluwalhatian at ang iyong kamahalan. 019 PSA 045 004 At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan, dahil sa katotohanan, at sa kaamuan, at sa katuwiran: at ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng kakilakilabot na mga bagay. 019 PSA 045 005 Ang iyong mga palaso ay matulis; ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo: sila'y nangasa puso ng mga kaaway ng hari. 019 PSA 045 006 Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man: cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian. 019 PSA 045 007 Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan: kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo ng langis, ng langis ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama. 019 PSA 045 008 Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira, at aloe, at kasia: mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad. 019 PSA 045 009 Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae: sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may ginto sa Ophir. 019 PSA 045 010 Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig; kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang; 019 PSA 045 011 Sa gayo'y nanasain ng hari ang iyong kagandahan; sapagka't siya'y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya. 019 PSA 045 012 At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na may kaloob; pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay mamamanhik ng iyong lingap. 019 PSA 045 013 Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari. Ang kaniyang suot ay yaring may ginto. 019 PSA 045 014 Siya'y ihahatid sa hari na may suot na bordado: ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay dadalhin sa iyo. 019 PSA 045 015 May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila: sila'y magsisipasok sa bahay-hari. 019 PSA 045 016 Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak, na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa. 019 PSA 045 017 Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali't saling lahi: kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man. 019 PSA 046 001 Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan. 019 PSA 046 002 Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago, at bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat; 019 PSA 046 003 Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag. Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah) 019 PSA 046 004 May isang ilog, na ang mga agos ay nagpapasaya sa bayan ng Dios. Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan. 019 PSA 046 005 Ang Dios ay nasa gitna niya; siya'y hindi makikilos: tutulungan siya ng Dios na maaga. 019 PSA 046 006 Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos: inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw. 019 PSA 046 007 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin; ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah) 019 PSA 046 008 Kayo'y parito, inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon, kung anong mga kagibaan ang kaniyang ginawa sa lupa. 019 PSA 046 009 Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa; kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat; kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy. 019 PSA 046 010 Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios: ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako'y mabubunyi sa lupa. 019 PSA 046 011 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin; ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. 019 PSA 047 001 Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay. 019 PSA 047 002 Sapagka't ang Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot; siya'y dakilang Hari sa buong lupa. 019 PSA 047 003 Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin, at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa. 019 PSA 047 004 Kaniyang ipipili tayo ng ating mana, ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah) 019 PSA 047 005 Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan, ang Panginoon na may tunog ng pakakak. 019 PSA 047 006 Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri: kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri. 019 PSA 047 007 Sapagka't ang Dios ay Hari ng buong lupa: magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa. 019 PSA 047 008 Ang Dios ay naghahari sa mga bansa: ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan. 019 PSA 047 009 Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan upang maging bayan ng Dios ni Abraham; sapagka't ang mga kalasag ng lupa ay ukol sa Dios; siya'y totoong bunyi. 019 PSA 048 001 Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok. 019 PSA 048 002 Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari. 019 PSA 048 003 Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan. 019 PSA 048 004 Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama. 019 PSA 048 005 Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila; sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas. 019 PSA 048 006 Panginginig ay humawak sa kanila roon; sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam. 019 PSA 048 007 Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis. 019 PSA 048 008 Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah) 019 PSA 048 009 Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios, sa gitna ng iyong templo. 019 PSA 048 010 Kung ano ang iyong pangalan, Oh Dios, gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran. 019 PSA 048 011 Matuwa ka bundok ng Sion, magalak ang mga anak na babae ng Juda, dahil sa iyong mga kahatulan. 019 PSA 048 012 Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya: inyong saysayin ang mga moog niyaon. 019 PSA 048 013 Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta, inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi. 019 PSA 048 014 Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: siya'y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan. 019 PSA 049 001 Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan; pakinggan ninyo, ninyong lahat na nananahan sa daigdig: 019 PSA 049 002 Ng mababa at gayon din ng mataas, ng mayaman at ng dukha na magkasama. 019 PSA 049 003 Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan; at ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa. 019 PSA 049 004 Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga: ibubuka ko ang aking malabong sabi sa alpa. 019 PSA 049 005 Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan, pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong? 019 PSA 049 006 Silang nagsisitiwala sa kanilang kayamanan, at nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan; 019 PSA 049 007 Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid, ni magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya: 019 PSA 049 008 (Sapagka't ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal, at ito'y naglilikat magpakailan man: ) 019 PSA 049 009 Upang siya'y mabuhay na lagi, upang siya'y huwag makakita ng kabulukan. 019 PSA 049 010 Sapagka't nakikita niya na ang mga pantas ay nangamamatay, ang mangmang at gayon din ang hangal ay nililipol, at iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba. 019 PSA 049 011 Ang kanilang pagiisip sa loob ay, na ang kanilang mga bahay ay mananatili magpakailan man, at ang kanilang mga tahanang dako ay sa lahat ng sali't saling lahi; tinatawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang sariling mga pangalan. 019 PSA 049 012 Nguni't ang tao'y hindi lalagi sa karangalan: siya'y gaya ng mga hayop na nangamamatay. 019 PSA 049 013 Itong kanilang lakad ay kanilang kamangmangan: gayon ma'y pagkatapos nila ay sinasangayunan ng mga tao ang kanilang mga kasabihan. (Selah) 019 PSA 049 014 Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan; kamatayan ay magiging pastor sa kanila: at ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan; at ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw, upang mawalan ng tahanan. 019 PSA 049 015 Nguni't tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol: sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah) 019 PSA 049 016 Huwag kang matakot pagka may yumaman. Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago: 019 PSA 049 017 Sapagka't pagka siya'y namatay ay wala siyang dadalhin; ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya. 019 PSA 049 018 Bagaman habang siya'y nabuhay ay kaniyang pinagpala ang kaniyang kaluluwa, (at pinupuri ka ng mga tao pagka gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili), 019 PSA 049 019 Siya'y paroroon sa lahi ng kaniyang mga magulang; hindi sila makakakita kailan man ng liwanag. 019 PSA 049 020 Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa, ay gaya ng mga hayop na namamatay. 019 PSA 050 001 Ang makapangyarihang Dios, ang Dios na Panginoon, ay nagsalita, at tinawag ang lupa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon. 019 PSA 050 002 Mula sa Sion na kasakdalan ng kagandahan, sumilang ang Dios. 019 PSA 050 003 Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya. 019 PSA 050 004 Siya'y tatawag sa langit sa itaas, at sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan: 019 PSA 050 005 Pisanin mo ang aking mga banal sa akin; yaong nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain. 019 PSA 050 006 At ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran; sapagka't ang Dios ay siyang hukom. (Selah) 019 PSA 050 007 Iyong dinggin, Oh aking bayan, at ako'y magsasalita; Oh Israel, at ako'y magpapatotoo sa iyo: Ako'y Dios, iyong Dios. 019 PSA 050 008 Hindi kita sasawayin dahil sa iyong mga hain; at ang iyong mga handog na susunugin ay laging nangasa harap ko. 019 PSA 050 009 Hindi ako kukuha ng baka sa iyong bahay, ni ng kambing na lalake sa iyong mga kawan. 019 PSA 050 010 Sapagka't bawa't hayop sa gubat ay akin, at ang hayop sa libong burol. 019 PSA 050 011 Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok: at ang mga mabangis na hayop sa parang ay akin. 019 PSA 050 012 Kung ako'y magutom ay hindi ko sasaysayin sa iyo: sapagka't ang sanglibutan ay akin, at ang buong narito. 019 PSA 050 013 Kakanin ko ba ang laman ng mga toro, o iinumin ang dugo ng mga kambing? 019 PSA 050 014 Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat: at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan: 019 PSA 050 015 At tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan; ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako. 019 PSA 050 016 Nguni't sa masama ay sinasabi ng Dios, Anong iyong gagawin upang ipahayag ang aking mga palatuntunan, at iyong kinuha ang aking tipan sa iyong bibig? 019 PSA 050 017 Palibhasa't iyong kinapopootan ang pagtuturo, at iyong iniwawaksi ang aking mga salita sa likuran mo. 019 PSA 050 018 Pagka nakakita ka ng magnanakaw, pumipisan ka sa kaniya, at naging kabahagi ka ng mga mapangalunya. 019 PSA 050 019 Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan, at ang iyong dila ay kumakatha ng karayaan. 019 PSA 050 020 Ikaw ay nauupo, at nagsasalita laban sa iyong kapatid; iyong dinudusta ang anak ng iyong sariling ina. 019 PSA 050 021 Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa, at ako'y tumahimik; iyong inisip na tunay na ako'y gayong gaya mo: nguni't sasawayin kita, at aking isasaayos sa harap ng iyong mga mata. 019 PSA 050 022 Gunitain nga ninyo ito, ninyong nangakalilimot sa Dios, baka kayo'y aking pagluraylurayin at walang magligtas: 019 PSA 050 023 Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay lumuluwalhati sa akin; at sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios. 019 PSA 051 001 Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang. 019 PSA 051 002 Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan. 019 PSA 051 003 Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko. 019 PSA 051 004 Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, at maging malinis pag humahatol ka. 019 PSA 051 005 Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina, 019 PSA 051 006 Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap; at sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan. 019 PSA 051 007 Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve. 019 PSA 051 008 Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak. 019 PSA 051 009 Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, at pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan. 019 PSA 051 010 Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. 019 PSA 051 011 Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin. 019 PSA 051 012 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu. 019 PSA 051 013 Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad; at ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo. 019 PSA 051 014 Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan; at ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran. 019 PSA 051 015 Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; at ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan. 019 PSA 051 016 Sapagka't hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita: wala kang kaluguran sa handog na susunugin. 019 PSA 051 017 Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan. 019 PSA 051 018 Gawan mo ng mabuti ang iyong mabuting kasayahan sa Sion: itayo mo ang mga kuta ng Jerusalem. 019 PSA 051 019 Kung magkagayo'y malulugod ka sa mga hain ng katuwiran, sa handog na susunugin at sa handog na susunuging buo: kung magkagayo'y mangaghahandog sila ng mga toro sa iyong dambana. 019 PSA 052 001 Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh makapangyarihang tao? Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi. 019 PSA 052 002 Ang dila mo'y kumakatha ng totoong masama; gaya ng matalas na pangahit, na gumagawang may karayaan. 019 PSA 052 003 Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan; at ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. (Selah) 019 PSA 052 004 Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita, Oh ikaw na magdarayang dila. 019 PSA 052 005 Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man, itataas ka niya, at ilalabas ka sa iyong tolda, at bubunutin ka niya sa lupain ng may buhay. (Selah) 019 PSA 052 006 Makikita naman ng matuwid, at matatakot, at tatawa sa kaniya, na magsasabi, 019 PSA 052 007 Narito, ito ang tao na hindi ginawang kaniyang katibayan, ang Dios; kundi tumiwala sa kasaganaan ng kaniyang mga kayamanan, at nagpakalakas sa kaniyang kasamaan. 019 PSA 052 008 Nguni't tungkol sa akin, ay gaya ako ng sariwang punong kahoy ng olibo sa bahay ng Dios: tumitiwala ako sa kagandahang-loob ng Dios magpakailan-kailan man. 019 PSA 052 009 Ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man, sapagka't iyong ginawa: at ako'y maghihintay sa iyong pangalan sapagka't mabuti, sa harapan ng iyong mga banal. 019 PSA 053 001 Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios. Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan; walang gumawa ng mabuti. 019 PSA 053 002 Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tignan kung may sinomang nakakaunawa, na humanap sa Dios. 019 PSA 053 003 Bawa't isa sa kanila ay tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay; walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa. 019 PSA 053 004 Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan? na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay, at hindi nagsisitawag sa Dios. 019 PSA 053 005 Doo'y nangapasa malaking katakutan sila na hindi kinaroroonan ng takot: sapagka't pinangalat ng Dios ang mga buto niya na humahantong laban sa iyo; iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagka't itinakuwil sila ng Dios. 019 PSA 053 006 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion. Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan, magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel. 019 PSA 054 001 Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan. At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan. 019 PSA 054 002 Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig. 019 PSA 054 003 Sapagka't ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin, at ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa: hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila. (Selah) 019 PSA 054 004 Narito, ang Dios ay aking katulong: ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa. 019 PSA 054 005 Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway: gibain mo sila sa iyong katotohanan. 019 PSA 054 006 Ako'y maghahain sa iyo ng kusang handog: ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, sapagka't mabuti. 019 PSA 054 007 Sapagka't iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan; at nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway. 019 PSA 055 001 Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; at huwag kang magkubli sa aking pananaing. 019 PSA 055 002 Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako: ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing; 019 PSA 055 003 Dahil sa tinig ng kaaway, dahil sa pagpighati ng masama; sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin, at sa galit ay inuusig nila ako. 019 PSA 055 004 Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko: at ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin. 019 PSA 055 005 Katakutan at panginginig ay dumating sa akin, at tinakpan ako ng kakilabutan. 019 PSA 055 006 At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga. 019 PSA 055 007 Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo, ako'y titigil sa ilang. (Selah) 019 PSA 055 008 Ako'y magmamadaling sisilong mula sa malakas na hangin at bagyo. 019 PSA 055 009 Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika: sapagka't ako'y nakakita ng pangdadahas at pagaaway sa bayan. 019 PSA 055 010 Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon: kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon. 019 PSA 055 011 Kasamaan ay nasa gitna niyaon; ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan. 019 PSA 055 012 Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin; akin nga sanang nabata: ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin; nagtago nga sana ako sa kaniya: 019 PSA 055 013 Kundi ikaw, lalake na kagaya ko, aking kasama at aking kaibigang matalik. 019 PSA 055 014 Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama, tayo'y lumalakad na magkaakbay sa bahay ng Dios. 019 PSA 055 015 Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan, mababa nawa silang buhay sa Sheol: sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila. 019 PSA 055 016 Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios; at ililigtas ako ng Panginoon. 019 PSA 055 017 Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik: at kaniyang didinggin ang aking tinig. 019 PSA 055 018 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin: Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin. 019 PSA 055 019 Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila, siyang tumatahan ng una. (Selah) 019 PSA 055 020 Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya: kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan. 019 PSA 055 021 Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya: nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma: ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis, gayon ma'y mga bunot na tabak. 019 PSA 055 022 Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka: hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid. 019 PSA 055 023 Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan: mga mabagsik at magdarayang tao ay hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan; nguni't titiwala ako sa iyo. 019 PSA 056 001 Maawa ka sa akin, Oh Dios: sapagka't sasakmalin ako ng tao: buong araw ay nangbababag siya na pinipighati ako. 019 PSA 056 002 Ibig akong sakmalin ng aking mga kaaway buong araw: sapagka't sila'y maraming may kapalaluan na nagsisilaban sa akin. 019 PSA 056 003 Sa panahong ako'y matakot, aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo. 019 PSA 056 004 Sa Dios (ay pupuri ako ng kaniyang salita), sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; anong magagawa ng laman sa akin? 019 PSA 056 005 Buong araw ay binabaligtad nila ang aking mga salita: lahat ng kanilang mga pagiisip ay laban sa akin sa ikasasama. 019 PSA 056 006 Sila'y nagpipisan, sila'y nagsisipagkubli, kanilang tinatandaan ang aking mga hakbang, gaya ng kanilang pagaabang sa aking kaluluwa. 019 PSA 056 007 Tatakas ba sila sa pamamagitan ng masama? Sa galit ay ilugmok mo ang mga bayan, Oh Dios. 019 PSA 056 008 Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala: ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya; wala ba sila sa iyong aklat? 019 PSA 056 009 Tatalikod nga ang aking mga kaaway sa kaarawan na ako'y tumawag: ito'y nalalaman ko, sapagka't ang Dios ay kakampi ko. 019 PSA 056 010 Sa Dios (ay pupuri ako ng salita), sa Panginoon (ay pupuri ako ng salita), 019 PSA 056 011 Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, hindi ako matatakot; anong magagawa ng tao sa akin? 019 PSA 056 012 Ang iyong mga panata ay sa akin, Oh Dios: ako'y magbabayad ng mga handog na pasalamat sa iyo. 019 PSA 056 013 Sapagka't iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan: hindi mo ba iniligtas ang aking mga paa sa pagkahulog? upang ako'y makalakad sa harap ng Dios sa liwanag ng buhay. 019 PSA 057 001 Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin; sapagka't ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo. Oo, sa lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako, hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito. 019 PSA 057 002 Ako'y dadaing sa Dios na Kataastaasan; sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin. 019 PSA 057 003 Siya'y magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako, pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah) susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan. 019 PSA 057 004 Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon: ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy, sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana, at ang kanilang dila ay matalas na tabak. 019 PSA 057 005 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa. 019 PSA 057 006 Kanilang hinandaan ng silo ang aking mga hakbang. Ang aking kaluluwa ay nakayuko: sila'y nagsihukay ng isang lungaw sa harap ko. Sila'y nangahulog sa gitna niyaon. (Selah) 019 PSA 057 007 Ang aking puso ay matatag, Oh Dios, ang aking puso ay matatag: ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri. 019 PSA 057 008 Gumising ka, kaluwalhatian ko; gumising ka, salterio at alpa: ako'y gigising na maaga. 019 PSA 057 009 Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: ako'y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa. 019 PSA 057 010 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit, at ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap. 019 PSA 057 011 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa. 019 PSA 058 001 Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan? Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao? 019 PSA 058 002 Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan; inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa. 019 PSA 058 003 Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata: sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan. 019 PSA 058 004 Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas: sila'y gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig; 019 PSA 058 005 At hindi nakakarinig ng tinig ng mga enkantador, na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan. 019 PSA 058 006 Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, Oh Dios, sa kanilang bibig: iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon. 019 PSA 058 007 Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos: pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray. 019 PSA 058 008 Maging gaya nawa ng laman ng laman ng suso na natutunaw at napapawi: na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw. 019 PSA 058 009 Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong, kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas. 019 PSA 058 010 Magagalak ang matuwid pagka nakita niya ang higanti: kaniyang huhugasan ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama. 019 PSA 058 011 Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid: katotohanang may Dios na humahatol sa lupa. 019 PSA 059 001 Iligtas mo ako sa aking mga kaaway, Oh Dios ko: ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin. 019 PSA 059 002 Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan, at iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao. 019 PSA 059 003 Sapagka't narito, kanilang binabakayan ang aking kaluluwa; ang mga makapangyarihan ay nagpipisan laban sa akin: hindi dahil sa aking pagsalangsang, o sa aking kasalanan man, Oh Panginoon. 019 PSA 059 004 Sila'y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala: ikaw ay gumising na tulungan mo ako, at masdan mo. 019 PSA 059 005 Sa makatuwid baga'y ikaw, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, na Dios ng Israel, ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa: huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang. (Selah) 019 PSA 059 006 Sila'y nagsibalik sa kinahapunan, sila'y nagsitahol na parang aso, at nililigid ang bayan. 019 PSA 059 007 Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig; mga tabak ay nangasa kanilang mga labi: sapagka't sino, sabi nila, ang nakikinig? 019 PSA 059 008 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, tatawa sa kanila; iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa. 019 PSA 059 009 Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita; sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog. 019 PSA 059 010 Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin: ipakikita ng Dios sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway. 019 PSA 059 011 Huwag mo silang patayin, baka makalimot ang aking bayan; pangalatin mo sila ng iyong kapangyarihan, at ibaba mo sila, Oh Panginoon na kalasag namin. 019 PSA 059 012 Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi, makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan, at dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita. 019 PSA 059 013 Pugnawin mo sila sa poot, pugnawin mo sila, upang sila'y mawala: at ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob, hanggang sa mga wakas ng lupa. (Selah) 019 PSA 059 014 At sa kinahapunan ay papagbalikin mo sila, pahagulhulin mo silang parang aso, at libutin nila ang bayan. 019 PSA 059 015 Sila'y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain, at maghihintay buong gabi kung hindi sila mabusog. 019 PSA 059 016 Nguni't aking aawitin ang iyong kalakasan; Oo, aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan: sapagka't ikaw ay naging aking matayog na moog, at kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan. 019 PSA 059 017 Sa iyo, Oh kalakasan ko, aawit ako ng mga pagpuri: sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog, ang Dios ng aking kaawaan. 019 PSA 060 001 Oh Dios, iniwaksi mo kami, ibinagsak mo kami; ikaw ay nagalit; Oh papanauliin mo kami. 019 PSA 060 002 Iyong niyanig ang lupain; iyong pinabuka: pagalingin mo ang mga sira niyaon: sapagka't umuuga. 019 PSA 060 003 Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay: iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray. 019 PSA 060 004 Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo, upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah) 019 PSA 060 005 Upang ang iyong minamahal ay makaligtas, magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami. 019 PSA 060 006 Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya: aking hahatiin ang Sichem, at aking susukatin ang libis ng Succoth, 019 PSA 060 007 Galaad ay akin, at Manases ay akin; Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo; Juda ay aking setro. 019 PSA 060 008 Moab ay aking hugasan; sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak; Filistia, humiyaw ka dahil sa akin. 019 PSA 060 009 Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom? 019 PSA 060 010 Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios? At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo. 019 PSA 060 011 Tulungan mo kami laban sa kaaway; sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao. 019 PSA 060 012 Sa pamamagitan ng Dios ay gagawa kaming may katapangan: sapagka't siya ang yumayapak sa aming mga kaaway. 019 PSA 061 001 Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios; pakinggan mo ang aking dalangin. 019 PSA 061 002 Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso: patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin. 019 PSA 061 003 Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan, matibay na moog sa kaaway. 019 PSA 061 004 Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man: ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah) 019 PSA 061 005 Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan. 019 PSA 061 006 Iyong pahahabain ang buhay ng hari: Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon. 019 PSA 061 007 Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob at katotohanan, upang mapalagi siya. 019 PSA 061 008 Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man. Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata. 019 PSA 062 001 Sa Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa: sa kaniya galing ang aking kaligtasan. 019 PSA 062 002 Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan: siya ang aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos. 019 PSA 062 003 Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao. Upang patayin siya ninyong lahat, na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal? 019 PSA 062 004 Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan; sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan: sila'y nagsisibasbas ng kanilang bibig, nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah) 019 PSA 062 005 Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang; sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya. 019 PSA 062 006 Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan: siya'y aking matayog na moog; hindi ako makikilos. 019 PSA 062 007 Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian; ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios. 019 PSA 062 008 Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan; buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya; Dios ay kanlungan sa atin. (Selah) 019 PSA 062 009 Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan: sa mga timbangan ay sasampa sila; silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan. 019 PSA 062 010 Huwag kang tumiwala sa kapighatian, at huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw: kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso. 019 PSA 062 011 Ang Dios ay nagsalitang minsan, makalawang aking narinig ito; na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios: 019 PSA 062 012 Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang kagandahang-loob: sapagka't ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa. 019 PSA 063 001 Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang maaga: kinauuhawan ka ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman, sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig. 019 PSA 063 002 Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario. Upang tanawin ang iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian. 019 PSA 063 003 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay: pupurihin ka ng aking mga labi. 019 PSA 063 004 Sa gayo'y pupurihin kita habang ako'y nabubuhay: igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan. 019 PSA 063 005 Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba; at ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi; 019 PSA 063 006 Pagka naaalaala kita sa aking higaan, at ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi. 019 PSA 063 007 Sapagka't naging katulong kita, at sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako. 019 PSA 063 008 Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo: inaalalayan ako ng iyong kanan. 019 PSA 063 009 Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak, magsisilusong sa mga lalong mababang bahagi ng lupa. 019 PSA 063 010 Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak: sila'y magiging pagkain sa mga zorra. 019 PSA 063 011 Nguni't ang hari ay magagalak sa Dios: bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay luluwalhati; sapagka't ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin. 019 PSA 064 001 Dinggin mo ang tinig ko, Oh Dios, sa aking hibik: ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway. 019 PSA 064 002 Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan; sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan: 019 PSA 064 003 Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak, at pinahilagpos ang kanilang mga palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita: 019 PSA 064 004 Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako: biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot. 019 PSA 064 005 Sila'y nagpapakatapang sa masamang akala; sila'y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo; Sinasabi nila, Sinong makakakita? 019 PSA 064 006 Sila'y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan; aming naganap, sabi nila, ang masikap na pagsiyasat; at ang pagiisip sa loob ng bawa't isa, at ang puso ay malalim. 019 PSA 064 007 Nguni't pahihilagpusan sila ng Dios; sila'y masusugatang bigla ng isang palaso. 019 PSA 064 008 Sa gayo'y sila'y matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila: ang lahat na makakita sa kanila ay mangaguuga ng ulo. 019 PSA 064 009 At lahat ng mga tao ay mangatatakot; at kanilang ipahahayag ang salita ng Dios, at may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa. 019 PSA 064 010 Ang matuwid ay matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya; at lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati. 019 PSA 065 001 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion: at sa iyo'y maisasagawa ang panata. 019 PSA 065 002 Oh ikaw na dumidinig ng dalangin, sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman. 019 PSA 065 003 Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin: tungkol sa aming pagsalangsang, ay lilinisin mo. 019 PSA 065 004 Mapalad ang tao na iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo, upang siya'y makatahan sa iyong mga looban: kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay, ng iyong banal na templo. 019 PSA 065 005 Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay, Oh Dios ng aming kaligtasan; ikaw na katiwalaan ng lahat na wakas ng lupa, at nila na malayo sa dagat: 019 PSA 065 006 Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan; palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan: 019 PSA 065 007 Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat, ng hugong ng kanilang mga alon, at ng kaingay ng mga bayan. 019 PSA 065 008 Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda: ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim. 019 PSA 065 009 Iyong dinadalaw ang lupa, at dinidilig mo, iyong pinayayamang mainam; ang ilog ng Dios ay puno ng tubig: iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa. 019 PSA 065 010 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana; iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal; iyong mga pinalalambot ng ambon; iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon. 019 PSA 065 011 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan; at ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan. 019 PSA 065 012 Nagsisipatak sa mga pastulan sa ilang; at ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan. 019 PSA 065 013 Ang mga pastulan ay nangabihisan ng mga kawan; ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo; sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit. 019 PSA 066 001 Magkaingay kayong may kagalakan sa Dios, buong lupa. 019 PSA 066 002 Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan: paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya. 019 PSA 066 003 Inyong sabihin sa Dios, napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa! Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo. 019 PSA 066 004 Buong lupa ay sasamba sa iyo, at aawit sa iyo; sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah) 019 PSA 066 005 Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios; siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao. 019 PSA 066 006 Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat: sila'y nagsidaan ng paa sa ilog: doo'y nangagalak kami sa kaniya. 019 PSA 066 007 Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man: papansinin ng kaniyang mga mata ang mga bansa: huwag mangagpakabunyi ang mga manghihimagsik. (Selah) 019 PSA 066 008 Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan, at iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan: 019 PSA 066 009 Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay, at hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa. 019 PSA 066 010 Sapagka't ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami: Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak. 019 PSA 066 011 Iyong isinuot kami sa silo; ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang. 019 PSA 066 012 Iyong pinasakay ang mga tao sa aming mga ulo; kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig; nguni't dinala mo kami sa saganang dako. 019 PSA 066 013 Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin, aking babayaran sa iyo ang mga panata ko, 019 PSA 066 014 Na sinambit ng aking mga labi, at sinalita ng aking bibig, nang ako'y nasa kadalamhatian. 019 PSA 066 015 Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin, na may haing mga tupa; ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah) 019 PSA 066 016 Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios, at ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa. 019 PSA 066 017 Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig, at siya'y ibinunyi ng aking dila. 019 PSA 066 018 Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon: 019 PSA 066 019 Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios; kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin. 019 PSA 066 020 Purihin ang Dios, na hindi iniwaksi ang aking dalangin, ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin. 019 PSA 067 001 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami, at pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah) 019 PSA 067 002 Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa, ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa. 019 PSA 067 003 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan. 019 PSA 067 004 Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa: sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan, at iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah) 019 PSA 067 005 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios; purihin ka ng lahat ng mga bayan. 019 PSA 067 006 Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga: ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami. 019 PSA 067 007 Pagpapalain kami ng Dios: at lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya. 019 PSA 068 001 Bumangon nawa ang Dios, mangalat ang kaniyang mga kaaway; sila namang nangagtatanim sa kaniya ay magsitakas sa harap niya. 019 PSA 068 002 Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila. Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy, gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios. 019 PSA 068 003 Nguni't mangatuwa ang matuwid; mangagalak sila sa harap ng Dios: Oo, mangagalak sila ng kasayahan. 019 PSA 068 004 Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya. 019 PSA 068 005 Ama ng mga ulila, at hukom ng mga babaing bao, ang Dios sa kaniyang banal na tahanan. 019 PSA 068 006 Pinapagmamaganak ng Dios ang mga nagiisa: kaniyang inilalabas sa kaginhawahan ang mga bilanggo: nguni't ang mga mapanghimagsik ay magsisitahan sa tuyong lupa. 019 PSA 068 007 Oh Dios, nang ikaw ay lumabas sa harap ng iyong bayan, nang ikaw ay lumakad sa ilang; (Selah) 019 PSA 068 008 Ang lupa ay nayanig, ang mga langit naman ay tumulo sa harapan ng Dios: ang Sinai na yaon ay nayanig sa harapan ng Dios, ng Dios ng Israel. 019 PSA 068 009 Ikaw, Oh Dios, naglagpak ng saganang ulan, iyong pinatibay ang iyong mana, noong ito'y mahina. 019 PSA 068 010 Ang iyong kapisanan ay tumahan doon: ikaw, Oh Dios, ipinaghanda mo ng iyong kabutihan ang dukha. 019 PSA 068 011 Nagbibigay ng salita ang Panginoon: ang mga babaing nangaghahayag ng mga balita ay malaking hukbo. 019 PSA 068 012 Mga hari ng mga hukbo ay nagsisitakas, sila'y nagsisitakas: at nangamamahagi ng samsam ang naiwan sa bahay. 019 PSA 068 013 Mahihiga ba kayo sa gitna ng mga kulungan ng mga kawan, na parang mga pakpak ng kalapati na natatakpan ng pilak, at ng kaniyang balahibo ng gintong madilaw? 019 PSA 068 014 Nang ang Makapangyarihan sa lahat ay magkalat ng mga hari roon, ay tila nagka nieve sa Salmon. 019 PSA 068 015 Bundok ng Dios ay ang bundok ng Basan; mataas na bundok ang bundok ng Basan. 019 PSA 068 016 Bakit kayo'y nagsisiirap, kayong matataas na mga bundok, sa bundok na ninasa ng Dios na maging kaniyang tahanan? Oo, tatahan doon ang Panginoon magpakailan man. 019 PSA 068 017 Ang mga karo ng Dios ay dalawang pung libo sa makatuwid baga'y libolibo: ang Panginoon ay nasa gitna nila, kung paano sa Sinai, gayon sa santuario. 019 PSA 068 018 Sumampa ka sa mataas, pinatnubayan mo ang iyong bihag sa pagkabihag; tumanggap ka ng mga kaloob sa gitna ng mga tao, Oo, pati sa mga mapanghimagsik, upang makatahang kasama nila ang Panginoong Dios. 019 PSA 068 019 Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan, sa makatuwid baga'y ang Dios na siyang aming kaligtasan. (Selah) 019 PSA 068 020 Ang Dios sa amin ay Dios ng mga kaligtasan; at kay Jehova na Panginoon ukol ang pagpapalaya sa kamatayan. 019 PSA 068 021 Nguni't sasaktan ng Dios ang ulo ng kaniyang mga kaaway. Ang bunbunang mabuhok ng nagpapatuloy sa kaniyang sala. 019 PSA 068 022 Sinabi ng Panginoon, ibabalik ko uli mula sa Basan, ibabalik ko uli sila mula sa mga kalaliman ng dagat: 019 PSA 068 023 Upang madurog mo sila, na nalulubog ang iyong paa sa dugo, upang ang dila ng iyong mga aso ay magkaroon ng kaniyang pagkain sa iyong mga kaaway. 019 PSA 068 024 Kanilang nakita ang iyong mga lakad, Oh Dios, sa makatuwid baga'y ang lakad ng aking Dios, ng aking Hari, sa loob ng santuario. 019 PSA 068 025 Ang mga mangaawit ay nangagpauna, ang mga manunugtog ay nagsisunod, sa gitna ng mga dalaga na nagtutugtugan ng mga pandereta. 019 PSA 068 026 Purihin ninyo ang Dios sa mga kapisanan, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ninyong mga sa bukal ng lahi ng Israel. 019 PSA 068 027 Doo'y ang munting Benjamin ay siyang kanilang puno, ang mga pangulo ng Juda at ang kanilang pulong, ang mga pangulo ng Zabulon, ang mga pangulo ng Nephtali. 019 PSA 068 028 Ang Dios mo'y nagutos ng iyong kalakasan: patibayin mo, Oh Dios, ang ginawa mo sa amin. 019 PSA 068 029 Dahil sa iyong templo sa Jerusalem mga hari ay mangagdadala ng mga kaloob sa iyo. 019 PSA 068 030 Sawayin mo ang mga mailap na hayop sa mga puno ng tambo, ang karamihan ng mga toro na kasama ng mga guya ng mga bayan, na niyayapakan sa ilalim ng paa ang mga putol ng pilak; iyong pinangalat ang mga bayan na nangagagalak sa pagdidigma. 019 PSA 068 031 Mga pangulo ay magsisilabas sa Egipto; magmamadali ang Etiopia na igawad ang kaniyang mga kamay sa Dios. 019 PSA 068 032 Magsiawit kayo sa Dios, kayong mga kaharian sa lupa; Oh magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon. 019 PSA 068 033 Sa kaniya na sumasakay sa langit ng mga langit, na noon pang una: narito, binibigkas niya ang kaniyang tinig, na makapangyarihang tinig, 019 PSA 068 034 Inyong isa Dios ang kalakasan: ang kaniyang karilagan ay nasa Israel, at ang kaniyang kalakasan ay nasa mga langit. 019 PSA 068 035 Oh Dios, ikaw ay kakilakilabot mula sa iyong mga dakong banal: ang Dios ng Israel, ay nagbibigay ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan. Purihin ang Panginoon. 019 PSA 069 001 Iligtas mo ako, Oh Dios; sapagka't ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa. 019 PSA 069 002 Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan: ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos. 019 PSA 069 003 Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo: ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios. 019 PSA 069 004 Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo: silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan: akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha. 019 PSA 069 005 Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko; at ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo. 019 PSA 069 006 Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo: huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel. 019 PSA 069 007 Sapagka't dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan; kahihiyan ay tumakip sa aking mukha. 019 PSA 069 008 Ako'y naging iba sa aking mga kapatid, at taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina. 019 PSA 069 009 Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin. 019 PSA 069 010 Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa, yao'y pagkaduwahagi sa akin. 019 PSA 069 011 Nang magsuot ako ng kayong magaspang, ay naging kawikaan ako sa kanila. 019 PSA 069 012 Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan; at ako ang awit ng mga lango. 019 PSA 069 013 Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, sa isang kalugodlugod na panahon: Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob, 019 PSA 069 014 Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog: maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig. 019 PSA 069 015 Huwag akong tangayin ng baha, ni lamunin man ako ng kalaliman: at huwag takpan ng hukay ang kaniyang bunganga sa akin. 019 PSA 069 016 Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti: ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin. 019 PSA 069 017 At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod; sapagka't ako'y nasa kahirapan; sagutin mo akong madali. 019 PSA 069 018 Lumapit ka sa aking kaluluwa, at tubusin mo: Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway. 019 PSA 069 019 Talastas mo ang aking kadustaan, at ang aking kahihiyan, at ang aking kasiraang puri: ang aking mga kaaway, ay pawang nangasa harap mo. 019 PSA 069 020 Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso; at ako'y lipos ng kabigatan ng loob: at ako'y naghintay na may maawa sa akin, nguni't wala; at mga mangaaliw, nguni't wala akong masumpungan. 019 PSA 069 021 Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait; at sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom. 019 PSA 069 022 Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang; at maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan. 019 PSA 069 023 Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita; at papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang. 019 PSA 069 024 Ibugso mo ang iyong galit sa kanila, at datnan sila ng kabangisan ng iyong galit. 019 PSA 069 025 Magiba ang tahanan nila; walang tumahan sa kanilang mga tolda. 019 PSA 069 026 Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan, at sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan. 019 PSA 069 027 At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan: at huwag silang masok sa iyong katuwiran. 019 PSA 069 028 Mapawi sila sa aklat ng buhay, at huwag masulat na kasama ng matuwid. 019 PSA 069 029 Nguni't ako'y dukha at mapanglaw: sa pamamagitan ng pagliligtas mo, Oh Dios, ay iahon mo nawa ako. 019 PSA 069 030 Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios, at dadakilain ko siya ng pasalamat. 019 PSA 069 031 At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka, o sa toro na may mga sungay at mga paa. 019 PSA 069 032 Nakita ng mga maamo, at nangatuwa: mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios. 019 PSA 069 033 Sapagka't dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan, at hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo. 019 PSA 069 034 Purihin siya ng langit at lupa, ng mga dagat, at ng bawa't bagay na gumagalaw roon. 019 PSA 069 035 Sapagka't ililigtas ng Dios ang Sion, at itatayo ang mga bayan ng Juda; at sila'y magsisitahan doon, at tatangkilikin nila na pinakaari. 019 PSA 069 036 Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod; at silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon. 019 PSA 070 001 Magmadali ka, Oh Dios, na iligtas mo ako; magmadali ka na tulungan mo ako, Oh Panginoon. 019 PSA 070 002 Mangapahiya at mangalito sila, na nagsisiusig ng aking kaluluwa: mangapatalikod sila at mangadala sa kasiraang puri. Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan. 019 PSA 070 003 Mangapatalikod sila dahil sa kanilang kahihiyan. Silang nangagsasabi, Aha, aha. 019 PSA 070 004 Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo; at magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan: Dakilain ang Dios. 019 PSA 070 005 Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan; magmadali ka sa akin, Oh Dios: ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas; Oh Panginoon, huwag kang magluwat. 019 PSA 071 001 Sa iyo Oh Panginoon, nanganganlong ako: huwag akong mapahiya kailan man. 019 PSA 071 002 Iligtas mo ako sa iyong katuwiran, at sagipin mo ako: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at iligtas mo ako, 019 PSA 071 003 Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan, na aking kapaparunang lagi: ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako; sapagka't ikaw ay aking malaking bato at aking kuta. 019 PSA 071 004 Sagipin mo ako, Oh aking Dios, sa kamay ng masama, sa kamay ng liko at mabagsik na tao. 019 PSA 071 005 Sapagka't ikaw ay aking pagasa, Oh Panginoong Dios: ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan. 019 PSA 071 006 Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata: ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina: ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo. 019 PSA 071 007 Ako'y naging isang kagilagilalas sa marami; nguni't ikaw ang matibay kong kanlungan. 019 PSA 071 008 Ang bibig ko'y mapupuno ng pagpuri sa iyo, at ng iyong karangalan buong araw. 019 PSA 071 009 Huwag mo akong itakuwil sa katandaan; huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay. 019 PSA 071 010 Sapagka't ang mga kaaway ko'y nangagsasalita tungkol sa akin: at silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian, 019 PSA 071 011 Na nangagsasabi, pinabayaan siya ng Dios: iyong habulin at hulihin siya; sapagka't walang magligtas. 019 PSA 071 012 Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin: Oh Dios ko, magmadali kang tulungan mo ako. 019 PSA 071 013 Mangapahiya at mangalipol sila na mga kaaway ng aking kaluluwa; mangatakpan ng pagkaduwahagi at kasiraang puri sila, na nagsisihanap ng aking kapahamakan. 019 PSA 071 014 Nguni't ako'y maghihintay na palagi, at pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit. 019 PSA 071 015 Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran, at ng iyong pagliligtas buong araw; sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang. 019 PSA 071 016 Ako'y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios: aking babanggitin ang iyong katuwiran, sa makatuwid baga'y ang iyo lamang. 019 PSA 071 017 Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan; at hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa. 019 PSA 071 018 Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan; hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod na lahi, ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating. 019 PSA 071 019 Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas; ikaw na gumawa ng dakilang mga bagay, Oh Dios, sino ang gaya mo. 019 PSA 071 020 Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan, bubuhayin mo uli kami, at ibabangon mo uli kami mula sa mga kalaliman ng lupa. 019 PSA 071 021 Palaguin mo ang aking kadakilaan, at bumalik ka uli, at aliwin mo ako. 019 PSA 071 022 Pupurihin din kita ng salterio, ang iyong katotohanan, Oh Dios ko; sa iyo'y aawit ako ng mga kapurihan sa pamamagitan ng alpa, Oh ikaw na Banal ng Israel. 019 PSA 071 023 Ang mga labi ko'y mangagagalak na mainam pagka ako'y umaawit ng mga pagpuri sa iyo; at ang kaluluwa ko, na iyong tinubos. 019 PSA 071 024 Ang dila ko naman ay magsasalita ng iyong katuwiran buong araw: sapagka't sila'y nangapahiya, sila'y nangalito, na nagsisihanap ng aking kapahamakan. 019 PSA 072 001 Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios, at ang iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari. 019 PSA 072 002 Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran, at ang iyong dukha, ng kahatulan. 019 PSA 072 003 Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan, at ang mga gulod, sa katuwiran. 019 PSA 072 004 Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan, kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan, at pagwawaraywarayin ang mangaapi. 019 PSA 072 005 Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili ang araw, at habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi. 019 PSA 072 006 Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo: gaya ng ambon na dumidilig sa lupa. 019 PSA 072 007 Sa kaniyang mga kaarawan ay giginhawa ang mga matuwid; at saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan. 019 PSA 072 008 Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa. 019 PSA 072 009 Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod sa kaniya; at hihimuran ng kaniyang mga kaaway ang alabok. 019 PSA 072 010 Ang mga hari ng Tharsis, at sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob; ang mga hari sa Sheba at Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob. 019 PSA 072 011 Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya. 019 PSA 072 012 Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing; at ang dukha na walang katulong. 019 PSA 072 013 Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan, at ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas. 019 PSA 072 014 Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan; at magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin: 019 PSA 072 015 At siya'y mabubuhay at sa kaniya'y ibibigay ang ginto ng Sheba: at dadalanginang lagi siya ng mga tao: pupurihin nila siya buong araw. 019 PSA 072 016 Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok; ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano: at silang sa bayan ay giginhawa na parang damo sa lupa. 019 PSA 072 017 Ang kaniyang pangalan ay mananatili kailan man; ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw: at ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya; tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa. 019 PSA 072 018 Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel, na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay: 019 PSA 072 019 At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man; at mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian. Siya nawa, at Siya nawa. 019 PSA 072 020 Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos. 019 PSA 073 001 Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel. Sa mga malilinis sa puso. 019 PSA 073 002 Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay: ang mga hakbang ko'y kamunti nang nangadulas. 019 PSA 073 003 Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog, nang aking makita ang kaginhawahan ng masama. 019 PSA 073 004 Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan: kundi ang kanilang kalakasan ay matatag. 019 PSA 073 005 Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao; na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao. 019 PSA 073 006 Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg: tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan. 019 PSA 073 007 Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan: sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso. 019 PSA 073 008 Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati: sila'y nangagsasalitang may kataasan. 019 PSA 073 009 Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit, at ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa. 019 PSA 073 010 Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan: at tubig ng punong saro ay nilalagok nila. 019 PSA 073 011 At kanilang sinasabi, Paanong nalalaman ng Dios? At may kaalaman ba sa Kataastaasan? 019 PSA 073 012 Narito, ang mga ito ang masama; at palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan, 019 PSA 073 013 Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso, at hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala; 019 PSA 073 014 Sapagka't buong araw ay nasalot ako, at naparusahan tuwing umaga. 019 PSA 073 015 Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito; narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak. 019 PSA 073 016 Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito, ay napakahirap sa ganang akin; 019 PSA 073 017 Hanggang sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios, at aking nagunita ang kanilang huling wakas, 019 PSA 073 018 Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako: iyong inilugmok sila sa kapahamakan. 019 PSA 073 019 Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali! Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan. 019 PSA 073 020 Ang panaginip sa pagkagising: sa gayon, Oh Panginoon, pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan. 019 PSA 073 021 Sapagka't ang puso ko'y namanglaw, at sa aking kalooban ay nasaktan ako: 019 PSA 073 022 Sa gayo'y naging walang muwang ako, at musmos; ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo. 019 PSA 073 023 Gayon ma'y laging sumasaiyo ako: iyong inalalayan ang aking kanan. 019 PSA 073 024 Iyong papatnubayan ako ng iyong payo, at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian. 019 PSA 073 025 Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo. 019 PSA 073 026 Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man. 019 PSA 073 027 Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol: iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo. 019 PSA 073 028 Nguni't mabuti sa akin na lumapit sa Dios; ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios, upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa. 019 PSA 074 001 Oh Dios, bakit mo itinakuwil kami magpakailan man? Bakit ang iyong galit ay umuusok laban sa mga tupa ng iyong pastulan? 019 PSA 074 002 Alalahanin mo ang iyong kapisanan na iyong binili ng una, na iyong tinubos upang maging lipi ng iyong mana; at ang bundok ng Sion na iyong tinahanan. 019 PSA 074 003 Itaas mo ang iyong mga paa sa mga walang hanggang guho, ang lahat na kasamaang ginawa ng kaaway sa santuario. 019 PSA 074 004 Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan; kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda. 019 PSA 074 005 Sila'y tila mga tao na nangagtaas ng mga palakol sa mga kakahuyan. 019 PSA 074 006 At ngayo'y lahat ng gawang inanyuan doon. Kanilang pinagputolputol ng palakol at ng mga pamukpok. 019 PSA 074 007 Kanilang sinilaban ng apoy ang iyong santuario; kanilang dinumhan ang tahanang dako ng iyong pangalan hanggang sa lupa. 019 PSA 074 008 Kanilang sinabi sa kanilang puso, ating gibaing paminsan: kanilang sinunog ang lahat na sinagoga ng Dios sa lupain. 019 PSA 074 009 Hindi namin nakikita ang aming mga tanda: Wala nang propeta pa; at wala mang sinoman sa amin na nakakaalam kung hanggang kailan. 019 PSA 074 010 Hanggang kailan, Oh Dios, mangduduwahagi ang kaaway? Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan magpakailan man? 019 PSA 074 011 Bakit mo iniuurong ang iyong kamay, ang iyong kanan? Ilabas mo sa iyong sinapupunan, at iyong lipulin sila. 019 PSA 074 012 Gayon ma'y ang Dios ay aking Hari ng una, na nagliligtas sa gitna ng lupa. 019 PSA 074 013 Iyong hinawi ang dagat sa iyong kalakasan: iyong pinagbasag ang mga ulo ng mga buwaya sa mga tubig. 019 PSA 074 014 Iyong pinagputolputol ang mga ulo ng leviatan, ibinigay mo siya na pagkain sa bayan na tumatahan sa ilang. 019 PSA 074 015 Ikaw ay nagbukas ng bukal at ilog: iyong tinutuyo ang mga malaking ilog. 019 PSA 074 016 Ang araw ay iyo, ang gabi ay iyo rin: iyong inihanda ang liwanag at ang araw. 019 PSA 074 017 Iyong inilagay ang lahat ng mga hangganan ng lupa: iyong ginawa ang taginit at taginaw. 019 PSA 074 018 Iyong alalahanin ito, na nangduwahagi ang kaaway, Oh Panginoon, at nilapastangan ng mangmang na bayan ang iyong pangalan. 019 PSA 074 019 Oh huwag mong ibigay ang kaluluwa ng inakay ng iyong kalapati sa mabangis na hayop: huwag mong kalimutan ang buhay ng iyong dukha magpakailan man. 019 PSA 074 020 Magkaroong pitagan ka sa tipan: sapagka't ang mga madilim na dako ng lupa ay puno ng mga tahanan ng karahasan. 019 PSA 074 021 Oh huwag bumalik na may kahihiyan ang naaapi: pupurihin ng dukha at mapagkailangan ang iyong pangalan. 019 PSA 074 022 Bumangon ka, Oh Dios, ipaglaban mo ang iyong sariling usap: alalahanin mo kung paanong dinuduwahagi ka ng mangmang buong araw. 019 PSA 074 023 Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kaaway: ang ingay niyaong nagsisibangon laban sa iyo ay patuloy na lumalala. 019 PSA 075 001 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios: kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay malapit: isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa. 019 PSA 075 002 Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid. 019 PSA 075 003 Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah) 019 PSA 075 004 Aking sinabi sa hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan: at sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay: 019 PSA 075 005 Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas; huwag kang magsalitang may matigas na ulo. 019 PSA 075 006 Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, o mula man sa timugan, ang pagkataas. 019 PSA 075 007 Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa. 019 PSA 075 008 Sapagka't sa kamay ng Panginoon ay may isang saro, at ang alak ay bumubula; puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din: tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin. 019 PSA 075 009 Nguni't aking ipahahayag magpakailan man, ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob. 019 PSA 075 010 Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay; nguni't ang mga sungay ng matuwid ay matataas. 019 PSA 076 001 Sa Juda ay kilala ang Dios: ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel. 019 PSA 076 002 Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo, at ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion. 019 PSA 076 003 Doo'y binali niya ang mga pana ng busog; at kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka. (Selah) 019 PSA 076 004 Maluwalhati ka at marilag, mula sa mga bundok na hulihan. 019 PSA 076 005 Ang mga puso na matapang ay nasamsaman, sila'y nangatulog ng kanilang pagtulog; at wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay. 019 PSA 076 006 Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob, ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog. 019 PSA 076 007 Ikaw, ikaw ay katatakutan: at sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit? 019 PSA 076 008 Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit; ang lupa ay natakot, at tumahimik, 019 PSA 076 009 Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol, upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa. (Selah) 019 PSA 076 010 Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao: ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo. 019 PSA 076 011 Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios: magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan, yaong lahat na nangasa buong palibot niya. 019 PSA 076 012 Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo: siya'y kakilakilabot sa mga hari sa lupa. 019 PSA 077 001 Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios; sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako. 019 PSA 077 002 Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon: ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay; tumatangging maaliw ang kaluluwa ko. 019 PSA 077 003 Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa: ako'y nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah) 019 PSA 077 004 Iyong pinupuyat ang mga mata ko: ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita. 019 PSA 077 005 Aking ginunita ang mga araw ng una, ang mga taon ng dating mga panahon. 019 PSA 077 006 Aking inaalaala ang awit ko sa gabi: sumasangguni ako sa aking sariling puso; at ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat. 019 PSA 077 007 Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man? At hindi na baga siya lilingap pa? 019 PSA 077 008 Ang kaniya bang kagandahang-loob ay lubos na nawala magpakailan man? Natapos na bang walang hanggan ang kaniyang pangako? 019 PSA 077 009 Nakalimot na ba ang Dios na magmaawain? Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah) 019 PSA 077 010 At aking sinabi, Ito ang sakit ko; nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan. 019 PSA 077 011 Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon; sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una. 019 PSA 077 012 Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa. 019 PSA 077 013 Ang iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuario: sino ang dakilang dios na gaya ng Dios? 019 PSA 077 014 Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas: iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao. 019 PSA 077 015 Iyong tinubos ng kamay mo ang iyong bayan, ang mga anak ng Jacob at ng Jose. (Selah) 019 PSA 077 016 Nakita ka ng tubig, Oh Dios; nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot: ang mga kalaliman din naman ay nanginig. 019 PSA 077 017 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig; ang langit ay humugong: ang mga pana mo naman ay nagsihilagpos. 019 PSA 077 018 Ang tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo; tinanglawan ng mga kidlat ang sanglibutan: ang lupa ay nayanig at umuga. 019 PSA 077 019 Ang daan mo'y nasa dagat, at ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig, at ang bakas mo'y hindi nakilala. 019 PSA 077 020 Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na parang kawan, sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron. 019 PSA 078 001 Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan: ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig. 019 PSA 078 002 Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga; ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una: 019 PSA 078 003 Na aming narinig at naalaman, at isinaysay sa amin ng aming mga magulang. 019 PSA 078 004 Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa. 019 PSA 078 005 Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, at nagtakda ng kautusan sa Israel, na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak: 019 PSA 078 006 Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak: 019 PSA 078 007 Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos: 019 PSA 078 008 At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang, may matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi; isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso, at ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios, 019 PSA 078 009 Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog, at nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka. 019 PSA 078 010 Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios, at nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan; 019 PSA 078 011 At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila. 019 PSA 078 012 Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya sa paningin ng kanilang mga magulang, sa lupain ng Egipto, sa parang ng Zoan. 019 PSA 078 013 Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila; at kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton. 019 PSA 078 014 Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap, at buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy. 019 PSA 078 015 Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang, at pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman. 019 PSA 078 016 Nagpabukal naman siya mula sa bato. At nagpababa ng tubig na parang mga ilog. 019 PSA 078 017 Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya, upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang. 019 PSA 078 018 At kanilang tinukso ang Dios sa kanilang puso, sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita. 019 PSA 078 019 Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios; kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang? 019 PSA 078 020 Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak, at mga bukal ay nagsisiapaw; makapagbibigay ba siya ng tinapay naman? Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan? 019 PSA 078 021 Kaya't narinig ng Panginoon, at napoot: at isang apoy ay nagalab laban sa Jacob, at galit naman ay napailanglang laban sa Israel; 019 PSA 078 022 Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios, at hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas. 019 PSA 078 023 Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas, at binuksan ang mga pintuan ng langit; 019 PSA 078 024 At pinaulanan niya sila ng mana upang makain. At binigyan sila ng trigo ng langit. 019 PSA 078 025 Kumain ang tao ng tinapay ng makapangyarihan: pinadalhan niya sila ng pagkain hanggang sa nangabusog. 019 PSA 078 026 Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit: at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan. 019 PSA 078 027 Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok, at ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat: 019 PSA 078 028 At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento, sa palibot ng kanilang mga tahanan. 019 PSA 078 029 Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti; at ibinigay niya sa kanila ang kanilang pita. 019 PSA 078 030 Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita, ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig, 019 PSA 078 031 Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila, at pumatay sa mga pinakamataba sa kanila, at sinaktan ang mga binata sa Israel. 019 PSA 078 032 Sa lahat ng ito ay nangagkasala pa sila, at hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa. 019 PSA 078 033 Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa walang kabuluhan, at ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan. 019 PSA 078 034 Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios. 019 PSA 078 035 At kanilang naalaala na ang Dios ay kanilang malaking bato, at ang Kataastaasang Dios ay kanilang manunubos. 019 PSA 078 036 Nguni't tinutuya nila siya ng kanilang bibig, at pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila. 019 PSA 078 037 Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya, ni tapat man sila sa kaniyang tipan. 019 PSA 078 038 Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol: Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit, at hindi pinukaw ang buo niyang poot. 019 PSA 078 039 At naalaala niyang sila'y laman lamang; hanging dumadaan, at hindi bumabalik. 019 PSA 078 040 Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang, at pinapanglaw nila siya sa ilang! 019 PSA 078 041 At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios, at minungkahi ang Banal ng Israel. 019 PSA 078 042 Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay, ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway. 019 PSA 078 043 Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto, at ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan; 019 PSA 078 044 At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog, at ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom. 019 PSA 078 045 Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila; at mga palaka, na nagsigiba sa kanila. 019 PSA 078 046 Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong, at ang kanilang pakinabang sa balang. 019 PSA 078 047 Sinira niya ang kanilang ubasan ng granizo, at ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha. 019 PSA 078 048 Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo, at sa mga lintik ang kanilang mga kawan. 019 PSA 078 049 Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit, poot at galit, at kabagabagan, pulutong ng mga anghel ng kasamaan. 019 PSA 078 050 Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit; hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan, kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa; 019 PSA 078 051 At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto, ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni Cham: 019 PSA 078 052 Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na parang mga tupa, at pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan. 019 PSA 078 053 At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot: nguni't tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway. 019 PSA 078 054 At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang santuario, sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay. 019 PSA 078 055 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila, at binahagi sa kanila na pinakamana sa pamamagitan ng pising panukat, at pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda. 019 PSA 078 056 Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios, at hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo; 019 PSA 078 057 Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang: sila'y nagsilisyang parang magdarayang busog. 019 PSA 078 058 Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako, at kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan. 019 PSA 078 059 Nang marinig ito ng Dios, ay napoot, at kinayamutang lubha ang Israel: 019 PSA 078 060 Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng Silo, ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao; 019 PSA 078 061 At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway. 019 PSA 078 062 Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak; at napoot sa kaniyang mana. 019 PSA 078 063 Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata; at ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa. 019 PSA 078 064 Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy. 019 PSA 078 065 Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya ng mula sa pagkakatulog, gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak. 019 PSA 078 066 At sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway: inilagay niya sila sa laging kadustaan. 019 PSA 078 067 Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose, at hindi pinili ang lipi ni Ephraim; 019 PSA 078 068 Kundi pinili ang lipi ni Juda, ang bundok ng Zion na kaniyang inibig. 019 PSA 078 069 At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan, parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man. 019 PSA 078 070 Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod, at kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa: 019 PSA 078 071 Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso, upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana. 019 PSA 078 072 Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa pagtatapat ng kaniyang puso; at pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay. 019 PSA 079 001 Oh Dios, ang mga bansa ay dumating sa iyong mana; ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan; kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem. 019 PSA 079 002 Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid, ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa. 019 PSA 079 003 Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem; at walang naglibing sa kanila. 019 PSA 079 004 Kami ay naging kadustaan sa aming kalapit, kasabihan at kakutyaan nilang nangasa palibot namin. 019 PSA 079 005 Hanggang kailan, Oh Panginoon, magagalit ka magpakailan man? Magaalab ba ang iyong paninibugho na parang apoy? 019 PSA 079 006 Ibugso mo ang iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo, at sa mga kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan. 019 PSA 079 007 Sapagka't kanilang nilamon ang Jacob, at inilagay na sira ang kaniyang tahanan. 019 PSA 079 008 Huwag mong alalahanin laban sa amin ang kasamaan ng aming mga magulang: magmadali ang iyong mga malumanay na kaawaan na tulungan kami: sapagka't kami ay totoong hinamak. 019 PSA 079 009 Iyong tulungan kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan: at iyong iligtas kami, at linisin mo ang aming mga kasalanan, dahil sa iyong pangalan. 019 PSA 079 010 Bakit sasabihin ng mga bansa, Saan nandoon ang kanilang Dios? Ang kagantihan sa dugo na nabubo sa iyong mga lingkod maalaman nawa ng mga bansa sa aming paningin. 019 PSA 079 011 Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag; ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan: 019 PSA 079 012 At ibalik mo sa aming mga kalapit-bansa sa makapito sa kanilang sinapupunan, ang kanilang pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo, Oh Panginoon. 019 PSA 079 013 Sa gayo'y kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man: aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi. 019 PSA 080 001 Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel, ikaw na pumapatnubay sa Jose na parang kawan; ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka. 019 PSA 080 002 Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay mapukaw nawa ang kapangyarihan mo, at parito kang iligtas mo kami. 019 PSA 080 003 Papanumbalikin mo kami, Oh Dios; at pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami. 019 PSA 080 004 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan? 019 PSA 080 005 Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha, at binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana. 019 PSA 080 006 Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa: at ang mga kaaway namin ay nagtatawanan. 019 PSA 080 007 Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo; at pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas. 019 PSA 080 008 Ikaw ay nagdala ng isang puno ng ubas mula sa Egipto; iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon. 019 PSA 080 009 Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya, at napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain. 019 PSA 080 010 Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon, at ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios. 019 PSA 080 011 Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat, at ang kaniyang mga suwi hanggang sa ilog. 019 PSA 080 012 Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod, na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan? 019 PSA 080 013 Sinisira ng baboy-ramo, at sinasabsab ng mailap na hayop sa parang. 019 PSA 080 014 Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo: tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito, 019 PSA 080 015 At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan, at ang suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili. 019 PSA 080 016 Nasunog ng apoy, at naputol: sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha. 019 PSA 080 017 Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili. 019 PSA 080 018 Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo: buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan. 019 PSA 080 019 Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo; pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami. 019 PSA 081 001 Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan: mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob, 019 PSA 081 002 Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta, ang masayang alpa sangpu ng salterio. 019 PSA 081 003 Magsihihip kayo ng pakakak sa bagong buwan, sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan. 019 PSA 081 004 Sapagka't pinakapalatuntunan sa Israel, ayos ng Dios ni Jacob. 019 PSA 081 005 Kaniyang inilagay na pinakapatotoo sa Jose, nang siya'y lumabas na maglakbay sa lupain ng Egipto: na aking kinaringgan ng wika na di ko nauunawa. 019 PSA 081 006 Aking inihiwalay ang kaniyang balikat sa pasan: ang mga kamay niya'y napabitiw sa luwelang. 019 PSA 081 007 Ikaw ay tumawag sa kabagabagan, at iniligtas kita; sinagot kita sa lihim na dako ng kulog; sinubok kita sa tubig ng Meriba. (Selah) 019 PSA 081 008 Dinggin mo, Oh bayan ko, at ako'y sasaksi sa iyo: Oh Israel, kung ikaw ay makikinig sa akin! 019 PSA 081 009 Hindi magkakaroon ng ibang dios sa iyo; at hindi ka man sasamba sa anomang ibang dios. 019 PSA 081 010 Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Egipto: bukhin mong maluwang ang iyong bibig, at aking pupunuin. 019 PSA 081 011 Nguni't hindi nakinig sa aking tinig ang bayan ko; at hindi ako sinunod ng Israel. 019 PSA 081 012 Sa gayo'y aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso, upang sila'y makalakad sa kanilang sariling mga payo. 019 PSA 081 013 Oh kung ako'y didinggin ng aking bayan, kung ang Israel ay lalakad sa aking mga daan! 019 PSA 081 014 Aking pasusukuing madali ang kanilang mga kaaway, at ibabalik ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kaaway. 019 PSA 081 015 Ang mga mapagtanim sa Panginoon ay magsisisuko sa kaniya: nguni't ang kanilang panahon ay mananatili kailan man, 019 PSA 081 016 Kaniya ring pakakanin sila ng katabaan ng trigo: at ng pulot na mula sa bato ay bubusugin kita. 019 PSA 082 001 Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya'y humahatol sa gitna ng mga dios. 019 PSA 082 002 Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan, at magsisigalang sa mga pagkatao ng masama? (Selah) 019 PSA 082 003 Hatulan mo ang dukha at ulila: gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili. 019 PSA 082 004 Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: iligtas ninyo sila sa kamay ng masama, 019 PSA 082 005 Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man; sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman: lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos. 019 PSA 082 006 Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan. 019 PSA 082 007 Gayon ma'y mangamamatay kayong parang mga tao, at mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo. 019 PSA 082 008 Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa: sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa. 019 PSA 083 001 Oh Dios, huwag kang tumahimik: huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios. 019 PSA 083 002 Sapagka't narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo: at silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo. 019 PSA 083 003 Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan, at nangagsanggunian laban sa iyong nangakakubli. 019 PSA 083 004 Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang ihiwalay sa pagkabansa; upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa. 019 PSA 083 005 Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon; laban sa iyo ay nangagtitipanan: 019 PSA 083 006 Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita; ang Moab at ang mga Agareno; 019 PSA 083 007 Ang Gebal, at ang Ammon, at ang Amalec; ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro: 019 PSA 083 008 Pati ng Asiria ay nalalakip sa kanila; kanilang tinulungan ang mga anak ni Lot. 019 PSA 083 009 Gumawa ka sa kanila ng gaya sa Madianita; gaya kay Sisara, gaya kay Jabin, sa ilog ng Cison: 019 PSA 083 010 Na nangamatay sa Endor; sila'y naging parang dumi sa lupa. 019 PSA 083 011 Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya ni Oreb at ni Zeeb; Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Zeba at ni Zalmuna; 019 PSA 083 012 Na siyang nagsipagsabi, kunin natin para sa atin na pinakaari ang mga tahanan ng Dios. 019 PSA 083 013 Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok; Parang dayami sa harap ng hangin. 019 PSA 083 014 Parang apoy na sumusunog ng gubat, at parang liyab na nanunupok ng mga bundok; 019 PSA 083 015 Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo, at pangilabutin mo sila ng iyong unos. 019 PSA 083 016 Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan; upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon. 019 PSA 083 017 Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man; Oo, mangahiya sila at mangalipol: 019 PSA 083 018 Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa. 019 PSA 084 001 Kay iinam ng iyong mga tabernakulo, Oh Panginoon ng mga hukbo! 019 PSA 084 002 Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon; ang puso ko't laman ay dumadaing sa buhay na Dios. 019 PSA 084 003 Oo, ang maya ay nakasumpong ng bahay, at ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay, sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo, Hari ko, at Dios ko. 019 PSA 084 004 Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay: kanilang pupurihin kang palagi. (Selah) 019 PSA 084 005 Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo; na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion. 019 PSA 084 006 Na nagdaraan sa libis ng iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal; Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan. 019 PSA 084 007 Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan, bawa't isa sa kanila ay napakikita sa harap ng Dios sa Sion. 019 PSA 084 008 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin: pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah) 019 PSA 084 009 Masdan mo, Oh Dios na aming kalasag, at tingnan mo ang mukha ng iyong pinahiran ng langis. 019 PSA 084 010 Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo. Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios, kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan. 019 PSA 084 011 Sapagka't ang Panginoong Dios ay araw at kalasag: ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian: hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid. 019 PSA 084 012 Oh Panginoon ng mga hukbo, mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo. 019 PSA 085 001 Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain: iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob. 019 PSA 085 002 Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah) 019 PSA 085 003 Iyong pinawi ang buong poot mo: iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit. 019 PSA 085 004 Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, at papaglikatin mo ang iyong galit sa amin. 019 PSA 085 005 Magagalit ka ba sa amin magpakailan man? Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi? 019 PSA 085 006 Hindi mo ba kami bubuhayin uli: upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo? 019 PSA 085 007 Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, at ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas. 019 PSA 085 008 Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon: sapagka't siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga banal: nguni't huwag silang manumbalik uli sa kaululan. 019 PSA 085 009 Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya; upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain. 019 PSA 085 010 Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan. 019 PSA 085 011 Katotohanan ay bumubukal sa lupa; at ang katuwiran ay tumungo mula sa langit. 019 PSA 085 012 Oo, ibibigay ng Panginoon ang mabuti; at ang ating lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga. 019 PSA 085 013 Katuwira'y mangunguna sa kaniya; at gagawing daan ang kaniyang mga bakas. 019 PSA 086 001 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako; sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan. 019 PSA 086 002 Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo. 019 PSA 086 003 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw. 019 PSA 086 004 Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod; sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa. 019 PSA 086 005 Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad, at sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo. 019 PSA 086 006 Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin; at pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing. 019 PSA 086 007 Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo; sapagka't iyong sasagutin ako. 019 PSA 086 008 Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, Oh Panginoon; wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa. 019 PSA 086 009 Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon; at kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan. 019 PSA 086 010 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay: ikaw na magisa ang Dios. 019 PSA 086 011 Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; lalakad ako sa iyong katotohanan: ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan. 019 PSA 086 012 Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso; at luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man. 019 PSA 086 013 Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin; at iyong iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol. 019 PSA 086 014 Oh Dios, ang palalo ay bumangon laban sa akin, at ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa, at hindi inilagay ka sa harap nila. 019 PSA 086 015 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan. 019 PSA 086 016 Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin; ibigay mo ang lakas mo sa iyong lingkod. At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae. 019 PSA 086 017 Pagpakitaan mo ako ng tanda sa ikabubuti: upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya, sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin. 019 PSA 087 001 Ang kaniyang patibayan ay nasa mga banal na bundok. 019 PSA 087 002 Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion, ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob. 019 PSA 087 003 Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo, Oh bayan ng Dios. (Selah) 019 PSA 087 004 Aking babanggitin ang Rahab at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin: narito, ang Filistia at ang Tiro, pati ng Etiopia; ang isang ito ay ipinanganak diyan. 019 PSA 087 005 Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin, ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya; at itatatag siya ng Kataastaasan. 019 PSA 087 006 Sasalaysayin ng Panginoon, pagka kaniyang isinulat ang mga bayan, ang isang ito ay ipinanganak diyan. (Selah) 019 PSA 087 007 Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi, lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo. 019 PSA 088 001 Oh Panginoon, na Dios ng aking kaligtasan, ako'y dumaing araw at gabi sa harap mo: 019 PSA 088 002 Masok ang aking dalangin sa iyong harapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing: 019 PSA 088 003 Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan, at ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol, 019 PSA 088 004 Ako'y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay; ako'y parang taong walang lakas: 019 PSA 088 005 Nakahagis sa gitna ng mga patay, gaya ng napatay na nakahiga sa libingan, na hindi mo na inaalaala; at sila'y mangahiwalay sa iyong kamay. 019 PSA 088 006 Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay, sa mga madilim na dako, sa mga kalaliman. 019 PSA 088 007 Lubhang idinidiin ako ng iyong poot, at iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon. (Selah) 019 PSA 088 008 Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko; iyong ginawa akong kasuklamsuklam sa kanila: ako'y nakulong at hindi ako makalabas, 019 PSA 088 009 Ang mata ko'y nangangalumata dahil sa kadalamhatian: ako'y tumawag araw-araw sa iyo, Oh Panginoon, aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo. 019 PSA 088 010 Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay? Sila bang mga patay ay magsisibangon, at magsisipuri sa iyo? (Selah) 019 PSA 088 011 Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan? O ang iyong pagtatapat sa kagibaan? 019 PSA 088 012 Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa dilim? At ang katuwiran mo sa lupain ng pagkalimot? 019 PSA 088 013 Nguni't sa iyo, Oh Panginoon, dumaing ako, at sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo. 019 PSA 088 014 Panginoon, bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko? Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha sa akin? 019 PSA 088 015 Ako'y nadadalamhati, at handang mamatay mula sa aking kabataan: habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako. 019 PSA 088 016 Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin; inihiwalay ako ng iyong mga kakilakilabot na bagay. 019 PSA 088 017 Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw; kinubkob ako nilang magkakasama. 019 PSA 088 018 Mangliligaw at kaibigan ay inilayo mo sa akin, at ang aking kakilala ay sa dilim. 019 PSA 089 001 Aking aawitin ang kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man: aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali't saling lahi. 019 PSA 089 002 Sapagka't aking sinabi, Kaawaan ay matatayo magpakailan man: ang pagtatapat mo'y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan. 019 PSA 089 003 Ako'y nakipagtipan sa aking hirang, aking isinumpa kay David na aking lingkod; 019 PSA 089 004 Ang binhi mo'y itatatag ko magpakailan man, at aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng sali't saling lahi. (Selah) 019 PSA 089 005 At pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan, Oh Panginoon; ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng mga banal. 019 PSA 089 006 Sapagka't sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon? Sino sa gitna ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon, 019 PSA 089 007 Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal, at kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya? 019 PSA 089 008 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh JAH? At ang pagtatapat mo'y nasa palibot mo. 019 PSA 089 009 Iyong pinagpupunuan ang kapalaluan sa dagat: pagka nagsisibangon ang mga alon niyaon ay pinatatahimik mo. 019 PSA 089 010 Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay; iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan. 019 PSA 089 011 Ang langit ay iyo, ang lupa ay iyo rin: ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong itinatag, 019 PSA 089 012 Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha; ang Tabor at ang Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan. 019 PSA 089 013 Ikaw ay may makapangyarihang bisig: malakas ang iyong kamay, at mataas ang iyong kanang kamay. 019 PSA 089 014 Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan: kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha. 019 PSA 089 015 Mapalad ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog: sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha. 019 PSA 089 016 Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw: at sa iyong katuwiran ay nangatataas sila. 019 PSA 089 017 Sapagka't ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan: at sa iyong lingap ay matataas ang aming sungay. 019 PSA 089 018 Sapagka't ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon; at ang aming hari ay sa banal ng Israel. 019 PSA 089 019 Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal, at iyong sinabi, Aking ipinagkatiwala ang saklolo sa isang makapangyarihan; Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan. 019 PSA 089 020 Aking nasumpungan si David na aking lingkod; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis: 019 PSA 089 021 Na siyang itatatag ng aking kamay; palakasin naman siya ng aking bisig. 019 PSA 089 022 Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway; ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan. 019 PSA 089 023 At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya, at sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya. 019 PSA 089 024 Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya; at sa pangalan ko'y matataas ang kaniyang sungay. 019 PSA 089 025 Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat, at ang kaniyang kanan ay sa mga ilog. 019 PSA 089 026 Siya'y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan. 019 PSA 089 027 Akin namang gagawin siyang panganay ko, na pinakamataas sa mga hari sa lupa. 019 PSA 089 028 Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man, at ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya. 019 PSA 089 029 Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man, at ang luklukan niya'y parang mga araw ng langit. 019 PSA 089 030 Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, at hindi magsilakad sa aking mga kahatulan; 019 PSA 089 031 Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, at hindi ingatan ang mga utos ko; 019 PSA 089 032 Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, at ng mga hampas ang kanilang kasamaan. 019 PSA 089 033 Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang. 019 PSA 089 034 Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi. 019 PSA 089 035 Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan. Hindi ako magbubulaan kay David; 019 PSA 089 036 Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man; at ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko. 019 PSA 089 037 Matatatag magpakailan man na parang buwan, at tapat na saksi sa langit. (Selah) 019 PSA 089 038 Nguni't iyong itinakuwil at tinanggihan, ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis. 019 PSA 089 039 Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod: iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa. 019 PSA 089 040 Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod: iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan. 019 PSA 089 041 Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya. Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit. 019 PSA 089 042 Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway; iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway. 019 PSA 089 043 Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak, at hindi mo itinayo siya sa pakikibaka. 019 PSA 089 044 Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan. At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa. 019 PSA 089 045 Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan: iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah) 019 PSA 089 046 Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man? Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy? 019 PSA 089 047 Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon: sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao. 019 PSA 089 048 Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan, na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah) 019 PSA 089 049 Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob, na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat? 019 PSA 089 050 Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod; kung paanong taglay ko sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan; 019 PSA 089 051 Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon, na kanilang idinusta sa mga bakas ng iyong pinahiran ng langis. 019 PSA 089 052 Purihin ang Panginoon, magpakailan man. Siya nawa, at Siya nawa. 019 PSA 090 001 Panginoon, ikaw ay naging tahanang dako namin sa lahat ng sali't saling lahi. 019 PSA 090 002 Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios. 019 PSA 090 003 Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao; at iyong sinasabi, Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao. 019 PSA 090 004 Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin ay parang kahapon lamang nang makaraan, at parang pagpupuyat sa gabi. 019 PSA 090 005 Iyong dinadala sila na parang baha; sila'y parang pagkakatulog: sa kinaumagahan ay parang damo sila na tumutubo. 019 PSA 090 006 Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago; sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo. 019 PSA 090 007 Sapagka't kami ay nangasupok sa iyong galit, at sa iyong poot ay nangabagabag kami. 019 PSA 090 008 Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo, ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha. 019 PSA 090 009 Sapagka't lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot: aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga. 019 PSA 090 010 Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon, o kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon; gayon ma'y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang; sapagka't madaling napapawi, at kami ay nagsisilipad. 019 PSA 090 011 Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit, at ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo? 019 PSA 090 012 Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan. 019 PSA 090 013 Manumbalik ka, Oh Panginoon; hanggang kailan pa? At iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo. 019 PSA 090 014 Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob; upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin. 019 PSA 090 015 Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin, at sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan. 019 PSA 090 016 Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod, at ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak. 019 PSA 090 017 At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios: at iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay; Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo. 019 PSA 091 001 Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat. 019 PSA 091 002 Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya'y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan. 019 PSA 091 003 Sapagka't kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo, at sa mapamuksang salot. 019 PSA 091 004 Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang mga bagwis, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka: ang kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti. 019 PSA 091 005 Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi, ni sa pana man na humihilagpos kung araw; 019 PSA 091 006 Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman, ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat. 019 PSA 091 007 Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at sangpung libo sa iyong kanan; nguni't hindi lalapit sa iyo. 019 PSA 091 008 Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata, at iyong makikita ang ganti sa masama. 019 PSA 091 009 Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan; 019 PSA 091 010 Walang kasamaang mangyayari sa iyo, ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda. 019 PSA 091 011 Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad. 019 PSA 091 012 Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. 019 PSA 091 013 Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong: ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa. 019 PSA 091 014 Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko. 019 PSA 091 015 Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya. 019 PSA 091 016 Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas. 019 PSA 092 001 Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan: 019 PSA 092 002 Upang magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga, at ng iyong pagtatapat gabigabi. 019 PSA 092 003 Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio; na may dakilang tunog na alpa. 019 PSA 092 004 Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa: ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay. 019 PSA 092 005 Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon! Ang iyong mga pagiisip ay totoong malalim. 019 PSA 092 006 Ang taong hangal ay hindi nakakaalam; ni nauunawa man ito ng mangmang. 019 PSA 092 007 Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo, at pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan; ay upang mangalipol sila magpakailan man: 019 PSA 092 008 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man. 019 PSA 092 009 Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo, Oh Panginoon, sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol; lahat ng mga manggagawa ng kasamaan ay mangangalat. 019 PSA 092 010 Nguni't ang sungay ko'y iyong pinataas na parang sungay ng mailap na toro: ako'y napahiran ng bagong langis. 019 PSA 092 011 Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway, narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin. 019 PSA 092 012 Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma. Siya'y tutubo na parang cedro sa Libano. 019 PSA 092 013 Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon; sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios. 019 PSA 092 014 Sila'y mangagbubunga sa katandaan; sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan: 019 PSA 092 015 Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid; siya'y aking malaking bato, at walang kalikuan sa kaniya. 019 PSA 093 001 Ang Panginoon ay naghahari; siya'y nananamit ng karilagan; ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; siya'y nagbigkis niyaon: ang sanglibutan naman ay natatag, na hindi mababago. 019 PSA 093 002 Ang luklukan mo'y natatag ng una: ikaw ay mula sa walang pasimula. 019 PSA 093 003 Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon, ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong; ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon. 019 PSA 093 004 Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig, malalakas na hampas ng alon sa dagat, ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan. 019 PSA 093 005 Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay: ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay, Oh Panginoon, magpakailan man. 019 PSA 094 001 Oh Panginoon, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka. 019 PSA 094 002 Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila. 019 PSA 094 003 Panginoon, hanggang kailan ang masama, hanggang kailan magtatagumpay ang masama? 019 PSA 094 004 Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan: lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki. 019 PSA 094 005 Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon, at dinadalamhati ang iyong mana. 019 PSA 094 006 Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa, at pinapatay ang ulila. 019 PSA 094 007 At kanilang sinasabi, ang Panginoo'y hindi makakakita, ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito. 019 PSA 094 008 Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan: at ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas? 019 PSA 094 009 Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig? Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita? 019 PSA 094 010 Siyang nagpaparusa sa mga bansa, hindi ba siya sasaway, sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman? 019 PSA 094 011 Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao, na sila'y pawang walang kabuluhan. 019 PSA 094 012 Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon, at tinuturuan mo sa iyong kautusan. 019 PSA 094 013 Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan, hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama. 019 PSA 094 014 Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan, ni pababayaan man niya ang kaniyang mana. 019 PSA 094 015 Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran: at susundan ng lahat na matuwid sa puso. 019 PSA 094 016 Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? 019 PSA 094 017 Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan. 019 PSA 094 018 Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon. 019 PSA 094 019 Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa. 019 PSA 094 020 Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan, na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan? 019 PSA 094 021 Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid, at pinarusahan nila ang walang salang dugo. 019 PSA 094 022 Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog; at ang Dios ko'y malaking bato na aking kanlungan. 019 PSA 094 023 At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan, at ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan; ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios. 019 PSA 095 001 Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon: tayo'y magkaingay na may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan. 019 PSA 095 002 Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan. 019 PSA 095 003 Sapagka't ang Panginoon ay dakilang Dios, at dakilang Hari sa lahat ng mga dios, 019 PSA 095 004 Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa, ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin. 019 PSA 095 005 Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa: at ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa. 019 PSA 095 006 Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin. 019 PSA 095 007 Sapagka't siya'y ating Dios, at tayo'y bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig! 019 PSA 095 008 Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba, gaya sa kaarawan ng Masa sa ilang: 019 PSA 095 009 Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang, tinikman ako, at nakita ang gawa ko. 019 PSA 095 010 Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon, at aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso. At hindi naalaman ang aking mga daan: 019 PSA 095 011 Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot, na sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan. 019 PSA 096 001 Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit: magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa. 019 PSA 096 002 Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya; ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw. 019 PSA 096 003 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan. 019 PSA 096 004 Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin: siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios. 019 PSA 096 005 Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan. Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit. 019 PSA 096 006 Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya: kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario. 019 PSA 096 007 Magbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan, magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan. 019 PSA 096 008 Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan; kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga looban. 019 PSA 096 009 Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan: manginig kayo sa harap niya, buong lupa. 019 PSA 096 010 Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, ang Panginoon ay naghahari: ang sanglibutan naman ay natatatag na hindi makikilos: kaniyang hahatulan ng karapatan ang mga bayan. 019 PSA 096 011 Matuwa ang langit at magalak ang lupa; humugong ang dagat, at ang buong naroon; 019 PSA 096 012 Sumaya ang bukiran at lahat na nasa kaniya; kung magkagayo'y aawit dahil sa kagalakan, ang lahat na punong kahoy sa gubat; 019 PSA 096 013 Sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y dumarating: sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng kaniyang katotohanan ang mga bayan. 019 PSA 097 001 Ang Panginoon ay naghahari; magalak ang lupa; matuwa ang karamihan ng mga pulo. 019 PSA 097 002 Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya: katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan. 019 PSA 097 003 Apoy ay nagpapauna sa kaniya, at sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot. 019 PSA 097 004 Tumatanglaw ang mga kidlat niya sa sanglibutan: nakita ng lupa, at niyanig. 019 PSA 097 005 Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon, sa harapan ng Panginoon ng buong lupa. 019 PSA 097 006 Ipinahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran, at nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian. 019 PSA 097 007 Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan, nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan: kayo'y magsisamba sa kaniya kayong lahat na mga dios. 019 PSA 097 008 Narinig ng Sion, at natuwa, at ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak; dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon. 019 PSA 097 009 Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay kataastaasan sa buong lupa: ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios. 019 PSA 097 010 Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, ipagtanim ninyo ang kasamaan. Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal; kaniyang iniligtas sila sa kamay ng masama. 019 PSA 097 011 Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal, at kasayahan ay sa may matuwid na puso. 019 PSA 097 012 Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid; at mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan. 019 PSA 098 001 Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit; sapagka't siya'y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay: ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya: 019 PSA 098 002 Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas: ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa. 019 PSA 098 003 Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel: nakita ng lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios. 019 PSA 098 004 Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa. Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri. 019 PSA 098 005 Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri ng alpa; ng alpa at ng tinig na tugma. 019 PSA 098 006 Ng mga pakakak at tunog ng corneta magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon. 019 PSA 098 007 Humugong ang dagat at ang buong naroon; ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon; 019 PSA 098 008 Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay; magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan; 019 PSA 098 009 Sa harap ng Panginoon, sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng karapatan ang mga bayan. 019 PSA 099 001 Ang Panginoon ay naghahari: manginig ang mga bayan. Siya'y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa. 019 PSA 099 002 Ang Panginoon ay dakila sa Sion; at siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan. 019 PSA 099 003 Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan: siya'y banal. 019 PSA 099 004 Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan; ikaw ay nagtatatag ng karampatan, ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob. 019 PSA 099 005 Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios, at magsisamba kayo sa harap ng kaniyang tungtungan; siya'y banal. 019 PSA 099 006 Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote, at si Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan; sila'y nagsisitawag sa Panginoon, at siya'y sumasagot sa kanila. 019 PSA 099 007 Siya'y nagsasalita sa kanila sa haliging ulap: kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila. 019 PSA 099 008 Sumagot ka sa kanila, Oh Panginoon naming Dios; ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila, bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa. 019 PSA 099 009 Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios, at magsisamba kayo sa kaniyang banal na bundok; sapagka't ang Panginoon nating Dios ay banal. 019 PSA 100 001 Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain. 019 PSA 100 002 Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan. 019 PSA 100 003 Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan. 019 PSA 100 004 Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri: mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan. 019 PSA 100 005 Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man; at ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi. 019 PSA 101 001 Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan: sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri. 019 PSA 101 002 Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad: Oh kailan ka pasasa akin? Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na may sakdal na puso. 019 PSA 101 003 Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata: aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya: hindi kakapit sa akin. 019 PSA 101 004 Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin: hindi ako makakaalam ng masamang bagay. 019 PSA 101 005 Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa ay aking ibubuwal: siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin. 019 PSA 101 006 Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatahan na kasama ko: siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya'y mangangasiwa sa akin. 019 PSA 101 007 Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay: siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata. 019 PSA 101 008 Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain; upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan sa bayan ng Panginoon. 019 PSA 102 001 Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon, at dumating nawa ang daing ko sa iyo. 019 PSA 102 002 Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali. 019 PSA 102 003 Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok, at ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong. 019 PSA 102 004 Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at natuyo; sapagka't nalimutan kong kanin ang aking tinapay. 019 PSA 102 005 Dahil sa tinig ng aking daing ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman. 019 PSA 102 006 Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan. 019 PSA 102 007 Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan. 019 PSA 102 008 Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw; silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin. 019 PSA 102 009 Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay, at hinaluan ko ang aking inumin ng iyak. 019 PSA 102 010 Dahil sa iyong galit at iyong poot: sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis. 019 PSA 102 011 Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling; at ako'y natuyo na parang damo. 019 PSA 102 012 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man; at ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi. 019 PSA 102 013 Ikaw ay babangon at maaawa sa Sion: sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya, Oo, ang takdang panahon ay dumating. 019 PSA 102 014 Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato, at nanghihinayang sa kaniyang alabok. 019 PSA 102 015 Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang pangalan ng Panginoon. At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian; 019 PSA 102 016 Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion, siya'y napakita sa kaniyang kaluwalhatian; 019 PSA 102 017 Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon, at hindi hinamak ang kanilang dalangin. 019 PSA 102 018 Ito'y isusulat na ukol sa lahing susunod: at ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon. 019 PSA 102 019 Sapagka't siya'y tumungo mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario; tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit; 019 PSA 102 020 Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo: upang kalagan yaong nangaitakdang patayin; 019 PSA 102 021 Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion, at ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem; 019 PSA 102 022 Nang ang mga bayan ay mapisan, at ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon. 019 PSA 102 023 Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan; kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko. 019 PSA 102 024 Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan; ang mga taon mo'y lampas sa mga sali't saling lahi. 019 PSA 102 025 Nang una ay inilagay mo ang patibayan ng lupa; at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay. 019 PSA 102 026 Sila'y uuwi sa wala, nguni't ikaw ay mananatili: Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan; parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan: 019 PSA 102 027 Nguni't ikaw rin, at ang mga taon mo'y hindi magkakawakas. 019 PSA 102 028 Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi, at ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo. 019 PSA 103 001 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan. 019 PSA 103 002 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa. 019 PSA 103 003 Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit; 019 PSA 103 004 Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak: na siyang nagpuputong sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan: 019 PSA 103 005 Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay; Na anopa't ang iyong kabataan ay nababagong parang agila. 019 PSA 103 006 Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa, at ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi. 019 PSA 103 007 Kaniyang ipinabatid ang kaniyang mga daan kay Moises, ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel. 019 PSA 103 008 Ang Panginoon ay puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob. 019 PSA 103 009 Hindi siya makikipagkaalit na palagi; ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man. 019 PSA 103 010 Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan, ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan. 019 PSA 103 011 Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa, gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya. 019 PSA 103 012 Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin. 019 PSA 103 013 Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya. 019 PSA 103 014 Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo; kaniyang inaalaala na tayo'y alabok. 019 PSA 103 015 Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo: kung paanong namumukadkad ang bulaklak sa parang ay gayon siya. 019 PSA 103 016 Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam; at ang dako niyaon ay hindi na malalaman. 019 PSA 103 017 Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa mga anak ng mga anak; 019 PSA 103 018 Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan, at sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin, 019 PSA 103 019 Itinatag ng Panginoon ang kaniyang luklukan sa mga langit; at ang kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat. 019 PSA 103 020 Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya: ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita, na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita. 019 PSA 103 021 Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya; ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan. 019 PSA 103 022 Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya, sa lahat na dako na kaniyang sakop; purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. 019 PSA 104 001 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila; ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan. 019 PSA 104 002 Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing: 019 PSA 104 003 Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin: 019 PSA 104 004 Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya; ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy: 019 PSA 104 005 Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man, 019 PSA 104 006 Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan; ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok. 019 PSA 104 007 Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas; sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila; 019 PSA 104 008 Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis, sa dako mong itinatag ukol sa kanila. 019 PSA 104 009 Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila'y huwag makaraan; upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa. 019 PSA 104 010 Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis; nagsisiagos sa gitna ng mga bundok: 019 PSA 104 011 Sila'y nagpapainom sa bawa't hayop sa parang; nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno. 019 PSA 104 012 Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid, sila'y nagsisiawit sa mga sanga. 019 PSA 104 013 Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid: ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa. 019 PSA 104 014 Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop, at ang gugulayin sa paglilingkod sa tao: upang siya'y maglabas ng pagkain sa lupa: 019 PSA 104 015 At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao, at ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha, at ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao. 019 PSA 104 016 Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog; ang mga sedro sa Libano, na kaniyang itinanim; 019 PSA 104 017 Na pinamumugaran ng mga ibon: tungkol sa tagak, ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay. 019 PSA 104 018 Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing; ang mga malalaking bato ay kanlungan ng mga coneho. 019 PSA 104 019 Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon: nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog. 019 PSA 104 020 Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi; na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat. 019 PSA 104 021 Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila, at hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain. 019 PSA 104 022 Ang araw ay sumisikat sila'y nagsisialis, at nangahihiga sa kanilang mga yungib. 019 PSA 104 023 Lumalabas ang tao sa kaniyang gawain, at sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan. 019 PSA 104 024 Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa! sa karunungan ay ginawa mo silang lahat: ang lupa ay puno ng iyong kayamanan. 019 PSA 104 025 Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang, na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay, ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman. 019 PSA 104 026 Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan: nandoon ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon. 019 PSA 104 027 Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo, upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan. 019 PSA 104 028 Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila; iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y nangabubusog ng kabutihan. 019 PSA 104 029 Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag; iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay, at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok. 019 PSA 104 030 Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa. 019 PSA 104 031 Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man; magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa: 019 PSA 104 032 Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig: kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok. 019 PSA 104 033 Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay: ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios, samantalang mayroon akong kabuhayan. 019 PSA 104 034 Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay: ako'y magagalak sa Panginoon. 019 PSA 104 035 Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa, at mawala nawa ang masama. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Purihin ninyo ang Panginoon. 019 PSA 105 001 Oh magpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan; ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan. 019 PSA 105 002 Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri; salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa. 019 PSA 105 003 Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon. 019 PSA 105 004 Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan; hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man. 019 PSA 105 005 Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa: ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig; 019 PSA 105 006 Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod, ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang. 019 PSA 105 007 Siya ang Panginoon nating Dios: ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa. 019 PSA 105 008 Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man, ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi; 019 PSA 105 009 Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, at ang kaniyang sumpa kay Isaac; 019 PSA 105 010 At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, sa Israel na pinakawalang hanggang tipan: 019 PSA 105 011 Na sinasabi, sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan, ang kapalaran na iyong mana; 019 PSA 105 012 Nang sila'y kaunti lamang tao sa bilang; Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon; 019 PSA 105 013 At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa, mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan. 019 PSA 105 014 Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian; Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila; 019 PSA 105 015 Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis. At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko. 019 PSA 105 016 At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain; kaniyang binali ang buong tukod ng tinapay. 019 PSA 105 017 Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila; si Jose ay naipagbiling pinakaalipin: 019 PSA 105 018 Ang kaniyang mga paa ay sinaktan nila ng mga pangpangaw; siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal: 019 PSA 105 019 Hanggang sa panahon na nangyari ang kaniyang salita; tinikman siya ng salita ng Panginoon. 019 PSA 105 020 Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya; sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya. 019 PSA 105 021 Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay, at pinuno sa lahat niyang pag-aari: 019 PSA 105 022 Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan, at turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan. 019 PSA 105 023 Si Israel naman ay nasok sa Egipto; at si Jacob ay nakipamayan sa lupain ng Cham. 019 PSA 105 024 At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan, at pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway. 019 PSA 105 025 Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan, upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod. 019 PSA 105 026 Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod, at si Aaron na kaniyang hirang. 019 PSA 105 027 Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda, at mga kababalaghan sa lupain ng Cham. 019 PSA 105 028 Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim; at sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita. 019 PSA 105 029 Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig, at pinatay ang kanilang mga isda. 019 PSA 105 030 Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka, sa mga silid ng kanilang mga hari. 019 PSA 105 031 Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw, at kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan. 019 PSA 105 032 Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso, at liyab ng apoy sa kanilang lupain. 019 PSA 105 033 Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos; at binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan. 019 PSA 105 034 Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating, at ang mga higad, ay yao'y walang bilang, 019 PSA 105 035 At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain, at kinain ang bunga ng kanilang lupa. 019 PSA 105 036 Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain, ang puno ng lahat nilang kalakasan. 019 PSA 105 037 At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto: at hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi. 019 PSA 105 038 Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis; sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila. 019 PSA 105 039 Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong; at apoy upang magbigay liwanag sa gabi, 019 PSA 105 040 Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit. 019 PSA 105 041 Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig; nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog. 019 PSA 105 042 Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita, at si Abraham na kaniyang lingkod. 019 PSA 105 043 At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan, at ang kaniyang hirang na may awitan. 019 PSA 105 044 At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; at kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari: 019 PSA 105 045 Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo ang Panginoon. 019 PSA 106 001 Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 106 002 Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon, o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan? 019 PSA 106 003 Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan, at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon. 019 PSA 106 004 Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas: 019 PSA 106 005 Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana. 019 PSA 106 006 Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang, kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama. 019 PSA 106 007 Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto; hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob, kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula. 019 PSA 106 008 Gayon ma'y iniligtas niya sila dahil sa kaniyang pangalan, upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan. 019 PSA 106 009 Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at natuyo: sa gayo'y pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang. 019 PSA 106 010 At iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila, at tinubos niya sila sa kamay ng kaaway. 019 PSA 106 011 At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway: walang nalabi sa kanila kahit isa. 019 PSA 106 012 Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita; inawit nila ang kaniyang kapurihan. 019 PSA 106 013 Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa; hindi sila naghintay sa kaniyang payo: 019 PSA 106 014 Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang, at tinukso ang Dios sa ilang. 019 PSA 106 015 At binigyan niya sila ng kanilang hiling; nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa. 019 PSA 106 016 Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento, at si Aaron na banal ng Panginoon. 019 PSA 106 017 Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan, at tinakpan ang pulutong ni Abiram. 019 PSA 106 018 At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong; sinunog ng liyab ang mga masama, 019 PSA 106 019 Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo. 019 PSA 106 020 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo. 019 PSA 106 021 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas, na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto; 019 PSA 106 022 Kagilagilalas na mga gawa sa lupain ng Cham, at kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula. 019 PSA 106 023 Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila, kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak, upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila. 019 PSA 106 024 Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain, hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita; 019 PSA 106 025 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda, at hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon. 019 PSA 106 026 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila, na kaniyang ibubulid sila sa ilang: 019 PSA 106 027 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa, at pangalatin sila sa mga lupain. 019 PSA 106 028 Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor, at nagsikain ng mga hain sa mga patay. 019 PSA 106 029 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa; at ang salot ay lumitaw sa kanila. 019 PSA 106 030 Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan: at sa gayo'y tumigil ang salot. 019 PSA 106 031 At nabilang sa kaniya na katuwiran, sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man. 019 PSA 106 032 Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba, na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila: 019 PSA 106 033 Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa, at siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi. 019 PSA 106 034 Hindi nila nilipol ang mga bayan, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila; 019 PSA 106 035 Kundi nangakihalo sa mga bansa, at nangatuto ng kanilang mga gawa: 019 PSA 106 036 At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan; na naging silo sa kanila: 019 PSA 106 037 Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio, 019 PSA 106 038 At nagbubo ng walang salang dugo, sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae, na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan; at ang lupain ay nadumhan ng dugo. 019 PSA 106 039 Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa, at nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa. 019 PSA 106 040 Kaya't nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan, at kinayamutan niya ang kaniyang pamana. 019 PSA 106 041 At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa; at silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila. 019 PSA 106 042 Pinighati naman sila ng kanilang mga kaaway, at sila'y nagsisuko sa kanilang kamay. 019 PSA 106 043 Madalas na iligtas niya sila; nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo, at nangababa sila sa kanilang kasamaan. 019 PSA 106 044 Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan, nang kaniyang marinig ang kanilang daing: 019 PSA 106 045 At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan, at nagsisi ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob. 019 PSA 106 046 Ginawa naman niyang sila'y kaawaan niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila. 019 PSA 106 047 Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios, at pisanin mo kami na mula sa mga bansa, upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan, at mangagtagumpay sa iyong kapurihan. 019 PSA 106 048 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sabihin ng buong bayan, Siya nawa. Purihin ninyo ang Panginoon. 019 PSA 107 001 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 107 002 Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon, na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway; 019 PSA 107 003 At mga pinisan mula sa mga lupain, mula sa silanganan, at mula sa kalunuran, mula sa hilagaan at mula sa timugan. 019 PSA 107 004 Sila'y nagsilaboy sa ilang, sa ulilang landas; sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan. 019 PSA 107 005 Gutom at uhaw, ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila. 019 PSA 107 006 Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. 019 PSA 107 007 Pinatnubayan naman niya sila sa matuwid na daan, upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan. 019 PSA 107 008 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! 019 PSA 107 009 Sapagka't kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, at ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan. 019 PSA 107 010 Ang gayong tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan, na natatali sa dalamhati at pangaw; 019 PSA 107 011 Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, at hinamak ang payo ng Kataastaasan: 019 PSA 107 012 Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap; sila'y nangabuwal, at walang sumaklolo. 019 PSA 107 013 Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. 019 PSA 107 014 Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at pinatid ang kanilang mga tali. 019 PSA 107 015 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! 019 PSA 107 016 Sapagka't kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso, at pinutol ang mga halang na bakal. 019 PSA 107 017 Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang, at dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati. 019 PSA 107 018 Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain; at sila'y nagsisilapit sa mga pintuan ng kamatayan, 019 PSA 107 019 Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan. 019 PSA 107 020 Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak. 019 PSA 107 021 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! 019 PSA 107 022 At mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat, at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan. 019 PSA 107 023 Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan, na nangangalakal sa mga malawak na tubig; 019 PSA 107 024 Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon, at ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman. 019 PSA 107 025 Sapagka't siya'y naguutos, at nagpapaunos, na nagbabangon ng mga alon niyaon. 019 PSA 107 026 Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman: ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan. 019 PSA 107 027 Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at gigiraygiray na parang lasing, at ang kanilang karunungan ay nawala. 019 PSA 107 028 Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at inilabas niya sila sa kanilang kahirapan. 019 PSA 107 029 Kaniyang pinahihimpil ang bagyo, na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik. 019 PSA 107 030 Nang magkagayo'y natutuwa sila, dahil sa sila'y tiwasay. Sa gayo'y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin. 019 PSA 107 031 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao! 019 PSA 107 032 Ibunyi rin naman nila siya sa kapulungan ng bayan, at purihin siya sa upuan ng mga matanda. 019 PSA 107 033 Kaniyang pinapagiging ilang ang mga ilog, at uhaw na lupa ang mga bukal: 019 PSA 107 034 Na maalat na ilang ang mainam na lupain, dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon. 019 PSA 107 035 Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang, at mga bukal ang tuyong lupain. 019 PSA 107 036 At kaniyang pinatatahan doon ang gutom, upang makapaghanda sila ng bayang tahanan; 019 PSA 107 037 At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan, at magtamo ng mga bunga na pakinabang. 019 PSA 107 038 Kaniya namang pinagpapala sila, na anopa't sila'y lubhang nagsisidami; at hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang. 019 PSA 107 039 Muli, sila'y nakulangan at nahapay sa kapighatian, kabagabagan, at kahirapan. 019 PSA 107 040 Kaniyang ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo, at kaniyang pinagagala sila sa ilang na walang lansangan. 019 PSA 107 041 Gayon ma'y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian, at ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan. 019 PSA 107 042 Makikita ng matuwid, at matutuwa; at titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig. 019 PSA 107 043 Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito, at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon. 019 PSA 108 001 Ang aking puso'y matatag, Oh Dios; ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian. 019 PSA 108 002 Kayo'y gumising, salterio at alpa: ako ma'y gigising na maaga. 019 PSA 108 003 Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: at ako'y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa. 019 PSA 108 004 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit, at ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga alapaap. 019 PSA 108 005 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit: at ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa. 019 PSA 108 006 Upang ang iyong minamahal ay maligtas, magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami. 019 PSA 108 007 Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya: aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth. 019 PSA 108 008 Galaad ay akin; Manases ay akin; ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo: Juda'y aking cetro. 019 PSA 108 009 Moab ay aking hugasan; sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak: sa Filistia ay hihiyaw ako. 019 PSA 108 010 Sinong magpapasok sa akin sa bayang nakukutaan? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom? 019 PSA 108 011 Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin, at hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo? 019 PSA 108 012 Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway; sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao. 019 PSA 108 013 Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan: sapagka't siya ang yayapak sa aming mga kaaway. 019 PSA 109 001 Huwag kang mapayapa, Oh Dios na aking kapurihan; 019 PSA 109 002 Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin: sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila. 019 PSA 109 003 Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim, at nagsilaban sa akin ng walang kadahilanan. 019 PSA 109 004 Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila: nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin. 019 PSA 109 005 At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti, at pagtatanim sa pagibig ko. 019 PSA 109 006 Lagyan mo ng masamang tao siya: at tumayo nawa ang isang kaaway sa kaniyang kanan. 019 PSA 109 007 Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin; at maging kasalanan nawa ang kaniyang dalangin. 019 PSA 109 008 Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan; at kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan. 019 PSA 109 009 Maulila nawa ang kaniyang mga anak, at mabao ang kaniyang asawa. 019 PSA 109 010 Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos; at hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho. 019 PSA 109 011 Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik; at samsamin ng mga taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa. 019 PSA 109 012 Mawalan nawa ng maawa sa kaniya; at mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila. 019 PSA 109 013 Mahiwalay nawa ang kaniyang kaapuapuhan; sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan. 019 PSA 109 014 Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang; at huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina, 019 PSA 109 015 Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon, upang ihiwalay niya ang alaala sa kanila sa lupa. 019 PSA 109 016 Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan, kundi hinabol ang dukha at mapagkailangan, at ang may bagbag na puso, upang patayin. 019 PSA 109 017 Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya; at hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya. 019 PSA 109 018 Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit, at nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig, at parang langis sa kaniyang mga buto. 019 PSA 109 019 Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal, at gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi. 019 PSA 109 020 Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon, at sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa. 019 PSA 109 021 Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, alang-alang sa iyong pangalan: sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako, 019 PSA 109 022 Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan, at ang aking puso ay nasaktan sa loob ko. 019 PSA 109 023 Ako'y yumayaong gaya ng lilim pagka kumikiling: ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang. 019 PSA 109 024 Ang aking mga tuhod ay mahina sa pagaayuno, at ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan. 019 PSA 109 025 Ako nama'y naging kadustaan sa kanila: pagka kanilang nakikita ako, kanilang pinagagalawgalaw ang kanilang ulo. 019 PSA 109 026 Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios; Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob: 019 PSA 109 027 Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay; na ikaw, Panginoon, ang may gawa. 019 PSA 109 028 Sumumpa sila, nguni't magpapala ka: pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya, nguni't ang iyong lingkod ay magagalak. 019 PSA 109 029 Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko, at matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal. 019 PSA 109 030 Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon; Oo, aking pupurihin siya sa gitna ng karamihan. 019 PSA 109 031 Sapagka't siya'y tatayo sa kanan ng mapagkailangan, upang iligtas sa kanilang nagsisihatol ng kaniyang kaluluwa. 019 PSA 110 001 Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway. 019 PSA 110 002 Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion: magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway. 019 PSA 110 003 Ang bayan mo'y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan: mula sa bukang liwayway ng umaga, ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan. 019 PSA 110 004 Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech. 019 PSA 110 005 Ang Panginoon sa iyong kanan ay hahampas sa mga hari sa kaarawan ng kaniyang poot. 019 PSA 110 006 Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook; siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain. 019 PSA 110 007 Siya'y iinom sa batis sa daan: kaya't siya'y magtataas ng ulo. 019 PSA 111 001 Purihin ninyo ang Panginoon. Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso, sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan. 019 PSA 111 002 Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila, siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan. 019 PSA 111 003 Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. 019 PSA 111 004 Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin: ang Panginoon ay mapagbiyaya at puspos ng kahabagan. 019 PSA 111 005 Siya'y nagbigay ng pagkain sa nangatatakot sa kaniya: kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan. 019 PSA 111 006 Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa, sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa. 019 PSA 111 007 Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay katotohanan at kahatulan: lahat niyang mga tuntunin ay tunay. 019 PSA 111 008 Nangatatatag magpakailan-kailan man, mga yari sa katotohanan at katuwiran. 019 PSA 111 009 Siya'y nagsugo ng katubusan sa kaniyang bayan; kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man: banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan. 019 PSA 111 010 Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man. 019 PSA 112 001 Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon, na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos. 019 PSA 112 002 Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa; ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad. 019 PSA 112 003 Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. 019 PSA 112 004 Sa matuwid ay bumabangon ang liwanag sa kadiliman: siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid. 019 PSA 112 005 Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram, kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan. 019 PSA 112 006 Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man; ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan. 019 PSA 112 007 Siya'y hindi matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon. 019 PSA 112 008 Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot, hanggang sa kaniyang makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway. 019 PSA 112 009 Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man, ang kaniyang sungay ay matataas na may karangalan. 019 PSA 112 010 Makikita ng masama, at mamamanglaw; siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw: ang nasa ng masama ay mapaparam. 019 PSA 113 001 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon, purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon. 019 PSA 113 002 Purihin ang pangalan ng Panginoon mula sa panahong ito at magpakailan man. 019 PSA 113 003 Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin, 019 PSA 113 004 Ang Panginoon ay mataas na higit sa lahat ng mga bansa, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa itaas ng mga langit. 019 PSA 113 005 Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios, na may kaniyang upuan sa itaas, 019 PSA 113 006 Na nagpapakababang tumitingin ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa? 019 PSA 113 007 Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, at itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi; 019 PSA 113 008 Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo, sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan. 019 PSA 113 009 Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae, at maging masayang ina ng mga anak. Purihin ninyo ang Panginoon. 019 PSA 114 001 Nang lumabas ang Israel sa Egipto, ang sangbahayan ni Jacob mula sa bayang may ibang wika; 019 PSA 114 002 Ang Juda ay naging kaniyang santuario, ang Israel ay kaniyang sakop. 019 PSA 114 003 Nakita ng dagat, at tumakas; ang Jordan ay napaurong. 019 PSA 114 004 Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa, ang mga munting gulod na parang mga batang tupa. 019 PSA 114 005 Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas? sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong? 019 PSA 114 006 Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa; sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa? 019 PSA 114 007 Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon, sa harapan ng Dios ni Jacob; 019 PSA 114 008 Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato. Na bukal ng tubig ang pingkiang bato. 019 PSA 115 001 Huwag sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin, kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan. 019 PSA 115 002 Bakit sasabihin ng mga bansa, Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios? 019 PSA 115 003 Nguni't ang aming Dios ay nasa mga langit: kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin. 019 PSA 115 004 Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao. 019 PSA 115 005 Sila'y may mga bibig, nguni't sila'y hindi nangagsasalita; mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita; 019 PSA 115 006 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy; 019 PSA 115 007 Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala. 019 PSA 115 008 Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa't tumitiwala sa kanila. 019 PSA 115 009 Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon: siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag. 019 PSA 115 010 Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon: siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag. 019 PSA 115 011 Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon; siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag. 019 PSA 115 012 Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo: kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Israel, kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron. 019 PSA 115 013 Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon, ang mababa at gayon ang mataas. 019 PSA 115 014 Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit, kayo at ang inyong mga anak. 019 PSA 115 015 Pinagpala kayo ng Panginoon, na gumawa ng langit at lupa. 019 PSA 115 016 Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon; nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao. 019 PSA 115 017 Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinomang nabababa sa katahimikan; 019 PSA 115 018 Nguni't aming pupurihin ang Panginoon mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan. Purihin ninyo ang Panginoon. 019 PSA 116 001 Aking iniibig ang Panginoon, sapagka't kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling. 019 PSA 116 002 Sapagka't kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin, kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay. 019 PSA 116 003 Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin: aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan. 019 PSA 116 004 Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon; Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa. 019 PSA 116 005 Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid; Oo, ang Dios namin ay maawain. 019 PSA 116 006 Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob: ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako. 019 PSA 116 007 Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Oh kaluluwa ko; sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon. 019 PSA 116 008 Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan, at ang mga mata ko sa mga luha, at ang mga paa ko sa pagkabuwal. 019 PSA 116 009 Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon, sa lupain ng mga buhay. 019 PSA 116 010 Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita: ako'y lubhang nagdalamhati: 019 PSA 116 011 Aking sinabi sa aking pagmamadali, lahat ng tao ay bulaan. 019 PSA 116 012 Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin? 019 PSA 116 013 Aking kukunin ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon. 019 PSA 116 014 Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan. 019 PSA 116 015 Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal. 019 PSA 116 016 Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod; ako'y iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga tali. 019 PSA 116 017 Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon. 019 PSA 116 018 Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan; 019 PSA 116 019 Sa mga looban ng bahay ng Panginoon, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon. 019 PSA 117 001 Oh purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan. 019 PSA 117 002 Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin; at ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man. Purihin ninyo ang Panginoon. 019 PSA 118 001 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 118 002 Magsabi ngayon ang Israel, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 118 003 Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 118 004 Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 118 005 Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako. 019 PSA 118 006 Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin? 019 PSA 118 007 Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin. 019 PSA 118 008 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao. 019 PSA 118 009 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo. 019 PSA 118 010 Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. 019 PSA 118 011 Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. 019 PSA 118 012 Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila. 019 PSA 118 013 Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal: nguni't tulungan ako ng Panginoon. 019 PSA 118 014 Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan. 019 PSA 118 015 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid: ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang. 019 PSA 118 016 Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang. 019 PSA 118 017 Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon. 019 PSA 118 018 Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan. 019 PSA 118 019 Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon. 019 PSA 118 020 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid. 019 PSA 118 021 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan. 019 PSA 118 022 Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok. 019 PSA 118 023 Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata. 019 PSA 118 024 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan. 019 PSA 118 025 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan. 019 PSA 118 026 Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon. 019 PSA 118 027 Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana. 019 PSA 118 028 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka. 019 PSA 118 029 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 119 001 Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon. 019 PSA 119 002 Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso. 019 PSA 119 003 Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan. 019 PSA 119 004 Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap. 019 PSA 119 005 Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo! 019 PSA 119 006 Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos. 019 PSA 119 007 Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan. 019 PSA 119 008 Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos. 019 PSA 119 009 Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita. 019 PSA 119 010 Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos. 019 PSA 119 011 Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo. 019 PSA 119 012 Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. 019 PSA 119 013 Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig. 019 PSA 119 014 Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan. 019 PSA 119 015 Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan. 019 PSA 119 016 Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita. 019 PSA 119 017 Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita. 019 PSA 119 018 Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan. 019 PSA 119 019 Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin. 019 PSA 119 020 Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon. 019 PSA 119 021 Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos. 019 PSA 119 022 Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo. 019 PSA 119 023 Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan. 019 PSA 119 024 Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo. 019 PSA 119 025 Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita. 019 PSA 119 026 Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. 019 PSA 119 027 Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa. 019 PSA 119 028 Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita. 019 PSA 119 029 Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan. 019 PSA 119 030 Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko. 019 PSA 119 031 Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan. 019 PSA 119 032 Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso. 019 PSA 119 033 Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas. 019 PSA 119 034 Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso. 019 PSA 119 035 Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan. 019 PSA 119 036 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman. 019 PSA 119 037 Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan. 019 PSA 119 038 Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo. 019 PSA 119 039 Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti. 019 PSA 119 040 Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran. 019 PSA 119 041 Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita. 019 PSA 119 042 Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita. 019 PSA 119 043 At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan. 019 PSA 119 044 Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man. 019 PSA 119 045 At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin. 019 PSA 119 046 Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya. 019 PSA 119 047 At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig. 019 PSA 119 048 Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan. 019 PSA 119 049 Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod, na doo'y iyong pinaasa ako. 019 PSA 119 050 Ito'y aking kaaliwan sa aking pagkapighati: sapagka't binuhay ako ng iyong salita. 019 PSA 119 051 Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin: gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan. 019 PSA 119 052 Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon, at ako'y nagaliw sa sarili. 019 PSA 119 053 Maalab na galit ang humawak sa akin, dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan. 019 PSA 119 054 Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan. 019 PSA 119 055 Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon, at sinunod ko ang iyong kautusan. 019 PSA 119 056 Ito ang tinamo ko, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo. 019 PSA 119 057 Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita. 019 PSA 119 058 Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita. 019 PSA 119 059 Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo. 019 PSA 119 060 Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos. 019 PSA 119 061 Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan. 019 PSA 119 062 Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan. 019 PSA 119 063 Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo, at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin. 019 PSA 119 064 Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno ng iyong kagandahang-loob: ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. 019 PSA 119 065 Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita. 019 PSA 119 066 Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman; sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos. 019 PSA 119 067 Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita. 019 PSA 119 068 Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. 019 PSA 119 069 Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin: aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko. 019 PSA 119 070 Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo; nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan. 019 PSA 119 071 Mabuti sa akin na ako'y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo. 019 PSA 119 072 Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak. 019 PSA 119 073 Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay: bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos. 019 PSA 119 074 Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa; sapagka't ako'y umasa sa iyong salita; 019 PSA 119 075 Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati. 019 PSA 119 076 Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob, ayon sa iyong salita sa iyong lingkod. 019 PSA 119 077 Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay: sapagka't ang kautusan mo'y aking kaaliwan. 019 PSA 119 078 Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan: nguni't ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin. 019 PSA 119 079 Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo, at silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo. 019 PSA 119 080 Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan; upang huwag akong mapahiya. 019 PSA 119 081 Pinanglulupaypayan ng aking kaluluwa ang iyong pagliligtas: nguni't umaasa ako sa iyong salita. 019 PSA 119 082 Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita, samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin? 019 PSA 119 083 Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan. 019 PSA 119 084 Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod? Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin? 019 PSA 119 085 Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan. 019 PSA 119 086 Lahat mong mga utos ay tapat. Kanilang inuusig ako na may kamalian; tulungan mo ako. 019 PSA 119 087 Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa; nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo. 019 PSA 119 088 Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob; sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig. 019 PSA 119 089 Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit. 019 PSA 119 090 Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi: iyong itinatag ang lupa, at lumalagi. 019 PSA 119 091 Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin; sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo. 019 PSA 119 092 Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian. 019 PSA 119 093 Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako. 019 PSA 119 094 Ako'y iyo, iligtas mo ako, sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo, 019 PSA 119 095 Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin; nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo. 019 PSA 119 096 Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; nguni't ang utos mo'y totoong malawak. 019 PSA 119 097 Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw. 019 PSA 119 098 Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagka't mga laging sumasa akin. 019 PSA 119 099 Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko. 019 PSA 119 100 Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo. 019 PSA 119 101 Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo. 019 PSA 119 102 Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; sapagka't iyong tinuruan ako. 019 PSA 119 103 Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig! 019 PSA 119 104 Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling. 019 PSA 119 105 Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. 019 PSA 119 106 Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan. 019 PSA 119 107 Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita. 019 PSA 119 108 Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo. 019 PSA 119 109 Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo. 019 PSA 119 110 Ipinaglagay ako ng silo ng masama; gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin. 019 PSA 119 111 Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso. 019 PSA 119 112 Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo, magpakailan man, sa makatuwid baga'y hanggang sa wakas. 019 PSA 119 113 Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko. 019 PSA 119 114 Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko: ako'y umaasa sa iyong salita. 019 PSA 119 115 Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan; upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios. 019 PSA 119 116 Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay; at huwag mo akong hiyain sa aking pagasa. 019 PSA 119 117 Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas, at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan. 019 PSA 119 118 Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan; sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan. 019 PSA 119 119 Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal; kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo. 019 PSA 119 120 Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo; at ako'y takot sa iyong mga kahatulan. 019 PSA 119 121 Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan: huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin. 019 PSA 119 122 Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti: huwag mong ipapighati ako sa palalo. 019 PSA 119 123 Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, at ang iyong matuwid na salita. 019 PSA 119 124 Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. 019 PSA 119 125 Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa; upang aking maalaman ang mga patotoo mo, 019 PSA 119 126 Kapanahunan sa Panginoon na gumawa; sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo. 019 PSA 119 127 Kaya't aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto. 019 PSA 119 128 Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; at ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad. 019 PSA 119 129 Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa. 019 PSA 119 130 Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang. 019 PSA 119 131 Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga; sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo. 019 PSA 119 132 Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan. 019 PSA 119 133 Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan. 019 PSA 119 134 Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo. 019 PSA 119 135 Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. 019 PSA 119 136 Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo. 019 PSA 119 137 Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo. 019 PSA 119 138 Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat. 019 PSA 119 139 Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo. 019 PSA 119 140 Ang salita mo'y totoong malinis; kaya't iniibig ito ng iyong lingkod. 019 PSA 119 141 Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo. 019 PSA 119 142 Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan. 019 PSA 119 143 Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan. 019 PSA 119 144 Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako. 019 PSA 119 145 Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan. 019 PSA 119 146 Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo. 019 PSA 119 147 Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako: ako'y umasa sa iyong mga salita. 019 PSA 119 148 Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, upang aking magunita ang salita mo. 019 PSA 119 149 Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan. 019 PSA 119 150 Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit; sila'y malayo sa iyong kautusan. 019 PSA 119 151 Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; at lahat mong utos ay katotohanan. 019 PSA 119 152 Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man. 019 PSA 119 153 Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan. 019 PSA 119 154 Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako: buhayin mo ako ayon sa iyong salita. 019 PSA 119 155 Kaligtasan ay malayo sa masama; sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo. 019 PSA 119 156 Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon: buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan. 019 PSA 119 157 Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko; gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo. 019 PSA 119 158 Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako'y namanglaw; sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo. 019 PSA 119 159 Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob. 019 PSA 119 160 Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man. 019 PSA 119 161 Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan; nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita. 019 PSA 119 162 Ako'y nagagalak sa iyong salita, na parang nakakasumpong ng malaking samsam. 019 PSA 119 163 Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig. 019 PSA 119 164 Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, dahil sa iyong matutuwid na kahatulan. 019 PSA 119 165 Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod. 019 PSA 119 166 Ako'y umasa sa iyong pagliligtas, Oh Panginoon. At ginawa ko ang mga utos mo. 019 PSA 119 167 Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo; at iniibig kong mainam, 019 PSA 119 168 Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo. 019 PSA 119 169 Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita. 019 PSA 119 170 Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita. 019 PSA 119 171 Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. 019 PSA 119 172 Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran. 019 PSA 119 173 Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin. 019 PSA 119 174 Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan. 019 PSA 119 175 Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan. 019 PSA 119 176 Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos. 019 PSA 120 001 Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako. 019 PSA 120 002 Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila. 019 PSA 120 003 Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila? 019 PSA 120 004 Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro. 019 PSA 120 005 Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar! 019 PSA 120 006 Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan. 019 PSA 120 007 Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma. 019 PSA 121 001 Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo? 019 PSA 121 002 Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa. 019 PSA 121 003 Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip. 019 PSA 121 004 Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man. 019 PSA 121 005 Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan. 019 PSA 121 006 Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi. 019 PSA 121 007 Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa. 019 PSA 121 008 Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man. 019 PSA 122 001 Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin, tayo'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon. 019 PSA 122 002 Ang mga paa natin ay nagsisitayo sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem; 019 PSA 122 003 Jerusalem, na natayo na parang bayang siksikan: 019 PSA 122 004 Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon, na pinaka patotoo sa Israel, upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon. 019 PSA 122 005 Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan, ang mga luklukan ng sangbahayan ni David. 019 PSA 122 006 Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo. 019 PSA 122 007 Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta, at kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio. 019 PSA 122 008 Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama, aking sasabihin ngayon, kapayapaan ang sumaiyong loob. 019 PSA 122 009 Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios. Hahanapin ko ang iyong buti. 019 PSA 123 001 Sa iyo'y aking itinitingin ang mga mata ko, Oh sa iyo na nauupo sa mga langit. 019 PSA 123 002 Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon, kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae; gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios, hanggang sa siya'y maawa sa amin. 019 PSA 123 003 Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin: sapagka't kami ay lubhang lipos ng kadustaan. 019 PSA 123 004 Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos ng duwahagi ng mga tiwasay. At ng paghamak ng palalo. 019 PSA 124 001 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon, 019 PSA 124 002 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin: 019 PSA 124 003 Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin: 019 PSA 124 004 Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos: 019 PSA 124 005 Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig. 019 PSA 124 006 Purihin ang Panginoon, na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin. 019 PSA 124 007 Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli: ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan. 019 PSA 124 008 Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa. 019 PSA 125 001 Silang nagsisitiwala sa Panginoon ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man. 019 PSA 125 002 Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem, gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan, mula sa panahong ito at sa magpakailan man. 019 PSA 125 003 Sapagka't ang cetro ng kasamaan ay hindi bubuhatin sa mga matuwid; upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan. 019 PSA 125 004 Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti, at yaong matutuwid sa kanilang mga puso. 019 PSA 125 005 Nguni't sa nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad, ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan. Kapayapaan nawa ay suma Israel. 019 PSA 126 001 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion, tayo ay gaya niyaong nangananaginip. 019 PSA 126 002 Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa, at ang dila natin ng awit: nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa, Ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay. 019 PSA 126 003 Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay; na siyang ating ikinatutuwa. 019 PSA 126 004 Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon, na gaya ng mga batis sa Timugan. 019 PSA 126 005 Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan. 019 PSA 126 006 Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas. 019 PSA 127 001 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo: malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang bantay. 019 PSA 127 002 Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga, at magpahingang tanghali, at magsikain ng tinapay ng kapagalan: sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal. 019 PSA 127 003 Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon: at ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala. 019 PSA 127 004 Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake, gayon ang mga anak ng kabataan. 019 PSA 127 005 Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon: sila'y hindi mapapahiya, pagka sila'y nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa pintuang-bayan. 019 PSA 128 001 Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan. 019 PSA 128 002 Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo. 019 PSA 128 003 Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang. 019 PSA 128 004 Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon. 019 PSA 128 005 Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion: at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay. 019 PSA 128 006 Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa'y suma Israel. 019 PSA 129 001 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel, 019 PSA 129 002 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin. 019 PSA 129 003 Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal. 019 PSA 129 004 Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga panali ng masama. 019 PSA 129 005 Mapahiya sila at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion. 019 PSA 129 006 Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki: 019 PSA 129 007 Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon, ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan. 019 PSA 129 008 Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan, ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon. 019 PSA 130 001 Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon. 019 PSA 130 002 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik. 019 PSA 130 003 Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo? 019 PSA 130 004 Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan. 019 PSA 130 005 Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako. 019 PSA 130 006 Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga. 019 PSA 130 007 Oh Israel, umasa ka sa Panginoon; sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob. 019 PSA 130 008 At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan. 019 PSA 131 001 Panginoon, hindi hambog ang aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata; ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay, o sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin. 019 PSA 131 002 Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa; parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina, ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso. 019 PSA 131 003 Oh Israel, umasa ka sa Panginoon mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man. 019 PSA 132 001 Panginoon, alalahanin mo para kay David ang lahat niyang kadalamhatian; 019 PSA 132 002 Kung paanong sumumpa siya sa Panginoon, at nanata sa Makapangyarihan ni Jacob: 019 PSA 132 003 Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay, ni sasampa man sa aking higaan, 019 PSA 132 004 Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata, o magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata; 019 PSA 132 005 Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon, ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob. 019 PSA 132 006 Narito, narinig namin sa Ephrata: aming nasumpungan sa mga parang ng gubat. 019 PSA 132 007 Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo; kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan. 019 PSA 132 008 Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako: ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan. 019 PSA 132 009 Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran; at magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan. 019 PSA 132 010 Dahil sa iyong lingkod na kay David huwag mong ipihit ang mukha ng iyong pinahiran ng langis. 019 PSA 132 011 Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan; hindi niya babaligtarin: ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan. 019 PSA 132 012 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan. At ang aking patotoo na aking ituturo, magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man. 019 PSA 132 013 Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion; kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya. 019 PSA 132 014 Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man. Dito ako tatahan; sapagka't aking ninasa. 019 PSA 132 015 Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain; aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha. 019 PSA 132 016 Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan: at ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan. 019 PSA 132 017 Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David: aking ipinaghanda ng ilawan ang aking pinahiran ng langis. 019 PSA 132 018 Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan: nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong. 019 PSA 133 001 Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa! 019 PSA 133 002 Parang mahalagang langis sa ulo, na tumutulo sa balbas, sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron. Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot; 019 PSA 133 003 Gaya ng hamog sa Hermon, na tumutulo sa mga bundok ng Sion: sapagka't doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala, sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man. 019 PSA 134 001 Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon. Ninyong nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon. 019 PSA 134 002 Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario, at purihin ninyo ang Panginoon. 019 PSA 134 003 Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion; sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa. 019 PSA 135 001 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon; purihin ninyo siya, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon: 019 PSA 135 002 Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon. Sa mga looban ng bahay ng ating Dios. 019 PSA 135 003 Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't ang Panginoon ay mabuti: magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan; sapagka't maligaya. 019 PSA 135 004 Sapagka't pinili ng Panginoon para sa kaniya si Jacob, at ang Israel na kaniyang pinakatanging kayamanan. 019 PSA 135 005 Sapagka't nalalaman ko na ang Panginoon ay dakila, at ang ating Panginoon ay higit sa lahat na dios. 019 PSA 135 006 Anomang kinalugdan ng Panginoon, ay kaniyang ginawa, sa langit at sa lupa, sa mga dagat, at sa lahat ng mga kalaliman. 019 PSA 135 007 Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa; kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan; kaniyang inilalabas ang hangin mula sa kaniyang mga ingatang-yaman. 019 PSA 135 008 Na siyang sumakit sa mga panganay sa Egipto, sa tao at gayon din sa hayop. 019 PSA 135 009 Siya'y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo, Oh Egipto, kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod. 019 PSA 135 010 Na siyang sumakit sa maraming bansa, at pumatay sa mga makapangyarihang hari; 019 PSA 135 011 Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, at kay Og na hari sa Basan, at sa lahat ng mga kaharian ng Canaan: 019 PSA 135 012 At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana, isang pinakamana sa Israel sa kaniyang bayan. 019 PSA 135 013 Ang iyong pangalan, Oh Panginoon, ay magpakailan man; ang alaala sa iyo, Oh Panginoon, ay sa lahat ng sali't saling lahi. 019 PSA 135 014 Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan, at magsisisi tungkol sa kaniyang mga lingkod. 019 PSA 135 015 Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto, na gawa ng mga kamay ng mga tao. 019 PSA 135 016 Sila'y may mga bibig, nguni't hindi sila nangagsasalita; mga mata ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita; 019 PSA 135 017 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; at wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig. 019 PSA 135 018 Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa't tumitiwala sa kanila. 019 PSA 135 019 Oh sangbahayan ni Israel, purihin ninyo ang Panginoon: Oh sangbahayan ni Aaron, purihin ninyo ang Panginoon: 019 PSA 135 020 Oh sangbahayan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon: ninyong nangatatakot sa Panginoon, purihin ninyo ang Panginoon. 019 PSA 135 021 Purihin ang Panginoon mula sa Sion, na siyang tumatahan sa Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon. 019 PSA 136 001 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 136 002 Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 136 003 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 136 004 Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 136 005 Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 136 006 Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 136 007 Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: 019 PSA 136 008 Ng araw upang magpuno sa araw: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: 019 PSA 136 009 Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 136 010 Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: 019 PSA 136 011 At kinuha ang Israel sa kanila: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: 019 PSA 136 012 Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 136 013 Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: 019 PSA 136 014 At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: 019 PSA 136 015 Nguni't tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 136 016 Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 136 017 Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: 019 PSA 136 018 At pumatay sa mga bantog na hari: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: 019 PSA 136 019 Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: 019 PSA 136 020 At kay Og na hari sa Basan: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: 019 PSA 136 021 At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana. Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: 019 PSA 136 022 Sa makatuwid baga'y pinakamana sa Israel na kaniyang lingkod: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 136 023 Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: 019 PSA 136 024 At iniligtas tayo sa ating mga kaaway: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: 019 PSA 136 025 Siya'y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 136 026 Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 019 PSA 137 001 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia, doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo, nang ating maalaala ang Sion. 019 PSA 137 002 Sa mga punong sauce sa gitna niyaon ating ibinitin ang ating mga alpa. 019 PSA 137 003 Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit, at silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi: Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion. 019 PSA 137 004 Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon sa ibang lupain? 019 PSA 137 005 Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem, kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan. 019 PSA 137 006 Dumikit nawa ang aking dila sa ngalangala ng aking bibig, kung hindi kita alalahanin; kung hindi ko piliin ang Jerusalem ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan. 019 PSA 137 007 Alalahanin mo Oh Panginoon, laban sa mga anak ni Edom ang kaarawan ng Jerusalem; na nagsabi, Sirain, sirain, pati ng patibayan niyaon. 019 PSA 137 008 Oh anak na babae ng Babilonia, na sira; magiging mapalad siya, na gumaganti sa iyo na gaya ng iyong ginawa sa amin. 019 PSA 137 009 Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata sa malaking bato. 019 PSA 138 001 Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso: sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo. 019 PSA 138 002 Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo, at magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan: sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan. 019 PSA 138 003 Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako, iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa. 019 PSA 138 004 Lahat ng mga hari sa lupa ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig. 019 PSA 138 005 Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon; sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon. 019 PSA 138 006 Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, gumagalang din sa mababa: nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo. 019 PSA 138 007 Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako; iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway, at ililigtas ako ng iyong kanan. 019 PSA 138 008 Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin: ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man; huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay. 019 PSA 139 001 Oh Panginoon, iyong siniyasat ako, at nakilala ako. 019 PSA 139 002 Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig, iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo. 019 PSA 139 003 Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan, at iyong kilala ang lahat kong mga lakad. 019 PSA 139 004 Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo. 019 PSA 139 005 Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan, at inilapag mo ang iyong kamay sa akin. 019 PSA 139 006 Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin; ito'y mataas, hindi ko maabot. 019 PSA 139 007 Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan? 019 PSA 139 008 Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon. 019 PSA 139 009 Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat; 019 PSA 139 010 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin. 019 PSA 139 011 Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, at ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi; 019 PSA 139 012 Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw: ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo. 019 PSA 139 013 Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob: iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina. 019 PSA 139 014 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa. 019 PSA 139 015 Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y gawin sa lihim, at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa. 019 PSA 139 016 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal, at sa iyong aklat ay pawang nangasulat, kahit na ang mga araw na itinakda sa akin, nang wala pang anoman sa kanila, 019 PSA 139 017 Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios! Pagka dakila ng kabuoan nila! 019 PSA 139 018 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin: pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako. 019 PSA 139 019 Walang pagsalang iyong papatayin ang masama, Oh Dios: hiwalayan nga ninyo ako, Oh mga mabagsik na tao. 019 PSA 139 020 Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan, at ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan. 019 PSA 139 021 Hindi ko ba ipinagtatanim sila, Oh Panginoon, na nagtatanim sa iyo? At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo? 019 PSA 139 022 Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan: sila'y naging mga kaaway ko. 019 PSA 139 023 Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip: 019 PSA 139 024 At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan. 019 PSA 140 001 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao; ingatan mo ako sa marahas na tao: 019 PSA 140 002 Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso: laging nagpipipisan sila sa pagdidigma. 019 PSA 140 003 Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas; kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah) 019 PSA 140 004 Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama; ingatan mo ako sa marahas na tao: na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang. 019 PSA 140 005 Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali; kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan; sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah) 019 PSA 140 006 Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko: Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon. 019 PSA 140 007 Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan, iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka. 019 PSA 140 008 Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama; huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka; baka sila'y mangagmalaki. (Selah) 019 PSA 140 009 Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot, takpan sila ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi. 019 PSA 140 010 Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas: mangahagis sila sa apoy; sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli. 019 PSA 140 011 Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa: huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya. 019 PSA 140 012 Nalalaman ko na aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati, at ang matuwid ng mapagkailangan. 019 PSA 140 013 Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan: ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan. 019 PSA 141 001 Panginoon, ako'y tumawag sa iyo: magmadali ka sa akin: pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo. 019 PSA 141 002 Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo; ang pagtataas ng aking mga kamay na parang hain sa kinahapunan. 019 PSA 141 003 Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig; ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi. 019 PSA 141 004 Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay, na gumawa sa mga gawa ng kasamaan na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan: at huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain. 019 PSA 141 005 Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob; at sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo; huwag tanggihan ng aking ulo: sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko. 019 PSA 141 006 Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato; at kanilang maririnig ang aking mga salita; sapagka't matatamis. 019 PSA 141 007 Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa, gayon ang aming mga buto ay nangangalat sa bibig ng Sheol. 019 PSA 141 008 Sapagka't ang mga mata ko'y nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon: sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili. 019 PSA 141 009 Iligtas mo ako sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin, at sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan. 019 PSA 141 010 Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating. Habang ako'y nakatatanan. 019 PSA 142 001 Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon; ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon. 019 PSA 142 002 Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya; aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko. 019 PSA 142 003 Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko, nalaman mo ang aking landas. Sa daan na aking nilalakaran ay pinagkukublihan nila ako ng silo. 019 PSA 142 004 Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo: sapagka't walang tao na nakakakilala sa akin: kanlungan ay kulang ako; walang taong lumilingap sa aking kaluluwa. 019 PSA 142 005 Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan, aking bahagi sa lupain ng may buhay. 019 PSA 142 006 Pakinggan mo ang aking daing; sapagka't ako'y totoong nababa: iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin; sapagka't sila'y malakas kay sa akin. 019 PSA 142 007 Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan, upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan: kubkubin ako ng matuwid; sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin. 019 PSA 143 001 Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik: sa iyong pagtatapat ay sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran. 019 PSA 143 002 At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod; sapagka't sa iyong paningin ay walang taong may buhay na aariing ganap. 019 PSA 143 003 Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko; kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa: kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon. 019 PSA 143 004 Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko; ang puso ko sa loob ko ay bagbag. 019 PSA 143 005 Aking naaalaala ang mga araw ng una; aking ginugunita ang lahat mong mga gawa: aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay. 019 PSA 143 006 Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo: ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah) 019 PSA 143 007 Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko'y nanglulupaypay: huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin; baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay. 019 PSA 143 008 Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan; sapagka't sa iyo ako tumitiwala: ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran; sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo. 019 PSA 143 009 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway: tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako. 019 PSA 143 010 Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban; sapagka't ikaw ay aking Dios: ang iyong Espiritu ay mabuti; patnubayan mo ako sa lupain ng katuwiran. 019 PSA 143 011 Buhayin mo ako, Oh Panginoon, dahil sa iyong pangalan: sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan, 019 PSA 143 012 At sa iyong kagandahang-loob ay ihiwalay mo ang aking mga kaaway, at lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa; sapagka't ako'y iyong lingkod. 019 PSA 144 001 Purihin ang Panginoon na aking malaking bato, na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma, at ang mga daliri ko na magsilaban: 019 PSA 144 002 Aking kagandahang-loob, at aking katibayan, aking matayog na moog, at aking tagapagligtas; aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong; na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin. 019 PSA 144 003 Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya? O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya? 019 PSA 144 004 Ang tao ay parang walang kabuluhan: ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam. 019 PSA 144 005 Ikiling mo ang iyong mga langit, Oh Panginoon, at bumaba ka: hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok. 019 PSA 144 006 Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila; suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila, 019 PSA 144 007 Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas; sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig, sa kamay ng mga taga ibang lupa; 019 PSA 144 008 Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan. 019 PSA 144 009 Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, Oh Dios: sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo. 019 PSA 144 010 Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari: na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak. 019 PSA 144 011 Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa. Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan, at ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan. 019 PSA 144 012 Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan; at ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio. 019 PSA 144 013 Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay; at ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang; 019 PSA 144 014 Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti; pagka walang salot, at sakuna, at walang panaghoy sa aming mga lansangan; 019 PSA 144 015 Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan: maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon. 019 PSA 145 001 Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man. 019 PSA 145 002 Araw-araw ay pupurihin kita; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man. 019 PSA 145 003 Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin; at ang kaniyang kadakilaan ay hindi masayod. 019 PSA 145 004 Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa. At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa. 019 PSA 145 005 Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan, at sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako. 019 PSA 145 006 At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa; at aking ipahahayag ang iyong kadakilaan. 019 PSA 145 007 Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan, at aawitin nila ang iyong katuwiran. 019 PSA 145 008 Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan; banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob. 019 PSA 145 009 Ang Panginoon ay mabuti sa lahat; at ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa. 019 PSA 145 010 Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon; at pupurihin ka ng iyong mga banal. 019 PSA 145 011 Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at mangungusap ng iyong kapangyarihan; 019 PSA 145 012 Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa, at ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian. 019 PSA 145 013 Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian, at ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi. 019 PSA 145 014 Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal, at itinatayo yaong nangasusubasob. 019 PSA 145 015 Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo; at iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon. 019 PSA 145 016 Iyong binubuksan ang iyong kamay, at sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay. 019 PSA 145 017 Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan, at mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa. 019 PSA 145 018 Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya, sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan. 019 PSA 145 019 Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya; kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila. 019 PSA 145 020 Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya; nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya. 019 PSA 145 021 Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon; at purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man. 019 PSA 146 001 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. 019 PSA 146 002 Samantalang ako'y nabubuhay ay pupurihin ko ang Panginoon: ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay. 019 PSA 146 003 Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo. 019 PSA 146 004 Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip. 019 PSA 146 005 Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios: 019 PSA 146 006 Na gumawa ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat na nandoon; na nagiingat ng katotohanan magpakailan man: 019 PSA 146 007 Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati; na nagbibigay ng pagkain sa gutom: pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo; 019 PSA 146 008 Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag; ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob; iniibig ng Panginoon ang matuwid; 019 PSA 146 009 Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa; kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao; nguni't ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad. 019 PSA 146 010 Maghahari ang Panginoon magpakailan man. Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi. Purihin ninyo ang Panginoon. 019 PSA 147 001 Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios; sapagka't maligaya, at ang pagpuri ay nakalulugod. 019 PSA 147 002 Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem; kaniyang pinipisan ang mga natapon na Israel. 019 PSA 147 003 Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat. 019 PSA 147 004 Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin; siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan. 019 PSA 147 005 Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan; ang kaniyang unawa ay walang hanggan, 019 PSA 147 006 Inaalalayan ng Panginoon ang maamo: kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama. 019 PSA 147 007 Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios: 019 PSA 147 008 Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap. Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa, na nagpapatubo ng damo sa mga bundok. 019 PSA 147 009 Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain. At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing. 019 PSA 147 010 Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo: siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao. 019 PSA 147 011 Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob. 019 PSA 147 012 Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem; purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion. 019 PSA 147 013 Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan; kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo. 019 PSA 147 014 Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan; kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo. 019 PSA 147 015 Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa; ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi. 019 PSA 147 016 Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa; siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo. 019 PSA 147 017 Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo: sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon? 019 PSA 147 018 Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw: kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos. 019 PSA 147 019 Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob, ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel. 019 PSA 147 020 Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa: at tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman. Purihin ninyo ang Panginoon. 019 PSA 148 001 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit: purihin ninyo siya sa mga kaitaasan. 019 PSA 148 002 Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel: purihin ninyo siya, buo niyang hukbo. 019 PSA 148 003 Purihin ninyo siya, araw at buwan: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag. 019 PSA 148 004 Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit, at ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit. 019 PSA 148 005 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon: sapagka't siya'y nagutos, at sila'y nangalikha. 019 PSA 148 006 Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man: siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi. 019 PSA 148 007 Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa, Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman: 019 PSA 148 008 Apoy at granizo, nieve at singaw; unos na hangin, na gumaganap ng kaniyang salita: 019 PSA 148 009 Mga bundok at lahat ng mga gulod; mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro: 019 PSA 148 010 Mga hayop at buong kawan; nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad: 019 PSA 148 011 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan; mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa: 019 PSA 148 012 Mga binata at gayon din ng mga dalaga; mga matanda at mga bata: 019 PSA 148 013 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon; sapagka't ang kaniyang pangalan magisa ay nabunyi: ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit. 019 PSA 148 014 At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan, ang papuri ng lahat niyang mga banal; sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, na bayang malapit sa kaniya. Purihin ninyo ang Panginoon. 019 PSA 149 001 Purihin ninyo ang Panginoon. Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga banal. 019 PSA 149 002 Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya: magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari. 019 PSA 149 003 Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw: magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa. 019 PSA 149 004 Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan: kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo. 019 PSA 149 005 Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian: magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan. 019 PSA 149 006 Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios, at tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay; 019 PSA 149 007 Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa, at mga parusa sa mga bayan; 019 PSA 149 008 Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala, at ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal; 019 PSA 149 009 Upang magsagawa sa kanila ng hatol na nasusulat: mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal. Purihin ninyo ang Panginoon. 019 PSA 150 001 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan. 019 PSA 150 002 Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan. 019 PSA 150 003 Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak: purihin ninyo siya ng salterio at alpa. 019 PSA 150 004 Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw: purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta. 019 PSA 150 005 Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo. Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo. 019 PSA 150 006 Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon. # # BOOK 020 PRO Proverbs Mga Kawikaan 020 PRO 001 001 Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel: 020 PRO 001 002 Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa; 020 PRO 001 003 Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan; 020 PRO 001 004 Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan: 020 PRO 001 005 Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo: 020 PRO 001 006 Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi. 020 PRO 001 007 Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo. 020 PRO 001 008 Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina: 020 PRO 001 009 Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg. 020 PRO 001 010 Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, huwag mong tulutan. 020 PRO 001 011 Kung kanilang sabihin, sumama ka sa amin, tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala; 020 PRO 001 012 Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw; 020 PRO 001 013 Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari, ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam; 020 PRO 001 014 Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; magkakaroon tayong lahat ng isang supot: 020 PRO 001 015 Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas: 020 PRO 001 016 Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, at sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo. 020 PRO 001 017 Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo, sa paningin ng alin mang ibon: 020 PRO 001 018 At binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo, kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay. 020 PRO 001 019 Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang; na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon. 020 PRO 001 020 Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan; kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako; 020 PRO 001 021 Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan; sa pasukan ng mga pintuang-bayan, sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita: 020 PRO 001 022 Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan? At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya, at ang mga mangmang ay mangagtatanim sa kaalaman? 020 PRO 001 023 Magsibalik kayo sa aking saway: narito, aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo. 020 PRO 001 024 Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig; 020 PRO 001 025 Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway: 020 PRO 001 026 Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating; 020 PRO 001 027 Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. 020 PRO 001 028 Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan: 020 PRO 001 029 Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon. 020 PRO 001 030 Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak ang buo kong pagsaway: 020 PRO 001 031 Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan. 020 PRO 001 032 Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos, at ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila. 020 PRO 001 033 Nguni't ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay. At tatahimik na walang takot sa kasamaan. 020 PRO 002 001 Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, at tataglayin mo ang aking mga utos; 020 PRO 002 002 Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan, at ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa; 020 PRO 002 003 Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa; 020 PRO 002 004 Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago. 020 PRO 002 005 Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios. 020 PRO 002 006 Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan: 020 PRO 002 007 Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan, siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat; 020 PRO 002 008 Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan, at maingatan ang daan ng kaniyang mga banal. 020 PRO 002 009 Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan, at ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas. 020 PRO 002 010 Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso, at kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa; 020 PRO 002 011 Kabaitan ay magbabantay sa iyo, pagkaunawa ay magiingat sa iyo: 020 PRO 002 012 Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan, sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay; 020 PRO 002 013 Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran, upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman; 020 PRO 002 014 Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan, at nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan, 020 PRO 002 015 Na mga liko sa kanilang mga lakad, at mga suwail sa kanilang mga landas: 020 PRO 002 016 Upang iligtas ka sa masamang babae, sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita; 020 PRO 002 017 Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios: 020 PRO 002 018 Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, at ang kaniyang mga landas na sa patay: 020 PRO 002 019 Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli, ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay: 020 PRO 002 020 Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao, at maingatan ang mga landas ng matuwid. 020 PRO 002 021 Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain, at ang sakdal ay mamamalagi roon. 020 PRO 002 022 Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain, at silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot. 020 PRO 003 001 Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos: 020 PRO 003 002 Sapagka't karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ay madadagdag sa iyo. 020 PRO 003 003 Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso: 020 PRO 003 004 Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Dios at ng tao. 020 PRO 003 005 Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: 020 PRO 003 006 Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas. 020 PRO 003 007 Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan: 020 PRO 003 008 Magiging kagalingan sa iyong pusod, at utak sa iyong mga buto. 020 PRO 003 009 Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani: 020 PRO 003 010 Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana, at ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak. 020 PRO 003 011 Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway: 020 PRO 003 012 Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran. 020 PRO 003 013 Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. 020 PRO 003 014 Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, at ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto. 020 PRO 003 015 Mahalaga nga kay sa mga rubi; at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya, 020 PRO 003 016 Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya, sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan. 020 PRO 003 017 Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, at lahat niyang mga landas ay kapayapaan. 020 PRO 003 018 Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya: at mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya. 020 PRO 003 019 Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan. 020 PRO 003 020 Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman, at ang mga alapaap ay nagsipatak ng hamog. 020 PRO 003 021 Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata; ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan; 020 PRO 003 022 Sa gayo'y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa, at biyaya sa iyong leeg. 020 PRO 003 023 Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay, at ang iyong paa ay hindi matitisod. 020 PRO 003 024 Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot: Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing. 020 PRO 003 025 Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot, ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating: 020 PRO 003 026 Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala, at iingatan ang iyong paa sa pagkahuli. 020 PRO 003 027 Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin. 020 PRO 003 028 Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli, at bukas ay magbibigay ako; pagka ikaw ay mayroon. 020 PRO 003 029 Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa, na palibhasa't tumatahang tiwasay sa siping mo. 020 PRO 003 030 Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan, kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo. 020 PRO 003 031 Huwag kang managhili sa taong marahas, at huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad. 020 PRO 003 032 Sapagka't ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid. 020 PRO 003 033 Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid. 020 PRO 003 034 Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi, nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa. 020 PRO 003 035 Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian; nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang. 020 PRO 004 001 Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan: 020 PRO 004 002 Sapagka't bibigyan ko kayo ng mabuting aral; huwag ninyong bayaan ang aking kautusan. 020 PRO 004 003 Sapagka't ako'y anak sa aking ama, malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina. 020 PRO 004 004 At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin: Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita; ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka: 020 PRO 004 005 Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan; huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig: 020 PRO 004 006 Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya; ibigin mo siya at iingatan ka niya. 020 PRO 004 007 Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa. 020 PRO 004 008 Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka: kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya. 020 PRO 004 009 Siya'y magbibigay sa iyong ulo ng pugong na biyaya: isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo. 020 PRO 004 010 Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi; at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami. 020 PRO 004 011 Aking itinuro ka sa daan ng karunungan; aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran. 020 PRO 004 012 Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang; at kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod. 020 PRO 004 013 Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan; sapagka't siya'y iyong buhay. 020 PRO 004 014 Huwag kang pumasok sa landas ng masama, at huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao. 020 PRO 004 015 Ilagan mo, huwag mong daanan; likuan mo, at magpatuloy ka. 020 PRO 004 016 Sapagka't hindi sila nangatutulog, malibang sila'y nakagawa ng kasamaan; at ang kanilang tulog ay napapawi, malibang sila'y makapagpabuwal. 020 PRO 004 017 Sapagka't sila'y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan, at nagsisiinom ng alak ng karahasan. 020 PRO 004 018 Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw. 020 PRO 004 019 Ang lakad ng masama ay parang kadiliman: Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran. 020 PRO 004 020 Anak ko, makinig ka sa aking mga salita; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi. 020 PRO 004 021 Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata; Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso. 020 PRO 004 022 Sapagka't buhay sa nangakakasumpong, at kagalingan sa buo nilang katawan. 020 PRO 004 023 Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap; sapagka't dinadaluyan ng buhay, 020 PRO 004 024 Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig, at ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo. 020 PRO 004 025 Tuminging matuwid ang iyong mga mata, at ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo. 020 PRO 004 026 Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa, at mangatatag ang lahat ng iyong lakad. 020 PRO 004 027 Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man: ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan. 020 PRO 005 001 Anak ko, pakinggan mo ang aking karunungan; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa: 020 PRO 005 002 Upang makapagingat ka ng kabaitan, at upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman. 020 PRO 005 003 Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis: 020 PRO 005 004 Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, matalas na parang tabak na may talim sa magkabila. 020 PRO 005 005 Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol; 020 PRO 005 006 Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay; ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman. 020 PRO 005 007 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig. 020 PRO 005 008 Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya, at huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay: 020 PRO 005 009 Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba, at ang iyong mga taon sa mga mabagsik: 020 PRO 005 010 Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid; 020 PRO 005 011 At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas, pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw, 020 PRO 005 012 At iyong sabihin, bakit ko kinayamutan ang turo, at hinamak ng aking puso ang saway: 020 PRO 005 013 Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo, O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin! 020 PRO 005 014 Ako'y malapit sa lahat ng kasamaan sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan. 020 PRO 005 015 Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig, at sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon. 020 PRO 005 016 Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan, at mga agos ng tubig sa mga lansangan? 020 PRO 005 017 Maging iyong magisa, at huwag sa di kilala na kasama mo. 020 PRO 005 018 Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan. 020 PRO 005 019 Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae, bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon; at laging malugod ka sa kaniyang pagibig. 020 PRO 005 020 Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, at yayakap sa sinapupunan ng di kilala? 020 PRO 005 021 Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, at kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas. 020 PRO 005 022 Ang sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama. At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan. 020 PRO 005 023 Siya'y mamamatay sa kakulangan ng turo; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya. 020 PRO 006 001 Anak ko, kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa, kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala, 020 PRO 006 002 Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig, ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig. 020 PRO 006 003 Gawin mo ito ngayon, anak ko, at lumigtas ka, yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa: yumaon ka, magpakababa ka, at mangayupapa ka sa iyong kapuwa. 020 PRO 006 004 Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata. O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata. 020 PRO 006 005 Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso, at parang ibon sa kamay ng mamimitag. 020 PRO 006 006 Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka: 020 PRO 006 007 Na bagaman walang pangulo, tagapamahala, o pinuno, 020 PRO 006 008 Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit, at pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani. 020 PRO 006 009 Hanggang kailan matutulog ka, Oh tamad? Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog? 020 PRO 006 010 Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog: 020 PRO 006 011 Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay darating na parang magnanakaw, at ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata. 020 PRO 006 012 Taong walang kabuluhan, taong masama, ay siya na lumalakad na may masamang bibig; 020 PRO 006 013 Na kumikindat ng kaniyang mga mata, na nagsasalita ng kaniyang mga paa, na nagsasalita ng kaniyang mga daliri; 020 PRO 006 014 Pagdaraya ay nasa kaniyang puso, siya'y laging kumakatha ng kasamaan; siya'y naghahasik ng pagtatalo. 020 PRO 006 015 Kaya't darating na bigla ang kaniyang kasakunaan; sa kabiglaanan ay mababasag siya, at walang kagamutan. 020 PRO 006 016 May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya: 020 PRO 006 017 Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; 020 PRO 006 018 Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan; 020 PRO 006 019 Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid. 020 PRO 006 020 Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina: 020 PRO 006 021 Ikintal mong lagi sa iyong puso, itali mo sa iyong leeg. 020 PRO 006 022 Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo; pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo; at pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo. 020 PRO 006 023 Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay: 020 PRO 006 024 Upang ingatan ka sa masamang babae, Sa tabil ng dila ng di kilala. 020 PRO 006 025 Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso; at huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata. 020 PRO 006 026 Sapagka't dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay: at hinuhuli ng mangangalunya ang mahalagang buhay. 020 PRO 006 027 Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan, at hindi masusunog ang kaniyang mga suot? 020 PRO 006 028 O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga, at ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso? 020 PRO 006 029 Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa; sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan. 020 PRO 006 030 Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya'y nagnanakaw, upang busugin siya pagka siya'y gutom: 020 PRO 006 031 Nguni't kung siya'y masumpungan, isasauli niyang makapito; kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay. 020 PRO 006 032 Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay walang bait: ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa. 020 PRO 006 033 Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya; at ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi. 020 PRO 006 034 Sapagka't ang paninibugho ay pagiinit ng tao; at hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti. 020 PRO 006 035 Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos; ni magpapahinga man siyang tuwa, bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol. 020 PRO 007 001 Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos. 020 PRO 007 002 Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata. 020 PRO 007 003 Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso. 020 PRO 007 004 Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay aking kapatid na babae; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa: 020 PRO 007 005 Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama; sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita. 020 PRO 007 006 Sapagka't sa dungawan ng aking bahay tumitingin ako sa aking solihia; 020 PRO 007 007 At ako'y tumingin sa mga musmos, ako'y nagmasid sa mga may kabataan, sa may kabataang walang bait, 020 PRO 007 008 Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok, at siya'y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay; 020 PRO 007 009 Sa pagtatakip silim, sa kinagabihan ng araw, sa kalahatian ng gabi, at sa kadiliman. 020 PRO 007 010 At, narito, doo'y nasalubong niya ang isang babae na nakagayak ng tila isang patutot, at tuso sa puso. 020 PRO 007 011 Siya'y madaldal at matigas ang ulo; ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay: 020 PRO 007 012 Ngayo'y nasa mga lansangan siya, mamaya'y nasa mga luwal na dako siya, at nagaabang sa bawa't sulok, 020 PRO 007 013 Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya, at may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya: 020 PRO 007 014 Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin; sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata. 020 PRO 007 015 Kaya't lumabas ako upang salubungin ka, hinanap kong masikap ang iyong mukha, at nasumpungan kita. 020 PRO 007 016 Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda, na yari sa guhitguhit na kayong lana sa Egipto. 020 PRO 007 017 At aking pinabanguhan ang aking higaan ng mira, mga oleo, at sinamomo. 020 PRO 007 018 Parito ka, tayo'y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan; magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan. 020 PRO 007 019 Sapagka't ang lalake ay wala sa bahay, siya'y naglakbay sa malayo: 020 PRO 007 020 Siya'y nagdala ng supot ng salapi; siya'y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan. 020 PRO 007 021 Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan ng kaniyang mga matamis na salita, hinihila niya siya ng katabilan ng kaniyang mga labi. 020 PRO 007 022 Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya, gaya ng toro na naparoroon sa patayan, O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang; 020 PRO 007 023 Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay; gaya ng ibong nagmamadali sa bitag, at hindi nakakaalam na yao'y sa kaniyang buhay. 020 PRO 007 024 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at makinig kayo ng mga salita ng aking bibig. 020 PRO 007 025 Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad, huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas. 020 PRO 007 026 Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat: Oo, lahat niyang pinatay ay isang makapangyarihang hukbo. 020 PRO 007 027 Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol. Pababa sa mga silid ng kamatayan. 020 PRO 008 001 Hindi ba umiiyak ang karunungan, at inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig? 020 PRO 008 002 Sa taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan, sa mga salubungang landas, siya'y tumatayo; 020 PRO 008 003 Sa tabi ng mga pintuang-bayan sa pasukan ng bayan, sa pasukan sa mga pintuan siya'y humihiyaw ng malakas: 020 PRO 008 004 Sa inyo, Oh mga lalake, ako'y tumatawag; at ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao. 020 PRO 008 005 Oh kayong mga musmos, magsiunawa kayo ng katalinuhan; at, kayong mga mangmang, makaunawa kayo sa puso. 020 PRO 008 006 Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga marilag na bagay; at ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay, 020 PRO 008 007 Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan; at kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi. 020 PRO 008 008 Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran; walang bagay na liko o suwail sa kanila. 020 PRO 008 009 Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, at matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman. 020 PRO 008 010 Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak; at ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto. 020 PRO 008 011 Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi; at lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya. 020 PRO 008 012 Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, at aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita. 020 PRO 008 013 Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan; Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad, at ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim. 020 PRO 008 014 Payo ay akin at magaling na kaalaman: ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan, 020 PRO 008 015 Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari, at nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo. 020 PRO 008 016 Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo, at ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa. 020 PRO 008 017 Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin; at yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan ako. 020 PRO 008 018 Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin; Oo, lumalaging mga kayamanan at katuwiran. 020 PRO 008 019 Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto, oo, kay sa dalisay na ginto; at ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak. 020 PRO 008 020 Ako'y lumalakad sa daan ng katuwiran, sa gitna ng mga landas ng kahatulan: 020 PRO 008 021 Upang aking papagmanahin ng pag-aari yaong nagsisiibig sa akin, at upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman. 020 PRO 008 022 Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. 020 PRO 008 023 Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa. 020 PRO 008 024 Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. 020 PRO 008 025 Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas: 020 PRO 008 026 Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. 020 PRO 008 027 Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: 020 PRO 008 028 Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: 020 PRO 008 029 Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: 020 PRO 008 030 Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya; 020 PRO 008 031 Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa; at ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao. 020 PRO 008 032 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako: sapagka't mapalad ang nangagiingat ng aking mga daan. 020 PRO 008 033 Mangakinig kayo ng turo, at kayo'y magpakapantas, at huwag ninyong tanggihan. 020 PRO 008 034 Mapalad ang tao na nakikinig sa akin, na nagbabantay araw-araw sa aking mga pintuang-bayan, na naghihintay sa mga haligi ng aking mga pintuan. 020 PRO 008 035 Sapagka't sinomang nakakasumpong sa akin, ay nakakasumpong ng buhay. At magtatamo ng lingap ng Panginoon. 020 PRO 008 036 Nguni't siyang nagkakasala laban sa akin ay nagliligaw ng kaniyang sariling kaluluwa; silang lahat na nangagtatanim sa akin ay nagsisiibig ng kamatayan. 020 PRO 009 001 Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay, kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi: 020 PRO 009 002 Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak; kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang. 020 PRO 009 003 Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae; siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan: 020 PRO 009 004 Kung sinoma'y musmos, pumasok dito: tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya: 020 PRO 009 005 Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay, at magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan. 020 PRO 009 006 Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay; at kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan. 020 PRO 009 007 Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili: at siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili. 020 PRO 009 008 Huwag mong sawayin ang manglilibak, baka ipagtanim ka niya: sawayin mo ang pantas, at kaniyang iibigin ka. 020 PRO 009 009 Turuan mo ang pantas, at siya'y magiging lalong pantas pa: iyong turuan ang matuwid, at siya'y lalago sa pagkatuto. 020 PRO 009 010 Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan. 020 PRO 009 011 Sapagka't sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan, at ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami. 020 PRO 009 012 Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili: at kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa ang magpapasan. 020 PRO 009 013 Ang hangal na babae ay madaldal; siya'y musmos at walang nalalaman. 020 PRO 009 014 At siya'y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay, sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan, 020 PRO 009 015 Upang tawagin ang nangagdadaan, na nagsisiyaong matuwid ng kanilang mga lakad: 020 PRO 009 016 Sinomang musmos ay pumasok dito: at tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya: 020 PRO 009 017 Ang mga nakaw na tubig ay matamis, at ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap. 020 PRO 009 018 Nguni't hindi niya nalalaman na ang patay ay nandoon; na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol. 020 PRO 010 001 Mga kawikaan ni Salomon. Ang pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama: nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina. 020 PRO 010 002 Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan. 020 PRO 010 003 Hindi titiisin ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid: nguni't kaniyang itinatakuwil ang nasa ng masama. 020 PRO 010 004 Siya'y nagiging dukha na gumagawa ng kamay na walang kasipagan: nguni't yumayaman ang kamay ng masipag. 020 PRO 010 005 Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak: nguni't siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya. 020 PRO 010 006 Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama. 020 PRO 010 007 Ang alaala sa ganap ay pinagpapala: nguni't ang pangalan ng masama ay mapaparam. 020 PRO 010 008 Ang pantas sa puso ay tatanggap ng mga utos: nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal. 020 PRO 010 009 Siyang lumalakad ng matuwid ay lumalakad na tiwasay: nguni't siyang sumisira ng kaniyang mga lakad ay makikilala. 020 PRO 010 010 Siyang kumikindat ng mata ay nagpapapanglaw: nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal. 020 PRO 010 011 Ang bibig ng matuwid, ay bukal ng kabuhayan: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama. 020 PRO 010 012 Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan: nguni't tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang. 020 PRO 010 013 Nasusumpungan sa mga labi ng mabait ang karunungan: nguni't ang pamalo ay sa likod ng walang unawa. 020 PRO 010 014 Ang mga pantas ay nagiimbak ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mangmang ay kasalukuyang ikapapahamak. 020 PRO 010 015 Ang kayamanan ng mayaman ay ang kaniyang matibay na bayan: ang kapahamakan ng dukha ay ang kanilang karalitaan. 020 PRO 010 016 Ang gawa ng matuwid ay patungo sa buhay; ang bunga ng dukha ay sa pagkakasala. 020 PRO 010 017 Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway: nguni't siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali. 020 PRO 010 018 Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi; at siyang nagpaparatang ay mangmang. 020 PRO 010 019 Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang: nguni't siyang nagpipigil ng kaniyang mga labi ay gumagawang may kapantasan. 020 PRO 010 020 Ang dila ng matuwid ay parang piling pilak: ang puso ng masama ay kaunti ang halaga. 020 PRO 010 021 Ang mga labi ng matuwid ay nagpapakain ng marami: nguni't ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa. 020 PRO 010 022 Ang pagpapala ng Panginoon, ay nagpapayaman, at hindi niya idinadagdag ang kapanglawan. 020 PRO 010 023 Isang paglilibang sa mangmang ang paggawa ng kasamaan: at gayon ang karunungan sa taong naguunawa. 020 PRO 010 024 Ang takot ng masama ay darating sa kaniya: at ang nasa ng matuwid ay ipagkakaloob. 020 PRO 010 025 Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang masama: nguni't ang matuwid ay walang hanggang patibayan. 020 PRO 010 026 Kung paano ang suka sa mga ngipin, at kung paano ang usok sa mata, gayon ang tamad sa mga nagsusugo sa kaniya. 020 PRO 010 027 Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapalaon ng mga kaarawan: nguni't ang mga taon ng masama ay mangangaunti. 020 PRO 010 028 Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan: nguni't ang pagasa ng masama ay mawawala. 020 PRO 010 029 Ang daan ng Panginoon ay katibayan sa matuwid; nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan. 020 PRO 010 030 Ang matuwid ay hindi makikilos kailan man: nguni't ang masama ay hindi tatahan sa lupain. 020 PRO 010 031 Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan: nguni't ang magdarayang dila ay ihihiwalay. 020 PRO 010 032 Nalalaman ng mga labi ng matuwid ang nakalulugod: nguni't ang bibig ng masama ay nagsasalita ng karayaan. 020 PRO 011 001 Ang marayang timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran. 020 PRO 011 002 Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan: nguni't nasa mababa ang karunungan. 020 PRO 011 003 Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila: nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila. 020 PRO 011 004 Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan. 020 PRO 011 005 Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kaniyang lakad: nguni't mabubuwal ang masama dahil sa kaniyang sariling kasamaan. 020 PRO 011 006 Ang katuwiran ng mga matuwid ay magliligtas sa kanila: nguni't silang gumagawang may karayaan ay madadakip sa kanilang sariling kasamaan. 020 PRO 011 007 Pagka ang masamang tao ay namamatay, ang kaniyang pag-asa ay mapapasa pagkapahamak; at ang pagasa ng masama ay nawawala. 020 PRO 011 008 Ang matuwid ay naliligtas sa kabagabagan, at ang masama ay dumarating na kahalili niya. 020 PRO 011 009 Pinapatay ng masama ng kaniyang bibig ang kaniyang kapuwa: nguni't sa kaalaman ay maliligtas ang matuwid. 020 PRO 011 010 Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak: at pagka ang masama ay namamatay, may hiyawan. 020 PRO 011 011 Nabubunyi ang bayan sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid: nguni't napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama. 020 PRO 011 012 Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan: nguni't ang taong naguunawa ay tumatahimik. 020 PRO 011 013 Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim: nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay. 020 PRO 011 014 Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan. 020 PRO 011 015 Siyang nananagot sa di kilala, ay mapapariwara: nguni't siyang nagtatanim sa pananagot ay tiwasay. 020 PRO 011 016 Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan: at ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan. 020 PRO 011 017 Ang maawaing tao ay gumagawa ng mabuti sa kaniyang sariling kaluluwa: nguni't ang taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman. 020 PRO 011 018 Ang masama ay nakikinabang ng mga marayang sahod: nguni't ang naghahasik ng katuwiran ay nagtatamo ng tiwasay na ganting pala. 020 PRO 011 019 Siyang matatag sa katuwiran ay magtatamo ng buhay: at siyang humahabol ng kasamaan ay sa kaniyang sariling ikamamatay. 020 PRO 011 020 Silang suwail sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang gayong sakdal sa kanilang lakad ay kaniyang kaluguran. 020 PRO 011 021 Bagaman ang kamay ay makikikamay, ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan: nguni't ang binhi ng matuwid ay maliligtas. 020 PRO 011 022 Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy, gayon ang magandang babae na walang bait. 020 PRO 011 023 Ang nasa ng matuwid ay buti lamang: nguni't ang hintay ng masama ay poot. 020 PRO 011 024 May nagsasabog, at tumutubo pa, at may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan. 020 PRO 011 025 Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba: at siyang dumidilig ay madidilig din. 020 PRO 011 026 Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan: nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon. 020 PRO 011 027 Siyang humahanap na masikap ng mabuti ay humahanap ng lingap: nguni't siyang kumakatha ng sama ay sa kaniya lalagpak. 020 PRO 011 028 Siyang tumitiwala sa kaniyang mga kayamanan ay mabubuwal: nguni't ang matuwid ay mamumukadkad na parang sariwang dahon. 020 PRO 011 029 Siyang bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan ay magmamana ng hangin: at ang mangmang ay magiging alipin ng pantas sa puso. 020 PRO 011 030 Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa. 020 PRO 011 031 Narito, ang matuwid ay gagantihin sa lupa: gaano pa nga kaya ang masama at makasalanan! 020 PRO 012 001 Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman: nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal. 020 PRO 012 002 Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon: nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha. 020 PRO 012 003 Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan: nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos. 020 PRO 012 004 Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto. 020 PRO 012 005 Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap: nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya. 020 PRO 012 006 Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo: nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid. 020 PRO 012 007 Ang masama ay inilulugmok at nawawala: nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo. 020 PRO 012 008 Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan: nguni't ang masama sa puso ay hahamakin. 020 PRO 012 009 Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin, kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay. 020 PRO 012 010 Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik. 020 PRO 012 011 Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa. 020 PRO 012 012 Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao: nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga. 020 PRO 012 013 Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao: nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan. 020 PRO 012 014 Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya. 020 PRO 012 015 Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo. 020 PRO 012 016 Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala: nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan. 020 PRO 012 017 Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran, nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya. 020 PRO 012 018 May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan. 020 PRO 012 019 Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang. 020 PRO 012 020 Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan. 020 PRO 012 021 Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid: nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan. 020 PRO 012 022 Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran. 020 PRO 012 023 Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman: nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan. 020 PRO 012 024 Ang kamay ng masipag ay magpupuno: nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag. 020 PRO 012 025 Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya. 020 PRO 012 026 Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa: nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw. 020 PRO 012 027 Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan; nguni't ang mahalagang pag-aari ng tao ay sa mga masisipag. 020 PRO 012 028 Nasa daan ng katuwiran ang buhay; at sa kaniyang landas ay walang kamatayan. 020 PRO 013 001 Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway. 020 PRO 013 002 Ang tao ay kakain ng mabuti ayon sa bunga ng kaniyang bibig: nguni't ang magdaraya ay kakain ng karahasan, 020 PRO 013 003 Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan. 020 PRO 013 004 Ang tamad ay nagnanasa, at walang anoman: nguni't ang kaluluwa ng masipag ay tataba. 020 PRO 013 005 Ang matuwid ay nagtatanim sa pagsisinungaling: nguni't ang masama ay kasuklamsuklam, at napapahiya. 020 PRO 013 006 Bumabantay ang katuwiran sa matuwid na lakad; nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan. 020 PRO 013 007 May nagpapakayaman, gayon ma'y walang anoman: may nagpapakadukha, gayon ma'y may malaking kayamanan. 020 PRO 013 008 Ang katubusan sa buhay ng tao ay siyang kaniyang mga kayamanan: nguni't ang dukha ay hindi nakikinig sa banta. 020 PRO 013 009 Ang ilaw ng matuwid ay nagagalak: nguni't ang ilawan ng masama ay papatayin. 020 PRO 013 010 Sa kapalaluan, ang dumarating ay pagtatalo lamang: nguni't ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi. 020 PRO 013 011 Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay huhupa: nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan. 020 PRO 013 012 Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso: nguni't pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay. 020 PRO 013 013 Sinomang humamak sa salita ay nagdadala ng kapahamakan sa sarili: nguni't siyang natatakot sa utos ay gagantihin. 020 PRO 013 014 Ang kautusan ng pantas ay bukal ng buhay, upang lumayo sa mga silo ng kamatayan. 020 PRO 013 015 Ang mabuting kaunawaan ay nagbibigay lingap: nguni't ang lakad ng mananalangsang ay mahirap. 020 PRO 013 016 Bawa't mabait na tao ay gumagawang may kaalaman: nguni't ang mangmang ay nagkakalat ng kamangmangan. 020 PRO 013 017 Ang masamang sugo ay nahuhulog sa kasamaan: nguni't ang tapat na sugo ay kagalingan. 020 PRO 013 018 Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway: nguni't siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri. 020 PRO 013 019 Ang nasa na natupad ay matamis sa kaluluwa: nguni't kasuklamsuklam sa mga mangmang na humiwalay sa kasamaan. 020 PRO 013 020 Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara. 020 PRO 013 021 Ang kasamaan ay humahabol sa mga makasalanan; nguni't ang matuwid ay gagantihan ng mabuti. 020 PRO 013 022 Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak; at ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid. 020 PRO 013 023 Maraming pagkain ang nasa pagsasaka ng dukha: nguni't may napapahamak dahil sa kawalan ng kaganapan. 020 PRO 013 024 Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsan-minsan. 020 PRO 013 025 Ang matuwid ay kumakain hanggang sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa; nguni't ang tiyan ng masama ay mangangailangan. 020 PRO 014 001 Bawa't pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay: nguni't binubunot ng mangmang, ng kaniyang sariling mga kamay. 020 PRO 014 002 Siyang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot sa Panginoon: nguni't siyang suwail sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa kaniya. 020 PRO 014 003 Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan: nguni't ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon. 020 PRO 014 004 Kung saan walang baka, ang bangan ay malinis: nguni't ang karamihan ng bunga ay nasa kalakasan ng baka. 020 PRO 014 005 Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan: nguni't ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan. 020 PRO 014 006 Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan: nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa. 020 PRO 014 007 Paroon ka sa harapan ng taong mangmang, at hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman: 020 PRO 014 008 Ang karunungan ng mabait ay makaunawa ng kaniyang lakad: nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay karayaan. 020 PRO 014 009 Ang mangmang ay tumutuya sa sala: nguni't sa matuwid ay may mabuting kalooban. 020 PRO 014 010 Nalalaman ng puso ang kaniyang sariling kapaitan; at ang tagaibang lupa ay hindi nakikialam ng kaniyang kagalakan. 020 PRO 014 011 Ang bahay ng masama ay mababagsak: nguni't ang tolda ng matuwid ay mamumukadkad. 020 PRO 014 012 May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan. 020 PRO 014 013 Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw; at ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob. 020 PRO 014 014 Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad: at masisiyahang loob ang taong mabuti. 020 PRO 014 015 Pinaniniwalaan ng musmos ang bawa't salita: nguni't ang mabait ay tumitinging mabuti sa kaniyang paglakad. 020 PRO 014 016 Ang pantas ay natatakot at humihiwalay sa kasamaan: nguni't ang mangmang ay nagpapakilalang palalo, at timawa. 020 PRO 014 017 Siyang nagagalit na madali ay gagawang may kamangmangan: at ang taong may masamang katha ay ipagtatanim. 020 PRO 014 018 Ang musmos ay nagmamana ng kamangmangan: nguni't ang mabait ay puputungan ng kaalaman. 020 PRO 014 019 Ang masama ay yumuyukod sa harap ng mabuti; at ang masama ay sa mga pintuang-daan ng matuwid. 020 PRO 014 020 Ipinagtatanim ang dukha maging ng kaniyang kapuwa: nguni't ang mayaman ay maraming kaibigan. 020 PRO 014 021 Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala: nguni't siyang naaawa sa dukha ay mapalad siya. 020 PRO 014 022 Hindi ba sila nagkakamali na kumakatha ng kasamaan? Nguni't kaawaan at katotohanan ay sasa kanila na nagsisikatha ng mabuti. 020 PRO 014 023 Sa lahat ng gawain ay may pakinabang: nguni't ang tabil ng mga labi ay naghahatid sa karalitaan. 020 PRO 014 024 Ang putong ng mga pantas ay ang kanilang mga kayamanan: nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay kamangmangan lamang. 020 PRO 014 025 Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao: nguni't siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya. 020 PRO 014 026 Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala: at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan. 020 PRO 014 027 Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan, upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan. 020 PRO 014 028 Nasa karamihan ng bayan ang kaluwalhatian ng hari: nguni't na sa pangangailangan ng bayan ang kapahamakan ng pangulo. 020 PRO 014 029 Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan. 020 PRO 014 030 Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan: nguni't ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto. 020 PRO 014 031 Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa Maylalang sa kaniya. Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya. 020 PRO 014 032 Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa: nguni't ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan. 020 PRO 014 033 Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa: nguni't ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman. 020 PRO 014 034 Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa: nguni't ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan. 020 PRO 014 035 Ang lingap ng hari ay sa lingkod na gumagawa na may kapantasan: nguni't ang kaniyang poot ay magiging laban sa nakahihiya. 020 PRO 015 001 Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit. 020 PRO 015 002 Ang dila ng pantas ay nagbabadya ng tuos ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso ng kamangmangan. 020 PRO 015 003 Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako, na nagbabantay sa masama at sa mabuti. 020 PRO 015 004 Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay: nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa. 020 PRO 015 005 Hinahamak ng mangmang ang saway ng kaniyang ama: nguni't siyang nagpapakundangan ng saway ay gumagawang may kabaitan. 020 PRO 015 006 Sa bahay ng matuwid ay maraming kayamanan: nguni't sa mga pakinabang ng masama ay kabagabagan. 020 PRO 015 007 Ang mga labi ng pantas ay nagsasabog ng kaalaman: nguni't ang puso ng mangmang ay hindi gayon. 020 PRO 015 008 Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran. 020 PRO 015 009 Ang lakad ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't iniibig niya ang sumusunod sa katuwiran. 020 PRO 015 010 May mabigat na saway sa kaniya, na nagpapabaya ng lakad: at siyang nagtatanim sa saway ay mamamatay. 020 PRO 015 011 Sheol at kapahamakan ay nasa harap ng Panginoon: gaanong higit pa nga ang mga puso ng mga anak ng mga tao! 020 PRO 015 012 Ayaw ang manglilibak na siya'y sawayin. Siya'y hindi paroroon sa pantas. 020 PRO 015 013 Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha: nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa. 020 PRO 015 014 Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan. 020 PRO 015 015 Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama: nguni't siyang may masayang puso ay may laging kapistahan. 020 PRO 015 016 Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon, kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan. 020 PRO 015 017 Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, kay sa matabang baka at may pagtataniman. 020 PRO 015 018 Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan. 020 PRO 015 019 Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag: nguni't ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan. 020 PRO 015 020 Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama: nguni't hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina. 020 PRO 015 021 Ang kamangmangan ay kagalakan sa walang bait: nguni't pinatutuwid ng maalam ang kaniyang lakad. 020 PRO 015 022 Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag. 020 PRO 015 023 Ang tao ay may kagalakan sa sagot ng kaniyang bibig: at ang salita sa ukol na panahon, ay anong pagkabuti! 020 PRO 015 024 Sa pantas ay paitaas ang daan ng buhay, upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba. 020 PRO 015 025 Bubunutin ng Panginoon ang bahay ng palalo: nguni't kaniyang itatatag ang hangganan ng babaing bao. 020 PRO 015 026 Ang mga masamang katha ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang mga maligayang salita ay dalisay. 020 PRO 015 027 Siyang sakim sa pakinabang ay bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan: nguni't siyang nagtatanim sa mga suhol ay mabubuhay. 020 PRO 015 028 Ang puso ng matuwid ay nagbubulay ng isasagot: nguni't ang bibig ng masama ay nagbubugso ng mga masamang bagay. 020 PRO 015 029 Ang Panginoon ay malayo sa masama: nguni't kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid. 020 PRO 015 030 Ang liwanag ng mga mata ay nagpapagalak ng puso: at ang mabubuting balita ay nagpapataba ng mga buto. 020 PRO 015 031 Ang taingang nakikinig sa saway ng buhay, ay tatahan sa gitna ng pantas. 020 PRO 015 032 Siyang tumatanggi sa saway ay humahamak sa kaniyang sariling kaluluwa: nguni't siyang nakikinig sa saway ay nagtatamo ng kaawaan. 020 PRO 015 033 Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng karunungan; at sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba. 020 PRO 016 001 Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon. 020 PRO 016 002 Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa. 020 PRO 016 003 Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag. 020 PRO 016 004 Ginawa ng Panginoon ang bawa't bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas: Oo, pati ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan. 020 PRO 016 005 Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan. 020 PRO 016 006 Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: at sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan. 020 PRO 016 007 Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway. 020 PRO 016 008 Maigi ang kaunti na may katuwiran kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan. 020 PRO 016 009 Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang. 020 PRO 016 010 Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari: at kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan. 020 PRO 016 011 Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon: lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa. 020 PRO 016 012 Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan: sapagka't ang luklukan ay natatatag sa pamamagitan ng katuwiran. 020 PRO 016 013 Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari; at kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid. 020 PRO 016 014 Ang poot ng hari ay gaya ng mga sugo ng kamatayan: nguni't papayapain ng pantas. 020 PRO 016 015 Nasa liwanag ng mukha ng hari ang buhay; at ang kaniyang lingap ay parang alapaap ng huling ulan. 020 PRO 016 016 Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto! Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak. 020 PRO 016 017 Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan: siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa. 020 PRO 016 018 Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal. 020 PRO 016 019 Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha, kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo. 020 PRO 016 020 Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti: at ang nananalig sa Panginoon ay mapalad. 020 PRO 016 021 Ang pantas sa puso ay tatawaging mabait: at ang katamisan sa mga labi ay nagdaragdag ng katututuhan. 020 PRO 016 022 Ang kaunawaan ay bukal ng buhay sa nagtatamo: nguni't ang saway ng mga mangmang ay siyang kanilang kamangmangan. 020 PRO 016 023 Ang puso ng pantas ay nagtuturo sa kaniyang bibig, at nagdaragdag ng katututuhan sa kaniyang mga labi. 020 PRO 016 024 Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto. 020 PRO 016 025 May daan na tila matuwid sa tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan. 020 PRO 016 026 Ang gana ng pagkain ng manggagawang tao ay nakagagaling sa kaniya; sapagka't kinasasabikan ng kaniyang bibig. 020 PRO 016 027 Ang walang kabuluhang tao ay kumakatha ng kahirapan: at sa kaniyang mga labi ay may masilakbong apoy. 020 PRO 016 028 Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo: at ang mapaghatid-dumapit ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik. 020 PRO 016 029 Ang taong marahas ay dumadaya sa kaniyang kapuwa, at pinapatnubayan niya siya sa daang hindi mabuti. 020 PRO 016 030 Ikinikindat ang kaniyang mga mata, upang kumatha ng mga magdarayang bagay: siyang nangangagat labi ay nagpapangyari sa kasamaan. 020 PRO 016 031 Ang ulong may uban ay putong ng kaluwalhatian, masusumpungan sa daan ng katuwiran. 020 PRO 016 032 Siyang makupad sa pagkagalit ay maigi kay sa makapangyarihan; at siyang nagpupuno sa kaniyang diwa ay maigi kay sa sumasakop ng isang bayan. 020 PRO 016 033 Ginagawa ang pagsasapalaran sa kandungan; nguni't ang buong pasiya niyaon ay sa Panginoon. 020 PRO 017 001 Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan. 020 PRO 017 002 Ang lingkod na gumagawang may kapantasan ay nagpupuno sa anak na nakahihiya, at siya'y makakabahagi sa mana ng magkakapatid. 020 PRO 017 003 Ang dalisayan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto: nguni't sinusubok ng Panginoon ang mga puso. 020 PRO 017 004 Ang manggagawa ng kasamaan ay nakikinig sa masasamang labi; at ang sinungaling ay nakikinig sa masamang dila. 020 PRO 017 005 Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa Maylalang sa kaniya: at ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan. 020 PRO 017 006 Ang mga anak ng mga anak ay putong ng mga matatandang tao; at ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang. 020 PRO 017 007 Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang: lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo. 020 PRO 017 008 Ang suhol ay parang mahalagang bato sa mga mata ng nagtatamo: saan man pumihit ay gumiginhawa. 020 PRO 017 009 Ang nagtatakip ng pagsalangsang ay humahanap ng pagibig: nguni't ang nagdadadaldal tungkol sa anoman ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik. 020 PRO 017 010 Ang saway ay nanasok na taimtim sa isang naguunawa, kay sa isang daang hampas sa mangmang. 020 PRO 017 011 Ang hinahanap lamang ng masamang tao ay panghihimagsik; kaya't isang mabagsik na sugo ay susuguin laban sa kaniya. 020 PRO 017 012 Masalubong ang tao ng oso na nanakawan ng kaniyang mga anak, maigi kay sa mangmang sa kaniyang kamangmangan. 020 PRO 017 013 Sinomang gumaganti ng kasamaan sa mabuti, kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay. 020 PRO 017 014 Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig: kaya't iwan ninyo ang pagtatalo, bago maginit sa pagkakaalit. 020 PRO 017 015 Siya na umaaring ganap sa masama, at siya na nagpaparusa sa matuwid, kapuwa sila kasuklamsuklam sa Panginoon. 020 PRO 017 016 Bakit may halaga sa kamay ng mangmang upang ibili ng karunungan, gayong wala siyang pagkaunawa? 020 PRO 017 017 Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan. 020 PRO 017 018 Ang taong walang unawa ay nakikikamay, at nagiging mananagot sa harapan ng kaniyang kapuwa. 020 PRO 017 019 Ang umiibig sa pagsalangsang ay umiibig sa pagkakaalit: ang nagtataas ng kaniyang pintuan ay humahanap ng kapahamakan. 020 PRO 017 020 Siyang may magdarayang puso ay hindi nakakasumpong ng mabuti: at siyang may suwail na dila ay nahuhulog sa karalitaan. 020 PRO 017 021 Ang nanganganak ng mangmang ay sa kaniyang kapanglawan: at ang ama ng mangmang ay walang kagalakan. 020 PRO 017 022 Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto. 020 PRO 017 023 Ang masama ay tumatanggap ng suhol mula sa sinapupunan, upang ipahamak ang daan ng kahatulan. 020 PRO 017 024 Karunungan ay nasa harap ng mukha ng naguunawa: nguni't ang mga mata ng mangmang ay nasa mga wakas ng lupa. 020 PRO 017 025 Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama, at kapaitan sa nanganak sa kaniya. 020 PRO 017 026 Parusahan naman ang matuwid ay hindi mabuti, ni saktan man ang mahal na tao dahil sa kanilang katuwiran. 020 PRO 017 027 Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman: at siyang may diwang malamig ay taong naguunawa. 020 PRO 017 028 Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait. 020 PRO 018 001 Ang humihiwalay ay humahanap ng sarili niyang nasa, at nakikipagtalo laban sa lahat na magaling na karunungan. 020 PRO 018 002 Ang mangmang ay walang kaluguran sa paguunawa, kundi maihayag lamang ang kaniyang puso. 020 PRO 018 003 Pagka ang masama ay dumarating, dumarating din naman ang paghamak, at kasama ng kutya ang pagkaduwahagi. 020 PRO 018 004 Ang mga salita ng bibig ng tao ay parang malalim na tubig; ang bukal ng karunungan ay parang umaagos na batis. 020 PRO 018 005 Igalang ang pagkatao ng masama ay hindi mabuti, ni iligaw man ang matuwid sa kahatulan. 020 PRO 018 006 Ang mga labi ng mangmang ay nanasok sa pagkakaalit, at tinatawag ng kaniyang bibig ang mga hampas. 020 PRO 018 007 Ang bibig ng mangmang ay kaniyang kapahamakan, at ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa. 020 PRO 018 008 Ang mga salita ng mga mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa pinakaloob ng tiyan. 020 PRO 018 009 Siya mang walang bahala sa kaniyang gawain ay kapatid siya ng maninira. 020 PRO 018 010 Ang pangalan ng Panginoon ay matibay na moog: tinatakbuhan ng matuwid at naliligtas. 020 PRO 018 011 Ang yaman ng mayamang tao ay ang kaniyang matibay na bayan, at gaya ng matayog na kuta sa kaniyang sariling isip, 020 PRO 018 012 Bago ang pagkapahamak ay pagmamalaki ng puso ng tao, at bago ang karangalan ang pagpapakumbaba. 020 PRO 018 013 Ang sumasagot bago makinig, ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya. 020 PRO 018 014 Aalalayan ng diwa ng tao ang kaniyang sakit; nguni't ang bagbag na diwa sinong nakapagdadala? 020 PRO 018 015 Ang puso ng mabait ay nagtatamo ng kaalaman; at ang pakinig ng pantas ay humahanap ng kaalaman. 020 PRO 018 016 Ang kaloob ng tao ay nagbubukas ng daan sa kaniya, at dinadala siya sa harap ng mga dakilang tao. 020 PRO 018 017 Ang nakikipaglaban ng kaniyang usap na una ay tila ganap; nguni't dumarating ang kaniyang kapuwa at sinisiyasat siya. 020 PRO 018 018 Ang pagsasapalaran ay nagpapatigil ng mga pagtatalo, at naghihiwalay sa gitna ng mga makapangyarihan. 020 PRO 018 019 Ang kapatid na nasaktan sa kalooban ay mahirap mabawi kay sa matibay na bayan: at ang gayong mga pagtatalo ay parang mga halang ng isang kastilyo. 020 PRO 018 020 Ang tiyan ng tao ay mabubusog ng bunga ng kaniyang bibig; sa bunga ng kaniyang mga labi ay masisiyahan siya. 020 PRO 018 021 Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; at ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga. 020 PRO 018 022 Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng lingap ng Panginoon. 020 PRO 018 023 Ang dukha ay gumagamit ng mga pamanhik: nguni't ang mayaman ay sumasagot na may kagilasan. 020 PRO 018 024 Ang nagpaparami ng mga kaibigan ay sa kaniyang sariling kapahamakan: nguni't may kaibigan na mahigit kay sa isang kapatid. 020 PRO 019 001 Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat kay sa suwail sa kaniyang mga labi at mangmang. 020 PRO 019 002 Gayon din ang kaluluwa na walang kaalaman ay hindi mabuti; at siyang nagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala. 020 PRO 019 003 Ang kamangmangan ng tao ay sumisira ng kaniyang lakad; at ang kaniyang puso ay nagagalit laban sa Panginoon. 020 PRO 019 004 Ang kayamanan ay nagdadagdag ng maraming kaibigan: nguni't ang dukha ay hiwalay sa kaniyang kaibigan. 020 PRO 019 005 Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay hindi makatatahan. 020 PRO 019 006 Marami ang mamamanhik ng lingap sa magandang-loob: at bawa't tao ay kaibigan ng nagbibigay ng mga kaloob. 020 PRO 019 007 Ipinagtatanim siya ng lahat ng kapatid ng dukha: gaano pa nga kaya ang ilalayo sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan! Kaniyang hinahabol sila ng mga salita, nguni't wala na sila. 020 PRO 019 008 Siyang nagiimpok ng karunungan ay umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa: siyang nagiingat ng pagunawa ay makakasumpong ng mabuti. 020 PRO 019 009 Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagbabadya ng mga kasinungalingan ay mamamatay. 020 PRO 019 010 Maayos na pamumuhay ay hindi magaling sa mangmang; lalo na sa alipin na magpuno sa mga pangulo. 020 PRO 019 011 Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit. At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang. 020 PRO 019 012 Ang poot ng hari ay parang ungal ng leon; nguni't ang kaniyang lingap ay parang hamog sa damo. 020 PRO 019 013 Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama: at ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo. 020 PRO 019 014 Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon. 020 PRO 019 015 Katamaran ay nagbabaon sa mahimbing na pagkakatulog; at ang tamad na kaluluwa ay magugutom. 020 PRO 019 016 Ang nagiingat ng utos ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa: nguni't ang walang babala sa kaniyang mga lakad ay mamamatay. 020 PRO 019 017 Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli. 020 PRO 019 018 Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak. 020 PRO 019 019 Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa: sapagka't kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli. 020 PRO 019 020 Makinig ka ng payo, at tumanggap ka ng turo, upang ikaw ay maging pantas sa iyong huling wakas. 020 PRO 019 021 May maraming katha sa puso ng tao; nguni't ang payo ng Panginoon, ay siyang tatayo. 020 PRO 019 022 Yaong nakagagawa sa isang tao upang siya'y maging kanaisnais ay ang kaniyang kagandahang-loob: at ang isang dukha ay maigi kay sa isang sinungaling. 020 PRO 019 023 Ang pagkatakot sa Panginoon ay patungo sa kabuhayan; at ang nagtatangkilik noon ay tatahang may kasiyahan: hindi siya dadalawin ng kasamaan. 020 PRO 019 024 Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan, at hindi na magsusubo pa sa kaniyang bibig uli. 020 PRO 019 025 Iyong saktan ang manglilibak, at ang musmos ay magaaral ng kabaitan: at iyong sawayin ang naguunawa, at siya'y makakaunawa ng kaalaman. 020 PRO 019 026 Ang sumasamsam sa kaniyang ama, at nagpapalayas sa kaniyang ina, ay anak na nakakahiya at nagdadala ng kakutyaan. 020 PRO 019 027 Magtigil ka, anak ko, sa pakikinig ng aral na nagliligaw lamang mula sa mga salita ng kaalaman. 020 PRO 019 028 Ang walang kabuluhang saksi ay lumilibak sa kahatulan: at ang bibig ng masama ay lumalamon ng kasamaan. 020 PRO 019 029 Ang mga kahatulan ay nahahanda sa mga manglilibak, at ang mga hampas ay sa mga likod ng mga mangmang. 020 PRO 020 001 Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo; at sinomang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas. 020 PRO 020 002 Ang kakilabutan ng hari ay parang ungal ng leon: ang namumungkahi sa kaniya sa galit ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling buhay. 020 PRO 020 003 Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit: nguni't bawa't mangmang ay magiging palaaway. 020 PRO 020 004 Ang tamad ay hindi magaararo dahil sa tagginaw; kaya't siya'y magpapalimos sa pagaani, at wala anoman. 020 PRO 020 005 Payo sa puso ng tao ay parang malalim na tubig; nguni't iibigin ng taong naguunawa. 020 PRO 020 006 Maraming tao ay magtatanyag bawa't isa ng kaniyang sariling kagandahang-loob: nguni't sinong makakasumpong sa taong tapat? 020 PRO 020 007 Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya. 020 PRO 020 008 Ang hari na nauupo sa luklukan ng kahatulan pinananabog ng kaniyang mga mata ang lahat na kasamaan. 020 PRO 020 009 Sinong makapagsasabi, nilinis ko ang aking puso, ako'y dalisay sa aking kasalanan? 020 PRO 020 010 Mga iba't ibang panimbang, at mga iba't ibang takalan, kapuwa mga karumaldumal sa Panginoon. 020 PRO 020 011 Ang bata man ay nagpapakilala sa kaniyang mga gawa, kung ang kaniyang gawa ay magiging malinis, at kung magiging matuwid. 020 PRO 020 012 Ang nakikinig na tainga, at ang nakakakitang mata, kapuwa ginawa ng Panginoon. 020 PRO 020 013 Huwag mong ibigin ang pagtulog, baka ka madukha; idilat mo ang iyong mga mata, at mabubusog ka ng tinapay. 020 PRO 020 014 Walang halaga, walang halaga, sabi ng mamimili: nguni't pagka nakalayo siya, naghahambog nga. 020 PRO 020 015 May ginto, at saganang mga rubi: nguni't ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas. 020 PRO 020 016 Kunin mo ang kaniyang suot na nananagot sa di kilala; at tanggapan mo ng sanla ang nananagot sa mga di kilala. 020 PRO 020 017 Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao: nguni't pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok. 020 PRO 020 018 Bawa't panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo: at sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka. 020 PRO 020 019 Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi. 020 PRO 020 020 Siyang sumusumpa sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, ang kaniyang ilawan ay papatayin sa salimuot na kadiliman. 020 PRO 020 021 Ang mana ay matatamong madali sa pasimula; nguni't ang wakas niyao'y hindi pagpapalain. 020 PRO 020 022 Huwag mong sabihin, ako'y gaganti ng kasamaan: maghintay ka sa Panginoon, at kaniyang ililigtas ka. 020 PRO 020 023 Mga iba't ibang panimbang ay karumaldumal sa Panginoon; at ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti. 020 PRO 020 024 Ang mga lakad ng tao ay sa Panginoon; paano ngang mauunawa ng tao ang kaniyang lakad? 020 PRO 020 025 Silo nga sa tao ang magsabi ng walang pakundangan, banal nga, at magsiyasat pagkatapos ng mga panata. 020 PRO 020 026 Ang pantas na hari ay nagpapapanabog ng masama. At dinadala sa kanila ang gulong na panggiik. 020 PRO 020 027 Ang diwa ng tao ay ilawan ng Panginoon, na sumisiyasat ng mga pinakaloob na bahagi ng tiyan. 020 PRO 020 028 Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapalagi sa hari: at ang kaniyang luklukan ay inaalalayan ng kagandahang-loob. 020 PRO 020 029 Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan: at ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban. 020 PRO 020 030 Ang mga latay na sumasakit ay lumilinis ng kasamaan: at ang mga hampas ay dinaramdam sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan. 020 PRO 021 001 Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis: kumikiling saan man niya ibigin. 020 PRO 021 002 Bawa't lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga puso. 020 PRO 021 003 Gumawa ng kaganapan at kahatulan ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain. 020 PRO 021 004 Ang mapagmataas na tingin, at ang palalong puso, siyang ilaw ng masama, ay kasalanan. 020 PRO 021 005 Ang mga pagiisip ng masipag ay patungo sa kasaganaan lamang: nguni't bawa't nagmamadali ay sa pangangailangan lamang. 020 PRO 021 006 Ang pagtatamo ng mga kayamanan sa pamamagitan ng sinungaling na dila ay singaw na tinatangay na paroo't parito noong nagsisihanap ng kamatayan. 020 PRO 021 007 Ang pangdadahas ng masama ay siya ring papalis sa kanila; sapagka't sila'y nagsitangging magsigawa ng kahatulan. 020 PRO 021 008 Ang lakad ng nagpapasan ng sala ay lubhang liko; nguni't tungkol sa malinis, ang kaniyang gawa ay matuwid. 020 PRO 021 009 Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay. 020 PRO 021 010 Ang kaluluwa ng masama ay nagnanasa ng kasamaan: ang kaniyang kapuwa ay hindi nakakasumpong ng lingap sa kaniyang mga mata. 020 PRO 021 011 Pagka ang mangduduwahagi ay pinarusahan, ang musmos ay nagiging pantas: at pagka ang pantas ay tinuturuan, siya'y tumatanggap ng kaalaman. 020 PRO 021 012 Pinagninilay ng matuwid ang bahay ng masama, kung paanong napapahamak ang masama sa kanilang pagkapariwara. 020 PRO 021 013 Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha, siya naman ay dadaing, nguni't hindi didinggin. 020 PRO 021 014 Ang kaloob na lihim ay nagpapatahimik ng galit, at ang alay sa sinapupunan, ay ng malaking poot. 020 PRO 021 015 Kagalakan sa matuwid ang gumawa ng kahatulan; nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan. 020 PRO 021 016 Ang tao na gumagala sa labas ng daan ng kaunawaan, magpapahinga sa kapisanan ng patay. 020 PRO 021 017 Ang umiibig ng kalayawan ay magiging dukha: ang umiibig sa alak at langis ay hindi yayaman. 020 PRO 021 018 Ang masama ay isang katubusan para sa matuwid, at ang taksil ay sa lugar ng matuwid. 020 PRO 021 019 Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain, kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae. 020 PRO 021 020 May mahalagang kayamanan at langis sa tahanan ng pantas; nguni't ito'y sinasakmal ng mangmang. 020 PRO 021 021 Ang sumusunod sa katuwiran at kagandahang-loob nakakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan. 020 PRO 021 022 Sinasampa ng pantas ang bayan ng makapangyarihan, at ibinabagsak ang lakas ng pagkakatiwala niyaon. 020 PRO 021 023 Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at kaniyang dila nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan. 020 PRO 021 024 Ang palalo at mapagmataas na tao, manglilibak ang kaniyang pangalan, siya'y gumagawa sa kahambugan ng kapalaluan. 020 PRO 021 025 Ang nasa ng tamad ay pumapatay sa kaniya; sapagka't tumatanggi ang kaniyang mga kamay sa paggawa. 020 PRO 021 026 May nagiimbot sa kasakiman buong araw: nguni't ang matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait. 020 PRO 021 027 Ang hain ng masama ay karumaldumal: gaano pa nga, pagka kaniyang dinadala na may masamang isip! 020 PRO 021 028 Ang sinungaling na saksi ay mamamatay: nguni't ang taong nakikinig ay magsasalita upang mamalagi. 020 PRO 021 029 Ang masamang tao ay nagmamatigas ng kaniyang mukha; nguni't tungkol sa taong matuwid, nagaayos ng kaniyang mga lakad. 020 PRO 021 030 Walang karunungan, o kaunawaan man, O payo man laban sa Panginoon. 020 PRO 021 031 Ang kabayo ay handa laban sa kaarawan ng pagbabaka: nguni't ang pagtatagumpay ay sa Panginoon. 020 PRO 022 001 Ang mabuting pangalan ay maiging piliin, kay sa malaking kayamanan, at ang magandang kalooban, kay sa pilak at ginto. 020 PRO 022 002 Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa: ang Panginoon ang May-lalang sa kanilang lahat. 020 PRO 022 003 Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli: nguni't dinadaanan ng musmos at nagtitiis. 020 PRO 022 004 Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon ay kayamanan, at karangalan, at buhay. 020 PRO 022 005 Mga tinik at mga silo ay nangasa daan ng magdaraya: ang nagiingat ng kaniyang kaluluwa ay lalayo sa mga yaon. 020 PRO 022 006 Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan. 020 PRO 022 007 Ang mayaman ay magpupuno sa dukha, at ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram. 020 PRO 022 008 Siyang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan; at ang pamalo ng kaniyang poot ay maglilikat. 020 PRO 022 009 Ang may magandang-loob na mata ay pagpapalain: sapagka't nagbibigay ng kaniyang tinapay sa dukha. 020 PRO 022 010 Itaboy mo ang manglilibak, at ang pagtatalo ay maalis; Oo, ang pagkakaalit at pagduwahagi ay matitigil. 020 PRO 022 011 Siyang umiibig ng kalinisan ng puso, dahil sa biyaya ng kaniyang mga labi ay magiging kaniyang kaibigan ang hari. 020 PRO 022 012 Ang mga mata ng Panginoon ay nagiingat sa maalam: nguni't kaniyang ibinabagsak ang mga salita ng taksil. 020 PRO 022 013 Sinasabi ng tamad, may leon sa labas: mapapatay ako sa mga lansangan. 020 PRO 022 014 Ang bibig ng masasamang babae ay isang malalim na lungaw: siyang nayayamot sa Panginoon ay mabubuwal doon. 020 PRO 022 015 Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata; nguni't ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway. 020 PRO 022 016 Ang pumipighati sa dukha upang magpalago ng kaniyang pakinabang, at ang nagbibigay sa mayaman, ay humahangga sa pangangailangan lamang. 020 PRO 022 017 Ikiling mo ang iyong pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng pantas, at ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman. 020 PRO 022 018 Sapagka't maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo, kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi. 020 PRO 022 019 Upang ang iyong tiwala ay malagak sa Panginoon, aking ipinakilala sa iyo sa kaarawang ito, oo, sa iyo. 020 PRO 022 020 Hindi ba ako sumulat sa iyo ng mga marilag na bagay na mga payo at kaalaman; 020 PRO 022 021 Upang ipakilala sa iyo ang katunayan ng mga salitang katotohanan, upang iyong maibalik ang mga salita ng katotohanan sa kanila na nagsusugo sa iyo? 020 PRO 022 022 Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagka't siya'y dukha, ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan: 020 PRO 022 023 Sapagka't ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap, at sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila. 020 PRO 022 024 Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama: 020 PRO 022 025 Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa. 020 PRO 022 026 Huwag kang maging isa sa kanila na nakikikamay, o sa kanila na mangananagot sa mga utang: 020 PRO 022 027 Kung wala kang ikabayad, bakit kaniyang kukunin sa iyo ang iyong higaan? 020 PRO 022 028 Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa, na inilagay ng iyong mga magulang. 020 PRO 022 029 Nakikita mo ba ang taong masipag sa kaniyang gawain? siya'y tatayo sa harap ng mga hari: hindi siya tatayo sa harap ng mga taong hamak. 020 PRO 023 001 Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo, kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo; 020 PRO 023 002 At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan, kung ikaw ay taong bigay sa pagkain. 020 PRO 023 003 Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain; yamang mga marayang pagkain. 020 PRO 023 004 Huwag kang mainip sa pagyaman; tumigil ka sa iyong sariling karunungan. 020 PRO 023 005 Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala? Sapagka't ang mga kayamanan, ay tunay na nagsisipagpakpak, gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit. 020 PRO 023 006 Huwag mong kanin ang tinapay niya na may masamang mata, ni nasain mo man ang kaniyang mga masarap na pagkain: 020 PRO 023 007 Sapagka't kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya: kumain ka at uminom ka, sabi niya sa iyo; nguni't ang puso niya ay hindi sumasaiyo. 020 PRO 023 008 Ang subo na iyong kinain ay iyong isusuka, at iyong iwawala ang iyong mga matamis na salita. 020 PRO 023 009 Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang; sapagka't kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita. 020 PRO 023 010 Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa; at huwag mong pasukin ang mga bukid ng ulila: 020 PRO 023 011 Sapagka't ang kanilang Manunubos ay malakas; ipaglalaban niya ang kanilang usap sa iyo. 020 PRO 023 012 Ihilig mo ang iyong puso sa turo, at ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman. 020 PRO 023 013 Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay. 020 PRO 023 014 Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol. 020 PRO 023 015 Anak ko, kung ang iyong puso ay magpakapantas, ang puso ko'y matutuwa sa makatuwid baga'y ang akin: 020 PRO 023 016 Oo, ang aking puso ay magagalak pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay. 020 PRO 023 017 Huwag managhili ang iyong puso sa mga makasalanan: kundi lumagay ka sa Panginoon buong araw: 020 PRO 023 018 Sapagka't tunay na may kagantihan; at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay. 020 PRO 023 019 Makinig ka, anak ko, at ikaw ay magpakapantas, at patnubayan mo ang iyong puso sa daan. 020 PRO 023 020 Huwag kang mapasama sa mga mapaglango; sa mga mayamong mangangain ng karne: 020 PRO 023 021 Sapagka't ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan: at ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi. 020 PRO 023 022 Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda. 020 PRO 023 023 Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa. 020 PRO 023 024 Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos: at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya. 020 PRO 023 025 Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina, at magalak siyang nanganak sa iyo. 020 PRO 023 026 Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso, at malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan. 020 PRO 023 027 Sapagka't ang isang patutot ay isang malalim na lubak; at ang babaing di kilala ay makipot na lungaw. 020 PRO 023 028 Oo, siya'y bumabakay na parang tulisan, at nagdaragdag ng mga magdaraya sa gitna ng mga tao. 020 PRO 023 029 Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? sino ang may maningas na mata? 020 PRO 023 030 Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak. 020 PRO 023 031 Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro, 020 PRO 023 032 Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, at tumutukang parang ulupong. 020 PRO 023 033 Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay. 020 PRO 023 034 Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan. 020 PRO 023 035 Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli. 020 PRO 024 001 Huwag kang mananaghili sa mga masamang tao, ni magnasa ka man na masama sa kanila: 020 PRO 024 002 Sapagka't ang kanilang puso ay nagaaral ng pagpighati, at ang kanilang mga labi ay nagsasalita ng kalikuan. 020 PRO 024 003 Sa karunungan ay natatayo ang bahay; at sa pamamagitan ng unawa ay natatatag. 020 PRO 024 004 At sa pamamagitan ng kaalaman ay napupuno ang mga silid, ng lahat na mahalaga at maligayang mga kayamanan. 020 PRO 024 005 Ang pantas na tao ay malakas; Oo, ang taong maalam ay lumalago ang kapangyarihan. 020 PRO 024 006 Sapagka't sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka: at sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan. 020 PRO 024 007 Karunungan ay totoong mataas sa ganang mangmang: hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig sa pintuang-bayan. 020 PRO 024 008 Siyang kumakatha ng paggawa ng kasamaan, tatawagin siya ng mga tao na masamang tao. 020 PRO 024 009 Ang pagiisip ng kamangmangan ay kasalanan: at ang mangduduwahagi ay karumaldumal sa mga tao. 020 PRO 024 010 Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan, ang iyong kalakasan ay munti. 020 PRO 024 011 Iligtas mo silang nangadala sa kamatayan, at ang mga handang papatayin, ay tingnan mo na iyong ibalik. 020 PRO 024 012 Kung iyong sinasabi, narito, hindi kami nakakaalam nito: hindi ba niya binubulay na tumitimbang ng mga puso? At siyang nagiingat ng iyong kaluluwa, hindi ba niya nalalaman? At hindi ba niya gagantihin ang bawa't tao ayon sa gawa niya? 020 PRO 024 013 Anak ko, kumain ka ng pulot, sapagka't mabuti; at ng pulot-pukyutan na matamis sa iyong lasa: 020 PRO 024 014 Sa gayo'y matututo ka ng karunungan na malalagay sa iyong kaluluwa: kung iyong nasumpungan ito, sa gayo'y magkakaroon ka nga ng kagantihan, at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay. 020 PRO 024 015 Huwag kang bumakay, Oh masamang tao, sa tahanan ng matuwid; huwag mong sirain ang kaniyang dakong pahingahan: 020 PRO 024 016 Sapagka't ang matuwid ay nabubuwal na makapito, at bumabangon uli: nguni't ang masama ay nabubuwal sa kasakunaan. 020 PRO 024 017 Huwag kang magalak pagka ang iyong kaaway ay nabubuwal, at huwag matuwa ang iyong puso pagka siya'y nabubuwal: 020 PRO 024 018 Baka makita ng Panginoon, at ipagdamdam ng loob siya, at kaniyang ihiwalay ang poot niya sa kaniya. 020 PRO 024 019 Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng masama; ni maging mapanaghiliin ka man sa masama: 020 PRO 024 020 Sapagka't hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao; ang ilawan ng masama ay papatayin. 020 PRO 024 021 Anak ko, matakot ka sa Panginoon at sa hari: at huwag kang makisalamuha sa kanila na mapagbago: 020 PRO 024 022 Sapagka't ang kanilang kasakunaan ay darating na bigla; at sinong nakakaalam ng kasiraan nila kapuwa? 020 PRO 024 023 Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas. Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan, ay hindi mabuti. 020 PRO 024 024 Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid; susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa: 020 PRO 024 025 Nguni't silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran, at ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila. 020 PRO 024 026 Siya'y humahalik sa mga labi niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot. 020 PRO 024 027 Ihanda mo ang iyong gawa sa labas, at ihanda mo sa iyo sa parang; at pagkatapos ay itayo mo ang iyong bahay. 020 PRO 024 028 Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan; at huwag kang magdaya ng iyong mga labi. 020 PRO 024 029 Huwag mong sabihin, gagawin kong gayon sa kaniya na gaya ng ginawa niya sa akin: aking ibibigay sa tao ang ayon sa kaniyang gawa. 020 PRO 024 030 Ako'y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad, at sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa; 020 PRO 024 031 At, narito, tinubuang lahat ng mga tinik, ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag, at ang bakod na bato ay nabagsak. 020 PRO 024 032 Ako nga'y tumingin, at aking binulay na mabuti: aking nakita, at tumanggap ako ng turo. 020 PRO 024 033 Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog: 020 PRO 024 034 Gayon darating ang iyong karalitaan na parang magnanakaw; at ang iyong kasalatan na parang nasasandatahang tao. 020 PRO 025 001 Ang mga ito ay mga kawikaan din ni Salomon, na isinalin ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda. 020 PRO 025 002 Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay: nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay. 020 PRO 025 003 Gaya ng langit sa kataasan, at ng lupa sa kalaliman, gayon ang puso ng mga hari ay di masayod. 020 PRO 025 004 Alisin ang dumi sa pilak, at lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo: 020 PRO 025 005 Alisin ang masama sa harap ng hari, at ang kaniyang luklukan ay matatatag sa katuwiran. 020 PRO 025 006 Huwag kang magpauna sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao: 020 PRO 025 007 Sapagka't maigi na sabihin sa iyo, sumampa ka rito: kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo, na nakita ng iyong mga mata. 020 PRO 025 008 Huwag kang makialam ng walang gunita sa pakikipagbabag, baka hindi mo maalaman kung ano ang gagawin sa wakas niyaon, pagka ikaw ay hiniya ng iyong kapuwa. 020 PRO 025 009 Ipaglaban mo ang iyong usap sa iyong kapuwa, at huwag mong ihayag ang lihim ng iba: 020 PRO 025 010 Baka siyang nakakarinig ay umalipusta sa iyo, at ang iyong pagkadusta ay hindi maalis. 020 PRO 025 011 Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak. 020 PRO 025 012 Kung paano ang hikaw na ginto, at kagayakang dalisay na ginto, gayon ang pantas na mananaway sa masunuring pakinig. 020 PRO 025 013 Kung paano ang lamig ng niebe sa panahon ng pagaani, gayon ang tapat na sugo sa kanila na nangagsugo sa kaniya; sapagka't kaniyang pinagiginhawa ang kaluluwa ng kaniyang mga panginoon. 020 PRO 025 014 Kung paano ang mga alapaap at hangin na walang ulan, gayon ang taong naghahambog ng kaniyang mga kaloob na walang katotohanan. 020 PRO 025 015 Sa pamamagitan ng pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo, at ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto. 020 PRO 025 016 Nakasumpong ka ba ng pulot? kumain ka ng sapat sa iyo; baka ka masuya, at iyong isuka. 020 PRO 025 017 Magdalang ang iyong paa sa bahay ng iyong kapuwa; baka siya'y mayamot sa iyo, at ipagtanim ka. 020 PRO 025 018 Ang tao na sumasaksi ng kasinungalingang saksi laban sa kaniyang kapuwa ay isang pangbayo at isang tabak, at isang matulis na pana. 020 PRO 025 019 Pagtiwala sa di tapat na tao sa panahon ng kabagabagan ay gaya ng baling ngipin, at ng nabaliang paa. 020 PRO 025 020 Kung paano ang nangaagaw ng kasuutan sa panahong tagginaw, at kung paano ang suka sa sosa, gayon siyang umaawit ng mga awit sa mabigat na puso. 020 PRO 025 021 Kung ang iyong kaaway ay magutom, bigyan mo siya ng pagkain na makakain; at kung siya'y mauhaw, bigyan mo siya ng tubig na maiinom: 020 PRO 025 022 Sapagka't ikaw ay magbubunton ng baga ng apoy sa kaniyang ulo, at gagantihin ka ng Panginoon. 020 PRO 025 023 Ang hanging hilaga ay naglalabas ng ulan: gayon ang dilang maninirang puri ay nakagagalit. 020 PRO 025 024 Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay. 020 PRO 025 025 Kung paano ang malamig na tubig sa uhaw na kaluluwa, gayon ang mga mabuting balita na mula sa malayong lupain. 020 PRO 025 026 Kung paano ang malabong balon, at ang bukal na nalabusaw, gayon ang matuwid na tao na nagbigay daan sa harap ng masama. 020 PRO 025 027 Hindi mabuting kumain ng maraming pulot: gayon ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian, ay hindi kaluwalhatian. 020 PRO 025 028 Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa ay parang bayang nabagsak at walang kuta. 020 PRO 026 001 Kung paano ang niebe sa taginit, at kung paano ang ulan sa pagaani, gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang. 020 PRO 026 002 Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab. 020 PRO 026 003 Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno, at ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang. 020 PRO 026 004 Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya. 020 PRO 026 005 Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan, baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya. 020 PRO 026 006 Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan. 020 PRO 026 007 Ang mga hita ng pilay ay nabibitin: gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang. 020 PRO 026 008 Kung paano ang isa'y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog, gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang. 020 PRO 026 009 Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango, gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang. 020 PRO 026 010 Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat, gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon. 020 PRO 026 011 Kung paano ang aso na bumabalik sa kaniyang suka, gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan. 020 PRO 026 012 Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya. 020 PRO 026 013 Sinabi ng tamad, may leon sa daan; isang leon ay nasa mga lansangan. 020 PRO 026 014 Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra, gayon ang tamad sa kaniyang higaan. 020 PRO 026 015 Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan; napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig. 020 PRO 026 016 Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran. 020 PRO 026 017 Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya, ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga. 020 PRO 026 018 Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy, mga pana, at kamatayan; 020 PRO 026 019 Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa, at nagsasabi, hindi ko ba ginagawa sa paglilibang? 020 PRO 026 020 Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit. 020 PRO 026 021 Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy; gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit. 020 PRO 026 022 Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan. 020 PRO 026 023 Mga mapusok na labi at masamang puso ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak. 020 PRO 026 024 Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi, nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya: 020 PRO 026 025 Pagka siya'y nagsasalitang mainam, huwag mo siyang paniwalaan; sapagka't may pitong karumaldumal sa kaniyang puso: 020 PRO 026 026 Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan, at ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan. 020 PRO 026 027 Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon: at siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya. 020 PRO 026 028 Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya; at ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan. 020 PRO 027 001 Huwag mong ipaghambog ang kinabukasan; Sapagka't hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw. 020 PRO 027 002 Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig; ng iba, at huwag ng iyong sariling mga labi. 020 PRO 027 003 Ang bato ay mabigat, at ang buhangin ay matimbang; nguni't ang galit ng mangmang ay lalong mabigat kay sa mga yaon. 020 PRO 027 004 Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw, nguni't sinong makatatayo sa harap ng paninibugho? 020 PRO 027 005 Maigi ang saway na hayag kay sa pagibig na nakukubli. 020 PRO 027 006 Tapat ang mga sugat ng kaibigan: nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis. 020 PRO 027 007 Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan: nguni't sa gutom na tao ay matamis ang bawa't mapait na bagay. 020 PRO 027 008 Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad, gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako. 020 PRO 027 009 Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso: gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo. 020 PRO 027 010 Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama, ay huwag mong pabayaan; at huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan: maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo. 020 PRO 027 011 Anak ko, ikaw ay magpakadunong, at iyong pasayahin ang aking puso, upang aking masagot siya na tumutuya sa akin. 020 PRO 027 012 Ang taong mabait ay nakakakita ng kasamaan, at nagkukubli: nguni't dinadaanan ng musmos, at naghihirap. 020 PRO 027 013 Kunin mo ang kaniyang kasuutan na nananagot sa di kilala; at tanggapan mo siya ng sanla na nananagot sa babaing di kilala. 020 PRO 027 014 Siyang nagpapala sa kaniyang kaibigan ng malakas na tinig, na bumabangong maaga sa kinaumagahan, mabibilang na sumpa sa kaniya. 020 PRO 027 015 Ang laging tulo sa araw na maulan at ang babaing palatalo ay magkahalintulad: 020 PRO 027 016 Ang magibig pumigil sa kaniya, ay pumipigil sa hangin, at ang kaniyang kanan ay nakakasumpong ng langis. 020 PRO 027 017 Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal; gayon ang tao ay nagpapatalas sa mukha ng kaniyang kaibigan. 020 PRO 027 018 Ang nagiingat ng puno ng higos ay kakain ng bunga niyaon; at ang naghihintay sa kaniyang panginoon ay pararangalin. 020 PRO 027 019 Kung paanong sa tubig ang mukha ay sumasagot sa mukha, gayon ang puso ng tao sa tao. 020 PRO 027 020 Ang Sheol at ang kapahamakan ay hindi nasisiyahan kailan man; at ang mga mata ng tao ay hindi nasisiyahan kailan man. 020 PRO 027 021 Ang sangagan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto, at ang tao ay nasusubok sa pamamagitan ng kaniyang pagpuri. 020 PRO 027 022 Bagaman iyong piitin ang mangmang sa isang piitan na kasama ng pangbayo sa mga bayong trigo, gayon ma'y hindi hihiwalay ang kaniyang kamangmangan sa kaniya. 020 PRO 027 023 Magmasipag ka na alamin mo ang kalagayan ng iyong mga kawan, at tingnan mong mabuti ang iyong mga bakahan: 020 PRO 027 024 Sapagka't ang mga kayamanan ay hindi magpakailan man: at namamalagi ba ang putong sa lahat ng sali't saling lahi? 020 PRO 027 025 Ang tuyong damo ay pinupulot, at ang sariwang damo ay lumilitaw, at ang mga gugulayin sa mga bundok ay pinipisan. 020 PRO 027 026 Ang mga kordero ay ukol sa iyong kasuutan, at ang mga kambing ay siyang halaga ng bukid: 020 PRO 027 027 At magkakaroon ng kasiyahang gatas ng kambing sa iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sangbahayan; at pagkain sa iyong mga alilang babae. 020 PRO 028 001 Ang masama ay tumatakas ng walang taong humahabol: nguni't ang matuwid ay matapang na parang leon. 020 PRO 028 002 Dahil sa pagsalangsang ng lupain ay marami ang kaniyang mga pangulo: nguni't sa naguunawa at matalino ay malalaon ang kalagayan niya. 020 PRO 028 003 Ang mapagkailangan na pumipighati sa dukha ay parang bugso ng ulan na hindi nagiiwan ng pagkain. 020 PRO 028 004 Silang nangagpapabaya sa kautusan ay nagsisipuri sa masama: nguni't ang nangagiingat ng kautusan ay nangakikipagkaalit sa kanila. 020 PRO 028 005 Ang masasamang tao ay hindi nangakakaunawa ng kahatulan: nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay nangakakaunawa sa lahat ng mga bagay. 020 PRO 028 006 Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, kay sa suwail sa kaniyang mga lakad, bagaman siya'y mayaman. 020 PRO 028 007 Sinomang nagiingat ng kautusan ay pantas na anak: nguni't siyang kasama ng mga matakaw ay nagbibigay kahihiyan sa kaniyang ama. 020 PRO 028 008 Ang nagpapalago ng kaniyang yaman sa tubo at pakinabang, ay pumipisan sa ganang may awa sa dukha. 020 PRO 028 009 Siyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan, maging ang kaniyang dalangin ay karumaldumal. 020 PRO 028 010 Sinomang nagliligaw sa matuwid sa masamang daan, siya'y mahuhulog sa kaniyang sariling lungaw: nguni't ang sakdal ay magmamana ng mabuti. 020 PRO 028 011 Ang mayaman ay pantas sa ganang kaniyang sarili; nguni't ang dukha na naguunawa ay sumisiyasat. 020 PRO 028 012 Pagka ang matuwid ay nagtatagumpay, may dakilang kaluwalhatian: nguni't pagka ang masama ay bumabangon, nagsisipagtago ang mga tao. 020 PRO 028 013 Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan. 020 PRO 028 014 Masaya ang tao na natatakot na lagi: nguni't siyang nagmamatigas ng kaniyang kalooban ay mahuhulog sa kahirapan. 020 PRO 028 015 Kung paano ang umuungal na leon at ang gutom na oso, gayon ang masamang pinuno sa maralitang bayan. 020 PRO 028 016 Ang pangulo na kulang sa paguunawa ay lubhang mamimighati rin: nguni't siyang nagtatanim sa kasakiman ay dadami ang kaniyang mga kaarawan. 020 PRO 028 017 Ang tao na nagpapasan ng dugo ng sinomang tao, tatakas sa lungaw; huwag siyang pigilin ng sinoman. 020 PRO 028 018 Ang lumalakad ng matuwid ay maliligtas: nguni't siyang masama sa kaniyang mga lakad ay mabubuwal na bigla. 020 PRO 028 019 Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa mga walang kabuluhang tao ay madudukhang mainam. 020 PRO 028 020 Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala: nguni't siyang nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan. 020 PRO 028 021 Magkaroon ng pagtatangi sa mga pagkatao ay hindi mabuti: ni hindi man sasalangsang ang tao dahil sa isang putol na tinapay. 020 PRO 028 022 Siyang may masamang mata ay nagmamadali sa pagyaman, at hindi nakakaalam, na kasalatan ay darating sa kaniya. 020 PRO 028 023 Siyang sumasaway sa isang tao ay makakasumpong sa ibang araw ng higit na lingap kay sa doon sa kunwa'y pumupuri ng dila. 020 PRO 028 024 Ang nagnanakaw sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, at nagsasabi, hindi ito pagsalangsang; Yao'y kasama rin ng maninira. 020 PRO 028 025 Siyang may sakim na diwa ay humihila ng kaalitan: nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay tataba. 020 PRO 028 026 Siyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang: nguni't ang lumakad na may kapantasan, ay maliligtas. 020 PRO 028 027 Siyang nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat: nguni't siyang nagkukubli ng kaniyang mga mata ay magkakaroon ng maraming sumpa. 020 PRO 028 028 Pagka ang masama ay bumabangon, nagsisipagkubli ang mga tao; nguni't pagka sila'y nangamamatay, dumadami ang matuwid. 020 PRO 029 001 Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg, biglang mababali, at walang kagamutan. 020 PRO 029 002 Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga. 020 PRO 029 003 Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama: nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik. 020 PRO 029 004 Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan: nguni't ang humihingi ng suhol ay gumigiba. 020 PRO 029 005 Ang tao na kunwang pumupuri sa kaniyang kapuwa naglalagay ng bitag sa kaniyang mga hakbang. 020 PRO 029 006 Sa pagsalangsang ng masamang tao ay may silo: nguni't ang matuwid ay umaawit at nagagalak. 020 PRO 029 007 Ang matuwid ay kumukuhang alam sa bagay ng dukha: ang masama ay walang unawang makaalam. 020 PRO 029 008 Ang mga mangduduwahaging tao ay naglalagay ng bayan sa liyab: nguni't ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot. 020 PRO 029 009 Kung ang pantas ay magkaroon ng pakikipagtalo sa isang mangmang, magalit man o tumawa, ang mangmang ay hindi magkakaroon ng kapahingahan. 020 PRO 029 010 Ang mangbububo ng dugo ay nagtatanim sa sakdal: at tungkol sa matuwid, hinahanap nila ang kaniyang buhay. 020 PRO 029 011 Inihihinga ng mangmang ang buong galit niya: nguni't ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay. 020 PRO 029 012 Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan, lahat niyang mga lingkod ay masasama. 020 PRO 029 013 Ang dukha at ang mamimighati ay nagsasalubong; pinapagniningas ng Panginoon ang mga mata nila kapuwa. 020 PRO 029 014 Ang hari na humahatol na tapat sa dukha, ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man. 020 PRO 029 015 Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina. 020 PRO 029 016 Pagka ang masama ay dumadami, pagsalangsang ay dumadami: nguni't mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal. 020 PRO 029 017 Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa. 020 PRO 029 018 Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: nguni't siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya. 020 PRO 029 019 Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita: sapagka't bagaman nalalaman niya ay hindi siya makikinig. 020 PRO 029 020 Nakikita mo ba ang tao, na nagmamadali sa kaniyang mga salita? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya. 020 PRO 029 021 Siyang maingat na nagpalaki ng kaniyang lingkod mula sa pagkabata, magiging anak niya siya sa kawakasan. 020 PRO 029 022 Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, at ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang. 020 PRO 029 023 Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan. 020 PRO 029 024 Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa: siya'y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik. 020 PRO 029 025 Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo: nguni't ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas. 020 PRO 029 026 Marami ang nagsisihanap ng lingap ng pinuno: nguni't ang kahatulan ng tao ay nagmumula sa Panginoon. 020 PRO 029 027 Ang di ganap na tao ay karumaldumal sa matuwid: at ang matuwid sa lakad ay karumaldumal sa masama. 020 PRO 030 001 Ang mga salita ni Agur na anak ni Jache; ang sanggunian. Sinabi ng lalake kay Ithiel, kay Ithiel, at kay Ucal: 020 PRO 030 002 Tunay na ako'y hangal kay sa kaninoman, at walang kaunawaan ng isang tao: 020 PRO 030 003 At hindi ako natuto ng karunungan, ni mayroon man ako ng kaalaman ng Banal. 020 PRO 030 004 Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman? 020 PRO 030 005 Bawa't salita ng Dios ay subok: siya'y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya. 020 PRO 030 006 Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling. 020 PRO 030 007 Dalawang bagay ang hiniling ko sa iyo; huwag mong ipagkait sa akin bago ako mamatay. 020 PRO 030 008 Ilayo mo sa akin ang walang kabuluhan at ang mga kasinungalingan: huwag mo akong bigyan ng kahit karalitaan o kayamanan man; pakanin mo ako ng pagkain na kailangan ko: 020 PRO 030 009 Baka ako'y mabusog, at magkaila sa iyo, at magsabi, sino ang Panginoon? O baka ako'y maging dukha, at magnakaw ako, at gumamit ng paglapastangan sa pangalan ng aking Dios. 020 PRO 030 010 Huwag mong pawikaan ang alipin sa kaniyang panginoon, baka ka tungayawin niya, at ikaw ay maging salarin. 020 PRO 030 011 May lahi na tumutungayaw sa kanilang ama. At hindi pinagpapala ang kanilang ina. 020 PRO 030 012 May lahi na malinis sa harap ng kanilang sariling mga mata, at gayon man ay hindi hugas sa kanilang karumihan. 020 PRO 030 013 May lahi, Oh pagka mapagmataas ng kanilang mga mata! At ang kanilang mga talukap-mata ay nangakataas. 020 PRO 030 014 May lahi na ang mga ngipin ay parang mga tabak, at ang kanilang mga bagang ay parang mga sundang, upang lamunin ang dukha mula sa lupa, at ang mapagkailangan sa gitna ng mga tao. 020 PRO 030 015 Ang linga ay may dalawang anak, na sumisigaw, bigyan mo, bigyan mo. May tatlong bagay na kailan man ay hindi nasisiyahan, Oo, apat na hindi nagsasabi, siya na: 020 PRO 030 016 Ang Sheol; at ang baog na bahay-bata; ang lupa na hindi napapatiranguhaw ng tubig; at ang apoy na hindi nagsasabi, siya na. 020 PRO 030 017 Ang mata na tumutuya sa kaniyang ama, at humahamak ng pagsunod sa kaniyang ina, tutukain ito ng mga uwak sa libis, at kakanin ito ng mga inakay na aguila. 020 PRO 030 018 May tatlong bagay na totoong kagilagilalas sa akin, Oo, apat na hindi ko nalalaman: 020 PRO 030 019 Ang lipad ng aguila sa hangin; ang usad ng ahas sa ibabaw ng mga bato; ang lutang ng sasakyan sa gitna ng dagat; at ang lakad ng lalake na kasama ng isang dalaga. 020 PRO 030 020 Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae; siya'y kumakain, at nagpapahid ng kaniyang bibig, at nagsasabi, hindi ako gumawa ng kasamaan. 020 PRO 030 021 Sa tatlong bagay ay nanginginig ang lupa, at sa apat na hindi niya madala: 020 PRO 030 022 Sa isang alipin, pagka naghahari; at sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain; 020 PRO 030 023 Sa isang babaing nakayayamot, pagka nagaasawa; at sa isang aliping babae, na nagmamana sa kaniyang panginoong babae. 020 PRO 030 024 May apat na bagay na maliit sa lupa, nguni't lubhang mga pantas: 020 PRO 030 025 Ang mga langgam ay bayang hindi matibay, gayon ma'y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit; 020 PRO 030 026 Ang mga koneho ay hayop na mahina, gayon ma'y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato; 020 PRO 030 027 Ang mga balang ay walang hari, gayon ma'y lumalabas silang lahat na pulupulutong; 020 PRO 030 028 Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay, gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya. 020 PRO 030 029 May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad, Oo, apat na mainam sa lakad: 020 PRO 030 030 Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop, at hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man; 020 PRO 030 031 Ang asong matulin; ang kambing na lalake rin naman: at ang hari na hindi malalabanan. 020 PRO 030 032 Kung ikaw ay gumagawa ng kamangmangan sa pagmamataas, o kung ikaw ay umisip ng kasamaan, ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig. 020 PRO 030 033 Sapagka't sa pagbati sa gatas ay naglalabas ng mantekilya, at sa pagsungalngal sa ilong ay lumalabas ang dugo: Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan. 020 PRO 031 001 Ang mga salita ng haring Lemuel; ang sanggunian na itinuro sa kaniya ng kaniyang ina. 020 PRO 031 002 Ano anak ko? at ano, Oh anak ng aking bahay-bata? At ano, Oh anak ng aking mga panata? 020 PRO 031 003 Huwag mong ibigay ang iyong kalakasan sa mga babae, o ang iyo mang mga lakad sa lumilipol ng mga hari. 020 PRO 031 004 Hindi sa mga hari, Oh Lemuel, hindi sa mga hari ang paginom ng alak; ni sa mga pangulo man, na magsabi, saan nandoon ang matapang na alak? 020 PRO 031 005 Baka sila'y uminom, at makalimotan ang kautusan, at humamak ng kahatulan sa sinomang nagdadalamhati. 020 PRO 031 006 Bigyan mo ng matapang na inumin siya na handang manaw, at ng alak ang mapanglaw na loob. 020 PRO 031 007 Uminom siya at limutin niya ang kaniyang kahirapan, at huwag nang alalahanin pa ang kaniyang karalitaan. 020 PRO 031 008 Bukhin mo ang iyong bibig sa pipi, sa bagay ng lahat ng naiwang walang kandili. 020 PRO 031 009 Bukhin mo ang iyong bibig, humatol ka ng katuwiran, at mangasiwa ka ng kahatulan sa dukha at mapagkailangan. 020 PRO 031 010 Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi. 020 PRO 031 011 Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, at siya'y hindi kukulangin ng pakinabang. 020 PRO 031 012 Gumagawa siya ng mabuti sa kaniya at hindi kasamaan lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay. 020 PRO 031 013 Siya'y humahanap ng balahibo ng tupa at lino, at gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay. 020 PRO 031 014 Siya'y parang mga sasakyang dagat ng kalakal; nagdadala siya ng kaniyang pagkain mula sa malayo. 020 PRO 031 015 Siya'y bumabangon naman samantalang gabi pa, at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sangbahayan, at ng kanilang gawain sa kaniyang alilang babae. 020 PRO 031 016 Kaniyang minamasdan ang bukid at binibili: sa pamamagitan ng kaniyang kamay ay nagtatanim siya ng ubasan. 020 PRO 031 017 Binibigkisan niya ang kaniyang mga balakang ng kalakasan, at nagpapalakas ng kaniyang mga bisig. 020 PRO 031 018 Kaniyang namamalas na ang kaniyang kalakal ay makikinabang: ang kaniyang ilaw ay hindi namamatay sa gabi. 020 PRO 031 019 Kaniyang itinangan ang kaniyang mga kamay sa panulid, at ang kaniyang mga kamay ay humahawak ng panghabi. 020 PRO 031 020 Iginagawad niya ang kaniyang kamay sa dukha: Oo, iniaabot niya ang kaniyang mga kamay sa mapagkailangan. 020 PRO 031 021 Hindi niya ikinatatakot ang kaniyang sangbahayan sa niebe; sapagka't ang boo niyang sangbahayan ay nakapanamit ng mapulang mapula. 020 PRO 031 022 Gumagawa siya sa ganang kaniya ng mga unang may burda; ang kaniyang pananamit ay mainam na kayong lino at ng kayong kulay ube. 020 PRO 031 023 Ang kaniyang asawa ay kilala sa mga pintuang-bayan, pagka siya'y nauupo sa kasamahan ng mga matanda ng lupain. 020 PRO 031 024 Gumagawa siya ng mga kasuutang kayong lino at ipinagbibili; at nagbibigay ng mga pamigkis sa mga mangangalakal. 020 PRO 031 025 Kalakasan at kamahalan ay siyang kaniyang suot. At kaniyang tinatawanan ang panahong darating. 020 PRO 031 026 Binubuka niya ang kaniyang bibig na may karunungan; at ang kautusan ng kagandahang-loob ay nasa kaniyang dila. 020 PRO 031 027 Kaniyang tinitignang mabuti ang mga lakad ng kaniyang sangbahayan, at hindi kumakain ng tinapay ng katamaran. 020 PRO 031 028 Nagsisibangon ang kaniyang mga anak, at tinatawag siyang mapalad; gayon din ang kaniyang asawa, at pinupuri siya niya, na sinasabi: 020 PRO 031 029 Maraming anak na babae ay nagsisigawang may kabaitan, nguni't ikaw, ay humihigit sa kanilang lahat. 020 PRO 031 030 Ang lingap ay magdaraya, at ang kagandahan ay walang kabuluhan: nguni't ang babae na natatakot sa Panginoon, ay siya'y pupurihin. 020 PRO 031 031 Bigyan ninyo siya ng bunga ng kaniyang mga kamay; at purihin siya ng kaniyang mga gawa sa mga pintuang-bayan. # # BOOK 021 ECC Ecclesiastes Mangangaral 021 ECC 001 001 Ang mga salita ng Mangangaral, na anak ni David, hari sa Jerusalem. 021 ECC 001 002 Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, lahat ay walang kabuluhan. 021 ECC 001 003 Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kaniyang gawa, na kaniyang ginagawa sa ilalim ng araw? 021 ECC 001 004 Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; nguni't ang lupa ay nananatili magpakailan man. 021 ECC 001 005 Ang araw naman ay sumisikat, at ang araw ay lumulubog, at nagmamadali sa dakong sinisikatan nito. 021 ECC 001 006 Ang hangin ay yumayaon sa dakong timugan, at pumipihit sa hilagaan: at laging pumipihit na patuloy, at ang hangin ay bumabalik uli ayon sa kaniyang pihit. 021 ECC 001 007 Lahat ng mga ilog ay humuhugos sa dagat, gayon may hindi napupuno ang dagat; sa dakong hinuhugusan ng mga ilog, doon din nagsisihugos uli ang mga yaon. 021 ECC 001 008 Lahat ng mga bagay ay puspos ng pagaalapaap; hindi maisasaysay ng tao: ang mata ay hindi nasisiyahan ng pagtingin, ni ang tainga man ay nasisiyahan sa pakikinig. 021 ECC 001 009 Yaong nangyari ay siyang mangyayari; at yaong nagawa ay siyang magagawa: at walang bagong bagay sa ilalim ng araw. 021 ECC 001 010 May bagay ba na masasabi ang mga tao, Tingnan mo, ito'y bago? nayari nga sa mga panahon na una sa atin. 021 ECC 001 011 Walang alaala sa mga dating lahi; ni magkakaroon man ng alaala sa mga huling salin ng lahi na darating, sa mga yaon na darating pagkatapos. 021 ECC 001 012 Akong Mangangaral ay naging hari sa Israel sa Jerusalem. 021 ECC 001 013 At inihilig ko ang aking puso na hanapin at siyasatin sa pamamagitan ng karunungan ang lahat na nagawa sa silong ng langit: mahirap na pagdaramdam na ito ang ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao, upang pagsanayan. 021 ECC 001 014 Aking nakita ang lahat na gawa, na nagawa sa ilalim ng araw; at, narito, lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala. 021 ECC 001 015 Ang baluktot ay hindi matutuwid: at ang kulang ay hindi mabibilang. 021 ECC 001 016 Ako'y sumangguni sa aking sariling puso, na sinasabi ko, Narito, nagtamo ako sa akin ng malaking karunungan ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem: oo, ang puso ko'y nagtaglay ng malaking kabihasnan sa karunungan at kaalaman. 021 ECC 001 017 At inihilig ko ang aking puso na makaalam ng karunungan, at makaalam ng kaululan at ng kamangmangan: aking nahalata na ito man ay nauuwi sa wala. 021 ECC 001 018 Sapagka't sa maraming karunungan at maraming kapanglawan: at siyang nananagana sa kaalaman ay nananagana sa kapanglawan. 021 ECC 002 001 Sinabi ko sa aking puso: Pumarito ka ngayon, Susubukin kitang may kasayahan; kaya't magsawa ka sa kalayawan: at narito, ito rin ay walang kabuluhan. 021 ECC 002 002 Aking sinabi tungkol sa tawa, Ito'y ulol: at sa kasayahan, Anong ginagawa nito? 021 ECC 002 003 Aking siniyasat sa aking puso na kung paanong masasayahan ang aking katawan sa pamamagitan ng alak, pinapatnubayan pa ng karunungan ang aking puso at kung paanong hahawak sa kamangmangan, hanggang sa aking makita kung ano ang mabuti sa mga anak ng mga tao na marapat nilang gawin sa silong ng langit sa lahat ng mga kaarawan ng kanilang buhay. 021 ECC 002 004 Gumawa ako sa ganang akin ng mga malaking gawa; nagtayo ako sa ganang akin ng mga bahay; nagtanim ako sa ganang akin ng mga ubasan; 021 ECC 002 005 Gumawa ako sa ganang akin ng mga halamanan at mga liwasan, at aking tinamnan ng mga sarisaring puno ng kahoy na nagkakabunga: 021 ECC 002 006 Gumawa ako sa ganang akin ng mga tipunan ng tubig, upang dumilig ng gubat na pagtatamnan ng mga puno ng kahoy: 021 ECC 002 007 Ako'y bumili ng mga aliping lalake at babae, at nagkaroon ako ng mga aliping ipinanganak sa aking bahay; nagkaroon din naman ako ng mga malaking pag-aari na mga bakahan at mga kawan, ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem: 021 ECC 002 008 Nagtipon din ako sa ganang akin ng pilak at ginto, at ng tanging kayamanan ng mga hari at ng mga lalawigan: nagtatangkilik ako sa akin ng mga lalaking mangaawit at mga babaing mangaawit, at ng mga kalayawan ng mga anak ng mga tao, mga sarisaring instrumento ng musiko iya'y totoong marami. 021 ECC 002 009 Sa gayo'y naging dakila ako, at lumago ako ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem: ang akin namang karunungan ay namamalagi sa akin. 021 ECC 002 010 At anomang ninasa ng aking mga mata ay hindi ko ipinagkait: hindi ko pinigil ang aking puso sa anomang kagalakan, sapagka't nagagalak ang aking puso dahil sa lahat kong gawain; at ito ang aking bahagi na mula sa lahat kong gawain. 021 ECC 002 011 Nang magkagayo'y minasdan ko ang lahat ng mga gawa, na ginawa ng aking mga kamay, at ang gawain na aking pinagsikapang gawin; at, narito, lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala, at walang pakinabang sa ilalim ng araw. 021 ECC 002 012 At ako'y pumihit upang masdan ang karunungan, at ang kaululan at ang kamangmangan; sapagka't ano ang magagawa ng tao na sumusunod sa hari? samakatuwid baga'y ang nagawa na laong panahon ng nakaraan. 021 ECC 002 013 Nang magkagayo'y aking nakita, na ang karunungan ay humihigit sa kamangmangan, na gaya ng liwanag na humihigit sa dilim. 021 ECC 002 014 Ang mga mata ng pantas ay na sa kaniyang ulo, at ang mangmang ay lumalakad sa kadiliman: at gayon ma'y aking namalas na isang pangyayari ang nangyari sa kanilang lahat. 021 ECC 002 015 Nang magkagayo'y sinabi ko sa puso ko, Kung ano ang nangyari sa mangmang gayon ang mangyayari sa akin; at bakit pa nga ako naging lalong pantas? Nang magkagayo'y sinabi ko sa puso ko, na ito man ay walang kabuluhan. 021 ECC 002 016 Sapagka't kung paano sa pantas ay gayon din sa mangmang, walang alaala magpakailan man; dangang sa mga araw na darating ay malilimutang lahat na. At kung paanong ang pantas ay namamatay ay gayon ang mangmang! 021 ECC 002 017 Sa gayo'y ipinagtanim ko ang buhay; sapagka't ang gawa na ginawa sa ilalim ng araw ay mapanglaw sa akin: sapagka't lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala. 021 ECC 002 018 At ipinagtanim ko ang lahat kong gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw: yamang marapat kong iwan sa tao na susunod sa akin. 021 ECC 002 019 At sinong nakakaalam kung siya'y magiging isang pantas o isang mangmang? gayon ma'y magpupuno siya sa lahat ng aking gawa, na aking ginawa, at sa aking pinagpakitaan ng karunungan sa ilalim ng araw. Ito man ay walang kabuluhan. 021 ECC 002 020 Kaya't ako'y bumalik upang aking alisan ng pagasa ang aking puso tungkol sa lahat na gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw. 021 ECC 002 021 Sapagka't may tao, na ang gawa ay sa pamamagitan ng karunungan, at ng kaalaman, at ng kabihasnan; gayon ma'y sa tao na hindi gumawa niyaon ay iiwan niya na pinakabahagi niyaon. Ito man ay walang kabuluhan at malaking kasamaan. 021 ECC 002 022 Sapagka't ano ang tinatamo ng tao sa lahat niyang gawa, at sa nais ng kaniyang puso na kaniyang iginawa sa ilalim ng araw? 021 ECC 002 023 Sapagka't lahat niyang kaarawan ay mga kapanglawan lamang, at ang kaniyang pagdaramdam ay hapis; oo, pati sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kaniyang puso. Ito man ay walang kabuluhan. 021 ECC 002 024 Walang maigi sa tao kundi ang kumain at uminom, at pagalaking mabuti ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang gawa. Ito man ay aking nakita na mula sa kamay ng Dios. 021 ECC 002 025 Sapagka't sinong makakakain, o sinong makapagtataglay ng kagalakang higit kay sa akin? 021 ECC 002 026 Sapagka't ang tao na kinaluluguran niya, binibigyan ng Dios ng karunungan, at kaalaman, at kagalakan: nguni't ang makasalanan ay binibigyan niya ng damdam, na magpisan at magbunton, upang maibigay sa kaniya na kinaluluguran ng Dios. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala. 021 ECC 003 001 Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit: 021 ECC 003 002 Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim; 021 ECC 003 003 Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapagaling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo; 021 ECC 003 004 Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw; 021 ECC 003 005 Panahon ng paghahagis ng mga bato, at panahon ng pagpipisan ng mga bato; panahon ng pagyakap, at panahon ng pagpipigil sa pagyakap; 021 ECC 003 006 Panahon ng paghanap, at panahon ng pagkawala: panahon ng pagiingat, at panahon ng pagtatapon; 021 ECC 003 007 Panahon ng pagpunit, at panahon ng pananahi; panahon ng pagtahimik, at panahon ng pagsasalita; 021 ECC 003 008 Panahon ng pagibig, at panahon ng pagtatanim; panahon ng digma, at panahon ng kapayapaan. 021 ECC 003 009 Anong pakinabang ang tinatamo niya, na gumagawa sa kaniyang pinagpapagalan? 021 ECC 003 010 Aking nakita ang sakit na ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao upang pagsanayan. 021 ECC 003 011 Ginawa niya ang bawa't bagay na maganda sa kapanahunan niyaon: inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso, na anopa't hindi matalos ng tao ang gawa na ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas. 021 ECC 003 012 Nalalaman ko, na walang maigi sa kanila, kay sa magalak, at gumawa ng mabuti habang sila'y nabubuhay. 021 ECC 003 013 At ang bawa't tao rin naman ay marapat kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa, siyang kaloob ng Dios. 021 ECC 003 014 Nalalaman ko, na anomang ginagawa ng Dios, magiging magpakailan pa man: walang bagay na maidadagdag, o anomang bagay na maaalis: at ginawa ng Dios, upang ang tao ay matakot sa harap niya. 021 ECC 003 015 Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na. 021 ECC 003 016 At bukod dito'y aking nakita sa ilalim ng araw, sa dako ng kahatulan, na nandoon ang kasamaan; at sa dako ng katuwiran, na nandoon ang kasamaan. 021 ECC 003 017 Sinabi ko sa puso ko, Hahatulan ng Dios ang matuwid at ang masama: sapagka't may panahon doon sa bawa't panukala at sa bawa't gawa. 021 ECC 003 018 Sinabi ko sa puso ko, Dahil sa mga anak ng mga tao, upang subukin sila ng Dios, at upang kanilang makita na sila'y mga hayop lamang. 021 ECC 003 019 Sapagka't ang nangyayari sa mga anak ng mga tao ay nangyayari sa mga hayop: sa makatuwid baga'y isang bagay ang nangyari sa kanila: kung paanong namamatay ang hayop, gayon namamatay ang tao; oo, silang lahat ay may isang hininga; at ang tao ay wala ng karangalang higit sa hayop: sapagka't lahat ay walang kabuluhan. 021 ECC 003 020 Lahat ay nagsisiyaon sa isang dako; lahat ay buhat sa alabok, at lahat ay nangauuwi sa alabok uli. 021 ECC 003 021 Sinong nakakaalam ng diwa ng tao kung napaiilanglang, at ng diwa ng hayop kung napaiibaba sa lupa? 021 ECC 003 022 Kaya't aking nakita, na walang bagay na maigi, kundi ang tao ay magalak sa kaniyang mga gawa; sapagka't siyang kaniyang bahagi: sapagka't sinong magbabalik sa kaniya upang makita ang mangyayari pagkamatay niya? 021 ECC 004 001 Nang magkagayo'y pumihit ako, at aking nakita ang lahat na kapighatian na nagawa sa ilalim ng araw: at, narito, ang mga luha ng mga yaon, na napipighati, at wala silang mangaaliw: at sa siping ng mga mamimighati sa kanila ay may kapangyarihan, nguni't wala silang mangaaliw. 021 ECC 004 002 Kaya't aking pinuri ang patay na namatay na, ng higit kay sa may buhay na nabubuhay pa; 021 ECC 004 003 Oo, maigi kay sa kanila kapuwa ang hindi ipinanganganak, na hindi nakakita ng masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw. 021 ECC 004 004 Nang magkagayo'y nakita ko ang lahat na gawa, at bawa't gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala. 021 ECC 004 005 Inihahalukipkip ng mangmang ang kaniyang mga kamay, at kumakain ng kaniyang sariling laman. 021 ECC 004 006 Maigi ang isang dakot na may katahimikan, kay sa dalawang dakot na may kahirapan at walang kabuluhan. 021 ECC 004 007 Nang magkagayo'y bumalik ako at aking nakita ang walang kabuluhan sa ilalim ng araw. 021 ECC 004 008 May isa na nagiisa, at siya'y walang pangalawa; oo, siya'y walang anak o kapatid man; gayon ma'y walang wakas sa lahat niyang gawa, ni nasisiyahan man ang kaniyang mga mata sa mga kayamanan. Dahil kanino nga, sabi niya, nagpapagal ako, at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti? Ito man ay walang kabuluhan, oo, mahirap na damdam. 021 ECC 004 009 Dalawa ay maigi kay sa isa; sapagka't sila'y may mabuting kagantihan sa kanilang gawa. 021 ECC 004 010 Sapagka't kung sila'y mabuwal, ibabangon ng isa ang kaniyang kasama; nguni't sa aba niya, na nagiisa pagka siya'y nabuwal, at walang iba na magbangon sa kaniya. 021 ECC 004 011 Muli, kung ang dalawa ay mahigang magkasama, may init nga sila: nguni't paanong makapagpapainit ang isa na nagiisa? 021 ECC 004 012 At kung ang isang tao ay manaig laban sa kaniya na nagiisa, ang dalawa ay makalalaban sa kaniya; at ang panaling tatlong ikid ay hindi napapatid na madali. 021 ECC 004 013 Maigi ang dukha at pantas na bata kay sa matanda at mangmang na hari, na hindi nakakaalam ng pagtanggap ng payo pa. 021 ECC 004 014 Sapagka't mula sa bilangguan ay lumabas siya upang maghari; oo, sa kaniyang kaharian nga ay ipinanganak siyang dukha. 021 ECC 004 015 Aking nakita ang lahat na may buhay, na nagsisilakad sa ilalim ng araw, na sila'y kasama ng bata, ng ikalawa, na tumatayo na kahalili niya. 021 ECC 004 016 Walang wakas sa lahat ng bayan, sa makatuwid baga'y sa lahat na pinaghaharian niya: gayon ma'y silang darating pagkatapos ay hindi mangagagalak sa kaniya. Tunay na ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala. 021 ECC 005 001 Ingatan mo ang iyong paa pagka ikaw ay napasasa bahay ng Dios; sapagka't ang paglapit upang makinig ay maigi kay sa magbigay ng hain ng mga mangmang: sapagka't hindi nila nalalaman na sila'y nagsisigawa ng kasamaan. 021 ECC 005 002 Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit, at ikaw ay nasa lupa: kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita. 021 ECC 005 003 Sapagka't ang panaginip ay dumarating sa karamihan ng gawain; at ang tinig ng mangmang sa karamihan ng mga salita. 021 ECC 005 004 Pagka ikaw ay nananata ng panata sa Dios, huwag kang magliban ng pagtupad; sapagka't siya'y walang kaligayahan sa mga mangmang: tuparin mo ang iyong ipinanata. 021 ECC 005 005 Maigi nga ang ikaw ay huwag manata, kay sa ikaw ay manata at hindi tumupad. 021 ECC 005 006 Huwag bayaan ang iyong bibig, na papagkasalanin ang iyong laman; at huwag ka mang magsabi sa harap ng anghel, na isang kamalian: bakit nga magagalit ang Dios sa iyong tinig, at sisirain ang gawa ng iyong mga kamay? 021 ECC 005 007 Sapagka't sa karamihan ng mga panaginip ay may kawalangkabuluhan, at sa maraming mga salita: nguni't matakot ka sa Dios. 021 ECC 005 008 Kung iyong nakikita ang kapighatian ng dukha, at ang karahasang pagaalis ng kahatulan at kaganapan sa isang lalawigan, huwag mong kamanghaan ang bagay: sapagka't ang lalong mataas kay sa mataas ay nagmamasid; at may lalong mataas kay sa kanila. 021 ECC 005 009 Bukod dito, ay sa lahat ang pakinabang sa lupa: ang hari man ay pinaglilingkuran ng bukid. 021 ECC 005 010 Siyang umiibig sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak; o siya mang umiibig sa kasaganaan ng pakinabang: ito man ay walang kabuluhan. 021 ECC 005 011 Pagka ang mga pag-aari ay nagsisidami, ay nagsisidami silang nagsisikain ng mga yaon: at anong pakinabang mayroon ang may-ari niyaon, kundi ang mamasdan ng kaniyang mga mata? 021 ECC 005 012 Ang tulog ng manggagawang tao ay mahimbing, maging siya'y kumain ng kaunti o marami: nguni't ang kasaganaan ng yaman ay hindi magpapatulog sa kaniya. 021 ECC 005 013 May malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalim ng araw, ito nga, ang mga yamang iningatan ng may-ari niyaon sa kapahamakan niya. 021 ECC 005 014 At ang mga yamang yaon ay nawawala ng masamang pangyayari; at kung siya'y magkaanak ng lalake, walang maiiwan sa kaniyang kamay. 021 ECC 005 015 Kung paanong siya'y lumabas sa bahay-bata ng kaniyang ina, hubad na yayaon siya uli na gaya ng siya'y dumating, at hindi magdadala ng anoman sa kaniyang nagawa, na kaniyang madadala sa kaniyang kamay. 021 ECC 005 016 At ito man ay malubhang kasamaan, na kung paano siya dumating ay gayon siya yayaon: at anong pakinabang mayroon siya, na gumagawa sa hangin? 021 ECC 005 017 Lahat ng mga araw naman niya ay ikinakain niya sa kadiliman, at siya'y totoong nayayamot, at may sakit at pag-iinit. 021 ECC 005 018 Narito, na aking nakita na mabuti at ukol sa isa ang kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa na kaniyang ginawa sa ilalim ng araw lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay sa kaniya ng Dios: sapagka't ito'y kaniyang bahagi. 021 ECC 005 019 Bawa't tao rin naman na binigyan ng Dios ng mga kayamanan at mga pag-aari, at binigyan ng kapangyarihan na kumain niyaon, at kumuha ng kaniyang bahagi, at magalak sa kaniyang gawa, ito'y kaloob ng Dios. 021 ECC 005 020 Sapagka't hindi niya aalalahaning lubha ang mga kaarawan ng kaniyang buhay; sapagka't sinasagot siya ng Dios sa kagalakan ng kaniyang puso. 021 ECC 006 001 May kasamaan na nakita ako sa ilalim ng araw, at mabigat sa mga tao: 021 ECC 006 002 Ang tao na binibigyan ng Dios ng mga kayamanan, pag-aari, at karangalan, na anopa't walang kulang sa kaniyang kaluluwa sa lahat niyang ninanasa, gayon ma'y hindi binibigyan siya ng Dios ng kapangyarihan na kumain niyaon, kundi iba ang kumakain niyaon; ito'y walang kabuluhan, at masamang sakit. 021 ECC 006 003 Kung ang isang tao ay magkaanak ng isang daan, at mabuhay na maraming taon, na anopa't ang mga kaarawan ng kaniyang mga taon ay dumami, nguni't ang kaniyang kaluluwa ay hindi mabusog ng mabuti, at bukod dito ay wala siyang pangpalibing; aking sinasabing maigi ang isang naagas kay sa kaniya: 021 ECC 006 004 Sapagka't dumarating na walang kabuluhan, at yumayaon sa kadiliman, at ang pangalan niyaon ay natatakpan ng kadiliman; 021 ECC 006 005 Bukod dito ay hindi nakita ang araw o nakilala man; ito'y may kapahingahang maigi kay sa isa; 021 ECC 006 006 Oo, bagaman siya'y mabuhay na isang libong taon na makalawang masaysay, at hindi man nagalak na mabuti: hindi ba nagsisiyaon ang lahat sa iisang dako? 021 ECC 006 007 Lahat ng gawa ng tao ay para sa kaniyang bibig, at gayon ma'y ang panglasa ay hindi nasisiyahan. 021 ECC 006 008 Sapagka't anong pakinabang mayroon ang pantas na higit sa mangmang? o anong pakinabang mayroon ang dukha na maalam lumakad sa harap ng mga buhay? 021 ECC 006 009 Maigi ang paningin ng mga mata kay sa pagdidilidili; ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala. 021 ECC 006 010 Anomang nangyari, ang pangalan niyaon ay natawag nang malaon, at kilala na siya'y tao: ni hindi maaaring makipagtalo siya sa lalong makapangyarihan kay sa kaniya. 021 ECC 006 011 Yamang maraming bagay na nangagdaragdag ng walang kabuluhan, ano ang lalong ikinaigi ng tao? 021 ECC 006 012 Sapagka't sinong nakakaalam kung ano ang mabuti sa tao sa kaniyang buhay, lahat ng mga kaarawan ng kaniyang walang kabuluhang buhay na kaniyang ginugol na gaya ng anino? sapagka't sinong makapagsasaysay sa tao kung ano ang mangyayari pagkamatay niya sa ilalim ng araw? 021 ECC 007 001 Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan. 021 ECC 007 002 Maigi ang pasa bahay ng tangisan, kay sa bahay ng pistahan: sapagka't siyang wakas ng lahat ng mga tao; at ilalagak ng may buhay sa kaniyang puso. 021 ECC 007 003 Kapanglawan ay maigi kay sa pagtawa: sapagka't sa kapanglawan ng mukha ay sumasaya ang puso. 021 ECC 007 004 Ang puso ng pantas ay nasa bahay ng tangisan; nguni't ang puso ng mangmang ay nasa bahay ng kasayahan. 021 ECC 007 005 Maigi ang makinig ng saway ng pantas kay sa isang tao'y makinig ng awit ng mga mangmang. 021 ECC 007 006 Sapagka't kung paano ang lagitik ng mga tinik sa ilalim ng palyok, gayon ang tawa ng mangmang: ito ma'y walang kabuluhan. 021 ECC 007 007 Tunay na nagpapamangmang sa pantas ang pagkapighati; at ang suhol ay sumisira ng unawa. 021 ECC 007 008 Maigi ang wakas ng isang bagay kay sa pasimula niyaon: at ang matiising loob ay maigi kay sa palalong loob. 021 ECC 007 009 Huwag kang magagalitin sa iyong kalooban: sapagka't ang galit ay nagpapahinga sa sinapupunan ng mga mangmang. 021 ECC 007 010 Huwag mong sabihin, Ano ang kadahilanan na ang mga unang araw ay maigi kay sa mga ito? sapagka't hindi ka naguusisang may katalinuhan tungkol dito. 021 ECC 007 011 Karunungan ay mabuting gaya ng mana: oo, lalong marilag sa ganang kanila na nakakakita ng araw. 021 ECC 007 012 Sapagka't ang karunungan ay sanggalang, sa makatuwid baga'y gaya ng salapi na sanggalang: nguni't ang karilagan ng kaalaman, ay iniingatan ng karunungan ang buhay niya na nagtatangkilik niyaon. 021 ECC 007 013 Gunitain mo ang gawa ng Dios: sapagka't sinong makapagtutuwid ng ginawa niyang baluktot? 021 ECC 007 014 Sa kaarawan ng kaginhawahan ay magalak ka, at sa kaarawan ng kahirapan ay gumunita ka: oo, ginawa ng Dios ang isa sa siping ng isa, upang ang tao ay huwag makasumpong ng anomang bagay na mangyayari pagkamatay niya. 021 ECC 007 015 Lahat ng ito ay nakita ko sa mga kaarawan ng aking walang kabuluhan: may matuwid na namamatay sa kaniyang katuwiran, at may masama na humahaba ang buhay sa kaniyang masamang gawa. 021 ECC 007 016 Huwag kang lubhang magpakamatuwid; ni huwag ka mang lubhang magpakapantas: bakit sisirain mo ang iyong sarili? 021 ECC 007 017 Huwag kang magpakasamang lubha, ni magpakamangmang man: bakit ka mamamatay bago dumating ang iyong kapanahunan? 021 ECC 007 018 Mabuti na ikaw ay manghawak dito; oo, doon man ay huwag mong iurong ang iyong kamay: sapagka't siyang natatakot sa Dios ay lalayo sa lahat na yaon. 021 ECC 007 019 Karunungan ay kalakasan sa pantas, na higit kay sa sangpung pinuno na nangasa bayan. 021 ECC 007 020 Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala. 021 ECC 007 021 Huwag ka rin namang makinig sa lahat ng mga salita na sinasalita, baka marinig mong sinusumpa ka ng iyong alipin: 021 ECC 007 022 Sapagka't madalas ding nalalaman ng iyong sariling puso, na ikaw ay sumumpa rin sa mga iba. 021 ECC 007 023 Lahat ng ito ay tinikman ko sa karunungan: aking sinabi, Ako'y magiging pantas: nguni't malayo sa akin. 021 ECC 007 024 Ang nilikha ay malayo at totoong malalim; sinong makaaabot? 021 ECC 007 025 Ako'y pumihit at inilagak ang aking puso na umalam, at sumiyasat, at humanap ng karunungan, at ng kadahilanan ng mga bagay, at umalam na ang kasamaan ay kamangmangan, at ang kamangmangan ay kaululan: 021 ECC 007 026 At nakasumpong ako ng bagay na lalong mapait kay sa kamatayan, sa makatuwid baga'y ang babae na ang puso ay mga silo at mga bitag, at ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga panali: ang nalulugod sa Dios ay tatakas sa kaniya; nguni't ang makasalanan ay makukuha niya. 021 ECC 007 027 Narito, ito'y aking nasumpungan, sabi ng Mangangaral, na iniaagapay ang isang bagay sa iba, upang matagpuan ang kadahilanan: 021 ECC 007 028 Na hinahanap pa ng aking kaluluwa, nguni't hindi ko nasumpungan: isang tao sa isang libo ang aking nasumpungan; nguni't isang babae sa lahat ng mga yaon ay hindi ko nasumpungan. 021 ECC 007 029 Narito, ito lamang ang aking nasumpungan, na ginawang matuwid ng Dios ang tao; nguni't nagsihanap sila ng maraming katha. 021 ECC 008 001 Sino ang gaya ng pantas na lalake? at sinong nakakaalam ng kahulugan ng isang bagay? Ang karunungan ng tao ay nagpapasilang ng kaniyang mukha, at ang katigasan ng kaniyang mukha ay nababago. 021 ECC 008 002 Ipinapayo ko sa iyo, ingatan mo ang utos ng hari, at siya'y dahil sa sumpa ng Dios. 021 ECC 008 003 Huwag kang magmadaling umalis sa kaniyang harapan; huwag kang mamalagi sa masamang bagay: sapagka't kaniyang ginagawa ang anomang kaniyang kalugdan. 021 ECC 008 004 Sapagka't ang salita ng hari ay may kapangyarihan; at sinong makapagsasabi sa kaniya, Anong ginagawa mo? 021 ECC 008 005 Ang nagiingat ng utos ay hindi makakaalam ng masamang bagay; at ang puso ng pantas ay nagbubulay ng panahon at kahatulan: 021 ECC 008 006 Sapagka't sa bawa't panukala ay may kapanahunan at kahatulan; sapagka't ang karalitaan ng tao ay malaki sa kaniya: 021 ECC 008 007 Sapagka't hindi niya nalalaman ang mangyayari; sapagka't sinong makapagsasaysay sa kaniya, kung paanong mangyayari? 021 ECC 008 008 Walang tao na may kapangyarihan sa diwa upang pumigil ng diwa; ni walang kapangyarihan siya sa kaarawan ng kamatayan; at walang dahilan sa pakikipagpunyaging yaon: ni maililigtas siya ng kasamaan, na taglay niya. 021 ECC 008 009 Lahat ng ito ay nakita ko, at inihilig ko ang aking puso sa bawa't gawa, na nagawa sa ilalim ng araw: may panahon na ang isa ay may kapangyarihan sa isa sa kaniyang kapahamakan. 021 ECC 008 010 At gayon din nakita ko ang masama na nakalibing, at nagsidating sa hukay; at silang nagsigawa ng matuwid ay nagsialis sa dakong banal, at nalimutan sa bayan: ito man ay walang kabuluhan. 021 ECC 008 011 Sapagka't ang hatol laban sa masamang gawa ay hindi isinasagawa agad, kaya't ang puso ng mga anak ng mga tao ay lubos na nangalalagak sa paggawa ng kasamaan. 021 ECC 008 012 Bagaman ang makasalanan ay gumawa ng kasamaan na makaisang daan, at humaba ang kaniyang buhay, gayon ma'y tunay, na talastas ko, na ikabubuti nilang nangatatakot sa Dios, na nangatatakot sa harap niya: 021 ECC 008 013 Nguni't hindi ikabubuti ng masama, ni hahaba man ang kaniyang buhay na parang isang anino; sapagka't siya'y hindi natatakot sa harap ng Dios. 021 ECC 008 014 May walang kabuluhan na nangyayari sa lupa; na may mga matuwid na tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng masama; muli, may mga masamang tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng matuwid; aking sinabi, na ito man ay walang kabuluhan. 021 ECC 008 015 Nang magkagayo'y pinuri ko ang kalayawan, sapagka't ang tao ay walang maiging bagay sa ilalim ng araw, kundi ang kumain, at uminom, at magsaya: sapagka't tatahang kasama niya sa kaniyang gawa lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay ng Dios sa kaniya sa ilalim ng araw. 021 ECC 008 016 Nang aking ikiling ang aking puso upang makaalam ng karunungan, at upang makakita ng gawain na ginagawa sa lupa: (sapagka't may hindi nakakakita ng tulog ng kahit araw o gabi man ng kaniyang mga mata: ) 021 ECC 008 017 Namasdan ko nga ang lahat ng gawa ng Dios, na hindi matalastas ng tao ang gawa na ginagawa sa ilalim ng araw: sapagka't sikaping mainam man ng tao na hanapin, ay hindi rin masusumpungan; oo, bukod dito, bagaman isipin ng pantas na maalaman hindi rin niya masusumpungan. 021 ECC 009 001 Sapagka't lahat ng ito ay inilagak ko sa aking puso, upang siyasatin ang lahat ng ito; na ang matuwid, at ang pantas, at ang kanilang mga gawa, ay nangasa kamay ng Dios: maging pagibig o pagtatanim hindi nalalaman ng tao; lahat ay nangasa harap nila. 021 ECC 009 002 Lahat ng mga bagay ay nagsisidating na parapara sa lahat: may isang pangyayari sa matuwid at sa masama; sa mabuti, at sa malinis, at sa marumi; sa kaniyang naghahain at sa kaniyang hindi naghahain: kung paano ang mabuti, gayon ang makasalanan; at ang sumusumpa, gaya ng natatakot sa sumpa. 021 ECC 009 003 Ito'y isang kasamaan sa lahat na nalikha sa ilalim ng araw, na may isang pangyayari sa lahat: oo, gayon din, ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay. 021 ECC 009 004 Sapagka't sa kaniya, na napisan sa lahat na may buhay ay may pagasa: sapagka't ang buhay na aso ay maigi kay sa patay na leon. 021 ECC 009 005 Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan. 021 ECC 009 006 Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw. 021 ECC 009 007 Yumaon ka ng iyong lakad, kumain ka ng iyong tinapay na may kagalakan, at uminom ka ng iyong alak na may masayang puso; sapagka't tinanggap na ng Dios ang iyong mga gawa. 021 ECC 009 008 Maging maputing lagi ang iyong mga suot; at huwag magkulang ng unguento ang iyong ulo. 021 ECC 009 009 Ikaw ay mabuhay na masaya na kalakip ng asawa na iyong iniibig sa lahat ng mga kaarawan ng buhay ng iyong walang kabuluhan, na kaniyang ibinigay sa iyo sa ilalim ng araw, lahat ng mga kaarawan ng iyong walang kabuluhan: sapagka't iyan ang iyong bahagi sa buhay, at sa iyong gawa na iyong ginagawa sa ilalim ng araw. 021 ECC 009 010 Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol, na iyong pinaparunan. 021 ECC 009 011 Ako'y bumalik, at nakita ko sa ilalim ng araw, na ang paguunahan ay hindi sa mga matulin, ni ang pagbabaka man ay sa mga malakas, ni sa mga pantas man ang tinapay, ni ang mga kayamanan man ay sa mga taong naguunawa, ni ang kaloob man ay sa taong matalino; kundi ang panahon at kapalaran ay mangyayari sa kanilang lahat. 021 ECC 009 012 Sapagka't hindi rin nalalaman ng tao ang kaniyang kapanahunan: kung paano ang mga isda na nahuhuli sa masamang lambat, at kung paano ang mga ibon na nahuhuli sa bitag, gayon ang mga anak ng mga tao, ay nasisilo sa masamang kapanahunan, pagka biglang nahuhulog sa kanila. 021 ECC 009 013 Nakita ko rin ang karunungan sa ilalim ng araw, sa ganitong anyo, at naging tila dakila sa akin: 021 ECC 009 014 Nagkaroon ng maliit na bayan, at iilan ang tao sa loob niyaon; at may dumating na dakilang hari laban doon, at kumubkob, at nagtayo ng mga malaking tanggulan laban doon: 021 ECC 009 015 May nasumpungan nga roong isang dukhang pantas na lalake, at iniligtas niya ng kaniyang karunungan ang bayan; gayon ma'y walang umalaala sa dukhang lalaking yaon. 021 ECC 009 016 Nang magkagayo'y sinabi ko, Karunungan ay maigi kay sa kalakasan: gayon ma'y karunungan ng dukhang taong yaon ay hinamak, at ang kaniyang mga salita ay hindi dinidinig. 021 ECC 009 017 Ang mga salita ng pantas na sinalitang marahan ay narinig na higit kay sa hiyaw ng nagpupuno sa mga mangmang. 021 ECC 009 018 Karunungan ay maigi kay sa mga sandata sa pakikipagdigma: nguni't ang isang makasalanan ay sumisira ng maraming mabuti. 021 ECC 010 001 Ang mga patay na langaw ay nagpapabaho sa unguento ng manggagawa ng pabango: gayon ang munting kamangmangan ay sumisira ng karunungan at karangalan. 021 ECC 010 002 Ang puso ng pantas na tao ay nasa kaniyang kanang kamay; nguni't ang puso ng mangmang ay sa kaniyang kaliwa. 021 ECC 010 003 Oo gayon din, pagka ang mangmang ay lumalakad sa daan, ay nawawalan siya ng bait, at kaniyang sinasabi sa bawa't isa, na siya'y isang ulol. 021 ECC 010 004 Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo, huwag kang umalis: sapagka't ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit. 021 ECC 010 005 May isang kasamaan, na nakita ko sa ilalim ng araw na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno: 021 ECC 010 006 Ang mangmang ay nauupo sa malaking karangalan, at ang mayaman ay nauupo sa mababang dako. 021 ECC 010 007 Nakakita ako ng mga alipin na nakasakay sa mga kabayo, at ng mga pangulo na nagsisilakad sa lupa na gaya ng mga alipin. 021 ECC 010 008 Siyang humuhukay ng lungaw ay mahuhulog doon: at ang sumisira sa pader, ay kakagatin siya ng ahas. 021 ECC 010 009 Ang tumatabas ng mga bato ay masasaktan niyaon; at ang pumapalakol ng kahoy ay napapanganib doon. 021 ECC 010 010 Kung ang bakal ay pumurol, at hindi ihasa ninoman ang talim, marapat nga niyang gamitan ng lalong kalakasan: nguni't ang karunungan ay pinakikinabangang magturo. 021 ECC 010 011 Kung ang ahas ay kumagat bago maenkanto, wala ngang kapakinabangan sa mangeenkanto. 021 ECC 010 012 Ang mga salita ng bibig ng pantas ay mapagbiyaya; nguni't ang mga labi ng mangmang ay lalamon sa kaniyang sarili. 021 ECC 010 013 Ang pasimula ng mga salita ng kaniyang bibig ay kamangmangan: at ang wakas ng kaniyang salita ay makamandag na kaululan. 021 ECC 010 014 Ang mangmang din naman ay nagpaparami ng mga salita: gayon ma'y hindi nalalaman ng tao kung ano ang mangyayari; at ang mangyayari pagkamatay niya, sinong makapagsasaysay sa kaniya? 021 ECC 010 015 Ang gawa ng mga mangmang ay nagpapayamot sa bawa't isa sa kanila; sapagka't hindi niya nalalaman kung paanong pagparoon sa bayan. 021 ECC 010 016 Sa aba mo, Oh lupain, kung ang iyong hari ay isang bata, at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa umaga! 021 ECC 010 017 Mapalad ka, Oh lupain, kung ang iyong hari ay anak ng mga mahal na tao, at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa kaukulang panahon, sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing! 021 ECC 010 018 Sa katamaran ay gumuguho ang bubungan; at di sa pagkilos ng mga kamay ay tumutulo ang bahay. 021 ECC 010 019 Ang kapistahan ay ginagawa sa ikapagtatawa, at ang alak ay nagpapasaya sa buhay: at ang salapi ay sumasagot sa lahat ng mga bagay. 021 ECC 010 020 Huwag mong sumpain ang hari, huwag, huwag sa iyong pagiisip; at huwag mong sumpain ang mayaman sa iyong silid na tulugan: sapagka't isang ibon sa himpapawid ay magdadala ng tinig, at ang may mga pakpak ay magsasaysay ng bagay. 021 ECC 011 001 Ihasik mo ang iyong tinapay sa tubigan: sapagka't iyong masusumpungan pagkaraan ng maraming araw. 021 ECC 011 002 Magbigay ka ng bahagi sa pito, oo, sa walo; sapagka't hindi mo nalalaman kung anong kasamaan ang mangyayari sa lupa. 021 ECC 011 003 Kung ang mga alapaap ay mapuno ng ulan, ay tumutulo sa lupa: at kung ang punong kahoy ay mabuwal sa dakong timugan, o sa dakong hilagaan sa dakong kabuwalan ng kahoy, ay doon ito mamamalagi. 021 ECC 011 004 Ang nagmamalas sa hangin ay hindi maghahasik; at ang tumitingin sa mga alapaap ay hindi aani. 021 ECC 011 005 Kung paanong hindi mo nalalaman kung ano ang daan ng hangin o kung paano mang lumalaki ang mga buto sa bahay-bata ng buntis; gayon hindi mo nalalaman ang gawa ng Dios na gumagawa sa lahat. 021 ECC 011 006 Ihasik mo sa umaga ang iyong binhi, at huwag mong iurong ang iyong kamay sa hapon; sapagka't hindi mo nalalaman kung alin ang tutubo, kung ito o yaon, o kung kapuwa magiging mabuti. 021 ECC 011 007 Tunay na ang liwanag ay mainam, at masayang bagay sa mga mata na magsitingin sa araw. 021 ECC 011 008 Oo, kung ang tao ay mabuhay ng maraming taon, magalak siya sa lahat ng yaon; nguni't alalahanin niya ang mga kaarawan ng kadiliman, sapagka't magiging marami. Lahat ng dumarating ay walang kabuluhan. 021 ECC 011 009 Ikaw ay magalak, Oh binata, sa iyong kabataan: at pasayahin ka ng iyong puso sa mga kaarawan ng iyong kabataan, at lumakad ka ng mga lakad ng iyong kalooban, at sa paningin ng iyong mga mata: nguni't talastasin mo na dahil sa lahat ng mga bagay na ito ay dadalhin ka ng Dios sa kahatulan. 021 ECC 011 010 Kaya't ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan: sapagka't ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan. 021 ECC 012 001 Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, bago dumating ang mga masamang araw, at ang mga taon ay lumapit, pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran sa mga yaon; 021 ECC 012 002 Bago ang araw, at ang liwanag, at ang buwan, at ang mga bituin ay magdilim, at ang mga alapaap ay magsibalik pagkatapos ng ulan. 021 ECC 012 003 Sa kaarawan na ang mga tagapagingat ng bahay ay manganginginig, at ang mga malakas na lalake ay mapapayukod, at ang mga manggigiling ay mangaglilikat sapagka't sila'y kaunti, at yaong nagsisidungaw sa mga dungawan ay mangasisilaw, 021 ECC 012 004 At ang mga pintuan ay sasarhan sa mga lansangan; pagka ang tunog ng giling ay humina, at ang isa'y babangon sa tinig ng ibon, at lahat ng mga anak na babae ng tugtugin ay mabababa; 021 ECC 012 005 Oo, sila'y mangatatakot sa mataas, at ang mga kakilabutan ay mapapasa daan; at ang puno ng almendro ay mamumulaklak; at ang balang ay magiging pasan, at ang pita ay manglulupaypay: sapagka't ang tao ay pumapanaw sa kaniyang malaong tahanan, at ang mga tagapanangis ay nagsisigala sa mga lansangan: 021 ECC 012 006 Bago ang panaling pilak ay mapatid, o ang mangkok na ginto ay mabasag, o ang banga ay mabasag sa bukal, o ang gulong ay masira sa balon; 021 ECC 012 007 At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya. 021 ECC 012 008 Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; lahat ay walang kabuluhan. 021 ECC 012 009 At bukod dito, sapagka't ang Mangangaral ay pantas, ay nagpatuloy siya ng pagtuturo ng kaalaman sa bayan; oo, siya'y nagaral, at sumiyasat, at umayos ng maraming kawikaan. 021 ECC 012 010 Humanap ang Mangangaral ng mga nakalulugod na salita, at ng nasusulat na matuwid, na mga salita ng katotohanan. 021 ECC 012 011 Ang mga salita ng pantas ay gaya ng mga tulis; at gaya ng mga pako na nakakapit na mabuti, ang mga salita ng mga pangulo ng mga kapulungan, na nabigay mula sa isang pastor. 021 ECC 012 012 At bukod dito, anak ko, maaralan ka: tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay walang wakas; at ang maraming pagaaral ay kapaguran ng katawan. 021 ECC 012 013 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao. 021 ECC 012 014 Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama. # # BOOK 022 SOL Song of Solomon Awit ng mga Awit 022 SOL 001 001 Ang awit ng mga awit, na kay Salomon. 022 SOL 001 002 Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig: sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak. 022 SOL 001 003 Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy; ang iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos; kaya't sinisinta ka ng mga dalaga. 022 SOL 001 004 Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo: Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid: kami ay matutuwa at magagalak sa iyo. Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak: matuwid ang pagsinta nila sa iyo. 022 SOL 001 005 Ako'y maitim, nguni't kahalihalina, Oh kayong mga anak na babae ng Jerusalem, gaya ng mga tolda sa Cedar, gaya ng mga tabing ni Salomon. 022 SOL 001 006 Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y kayumanggi, sapagka't sinunog ako ng araw. Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin, kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan; nguni't ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan. 022 SOL 001 007 Saysayin mo sa akin, ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa, kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan, kung saan mo pinagpapahinga sa katanghaliang tapat: sapagka't bakit ako'y magiging gaya ng nalalambungan sa siping ng mga kawan ng iyong mga kasama? 022 SOL 001 008 Kung hindi mo nalalaman, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae, yumaon kang sumunod sa mga bakas ng kawan, at pastulan mo ang iyong mga anak ng kambing sa siping ng mga tolda ng mga pastor. 022 SOL 001 009 Aking itinulad ka, Oh aking sinta, sa isang kabayo sa mga karo ni Faraon. 022 SOL 001 010 Pinagaganda ang iyong mga pisngi ng mga tirintas ng buhok, ang iyong leeg ng mga kuwintas na hiyas. 022 SOL 001 011 Igagawa ka namin ng mga kuwintas na ginto na may mga kabit na pilak. 022 SOL 001 012 Samantalang ang hari ay nauupo sa kaniyang dulang, ang aking nardo ay humahalimuyak ng kaniyang bango. 022 SOL 001 013 Ang aking sinta ay gaya ng bigkis ng mira sa akin, na humihilig sa pagitan ng aking mga suso. 022 SOL 001 014 Ang sinta ko ay gaya ng kumpol ng bulaklak ng alhena sa akin sa mga ubasan ng En-gadi. 022 SOL 001 015 Narito, ikaw ay maganda, sinta ko, narito, ikaw ay maganda; ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati. 022 SOL 001 016 Narito, ikaw ay maganda sinisinta ko, oo, maligaya: ang ating higaan naman ay lungtian. 022 SOL 001 017 Ang mga kilo ng ating bahay ay mga sedro, at ang kaniyang mga bubong ay mga sipres. 022 SOL 002 001 Ako'y rosa ng Saron, lila ng mga libis. 022 SOL 002 002 Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik, gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga. 022 SOL 002 003 Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat, gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake. Ako'y nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran. At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa. 022 SOL 002 004 Dinala niya sa bahay na may pigingan, at ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta. 022 SOL 002 005 Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas: sapagka't ako'y may sakit na pagsinta. 022 SOL 002 006 Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin. 022 SOL 002 007 Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta, hanggang sa ibigin niya. 022 SOL 002 008 Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating, na lumulukso sa mga bundok, lumulundag sa mga burol. 022 SOL 002 009 Ang aking sinta ay gaya ng usa o ng batang usa: narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod, siya'y sumusungaw sa mga dungawan, siya'y napakikita sa mga silahia. 022 SOL 002 010 Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin, Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na. 022 SOL 002 011 Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan; ang ulan ay lumagpas at wala na; 022 SOL 002 012 Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa; ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating, at ang tinig ng batobato ay naririnig sa ating lupain; 022 SOL 002 013 Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak, kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango. Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na. 022 SOL 002 014 Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato, sa puwang ng matarik na dako, ipakita mo sa akin ang iyong mukha, iparinig mo sa akin ang iyong tinig; Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina. 022 SOL 002 015 Hulihin ninyo para sa atin ang mga sora, ang mga munting sora na naninira ng mga ubasan; sapagka't ang ating mga ubasan ay namumulaklak. 022 SOL 002 016 Ang sinta ko ay akin, at ako ay kaniya: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila. 022 SOL 002 017 Hanggang sa ang araw ay lumamig, at ang mga lilim ay mawala, pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay maging gaya ng usa o ng batang usa sa mga bundok ng Bether. 022 SOL 003 001 Sa kinagabihan sa aking higaan, ay hinahanap ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan. 022 SOL 003 002 Aking sinabi, ako'y babangon at liligid sa bayan, sa mga lansangan at sa mga maluwang na daan, aking hahanapin siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan. 022 SOL 003 003 Ang mga bantay na nagsisilibot sa bayan ay nasumpungan ako: na siya kong pinagsabihan, nakita baga ninyo siya na sinisinta ng aking kaluluwa? 022 SOL 003 004 Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila. Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: pinigilan ko siya, at hindi ko binayaang umalis, hanggang sa siya'y aking nadala sa bahay ng aking ina, at sa silid niya na naglihi sa akin. 022 SOL 003 005 Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang aking sinta, hanggang sa ibigin niya. 022 SOL 003 006 Sino itong umaahong mula sa ilang na gaya ng mga haliging usok, na napapabanguhan ng mira at ng kamangyan, ng lahat na blanquete ng mangangalakal? 022 SOL 003 007 Narito, ito ang arag-arag ni Salomon; anim na pung makapangyarihang lalake ay nangasa palibot nito, sa mga makapangyarihang lalake ng Israel. 022 SOL 003 008 Silang lahat ay nagsisihawak ng tabak, at bihasa sa pakikidigma: bawa't isa'y may tabak sa kaniyang pigi, dahil sa takot kung gabi. 022 SOL 003 009 Ang haring Salomon ay gumawa para sa kaniya ng palankin na kahoy sa Libano, 022 SOL 003 010 Ginawa niya ang mga haligi niyaon na pilak, ang pinakailalim niyaon ay ginto, at ang upuan ay kulay ube, ang gitna niyaon ay nalalatagan ng pagsinta, na mula sa mga anak na babae ng Jerusalem. 022 SOL 003 011 Magsilabas kayo, Oh kayong mga anak na babae ng Sion, at inyong masdan ang haring Salomon, na may putong na ipinutong sa kaniya ng kaniyang ina, sa kaarawan ng kaniyang pagaasawa, at sa kaarawan ng kasayahan ng kaniyang puso. 022 SOL 004 001 Narito, ikaw ay maganda, sinta ko; narito, ikaw ay maganda; ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati sa likod ng iyong lambong: ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing, na nagpapahinga sa gulod ng bundok ng Galaad. 022 SOL 004 002 Ang iyong mga ngipin ay gaya ng mga kawan ng mga tupa na bagong gupit, na nagsiahong mula sa pagpaligo, na bawa't isa'y may anak na kambal, at walang baog sa kanila. 022 SOL 004 003 Ang iyong mga labi ay gaya ng pising mapula, at ang iyong bibig ay kahalihalina: ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng granada. Sa likod ng iyong lambong. 022 SOL 004 004 Ang iyong leeg ay gaya ng moog ni David na itinayo na pinaka sakbatan, na kinabibitinan ng libong kalasag, ng lahat na kalasag ng mga makapangyarihang lalake. 022 SOL 004 005 Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal ng isang inahin, na nagsisisabsab sa gitna ng mga lila. 022 SOL 004 006 Hanggang sa ang araw ay lumamig at ang mga lilim ay tumakas, ako'y paroroon sa bundok ng mira, at sa burol ng kamangyan. 022 SOL 004 007 Ikaw ay totoong maganda, sinta ko; at walang kapintasan sa iyo. 022 SOL 004 008 Sumama ka sa akin mula sa Libano, kasintahan ko, na kasama ko mula sa Libano: tumanaw ka mula sa taluktok ng Amana, mula sa taluktok ng Senir at ng Hermon, mula sa mga yungib ng mga leon, mula sa mga bundok ng mga leopardo. 022 SOL 004 009 Inagaw mo ang aking puso, kapatid ko, kasintahan ko, iyong inagaw ang aking puso ng isang sulyap ng iyong mga mata, ng isang kuwintas ng iyong leeg. 022 SOL 004 010 Pagkaganda ng iyong pagsinta, kapatid ko, kasintahan ko! Pagkaigi ng iyong pagsinta kay sa alak! At ang amoy ng iyong mga langis kay sa lahat na sari-saring pabango! 022 SOL 004 011 Ang iyong mga labi, Oh kasintahan ko, na nagsisitulo na gaya ng pulot-pukyutan: pulot at gatas ay nasa ilalim ng iyong dila; at ang amoy ng iyong mga suot ay gaya ng amoy ng Libano. 022 SOL 004 012 Halamanang nababakuran ang kapatid ko, ang kasintahan ko; bukal na nababakuran, balon na natatakpan. 022 SOL 004 013 Ang iyong mga pananim ay halamanan ng mga granada, na may mahalagang mga bunga; albena sangpu ng mga pananim na nardo, 022 SOL 004 014 Nardo at azafran, calamo at kanela, sangpu ng lahat na punong kahoy na kamangyan; mira at mga eloe, sangpu ng lahat na pinakamainam na especia. 022 SOL 004 015 Ikaw ay bukal ng mga halamanan, balon ng mga buhay na tubig, at mga balong na tubig na mula sa Libano. 022 SOL 004 016 Gumising ka, Oh hilagaang hangin; at parito ka, ikaw na timugan; humihip ka sa aking halamanan, upang ang mga bango niya'y sumalimuoy. Masok ang aking sinta sa kaniyang halamanan, at kumain siya ng kaniyang mahalagang mga bunga. 022 SOL 005 001 Ako'y dumating sa aking halamanan, kapatid ko, kasintahan ko: aking dinampot ang aking mira pati ang aking especia; aking kinain ang aking pulotpukyutan pati ang aking pulot; aking ininom ang aking alak pati ang aking gatas. Magsikain kayo, Oh mga kaibigan; magsiinom kayo, oo, magsiinom kayo ng sagana, Oh sinisinta. 022 SOL 005 002 Ako'y nakatulog, nguni't ang aking puso ay gising: ang tinig ng aking sinta ang siyang tumutuktok, na kaniyang sinasabi, pagbuksan mo ako, kapatid ko, sinta ko, kalapati ko, sakdal ko: sapagka't ang aking ulo ay basa ng hamog, ang aking mga kulot na buhok ay ng mga patak ng gabi. 022 SOL 005 003 Aking hinubad ang aking suot; paanong aking isusuot? Aking hinugasan ang aking mga paa paanong sila'y aking dudumhan? 022 SOL 005 004 Isinuot ng aking sinta ang kaniyang kamay sa butas ng pintuan, at nakilos ang aking puso sa kaniya. 022 SOL 005 005 Ako'y bumangon upang pagbuksan ang aking sinta; at ang aking mga kamay ay tutulo ng mira, at ang aking mga daliri ng malabnaw na mira. Sa mga tatangnan ng trangka. 022 SOL 005 006 Aking pinagbuksan ang aking sinta: nguni't ang aking sinta ay umurong at nakaalis, napanglupaypay na ako ng aking kaluluwa nang siya'y magsalita: aking hinanap siya, nguni't hindi ko nasumpungan siya; aking tinawag siya, nguni't hindi siya sumagot sa akin. 022 SOL 005 007 Nasumpungan ako ng mga bantay na nagsisilibot sa bayan, sinaktan nila ako, sinugatan nila ako, inalis sa akin ang aking balabal ng mga tanod ng mga kuta. 022 SOL 005 008 Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, kung inyong masumpungan ang aking sinta, na inyong saysayin sa kaniya, na ako'y may sakit, na pagsinta. 022 SOL 005 009 Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae? Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta, na iyong ibinibilin sa amin ng ganyan? 022 SOL 005 010 Ang aking sinisinta ay maputi at mapulapula na pinakamainam sa sangpung libo. 022 SOL 005 011 Ang kaniyang ulo ay gaya ng pinakamainam na ginto: ang kaniyang kulot na buhok ay malago at maitim na gaya ng uwak. 022 SOL 005 012 Ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga kalapati sa siping ng mga batis ng tubig; na hinugasan ng gatas at bagay ang pagkalagay. 022 SOL 005 013 Ang kaniyang mga pisngi ay gaya ng pitak ng mga especia, gaya ng mga bunton ng mga mainam na gulay: ang kaniyang mga labi ay gaya ng mga lila na tumutulo ng malabnaw na mira. 022 SOL 005 014 Ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga singsing na ginto na may lakip na berilo: ang kaniyang katawan ay gaya ng yaring garing na binalot ng mga zafiro. 022 SOL 005 015 Ang kaniyang mga hita ay gaya ng haliging marmol, na nalalapag sa mga tungtungan na dalisay na ginto: ang kaniyang anyo ay gaya ng Libano na marilag na gaya ng mga sedro. 022 SOL 005 016 Ang kaniyang bibig ay pinakamatamis: Oo, siya'y totoong kaibigibig. Ito'y aking sinta at ito'y aking kaibigan, Oh mga anak na babae ng Jerusalem. 022 SOL 006 001 Saan naparoon ang iyong sinisinta, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae? Saan tumungo ang iyong sinisinta, upang siya'y aming mahanap na kasama mo? 022 SOL 006 002 Ang sinisinta ko'y bumaba sa kaniyang halamanan, sa mga pitak ng mga especia, upang magaliw sa mga halaman, at upang mamitas ng mga lila. 022 SOL 006 003 Ako'y sa aking sinisinta, at ang sinisinta ko ay akin: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila. 022 SOL 006 004 Ikaw ay maganda, sinta ko, na gaya ng Tirsa, kahalihalina na gaya ng Jerusalem, kakilakilabot na gaya ng hukbo na may mga watawat. 022 SOL 006 005 Ihiwalay mo ang iyong mga mata sa akin, Sapagka't kanilang dinaig ako. Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing, na nangahihilig sa gulod ng Galaad. 022 SOL 006 006 Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng mga babaing tupa, na nagsiahong mula sa pagpaligo; na bawa't isa'y may anak na kambal, at walang baog sa kanila. 022 SOL 006 007 Ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng granada sa likod ng iyong lambong. 022 SOL 006 008 May anim na pung reina, at walong pung babae; at mga dalaga na walang bilang. 022 SOL 006 009 Ang aking kalapati, ang aking sakdal ay isa lamang; siya ang bugtong ng kaniyang ina; siya ang pili ng nanganak sa kaniya. Nakita siya ng mga anak na babae, at tinawag siyang mapalad; Oo, ng mga reina at ng mga babae, at pinuri siya nila. 022 SOL 006 010 Sino siyang tumitinging parang umaga, maganda na parang buwan, maliwanag na parang araw, kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat? 022 SOL 006 011 Ako'y bumaba sa halamanan ng mga pile, upang tingnan ang mga sariwang pananim ng libis, upang tingnan kung nagbubuko ang puno ng ubas, at ang mga puno ng granada ay namumulaklak. 022 SOL 006 012 Bago ko naalaman, inilagay ako ng aking kaluluwa sa gitna ng mga karo ng aking marangal na bayan. 022 SOL 006 013 Bumalik ka, bumalik ka, Oh Sulamita; bumalik ka, bumalik ka, upang ikaw ay aming masdan. Bakit ninyo titingnan ang Sulamita, nang gaya sa sayaw ng Mahanaim. 022 SOL 007 001 Pagkaganda ng iyong mga paa sa mga panyapak, Oh anak na babae ng pangulo! Ang mga pagkakaugpong ng iyong mga hita ay gaya ng mga hiyas, na gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa. 022 SOL 007 002 Ang iyong katawan ay gaya ng mabilog na tasa, na hindi pinagkukulangan ng alak na may halo: ang iyong tiyan ay gaya ng bunton ng trigo na nalalagay sa palibot ng mga lila. 022 SOL 007 003 Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal na usa. 022 SOL 007 004 Ang iyong leeg ay gaya ng moog na garing; ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa Hesbon sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim; ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano na nakaharap sa Damasco. 022 SOL 007 005 Ang iyong ulo sa iyo ay gaya ng Carmelo, at ang buhok ng iyong ulo ay gaya ng kulay ube; ang hari ay nabibihag sa mga kinulot niyaon. 022 SOL 007 006 Pagkaganda at pagkaligaya mo, Oh sinta, sa mga kaluguran! 022 SOL 007 007 Itong iyong tayo ay parang puno ng palma, at ang iyong mga suso ay sa mga buwig ng mga ubas. 022 SOL 007 008 Aking sinabi, ako'y aakyat sa puno ng palma, ako'y hahawak sa mga sanga niyaon; ang iyong mga suso ay maging gaya ng mga buwig ng puno ng ubas, at ang amoy ng iyong hinga ay gaya ng mga mansanas; 022 SOL 007 009 At ang iyong bibig ay gaya ng pinakamainam na alak, na tumutulong marahan para sa aking sinisinta, na dumudulas sa mga labi ng nangatutulog. 022 SOL 007 010 Ako'y sa aking sinisinta, at ang kaniyang nasa ay sa akin. 022 SOL 007 011 Parito ka, sinisinta ko, lumabas tayo sa parang; tumigil tayo sa mga nayon. 022 SOL 007 012 Sampahin nating maaga ang mga ubasan: tingnan natin kung ang puno ng ubas ay nagbubuko, at kung ang kaniyang mga bulaklak ay nagsisibuka, at kung ang mga granada ay namumulaklak: doo'y idudulot ko sa iyo ang aking pagsinta. 022 SOL 007 013 Ang mga mandragora ay nagpapahalimuyak ng bango, at nasa ating mga pintuan ang lahat na sarisaring mahalagang bunga, bago at luma, na aking inilapag para sa iyo, Oh sinisinta ko. 022 SOL 008 001 Oh ikaw sana'y naging aking kapatid, na humitit ng mga suso ng aking ina! Pagka nasumpungan kita sa labas, hahagkan kita; Oo, at walang hahamak sa akin. 022 SOL 008 002 Aking papatnubayan ka, at dadalhin kita sa bahay ng aking ina, na magtuturo sa akin; aking paiinumin ka ng hinaluang alak, ng katas ng aking granada. 022 SOL 008 003 Ang kaniyang kaliwang kamay ay malalagay sa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay yayakap sa akin. 022 SOL 008 004 Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang sinta ko, hanggang sa ibigin niya. 022 SOL 008 005 Sino itong umaahong mula sa ilang, na humihilig sa kaniyang sinisinta? Sa ilalim ng punong mansanas ay ginising kita: doon nagdamdam sa iyo ang iyong ina, doon nagdamdam yaong nanganak sa iyo. 022 SOL 008 006 Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon. 022 SOL 008 007 Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta, ni mapauurong man ng mga baha; kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta, siya'y lubos na kukutyain. 022 SOL 008 008 Tayo'y may isang munting kapatid na babae, at siya'y walang mga suso: ano ang ating gagawin sa ating kapatid na babae sa araw na siya'y ipakikiusap? 022 SOL 008 009 Kung siya'y maging isang kuta, pagtatayuan natin siya ng moog na pilak: at kung siya'y maging isang pintuan, ating tatakpan ng mga tablang sedro. 022 SOL 008 010 Ako'y isang kuta, at ang aking mga suso ay parang mga moog niyaon: ako nga'y naging sa harap ng kaniyang mga mata ay parang nakakasumpong ng kapayapaan. 022 SOL 008 011 Si Salomon ay may ubasan sa Baal-hamon; kaniyang pinaupahan ang ubasan sa mga tagapamahala; bawa't isa'y nagdadala dahil sa bunga niyaon ng isang libong putol na pilak. 022 SOL 008 012 Ang aking ubasan na akin ay nasa harap ko; ikaw, Oh Salomon, ay magkakaroon ng libo, at ang nangagiingat ng bunga niyaon ay dalawang daan. 022 SOL 008 013 Ikaw na tumatahan sa mga halamanan, ang mga kasama ay nangakikinig ng iyong tinig: iparinig mo sa akin. 022 SOL 008 014 Ikaw ay magmadali, sinisinta ko, at ikaw ay maging parang usa o batang usa sa mga bundok ng mga especia. # # BOOK 023 ISA Isaiah Isaias 023 ISA 001 001 Ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz, na nakita tungkol sa Juda at Jerusalem, sa mga kaarawan ni Uzias, ni Jotham, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda. 023 ISA 001 002 Dinggin mo, Oh langit, at pakinggan mo, Oh lupa, sapagka't sinalita ng Panginoon: Ako'y nagalaga at nagpalaki ng mga bata, at sila'y nanganghimagsik laban sa akin. 023 ISA 001 003 Nakikilala ng baka ang kaniyang panginoon, at ng asno ang pasabsaban ng kaniyang panginoon: nguni't ang Israel ay hindi nakakakilala, ang bayan ko ay hindi gumugunita. 023 ISA 001 004 Ah bansang salarin, bayang napapasanan ng kasamaan, lahi ng mga manggagawa ng kasamaan, mga anak na nagsisigawa ng kalikuan: pinabayaan nila ang Panginoon, hinamak nila ang Banal ng Israel, sila'y nangapalayo na nagsiurong. 023 ISA 001 005 Bakit kayo'y hahampasin pa, na kayo'y manganghimagsik ng higit at higit? ang buong ulo ay masakit, at ang buong puso ay nanglulupaypay. 023 ISA 001 006 Mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo ay walang kagalingan; kundi mga sugat, at mga pasa, at nangagnananang sugat: hindi nangatikom, o nangatalian man, o nangapahiran man ng langis. 023 ISA 001 007 Ang inyong lupain ay giba; ang inyong mga bayan ay sunog ng apoy; ang inyong lupain ay nilalamon ng mga taga ibang lupa sa inyong harapan, at giba, na gaya ng iniwasak ng mga taga ibang lupa. 023 ISA 001 008 At ang anak na babae ng Sion ay naiwang parang balag sa isang ubasan, parang pahingahan sa halamanan ng mga pepino, parang bayang nakukubkob. 023 ISA 001 009 Kung hindi nagiwan sa atin ng napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra. 023 ISA 001 010 Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga pinuno ng Sodoma; mangakinig kayo sa kautusan ng ating Dios, kayong bayan ng Gomorra. 023 ISA 001 011 Sa anong kapararakan ang karamihan ng inyong mga hain sa akin? sabi ng Panginoon: ako'y puno ng mga handog na susunugin na mga lalaking tupa, at ng mataba sa mga hayop na pinataba; at ako'y hindi nalulugod sa dugo ng mga toro, o ng mga kordero o ng mga kambing na lalake. 023 ISA 001 012 Nang kayo'y magsidating na pakita sa harap ko, sinong humingi nito sa inyong kamay, upang inyong yapakan ang aking mga looban? 023 ISA 001 013 Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay; kamangyan ay karumaldumal sa akin; ang bagong buwan, at ang sabbath, ang tawag ng mga kapulungan, hindi ako makapagtitiis ng kasamaan at ng takdang pulong. 023 ISA 001 014 Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan: mga kabagabagan sa akin; ako'y pata ng pagdadala ng mga yaon. 023 ISA 001 015 At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking ikukubli ang aking mga mata sa inyo: oo, pagka kayo'y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo. 023 ISA 001 016 Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan: 023 ISA 001 017 Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo ang babaing bao. 023 ISA 001 018 Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa, 023 ISA 001 019 Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin, kayo'y magsisikain ng buti ng lupain: 023 ISA 001 020 Nguni't kung kayo'y magsitanggi at manganghimagsik, kayo'y lilipulin ng tabak: sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon. 023 ISA 001 021 Ano't ang tapat na bayan ay naging tila patutot! noong una siya'y puspos ng kahatulan! katuwiran ay tumatahan sa kaniya, nguni't ngayo'y mga mamamatay tao. 023 ISA 001 022 Ang iyong pilak ay naging dumi, ang iyong alak ay nahaluan ng tubig. 023 ISA 001 023 Ang iyong mga pangulo ay mapanghimagsik, at mga kasama ng mga tulisan; bawa't isa'y umiibig ng mga suhol, at naghahangad ng mga kabayaran: hindi nila hinahatulan ang ulila, o pinararating man sa kanila ang usap ng babaing bao. 023 ISA 001 024 Kaya't sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, ng Makapangyarihan ng Israel, Ah kukuhang sulit ako sa aking mga kaalit, at manghihiganti ako sa aking mga kaaway. 023 ISA 001 025 At aking ibabalik ang aking kamay sa iyo, at aking lilinising lubos ang naging dumi mo, at aalisin ko ang iyong lahat na tingga: 023 ISA 001 026 At aking papananauliin ang iyong mga hukom na gaya ng una, at ang iyong mga kasangguni na gaya ng pasimula: pagkatapos ay tatawagin ka, Ang bayan ng katuwiran, ang tapat na bayan. 023 ISA 001 027 Ang Sion ay tutubusin ng kahatulan, at ng katuwiran ang kaniyang mga nahikayat. 023 ISA 001 028 Nguni't ang pagkalipol ng mga mananalangsang at ng mga makasalanan ay magkakapisan, at silang nagtatakuwil sa Panginoon ay mangalilipol. 023 ISA 001 029 Sapagka't kanilang ikahihiya ang mga encina na inyong ninasa, at kayo'y mangalilito dahil sa mga halamanan na inyong pinili. 023 ISA 001 030 Sapagka't kayo'y magiging parang encina na ang dahon ay nalalanta, at parang halamanan na walang tubig. 023 ISA 001 031 At ang malakas ay magiging parang taling estopa, at ang kaniyang gawa ay parang alipato; at kapuwa sila magliliyab, at walang papatay sa apoy. 023 ISA 002 001 Ang salita na naalaman ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem. 023 ISA 002 002 At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. 023 ISA 002 003 At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem. 023 ISA 002 004 At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma. 023 ISA 002 005 Oh sangbahayan ni Jacob, halikayo, at tayo'y magsilakad sa liwanag ng Panginoon. 023 ISA 002 006 Sapagka't iyong binayaan ang iyong bayan na sangbahayan ni Jacob, sapagka't sila'y puspos ng mga kaugaliang mula sa silanganan, at mga enkantador gaya ng mga Filisteo, at sila'y nangakikipagkamay sa mga anak ng mga taga ibang lupa. 023 ISA 002 007 Ang kanilang lupain naman ay puno ng pilak at ginto, ni walang wakas ang kanilang mga kayamanan; ang kanila namang lupain ay puno ng mga kabayo, ni walang katapusang bilang ang kanilang mga karo. 023 ISA 002 008 Ang kanila namang lupain ay puno ng mga diosdiosan; kanilang sinasamba ang gawa ng kanilang sariling mga kamay, na ginawa ng kanilang sariling mga daliri. 023 ISA 002 009 At ang taong hamak ay yumuyuko, at ang mataas na tao ay nabababa: kaya't huwag mong patawarin sila. 023 ISA 002 010 Pumasok ka sa malaking bato, at magkubli ka sa alabok, sa kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan. 023 ISA 002 011 Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay mabababa, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mahuhutok, at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon. 023 ISA 002 012 Sapagka't magkakaroon ng isang kaarawan ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat na palalo at mapagmataas, at sa lahat na nagmamataas; at yao'y mabababa: 023 ISA 002 013 At sa lahat ng cedro ng Libano, na matayog at mataas, at sa lahat ng encina ng Basan; 023 ISA 002 014 At sa lahat ng matataas na bundok, at sa lahat ng mga burol na nangataas; 023 ISA 002 015 At sa bawa't matayog na moog, at sa bawa't kutang nababakod: 023 ISA 002 016 At sa lahat ng mga sasakyang dagat ng Tarsis, at sa lahat ng maligayang bagay. 023 ISA 002 017 At ang kahambugan ng tao ay huhutukin, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mabababa: at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon. 023 ISA 002 018 At ang mga diosdiosan ay mapapawing lubos. 023 ISA 002 019 At ang mga tao ay magsisipasok sa mga yungib ng malalaking bato, at sa mga puwang ng lupa, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa. 023 ISA 002 020 Sa kaarawang yaon ay ihahagis ng mga tao ang kanilang mga diosdiosang pilak, at ang kanilang mga diosdiosang ginto, na kanilang ginawa upang sambahin, sa yungib ng mga bilig at ng mga paniki; 023 ISA 002 021 Upang pumasok sa mga puwang ng malalaking bato, at sa mga bitak ng mga malaking bato, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa. 023 ISA 002 022 Layuan ninyo ang tao, na ang hinga ay nasa kaniyang mga butas ng ilong: sapagka't sa ano pahahalagahan siya? 023 ISA 003 001 Sapagka't, narito, ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, ay nagaalis sa Jerusalem at sa Juda ng alalay at tungkod, ng buong alalay na tinapay at ng buong alalay na tubig; 023 ISA 003 002 Ng makapangyarihang lalake, at ng lalaking mangdidigma; ng hukom, at ng propeta, at ng manghuhula, at ng matanda; 023 ISA 003 003 Ng kapitan ng lilimang puin, at ng marangal na tao, at ng tagapayo, at ng bihasang manggagawa, at ng matalinong mangeenkanto. 023 ISA 003 004 At mga bata ang ilalagay kong maging kanilang mga pangulo, at mga sanggol ang magpupuno sa kanila. 023 ISA 003 005 At ang bayan ay mapipighati, bawa't isa'y ng iba, at bawa't isa'y ng kaniyang kapuwa: ang bata ay magpapalalo laban sa matanda at ang hamak laban sa marangal. 023 ISA 003 006 Pagka ang lalake ay hahawak sa kaniyang kapatid sa bahay ng kaniyang ama, na magsasabi: Ikaw ay may damit, ikaw ay maging aming pinuno, at ang pagkabagsak ito ay mapasa ilalim ng iyong kamay: 023 ISA 003 007 Sa araw na yaon ay manglalakas siya ng kaniyang tinig, na magsasabi, Hindi ako magiging tagapagpagaling; sapagka't sa aking bahay ay wala kahit tinapay o damit man; huwag ninyo akong gawing pinuno ng bayan. 023 ISA 003 008 Sapagka't ang Jerusalem ay giba, at ang Juda ay bagsak: sapagka't ang kanilang dila at ang kanilang mga gawa ay laban sa Panginoon, upang mungkahiin ang mga mata niyang maluwalhati. 023 ISA 003 009 Ang kanilang pagtatangi ng mga tao ay sumasaksi laban sa kanila; at kanilang ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan na gaya ng Sodoma, hindi nila ikinukubli. Sa aba ng kanilang kaluluwa! sapagka't sila'y nagsiganti ng kasamaan sa kanilang sarili. 023 ISA 003 010 Sabihin ninyo sa matuwid, na ikabubuti niya: sapagka't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang mga gawa. 023 ISA 003 011 Sa aba ng masama! ikasasama niya: sapagka't ang kagantihan sa kaniyang mga kamay ay mabibigay sa kaniya. 023 ISA 003 012 Tungkol sa aking bayan, mga bata ang mga mamimighati sa kanila, at mga babae ang mangagpupuno sa kanila. Oh bayan ko, silang nagsisipatnubay sa iyo, mangagliligaw sa iyo, at sisira ng daan ng iyong mga landas. 023 ISA 003 013 Ang Panginoon ay tumayo upang magsanggalang, at tumayo upang humatol sa mga bayan. 023 ISA 003 014 Ang Panginoon ay hahatol sa mga matanda ng kaniyang bayan, at sa mga pangulo niyaon; Kayo ang nagkainan sa ubasan: ang samsam sa dukha ay nasa inyong mga bahay; 023 ISA 003 015 Anong ibig ninyong sabihin na inyong dinidikdik ang aking bayan, at inyong ginigiling ang mukha ng dukha? sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo. 023 ISA 003 016 Bukod dito'y sinabi ng Panginoon, Sapagka't ang mga anak na babae ng Sion ay mga mapagmataas, at nagsisilakad na mga may kapalaluan at mga matang nakairap, na nagsisilakad at nagsisikendeng habang nagsisiyaon, at nagpapakalatis ng kanilang mga paa: 023 ISA 003 017 Kaya't papaglalangibin ng Panginoon ang bao ng ulo ng mga anak na babae ng Sion, at huhubdan ng Panginoon ang kanilang mga lihim na bahagi. 023 ISA 003 018 Sa araw na yaon ay aalisin ng Panginoon ang kagayakan ng kanilang mga hiyas ng paa, at ang mga hiyas ng ulo, at ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan; 023 ISA 003 019 Ang mga hikaw, at ang mga pulsera, at ang mga lambong na pangmukha; 023 ISA 003 020 Ang mga laso ng buhok, at ang mga kuwintas sa bukong-bukong, at ang mga pamigkis, at ang mga sisidlan ng pabango, at ang mga amuleto; 023 ISA 003 021 Ang mga singsing, at ang mga hiyas na pang-ilong; 023 ISA 003 022 Ang mga damit na pamista, at ang mga balabal, at ang mga panleeg, at ang mga supot; 023 ISA 003 023 Ang mga maliit na salamin, at ang mainam na kayong lino, at ang mga turbante, at ang mga lambong. 023 ISA 003 024 At mangyayari na sa halip na mga mainam na especia ay kabulukan; at sa halip na pamigkis ay panali; at sa halip na buhok na ayos ay kakalbuhan; at sa halip na pamigkis na mainam ay pamigkis na kayong magaspang; hero sa halip ng kagandahan. 023 ISA 003 025 Ang iyong mga lalake ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang iyong mga makapangyarihan ay sa pakikipagdigma. 023 ISA 003 026 At ang kaniyang mga pintuang-bayan ay tataghoy at magsisitangis; at siya'y magiging giba at guho sa lupa. 023 ISA 004 001 At pitong babae ay magsisihawak sa isang lalake sa araw na yaon, na mangagsasabi, Kami ay magsisikain ng aming sariling tinapay, at mangagsusuot ng aming sariling kasuutan: tawagin lamang kami sa iyong pangalan; alisin mo ang aming kadustaan. 023 ISA 004 002 Sa araw na yaon ay magiging maganda at maluwalhati ang sanga ng Panginoon, at ang bunga ng lupain ay magiging magaling at mainam sa kanilang mga taga Israel na nangakatanan. 023 ISA 004 003 At mangyayari, na siyang naiwan sa Sion, at siyang nalabi sa Jerusalem, tatawaging banal, sa makatuwid baga'y bawa't nasusulat sa mga nabubuhay sa Jerusalem: 023 ISA 004 004 Pagka huhugasan ng Panginoon ang karumhan ng mga anak na babae ng Sion, at lilinisin ang dugo ng Jerusalem sa gitna ng bayan sa pamamagitan ng bisa ng kahatulan, at sa pamamagitan ng bisa ng pagniningas. 023 ISA 004 005 At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion, at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang ulap at usok sa araw, at ng liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka't sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo. 023 ISA 004 006 At magkakaroon ng kanlungan upang maging lilim sa kaarawan laban sa init, at upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan. 023 ISA 005 001 Paawitin ninyo ako sa aking pinakamamahal, ng awit ng aking minamahal tungkol sa kaniyang ubasan. Ang aking pinakamamahal ay may ubasan sa isang mainam na burol: 023 ISA 005 002 At kaniyang binangbangan ang palibot at inalis ang mga bato, at tinamnan ng piling puno ng ubas, at nagtayo ng isang moog sa gitna niyaon, at tinabasan din naman ng isang pisaan ng ubas: at kaniyang hinintay na magbunga ng ubas, at nagbunga ng ubas gubat. 023 ISA 005 003 At ngayon, Oh mga nananahan sa Jerusalem at mga tao sa Juda, hatulan ninyo, isinasamo ko sa inyo, ako at ang aking ubasan. 023 ISA 005 004 Ano pa ang magagawa ko sa aking ubasan na hindi ko nagawa? ano't nang aking hinihintay na magbubunga ng mga ubas, nagbunga ng ubas gubat? 023 ISA 005 005 At ngayo'y aking sasaysayin sa inyo ang gagawin ko sa aking ubasan: aking aalisin ang bakod na siit niyaon, at sasalantain; aking ibabagsak ang bakod niyaon at mayayapakan: 023 ISA 005 006 At aking pababayaang sira; hindi kakapunin o bubukirin man; kundi magsisitubo ay mga dawag at mga tinik: akin ding iuutos sa mga alapaap, na huwag nilang ulanan. 023 ISA 005 007 Sapagka't ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo ay ang sangbahayan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ay ang kaniyang maligayang pananim: at siya'y naghihintay ng kahatulan, nguni't narito, kapighatian; ng katuwiran, nguni't narito, daing. 023 ISA 005 008 Sa aba nila, na nangaguugpong ng bahay sa bahay, na nangaglalagay ng bukid sa bukid hanggang sa mawalan ng pagitan, at kayo'y magsisitahang magisa sa gitna ng lupain! 023 ISA 005 009 Sa aking mga pakinig ay sinasabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sa katotohana'y maraming bahay ang magigiba, malalaki at magaganda, na walang mananahan. 023 ISA 005 010 Sapagka't sangpung acre ng ubasan ay mangagbubunga ng isang bath, at isang homer na binhi ay magbubunga ng isang epa. 023 ISA 005 011 Sa aba nila na nagsisibangong maaga sa umaga, upang sila'y makasunod sa nakalalasing na inumin; na nagtatagal hanggang sa kalaliman ng gabi, hanggang sa magalab ang alak sa kanila! 023 ISA 005 012 At ang alpa at ang viola, ang pandareta at ang plauta, at ang alak, ay nangasa kanilang mga kapistahan: nguni't hindi nila pinakundanganan ang gawa ng Panginoon, o ginunita man nila ang gawa ng kaniyang mga kamay. 023 ISA 005 013 Kaya't ang aking bayan ay nasok sa pagkabihag, sa kasalatan sa kaalaman: at ang kanilang mararangal na tao ay nangagugutom, at ang kanilang karamihan ay nangahahandusay sa uhaw. 023 ISA 005 014 Kaya't pinalaki ng Sheol ang kaniyang nasa, at ibinuka ang kaniyang bibig ng walang sukat: at ang kanilang kaluwalhatian, at ang kanilang karamihan, at ang kanilang kahambugan, at ang nagagalak sa gitna nila ay bumaba roon. 023 ISA 005 015 At ang taong hamak ay pinayuyukod, at ang makapangyarihang tao ay pinapagpapakumbaba, at ang mga mata ng nagmamataas ay pinapagpapakumbaba: 023 ISA 005 016 Nguni't ang Panginoon ng mga hukbo ay nabunyi sa kahatulan, at ang Dios na Banal ay inaring banal sa katuwiran. 023 ISA 005 017 Kung magkagayo'y sasabsab ang mga kordero na gaya sa kanilang sabsaban, at ang mga sirang dako ng matataba ay kakanin ng mga palaboy. 023 ISA 005 018 Sa aba nila na nagsisihila ng kasamaan sa pamamagitan ng mga panali ng walang kabuluhan, at ng kasalanan na tila panali ng kariton: 023 ISA 005 019 Na nagsasabi, Magmaliksi siya, madaliin niya ang kaniyang gawa upang aming makita: at lumapit at dumating nawa ang payo ng Banal ng Israel upang aming maalaman! 023 ISA 005 020 Sa aba nila na nagsisitawag ng mabuti ay masama, at ng masama ay mabuti; na inaaring dilim ang liwanag, at liwanag ang dilim; na inaaring mapait ang matamis, at matamis ang mapait! 023 ISA 005 021 Sa aba nila na pantas sa kanilang sariling mga mata, at mabait sa kanilang sariling paningin! 023 ISA 005 022 Sa aba nila na malakas uminom ng alak, at mga taong malakas sa paghahalo ng matapang na inumin: 023 ISA 005 023 Na nagsisiaring ganap sa masama dahil sa suhol, at inaalis ang katuwiran sa matuwid! 023 ISA 005 024 Kaya't kung paanong ang liyab ng apoy ay pumupugnaw ng pinagputulan ng trigo, at kung paanong ang tuyong damo ay nasusupok sa alab, gayon magiging gaya ng kabulukan ang kanilang ugat, at ang kanilang bulaklak ay iilanglang na gaya ng alabok: sapagka't kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon ng mga hukbo, at hinamak ang salita ng Banal ng Israel. 023 ISA 005 025 Kaya't nagalab ang galit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan, at iniunat niya ang kaniyang kamay laban sa kanila, at sinaktan sila, at ang mga burol ay nanginig, at ang kanilang mga bangkay ay naging dumi sa gitna ng mga lansangan. Sa lahat ng ito ay hindi napawi ang kaniyang galit, kundi laging nakaunat ang kaniyang kamay. 023 ISA 005 026 At siya'y magtataas ng watawat sa mga bansa mula sa malayo, at susutsutan sila mula sa wakas ng lupa: at, narito, sila'y darating na lubhang nagmamadali: 023 ISA 005 027 Walang mapapagod o matitisod man sa kanila; walang iidlip o matutulog man; ni hindi man kakalagin ang pamigkis ng kanilang mga balakang, o mapapatid man ang mga panali ng kanilang mga panyapak: 023 ISA 005 028 Na ang kanilang mga pana ay hasa, at lahat nilang busog ay nangakaakma; ang mga kuko ng kanilang mga kabayo ay maibibilang na parang pingkiang bato, at ang kanilang mga gulong ay parang ipoipo: 023 ISA 005 029 Ang kanilang angal ay magiging gaya ng sa leon, sila'y magsisiangal na gaya ng mga batang leon: oo, sila'y magsisiangal, at magsisipangal ng huli, at tatangayin, at walang magliligtas. 023 ISA 005 030 At ang mga yao'y magsisiangal laban sa kanila sa araw na yaon na gaya ng hugong ng dagat: at kung tingnan ang lupain, narito, kadiliman at kahirapan, at ang liwanag ay magdidilim sa mga ulap niyaon. 023 ISA 006 001 Noong taong mamatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian. 023 ISA 006 002 Sa itaas niya ay nangakatayo ang mga serapin: bawa't isa'y may anim na pakpak: na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha, at may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kaniya. 023 ISA 006 003 At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian. 023 ISA 006 004 At ang mga patibayan ng mga pintuan ay nakilos sa tinig ng sumisigaw, at ang bahay ay napuno ng usok. 023 ISA 006 005 Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo. 023 ISA 006 006 Nang magkagayo'y nilipad ako ng isa sa mga serapin, na may baga sa kaniyang kamay, na kaniyang kinuha ng mga pangipit mula sa dambana: 023 ISA 006 007 At hinipo niya niyaon ang aking bibig, at nagsabi, Narito, hinipo nito ang iyong mga labi; at ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis. 023 ISA 006 008 At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako. 023 ISA 006 009 At sinabi niya, Ikaw ay yumaon, at saysayin mo sa bayang ito, inyong naririnig nga, nguni't hindi ninyo nauunawa; at nakikita nga ninyo, nguni't hindi ninyo namamalas. 023 ISA 006 010 Patabain mo ang puso ng bayang ito, at iyong pabigatin ang kanilang mga pakinig, at iyong ipikit ang kanilang mga mata; baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata; at mangakarinig ng kanilang mga pakinig, at mangakaunawa ng kanilang puso, at mangagbalik loob, at magsigaling. 023 ISA 006 011 Nang magkagayo'y sinabi ko, Panginoon, hanggang kailan? At siya'y sumagot, Hanggang sa ang mga bayan ay mangagiba na walang tumahan, at ang mga bahay ay mangawalan ng tao, at ang lupain ay maging lubos na giba, 023 ISA 006 012 At ilayo ng Panginoon ang mga tao, at ang mga nilimot na dako ay magsidami sa gitna ng lupain. 023 ISA 006 013 At kung magkaroon ng ikasangpung bahagi roon, mapupugnaw uli: gaya ng isang roble, at gaya ng isang encina, na ang puno ay naiiwan, pagka pinuputol; gayon ang banal na lahi ay siyang puno niyaon. 023 ISA 007 001 At nangyari, nang mga kaarawan ni Achaz na anak ni Jotham, anak ni Uzzias, na hari sa Juda, na si Rezin na hari sa Siria, at si Peca na anak ni Remalias, hari sa Israel, ay nagsiahon sa Jerusalem upang makipagdigma laban doon; nguni't hindi nanganaig laban doon. 023 ISA 007 002 At nasaysay sa sangbahayan ni David, na sinasabi, Ang Siria ay nalakip sa Ephraim. At ang puso niya'y nakilos, at ang puso ng kaniyang bayan na gaya ng mga punong kahoy sa gubat na kinilos ng hangin. 023 ISA 007 003 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon kay Isaias, Lumabas ka na iyong salubungin si Achaz, ikaw, at si Sear-jasub na iyong anak, sa dulo ng padaluyan ng tipunan ng tubig sa itaas, sa lansangan ng parang ng nagpapaputi ng kayo; 023 ISA 007 004 At sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay magingat, at tumahimik ka; huwag kang matakot, o manglupaypay man ang iyong puso ng dahil sa dalawang buntot na apoy na ito na umuusok, ng dahil sa mabangis na galit ng Rezin at Siria, at ng anak ni Remalias. 023 ISA 007 005 Dahil sa ang Siria ay pumayo ng masama laban sa iyo, ang Ephraim din naman, at ang anak ni Remalias, na nagsasabi, 023 ISA 007 006 Magsiahon tayo laban sa Juda, at ating bagabagin, at ating papasukin sila, at tayo'y maglagay ng hari sa gitna niyaon, sa makatuwid baga'y ang anak ni Tabeel: 023 ISA 007 007 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Hindi matatayo o mangyayari man. 023 ISA 007 008 Sapagka't ang pangulo ng Siria ay ang Damasco, at ang pangulo ng Damasco ay ang Rezin: at sa loob ng anim na pu't limang taon ay magkakawatakwatak ang Ephraim, upang huwag maging bayan: 023 ISA 007 009 At ang pangulo ng Ephraim ay ang Samaria, at ang pangulo ng Samaria ay ang anak ni Remalias. Kung kayo'y hindi maniniwala, tunay na hindi kayo mangatatatag. 023 ISA 007 010 At ang Panginoon ay nagsalita uli kay Achaz, na nagsasabi, 023 ISA 007 011 Humingi ka sa ganang iyo ng tanda na mula sa Panginoon mong Dios; humingi ka maging sa kalaliman, o sa kaitaasan sa itaas. 023 ISA 007 012 Nguni't sinabi ni Achaz, Hindi ako hihingi, ni tutuksuhin ko man ang Panginoon. 023 ISA 007 013 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon, Oh sangbahayan ni David; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Dios? 023 ISA 007 014 Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel. 023 ISA 007 015 Siya'y kakain ng mantekilla at pulot, pagka siya'y natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti. 023 ISA 007 016 Sapagka't bago maalaman ng bata na tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti, pababayaan ang lupain ng dalawang haring iyong kinayayamutan. 023 ISA 007 017 Ang Panginoon ay magpapasapit sa iyo, at sa iyong bayan, at sa sangbahayan ng iyong magulang ng mga araw na hindi nangyari mula ng araw na humiwalay ang Ephraim sa Juda; sa makatuwid baga'y ang hari sa Asiria. 023 ISA 007 018 At mangyayari sa araw na yaon, na susutsutan ng Panginoon ang langaw na nasa kahulihulihang bahagi ng mga ilog ng Egipto, at ang pukyutan na nasa lupain ng Asiria. 023 ISA 007 019 At sila'y magsisidating, at silang lahat ay mangagpapahinga sa mga gibang libis, at sa mga bitak ng malalaking bato, at sa lahat ng mga tinikan, at sa lahat ng mga sukal. 023 ISA 007 020 Sa araw na yaon ay aahitin ng Panginoon ang ulo at ang balahibo ng mga paa, ng pangahit na inupahan, ang nangasa bahagi ng dako roon ng Ilog, ang hari sa Asiria: at aalisin din ang balbas. 023 ISA 007 021 At mangyayari sa araw na yaon, na ang isang tao ay magaalaga ng guyang baka, at ng dalawang tupa; 023 ISA 007 022 At mangyayari, na dahil sa kasaganaan ng gatas na kanilang ibibigay ay kakain siya ng mantekilla: sapagka't ang bawa't isa na naiwan sa gitna ng lupain ay kakain ng mantekilla at pulot. 023 ISA 007 023 At mangyayari sa araw na yaon, na ang bawa't dakong kinaroroonan ng libong puno ng ubas na nagkakahalaga ng isang libong siklong pilak, ay magiging dawagan at tinikan. 023 ISA 007 024 Paroroon ang isa na may mga pana at may busog; sapagka't ang buong lupain ay magiging mga dawag at mga tinikan. 023 ISA 007 025 At ang lahat ng burol na hinukay ng azarol, hindi mo paroroonan dahil sa takot sa mga dawag at sa mga tinikan; kundi magiging pagalaan sa mga baka, at yurakan ng mga tupa. 023 ISA 008 001 At sinabi ng Panginoon sa akin, Kumuha ka ng malapad na tabla, at sulatan mo ng panulat ng tao, Kay Maher-salalhash-baz; 023 ISA 008 002 At magdadala ako ng mga tapat na saksi upang mangagpaalaala, si Urias na saserdote, at si Zacarias na anak ni Jeberechias. 023 ISA 008 003 At ako'y naparoon sa propetisa; at siya'y naglihi, at nanganak ng isang lalake. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Tawagin mo ang kaniyang pangalan na Maher-salalhash-baz. 023 ISA 008 004 Sapagka't bago ang anak ay matutong dumaing ng, Ama ko, at: Ina ko, ang mga kayamanan ng Damasco at ang samsam sa Samaria ay dadalahin sa harap ng hari ng Asiria. 023 ISA 008 005 At nagsalita pa ang Panginoon uli sa akin, na nagsasabi, 023 ISA 008 006 Yamang tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng Siloe na nagsisiagos na marahan, at siya'y nagagalak kay Rezin at sa anak ni Remalias; 023 ISA 008 007 Ngayon nga, narito, iniaahon ng Panginoon sa kanila ang tubig ng Ilog, malakas at marami, sa makatuwid baga'y ang hari sa Asiria at ang buo niyang kaluwalhatian: at siya'y aahon sa lahat niyang bangbang, at aapaw sa buo niyang baybayin: 023 ISA 008 008 At magpapatuloy sa dako ng loob ng Juda; aapaw at lalampas; aabot hanggang sa leeg; at ang laganap ng kaniyang mga pakpak ay siyang magpupuno ng kaluwangan ng iyong lupain, Oh Emmanuel. 023 ISA 008 009 Kayo'y magsamasama, Oh mga bayan, at kayo'y mangagkakawatakwatak; at kayo'y mangakinig, kayong lahat na taga malayong lupain: mangagbigkis kayo, at kayo'y mangagkakawatakwatak; kayo'y mangagbigkis, at kayo'y mangagkakawatakwatak. 023 ISA 008 010 Mangagsanggunian kayo, at yao'y mauuwi sa wala; mangagsalita kayo ng salita at hindi matatayo: sapagka't ang Dios ay sumasaamin. 023 ISA 008 011 Sapagka't ang Panginoon ay nagsalitang ganito sa akin na may malakas na kamay, at tinuruan ako na huwag lumakad ng lakad ng bayang ito, na sinasabi, 023 ISA 008 012 Huwag ninyong sabihin, Pagbabanta; tungkol sa lahat na sasabihin ng bayang ito, Pagbabanta, o huwag mang mangatakot kayo ng kanilang takot, o mangilabot man doon. 023 ISA 008 013 Ang Panginoon ng mga hukbo, siya ang inyong aariing banal; at sumakaniya ang inyong takot, at sumakaniya ang inyong pangingilabot. 023 ISA 008 014 At siya'y magiging pinakasantuario; nguni't pinakabatong katitisuran at pinaka malaking batong pangbuwal sa dalawang sangbahayan ng Israel, na pinakabitag at pinakasilo sa mga nananahan sa Jerusalem. 023 ISA 008 015 At marami ang mangatitisod doon, at mangabubuwal, at mangababalian, at mangasisilo, at mangahuhuli. 023 ISA 008 016 Talian mo ang patotoo, tatakan mo ang kautusan sa gitna ng aking mga alagad. 023 ISA 008 017 At aking hihintayin ang Panginoon na nagkukubli ng kaniyang mukha sa sangbahayan ni Jacob, at aking hahanapin siya. 023 ISA 008 018 Narito, ako at ang mga anak na ibinigay ng Panginoon sa akin ay mga pinakatanda at pinaka kababalaghan sa Israel na mula sa Panginoon ng mga hukbo, na tumatahan sa bundok ng Sion. 023 ISA 008 019 At pagka kanilang sasabihin sa inyo, Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula, na nagsisihuni at nagsisibulong; hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios? dahil baga sa mga buhay ay sasangguni sila sa mga patay? 023 ISA 008 020 Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila. 023 ISA 008 021 At sila'y magsisidaan doon, na nahihirapan at gutom: at mangyayari, na pagka sila'y mangagugutom, sila'y mangagagalit, at magsisisumpa alangalang sa kanilang hari at sa kanilang Dios, at ititingala nila ang kanilang mga mukha: 023 ISA 008 022 At sila'y titingin sa lupa, at, narito, kahirapan at kadiliman, ulap ng kahapisan, at sa salimuot na kadiliman ay itataboy sila. 023 ISA 009 001 Gayon man ay hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan. Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali, nguni't sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa. 023 ISA 009 002 Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag. 023 ISA 009 003 Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam. 023 ISA 009 004 Sapagka't ang pamatok na kaniyang pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng Madian. 023 ISA 009 005 Sapagka't ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog, para sa mitsa ng apoy. 023 ISA 009 006 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan. 023 ISA 009 007 Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo. 023 ISA 009 008 Nagpasabi ang Panginoon sa Jacob, at naliliwanagan ang Israel, 023 ISA 009 009 At malalaman ng buong bayan ng Ephraim, at ng nananahan sa Samaria, na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng ulo, 023 ISA 009 010 Ang mga laryo ay nangahulog, nguni't aming itatayo ng tinabas na bato: ang mga sikomoro ay nangaputol, nguni't aming papalitan ng mga cedro. 023 ISA 009 011 Kaya't itataas ng Panginoon laban sa kaniya ang mga kaaway ng Rezin, at manghihikayat ng kaniyang mga kaalit; 023 ISA 009 012 Ang mga taga Siria sa unahan, at ang mga Filisteo sa likuran; at kanilang lalamunin ang Israel ng bukang bibig. Sa lahat na ito ang kaniyang galit ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat. 023 ISA 009 013 Gayon ma'y ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kaniya na sumakit sa kanila, o hinanap man nila ang Panginoon ng mga hukbo. 023 ISA 009 014 Kaya't puputulin ng Panginoon sa Israel ang ulo't buntot, ang sanga ng palma at ang tambo, sa isang araw. 023 ISA 009 015 Ang matanda at ang marangal na tao, siyang ulo; at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan, siyang buntot. 023 ISA 009 016 Sapagka't silang nagsisipatnubay ng bayang ito ay siyang nangagliligaw; at silang pinapatnubayan ay nangapapahamak. 023 ISA 009 017 Kaya't ang Panginoon ay hindi magagalak sa kanilang mga binata, ni mahahabag man sa kanilang mga ulila at mga babaing bao: sapagka't bawa't isa ay marumi at manggagawa ng kasamaan, at bawa't bibig ay nagsasalita ng kamangmangan. Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat. 023 ISA 009 018 Sapagka't ang kasamaan ay sumusunog na gaya ng apoy; pumupugnaw ng mga dawag at mga tinikan: oo, nagaalab na sa siitan sa gubat, at umiilanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok. 023 ISA 009 019 Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain: ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy; walang taong mahahabag sa kaniyang kapatid. 023 ISA 009 020 At isa'y susunggab ng kanang kamay, at magugutom; at kakain ng kaliwa, at hindi sila mabubusog: sila'y magsisikain bawa't isa ng laman ng kaniyang sariling bisig: 023 ISA 009 021 Ang Manases, ay kakanin ang Ephraim; at ang Ephraim, ay ang Manases: at sila kapuwa ay magiging laban sa Juda. Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat. 023 ISA 010 001 Sa aba nila na nagpapasiya ng mga likong pasiya, at ng mga manunulat na sumusulat ng mga kasuwailan: 023 ISA 010 002 Upang iligaw sa kahatulan ang mapagkailangan, at upang alisin ang katuwiran ng dukha ng aking bayan, upang ang mga babaing bao ay maging kanilang samsam, at upang kanilang gawing kanilang huli ang mga ulila! 023 ISA 010 003 At ano ang inyong gagawin sa araw ng pagdalaw, at sa kagibaan na manggagaling sa malayo? sa kanino kayo magsisitakas upang kayo'y tulungan? at saan ninyo iiwan ang inyong kaluwalhatian? 023 ISA 010 004 Sila'y magsisiyukod na gaya ng mga bilanggo, at mangabubuwal sa bunton ng mga patay. Sa lahat ng ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat. 023 ISA 010 005 Hoy, taga Asiria, na pamalo ng aking galit, siyang tungkod na kasangkapan ng aking pag-iinit. 023 ISA 010 006 Aking susuguin siya laban sa maruming bansa, at laban sa bayan na aking kinapopootan ay pagbibilinan ko siya, upang manamsam, at upang manunggab, at yapakan sila na parang putik ng mga lansangan. 023 ISA 010 007 Gayon ma'y hindi niya inaakalang gayon, o iniisip mang gayon ng kaniyang puso; kundi ang nasa kaniyang puso ay manggiba, at manglipol ng mga bansa na hindi kakaunti. 023 ISA 010 008 Sapagka't kaniyang sinasabi, Hindi baga ang aking mga pangulo ay hari silang lahat? 023 ISA 010 009 Hindi baga ang calno ay gaya ng Carchemis? hindi ba ang Hamath ay gaya ng Arphad? hindi ba ang Samaria ay gaya ng Damasco? 023 ISA 010 010 Kung paanong nakasumpong ang aking kamay ng mga kaharian ng mga diosdiosan, na ang mga larawan nilang inanyuan ay mga higit ng dami kay sa Jerusalem at sa Samaria; 023 ISA 010 011 Hindi ko baga gagawing gayon sa Jerusalem at sa kaniyang mga diosdiosan, ang gaya ng ginawa ko sa Samaria at sa kaniyang mga diosdiosan? 023 ISA 010 012 Kaya't mangyayari, na pagka naisagawa ng Panginoon ang buo niyang gawain sa bundok ng Sion at sa Jerusalem, aking parurusahan ang kagagawan ng mapagmalaking loob na hari sa Asiria, at ang kaluwalhatian ng kaniyang mga mapagmataas na tingin. 023 ISA 010 013 Sapagka't kaniyang sinabi, Aking ginawa ito sa kalakasan ng aking kamay at sa aking karunungan; sapagka't ako'y mabait: at aking binago ang mga hangganan ng mga tao, at ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan, at parang matapang na lalake na ibinaba ko silang nangakaupo sa mga luklukan: 023 ISA 010 014 At nasumpungan ng aking kamay na parang pugad ang mga kayamanan ng mga tao; at ako'y namulot sa buong lupa na parang namumulot ng mga itlog na napabayaan: at walang magkilos ng pakpak, o magbuka ng bibig o sumiyap. 023 ISA 010 015 Magmamapuri ba ang palakol laban sa nagpuputol niyaon? Nakapagmamalaki ba ang lagari laban sa humahawak niyaon? gaya ng kung ang pamalo ay makapagpapanginig sa kanila na nagtataas niyaon, o gaya ng kung ang tungkod ay magtataas sa tao na hindi kahoy. 023 ISA 010 016 Kaya't pangangayayatin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, ang kaniyang mga mataba; at sa ilalim ng kaniyang kaluwalhatian ay magkakaroon ng pagniningas na gaya ng ningas na apoy. 023 ISA 010 017 At ang liwanag ng Israel ay magiging pinakaapoy, at ang kaniyang Banal ay pinakaliyab: at magniningas at susupukin ang kaniyang mga tinikan at mga dawag sa isang araw. 023 ISA 010 018 At kaniyang pupugnawin ang kaluwalhatian ng kaniyang gubat, at ng kaniyang pinakikinabangang bukid, ang kaluluwa at gayon din ang katawan: at magiging gaya ng kung nanglulupaypay ang may dala ng watawat. 023 ISA 010 019 At ang nalabi sa mga punong kahoy ng kaniyang gubat ay mangangaunti, na anopat mabibilang ng bata. 023 ISA 010 020 At mangyayari sa araw na yaon, na ang nalabi sa Israel, at ang nangakatanan sa sangbahayan ni Jacob, hindi na titiwala pa uli sa kaniya na sumakit sa kanila; kundi titiwala sa Panginoon, sa Banal ng Israel, sa katotohanan. 023 ISA 010 021 Isang nalabi ay manunumbalik, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa Jacob, sa makapangyarihang Dios. 023 ISA 010 022 Sapagka't bagaman ang iyong bayang Israel ay magiging parang buhangin sa dagat, ang isang nalabi lamang sa kanila ang manunumbalik: ang pagkalipol ay naipasiya, na magtataglay ng katuwiran. 023 ISA 010 023 Sapagka't ang kagibaan, at ang ipinasiya, gagawin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, sa gitna ng buong lupa. 023 ISA 010 024 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, Oh bayan kong tumatahan sa Sion, huwag kang matakot sa taga Asiria: bagaman ikaw ay sinaktan niya ng pamalo at nagtaas ng kaniyang tungkod laban sa iyo, ayon sa paraan ng Egipto. 023 ISA 010 025 Sapagka't sangdali pa, at ang pagkagalit ay magaganap, at ang aking galit, sa kanilang ikamamatay. 023 ISA 010 026 At ibabangon ng Panginoon ng mga hukbo, ang kasakunaan laban sa kaniya, na gaya ng pagpatay sa Madian sa bato ng Oreb: at ang kaniyang panghampas ay malalagay sa dagat, at kaniyang itataas ng ayon sa paraan ng Egipto. 023 ISA 010 027 At mangyayari sa araw na yaon, na ang atang niya ay mahihiwalay sa iyong balikat, at ang kaniyang ipinasan sa iyong leeg, at ang ipinasan ay malalagpak dahil sa pinahiran. 023 ISA 010 028 Siya'y dumating sa Ajad, siya'y nagdaan sa Migron; sa Michmas inilalapag niya ang kaniyang mga daladalahan: 023 ISA 010 029 Sila'y nangagdaraan sa landas; sila'y nagsituloy na nangagpahinga sa Geba: ang Rama ay nanginginig; ang Gabaa ni Saul ay tumakas. 023 ISA 010 030 Humiyaw kang malakas ng iyong tinig, Oh anak na babae ng Galim! duminig ka, Oh Lais! Oh ikaw na kaawaawang Anathoth! 023 ISA 010 031 Madmena ay palaboy; ang mga nananahan sa Gebim ay nagtitipon upang magsitakas. 023 ISA 010 032 Sa araw ding ito ay titigil siya sa Nob: kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa bundok ng anak na babae ng Sion, na burol ng Jerusalem. 023 ISA 010 033 Narito, puputulin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, na kakilakilabot ang mga sanga: at ang mga mataas sa anyo ay ibubuwal, at ang mapagmataas ay ibababa. 023 ISA 010 034 At kaniyang puputulin ang mga siitan ng gubat sa pamamagitan ng bakal, at ang Libano ay mawawasak sa pamamagitan ng isang makapangyarihan. 023 ISA 011 001 At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga: 023 ISA 011 002 At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya, ang diwa ng karunungan at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon; 023 ISA 011 003 At ang kaniyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot sa Panginoon: at hindi siya hahatol ng ayon sa paningin ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ng ayon sa pakinig ng kaniyang mga tainga: 023 ISA 011 004 Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa: at sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig, at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama. 023 ISA 011 005 At katuwiran ang magiging bigkis ng kaniyang baywang, at pagtatapat ang pamigkis ng kaniyang mga balakang. 023 ISA 011 006 At ang lobo ay tatahang kasama ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; at ang guya, at ang batang leon, at ang patabain na magkakasama; at papatnubayan sila ng munting bata. 023 ISA 011 007 At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping: at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka. 023 ISA 011 008 At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas, at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong. 023 ISA 011 009 Hindi sila magsisipanakit o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok: sapagka't ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, gaya ng tubig na tumatakip sa dagat. 023 ISA 011 010 At mangyayari, sa araw na yaon na ang angkan ni Isai, na tumatayong pinakawatawat ng mga bayan, hahanapin ng mga bansa; at ang kaniyang pahingahang dako ay magiging maluwalhati. 023 ISA 011 011 At mangyayari, sa araw na yaon, na ilalapag ng Panginoon uli ang kaniyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalabi sa kaniyang bayan na malalabi, mula sa Asiria, at mula sa Egipto, at mula sa Patros, at mula sa Cus, at mula sa Elam, at mula sa Sinar, at mula sa Amath, at mula sa mga pulo ng dagat. 023 ISA 011 012 At siya'y maglalagay ng pinakawatawat sa mga bansa, at titipunin niya ang mga tapon ng Israel, at pipisanin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa. 023 ISA 011 013 Ang inggit naman ng Ephraim ay maaalis, at ang mga lumiligalig ng Juda ay mahihiwalay: ang Ephraim ay hindi maiinggit sa Juda, at ang Juda ay hindi liligalig sa Ephraim. 023 ISA 011 014 At sila'y lulusob sa mga Filisteo sa kalunuran; magkasamang sasamsam sila sa mga anak ng silanganan: kanilang iuunat ang kanilang kamay sa Edom at sa Moab; at susundin sila ng mga anak ni Ammon. 023 ISA 011 015 At lubos na sisirain ng Panginoon ang look ng dagat ng Egipto; at iwawaswas ang kaniyang kamay sa Ilog ng kaniyang malakas na hangin, at papagpipituhing batis, at palalakarin ang mga tao na hindi basa ang mga paa. 023 ISA 011 016 At magkakaroon ng isang lansangan sa nalabi sa kaniyang bayan, na malalabi, mula sa Asiria; gaya ng nagkaroon sa Israel ng araw na siya'y umahon mula sa lupain ng Egipto. 023 ISA 012 001 At sa araw na yaon ay iyong sasabihin, Ako'y pasasalamat sa iyo, Oh Panginoon; sapagka't bagaman ikaw ay nagalit sa akin ang iyong galit ay napawi, at iyong inaaliw ako. 023 ISA 012 002 Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan. 023 ISA 012 003 Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan. 023 ISA 012 004 At sa araw na yao'y inyong sasabihin, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan, ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan, sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal. 023 ISA 012 005 Magsiawit kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y gumawa ng mga marilag na bagay: ipaalam ito sa buong lupa. 023 ISA 012 006 Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka, ikaw na nananahan sa Sion: sapagka't dakila ang Banal ng Israel sa gitna mo. 023 ISA 013 001 Ang hula tungkol sa Babilonia na nakita ni Isaias na anak ni Amoz. 023 ISA 013 002 Kayo'y mangaglagay ng isang watawa't sa bundok, na walang punong kahoy, mangaglakas kayo ng tinig sa kanila, inyong senyasan ng kamay, upang sila'y magsipasok sa mga pintuang-bayan ng mga mahal na tao. 023 ISA 013 003 Aking inutusan ang aking mga itinalaga, oo, aking tinawag ang aking mga makapangyarihang lalake dahil sa aking galit, sa makatuwid baga'y ang nangagagalak sa aking kamahalan. 023 ISA 013 004 Ang ingay ng karamihan sa mga bundok, gaya ng malaking bayan: ang ingay ng kagulo ng mga kaharian ng mga bansa na nagpipisan! pinipisan ng Panginoon ng mga hukbo ang hukbo ukol sa pagbabaka. 023 ISA 013 005 Sila'y nangagmumula sa malayong lupain, mula sa kaduluduluhang bahagi ng langit, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, at ang mga almas ng kaniyang galit, upang gibain ang buong lupain. 023 ISA 013 006 Magsiangal kayo; sapagka't ang araw ng Panginoon ay malapit na; darating na pinaka paggiba na mula sa Makapangyarihan sa lahat. 023 ISA 013 007 Kaya't lahat ng kamay ay manghihina, at bawa't puso ng tao ay manglulumo: 023 ISA 013 008 At sila'y manglulupaypay; mga pagdaramdam at mga kapanglawan ay dadanasin nila; sila'y mangaghihirap na gaya ng babae sa pagdaramdam: mangagkakatigilan; ang kanilang mga mukha ay magiging parang liyab. 023 ISA 013 009 Narito, ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon. 023 ISA 013 010 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag. 023 ISA 013 011 At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot. 023 ISA 013 012 At aking gagawin ang isang lalake ay maging mahalaga kay sa dalisay na ginto, ang tao na higit kay sa dalisay na ginto ng Ophir. 023 ISA 013 013 Kaya't aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit, 023 ISA 013 014 At mangyayari, na kung paano ang usang hinahabol, at kung paano ang mga tupa na walang pumisan, ay magsisibalik sila bawa't isa sa kaniyang sariling bayan, at tatakas bawa't isa sa kaniyang sariling lupain. 023 ISA 013 015 Bawa't masusumpungan ay palalagpasan; at bawa't nahuli ay mabubuwal sa tabak. 023 ISA 013 016 Ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin sa harap ng kanilang mga mata; ang kanilang mga bahay ay sasamsaman, at ang kanilang mga asawa ay dadahasin. 023 ISA 013 017 Narito, aking hihikayatin ang mga Medo laban sa kanila, na hindi magpapakundangan sa pilak, at tungkol sa ginto, hindi nila kaluluguran. 023 ISA 013 018 At pagluluraylurayin ng kanilang mga busog ang mga binata; at sila'y hindi maaawa sa bunga ng bahay-bata; ang kanilang mata ay hindi mahahabag sa mga bata. 023 ISA 013 019 At ang Babilonia, ang kaluwalhatian ng mga kaharian, ang ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo, ay magiging gaya nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra. 023 ISA 013 020 Hindi matatahanan kailan man, ni di tatahanan sa buong panahon: ni di magtatayo roon ang taga Arabia ng tolda; ni di pahihigain doon ng mga pastor ang kanilang kawan. 023 ISA 013 021 Kundi mga maiilap na hayop sa ilang ang magsisihiga roon; at ang kanilang mga bahay ay mangapupuno ng mga hayop na nagsisiungal; at mga avestruz ay magsisitahan doon, at ang mga lalaking kambing ay magluluksuhan roon. 023 ISA 013 022 At ang mga lobo ay magsisihiyaw sa kanilang mga moog, at ang mga chakal sa mga maligayang palasio: at ang kanilang panahon ay malapit nang sumapit, at ang kanilang mga kaarawan ay hindi magtatagal. 023 ISA 014 001 Sapagka't ang Panginoon ay maaawa sa Jacob, at kaniyang pipiliin pa ang Israel, at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain: at ang taga ibang lupa ay lalakip sa kanila, at sila'y masasanib sa sangbahayan ni Jacob. 023 ISA 014 002 At kukunin sila ng mga tao, at dadalhin sila sa kanilang dako: at aariin sila ng sangbahayan ng Israel sa lupain ng Panginoon, na mga pinakaaliping lalake at babae: at kanilang bibihagin sila, na nagsibihag sa kanila; at mangagpupuno sila sa mga mamimighati sa kanila. 023 ISA 014 003 At mangyayari, sa araw na bibigyan ka ng Panginoon ng kapahingahan sa iyong kapanglawan, at sa iyong kabagabagan, at sa mabigat na paglilingkod na ipinapaglingkod sa iyo, 023 ISA 014 004 Na iyong gagamitin ang talinghagang ito laban sa hari sa Babilonia, at iyong sasabihin, Kung paano ang mamimighati ay naglikat! ang bayang ginto ay naglikat! 023 ISA 014 005 Binali ng Panginoon ang tungkod ng masama, ang cetro ng mga pinuno; 023 ISA 014 006 Siya na sumakit ng mga tao sa poot ng walang likat na bugbog, na nagpuno sa mga bansa sa galit, na may pag-uusig na hindi pinigil ng sinoman. 023 ISA 014 007 Ang buong lupa ay nasa katiwasayan, at tahimik: sila'y biglang nagsisiawit. 023 ISA 014 008 Oo, ang mga puno ng cipres ay nagagalak dahil sa iyo, at ang mga cedro sa Libano, na nangagsasabi, Mula nang ikaw ay malugmok wala nang mamumutol na umaahon laban sa amin. 023 ISA 014 009 Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa. 023 ISA 014 010 Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo, Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin? ikaw ba'y naging gaya namin? 023 ISA 014 011 Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod. 023 ISA 014 012 Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! 023 ISA 014 013 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: 023 ISA 014 014 Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan. 023 ISA 014 015 Gayon ma'y mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay. 023 ISA 014 016 Silang nangakakakita sa iyo ay magsisititig sa iyo, kanilang mamasdan ka, na mangagsasabi, Ito baga ang lalake na nagpayanig ng lupa, na nagpauga ng mga kaharian; 023 ISA 014 017 Na ginawang gaya ng ilang ang sanglibutan, at gumiba ng mga bayan nito; na hindi nagpakawala ng kaniyang mga bilanggo upang magsiuwi? 023 ISA 014 018 Lahat ng mga hari ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian, bawa't isa'y sa kaniyang sariling bahay. 023 ISA 014 019 Nguni't ikaw ay natapon mula sa iyong libingan na gaya ng kasuklamsuklam na sanga, gaya ng bihisan ng mga patay, na tinaga ng tabak, na bumaba sa mga bato ng hukay: gaya ng bangkay na nayapakan ng paa. 023 ISA 014 020 Ikaw ay hindi malalakip sa kanila sa libingan, sapagka't iyong sinira ang iyong lupain, iyong pinatay ang iyong bayan; ang angkan ng mga manggagawa ng kasamaan ay hindi lalagi magpakailan man. 023 ISA 014 021 Mangaghanda kayo na pumatay sa kanilang mga anak dahil sa kasamaan ng kanilang mga magulang; upang sila'y huwag magsibangon, at ariin ang lupain, at punuin ang ibabaw ng lupa ng mga bayan. 023 ISA 014 022 At ako'y babangon laban sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ihihiwalay ko sa Babilonia ang pangalan at ang nalabi, at ang anak at ang anak ng anak, sabi ng Panginoon. 023 ISA 014 023 Akin namang gagawing pinakaari ng hayop na erizo, at mga lawa ng tubig: at aking papalisin ng pangpalis na kagibaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 023 ISA 014 024 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang iniisip ko, gayon ang mangyayari; at kung ano ang aking pinanukala, gayon mananayo: 023 ISA 014 025 Na aking lalansagin ang taga Asiria sa aking lupain, at sa aking mga bundok ay yayapakan ko siya sa ilalim ng paa; kung magkagayo'y mahihiwalay ang kaniyang atang sa kanila, at ang ipinasan niya ay mahihiwalay sa kanilang balikat. 023 ISA 014 026 Ito ang panukala na aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na umunat sa lahat ng mga bansa. 023 ISA 014 027 Sapagka't pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, at sinong wawala ng kabuluhan? at ang kaniyang kamay na nakaunat, at sinong maguurong? 023 ISA 014 028 Nagkaroon ng hulang ito nang taong mamatay ang haring Achaz. 023 ISA 014 029 Ikaw ay huwag magalak, ikaw na buong Filistia, sa pagkabali ng pamalo na sumakit sa iyo: sapagka't sa ahas ay lalabas ang ulupong, at ang kaniyang anak ay magiging mabangis na ahas na lumilipad. 023 ISA 014 030 At ang panganay ng dukha ay kakain, at ang mapagkailangan ay mahihigang tiwasay: at aking papatayin ng gutom ang iyong angkan, at ang nalabi sa iyo ay papatayin. 023 ISA 014 031 Ikaw ay umungal, Oh pintuang-bayan; ikaw ay humiyaw, Oh bayan; ikaw ay napugnaw, Oh ikaw na buong Filistia; sapagka't lumalabas ang usok na mula sa hilagaan, at walang malalabi sa kaniyang mga takdang panahon. 023 ISA 014 032 Ano nga ang isasagot sa mga sugo ng bansa? Na itinayo ng Panginoon ang Sion, at doon nanganganlong ang nagdadalamhati sa kaniyang bayan. 023 ISA 015 001 Ang hula tungkol sa Moab. Sapagka't sa isang gabi ang Ar ng Moab ay nagiba, at nawalan ng kabuluhan; sapagka't sa isang gabi ay nagiba ang Kir ng Moab, at nawalan ng kabuluhan. 023 ISA 015 002 Siya'y umahon sa Bayith, at sa Dibon, sa mga mataas na dako, upang umiyak: ang Moab ay umaangal sa Nebo, at sa Medeba: lahat nilang ulo ay kalbo, bawa't balbas ay gupit. 023 ISA 015 003 Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang: sa kanilang mga bubungan, at sa kanilang mga luwal na dako, umaangal ang bawa't isa, na umiiyak ng di kawasa. 023 ISA 015 004 At ang Hesbon ay humihiyaw, at ang Eleale; ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa Jahas: kaya't ang mga lalaking nangasasakbatan sa Moab ay nagsihiyaw ng malakas; ang kaniyang kalooban ay nagugulumihanan. 023 ISA 015 005 Ang aking puso ay dumadaing dahil sa Moab, ang kaniyang mga mahal na tao ay nagsisitakas sa Zoar, sa Eglat-selisiyah: sapagka't sa ahunan sa Luhith ay nagsisiahon silang may iyakan: sapagka't sa daan ng Horonaim ay nagsisihagulhol sila sa kapahamakan. 023 ISA 015 006 Sapagka't ang tubig ng Nimrim ay natuyo, sapagka't ang damo ay natuyo, ang sariwang damo ay nalalanta, walang sariwang bagay. 023 ISA 015 007 Kaya't ang kasaganaan na kanilang tinamo, at ang kanilang tinipon, ay kanilang dadalhin sa mga batis ng mga kahoy na sauce. 023 ISA 015 008 Sapagka't ang daing ay lumilipana sa mga hangganan ng Moab; ang angal niya ay hanggang sa Eglaim, at ang angal niya ay hanggang sa Beer-elim. 023 ISA 015 009 Sapagka't ang tubig ng Dimon ay nahaluan ng dugo: sapagka't magpapasapit pa ako sa Dimon ng isang leon na nakatanan sa Moab, at sa nalabi sa lupain. 023 ISA 016 001 Ipadadala ninyo ang mga kordero na ukol sa pinuno ng lupain mula sa Selah na nasa dakong ilang, hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion. 023 ISA 016 002 Sapagka't mangyayari, na gaya ng mga ibong nagsisigala, na gaya ng kalat na pugad, magiging gayon ang mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng Arnon. 023 ISA 016 003 Magpayo ka, magsagawa ka ng kahatulan; iyong gawin ang iyong anino na gaya ng gabi sa gitna ng katanghaliang tapat: ikubli mo ang mga tapon; huwag mong ilitaw ang palaboy. 023 ISA 016 004 Patirahin mong kasama mo ang aking natapon; tungkol sa Moab, maging kanlungan ka niya sa mukha ng mananamsam: sapagka't ang mamimighati ay mauuwi sa wala, ang pagsamsam ay matitigil, ang mga mamimighati ay malilipol sa lupain. 023 ISA 016 005 At ang luklukan ay matatatag sa kagandahang-loob, at isa'y uupo roon sa katotohanan, sa tabernakulo ni David; na humahatol at humahanap ng kahatulan, at nagmamadaling nagsasagawa ng katuwiran. 023 ISA 016 006 Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang kahambugan, at ang kaniyang kapalaluan, at ang kaniyang poot, ang kaniyang paghahambog ay nauuwi sa wala. 023 ISA 016 007 Kaya't aangal ang Moab dahil sa Moab, bawa't isa'y aangal: dahil sa mga binilong pasas ng Kirhareseth ay mananangis kayong lubha na nangamamanglaw. 023 ISA 016 008 Sapagka't ang mga bukid ng Hesbon ay nanghihina, at ang ubasan ng Sibma; sinira ng mga mahal na tao ng mga bansa ang mga piling pananim niyaon; sila'y nagsisapit hanggang sa Jazer, sila'y nagsilaboy sa ilang; ang kaniyang mga sanga ay nangalaladlad, sila'y nagsitawid sa dagat. 023 ISA 016 009 Kaya't iiyak ako ng iyak ng Jazer dahil sa puno ng ubas ng Sibma: aking didiligin ka ng aking mga luha, Oh Hesbon, at Eleale; sapagka't sa iyong mga bunga ng taginit at sa iyong pagaani, dumating ang hiyaw sa pakikipagbaka. 023 ISA 016 010 At ang kasayahan ay naalis, at ang kagalakan sa mainam na bukid; at sa mga ubasan ay hindi magkakaroon ng mga awitan, o masayang kaingay man: walang manyayapak na gagawa ng alak sa alakan; aking pinatigil ang awitan sa pagaani. 023 ISA 016 011 Kaya't ang aking tiyan ay tumutunog na parang alpa dahil sa Moab, at ang aking mga lamang-loob dahil sa Kir-hares. 023 ISA 016 012 At mangyayari, pagka ang Moab ay humarap, pagka siya'y napagod sa mataas na dako, at paroroon sa kaniyang santuario upang dumalangin, ay hindi siya mananaig. 023 ISA 016 013 Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Moab sa panahong nakaraan. 023 ISA 016 014 Nguni't ngayo'y nagsalita ang Panginoon, na nagsasabi, Sa loob ng tatlong taon, na gaya ng mga taon ng isang upahan, ay mawawalang kabuluhan ang kaluwalhatian ng Moab sangpu ng lahat niyang karamihan; at ang nalabi ay mangangaunti at walang halaga. 023 ISA 017 001 Ang hula tungkol sa Damasco. Narito, ang Damasco ay naalis sa pagkabayan, at magiging isang buntong ginto. 023 ISA 017 002 Ang mga bayan ng Aroer ay napabayaan: yao'y magiging sa mga kawan, na hihiga, at walang tatakot. 023 ISA 017 003 Ang moog sa kuta naman ay mawawala sa Ephraim, at mawawalan ng kaharian ang Damasco, at ang nalabi sa Siria; sila'y magiging gaya ng kaluwalhatian ng mga anak ni Israel, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 023 ISA 017 004 At mangyayari sa araw na yaon, na ang kaluwalhatian ng Jacob ay mangliliit, at ang katabaan ng kaniyang laman ay mangangayayat. 023 ISA 017 005 At mangyayari na gaya ng pamumulot ng mangaani ng nakatayong trigo, at ng panggapas ng kaniyang kamay ng mga uhay; oo, magiging gaya ng pamumulot ng mga uhay sa libis ng Ephraim. 023 ISA 017 006 Gayon ma'y maiiwan doon ang mga pinulot, gaya ng pagugog sa puno ng olibo na dalawa o tatlong bunga ay naiiwan sa dulo ng kataastaasang sanga, apat o lima sa kaduluduluhang mga sanga ng mabungang punong kahoy, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel. 023 ISA 017 007 Sa araw na yaon ay titingin ang mga tao sa Maylalang sa kanila, ang kanilang mga mata ay magkakaroon ng pitagan sa Banal ng Israel. 023 ISA 017 008 At sila'y hindi titingin sa mga dambana, na gawa ng kanilang mga kamay, o magkakaroon man sila ng pitagan sa ginawa ng kanilang mga daliri, maging sa mga Asera, o sa mga larawang araw. 023 ISA 017 009 Sa araw na yao'y ang kanilang mga matibay na bayan ay magiging gaya ng mga dakong pinabayaan sa gubat, at sa taluktok ng bundok, na pinabayaan sa harap ng angkan ni Israel: at magiging sira. 023 ISA 017 010 Sapagka't iyong nilimot ang Dios ng inyong kaligtasan, at hindi mo inalaala ang malaking bato ng iyong kalakasan: kaya't nagtatanim ka ng mga maligayang pananim, at iyong ibinabaon ang punla ng iba: 023 ISA 017 011 Sa araw ng iyong pagtatanim ay iyong binabakuran, at sa kinaumagahan ay iyong pinamumulaklak ang iyong binhi; nguni't nawawalan ng ani sa araw ng kalumbayan at sa lubhang kahapisan. 023 ISA 017 012 Ah, ang kaingay ng maraming bayan, na nagsisiugong na gaya ng ugong ng mga dagat; at ang daluhong ng mga bansa, na nagsisiugong na parang ugong ng bugso ng tubig! 023 ISA 017 013 Ang mga bansa ay magsisihugos na parang agos ng maraming tubig nguni't sila'y sasawayin niya, at magsisitakas sa malayo, at papaspasin na gaya ng ipa sa mga bundok sa harap ng hangin, at gaya ng ipoipong alabok sa harap ng bagyo. 023 ISA 017 014 Sa gabi ay narito ang kakilabutan; at bago dumating ang umaga ay wala na sila. Ito ang bahagi nila na nagsisisamsam sa atin, at ang palad nila na nangagnanakaw sa atin. 023 ISA 018 001 Ah, ang lupain ng pagaspas ng mga pakpak, na nasa dako roon ng mga ilog ng Etiopia: 023 ISA 018 002 Na nagsusugo ng mga sugo na nangagdadagat, sa makatuwid baga'y sa mga sasakyang papiro sa tubig, na nagsasabi, Magsiyaon kayo, maliliksing sugo, sa bansang mataas at patag, sa bayang kakilakilabot mula sa kanilang pasimula at sa haharapin; sa bansang sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog! 023 ISA 018 003 Kayong lahat na nananahan sa sanglibutan, at kayong mga naninirahan sa lupa, pagka ang isang watawat ay nataas sa mga bundok, inyong tingnan; at pagka ang pakakak ay hinipan, makinig kayo. 023 ISA 018 004 Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ako'y tatahimik, at aking mamasdan mula sa aking dakong tahanan, gaya ng malinaw na init sa sikat ng araw, gaya ng ulap na hamog sa init ng pagaani. 023 ISA 018 005 Sapagka't bago magani, pagka ang bulaklak ay nalagas, at ang bulaklak ay nagiging ubas na nahihinog, kaniyang puputulin ng karit na pangkapon ang mga usbong, at ang mga ladlad na sanga ay kaniyang aalisin at puputulin. 023 ISA 018 006 Ang mga yaon ay pawang mangaiiwan sa mga ibong mangdadagit sa mga bundok, at sa mga hayop sa lupa: at pagtataginitan ang mga yaon ng mga ibong mangdadagit, at pagtataginawan ang mga yaon ng lahat na hayop sa lupa. 023 ISA 018 007 Sa panahong yao'y dadalhin ang isang kaloob sa Panginoon ng mga hukbo ng mga taong matataas at makikisig, at mula sa bayang kakilakilabot na mula sa kanilang pasimula hanggang sa haharapin; isang bansa na sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog, sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, na bundok ng Sion. 023 ISA 019 001 Ang hula tungkol sa Egipto. Narito, ang Panginoon ay nakasakay sa isang matuling alapaap, at napasasa Egipto: at ang mga diosdiosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan, at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon. 023 ISA 019 002 At aking hihikayatin ang mga Egipcio laban sa mga Egipcio: at lalaban bawa't isa sa kanikaniyang kapatid, at bawa't isa laban sa kaniyang kapuwa; bayan laban sa bayan, at kaharian laban sa kaharian. 023 ISA 019 003 At ang diwa ng Egipto ay mauupos sa gitna niyaon; at aking sisirain ang payo niyaon: at sasangguni sila sa mga diosdiosan, at sa mga enkantador, at sa mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga manghuhula. 023 ISA 019 004 At aking ibibigay ang mga Egipcio sa kamay ng mabagsik na panginoon; at mabangis na hari ay magpupuno sa kanila, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo. 023 ISA 019 005 At magkukulang ng tubig sa mga dagat, at ang ilog ay mawawalan ng tubig at matutuyo. 023 ISA 019 006 At ang mga ilog ay babaho; ang mga batis ng Egipto ay huhupa at matutuyo: ang mga tambo at mga talahib ay mangatutuyo. 023 ISA 019 007 Ang mga parang sa pangpang ng Nilo, sa baybayin ng Nilo, at lahat na nahasik sa tabi ng Nilo, mangatutuyo, mangatatangay, at mangawawala. 023 ISA 019 008 Ang mga mangingisda naman ay magsisitaghoy, at lahat ng nangaglalawit ng bingwit sa Nilo ay tatangis, at silang nangaglaladlad ng mga lambat sa mga tubig ay manganglalata. 023 ISA 019 009 Bukod dito'y silang nagsisigawa sa mga lino, at silang nagsisihabi ng puting damit ay mangapapahiya. 023 ISA 019 010 At ang kaniyang mga haligi ay magkakaputolputol, silang lahat na nangagpapaupa ay nangagdadalamhati ang kalooban. 023 ISA 019 011 Ang mga pangulo sa Zoan ay lubos na mangmang; ang payo ng mga pinakapantas at kasangguni ni Faraon ay naging tampalasan: paanong masasabi ninyo kay Faraon, Ako'y anak ng pantas, anak ng mga dating hari? 023 ISA 019 012 Saan nangaroon nga ang iyong mga pantas? at sasabihin nila sa iyo ngayon; at alamin nila kung ano ang pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa Egipto. 023 ISA 019 013 Ang mga pangulo sa Zoan ay naging mga mangmang, ang mga pangulo sa Nof ay nangadaya; kanilang iniligaw ang Egipto, na siyang panulok na bato ng kaniyang mga lipi. 023 ISA 019 014 Naghalo ang Panginoon ng diwa ng kasuwailan sa gitna niya: at iniligaw nila ang Egipto sa bawa't gawa niya, na parang langong tao na nahahapay sa kaniyang suka. 023 ISA 019 015 Hindi na magkakaroon man sa Egipto ng anomang gawain, na magagawa ng ulo o ng buntot, sanga ng palma, o tambo. 023 ISA 019 016 Sa araw na yaon ay magiging parang mga babae ang Egipto: at manginginig at matatakot dahil sa bala ng kamay ng Panginoon ng mga hukbo, na kaniyang ibinabala. 023 ISA 019 017 At ang lupain ng Juda ay magiging kakilabutan sa Egipto; sa kanino man mabanggit yaon ay matatakot, dahil sa panukala ng Panginoon ng mga hukbo, na ipinanukala laban doon. 023 ISA 019 018 Sa araw na yaon ay magkakaroon ng limang bayan sa lupain ng Egipto, na mangagsasalita ng wika ng Canaan, at magsisisumpa sa Panginoon ng mga hukbo; isa'y tatawagin: Ang bayang giba. 023 ISA 019 019 Sa araw na yaon ay magkakaroon ng isang dambana sa Panginoon sa gitna ng lupain ng Egipto, at isang haligi sa hangganan niyaon sa Panginoon. 023 ISA 019 020 At magiging pinakatanda at pinakasaksi sa Panginoon ng mga hukbo sa lupain ng Egipto: sapagka't sila'y magsisidaing sa Panginoon dahil sa mga mamimighati, at magsusugo siya sa kanila ng isang tagapagligtas, at isang tagapagsanggalang, at kaniyang ililigtas sila. 023 ISA 019 021 At ang Panginoon ay makikilala sa Egipto, at makikilala ng mga Egipcio ang Panginoon sa araw na yaon; oo, sila'y magsisisamba na may hain at alay, at magsisipanata ng panata sa Panginoon, at tutuparin. 023 ISA 019 022 At sasaktan ng Panginoon ang Egipto, na nananakit at magpapagaling; at sila'y manunumbalik sa Panginoon, at siya'y madadalanginan nila, at pagagalingin niya sila. 023 ISA 019 023 Sa araw na yaon ay magkakaroon ng lansangan mula sa Egipto hanggang sa Asiria, at ang mga taga Asiria ay magsisipasok sa Egipto, at ang mga Egipcio ay sa Asiria, at ang mga Egipcio ay magsisisambang kasama ng mga taga Asiria. 023 ISA 019 024 Sa araw na yao'y magiging pangatlo ang Israel sa Egipto at sa Asiria, na pagpapala sa gitna ng lupain: 023 ISA 019 025 Sapagka't pinagpala sila ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, Pagpalain ang bayan kong Egipto, at ang Asiria na gawa ng aking mga kamay, at ang Israel na aking mana. 023 ISA 020 001 Nang taong dumating si Tartan kay Asdod, nang suguin siya ni Sargon na hari sa Asiria, at siya'y makipaglaban kay Asdod, at sakupin niya; 023 ISA 020 002 Nang panahong yaon ay nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Isaias na anak ni Amoz, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, at kalagin mo ang kayong magaspang sa iyong mga balakang, at maghubad ka ng iyong panyapak sa iyong paa. At ginawa niyang gayon na lumakad na hubad at walang panyapak. 023 ISA 020 003 At sinabi ng Panginoon, Kung paanong ang aking lingkod na si Isaias ay lumakad na hubad at walang panyapak na tatlong taon na pinakatanda at pinakakamanghaan sa Egipto at sa Etiopia; 023 ISA 020 004 Gayon ihahatid ng hari sa Asiria ang mga bihag sa Egipto, at ang mga tapon sa Etiopia, bata at matanda, hubad at walang panyapak, at may mga pigi na litaw, sa ikapapahiya ng Egipto. 023 ISA 020 005 At sila'y manganglulupaypay at mangapapahiya, dahil sa Etiopia na kanilang pagasa at sa Egipto na kanilang kaluwalhatian. 023 ISA 020 006 At ang nananahan sa baybaying ito ay mangagsasabi sa araw na yaon, Narito, gayon na lamang ang aming pagasa, na aming tinakasan na hiningan ng tulong upang makalaya sa hari sa Asiria: at kami paanong makatatanan? 023 ISA 021 001 Ang hula tungkol sa ilang na nasa baybayin ng dagat. Kung paanong umiikot ang mga ipoipo sa Timugan gayon dumarating ang hangin na mula sa ilang mula sa kakilakilabot na lupain. 023 ISA 021 002 Isang malubhang pangitain ay naipahayag sa akin; ang manggagawa ng karayaan ay gumagawang may karayaan, at ang mananamsam ay nananamsam. Umahon ka, Oh Elam; kumubkob ka, Oh Media; lahat ng buntong-hininga niya'y aking pinatigil. 023 ISA 021 003 Kaya't ang aking mga balakang ay puspos ng kahirapan; mga hirap ay dinamdam ko, gaya ng mga hirap ng babae sa pagdaramdam; ako'y naghihirap na anopa't hindi ako makarinig; ako'y nanglulupaypay na anopa't hindi ako makakita. 023 ISA 021 004 Ang aking puso ay sumisikdo, kakilabutan ay tumakot sa akin: ang pagtatakip-silim na aking ninasa ay naging kapanginigan sa akin. 023 ISA 021 005 Sila'y nangaghanda ng dulang, sila'y nangaglagay ng bantay, sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom: magsitindig kayo, kayong mga pangulo, inyong ihanda ang kalasag. 023 ISA 021 006 Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, maglagay ka ng bantay; ipahayag niya kung ano ang nakikita niya: 023 ISA 021 007 At pagka siya'y nakakita ng pulutong, ng mga nangangabayong dalawa't dalawa, ng mga asno, ng pulutong ng mga kamelyo siya'y masikap na makikinig na ma'y pagiingat. 023 ISA 021 008 At siya'y umungal na parang leon: Oh Panginoon, ako'y tumatayong lagi sa moog na bantayan kung araw, at ako'y tumatanod sa aking bantayan na magdamagan: 023 ISA 021 009 At, narito, dito'y dumarating ang isang pulutong na lalake, mga nangangabayong dalawa't dalawa. At siya'y sumagot at nagsabi, Babilonia ay nabagsak, nabagsak, at lahat na larawang inanyuan na kaniyang mga dios ay nangabagsak sa lupa. 023 ISA 021 010 Oh ikaw na aking giniik, at trigo ng aking giikan: ang aking narinig sa Panginoon ng mga hukbo, sa Dios ng Israel, aking ipinahayag sa iyo. 023 ISA 021 011 Ang hula tungkol sa Duma. May tumatawag sa akin mula sa Seir, Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi? 023 ISA 021 012 Sinabi ng bantay, Ang umaga ay dumarating, at gayon din ang gabi: kung inyong uusisain, usisain ninyo: magsipihit kayo, parito kayo. 023 ISA 021 013 Ang hula tungkol sa Arabia. Sa gubat ng Arabia ay magsisitigil kayo, Oh kayong nangaglalakbay na pulupulutong na mga Dedaneo. 023 ISA 021 014 Ang nauuhaw ay dinadalhan nila ng tubig; sinalubong ng mga nananahan sa lupain ng Tema na may kanilang tinapay ang mga bihag. 023 ISA 021 015 Sapagka't kanilang tinatakasan ang mga tabak, ang bunot na tabak, at ang akmang busog, at ang lala ng digmaan. 023 ISA 021 016 Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Sa loob ng isang taon, ayon sa mga taon ng magpapaupa, ang lahat ng kaluwalhatian ng Cedar ay mapapawi: 023 ISA 021 017 At ang malabi sa bilang sa mga mangbubusog, sa mga makapangyarihang lalake na mga anak ni Cedar, ay mangiilan: sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng Israel, siyang nagsalita. 023 ISA 022 001 Ang hula tungkol sa libis ng pangitain. Anong ipinakikialam mo ngayon na ikaw ay lubos na sumampa sa mga bubungan? 023 ISA 022 002 Oh ikaw na puspos ng mga hiyawan, magulong bayan, masayang bayan; ang iyong mga patay ay hindi nangapatay ng tabak, o nangamatay man sila sa pakikipagbaka. 023 ISA 022 003 Lahat mong pinuno ay nagsitakas na magkakasama, nangatalian ng mga mangbubusog: lahat na nangasumpungan sa iyo ay nangataliang magkakasama, nagsitakas na malayo. 023 ISA 022 004 Kaya't sinabi ko, Bayaan ninyo ako, ako'y iiyak na may kapanglawan; huwag ninyong sikaping aliwin ako, ng dahil sa pagkasamsam sa anak na babae ng aking bayan. 023 ISA 022 005 Sapagka't araw na pagkatulig at ng pagyurak, at ng pagkalito, mula sa Panginoon, mula sa Panginoon ng mga hukbo, sa libis ng pangitain; pagkabagsak ng mga kuta at paghiyaw sa mga bundok. 023 ISA 022 006 At ang Elam ay may dalang lalagyan ng pana, may mga karo ng mga tao at mga mangangabayo; at ang Kir ay Bunot ang kalasag. 023 ISA 022 007 At nangyari, na ang iyong pinakapiling libis ay puno ng mga karo, at ang mga mangangabayo ay nagsisihanay sa pintuang-bayan. 023 ISA 022 008 At kaniyang inalis ang takip ng Juda; at ikaw ay tumitig ng araw na yaon sa sakbat sa bahay na kahoy sa gubat. 023 ISA 022 009 At inyong nakita ang mga sira ng bayan ni David, na napakarami: at inyong pinisan ang tubig ng mababang tangke. 023 ISA 022 010 At inyong binilang ang mga bahay ng Jerusalem, at inyong iginiba ang mga bahay upang patibayin ang kuta. 023 ISA 022 011 Kayo'y nagsigawa naman ng tipunang tubig sa pagitan ng dalawang kuta para sa tubig ng dating tangke. Nguni't hindi ninyo tiningnan siyang gumawa nito, o nagpakundangan man kayo sa kaniya na naganyo nito na malaon na. 023 ISA 022 012 At nang araw na yao'y tumawag ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, sa pagiyak, at sa pagtangis, at sa pagkakalbo, at sa pagbibigkis ng kayong magaspang. 023 ISA 022 013 At, narito, kagalakan at kasayahan, pagpatay ng mga baka at pagpatay ng mga tupa, pagkain ng karne, at paginom ng alak: Tayo'y magsikain at magsiinom, sapagka't bukas tayo ay mangamamatay. 023 ISA 022 014 At ang Panginoon ng mga hukbo ay naghayag sa aking mga pakinig, Tunay na ang kasamaang ito ay hindi malilinis sa inyo hanggang sa kayo'y mangamatay, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo. 023 ISA 022 015 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, Ikaw ay yumaon, pumaroon ka sa tagaingat-yamang ito sa makatuwid baga'y kay Sebna, na katiwala sa bahay, at iyong sabihin, 023 ISA 022 016 Anong ginagawa mo rito? at sinong ibinaon mo rito, na gumawa ka rito ng isang libingan para sa iyo? na gumagawa ka ng libingan sa itaas, at umuukit ka ng tahanan niyang sarili sa malaking bato! 023 ISA 022 017 Narito, ibabagsak kang bigla ng Panginoon na gaya ng malakas na tao: oo, kaniyang hihigpitan ka. 023 ISA 022 018 Tunay niyang papipihit-pihitin at itatapon ka na parang bola sa malaking lupain; doon ka mamamatay, at doon malalagay ang mga karo ng iyong kaluwalhatian, ikaw na kahihiyan ng sangbahayan ng iyong panginoon. 023 ISA 022 019 At aalisin kita sa iyong katungkulan, at sa iyong kinaroroonan ay ibubuwal ka. 023 ISA 022 020 At mangyayari sa araw na yaon, na aking tatawagin ang aking lingkod na si Eliacim na anak ni Hilcias: 023 ISA 022 021 At aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay: at siya'y magiging ama sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa sangbahayan ni Juda. 023 ISA 022 022 At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko sa kaniyang balikat; at siya'y magbubukas, at walang magsasara; at siya'y magsasara, at walang magbubukas. 023 ISA 022 023 At aking ikakapit siya na parang pako sa isang matibay na dako; at siya'y magiging pinakaluklukan ng kaluwalhatian sa sangbahayan ng kaniyang magulang. 023 ISA 022 024 At kanilang ipagkakaloob sa kaniya ang buong kaluwalhatian ng sangbahayan ng kaniyang magulang, ang mga anak at ang angkan, bawa't sisidlan, mula sa mga munting sisidlan hanggang sa mga malalaking sisidlan. 023 ISA 022 025 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, matatanggal ang pakong nakapit sa matibay na dako; at mababalikwat, at mahuhulog, at ang mga sabit niyaon ay malalaglag; sapagka't sinalita ng Panginoon. 023 ISA 023 001 Ang hula tungkol sa Tiro. Magsiangal kayo, kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis; sapagka't nasira, na anopa't walang bahay, walang pasukan: mula sa lupain ng Chittim ay nahayag sa kanila. 023 ISA 023 002 Magsitahimik kayo, kayong mga nananahan sa baybayin; ikaw na pinasagana ng mga mangangalakal ng Sidon, na nagdaraan sa dagat. 023 ISA 023 003 At nasa baybayin ng malawak na tubig ang binhi ng Sihor, ang ani ng Nilo, naging kaniyang pakinabang; at siya'y naging pamilihan ng mga bansa. 023 ISA 023 004 Mahiya ka, O Sidon: sapagka't sinalita ng dagat, ng tanggulan ng dagat, na sinasabi, hindi ako nagdamdam, o nanganak man, o nagalaga man ako ng mga binata, o nagpalaki ng mga dalaga. 023 ISA 023 005 Pagka ang balita ay dumating sa Egipto, ay mamamanglaw silang mainam sa balita tungkol sa Tiro. 023 ISA 023 006 Mangagpatuloy kayo sa Tarsis: magsiangal kayo, kayong mga nananahan sa baybayin. 023 ISA 023 007 Ito baga ang inyong masayang bayan, na matanda na mula pa noong unang araw, na dinadala ng kaniyang mga paa sa malayo upang mangibang bayan? 023 ISA 023 008 Sinong nagpanukala nito laban sa Tiro na siyang bayang nagpuputong, na ang mga manininda ay mga pangulo, na ang mga mangangalakal ay mararangal sa lupa. 023 ISA 023 009 Pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, upang hamakin ang kapalaluan ng buong kaluwalhatian, upang hiyain ang lahat na mararangal sa lupa? 023 ISA 023 010 Magdaan ka sa iyong lupain na gaya ng Nilo, Oh anak na babae ng Tarsis; wala ka ng lakas. 023 ISA 023 011 Kaniyang iniunat ang kaniyang kamay sa dagat, kaniyang niyanig ang mga kaharian: ang Panginoon ay nagutos tungkol sa Canaan, upang gibain ang mga kuta niyaon. 023 ISA 023 012 At kaniyang sinabi, Ikaw ay hindi na magagalak pa, Oh ikaw na aping dalaga ng Sidon; bumangon ka, magdaan ka sa Chittim: doon ma'y hindi ka magkakaroon ng kapahingahan. 023 ISA 023 013 Tingnan mo ang lupain ng mga Caldeo; ang bayang ito ay wala na; inilaan ng taga Asiria para sa mga hayop sa ilang; kanilang itinayo ang kanilang mga moog; iginiba nila ang mga palacio niyaon: kaniyang pinapaging isang guho. 023 ISA 023 014 Magsiangal kayo, kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis: sapagka't ang inyong tanggulan ay giba. 023 ISA 023 015 At mangyayari, sa araw na yaon na ang Tiro ay malilimutang pitong pung taon, ayon sa mga kaarawan ng isang hari: pagkatapos ng pitong pung taon ay mangyayari sa Tiro ang gaya sa awit ng patutot. 023 ISA 023 016 Ikaw ay humawak ng alpa, lumibot ka sa bayan, ikaw na patutot na nalimutan; magpainam ka ng tinig, umawit ka ng maraming awit, upang ikaw ay maalaala. 023 ISA 023 017 At mangyayari, sa katapusan ng pitong pung taon, na dadalawin ng Panginoon ang Tiro, at pagbabalikan niya ang kaniyang upa, at magiging patutot sa lahat ng kaharian ng sanglibutan sa ibabaw ng lupa. 023 ISA 023 018 At ang kaniyang kalakal at ang upa sa kaniya ay itatalaga sa Panginoon: hindi itatago o isisimpan man, sapagka't ang kaniyang kalakal ay magiging sa ganang kanila na nagsisitahan sa harap ng Panginoon, upang magsikaing may kabusugan, at manamit na mainam. 023 ISA 024 001 Narito, pinawawalan ng laman ng Panginoon ang lupa, at sinisira, at binabaligtad, at pinangangalat ang mga nananahan doon. 023 ISA 024 002 At mangyayari, na kung paano sa mga tao, gayon sa saserdote; kung paano sa alipin, gayon sa kaniyang panginoon; kung paano sa alilang babae, gayon sa kaniyang panginoong babae; kung paano sa mamimili, gayon sa nagbibili; kung paano sa mapagpahiram, gayon sa manghihiram; kung paano sa mapagpatubo, gayon sa pinatutubuan. 023 ISA 024 003 Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman, at lubos na masasamsaman; sapagka't sinalita ng Panginoon ang salitang ito. 023 ISA 024 004 Ang lupa ay tumatangis at nasisira, ang sanglibutan ay nanghihina at nanglalata, ang mapagmataas na bayan sa lupa ay nanghihina. 023 ISA 024 005 Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka't kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin, sinira ang walang hanggang tipan. 023 ISA 024 006 Kaya't nilamon ng sumpa ang lupa, at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin; kaya't ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog, at nangagilan ang tao. 023 ISA 024 007 Ang bagong alak ay pinabayaan, ang puno ng ubas ay nalanta, lahat ng masayang puso ay nagbubuntong-hininga. 023 ISA 024 008 Ang saya ng mga pandereta ay naglikat, ang kaingay nila na nangagagalak ay nagkawakas, ang galak ng alpa ay naglikat. 023 ISA 024 009 Sila'y hindi magsisiinom ng alak na may awitan; matapang na alak ay magiging mapait sa kanila na nagsisiinom niyaon. 023 ISA 024 010 Ang bayan ng pagkalito ay nabagsak: bawa't bahay ay nasarhan, upang walang taong makapasok doon. 023 ISA 024 011 May daing sa mga lansangan dahil sa alak; lahat ng kagalakan ay naparam, ang kasayahan sa lupa ay nawala. 023 ISA 024 012 Naiwan sa bayan ay kagibaan, at ang pintuang-bayan ay nawasak. 023 ISA 024 013 Sapagka't ganito ang mangyayari sa mga tao sa gitna ng lupain na gaya ng paguga sa isang punong olibo, gaya ng pamumulot ng ubas pagkatapos ng pag-aani. 023 ISA 024 014 Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig, sila'y magsisihiyaw; dahil sa kamahalan ng Panginoon ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat. 023 ISA 024 015 Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat. 023 ISA 024 016 Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid. Nguni't aking sinabi, Namamatay ako, namamayat ako, sa aba ko! ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan, oo, ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan. 023 ISA 024 017 Takot, at ang hukay, at ang silo ay nangasa iyo, Oh nananahan sa lupa. 023 ISA 024 018 At mangyayari, na siyang tumatakas sa kakilakilabot na kaingay ay mahuhulog sa hukay; at siyang sumasampa mula sa gitna ng hukay ay mahuhuli sa silo: sapagka't ang mga dungawan sa itaas ay nangabuksan, at ang mga patibayan ng lupa ay umuuga. 023 ISA 024 019 Ang lupa ay nagibang lubos, ang lupa ay lubos na nasira, ang lupa ay nakilos ng di kawasa. 023 ISA 024 020 Ang lupa ay gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon. 023 ISA 024 021 At mangyayari, sa araw na yaon, na parurusahan ng Panginoon ang hukbo ng mga mataas sa itaas, at ang mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa. 023 ISA 024 022 At sila'y mangapipisan, gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay, at masasarhan sa bilangguan, at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila. 023 ISA 024 023 Kung magkagayo'y malilito ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay maghahari sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian. 023 ISA 025 001 Oh Panginoon, ikaw ay aking Dios; aking ibubunyi ka, aking pupurihin ang iyong pangalan; sapagka't ikaw ay gumawa ng kagilagilalas na bagay, sa makatuwid baga'y ang iyong binalak noong una, sa pagtatapat at katotohanan. 023 ISA 025 002 Sapagka't iyong pinapaging isang bunton ang isang bayan, ang bayang matibay ay pinapaging isang guho: ang palasio ng mga taga ibang lupa ay di na magiging bayan; hindi matatayo kailan man. 023 ISA 025 003 Kaya't luluwalhatiin ka ng matibay na bayan, ang bayan ng kakilakilabot na mga bansa ay matatakot sa iyo. 023 ISA 025 004 Sapagka't ikaw ay naging ampunan sa dukha, ampunan sa mapagkailangan sa kaniyang kahirapan, silongan sa bagyo, lilim sa init, pagka ang hihip ng mga kakilakilabot ay parang bagyo laban sa kuta. 023 ISA 025 005 Gaya ng init sa tuyong dako patitigilin mo ang ingay ng mga taga ibang lupa; gaya ng init sa pamamagitan ng lilim ng alapaap, matitigil ang awit ng mga kakilakilabot. 023 ISA 025 006 At sa bundok na ito ay gagawa ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan, ng isang kapistahan ng mga matabang bagay, ng isang kapistahan ng mga alak na laon, ng mga matabang bagay na puno ng utak, ng mga alak na laon na totoong sala. 023 ISA 025 007 At kaniyang aalisin sa bundok na ito ang takip na nalagay sa lahat ng mga bayan, at ang lambong na naladlad sa lahat na bansa. 023 ISA 025 008 Sinakmal niya ang kamatayan magpakailan man; at papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa: sapagka't sinalita ng Panginoon. 023 ISA 025 009 At sasabihin sa araw na yaon, Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin siya, at ililigtas niya tayo: ito ang Panginoon; ating hinintay siya, tayo'y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas. 023 ISA 025 010 Sapagka't sa bundok na ito magpapahinga ang kamay ng Panginoon; at ang Moab ay mayayapakan sa kaniyang dako, gaya ng dayami na nayayapakan sa tapunan ng dumi. 023 ISA 025 011 At kaniyang iuunat ang kaniyang mga kamay sa gitna niyaon, gaya ng paguunat ng lumalangoy upang lumangoy: at kaniyang ibababa ang kaniyang kapalaluan sangpu ng gawa ng kaniyang mga kamay. 023 ISA 025 012 At ang mataas na moog ng iyong mga kuta ay kaniyang ibinaba, giniba, at ibinagsak sa lupa, hanggang sa alabok. 023 ISA 026 001 Sa araw na yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda: Tayo ay may matibay na bayan; kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan. 023 ISA 026 002 Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan, upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan. 023 ISA 026 003 Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo. 023 ISA 026 004 Magsitiwala kayo sa Panginoon magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato. 023 ISA 026 005 Sapagka't ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas, na mapagmataas na bayan: kaniyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa: kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok. 023 ISA 026 006 Yayapakan ng paa, sa makatuwid baga'y ng mga paa ng dukha, at ng mga hakbang ng mapagkailangan. 023 ISA 026 007 Ang daan ng ganap ay katuwiran: ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap. 023 ISA 026 008 Oo, sa daan ng iyong mga kahatulan, Oh Panginoon, nangaghintay kami sa iyo: sa iyong pangalan at sa alaala sa iyo ang nasa ng aming kaluluwa. 023 ISA 026 009 Ninasa kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka't pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan. 023 ISA 026 010 Magpakita man ng awa sa masama, hindi rin siya matututo ng katuwiran; sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian, at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon. 023 ISA 026 011 Panginoon, ang iyong kamay ay nakataas, gayon ma'y hindi nila nakikita: nguni't makikita nila ang iyong sikap sa bayan, at mangapapahiya; oo, sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway. 023 ISA 026 012 Panginoon, ikaw ay magaayos ng kapayapaan sa amin: sapagka't ikaw rin ang gumawa ng lahat naming gawa na para sa amin. 023 ISA 026 013 Oh Panginoon naming Dios, ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; nguni't ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan. 023 ISA 026 014 Sila'y patay, sila'y hindi mabubuhay; sila'y namatay, sila'y hindi babangon: kaya't iyong dinalaw at sinira sila, at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila. 023 ISA 026 015 Iyong pinarami ang bansa, Oh Panginoon, iyong pinarami ang bansa; ikaw ay nagpakaluwalhati: iyong pinalaki ang lahat na hangganan ng lupain. 023 ISA 026 016 Panginoon, sa kabagabagan ay dinalaw ka nila, sila'y nangagbugso ng dalangin, nang pinarurusahan mo sila. 023 ISA 026 017 Gaya ng babae na nagdadalang-tao na lumalapit ang panahon ng kaniyang panganganak, ay nasa hirap at humihiyaw sa kaniyang pagdaramdam; naging gayon kami sa harap mo, Oh Panginoon. 023 ISA 026 018 Kami ay nangagdalang-tao, kami ay nalagay sa pagdaramdam, kami ay tila nanganak ng hangin; kami ay hindi nagsigawa ng anomang kagalingan sa lupa; o nabuwal man ang mga nananahan sa sanglibutan. 023 ISA 026 019 Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka't ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay. 023 ISA 026 020 Ikaw ay parito, bayan ko, pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo: magkubli kang sangdali, hanggang sa ang galit ay makalampas; 023 ISA 026 021 Sapagka't, narito, ang Panginoon ay lumalabas mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo, at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay. 023 ISA 027 001 Sa araw na yaon ay parurusahan ng Panginoon, ng kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak ang leviatan na maliksing ahas, at ang leviatan na lumilikaw na ahas, at kaniyang papatayin ang buwaya na nasa dagat. 023 ISA 027 002 Sa araw na yaon: Awitin ninyo sa kaniya ang tungkol sa isang ubasang pinagkunan ng alak. 023 ISA 027 003 Akong Panginoon ang nagiingat; aking didiligin tuwituwina: baka saktan ng sinoman, aking iingatan gabi't araw. 023 ISA 027 004 Kagalitan ay hindi sumasa akin: kung makipagbaka sana ang mga dawag at mga tinik laban sa akin! akin yaong yayapakan, aking susunuging magkakasama. 023 ISA 027 005 O manghawak sana siya sa aking lakas, upang siya'y makipagpayapaan sa akin; oo, makipagpayapaan siya sa akin. 023 ISA 027 006 Sa mga araw na darating ay maguugat ang Jacob; ang Israel ay mamumulaklak at magbubuko: at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng sanglibutan. 023 ISA 027 007 Sinaktan baga niya siya na gaya ng pagsakit niya sa mga yaon, na nanakit sa kaniya? o pinatay siya ng ayon sa pagpatay nila, na napatay niya? 023 ISA 027 008 Sa sukat, pagka iyong pinayayaon siya, ikaw ay nakikipagtalo sa kaniya; kaniyang binago siya ng kaniyang pagispis na hihip sa kaarawan ng silanganang hangin. 023 ISA 027 009 Kaya't sa pamamagitan nito ay malilinis ang kasamaan ng Jacob, at ito ang buong bunga ng pagaalis ng kaniyang kasalanan: pagka kaniyang ginagawa ang mga bato ng dambana na gaya ng mga malambot na batong naluluray upang ang mga Asera at ang mga Iarawang araw ay hindi na matatayo. 023 ISA 027 010 Sapagka't ang bayang nakukutaan ay nagiisa, isang tahanang pinabayaan at iniwanan gaya ng ilang: doon manginginain ang guya, at doon hihiga, at kakainin ang mga sanga niyaon. 023 ISA 027 011 Pagka ang mga sanga niyaon ay nangatuyo, babaliin; paroroonan ng mga babae at igagatong sa apoy: sapagka't bayan na walang unawa; kaya't ang gumawa sa kanila ay hindi magdadalang habag sa kanila, at ang naganyo sa kanila ay hindi magpapakita sa kanila ng lingap. 023 ISA 027 012 At mangyayari sa araw na yaon, na lalagasin ng Panginoon ang bunga niyaon mula sa agos ng ilog hanggang sa batis ng Egipto, at kayo'y mapipisang isa isa, Oh kayong mga anak ni Israel. 023 ISA 027 013 At mangyayari sa araw na yaon, na ang malaking pakakak ay hihipan; at silang nangapapahamak sa lupain ng Asiria ay magsisiparito, at silang mga tapon sa lupain ng Egipto; at sila'y magsisisamba sa Panginoon sa banal na bundok ng Jerusalem. 023 ISA 028 001 Sa aba ng putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim, at ng lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan, na nasa ulunan ng mainam na libis nila na nadaig ng alak! 023 ISA 028 002 Narito, ang Panginoon ay may isang makapangyarihan at malakas na sugo parang bagyo ng granizo, na manggigibang bagyo, parang unos ng bumubugsong tubig na bumabaha, ay ibubuwal niya sa lupa sa pamamagitan ng malakas na kamay. 023 ISA 028 003 Ang putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim ay mayayapakan ng paa: 023 ISA 028 004 At ang lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan, na nasa ulunan ng mainam na libis, magiging gaya ng maagang hinog na bunga ng igos bago magtaginit; na kung nakikita ng tumitingin, samantalang na sa kaniyang kamay pa, kinakain na niya. 023 ISA 028 005 Sa araw na yaon ay magiging putong ng kaluwalhatian ang Panginoon ng mga hukbo, at pinakadiadema ng kagandahan, sa nalabi sa kaniyang bayan; 023 ISA 028 006 At pinaka diwa ng kahatulan sa kaniya na nauupo sa kahatulan, at pinakalakas sa kanila na umuurong sa pakikipagbaka hanggang sa pintuang-daan. 023 ISA 028 007 Gayon man ang mga ito ay gumigiray dahil sa alak, at dahil sa matapang na alak ay pahapayhapay; ang saserdote at ang propeta ay gumigiray dahil sa matapang na alak, sila'y nangasakmal ng alak, sila'y pahapayhapay dahil sa matapang na alak: sila'y nangamamali sa pangitain, sila'y nangatitisod sa paghatol. 023 ISA 028 008 Sapagka't lahat ng mga dulang ay puno ng suka, at ng karumihan, na anopa't walang dakong malinis. 023 ISA 028 009 Kanino siya magtuturo ng kaalaman? at kanino niya ipatatalastas ang balita? silang nangalayo sa gatas, at nangahiwalay sa suso? 023 ISA 028 010 Sapagka't utos at utos: utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti. 023 ISA 028 011 Hindi, kundi sa pamamagitan ng mga taong may ibang pangungusap at may iba't ibang wika ay sasalitain niya sa bayang ito. 023 ISA 028 012 Na kaniyang pinagsabihan, Ito ang kapahingahan, papagpahingahin ninyo siya na pagod; at ito ang kaginhawahan: gayon ma'y hindi nila pinakinggan. 023 ISA 028 013 Kaya't ang salita ng Panginoon ay magiging sa kanila'y utos at utos, utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti; upang sila'y mangakayaon, at mangapahinga, at mangabalian, at mangasilo, at mangahuli. 023 ISA 028 014 Kaya't iyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga mangduduwahaging tao, na nangagpupuno sa bayang ito na nasa Jerusalem: 023 ISA 028 015 Sapagka't inyong sinabi, Tayo'y nakipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin; sapagka't ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo, 023 ISA 028 016 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking inilalagay sa Sion na pinakapatibayan ang isang bato, isang batong subok, isang mahalagang batong panulok na may matibay na patibayan: ang naniniwala ay hindi magmamadali. 023 ISA 028 017 At aking ilalagay na pinakapising panukat ang katuwiran, at pinakapabato ang kabanalan: at papalisin ng granizo ang kanlungan ng mga kabulaanan, at aapawan ng tubig ang taguang dako. 023 ISA 028 018 At ang inyong tipan sa kamatayan ay mawawalan ng kabuluhan, at ang iyong pakikipagkasundo sa Sheol ay hindi mamamalagi; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay daraan, kayo nga'y ipapahamak niyaon. 023 ISA 028 019 Sa tuwing dadaan, tatangayin kayo; sapagka't tuwing umaga ay daraan, sa araw at sa gabi: at mangyayari na ang balita ay magiging kakilakilabot na matalastas. 023 ISA 028 020 Sapagka't ang higaan ay lalong maikli na hindi maunatan ng tao; at ang kumot ay lalong makitid na hindi makabalot sa kaniya. 023 ISA 028 021 Sapagka't ang Panginoon ay babangon na gaya sa bundok ng Perasim, siya'y napopoot na gaya sa libis ng Gabaon; upang kaniyang magawa ang kaniyang gawain, ang kaniyang kakaibang gawain, at papangyarihin ang kaniyang gawain, ang kaniyang kakaibang gawain. 023 ISA 028 022 Huwag nga kayong mapagtuya, baka ang mga panali sa inyo ay magsitibay: sapagka't ang paglipol na ipinasiya, narinig ko sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, sa buong lupa. 023 ISA 028 023 Pakinggan ninyo, at dinggin ninyo ang aking tinig, inyong dinggin, at pakinggan ang aking pananalita. 023 ISA 028 024 Nag-aararo bagang lagi ang mang-aararo upang maghasik? Kaniya bagang laging binubungkal at dinudurog ang kaniyang lupa. 023 ISA 028 025 Pagka kaniyang napatag ang ibabaw niyaon hindi ba niya binibinhian ng eneldo, at ikinakalat ang binhing comino, at inihahanay ang trigo, at ang cebada sa takdang dako, at ang espelta sa hangganan niyaon? 023 ISA 028 026 Sapagka't itinuturong matuwid sa kaniya ng kaniyang Dios, at itinuturo sa kaniya: 023 ISA 028 027 Sapagka't ang eneldo ay hindi ginigiik ng panggiik na matalas, o ang gulong man ng karo ay gugulong sa comino; kundi ang eneldo ay hinahampas ng tungkod, at ang comino ay ng pamalo. 023 ISA 028 028 Ang trigong ginagawang tinapay ay ginigiling; sapagka't hindi laging magigiik: at bagaman pangalatin yaon ng gulong ng kaniyang karo at ng kaniyang mga kabayo, hindi niya ginigiling. 023 ISA 028 029 Gayon ma'y ito'y mula rin sa Panginoon ng mga hukbo, na kamanghamangha sa payo, at marilag sa karunungan. 023 ISA 029 001 Hoy Ariel, Ariel, na bayang hinantungan ni David! magdagdag kayo ng taon sa taon; magdiwang sila ng mga kapistahan: 023 ISA 029 002 Akin ngang pahihirapan ang Ariel, at magsisitangis at mananaghoy: at siya'y magiging gaya ng Ariel sa akin. 023 ISA 029 003 At ako'y magtatayo ng kampamento laban sa iyo sa palibot, at kukubkubin kita ng mga kuta, at ako'y magbabangon ng mga pangkubkob laban sa iyo. 023 ISA 029 004 At ikaw ay mabababa, at magsasalita mula sa lupa, at ang iyong salita ay magiging mababa na mula sa alabok: at ang iyong tinig ay magiging gaya ng isang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, mula sa lupa, at ang iyong pananalita ay bubulong mula sa alabok. 023 ISA 029 005 Nguni't ang karamihan ng iyong mga kaaway ay magiging gaya ng munting alabok, at ang karamihan ng mga kakilakilabot ay gaya ng ipang inililipad ng hangin: oo, magiging sa biglang sandali. 023 ISA 029 006 Siya'y dadalawin ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kulog, at ng lindol, at ng malaking kaingay, ng ipoipo at bagyo, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy. 023 ISA 029 007 At ang karamihan ng lahat na bansa na nagsisilaban sa Ariel, lahat na nagsisilaban sa kaniya at sa kaniyang kuta, at ang nagpapahirap sa kaniya, ay magiging gaya ng panaginip na isang pangitain sa gabi. 023 ISA 029 008 At mangyayari, na gaya ng kung ang isang gutom ay nananaginip, at, narito, siya'y kumakain; nguni't siya'y nagigising, at ang kaniyang kaluluwa ay walang anoman: o gaya ng kung ang isang uhaw ay nananaginip, at, narito, siya'y umiinom; nguni't siya'y nagigising, at, narito, siya'y malata, at ang kaniyang kaluluwa ay uhaw: gayon ang mangyayari sa karamihan ng lahat na bansa, na nagsisilaban sa bundok ng Sion. 023 ISA 029 009 Kayo'y mangatigilan at manganggilalas; kayo'y mangalugod at mangabulag: sila'y lango, nguni't hindi sa alak; sila'y gumigiray, nguni't hindi sa matapang na alak. 023 ISA 029 010 Sapagka't inihulog ng Panginoon sa inyo ang diwa ng mahimbing na pagkakatulog, at ipinikit ang inyong mga mata, na mga propeta; at ang iyong mga pangulo, na mga tagakita, ay kaniyang tinakpan. 023 ISA 029 011 At ang lahat ng pangitain ay naging sa inyo'y gaya ng mga salita ng aklat na natatatakan, na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Hindi ko mababasa, sapagka't natatatakan; 023 ISA 029 012 At ang aklat ay nabigay sa kaniya na hindi marunong, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Ako'y hindi marunong bumasa. 023 ISA 029 013 At sinabi ng Panginoon, Yamang ang bayang ito ay lumapit sa akin, at pinapupurihan ako ng kanilang bibig at ng kanilang mga labi, nguni't inilayo ang kanilang puso sa akin, at ang kanilang takot sa akin ay utos ng mga tao na itinuro sa kanila: 023 ISA 029 014 Dahil dito narito, pasisimulan kong gawin ang isang kagilagilalas na gawa sa gitna ng bayang ito, isang kagilagilalas na gawa at kamanghamangha: at ang karunungan ng kanilang mga pantas ay mapapawi, at ang unawa ng kanilang mga mabait ay malilingid. 023 ISA 029 015 Sa aba nila, na nagsisihanap ng kalaliman upang ilingid sa Panginoon ang kanilang payo, at ang kanilang mga gawa ay nasa kadiliman, at kanilang sinasabi, Sinong nakakakita sa atin? at sinong nakakakilala sa atin? 023 ISA 029 016 Kayo'y nangagbabaligtad ng mga bagay! Maibibilang bagang putik ang magpapalyok; upang sabihin ng bagay na yari sa may-gawa sa kaniya, Hindi niya ginawa ako; o sabihin ng bagay na may anyo tungkol sa naganyo, Siya'y walang unawa? 023 ISA 029 017 Hindi baga sangdaling-sangdali na lamang, at ang Libano ay magiging mainam na bukid, at ang mainam na bukid ay magiging pinakagubat? 023 ISA 029 018 At sa araw na yaon ay makikinig ang pipi ng mga salita ng aklat, at ang mga mata ng bulag ay makakakita mula sa kalabuan at sa kadiliman. 023 ISA 029 019 At mananagana naman sa kanilang kagalakan sa Panginoon, ang maamo, at ang dukha sa gitna ng mga tao ay magagalak sa Banal ng Israel. 023 ISA 029 020 Sapagka't ang kakilakilabot ay nauwi sa wala, at ang mangduduwahagi ay naglilikat, at ang lahat na nagbabanta ng kasamaan ay nangahiwalay: 023 ISA 029 021 Yaong nakapagkasala sa tao sa isang usapin, at naglalagay ng silo doon sa sumasaway sa pintuang-bayan, at nagliligaw sa ganap na tao sa pamamagitan ng walang kabuluhan. 023 ISA 029 022 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, na siyang tumubos kay Abraham, tungkol sa sangbahayan ni Jacob, Si Jacob nga ay hindi mapapahiya o mamumula pa man ang kaniyang mukha. 023 ISA 029 023 Nguni't pagka kaniyang nakikita ang kaniyang mga anak, ang gawa ng aking mga kamay, sa gitna niya, ay kanilang aariing banal ang aking pangalan; oo, kanilang aariing banal ang Banal ni Jacob, at magsisitayong may takot sa Dios ng Israel. 023 ISA 029 024 Sila namang nangamamali sa diwa ay darating sa pagkaunawa, at silang mga mapag-upasala ay mangatututo ng aral. 023 ISA 030 001 Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon, na nagsisisangguni, nguni't hindi sa akin; at nangagaalay ng alay, nguni't hindi sa aking Espiritu, upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan: 023 ISA 030 002 Ang nagsisilakad na nagsisilusong sa Egipto, at hindi nangagtanong sa aking bibig; upang mangagpakalakas sa lakas ni Faraon, at magsitiwala sa lilim ng Egipto! 023 ISA 030 003 Kaya't ang lakas ni Faraon ay magiging inyong kahihiyan, at ang pagtiwala sa lilim ng Egipto ay inyong pagkalito. 023 ISA 030 004 Sapagka't ang kaniyang mga pangulo ay nangasa Zoan, at ang kanilang mga sugo ay nagsidating sa Hanes. 023 ISA 030 005 Silang lahat ay mangapapahiya dahil sa bayan na hindi nila mapapakinabangan, na hindi tulong o pakinabang man, kundi kahihiyan, at kakutyaan din naman. 023 ISA 030 006 Ang hula tungkol sa mga hayop ng Timugan. Sa lupain ng kabagabagan at ng kahapisan, na pinanggagalingan ng leong babae at lalake, ng ulupong at ng lumilipad na makamandag na ahas, kanilang dinadala ang kanilang mga kayamanan sa mga gulugod ng mga batang asno, at ang kanilang mga kayamanan sa umbok ng gulugod ng mga kamelyo, sa isang bayan na hindi nila mapapakinabangan. 023 ISA 030 007 Sapagka't ang Egipto ay tumulong na walang kabuluhan, at walang kapararakan: kaya't aking tinawag siyang Rahab na nauupong walang kibo. 023 ISA 030 008 Ngayo'y yumaon ka, isulat mo sa harap nila sa isang tapyas na bato, at ititik mo sa isang aklat upang manatili sa panahong darating na walang hanggan. 023 ISA 030 009 Sapagka't mapanghimagsik na bayan, mga sinungaling na anak, mga anak na hindi didinig ng kautusan ng Panginoon: 023 ISA 030 010 Na nagsasabi sa mga tagakita, Huwag kayong kumita; at sa mga propeta, Huwag kayong manghula sa amin ng mga matuwid na bagay, magsalita kayo sa amin ng mga malubay na bagay, manghula kayo ng mga magdarayang bagay: 023 ISA 030 011 Humiwalay kayo sa daan, lumihis kayo sa landas, papaglikatin ninyo ang Banal ng Israel sa harap namin. 023 ISA 030 012 Kaya't ganito ang sabi ng Banal ng Israel, Sapagka't inyong hinamak ang salitang ito, at nagsitiwala kayo sa kapighatian at kasuwailan, at yaon ay inyong inaasahan: 023 ISA 030 013 Kaya't ang kasamaang ito ay magiging sa inyo'y gaya ng batong sira na madaling mababagsak, na natatanggal sa isang matayog na pader, na biglang dumarating ang pagkasira sa isang sangdali. 023 ISA 030 014 At yao'y kaniyang babasagin na gaya ng pagbasag ng palyok ng magpapalyok, na nababasag na putolputol na walang matitira; na anopat walang masusumpungan na kapiraso sa mga putol niyaon, na maikukuha ng apoy mula sa apuyan, o maikakadlo ng tubig sa balon. 023 ISA 030 015 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, ng Banal ng Israel, Sa pagbabalik at sa pagpapahinga ay matitiwasay kayo; sa katahimikan at sa pagasa ay magiging ang inyong lakas. At hindi ninyo inibig. 023 ISA 030 016 Kundi inyong sinabi, Hindi, sapagka't kami ay magsisitakas na mangangabayo: kaya kayo'y magsisitakas: at, Kami ay magsisisakay sa mga maliksi; kaya't silang magsisihabol sa inyo ay maliliksi. 023 ISA 030 017 Isang libo ay tatakas sa saway ng isa; sa saway ng lima ay tatakas kayo: hanggang sa kayo'y maiwang parang isang palatandaan sa taluktok ng bundok, at gaya ng isang watawat sa isang burol. 023 ISA 030 018 At dahil dito maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo, at kaya't mabubunyi siya, na siya'y magdadalang habag sa inyo: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kahatulan; mapapalad yaong lahat na nangaghihintay sa kaniya. 023 ISA 030 019 Sapagka't ang bayan ay tatahan sa Sion sa Jerusalem: ikaw ay hindi na iiyak pa; siya'y tunay na magiging mapagbiyaya sa iyo sa tinig ng iyong daing; pagka kaniyang maririnig, sasagutin ka niya. 023 ISA 030 020 At bagaman bigyan kayo ng Panginoon ng tinapay ng kasakunaan at ng tubig ng kadalamhatian, gayon may hindi na makukubli pa ang iyong mga tagapagturo, kundi makikita ng iyong mga mata ang iyong mga tagapagturo: 023 ISA 030 021 At ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo'y pumipihit sa kanan, at pagka kayo'y pumipihit sa kaliwa. 023 ISA 030 022 At inyong lalapastanganin ang mga panakip ng inyong mga larawang pilak na inanyuan at ang pangbalot sa inyong mga larawang ginto na binubo: iyong ipaghahagis na gaya ng maruming bagay: iyong sasabihin, Humayo ka. 023 ISA 030 023 At Siya ay magbibigay ng ulan sa iyong binhi, na iyong hahasikan ang lupa; at ng pagkaing bunga ng lupa, at magiging mataba at sagana. Sa araw na yaon ay manginginain ang iyong mga hayop sa mga malaking pastulan. 023 ISA 030 024 Ang mga baka at gayon din ang mga guyang asno na bumubukid ng lupa ay magsisikain ng may lasang pagkain, na pinahanginan ng pala at hunkoy. 023 ISA 030 025 At magkakaroon ng mga ilog at mga balon ng tubig sa lahat na mataas na bundok, at sa lahat na matayog na burol, sa araw ng malaking patayan, pagka ang mga moog ay nabubuwal. 023 ISA 030 026 Bukod dito'y ang liwanag ng buwan ay magiging gaya ng liwanag ng araw, at ang liwanag ng araw ay magpipito, na gaya ng liwanag ng pitong araw, sa araw na talian ng Panginoon ang sugat ng kaniyang bayan, at pagalingin ang bugbog na kanilang sugat. 023 ISA 030 027 Narito, ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo, na nagniningas ng kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy: 023 ISA 030 028 At ang kaniyang hinga ay gaya ng umaapaw na ilog, na umaabot hanggang sa leeg, upang igigin ang mga bansa ng pangigig na pangsira; at isang paningkaw na nakapagpapaligaw ay malalagay sa mga panga ng mga bayan. 023 ISA 030 029 Kayo'y mangagkakaroon ng awit na gaya ng sa gabi pagka ang banal na kapistahan ay ipinagdidiwang; at kasayahan ng puso, na gaya ng yumayaon na may plauta upang masok sa bundok ng Panginoon, sa malaking Bato ng Israel. 023 ISA 030 030 At iparirinig ng Panginoon ang kaniyang maluwalhating tinig, at ipakikilala ang pagbabaka ng kaniyang bisig, na may pagkagalit ng kaniyang galit, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy, na may bugso ng ulan, at bagyo, at granizo, 023 ISA 030 031 Sapagka't sa pamamagitan ng tinig ng Panginoon ay mangagkakawatakwatak ang taga Asiria, na nananakit ng pamalo. 023 ISA 030 032 At bawa't hampas ng takdang tungkod, na ibabagsak ng Panginoon sa kaniya, mangyayaring may mga pandereta at may mga alpa; at sa mga pakikipagbakang may pagkayanig ay makikipaglaban siya sa kanila, 023 ISA 030 033 Sapagka't ang Topheth ay handa nang malaon; oo, sa ganang hari ay inihanda; kaniyang pinalalim at pinalaki: ang bunton niyaon ay apoy at maraming kahoy: ang hinga ng Panginoon na gaya ng bugso ng azufre, ay nagpapaningas ng apoy. 023 ISA 031 001 Sa aba nila na nagsisilusong sa Egipto na humihinging tulong, at nagsisiasa sa mga kabayo; at nagsisitiwala sa mga karo, sapagka't marami, at sa mga mangangabayo, sapagka't mga totoong napakalakas; nguni't hindi sila nagsisitiwala sa Banal ng Israel, o hinahanap man ang Panginoon! 023 ISA 031 002 Gayon ma'y siya'y pantas, at magdadala ng kasamaan, at hindi iuurong ang kaniyang mga salita, kundi babangon laban sa bahay ng mga manggagawa ng kasamaan, at laban sa tulong nila na nagsisigawa ng kasamaan. 023 ISA 031 003 Ang mga Egipcio nga ay mga tao, at hindi Dios; at ang kanilang mga kabayo ay laman, at hindi diwa: at pagka iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, siyang tumutulong ay matitisod, at gayon din siyang tinutulungan ay mabubuwal, at silang lahat ay mangalilipol na magkakasama. 023 ISA 031 004 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Kung paano na ang leon at ang batang leon ay umuungal sa kaniyang huli, pagka ang karamihan ng mga pastor ay nagpipisan laban sa kaniya, na hindi siya matatakot sa kanilang tinig, o maduduwag man dahil sa ingay nila: gayon bababa ang Panginoon ng mga hukbo sa bundok ng Sion, at sa burol niyaon upang makipaglaban. 023 ISA 031 005 Gaya ng mga ibong nagsisilipad gayon aampunin ng Panginoon ng mga hukbo ang Jerusalem; yao'y kaniyang aampunin at ililigtas, siya'y daraan at iingatan niya, 023 ISA 031 006 Kayo'y manumbalik sa kaniya na inyong pinanghimagsikan lubha, Oh mga anak ni Israel. 023 ISA 031 007 Sapagka't sa araw na yaon ay itatapon ng bawa't tao ang kaniyang mga diosdiosang pilak, at ang kaniyang mga diosdiosang ginto, na ginawa ng inyong sariling mga kamay, sa ganang inyo ay naging kasalanan, 023 ISA 031 008 Kung magkagayo'y mabubuwal ang taga Asiria sa pamamagitan ng tabak, na hindi sa tao: at ang tabak, na hindi sa mga tao, lalamon sa kaniya: at kaniyang tatakasan ang tabak, at ang kaniyang mga binata ay magiging mamumuwis. 023 ISA 031 009 At ang kaniyang malaking bato ay lalagpasan, dahil sa kakilabutan, at ang kaniyang mga pangulo ay masisindak sa watawat, sabi ng Panginoon, na ang kaniyang apoy ay nasa Sion, at ang kaniyang hurno ay nasa Jerusalem. 023 ISA 032 001 Narito, isang hari ay maghahari sa katuwiran, at mga pangulo ay magpupuno sa kahatulan. 023 ISA 032 002 At isang lalake ay magiging gaya ng isang kublihang dako sa hangin, at kanlungan sa bagyo, gaya ng mga ilog ng tubig sa tuyong dako, gaya ng lilim ng malaking bato sa kinapapagurang lupain. 023 ISA 032 003 At ang mga mata nila na nangakakakita ay hindi manganlalabo, at ang mga tainga nila na nangakikinig ay mangakikinig. 023 ISA 032 004 Ang puso naman ng walang bahala ay makakaunawa ng kaalaman, at ang dila ng mga utal ay mangahahanda upang mangagsalita ng malinaw. 023 ISA 032 005 Ang taong mangmang ay hindi na tatawagin pang dakila o ang magdaraya man ay sasabihing magandang-loob. 023 ISA 032 006 Sapagka't ang taong mangmang ay magsasalita ng kasamaan, at ang kaniyang puso ay gagawa ng kasalanan, upang magsanay ng paglapastangan, at magsalita ng kamalian laban sa Panginoon, upang alisan ng makakain ang taong gutom, at upang papagkulangin ang inumin ng uhaw. 023 ISA 032 007 Ang mga kasangkapan din naman ng magdaraya ay masama: siya'y kumakatha ng mga masamang katha upang ibuwal ang mga maamo sa pamamagitan ng mga sinungaling na salita, pagka nga ang mapagkailangan ay nagsasalita ng matuwid. 023 ISA 032 008 Nguni't ang mapagbiyaya ay kumakatha ng mga bagay na pagbibiyaya; at sa mga bagay na pagbibiyaya ay mananatili siya. 023 ISA 032 009 Kayo'y magsibangon, kayong mga babaing tiwasay, at dinggin ninyo ang tinig ko; ninyong mga walang bahalang anak na babae, pakinggan ninyo ang aking pananalita. 023 ISA 032 010 Sapagka't sa mga araw na sa dako pa roon ng isang taon ay mangababagabag kayo, kayong mga walang bahalang babae: sapagka't ang ani ng ubas ay magkukulang, ang pagaani ay hindi darating. 023 ISA 032 011 Kayo'y magsipanginig, kayong mga babaing tiwasay; kayo'y mangabagabag, kayong mga walang bahala; kayo'y magsipaghubo, at kayo'y magsipaghubad, at mangagbigkis kayo ng kayong magaspang sa inyong mga balakang. 023 ISA 032 012 Sila'y magsisidagok sa mga dibdib dahil sa mga maligayang parang, dahil sa mabungang puno ng ubas. 023 ISA 032 013 Sa lupain ng aking bayan ay tutubo ang mga tinik at mga dawag; oo, sa lahat na bahay na kagalakan sa masayang bayan: 023 ISA 032 014 Sapagka't ang bahay-hari ay mapapabayaan; ang mataong bayan ay magiging ilang; ang burol at ang bantayang moog ay magiging mga pinaka yungib magpakailan man, kagalakan ng mga mailap na asno, pastulan ng mga kawan; 023 ISA 032 015 Hanggang sa mabuhos sa atin ang Espiritu na mula sa itaas, at ang ilang ay maging mabungang bukid, at ang mabungang bukid ay mabilang na pinakagubat. 023 ISA 032 016 Kung magkagayo'y tatahan ang kahatulan sa ilang, at ang katuwiran ay titira sa mabungang bukid. 023 ISA 032 017 At ang gawain ng katuwiran ay magiging kapayapaan; at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagkakatiwala kailan man. 023 ISA 032 018 At ang bayan ko ay tatahan sa payapang tahanan, at sa mga tiwasay na tahanan, at sa mga tahimik na dako na pahingahan. 023 ISA 032 019 Nguni't lalagpak ang granizo, sa ikasisira ng gubat; at ang bayan ay lubos na mawawasak. 023 ISA 032 020 Mapapalad kayo na nangaghahasik sa siping ng lahat na tubig, na nangagpapalakad ng mga paa ng baka at ng asno. 023 ISA 033 001 Sa aba mo na sumasamsam, at ikaw ay hindi nasamsaman; at gumagawa na may kataksilan, at sila'y hindi gumawang may kataksilan sa iyo! Pagka ikaw ay naglikat ng pagsamsam, ikaw ay sasamsaman; at pagka ikaw ay nakatapos ng paggawang may kataksilan, sila'y gagawang may kataksilan sa iyo. 023 ISA 033 002 Oh Panginoon, magmahabagin ka sa amin; aming hinintay ka: ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan. 023 ISA 033 003 Sa ingay ng kagulo ay nagsisitakas ang mga bayan; sa pagbangon mo ay nagsisipangalat ang mga bansa. 023 ISA 033 004 At ang iyong samsam ay pipisanin na gaya ng pagpisan ng uod: kung paanong ang mga balang ay nagsisilukso ay gayon luluksuhan ng mga tao. 023 ISA 033 005 Ang Panginoon ay nahayag; sapagka't siya'y tumatahan sa mataas: kaniyang pinuno ang Sion ng kahatulan at katuwiran. 023 ISA 033 006 At magkakaroon ng kapanatagan sa iyong mga panahon, kasaganaan ng kaligtasan, karunungan at kaalaman: ang pagkatakot sa Panginoon ay kaniyang kayamanan. 023 ISA 033 007 Narito, ang kanilang mga matapang ay nagsisihiyaw sa labas; ang mga sugo ng kapayapaan ay nagsisiiyak na mainam. 023 ISA 033 008 Ang mga lansangan ay sira, ang palalakad na tao ay naglilikat: kaniyang sinira ang tipan, kaniyang hinamak ang mga bayan, hindi niya pinakukundanganan ang kapuwa tao. 023 ISA 033 009 Ang lupain ay nananangis at nahahapis: ang Libano ay nahihiya at natutuyo: ang Saron ay gaya ng isang ilang; at ang Basan at ang Carmel ay napapaspas ang kanilang mga dahon. 023 ISA 033 010 Ngayo'y babangon ako, sabi ng Panginoon; ngayo'y magpapakataas ako; ngayo'y magpapakadakila ako. 023 ISA 033 011 Kayo'y mangaglilihi ng ipa, kayo'y manganganak ng dayami: ang inyong hinga ay apoy na pupugnaw sa inyo. 023 ISA 033 012 At ang mga bayan ay magiging gaya ng pagluluto ng apog: gaya ng mga putol na mga tinik, na mga nasusunog sa apoy. 023 ISA 033 013 Pakinggan ninyo, ninyong nangasa malayo, kung ano ang aking ginawa; at kilalanin ninyo, na nangasa malapit, ang aking kapangyarihan. 023 ISA 033 014 Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas? 023 ISA 033 015 Siyang lumalakad ng matuwid, at nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan; 023 ISA 033 016 Siya'y tatahan sa mataas, ang kaniyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato: ang kaniyang tinapay ay mabibigay sa kaniya; ang kaniyang tubig ay sagana. 023 ISA 033 017 Makikita ng iyong mga mata ang hari sa kaniyang kagandahan: sila'y tatanaw sa isang lupaing malawak. 023 ISA 033 018 Ang inyong puso ay gugunita ng kakilabutan: saan nandoon siya na bumibilang, saan nandoon siya na tumitimbang ng buwis? saan nandoon siya na bumibilang ng mga moog? 023 ISA 033 019 Hindi mo makikita ang mabagsik na bayan, ang bayan na may malalim na pananalita na hindi mo matatalastas, na may ibang wika na hindi mo mauunawa. 023 ISA 033 020 Tumingin ka sa Sion, ang bayan ng ating mga takdang kapistahan: makikita ng iyong mga mata ang Jerusalem na tahimik na tahanan, isang tabernakulo na hindi makikilos, ang mga tulos niyao'y hindi mangabubunot kailan man, o mapapatid man ang alin man sa mga tali niyaon. 023 ISA 033 021 Kundi doon ay sasa atin ang Panginoon sa kamahalan, na dako ng mga maluwang na ilog at batis; na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod, o daraanan man ng magilas na sasakyang dagat. 023 ISA 033 022 Sapagka't ang Panginoon ay ating hukom, ang Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan, ang Panginoon ay ating hari; kaniyang ililigtas tayo. 023 ISA 033 023 Ang iyong mga tali ay nangakalag: hindi nila mapatibay ang kanilang palo, hindi nila mailadlad ang layag: ang huli nga na malaking samsam ay binahagi; ang pilay ay kumuha ng huli. 023 ISA 033 024 At ang mamamayan ay hindi magsasabi, Ako'y may sakit: ang bayan na tumatahan doon ay patatawarin sa kanilang kasamaan. 023 ISA 034 001 Kayo'y magsilapit, kayong mga bansa, upang mangakinig; at dinggin ninyo, ninyong mga bayan: dinggin ng lupa at ng buong narito; ng sanglibutan, at ng lahat na bagay na nagsisilitaw rito. 023 ISA 034 002 Sapagka't ang Panginoon ay may galit laban sa lahat na bansa, at pusok ng loob laban sa lahat nilang hukbo: kaniyang lubos na nilipol sila, kaniyang ibinigay sila sa patayan. 023 ISA 034 003 Ang kanilang patay naman ay matatapon, at ang baho ng kanilang mga bangkay ay aalingasaw, at ang mga bundok ay tutunawin ng kanilang dugo. 023 ISA 034 004 At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos. 023 ISA 034 005 Sapagka't ang aking tabak ay nalango sa langit: narito, yao'y bababa sa Edom, at sa bayan ng aking sumpa, sa kahatulan. 023 ISA 034 006 Ang tabak ng Panginoon ay napuno ng dugo, tumaba ng katabaan, sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing, sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa: sapagka't may hain sa Panginoon sa Bosra, at may malaking patayan sa lupain ng Edom. 023 ISA 034 007 At ang mga mailap na baka ay magsisibabang kasama nila at ang mga baka na kasama ng mga toro, at ang kanilang lupain ay malalango ng dugo, at ang kanilang alabok ay tataba ng katabaan. 023 ISA 034 008 Sapagka't kaarawan ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion. 023 ISA 034 009 At ang mga batis niya ay magiging sahing, at ang alabok niya ay azufre, at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing. 023 ISA 034 010 Hindi mapapatay sa gabi o sa araw man; ang usok niyaon ay iilanglang magpakailan man: sa buong panahon ay malalagay na sira; walang daraan doon magpakailankailan man. 023 ISA 034 011 Kundi aariin ng ibong pelikano at ng hayop na erizo; at ang kuwago at ang uwak ay magsisitahan doon: at kaniyang iuunat doon ang panukat na pising panglito, at ang pabatong pangpawala ng tao. 023 ISA 034 012 Kanilang tatawagin ang mga mahal na tao niyaon sa kaharian, nguni't mawawalan doon; at lahat niyang mga pangulo ay magiging parang wala. 023 ISA 034 013 At mga tinikan ay tutubo sa kaniyang mga palacio, mga kilitis at mga lipay ay sa mga kuta niyaon: at magiging tahanan ng mga chakal, looban ng mga avestruz. 023 ISA 034 014 At ang mga mailap na hayop sa ilang ay makikipagsalubong doon sa mga lobo, at ang lalaking kambing ay hihiyaw sa kaniyang kasama; oo, ang malaking kuwago ay tatahan doon, at makakasumpong siya ng dakong pahingahan. 023 ISA 034 015 Doon maglulungga ang maliksing ahas, at mangingitlog, at mangapipisa, at aampunin sa ilalim ng kaniyang lilim; oo, doon magpipisan ang mga lawin, bawa't isa'y kasama ng kaniyang kasamahan. 023 ISA 034 016 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu. 023 ISA 034 017 At kaniyang pinagsapalaran, at binahagi ng kaniyang kamay sa kanila sa pamamagitan ng pising panukat: kanilang aariin magpakailan man, sa sali't saling lahi ay tatahan sila roon. 023 ISA 035 001 Ang ilang at ang tuyong lupa ay sasaya; at ang ilang ay magagalak, at mamumulaklak na gaya ng rosa. 023 ISA 035 002 Mamumulaklak ng sagana, at magagalak ng kagalakan at awitan; ang kaluwalhatian ng Libano ay mapaparoon, ang karilagan ng Carmel at ng Saron: kanilang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon, ang karilagan ng ating Dios. 023 ISA 035 003 Inyong palakasin ang mga mahinang kamay, at patatagin ang mga mahinang tuhod. 023 ISA 035 004 Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, Kayo'y mangagpakatapang, huwag kayong mangatakot: narito, ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti, may kagantihan ng Dios; siya'y paririto at ililigtas kayo. 023 ISA 035 005 Kung magkagayo'y madidilat ang mga mata ng bulag, at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan. 023 ISA 035 006 Kung magkagayo'y lulukso ang pilay na parang usa, at ang dila ng pipi ay aawit: sapagka't sa ilang ay bubukal ang tubig, at magkakailog sa ilang. 023 ISA 035 007 At ang buhanginang kumikislap ay magiging lawa, at ang uhaw na lupa ay mga bukal ng tubig; sa tahanan ng mga chakal, na kanilang hinihiligan, magkakaroon ng damo pati ng mga tambo at mga yantok. 023 ISA 035 008 At magkakaroon doon ng isang lansangan, at ng isang daan, at tatawagin Ang daan ng kabanalan; ang marumi ay hindi daraan doon; kundi magiging sa kaniyang bayan: ang mga palalakad na tao, oo, maging ang mga mangmang, ay hindi mangaliligaw roon. 023 ISA 035 009 Hindi magkakaroon ng leon doon, o sasampa man doon ang anomang mabangis na hayop, hindi mangasusumpungan doon; kundi ang nangatubos ay lalakad doon. 023 ISA 035 010 At ang pinagtutubos ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nagaawitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay mapaparam. 023 ISA 036 001 Nangyari nga nang ikalabing apat na taon ng haring Ezechias, na umahon si Sennacherib na hari sa Asiria laban sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda, at pinagsakop. 023 ISA 036 002 At sinugo ng hari sa Asiria si Rabsaces sa Jerusalem mula sa Lachis sa haring Ezechias, na may malaking hukbo. At siya'y tumayo sa tabi ng padaluyan ng tubig ng lalong mataas na tipunan ng tubig sa lansangan ng parang ng tagapagpaputi. 023 ISA 036 003 Nang magkagayo'y nilabas siya ni Eliacim na anak ni Hilcias, na katiwala sa bahay, at ni Sebna na kalihim, at ni Joah na anak ni Asaph na kasangguni. 023 ISA 036 004 At sinabi ni Rabsaces sa kanila, Sabihin ninyo ngayon kay Ezechias, Ganito ang sabi ng dakilang hari, ng hari sa Asiria, Anong pagasa itong iyong tinitiwalaan? 023 ISA 036 005 Aking sinasabing ang iyong payo at kalakasan sa pakikidigma ay mga salita lamang na walang kabuluhan: ngayo'y kanino ka tumitiwala na ikaw ay nanghimagsik laban sa akin? 023 ISA 036 006 Narito, ikaw ay tumitiwala sa tungkod na ito na tambong lapok, sa makatuwid baga'y sa Egipto, na kung ang sinoman ay sumandal, ay bubutas sa kaniyang kamay, at tatasakan: nagiging gayon si Faraong hari sa Egipto sa lahat na nagsisitiwala sa kaniya. 023 ISA 036 007 Nguni't kung iyong sabihin sa akin, Kami ay nagsisitiwala sa Panginoon naming Dios: hindi baga siya'y yaong inalisan ni Ezechias ng mga mataas na dako at ng mga dambana, at nagsabi sa Juda at sa Jerusalem, Kayo'y magsisisamba sa harap ng dambanang ito? 023 ISA 036 008 Ngayon nga isinasamo ko sa iyo, na magbigay ka ng mga sanla sa aking panginoon na hari sa Asiria, at bibigyan kita ng dalawang libong kabayo, kung ikaw ay makapaglalagay sa ganang iyo ng mga mananakay sa mga yaon. 023 ISA 036 009 Paano ngang iyong mapapipihit ang mukha ng isang kapitan sa pinakamababa sa mga alipin ng aking panginoon, at ilalagak mo ang iyong tiwala sa Egipto dahil sa mga karo at dahil sa mga mangangabayo? 023 ISA 036 010 At ako baga'y umahon na di ko kasama ang Panginoon laban sa lupaing ito upang lipulin? Sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay umahon laban sa lupaing ito, at iyong lipulin. 023 ISA 036 011 Nang magkagayo'y sinabi ni Eliacim, at ni Sebna at ni Joah kay Rabsaces, Isinasamo ko sa iyo na ikaw ay magsalita sa iyong mga lingkod sa wikang Siria: sapagka't aming naiintindihan: at huwag kang magsalita sa amin sa wikang Judio, sa mga pakinig ng bayan na nasa kuta. 023 ISA 036 012 Nguni't sinabi ni Rabsaces, Sinugo baga ako ng aking panginoon sa iyong panginoon, at sa iyo, upang magsalita ng mga salitang ito? di baga niya ako sinugo sa mga lalake na nangakaupo sa kuta, upang kumain ng kanilang sariling dumi, at upang uminom ng kanilang tubig na kasama ninyo? 023 ISA 036 013 Nang magkagayo'y tumayo si Rabsaces, at humiyaw ng malakas na tinig sa wikang Judio, at nagsabi: Dinggin ninyo ang mga salita ng dakilang hari, ng hari sa Asiria. 023 ISA 036 014 Ganito ang sabi ng hari, Huwag kayong padaya kay Ezechias; sapagka't hindi niya maililigtas kayo: 023 ISA 036 015 O patiwalain man kayo ni Ezechias sa Panginoon, na sabihin: Walang pagsalang ililigtas tayo ng Panginoon; ang bayang ito ay hindi mapapasa kamay ng hari sa Asiria. 023 ISA 036 016 Huwag ninyong dinggin si Ezechias: sapagka't ganito ang sabi ng hari sa Asiria, Makipagpayapaan kayo sa akin, at labasin ninyo ako; at kumain ang bawa't isa sa inyo sa kaniyang puno ng ubas, at ang bawa't isa sa kaniyang puno ng igos, at inumin ng bawa't isa sa inyo ang tubig ng kaniyang sariling balon: 023 ISA 036 017 Hanggang sa ako'y dumating at dalhin ko kayo sa isang lupaing gaya ng inyong sariling lupain, na lupain ng trigo at ng alak, na lupain ng tinapay at ng mga ubasan. 023 ISA 036 018 Huwag kayong pahikayat kay Ezechias, na sabihin, Ililigtas tayo ng Panginoon. Nagligtas baga ang sinoman sa mga dios ng mga bansa ng kaniyang lupain sa kamay ng hari sa Asiria? 023 ISA 036 019 Saan nandoon ang mga dios ng Hamath at ng Arphad? saan nandoon ang mga dios ng Sephar-vaim? iniligtas baga nila ang Samaria sa aking kamay? 023 ISA 036 020 Sino sa kanila sa lahat na dios ng mga lupaing ito, ang nagligtas ng kanilang lupain sa aking kamay, na ililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking kamay? 023 ISA 036 021 Nguni't sila'y nagsitahimik, at hindi nagsisagot sa kaniya ng kahit isang salita: sapagka't iniutos nga ng hari na sinasabi, Huwag ninyong sagutin siya. 023 ISA 036 022 Nang magkagayo'y naparoon si Eliacim na anak ni Hilcias, na siyang tagapamahala sa bahay, at si Sebna na kalihim at si Joah na anak ni Asaph na kasangguni, kay Ezechias na ang kanilang suot ay hapak, at isinaysay sa kaniya ang mga salita ni Rabsaces. 023 ISA 037 001 At nangyari, nang marinig ng haring Ezechias ay hinapak niya ang kaniyang mga suot, at nagbalot ng kayong magaspang, at pumasok sa bahay ng Panginoon. 023 ISA 037 002 At kaniyang sinugo si Eliacim, na katiwala sa bahay, at si Sebna na kalihim, at ang mga matanda sa mga saserdote, na may balot na kayong magaspang, kay Isaias na propeta na anak ni Amoz. 023 ISA 037 003 At sinabi nila sa kaniya, Ganito ang sabi ni Ezechias, Ang araw na ito ay kaarawan ng kabagabagan, at ng pagsaway, at ng paghamak: sapagka't ang mga anak ay dumating sa kapanganakan, at walang kalakasang ipanganak. 023 ISA 037 004 Marahil ay pakikinggan ng Panginoon mong Dios ang mga salita ni Rabsaces, na siyang sinugo ng kaniyang panginoon na hari sa Asiria upang tungayawin ang buhay na Dios, at sansalain ang mga salita na narinig ng Panginoon mong Dios: kaya't ilakas mo ang iyong dalangin dahil sa nalabi na naiwan. 023 ISA 037 005 Sa gayo'y ang mga lingkod ng haring Ezechias ay naparoon kay Isaias. 023 ISA 037 006 At sinabi ni Isaias sa kanila, Ganito ang inyong sasabihin sa inyong panginoon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kang matakot sa mga salita na iyong narinig, na ipinanungayaw sa akin ng mga lingkod ng hari sa Asiria. 023 ISA 037 007 Narito, ako'y maglalagay ng espiritu sa kaniya, at siya'y makakarinig ng kaingay, at babalik sa kaniyang sariling lupain; at aking ipabubuwal siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain. 023 ISA 037 008 Sa gayo'y bumalik si Rabsaces, at nasumpungan ang hari sa Asiria na nakikipagdigma laban sa Libna: sapagka't nabalitaan niya na kaniyang nilisan ang Lachis. 023 ISA 037 009 At kaniyang narinig na sinabi tungkol kay Tirhakah na hari sa Etiopia, Siya'y lumabas upang makipaglaban sa iyo. At nang kaniyang marinig, siya'y nagsugo ng mga sugo kay Ezechias, na sinasabi, 023 ISA 037 010 Ganito ang inyong sasalitain kay Ezechias na hari sa Juda, na sasabihin, Huwag kang padaya sa iyong Dios na iyong tinitiwalaan, na sabihin, Ang Jerusalem ay hindi mapapasa kamay ng hari sa Asiria. 023 ISA 037 011 Narito nabalitaan mo kung ano ang ginawa ng mga hari sa Asiria sa lahat ng lupain, na yao'y sinira ng lubos: at maliligtas ka baga? 023 ISA 037 012 Iniligtas baga sila ng mga dios ng mga bansa, na siyang nilipol ng aking mga magulang, gaya ng Gozan, ng Haran; at ng Rezeph, at ng mga anak ni Eden, na nangasa Thelasar? 023 ISA 037 013 Saan nandoon ang hari sa Hamath, at ang hari sa Arphad, at ang hari ng bayan ng Sepharvaim, ng Henah, at ng Hivah? 023 ISA 037 014 At tinanggap ni Ezechias ang sulat sa kamay ng mga sugo, at binasa: at umahon si Ezechias sa bahay ng Panginoon, at binuklat sa harap ng Panginoon. 023 ISA 037 015 At si Ezechias ay dumalangin sa Panginoon, na kaniyang sinabi, 023 ISA 037 016 Oh Panginoon ng mga hukbo, na Dios ng Israel, na nakaupo sa mga kerubin, ikaw ang Dios, ikaw lamang, sa lahat ng kaharian sa lupa; ikaw ang gumawa ng langit at lupa. 023 ISA 037 017 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at iyong dinggin; idilat mo ang iyong mga mata, Oh Panginoon, at tumingin ka; at pakinggan mo ang lahat na salita ni Sennacherib, na kaniyang ipinasabi upang ipanungayaw sa buhay na Dios. 023 ISA 037 018 Sa katotohanan, Panginoon, ang lahat na bansa ay sinira ng mga hari sa Asiria at ang kanikanilang lupain. 023 ISA 037 019 At inihagis ang kanikanilang mga dios sa apoy: sapagka't sila'y hindi mga dios, kundi mga gawa ng mga kamay ng mga tao, kahoy at bato; kaya't kanilang sinira. 023 ISA 037 020 Ngayon nga, Oh Panginoon naming Dios, iligtas mo kami sa kaniyang kamay, upang makilala ng lahat na kaharian sa lupa, na ikaw ang Panginoon, ikaw lamang. 023 ISA 037 021 Nang magkagayo'y nagsugo si Isaias na anak ni Amoz kay Ezechias, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Yamang ikaw ay dumalangin sa akin laban kay Sennacherib na hari sa Asiria. 023 ISA 037 022 Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa kaniya: Hinamak ka ng anak na dalaga ng Sion, at tinawanan kang mainam; iginalaw ng anak na babae ng Jerusalem ang kaniyang ulo sa iyo. 023 ISA 037 023 Sino ang iyong pinulaan at tinungayaw? at laban kanino itinaas mo ang iyong tinig at ipinandilat mo ang iyong mga mata ng mataas? laban nga sa Banal ng Israel. 023 ISA 037 024 Sa pamamagitan ng iyong mga lingkod ay iyong pinulaan ang Panginoon, at nagsabi ka, Sa karamihan ng aking mga karo ay nakaahon ako sa kataasan ng mga bundok, sa mga kaloobloobang bahagi ng Libano; at aking puputulin ang mga matayog na cedro niyaon, at ang mga piling puno ng abeto niyaon: at ako'y papasok sa pinakataluktok na kataasan, ng gubat ng kaniyang mabuting bukid. 023 ISA 037 025 Ako'y humukay at uminom ng tubig, at aking tutuyuin ng talampakan ng aking mga paa ang lahat ng mga ilog ng Egipto. 023 ISA 037 026 Hindi mo baga nabalitaan kung paanong aking ginawa na malaon na, at aking pinanukala ng una? ngayo'y aking pinapangyari, upang iyong sirain ang mga bayang nakukutaan na magiging mga guhong bunton. 023 ISA 037 027 Kaya't ang kanilang mga mananahan ay may munting kapangyarihan, sila'y nanganglupaypay at nangatulig; sila'y parang damo sa bukid, at sariwang gugulayin, parang damo sa mga bubungan, at parang bukid ng trigo bago tumaas. 023 ISA 037 028 Nguni't talastas ko ang iyong pagupo, at ang iyong paglabas, at ang iyong pagpasok, at ang iyong galit laban sa akin. 023 ISA 037 029 Dahil sa iyong galit laban sa akin, at dahil sa iyong kapalaluan ay nanuot sa aking mga pakinig, kaya't ilalagay ko ang aking taga ng bingwit sa iyong ilong, at ang aking paningkaw sa iyong mga labi, at pababalikin kita sa daan na iyong pinanggalingan. 023 ISA 037 030 At ito ang magiging tanda sa iyo: kayo'y magsisikain sa taong ito ng tumutubo sa kaniyang sarili, at sa ikalawang taon ay ng tumubo doon; at sa ikatlong taon ay kayo'y mangaghasik, at magsiani, at mangagtanim ng mga ubasan, at kumain ng bunga niyaon. 023 ISA 037 031 At ang nalabi na nakatanan sa sangbahayan ni Juda ay maguugat uli sa ilalim, at magbubunga sa itaas. 023 ISA 037 032 Sapagka't sa Jerusalem ay lalabas ang nalabi, at mula sa bundok ng Sion ay silang magtatanan. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo. 023 ISA 037 033 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari sa Asiria, Siya'y hindi paririto sa bayang ito o magpapahilagpos man ng pana diyan, o haharap man siya diyan na may kalasag, o mahahagis ang bunton laban diyan. 023 ISA 037 034 Sa daan na kaniyang pinanggalingan, doon din siya babalik, at hindi siya paririto sa bayang ito, sabi ng Panginoon. 023 ISA 037 035 Sapagka't aking ipagsasanggalang ang bayang ito upang iligtas, dahil sa akin, at dahil sa aking lingkod na si David. 023 ISA 037 036 At ang anghel ng Panginoon ay lumabas, at nanakit sa kampamento ng mga taga Asiria nang isang daan at walongpu't limang libo: at nang ang mga tao ay magsibangong maaga sa kinaumagahan, narito, ang lahat ay mga katawang bangkay. 023 ISA 037 037 Sa gayo'y umalis si Sennacherib na hari sa Asiria, at yumaon at umuwi, at tumahan sa Ninive, 023 ISA 037 038 At nangyari, nang siya'y sumasamba sa bahay ni Nisroch na kaniyang dios, na sinugatan siya ng tabak ni Adremelech at ni Sarezer na kaniyang mga anak at sila'y nagtanan sa lupain ng Ararat. At si Esarhadon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya. 023 ISA 038 001 Nang mga araw na yaon ay may sakit na ikamamatay si Ezechias. At si Isaias na propeta na anak ni Amoz ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayusin mo ang iyong sangbahayan; sapagka't ikaw ay mamamatay, at hindi mabubuhay. 023 ISA 038 002 Nang magkagayo'y ipinihit ni Ezechias ang kaniyang mukha sa panig, at nanalangin sa Panginoon, 023 ISA 038 003 At nagsabi, Idinadalangin ko sa iyo; Oh Panginoon, na iyong alalahanin, kung paanong ako'y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso, at gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak ng di kawasa. 023 ISA 038 004 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Isaias, na nagsasabi, 023 ISA 038 005 Ikaw ay yumaon, at sabihin mo kay Ezechias, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ni David na iyong magulang, Aking dininig ang iyong panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking idaragdag sa iyong mga kaarawan ang labing limang taon. 023 ISA 038 006 At aking ililigtas ikaw at ang bayang ito sa kamay ng hari sa Asiria: at aking ipagsasanggalang ang bayang ito. 023 ISA 038 007 At ito ang magiging pinaka tanda sa iyo na mula sa Panginoon, na gagawin ng Panginoon ang bagay na ito na kaniyang sinalita, 023 ISA 038 008 Narito, aking ipauurong ang anino sa mga baytang, ng sangpung baytang, na aninong pinababa sa mga baytang ni Ahaz sa pamamagitan ng araw, Sa gayo'y umurong ang araw ng sangpung baytang sa mga baytang na binabaan. 023 ISA 038 009 Ang sulat ni Ezechias na hari sa Juda, nang siya'y magkasakit, at gumaling sa kaniyang sakit. 023 ISA 038 010 Aking sinabi, Sa katanghalian ng aking mga kaarawan ay papasok ako sa mga pintuan ng Sheol: Ako'y nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon. 023 ISA 038 011 Aking sinabi, hindi ko makikita ang Panginoon, ang Panginoon sa lupain ng buhay: Hindi ko na makikita pa ang tao, na kasama ng mga nananahan sa sanglibutan. 023 ISA 038 012 Ang tirahan ko'y inaalis, at dinadala na gaya ng tolda ng pastor: Aking pinupulon ang aking buhay, na gaya ng pagpupulon ng manghahabi; kaniyang ihihiwalay ako sa habihan: Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako. 023 ISA 038 013 Ako'y tumigil hanggang sa kinaumagahan; katulad ng leon, gayon niya binabali ang lahat kong mga buto: Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako. 023 ISA 038 014 Gaya ng langaylangayan o ng tagak, humihibik ako; Ako'y tumangis na parang kalapati: ang aking mga mata ay nangangalumata sa pagtingala; Oh Panginoon, ako'y napipighati, ikaw nawa'y maging tangulan sa akin. 023 ISA 038 015 Anong aking sasabihin? siya'y nagsalita sa akin, at kaniya namang ginawa: Ako'y yayaong marahan lahat kong taon, dahil sa paghihirap ng aking kaluluwa. 023 ISA 038 016 Oh Panginoon, sa pamamagitan ng mga bagay na ito, nabubuhay ang mga tao; At buong nasa ilalim niyan ang buhay ng aking diwa: Kaya't pagalingin mo ako, at ako'y iyong buhayin. 023 ISA 038 017 Narito, sa aking ikapapayapa ay nagtamo ako ng malaking paghihirap: Nguni't ikaw, sa pagibig mo sa aking kaluluwa ay iyong iniligtas sa hukay ng kabulukan; Sapagka't iyong itinapon ang lahat ng aking mga kasalanan sa iyong likuran. 023 ISA 038 018 Sapagka't hindi ka maaring purihin ng Sheol, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan! Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan. 023 ISA 038 019 Ang buhay, ang buhay, siya'y pupuri sa iyo, gaya ng ginagawa ko sa araw na ito: Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan. 023 ISA 038 020 Ang Panginoon ay handa upang iligtas ako: Kaya't aming aawitin ang aming mga awit sa mga panugtog na kawad, Lahat ng kaarawan ng aming buhay sa bahay ng Panginoon. 023 ISA 038 021 Sinabi nga ni Isaias, Magsikuha sila ng isang binilong igos, at ilagay na pinakatapal sa bukol, at siya'y gagaling. 023 ISA 038 022 Sinabi rin ni Ezechias, Ano ang tanda na ako'y sasampa sa bahay ng Panginoon? 023 ISA 039 001 Nang panahong yaon si Merodachbaladan na anak ni Baladan, na hari sa Babilonia, ay nagpadala ng mga sulat at isang kaloob kay Ezechias: sapagka't nabalitaan niya na siya'y nagkasakit, at gumaling. 023 ISA 039 002 At si Ezechias ay natuwa sa kanila, at ipinakita sa kanila ang bahay ng kaniyang mahalagang bagay, ang pilak, at ang ginto, at ang mga especia, at ang mahalagang langis, at ang buong bahay na kaniyang sakbatan, at lahat na nandoon sa kaniyang mga kayamanan: walang bagay sa kaniyang bahay, o sa buong sakop man niya, na hindi ipinakita ni Ezechias sa kanila. 023 ISA 039 003 Nang magkagayo'y dumating si Isaias na propeta sa haring Ezechias, at nagsabi sa kaniya, Anong sinabi ng mga lalaking ito? at saan nanggaling na nagsiparito sila sa iyo? At sinabi ni Ezechias, Sila'y nagsiparito sa akin mula sa malayong lupain, sa Babilonia. 023 ISA 039 004 Nang magkagayo'y sinabi niya, Anong kanilang nakita sa iyong bahay? At sumagot si Ezechias, Lahat ng nangasa aking bahay ay kanilang nakita: walang anomang bagay sa aking mga kayamanan na hindi ko ipinakita sa kanila. 023 ISA 039 005 Nang magkagayo'y sinabi ni Isaias kay Ezechias, Iyong pakinggan ang salita ng Panginoon ng mga hukbo. 023 ISA 039 006 Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, na ang lahat na nangasa iyong bahay, at ang mga tinangkilik ng iyong mga magulang hanggang sa kaarawang ito, dadalhin sa Babilonia: walang maiiwan, sabi ng Panginoon. 023 ISA 039 007 At sa iyong mga anak na magmumula sa iyo, na ipanganganak sa iyo, ay kanilang dadalhin; at sila'y magiging mga bating sa bahay ng hari sa Babilonia. 023 ISA 039 008 Nang magkagayo'y sinabi ni Ezechias kay Isaias, Mabuti ang salita ng Panginoon na iyong sinalita. Kaniyang sinabi bukod dito, Sapagka't magkakaroon ng kapayapaan at katotohanan sa aking mga kaarawan. 023 ISA 040 001 Inyong aliwin, inyong aliwin ang aking bayan, sabi ng inyong Dios. 023 ISA 040 002 Mangagsalita kayong may pagaliw sa Jerusalem; at sigawan ninyo siya, na ang kaniyang pakikipagdigma ay naganap, na ang kaniyang kasamaan ay ipinatawad, sapagka't siya'y tumanggap sa kamay ng Panginoon ng ibayong ukol sa kaniyang lahat na kasalanan. 023 ISA 040 003 Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios. 023 ISA 040 004 Bawa't libis ay mataas, at bawa't bundok at burol ay mabababa; at ang mga bakobako ay matutuwid, at ang mga hindi pantay na dako ay mapapatag: 023 ISA 040 005 At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng lahat na tao, sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon, 023 ISA 040 006 Ang tinig ng isang nagsasabi, Ikaw ay dumaing. At sinabi ng isa, Ano ang aking idadaing? Lahat ng laman ay damo, at ang buong kagandahan niyaon ay parang bulaklak ng parang. 023 ISA 040 007 Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon; tunay na ang bayan ay damo. 023 ISA 040 008 Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man. 023 ISA 040 009 Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Sion, sumampa ka sa mataas na bundok; Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Jerusalem, ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan; ilakas mo, huwag kang matakot; sabihin mo sa mga bayan ng Juda, Tingnan ang inyong Dios! 023 ISA 040 010 Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan, at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya: Narito, ang kaniyang ganting pala ay dala niya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya. 023 ISA 040 011 Kaniyang papastulin ang kaniyang kawan, na gaya ng pastor, kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay, at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan, at papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso. 023 ISA 040 012 Sino ang tumakal ng tubig sa palad ng kaniyang kamay, at sumukat sa langit ng dangkal, at nagsilid ng alabok ng lupa sa isang takal, at tumimbang ng mga bundok sa mga panimbang, at ng mga burol sa timbangan? 023 ISA 040 013 Sinong pumatnubay ng Espiritu ng Panginoon, o parang kaniyang kasangguni ay nagturo sa kaniya? 023 ISA 040 014 Kanino siya kumuhang payo, at sinong nagsaysay sa kaniya, at nagturo sa kaniya sa landas ng kahatulan, at nagturo sa kaniya ng kaalaman, at nagpakilala sa kaniya ng daan ng unawa? 023 ISA 040 015 Narito, ang mga bansa ay parang isang patak ng tubig sa timba, inaari na parang munting alabok sa timbangan: narito, kaniyang itinataas ang mga pulo na parang napakaliit na bagay. 023 ISA 040 016 At ang Libano ay hindi sukat upang sunugin, ni ang mga hayop niyaon ay sukat na pinakahandog na susunugin. 023 ISA 040 017 Lahat ng mga bansa ay parang walang anoman sa harap niya; nangabilang sa kaniya na kulang kay sa wala, at walang kabuluhan. 023 ISA 040 018 Kanino nga ninyo itutulad ang Dios? o anong wangis ang iwawangis ninyo sa kaniya? 023 ISA 040 019 Ang larawang inanyuan na binubo ng mangbububo, at binabalot ng ginto ng platero, at binubuan ng mga pilak na kuwintas. 023 ISA 040 020 Siyang napakadukha sa gayong alay ay pumipili ng isang punong kahoy na hindi malalapok; siya'y humahanap sa ganang kaniya ng isang bihasang manggagawa upang ihandang larawang inanyuan, na hindi makikilos. 023 ISA 040 021 Hindi ba ninyo naalaman? hindi ba ninyo narinig? hindi ba nasaysay sa inyo mula ng una? hindi ba nasaysay sa inyo bago nalagay ang mga patibayan ng lupa? 023 ISA 040 022 Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan; 023 ISA 040 023 Na iniuuwi sa wala ang mga pangulo; siyang umaaring tila walang kabuluhan sa mga hukom sa lupa. 023 ISA 040 024 Oo, sila'y hindi nangatanim; oo, sila'y hindi nangahasik; oo, ang kanilang puno ay hindi nagugat sa lupa: bukod dito'y humihihip siya sa kanila, at sila'y nangatutuyo, at tinatangay sila ng ipoipo na gaya ng dayami. 023 ISA 040 025 Kanino nga ninyo itutulad ako, upang makaparis ako niya? sabi ng Banal. 023 ISA 040 026 Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas, at tingnan ninyo kung sinong lumikha ng mga ito, na tinutuos ang kanilang hukbo ayon sa bilang; tinatawag niya sila sa pangalan; sa pamamagitan ng kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan, at dahil sa siya'y malakas sa kapangyarihan ay walang nagkukulang. 023 ISA 040 027 Bakit sinasabi mo, Oh Jacob, at sinasalita mo, Oh Israel, Ang daan ko ay lingid sa Panginoon, at nilalagpasan ng aking Dios ang kahatulan ko? 023 ISA 040 028 Hindi mo baga naalaman? hindi mo baga narinig? ang walang hanggang Dios, ang Panginoon, ang Maylalang ng mga wakas ng lupa, hindi nanlalata, o napapagod man; walang makatarok ng kaniyang unawa. 023 ISA 040 029 Siya'y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan. 023 ISA 040 030 Pati ng mga kabinataan ay manlalata at mapapagod, at ang mga binata ay lubos na mangabubuwal: 023 ISA 040 031 Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina. 023 ISA 041 001 Magsitahimik kayo sa harap ko, Oh mga pulo; at mangagbagong lakas ang mga bayan: magsilapit sila; saka mangagsalita sila; tayo'y magsilapit na magkakasama sa kahatulan. 023 ISA 041 002 Sinong nagbangon ng isa na mula sa silanganan, na kaniyang tinawag sa katuwiran sa kaniyang paanan? siya'y nagbigay ng mga bansa sa harap niya, at pinagpuno niya siya sa mga hari; kaniyang ibinibigay sila na parang alabok sa kaniyang tabak, na parang pinaspas na dayami sa kaniyang busog. 023 ISA 041 003 Kaniyang hinahabol sila, at nagpatuloy na tiwasay, sa makatuwid baga'y sa daan na hindi niya dinaanan ng kaniyang mga paa. 023 ISA 041 004 Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga, 023 ISA 041 005 Nakita ng mga pulo, at nangatakot; ang mga wakas ng lupa ay nagsipanginig: sila'y nagsilapit, at nagsiparito. 023 ISA 041 006 Sila'y tumutulong bawa't isa sa kaniyang kapuwa; at bawa't isa'y nagsasabi sa kaniyang kapatid, Ikaw ay magpakatapang. 023 ISA 041 007 Sa gayo'y pinalalakas ang loob ng anluwagi ang panday-ginto, at ng pumapatag ng pamukpok ang pumupukpok ng palihan, na sinasabi tungkol sa paghinang, Mabuti, at kaniyang inilalapat ng mga pako, upang huwag makilos. 023 ISA 041 008 Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan; 023 ISA 041 009 Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil; 023 ISA 041 010 Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran. 023 ISA 041 011 Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo ay mangapapahiya at mangalilito: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak. 023 ISA 041 012 Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng bagay ng wala. 023 ISA 041 013 Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka. 023 ISA 041 014 Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel. 023 ISA 041 015 Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa. 023 ISA 041 016 Iyong pahahanginan, at tatangayin ng hangin, at pangangalatin ng ipoipo: at ikaw ay magagalak sa Panginoon, ikaw ay luwalhati sa Banal ng Israel. 023 ISA 041 017 Ang dukha at mapagkailangan ay humahanap ng tubig, at wala, at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw; akong Panginoon ay sasagot sa kanila, akong Dios ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila. 023 ISA 041 018 Ako'y magbubukas ng mga ilog sa mga luwal na kaitaasan, at mga bukal sa gitna ng mga libis: aking gagawin ang ilang na lawa ng tubig, at ang tuyong lupain ay mga bukal ng tubig. 023 ISA 041 019 Aking itatanim sa ilang ang cedro, ang puno ng acacia, at ang arayan, at ang olivo; aking ilalagay sa ilang ang puno ng abeto, at ang pino, at ang boj na magkakasama: 023 ISA 041 020 Upang sila'y makakita at makaalam, at makagunita, at makatalos na magkakasama, na ginawa ito ng kamay ng Panginoon, at nilikha ng Banal ng Israel. 023 ISA 041 021 Iharap ninyo ang inyong usap, sabi ng Panginoon; inyong ilabas ang inyong mga matibay sa pagmamatuwid, sabi ng Hari ng Jacob. 023 ISA 041 022 Ilabas nila, at ipahayag sa amin kung anong mangyayari: ipahayag ninyo ang mga dating bagay, maging anoman ang mga yaon, upang aming mabatid at maalaman ang huling wakas nila: o pagpakitaan ninyo kami ng mga bagay na darating. 023 ISA 041 023 Inyong ipahayag ang mga bagay na darating pagkatapos, upang aming maalaman na kayo'y mga dios; oo, kayo'y magsigawa ng mabuti, o magsigawa ng kasamaan, upang kami ay mangawalan ng loob, at mamasdan naming magkakasama. 023 ISA 041 024 Narito, kayo'y sa wala, at ang inyong gawa ay sa wala: kasuklamsuklam siya na pumili sa inyo. 023 ISA 041 025 May ibinangon ako mula sa hilagaan, at siya'y dumating; mula sa sikatan ng araw ay tumatawag siya sa aking pangalan: at siya'y paroroon sa mga pinuno na parang cimiento, at para ng magpapalyok na yumuyurak ng putik na malagkit. 023 ISA 041 026 Sinong nagpahayag noon mula nang pasimula upang aming maalaman? at nang una, upang aming masabi, Siya'y matuwid? oo, walang magpahayag, oo, walang magpakita, oo, walang duminig ng inyong mga salita. 023 ISA 041 027 Ako'y unang magsasabi sa Sion, Narito, narito sila; at ako'y magbibigay sa Jerusalem ng isa na nagdadala ng mga mabuting balita. 023 ISA 041 028 At pagka ako'y tumitingin, walang tao; sa gitna nila ay walang tagapayo, na makasagot ng isang salita, pagka ako'y tumatanong sa kanila. 023 ISA 041 029 Narito, silang lahat, ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan at walang anoman ang kanilang mga larawang binubo ay hangin at kalituhan. 023 ISA 042 001 Narito, ang aking lingkod, na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa; isinakaniya ko ang aking Espiritu; siya'y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa. 023 ISA 042 002 Siya'y hindi hihiyaw, o maglalakas man ng tinig, o iparirinig man ang kaniyang tinig sa lansangan. 023 ISA 042 003 Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin, ni ang timsim na umuusok ay hindi niya papatayin: siya'y maglalapat ng kahatulan sa katotohanan. 023 ISA 042 004 Siya'y hindi manglulupaypay o maduduwag man, hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa; at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan. 023 ISA 042 005 Ganito ang sabi ng Dios na Panginoon, na lumikha ng langit, at nagladlad ng mga yaon; siyang naglatag ng lupa at ng nagsisilitaw rito; siyang nagbibigay ng hinga sa bayang nito, at ng diwa sa kanila na nagsisilakad dito: 023 ISA 042 006 Ako, ang Panginoon, ay tumawag sa iyo sa katuwiran, at hahawak ng iyong kamay, at magiingat sa iyo, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, na pinakaliwanag sa mga bansa; 023 ISA 042 007 Upang magdilat ng mga bulag na mata, upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan. 023 ISA 042 008 Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan. 023 ISA 042 009 Narito, ang mga dating bagay ay nangyayari na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko: bago mangalitaw ay sinasaysay ko sa inyo. 023 ISA 042 010 Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kapurihan niya na mula sa wakas ng lupa; kayong nagsisibaba sa dagat, at ang buong nariyan, ang mga pulo, at mga nananahan doon, 023 ISA 042 011 Mangaglakas ng kanilang tinig ang ilang at ang mga bayan niyaon, ang mga nayon na tinatahanan ng Cedar: magsiawit ang mga nananahan sa Selah, magsihiyaw sila mula sa mga taluktok ng mga bundok. 023 ISA 042 012 Mangagbigay luwalhati sila sa Panginoon, at mangagpahayag ng kaniyang kapurihan sa mga pulo. 023 ISA 042 013 Ang Panginoon ay lalabas na parang makapangyarihang lalake; siya'y pupukaw ng paninibugho na parang lalaking mangdidigma: siya'y hihiyaw, oo, siya'y hihiyaw ng malakas; siya'y gagawang makapangyarihan laban sa kaniyang mga kaaway. 023 ISA 042 014 Ako'y tumahimik ng malaon; ako'y hindi kumibo, at nagpigil ako: ngayo'y hihiyaw akong parang nagdaramdam na babae; ako'y manggigiba at mananakmal na paminsan. 023 ISA 042 015 Aking gagawing giba ang mga bundok at mga burol, at tutuyuin ko ang lahat nilang mga pananim; at gagawin kong mga pulo ang mga ilog, at aking tutuyuin ang mga lawa. 023 ISA 042 016 At aking dadalhin ang bulag sa daan na hindi nila nalalaman; sa mga landas na hindi nila nalalaman ay papatnubayan ko sila; aking gagawing kadiliman ang liwanag sa harap nila, at mga likong daan ang matuwid. Ang mga bagay na ito ay aking gagawin, at hindi ko kalilimutan sila. 023 ISA 042 017 Sila'y mangapapaurong, sila'y mangapapahiyang mainam, na nagsisitiwala sa mga larawang inanyuan, na nangagsasabi sa mga larawang binubo, Kayo'y aming mga dios. 023 ISA 042 018 Makinig kayong mga bingi; at tumingin kayong mga bulag, upang kayo'y mangakakita. 023 ISA 042 019 Sino ang bulag kundi ang aking lingkod? o ang bingi, na gaya ng aking sugo na aking sinusugo? sino ang bulag na gaya niya na nasa kapayapaan sa akin, at bulag na gaya ng lingkod ng Panginoon? 023 ISA 042 020 Ikaw ay nakakakita ng maraming bagay, nguni't hindi mo binubulay; ang kaniyang mga tainga ay bukas, nguni't hindi niya dininig. 023 ISA 042 021 Kinalulugdan ng Panginoon dahil sa kaniyang katuwiran, na dakilain ang kautusan, at gawing marangal. 023 ISA 042 022 Nguni't ito ay isang bayang nanakaw at nasamsam; silang lahat ay nangasilo sa mga hukay, at sila'y nangakubli sa mga bilangguan: sila'y pinaka huli at walang magligtas; pinaka samsam, at walang magsabi, Iyong papanumbalikin. 023 ISA 042 023 Sino sa gitna ninyo ang makikinig nito? na makikinig at didinig para sa panahong darating? 023 ISA 042 024 Sino ang nagbigay ng Jacob na pinaka samsam, at ng Israel sa mga magnanakaw? di baga ang Panginoon? na laban sa kaniya ay nangagkasala tayo, at sa mga daan niya ay hindi sila nagsilakad, o naging masunurin man sila sa kaniyang kautusan. 023 ISA 042 025 Kaya't ibinugso niya sa kaniya ang pusok ng kaniyang galit, at ang lakas ng pakikipagbaka; at sinulsulan siya ng apoy sa palibot, gayon ma'y hindi niya naalaman; at sinunog siya, gayon ma'y hindi siya naglagak ng kalooban. 023 ISA 043 001 Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, sapagka't tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin. 023 ISA 043 002 Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo. 023 ISA 043 003 Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas sa iyo; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang Egipto, ang Etiopia at ang Seba. 023 ISA 043 004 Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka; kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay. 023 ISA 043 005 Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; 023 ISA 043 006 Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa; 023 ISA 043 007 Bawa't tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa. 023 ISA 043 008 Iyong ilabas ang bulag na bayan na may mga mata, at ang bingi may mga tainga. 023 ISA 043 009 Mapisan ang lahat na bansa, at magpulong ang mga bayan: sino sa gitna nila ang makapagpapahayag nito, at makapagpapakita sa amin ng mga dating bagay? dalhin nila ang kanilang mga saksi, upang sila'y mapatotohanan: o dinggin nila, at magsabi, Katotohanan nga. 023 ISA 043 010 Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko. 023 ISA 043 011 Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas. 023 ISA 043 012 Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala, at walang ibang dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios. 023 ISA 043 013 Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil? 023 ISA 043 014 Ganito ang sabi ng Panginoon, na inyong Manunubos, na Banal ng Israel, Dahil sa inyo ay nagsugo ako sa Babilonia, at aking ibababa silang lahat na parang mga palaboy, sa makatuwid baga'y ang mga Caldeo, sa mga sasakyang dagat ng kaniyang kagalakan. 023 ISA 043 015 Ako ang Panginoon, na inyong Banal, ang Maylalang ng Israel, na inyong Hari. 023 ISA 043 016 Ganito ang sabi ng Panginoon, na gumagawa ng daan sa dagat, ng landas sa mga malawak na tubig; 023 ISA 043 017 Na pinalabas ang karo at kabayo, ang hukbo at ang kapangyarihan (sila'y nangahihigang magkakasama, sila'y hindi na magsisibangon; sila'y nangamamatay na parang timsim): 023 ISA 043 018 Huwag ninyong alalahanin ang mga dating bagay, o bulayin man ang mga bagay ng una. 023 ISA 043 019 Narito, ako'y gagawa ng bagong bagay; ngayon yao'y lalabas; hindi baga ninyo malalaman yaon? gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal, at mga ilog sa ilang. 023 ISA 043 020 Pararangalan ako ng mga hayop sa parang, ng mga chakal at ng mga avestruz: sapagka't ako'y nagbibigay ng tubig sa lupaing masukal, at ng mga ilog sa ilang, upang painumin ang aking bayan, na aking pinili, 023 ISA 043 021 Ang bayan, na aking inanyuan para sa aking sarili, upang kanilang maihayag ang aking kapurihan. 023 ISA 043 022 Gayon ma'y hindi ka tumawag sa akin, Oh Jacob; kundi ikaw ay nayamot sa akin, Oh Israel. 023 ISA 043 023 Hindi mo dinala sa akin ang mga tupa't kambing na iyong mga pinakahandog na susunugin; o pinarangalan mo man ako ng iyong mga hain. Hindi kita pinapaglingkod ng mga handog, o niyamot man kita ng kamangyan. 023 ISA 043 024 Hindi mo ako ibinili ng mabangong kalamo sa halaga ng salapi, o binusog mo man ako ng taba ng iyong mga hain: kundi pinapaglingkod mo ako ng iyong mga kasalanan, iyong niyamot ako ng iyong mga kasamaan. 023 ISA 043 025 Ako, ako nga ay siyang pumapawi ng iyong mga pagsalangsang alang-alang sa akin; at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan. 023 ISA 043 026 Ipaalaala mo ako; tayo'y kapuwa magkatuwiranan: ilabas mo ang iyong usap, upang ikaw ay mapatotohanan. 023 ISA 043 027 Ang iyong pangunang ama ay nagkasala, at ang iyong mga tagapagpaaninaw ay nagsisalangsang laban sa akin. 023 ISA 043 028 Kaya't aking dudumhan ang mga pangulo ng santuario, at gagawin kong sumpa ang Jacob, at isang kadustaan ang Israel. 023 ISA 044 001 Gayon ma'y dinggin mo ngayon, Oh Jacob na aking lingkod, at Israel, na aking pinili: 023 ISA 044 002 Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw Jeshurun, na aking pinili. 023 ISA 044 003 Sapagka't ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi: 023 ISA 044 004 At sila'y sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis. 023 ISA 044 005 Sasabihin ng isa, Ako'y sa Panginoon; at magpapangalan ang iba ng pangalang Jacob; at magsusulat ang iba ng kaniyang kamay ng sa Panginoon, at magpapamagat ng pangalan ng Israel. 023 ISA 044 006 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios. 023 ISA 044 007 At sino, na gaya ko, tatawag, at magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila. 023 ISA 044 008 Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba. 023 ISA 044 009 Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya. 023 ISA 044 010 Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan na di pakikinabangan sa anoman? 023 ISA 044 011 Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila'y mangatatakot, sila'y mangahihiyang magkakasama. 023 ISA 044 012 Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol, at gumagawa sa mga baga, at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok, at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig: oo, siya'y gutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya'y hindi umiinom ng tubig, at pata. 023 ISA 044 013 Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay. 023 ISA 044 014 Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan. 023 ISA 044 015 Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan. 023 ISA 044 016 Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy: 023 ISA 044 017 At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios. 023 ISA 044 018 Hindi sila mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka't ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang mangakaunawa. 023 ISA 044 019 At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako'y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy? 023 ISA 044 020 Siya'y kumain ng abo: iniligaw siya ng nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang kabulaanan sa aking kanang kamay? 023 ISA 044 021 Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, Oh Jacob, at Israel; sapagka't ikaw ay aking lingkod: aking inanyuan ka; ikaw ay aking lingkod: Oh Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan. 023 ISA 044 022 Aking pinawi na parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos kita. 023 ISA 044 023 Magsiawit, Oh kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel. 023 ISA 044 024 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng iyong Manunubos, at niyang naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa; 023 ISA 044 025 Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling, at nagpapaging ulol sa mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman; 023 ISA 044 026 Na nagpapatatag ng salita ng kaniyang lingkod, at nagsasagawa ng payo ng kaniyang mga sugo; na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, Siya'y tatahan; at tungkol sa mga bayan ng Juda, Mangatatayo, at aking ibabangon ang mga sirang dako niyaon: 023 ISA 044 027 Na nagsasabi sa kalaliman, Ikaw ay matuyo, at aking tutuyuin ang iyong mga ilog; 023 ISA 044 028 Na nagsasabi tungkol kay Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay. 023 ISA 045 001 Ganito ang sabi ng Panginoon sa kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan; 023 ISA 045 002 Ako'y magpapauna sa iyo, at, papatagin ko ang mga bakobakong dako: aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal: 023 ISA 045 003 At ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanang nasa kadiliman, at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan, sa makatuwid baga'y ang Dios ng Israel. 023 ISA 045 004 Dahil sa Jacob na aking lingkod, at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako. 023 ISA 045 005 Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala. 023 ISA 045 006 Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba. 023 ISA 045 007 Aking inilalagay ang liwanag, at nililikha ko ang kadiliman; ako'y gumagawa ng kapayapaan, at lumilikha ako ng kasamaan; ako ang Panginoon, na gumagawa ng lahat na bagay na ito. 023 ISA 045 008 Maghulog, oh kayong mga langit mula sa itaas, at ang alapaap ay pumatak ng katuwiran: bumuka ang lupa, upang maglabas siya ng kaligtasan, at ang katuwiran ay lumabas na kasama niyaon; akong Panginoon ang lumikha. 023 ISA 045 009 Sa aba niya, na nakikipagpunyagi sa May-lalang sa kaniya! isang bibinga sa gitna ng mga bibinga sa lupa! Magsasabi baga ang putik sa nagbibigay anyo sa kaniya, Anong ginagawa mo? o ang iyong gawa, Siya'y walang mga kamay? 023 ISA 045 010 Sa aba niya na nagsasabi sa ama, Ano ang naging anak mo? o sa babae, Ano ang ipinagdamdam mo? 023 ISA 045 011 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Banal ng Israel, at ng May-lalang sa kaniya, Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating; tungkol sa aking mga anak, at tungkol sa gawa ng aking mga kamay, magutos kayo sa akin. 023 ISA 045 012 Aking ginawa ang lupa, at nilalang ko ang tao rito: ako, sa makatuwid baga'y ang aking mga kamay, nagladlad ng langit, at sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako. 023 ISA 045 013 Aking ibinangon siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 023 ISA 045 014 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang yari ng Egipto, at ang kalakal ng Etiopia, at ang mga Sabeo, sa mga taong matatangkad, ay magsisiparito sa iyo, at sila'y magiging iyo; sila'y magsisisunod sa iyo, sila'y magsisidaang may tanikala; at sila'y mangagpapatirapa sa iyo, sila'y magsisipamanhik sa iyo, na mangagsasabi, Tunay na ang Dios ay nasa iyo; at walang ibang Dios. 023 ISA 045 015 Katotohanang ikaw ay Dios na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas. 023 ISA 045 016 Sila'y mangapapahiya, oo, mangalilito silang lahat; sila'y magsisipasok sa pagkalito na magkakasama na mga manggagawa ng mga diosdiosan. 023 ISA 045 017 Nguni't ang Israel ay ililigtas ng Panginoon ng walang hanggang kaligtasan: kayo'y hindi mangapapahiya o mangalilito man magpakailan man. 023 ISA 045 018 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon; at wala nang iba. 023 ISA 045 019 Ako'y hindi nagsalita ng lihim, sa dako ng lupain ng kadiliman; hindi ako nagsabi sa lahi ni Jacob, Hanapin ninyo ako ng walang kabuluhan: akong Panginoon ay nagsasalita ng katuwiran, ako'y nagpapahayag ng mga bagay na matuwid. 023 ISA 045 020 Kayo'y mangagpipisan at magsiparito; magsilapit kayong magkakasama, kayong mga nakatanan sa mga bansa: sila'y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan, at nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas. 023 ISA 045 021 Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin. 023 ISA 045 022 Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin. 023 ISA 045 023 Ako'y sumumpa ng aking sarili, ang salita ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran, at hindi babalik, na sa akin ay luluhod ang bawa't tuhod, bawa't dila ay susumpa. 023 ISA 045 024 Sa Panginoon lamang, sasabihin ng isa tungkol sa akin, ang katuwiran at kalakasan: sa makatuwid baga'y sa kaniya magsisiparoon ang mga tao, at ang lahat na nagiinit laban sa kaniya ay mangapapahiya. 023 ISA 045 025 Sa Panginoon ay aariing ganap ang buong lahi ng Israel, at luluwalhati. 023 ISA 046 001 Si Bel ay nagpapatirapa, sa Nebo ay yumuyukod; ang kanilang mga diosdiosan ay pasan sa ibabaw ng mga hayop, at sa ibabaw ng mga baka: ang mga bagay na inyong daladalang inilibot ay mabigat na pasan sa pagod na hayop. 023 ISA 046 002 Sila'y yumuyukod, sila'y nangagpapatirapang magkakasama; hindi nila maiwasan ang pasan, kundi sila ma'y napapasok sa pagkabihag. 023 ISA 046 003 Inyong dinggin ako, Oh sangbahayan ni Jacob, at lahat na nalabi sa sangbahayan ni Israel, na kinalong ko mula sa tiyan, na dala mula sa bahay-bata: 023 ISA 046 004 At hanggang sa katandaan ay ako nga, at hanggang sa magka uban ay dadalhin kita; aking ginawa, at aking dadalhin; oo, aking dadalhin, at aking ililigtas. 023 ISA 046 005 Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya? 023 ISA 046 006 Sila'y dumudukot ng maraming ginto sa supot, at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila'y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios; sila'y nangagpapatirapa, oo, sila'y nagsisisamba. 023 ISA 046 007 Pinapasan nila siya sa balikat, dinadala nila siya, at inilalagay siya sa kaniyang dako, at siya'y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma'y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan. 023 ISA 046 008 Inyong alalahanin ito, at mangagpakalalake kayo: isaisip ninyo uli, Oh ninyong mga mananalangsang. 023 ISA 046 009 Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko; 023 ISA 046 010 Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan: 023 ISA 046 011 Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin. 023 ISA 046 012 Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran: 023 ISA 046 013 Aking inilalapit ang aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay hindi magluluwat: at aking ilalagay ang kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian. 023 ISA 047 001 Ikaw ay bumaba, at umupo sa alabok, Oh anak na dalaga ng Babilonia; lumagmak ka sa lupa na walang luklukan, Oh anak na babae ng mga Caldeo: sapagka't hindi ka na tatawaging maselang at mahinhin. 023 ISA 047 002 Ikaw ay kumuha ng gilingang mga bato, at gumiling ka ng harina; magalis ka ng iyong lambong, maghubad ka ng balabal, maglitaw ka ng binti, tumawid ka sa mga ilog. 023 ISA 047 003 Ang iyong kahubaran ay malilitaw, oo, ang iyong kahihiyan ay makikita, ako'y manghihiganti, at hindi tatangi ng tao. 023 ISA 047 004 Ang aming Manunubos, ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang pangalan niya, ang Banal ng Israel. 023 ISA 047 005 Maupo kang tahimik, at masok ka sa kadiliman, Oh anak na babae ng mga Caldeo: sapagka't hindi ka na tatawagin. Ang mahal na babae ng mga kaharian. 023 ISA 047 006 Ako'y napoot sa aking bayan, aking dinumhan ang aking mana, at ibinigay ko sa iyong kamay: hindi mo pinagpakitaan sila ng kaawaan; sa may katandaan ay pinabigat mong mainam ang iyong atang. 023 ISA 047 007 At iyong sinabi, Ako'y magiging mahal na babae magpakailan man: na anopa't hindi mo ginunita ang mga bagay na ito sa iyong kalooban, o inalaala mo man ang huling wakas nito. 023 ISA 047 008 Ngayon nga'y dinggin mo ito, ikaw na hinati sa mga kalayawan, na tumatahang matiwasay, na nagsasabi sa kaniyang puso, Ako nga, at walang iba liban sa akin; hindi ako uupong gaya ng babaing bao, o mararanasan man ang pagkawala ng mga anak: 023 ISA 047 009 Nguni't ang dalawang bagay na ito ay darating sa iyo sa isang sangdali, sa isang araw, ang pagkawala ng mga anak at pagkabao; sa kanilang karamihan ay darating sa iyo, sa karamihan ng iyong panggagaway, at sa totoong kasaganaan ng iyong mga enkanto. 023 ISA 047 010 Sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong kasamaan; iyong sinabi, Walang nakakakita sa akin; ang iyong karunungan at ang iyong kaalaman, nagpaligaw sa iyo: at iyong sinabi sa iyong puso, Ako nga, at walang iba liban sa akin. 023 ISA 047 011 Kaya't ang kasamaan ay darating sa iyo; hindi mo malalaman ang bukang liwayway niyaon: at kasakunaan ay sasapit sa iyo; hindi mo maaalis: at kagibaan ay darating sa iyong bigla, na hindi mo nalalaman. 023 ISA 047 012 Tumayo ka ngayon sa iyong mga enkanto, at sa karamihan ng iyong panggagaway, na iyong ginawa mula sa iyong kabataan: marahil makikinabang ka, marahil mananaig ka. 023 ISA 047 013 Ikaw ay yamot sa karamihan ng iyong mga payo: magsitayo ngayon ang nanganghuhula sa pamamagitan ng langit, at ng mga bituin, ang mga mangingilala ng tungkol sa buwan, at siyang magligtas sa iyo sa mga bagay na mangyayari sa iyo. 023 ISA 047 014 Narito, sila'y magiging gaya ng pinagputulan ng trigo; susunugin sila ng apoy; sila'y hindi makaliligtas sa bangis ng liyab: hindi babaga na mapagpapainitan, o magiging apoy na mauupuan sa harap. 023 ISA 047 015 Ganito mangyayari ang mga bagay sa iyo, na iyong ginawa: silang nangalakal sa iyo mula sa iyong kabinataan ay lalaboy bawa't isa ng kaniyang sariling lakad; walang magliligtas sa iyo. 023 ISA 048 001 Iyong dinggin ito, Oh sangbahayan ni Jacob, na tinatawag sa pangalan ng Israel, at nagsilabas sa bukal ng Juda; na nagsisumpa sa pangalan ng Panginoon, at nagsibanggit ng Dios ng Israel, nguni't hindi sa katotohanan, o sa katuwiran man. 023 ISA 048 002 (Sapagka't sila'y tinatawag ayon sa bayang banal, at nagsitiwala sa Dios ng Israel; ang Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang pangalan): 023 ISA 048 003 Aking ipinahayag ang mga dating bagay mula nang una; oo, yao'y lumabas sa aking bibig, at aking ipinakilala: biglang ginawa ko, at nangyari. 023 ISA 048 004 Sapagka't nakilala ko, na ikaw ay mapagmatigas, at ang iyong leeg ay parang litid na bakal, at ang iyong noo ay parang tanso: 023 ISA 048 005 Kaya't aking ipinahayag sa iyo mula nang una; bago nangyari ay ipinakilala ko sa iyo: baka iyong sabihin, Mga ginawa ng aking diosdiosan, at ang aking larawang inanyuan, at ang aking larawang binubo, nagutos sa kanila. 023 ISA 048 006 Iyong narinig; tingnan mong lahat ito; at kayo, hindi ba ninyo ipahahayag? Ako'y nagpakita sa iyo ng mga bagong bagay mula sa panahong ito, sa makatuwid baga'y mga kubling bagay na hindi mo naalaman. 023 ISA 048 007 Mga nalikha ngayon, at hindi mula nang una; at bago dumating ang araw na ito ay hindi mo nangarinig; baka iyong sabihin, Narito, aking nangaalaman. 023 ISA 048 008 Oo, hindi mo narinig; oo, hindi mo naalaman; oo, mula nang una ay hindi nabuksan ang iyong pakinig: sapagka't talastas ko na ikaw ay gumawa na totoong may kataksilan, at tinawag na mananalangsang mula sa bahay-bata. 023 ISA 048 009 Dahil sa aking pangalan ay aking iuurong ang aking galit, at dahil sa kapurihan ko ay aking ititigil, upang huwag kitang ihiwalay. 023 ISA 048 010 Narito dinalisay kita, nguni't hindi parang pilak; pinili kita sa hurno ng kadalamhatian. 023 ISA 048 011 Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; sapagka't, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba. 023 ISA 048 012 Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: Ako nga; ako ang una, ako rin ang huli. 023 ISA 048 013 Oo, ang aking kamay ay siyang naglagay ng patibayan ng lupa, at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit: pagka ako'y tumatawag sa kanila, sila'y nagsisitayong magkakasama. 023 ISA 048 014 Kayo'y magpipisan, kayong lahat, at inyong dinggin; sino sa kanila ang nagpahayag ng mga bagay na ito? Siyang iniibig ng Panginoon ay kaniyang tutuparin ang kaniyang kaligayahan sa Babilonia, at bubuhatin niya ang kaniyang kamay sa mga Caldeo. 023 ISA 048 015 Ako, ako nga'y nagsalita; oo, aking tinawag siya; aking dinala siya; at kaniyang pagiginhawahin ang kaniyang lakad. 023 ISA 048 016 Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu. 023 ISA 048 017 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng inyong Manunubos, ng Banal ng Israel, Ako ang Panginoon mong Dios, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran. 023 ISA 048 018 Oh kung dininig mo ang aking mga utos! ang iyo ngang kapayapaan ay naging parang ilog, at ang iyong katuwiran ay parang mga alon sa dagat: 023 ISA 048 019 Ang iyo namang lahi ay naging parang buhangin at ang suwi ng iyong tiyan ay parang mga butil niyaon: ang kaniyang pangalan ay hindi mahihiwalay o magigiba man sa harap ko. 023 ISA 048 020 Kayo'y magsilabas sa Babilonia, inyong takasan ang mga Caldeo; kayo'y mangagpahayag na may tinig ng awitan, inyong saysayin ito, itanyag ninyo hanggang sa wakas ng lupa: inyong sabihin, Tinubos ng Panginoon ang Jacob na kaniyang lingkod. 023 ISA 048 021 At sila'y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan niya sila sa mga ilang; kaniyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila; kaniyang ginuwangan din naman ang bato, at ang tubig ay bumukal. 023 ISA 048 022 Walang kapayapaan sa masama, sabi ng Panginoon. 023 ISA 049 001 Kayo'y magsipakinig sa akin, Oh mga pulo; at inyong pakinggan, ninyong mga bayan, sa malayo: tinawag ako ng Panginoon mula sa bahay-bata; mula sa bahay-bata ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan: 023 ISA 049 002 At kaniyang ginawa ang aking bibig na parang matalas na tabak; sa lilim ng kaniyang kamay ay ikinubli niya ako: at ginawa niya akong makinang na pana; sa kaniyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako: 023 ISA 049 003 At sinabi niya sa akin, Ikaw ay aking lingkod; Israel, na siyang aking ikaluluwalhati. 023 ISA 049 004 Nguni't aking sinabi, Ako'y gumawang walang kabuluhan, aking ginugol ang aking lakas sa wala, at sa walang kabuluhan; gayon ma'y tunay na ang kahatulan sa akin ay nasa Panginoon, at ang kagantihan sa akin ay nasa aking Dios. 023 ISA 049 005 At ngayo'y sinasabi ng Panginoon na naganyo sa akin mula sa bahay-bata upang maging kaniyang lingkod, upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya, at ang Israel ay mapisan sa kaniya: (sapagka't ako'y marangal sa mga mata ng Panginoon, at ang aking Dios ay naging aking kalakasan; ) 023 ISA 049 006 Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa. 023 ISA 049 007 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Manunubos ng Israel, na kaniyang Banal, doon sa hinahamak ng tao, doon sa kinayayamutan ng bansa, sa lingkod ng mga pinuno, Ang mga hari at ang mga pangulo, ay mangakakakita at magsisibangon, at sila'y magsisisamba; dahil sa Panginoon na tapat, sa Banal ng Israel, na siyang pumili sa iyo. 023 ISA 049 008 Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa kalugodlugod na panahon ay sinagot kita, at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita: at aking iningatan ka, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, upang ibangon ang lupain, upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana; 023 ISA 049 009 Na nagsasabi sa kanilang nangabibilanggo, Kayo'y magsilabas; sa kanilang nangasa kadiliman, Pakita kayo. Sila'y magsisikain sa mga daan, at ang lahat na luwal na kaitaasan ay magiging kanilang pastulan. 023 ISA 049 010 Sila'y hindi mangagugutom, o mangauuhaw man; at hindi man sila mangapapaso ng init, o ng araw man: sapagka't siyang may awa sa kanila ay papatnubay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa tabi ng mga bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila. 023 ISA 049 011 At aking gagawing daan ang lahat ng aking mga bundok, at ang aking mga lansangan ay patataasin. 023 ISA 049 012 Narito, ang mga ito'y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim. 023 ISA 049 013 Ikaw ay umawit, Oh langit; at magalak, Oh lupa; at kayo'y biglang magsiawit, Oh mga bundok: sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, at mahahabag sa kaniyang nagdadalamhati. 023 ISA 049 014 Nguni't sinabi ng Sion, Pinabayaan ako ni Jehova, at nilimot ako ng Panginoon. 023 ISA 049 015 Malilimutan ba ng babae ang kaniyang batang pasusuhin; na siya'y hindi mahahabag sa anak ng kaniyang bahay-bata? oo, ito'y makalilimot, nguni't hindi kita kalilimutan. 023 ISA 049 016 Narito aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay; ang iyong mga kuta ay laging nangasa harap ko. 023 ISA 049 017 Ang iyong mga anak ay mangagmamadali; ang mga manghahamak sa iyo at ang sumisira sa iyo ay aalis sa iyo. 023 ISA 049 018 Imulat mo ang iyong mga mata sa palibot, at tingnan mo: lahat ng mga ito ay nagpipipisan, at naparirito sa iyo. Buhay ako, sabi ng Panginoon, ikaw ay mabibihisan ng lahat ng mga yaon, na parang pinakagayak, at mabibigkisan ka ng mga yaon na parang isang kasintahang babae. 023 ISA 049 019 Sapagka't tungkol sa iyong mga sira at sa iyong mga gibang dako at sa iyong lupain na nawasak, tunay na ikaw ngayon ay magiging totoong napakakipot sa mga mananahan, at silang nagsisisakmal sa iyo ay mangalalayo. 023 ISA 049 020 Ang mga anak ng inyong kapanglawan ay mangagsasabi pa sa iyong mga pakinig, Ang dako ay totoong makipot sa ganang akin: bigyan mo ako ng dako upang aking matahanan. 023 ISA 049 021 Kung magkagayo'y sasabihin mo sa iyong sarili, Sinong nanganak ng mga ito sa akin, dangang nawalan ako ng aking mga anak, at ako'y nagiisa, tapon, at lumalaboy na paroo't parito? at sinong nagpalaki ng mga ito? Narito, ako'y naiwang magisa; mga ito, saan nangandoon? 023 ISA 049 022 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking ikakaway ang aking kamay sa mga bansa, at itatayo ko ang aking watawat sa mga bayan; at sila'y kakalong ng iyong mga anak na lalake sa kanilang sinapupunan, at ang iyong mga anak na babae ay papasanin ng kanilang mga balikat. 023 ISA 049 023 At mga hari ang magiging iyong mga taga kandiling ama, at ang kanilang mga reina, ay iyong mga taga kandiling ina: sila'y magsisiyukod sa iyo ng kanilang mga mukha sa lupa, at hihimuran ang alabok ng inyong mga paa: at iyong makikilala, na ako ang Panginoon, at ang nangaghihintay sa akin ay hindi mangapapahiya. 023 ISA 049 024 Makukuha baga ang huli sa makapangyarihan, o maliligtas ang mga talagang nabihag? 023 ISA 049 025 Nguni't ganito ang sabi ng Panginoon, Pati ng mga bihag ng makapangyarihan ay kukunin, at ang huli ng kakilakilabot ay maliligtas; sapagka't ako'y makikipaglaban sa kaniya na nakikipaglaban sa iyo, at aking ililigtas ang iyong mga anak. 023 ISA 049 026 At aking pakakanin silang nagsisipighati sa iyo ng kanilang sariling laman; at sila'y mangalalango ng kanilang sariling dugo, na gaya ng matamis na alak: at makikilala ng lahat ng tao, na akong Panginoon ay iyong Tagapagligtas, at iyong Manunubos, na Makapangyarihan ng Jacob. 023 ISA 050 001 Ganito ang sabi ng Panginoon, Saan nandoon ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina, na aking ipinaghiwalay sa kaniya? o sa kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita? Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay naipagbili kayo, at dahil sa inyong mga pagsalangsang ay nahiwalay ang inyong ina. 023 ISA 050 002 Bakit, nang ako'y parito, ay walang tao? nang ako'y tumawag, ay walang sumagot? naging maiksi na baga ang aking kamay na hindi makatubos? o wala akong kapangyarihang makapagligtas? Narito, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat, aking pinapaging ilang ang mga ilog: ang kanilang isda ay bumabaho, sapagka't walang tubig, at namamatay dahil sa uhaw. 023 ISA 050 003 Aking binibihisan ng kaitiman ang langit at aking ginagawang kayong magaspang ang kaniyang takip. 023 ISA 050 004 Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan. 023 ISA 050 005 Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig, at ako'y hindi naging mapanghimagsik, o tumalikod man. 023 ISA 050 006 Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura. 023 ISA 050 007 Sapagka't tutulungan ako ng Panginoong Dios; kaya't hindi ako nalito: kaya't inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian, at talastas ko na hindi ako mapapahiya. 023 ISA 050 008 Siya'y malapit na nagpapatotoo sa akin; sinong makikipaglaban sa akin? tayo'y magsitayong magkakasama: sino ang aking kaaway? bayaang lumapit siya sa akin. 023 ISA 050 009 Narito, tutulungan ako ng Panginoong Dios; sino siya na hahatol sa akin? narito, silang lahat ay mangalulumang parang bihisan; lalamunin sila ng tanga. 023 ISA 050 010 Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, at umasa sa kaniyang Dios. 023 ISA 050 011 Narito, kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy, na kumukubkob ng mga sulo: magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy, at sa gitna ng mga sulo na inyong pinagalab. Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay; kayo'y hihiga sa kapanglawan. 023 ISA 051 001 Kayo'y magsipakinig sa akin, kayong nagsisisunod sa katuwiran, kayong nagsisihanap sa Panginoon: magsitingin kayo sa malaking bato na inyong kinaputulan, at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa inyo. 023 ISA 051 002 Tingnan ninyo si Abraham na inyong ama, at si Sara na nanganak sa inyo; sapagka't nang siya'y iisa ay tinawag ko siya, at aking pinagpala siya, at aking pinarami siya. 023 ISA 051 003 Sapagka't inaliw ng Panginoon ang Sion; kaniyang pinasaya ang lahat niyang sirang dako, at ginawa niyang parang Eden ang kaniyang ilang, at ang kaniyang lupang masukal ay parang halamanan ng Panginoon; kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon, pagpapasalamat, at tinig na mainam. 023 ISA 051 004 Makinig ka sa akin, Oh bayan ko; at pakinggan mo ako, Oh bansa ko: sapagka't isang kautusan ay magmumula sa akin, at ang aking kahatulan ay gagawin kong pinakaliwanag sa mga bayan. 023 ISA 051 005 Ang katuwiran ko ay malapit, ang aking pagliligtas ay lumabas, at hahatol ang aking mga bisig sa mga bayan; ang mga pulo ay magsisipaghintay sa akin, at sa aking bisig ay magsisitiwala sila. 023 ISA 051 006 Itingin ninyo ang inyong mga mata sa mga langit, at magsitungo kayo sa lupa sa ibaba; sapagka't ang mga langit ay mapapawing parang usok, at ang lupa ay malulumang parang bihisan; at silang nagsisitahan doon ay mangamamatay ng gayon ding paraan: nguni't ang pagliligtas ko ay magpakailan man, at ang aking katuwiran ay hindi mawawakasan. 023 ISA 051 007 Inyong pakinggan ako, ninyong nakakaalam ng katuwiran, bayan na ang puso ay kinaroonan ng aking kautusan; huwag ninyong katakutan ang pula ng mga tao, o manglupaypay man kayo sa kanilang mga paglait. 023 ISA 051 008 Sapagka't sila'y lalamunin ng tanga na parang bihisan, at kakanin sila ng uod na parang bihisan na balahibo ng tupa; nguni't ang aking katuwiran ay magiging magpakailan man, at ang aking pagliligtas ay sa lahat ng sali't saling lahi. 023 ISA 051 009 Gumising ka, gumising ka, magbihis ka ng kalakasan, Oh bisig ng Panginoon; gumising ka na gaya nang kaarawan noong una, nang mga lahi ng mga dating panahon. Hindi baga ikaw ang pumutol ng Rahab, na sumaksak sa buwaya? 023 ISA 051 010 Hindi baga ikaw ang tumuyo sa dagat, sa tubig ng malaking kalaliman; na iyong pinapaging daan ang kalaliman ng dagat upang daanan ng natubos? 023 ISA 051 011 At ang mga tinubos ng Panginoon ay magsisibalik, at magsisiparoong may awitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay sasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan; at ang kapanglawan at pagbubungtong-hininga ay tatakas. 023 ISA 051 012 Ako, ako nga, ay siyang umaaliw sa inyo: sino ka na natatakot sa tao na mamamatay at sa anak ng tao na gagawing parang damo; 023 ISA 051 013 At iyong kinalimutan ang Panginoon na May-lalang sa iyo, na nagladlad ng mga langit, at naglalagay ng mga patibayan ng lupa; at ikaw ay natatakot na lagi buong araw dahil sa pusok ng mamimighati, pagka siya'y nagmamadali upang gumiba? at saan nandoon ang pusok ng mamimighati? 023 ISA 051 014 Ang bihag na tapon ay madaling bibitawan; at hindi mamamatay at bababa sa hukay, o magkukulang man ang kaniyang tinapay. 023 ISA 051 015 Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, na nagpapahugong sa dagat, na ang mga alon niyao'y humuhugong: ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan. 023 ISA 051 016 At inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig, at tinakpan kita sa lilim ng aking kamay, upang aking mailadlad ang mga langit, at mailagay ang mga patibayan ng lupa, at magsabi sa Sion, Ikaw ay aking bayan. 023 ISA 051 017 Gumising ka, gumising ka, tumayo ka, Oh Jerusalem, na uminom ka sa kamay ng Panginoon sa saro ng kaniyang kapusukan; iyong ininuman ang saro ng pangpagiray, at iyong sinaid. 023 ISA 051 018 Walang pumatnubay sa kaniya sa lahat na anak na kaniyang ipinanganak; o may humawak man sa kaniya sa kamay sa lahat na anak na kaniyang pinalaki. 023 ISA 051 019 Ang dalawang bagay na ito ay nangyari sa iyo; sinong makikidamdam sa iyo? kagibaan, at kasiraan, at ang kagutom at ang tabak; paanong aaliwin kita? 023 ISA 051 020 Ang iyong mga anak ay nanganglupaypay, sila'y nangahihiga sa dulo ng lahat na lansangan, na gaya ng isang usa sa isang silo; sila'y puspos ng kapusukan ng Panginoon, ng saway ng iyong Dios. 023 ISA 051 021 Kaya't pakinggan mo ito ngayon, ikaw na nagdadalamhati, at lango, nguni't hindi ng alak: 023 ISA 051 022 Ganito ang sabi ng iyong Panginoon na Jehova, at ng iyong Dios na nagsasanggalang ng usap ng kaniyang bayan, Narito, aking inalis sa iyong kamay ang saro na pangpagiray, ang saro nga ng aking kapusukan; hindi ka na iinom pa: 023 ISA 051 023 At aking ilalagay sa kamay nila na nagsisidalamhati sa iyo, na nakapagsabi sa iyong kaluluwa, Ikaw ay dumapa upang kami ay dumaan, at iyong inilagpak ang iyong likod na parang lupa, at parang lansangan sa kanilang nagdaraan. 023 ISA 052 001 Gumising ka, gumising ka, magsuot ka ng iyong kalakasan, Oh Sion; magsuot ka ng iyong mga magandang damit, Oh Jerusalem, na bayang banal: sapagka't mula ngayo'y hindi na papasok pa sa iyo ang hindi tuli at ang marumi. 023 ISA 052 002 Magpagpag ka ng alabok; ikaw ay bumangon, umupo ka sa iyong luklukan, Oh Jerusalem: magkalag ka ng mga tali ng iyong leeg, Oh bihag na anak na babae ng Sion. 023 ISA 052 003 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y naipagbili sa wala; at kayo'y matutubos ng walang salapi. 023 ISA 052 004 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang bayan ko ay bumaba noong una sa Egipto upang makipamayan doon: at pinighati sila ng mga taga Asiria ng walang kadahilanan. 023 ISA 052 005 Ngayon nga, anong ginagawa ko rito, sabi ng Panginoon, yamang ang aking bayan ay dinala ng walang anoano? silang nangagpupuno sa kanila ay nagsisiungal, sabi ng Panginoon, at ang aking pangalan ay natutungayaw na lagi buong araw, 023 ISA 052 006 Kaya't makikilala ng aking bayan ang aking pangalan: kaya't matatalastas nila sa araw na yaon, na ako yaong nagsasalita; narito, ako nga. 023 ISA 052 007 Anong pagkaganda sa mga bundok ng mga paa niyaong nagdadala ng mga mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan, na nangagdadala ng mga mabuting balita sa ikabubuti, na nagtatanyag ng kaligtasan, na nagsasabi sa Sion, Ang iyong Dios ay naghahari! 023 ISA 052 008 Ang tinig ng iyong mga bantay! sila'y naglalakas ng tinig, na magkakasamang nagsisiawit; sapagka't sila'y makakakita ng mukhaan pagka ang Panginoon ay bumalik sa Sion. 023 ISA 052 009 Kayo'y magbiglang magalak, kayo'y magsiawit na magkakasama, kayong mga sirang dako ng Jerusalem; sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, kaniyang tinubos ang Jerusalem. 023 ISA 052 010 Hinubdan ng Panginoon ang kaniyang banal na bisig sa harap ng mga mata ng lahat na bansa; at makikita ng lahat na wakas ng lupa ang pagliligtas ng ating Dios. 023 ISA 052 011 Kayo'y magsiyaon, kayo'y magsiyaon, kayo'y magsialis doon, huwag kayong magsisihipo ng maruming bagay; kayo'y magsilabas sa gitna niya; kayo'y mangagpakalinis, kayong nangagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon. 023 ISA 052 012 Sapagka't kayo'y hindi magsisilabas na nagmamadali, o magsisilabas man kayo na takas: sapagka't ang Panginoon ay magpapauna sa inyo; at ang Dios ng Israel ay magiging inyong bantay likod. 023 ISA 052 013 Narito, ang lingkod ko ay gagawang may karunungan, siya'y mabubunyi, at malalagay na mataas, at magiging napakataas. 023 ISA 052 014 Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo (ang kaniyang mukha ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao), 023 ISA 052 015 Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya: sapagka't ang hindi nasaysay sa kanila ay kanilang makikita; at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa. 023 ISA 053 001 Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? 023 ISA 053 002 Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya. 023 ISA 053 003 Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya. 023 ISA 053 004 Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. 023 ISA 053 005 Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. 023 ISA 053 006 Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat. 023 ISA 053 007 Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig. 023 ISA 053 008 Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya. 023 ISA 053 009 At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig. 023 ISA 053 010 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay. 023 ISA 053 011 Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan. 023 ISA 053 012 Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at namagitan sa mga mananalangsang. 023 ISA 054 001 Umawit ka, Oh baog, ikaw na hindi nanganak; ikaw ay magbiglang umawit, at humiyaw ng malakas, ikaw na hindi nagdamdam ng panganganak: sapagka't higit ang mga anak ng binawaan kay sa mga anak ng may asawa, sabi ng Panginoon. 023 ISA 054 002 Iyong palakhin ang dako ng iyong tolda, at maladlad ang mga tabing ng iyong mga tahanan; huwag kang magurong: habaan mo ang iyong mga lubid, at patibayin mo ang iyong mga tulos. 023 ISA 054 003 Sapagka't ikaw ay lalago sa kanan at sa kaliwa; at ang iyong lahi ay magaari ng mga bansa, at patatahanan ang mga gibang bayan. 023 ISA 054 004 Huwag kang matakot; sapagka't ikaw ay hindi mapapahiya: o malilito ka man; sapagka't hindi ka malalagay sa kahihiyan: sapagka't iyong kalilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan, at ang pula sa iyong pagkabao ay hindi mo maaalaala pa. 023 ISA 054 005 Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay iyong asawa; ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siya. 023 ISA 054 006 Sapagka't tinawag ka ng Panginoon na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban, parang asawa ng kabataan, pagka siya'y itinatakuwil, sabi ng iyong Dios. 023 ISA 054 007 Sa sangdaling-sangdali ay kinalimutan kita; nguni't pipisanin kita sa pamamagitan ng mga malaking kaawaan. 023 ISA 054 008 Sa kaunting pagiinit ay ikinubli ko ang aking mukha sa iyo sa isang sangdali; nguni't kinaawaan kita sa pamamagitan ng walang hanggang kagandahang-loob, sabi ng Panginoon, na iyong Manunubos. 023 ISA 054 009 Sapagka't ito ay parang tubig ng panahon ni Noe sa akin; sapagka't kung paanong ako'y sumumpa, na ang tubig ng panahon ni Noe ay hindi na aahon pa sa lupa, gayon ako'y sumumpa na hindi ako magiinit sa iyo, o sasaway sa iyo. 023 ISA 054 010 Sapagka't ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo. 023 ISA 054 011 Oh ikaw na nagdadalamhati, na pinapaspas ng bagyo, at hindi naaaliw, narito, aking ilalagay ang iyong mga bato na may magandang mga kulay, at ilalapag ko ang iyong mga patibayan na may mga zafiro. 023 ISA 054 012 At gagawin kong mga rubi ang iyong mga dungawan, at mga karbungko ang iyong mga pintuang-bayan, at mga mahahalagang bato ang iyong lahat na hangganan. 023 ISA 054 013 At lahat mong anak ay tuturuan ng Panginoon; at magiging malaki ang kapayapaan ng iyong mga anak. 023 ISA 054 014 Sa katuwiran ay matatatag ka: ikaw ay malalayo sa kapighatian sapagka't yao'y hindi mo katatakutan; at sa kakilabutan, sapagka't hindi lalapit sa iyo. 023 ISA 054 015 Narito, sila'y magkakapisan, nguni't hindi sa pamamagitan ko: sinomang magpipisan laban sa iyo ay mabubuwal dahil sa iyo. 023 ISA 054 016 Narito, aking nilalang ang panday na humihihip sa mga baga, at naglalabas ng kasangkapan para sa kaniyang gawa; at aking nilalang ang manglilipol upang manglipol. 023 ISA 054 017 Walang almas na ginawa laban sa iyo ay pakikinabangan at bawa't dila na gagalaw laban sa iyo sa kahatulan ay iyong hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon, at ang katuwiran nila ay sa akin, sabi ng Panginoon. 023 ISA 055 001 Oh lahat na nangauuhaw, magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi; magsiparito kayo, kayo'y magsibili, at magsikain; oo, kayo'y magsiparito, kayo'y magsibili ng alak at gatas ng walang salapi at walang bayad. 023 ISA 055 002 Ano't kayo'y nangaggugugol ng salapi sa hindi pagkain? at ng inyong gawa sa hindi nakabubusog? inyong pakinggan ako, at magsikain kayo ng mabuti, at mangalugod kayo sa katabaan. 023 ISA 055 003 Inyong ikiling ang inyong tainga, at magsiparito kayo sa akin; kayo'y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay: at ako'y makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan, sa makatuwid baga'y ng tunay na mga kaawaan ni David. 023 ISA 055 004 Narito, ibinigay ko siya na pinakasaksi sa mga bayan, na patnubay at tagapagutos sa mga bayan. 023 ISA 055 005 Narito, ikaw ay tatawag ng bansa na hindi mo nakikilala; at bansa na hindi ka nakikilala ay tatakbo sa iyo, dahil sa Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel; sapagka't kaniyang niluwalhati ka. 023 ISA 055 006 Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit: 023 ISA 055 007 Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka't siya'y magpapatawad ng sagana. 023 ISA 055 008 Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon. 023 ISA 055 009 Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip. 023 ISA 055 010 Sapagka't kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa langit, at hindi bumabalik doon, kundi dinidilig ang lupa, at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman, at nagbibigay ng binhi sa maghahasik at pagkain sa mangangain; 023 ISA 055 011 Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan. 023 ISA 055 012 Sapagka't kayo'y magsisilabas na may kagalakan, at papatnubayang may kapayapaan: ang mga bundok at ang mga burol ay magsisibulas ng pagawit sa harap ninyo, at ipapakpak ng lahat na punong kahoy sa parang ang kanilang mga kamay. 023 ISA 055 013 Kahalili ng tinik ay tutubo ang puno ng abeto; at kahalili ng dawag ay tutubo ang arayan: at sa Panginoon ay magiging pinaka pangalan, pinaka walang hanggang tanda na hindi mapaparam. 023 ISA 056 001 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y mangagingat ng kahatulan, at magsigawa ng katuwiran; sapagka't ang aking pagliligtas ay malapit nang darating, at ang aking katuwiran ay mahahayag. 023 ISA 056 002 Mapalad ang taong gumagawa nito, at ang anak ng tao na nanghahawak dito; na nangingilin ng sabbath upang huwag lapastanganin, at nagiingat ng kaniyang kamay sa paggawa ng anomang kasamaan. 023 ISA 056 003 At huwag ding magsalita ang taga ibang lupa, na nalakip sa Panginoon, na magsasabi, Tunay na ihihiwalay ako ng Panginoon sa kaniyang bayan; at huwag ding magsabi ang bating, Narito, ako'y punong kahoy na tuyo. 023 ISA 056 004 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga bating na nangingilin ng aking mga sabbath, at pumipili ng mga bagay na nakalulugod sa akin, at nagiingat ng aking tipan: 023 ISA 056 005 Sila'y bibigyan ko sa aking bahay at sa loob ng aking mga kuta, ng alaala at pangalan na maigi kay sa mga anak na lalake at babae; aking bibigyan sila ng walang hanggang pangalan, na hindi mapaparam. 023 ISA 056 006 Gayon din ang mga taga ibang lupa, na nakikilakip sa Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang maging kaniyang mga lingkod, bawa't nangingilin ng sabbath upang huwag lapastangin, at nagiingat ng aking tipan; 023 ISA 056 007 Sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok, at papagkakatuwain ko sila sa aking bahay na dalanginan: ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana; sapagka't ang aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan. 023 ISA 056 008 Ang Panginoong Dios na pumipisan ng mga itinapon sa Israel ay nagsasabi, Magpipisan pa ako ng mga iba sa kaniya, bukod sa kaniyang sarili na nangapisan. 023 ISA 056 009 Kayong lahat na mga hayop sa parang, kayo'y magsiparitong lumamon, oo, kayong lahat na mga hayop sa gubat. 023 ISA 056 010 Ang kaniyang mga bantay ay mga bulag, silang lahat ay walang kaalaman; silang lahat ay mga piping aso, sila'y hindi makatahol; mapanaginipin, mapaghiga, maibigin sa pagidlip. 023 ISA 056 011 Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang. 023 ISA 056 012 Kayo'y magsiparito, sabi nila, ako'y magdadala ng alak, at magpatid-uhaw tayo sa matapang na inumin; at bukas ay magiging gaya ng araw na ito, dakilang araw, na walang kapantay. 023 ISA 057 001 Ang matuwid na namamatay, at walang taong nagdadamdam; at mga taong mahabagin ay pumapanaw, walang gumugunita na ang matuwid ay naalis sa kasamaan na darating. 023 ISA 057 002 Siya'y nanasok sa kapayapaan; sila'y nagpapahinga sa kanilang mga higaan bawa't lumalakad sa kaniyang katuwiran. 023 ISA 057 003 Nguni't magsilapit kayo rito, kayong mga anak ng babaing manghuhula, na lahi ng mangangalunya at ng patutot. 023 ISA 057 004 Laban kanino nakipagaglahian kayo? laban kanino nagluluwang kayo ng bibig, at naglalawit ng dila? hindi baga kayo mga anak ng pagsalangsang, lahing sinungaling, 023 ISA 057 005 Kayong mga nangagaalab sa inyong sarili sa gitna ng mga encina, sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy; na pumapatay ng mga anak sa mga libis, sa mga bitak ng mga bato sa mga bangin? 023 ISA 057 006 Nasa gitna ng mga makinis na bato sa libis ang iyong bahagi; sila, sila ang iyong bahagi; sa kanila ka nga nagbuhos ng inuming handog, ikaw ay naghandog ng alay. Matatahimik baga ako sa mga bagay na ito? 023 ISA 057 007 Sa isang mataas at matayog na bundok ay inilagay mo ang iyong higaan; doon ka naman sumampa upang maghandog ng hain. 023 ISA 057 008 At sa likod ng mga pintuan at ng mga tukod ay itinaas mo ang iyong alaala: sapagka't ikaw ay nagpakahubad sa iba kay sa akin, at ikaw ay sumampa; iyong pinalaki ang iyong higaan, at nakipagtipan ka sa kanila: iyong inibig ang kanilang higaan saan mo man makita. 023 ISA 057 009 At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis, at iyong pinarami ang iyong mga pabango, at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo, at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol. 023 ISA 057 010 Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad; gayon ma'y hindi mo sinabi, Walang kabuluhan: ikaw ay nakasumpong ng kabuhayan ng iyong lakas; kaya't hindi ka nanglupaypay. 023 ISA 057 011 At kanino ka nangilabot at natakot, na ikaw ay nagsisinungaling, at hindi mo ako inalaala, o dinamdam mo man? hindi baga ako tumahimik na malaong panahon, at hindi mo ako kinatatakutan. 023 ISA 057 012 Aking ipahahayag ang iyong katuwiran; at tungkol sa iyong mga gawa, ang mga yaong hindi makikinabang sa iyo. 023 ISA 057 013 Pagka ikaw ay humihiyaw, iligtas ka nila na iyong pinisan; nguni't tatangayin sila ng hangin, isang hinga ay tatangay sa kanila: nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay magaari ng lupain, at magmamana ng aking banal na bundok. 023 ISA 057 014 At kaniyang sasabihin, inyong patagin, inyong patagin, inyong ihanda ang lansangan, inyong alisin ang katitisuran sa lansangan ng aking bayan. 023 ISA 057 015 Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi. 023 ISA 057 016 Sapagka't hindi ako makikipagtalo magpakailan man, o mapopoot man akong lagi; sapagka't ang diwa ay manglulupaypay sa harap ko, at ang mga kaluluwa na aking ginawa. 023 ISA 057 017 Dahil sa kasamaan ng kaniyang kasakiman ay napoot ako, at sinaktan ko siya; aking ikinubli ang aking mukha at ako'y napoot; at siya'y yumaong nanghimagsik ng lakad ng kaniyang puso. 023 ISA 057 018 Aking nakita ang kaniyang mga lakad, at pagagalingin ko siya; akin ding papatnubayan siya, at bibigyan ko ng mga kaaliwan siya, at ang kaniyang nangananangis. 023 ISA 057 019 Aking nililikha ang bunga ng mga labi: Kapayapaan, kapayapaan, sa kaniya na malayo at sa kaniya na malapit, sabi ng Panginoon; at aking pagagalingin siya. 023 ISA 057 020 Nguni't ang masama ay parang maunos na dagat; sapagka't hindi maaring humusay, at ang kaniyang tubig ay umaalimbukay ng burak at dumi. 023 ISA 057 021 Walang kapayapaan, sabi ng aking Dios, sa mga masama. 023 ISA 058 001 Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan. 023 ISA 058 002 Gayon ma'y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Dios, hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran; sila'y nangalulugod na magsilapit sa Dios. 023 ISA 058 003 Ano't kami ay nangagayuno, sabi nila, at hindi mo nakikita? ano't aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin? Narito, sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa. 023 ISA 058 004 Narito, kayo'y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo, at upang manakit ng suntok ng kasamaan: hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito, upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas. 023 ISA 058 005 Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon? 023 ISA 058 006 Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang? 023 ISA 058 007 Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao? 023 ISA 058 008 Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod. 023 ISA 058 009 Kung magkagayo'y tatawag ka, at ang Panginoon ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako. Kung iyong alisin sa gitna mo ang atang, ang pagtuturo, at ang pagsasalita ng masama: 023 ISA 058 010 At kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat; 023 ISA 058 011 At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat. 023 ISA 058 012 At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan. 023 ISA 058 013 Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita: 023 ISA 058 014 Kung magkagayo'y malulugod ka nga sa Panginoon; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon. 023 ISA 059 001 Narito, ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig. 023 ISA 059 002 Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya'y huwag makinig. 023 ISA 059 003 Sapagka't ang inyong mga kamay ay nadumhan ng dugo, at ang inyong mga daliri ng kasamaan; ang inyong mga labi ay nangagsalita ng mga kasinungalingan, ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan. 023 ISA 059 004 Walang dumadaing ng katuwiran at walang nanananggalang ng katotohanan: sila'y nagsisitiwala sa walang kabuluhan, at nangagsasalita ng mga kasinungalingan; sila'y nangaglilihi ng kalikuan, at nanganganak ng kasamaan. 023 ISA 059 005 Sila'y pumipisa ng mga itlog ng ahas, at gumagawa ng bahay gagamba: ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay; at ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong. 023 ISA 059 006 Ang kanilang mga bahay gagamba ay hindi magiging mga kasuutan, o magsusuot man sila ng kanilang mga gawa: ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan, at ang kilos ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay. 023 ISA 059 007 Tinatakbo ng kanilang mga paa ang kasamaan, at sila'y nangagmamadaling magbubo ng walang salang dugo: ang kanilang mga pagiisip ay mga pagiisip ng kasamaan; kawasakan at kagibaan ay nasa kanilang mga landas. 023 ISA 059 008 Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman: at walang kahatulan sa kanilang mga lakad: sila'y nagsigawa para sa kanila ng mga likong landas; sinomang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan. 023 ISA 059 009 Kaya't ang kahatulan ay malayo sa amin, o umaabot man sa amin ang katuwiran: kami'y nagsisihanap ng liwanag, nguni't narito, kadiliman; ng kaliwanagan, nguni't nagsisilakad kami sa kadiliman. 023 ISA 059 010 Kami'y nagsisikapa sa bakod na parang bulag, oo, kami'y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata: kami'y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi; sa gitna ng mga malakas, kami'y parang mga patay. 023 ISA 059 011 Kaming lahat ay nagsisiungol na parang mga oso, at lubhang dumadaing na parang mga kalapati: kami'y nagsisihanap ng kahatulan, nguni't wala; ng kaligtasan, nguni't malayo sa amin. 023 ISA 059 012 Sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay dumami sa harap mo, at ang aming mga kasalanan ay nagpapatotoo laban sa amin; sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay sumasaamin, at tungkol sa aming mga kasamaan ay nababatid namin. 023 ISA 059 013 Pagsalangsang at pagsisinungaling sa Panginoon at sa pagtigil ng pagsunod sa aming Dios, sa pagsasalita ng pagpighati at panghihimagsik, sa pagaakala at paghango sa puso ng mga salitang kasinungalingan. 023 ISA 059 014 At ang kahatulan ay tumatalikod, at ang katuwiran ay tumatayo sa malayo; sapagka't ang katotohanan ay nahulog sa lansangan, at ang karampatan ay hindi makapasok. 023 ISA 059 015 Oo, ang katotohanan ay nagkukulang, at siyang humihiwalay sa kasamaan ay nagiging sa kaniyang sarili na huli. At nakita ng Panginoon, at isinama ng kaniyang loob na walang kahatulan. 023 ISA 059 016 At kaniyang nakita na walang tao, at namangha na walang tagapamagitan: kaya't ang kaniyang sariling bisig ay nagdala ng kaligtasan sa kaniya; at ang kaniyang katuwiran ay umalalay sa kaniya. 023 ISA 059 017 At siya'y nagsuot ng katuwiran na wari sapyaw, at ng turbante ng kaligtasan sa kaniyang ulo at siya'y nagsuot ng mga bihisan ng panghihiganti na pinakadamit, at nagbihis ng sikap na wari balabal. 023 ISA 059 018 Ayon sa kanilang mga gawa, ay gayon niya gagantihin, pusok ng loob sa kaniyang mga kaaway, kagantihan sa kaniyang mga kaalit; sa mga pulo ay gaganti siya ng kagantihan. 023 ISA 059 019 Sa gayo'y katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kalunuran, at ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw sapagka't siya'y darating na parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon. 023 ISA 059 020 At isang Manunubos ay paroroon sa Sion, at sa kanila, na nangaghihiwalay sa Jacob ng pagsalangsang, sabi ng Panginoon. 023 ISA 059 021 At tungkol sa akin, ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng Panginoon: ang aking Espiritu na nasa iyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailan pa man. 023 ISA 060 001 Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka't ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo. 023 ISA 060 002 Sapagka't narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: nguni't ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo. 023 ISA 060 003 At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat. 023 ISA 060 004 Imulat mo ang iyong mata sa palibot, at ikaw ay tumingin: silang lahat ay nangagpipisan, sila'y nagsiparoon sa iyo: ang iyong mga anak na lalake ay mangagmumula sa malayo at ang iyong mga anak na babae ay kakalungin. 023 ISA 060 005 Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan ka, at ang iyong puso ay titibok at lalaki; sapagka't ang kasaganaan ng dagat ay mababalik sa iyo, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo. 023 ISA 060 006 Tatakpan ka ng karamihan ng kamelyo, ng mga dromedario sa Madian at sa Epha; magsisipanggaling na lahat mula sa Seba: mangagdadala ng ginto at kamangyan, at magtatanyag ng mga kapurihan ng Panginoon. 023 ISA 060 007 Lahat ng kawan sa Cedar ay mapipisan sa iyo, ang mga lalaking tupa sa Nebayoth ay mangahahain sa akin: sila'y kalugodlugod, na tatanggapin sa aking dambana, at aking luluwalhatiin ang bahay ng aking kaluwalhatian. 023 ISA 060 008 Sino ang mga ito na lumalakad na parang alapaap at parang mga kalapati sa kanilang mga dungawan? 023 ISA 060 009 Tunay na ang mga pulo ay mangaghihintay sa akin, at ang mga sasakyang dagat ng Tarsis ay siyang mangunguna, upang dalhin ang iyong mga anak mula sa malayo, ang kanilang pilak at kanilang ginto na kasama nila, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel, sapagka't kaniyang niluwalhati ka. 023 ISA 060 010 At itatayo ng mga taga ibang lupa ang iyong mga kuta, at ang kanilang mga hari ay magsisipangasiwa sa iyo: sapagka't sa aking poot ay sinaktan kita, nguni't sa aking biyaya ay naawa ako sa iyo. 023 ISA 060 011 Ang iyo namang mga pintuang-bayan ay mabubukas na lagi; hindi masasara sa araw o sa gabi man; upang ang mga tao ay mangagdala sa iyo ng kayamanan ng mga bansa, at ang kanilang mga hari ay makakasama nila. 023 ISA 060 012 Sapagka't yaong bansa at kaharian na hindi maglilingkod sa iyo ay mamamatay; oo, ang mga bansang yaon ay malilipol na lubos. 023 ISA 060 013 Ang kaluwalhatian ng Libano ay darating sa iyo, ang puno ng abeto, ng pino, at ng boj na magkakasama, upang pagandahin ang dako ng aking santuario; at aking gagawin ang dako ng aking mga paa na maluwalhati. 023 ISA 060 014 At ang mga anak nila na dumalamhati sa iyo ay magsisiparoong yuyuko sa iyo; at silang lahat na nagsisihamak sa iyo ay magpapatirapa sa mga talampakan ng iyong mga paa; at tatanawin ka nila Ang bayan ng Panginoon, Ang Sion ng Banal ng Israel. 023 ISA 060 015 Yamang ikaw ay napabayaan at ipinagtanim, na anopa't walang tao na dumadaan sa iyo, gagawin kitang walang hanggang karilagan, na kagalakan ng maraming sali't saling lahi. 023 ISA 060 016 Ikaw naman ay iinom ng gatas ng mga bansa, at sususo sa mga suso ng mga hari; at iyong malalaman na akong Panginoon ay Tagapagligtas sa iyo, at Manunubos sa iyo, Makapangyarihan ng Jacob. 023 ISA 060 017 Kahalili ng tanso ay magdadala ako ng ginto, at kahalili ng bakal ay magdadala ako ng pilak, at kahalili ng kahoy ay tanso, at kahalili ng mga bato ay bakal. Akin namang gagawin na iyong mga pinuno ang kapayapaan, at ang iyong mga maniningil ay katuwiran. 023 ISA 060 018 Karahasan ay hindi na maririnig sa iyong lupain, ni ang kawasakan o kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan; kundi tatawagin mo ang iyong mga kuta ng Kaligtasan, at ang iyong mga pintuang-bayan na Kapurihan. 023 ISA 060 019 Ang araw ay hindi na magiging iyong liwanag sa araw; o ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag: kundi ang Panginoon ay magiging sa iyo ay walang hanggang liwanag, at ang iyong Dios ay iyong kaluwalhatian. 023 ISA 060 020 Ang iyong araw ay hindi na lulubog, o ang iyo mang buwan ay lulubog; sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong walang hanggang liwanag, at ang mga kaarawan ng iyong pagtangis ay matatapos. 023 ISA 060 021 Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na lahat; sila'y mangagmamana ng lupain magpakailan man, ang sanga ng aking pananim, ang gawa ng aking mga kamay, upang ako'y luwalhatiin. 023 ISA 060 022 Ang munti ay magiging isang libo, at ang maliit ay magiging matibay na bansa: akong Panginoon, ay papapangyarihin kong madali sa kapanahunan. 023 ISA 061 001 Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo; 023 ISA 061 002 Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis; 023 ISA 061 003 Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion, upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran, na pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin. 023 ISA 061 004 At sila'y magtatayo ng mga dating sira, sila'y magbabangon ng mga dating giba, at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan, ang mga nagiba sa maraming sali't saling lahi. 023 ISA 061 005 At ang mga taga ibang lupa ay magsisitayo at mangagpapastol ng inyong mga kawan, at ang mga taga ibang lupa ay magiging inyong mga mangaararo at mangungubasan. 023 ISA 061 006 Nguni't kayo'y tatawaging mga saserdote ng Panginoon; tatawagin kayo ng mga tao na mga tagapangasiwa ng ating Dios: kayo'y magsikain ng kayamanan ng mga bansa, at sa kanilang kaluwalhatian ay mangagmamapuri kayo. 023 ISA 061 007 Kahalili ng inyong kahihiyan ay nagtatamo kayo ng ibayong karangalan; at kahalili ng pagkalito ay magagalak sila sa kanilang bahagi: kaya't sa kanilang lupain ay mangagaari sila ng ibayong kasaganaan, walang hanggang kagalakan ang mapapasa kanila. 023 ISA 061 008 Sapagka't ako, ang Panginoon, ay umiibig ng kahatulan, aking ipinagtatanim ang pagnanakaw sangpu ng kasamaan; at aking ibibigay sa kanila ang kanilang kagantihan sa katotohanan, at ako'y makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan. 023 ISA 061 009 At ang kanilang lahi makikilala sa gitna ng mga bansa, at ang kanilang lahi sa gitna ng mga bayan: lahat na nangakakakita sa kanila ay mangakakakilala sa kanila, na sila ang lahi na pinagpala ng Panginoon. 023 ISA 061 010 Ako'y magagalak na mainam sa Panginoon, ang aking kaluluwa ay magagalak sa aking Dios; sapagka't binihisan niya ako ng mga damit ng kaligtasan; kaniyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran, gaya ng kasintahang lalake na nagpuputong ng putong na bulaklak, at gaya ng kasintahang babae na naggagayak ng kaniyang mga hiyas. 023 ISA 061 011 Sapagka't kung paanong ang lupa'y nagsisibol ng pananim, at kung paanong ang halamanan ay nagsisibol ng mga bagay na natanim sa kaniya; gayon pasisibulin ng Panginoong Dios ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat na bansa. 023 ISA 062 001 Dahil sa Sion ay hindi ako tatahimik, at dahil sa Jerusalem ay hindi ako magpapahinga, hanggang sa ang kaniyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning, at ang kaniyang kaligtasan ay parang ilawan na nagniningas. 023 ISA 062 002 At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, at ng lahat na hari ang inyong kaluwalhatian; at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ng Panginoon. 023 ISA 062 003 Ikaw naman ay magiging putong ng kagandahan sa kamay ng Panginoon, at diademang hari sa kamay ng iyong Dios. 023 ISA 062 004 Hindi ka na tatawagin pang Pinabayaan; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na Giba: kundi ikaw ay tatawaging Hephzi-bah, at ang iyong lupain ay Beulah: sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay tatangkilikin. 023 ISA 062 005 Sapagka't kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga, gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae, gayon magagalak ang Dios sa iyo. 023 ISA 062 006 Ako'y naglagay ng mga bantay sa iyong mga kuta, Oh Jerusalem; sila'y hindi magsisitahimik kailan man sa araw o sa gabi: kayong mga mapagalaala sa Panginoon, huwag kayong mangagpahinga, 023 ISA 062 007 At huwag ninyong bigyan siya ng kapahingahan, hanggang sa siya'y matatag, at hanggang sa kaniyang gawing kapurihan sa lupa ang Jerusalem. 023 ISA 062 008 Ang Panginoon ay sumumpa ng kaniyang kanang kamay, at ng bisig ng kaniyang kalakasan, Tunay na hindi na ako magbibigay ng iyong trigo na pinakapagkain sa iyong mga kaaway; at ang mga taga ibang lupa ay hindi magsisiinom ng iyong alak, na iyong pinagpagalan. 023 ISA 062 009 Kundi silang nangagimbak niyaon ay magsisikain niyaon, at magsisipuri sa Panginoon; at silang nangagtipon niyaon ay magsisiinom niyaon sa mga looban ng aking santuario. 023 ISA 062 010 Kayo'y magsidaan, kayo'y magsidaan sa mga pintuang-bayan; inyong ihanda ang lansangan ng bayan; inyong patagin; inyong patagin ang maluwang na lansangan; inyong pulutin ang mga bato; mangagtaas kayo ng watawat na ukol sa mga bayan. 023 ISA 062 011 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya. 023 ISA 062 012 At tatawagin nila sila Ang banal na bayan, Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang hindi pinabayaan. 023 ISA 063 001 Sino ito na nanggagaling sa Edom, na may mga kasuutang tinina mula sa Bosra? itong maluwalhati sa kaniyang suot, na lumalakad sa di kawasang lakas? Ako na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas. 023 ISA 063 002 Bakit ka mapula sa iyong kasuutan, at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak? 023 ISA 063 003 Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buhay ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko. 023 ISA 063 004 Sapagka't ang kaarawan ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng aking mga tinubos ay dumating. 023 ISA 063 005 At ako'y lumingap, at walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin. 023 ISA 063 006 At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilango ko sila sa aking kapusukan, at ibinubo sa lupa ang kanilang dugong buhay. 023 ISA 063 007 Aking babanggitin ang mga kagandahang-loob ng Panginoon, at ang mga kapurihan ng Panginoon, ayon sa lahat na ipinagkaloob ng Panginoon sa amin, at ang malaking kabutihan na kaniyang ginawa sa sangbahayan ni Israel na kaniyang ginawa sa kanila ayon sa kaniyang mga kaawaan, at ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob. 023 ISA 063 008 Sapagka't kaniyang sinabi, Tunay, sila'y aking bayan, mga anak na hindi magsisigawang may kasinungalingan: sa gayo'y siya'y naging Tagapagligtas sa kanila. 023 ISA 063 009 Sa lahat nilang kadalamhatian ay nagdadalamhati siya, at iniligtas sila ng anghel na nasa kaniyang harapan: sa kaniyang pagibig at sa kaniyang pagkaawa ay tinubos niya sila; at kaniyang kinilik sila at kinalong silang lahat noong araw. 023 ISA 063 010 Nguni't sila'y nanganghimagsik, at namanglaw ang kaniyang banal na Espiritu: kaya't siya'y naging kaaway nila, at siya rin ang nakipaglaban sa kanila. 023 ISA 063 011 Nang magkagayo'y inalaala niya ang mga araw nang una, si Moises at ang kaniyang bayan, na sinasabi, Saan nandoon siya na nagahon sa kanila mula sa dagat, na kasama ng mga pastor ng kaniyang kawan? saan nandoon siya na kumakasi ng kaniyang banal na Espiritu sa kanila? 023 ISA 063 012 Na inaakbayan ng kaniyang maluwalhating bisig ang kanang kamay ni Moises? na humawi ng tubig sa harap nila, upang gawan ang kaniyang sarili ng walang hanggang pangalan? 023 ISA 063 013 Na pumatnubay sa kanila sa mga kalaliman, na parang isang kabayo sa ilang, upang sila'y huwag mangatisod? 023 ISA 063 014 Kung paanong ang kawan na bumababa sa libis, ay pinapagpapahinga ng Espiritu ng Panginoon: gayon mo pinatnubayan ang iyong bayan, upang gawan mo ang iyong sarili ng maluwalhating pangalan. 023 ISA 063 015 Tumungo ka mula sa langit, at tumingin ka, mula sa tahanan ng iyong kabanalan at ng iyong kaluwalhatian: saan nandoon ang iyong sikap at ang iyong mga makapangyarihang gawa? ang iyong pagmamagandang-loob at ang iyong mga habag ay iniurong mo sa akin. 023 ISA 063 016 Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan. 023 ISA 063 017 Oh Panginoon; bakit mo kami iniligaw na inihiwalay sa iyong mga daan, at pinapagmatigas mo ang aming puso na inihiwalay sa takot sa iyo? Ikaw ay magbalik dahil sa iyong mga lingkod, na mga lipi ng iyong mana. 023 ISA 063 018 Inaring sangdali lamang ng iyong banal na bayan: niyapakan ng aming mga kaaway ang iyong santuario. 023 ISA 063 019 Kami ay naging gaya ng hindi mga pinagpunuan kailan man, gaya ng hindi nangatawag sa iyong pangalan. 023 ISA 064 001 Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan. 023 ISA 064 002 Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan! 023 ISA 064 003 Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan. 023 ISA 064 004 Sapagka't hindi narinig ng mga tao mula nang una, o naulinigan man ng pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo, na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya. 023 ISA 064 005 Iyong sinasalubong siya na nagagalak at gumagawa ng katuwiran, yaong nagsialaala sa iyo sa iyong mga daan: narito, ikaw ay napoot, at kami ay nagkasala: napasa kanila kaming malaong panahon; at maliligtas baga kami? 023 ISA 064 006 Sapagka't kaming lahat ay naging parang marumi, at ang lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi: at nalalantang gaya ng dahon kaming lahat; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan, na parang hangin. 023 ISA 064 007 At walang tumatawag ng iyong pangalan, na gumigising upang manghawak sa iyo; sapagka't ikinubli mo ang iyong mukha sa amin, at iyong pinugnaw kami sa aming mga kasamaan. 023 ISA 064 008 Nguni't ngayon, Oh Panginoon, ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay. 023 ISA 064 009 Huwag kang lubhang mapoot, Oh Panginoon, o umalaala man ng kasamaan ng magpakailan man: narito, tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, kaming lahat ay iyong bayan. 023 ISA 064 010 Ang iyong mga bayang banal ay naging ilang, ang Sion ay naging giba, ang Jerusalem ay sira. 023 ISA 064 011 Ang aming banal at magandang bahay, na pinagpupurihan sa iyo ng aming mga magulang ay nasunog sa apoy; at lahat naming maligayang bagay ay nasira. 023 ISA 064 012 Magpipigil ka baga sa mga bagay na ito, Oh Panginoon? ikaw baga'y tatahimik, at pagdadalamhatiin mo kaming mainam? 023 ISA 065 001 Ako'y napagsasangunian ng mga hindi nagsipagtanong tungkol sa akin; ako'y nasusumpungan nila na hindi nagsihanap sa akin: aking sinabi, Narito ako, narito ako, sa bansa na hindi tinawag sa aking pangalan. 023 ISA 065 002 Aking iniunat ang aking mga kamay buong araw sa mapanghimagsik na bayan, na lumalakad sa daang hindi mabuti, ayon sa kanilang sariling mga pagiisip; 023 ISA 065 003 Bayan na minumungkahi akong palagi ng mukhaan, na naghahain sa mga halamanan, at nagsusunog ng kamangyan sa ibabaw ng mga laryo; 023 ISA 065 004 Na nauupo sa gitna ng mga libingan, at tumitigil sa mga lihim na dako; na kumakain ng laman ng baboy, at ang sabaw ng mga kasuklamsuklam na mga bagay ay nasa kanilang mga sisidlan; 023 ISA 065 005 Na nagsasabi, Humiwalay ka, huwag kang lumapit sa akin, sapagka't ako'y lalong banal kay sa iyo. Ang mga ito ay usok sa aking ilong, apoy na nagliliyab buong araw. 023 ISA 065 006 Narito, nasulat sa harap ko: hindi ako tatahimik, kundi ako'y gaganti, oo, ako'y gaganti sa kanilang sinapupunan, 023 ISA 065 007 Ang inyong sariling mga kasamaan, at ang mga kasamaan ng inyong mga magulang na magkakasama, sabi ng Panginoon, na mangagsunog ng kamangyan sa mga bundok, at nagsitungayaw sa akin sa mga burol: ay susukatan ko nga ng kanilang unang gawa sa kaniyang sinapupunan. 023 ISA 065 008 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung paanong nasusumpungan ang bagong alak sa kumpol, at may nagsasabi, Huwag mong sirain, sapagka't iyan ay mapapakinabangan: gayon ang gagawin ko sa ikagagaling ng aking mga lingkod, upang huwag kong malipol silang lahat. 023 ISA 065 009 At ako'y maglalabas ng lahi na mula sa Jacob, at mula sa Juda ng isang tagapagmana ng aking mga bundok; at mamanahin ng aking pinili, at tatahanan ng aking mga lingkod. 023 ISA 065 010 At ang Saron ay magiging kulungan ng mga kawan, at ang libis ng Achor ay dakong higaan ng mga bakahan, dahil sa aking bayan na humanap sa akin. 023 ISA 065 011 Nguni't kayo, na nangagpapabaya sa Panginoon, na nagsisilimot ng aking banal na bundok, na nangaghahanda ng dulang para sa Kapalaran, at pinupuno ang saro ng alak na haluan para sa Kaukulan; 023 ISA 065 012 Aking iuukol kayo sa tabak, at kayong lahat ay magsisiyuko sa patayan; sapagka't nang ako'y tumawag, kayo'y hindi nagsisagot; nang ako'y magsalita, kayo'y hindi nangakinig; kundi inyong ginawa ang masama sa harap ng aking mga mata, at inyong pinili ang di ko kinaluluguran. 023 ISA 065 013 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ang aking mga lingkod ay magsisikain, nguni't kayo'y mangagugutom; narito, ang aking mga lingkod ay magsisiinom, nguni't kayo'y mangauuhaw; narito, mangagagalak ang aking mga lingkod, nguni't kayo'y mangapapahiya; 023 ISA 065 014 Narito, ang aking mga lingkod ay magsisiawit dahil sa kagalakan ng puso, nguni't kayo'y magsisidaing dahil sa kapanglawan ng puso, at aangal dahil sa pagkabagbag ng loob. 023 ISA 065 015 At inyong iiwan ang inyong pangalan na pinakasumpa sa aking mga pinili, at papatayin ka ng Panginoong Dios; at kaniyang tatawagin ang kaniyang mga lingkod ng ibang pangalan: 023 ISA 065 016 Na anopa't siyang nagpapala sa lupa ay magpapala sa Dios ng katotohanan; at siyang sumusumpa sa lupa ay susumpa sa pangalan ng Dios ng katotohanan; sapagka't ang mga dating kabagabagan ay nalimutan, at sapagka't nangakubli sa aking mga mata. 023 ISA 065 017 Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man. 023 ISA 065 018 Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan. 023 ISA 065 019 At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing. 023 ISA 065 020 Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain. 023 ISA 065 021 At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon. 023 ISA 065 022 Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay. 023 ISA 065 023 Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila. 023 ISA 065 024 At mangyayari, na bago sila magsitawag, sasagot ako; at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin. 023 ISA 065 025 Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at alabok ang magiging pagkain ng ahas. Sila'y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon. 023 ISA 066 001 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang langit ay aking luklukan, at ang lupa ay aking tungtungan: anong anyong bahay ang inyong itatayo sa akin? at anong dako ang magiging aking pahingahan? 023 ISA 066 002 Sapagka't lahat ng mga bagay na ito ay nilikha ng aking kamay, at sa gayo'y nangyari ang lahat ng mga bagay na ito, sabi ng Panginoon: nguni't ang taong ito ay titingnan ko, sa makatuwid baga'y siyang dukha at may pagsisising loob, at nanginginig sa aking salita. 023 ISA 066 003 Siyang pumapatay ng baka ay gaya ng pumapatay ng tao; siyang naghahain ng kordero ay gaya ng bumabali ng leeg ng aso; siyang naghahandog ng alay ay gaya ng naghahandog ng dugo ng baboy; siyang nagsusunog ng kamangyan ay gaya ng pumupuri sa isang diosdiosan. Oo, sila'y nagsipili ng kanilang sariling mga lakad, at ang kanilang kaluluwa ay nalulugod sa kanilang mga kasuklamsuklam na bagay; 023 ISA 066 004 Akin namang pipiliin ang kanilang mga kakutyaan, at dadalhan ko sila ng kanilang takot, sapagka't nang ako'y tumawag, walang sumagot; nang ako'y magsalita ay walang nakinig; kundi sila'y nagsigawa ng masama sa harap ng aking mga mata, at pinili ang hindi ko kinaluluguran. 023 ISA 066 005 Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, ninyong nanginginig sa kaniyang salita, Ang inyong mga kapatid na nangagtatanim sa inyo na nangagtatakuwil sa inyo dahil sa akin, nangagsabi, Luwalhatiin ang Panginoon, upang makita namin ang inyong kagalakan; nguni't sila'y mangapapahiya. 023 ISA 066 006 Ang ingay ng kagulo na mula sa bayan, ang tinig na mula sa templo, ang tinig ng Panginoon na naggagawad ng kagantihan sa kaniyang mga kaaway. 023 ISA 066 007 Bago siya nagdamdam, siya'y nanganak; bago dumating ang kaniyang paghihirap, siya'y nanganak ng isang lalake. 023 ISA 066 008 Sinong nakarinig ng ganyang bagay? sinong nakakita ng ganyang mga bagay? ipanganganak baga ang lupain sa isang araw? ilalabas bagang paminsan ang isang bansa? sapagka't pagdaramdam ng Sion, ay nanganak ng kaniyang mga anak. 023 ISA 066 009 Dadalhin ko baga sa kapanganakan, at hindi ko ilalabas? sabi ng Panginoon; magsasara baga ako ng bahay bata, akong nagpapanganak? sabi ng iyong Dios. 023 ISA 066 010 Kayo'y mangagalak na kasama ng Jerusalem, at mangatuwa dahil sa kaniya, kayong lahat na nagsisiibig sa kaniya: kayo'y mangagalak ng kagalakan na kasama niya, kayong lahat na nagsisitangis dahil sa kaniya: 023 ISA 066 011 Upang kayo'y makasuso at mabusog sa pamamagitan ng mga suso ng kaniyang mga kaaliwan; upang kayo'y makagatas, at malugod sa kasaganaan ng kaniyang kaluwalhatian. 023 ISA 066 012 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y maggagawad ng kapayapaan sa kaniya na parang isang ilog, at ang kaluwalhatian ng mga bansa ay parang malaking baha, at inyong sususuhin yaon; kayo'y kikilikin, at lilibangin sa mga tuhod. 023 ISA 066 013 Kung paanong ang sinoma'y inaaliw ng ina gayon ko aaliwin kayo; at kayo'y mangaaliw sa Jerusalem. 023 ISA 066 014 At inyong makikita, at magagalak ang inyong puso, at ang inyong mga buto ay giginhawang parang sariwang damo: at ang kamay ng Panginoon ay makikilala sa kaniyang mga lingkod, at siya'y magagalit laban sa kaniyang mga kaaway. 023 ISA 066 015 Sapagka't, narito, ang Panginoon ay darating na may apoy, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo; upang igawad ang kaniyang galit na may kapusukan, at ang kaniyang saway na may ningas ng apoy. 023 ISA 066 016 Sapagka't sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon, at sa pamamagitan ng kaniyang tabak, sa lahat ng mga tao: at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami. 023 ISA 066 017 Silang nangagpapakabanal, at nangagpapakalinis na nagsisiparoon sa mga halamanan, sa likuran ng isa sa gitna, na nagsisikain ng laman ng baboy, at ng kasuklamsuklam, at ng daga; sila'y darating sa isang wakas na magkakasama, sabi ng Panginoon. 023 ISA 066 018 Sapagka't kilala ko ang kanilang mga gawa at ang kanilang mga pagiisip: ang panahon ay dumarating na aking pipisanin ang lahat na bansa at ang mga may iba't ibang wika; at sila'y magsisiparoon, at mangakikita ang aking kaluwalhatian. 023 ISA 066 019 At ako'y maglalagay ng tanda sa gitna nila, at aking susuguin ang mga nakatanan sa kanila sa mga bansa, sa Tarsia, Pul, at Lud, na nagsisihawak ng busog, sa Tubal at Javan, sa mga pulong malayo na hindi nangakarinig ng aking kabantugan, o nakakita man ng aking kaluwalhatian; at sila'y mangagpapahayag ng aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa. 023 ISA 066 020 At kanilang dadalhin ang lahat ninyong mga kapatid mula sa lahat na bansa na pinakahandog sa Panginoon, na nasasakay sa mga kabayo, at sa mga karo, at sa mga duyan, at sa mga mula, at sa mga maliksing hayop, sa aking banal na bundok na Jerusalem, sabi ng Panginoon, gaya ng pagdadala ng mga anak ni Israel ng kanilang handog sa malinis na sisidlan sa bahay ng Panginoon. 023 ISA 066 021 At sa kanila rin naman ako kukuha ng mga pinaka saserdote at mga pinaka Levita, sabi ng Panginoon. 023 ISA 066 022 Sapagka't kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa, na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko, sabi ng Panginoon, gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan. 023 ISA 066 023 At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko, sabi ng Panginoon. 023 ISA 066 024 At sila'y magsisilabas, at magsisitingin sa mga bangkay ng mga taong nagsisalangsang laban sa akin: sapagka't ang kanilang uod ay hindi mamamatay, o mamamatay man ang kanilang apoy; at sila'y magiging kayamutan sa lahat ng mga tao. # # BOOK 024 JER Jeremiah Jeremias 024 JER 001 001 Ang mga salita ni Jeremias na anak ni Hilcias, isa sa mga saserdote na nasa Anathoth sa lupain ng Benjamin: 024 JER 001 002 Na dinatnan ng salita ng Panginoon nang mga kaarawan ni Josias na anak ni Amon, na hari sa Juda, nang ikalabing tatlong taon ng kaniyang paghahari. 024 JER 001 003 Dumating din nang kaarawan ni Joacim na anak ni Josias, hari sa Juda, nang katapusan nang ikalabing isang taon ni Sedechias, na anak ni Josias, hari sa Juda, hanggang sa pagkabihag ng Jerusalem nang ikalimang buwan. 024 JER 001 004 Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 024 JER 001 005 Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa. 024 JER 001 006 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah, Panginoong Dios! narito, hindi ako marunong magsalita: sapagka't ako'y bata. 024 JER 001 007 Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay sasalitain mo. 024 JER 001 008 Huwag kang matakot dahil sa kanila; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita, sabi ng Panginoon. 024 JER 001 009 Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig: 024 JER 001 010 Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak, upang magtayo at magtatag. 024 JER 001 011 Bukod dito ay dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi, Jeremias, anong nakikita mo? At aking sinabi, Ako'y nakakakita ng isang tungkod na almendro. 024 JER 001 012 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Iyong nakitang mabuti: sapagka't aking iniingatan ang aking salita upang isagawa. 024 JER 001 013 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na ikalawa, na nagsasabi, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y nakakakita ng isang palyok na pinagpapakuluan; at paharap sa hilagaan. 024 JER 001 014 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Mula sa hilagaan ay lalabasin ng kasamaan ang lahat na nananahan sa lupain. 024 JER 001 015 Sapagka't, narito, aking tatawagin ang lahat na angkan ng mga kaharian sa hilagaan, sabi ng Panginoon; at sila'y magsisiparoon, at sila'y maglalagay bawa't isa ng kanikaniyang luklukan sa pasukan ng mga pintuang-bayan ng Jerusalem, at laban sa lahat na kuta niyaon sa palibot, at laban sa lahat na bayan ng Juda. 024 JER 001 016 At aking sasalitain ang aking mga kahatulan laban sa kanila tungkol sa lahat nilang kasamaan, sa kanilang nangagpabaya sa akin, at nangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, at nagsisamba sa mga gawa ng kanilang sariling mga kamay. 024 JER 001 017 Ikaw nga'y magbigkis ng iyong mga balakang, at ikaw ay bumangon, at salitain mo sa kanila ang lahat na iniuutos ko sa iyo: huwag kang manglupaypay sa kanila, baka ikaw ay panglupaypayin ko sa harap nila. 024 JER 001 018 Sapagka't, narito, ginawa kita sa araw na ito, na nakukutaang bayan, at pinakahaliging bakal, at pinaka kutang tanso, laban sa buong lupain, laban sa mga hari sa Juda, laban sa mga prinsipe niyaon, laban sa mga saserdote niyaon, at laban sa bayan ng lupain. 024 JER 001 019 At sila'y magsisilaban sa iyo; nguni't hindi sila mangananaig laban sa iyo: sapagka't ako'y sumasa iyo, sabi ng Panginoon, upang iligtas ka. 024 JER 002 001 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 024 JER 002 002 Ikaw ay yumaon, at humiyaw sa mga pakinig ng Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inaalaala ko sa ikabubuti mo ang kagandahang-loob ng iyong kabataan, ang pagibig sa iyong mga pagaasawa; kung paanong ikaw ay sumunod sa akin sa ilang, sa lupain na hindi hinasikan. 024 JER 002 003 Ang Israel ay kabanalan sa Panginoon, na mga pangunang bunga ng kaniyang halaman: lahat na nagsisisakmal sa kaniya ay aariing salarin; kasamaan ay darating sa kanila, sabi ng Panginoon. 024 JER 002 004 Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh sangbahayan ni Jacob, at lahat na angkan ng sangbahayan ng Israel: 024 JER 002 005 Ganito ang sabi ng Panginoon, Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin, na sila'y nagsilayo sa akin, at nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan? 024 JER 002 006 Hindi man nila sinabi, Saan nandoon ang Panginoon na nagahon sa atin mula sa lupain ng Egipto, na pumatnubay sa atin sa ilang, sa mga lupaing ilang at bakobako, sa lupaing may pagkakatuyo at lilim ng kamatayan, sa lupain na walang dumaraan at walang taong tumatahan? 024 JER 002 007 At dinala ko kayo sa saganang lupain, upang kumain ng bunga niyaon at ng kabutihan niyaon; nguni't nang kayo'y pumasok ay inyong hinawahan ang aking lupain, at ginawa ninyong kasuklamsuklam ang aking mana. 024 JER 002 008 Hindi sinabi ng mga saserdote, Saan nandoon ang Panginoon? at silang nagsisihawak ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin: ang mga pinuno naman ay nagsisalansang laban sa akin, at ang mga propeta ay nanganghula sa pamamagitan ni Baal, at nagsilakad na sumunod sa mga bagay na hindi pinakikinabangan. 024 JER 002 009 Kaya't ako'y makikipagtalo pa sa inyo, sabi ng Panginoon, at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipagtalo ako. 024 JER 002 010 Sapagka't mangagdaan kayo sa mga pulo ng Chittim, at tingnan, at kayo'y mangagsugo sa Cedar, at mangagbulay na maingat; at inyong tingnan kung may nangyaring ganiyang bagay. 024 JER 002 011 Ipinagpalit baga ng isang bansa ang kanilang mga dios, na hindi mga dios? nguni't ipinagpalit ng aking bayan ang kanilang kaluwalhatian sa hindi pinakikinabangan. 024 JER 002 012 Mangagtaka kayo Oh kayong mga langit, sa bagay na ito, at mangatakot ng kakilakilabot, mangatuyo kang lubha, sabi ng Panginoon. 024 JER 002 013 Sapagka't ang bayan ko ay nagkamit ng dalawang kasamaan; kanilang iniwan ako na bukal ng buhay na tubig, at nagsigawa sa ganang kanila ng mga balon na mga sirang balon na hindi malalamnan ng tubig. 024 JER 002 014 Ang Israel baga'y alipin? siya baga'y aliping ipinanganak sa bahay? bakit siya'y naging samsam. 024 JER 002 015 Ang mga batang leon ay nagsiungal sa kaniya, at nagsihiyaw: at sinira nila ang kaniyang lupain; ang kaniyang mga bayan ay nangasunog, na walang mananahan. 024 JER 002 016 Binasag naman ng mga anak ng Memfis at ng Taphnes ang bao ng iyong ulo. 024 JER 002 017 Hindi mo baga pinapangyari ito sa iyong sarili, dahil sa iyong pagpapabaya sa Panginoon mong Dios, nang kaniyang patnubayan ka sa daan? 024 JER 002 018 At ngayo'y anong ipakikialam mo sa daan na patungo sa Egipto, upang uminom ng tubig sa Sikor? o anong ipakikialam mo sa daang patungo sa Asiria, upang uminom ng tubig sa ilog? 024 JER 002 019 Sasawayin ka ng iyong sariling kasamaan, at sasawayin ka ng iyong mga pagtalikod: talastasin mo nga at iyong tingnan na masamang bagay at kapanglawpanglaw, na iyong pinabayaan ang Panginoon mong Dios: at ang takot sa akin ay wala sa iyo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo. 024 JER 002 020 Sapagka't nang unang panahon ay inalis ko ang iyong pamatok, at nilagot ko ang iyong mga tali; at iyong sinabi: Hindi ako maglilingkod; sapagka't sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy ay yumuko ka, na nagpatutot. 024 JER 002 021 Gayon ma'y tinamnan kita ng mahal na puno ng ubas, na pawang mabuting binhi: bakit ka nga naging bansot na ibang puno ng ubas sa akin? 024 JER 002 022 Sapagka't bagaman maghugas ka ng lihiya, at magbunton ka ng maraming sabon, gayon ma'y natatala sa harap ko ang iyong kasamaan, sabi ng Panginoong Dios. 024 JER 002 023 Paanong masasabi mo, Hindi ako nagpakahawa, hindi ako yumaong sumunod sa mga Baal? tingnan mo ang iyong daan sa libis, talastasin mo kung ano ang iyong ginawa: ikaw na maliksing dromedario na dumadamba sa paglakad; 024 JER 002 024 Isang asnong babaeng mailap na sanay sa ilang na sumisingasing sa kaniyang nais; sa kaniyang pagkakataon, sinong makapagliligaw sa kaniya? silang lahat na nagsisihanap sa kaniya ay hindi mapapagod: sa kaniyang kabuwanan ay masusumpungan siya. 024 JER 002 025 Ingatan mo ang iyong paa sa paglakad na walang suot, at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw. Nguni't iyong sinabi, Walang kabuluhan; hindi, sapagka't ako'y umibig sa mga taga ibang lupa, at sa kanila'y susunod ako. 024 JER 002 026 Kung paanong ang magnanakaw ay napapahiya pagka siya'y nahuhuli, gayon napapahiya ang sangbahayan ni Israel; sila, ang kanilang mga hari, ang kanilang mga prinsipe, at ang kanilang mga saserdote, at ang kanilang mga propeta, 024 JER 002 027 Na nangagsasabi sa kahoy, Ikaw ay aking ama; at sa bato, Iyong ipinanganak ako: sapagka't kanilang ipinihit ang kanilang likod sa akin, at hindi ang kanilang mukha: nguni't sa panahon ng kanilang kabagabagan ay sasabihin nila, Ikaw ay bumangon, at iligtas mo kami. 024 JER 002 028 Nguni't saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo? magsibangon sila, kung sila'y makapagliligtas sa iyo sa panahon ng iyong kabagabagan: sapagka't ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios, Oh Juda. 024 JER 002 029 Bakit kayo nangakikipagpunyagi sa akin? kayong lahat ay nagsisalangsang laban sa akin, sabi ng Panginoon. 024 JER 002 030 Sa walang kabuluhan sinaktan ko ang inyong mga anak; sila'y hindi nagsitanggap ng saway; nilamon ng inyong sariling tabak ang inyong mga propeta, na parang manglilipol na leon. 024 JER 002 031 Oh lahi, tingnan ninyo ang salita ng Panginoon. Naging ilang baga ako sa Israel? o lupain ng salimuot na kadiliman? bakit nga sinasabi ng aking bayan, Kami ay nangakalaya; hindi na kami paroroon pa sa iyo? 024 JER 002 032 Malilimutan baga ng dalaga ang kaniyang mga hiyas, o ng kasintahang babae ang kaniyang kagayakan? gayon ma'y nilimot ako ng bayan ko sa mga araw na walang bilang. 024 JER 002 033 Anong pagpapaganda mo ng iyong lakad upang humanap ng pagibig! kaya't gayon din ang mga patutot ay iyong tinuruan ng iyong mga lakad. 024 JER 002 034 Gayon din sa mga laylayan mo ay nakasumpong ng dugo ng mga kaluluwa ng dukhang walang sala: hindi mo nasumpungan sa dako ng pagbubukas; kundi dahil sa lahat ng mga ito. 024 JER 002 035 Gayon ma'y sinabi mo: Ako'y walang sala; tunay na ang kaniyang galit ay humiwalay sa akin. Narito, hahatulan kita, sapagka't iyong sinabi, Hindi ako nagkasala. 024 JER 002 036 Bakit ka lumalaboy upang papanibaguhin mo ang iyong lakad? ikahihiya mo rin naman ang Egipto na gaya ng iyong pagkahiya sa Asiria. 024 JER 002 037 Mula doon ay lalabas ka rin, na ang iyong mga kamay ay nakapatong sa iyong ulo: sapagka't itinakuwil ng Panginoon ang iyong mga pinagkakatiwalaan, at hindi ka giginhawa sa kanila. 024 JER 003 001 Kanilang sinabi, Kung ihiwalay ng lalake ang kaniyang asawa, at siya'y humiwalay sa kaniya, at mapasa ibang lalake, babalik pa baga uli ang lalake sa kaniya? hindi baga lubos na madudumhan ang lupaing yaon? Nguni't ikaw ay nagpatutot sa maraming nangingibig; gayon ma'y manumbalik ka uli sa akin, sabi ng Panginoon. 024 JER 003 002 Imulat mo ang iyong mga mata sa mga luwal na kaitaasan, at tingnan mo; saan hindi ka nasipingan? Sa tabi ng mga lansangan ay naghintay ka sa kanila, gaya ng taga Arabia sa ilang; at iyong dinumhan ang lupain ng iyong mga pakikiapid at ng iyong kasamaan. 024 JER 003 003 Kaya't ang ambon, ay napigil, at hindi nagkaroon ng huling ulan; gayon man may noo ka ng isang patutot ikaw ay tumakuwil na mapahiya. 024 JER 003 004 Hindi ka baga dadaing mula sa panahong ito sa akin, Ama ko, ikaw ang patnubay ng aking kabataan? 024 JER 003 005 Kaniya bagang iingatan ang kaniyang galit magpakailan man? kaniya bagang iingatan hanggang sa kawakasan? Narito, ikaw ay nagsalita at gumawa ng mga masamang bagay, at sinunod mo ang iyong ibig. 024 JER 003 006 Bukod dito'y sinabi sa akin ng Panginoon sa kaarawan ni Josias na hari, Iyo bagang nakita ang ginawa ng tumatalikod na Israel? siya'y yumaon sa bawa't mataas na bundok at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at doon siya nagpatutot. 024 JER 003 007 At aking sinabi pagkatapos na magawa niya ang lahat na bagay na ito, Siya'y babalik sa akin; nguni't hindi siya bumalik: at nakita ng taksil niyang kapatid na Juda. 024 JER 003 008 At aking nakita, nang, dahil dito sa pangangalunya ng tumatalikod na Israel, akin siyang pinalayas at binigyan ko siya ng sulat ng paghihiwalay, gayon ma'y hindi natakot ang taksil niyang kapatid na Juda; kundi siya man ay yumaon at nagpatutot. 024 JER 003 009 At nangyari, sa walang kabuluhan niyang pagsamba sa diosdiosan, na ang lupain ay nadumhan, at siya'y sumamba sa pamamagitan ng mga bato at ng mga kahoy. 024 JER 003 010 At gayon ma'y sa lahat ng ito ay hindi bumalik sa akin ang taksil niyang kapatid na Juda, ng kaniyang buong puso, kundi paimbabaw, sabi ng Panginoon. 024 JER 003 011 At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang tumatalikod na Israel ay napakilala na lalong matuwid kay sa taksil na Juda. 024 JER 003 012 Ikaw ay yumaon, at itanyag mo ang mga salitang ito sa dakong hilagaan, at iyong sabihin, Ikaw ay manumbalik, ikaw na tumatalikod na Israel, sabi ng Panginoon; hindi ako titinging may galit sa inyo: sapagka't ako'y maawain, sabi ng Panginoon, hindi ako magiingat ng galit magpakailan man. 024 JER 003 013 Kilalanin mo lamang ang iyong kasamaan, na ikaw ay sumalansang sa Panginoon mong Dios, at iyong ikinalat ang iyong mga kaugalian sa mga taga ibang lupa sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at kayo'y hindi nagsisunod sa aking tinig, sabi ng Panginoon. 024 JER 003 014 Kayo'y manumbalik, Oh tumatalikod na mga anak, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y asawa ninyo; at kukuha ako sa inyo ng isa sa isang bayan, at dalawa sa isang angkan, at dadalhin ko kayo sa Sion. 024 JER 003 015 At bibigyan ko kayo ng mga pastor ayon sa aking kalooban, na kakandili sa inyo ng kaalaman at unawa. 024 JER 003 016 At mangyayari, pagka kayo'y dumami at lumago sa lupain sa mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, hindi na nila sasabihin, Ang kaban ng tipan ng Panginoon; ni mapapasaisip nila yaon: ni aalalahanin nila yaon: ni nanaisin nila yaon; ni mayayari pa man. 024 JER 003 017 Sa panahong yaon ay tatawagin nila ang Jerusalem na luklukan ng Panginoon, at lahat ng mga bansa ay mapipisan doon, sa pangalan ng Panginoon, sa Jerusalem: hindi na rin lalakad pa man sila ng ayon sa pagmamatigas ng kanilang masamang kalooban. 024 JER 003 018 Sa mga araw na yaon ang sangbahayan ni Juda ay lalakad na kasama ng sangbahayan ni Israel, at sila'y manggagaling na magkasama sa lupain ng hilagaan sa lupain na ibinigay kong pinakamana sa inyong mga magulang. 024 JER 003 019 Nguni't aking sinabi, Paanong ilalagay kita sa gitna ng mga anak, at bibigyan kita ng masayang lupain, ng mainam na mana ng mga hukbo ng mga bansa? at aking sinabi, Inyong tatawagin ako, Ama ko; at hindi ka na hihiwalay pa ng pagsunod sa akin. 024 JER 003 020 Tunay na kung paanong humihiwalay na may pagtataksil ang babae sa kaniyang asawa, gayon kayo nagsigawang may kataksilan sa akin, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon. 024 JER 003 021 Isang tinig ay naririnig sa mga luwal na kaitaasan, ang iyak at ang mga samo ng mga anak ni Israel; sapagka't kanilang pinasama ang kanilang lakad, kanilang nilimot ang Panginoon nilang Dios. 024 JER 003 022 Kayo'y manumbalik, kayong nagsisitalikod na mga anak, aking pagagalingin ang inyong mga pagtalikod. Narito, kami ay nagsiparito sa iyo; sapagka't ikaw ay Panginoon naming Dios. 024 JER 003 023 Tunay na walang kabuluhan ang tulong na maaasahan sa mga burol, ang kagulo sa mga bundok: tunay na nasa Panginoon naming Dios ang kaligtasan ng Israel. 024 JER 003 024 Nguni't nilamon ng nakahihiyang bagay ang gawa ng ating mga magulang na mula sa ating kabataan, ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga bakahan, ang kanilang mga anak na lalake at babae. 024 JER 003 025 Tayo'y magsihiga sa ating kahihiyan, at takpan tayo ng ating kalituhan: sapagka't tayo'y nangagkasala laban sa Panginoon nating Dios, tayo at ang ating mga magulang, mula sa ating kabataan hanggang sa araw na ito; at hindi tayo nakinig sa tinig ng Panginoon nating Dios. 024 JER 004 001 Kung ikaw ay manunumbalik, Oh Israel, sabi ng Panginoon, kung ikaw ay manunumbalik sa akin, at kung iyong aalisin ang iyong mga kasuklamsuklam sa aking paningin; hindi ka nga makikilos; 024 JER 004 002 At ikaw ay susumpa, Buhay ang Panginoon, sa katotohanan, sa kahatulan, at sa katuwiran; at ang mga bansa ay magiging mapalad sa kaniya, at sa kaniya luluwalhati sila. 024 JER 004 003 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, sa mga tao ng Juda at ng Jerusalem, Inyong bungkalin ang inyong binabayaang bukiran, at huwag kayong maghasik sa gitna ng mga tinik. 024 JER 004 004 Magsipagtuli kayo para sa Panginoon, at inyong alisin ang mga kasamaan ng inyong puso, ninyong mga tao ng Juda at mga nananahan sa Jerusalem; baka ang aking kapootan ay sumigalbo na parang apoy, at magningas na walang makapatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa. 024 JER 004 005 Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin, Inyong hipan ang pakakak sa lupain: magsihiyaw kayo ng malakas, at inyong sabihin, Magpisan kayo, at tayo'y magsipasok sa mga bayang nakukutaan. 024 JER 004 006 Kayo'y mangagtaas ng watawat sa dako ng Sion: kayo'y magsitakas sa ikatitiwasay, huwag kayong magsitigil: sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan mula sa hilagaan, at ng malaking paglipol. 024 JER 004 007 Ang isang leon ay sumampa mula sa kaniyang kagubatan, at ang manglilipol ng mga bansa; siya'y nasa kaniyang paglalakad, siya'y lumabas mula sa kaniyang dako, upang sirain ang iyong lupain, upang ang iyong mga bayan ay mangalagay na sira na walang mananahan. 024 JER 004 008 Dahil dito ay mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, kayo'y magsipanaghoy at magsipanangis; sapagka't ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi humihiwalay sa atin. 024 JER 004 009 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na ang puso ng hari ay mapapahamak, at ang puso ng mga prinsipe: at ang mga saserdote ay mangatitigilan, at ang mga propeta ay mangamamangha. 024 JER 004 010 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios: tunay na iyong dinayang lubha ang bayang ito at ang Jerusalem, na iyong sinabi, Kayo'y mangagkakaroon ng kapayapaan: gayon man ang tabak ay tumatalab sa buhay. 024 JER 004 011 Sa panahong yaon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem, Isang mainit na hangin na mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan, hindi upang sumimoy, o maglinis man: 024 JER 004 012 Isang malakas na hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin: ngayo'y magsasalita naman ako ng mga kahatulan laban sa kanila. 024 JER 004 013 Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak. 024 JER 004 014 Oh Jerusalem, hugasan mo ang iyong puso sa kasamaan, upang ikaw ay maligtas. Hanggang kailan titigil sa loob mo ang iyong mga masamang pagiisip? 024 JER 004 015 Sapagka't isang tinig ay nagpapahayag mula sa Dan, at nagbabalita ng kasamaan, mula sa mga burol ng Ephraim. 024 JER 004 016 Inyong banggitin sa mga bansa: narito, inyong ibalita laban sa Jerusalem, na ang mga bantay ay nanggagaling sa malayong lupain, at inihihiyaw nila ang kanilang tinig laban sa mga bayan ng Juda. 024 JER 004 017 Sila'y gaya ng mga bantay sa parang, laban sa kaniya sa palibot, sapagka't siya'y naging mapanghimagsik laban sa akin, sabi ng Panginoon. 024 JER 004 018 Ang iyong lakad at ang iyong mga gawa ay nagsikap ng mga bagay na ito sa iyo: ito ang iyong kasamaan; sapagka't napakasama, sapagka't tinataglay ng iyong puso. 024 JER 004 019 Ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma. 024 JER 004 020 Kagibaan at kagibaan ang inihihiyaw; sapagka't ang buong lupain ay nasira: biglang nangasira ang aking mga tolda, at ang aking mga tabing sa isang sandali. 024 JER 004 021 Hanggang kailan makikita ko ang watawat, at maririnig ang tunog ng pakakak? 024 JER 004 022 Sapagka't ang bayan ko ay hangal, hindi nila ako nakikilala; sila'y mga mangmang na anak, at sila'y walang unawa; sila'y pantas sa paggawa ng masama, nguni't sa paggawa ng mabuti ay wala silang kaalaman. 024 JER 004 023 Aking minasdan ang lupa, at, narito, sira at walang laman; at ang langit ay walang liwanag. 024 JER 004 024 Aking minasdan ang mga bundok, at narito, nagsisiyanig, at ang lahat na burol ay nagsisiindayon. 024 JER 004 025 Ako'y nagmasid, at, narito, walang tao, at lahat ng mga ibon sa himpapawid ay nangakatakas. 024 JER 004 026 Ako'y nagmasid, at, narito, ang mainam na parang ay ilang, at, lahat ng mga bayan niyaon ay nangasira sa harapan ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang mabangis na galit. 024 JER 004 027 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang buong lupain ay magiging sira; gayon ma'y hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan. 024 JER 004 028 Dahil dito ay tatangis ang lupa, at ang langit sa itaas ay magiging maitim: sapagka't aking sinalita, aking pinanukala, at hindi ako nagsisi, o akin mang tatalikuran. 024 JER 004 029 Ang buong bayan ay tumakas dahil sa hugong ng mga mangangabayo at ng mga mamamana; sila'y nagsipasok sa mga kagubatan, at nangagukyabit sa mga malaking bato; bawa't bayan ay napabayaan, at walang tao na tumatahan doon. 024 JER 004 030 At ikaw, pagka ikaw ay napahamak, anong iyong gagawin? Bagaman ikaw ay nananamit ng mainam na damit na mapula; bagaman ikaw ay gumagayak ng mga kagayakang ginto, bagaman iyong pinalalaki ang iyong mga mata ng pinta, sa walang kabuluhan nagpapakaganda ka; hinahamak ka ng mga mangingibig sa iyo, pinagsisikapan nila ang iyong buhay. 024 JER 004 031 Sapagka't ako'y nakarinig ng tinig na gaya ng sa babaing nagdaramdam, ng daing ng gaya ng sa nanganganak sa panganay, ng tinig ng anak na babae ng Sion, na nagsisikip ang hininga, na naguunat ng kaniyang mga kamay, na nagsasabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang kaluluwa ko ay nanglulupaypay sa harap ng mga mamamatay tao. 024 JER 005 001 Magsitakbo kayong paroo't parito sa mga lansangan ng Jerusalem, at tingnan ngayon, at alamin, at hanapin sa mga luwal na dako niyaon, kung kayo'y makakasumpong ng tao, kung may sinoman na gumagawa ng kaganapan, na humahanap ng katotohanan; at aking patatawarin siya. 024 JER 005 002 At bagaman kanilang sinasabi, Buhay ang Panginoon; tunay na sila'y nagsisisumpa na may kasinungalingan. 024 JER 005 003 Oh Panginoon, hindi baga tumitingin ang iyong mga mata sa katotohanan? iyong hinampas sila, nguni't hindi sila nangagdamdam; iyong pinugnaw sila, nguni't sila'y nagsitangging tumanggap ng sawa'y; kanilang pinapagmatigas ang kanilang mukha ng higit kay sa malaking bato; sila'y nagsitangging manumbalik. 024 JER 005 004 Nang magkagayo'y sinabi ko, Tunay na ang mga ito ay dukha; sila'y mga hangal; sapagka't hindi sila nangakakaalam ng daan ng Panginoon, o ng kahatulan ng kaniyang Dios. 024 JER 005 005 Ako'y paroroon sa mga dakilang tao, at magsasalita sa kanila; sapagka't kanilang nalalaman ang daan ng Panginoon, at ang kahatulan ng kanilang Dios. Nguni't ang mga ito ay nagkaiisang magalis ng pamatok, at lumagot ng mga panali. 024 JER 005 006 Kaya't papatayin sila ng leon na mula sa gubat, sisirain sila ng lobo sa mga ilang, babantayan ang kanilang mga bayan ng leopardo; lahat na nagsilabas doon ay mangalalapa; sapagka't ang kanilang mga pagsalangsang ay marami, at ang kanilang mga pagtalikod ay lumago. 024 JER 005 007 Paanong mapatatawad kita? pinabayaan ako ng iyong mga anak, at nagsisumpa sa pamamagitan niyaong mga hindi dios. Nang sila'y aking mabusog, sila'y nangalunya, at nagpupulong na pulupulutong sa mga bahay ng mga patutot. 024 JER 005 008 Sila'y parang pinakaing mga kabayong pagalagala: bawa't isa'y humalinghing sa asawa ng kaniyang kapuwa. 024 JER 005 009 Hindi baga dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon: at hindi baga manghihiganti ang kaluluwa ko sa isang ganiyang bansa na gaya nito? 024 JER 005 010 Sampahin ninyo ang kaniyang mga kuta at inyong gibain; nguni't huwag kayong magsigawa ng lubos na kawakasan; alisin ninyo ang kaniyang mga sanga; sapagka't sila'y hindi sa Panginoon. 024 JER 005 011 Sapagka't ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ay gumagawang may kataksilan laban sa akin, sabi ng Panginoon. 024 JER 005 012 Kanilang ikinaila ang Panginoon, at sinabi, Hindi siya; ni darating sa atin ang kasamaan; ni makakakita tayo ng tabak o ng kagutom man: 024 JER 005 013 At ang mga propeta ay magiging parang hangin, at ang salita ay wala sa kanila: ganito ang gagawin sa kanila. 024 JER 005 014 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, Sapagka't inyong sinalita ang salitang ito, narito, gagawin ko na ang aking mga salita sa inyong bibig ay maging apoy, at ang bayang ito ay kahoy, at sila'y pupugnawin niyaon. 024 JER 005 015 Narito, dadalhin ko ang bansa sa inyo na mula sa malayo, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon: siyang makapangyarihang bansa, siyang matandang bansa, isang bansa na ang wika ay hindi mo naiintindihan, o nababatid mo man kung ano ang kanilang sinasabi. 024 JER 005 016 Ang kanilang lalagyan ng pana ay bukas na libingan, silang lahat ay makapangyarihang lalake. 024 JER 005 017 At kakanin nila ang iyong ani, at ang iyong tinapay, na dapat sanang kanin ng iyong mga anak na lalake at babae; kanilang kakanin ang iyong mga kawan at ang iyong mga bakahan; kanilang kakanin ang iyong mga puno ng ubas at ang iyong mga puno ng igos; kanilang ibabagsak ang iyong mga bayan na nababakuran, na iyong tinitiwalaan, sa pamamagitan ng tabak. 024 JER 005 018 Nguni't sa mga araw mang yaon, sabi ng Panginoon, hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa inyo. 024 JER 005 019 At mangyayari, pagka inyong sasabihin, Bakit ginawa ng Panginoon nating Dios ang lahat ng mga bagay na ito sa atin? kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, Kung paanong inyong pinabayaan ako, at nangaglingkod kayo sa mga ibang dios sa inyong lupain, gayon kayo mangaglingkod sa mga taga ibang lupa sa isang lupain na hindi inyo. 024 JER 005 020 Inyong ipahayag ito sa sangbahayan ni Jacob, at inyong ibalita sa Juda na inyong sabihin, 024 JER 005 021 Inyong dinggin ngayon ito, Oh hangal na bayan, at walang unawa; na may mga mata, at hindi nakakakita; na may mga pakinig, at hindi nakakarinig: 024 JER 005 022 Hindi kayo nangatatakot sa akin? sabi ng Panginoon: hindi baga kayo manginginig sa aking harapan, na naglagay ng buhangin na pinakahangganan ng dagat, sa pamamagitan ng pinakawalang hanggang pasiya, upang huwag makalampas? at bagaman maginalon ang kaniyang mga alon, hindi rin mananaig; bagaman ang mga ito'y nagsisihugong, hindi rin ang mga ito'y makaraan. 024 JER 005 023 Nguni't ang bayang ito ay may magulo at mapanghimagsik na puso; sila'y nanghimagsik at nagsiyaon. 024 JER 005 024 Hindi man nila sinasabi sa sarili, Mangatakot tayo ngayon sa Panginoon nating Dios, na naglalagpak ng ulan, ng maaga at gayon din ng huli, sa kaniyang kapanahunan; na itinataan sa atin ang mga takdang sanglinggo ng mga pagaani. 024 JER 005 025 Ang inyong mga kasamaan ang nangaghiwalay ng mga bagay na ito, at ang inyong mga kasalanan ang nagsipigil sa inyo ng kabutihan. 024 JER 005 026 Sapagka't sa gitna ng aking bayan ay nakakasumpong ng mga masamang tao: sila'y nagbabantay, gaya ng pagbabantay ng mga mamimitag; sila'y nangaglalagay ng silo, sila'y nanghuhuli ng mga tao. 024 JER 005 027 Kung paanong ang kulungan ay puno ng mga ibon, gayon ang kanilang mga bahay ay puno ng karayaan: kaya't sila'y naging dakila, at nagsisiyaman. 024 JER 005 028 Sila'y nagsisitaba, sila'y makintab: oo, sila'y nagsisihigit sa mga paggawa ng kasamaan; hindi nila ipinakikipaglaban ang usap, ang usap ng ulila, upang sila'y guminhawa; at ang matuwid ng mapagkailangan ay hindi hinahatulan. 024 JER 005 029 Hindi baga dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon; hindi baga manghihiganti ang aking kalooban sa ganiyang bansa na gaya nito? 024 JER 005 030 Isang kamanghamangha at kakilakilabot na bagay ay nangyayari sa lupain: 024 JER 005 031 Ang mga propeta ay nanganghuhula ng kasinungalingan, at ang mga saserdote ay nangagpupuno sa pamamagitan ng kanilang mga kamay; at iniibig ng aking bayan na magkagayon: at ano ang inyong gagawin sa wakas niyaon? 024 JER 006 001 Kayo'y magsitakas para maligtas, kayong mga anak ni Benjamin, mula sa gitna ng Jerusalem, at kayo'y magsihihip ng pakakak sa Tecoa, at mangagtaas ng tanda sa Beth-hacherem; sapagka't ang kasamaan ay natatanaw sa hilagaan, at isang malaking paglipol. 024 JER 006 002 Ang maganda at maayos na babae, ang anak na babae ng Sion, ihihiwalay ko. 024 JER 006 003 Mga pastor na kasama ng kanilang mga kawan ay magsisiparoon sa kaniya; kanilang itatayo ang kanilang mga tolda laban sa kaniya sa palibot; sila'y mangagpapasabsab bawa't isa sa kanikaniyang dako. 024 JER 006 004 Mangaghanda kayo ng digma laban sa kaniya; kayo'y magsibangon, at tayo'y magsisampa sa katanghaliang tapat. Sa aba natin! sapagka't ang araw ay kumikiling, sapagka't ang mga dilim ng gabi ay nangangalat. 024 JER 006 005 Magsibangon, at tayo'y magsisampa sa gabi, at ating gibain ang kaniyang mga palacio. 024 JER 006 006 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y magsiputol ng mga punong kahoy, at mangagtayo kayo ng bunton laban sa Jerusalem: ito ang bayang dadalawin; siya'y lubos na kapighatian sa gitna niya. 024 JER 006 007 Kung paanong ang isang bukal ay nilalabasan ng kaniyang tubig, gayon siya nilalabasan ng kaniyang kasamaan: pangdadahas at pagkagiba ay naririnig sa kaniya; sa harap ko ay palaging hirap at mga sugat. 024 JER 006 008 Maturuan ka, Oh Jerusalem, baka ang aking kaluluwa ay mahiwalay sa iyo; baka ikaw ay gawin kong sira, lupaing hindi tinatahanan. 024 JER 006 009 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kanilang lubos na sisimutin ang nalabi sa Israel na parang puno ng ubas: idukot mo uli ang iyong kamay sa mga buslo na gaya ng mamimitas ng ubas. 024 JER 006 010 Kanino ako magsasalita at magpapatotoo, upang kanilang marinig? narito, ang kanilang pakinig ay paking, at hindi mangakarinig: narito, ang salita ng Panginoon ay naging kadustaan sa kanila; sila'y walang kaluguran sa kaniya. 024 JER 006 011 Kaya't ako'y puspus ng kapusukan ng Panginoon; ako'y pagod na ng pagpipigil ko: ibuhos sa mga bata sa lansangan, at sa kapulungan ng mga binata na magkakasama: sapagka't gayon din ang lalake sangpu ng asawa ay mahuhuli, ang matanda sangpu niya na puspus ng mga kaarawan. 024 JER 006 012 At ang kanilang mga bahay ay malilipat sa mga iba, ang kanilang mga parang at ang kanilang mga asawa na magkakasama: sapagka't iuunat ko ang aking kamay sa mga mananahan sa lupain, sabi ng Panginoon. 024 JER 006 013 Sapagka't mula sa kaliitliitan nila hanggang sa kalakilakihan nila, bawa't isa ay ibinigay sa kasakiman; at mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan. 024 JER 006 014 Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan. 024 JER 006 015 Nangahiya baga sila nang sila'y gumawa ng kasuklamsuklam? hindi, hindi sila nangahiya sa anoman, o sila man ay nangamula: kaya't sila'y mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal; sa panahon na aking dadalawin sila ay nangabubulagta sila, sabi ng Panginoon. 024 JER 006 016 Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: nguni't kanilang sinabi, Hindi kami magsisilakad doon. 024 JER 006 017 At ako'y naglagay ng mga bantay sa inyo, na aking sinasabi, Inyong pakinggan ang tunog ng pakakak, nguni't kanilang sinabi, Hindi kami makikinig. 024 JER 006 018 Kaya't inyong pakinggan, ninyong mga bansa, at inyong talastasin, Oh kapulungan, kung ano ang nasa gitna nila. 024 JER 006 019 Iyong pakinggan, Oh lupa: narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa bayang ito, na bunga ng kanilang mga pagiisip, sapagka't sila'y hindi nangakinig sa aking mga salita; at tungkol sa aking kautusan ay kanilang itinakuwil. 024 JER 006 020 Sa anong panukala nangagdadala kayo sa akin ng kamangyan na mula sa Seba, at ng mabangong kalamo na mula sa malayong lupain? ang inyong mga handog na susunugin ay hindi nakalulugod, ni ang inyo mang mga hain ay nakalulugod sa akin. 024 JER 006 021 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y maglalagay ng katitisuran sa harap ng bayang ito: at ang mga magulang at ang mga anak ay magkakasamang mangatitisod doon; ang kalapit bahay at ang kaniyang kaibigan ay mamamatay. 024 JER 006 022 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ang isang bayan ay nagmumula sa hilagaang lupain; at isang dakilang bansa ay pupukawin mula sa mga kaduluduluhang bahagi ng lupa. 024 JER 006 023 Sila'y nagsisihawak ng busog at ng sibat; sila'y mabagsik at walang habag; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay, na parang isang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo Oh anak na babae ng Sion. 024 JER 006 024 Aming narinig ang balita niyaon; ang aming mga kamay ay nanganghihina: kahirapan ay humawak sa amin, at hirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam. 024 JER 006 025 Huwag kang lumabas sa parang, o lumakad man sa daan; sapagka't may tabak ng kaaway, at kakilabutan sa bawa't dako. 024 JER 006 026 Oh anak na babae ng aking bayan, magbigkis ka ng kayong magaspang, at gumumon ka sa abo: manangis ka, gaya ng sa bugtong na anak, ng kalagimlagim na panaghoy; sapagka't ang manglilipol ay biglang darating sa akin. 024 JER 006 027 Iginawa kita ng isang moog at ng kuta sa gitna ng aking bayan: upang iyong maalaman at masubok ang kanilang lakad. 024 JER 006 028 Silang lahat ay lubhang mapanghimagsik na nanganinirang puri; sila'y tanso at bakal: silang lahat ay nagsisigawang may kabulukan. 024 JER 006 029 Ang panghihip ay humihihip na malakas; ang tingga ay natutunaw sa apoy: sa walang kabuluhan nagdadalisay sila; sapagka't ang masasama ay hindi nangaalis. 024 JER 006 030 Tatawagin silang pilak na itinakuwil, sapagka't itinakuwil sila ng Panginoon. 024 JER 007 001 Ang salita na dumating kay Jeremias mula sa Panginoon na nagsasabi, 024 JER 007 002 Ikaw ay tumayo sa pintuang-daan ng bahay ng Panginoon, at itanyag mo roon ang salitang ito, at iyong sabihin, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong lahat na nasa Juda, na nagsisipasok sa mga pintuang-daang ito upang magsisamba sa Panginoon. 024 JER 007 003 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Inyong pabutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa, at akin kayong patatahanin sa dakong ito. 024 JER 007 004 Huwag kayong magsitiwala sa mga kabulaanang salita, na nangagsasabi, Ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ay ang mga ito. 024 JER 007 005 Sapagka't kung inyong lubos na pabubutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa; kung kayo'y lubos na magsisigawa ng kahatulan sa isang tao at sa kaniyang kapuwa. 024 JER 007 006 Kung hindi ninyo pipighatiin ang makikipamayan, ang ulila, at ang babaing bao, at hindi kayo magbububo ng walang salang dugo sa dakong ito, o susunod man sa ibang mga dios sa inyong sariling kapahamakan. 024 JER 007 007 Ay patatahanin ko nga kayo sa dakong ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang mula ng una hanggang sa walang hanggan. 024 JER 007 008 Narito, kayo'y nagsisitiwala sa mga kabulaanang salita, na hindi mapapakinabangan. 024 JER 007 009 Kayo baga'y mangagnanakaw, magsisipatay, at mangangalunya at magsisisumpa ng kabulaanan, at mangagsusunog ng kamangyan kay Baal, at magsisisunod sa ibang mga dios na hindi ninyo nakikilala. 024 JER 007 010 At magsisiparito at magsisitayo sa harap ko sa bahay na ito, na tinatawag sa aking pangalan, na mangagsasabi, Kami ay laya; upang inyong gawin ang lahat na kasuklamsuklam na ito? 024 JER 007 011 Ang bahay bagang ito na tinawag sa aking pangalan, naging yungib ng mga tulisan sa harap ng inyong mga mata? Narito, ako, ako nga ang nakakita, sabi ng Panginoon. 024 JER 007 012 Nguni't magsiparoon kayo ngayon sa aking dako na nasa Silo, na siyang aking pinagpatahanan ng aking pangalan nang una, at inyong tingnan kung ano ang aking ginawa dahil sa kasamaan ng aking bayang Israel. 024 JER 007 013 At ngayon, sapagka't inyong ginawa ang lahat ng gawang ito, sabi ng Panginoon, at nagsalita ako sa inyo, na ako'y bumabangong maaga at nagsasalita, nguni't hindi ninyo dininig: at aking tinawag kayo, nguni't hindi kayo sumagot: 024 JER 007 014 Kaya't gagawin ko sa bahay na tinatawag sa aking pangalan, na inyong tinitiwalaan, at sa dakong ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga magulang, ang gaya ng aking ginawa sa Silo. 024 JER 007 015 At akin kayong itatakuwil sa aking paningin, gaya ng pagkatakuwil ko sa lahat ninyong mga kapatid, sa buong binhi ni Ephraim. 024 JER 007 016 Kaya't huwag mong idalangin ang bayang ito, ni palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man, o mamagitan man ikaw sa akin; sapagka't hindi kita didinggin. 024 JER 007 017 Hindi mo ba nakikita kung ano ang kanilang ginagawa sa bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem? 024 JER 007 018 Ang mga anak ay nangamumulot ng kahoy, at ang mga ama ay nangagpapaningas ng apoy, at ang mga babae ay nangagmamasa ng masa, upang igawa ng mga tinapay ang reina ng langit, at upang magbuhos ng mga handog na inumin sa ibang mga dios, upang kanilang mungkahiin ako sa galit. 024 JER 007 019 Kanila baga akong minumungkahi sa galit? sabi ng Panginoon; hindi baga sila namumungkahi sa kanilang sarili sa ikalilito ng kanila ring mukha? 024 JER 007 020 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ang aking galit at ang aking kapusukan ay mabubuhos sa dakong ito, sa tao, at sa hayop, at sa mga punong kahoy sa parang, at sa bunga ng lupa: at masusupok, at hindi mapapatay. 024 JER 007 021 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Inyong idagdag ang inyong mga handog na susunugin sa inyong mga hain, at magsikain kayo ng laman. 024 JER 007 022 Sapagka't hindi ako nagsalita sa inyong mga magulang, o nagutos man sa kanila nang araw na inilabas ko sila sa lupain ng Egipto, tungkol sa mga handog na susunugin, o sa mga hain: 024 JER 007 023 Kundi ang bagay na ito ang iniutos ko sa kanila, na aking sinasabi, Inyong dinggin ang aking tinig, at ako'y magiging inyong Dios, at kayo'y magiging aking bayan; at magsilakad kayo sa lahat ng daan na iniuutos ko sa inyo, sa ikabubuti ninyo. 024 JER 007 024 Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi nagsilakad sa kanilang sariling mga payo at sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso, at nagsiyaong paurong at hindi pasulong. 024 JER 007 025 Mula nang araw na ang inyong mga magulang ay magsilabas sa lupain ng Egipto hanggang sa araw na ito, aking sinugo sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na araw-araw ay bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila: 024 JER 007 026 Gayon ma'y hindi sila nangakinig sa akin, o nangagkiling man ng kanilang pakinig, kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg: sila'y nagsigawa ng lalong masama kay sa kanilang mga magulang. 024 JER 007 027 At iyong sasalitain ang lahat na salitang ito sa kanila; nguni't hindi sila mangakikinig sa iyo: iyo namang tatawagin sila; nguni't hindi sila magsisisagot sa iyo. 024 JER 007 028 At iyong sasabihin sa kanila, Ito ang bansang hindi nakinig sa tinig ng Panginoon nilang Dios, o tumanggap man ng aral: katotohanan ay nawala, at nahiwalay sa kanilang bibig. 024 JER 007 029 Iyong gupitin ang iyong buhok, Oh Jerusalem, at ihagis mo, at maglakas ka ng panaghoy sa mga luwal na kaitaasan; sapagka't itinakuwil ng Panginoon at nilimot ang lahat ng kaniyang poot. 024 JER 007 030 Sapagka't nagsigawa ang mga anak ni Juda ng masama sa aking paningin, sabi ng Panginoon: kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay na tinatawag sa aking pangalan, upang lapastanganin. 024 JER 007 031 At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ng Topheth, na nasa libis ng anak ni Hinnom, upang sunugin ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy; na hindi ko iniuutos, o pumasok man sa aking pagiisip. 024 JER 007 032 Kaya't, narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na siya tatawaging Topheth, o ang libis ng anak ni Hinnom man, kundi Ang libis ng Patayan: sapagka't sila'y mangaglilibing sa Topheth, hanggang sa mawalan ng dakong mapaglilibingan. 024 JER 007 033 At ang mga bangkay ng bayang ito ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa; at walang bubugaw sa mga yaon. 024 JER 007 034 Kung magkagayo'y aking ipatitigil sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, ang tinig ng kalayawan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae: sapagka't ang lupain ay masisira. 024 JER 008 001 Sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ay ilalabas nila ang mga buto ng mga hari sa Juda, at ang mga buto ng kaniyang mga prinsipe, at ang mga buto ng mga saserdote, at ang mga buto ng mga propeta, at ang mga buto ng mga nananahan sa Jerusalem, mula sa kanilang mga libingan; 024 JER 008 002 At kanilang ikakalat sa liwanag ng araw, at ng buwan, at ng lahat na natatanaw sa langit na kanilang inibig, at kanilang pinaglingkuran, at siya nilang sinundan, at siyang kanilang hinanap, at siyang kanilang sinamba: hindi mangapipisan, o mangalilibing man, sila'y magiging pinakasukal sa ibabaw ng lupa. 024 JER 008 003 At ang kamatayan ay pipiliin na higit kay sa kabuhayan ng lahat ng naiwang nalabi rito sa masamang angkan, na nalabi sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 024 JER 008 004 Bukod dito'y sasabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon. Mangabubuwal baga ang mga tao, at hindi magsisibangon uli? maliligaw baga ang isa, at hindi babalik? 024 JER 008 005 Bakit nga ang bayang ito na Jerusalem ay tumatalikod ng walang hanggang pagtalikod? sila'y nagsisihawak na mahigpit ng karayaan, sila'y nagsisitangging bumalik. 024 JER 008 006 Aking pinakinggan at narinig ko, nguni't hindi sila nagsalita ng matuwid: walang nagsisisi ng kaniyang kasamaan, na nagsasabi, Anong aking ginawa? bawa't isa'y lumilihis sa kaniyang lakad, gaya ng kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka. 024 JER 008 007 Oo, nalalaman ng ciguena sa himpapawid ang kaniyang mga takdang kapanahunan; at ang bato bato at ang langaylangayan at ang tagak ay nangagmamalas ng panahon ng pagdating ng mga yaon; nguni't hindi nalalaman ng aking bayan ang alituntunin ng Panginoon. 024 JER 008 008 Paano ninyo sinasabi, Kami ay pantas, at ang kautusan ng Panginoon ay sumasaamin? Nguni't, narito, ang sinungaling na pangsulat ng mga escriba ay sumulat na may kasinungalingan. 024 JER 008 009 Ang mga pantas ay nangapapahiya, sila'y nanganglulupaypay at nangahuhuli: narito, kanilang itinakuwil ang salita ng Panginoon: at anong uri ng karunungan ang nasa kanila? 024 JER 008 010 Kaya't ibibigay ko ang kanilang mga asawa sa mga iba, at ang kanilang mga parang sa mga magaari sa mga yaon: sapagka't bawa't isa mula sa kaliitliitan hanggang sa kalakilakihan, ay ibinigay sa kasakiman; mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan. 024 JER 008 011 At kanilang pinagaling ng kaunti ang sugat ng anak na babae ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan. 024 JER 008 012 Nangahiya baga sila nang sila'y gumawa ng kasuklamsuklam? hindi, hindi sila nangahiya sa anoman, ni nangamula man sila: kaya't sila'y mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal; sa panahon ng pagdalaw sa kanila ay mahahagis sila, sabi ng Panginoon. 024 JER 008 013 Aking lubos na lilipulin sila, sabi ng Panginoon: hindi magkakaroon ng mga ubas sa puno ng ubas, o ng mga higos man sa mga puno ng higos, at ang dahon ay malalanta; at ang mga bagay na aking naibigay sa kanila ay mapapawi sa kanila. 024 JER 008 014 Bakit tayo'y nagsisitigil na nakaupo? kayo'y magkatipon, at tayo'y magsipasok sa mga bayang nakukutaan, at tayo'y magsitahimik doon; sapagka't tayo'y pinatahimik ng Panginoon nating Dios, at binigyan tayo ng inuming mapait upang inumin, sapagka't tayo'y nangagkasala laban sa Panginoon. 024 JER 008 015 Tayo'y nangaghihintay ng kapayapaan, nguni't walang dumating na mabuti; at ng panahon ng kagalingan, at narito panglulupaypay! 024 JER 008 016 Ang singasing ng kaniyang mga kabayo ay naririnig mula sa Dan: sa tinig ng halinghing ng kaniyang mga malakas ay nayayanig ang buong lupain; sapagka't sila'y nagsidating, at nilamon ang lupain at lahat ng naroon; ang bayan at yaong mga nagsisitahan doon. 024 JER 008 017 Sapagka't, narito, ako'y magsusugo ng mga ahas, ng mga ulupong sa gitna ninyo, na hindi maeenkanto, at kakagatin nila kayo, sabi ng Panginoon. 024 JER 008 018 Oh kung ako'y makapagaaliw laban sa kapanglawan! ang puso ko ay nanglulupaypay. 024 JER 008 019 Narito, ang tinig ng hiyaw ng anak na babae ng aking bayan na mula sa lupain na totoong malayo: Hindi baga ang Panginoon ay nasa Sion? hindi baga ang kaniyang Hari ay nandoon? Bakit minungkahi nila ako sa galit ng kanilang mga larawang inanyuan, at ng mga walang kabuluhan ng iba? 024 JER 008 020 Ang pagaani ay nakaraan, ang taginit ay lipas na, at tayo'y hindi ligtas. 024 JER 008 021 Dahil sa sugat ng anak na babae ng aking bayan ay nasasakitan ako; ako'y luksa; ako'y natigilan. 024 JER 008 022 Wala bagang balsamo sa Galaad? wala bagang manggagamot doon? bakit nga hindi gumaling ang anak na babae ng aking bayan? 024 JER 009 001 Oh kung ang aking ulo lamang ay maging tubig, at ang aking mga mata ay bukalan ng mga luha, upang ako'y makaiyak araw at gabi dahil sa pagkamatay ng anak na babae ng aking bayan! 024 JER 009 002 Oh kung magkaroon ako sa ilang ng patuluyan sa mga naglalakad; upang aking maiwan ang aking bayan, at lisanin ko sila! sapagka't silang lahat ay mangangalunya, kapulungan ng mga taong taksil! 024 JER 009 003 At pinamimilantik nila ang kanilang dila gaya ng kanilang busog, dahil sa kabulaanan; at sila'y nagsisitakas sa lupain, nguni't hindi para sa katotohanan: sapagka't sila'y nagpatuloy mula sa kasamaan hanggang sa kasamaan, at hindi nila ako nakikilala, sabi ng Panginoon. 024 JER 009 004 Mangagingat bawa't isa sa inyo sa kaniyang kapuwa, at huwag kayong mangagkatiwala sa kanino mang kapatid; sapagka't bawa't kapatid ay mangaagaw, at bawa't kapuwa ay makikisama sa mapanirang puri. 024 JER 009 005 At mangagdaya bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at hindi mangagsasalita ng katotohanan: kanilang tinuruan ang kanilang dila na magsalita ng kabulaanan; sila'y nangagpakapagod upang gumawa ng kasamaan. 024 JER 009 006 Ang iyong tahanan ay nasa gitna ng pangdadaya: dahil sa pangdadaya ay ayaw silang kumilala sa akin, sabi ng Panginoon. 024 JER 009 007 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking lilituhin sila, at susubukin sila; sapagka't ano pa ang aking magagawa, dahil sa anak na babae ng aking bayan? 024 JER 009 008 Ang kanilang dila ay panang nakamamatay; nagsasalita ng karayaan: nagsasalitang may kapayapaan ng kaniyang bibig sa kaniyang kapuwa, nguni't bumabakay siya ng kaniyang puso sa kaniya. 024 JER 009 009 Hindi ko baga dadalawin sila dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon; hindi baga manghihiganti ako sa isang bansa na gaya nito? 024 JER 009 010 Sa mga bundok ay maglalakas ako ng pagiyak at pananangis, at sa mga sabsaban sa ilang ay panaghoy, sapagka't nasunog ang mga yaon, na anopa't walang dumaraan; hindi man narinig ng mga tao ang angal ng kawan; ang mga ibon sa himpapawid at gayon din ang mga hayop sa parang ay nagsitakas, ang mga ito'y nagsiyaon. 024 JER 009 011 At aking gagawin na mga bundok ang Jerusalem, na tahanang dako ng mga chakal; at aking sisirain ang mga bayan ng Juda, na walang mananahan. 024 JER 009 012 Sino ang pantas na makakaunawa nito? at sino siya na pinagsalitaan ng bibig ng Panginoon, upang kaniyang maipahayag? bakit ang lupain ay napupugnaw at nasusunog na parang ilang, na anopa't walang dumaraan? 024 JER 009 013 At sinabi ng Panginoon, Sapagka't kanilang pinabayaan ang aking kautusan na aking inilagay sa harap nila, at hindi nagsisunod sa aking tinig, o nilakaran man nila; 024 JER 009 014 Kundi sila'y nagsisunod sa pagmamatigas ng kanilang sariling puso, at nagsisunod sa mga Baal, na itinuro sa kanila ng kanilang mga magulang; 024 JER 009 015 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking pakakanin sila, ang bayang ito, ng ajenjo, at bibigyan ko sila ng inuming mapait upang inumin. 024 JER 009 016 Akin ding pangangalatin sila sa gitna ng mga bansa, na hindi nakilala kahit nila o ng kanilang mga magulang man; at ipahahabol ko sila sa tabak, hanggang sa aking malipol sila. 024 JER 009 017 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y mangagdilidili, at magsitawag ng mga tagapanangis na babae, upang sila'y mangakaparito; at inyong ipasundo ang mga bihasang babae, upang sila'y mangakaparito: 024 JER 009 018 At mangagmadali sila, at mangaglakas sila ng panangis dahil sa atin, upang ang ating mga mata ay daluyan ng mga luha, at ang ating mga talukapmata ay labasan ng tubig. 024 JER 009 019 Sapagka't ang tinig ng panangis ay naririnig mula sa Sion, Ano't tayo'y nasisira! tayo'y lubhang nangalito, sapagka't ating pinabayaan ang lupain, sapagka't kanilang ibinagsak ang ating mga tahanan. 024 JER 009 020 Gayon ma'y inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga babae, at tanggapin ng inyong pakinig ang salita ng kaniyang bibig; at turuan ninyo ang inyong mga anak na babae ng panangis, at turuan ng bawa't isa ang kaniyang kapuwa ng panaghoy. 024 JER 009 021 Sapagka't ang kamatayan ay sumampa sa loob ng ating mga dungawan, ito'y pumasok sa ating mga palacio; upang ihiwalay ang mga anak sa labas, at ang mga binata sa mga lansangan. 024 JER 009 022 Salitain mo: Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang mga bangkay ng mga tao ay mangabubuwal na parang dumi sa luwal na parang, at parang bigkis sa likod ng manggagapas: at walang dadampot. 024 JER 009 023 Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag magmapuri ang pantas sa kaniyang karunungan, o magmapuri man ang makapangyarihan sa kaniyang kapangyarihan, huwag magmapuri ang mayaman sa kaniyang kayamanan; 024 JER 009 024 Kundi magmapuri sa ganito ang lumuluwalhati, na kaniyang nauunawa, at kaniyang nakikilala ako, na ako ang Panginoon na nagsasagawa sa lupa ng kagandahang-loob, kahatulan at katuwiran; sapagka't sa mga bagay na ito ay nalulugod ako, sabi ng Panginoon. 024 JER 009 025 Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking parurusahan silang lahat na nangatuli sa hindi tunay na pagkatuli. 024 JER 009 026 Ang Egipto, at ang Juda, at ang Edom, at ang mga anak ni Ammon, at ang Moab, at lahat ng nagsisigupit ng laylayan ng kaniyang buhok, na nagsisitahan sa ilang; sapagka't lahat ng mga bansa ay hindi tuli, at ang buong sangbahayan ni Israel ay hindi tuli sa puso. 024 JER 010 001 Inyong dinggin ang salita na sinasalita ng Panginoon sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel. 024 JER 010 002 Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kayong matuto ng lakad ng mga bansa, at huwag kayong manganglupaypay sa mga tanda ng langit; sapagka't ang mga bansa ay nanganglulupaypay sa mga yaon. 024 JER 010 003 Sapagka't ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan: sapagka't may pumuputol ng punong kahoy sa gubat, na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa pamamagitan ng palakol. 024 JER 010 004 Kanilang ginagayakan ng pilak at ng ginto; kanilang ikinakapit ng mga pako at ng mga pamukpok, upang huwag makilos. 024 JER 010 005 Sila'y gaya ng puno ng palma, na binilog, at hindi nagsasalita: kinakailangang pasanin, sapagka't hindi makalakad. Huwag ninyong katakutan ang mga yaon, sapagka't hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti. 024 JER 010 006 Walang gaya mo, Oh Panginoon; ikaw ay dakila, at ang iyong pangalan ay dakila sa kapangyarihan. 024 JER 010 007 Sinong hindi matatakot sa iyo, Oh Hari ng mga bansa? sapagka't sa iyo nauukol; palibhasa'y sa gitna ng lahat ng pantas sa mga bansa, at sa lahat nilang kaharian, ay walang gaya mo. 024 JER 010 008 Kundi sila'y pawang tampalasan at hangal turo ng mga dios-diosan, yao'y kahoy lamang. 024 JER 010 009 May pilak na pinukpok na dinala rito mula sa Tarsis, at ginto mula sa Uphaz, na gawa ng manggagawa at ng mga kamay ng panday; azul at kulay ube ang kanilang damit; gawang lahat ng mga bihasang manggagawa. 024 JER 010 010 Nguni't ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit. 024 JER 010 011 Ganito ang inyong sasabihin sa kanila, Ang mga dios na hindi gumawa ng langit at ng lupa, ang mga ito ang mangalilipol sa lupa, at sa silong ng langit. 024 JER 010 012 Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa: 024 JER 010 013 Pagka siya'y naguutos, may hugong ng tubig sa langit, at kaniyang pinaiilanglang ang mga singaw mula sa mga dulo ng lupa; siya'y nagpapakidlat para sa ulan, at naglalabas ng hangin mula sa mga kinalalagyan. 024 JER 010 014 Bawa't tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa't panday ay nalagay sa kahihiyan sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka't ang kaniyang larawang binubo ay kabulaanan, at hindi humihinga ang mga yaon. 024 JER 010 015 Sila'y walang kabuluhan, gawang karayaan: sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon sila ay mangalilipol. 024 JER 010 016 Ang bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagka't siya ang may kapal sa lahat ng mga bagay; at ang Israel ay siyang lipi na kaniyang mana ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan. 024 JER 010 017 Iyong pulutin ang iyong mga kalakal mula sa lupain, Oh ikaw na nakukubkob. 024 JER 010 018 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibubulid ang mga mananahan sa lupain sa panahong ito, at aking pahihirapan sila upang sila'y makaramdam. 024 JER 010 019 Sa aba ko, dahil sa aking sugat! ang aking sugat ay malubha: nguni't aking sinabi, Tunay na ito ay aking hirap, at aking marapat na tiisin. 024 JER 010 020 Ang aking tolda ay nagiba, at lahat ng panali ko ay nangapatid; iniwan ako ng aking mga anak, at sila'y wala na: wala nang magtayo pa ng aking tolda, at magtaas ng aking mga tabing. 024 JER 010 021 Sapagka't ang mga pastor ay naging tampalasan, at hindi nagsisangguni sa Panginoon: kaya't hindi sila magsisiginhawa, at lahat nilang kawan ay nangalat. 024 JER 010 022 Ang tinig ng mga balita, narito, dumarating, at malaking kagulo mula sa lupaing hilagaan, upang gawing kagibaan ang mga bayan ng Juda, at tahanan ng mga chakal. 024 JER 010 023 Oh Panginoon, talastas ko na ang lakad ng tao ay hindi sa kaniyang sarili; hindi para sa taong lumalakad ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang. 024 JER 010 024 Oh Panginoon, sawayin mo ako, nguni't sa pamamagitan ng kahatulan; huwag sa iyong galit, baka ako'y iuwi mo sa wala. 024 JER 010 025 Iyong ibuhos ang iyong kapusukan sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyo, at sa mga angkan na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan; sapagka't kanilang sinakmal ang Jacob, oo, kanilang sinakmal siya, at nilipol siya, at sinira ang kaniyang tahanan. 024 JER 011 001 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi, 024 JER 011 002 Inyong pakinggan ang mga salita ng tipang ito, at inyong salitain sa mga tao ng Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem, 024 JER 011 003 At iyong sabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Sumpain ang taong hindi nakikinig ng mga salita ng tipang ito, 024 JER 011 004 Na aking iniutos sa iyong mga magulang, nang araw na aking inilabas sila mula sa lupain ng Egipto, mula sa hurnong bakal, na nagsasabi, inyong talimahin ang aking tinig, at inyong isagawa, ayon sa lahat na iniuutos ko sa inyo: sa gayo'y magiging bayan ko kayo, at ako'y magiging inyong Dios; 024 JER 011 005 Upang aking maitatag ang sumpa na aking isinumpa sa inyong mga magulang, upang ibigay ko sa kanila ang isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot, gaya sa araw na ito. Nang magkagayo'y sumagot ako, at sinabi ko, Siya nawa, Oh Panginoon. 024 JER 011 006 At sinabi ng Panginoon sa akin, Inyong itanyag ang lahat ng mga salitang ito sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, na inyong sabihin, Inyong dinggin ang mga salita ng tipang ito, at inyong isagawa. 024 JER 011 007 Sapagka't aking pinatunayang mainam sa inyong mga magulang nang araw na aking iahon sila sa lupain ng Egipto, hanggang sa araw na ito, na ako'y bumabangong maaga at pinatutunayan ko, na aking sinasabi, Inyong talimahin ang aking tinig. 024 JER 011 008 Gayon ma'y hindi nila tinalima o ikiniling man ang kanilang pakinig kundi lumakad bawa't isa sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso: kaya't dinala ko sa kanila ang lahat na salita ng tipang ito, na aking iniutos sa kanila na isagawa, nguni't hindi nila isinagawa. 024 JER 011 009 At sinabi ng Panginoon sa akin, Isang pagbabanta ay nasumpungan sa gitna ng mga lalake ng Juda, at sa gitna ng mga nananahan sa Jerusalem. 024 JER 011 010 Sila'y nanganumbalik sa mga kasamaan ng kanilang mga kanunuan, na nagsitangging duminig ng aking mga salita; at sila'y nagsisunod sa ibang mga dios upang paglingkuran: sinira ng sangbahayan ni Israel at ng sangbahayan ni Juda ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang. 024 JER 011 011 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa kanila, na hindi nila matatakasan; at sila'y magsisidaing sa akin, nguni't hindi ko sila didinggin. 024 JER 011 012 Kung magkagayo'y magsisiyaon at magsisidaing ang mga bayan ng Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem sa mga dios na kanilang pinaghandugan ng kamangyan: nguni't hindi sila ililigtas nila sa anoman sa panahon ng kanilang kabagabagan. 024 JER 011 013 Sapagka't ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios. Oh Juda; at ayon sa bilang ng mga lansangan ng Jerusalem ay nagtayo kayo ng mga dambana sa kahiyahiyang bagay, mga dambana upang pagsunugan ng kamangyan kay Baal. 024 JER 011 014 Kaya't huwag mong idalangin ang bayang ito, o palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man; sapagka't hindi ko didinggin sila sa panahon na sila'y magsisidaing sa akin dahil sa kanilang kabagabagan. 024 JER 011 015 Anong magagawa ng aking sinta sa aking buhay, yamang siya'y gumawa ng kahalayan sa marami, at ang banal na lamang handog ay humiwalay sa iyo? pagka ikaw ay gumagawa ng kasamaan, ikaw nga'y nagagalak. 024 JER 011 016 Tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan, Sariwang puno ng olivo, maganda na may mainam na bunga: sa pamamagitan ng ingay ng malaking kagulo ay kaniyang sinilaban ng apoy, at ang mga sanga niyaon ay nangabali. 024 JER 011 017 Sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo, na nagtatag sa iyo, ay nagbabadya ng kasamaan laban sa iyo, dahil sa kasamaan ng sangbahayan ni Israel, at ng sangbahayan ni Juda na kanilang ginawa sa ganang kanilang sarili sa pamumungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng paghahandog ng kamangyan kay Baal. 024 JER 011 018 At binigyan ako ng kaalaman ng Panginoon tungkol doon, at naalaman ko: nang magkagayo'y ipinakita mo sa akin ang kanilang mga gawa. 024 JER 011 019 Nguni't ako'y gaya ng maamong kordero na pinapatnubayan sa patayan; at hindi ko naalaman na sila'y nangakakatha na ng mga katha laban sa akin, na nangagsasabi, Ating sirain ang punong kahoy sangpu ng bunga niyaon, at ating ihiwalay siya sa lupain ng buhay, upang ang kaniyang pangalan ay huwag ng maalaala. 024 JER 011 020 Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na tumatarok ng puso at ng pagiisip, ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila; sapagka't sa iyo inihayag ko ang aking usap. 024 JER 011 021 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga lalake ng Anathoth na nagsisiusig ng iyong buhay, na nangagsasabi, Ikaw ay huwag manghuhula sa pangalan ng Panginoon, upang huwag kang mamatay sa aming kamay; 024 JER 011 022 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking parurusahan sila: ang mga binata ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga anak na lalake at babae ay mangamamatay dahil sa gutom; 024 JER 011 023 At hindi magkakaroon ng nalabi sa kanila: sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan sa mga lalake ng Anathoth, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila. 024 JER 012 001 Ikaw ay matuwid, Oh Panginoon, nang ako'y makipagtalo sa iyo; gayon ma'y makikipagmatuwiranan ako sa iyo: bakit gumiginhawa ang lakad ng masama? bakit nangatitiwasay silang lahat na nagsisigawa ng may lubhang kataksilan? 024 JER 012 002 Iyong itinanim sila, oo, sila'y nangagkaugat; nagsisitubo, oo, sila'y nangagbubunga: ikaw ay malapit sa kanilang bibig, at malayo sa kanilang mga puso. 024 JER 012 003 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, nakakakilala sa akin; iyong nakikita ako, at tinatarok mo ang aking puso: itaboy mo silang gaya ng mga tupa sa patayan, at ihanda mo sila sa kaarawan ng pagpatay. 024 JER 012 004 Hanggang kailan tatangis ang lupain, at matutuyo ang mga damo sa buong lupain? dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon, nilipol ang mga hayop, at ang mga ibon; sapagka't kanilang sinabi, Hindi niya makikita ang ating huling kawakasan. 024 JER 012 005 Kung ikaw ay tumakbo na kasama ng nangaglalakad, at kanilang pinagod ka, paano ngang makikipagunahan ka sa mga kabayo? at bagaman sa lupain ng kapayapaan ay tiwasay ka, gayon ma'y paano ang gagawin mo sa kapalaluan ng Jordan? 024 JER 012 006 Sapagka't ang iyong mga kapatid man at ang sangbahayan ng iyong magulang, ay nagsigawa ring may kataksilan sa iyo; nagsihiyaw rin ng malakas sa hulihan mo: huwag mong paniwalaan sila, bagaman sila'y nangagsasalita ng mga mabuting salita sa iyo. 024 JER 012 007 Aking pinabayaan ang aking bahay, aking itinakuwil ang aking mana; aking ibinigay ang giliw na sinta ng aking kaluluwa sa kamay ng kaniyang mga kaaway. 024 JER 012 008 Sa akin ang mana ko ay naging parang leon sa gubat: kaniyang inilakas ang kaniyang tinig laban sa akin; kaya't aking ipinagtanim siya. 024 JER 012 009 Ang akin bagang mana sa akin ay naging parang mangdadagit na ibong batikbatik? ang mga mangdadagit na ibon baga ay laban sa kaniya sa palibot? kayo'y magsiyaon, inyong pagpulungin ang lahat na hayop sa parang, inyong dalhin sila rito upang magsipanakmal. 024 JER 012 010 Sinira ng maraming pastor ang aking ubasan, kanilang niyapakan ng paa ang aking bahagi, kanilang ginawa ang aking mahalagang bahagi na ilang na sira. 024 JER 012 011 Kanilang ginawa, itong isang kagibaan; tumatangis sa akin, palibhasa'y sira; ang buong lupain ay nasira, sapagka't walang taong gumugunita. 024 JER 012 012 Mga manglilipol ay nagsidating sa lahat na luwal na kaitaasan sa ilang: sapagka't ang tabak ng Panginoon ay nananakmal mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain walang taong may kapayapaan. 024 JER 012 013 Sila'y nangaghasik ng trigo, at nagsiani ng mga tinik: sila'y nangagpakahirap, at walang pinakikinabang: at kayo'y mangapapahiya sa inyong mga gawa, dahil sa mabangis na galit ng Panginoon. 024 JER 012 014 Ganito ang sabi ng Panginoon laban sa lahat na masama kong kapuwa, na nagsisigalaw ng mana sa aking bayang Israel, Narito, akin silang bubunutin sa kanilang lupain, at aking bubunutin ang sangbahayan ni Juda sa gitna nila. 024 JER 012 015 At mangyayari, na pagkatapos na aking mabunot sila, ako'y babalik at maaawa sa kanila; at aking ibabalik sila uli, bawa't tao ay sa kaniyang mana, at bawa't tao ay sa kaniyang lupain. 024 JER 012 016 At mangyayari, kung kanilang matutuhang masikap ang mga lakad ng aking bayan, ang pagsumpa sa pangalan ko, Buhay ang Panginoon; sa makatuwid baga'y gaya ng kanilang itinuro sa bayan ko na pagsumpa sa pangalan ni Baal: ay mangatatayo nga sila sa gitna ng aking bayan. 024 JER 012 017 Nguni't kung hindi nila didinggin, akin ngang bubunutin ang bansang yaon, na bubunutin at lilipulin sabi ng Panginoon. 024 JER 013 001 Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon at bumili ka ng isang pamigkis na lino, at ibigkis mo sa iyong mga bayawang at huwag mong ilubog sa tubig. 024 JER 013 002 Sa gayo'y bumili ako ng pamigkis ayon sa salita ng Panginoon, at inilagay ko sa aking mga bayawang. 024 JER 013 003 At ang salita ng Panginoon, ay dumating sa akin na ikalawa, na nagsabi, 024 JER 013 004 Kunin mo ang pamigkis na iyong binili, na nasa iyong mga bayawang, at ikaw ay bumangon, yumaon ka sa Eufrates, at ikubli mo roon sa isang bitak ng malaking bato. 024 JER 013 005 Sa gayo'y yumaon ako, at ikinubli ko sa tabi ng Eufrates ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon. 024 JER 013 006 At nangyari, pagkaraan ng maraming araw, na sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay bumangon, yumaon ka sa Eufrates, at kunin mo ang pamigkis mula roon, na iniutos ko sa iyong ikubli mo roon. 024 JER 013 007 Nang magkagayo'y yumaon ako sa Eufrates, at hinukay ko, at kinuha ko ang pamigkis mula sa dakong aking pinagkublihan; at, narito, ang pamigkis ay bulok, hindi mapapakinabangan sa anoman. 024 JER 013 008 Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi. 024 JER 013 009 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayon sa paraang ito ay aking sasayangin ang kapalaluan ng Juda, at ang malaking kapalaluan ng Jerusalem. 024 JER 013 010 Ang masamang bayang ito, na ayaw makinig ng mga salita ko, na lumalakad ayon sa katigasan ng kanilang puso, at yumaong sumunod sa ibang mga Dios upang paglingkuran, at upang sambahin, ay magiging gaya ng pamigkis na ito, na hindi mapapakinabangan sa anoman. 024 JER 013 011 Sapagka't kung paanong ang pamigkis ay kumakapit sa mga balakang ng lalake, gayon pinakapit ko sa akin ang buong sangbahayan ni Israel at ang buong sangbahayan ni Juda, sabi ng Panginoon; upang sila'y maging pinakabayan sa akin, at pinakapangalan, at pinakapuri, at pinakaluwalhati: nguni't hindi nila dininig. 024 JER 013 012 Kaya't sasalitain mo sa kanila ang salitang ito. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Bawa't sisidlang balat ay mapupuno ng alak: at kanilang sasabihin sa iyo, Hindi baga namin nalalaman na ang bawa't sisidlang balat ay mapupuno ng alak? 024 JER 013 013 Kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking pupunuin ng pagkalango ang lahat na mananahan sa lupaing ito, ang mga hari na nakaupo sa luklukan ni David, at ang mga saserdote at ang mga propeta, at ang lahat na nananahan sa Jerusalem. 024 JER 013 014 At aking itutulak ang isa laban sa isa, sa makatuwid baga'y ang mga magulang at ang mga anak na magkakasama, sabi ng Panginoon: hindi ako magpapatawad, o maaawa man, o mahahabag man, na sila'y lilipulin ko. 024 JER 013 015 Inyong dinggin, at kayo'y mangakinig; Huwag kayong mangagpalalo; sapagka't sinalita ng Panginoon. 024 JER 013 016 Luwalhatiin ninyo ang Panginoon ninyong Dios, bago siya magpadilim, at bago matisod ang inyong mga paa sa mga madilim na bundok, at, habang kayo'y nangaghihintay ng liwanag, ay kaniyang gagawing lilim ng kamatayan, at papagsasalimuutin niya ang kadiliman. 024 JER 013 017 Nguni't kung hindi ninyo didinggin, ako'y iiyak, na lihim dahil sa inyong kapalaluan; at ang mata ko ay iiyak na mainam, at dadaluyan ng mga luha, sapagka't ang kawan ng Panginoon ay nabihag. 024 JER 013 018 Iyong sabihin sa hari at sa ina ng hari, Kayo'y mangagpapakababa, magsiupo kayo; sapagka't ang inyong mga kagayakan ng ulo ay nalagpak, ang putong ng inyong kaluwalhatian. 024 JER 013 019 Ang mga bayan ng Timugan ay nasarhan, at walang mangagbukas: ang buong Juda ay nadalang bihag; buong nadalang bihag. 024 JER 013 020 Inyong itanaw ang inyong mga mata, at inyong masdan sila na nanganggagaling sa hilagaan: saan nandoon ang kawan na nabigay sa iyo, ang iyong magandang kawan? 024 JER 013 021 Ano ang iyong sasabihin pagka kaniyang inilagay ang iyong mga kaibigan na pinakapangulo mo, na wari iyong tinuruan sila laban sa iyo? hindi baga mamamanglaw ka, ng parang isang babae na nagdaramdam? 024 JER 013 022 At kung iyong sabihin sa puso, Bakit ang mga bagay na ito ay dumating sa akin? dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan ay nalilis ang iyong mga laylayan, at iyong mga sakong ay nagtiis ng karahasan. 024 JER 013 023 Makapagbabago baga ang Etiope ng kaniyang balat, o ang leopardo ng kaniyang batik? kung magkagayo'y mangakagagawa naman kayo ng mabuti, na mga bihasang gumawa ng masama. 024 JER 013 024 Kaya't aking pangangalatin sila, gaya ng dayami na dumaraan, sa pamamagitan ng hangin sa ilang. 024 JER 013 025 Ito ang iyong kapalaran, ang bahaging sukat sa iyo na mula sa akin, sabi ng Panginoon; sapagka't iyong nilimot ako, at tumiwala ka sa kabulaanan. 024 JER 013 026 Kaya't akin namang ililihis ang iyong mga laylayan sa harap ng iyong mukha, at ang iyong kahihiyan ay malilitaw. 024 JER 013 027 Aking nakita ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa, sa makatuwid baga'y ang iyong mga pangangalunya, at ang iyong mga paghalinghing, ang kahalayan ng iyong pakikiapid, sa mga burol sa parang. Sa aba mo, Oh Jerusalem! ikaw ay hindi malilinis; hanggang kailan pa magkakaganyan? 024 JER 014 001 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias tungkol sa pagkakatuyo. 024 JER 014 002 Ang Juda ay tumatangis, at ang mga pintuang-bayan niya ay nagsisihapay, mga bagsak na nangingitim sa lupa; at ang daing ng Jerusalem ay umilanglang. 024 JER 014 003 At sinugo ng mga mahal na tao ang kanilang mga bata sa tubig: sila'y nagsisiparoon sa mga balon, at hindi nangakasumpong ng tubig; sila'y nagsisibalik na may mga sisidlang walang laman; sila'y nangapapahiya at nangalilito, at nangagtatakip ng kanilang mga ulo. 024 JER 014 004 Dahil sa lupa na pumuputok, palibhasa't hindi nagkaroon ng ulan sa lupain, ang mga mangbubukid ay nangapahiya, kanilang tinatakpan ang kanilang mga ulo. 024 JER 014 005 Oo, ang usa sa parang naman ay nanganganak, at pinababayaan ang anak, sapagka't walang damo. 024 JER 014 006 At ang mga mailap na asno ay nagsisitayo sa mga luwal na kaitaasan, sila'y humihingal na parang mga chakal; sila ay nangangalumata, sapagka't walang pastulan. 024 JER 014 007 Bagaman ang aming mga kasamaan ay sumasaksi laban sa amin, gumawa ka alangalang sa iyong pangalan, Oh Panginoon; sapagka't ang aming mga pagtalikod ay marami; kami ay nangagkasala laban sa iyo. 024 JER 014 008 Oh ikaw na pagasa ng Israel, na Tagapagligtas sa kaniya sa panahon ng kabagabagan, bakit ka magiging parang nakikipamayan sa lupain, at parang gala na lumiliko na nagpaparaan ng gabi? 024 JER 014 009 Bakit ka magiging parang taong natigilan, parang makapangyarihan na hindi makapagligtas? gayon man ikaw, Oh Panginoon, ay nasa gitna namin, at kami ay tinatawag sa iyong pangalan; huwag mo kaming iwan. 024 JER 014 010 Ganito ang sabi ng Panginoon sa bayang ito, Yamang kanilang inibig ang paglaboy; hindi nila pinigil ang kanilang mga paa: kaya't hindi sila tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan. 024 JER 014 011 At sinabi ng Panginoon sa akin, Huwag mong idalangin ang bayang ito sa kanilang ikabubuti. 024 JER 014 012 Pagka sila'y nangagaayuno, hindi ko didinggin ang kanilang daing; at pagka sila'y nangaghahandog ng handog na susunugin at ng alay, hindi ko tatanggapin; kundi aking lilipulin sila ng tabak, at ng kagutom, at ng salot. 024 JER 014 013 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, sinasabi ng mga propeta sa kanila, Kayo'y hindi makakakita ng tabak, o magkakaroon man kayo ng kagutom; kundi bibigyan ko kayo ng talagang kapayapaan sa dakong ito. 024 JER 014 014 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang mga propeta ay nanghuhula ng kasinungalingan sa aking pangalan; hindi ko sila sinugo, o inutusan ko man sila, o nagsalita man ako sa kanila: sila'y nanganghuhula sa iyo ng sinungaling na pangitain, at ng panghuhula, at ng bagay na wala, at ng daya ng kanilang sariling puso. 024 JER 014 015 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nanghuhula sa aking pangalan, at hindi ko sila sinugo, na gayon ma'y nagsasabi sila, Tabak at kagutom ay hindi sasapit sa lupaing ito: Sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom ay malilipol ang mga propetang yaon. 024 JER 014 016 At ang bayan na kanilang pinanghuhulaan ay ihahagis sa mga lansangan ng Jerusalem dahil sa kagutom at sa tabak; at walang maglilibing sa kanila-sa kanila, sa kanilang mga asawa, o sa kanilang mga anak na lalake man, o babae man: sapagka't aking ibubuhos sa kanila ang kanilang kasamaan. 024 JER 014 017 At iyong sasabihin ang salitang ito sa kanila, Daluyan ang aking mga mata ng mga luha gabi at araw, at huwag maglikat; sapagka't ang anak na dalaga ng aking bayan ay nasira ng malaking pagkasira, na may totoong mabigat na sugat. 024 JER 014 018 Kung ako'y lumabas sa parang, narito, ang mga pinatay ng tabak! at kung ako'y pumasok sa bayan, narito, sila na mga may sakit ng pagkagutom! sapagka't ang propeta at gayon din ang saserdote ay lumilibot sa lupain at walang kaalaman. 024 JER 014 019 Iyo bagang lubos na itinakuwil ang Juda? kinapootan baga ng iyong kaluluwa ang Sion? bakit mo sinaktan kami, at walang kagalingan sa amin? Kami ay nangaghihintay ng kapayapaan, nguni't walang kabutihang dumating; at ng panahon ng kagalingan, at, narito, panglulupaypay! 024 JER 014 020 Aming kinikilala, Oh Panginoon, ang aming kasamaan, at ang kasamaan ng aming mga magulang; sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo. 024 JER 014 021 Huwag mo kaming kayamutan, alangalang sa iyong pangalan; huwag mong hamakin ang luklukan ng iyong kaluwalhatian: iyong alalahanin, huwag mong sirain ang iyong tipan sa amin. 024 JER 014 022 Mayroon bagang sinoman sa gitna ng mga walang kabuluhan ng mga bansa na makapagpapaulan? o makapagpapaambon baga ang mga langit? Hindi baga ikaw ay siya, Oh Panginoon naming Dios? kaya't kami ay mangaghihintay sa iyo; sapagka't iyong ginawa ang lahat na bagay na ito. 024 JER 015 001 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Bagaman si Moises at si Samuel ay tumayo sa harap ko, gayon ma'y ang pagiisip ko ay hindi sasa bayang ito: iyong itakuwil sila sa aking paningin, at iyong palabasin sila. 024 JER 015 002 At mangyayari, pagka kanilang sinabi sa iyo, Saan kami magsisilabas? sasaysayin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang sa kamatayan, ay sa kamatayan; at ang sa tabak, ay sa tabak; at ang sa kagutom, ay sa kagutom; at ang sa pagkabihag, ay sa pagkabihag. 024 JER 015 003 At ako'y magtatakda sa kanila ng apat na mga bagay, sabi ng Panginoon: ang tabak upang pumatay, at ang mga aso upang lumapa, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga hayop sa lupa, upang lumamon at lumipol. 024 JER 015 004 At aking ipagugulo sila na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, dahil kay Manases, na anak ni Ezechias, na hari sa Juda, dahil sa kaniyang ginawa sa Jerusalem. 024 JER 015 005 Sapagka't sinong mahahabag sa iyo, Oh Jerusalem? o sinong tataghoy sa iyo? o sinong titigil na magtatanong ng iyong kalagayan? 024 JER 015 006 Iyong itinakuwil ako, sabi ng Panginoon, ikaw ay umurong: kaya't iniunat ko ang aking kamay laban sa iyo, at pinatay kita; ako'y dala na ng pagsisisi. 024 JER 015 007 At aking pinahanginan sila ng pamaypay sa mga pintuang-bayan ng lupain; aking niwalaan sila ng mga anak, aking nilipol ang aking bayan; sila'y hindi humiwalay sa kanilang mga lakad. 024 JER 015 008 Ang kanilang mga babaing bao ay naragdagan sa akin ng higit kay sa buhangin sa mga dagat; aking dinala sa kanila laban sa ina ng mga binata ang manglilipol sa katanghaliang tapat: aking pinabagsak na bigla sa kaniya ang kahapisan at kakilabutan. 024 JER 015 009 Siyang nanganak ng pito ay nanglulupaypay; siya'y nalagutan ng hininga; ang kaniyang kaarawan ay lumubog nang may araw pa; napahiya at nalito: at ang nalabi sa kanila ay ibibigay ko sa tabak sa harap ng kanilang mga kaaway, sabi ng Panginoon. 024 JER 015 010 Sa aba ko, ina ko, na ipinanganak mo ako na lalaking sa pakikipagpunyagi at lalaking sa pakikipaglaban sa buong lupa! ako'y hindi nagpautang na may tubo, o pinautang man ako na may patubo ng mga tao; gayon ma'y sinusumpa ako ng bawa't isa sa kanila. 024 JER 015 011 Sinabi ng Panginoon, Katotohanang palalakasin kita sa ikabubuti; katotohanang aking pamamanhikin ang kaaway sa iyo sa panahon ng kasamaan at sa panahon ng pagdadalamhati. 024 JER 015 012 Mababasag baga ng sinoman ang bakal, ang bakal na mula sa hilagaan, at ang tanso? 024 JER 015 013 Ang iyong pag-aari at ang iyong kayamanan ay ibibigay ko na pinakasamsam na walang halaga, at iya'y dahil sa lahat mong kasalanan, sa lahat mo ngang hangganan. 024 JER 015 014 At akin silang pararaanin na kasama ng iyong mga kaaway sa lupain na hindi mo nakikilala; sapagka't ang apoy ay nagniningas sa aking galit, na magniningas sa inyo. 024 JER 015 015 Oh Panginoon, talastas mo; iyong alalahanin ako, at dalawin mo ako, at ipanghiganti mo ako sa mga manguusig sa akin; huwag mo akong kunin sa iyong pagtitiis: talastasin mo na dahil sa iyo ay nagtiis ako ng kakutyaan. 024 JER 015 016 Ang iyong mga salita ay nangasumpungan, at aking kinain; at ang iyong mga salita sa ganang akin ay katuwaan at kagalakan sa aking puso: sapagka't ako'y tinawag sa iyong pangalan, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo. 024 JER 015 017 Hindi ako nauupo sa kapisanan nila na nasasayahan, o nagagalak man; ako'y nauupong magisa dahil sa iyong kamay; sapagka't pinuno mo ako ng pagkagalit. 024 JER 015 018 Bakit ang aking sakit ay walang hanggan, at ang aking sugat ay walang kagamutan, na hindi mapagaling? ikaw baga'y tunay na magiging parang magdarayang batis sa akin, parang tubig na nauubos? 024 JER 015 019 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Kung ikaw ay magbalikloob, papananauliin nga kita upang ikaw ay makatayo sa harap ko; at kung iyong ihiwalay ang may halaga sa walang halaga, ikaw ay magiging parang aking bibig: sila'y manunumbalik sa iyo, nguni't hindi ka manunumbalik sa kanila. 024 JER 015 020 At gagawin kita sa bayang ito na tansong kuta na sanggalangan; at sila'y magsisilaban sa iyo, nguni't hindi sila magsisipanaig laban sa iyo; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita at upang papaging layain kita, sabi ng Panginoon. 024 JER 015 021 At ililigtas kita sa kamay ng masama, at tutubusin kita sa kamay ng kakilakilabot. 024 JER 016 001 Ang salita rin naman ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsabi, 024 JER 016 002 Huwag kang magaasawa, o magkakaroon ka man ng mga anak na lalake o babae sa dakong ito. 024 JER 016 003 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga anak na lalake at tungkol sa mga anak na babae na ipinanganak sa dakong ito, at tungkol sa kanilang mga ina na nanganak sa kanila, at tungkol sa kanilang mga ama na naging anak sila sa lupaing ito. 024 JER 016 004 Sila'y mangamamatay ng mga mabigat na pagkamatay: hindi sila pananaghuyan, o ililibing man sila; sila'y magiging parang dumi sa ibabaw ng lupa; at sila'y mangalilipol ng tabak, at ng kagutom; at ang kanilang mga bangkay ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa. 024 JER 016 005 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kang pumasok sa bahay na may tangisan, o pumaroon man upang tumaghoy, o manangis man sa mga yaon; sapagka't aking inalis ang kapayapaan ko sa bayang ito, sabi ng Panginoon, ang kagandahang-loob at mga malumanay na kaawaan. 024 JER 016 006 Ang malaki at gayon din ang maliit ay mangamamatay sa lupaing ito; sila'y hindi mangalilibing, o tataghuyan man sila ng mga tao, o magkukudlit man o mangagpapakakalbo man dahil sa kanila; 024 JER 016 007 O magpuputol man ng tinapay ang mga tao, sa kanila na nananangis, upang aliwin sila dahil sa namatay; hindi man sila paiinumin sa saro ng kaaliwan ng dahil sa kanilang ama o dahil sa kanilang ina. 024 JER 016 008 At huwag kang papasok sa bahay na anyayahan upang maupong kasalo nila, na kumain at uminom. 024 JER 016 009 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking ipatitigil sa dakong ito, sa harap ng iyong mga mata at sa inyong mga kaarawan, ang tinig ng kalayawan, at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae. 024 JER 016 010 At mangyayari, pagka iyong ipakikilala sa bayang ito ang lahat ng mga salitang ito, at kanilang sasabihin sa iyo, Bakit sinalita ng Panginoon ang lahat na malaking kasamaang ito laban sa amin? o ano ang aming kasamaan? o ano ang aming kasalanan na aming ginawa laban sa Panginoon naming Dios? 024 JER 016 011 Kung magkagayo'y iyong sasabihin sa kanila, Sapagka't pinabayaan ako ng inyong mga magulang, sabi ng Panginoon, at nagsisunod sa ibang mga dios, at nangaglingkod sa kanila, at nagsisamba sa kanila, at pinabayaan ako, at hindi iningatan ang aking kautusan; 024 JER 016 012 At kayo'y nagsigawa ng kasamaan na higit kay sa inyong mga magulang, sapagka't, narito, lumakad bawa't isa sa inyo ng ayon sa katigasan ng kanikaniyang masamang kalooban, na anopa't hindi ninyo ako dininig: 024 JER 016 013 Kaya't kayo'y itataboy ko sa lupain na hindi ninyo nakilala, ninyo o ng inyong mga magulang man, na mula sa lupaing ito, at doo'y mangaglilingkod kayo sa ibang mga dios araw at gabi, sapagka't hindi ako magpapakita ng kagandahang loob. 024 JER 016 014 Kaya't, narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na sasabihin pa, Buhay ang Panginoon, na nagahon ng angkan ni Israel mula sa lupain ng Egipto; 024 JER 016 015 Kundi, Buhay ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng hilagaan, at mula sa lahat ng lupain na kinatabuyan sa kanila. At akin silang ipapasok uli sa kanilang lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang. 024 JER 016 016 Narito, ipasusundo ko ang maraming mangingisda, sabi ng Panginoon, at magsisipangisda sila; at ipasusundo ko pagkatapos ang maraming mangangaso, at sila'y magsisipangaso sa bawa't bundok, at sa bawa't burol, at sa mga bitak ng mga malaking bato. 024 JER 016 017 Sapagka't ang aking mga mata ay nangasa lahat ng kanilang lakad, sila'y hindi nangakukubli sa aking mukha, o nangalilingid man ang kanilang kasamaan sa harap ng aking mga mata. 024 JER 016 018 At akin munang gagantihin ng ibayo ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan, sapagka't kanilang dinumhan ang aking lupain ng mga bangkay ng kanilang karumaldumal na mga bagay, at kanilang pinuno ang aking mana ng kanilang mga kasuklamsuklam. 024 JER 016 019 Oh Panginoon, aking kalakasan, at aking katibayan, at aking kanlungan sa kaarawan ng pagkadalamhati, sa iyo paroroon ang mga bansa na mula sa mga hangganan ng lupa, at mangagsasabi, Ang aming mga magulang ay walang minana kundi mga kabulaanan walang kabuluhan at mga bagay na hindi mapapakinabangan. 024 JER 016 020 Gagawa baga ang tao sa kaniyang sarili ng mga dios na hindi mga dios? 024 JER 016 021 Kaya't, narito, ipakikilala ko sa kanila, na paminsang ipakikilala ko sa kanila ang aking kamay at ang aking kapangyarihan; at kanilang makikilala na ang aking pangalan ay Jehova. 024 JER 017 001 Ang kasalanan ng Juda ay nasulat ng panulat na bakal, at ng dulo ng diamante: nakintal sa kanilang puso, at sa mga sungay ng inyong mga dambana; 024 JER 017 002 Habang naaalaala ng kanilang mga anak ang kanilang mga dambana at ang kanilang mga Asera sa tabi ng mga sariwang puno ng kahoy sa mga mataas na burol. 024 JER 017 003 Oh aking bundok sa parang, aking ibibigay sa pagkasamsam ang iyong mga tinatangkilik sa lahat ng iyong lupa at ang lahat ng iyong mga kayamanan, at ang iyong mga mataas na dako, dahil sa kasalanan, sa lahat ng iyong hangganan. 024 JER 017 004 At ikaw, sa makatuwid baga'y ang iyong sarili, mawawalaan ka ng iyong mana na ibinigay ko sa iyo; at paglilingkurin kita sa iyong mga kaaway sa lupain na hindi mo nakikilala: sapagka't pinapagningas ninyo ang aking galit na magniningas magpakailan man. 024 JER 017 005 Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon. 024 JER 017 006 Sapagka't siya'y magiging gaya ng kugon sa ilang, at hindi makakakita pagka ang mabuti ay dumarating, kundi tatahan sa mga tuyong dako sa ilang, lupaing maalat at hindi tinatahanan. 024 JER 017 007 Mapalad ang tao na tumitiwala sa Panginoon, at ang pagasa ay ang Panginoon. 024 JER 017 008 Sapagka't siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa tabi ng tubig, at naguugat sa tabi ng ilog, at hindi matatakot pagka ang init ay dumarating, kundi ang kaniyang dahon ay magiging sariwa; at hindi mababalisa sa taon ng pagkatuyu, o maglilikat man ng pagbubunga. 024 JER 017 009 Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam? 024 JER 017 010 Akong Panginoon, ay sumisiyasat ng pagiisip, aking tinatarok ang mga puso, upang magbigay sa bawa't tao ng ayon sa kanikaniyang lakad, ayon sa bunga ng kanikaniyang mga gawain. 024 JER 017 011 Kung paanong lumilimlim ang pugo sa mga itlog na hindi kaniya, gayon siya nagtatangkilik ng mga kayamanan, at hindi sa pamamagitan ng matuwid; sa kaniyang mga kaarawan ay iiwan niya yaon, at sa kaniyang wakas ay nagiging mangmang siya. 024 JER 017 012 Ang maluwalhating luklukan, na naitaas mula nang pasimula, ay siyang dako ng aming santuario. 024 JER 017 013 Oh Panginoon, na pagasa ng Israel, lahat na nagpapabaya sa iyo ay mapapahiya. Silang nagsisihiwalay sa akin ay masusulat sa lupa, sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, na bukal ng buhay na tubig. 024 JER 017 014 Iyong pagalingin ako, Oh Panginoon, at gagaling ako; iyong iligtas ako, at maliligtas ako: sapagka't ikaw ang aking kapurihan. 024 JER 017 015 Narito, kanilang sinasabi sa akin, Saan nandoon ang salita ng Panginoon? paratingin ngayon. 024 JER 017 016 Sa ganang akin, ay hindi ako nagmadali sa pagpapakapastor sa pagsunod sa iyo; o ninasa ko man ang kaabaabang kaarawan: iyong nalalaman: ang lumabas sa aking mga labi ay nasa harap ng iyong mukha. 024 JER 017 017 Huwag maging kakilabutan sa akin: ikaw ang aking kanlungan sa araw ng kasakunaan. 024 JER 017 018 Mangapahiya sila sa nagsisiusig sa akin, nguni't huwag akong mapahiya; manganglupaypay sila, nguni't huwag akong manglupaypay; datnan sila ng araw ng kasakunaan, at ipahamak sila ng ibayong pagkapahamak. 024 JER 017 019 Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka sa pintuang-bayan ng mga anak ng bayan, na pinapasukan, at nilalabasan ng mga hari sa Juda, at sa lahat ng pintuang-bayan ng Jerusalem; 024 JER 017 020 At iyong sabihin sa kanila, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga hari sa Juda, at ng buong Juda, at ng lahat na nananahan sa Jerusalem, na nagsisipasok sa pintuang-bayang ito: 024 JER 017 021 Ganito ang sabi ng Panginoon, Mangagingat kayo sa inyong sarili, at huwag kayong mangagdala ng pasan sa araw ng sabbath, o mangagpasok man sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem; 024 JER 017 022 Huwag din kayong maglabas ng pasan sa inyong mga bahay sa araw ng sabbath, o magsigawa man kayo ng anomang gawain: kundi inyong ipangilin ang araw ng sabbath, gaya ng iniutos ko sa inyong mga magulang. 024 JER 017 023 Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg, upang huwag nilang marinig, at huwag makatanggap ng turo. 024 JER 017 024 At mangyayari, kung kayo'y mangakinig na maingat sa akin, sabi ng Panginoon, na huwag magpasok ng pasan sa mga pintuan ng bayang ito sa araw ng sabbath, kundi ipangilin ang araw ng sabbath, upang huwag gawan ng anomang gawain; 024 JER 017 025 Kung magkagayo'y magsisipasok sa mga pintuan ng bayang ito ang mga hari at mga prinsipe na nangauupo sa luklukan ni David, na nangakakaro at nangakakabayo, sila at ang kanilang mga pangulo, ang mga lalake ng Juda, at ang mga taga Jerusalem; at ang bayang ito ay mananatili magpakailan man. 024 JER 017 026 At sila'y manganggagaling sa mga bayan ng Juda, at sa mga palibot ng Jerusalem, at sa lupain ng Benjamin, at sa mababang lupain, at sa mga bundok, at sa Timugan, na magdadala ng mga handog na susunugin, at ng mga hain, at ng mga alay, at ng kamangyan, at mangagdadala ng mga hain na pasalamat sa bahay ng Panginoon. 024 JER 017 027 Nguni't kung hindi ninyo didinggin ako upang ipangilin ang araw ng sabbath, at huwag mangagdala ng pasan at pumasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y magsusulsol ako ng apoy sa mga pintuang-bayan niyaon, at pupugnawin niyaon ang mga palacio sa Jerusalem, at hindi mapapatay. 024 JER 018 001 Ang salita na dumating kay Jeremias mula sa Panginoon, na nagsasabi, 024 JER 018 002 Ikaw ay bumangon, at bumaba sa bahay ng magpapalyok, at aking iparirinig sa iyo ang aking mga salita roon. 024 JER 018 003 Nang magkagayo'y bumaba ako sa bahay ng magpapalyok, at, narito, siya'y gumagawa ng kaniyang gawa sa pamamagitan ng mga gulong. 024 JER 018 004 At nang mabasag sa kamay ng magpapalyok ang sisidlang putik na kaniyang ginagawa, ay gumawa siya uli ng ibang sisidlan, na minagaling na gawin ng magpapalyok. 024 JER 018 005 Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi, 024 JER 018 006 Oh sangbahayan ni Israel, hindi baga ako makagagawa sa inyo na gaya ng paggawa ng magpapalyok na ito? sabi ng Panginoon. Narito, kung paano ang putik sa kamay ng magpapalyok, gayon kayo sa kamay ko, Oh sangbahayan ni Israel. 024 JER 018 007 Sa anomang sandali ay magsasalita ako ng tungkol sa isang bansa, at tungkol sa isang kaharian, upang bunutin at upang ibagsak at upang lipulin; 024 JER 018 008 Kung ang bansang yaon, na aking pinagsalitaan, ay humiwalay sa kanilang kasamaan, ako'y magsisisi sa kasamaan na aking inisip gawin sa kanila. 024 JER 018 009 At sa anomang sangdali ay magsasalita ako ng tungkol sa isang bansa, at tungkol sa isang kaharian, upang itayo at upang itatag; 024 JER 018 010 Kung gumawa ng kasamaan sa aking paningin, na hindi sundin ang aking tinig, ay pagsisisihan ko nga ang kabutihan, na aking ipinagsabing pakikinabangan nila. 024 JER 018 011 Ngayon nga, salitain mo sa mga tao sa Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y humahaka ng kasamaan laban sa inyo, at kumatha ng katha-katha laban sa inyo: manumbalik bawa't isa sa inyo mula sa kanikaniyang masamang lakad, at inyong pabutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa. 024 JER 018 012 Nguni't kanilang sinabi, Walang pagasa; sapagka't kami ay magsisisunod sa aming sariling mga katha-katha, at magsisigawa bawa't isa sa amin ng ayon sa katigasan ng kanikaniyang masamang puso. 024 JER 018 013 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Inyong itanong nga sa mga bansa, kung sinong nakarinig ng ganiyang mga bagay? ang dalaga ng Israel ay gumawa ng totoong kakilakilabot na bagay. 024 JER 018 014 Magkukulang baga ng niebe sa Lebano sa bato sa parang? ang malamig na tubig na umaagos mula sa malayo ay matutuyo baga? 024 JER 018 015 Sapagka't kinalimutan ako ng aking bayan, sila'y nangagsunog ng kamangyan sa mga diosdiosan; at sila'y nangatisod sa kanilang mga lakad, sa mga dating landas, at pinalalakad sa mga lana, sa daan na hindi patag; 024 JER 018 016 Upang gawin ang kanilang lupain na isang katigilan, at walang hanggang kasutsutan; lahat na nangagdadaan doon ay mangatitigilan, at mangaggagalaw ng ulo. 024 JER 018 017 Aking pangangalatin sila na parang hanging silanganan sa harap ng kaaway; tatalikuran ko sila, at hindi ko haharapin, sa kaarawan ng kanilang kasakunaan, 024 JER 018 018 Nang magkagayo'y sinabi nila, Kayo'y magsiparito, at tayo'y magsikatha ng mga katha-katha laban kay Jeremias; sapagka't ang kautusan ay hindi mawawala sa saserdote, o ang payo man sa pantas, o ang salita man sa propeta. Kayo'y magsiparito, at ating saktan siya ng dila, at huwag nating pansinin ang kaniyang mga salita. 024 JER 018 019 Pakinggan mo ako, Oh Panginoon, at ulinigin mo ang tinig nila na nakikipagtalo sa akin. 024 JER 018 020 Igaganti baga'y kasamaan sa kabutihan? sapagka't sila'y nagsihukay ng hukay para sa akin. Iyong alalahanin kung paanong ako'y tumayo sa harap mo, upang magsalita ng mabuti para sa kanila, upang ihiwalay ang iyong kapusukan sa kanila. 024 JER 018 021 Kaya't ibigay mo ang kanilang mga anak sa kagutom, at ibigay mo sila sa kapangyarihan ng tabak; at ang kanilang mga asawa ay mawalan ng anak, at mga bao; at ang kanilang mga lalake ay mangapatay sa patayan, at ang kanilang mga binata ay masugatan ng tabak sa pagbabaka. 024 JER 018 022 Makarinig nawa ng daing mula sa kanilang mga bahay, pagka ikaw ay biglang magdadala ng hukbo sa kanila; sapagka't sila'y nagsihukay ng hukay upang hulihin ako, at ipinagkubli ng mga silo ang aking mga paa. 024 JER 018 023 Gayon man, Panginoon, iyong talastas ang lahat nilang payo laban sa akin upang patayin ako; huwag mong ipatawad ang kanilang kasamaan, o pawiin mo man ang kanilang kasalanan sa iyong paningin; kundi sila'y mangatisod sa harap mo; parusahan mo sila sa kaarawan ng iyong galit. 024 JER 019 001 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ikaw ay yumaon, at bumili ka ng isang sisidlang lupa ng magpapalyok, at magsama ka ng mga matanda sa bayan, at ng mga matanda sa mga saserdote; 024 JER 019 002 At ikaw ay lumabas sa libis ng anak ni Hinnom, na nasa tabi ng pasukan ng pintuang-bayan ng Harsit, at itanyag mo roon ang mga salita na aking sasaysayin sa iyo: 024 JER 019 003 At iyong sabihin, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh mga hari sa Juda, at mga nananahan sa Jerusalem: Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magpaparating ng kasamaan sa dakong ito, na sinomang makarinig ay magpapanting ang mga pakinig. 024 JER 019 004 Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at kanilang pinapaging iba ang dakong ito, at nangagsunog sila ng kamangyan dito sa ibang mga dios, na hindi nila nakilala, nila at ng kanilang mga magulang at ng mga hari sa Juda, at pinuno ang dakong ito ng dugo ng mga walang sala, 024 JER 019 005 At itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, upang sunugin ang kanilang mga anak sa apoy na mga pinakahandog na susunugin kay Baal; na hindi ko iniutos, o sinalita man, o pumasok man sa aking pagiisip: 024 JER 019 006 Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang dakong ito ay hindi na tatawaging Topheth, ni Ang libis ng anak ni Hinnom, kundi Ang libis ng Patayan. 024 JER 019 007 At aking sasayangin ang payo ng Juda at ng Jerusalem sa dakong ito; at aking ibubuwal sila sa pamamagitan ng tabak sa harap ng kanilang mga kaaway, at sa pamamagitan ng kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay: at ang kanilang mga bangkay ay mangabibigay na pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa. 024 JER 019 008 At gagawin ko ang bayang ito na katigilan, at kasutsutan; bawa't isa na mangagdadaan doon ay mangatitigilan at magsisisutsot dahil sa lahat na salot niyaon. 024 JER 019 009 At pakakanin ko sila ng laman ng kanilang mga anak na lalake at ang laman ng kanilang mga anak na babae; at kakain bawa't isa sa kanila ng laman ng kaniyang kaibigan, sa pagkakulong at sa kagipitan, na igigipit sa kanila ng kanilang mga kaaway, at ng nagsisiusig ng kanilang buhay. 024 JER 019 010 Kung magkagayo'y babasagin mo ang sisidlang lupa sa paningin ng mga lalake na nagsisiyaong kasama mo, at iyong sasabihin sa kanila, 024 JER 019 011 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ganito ko babasagin ang mga taong ito at ang bayang ito, gaya ng pagbasag ng isang sisidlan ng magpapalyok, na hindi mabubuo uli; at sila'y mangaglilibing sa Topheth hanggang sa mawalan ng dakong mapaglilibingan. 024 JER 019 012 Ganito ang gagawin ko sa dakong ito, sabi ng Panginoon, at sa mga nananahan dito, sa makatuwid baga'y gagawin ang bayang ito na gaya ng Topheth: 024 JER 019 013 At ang mga bahay ng Jerusalem, at ang mga bahay ng mga hari sa Juda, na nangahawa ay magiging gaya ng dako ng Topheth, lahat ng bahay na ang mga bubungan ay pinagsunugan ng kamangyan sa lahat ng natatanaw sa langit, at pinagbuhusan ng mga handog na inumin sa ibang mga dios. 024 JER 019 014 Nang magkagayo'y nagbalik si Jeremias mula sa Topheth, na pinagsuguan sa kaniya ng Panginoon upang manghula; at siya'y tumayo sa looban ng bahay ng Panginoon, at nagsabi sa buong bayan, 024 JER 019 015 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magdadala sa bayang ito, at sa kaniyang lahat na bayan ng lahat na kasamaan na aking sinalita laban doon; sapagka't kanilang pinapagmatigas ang kanilang leeg, upang huwag nilang marinig ang aking salita. 024 JER 020 001 Napakinggan ni Pashur, na anak ni Immer, na saserdote, na siyang pangulong pinuno sa bahay ng Panginoon, si Jeremias na nanghuhula ng mga bagay na ito. 024 JER 020 002 Nang magkagayo'y sinaktan ni Pashur si Jeremias na propeta, at inilagay siya sa pangawan na nasa lalong mataas na pintuang-bayan ng Benjamin, na nasa bahay ng Panginoon. 024 JER 020 003 At nangyari, nang kinabukasan, na inilabas ni Pashur si Jeremias mula sa pangawan. Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias sa kaniya, Hindi tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan na Pashur, kundi Magormissabib. 024 JER 020 004 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, gagawin kitang kakilabutan sa iyong sarili, at sa lahat mong mga kaibigan; at sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak ng kanilang mga kaaway, at mamamasdan ng iyong mga mata: at ibibigay ko ang buong Juda sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang dadalhin sila na bihag sa Babilonia, at papatayin sila ng tabak. 024 JER 020 005 Bukod dito ay ibibigay ko ang lahat na kayamanan ng bayang ito, at ang lahat na pakinabang nito, at ang lahat na mahalagang bagay nito, oo, ang lahat na kayamanan ng mga hari sa Juda ay ibibigay ko sa kamay ng kanilang mga kaaway; na magsisisamsam sa kanila, at magsisihuli sa kanila, at mangagdadala sa kanila sa Babilonia. 024 JER 020 006 At ikaw Pashur, at ang lahat na tumatahan sa iyong bahay ay magsisipasok sa pagkabihag; at paroroon ka sa Babilonia, at doon ka mamamatay, at doon ka malilibing, ikaw, at ang lahat mong mga kaibigan, na iyong pinanghulaan na may kasinungalingan. 024 JER 020 007 Oh Panginoon, iyong hinikayat ako, at ako'y nahikayat; ikaw ay lalong malakas kay sa akin, at nanaig ka: ako'y nagiging katatawanan lahat ng araw, bawa't isa'y tumutuya sa akin. 024 JER 020 008 Sapagka't kung paano kadalas nagsasalita ako, humihiyaw ako; humihiyaw ako, Pangdadahas at paninira; sapagka't ang salita ng Panginoon ay naging kakutyaan sa akin, at kadustaan, lahat ng araw. 024 JER 020 009 At kung aking sabihin, Hindi ko babanggitin siya, o magsasalita ng ano pa man sa kaniyang pangalan, mayroon nga sa aking puso na wari nagaalab na apoy na nakukulong sa aking mga buto, at ako'y pagod ng pagpipigil, at hindi makapagpigil. 024 JER 020 010 Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami, kakilabutan sa lahat ng dako. Kayo'y mangagsumbong, at aming isusumbong siya, sabi ng lahat ng mga kasamasama kong kaibigan, na nagsisipaghintay ng aking pagkabagsak; marahil siya'y mahihikayat, at tayo'y mangananaig laban sa kaniya, at tayo'y mangakagaganti sa kaniya. 024 JER 020 011 Nguni't ang Panginoon ay sumasaakin na parang makapangyarihan at kakilakilabot: kaya't ang mga manguusig sa akin ay mangatitisod, at sila'y hindi mangananaig; sila'y lubhang mangapapahiya, sapagka't sila'y hindi nagsisigawang may karunungan, ng walang hanggang kapintasan na hindi malilimutan. 024 JER 020 012 Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, na tumatarok ng matuwid, at nakakakita ng mga pagiisip at ng puso, ipakita mo sa akin ang iyong panghihiganti sa kanila; sapagka't sa iyo ay inihayag ko ang aking usap. 024 JER 020 013 Kayo'y magsiawit sa Panginoon, magsipuri kayo sa Panginoon; sapagka't kaniyang iniligtas ang kaluluwa ng mapagkailangan mula sa kamay ng mga manggagawa ng kasamaan. 024 JER 020 014 Sumpain ang araw na kinapanganakan sa akin: huwag pagpalain ang araw na kinapanganakan sa akin ng aking ina. 024 JER 020 015 Sumpain ang tao na nagdala ng balita sa aking ama, na nagsabi, Isang lalake ay ipinanganak sa iyo, na pinasaya siyang mainam. 024 JER 020 016 At ang lalaking yaon ay maging gaya ng mga bayang giniba ng Panginoon, at hindi pinagsisihan: at makarinig nawa siya ng daing sa umaga, at hiyawan sa katanghaliang tapat; 024 JER 020 017 Sapagka't hindi niya pinatay ako sa bahay-bata; at sa gayo'y naging libingan ko sana ang aking ina, at ang kaniyang bahay-bata, ay naging laging dakila sana. 024 JER 020 018 Bakit nga ako'y nalabas sa bahay-bata upang makakita ng hirap at kapanglawan, upang ang aking mga araw ay manaw na may kahihiyan? 024 JER 021 001 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, nang suguin ng haring Sedechias sa kaniya si Pashur na anak ni Malchias, at si Sephanias na anak ni Maasias na saserdote, na sinasabi, 024 JER 021 002 Isinasamo ko sa iyo, na ipagusisa mo kami sa Panginoon; sapagka't si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, ay nakikipagdigma laban sa amin: marahil ang Panginoon ay gagawa sa amin ng ayon sa lahat niyang kamanghamanghang gawa, upang siya'y sumampa na mula sa amin. 024 JER 021 003 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias sa kanila, Ganito ang inyong sasabihin kay Sedechias: 024 JER 021 004 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Narito, ibabalik ko ang mga almas na pangdigma na nangasa inyong mga kamay, na inyong ipinakikipaglaban sa hari sa Babilonia, at laban sa mga Caldeo na kinukubkob ninyo sa labas ng mga kuta, at aking pipisanin sa gitna ng bayang ito. 024 JER 021 005 At ako sa aking sarili ay lalaban sa inyo na may unat na kamay at may malakas na bisig, sa galit, at sa kapusukan, at sa malaking poot. 024 JER 021 006 At aking susugatan ang mga mananahan sa bayang ito, ang tao at gayon din ang hayop: sila'y mangamamatay sa malaking pagkasalot. 024 JER 021 007 At pagkatapos, sabi ng Panginoon, aking ibibigay si Sedechias na hari sa Juda, at ang kaniyang mga lingkod, at ang bayan, at yaong nangaiwan sa bayang ito na mula sa pagkasalot, mula sa tabak, at mula sa gutom, sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng kanilang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay: at kaniyang susugatan sila ng talim ng tabak; hindi niya patatawarin sila, o panghihinayangan man, o kaaawaan man. 024 JER 021 008 At sa bayang ito ay sasabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, inilalagay ko sa harap ninyo ang daan ng kabuhayan at ang daan ng kamatayan, 024 JER 021 009 Ang tumatahan sa bayang ito ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom, at sa pamamagitan ng tabak at sa pamamagitan ng salot; nguni't ang lumalabas at kumakampi sa mga Caldeo na kumukubkob sa inyo, siya'y mabubuhay, at ang kaniyang buhay ay magiging sa kaniya'y pinakahuli. 024 JER 021 010 Sapagka't itinitig ko ang mukha ko sa bayang ito sa ikasasama, at hindi sa ikabubuti, sabi ng Panginoon: ito'y ibibigay sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang susunugin sa apoy. 024 JER 021 011 At tungkol sa sangbahayan ng hari sa Juda, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, 024 JER 021 012 Oh sangbahayan ni David, ganito ang sabi ng Panginoon, Maglapat ka ng kahatulan sa umaga, at iligtas mo ang nanakawan sa kamay ng mamimighati, baka ang aking kapusukan ay lumabas na parang apoy, at magningas na walang makapatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawain. 024 JER 021 013 Narito, ako'y laban sa iyo, Oh nananahan sa libis, at sa batohan ng kapatagan, sabi ng Panginoon; kayong nangagsasabi, Sinong bababang laban sa atin? o sinong papasok sa ating mga tahanan? 024 JER 021 014 At aking parurusahan kayo ayon sa bunga ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon; at ako'y magsusulsol ng apoy sa kaniyang gubat, at susupukin niyaon ang lahat na nangasa palibot niyaon. 024 JER 022 001 Ganito ang sabi ng Panginoon, Bumaba ka sa bahay ng hari sa Juda, at iyong salitain doon ang salitang ito, 024 JER 022 002 At iyong sabihin, Dinggin mo ang salita ng Panginoon, Oh hari sa Juda, na nauupo sa luklukan ni David, ikaw at ang iyong mga lingkod, at ang iyong bayan na pumapasok sa mga pintuang ito. 024 JER 022 003 Ganito ang sabi ng Panginoon, Mangagsagawa kayo ng kahatulan at ng katuwiran, at iligtas ninyo ang nanakawan sa kamay ng mamimighati: at huwag kayong magsigawa ng kamalian, huwag kayong magsigawa ng pangdadahas sa mga nakikipamayan, sa ulila, o sa babaing bao man; o mangagbubo man ng walang salang dugo sa dakong ito. 024 JER 022 004 Sapagka't kung tunay na inyong gawin ang bagay na ito, magsisipasok nga sa mga pintuang-daan ng bahay na ito ang mga hari na nangauupo sa luklukan ni David, na nakasakay sa mga karo at sa mga kabayo, siya at ang kaniyang mga lingkod, at ang kaniyang bayan. 024 JER 022 005 Nguni't kung hindi ninyo didinggin ang mga salitang ito, ako'y susumpa sa aking sarili, sabi ng Panginoon, na ang bahay na ito ay masisira. 024 JER 022 006 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa sangbahayan ng hari sa Juda, Ikaw ay Galaad sa akin, at ulo ng Libano; gayon ma'y tunay na gagawin kitang isang ilang, at mga bayang hindi tinatahanan. 024 JER 022 007 At ako'y maghahanda ng mga manglilipol laban sa iyo, bawa't isa'y may kaniyang mga almas; at kanilang puputulin ang iyong mga piling cedro, at ipaghahagis sa apoy. 024 JER 022 008 At maraming bansa'y magsisipagdaan sa bayang ito, at mangagsasabi bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, Ano't gumawa ang Panginoon ng ganito sa dakilang bayang ito? 024 JER 022 009 Kung magkagayo'y magsisisagot sila, Sapagka't kanilang pinabayaan ang tipan ng Panginoon na kanilang Dios, at nagsisamba sa ibang mga dios, at mga pinaglingkuran. 024 JER 022 010 Huwag ninyong iyakan ang patay, o panaghuyan man ninyo siya; kundi iyakan ninyong mainam ang yumayaon; sapagka't hindi na siya babalik, o makikita man niya ang kaniyang lupaing tinubuan. 024 JER 022 011 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Sallum na anak ni Josias, na hari sa Juda, na nagharing kahalili ni Josias na kaniyang ama, na lumabas sa dakong ito. Siya'y hindi na babalik pa rito: 024 JER 022 012 Kundi sa dakong pinagdalhan sa kaniyang bihag, doon siya mamamatay, at hindi na niya makikita ang lupaing ito. 024 JER 022 013 Sa aba niya na nagtatayo ng kaniyang bahay sa pamamagitan ng kalikuan, at ng kaniyang mga silid sa pamamagitan ng kalisyaan; na pinapaglilingkod ng kaniyang kapuwa na walang upa, at hindi niya binibigyan ng kaniyang kabayaran; 024 JER 022 014 Na nagsasabi, Ako'y magtatayo ng maluwang na bahay at maluwang na mga silid, at nabubuksan ng mga dungawan; at nakikisamihan ng cedro, at nakukulayan ng pula. 024 JER 022 015 Ikaw baga'y maghahari, sapagka't ikaw ay mayroong lalong maraming cedro? hindi ba ang iyong ama ay kumain at uminom, at naglapat ng kahatulan at kaganapan? nang magkagayo'y ikinabuti niya. 024 JER 022 016 Kaniyang hinatulan ang usap ng dukha at mapagkailangan; nang magkagayo'y ikinabuti nga. Hindi baga ito ang pagkilala sa akin? sabi ng Panginoon. 024 JER 022 017 Nguni't ang iyong mga mata at ang iyong puso ay sa kasakiman lamang, at upang magbubo ng walang salang dugo, at sa kapighatian, at sa karahasan, upang gawin. 024 JER 022 018 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, Hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, Ah kapatid kong lalake! o, Ah kapatid na babae! hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, Ah panginoon! o, Ah kaniyang kaluwalhatian! 024 JER 022 019 Siya'y malilibing ng libing asno, na hihilahin at itatapon sa labas ng mga pintuang-bayan ng Jerusalem. 024 JER 022 020 Ikaw ay sumampa sa Libano, at humiyaw; at ilakas mo ang iyong tinig sa Basan, at ikaw ay humiyaw mula sa Abarim; sapagka't lahat ng mangingibig sa iyo ay nalipol. 024 JER 022 021 Ako'y nagsalita sa iyo sa iyong kaginhawahan; nguni't iyong sinabi, Hindi ko didinggin. Ito ang naging iyong paraan mula sa iyong kabataan, na hindi mo dininig ang aking tinig. 024 JER 022 022 Lahat mong pastor ay pakakanin ng hangin, at ang mga mangingibig sa iyo ay mapapapasok sa pagkabihag; kung magkagayon ikaw ay mapapahiya at malilito dahil sa lahat mong kasamaan. 024 JER 022 023 Oh nananahan sa Libano, na ginagawa mo ang iyong pugad sa mga cedro, kahabaghabag ka nga pagka ang mga pagdaramdam ay dumating sa iyo, ang hirap na gaya ng sa babae sa pagdaramdam! 024 JER 022 024 Buhay ako, sabi ng Panginoon, bagaman si Conias na anak ni Joacim na hari sa Juda ay maging singsing na panatak sa aking kanang kamay, akin ngang huhugutin ka mula roon; 024 JER 022 025 At aking ibibigay ka sa kamay ng nagsisiusig ng iyong buhay, at sa kamay nila na iyong kinatatakutan, sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng mga Caldeo. 024 JER 022 026 At itataboy ka, at ang iyong ina na nanganak sa iyo, sa ibang lupain, na hindi pinapanganakan sa inyo; at doon kayo mangamamatay. 024 JER 022 027 Nguni't sa lupain na pinagnanasaan ng kanilang kaluluwa na pagbalikan, doon hindi sila mababalik. 024 JER 022 028 Ito bagang lalaking si Conias ay isang sisidlang basag na walang kabuluhan? siya baga'y sisidlan na hindi kinaluluguran? bakit kanilang itinataboy, siya at ang kaniyang angkan, at itinapon sa lupain na hindi nila kilala? 024 JER 022 029 Oh lupa, lupa, lupa, iyong pakinggan ang salita ng Panginoon. 024 JER 022 030 Ganito ang sabi ng Panginoon, Isulat ninyo ang lalaking ito na walang anak, ang lalake na hindi giginhawa sa kaniyang mga kaarawan; sapagka't walang tao sa kaniyang angkan na giginhawa pa, na nauupo sa luklukan ni David, hindi na magpupuno pa sa Juda. 024 JER 023 001 Sa aba ng mga pastor na nangagpapahamak at nangagpapangalat sa mga tupa sa aking pastulan! sabi ng Panginoon. 024 JER 023 002 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, laban sa mga pastor na nangagpastol ng aking bayan, Inyong pinangalat ang aking kawan, at inyong iniligaw sila, at hindi ninyo sila dinalaw; narito, dadalawin ko sa inyo ang kasamaan ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon. 024 JER 023 003 At aking pipisanin ang nalabi sa aking kawan mula sa lahat na lupain na aking pinagtabuyan sa kanila, at aking dadalhin sila uli sa kanilang mga kulungan; at sila'y magiging palaanak at magsisidami. 024 JER 023 004 At ako'y maglalagay ng mga pastor sa kanila na kakandili sa kanila; at hindi na sila matatakot, o manglulupaypay pa, o kukulangin ang sinoman sa kanila, sabi ng Panginoon. 024 JER 023 005 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain. 024 JER 023 006 Sa kaniyang mga kaarawan ay maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating katuwiran. 024 JER 023 007 Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na nila sasabihin, Buhay ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng Egipto; 024 JER 023 008 Kundi, Buhay ang Panginoon, na nagahon at pumatnubay sa angkan ng binhi ng Israel mula sa hilagaang lupain, at mula sa lahat ng lupain na aking pinagtabuyan sa kanila. At sila'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain. 024 JER 023 009 Tungkol sa mga propeta. Ang puso ko sa loob ko ay bagbag, lahat kong buto ay nanginginig; ako'y parang langong tao, at parang taong dinaig ng alak, dahil sa Panginoon, at dahil sa kaniyang mga banal na salita. 024 JER 023 010 Sapagka't ang lupain ay puno ng mga mangangalunya; sapagka't dahil sa sumpa ay tumatangis ang lupain; ang mga pastulan sa ilang ay natuyo. At ang kanilang lakad ay masama, at ang kanilang lakas ay hindi matuwid. 024 JER 023 011 Sapagka't ang propeta ay gayon din ang saserdote ay marumi; oo, sa aking bahay ay nasumpungan ko ang kanilang kasamaan, sabi ng Panginoon. 024 JER 023 012 Kaya't ang kanilang daan ay magiging sa kanila'y parang mga madulas na dako sa kadiliman: sila'y isusudlong, at mangabubuwal doon; sapagka't ako'y magpaparating ng kasamaan sa kanila, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila, sabi ng Panginoon. 024 JER 023 013 At nakita ko ang kamangmangan sa mga propeta ng Samaria; sila'y nanganghuhula sa pamamagitan ni Baal, at inililigaw ang aking bayang Israel. 024 JER 023 014 Sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakita ko ang kakilakilabot na bagay: sila'y nangangalunya, at nagsisilakad sa mga kasinungalingan; at kanilang pinalalakas ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan, na anopa't walang humihiwalay sa kaniyang kasamaan: silang lahat ay naging parang Sodoma sa akin, at ang mga nananahan dito ay parang Gomorra. 024 JER 023 015 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa mga propeta, Narito, aking pakakanin sila ng ajenjo, at paiinumin ko sila ng inuming mapait, sapagka't mula sa mga propeta ng Jerusalem ay lumabas ang pagdudumi sa buong lupain. 024 JER 023 016 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Huwag ninyong dinggin ang mga salita ng mga propeta na nanganghuhula sa inyo: sila'y nangagtuturo sa inyo ng walang kabuluhan; sila'y nangagsasalita ng pangitain ng kanilang sariling puso, at hindi mula sa bibig ng Panginoon. 024 JER 023 017 Kanilang sinasabing lagi sa kanila na nagsisihamak sa akin, Sabi ng Panginoon, Kayo'y mangagkakaroon ng kapayapaan; at sa bawa't isa na lumalakad sa katigasan ng kaniyang sariling puso ay sinasabi nila, Walang kasamaang darating sa inyo. 024 JER 023 018 Sapagka't sinong tumayo sa payo ng Panginoon, upang makamalas at makarinig ng kaniyang salita? sinong nakinig ng aking salita, at nakarinig? 024 JER 023 019 Narito, ang bagyo ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay lumabas, oo, ipoipong bagyo: babagsak sa ulo ng masama. 024 JER 023 020 Ang galit ng Panginoon ay hindi mapaparam, hanggang sa kaniyang magawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso: sa mga huling araw ay lubos ninyong mauunawa. 024 JER 023 021 Hindi ko sinugo ang mga propetang ito, gayon ma'y nagsitakbo sila: ako'y hindi nagsalita sa kanila, gayon ma'y nanghula sila. 024 JER 023 022 Nguni't kung sila'y nanayo sana sa aking payo, kanila ngang naiparinig ang aking mga salita sa aking bayan, at kanilang naihiwalay sa kanilang masamang lakad, at sa kasamaan ng kanilang mga gawa. 024 JER 023 023 Ako baga'y Dios lamang sa malapit, sabi ng Panginoon, at hindi Dios sa malayo? 024 JER 023 024 May makapagkukubli bagang sinoman sa mga lihim na dako na hindi ko makikita siya? sabi ng Panginoon, Hindi baga pinupuno ko ang langit at ang lupa? sabi ng Panginoon. 024 JER 023 025 Aking narinig kung ano ang sinabi ng mga propeta, na nanganghuhula ng mga kasinungalingan sa aking pangalan, na nangagsasabi, Ako'y nanaginip, ako'y nanaginip. 024 JER 023 026 Hanggang kailan masusumpungan ito sa puso ng mga propeta na nanganghuhula ng mga kasinungalingan; sa makatuwid baga'y ng mga propeta na nanganghuhula ng daya ng kanilang sariling puso? 024 JER 023 027 Na nagaakalang magpalimot sa aking bayan ng aking pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip na sinasaysay ng bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, gaya ng kanilang mga magulang na nakalimot ng aking pangalan dahil kay Baal. 024 JER 023 028 Ang propeta na nanaginip, ay magsaysay siya ng isang panaginip; at siyang nagtamo ng aking salita, salitain niya ang aking salita na may pagtatapat. Ano ang dayami sa trigo? sabi ng Panginoon. 024 JER 023 029 Hindi baga ang aking salita ay parang apoy? sabi ng Panginoon; at parang pamukpok na dumudurog ng bato? 024 JER 023 030 Kaya't narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na ninanakaw ng bawa't isa ang aking mga salita sa kaniyang kapuwa. 024 JER 023 031 Narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na nagsisipagsalita, at nangagsasabi, Kaniyang sinasabi. 024 JER 023 032 Narito, ako'y laban sa kanila na nanghuhula ng mga sinungaling na panaginip, sabi ng Panginoon, at sinasaysay, at inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan, at sa pamamagitan ng kanilang walang kabuluhang kahambugan: gayon man ay hindi ko sinugo sila, o inutusan ko man sila; at hindi man pinakikinabangan nila ang bayang ito sa anomang paraan, sabi ng Panginoon. 024 JER 023 033 At pagka ang bayang ito, o ang propeta, o ang saserdote ay magtatanong sa iyo, na magsasabi, Ano ang hula na mula sa Panginoon? iyo ngang sasabihin sa kanila, Anong hula! Aking itatakuwil kayo, sabi ng Panginoon. 024 JER 023 034 At tungkol sa propeta, at sa saserdote, at sa bayan, na magsasabi, Ang hula na mula sa Panginoon, ay akin ngang parurusahan ang lalaking yaon at ang kaniyang sangbahayan. 024 JER 023 035 Ganito ang sasabihin ng bawa't isa sa inyo sa kaniyang kapuwa, at ng bawa't isa sa kaniyang kapatid, Ano ang isinagot ng Panginoon? at, Ano ang sinalita ng Panginoon? 024 JER 023 036 At ang hula na mula sa Panginoon ay hindi na ninyo babanggitin pa: sapagka't bawa't sariling salita ng tao ay magiging kaniyang hula; sapagka't inyong binago ang mga salita ng buhay na Dios, ng Panginoon ng mga hukbo na ating Dios. 024 JER 023 037 Ganito ang iyong sasabihin sa propeta, Ano ang isinagot sa iyo ng Panginoon? at, Ano ang sinalita ng Panginoon? 024 JER 023 038 Nguni't kung inyong sabihin, Ang hula na mula sa Panginoon; ganito nga ang sabi ng Panginoon: Sapagka't inyong sinasabi ang salitang ito, Ang hula na mula sa Panginoon, at ako'y nagsugo sa inyo, na sinabi ko, Huwag ninyong sasabihin, Ang hula na mula sa Panginoon; 024 JER 023 039 Kaya't, narito, aking lubos na kalilimutan kayo, at aking itatakuwil kayo, at ang bayang ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga magulang, mula sa aking harapan: 024 JER 023 040 At ako'y magpaparating ng walang hanggang kakutyaan sa inyo, at walang hanggang kahihiyan, na hindi malilimutan. 024 JER 024 001 Ang Panginoon ay nagpakita sa akin, at, narito, dalawang bakol na igos ay nakalagay sa harap ng templo ng Panginoon, pagkatapos na madalang bihag ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia si Jechonias na anak ni Joacim, hari sa Juda, at ang mga prinsipe sa Juda, na kasama ng mga manggagawa at ng mga mangbabakal, mula sa Jerusalem, at mangadala sila sa Babilonia. 024 JER 024 002 Ang isang bakol ay may totoong mga mabuting igos, na parang mga igos na mga unang hinog; at ang isang bakol ay may totoong masamang mga igos, na hindi makain, nangapakasama. 024 JER 024 003 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Anong iyong nakikita, Jeremias? At aking sinabi, Mga igos; ang mga mabuting igos, totoong mabuti; at ang masasama, totoong masama na hindi makakain, dahil sa nangapakasama. 024 JER 024 004 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsabi, 024 JER 024 005 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Kung paano ang mga mabuting igos na ito, gayon ko kikilalanin ang mga bihag ng Juda, na aking pinayaon mula sa dakong ito na patungo sa lupain ng mga Caldeo, sa ikabubuti. 024 JER 024 006 Sapagka't aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikabubuti, at aking dadalhin sila uli sa lupaing ito: at aking itatayo sila, at hindi ko itutulak sila; at aking itatatag sila, at hindi ko paaalisin. 024 JER 024 007 At aking bibigyan sila ng puso upang makilala ako, na ako ang Panginoon: at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios; sapagka't sila'y manunumbalik sa akin ng kanilang buong puso. 024 JER 024 008 At kung paanong ang masasamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama, tunay na ganito ang sabi ng Panginoon, Sa gayo'y pababayaan ko si Sedechias na hari sa Juda, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang nalabi sa Jerusalem, na naiwan sa lupaing ito, at ang nagsisitahan sa lupain ng Egipto. 024 JER 024 009 Akin silang pababayaan upang mapahapay na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa sa ikasasama; upang maging kakutyaan at kawikaan, kabiruan at sumpa, sa lahat ng dakong aking pagtatabuyan sa kanila. 024 JER 024 010 At aking pararatingin ang tabak, ang kagutom, at ang salot, sa gitna nila, hanggang sa sila'y mangalipol sa lupain na ibinigay ko sa kanila at sa kanilang mga magulang. 024 JER 025 001 Ang salita na dumating kay Jeremias tungkol sa buong bayan ng Juda nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda (siya ring unang taon ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia), 024 JER 025 002 Na siyang sinalita ni Jeremias na propeta sa buong bayan ng Juda, at sa lahat ng nananahan sa Jerusalem, na sinasabi, 024 JER 025 003 Mula nang ikalabing tatlong taon ni Josias na anak ni Ammon, na hari sa Juda, hanggang sa araw na ito, nitong dalawang pu't tatlong taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, at aking sinalita sa inyo na ako'y bumangong maaga, at nagsalita; nguni't hindi ninyo dininig. 024 JER 025 004 At sinugo ng Panginoon sa inyo ang lahat niyang lingkod na mga propeta na gumising na maaga, at sinugo sila (nguni't hindi ninyo dininig, o ikiniling man ninyo ang inyong pakinig upang mangakinig), 024 JER 025 005 Na nangagsasabi, Magsihiwalay bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang masamang lakad, at sa kasamaan ng inyong mga gawa, at kayo'y magsitahan sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa inyo at sa inyong mga magulang, mula nang una at hanggang sa magpakailan pa man; 024 JER 025 006 At huwag kayong magsisunod sa ibang mga dios na mangaglingkod sa kanila, at magsisamba sa kanila, at huwag ninyo akong mungkahiin sa galit ng gawa ng inyong mga kamay, at hindi ko kayo sasaktan. 024 JER 025 007 Gayon ma'y hindi kayo nangakinig sa akin, sabi ng Panginoon; upang mungkahiin ninyo ako sa galit, ng gawa ng inyong mga kamay sa inyong sariling ikapapahamak. 024 JER 025 008 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sapagka't hindi ninyo dininig ang aking mga salita, 024 JER 025 009 Narito, ako'y magsusugo at kukunin ko ang lahat na angkan sa hilagaan, sabi ng Panginoon, at ako'y magsusugo kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na aking lingkod, at aking dadalhin sila laban sa lupaing ito, at laban sa mga nananahan dito, at laban sa lahat ng bansang ito sa palibot; at aking lubos na lilipulin sila, at gagawin ko silang katigilan, at kasutsutan, at mga walang hanggang kagibaan. 024 JER 025 010 Bukod dito'y aalisin ko sa kanila ang tinig ng kalayawan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae, ang tunog ng mga batong gilingan, at ang liwanag ng ilawan. 024 JER 025 011 At ang buong lupaing ito ay magiging sira, at katigilan; at ang mga bansang ito ay maglilingkod sa hari sa Babilonia na pitong pung taon. 024 JER 025 012 At mangyayari, pagkaganap ng pitong pung taon, na aking parurusahan ang hari sa Babilonia, at ang bansang yaon, sabi ng Panginoon, dahil sa kaniyang kasamaan, at ang lupain ng mga Caldeo; at aking gagawing sira magpakailan man. 024 JER 025 013 At aking gaganapin sa lupaing yaon ang lahat na aking salita na aking sinalita laban doon, lahat ng nakasulat sa aklat na ito, na inihula ni Jeremias laban sa lahat na bansa. 024 JER 025 014 Sapagka't maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran nila, nila nga; at gagantihan ko sila ayon sa kanilang mga kilos, at ayon sa gawa ng kanilang mga kamay. 024 JER 025 015 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa akin, Abutin mo itong saro ng alak ng kapusukan sa aking kamay, at painumin mo ang lahat na bansa na pinagsuguan ko sa iyo. 024 JER 025 016 At sila'y magsisiinom, at magsisihapay na paroo't parito, na mangauulol, dahil sa tabak na aking pasasapitin sa kanila. 024 JER 025 017 Nang magkagayo'y inabot ko ang saro sa kamay ng Panginoon, at pinainom ko ang lahat na bansang pinagsuguan ng Panginoon: 024 JER 025 018 Sa makatuwid, ang Jerusalem, at ang mga bayan ng Juda, at ang mga hari niyaon, at ang mga prinsipe niyaon, upang gawin silang kagibaan, katigilan, kasutsutan, at sumpa; gaya sa araw na ito; 024 JER 025 019 Si Faraong hari sa Egipto, at ang kaniyang mga lingkod, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang buong bayan niya; 024 JER 025 020 At ang lahat ng halohalong bayan, at ang lahat ng hari sa lupain ng Hus, at ang lahat ng hari sa lupain ng mga Filisteo, at ang Ascalon, at ang Gaza, at ang Ecron, at ang nalabi sa Asdod; 024 JER 025 021 Ang Edom, at ang Moab, at ang mga anak ni Ammon; 024 JER 025 022 At ang lahat ng hari sa Tiro, at ang lahat ng hari sa Sidon, at ang hari sa pulo na nasa dako roon ng dagat; 024 JER 025 023 Ang Dedan, at ang Tema, at ang Buz, at ang lahat ng magsisiputol ng mga laylayan ng kanilang buhok; 024 JER 025 024 At ang lahat ng hari sa Arabia, at ang lahat ng hari sa halohalong bayan na nagsisitahan sa ilang; 024 JER 025 025 At ang lahat ng hari sa Zimri, at ang lahat ng hari sa Elam, at ang lahat ng hari ng mga Medo; 024 JER 025 026 At ang lahat ng hari sa hilagaan, malayo't malapit na isa't isa; at ang lahat ng kaharian sa sanglibutan, na nangasa ibabaw ng lupa: at ang hari sa Sesach ay magsisiinom pagkatapos nila. 024 JER 025 027 At iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Kayo'y magsiinom, at kayo'y mangagpakalasing, at kayo'y magsisuka, at mangabuwal, at huwag na kayong magsibangon, dahil sa tabak na aking pasasapitin sa inyo. 024 JER 025 028 At mangyayari, kung tanggihan nilang abutin ang saro sa iyong kamay upang inuman, sasabihin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y walang pagsalang magsisiinom. 024 JER 025 029 Sapagka't, narito, ako'y nagpapasimulang gumawa ng kasamaan sa bayang tinawag sa aking pangalan, at kayo baga'y lubos na hindi mapaparusahan? Kayo'y walang pagsalang parurusahan; sapagka't aking tatawagin ang tabak laban sa lahat ng nananahan sa lupa, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 024 JER 025 030 Kaya't ihula mo laban sa kanila ang lahat ng mga salitang ito, at sabihin mo sa kanila, Ang Panginoon ay uungol mula sa itaas, at ilalakas ang kaniyang tinig mula sa kaniyang banal na tahanan; siya'y uungol ng malakas laban sa kaniyang kulungan; siya'y hihiyaw, gaya nila na magsisiyapak ng ubas, laban sa lahat na nananahan sa lupa. 024 JER 025 031 Ang ingay ay darating hanggang sa wakas ng lupa; sapagka't ang Panginoon ay may pakikipagpunyagi sa mga bansa, siya'y papasok sa paghatol sa lahat ng tao; tungkol sa masasama ay kaniyang ibibigay sila sa tabak, sabi ng Panginoon. 024 JER 025 032 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, kasamaan ay mangyayari sa bansa at bansa, at malakas na bagyo ay ibabangon mula sa kahulihulihang bahagi ng lupa. 024 JER 025 033 At ang mapapatay ng Panginoon sa araw na yao'y magiging mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa: sila'y hindi tataghuyan, o dadamputin man, o ililibing man; sila'y magiging dumi sa ibabaw ng lupa. 024 JER 025 034 Kayo'y magsiangal, kayong mga pastor, at kayo'y magsihiyaw; at kayo'y mangagsigumon sa abo, kayong pinakamainam sa kawan; sapagka't ang mga kaarawan ng pagpatay at ang pangangalat sa inyo ay lubos na dumating, at kayo'y mangababagsak na parang mainam na sisidlan. 024 JER 025 035 At ang mga pastor ay walang daang tatakasan, o tatanan man ang pinakamainam sa kawan. 024 JER 025 036 Tinig ng hiyaw ng mga pastor, at ng angal ng pinakamainam sa kawan! sapagka't inilalagay ng Panginoon na sira ang kanilang pastulan. 024 JER 025 037 At ang mga payapang tahanan ay nangadala sa katahimikan dahil sa mabangis na galit ng Panginoon. 024 JER 025 038 Kaniyang pinabayaan ang kaniyang kublihan na gaya ng leon; sapagka't ang kanilang lupain ay naging katigilan dahil sa kabangisan ng mamimighating tabak, at dahil sa kaniyang mabangis na kagalitan. 024 JER 026 001 Nang pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, dumating ang salitang ito na mula sa Panginoon, na nagsasabi, 024 JER 026 002 Ganito ang sabi ng Panginoon, Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda, na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon, ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila; huwag kang magbawas ng kahit isang salita. 024 JER 026 003 Marahil ay kanilang didinggin, at hihiwalay ang bawa't tao sa kanikaniyang masamang lakad; upang aking mapagsisihan ang kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa. 024 JER 026 004 At iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung hindi ninyo didinggin ako, na magsilakad sa aking kautusan, na aking inilagay sa harap ninyo, 024 JER 026 005 Na makinig sa mga salita ng aking mga lingkod na mga propeta, na aking sinusugo sa inyo, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, nguni't hindi ninyo pinakinggan; 024 JER 026 006 Ay akin ngang gagawin ang bahay na ito na gaya ng Silo, at gagawin ko ang bayang ito na sumpa sa lahat ng mga bansa sa lupa. 024 JER 026 007 At narinig ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan si Jeremias na nagsasalita ng mga salitang ito sa bahay ng Panginoon. 024 JER 026 008 At nangyari, nang si Jeremias ay makatapos sa pagsasalita ng lahat na iniutos ng Panginoon sa kaniya na salitain sa buong bayan, na hinuli siya ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan, na sinasabi: Ikaw ay walang pagsalang mamamatay. 024 JER 026 009 Bakit ka nanghula sa pangalan ng Panginoon, na iyong sinasabi, Ang bahay na ito ay magiging gaya ng Silo, at ang bayang ito ay magiging sira, na mawawalan ng mananahan? At ang bayan ay nagpipisan kay Jeremias sa bahay ng Panginoon. 024 JER 026 010 At nang mabalitaan ng mga prinsipe sa Juda ang mga bagay na ito, sila'y nagsisampa sa bahay ng Panginoon na mula sa bahay ng hari; at sila'y nangaupo sa pasukan ng bagong pintuang-daan ng bahay ng Panginoon. 024 JER 026 011 Nang magkagayo'y nagsalita ang mga saserdote at ang mga propeta sa mga prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Ang lalaking ito ay marapat patayin; sapagka't siya'y nanghula laban sa bayang ito, gaya ng inyong narinig ng inyong mga pakinig. 024 JER 026 012 Nang magkagayo'y nagsalita si Jeremias sa lahat ng prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Sinugo ako ng Panginoon upang manghula laban sa bahay na ito at laban sa bayang ito ng lahat na salita na inyong narinig. 024 JER 026 013 Kaya't ngayo'y pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa, at inyong talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios; at pagsisisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinalita laban sa inyo. 024 JER 026 014 Nguni't tungkol sa akin, narito, ako'y nasa inyong kamay: inyong gawin sa akin ang minamabuti at minamatuwid sa harap ng inyong mga mata. 024 JER 026 015 Talastasin lamang ninyong mabuti na kung ako'y inyong ipapatay, kayo'y magdadala ng walang salang dugo sa inyo at sa bayang ito, at sa mga nananahan dito: sapagka't katotohanang sinugo ako ng Panginoon sa inyo upang magsalita ng lahat ng mga salitang ito sa inyong mga pakinig. 024 JER 026 016 Nang magkagayo'y sinabi ng mga pangulo at ng buong bayan sa mga saserdote at sa mga propeta: Ang lalaking ito ay hindi marapat patayin; sapagka't siya'y nagsalita sa atin sa pangalan ng Panginoon nating Dios. 024 JER 026 017 Nang magkagayo'y nagsitindig ang ilan sa mga matanda sa lupain, at nangagsalita sa buong kapulungan ng bayan, na nangagsasabi, 024 JER 026 018 Si Miqueas na Morastita ay nanghula sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda: at siya'y nagsalita sa buong bayan ng Juda, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang Sion ay aararuhing parang bukid, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa gugubat. 024 JER 026 019 Si Ezechias bagang hari sa Juda at ang buong Juda ay nagpapatay sa kaniya? hindi baga siya natakot sa Panginoon, at dumalangin ng lingap ng Panginoon, at ang Panginoon ay nagsisi sa kasamaan na kaniyang sinalita laban sa kanila? Ganito gagawa tayo ng malaking kasamaan laban sa ating sariling mga kaluluwa. 024 JER 026 020 At may lalake naman na nanghula sa pangalan ng Panginoon, si Urias na anak ni Semaias na taga Chiriath-jearim: at siya'y nanghula laban sa lupaing ito ayon sa lahat ng mga salita ni Jeremias: 024 JER 026 021 At nang marinig ni Joacim na hari sangpu ng lahat niyang mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na prinsipe, ang kaniyang mga salita, pinagsikapan ng hari na ipapatay siya; nguni't nang marinig ni Urias, siya'y natakot, at tumakas, at pumasok sa Egipto: 024 JER 026 022 At si Joacim na hari ay nagsugo ng mga lalake sa Egipto, ang mga ito nga, si Elnathan na anak ni Acbor, at ilang mga lalake na kasama niya, sa Egipto: 024 JER 026 023 At kaniyang inilabas si Urias sa Egipto, at dinala niya siya kay Joacim na hari; na pumatay sa kaniya ng tabak, at naghagis ng kaniyang bangkay sa mga libingan ng karaniwang tao. 024 JER 026 024 Nguni't ang kamay ni Ahicam na anak ni Zaphan ay sumasa kay Jeremias upang huwag siyang ibigay nila sa kamay ng bayan at ipapatay siya. 024 JER 027 001 Nang pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, dumating ang salitang ito kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi, 024 JER 027 002 Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Gumawa ka para sa iyo ng mga panali at mga pamatok, at ilagay mo sa iyong batok, 024 JER 027 003 At iyong mga ipadala sa hari sa Edom, at sa hari sa Moab, at sa hari ng mga anak ni Ammon, at sa hari sa Tiro, at sa hari sa Sidon, sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo na nagsisiparoon sa Jerusalem kay Sedechias na hari sa Juda, 024 JER 027 004 At ipagbilin mo sa kanilang mga panginoon, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ganito ang inyong sasabihin sa inyong mga panginoon. 024 JER 027 005 Aking ginawa ang lupa, ang tao at ang hayop na nasa ibabaw ng lupa, sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng aking unat na bisig; at aking ibinigay doon sa minamarapat ko. 024 JER 027 006 At ngayon ay ibinigay ko ang lahat ng lupaing ito sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na aking lingkod at ang mga hayop sa parang ay ibinigay ko rin naman sa kaniya upang mangaglingkod sa kaniya. 024 JER 027 007 At lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya, at sa kaniyang anak at sa anak ng kaniyang anak, hanggang dumating ang panahon ng kaniyang sariling lupain: at kung magkagayo'y maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran siya. 024 JER 027 008 At mangyayari, na ang bansa at ang kaharian na hindi maglilingkod kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at yaong hindi yuyukod ng kanilang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, ang bansang yaon, sabi ng Panginoon, ay parurusahan ko ng tabak, at ng kagutom, at ng salot, hanggang sa aking malipol sila sa pamamagitan ng kaniyang kamay. 024 JER 027 009 Nguni't tungkol sa inyo, huwag ninyong dinggin ang inyong mga propeta, o ang inyong mga manghuhula man, o ang inyong mga panaginip man, o ang inyong mga mapamahiin man, o ang inyong mga manggagaway man, na nangagsasalita sa inyo, na nagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia: 024 JER 027 010 Sapagka't sila'y nanganghuhula ng kasinungalingan sa inyo, upang ilayo kayo sa inyong lupain; at aking palalayasin kayo at kayo'y mangalilipol. 024 JER 027 011 Nguni't ang bansa na iyukod ang kaniyang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at maglilingkod sa kaniya, ang bansang yaon ay aking ilalabi sa kaniyang sariling lupain, sabi ng Panginoon; at kanilang bubukirin, at tatahanan. 024 JER 027 012 At ako'y nagsalita kay Sedechias na hari sa Juda ayon sa lahat ng mga salitang ito na aking sinabi, Inyong iyukod ang inyong ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at mangaglilingkod kayo sa kaniya at sa kaniyang bayan, at kayo'y mangabuhay: 024 JER 027 013 Bakit kayo'y mangamamatay, ikaw, at ang iyong bayan, sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot, gaya ng sinalita ng Panginoon tungkol sa bansa na hindi maglilingkod sa hari sa Babilonia? 024 JER 027 014 At huwag kayong mangakinig ng salita ng mga propeta na nangagsasalita sa inyo, na nangagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kabulaanan sa inyo. 024 JER 027 015 Sapagka't hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon; kundi sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa aking pangalan; upang aking mapalayas kayo, at kayo'y mangalipol, kayo, at ang mga propeta na nanganghuhula sa inyo. 024 JER 027 016 Ako naman ay nagsalita rin sa mga saserdote at sa lahat ng bayang ito, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon: Huwag kayong mangakinig ng mga salita ng inyong mga propeta, na nanganghuhula sa inyo, na nangagsasabi, Narito, ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon ay madaling madadala uli na mula sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kasinungalingan sa inyo. 024 JER 027 017 Huwag ninyong dinggin sila, mangaglingkod kayo sa hari sa Babilonia, at kayo'y mangabuhay: bakit nga ang bayang ito ay magiging sira? 024 JER 027 018 Nguni't kung sila'y mga propeta, at ang mga salita ng Panginoon ay sumasakanila, mamagitan sila ngayon sa Panginoon ng mga hukbo, upang ang mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem, ay huwag mangaparoon sa Babilonia. 024 JER 027 019 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa mga haligi, at tungkol sa dagatdagatan, at tungkol sa mga tungtungan, at tungkol sa nalabi sa mga sisidlan na nangaiwan sa bayang ito, 024 JER 027 020 Na hindi kinuha ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, nang kaniyang dalhing bihag si Jechonias na anak ni Joacim na hari sa Juda, mula sa Jerusalem hanggang sa Babilonia, at ang lahat ng mahal na tao ng Juda at ng Jerusalem; 024 JER 027 021 Oo, ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol sa mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem: 024 JER 027 022 Mangadadala sa Babilonia, at mangapaparoon, hanggang sa araw na dalawin ko sila, sabi ng Panginoon; kung magkagayo'y isasampa ko sila, at isasauli ko sa dakong ito. 024 JER 028 001 At nangyari, nang taon ding yaon sa pasimula ng paghahari ni Sedechias na hari sa Juda, sa ikaapat na taon, sa ikalimang buwan, na si Hananias na anak ni Azur na propeta, na taga Gabaon, ay nagsalita sa akin sa bahay ng Panginoon, sa harapan ng mga saserdote, at ng buong bayan, na nagsasabi, 024 JER 028 002 Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Aking inalis ang pamatok ng hari sa Babilonia. 024 JER 028 003 Sa loob ng dalawang buong taon ay dadalhin ko uli sa dakong ito, ang lahat na sisidlan ng bahay ng Panginoon, na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia mula sa dakong ito, at mga dinala sa Babilonia: 024 JER 028 004 At aking dadalhin uli sa dakong ito si Jechonias na anak ni Joacim, na hari sa Juda, sangpu ng lahat na bihag sa Juda, na nangaparoon sa Babilonia, sabi ng Panginoon: sapagka't aking aalisin ang pamatok ng hari sa Babilonia. 024 JER 028 005 Nang magkagayo'y nagsabi ang propeta Jeremias sa propeta Hananias sa harapan ng mga saserdote, at sa harapan ng buong bayan, na nakatayo sa bahay ng Panginoon, 024 JER 028 006 Sinabi nga ng propeta Jeremias, Siya nawa: gawing gayon ng Panginoon: isagawa ng Panginoon ang iyong mga salita na iyong ipinanghula, na ibalik uli ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon, at silang lahat na bihag, mula sa Babilonia hanggang sa dakong ito. 024 JER 028 007 Gayon ma'y dinggin mo ang mga salitang ito na sinasalita ko sa iyong mga pakinig, at sa mga pakinig ng buong bayan: 024 JER 028 008 Ang mga naging propeta bago ako at bago ikaw nang una ay nanghula laban sa maraming lupain, at laban sa mga malaking kaharian, tungkol sa digma, at tungkol sa kasamaan, at tungkol sa salot. 024 JER 028 009 Ang propeta, na nanghuhula ng tungkol sa kapayapaan, ay makikilala nga siyang propeta, na tunay na sinugo ng Panginoon siya, pagka ang salita ng propeta ay mangyayari. 024 JER 028 010 Nang magkagayo'y kinuha ng propeta Hananias ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias, at binali. 024 JER 028 011 At si Hananias ay nagsalita sa harapan ng buong bayan, na nagsasabi: Ganito ang sabi ng Panginoon, Gayon ko rin babaliin ang pamatok ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia sa loob ng dalawang taong ganap sa batok ng lahat na bansa. At ang propeta Jeremias ay yumaon ng kaniyang lakad. 024 JER 028 012 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, pagkatapos na mabali ni Hananias ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias, na nagsasabi, 024 JER 028 013 Ikaw ay yumaon, at saysayin mo kay Hananias na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon: Iyong binali ang mga pamatok na kahoy, nguni't ginawa mo na kahalili ng mga yaon ay mga pamatok na bakal. 024 JER 028 014 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ako'y naglagay ng pamatok na bakal sa batok ng lahat na bansang ito, upang sila'y makapaglingkod kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at sila'y mangaglilingkod sa kaniya: at ibinigay ko rin sa kaniya ang mga hayop sa parang. 024 JER 028 015 Nang magkagayo'y sinabi ng propeta Jeremias kay Hananias na propeta, Dinggin mo ngayon, Hananias; hindi ka sinugo ng Panginoon; kundi iyong pinaasa ang bayang ito sa kasinungalingan. 024 JER 028 016 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ikaw ay aking palalayasin mula sa ibabaw ng lupa: mamamatay ka sa taong ito sapagka't ikaw ay nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon. 024 JER 028 017 Sa gayo'y namatay si Hananias na propeta ng taon ding yaon sa ikapitong buwan. 024 JER 029 001 Ito nga ang mga salita ng sulat na ipinadala ni Jeremias na propeta mula sa Jerusalem sa nalabi sa mga matanda sa pagkabihag, at sa mga saserdote, at sa mga propeta, at sa buong bayan, na dinalang bihag ni Nabucodonosor sa Babilonia mula sa Jerusalem: 024 JER 029 002 (Pagkatapos na makaalis sa Jerusalem si Jechonias na hari, at ang ina ng hari, at ang mga bating, at ang mga prinsipe sa Juda at sa Jerusalem, at ang mga manggagawa at ang mga mangbabakal; ) 024 JER 029 003 Sa pamamagitan ng kamay ni Elasa na anak ni Saphan, at ni Gemarias na anak ni Hilcias, (na siyang sinugo sa Babilonia ni Sedechias na hari sa Juda kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, ) na nagsasabi, 024 JER 029 004 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, sa lahat ng bihag na aking ipinadalang bihag sa Babilonia mula sa Jerusalem, 024 JER 029 005 Kayo'y mangagtayo ng mga bahay, at inyong tahanan; at kayo'y maghalamanan, at kanin ninyo ang bunga ng mga yaon. 024 JER 029 006 Magsipagasawa kayo, at kayo'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae; at ikuha ninyo ng mga asawa ang inyong mga anak na lalake, at inyong ibigay na asawa ang inyong mga anak na babae, upang sila'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae: at kayo'y magsidami roon, at huwag kayong magpakaunti. 024 JER 029 007 At inyong hanapin ang kapayapaan sa bayan na aking pinagdalhan sa inyong bihag, at inyong idalangin sa Panginoon: sapagka't sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon naman kayo ng kapayapaan. 024 JER 029 008 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Huwag kayong dayain ng mga propeta na nangasa gitna ninyo, at ng inyong mga manghuhula, o mangakinig man kayo sa inyong mga panaginip na inyong napapanaginip. 024 JER 029 009 Sapagka't sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon. 024 JER 029 010 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Pagkatapos na maganap ang pitong pung taon sa Babilonia, aking dadalawin kayo, at aking tutuparin ang aking mabuting salita sa inyo, sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito. 024 JER 029 011 Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas. 024 JER 029 012 At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo. 024 JER 029 013 At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso. 024 JER 029 014 At ako'y masusumpungan sa inyo, sabi ng Panginoon, at aking ibabalik uli kayo na mula sa inyong pagkabihag, at aking pipisanin kayo mula sa lahat ng bansa, at mula sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa inyo, sabi ng Panginoon; at aking ibabalik kayo uli sa dakong mula sa aking pinagdalhang bihag sa inyo. 024 JER 029 015 Sapagka't inyong sinabi, Ang Panginoon ay nagbangon sa amin ng mga propeta sa Babilonia. 024 JER 029 016 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari na nauupo sa luklukan ni David, at tungkol sa buong bayan na tumatahan sa bayang ito, sa inyo ngang mga kapatid na hindi nagsilabas na kasama ninyo sa pagkabihag; 024 JER 029 017 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking susuguin sa kanila ang tabak, ang kagutom at ang salot, at gagawin ko silang parang masamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama. 024 JER 029 018 At aking hahabulin sila ng tabak, at kagutom, at ng salot, at aking ibibigay sila sa kakutyaan na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, upang maging kasumpaan, at katigilan, at kasutsutan, at katuyaan, sa gitna ng lahat na bansa na aking pinagtabuyan sa kanila; 024 JER 029 019 Sapagka't hindi sila nangakinig sa aking mga salita, sabi ng Panginoon, na aking mga ipinasugo sa aking mga propeta, na ako'y bumangong maaga at sinugo ko sila; nguni't hindi ninyo dininig sila, sabi ng Panginoon. 024 JER 029 020 Inyo ngang dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong lahat na nasa pagkabihag, na aking itinaboy sa Babilonia mula sa Jerusalem. 024 JER 029 021 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol kay Achab na anak ni Colias, at tungkol kay Sedechias na anak ni Maasias na nanghuhula ng kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan, Narito, aking ibibigay sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at papatayin niya sila sa harap ng inyong mga mata; 024 JER 029 022 At sa kanila kukuha ng kasumpaan sa lahat ng bihag sa Juda na nangasa Babilonia, na magsasabi, Gawin ka ng Panginoon na gaya ni Sedechias at gaya ni Achab, na iniihaw sa apoy ng hari sa Babilonia. 024 JER 029 023 Sapagka't sila'y gumawang may kamangmangan sa Israel, at nangalunya sa mga asawa ng kanilang mga kapuwa, at nangagsalita ng mga salita sa aking pangalan na may kasinungalingan, na hindi ko iniutos sa kanila; at ako ang siyang nakakakilala, at ako'y saksi, sabi ng Panginoon. 024 JER 029 024 At tungkol kay Semaias na Nehelamita ay iyong sasalitain, na sasabihin, 024 JER 029 025 Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na sinasabi, Sapagka't ikaw ay nagpadala ng mga sulat sa iyong sariling pangalan sa buong bayan na nasa Jerusalem, at kay Sophonias na anak ni Maasias na saserdote, at sa lahat na saserdote, na iyong sinasabi, 024 JER 029 026 Ginawa kang saserdote ng Panginoon na kahalili ni Joiada na saserdote, upang kayo'y maging mga lingkod sa bahay ng Panginoon, sa bawa't tao na ulol, at nagpapanggap na propeta, upang iyong mailagay sa pangawan at sa mga tanikala. 024 JER 029 027 Ngayon nga, bakit hindi mo sinaway si Jeremias na taga Anathoth, na nagpapanggap na propeta sa inyo, 024 JER 029 028 Yamang siya'y nagsugo sa Babilonia, na nagsasabi, Ang pagkabihag ay malaon: kayo'y mangagtayo ng mga bahay at inyong tahanan; at kayo'y mangaghalaman, at inyong kanin ang bunga ng mga yaon? 024 JER 029 029 At binasa ni Sophonia na saserdote ang sulat na ito sa mga pakinig ni Jeremias na propeta. 024 JER 029 030 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi, 024 JER 029 031 Ikaw ay magsugo sa kanilang lahat na nasa pagkabihag, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Semaias na Nehelamita. Yamang nanghula si Semaias sa inyo, at hindi ko sinugo siya, at kaniyang pinatiwala kayo sa kasinungalingan. 024 JER 029 032 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking parurusahan si Semaias na Nehelamita, at ang kaniyang binhi; siya'y hindi magkakaroon ng lalake na tatahan sa gitna ng bayang ito, o mamamasdan man niya ang mabuti na gagawin ko sa aking bayan, sabi ng Panginoon, sapagka't siya'y nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon. 024 JER 030 001 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi, 024 JER 030 002 Ganito ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Iyong isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo. 024 JER 030 003 Sapagka't, narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon na aking ibabalik na mula sa pagkabihag ang aking bayang Israel at Juda, sabi ng Panginoon, at aking pababalikin sila sa lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang, at kanilang aariin. 024 JER 030 004 At ang mga ito ang mga salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Israel at tungkol sa Juda. 024 JER 030 005 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon; Kami ay nangakarinig ng tinig ng panginginig, ng takot, at hindi ng kapayapaan. 024 JER 030 006 Kayo'y magtanong ngayon, at inyong tingnan kung ang lalake ay nagdaramdam ng panganganak: bakit aking nakikita ang lahat na lalake na ang mga kamay ay nangasa kaniyang mga balakang na parang babae sa pagdaramdam, at ang lahat na mukha ay naging maputla? 024 JER 030 007 Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon. 024 JER 030 008 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa: 024 JER 030 009 Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila. 024 JER 030 010 Kaya't huwag kang masindak, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya. 024 JER 030 011 Sapagka't ako'y sumasaiyo sabi ng Panginoon upang iligtas kita: sapagka't gagawa ako ng lubos na kawakasan sa lahat na bansa na aking pinapangalatan sa iyo, nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa iyo; kundi sasawayin kita ng kahatulan, at walang pagsalang hindi kita iiwan na walang parusa. 024 JER 030 012 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong sakit ay walang kagamutan, at ang iyong sugat ay mabigat. 024 JER 030 013 Walang makipaglaban ng iyong usapin upang ikaw ay mapagaling: ikaw ay walang mga panggamot na nakagagaling. 024 JER 030 014 Nilimot ka ng lahat na mangingibig sa iyo; hindi ka nila hinahanap: sapagka't sinugatan kita ng sugat ng kaaway, ng parusa ng mabagsik; dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami. 024 JER 030 015 Bakit ka humihiyaw ng dahil sa iyong sakit? ang iyong hirap ay walang kagamutan: dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami, aking ginawa ang mga bagay na ito sa iyo. 024 JER 030 016 Kaya't silang lahat na nagsisilamon sa iyo ay mangalalamon; at lahat ng iyong kaaway, bawa't isa sa kanila'y magsisipasok sa pagkabihag; at silang nagsisisamsam sa iyo ay magiging samsam, at lahat ng nagsisihuli sa iyo ay aking ibibigay na huli. 024 JER 030 017 Sapagka't pagiginhawahin kita, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon; kanilang tinawag ka na tapon, na sinasabi, Ito ang Sion, na hindi hinahanap ng sinoman. 024 JER 030 018 Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, aking ibabalik uli mula sa pagkabihag ang mga tolda ng Jacob, at pakukundanganan ko ang kaniyang mga tahanang dako; at ang bayan ay matatayo sa kaniyang sariling bunton, at ang bahay-hari ay tatahanan ng ayon sa ayos niyaon. 024 JER 030 019 At mula sa kanila magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: at aking pararamihin sila, at sila'y hindi magiging kaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila'y hindi magiging maliit. 024 JER 030 020 Ang kanilang mga anak naman ay magiging gaya nang una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko, at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila. 024 JER 030 021 At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon. 024 JER 030 022 At kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios. 024 JER 030 023 Narito, ang unos ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay bumulalas na parang buhawi: hahampas sa ulo ng masama. 024 JER 030 024 Ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi mapaparam hanggang sa maisagawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso; sa mga huling araw ay iyong mauunawa. 024 JER 031 001 Sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, magiging Dios ako ng lahat na angkan ni Israel, at sila'y magiging aking bayan. 024 JER 031 002 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang bayan na naiwan ng tabak ay nakasumpong ng biyaya sa ilang; oo, ang Israel, nang aking papagpahingahin. 024 JER 031 003 Ang Panginoon ay napakita nang una sa akin, na nagsasabi, Oo, inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob. 024 JER 031 004 Muling itatayo kita, at ikaw ay matatayo, Oh dalaga ng Israel: muli na ikaw ay magagayakan ng iyong mga pandereta, at lalabas ka sa mga sayawan nila na nasasayahan. 024 JER 031 005 Muli kang magtatanim ng mga ubasan sa mga bundok ng Samaria: ang mga manananim ay mangagtatanim, at mangagagalak sa bunga niyaon. 024 JER 031 006 Sapagka't magkakaroon ng araw, na ang mga bantay sa mga burol ng Ephraim ay magsisihiyaw. Kayo'y magsibangon, at tayo'y magsisampa sa Sion na pumaroon sa Panginoon nating Dios. 024 JER 031 007 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y magsiawit ng kasayahan dahil sa Jacob, at magsihiyaw kayo dahil sa puno ng mga bansa: mangagtanyag kayo, magsipuri kayo, at mangagsabi, Oh Panginoon, iligtas mo ang iyong bayan, ang nalabi sa Israel. 024 JER 031 008 Narito, aking dadalhin sila mula sa lupaing hilagaan, at pipisanin ko sila mula sa mga kahulihulihang bahagi ng lupa, at kasama nila ang bulag at ang pilay, at ang buntis at ang nagdadamdam na magkakasama: malaking pulutong na magsisibalik sila rito. 024 JER 031 009 Sila'y magsisiparitong may iyakan, at may mga pamanhik na aking papatnubayan sila; akin silang palalakarin sa tabi ng mga ilog ng tubig, sa matuwid na daan na hindi nila katitisuran; sapagka't ako'y pinakaama sa Israel, at ang Ephraim ang aking panganay. 024 JER 031 010 Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga bansa, at inyong ipahayag sa mga pulo sa malayo; at inyong sabihin, Ang nagpangalat sa Israel, siyang magpipisan sa kaniya, at magiingat sa kaniya, gaya ng ginagawa ng pastor sa kaniyang kawan. 024 JER 031 011 Sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at tinubos niya siya sa kamay ng lalong malakas kay sa kaniya. 024 JER 031 012 At sila'y magsisiparito at magsisiawit sa kaitaasan ng Sion, at magsisihugos na magkakasama sa kabutihan ng Panginoon, sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa guya ng kawan at ng bakahan: at ang kanilang kaluluwa ay magiging parang dinilig na halamanan; at hindi na sila mangamamanglaw pa sa anoman. 024 JER 031 013 Kung magkagayo'y magagalak ang dalaga sa sayawan, at ang mga binata, at ang matanda na magkakasama: sapagka't aking gagawing kagalakan ang kanilang pagluluksa, at aking aaliwin sila at aking pagagalakin sila sa kanilang kapanglawan. 024 JER 031 014 At aking sisiyahin ang loob ng mga saserdote sa kaginhawahan, at ang aking bayan ay masisiyahan sa aking kabutihan, sabi ng Panginoon. 024 JER 031 015 Ganito ang sabi ng Panginoon, Isang tinig ay narinig sa Rama, panaghoy, at kalagimlagim na iyak, iniiyakan ni Raquel ang kaniyang mga anak; siya'y tumatangging maaliw dahil sa kaniyang mga anak, sapagka't sila'y wala na. 024 JER 031 016 Ganito ang sabi ng Panginoon, Iyong pigilin ang iyong tinig sa pagiyak, at ang iyong mga mata sa mga luha: sapagka't gagantihin ang iyong mga gawa, sabi ng Panginoon; at sila'y magsisibalik na mula sa lupain ng kaaway. 024 JER 031 017 At may pagasa sa iyong huling wakas, sabi ng Panginoon; at ang iyong mga anak ay magsisiparoon uli sa kanilang sariling hangganan. 024 JER 031 018 Tunay na aking narinig ang Ephraim na nananaghoy sa kaniyang sarili ng ganito, Inyong pinarusahan ako, at ako'y naparusahan na parang guya na hindi hirati sa pamatok: papanumbalikin mo ako, at ako'y manunumbalik sa iyo; sapagka't ikaw ang Panginoon kong Dios. 024 JER 031 019 Tunay na pagkapanumbalik ko sa iyo ay nagsisi ako; at pagkatapos na ako'y maturuan ay nagsugat ako ng hita: ako'y napahiya, oo, lito, sapagka't aking dinala ang kakutyaan ng aking kabataan. 024 JER 031 020 Ang Ephraim baga'y aking minamahal na anak? siya baga'y iniibig na anak? sapagka't kung gaano kadalas nagsasalita ako laban sa kaniya, ay gayon ko inaalaala siya ng di kawasa: kaya't nananabik ang aking puso sa kaniya; ako'y tunay na maaawa sa kaniya, sabi ng Panginoon. 024 JER 031 021 Maglagay ka ng mga patotoo, gumawa ka ng mga haliging tanda: ilagak mo ang iyong puso sa dakong lansangan, sa daan na iyong pinaroonan: ikaw ay magbalik uli, Oh dalaga ng Israel, ikaw ay bumalik uli rito sa mga bayang ito. 024 JER 031 022 Hanggang kailan magpaparoo't parito ka, Oh ikaw na tumatalikod na anak na babae? sapagka't ang Panginoon ay lumikha ng bagong bagay sa lupa, Ang babae ay siyang mananaig sa lalake. 024 JER 031 023 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Kanilang gagamitin uli ang pananalitang ito sa lupain ng Juda at sa mga bayan niyaon, pagka aking dadalhin uli mula sa kanilang pagkabihag: Pagpalain ka ng Panginoon. Oh tahanan ng kaganapan, Oh bundok ng kabanalan. 024 JER 031 024 At ang Juda at ang lahat na bayan niya ay tatahan doon na magkakasama; ang mga mangbubukid at ang mga lumilibot na may mga kawan. 024 JER 031 025 Sapagka't aking bibigyang kasiyahan ang pagod na tao, at lahat na mapanglaw na tao ay aking pinasasaya. 024 JER 031 026 Dito'y nagising ako, at ako'y lumingap; at ang aking pagkakatulog ay masarap. 024 JER 031 027 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking hahasikan ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ng binhi ng tao at ng binhi ng hayop. 024 JER 031 028 At mangyayari, na kung paanong binantayan ko sila upang alisin, at upang ibuwal, at upang madaig at upang ipahamak, at upang pagdalamhatiin, gayon babantayan ko sila upang itayo at upang itatag sabi ng Panginoon. 024 JER 031 029 Sa mga araw na yaon ay hindi na sila mangagsasabi. Ang mga magulang ay nagsikain ng mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga bata ay nagsisipangilo. 024 JER 031 030 Nguni't bawa't isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan: lahat na nagsisikain ng mga maasim na ubas ay magsisipangilo ang mga ngipin. 024 JER 031 031 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda: 024 JER 031 032 Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako'y asawa nila, sabi ng Panginoon. 024 JER 031 033 Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan; 024 JER 031 034 At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin. 024 JER 031 035 Ganito ang sabi ng Panginoon, na nagbibigay ng araw na sumisikat na pinakaliwanag sa araw, at ng mga ayos ng buwan at ng mga bituin na pinakaliwanag sa gabi, na nagpapakilos sa dagat, na humugong ang mga alon niyaon; ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan: 024 JER 031 036 Kung ang mga ayos na ito ay humiwalay sa harap ko, sabi ng Panginoon, ang binhi nga ng Israel ay maglilikat sa pagkabansa sa harap ko magpakailan man. 024 JER 031 037 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung ang langit sa itaas ay masusukat, at ang mga patibayan ng lupa ay masisiyasat sa ilalim, akin ngang ihahagis ang buong lahi ng Israel dahil sa lahat nilang nagawa, sabi ng Panginoon. 024 JER 031 038 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang bayan ay matatayo sa Panginoon mula sa moog ni Hananeel hanggang sa pintuang-bayan sa sulok. 024 JER 031 039 At ang panukat na pisi ay magpapatuloy na matuwid sa burol ng Gareb, at pipihit hanggang sa Goa. 024 JER 031 040 At ang buong libis ng mga katawang patay, at ng mga abo, at ang lahat na parang hanggang sa batis ng Cedron, hanggang sa sulok ng pintuang-bayan ng kabayo sa dakong silanganan, magiging banal sa Panginoon; hindi mabubunot o mahahagis ang sinoman magpakailan pa man. 024 JER 032 001 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon nang ikasangpung taon ni Sedechias na hari sa Juda na siyang ikalabing walong taon ni Nabucodonosor. 024 JER 032 002 Nang panahon ngang yao'y ang hukbo ng hari sa Babilonia ay kumubkob sa Jerusalem, at si Jeremias na propeta ay nakulong sa looban ng bantayan, na nasa bahay ng hari sa Juda. 024 JER 032 003 Sapagka't kinulong siya ni Sedechias na hari sa Juda, na sinasabi, Bakit ka nanghuhula, at nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ibibigay ko ang bayang ito sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang sasakupin: 024 JER 032 004 At si Sedechias na hari sa Juda ay hindi makatatanan sa kamay ng mga Caldeo, kundi tunay na mabibigay sa kamay ng hari sa Babilonia, at makikipagusap sa kaniya ng bibig, at ang kaniyang mga mata ay titingin sa kaniyang mga mata; 024 JER 032 005 At kaniyang dadalhin si Sedechias sa Babilonia, at siya'y doroon hanggang sa dalawin ko siya, sabi ng Panginoon: bagaman kayo'y magsilaban sa mga Caldeo, hindi kayo magsisiginhawa? 024 JER 032 006 At sinabi ni Jeremias, Ang salita ng Panginoon, ay dumating sa akin, na nagsasabi: 024 JER 032 007 Narito, si Hanamel na anak ni Sallum na iyong amain ay paroroon sa iyo, na magsasabi, Bilhin mo ang parang ko na nasa Anathoth: sapagka't ang matuwid ng pagtubos ay ukol sa iyo upang bilhin. 024 JER 032 008 Sa gayo'y si Hanamel na anak ng aking amain ay naparoon sa akin sa looban ng bantayan ayon sa salita ng Panginoon, at sinabi sa akin, Bilhin mo ang aking parang, isinasamo ko sa iyo, na nasa Anathoth, na nasa lupain ng Benjamin; sapagka't ang matuwid ng pagmamana ay ukol sa iyo, at ang pagtubos ay ukol sa iyo; bilhin mo para sa iyong sarili. Nang magkagayo'y nakilala ko na ito'y salita ng Panginoon. 024 JER 032 009 At binili ko ang parang na nasa Anathoth kay Hanamel na anak ng aking amain, at tinimbang ko sa kaniya ang salapi, na labing pitong siklong pilak. 024 JER 032 010 At ako'y naglagda ng pangalan sa katibayan, at aking tinatakan, at tumawag ako ng mga saksi, at tinimbang ko sa kaniya ang salapi sa timbangan. 024 JER 032 011 Sa gayo'y kinuha ko ang katibayan ng pagkabili, ang natatatakan, yaong ayon sa kautusan at kaugalian, at ang bukas: 024 JER 032 012 At ibinigay ko ang katibayan ng pagkabili kay Baruch na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, sa harapan ni Hanamel na anak ng aking amain, at sa harap ng mga saksi na naglagda ng pangalan sa katibayan ng pagkabili, sa harap ng lahat na Judio na nakaupo sa looban ng bantayan. 024 JER 032 013 At ibinilin ko kay Baruch sa harap nila, na aking sinasabi, 024 JER 032 014 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Iyong kunin ang mga katibayang ito, ang katibayang ito ng pagkabili, ang natatatakan, at gayon din itong katibayang bukas, at iyong isilid sa sisidlang lupa; upang tumagal ng maraming araw. 024 JER 032 015 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Mga bahay, at mga parang, at mga ubasan ay mangabibili pa uli sa lupaing ito. 024 JER 032 016 Pagkatapos nga na aking maibigay ang katibayan ng pagkabili kay Baruch na anak ni Nerias, dumalangin ako sa Panginoon, na aking sinabi, 024 JER 032 017 Ah Panginoong Dios! narito, iyong ginawa ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong malaking kapangyarihan, at sa pamamagitan ng iyong unat na kamay; walang bagay na totoong napakahirap sa iyo: 024 JER 032 018 Na ikaw ay nagpapakita ng kagandahang-loob sa mga libolibo, at iyong ginaganti ang kasamaan ng mga magulang sa sinapupunan ng kanilang mga anak pagkamatay nila; ang dakila, na makapangyarihang Dios, ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan. 024 JER 032 019 Dakila sa payo at makapangyarihan sa gawa; na ang mga mata ay dilat sa lahat ng mga lakad ng mga anak ng tao, upang bigyan ang bawa't isa ng ayon sa kaniyang mga lakad, at ayon sa bunga ng kaniyang mga gawa, 024 JER 032 020 Na naglagay ng mga tanda at mga kababalaghan sa lupain ng Egipto, hanggang sa araw na ito, sa Israel at gayon din sa gitna ng ibang mga tao; at magtaglay ka ng pangalan, gaya sa araw na ito; 024 JER 032 021 At iyong inilabas ang iyong bayang Israel sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga kababalaghan, at ng malakas na kamay, at ng unat na kamay, at ng malaking kakilabutan, 024 JER 032 022 At ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito na iyong isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila, lupain na binubukalan ng gatas at pulot, 024 JER 032 023 At sila'y pumasok, at kanilang inari; nguni't hindi dininig ang itong tinig, o lumakad man sa iyong kautusan; sila'y hindi nagsigawa ng anoman sa lahat na iyong iniutos sa kanila na gawin: kaya't iyong pinapangyari ang buong kasamaang ito sa kanila. 024 JER 032 024 Narito, ang mga bunton, nagsisidating sa bayan upang sakupin; at ang bayan ay nabigay sa kamay ng mga taga Caldea na nagsisilaban doon, dahil sa tabak, at sa kagutom, at sa salot: at kung ano ang iyong sinalita ay nangyayari; at, narito, iyong nakikita. 024 JER 032 025 At iyong sinabi sa akin, Oh Panginoong Dios, iyong bilhin ng salapi ang parang, at ikaw ay tumawag ng mga saksi; yamang ang bayan ay ibinibigay sa kamay ng mga Caldeo. 024 JER 032 026 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi, 024 JER 032 027 Narito, ako ang Panginoon, ang Dios ng lahat na tao; may anomang bagay baga na totoong mahirap sa akin? 024 JER 032 028 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibibigay ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo, at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kaniyang sasakupin, 024 JER 032 029 At ang mga Caldeo, na nagsisilaban sa bayang ito, magsisiparito at susulsulan ang bayang ito, at susunugin, sangpu ng mga bahay na ang mga bubungan ay kanilang pinaghandugan ng kamangyan kay Baal, at pinagbuhusan ng mga inuming handog sa mga ibang dios, upang mungkahiin ako sa galit. 024 JER 032 030 Sapagka't ang ginawa lamang ng mga anak ni Israel, at ng mga anak ni Juda ay ang masama sa aking paningin mula sa kanilang kabataan, sapagka't minungkahi lamang ako ng mga anak ni Israel sa galit ng gawa ng kanilang mga kamay, sabi ng Panginoon. 024 JER 032 031 Sapagka't ang bayang ito ay naging kamungkahian sa aking galit at sa aking pagaalab ng loob mula sa araw na kanilang itinayo hanggang sa araw na ito; upang aking mailayo sa aking mukha. 024 JER 032 032 Dahil sa lahat ng kasamaan ng mga anak ni Israel at ng mga anak ni Juda, na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit, sila, ng kanilang mga hari, ng kanilang mga prinsipe, ng kanilang mga saserdote, at ng kanilang mga propeta, at ng mga tao ng Juda, at ng mga nananahan sa Jerusalem. 024 JER 032 033 At kanilang tinalikdan ako, at hindi ako hinarap: bagaman aking tinuruan sila, na bumabangon ako ng maaga at tinuturuan ko sila, gayon ma'y hindi sila nangakinig na magsitanggap ng turo. 024 JER 032 034 Kundi kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay na tinawag sa aking pangalan, upang lapastanganin. 024 JER 032 035 At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, na nasa libis ng anak ni Hinnom, upang paraanin sa apoy ang kanilang mga anak na lalake at babae kay Moloch; na hindi ko iniutos sa kanila o nasok man sa aking pagiisip, na kanilang gawin ang kasuklamsuklam na ito; na pinapagkasala ang Juda. 024 JER 032 036 At ngayon ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, tungkol sa bayang ito, na inyong sinasabi, Nabigay sa kamay ng hari sa Babilonia sa pamamagitan ng tabak, at ng kagutom, at ng salot: 024 JER 032 037 Narito, aking pipisanin sila mula sa lahat ng lupain, na aking pinagtabuyan sa kanila sa aking galit, at sa aking kapusukan at sa malaking poot, at dadalhin ko sila uli sa dakong ito, at akin silang patatahaning tiwasay. 024 JER 032 038 At sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios: 024 JER 032 039 At bibigyan ko sila ng isang puso at ng isang daan, upang sila'y matakot sa akin magpakailan man; sa ikabubuti nila, at ng kanilang mga anak pagkamatay nila: 024 JER 032 040 At ako'y makikipagtipan ng walang hanggan sa kanila, na hindi ako hihiwalay sa kanila, upang gawan ko sila ng mabuti: at sisidlan ko sa puso ng takot sa akin, upang huwag silang magsihiwalay sa akin. 024 JER 032 041 Oo, ako'y magagalak sa kanila upang gawan ko sila ng mabuti, at aking tunay na itatatag sila sa lupaing ito ng aking buong puso at ng aking buong kaluluwa. 024 JER 032 042 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kung paanong aking dinala ang lahat na malaking kasamaang ito sa bayang ito, gayon dadalhin ko sa kanila ang lahat na mabuti na aking ipinangako sa kanila. 024 JER 032 043 At mga parang ay mabibili sa lupaing ito, na iyong sinasabi, Sira, na walang tao o hayop man; nabigay sa kamay ng mga Caldeo. 024 JER 032 044 Bibilhin nga ng mga tao ng salapi ang mga parang at mangaglalagda ng pangalan sa mga katibayan, at mga tatatakan, at magsisitawag ng mga saksi, sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, at sa mga bayan ng lupaing maburol, at sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan: sapagka't aking ibabalik sila mula sa kanilang pagkabihag, sabi ng Panginoon. 024 JER 033 001 Bukod dito'y dumating na ikalawa ang salita ng Panginoon kay Jeremias, samantalang nakukulong pa siya sa looban ng bantayan, na nagsasabi, 024 JER 033 002 Ganito ang sabi ng Panginoon na gumagawa niyaon, ng Panginoon na umaanyo niyaon upang itatag; Panginoon ay siyang kaniyang pangalan: 024 JER 033 003 Tumawag ka sa akin, at ako'y sasagot sa iyo, at ako'y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman. 024 JER 033 004 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, tungkol sa mga bahay ng bayang ito, at tungkol sa mga bahay ng mga hari sa Juda na nangabagsak upang gawing sanggalangan laban sa mga bunton at laban sa tabak; 024 JER 033 005 Sila'y nagsisidating upang magsilaban sa mga Caldeo, nguni't upang sila'y mangapuno ng mga bangkay ng mga tao, na aking pinatay sa aking galit at sa aking kapusukan, at dahil sa lahat ng kasamaang yaon ay ikinubli ko ang aking mukha sa bayang ito: 024 JER 033 006 Narito, ako'y magdadala ng kagalingan at kagamutan, aking gagamutin sila; at ako'y maghahayag sa kanila ng di kawasang kapayapaan at katotohanan. 024 JER 033 007 At aking pababalikin ang nangabihag sa Juda, at ang nangabihag sa Israel, at aking itatayo sila na gaya nang una. 024 JER 033 008 At aking lilinisin sila sa lahat nilang kasamaan, na kanilang pinagkasalahan laban sa akin; at aking ipatatawad ang lahat nilang kasamaan na kanilang ipinagkasala laban sa akin, at kanilang ikinasalangsang laban sa akin. 024 JER 033 009 At ang bayang ito ay magiging pinakapangalan ng kagalakan sa akin, pinaka kapurihan at pinaka kaluwalhatian, sa harap ng lahat na bansa sa lupa na makakarinig ng lahat na mabuti na gagawin ko sa kanila, at mangatatakot at magsisipanginig dahil sa lahat na buti at dahil sa lahat na kapayapaan na aking pinagsikapan sa kaniya. 024 JER 033 010 Ganito ang sabi ng Panginoon, Maririnig pa uli sa dakong ito, na inyong sinasabi, Sira, na walang tao at walang hayop, sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, na sira, na walang tao at walang mananahan, at walang hayop. 024 JER 033 011 Ang tinig ng kagalakan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae, ang tinig nilang nangagsasabi, Kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon ng mga hukbo, sapagka't ang Panginoon ay mabuti, sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan pa man; at ng nangagdadala ng hain ng pagpapasalamat sa bahay ng Panginoon. Sapagka't aking ibabalik ang nangabihag sa lupain gaya ng una, sabi ng Panginoon. 024 JER 033 012 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Magkakaroon pa uli sa dakong ito, na sira, na walang tao at walang hayop, at sa lahat ng bayan nito, ng tahanan ng mga pastor na nagpapahiga ng kanilang kawan. 024 JER 033 013 Sa mga bayan ng maburol na lupain, sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan, at sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, magdaraan uli ang mga kawan sa mga kamay ng bibilang sa kanila, sabi ng Panginoon. 024 JER 033 014 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking isasagawa ang mabuting salita na aking sinalita tungkol sa sangbahayan ni Israel, at tungkol sa sangbahayan ni Juda. 024 JER 033 015 Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, aking pasusuplingin kay David ang isang Sanga ng katuwiran; at siya'y magsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa lupain. 024 JER 033 016 Sa mga araw na yaon ay maliligtas ang Juda, at ang Jerusalem ay tatahang tiwasay; at ito ang pangalan na itatawag sa kaniya: Ang Panginoon ay ating katuwiran. 024 JER 033 017 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Si David ay hindi kukulangin kailan man ng lalake na mauupo sa luklukan ng bahay ng Israel; 024 JER 033 018 Ni hindi kukulangin ang mga saserdote na mga Levita ng lalake sa harap ko na maghahandog ng mga handog na susunugin, at upang magsunog ng mga alay, at upang maghaing palagi. 024 JER 033 019 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias, na nagsasabi, 024 JER 033 020 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung inyong masisira ang aking tipan sa araw, at ang aking tipan sa gabi, na anopa't hindi magkakaroon ng araw at ng gabi sa kanilang kapanahunan; 024 JER 033 021 Ang akin ngang tipan ay masisira kay David na aking lingkod, na siya'y hindi magkakaroon ng anak upang maghari sa kaniyang luklukan; at sa mga Levita na mga saserdote na aking mga tagapangasiwa. 024 JER 033 022 Kung paanong ang lahat na natatanaw sa langit ay hindi mabibilang, o matatakal man ang buhangin sa dagat; gayon ko pararamihin ang binhi ni David na aking lingkod, at ang mga Levita na nagsisipangasiwa sa akin. 024 JER 033 023 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias, na nagsasabi, 024 JER 033 024 Hindi mo baga napupuna ang sinasalita ng bayang ito, na nagsasabi, Ang dalawang angkan na pinili ng Panginoon, ay kaniyang mga itinakuwil? ganito nila hinahamak ang aking bayan, upang huwag ng maging bansa sa harap nila. 024 JER 033 025 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung ang aking tipan sa araw at sa gabi ay hindi manayo, kung hindi ko itinatag ang mga ayos ng langit at ng lupa; 024 JER 033 026 Akin ngang itatakuwil din ang binhi ni Jacob, at ni David na aking lingkod, na anopa't hindi ako kukuha ng kanilang binhi na maging mga puno sa binhi ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob: sapagka't aking ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag, at maaawa ako sa kanila. 024 JER 034 001 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, nang si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at ang buo niyang hukbo, at ang lahat na kaharian sa lupa na nangasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan, at ang lahat na bayan, ay nakipagbaka laban sa Jerusalem, at laban sa lahat ng mga bayan niyaon, na nagsasabi, 024 JER 034 002 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ikaw ay yumaon, at magsalita kay Sedechias na hari sa Juda, at iyong saysayin sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibibigay ang bayang ito sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang susunugin ng apoy: 024 JER 034 003 At ikaw ay hindi makatatanan sa kaniyang kamay, kundi tunay na mahuhuli ka, at mabibigay sa kaniyang kamay; at ang iyong mga mata ay titingin sa mga mata ng hari sa Babilonia, at siya'y makikipagsalitaan sa iyo ng bibig at ikaw ay mapaparoon sa Babilonia. 024 JER 034 004 Gayon ma'y iyong pakinggan ang salita ng Panginoon, Oh Sedechias na hari sa Juda: ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa iyo, Ikaw ay hindi mamamatay sa pamamagitan ng tabak; 024 JER 034 005 Ikaw ay mamamatay sa kapayapaan; at ayon sa pagsusunog ng kamangyan ng iyong mga magulang na mga unang hari na una sa iyo, gayon sila magsusunog para sa iyo; at kanilang tataghuyan ka, na magsasabi, Ah Panginoon! sapagka't aking sinalita ang salita, sabi ng Panginoon. 024 JER 034 006 Nang magkagayo'y sinalita ni Jeremias na propeta ang lahat ng salitang ito kay Sedechias na hari sa Juda sa Jerusalem, 024 JER 034 007 Nang lumaban ang hukbo ng hari sa Babilonia laban sa Jerusalem, at laban sa lahat na bayan ng Juda na nalabi, laban sa Lechis at laban sa Azeca; sapagka't ang mga ito lamang ang nalalabi na mga bayan ng Juda na mga bayang nakukutaan. 024 JER 034 008 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, pagkatapos na makipagtipan ang haring Sedechias, sa buong bayan na nasa Jerusalem upang magtanyag ng kalayaan sa kanila; 024 JER 034 009 Na papaging layain ng bawa't isa ang kaniyang aliping lalake, at ng bawa't isa ang kaniyang aliping babae, na Hebreo o Hebrea; na walang paglilingkuran sila, sa makatuwid baga'y ang Judio na kaniyang kapatid. 024 JER 034 010 At ang lahat na prinsipe at ang buong bayan ay nagsitalima, na nasok sa tipan, na bawa't isa'y palalayain ang kaniyang aliping lalake, at palalayain ng bawa't isa ang kaniyang aliping babae, na wala nang paglilingkuran pa sila; sila'y nagsitalima, at kanilang pinayaon sila: 024 JER 034 011 Nguni't pagkatapos ay nangagbalik sila, at pinapagbalik ang mga aliping lalake at babae na kanilang pinapaging laya, at kanilang dinala sa ilalim ng pagkaaliping lalake at babae. 024 JER 034 012 Kaya't ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi: 024 JER 034 013 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ako'y nakipagtipan sa inyong mga magulang sa araw na aking inilabas sila mula sa lupain ng Egipto, mula sa bahay ng pagkaalipin, na aking sinasabi, 024 JER 034 014 Sa katapusan ng pitong taon ay payayaunin ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang kapatid na Hebreo, na naipagbili sa iyo, at naglingkod sa iyo na anim na taon, at iyong palalayain sa iyo: nguni't ang iyong mga magulang ay hindi nakinig sa akin, o ikiniling man ang kanilang pakinig. 024 JER 034 015 At ngayo'y nanumbalik kayo, at nagsigawa ng matuwid sa aking mga mata sa pagtatanyag ng kalayaan ng bawa't tao sa kaniyang kapuwa; at kayo'y nakipagtipan sa harap ko sa bahay na tinawag sa aking pangalan: 024 JER 034 016 Nguni't kayo'y tumalikod at inyong nilapastangan ang aking pangalan, at pinabalik ng bawa't isa ang kaniyang aliping lalake, at ng bawa't isa ang kaniyang aliping babae na inyong pinapaging laya sa kanilang ikaliligaya; at inyong dinala sila sa pagkaalipin upang maging sa inyo'y mga aliping lalake at babae. 024 JER 034 017 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y hindi nangakinig sa akin, na magtanyag ng kalayaan bawa't isa sa kaniyang kapatid, at bawa't isa sa kaniyang kapuwa: narito, ako'y nagtatanyag sa inyo ng kalayaan, sabi ng Panginoon, sa tabak, sa salot, o sa kagutom; at akin kayong ihahagis na paroo't parito sa lahat ng kaharian sa lupa. 024 JER 034 018 At aking ibibigay ang mga tao na nagsisalangsang ng aking tipan, na hindi nagsitupad ng mga salita ng tipan na kanilang ginawa sa harap ko, nang kanilang hatiin ang guya at mangagdaan sa pagitan ng mga bahagi niyaon; 024 JER 034 019 Ang mga prinsipe sa Juda, at ang mga prinsipe sa Jerusalem, ang mga bating, at ang mga saserdote, at ang buong bayan ng lupain, na nagsidaan sa pagitan ng mga bahagi ng guya; 024 JER 034 020 Akin ngang ibibigay sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay, at ang kanilang mga bangkay ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa. 024 JER 034 021 At si Sedechias na hari sa Juda at ang kaniyang mga prinsipe ay ibibigay ko sa kamay ng kanilang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay at sa kamay ng hukbo ng hari sa Babilonia, na umahon mula sa inyo. 024 JER 034 022 Narito, ako'y maguutos, sabi ng Panginoon, at akin silang pababalikin sa bayang ito; at sila'y magsisilaban dito, at sasakupin, at kanilang susunugin ng apoy: at aking sisirain ang mga bayan ng Juda, na mawawalan ng mananahan. 024 JER 035 001 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon sa mga kaarawan ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, na nagsasabi, 024 JER 035 002 Pumaroon ka sa bahay ng mga Rechabita, at magsalita ka sa kanila, at iyong dalhin sila sa bahay ng Panginoon, sa isa sa mga silid, at bigyan mo sila ng alak na mainom. 024 JER 035 003 Nang magkagayo'y kinuha ko si Jazanias na anak ni Jeremias, na anak ni Habassinias, at ang kaniyang mga kapatid, at ang lahat niyang anak, at ang buong sangbahayan ng mga Rechabita; 024 JER 035 004 At dinala ko sila sa bahay ng Panginoon, sa silid ng mga anak ni Hanan na anak ni Igdalias, na lalake ng Dios, na nasa siping ng silid ng mga prinsipe, na nasa itaas ng silid ni Maasias na anak ni Sallum, na tagatanod ng pintuan. 024 JER 035 005 At aking inilagay sa harap ng mga anak ng sangbahayan ng mga Rechabita ang mga mankok na puno ng alak, at ang mga saro, at aking sinabi sa kanila, Magsisiinom kayo ng alak. 024 JER 035 006 Nguni't kanilang sinabi, Kami ay hindi magsisiinom ng alak; sapagka't si Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang ay nagutos sa amin, na nagsasabi, Huwag kayong magsisiinom ng alak, maging kayo, o ang inyong mga anak man, magpakailan man: 024 JER 035 007 Ni huwag kayong mangagtatayo ng bahay, o mangaghahasik ng binhi, o mangagtatanim sa ubasan, o mangagtatangkilik ng anoman; kundi ang lahat ninyong mga kaarawan ay inyong itatahan sa mga tolda; upang kayo ay mangabuhay na malaon sa lupain na inyong pangingibahang bayan. 024 JER 035 008 At aming tinalima ang tinig ni Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang sa lahat na kaniyang ibinilin sa amin na huwag magsiinom ng alak sa lahat ng mga araw namin, kami, ang aming mga asawa, ang aming mga anak na lalake o babae man; 024 JER 035 009 Ni huwag kaming mangagtayo ng mga bahay na aming matahanan; ni huwag kaming mangagtangkilik ng ubasan, o ng bukid, o ng binhi: 024 JER 035 010 Kundi kami ay nagsitahan sa mga tolda, at kami ay nagsitalima, at nagsigawa ng ayon sa lahat na iniutos sa amin ni Jonadab na aming magulang. 024 JER 035 011 Nguni't nangyari, nang si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay umahon sa lupain, na aming sinabi, Tayo na, at tayo'y magsiparoon sa Jerusalem dahil sa takot sa hukbo ng mga Caldeo, at dahil sa takot sa hukbo ng mga taga Siria; sa ganito'y nagsisitahan kami sa Jerusalem. 024 JER 035 012 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi, 024 JER 035 013 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Yumaon ka, at sabihin mo sa mga tao ng Juda at sa mga nananahan sa Jerusalem, Hindi baga kayo magsisitanggap ng turo upang dinggin ang aking mga salita? sabi ng Panginoon. 024 JER 035 014 Ang mga salita ni Jonadab na anak ni Rechab, na kaniyang iniutos sa kaniyang mga anak, na huwag magsiinom ng alak, ay nangatupad; at hanggang sa araw na ito ay hindi sila nagsisiinom, sapagka't kanilang tinalima ang tinig ng kanilang magulang. Nguni't aking sinalita, sa inyo, na bumangon akong maaga, at aking sinasalita, at hindi ninyo ako dininig. 024 JER 035 015 Akin din namang sinugo sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na bumabangon akong maaga, at akin silang sinusugo, na aking sinasabi, Magsihiwalay kayo ngayon bawa't isa sa kanikaniyang masamang lakad, at pabutihin ninyo ang inyong mga gawain, at huwag kayong magsisunod sa mga ibang dios na mangaglingkod sa kanila, at kayo'y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyo, at sa inyong mga magulang: nguni't hindi ninyo ikiniling ang inyong pakinig, o dininig man ninyo ako. 024 JER 035 016 Yamang tinupad ng mga anak ni Jonadab na anak ni Rechab ang utos ng kanilang magulang na iniutos sa kanila, nguni't ang bayang ito ay hindi nakinig sa akin; 024 JER 035 017 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking dadalhin sa Juda at sa lahat na nananahan sa Jerusalem ang buong kasamaan na aking sinalita laban sa kanila; sapagka't ako'y nagsalita sa kanila, nguni't hindi sila nangakinig; at ako'y tumawag sa kanila, nguni't hindi sila nagsisagot. 024 JER 035 018 At sinabi ni Jeremias sa sangbahayan ng mga Rechabita, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Sapagka't inyong tinalima ang utos ni Jonadab na inyong magulang, at inyong iningatan ang lahat niyang palatuntunan, at inyong ginawa ang ayon sa lahat na kaniyang iniutos sa inyo; 024 JER 035 019 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Si Jonadab na anak ni Rechab ay hindi kukulangin ng lalake na tatayo sa harap ko magpakailan man. 024 JER 036 001 At nangyari nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, na ang salitang ito ay dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi, 024 JER 036 002 Kumuha ka ng isang balumbon, at iyong isulat doon ang lahat na salita na aking sinalita sa iyo laban sa Israel, at laban sa Juda, at laban sa lahat ng mga bansa, mula nang araw na magsalita ako sa iyo, mula nang kaarawan ni Josias, hanggang sa araw na ito. 024 JER 036 003 Marahil ay maririnig ng sangbahayan ni Juda ang lahat na kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila; upang humiwalay bawa't isa sa kanila sa kaniyang masamang lakad; upang aking maipatawad ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan. 024 JER 036 004 Nang magkagayo'y tinawag ni Jeremias si Baruch na anak ni Nerias; at sinulat ni Baruch ang lahat ng salita ng Panginoon na mula sa bibig ni Jeremias, na sinalita niya sa kaniya, sa balumbon. 024 JER 036 005 At si Jeremias ay nagutos kay Baruch, na nagsasabi, Ako'y nakukulong; hindi ako makapasok sa bahay ng Panginoon: 024 JER 036 006 Kaya't pumaroon ka, at basahin mo sa balumbon, ang iyong isinulat na mula sa aking bibig, ang mga salita ng Panginoon sa mga pakinig ng bayan sa bahay ng Panginoon sa kaarawan ng pagaayuno; at iyo ring babasahin sa mga pakinig ng buong Juda na lumabas sa kanilang mga bayan. 024 JER 036 007 Marahil ay maghaharap sila ng kanilang daing sa harap ng Panginoon, at hihiwalay bawa't isa sa kaniyang masamang lakad; sapagka't malaki ang galit at ang kapusukan na sinalita ng Panginoon laban sa bayang ito. 024 JER 036 008 At ginawa ni Baruch na anak ni Nerias ang ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ni Jeremias na propeta, na binasa sa aklat ang mga salita ng Panginoon sa bahay ng Panginoon. 024 JER 036 009 Nangyari nga nang ikalimang taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda nang ikasiyam na buwan, na ang buong bayan sa Jerusalem, at ang buong bayan na nanggaling sa mga bayan ng Juda sa Jerusalem, ay nagtanyag ng ayuno sa harap ng Panginoon. 024 JER 036 010 Nang magkagayo'y binasa ni Baruch sa balumbon ang mga salita ni Jeremias sa bahay ng Panginoon, sa silid ni Gemarias na anak ni Saphan na kalihim, sa mataas na looban sa pasukan ng bagong pintuang-daan ng bahay ng Panginoon, sa mga pakinig ng buong bayan. 024 JER 036 011 At nang marinig ni Micheas na anak ni Gemarias, na anak ni Saphan, ang lahat na salita ng Panginoon mula sa aklat, 024 JER 036 012 Siya'y bumaba sa bahay ng hari, sa loob ng silid ng kalihim: at, narito, lahat ng prinsipe ay nangakaupo roon, si Elisama na kalihim, at si Delaias na anak ni Semeias, at si Elnathan na anak ni Achbor, at si Gemarias na anak ni Saphan, at si Sedechias na anak ni Ananias, at ang lahat na prinsipe. 024 JER 036 013 Nang magkagayo'y ipinahayag ni Micheas sa kaniya ang lahat na salita na kaniyang narinig, nang basahin ni Baruch ang aklat sa mga pakinig ng bayan. 024 JER 036 014 Kaya't sinugo ng lahat na prinsipe si Jehudi na anak ni Nethanias, na anak ni Selemias, na anak ni Chusi, kay Baruch, na nagsasabi, Tangnan mo sa iyong kamay ang balumbon na iyong binasa sa mga pakinig ng bayan, at parito ka. Sa gayo'y tinangnan ni Baruch na anak ni Nerias ang balumbon sa kaniyang kamay, at naparoon sa kanila. 024 JER 036 015 At sinabi nila sa kaniya, Ikaw ay umupo ngayon, at basahin mo sa aming mga pakinig. Sa gayo'y binasa ni Baruch sa kanilang pakinig. 024 JER 036 016 Nangyari nga, nang kanilang marinig ang lahat na salita, sila'y nagharapharapan sa takot, at nagsabi kay Baruch, Tunay na aming sasalitain sa hari ang lahat na salitang ito? 024 JER 036 017 At kanilang tinanong si Baruch, na sinasabi, Iyong saysayin ngayon sa amin, Paanong isinulat mo ang lahat ng salitang ito sa kaniyang bibig? 024 JER 036 018 Nang magkagayo'y sumagot si Baruch sa kanila, Kaniyang sinalita ang lahat na salitang ito sa akin ng kaniyang bibig, at aking isinulat ng tinta sa aklat. 024 JER 036 019 Nang magkagayo'y sinabi ng mga prinsipe kay Baruch, Yumaon ka, magtago ka, ikaw at si Jeremias, at huwag maalaman ng tao ang inyong karoroonan. 024 JER 036 020 At kanilang pinasok ang hari sa looban; nguni't kanilang inilagay ang balumbon sa silid ni Elisama na kalihim; at kanilang isinaysay ang lahat na salita sa mga pakinig ng hari. 024 JER 036 021 Sa gayo'y sinugo ng hari si Jehudi upang kunin ang balumbon; at kaniyang kinuha sa silid ni Elisama na kalihim. At binasa ni Jehudi sa mga pakinig ng hari, at sa mga pakinig ng lahat na prinsipe na nangakatayo sa tabi ng hari. 024 JER 036 022 Ang hari nga ay nakaupo sa bahay na tagginaw sa ikasiyam na buwan: at may apoy sa apuyan na nagniningas sa harap niya. 024 JER 036 023 At nangyari, ng mabasa ni Jehudi ang tatlo o apat na dahon, na pinutol ng hari ng lanseta, at inihagis sa apoy na nasa apuyan, hanggang sa masupok ang buong balumbon sa apoy na nasa apuyan. 024 JER 036 024 At sila'y hindi nangatakot o hinapak man nila ang kanilang mga suot, maging ang hari, o ang sinoman sa kaniyang mga lingkod na nakarinig ng lahat ng salitang ito. 024 JER 036 025 Bukod dito'y si Elnathan, at si Delaias, at si Gemarias ay namanhik sa hari na huwag niyang sunugin ang balumbon; nguni't hindi niya dininig sila. 024 JER 036 026 At nagutos ang hari kay Jerameel na anak ng hari, at kay Seraias na anak ni Azriel, at kay Selemias na anak ni Abdeel, upang hulihin si Baruch na kalihim at si Jeremias na propeta: nguni't ikinubli ng Panginoon. 024 JER 036 027 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias pagkatapos na masunog ng hari ang balumbon, at ang mga salita na sinulat ni Baruch na mula sa bibig ni Jeremias, na nagsasabi: 024 JER 036 028 Kumuha ka uli ng ibang balumbon, at sulatan mo ng lahat na dating salita na nasa unang balumbon na sinunog ni Joacim na hari sa Juda. 024 JER 036 029 At tungkol kay Joacim na hari sa Juda ay iyong sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Iyong sinunog ang balumbon na ito, na iyong sinasabi, Bakit mo isinulat doon, na sinasabi, Tunay na ang hari sa Babilonia ay paririto at sisirain ang lupaing ito, at papaglilikatin dito ang tao at ang hayop? 024 JER 036 030 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, tungkol kay Joacim na hari sa Juda, Siya'y mawawalan ng uupo sa luklukan ni David; at ang kaniyang bangkay sa araw ay mahahagis sa init, at sa gabi ay sa hamog. 024 JER 036 031 At aking parurusahan siya at ang kaniyang binhi at ang kaniyang mga lingkod dahil sa kanilang kasamaan; at aking dadalhin sa kanila, at sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa mga tao ng Juda, ang buong kasamaan na aking sinalita laban sa kanila, nguni't hindi nila dininig. 024 JER 036 032 Nang magkagayo'y kumuha si Jeremias ng ibang balumbon, at ibinigay kay Baruch na kalihim, na anak ni Nerias, na sumulat doon ng mula sa bibig ni Jeremias ng lahat ng mga salita ng aklat na sinunog sa apoy ni Joacim na hari sa Juda; at nagdagdag pa sa mga yaon ng maraming gayong salita. 024 JER 037 001 At si Sedechias na anak ni Josias ay naghari na gaya ng hari, na humalili kay Conias na anak ni Joacim, na ginawang hari sa lupain ng Juda ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia. 024 JER 037 002 Nguni't maging siya, o ang kaniyang mga lingkod man, o ang bayan man ng lupain, hindi nakinig sa mga salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias. 024 JER 037 003 At sinugo ni Sedechias na hari si Jucal na anak ni Selemias, at si Sephanias na anak ni Maasias na saserdote, sa propeta Jeremias, na sinabi, Idalangin mo kami ngayon sa Panginoon nating Dios. 024 JER 037 004 Si Jeremias nga ay naglalabas pumasok sa gitna ng bayan: sapagka't hindi nila inilagay siya sa bilangguan. 024 JER 037 005 At ang hukbo ni Faraon ay lumabas sa Egipto: at nang mabalitaan sila ng mga Caldeo na nagsisikubkob ng Jerusalem, ay nagsialis sa Jerusalem. 024 JER 037 006 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa propeta Jeremias, na nagsasabi, 024 JER 037 007 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ganito ang inyong sasabihin sa hari sa Juda, na nagsugo sa inyo sa akin upang magsiyasat sa akin: Narito, ang hukbo ni Faraon, na lumabas upang tulungan kayo, ay babalik sa Egipto sa kanilang sariling lupain. 024 JER 037 008 At ang mga Caldeo ay magsisiparito uli, at magsisilaban sa bayang ito; at kanilang sasakupin, at susunugin ng apoy. 024 JER 037 009 Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag ninyong dayain ang inyong sarili, na magsabi, Tunay na magsisialis sa atin ang mga Caldeo: sapagka't hindi magsisialis. 024 JER 037 010 Sapagka't bagaman inyong sasaktan ang buong hukbo ng mga Caldeo na lumalaban sa inyo, at ang naiwan lamang doon ay mga lalaking sugatan sa gitna nila, gayon ma'y babangon sila, ang bawa't isa sa kaniyang tolda, at susunugin ng apoy ang bayang ito. 024 JER 037 011 At nangyari, na nang umurong sa Jerusalem ang hukbo ng mga Caldeo dahil sa takot sa hukbo ni Faraon, 024 JER 037 012 Lumabas nga si Jeremias sa Jerusalem upang pumasok sa lupain ng Benjamin, upang tumanggap ng kaniyang bahagi roon, sa gitna ng bayan. 024 JER 037 013 At nang siya'y nasa pintuang-bayan ng Benjamin, isang kapitan ng bantay ay nandoon na ang pangalan ay Irias, na anak ni Selemias, na anak ni Hananias; at kaniyang dinakip si Jeremias, na propeta, na sinasabi, Ikaw ay kumakampi sa mga Caldeo. 024 JER 037 014 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias; Kasinungalingan, hindi ako kumakampi sa mga Caldeo. Nguni't hindi niya dininig siya: sa gayo'y dinakip ni Irias si Jeremias, at dinala sa mga prinsipe. 024 JER 037 015 At ang mga prinsipe ay napoot kay Jeremias at sinaktan nila siya, at isinilid sa bilangguan sa bahay ni Jonathan na kalihim: sapagka't kanilang ginawang bilangguan yaon. 024 JER 037 016 Nang si Jeremias ay makapasok sa bilangguang nasa ilalim ng lupa, at sa loob ng mga silid, at nang mabilanggo si Jeremias doon na maraming araw; 024 JER 037 017 Nagsugo nga si Sedechias na hari at ipinasundo siya: at tinanong siyang lihim ng hari sa kaniyang bahay, at nagsabi, May anoman bagang salitang mula sa Panginoon? At sinabi ni Jeremias: Mayroon. Sinabi rin niya, Ikaw ay mabibigay sa kamay ng hari sa Babilonia. 024 JER 037 018 Bukod dito'y sinabi ni Jeremias sa haring Sedechias, Sa ano ako nagkasala laban sa iyo, o laban sa iyong mga lingkod, o laban sa bayang ito upang ilagay ninyo ako sa bilangguan? 024 JER 037 019 Saan nandoon ngayon ang inyong mga propeta na nanganghula sa inyo, na nangagsasabi, Ang hari sa Babilonia ay hindi paririto laban sa inyo, o laban man sa lupaing ito? 024 JER 037 020 At ngayo'y dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, Oh panginoon ko na hari: isinasamo ko sa iyo na tanggapin ang aking pamanhik sa harap mo, na huwag mo akong pabalikin sa bahay ni Jonathan na kalihim, baka mamatay ako roon. 024 JER 037 021 Nang magkagayo'y nagutos si Sedechias na hari, at kanilang ibinilanggo si Jeremias sa looban ng bantay; at kanilang binigyan siya araw-araw ng isang putol na tinapay na mula sa lansangan ng mga magtitinapay, hanggang sa maubos ang lahat na tinapay sa bayan. Ganito nabilanggo si Jeremias sa looban ng bantay. 024 JER 038 001 At narinig ni Sephatias na anak ni Mathan, at ni Gedalias na anak ni Pashur, at ni Jucal na anak ni Selemias, at ni Pasur na anak ni Melchias, ang mga salita na sinalita ni Jeremias sa buong bayan, na nagsasabi, 024 JER 038 002 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang tumatahan sa bayang ito ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, sa pamamagitan ng kagutom, at sa pamamagitan ng salot; nguni't ang lumalabas sa mga Caldeo ay mabubuhay, at ang kaniyang buhay ay magiging sa kaniya'y pinakasamsam, at siya'y mabubuhay. 024 JER 038 003 Ganito ang sabi ng Panginoon, Tunay na ang bayang ito ay mabibigay sa kamay ng hukbo ng hari sa Babilonia, at sasakupin niya. 024 JER 038 004 Nang magkagayo'y sinabi ng mga prinsipe sa hari, Isinasamo namin sa iyo na ipapatay ang lalaking ito; yamang kaniyang pinahina ang mga kamay ng mga lalaking mangdidigma na nalalabi sa bayang ito, at ang mga kamay ng buong bayan, sa pagsasalita ng kaniyang mga salita sa kanila: sapagka't hindi hinahanap ng lalaking ito ang ikabubuti ng bayang ito, kundi ang ikapapahamak. 024 JER 038 005 At sinabi ni Sedechias na hari, Narito, siya'y nasa inyong kamay; sapagka't hindi ang hari ang makagagawa ng anoman laban sa inyo. 024 JER 038 006 Nang magkagayo'y sinunggaban nila si Jeremias, at inihagis siya sa hukay ni Malchias na anak ng hari, na nasa looban ng bantay: at kanilang inihugos si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. At sa hukay ay walang tubig, kundi burak; at lumubog si Jeremias sa burak. 024 JER 038 007 Nang marinig nga ni Ebed-melec na taga Etiopia, na bating na nasa bahay ng hari, na kanilang isinilid si Jeremias sa hukay; (na ang hari noo'y nakaupo sa pintuang-bayan ng Benjamin), 024 JER 038 008 Si Ebed-melec ay lumabas sa bahay ng hari, at nagsalita sa hari, na nagsasabi, 024 JER 038 009 Panginoon ko na hari, ang mga lalaking ito ay nagsigawa ng kasamaan sa lahat ng kanilang ginawa kay Jeremias na propeta, na kanilang isinilid sa hukay; at siya'y mamamatay sa dakong kaniyang kinaroonan dahil sa kagutom; sapagka't wala nang tinapay sa bayan. 024 JER 038 010 Nang magkagayo'y nagutos ang hari kay Ebed-melec na taga Etiopia, na nagsasabi, Magsama ka mula rito ng tatlong pung lalake, at isampa mo si Jeremias na propeta mula sa hukay, bago siya mamatay. 024 JER 038 011 Sa gayo'y nagsama ng mga lalake si Ebed-melec, at pumasok sa bahay ng hari, sa ilalim ng silid ng kayamanan, at kumuha mula roon ng mga basahan, at mga lumang damit, at kanilang ibinaba sa pamamagitan ng mga lubid sa hukay kay Jeremias. 024 JER 038 012 At sinabi ni Ebed-melec na taga Etiopia kay Jeremias, Ilagay mo ngayon ang mga basahang ito at mga lumang damit sa iyong mga kilikili sa ibabaw ng mga lubid. At ginawang gayon ni Jeremias. 024 JER 038 013 Sa gayo'y isinampa nila si Jeremias ng mga lubid, at itinaas siya mula sa hukay: at si Jeremias ay naiwan sa looban ng bantay. 024 JER 038 014 Nang magkagayo'y nagsugo si Sedechias na hari, at ipinagsama si Jeremias na propeta sa ikatlong pasukan na nasa bahay ng Panginoon: at sinabi ng hari kay Jeremias, Magtatanong ako sa iyo ng isang bagay; huwag kang maglihim ng anoman sa akin. 024 JER 038 015 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias kay Sedechias, Kung saysayin ko sa iyo, hindi mo baga tunay na ipapapatay ako? at kung bigyan kita ng payo, hindi ka makikinig sa akin. 024 JER 038 016 Sa gayo'y si Sedechias ay sumumpang lihim kay Jeremias, na nagsasabi, Buhay ang Panginoon na lumalang ng ating kaluluwa, hindi kita ipapapatay, o ibibigay man kita sa kamay ng mga lalaking ito na nagsisiusig ng iyong buhay. 024 JER 038 017 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias kay Sedechias, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Kung iyong lalabasin ang mga prinsipe ng hari sa Babilonia, mabubuhay ka nga, at ang bayang ito ay hindi masusunog ng apoy; at ikaw ay mabubuhay, at ang iyong sangbahayan: 024 JER 038 018 Nguni't kung hindi mo lalabasin ang mga prinsipe ng hari sa Babilonia, mabibigay nga ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo, at kanilang susunugin ng apoy, at ikaw ay hindi makatatanan sa kanilang kamay. 024 JER 038 019 At sinabi ni Sedechias na hari kay Jeremias, Ako'y natatakot sa mga Judio na kumampi sa mga Caldeo, baka ako'y ibigay nila sa kanilang kamay, at kanilang libakin ako. 024 JER 038 020 Nguni't sinabi ni Jeremias, Hindi ka ibibigay nila. Isinasamo ko sa iyo, na talimahin mo ang tinig ng Panginoon, tungkol sa aking sinalita sa iyo: sa gayo'y ikabubuti mo, at ikaw ay mabubuhay. 024 JER 038 021 Nguni't kung ikaw ay tumangging lumabas, ito ang salita na ipinakilala sa akin ng Panginoon, 024 JER 038 022 Narito, lahat ng babae na naiwan sa bahay ng hari sa Juda ay malalabas sa mga prinsipe ng hari sa Babilonia, at ang mga babaing yaon ay mangagsasabi, Hinikayat ka ng iyong mga kasamasamang mga kaibigan, at nanaig sa iyo: ngayon ang iyong paa nga ay nalubog sa burak, at sila'y nagsitalikod. 024 JER 038 023 At kanilang dadalhin ang lahat mong asawa at ang iyong mga anak sa mga Caldeo, at hindi ka makatatanan sa kanilang kamay, kundi ikaw ay mahuhuli ng kamay ng hari sa Babilonia: at iyong ipasusunog ng apoy ang bayang ito. 024 JER 038 024 Nang magkagayo'y sinabi ni Sedechias kay Jeremias, Huwag maalaman ng tao ang mga salitang ito, at hindi ka mamamatay. 024 JER 038 025 Nguni't kung mabalitaan ng mga prinsipe na ako'y nakipagsalitaan sa iyo, at sila'y magsiparito sa iyo, at mangagsabi sa iyo, Ipahayag mo sa amin ngayon kung ano ang iyong sinabi sa hari; huwag mong ikubli sa amin, at hindi ka namin ipapapatay; gayon din kung anong sinabi ng hari sa iyo: 024 JER 038 026 Iyo ngang sasabihin sa kanila, Aking iniharap ang aking pamanhik sa harap ng hari, na huwag niya akong pabalikin sa bahay ni Jonathan, na mamatay roon. 024 JER 038 027 Nang magkagayo'y dumating ang lahat na prinsipe kay Jeremias, at tinanong siya: at kaniyang isinaysay sa kanila ang ayon sa lahat ng salitang ito na iniutos ng hari. Sa gayo'y pinabayaan nilang magsalita siya; sapagka't ang bagay ay hindi nahalata. 024 JER 038 028 Sa gayo'y tumahan si Jeremias sa looban ng bantay hanggang sa araw na masakop ang Jerusalem. 024 JER 039 001 At nangyari nang masakop ang Jerusalem, (nang ikasiyam na taon ni Sedechias na hari sa Juda, sa ikasangpung buwan, dumating si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at ang kaniyang buong hukbo laban sa Jerusalem, at kinubkob; 024 JER 039 002 Nang ikalabing isang taon ni Sedechias, nang ikaapat na buwan, nang ikasiyam na araw ng buwan, isang sira ay nagawa sa bayan), 024 JER 039 003 Na ang lahat ng mga prinsipe ng hari sa Babilonia, ay nagsipasok, at nagsiupo sa gitnang pintuang-bayan, si Nergal-sarezer, si Samgar-nebo, si Sarsechim, si Rabsaris, si Nergal-sarezer, si Rab-mag, sangpu ng nalabi sa mga prinsipe ng hari sa Babilonia. 024 JER 039 004 At nangyari, na nang makita sila ni Sedechias na hari, sa Juda at ng lahat na lalaking mangdidigma, ay nagsitakas nga sila, at nagsilabas sa bayan nang kinagabihan, sa daan ng halamanan ng hari, sa pintuang-bayan sa pagitan ng dalawang kuta; at siya'y lumabas sa daan ng Araba. 024 JER 039 005 Nguni't hinabol sila ng hukbo ng mga Caldeo, at inabot si Sedechias sa mga kapatagan ng Jerico: at nang kanilang mahuli siya, isinampa nila siya kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia sa Ribla, sa lupain ng Hamath, at kaniyang nilapatan siya ng kahatulan. 024 JER 039 006 Nang magkagayo'y pinatay ng hari sa Babilonia ang mga anak ni Sedechias sa Ribla sa harap ng kaniyang mga mata; pinatay rin ng hari sa Babilonia ang lahat na mahal na tao sa Juda. 024 JER 039 007 Bukod dito'y kaniyang binulag ang mga mata ni Sedechias, at inilagay siya sa pangawan, upang dalhin siya sa Babilonia. 024 JER 039 008 At sinunog ng mga Caldeo ng apoy ang bahay ng hari, at ang mga bahay ng mga tao, at ibinagsak ang mga kuta ng Jerusalem. 024 JER 039 009 Nang magkagayo'y dinalang bihag sa Babilonia ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay, ang nalabi sa mga tao na naiwan sa bayan, gayon din ang nagsilipat na nagsikampi sa kaniya, at ang nalabi sa bayan na naiwan. 024 JER 039 010 Nguni't iniwan ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay ang mga dukha sa bayan, na walang tinatangkilik sa lupain ng Juda, at binigyan sila ng mga ubasan at ng mga bukid sa panahon ding yaon. 024 JER 039 011 Si Nabucodonosor nga na hari sa Babilonia ay nagbilin kay Nabuzaradan na kapitan ng bantay ng tungkol kay Jeremias, na sinasabi; 024 JER 039 012 Kunin mo siya, at ingatan mo siyang mabuti, at huwag mo siyang saktan; kundi gawin mo sa kaniya ang kaniyang sasabihin sa iyo. 024 JER 039 013 Sa gayo'y nagsugo si Nabuzaradan na kapitan ng bantay, at si Nabusazban, si Rab-saris, at si Nergal-sareser, si Rab-mag, at lahat ng punong oficial ng hari sa Babilonia; 024 JER 039 014 Sila'y nangagsugo, at kinuha si Jeremias sa looban ng bantay, at kanilang ipinagbilin siya kay Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan, na kaniyang iuwi siya. Sa gayo'y tumahan siya sa gitna ng bayan. 024 JER 039 015 Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay Jeremias, samantalang siya'y nakukulong sa looban ng bantay, na nagsasabi, 024 JER 039 016 Ikaw ay yumaon, at magsalita kay Ebed-melec na taga Etiopia, na magsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking dadalhin ang aking salita sa bayang ito sa ikasasama, at hindi sa ikabubuti; at mangatutupad sa harap mo sa araw na yaon. 024 JER 039 017 Nguni't ililigtas kita sa araw na yaon, sabi ng Panginoon; at hindi ka mabibigay sa kamay ng mga lalake na iyong kinatatakutan. 024 JER 039 018 Sapagka't tunay na ililigtas kita, at ikaw ay hindi ibubuwal ng tabak, kundi ang iyong buhay ay magiging pinakasamsam sa iyo; sapagka't iyong inilagak ang iyong tiwala sa akin, sabi ng Panginoon. 024 JER 040 001 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, pagkatapos na mapayaon siya mula sa Rama ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay, nang dalhin siya na siya'y natatanikalaan sa gitna ng lahat na bihag sa Jerusalem at sa Juda, na nadalang bihag sa Babilonia. 024 JER 040 002 At kinuha si Jeremias ng kapitan ng bantay, at nagsabi sa kaniya, Ang Panginoon mong Dios ay nagbadya ng kasamaang ito sa dakong ito; 024 JER 040 003 At pinapangyari, at ginawa ng Panginoon ayon sa kaniyang sinalita: sapagka't kayo'y nangagkasala laban sa Panginoon, at hindi nagsitalima ng kaniyang tinig, kaya't ang bagay na ito ay dumating sa inyo. 024 JER 040 004 At ngayon, narito, aking kinakalagan ka sa araw na ito ng mga tanikala na nangasa iyong kamay. Kung inaakala mong mabuti na sumama sa akin sa Babilonia, halina, at lilingapin kitang mabuti; nguni't kung inaakala mong masama na sumama sa akin sa Babilonia, tanggihan mo; narito, ang buong lupain ay nasa harap mo, kung saan inaakala mong mabuti at marapat sa iyo na pumaroon, doon ka pumaroon. 024 JER 040 005 Samantala ngang hindi pa siya bumabalik. Bumalik ka nga, sabi niya, kay Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan, na ginawang tagapamahala ng hari sa Babilonia sa mga bayan ng Juda, at tumahang kasama niya sa gitna ng bayan, o pumaroon ka kung saan mo inaakalang mabuting pumaroon. Sa gayo'y binigyan siya ng kapitan ng bantay ng pagkain at kaloob, at pinayaon siya. 024 JER 040 006 Nang magkagayo'y naparoon si Jeremias kay Gedalias na anak ni Ahicam sa Mizpa, at tumahang kasama niya sa gitna ng bayan na naiwan sa lupain. 024 JER 040 007 Nang mabalitaan nga ng lahat ng kapitan sa mga kawal na nangasa mga parang, sa makatuwid baga'y nila, at ng kanilang mga lalake na ginawang tagapamahala ng hari sa Babilonia si Gedalias na anak ni Ahicam sa lupain, at ipinagbilin sa kaniya ang mga lalake, at ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga pinakadukha sa lupain, yaong hindi nangadalang bihag sa Babilonia; 024 JER 040 008 Nagsiparoon nga sila kay Gedalias sa Mizpa, sa makatuwid baga'y si Ismael na anak ni Nethanias at si Johanan at si Jonathan na mga anak ni Carea, at si Seraias na anak ni Tanhumeth, at ang mga anak ni Ephi na Netophatita, at si Jezanias na anak ng Maachatita, sila, at ang kanilang mga lalake. 024 JER 040 009 At si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Saphan, ay sumumpa sa kanila at sa kanilang mga lalake, na sinasabi, Huwag kayong mangatakot na magsipaglingkod sa mga Caldeo; kayo'y magsitahan sa lupain, at magsipaglingkod sa hari sa Babilonia, at ikabubuti ninyo. 024 JER 040 010 Tungkol sa akin, narito, ako'y tatahan sa Mizpa, upang tumayo sa harap ng mga Caldeo, na paririto sa atin: nguni't kayo, mangagpisan kayo ng alak at ng mga bunga sa taginit at ng langis, at inyong ilagay sa inyong mga sisidlan, at kayo'y magsitahan sa inyong mga bayan na inyong sinakop. 024 JER 040 011 Gayon din nang mabalitaan ng lahat ng Judio na nangasa Moab, at sa gitna ng mga anak ni Ammon, at sa Edom, at ng nangasa lahat ng lupain, na ang hari sa Babilonia ay nagiwan ng labi sa Juda, at inilagay niya sa kanila si Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan: 024 JER 040 012 Lahat ng Judio nga ay nagsibalik na mula sa lahat ng dakong kinatabuyan sa kanila, at naparoon sa lupain ng Juda kay Gedalias, sa Mizpa, at nagpisan ng alak at ng mga bunga sa taginit na totoong marami. 024 JER 040 013 Bukod dito'y si Johanan na anak ni Carea, at lahat na kapitan ng mga kawal na nangasa mga parang, ay nagsiparoon kay Gedalias sa Mizpa, 024 JER 040 014 At nangagsabi sa kaniya, Nalalaman mo baga na sinugo ni Baalis na hari ng mga anak ni Ammon si Ismael na anak ni Nethanias upang kunin ang iyong buhay? Nguni't si Gedalias na anak ni Ahicam ay hindi naniwala. 024 JER 040 015 Nang magkagayo'y si Johanan na anak ni Carea ay nagsalita ng lihim kay Gedalias sa Mizpa, na sinabi, Isinasamo ko sa iyo, na payaunin mo ako, at aking papatayin si Ismael na anak ni Nethanias, at walang lalaking makakaalam: bakit niya kikitilin ang iyong buhay, upang ang lahat na Judio na napipisan sa iyo ay mangalat, at malipol ang nalabi sa Juda? 024 JER 040 016 Nguni't sinabi ni Gedalias na anak ni Ahicam kay Johanan na anak ni Carea, Huwag mong gagawin ang bagay na ito; sapagka't ikaw ay nagsasalita ng kasinungalingan tungkol kay Israel. 024 JER 041 001 Nangyari nga, nang ikapitong buwan, na si Ismael na anak ni Nethanias, na anak ni Elisama, na lahing hari, at isa sa mga punong oficial ng hari, at sangpung lalake na kasama niya, ay nagsiparoon kay Gedalias na anak ni Ahicam sa Mizpa; at doo'y magkasama silang nagsikain ng tinapay sa Mizpa. 024 JER 041 002 Nang magkagayo'y tumindig si Ismael na anak ni Nethanias, at ang sangpung lalake na kasama niya, at sinugatan ng tabak, si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Saphan, at pinatay siya, na ginawang tagapamahala sa lupain ng hari sa Babilonia. 024 JER 041 003 Pinatay rin naman ni Ismael ang lahat na Judio na kasama niya, na kasama ni Gedalias, sa Mizpa, at ang mga Caldeo na nangasumpungan doon, sa makatuwid baga'y ang mga lalaking mangdidigma. 024 JER 041 004 At nangyari, nang ikalawang araw, pagkatapos na kaniyang mapatay si Gedalias, at wala pang lalaking nakakaalam, 024 JER 041 005 Na nagsiparoon ang mga lalake na mula sa Sichem, mula sa Silo, at mula sa Samaria, sa makatuwid baga'y walong pung lalake, na may mga ahit na balbas at may mga hapak na kasuutan, at may mga kudlit, may mga alay at mga kamangyan sa kanilang kamay, upang dalhin sa bahay ng Panginoon. 024 JER 041 006 At si Ismael na anak ni Nethanias ay lumabas na mula sa Mizpa upang salubungin sila, na umiiyak siya habang lumalakad: at nangyari, pagkasalubong niya sa kanila, sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo kay Gedalias na anak ni Ahicam. 024 JER 041 007 At nangyari, na nang sila'y pumasok sa gitna ng bayan, na pinatay sila ni Ismael na anak ni Nethanias at inihagis sila sa hukay, niya at ng mga lalake na kasama niya. 024 JER 041 008 Nguni't sangpung lalake ay nangasumpungan sa kanila na nangagsabi kay Ismael, Huwag mo kaming patayin; sapagka't kami ay may mga kayamanan na kubli sa parang, na trigo, at cebada, at langis, at pulot. Sa gayo'y nagpigil siya, at hindi niya pinatay sila sa gitna ng kanilang mga kapatid. 024 JER 041 009 Ang hukay nga na pinagtapunan ni Ismael ng lahat ng bangkay ng mga tao na kaniyang pinatay, sa siping ni Gedalias, (siya ring ginawa ni Asa na hari dahil sa takot kay Baasa na hari sa Israel), pinuno ni Ismael na anak ni Nethanias ng nangapatay. 024 JER 041 010 Nang magkagayo'y dinalang bihag ni Ismael ang lahat na nangalabi sa bayan na nangasa Mizpa, sa makatuwid baga'y ang mga anak na babae ng hari, at ang buong bayan na nalabi sa Mizpa, na siyang mga ibinilin ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay kay Gedalias na anak ni Ahicam; sila'y dinalang bihag ni Ismael na anak ni Nethanias, at nagpatuloy na yumaon sa mga anak ni Ammon. 024 JER 041 011 Nguni't nang mabalitaan ni Johanan na anak ni Carea, at ng lahat na kapitan sa mga kawal na kasama niya, ang buong kasamaan na ginawa ni Ismael na anak ni Nethanias, 024 JER 041 012 Ipinagsama nga nila ang lahat na lalake, at sila'y nagsiyaong lumaban kay Ismael na anak ni Nethanias, at nasumpungan nila siya sa tabi ng malaking bukal na nasa Gabaon. 024 JER 041 013 Nangyari nga, nang makita ng buong bayan na kasama ni Ismael si Johanan na anak ni Carea at ang lahat ng kapitan sa mga kawal na kasama niya, sila nga'y nangatuwa. 024 JER 041 014 Sa gayo'y ang buong bayan na dinalang bihag ni Ismael na mula sa Mizpa, ay pumihit at bumalik, at naparoon kay Johanan na anak ni Carea. 024 JER 041 015 Nguni't si Ismael na anak ni Nethanias ay tumanan mula kay Johanan na kasama ng walong lalake, at naparoon sa mga anak ni Ammon. 024 JER 041 016 Nang magkagayo'y kinuha ni Johanan na anak ni Carea at ng lahat ng kapitan sa mga kawal na kasama niya, ang lahat na nalabi sa bayan na kaniyang nabawi kay Ismael na anak ni Nethanias, mula sa Mizpa, pagkatapos na kaniyang mapatay si Gedalias na anak ni Ahicam, sa makatuwid ang mga lalaking magdidigma, at ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga bating, na kaniyang mga ibinalik mula sa Gabaon; 024 JER 041 017 At sila'y nagsiyaon at nagsitahan sa Geruth chimham, na malapit sa Bethlehem upang pumaroong masok sa Egipto. 024 JER 041 018 Dahil sa mga Caldeo; sapagka't sila'y nangatakot sa kanila, sapagka't pinatay ni Ismael na anak ni Nethanias si Gedalias na anak ni Ahicam, na ginawang tagapamahala sa lupain ng hari sa Babilonia. 024 JER 042 001 Nang magkagayo'y ang lahat na kapitan sa mga kawal, at si Johanan na anak ni Carea, at si Jezanias na anak ni Osaia, at ang buong bayan, mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan, ay nagsilapit, 024 JER 042 002 At nangagsabi kay Jeremias na propeta, Isinasamo namin sa iyo, na tanggapin ang aming pamanhik sa harap mo, at idalangin mo kami sa Panginoon mong Dios, sa makatuwid baga'y ang lahat na nalabing ito (sapagka't kaming naiwan ay kaunti sa karamihan, gaya ng namamasdan ng iyong mga mata sa amin), 024 JER 042 003 Upang ipakita sa amin ng Panginoon mong Dios ang daan na aming marapat na lakaran, at ang bagay na marapat naming gawin. 024 JER 042 004 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias na propeta sa kanila, Aking narinig kayo; narito, aking idadalangin kayo sa Panginoon ninyong Dios ayon sa inyong mga salita; at mangyayari, na anomang bagay na isasagot ng Panginoon sa inyo; aking ipahahayag sa inyo; hindi ako maglilihim sa inyo. 024 JER 042 005 Nang magkagayo'y sinabi nila kay Jeremias, Ang Panginoon ay maging tunay at tapat na saksi sa gitna natin, kung hindi nga namin gawin ang ayon sa buong salita na ipasusugo sa iyo ng Panginoon mong Dios sa amin. 024 JER 042 006 Maging mabuti, o maging masama, aming tatalimahin ang tinig ng Panginoon nating Dios, na siya naming pinagsusuguan sa iyo; upang ikabuti namin, pagka aming tinatalima ang tinig ng Panginoon nating Dios. 024 JER 042 007 At nangyari, pagkatapos ng sangpung araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias. 024 JER 042 008 Nang magkagayo'y tinawag niya si Johanan na anak ni Carea, at ang lahat na kapitan sa mga kawal na kasama niya, at ang buong bayan, mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan, 024 JER 042 009 At sinabi niya sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na inyong pinagsuguan sa akin upang iharap ang inyong pamanhik sa harap niya: 024 JER 042 010 Kung kayo'y magsisitahan pa sa lupaing ito, akin ngang itatayo kayo, at hindi ko kayo itutulak, at itatatag kayo, at hindi ko kayo paaalisin; sapagka't aking pinagsisihan ang kasamaang nagawa ko sa inyo. 024 JER 042 011 Huwag kayong mangatakot sa hari sa Babilonia na inyong kinatatakutan; huwag kayong mangatakot sa kaniya, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y sumasainyo upang iligtas ko kayo, at alisin kayo sa kaniyang kamay. 024 JER 042 012 At pagpapakitaan ko kayo ng kaawaan, upang kaawaan niya kayo, at upang pabalikin kayo sa inyong sariling lupain. 024 JER 042 013 Nguni't kung inyong sabihin, Kami ay hindi magsisitahan sa lupaing ito; na anopa't hindi ninyo talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios, 024 JER 042 014 Na nagsasabi, Hindi; kundi magsisiparoon kami sa lupain ng Egipto, na hindi namin kakikitaan ng digma, o kariringgan man ng tunog ng pakakak, o kagugutuman ng tinapay: at doon kami magsisitahan: 024 JER 042 015 Inyo ngang pakinggan ang salita ng Panginoon, Oh nalabi sa Juda: ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel; Kung inyong lubos na ihaharap ang inyong mukha na pumasok sa Egipto, at magsiparoon upang mangibang bayan doon; 024 JER 042 016 Mangyayari nga na ang tabak na inyong kinatatakutan, ay aabot sa inyo roon sa lupain ng Egipto, at ang kagutom na inyong kinatatakutan, ay susunod sa inyong mahigpit doon sa Egipto; at doon kayo mangamamatay. 024 JER 042 017 Gayon ang mangyayari sa lahat ng tao na maghaharap ng kanilang mukha na magsiparoon sa Egipto, upang mangibang bayan doon; sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom at ng salot: at walang maiiwan sa kanila o makatatanan man sa kasamaan na aking dadalhin sa kanila. 024 JER 042 018 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel: Kung paanong ang aking galit at ang aking kapusukan ay nabugso sa mga nananahan sa Jerusalem, gayon mabubugso ang aking kapusukan sa inyo, pagka kayo'y pumasok sa Egipto: at kayo'y magiging katungayawan, at katigilan, at kasumpaan, at kadustaan: at hindi na ninyo makikita ang dakong ito. 024 JER 042 019 Ang Panginoon ay nagsalita tungkol sa inyo, Oh nalabi sa Juda, Huwag kayong pumasok sa Egipto: talastasin ninyong tunay na ako'y nagpapatotoo sa inyo sa araw na ito. 024 JER 042 020 Sapagka't dinaya ninyo ang inyong sarili; sapagka't inyong sinugo ako sa Panginoon ninyong Dios, na inyong sinasabi, Idalangin mo kami sa Panginoon nating Dios: at ayon sa lahat na sasabihin ng Panginoon nating Dios ay gayon mo ipahayag sa amin, at aming gagawin. 024 JER 042 021 At aking ipinahayag sa inyo sa araw na ito; nguni't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon ninyong Dios sa anomang bagay na kaniyang ipinasugo sa akin sa inyo. 024 JER 042 022 Ngayon nga'y talastasin ninyong tunay na kayo'y mangapapatay ng tabak, ng kagutom, at ng salot, sa dakong inyong pagnasaang parunan na mangibang bayan. 024 JER 043 001 At nangyari, na nang si Jeremias ay makatapos ng pagsasalita sa buong bayan ng lahat ng mga salita ng Panginoon nilang Dios, na ipinasugo sa kaniya ng Panginoon nilang Dios sa kanila, sa makatuwid ang lahat ng mga salitang ito; 024 JER 043 002 Nagsalita nga kay Jeremias si Azarias na anak ni Osaias, at si Johanan na anak ni Carea, at ang lahat na palalong lalake, na nangagsasabi, Ikaw ay nagsasalita ng kasinungalingan: hindi ka sinugo ng Panginoon nating Dios, na magsabi, Kayo'y huwag magsisiparoon sa Egipto na mangibang bayan doon; 024 JER 043 003 Kundi hinikayat ka ni Baruch na anak ni Nerias laban sa amin, upang ibigay kami sa kamay ng mga Caldeo, upang maipapatay nila kami, at mangadala kaming bihag sa Babilonia. 024 JER 043 004 Sa gayo'y si Johanan na anak ni Carea, at ang lahat na kapitan sa mga kawal, at ang buong bayan, ay hindi nagsitalima sa tinig ng Panginoon na tumahan sa lupain ng Juda. 024 JER 043 005 Kundi kinuha ni Johanan na anak ni Carea, at ng lahat na kapitan sa mga kawal ang buong nalabi sa Juda na nagbalik na mula sa lahat ng mga bansa na pinagtabuyan nila na mangibang bayan sa lupain ng Juda; 024 JER 043 006 Ang mga lalake, at ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga anak na babae ng hari, at bawa't tao na naiwan ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay na kasama ni Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan, at si Jeremias na propeta, at si Baruch na anak ni Nerias: 024 JER 043 007 At sila'y nagsipasok sa lupain ng Egipto; sapagka't hindi nila tinalima ang tinig ng Panginoon: at sila'y nagsiparoon hanggang sa Taphnes. 024 JER 043 008 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias sa Taphnes, na nagsasabi, 024 JER 043 009 Magtangan ka ng mga malaking bato sa iyong kamay, at iyong kublihan ng argamasa sa nalaladrillohan, na nasa pasukan ng bahay ni Faraon, sa Taphnes sa paningin ng mga tao sa Juda; 024 JER 043 010 At iyong sabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magsusugo at kukunin ko si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na aking lingkod, at aking ilalagay ang kaniyang luklukan sa mga batong ito na aking ikinubli; at kaniyang ilaladlad ang kaniyang pabillong hari sa mga yaon. 024 JER 043 011 At siya'y paririto, at kaniyang sasaktan ang lupain ng Egipto; na yaong sa pagkamatay ay mabibigay sa kamatayan, at yaong sa pagkabihag ay sa pagkabihag, at yaong sa tabak ay sa tabak. 024 JER 043 012 At ako'y magsisilab ng apoy sa mga bahay ng mga dios ng Egipto; at kaniyang mga susunugin, at sila'y dadalhing bihag: at kaniyang aariin ang lupain ng Egipto na parang pastor na nagaari ng kaniyang kasuutan; at siya'y lalabas na payapa mula riyan. 024 JER 043 013 Kaniya ring babaliin ang mga haligi ng Beth-semes na nasa lupain ng Egipto; at ang mga bahay ng mga dios ng Egipto ay susunugin ng apoy. 024 JER 044 001 Ang salita na dumating kay Jeremias tungkol sa lahat na Judio na nagsitahan sa lupain ng Egipto sa Migdol, at sa Taphnes, at sa Memphis, at sa lupain ng Patros, na nagsasabi, 024 JER 044 002 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel: Inyong nakita ang buong kasamaan na aking dinala sa Jerusalem, at sa lahat ng mga bayan ng Juda; at, narito, sa araw na ito, sila'y kagibaan, at walang taong tumatahan doon, 024 JER 044 003 Dahil sa kanilang kasamaan na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit, sa kanilang pagsusunog ng kamangyan, at sa paglilingkod sa ibang mga dios, na hindi nila nakilala, kahit nila, o ninyo man, o ng inyong mga magulang man. 024 JER 044 004 Gayon ma'y sinugo ko sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, na nagsasabi, Oh huwag ninyong gawin ang kasuklamsuklam na bagay na ito na aking kinapopootan. 024 JER 044 005 Nguni't hindi sila nakinig, o ikiniling man nila ang kanilang pakinig na magsihiwalay sa kanilang kasamaan, na huwag mangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios. 024 JER 044 006 Kaya't ang aking kapusukan at ang aking galit ay nabuhos, at nagalab sa mga bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem; at mga sira at giba, gaya sa araw na ito. 024 JER 044 007 Kaya't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Bakit kayo'y nagsigawa nitong malaking kasamaan laban sa inyong sariling mga kaluluwa, upang maghiwalay sa inyo ng lalake at babae, ng sanggol at pasusuhin, sa gitna ng Juda, upang huwag maiwanan kayo ng anomang labi; 024 JER 044 008 Sa inyong pagkamungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay, na nangagsusunog kayo ng kamangyan sa ibang mga dios sa lupain ng Egipto, na inyong kinaparoonan na mangibang bayan; upang kayo'y maging kasumpaan at kadustaan sa gitna ng lahat na bansa sa lupa? 024 JER 044 009 Inyo bagang kinalimutan ang kasamaan ng inyong mga magulang, at ang kasamaan ng mga hari sa Juda, at ang kasamaan ng kanilang mga asawa, at ang inyong sariling kasamaan, at ang kasamaan ng inyong mga asawa, na kanilang ginawa sa lupain ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem? 024 JER 044 010 Sila'y hindi nagpakababa hanggang sa araw na ito, o nangatakot man sila, o nagsilakad man sila ng ayon sa aking kautusan, o sa aking mga palatuntunan man, na aking inilagay sa harap ninyo at sa harap ng inyong mga magulang. 024 JER 044 011 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking itititig ang aking mukha laban sa inyo sa ikasasama, sa makatuwid baga'y upang ihiwalay ang buong Juda. 024 JER 044 012 At aking kukunin ang nalabi sa Juda na nagtitig ng kanilang mga mukha na pumasok sa lupain ng Egipto upang mangibang bayan doon, at silang lahat ay mangalipol; sa lupain ng Egipto ay mangabubuwal sila; sila'y lilipulin ng tabak, at ng kagutom; sila'y mangamamatay mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom; at sila'y magiging katungayawan, at katigilan, at kasumpaan, at kadustaan. 024 JER 044 013 Sapagka't aking parurusahan silang nagsisitahan sa lupain ng Egipto, gaya ng aking pagkaparusa sa Jerusalem sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot; 024 JER 044 014 Na anopa't wala sa nalabi sa Juda na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makatatanan o maiiwan man, upang makabalik sa lupain ng Juda na kanilang pinagnanasaang pagbalikan upang tahanan: sapagka't walang magsisibalik liban sa mga makatatanan. 024 JER 044 015 Nang magkagayo'y lahat ng lalake na nakaalam na ang kanilang mga asawa ay nangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, at ang lahat na babae na nangakatayo, isang malaking kapulungan, sa makatuwid baga'y ang buong bayan na tumahan sa lupain ng Egipto, sa Pathros, ay sumagot kay Jeremias, na nagsasabi, 024 JER 044 016 Tungkol sa salita na iyong sinalita sa amin sa pangalan ng Panginoon, hindi ka namin didinggin. 024 JER 044 017 Kundi aming tunay na isasagawa ang bawa't salita na lumabas sa aming bibig, upang ipagsunog ng kamangyan ang reina ng langit, at ipagbuhos siya ng inuming handog, gaya ng aming ginawa, namin, at ng aming mga magulang, ng aming mga hari, at ng aming mga prinsipe sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem; sapagka't noon ay nagkaroon kami ng saganang pagkain, at kami ay nagsisibuti, at hindi nakakita ng kasamaan. 024 JER 044 018 Nguni't mula nang aming iwan ang pagsusunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos siya ng mga inuming handog, kami ay nangailangan ng lahat na bagay, at kami ay nangalipol ng tabak at ng kagutom. 024 JER 044 019 At nang kami ay magsunog ng kamangyan sa reina ng langit at ipagbuhos siya ng mga inuming handog iginawa baga namin siya ng munting tinapay upang sambahin siya, at ipinagbuhos baga namin siya ng mga inuming handog, na wala ang aming mga asawa? 024 JER 044 020 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias sa buong bayan, sa mga lalake, at sa mga babae sa buong bayan na nagbigay sa kaniya ng sagot na yaon, na nagsasabi, 024 JER 044 021 Ang kamangyan na inyong sinunog sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, ninyo, at ng inyong mga magulang, ng inyong mga hari at ng inyong mga prinsipe, at ng bayan ng lupain, hindi baga inalaala ng Panginoon, at hindi baga pumasok sa kaniyang pagiisip? 024 JER 044 022 Na anopa't ang Panginoon ay hindi nakapagpigil ng maluwat, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa, at dahil sa mga kasuklamsuklam na inyong ginawa; kaya't ang inyong lupain ay naging sira, at katigilan, at kasumpaan, na walang mananahan gaya sa araw na ito. 024 JER 044 023 Sapagka't kayo'y nangagsunog ng kamangyan, at sapagka't kayo'y nangagkasala laban sa Panginoon, at hindi nagsitalima sa tinig ng Panginoon, o nagsilakad man sa kaniyang kautusan, o sa kaniyang palatuntunan man, o sa kaniyang mga patotoo man; dahil dito ang kasamaang ito ay nangyari sa inyo, gaya sa araw na ito. 024 JER 044 024 Bukod dito ay sinabi ni Jeremias sa buong bayan, at sa lahat ng mga babae, Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda, na nasa lupain ng Egipto: 024 JER 044 025 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Kayo at ang inyong mga asawa ay kapuwa nangagsalita ng inyong mga bibig, at ginanap ng inyong mga kamay, na nagsasabi, Tunay na aming tutuparin ang aming mga panata na aming ipinanata, na magsunog ng kamangyan sa reina ng langit, at ipagbuhos ng mga inuming handog siya: inyo ngang isagawa ang inyong mga panata, at inyong tuparin ang inyong mga panata. 024 JER 044 026 Kaya't inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, buong Juda na tumatahan sa lupain ng Egipto. Narito, ako'y sumumpa ng aking dakilang pangalan, sabi ng Panginoon, na ang aking pangalan ay hindi mababanggit sa bibig ng sinoman sa Juda sa buong lupain ng Egipto, na sabihin, Buhay ang Panginoong Dios. 024 JER 044 027 Narito, aking binabantayan sila sa ikasasama, at hindi sa ikabubuti; at lahat ng tao ng Juda na nangasa lupain ng Egipto ay mangalilipol sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom, hanggang sa umabot sila sa kawakasan. 024 JER 044 028 At ang mga makatatanan sa tabak ay mangagbabalik sa lupain ng Juda na mula sa lupain ng Egipto, na kaunti sa bilang; at ang buong nalabi sa Juda, na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makakaalam kung kaninong salita ang mananayo, kung akin, o kanila. 024 JER 044 029 At ito ang magiging tanda sa inyo, sabi ng Panginoon, na aking parurusahan kayo sa dakong ito, upang inyong makilala na ang aking salita ay tunay na tatayo laban sa inyo sa ikasasama: 024 JER 044 030 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibibigay si Faraon Hophra na hari sa Egipto sa kamay ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kaniyang buhay; gaya ng pagkabigay ko kay Sedechias na hari sa Juda sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na kaniyang kaaway, at umuusig ng kaniyang buhay. 024 JER 045 001 Ang salita na sinalita ni Jeremias na propeta kay Baruch na anak ni Nerias, nang sulatin niya ang mga salitang ito sa isang aklat sa bibig ni Jeremias, nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, hari sa Juda na nagsasabi: 024 JER 045 002 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa iyo, Oh Baruch: 024 JER 045 003 Iyong sinabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang Panginoon ay nagdagdag ng kapanglawan sa aking sakit; ako'y pagod sa kaaangal, at wala akong kapahingahan. 024 JER 045 004 Ganito ang sasabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, na ang aking itinayo ay aking ibabagsak, at ang aking itinanim ay aking bubunutin; at ito'y sa buong lupain. 024 JER 045 005 At ikaw baga ay humahanap ng mga dakilang bagay para sa iyong sarili? huwag mong hanapin; sapagka't, narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa lahat ng tao, sabi ng Panginoon; nguni't ang iyong buhay ay ibibigay ko sa iyo na pinakahuli sa lahat ng dakong iyong kapaparoonan. 024 JER 046 001 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa mga bansa. 024 JER 046 002 Tungkol sa Egipto: tungkol sa hukbo ni Faraon Nechao na hari sa Egipto, na nasa tabi ng ilog ng Eufrates sa Carchemis na sinaktan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda. 024 JER 046 003 Inyong iayos ang pansalag at kalasag, at kayo'y magsilapit sa pagbabaka. 024 JER 046 004 Singkawan ninyo ang mga kabayo, at kayo'y magsisakay, kayong mga nangangabayo, at magsitayo kayong mga turbante; pakintabin ninyo ang mga sibat, at mangagsuot kayo ng sapyaw. 024 JER 046 005 Bakit ko nakita? sila'y nanganglulupaypay at nagsisibalik; at ang kanilang mga makapangyarihan ay buwal, at nagsisitakas na maliksi, at hindi nagsisilingon: kakilabutan ay nasa bawa't dako, sabi ng Panginoon. 024 JER 046 006 Huwag tumakas ang maliksi, o tumanan man ang makapangyarihan; sa hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates ay nangatisod sila at nangabuwal. 024 JER 046 007 Sino itong bumabangon na parang Nilo na ang mga tubig ay nagiinalong parang mga ilog? 024 JER 046 008 Ang Egipto ay bumabangong parang Nilo, at ang tubig ay nagiinalong parang mga ilog: at kaniyang sinasabi, Ako'y babangon, aking tatakpan ang lupa; aking ipapahamak ang bayan at ang mga mananahan doon. 024 JER 046 009 Kayo'y magsisampa, kayong mga kabayo; at kayo'y magsihagibis, kayong mga karo; at magsilabas ang mga lalaking makapangyarihan: ang Cus at ang Phut, na humahawak ng kalasag; at ang mga Ludio, na nagsisihawak at nangagaakma ng busog. 024 JER 046 010 Sapagka't ang araw na yaon ay sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, araw ng panghihiganti, upang maipanghiganti niya siya sa kaniyang mga kaaway: at ang tabak ay lalamon at mabubusog, at magpapakalango sa dugo nila: sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, may hain sa lupaing hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates. 024 JER 046 011 Sumampa ka sa Galaad, at kumuha ka ng balsamo, Oh anak na dalaga ng Egipto: sa walang kabuluhan gumagamit ka ng maraming gamot; hindi ka na gagaling. 024 JER 046 012 Nabalitaan ng mga bansa ang iyong kahihiyan, at ang lupa ay puno ng iyong hiyaw, sapagka't ang makapangyarihan ay natisod laban sa makapangyarihan, sila'y nangabuwal kapuwa na magkasama. 024 JER 046 013 Ang salita na sinalita ng Panginoon kay Jeremias na propeta, kung paanong si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay darating, at sasaktan ang lupain ng Egipto. 024 JER 046 014 Ipahayag ninyo sa Egipto, at inyong ihayag sa Migdol, at inyong ihayag sa Memphis, at sa Taphnes: sabihin ninyo, Tumayo ka, at humanda ka; sapagka't ang tabak ay nanakmal sa palibot mo. 024 JER 046 015 Bakit ang iyong mga malakas ay napaalis? sila'y hindi nagsitayo, sapagka't itinaboy ng Panginoon. 024 JER 046 016 Kaniyang itinisod ang marami, oo, sila'y nangabuwal na patongpatong, at kanilang sinabi, Bumangon ka, at magsiparoon tayo uli sa ating sariling bayan, at sa lupain na kinapanganakan sa atin, mula sa mapagpighating tabak. 024 JER 046 017 Sila'y nagsihiyaw roon, Si Faraong hari sa Egipto ay isang hugong lamang; kaniyang pinaraan ang takdang panahon. 024 JER 046 018 Buhay ako, sabi ng Hari, na ang pangalan ay Panginoon ng mga hukbo, tunay na kung paano ang Tabor sa gitna ng mga bundok, at kung paano ang Carmel sa tabi ng dagat, gayon siya darating. 024 JER 046 019 Oh ikaw na anak na babae na tumatahan sa Egipto, gumayak ka sa pagpasok sa pagkabihag; sapagka't ang Memphis ay masisira, at magniningas na mawawalan ng mananahan. 024 JER 046 020 Ang Egipto ay napakagandang dumalagang baka; nguni't pagkasirang mula sa hilagaan ay dumarating, dumarating. 024 JER 046 021 Ang kaniya namang mga taong upahan sa gitna niya ay parang mga guya sa kulungan; sapagka't sila man ay nagsibalik, sila'y nagsitakas na magkakasama, sila'y hindi nagsitayo: sapagka't ang kaarawan ng kanilang kasakunaan ay dumating sa kanila, ang panahon ng pagdalaw sa kanila. 024 JER 046 022 Ang hugong niyaon ay yayaong parang ahas; sapagka't sila'y magsisiyaong kasama ng hukbo, at magsisiparoong laban sa kaniya na mga may palakol, na parang mga mamumutol ng kahoy. 024 JER 046 023 Kanilang puputulin ang kaniyang gubat, sabi ng Panginoon, bagaman mahirap pasukin; sapagka't sila'y higit kay sa mga balang, at walang bilang. 024 JER 046 024 Ang anak na babae ng Egipto ay malalagay sa kahihiyan; siya'y mabibigay sa kamay ng bayan ng hilagaan. 024 JER 046 025 Sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking parurusahan si Amon na taga No, at si Faraon, at ang Egipto, sangpu ng kaniyang mga dios at ng kaniyang mga hari; maging si Faraon, at silang nagsisitiwala sa kaniya: 024 JER 046 026 At aking ibibigay sila sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang mga buhay, at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng kaniyang mga lingkod; at pagkatapos ay tatahanan na gaya ng mga araw nang una, sabi ng Panginoon. 024 JER 046 027 Nguni't huwag kang matakot, Oh Jacob na aking lingkod, ni manglupaypay ka, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong lahi ay mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya. 024 JER 046 028 Huwag kang matakot, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y sumasaiyo: sapagka't ako'y gagawa ng lubos na kawakasan sa lahat ng bansa na aking pinagtabuyan sa iyo; nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa iyo, kundi sasawayin kita ng kahatulan, at hindi kita iiwan sa anomang paraan ng walang kaparusahan. 024 JER 047 001 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa mga Filisteo, bago sinaktan ni Faraon ang Gaza. 024 JER 047 002 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, tubig ay umaahon mula sa hilagaan, at magiging baha, at aapawan ang lupain at ang lahat na nangaroon, ang bayan at ang nagsisitahan doon; at ang mga tao ay magsisihiyaw, at lahat ng mananahan sa lupain ay magsisitangis. 024 JER 047 003 Sa ingay ng lagapak ng mga kuko ng kaniyang mga malakas, sa hagibis ng kaniyang mga karo, sa hugong ng kaniyang mga gulong, hindi nililingon ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil sa kahinaan ng mga kamay; 024 JER 047 004 Dahil sa araw na dumarating upang lipulin ang lahat ng Filisteo, upang ihiwalay sa Tiro at Sidon, ang bawa't manunulongan na nalabi: sapagka't lilipulin ng Panginoon ang mga Filisteo, ang nalabi sa pulo ng Caphtor. 024 JER 047 005 Kakalbuhan ay dumating sa Gaza; Ascalon ay napahamak, at ang nalabi sa kanilang libis: hanggang kailan magkukudlit ka? 024 JER 047 006 Oh ikaw na tabak ng Panginoon, hanggang kailan di ka tatahimik? pumasok ka sa iyong kalooban; ikaw ay magpahinga, at tumahimik. 024 JER 047 007 Paanong ikaw ay matatahimik dangang binigyan ka ng Panginoon ng bilin? laban sa Ascalon, at laban sa baybayin ng dagat ay doon niya itinakda. 024 JER 048 001 Tungkol sa Moab. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Sa aba ng Nebo! sapagka't nalagay na sira; Chiriathaim ay nalagay sa kahihiyan, nasakop; ang Misgab ay nalagay sa kahihiyan at nabagsak. 024 JER 048 002 Ang kapurihan ng Moab ay nawala; sa Hesbon ay nagsisikatha sila ng kasamaan laban sa kaniya: Magsiparito kayo, at ihiwalay natin siya sa pagkabansa. Ikaw, naman, Oh Madmena, madadala sa katahimikan; hahabulin ka ng tabak. 024 JER 048 003 Ang hugong ng hiyaw mula sa Horonaim, pananamsam at malaking kapahamakan! 024 JER 048 004 Ang Moab ay sira; ang kaniyang mga bata ay nagpadinig ng kanilang hibik. 024 JER 048 005 Sapagka't sa ahunan sa Luhith ay magsisiahon sila na may laging pagiyak; sapagka't kanilang narinig sa lusungan sa Horonaim ang kapanglawan ng hiyaw ng pagkapahamak. 024 JER 048 006 Magsitakas kayo, inyong iligtas ang inyong mga buhay, at kayo'y maging parang kugon sa ilang. 024 JER 048 007 Sapagka't yamang ikaw ay tumiwala sa iyong mga gawa at sa iyong mga kayamanan, ikaw man ay makukuha: at si Chemos ay papasok sa pagkabihag, ang kaniyang mga saserdote at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama. 024 JER 048 008 At ang manglilipol ay darating sa bawa't bayan, at walang bayan na makatatanan; ang libis naman ay nawawala, at ang kapatagan ay masisira; gaya ng sinalita ng Panginoon. 024 JER 048 009 Mangagbigay kayo ng mga pakpak sa Moab, upang siya'y makalipad makalabas: at ang kaniyang mga bayan ay masisira, na walang sinomang tatahan doon. 024 JER 048 010 Sumpain nawa siya na gumagawa na walang bahala sa gawain ng Panginoon; at sumpain siya na naguurong ng kaniyang tabak sa dugo. 024 JER 048 011 Ang Moab na tiwasay mula sa kaniyang kabataan, at siya'y nagpahinga sa kaniyang mga latak, at hindi napagsalinsalin sa sisidlan at sisidlan, o pumasok man siya sa pagkabihag: kaya't ang kaniyang lasa ay nananatili sa kaniya, at ang kaniyang bango ay hindi nababago. 024 JER 048 012 Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking susuguin sa kanila ang mga mangbubuhos, at siya'y ibubuhos nila; at kanilang tutuyuin ang kaniyang mga sisidlan, at babasagin ang kanilang mga sisidlang lupa. 024 JER 048 013 At ang Moab ay mapapahiya dahil kay Chemos, gaya ng sangbahayan ni Israel na napahiya dahil sa Beth-el na kanilang tiwala. 024 JER 048 014 Bakit ninyo sinasabi, Kami ay mga makapangyarihang lalake, at mga matapang na lalake na mangdidigma? 024 JER 048 015 Ang Moab ay nalalagay na sira, at ang kaniyang mga bayan ay mga sinampa, at ang kaniyang mga piling binata ay nagsibaba sa patayan, sabi ng Hari, na ang pangalan ay Panginoon ng mga hukbo. 024 JER 048 016 Ang kasakunaan ng Moab ay malapit nang darating, at ang kaniyang pagdadalamhati ay nagmamadali. 024 JER 048 017 Kayong lahat na nangasa palibot niya, panaghuyan ninyo siya, at ninyong lahat na nangakakakilala ng kaniyang pangalan; inyong sabihin, Bakit ang matibay na tukod ay nabali, ang magandang tungkod! 024 JER 048 018 Oh ikaw na anak na babae na tumatahan sa Dibon, bumaba ka na mula sa inyong kaluwalhatian, at umupo kang uhaw; sapagka't ang manglilipol ng Moab ay sumampa laban sa iyo, kaniyang giniba ang iyong mga katibayan. 024 JER 048 019 Oh nananahan sa Aroer, tumayo ka sa tabi ng daan, at manubok ka: itanong mo sa kaniya na tumatakas, at sa kaniya na tumatanan; iyong sabihin; Ano ang nangyari? 024 JER 048 020 Ang Moab ay nalagay sa kahihiyan; sapagka't nagiba: kayo ay magsitangis at magsihiyaw; saysayin ninyo sa Arnon, na ang Moab ay nasira. 024 JER 048 021 At ang kahatulan ay dumating sa lupaing patag, sa Holon, at sa Jahzah, at sa Mephaath, 024 JER 048 022 At sa Dibon, at sa Nebo, at sa Beth-diblathaim, 024 JER 048 023 At sa Chiriathaim, at sa Beth-gamul, at sa Beth-meon; 024 JER 048 024 At sa Cherioth, at sa Bosra, at sa lahat ng bayan ng lupain ng Moab, malayo o malapit. 024 JER 048 025 Ang sungay ng Moab ay nahiwalay, at ang kaniyang bisig ay nabali, sabi ng Panginoon. 024 JER 048 026 Languhin ninyo siya; sapagka't siya'y nagmalaki laban sa Panginoon: at ang Moab ay gugumon sa kaniyang suka, at siya man ay magiging kakutyaan. 024 JER 048 027 Sapagka't hindi baga naging kakutyaan ang Israel sa iyo? hindi baga siya nasumpungan sa gitna ng mga magnanakaw? sapagka't kung paanong kadalas sinasalita mo siya, gayon naguuga ka ng ulo. 024 JER 048 028 Oh kayong mga nananahan sa Moab, inyong iwan ang mga bayan, at kayo'y magsitahan sa malaking bato; at maging gaya ng kalapati na nagpupugad sa mga tabi ng bunganga ng guwang. 024 JER 048 029 Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang pagmamataas, at ang kaniyang pagpapalalo, at ang kaniyang kahambugan, at ang pagmamatigas ng kaniyang puso. 024 JER 048 030 Talastas ko ang kaniyang poot ay walang mangyayari; sabi ng Panginoon, ang kaniyang paghahambog ay walang nangyari. 024 JER 048 031 Kaya't aking tatangisan ang Moab; oo, ako'y hihiyaw dahil sa buong Moab: dahil sa mga tao ng Kir-heres ay magsisitangis sila. 024 JER 048 032 Tatangis ako ng higit kay sa pagtangis ng Jazer dahil sa iyo, Oh puno ng ubas ng Sibma: ang iyong mga sanga ay nagsisidaan ng dagat, nagsisiabot hanggang sa dagat ng Jazer: sa iyong mga bungang taginit at sa iyong ani ay dumaluhong ang manglilipol. 024 JER 048 033 At ang kasayahan at kagalakan ay naalis, sa mainam na bukid at sa lupain ng Moab; at aking pinatigil ang alak sa mga alilisan: walang yayapak na may hiyawan; ang paghihiyawan ay hindi magiging paghihiyawan. 024 JER 048 034 Mula sa hiniyawan ng Hesbon hanggang sa Eleale, hanggang sa Jajaz ay naglakas sila ng kanilang tinig, mula sa Zoar hanggang sa Horonaim, sa Eglat-selisiya: sapagka't ang tubig ng Nimrim man ay masisira. 024 JER 048 035 Bukod dito ay aking papaglilikatin sa Moab, sabi ng Panginoon, ang naghahandog sa mataas na dako, at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang mga dios. 024 JER 048 036 Kaya't ang aking puso ay tumutunog na gaya ng plauta dahil sa Moab, at ang aking puso ay tumutunog na gaya ng plauta dahil sa mga lalake sa Kir-heres: kaya't ang kasaganaan na kaniyang tinangkilik ay napawi. 024 JER 048 037 Sapagka't bawa't ulo ay kalbo, at bawa't balbas ay ginupit: sa lahat ng mga kamay ay may mga kudlit, at sa mga baywang ay may kayong magaspang. 024 JER 048 038 Sa lahat ng mga bubungan ng Moab at sa mga lansangan niyaon ay may panaghoy saa't saan man; sapagka't aking binasag ang Moab na parang sisidlan na di kinalulugdan, sabi ng Panginoon. 024 JER 048 039 Ano't nabagsak! ano't tumatangis! ano't ang Moab ay tumalikod na may kahihiyan! gayon magiging kakutyaan at kapanglupaypayan ang Moab sa lahat na nangasa palibot niya. 024 JER 048 040 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, siya'y lilipad na parang aguila, at magbubuka ng kaniyang mga pakpak laban sa Moab. 024 JER 048 041 Ang Cherioth ay nasakop, at ang mga katibayan ay nasamsam, at ang puso ng mga makapangyarihang tao ng Moab sa araw na yaon ay magiging parang puso ng babae sa kaniyang pagdaramdam. 024 JER 048 042 Ang Moab ay masisira sa pagiging bayan, sapagka't siya'y nagmalaki laban sa Panginoon. 024 JER 048 043 Pagkatakot, at hukay, at silo, ay sasa iyo, Oh nananahan sa Moab, sabi ng Panginoon. 024 JER 048 044 Siyang tumatakas sa pagkatakot ay mahuhulog sa hukay; at siyang umahon sa hukay ay mahuhuli ng silo: sapagka't dadalhin ko sa kaniya, sa Moab, ang taon ng pagdalaw sa kaniya, sabi ng Panginoon. 024 JER 048 045 Silang nagsisitakas ay nagsisitayong walang lakas sa ilalim ng Hesbon; sapagka't ang apoy ay lumabas sa Hesbon, at ang alab mula sa gitna ng Sihon, at pinugnaw ang tagiliran ng Moab, at ang bao ng ulo ng mga manggugulo. 024 JER 048 046 Sa aba mo, Oh Moab! ang bayan ni Chemos ay nawala; sapagka't ang iyong mga anak na lalake ay nadalang bihag, at ang iyong mga anak na babae ay nasok sa pagkabihag. 024 JER 048 047 Gayon ma'y ibabalik ko uli ang Moab na mula sa pagkabihag sa mga huling araw, sabi ng Panginoon. Hanggang dito ang kahatulan sa Moab. 024 JER 049 001 Tungkol sa mga anak ni Ammon. Ganito ang sabi ng Panginoon. Wala bagang mga anak ang Israel? wala ba siyang tagapagmana? bakit nga minamana ni Malcam ang Gad, at tumatahan ang kaniyang bayan sa mga bayan niyaon? 024 JER 049 002 Kaya't, narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking iparirinig ang kaingay ng digmaan laban sa Rabba ng mga anak ng Ammon; at magiging isang gibang bunton, at ang kaniyang mga anak na babae ay masusunog ng apoy: kung magkagayo'y mga aariin ng Israel ang nagari sa kaniya, sabi ng Panginoon. 024 JER 049 003 Tumangis ka, Oh Hesbon, sapagka't ang Hai ay nasamsaman; magsiiyak kayo, kayong mga anak na babae ng Rabba, kayo'y mangagbigkis ng kayong magaspang: kayo'y magsitaghoy, at magsitakbong paroo't parito sa gitna ng mga bakuran; sapagka't si Malcam ay papasok sa pagkabihag, ang kaniyang mga saserdote at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama. 024 JER 049 004 Bakit ka nagpapakaluwalhati sa mga libis, ikaw na mainam na libis, Oh tumatalikod na anak na babae? na tumiwala sa kaniyang mga kayamanan, na kaniyang sinasabi, Sinong paririto sa akin? 024 JER 049 005 Narito, sisidlan kita ng takot, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, mula sa lahat na nangasa buong palibot mo; at kayo'y mangatataboy bawa't isa na patuloy, at walang magiipon sa kanila na nagsisitakas. 024 JER 049 006 Nguni't pagkatapos ay aking ibabalik na muli ang mga anak ni Ammon mula sa pagkabihag, sabi ng Panginoon. 024 JER 049 007 Tungkol sa Edom. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Wala na baga ang karunungan sa Teman? nawala baga ang payo sa mabait? nawala baga ang kanilang karunungan? 024 JER 049 008 Magsitakas kayo, magsibalik kayo, kayo'y magsitahan sa kalaliman, Oh mga nananahan sa Dedan; sapagka't aking dadalhin ang kapahamakan ng Esau sa kaniya, sa panahon na aking dadalawin siya. 024 JER 049 009 Kung ang mga mangaani ng ubas ay magsidating sa iyo, hindi baga sila mangagiiwan ng mapupulot na mga ubas? kung mga magnanakaw sa gabi, hindi baga sila magsisigiba ng hanggang magkaroon ng kahustuhan? 024 JER 049 010 Nguni't aking hinubdan ang Esau, aking inilitaw ang kaniyang mga kublihan, at siya'y hindi makapagkukubli: ang kaniyang mga binhi ay nasira, at ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga kalapit, at siya'y wala na rin. 024 JER 049 011 Iwan mo ang iyong mga ulilang anak, aking iingatan silang buhay: at magsitiwala sa akin ang iyong mga babaing bao. 024 JER 049 012 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, silang hindi nangauukol magsiinom sa saro ay walang pagsalang magsisiinom; at ikaw baga'y yayaong lubos na walang parusa? ikaw ay hindi yayaon na walang parusa, kundi walang pagsalang iinom ka. 024 JER 049 013 Sapagka't ako'y sumumpa sa pamamagitan ng aking sarili, sabi ng Panginoon, na ang Bosra ay magiging katigilan, kakutyaan, kasiraan, at kasumpaan; at ang lahat ng mga bayan niyaon ay magiging walang hanggang pagkasira. 024 JER 049 014 Ako'y nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa gitna ng mga bansa, na sinasabi, Kayo'y magpipisan, at magsiparoon laban sa kaniya, at magsibangon sa pakikipagbaka. 024 JER 049 015 Sapagka't, narito, ginawa kitang maliit sa gitna ng mga bansa, at hinamak kita sa gitna ng mga tao. 024 JER 049 016 Tungkol sa iyong mga kakilabutan, dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na humahawak sa kaitaasan ng burol: bagaman iyong pataasin ang iyong pugad na kasingtaas ng aguila, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon. 024 JER 049 017 At ang Edom ay magiging katigilan: bawa't nagdaraan ay matitigilan, at susutsot dahil sa lahat ng salot doon. 024 JER 049 018 Kung paano ang nangyari sa Sodoma at Gomorra, at sa mga kalapit bayan niyaon, sabi ng Panginoon, gayon walang lalake na tatahan doon, ni sinomang anak ng tao ay mangingibang bayan doon. 024 JER 049 019 Narito, siya'y sasampa na parang leon mula sa kapalaluan ng Jordan laban sa matibay na tahanan: sapagka't bigla kong patatakbuhin siya mula roon; at ang mapili siya kong ihahalal sa kaniya: sapagka't sino ang gaya ko? at sinong nagtatakda sa akin ng panahon? at sino ang pastor na makatatayo sa harap ko? 024 JER 049 020 Kaya't inyong dinggin ang payo ng Panginoon, na kaniyang ipinasiya laban sa Edom; at ang kaniyang mga panukala na kaniyang pinanukala laban sa mga nananahan sa Teman: Tunay na itataboy sila, sa makatuwid baga'y ang mga maliit ng kawan; tunay na kaniyang ipapahamak ang kanilang tahanan kalakip nila. 024 JER 049 021 Ang lupa ay nayayanig sa hugong ng kanilang pagkabuwal; may hiyawan, na ang ingay ay naririnig sa Dagat na Mapula. 024 JER 049 022 Narito, siya'y sasampa at parang aguila na lilipad, at magbubuka ng kaniyang mga pakpak laban sa Bosra: at ang puso ng mga makapangyarihang lalake ng Edom sa araw na yaon ay magiging parang puso ng babae sa kaniyang pagdaramdam. 024 JER 049 023 Tungkol sa Damasco. Ang Hamath ay napahiya, at ang Arphad; sapagka't sila'y nangakarinig ng mga masamang balita, sila'y nanganglulupaypay: may kapanglawan sa dagat; hindi maaaring tumahimik. 024 JER 049 024 Ang Damasco ay humihina, siya'y tumatalikod upang tumakas, at panginginig ay humahawak sa kaniya: kalungkutan at mga kapanglawan ay sumapit sa kaniya na gaya sa babae sa pagdaramdam. 024 JER 049 025 Ano't hindi pinabayaan ang bayan na kapurihan, ang bayan na aking kagalakan? 024 JER 049 026 Kaya't ang kaniyang mga binata ay mangabubuwal sa kaniyang mga lansangan, at lahat ng lalake na mangdidigma ay mangadadala sa katahimikan sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 024 JER 049 027 At ako'y magsusulsol ng apoy sa kuta ng Damasco, at pupugnawin niyaon ang mga palacio ni Benhadad. 024 JER 049 028 Tungkol sa Cedar, at sa mga kaharian ng Hasor na sinaktan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia. Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsibangon kayo, magsisampa kayo sa Cedar, at inyong lipulin ang mga anak ng silanganan. 024 JER 049 029 Ang kanilang mga tolda at ang kanilang mga kawan ay kanilang kukunin; kanilang kukunin para sa kanilang sarili ang kanilang mga tabing, at lahat nilang sisidlan, at ang kanilang mga kamelyo: at hihiyawan nila sila: Kakilabutan sa lahat ng dako! 024 JER 049 030 Magsitakas kayo, gumala kayo ng malayo, magsitahan kayo sa kalaliman, Oh kayong mga nananahan sa Hasor, sabi ng Panginoon; sapagka't kumuhang payo si Nabucodonosor na hari sa Babilonia laban sa inyo, at may ipinasiya laban sa inyo. 024 JER 049 031 Magsibangon kayo, inyong sampahin ang bansang tiwasay, na tumatahang walang bahala, sabi ng Panginoon; na wala kahit pintuangbayan o mga halang man, na tumatahang magisa. 024 JER 049 032 At ang kanilang mga kamelyo ay magiging samsam, at ang karamihan ng kanilang kawan ay samsam: at aking pangangalatin sa lahat ng hangin ang mga may gupit sa dulo ng kanilang buhok; at aking dadalhin ang kanilang kasakunaan na mula sa lahat nilang dako, sabi ng Panginoon. 024 JER 049 033 At ang Hasor ay magiging tahanang dako ng mga chakal, sira magpakailan man: walang taong tatahan doon, ni sinomang anak ng tao ay mangingibang bayan doon. 024 JER 049 034 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa Elam sa pagpapasimula ng paghahari ni Sedechias na hari sa Juda, na nagsasabi, 024 JER 049 035 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking babaliin ang busog ng Elam, ang pinakapangulo ng kaniyang kapangyarihan. 024 JER 049 036 At sa Elam ay dadalhin ko ang apat na hangin na mula sa apat na sulok ng langit, at aking pangangalatin sila sa lahat ng hanging yaon; at walang bansang hindi kararatingan ng mga tapon na mula sa Elam. 024 JER 049 037 At aking panglulupaypayin ang Elam sa harap ng kanilang mga kaaway, at sa harap ng nagsisiusig ng kanilang buhay; at ako'y magdadala ng kasamaan sa kanila, sa makatuwid baga'y ang aking mabangis na galit, sabi ng Panginoon; at aking ipahahabol sila sa tabak, hanggang sa malipol ko sila. 024 JER 049 038 At aking ilalagay ang aking luklukan sa Elam, at aking lilipulin mula roon ang hari at mga prinsipe, sabi ng Panginoon. 024 JER 049 039 At mangyayari sa mga huling araw, na aking ibabalik ang pagkabihag ng Elam, sabi ng Panginoon. 024 JER 050 001 Ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Babilonia, tungkol sa lupain ng mga Caldeo, sa pamamagitan ni Jeremias na propeta. 024 JER 050 002 Inyong ipahayag sa gitna ng mga bansa, at inyong itanyag, at mangagtaas kayo ng watawat; inyong itanyag, at huwag ninyong ikubli: inyong sabihin, Ang Babilonia ay nasakop, si Bel ay nalagay sa kahihiyan, si Merodach ay nanglulupaypay; ang kaniyang mga larawan ay nalagay sa kahihiyan, ang kaniyang mga diosdiosan ay nanganglupaypay. 024 JER 050 003 Sapagka't mula sa hilagaan ay sumasampa ang isang bansa laban sa kaniya, na sisira ng kaniyang lupain, at walang tatahan doon: sila'y nagsitakas, sila'y nagsiyaon, ang tao at gayon din ang hayop. 024 JER 050 004 Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ang mga anak ni Israel ay magsisidating, sila, at ang mga anak ni Juda na magkakasama: sila'y magsisiyaon ng kanilang lakad na nagsisiiyak, at hahanapin nila ang Panginoon nilang Dios. 024 JER 050 005 Kanilang ipagtatanong ang daan ng Sion, na ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa dakong yaon, na magsasabi, Magsiparito kayo, at lumakip kayo sa Panginoon sa walang hanggang tipan na hindi malilimutan. 024 JER 050 006 Ang aking bayan ay naging gaya ng nawalang tupa: iniligaw sila ng kanilang mga pastor; sila'y inilihis sa mga bundok; sila'y nagsiparoon sa burol mula sa bundok; kanilang nalimutan ang kanilang pahingahang dako. 024 JER 050 007 Sinasakmal sila ng lahat na nangakakasumpong sa kanila; at sinabi ng kanilang mga kaaway, Kami ay walang kasalanan, sapagka't sila'y nangagkasala laban sa Panginoon, na tatahanan ng kahatulan, sa makatuwid baga'y sa Panginoon, na pagasa ng kanilang mga magulang. 024 JER 050 008 Magsitakas kayo mula sa gitna ng Babilonia, at kayo'y magsilabas mula sa lupain ng mga Caldeo, at kayo'y maging gaya ng mga kambing na lalake sa harap ng mga kawan. 024 JER 050 009 Sapagka't, narito, aking patatayuin at pasasampahin laban sa Babilonia ang isang kapulungan ng mga dakilang bansa na mula sa hilagaang lupain; at sila'y magsisihanay laban sa kaniya; mula diya'y sasakupin siya; ang kanilang mga pana ay magiging gaya sa isang magilas na makapangyarihan; walang babalik na di may kabuluhan. 024 JER 050 010 At ang Caldea ay magiging samsam: lahat na nagsisisamsam sa kaniya ay mangabubusog, sabi ng Panginoon. 024 JER 050 011 Sapagka't kayo ay masasaya, sapagka't kayo'y nangagagalak, Oh kayong nagsisisamsam ng aking mana, sapagka't kayo'y malilikot na parang babaing guyang baka, na yumayapak ng trigo, at humahalinghing na parang mga malakas na kabayo; 024 JER 050 012 Ang inyong ina ay mapapahiyang lubha; siyang nanganak sa inyo ay malilito: narito, siya'y magiging pinakahuli sa mga bansa, isang gubatan, isang tuyong lupain, isang ilang. 024 JER 050 013 Dahil sa poot ng Panginoon ay hindi tatahanan, kundi magiging lubos na sira: bawa't magdaan sa Babilonia ay matitigilan, at susutsot dahil sa kaniyang lahat na pagkasalot. 024 JER 050 014 Magsihanay kayo laban sa Babilonia sa palibot, kayong lahat na nagsisiakma ng busog; hilagpusan ninyo siya, huwag kayong manganghinayang ng mga pana: sapagka't siya'y nagkasala laban sa Panginoon. 024 JER 050 015 Humiyaw ka laban sa kaniya sa palibot: siya'y sumuko sa kaniyang sarili; ang kaniyang mga sanggalangang dako ay nangabuwal, ang kaniyang mga kuta ay nangabagsak: sapagka't siyang kagantihan ng Panginoon: manghiganti kayo sa kaniya; kung ano ang kaniyang ginawa, gawin ninyo sa kaniya. 024 JER 050 016 Ihiwalay ninyo ang manghahasik sa Babilonia, at siyang pumipigil ng karit sa panahon ng pagaani: dahil sa takot sa mamimighating tabak ay babalik bawa't isa sa kaniyang bayan, at tatakas bawa't isa sa kaniyang sariling lupain. 024 JER 050 017 Ang Israel ay parang nakalat na tupa; itinaboy siya ng mga leon: ang unang sumakmal sa kaniya ay ang hari sa Asiria; at si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay siyang huling bumali ng kaniyang mga buto. 024 JER 050 018 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking parurusahan ang hari sa Babilonia, at ang kaniyang lupain, gaya ng aking pagkaparusa sa hari sa Asiria. 024 JER 050 019 At aking dadalhin uli ang Israel sa kaniyang pastulan, at siya'y sasabsab sa Carmel at sa Basan, at ang kaniyang kalooban ay masisiyahan sa mga burol ng Ephraim at sa Galaad. 024 JER 050 020 Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ang kasamaan ng Israel ay mauusig, at hindi magkakaroon ng anoman; at ang mga kasalanan ng Juda, at hindi sila masusumpungan: sapagka't aking patatawarin sila na aking iniiwan na pinakalabi. 024 JER 050 021 Sumampa ka laban sa lupain ng Merathaim, laban doon, at laban sa mga nananahan sa Pekod: pumatay ka at manglipol na lubos na manunod sa kanila, sabi ng Panginoon, at iyong gawin ang ayon sa lahat na iniutos ko sa iyo. 024 JER 050 022 Ang hugong ng pagbabaka ay nasa lupain, at ang malaking kapahamakan. 024 JER 050 023 Ano't naputol at nabali ang pamukpok ng buong lupa! ano't ang Babilonia ay nasira sa gitna ng mga bansa! 024 JER 050 024 Pinaglagyan kita ng silo, at ikaw naman ay nahuli, Oh Babilonia, at hindi mo ginunita: ikaw ay nasumpungan at nahuli rin, sapagka't ikaw ay nakipagtalo laban sa Panginoon. 024 JER 050 025 Binuksan ng Panginoon ang kaniyang lalagyan ng almas, at inilabas ang mga almas ng kaniyang pagkagalit; sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, ay may gawang gagawin sa lupain ng mga Caldeo. 024 JER 050 026 Magsiparoon kayo laban sa kaniya, mula sa kahulihulihang hangganan; inyong buksan ang kaniyang mga kamalig; inyong ihagis na parang mga bunton, at siya'y inyong siraing lubos; huwag maiwanan siya ng anoman. 024 JER 050 027 Inyong patayin ang lahat niyang mga toro; pababain sila sa patayan: sa aba nila! sapagka't ang kanilang araw ay dumating, ang araw ng pagdalaw sa kanila. 024 JER 050 028 Inyong dinggin ang tinig nila na nagsisitakas at nagsisitahan mula sa lupain ng Babilonia, upang maghayag sa Sion ng kagantihan ng Panginoon nating Dios, ng kagantihan ng kaniyang templo. 024 JER 050 029 Inyong pisanin ang mga mamamana laban sa Babilonia, silang lahat na nangagaakma ng busog; magsitayo kayo laban sa kaniya sa palibot; huwag bayaang mangakatanan: inyong gantihin siya ayon sa kaniyang gawa; ayon sa lahat niyang ginawa, gawin ninyo sa kaniya; sapagka't siya'y naging palalo laban sa Panginoon, laban sa Banal ng Israel. 024 JER 050 030 Kaya't mabubuwal ang kaniyang mga binata sa kaniyang mga lansangan, at ang lahat niyang lalaking mangdidigma ay madadala sa katahimikan sa araw na yaon, sabi ng Panginoon. 024 JER 050 031 Narito, ako'y laban sa iyo, Oh ikaw na palalo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo; sapagka't ang iyong kaarawan ay dumating, ang panahon na dadalawin kita. 024 JER 050 032 At ang palalo ay matitisod at mabubuwal, at walang magbabangon sa kaniya; at ako'y magpapaningas ng apoy sa kaniyang mga bayan, at pupugnawin niyaon ang lahat na nangasa palibot niya. 024 JER 050 033 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang mga anak ni Israel at ang mga anak ni Juda ay napipighating magkasama; at lahat na nagsikuhang bihag sa kanila ay hinahawakang mahigpit sila; ayaw pawalan sila. 024 JER 050 034 Ang Manunubos sa kanila ay malakas; ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan: kaniyang ipakikipaglabang maigi ang kanilang usap, upang mabigyan niya ng kapahingahan ang lupa, at bagabagin ang mga nananahan sa Babilonia. 024 JER 050 035 Ang tabak ay nasa mga Caldeo, sabi ng Panginoon, at sa mga nananahan sa Babilonia, at sa kaniyang mga prinsipe, at sa kaniyang mga pantas. 024 JER 050 036 Ang tabak ay nasa mga hambog, at sila'y mangahahangal, ang tabak ay nasa kaniyang mga makapangyarihan, at sila'y manganglulupaypay. 024 JER 050 037 Ang tabak ay nasa kanilang mga kabayo, at sa kanilang mga karo, at sa buong bayang halohalo na nasa gitna niya; at sila'y magiging parang mga babae; isang tabak ay nasa kaniyang mga kayamanan, at mangananakaw; 024 JER 050 038 Ang pagkatuyo ay nasa kaniyang tubig, at mangatutuyo; sapagka't lupain ng mga larawang inanyuan, at sila'y mga ulol dahil sa mga diosdiosan. 024 JER 050 039 Kaya't ang mga mabangis na hayop sa ilang sangpu ng mga lobo ay magsisitahan doon, at ang avestruz ay tatahan doon: at hindi na matatahanan kailan pa man; ni matatahanan sa sali't saling lahi. 024 JER 050 040 Kung paanong sinira ng Dios ang Sodoma at Gomorra at ang mga kalapit bayan ng mga yaon, sabi ng Panginoon, gayon hindi tatahan doon ang sinoman, o tatahan man doon ang sinomang anak ng tao. 024 JER 050 041 Narito, isang bayan ay dumarating na mula sa hilagaan; at isang malaking bansa, at maraming hari ay mangahihikayat mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa. 024 JER 050 042 Kanilang iniaakma ang busog at ang sibat; sila'y mababagsik, at walang awa; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay na parang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo, Oh anak na babae ng Babilonia. 024 JER 050 043 Nabalitaan ng hari sa Babilonia ang kabantugan nila, at ang kaniyang mga kamay ay nanghihina: pagdadalamhati ay humawak sa kaniya, at paghihirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam. 024 JER 050 044 Narito, ang kaaway ay sasampa na parang leon mula sa kapalaluan ng Jordan laban sa matibay na tahanan: nguni't bigla kong palalayasin sila sa kaniya; at ang mapili, siya kong ihahalal sa kaniya: sapagka't sinong gaya ko? at sinong magtatakda sa akin ng panahon? at sino ang pastor na tatayo sa harap ko? 024 JER 050 045 Kaya't inyong dinggin ang payo ng Panginoon, na kaniyang ipinayo laban sa Babilonia; at ang kaniyang mga pasiyang ipinasiya niya, laban sa lupain ng mga Caldeo: Tunay na kanilang itataboy ang mga maliit sa kawan; tunay na kaniyang ipapahamak ang kanilang tahanan pati sila. 024 JER 050 046 Sa ingay ng pagsakop sa Babilonia, ay nayayanig ang lupa, at ang hiyaw ay naririnig sa mga bansa. 024 JER 051 001 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magbabangon laban sa Babilonia, at laban sa nagsisitahan sa Lebcamai, ng manggigibang hangin. 024 JER 051 002 At ako'y magsusugo sa Babilonia ng mga taga ibang lupa na papalisin siya; at kanilang wawalaan ang kaniyang lupain: sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay magiging laban sila sa kaniya sa palibot. 024 JER 051 003 Laban sa kaniya na umaakma ay iakma ng mangbubusog ang kaniyang busog, at sa kaniya na nagmamataas sa kaniyang sapyaw: at huwag ninyong patawarin ang kaniyang mga binata; inyong lipuling lubos ang buo niyang hukbo. 024 JER 051 004 At sila'y mangabubuwal na patay sa lupain ng mga Caldeo, at napalagpasan sa kaniyang mga lansangan. 024 JER 051 005 Sapagka't ang Israel ay hindi pinababayaan, o ang Juda man, ng kaniyang Dios, ng Panginoon ng mga hukbo; bagaman ang kanilang lupain ay puno ng sala laban sa Banal ng Israel. 024 JER 051 006 Tumakas ka na mula sa gitna ng Babilonia, at iligtas ng bawa't tao ang kaniyang buhay; huwag kayong mangahiwalay ng dahil sa kaniyang kasamaan: sapagka't panahon ng panghihiganti ng Panginoon; siya'y maglalapat sa kaniya ng kagantihan. 024 JER 051 007 Ang Babilonia ay naging gintong tasa sa kamay ng Panginoon, na lumango sa buong lupa: ang mga bansa ay nagsiinom ng kaniyang alak; kaya't ang mga bansa ay nangaulol. 024 JER 051 008 Ang Babilonia ay biglang nabuwal at napahamak: inyong tangisan siya, ikuha ninyo ng balsamo ang kaniyang sakit, baka sakaling siya'y mapagaling. 024 JER 051 009 Ibig sana nating mapagaling ang Babilonia, nguni't siya'y hindi napagaling: pabayaan siya, at yumaon bawa't isa sa atin sa kanikaniyang sariling lupain; sapagka't ang kaniyang kahatulan ay umaabot hanggang sa langit, at nataas hanggang sa mga alapaap. 024 JER 051 010 Inilabas ng Panginoon ang ating katuwiran: magsiparito kayo, at ating ipahayag sa Sion, ang gawa ng Panginoon nating Dios. 024 JER 051 011 Inyong patalasin ang mga pana, inyong hawakang mahigpit ang mga kalasag; pinukaw ng Panginoon ang kalooban ng mga hari ng mga Medo; sapagka't ang kaniyang lalang ay laban sa Babilonia, upang sirain: sapagka't siyang panghihiganti ng Panginoon, panghihiganti ng kaniyang templo. 024 JER 051 012 Mangagtaas kayo ng watawat laban sa mga kuta ng Babilonia, inyong patibayin ang bantayan, inyong lagyan ng mga bantay, kayo'y mangaghanda ng mga pangbakay: sapagka't ang Panginoon ay nagpanukala at gumawa rin naman ng kaniyang sinalita tungkol sa mga nananahan sa Babilonia. 024 JER 051 013 Oh ikaw na tumatahan sa ibabaw ng maraming tubig, sagana sa mga kayamanan, ang iyong wakas ay dumating, ang sukat ng iyong kasakiman. 024 JER 051 014 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang sarili, na sinasabi, Tunay na pupunuin kita ng mga tao, na parang balang; at sila'y mangaglalakas ng hiyaw laban sa iyo. 024 JER 051 015 Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay iniladlad niya ang langit. 024 JER 051 016 Paglalakas niya ng kaniyang tinig, nagkaroon ng kagulo ng tubig sa langit, at kaniyang pinailanglang ang mga singaw mula sa mga wakas ng lupa: kaniyang iginawa ng mga kidlat ang ulan, at inilabas ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan. 024 JER 051 017 Bawa't tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa't panday ginto ay nalagay sa kahihiyan dahil sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka't ang kaniyang larawang binubo ay kasinungalingan, at walang hinga sa mga yaon. 024 JER 051 018 Ang mga yaon ay walang kabuluhan, isang gawa ng karayaan: sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon ay mangalilipol. 024 JER 051 019 Ang bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagka't siya ang naganyo sa lahat ng bagay; at ang Israel ay lipi ng kaniyang mana: ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan. 024 JER 051 020 Ikaw ay aking pangbakang palakol at mga almas na pangdigma: at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mga bansa; at sa pamamagitan mo ay sisira ako ng mga kaharian; 024 JER 051 021 At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang kabayo at ang kaniyang sakay; 024 JER 051 022 At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang karo at ang nakasakay roon; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang lalake at ang babae; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang matanda at ang bata: at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang binata at ang dalaga; 024 JER 051 023 At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang pastor at ang kaniyang kawan; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mangbubukid at ang kaniyang tuwang na mga baka; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mga tagapamahala at ang mga kinatawan. 024 JER 051 024 At aking ilalapat sa Babilonia at sa lahat na nananahan sa Caldea ang buo nilang kasamaan na kanilang ginawa sa Sion sa inyong paningin, sabi ng Panginoon. 024 JER 051 025 Narito, ako'y laban sa iyo, Oh mapangpahamak na bundok, sabi ng Panginoon, na gumigiba ng buong lupa; at aking iuunat ang aking kamay sa iyo, at pagugulungin kita mula sa malaking bato, at gagawin kitang bundok na sunog. 024 JER 051 026 At hindi ka nila kukunan ng bato na panulok, o ng bato man na mga patibayan; kundi ikaw ay magiging sira magpakailan man, sabi ng Panginoon. 024 JER 051 027 Mangagtaas kayo ng watawat sa lupain, inyong hipan ang pakakak sa gitna ng mga bansa, magsihanda ang mga bansa laban sa kaniya, pisanin laban sa kaniya ang mga kaharian ng Ararat, ng Minmi, at ng Aschenaz: mangaghalal ng puno laban sa kaniya; pasampahin ang mga kabayo ng parang mga uod. 024 JER 051 028 Magsihanda laban sa kaniya ang mga bansa, ang mga hari ng mga Medo, ang mga gobernador niyaon, at ang lahat na kinatawan niyaon, at ang buong lupain na kaniyang sakop. 024 JER 051 029 At ang lupain ay manginginig at nasa paghihirap; sapagka't ang mga pasiya ng Panginoon laban sa Babilonia ay nananayo, upang sirain ang lupain ng Babilonia, na nawalan ng mananahan. 024 JER 051 030 Ang mga makapangyarihan ng Babilonia ay nagsisiurong sa pakikipaglaban, sila'y nanatili sa kanilang mga katibayan; ang kanilang kapangyarihan ay nanglulupaypay; sila'y naging parang mga babae: ang kaniyang mga tahanang dako ay sinilaban; ang kaniyang mga halang ay nabali. 024 JER 051 031 Ang isang utusan ay tatakbo upang sumalubong sa iba, at isang sugo upang sumalubong sa iba, upang ibalita sa hari sa Babilonia, na ang kaniyang bayan ay nasakop sa lahat ng sulok: 024 JER 051 032 At ang mga tawiran ay nangasapol, at ang mga tambo ay nangasunog ng apoy, at ang mga lalaking mangdidigma ay nangatakot. 024 JER 051 033 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ang anak na babae ng Babilonia ay parang giikan ng panahong yaon ng niyayapakan; sangdali na lamang, at ang panahon ng pagaani ay darating sa kaniya. 024 JER 051 034 Nilamon ako ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, kaniyang pinisa ako, kaniyang ginawa akong sisidlan na walang laman, ako'y sinakmal niyang parang buwaya, kaniyang binusog ang kaniyang tiyan ng aking mga masarap na pagkain; kaniyang itinakuwil ako. 024 JER 051 035 Ang karahasang ginawa sa akin at sa aking laman ay mahulog nawa sa Babilonia, sasabihin ng taga Sion; at, Ang dugo ko ay mahulog nawa sa mga nananahan sa Caldea, sasabihin ng Jerusalem. 024 JER 051 036 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ipakikipaglaban ang iyong usap, at igaganti kita; at aking tutuyuin ang kaniyang dagat, at gagawin ko siyang bukal na tuyo. 024 JER 051 037 At ang Babilonia ay magiging mga bunton, tahanang dako sa mga chakal, katigilan, at kasutsutan, na mawawalan ng mananahan. 024 JER 051 038 Sila'y magsisiangal na magkakasama na parang mga batang leon; sila'y magsisiangal na parang mga anak ng leon. 024 JER 051 039 Pagka sila'y nag-init, aking gagawin ang kanilang kapistahan, at akin silang lalanguhin, upang sila'y mangagalak, at patutulugin ng walang hanggang pagtulog, at huwag mangagising, sabi ng Panginoon. 024 JER 051 040 Aking ibababa sila na parang mga kordero sa patayan, mga lalaking tupa na kasama ng mga kambing na lalake. 024 JER 051 041 Ano't nasakop ang Sesach! at ang kapurihan ng buong lupa ay nagitla! ano't ang Babilonia ay naging kagibaan sa gitna ng mga bansa! 024 JER 051 042 Ang dagat ay umapaw sa Babilonia; siya'y natakpan ng karamihan ng mga alon niyaon. 024 JER 051 043 Ang kaniyang mga bayan ay nasira, tuyong lupain at ilang, lupain na walang taong tumatahan, o dinaraanan man ng sinomang anak ng tao. 024 JER 051 044 At ako'y maglalapat ng kahatulan kay Bel sa Babilonia, at aking ilalabas sa kaniyang bibig ang kaniyang nasakmal; at ang mga bansa ay hindi na bubugsong magkakasama pa sa kaniya: oo, ang kuta ng Babilonia ay mababagsak. 024 JER 051 045 Bayan ko, magsilabas kayo sa kaniya, at lumigtas bawa't isa sa mabangis na galit ng Panginoon. 024 JER 051 046 At huwag manganglupaypay ang inyong puso, o mangatakot man kayo sa balita na maririnig sa lupain; sapagka't ang balita ay darating na isang taon, at pagkatapos niyaon ay darating sa ibang taon ang isang balita, at ang pangdadahas sa lupain, pinuno laban sa pinuno. 024 JER 051 047 Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating, na ako'y maglalapat ng kahatulan sa mga larawang inanyuan sa Babilonia; at ang kaniyang buong lupain ay mapapahiya; at ang lahat ng mapapatay sa kaniya ay mangabubulagta sa gitna niya. 024 JER 051 048 Kung magkagayo'y ang langit at ang lupa, at lahat na nandoon, magsisiawit dahil sa Babilonia sa kagalakan; sapagka't ang mga manglilipol ay darating sa kaniya mula sa hilagaan, sabi ng Panginoon. 024 JER 051 049 Kung paanong ibinuwal ng Babilonia ang namatay sa Israel, gayon mabubuwal sa Babilonia ang namatay sa buong lupain. 024 JER 051 050 Kayong nangakatanan sa tabak, magsiyaon kayo, huwag kayong magsitigil; inyong alalahanin ang Panginoon sa malayo, at pasukin ang inyong pagiisip ng Jerusalem. 024 JER 051 051 Kami ay nangapahiya, sapagka't kami ay nangakarinig ng kakutyaan; kalituhan ay tumakip sa aming mga mukha: sapagka't ang mga taga ibang lupa ay pumasok sa mga santuario ng bahay ng Panginoon. 024 JER 051 052 Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y maglalapat ng kahatulan sa kaniyang mga larawang inanyuan; at sa buong lupain niya ay dadaing ang nasugatan. 024 JER 051 053 Bagaman ang Babilonia ay umilanglang hanggang sa langit, at bagaman kaniyang patibayin ang kataasan ng kaniyang kalakasan, gayon ma'y darating sa kaniya ang mga manglilipol na mula sa akin, sabi ng Panginoon. 024 JER 051 054 Ang ingay ng hiyaw na mula sa Babilonia, at ng malaking paglipol na mula sa lupain ng mga Caldeo! 024 JER 051 055 Sapagka't ang Panginoon ay nananamsam sa Babilonia, at nanglilipol doon ang dakilang tinig; at ang mga alon ng mga yaon ay nagsisihugong na parang maraming tubig; ang hugong ng kanilang kaingay ay lumabas: 024 JER 051 056 Sapagka't ang manglilipol ay dumating doon, sa Babilonia, at ang mga makapangyarihang lalake niyaon ay nangahuli, ang kanilang mga busog ay nagkaputolputol: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng mga kagantihan, siya'y tunay na magbabayad. 024 JER 051 057 At aking lalanguhin ang kaniyang mga prinsipe at ang kaniyang mga pantas, ang kaniyang mga gobernador at ang kaniyang mga kinatawan, at ang kaniyang mga makapangyarihan; at siya'y matutulog ng walang hanggang pagtulog, at hindi magigising, sabi ng Hari, na ang pangalan ay ang Panginoon ng mga hukbo. 024 JER 051 058 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang makapal na kuta ng Babilonia ay lubos na magigiba, at ang kaniyang mga mataas na pintuang-bayan ay masusunog ng apoy; at ang mga tao ay magpapagal sa walang kabuluhan, at ang mga bansa sa apoy; at sila'y mangapapagod. 024 JER 051 059 Ang salita na iniutos ni Jeremias na propeta kay Seraias na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, ng siya'y pumaroon sa Babilonia na kasama ni Sedechias na hari sa Juda, nang ikaapat na taon ng kaniyang paghahari. Si Seraias nga ay punong bating. 024 JER 051 060 At sinulat ni Jeremias sa isang aklat ang lahat na kasamaan na darating sa Babilonia, ang lahat na salitang ito na nasusulat tungkol sa Babilonia. 024 JER 051 061 At sinabi ni Jeremias kay Seraias, Pagdating mo sa Babilonia, iyo ngang tingnan na iyong basahin ang lahat na mga salitang ito, 024 JER 051 062 At iyong sabihin, Oh Panginoon, ikaw ay nagsalita tungkol sa dakong ito, upang iyong ihiwalay, upang walang tumahan doon, maging tao o hayop man, kundi masisira magpakailan man. 024 JER 051 063 At mangyayari, pagkatapos mong bumasa ng aklat na ito, na iyong tatalian ng bato, at ihahagis mo sa gitna ng Eufrates: 024 JER 051 064 At iyong sasabihin, Ganito lulubog ang Babilonia, at hindi lilitaw uli dahil sa kasamaan na aking dadalhin sa kaniya; at sila'y mapapagod. Hanggang dito ang mga salita ni Jeremias. 024 JER 052 001 Si Sedechias ay dalawang pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal, na anak ni Jeremias na taga Libna. 024 JER 052 002 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ni Joacim. 024 JER 052 003 Sapagka't dahil sa galit ng Panginoon ay nangyari yaon sa Jerusalem at sa Juda, hanggang sa kaniyang napalayas sila sa kaniyang harapan. At si Sedechias ay nanghimagsik laban sa hari sa Babilonia. 024 JER 052 004 At nangyari, nang ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari, nang ikasangpung buwan, nang ikasangpung araw ng buwan, na si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay dumating, siya at ang kaniyang buong hukbo, laban sa Jerusalem, at humantong laban doon; at sila'y nangagtayo ng mga katibayan laban doon sa palibot. 024 JER 052 005 Sa gayo'y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedechias. 024 JER 052 006 Nang ikaapat na buwan nang ikasiyam na araw ng buwan, ang kagutom ay mahigpit sa bayan na anopa't walang tinapay para sa bayan ng lupain. 024 JER 052 007 Nang magkagayo'y nagkasira sa kuta ng bayan, at lahat ng lalaking mangdidigma ay nagsitakas, at nagsilabas sa bayan nang kinagabihan, sa daan ng pintuang-bayan sa pagitan ng dalawang kuta, na nasa tabi ng halamanan ng hari (ang mga Caldeo nga ay naging laban sa bayan sa palibot); at sila'y nagsiyaon sa daan ng Araba. 024 JER 052 008 Nguni't hinabol ng hukbo ng mga Caldeo ang hari, at inabot si Sedechias sa mga kapatagan ng Jerico; at ang buo niyang hukbo ay nangalat na napahiwalay sa kaniya. 024 JER 052 009 Nang magkagayo'y kanilang hinuli ang hari, at dinala nila siya sa hari sa Babilonia sa Ribla, sa lupain ng Hamath; at siya'y nilapatan niya ng kahatulan. 024 JER 052 010 At pinatay ng hari sa Babilonia ang mga anak ni Sedechias sa harap ng kaniyang mga mata: kaniyang pinatay rin ang lahat na prinsipe ng Juda sa Ribla. 024 JER 052 011 At kaniyang binulag ang mga mata ni Sedechias; at ginapos siya ng tanikalang tanso ng hari sa Babilonia, at dinala siya sa Babilonia, at inilagay siya sa bilangguan hanggang sa araw ng kaniyang pagkamatay. 024 JER 052 012 Nang ikalimang buwan nga sa ikasangpung araw ng buwan, na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor, na hari sa Babilonia, dumating sa loob ng Jerusalem si Nabuzaradan na kapitan ng bantay, na tumayo sa harap ng hari sa Babilonia. 024 JER 052 013 At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon, at ang bahay ng hari; at lahat ng mga bahay sa Jerusalem, sa makatuwid baga'y bawa't malaking bahay, sinunog niya ng apoy. 024 JER 052 014 At ang buong hukbo ng mga Caldeo na kasama ng kapitan ng bantay, nagbagsak ng lahat ng kuta sa Jerusalem sa palibot. 024 JER 052 015 Nang magkagayo'y dinalang bihag ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay ang mga dukha sa bayan, at ang nalabi sa mga tao na naiwan sa bayan, at yaong mga takas, na nagsitakas sa hari sa Babilonia, at ang nalabi sa karamihan. 024 JER 052 016 Nguni't nagiwan si Nabuzaradan na kapitan ng bantay, sa mga dukha sa lupain upang maging mga manguubasan at mga mangbubukid. 024 JER 052 017 At ang mga haliging tanso na nangasa bahay ng Panginoon, ang mga tungtungan, at ang dagatdagatan na tanso na nasa bahay ng Panginoon, pinagputolputol ng mga Caldeo, at dinala ang lahat na tanso ng mga yaon sa Babilonia. 024 JER 052 018 Ang mga palayok naman, at ang mga pala, at ang mga gunting, at ang mga mankok, at ang mga kuchara, at lahat na sisidlan na tanso, na kanilang ipinangangasiwa, dinala nila. 024 JER 052 019 At ang mga saro, at ang mga apuyan, at ang mga mankok, at ang mga palayok, at ang mga kandelero, at ang mga kuchara, at ang mga tasa, ang ginto sa ginto, at ang pilak sa pilak, dinala ng kapitan ng bantay. 024 JER 052 020 Ang dalawang haligi, ang dagatdagatan, at ang labing dalawang torong tanso na nangasa ilalim ng mga tungtungan, na ginawa ng haring Salomon na ukol sa bahay ng Panginoon, ang tanso ng lahat ng sisidlang ito ay walang timbang. 024 JER 052 021 At tungkol sa mga haligi, ang taas ng isang haligi ay labing walong siko; at isang pisi na labing dalawang siko ay naililibid doon; at ang kapal niyao'y apat na daliri: may guwang. 024 JER 052 022 At isang kapitel na tanso ay nasa ibabaw niyaon; at ang taas ng isang kapitel ay limang siko, na yaring nilambat at may mga granada sa kapitel sa palibot, taganas na tanso: at ang ikalawang haligi naman ay mayroong gaya ng mga ito, at mga granada. 024 JER 052 023 At mayroong siyam na pu't anim na granada sa mga tagiliran; lahat na granada ay isang daan na yaring nilambat sa palibot. 024 JER 052 024 At kinuha ng kapitan ng bantay si Seraias na pangulong saserdote, at si Sophonias na ikalawang saserdote, at ang tatlong tagatanod-pinto: 024 JER 052 025 At sa bayan ay kinuha niya ang isang oficial na inilagay niya sa mga lalaking mangdidigma; at pitong lalake sa kanila na nangakakita ng mukha ng hari, na nasumpungan sa bayan; at ang kalihim ng kapitan ng hukbo, na pumipisan ng bayan ng lupain, at anim na pung katao sa bayan ng lupain, na nangasumpungan sa gitna ng bayan. 024 JER 052 026 At dinala sila ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay, at dinala sila sa hari sa Babilonia sa Ribla. 024 JER 052 027 At sinaktan sila ng hari sa Babilonia, at ipinapatay sila sa Ribla, sa lupain ng Hamath. Gayon nadalang bihag ang Juda, mula sa kaniyang lupain. 024 JER 052 028 Ito ang bayan na dinalang bihag ni Nabucodonosor nang ikapitong taon, tatlong libo at dalawang pu't tatlong Judio: 024 JER 052 029 Nang ikalabingwalong taon ni Nabucodonosor ay nagdala siya ng bihag na mula sa Jerusalem na walong daan at tatlong pu't dalawang tao: 024 JER 052 030 Nang ikadalawang pu't tatlong taon ni Nabucodonosor ay nagdala ng bihag sa mga Judio si Nabuzaradan na kapitan ng bantay na pitong daan at apat na pu't limang tao: lahat na tao ay apat na libo at anim na raan. 024 JER 052 031 At nangyari, nang ikatatlong pu't pitong taon ng pagkabihag kay Joacim na hari sa Juda, nang ikalabing dalawang buwan, nang ikadalawang pu't limang araw ng buwan, na si Evil-merodach na hari sa Babilonia, nang unang taon ng kaniyang paghahari, nagtaas ng ulo ni Joacim na hari sa Juda, at inilabas niya siya sa bilangguan; 024 JER 052 032 At siya'y nagsalitang may kagandahang-loob sa kaniya, at inilagay ang kaniyang luklukan na lalong mataas kay sa luklukan ng mga hari na kasama niya sa Babilonia. 024 JER 052 033 At kaniyang binago ang kaniyang mga damit na pagkabihag. At si Joacim ay laging kumain ng tinapay sa harap niya sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay. 024 JER 052 034 At tungkol sa kaloob sa kaniya, may palaging kaloob na ibinibigay sa kaniya ang hari sa Babilonia, bawa't araw isang bahagi ng pagkain hanggang sa kaarawan ng kaniyang kamatayan, lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay. # # BOOK 025 LAM Lamentations Panaghoy 025 LAM 001 001 Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis! 025 LAM 001 002 Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway. 025 LAM 001 003 Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod; siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan; inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit. 025 LAM 001 004 Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa takdang kapulungan; lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga: ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan. 025 LAM 001 005 Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa; sapagka't pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang: ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban. 025 LAM 001 006 At nawala ang buong kamahalan ng anak na babae ng Sion: ang kaniyang mga prinsipe ay naging parang mga usa na hindi makasumpong ng pastulan, at nagsiyaong walang lakas sa harap ng manghahabol. 025 LAM 001 007 Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una: nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban, at walang sumaklolo sa kaniya, nakita siya ng mga kalaban, tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira. 025 LAM 001 008 Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay; lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't kanilang nakita ang kaniyang kahubaran: Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod. 025 LAM 001 009 Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan; hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas; kaya't siya'y nababa ng katakataka; siya'y walang mangaaliw; masdan mo, Oh Panginoon, ang aking pagdadalamhati; sapagka't ang kaaway ay nagmalaki. 025 LAM 001 010 Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay; sapagka't nakita niya na ang mga bansa ay pumasok sa kaniyang santuario, yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan. 025 LAM 001 011 Buong bayan niya ay nagbubuntong-hininga, sila'y nagsisihanap ng tinapay; ibinigay nila ang kanilang mga maligayang bagay na kapalit ng pagkain upang paginhawahin ang kaluluwa. Iyong tingnan, Oh Panginoon, at masdan mo; sapagka't ako'y naging hamak. 025 LAM 001 012 Wala bagang anoman sa inyo, sa inyong lahat na nagsisipagdaan? Inyong masdan, at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan, na nagawa sa akin, na idinalamhati sa akin ng Panginoon sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit. 025 LAM 001 013 Mula sa itaas ay nagsugo siya ng apoy sa aking mga buto, at mga pinananaigan; kaniyang ipinagladlad ng silo ang aking mga paa, kaniyang ibinalik ako: kaniyang ipinahamak ako at pinapanglupaypay buong araw. 025 LAM 001 014 Pamatok ng aking mga pagsalangsang ay hinigpit ng kaniyang kamay; mga nagkalakiplakip, nagsiabot sa aking leeg; kaniyang pinanglupaypay ang aking kalakasan: ibinigay ako ng Panginoon sa kanilang mga kamay, laban sa mga hindi ko matatayuan. 025 LAM 001 015 Iniuwi ng Panginoon sa wala ang lahat na aking mga makapangyarihang lalake sa gitna ko; siya'y tumawag ng isang takdang kapulungan laban sa akin upang pagwaraywarayin ang aking mga binata: niyapakan ng Panginoon na parang pisaan ng ubas ang anak na dalaga ng Juda. 025 LAM 001 016 Dahil sa mga bagay na ito ay umiiyak ako; ang mata ko, ang mata ko ay dinadaluyan ng luha; sapagka't ang mangaaliw na marapat magpaginhawa ng aking kaluluwa ay malayo sa akin: ang mga anak ko ay napahamak, sapagka't nanaig ang kaaway. 025 LAM 001 017 Iginawad ng Sion ang kaniyang mga kamay; walang umaliw sa kaniya; nagutos ang Panginoon tungkol sa Jacob, na silang nangasa palibot niya ay magiging kaniyang mga kalaban: ang Jerusalem ay parang maruming bagay sa gitna nila. 025 LAM 001 018 Ang Panginoon ay matuwid; sapagka't ako'y nanghimagsik laban sa kaniyang utos: inyong pakinggan, isinasamo ko sa inyo, ninyong lahat na bayan, at inyong masdan ang aking kapanglawan: ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay pumasok sa pagkabihag. 025 LAM 001 019 Aking tinawagan ang mga mangingibig sa akin, nguni't dinaya nila: nalagot ang hininga ng aking mga saserdote at ng aking mga matanda sa bayan, habang nagsisihanap sila ng pagkain upang paginhawahin ang kanilang kaluluwa. 025 LAM 001 020 Masdan mo, Oh Panginoon; sapagka't ako'y nasa kapanglawan; ang aking puso ay namamanglaw; ang aking puso ay nagugulumihanan; sapagka't ako'y lubhang nanghimagsik: sa labas ay tabak ang lumalansag, sa loob ay may parang kamatayan. 025 LAM 001 021 Nabalitaan nila na ako'y nagbubuntong-hininga; walang umaliw sa akin; Lahat ng aking mga kaaway ay nangakarinig ng aking kabagabagan; sila'y nangatuwa na iyong ginawa: iyong pararatingin ang araw na iyong itinanyag, at sila'y magiging gaya ko. 025 LAM 001 022 Magsidating nawa ang lahat nilang kasamaan sa harap mo; at gawin mo sa kanila, ang gaya ng ginawa mo sa akin dahil sa lahat kong mga pagsalangsang: sapagka't ang aking mga buntong-hininga ay marami, at ang aking puso ay nanglulupaypay. 025 LAM 002 001 Ano't tinakpan ng Panginoon ang anak na babae ng Sion ng alapaap sa kaniyang galit! Kaniyang inihagis mula sa langit hanggang sa lupa ang kagandahan ng Israel, at hindi inalaala ang kaniyang tungtungan ng paa sa kaarawan ng kaniyang galit. 025 LAM 002 002 Nilamon ng Panginoon ang lahat na tahanan ng Jacob, at siya'y hindi naawa: Kanyang ibinagsak sa kaniyang poot ang mga katibayan ng anak na babae ng Juda; kaniyang inilugmok ang mga yaon sa lupa: kaniyang ipinahamak ang kaharian at ang mga prinsipe niyaon. 025 LAM 002 003 Kaniyang inihiwalay sa pamamagitan ng mabangis na galit ang buong sungay ng Israel; kaniyang iniurong ang kaniyang kanang kamay sa harap ng kaaway: at kaniyang sinilaban ang Jacob na parang maalab na apoy, na namumugnaw sa palibot. 025 LAM 002 004 Kaniyang iniakma ang kaniyang busog na parang kaaway, kaniyang iniyamba ang kaniyang kanan na parang kalaban, at pinatay ang lahat na maligaya sa mata: sa tolda ng anak na babae ng Sion ay kaniyang ibinuhos ang kaniyang kapusukan na parang apoy. 025 LAM 002 005 Ang Panginoon ay naging parang kaaway, kaniyang nilamon ang Israel; kaniyang nilamon ang lahat niyang palacio, kaniyang iginiba ang kaniyang mga katibayan; at kaniyang pinarami sa anak na babae ng Juda ang panangis at panaghoy. 025 LAM 002 006 At kaniyang inalis na may karahasan ang tabernakulo niya na gaya ng nasa halamanan; kaniyang sinira ang kaniyang mga dako ng kapulungan: ipinalimot ng Panginoon ang takdang kapulungan at sabbath sa Sion, at hinamak sa pagiinit ng kaniyang galit ang hari at ang saserdote. 025 LAM 002 007 Iniwasak ng Panginoon ang kaniyang dambana, kaniyang kinayamutan ang kaniyang santuario; kaniyang ibinigay sa kamay ng kaaway ang mga pader ng kaniyang mga palacio: sila'y nangagingay sa bahay ng Panginoon, na parang kaarawan ng takdang kapulungan. 025 LAM 002 008 Ipinasiya ng Panginoon na gibain ang kuta ng anak na babae ng Sion; kaniyang iniladlad ang lubid, hindi niya iniurong ang kaniyang kamay sa paggiba: at kaniyang pinapanaghoy ang moog at ang kuta; nanganglulupaypay kapuwa. 025 LAM 002 009 Ang kaniyang mga pintuang-bayan ay nangabaon sa lupa; kaniyang giniba at nasira ang kaniyang mga halang: ang kaniyang hari at ang kaniyang mga prinsipe ay nangasa gitna ng mga bansa na hindi kinaroroonan ng kautusan; Oo, ang kaniyang mga propeta ay hindi nangakakasumpong ng pangitaing mula sa Panginoon. 025 LAM 002 010 Ang mga matanda ng anak na babae ng Sion ay nangauupo sa lupa, sila'y nagsisitahimik; sila'y nangagsabog ng alabok sa kanilang mga ulo; sila'y nangagbigkis ng kayong magaspang: itinungo ng mga dalaga sa Jerusalem ang kanilang mga ulo sa lupa. 025 LAM 002 011 Pinangangalumata ng mga luha ang aking mga mata, namamanglaw ang aking puso, ako'y lubhang nahahapis, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan, dahil sa ang mga bata at ang mga pasusuhin ay nanganglulupaypay sa mga lansangan ng bayan. 025 LAM 002 012 Kanilang sinasabi sa kanilang mga ina, saan nandoon ang trigo at alak? Pagka sila'y nanganglulupaypay na parang sugatan sa mga lansangan sa bayan, pagka ang kanilang kaluluwa ay nanglulupaypay sa kandungan ng kanilang mga ina. 025 LAM 002 013 Ano ang aking patototohanan sa iyo? sa ano kita iwawangis, Oh anak na babae ng Jerusalem? Ano ang ihahalintulad ko sa iyo, upang maaliw kita, Oh anak na dalaga ng Sion? Sapagka't ang iyong sira ay malaking parang dagat: sinong makapagpapagaling sa iyo? 025 LAM 002 014 Ang iyong mga propeta ay nakakita para sa iyo ng mga pangitain na walang kabuluhan at kamangmangan; at hindi nila inilitaw ang iyong kasamaan, upang bawiin ang iyong pagkabihag, kundi nakarinig para sa iyo ng mga hulang walang kabuluhan at mga kadahilanan ng pagkatapon. 025 LAM 002 015 Lahat na nangagdaraan ay ipinapakpak ang kanilang kamay sa iyo; sila'y nagsisisutsot at iginagalaw ang kanilang ulo sa anak na babae ng Jerusalem, na sinasabi, Ito baga ang bayan na tinatawag ng mga tao Ang kasakdalan ng kagandahan, Ang kagalakan ng buong lupa? 025 LAM 002 016 Ibinukang maluwang ng lahat mong kaaway ang kanilang bibig laban sa iyo: sila'y nagsisisutsot at nagsisipagngalit ng ngipin; kanilang sinasabi, Aming nilamon siya; tunay na ito ang kaarawan na aming hinihintay; aming nasumpungan, aming nakita. 025 LAM 002 017 Ginawa ng Panginoon ang kaniyang ipinasiya; kaniyang tinupad ang kaniyang salita na kaniyang iniutos nang mga kaarawan nang una; kaniyang ibinagsak, at hindi naawa: at kaniyang pinapagkatuwa sa iyo ang kaaway; kaniyang pinataas ang sungay ng iyong mga kalaban. 025 LAM 002 018 Ang kanilang puso ay nagsisidaing sa Panginoon: Oh kuta ng anak na babae ng Sion, dumaloy ang mga luha na parang ilog araw at gabi; huwag kang magpahinga; huwag maglikat ang itim ng iyong mata. 025 LAM 002 019 Bumangon ka, humiyaw ka sa gabi, sa pasimula ng mga pagpupuyat; ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harap ng mukha ng Panginoon: igawad mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil sa buhay ng iyong mga batang anak, na nanglulupaypay sa gutom sa dulo ng lahat na lansangan. 025 LAM 002 020 Tingnan mo, Oh Panginoon, at masdan mo, kung kanino mo ginawa ang ganito! Kakanin baga ng mga babae ang kanilang ipinanganak, ang mga anak na kinakalong sa mga kamay? Papatayin baga ang saserdote at ang propeta sa santuario ng Panginoon? 025 LAM 002 021 Ang binata at ang matanda ay humihiga sa lupa sa mga lansangan; ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay nangabuwal sa tabak: iyong pinatay sila sa kaarawan ng iyong galit; iyong pinatay at hindi ka naawa. 025 LAM 002 022 Tinawag mo, gaya ng sa kaarawan ng takdang kapulungan, ang aking mga kakilabutan ay sa bawa't dako; at walang nakatanan, o nalabi sa kaarawan ng galit ng Panginoon: yaong aking mga kinalong at pinalaki ay nilipol ng aking kaaway. 025 LAM 003 001 Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamhati sa pamalo ng iyong poot. 025 LAM 003 002 Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag. 025 LAM 003 003 Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw. 025 LAM 003 004 Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto. 025 LAM 003 005 Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam. 025 LAM 003 006 Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng nangamatay nang malaon. 025 LAM 003 007 Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala. 025 LAM 003 008 Oo, pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing. 025 LAM 003 009 Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas. 025 LAM 003 010 Siya'y parang oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako. 025 LAM 003 011 Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako; 025 LAM 003 012 Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at ginawa akong pinaka tanda sa pana. 025 LAM 003 013 Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan. 025 LAM 003 014 Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang awit buong araw. 025 LAM 003 015 Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, kaniyang sinuya ako ng ajenjo. 025 LAM 003 016 Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo. 025 LAM 003 017 At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan. 025 LAM 003 018 At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon. 025 LAM 003 019 Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo. 025 LAM 003 020 Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko. 025 LAM 003 021 Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako. 025 LAM 003 022 Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. 025 LAM 003 023 Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat. 025 LAM 003 024 Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya. 025 LAM 003 025 Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya. 025 LAM 003 026 Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon. 025 LAM 003 027 Mabuti nga sa tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan. 025 LAM 003 028 Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya. 025 LAM 003 029 Sumubsob siya sa alabok, kung gayo'y magkakaroon siya ng pagasa. 025 LAM 003 030 Ibigay niya ang kaniyang pisngi sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan. 025 LAM 003 031 Sapagka't ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man. 025 LAM 003 032 Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan. 025 LAM 003 033 Sapagka't siya'y hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao. 025 LAM 003 034 Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa. 025 LAM 003 035 Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan, 025 LAM 003 036 Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginoon. 025 LAM 003 037 Sino siya na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon? 025 LAM 003 038 Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti? 025 LAM 003 039 Bakit dumadaing ang taong may buhay, ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan? 025 LAM 003 040 Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon. 025 LAM 003 041 Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit. 025 LAM 003 042 Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad. 025 LAM 003 043 Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa. 025 LAM 003 044 Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin. 025 LAM 003 045 Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan. 025 LAM 003 046 Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin. 025 LAM 003 047 Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba. 025 LAM 003 048 Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan. 025 LAM 003 049 Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan. 025 LAM 003 050 Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit. 025 LAM 003 051 Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan. 025 LAM 003 052 Lubha nila akong hinahabol na parang ibon, na mga kaaway kong walang kadahilanan. 025 LAM 003 053 Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato. 025 LAM 003 054 Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay. 025 LAM 003 055 Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay. 025 LAM 003 056 Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing. 025 LAM 003 057 Ikaw ay lumapit sa araw na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot. 025 LAM 003 058 Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay. 025 LAM 003 059 Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; hatulan mo ang aking usap. 025 LAM 003 060 Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang pasiya laban sa akin. 025 LAM 003 061 Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin, 025 LAM 003 062 Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw. 025 LAM 003 063 Masdan mo ang kanilang pagupo, at ang kanilang pagtayo; ako ang kanilang awit. 025 LAM 003 064 Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan, Oh Panginoon, ayon sa gawa ng kanilang mga kamay. 025 LAM 003 065 Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso, ang iyong sumpa sa kanila. 025 LAM 003 066 Iyong hahabulin sila sa galit, at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon. 025 LAM 004 001 Ano't ang ginto ay naging malabo! Ano't ang pinakadalisay na ginto ay nagbago! Ang mga bato ng santuario ay natapon sa dulo ng lahat na lansangan. 025 LAM 004 002 Ang mga mahalagang anak ng Sion, na katulad ng dalisay na ginto, ano't pinahahalagahan na waring mga sisidlang lupa, na gawa ng mga kamay ng magpapalyok! 025 LAM 004 003 Maging ang mga chakal ay naglalabas ng suso, nangagpapasuso sa kanilang mga anak: ang anak na babae ng aking bayan ay naging mabagsik, parang mga avestruz sa ilang. 025 LAM 004 004 Ang dila ng sumususong bata ay nadidikit sa ngalangala ng kaniyang bibig dahil sa uhaw: ang mga munting bata ay nagsisihingi ng tinapay, at walang taong magpuputol nito sa kanila. 025 LAM 004 005 Silang nagsisikaing mainam ay nangahandusay sa mga lansangan: silang nagsilaki sa matingkad na pula ay nagsisihiga sa mga tapunan ng dumi. 025 LAM 004 006 Sapagka't ang kasamaan ng anak na babae ng aking bayan ay lalong malaki kay sa kasalanan ng Sodoma, na nagiba sa isang sangdali, at walang mga kamay na humawak sa kaniya. 025 LAM 004 007 Ang kaniyang mga mahal na tao ay lalong malinis kay sa nieve, mga lalong maputi kay sa gatas; sila'y lalong mapula sa katawan kay sa mga rubi, ang kanilang kinis ay parang zafiro. 025 LAM 004 008 Ang kanilang anyo ay lalong maitim kay sa uling; sila'y hindi makilala sa mga lansangan: ang kanilang balat ay naninikit sa kanilang mga buto; natutuyo, nagiging parang tungkod. 025 LAM 004 009 Silang napatay ng tabak ay maigi kay sa kanila na napatay ng gutom; sapagka't ang mga ito ay nagsisihapay, na napalagpasan, dahil sa pangangailangan ng mga bunga sa parang. 025 LAM 004 010 Ang mga kamay ng mga mahabaging babae ay nangagluto ng kanilang sariling mga anak; mga naging kanilang pagkain sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan. 025 LAM 004 011 Ginanap ng Panginoon ang kaniyang kapusukan, kaniyang ibinugso ang kaniyang mabangis na galit; at siya'y nagpaalab ng apoy sa Sion, na pumugnaw ng mga patibayan niyaon. 025 LAM 004 012 Ang mga hari sa lupa ay hindi nanganiwala, o ang lahat mang nananahan sa sanglibutan, na ang kaaway at kalaban ay papasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem. 025 LAM 004 013 Dahil nga sa mga kasalanan ng kaniyang mga propeta, at sa mga kasamaan ng kaniyang mga saserdote, na nagbubo ng dugo ng mga ganap sa gitna niya. 025 LAM 004 014 Sila'y nagsisikapa sa mga lansangan na parang mga bulag, sila'y nangadudumhan ng dugo, na anopa't hindi mahipo ng mga tao ang kanilang mga suot. 025 LAM 004 015 Magsihiwalay kayo, sila'y nagsisihiyaw sa kanila, Marurumi! magsihiwalay kayo, magsihiwalay kayo, huwag ninyong hipuin: nang sila'y magsitakas at magsilaboy ay sinabi ng mga tao sa gitna ng mga bansa, Hindi na sila nangingibang bayan pa rito. 025 LAM 004 016 Pinangalat sila ng galit ng Panginoon; sila'y hindi na niya lilingapin pa. Hindi nila iginagalang ang mga pagkatao ng mga saserdote, hindi nila pinakukundanganan ang mga matanda. 025 LAM 004 017 Ang aming mga mata ay nangangalumata dahil sa aming paghihintay ng walang kabuluhang tulong: sa aming paghihintay ay nangaghihintay kami sa isang bansa na hindi makapagligtas. 025 LAM 004 018 Kanilang inaabangan ang aming mga hakbang, upang huwag kaming makayaon sa aming mga lansangan: ang aming wakas ay malapit na, ang aming mga kaarawan ay nangaganap; sapagka't ang aming wakas ay dumating. 025 LAM 004 019 Ang mga manghahabol sa amin ay lalong maliliksi kay sa mga aguila sa himpapawid: kanilang hinabol kami sa mga bundok, kanilang binakayan kami sa ilang. 025 LAM 004 020 Ang hinga ng aming mga butas ng ilong, ang pinahiran ng Panginoon ay nahuli sa kanilang mga hukay; na siya naming pinagsasabihan, sa kaniyang mga lilim ay mabubuhay kami sa mga bansa. 025 LAM 004 021 Ikaw ay magalak at matuwa Oh anak na babae ng Edom, na tumatahan sa lupain ng Uz: ang saro ay darating din sa iyo; ikaw ay malalango, at magpapakahubad. 025 LAM 004 022 Ang parusa sa iyong kasamaan ay naganap, Oh anak na babae ng Sion, hindi ka na niya dadalhin pa sa pagkabihag: kaniyang dadalawin ang iyong kasamaan, Oh anak na babae ng Edom; kaniyang ililitaw ang iyong mga kasalanan. 025 LAM 005 001 Iyong alalahanin, Oh Panginoon, kung anong dumating sa amin: iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta. 025 LAM 005 002 Ang aming mana ay napasa mga taga ibang lupa, ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan. 025 LAM 005 003 Kami ay mga ulila at walang ama; ang aming mga ina ay parang mga bao. 025 LAM 005 004 Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi; ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin. 025 LAM 005 005 Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg: kami ay mga pagod, at walang kapahingahan. 025 LAM 005 006 Kami ay nakipagkamay sa mga taga Egipto, at sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay. 025 LAM 005 007 Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na; At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan. 025 LAM 005 008 Mga alipin ay nangagpupuno sa amin: walang magligtas sa amin sa kanilang kamay. 025 LAM 005 009 Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay, dahil sa tabak sa ilang. 025 LAM 005 010 Ang aming balat ay maitim na parang hurno, dahil sa maningas na init ng kagutom. 025 LAM 005 011 Kanilang dinahas ang mga babae, sa Sion, ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda. 025 LAM 005 012 Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay: ang mga mukha ng mga matanda ay hindi iginagalang. 025 LAM 005 013 Ang mga binata ay nangagpapasan ng gilingan, at ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy. 025 LAM 005 014 Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan. Ang mga binata'y wala na sa kanilang mga tugtugin. 025 LAM 005 015 Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat; ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan. 025 LAM 005 016 Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo: sa aba namin! sapagka't kami ay nangagkasala. 025 LAM 005 017 Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay; dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata; 025 LAM 005 018 Dahil sa bundok ng Sion na nasira; nilalakaran ng mga zora. 025 LAM 005 019 Ikaw, Oh Panginoon, nananatili magpakailan man: ang iyong luklukan ay sa sali't saling lahi. 025 LAM 005 020 Bakit mo kami nililimot magpakailan man, at pinababayaan mo kaming totoong malaon? 025 LAM 005 021 Manumbalik ka sa amin, Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik: baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una. 025 LAM 005 022 Nguni't itinakuwil mo kaming lubos, ikaw ay totoong napoot sa amin. # # BOOK 026 EZE Ezekiel Ezekiel 026 EZE 001 001 Nangyari nga nang ikatatlong pung taon, sa ikaapat na buwan, nang ikalimang araw ng buwan, samantalang ako'y kasama ng mga bihag sa pangpang ng ilog Chebar, na ang langit ay nabuksan, at ako'y nakakita ng mga pangitain mula sa Dios. 026 EZE 001 002 Nang ikalimang araw ng buwan, na siyang ikalimang taon ng pagkabihag ng haring Joacim, 026 EZE 001 003 Ang salita ng Panginoon ay dumating na maliwanag kay Ezekiel na saserdote, na anak ni Buzi, sa lupain ng mga Caldeo sa pangpang ng ilog Chebar: at ang kamay ng Panginoon, ay sumasa kaniya. 026 EZE 001 004 At ako'y tumingin, at, narito, isang unos na hangin ay lumabas na mula sa hilagaan, na isang malaking ulap, na may isang apoy na naglilikom sa sarili, at isang ningning sa palibot, at mula sa gitna niyao'y may parang metal na nagbabaga, mula sa gitna ng apoy. 026 EZE 001 005 At mula sa gitna niyao'y nanggaling ang kahawig ng apat na nilalang na may buhay. At ito ang kanilang anyo, Sila'y nakawangis ng isang tao; 026 EZE 001 006 At bawa't isa ay may apat na mukha, at bawa't isa sa kanila ay may apat na pakpak. 026 EZE 001 007 At ang kanilang mga paa ay mga matuwid na paa; at ang talampakan ng kanilang mga paa ay parang talampakan ng paa ng isang guya; at sila'y nagsisikinang na parang kulay ng tansong binuli. 026 EZE 001 008 At sila'y may mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak sa kanilang apat na tagiliran; at silang apat ay may kanilang mga mukha, at may kanilang mga pakpak na ganito: 026 EZE 001 009 Ang kanilang mga pakpak ay nagkakadaitan; sila'y hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon; yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy. 026 EZE 001 010 Tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha, sila'y may mukhang tao; at silang apat ay may mukha ng leon sa kanang tagiliran; at silang apat ay may mukha ng baka sa kaliwang tagiliran; silang apat ay may mukha rin ng aguila. 026 EZE 001 011 At ang kanilang mga mukha at ang kanilang mga pakpak ay magkahiwalay sa itaas: dalawang pakpak ng bawa't isa ay nagkakadaitan at ang dalawa ay nagsisitakip ng kanilang mga katawan. 026 EZE 001 012 At yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy; kung saan naparoroon ang espiritu, doon sila nangaparoroon; sila'y hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon. 026 EZE 001 013 Tungkol sa anyo ng mga nilalang na may buhay, ang kanilang katulad ay parang mga bagang nagniningas; parang mga sulo: ang apoy ay tumataas at bumababa sa gitna ng mga nilalang na may buhay at ang apoy ay maningas, at mula sa apoy ay may lumabas na kidlat. 026 EZE 001 014 At ang mga nilalang na may buhay ay nagsitakbo at nagsibalik na parang kislap ng kidlat. 026 EZE 001 015 Samantala ngang minamasdan ko ang mga nilalang na may buhay, narito, ang isang gulong sa lupa sa siping ng mga nilalang na may buhay, sa bawa't isa ng apat na mukha ng mga yaon. 026 EZE 001 016 Ang anyo ng mga gulong at ng kanilang pagkayari ay parang kulay ng berilo: at ang apat na yaon ay may isang anyo: at ang kanilang anyo at ang kanilang pagkayari ay parang isang gulong sa loob ng isang gulong. 026 EZE 001 017 Pagka yumaon, nagsisiyaon sa kanilang apat na dako: hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon. 026 EZE 001 018 Tungkol sa kanilang mga Rueda ay matataas at kakilakilabot; at itong apat ay may kanilang mga Ilanta na puno ng mga mata sa palibot. 026 EZE 001 019 At pagka ang mga nilalang na may buhay ay nagsisiyaon, ang mga gulong ay nagsisiyaon sa siping nila; at pagka ang mga nilalang na may buhay ay nangatataas mula sa lupa, ang mga gulong ay nangatataas. 026 EZE 001 020 Kung saan naparoroon ang espiritu ay nangaparoroon sila; doon pinaparoonan ng espiritu; at ang mga gulong ay nangatataas sa siping nila; sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga gulong. 026 EZE 001 021 Pagka ang mga yaon ay nagsisiyaon, ang mga ito'y nagsisiyaon; at pagka ang mga yaon ay nagsisitayo, ang mga ito ay nagsisitayo; at pagka ang mga yaon ay nangatataas mula sa lupa, ang mga gulong ay nangatataas sa siping nila; sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga gulong. 026 EZE 001 022 At sa ibabaw ng ulo ng nilalang na may buhay, may kawangis ng langit, na parang kulay ng kakilakilabot na bubog, na nakaunat sa itaas ng kanilang mga ulo. 026 EZE 001 023 At sa ilalim ng langit ay nakaunat ang kanilang mga pakpak, na ang isa ay sa gawi ng isa: bawa't isa'y may dalawa na tumatakip ng kaniyang katawan sa dakong ito, at bawa't isa'y may dalawa na tumatakip sa dakong yaon. 026 EZE 001 024 At nang sila'y magsiyaon, aking narinig ang pagaspas ng kanilang mga pakpak na parang hugong ng maraming tubig, parang tinig ng Makapangyarihan sa lahat, na hugong ng kagulo na gaya ng kaingay ng isang hukbo: pagka sila'y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak. 026 EZE 001 025 At may tinig na nagmula sa itaas ng langit na nasa ibabaw ng kanilang mga ulo: pagka sila'y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak. 026 EZE 001 026 At sa itaas ng langit na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan na parang anyo ng batong zafiro; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon. 026 EZE 001 027 At ako'y nakakita ng parang metal na nagbabaga, na parang anyo ng apoy sa loob niyaon, na nakikita mula sa kaniyang mga balakang na paitaas; at mula sa kaniyang mga balakang na paibaba ay nakakita ako ng parang anyo ng apoy, at may ningning sa palibot niyaon. 026 EZE 001 028 Kung paano ang anyo ng bahaghari na nasa alapaap sa kaarawan ng ulan, gayon ang anyo ng kinang sa palibot. Ito ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon. At nang aking makita, ako'y nasubasob, at aking narinig ang tinig ng isang nagsasalita. 026 EZE 002 001 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako'y makikipagsalitaan sa iyo. 026 EZE 002 002 At ang Espiritu ay sumaakin nang siya'y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin. 026 EZE 002 003 At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito. 026 EZE 002 004 At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 002 005 At sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila (sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan), gayon man ay matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila. 026 EZE 002 006 At ikaw, anak ng tao, huwag matakot sa kanila, o matakot man sa kanilang mga salita, bagaman maging mga dawag at mga tinik ang kasama mo, at bagaman ikaw ay tumatahan sa gitna ng mga alakdan: huwag kang matakot sa kanilang mga salita, o manglupaypay man sa kanilang mga tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan. 026 EZE 002 007 At iyong sasalitain ang aking mga salita sa kanila, sa didinggin, o sa itatakuwil man; sapagka't sila'y totoong mapanghimagsik. 026 EZE 002 008 Nguni't ikaw, anak ng tao, dinggin mo kung ano ang sinasabi ko sa iyo; huwag kang mapanghimagsik na gaya niyaong mapanghimagsik na sangbahayan; ibuka mo ang iyong bibig, at iyong kanin ang ibinibigay ko sa iyo. 026 EZE 002 009 At nang ako'y tumingin, narito, isang kamay ay nakaunat sa akin; at narito, isang balumbon ay nandoon; 026 EZE 002 010 At ikinadkad niya sa harap ko: at nasusulatan sa loob at sa labas; at may nakasulat doon na mga taghoy, at panangis, at mga daing. 026 EZE 003 001 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, kanin mo ang iyong nasusumpungan; kanin mo ang balumbong ito, at ikaw ay yumaon, magsalita ka sa sangbahayan ni Israel. 026 EZE 003 002 Sa gayo'y ibinuka ko ang aking bibig, at ipinakain niya sa akin ang balumbon. 026 EZE 003 003 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, pakanin mo ang iyong tiyan, at busugin mo ang iyong bituka ng balumbong ito na aking ibinibigay sa iyo. Nang magkagayo'y kinain ko, at sa aking bibig ay naging parang pulot sa katamisan. 026 EZE 003 004 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, yumaon ka, paroon ka sa sangbahayan ni Israel, at magsalita ka ng aking mga salita sa kanila. 026 EZE 003 005 Sapagka't ikaw ay hindi sinugo sa isang bayan na may ibang wika at may mahirap na salita, kundi sa sangbahayan ni Israel; 026 EZE 003 006 Hindi sa maraming bayan na may ibang wika at may mahirap na salita, na ang mga salita ay hindi mo nauunawa. Tunay na kung suguin kita sa mga yaon, didinggin ka ng mga yaon. 026 EZE 003 007 Nguni't hindi ka didinggin ng sangbahayan ni Israel; sapagka't hindi nila ako didinggin: sapagka't ang buong sangbahayan ni Israel ay may matigas na ulo, at may mapagmatigas na loob. 026 EZE 003 008 Narito, aking pinapagmatigas ang iyong mukha laban sa kanilang mga mukha, at pinatigas ko ang iyong ulo laban sa kanilang mga ulo. 026 EZE 003 009 Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan. 026 EZE 003 010 Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, lahat ng aking mga salita na aking sasalitain sa iyo ay tanggapin mo sa iyong puso, at dinggin mo ng iyong mga pakinig. 026 EZE 003 011 At yumaon ka, pumaroon ka sa mga bihag, na mga anak ng iyong bayan at magsalita ka sa kanila, at saysayin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila. 026 EZE 003 012 Nang magkagayo'y itinaas ako ng Espiritu, at aking narinig sa likuran ko ang tinig ng malaking hugong, na nagsasabi; Purihin ang kaluwalhatian ng Panginoon mula sa kaniyang dako. 026 EZE 003 013 At aking narinig ang pagaspas ng mga pakpak ng mga nilalang na may buhay na nagkakadagisdisan, at ang hugong ng mga gulong sa siping nila, sa makatuwid baga'y ang ingay ng malaking hugong. 026 EZE 003 014 Sa gayo'y itinaas ako ng Espiritu, at ako'y dinala; at ako'y yumaong namamanglaw, sa pagiinit ng aking kalooban; at ang kamay ng Panginoon ay naging malakas sa akin. 026 EZE 003 015 Nang magkagayo'y naparoon ako sa mga bihag sa Tel-abib, na nagsisitahan sa pangpang ng ilog Chebar, at sa kanikanilang kinatatahanan; at ako'y umupo roong natitigilan sa gitna nila na pitong araw. 026 EZE 003 016 At nangyari, sa katapusan ng pitong araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 003 017 Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel: kaya't pakinggan mo ang salita sa aking bibig, at ipanguna mo sa kanila sa ganang akin. 026 EZE 003 018 Pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo pinagpaunahan siya, o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay. 026 EZE 003 019 Gayon ma'y kung iyong pagpaunahan ang masama, at siya'y hindi humiwalay sa kaniyang kasamaan, o sa kaniyang masamang lakad man, siya'y mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't iyong iniligtas ang iyong kaluluwa. 026 EZE 003 020 Muli, pagka ang isang taong matuwid ay lumilihis sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, at ako'y naglalagay ng katitisuran sa harap niya, siya'y mamamatay; sapagka't hindi mo siya pinagpaunahan, siya'y mamamatay sa kaniyang kasalanan, at ang kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa ay hindi aalalahanin; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay. 026 EZE 003 021 Gayon ma'y kung iyong pinagpaunahan ang taong matuwid, upang ang matuwid ay huwag magkasala, at siya'y hindi nagkakasala, siya'y walang pagsalang mabubuhay, sapagka't siya'y nahikayat; at iyong iniligtas ang iyong kaluluwa. 026 EZE 003 022 At ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at sinabi niya sa akin, Bumangon ka, lumabas ka sa kapatagan at doo'y makikipagusap ako sa iyo. 026 EZE 003 023 Nang magkagayo'y bumangon ako, at ako'y lumabas sa kapatagan; at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay dumoon, na gaya ng kaluwalhatian na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar; at ako'y napasubasob. 026 EZE 003 024 Nang magkagayo'y suma akin ang Espiritu, at itinayo ako sa aking mga paa; at siya'y nakipagsalitaan sa akin, at nagsabi sa akin, Yumaon ka, magsara ka sa loob ng iyong bahay. 026 EZE 003 025 Nguni't ikaw, anak ng tao, narito, sila'y mangaglalagay ng mga lubid sa iyo, at itatali sa iyo, at ikaw ay hindi lalabas sa gitna nila. 026 EZE 003 026 At aking paninikitin ang iyong dila sa ngalangala ng iyong bibig, upang ikaw ay mapipi, at huwag maging mananaway sa kanila: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan. 026 EZE 003 027 Nguni't pag ako'y makikipagsalitaan sa iyo, aking ibubuka ang iyong bibig, at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Siyang nakikinig ay makinig; at ang nagtatakuwil ay magtakuwil: sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan. 026 EZE 004 001 Ikaw naman, anak ng tao, kumuha ka ng isang losa, at ilagay mo sa harap mo, at gumuhit ka sa ibabaw ng isang bayan, sa makatuwid baga'y ng Jerusalem. 026 EZE 004 002 At kubkubin mo, at magtayo ka ng mga katibayan sa tapat noon, at maglagay ka ng bunton sa tapat noon; maglagay ka rin ng mga kampamento sa tapat noon; at magumang ka ng mga pangsaksak sa tapat noon sa palibot. 026 EZE 004 003 At magdala ka ng kawaling bakal, at ilagay mo na pinakakutang bakal sa pagitan mo at ng bayan: at iharap mo ang iyong mukha sa dako niyaon, at makukubkob, at iyong kukubkubin. Ito ang magiging tanda sa sangbahayan ni Israel. 026 EZE 004 004 Bukod dito'y humiga ka ng patagilid sa iyong kaliwa at ilagay mo ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel doon; ayon sa bilang ng mga araw na iyong ihihiga roon, magdadanas ka ng kanilang kasamaan. 026 EZE 004 005 Sapagka't aking itinakda ang mga taon ng kanilang kasamaan upang maging sa iyo'y isang bilang ng mga araw, sa makatuwid baga'y tatlong daan at siyam na pung araw: gayon mo dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel. 026 EZE 004 006 At muli, pagka iyong natapos ang mga ito, ikaw ay hihiga sa iyong tagilirang kanan, at iyong dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Juda; apat na pung araw, bawa't araw ay pinaka isang taon, aking itinakda sa iyo. 026 EZE 004 007 At iyong ihaharap ang iyong mukha sa pagkubkob ng Jerusalem na may lilis kang manggas; at ikaw ay manghuhula laban doon. 026 EZE 004 008 At, narito, ipinaglalagay kita ng lubid, at ikaw ay huwag magpapalikoliko mula sa isang dako hanggang sa kabila, hanggang sa matupad mo ang mga kaarawan ng iyong pagkubkob. 026 EZE 004 009 Magdala ka rin ng trigo, at ng cebada, at ng habas, at ng lentejas, at ng mijo, at ng espelta, at ilagay mo sa isang sisidlan, at gawin mong tinapay; ayon sa bilang ng mga araw na iyong ihihiga sa iyong tagiliran, sa makatuwid baga'y tatlong daan at siyam na pung araw, iyong kakanin yaon. 026 EZE 004 010 At ang iyong pagkain na iyong kakanin ay magiging ayon sa timbang, dalawang pung siklo isang araw: araw-araw ay iyong kakanin. 026 EZE 004 011 At ikaw ay iinom ng tubig ayon sa takal, na ikaanim na bahagi ng isang hin: araw-araw ikaw ay iinom. 026 EZE 004 012 At iyong kakaning parang mga munting tinapay na cebada, at iyong lulutuin sa dumi na galing sa tao sa kanilang paningin. 026 EZE 004 013 At sinabi ng Panginoon, Ganito kakanin ng mga anak ni Israel ang kanilang maruming tinapay, sa gitna ng mga bansa na aking pagtatabuyan sa kanila. 026 EZE 004 014 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, ang aking kaluluwa ay hindi nadumhan, sapagka't mula sa aking kabataan hanggang ngayon ay hindi ako kumain ng namamatay sa sarili, o nilapa ng mga hayop; o pumasok man ang kasuklamsuklam na karne sa aking bibig. 026 EZE 004 015 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Tingnan mo, ibinigay ko sa iyo'y dumi ng baka na kahalili ng dumi ng tao, at iyong ihahanda ang iyong tinapay sa ibabaw niyaon. 026 EZE 004 016 Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, narito, aking babaliin ang tungkod ng tinapay sa Jerusalem: at sila'y magsisikain ng tinapay ayon sa timbang, at may pagkatakot; at magsisiinom sila ng tubig ayon sa takal, at manglulupaypay: 026 EZE 004 017 Upang sila'y mangailangan ng tinapay at tubig, at manglupaypay na magkakasama, at manganlata sa kanilang kasamaan. 026 EZE 005 001 At ikaw, anak ng tao, magdala ka ng matalas na tabak; na parang pangahit ng manggugupit ang iyong dadalhin, at iyong pararaanin sa iyong ulo at sa iyong balbas: kung magkagayo'y kumuha ka ng timbangang panimbang, at bahagihin mo ang buhok. 026 EZE 005 002 Ang ikatlong bahagi ay iyong susunugin sa apoy sa gitna ng bayan, pagka ang mga araw ng pagkubkob ay naganap; at iyong kukunin ang ikatlong bahagi, at susugatan mo ng tabak sa palibot; at ang ikatlong bahagi ay iyong pangangalatin sa hangin, at ako'y magbubunot ng tabak sa likuran nila. 026 EZE 005 003 At kukuha ka sa mga yaon ng kaunti sa bilang, at ipagtatali mo sa iyong mga tunika. 026 EZE 005 004 At sa mga ito'y kukuha ka uli, at ihahagis mo sa gitna ng apoy, at susunugin mo sa apoy; siyang panggagalingan ng apoy sa buong sangbahayan ni Israel. 026 EZE 005 005 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ito ay Jerusalem; inilagay ko siya sa gitna ng mga bansa, at mga lupain ay nangasa palibot niya. 026 EZE 005 006 At siya'y nanghimagsik laban sa aking mga kahatulan sa paggawa ng kasamaan na higit kay sa ginawa ng mga bansa, at laban sa aking mga palatuntunan na higit kay sa mga lupain na nangasa palibot niya; sapagka't kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, at tungkol sa aking mga palatuntunan, hindi nila nilakaran. 026 EZE 005 007 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y manggugulo na higit kay sa mga bansa na nangasa palibot ninyo, at hindi nagsilakad sa aking mga palatuntunan, o iningatan man ang aking mga kahatulan, o nagsigawa man ng ayon sa mga ayos sa mga bansa na nangasa palibot ninyo; 026 EZE 005 008 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, ay laban sa iyo; at ako'y maglalapat ng mga kahatulan sa gitna mo sa paningin ng mga bansa. 026 EZE 005 009 At aking gagawin sa iyo ang hindi ko ginawa, at hindi ko na gagawin pa ang kaparis, dahil sa iyong lahat na kasuklamsuklam. 026 EZE 005 010 Kaya't kakanin ng mga magulang ang mga anak sa gitna mo, at kakanin ng mga anak ang kanilang mga magulang; at ako'y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo; at ang buong nalabi sa iyo ay aking pangangalatin sa lahat ng dako. 026 EZE 005 011 Kaya't buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsala, na sapagka't iyong nilapastangan ang aking santuario ng lahat mong kasuklamsuklam na bagay, at ng lahat mong karumaldumal, kaya't akin namang babawasan ka; ni hindi magpapatawad ang aking mata, at ako nama'y hindi mahahabag. 026 EZE 005 012 Ang ikatlong bahagi mo ay mamamatay sa pamamagitan ng salot, at sa pamamagitan ng kagutom ay mauubos sila sa gitna mo; at ang isang ikatlong bahagi ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak sa palibot mo; at ang ikatlong bahagi ay aking pangangalatin sa lahat ng dako, at magbubunot ako ng tabak sa likuran. 026 EZE 005 013 Ganito magaganap ang aking galit, at aking lulubusin ang aking kapusukan sa kanila, at ako'y maaaliw: at kanilang malalaman na akong Panginoon ay nagsalita sa aking pagsisikap, pagka aking naganap ang aking kapusukan sa kanila. 026 EZE 005 014 Bukod dito'y gagawin kitang kasiraan at kapulaan, sa gitna ng mga bansa na nangasa palibot mo, sa paningin ng lahat na nagsisidaan. 026 EZE 005 015 Sa gayo'y magiging kadustaan at kapulaan, aral at katigilan sa mga bansang nangasa palibot mo, pagka ako'y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo sa galit at sa kapusukan, at sa mababagsik na pagsaway (akong Panginoon ang nagsalita); 026 EZE 005 016 Pagka ako'y magpapasapit sa kanila ng mga masamang pana ng kagutom na ikasisira nila, na siyang aking pasasapitin upang sirain kayo. At aking palalalain ang kagutom sa inyo, at aking babaliin ang inyong tungkod ng tinapay; 026 EZE 005 017 At ako'y magpapasapit sa inyo ng kagutom at mga masamang hayop, at kanilang aalisan ka ng anak; at salot at dugo ay daraan sa iyo; at aking pararatingin ang tabak sa iyo; ako ang Panginoon na nagsalita. 026 EZE 006 001 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 006 002 Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa mga bundok ng Israel, at ikaw ay manghula tungkol sa mga yaon. 026 EZE 006 003 At magsabi, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ang salita ng Panginoong Dios. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga batis at sa mga libis: Narito, ako sa makatuwid baga'y ako, magpaparating ng tabak sa inyo, at aking sisirain ang inyong mga mataas na dako. 026 EZE 006 004 At ang inyong mga dambana ay masisira, at ang inyong mga larawang araw ay mababasag; at aking ibubulagta ang inyong mga patay na tao sa harap ng inyong mga diosdiosan. 026 EZE 006 005 At aking ilalapag ang mga bangkay ng mga anak ni Israel sa harap ng kanilang mga diosdiosan; at aking ikakalat ang inyong mga buto sa palibot ng inyong mga dambana. 026 EZE 006 006 Sa lahat ng inyong mga tahanang dako ay mawawasak ang mga bayan, at ang mga mataas na dako ay mangasisira; upang ang inyong mga dambana ay mangawasak at mangagiba, at ang inyong mga diosdiosan ay mangabasag at mangaglikat, at ang inyong mga larawang araw ay mangabagsak, at ang inyong mga gawa ay mangawawala. 026 EZE 006 007 At ang mga patay ay mangabubuwal sa gitna ninyo, at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 006 008 Gayon ma'y magiiwan ako ng nalabi, upang magkaroon sa inyo ng ilan na nakatanan sa tabak sa gitna ng mga bansa, pagka kayo'y mangangalat sa mga lupain. 026 EZE 006 009 At silang nangakatanan sa inyo ay aalalahanin ako sa gitna ng mga bansa na pagdadalhan sa kanilang bihag, kung paanong ako'y nakipagkasira sa kanilang masamang kalooban na humiwalay sa akin, at sa kanilang mga mata, na yumaong sumamba sa kanilang mga diosdiosan; at sila'y magiging kasuklamsuklam sa kanilang sariling paningin dahil sa mga kasamaan na kanilang nagawa sa lahat nilang kasuklamsuklam. 026 EZE 006 010 At kanilang malalaman na ako ang Panginoon: hindi ako nagsalita ng walang kabuluhan na aking gagawin ang kasamaang ito sa kanila. 026 EZE 006 011 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Saktan mo ng iyong kamay, at sikaran mo ng iyong paa, at iyong sabihin, Sa aba nila! dahil sa lahat na masamang kasuklamsuklam ng sangbahayan ni Israel; sapagka't sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot. 026 EZE 006 012 Ang malayo ay mamamatay sa salot; at ang malapit ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang malabi at makubkob ay mamamatay sa pamamagitan ng kagutom: ganito ko gaganapin ang aking kapusukan sa kanila. 026 EZE 006 013 At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka ang kanilang mga patay na tao ay mangalalagay sa gitna ng kanilang mga diosdiosan sa palibot ng kanilang mga dambana, sa ibabaw ng bawa't mataas na burol, sa lahat na taluktok ng mga bundok, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at sa ilalim ng bawa't mayabong na encina, na kanilang pinaghandugan ng masarap na amoy sa lahat nilang diosdiosan. 026 EZE 006 014 At aking iuunat ang kamay ko laban sa kanila, at gagawin kong sira at giba ang lupa, mula sa ilang hanggang sa Diblah, sa lahat nilang tahanan; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 007 001 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 007 002 At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa lupain ng Israel, May wakas: ang wakas ay dumating sa apat na sulok ng lupain. 026 EZE 007 003 Ngayon ang wakas ay sumasaiyo at aking pararatingin ang aking galit sa iyo, at hahatulan ka ayon sa iyong mga lakad; at ipadadanas ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam. 026 EZE 007 004 At hindi ka patatawarin ng aking mata, o kahahabagan man kita; kundi aking parurusahan ang iyong mga lakad, at ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa ay malilitaw; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 007 005 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang kasamaan, ang tanging kasamaan; narito, dumarating. 026 EZE 007 006 Ang wakas ay dumating, ang wakas ay dumating; ito'y gumigising laban sa iyo; narito, dumarating. 026 EZE 007 007 Ang parusa sa iyo ay dumarating, Oh mananahan sa lupain: ang panahon ay dumarating, ang kaarawan ay malapit na, kaarawan ng pagkakagulo, at hindi ng kagalakang may hiyawan, sa ibabaw ng mga bundok. 026 EZE 007 008 Bigla ko ngang ibubugso sa iyo ang aking kapusukan, at aking gaganapin ang aking galit laban sa iyo, at hahatulan kita ayon sa iyong mga lakad; at ipadadanas ko sa iyo ang lahat ng iyong kasuklamsuklam. 026 EZE 007 009 At ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako: padadatnin ko sa iyo ang ayon sa iyong mga lakad; at ang iyong mga kasuklamsuklam ay dadanasin mo; at inyong malalaman na ako ang Panginoon na nananakit. 026 EZE 007 010 Narito, ang kaarawan, narito, dumarating; ang hatol sa iyo ay ipinasiya; ang tungkod ay namulaklak, ang kapalaluan ay namuko. 026 EZE 007 011 Pangdadahas ay bumangon na naging pamalo ng kasamaan; walang malalabi sa kanila, o sa kanilang karamihan man, o sa kanilang kayamanan man: at hindi magkakaroon ng kahit karangalan sa kanila. 026 EZE 007 012 Ang panahon ay dumarating, ang kaarawan ay nalalapit: huwag magalak ang mamimili, o tumangis man ang manininda: sapagka't ang poot ay nasa lahat ng karamihan niyaon. 026 EZE 007 013 Sapagka't hindi na pagbabalikan ng manininda ang ipinagbili, bagaman sila'y buhay pa: sapagka't ang pangitain ay tungkol sa buong karamihan niyaon, walang babalik; at sinoman ay hindi magpapakalakas pa sa kasamaan ng kaniyang buhay. 026 EZE 007 014 Nagsihihip sila ng pakakak, at nagsihanda; nguni't walang naparoroon sa pagbabaka; sapagka't ang aking poot ay nasa buong karamihan niyaon. 026 EZE 007 015 Ang tabak ay nasa labas, at ang salot at ang kagutom ay nasa loob: siyang nasa parang ay mamamatay sa tabak; at siyang nasa bayan, kagutom at salot ay lalamon sa kaniya. 026 EZE 007 016 Nguni't silang nagsisitanan sa mga yaon ay tatanan, at mangapapasa mga bundok, na parang mga kalapati sa mga libis, silang lahat ay nagsisitangis, bawa't isa'y dahil sa kaniyang kasamaan. 026 EZE 007 017 Lahat ng kamay ay manghihina, at lahat ng tuhod ay manglalata na gaya ng tubig. 026 EZE 007 018 Sila'y mangagbibigkis din naman ng kayong magaspang, at pangingilabot ay sasa kanila; at kahihiyan ay sasa lahat ng mukha, at pagkakalbo sa lahat nilang ulo. 026 EZE 007 019 Kanilang ihahagis ang kanilang pilak sa mga lansangan, at ang kanilang ginto ay magiging parang isang maruming bagay; ang kanilang pilak at ang kanilang ginto ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng poot ng Panginoon: hindi nila maaaliw ang kanilang mga kaluluwa, o mabubusog man ang kanilang mga tiyan; sapagka't naging katitisuran ng kanilang kasamaan. 026 EZE 007 020 Tungkol sa ganda ng kaniyang gayak, inilagay niya sa kamahalan; nguni't kanilang ginawang mga larawan ang kanilang mga kasuklamsuklam at karumaldumal na mga bagay: kaya't ginawa ko sa kanila na parang maruming bagay. 026 EZE 007 021 At aking ibibigay sa mga kamay ng mga taga ibang lupa na pinakahuli, at sa mga masama sa lupa na pinakasamsam; at kanilang lalapastanganin. 026 EZE 007 022 Ang aking mukha ay aking itatalikod naman sa kanila, at kanilang lalapastanganin ang aking lihim na dako: at mga magnanakaw ay magsisipasok doon, at lalapastangan. 026 EZE 007 023 Gumawa ka ng tanikala; sapagka't ang lupain ay puno ng mga sala sa pagbububo ng dugo, at ang bayan ay puno ng pangdadahas. 026 EZE 007 024 Kaya't aking dadalhin ang mga pinakamasama ng mga bansa, at aariin nila ang kanilang mga bahay: akin namang patitigilin ang kapalaluan ng malakas, at ang kanilang mga dakong banal ay lalapastanganin. 026 EZE 007 025 Kagibaan ay dumarating; at sila'y magsisihanap ng kapayapaan, at wala doon. 026 EZE 007 026 Kapanglawan at kapanglawan ay darating, at balita at balita ay darating; at sila'y magsisihanap ng pangitain ng propeta; nguni't ang kautusa'y mawawala sa saserdote, at ang payo'y mawawala sa mga matanda. 026 EZE 007 027 Ang hari ay tatangis, at ang prinsipe ay mananamit ng kapahamakan, at ang mga kamay ng mga tao ng lupain ay mababagbag: aking gagawin sa kanila ang ayon sa kanilang lakad, at ayon sa kanilang kaugalian ay hahatulan ko sila; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 008 001 At nangyari nang ikaanim na taon, nang ikaanim na buwan, nang ikalima ng buwan, ako'y nakaupo sa aking bahay, at ang mga matanda sa Juda ay nangakaupo sa harap ko, na ang kamay ng Panginoong Dios ay dumating sa akin doon. 026 EZE 008 002 Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, may isang anyo na parang apoy; mula sa anyo ng kaniyang mga balakang at paibaba, ay apoy; at mula sa kaniyang mga balakang at paitaas, parang anyo ng kinang, na parang metal na nagbabaga. 026 EZE 008 003 At kaniyang inilabas ang anyo ng isang kamay, at hinawakan ako sa buhok ng aking ulo; at itinaas ako ng Espiritu sa pagitan ng lupa at ng langit, at dinala ako sa pangitain na mula sa Dios sa Jerusalem, sa pintuan ng pintuang-daan ng pinakaloob na looban na nakaharap sa dakong hilagaan; na kinaroroonan ng upuan ng larawan ng panibugho, na namumungkahi sa paninibugho. 026 EZE 008 004 At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nandoon, gaya ng anyo na aking nakita sa kapatagan. 026 EZE 008 005 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, itingin mo ang iyong mga mata ngayon sa daan na dakong hilagaan. Sa gayo'y itiningin ko ang aking mga mata sa daan na dakong hilagaan, at narito, nasa dakong hilagaan ng pintuang-daan ng dambana ang larawang ito ng panibugho sa pasukan. 026 EZE 008 006 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakikita mo baga ang kanilang ginagawa? ang malaking kasuklamsuklam na ginagawa ng sangbahayan ni Israel dito, upang ako'y lumayo sa aking santuario? Nguni't iyo muling makikita pa ang ibang mga malalaking kasuklamsuklam. 026 EZE 008 007 At dinala niya ako sa pintuan ng looban; at nang ako'y tumingin, narito, ang isang butas sa pader. 026 EZE 008 008 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, humukay ka ngayon sa pader: at nang ako'y humukay sa pader, narito, ang isang pintuan. 026 EZE 008 009 At sinabi niya sa akin, Ikaw ay pumasok, at tingnan mo ang mga masamang kasuklamsuklam na kanilang ginagawa rito. 026 EZE 008 010 Sa gayo'y pumasok ako at nakita ko; at narito, ang bawa't anyo ng nagsisiusad na mga bagay, at kasuklamsuklam na mga hayop, at lahat ng mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel, na nakaguhit sa pader sa palibot. 026 EZE 008 011 At nagsitayo sa harap nila ang pitong pung lalake sa mga matanda ng sangbahayan ni Israel; at sa gitna nila ay tumayo si Jaazanias na anak ni Saphan, bawa't lalake ay may kaniyang pangsuub sa kaniyang kamay; at ang amoy ng usok ng kamangyan ay napailanglang. 026 EZE 008 012 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakikita mo baga kung anong ginagawa ng mga matanda ng sangbahayan ni Israel sa kadiliman, bawa't isa'y sa kaniyang mga silid na nilarawanan? sapagka't kanilang sinasabi, Hindi tayo nakikita ng Panginoon; pinabayaan ng Panginoon ang lupa. 026 EZE 008 013 Sinabi rin niya sa akin, Iyong muling makikita pa ang mga ibang malaking kasuklamsuklam na kanilang ginagawa. 026 EZE 008 014 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pintuan ng pintuang-daan ng bahay ng Panginoon na nasa dakong hilagaan; at, narito, doo'y nangaupo ang mga babae na iniiyakan si Tammuz. 026 EZE 008 015 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? iyo pa muling makikita ang lalong malaking mga kasuklamsuklam kay sa mga ito. 026 EZE 008 016 At dinala niya ako sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at, narito, sa pintuan ng templo ng Panginoon sa pagitan ng malaking pintuan at ng dambana, ay may dalawang pu't limang lalake, na sila'y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon, at nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinasamba ang araw sa dakong silanganan. 026 EZE 008 017 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? Magaan bagang bagay sa sangbahayan ni Juda, na sila'y nagsisigawa ng mga kasuklamsuklam na kanilang ginagawa dito? sapagka't kanilang pinuno ng karahasan ang lupa, at sila'y nangagbalik uli upang mungkahiin ako sa galit: at, narito, kanilang inilalagay ang sanga sa kanilang ilong. 026 EZE 008 018 Kaya't akin namang gagawin sa kapusukan; ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako: at bagaman sila'y nagsisidaing sa aking pakinig ng malakas na tinig, gayon ma'y hindi ko sila didinggin. 026 EZE 009 001 Nang magkagayo'y sumigaw siya sa aking pakinig ng malakas na tinig, na nagsasabi, Magsilapit yaong mga may katungkulan sa bayan, na bawa't isa'y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay. 026 EZE 009 002 At narito, anim na lalake ay nagsipanggaling sa daan ng mataas na pintuang-daan, na nalalagay sa dako ng hilagaan, na bawa't isa'y may kaniyang pangpatay na almas sa kaniyang kamay; at isang lalake ay nasa gitna nila na nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran. At sila'y nagsipasok, at nagsitayo sa siping ng tansong dambana. 026 EZE 009 003 At ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay umilanglang mula sa kerubin, na kinapapatungan, hanggang sa pintuan ng bahay: at kaniyang tinawag ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran. 026 EZE 009 004 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Pumaroon ka sa gitna ng bayan, sa gitna ng Jerusalem, at maglagay ka ng mga tanda sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklamsuklam na nagawa sa gitna niyaon. 026 EZE 009 005 At sa mga iba ay sinabi niya sa aking pakinig, Magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya, at manakit kayo: huwag magpatawad ang inyong mata, o kayo man ay mahabag; 026 EZE 009 006 Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae; nguni't huwag lumapit sa sinomang lalake na tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuario. Nang magkagayo'y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay. 026 EZE 009 007 At sinabi niya sa kanila, Lapastanganin ninyo ang bahay, at punuin ninyo ng patay ang mga looban: magsilabas kayo. At sila'y nagsilabas, at nanakit sa bayan. 026 EZE 009 008 At nangyari, habang sila'y nananakit, at ako'y naiwan, na ako'y nasubasob, at sumigaw ako, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! iyo bagang lilipulin ang buong nalabi sa Israel, sa iyong pagbubugso ng iyong kapusukan sa Jerusalem? 026 EZE 009 009 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang kasamaan ng sangbahayan ni Israel at ni Juda ay totoong malaki, at ang lupain ay puno ng dugo, at ang bayan ay puno ng kasuwailan: sapagka't kanilang sinasabi, Pinabayaan ng Panginoon ang lupa, at hindi nakikita ng Panginoon. 026 EZE 009 010 At tungkol sa akin naman, ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako, kundi aking ipadadanas ang kanilang lakad sa kanilang ulo. 026 EZE 009 011 At, narito, ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran, nagbalita ng bagay; na sinabi, Aking ginawa na gaya ng iniutos mo sa akin. 026 EZE 010 001 Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, sa langit na nasa ulunan ng mga kerubin, may nakita na parang isang batong zafiro, na parang isang luklukan. 026 EZE 010 002 At siya'y nagsalita sa lalake na nakapanamit ng kayong lino, at kaniyang sinabi, Pumasok ka sa pagitan ng nagsisiikot na mga gulong, sa ilalim ng kerubin, at punuin mo kapuwa ang iyong mga kamay ng mga bagang nagbabaga mula sa pagitan ng mga kerubin, at ikalat mo sa bayan. At sa aking paningin ay pumasok siya. 026 EZE 010 003 Ang mga kerubin nga ay nagsitayo sa dakong kanan ng bahay, nang ang lalake ay pumasok; at pinuno ng ulap ang pinakaloob na looban. 026 EZE 010 004 At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa kerubin, at tumayo sa itaas ng pintuan ng bahay; at ang bahay ay napuno ng ulap, at ang looban ay napuno ng ningning ng kaluwalhatian ng Panginoon. 026 EZE 010 005 At ang pagaspas ng mga pakpak ng mga kerubin ay narinig hanggang sa looban sa labas, na gaya ng tinig ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, pagka siya'y nagsasalita. 026 EZE 010 006 At nangyari, nang kaniyang utusan ang lalake na nakapanamit ng kayong lino, na sabihin, Kumuha ka ng apoy sa loob ng nagsisiikot na mga gulong mula sa pagitan ng mga kerubin, na siya'y pumasok, at tumayo sa tabi ng isang gulong. 026 EZE 010 007 At iniunat ng kerubin ang kaniyang kamay mula sa gitna ng mga kerubin sa apoy na nasa gitna ng mga kerubin, at kumuha niyaon, at inilagay sa mga kamay ng nakapanamit ng kayong lino, na siyang kumuha at lumabas. 026 EZE 010 008 At lumitaw sa gitna ng mga kerubin ang anyo ng kamay ng isang tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak. 026 EZE 010 009 At ako'y tumingin, at narito, apat na gulong ay nangasa tabi ng mga kerubin, isang gulong ay nasa tabi ng isang kerubin, at ang ibang gulong ay nasa tabi ng ibang kerubin; at ang anyo ng mga gulong ay gaya ng kulay ng batong berila. 026 EZE 010 010 At tungkol sa kanilang anyo, silang apat ay may isang pagkakawangis, na para bagang isang gulong na napasa loob ng isang gulong. 026 EZE 010 011 Pagka nagsisiyaon, ay nagsisiyaon sa kanilang apat na dako: hindi nagsisipihit habang nagsisiyaon, kundi ang kinahaharapan ng ulo ay siyang sinusundan nila: hindi nagsisipihit habang nagsisiyaon. 026 EZE 010 012 At ang kanilang buong katawan, at ang kanilang mga likod, at ang kanilang mga kamay, at ang kanilang mga pakpak, at ang mga gulong ay puno ng mga mata sa palibot, sa makatuwid baga'y ang mga gulong na tinatangkilik ng apat. 026 EZE 010 013 Tungkol sa mga gulong, tinawag sa aking pakinig, ang nagsisiikot na mga gulong. 026 EZE 010 014 At bawa't isa'y may apat na mukha: ang unang mukha ay mukha ng kerubin, at ang ikalawang mukha ay mukha ng tao, at ang ikatlo ay mukha ng leon, at ang ikaapat ay mukha ng isang aguila. 026 EZE 010 015 At ang mga kerubin ay napaitaas: ito ang nilalang na may buhay na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar. 026 EZE 010 016 At nang magsiyaon ang mga kerubin, ang mga gulong ay nagsiyaong kasiping nila: at nang itaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak upang paitaas mula sa lupa, ang mga gulong naman ay hindi nagsihiwalay sa siping nila. 026 EZE 010 017 Pagka sila'y nagsisitayo, ang mga ito ay nagsisitayo; at pagka sila'y nangapaiitaas, ang mga ito'y nangapaiitaas na kasama nila: sapagka't ang espiritu ng nilalang na may buhay ay nasa mga yaon. 026 EZE 010 018 At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumabas mula sa pintuan ng bahay, at lumagay sa ibabaw ng mga kerubin. 026 EZE 010 019 At itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak, at nangapaitaas mula sa lupa sa aking paningin, nang sila'y magsilabas, at ang mga gulong ay sa siping nila: at sila'y nagsitayo sa pintuan ng pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon; at ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas nila. 026 EZE 010 020 Ito ang nilalang na may buhay na aking nakita sa ilalim ng Dios ng Israel sa pangpang ng ilog Chebar; at naalaman ko na sila'y mga kerubin. 026 EZE 010 021 Bawa't isa'y may apat na mukha, at bawa't isa'y may apat na pakpak; at ang anyo ng mga kamay ng tao ay nasa ilalim ng kanilang mga pakpak. 026 EZE 010 022 At tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha, ay mga mukha na aking nakita sa pangpang ng ilog Chebar, ang kanilang mga anyo at sila rin; sila'y yumaon bawa't isa na patuloy. 026 EZE 011 001 Bukod dito'y itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa pintuang-daang silanganan ng bahay ng Panginoon, na nakaharap sa dakong silanganan: at narito, nasa pinto ng pintuang-daan ang dalawang pu't limang lalake; at nakita ko sa gitna nila si Jaazanias na anak ni Azur, at si Pelatias na anak ni Benaias, na mga prinsipe ng bayan. 026 EZE 011 002 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ito ang mga lalake na nagsisikatha ng kasamaan, at nagbibigay ng masamang payo sa bayang ito; 026 EZE 011 003 Na nagsasabi, Hindi malapit ang panahon ng pagtatayo ng mga bahay; ang bayang ito ang caldera, at tayo ang karne. 026 EZE 011 004 Kaya't manghula ka laban sa kanila, manghula ka, Oh anak ng tao. 026 EZE 011 005 At ang Espiritu ng Panginoon ay dumating sa akin, at sinabi niya sa akin, Salitain mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ganito ang inyong sinabi, Oh sangbahayan ni Israel; sapagka't nalalaman ko ang mga bagay na pumasok sa inyong pag-iisip. 026 EZE 011 006 Inyong pinarami ang inyong pinatay sa bayang ito, at inyong pinuno ang mga lansangan nito ng mga patay. 026 EZE 011 007 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang inyong mga patay na inyong ibinulagta sa gitna nito, ay karne, at ang bayang ito ay siyang caldera: nguni't kayo'y ilalabas sa gitna nito. 026 EZE 011 008 Kayo'y nangatakot sa tabak; at aking pararatingin ang tabak sa inyo, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 011 009 At aking ilalabas kayo sa gitna nito, at ibibigay ko kayo sa mga kamay ng mga taga ibang lupa, at maglalapat ako ng mga kahatulan sa inyo. 026 EZE 011 010 Kayo'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 011 011 Ang bayang ito ay hindi magiging inyong caldera, o kayo man ay magiging karne sa gitna nito, aking hahatulan kayo sa hangganan ng Israel; 026 EZE 011 012 At inyong malalaman na ako ang Panginoon: sapagka't kayo'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o inyo mang isinagawa ang aking mga kahatulan, kundi kayo'y nagsigawa ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansa na nangasa palibot ninyo. 026 EZE 011 013 At nangyari, nang ako'y nanghuhula, na si Pelatias na anak ni Benaias ay namatay. Nang magkagayo'y nasubasob ako, at ako'y sumigaw ng malakas, at aking sinabi, Ah Panginoong Dios! gagawa ka baga ng lubos na wakas sa nalabi sa Israel? 026 EZE 011 014 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi, 026 EZE 011 015 Anak ng tao, ang iyong mga kapatid, sa makatuwid baga'y ang iyong mga kapatid, na mga lalake sa iyong kamaganakan, at ang buong sangbahayan ni Israel, silang lahat, siyang mga pinagsabihan ng mga nananahan sa Jerusalem. Magsilayo kayo sa Panginoon; sa amin ay ibinigay ang lupaing ito na pinakaari. 026 EZE 011 016 Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bagaman sila'y aking inilayo sa gitna ng mga bansa, at bagaman aking pinangalat sila sa gitna ng mga lupain, gayon ma'y ako'y magiging pinaka santuario sa kanila sa sandaling panahon sa mga lupain na kanilang kapaparunan. 026 EZE 011 017 Kaya't iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking pipisanin kayo mula sa mga bayan, at titipunin ko kayo sa mga lupain na inyong pinangalatan, at aking ibibigay sa inyo ang lupain ng Israel. 026 EZE 011 018 At sila'y magsisiparoon, at kanilang aalisin ang lahat na karumaldumal na bagay niyaon, at ang lahat ng kasuklamsuklam niyaon, mula roon. 026 EZE 011 019 At aking bibigyan sila ng isang puso, at aking lalagyan ng bagong diwa ang loob ninyo; at aking aalisin ang batong puso sa kanilang laman, at aking bibigyan sila ng pusong laman; 026 EZE 011 020 Upang sila'y magsilakad sa aking mga palatuntunan, at ganapin ang aking mga kahatulan at isagawa: at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios. 026 EZE 011 021 Nguni't tungkol sa kanila na ang puso ay nagsisunod ayon sa kanilang mga karumaldumal na bagay, at sa kanilang mga kasuklamsuklam, aking pararatingin ang kanilang lakad sa kanilang sariling mga ulo, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 011 022 Nang magkagayo'y itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak, at ang mga gulong ay nangasa siping nila; at ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nasa itaas ng mga yaon. 026 EZE 011 023 At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napailanglang mula sa pinakaloob ng bayan, lumagay sa ibabaw ng bundok na nasa dakong silanganan ng bayan. 026 EZE 011 024 At itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa pangitain sa Caldea sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, sa kanila na mga bihag. Sa gayo'y ang pangitain na aking nakita ay napaitaas mula sa akin. 026 EZE 011 025 Nang magkagayo'y sinalita ko sa kanila na mga bihag ang lahat na bagay na ipinakita sa akin ng Panginoon. 026 EZE 012 001 Ang salita rin ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 012 002 Anak ng tao, ikaw ay tumatahan sa gitna ng mapanghimagsik na sangbahayan, na may mga mata na maititingin, at hindi nagsisitingin, na may mga pakinig na maipakikinig, at hindi nangakikinig; sapagka't sila'y isang mapanghimagsik na sangbahayan. 026 EZE 012 003 Kaya't ikaw na anak ng tao, maghanda ka ng daladalahan sa paglipat, at ikaw ay lumipat sa araw sa kanilang paningin; at ikaw ay lumipat mula sa iyong dako hanggang sa ibang dako sa kanilang paningin: baka sakaling sila'y magbulay, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan. 026 EZE 012 004 At iyong ilalabas ang iyong daladalahan sa araw sa kanilang paningin, na parang daladalahan sa paglipat; at ikaw ay lalabas sa hapon sa kanilang paningin, na gaya ng kung ang mga tao ay nangapasasa pagkatapon. 026 EZE 012 005 Bumutas ka sa pader sa kanilang paningin, at iyong ilabas doon. 026 EZE 012 006 Sa kanilang paningin ay iyong papasanin sa iyong balikat, at ilalabas sa pagdilim; iyong tatakpan ang iyong mukha, upang huwag mong makita ang lupa: sapagka't inilagay kita na pinakatanda sa sangbahayan ni Israel. 026 EZE 012 007 At aking ginawang gayon na gaya ng iniutos sa akin: aking inilabas ang aking daladalahan sa araw, na gaya ng daladalahan sa paglipat, at sa hapon ay bumutas ako ng aking kamay sa pader; aking inilabas sa dilim, at pinasan ko sa aking balikat sa kanilang paningin. 026 EZE 012 008 At nang kinaumagahan ay dumating ang salita ng Panginoon sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 012 009 Anak ng tao, hindi baga ang sangbahayan ni Israel na mapanghimagsik na sangbahayan, ay nagsabi sa iyo, Anong ginagawa mo? 026 EZE 012 010 Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang hulang ito ay tungkol sa prinsipe sa Jerusalem, at sa buong sangbahayan ni Israel na kinalalakipan nila. 026 EZE 012 011 Sabihin mo, Ako'y inyong tanda: kung ano ang aking ginawa, gayon ang gagawin sa kanila: sila'y mapapasa pagkatapon, sa pagkabihag. 026 EZE 012 012 At ang prinsipe na nasa gitna nila ay magpapasan sa kaniyang balikat sa pagdilim, at lalabas: sila'y magsisibutas sa pader upang ilabas doon: siya'y magtatakip ng kaniyang mukha, sapagka't hindi niya makikita ang lupa ng kaniyang mga mata. 026 EZE 012 013 Ang akin namang panilo ay aking ilaladlad sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo; at aking dadalhin siya sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo; gayon ma'y hindi niya makikita, bagaman siya'y mamamatay roon. 026 EZE 012 014 At aking pangangalatin sa bawa't dako ang lahat na nangasa palibot niya na nagsisitulong sa kaniya, at ang lahat niyang mga pulutong; at aking huhugutin ang tabak sa likuran nila. 026 EZE 012 015 At kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka sila'y aking pinanabog sa gitna ng mga bansa, at aking pinangalat sa mga lupain. 026 EZE 012 016 Nguni't magiiwan ako ng kaunting lalake sa kanila, na maiiwan ng tabak, ng kagutom, at ng salot, upang kanilang maipahayag ang lahat na kanilang kasuklamsuklam sa gitna ng mga bansa na kanilang pinaroroonan; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 012 017 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 012 018 Anak ng tao, kanin mo ang iyong tinapay na may panginginig, at inumin mo ang iyong tubig na may pangangatal at may pagkatakot; 026 EZE 012 019 At sabihin mo sa bayan ng lupain, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa lupain ng Israel. Sila'y magsisikain ng kanilang tinapay na may pagkatakot, at nanglulupaypay na iinom ng tubig, upang ang kaniyang lupain ay masira na mawawalan ng lahat na nandoon, dahil sa pangdadahas nilang lahat na nagsisitahan doon. 026 EZE 012 020 At ang mga bayan na tinatahanan ay mawawasak, at ang lupain ay masisira; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 012 021 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 012 022 Anak ng tao, ano ang kawikaang ito na sinasambit ninyo sa lupain ng Israel, na sinasabi, Ang mga kaarawan ay tumatagal, at ang bawa't pangitain ay nabubulaanan? 026 EZE 012 023 Saysayin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking papaglilikatin ang kawikaang ito, at hindi na sasambitin pang parang kawikaan sa Israel; kundi sabihin mo nga sa kanila, Ang mga kaarawan ay malapit na, at ang pagtupad ng lahat na pangitain. 026 EZE 012 024 Sapagka't hindi na magkakaroon pa ng walang kabuluhang pangitain o ng di tunay na panghuhula sa loob ng sangbahayan ni Israel. 026 EZE 012 025 Sapagka't ako ang Panginoon: ako'y magsasalita, at ang salita na aking sasalitain ay matutupad: hindi na magluluwat pa: sapagka't sa inyong mga kaarawan, Oh mapanghimagsik na sangbahayan, aking sasalitain ang salita, at aking tutuparin, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 012 026 Muling ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 012 027 Anak ng tao, narito, silang nasa sangbahayan ni Israel ay nagsasabi, Ang pangitain na kaniyang nakikita ay sa malaong mga araw na darating, at nanghuhula ng mga panahong malayo. 026 EZE 012 028 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Wala nang magluluwat pa sa aking mga salita, kundi ang salita na aking sasalitain ay matutupad, sabi ng Panginoon. 026 EZE 013 001 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 013 002 Anak ng tao, manghula ka laban sa mga propeta ng Israel na nanganghuhula, at sabihin mo sa kanila na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso, Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon: 026 EZE 013 003 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga hangal na mga propeta, na nagsisisunod sa kanilang sariling diwa, at walang nakitang anoman! 026 EZE 013 004 Oh Israel, ang iyong mga propeta ay naging parang mga zorra sa mga gibang dako. 026 EZE 013 005 Kayo'y hindi sumampa sa mga sira, o iginawa man ninyo ng kuta ang sangbahayan ni Israel, upang siya'y makatayo sa pakikipagbaka sa kaarawan ng Panginoon. 026 EZE 013 006 Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at hindi sila sinugo ng Panginoon; at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo. 026 EZE 013 007 Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula, sa inyong pagsasabi, Sabi ng Panginoon; yamang hindi ko sinalita? 026 EZE 013 008 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y nangagsasalita ng walang kabuluhan, at nangakakita ng mga kasinungalingan, kaya't, narito, ako'y laban sa inyo, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 013 009 At ang aking kamay ay magiging laban sa mga propeta na nangakakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kasinungalingan: sila'y hindi mapapasa kapulungan ng aking bayan, o masusulat man sa pasulatan ng sangbahayan ni Israel, o sila man ay magsisipasok sa lupain ng Israel; at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios. 026 EZE 013 010 Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang hinikayat ang aking bayan, na nangagsabi, Kapayapaan; at walang kapayapaan; at pagka ang isa ay nagtatayo ng isang kuta, narito, kanilang tinatapalan ng masamang argamasa: 026 EZE 013 011 Sabihin mo sa kanila na nangagtatapal ng masamang argamasa, na yao'y mababagsak: magkakaroon ng bugso ng ulan; at kayo. Oh malalaking granizo, ay babagsak; at isang unos na hangin ay titibag niyaon. 026 EZE 013 012 Narito, pagka ang kuta ay nabagsak, hindi baga sasabihin sa inyo: Saan nandoon ang tapal na inyong itinapal? 026 EZE 013 013 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin ngang titibagin ng unos na hangin sa aking kapusukan; at magkakaroon ng bugso ng ulan sa aking pagkagalit, at malalaking mga granizo sa kapusukan upang tunawin. 026 EZE 013 014 Gayon ko ibabagsak ang kuta na inyong tinapalan ng masamang argamasa, at aking ilalagpak sa lupa, na anopa't ang pinagsasaligan niyaon ay malilitaw: at mababagsak, at kayo'y malilipol sa gitna niyaon; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 013 015 Ganito ko wawakasan ang aking kapusukan sa kuta, at sa nangagtapal ng masamang argamasa; at sasabihin ko sa iyo, Ang kuta ay wala na, o ang nangagtatapal man; 026 EZE 013 016 Sa makatuwid baga'y ang mga propeta ng Israel, na nanganghuhula tungkol sa Jerusalem, at nangakakakita ng pangitaing kapayapaan para sa bayan, at walang kapayapaan, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 013 017 At ikaw, anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha laban sa mga anak na babae ng iyong bayan, na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso; at manghula ka laban sa kanila, 026 EZE 013 018 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga babae na nangananahi ng mga unan sa lahat ng siko, at nagsisigawa ng mga lambong na ukol sa ulo ng iba't ibang sukat upang manghuli ng mga kaluluwa! Hahanapin baga ninyo ang mga kaluluwa ng aking bayan, at mangagliligtas na buhay ng mga kaluluwa sa ganang inyong sarili? 026 EZE 013 019 At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at dahil sa mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang iligtas na buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan. 026 EZE 013 020 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa inyong mga unan, na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin. 026 EZE 013 021 Ang inyo namang mga lambong ay aking lalabnutin, at ililigtas ko ang aking bayan sa inyong kamay, at hindi na sila mangapapasa inyong kamay na mahanap; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 013 022 Sapagka't sa pamamagitan ng kasinungalingan ay inyong pinighati ang puso ng matuwid, na hindi ko pinalungkot, at inyong pinalakas ang kamay ng masama, upang huwag humiwalay sa kaniyang masamang lakad, at maligtas na buhay; 026 EZE 013 023 Kaya't hindi na kayo mangakakakita ng walang kabuluhang pangitain o manganghuhula man ng mga panghuhula: at aking ililigtas ang aking bayan mula sa inyong kamay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 014 001 Nang magkagayo'y lumapit sa akin ang ilan sa mga matanda sa Israel, at nangaupo sa harap ko. 026 EZE 014 002 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na nagsasabi, 026 EZE 014 003 Anak ng tao, tinaglay ng mga lalaking ito ang kanilang mga diosdiosan sa kanilang puso, at inilagay ang katitisuran ng kanilang kasamaan sa harap ng kanilang mukha: dapat bagang sanggunian nila ako? 026 EZE 014 004 Kaya't salitain mo sa kanila, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Bawa't tao sa sangbahayan ni Israel na nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso, at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha, at naparoroon sa propeta; akong Panginoon ay sasagot sa kaniya roon ng ayon sa karamihan ng kaniyang mga diosdiosan; 026 EZE 014 005 Upang aking makuha ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling puso sapagka't silang lahat ay nagsilayo sa akin dahil sa kanilang mga diosdiosan. 026 EZE 014 006 Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Mangagbalik-loob kayo, at kayo'y magsitalikod sa inyong mga diosdiosan; at ihiwalay ninyo ang inyong mga mukha sa lahat ninyong kasuklamsuklam. 026 EZE 014 007 Sapagka't bawa't tao sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang lupa na nangananahan sa Israel, na humihiwalay ng kaniyang sarili sa akin, at nagtataglay ng kaniyang mga diosdiosan sa kaniyang puso, at naglalagay ng katitisuran ng kaniyang kasamaan sa harap ng kaniyang mukha, at naparoroon sa propeta upang magusisa sa akin tungkol sa kaniyang sarili; akong Panginoon ang sasagot sa kaniya: 026 EZE 014 008 At aking ititingin ang aking mukha laban sa taong yaon, at aking gagawin siyang katigilan, na pinakatanda at pinaka kawikaan, at aking ihihiwalay siya sa gitna ng aking bayan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 014 009 At kung ang propeta ay madaya at magsalita ng isang salita, akong Panginoon ang dumaya sa propetang yaon, at aking iuunat ang aking kamay sa kaniya, at papatayin ko siya mula sa gitna ng aking bayang Israel. 026 EZE 014 010 At kanilang dadanasin ang kanilang kasamaan: ang kasamaan ng propeta ay magiging gaya nga ng kasamaan niya na humahanap sa kaniya; 026 EZE 014 011 Upang ang sangbahayan ni Israel ay huwag nang maligaw pa sa akin, o mahawa pa man sa lahat nilang pagsalangsang; kundi upang sila'y maging aking bayan, at ako'y maging kanilang Dios, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 014 012 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 014 013 Anak ng tao, pagka ang isang lupain ay nagkasala laban sa akin ng pagsalangsang, at aking iniunat ang aking kamay roon, at aking binali ang tungkod ng tinapay niyaon, at nagsugo ako ng kagutom doon, at aking inihiwalay roon ang tao at hayop; 026 EZE 014 014 Bagaman ang tatlong lalaking ito, na si Noe, si Daniel at si Job, ay nangandoon, ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling mga kaluluwa, sa pamamagitan ng kanilang katuwiran, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 014 015 Kung aking paraanin ang mga mabangis na hayop sa lupain, at kanilang sirain, at ito'y magiba na anopa't walang taong makadaan dahil sa mga hayop; 026 EZE 014 016 Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man; sila lamang ang maliligtas, nguni't ang lupain ay masisira. 026 EZE 014 017 O kung ako'y magpasapit ng tabak sa lupaing yaon, at aking sabihin, Tabak, dumaan ka sa lupain; na anopa't aking ihiwalay roon ang tao at hayop; 026 EZE 014 018 Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, sila'y hindi mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man, kundi sila lamang ang maliligtas. 026 EZE 014 019 O kung ako'y magsugo ng salot sa lupaing yaon, at aking ibugso ang aking kapusukan sa kaniya na may kabagsikan, upang ihiwalay ang tao't hayop; 026 EZE 014 020 Bagaman si Noe, si Daniel, at si Job, ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man; ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling kaluluwa sa pamamagitan ng kanilang katuwiran. 026 EZE 014 021 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Gaano pa nga kaya kung aking pasapitin ang aking apat na mahigpit na kahatulan sa Jerusalem, ang tabak, at ang kagutom, at ang mabangis na hayop, at ang salot, upang ihiwalay roon ang tao at hayop? 026 EZE 014 022 Gayon ma'y, narito, doo'y maiiwan ang isang nalabi na ilalabas, mga anak na lalake at sangpu ng babae: narito, kanilang lalabasin kayo, at inyong makikita ang kanilang mga lakad at ang kanilang mga gawa; at kayo'y mangaaaliw tungkol sa kasamaan na aking pinasapit sa Jerusalem, tungkol sa lahat na aking pinasapit doon. 026 EZE 014 023 At kanilang aaliwin kayo pagka nakikita ninyo ang kanilang lakad at ang kanilang mga gawa at inyong makikilala na hindi ko ginawang walang kadahilanan ang lahat na aking ginawa roon, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 015 001 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi. 026 EZE 015 002 Anak ng tao, ano ang higit ng puno ng baging kay sa alin mang puno ng kahoy, ng sanga ng puno ng baging na nasa gitna ng mga punong kahoy sa gubat? 026 EZE 015 003 Makakakuha baga ng kahoy doon upang gawing anomang kayarian? o makakakuha baga roon ang mga tao ng tulos upang mapagsabitan ng anomang kasangkapan? 026 EZE 015 004 Narito, inihahagis sa apoy na parang panggatong; sinusupok ng apoy ang dalawang dulo niyaon, at ang gitna niyao'y nasusunog; magagamit baga sa anomang gawain? 026 EZE 015 005 Narito, ng buo pa, hindi nagagamit sa anomang gawain: gaano pa nga kaya, pagka nasupok ng apoy, at nasunog, magagamit pa baga sa anomang gawain? 026 EZE 015 006 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Kung paano ang puno ng baging sa gitna ng mga puno ng kahoy sa gubat, na aking ibinigay sa apoy na panggatong, gayon ko ibibigay ang mga nananahan sa Jerusalem. 026 EZE 015 007 At aking ititingin ang aking mukha laban sa kanila: sila'y magsisilabas sa apoy, nguni't susupukin sila ng apoy; at inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking itiningin ang aking mukha laban sa kanila. 026 EZE 015 008 At aking sisirain ang lupain, sapagka't sila'y gumawa ng pagsalangsang, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 016 001 Muling ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi. 026 EZE 016 002 Anak ng tao, ipakilala mo sa Jerusalem ang kaniyang mga kasuklamsuklam. 026 EZE 016 003 At sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa Jerusalem: Ang iyong pinagmulan at ang iyong kapanganakan ay ang lupain ng Cananeo; ang Amorrheo ay iyong Ama, at ang iyong ina ay Hethea. 026 EZE 016 004 At tungkol sa iyong kapanganakan, nang araw na ikaw ay ipanganak ay hindi naputol ang iyong pusod, o napaliguan ka man sa tubig upang linisin ka; ikaw ay hindi pinahiran ng asin, o nabalot man. 026 EZE 016 005 Walang matang nahabag sa iyo; upang gawin ang anoman sa mga ito sa iyo, na maawa sa iyo; kundi ikaw ay nahagis sa luwal na parang, sapagka't ang iyong pagkatao ay itinakuwil, nang araw na ikaw ay ipanganak. 026 EZE 016 006 At nang ako'y dumaan sa tabi mo, at makita kita na nagugumon sa iyong dugo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka: oo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka. 026 EZE 016 007 Pinarami kita na parang damo sa parang, at ikaw ay kumapal at dumakilang mainam, at ikaw ay nagtamo ng mainam na kagayakan: ang iyong dibdib ay naganyo, at ang iyong buhok ay lumago; gayon ma'y ikaw ay hubo at hubad. 026 EZE 016 008 Nang ako nga'y magdaan sa tabi mo, at tumingin sa iyo, narito, ang iyong panahon ay panahon ng pagibig; at aking iniladlad ang aking balabal sa iyo, at tinakpan ko ang iyong kahubaran: oo, ako'y sumumpa sa iyo, at nakipagtipan sa iyo, sabi ng Panginoong Dios, at ikaw ay naging akin. 026 EZE 016 009 Nang magkagayo'y pinaliguan kita ng tubig; oo, aking nilinis na mainam ang iyong dugo, at pinahiran kita ng langis. 026 EZE 016 010 Binihisan din naman kita ng yaring may burda, at sinapatusan kita ng balat ng foka, at binigkisan kita sa palibot ng mainam na kayong lino, at binalot kita ng sutla. 026 EZE 016 011 Ginayakan din naman kita ng hiyas, at nilagyan ko ng mga pulsera ang iyong mga kamay, at ng isang kuwintas ang iyong leeg. 026 EZE 016 012 At nilagyan ko ng hikaw ang iyong ilong, at ng mga hikaw ang iyong mga tainga, at isang magandang putong ang iyong ulo. 026 EZE 016 013 Ganito ka nagayakan ng ginto at pilak; at ang iyong damit ay mainam na kayong lino, at sutla at yaring may burda; ikaw ay kumain ng mainam na harina, at ng pulot, at ng langis; at ikaw ay lubhang maganda, at ikaw ay guminhawa sa kalagayang pagkahari. 026 EZE 016 014 At ang iyong kabantugan ay nangalat sa gitna ng mga bansa dahil sa iyong kagandahan; sapagka't naging sakdal dahil sa aking kamahalan na aking inilagay sa iyo, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 016 015 Nguni't ikaw ay tumiwala sa iyong kagandahan, at nagpatutot dahil sa iyong kabantugan, at ikinalat mo ang iyong mga pakikiapid sa bawa't nagdaraan; yao'y kaniya nga. 026 EZE 016 016 At kinuha mo ang iyong mga suot, at ginawa mo para sa iyo ang mga mataas na dako na kagayakan na may sarisaring kulay, at nagpatutot sa kanila: ang gayong mga bagay ay hindi na darating, o mangyayari pa man. 026 EZE 016 017 Kinuha mo naman ang iyong mga magandang hiyas na ginto at pilak, na aking ibinigay sa iyo, at ginawa mo sa iyo ng mga larawan ng mga tao, at iyong ipinagpatutot sa kanila; 026 EZE 016 018 At iyong kinuha ang iyong mga bihisang may burda, at ibinalot mo sa kanila, at inilagay mo ang aking langis at ang aking kamangyan sa harap nila. 026 EZE 016 019 Ang aking tinapay naman na aking ibinigay sa iyo, mainam na harina, at langis, pulot, na aking ipinakain sa iyo, iyong inilagay nga sa harap nila na pinakamasarap na amoy; at ganito nangyari, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 016 020 Bukod dito'y kinuha mo ang iyong mga anak na lalake at babae, na iyong ipinanganak sa akin, at ang mga ito ay iyong inihain sa kanila upang lamunin. Ang iyo bagang mga pakikiapid ay maliit na bagay. 026 EZE 016 021 Na iyong pinatay ang aking mga anak, at iyong ibinigay sila na pinararaan sila sa apoy? 026 EZE 016 022 At sa lahat ng iyong mga kasuklamsuklam, at ng iyong mga pakikiapid hindi mo inalaala ang mga kaarawan ng iyong kabataan, nang ikaw ay hubo at hubad, at nagugumon sa iyong dugo. 026 EZE 016 023 At nangyari, pagkatapos ng iyong buong kasamaan (sa aba, sa aba mo! sabi ng Panginoong Dios), 026 EZE 016 024 Na ikaw ay nagtayo para sa iyo ng isang matayog na dako, at gumawa ka para sa iyo ng mataas na dako sa bawa't lansangan. 026 EZE 016 025 Itinayo mo ang iyong mataas na dako sa bawa't bukana ng daan, at ginawa mong kasuklamsuklam ang iyong kagandahan, at ibinuka mo ang iyong mga paa sa bawa't nagdaraan, at pinarami mo ang iyong pakikiapid. 026 EZE 016 026 Ikaw naman ay nakiapid din sa mga taga Egipto, na iyong mga kalapit bayan, na malaki sa pangangatawan; at iyong pinarami ang iyong pakikiapid upang mungkahiin mo ako sa galit. 026 EZE 016 027 Narito nga, iniunat ko ang aking kamay sa iyo, at binawasan ko ang iyong karaniwang pagkain, at ibinigay kita sa balang maibigan ng nangagtatanim sa iyo, na mga anak na babae ng mga Filisteo, na nangapapahiya sa iyong kalibugan. 026 EZE 016 028 Ikaw naman ay nagpatutot din sa mga taga Asiria, sapagka't ikaw ay hindi nasisiyahan: oo, ikaw ay nagpatutot sa kanila, at gayon ma'y hindi ka nasisiyahan. 026 EZE 016 029 Bukod dito'y iyong pinarami ang iyong pakikiapid sa lupain ng Canaan, hanggang sa Caldea; at gayon ma'y hindi ka nasisiyahan. 026 EZE 016 030 Pagkahinahina ng iyong loob, sabi ng Panginoong Dios, palibhasa'y iyong ginagawa ang lahat na bagay na ito, na gawa ng isang hambog na patutot: 026 EZE 016 031 Sa iyong pagtatayo ng iyong matayog na dako sa bukana ng bawa't daan, at ginagawa mo ang iyong mataas na dako sa bawa't lansangan; at hindi ka naging gaya ng isang patutot sa iyong pagwawalang kabuluhan ng upa. 026 EZE 016 032 Isang babae na napakakalunya! na tumatanggap sa iba na kahalili ng kaniyang asawa! 026 EZE 016 033 Sila'y nagbibigay ng mga kaloob sa lahat ng mga patutot: nguni't ikaw ay nagbibigay ng iyong mga kaloob sa lahat na mangliligaw sa iyo, at iyong sinusuhulan sila, upang sila'y magsilapit sa iyo sa bawa't dako, dahil sa iyong mga pakikiapid. 026 EZE 016 034 At ang kaibahan ng ibang mga babae ay nasa iyo sa iyong mga pakikiapid, sa paraang walang sumusunod sa iyo upang makiapid: at sa iyong pagbibigay ng upa, at walang upa na ibinibigay sa iyo, kaya't ikaw ay kaiba. 026 EZE 016 035 Kaya't, Oh patutot, pakinggan mo ang salita ng Panginoon: 026 EZE 016 036 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang iyong karumihan ay nahayag, at ang iyong kahubaran ay nalitaw sa iyong mga pakikiapid sa mga mangliligaw sa iyo; at dahil sa lahat ng diosdiosan na iyong mga kasuklamsuklam, at dahil sa dugo ng iyong mga anak, na iyong ibinigay sa kanila; 026 EZE 016 037 Kaya't, narito, aking pipisanin ang lahat na mangingibig sa iyo, na iyong pinagkaroonan ng kalayawan, at lahat ng iyong inibig, sangpu ng lahat na iyong kinapuotan; akin ngang pipisanin sila laban sa iyo sa bawa't dako, at aking ililitaw ang iyong kahubaran sa kanila, upang kanilang makita ang iyong buong kahubaran. 026 EZE 016 038 At aking hahatulan ka na gaya ng hatol sa mga babaing nangangalunya at nagbububo ng dugo; at aking dadalhin sa iyo ang dugo ng kapusukan at ng paninibugho. 026 EZE 016 039 Ikaw ay ibibigay ko rin sa kanilang kamay, at kanilang ibabagsak ang iyong matayog na dako, at igigiba ang iyong mga mataas na dako, at kanilang huhubaran ka ng iyong mga suot, at kukunin ang iyong magandang mga hiyas; at kanilang iiwan ka na hubo at hubad. 026 EZE 016 040 Sila naman ay mangagaahon ng isang pulutong laban sa iyo, at babatuhin ka nila ng mga bato, at palalagpasan ka ng kanilang mga tabak. 026 EZE 016 041 At susunugin nila ng apoy ang iyong mga bahay, at maglalapat ng mga kahatulan sa iyo sa paningin ng maraming babae; at aking patitigilin ka sa pagpapapatutot, at ikaw naman ay hindi na magbibigay pa ng upa. 026 EZE 016 042 Sa gayo'y aking papawiin ang aking kapusukan sa iyo, at ang aking paninibugho ay hihiwalay sa iyo, at ako'y matatahimik, at hindi na magagalit pa. 026 EZE 016 043 Sapagka't hindi mo naalaala ang mga kaarawan ng iyong kabataan, kundi ako'y pinapagiinit mo sa lahat ng mga bagay na ito; kaya't, narito, akin namang pararatingin ang iyong lakad sa iyong ulo, sabi ng Panginoong Dios: at hindi ka na gagawa ng kahalayang ito, na higit kay sa lahat ng iyong mga kasuklamsuklam. 026 EZE 016 044 Narito, bawa't sumasambit ng mga kawikaan ay sasambitin ang kawikaang ito laban sa iyo, na sasabihin, Kung ano ang ina, gayon ang kaniyang anak na babae. 026 EZE 016 045 Ikaw ang anak na babae ng iyong ina, na nagtakuwil ng kaniyang asawa at ng kaniyang mga anak; at ikaw ang kapatid ng iyong mga kapatid, na nagtakuwil ng kanilang mga asawa at ng kanilang mga anak: ang inyong ina ay Hetea, at ang inyong ama ay Amorrheo. 026 EZE 016 046 At ang iyong panganay na kapatid na babae ay ang Samaria na tumatahan sa iyong kaliwa, siya at ang kaniyang mga anak na babae; at ang iyong bunsong kapatid na babae na tumatahan sa iyong kanan ay Sodoma at ang kaniyang mga anak. 026 EZE 016 047 Gayon ma'y hindi ka lumakad sa kanilang mga lakad, o gumawa man ng ayon sa kanilang kasuklamsuklam, kundi wari napakaliit na bagay, ikaw ay hamak na higit kay sa kanila sa lahat ng iyong mga lakad. 026 EZE 016 048 Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, ang Sodoma na iyong kapatid na babae ay hindi gumawa, siya o ang kaniyang mga anak na babae man, na gaya ng iyong ginawa, ng ginawa mo, at ng iyong mga anak na babae. 026 EZE 016 049 Narito, ito ang kasamaan ng iyong kapatid na babae na Sodoma; kapalaluan, kayamuan sa tinapay, at ang malabis na kapahingahan ay nasa kaniya at sa kaniyang mga anak na babae; at hindi man niya pinalakas ang kamay ng dukha at mapagkailangan. 026 EZE 016 050 At sila'y palalo at gumawa ng kasuklamsuklam sa harap ko: kaya't aking inalis sila, ayon sa aking minagaling. 026 EZE 016 051 Kahit ang Samaria ay hindi nakagawa ng kalahati ng iyong mga kasalanan, nguni't pinarami mo ang iyong mga kasuklamsuklam na higit kay sa kanila, at iyong pinabuti ang iyong mga kapatid na babae sa pamamagitan ng lahat mong mga kasuklamsuklam na iyong ginawa. 026 EZE 016 052 Ikaw rin naman, taglayin mo ang iyong sariling kahihiyan, sa iyong paglalapat ng kahatulan sa iyong mga kapatid na babae; sa iyong mga kasalanan na iyong nagawa na higit na kasuklamsuklam kay sa kanila, sila'y lalong matuwid kay sa iyo: oo, malito ka, at taglayin mo ang iyong kahihiyan, sa iyong pagpapabuti sa iyong mga kapatid na babae. 026 EZE 016 053 At aking panunumbalikin uli sila mula sa kanilang pagkabihag, sa pagkabihag ng Sodoma at ng kaniyang mga anak na babae, at sa pagkabihag ng Samaria at ng kaniyang mga anak na babae, at sa pagkabihag ng iyong mga bihag sa gitna nila. 026 EZE 016 054 Upang iyong taglayin ang iyong sariling kahihiyan, at ikaw ay mapahiya dahil sa lahat na iyong ginawa sa iyong pagaliw sa kanila. 026 EZE 016 055 At ang iyong mga kapatid na babae ang Sodoma at ang kaniyang mga anak na babae mangagbabalik sa kanilang dating kalagayan; at ang Samaria at ang kaniyang mga anak na babae ay mangagbabalik sa kanilang dating kalagayan; at ikaw at ang iyong mga anak ay mangagbabalik sa inyong dating kalagayan. 026 EZE 016 056 Sapagka't ang iyong kapatid na babae na Sodoma ay hindi nabanggit ng iyong bibig sa kaarawan ng iyong kapalaluan; 026 EZE 016 057 Bago nalitaw ang iyong kasamaan, gaya sa panahon ng kapulaan sa mga anak na babae ng Siria, at sa lahat na nangasa palibot niya, na mga anak na babae ng mga Filisteo, na siyang kumukutya sa iyo sa palibot. 026 EZE 016 058 Iyong isinagawa ang iyong kahalayan at ang iyong mga kasuklamsuklam, sabi ng Panginoon. 026 EZE 016 059 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin namang gagawin sa iyo na gaya ng iyong ginawa, na iyong hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan. 026 EZE 016 060 Gayon ma'y aalalahanin ko ang aking tipan sa iyo nang mga kaarawan ng iyong kabataan, at aking itatatag sa iyo ang isang walang hanggang tipan. 026 EZE 016 061 Kung magkagayo'y aalalahanin mo ang iyong mga lakad, at mapapahiya ka, pagka iyong tatanggapin ang iyong mga kapatid na babae, ang iyong mga matandang kapatid at ang iyong batang kapatid: at aking ibibigay sila sa iyo na mga pinakaanak na babae, nguni't hindi sa pamamagitan ng iyong tipan. 026 EZE 016 062 At aking itatatag ang aking tipan sa iyo; at iyong malalaman na ako ang Panginoon; 026 EZE 016 063 Upang iyong maalaala, at malito ka, at kailan pa man ay hindi mo na bukahin ang iyong bibig, dahil sa iyong kahihiyan, pagka aking pinatawad ka ng lahat na iyong nagawa, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 017 001 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 017 002 Anak ng tao, magbugtong ka, at magsalita ka ng talinhaga sa sangbahayan ni Israel; 026 EZE 017 003 At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Isang malaking aguila na may mga malaki at mahabang pakpak na puno ng mga balahibo, na may sarisaring kulay, naparoon sa Libano, at kinuha ang dulo ng cedro: 026 EZE 017 004 Kaniyang binali ang pinakamataas na sariwang mga sanga niyaon, at dinala sa isang lupain na kalakalan; inilagay niya sa isang bayan ng mga mangangalakal. 026 EZE 017 005 Kumuha rin siya sa binhi ng lupain, at itinanim sa isang mainam na lupa; itinanim niya sa tabi ng maraming tubig; kaniyang itinanim na parang puno ng kahoy na sauce. 026 EZE 017 006 At tumubo, at naging mayabong, na puno ng baging na mababa, na ang mga sanga ay patungo sa dako niya, at ang mga ugat niyao'y nasa ilalim niya; sa gayo'y naging isang puno ng baging, at nagsanga, at nagsupling. 026 EZE 017 007 May iba namang malaking aguila na may mga malaking pakpak at maraming balahibo: at, narito, ang puno ng baging na ito ay pumihit ang mga ugat niyaon, sa dako niya, at isinupling ang kaniyang mga sanga sa dako niya mula sa mga pitak na kinatatamanan, upang kaniyang madilig. 026 EZE 017 008 Natanim sa isang mabuting lupa sa siping ng maraming tubig, upang makapagsanga, at makapagbunga, upang maging mabuting puno ng baging. 026 EZE 017 009 Sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Giginhawa baga yaon? hindi baga niya bubunutin ang mga ugat niyaon, at kikitlin ang bunga niyaon, upang matuyo; upang ang lahat na sariwang ladlad na mga dahon niyaon ay mangatuyo? at hindi sa pamamagitan ng malakas na bisig o maraming tao ay ito'y mabubunot sa mga ugat. 026 EZE 017 010 Oo, narito, yamang natanim ay giginhawa baga? hindi baga lubos na matutuyo pagka nahipan siya ng hanging silanganan? matutuyo sa mga pitak na tinubuan niya. 026 EZE 017 011 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi: 026 EZE 017 012 Sabihin mo nga sa mapanghimagsik na sangbahayan, Hindi baga ninyo nalalaman ang kahulugan ng mga bagay na ito? saysayin mo sa kanila, Narito, ang hari sa Babilonia ay dumating sa Jerusalem, at kinuha ang hari niyaon, at ang mga prinsipe niyaon, at dinala niya sa Babilonia. 026 EZE 017 013 At siya'y kumuha sa lahing hari, at nakipagtipan siya sa kaniya: isinailalim din niya siya sa panunumpa, at dinala ang mga dakila sa lupain; 026 EZE 017 014 Upang ang kaharian ay mababa, upang huwag makataas, kundi sa pagiingat ng kaniyang tipan ay mapatayo. 026 EZE 017 015 Nguni't siya'y nanghimagsik laban sa kaniya sa pagpapadala ng kaniyang mga sugo sa Egipto, upang mabigyan nila siya ng mga kabayo at maraming tao. Giginhawa baga siya? makatatanan baga siya na gumagawa ng ganyang mga bagay? makatatahan kaya siya na sumira ng tipan? 026 EZE 017 016 Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, tunay na sa dakong tinatahanan ng hari na pinaggawaan sa kaniyang hari, na ang sumpa ay hinamak niya, at ang tipan ay sinira niya, siya nga'y mamamatay sa gitna ng Babilonia na kasama niya. 026 EZE 017 017 Kahit si Faraon man sangpu ng kaniyang makapangyarihang hukbo at malaking pulutong sa pakikidigma ay walang magagawa, pagka sila'y mangagtitindig ng mga bunton; at mangagtatayo ng mga katibayan, upang pumatay ng maraming mga tao. 026 EZE 017 018 Sapagka't kaniyang hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan; at narito, naiabot na niya ang kaniyang kamay, at gayon ma'y ginawa ang lahat na bagay na ito; siya'y hindi makatatanan. 026 EZE 017 019 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Buhay ako, walang pagsalang ang panunumpa sa akin na kaniyang hinamak, at ang tipan sa akin na kaniyang sinira, aking pararatingin sa kaniyang sariling ulo. 026 EZE 017 020 At aking ilalagay ang aking panilo sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo, at dadalhin ko siya sa Babilonia, at siya'y aking hahatulan doon dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang laban sa akin. 026 EZE 017 021 At ang lahat niyang mga tanan sa lahat niyang pulutong ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang nalabi ay mangangalat sa bawa't dako: at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagsalita niyaon. 026 EZE 017 022 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Kukuha naman ako sa dulo ng mataas na cedro, at aking itatanim; sa pinakamataas ng kaniyang sariwang sanga ay puputol ako ng supling, at aking itatanim sa isang mataas na bundok at matayog: 026 EZE 017 023 Sa bundok na kaitaasan ng Israel ay aking itatanim: at magsasanga at magbubunga, at magiging mainam na cedro: at sa lilim niyao'y tatahan ang lahat na ibon na ma'y iba't ibang uri; sa lilim ng mga sanga niyaon magsisitahan sila. 026 EZE 017 024 At ang lahat na punong kahoy sa parang ay makakaalam na akong Panginoon ang nagbaba sa mataas na punong kahoy, nagtaas sa mababang punong kahoy, tumuyo sa sariwang punong kahoy, at nagpanariwa sa tuyong punong kahoy: akong Panginoon ang nagsalita at gumawa niyaon. 026 EZE 018 001 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 018 002 Anong ibig ninyong sabihin na inyong sinasambit ang kawikaang ito tungkol sa lupain ng Israel, na sinasabi, Kinain ng mga magulang ang mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga anak ay nagsisipangilo? 026 EZE 018 003 Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi na ninyo sasambitin pa ang kawikaang ito sa Israel. 026 EZE 018 004 Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay. 026 EZE 018 005 Nguni't kung ang isang tao ay maging ganap, at gumawa ng tapat at matuwid, 026 EZE 018 006 At hindi kumain sa mga bundok, o itinaas man ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel, o nadumhan man ang asawa ng kaniyang kapuwa, o lumapit man sa isang babae na may kapanahunan: 026 EZE 018 007 At hindi pumighati sa kanino man, kundi nagsauli ng sangla sa mangungutang sa kaniya, hindi sumamsam ng anoman sa pamamagitan ng pangdadahas nagbigay ng kaniyang tinapay sa gutom, at nagbalot ng kasuutan sa hubad; 026 EZE 018 008 Siya na hindi nagbigay na may patubo, o kumuha man ng anomang pakinabang, na iniurong ang kaniyang kamay sa kasamaan, gumawa ng tunay na kahatulan sa tao't tao, 026 EZE 018 009 Lumakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, at nagingat ng aking mga kahatulan upang gawing may katotohanan; siya'y ganap, siya'y walang pagsalang mabubuhay, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 018 010 Kung siya'y magkaanak ng isang lalake na tulisan, mangbububo ng dugo, at gumagawa ng alin man sa mga ganitong bagay, 026 EZE 018 011 At hindi gumagawa ng alin man sa mga katungkulang yaon, kundi kumain nga sa mga bundok, at nadumhan ang asawa ng kaniyang kapuwa, 026 EZE 018 012 Pumighati ng dukha at mapagkailangan, sumamsam sa pamamagitan ng pangdadahas, hindi nagsauli ng sangla, at itinaas ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan, gumawa ng kasuklamsuklam. 026 EZE 018 013 Nagbigay na may patubo, at tumanggap ng pakinabang; mabubuhay nga baga siya? siya'y hindi mabubuhay: kaniyang ginawa ang lahat na kasuklamsuklam na ito: siya'y walang pagsalang mamamatay; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya. 026 EZE 018 014 Ngayon, narito, kung siya'y magkaanak ng isang lalake, na nakikita ang lahat na kasalanan ng kaniyang ama na ginawa, at natatakot, at hindi gumagawa ng gayon; 026 EZE 018 015 Na hindi kumain sa mga bundok, o itinaas man ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel; hindi nadumhan ang asawa ng kaniyang kapuwa, 026 EZE 018 016 O pumighati man sa kanino man, hindi tumanggap ng anomang sangla, o sumamsam man sa pamamagitan ng pangdadahas, kundi nagbigay ng kaniyang tinapay sa gutom, at nagbalot ng kasuutan sa hubad; 026 EZE 018 017 Na iniurong ang kaniyang kamay sa dukha, na hindi tumanggap ng patubo o ng pakinabang man, ginawa ang aking mga kahatulan, lumakad sa aking mga palatuntunan, hindi siya mamamatay, ng dahil sa kasamaan ng kaniyang ama, siya'y walang pagsalang mabubuhay. 026 EZE 018 018 Tungkol sa kaniyang ama, sapagka't siya'y pumighating may kabagsikan, sumamsam sa kaniyang kapatid sa pamamagitan ng pangdadahas, at gumawa ng hindi mabuti sa gitna ng kaniyang bayan, narito siya'y mamamatay sa kaniyang kasamaan. 026 EZE 018 019 Gayon ma'y sinasabi ninyo, Bakit hindi dinadala ng anak ang kasamaan ng ama? Pagka ginawa ng anak ang tapat at matuwid, at nag-ingat ng lahat na aking palatuntunan, at isinagawa, siya'y walang pagsalang mabubuhay. 026 EZE 018 020 Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya. 026 EZE 018 021 Nguni't kung ang masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at matuwid, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay. 026 EZE 018 022 Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya. 026 EZE 018 023 Mayroon baga akong anomang kasayahan sa kamatayan ng masama? sabi ng Panginoong Dios: at hindi baga mabuti na siya'y humiwalay sa kaniyang lakad, at mabuhay? 026 EZE 018 024 Nguni't pagka ang matuwid ay humiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at gumagawa ng ayon sa lahat na kasuklamsuklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay baga siya? Walang aalalahanin sa kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa: sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang, at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ipinagkasala, sa mga yaon mamamatay siya. 026 EZE 018 025 Gayon ma'y inyong sinasabi, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Pakinggan mo ngayon, Oh sangbahayan ni Israel, Hindi baga ang aking daan ay matuwid? hindi baga ang iyong mga lakad ang di matuwid? 026 EZE 018 026 Pagka ang matuwid ay humihiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at kinamamatayan; sa kasamaan na kaniyang nagawa ay mamamatay siya. 026 EZE 018 027 Muli, pagka ang masama ay humihiwalay sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa, at gumawa ng tapat at matuwid, kaniyang ililigtas na buhay ang kaniyang kaluluwa. 026 EZE 018 028 Sapagka't siya'y nagmunimuni, at humiwalay sa lahat niyang pagsalangsang na kaniyang nagawa, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay. 026 EZE 018 029 Gayon ma'y sabi ng sangbahayan ni Israel, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Oh sangbahayan ni Israel, hindi baga ang aking mga daan ay matuwid? hindi baga ang iyong mga lakad ay ang di matuwid? 026 EZE 018 030 Kaya't hahatulan ko kayo, Oh sangbahayan ni Israel, bawa't isa'y ayon sa kaniyang mga lakad, sabi ng Panginoong Dios. Kayo'y mangagbalik-loob, at magsihiwalay kayo sa lahat ninyong pagsalangsang; sa gayo'y ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan. 026 EZE 018 031 Inyong iwaksi ang lahat ninyong pagsalangsang, na inyong isinalangsang: at kayo'y magbagong loob at magbagong diwa: sapagka't bakit kayo mamamatay, Oh angkan ni Israel? 026 EZE 018 032 Sapagka't wala akong kasayahan sa kamatayan niya na namamatay, sabi ng Panginoong Dios: kaya't magsipagbalik-loob kayo, at kayo'y mangabuhay. 026 EZE 019 001 Bukod dito'y magbadya ka ng isang taghoy na ukol sa mga prinsipe sa Israel. 026 EZE 019 002 At iyong sabihin, naging ano baga ang iyong ina? Isang leona: siya'y humiga sa gitna ng mga leon, sa gitna ng mga batang leon, pinakain niya ang kaniyang mga anak. 026 EZE 019 003 At pinalaki niya ang isa sa kaniyang mga anak: yao'y naging isang batang leon, at yao'y natuto na manghuli at lumamon ng mga tao. 026 EZE 019 004 Narinig naman yaon ng mga bansa; yao'y nahuli sa kanilang hukay; at dinala nila yaon na natatanikalaan sa lupain ng Egipto. 026 EZE 019 005 Nang makita nga niya na siya'y naghintay, at ang kaniyang pagasa ay nawala, kumuha nga siya ng iba sa kaniyang mga anak, at ginawang batang leon. 026 EZE 019 006 At yao'y nagpanhik manaog sa gitna ng mga leon, yao'y naging batang leon; at yao'y natuto na manghuli, at lumamon ng mga tao. 026 EZE 019 007 At naalaman niya ang kanilang mga palacio, at sinira ang kanilang mga bayan; at ang lupain ay nagiba, at ang lahat na nangandoon, dahil sa hugong ng kaniyang angal. 026 EZE 019 008 Nang magkagayo'y nagsilagay ang mga bansa laban sa kaniya sa bawa't dako na mula sa mga lalawigan; at ipinaglagay nila siya ng panilo; nahuli siya sa kanilang hukay. 026 EZE 019 009 At may tanikalang inilagay siya nila sa isang kulungan, at dinala nila siya sa hari sa Babilonia; ipinasok nila siya sa katibayan, upang ang kaniyang tinig ay huwag nang marinig sa mga bundok ng Israel. 026 EZE 019 010 Ang inyong ina ay parang puno ng ubas sa iyong dugo, na natanim sa tabi ng tubig: siya'y mabunga at puno ng mga sanga, dahil sa maraming tubig. 026 EZE 019 011 At siya'y nagkaroon ng mga matibay na tutungkurin na magagawang mga cetro nila na nagpupuno, at ang kanilang taas ay nataas sa mga masinsing sanga, at nangakita sa kanilang taas dahil sa karamihan ng kanilang mga sanga. 026 EZE 019 012 Nguni't siya'y nabunot sa pag-aalab ng loob, siya'y nahagis sa lupa, at tinuyo ng hanging silanganan ang bunga niya: ang kaniyang mga matibay na tutungkurin ay nangabali at nagsidupok; pinagsupok sa apoy. 026 EZE 019 013 At ngayo'y natanim siya sa ilang, sa isang tuyo at uhaw na lupain. 026 EZE 019 014 At lumabas ang apoy sa mga tutungkurin ng kaniyang mga sanga, sinupok ang kaniyang bunga, na anopa't nawalan ng matibay na tutungkurin na magiging cetro upang ipagpuno. Ito ay panaghoy, at magiging pinakapanaghoy. 026 EZE 020 001 At nangyari nang ikapitong taon, nang ikalimang buwan, nang ikasangpu ng buwan, na ang ilan sa mga matanda ng Israel ay nagsiparoon na sumangguni sa Panginoon, at nagsiupo sa harap ko. 026 EZE 020 002 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 020 003 Anak ng tao, salitain mo sa mga matanda ng Israel, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kayo baga'y naparito upang sumangguni sa akin? Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi ako mapagsasanggunian ninyo. 026 EZE 020 004 Hahatulan mo baga sila, anak ng tao, hahatulan mo baga sila? Ipakilala mo sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga magulang; 026 EZE 020 005 At sabihin mo sa kanila; Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nang araw na aking piliin ang Israel, at itaas ko ang aking kamay sa lahi ng sangbahayan ni Jacob, at pakilala ako sa kanila sa lupain ng Egipto, na iginawad ko ang aking kamay sa kanila na sinabi, Ako ang Panginoon ninyong Dios; 026 EZE 020 006 Nang araw na yaon ay iginawad ko ang aking kamay sa kanila, upang ilabas ko sila sa lupain ng Egipto, na dalhin sa lupain na aking itinaan sa kanila na binubukalan ng gatas at pulot, na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain. 026 EZE 020 007 At sinabi ko sa kanila, Itakuwil ng bawa't isa sa inyo ang mga bagay na kasuklamsuklam sa kaniyang mga mata, at huwag kayong mangahawa sa mga diosdiosan ng Egipto; ako ang Panginoon ninyong Dios. 026 EZE 020 008 Nguni't sila'y nanghimagsik laban sa akin, at hindi nakinig sa akin; hindi itinakuwil ng bawa't isa sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga mata, o nilimot man nila ang mga diosdiosan sa Egipto. Nang magkagayo'y sinabi kong aking ibubuhos sa kanila ang aking kapusukan, upang ganapin ko ang aking galit laban sa kanila, sa gitna ng lupain ng Egipto. 026 EZE 020 009 Nguni't ako'y gumawa alangalang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na kinaroroonan nila, na sa mga paningin nila ay napakilala ako sa kanila, sa paglalabas ko sa kanila sa lupain ng Egipto. 026 EZE 020 010 Sa gayo'y pinalabas ko sila mula sa lupain ng Egipto, at dinala ko sila sa ilang. 026 EZE 020 011 At ibinigay ko sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon. 026 EZE 020 012 Bukod dito'y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath, upang maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala na ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila. 026 EZE 020 013 Nguni't ang sangbahayan ni Israel ay nanghimagsik laban sa akin sa ilang: sila'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, at kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, na kung gawin ng tao, ay mabubuhay sa mga yaon; at ang aking mga sabbath ay kanilang nilapastangang mainam. Nang magkagayo'y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila sa ilang, upang lipulin sila. 026 EZE 020 014 Nguni't ako'y gumawa alangalang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na sa paningin ng mga yaon ay aking inilabas sila. 026 EZE 020 015 Bukod dito'y iginawad ko naman ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang huwag ko silang dalhin sa lupain na aking ibinigay sa kanila, na binubukalan ng gatas at pulot, na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain; 026 EZE 020 016 Sapagka't kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, at hindi nagsilakad ng gayon sa aking mga palatuntunan, at nilapastangan ang aking mga sabbath: sapagka't ang kanilang puso ay nagsisunod sa kanilang mga diosdiosan. 026 EZE 020 017 Gayon ma'y ang aking mata ay nagpatawad sa kanila at hindi ko sila nilipol, o ginawan ko man sila ng lubos na kawakasan sa ilang. 026 EZE 020 018 At sinabi ko sa kanilang mga anak sa ilang, Huwag kayong magsilakad ng ayon sa mga palatuntunan ng inyong mga magulang, o ingatan man ang kanilang mga kahatulan, o magpakahawa man sa kanilang mga diosdiosan: 026 EZE 020 019 Ako ang Panginoon ninyong Dios: magsilakad kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at ingatan ninyo ang aking mga kahatulan, at inyong isagawa; 026 EZE 020 020 At inyong ipangilin ang aking mga sabbath; at mga magiging tanda sa akin at sa inyo, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios. 026 EZE 020 021 Nguni't ang mga anak ay nanganghimagsik laban sa akin; sila'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o nangagingat man ng aking mga kahatulan upang isagawa, na kung gawin ng tao ay mabubuhay sa mga yaon: kanilang nilapastangan ang aking mga sabbath. Nang magkagayo'y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila, upang ganapin ang aking galit sa kanila sa ilang. 026 EZE 020 022 Gayon ma'y iniurong ko ang aking kamay, gumawa ako alang-alang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na sa paningin ng mga yaon ay inilabas ko sila. 026 EZE 020 023 Bukod dito'y itinaas ko ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang pangalatin ko sila sa gitna ng mga bansa, at panabugin sila sa mga lupain; 026 EZE 020 024 Sapagka't hindi nila isinagawa ang aking mga kahatulan, kundi itinakuwil ang aking mga palatuntunan, at nilapastangan ang aking mga sabbath, at ang kanilang mga mata'y nakasunod sa mga diosdiosan ng kanilang mga magulang. 026 EZE 020 025 Bukod dito'y binigyan ko sila ng mga palatuntunan na hindi mabuti, at ng mga kahatulan na hindi nila kabubuhayan; 026 EZE 020 026 At ipinariwara ko sila sa kanilang sariling mga kaloob, sa kanilang pagpaparaan sa apoy ng lahat na nangagbubukas ng bahay-bata, upang aking ipahamak sila, upang kanilang maalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 020 027 Kaya't, anak ng tao, salitain mo sa sangbahayan ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa ganito ma'y nilapastangan ako ng inyong mga magulang, sa kanilang pagsalangsang laban sa akin. 026 EZE 020 028 Sapagka't nang dalhin ko sila sa lupain, na aking pinaggawaran ng aking kamay upang ibigay ko sa kanila, kanila ngang nakita ang lahat na mataas na burol, at lahat na mayabong na punong kahoy, at inihandog nila roon ang kanilang mga hain, at doo'y kanilang iniharap ang nakagagalit nilang handog; nagsuob rin sila roon ng kanilang pabango, at ibinuhos nila roon ang kanilang mga inuming handog. 026 EZE 020 029 Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Anong kahulugan ng mataas na dako na inyong pinaroroonan? Sa gayo'y ang pangalan niyaon ay tinawag na Bama hanggang sa araw na ito. 026 EZE 020 030 Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nangagpakarumi baga kayo ng ayon sa paraan ng inyong mga magulang? at kayo baga'y nagpatutot ng ayon sa kanilang mga kasuklamsuklam? 026 EZE 020 031 At pagka inyong inihahandog ang inyong mga kaloob, pagka, inyong pinararaan sa apoy ang inyong mga anak, nangagpapakarumi baga kayo sa lahat ninyong diosdiosan hanggang sa araw na ito? at ako baga'y mapagsasanggunian ninyo, Oh sangbahayan ni Israel? Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi ninyo ako mapagsasanggunian; 026 EZE 020 032 At ang nagmumula sa inyong pagiisip ay hindi mangyayari sa anomang paraan, sa inyong sinasabi, Kami ay magiging gaya ng mga bansa; na gaya ng mga angkan ng mga lupain upang mangaglingkod sa kahoy at bato. 026 EZE 020 033 Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsalang sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng kapusukan na ibinubugso, ay maghahari ako sa inyo. 026 EZE 020 034 At ilalabas ko kayo na mula sa mga bayan, at pipisanin ko kayo na mula sa mga lupain, na inyong pinangalatan, sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng kapusukan na ibinubuhos; 026 EZE 020 035 At aking dadalhin kayo sa ilang ng mga bayan, at doo'y makikipagkatuwiranan ako sa inyo ng harapan. 026 EZE 020 036 Kung paanong ako'y nakipagkatuwiranan sa inyong mga magulang sa ilang ng lupain ng Egipto, gayon ako makikipagkatuwiranan sa inyo, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 020 037 At pararaanin ko kayo sa ilalim ng tungkod, at dadalhin ko kayo sa pakikipagkasundo ng tipan; 026 EZE 020 038 At aking lilinisin sa gitna ninyo ang mga mapanghimagsik, at ang mga nagsisisalangsang laban sa akin; aking ilalabas sila sa lupaing kanilang pinangingibahang bayan, nguni't hindi sila magsisipasok sa lupain ng Israel: at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 020 039 Tungkol sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; magsiyaon kayo, maglingkod bawa't isa sa kaniyang mga diosdiosan, at sa haharapin man, kung hindi ninyo ako didinggin; nguni't ang aking banal na pangalan ay hindi na ninyo lalapastanganin ng inyong mga kaloob, at ng inyong mga diosdiosan. 026 EZE 020 040 Sapagka't sa aking banal na bundok, sa bundok na kaitaasan ng Israel, sabi ng Panginoong Dios, doon ako paglilingkuran sa lupain ng buong sangbahayan ni Israel, nilang lahat: doo'y tatanggapin ko sila, at doon ko hihingin ang inyong mga handog, at ang mga unang bunga na inyong mga alay, sangpu ng lahat ninyong banal na bagay. 026 EZE 020 041 Parang masarap na amoy na tatanggapin ko kayo, pagka kayo'y aking naihiwalay sa mga bayan, at napisan ko kayo mula sa mga lupain na inyong pinangalatan; at ako'y ipaari ninyong banal sa paningin ng mga bansa. 026 EZE 020 042 At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka kayo'y aking ipapasok sa lupain ng Israel, sa lupain na aking pinagtaasan ng aking kamay upang ibigay sa inyong mga magulang. 026 EZE 020 043 At doo'y maaalaala ninyo ang inyong mga lakad, at lahat ng inyong gawa, na inyong pinagpakadumhan; at inyong kayayamutan ang inyong sarili sa inyong sariling paningin dahil sa lahat ninyong kasamaan na inyong ginawa. 026 EZE 020 044 At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y nakagawa na sa inyo alangalang sa aking pangalan, hindi ayon sa inyong mga masamang lakad, o ayon sa inyong mga masamang gawa man, Oh ninyong sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 020 045 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 020 046 Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa dakong timugan, at magbadya ka ng iyong salita sa dakong timugan, at manghula ka laban sa gubat ng parang sa Timugan; 026 EZE 020 047 At sabihin mo sa gubat ng Timugan, Iyong pakinggan ang salita ng Panginoon: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking papagniningasin ang isang apoy sa iyo, at susupukin ang bawa't sariwang punong kahoy sa iyo, at ang bawa't tuyong punong kahoy: ang maalab na liyab at hindi mapapatay, at ang lahat na mukha na mula sa timugan hanggang sa hilagaan ay masusunog sa liyab. 026 EZE 020 048 At malalaman ng lahat ng tao na akong Panginoon ang nagpaalab niyaon; hindi mapapatay. 026 EZE 020 049 Nang magkagayo'y sinabi ko: Ah Panginoong Dios! sinasabi nila sa akin, Hindi baga siya'y mapagsalita ng mga talinghaga? 026 EZE 021 001 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 021 002 Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa dakong Jerusalem, at magbadya ka ng iyong salita sa dako ng mga santuario, at manghula ka laban sa lupain ng Israel; 026 EZE 021 003 At sabihin mo sa lupain ng Israel, Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, ako'y laban sa iyo, at aking bubunutin ang aking tabak sa kaloban, at ihihiwalay ko sa iyo ang matuwid at ang masama. 026 EZE 021 004 Yaman nga na aking ihihiwalay sa iyo ang matuwid at ang masama, kaya't aking bubunutin ang aking tabak sa kaloban na laban sa lahat na tao na mula sa timugan hanggang sa hilagaan: 026 EZE 021 005 At malalaman ng lahat na tao na akong Panginoon ay bumunot ng aking tabak sa kaloban; hindi na isusuksok pa. 026 EZE 021 006 Magbuntong-hininga ka nga, ikaw na anak ng tao; na may pagkasira ng iyong mga balakang at may kapanglawang magbubuntong-hininga ka sa harap ng kanilang mga mata. 026 EZE 021 007 At mangyayari, pagka kanilang sinasabi sa iyo, Bakit ka nagbubuntong-hininga? na iyong sasabihin, Dahil sa mga balita, sapagka't dumarating; at ang bawa't puso ay manglulumo, at ang lahat na kamay ay manghihina, at ang bawa't espiritu ay manglulupaypay, at ang lahat na tuhod ay manglalambot na parang tubig: narito, dumarating, at mangyayari, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 021 008 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 021 009 Anak ng tao, manghula ka, at sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Sabihin mo, Isang tabak, isang tabak ay nahasa, at kuminang din naman; 026 EZE 021 010 Nahasa upang manglipol; kuminang upang maging parang kidlat: gagawa nga baga tayo ng mga kasayahan? ang tungkod ng aking anak ay humahamak sa bawa't punong kahoy. 026 EZE 021 011 At pinakikinang, upang hawakan: ang tabak, ito'y nahasa, oo, pinakinang, upang ibigay sa kamay ng manglilipol. 026 EZE 021 012 Humiyaw ka at manambitan ka, anak ng tao; sapagka't nauumang sa aking bayan, nauumang sa lahat ng mga prinsipe sa Israel: sila'y nangabigay sa tabak na kasama ng aking bayan; tampalin mo nga ang iyong hita. 026 EZE 021 013 Sapagka't may paglilitis; at paano kung pati ng tungkod na humahamak ay mawala? sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 021 014 Ikaw nga, anak ng tao, manghula ka, at ipakpak mo kapuwa ang iyong mga kamay; at ang tabak ay malupi sa ikatlo, ang tabak ng nasugatan sa ikamamatay: siyang tabak ng dakilang nasugatan sa ikamamatay na pumasok sa kanilang mga silid. 026 EZE 021 015 Aking iniumang ang kumikinang na tabak laban sa lahat nilang pintuang-bayan, upang ang kanilang puso ay manglumo, at ang kanilang mga pagkatisod ay dumami: ah! ang pagkayari ay parang kidlat, na inihasa upang ipangpatay. 026 EZE 021 016 Humayo ka sa isang dako, lumagay ka sa kanan, o lumagay ka sa kaliwa, saan man mapaharap ang iyong mukha. 026 EZE 021 017 Akin din namang ipapakpak kapuwa ang aking mga kamay, at aking lulubusin ang aking kapusukan: ako ang Panginoon, ang nagsalita. 026 EZE 021 018 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 021 019 Gayon din, ikaw na anak ng tao, magtakda ka sa iyo ng dalawang daan, na mapanggagalingan ng tabak ng hari sa Babilonia; silang dalawa ay kapuwa lalabas sa isang lupain: at landasan mo ng dako, landasan mo sa bukana ng daang patungo sa bayan. 026 EZE 021 020 Ikaw ay magtatakda ng daan para sa tabak na paroon sa Raba ng mga anak ni Ammon, at sa Juda sa Jerusalem na nakukutaan. 026 EZE 021 021 Sapagka't ang hari sa Babilonia ay tumayo sa pinagkakahiwalayan ng daan, sa bukana ng dalawang daan, upang magbadya ng panghuhula: kaniyang iniwasiwas ang mga pana na paroo't parito, siya'y sumangguni sa mga diosdiosan, siya'y nagsiyasat sa atay. 026 EZE 021 022 Nasa kanang kamay niya ang panghuhula sa Jerusalem, upang mag-umang ng mga pangsaksak, upang bukahin ang bibig sa pagpatay, upang itaas ang tinig sa paghiyaw, upang mag-umang ng mga pangsaksak laban sa mga pintuang-bayan, upang maglagay ng mga bunton upang magtayo ng mga katibayan. 026 EZE 021 023 At sa kanila ay magiging parang panghuhulang walang kabuluhan sa kanilang paningin, na nanumpa sa kanila; nguni't ipinaa-alaala niya sa kanilang kasamaan, upang sila'y mangahuli. 026 EZE 021 024 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't inyong ipinaalaala ang inyong kasamaan, palibhasa'y ang inyong mga pagsalangsang ay nalitaw, na anopa't sa lahat ninyong gawa ay nagsilitaw ang inyong mga kasalanan; sapagka't dumating ang pagkaalaala sa inyo, kayo'y huhulihin ng kamay. 026 EZE 021 025 At ikaw, Oh masama na nasugatan ng ikamamatay, na prinsipe sa Israel, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinaka wakas; 026 EZE 021 026 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ilapag mo ang tiara, at alisin mo ang putong; ito'y hindi na mangyayari pa uli; itaas mo ang mababa at ibaba mo ang mataas. 026 EZE 021 027 Aking ititiwarik, ititiwarik, ititiwarik: ito rin nama'y hindi na mangyayari uli, hanggang sa dumating yaong may matuwid na kaniya; at aking ibibigay sa kaniya. 026 EZE 021 028 At ikaw, anak ng tao, manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga anak ni Ammon, at tungkol sa kanilang kapulaan; at sabihin mo, Isang tabak, isang tabak ay binunot, na ukol sa pagpatay ay kuminang upang papanglipulin, upang maging parang kidlat; 026 EZE 021 029 Samantalang sila'y nangakakakita sa iyo ng walang kabuluhan, samantalang sila'y nanganghuhula sa iyo ng mga kabulaanan, upang ipasan ka sa mga leeg ng masama na sinugatan ng ikamamatay, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinaka wakas. 026 EZE 021 030 Isuksok mo iyan sa kaniyang kaloban. Sa dakong pinaglalangan sa iyo, sa lupain ng kapanganakan mo, hahatulan kita. 026 EZE 021 031 At aking ibubuhos ang aking galit sa iyo; aking hihipan ka sa pamamagitan ng apoy ng aking poot: at aking ibibigay ka sa kamay ng mga tampalasang tao na bihasang pumatay. 026 EZE 021 032 Ikaw ay magiging pinakapanggatong sa apoy; ang iyong dugo ay mabububo sa gitna ng lupain; ikaw ay hindi na maaalaala: sapagka't akong Panginoon ang nagsalita. 026 EZE 022 001 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 022 002 At Ikaw, anak ng tao, hahatulan mo baga, hahatulan mo baga ang bayang mabagsik? ipakilala mo nga sa kaniya ang lahat niyang kasuklamsuklam. 026 EZE 022 003 At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Bayang nagbububo ng dugo sa gitna niya, na ang kaniyang panahon ay darating, at gumagawa ng mga diosdiosan laban sa kaniyang sarili, upang mapahamak siya! 026 EZE 022 004 Ikaw ay naging salarin dahil sa iyong dugo na iyong ibinubo, at ikaw ay napahamak sa iyong mga diosdiosan na iyong ginawa; at iyong pinalapit ang iyong mga kaarawan, at ikaw ay dumating hanggang sa iyong mga taon; kaya't ginawa kitang isang kapulaan sa mga bansa, at isang katuyaan sa lahat na lupain. 026 EZE 022 005 Yaong mga malapit, at yaong mga malayo, ay magsisituya sa iyo, ikaw na napahamak at puno ng kagulo. 026 EZE 022 006 Narito, ang mga prinsipe sa Israel, na bawa't isa'y ayon sa kaniyang kapangyarihan, napasa iyo upang magbubo ng dugo. 026 EZE 022 007 Sa iyo'y kanilang niwalang kabuluhan ang ama't ina; sa gitna mo ay pinahirapan nila ang taga ibang lupa; sa iyo'y kanilang pinighati ang ulila at ang babaing bao. 026 EZE 022 008 Iyong hinamak ang aking mga banal na bagay, at iyong nilapastangan ang aking mga sabbath. 026 EZE 022 009 Mga maninirang puri ay napasa iyo upang magbubo ng dugo: at sa iyo'y nagsikain sila sa mga bundok: sa gitna mo ay nagkasala sila ng kahalayan. 026 EZE 022 010 Sa iyo'y kanilang inilitaw ang kahubaran ng kanilang mga magulang; sa iyo'y pinapakumbaba niya siya na marumi sa kaniyang pagkahiwalay. 026 EZE 022 011 At ang isa'y gumawa ng kasuklamsuklam sa asawa ng kaniyang kapuwa; at ang isa'y gumawa ng kahalayhalay sa kaniyang manugang na babae; at sa iyo'y sinipingan ng isa ang kaniyang kapatid na babae na anak ng kaniyang ama. 026 EZE 022 012 Sa iyo ay nagsitanggap sila ng suhol upang magbubo ng dugo; ikaw ay kumuha ng patubo't pakinabang, at ikaw ay nakinabang ng malabis sa iyong kapuwa sa pamamagitan ng pagpighati, at nilimot mo ako, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 022 013 Narito nga, aking ipinakpak ang aking kamay dahil sa iyong masamang pakinabang na iyong ginawa, at sa iyong dugo na iyong ibinubo sa gitna mo. 026 EZE 022 014 Makapagmamatigas baga ang iyong puso, o makapagmamalakas baga ang iyong mga kamay sa mga araw na parurusahan kita? Akong Panginoon ang nagsalita, at gagawa niyaon. 026 EZE 022 015 At aking pangangalatin ka sa gitna ng mga bansa, at pananabugin kita sa mga lupain; at aking papawiin ang iyong karumihan sa gitna mo. 026 EZE 022 016 At ikaw ay malalapastangan sa iyong sarili, sa paningin ng mga bansa; at iyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 022 017 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 022 018 Anak ng tao, ang sangbahayan ni Israel ay naging dumi ng bakal sa akin: silang lahat ay tanso at lata at bakal at tingga, sa gitna ng hurno; sila ay naging dumi ng pilak. 026 EZE 022 019 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayong lahat ay naging dumi ng bakal, kaya't narito, aking pipisanin kayo sa gitna ng Jerusalem. 026 EZE 022 020 Kung paanong kanilang pinipisan ang pilak at ang tanso at ang bakal at ang tingga at ang lata sa gitna ng hurno, upang hipan ng apoy, upang tunawin; gayon ko kayo pipisanin sa aking galit at sa aking kapusukan, at aking ilalapag kayo roon, at pupugnawin ko kayo. 026 EZE 022 021 Oo, aking pipisanin kayo, at hihipan ko kayo sa pamamagitan ng apoy ng aking poot, at kayo'y mangapupugnaw sa gitna niyaon. 026 EZE 022 022 Kung paanong ang pilak ay natutunaw sa gitna ng hurno, gayon kayo mangatutunaw sa gitna niyaon; at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagbububos ng aking kapusukan sa inyo. 026 EZE 022 023 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 022 024 Anak ng tao, sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay isang lupain na hindi nilinis, o naulanan man sa kaarawan ng pagkagalit. 026 EZE 022 025 May panghihimagsik ng kaniyang mga propeta sa gitna niyaon, gaya ng leong umuungal na umaagaw ng huli: sila'y nanganakmal ng mga tao; sila'y nagsikuha ng kayamanan at ng mga mahalagang bagay; pinarami nila ang kanilang babaing bao sa gitna niyaon, 026 EZE 022 026 Ang mga saserdote niyaon ay nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan, at nilapastangan ang aking mga banal na bagay: sila'y hindi nangaglagay ng pagkakaiba sa banal at sa karaniwan, o kanila mang pinapagmunimuni ang mga tao sa marumi at sa malinis, at ikinubli ang kanilang mga mata sa aking mga sabbath, at ako'y nalapastangan sa gitna nila. 026 EZE 022 027 Ang mga prinsipe sa gitna niyaon ay parang mga lobo na nangangagaw ng huli, upang mangagbubo ng dugo, at upang magpahamak ng mga tao, upang sila'y mangagkaroon ng mahalay na pakinabang. 026 EZE 022 028 At itinapal ng mga propeta niyaon ang masamang argamasa para sa kanila, na nakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kabulaanan sa kanila, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, dangang hindi sinalita ng Panginoon. 026 EZE 022 029 Ang bayan ng lupain ay gumawa ng pagpighati, at nagnakaw; oo, kanilang pinagdalamhati ang dukha at mapagkailangan, at pinighati ng wala sa katuwiran ang taga ibang lupa. 026 EZE 022 030 At ako'y humanap ng lalake sa gitna nila, na makakagawa ng bakod, at makatatayo sa sira sa harap ko dahil sa lupain, upang huwag kong ipahamak; nguni't wala akong nasumpungan. 026 EZE 022 031 Kaya't aking ibinuhos ang aking galit sa kanila; aking sinupok sila ng apoy ng aking poot: ang kanilang sariling lakad ay aking pinarating sa kanilang mga ulo, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 023 001 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin na nagsasabi: 026 EZE 023 002 Anak ng tao, may dalawang babae, na mga anak na babae ng isang ina: 026 EZE 023 003 At sila'y nagpatutot sa Egipto; sila'y nagpatutot sa kanilang kadalagahan: doo'y nangahigpit ang kanilang mga dibdib, at doo'y nangahipo ang mga suso ng kanilang pagkadalaga. 026 EZE 023 004 At ang mga pangalan nila ay Ohola ang matanda, at Oholiba ang kapatid niya: at sila'y naging akin at nanganak ng mga lalake at babae. At tungkol sa kanilang mga pangalan, Samaria ay Ohola, at Jerusalem ay Oholiba. 026 EZE 023 005 At si Ohola ay nagpatutot nang siya'y akin; at siya'y suminta sa mga mangingibig sa kaniya, sa mga taga Asiria na kaniyang mga kalapit bayan. 026 EZE 023 006 Na nananamit ng kulay asul, ang mga tagapamahala at ang mga pinuno, silang lahat na binatang makisig, mga mangangabayo na nangakasakay sa mga kabayo. 026 EZE 023 007 At ipinagkaloob niya sa kanila ang kaniyang pakikiapid, sa mga pinaka piling lalake sa Asiria sa kanilang lahat; at sa sino man na inibig niya, sa lahat nilang diosdiosan, ay nadumhan siya. 026 EZE 023 008 Ni hindi man niya iniwan ang kaniyang mga pagpapatutot mula sa mga kaarawan ng Egipto, sapagka't sa kaniyang kadalagahan, sila'y sumisiping sa kaniya, at nangahipo nila ang mga suso ng kaniyang pagkadalaga; at kanilang ibinuhos ang kanilang pagpapatutot sa kaniya. 026 EZE 023 009 Kaya't ibinigay ko siya sa kamay ng mga mangingibig sa kaniya, sa kamay ng mga taga Asiria, na siya niyang mga inibig. 026 EZE 023 010 Ang mga ito ang nangaglitaw ng kaniyang kahubaran; kinuha nila ang kaniyang mga anak na lalake at babae; at siya'y pinatay nila ng tabak: at siya'y naging kakutyaan sa mga babae; sapagka't sila'y naglapat ng mga kahatulan sa kaniya. 026 EZE 023 011 At nakita ito ng kaniyang kapatid na si Oholiba, gayon ma'y siya'y higit na napahamak sa kaniyang pagibig kay sa kaniya, at sa kaniyang mga pagpapatutot na higit kay sa mga pagpapatutot ng kaniyang kapatid. 026 EZE 023 012 Siya'y umibig sa mga taga Asiria, sa mga tagapamahala at mga pinuno, sa kaniyang mga kalapit bayan, na nararamtan ng mga pinakamahusay, sa mga nangangabayo na nakasakay sa mga kabayo, silang lahat ay mga binatang makisig. 026 EZE 023 013 At aking nakita na siya'y nadumhan; na sila kapuwa ay nagisang daan. 026 EZE 023 014 At kaniyang pinalago ang kaniyang mga pagpapatutot; sapagka't siya'y nakakita ng mga lalaking nakalarawan sa mga panig, na mga larawan ng mga Caldeo na nakalarawan ng bermillon, 026 EZE 023 015 Na nangabibigkisan sa kanilang mga balakang, na mga may lumilipad na turbante sa kanilang mga ulo, silang lahat ay parang mga prinsipe ayon sa wangis ng mga taga Babilonia sa Caldea, na lupain na kanilang kinapanganakan. 026 EZE 023 016 At pagkakita niya sa kanila ay inibig niya agad sila, at nagsugo ng mga sugo sa kanila sa Caldea. 026 EZE 023 017 At sinipingan siya ng mga taga Babilonia sa higaan ng pagibig, at kanilang dinumhan siya ng kanilang pagpapatutot, at siya'y nahawa sa kanila, at ang kaniyang kalooban ay tinabangan sa kanila. 026 EZE 023 018 Sa gayo'y inilitaw niya ang kaniyang mga pagpapatutot, at inilitaw niya ang kaniyang kahubaran: nang magkagayo'y tinabangan ang aking kalooban sa kaniya, na gaya ng pagkatabang ng aking kalooban sa kaniyang kapatid. 026 EZE 023 019 Gayon ma'y kaniyang pinarami ang kaniyang mga pakikiapid, na inalaala ang mga kaarawan ng kaniyang kadalagahan, na kaniyang ipinagpatutot sa lupain ng Egipto, 026 EZE 023 020 At siya'y umibig sa mga nagsisiagulo sa kaniya, na ang laman ay parang laman ng mga asno, at ang lumalabas sa kanila ay parang lumalabas sa mga kabayo. 026 EZE 023 021 Ganito mo inalaala ang kahalayan ng iyong kadalagahan, sa pagkahipo ng iyong mga suso ng mga taga Egipto dahil sa mga suso ng iyong kadalagahan. 026 EZE 023 022 Kaya, Oh Oholiba, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Narito, aking ibabangon ang mga mangingibig sa iyo laban sa iyo, na siyang pinagsawaan ng iyong kalooban, at aking dadalhin sila laban sa iyo sa lahat ng dako: 026 EZE 023 023 Ang mga taga Babilonia at lahat ng Caldeo, ang Pekod, at ang Soa, at ang Coa, at lahat ng taga Asiria na kasama nila; na mga binatang makisig, mga tagapamahala at mga pinuno silang lahat, mga prinsipe, at mga lalaking bantog, silang lahat ay nagsisisakay sa mga kabayo. 026 EZE 023 024 At sila'y magsisiparitong laban sa iyo na ma'y mga almas, mga karo, at mga kariton, at may kapulungan ng mga tao; sila'y magsisilagay laban sa iyo sa palibot na may longki, at kalasag at turbante; at aking ipauubaya ang kahatulan sa kanila, at sila'y magsisihatol sa iyo ayon sa kanilang mga kahatulan. 026 EZE 023 025 At aking ilalagak ang aking paninibugho laban sa iyo, at sila'y magsisigawa sa iyo sa kapusukan; kanilang pipingusin ang iyong ilong at ang iyong mga tainga; at ang nalabi sa iyo ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak: kanilang kukunin ang iyong mga anak na lalake at babae; at ang nalabi sa iyo ay susupukin sa apoy, 026 EZE 023 026 Kanila rin namang huhubaran ka ng iyong mga suot, at dadalhin ang iyong mga magandang hiyas. 026 EZE 023 027 Ganito ko patitigilin sa iyo ang iyong kahalayan, at ang iyong pagpapatutot na dinala mula sa lupain ng Egipto: na anopa't hindi mo ididilat ang iyong mga mata sa kanila, o aalalahanin mo pa man ang Egipto kailan man. 026 EZE 023 028 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ibibigay kita sa kamay ng mga ipinagtatanim mo, sa kamay ng mga pinagsawaan ng iyong kalooban; 026 EZE 023 029 At hahatulan ka nila na may pagtatanim, at aalisin ang lahat ng iyong kayamanan, at iiwan kang hubad at hubo: at ang sala mong pagpapatutot ay malilitaw, ang iyong kahalayan at gayon din ang iyong mga pagpapatutot. 026 EZE 023 030 Ang mga bagay na ito ay gagawin sa iyo, sapagka't ikaw ay nagpatutot sa mga bansa, at sapagka't ikaw ay nadumhan sa kanilang mga diosdiosan. 026 EZE 023 031 Ikaw ay lumakad sa lakad ng iyong kapatid; kaya't ibibigay ko ang kaniyang saro sa iyong kamay. 026 EZE 023 032 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw ay iinom sa saro ng iyong kapatid, na malalim at malaki: ikaw ay tatawanan na pinakatuya at pinaka kadustaan; maraming laman. 026 EZE 023 033 Ikaw ay lubhang malalasing at mamamanglaw, sa pamamagitan ng sarong katigilan at kapahamakan, sa pamamagitan ng saro ng iyong kapatid na Samaria. 026 EZE 023 034 Iyo ngang iinumin at tutunggain, at iyong hahaluin ang labo niyaon, at sasaktan ang iyong dibdib; sapagka't aking sinalita, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 023 035 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ako'y iyong nilimot, at tinalikdan mo ako, taglayin mo nga rin ang iyong kahalayan at ang iyong mga pakikiapid. 026 EZE 023 036 Sinabi ng Panginoon sa akin bukod dito: Anak ng tao: hahatulan mo baga si Ohola at si Oholiba? ipakilala mo sa kanila ang kanilang mga kasuklamsuklam. 026 EZE 023 037 Sapagka't sila'y nagkasala ng pangangalunya, at dugo ay nasa kanilang mga kamay; at sa kanilang mga diosdiosan ay nagsisamba; at kanila namang pinaraan sa apoy upang masupok ang kanilang mga anak, na kanilang ipinanganak sa akin. 026 EZE 023 038 Bukod dito'y ginawa nila ito sa akin: kanilang nilapastangan ang aking santuario sa araw ding yaon, at nilapastangan ang aking mga sabbath. 026 EZE 023 039 Sapagka't nang kanilang patayin ang kanilang mga anak para sa kanilang mga diosdiosan, nagsiparoon nga sila nang araw ding yaon sa aking santuario upang lapastanganin; at, narito, ganito ang kanilang ginawa sa gitna ng aking bahay. 026 EZE 023 040 At bukod dito ay inyong ipinasundo ang mga taong nangagmumula sa malayo, na siyang mga ipinasundo sa sugo, at, narito, sila'y nagsisidating; na siyang dahil ng iyong ipinaligo, at ipinagkulay mo ng iyong mga mata, at pinaggayakan mo ng mga gayak; 026 EZE 023 041 At naupo ka sa isang mainam na higaan, na may dulang na nakahanda sa harap niyaon, na siya mong pinaglapagan ng aking kamangyan at aking langis. 026 EZE 023 042 At ang tinig ng pulutong na tiwasay ay nasa kaniya: at nadala na kasama ng mga lalake sa mga karaniwan ang mga manglalasing na mula sa ilang; at sila'y nangaglagay ng mga pulsera sa mga kamay nila, at mga magandang putong sa kanilang mga ulo. 026 EZE 023 043 Nang magkagayo'y sinabi ko sa kaniya na tumanda sa mga pangangalunya, Ngayon mangakikiapid pa sila sa kaniya, at siya sa kanila. 026 EZE 023 044 At sinipingan nila siya, na parang sumiping sa isang patutot: gayon nila sinipingan si Ohola at si Oholiba, na malibog na mga babae. 026 EZE 023 045 At mga matuwid na tao ang hahatol sa kanila ng kahatulan sa mangangalunya, at ng kahatulan sa mga babae na nagbubo ng dugo; sapagka't sila'y mangangalunya, at dugo ang nasa kanilang mga kamay. 026 EZE 023 046 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ako'y magsasampa ng isang kapulungan laban sa kanila, at ibibigay ko sila upang ligaliging paroo't parito at samsaman. 026 EZE 023 047 At babatuhin sila ng kapulungan, ng mga bato, at tatagain sila ng kanilang mga tabak; papatayin nila ang kanilang mga anak na lalake at babae, at susunugin ng apoy ang kanilang mga bahay. 026 EZE 023 048 Ganito ko patitigilin ang kahalayan sa lupain, upang ang lahat na babae ay maturuan na huwag magsigawa ng ayon sa inyong mga kahalayan. 026 EZE 023 049 At gagantihin nila ang inyong kahalayan sa inyo, at inyong dadanasin ang mga kasalanan tungkol sa inyong mga diosdiosan, at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios. 026 EZE 024 001 Muli, nang ikasiyam na taon, nang ikasangpung araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 024 002 Anak ng tao, isulat mo ang pangalan ng kaarawan, ang kaarawan ding ito: ang hari sa Babilonia ay nagpakalapit sa Jerusalem sa kaarawan ding ito. 026 EZE 024 003 At ipagsabi mo ng isang talinhaga ang mapanghimagsik na sangbahayan, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Magsalang ka ng kaldera, isalang mo, at buhusan mo rin naman ng tubig: 026 EZE 024 004 Pisanin mo ang mga putol niyaon doon, lahat ng mabuting putol, ang hita, at ang balikat; punuin mo ng mga piling buto. 026 EZE 024 005 Kumuha ka ng pinili sa kawan, at ibunton mo ang mga buto sa ilalim niyaon: pakuluan mong mabuti; oo, lutuin mo ang mga buto sa loob niyaon. 026 EZE 024 006 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa aba ng mabagsik na bayan, ng kaldera na may kalawang, at ang kalawang ay hindi naalis doon! ilabas mo na putolputol; walang sapalaran na ginawa roon. 026 EZE 024 007 Sapagka't ang dugo niya ay nasa gitna niya; kaniyang inilagay sa luwal na bato; hindi niya ibinuhos sa lupa, na tabunan ng alabok. 026 EZE 024 008 Upang pukawin ang kapusukan ng manghihiganti, inilagay ko ang kaniyang dugo sa luwal na bato, upang huwag matakpan. 026 EZE 024 009 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Sa aba ng mabagsik na bayan! akin ding palalakihin ang bunton. 026 EZE 024 010 Ibunton ang kahoy, paningasin ang apoy, pakuluang mabuti ang laman, palaputin ang sabaw, at sunugin ang mga buto. 026 EZE 024 011 Kung magkagayo'y ipatong mong walang laman sa mga baga niyaon, upang uminit, at ang tanso niyao'y masunog, at ng ang dumi niyaon ay matunaw roon, upang mapugnaw ang kalawang niyaon. 026 EZE 024 012 Siya'y nagpakapagod sa paggawa; gayon ma'y ang maraming kalawang ay hindi naaalis; ang kalawang niyaon ay hindi naaalis sa pamamagitan ng apoy. 026 EZE 024 013 Nasa iyong karumihan ang kahalayan: sapagka't ikaw ay aking nilinis at hindi ka nalinis, hindi ka na malilinis pa sa iyong karumihan, hanggang sa aking malubos ang aking kapusukan sa iyo. 026 EZE 024 014 Akong Panginoon ang nagsalita: mangyayari, at aking gagawin; hindi ako magbabalik-loob, ni magpapatawad man, ni magsisisi man; ayon sa iyong mga lakad, at ayon sa iyong mga gawa, kanilang hahatulan ka, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 024 015 Ang salita ng Panginoon ay dumating din sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 024 016 Anak ng tao, narito, aalisin ko sa iyo sa pamamagitan ng kamatayan ang nasa ng iyong mga mata: gayon ma'y hindi ka tatangis, ni iiyak man, ni aagos man ang iyong mga luha. 026 EZE 024 017 Magbuntong-hininga ka, nguni't huwag malakas; huwag mong tangisan ang patay; itali mo ang pugong mo sa ulo, at isuot mo ang iyong mga panyapak sa iyong mga paa, at huwag mong takpan ang iyong mga labi, at huwag kang kumain ng tinapay ng mga tao. 026 EZE 024 018 Sa gayo'y nagsalita ako sa bayan nang kinaumagahan; at sa kinahapunan ay namatay ang aking asawa; at aking ginawa nang kinaumagahan ang gaya ng iniutos sa akin. 026 EZE 024 019 At sinabi ng bayan sa akin, Hindi mo baga sasaysayin sa amin kung anong mga bagay ito sa amin, na ikaw ay gumagawa ng ganyan? 026 EZE 024 020 Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi: 026 EZE 024 021 Salitain mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking lalapastanganin ang aking santuario, na kapalaluan ng inyong kapangyarihan, na nasa ng inyong mga mata, at kinahihinayangan ng inyong kalooban, at ang inyong mga anak na lalake at babae na inyong iniwan sa hulihan ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak. 026 EZE 024 022 At inyong gagawin ang aking ginawa; hindi ninyo tatakpan ang inyong mga labi, o kakain man ng tinapay ng mga tao. 026 EZE 024 023 At ang inyong turbante ay malalagay sa inyong mga ulo, at ang inyong mga panyapak sa inyong mga paa: kayo'y hindi tatangis o iiyak man; kundi kayo'y manganglulupaypay sa inyong mga kasamaan, at mangagdadaingang isa't isa. 026 EZE 024 024 Ganito magiging isang tanda sa inyo si Ezekiel; ayon sa lahat niyang ginawa ay inyong gagawin: pagka ito'y nangyari ay inyo ngang malalaman na ako ang Panginoong Dios. 026 EZE 024 025 At ikaw, anak ng tao, hindi baga mangyayari sa araw na aking alisin sa kanila ang kanilang lakas, ang kagalakan ng kanilang kaluwalhatian, ang nasa ng kanilang mga mata, at ang kanilang pinaglalagakan ng kanilang puso, ang kanilang mga anak na lalake at babae, 026 EZE 024 026 Na sa araw na yaon ang makatatanan ay paroroon sa iyo, upang iparinig sa iyo ng iyong mga pakinig? 026 EZE 024 027 Sa araw na yaon ay mabubuka ang iyong bibig sa kaniya na nakatanan, at ikaw ay magsasalita, at hindi na mapipipi pa: gayon magiging isang tanda ka sa kanila; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 025 001 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 025 002 Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha sa mga anak ni Ammon, at manghula ka laban sa kanila: 026 EZE 025 003 At sabihin mo sa mga anak ni Ammon, Inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't iyong sinabi, Aha, laban sa aking santuario, nang malapastangan; at laban sa lupain ng Israel, nang masira; at laban sa sangbahayan ni Juda, nang sila'y pumasok sa pagkabihag: 026 EZE 025 004 Kaya't narito, aking ibibigay ka sa mga anak ng silanganan na pinakaari, at kanilang itatayo ang kanilang mga kampamento sa iyo, at magsisigawa ng kanilang mga tahanan sa iyo; kanilang kakanin ang iyong bunga ng kahoy, at kanilang iinumin ang iyong gatas. 026 EZE 025 005 At aking gagawin ang Raba na pinaka silungan ng mga kamello, at ang mga anak ni Ammon na pinakapahingahang dako ng mga kawan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 025 006 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't pumakpak ka ng iyong mga kamay, at tumadyak ka ng mga paa, at nagalak ka ng buong paghamak ng iyong kalooban laban sa lupain ng Israel; 026 EZE 025 007 Kaya't narito, aking iniunat ang aking kamay sa iyo, at ibibigay kita na pinakasamsam sa mga bansa; at ihihiwalay kita sa mga bayan, at ipalilipol kita sa mga lupain: aking ibubuwal ka; at iyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 025 008 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang Moab at ang Seir ay nagsasabi, Narito, ang sangbahayan ni Juda ay gaya ng lahat na bansa; 026 EZE 025 009 Kaya't, narito, aking bubuksan ang tagiliran ng Moab mula sa mga bayan, mula sa kaniyang mga bayan na nangasa kaniyang mga hangganan, na kaluwalhatian ng lupain, ang Beth-jesimoth, ang Baal-meon, at ang Chiriathaim. 026 EZE 025 010 Hanggang sa mga anak ng silanganan, upang magsiparoon laban sa mga anak ni Ammon; at aking ibibigay sa kanila na pinakaari, upang ang mga anak ni Ammon ay huwag ng mangaalaala sa gitna ng mga bansa: 026 EZE 025 011 At ako'y maglalapat ng kahatulan sa Moab: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 025 012 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang Edom ay gumawa ng laban sa sangbahayan ni Juda sa panghihiganti, at nagalit na mainam, at nanghiganti sa kanila; 026 EZE 025 013 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking iuunat ang aking kamay laban sa Edom, at aking ihihiwalay ang tao at hayop doon; at aking gagawing sira mula sa Teman; hanggang sa Dedan nga ay mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak. 026 EZE 025 014 At aking isasagawa ang aking panghihiganti sa Edom, sa pamamagitan ng kamay ng aking bayang Israel; at kanilang gagawin sa Edom ang ayon sa aking galit, at ayon sa aking kapusukan; at kanilang malalaman ang aking panghihiganti, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 025 015 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang mga Filisteo ay gumawa ng panghihiganti, at nanghiganti na may kapootan ng loob upang magpahamak ng pakikipagkaalit na magpakailan man; 026 EZE 025 016 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking iuunat ang aking kamay sa mga Filisteo, at aking ihihiwalay ang mga Ceretheo, at ipapahamak ko ang labi sa baybayin ng dagat. 026 EZE 025 017 At ako'y gagawa ng malaking panghihiganti sa kanila na may malupit na mga pagsaway; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking isinagawa ang aking panghihiganti sa kanila. 026 EZE 026 001 At nangyari, nang ikalabing isang taon, nang unang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 026 002 Anak ng tao, sapagka't ang Tiro ay nagsabi laban sa Jerusalem, Aha, siya na naging pintuan ng mga bayan ay sira; siya'y nabalik sa akin: ako'y mapupuno ngayong siya'y sira: 026 EZE 026 003 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Tiro, at aking pasasampahin ang maraming bansa laban sa iyo, gaya ng pagpapasampa ng dagat ng kaniyang mga alon. 026 EZE 026 004 At kanilang gigibain ang mga kuta ng Tiro, at ibabagsak ang kaniyang mga moog: akin din namang papalisin sa kaniya ang kaniyang alabok, at gagawin ko siyang hubad na bato. 026 EZE 026 005 Siya'y magiging dakong ladlaran ng mga lambat sa gitna ng dagat: sapagka't ako ang nagsalita sabi ng Panginoong Dios; at siya'y magiging samsam sa mga bansa. 026 EZE 026 006 At ang kaniyang mga anak na babae na nangasa parang ay papatayin ng tabak: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 026 007 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking dadalhin sa Tiro si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na hari ng mga hari, mula sa hilagaan, na may mga kabayo, at may mga karo, at may mga nangangabayo, at isang pulutong, at maraming tao. 026 EZE 026 008 Kaniyang papatayin ng tabak ang iyong mga anak na babae sa parang; at siya'y gagawa ng mga katibayan laban sa iyo, at magtitindig ng isang bunton laban sa iyo, at magtataas ng longki laban sa iyo. 026 EZE 026 009 At kaniyang ilalagay ang kaniyang mga pangsaksak laban sa iyong mga kuta, at sa pamamagitan ng kaniyang mga palakol ay kaniyang ibabagsak ang iyong mga moog. 026 EZE 026 010 Dahil sa kasaganaan ng kaniyang mga kabayo, tatakpan ka ng kaniyang alabok: ang iyong mga kuta ay uuga sa hugong ng mga mangangabayo, at ng mga kariton, at ng mga karo, pagka siya'y papasok sa iyong mga pintuang-bayan, na gaya ng pagpasok ng tao sa isang bayan na pinamutasan. 026 EZE 026 011 Tutungtungan ng mga paa ng kaniyang mga kabayo ang lahat mong mga lansangan; papatayin niya ng tabak ang iyong bayan; at ang mga haligi ng iyong lakas ay mabubuwal sa lupa. 026 EZE 026 012 At sila'y magsisisamsam ng iyong mga kayamanan, at lolooban ang iyong kalakal; at kanilang ibabagsak ang iyong mga kuta, at gigibain ang iyong mga masayang bahay; at ilalagay ang iyong mga bato, at ang iyong kahoy at ang iyong alabok sa gitna ng tubig. 026 EZE 026 013 At aking patitigilin ang tinig ng iyong mga awit; at ang tunog ng iyong mga alpa ay hindi na maririnig. 026 EZE 026 014 At gagawin kitang hubad na bato: ikaw ay magiging dakong ladlaran ng mga lambat; ikaw ay hindi na matatayo; sapagka't akong Panginoon ang nagsalita, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 026 015 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa Tiro; Hindi baga mayayanig ang mga pulo sa tunog ng iyong pagbagsak, pagka ang nasugatan ay dumadaing, pagka may patayan sa gitna mo? 026 EZE 026 016 Kung magkagayo'y lahat na prinsipe sa dagat ay magsisibaba mula sa kanilang mga luklukan, at aalisin ang kanilang mga balabal, at huhubuin ang kanilang mga damit na may burda: sila'y dadatnan ng panginginig; sila'y magsisiupo sa lupa, at manginginig sa tuwituwina, at mangatitigilan sa iyo. 026 EZE 026 017 At pananaghuyan ka nila, at magsasabi sa iyo, Ano't nagiba ka, na tinatahanan ng mga taong dagat, na bantog na bayan na malakas sa dagat, siya at ang mga mananahan sa kaniya, na nagpapangilabot sa lahat na nagsisitahan sa kaniya! 026 EZE 026 018 Ang mga pulo nga ay mayayanig sa kaarawan ng iyong pagbagsak; oo, ang mga pulo na nangasa dagat ay manganglulupaypay sa iyong pagyaon. 026 EZE 026 019 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka ikaw ay aking gagawing sirang bayan, na parang mga bayan na hindi tinatahanan, pagka tatabunan kita ng kalaliman, at tatakpan ka ng maraming tubig; 026 EZE 026 020 Ibababa nga kita na kasama nila na bumababa sa hukay, sa mga tao nang una, at patatahanin kita sa mga malalim na bahagi ng lupa, sa mga dakong sira nang una, na kasama ng nagsibaba sa hukay, upang ikaw ay huwag tahanan; at ako'y maglalagay ng kaluwalhatian sa lupain ng buhay. 026 EZE 026 021 Gagawin kitang kakilakilabot, at hindi ka na mabubuhay: bagaman ikaw ay hanapin ay hindi ka na masusumpungan pa uli, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 027 001 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi: 026 EZE 027 002 At ikaw, anak ng tao, panaghuyan mo ang Tiro; 026 EZE 027 003 At sabihin mo sa Tiro, Oh ikaw na tumatahan sa pasukan sa dagat, na ikaw ang mangangalakal sa mga bansa sa maraming pulo, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw, Oh Tiro, nagsabi, Ako'y sakdal sa kagandahan. 026 EZE 027 004 Ang iyong mga hangganan ay nangasa kalaliman ng mga dagat, ang nagsipagtayo sa iyo ay nangagpasakdal ng iyong kagandahan. 026 EZE 027 005 Ang ginawa nilang makakapal mong tabla ay mga puno ng abeto na mula sa Senir: sila'y nagsikuha ng cedro mula sa Libano, upang gawing palo ng sasakyan mo. 026 EZE 027 006 Ginawa nilang iyong mga saguwan ang mga encina sa Basan; ang kanilang ginawang mga bangko mong garing na nalalapat sa kahoy na boj ay mula sa mga pulo ng Chittim. 026 EZE 027 007 Manipis na kayong lino na yaring may burda na mula sa Egipto ang iyong layag, upang maging sa iyo'y isang watawat; kulay asul at morado na mula sa mga pulo ng Elisah ang iyong kulandong. 026 EZE 027 008 Ang mga nananahan sa Sidon at Arvad ay iyong mga mananaguwan: ang iyong mga pantas, Oh Tiro, ay nangasa iyo, sila ang iyong mga tagaugit. 026 EZE 027 009 Ang mga matanda sa Gebal at ang mga pantas niyao'y pawang tagapagpasak mo: ang lahat na sasakyan sa dagat sangpu ng mga tao ng mga yaon ay nangasa iyo upang pangasiwaan ang iyong kalakal. 026 EZE 027 010 Ang Persia, ang Lud, at ang Phut ay nangasa iyong hukbo, na iyong mga lalaking mangdidigma: kanilang ibinitin ang kalasag at ang turbante sa iyo; nagpapaganda sa iyo. 026 EZE 027 011 Ang mga lalake sa Arvad na kasama ng iyong hukbo ay nangasa ibabaw ng iyong mga kuta sa palibot, at ang mga matatapang ay nasa iyong mga moog; kanilang isinabit ang kanilang mga kalasag sa iyong mga kuta sa palibot; kanilang pinasakdal ang iyong kagandahan. 026 EZE 027 012 Ang Tarsis ay iyong mangangalakal dahil sa karamihan ng sarisaring kayamanan; na ang pilak, bakal, lata, at tingga, ay ipinapalit nila sa iyong mga kalakal. 026 EZE 027 013 Ang Javan, ang Tubal, at ang Mesec, mga mangangalakal mo: kanilang kinakalakal ang mga tao at ang mga sisidlang tanso na ipinapalit nila sa iyong mga kalakal. 026 EZE 027 014 Ang sangbahayan ni Togarma ay nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng mga kabayo at ng mga kabayong pangdigma at ng mga mula. 026 EZE 027 015 Ang mga tao sa Dedan ay iyong mangangalakal: maraming pulo ay nangagdadala ng kalakal sa iyong kamay: kanilang dinadala sa iyo na pinakapalit ay mga sungay na garing at ebano. 026 EZE 027 016 Naging mangangalakal mo ang Siria dahil sa karamihan ng iyong mga gawang kamay: sila'y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng mga esmeralda, kulay ube, at yaring may burda, at manipis na kayong lino, at gasang at mga rubi. 026 EZE 027 017 Naging mga mangangalakal mo ang Juda, at ang lupain ng Israel: sila'y nakikipagpalitan sa iyong mga kalakal ng trigo ng Minith, at ng pannag, at ng pulot, at ng langis, at ng balsamo. 026 EZE 027 018 Mangangalakal mo ang Damasko dahil sa karamihan ng iyong mga gawang kamay, dahil sa karamihan ng sarisaring kayamanan, sangpu ng alak sa Helbon, at maputing lana. 026 EZE 027 019 Nakikipagpalitan ang Vedan at Javan sa iyong mga kalakal ng sinulid na lana: ang makinang na bakal, ang kasia, at ang kalamo, ay ilan sa iyong mga kalakal. 026 EZE 027 020 Naging iyong mangangalakal ang Dedan sa mga mahalagang kayo na ukol sa pangangabayo. 026 EZE 027 021 Ang Arabia, at lahat na prinsipe sa Cedar, mga naging mangangalakal ng iyong kamay; sa mga cordero, at mga lalaking tupa, at mga kambing, sa mga ito'y naging mga mangangalakal mo sila. 026 EZE 027 022 Ang mga mangangalakal sa Seba at sa Raama, mga naging mangangalakal mo; kanilang ipinapalit sa iyong mga kalakal ang mga pinakamainam na especia, at lahat na mahalagang bato, at ang ginto. 026 EZE 027 023 Ang Haran at ang Canneh at ang Eden, na mga mangangalakal sa Seba, ang Assur at ang Chilmad ay naging mga mangangalakal mo. 026 EZE 027 024 Ang mga ito ang iyong mga mangangalakal sa mga piling kalakal sa mga balutan ng mga yaring asul at may burda, at sa mga baul na may mainam na hiyas, natatalian ng mga sintas, at yaring cedro, na ilan sa iyong mga kalakal. 026 EZE 027 025 Ang mga sasakyan sa Tarsis ay iyong mga pulutong sa iyong kalakal: at ikaw ay napuno at naging totoong maluwalhati sa kalagitnaan ng mga dagat. 026 EZE 027 026 Dinala ka ng iyong mga manggagaod sa malawak na dagat: binagbag ka ng hanging silanganan sa kalagitnaan ng dagat. 026 EZE 027 027 Ang iyong kayamanan, at ang iyong mga kalakal, ang iyong tinda, at ang iyong mga manggagaod, at ang iyong mga tagaugit, ang iyong mga tagapagpasak, at ang nagsisipamahala ng iyong mga kalakal, at ang lahat mong lalaking mangdidigma na nangasa iyo, sangpu ng iyong lahat na pulutong na nangasa gitna mo, mangalulubog sa kalagitnaan ng dagat sa kaarawan ng iyong pagkasira. 026 EZE 027 028 Sa lakas ng hiyaw ng iyong mga tagaugit, ang mga nayon ay mangayayanig. 026 EZE 027 029 At lahat na nagsisihawak ng gaod, ang mga tao sa sasakyan, at lahat ng tagaugit sa dagat, ay magsisibaba sa kanilang mga sasakyan; sila'y magsisitayo sa ibabaw ng lupain, 026 EZE 027 030 At iparirinig ang kanilang tinig sa iyo, at hihiyaw ng kalagimlagim, at mangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, sila'y magsisigumon sa mga abo: 026 EZE 027 031 At mangagpapakakalbo dahil sa iyo, at mangagbibigkis ng kayong magaspang, at kanilang iiyakan ka ng kapanglawpanglaw sa kalooban, na may mapanglaw na pananangis. 026 EZE 027 032 At sa kanilang pagtangis ay pananaghuyan ka nila, at tatangisan ka, na sasabihin, Sino ang gaya ng Tiro na gaya niya na nadala sa katahimikan sa gitna ng dagat? 026 EZE 027 033 Pagka ang iyong mga kalakal ay inilalabas sa mga dagat, iyong binubusog ang maraming bayan; iyong pinayaman ang mga hari sa lupa ng karamihan ng iyong mga kayamanan at ng iyong mga kalakal. 026 EZE 027 034 Sa panahon na ikaw ay bagbag sa tabi ng mga dagat sa kalaliman ng tubig, ang iyong kalakal at ang iyong buong pulutong ay lumubog sa gitna mo. 026 EZE 027 035 Lahat ng mananahan sa mga pulo ay nangatitigilan dahil sa iyo, at ang kanilang mga hari ay nangatakot ng di kawasa, sila'y nangamanglaw sa kanilang mukha. 026 EZE 027 036 Pinagsutsutan ka ng mga mangangalakal sa gitna ng mga bayan; ikaw ay naging kakilakilabot, at hindi ka na mabubuhay pa. 026 EZE 028 001 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 028 002 Anak ng tao, sabihin mo sa prinsipe sa Tiro, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang iyong puso ay nagmataas, at iyong sinabi, Ako'y dios, ako'y nauupo sa upuan ng Dios, sa gitna ng mga dagat; gayon man ikaw ay tao, at hindi Dios, bagaman iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios; 026 EZE 028 003 Narito, ikaw ay lalong marunong kay Daniel; walang lihim na malilihim sa iyo; 026 EZE 028 004 Sa pamamagitan ng iyong karunungan, at ng iyong unawa, nagkaroon ka ng mga kayamanan, at nagkaroon ka ng ginto at pilak sa iyong mga ingatang-yaman; 026 EZE 028 005 Sa pamamagitan ng iyong dakilang karunungan at ng iyong pangangalakal ay napalago mo ang iyong mga kayamanan, at ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kayamanan; 026 EZE 028 006 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios, 026 EZE 028 007 Kaya't narito, ako'y magdadala ng mga taga ibang lupa sa iyo, na kakilakilabot sa mga bansa; at kanilang bubunutin ang kanilang mga tabak laban sa kagandahan ng iyong karunungan, at kanilang dudumhan ang iyong kaningningan. 026 EZE 028 008 Kanilang ibababa ka sa hukay; at ikaw ay mamamatay ng kamatayan niyaong nangapatay sa kalagitnaan ng mga dagat. 026 EZE 028 009 Sabihin mo pa kaya sa harap niya na pumapatay sa iyo, Ako'y Dios? nguni't ikaw ay tao, at hindi Dios, sa kamay niya na sumusugat sa iyo. 026 EZE 028 010 Ikaw ay mamamatay ng pagkamatay ng mga hindi tuli sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa: sapagka't ako ang nagsalita, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 028 011 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 028 012 Anak ng tao, panaghuyan mo ang hari sa Tiro, at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, iyong tinatatakan ang kabuoan, na puno ng karunungan, at sakdal sa kagandahan. 026 EZE 028 013 Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda. 026 EZE 028 014 Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa't ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga. 026 EZE 028 015 Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo. 026 EZE 028 016 Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay kanilang pinuno ang gitna mo ng pangdadahas, at ikaw ay nagkasala: kaya't inihagis kitang parang dumi mula sa bundok ng Dios; at ipinahamak kita, Oh tumatakip na kerubin, mula sa gitna ng mga batong mahalaga. 026 EZE 028 017 Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan; iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan: aking inihagis ka sa lupa; aking inilagay ka sa harap ng mga hari, upang kanilang masdan ka. 026 EZE 028 018 Sa pamamagitan ng karamihan ng iyong mga kasamaan, sa kalikuan ng iyong pangangalakal, iyong nilapastangan ang iyong mga santuario: kaya't ako'y naglabas ng apoy sa gitna mo; sinupok ka, at pinapaging abo ka sa ibabaw ng lupa sa paningin ng lahat na nanganonood sa iyo. 026 EZE 028 019 Silang lahat na nangakakakilala sa iyo sa gitna ng mga bayan, mangatitigilan dahil sa iyo: ikaw ay naging kakilakilabot, at ikaw ay hindi na mabubuhay pa. 026 EZE 028 020 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 028 021 Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha sa Sidon, at manghula ka laban doon, 026 EZE 028 022 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Sidon; at ako'y luluwalhati sa gitna mo; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y naglapat ng kahatulan sa kaniya, at aariing banal sa kaniya. 026 EZE 028 023 Sapagka't ako'y magpaparating sa kaniya ng salot at dugo sa kaniyang mga lansangan; at ang mga may sugat ay mangabubuwal sa gitna niya, sa pamamagitan ng tabak, na nakaumang sa kaniya sa lahat ng dako; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 028 024 At hindi na magkakaroon pa ng dawag na nakakasalubsob sa sangbahayan ni Israel, o ng tinik mang mapangpahirap sa alin man sa nangasa palibot niya, na nagwalang kabuluhan sa kanila; at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios. 026 EZE 028 025 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka aking napisan ang sangbahayan ni Israel mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan, at ako'y aariing banal sa kanila sa paningin ng mga bansa, sila nga'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain na aking ibinigay sa aking lingkod na kay Jacob. 026 EZE 028 026 At sila'y magsisitahang tiwasay roon, oo, sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at mag-uubasan, at tatahang tiwasay, pagka ako'y nakapaglapat ng mga kahatulan sa lahat na nangagwawalang kabuluhan sa palibot nila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios. 026 EZE 029 001 Nang ikasangpung taon, nang ikasangpung buwan, nang ikalabing dalawang araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 029 002 Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha laban kay Faraon na hari sa Egipto, at manghula ka laban sa kaniya, at laban sa buong Egipto; 026 EZE 029 003 Iyong salitain, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y lalaban sa iyo, Faraong hari sa Egipto, na malaking buwaya na nahihiga sa gitna ng kaniyang mga ilog, na nagsabi: Ang ilog ko ay aking sarili, at aking ginawa sa ganang aking sarili. 026 EZE 029 004 At kakawitan kita ng mga pangbingwit sa iyong mga panga, at aking padidikitin ang isda ng iyong mga ilog sa iyong mga kaliskis; at isasampa kita mula sa gitna ng iyong mga ilog, na kasama ng lahat na isda ng iyong mga ilog na magsisidikit sa iyong mga kaliskis. 026 EZE 029 005 At ikaw ay aking iiwan tapon sa ilang, ikaw at ang lahat na isda ng iyong mga ilog: ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang; ikaw ay hindi pipisanin, o pupulutin man; aking ibinigay kang pagkain sa mga hayop sa lupa, at sa mga ibon sa himpapawid. 026 EZE 029 006 At lahat ng nananahan sa Egipto ay makakaalam na ako ang Panginoon, sapagka't sila'y naging tukod na tambo sa sangbahayan ni Israel. 026 EZE 029 007 Nang kanilang pigilan ka sa iyong kamay, iyong binali, at iyong nilabnot ang kanilang mga balikat; at nang sila'y sumandal sa iyo, iyong binalian, at iyong pinapanghina ang kanilang mga balakang. 026 EZE 029 008 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, pagdadalhan kita ng tabak sa iyo, at aking ihihiwalay sa iyo ang tao at hayop. 026 EZE 029 009 At ang lupain ng Egipto ay magiging giba at sira; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. Sapagka't kaniyang sinabi, Ang ilog ay akin, at aking ginawa; 026 EZE 029 010 Kaya't, narito, ako'y laban sa iyo, at laban sa iyong mga ilog, at aking lubos na gigibain at sisirain ang lupain ng Egipto, mula sa moog ng Seveneh hanggang sa hangganan ng Etiopia. 026 EZE 029 011 Walang paa ng tao na daraan doon, o paa man ng hayop ay daraan doon, o tatahanan man siyang apat na pung taon. 026 EZE 029 012 At aking gagawing sira ang lupain ng Egipto sa gitna ng mga lupain na sira; at ang kaniyang mga bayan sa gitna ng mga bayang giba ay magiging sira na apat na pung taon; at aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at aking pananabugin sila sa mga lupain. 026 EZE 029 013 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa katapusan ng apat na pung taon ay aking pipisanin ang mga taga Egipto, mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan; 026 EZE 029 014 At aking ibabalik uli ang mga bihag sa Egipto, at aking pababalikin sila sa lupain ng Patros, na lupain na kinapanganakan sa kanila; at sila'y magiging doo'y isang mababang kaharian. 026 EZE 029 015 Siyang magiging pinakamababa sa mga kaharian; at hindi na matataas pa man ng higit kay sa mga bansa: at aking babawasan sila, upang huwag na silang magpuno sa mga bansa. 026 EZE 029 016 At hindi na magiging pagasa pa ng sangbahayan ni Israel, na nagpapaalaala ng kasamaan, pagka kanilang lilingunin sila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios. 026 EZE 029 017 At nangyari, nang ikadalawang pu't pitong taon, nang unang buwan, nang unang araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi: 026 EZE 029 018 Anak ng tao, pinapaglilingkod ng mabigat ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia ang kaniyang kawal laban sa Tiro: lahat ng ulo ay nakalbo, at lahat ng balikat ay nalabnot; gayon ma'y wala siyang kaupahan, o ang kaniyang hukbo man, mula sa Tiro, sa paglilingkod na kaniyang ipinaglingkod laban doon. 026 EZE 029 019 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking ibibigay ang lupain ng Egipto kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at dadalhin niya ang kaniyang karamihan, at kukunin ang samsam sa kaniya, at kukunin ang huli sa kaniya; at magiging kaupahan para sa kaniyang hukbo. 026 EZE 029 020 Ibinigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto na pinakaganti sa kaniya dahil sa kaniyang ipinaglingkod, sapagka't sila'y nagsipagpagal ng dahil sa akin, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 029 021 Sa araw na yao'y aking palilitawin ang isang sungay upang tumulong sa sangbahayan ni Israel, at aking papangyayarihin ang iyong salita sa gitna nila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 030 001 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 030 002 Anak ng tao, manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manambitan kayo: Sa aba ng araw na yaon! 026 EZE 030 003 Sapagka't ang kaarawan ay malapit na, sa makatuwid baga'y ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na; magiging kaarawan ng pagaalapaap; panahon ng mga bansa. 026 EZE 030 004 At isang tabak ay darating sa Egipto, at kahirapan ay sasa Etiopia, pagka ang mga patay ay mangabubuwal sa Egipto; at dadalhin nila ang kaniyang karamihan, at ang kaniyang mga patibayan ay mangawawasak. 026 EZE 030 005 Ang Etiopia, at ang Phut, at ang Lud, at ang buong halohalong bayan, at ang Chub, at ang mga anak ng lupain na nangasa pagkakasundo, mangabubuwal na kasama nila sa pamamagitan ng tabak. 026 EZE 030 006 Ganito ang sabi ng Panginoon: Sila namang nagsialalay sa Egipto ay mangabubuwal; at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay mabababa: mula sa moog ng Seveneh ay mangabubuwal sila roon sa pamamagitan ng tabak, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 030 007 At sila'y magiging sira sa gitna ng mga lupain na sira; at ang kaniyang mga bayan ay ibibilang sa mga bayan na giba. 026 EZE 030 008 At kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y nagsulsol ng apoy sa Egipto, at lahat niyang katulong ay nangalipol. 026 EZE 030 009 Sa araw na yaon ay magsisilabas ang mga sugo mula sa harap ko sa mga sasakyan upang takutin ang mga walang bahalang taga Etiopia; at magkakaroon ng kahirapan sa kanila gaya sa kaarawan ng Egipto; sapagka't narito, dumarating. 026 EZE 030 010 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Akin namang paglilikatin ang karamihan ng Egipto, sa pamamagitan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia. 026 EZE 030 011 Siya at ang kaniyang bayan na kasama niya, na kakilakilabot sa mga bansa, ay ipapasok upang gibain ang lupain; at kanilang hahawakan ang kanilang mga tabak laban sa Egipto, at pupunuin ng mga patay ang lupain. 026 EZE 030 012 At aking tutuyuin ang mga ilog, at aking ipagbibili ang lupain sa kamay ng mga masamang tao; at aking sisirain ang lupain, at lahat na nandoon, sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa: akong Panginoon ang nagsalita. 026 EZE 030 013 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Akin din namang sisirain ang mga diosdiosan, at aking paglilikatin ang mga larawan sa Memphis; at hindi na magkakaroon pa ng prinsipe sa lupain ng Egipto; at ako'y maglalagay ng katakutan sa lupain ng Egipto. 026 EZE 030 014 At aking sisirain ang Patros, at ako'y magsisilab ng apoy sa Zoan, at maglalapat ako ng mga kahatulan sa No. 026 EZE 030 015 At aking ibubugso ang aking kapusukan sa Sin, na katibayan ng Egipto; at aking ihihiwalay ang karamihan ng mga taga No. 026 EZE 030 016 At ako'y magsusulsol ng apoy sa Egipto: ang Sin ay malalagay sa malaking kadalamhatian, at ang No ay magigiba: at ang Memphis ay magkakaroon ng mga kaaway sa kaarawan. 026 EZE 030 017 Ang mga binata sa Aven at sa Pi-beseth ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang mga ito ay magsisipasok sa pagkabihag. 026 EZE 030 018 Sa Tafnes nama'y magdidilim ang araw, pagka aking inalis roon ang mga atang ng Egipto, at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay maglilikat doon: tungkol sa kaniya, ay tatakpan siya ng alapaap, at ang kaniyang mga anak na babae ay magsisipasok sa pagkabihag. 026 EZE 030 019 Ganito maglalapat ako ng mga kahatulan sa Egipto; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 030 020 At nangyari nang ikalabing isang taon nang unang buwan, nang ikapitong araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 030 021 Anak ng tao, aking binali ang kamay ni Faraon na hari sa Egipto; at, narito, hindi natalian, upang lapatan ng mga gamot, na lagyan ng isang tapal upang talian, upang humawak na matibay ng tabak. 026 EZE 030 022 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban kay Faraon na hari sa Egipto, at aking babaliin ang kaniyang mga bisig, ang malakas na bisig, at yaon na nabali; at aking palalagpakin ang tabak mula sa kaniyang kamay. 026 EZE 030 023 At aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at pananabugin ko sila sa mga lupain. 026 EZE 030 024 At aking palalakasin ang mga bisig ng hari sa Babilonia, at ilalagay ko ang aking tabak sa kaniyang kamay; nguni't aking babaliin ang mga bisig ni Faraon, at siya'y dadaing sa harap niyaon ng mga daing ng taong nasugatan ng ikamamatay. 026 EZE 030 025 At aking aalalayan ang mga bisig ng hari sa Babilonia; at ang mga bisig ni Faraon ay bababa; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking ilalagay ang aking tabak sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang iuunat sa lupain ng Egipto. 026 EZE 030 026 At aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at pananabugin ko sila sa mga lupain; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 031 001 At nangyari nang ikalabing isang taon, nang ikatlong buwan, nang unang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 031 002 Anak ng tao, sabihin mo kay Faraon, na hari sa Egipto, at sa kaniyang karamihan: Sino ang iyong kawangis sa iyong kalakhan? 026 EZE 031 003 Narito, ang taga Asiria ay isang cedro sa Libano, na may magandang mga sanga, at may mayabong na lilim, at may mataas na kataasan; at ang kaniyang dulo ay nasa gitna ng mga mayabong na sanga. 026 EZE 031 004 Kinakandili siya ng tubig, pinalalaki siya ng kalaliman: ang kaniyang mga ilog ay nagsisiagos sa palibot ng kaniyang kinatatamnan; at kaniyang pinaaagos ang kaniyang mga bangbang ng tubig sa lahat ng punong kahoy sa parang. 026 EZE 031 005 Kaya't ang kaniyang kataasan ay nataas ng higit kay sa lahat na punong kahoy sa parang; at ang kaniyang mga sanga ay nagsidami, at ang kaniyang mga sanga ay nagsihaba dahil sa karamihan ng tubig, nang kaniyang pabugsuan. 026 EZE 031 006 Lahat ng ibon sa himpapawid ay nagsigawa ng kanilang mga pugad sa kaniyang mga sanga; at sa ilalim ng kaniyang mga sanga ay nagsipanganak ang lahat ng mga hayop sa parang; at sa kaniyang lilim ay nagsitahan ang lahat na malaking bansa. 026 EZE 031 007 Ganito siya gumanda sa kaniyang kalakhan, sa kahabaan ng kaniyang mga sanga: sapagka't ang kaniyang ugat ay nasa siping ng maraming tubig. 026 EZE 031 008 Ang mga cedro sa halamanan ng Dios hindi makapantay sa kaniya; ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, at ang mga puno ng kastano ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, o may anomang punong kahoy sa halamanan ng Dios na kagaya niya sa kaniyang kagandahan. 026 EZE 031 009 Pinaganda ko siya sa karamihan ng kaniyang mga sanga, na anopa't lahat ng punong kahoy sa Eden, na nangasa halamanan ng Dios, nanaghili sa kaniya. 026 EZE 031 010 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ikaw ay nataas sa kataasan, at inilagay niya ang kaniyang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga, at ang kaniyang puso ay nagmataas sa kaniyang pagkataas; 026 EZE 031 011 Aking ibibigay nga siya sa kamay ng makapangyarihan sa mga bansa; walang pagsalang siya'y susugpuin: aking pinalayas siya dahil sa kaniyang kasamaan. 026 EZE 031 012 At inihiwalay siya at iniwan siya, ng mga taga ibang lupa, ng kakilakilabot sa mga bansa: sa ibabaw ng mga bundok at sa lahat ng mga libis ay nangalaglag ang kaniyang mga sanga, at ang kaniyang mga sanga ay nangabali sa siping ng lahat ng mga ilog ng lupain; at bumaba ang lahat ng tao sa lupa mula sa kaniyang lilim at iniwan siya. 026 EZE 031 013 Sa kaniyang guho ay magsisitahan ang lahat ng mga ibon sa himpapawid, at lahat ng mga hayop sa parang ay mangapapa sa kaniyang mga sanga; 026 EZE 031 014 Upang walang magmataas sa kanilang kataasan sa lahat na punong kahoy sa siping ng tubig, o maglagay man ng kanilang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga, o ang kanila mang mga makapangyarihan ay magsitayo sa kanilang pagkataas, sa makatuwid baga'y yaong lahat na nagsisiinom ng tubig: sapagka't silang lahat ay nangabigay sa kamatayan, sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, sa gitna ng mga anak ng tao, na kasama ng nagsibaba sa hukay. 026 EZE 031 015 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nang araw na siya'y bumaba sa Sheol ay nagpatangis ako: aking tinakpan ang kalaliman dahil sa kaniya, at pinigil ko ang mga ilog niya; at ang mga malaking ilog ay nagsitigil; at aking pinapanangis sa kaniya ang Libano, at ang lahat na punong kahoy sa parang ay nanglupaypay dahil sa kaniya. 026 EZE 031 016 Aking niyanig ang mga bansa sa hugong ng kaniyang pagkabuwal, nang aking ihagis siya sa Sheol na kasama ng nagsibaba sa hukay; at ang lahat na punong kahoy sa Eden, ang pili at pinakamahusay ng Libano, lahat ng nagsisiinom ng tubig ay nangaaliw sa pinakamalalim na bahagi ng lupa. 026 EZE 031 017 Sila rin nama'y nagsibaba sa Sheol na kasama niya sa kanila na nangapatay ng tabak; oo, silang pinakakamay niya na nagsisitahan sa kaniyang lilim sa gitna ng mga bansa. 026 EZE 031 018 Sino ang gaya mong ganito sa kaluwalhatian at sa kalakhan sa gitna ng mga punong kahoy sa Eden? gayon ma'y mabababa ka na kasama ng mga punong kahoy sa Eden, sa pinakamalalim na bahagi ng lupa: ikaw ay malalagay sa gitna ng mga di tuli, na kasama nila na nangapatay ng tabak. Ito'y si Faraon at ang buo niyang karamihan, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 032 001 At nangyari, nang ikalabing dalawang taon, nang ikalabing dalawang buwan, nang unang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi: 026 EZE 032 002 Anak ng tao, panaghuyan mo si Faraong hari sa Egipto, at sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay kawangis ng isang batang leon sa mga bansa; gayon man ikaw ay parang malaking hayop sa mga dagat; at ikaw ay sumagupa sa iyong mga ilog, at nilabo mo ng iyong mga paa ang tubig, at dinumhan mo ang kanilang mga ilog. 026 EZE 032 003 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking ilaladlad ang aking lambat sa iyo na kasama ng isang pulutong ng maraming tao; at iaahon ka nila sa aking lambat. 026 EZE 032 004 At iiwan kita sa lupain, ihahagis kita sa luwal na parang, at aking padadapuin sa iyo ang lahat ng mga ibon sa himpapawid, at aking bubusugin sa iyo ang mga hayop ng buong lupa. 026 EZE 032 005 At aking ilalagay ang iyong laman sa ibabaw ng mga bundok, at pupunuin ko ang mga libis ng iyong kataasan. 026 EZE 032 006 Akin namang didiligin ng iyong dugo ang lupain na iyong nilalanguyan, hanggang sa mga bundok; at ang mga daan ng tubig ay mapupuno. 026 EZE 032 007 At pagka ikaw ay aking nautas, aking tatakpan ang langit, at padidilimin ko ang mga bituin niyaon; aking tatakpan ng alapaap ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag. 026 EZE 032 008 Lahat na maningning na liwanag sa langit ay aking padidilimin sa iyo, at tatakpan ko ng kadiliman ang iyong lupain, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 032 009 Akin namang papaghihirapin ang puso ng maraming bayan, pagka aking dadalhin ang iyong kagibaan sa gitna ng mga bansa, sa mga lupain na hindi mo nakilala. 026 EZE 032 010 Oo, aking papanggigilalasin ang maraming bayan sa iyo, at ang kanilang mga hari ay lubhang matatakot sa iyo, pagka aking ikinumpas ang aking tabak sa harap nila; at sila'y manginginig tuwituwina, bawa't tao dahil sa kaniyang sariling buhay sa kaarawan ng iyong pagkabuwal. 026 EZE 032 011 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ang tabak ng hari sa Babilonia ay darating sa iyo. 026 EZE 032 012 Sa pamamagitan ng mga tabak ng makapangyarihan ay aking ipabubuwal ang iyong karamihan; kakilakilabot sa mga bansa silang lahat: at kanilang wawalaing halaga ang kapalaluan ng Egipto, at ang buong karamihan niyao'y malilipol. 026 EZE 032 013 Akin din namang lilipuling lahat ang mga hayop niyaon mula sa siping ng maraming tubig; at hindi na lalabukawin pa man ng paa ng tao, o ang kuko man ng mga hayop ay magsisilabukaw sa mga yaon. 026 EZE 032 014 Kung magkagayo'y aking palilinawin ang kanilang tubig, at aking paaagusin ang kanilang mga ilog na parang langis, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 032 015 Pagka aking gagawin ang lupain ng Egipto na sira at giba, na lupaing iniwan ng lahat na nangandoon, pagka aking sasaktan silang lahat na nagsisitahan doon kung magkagayon ay kanila ngang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 032 016 Ito nga ang panaghoy na kanilang itataghoy; na itataghoy ng mga anak na babae ng mga bansa; sa Egipto, at sa lahat na kaniyang karamihan ay itataghoy nila, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 032 017 Nangyari rin nang ikalabing dalawang taon, nang ikalabing limang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na nagsasabi, 026 EZE 032 018 Anak ng tao, taghuyan mo ang karamihan ng Egipto, at ibaba mo sila, sa makatuwid baga'y siya, at ang mga anak na babae ng mga bantog na bansa, hanggang sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, na kasama ng nagsibaba sa hukay. 026 EZE 032 019 Sinong iyong dinadaig sa kagandahan? bumaba ka, at malagay kang kasama ng mga di tuli. 026 EZE 032 020 Sila'y mangabubuwal sa gitna nila na nangapatay ng tabak: siya'y nabigay sa tabak: ilabas mo siya at ang lahat niyang karamihan. 026 EZE 032 021 Ang malakas sa gitna ng makapangyarihan ay magsasalita sa kaniya na mula sa gitna ng Sheol na kasama ng nagsitulong sa kaniya: sila'y nagsibaba, sila'y nangakatigil, sa makatuwid baga'y ang mga hindi tuli, na nangapatay ng tabak. 026 EZE 032 022 Ang Assur ay nandoon at ang buo niyang pulutong; ang kaniyang mga libingan ay nangasa palibot niya: silang lahat na nangapatay, na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak; 026 EZE 032 023 Na ang mga libingan ay nangalalagay sa pinakamalalim na bahagi ng hukay, at ang kaniyang pulutong ay nasa palibot ng kaniyang libingan; silang lahat na nangapatay, na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak, na nakapangingilabot sa lupain ng buhay. 026 EZE 032 024 Nandoon ang Elam at ang buo niyang karamihan sa palibot ng kaniyang libingan; silang lahat na nangapatay na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak, na nagsibabang hindi mga tuli sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, na nakapagpangilabot sila sa lupain ng buhay, at dinala ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay. 026 EZE 032 025 Inilagay nila ang kaniyang higaan sa gitna ng mga patay na kasama ng buong karamihan niya; ang kaniyang mga libingan ay nangasa palibot niya; silang lahat na di tuli na nangapatay sa pamamagitan ng tabak; sapagka't nakapagpangilabot sila sa lupain ng buhay, at dinala nila ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay: siya'y nalagay sa gitna niyaong nangapatay. 026 EZE 032 026 Nandoon ang Mesech, ang Tubal, at ang buo niyang karamihan; ang mga libingan niya ay nangasa palibot niya; silang lahat na hindi tuli, na nangapatay sa pamamagitan ng tabak; sapagka't sila'y nakapagpangilabot sa lupain ng buhay. 026 EZE 032 027 At sila'y hindi mangahihiga na kasama ng makapangyarihan na nangabuwal sa mga di tuli, na nagsibaba sa Sheol na may kanilang mga almas na pangdigma, at nangaglagay ng kanilang mga tabak sa ilalim ng kanilang mga ulo, at ang kanilang mga kasamaan ay nangasa kanilang mga buto; sapagka't sila ang kakilabutan ng makapangyarihan sa lupain ng buhay. 026 EZE 032 028 Nguni't ikaw ay mabubuwal sa gitna ng mga di tuli, at ikaw ay mahihiga na kasama nila na nangapatay sa pamamagitan ng tabak. 026 EZE 032 029 Nandoon ang Edom, ang kaniyang mga hari at lahat niyang prinsipe, na sa kanilang kapangyarihan ay nangahiga na kasama ng nangapatay ng tabak: sila'y mangahihiga na kasama ng mga di tuli, at niyaong nagsibaba sa hukay. 026 EZE 032 030 Nandoon ang mga prinsipe sa hilagaan, silang lahat, at lahat ng mga taga Sidon, na nagsibabang kasama ng nangapatay; sa kakilabutan na kanilang ipinangilabot ng kanilang kapangyarihan sila'y nangapahiya; at sila'y nangahihigang hindi tuli na kasama ng nangapapatay sa pamamagitan ng tabak, at taglay ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay. 026 EZE 032 031 Makikita sila ni Faraon, at maaaliw sa lahat niyang karamihan, sa makatuwid baga'y ni Faraon at ng buo niyang hukbo, na nangapatay ng tabak, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 032 032 Sapagka't inilagay ko ang kaniyang kakilabutan sa lupain ng buhay; at siya'y ihihiga sa gitna ng mga di tuli, na kasama ng nangapatay ng tabak, si Faraon at ang buong karamihan niya, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 033 001 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 033 002 Anak ng tao, salitain mo sa mga anak ng iyong bayan, at sabihin mo sa kanila, Pagka aking dinala ang tabak sa lupain, kung ang bayan ng lupain ay kumuha ng isang lalake sa gitna nila, at ilagay na pinakabantay nila; 026 EZE 033 003 Kung, pagkakita niya ng tabak na dumarating sa lupain, kaniyang hipan ang pakakak, at magbigay alam sa bayan; 026 EZE 033 004 Sinoman ngang makarinig ng tunog ng pakakak, at hindi pinansin kung ang tabak ay dumating at dalhin siya, ang kaniyang dugo ay mapapasa kaniyang sariling ulo. 026 EZE 033 005 Narinig niya ang tunog ng pakakak, at hindi pinansin; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya; sapagka't kung siya'y pumansin ay kaniyang nailigtas sana ang kaniyang buhay. 026 EZE 033 006 Nguni't kung makita ng bantay na dumarating ang tabak, at hindi humihip ng pakakak, at ang bayan ay hindi napagbigyang alam, at ang tabak ay dumating, at maghiwalay ng sinoman mula sa gitna nila; siya'y nahiwalay sa kaniyang kasamaan, nguni't ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa kamay ng bantay. 026 EZE 033 007 Sa gayo'y ikaw, anak ng tao, ay inilagay ko na bantay sa sangbahayan ni Israel; kaya't dinggin mo ang salita sa aking bibig, at magbigay alam ka sa kanila sa ganang akin. 026 EZE 033 008 Pagka aking sinabi sa masama, Oh masamang tao, ikaw ay walang pagsalang mamamatay, at ikaw ay hindi nagsasalita upang magbigay alam sa masama ng kaniyang lakad: ang masamang yaon ay mamamatay sa kaniyang kasamaan, nguni't ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa iyong kamay. 026 EZE 033 009 Gayon ma'y kung iyong bigyang alam ang masama ng kaniyang lakad upang humiwalay, at hindi niya hiniwalayan ang kaniyang lakad; mamamatay siya sa kaniyang kasamaan, nguni't iniligtas mo ang iyong kaluluwa. 026 EZE 033 010 At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang inyong sinasalita, na sinasabi, Ang aming pagsalangsang, at ang aming mga kasalanan ay nangasa amin, at aming pinanglulupaypayan; paano ngang kami ay mangabubuhay? 026 EZE 033 011 Sabihin mo sa kanila, Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, wala akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad at mabuhay: manumbalik kayo, manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad; sapagka't bakit kayo mangamamatay, Oh sangbahayan ni Israel? 026 EZE 033 012 At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa mga anak ng iyong bayan, Ang katuwiran ng matuwid ay hindi makapagliligtas sa kaniya sa kaarawan ng kaniyang pagsalangsang; at tungkol sa kasamaan ng masama, hindi niya kabubuwalan sa araw na kaniyang hiwalayan ang kaniyang kasamaan; ni ikabubuhay man ng matuwid ang kaniyang katuwiran sa araw na siya'y magkasala. 026 EZE 033 013 Pagka aking sasabihin sa matuwid na siya'y walang pagsalang mabubuhay; kung siya'y tumiwala sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, anoman sa kaniyang mga matuwid na gawa ay hindi aalalahanin; kundi sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa doon siya mamamatay. 026 EZE 033 014 Muli, pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; kung kaniyang iwan ang kaniyang kasalanan, at gawin ang tapat at matuwid; 026 EZE 033 015 Kung isauli ng masama ang sanla, ibigay uli ang kinuha sa pagnanakaw, lumakad sa palatuntunan ng buhay, na di gumawa ng kasamaan, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay. 026 EZE 033 016 Wala sa kaniyang mga kasalanan na kaniyang nagawa na aalalahanin laban sa kaniya; kaniyang ginawa ang tapat at matuwid; siya'y walang pagsalang mabubuhay. 026 EZE 033 017 Gayon ma'y sinabi ng mga anak ng iyong bayan, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid: nguni't tungkol sa kanila, ay hindi matuwid ang kanilang lakad. 026 EZE 033 018 Pagka iniwan ng matuwid ang kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, kaniyang ikamamatay yaon. 026 EZE 033 019 At kung hiwalayan ng masama ang kaniyang kasamaan, at gumawa ng tapat at matuwid, kaniyang ikabubuhay yaon. 026 EZE 033 020 Gayon ma'y inyong sinasabi, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Oh sangbahayan ni Israel, aking hahatulan kayo bawa't isa, ayon sa kaniyang mga lakad. 026 EZE 033 021 At nangyari, nang ikalabing dalawang taon ng ating pagkabihag, nang ikasangpung buwan; nang ikalimang araw ng buwan, na isa na nakatanan mula sa Jerusalem ay naparoon sa akin, na nagsasabi, Ang bayan ay nasaktan. 026 EZE 033 022 Ang kamay nga ng Panginoon ay sumaakin nang kinahapunan, bago dumating ang nakatanan; at ibinuka niya ang aking bibig, hanggang sa siya'y dumating sa akin nang kinaumagahan; at ang aking bibig ay nabuka at hindi na ako pipi. 026 EZE 033 023 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 033 024 Anak ng tao, ang nagsisitahan sa mga gibang dakong yaon ng lupain ng Israel, ay nangagsasalita, na sinasabi, Si Abraham ay iisa, at kaniyang minana ang lupain: nguni't tayo'y marami; ang lupain ay ibinigay sa ating pinakamana. 026 EZE 033 025 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kayo'y nagsisikain ng may dugo, at itinataas ninyo ang inyong mga mata sa inyong mga diosdiosan, at nagbububo ng dugo: at inyo bagang aariin ang lupain? 026 EZE 033 026 Kayo'y nagsisitayo sa inyong tabak, kayo'y nagsisigawa ng kasuklamsuklam, at nanirang puri bawa't isa sa inyo ng asawa ng kaniyang kapuwa: at inyo bagang aariin ang lupain? 026 EZE 033 027 Sabihin mong ganito sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Buhay ako, walang pagsalang silang nangasa mga ibang dako ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at siyang nasa luwal na parang ay ibibigay ko sa mga hayop upang lamunin, at silang nangasa mga katibayan at sa mga yungib ay mangamamatay sa salot. 026 EZE 033 028 At aking gagawing sira ang lupain at katigilan; at ang kahambugan ng kaniyang lakas ay maglilikat; at ang mga bundok ng Israel ay mangasisira, na walang dadaan. 026 EZE 033 029 Kung magkagayo'y malalaman nila na ako ang Panginoon, pagka aking ginawang sira at katigilan ang lupain, dahil sa lahat nilang kasuklamsuklam na kanilang nagawa. 026 EZE 033 030 At tungkol sa iyo, anak ng tao, pinagsasalitaanan ka pa ng mga anak ng iyong bayan sa siping ng mga pader at sa mga pintuan ng mga bahay, at nangagsasalitaan na bawa't isa'y sa kaniyang kapatid, na sinasabi, Pumarito ka, isinasamo ko sa iyo, at dinggin mo kung ano ang salita na nanggagaling sa Panginoon. 026 EZE 033 031 At dumating sa iyo na wari ang bayan ay dumarating, at sila'y nagsisiupo sa harap mo na gaya ng aking bayan, at kanilang dinidinig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa; sapagka't sila'y nangagsasalita ng malaking pagibig ng kanilang bibig, nguni't ang kanilang puso ay nasa kanilang pakinabang. 026 EZE 033 032 At, narito, ikaw ay parang masayang awit sa kanila na may maligayang tinig, at nakatutugtog na mabuti sa panugtog; sapagka't kanilang naririnig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa. 026 EZE 033 033 At pagka ito'y nangyari, (narito, nangyayari, ) kanila ngang malalaman na isang propeta ay napasa gitna nila. 026 EZE 034 001 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 034 002 Anak ng tao, manghula ka laban sa mga pastor ng Israel, manghula ka, at iyong sabihin sa kanila, sa mga pastor, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa aba ng mga pastor ng Israel na pinakakain ang kanilang sarili! hindi baga dapat pakanin ng mga pastor ang mga tupa? 026 EZE 034 003 Kayo'y nagsisikain ng gatas, at kayo'y nangananamit sa inyo ng lana, inyong pinapatay ang mga pinataba; nguni't hindi ninyo pinakakain ang mga tupa. 026 EZE 034 004 Hindi ninyo pinalakas ang payat, o inyo mang pinagaling ang may sakit, o inyo mang tinalian ang may bali, o inyo mang ibinalik ang iniligaw, o inyo mang hinanap ang nawala; kundi inyong pinagpunuang may karahasan at may kahigpitan. 026 EZE 034 005 At sila'y nangalat dahil sa walang pastor, at sila'y naging pagkain sa lahat ng hayop sa parang, at sila'y nangalat. 026 EZE 034 006 Ang aking mga tupa ay nagsisilaboy sa lahat ng bundok, at sa lahat na mataas na burol: oo, ang aking mga tupa ay nangalat sa buong ibabaw ng lupa; at walang magsiyasat o humanap sa kanila. 026 EZE 034 007 Kaya't kayong mga pastor, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon: 026 EZE 034 008 Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsala na dahil sa ang aking mga tupa ay naging samsam, at ang aking mga tupa ay naging pagkain sa lahat na hayop sa parang, sapagka't walang pastor, o hinanap man ng aking mga pastor ang aking mga tupa, kundi ang mga pastor ay nagsikain, at hindi pinakain ang aking mga tupa; 026 EZE 034 009 Kaya't, Oh kayong mga pastor, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon: 026 EZE 034 010 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa mga pastor; at aking aalisin ang aking mga tupa sa kanilang kamay, at akin silang patitigilin ng pagpapakain ng mga tupa; at hindi na naman pakakanin ng mga pastor ang kanilang sarili; at aking ililigtas ang aking mga tupa sa kanilang bibig, upang huwag maging pagkain sa kanila. 026 EZE 034 011 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, sisiyasat ng aking mga tupa, at aking hahanapin sila. 026 EZE 034 012 Kung paanong hinanap ng pastor ang kaniyang kawan sa kaarawan na siya'y nasa gitna ng kaniyang mga tupa na nangangalat, gayon ko hahanapin ang aking mga tupa; at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa maulap at madilim na araw. 026 EZE 034 013 At aking ilalabas sila sa mga bayan, at pipisanin ko sila mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain; at pasasabsabin ko sila sa mga bundok ng Israel, sa tabi ng mga daan ng tubig, at sa lahat na tinatahanang dako sa lupain. 026 EZE 034 014 Aking pakakanin sila sa mabuting pastulan; at sa mga mataas na bundok ng kataasan ng Israel ay malalagay ang kanilang kulungan: doon mangahihiga sila sa mabuting kulungan; at sa matabang pastulan ay manginginain sila sa mga bundok ng Israel. 026 EZE 034 015 Ako ay magiging kanilang pastor ng aking mga tupa at aking pahihigain sila, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 034 016 Aking hahanapin ang nawala, at ibabalik ang iniligaw, at tatalian ang nabalian, at palalakasin ang may sakit: nguni't aking lilipulin ang mataba at malakas; aking pakakanin sila sa katuwiran. 026 EZE 034 017 At tungkol sa inyo, Oh aking kawan, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y humahatol sa gitna ng hayop at hayop, sa gitna ng mga lalaking tupa at mga kambing na lalake. 026 EZE 034 018 Inaakala baga ninyong munting bagay sa inyo na kumain sa mabuting pastulan, nguni't inyong marapat yapakan ng inyong mga paa ang nalabi sa inyong pastulan? at uminom sa malinaw na tubig, nguni't inyong marapat lampisawin ng inyong mga paa ang nalabi? 026 EZE 034 019 At tungkol sa aking mga tupa, kanilang kinakain ang inyong niyapakan ng inyong mga paa, at kanilang iniinom ang nilampisaw ng inyong mga paa. 026 EZE 034 020 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa kanila: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, ay hahatol sa matabang tupa at sa payat na tupa. 026 EZE 034 021 Sapagka't inyong itinulak ng tagiliran at ng balikat, at inyong sinuwag ng inyong mga sungay ang lahat na may sakit, hanggang sa inyong napangalat sila; 026 EZE 034 022 Kaya't aking ililigtas ang aking kawan, at hindi na sila magiging samsam; at ako'y hahatol sa tupa at tupa. 026 EZE 034 023 At ako'y maglalagay ng isang pastor sa kanila, at kaniyang papastulin sila sa makatuwid baga'y ang aking lingkod na si David; kaniyang papastulin sila, at siya'y magiging kanilang pastor, 026 EZE 034 024 At akong Panginoon ay magiging kanilang Dios, at ang aking lingkod na si David ay prinsipe sa kanila; akong Panginoon ang nagsalita. 026 EZE 034 025 At ako'y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan, at aking papawiin ang mga masamang hayop sa lupain; at sila'y magsisitahang tiwasay sa ilang, at mangatutulog sa mga gubat. 026 EZE 034 026 At aking gagawing mapapalad sila at ang mga dakong nangasa palibot ng aking burol; at aking palalagpakin ang ulan sa kapanahunan; magkakaroon ng ulan ng pagpapala. 026 EZE 034 027 At ang punong kahoy sa parang ay magbubunga, at ang lupa'y magsisibol ng halaman niya, at sila'y matitiwasay sa kanilang lupain; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binali ang tali ng kanilang pamatok, at aking nailigtas sila sa kamay ng mga pinaglilingkuran nila. 026 EZE 034 028 At sila'y hindi na magiging pinakahuli sa mga bansa, o lalamunin man sila ng hayop sa lupa; kundi sila'y magsisitahang tiwasay, at walang tatakot sa kanila. 026 EZE 034 029 At aking pagkakalooban sila ng mga pananim na ikababantog, at sila'y hindi na mangalilipol pa ng kagutom sa lupain, o magtataglay pa man ng kahihiyan sa mga bansa. 026 EZE 034 030 At kanilang malalaman na akong Panginoon nilang Dios ay sumasa kanila, at sila na sangbahayan ni Israel ay aking bayan, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 034 031 At kayong mga tupa ko, na mga tupa sa aking pastulan ay mga tao, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 035 001 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 035 002 Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha sa bundok ng Seir, at manghula ka laban doon, 026 EZE 035 003 At sabihin mo roon, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh bundok ng Seir, at aking iniunat ang aking kamay laban sa iyo, at gagawin kitang sira at katigilan. 026 EZE 035 004 Aking ilalagay na giba ang iyong mga bayan, at ikaw ay magiging sira; at iyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 035 005 Sapagka't ikaw ay nagkaroon ng laging pakikipagkaalit, at ibinigay mo ang mga anak ni Israel sa kapangyarihan ng tabak sa kapanahunan ng kanilang kasakunaan, sa kapanahunan ng parusang pinaka wakas; 026 EZE 035 006 Kaya't buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, aking itatalaga ka sa dugo, at ang dugo ay hahabol sa iyo: yamang hindi mo kinapootan ang dugo, kaya't matatalaga ka sa dugo. 026 EZE 035 007 Ganito ko gagawin ang bundok ng Seir na isang katigilan at kasiraan; at aking ihihiwalay sa kaniya siya na nagdaraan at siyang nagbabalik. 026 EZE 035 008 At aking pupunuin ang kaniyang mga bundok ng kaniyang mga nangapatay: sa iyong mga burol at sa iyong mga libis at sa lahat mong mga daan ng tubig ay mangabubuwal sila na nangapatay ng tabak. 026 EZE 035 009 Ikaw ay gagawin kong pangpalaging kasiraan, at ang iyong mga bayan ay hindi tatahanan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 035 010 Sapagka't iyong sinabi, Ang dalawang bansang ito, at ang dalawang lupaing ito ay magiging akin, at aming aariin; bagaman kinaroroonan ng Panginoon: 026 EZE 035 011 Kaya't buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, aking gagawin ayon sa iyong galit, at ayon sa iyong pananaghili na iyong ipinakilala sa iyong pagtatanim laban sa kanila: at ako'y pakikilala sa gitna nila pagka aking hahatulan ka. 026 EZE 035 012 At iyong malalaman na akong Panginoon ay nakarinig ng lahat mong panunungayaw na iyong sinalita laban sa mga bundok ng Israel, na sinasabi, Nangalagay na sira ang mga yaon, nangabigay sa atin upang lamunin. 026 EZE 035 013 At kayo'y nangagmalaki laban sa akin ng inyong bibig, at inyong pinarami ang inyong mga salita laban sa akin: aking narinig yaon. 026 EZE 035 014 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka ang buong lupa ay nagagalak, akin gagawin kang sira. 026 EZE 035 015 Kung paanong ikaw ay nagalak sa mana ng sangbahayan ni Israel, dahil sa sira, gayon ang gagawin ko sa iyo: ikaw ay magiging sira, Oh bundok ng Seir, at buong Edom, oo, lahat ng ito; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 036 001 At ikaw, anak ng tao, manghula ka laban sa mga bundok ng Israel, at sabihin mo, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon. 026 EZE 036 002 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: sapagka't sinabi ng kaaway sa inyo, Aha! at, Ang dating mga mataas na dako ay aming pag-aari; 026 EZE 036 003 Kaya't manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang ginawang sira kayo, at nadaig kayo sa lahat ng dako, upang kayo'y maging pag-aari ng nalabi sa mga bansa, at kayo'y nabanggit ng mga labi ng mga mangdadaldal, at masamang ulat ng bayan; 026 EZE 036 004 Kaya't kayong mga bundok ng Israel, inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, sa mga sirang dako at sa mga bayan na nangapabayaan, na mga naging samsam at kakutyaan na nalabi sa mga bansa na nangasa palibot; 026 EZE 036 005 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Tunay na sa silakbo ng aking paninibugho ay nagsalita ako laban sa nalabi sa mga bansa, at laban sa buong Edom, na nagtakda ng aking lupain sa kanilang sarili na pag-aari na may kagalakan ng buo nilang puso, na may sama ng loob, upang ihagis na pinakasamsam. 026 EZE 036 006 Kaya't manghula ka tungkol sa lupain ng Israel, at sabihin mo sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y nagsalita sa aking paninibugho at sa aking kapusukan, sapagka't inyong tinaglay ang kahihiyan ng mga bansa. 026 EZE 036 007 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking itinaas ang aking kamay, na aking sinasabi, Tunay na ang mga bansa na nangasa palibot ninyo, mangagtataglay sila ng malaking kahihiyan. 026 EZE 036 008 Nguni't, kayo, Oh mga bundok ng Israel, inyong isusupling ang inyong mga sanga, at magbubunga sa aking bayang Israel; sapagka't sila'y malapit nang dumating. 026 EZE 036 009 Sapagka't, narito, ako'y sa inyo, at ako'y babalik sa inyo, at kayo'y mabubukid at mahahasikan; 026 EZE 036 010 At ako'y magpaparami ng mga tao sa inyo, buong sangbahayan ni Israel, sa makatuwid baga'y siyang lahat; at ang mga bayan ay tatahanan, at ang mga sirang dako ay mangatatayo; 026 EZE 036 011 At ako'y magpaparami sa inyo ng tao at hayop; at sila'y magsisidami at mangagkakaanak: at aking patatahanin kayo ayon sa inyong dating kalagayan, at gagawan ko kayo ng magaling kay sa una: at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 036 012 Oo, aking palalakarin sa inyo ang mga tao, sa makatuwid baga'y ang aking bayang Israel; at kanilang aariin ka, at ikaw ay magiging kanilang mana, at hindi mo na sila wawalaan ng mga anak. 026 EZE 036 013 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't kanilang sinasabi sa iyo, Ikaw na lupain ay manglalamon nga ng mga tao, at naging mapagpahirap sa iyong bansa; 026 EZE 036 014 Kaya't hindi ka na manglalamon pa ng mga tao o papatay pa man sa iyong bansa, sabi ng Panginoong Dios; 026 EZE 036 015 O iparirinig ko pa man sa iyo ang kahihiyan ng mga bansa, o magtataglay ka pa man ng kakutyaan ng mga bayan, o ititisod mo pa man ang iyong bansa, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 036 016 Bukod dito'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi, 026 EZE 036 017 Anak ng tao, nang tumatahan ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling lupain, kanilang inihawa ng kanilang lakad at ng kanilang mga gawa: ang kanilang lakad sa harap ko ay naging parang karumihan ng babae sa kaniyang kapanahunan. 026 EZE 036 018 Kaya't aking ibinugso ang aking kapusukan sa kanila dahil sa dugo na kanilang ibinubo sa lupain, at dahil sa kanilang nilapastangan ng kanilang mga diosdiosan; 026 EZE 036 019 At aking pinangalat sila sa mga bansa, at sila'y nagsipanabog sa mga lupain: ayon sa kanilang lakad at ayon sa kanilang mga gawa ay hinatulan ko sila. 026 EZE 036 020 At nang sila'y dumating sa mga bansa, na kanilang pinaroonan, kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan; sa pagsasabi ng mga tao tungkol sa kanila, Ang mga ito ay bayan ng Panginoon, at nagsilabas sa kaniyang lupain. 026 EZE 036 021 Nguni't iginalang ko ang aking banal na pangalan, na nilapastangan ng sangbahayan ni Israel sa mga bansa na kanilang pinaroonan. 026 EZE 036 022 Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Hindi ko ginawa ito dahil sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel, kundi dahil sa aking banal na pangalan, na inyong nilapastangan sa mga bansa na inyong pinaroonan. 026 EZE 036 023 At aking babanalin ang aking dakilang pangalan, na nalapastangan sa mga bansa, na inyong nilapastangan sa gitna nila; at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, sabi ng Panginoong Dios, pagka ako'y aariing banal sa inyo sa harap ng kanilang mga mata. 026 EZE 036 024 Sapagka't aking kukunin kayo sa mga bansa, at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain. 026 EZE 036 025 At ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diosdiosan, lilinisin ko kayo. 026 EZE 036 026 Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. 026 EZE 036 027 At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa. 026 EZE 036 028 At kayo'y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang; at kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios. 026 EZE 036 029 At lilinisin ko kayo sa lahat ninyong karumihan: at aking patutubuin ang trigo, at aking pararamihin, at hindi na ako magpaparating ng kagutom sa inyo. 026 EZE 036 030 At aking pararamihin ang bunga ng punong kahoy, at ang ani sa bukid, upang huwag na kayong tumanggap pa ng kadustaan ng kagutom sa mga bansa. 026 EZE 036 031 Kung magkagayo'y inyong maaalaala ang inyong mga masamang lakad, at ang inyong mga gawa na hindi mabuti; at kayo'y mayayamot sa inyong sarili sa inyong paninging sarili, dahil sa inyong mga kasamaan at dahil sa inyong mga kasuklamsuklam. 026 EZE 036 032 Hindi dahil sa inyo ginagawa ko ito, sabi ng Panginoong Dios, tantuin ninyo: kayo'y mangahiya at mangalito dahil sa inyong mga lakad, Oh sangbahayan ni Israel. 026 EZE 036 033 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa araw na aking linisin kayo sa lahat ninyong kasamaan, aking patatahanan ang mga bayan, at ang mga gibang dako ay mangatatayo. 026 EZE 036 034 At ang lupain na naging sira ay mabubukid, na naging sira sa paningin ng lahat na nangagdaraan. 026 EZE 036 035 At kanilang sasabihin, Ang lupaing ito na naging sira ay naging gaya ng halamanan ng Eden; at ang sira at giba at wasak na mga bayan ay nakukutaan at tinatahanan. 026 EZE 036 036 Kung magkagayo'y malalaman ng mga bansa na nalabi sa palibot ninyo na akong Panginoon ay nagtayo ng mga guhong dako, at tinamnan ko ang dakong sira: akong Panginoon ang nagsalita, at aking gagawin. 026 EZE 036 037 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Bukod dito pa'y pagsasanggunian ako ng sangbahayan ni Israel, upang gawin sa kanila; ako'y magpaparami sa kanila ng tao na parang kawan. 026 EZE 036 038 Kung paano ang kawan na panghain, kung paano ang kawan ng Jerusalem sa kanilang mga takdang kapistahan, gayon mapupuno ang mga gibang bayan ng mga kawan ng mga tao: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 037 001 Ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at kaniyang dinala ako sa Espiritu ng Panginoon, at inilagay niya ako sa gitna ng libis; at yao'y puno ng mga buto. 026 EZE 037 002 At pinaraan niya ako sa tabi ng mga yaon sa palibot: at, narito, may totoong marami sa luwal na libis; at, narito, mga totoong tuyo. 026 EZE 037 003 At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; ikaw ang nakakaalam. 026 EZE 037 004 Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon. 026 EZE 037 005 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay. 026 EZE 037 006 At lalagyan ko kayo ng mga litid, at babalutin ko kayo ng laman, at tatakpan ko kayo ng balat, at lalagyan ko kayo ng hininga, at kayo'y mangabubuhay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 037 007 Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos sa akin: at habang ako'y nanghuhula, may naghinugong, at, narito, isang lindol; at ang mga buto ay nangagkalapit, buto sa kaniyang buto. 026 EZE 037 008 At ako'y tumingin, at, narito, may mga litid sa mga yaon, at laman ay lumitaw sa mga yaon at ang balat ay tumakip sa mga yaon sa ibabaw; nguni't walang hininga sa kanila. 026 EZE 037 009 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Manghula ka sa hangin, manghula ka, anak ng tao, at sabihin mo sa hangin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manggaling ka sa apat na hangin, Oh hinga, at humihip ka sa mga patay na ito, upang sila'y mangabuhay. 026 EZE 037 010 Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos niya sa akin, at ang hininga ay pumasok sa kanila, at sila'y nangabuhay, at nagsitayo ng kanilang mga paa, isang totoong malaking pulutong. 026 EZE 037 011 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ang mga butong ito ay ang buong sangbahayan ni Israel: narito, kanilang sinasabi, Ang ating mga buto ay natuyo, at ang ating pagasa ay nawala; tayo'y lubos na nahiwalay. 026 EZE 037 012 Kaya't manghula ka, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking bubuksan ang inyong mga libingan, at aking pasasampahin kayo mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko; at aking dadalhin kayo sa lupain ng Israel. 026 EZE 037 013 At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking binuksan ang inyong libingan, at aking pinasampa kayo na mula sa inyong mga libingan, Oh bayan ko. 026 EZE 037 014 At aking ilalagay ang aking Espiritu sa inyo, at kayo'y mangabubuhay, at aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at inyong mangalalaman na akong Panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon. 026 EZE 037 015 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi: 026 EZE 037 016 At ikaw, anak ng tao, kumuha ka ng isang tungkod, at sulatan mo sa ibabaw, Sa Juda at sa mga anak ni Israel na kaniyang mga kasama: saka kumuha ka ng ibang tungkod, at iyong sulatan: Sa Jose, na siyang tungkod ng Ephraim, at sa buong sangbahayan ni Israel na kaniyang mga kasama: 026 EZE 037 017 At iyong papagugnayugnayin sa ganang iyo na maging isang tungkod, upang maging isa sa iyong kamay. 026 EZE 037 018 At pagka ang mga anak ng iyong bayan ay mangagsasalita sa iyo, na mangagsasabi, Hindi mo baga ipakikilala sa amin kung ano ang kahulugan ng mga ito? 026 EZE 037 019 Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang tungkod ng Jose, na nasa kamay ng Ephraim, at ang mga lipi ng Israel na kaniyang mga kasama: at akin silang isasama roon, sa tungkod ng Juda, at gagawin ko silang isang tungkod, at sila'y magiging isa sa aking kamay. 026 EZE 037 020 At ang tungkod na iyong sinusulatan ay hahawakan mo sa harap ng kanilang mga mata. 026 EZE 037 021 At sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain: 026 EZE 037 022 At gagawin ko silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat; at hindi na sila magiging dalawang bansa, o mahahati pa man sila sa dalawang kaharian; 026 EZE 037 023 At hindi na naman mapapahamak pa sila ng dahil sa kanilang mga diosdiosan, o sa kanila mang mga kasuklamsuklam na bagay, o sa anoman sa kanilang mga pagsalangsang; kundi aking ililigtas sila mula sa lahat nilang tahanang dako, na kanilang pinagkasalanan, at lilinisin ko sila: sa gayo'y magiging bayan ko sila, at ako'y magiging kanilang Dios. 026 EZE 037 024 At ang aking lingkod na si David ay magiging hari sa kanila; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa. 026 EZE 037 025 At sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, magpakailan man: at si David na aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man. 026 EZE 037 026 Bukod dito'y makikipagtipan ako ng tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario sa gitna nila magpakailan man. 026 EZE 037 027 Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan. 026 EZE 037 028 At malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa Israel, pagka ang aking santuario ay mapapasa gitna nila magpakailan man. 026 EZE 038 001 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 026 EZE 038 002 Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa dako ni Gog, sa lupain ng Magog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal, at manghula ka laban sa kaniya, 026 EZE 038 003 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na pangulo sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal: 026 EZE 038 004 At aking ipipihit ka sa palibot, at kakawitan ko ng mga pangbingwit ang iyong mga panga, at ilalabas kita, at ang iyong buong kawal, mga kabayo at mga mangangabayo, na nasusuutan silang lahat ng buong kasakbatan, na malaking pulutong na may longki at kalasag, silang lahat ay nangagtatangan ng mga tabak: 026 EZE 038 005 Ang Persia, ang Cus, at ang Phut ay kasama nila; silang lahat na may kalasag at turbante; 026 EZE 038 006 Ang Gomer at ang lahat niyang mga pulutong; ang sangbahayan ni Togarma sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan, at lahat niyang mga pulutong; maraming bayan na kasama mo. 026 EZE 038 007 Humanda ka, oo, humanda ka, ikaw, at ang lahat ng iyong mga pulutong na napisan ko sa iyo, at maging bantay ka sa kanila. 026 EZE 038 008 Pagkatapos ng maraming araw ay dadalawin ka: sa mga huling taon ay papasok ka sa lupain na ibinalik na mula sa paghabol ng tabak na napisan mula sa maraming bayan, sa mga bundok ng Israel, na naging laging giba; nguni't nalabas sa mga bayan, at sila'y magsisitahang tiwasay, silang lahat. 026 EZE 038 009 At ikaw ay sasampa, ikaw ay darating na parang bagyo, ikaw ay magiging parang ulap na tatakip sa lupain, ikaw, at ang lahat mong mga pulutong, at ang maraming tao na kasama mo. 026 EZE 038 010 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Mangyayari sa araw na yaon, na mga bagay ay darating sa iyong pagiisip, at ikaw ay magpapanukala ng masamang panukala: 026 EZE 038 011 At iyong sasabihin, Ako'y sasampa sa lupaing may mga nayong walang kuta; sasampahin ko sila na nasa katahimikan, na nagsisitahang tiwasay, silang lahat na nagsisitahang walang kuta, at wala kahit mga halang o mga pintuang-bayan man; 026 EZE 038 012 Upang kumuha ng samsam, at upang kumuha ng huli; upang ibalik ang iyong kamay laban sa mga gibang dako na tinatahanan ngayon, at laban sa bayan na napisan mula sa mga bansa, na nagtangkilik ng mga hayop at mga pag-aari, na nagsisitahan sa gitna ng lupa. 026 EZE 038 013 Ang Seba, at ang Dedan, at ang mga mangangalakal sa Tarsis, sangpu ng lahat ng batang leon niyaon, ay magsasabi sa iyo, Naparito ka baga upang kumuha ng samsam? pinisan mo baga ang iyong pulutong upang kumuha ng samsam? upang magdala ng pilak at ginto, upang magdala ng mga hayop at mga pag-aari, upang kumuha ng malaking samsam? 026 EZE 038 014 Kaya't, anak ng tao, ikaw ay manghula, at sabihin mo kay Gog, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa araw na ang aking bayang Israel ay tatahang tiwasay, hindi mo baga malalaman? 026 EZE 038 015 At ikaw ay darating na mula sa iyong dako, mula sa mga kahulihulihang bahagi ng hilagaan, ikaw, at ang maraming tao na kasama mo, silang lahat na nangakasakay sa mga kabayo, malaking pulutong at makapangyarihang hukbo; 026 EZE 038 016 At ikaw ay sasampa laban sa aking bayang Israel, na parang ulap na tatakip sa lupain: mangyayari sa mga huling araw, na dadalhin kita laban sa aking lupain, upang makilala ako ng mga bansa, pagka ako'y aariing banal sa iyo, Oh Gog, sa harap ng kanilang mga mata. 026 EZE 038 017 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw baga yaong aking sinalita nang una sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta ng Israel, na nagsipanghula nang mga araw na yaon, ng tungkol sa malaong panahon, na aking dadalhin ka laban sa kanila? 026 EZE 038 018 At mangyayari sa araw na yaon, pagka si Gog ay paroroon laban sa lupain ng Israel, sabi ng Panginoong Dios, na ang aking kapusukan ay sasampa sa aking mga butas ng ilong. 026 EZE 038 019 Sapagka't sa aking paninibugho at sa sigalbo ng aking poot ay nagsalita ako, Tunay na sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking panginginig sa lupain ng Israel; 026 EZE 038 020 Na anopa't ang mga isda sa dagat, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga hayop sa parang, at lahat na nagsisiusad na bagay na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa, at lahat ng tao na nangasa ibabaw ng lupa, magsisipanginig sa aking harapan, at ang mga bundok ay mangaguguho at ang mga matarik na dako ay mangabababa, at bawa't kuta ay mangababagsak sa lupa. 026 EZE 038 021 At aking tatawagin sa lahat ng aking mga bundok ang tabak laban sa kaniya, sabi ng Panginoong Dios: ang tabak ng bawa't lalake ay magiging laban sa kaniyang kapatid. 026 EZE 038 022 At ako'y makikipaglaban sa kaniya sa pamamagitan ng salot at ng dugo; at pauulanan ko siya, at ang kaniyang mga pulutong, at ang maraming bayan na kasama niya, ng napakalakas na ulan, at ng mga malaking granizo, ng apoy, at ng azufre. 026 EZE 038 023 At ako'y pakikitang dakila at banal, at ako'y pakikilala sa harap ng mga mata ng maraming bansa; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 039 001 At ikaw, anak ng tao, manghula ka laban kay Gog, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal: 026 EZE 039 002 At aking ipipihit ka sa palibot, at ihahatid kita, at pasasampahin kita mula sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan; at aking dadalhin ka sa mga bundok ng Israel; 026 EZE 039 003 At aking sisirain ang iyong busog sa iyong kaliwa, at aking ihuhulog ang iyong pana sa iyong kanan. 026 EZE 039 004 Ikaw ay mabubuwal sa mga bundok ng Israel, ikaw, at ang lahat mong mga pulutong, at ang mga bayan na kasama mo: aking ibibigay ka sa mga mangdadagit na ibong sarisari, at sa mga hayop sa parang upang lamunin ka. 026 EZE 039 005 Ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang: sapagka't aking sinalita, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 039 006 At ako'y magpapasapit ng apoy sa Magog, at sa kanilang nagsisitahang tiwasay sa mga pulo; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. 026 EZE 039 007 At ang aking banal na pangalan ay ipakikilala ko sa gitna ng aking bayang Israel; at hindi ko man titiising malapastangan pa ang aking banal na pangalan: at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, ang banal sa Israel. 026 EZE 039 008 Narito, dumarating, at mangyayari, sabi ng Panginoong Dios; ito ang araw na aking sinalita. 026 EZE 039 009 At silang nagsisitahan sa mga bayan ng Israel ay magsisilabas, at sisilaban ng mga apoy ang mga almas, at susunugin ang mga kalasag at gayon din ang mga longki, ang mga busog at ang mga pana, at ang mga tungkod, at ang mga sibat, at mga sisilaban nilang pitong taon; 026 EZE 039 010 Na anopa't sila'y hindi magsisikuha ng kahoy sa parang, o magsisiputol man ng anoman sa mga gubat; sapagka't kanilang sisilaban ang mga almas; at kanilang sasamsaman yaong nagsisamsam sa kanila, at nanakawan yaong nangagnakaw sa kanila, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 039 011 At mangyayari sa araw na yaon, na ako'y magbibigay kay Gog ng dakong pinakalibangan sa Israel, ang libis nila na nagsisidaang patungo sa silanganan ng dagat: at paglilikatan nilang daanan; at doon nila ililibing si Gog at ang buo niyang karamihan; at kanilang tatawagin ito: Ang libis ng Hamon-gog. 026 EZE 039 012 At pitong buwan na mangaglilibing ang sangbahayan ni Israel, upang kanilang linisin ang lupain. 026 EZE 039 013 Oo, sila'y mangaglilibing ng buong bayan ng lupain; at magiging sa kanila'y kabantugan, sa araw na ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 039 014 At sila'y mangaghahalal ng mga lalaking magkakatungkulang palagi, na mangagdaraan sa lupain at, kasama nilang nangagdaraan, silang nangaglilibing ng nalabi sa ibabaw ng lupain, upang linisin: pagkatapos ng pitong buwan ay mangagsisihanap sila. 026 EZE 039 015 At silang nangagdaraan sa lupain ay mangagdaraan; at pagka ang sinoman ay nakakita ng buto ng tao, lalagyan nga niya ng tanda, hanggang sa mailibing ng mga manglilibing sa libis ng Hamon-gog. 026 EZE 039 016 At Hamonah ang magiging pangalan ng bayan. Ganito nila lilinisin ang lupain. 026 EZE 039 017 At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Salitain mo sa sarisaring ibon, at sa lahat na hayop sa parang, Magpupulong kayo, at kayo'y magsiparito; magpipisan kayo sa lahat ng dako sa aking hain na aking inihahain sa inyo, sa malaking hain sa ibabaw ng mga bundok ng Israel, upang kayo'y mangakakain ng laman at mangakainom ng dugo. 026 EZE 039 018 Kayo'y magsisikain ng laman ng makapangyarihan, at magsisiinom ng dugo ng mga prinsipe sa lupa, ng mga lalaking tupa, ng mga batang tupa, at ng mga kambing, ng mga toro, na pawang patabain sa Basan. 026 EZE 039 019 At kayo'y magsisikain ng taba hanggang sa kayo'y mangabusog, at magsisiinom ng dugo hanggang sa kayo'y mangalango, sa aking hain na aking inihain sa inyo. 026 EZE 039 020 At kayo'y mangabubusog sa aking dulang ng mga kabayo at mga karo, ng mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na lalaking mangdidigma, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 039 021 At aking pararatingin ang aking kaluwalhatian sa mga bansa; at makikita ng lahat ng bansa ang aking kahatulan na aking inilapat, at ang aking kamay na aking binuhat sa kanila. 026 EZE 039 022 Sa gayo'y malalaman ng sangbahayan ni Israel na ako ang Panginoon na kanilang Dios, mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. 026 EZE 039 023 At malalaman ng mga bansa na ang sangbahayan ni Israel ay pumasok sa pagkabihag dahil sa kanilang kasamaan; sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin, at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila: sa gayo'y ibinigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at silang lahat ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak. 026 EZE 039 024 Ayon sa kanilang karumihan at ayon sa kanilang mga pagsalangsang ay gumawa ako sa kanila; at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila. 026 EZE 039 025 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ngayo'y aking ibabalik ang Jacob na mula sa pagkabihag, at maaawa ako sa buong sangbahayan ni Israel; at ako'y magiging mapanibughuin dahil sa aking banal na pangalan. 026 EZE 039 026 At sila'y mangagtataglay ng kanilang kahihiyan, at ng kanilang lahat na pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa akin, pagka sila'y magsisitahang tiwasay sa kanilang lupain, at walang tatakot sa kanila; 026 EZE 039 027 Pagka sila'y aking nadala uli na mula sa mga bayan, at nangapisan na mula sa mga lupain ng kanilang mga kaaway, at ako'y inaaring banal sa kanila sa paningin ng maraming bansa. 026 EZE 039 028 At kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios, sa pagpapapasok ko sa kanila sa pagkabihag sa gitna ng mga bansa, at sa pagpipisan ko sa kanila sa kanilang sariling lupain; at hindi ako magiiwan sa kanila ng sino pa man doon; 026 EZE 039 029 Ni hindi ko na naman ikukubli pa ang aking mukha sa kanila; sapagka't binuhusan ko ng aking Espiritu ang sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 040 001 Nang ikadalawang pu't limang taon ng aming pagkabihag, nang pasimula ng taon, nang ikasangpung araw ng buwan, nang ikalabing apat na taon pagkatapos na ang bayan ay masaktan nang kaarawang yaon, ang kamay ng Panginoon ay sumaakin, at dinala niya ako roon. 026 EZE 040 002 Sa mga pangitain na mula sa Dios ay dinala niya ako sa lupain ng Israel, at inilagay ako sa totoong mataas na bundok, na kinaroroonan ng parang isang bayan sa timugan. 026 EZE 040 003 At dinala niya ako roon; at, narito, may isang lalake na ang anyo ay parang anyo ng tanso, na may pising lino sa kaniyang kamay, at isang panukat na tambo; at siya'y natayo sa pintuang-bayan. 026 EZE 040 004 At sinabi ng lalake sa akin, Anak ng tao, tumingin ka ng iyong mga mata, at makinig ka ng iyong mga pakinig, at ilagak mo ang iyong puso sa lahat na aking ipakikita sa iyo; sapagka't sa haka na aking mga maipakikita sa iyo ay dinala ka rito: ipahayag mo ang lahat na iyong nakikita sa sangbahayan ni Israel. 026 EZE 040 005 At, narito; isang kuta sa dakong labas ng bahay sa palibot, at sa kamay ng lalake ay isang panukat na tambo na may anim na siko ang haba, na tigisang siko at isang dangkal ang luwang ng bawa't isa: sa gayo'y kaniyang sinukat ang luwang ng bahay, na isang tambo; at ang taas, isang tambo. 026 EZE 040 006 Nang magkagayo'y naparoon siya sa pintuang-daan, na nakaharap sa dakong silanganan, at sumampa sa mga baytang niyaon: at kaniyang sinukat ang pasukan sa pintuang-daan, isang tambo ang luwang; at ang kabilang pasukan, isang tambo ang luwang. 026 EZE 040 007 At bawa't silid ng bahay ay isang tambo ang haba, at isang tambo ang luwang; at ang pagitan ng mga silid ng bantay ay limang siko; at ang pasukan sa pintuang-daan sa tabi ng portiko sa pintuang-daan sa dako ng bahay ay isang tambo. 026 EZE 040 008 Kaniya rin namang sinukat ang portiko sa pintuang-daan sa dakong bahay, isang tambo. 026 EZE 040 009 Nang magkagayo'y sinukat niya ang portiko sa pintuang-daan, walong siko; at ang mga haligi niyaon, dalawang siko; at ang portiko sa pintuang-daan ay nasa dako ng bahay. 026 EZE 040 010 At ang mga silid ng bantay ng pintuang-daan sa dakong silanganan ay tatlo sa dakong ito, at tatlo sa dakong yaon; ang tatlo ay iisang sukat: at ang mga haligi ng pintuan ay iisang sukat sa dakong ito, at sa dakong yaon. 026 EZE 040 011 At kaniyang sinukat ang luwang ng pasukan ng pintuang-daan, sangpung siko; at ang haba ng pintuang-daan, labing tatlong siko; 026 EZE 040 012 At ang pagitan sa harap ng mga silid ng bantay, isang siko sa dakong ito, at ang isang pagitan, isang siko sa dakong yaon; at ang mga silid ng bantay, anim na siko sa dakong ito, at anim na siko sa dakong yaon; 026 EZE 040 013 At kaniyang sinukat ang pintuang-daan mula sa bubungan ng isang silid ng bantayan hanggang sa bubungan ng kabila, may luwang na dalawang pu't limang siko; pintuan sa tapat ng pintuan. 026 EZE 040 014 Gumawa naman siya ng mga haligi ng pintuan, na anim na pung siko; at ang looban ay hanggang sa haligi, ang pintuang-daan ay sa palibot. 026 EZE 040 015 At mula sa harap ng pintuang-daan sa pasukan hanggang sa harap ng pinakaloob na portiko sa pintuang-daan ay limang pung siko. 026 EZE 040 016 At may makikipot na dungawan sa mga silid ng bantay, at sa mga haligi ng mga yaon sa loob ng pintuang-daan sa palibot, at gayon din sa mga hubog; at ang mga dungawan ay nangasa palibot sa dakong loob; at sa bawa't haligi ay may mga puno ng palma. 026 EZE 040 017 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa loob ng looban sa labas; at, narito, may mga silid at may isang lapag na ginawa sa palibot ng looban: tatlong pung silid ang nasa lapag. 026 EZE 040 018 At ang lapag ay nasa tabi ng mga pintuang-daan, ayon sa haba ng mga pintuang-daan, sa makatuwid baga'y ang lalong mababang lapag. 026 EZE 040 019 Nang magkagayo'y kaniyang sinukat ang luwang mula sa harap ng lalong mababang pintuang-daan hanggang sa harap ng pinakaloob na looban sa may labas, na isang daang siko, sa dakong silanganan at gayon din sa dakong hilagaan. 026 EZE 040 020 At ang pintuang-daan ng looban sa labas na nakaharap sa dakong hilagaan, kaniyang sinukat ang haba niyaon at ang luwang niyaon. 026 EZE 040 021 At ang mga silid ng bantay niyaon ay tatlo sa dakong ito at tatlo sa dakong yaon; at ang mga haligi niyaon at ang mga hubog niyaon ay ayon sa sukat ng unang pintuang-daan: ang haba niyaon ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko. 026 EZE 040 022 At ang mga dungawan niyaon, at ang mga hubog niyaon, at ang mga puno ng palma niyaon ay ayon sa sukat ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinampa ng pitong baytang; at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap nila. 026 EZE 040 023 At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa tapat ng kabilang pintuang-daan, sa dakong hilagaan at gayon din sa dakong silanganan; at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan na isang daang siko. 026 EZE 040 024 At dinala niya ako sa dakong timugan; at, narito, ang isang pintuang-daan sa dakong timugan: at kaniyang sinukat ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon ayon sa mga sukat na ito. 026 EZE 040 025 At may mga dungawan doon at sa mga hubog niyaon sa palibot, gaya ng mga dungawang yaon: ang haba ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko. 026 EZE 040 026 At may pitong baytang na sampahan, at ang mga hubog niyaon ay nangasa harap ng mga yaon; at may mga puno ng palma; sa dakong ito, at isa sa dakong yaon, sa mga haligi niyaon. 026 EZE 040 027 At may pintuang-daan sa lalong loob na looban sa dakong timugan: at kaniyang sinukat mula sa pintuang-daan hanggang sa pintuang-daan sa dakong timugan na isang daang siko. 026 EZE 040 028 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa lalong loob na looban sa tabi ng pintuang-daan sa timugan: at kaniyang sinukat ang pintuang-daang timugan ayon sa mga sukat ding ito; 026 EZE 040 029 At ang mga silid ng bantay niyaon, at ang mga hubog niyaon, ay ayon sa mga sukat na ito: at may mga dungawan yaon, at gayon din sa mga hubog niyaon sa palibot; may limang pung siko ang haba, at dalawang pu't limang siko ang luwang. 026 EZE 040 030 At may mga hubog sa palibot, na dalawang pu't limang siko ang haba, at limang siko ang luwang. 026 EZE 040 031 At ang mga hubog niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa mga haligi niyaon: at ang sampahan ay may walong baytang. 026 EZE 040 032 At dinala niya ako sa lalong loob na looban sa dakong silanganan; at sinukat niya ang pintuang-daan ayon sa mga sukat na ito. 026 EZE 040 033 At ang mga silid ng bantay niyaon, at ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon, ayon sa mga sukat na ito: at may mga dungawan sa loob at sa mga hubog niyaon sa palibot: may limang pung siko ang haba, at dalawang pu't limang siko ang luwang. 026 EZE 040 034 At ang mga hubog niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa mga haligi niyaon, sa dakong ito, at sa dakong yaon: at ang sampahan ay may walong baytang. 026 EZE 040 035 At dinala niya ako sa pintuang-daang hilagaan: at sinukat niya ayon sa mga sukat na ito; 026 EZE 040 036 Ang mga silid ng bantay niyaon, ang mga haligi niyaon, at ang mga hubog niyaon: at may mga dungawan sa loob sa palibot; ang haba ay limang pung siko, at ang luwang ay dalawang pu't limang siko. 026 EZE 040 037 At ang mga haligi niyaon ay nangasa dako ng looban sa labas; at mga puno ng palma ang nangasa haligi niyaon, sa dakong ito, at sa dakong yaon: at ang sampahan ay may walong baytang. 026 EZE 040 038 At isang silid na may pintuan ay nasa tabi ng mga haligi sa mga pintuang-daan; doon sila naghugas ng handog na susunugin. 026 EZE 040 039 At sa portiko ng pintuang-daan ay may dalawang dulang sa dakong ito, at dalawang dulang sa dakong yaon, upang patayin doon ang handog na susunugin, at ang handog dahil sa kasalanan at ang handog dahil sa pagkakasala. 026 EZE 040 040 At sa isang dako sa labas na gaya ng kung sasampa sa pasukan ng pintuang-daan sa dakong hilagaan ay may dalawang dulang; at sa kabilang dako, na ukol sa portiko ng pintuang-daan, ay may dalawang dulang. 026 EZE 040 041 Apat na dulang sa dakong ito, at apat na dulang sa dakong yaon sa tabi ng pintuang-daan; walong dulang ang kanilang pinagpatayan ng mga hain. 026 EZE 040 042 At may apat na dulang na ukol sa handog na susunugin, na batong tinabas, na isang siko at kalahati ang haba, at isang siko at kalahati ang luwang, at isang siko ang taas; na kanilang pinaglapagan ng mga kasangkapan na kanilang ipinagpatay sa handog na susunugin at sa hain. 026 EZE 040 043 At ang mga pangipit na may isang lapad ng kamay ang haba, ay natitibayan sa loob sa palibot; at nasa ibabaw ng mga dulang ang laman na alay. 026 EZE 040 044 At sa labas ng lalong loob na pintuang-daan ay may mga silid na ukol sa mga mangaawit sa lalong loob na looban, na nasa tabi ng pintuang-daang hilagaan; at mga nakaharap sa timugan; isa sa dako ng silanganang daan na nahaharap sa dakong hilagaan. 026 EZE 040 045 At kaniyang sinabi sa akin, Ang silid na ito na nakaharap sa dakong timugan, ay sa mga saserdote, sa mga namamahala sa bahay; 026 EZE 040 046 At ang silid na nakaharap sa dakong hilagaan ay sa mga saserdote, na mga namamahala sa dambana: ang mga ito ay mga anak ni Sadoc, na sa mga anak ni Levi ay nagsilapit sa Panginoon upang magsipangasiwa sa kaniya. 026 EZE 040 047 At sinukat niya ang looban na isang daang siko ang haba, at isang daang siko ang luwang, parisukat; at ang dambana ay nasa harap ng bahay. 026 EZE 040 048 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa portiko ng bahay, at sinukat niya ang bawa't haligi ng portiko na limang siko sa dakong ito, at limang siko sa dakong yaon: at ang luwang ng pintuang-daan ay tatlong siko sa dakong ito, at tatlong siko sa dakong yaon. 026 EZE 040 049 Ang haba ng portiko ay dalawang pung siko, at ang luwang ay labing isang siko: kahit sa pamamagitan ng mga baytang na kanilang sinampahan: at may mga haligi, isa sa dakong ito, at isa sa dakong yaon. 026 EZE 041 001 At dinala niya ako sa templo at sinukat ang mga haligi, na anim na siko ang luwang sa isang dako, at anim na siko ang luwang sa kabilang dako, na siyang luwang ng tabernakulo. 026 EZE 041 002 At ang luwang ng pasukan ay sangpung siko; at ang mga tagiliran ng pasukan ay limang siko sa isang dako, at limang siko sa kabilang dako: at sinukat niya ang haba niyaon na apat na pung siko, at ang luwang, dalawang pung siko. 026 EZE 041 003 Nang magkagayo'y pumasok siya sa loob, at sinukat ang bawa't haligi sa pasukan, na dalawang siko; at ang pasukan ay anim na siko; at ang luwang ng pasukan, pitong siko. 026 EZE 041 004 At sinukat niya ang haba niyaon, dalawang pung siko, at ang luwang, dalawang pung siko, sa harap ng templo: at sinabi niya sa akin, Ito ang kabanalbanalang dako. 026 EZE 041 005 Nang magkagayo'y sinukat niya ang pader ng bahay, anim na siko; at ang luwang ng bawa't tagilirang silid apat na siko, sa palibot ng bahay sa lahat ng dako. 026 EZE 041 006 At ang mga tagilirang silid ay tatlong grado, patongpatong at tatlong pu sa ayos; at nangakakapit sa pader na nauukol sa bahay na nasa tagilirang silid sa palibot upang mangakapit doon, at huwag makapit sa pader ng bahay. 026 EZE 041 007 At ang mga tagilirang silid ay lalong maluwang habang lumiligid sa bahay na paitaas ng paitaas; sapagka't ang gilid ng bahay ay paitaas ng paitaas sa palibot ng bahay: kaya't ang luwang ng bahay ay patuloy na paitaas; at sa gayo'y ang isa ay napaiitaas mula sa pinakamababang silid, hanggang sa pinakamataas sa pamamagitan ng gitna na silid. 026 EZE 041 008 Aking nakita naman na ang bahay ay may nakatayong tungtungan sa palibot: ang mga patibayan ng mga tagilirang silid ay buong tambo na anim na malaking siko ang haba. 026 EZE 041 009 Ang kapal ng pader, na nasa mga tagilirang silid, sa dakong labas, ay limang siko: at ang naiwan ay dako ng mga tagilirang silid na ukol sa bahay. 026 EZE 041 010 At ang pagitan ng mga silid ay may luwang na dalawang pung siko sa palibot ng bahay sa lahat ng dako. 026 EZE 041 011 At ang mga pintuan ng mga tagilirang silid ay sa dakong naiwan, isang pintuan sa dakong hilagaan, at isang pintuan sa dakong timugan: at ang luwang ng dakong naiwan ay limang siko sa palibot. 026 EZE 041 012 At ang bahay na nasa harapan ng bukod na dako sa tagilirang dakong kalunuran ay pitong pung siko ang luwang; at ang pader ng bahay ay limang siko ang kapal sa palibot, at ang haba niyaon ay siyam na pung siko. 026 EZE 041 013 Sa gayo'y sinukat niya ang bahay, na isang daang siko ang haba; at ang bukod na dako, at ang bahay, sangpu ng pader niyaon, isang daang siko ang haba; 026 EZE 041 014 Ang luwang naman ng harapan ng bahay, at ng bukod na dako sa dakong silanganan, isang daang siko. 026 EZE 041 015 At sinukat niya ang haba ng bahay sa harap ng bukod na dako na nasa likuran niyaon, at ang mga galeria niyaon sa isang dako, at sa kabilang dako, isang daang siko; at ang lalong loob na templo at ang mga portiko ng looban; 026 EZE 041 016 Ang mga pasukan, at ang mga nasasarang dungawan, at ang mga galeria sa palibot sa tatlong grado, sa tapat ng pasukan, nakikisamihan ng tabla sa palibot, at mula sa lapag hanggang sa mga dungawan (natatakpan nga ang mga dungawan), 026 EZE 041 017 Sa pagitan ng itaas ng pintuan, sa lalong loob ng bahay, at sa labas, at ang buong pader sa palibot sa loob at sa labas ay sinukat. 026 EZE 041 018 At ang pader ay niyaring may mga kerubin at may mga puno ng palma; at isang puno ng palma ay sa pagitan ng kerubin at kerubin, at bawa't kerubin ay may dalawang mukha; 026 EZE 041 019 Na anopa't may mukha ng isang tao sa dako ng puno ng palma sa isang dako, at mukha ng batang leon sa dako ng puno ng palma sa kabilang dako. Ganito ang pagkayari sa buong bahay sa palibot: 026 EZE 041 020 Mula sa lapag hanggang sa itaas ng pintuan ay may mga kerubin at mga puno ng palma na yari; ganito ang pader ng templo. 026 EZE 041 021 Tungkol sa templo, ang mga haligi ng pintuan ay parisukat; at tungkol sa harapan ng santuario, ang anyo niyao'y gaya ng anyo ng templo. 026 EZE 041 022 Ang dambana ay kahoy, na tatlong siko ang taas, at ang haba niyao'y dalawang siko; at ang mga sulok niyaon at ang haba niyaon, at ang mga pader niyaon, ay kahoy: at sinabi niya sa akin, Ito ang dulang na nasa harap ng Panginoon. 026 EZE 041 023 At ang templo, at ang santuario ay may dalawang pintuan. 026 EZE 041 024 At ang mga pintuan ay may tigdadalawang pinto, dalawang tiklop na pinto, dalawang pinto sa isang pintuan, at dalawang pinto sa kabila. 026 EZE 041 025 At mga niyari sa mga yaon, sa mga pintuan ng templo, mga kerubin at mga puno ng palma, gaya ng niyari sa mga pader; at may pasukan na kahoy sa harap ng portiko sa labas. 026 EZE 041 026 At may nangasasarang dungawan at mga puno ng palma sa isang dako at sa kabilang dako, sa mga tagiliran ng portiko: ganito ang mga tagilirang silid ng bahay, at ang mga pasukan. 026 EZE 042 001 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa looban sa labas ng bahay, sa daan na dakong hilagaan: at dinala niya ako sa silid na nasa tapat ng bukod na dako, at siyang nasa tapat ng bahay sa dakong hilagaan. 026 EZE 042 002 Sa harapan ng isang daang siko ang haba, ay nandoon ang pintuang hilagaan, at ang luwang ay limang pung siko. 026 EZE 042 003 Sa tapat ng dalawang pung siko na ukol sa lalong loob na looban, at sa tapat ng lapag na ukol sa looban sa labas ng bahay, ay galeria sa tapat ng galeria na tatlong grado. 026 EZE 042 004 At sa harap ng mga silid ay may isang lakaran na sangpung siko ang luwang sa loob, isang daanang may isang siko; at ang mga pintuan ay sa dakong hilagaan. 026 EZE 042 005 Ang lalong mataas ngang silid ay siyang lalong maikli; sapagka't ang mga galeria ay kumukuha sa mga ito, ng higit kay sa lalong mababa at sa pinaka gitna sa bahay. 026 EZE 042 006 Sapagka't tatlong grado, at walang mga haligi na gaya ng mga haligi ng mga looban: kaya't ang pinakamataas ay lalong munti kay sa pinakamababa at kay sa pinaka gitna mula sa lupa. 026 EZE 042 007 At ang pader na nasa labas sa tabi ng mga silid, sa dako ng looban sa labas ng bahay sa harap ng mga silid, ang haba niyao'y limang pung siko. 026 EZE 042 008 Sapagka't ang haba ng mga silid na nasa looban sa labas ay limang pung siko: at, narito, ang harapan ng templo ay may isang daang siko. 026 EZE 042 009 At nasa ilalim ng mga silid na ito ang pasukan sa dakong silanganan, sa pagpasok na mula sa looban sa labas. 026 EZE 042 010 Sa kakapalan ng pader ng looban sa dakong silanganan, sa harap ng bukod na dako, at sa harap ng bahay, may mga silid. 026 EZE 042 011 At ang daan sa harap ng mga yaon ay gaya ng anyo ng daan sa mga silid na nangasa dakong hilagaan; ayon sa haba ay gayon ang luwang: ang lahat ng labasan ng mga yaon ay ayon sa mga anyo ng mga yaon, at ayon sa mga pintuan ng mga yaon. 026 EZE 042 012 At ayon sa mga pintuan ng mga silid na nangasa dakong timugan ay may isang pintuan sa bukana ng daan, sa daang tuwid na patuloy sa pader sa dakong silanganan, sa papasok sa mga yaon. 026 EZE 042 013 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang silid na hilagaan at ang silid na timugan na nasa harap ng bukod na dako, mga itinalagang silid, na pagkakanan ng mga kabanalbanalang bagay ng mga saserdote na malapit sa Panginoon: doon nila ilalapag ang mga kabanalbanalang bagay, at ang handog na harina, at ang handog dahil sa kasalanan, at ang handog dahil sa pagkakasala; sapagka't ang dako ay banal. 026 EZE 042 014 Pagka ang mga saserdote ay nagsisipasok, hindi nga sila magsisilabas sa banal na dako na papasok sa looban sa labas, kundi doon nila ilalapag ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa; sapagka't mga banal: at sila'y mangagsusuot ng mga ibang kasuutan, at magsisilapit sa ukol sa bayan. 026 EZE 042 015 Nang matapos nga niyang masukat ang lalong loob ng bahay, inilabas niya ako sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan, at sinukat sa palibot. 026 EZE 042 016 Sinukat niya sa dakong silanganan ng panukat na tambo, na limang daang tambo, ng panukat na tambo sa palibot. 026 EZE 042 017 Sinukat niya sa dakong hilagaan, na limang daang tambo ng panukat na tambo sa palibot. 026 EZE 042 018 Sinukat niya sa dakong timugan, na limang daang tambo ng panukat na tambo. 026 EZE 042 019 Siya'y pumihit sa dakong kalunuran, at sinukat ng limang daang tambo ng panukat na tambo. 026 EZE 042 020 Sinukat niya sa apat na sulok: may pader sa palibot, ang haba'y limang daan, at ang luwang ay limang daan, upang igawa ng pagkakahiwalay ang banal at ang karaniwan. 026 EZE 043 001 Pagkatapos ay dinala niya ako sa pintuang-daan, sa makatuwid baga'y sa pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan. 026 EZE 043 002 At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nanggagaling sa dakong silanganan: at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig; at ang lupa ay nagningning sa kaniyang kaluwalhatian. 026 EZE 043 003 At ayon sa anyo ng pangitain na aking nakita, ayon sa pangitain na nakita ko nang ako'y pumaroon upang gibain ang bayan; at ang mga pangitain ay gaya ng pangitain na aking nakita sa tabi ng ilog Chebar: at ako'y nasubasob. 026 EZE 043 004 At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay pumasok sa bahay sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan. 026 EZE 043 005 At itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa lalong loob na looban; at, narito, napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay. 026 EZE 043 006 At aking narinig ang isang nagsasalita sa akin mula sa bahay; at isang lalake ay tumayo sa siping ko. 026 EZE 043 007 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ito ang dako ng aking luklukan, at dako ng mga talampakan ng aking mga paa, na aking tatahanan sa gitna ng mga anak ni Israel magpakailan man. At hindi na lalapastanganin pa ng sangbahayan ni Israel ang aking banal na pangalan, nila man, o ng kanilang mga hari man, ng kanilang pagpapatutot, at ng mga bangkay man ng kanilang mga hari sa kanilang mga mataas na dako; 026 EZE 043 008 Sa kanilang paglalagay ng kanilang pasukan sa tabi ng aking pasukan, at ng kanilang haligi ng pintuan sa tabi ng aking haligi ng pintuan, at wala kundi pader sa pagitan ko at nila; at kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa: kaya't aking pinugnaw sila sa aking galit. 026 EZE 043 009 Iwan nga nila ang kanilang pagpapatutot, at ilayo sa akin ang mga bangkay ng kanilang mga hari, at ako'y tatahan sa gitna nila magpakailan man. 026 EZE 043 010 Ikaw, anak ng tao, ituro mo ang bahay sa sangbahayan ni Israel, upang sila'y mangapahiya sa kanilang mga kasamaan; at sukatin nila ang anyo. 026 EZE 043 011 At kung sila'y mangapahiya sa lahat nilang ginawa, ipakilala mo sa kanila ang anyo ng bahay, at ang pagka-anyo niyaon, at ang mga labasan niyaon, at ang mga pasukan niyaon, at lahat ng anyo niyaon, at ang lahat ng mga alituntunin niyaon, at lahat ng anyo niyaon, at lahat ng kautusan niyaon; at iyong isulat yaon sa kanilang paningin; upang kanilang maingatan ang buong anyo niyaon, at ang lahat ng mga alituntunin niyaon, at kanilang isagawa. 026 EZE 043 012 Ito ang kautusan tungkol sa bahay; ang taluktok ng bundok sa buong hangganan niyaon sa palibot ay magiging kabanalbanalan. Narito, ito ang kautusan tungkol sa bahay. 026 EZE 043 013 At ito ang mga sukat ng dambana ayon sa mga siko (ang siko na pinakasukat ay isang siko at isang lapad ng kamay): ang patungan ay isang siko, at ang luwang ay isang siko, at ang gilid niyaon sa palibot ay isang dangkal; at ito ang magiging patungan ng dambana. 026 EZE 043 014 At mula sa patungan sa lupa sa lalong mababang grado ay malalagay na dalawang siko, at ang luwang ay isang siko; at mula sa lalong mababang grado hanggang sa lalong mataas na grado ay malalagay na apat na siko, at ang luwang ay isang siko. 026 EZE 043 015 At ang lalong mataas na dambana ay magiging apat na siko; at mula sa apuyan ng dambana hanggang sa dakong itaas ay magkakaroon ng apat na sungay. 026 EZE 043 016 At ang apuyan ng dambana ay magkakaroon ng labing dalawang siko ang haba at labing dalawa ang luwang, parisukat sa apat na tagiliran niyaon. 026 EZE 043 017 At ang patungan niyaon ay magkakaroon ng labing apat na siko ang haba at labing apat na siko ang luwang sa apat na tagiliran niyaon; at ang gilid sa palibot ay magiging kalahating siko; at ang patungan niyaon ay magiging isang siko sa palibot; at ang mga baytang niyaon ay paharap sa dakong silanganan. 026 EZE 043 018 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ito ang mga alituntunin tungkol sa dambana sa kaarawan na kanilang gagawin, upang paghandugan sa ibabaw ng mga handog na susunugin, at upang pagwisikan ng dugo. 026 EZE 043 019 Iyong ibibigay sa mga saserdote na mga Levita na sa angkan ni Sadoc na malapit sa akin, upang magsipangasiwa sa akin, sabi ng Panginoong Dios, ang isang guyang baka na pinakahandog dahil sa kasalanan. 026 EZE 043 020 At kukuha ka ng dugo niyaon, at ilalagay mo sa apat na sungay niyaon, at sa apat na sulok ng patungan, at sa laylayan sa palibot: ganito mo lilinisin yaon at tutubusin ito. 026 EZE 043 021 Iyo rin namang kukunin ang guyang toro na handog dahil sa kasalanan, at susunugin mo sa takdang dako ng bahay, sa labas ng santuario. 026 EZE 043 022 At sa ikalawang araw ay maghahandog ka ng kambing na lalake na walang kapintasan na pinakahandog dahil sa kasalanan; at kanilang lilinisin ang dambana gaya ng kanilang pagkalilis sa pamamagitan ng guyang toro. 026 EZE 043 023 Pagka ikaw ay nakatapos ng paglilinis, maghahandog ka ng isang guyang toro na walang kapintasan, at isang lalaking tupa na mula sa kawan na walang kapintasan. 026 EZE 043 024 At iyong ilalapit ang mga yaon sa harap ng Panginoon, at hahagisan ng asin ang mga yaon ng mga saserdote, at kanilang ihahandog na pinakahandog na susunugin sa Panginoon. 026 EZE 043 025 Pitong araw na maghahanda ka sa bawa't araw ng isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan: maghahanda rin sila ng guyang toro, at isang lalaking tupang mula sa kawan, na walang kapintasan. 026 EZE 043 026 Pitong araw na kanilang tutubusin ang dambana at lilinisin; gayon nila itatalaga. 026 EZE 043 027 At pagka kanilang naganap ang mga kaarawan, mangyayari na sa ikawalong araw, at sa haharapin, maghahandog ang mga saserdote ng inyong mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana, at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan; at aking tatanggapin kayo, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 044 001 Nang magkagayo'y ibinalik niya ako sa daan ng pintuan sa labas ng santuario, na nakaharap sa dakong silanganan; at ito'y nasara. 026 EZE 044 002 At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang pintuang-daang ito ay sasarhan, hindi bubuksan, o papasukan man ng sinoman, sapagka't pinasukan ng Panginoon, ng Dios ng Israel; kaya't ito'y masasara. 026 EZE 044 003 Tungkol sa prinsipe, siya'y mauupo roon na pinaka prinsipe upang kumain ng tinapay sa harap ng Panginoon; siya'y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan, at lalabas sa daan ding yaon. 026 EZE 044 004 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa daan ng pintuang-daang hilagaan sa harap ng bahay: at ako'y tumingin, at, narito, napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon: at nasubasob ako. 026 EZE 044 005 At ang Panginoon ay nagsabi sa akin, Anak ng tao, tandaan mong mabuti, at masdan mo ng iyong mga mata, at pakinggan mo ng iyong mga pakinig ang lahat na aking sinasabi sa iyo tungkol sa lahat ng alituntunin hinggil sa bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat ng kautusan doon; at tandaan mong mabuti ang pasukan ng bahay sangpu ng bawa't labasan sa santuario. 026 EZE 044 006 At iyong sasabihin sa mapanghimagsik, sa makatuwid baga'y sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Oh kayong sangbahayan ni Israel, mangaglikat na kayo sa lahat ninyong kasuklamsuklam, 026 EZE 044 007 Sa inyong pagpapasok ng mga taga ibang lupa na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman, upang malagay sa aking santuario, na lapastanganin yaon, sa makatuwid baga'y ang aking bahay, pagka inyong inihahandog ang aking tinapay, ang taba at ang dugo, at sinira nila ang aking tipan, upang idagdag sa lahat ninyong mga kasuklamsuklam. 026 EZE 044 008 At hindi ninyo iningatan ang katungkulan sa aking mga banal na bagay; kundi kayo'y nangaglagay ng mga tagapangasiwa sa aking santuario sa ganang inyong sarili. 026 EZE 044 009 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Walang taga ibang lupa, na hindi tuli sa puso at hindi tuli sa laman na papasok sa aking santuario, kahit sinomang taga ibang lupa na nasa gitna ng mga anak ni Israel. 026 EZE 044 010 Nguni't ang mga Levita na nagsilayo sa akin nang ang Israel ay maligaw sa akin sa pagsunod sa kanilang mga diosdiosan; mangagdadanas sila ng kanilang kasamaan. 026 EZE 044 011 Gayon ma'y magiging tagapangasiwa sila sa aking santuario, na sila ang mamamahala sa mga pintuang-daan ng bahay, at magsisipangasiwa sa bahay: kanilang papatayin ang handog na susunugin at ang hain para sa bayan, at sila'y magsisitayo sa harap ng mga yaon upang pangasiwaan nila. 026 EZE 044 012 Sapagka't kanilang pinangasiwaan sila sa harap ng kanilang mga diosdiosan, at naging ikatitisod sila sa ikasasama ng sangbahayan ni Israel; kaya't itinaas ko ang aking kamay laban sa kanila, sabi ng Panginoong Dios, at dadanasin nila ang kanilang kasamaan. 026 EZE 044 013 At hindi sila magsisilapit sa akin upang magsagawa ng katungkulan ng saserdote sa akin, o magsisilapit man sa alin man sa mga banal na bagay ko, sa mga bagay na kabanalbanalan; kundi tataglayin nila ang kanilang kahihiyan, at ang kanilang mga kasuklamsuklam na kanilang ginawa. 026 EZE 044 014 Gayon ma'y gagawin ko silang tagapangasiwa sa bahay, para sa buong paglilingkod doon, at sa lahat na gagawin doon. 026 EZE 044 015 Nguni't ang mga saserdoteng Levita na mga anak na lalake ni Sadoc, na nagiingat ng katungkulan sa aking santuario nang ang mga anak ni Israel ay magsihiwalay sa akin, sila'y magsisilapit sa akin upang magsipangasiwa sa akin; at sila'y magsisitayo sa harap ko upang mangaghandog sa akin ng taba at ng dugo, sabi ng Panginoong Dios: 026 EZE 044 016 Sila'y magsisipasok sa aking santuario, at sila'y magsisilapit sa aking dulang, upang magsipangasiwa sa akin, at iingatan nila ang kanilang katungkulan sa akin. 026 EZE 044 017 At mangyayari, na pagka sila'y magsisipasok sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, susuutan sila ng mga kayong linong kasuutan; at walang lanang dadaiti sa kanila, samantalang sila'y nagsisipangasiwa sa mga pintuang-daan ng lalong loob na looban, at sa loob. 026 EZE 044 018 Sila'y mangagpupugong ng kayong lino sa kanilang mga ulo, at mangagtatapi ng kayong lino sa kanilang mga balakang; hindi sila mangagbibigkis ng anomang nakapagpapapawis. 026 EZE 044 019 At pagka kanilang lalabasin ang mga tao sa looban sa labas, ng bahay, kanilang huhubarin ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa, at ilalagay nila ang mga ito sa mga banal na silid; at mangagsusuot sila ng ibang mga kasuutan, upang huwag nilang banalin ang mga tao ng kanilang mga kasuutan. 026 EZE 044 020 Ni aahitan man nila ang kanilang mga ulo, ni titiisin man ang kanilang buhok ay humaba; kanila lamang gugupitan ang kanilang mga ulo. 026 EZE 044 021 Ni iinom ng alak ang sinomang saserdote pagka sila'y magsisipasok sa lalong loob na looban. 026 EZE 044 022 Ni mangagaasawa man sa babaing bao, o sa inihiwalay man: kundi sila'y magaasawa ng mga dalaga sa lahi ng sangbahayan ni Israel, o ng babaing bao na nabao sa saserdote. 026 EZE 044 023 At kanilang ituturo sa aking bayan ang pagkakaiba ng banal at ng karaniwan, at ipakikilala nila sa kanila ang marumi at malinis. 026 EZE 044 024 At sa pagtatalo ay magsisitayo sila upang magsihatol; ayon sa aking mga kahatulan ay kanilang hahatulan: at kanilang iingatan ang aking mga kautusan at ang aking mga palatuntunan sa lahat kong takdang kapistahan; at kanilang ipangingilin ang aking mga sabbath. 026 EZE 044 025 At hindi sila magsisilapit sa alin mang patay na tao na mangagpakahawa; nguni't sa ama, o sa ina, o sa anak na lalake, o babae, sa kapatid na lalake, o babae na hindi nagkaasawa, maaaring mangagpakahawa sila. 026 EZE 044 026 At pagkatapos na siya'y malinis, sila'y bibilang sa kaniya ng pitong araw. 026 EZE 044 027 At sa kaarawan na siya'y pumasok sa santuario, sa lalong loob na looban upang mangasiwa sa santuario, siya'y maghahandog ng kaniyang handog dahil sa kasalanan, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 044 028 At sila'y mangagkakaroon ng mana; ako'y kanilang mana; at hindi ninyo bibigyan sila ng pag-aari sa Israel; ako'y kanilang pag-aari. 026 EZE 044 029 Sila'y magsisikain ng handog na harina, at ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog dahil sa pagkakasala; at bawa't bagay na itinalaga sa Israel ay magiging kanila. 026 EZE 044 030 At ang una sa lahat na unang bunga ng bawa't bagay, at lahat na alay na bawa't bagay, sa lahat ninyong mga alay ay magiging sa saserdote: inyo rin namang ibibigay sa mga saserdote ang una sa inyong masa upang pagpalain ang inyong bahay. 026 EZE 044 031 Ang mga saserdote ay hindi kakain ng anomang bagay na namamatay sa kaniyang sarili, o nalapa, maging ibon o hayop man. 026 EZE 045 001 Bukod dito'y pagka inyong hahatiin sa pamamagitan ng sapalaran ang lupain na pinakamana, mangaghahandog kayo ng alay sa Panginoon, isang banal na bahagi ng lupain; ang haba ay magkakaroon ng habang dalawang pu't limang libong tambo, at ang luwang ay magiging sangpung libo: ito'y magiging banal sa lahat ng hangganan niyaon sa palibot. 026 EZE 045 002 Dito'y magkakaroon ukol sa dakong banal ng limang daan ang haba at limang daang luwang, parisukat sa palibot; limang pung siko sa pagitan niyaon sa palibot. 026 EZE 045 003 At sa sukat na ito iyong susukatin, na ang haba ay dalawang pu't limang libo, at ang luwang ay sangpung libo: at doo'y malalagay ang santuario, na pinakabanal. 026 EZE 045 004 Siyang banal na bahagi ng lupain; ito'y para sa mga saserdote, na mga tagapangasiwa ng santuario, na nagsisilapit upang magsipangasiwa sa Panginoon; at ito'y magiging dakong kalalagyan ng kanilang mga bahay, at banal na dakong kalalagyan ng santuario. 026 EZE 045 005 At dalawang pu't limang libo ang haba, at sangpung libo ang luwang ay magiging sa mga Levita, na mga tagapangasiwa ng bahay, na pinaka pag-aari sa kanilang sarili, na dalawang pung silid. 026 EZE 045 006 At inyong itatakda ang pag-aari ng bayan na limang libo ang luwang, at dalawang pu't limang libo ang haba, sa tabi ng alay na banal na bahagi: magiging ukol sa buong sangbahayan ni Israel. 026 EZE 045 007 Magkakaroon naman para sa prinsipe ng bahagi sa isang dako at sa kabilang dako sa banal na alay at sa pag-aari ng bayan, sa harap ng banal na alay at sa harap ng pag-aari ng bayan, sa dakong kalunuran na gawing kalunuran, at sa dakong silanganan na gawing silanganan; at ang haba ay ayon sa isa sa mga bahagi, mula sa hangganang kalunuran hanggang sa hangganang silanganan. 026 EZE 045 008 Sa lupaing ito'y magiging kaniya na pinakaari sa Israel: at hindi na pipighatiin pa ng aking mga prinsipe ang aking bayan; kundi ibibigay nila ang lupain sa sangbahayan ni Israel ayon sa kanilang mga lipi. 026 EZE 045 009 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Magkasiya ito sa inyo, Oh mga prinsipe ng Israel: iwan ninyo ang pangdadahas at pagsamsam, at magsagawa kayo ng kahatulan at ng kaganapan; alisin ninyo ang inyong atang sa aking bayan, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 045 010 Kayo'y magkakaroon ng mga ganap na timbangan; at ganap na efa, at ganap na bath. 026 EZE 045 011 Ang efa at ang bath ay magiging iisang takalan, upang ang bath ay maglaman ng ikasangpung bahagi ng isang homer, at ang efa ay ikasangpung bahagi ng isang homer: ang takal niyaon ay magiging ayon sa homer. 026 EZE 045 012 At ang siklo ay magiging dalawang pung gera: dalawangpung siklo, lima at dalawang pung siklo, labing limang siklo ay siyang magiging maneh ninyo. 026 EZE 045 013 Ito ang alay na inyong ihahandog: ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang homer ng trigo; at inyong ibibigay ang ikaanim na bahagi ng isang efa mula sa isang homer ng cebada; 026 EZE 045 014 At ang takdang bahagi ng langis, ng bath ng langis, ang ikasangpung bahagi ng bath mula sa isang kor, na sangpung bath, o isang homer (sapagka't sangpung bath ay isang homer); 026 EZE 045 015 At isang batang tupa sa kawan, mula sa dalawang daan, na mula sa matabang pastulan ng Israel; na pinakahandog na harina, at pinakahandog na susunugin, at pinakahandog tungkol sa kapayapaan, upang ipangtubos sa kanila, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 045 016 Buong bayan ng lupain ay magbibigay ng alay na ito sa prinsipe sa Israel. 026 EZE 045 017 At magiging tungkulin ng prinsipe na magbigay ng mga handog na susunugin, at ng mga handog na harina, at ng mga inuming handog, sa mga kapistahan, at sa mga bagong buwan, at sa mga sabbath, sa lahat ng takdang kapistahan ng sangbahayan ni Israel: siya'y maghahanda ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog na harina, at ng handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, upang ipangtubos sa sangbahayan ni Israel. 026 EZE 045 018 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa unang buwan, sa unang araw ng buwan, kukuha ka ng guyang toro na walang kapintasan; at iyong lilinisin ang santuario. 026 EZE 045 019 At ang saserdote ay kukuha ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, at ilalagay sa mga haligi ng pintuan ng bahay, at sa apat na sulok ng patungang dambana, at sa mga haligi ng pintuang-daan ng lalong loob na looban. 026 EZE 045 020 At gayon ang iyong gagawin sa ikapitong araw ng buwan para sa bawa't nagkakamali, at sa bawa't walang malay: gayon ninyo lilinisin ang bahay. 026 EZE 045 021 Sa unang buwan, sa ikalabing apat na araw ng buwan, magdidiwang kayo ng paskua, isang kapistahan na pitong araw; tinapay na walang levadura ang kakanin. 026 EZE 045 022 At sa araw na yaon ay maghahanda ang prinsipe para sa kaniya at sa buong bayan ng lupain ng isang guyang toro na pinakahandog dahil sa kasalanan. 026 EZE 045 023 At sa pitong araw ng kapistahan ay ipaghahanda niya ng handog na susunugin ang Panginoon, pitong toro at pitong tupa na walang kapintasan sa araw-araw na pitong araw; at isang kambing araw-araw na pinakahandog dahil sa kasalanan. 026 EZE 045 024 At siya'y maghahanda ng handog na harina, ng isang efa sa isang toro, at ng isang efa sa isang lalaking tupa, at isang hin ng langis sa isang efa. 026 EZE 045 025 Sa ikapitong buwan, sa ikalabing limang araw ng buwan, sa kapistahan, kaniyang gagawin ang gaya ng pitong araw; ayon sa handog dahil sa kasalanan, ayon sa handog na susunugin, at ayon sa handog na harina, at ayon sa langis. 026 EZE 046 001 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang pintuang-daan ng lalong loob na looban na nakaharap sa dakong silanganan ay sasarhan sa anim na araw na iginagawa; nguni't sa sabbath ay bubuksan, at sa kaarawan ng bagong buwan ay bubuksan. 026 EZE 046 002 At ang prinsipe ay papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan sa labas; at tatayo sa tabi ng haligi ng pintuang-daan; at maghahanda ang mga saserdote ng kaniyang handog na susunugin, at ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan, at siya'y sasamba sa may pasukan ng pintuang-daan; kung magkagayo'y lalabas siya; nguni't ang pintuang-daan ay hindi sasarhan hanggang sa hapon. 026 EZE 046 003 At ang bayan ng lupain ay sasamba sa may pintuan ng pintuang-daang yaon sa harap ng Panginoon sa mga sabbath at sa mga bagong buwan. 026 EZE 046 004 At ang handog na susunugin na ihahandog ng prinsipe sa Panginoon sa araw ng sabbath ay anim na batang tupa na walang kapintasan at isang lalaking tupang walang kapintasan; 026 EZE 046 005 At ang handog na harina ay isang efa sa lalaking tupa, at ang handog na harina sa mga batang tupa ay ang kaniyang kayang ibigay, at isang hin ng langis sa isang efa. 026 EZE 046 006 At sa kaarawan ng bagong buwan ay isang guyang toro na walang kapintasan, at anim na batang tupa at isang lalaking tupa; mga walang kapintasan: 026 EZE 046 007 At siya'y maghahanda ng handog na harina, isang efa sa toro, at isang efa sa lalaking tupa, at sa mga batang tupa ay ayon sa kaniyang kaya, at isang hin na langis sa isang efa. 026 EZE 046 008 At pagka ang prinsipe ay papasok, siya'y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan, at sa daan ding yaon siya lalabas. 026 EZE 046 009 Nguni't pagka ang bayan ng lupain ay haharap sa Panginoon sa mga takdang kapistahan, siyang pumapasok sa daan ng pintuang-daang hilagaan upang sumamba ay lalabas sa daan ng pintuang-daang timugan ay lalabas sa daan ng pintuang-daang hilagaan; hindi siya babalik sa daan ng pintuang-daan na kaniyang pinasukan, kundi lalabas na matuwid sa harap niya. 026 EZE 046 010 At ang prinsipe, pagka sila'y magsisipasok, ay magsisipasok sa gitna ng mga yaon; at pagka sila'y magsisilabas ay magsisilabas na magkakasama. 026 EZE 046 011 At sa mga kapistahan at sa mga kadakilaan ay ang handog na harina ay magiging isang efa sa isang toro, at isang efa sa lalaking tupa, at sa mga batang tupa ay ang kayang ibigay niya, at isang hin ng langis sa isang efa. 026 EZE 046 012 At pagka ang prinsipe ay maghahanda ng kusang handog, ng handog na susunugin o ng mga handog tungkol sa kapayapaan na pinakakusang handog sa Panginoon, may isang magbubukas sa kaniya ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at kaniyang ihahanda ang kaniyang handog na susunugin at ang kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan, gaya ng kaniyang ginagawa sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y lalabas siya; at pagkalabas niya ay sasarhan ng isa ang pintuang-daan. 026 EZE 046 013 At ikaw ay maghahanda ng isang batang tupa ng unang taon na walang kapintasan na pinakahandog na susunugin sa Panginoon araw-araw: tuwing umaga ay maghahanda ka. 026 EZE 046 014 At iyong ihahandang handog na harina na kasama niyaon tuwing umaga, ang ikaanim na bahagi ng isang efa, at ang ikatlong bahagi ng isang hin ng langis, upang basain ang mainam na harina; isang handog na harina na lagi sa Panginoon: na pinakalaging alituntunin. 026 EZE 046 015 Ganito nila ihahanda ang batang tupa at ang handog na harina, at ang langis, tuwing umaga, na pinakahandog na susunuging lagi. 026 EZE 046 016 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kung ang prinsipe ay magbigay ng kaloob sa kanino man sa kaniyang mga anak, ay magiging kaniyang mana, mauukol sa kaniyang mga anak; siyang kanilang pag-aari na pinakamana. 026 EZE 046 017 Nguni't kung ibigay niya ang kaniyang mana na pinakakaloob sa isa sa kaniyang mga alipin, magiging kaniya sa taon ng kalayaan; kung magkagayo'y mababalik sa prinsipe; nguni't tungkol sa kaniyang mana, magiging sa kaniyang mga anak. 026 EZE 046 018 Bukod dito'y hindi kukuha ang prinsipe ng mana ng bayan, na aalisin sa kanila ang kanilang pag-aari; siya'y magbibigay ng mana sa kaniyang mga anak na mula sa kaniyang sariling pag-aari, upang ang aking bayan ay huwag mangalat bawa't isa sa kaniyang pag-aari. 026 EZE 046 019 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pasukan, na nasa tabi ng pintuang-daan, sa loob ng mga banal na silid na ukol sa mga saserdote, na nakaharap sa hilagaan: at, narito, may isang dako sa lalong loob na bahagi na dakong kalunuran. 026 EZE 046 020 At sinabi niya sa akin, Ito ang dako na pagpapakuluan ng mga saserdote ng handog sa pagkakasala at ng handog dahil sa kasalanan, na siyang kanilang pagiihawan ng handog na harina; upang huwag nilang mailabas sa lalong labas na looban, upang banalin ang bayan. 026 EZE 046 021 Nang magkagayo'y inilabas niya ako sa labas ng looban ng bahay at pinaraan niya ako sa apat na sulok ng looban; at, narito, sa bawa't sulok ng looban ay may isang looban. 026 EZE 046 022 Sa apat na sulok ng looban ay may mga looban na nababakod, apat na pung siko ang haba at tatlong pu ang luwang: ang apat na ito sa mga sulok ay may isang sukat. 026 EZE 046 023 At may isang pader sa palibot ng mga yaon, sa palibot ng apat, at may ginawang pakuluang mga dako sa ilalim ng mga pader sa palibot. 026 EZE 046 024 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ito ang mga dako na pakuluan na pagpapakuluan ng mga tagapangasiwa sa bahay ng hain ng bayan. 026 EZE 047 001 At ibinalik niya ako sa pintuan ng bahay; at, narito, ang tubig ay lumalabas sa ilalim ng pasukan sa bahay sa dakong silanganan (sapagka't ang harapan ng bahay ay sa dakong silanganan); at ang tubig ay umaagos sa ilalim, mula sa dakong kanan ng bahay, sa timugan ng dambana. 026 EZE 047 002 Nang magkagayo'y inilabas niya ako sa daan ng pintuang-daang hilagaan, at pinatnubayan niya ako sa palibot ng daan sa labas, sa lalong labas ng pintuang-daan, sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at, narito, doo'y lumalabas ang tubig sa dakong kanan. 026 EZE 047 003 Nang ang lalake ay lumabas sa dakong silanganan na may pising panukat sa kaniyang kamay, siya'y sumukat ng isang libong siko, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang bukongbukong. 026 EZE 047 004 Muling sumukat siya ng isang libo, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang mga tuhod. Muli siyang sumukat ng isang libo, at pinaraan niya ako sa tubig, sa tubig na hanggang sa mga balakang. 026 EZE 047 005 Pagkatapos ay sumukat siya ng isang libo; at isang ilog na hindi ko naraanan; sapagka't ang tubig ay sumasampa, tubig upang languyan, ilog na hindi mararaanan. 026 EZE 047 006 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakita mo baga ito? Nang magkagayo'y dinala niya ako, at pinabalik niya ako sa pangpang ng ilog. 026 EZE 047 007 Nang ako nga'y makabalik, narito, sa pangpang ng ilog, ay may totoong maraming puno ng kahoy sa magkabilang dako. 026 EZE 047 008 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang tubig na ito ay lumalabas sa dakong silanganang lupain, at bababa sa Araba; at huhugos sa dagat; sa dagat ay huhugos ang tubig na pinalabas; at ang tubig ay mapagagaling. 026 EZE 047 009 At mangyayari, na bawa't likhang may buhay na dumadami, saan mang dako umaagos ang tubig, ay mabubuhay; at magkakaroon ng totoong napakaraming isda; sapagka't ang tubig na ito ay dumarating diyan at ang tubig ng dagat ay mapagagaling, at bawa't may buhay ay mabubuhay saan man dumating ang ilog. 026 EZE 047 010 At mangyayari, na ang mga mangingisda ay magsisitayo sa tabi niyaon: mula sa En-gedi hanggang sa En-eglaim ay magiging dako na ladlaran ng mga lambat; ang mga isda ng mga yaon ay magiging ayon sa pagkakaisda ng mga yaon, gaya ng isda sa malaking dagat, na totoong marami. 026 EZE 047 011 Nguni't ang kaniyang mga dakong maburak, at ang mga lumbak niyaon, ay hindi mapapagaling; magiging asinan nga. 026 EZE 047 012 At sa pangpang ng ilog sa tabi niyaon, sa dakong ito at sa dakong yaon, tutubo ang sarisaring punong kahoy na pinakapagkain, na ang dahon ay hindi matutuyo, ni magkukulang man ang bunga niyaon: magbubunga ng bago buwan-buwan, sapagka't ang tubig niyaon ay lumalabas sa santuario; at ang bunga niyaon ay magiging pagkain at ang dahon niyaon ay pangpagaling. 026 EZE 047 013 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ito ang magiging hangganan, na inyong pagbabahagihan ng lupain na pinakamana ayon sa labing dalawang lipi ng Israel: ang Jose ay magkakaroon ng dalawang bahagi. 026 EZE 047 014 At inyong mamanahin, ng isa na gaya ng iba; sapagka't aking isinumpa na ibigay ito sa inyong mga magulang: at ang lupaing ito ay mahuhulog sa inyo na pinakamana. 026 EZE 047 015 At ito ang magiging hangganan ng lupain: Sa dakong hilagaan, mula sa malaking dagat, sa daang Hethlon, hanggang sa pasukan sa Sedad; 026 EZE 047 016 Hamath, Berotha, Sibrahim, na nasa pagitan ng hangganan ng Damasco at ng hangganan ng Hamath; Haser-hatticon na nasa tabi ng hangganan ng Hauran. 026 EZE 047 017 At ang hangganang mula sa dagat ay magiging ang Hazar-enon sa hangganan ng Damasco, at nasa hilagaan na dakong hilagaan ang hangganan ng Hamath. Ito ang dakong hilagaan. 026 EZE 047 018 At ang dakong silanganan, ang pagitan ng Hauran at ng Damasco at ng Galaad, at ang lupain ng Israel, ay siyang magiging Jordan; mula sa hilagaang hangganan hanggang sa silanganang dagat ay inyong susukatin. Ito ang dakong silanganan. 026 EZE 047 019 At ang timugang dako na gawing timugan ay magiging mula sa Tamar hanggang sa tubig ng Meribot-cades, sa batis ng Egipto, hanggang sa malaking dagat. Ito ang timugang dako na gawing timugan. 026 EZE 047 020 At ang dakong kalunuran ay magiging ang malaking dagat, mula sa hangganang timugan hanggang sa tapat ng pasukan sa Hamath. Ito ang dakong kalunuran. 026 EZE 047 021 Gayon ninyo hahatiin ang lupaing ito sa inyo ayon sa mga lipi ng Israel. 026 EZE 047 022 At mangyayari na inyong hahatiin sa sapalaran na pinakamana sa inyo at sa mga taga ibang lupa na makikipamayan sa gitna ninyo, na magkakaanak sa gitna ninyo; at sila'y magiging sa inyo'y gaya ng ipinanganak sa gitna ng mga anak ni Israel; sila'y magkakaroon ng mana na kasama ninyo sa gitna ng mga lipi ng Israel. 026 EZE 047 023 At mangyayari, na kung saang lipi nakipamayan ang taga ibang lupa, doon ninyo bibigyan siya ng mana, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 048 001 Ang mga ito nga ang mga pangalan ng mga lipi: Mula sa dulong hilagaan, sa tabi ng daan ng Hethlon hanggang sa pasukan sa Hamath, Hasar-enan, sa hangganan ng Damasco, na dakong hilagaan sa gawing yaon ng Hamath; (at mga magkakaroon ng mga dakong silanganan at kalunuran), ang Dan, isang bahagi. 026 EZE 048 002 At sa tabi ng hangganan ng Dan, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Aser, isang bahagi. 026 EZE 048 003 At sa tabi ng hangganan ng Aser, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Nephtali, isang bahagi. 026 EZE 048 004 At sa tabi ng hangganan ng Nephtali, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Manases, isang bahagi. 026 EZE 048 005 At sa tabi ng hangganan ng Manases, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Ephraim, isang bahagi. 026 EZE 048 006 At sa tabi ng hangganan ng Ephraim, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Ruben, isang bahagi. 026 EZE 048 007 At sa tabi ng hangganan ng Ruben, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Juda, isang bahagi. 026 EZE 048 008 At sa tabi ng hangganan ng Juda, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, malalagay ang alay na inyong ihahandog, dalawang pu't limang libong tambo ang luwang, at ang haba ay gaya ng isa sa mga bahagi, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran; at ang santuario ay malalagay sa gitna niyaon. 026 EZE 048 009 Ang alay na inyong ihahandog sa Panginoon ay magiging dalawang pu't limang libong tambo ang haba, at sangpung libo ang luwang. 026 EZE 048 010 At magiging sa mga ito, sa makatuwid baga'y sa mga saserdote, ang banal na alay; sa dakong hilagaan ay dalawang pu't limang libo ang haba, at sa dakong kalunuran ay sangpung libo ang luwang, at sa dakong timugan ay dalawang pu't limang libo ang haba: at ang santuario ng Panginoon ay maglalagay sa gitna niyaon. 026 EZE 048 011 Ito'y magiging sa mga saserdote na mga pinapaging banal sa mga anak ni Sadoc, na nagsisiganap ng katungkulan sa akin na hindi nangagpakaligaw nang mangagpakaligaw ang mga anak ni Israel, na gaya ng mga Levita na nangagpakaligaw. 026 EZE 048 012 At sa kanila'y magiging alay na mula sa alay ng lupain, bagay na kabanalbanalan sa tabi ng hangganan ng mga Levita. 026 EZE 048 013 At ayon sa hangganan ng mga saserdote, ang mga Levita ay mangagkakaroon ng dalawang pu't limang libo ang haba, at sangpung libo ang luwang: ang buong haba ay magiging dalawang pu't limang libo, at ang luwang ay sangpung libo. 026 EZE 048 014 At hindi nila ipagbibili, o ipagpapalit man, o ipagkakaloob sa iba man ang mga unang bunga ng lupain; sapagka't ito'y banal sa Panginoon. 026 EZE 048 015 At ang limang libo na naiwan sa naluwangan, sa tapat ng dalawang pu't limang libo, magiging sa karaniwang kagamitan na ukol sa bayan, sa tahanan at sa mga nayon; at ang bayan ay malalagay sa gitna niyaon. 026 EZE 048 016 At ang mga ito ang magiging mga sukat niyaon: sa dakong hilagaan ay apat na libo at limang daan, at sa dakong timugan ay apat na libo at limang daan, at sa dakong silanganan ay apat na libo at limang daan, at sa dakong kalunuran ay apat na libo at limang daan. 026 EZE 048 017 At ang bayan ay magkakaroon ng mga nayon: sa dakong hilagaan ay dalawang daan at limang pu, at sa dakong timugan ay dalawang daan at limang pu, at sa dakong silanganan ay dalawang daan at limang pu, at sa dakong kalunuran ay dalawang daan at limang pu. 026 EZE 048 018 At ang labis sa haba, na nauukol sa banal na alay, magiging sangpung libo sa dakong silanganan, at sangpung libo sa dakong kalunuran; at magiging ukol sa banal na alay; at ang bunga niyaon ay magiging pinakapagkain sa nagsisigawa sa bayan. 026 EZE 048 019 At tatamnan nilang nagsisigawa sa bayan sa lahat ng mga lipi ng Israel. 026 EZE 048 020 Buong alay ay magiging dalawang pu't limang libong tambo at dalawang pu't limang libo: inyong ihahandog na parisukat ang banal na alay, sangpu ng pag-aari ng bayan. 026 EZE 048 021 At ang labis ay magiging sa prinsipe, sa isang dako at sa kabilang dako ng banal na alay at sa pag-aari ng bayan; sa tapat ng dalawang pu't limang libo sa alay sa dako ng silanganang hangganan, at sa dakong kalunuran sa tapat ng dalawang pu't limang libo sa dako ng kalunurang hangganan, na ukol sa mga bahagi, magiging sa prinsipe: at ang banal na alay at ang santuario ng bahay ay malalagay sa gitna niyaon. 026 EZE 048 022 Bukod dito'y mula sa pag-aari ng mga Levita, at mula sa pag-aari ng bayan na nasa gitna ng sa prinsipe, sa pagitan ng hangganan ng Juda at ng hangganan ng Benjamin, magiging sa prinsipe. 026 EZE 048 023 At tungkol sa nalabi sa mga lipi: mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Benjamin, isang bahagi. 026 EZE 048 024 At sa tabi ng hangganan ng Benjamin, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Simeon, isang bahagi. 026 EZE 048 025 At sa tabi ng hangganan ng Simeon, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Issachar, isang bahagi. 026 EZE 048 026 At sa tabi ng hangganan ng Issachar, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Zabulon, isang bahagi. 026 EZE 048 027 At sa tabi ng hangganan ng Zabulon mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Gad, isang bahagi. 026 EZE 048 028 At sa tabi ng hangganan ng Gad, sa dakong timugan na gawing timugan, ang hangganan ay magiging mula sa Tamar hanggang sa tubig ng Meribat-cades sa batis ng Egipto, hanggang sa malaking dagat. 026 EZE 048 029 Ito ang lupain na inyong babahagihin sa sapalaran sa mga lipi ng Israel na pinakamana, at ang mga ito ang kanilang mga iba't ibang bahagi, sabi ng Panginoong Dios. 026 EZE 048 030 At ang mga ito ang mga labasan sa bayan: Sa dakong hilagaan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat; 026 EZE 048 031 At ang mga pintuang-daan ng bayan ay magiging ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng Israel, tatlong pintuang-daan sa dakong hilagaan: ang pintuang-daan ng Ruben, isa; ang pintuang-daan ng Juda, isa; ang pintuang-daan ng Levi, isa. 026 EZE 048 032 At sa dakong silanganan ay apat na libo at limang-daang tambo, at tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Jose, isa; ang pintuang-daan ng Benjamin, isa; ang pintuang-daan ng Dan, isa: 026 EZE 048 033 At sa dakong timugan ay apat na libo at limang daang tambo sa sukat, at tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Simeon, isa; ang pintuang-daan ng Issachar, isa; ang pintuang-daan ng Zabulon, isa: 026 EZE 048 034 Sa dakong kalunuran ay apat na libo at limang daang tambo, na may kanilang tatlong pintuang-daan: ang pintuang-daan ng Gad, isa; ang pintuang-daan ng Aser, isa; ang pintuang-daan ng Nephtali, isa. 026 EZE 048 035 Magkakaroon ng labing walong libong tambo ang sukat sa palibot: at ang magiging pangalan ng bayan mula sa araw na yaon ay, Ang Panginoon ay naroroon. # # BOOK 027 DAN Daniel Daniel 027 DAN 001 001 Nang ikatlong taon ng paghahari ni Joacim na hari sa Juda, ay dumating sa Jerusalem si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kinubkob niya yaon. 027 DAN 001 002 At ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay si Joacim na hari sa Juda, sangpu ng bahagi ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios; at ang mga yao'y dinala niya sa lupain ng Sinar sa bahay ng kaniyang dios: at ipinasok niya ang mga kasangkapan sa silid ng kayamanan ng kaniyang dios. 027 DAN 001 003 At ang hari ay nagsalita kay Aspenaz, na puno ng kaniyang mga bating, na siya'y magdala ng ilan sa mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y sa lahing hari at sa mga mahal na tao; 027 DAN 001 004 Mga binatang walang kapintasan, kundi may mabubuting bikas, at matatalino sa lahat na karunungan, at bihasa sa kaalaman, at nakakaunawa ng dunong, at may ganyang kakayahan na makatayo sa palacio ng hari; at kaniyang tuturuan sila ng turo at wika ng mga Caldeo. 027 DAN 001 005 At ipinagtakda ng hari sila ng bahagi sa araw sa pagkain ng hari, at sa alak na kaniyang iniinom, at sila'y kakandilihin na tatlong taon; upang sa wakas niyao'y mangakatayo sila sa harap ng hari. 027 DAN 001 006 Na sa mga ito nga, sa mga anak ni Juda, si Daniel, si Ananias, si Misael, at si Azarias. 027 DAN 001 007 At pinanganlan sila ng pangulo ng mga bating: kay Daniel ang ipinangalan ay Beltsasar, at kay Ananias ay Sadrach; at kay Misael ay Mesach; at kay Azarias ay Abed-nego. 027 DAN 001 008 Nguni't pinasiyahan ni Daniel sa kaniyang puso na siya'y hindi magpapakahamak sa pagkain ng hari, o sa alak man na kaniyang iniinom: kaya't kaniyang hiniling sa pangulo ng mga bating na siya'y huwag mapahamak. 027 DAN 001 009 Si Daniel nga ay pinasumpong ng Dios, ng lingap at habag sa paningin ng pangulo ng mga bating. 027 DAN 001 010 At sinabi ng pangulo ng mga bating kay Daniel, Ako'y natatakot sa aking panginoong hari, na nagtakda ng inyong pagkain at ng inyong inumin: sapagka't bakit niya makikita na ang inyong mga mukha ay maputla kay sa mga binata na inyong mga kasinggulang? isasapanganib nga ninyo ang aking ulo sa hari. 027 DAN 001 011 Nang magkagayo'y sinabi ni Daniel sa katiwala na inihalal ng pangulo ng mga bating kay Daniel, kay Ananias, kay Misael, at kay Azarias: 027 DAN 001 012 Ipinamamanhik ko sa iyo, na subukin mo ang iyong mga lingkod, na sangpung araw; at bigyan kami ng mga gulay na makain, at tubig na mainom. 027 DAN 001 013 Kung magkagayo'y masdan mo ang aming mga mukha sa harap mo, at ang mukha ng mga binata na nagsisikain ng pagkain ng hari; at ayon sa iyong makikita ay gawin mo sa iyong mga lingkod. 027 DAN 001 014 Sa gayo'y dininig niya sila sa bagay na ito, at sinubok niya sila na sangpung araw. 027 DAN 001 015 At sa katapusan ng sangpung araw ay napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha, at sila'y lalong mataba sa laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari. 027 DAN 001 016 Sa gayo'y inalis ng katiwala ang kanilang pagkain, at ang alak na kanilang inumin, at binigyan sila ng mga gulay. 027 DAN 001 017 Tungkol nga sa apat na binatang ito, pinagkalooban sila ng Dios ng kaalaman at katalinuhan sa lahat ng turo at karunungan: at si Daniel ay may pagkaunawa sa lahat na pangitain at mga panaginip. 027 DAN 001 018 At sa katapusan ng mga araw na itinakda ng hari sa paghaharap sa kanila, ipinasok nga sila ng pangulo ng mga bating sa harap ni Nabucodonosor. 027 DAN 001 019 At ang hari ay nakipagsalitaan sa kanila; at sa kanilang lahat ay walang nasumpungang gaya ni Daniel, ni Ananias, ni Misael, at ni Azarias: kaya't sila'y nanganatili sa harap ng hari. 027 DAN 001 020 At sa bawa't bagay ng karunungan at unawa, na inusisa ng hari sa kanila, nasumpungan niya silang makasangpung mainam kay sa lahat ng mahiko at mga enkantador na nangasa kaniyang buong kaharian. 027 DAN 001 021 At si Daniel ay namalagi hanggang sa unang taon ng haring Ciro. 027 DAN 002 001 At nang ikalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor ay nanaginip si Nabucodonosor ng mga panaginip; at ang kaniyang espiritu ay nabagabag, at siya'y napukaw sa pagkakatulog. 027 DAN 002 002 Nang magkagayo'y ipinatawag ng hari ang mga mahiko, at ang mga enkantador, at ang mga manghuhula, at ang mga Caldeo, upang saysayin sa hari ang kaniyang mga panaginip. Sa gayo'y nagsipasok sila at sila'y nagsiharap sa hari. 027 DAN 002 003 At sinabi ng hari sa kanila, Ako'y nanaginip ng isang panaginip, at ang aking Espiritu ay nabagabag upang maalaman ang panaginip. 027 DAN 002 004 Nang magkagayo'y nagsalita ang mga Caldeo sa hari sa wikang Siria, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man: saysayin mo sa iyong mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan. 027 DAN 002 005 Ang hari ay sumagot, at nagsabi sa mga Caldeo, Ang bagay ay nawala sa akin: kung di ninyo ipaliliwanag sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y pagpuputolputulin, at ang inyong mga bahay ay gagawing dumihan. 027 DAN 002 006 Nguni't kung inyong ipaliwanag ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y magsisitanggap sa akin ng mga kaloob at mga kagantihan at dakilang karangalan: kaya't ipaliwanag ninyo sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon. 027 DAN 002 007 Sila'y nagsisagot na ikalawa, at nangagsabi, Saysayin ng hari sa kaniyang mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan. 027 DAN 002 008 Ang hari ay sumagot, at nagsabi. Tunay na talastas ko na ibig ninyong magdahilan, sapagka't inyong nalalaman na nawala sa akin ang bagay. 027 DAN 002 009 Nguni't kung di ninyo ipaliwanag sa akin ang panaginip, iisang kautusan lamang mayroon sa inyo; sapagka't kayo'y nangaghanda ng pagbubulaan at mga hamak na salita sa harap ko, hanggang sa ang panahon ay magbago: kaya't saysayin ninyo sa akin ang panaginip, at malalaman ko na inyong maipaliliwanag sa akin ang kahulugan niyaon. 027 DAN 002 010 Ang mga Caldeo ay nagsisagot sa harap ng hari, at nangagsabi, Walang tao sa ibabaw ng lupa na makapagpapaaninaw ng bagay ng hari, palibhasa'y walang hari, panginoon, o pinuno man, na nagtanong ng ganyang bagay sa kanino mang mahiko, enkantador, o Caldeo. 027 DAN 002 011 At isang mahirap na bagay ang inuusisa ng hari, at walang ibang makapagpapaaninaw sa harap ng hari, liban ang mga dios, na ang tahanan ay hindi kasama ng tao. 027 DAN 002 012 Dahil sa bagay na ito ang hari ay nagalit at totoong nagalab sa galit, at nagutos na lipulin ang lahat na pantas na tao sa Babilonia. 027 DAN 002 013 Sa gayo'y itinanyag ang pasiya, at ang mga pantas na tao ay papatayin; at hinanap nila si Daniel at ang kaniyang mga kasama upang patayin. 027 DAN 002 014 Nang magkagayo'y nagbalik ng sagot si Daniel na may payo at kabaitan kay Arioch na punong kawal ng bantay ng hari, na lumabas upang patayin ang mga pantas na tao sa Babilonia; 027 DAN 002 015 Siya'y sumagot, at nagsabi kay Arioch na punong kawal ng hari, Bakit ang pasiya ay totoong madalian mula sa hari? Nang magkagayo'y ipinatalastas ni Arioch ang bagay kay Daniel. 027 DAN 002 016 At si Daniel ay pumasok, at humiling sa hari na takdaan siya ng panahon, at kaniyang ipaaaninaw sa hari ang kahulugan. 027 DAN 002 017 Nang magkagayo'y naparoon si Daniel sa kaniyang bahay, at ipinaalam ang bagay kay Ananias, kay Misael, at kay Azarias, na kaniyang mga kasama: 027 DAN 002 018 Upang sila'y magsipagnais ng kaawaan sa Dios ng langit tungkol sa lihim na ito; upang si Daniel at ang kaniyang mga kasama ay hindi mangamatay na kasama ng ibang mga pantas na tao sa Babilonia. 027 DAN 002 019 Nang magkagayo'y nahayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain sa gabi. Nang magkagayo'y pinuri ni Daniel ang Dios sa langit. 027 DAN 002 020 Si Daniel ay sumagot, at nagsabi, Purihin ang pangalan ng Dios magpakailan man: sapagka't ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya. 027 DAN 002 021 At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan; siya'y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa; 027 DAN 002 022 Siya'y naghahayag ng malalim at lihim na mga bagay; kaniyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at ang liwanag ay tumatahang kasama niya. 027 DAN 002 023 Pinasasalamatan kita, at pinupuri kita, Oh ikaw na Dios ng aking mga magulang, na siyang nagbigay sa akin ng karunungan at lakas, at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa iyo; sapagka't iyong ipinaalam sa amin ang bagay ng hari. 027 DAN 002 024 Kaya't pinasok ni Daniel si Arioch na siyang inihalal ng hari na lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; siya'y naparoon, at nagsabi sa kaniya ng ganito, Huwag mong lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; dalhin mo ako sa harap ng hari, at aking ipaaaninaw sa hari ang kahulugan. 027 DAN 002 025 Nang magkagayo'y dinalang madali ni Arioch si Daniel sa harap ng hari, at nagsabing ganito sa kaniya, Ako'y nakasumpong ng isang lalake sa mga anak ng nangabihag sa Juda, na magpapaaninaw sa hari ng kahulugan. 027 DAN 002 026 Ang hari ay sumagot, at nagsabi kay Daniel, na ang pangalan ay Beltsasar, Maipaaaninaw mo baga sa akin ang panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon? 027 DAN 002 027 Si Daniel ay sumagot sa harap ng hari, at nagsabi, Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipaaaninaw sa hari kahit ng mga pantas na tao, ng mga enkantador, ng mga mahiko man, o ng mga manghuhula man. 027 DAN 002 028 Nguni't may isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito: 027 DAN 002 029 Tungkol sa iyo, Oh hari, ang iyong mga pagiisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan, kung ano ang mangyayari sa panahong darating; at siya na naghahayag ng mga lihim ay ipinaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari. 027 DAN 002 030 Nguni't tungkol sa akin ang lihim na ito ay hindi nahayag sa akin ng dahil sa anomang karunungan na tinamo kong higit kay sa sinomang may buhay, kundi upang maipaaninaw sa hari ang kahulugan at upang iyong maalaman ang mga pagiisip ng iyong puso. 027 DAN 002 031 Ikaw, Oh hari, nakakita, at narito, ang isang malaking larawan. Ang larawang ito na makapangyarihan, at ang kaniyang kakinangan ay mainam, ay tumayo sa harap mo; at ang anyo niyao'y kakilakilabot. 027 DAN 002 032 Tungkol sa larawang ito, ang kaniyang ulo ay dalisay na ginto, ang kaniyang dibdib at ang kaniyang mga bisig ay pilak, ang kaniyang tiyan at ang kaniyang mga hita ay tanso, 027 DAN 002 033 Ang kaniyang mga binti ay bakal, ang kaniyang mga paa'y isang bahagi ay bakal, at isang bahagi ay putik na luto. 027 DAN 002 034 Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto, at mga yao'y binasag. 027 DAN 002 035 Nang magkagayo'y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok, at pinuno ang buong lupa. 027 DAN 002 036 Ito ang panaginip; at aming sasaysayin ang kahulugan niyaon sa harap ng hari. 027 DAN 002 037 Ikaw, Oh hari, ay hari ng mga hari, na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan, at ng kaluwalhatian; 027 DAN 002 038 At alin mang tinatahanan ng mga anak ng mga tao, ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ay ibinigay sa iyong kamay, at pinapagpuno ka sa kanilang lahat: ikaw ang ulo na ginto. 027 DAN 002 039 At pagkatapos mo ay babangon ang ibang kaharian na mababa sa iyo; at ang ibang ikatlong kaharian na tanso na magpupuno sa buong lupa. 027 DAN 002 040 At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal, palibhasa'y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik. 027 DAN 002 041 At yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri, ang isang bahagi ay putik na luto ng magpapalyok, at ang isang bahagi ay bakal, ay magiging kahariang hati; nguni't magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahalo sa putik na luto. 027 DAN 002 042 At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik, magkakagayon ang kaharian na ang isang bahagi ay matibay, at isang bahagi ay marupok. 027 DAN 002 043 At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila'y magkakahalo ng lahi ng mga tao; nguni't hindi sila magkakalakipan, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik. 027 DAN 002 044 At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man. 027 DAN 002 045 Yamang iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao'y tapat. 027 DAN 002 046 Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya. 027 DAN 002 047 Ang hari ay sumagot kay Daniel, at nagsabi, Sa katotohanan ang inyong Dios ay Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga hari, at tagapaghayag ng mga lihim, yamang ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito. 027 DAN 002 048 Nang magkagayo'y pinadakila ng hari si Daniel, at binigyan siya ng maraming dakilang kaloob, at pinapagpuno siya sa buong lalawigan ng Babilonia, at pinapaging pangulo ng mga tagapamahala sa lahat na pantas sa Babilonia. 027 DAN 002 049 At si Daniel ay humiling sa hari, at kaniyang inihalal, si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia; nguni't si Daniel ay nasa pintuang-daan ng hari. 027 DAN 003 001 Si Nabucodonosor na hari ay gumawa ng isang larawang ginto na ang taas ay anim na pung siko, at ang luwang niyao'y anim na siko: kaniyang itinayo sa kapatagan ng Dura, sa lalawigan ng Babilonia. 027 DAN 003 002 Nang magkagayo'y nagsugo si Nabucodonosor na hari upang pisanin ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, ang mga hukom, ang mga tagaingat-yaman, ang mga kasangguni, ang mga pinuno, at ang lahat na pinuno sa mga lalawigan upang magsiparoon sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari. 027 DAN 003 003 Nang magkagayo'y ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, ang mga hukom, ang mga tagaingat-yaman, ang mga kasangguni, ang mga pinuno at lahat ng pinuno sa mga lalawigan, ay nagpisan sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari; at sila'y nagsitayo sa harap ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor. 027 DAN 003 004 Nang magkagayo'y ang tagapagtanyag ay sumigaw ng malakas, Sa inyo'y iniuutos, Oh mga bayan, mga bansa, at mga wika, 027 DAN 003 005 Na sa anomang oras na inyong marinig ang tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, kayo'y mangagpatirapa at magsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari; 027 DAN 003 006 At sinoman na hindi magpatirapa at sumamba sa oras na yaon ay ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas. 027 DAN 003 007 Kaya't sa oras na yaon, pagkarinig ng buong bayan ng tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, at ng lahat na sarisaring panugtog, lahat na bayan, mga bansa, at mga wika, ay nangagpatirapa at nagsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari. 027 DAN 003 008 Dahil dito sa oras na yaon ay nagsilapit ang ilang taga Caldea, at nagsumbong laban sa mga Judio. 027 DAN 003 009 Sila'y nagsisagot, at nangagsabi kay Nabucodonosor na hari, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man. 027 DAN 003 010 Ikaw, Oh hari, nagpasiya, na bawa't tao na makarinig ng tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, ay magpapatirapa, at sasamba sa larawang ginto. 027 DAN 003 011 At sinomang hindi magpatirapa at sumamba, ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas. 027 DAN 003 012 May ilang Judio na iyong inihalal sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia na si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego; ang mga lalaking ito, Oh hari, ay hindi ka pinakundanganan: sila'y hindi nangaglilingkod sa iyong mga dios, ni nagsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo. 027 DAN 003 013 Nang magkagayo'y sa poot at pusok ni Nabucodonosor, ay nagutos na dalhin si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego. Kanila ngang dinala ang mga lalaking ito sa harap ng hari. 027 DAN 003 014 Si Nabucodonosor ay sumagot, at nagsabi sa kanila, Sinasadya nga ba ninyo, Oh Sadrach, Mesach, at Abed-nego, na kayo'y hindi mangaglilingkod sa aking dios, ni magsisisamba man sa larawang ginto na aking itinayo? 027 DAN 003 015 Kung kayo nga'y magsihanda sa panahong inyong marinig ang tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, na mangagpatirapa at magsisamba sa larawan na aking ginawa, mabuti: nguni't kung kayo'y hindi magsisamba, kayo'y ihahagis sa oras ding yaon sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas; at sinong dios ang magliligtas sa inyo sa aking kamay? 027 DAN 003 016 Si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, ay nagsisagot, at nangagsabi sa hari, Oh Nabucodonosor, kami ay walang kailangan na magsisagot sa iyo sa bagay na ito. 027 DAN 003 017 Narito, ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa mabangis na hurnong nagniningas; at ililigtas niya kami sa iyong kamay, Oh hari. 027 DAN 003 018 Nguni't kung hindi, talastasin mo, Oh hari, na hindi kami mangaglilingkod sa iyong mga dios, ni magsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo. 027 DAN 003 019 Nang magkagayo'y napuspos ng kapusukan si Nabucodonosor, at ang anyo ng kaniyang mukha ay nagbago laban kay Sadrach, kay Mesach, at kay Abed-nego: kaya't siya'y nagsalita, at nagutos na kanilang paiinitin ang hurno ng makapito na higit kay sa dating pagiinit. 027 DAN 003 020 At kaniyang inutusan ang ilang malakas na lalake na nangasa kaniyang hukbo na gapusin si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, at sila'y ihagis sa mabangis na hurnong nagniningas. 027 DAN 003 021 Nang magkagayo'y ang mga lalaking ito'y tinalian na may mga suot, may tunika, at may balabal, at may kanilang ibang mga kasuutan, at sila'y inihagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas. 027 DAN 003 022 Sapagka't ang utos ng hari ay madalian, at ang hurno ay totoong mainit, napatay ng liyab ng apoy ang mga lalaking yaon na nagsibuhat kay Sadrach, kay Mesach, at kay Abed-nego. 027 DAN 003 023 At ang tatlong lalaking ito, si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, ay nagsibagsak na nagagapos sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas. 027 DAN 003 024 Nang magkagayo'y si Nabucodonosor na hari ay nagtaka, at tumindig na madali: siya'y nagsalita at nagsabi sa kaniyang mga kasangguni, Di baga ang ating inihagis ay tatlong gapos na lalake sa gitna ng apoy? Sila'y nagsisagot, at nangagsabi sa hari, Totoo, Oh hari. 027 DAN 003 025 Siya'y sumagot, at nagsabi, Narito, aking nakikita ay apat na lalake na hindi gapos na nagsisilakad sa gitna ng apoy, at sila'y walang paso; at ang anyo ng ikaapat ay kawangis ng isang anak ng mga dios. 027 DAN 003 026 Nang magkagayo'y lumapit si Nabucodonosor sa bunganga ng mabangis na hurnong nagniningas: siya'y nagsalita, at nagsabi, Sadrach, Mesach, at Abed-nego, kayong mga lingkod ng Kataastaasang Dios, kayo'y magsilabas at magsiparito. Nang magkagayo'y si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, ay nagsilabas mula sa gitna ng apoy. 027 DAN 003 027 At ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, at ang mga kasangguni ng hari na nangagkakapisan ay nakakita sa mga lalaking ito, na ang apoy ay hindi tumalab sa kanilang mga katawan, ni ang mga buhok man ng kanilang mga ulo ay nasunog, ni ang kanila mang mga suot ay nabago, ni nagamoy apoy man sila. 027 DAN 003 028 Si Nabucodonosor ay nagsalita at nagsabi, Purihin ang Dios ni Sadrach, ni Mesach, at ni Abed-nego, na nagsugo ng kaniyang anghel, at nagligtas sa kaniyang mga lingkod na nagsitiwala sa kaniya, at binago ang salita ng hari, at ibinigay ang kanilang mga katawan, upang sila'y hindi maglingkod ni sumamba sa kanino mang dios, liban sa kanilang sariling Dios. 027 DAN 003 029 Kaya't nagpapasiya ako, na bawa't bayan, bansa, at wika, na magsalita ng anomang kapulaan laban sa Dios ni Sadrach, ni Mesach, at ni Abed-nego, pagpuputolputulin, at ang kanilang mga bahay ay gagawing dumihan: sapagka't walang ibang dios na makapagliligtas ng ganitong paraan. 027 DAN 003 030 Nang magkagayo'y pinaginhawa ng hari si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, sa lalawigan ng Babilonia. 027 DAN 004 001 Si Nabucodonosor na hari, sa lahat na bayan, bansa, at wika, na nagsisitahan sa buong lupa: Kapayapaa'y managana sa inyo. 027 DAN 004 002 Inaakala kong mabuti na ipahayag ang mga tanda at mga kababalaghan na ginawa sa akin ng Kataastaasang Dios. 027 DAN 004 003 Kay dakila ang kaniyang mga tanda! at pagka makapangyarihan ng kaniyang mga kababalaghan! ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang kaniyang kapangyarihan ay sa sali't saling lahi. 027 DAN 004 004 Akong si Nabucodonosor ay nagpapahinga sa aking bahay, at gumiginhawa sa aking palasio. 027 DAN 004 005 Ako'y nakakita ng isang pangitain na tumakot sa akin; at ang pagiisip ko sa aking higaan at ang mga pangitain na suma aking ulo ay bumagabag sa akin. 027 DAN 004 006 Kaya't nagpasiya ako na iharap sa akin ang lahat na pantas sa Babilonia, upang kanilang maipaaninaw sa akin ang kahulugan ng panaginip. 027 DAN 004 007 Nang magkagayo'y nagsidating ang mga mahiko, ang mga enkantador, ang mga Caldeo, at ang mga manghuhula; at isinaysay ko ang panaginip sa harap nila; nguni't hindi nila maipaaninaw sa akin ang kahulugan niyaon. 027 DAN 004 008 Nguni't sa kahulihuliha'y dumating sa harap ko si Daniel, na ang pangala'y Beltsasar, ayon sa pangalan ng aking dios, at siyang kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios: at aking isinaysay ang panaginip sa harap niya, na aking sinasabi, 027 DAN 004 009 Oh Beltsasar, na pangulo ng mga mahiko, sapagka't talastas ko na ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasaiyo, at walang lihim na bumabagabag sa iyo, isaysay mo sa akin ang mga pangitain ng aking panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon. 027 DAN 004 010 Ganito ang mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan, Ako'y tumitingin, at narito, ang isang punong kahoy sa gitna ng lupa, at ang taas niyao'y di kawasa. 027 DAN 004 011 Ang punong kahoy ay lumaki, at tumibay, at ang taas niyao'y umaabot hanggang sa langit, at ang tanaw niyaon hanggang sa wakas ng buong lupa. 027 DAN 004 012 Ang mga dahon niyao'y magaganda, at ang bunga niyao'y marami, at pagkain sa lahat; ang mga hayop sa parang ay may lihim sa ilalim niyaon, at ang mga ibon sa himpapawid ay nagsisitahan sa mga sanga niyaon, at ang lahat na laman ay nangabubusog doon. 027 DAN 004 013 May nakita ako sa mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan, at, narito, isang bantay at isang banal ay bumaba mula sa langit. 027 DAN 004 014 Siya'y sumigaw ng malakas, at nagsabi ng ganito, Ibuwal ang kahoy, at putulin ang mga sanga niyan, lagasin ang mga dahon niyan, at isambulat ang mga bunga niyan: paalisin ang mga hayop sa ilalim niyan, at ang mga ibon sa mga sanga niyan. 027 DAN 004 015 Gayon ma'y inyong iwan ang tuod ng kaniyang mga ugat sa lupa, na magkatali ng bakal at tanso, sa murang damo sa parang; at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa damo sa lupa: 027 DAN 004 016 Bayaang ang kaniyang puso na pusong tao ay mapalitan at ang puso ng hayop ay mabigay sa kaniya; at mangyaring makapito sa kaniya. 027 DAN 004 017 Ang hatol ay sa pamamagitan ng pasiya ng mga bantay, at ang utos ay sa pamamagitan ng salita ng mga banal; upang makilala ng mga may buhay na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay niya ito sa kanino mang kaniyang ibigin, at itinataas niya sa kaniya ang pinakamababa sa mga tao. 027 DAN 004 018 Akong si Nabucodonosor na hari ay nakakita ng panaginip na ito: at ikaw, Oh Beltsasar, ipahayag ang kahulugan, sapagka't lahat na pantas sa aking kaharian ay hindi makapagpaaninaw sa akin ng kahulugan; nguni't maipaaaninaw mo; sapagka't ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasa iyo. 027 DAN 004 019 Nang magkagayo'y si Daniel na ang pangala'y Beltsasar, natigilang sangdali, at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip. Ang hari ay sumagot, at nagsabi, Beltsasar, huwag kang bagabagin ng panaginip, o ng kahulugan. Si Beltsasar ay sumagot, at nagsabi, Panginoon ko, ang panaginip ay mangyari nawa sa napopoot sa iyo, at ang kahulugan niyao'y mangyari nawa sa iyong mga kaaway, 027 DAN 004 020 Ang punong kahoy na iyong nakita na tumutubo, at tumitibay na ang taas ay umaabot sa langit, at ang tanaw niyao'y sa buong lupa; 027 DAN 004 021 Na ang mga daho'y magaganda, at ang bunga niyao'y marami, at pagkain sa lahat; na ang lilim ay tinatahanan ng mga hayop sa parang, at ang kaniyang mga sanga'y dinadapuan ng mga ibon sa himpapawid: 027 DAN 004 022 Ay ikaw, Oh hari, na lumalaki at nagiging malakas; sapagka't ang iyong kadakilaan ay lumaki, at umaabot hanggang sa langit, at ang iyong kapangyarihan ay hanggang sa wakas ng lupa. 027 DAN 004 023 At yamang nakita ng hari ang isang bantay at isang banal na bumababa mula sa langit, at nagsasabi, Ibuwal ninyo ang punong kahoy, at inyong lipulin; gayon ma'y itira ninyo ang tuod ng mga ugat niyaon sa lupa na magkatali ng bakal at tanso, sa murang damo sa parang, at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa parang, hanggang sa mangyari sa kaniya na makapito; 027 DAN 004 024 Ito ang kahulugan, Oh hari, at siyang pasiya ng kataastaasan na sumapit sa aking panginoon na hari: 027 DAN 004 025 Na ikaw ay mahihiwalay sa mga tao, at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang, at ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka, at mababasa ka ng hamog ng langit, at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at nagbibigay niyaon sa kanino mang ibigin niya. 027 DAN 004 026 At yamang kanilang iniutos na iwan ang tuod ng mga ugat ng kahoy; ang iyong kaharian ay tunay na magiging iyo, pagkatapos na iyong maalaman na ang mga langit ay nagpupuno. 027 DAN 004 027 Kaya't, Oh hari, tanggapin mo ang aking payo, at lansagin mo ng katuwiran ang iyong mga kasalanan, at ng pagpapakita ng kaawaan sa dukha ang iyong katampalasanan; baka sakaling ikatibay ng iyong katiwasayan. 027 DAN 004 028 Lahat ng ito'y sumapit sa haring Nabucodonosor. 027 DAN 004 029 Sa katapusan ng labing dalawang buwan ay lumalakad siya sa palacio ng hari sa Babilonia. 027 DAN 004 030 Ang hari ay nagsalita, at nagsabi, Hindi baga ito ang dakilang Babilonia na aking itinayo na pinaka tahanang hari, sa pamamagitan ng lakas ng aking kapangyarihan at sa ikaluluwalhati ng aking kamahalan? 027 DAN 004 031 Samantalang ang salita ay nasa bibig pa ng hari, ay may isang tinig na nanggaling sa langit, na nagsasabi, Oh haring Nabucodonosor, sa iyo'y sinalita: Ang kaharian ay mahihiwalay sa iyo. 027 DAN 004 032 At ikaw ay palalayasin sa mga tao; at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang; ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka; at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay sa kanino mang kaniyang ibigin. 027 DAN 004 033 Nang oras ding yaon ay natupad ang bagay kay Nabucodonosor: at siya'y pinalayas sa mga tao, at kumain ng damo na gaya ng mga baka, at ang kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit, hanggang sa ang kaniyang buhok ay lumagong parang balahibo ng mga aguila, at ang kaniyang mga kuko ay parang mga kuko ng mga ibon. 027 DAN 004 034 At sa katapusan ng mga kaarawan, akong si Nabucodonosor ay nagtaas ng aking mga mata sa langit, at ang aking unawa ay nanumbalik sa akin, at aking pinuri ang Kataastaasan, at aking pinuri at pinarangalan ko siya na nabubuhay magpakailan man; sapagka't ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, at ang kaniyang kaharian ay sa sali't saling lahi; 027 DAN 004 035 At ang lahat na mananahan sa lupa ay nabilang sa wala; at kaniyang ginagawa ang ayon sa kaniyang kalooban sa hukbo ng langit, at sa mga mananahan sa lupa; at walang makahahadlang sa kaniyang kamay, o makapagsasabi sa kaniya, Anong ginagawa mo? 027 DAN 004 036 Sa oras ding yaon ay nanumbalik sa akin ang aking unawa; at sa ikaluluwalhati ng aking kaharian, ay nanumbalik sa akin ang aking kamahalan at kakinangan; at hinanap ako ng aking mga kasangguni at mga mahal na tao; at ako'y natatag sa aking kaharian, at marilag na kadakilaan ay nadagdag sa akin. 027 DAN 004 037 Ngayo'y akong si Nabucodonosor ay pumupuri, at nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit; sapagka't ang lahat niyang gawa ay katotohanan, at ang kaniyang mga daan ay kahatulan; at yaong nagsisilakad sa kapalaluan ay kaniyang mapabababa. 027 DAN 005 001 Si Belsasar na hari ay gumawa ng malaking piging sa isang libo na kaniyang mga mahal na tao, at uminom ng alak sa harap ng sanglibo. 027 DAN 005 002 Samantalang nilalasap ni Belsasar ang alak, ay nagutos na dalhin doon ang mga ginto at pilak na sisidlan na kinuha ni Nabucodonosor na kaniyang ama sa templo na nasa Jerusalem; upang mainuman ng hari, ng kaniyang mga mahal na tao, ng kaniyang mga asawa, at ng kaniyang mga babae. 027 DAN 005 003 Nang magkagayo'y dinala nila ang mga gintong sisidlan na kinuha sa templo ng bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at ininuman ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, at ng kaniyang mga asawa at ng kaniyang mga babae. 027 DAN 005 004 Sila'y nangaginuman ng alak, at nagsipuri sa mga dios na ginto, at pilak, tanso, bakal, kahoy, at bato. 027 DAN 005 005 Nang oras ding yaon ay may lumabas na mga daliri ng kamay ng isang tao at sumulat sa tapat ng kandelero sa panig na may palitada ng palacio: at nakita ng hari ang bahagi ng kamay na sumulat. 027 DAN 005 006 Nang magkagayo'y nagbago ang pagmumukha ng hari, at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip; at ang pagkakasugpong ng kaniyang mga balakang ay nakalag, at ang kaniyang mga tuhod ay nagkaumpugan. 027 DAN 005 007 Ang hari ay sumigaw ng malakas, na papasukin ang mga enkantador, mga Caldeo, at mga manghuhula. Ang hari ay nagsalita, at nagsabi sa mga pantas sa Babilonia, Sinomang makababasa ng sulat na ito, at makapagpapaaninaw sa akin ng kahulugan niyan, magdadamit ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg, at magiging ikatlong puno sa kaharian. 027 DAN 005 008 Nang magkagayo'y nagsipasok ang lahat na pantas ng hari; nguni't hindi nila nabasa ang sulat, o naipaaninaw man sa hari ang kahulugan niyaon. 027 DAN 005 009 Nang magkagayo'y nabagabag na mainam ang haring Belsasar, at ang kaniyang pagmumukha ay nabago, at ang kaniyang mga mahal na tao ay nangatitigilan. 027 DAN 005 010 Ang reina, dahil sa mga salita ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao ay pumasok sa bahay na pinagpigingan: ang reina ay nagsalita, at nagsabi, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man; huwag kang bagabagin ng iyong mga pagiisip, o mabago man ang iyong pagmumukha. 027 DAN 005 011 May isang lalake sa iyong kaharian na kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios; at sa mga kaarawan ng iyong ama, ay nasumpungan sa kaniya ang liwanag at unawa at karunungan, na gaya ng karunungan ng mga dios; at ang haring Nabucodonosor, na iyong ama, ang hari, sinasabi ko, ang iyong ama, ay ginawa niya siyang panginoon ng mga mago, ng mga enkantador, ng mga Caldeo, at ng mga manghuhula; 027 DAN 005 012 Palibhasa'y isang marilag na espiritu, at kaalaman, at unawa, pagpapaaninaw ng mga panaginip, at pagpapakilala ng mga malabong salita, at pagpapaliwanag ng pagaalinlangan, ay nangasumpungan sa Daniel na iyan, na pinanganlan ng hari na Beltsasar. Tawagin nga si Daniel, at kaniyang ipaaaninaw ang kahulugan. 027 DAN 005 013 Nang magkagayo'y dinala si Daniel sa harap ng hari. Ang hari ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Ikaw baga'y si Daniel na sa mga anak ng pagkabihag sa Juda, na kinuha sa Juda ng haring aking ama? 027 DAN 005 014 Nabalitaan kita, na ang espiritu ng mga dios ay sumasa iyo, at ang liwanag at unawa at marilag na karunungan ay masusumpungan sa iyo. 027 DAN 005 015 At ang mga pantas nga, ang mga enkantador, dinala sa harap ko, upang kanilang basahin ang sulat na ito, at ipaaninaw sa akin ang kahulugan; nguni't hindi nila naipaaninaw ang kahulugan ng bagay. 027 DAN 005 016 Nguni't nabalitaan kita, na ikaw ay makapagpapaaninaw ng mga kahulugan, at makapagpapaliwanag ng alinlangan: kung iyo ngang mabasa ang sulat, at maipaaninaw sa akin ang kahulugan, mananamit ka ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng iyong leeg, at ikaw ay magiging ikatlong puno sa kaharian. 027 DAN 005 017 Nang magkagayo'y sumagot, at nagsabi si Daniel sa harap ng hari, Iyo na ang iyong mga kaloob, at ibigay mo ang iyong mga ganting pala sa iba; gayon ma'y aking babasahin sa hari ang sulat, at ipaaninaw ko sa kaniya ang kahulugan. 027 DAN 005 018 Oh ikaw na hari, ang Kataastaasang Dios, nagbigay kay Nabucodonosor na iyong ama ng kaharian, at kadakilaan, at kaluwalhatian, at kamahalan: 027 DAN 005 019 At dahil sa kadakilaan na ibinigay niya sa kaniya, nanginig at natakot sa harap niya lahat ng mga bayan, bansa, at wika: ang kaniyang ibiging patayin ay kaniyang pinapatay, at ang kaniyang ibiging buhayin ay kaniyang binubuhay; at ang ibiging itaas ay kaniyang itinataas, at ang ibiging ibaba ay kaniyang ibinababa. 027 DAN 005 020 Nguni't nang ang kaniyang puso ay magpakataas, at ang kaniyang espiritu ay magmatigas na siya'y gumawang may kapalaluan, siya'y ibinaba sa kaniyang luklukang pagkahari, at inalis nila ang kaniyang kaluwalhatian: 027 DAN 005 021 At siya'y pinalayas sa mga anak ng mga tao, at ang kaniyang puso ay naging gaya ng sa mga hayop, at ang kaniyang tahanan ay napasama sa maiilap na mga asno; siya'y pinakain ng damo na gaya ng mga baka, at ang kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit; hanggang sa kaniyang naalaman na ang Kataastaasang Dios ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at iniluklok niya roon ang sinomang kaniyang ibigin. 027 DAN 005 022 At ikaw na kaniyang anak, Oh Belsasar, hindi mo pinapagpakumbaba ang iyong puso, bagaman iyong nalalaman ang lahat na ito, 027 DAN 005 023 Kundi ikaw ay nagpakataas laban sa Panginoon ng langit; at kanilang dinala ang mga kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo, at ikaw, at ang iyong mga mahal na tao, ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae, ay nagsiinom ng alak sa mga yaon; at iyong pinuri ang mga dios na pilak, at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato, na hindi nangakakakita, o nangakakarinig man, o nakakaalam man; at ang Dios na kinaroroonan ng iyong hininga, at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad, hindi mo niluwalhati. 027 DAN 005 024 Nang magkagayo'y ang bahagi nga ng kamay ay sinugo mula sa harap niya, at ang sulat na ito'y nalagda. 027 DAN 005 025 At ito ang sulat na nalagda, MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN. 027 DAN 005 026 Ito ang kahulugan ng bagay: MENE; binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan. 027 DAN 005 027 TEKEL; ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang. 027 DAN 005 028 PERES; ang iyong kaharian ay hinati at ibinigay sa mga taga Media at taga Persia. 027 DAN 005 029 Nang magkagayo'y nagutos si Belsasar, at pinanamit nila si Daniel ng kulay morado, at nilagyan ng kuwintas na ginto sa palibot ng leeg niya, at nagtanyag tungkol sa kaniya, na siya'y ikatlong puno sa kaharian. 027 DAN 005 030 Nang gabing yaon ay napatay si Belsasar na hari ng mga taga Caldea. 027 DAN 005 031 At tinanggap ni Dario na taga Media ang kaharian, na noo'y anim na pu't dalawang taon ang gulang niya. 027 DAN 006 001 Minagaling ni Dario na maglagay sa kaharian ng isang daan at dalawang pung satrapa, na doroon sa buong kaharian; 027 DAN 006 002 At sa kanila'y tatlong pangulo, na si Daniel ay isa; upang ang mga satrapang ito ay mangagbigay-alam sa kanila, at upang ang hari ay huwag magkaroon ng kapanganiban. 027 DAN 006 003 Nang magkagayo'y ang Daniel na ito ay natangi sa mga pangulo at sa mga satrapa, sapagka't isang marilag na espiritu ay nasa kaniya; at inisip ng hari na ilagay siya sa buong kaharian. 027 DAN 006 004 Nang magkagayo'y ang mga pangulo at ang mga satrapa ay nagsihanap ng maisusumbong laban kay Daniel, tungkol sa kaharian; nguni't hindi sila nangakasumpong ng anomang kadahilanan, ni kakulangan man, palibhasa'y tapat siya, walang anomang kamalian ni kakulangan nasumpungan sa kaniya. 027 DAN 006 005 Nang magkagayo'y sinabi ng mga lalaking ito, Hindi tayo mangakakasumpong ng anomang maisusumbong laban sa Daniel na ito, liban sa tayo'y mangakasumpong laban sa kaniya ng tungkol sa kautusan ng kaniyang Dios. 027 DAN 006 006 Nang magkagayo'y ang mga pangulo at mga satrapang ito ay nagpisan sa hari, at nagsabi ng ganito sa kaniya, Haring Dario, mabuhay ka magpakailan man. 027 DAN 006 007 Ang lahat ng pangulo ng kaharian, ang mga kinatawan at mga satrapa, ang mga kasangguni at ang mga gobernador, ay nangagsanggunian upang magtatag ng isang palatuntunang hari sa kaharian, at upang maglagda ng isang pasiyang mahigpit, na sinomang humingi ng isang kahilingan sa kanino mang dios o tao sa loob ng tatlong pung araw, liban sa iyo, Oh hari, ihahagis sa yungib ng mga leon. 027 DAN 006 008 Ngayon, Oh hari, papagtibayin mo ang pasiya, at lagdaan mo ng iyong pangalan ang kasulatan upang huwag mabago ayon sa kautusan ng mga taga Media at mga taga Persia, na hindi nababago. 027 DAN 006 009 Kaya't ang kasulatan at ang pasiya ay nilagdaan ng pangalan ng haring Dario. 027 DAN 006 010 At nang maalaman ni Daniel na ang kasulatan ay nalagdaan ng pangalan siya'y pumasok sa kaniyang bahay (ang kaniya ngang mga dungawan ay bukas sa dakong Jerusalem); at siya'y lumuhod ng kaniyang mga tuhod na makaitlo isang araw, at dumalangin, at nagpasalamat sa harap ng kaniyang Dios, gaya ng kaniyang dating ginagawa. 027 DAN 006 011 Nang magkagayo'y nagpisan ang mga lalaking ito, at nasumpungan si Daniel na sumasamo at dumadaing sa harap ng kaniyang Dios. 027 DAN 006 012 Nang magkagayo'y lumapit sila, at nagsalita sa harap ng hari ng tungkol sa pasiya ng hari, Hindi ka baga naglagda ng pasiya, na bawa't tao na humingi sa kanino mang dios o tao sa loob ng tatlong pung araw, liban sa iyo, Oh hari, ihahagis sa yungib ng mga leon? Ang hari ay sumagot, at nagsabi, Ang bagay ay tunay, ayon sa kautusan ng mga taga Media at mga taga Persia, na hindi nababago. 027 DAN 006 013 Nang magkagayo'y nagsisagot sila, at nangagsabi sa harap ng hari, Ang Daniel na yaon na sa mga anak ng nangabihag sa Juda, hindi ka pinakukundanganan, Oh hari, o ang pasiya man na iyong nilagdaan ng pangalan, kundi dumadalangin na makaitlo isang araw. 027 DAN 006 014 Nang marinig nga ng hari ang mga salitang ito namanglaw na mainam, at inilagak ang kaniyang puso kay Daniel, upang iligtas siya; at kaniyang pinagsikapan hanggang sa paglubog ng araw na iligtas siya. 027 DAN 006 015 Nang magkagayo'y nagpisan ang mga lalaking ito sa hari at nagsabi sa hari, Talastasin mo, Oh hari, na isang kautusan ng mga taga Media, at ng mga taga Persia, na walang pasiya o palatuntunan man na pinagtitibay ng hari na mababago. 027 DAN 006 016 Nang magkagayo'y nagutos ang hari, at kanilang dinala si Daniel, at inihagis siya sa yungib ng mga leon. Ang hari nga ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Ang iyong Dios na pinaglilingkuran mong palagi, ay siyang magliligtas sa iyo. 027 DAN 006 017 At isang bato ay dinala, at inilagay sa bunganga ng yungib; at tinatakan ng hari ng kaniyang singsing na panatak, at ng singsing na panatak ng kaniyang mga mahal na tao; upang walang anomang bagay ay mababago tungkol kay Daniel. 027 DAN 006 018 Nang magkagayo'y umuwi ang hari sa kaniyang palacio, at nagparaan ng buong gabi na nagaayuno; at wala kahit panugtog ng tugtugin na dinala sa harap niya: at ang kaniyang pagaantok ay nawala. 027 DAN 006 019 Nang magkagayo'y bumangong maagang maaga ang hari, at naparoon na madali sa yungib ng mga leon. 027 DAN 006 020 At nang siya'y lumapit sa yungib kay Daniel, siya'y sumigaw ng taghoy na tinig; ang hari ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Oh Daniel, na lingkod ng buhay na Dios, ang iyo bagang Dios na iyong pinaglilingkurang palagi ay makapagliligtas sa iyo sa mga leon? 027 DAN 006 021 Sinabi nga ni Daniel sa hari, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man. 027 DAN 006 022 Ang Dios ko'y nagsugo ng kaniyang anghel, at itinikom ang mga bibig ng mga leon, at hindi nila ako sinaktan; palibhasa'y sa harap niya ay nasumpungan akong walang sala; at gayon din sa harap mo, Oh hari, wala akong ginawang kasamaan. 027 DAN 006 023 Nang magkagayo'y natuwang mainam ang hari, at ipinagutos na kanilang isampa si Daniel mula sa yungib. Sa gayo'y isinampa si Daniel mula sa yungib, at walang anomang sugat nasumpungan sa kaniya, sapagka't siya'y tumiwala sa kaniyang Dios. 027 DAN 006 024 At ang hari ay nagutos, at kanilang dinala ang mga lalaking yaon na nagsumbong laban kay Daniel, at sila'y inihagis nila sa yungib ng mga leon, sila ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa; at ang leon ay nanaig sa kanila, at pinagwaraywaray ang lahat ng kanilang buto, bago sila dumating sa kalooblooban ng yungib. 027 DAN 006 025 Nang magkagayo'y sumulat ang haring Dario sa lahat ng mga bayan, bansa, at wika na tumatahan sa buong lupa; Kapayapaa'y managana sa inyo. 027 DAN 006 026 Ako'y nagpapasiya, na sa lahat ng sakop ng aking kaharian ay magsipanginig at mangatakot ang mga tao sa harap ng Dios ni Daniel; sapagka't siya ang buhay na Dios, at namamalagi magpakailan man, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba; at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging hanggang sa wakas. 027 DAN 006 027 Siya'y nagliligtas at nagpapalaya, at siya'y gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa langit at sa lupa, na siyang nagligtas kay Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon. 027 DAN 006 028 Gayon guminhawa ang Daniel na ito sa paghahari ni Dario, at sa paghahari ni Ciro na taga Persia. 027 DAN 007 001 Nang unang taon ni Belsasar na hari sa Babilonia, ay nagtaglay si Daniel ng isang panaginip at mga pangitain ng kaniyang ulo sa kaniyang higaan: nang magkagayo'y kaniyang isinulat ang panaginip, at isinaysay ang kabuoan ng mga bagay. 027 DAN 007 002 Si Daniel ay nagsalita, at nagsabi, May nakita ako sa aking pangitain sa kinagabihan, at, narito, ang apat na hangin ng langit ay nagsisihihip sa malaking dagat. 027 DAN 007 003 At apat na malaking hayop na magkakaiba ay nagsiahon mula sa dagat, 027 DAN 007 004 Ang una'y gaya ng leon, at may mga pakpak ng aguila: aking minasdan hanggang sa ang mga pakpak niyao'y nahugot, at ito'y nataas mula sa lupa, at pinatayo sa dalawang paa na gaya ng isang tao; at puso ng tao ang nabigay sa kaniya. 027 DAN 007 005 At, narito, ang ibang hayop, na ikalawa, na gaya ng isang oso; at lumitaw sa isang tagiliran, at tatlong tadyang ang nasa kaniyang bibig sa pagitan ng kaniyang mga ngipin: at sinabi ng mga ito ang ganito sa kaniya, Bumangon ka, manakmal ka ng maraming laman. 027 DAN 007 006 Pagkatapos nito'y tumingin ako, at narito ang iba, gaya ng isang leopardo, na mayroon sa likod niyaon na apat na pakpak ng ibon; ang hayop ay mayroon din namang apat na ulo; at binigyan siya ng kapangyarihan. 027 DAN 007 007 Pagkatapos nito'y may nakita ako sa pangitain sa gabi, at, narito, ang ikaapat na hayop, kakilakilabot at makapangyarihan, at totoong malakas; at may malaking mga ngiping bakal; nananakmal at lumuluray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi: at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya; at siya'y may sangpung sungay. 027 DAN 007 008 Aking pinagdilidili ang mga sungay, at, narito, sumibol sa gitna ng mga yaon ang ibang sungay, isang munti, na sa harap niyao'y tatlo sa mga unang sungay ay nabunot sa mga ugat: at, narito, sa sungay na ito ay may mga mata na parang mga mata ng tao, at isang bibig na nagsasalita ng mga dakilang bagay. 027 DAN 007 009 Aking minasdan hanggang sa ang mga luklukan ay nangaglagay, at isa na matanda sa mga araw ay nakaupo: ang kaniyang suot, maputing parang niebe, at ang buhok ng kaniyang ulo ay parang taganas na lana; ang kaniyang luklukan ay mga liab na apoy, at ang mga gulong niyaon ay nagniningas na apoy. 027 DAN 007 010 Isang mabangis na sigalbo ay lumabas at nagmula sa harap niya: mga libo libo ang naglilingkod sa kaniya, at makasangpung libo na sangpung libo ang nagsitayo sa harap niya: ang kahatulan ay nalagda, at ang mga aklat ay nangabuksan. 027 DAN 007 011 Ako'y tumingin nang oras na yaon dahil sa tinig ng mga dakilang salita na sinalita ng sungay; ako'y tumingin hanggang sa ang hayop ay napatay, at ang kaniyang katawan ay nagiba, at siya'y nabigay upang sunugin sa apoy. 027 DAN 007 012 At tungkol sa nalabi sa mga hayop, ang kanilang kapangyarihan ay naalis: gayon ma'y ang kanilang mga buhay ay humaba sa isang kapanahunan at isang panahon. 027 DAN 007 013 Ako'y nakakita sa pangitain sa gabi, at, narito, lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang gaya ng anak ng tao, at siya'y naparoon sa matanda sa mga araw, at inilapit nila siya sa harap niya. 027 DAN 007 014 At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba. 027 DAN 007 015 Tungkol sa aking si Daniel, ang aking kalooban ay namanglaw sa loob ng aking katawan, at binagabag ako ng mga pangitain ng aking ulo. 027 DAN 007 016 Ako'y lumapit sa isa sa kanila na nakatayo, at itinanong ko sa kaniya ang katotohanan tungkol sa lahat na ito. Sa gayo'y kaniyang isinaysay sa akin, at ipinaaninaw niya sa akin ang kahulugan ng mga bagay. 027 DAN 007 017 Ang mga dakilang hayop na ito na apat, ay apat na hari, na magbabangon sa lupa. 027 DAN 007 018 Nguni't ang mga banal ng Kataastaasan ay magsisitanggap ng kaharian, at aariin ang kaharian magpakailan man, sa makatuwid baga'y magpakakailan-kailan man. 027 DAN 007 019 Nang magkagayo'y ninasa kong maalaman ang katotohanan tungkol sa ikaapat na hayop, na kaiba sa lahat ng yaon, na totoong kakilakilabot, na ang mga ngipin ay bakal, at ang mga kuko ay tanso; na nananakmal, lumalamuray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi; 027 DAN 007 020 At tungkol sa sangpung sungay na nangasa kaniyang ulo, at sa isa na sumibol, at sa harap niyao'y nabuwal ang tatlo, sa makatuwid baga'y yaong sungay na may mga mata, at bibig na nagsalita ng dakilang mga bagay, na ang anyo ay lalong dakila kay sa kaniyang mga kasama. 027 DAN 007 021 Ako'y tumingin, at ang sungay ding yaon ay nakipagdigma sa mga banal, at nanaig laban sa kanila; 027 DAN 007 022 Hanggang sa ang matanda sa mga araw ay dumating, at ang kahatulan ay ibinigay sa mga banal, ng Kataastaasan; at ang panaho'y dumating na inari ng mga banal ang kaharian. 027 DAN 007 023 Ganito ang sabi niya, Ang ikaapat na hayop ay magiging ikaapat na kaharian sa ibabaw ng lupa, na magiging kaiba sa lahat ng kaharian, at sasakmalin ang buong lupa, at yuyurakan, at pagluluraylurayin. 027 DAN 007 024 At tungkol sa sangpung sungay, mula sa kahariang ito ay sangpung hari ang babangon: at ang isa'y babangong kasunod nila; at siya'y magiging kaiba kay sa mga una, at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari. 027 DAN 007 025 At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon. 027 DAN 007 026 Nguni't ang kahatulan ay matatatag, at kanilang aalisin ang kaniyang kapangyarihan, upang patayin at ibuwal hanggang sa wakas. 027 DAN 007 027 At ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit, mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataastaasan: ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang lahat na kapangyarihan ay maglilingkod at tatalima sa kaniya. 027 DAN 007 028 Narito ang wakas ng bagay. Tungkol sa aking si Daniel, ay binabagabag akong mabuti ng aking mga pagiisip, at ang aking pagmumukha ay nabago: nguni't iningatan ko ang bagay sa aking puso. 027 DAN 008 001 Nang ikatlong taon ng paghahari ng haring Belsasar, ang isang pangitain ay napakita sa akin, sa aking si Daniel, pagkatapos noong napakita sa akin nang una. 027 DAN 008 002 At ako'y may nakita sa pangitain: nangyari nga, na nang aking makita, nasa Susan ako na palacio, na nasa lalawigan ng Elam; at ako'y may nakita sa pangitain, at ako'y nasa tabi ng ilog Ulai. 027 DAN 008 003 Nang magkagayo'y itiningin ko ang aking mga mata, at ako'y may nakita, at narito, tumayo sa harap ng ilog ang isang lalaking tupa na may dalawang sungay: at ang dalawang sungay ay mataas; nguni't ang isa'y lalong mataas kay sa isa, at ang lalong mataas ay tumaas na huli. 027 DAN 008 004 Aking nakita ang lalaking tupa na nanunudlong sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan; at walang hayop na makatayo sa harap niya, ni wala sinoman na makapagligtas mula sa kaniyang kamay; kundi kaniyang ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, at nagmalaking mainam. 027 DAN 008 005 At habang aking ginugunita, narito, isang kambing na lalake ay nagmula sa kalunuran sa ibabaw ng buong lupa, at hindi sumayad sa lupa: at ang lalaking kambing ay may nakagitaw na sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata. 027 DAN 008 006 At siya'y naparoon sa lalaking tupa na may dalawang sungay na aking nakitang nakatayo sa harap ng ilog, at tinakbo niya siya sa kabangisan ng kaniyang kapangyarihan. 027 DAN 008 007 At aking nakitang siya'y lumapit sa lalaking tupa, at siya'y nakilos ng pagkagalit laban sa kaniya, at sinaktan ang tupa, at binali ang kaniyang dalawang sungay: at ang lalaking tupa ay walang kapangyarihang makatayo sa harap niya; kundi kaniyang ibinuwal sa lupa, at kaniyang niyapakan siya; at walang makapagligtas sa lalaking tupa mula sa kaniyang kamay. 027 DAN 008 008 At ang lalaking kambing ay nagmalaking mainam: at nang siya'y lumakas, ang malaking sungay ay nabali; at kahalili niyao'y lumitaw ang apat na marangal na sungay, sa dako ng apat na hangin ng langit. 027 DAN 008 009 At mula sa isa sa mga yaon ay lumitaw ang isang maliit na sungay na dumakilang totoo, sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong maluwalhating lupain. 027 DAN 008 010 At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon. 027 DAN 008 011 Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak. 027 DAN 008 012 At ang hukbo ay nabigay sa kaniya na kasama ng palaging handog na susunugin dahil sa pagsalangsang; at kaniyang iniwaksi ang katotohanan sa lupa, at gumawa ng kaniyang maibigan at guminhawa. 027 DAN 008 013 Nang magkagayo'y narinig ko ang isang banal na nagsalita; at ibang banal ay nagsabi sa isang yaon na nagsalita, Hanggang kailan magtatagal ang pangitain tungkol sa palaging handog na susunugin, at ang pagsalangsang na sumisira, upang magbigay ng santuario at ng hukbo upang mayapakan ng paa? 027 DAN 008 014 At sinabi niya sa akin, Hanggang sa dalawang libo at tatlong daan na hapon at umaga; kung magkagayo'y malilinis ang santuario. 027 DAN 008 015 At nangyari, nang ako, sa makatuwid baga'y akong si Daniel, ay makakita ng pangitain, na aking pinagsikapang maunawaan; at, narito, nakatayo sa harap ko ang isang kawangis ng isang tao. 027 DAN 008 016 At narinig ko ang tinig ng isang tao sa pagitan ng mga pangpang ng Ulai, na tumatawag at nagsasabi, Gabriel, ipaaninaw mo sa taong ito ang pangitain. 027 DAN 008 017 Sa gayo'y lumapit siya sa kinatatayuan ko; at nang siya'y lumapit, ako'y natakot at napasubasob: nguni't sinabi niya sa akin, Talastasin mo, Oh anak ng tao; sapagka't ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan. 027 DAN 008 018 Samantalang siya nga'y nagsasalita sa akin, ako'y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog na padapa; nguni't hinipo niya ako, at itinayo ako. 027 DAN 008 019 At kaniyang sinabi, Narito, aking ipaaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari sa huling panahon ng pagkagalit; sapagka't ukol sa takdang panahon ng kawakasan. 027 DAN 008 020 Ang lalaking tupa na iyong nakita, na may dalawang sungay, ang mga yaon ang mga hari sa Media at Persia. 027 DAN 008 021 At ang may magaspang na balahibo na lalaking kambing ay siyang hari sa Grecia: at ang malaking sungay na nasa pagitan ng kaniyang mga mata ay siyang unang hari. 027 DAN 008 022 At tungkol sa nabali, sa dakong tinayuan ng apat, ay apat na kaharian ang magsisibangon mula sa bansa, nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan. 027 DAN 008 023 At sa huling panahon ng kanilang kaharian, pagka ang mananalangsang ay nagsidating sa kapuspusan, isang hari ay babangon na may mabagsik na pagmumukha, at nakaunawa ng malabong salita. 027 DAN 008 024 At ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakila, nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling kapangyarihan; at siya'y lilipol na kamanghamangha, at giginhawa, at gagawa ng kaniyang maibigan; at kaniyang lilipulin ang mga makapangyarihan at ang banal na bayan. 027 DAN 008 025 At sa kaniyang paraan ay kaniyang palulusugin ang pagdaraya sa kaniyang kamay; at siya'y magmamalaki ng kaniyang loob, at sa kanilang ikatitiwasay ay papatay ng marami: siya'y tatayo rin laban sa prinsipe ng mga prinsipe; nguni't siya'y mabubuwal hindi ng kamay. 027 DAN 008 026 At ang pangitain sa mga hapon at mga umaga na nasaysay ay tunay: nguni't ilihim mo ang pangitain; sapagka't ukol sa maraming araw na darating. 027 DAN 008 027 At akong si Daniel ay nanglupaypay, at nagkasakit na ilang araw; nang magkagayon ako'y nagbangon, at ginawa ko ang mga gawain ng hari: at ako'y natigilan sa pangitain, nguni't walang nakakaunawa. 027 DAN 009 001 Nang unang taon ni Dario na anak ni Assuero, sa lahi ng mga taga Media, na ginawang hari sa kaharian ng mga taga Caldea; 027 DAN 009 002 Nang unang taon ng kaniyang paghahari akong si Daniel ay nakaunawa sa pamamagitan ng mga aklat, ng bilang ng mga taon, na sinalita ng Panginoon kay Jeremias na propeta, dahil sa pagkaganap ng pagkasira ng Jerusalem, pitong pung taon. 027 DAN 009 003 At aking itiningin ang aking mukha sa Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng panalangin at ng mga samo, ng pagaayuno, at pananamit ng magaspang, at ng mga abo. 027 DAN 009 004 At ako'y nanalangin sa Panginoon kong Dios, at ako'y nagpahayag ng kasalanan, at nagsabi, Oh Panginoon, Dios na dakila at kakilakilabot, na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa iyo at nangagiingat ng iyong mga utos, 027 DAN 009 005 Kami ay nangagkasala, at nangagasal ng kasuwalian, at nagsigawang may kasamaan, at nanganghimagsik, sa makatuwid baga'y nagsitalikod sa iyong mga utos at sa iyong mga kahatulan; 027 DAN 009 006 Na hindi man kami nangakinig sa iyong mga lingkod na mga propeta, na nangagsalita sa iyong pangalan sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, at sa buong bayan ng lupain. 027 DAN 009 007 Oh Panginoon, katuwira'y ukol sa iyo, nguni't sa amin ay pagkagulo ng mukha gaya sa araw na ito; sa mga tao ng Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa buong Israel, na malapit, at malayo, sa lahat na lupain na iyong pinagtabuyan dahil sa kanilang pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa iyo. 027 DAN 009 008 Oh Panginoon, sa amin nauukol ang pagkagulo ng mukha, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo. 027 DAN 009 009 Sa Panginoon naming Dios ukol ang kaawaan at kapatawaran; sapagka't kami ay nanganghimagsik laban sa kaniya; 027 DAN 009 010 Ni hindi man namin tinalima ang tinig ng Panginoon naming Dios, upang lumakad ng ayon sa kaniyang mga kautusan, na kaniyang inilagay sa harap namin sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na propeta. 027 DAN 009 011 Oo, buong Israel ay sumalangsang ng iyong kautusan, sa pagtalikod, upang huwag nilang talimahin ang iyong tinig: kaya't ang sumpa ay nabuhos sa amin, at ang sumpa na nakasulat sa kautusan ni Moises na lingkod ng Dios; sapagka't kami ay nangagkasala laban sa kaniya. 027 DAN 009 012 At kaniyang pinagtibay ang kaniyang mga salita, na kaniyang sinalita laban sa amin, at laban sa aming mga hukom na nagsihatol sa amin, sa pagbabagsak sa amin ng malaking kasamaan; sapagka't sa silong ng buong langit ay hindi ginawa ang gaya ng ginawa sa Jerusalem. 027 DAN 009 013 Kung ano ang nasusulat sa kautusan ni Moises, lahat ng kasamaang ito'y nagsidating sa amin: gayon ma'y hindi namin idinalangin ang biyaya ng Panginoon naming Dios, upang aming talikuran ang aming mga kasamaan, at gunitain ang iyong katotohanan. 027 DAN 009 014 Kaya't iniingatan ng Panginoon ang kasamaan, at ibinagsak sa amin; sapagka't ang Panginoon naming Dios ay matuwid sa lahat ng kaniyang mga gawa na kaniyang ginagawa, at hindi namin dininig ang kaniyang tinig. 027 DAN 009 015 At ngayon, Oh Panginoon naming Dios, na naglabas ng iyong bayan mula sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ikaw ay nabantog gaya sa araw na ito; kami ay nangagkasala, kami ay nagsigawa na may kasamaan. 027 DAN 009 016 Oh Panginoon, ayon sa iyong buong katuwiran, isinasamo ko sa iyo, na ang iyong galit at kapusukan ay mahiwalay sa iyong bayang Jerusalem, na iyong banal na bundok; sapagka't dahil sa aming mga kasalanan, at dahil sa mga kasamaan ng aming mga magulang, ang Jerusalem at ang iyong bayan ay naging kakutyaan sa lahat na nangasa palibot namin. 027 DAN 009 017 Kaya nga, Oh aming Dios, iyong dinggin ang panalangin ng iyong lingkod, at ang kaniyang mga samo, at paliwanagin mo ang iyong mukha sa iyong santuario na sira, alangalang sa Panginoon. 027 DAN 009 018 Oh Dios ko, ikiling mo ang iyong tainga, at iyong dinggin; idilat mo ang iyong mga mata, at masdan mo ang aming mga kasiraan, at ang bayan na tinatawag sa iyong pangalan: sapagka't hindi namin inihaharap ang aming mga samo sa harap mo dahil sa aming mga katuwiran, kundi dahil sa iyong dakilang mga kaawaan. 027 DAN 009 019 Oh Panginoon, dinggin mo; Oh Panginoon, patawarin mo; Oh Panginoon, iyong pakinggan at gawin; huwag mong ipagpaliban, alangalang sa iyong sarili, Oh Dios ko, sapagka't ang iyong bayan at ang iyong mga tao ay tinatawag sa iyong pangalan. 027 DAN 009 020 At samantalang ako'y nagsasalita, at nananalangin, at nagpapahayag ng aking kasalanan at ng kasalanan ng aking bayang Israel, at naghaharap ng aking samo sa harap ng Panginoon kong Dios dahil sa banal na bundok ng aking Dios; 027 DAN 009 021 Oo, samantalang ako'y nagsasalita sa panalangin, ang lalaking si Gabriel, na aking nakita sa pangitain nang una, na pinalipad ng maliksi, hinipo ako sa panahon ng pagaalay sa hapon. 027 DAN 009 022 At kaniya akong tinuruan, at nakipagsalitaan sa akin, at nagsabi, Oh Daniel, ako'y lumabas ngayon upang bigyan ka ng karunungan at kaunawaan. 027 DAN 009 023 Sa pasimula ng iyong mga samo ay lumabas ang utos, at ako'y naparito upang saysayin sa iyo; sapagka't ikaw ay totoong minahal: kaya't gunitain mo ang bagay, at unawain mo ang pangitain. 027 DAN 009 024 Pitong pung sanglinggo ang ipinasiya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan, upang tapusin ang pagsalangsang, at upang wakasan ang pagkakasala, at upang linisin sa kasamaan, at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran, at upang tatakan ang pangitain at ang panghuhula, at upang pahiran ang kabanalbanalan. 027 DAN 009 025 Iyo ngang talastasin at bulayin, na mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem sa pinahiran na prinsipe, magiging pitong sanglinggo, at anim na pu't dalawang sanglinggo: ito'y matatayo uli, na may lansangan at kuta, sa makatuwid baga'y sa mga panahong mabagabag. 027 DAN 009 026 At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanglinggo, mahihiwalay ang pinahiran, at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na. 027 DAN 009 027 At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo: at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira. 027 DAN 010 001 Nang ikatlong taon ni Ciro na hari sa Persia ay nahayag ang isang bagay kay Daniel, na ang pangala'y Beltsasar; at ang bagay ay tunay, sa makatuwid baga'y isang malaking pakikipagbaka; at kaniyang naunawa ang bagay at nagkaroon ng unawa tungkol sa pangitain. 027 DAN 010 002 Nang mga araw na yao'y akong si Daniel ay nanangis na tatlong buong sanglinggo. 027 DAN 010 003 Hindi ako kumain ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig, ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo. 027 DAN 010 004 At nang ikadalawang pu't apat na araw ng unang buwan, palibhasa'y ako'y nasa tabi ng malaking ilog, na siyang Hiddekel. 027 DAN 010 005 Aking itiningin ang aking mga mata, at tumanaw, at narito, ang isang lalake na nakapanamit ng kayong lino, na ang mga balakang ay binigkisan ng taganas na ginto sa Uphas: 027 DAN 010 006 Ang kaniyang katawan naman ay gaya ng berilo, at ang kaniyang mukha ay gaya ng anyo ng kidlat, at ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga liwanag ng apoy, at ang kaniyang mga kamay at kaniyang mga paa, ay gaya ng kulay ng pinakintab na tanso, at ang tinig ng kaniyang mga salita ay gaya ng tinig ng isang karamihan. 027 DAN 010 007 At akong si Daniel ang nakakitang magisa ng pangitaing yaon; sapagka't ang mga lalake na kasama ko ay hindi nangakakita ng pangitain; kundi sumakanila ang isang di kawasang panginginig, at sila'y nagsitakas upang magsikubli. 027 DAN 010 008 Sa gayo'y iniwan akong magisa, at nakakita nitong dakilang pangitain, at nawalan ako ng lakas; sapagka't ang aking kagandahan ay umuwi sa kasiraan at walang nanatiling lakas sa akin. 027 DAN 010 009 Gayon ma'y narinig ko ang tinig ng kaniyang mga salita; at nang aking marinig ang tinig ng kaniyang mga salita, ako nga'y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog, na ang aking mukha ay pasubsob. 027 DAN 010 010 At, narito, isang kamay ay humipo sa akin, na nagtayo sa akin sa aking mga tuhod at sa mga palad ng aking mga kamay. 027 DAN 010 011 At sinabi niya sa akin, Oh Daniel, ikaw na lalaking minamahal na mainam, unawain mo ang mga salita na aking sinasalita sa iyo, at tumayo kang matuwid; sapagka't sa iyo'y sinugo ako ngayon. At ng kaniyang masalita ang salitang ito sa akin, ako'y tumayo na nanginginig. 027 DAN 010 012 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Huwag kang matakot, Daniel; sapagka't mula nang unang araw na iyong ilagak ang iyong puso na makaunawa, at magpakababa sa harap ng iyong Dios, ang iyong mga salita ay dininig: at ako'y naparito alangalang sa iyong mga salita. 027 DAN 010 013 Nguni't ang prinsipe ng kaharian ng Persia ay nakipagpunyagi sa akin na dalawang pu't isang araw; nguni't, narito, si Miguel ay isa sa mga punong prinsipe, dumating upang tulungan ako: at ako'y natira doon na kasama ng mga hari sa Persia. 027 DAN 010 014 Ngayo'y naparito ako upang ipatalastas sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong bayan sa mga huling araw; sapagka't ang pangitain ay ukol sa maraming mga araw pa. 027 DAN 010 015 At nang kaniyang masalita sa akin ang ayon sa mga salitang ito, ay aking itinungo ang aking mukha sa lupa, at ako'y napipi. 027 DAN 010 016 At, narito, isang gaya ng kahawig ng mga anak ng mga tao ay humipo ng aking mga labi: nang magkagayo'y ibinuka ko ang aking bibig, at ako'y nagsalita, at nagsabi sa kaniya na tumayo sa harap ko, Oh panginoon ko, dahil sa pangitain ay nagbalik sa akin ang aking mga kapanglawan, at hindi nananatili sa akin ang lakas. 027 DAN 010 017 Sapagka't paanong makikipagusap ang lingkod nitong aking panginoon sa panginoon kong ito? sapagka't tungkol sa akin, ay biglang nawalan ako ng lakas, ni may naiwan mang hininga sa akin. 027 DAN 010 018 Nang magkagayo'y hinipo uli ako roon ng isa na kamukha ng tao, at kaniyang pinalakas ako. 027 DAN 010 019 At kaniyang sinabi, Oh taong minamahal na mainam, huwag kang matakot: kapayapaan ang sumaiyo, magpakalakas ka, oo, magpakalakas ka. At nang siya'y magsalita sa akin, ako'y lumakas, at nagsabi, Magsalita ang aking panginoon; sapagka't iyong pinalakas ako. 027 DAN 010 020 Nang magkagayo'y sinabi niya, Talastas mo baga kung bakit ako'y naparito sa iyo? at ngayo'y babalik ako upang makipaglaban sa prinsipe sa Persia: at pagka ako'y lumabas, narito, ang prinsipe sa Grecia ay darating. 027 DAN 010 021 Nguni't aking sasaysayin sa iyo ang nakasulat sa kasulatan ng katotohanan: at walang sinomang tutulong sa akin laban sa mga ito, kundi si Miguel na inyong prinsipe. 027 DAN 011 001 At tungkol sa akin, nang unang taon ni Dario na taga Media, ako'y tumayo upang patibayin at palakasin siya. 027 DAN 011 002 At ngayo'y aking ipatatalastas sa iyo ang katotohanan. Narito, tatayo pa ang tatlong hari sa Persia; at ang ikaapat ay magiging totoong mayaman kay sa kanilang lahat: at pagka siya'y lumakas sa kaniyang mga yaman, ay kaniyang kikilusin ang lahat laban sa kaharian ng Grecia. 027 DAN 011 003 At isang makapangyarihang hari ay tatayo, na magpupuno na may malaking kapangyarihan, at gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban. 027 DAN 011 004 At pagka tatayo siya ay magigiba ang kaniyang kaharian, at mababahagi sa apat na hangin ng langit, nguni't hindi sa kaniyang anak, ni ayon man sa kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinagpuno; sapagka't ang kaniyang kaharian ay mabubunot para sa mga iba bukod sa mga ito. 027 DAN 011 005 At ang hari sa timugan ay magiging malakas, at ang isa sa kaniyang mga prinsipe; at siya'y magiging malakas kay sa kaniya, at magtataglay ng kapangyarihan; ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakilang kapangyarihan. 027 DAN 011 006 At sa katapusan ng mga taon, sila'y magpipipisan; at ang anak na babae ng hari sa timugan ay paroroon sa hari sa hilagaan upang gumawa ng pakikipagkasundo: nguni't hindi niya mapananatili ang lakas ng kaniyang bisig; o siya ma'y tatayo, o ang bisig man niya; kundi siya'y mabibigay, at yaong mga nangagdala sa kaniya, at ang nanganak sa kaniya, at ang nagpalakas sa kaniya sa mga panahong yaon. 027 DAN 011 007 Nguni't sa suwi ng kaniyang mga ugat ay tatayo ang isa na kahalili niya na paroroon sa hukbo, at papasok sa katibayan ng hari sa hilagaan, at gagawa ng laban sa kanila, at mananaig. 027 DAN 011 008 At gayon din ang kanilang mga dios sangpu ng kanilang mga larawang binubo, at ng kanilang mga mainam na sisidlan na pilak at ginto ay dadalhing samsam sa Egipto; at siya'y magluluwat na ilang taon kay sa hari sa hilagaan. 027 DAN 011 009 At siya'y paroroon sa kaharian ng hari sa timugan, nguni't siya'y babalik sa kaniyang sariling lupain. 027 DAN 011 010 At ang kaniyang mga anak ay makikipagdigma, at mapipisan ng isang karamihang malaking hukbo, na magpapatuloy, at aabot, at lalagpas; at sila'y magsisibalik at makikipagdigma, hanggang sa kaniyang katibayan. 027 DAN 011 011 At ang hari sa timugan ay makikilos ng pagkagalit, at lalabas at makikipaglaban sa kaniya, sa makatuwid baga'y sa hari sa hilagaan; at siya'y maglalabas ng malaking karamihan, at ang karamiha'y mabibigay sa kaniyang kamay. 027 DAN 011 012 At ang karamihan ay madadala, at ang kaniyang puso ay magpapalalo; at siya'y magbubuwal ng libo-libo, nguni't hindi mananaig. 027 DAN 011 013 At ang hari sa hilagaan ay babalik, at maglalabas ng isang karamihan na lalong malaki kay sa una; at siya'y magpapatuloy hanggang sa wakas ng mga panahon, ng mga taon, na ma'y malaking hukbo, at maraming kayamanan. 027 DAN 011 014 At sa mga panahong yaon ay maraming magsisitayo laban sa hari sa timugan: gayon din ang mga anak na mangdadahas sa gitna ng iyong bayan ay magsisibangon upang itatag ang pangitain; nguni't sila'y mangabubuwal. 027 DAN 011 015 Sa gayo'y paroroon ang hari sa hilagaan, at gagawa ng isang bunton, at sasakop ng isang bayan na nakukutaang mabuti: at ang pulutong ng timugan ay hindi makatatayo ni ang kaniya mang piling bayan, ni magtataglay man sila ng anomang kalakasan, upang tumayo. 027 DAN 011 016 Nguni't ang dumarating laban sa kaniya, ay gagawa ng ayon sa sariling kalooban, at walang tatayo sa harap niya; at siya'y tatayo sa maluwalhating lupain, at sasa kaniyang kamay ang paglipol. 027 DAN 011 017 At kaniyang itatanaw ang kaniyang mukha upang pumaroon na kasama ng lakas ng kaniyang buong kaharian, at ng mga tapat na kasama niya; at siya'y gagawa ng mga yaon: at ibibigay niya sa kaniya ang anak na babae ng mga babae, upang hamakin; nguni't siya'y hindi tatayo, ni siya'y mapapasa kaniya man. 027 DAN 011 018 Pagkatapos nito'y kaniyang ipipihit ang kaniyang mukha sa mga pulo, at sasakop ng marami: nguni't isang prinsipe ay magpapatigil ng pagkutya niya; oo, bukod dito'y kaniyang pababalikin ang kaniyang kakutyaan sa kaniya. 027 DAN 011 019 Kung magkagayo'y kaniyang ipipihit ang kaniyang mukha sa dako ng mga kuta ng kaniyang sariling lupain; nguni't siya'y matitisod at mabubuwal, at hindi masusumpungan. 027 DAN 011 020 Kung magkagayo'y tatayo na kahalili niya ang isa na magpaparaan ng maniningil sa kaluwalhatian ng kaharian; nguni't sa loob ng kaunting araw ay mapapahamak, na hindi sa kagalitan, o sa pagbabaka man. 027 DAN 011 021 At kahalili niya na tatayo ang isang hamak na tao, na hindi nila pinagbigyan ng karangalan ng kaharian: nguni't siya'y darating sa panahong katiwasayan, at magtatamo ng kaharian sa pamamagitan ng mga daya. 027 DAN 011 022 At sa pamamagitan ng pulutong na huhugos ay mapapalis sila sa harap niya, at mabubuwal; oo, pati ng prinsipe ng tipan. 027 DAN 011 023 At pagkatapos ng pakikipagkasundo sa kaniya, siya'y gagawang may karayaan; sapagka't siya'y sasampa, at magiging matibay, na kasama ng isang munting bayan. 027 DAN 011 024 Sa panahon ng katiwasayan darating siya hanggang sa mga pinakamainam na dako ng lalawigan; at kaniyang gagawin ang hindi ginawa ng kaniyang mga magulang, o ng mga magulang ng kaniyang mga magulang; siya'y magbabahagi sa kanila ng huli, at samsam, at kayamanan: oo, siya'y hahaka ng kaniyang mga haka laban sa mga kuta, hanggang sa takdang panahon. 027 DAN 011 025 At kaniyang kikilusin ang kaniyang kapangyarihan at ang kaniyang tapang laban sa hari sa timugan na may malaking hukbo; at ang hari sa timugan ay makikipagdigma sa pakikipagbaka na may totoong malaki at makapangyarihang hukbo; nguni't hindi siya tatayo, sapagka't sila'y magsisihaka ng mga panukala laban sa kaniya. 027 DAN 011 026 Oo, silang nagsisikain ng kaniyang masarap na pagkain ay siyang magpapahamak sa kaniya, at ang kaniyang hukbo ay mapapalis; at marami ay mabubuwal na patay. 027 DAN 011 027 At tungkol sa dalawang haring ito, ang kanilang mga puso ay magtataglay ng kasamaan, at sila'y mangagsasalita ng mga kabulaanan sa isang dulang: nguni't hindi giginhawa; sapagka't ang wakas ay magiging sa panahong takda pa. 027 DAN 011 028 Kung magkagayo'y babalik siya sa kaniyang lupain na may malaking kayamanan; at ang kaniyang puso ay magiging laban sa banal na tipan; at siya'y gagawa ng kaniyang maibigan, at babalik sa kaniyang sariling lupain. 027 DAN 011 029 Sa takdang panahon ay babalik siya, at papasok sa timugan; nguni't hindi magiging gaya ng una ang huli. 027 DAN 011 030 Sapagka't mga sasakyan sa Chittim ay magsisiparoon laban sa kaniya; kaya't siya'y mahahapis, at babalik, at magtataglay ng galit laban sa banal na tipan, at gagawa ng kaniyang maibigan: siya nga'y babalik, at lilingapin yaong nangagpabaya ng banal na tipan. 027 DAN 011 031 At mga pulutong ay magsisitayo sa kaniyang bahagi, at kanilang lalapastanganin ang santuario, sa makatuwid baga'y ang kuta, at aalisin ang palaging handog na susunugin, at kanilang ilalagay ang kasuklamsuklam na naninira. 027 DAN 011 032 At ang gayon na gumagawa na may kasamaan laban sa tipan, ay mahihikayat niya sa pamamagitan ng mga daya; nguni't ang bayan na nakakakilala ng kanilang dios ay magiging matibay, at gagawa ng kabayanihan. 027 DAN 011 033 At silang marunong sa bayan ay magtuturo sa marami; gayon ma'y mangabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak at ng liyab, ng pagkabihag at ng samsam, na maraming araw. 027 DAN 011 034 Pagka nga sila'y mangabubuwal, sila'y tutulungan ng kaunting tulong; nguni't marami ay magsisipisan sa kanila na may mga daya. 027 DAN 011 035 At ang ilan sa kanila na pantas ay mangabubuwal, upang dalisayin sila, at linisin, at paputiin, hanggang sa panahon ng kawakasan; sapagka't ukol sa panahon pang takda. 027 DAN 011 036 At ang hari ay gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban; at siya'y magmamalaki, at magpapakataas ng higit kay sa bawa't dios, at magsasalita ng mga kagilagilalas na bagay laban sa Dios ng mga dios; at siya'y giginhawa hanggang sa ang galit ay maganap; sapagka't ang ipinasiya ay gagawin. 027 DAN 011 037 Wawaling bahala niya ang mga dios ng kaniyang mga magulang, o ang nasa man sa mga babae, o pakukundanganan man ang sinomang dios; sapagka't siya'y magmamalaki sa lahat. 027 DAN 011 038 Kundi bilang kahalili ay pararangalan niya ang dios ng mga katibayan; at isang dios na hindi nakilala ng kaniyang mga magulang ay kaniyang pararangalan ng ginto, at pilak, at ng mga mahalagang bato at ng mga maligayang bagay. 027 DAN 011 039 At siya'y magbabagsak ng mga matibay na kuta sa tulong ng ibang dios; sinomang kumilala sa kaniya, mananagana sa kaluwalhatian; at pagpupunuin niya sila sa marami, at kaniyang babahagihin ang lupa sa halaga. 027 DAN 011 040 At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya ang hari sa timugan; at ang hari sa hilagaan ay paroroon laban sa kaniya na gaya ng isang ipoipo, na may mga karo, at may mga mangangabayo, at may maraming sasakyan; at kaniyang papasukin ang mga lupain, at aabot at lalagpas. 027 DAN 011 041 Siya'y papasok din naman sa maluwalhating lupain, at maraming lupain ay mababagsak; nguni't ang mga ito ay mangaliligtas mula sa kaniyang kamay: ang Edom, at ang Moab, at ang puno ng mga anak ni Ammon. 027 DAN 011 042 Kaniyang iuunat din naman ang kaniyang kamay sa mga lupain; at ang lupain ng Egipto ay hindi makatatakas. 027 DAN 011 043 Nguni't siya'y magtataglay ng kapangyarihan sa mga kayamanang ginto at pilak, at sa lahat na mahalagang bagay sa Egipto; at ang mga taga Libia at ang mga taga Etiopia ay susunod sa kaniyang mga hakbang. 027 DAN 011 044 Nguni't mga balita na mula sa silanganan at mula sa hilagaan ay babagabag sa kaniya; at siya'y lalabas na may malaking kapusukan upang gumiba at lumipol sa marami. 027 DAN 011 045 At kaniyang itatayo ang mga tolda ng kaniyang palasio sa pagitan ng dagat at ng maluwalhating banal na bundok; gayon ma'y darating siya sa kaniyang wakas, at walang tutulong sa kaniya. 027 DAN 012 001 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat. 027 DAN 012 002 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak. 027 DAN 012 003 At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man. 027 DAN 012 004 Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago. 027 DAN 012 005 Nang magkagayo'y akong si Daniel ay tumingin, at, narito, nakatayo ang ibang dalawa, ang isa'y sa dakong ito ng pangpang ng ilog, at ang isa'y sa kabilang pangpang ng ilog sa dakong yaon. 027 DAN 012 006 At ang isa'y nagsalita sa lalaking nabibihisan ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, Hanggang kailan mangyayari ang wakas ng mga kababalaghang ito? 027 DAN 012 007 At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit, at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos. 027 DAN 012 008 At aking narinig, nguni't di ko naunawa: nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoon ko, ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito? 027 DAN 012 009 At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan. 027 DAN 012 010 Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa. 027 DAN 012 011 At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw. 027 DAN 012 012 Mapalad siyang naghihintay, at datnin ng isang libo't tatlong daan at tatlong pu't limang araw. 027 DAN 012 013 Nguni't yumaon ka ng iyong lakad hanggang sa ang wakas ay mangyari; sapagka't ikaw ay magpapahinga, at tatayo sa iyong kapalaran, sa wakas ng mga araw. # # BOOK 028 HOS Hosea Hosea 028 HOS 001 001 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Oseas na anak ni Beeri, nang mga kaarawan ni Uzias, ni Jotam, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas, na hari sa Israel. 028 HOS 001 002 Nang unang magsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Oseas, sinabi ng Panginoon kay Oseas, Yumaon ka, magasawa ka sa isang patutot at mga anak sa patutot; sapagka't ang lupain ay gumagawa ng malaking pagpapatutot, na humihiwalay sa Panginoon. 028 HOS 001 003 Sa gayo'y yumaon siya, at kinuha niya si Gomer na anak ni Diblaim; at siya'y naglihi, at nanganak sa kaniya ng isang lalake. 028 HOS 001 004 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Jezreel; sapagka't sangdali pa at aking igaganti ang dugo ng Jezreel sa sangbahayan ni Jehu, at aking papaglilikatin ang kaharian ng sangbahayan ni Israel. 028 HOS 001 005 At mangyayari sa araw na yaon, na aking babaliin ang busog ng Israel sa libis ng Jezreel. 028 HOS 001 006 At siya'y naglihi uli, at nanganak ng isang babae. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Lo-ruhama; sapagka't hindi na ako magdadalang habag sa sangbahayan ni Israel, na sa anoman ay hindi ko patatawarin sila. 028 HOS 001 007 Nguni't ako'y maaawa sa sangbahayan ni Juda, at ililigtas ko sila sa pamamagitan ng Panginoon nilang Dios, at hindi ko ililigtas sila sa pamamagitan ng busog, o sa pamamagitan man ng tabak, o sa pamamagitan man ng pagbabaka, o sa pamamagitan man ng mga kabayo, o sa pamamagitan man ng mga mangangabayo. 028 HOS 001 008 Nang maihiwalay nga niya sa suso ni Lo-ruhama, siya'y naglihi, at nanganak ng isang lalake. 028 HOS 001 009 At sinabi ng Panginoon, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Loammi; sapagka't kayo'y hindi aking bayan, at ako'y hindi magiging inyong Dios. 028 HOS 001 010 Gayon ma'y ang bilang ng mga anak ni Israel ay magiging parang buhangin sa dagat na hindi matatakal, o mabibilang man; at mangyayari, na sa dakong pagsabihan sa kanila, Kayo'y hindi aking bayan, sasabihin sa kanila, Kayo'y mga anak ng buhay na Dios. 028 HOS 001 011 At ang mga anak ni Juda, at ang mga anak ni Israel ay mapipisan, at sila'y mangaghahalal sa kanilang sarili ng isang pangulo, at sila'y magsisisampa mula sa lupain; sapagka't magiging dakila ang kaarawan ng Jezreel. 028 HOS 002 001 Sabihin ninyo sa inyong mga kapatid na lalake, Ammi; at sa inyong mga kapatid na babae ay, Ruhama. 028 HOS 002 002 Makipagtalo kayo sa inyong ina, makipagtalo kayo; sapagka't siya'y hindi ko asawa, ni ako man ay kaniyang asawa; at alisin niya ang kaniyang pagpapatutot sa kaniyang mukha, at ang kaniyang mga pangangalunya sa pagitan ng kaniyang mga suso; 028 HOS 002 003 Baka siya'y aking hubaran, at aking ilagay siya na gaya ng araw na siya'y ipanganak, at gawin ko siyang parang isang ilang, at ilagay ko siyang parang isang tuyong lupa, at patayin ko siya sa uhaw; 028 HOS 002 004 Oo, sa kaniyang mga anak ay hindi ako magdadalang habag; sapagka't sila'y mga anak sa patutot. 028 HOS 002 005 Sapagka't ang kanilang ina ay nagpatutot; siya na naglihi sa kanila ay gumawa ng kahiyahiya; sapagka't kaniyang sinabi, Ako'y susunod sa mga mangingibig sa akin, na nangagbibigay sa akin ng aking tinapay at ng aking tubig, ng aking lana at ng aking lino, ng langis ko at ng inumin ko. 028 HOS 002 006 Kaya't, narito, aking babakuran ng mga tinik ang iyong daan, at ako'y gagawa ng bakod laban sa kaniya, na hindi niya, masusumpungan ang kaniyang mga landas. 028 HOS 002 007 At siya'y susunod sa mga mangingibig sa kaniya, nguni't hindi niya sila aabutan; at hahanapin niya sila, nguni't hindi niya sila masusumpungan; kung magkagayo'y sasabihin niya, Ako'y yayaon at babalik sa aking unang asawa; sapagka't naging mabuti sa akin kay sa ngayon. 028 HOS 002 008 Sapagka't hindi niya naalaman na ako ang nagbigay sa kaniya ng trigo, at ng alak, at ng langis, at nagpaparami sa kaniya ng pilak at ginto, na kanilang ginamit kay Baal. 028 HOS 002 009 Kaya't aking babawiin ang aking trigo sa panahon niyaon, at ang aking alak sa panahon niyaon, at aking aalisin ang aking lana at ang aking lino na sana'y tatakip sa kaniyang kahubaran. 028 HOS 002 010 At ngayo'y aking ililitaw ang kaniyang kahalayan sa paningin ng mga mangingibig sa kaniya, at walang magliligtas sa kaniya mula sa aking kamay. 028 HOS 002 011 Akin din namang papaglilikatin ang kaniyang mga kalayawan, ang kaniyang mga kapistahan, ang kaniyang mga bagong buwan, at ang kaniyang mga sabbath, at lahat ng kaniyang takdang kapulungan. 028 HOS 002 012 At aking iwawasak ang kaniyang mga puno ng ubas, at ang kaniyang mga puno ng higos, na siya niyang sinasabi, Ang mga ito ang aking kaupahan na ibinigay sa akin ng mga mangingibig sa akin; at ang mga yao'y aking gagawing isang gubat, at kakanin ng mga hayop sa parang. 028 HOS 002 013 At aking dadalawin sa kaniya ang mga kaarawan ng mga Baal, na siya niyang pinagsusunugan ng kamangyan, nang siya'y nagpaparanya ng kaniyang mga hikaw at kaniyang mga hiyas, at sumusunod sa mga mangingibig sa kaniya, at kinalilimutan ako, sabi ng Panginoon. 028 HOS 002 014 Kaya't, narito, akin siyang hihikayatin, at dadalhin siya sa ilang, at pagsasalitaan ko siyang may pagaliw. 028 HOS 002 015 At ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan mula roon, at ang libis ng Achor na pinakapintuan ng pagasa; at siya'y sasagot doon, gaya ng mga kaarawan ng kaniyang kabataan, at gaya ng araw na siya'y sumampa mula sa lupain ng Egipto. 028 HOS 002 016 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong Ishi, at hindi mo na ako tatawaging Baali. 028 HOS 002 017 Sapagka't aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kaniyang bibig, at siya'y hindi na babanggitin pa sa pamamagitan ng kanilang pangalan. 028 HOS 002 018 At sa araw na yaon ay ipakikipagtipan ko sila sa mga hayop sa parang, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga bagay na nagsisiusad sa lupa: at aking babaliin ang busog at ang tabak, at patitigilin ko ang pagbabaka sa lupain, at akin silang pahihigaing tiwasay. 028 HOS 002 019 At ako'y magiging asawa mo magpakailan man; oo, magiging asawa mo ako sa katuwiran, at sa kahatulan, at sa kagandahang-loob, at sa mga kaawaan. 028 HOS 002 020 Magiging asawa mo rin ako sa pagtatapat; at iyong makikilala ang Panginoon. 028 HOS 002 021 At mangyayari sa araw na yaon, na ako'y sasagot, sabi ng Panginoon, ako'y sasagot sa langit, at sila'y magsisisagot sa lupa; 028 HOS 002 022 At ang lupa'y sasagot sa trigo, at sa alak, at sa langis; at sila'y magsisisagot sa Jezreel. 028 HOS 002 023 At aking itatatag siya para sa akin sa lupa; at ako'y magdadalang habag sa kaniya na hindi nagtamo ng kahabagan; at aking sasabihin sa kanila na hindi ko bayan, Ikaw ay aking bayan; at siya'y magsasabi, Ikaw ay aking Dios. 028 HOS 003 001 At sinabi ng Panginoon sa akin, Yumaon ka pa, suminta ka sa isang babae na minamahal ng kaniyang kaibigan, at mangangalunya, sa makatuwid baga'y ng gaya ng pagibig ng Panginoon sa mga anak ni Israel, bagaman sila'y nagsisipihit sa ibang mga dios, at nangakakagusto ng mga binilong pasas. 028 HOS 003 002 Sa gayo'y binili ko siya para sa akin ng labing limang putol na pilak, at ng isang homer na cebada, at ng kalahating homer na cebada; 028 HOS 003 003 At sinabi ko sa kaniya, Ikaw ay mapapa sa akin na maraming araw; ikaw ay hindi magpapatutot, at ikaw ay hindi na magiging asawa pa ng ibang lalake; kaya't ako naman ay sasa iyo. 028 HOS 003 004 Sapagka't ang mga anak ni Israel ay magsisitahang maraming araw na walang hari, at walang prinsipe, at walang hain, at walang haligi, at walang efod o mga teraf: 028 HOS 003 005 Pagkatapos ay manunumbalik ang mga anak ni Israel, at hahanapin ang Panginoon nilang Dios, at si David na kanilang hari, at magsisiparitong may takot sa Panginoon at sa kaniyang kabutihan sa mga huling araw. 028 HOS 004 001 Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga anak ni Israel; sapagka't ang Panginoon ay may pakikipagkaalit sa mga mananahan sa lupain, sapagka't walang katotohanan, ni kaawaan man, ni kaalaman man tungkol sa Dios sa lupain. 028 HOS 004 002 Wala kundi pagsumpa at kawalan ng pagtatapat, at pagpatay, pagnanakaw, at pangangalunya; sila'y nagsisidaluhong, at nagkakabubuan ng dugo. 028 HOS 004 003 Kaya't ang lupain ay tatangis, at bawa't tumatahan doon ay manglulupaypay, kasama ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid; oo, ang mga isda rin naman sa dagat ay mangahuhuli. 028 HOS 004 004 Gayon ma'y huwag makipaglaban ang sinoman, o sumuway man ang sinoman; sapagka't ang iyong bayan ay gaya ng nakikipaglaban sa saserdote. 028 HOS 004 005 At ikaw ay matitisod sa araw, at ang propeta naman ay matitisod na kasama mo sa gabi; at aking papatayin ang iyong ina. 028 HOS 004 006 Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, akin namang itatakuwil ka, upang ikaw ay huwag maging saserdote ko: yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, akin namang kalilimutan ang iyong mga anak. 028 HOS 004 007 Kung paanong sila'y nagsidami, gayon sila nangagkasala laban sa akin: aking papalitan ng kahihiyan ang kanilang kaluwalhatian. 028 HOS 004 008 Sila'y nagsisikain sa kasalanan ng aking bayan, at inilalagak ang kanilang puso sa kanilang kasamaan. 028 HOS 004 009 At mangyayari, na kung paano ang bayan, gayon ang saserdote, at akin silang parurusahan dahil sa kanilang mga lakad, at aking gagantihin sa kanila ang kanilang mga gawa. 028 HOS 004 010 At sila'y magsisikain, at hindi mangabubusog; sila'y magpapatutot, at hindi dadami; sapagka't sila'y nangagwalang bahala sa Panginoon. 028 HOS 004 011 Ang pagpapatutot at ang alak at bagong alak ay nagaalis ng kaalaman. 028 HOS 004 012 Ang aking bayan ay humingi ng payo sa kanilang tungkod, at ang kanilang tungkod ay nagpapahayag sa kanila; sapagka't ang pagpapatutot ay nagligaw sa kanila, at sila'y nagpatutot, na nagsisihiwalay sa kanilang Dios. 028 HOS 004 013 Sila'y nangaghahain sa mga taluktok ng mga bundok, at nangagsusunog ng kamangyan sa mga burol, sa ilalim ng mga encina at ng mga alamo at ng mga roble, sapagka't ang lilim ng mga yaon ay mabuti: kaya't ang inyong mga anak na babae ay nagpatutot, at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya. 028 HOS 004 014 Hindi ko parurusahan ang inyong mga anak na babae pagka sila'y nagpatutot ni ang inyong mga manugang na babae man pagka sila'y nangangalunya; sapagka't ang mga lalake sa kanilang sarili ay nagsisiyaon kasama ng mga patutot, at sila'y nangaghahain na kasama ng mga patutot: at ang bayan na hindi nakakaalam ay nawawasak. 028 HOS 004 015 Bagaman ikaw, Oh Israel, ay nagpapatutot, gayon ma'y huwag ipagkasala ng Juda: at huwag kayong magsiparoon sa Gilgal, ni magsisampa man kayo sa Bethaven, ni magsisumpa man, Buhay ang Panginoon. 028 HOS 004 016 Sapagka't ang Israel ay nagpakatigas ng ulo, gaya ng isang matigas na ulo na guyang babae: ngayo'y pakakanin sila ng Panginoon na parang batang tupa sa isang malaking dako. 028 HOS 004 017 Ang Ephraim ay nalalakip sa mga diosdiosan; pabayaan siya. 028 HOS 004 018 Ang kanilang inumin ay naging maasim; sila'y nagpapatutot na palagi; iniibig na mabuti ng kaniyang mga puno ang kahihiyan. 028 HOS 004 019 Tinangay siya ng hangin sa kaniyang mga pakpak; at sila'y mangapapahiya dahil sa kanilang mga hain. 028 HOS 005 001 Dinggin ninyo ito, Oh ninyong mga saserdote, at inyong pakinggan ninyong sangbahayan ni Israel, at inyong ulinigin, Oh sangbahayan ng hari, sapagka't sa inyo'y nauukol ang kahatulan; sapagka't kayo'y naging isang silo sa Mizpa, at isang panghuli na nalagay sa Tabor. 028 HOS 005 002 At ang mga nagsipanghimagsik ay nangagpakapahamak na mainam; nguni't ako'y mananaway sa kanilang lahat. 028 HOS 005 003 Aking kilala ang Ephraim, at ang Israel na hindi lingid sa akin; sapagka't ngayon, Oh Ephraim, ikaw ay nagpatutot, ang Israel ay napahamak. 028 HOS 005 004 Hindi sila titiisin ng kanilang mga gawain na manumbalik sa kanilang Dios; sapagka't ang pagpapatutot ay nasa loob nila, at hindi nila nakikilala ang Panginoon. 028 HOS 005 005 At ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: kaya't ang Israel at ang Ephraim ay mangatitisod sa kanilang kasamaan; ang Juda'y matitisod ding kasama nila. 028 HOS 005 006 Sila'y magsisiyaong kasama ng kanilang kawan at ng kanilang bakahan upang hanapin ang Panginoon; nguni't hindi nila masusumpungan siya: Siya'y umurong sa kanila. 028 HOS 005 007 Sila'y nagsigawa ng paglililo laban sa Panginoon; sapagka't sila'y naganak ng ibang mga anak: lalamunin nga sila ng bagong buwan sangpu ng kanilang mga parang. 028 HOS 005 008 Hipan ninyo ang korneta sa Gabaa, at ang pakakak sa Rama: kayo'y magsitugtog ng hudyat sa Beth-aven; sa likuran mo, Oh Benjamin. 028 HOS 005 009 Ang Ephraim ay magiging kasiraan sa kaarawan ng pagsaway: sa gitna ng mga lipi ng Israel ay aking ipinakilala ang tunay na mangyayari. 028 HOS 005 010 Ang mga prinsipe sa Juda ay gaya ng nagsisibago ng lindero: aking ibubuhos ang aking galit sa kanila na parang tubig. 028 HOS 005 011 Ang Ephraim ay napighati, siya'y nadikdik sa kahatulan; sapagka't siya'y nasisiyahang lumakad ng ayon sa utos ng tao. 028 HOS 005 012 Kaya't ako'y sa Ephraim na parang tanga, at sa sangbahayan ni Juda na parang kabulukan. 028 HOS 005 013 Nang makita ng Ephraim ang kaniyang sakit, at nang makita ni Juda ang kaniyang sugat, naparoon nga ang Ephraim sa Asiria, at nagsugo sa haring Jareb: nguni't hindi niya mapagagaling kayo, ni kaniyang mapagagaling man kayo sa inyong sugat. 028 HOS 005 014 Sapagka't ako'y magiging parang leon sa Ephraim, at parang isang batang leon sa sangbahayan ni Juda, Ako, sa makatuwid baga'y ako, ay aagaw at aalis; ako'y magaalis, at walang magliligtas. 028 HOS 005 015 Ako'y yayaon at babalik sa aking dako, hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala, at hanapin ang aking mukha: sa kanilang pagdadalamhati ay hahanapin nila akong mainam. 028 HOS 006 001 Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo. 028 HOS 006 002 Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya. 028 HOS 006 003 At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na parang huling ulan na dumidilig ng lupa. 028 HOS 006 004 Oh Ephraim, ano ang gagawin ko sa iyo? Oh Juda, ano ang gagawin ko sa iyo? sapagka't ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga, at parang hamog na lumalabas na maaga. 028 HOS 006 005 Kaya't aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas. 028 HOS 006 006 Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin. 028 HOS 006 007 Nguni't sila gaya ni Adan ay sumalangsang sa tipan: doo'y nagsigawa silang may paglililo laban sa akin. 028 HOS 006 008 Ang Galaad ay bayang gumagawa ng kasamaan; tigmak sa dugo. 028 HOS 006 009 At kung paanong ang mga pulutong ng mga tulisan na nagsisiabang sa isang tao, ay gayon ang pulutong ng mga saserdote na nagsisipatay sa daan na dakong Sichem; Oo, sila'y gumawa ng kahalayan. 028 HOS 006 010 Sa sangbahayan ni Israel ay nakakita ako ng kakilakilabot na bagay: doo'y nagpatutot ang Ephraim, ang Israel ay napahamak. 028 HOS 006 011 Sa iyo man, Oh Juda, may takdang paggapas, pagka aking ibabalik ang nangabihag sa aking bayan. 028 HOS 007 001 Nang aking pagagalingin ang Israel, ang kasamaan nga ng Ephraim ay lumitaw, at ang kasamaan ng Samaria; sapagka't sila'y nagsinungaling; at ang magnanakaw ay pumapasok, at ang pulutong ng mga tulisan ay nananamsam sa labas. 028 HOS 007 002 At hindi nila ginugunita sa kanilang mga puso na aking inaalaala ang lahat nilang kasamaan: ngayo'y kinukulong sila sa palibot ng kanilang sariling mga gawa; sila'y nangasa harap ko. 028 HOS 007 003 Kanilang pinasasaya ng kanilang kasamaan ang hari, at ng kanilang pagsisinungaling ang mga prinsipe. 028 HOS 007 004 Silang lahat ay mga mangangalunya; sila'y parang hurnong iniinit ng magtitinapay; siya'y tumitigil na magsulong ng apoy, mula sa paggawa ng masa hanggang sa umaasim. 028 HOS 007 005 Nang kaarawan ng ating hari ang mga prinsipe ay nagpakasakit sa pamamagitan ng tapang ng alak; kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa mga mangduduwahagi. 028 HOS 007 006 Sapagka't kanilang inihanda ang kanilang puso na parang hurno, samantalang sila'y nangagaabang: ang kanilang magtitinapay ay natutulog magdamag; sa kinaumagaha'y nagniningas na parang liyab na apoy. 028 HOS 007 007 Silang lahat ay nangagiinit na parang hurno, at nilalamon ang kanilang mga hukom; lahat nilang hari ay nangabuwal: wala sa kanila na tumawag sa akin. 028 HOS 007 008 Ang Ephraim, nakikisalamuha sa mga bayan; ang Ephraim ay isang tinapay na hindi binalik. 028 HOS 007 009 Nilamon ng mga taga ibang lupa ang kaniyang yaman, at hindi niya nalalaman: oo, mga uban ay nasasabog sa kaniya, at hindi niya nalalaman. 028 HOS 007 010 At ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: gayon ma'y hindi sila nanumbalik sa Panginoon nilang Dios, ni hinanap man siya nila, dahil sa lahat na ito. 028 HOS 007 011 At ang Ephraim ay parang isang mangmang na kalapati, na walang unawa sila'y nagsitawag sa Egipto, sila'y nagsiparoon sa Asiria. 028 HOS 007 012 Pagka sila'y magsisiyaon, ay aking ilaladlad ang aking lambat sa kanila; akin silang ibabagsak na parang mga ibon sa himpapawid; aking parurusahan sila, gaya ng narinig sa kanilang kapisanan. 028 HOS 007 013 Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilayas sa akin; kagibaa'y suma kanila! sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin: bagaman sila'y aking tinubos, gayon ma'y nangagsalita ng kasinungalingan sila laban sa akin. 028 HOS 007 014 At sila'y hindi nagsidaing sa akin ng kanilang puso, kundi sila'y nagsiangal sa kanilang mga higaan: sila'y nagpupulong dahil sa trigo at alak; sila'y nanganghimagsik laban sa akin. 028 HOS 007 015 Bagaman aking tinuruan at pinalakas ang kanilang mga bisig, gayon ma'y nangagisip sila ng kalikuan laban sa akin. 028 HOS 007 016 Sila'y nanganunumbalik, nguni't hindi sa kaniya na nasa kaitaasan: sila'y parang magdarayang busog: ang kanilang mga prinsipe ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak dahil sa poot ng kanilang dila: ito ang magiging katuyaan sa kanila sa lupain ng Egipto. 028 HOS 008 001 Ilagay mo ang pakakak sa iyong bibig. Gaya ng isang aguila dumarating siya laban sa bahay ng Panginoon, sapagka't kanilang sinuway ang aking tipan, at nagsisalangsang laban sa aking kautusan. 028 HOS 008 002 Sila'y magsisidaing sa akin, Dios ko, kaming Israel ay nangakakakilala sa iyo. 028 HOS 008 003 Itinakuwil ng Israel ang mabuti: hahabulin siya ng kaaway. 028 HOS 008 004 Sila'y nangaglagay ng mga hari, nguni't hindi sa pamamagitan ko; sila'y nangaglagay ng mga prinsipe, at hindi ko nalaman: sa kanilang pilak at kanilang ginto ay nagsigawa sila ng diosdiosan, upang sila'y mangahiwalay. 028 HOS 008 005 Kaniyang inihiwalay ang iyong guya, Oh Samaria; ang aking galit ay nagaalab laban sa kanila: hanggang kailan sila ay magiging mga musmos. 028 HOS 008 006 Sapagka't mula sa Israel nanggaling ito; ito'y ginawa ng manggagawa, at ito'y hindi Dios; oo, ang guya ng Samaria ay magkakaputolputol. 028 HOS 008 007 Sapagka't sila'y nangagsasabog ng hangin, at sila'y magsisiani ng ipoipo: siya'y walang nakatayong trigo; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina; at kung maglaman, ay lalamunin ng mga taga ibang lupa. 028 HOS 008 008 Ang Israel ay nalamon: ngayo'y nasa gitna siya ng mga bansa na parang sisidlang hindi kinalulugdan. 028 HOS 008 009 Sapagka't sila'y nagsiahon sa Asiria, na parang isang mailap na asno na nagiisa: ang Ephraim ay umupa ng mga mangingibig. 028 HOS 008 010 Oo, bagaman sila'y umuupa sa gitna ng mga bansa, akin nga silang pipisanin ngayon; at sila'y mangagtitigil na kaunting panahon ng pagpapahid ng langis sa hari at mga prinsipe. 028 HOS 008 011 Sapagka't ang Ephraim, ay nagparami ng mga dambana upang magkasala, ang mga dambana ay naging sa kaniyang ipagkakasala. 028 HOS 008 012 Sinulat ko para sa kaniya ang sangpung libong bagay ng aking kautusan; kanilang inaring parang katuwang bagay. 028 HOS 008 013 Tungkol sa mga hain na mga handog sa akin, sila'y nangaghahain ng karne, at kinakain nila; nguni't ang mga yaon ay hindi tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan; sila'y mangababalik sa Egipto. 028 HOS 008 014 Sapagka't nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya, at nagtayo ng mga palacio; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan; nguni't magsusugo ako ng apoy sa kaniyang mga bayan, at susupukin ang mga kuta niyaon. 028 HOS 009 001 Huwag kang magalak, Oh Israel sa katuwaan, na gaya ng mga bayan; sapagka't ikaw ay nagpatutot na humihiwalay sa iyong Dios; iyong inibig ang upa sa bawa't giikan. 028 HOS 009 002 Ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi magpapakain sa kanila, at ang bagong alak ay magkukulang sa kaniya. 028 HOS 009 003 Sila'y hindi magsisitahan sa lupain ng Panginoon; kundi ang Ephraim ay babalik sa Egipto, at sila'y magsisikain ng maruming pagkain sa Asiria. 028 HOS 009 004 Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon, ni makalulugod man sa kaniya: ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila'y parang tinapay ng nangagluksa; lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak; sapagka't ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana; hindi papasok sa bahay ng Panginoon. 028 HOS 009 005 Ano ang inyong gagawin sa kaarawan ng takdang kapulungan, at sa kaarawan ng kapistahan ng Panginoon? 028 HOS 009 006 Sapagka't, narito, sila'y nagsialis sa kagibaan, gayon ma'y pipisanin sila ng Egipto, sila'y ililibing ng Memphis; ang kanilang maligayang mga bagay na pilak ay aariin ng dawag; mga tinik ang sasa kanilang mga tolda. 028 HOS 009 007 Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating, ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating; malalaman ng Israel: ang propeta ay mangmang, ang lalake na may espiritu ay ulol, dahil sa karamihan ng iyong kasamaan, at sapagka't ang poot ay malaki. 028 HOS 009 008 Ang Ephraim ay bantay na kasama ng aking Dios: tungkol sa propeta, ay silo ng manghuhuli sa lahat ng kaniyang lansangan, at pagkakaalit ay nasa bahay ng kaniyang Dios. 028 HOS 009 009 Sila'y nangagpapahamak na mainam, na gaya ng mga kaarawan ng Gabaa: kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan, kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan. 028 HOS 009 010 Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan: nguni't sila'y nagsiparoon kay Baalpeor, at nangagsitalaga sa mahalay na bagay, at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig. 028 HOS 009 011 Tungkol sa Ephraim, ang kanilang kaluwalhatian ay lilipad na parang ibon; mawawalan ng panganganak, at walang magdadalang tao, at walang paglilihi. 028 HOS 009 012 Bagaman kanilang pinalalaki ang kanilang mga anak, gayon ma'y aking babawaan sila, na walang tao; oo, sa aba nila pagka ako'y humiwalay sa kanila! 028 HOS 009 013 Ang Ephraim, gaya ng aking makita ang Tiro, ay natatanim sa isang masayang dako: nguni't ilalabas ng Ephraim ang kaniyang mga anak sa tagapatay. 028 HOS 009 014 Bigyan mo sila, Oh Panginoon-anong iyong ibibigay? bigyan mo sila ng mga bahay-batang maaagasan at mga tuyong suso. 028 HOS 009 015 Lahat nilang kasamaan ay nasa Gilgal; sapagka't doo'y kinapootan ko sila; dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa, akin silang palalayasin sa aking bahay; hindi ko na sila iibigin; lahat nilang prinsipe ay mapagsalangsang. 028 HOS 009 016 Ang Ephraim ay nasaktan, ang kaniyang ugat ay natuyo, sila'y hindi mangagbubunga: oo, bagaman sila'y nanganak, gayon ma'y aking papatayin ang minamahal na bunga ng kanilang bahay-bata. 028 HOS 009 017 Itatakuwil sila ng aking Dios, sapagka't hindi nila dininig siya; at sila'y magiging mga gala sa gitna ng mga bansa. 028 HOS 010 001 Ang Israel ay isang mayabong na baging, na nagbunga: ayon sa karamihan ng kaniyang bunga kaniyang pinarami ang kaniyang mga dambana; ayon sa kabutihan ng kaniyang lupain ay nagsigawa sila ng mga mainam na haligi. 028 HOS 010 002 Ang kanilang puso ay nahati; ngayo'y mangasusumpungan silang salarin: kaniyang ibabagsak ang kanilang mga dambana, kaniyang sasamsamin ang kanilang mga haligi. 028 HOS 010 003 Walang pagsalang ngayo'y kanilang sasabihin, Kami ay walang hari; sapagka't kami ay hindi nangatatakot sa Panginoon; at ang hari, ano ang magagawa niya para sa atin? 028 HOS 010 004 Sila'y nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita, na nagsisisumpa ng di totoo sa paggawa ng mga tipan: kaya't ang kahatulan ay lumilitaw na parang ajenjo sa mga bungkal sa parang. 028 HOS 010 005 Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa mga guya ng Beth-aven; sapagka't ang bayan niyaon ay mananangis doon, at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon, dahil sa kaluwalhatian niyaon, sapagka't nawala roon. 028 HOS 010 006 Dadalhin din naman sa Asiria na pinakakaloob sa haring Jareb: ang Ephraim ay tatanggap ng kahihiyan, at ang Israel ay mapapahiya sa kaniyang sariling payo. 028 HOS 010 007 Tungkol sa Samaria, ang kaniyang hari ay nahiwalay, na parang bula sa tubig. 028 HOS 010 008 Ang mataas na dako naman ng Aven, ang kasalanan ng Israel ay masisira: ang mga tinik at ang mga dawag ay sisibol sa kanilang mga dambana; at sasabihin nila sa mga bundok, Takpan ninyo kami; at sa mga burol, Mahulog kayo sa amin. 028 HOS 010 009 Oh Israel, ikaw ay nagkasala mula sa mga kaarawan ng Gabaa: doon sila nagsitayo; ang pagbabaka laban sa mga anak ng kasamaan ay hindi aabot sa kanila sa Gabaa. 028 HOS 010 010 Pagka siya kong nasa, ay aking parurusahan sila; at ang mga bayan ay magpipisan laban sa kanila, pagka sila'y nagapos sa kanilang dalawang pagsalangsang. 028 HOS 010 011 At ang Ephraim ay isang dumalagang baka na tinuturuan, na maibigin sa pagiik ng trigo; nguni't aking pinararaan ang pamatok sa kaniyang magandang leeg: ako'y maglalagay ng isang mananakay sa Ephraim; magaararo ang Juda, dudurugin ng Jacob ang kaniyang mga bugal. 028 HOS 010 012 Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at magdala ng katuwiran sa inyo. 028 HOS 010 013 Kayo'y nangaghasik ng kasamaan, kayo'y nagsiani ng kasalanan; kayo'y nagsikain ng bunga ng kabulaanan; sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong lakad, sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake. 028 HOS 010 014 Kaya't babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan, at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba, na gaya ni Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka: ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak. 028 HOS 010 015 Gayon ang gagawin ng Beth-el sa inyo dahil sa inyong malaking kasamaan: sa pagbubukang liwayway, ang hari ng Israel ay lubos na mahihiwalay. 028 HOS 011 001 Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at tinawag kong aking anak mula sa Egipto. 028 HOS 011 002 Lalo silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan. 028 HOS 011 003 Gayon ma'y aking tinuruan ang Ephraim na lumakad; aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni't hindi nila kinilala na aking pinagaling sila. 028 HOS 011 004 Akin silang pinatnubayan ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako'y naging sa kanila'y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila. 028 HOS 011 005 Sila'y hindi babalik sa lupain ng Egipto; kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari, sapagka't sila'y nagsisitangging manumbalik sa akin. 028 HOS 011 006 At ang tabak ay lalagak sa kanilang mga bayan, at susupukin ang kanilang mga halang, at lalamunin sila, dahil sa kanilang sariling mga payo. 028 HOS 011 007 At ang aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa akin: bagaman kanilang tinatawag siya na nasa itaas, walang lubos na magtataas sa kaniya. 028 HOS 011 008 Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab. 028 HOS 011 009 Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit. 028 HOS 011 010 Sila'y magsisilakad ng ayon sa Panginoon, na siyang uungal, na parang leon; sapagka't siya'y uungal, at ang mga anak ay magsisidating na nanginginig na mula sa kalunuran. 028 HOS 011 011 Sila'y darating na nanginginig na parang ibon na mula sa Egipto, at parang kalapati na mula sa lupain ng Asiria; at aking patatahanin sila sa kanilang mga bahay, sabi ng Panginoon. 028 HOS 011 012 Kinukulong ako ng Ephraim ng kabulaanan sa palibot, at ng sangbahayan ni Israel sa pamamagitan ng daya; nguni't ang Juda'y nagpupuno pang kasama ng Dios, at tapat na kasama ng Banal. 028 HOS 012 001 Ang Ephraim ay kumakain ng hangin, at sumusunod sa hanging silanganan: siya'y laging nagpaparami ng mga kabulaanan at kasiraan; at sila'y nakikipagtipan sa Asiria, at ang langis ay dinadala sa Egipto. 028 HOS 012 002 Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda, at parurusahan niya ang Jacob ayon sa kaniyang mga lakad; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya. 028 HOS 012 003 Sa bahay-bata ay kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid; at sa kaniyang kabinataan ay nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios: 028 HOS 012 004 Oo, siya'y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel, at nanaig: siya'y tumangis, at namanhik sa kaniya: nasumpungan niya siya sa Beth-el, at doo'y nakipagsalitaan siya sa atin. 028 HOS 012 005 Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo; ang Panginoon ay kaniyang alaala. 028 HOS 012 006 Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios. 028 HOS 012 007 Mangangalakal siya na may timbangang magdaraya sa kaniyang kamay: maibigin ng pagpighati. 028 HOS 012 008 At sinabi ng Ephraim, Tunay na ako'y naging mayaman, ako'y nakasumpong ng kayamanan; sa lahat ng aking gawin, walang masusumpungan sila sa akin na kasamaan, 028 HOS 012 009 Nguni't ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto, akin pa kitang patatahanin uli sa mga tolda, gaya sa mga kaarawan ng takdang kapistahan. 028 HOS 012 010 Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta, at ako'y nagparami ng mga pangitain; at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga. 028 HOS 012 011 Ang Galaad baga'y kasamaan? sila'y pawang walang kabuluhan; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro; oo, ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid. 028 HOS 012 012 At si Jacob ay tumakas na napatungo sa parang ng Aram, at naglingkod si Israel dahil sa isang asawa, at dahil sa isang asawa ay nagalaga ng mga tupa. 028 HOS 012 013 At sa pamamagitan ng isang propeta ay isinampa ng Panginoon ang Israel mula sa Egipto, at sa pamamagitan ng isang propeta, siya'y naingatan. 028 HOS 012 014 Ang Ephraim ay namungkahi ng di kawasang galit: kaya't ang kaniyang dugo ay maiiwan sa kaniya, at ibabalik ng kaniyang Panginoon sa kaniya ang kakutyaan sa kaniya. 028 HOS 013 001 Nang magsalita ang Ephraim, ay nagkaroon ng panginginig; siya'y nagpapakalaki sa kaniyang sarili sa Israel; nguni't nang siya'y magkasala tungkol kay Baal ay namatay siya. 028 HOS 013 002 At ngayo'y nangagkasala sila ng higit at higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa: sinasabi nila tungkol sa mga yaon; Magsihalik sa mga guya ang mga tao na nangaghahain. 028 HOS 013 003 Kaya't sila'y magiging parang ulap sa umaga, at parang hamog na nawawalang maaga, na gaya ng dayami na tinatangay ng ipoipo mula sa giikan, at parang usok na lumalabas sa Chimenea: 028 HOS 013 004 Gayon ma'y ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto; at wala kang makikilalang Dios kundi ako, at liban sa akin ay walang tagapagligtas. 028 HOS 013 005 Nakilala kita sa ilang, sa lupain ng malaking katuyuan. 028 HOS 013 006 Ayon sa pastulan sa kanila, gayon sila nangabusog; sila'y nangabusog, at ang kanilang puso ay nagmalaki: kaya't kinalimutan nila ako. 028 HOS 013 007 Kaya't ako'y magiging parang leon sa kanila; parang leopardo na ako'y magbabantay sa tabi ng daan; 028 HOS 013 008 Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak, at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso; at doo'y lalamunin ko sila ng gaya ng leon; lalapain sila ng mabangis na hayop. 028 HOS 013 009 Siyang iyong kapahamakan Oh Israel, na ikaw ay laban sa akin, laban sa iyong katulong. 028 HOS 013 010 Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan? at ang iyong mga hukom, na iyong pinagsasabihan, Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe? 028 HOS 013 011 Aking binigyan ka ng hari sa aking kagalitan, at inalis ko siya sa aking poot. 028 HOS 013 012 Ang kasamaan ng Ephraim ay nababalot; ang kaniyang kasalanan ay nabubunton. 028 HOS 013 013 Ang mga kapanglawan ng nagdaramdam na babae ay dadanasin niya: siya'y hindi pantas na anak; sapagka't panahon na hindi sana siya marapat maghirap sa pagwawaksi ng mga yaon. 028 HOS 013 014 Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan. Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong mga salot? Oh Sheol, saan nandoon ang iyong kasiraan? pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata. 028 HOS 013 015 Bagaman siya'y mabunga sa kaniyang mga kapatid, isang hanging silanganan ay darating, ang hinga ng Panginoon ay umiilanglang mula sa ilang; at ang kaniyang tipunan ng tubig ay magiging tuyo, at ang kaniyang bukal ay matutuyo: kaniyang sasamsamin ang kayamanan ng lahat na maligayang kasangkapan. 028 HOS 013 016 Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala; sapagka't siya'y nanghimagsik laban sa kaniyang Dios: sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay paluluwain ang bituka. 028 HOS 014 001 Oh Israel, manumbalik ka sa Panginoon mong Dios; sapagka't ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan. 028 HOS 014 002 Magpahayag kayo na may pagsisisi, at magsipanumbalik kayo sa Panginoon: sabihin ninyo sa kaniya, Alisin mo ang boong kasamaan, at tanggapin mo ang mabuti: sa gayo'y aming ilalagak na parang mga toro ang handog ng aming mga labi. 028 HOS 014 003 Hindi kami ililigtas ng Asiria; kami ay hindi sasakay sa mga kabayo; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay, Kayo'y aming mga dios; sapagka't dahil sa iyo'y nakakasumpong ng kaawaan ang ulila. 028 HOS 014 004 Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod, akin silang iibiging may kalayaan; sapagka't ang aking galit ay humiwalay sa kaniya. 028 HOS 014 005 Ako'y magiging parang hamog sa Israel: siya'y bubukang parang lila, at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano. 028 HOS 014 006 Ang kaniyang mga sanga ay magsisiyabong, at ang kaniyang kagandahan ay magiging parang puno ng olibo, at ang kaniyang bango ay parang Libano. 028 HOS 014 007 Silang nagsisitahan sa kaniyang lilim ay manunumbalik; sila'y mangabubuhay uling gaya ng trigo, at mangamumulaklak na gaya ng puno ng ubas: at ang amoy ay magiging gaya ng alak ng Libano. 028 HOS 014 008 Sasabihin ng Ephraim, Ano pa ang aking gagawin sa mga dios-diosan? Ako'y sasagot, at aking hahalatain siya: ako'y parang sariwang abeto; mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga. 028 HOS 014 009 Sino ang pantas, at siya'y makakaunawa ng mga bagay na ito? at mabait, at kaniyang mangalalaman? sapagka't ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid, at lalakaran ng mga ganap; nguni't kabubuwalan ng mga mananalangsang. # # BOOK 029 JOE Joel Joel 029 JOE 001 001 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Joel na anak ni Pethuel. 029 JOE 001 002 Dinggin ninyo ito, ninyong mga matanda, at pakinggan ninyo, ninyong lahat na mananahan sa lupain. Nagkaroon baga nito sa inyong mga kaarawan o sa mga kaarawan ng inyong mga magulang? 029 JOE 001 003 Saysayin ninyo sa inyong mga anak, at saysayin ng inyong mga anak sa kanilang mga anak, at ng kanilang mga anak sa susunod na lahi. 029 JOE 001 004 Ang iniwan ng tipaklong, ay kinain ng balang; at ang iniwan ng balang ay kinain ng uod; at ang iniwan ng uod ay kinain ng kuliglig. 029 JOE 001 005 Magsibangon kayo, kayong mga manglalasing, at magsiiyak kayo; at manambitan kayo, kayong lahat na manginginom ng alak, dahil sa matamis na alak; sapagka't nahiwalay sa inyong bibig. 029 JOE 001 006 Sapagka't isang bansa ay sumampa sa aking lupain, malakas at walang bilang; ang kaniyang mga ngipin ay mga ngipin ng leon, at siya'y may bagang ng malaking leon. 029 JOE 001 007 Kaniyang iniwasak ang aking puno ng ubas, at ibinagsak ang aking puno ng igos: kaniyang tinalupang malinis at inihagis; ang mga sanga niyao'y naging maputi. 029 JOE 001 008 Managhoy ka na parang babaing nabibigkisan ng kayong magaspang dahil sa asawa ng kaniyang kabataan. 029 JOE 001 009 Ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng Panginoon; ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, ay nangananangis. 029 JOE 001 010 Ang bukid ay sira, ang lupain ay nahahapis; sapagka't ang trigo ay sira, ang bagong alak ay tuyo, ang langis ay kulang. 029 JOE 001 011 Mangahiya kayo, Oh kayong mga mangbubukid, manambitan kayo, Oh kayong mga maguubas, dahil sa trigo at dahil sa cebada; sapagka't ang pagaani sa bukid ay nawala. 029 JOE 001 012 Ang puno ng ubas ay natuyo, at ang puno ng higos ay nalalanta; ang puno ng granada, ang puno ng palma ay gayon din at ang puno ng manzanas, lahat ng punong kahoy sa parang ay tuyo; sapagka't ang kagalakan ay nawala sa mga anak ng mga tao. 029 JOE 001 013 Mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, at magsipanaghoy kayong mga saserdote; manambitan kayo, kayong mga tagapangasiwa ng dambana; halikayo, magsihiga kayo magdamag sa kayong magaspang, kayong mga tagapangasiwa ng aking Dios: sapagka't ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng inyong Dios. 029 JOE 001 014 Mangaghayag kayo ng ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan, inyong pisanin ang mga matanda at ang lahat na mananahan sa lupain sa bahay ng Panginoon ninyong Dios, at magsidaing kayo sa Panginoon. 029 JOE 001 015 Sa aba ng araw na yaon! sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, at darating na parang kagibaan na mula sa Makapangyarihan sa lahat. 029 JOE 001 016 Hindi baga ang pagkain ay nahiwalay sa ating mga mata, oo, ang kagalakan at ang kasayahan ay nahiwalay sa bahay ng ating Dios? 029 JOE 001 017 Ang mga binhi ay nangabubulok sa kanilang bugal; ang mga kamalig ay nangakahandusay na sira, ang mga imbakan ay bagsak; sapagka't ang trigo ay natuyo. 029 JOE 001 018 Ganyan na lamang ang ungal ng mga hayop! ang mga kawan ng mga hayop ay natitigilan, sapagka't wala silang pastulan; oo, ang mga kawan ng tupa ay nangapahamak. 029 JOE 001 019 Oh Panginoon, sa iyo'y dumadaing ako: sapagka't sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang, at sinunog ng liyab ang lahat na punong kahoy sa parang. 029 JOE 001 020 Oo, ang mga hayop sa bukid ay nagsisihingal sa iyo; sapagka't ang mga batis ng tubig ay nangatuyo, at sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang. 029 JOE 002 001 Hipan ninyo ang pakakak sa Sion, at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain: sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, sapagka't malapit na; 029 JOE 002 002 Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi. 029 JOE 002 003 Isang apoy ang sumusupok sa harap nila; at sa likuran nila'y isang liyab ang sumusunog: ang lupain ay parang halamanan sa Eden sa harap nila, at sa likuran nila'y isang sirang ilang; oo, at walang nakatanan sa kanila. 029 JOE 002 004 Ang anyo nila ay parang anyo ng mga kabayo; at kung paano ang mga mangangabayo, gayon sila nagsisitakbo. 029 JOE 002 005 Parang ingay ng mga karo sa mga taluktok ng mga bundok nagsisilukso sila, parang hugong ng liyab ng apoy na sumusupok sa dayami, parang isang matibay na bayan na humahanay sa pagbabaka. 029 JOE 002 006 Sa kanilang harapan ay nangahihirapan ang mga bayan; lahat ng mukha ay nangamumutla. 029 JOE 002 007 Sila'y nagsisitakbong parang mga malakas na lalake; sila'y nagsisipagalambitin sa kuta na parang mga lalaking mangdidigma; at sila'y nagsisilakad bawa't isa ng kanikaniyang mga lakad, at hindi nila binabago ang kanilang mga hanay. 029 JOE 002 008 Ni nagtutulakan mang isa'y isa; sila'y lumalakad bawa't isa sa kanikaniyang landas; at sila'y magsisisagupa sa mga almas, at hindi sila malalansag. 029 JOE 002 009 Kanilang nilulukso ang bayan; kanilang tinatakbo ang kuta; kanilang pinagaalambitinan ang mga bahay; sila'y nagsisipasok sa mga dungawan na parang magnanakaw. 029 JOE 002 010 Ang lupa ay nayayanig sa harap nila; ang langit ay nanginginig; ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap: 029 JOE 002 011 At pinatutunog ng Panginoon ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo; sapagka't ang kaniyang kampamento ay totoong malaki; sapagka't malakas na nagsasagawa ng kaniyang salita; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot; at sinong makatatahan? 029 JOE 002 012 Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan: 029 JOE 002 013 At papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan. 029 JOE 002 014 Sinong nakakaalam kung siya'y hindi magbabalik-loob, at magsisisi, at magiiwan ng isang pagpapala sa likuran niya, ng handog na harina, at ng inuming handog sa Panginoon ninyong Dios? 029 JOE 002 015 Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan; 029 JOE 002 016 Tipunin ninyo ang bayan, banalin ang kapisanan, pisanin ang mga matanda, tipunin ang mga bata, at yaong mga pasusuhin; lumabas ang bagong kasal na lalake sa kaniyang silid, at ang bagong kasal na babae sa kaniyang silid. 029 JOE 002 017 Manangis ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, sa pagitan ng portiko at ng dambana, at kanilang sabihin, Maawa ka sa iyong bayan, Oh Panginoon, at huwag mong ibigay ang iyong bayan sa kakutyaan, na ang mga bansa baga'y magpuno sa kanila: bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan, Saan nandoon ang kanilang Dios? 029 JOE 002 018 Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain, at nahabag sa kaniyang bayan. 029 JOE 002 019 At ang Panginoon ay sumagot, at nagsabi sa kaniyang bayan, Narito, ako'y magdadala sa inyo ng trigo, at alak, at langis, at inyong kabubusugan; at hindi ko na gagawin pa kayo na kakutyaan sa gitna ng mga bansa; 029 JOE 002 020 Kundi aking ihihiwalay na malayo sa inyo ang hukbo sa hilagaan, at aking itataboy siya sa isang lupaing basal at sira, ang kaniyang unaha'y sa dagat silanganan, at ang kaniyang pinakahuling bahagi ay sa dagat kanluran; at ang kaniyang baho ay aalingasaw, at ang masamang amoy ay iilanglang, sapagka't siya'y gumawa ng mga malaking bagay. 029 JOE 002 021 Huwag kang matakot, Oh lupain, ikaw ay matuwa at magalak; sapagka't ang Panginoon ay gumawa ng dakilang mga bagay. 029 JOE 002 022 Huwag kayong mangatakot, kayong mga hayop sa parang; sapagka't ang mga pastulan sa ilang ay lumalago, sapagka't ang punong kahoy ay nagbubunga, ang puno ng higos at ang puno ng ubas ay nagbubunga. 029 JOE 002 023 Kayo nga'y mangatuwa, kayong mga anak ng Sion, at mangagalak sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat, at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo, ang maagang ulan at ang huling ulan, sa unang buwan. 029 JOE 002 024 At ang mga lapag ay mangapupuno ng trigo, at ang mga kamalig ay aapawan ng alak at langis. 029 JOE 002 025 At aking isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng balang, ng uod, at ng kuliglig, at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo sa gitna ninyo. 029 JOE 002 026 At kayo'y magsisikaing sagana, at mangabubusog, at inyong pupurihin ang pangalan ng Panginoon ninyong Dios, na gumawa ng kababalaghan sa inyo; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya kailan man. 029 JOE 002 027 At inyong malalaman na ako'y nasa gitna ng Israel, at ako ang Panginoon ninyong Dios, at wala nang iba; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man. 029 JOE 002 028 At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain: 029 JOE 002 029 At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. 029 JOE 002 030 At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. 029 JOE 002 031 Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. 029 JOE 002 032 At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagka't sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng sinabi ng Panginoon, at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon. 029 JOE 003 001 Sapagka't, narito, sa mga kaarawang yaon, at sa panahong yaon, pagka aking ibabalik ang mangabihag sa Juda at Jerusalem. 029 JOE 003 002 Aking pipisanin ang lahat na bansa, at aking ibababa sila sa libis ni Josaphat; at ako'y makikipagtanggol sa kanila roon dahil sa aking bayan at dahil sa aking manang Israel, na kanilang pinangalat sa mga bansa, at binahagi ang aking lupain, 029 JOE 003 003 At kanilang pinagsapalaran ang aking bayan, at kanilang ibinigay ang isang batang lalake dahil sa isang patutot, at ipinagbili ang isang batang babae dahil sa alak, upang sila'y mangakainom. 029 JOE 003 004 Oo, at ano kayo sa akin. Oh Tiro, at Sidon, at buong lupain ng Filistia? gagantihin baga ninyo ako? at kung ako'y inyong gantihin, maliksi at madali na aking ibabalik ang inyong kagantihan sa inyong sariling ulo. 029 JOE 003 005 Yamang inyong kinuha ang aking pilak at aking ginto, at inyong dinala sa inyong mga templo ang aking mainam at maligayang mga bagay, 029 JOE 003 006 At ipinagbili ang mga anak ng Juda at ang mga anak ng Jerusalem ay inyong ipinagbili sa mga anak ng mga taga Grecia, upang inyong mailayo sa kanilang hangganan; 029 JOE 003 007 Narito, aking pasisiglahin sila sa dako na inyong pinagbilhan sa kanila, at aking ibabalik ang inyong kagantihan sa inyong sariling ulo; 029 JOE 003 008 At aking ipagbibili ang inyong mga anak na lalake at babae sa kamay ng mga anak ni Juda, at ipagbibili nila sila sa mga tao sa Seba, sa isang bansang malayo: sapagka't sinalita ng Panginoon. 029 JOE 003 009 Itanyag ninyo ito sa mga bansa: mangaghanda kayo ng digma; pasiglahin ninyo ang mga malakas na lalake; magsilapit ang lahat na lalaking mangdidigma, sila'y magsisampa. 029 JOE 003 010 Gawin ninyong mga tabak ang inyong mga sudsod, at mga sibat ang inyong mga karit: magsabi ang mahina, Ako'y malakas. 029 JOE 003 011 Mangagmadali kayo, at magsiparito kayong lahat na bansa sa palibot, at magpipisan kayo: iyong pababain doon ang iyong mga makapangyarihan, Oh Panginoon. 029 JOE 003 012 Magpakasigla ang mga bansa, at magsisampa sa libis ni Josaphat; sapagka't doo'y uupo ako upang hatulan ang lahat na bansa sa palibot. 029 JOE 003 013 Gamitin ninyo ang karit; sapagka't ang aanihin ay hinog na: kayo'y magsiparito, at magsiyapak; sapagka't ang alilisan ng alak ay puno, ang kamalig ng alak ay inaapawan; sapagka't ang kanilang kasamaan ay malaki. 029 JOE 003 014 Mga karamihan, mga karamihan sa libis ng pasiya! sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na sa libis ng pasiya. 029 JOE 003 015 Ang araw at ang buwan ay nagdidilim, at pinipigil ng mga bituin ang kanilang kislap. 029 JOE 003 016 At ang Panginoo'y aangal mula sa Sion, at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang langit at ang lupa ay mangayayanig: nguni't ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan, at katibayan sa mga anak ni Israel. 029 JOE 003 017 Sa gayo'y inyong malalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios, na tumatahan sa Sion, na aking banal na bundok: kung magkagayo'y magiging banal ang Jerusalem, at hindi na daraan pa sa kaniya ang mga taga ibang lupa. 029 JOE 003 018 At mangyayari sa araw na yaon, na ang mga bundok ay tutuluan ng matamis na alak, at ang mga burol ay aagusan ng gatas, at ang lahat na batis ng Juda ay aagusan ng mga tubig; at isang bukal ay babalong sa bahay ng Panginoon, at didiligin ang libis ng Sittim. 029 JOE 003 019 Ang Egipto ay masisira, at ang Edom ay magiging ilang na sira, dahil sa karahasang ginawa sa mga anak ni Juda, sapagka't sila'y nagbubo ng walang salang dugo sa kanilang lupain. 029 JOE 003 020 Nguni't ang Juda'y tatahan magpakailan man, at ang Jerusalem ay sa sali't saling lahi. 029 JOE 003 021 At aking lilinisin ang kanilang dugo na hindi ko nilinis: sapagka't ang Panginoon ay tumatahan sa Sion. # # BOOK 030 AMO Amos Amos 030 AMO 001 001 Ang mga salita ni Amos, na nasa gitna ng mga pastor sa Tecoa, na nakita niya tungkol sa Israel, nang mga kaarawan ni Uzzia na hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel, na dalawang taon bago lumindol. 030 AMO 001 002 At kaniyang sinabi, Ang Panginoon ay aangal mula sa Sion, at sisigaw ng kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang mga pastulan ng mga pastor ay mananambitan, at ang taluktok ng Carmelo ay matutuyo. 030 AMO 001 003 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Damasco, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang giniik ang Galaad ng panggiik na bakal. 030 AMO 001 004 Nguni't aking susuguin ang isang apoy sa loob ng bahay ni Hazael, at susupukin niyaon ang mga palacio ni Ben-hadad. 030 AMO 001 005 At aking iwawasak ang halang ng Damasco, at aking ihihiwalay ang mananahan mula sa libis ng Aven, at siyang humahawak ng cetro mula sa bahay ng Eden; at ang bayan ng Siria ay papasok sa pagkabihag hanggang sa Chir, sabi ng Panginoon. 030 AMO 001 006 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Gaza, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang dinalang bihag ang buong bayan, upang ibigay sa Edom. 030 AMO 001 007 Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Gaza, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon: 030 AMO 001 008 At aking ihihiwalay ang mananahan mula sa Asdod, at siyang humahawak ng cetro mula sa Ascalon; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa Ecron, at ang nalabi sa mga Filisteo ay malilipol, sabi ng Panginoong Dios. 030 AMO 001 009 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Tiro, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang ibinigay ang buong bayan sa Edom, at hindi inalaala ang tipan ng pagkakapatiran. 030 AMO 001 010 Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Tiro, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon. 030 AMO 001 011 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Edom, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't hinabol niya ng tabak ang kaniyang kapatid, at ipinagkait ang buong habag, at ang kaniyang galit ay laging nanglilipol, at taglay niya ang kaniyang poot magpakailan man. 030 AMO 001 012 Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Teman, at susupukin niyaon ang mga palacio sa Bozra. 030 AMO 001 013 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng mga anak ni Ammon, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kanila; sapagka't kanilang pinaluwa ang bituka ng mga babaing nagdadalang tao sa Galaad, upang kanilang mapalapad ang kanilang hangganan. 030 AMO 001 014 Nguni't aking papagniningasin ang isang apoy sa kuta ng Rabba, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon, na may hiyawan sa kaarawan ng pagbabaka, na may bagyo sa kaarawan ng ipoipo; 030 AMO 001 015 At ang kanilang hari ay papasok sa pagkabihag, siya at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama, sabi ng Panginoon. 030 AMO 002 001 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Moab, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kaniyang sinunog ang mga buto ng hari sa Edom na pinapaging apog. 030 AMO 002 002 Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa Moab, at susupukin niyaon ang mga palacio ng Cherioth; at ang Moab ay mamamatay na may kaingay, may hiyawan, at may tunog ng pakakak. 030 AMO 002 003 At aking ihihiwalay ang hukom sa gitna niyaon, at papatayin ko ang lahat na prinsipe niyaon na kasama niya, sabi ng Panginoon. 030 AMO 002 004 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Juda, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon, at hindi iningatan ang kaniyang mga palatuntunan, at iniligaw sila ng kanilang mga pagbubulaan, ayon sa inilakad ng kanilang mga magulang. 030 AMO 002 005 Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Juda; at susupukin niyaon ang mga palacio ng Jerusalem. 030 AMO 002 006 Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Israel, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang ipinagbili ang matuwid dahil sa pilak, at ang mapagkailangan sa dalawang paang panyapak; 030 AMO 002 007 Na iniimbot ang alabok sa lupa na nasa ulo ng dukha, at inililiko ang lakad ng maamo: at ang magama ay sumisiping sa isang dalaga, upang lapastanganin ang aking banal na pangalan: 030 AMO 002 008 At sila'y nangahihiga sa tabi ng lahat na dambana, sa ibabaw ng mga kasuutang sangla; at sa bahay ng kanilang Dios ay nagsisiinom ng alak ng mga multa. 030 AMO 002 009 Gayon ma'y nililipol ko ang Amorrheo sa harap nila, na ang taas ay gaya ng taas ng mga cedro, at siya'y malakas na gaya ng mga encina; gayon ma'y nilipol ko ang kaniyang bunga sa itaas, at ang kaniyang mga ugat sa ilalim. 030 AMO 002 010 Iniahon ko rin kayo sa lupain ng Egipto, at pinatnubayan ko kayong apat na pung taon sa ilang, upang ariin ninyo ang lupain ng Amorrheo. 030 AMO 002 011 At nagbangon ako sa inyong mga anak ng mga propeta, at sa inyong mga binata ng mga Nazareo. Di baga gayon, Oh kayong mga anak ng Israel? sabi ng Panginoon. 030 AMO 002 012 Nguni't binigyan ninyo ang mga Nazareo ng alak na maiinom, at inutusan ninyo ang mga propeta, na sinasabi, Huwag kayong manganghuhula. 030 AMO 002 013 Narito, aking huhutukin kayo sa inyong dako, na gaya ng isang karong nahuhutok na puno ng mga bigkis. 030 AMO 002 014 At ang pagtakas ay mapapawi sa matulin; at ang malakas ay hindi makaaasa sa kaniyang kalakasan; ni ang makapangyarihan man ay makapagliligtas sa sarili; 030 AMO 002 015 Ni makatitindig man siyang humahawak ng busog; at siyang matulin sa paa ay hindi makaliligtas; ni siya mang nakasakay sa kabayo ay makaliligtas: 030 AMO 002 016 At siya na matapang sa mga makapangyarihan ay tatakas na hubad sa araw na yaon, sabi ng Panginoon. 030 AMO 003 001 Dinggin ninyo ang salitang ito na sinalita ng Panginoon laban sa inyo, Oh mga anak ni Israel, laban sa buong angkan na aking iniahon mula sa lupain ng Egipto, na sinasabi, 030 AMO 003 002 Kayo lamang ang aking nakilala sa lahat ng angkan sa lupa: kaya't aking dadalawin sa inyo ang lahat ninyong kasamaan. 030 AMO 003 003 Makalalakad baga ang dalawa na magkasama, liban na sila'y magkasundo? 030 AMO 003 004 Uungal baga ang leon sa gubat, kung wala siyang huli? sisigaw baga ang batang leon sa kaniyang yungib, kung wala siyang huling anoman? 030 AMO 003 005 Malalaglag baga ang ibon sa silo sa ibabaw ng lupa, ng walang silo sa kaniya? lulukso baga ang panghuli mula sa lupa, at walang nahuling anoman? 030 AMO 003 006 Tutunog baga ang pakakak sa bayan, at ang bayan ay hindi manginginig? sasapit baga ang kasamaan sa bayan, at hindi ginawa ng Panginoon? 030 AMO 003 007 Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta. 030 AMO 003 008 Ang leon ay umungal, sinong di matatakot? Ang Panginoong Dios ay nagsalita; sinong hindi manghuhula? 030 AMO 003 009 Ihayag ninyo sa mga palacio sa Asdod, at sa mga palacio sa lupain ng Egipto, at inyong sabihin, Magpipisan kayo sa mga bundok ng Samaria, at inyong masdan kung anong laking ingay ang nandoon, at kung anong pahirap ang nasa gitna niyaon. 030 AMO 003 010 Sapagka't hindi sila marunong magsigawa ng matuwid, sabi ng Panginoon, na nagiimbak ng pangdadahas at pagnanakaw sa kanilang mga palacio. 030 AMO 003 011 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kaaway ay paririto sa palibot ng lupain; at kaniyang ibabagsak ang lakas mo sa iyo, at ang iyong mga palacio ay sasamsaman. 030 AMO 003 012 Ganito ang sabi ng Panginoon: Kung paanong inaagaw ng pastor sa bibig ng leon ang dalawang hita, o ang isang putol ng tainga; gayon ililigtas ang mga anak ni Israel na nangauupo sa Samaria sa sulok ng hiligan, at sa mga sedang colchon ng higaang malaki. 030 AMO 003 013 Dinggin ninyo, at patotohanan ninyo laban sa sangbahayan ni Jacob, sabi ng Panginoong Dios, ng Dios ng mga hukbo. 030 AMO 003 014 Sapagka't sa araw na aking dadalawin ang mga pagsalangsang ng Israel sa kaniya, aking dadalawin din ang mga dambana ng Beth-el, at ang mga sungay ng dambana ay mahihiwalay, at malalaglag sa lupa. 030 AMO 003 015 At aking sisirain ang bahay na pangtagginaw na kasabay ng bahay na pangtaginit; at ang mga bahay na garing ay mangawawala, at ang mga malaking bahay ay magkakawakas, sabi ng Panginoon. 030 AMO 004 001 Dinggin ninyo ang salitang ito, Oh mga baka ng Basan, na nangasa bundok ng Samaria, na nagsisipighati sa mga dukha, na nagsisigipit sa mga mapagkailangan, na nangagsasabi sa kanilang mga panginoon, Dalhin ninyo rito, at ating inumin. 030 AMO 004 002 Ang Panginoong Dios ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang kabanalan, na, narito, ang mga kaarawan ay darating sa inyo, na kanilang huhulihin kayo ng mga taga ng bingwit, at ang nalabi sa inyo ay ng mga pamingwit. 030 AMO 004 003 At kayo'y magsisilabas sa mga sira, na bawa't isa'y tuloytuloy; at kayo'y mangagpapakatapon sa Harmon, sabi ng Panginoon. 030 AMO 004 004 Magsiparoon kayo sa Beth-el, at magsisalangsang kayo; sa Gilgal, at paramihin ninyo ang pagsalangsang; at inyong dalhin ang inyong mga hain tuwing umaga, at ang inyong mga ikasangpung bahagi tuwing tatlong araw; 030 AMO 004 005 At kayo'y mangaghandog ng hain ng pasasalamat na may lebadura, at kayo'y mangaghayag ng kusang mga handog at inyong itanyag; sapagka't ito'y nakalulugod sa inyo, Oh ninyong mga anak ni Israel, sabi ng Panginoong Dios. 030 AMO 004 006 At binigyan ko naman kayo ng kalinisan ng mga ngipin sa lahat ninyong mga bayan, at kakulangan ng tinapay sa lahat ninyong mga dako; gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon. 030 AMO 004 007 At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. 030 AMO 004 008 Sa gayo'y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon. 030 AMO 004 009 Aking sinalot kayo ng pagkalanta at ng amag: ang karamihan ng inyong mga halaman, at ng inyong mga ubasan, at ng inyong mga igusan, at ng inyong mga olibohan ay nilipol ng tipaklong: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon. 030 AMO 004 010 Aking pinarating sa gitna ninyo ang salot na gaya ng sa Egipto: ang inyong mga binata ay pinatay ko ng tabak, at dinala ko ang inyong mga kabayo; at aking pinaalingasaw ang baho ng inyong kampamento hanggang sa inyong mga butas ng ilong; gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon. 030 AMO 004 011 Aking ibinuwal ang iba sa inyo, gaya nang ibuwal ng Dios ang Sodoma at Gomorra, at kayo'y naging gaya ng dupong na naagaw sa apoy: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon. 030 AMO 004 012 Kaya't ganito ang gagawin ko sa iyo, Oh Israel; at yamang aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel. 030 AMO 004 013 Sapagka't, narito, siyang nagaanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin, at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip; na nagpapadilim ng umaga, at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupa, ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan. 030 AMO 005 001 Dinggin ninyo ang salitang ito na aking itinataghoy sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel. 030 AMO 005 002 Ang dalaga ng Israel ay nabuwal; siya'y hindi na magbabangon pa, siya'y nahagis sa kaniyang lupain; walang magbangon sa kaniya. 030 AMO 005 003 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ang bayan na lalabas na isang libo, maiiwang isang daan, at ang lalabas na isang daan ay maiiwang sangpu, sa sangbahayan ni Israel. 030 AMO 005 004 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa sangbahayan ni Israel; Hanapin ninyo ako, at kayo'y mangabubuhay; 030 AMO 005 005 Nguni't huwag ninyong hanapin ang Beth-el, ni magsipasok man sa Gilgal, at huwag kayong magsidaan sa Beer-seba: sapagka't walang pagsala ang Gilgal ay papasok sa pagkabihag, at ang Beth-el ay mauuwi sa wala. 030 AMO 005 006 Inyong hanapin ang Panginoon, at kayo'y mangabubuhay; baka siya'y sumigalbong parang apoy sa sangbahayan ni Jose, at supukin yaon, at sa Beth-el ay walang makapapatay niyaon: 030 AMO 005 007 Kayong nagpapaging ajenjo sa kahatulan, at nagwawaksi ng katuwiran sa lupa. 030 AMO 005 008 Inyong hanapin ang lumikha ng mga Pleyades at ng Orion, at ang lilim ng kamatayan ay pinapaging umaga, pinapagdilim ang araw sa pamamagitan ng gabi; yaong tumatawag sa tubig sa dagat, at nagbubugso ng mga yaon sa ibabaw ng lupa (Panginoon ang siya niyang pangalan); 030 AMO 005 009 Yaong nagdadala ng biglang kabuwalan sa malakas, na anopa't ang pagkasira ay dumarating sa katibayan. 030 AMO 005 010 Kanilang kinapopootan ang nananaway sa pintuang-bayan, at kanilang kinasusuklaman ang nagsasalita ng matuwid. 030 AMO 005 011 Palibhasa nga't inyong niyayapakan ang dukha, at inyong hinihingan siya ng trigo: kayo'y nangagtayo ng mga bahay na batong tinabas, nguni't hindi ninyo tatahanan; kayo'y nangagtanim ng mga maligayang ubasan, nguni't hindi kayo magsisiinom ng alak niyaon. 030 AMO 005 012 Sapagka't talastas ko kung gaano karami ang inyong mga pagsalangsang, at kung gaano kalaki ang inyong mga kasalanan: kayong nagsisidalamhati sa ganap, na kinukunan ninyo ng suhol, at inyong inililigaw sa kanilang matuwid ang mapagkailangan sa pintuang-bayan. 030 AMO 005 013 Kaya't siya na mabait ay tatahimik sa panahong yaon; sapagka't masamang panahon. 030 AMO 005 014 Magsihanap kayo ng kabutihan, at huwag kasamaan, upang kayo'y mangabuhay; at sa gayo'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay sasa inyo, gaya ng inyong sinasabi. 030 AMO 005 015 Inyong kapootan ang masama, at ibigin ang mabuti, at kayo'y mangagtatatag ng kahatulan sa pintuang-bayan: marahil ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay magiging mapagbiyaya sa nalabi sa Jose. 030 AMO 005 016 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Panginoon: Panaghoy ay sa lahat na daan; at sila'y mangagsasabi sa lahat na lansangan, Sa aba! sa aba! at kanilang tatawagin ang mangbubukid sa pananambitan, at ang lahat na bihasa sa pananaghoy sa pagtaghoy. 030 AMO 005 017 At sa lahat ng ubasan ay magkakaroon ng panaghoy; sapagka't ako'y daraan sa gitna mo, sabi ng Panginoon. 030 AMO 005 018 Sa aba ninyo na nangagnanasa ng kaarawan ng Panginoon! bakit ninyo ninanasa ang kaarawan ng Panginoon? kadiliman nga, at hindi kaliwanagan. 030 AMO 005 019 Gaya ng kung ang tao ay tumatakas sa leon, at isang oso ang sumasalubong sa kaniya; o pumapasok sa bahay at ikinakapit ang kaniyang kamay sa pinid, at isang ahas ang tumutuka sa kaniya. 030 AMO 005 020 Hindi baga magiging kadiliman ang kaarawan ng Panginoon, at hindi kaliwanagan? na totoong madilim, at walang ningning? 030 AMO 005 021 Aking kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan, at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang kapulungan. 030 AMO 005 022 Oo, bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na harina, hindi ko tatanggapin; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol sa kapayapaan na inyong mga matabang hayop. 030 AMO 005 023 Ihiwalay mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit; sapagka't hindi ko didinggin ang tinig ng iyong mga biola. 030 AMO 005 024 Kundi bumugso ang katarungan na parang tubig, at ang katuwiran na parang malakas na agos. 030 AMO 005 025 Nagdala baga kayo sa akin ng mga hain, at ng mga handog sa ilang na apat na pung taon, Oh sangbahayan ni Israel? 030 AMO 005 026 Oo, inyong pinasan ang tabernakulo ng inyong hari at ang dambana ng inyong mga larawan, ang bituin ng inyong dios, na inyong ginawa para sa inyong sarili. 030 AMO 005 027 Kaya't kayo'y aking papapasukin sa pagkabihag sa dako roon ng Damasco, sabi ng Panginoon, na ang pangala'y Dios ng mga hukbo. 030 AMO 006 001 Sa aba nila na nangagwawalang bahala sa Sion, at nila na mga tiwasay sa bundok ng Samaria, na magigiting na lalake sa mga pangulong bansa, ng mga pinagsasadya ng sangbahayan ni Israel! 030 AMO 006 002 Magsidaan kayo sa Calne, at inyong tingnan; at mula roon ay magsiparoon kayo sa Hamath na malaki; kung magkagayo'y magsibaba kayo sa Gath ng mga Filisteo: magaling baga sila kay sa mga kahariang ito? o malaki baga ang kanilang hangganan kay sa inyong hangganan? 030 AMO 006 003 Kayong nangaglalayo ng masamang araw at nangagpapalit ng likmuan ng karahasan; 030 AMO 006 004 Na nangahihiga sa mga higaang garing, at nagsisiunat sa kanilang mga hiligan, at nagsisikain ng mga batang tupa na mula sa kawan, at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan; 030 AMO 006 005 Na nagsisiawit ng mga pagayongayong awit sa tinig ng biola; na nagsisikatha sa ganang kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin, na gaya ni David; 030 AMO 006 006 Na nagsisiinom ng alak sa mga mankok, at nagsisipagpahid ng mga mainam na pabango; nguni't hindi nangahahapis sa pagdadalamhati ng Jose. 030 AMO 006 007 Sila nga ngayo'y magsisiyaong bihag na kasama ng unang nagsiyaong bihag, at ang kasayahan nila na nagsisihiga ay mapaparam. 030 AMO 006 008 Ang Panginoong Dios ay sumumpa sa kaniyang sarili, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo: Aking kinayayamutan ang karilagan ng Jacob, at aking kinapopootan ang kaniyang mga palacio; kaya't aking ibibigay ang bayan sangpu ng lahat na nandoon. 030 AMO 006 009 At mangyayari, kung may matirang sangpung tao sa isang bahay, na pawang mangamamatay. 030 AMO 006 010 At pagka itataas siya ng amain, sa makatuwid baga'y ng sumusunog sa kaniya, upang ilabas ang mga buto sa bahay, at sasabihin doon sa nasa pinakaloob ng bahagi ng bahay, May kasama ka pa bagang sinoman? at kaniyang sasabihin: Wala; kung magkagayo'y kaniyang sasabihin: Tumahimik ka; sapagka't hindi natin mababanggit ang pangalan ng Panginoon. 030 AMO 006 011 Sapagka't narito, naguutos ang Panginoon, at ang malaking bahay ay magkakasira, at ang munting bahay ay magkakabutas. 030 AMO 006 012 Tatakbo baga ang mga kabayo sa malaking bato? magaararo baga roon ang sino man sa pamamagitan ng mga toro? inyo ngang ginagawang kapaitan ang katarungan, at ajenjo ang bunga ng katuwiran, 030 AMO 006 013 Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng mga sungay sa pamamagitan ng aming sariling kalakasan? 030 AMO 006 014 Sapagka't, narito, aking ititindig laban sa inyo ang isang bansa, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo; at kanilang pagdadalamhatiin kayo mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Araba. 030 AMO 007 001 Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, siya'y lumikha ng mga balang sa pasimula ng huling pagsibol ng suwi; at, narito, na siyang huling suwi pagkatapos ng mga gapas para sa hari. 030 AMO 007 002 At nangyari, na nang kanilang matapos makain ang pananim sa lupain, akin ngang sinabi, Oh Panginoong Dios, isinasamo ko sa iyo, na magpatawad ka: paanong tatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit. 030 AMO 007 003 Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito, Hindi mangyayari, sabi ng Panginoon. 030 AMO 007 004 Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, ang Panginoong Dios ay tumawag, upang humatol sa pamamagitan ng apoy; at sinupok ang malaking kalaliman, at susupukin sana ang lupain. 030 AMO 007 005 Nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoong Dios, itigil mo, isinasamo ko sa iyo: paanong makatatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit. 030 AMO 007 006 Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito: Ito'y hindi rin mangyayari, sabi ng Panginoong Dios. 030 AMO 007 007 Ganito siya nagpakita sa akin: at, narito, ang Panginoon ay nakatayo sa tabi ng isang kuta na ang pagkayari ay ayon sa pabatong tingga, na may pabatong tingga sa kaniyang kamay. 030 AMO 007 008 At sinabi ng Panginoon sa akin, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang pabatong tingga. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon, Narito, ako'y maglalagay ng pabatong tingga sa gitna ng aking bayang Israel; hindi na ako magdadaan pa sa kanila; 030 AMO 007 009 At ang mga mataas na dako ng Isaac ay magiging sira, at ang mga santuario ng Israel ay mangahahandusay na wasak; at ako'y babangon na may tabak laban sa sangbahayan ni Jeroboam. 030 AMO 007 010 Nang magkagayo'y nagsugo si Amasias na saserdote sa Beth-el kay Jeroboam na hari sa Israel, na nagsasabi, Si Amos ay nagbanta laban sa iyo sa gitna ng sangbahayan ni Israel: hindi mababata ng lupain ang lahat niyang mga salita. 030 AMO 007 011 Sapagka't ganito ang sabi ni Amos, Si Jeroboam ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain. 030 AMO 007 012 Sinabi rin ni Amasias kay Amos, Oh ikaw na tagakita, yumaon ka, at tumakas ka sa lupain ng Juda, at doo'y kumain ka ng tinapay, at manghula ka roon: 030 AMO 007 013 Nguni't huwag ka nang manghula pa sa Beth-el: sapagka't siyang santuario ng hari, at siyang bahay-hari. 030 AMO 007 014 Nang magkagayo'y sumagot si Amos, at nagsabi kay Amasias, Ako'y hindi propeta, o anak man ng propeta; kundi ako'y pastor, at manggagawa sa mga puno ng sikomoro: 030 AMO 007 015 At kinuha ako ng Panginoon mula sa pagsunod sa kawan, at sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, manghula ka sa aking bayang Israel. 030 AMO 007 016 Kaya't ngayo'y dinggin mo ang salita ng Panginoon, Iyong sinasabi, Huwag kang manghula laban sa Israel, at huwag mong ihulog ang iyong salita laban sa sangbahayan ni Isaac: 030 AMO 007 017 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong asawa ay magiging patutot sa bayan, at ang iyong mga anak na lalake at babae ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang iyong lupain ay mababahagi sa pamamagitan ng pising panukat; at ikaw ay mamamatay sa isang lupaing marumi, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain. 030 AMO 008 001 Ganito nagpakita ang Panginoong Dios sa akin: at, narito, ang isang bakol ng bunga ng taginit. 030 AMO 008 002 At kaniyang sinabi, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang bakol ng bunga ng taginit. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang wakas ay dumating sa aking bayang Israel; hindi na ako daraan pa uli sa kanila. 030 AMO 008 003 At ang mga awit sa templo ay magiging mga pananambitan sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Dios: ang mga bangkay ay magiging marami; sa bawa't dako ay tahimik silang itatapon. 030 AMO 008 004 Pakinggan ninyo ito, Oh kayong nananakmal ng mapagkailangan, at inyong pinagkukulang ang dukha sa lupain, 030 AMO 008 005 Na sinasabi, Kailan daraan ang bagong buwan, upang tayo'y makapagbili ng gugulayin at ang sabbath, upang ating mailabas ang trigo? na gawing munti ang efa, at malaki ang siklo, at gumawa ng karayaan sa magdarayang timbangan; 030 AMO 008 006 Upang ating mabili ng pilak ang dukha, at ng dalawang paang panyapak ang mapagkailangan, at maipagbili ang pinagbithayan sa trigo. 030 AMO 008 007 Ang Panginoon ay sumumpa alangalang sa karilagan ng Jacob, Tunay na hindi ko kalilimutan kailan man ang alin man sa kanilang mga gawa. 030 AMO 008 008 Hindi baga manginginig ang lupain dahil dito, at mananaghoy ang bawa't tumatahan doon? oo, sasampang buo na gaya ng Ilog; at mababagabag at lulubog uli, gaya ng Ilog ng Egipto. 030 AMO 008 009 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Dios, na aking palulubugin ang araw sa katanghaliang tapat, at aking padidilimin ang lupa sa maliwanag na araw. 030 AMO 008 010 At aking papalitan ng panaghoy ang inyong mga kapistahan, at taghoy ang lahat ninyong awit; at ako'y maglalagay ng kayong magaspang sa lahat na balakang, at kakalbuhan sa bawa't ulo; at aking gagawing gaya ng pagtaghoy sa isang bugtong na anak, at ang wakas niyaon ay gaya ng mapanglaw na araw. 030 AMO 008 011 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon. 030 AMO 008 012 At sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan; sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan. 030 AMO 008 013 Sa araw na yaon ay manglulupaypay sa uhaw ang mga magandang dalaga at ang mga binata. 030 AMO 008 014 Silang nagsisisumpa sa pamamagitan ng kasalanan ng Samaria, at nagsasabi, Buhay ang Dios mo, Oh Dan; at, Buhay ang daan ng Beer-seba; sila'y mangabubuwal, at kailan may hindi na mangakababangon. 030 AMO 009 001 Aking nakita ang Panginoon na nakatayo sa tabi ng dambana: at kaniyang sinabi, Hampasin mo ang mga kapitel, upang ang mga tungtungan ay mauga; at mangagkaputolputol sa ulo nilang lahat; at aking papatayin ng tabak ang huli sa kanila: walang makatatakas sinoman sa kanila, at walang makatatanang sinoman sa kanila. 030 AMO 009 002 Bagaman sila'y humukay hanggang sa Sheol, mula roo'y kukunin sila ng aking kamay; at bagaman sila'y sumampa hanggang sa langit, mula roo'y ibababa ko sila. 030 AMO 009 003 At bagaman sila'y magsipagtago sa taluktok ng Carmelo, aking hahanapin at kukunin sila mula roon; at bagaman sila'y magsikubli sa aking paningin sa gitna ng dagat, mula roo'y uutusan ko ang ahas, at tutukain niyaon sila. 030 AMO 009 004 At bagaman sila'y magsipasok sa pagkabihag sa harap ng kanilang mga kaaway, mula roon ay aking uutusan ang tabak, at papatayin niyaon sila: at aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikasasama, at hindi sa ikabubuti. 030 AMO 009 005 Sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay siyang humihipo ng lupain at natutunaw, at lahat na nagsisitahan doon ay magsisitangis; at babangong samasama na gaya ng Ilog, at lulubog uli, na gaya ng Ilog ng Egipto; 030 AMO 009 006 Siya na gumawa ng kaniyang mga silid sa langit, at kumatha ng kaniyang balantok sa lupa; siya na tumatawag ng tubig sa dagat at ibinubugso sa ibabaw ng lupa; Panginoon ang kaniyang pangalan. 030 AMO 009 007 Di baga kayo'y parang mga anak ng mga taga Etiopia sa akin, Oh mga anak ni Israel? sabi ng Panginoon. Hindi ko baga pinasampa ang Israel mula sa lupain ng Egipto, at ang mga Filisteo, ay mula sa Caphtor, at ang mga taga Siria ay sa Chir? 030 AMO 009 008 Narito, ang mga mata ng Panginoong Dios ay nasa makasalanang kaharian, at aking ipapahamak mula sa ibabaw ng lupa; liban na hindi ko lubos na ipapahamak ang sangbahayan ni Jacob, sabi ng Panginoon. 030 AMO 009 009 Sapagka't, narito, ako'y maguutos, at aking sasalain ang sangbahayan ni Israel sa gitna ng lahat na bansa, gaya ng trigo na nabithay sa isang bithay, gayon ma'y hindi malalaglag sa lupa ang pinakamaliit na butil. 030 AMO 009 010 Lahat na makasalanan sa aking bayan ay mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, na nangagsasabi, Ang kasamaan ay hindi aabot sa atin o mauuna man sa atin. 030 AMO 009 011 Sa araw na yaon ay ibabangon ko ang tabernakulo ni David na buwal, at tatakpan ko ang mga sira niyaon; at ibabangon ko ang mga guho niyaon, at aking itatayo na gaya ng mga araw ng una; 030 AMO 009 012 Upang kanilang ariin ang nalabi sa Edom, at ang lahat na bansa na mga tinatawag sa aking pangalan, sabi ng Panginoon na gumagawa nito, 030 AMO 009 013 Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aabutan ng mangaararo ang mangaani, at ng mamimisa ng ubas ang magtatanim ng binhi; at ang mga bundok ay papatak ng matamis na alak, at lahat na burol ay mangatutunaw. 030 AMO 009 014 At akin uling ibabalik ang nangabihag sa aking bayang Israel, at kanilang itatayo ang mga wasak na bayan, at tatahanan nila; at sila'y mangaguubasan, at magsisiinom ng alak niyaon; magsisigawa rin sila ng mga halamanan, at magsisikain ng bunga ng mga yaon. 030 AMO 009 015 At aking itatatag sila sa kanilang lupain; at hindi na sila mabubunot pa sa kanilang lupain, na aking ibinigay sa kanila, sabi ng Panginoon mong Dios. # # BOOK 031 OBA Obadiah Obadias 031 OBA 001 001 Ang pangitain ni Obadias. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa Edom, Kami ay nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa mga bansa, na nagsasabi, Magsibangon kayo, at tayo'y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka. 031 OBA 001 002 Narito, ginawa kitang maliit sa mga bansa: ikaw ay lubhang hinamak. 031 OBA 001 003 Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na ang tahanan ay matayog; na nagsasabi sa kaniyang puso, Sinong magbababa sa akin sa lupa? 031 OBA 001 004 Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon. 031 OBA 001 005 Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo, kung mga mangloloob sa gabi (paano kang nahiwalay!) di baga sila sana'y nangagnakaw hanggang sa sila'y nangagkaroon ng sapat? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo, di baga sila sana'y nangagiwan ng laglag na ubas? 031 OBA 001 006 Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago! 031 OBA 001 007 Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad, hanggang sa hangganan: ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka, at nanaig laban sa iyo; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo: walang paguunawa sa kaniya. 031 OBA 001 008 Di ko baga lilipulin sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, ang mga pantas na tao sa Edom, at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau? 031 OBA 001 009 At ang iyong mga makapangyarihang tao, Oh Teman, ay manglulupaypay, palibhasa'y bawa't isa'y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan. 031 OBA 001 010 Dahil sa karahasan na ginawa sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo, at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man. 031 OBA 001 011 Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako, nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan, at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at pagsapalaran ang Jerusalem, ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila. 031 OBA 001 012 Huwag ka ngang magmasid sa araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan, at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis. 031 OBA 001 013 Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan; oo, huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan, o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan. 031 OBA 001 014 At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan. 031 OBA 001 015 Sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, laban sa lahat ng bansa: kung ano ang iyong gawin, ay siyang gagawin sa iyo; ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo. 031 OBA 001 016 Sapagka't kung paanong kayo'y nagsiinom sa aking banal na bundok, gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa, oo, sila'y magsisiinom, at magsisitungga, at magiging wari baga sila'y hindi nangabuhay. 031 OBA 001 017 Nguni't sa bundok ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pag-aari. 031 OBA 001 018 At ang sangbahayan ni Jacob ay magiging isang apoy, at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab, at ang sangbahayan ni Esau ay dayami, at sila'y kanilang susunugin, at sila'y susupukin; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau; sapagka't sinalita ng Panginoon. 031 OBA 001 019 At silang sa Timugan, ay mangagaari ng bundok ng Esau, at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim, at ang parang ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Galaad. 031 OBA 001 020 At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan, ay magaari ng hanggang sa Sarefat; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan. 031 OBA 001 021 At ang mga tagapagligtas ay magsisisampa sa bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau; at ang kaharian ay magiging sa Panginoon. # # BOOK 032 JON Jonah Jonas 032 JON 001 001 Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay Jonas na anak ni Amittai, na nagsasabi, 032 JON 001 002 Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagka't ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko. 032 JON 001 003 Nguni't si Jonas ay bumangon upang tumakas na patungo sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon; at siya'y lumusong sa Joppe, at nakasumpong ng sasakyan na patungo sa Tarsis: sa gayo'y nagbayad siya ng upa niyaon, at siya'y lumulan, upang yumaong kasama nila sa Tarsis mula sa harapan ng Panginoon. 032 JON 001 004 Nguni't ang Panginoon ay nagpasapit ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, na anopa't ang sasakyan ay halos masira. 032 JON 001 005 Nang magkagayo'y nangatakot ang mga taong dagat at dumaing ang bawa't tao sa kanikaniyang dios; at kanilang inihagis sa dagat ang mga daladalahang nangasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Nguni't si Jonas ay bumaba sa pinakaloob na bahagi ng sasakyan; at siya'y nahiga at nakatulog ng mahimbing. 032 JON 001 006 Sa gayo'y lumapit sa kaniya ang puno ng sasakyan, at sinabi sa kaniya, Ano ang inaakala mo, O matutulugin? bumangon ka, tumawag ka sa iyong Dios, baka sakaling alalahanin ng Dios tayo, upang huwag tayong mangamatay. 032 JON 001 007 At sinabi ng bawa't isa sa kanila sa kaniyang kasama, Magsiparito kayo at tayo'y mangagsapalaran, upang ating maalaman kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin. Sa gayo'y nangagsapalaran sila, at ang palad ay nahulog kay Jonas. 032 JON 001 008 Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Isinasamo namin sa iyo na iyong saysayin sa amin, kung dahil kanino dumating ang kasamaang ito sa atin; ano ang iyong hanap-buhay? at saan ka nanggaling? ano ang iyong lupain? at taga saang bayan ka? 032 JON 001 009 At kaniyang sinabi sa kanila, Ako'y isang Hebreo; at ako'y natatakot sa Panginoon, sa Dios ng langit, na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupain. 032 JON 001 010 Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao, at sinabi sa kaniya, Ano itong iyong ginawa? Sapagka't talastas ng mga tao na siya'y tumatakas mula sa harapan ng Panginoon, sapagka't isinaysay niya sa kanila, 032 JON 001 011 Nang magkagayo'y sinabi nila sa kaniya, Anong gagawin namin sa iyo, upang ang dagat ay tumahimik sa atin? sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos. 032 JON 001 012 At sinabi niya sa kanila, Ako'y inyong buhatin, at ihagis ninyo ako sa dagat; sa gayo'y ang dagat ay tatahimik sa inyo: sapagka't talastas ko na dahil sa akin dumating ang malaking unos na ito sa inyo. 032 JON 001 013 Gayon ma'y ang mga lalake ay nagsisigaod na mainam upang bumalik sa lupa; nguni't hindi nila magawa; sapagka't ang dagat ay lalo't lalong umuunos laban sa kanila. 032 JON 001 014 Kaya't sila'y nagsidaing sa Panginoon, at nangagsabi, Ipinamamanhik namin sa iyo, Oh Panginoon, ipinamamanhik namin sa iyo, huwag mo kaming ipahamak dahil sa buhay ng lalaking ito, at huwag mong ihulog sa amin ang walang salang dugo; sapagka't ikaw, Oh Panginoon, iyong ginawa ang nakalulugod sa iyo. 032 JON 001 015 Sa gayo'y kanilang binuhat si Jonas, at inihagis sa dagat; at ang dagat ay tumigil sa kaniyang poot. 032 JON 001 016 Nang magkagayo'y nangatakot na mainam ang mga tao sa Panginoon; at sila'y nangaghandog ng isang hain sa Panginoon, at nagsipanata. 032 JON 001 017 At inihanda ng Panginoon ang isang malaking isda upang lamunin si Jonas; at si Jonas ay napasa tiyan ng isda na tatlong araw at tatlong gabi. 032 JON 002 001 Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda. 032 JON 002 002 At kaniyang sinabi, Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati, At siya'y sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig. 032 JON 002 003 Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat, At ang tubig ay nasa palibot ko; Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin. 032 JON 002 004 At aking sinabi, Ako'y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata; Gayon ma'y titingin ako uli sa iyong banal na templo. 032 JON 002 005 Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa; Ang kalaliman ay nasa palibot ko; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo. 032 JON 002 006 Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man: Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios. 032 JON 002 007 Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon; At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo. 032 JON 002 008 Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya Binabayaan ang kanilang sariling kaawaan. 032 JON 002 009 Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat; Aking tutuparin yaong aking ipinanata. Kaligtasa'y sa Panginoon. 032 JON 002 010 At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa. 032 JON 003 001 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na ikalawa, na nagsasabi, 032 JON 003 002 Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo. 032 JON 003 003 Sa gayo'y bumangon si Jonas, at naparoon sa Ninive, ayon sa salita ng Panginoon. Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan, na tatlong araw na lakarin. 032 JON 003 004 At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala, at siya'y sumigaw, at nagsasabi, Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak. 032 JON 003 005 At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila'y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila. 032 JON 003 006 At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya'y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. 032 JON 003 007 At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; 032 JON 003 008 Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa't isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay. 032 JON 003 009 Sino ang nakaaalam kung manumbalik ang Dios at magsisisi, at hihiwalay sa kaniyang mabangis na galit, upang tayo'y huwag mangamatay. 032 JON 003 010 At nakita ng Dios ang kanilang mga gawa, na sila'y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Dios sa kasamaan, na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kanila; at hindi niya ginawa. 032 JON 004 001 Nguni't naghinanakit na mainam si Jonas, at siya'y nagalit. 032 JON 004 002 At siya'y nanalangin sa Panginoon, at nagsabi, Ako'y nakikipanayam sa iyo, Oh Panginoon, di baga ito ang aking sinabi, nang ako'y nasa aking lupain pa? Kaya't ako'y nagmadaling tumakas na patungo sa Tarsis; sapagka't talastas ko na ikaw ay Dios na mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi ka sa kasamaan. 032 JON 004 003 Kaya nga, Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na kitlin mo ang aking buhay; sapagka't mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay. 032 JON 004 004 At sinabi ng Panginoon, Mabuti baga ang iyong ginagawa na magalit? 032 JON 004 005 Nang magkagayo'y lumabas si Jonas sa bayan, at naupo sa dakong silanganan ng bayan, at doo'y gumawa siya ng isang balag, at naupo siya sa ilalim niyaon sa lilim, hanggang sa kaniyang makita kung ano ang mangyayari sa bayan. 032 JON 004 006 At naghanda ang Panginoong Dios ng isang halamang kikayon, at pinataas sa itaas ni Jonas, upang maging lilim sa kaniyang ulo, upang iligtas siya sa kaniyang masamang kalagayan. Sa gayo'y natuwang mainam si Jonas dahil sa kikayon. 032 JON 004 007 Nguni't naghanda ang Dios ng isang uod nang magumaga nang kinabukasan at sinira ang halamang kikayon, na anopa't natuyo. 032 JON 004 008 At nangyari, nang sumikat ang araw, na naghanda ang Dios ng mainit na hanging silanganan; at sinikatan ng araw ang ulo ni Jonas, na anopa't siya'y nanglupaypay, at hiniling niya tungkol sa kaniya na siya'y mamatay, at nagsasabi, Mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay. 032 JON 004 009 At sinabi ng Dios kay Jonas, Mabuti baga ang ginagawa mo na magalit dahil sa kikayon? At kaniyang sinabi, Mabuti ang ginagawa ko na magalit hanggang sa kamatayan. 032 JON 004 010 At sinabi ng Panginoon, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: 032 JON 004 011 At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop? # # BOOK 033 MIC Micah Mikas 033 MIC 001 001 Ang Salita ng Panginoon na dumating kay Mikas na Morastita, nang mga kaarawan ni Jotham, ni Achaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, na nakakita ng tungkol sa Samaria at sa Jerusalem. 033 MIC 001 002 Dinggin ninyong mga bayan, ninyong lahat; dinggin mo, Oh lupa, at ng lahat na nasa iyo: at ang Panginoong Dios ay maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon mula sa kaniyang banal na templo. 033 MIC 001 003 Sapagka't, narito, ang Panginoo'y lumalabas sa kaniyang dako, at bababa, at yayapak sa mga mataas na dako ng lupa. 033 MIC 001 004 At ang mga bundok ay mangatutunaw sa ilalim niya, at ang mga libis ay mauupos, na parang pagkit sa harap ng apoy, parang tubig na bumubuhos mula sa isang bundok. 033 MIC 001 005 Dahil sa pagsalansang ng Jacob ang lahat na ito, at dahil sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Israel, Ano ang pagsalangsang ng Jacob? hindi baga ang Samaria? at ano ang mga mataas na dako ng Juda? di baga ang Jerusalem? 033 MIC 001 006 Kaya't gagawin ko ang Samaria na parang bunton sa parang, at parang mga pananim sa ubasan; at aking ilalagpak ang mga bato niyaon sa libis, at aking ililitaw ang mga patibayan niyaon. 033 MIC 001 007 At lahat niyang larawang inanyuan ay pagpuputolputulin, at ang lahat niyang kaupahan ay susupukin sa apoy, at ang lahat niyang diosdiosan ay aking ihahandusay na sira; sapagka't sa kaupahan sa isang patutot ay kaniyang mga pinisan, at sa kaupahan sa isang patutot ay mangauuwi. 033 MIC 001 008 Dahil dito tataghoy ako, at mananambitan; ako'y yayaong hinubdan at hubad; ako'y uungal na parang chakal, at mananangis na gaya ng mga avestruz. 033 MIC 001 009 Sapagka't ang kaniyang mga sugat ay walang kagamutan; sapagka't dumarating hanggang sa Juda; umaabot hanggang sa pintuang-bayan ng aking bansa, hanggang sa Jerusalem. 033 MIC 001 010 Huwag ninyong saysayin sa Gath huwag kayong pakaiyak: sa Bethle-Aphra gumumon ako sa alabok. 033 MIC 001 011 Magdaan ka, Oh nananahan sa Saphir, sa kahubaran at kahihiyan: ang nananahan sa Haanan ay hindi lumalabas; ang taghoy ng Beth-esel ay magaalis sa iyo ng pangalalay niyaon. 033 MIC 001 012 Sapagka't ang nananahan sa Maroth ay naghihintay na mainam ng ikabubuti, sapagka't ang kasamaan ay bumaba mula sa Panginoon hanggang sa pintuang-bayan ng Jerusalem. 033 MIC 001 013 Isingkaw mo ang karo sa maliksing kabayo, Oh nananahan sa Lachis: siya ang pasimula ng kasalanan sa anak na babae ng Sion: sapagka't ang pagsalangsang ng Israel ay nasumpungan sa iyo. 033 MIC 001 014 Kaya't ikaw ay magbibigay ng kaloob sa pagpapaalam sa Moresethgath: ang mga bahay sa Achzib ay magiging karayaang bagay sa mga hari sa Israel. 033 MIC 001 015 Dadalhin ko pa sa iyo, Oh nananahan sa Maresah ang magaari sa iyo: ang kaluwalhatian ng Israel ay darating hanggang sa Adullam. 033 MIC 001 016 Magpakakalbo ka, at pagupit ka dahil sa mga anak ng iyong kalayawan: palakihin mo ang iyong pagkakalbo na gaya ng aguila; sapagka't sila'y nangapasa pagkabihag mula sa iyo. 033 MIC 002 001 Sa aba nila na humahaka ng kasamaan, at nagsisigawa ng kasamaan sa kanilang mga higaan! pagliliwanag sa umaga, ay kanilang isinasagawa, sapagka't nasa kapangyarihan ng kanilang kamay. 033 MIC 002 002 At sila'y nangagiimbot ng mga bukid, at kanilang inaangkin; at ng mga bahay, at inaalis: at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan, ang tao, at ang kaniyang mana. 033 MIC 002 003 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, laban sa angkang ito ay humahaka ako ng isang kasamaan na doo'y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg, ni makalalakad man ng kahambugan; sapagka't isang masamang panahon. 033 MIC 002 004 Sa araw na yaon ay magsisisambit sila ng talinhaga laban sa inyo, at mangananaghoy ng kakilakilabot na panaghoy, at mangagsasabi, Kami ay lubos na nasira: kaniyang binabago ang bahagi ng aking bayan; ano't inilalayo niya sa akin! sa mga manghihimagsik kaniyang binahagi ang aming mga bukid. 033 MIC 002 005 Kaya't mawawalan ka na ng maghahagis ng pisi na panukat sa pamamagitan ng sapalaran sa kapisanan ng Panginoon. 033 MIC 002 006 Huwag kayong manganghuhula, ganito sila nanganghuhula. Hindi sila manganghuhula sa mga ito: ang mga kakutyaan ay hindi mapapawi. 033 MIC 002 007 Sasabihin baga Oh sangbahayan ni Jacob, Ang Espiritu baga ng Panginoon ay nagipit? ang mga ito baga ang kaniyang mga gawa? Di baga ang aking mga salita ay nagsisigawa ng mabuti sa nagsisilakad ng matuwid? 033 MIC 002 008 Nguni't kamakailan na ang aking bayan ay bumangon na wari kaaway: inyong hinuhubad ang suot na kalakip ng balabal sa nagsisidaang tiwasay na parang mga lalaking nagsisipanggaling sa digma. 033 MIC 002 009 Ang mga babae ng aking bayan ay inyong pinalalayas sa kanilang mga masayang bahay; sa kanilang mga bata ay inyong inaalis ang aking kaluwalhatian magpakailan man. 033 MIC 002 010 Kayo'y magsibangon, at magsiyaon; sapagka't hindi ito ang inyong kapahingahan; dahil sa karumihan na lumilipol sa makatuwid baga'y sa mahigpit na paggiba. 033 MIC 002 011 Kung ang isang taong lumalakad sa espiritu ng kabulaanan ay nagsisinungaling, na nagsasabi, Ako'y manghuhula sa iyo tungkol sa alak at matapang na inumin; siya nga'y magiging propeta sa bayang ito. 033 MIC 002 012 Walang pagsalang aking pipisanin, Oh Jacob, ang lahat ng iyo; aking pipisaning walang pagsala ang nalabi sa Israel: akin silang ilalagay na magkakasama na parang mga tupa sa Bosra, na parang kawan sa gitna ng pastulan sa kanila; sila'y magkakaingay ng di kawasa dahil sa karamihan ng tao. 033 MIC 002 013 Nangunguna sa kanila yaong nagbubukas ng daan: sila'y nagbukas ng daan at nagsidaan sa pintuang-bayan, at nagsilabas doon; at ang kanilang hari ay nagpauna sa kanila, at ang Panginoon sa unahan nila. 033 MIC 003 001 At aking sinabi, Isinasamo ko sa inyo, na inyong dinggin, ninyong mga pangulo ng Jacob, at mga pinuno ng sangbahayan ni Israel: hindi baga sa inyo ang pagalam ng katuwiran. 033 MIC 003 002 Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa kasamaan; na siyang umaagaw sa mga dukha ng balat nila, at ng kanilang laman sa kanilang mga buto; 033 MIC 003 003 Kayo ring kumakain ng laman ng aking bayan, at lumalapnos ng kanilang balat, at bumabali ng kanilang mga buto, at kanilang pinagputolputol yaon, na wari'y para sa palyok, at parang laman sa loob ng caldera. 033 MIC 003 004 Kung magkagayo'y magsisidaing sila sa Panginoon, nguni't hindi niya sasagutin sila; oo, kaniyang ikukubli ang kaniyang mukha sa kanila sa panahong yaon, ayon sa kanilang ginawang kasamaan sa kanilang mga gawa. 033 MIC 003 005 Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa aking bayan; na nagkakanggigitil ng kanilang mga ngipin at nagsisihiyaw, Kapayapaan; at yaong hindi naglalagay sa kanilang bibig, ay pinaghahandaan siya nila ng digma: 033 MIC 003 006 Kaya't magiging gabi sa inyo, na hindi kayo magkakaroon ng pangitain; at magkakaroon ng kadiliman, na hindi kayo makapanghuhula; at ang araw ay lulubog sa mga propeta, at ang araw ay mangungulimlim sa kanila. 033 MIC 003 007 At ang mga tagakita ay mangapapahiya, at ang mga manghuhula ay mangatutulig; oo, silang lahat ay mangagtatakip ng kanilang mga labi; sapagka't walang kasagutan ng Dios. 033 MIC 003 008 Nguni't sa ganang akin, ako'y puspos ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon, at ng kahatulan, at ng kapangyarihan, upang ipahayag sa Jacob ang kaniyang pagsalansang, at sa Israel ang kaniyang kasalanan. 033 MIC 003 009 Dinggin ninyo ito, isinasamo ko sa inyo, ninyong mga pangulo sa sangbahayan ni Jacob, at mga pinuno sa sangbahayan ni Israel, na nangapopoot sa kahatulan, at nangagbabaluktot ng matuwid. 033 MIC 003 010 Kanilang itinatayo ang Sion sa pamamagitan ng dugo, at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan. 033 MIC 003 011 Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin. 033 MIC 003 012 Kaya't ang Sion ay bubukirin na parang isang bukid dahil sa inyo, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang mga bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa isang gubat. 033 MIC 004 001 Nguni't sa mga huling araw ay mangyayari, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at matataas sa mga burol; at mga tao'y paroroon sa kaniya. 033 MIC 004 002 At maraming bansa'y magsisiparoo't mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya'y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka't sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem; 033 MIC 004 003 At siya'y hahatol sa gitna ng maraming bayan, at sasaway sa mga matibay na bansa sa malayo: at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsud, at ang kanilang mga sibat upang maging karit; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni magaaral pa man ng pakikipagdigma. 033 MIC 004 004 Kundi sila'y uupo bawa't isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang punong igos; at walang tatakot sa kanila: sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo. 033 MIC 004 005 Sapagka't ang lahat na bayan ay magsisilakad bawa't isa sa pangalan ng kanikaniyang dios: at tayo'y magsisilakad sa pangalan ng Panginoon nating Dios magpakailan kailan man. 033 MIC 004 006 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, aking pipisanin siya na napipilay, at aking titipunin siya na natapon, at siya na aking pinagdalamhati; 033 MIC 004 007 At aking gagawin ang pilay na isang nalabi, at ang natapon sa malayo na isang matibay na bansa: at ang Panginoon ay maghahari sa kanila sa bundok ng Sion mula ngayon hanggang sa walang hanggan. 033 MIC 004 008 At ikaw, oh moog ng kawan, na burol ng anak na babae ng Sion, ito sa iyo'y darating, oo, ang dating kapangyarihan ay darating, ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem. 033 MIC 004 009 Ngayo'y bakit ka sumisigaw ng malakas? Wala ka bagang hari, ang iyo bagang kasangguni ay namatay, upang ang mga paghihirap ay suma iyo na gaya ng babae sa pagdaramdam? 033 MIC 004 010 Magdamdam ka, at magtiis ka ng hirap, Oh anak na babae ng Sion, na gaya ng babae sa pagdaramdam: sapagka't ngayo'y lalabas ka sa bayan, at ikaw ay tatahan sa parang, at ikaw ay darating hanggang sa Babilonia: doon ka maliligtas; doon ka tutubusin ng Panginoon sa kamay ng iyong mga kaaway. 033 MIC 004 011 At ngayo'y maraming bansa ay nangagpupulong laban sa iyo, na nangagsasabi, Madumhan siya, at makita ng ating mata ang nasa natin sa Sion. 033 MIC 004 012 Nguni't hindi nila nalalaman ang mga pagiisip ng Panginoon, ni nauunawa man nila ang kaniyang payo; sapagka't kaniyang pinisan sila na parang mga bigkis sa giikan. 033 MIC 004 013 Ikaw ay bumangon, at gumiik, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't aking gagawing bakal ang iyong sungay, at aking gagawing tanso ang iyong mga kuko; at iyong pagluluraylurayin ang maraming bayan: at iyong itatalaga ang kanilang pakinabang sa Panginoon, at ang kanilang pag-aari ay sa Panginoon ng buong lupa. 033 MIC 005 001 Ngayon ay mapipisan ka sa mga hukbo, Oh anak na babae ng mga hukbo: siya'y nangubkob laban sa atin; kanilang hahampasin sa pisngi ang hukom ng Israel ng isang tungkod. 033 MIC 005 002 Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan. 033 MIC 005 003 Kaya't kaniyang ibibigay sila hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak: kung magkagayon ang nalabi sa kaniyang mga kapatid ay babalik sa mga anak ni Israel. 033 MIC 005 004 At siya'y titindig, at magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon, sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios: at sila'y mananatili; sapagka't ngayon siya'y magiging dakila hanggang sa mga wakas ng lupa. 033 MIC 005 005 At ang lalaking ito ay magiging kapayapaan natin. Pagka ang taga Asiria ay papasok sa ating lupain, at pagka siya'y tutungtong sa ating mga palacio, tayo nga'y mangagtitindig laban sa kaniya ng pitong pastor, at walong pinakapangulong tao. 033 MIC 005 006 At kanilang wawasakin ng tabak ang lupain ng Asiria, at ang lupain ng Nimrod sa mga pasukan niyaon: at kaniyang ililigtas tayo sa taga Asiria, pagka siya'y pumasok sa ating lupain, at pagka siya'y tumungtong sa loob ng ating hangganan. 033 MIC 005 007 At ang nalabi sa Jacob ay magiging parang hamog na mula sa Panginoon sa gitna ng maraming bayan, parang ulan sa damo, na hindi naghihintay sa tao, ni naghihintay man sa mga anak ng tao. 033 MIC 005 008 At ang nalabi sa Jacob ay magiging sa gitna ng mga bansa, sa gitna ng maraming bayan, na parang leon sa mga hayop sa gubat, na parang batang leon sa mga kawan ng mga tupa; na kung siya'y dumaraan ay yumayapak at lumalapa, at walang magligtas. 033 MIC 005 009 Mataas ang iyong kamay sa iyong mga kaaway, at mangahiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway. 033 MIC 005 010 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na aking ihihiwalay ang iyong mga kabayo sa gitna mo, at aking gigibain ang iyong mga karo: 033 MIC 005 011 At aking ihihiwalay ang mga bayan ng iyong lupain, at aking ibabagsak ang lahat ng iyong katibayan: 033 MIC 005 012 At aking ihihiwalay ang mga panghuhula sa iyong kamay; at hindi ka na magkakaroon ng mga manghuhula: 033 MIC 005 013 At aking ihihiwalay ang iyong mga inanyuang larawan at ang iyong mga haligi mula sa gitna mo; at hindi ka na sasamba sa gawa ng iyong mga kamay; 033 MIC 005 014 At aking bubunutin ang iyong mga Asera mula sa gitna mo; at aking sisirain ang iyong mga bayan. 033 MIC 005 015 At ako'y maguukol ng panghihiganti sa galit at kapusukan sa mga bansa na hindi nangakinig. 033 MIC 006 001 Dinggin ninyo ngayon kung ano ang sinasabi ng Panginoon: Bumangon ka, makipagkaalit ka sa harap ng mga bundok, at dinggin ng mga burol ang iyong tinig. 033 MIC 006 002 Dinggin ninyo, Oh ninyong mga bundok, ang usap ng Panginoon, at ninyo na mga matibay na patibayan ng lupa; sapagka't ang Panginoon ay may usap sa kaniyang bayan, at kaniyang ipakikipagtalo sa Israel. 033 MIC 006 003 Oh bayan ko, anong ginawa ko sa iyo? at sa ano kita pinagod? sumaksi ka laban sa akin. 033 MIC 006 004 Sapagka't ikaw ay aking iniahon mula sa lupain ng Egipto, at tinubos kita sa bahay ng pagkaalipin; at aking sinugo sa unahan mo si Moises, si Aaron, at si Miriam. 033 MIC 006 005 Oh bayan ko, alalahanin mo ngayon kung ano ang isinangguni ni Balac na hari sa Moab, at kung ano ang isinagot sa kaniya ni Balaam na anak ni Beor; alalahanin mo mula sa Sittem hanggang sa Gilgal, upang iyong maalaman ang mga matuwid na gawa ng Panginoon. 033 MIC 006 006 Ano ang aking ilalapit sa harap ng Panginoon, at iyuyukod sa harap ng mataas na Dios? paroroon baga ako sa harap niya na may mga handog na susunugin, na may guyang isang taon ang gulang? 033 MIC 006 007 Kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libolibong tupa, o ang mga sangpu-sangpung libong ilog na langis? ibibigay ko baga ang aking panganay dahil sa aking pagsalangsang, ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa? 033 MIC 006 008 Kaniyang ipinakilala sa iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios. 033 MIC 006 009 Ang tinig ng Panginoon ay humihiyaw sa bayan, at ang taong may karunungan ay makakakita ng iyong pangalan: dinggin ninyo ang tungkod, at ang naghalal niyaon. 033 MIC 006 010 Mayroon pa baga kaya ng mga kayamanan ng kasamaan sa bahay ng masama, at ng kulang na panukat na kasuklamsuklam? 033 MIC 006 011 Magiging malinis baga ako na may masamang timbangan, at sa marayang supot na panimbang? 033 MIC 006 012 Sapagka't ang mga mayaman niyaon ay puno ng pangdadahas, at ang mga mananahan doo'y nangagsalita ng mga kabulaanan, at ang kanilang dila ay magdaraya sa kanilang bibig. 033 MIC 006 013 Kaya't sinugatan din naman kita ng mabigat na sugat; ginawa kitang kasiraan dahil sa iyong mga kasalanan. 033 MIC 006 014 Ikaw ay kakain, nguni't hindi ka mabubusog; at ang iyong pagpapakumbaba ay sasa gitna mo: at ikaw ay magtatabi, nguni't wala kang dadalhing maitatabi; at ang iyong ilalabas ay aking iiwan sa tabak. 033 MIC 006 015 Ikaw ay maghahasik, nguni't hindi ka magaani: ikaw ay magpipisa ng mga olibo, nguni't hindi ka magpapahid ng langis; at ng ubas, nguni't hindi ka iinom ng alak. 033 MIC 006 016 Sapagka't naiingatan ang mga palatuntunan ni Omri, at ang lahat na gawa ng sangbahayan ni Achab, at kayo'y nagsisilakad ng ayon sa kanilang mga payo; upang gawin kitang kasiraan, at ang mga mananahan niya'y kasutsutan: at inyong dadalhin ang kakutyaan ng aking bayan. 033 MIC 007 001 Sa aba ko! sapagka't ako'y gaya ng kanilang pisanin ang mga bunga sa taginit, gaya ng mga pamumulot ng ubas sa ubasan: walang kumpol na makain; ako'y nananabik sa unang bunga ng igos. 033 MIC 007 002 Ang mabuting tao ay namatay sa lupa, at wala nang matuwid sa mga tao: silang lahat ay nagsisibakay upang magbubo ng dugo; hinuhuli ng bawa't isa ang kaniyang kapatid sa pamamagitan ng silo. 033 MIC 007 003 Ang kanilang mga kamay ay nangasa kasamaan upang sikaping isagawa; ang prinsipe ay humihingi, at ang hukom ay maagap sa suhol; at ang dakilang tao ay nangagsasalita ng masamang hangad ng kaniyang kaluluwa: ganito nila nilalala. 033 MIC 007 004 Ang pinakamahusay sa kanila ay parang dawag; ang pinakamatuwid ay masama kay sa isang bakod na tinikan: ang araw ng inihula sa iyo ng mga bantay, sa makatuwid baga'y ang araw ng pagdalaw sa iyo, ay dumating; ngayo'y mangatitigilan sila. 033 MIC 007 005 Huwag kayong magsitiwala sa kalapit bahay; huwag kayong magkatiwala sa kaibigan; ingatan mo ang mga pinto ng inyong bibig sa kaniya na humihiga sa inyong sinapupunan. 033 MIC 007 006 Sapagka't sinisiraang puri ng anak na lalake ang ama, ang anak na babae ay tumitindig laban sa kaniyang ina, ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae; ang mga kaaway ng tao ay ang kaniyang sariling kasangbahay. 033 MIC 007 007 Nguni't sa ganang akin, ako'y titingin sa Panginoon; ako'y maghihintay sa Dios ng aking kaligtasan: didinggin ako ng aking Dios. 033 MIC 007 008 Huwag kang magalak laban sa akin, Oh aking kaaway: pagka ako'y nabuwal, ako'y babangon; pagka ako'y naupo sa kadiliman, ang Panginoo'y magiging ilaw sa akin. 033 MIC 007 009 Aking babatahin ang kagalitan ng Panginoon, sapagka't ako'y nagkasala laban sa kaniya, hanggang sa kaniyang ipagsanggalang ang aking usap, at lapatan ako ng kahatulan: kaniyang ilalabas ako sa liwanag, at aking mamasdan ang kaniyang katuwiran. 033 MIC 007 010 Kung magkagayo'y makikita ng aking kaaway, at kahihiyan ang tatakip sa kaniya, na nagsabi sa akin, Saan nandoon ang Panginoon mong Dios? Makikita ng aking mga mata ang nais ko sa kaniya; siya nga'y yayapakan na parang putik sa mga lansangan. 033 MIC 007 011 Kaarawan ng pagtatayo ng iyong mga kuta! sa kaarawang yaon ay malalayo ang pasiya. 033 MIC 007 012 Sa kaarawang yaon ay magsisiparoon sila sa iyo mula sa Asiria at sa mga bayan ng Egipto, at mula sa Egipto hanggang sa ilog, at mula sa dagat at dagat, at sa bundok at bundok. 033 MIC 007 013 Gayon ma'y masisira ang lupain dahil sa kanila na nagsisitahan doon, dahil sa bunga ng kanilang mga gawa. 033 MIC 007 014 Pakanin mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong tungkod, ang kawan na iyong mana, na tumatahang magisa, sa gubat sa gitna ng Carmelo: pakanin mo sila sa Basan at sa Galaad, gaya ng mga araw nang una. 033 MIC 007 015 Gaya ng mga araw ng iyong paglabas sa lupain ng Egipto ay aking pagpapakitaan sila ng mga kagilagilalas na bagay. 033 MIC 007 016 Makikita ng mga bansa, at mangapapahiya sa buo nilang kapangyarihan; kanilang ilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ang kanilang mga pakinig ay mabibingi. 033 MIC 007 017 Sila'y magsisihimod sa alabok na parang ahas; parang nagsisiusad na hayop sa lupa sila'y magsisilabas na nagsisipanginig mula sa kanilang mga kulungan; sila'y magsisilapit na may takot sa Panginoon nating Dios, at mangatatakot dahil sa iyo. 033 MIC 007 018 Sino ang Dios na gaya mo, na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob. 033 MIC 007 019 Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat. 033 MIC 007 020 Iyong isasagawa ang katotohanan kay Jacob, at ang kagandahang-loob kay Abraham, na iyong isinumpa sa aming mga magulang mula sa mga araw nang una. # # BOOK 034 NAH Nahum Nahum 034 NAH 001 001 Ang hula tungkol sa Ninive. Ang aklat tungkol sa pangitain ni Nahum na Elkoshita. 034 NAH 001 002 Ang Panginoon ay mapanibughuing Dios at nanghihiganti; ang Panginoon ay nanghihiganti at puspos ng kapootan; ang Panginoon ay nanghihiganti sa kaniyang mga kaaway, at siya'y nagtataan ng kapootan sa kaniyang mga kaaway. 034 NAH 001 003 Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan, at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin: ang daan ng Panginoon ay sa ipoipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay siyang alabok ng kaniyang mga paa. 034 NAH 001 004 Kaniyang sinasaway ang dagat, at tinutuyo, at tinutuyo ang lahat na ilog: ang Basan ay nanlalata, at ang Carmelo; at ang bulaklak ng Libano ay nalalanta. 034 NAH 001 005 Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa kaniya, at ang mga burol ay nangatutunaw; at ang lupa'y lumilindol sa kaniyang harapan, oo, ang sanglibutan, at ang lahat na nagsisitahan dito. 034 NAH 001 006 Sino ang makatatayo sa harap ng kaniyang pagkagalit? at sino ang makatatahan sa kabangisan ng kaniyang galit? ang kaniyang kapusukan ay sumisigalbong parang apoy, at ang mga malaking bato ay nangatitibag niya. 034 NAH 001 007 Ang Panginoo'y mabuti, katibayan sa kaarawan ng kabagabagan; at nakikilala niya yaong nangaglalagak ng kanilang tiwala sa kaniya. 034 NAH 001 008 Nguni't sa pamamagitan ng manggugunaw na baha ay kaniyang lubos na wawakasan ang kaniyang dako, at hahabulin ang kaniyang mga kaaway sa kadiliman. 034 NAH 001 009 Ano ang inyong kinakatha laban sa Panginoon? siya'y gagawa ng lubos na kawakasan; ang pagdadalamhati ay hindi titindig na ikalawa. 034 NAH 001 010 Sapagka't yamang sila'y maging gaya ng mga salasalabat na tinik, at maging napakalasing na parang manglalasing, sila'y lubos na masusupok na parang tuyong dayami. 034 NAH 001 011 May lumabas na isa sa iyo, na nagiisip ng kasamaan laban sa Panginoon, na pumapayo ng masama. 034 NAH 001 012 Ganito ang sabi ng Panginoon: Bagaman sila'y nangasa lubos na kalakasan, at totoong marami, gayon may sila'y nangalulugmok, at daraan siya. Bagaman pinagdalamhati kita, hindi na kita pagdadalamhatiin pa. 034 NAH 001 013 At ngayo'y aking babaliin ang kaniyang pamatok na nasa iyo, at aking sisirain ang iyong mga paningkaw. 034 NAH 001 014 At ang Panginoon ay nagbigay utos tungkol sa iyo, na hindi na matatatag ang iyong pangalan: sa bahay ng iyong mga dios ay aking ihihiwalay ang larawang inanyuan at ang larawang binubo; aking gagawin ang iyong libingan; sapagka't ikaw ay hamak. 034 NAH 001 015 Narito, nasa ibabaw ng mga bundok ang mga paa niyang nangagdadala ng mga mabuting balita, na nangaghahayag ng kapayapaan! Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan, Oh Juda, tuparin mo ang iyong mga panata; sapagka't ang masama ay hindi na dadaan pa sa iyo; siya'y lubos na nahiwalay. 034 NAH 002 001 Siyang bumabasag ay sumampa sa harapan mo: ingatan mo ang katibayan, bantayan mo ang daan, palakasin mo ang iyong mga balakang, patibayin mo ang iyong kapangyarihan na mainam, 034 NAH 002 002 Sapagka't ibinabalik ng Panginoon ang karilagan ng Jacob na gaya ng karilagan ng Israel: sapagka't ang mga tagatuyo ay nagsituyo sa kanila, at sinira ang mga sanga ng kanilang mga puno ng ubas. 034 NAH 002 003 Ang kalasag ng kaniyang mga makapangyarihang lalake ay pumula, ang matapang na lalake ay nakapanamit ng matingkad na pula: ang mga karo ay nagsisikislap ng patalim sa kaarawan ng kaniyang paghahanda, at ang mga sibat na abeto ay nagsisigalaw ng kakilakilabot. 034 NAH 002 004 Ang mga karo ay nagsisihagibis sa mga lansangan; nangagkakabanggang isa't isa sa mga daan: ang anyo ng mga yaon ay gaya ng mga sulo; nagsisitakbong parang mga kidlat. 034 NAH 002 005 Naaalaala niya ang kaniyang mga bayani: sila'y nangatitisod sa kanilang paglakad; sila'y nangagmamadali sa kuta niyaon, at ang panakip ay handa. 034 NAH 002 006 Ang mga pintuan ng mga ilog ay bukas, at ang palacio ay nalansag. 034 NAH 002 007 At si Huzab ay nahubdan; siya'y dinala; at ang kaniyang mga alilang babae ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati, na nagsisidagok sa kanilang mga dibdib. 034 NAH 002 008 Datapuwa't ang Ninive mula nang una ay naging parang lawa ng tubig: gayon ma'y nagsisitakas. Tigil kayo, tigil kayo, isinisigaw nila; nguni't walang lumilingon. 034 NAH 002 009 Kunin ninyo ang samsam na pilak, kunin ninyo ang samsam na ginto; sapagka't walang katapusang kayamanan, na kaluwalhatian sa lahat ng maligayang kasangkapan. 034 NAH 002 010 Siya'y tuyo, at walang laman, at wasak; at ang puso ay natutunaw, at ang mga tuhod ay nagkakaumpugan, at ang pagdaramdam ay nasa lahat ng mga balakang, at ang mga mukha nilang lahat ay nangamumutla. 034 NAH 002 011 Saan nandoon ang yungib ng mga leon, at ang dakong sabsaban ng mga batang leon, na nililibutan ng leon at ng babaeng leon, ng batang leon, at walang tumatakot sa kanila? 034 NAH 002 012 Ang leon ay kumakatay ng sagana para sa kaniyang mga anak, at lumalapa para sa kaniyang mga babaeng leon, at pinupuno ng huli ang kaniyang mga cueba, at ng tangay ang kaniyang mga yungib. 034 NAH 002 013 Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok, at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa, at ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig. 034 NAH 003 001 Sa aba ng mabagsik na bayan! siya'y puspos na lubos ng kabulaanan at mga agaw; ang panghuhuli ay hindi tumitigil. 034 NAH 003 002 Ang higing ng panghagupit, at ang hugong ng pihit ng mga gulong, at ng mga madambang kabayo, at ng lukso ng mga karo, 034 NAH 003 003 Ang sakay ng mga mangangabayo, at ang kinang ng tabak; at ang kislap ng sibat, at isang karamihan na patay, ay malaking bunton ng mga bangkay, at walang katapusang mga bangkay; sila'y nangatitisod sa kanilang mga bangkay; 034 NAH 003 004 Dahil sa karamihan ng pagpapatutot ng minagandang patutot, na panguna ng pangeenkanto, na nagbibili ng mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang pagpapatutot, at ng mga angkan sa pamamagitan ng kaniyang mga pangeenkanto. 034 NAH 003 005 Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking ilililis ang iyong laylayan sa harap mo; at aking ipakikita sa mga bansa ang iyong kahubaran, at sa mga kaharian ang iyong kahihiyan. 034 NAH 003 006 At aking ihahagis sa iyo ang kasuklamsuklam na karumihan, at gagawin kitang hamak, at ilalagay kitang pinakakutya. 034 NAH 003 007 At mangyayari, na ang lahat na mangakakakita sa iyo, ay iilag sa iyo, at mangagsasabi, Ang Ninive ay nahahandusay na sira: sinong mananaghoy sa kaniya? saan ako hahanap ng mga mangaaliw sa iyo? 034 NAH 003 008 Ikaw baga'y mabuti pa sa Noamon, na natatayo sa gitna ng mga ilog, na may tubig sa palibot niya; na ang katibaya'y ang dagat, at ang kaniyang kuta ay nasa dagat? 034 NAH 003 009 Etiopia at Egipto ang kaniyang mga naging katibayan, at walang hanggan; Phut at Lubim ang iyong mga naging katulong. 034 NAH 003 010 Gayon ma'y siya'y nadala, siya'y pumasok sa pagkabihag; ang kaniyang mga anak naman ay pinagputolputol sa dulo ng lahat ng mga lansangan; at pinagsapalaran ang kaniyang mga marangal na tao, at ang lahat niyang mahal na tao ay nangasabiran ng mga tanikala. 034 NAH 003 011 Ikaw naman ay malalango; ikaw ay matatago; ikaw rin naman ay hahanap ng katibayan dahil sa kaaway. 034 NAH 003 012 Lahat ng iyong kuta ay magiging parang puno ng igos, na may unang hinog na mga igos: kung mga ugugin, nangalalaglag sa bibig ng kumakain. 034 NAH 003 013 Narito, ang iyong mga tao sa gitna mo ay mga babae; ang mga pintuang-bayan ng iyong lupain ay nangabubukas ng maluwang sa iyong mga kaaway: nilamon ng apoy ang iyong mga halang. 034 NAH 003 014 Umigib ka ng tubig sa pagkakubkob; tibayan mo ang iyong mga katibayan; pumasok ka sa putikan, at yapakan mo ang argamasa, tibayan mo ang hurno ng ladrillo. 034 NAH 003 015 Doon ka sasakmalin ng apoy; ihihiwalay ka ng tabak; sasakmalin kang parang uod: magpakarami kang gaya ng uod: magpakarami kang gaya ng balang. 034 NAH 003 016 Iyong pinarami ang iyong mga mangangalakal kay sa mga bituin sa langit: ang uod ay sumasamsam, at lumilipad. 034 NAH 003 017 Ang iyong mga prinsipe ay parang mga balang, at ang iyong mga pinuno ay parang kawan ng lukton, na nagsisihimpil sa mga bakod sa araw na malamig, nguni't pagka ang araw ay sumikat sila'y nagsisilipad, at ang kanilang dako ay hindi alam kung saan sila nangandoon. 034 NAH 003 018 Ang iyong mga pastor ay nangatutulog, Oh hari sa Asiria; ang iyong mga bayani ay nangagpapahinga; ang iyong bayan ay nangangalat sa mga bundok, at walang magpisan sa kanila. 034 NAH 003 019 Walang kagamutan sa iyong sakit: ang iyong sugat ay malubha: lahat na makabalita sa iyo ay nagsisipakpak ng kamay dahil sa iyo; sapagka't sinong hindi nadaanan ng iyong kasamaan? # # BOOK 035 HAB Habakkuk Habacuc 035 HAB 001 001 Ang hula na nakita ni Habacuc na propeta. 035 HAB 001 002 Oh Panginoon, hanggang kailan dadaing ako, at hindi mo didinggin? Ako'y dadaing sa iyo dahil sa pangdadahas, at hindi ka magliligtas. 035 HAB 001 003 Bakit pinagpapakitaan mo ako ng kasamaan, at iyong pinamamasdan ang kasamaan? sapagka't ang kasiraan at pangdadahas ay nasa harap ko; at may pakikipagalit, at pagtatalong bumabangon. 035 HAB 001 004 Kaya't ang kautusan ay natitigil, at ang katarungan ay hindi lumalabas kailan man; sapagka't kinukulong ng masama ang matuwid; kaya't ang kahatulan ay lumalabas na liko. 035 HAB 001 005 Mangagmasid kayo sa gitna ng mga bansa, at tumingin kayo at mamangha kayo ng kagilagilalas; sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga kaarawan na hindi ninyo paniniwalaan bagaman saysayin sa inyo. 035 HAB 001 006 Sapagka't narito, aking itinitindig ang mga Caldeo, yaong makapangingilabot at marahas na bansa, na lumalakad sa kaluwangan ng lupa, upang magari ng mga tahanang dako na hindi kanila. 035 HAB 001 007 Sila'y kakilakilabot at nangakatatakot; ang kanilang kahatulan at ang kanilang karangalan ay mula sa kanilang sarili. 035 HAB 001 008 Ang kanilang mga kabayo naman ay matutulin kay sa mga leopardo, at mababangis kay sa lobo sa gabi; at ang kanilang mga mangangabayo ay nagtutumulin na may kapalaluan: oo, ang kanilang mga mangangabayo ay nanganggagaling sa malayo; sila'y nagsisilipad na parang aguila na nagmamadali upang manakmal. 035 HAB 001 009 Sila'y nagsisiparitong lahat sa pangdadahas; ang kanilang mga mukha ay nangakatitig sa silanganan; at sila'y nangagpipisan ng mga bihag na parang buhangin. 035 HAB 001 010 Oo, siya'y nanunuya sa mga hari, at ang mga prinsipe ay katuyaan sa kaniya; kaniyang kinukutya ang bawa't katibayan; sapagka't nagbubunton siya ng alabok, at sinasakop. 035 HAB 001 011 Kung magkagayo'y lalampas siya na parang hangin, at magdaraan, at magiging salarin, sa makatuwid baga'y siya na ang kapangyarihan ay ang kaniyang dios. 035 HAB 001 012 Di baga ikaw ay mula sa walang hanggan, Oh Panginoon kong Dios, aking Banal? kami ay hindi mangamamatay. Oh Panginoon, iyong itinakda siya ukol sa kahatulan; at ikaw, Oh Malaking Bato, ay iyong itinatag siya na pinakasaway. 035 HAB 001 013 Ikaw na may mga matang malinis kay sa tumingin ng kasuwailan, at hindi ka makatitingin sa kasamaan, bakit mo minamasdan ang nagsisigawa ng paglililo, at tumatahimik ka pagka sinasakmal ng masama ang tao na lalong matuwid kay sa kaniya; 035 HAB 001 014 At kaniyang ginagawa ang mga tao na parang mga isda sa dagat, parang nagsisigapang na walang nagpupuno sa kanila? 035 HAB 001 015 Kaniyang binubuhat ng bingwit silang lahat, kaniyang hinuhuli sila sa kaniyang dala, at kaniyang pinipisan sila sa kaniyang lambat: kaya't siya'y nagagalak at siya'y masaya. 035 HAB 001 016 Kaya't siya'y naghahain sa kaniyang lambat, at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang lambat; sapagka't sa pamamagitan ng mga yao'y ang kaniyang bahagi ay mataba, at ang kaniyang pagkain ay sagana. 035 HAB 001 017 Mawawalan nga baga ng laman ang kaniyang lambat, at hindi mahahabag na pumatay na palagi sa mga bansa. 035 HAB 002 001 Ako'y tatayo sa aking bantayan, at lalagay ako sa moog, at tatanaw upang maalaman ko kung ano ang kaniyang sasalitain sa akin, at kung ano ang aking isasagot tungkol sa aking daing. 035 HAB 002 002 At ang Panginoon ay sumagot sa akin, at nagsabi, Isulat mo ang pangitain, at iukit mo na malinaw sa mga tapyas na bato upang makatakbo ang bumabasa niyaon. 035 HAB 002 003 Sapagka't ang pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo; sapagka't walang pagsalang darating, hindi magtatagal. 035 HAB 002 004 Narito, ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalalo, hindi tapat sa kaniya; nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya. 035 HAB 002 005 Oo, bukod dito'y ang alak ay magdaraya, isang taong hambog, at hindi natitira sa bahay; na lumaki ang kaniyang nasa na parang Sheol, at siya'y parang kamatayan, at hindi masisiyahan, kundi pinipisan sa kaniya ang lahat na bansa, at ibinubunton sa kaniya ang lahat na bayan. 035 HAB 002 006 Hindi baga ang lahat ng ito ay magbabadya ng talinhaga laban sa kaniya, at ng nakagagalit na kawikaan laban sa kaniya, at mangagsasabi, Sa aba niya na nagpaparami ng di kaniya! hanggang kailan? at nagpapasan siya sa kaniyang sarili ng mga sangla! 035 HAB 002 007 Hindi baga sila mangagtitindig, na bigla na kakagat sa iyo, at magsisigising na babagabag sa iyo, at ikaw ay magiging samsam sa kanila? 035 HAB 002 008 Dahil sa iyong sinamsaman ang maraming bansa, lahat ng nalabi sa mga tao ay magsisisamsam sa iyo, dahil sa dugo ng mga tao, at dahil sa karahasang ginawa sa lupain, sa bayan at sa lahat ng nagsisitahan doon. 035 HAB 002 009 Sa aba niya na nagiimpok ng masamang pakinabang para sa kaniyang sangbahayan, upang kaniyang mailagay ang pugad niya sa itaas, upang siya'y maligtas sa kamay ng kasamaan! 035 HAB 002 010 Ikaw ay naghaka ng ikahihiya ng iyong sangbahayan, sa paghihiwalay ng maraming tao, at ikaw ay nagkasala laban sa iyong sarili. 035 HAB 002 011 Sapagka't ang bato ay dadaing mula sa pader, at ang tahilan mula sa mga kahoy ay sasagot. 035 HAB 002 012 Sa aba niya na nagtatayo ng bayan sa pamamagitan ng dugo, at nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan! 035 HAB 002 013 Narito, hindi baga dahil sa Panginoon ng mga hukbo na ang mga tao ay nagsisigawa para sa apoy, at ang mga bansa ay nangagpapakapagod sa walang kabuluhan? 035 HAB 002 014 Sapagka't ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon, gaya ng pagtakip ng tubig sa dagat. 035 HAB 002 015 Sa aba niya na nagpapainom ng alak sa kaniyang kapuwa, na idinadagdag mo ang iyong kamandag, at nilalasing mo rin naman siya, upang iyong mamasdan ang kaniyang kahubaran! 035 HAB 002 016 Ikaw ay puno ng kahihiyan, at hindi ng kaluwalhatian: uminom ka naman, at maging gaya ng isang hindi tuli; ang saro ng kanan ng Panginoon ay mababalik sa iyo, at kasuklamsuklam na kahihiyan ang mahahalili sa iyong kaluwalhatian. 035 HAB 002 017 Sapagka't ang pangdadahas na ginawa sa Libano ay tatakip sa iyo, at ang panggigiba sa mga hayop na nakatakot sa kanila; dahil sa dugo ng mga tao, at dahil sa pangdadahas na ginawa sa lupain, sa bayan, at sa lahat na nagsisitahan doon. 035 HAB 002 018 Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao'y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan? 035 HAB 002 019 Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon. 035 HAB 002 020 Nguni't ang Panginoo'y nasa kaniyang banal na templo: tumahimik ang buong lupa sa harap niya. 035 HAB 003 001 Panalangin ni Habacuc na propeta, itinugma sa Sigionoth. 035 HAB 003 002 Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot: Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon; Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid; Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan. 035 HAB 003 003 Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema, At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah) Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit. At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan. 035 HAB 003 004 At ang kaniyang ningning ay parang liwanag; Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay; At doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan. 035 HAB 003 005 Sa unahan niya'y nagpapauna ang salot, At nagniningas na baga ang lumalabas sa kaniyang mga paa. 035 HAB 003 006 Siya'y tumayo, at sinukat ang lupa; Siya'y tumingin, at pinaghiwalay ang mga bansa; At ang mga walang hanggang bundok ay nangalat; Ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod; Ang kaniyang mga lakad ay gaya noong araw. 035 HAB 003 007 Nakita ko ang mga tolda sa Cushan sa pagdadalamhati; Ang mga tabing ng lupain ng Madian ay nanginig. 035 HAB 003 008 Kinasasamaan baga ng loob ng Panginoon ang mga ilog? Ang iyo bagang galit ay laban sa mga ilog, O ang iyo bagang poot ay laban sa dagat, Na ikaw ay sumakay sa iyong mga kabayo, Sa iyong mga karo ng kaligasan? 035 HAB 003 009 Ang iyong busog ay nahubarang lubos; Ang mga panunumpa sa mga lipi ay tunay na salita. (Selah) Iyong pinuwangan ng mga ilog ang lupa. 035 HAB 003 010 Ang mga bundok ay nangakakita sa iyo, at nangatakot; Ang unos ng tubig ay dumaan: Inilakas ng kalaliman ang kaniyang tinig, At itinaas ang kaniyang mga kamay sa itaas. 035 HAB 003 011 Ang araw at buwan ay tumigil sa kanilang tahanan, Sa liwanag ng iyong mga pana habang sila'y nagsisiyaon, Sa kislap ng iyong makinang na sibat. 035 HAB 003 012 Ikaw ay lumakad sa mga lupain sa pagkagalit; Iyong giniik ang mga bansa sa galit. 035 HAB 003 013 Ikaw ay lumabas sa ikaliligtas ng iyong bayan, Sa ikaliligtas ng iyong pinahiran ng langis; Iyong sinugatan ang pangulo ng bahay ng masama, Na inililitaw ang patibayan hanggang sa leeg. (Selah) 035 HAB 003 014 Iyong mga pinalagpasan ng kaniyang sariling mga sibat ang ulo ng kaniyang mga mangdidigma: Sila'y nagsiparitong parang ipoipo upang pangalatin ako; Ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha. 035 HAB 003 015 Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo. Sa bunton ng makapangyarihang tubig. 035 HAB 003 016 Aking narinig, at ang aking katawan ay nanginginig, Ang aking mga labi ay nangatal sa tinig; kabuluka'y pumapasok sa aking mga buto, at ako'y nanginginig sa aking dako; Sapagka't ako'y kailangang magtiis sa kaarawan ng kabagabagan, Sa pagsampa ng bayan na lumulusob sa atin. 035 HAB 003 017 Sapagka't bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak, Ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas; Ang bunga ng olibo ay maglilikat. At ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain; Ang kawan ay mahihiwalay sa kulungan, At hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan: 035 HAB 003 018 Gayon ma'y magagalak ako sa Panginoon, Ako'y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan. 035 HAB 003 019 Si Jehova, na Panginoon, siyang aking lakas; At ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa. At ako'y palalakarin niya sa aking mga mataas na dako. Sa Pangulong Manunugtog, sa aking mga panugtog na kawad. # # BOOK 036 ZEP Zephaniah Zefanias 036 ZEP 001 001 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Zefanias na anak ni Cushi, na anak ni Gedalias, na anak ni Amarias, na anak ni Ezechias, nang mga kaarawan ni Josias na anak ni Amon, na hari sa Juda. 036 ZEP 001 002 Aking lubos na lilipulin ang lahat na bagay sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon. 036 ZEP 001 003 Aking lilipulin ang tao at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon. 036 ZEP 001 004 At aking iuunat ang aking kamay sa Juda, at sa lahat na nananahan sa Jerusalem; at aking ihihiwalay ang nalabi kay Baal sa dakong ito, at ang pangalan ng mga Chemarim sangpu ng mga saserdote; 036 ZEP 001 005 At ang nagsisisamba sa natatanaw sa langit sa mga bubungan ng bahay; at ang nagsisisamba na nanunumpa sa Panginoon at nanunumpa sa pangalan ni Malcam; 036 ZEP 001 006 At ang nagsisitalikod na mula sa pagsunod sa Panginoon; at yaong mga hindi nagsisihanap sa Panginoon, ni sumangguni man sa kaniya. 036 ZEP 001 007 Pumayapa ka sa harap ng Panginoong Dios; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na: sapagka't inihanda ng Panginoon ang isang hain, kaniyang itinalaga ang kaniyang mga panauhin. 036 ZEP 001 008 At mangyayari sa kaarawan ng hain sa Panginoon, na aking parurusahan ang mga prinsipe, at ang mga anak ng hari, at ang lahat na nangagsusuot ng pananamit ng taga ibang lupa. 036 ZEP 001 009 At sa araw na yaon ay aking parurusahan yaong lahat na nagsisilukso sa pasukan, na pinupuno ang bahay ng kanilang panginoon ng pangdadahas at pagdaraya. 036 ZEP 001 010 At sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, magkakaroon ng ingay ng hiyawan na mula sa pintuang-bayan ng mga isda, at ng pananambitan mula sa ikalawang bahagi, at malaking hugong na mula sa mga burol. 036 ZEP 001 011 Manambitan kayo, kayong mga nananahan sa Mactes; sapagka't ang buong bayan ng Canaan ay nalansag; yaong napapasanan ng pilak ay nangahiwalay. 036 ZEP 001 012 At mangyayari sa panahong yaon, na ang Jerusalem ay sisiyasatin kong may mga ilawan; at aking parurusahan ang mga tao na nagsisiupo sa kanilang mga latak, na nangagsasabi sa kanilang puso, Ang Panginoo'y hindi gagawa ng mabuti, ni gagawa man siya ng masama. 036 ZEP 001 013 At ang kanilang kayamanan ay magiging samsam, at ang kanilang mga bahay ay kasiraan: oo, sila'y mangagtatayo ng mga bahay, nguni't hindi nila titirahan; at sila'y mag-uubasan, nguni't hindi sila magsisiinom ng alak niyaon. 036 ZEP 001 014 Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim. 036 ZEP 001 015 Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman, 036 ZEP 001 016 Kaarawan ng pakakak at ng hudyatan, laban sa mga bayang nakukutaan, at laban sa mataas na kuta. 036 ZEP 001 017 At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao, na sila'y magsisilakad na parang mga bulag, sapagka't sila'y nangagkasala laban sa Panginoon; at ang kanilang dugo ay mabububo na parang alabok, at ang kanilang katawan ay parang dumi. 036 ZEP 001 018 Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka't wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain. 036 ZEP 002 001 Kayo'y magpipisan, oo, magpipisan, Oh bansang walang kahihiyan; 036 ZEP 002 002 Bago ang pasiya'y lumabas, bago dumaang parang dayami ang kaarawan, bago dumating sa inyo ang mabangis na galit ng Panginoon, bago dumating sa inyo ang kaarawan ng galit ng Panginoon. 036 ZEP 002 003 Hanapin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na maamo sa lupa, na nagsigawa ng ayon sa kaniyang kahatulan; hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan: kaypala ay malilingid kayo sa kaarawan ng galit ng Panginoon. 036 ZEP 002 004 Sapagka't ang Gaza ay pababayaan, at ang Ascalon ay sa kasiraan; kanilang palalayasin ang Asdod sa katanghaliang tapat, at ang Ecron ay mabubunot. 036 ZEP 002 005 Sa aba ng mga nananahanan sa baybayin ng dagat, bansa ng mga Chereteo! Ang salita ng Panginoon ay laban sa iyo, Oh Canaan, na lupain ng mga Filisteo; aking gigibain ka, upang mawalan ng mga mananahan. 036 ZEP 002 006 At ang baybayin ng dagat ay magiging pastulan, na may mga dampa para sa mga pastor, at mga kulungan para sa mga kawan. 036 ZEP 002 007 At ang baybayin ay mapapasa nalabi sa sangbahayan ni Juda; sila'y mangagpapastol ng kanilang mga kawan doon; sa mga bahay sa Ascalon ay mangahihiga sila sa gabi; sapagka't dadalawin sila ng Panginoon nilang Dios, at ibabalik sila na mula sa kanilang pagkabihag. 036 ZEP 002 008 Aking narinig ang panunungayaw ng Moab, at ang pagapi ng mga anak ni Ammon, na kanilang ipinanungayaw sa aking bayan, at nagmalaki sila ng kanilang sarili laban sa kanilang hangganan. 036 ZEP 002 009 Buhay nga ako, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Walang pagsalang ang Moab ay magiging parang Sodoma, at ang mga anak ni Ammon ay parang Gomorra, pag-aari na mga dawag, at lubak na asin, at isang pagkasira sa tanang panahon: sila'y sasamsamin ng nalabi sa aking bayan, at sila'y mamanahin ng nalabi sa aking bansa. 036 ZEP 002 010 Ito ang kanilang mapapala dahil sa kanilang pagpapalalo, sapagka't sila'y nanungayaw at nagmalaki ng kanilang sarili laban sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo. 036 ZEP 002 011 Ang Panginoo'y magiging kakilakilabot sa kanila; sapagka't kaniyang gugutumin ang lahat ng dios sa lupa; at sasambahin siya ng mga tao; ng bawa't isa mula sa kanikaniyang dako, ng lahat na pulo ng mga bansa. 036 ZEP 002 012 Kayong mga taga Etiopia naman, kayo'y papatayin sa pamamagitan ng aking tabak. 036 ZEP 002 013 At kaniyang iuunat ang kaniyang kamay laban sa hilagaan, at gigibain ang Asiria, at ang Nineve ay sisirain, at tutuyuing gaya ng ilang. 036 ZEP 002 014 At mga bakaha'y hihiga sa gitna niyaon, lahat ng hayop ng mga bansa: ang pelikano at gayon din ang erizo ay tatahan sa mga kapitel niyaon; kanilang tinig ay huhuni sa mga dungawan; kasiraa'y sasapit sa mga pasukan; sapagka't kaniyang sinira ang mga yaring kahoy na cedro. 036 ZEP 002 015 Ito ang masayang bayan na tumahang walang bahala, na nagsasabi sa sarili, Ako nga, at walang iba liban sa akin: ano't siya'y naging sira, naging dakong higaan para sa mga hayop! lahat na daraan sa kaniya ay magsisisutsot, at ikukumpas ang kaniyang kamay. 036 ZEP 003 001 Sa aba niya na mapanghimagsik at nadumhan! ng mapagpighating kamay! 036 ZEP 003 002 Siya'y hindi sumunod sa tinig; siya'y hindi napasaway; siya'y hindi tumiwala sa Panginoon; siya'y hindi lumapit sa kaniyang Dios. 036 ZEP 003 003 Ang mga prinsipe niya sa gitna niya ay mga leong nagsisiungal; ang mga hukom niya ay mga lobo sa gabi; sila'y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan. 036 ZEP 003 004 Ang kaniyang mga propeta ay mga walang kabuluhan at mga taong taksil; nilapastangan ng kaniyang mga saserdote ang santuario, sila'y nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan. 036 ZEP 003 005 Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid; siya'y hindi gagawa ng kasamaan; tuwing umaga'y kaniyang ipinaliliwanag ang kaniyang matuwid na kahatulan, siya'y hindi nagkukulang; nguni't ang hindi ganap ay hindi nakakaalam ng kahihiyan. 036 ZEP 003 006 Ako'y naghiwalay ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan, na anopa't walang makaraan; ang kanilang mga bayan ay giba, na anopa't walang tao, na anopa't walang tumatahan. 036 ZEP 003 007 Aking sinabi, Matakot ka lamang sa akin; tumanggap ng pagsaway; sa gayo'y ang kaniyang tahanan ay hindi mahihiwalay, ayon sa lahat na aking itinakda sa kaniya: nguni't sila'y bumangong maaga, at kanilang sinira ang lahat nilang gawa. 036 ZEP 003 008 Kaya't hintayin ninyo ako, sabi ng Panginoon, hanggang sa kaarawan na ako'y bumangon sa panghuhuli; sapagka't ang aking pasiya ay pisanin ang mga bansa, upang aking mapisan ang mga kaharian, upang maibuhos ko sa kanila ang aking kagalitan, sa makatuwid baga'y ang aking buong mabangis na galit; sapagka't ang buong lupa ay sasakmalin, ng silakbo ng aking paninibugho. 036 ZEP 003 009 Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa. 036 ZEP 003 010 Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia, ang mga nagsisipamanhik sa akin, sa makatuwid baga'y ang anak na babae ng aking pinapangalat, ay magdadala ng handog sa akin. 036 ZEP 003 011 Sa araw na yao'y hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok. 036 ZEP 003 012 Nguni't aking iiwan sa gitna mo ang isang nagdadalamhati at maralitang bayan, at sila'y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon. 036 ZEP 003 013 Ang nalabi sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan, ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka't sila'y magsisikain at magsisihiga, at walang takot sa kanila. 036 ZEP 003 014 Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem. 036 ZEP 003 015 Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan. 036 ZEP 003 016 Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, huwag manghina ang iyong mga kamay. 036 ZEP 003 017 Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit. 036 ZEP 003 018 Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan, na sila'y mga naging iyo; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan. 036 ZEP 003 019 Narito, sa panahong yao'y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo: at aking ililigtas ang napipilay, at aking pipisanin ang pinalayas; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan, na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa. 036 ZEP 003 020 Sa panahong yao'y aking ipapasok kayo, at sa panahong yao'y aking pipisanin kayo; sapagka't aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon. # # BOOK 037 HAG Haggai Hagai 037 HAG 001 001 Nang ikalawang taon ni Dario na hari, nang ikaanim na buwan, nang unang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta kay Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay Josue na anak ni Josadac na dakilang saserdote, na nagsasabi, 037 HAG 001 002 Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, ang bayang ito'y nagsasabi, Hindi pa dumarating ang panahon, ang panahon ng pagtatayo ng bahay sa Panginoon. 037 HAG 001 003 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi, 037 HAG 001 004 Panahon baga sa inyo na tumahan sa inyong mga nakikisamihang bahay, samantalang ang bahay na ito ay namamalaging wasak? 037 HAG 001 005 Ngayon nga'y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad. 037 HAG 001 006 Kayo'y nangaghasik ng marami, at nagsisiani ng kaunti; kayo'y nagsisikain, nguni't hindi kayo nagkaroon ng kahustuhan; kayo'y nagsisiinom, nguni't hindi kayo nangapapatirang-uhaw; kayo'y nangananamit, nguni't walang mainit; at yaong kumikita ng mga pinagarawan ay kumikita ng mga pinagarawan upang ilagay sa supot na may mga butas. 037 HAG 001 007 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad. 037 HAG 001 008 Magsiahon kayo sa bundok, at mangagdala ng kahoy, at mangagtayo kayo ng bahay; at aking kalulugdan, at ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoon. 037 HAG 001 009 Kayo'y nangaghintay ng marami, at, narito, ang dumating ay kaunti; at nang inyong dalhin sa bahay, aking hinipan. Bakit? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Dahil sa ang aking bahay ay nahahandusay na wasak, samantalang tumatakbo bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang sariling bahay. 037 HAG 001 010 Kaya't dahil sa inyo, pinipigil ng langit ang hamog, at ipinagkakait ng lupa ang kaniyang bunga. 037 HAG 001 011 At ako'y nagpasapit ng pagkatuyo sa lupa, at sa mga bundok, at sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa sumisibol sa lupa, at sa mga tao, at sa baka, at sa lahat ng pinagpagalan ng mga kamay. 037 HAG 001 012 Nang magkagayo'y si Zorobabel na anak ni Sealtiel, at si Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, sangpu ng buong nalabi sa bayan, nagsitalima sa tinig ng Panginoon nilang Dios, at sa mga salita ni Hagai na propeta, na siyang sinugo ng Panginoon nilang Dios; at ang bayan ay natakot sa harap ng Panginoon. 037 HAG 001 013 Nang magkagayo'y nagsalita si Hagai, na sugo ng Panginoon ayon sa pasugo ng Panginoon sa bayan, na nagsasabi, Ako'y sumasainyo, sabi ng Panginoon. 037 HAG 001 014 At kinilos ng Panginoon ang kalooban ni Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at ang kalooban ni Josue na anak ni Josadac na pangulong saserdote, at ang kalooban ng buong nalabi sa bayan; at sila'y nagsiparoon, at nagsigawa sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, na kanilang Dios, 037 HAG 001 015 Nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, nang buwang ikaanim, nang ikalawang taon ni Dario na hari. 037 HAG 002 001 Nang ikapitong buwan nang ikadalawang pu't isang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi, 037 HAG 002 002 Salitain mo ngayon kay Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, at sa nalabi sa bayan, na sabihin mo, 037 HAG 002 003 Sino ang nananatili sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kaniyang dating kaluwalhatian? at paanong nakikita ninyo ngayon? hindi baga sa inyong mga mata ay parang wala? 037 HAG 002 004 Gayon ma'y magpakalakas ka ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at kayo'y magsigawa: sapagka't ako'y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo, 037 HAG 002 005 Ayon sa salita na aking itinipan sa inyo nang kayo'y magsilabas sa Egipto, at ang aking Espiritu ay nanahan sa inyo: huwag kayong mangatakot. 037 HAG 002 006 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Minsan na lamang, sangdaling panahon, at aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa; 037 HAG 002 007 At aking uugain ang lahat na bansa; at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at aking pupunuin ang bahay na ito ng kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 037 HAG 002 008 Ang pilak ay akin, at ang ginto ay akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 037 HAG 002 009 Ang huling kaluwalhatian ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 037 HAG 002 010 Nang ikadalawang pu't apat nang ikasiyam na buwan, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi, 037 HAG 002 011 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Mangagtanong kayo ngayon sa mga saserdote ng tungkol sa kautusan, na mangagsabi, 037 HAG 002 012 Kung ang isang tao ay may dala sa kaniyang kandungan na banal na karne, at magsagi ng kaniyang laylayan ang tinapay, o ulam, o alak, o langis, o anomang pagkain, magiging banal pa baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot, at nangagsabi, Hindi. 037 HAG 002 013 Nang magkagayo'y sinabi ni Hagai, Kung ang sinomang marumi dahil sa bangkay ay masagi ang anoman sa mga ito, magiging marumi baga? At ang mga saserdote ay nagsisagot at nangagsabi, Magiging marumi. 037 HAG 002 014 Nang magkagayo'y sumagot si Hagai, at nagsabi, Gayon nga ang bayang ito, at gayon ang bansang ito sa harap ko, sabi ng Panginoon; at gayon ang bawa't gawa ng kanilang mga kamay; at ang kanilang inihahandog doon ay marumi. 037 HAG 002 015 At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, na inyong gunitain mula sa araw na ito at sa nakaraan, bago ang bato ay mapatong sa kapuwa bato sa templo ng Panginoon. 037 HAG 002 016 Nang buong panahong yaon, pagka ang isa ay lumalapit sa isang bunton ng dalawang pung takal, may sangpu lamang; pagka ang isa ay lumalapit sa pigaan ng alak upang kumuha ng limang pung sisidlan, may dalawang pu lamang. 037 HAG 002 017 Sinalot ko kayo ng pagkalanta at ng amag at ng granizo sa lahat ng gawa ng inyong mga kamay; gayon ma'y hindi kayo nanumbalik sa akin, sabi ng Panginoon. 037 HAG 002 018 Isinasamo ko nga sa inyo, na kayo'y magdilidili mula sa araw na ito at sa nakaraan, mula nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikasiyam na buwan, mula nang araw na ang tatagang-baon ng templo ng Panginoon ay ilagay, gunitain ninyo. 037 HAG 002 019 May binhi pa baga sa kamalig? oo, ang puno ng ubas, at ang puno ng igos, at ang granada, at ang puno ng olibo ay hindi nagbunga; mula sa araw na ito ay pagpapalain ko kayo. 037 HAG 002 020 At ang salita ng Panginoon ay dumating na ikalawa kay Hagai nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, na nagsasabi, 037 HAG 002 021 Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda, na iyong sabihin, Aking uugain ang langit at ang lupa; 037 HAG 002 022 At aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid. 037 HAG 002 023 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kita'y kukunin, Oh Zorobabel, na aking lingkod, na anak ni Sealtiel, sabi ng Panginoon, at gagawin kitang pinaka panatak; sapagka't pinili kita, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. # # BOOK 038 ZEC Zechariah Zacarias 038 ZEC 001 001 Nang ikawalong buwan, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias na anak ni Berechias, na anak ni Iddo, na propeta, na nagsasabi, 038 ZEC 001 002 Ang Panginoo'y totoong naghinanakit sa inyong mga magulang. 038 ZEC 001 003 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Manumbalik kayo sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 038 ZEC 001 004 Huwag kayong maging gaya ng inyong mga magulang, na siyang mga pinagsabihan ng mga unang propeta, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Manumbalik kayo ngayon na mula sa inyong mga masamang lakad, at sa inyong mga masamang gawain: nguni't hindi nila dininig, o pinakinggan man ako, sabi ng Panginoon. 038 ZEC 001 005 Ang inyong mga magulang, saan nangandoon sila? at ang mga propeta, nangabubuhay baga sila ng magpakailan man? 038 ZEC 001 006 Nguni't ang aking mga salita at ang aking mga palatuntunan, na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi baga nagsiabot sa inyong mga magulang? at sila'y nanumbalik at nangagsabi, Kung paano ang inisip na gawin ng Panginoon ng mga hukbo sa amin, ayon sa aming mga lakad, at ayon sa aming mga gawa, gayon ang ginawa niya sa amin. 038 ZEC 001 007 Nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikalabing isang buwan, na siyang buwan ng Sebath, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias, na anak ni Berechias, na anak ni Iddo, na propeta, na nagsasabi, 038 ZEC 001 008 Aking nakita sa gabi, at, narito, ang isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo, at siya'y tumayo sa mga puno ng mirto, na nasa pinakamababa; at sa likuran niya'y may mga kabayong mapula, alazan, at maputi. 038 ZEC 001 009 Nang magkagayo'y sinabi, Oh Panginoon ko, ano ang mga ito? At ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin, Aking ipakikita sa iyo kung ano-ano ang mga ito. 038 ZEC 001 010 At ang lalake na nakatayo sa mga puno ng mirto ay sumagot at nagsabi, Ang mga ito yaong mga sinugo ng Panginoon na magsilibot sa lupa. 038 ZEC 001 011 At sila'y nagsisagot sa anghel ng Panginoon na nakatayo sa mga puno ng mirto, at nagsabi, Aming nilibot ang lupa, at, narito, ang buong lupa ay tahimik, at tiwasay. 038 ZEC 001 012 Nang magkagayo'y ang anghel ng Panginoon ay sumagot at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, hanggang kailan mawawalan ka ng habag sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda, laban sa iyong mga kinagalitan nitong pitong pung taon? 038 ZEC 001 013 At ang Panginoo'y sumagot sa anghel na nakikipagusap sa akin ng mga mabuting salita, ng mga salitang pangaliw. 038 ZEC 001 014 Sa gayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin. Ikaw ay humiyaw, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Ako'y naninibugho sa Jerusalem at sa Sion ng malaking paninibugho. 038 ZEC 001 015 At ako'y totoong naghihinanakit sa mga bansa na mga tiwasay; sapagka't ako'y naghinanakit ng kaunti, at sila'y nagsitulong ng pagbubungad ng kadalamhatian. 038 ZEC 001 016 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Jerusalem na may taglay na mga pagkahabag; ang aking bahay ay matatayo roon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at isang pising panukat ay mauunat sa ibabaw ng Jerusalem. 038 ZEC 001 017 Humiyaw ka pa uli, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong; at aaliwin pa ng Panginoon ang Sion, at pipiliin pa ang Jerusalem. 038 ZEC 001 018 At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, ang apat na sungay. 038 ZEC 001 019 At aking sinabi sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito? At siya'y sumagot sa akin, Ito ang mga sungay sa nagpangalat sa Juda, sa Israel, at sa Jerusalem. 038 ZEC 001 020 At ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday. 038 ZEC 001 021 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito? At siya'y nagsalita na nagsabi, Ito ang mga sungay na nagpangalat sa Juda, na anopa't walang lalake na nagtaas ng kaniyang ulo; nguni't ang mga ito'y naparito upang takutin sila, upang ihulog ang mga sungay ng mga bansa, na nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang pangalatin. 038 ZEC 002 001 At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, ang isang lalake na may panukat na pisi sa kaniyang kamay. 038 ZEC 002 002 Nang magkagayo'y sinabi ko, Saan ka paroroon? At sinabi niya sa akin, Upang sukatin ang Jerusalem, upang tingnan kung gaano ang luwang, at kung gaano ang haba. 038 ZEC 002 003 At, narito, ang anghel na nakikipagusap sa akin ay umalis, at ibang anghel ay lumabas na sumalubong sa kaniya, 038 ZEC 002 004 At sinabi sa kaniya, Tumakbo ka, iyong salitain sa binatang ito, na sabihin, Ang Jerusalem ay tatahanan na parang mga nayon na walang mga kuta, dahil sa karamihan ng mga tao at hayop doon. 038 ZEC 002 005 Sapagka't ako, sabi ng Panginoon, ay magiging sa kaniya'y isang kutang apoy sa palibot, at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya. 038 ZEC 002 006 Oy, oy, magsitakas kayo mula sa lupain ng hilagaan, sabi ng Panginoon; sapagka't kayo'y aking pinangalat na parang apat na hangin sa himpapawid, sabi ng Panginoon. 038 ZEC 002 007 Oy Sion, tumanan ka, ikaw na tumatahan na kasama ng anak na babae ng Babilonia. 038 ZEC 002 008 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo niya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo; sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata. 038 ZEC 002 009 Sapagka't narito, aking ikukumpas ang aking kamay sa kanila, at sila'y magiging samsam niyaong nangaglilingkod sa kanila; at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin. 038 ZEC 002 010 Ikaw ay umawit at magalak, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't narito, ako'y naparirito, at ako'y tatahan sa gitna mo, sabi ng Panginoon. 038 ZEC 002 011 At maraming bansa ay magpipisan sa Panginoon sa araw na yaon, at magiging aking bayan; at ako'y tatahan sa gitna mo, at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa iyo. 038 ZEC 002 012 At mamanahin ng Panginoon ang Juda na pinaka bahagi niya sa banal na lupain at pipiliin pa ang Jerusalem. 038 ZEC 002 013 Tumahimik ang lahat na tao, sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y gumising na sa kaniyang banal na tahanan. 038 ZEC 003 001 At ipinakita niya sa akin si Josue na pangulong saserdote na nakatayo sa harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan upang maging kaniyang kaaway. 038 ZEC 003 002 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Sawayin ka nawa ng Panginoon, Oh Satanas; oo, ang Panginoon na pumili ng Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo: di baga ito'y isang dupong na naagaw sa apoy? 038 ZEC 003 003 Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming kasuutan, at nakatayo sa harap ng anghel. 038 ZEC 003 004 At siya'y sumagot at nagsalita sa mga yaon na nangakatayo sa harap niya, na nagsabi, Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa kaniya. At sa kaniya'y kaniyang sinabi, Narito, aking pinaram ang iyong kasamaan, at aking susuutan ka ng mainam na kasuutan. 038 ZEC 003 005 At aking sinabi, Suutan siya nila ng isang magandang mitra sa kaniyang ulo. Sa gayo'y sinuutan siya ng magandang mitra sa kaniyang ulo, at sinuutan siya ng mga kasuutan; at ang anghel ng Panginoon ay nakatayo sa siping. 038 ZEC 003 006 At ang anghel ng Panginoon ay tumutol kay Josue, na nagsabi, 038 ZEC 003 007 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, at kung iyong iingatan ang aking bilin, iyo nga ring hahatulan ang aking bayan, at iyo ring iingatan ang aking mga looban, at bibigyan kita ng kalalagyan sa gitna ng mga ito na nangakaharap. 038 ZEC 003 008 Dinggin mo ngayon, Oh Josue, na pangulong saserdote, dinggin mo, at ng iyong mga kasama na nangakaupo sa harap mo; sapagka't sila'y mga taong pinaka tanda: sapagka't narito, aking ilalabas ang aking lingkod na Sanga. 038 ZEC 003 009 Sapagka't, narito, ang bato na aking inilagay sa harap ni Josue; sa ibabaw ng isang bato ay may pitong mata: narito, aking iuukit ang ukit niyaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking aalisin ang kasamaan ng lupaing yaon sa isang araw. 038 ZEC 003 010 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, tatawagin ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang kapuwa sa lilim ng puno ng ubas, at sa lilim ng puno ng igos. 038 ZEC 004 001 At ang anghel na nakipagusap sa akin ay bumalik, at ginising ako, na gaya ng tao na nagigising sa kaniyang pagkakatulog. 038 ZEC 004 002 At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y tumingin, at, narito, isang kandelero na taganas na ginto, na may taza sa ibabaw niyaon, at ang pitong ilawan niyaon sa ibabaw; may pitong tubo sa bawa't isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyaon; 038 ZEC 004 003 At may dalawang puno ng olibo sa siping niyaon, isa sa dakong kanan ng taza, at ang isa'y sa dakong kaliwa niyaon. 038 ZEC 004 004 At ako'y sumagot at nagsalita sa anghel na nakikipagusap sa akin, na aking sinabi, Anong mga bagay ito, panginoon ko? 038 ZEC 004 005 Nang magkagayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay sumagot na nagsabi sa akin, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko. 038 ZEC 004 006 Nang magkagayo'y siya'y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 038 ZEC 004 007 Sino ka, Oh malaking bundok? sa harap ni Zorobabel ay magiging kapatagan ka; at kaniyang ilalabas ang pangulong bato na may hiyawan, Biyaya, biyaya sa kaniya. 038 ZEC 004 008 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 038 ZEC 004 009 Ang mga kamay ni Zorobabel ay siyang naglagay ng mga tatagang-baon ng bahay na ito; ang kaniyang mga kamay ay siya ring tatapos; at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo. 038 ZEC 004 010 Sapagka't sinong nagsihamak sa araw ng maliliit na bagay? sapagka't ang pitong ito ay mangagagalak, at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel; ang mga ito'y mga mata ng Panginoon, na nangagpaparoo't parito sa buong lupa. 038 ZEC 004 011 Nang magkagayo'y sumagot ako, at nagsabi sa kaniya, Ano itong dalawang puno ng olibo sa dakong kanan kandelero, at sa dakong kaliwa? 038 ZEC 004 012 At ako'y sumagot na ikalawa, at nagsabi sa kaniya: Ano ang dalawang sangang olibong ito na nasa siping ng dalawang gintong padaluyan, na dinadaluyan ng langis na ginintuan? 038 ZEC 004 013 At siya'y sumagot sa akin, at nagsabi, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko. 038 ZEC 004 014 Nang magkagayo'y sinabi niya, Ito ang dalawang anak na pinahiran ng langis, na nakatayo sa siping ng Panginoon ng buong lupa. 038 ZEC 005 001 Nang magkagayo'y itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, isang lumilipad na balumbon. 038 ZEC 005 002 At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At ako'y sumagot, Aking nakikita'y isang lumilipad na balumbon; ang haba niyaon ay dalawang pung siko, at ang luwang niyaon ay sangpung siko. 038 ZEC 005 003 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ito ang sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain: sapagka't ang bawa't nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon; at bawa't manunumpa ay mahihiwalay sa kabilang dako ayon doon. 038 ZEC 005 004 Aking ilalabas yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at papasok sa bahay ng magnanakaw, at sa bahay niyaong nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko; at tatahan sa gitna ng bahay niya, at pupugnawin sangpu ng mga kahoy niyaon at mga bato niyaon. 038 ZEC 005 005 Nang magkagayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay lumabas, at nagsabi sa akin, itanaw mo ngayon ang iyong mga mata, at tingnan mo kung ano ito na lumalabas. 038 ZEC 005 006 At aking sinabi, Ano yaon? At kaniyang sinabi, Ito ang efa na lumalabas. Sinabi niya bukod dito, Ito ang kawangis nila sa buong lupain. 038 ZEC 005 007 (At, narito, itinaas ang isang talentong tingga); at ito'y isang babae na nauupo sa gitna ng efa. 038 ZEC 005 008 At kaniyang sinabi, Ito ang kasamaan; at kaniyang inihagis sa loob ng gitna ng efa: at kaniyang inihagis ang panimbang na tingga sa bunganga niyaon. 038 ZEC 005 009 Nang magkagayo'y itinanaw ko ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang dalawang babae, at may dalang hangin sa kanilang mga pakpak; sila nga'y may mga pakpak na gaya ng mga pakpak ng tagak: at kanilang itinaas ang efa sa pagitan ng lupa at ng langit. 038 ZEC 005 010 Nang magkagayo'y sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Saan dinadala ng mga ito ang efa? 038 ZEC 005 011 At sinabi niya sa akin, Upang ipagtayo siya ng bahay sa lupain ng Shinar: at pagka nahanda na, siya'y malalagay roon sa kaniyang sariling dako. 038 ZEC 006 001 At itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang apat na karo mula sa pagitan ng dalawang bundok; at ang mga bundok ay mga bundok na tanso. 038 ZEC 006 002 Sa unang karo ay may mga kabayong mapula; at sa ikalawang karo ay mga kabayong maitim; 038 ZEC 006 003 At sa ikatlong karo ay may mga kabayong maputi; at sa ikaapat na karo ay mga kabayong kulay abo. 038 ZEC 006 004 Nang magkagayo'y ako'y sumagot at sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito, panginoon ko? 038 ZEC 006 005 At ang anghel ay sumagot at nagsabi sa akin, Ito ang apat na hangin sa himpapawid, na lumalabas na pinakasugo mula sa harapan ng Panginoon ng buong lupa. 038 ZEC 006 006 Ang karo na kinasisingkawan ng mga kabayong maitim ay lumalabas sa dakong lupaing hilagaan; at ang sa mga maputi ay lumabas na kasunod ng mga yaon; at ang mga kulay abo ay nagsilabas sa dakong lupaing timugan. 038 ZEC 006 007 At ang mga malakas ay nagsilabas, at nangagpumilit na yumaon upang malibot ang lupa: at kaniyang sinabi, Kayo'y magsiyaon at magparoo't parito sa buong lupa. Sa gayo'y sila'y nangagparoo't parito sa buong lupa. 038 ZEC 006 008 Nang magkagayo'y hiniyawan niya ako, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Narito, silang nagsiparito sa dakong lupaing hilagaan ay nagpatahimik sa aking diwa sa lupaing hilagaan. 038 ZEC 006 009 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 038 ZEC 006 010 Kumuha ka sa nangabihag, kay Heldai, kay Tobias, at kay Jedaia; at yumaon ka sa araw ding yaon, at pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias, na nagsibalik mula sa Babilonia; 038 ZEC 006 011 Oo, kumuha ka sa kanila ng pilak at ginto, at gawin mong mga putong, at mga iputong mo sa ulo ni Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote. 038 ZEC 006 012 At salitain mo sa kaniya, na sabihin, Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Narito, ang lalake na ang pangala'y Sanga: at siya'y sisibol sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon; 038 ZEC 006 013 Sa makatuwid baga'y kaniyang itatayo ang templo ng Panginoon; at siya'y magtataglay ng kaluwalhatian, at mauupo at magpupuno sa kaniyang luklukan; at siya'y magiging saserdote sa kaniyang luklukan: at ang payo ng kapayapaan ay mapapasa pagitan nila kapuwa. 038 ZEC 006 014 At ang mga putong ay magiging pinakaalaala sa templo ng Panginoon kay Helem, at kay Tobias, at kay Jedaia, at kay Hen na anak ni Sefanias. 038 ZEC 006 015 At silang nangasa malayo ay magsisiparito at mangagtatayo sa loob ng templo ng Panginoon, at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo. At ito'y mangyayari kung inyong tatalimahing masikap ang tinig ng Panginoon ninyong Dios. 038 ZEC 007 001 At nangyari, nang ikaapat na taon ng haring si Dario, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias nang ikaapat na araw ng ikasiyam na buwan, sa makatuwid baga'y sa Chislev. 038 ZEC 007 002 Sinugo nga ng mga taga Beth-el si Sareser at si Regem-melech, at ang kanilang mga lalake, upang hilingin ang lingap ng Panginoon, 038 ZEC 007 003 At upang magsalita sa mga saserdote ng bahay ng Panginoon ng mga hukbo, at sa mga propeta, na sabihin, Iiyak baga ako sa ikalimang buwan, na ako'y hihiwalay, gaya ng aking ginawa nitong maraming taon? 038 ZEC 007 004 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon ng mga hukbo sa akin, na nagsasabi, 038 ZEC 007 005 Salitain mo sa lahat ng tao ng lupain at sa mga saserdote, na iyong sabihin, Nang kayo'y magayuno, at tumangis ng ikalima at ikapitong buwan, nito ngang pitong pung taon, kayo baga'y nagayunong lubos sa akin, para sa akin? 038 ZEC 007 006 At pagka kayo'y nagsisikain, at pagka kayo'y nagsisiinom, di baga kayo'y nagsisikain sa ganang inyong sarili at nagsisiinom, sa ganang inyong sarili? 038 ZEC 007 007 Di baga ninyo dapat dinggin ang mga salita na isinigaw ng Panginoon sa pamamagitan ng mga unang propeta, nang ang Jerusalem ay tinatahanan at nasa kaginhawahan, at ang mga bayan niyaon na nangasa palibot niya, at ang Timugan, at ang mababang lupain ay tinatahanan? 038 ZEC 007 008 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Zacarias na nagsasabi, 038 ZEC 007 009 Ganito ang sinalita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Mangaglapat kayo ng tunay na kahatulan, at magpakita ng kaawaan at ng kahabagan ang bawa't isa sa kaniyang kapatid, 038 ZEC 007 010 At huwag ninyong pighatiin ang babaing bao, ni ang ulila man, ang taga ibang lupa, ni ang dukha man; at sinoman sa inyo ay huwag magisip ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapatid. 038 ZEC 007 011 Nguni't kanilang tinanggihang dinggin, at kanilang iniurong ang balikat, at nagtakip ng pakinig, upang huwag nilang marinig. 038 ZEC 007 012 Oo, kanilang ginawa na parang batong diamante ang kanilang puso upang huwag magsidinig ng kautusan, at ng mga salita na ipinasugo ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu, ng mga unang propeta: kaya't dumating ang malaking poot na mula sa Panginoon ng mga hukbo. 038 ZEC 007 013 At nangyari, na kung paanong siya'y sumigaw, at hindi nila dininig, ay gayon sila sisigaw, at hindi ko didinggin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; 038 ZEC 007 014 Kundi aking pangangalatin sila sa pamamagitan ng ipoipo sa gitna ng lahat na bansa na hindi nila nakilala. Ganito nasira ang lupain pagkatapos nila, na anopa't walang tao na nagdadaan o nagbabalik: sapagka't kanilang inihandusay na sira ang kaayaayang lupain. 038 ZEC 008 001 At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi, 038 ZEC 008 002 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ako'y may paninibugho sa Sion ng malaking paninibugho, at ako'y may paninibugho sa kaniya ng malaking poot. 038 ZEC 008 003 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Sion, at tatahan ako sa gitna ng Jerusalem: at ang Jerusalem ay tatawagin, Bayan ng katotohanan; at ang bundok ng Panginoon ng mga hukbo, Ang banal na bundok. 038 ZEC 008 004 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Tatahanan pa ng mga matandang lalake at babae ang mga lansangan ng Jerusalem, bawa't tao na may kaniyang tungkod sa kaniyang kamay dahil sa totoong katandaan. 038 ZEC 008 005 At ang mga lansangan ng bayan ay mapupuno ng mga batang lalake at babae na naglalaro sa mga lansangan niyaon. 038 ZEC 008 006 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung maging kagilagilalas sa mga mata ng nalabi sa bayang ito sa mga araw na yaon, magiging kagilagilalas din naman baga sa aking mga mata? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 038 ZEC 008 007 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking ililigtas ang aking bayan sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran; 038 ZEC 008 008 At aking dadalhin sila, at sila'y magsisitahan sa gitna ng Jerusalem; at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios, sa katotohanan at sa katuwiran. 038 ZEC 008 009 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Inyong palakasin ang inyong mga kamay, ninyong nangakakarinig sa mga araw na ito ng mga salitang ito sa bibig ng mga propeta, mula nang araw na ilagay ang tatagang-baon sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, sa templo, upang matayo. 038 ZEC 008 010 Sapagka't bago dumating ang mga araw na yaon ay walang upa sa tao, ni anomang upa sa hayop; at wala ring anomang kapayapaan doon sa lumalabas o pumapasok dahil sa kaaway: sapagka't aking inilagay ang lahat na tao na bawa't isa'y laban sa kaniyang kapuwa. 038 ZEC 008 011 Nguni't ngayo'y sa nalabi sa bayang ito ay hindi ako magiging gaya ng mga unang araw, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 038 ZEC 008 012 Sapagka't magkakaroon ng binhi ng kapayapaan; ang puno ng ubas ay magbubunga, at ang lupa'y mapapakinabangan, at ibibigay ng langit ang kaniyang hamog; at aking ipamamana sa nalabi sa bayang ito ang lahat na bagay na ito. 038 ZEC 008 013 At mangyayari, na kung paanong kayo'y naging isang sumpa sa gitna ng mga bansa, Oh sangbahayan ni Juda, at sangbahayan ni Israel, gayon ko kayo ililigtas, at kayo'y magiging isang kapalaran. Huwag kayong mangatakot, kundi inyong palakasin ang inyong mga kamay. 038 ZEC 008 014 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung paanong inisip kong gawan kayo ng masama, nang mungkahiin ako ng inyong mga magulang sa poot, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at hindi ako nagsisi; 038 ZEC 008 015 Gayon ko uli inisip sa mga araw na ito na gawan ng mabuti ang Jerusalem at ang sangbahayan ni Juda: huwag kayong mangatakot. 038 ZEC 008 016 Ito ang mga bagay na inyong gagawin, Magsalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuang-bayan; 038 ZEC 008 017 At huwag magisip ang sinoman sa inyo ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapuwa; at huwag ninyong ibigin ang sinungaling na sumpa: sapagka't ang lahat ng ito ay mga bagay na aking kinapopootan, sabi ng Panginoon. 038 ZEC 008 018 At ang salita ng Panginoon ng mga hukbo ay dumating sa akin, na nagsasabi, 038 ZEC 008 019 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang ayuno sa ikaapat na buwan, at ang ayuno sa ikalima, at ang ayuno sa ikapito, at ang ayuno sa ikasangpu, ay magiging sa sangbahayan, ni Juda'y kagalakan at kaligayahan, at mga masayang kapistahan; kaya't inyong ibigin ang katotohanan at kapayapaan. 038 ZEC 008 020 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Mangyayari pa, na darating ang mga bansa, at ang nagsisitahan sa maraming bayan; 038 ZEC 008 021 At ang nagsisitahan sa isang bayan ay paroroon sa isa, na magsasabi, Magsiparoon tayong madali, na ating hilingin ang lingap ng Panginoon, at hanapin ang Panginoon ng mga hukbo; ako man ay paroroon. 038 ZEC 008 022 Oo, maraming bansa at mga matibay na bansa ay magsisiparoon upang hanapin ang Panginoon ng mga hukbo sa Jerusalem, at hilingin ang lingap ng Panginoon. 038 ZEC 008 023 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sa mga araw na yao'y mangyayari, na sangpung lalake sa lahat ng wika sa mga bansa ay magtatanganan, sila nga'y magsisitangan sa laylayan niya na Judio, na mangagsasabi, Kami ay magsisiyaong kasama mo, sapagka't aming narinig na ang Dios ay kasama mo. 038 ZEC 009 001 Ang hula na salita ng Panginoon laban sa lupain ng Hadrach, at Damasco ang magiging pahingahang dako niyaon, (sapagka't ang mata ng tao at ang lahat ng mga lipi ng Israel ay nasa Panginoon); 038 ZEC 009 002 At gayon din sa Hamath, na kahangganan nito; sa Tiro at Sidon, sapagka't sila'y totoong pantas. 038 ZEC 009 003 At ang Tiro ay nagtayo ng katibayan, at nagbunton ng pilak na parang alabok, at ng mainam na ginto na parang putik sa mga lansangan. 038 ZEC 009 004 Narito, aalisan siya ng Panginoon, at kaniyang sisirain sa dagat ang kapangyarihan niya; at siya'y lalamunin ng apoy. 038 ZEC 009 005 Makikita ng Ascalon, at matatakot; ng Gaza rin, at mamamanglaw na mainam, at ng Ecron, sapagka't ang kaniyang pagasa ay mapapahiya; at ang hari ay mamamatay sa Gaza, at ang Ascalon ay hindi tatahanan. 038 ZEC 009 006 At isang anak sa ligaw ay tatahan sa Asdod, at aking puputulin ang kapalaluan ng mga Filisteo. 038 ZEC 009 007 At aking aalisin ang kaniyang dugo sa kaniyang bibig, at ang kaniyang mga kasuklamsuklam sa pagitan ng kaniyang mga ngipin; at siya nama'y maiiwan para sa ating Dios: at siya'y magiging gaya ng pangulo sa Juda, at ang Ecron ay gaya ng Jebuseo. 038 ZEC 009 008 At ako'y magtitirik ng kampamento sa palibot ng aking bahay laban sa hukbo, na walang makadadaan ni makababalik; at walang mamimighati na daraan pa sa mga yaon: sapagka't ngayo'y tumingin ako ng aking mga mata. 038 ZEC 009 009 Magalak kang mainam, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: narito, ang iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; mapagmababa, at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae. 038 ZEC 009 010 At aking ihihiwalay ang karo mula sa Ephraim, at ang kabayo'y mula sa Jerusalem; at ang mga busog na pangbaka ay mapuputol; at siya'y magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa: at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa. 038 ZEC 009 011 Tungkol sa iyo naman, dahil sa dugo ng iyong tipan ay aking pinalabas ang iyong mga bilanggo sa hukay na walang tubig. 038 ZEC 009 012 Mangagbalik kayo sa katibayan, kayong mga bilanggo na may pag-asa, ngayo'y aking inihahayag na aking igagawad sa inyo na makalawa. 038 ZEC 009 013 Sapagka't aking binaluktot ang Juda para sa akin, aking inakmaan ang Ephraim ng busog; at aking gigisingin ang iyong mga anak, Oh Sion, laban sa iyong mga anak, Oh Grecia, at gagawin kitang parang tabak ng makapangyarihang lalake. 038 ZEC 009 014 At ang Panginoo'y makikita sa itaas nila; at lalabas ang kaniyang pana na parang kidlat; at ang Panginoong Dios ay hihihip ng pakakak, at yayaon na kasama ng mga ipoipo sa timugan. 038 ZEC 009 015 Ipagsasanggalang sila ng Panginoon ng mga hukbo; at sila'y mangananakmal, at kanilang yayapakan ang mga batong panghilagpos; at sila'y magsisiinom, at mangagiingay na gaya ng sa alak; at sila'y mangapupunong parang mga taza, parang mga sulok ng dambana. 038 ZEC 009 016 At ililigtas sila ng Panginoon nilang Dios sa araw na yaon na gaya ng kawan ng kaniyang bayan; sapagka't magiging gaya ng mga bato ng isang putong na nataas sa mataas sa kaniyang lupain. 038 ZEC 009 017 Sapagka't pagkalaki ng kaniyang kabutihan, at pagkalaki ng kaniyang kagandahan! pagiginhawahin ng trigo ang mga binata, at ng bagong alak ang mga dalaga; 038 ZEC 010 001 Hingin ninyo sa Panginoon ang ulan sa kapanahunan ng huling ulan, sa Panginoon na nagpapakidlat; at kaniyang bibigyan sila ng ulan, at ang bawa't isa'y ng damo sa parang. 038 ZEC 010 002 Sapagka't ang mga teraf ay nagsalita ng walang kabuluhan, at ang mga manghuhula ay nangakakita ng isang kabulaanan; at sila'y nangagsaysay ng mga kabulaanang panaginip, sila'y nagsisialiw ng walang kabuluhan: kaya't sila'y nagsisiyaon ng kanilang lakad na parang mga tupa, sila'y nadadalamhati, sapagka't walang pastor. 038 ZEC 010 003 Ang aking galit ay nagalab laban sa mga pastor, at aking parurusahan ang mga lalaking kambing; sapagka't dinalaw ng Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang kawan na sangbahayan ni Juda, at kaniyang gagawin silang parang magilas na kabayo sa pagbabaka. 038 ZEC 010 004 Sa kaniya lalabas ang batong panulok, sa kaniya ang pako, sa kaniya ang busog na pangbaka, sa kaniya ang bawa't pinuno na magkakasama. 038 ZEC 010 005 At sila'y magiging parang mga makapangyarihang lalake, na yayapakan nila ang kanilang mga kaaway sa putik sa mga lansangan sa pagbabaka; at sila'y magsisilaban, sapagka't ang Panginoon ay sumasakanila; at ang mga mangangabayo ay mangatutulig. 038 ZEC 010 006 At aking palalakasin ang sangbahayan ni Juda, at aking ililigtas ang sangbahayan ni Jose, at aking ibabalik sila uli; sapagka't ako'y naawa sa kanila; at sila'y magiging parang hindi ko itinakuwil: sapagka't ako ang Panginoon nilang Dios, at aking didinggin sila. 038 ZEC 010 007 At ang mga sa Ephraim ay magiging parang makapangyarihang lalake, at ang kanilang puso ay mangagagalak na gaya ng sa alak; oo, ito'y makikita ng kanilang mga anak, at mangagagalak: ang kanilang puso ay masasayahan sa Panginoon. 038 ZEC 010 008 Aking susutsutan sila, at sila'y pipisanin; sapagka't aking tinubos sila; at sila'y magsisidami ng gaya ng kanilang dinami. 038 ZEC 010 009 At aking pangangalatin sila sa gitna ng mga bansa; at aalalahanin nila ako sa mga malayong lupain; at sila'y nagsisitahang kasama ng kanilang mga anak, at magsisipagbalik. 038 ZEC 010 010 Aking dadalhin uli sila mula sa lupain ng Egipto, at pipisanin sila mula sa Asiria; at aking dadalhin sila sa lupain ng Galaad at Libano; at walang dakong masusumpungan para sa kanila. 038 ZEC 010 011 At siya'y magdadaan ng dagat ng kadalamhatian, at hahawiin ang mga alon sa dagat, at ang lahat ng kalaliman sa Nilo ay matutuyo; at ang kapalaluan ng Asiria ay mababagsak, at ang cetro ng Egipto ay mawawala. 038 ZEC 010 012 At aking palalakasin sila sa Panginoon; at sila'y magsisilakad na paitaas at paibaba sa kaniyang pangalan, sabi ng Panginoon. 038 ZEC 011 001 Ibukas mo ang iyong mga pinto, Oh Libano, upang supukin ng apoy ang iyong mga cedro. 038 ZEC 011 002 Manambitan ka, Oh puno ng abeto, sapagka't ang cedro ay nabuwal, sapagka't ang mga mabuti ay nabuwal; magsipanambitan kayo, Oh mga encina sa Basan, sapagka't ang matibay na gubat ay nasira. 038 ZEC 011 003 Ang isang hugong ng panambitan ng mga pastor! sapagka't ang kanilang kaluwalhatian ay nasira; ang isang hugong ng ungal ng mga batang leon! sapagka't ang kapalaluan ng Jordan ay nasira. 038 ZEC 011 004 Ganito ang sabi ng Panginoon kong Dios, Pakanin mo ang kawan na papatayin; 038 ZEC 011 005 Na mga pinapatay ng mga mayari, at hindi mga inaaring maysala; at silang nangagbibili ng mga yaon ay nangagsasabi, Purihin ang Panginoon, sapagka't akoy mayaman; at ang kanilang sariling mga pastor ay hindi nangaawa sa mga yaon. 038 ZEC 011 006 Sapagka't hindi na ako maaawa sa nagsisitahan sa lupain, sabi ng Panginoon; kundi, narito, aking ibibigay ang bawa't isa ng mga tao sa kamay ng kaniyang kapuwa, at sa kamay ng kaniyang hari; at kanilang ipapahamak ang lupain, at mula sa kanilang kamay ay di ko ililigtas sila. 038 ZEC 011 007 Sa gayo'y aking pinapanginain ang kawan na papatayin, katotohanang kaawaawang kawan. At nagdala ako ng dalawang tungkod; ang isa'y tinawag kong Maganda, at ang isa'y tinawag kong mga Panali; at aking pinapanginain ang kawan. 038 ZEC 011 008 At aking inihiwalay ang tatlong pastor sa isang buwan; sapagka't ang aking kaluluwa ay nagsawa sa kanila, at sila'y nayamot sa akin. 038 ZEC 011 009 Nang magkagayo'y sinabi ko, Hindi ko na papanginginainin kayo: ang namamatay, ay mamatay; at ang nahihiwalay, ay mahiwalay; at ang mangaiwan ay mangagkainan ng laman ng isa't isa. 038 ZEC 011 010 At hinawakan ko ang aking tungkod na Maganda, at aking binali, upang aking sirain ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa lahat ng mga bayan. 038 ZEC 011 011 At nasira nang araw na yaon; at ganito nakilala ng kaawaawa sa kawan na nagmamasid sa akin na yao'y salita ng Panginoon. 038 ZEC 011 012 At sinabi ko sa kanila; Kung inaakala ninyong mabuti, bigyan ninyo ako ng aking kaupahan; at kung hindi, inyong pabayaan. Sa gayo'y kanilang tinimbangan ang kaupahan ko ng tatlong pung putol na pilak. 038 ZEC 011 013 At sinabi ng Panginoon sa akin, Ihagis mo sa magpapalyok, ang mainam na halaga na aking inihalaga sa kanila. At aking kinuha ang tatlong pung putol na pilak, at inihagis ko sa magpapalyok sa bahay ng Panginoon. 038 ZEC 011 014 Nang magkagayo'y binali ko ang aking isang tungkod, sa makatuwid baga'y ang mga Panali, upang aking masira ang pagkakapatiran ng Juda at ng Israel. 038 ZEC 011 015 At sinabi sa akin ng Panginoon. Magdala ka pa uli ng mga kasangkapan ng isang mangmang na pastor. 038 ZEC 011 016 Sapagka't, narito, ako'y magtitindig ng isang pastor sa lupain, na hindi dadalawin yaong nangahihiwalay, ni hahanapin man yaong nangaliligaw, ni pagagalingin man yaong mga pilay; ni papanginginainin man yaong mga magaling kundi kaniyang kakanin ang laman ng mataba at lulurayin ang kanilang mga kuko. 038 ZEC 011 017 Sa aba ng walang kabuluhang pastor na nagpapabaya ng kawan! ang tabak ay sasapit sa kaniyang kamay, at sa kaniyang kanang mata: ang kaniyang kamay ay matutuyong mainam, at ang kaniyang kanang mata ay lalabong lubos. 038 ZEC 012 001 Ang hula na salita ng Panginoon tungkol sa Israel. Ganito ang sabi ng Panginoon, na naguunat ng langit, at naglalagay ng mga patibayan ng lupa, at naglalang ng diwa sa loob ng tao: 038 ZEC 012 002 Narito, aking gagawin ang Jerusalem na isang tazang panglito sa lahat ng bayan sa palibot, at sa Juda man ay magiging gayon sa pagkubkob laban sa Jerusalem. 038 ZEC 012 003 At mangyayari sa araw na yaon, na aking gagawin ang Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan; lahat ng magsipasan sa kaniya ay mangasusugatang mainam; at ang lahat na bansa sa lupa ay magpipisan laban sa kaniya. 038 ZEC 012 004 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, aking tutuligin ang bawa't kabayo, at ang kaniyang sakay ng pagkaulol; at aking ididilat ang aking mga mata sa sangbahayan ni Juda, at aking bubulagin ang bawa't kabayo ng mga bayan. 038 ZEC 012 005 At ang mga pinakapuno sa Juda ay mangagsasabi sa sarili, Ang mga nananahan sa Jerusalem ay aking kalakasan sa Panginoon ng mga hukbo na kanilang Dios. 038 ZEC 012 006 Sa araw na yao'y gagawin kong parang kawali ng apoy sa panggatong ang mga pinakapuno sa Juda at parang sulo na apoy sa gitna ng mga bigkis; at kanilang sasakmalin ang buong bayan sa palibot, sa kanan at sa kaliwa; at ang Jerusalem ay tatahan pa uli sa kaniyang sariling dako, sa makatuwid bagay sa Jerusalem. 038 ZEC 012 007 Ililigtas naman na una ng Panginoon ang mga tolda ng Juda, upang ang kaluwalhatian ng sangbahayan ni David at ang kaluwalhatian ng mga mananahan sa Jerusalem ay huwag magmalaki sa Juda. 038 ZEC 012 008 Sa araw na yaon ay ipagsasanggalang ng Panginoon ang mga mananahan sa Jerusalem, at siyang mahina sa kanila sa araw na yaon ay magiging gaya ni David; at ang sangbahayan ni David ay magiging parang Dios, parang anghel ng Panginoon sa harap nila. 038 ZEC 012 009 At mangyayari sa araw na yaon, na aking pagsisikapang gibain ang lahat na bansa na naparoroon laban sa Jerusalem. 038 ZEC 012 010 At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay. 038 ZEC 012 011 Sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking pagtangis sa Jerusalem, na gaya ng pagtangis kay Adad-rimon sa libis ng Megiddo. 038 ZEC 012 012 At ang lupain ay tatangis, bawa't angkan ay bukod; ang angkan ng sangbahayan ni David ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; ang angkan ng sangbahayan ni Nathan ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; 038 ZEC 012 013 Ang angkan ng sangbahayan ni Levi ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; ang angkan ni Simei ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; 038 ZEC 012 014 Ang lahat na angkang nalabi, bawa't angkan ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod. 038 ZEC 013 001 Sa araw na yaon ay mabubuksan ang isang bukal sa sangbahayan ni David at sa mga mananahan sa Jerusalem, sa kasalanan, at sa karumihan. 038 ZEC 013 002 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na aking ihihiwalay sa lupain ang mga pangalan ng mga diosdiosan, at sila'y hindi na mangaaalaala pa; at aking palalayasin naman ang mga propeta at ang karumaldumal na espiritu sa lupain. 038 ZEC 013 003 At mangyayari, na pagka ang sinoman ay manghuhula, sasabihin nga sa kaniya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya, Ikaw ay hindi mabubuhay; sapagka't ikaw ay nagsasalita ng kabulaanan sa pangalan ng Panginoon; at palalagpasan siya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya samantalang siya'y nanghuhula. 038 ZEC 013 004 At mangyayari sa araw na yaon na ang mga propeta ay mangahihiya bawa't isa dahil sa kaniyang pangitain, pagka siya'y nanghuhula; hindi man sila mangagsusuot ng kasuutang balahibo, upang mangdaya: 038 ZEC 013 005 Kundi kaniyang sasabihin, Ako'y hindi propeta, ako'y mangbubukid sa lupa; sapagka't ako'y pinapaging alipin mula sa aking pagkabinata. 038 ZEC 013 006 At sasabihin ng isa sa kaniya, Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga bisig? Kung magkagayo'y siya'y sasagot, Iyan ang mga naging sugat ko sa bahay ng aking mga kaibigan. 038 ZEC 013 007 Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit. 038 ZEC 013 008 At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan. 038 ZEC 013 009 At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios. 038 ZEC 014 001 Narito ang araw ng Panginoon ay dumarating, na ang iyong samsam ay babahagihin sa gitna mo. 038 ZEC 014 002 Sapagka't aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan. 038 ZEC 014 003 Kung magkagayo'y lalabas ang Panginoon, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka. 038 ZEC 014 004 At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan; at ang bundok ng mga Olivo ay mahahati sa gitna niya, sa dakong silanganan at sa dakong kalunuran, at magiging totoong malaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat sa dakong hilagaan, at ang kalahati ay sa dakong timugan. 038 ZEC 014 005 At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal na kasama niya. 038 ZEC 014 006 At mangyayari sa araw na yaon, na hindi magkakaroon ng liwanag; at ang mga nagniningning ay uurong. 038 ZEC 014 007 Nguni't magiging isang araw na kilala sa Panginoon; hindi araw, at hindi gabi; nguni't mangyayari, na sa gabi ay magliliwanag. 038 ZEC 014 008 At mangyayari sa araw na yaon, na ang buhay na tubig ay magsisibalong mula sa Jerusalem; kalahati niyao'y sa dakong dagat silanganan, at kalahati niyao'y sa dakong dagat kalunuran: sa taginit at sa tagginaw mangyayari. 038 ZEC 014 009 At ang Panginoo'y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa. 038 ZEC 014 010 Ang buong lupain ay magiging gaya ng Araba, mula sa Geba hanggang sa Rimmon na timugan ng Jerusalem; at siya'y matataas, at tatahan sa kaniyang dako, mula sa pintuang-bayan ng Benjamin hangang sa dako ng unang pintuang-bayan, hanggang sa sulok na pintuang-bayan, at mula sa moog ng Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari. 038 ZEC 014 011 At ang mga tao'y magsisitahan doon, at hindi na magkakaroon pa ng sumpa; kundi ang Jerusalem ay tatahang tiwasay. 038 ZEC 014 012 At ito ang salot na ipananalot ng Panginoon sa lahat na bayan na nakipagdigma laban sa Jerusalem: ang kanilang laman ay matutunaw samantalang sila'y nangakatayo ng kanilang mga paa, at ang kanilang mga mata'y mangatutunaw sa kanilang ukit, at ang kanilang dila ay matutunaw sa kanilang bibig. 038 ZEC 014 013 At mangyayari sa araw na yaon, na magkakaroon ng isang malaking kaingay sa gitna nila na mula sa Panginoon; at hahawak ang bawa't isa sa kanila sa kamay ng kaniyang kapuwa, at ang kamay niya'y mabubuhat laban sa kamay ng kaniyang kapuwa. 038 ZEC 014 014 At ang Juda naman ay makikipaglaban sa Jerusalem; at ang kayamanan ng lahat na bansa sa palibot ay mapipisan, ginto, at pilak, at kasuutan, na totoong sagana. 038 ZEC 014 015 At magiging gayon ang salot sa kabayo, sa mula, sa kamelyo, at sa asno, at sa lahat ng hayop na naroroon, sa mga kampamentong yaon, na gaya ng salot na ito. 038 ZEC 014 016 At mangyayari, na bawa't maiwan, sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay aahon taon-taon upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, at upang ipangilin ang mga kapistahan ng mga balag. 038 ZEC 014 017 At mangyayari, na ang sinoman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, sila'y mawawalan ng ulan. 038 ZEC 014 018 At kung ang angkan ng Egipto ay hindi umahon at hindi pumaroon, mawawalan din ng ulan sila, magkakaroon ng salot, na ipinanalot ng Panginoon sa mga bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag. 038 ZEC 014 019 Ito ang magiging kaparusahan sa Egipto, at kaparusahan sa lahat na bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag. 038 ZEC 014 020 Sa araw na yaon ay magkakaroon sa mga kampanilya ng mga kabayo, KABANALAN SA PANGINOON; at ang mga palyok sa bahay ng Panginoon ay magiging gaya ng mga taza sa harap ng dambana. 038 ZEC 014 021 Oo, bawa't palyok sa Jerusalem at sa Juda ay aariing banal sa Panginoon ng mga hukbo; at silang lahat na nangaghahain ay magsisiparoon at magsisikuha niyaon, at magpapakulo roon: at sa araw na yaon ay hindi na magkakaroon pa ng Cananeo sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo. # # BOOK 039 MAL Malachi Malakias 039 MAL 001 001 Ang hula na salita ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Malakias. 039 MAL 001 002 Inibig ko kayo, sabi ng Panginoon. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano mo kami inibig? Hindi baga si Esau ay kapatid ni Jacob? sabi ng Panginoon: gayon ma'y inibig ko si Jacob; 039 MAL 001 003 Nguni't si Esau ay aking kinapootan, at ginawa ko ang kaniyang mga bundok na isang kasiraan, at ibinigay ko ang kaniyang mana sa mga chakal sa ilang. 039 MAL 001 004 Yamang sabi ng Edom, Tayo'y nangabagsak, nguni't mangagbabalik tayo, at ating itatayo ang mga wasak na dako; ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sila'y mangagtatayo, nguni't aking ibabagsak; at tatawagin sila ng mga tao, Ang hangganan ng kasamaan, at Ang bayang kinagalitan ng Panginoon magpakailan man. 039 MAL 001 005 At makikita ng inyong mga mata, at inyong sasabihin, Dakilain ang Panginoon sa dako roon ng hangganan ng Israel. 039 MAL 001 006 Iginagalang ng anak ang kaniyang ama, at ng alila ang kaniyang panginoon: kung ako nga'y ama, saan nandoon ang aking dangal? at kung ako'y panginoon, saan nandoon ang takot sa akin? sabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo, Oh mga saserdote, na nagsisihamak ng aking pangalan. At inyong sinasabi, Sa ano namin hinamak ang iyong pangalan? 039 MAL 001 007 Kayo'y nangaghahandog ng karumaldumal na hain sa aking dambana. At inyong sinasabi, Sa ano namin nilapastangan ka? Sa inyong sinasabi, ang dulang ng Panginoon ay hamak. 039 MAL 001 008 At pagka kayo'y nangaghahandog ng bulag na pinakahain, di kasamaan! at pagka kayo'y nangaghahandog ng pilay at may sakit, di kasamaan! Iharap mo nga sa iyong tagapamahala; kalulugdan ka baga niya? o tatanggapin baga niya ang iyong pagkatao? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 039 MAL 001 009 At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, inyong dalanginin ang lingap ng Dios, upang pagbiyayaan niya tayo; ito'y nangyari sa inyong mga paraan: tatanggapin baga niya ang pagkatao ng sinoman sa inyo? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 039 MAL 001 010 Oh kung mayroon sana sa inyo na magsara ng mga pinto, upang huwag ninyong mangapaningasan ang apoy sa aking dambana ng walang kabuluhan! Hindi ko kayo kinalulugdan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ni tatanggap man ako ng handog sa inyong kamay. 039 MAL 001 011 Sapagka't mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 039 MAL 001 012 Nguni't inyong nilapastangan na inyong sinasabi, Ang dulang ng Panginoon ay nadumhan, at ang laman niyaon, sa makatuwid baga'y ang hain doon ay hamak. 039 MAL 001 013 Inyong sinasabi rin naman, Narito, nakayayamot! at inyong nginusuan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at inyong iniharap ang nakuha sa dahas, at ang pilay, at ang may sakit; ganito ninyo dinadala ang handog: tatanggapin ko baga ito sa inyong kamay? sabi ng Panginoon. 039 MAL 001 014 Nguni't sumpain ang magdaraya na mayroon sa kaniyang kawan na isang lalake, at nananata, at naghahain sa Panginoon ng marungis na bagay; sapagka't ako'y dakilang Hari, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ang aking pangalan ay kakilakilabot sa gitna ng mga Gentil. 039 MAL 002 001 At ngayon, Oh kayong mga saserdote, ang utos na ito'y sa inyo. 039 MAL 002 002 Kung hindi ninyo didinggin, at kung hindi ninyo ilalagak sa inyong puso upang bigyang kaluwalhatian ang aking pangalan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, magpapasapit nga ako ng sumpa sa inyo, at aking susumpain ang inyong kapalaran; oo, akin na silang sinumpa, sapagka't hindi ninyo inilagak sa inyong puso. 039 MAL 002 003 Narito, aking sisirain ang inyong binhi, at magsasabog ako ng dumi sa harap ng inyong mga mukha, sa makatuwid baga'y ng dumi ng inyong mga kapistahan; at kayo'y pawang ilalabas na kasama niyaon. 039 MAL 002 004 At inyong malalaman na aking ipinasugo ang utos na ito sa inyo, upang ang aking tipan kay Levi ay manatili, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 039 MAL 002 005 Ang aking tipan ay buhay at kapayapaan sa kaniya; at aking mga ibinigay sa kaniya upang siya'y matakot; at siya'y natakot sa akin, at siya'y nagpakababa sa aking pangalan. 039 MAL 002 006 Ang kautusan tungkol sa katotohanan ay nasa kaniyang bibig, at ang kalikuan ay hindi nasumpungan sa kaniyang mga labi: siya'y lumakad na kasama ko sa kapayapaan at katuwiran, at inilayo sa kasamaan ang marami. 039 MAL 002 007 Sapagka't ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng kaalaman, at kanilang marapat hanapin ang kautusan sa kaniyang bibig; sapagka't siya ang sugo ng Panginoon ng mga hukbo. 039 MAL 002 008 Nguni't kayo'y nagsilihis sa daan; inyong itinisod ang marami sa kautusan; inyong sinira ang tipan ni Levi, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 039 MAL 002 009 Kaya't kayo'y ginawa ko namang hamak at pinakamababa sa harap ng buong bayan, ayon sa hindi ninyo pagkaingat ng aking mga daan, kundi tumangi kayo ng mga pagkatao sa kautusan. 039 MAL 002 010 Wala baga tayong lahat na isang ama? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang? 039 MAL 002 011 Ang Juda'y gumawa ng paglililo, at ang kasuklamsuklam ay nagawa sa Israel at sa Jerusalem; sapagka't nilapastangan ng Juda ang santuario ng Panginoon, na kaniyang iniibig, at nagasawa sa anak na babae ng ibang dios. 039 MAL 002 012 Ihihiwalay ng Panginoon ang taong gumawa nito, ang gumigising at ang sumasagot, mula sa mga tolda ng Jacob, at ang naghahandog ng handog sa Panginoon ng mga hukbo. 039 MAL 002 013 At ito'y muli ninyong ginagawa: inyong tinatakpan ang dambana ng Panginoon ng mga luha, ng tangis, at ng buntong hininga, na anopa't hindi na niya nililingap ang handog ni tinatanggap man sa inyong kamay na may lugod. 039 MAL 002 014 Gayon ma'y inyong sinasabi, Bakit? Sapagka't ang Panginoon ay naging saksi sa iyo at sa asawa ng iyong kabataan, na ginawan mo ng paglililo, bagaman siya'y iyong kasama, at siyang asawa ng iyong tipan. 039 MAL 002 015 At di baga siya'y gumawa ng isa, bagaman siya'y may labis na Espiritu? At bakit isa? Kaniyang hinanap ang lahing maka Dios. Kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban, at huwag nang manglilo laban sa asawa ng kaniyang kabataan. 039 MAL 002 016 Sapagka't aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, at siya na nagtatakip ng kaniyang damit na may karahasan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban na huwag kayong magsalita na may paglililo. 039 MAL 002 017 Inyong niyamot ang Panginoon ng inyong mga salita. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano namin niyamot siya? Na inyong sinasabi, Bawa't gumagawa ng kasamaan ay mabuti sa paningin ng Panginoon, at kaniyang kinalulugdan sila; o saan nandoon ang Dios ng kahatulan. 039 MAL 003 001 Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 039 MAL 003 002 Nguni't sino ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito? at sino ang tatayo pagka siya'y pakikita? sapagka't siya'y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi: 039 MAL 003 003 At siya'y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak; at sila'y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran. 039 MAL 003 004 Kung magkagayo'y ang handog ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kalugodlugod sa Panginoon, gaya ng mga araw nang una, at gaya ng mga taon nang una. 039 MAL 003 005 At aking lalapitan kayo sa kahatulan; at ako'y magiging maliksing saksi laban sa mga manghuhula, at laban sa mga mangangalunya, at laban sa mga sinungaling na manunumpa, at laban doon sa nagsisipighati sa mangaaraw sa kaniyang mga kaupahan, sa babaing bao, at sa ulila, at sa nagliligaw sa taga ibang lupa mula sa kaniyang matuwid, at hindi natatakot sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 039 MAL 003 006 Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos. 039 MAL 003 007 Mula nang mga kaarawan ng inyong mga magulang kayo'y nangagpakaligaw sa aking mga tuntunin, at hindi ninyo tinalima. Manumbalik kayo sa akin, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Nguni't inyong sinasabi, Sa ano kami manunumbalik? 039 MAL 003 008 Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon ma'y ninanakaw ninyo ako. Nguni't inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog. 039 MAL 003 009 Kayo'y nangagsumpa ng sumpa sapagka't inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga'y nitong buong bansa. 039 MAL 003 010 Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan. 039 MAL 003 011 At aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo, at hindi niya sisirain ang mga bunga sa inyong lupa; ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas sa parang, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, 039 MAL 003 012 At tatawagin kayo ng lahat na bansa na mapalad: sapagka't kayo'y magiging maligayang lupain, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 039 MAL 003 013 Ang inyong mga salita ay naging lapastangan laban sa akin, sabi ng Panginoon. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano kami nangagsalita ng laban sa iyo? 039 MAL 003 014 Inyong sinabi, Walang kabuluhan ang maglingkod sa Dios; at anong kapakinabangan nito na ating iningatan ang kanyang bilin, at tayo'y nagsilakad na may pananangis sa harap ng Panginoon ng mga hukbo? 039 MAL 003 015 At ngayo'y ating tinatawag ang palalo na mapalad, oo, silang nagsisigawa ng kasamaan ay nangagtayo; oo, kanilang tinutukso ang Dios, at tumatakas. 039 MAL 003 016 Nang magkagayo'y silang nangatatakot sa Panginoon ay nagsangusapan: at pinakinggan ng Panginoon, at dininig, at isang aklat ng alaala ay nasulat sa harap niya, para sa kanila na nangatakot sa Panginoon, at gumunita ng kaniyang pangalan. 039 MAL 003 017 At sila'y magiging akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, sa araw na aking gawin, sa makatuwid baga'y isang tanging kayamanan; at akin silang kaaawaan, na gaya ng isang tao na naaawa sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya. 039 MAL 003 018 Kung magkagayo'y manunumbalik kayo at makikilala ninyo ang matuwid at ang masama, yaong naglilingkod sa Dios at yaong hindi naglilingkod sa kaniya. 039 MAL 004 001 Sapagka't, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na anopa't hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man. 039 MAL 004 002 Nguni't sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo'y magsisilabas, at magsisiluksong parang guya mula sa silungan. 039 MAL 004 003 At inyong yayapakan ang masasama; sapagka't sila'y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 039 MAL 004 004 Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga'y ang mga palatuntunan at mga kahatulan. 039 MAL 004 005 Narito, aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon. 039 MAL 004 006 At kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako'y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa. # # BOOK 040 MAT Matthew Mateo 040 MAT 001 001 Ang aklat ng lahi ni Jesucristo, na anak ni David, na anak ni Abraham. 040 MAT 001 002 Naging anak ni Abraham si Isaac; at naging anak ni Isaac si Jacob; at naging anak ni Jacob si Juda at ang kaniyang mga kapatid; 040 MAT 001 003 At naging anak ni Juda kay Tamar si Fares at si Zara; at naging anak ni Fares si Esrom; at naging anak ni Esrom si Aram; 040 MAT 001 004 At naging anak ni Aram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Naason; at naging anak ni Naason si Salmon; 040 MAT 001 005 At naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz; at naging anak ni Booz kay Rut si Obed; at naging anak ni Obed si Jesse. 040 MAT 001 006 At naging anak ni Jesse ang haring si David; at naging anak ni David si Salomon, doon sa naging asawa ni Urias; 040 MAT 001 007 At naging anak ni Salomon si Reboam; at naging anak ni Reboam si Abias; at naging anak ni Abias si Asa; 040 MAT 001 008 At naging anak ni Asa si Josafat; at naging anak ni Josafat si Joram; at naging anak ni Joram si Ozias; 040 MAT 001 009 At naging anak ni Ozias si Joatam; at naging anak ni Joatam si Acaz; at naging anak ni Acaz si Ezequias; 040 MAT 001 010 At naging anak ni Ezequias si Manases; at naging anak ni Manases si Amon; at naging anak ni Amon si Josias; 040 MAT 001 011 At naging anak ni Josias si Jeconias at ang kaniyang mga kapatid, nang panahon ng pagkadalang-bihag sa Babilonia. 040 MAT 001 012 At pagkatapos nang pagkadalangbihag sa Babilonia, ay naging anak ni Jeconias si Salatiel; at naging anak ni Salatiel si Zorobabel; 040 MAT 001 013 At naging anak ni Zorobabel si Abiud; at naging anak ni Abiud si Eliaquim; at naging anak ni Eliaquim si Azor; 040 MAT 001 014 At naging anak ni Azor si Sadoc; at naging anak ni Sadoc si Aquim; at naging anak ni Aquim si Eliud; 040 MAT 001 015 At naging anak ni Eliud si Eleazar; at naging anak ni Eleazar si Matan; at naging anak ni Matan si Jacob; 040 MAT 001 016 At naging anak ni Jacob si Jose asawa ni Maria, na siyang nanganak kay Jesus, na siyang tinatawag na Cristo. 040 MAT 001 017 Sa makatuwid ang lahat ng mga salit-saling lahi buhat kay Abraham hanggang kay David ay labingapat na salit-saling lahi; at buhat kay David hanggang sa pagdalang-bihag sa Babilonia ay labingapat na sali't-saling lahi; at buhat sa pagkadalang-bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labingapat na sali't-saling lahi. 040 MAT 001 018 Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. 040 MAT 001 019 At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa'y lalaking matuwid, at ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim. 040 MAT 001 020 Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo. 040 MAT 001 021 At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan. 040 MAT 001 022 At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, 040 MAT 001 023 Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios. 040 MAT 001 024 At nagbangon si Jose sa kaniyang pagkakatulog, at ginawa niya ang ayon sa ipinagutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon, at tinanggap ang kaniyang asawa; 040 MAT 001 025 At hindi nakilala siya hanggang sa maipanganak ang isang lalake: at tinawag niya ang kaniyang pangalang JESUS. 040 MAT 002 001 Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na nagsisipagsabi, 040 MAT 002 002 Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka't aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya'y sambahin. 040 MAT 002 003 Nang marinig ito ng haring si Herodes, ay nagulumihanan siya, at pati ng buong Jerusalem. 040 MAT 002 004 At pagkatipon sa lahat ng mga pangulong saserdote at mga eskriba ng bayan, ay siniyasat niya sa kanila kung saan kaya ipanganganak ang Cristo. 040 MAT 002 005 At sinabi nila sa kaniya, sa Bet-lehem ng Judea: sapagka't ganito ang pagkasulat ng propeta, 040 MAT 002 006 At ikaw Bet-lehem, na lupa ng Juda, Sa anomang paraan ay hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga pangulong bayan ng Juda: Sapagka't mula sa iyo'y lalabas ang isang gobernador, Na siyang magiging pastor ng aking bayang Israel. 040 MAT 002 007 Nang magkagayo'y tinawag ni Herodes ng lihim ang mga Pantas na lalake, at kaniyang siniyasat ng buong ingat sa kanila ang panahong isinilang ng bituin. 040 MAT 002 008 At pinayaon niya sila sa Bet-lehem, at sinabi, Kayo'y magsiparoon at ipagtanong ng buong ingat ang tungkol sa sanggol; at pagkasumpong ninyo sa kaniya, ay ipagbigay-alam ninyo sa akin, upang ako nama'y makaparoon at siya'y aking sambahin. 040 MAT 002 009 At sila, pagkarinig sa hari ay nagsiyaon ng kanilang lakad; at narito, ang bituing kanilang nakita sa silanganan, ay nanguna sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng sanggol. 040 MAT 002 010 At nang makita nila ang bituin, ay nangagalak sila ng di kawasang galak. 040 MAT 002 011 At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira. 040 MAT 002 012 At palibhasa'y pinagsabihan sila ng Dios sa panaginip na huwag silang mangagbalik kay Herodes, ay nangagsiuwi sila sa kanilang sariling lupain sa ibang daan. 040 MAT 002 013 Nang mangakaalis nga sila, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita kay Jose sa panaginip, na nagsasabi, Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at tumakas ka hanggang sa Egipto, at dumoon ka hanggang sa sabihin ko sa iyo: sapagka't hahanapin ni Herodes ang sanggol upang siya'y puksain. 040 MAT 002 014 At siya'y nagbangon at dinala ang sanggol at ang ina nito sa kinagabihan, at napasa Egipto; 040 MAT 002 015 At dumoon hanggang sa pagkamatay ni Herodes: upang maganap ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Mula sa Egipto ay tinawag ko ang aking anak. 040 MAT 002 016 Nang magkagayon, nang mapansin ni Herodes na siya'y pinaglaruan ng mga Pantas na lalake, ay nagalit na mainam, at nagutos, at ipinapatay ang lahat ng mga sanggol na lalake na nangasa Bet-lehem, at sa buong palibotlibot noon, mula sa gulang na dalawang taon hanggang sa pababa, alinsunod sa panahon ng kaniyang maingat na pagkasiyasat sa mga Pantas na lalake. 040 MAT 002 017 Nang magkagayo'y naganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias, na nagsasabi, 040 MAT 002 018 Isang tinig ay narinig sa Rama, Pananangis at kalagimlagim na iyak, Tinatangisan ni Raquel ang kaniyang mga anak; At ayaw na siyang maaliw, sapagka't sila'y wala na. 040 MAT 002 019 Nguni't pagkamatay ni Herodes, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa panaginip kay Jose sa Egipto, na nagsasabi, 040 MAT 002 020 Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at pumatungo ka sa lupain ng Israel: sapagka't nangamatay na ang nangagmimithi sa buhay ng sanggol. 040 MAT 002 021 At nagbangon siya at dinala ang sanggol at ang kaniyang ina, at pumatungo sa lupa ng Israel. 040 MAT 002 022 Datapuwa't nang mabalitaan niya na si Arquelao ang naghahari sa Judea na kahalili ng kaniyang amang si Herodes, ay natakot siyang pumatungo roon; at palibhasa'y pinagsabihan ng Dios sa panaginip, ay napatungo siya sa mga sakop ng Galilea, 040 MAT 002 023 At siya'y dumating at tumahan sa isang bayang tinatawag na Nazaret; upang maganap ang mga sinalita ng mga propeta, na siya'y tatawaging Nazareno. 040 MAT 003 001 At nang mga araw na yaon ay dumating si Juan Bautista, na nangangaral sa ilang ng Judea, na nagsasabi, 040 MAT 003 002 Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit. 040 MAT 003 003 Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas. 040 MAT 003 004 Si Juan nga ay nananamit ng balahibo ng kamelyo, at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang; at ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan. 040 MAT 003 005 Nang magkagayo'y nilabas siya ng Jerusalem, at ng buong Judea, at ng buong lupain sa palibotlibot ng Jordan; 040 MAT 003 006 At sila'y kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan, na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan. 040 MAT 003 007 Datapuwa't nang makita niyang marami sa mga Fariseo at Saduceo na nagsisiparoon sa kaniyang pagbabautismo, ay sinabi niya sa kanila, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating? 040 MAT 003 008 Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi: 040 MAT 003 009 At huwag kayong mangagisip na mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang aming ama; sapagka't sinasabi ko sa inyo, na mangyayaring makapagpalitaw ang Dios ng mga anak ni Abraham sa mga batong ito. 040 MAT 003 010 At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na hindi nagbubungang mabuti ay pinuputol at inihahagis sa apoy. 040 MAT 003 011 Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy: 040 MAT 003 012 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, at lilinisin niyang lubos ang kaniyang giikan; at titipunin niya ang kaniyang trigo sa bangan, datapuwa't ang dayami ay susunugin sa apoy na hindi mapapatay. 040 MAT 003 013 Nang magkagayo'y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya'y bautismuhan niya. 040 MAT 003 014 Datapuwa't ibig siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako'y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin? 040 MAT 003 015 Nguni't pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka't ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo'y pinayagan niya siya. 040 MAT 003 016 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya; 040 MAT 003 017 At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan. 040 MAT 004 001 Nang magkagayo'y inihatid ng Espiritu Santo si Jesus sa ilang upang siya'y tuksuhin ng diablo. 040 MAT 004 002 At nang siya'y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya. 040 MAT 004 003 At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay. 040 MAT 004 004 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios. 040 MAT 004 005 Nang magkagayo'y dinala siya ng diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo, 040 MAT 004 006 At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat, Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. 040 MAT 004 007 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat din naman, Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios. 040 MAT 004 008 Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila; 040 MAT 004 009 At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako. 040 MAT 004 010 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran. 040 MAT 004 011 Nang magkagayo'y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran. 040 MAT 004 012 Nang marinig nga niya na si Juan ay dinakip, ay umuwi siya sa Galilea; 040 MAT 004 013 At pagkaiwan sa Nazaret, ay naparoon siya at tumahan sa Capernaum, na nasa tabi ng dagat, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali: 040 MAT 004 014 Upang maganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias na nagsasabi, 040 MAT 004 015 Ang lupa ni Zabulon at ang lupa ni Neftali, Sa gawing dagat, sa dako pa roon ng Jordan, Galilea ng mga Gentil, 040 MAT 004 016 Ang bayang nalulugmok sa kadiliman, ay Nakakita ng dakilang ilaw, At sa nangalulugmok sa pook at lilim ng kamatayan, ay Lumiwanag sa kanila ang ilaw. 040 MAT 004 017 Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit. 040 MAT 004 018 At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea; ay nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, na inihuhulog ang isang lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya. 040 MAT 004 019 At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao. 040 MAT 004 020 At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya. 040 MAT 004 021 At paglakad sa dako roon ay nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan, sa daong na kasama si Zebedeo na kanilang ama, na nagsisipaghayuma ng kanilang mga lambat; at sila'y kaniyang tinawag. 040 MAT 004 022 At pagdaka'y iniwan nila ang daong at ang kanilang ama, at nagsisunod sa kaniya. 040 MAT 004 023 At nilibot ni Jesus ang buong Galilea, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao. 040 MAT 004 024 At lumaganap ang pagkabantog niya sa buong Siria: at kanilang dinadala sa kaniya ang lahat ng mga may karamdaman, at ang mga pinipighati ng sarisaring sakit at pahirap, at ang mga inaalihan ng mga demonio, at ang mga himatayin, at ang mga lumpo: at sila'y pinagagaling niya. 040 MAT 004 025 At sinundan siya ng lubhang karamihang tao mula sa Galilea at Decapolis at Jerusalem at Judea at mula sa dakong ibayo ng Jordan. 040 MAT 005 001 At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad: 040 MAT 005 002 At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi, 040 MAT 005 003 Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit. 040 MAT 005 004 Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin. 040 MAT 005 005 Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa. 040 MAT 005 006 Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin. 040 MAT 005 007 Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan. 040 MAT 005 008 Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios. 040 MAT 005 009 Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios. 040 MAT 005 010 Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit. 040 MAT 005 011 Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin. 040 MAT 005 012 Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo. 040 MAT 005 013 Kayo ang asin ng lupa: nguni't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao. 040 MAT 005 014 Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago. 040 MAT 005 015 Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay. 040 MAT 005 016 Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit. 040 MAT 005 017 Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. 040 MAT 005 018 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. 040 MAT 005 019 Kaya't ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit. 040 MAT 005 020 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit. 040 MAT 005 021 Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, Huwag kang papatay; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan: 040 MAT 005 022 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy. 040 MAT 005 023 Kaya't kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo, 040 MAT 005 024 Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain. 040 MAT 005 025 Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan. 040 MAT 005 026 Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi ka aalis doon sa anomang paraan, hanggang hindi mo mapagbayaran ang katapustapusang beles. 040 MAT 005 027 Narinig ninyong sinabi, Huwag kang mangangalunya: 040 MAT 005 028 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso. 040 MAT 005 029 At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno. 040 MAT 005 030 At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno. 040 MAT 005 031 Sinabi rin naman, Ang sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa, ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay: 040 MAT 005 032 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya. 040 MAT 005 033 Bukod sa rito'y inyong narinig na sinabi sa mga tao sa una, Huwag kang manunumpa ng di katotohanan, kundi tutupdin mo sa Panginoon ang iyong mga sumpa: 040 MAT 005 034 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka't siyang luklukan ng Dios; 040 MAT 005 035 Kahit ang lupa, sapagka't siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagka't siyang bayan ng dakilang Hari. 040 MAT 005 036 Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa, sapagka't hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim. 040 MAT 005 037 Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama. 040 MAT 005 038 Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin: 040 MAT 005 039 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila. 040 MAT 005 040 At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal. 040 MAT 005 041 At sa sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya, ay lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya. 040 MAT 005 042 Bigyan mo ang sa iyo'y humihingi, at huwag mong talikdan ang sa iyo'y nangungutang. 040 MAT 005 043 Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang iyong kapuwa, at kapopootan mo ang iyong kaaway: 040 MAT 005 044 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig; 040 MAT 005 045 Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap. 040 MAT 005 046 Sapagka't kung kayo'y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? 040 MAT 005 047 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil? 040 MAT 005 048 Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal. 040 MAT 006 001 Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita: sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit. 040 MAT 006 002 Kaya nga pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo, na gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan, upang sila'y mangagkapuri sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti. 040 MAT 006 003 Datapuwa't pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay: 040 MAT 006 004 Upang ang iyong paglilimos ay malihim: at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka. 040 MAT 006 005 At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti. 040 MAT 006 006 Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka. 040 MAT 006 007 At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila. 040 MAT 006 008 Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya. 040 MAT 006 009 Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. 040 MAT 006 010 Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. 040 MAT 006 011 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. 040 MAT 006 012 At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. 040 MAT 006 013 At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa. 040 MAT 006 014 Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan. 040 MAT 006 015 Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan. 040 MAT 006 016 Bukod dito, pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti. 040 MAT 006 017 Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha; 040 MAT 006 018 Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka. 040 MAT 006 019 Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: 040 MAT 006 020 Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: 040 MAT 006 021 Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso. 040 MAT 006 022 Ang ilawan ng katawan ay ang mata: kung tapat nga ang iyong mata, ang buong katawan mo'y mapupuspos ng liwanag. 040 MAT 006 023 Datapuwa't kung masama ang iyong mata, ang buong katawan mo'y mapupuspos ng kadiliman. Kaya't kung ang ilaw na sumasa iyo ay kadiliman, gaano kaya kalaki ang kadiliman! 040 MAT 006 024 Sinoma'y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan. 040 MAT 006 025 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit? 040 MAT 006 026 Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila'y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila? 040 MAT 006 027 At alin sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay? 040 MAT 006 028 At tungkol sa pananamit, bakit kayo nangababalisa? Wariin ninyo ang mga lirio sa parang, kung paanong nagsisilaki; hindi nangagpapagal, ni nangagsusulid man: 040 MAT 006 029 Gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, na kahit si Salomon man sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito. 040 MAT 006 030 Nguni't kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang, na ngayon ay buhay, at sa kinabukasa'y iginagatong sa kalan, hindi baga lalonglalo na kayong pararamtan niya, Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya? 040 MAT 006 031 Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin? 040 MAT 006 032 Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. 040 MAT 006 033 Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. 040 MAT 006 034 Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagka't ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili. Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan. 040 MAT 007 001 Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. 040 MAT 007 002 Sapagka't sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo. 040 MAT 007 003 At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid, nguni't hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata? 040 MAT 007 004 O paanong sasabihin mo sa iyong kapatid, Pabayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo; at narito, ang tahilan sa iyong sariling mata? 040 MAT 007 005 Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid. 040 MAT 007 006 Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang anomang banal, ni ihagis man ang inyong mga perlas sa harap ng mga baboy, baka yurakan ng kanilang mga paa, at mangagbalik at kayo'y lapain. 040 MAT 007 007 Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan: 040 MAT 007 008 Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan. 040 MAT 007 009 O anong tao sa inyo, ang kung siya'y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay bato ang ibibigay; 040 MAT 007 010 O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas? 040 MAT 007 011 Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya? 040 MAT 007 012 Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta. 040 MAT 007 013 Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok. 040 MAT 007 014 Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon. 040 MAT 007 015 Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila. 040 MAT 007 016 Sa kanilang mga bunga ay inyong mangakikilala sila. Nakapuputi baga ng mga ubas sa mga tinikan, o ng mga igos sa mga dawagan? 040 MAT 007 017 Gayon din naman ang bawa't mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa't ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama. 040 MAT 007 018 Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti. 040 MAT 007 019 Bawa't punong kahoy na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy. 040 MAT 007 020 Kaya't sa kanilang mga bunga ay mangakikilala ninyo sila. 040 MAT 007 021 Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. 040 MAT 007 022 Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? 040 MAT 007 023 At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan. 040 MAT 007 024 Kaya't ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato: 040 MAT 007 025 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka't natatayo sa ibabaw ng bato. 040 MAT 007 026 At ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap, ay matutulad sa isang taong mangmang, na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan: 040 MAT 007 027 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at nabagsak: at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak. 040 MAT 007 028 At nangyari, na nang matapos na ni Jesus ang mga salitang ito, ay nangatilihan ang mga karamihan sa kaniyang aral: 040 MAT 007 029 Sapagka't sila'y kaniyang tinuturuang tulad sa may kapamahalaan, at hindi gaya ng kanilang mga eskriba. 040 MAT 008 001 At nang siya'y bumaba mula sa bundok, ay sinundan siya ng lubhang maraming tao. 040 MAT 008 002 At narito, lumapit sa kaniya ang isang ketongin, at siya'y sinamba, na nagsasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako. 040 MAT 008 003 At iniunat niya ang kaniyang kamay, at siya'y hinipo, na nagsasabi, Ibig ko; luminis ka. At pagdaka'y nalinis ang kaniyang ketong. 040 MAT 008 004 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ingatan mong huwag sabihin kanino man; kundi humayo ka, pakita ka sa saserdote, at ihandog mo ang alay na ipinagutos ni Moises, na bilang patotoo sa kanila. 040 MAT 008 005 At pagpasok niya sa Capernaum, ay lumapit sa kaniya ang isang senturion, na sa kaniya'y namanhik, 040 MAT 008 006 At nagsasabi, Panginoon, ang aking alila ay nararatay sa bahay, lumpo, at lubhang nahihirapan. 040 MAT 008 007 At sinabi niya sa kaniya, Paroroon ako, at siya'y aking pagagalingin. 040 MAT 008 008 At sumagot ang senturion at sinabi, Panginoon, hindi ako karapat-dapat na ikaw ay pumasok sa ilalim ng aking bubungan; datapuwa't sabihin mo lamang ang salita, at gagaling ang aking alila. 040 MAT 008 009 Sapagka't ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan, na may nasasakupan akong mga kawal: at sinasabi ko rito, Yumaon ka, at siya'y yumayaon; at sa isa, Halika, at siya'y lumalapit; at sa aking alipin, Gawin mo ito, at kaniyang ginagawa. 040 MAT 008 010 At nang marinig ito ni Jesus, ay nagtaka siya, at sinabi sa nagsisisunod, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kahit sa Israel man, ay hindi ako nakasumpong ng ganito kalaking pananampalataya. 040 MAT 008 011 At sinabi ko sa inyo, na marami ang magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, sa kaharian ng langit: 040 MAT 008 012 Datapuwa't ang mga anak ng kaharian ay pawang itatapon sa kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin. 040 MAT 008 013 At sinabi ni Jesus sa senturion, Humayo ka ng iyong lakad; at ayon sa iyong pagsampalataya, ay gayon ang sa iyo'y mangyari. At gumaling ang kaniyang alila sa oras ding yaon. 040 MAT 008 014 At nang pumasok si Jesus sa bahay ni Pedro, ay nakita niya ang biyanang babae nito na nararatay dahil sa lagnat. 040 MAT 008 015 At hinipo ang kaniyang kamay, at inibsan siya ng lagnat; at siya'y nagbangon, at naglingkod sa kaniya. 040 MAT 008 016 At nang kinahapunan, ay dinala nila sa kaniya ang maraming inaalihan ng demonio: at pinalayas niya sa isang salita ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng mga may sakit: 040 MAT 008 017 Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Siya rin ang kumuha ng ating mga sakit, at nagdala ng ating mga karamdaman. 040 MAT 008 018 Nang makita nga ni Jesus ang lubhang maraming tao sa palibot niya, ay ipinagutos niyang tumawid sa kabilang ibayo. 040 MAT 008 019 At lumapit ang isang eskriba, at sa kaniya'y nagsabi, Guro, susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon. 040 MAT 008 020 At sinabi sa kaniya ni Jesus, May mga lungga ang mga zorra, at may mga pugad ang mga ibon sa langit; datapuwa't ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kaniyang ulo. 040 MAT 008 021 At ang isa naman sa kaniyang mga alagad ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama. 040 MAT 008 022 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Jesus, Sumunod ka sa akin; at pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay. 040 MAT 008 023 At pagkalulan niya sa isang daong, ay sinundan siya ng kaniyang mga alagad. 040 MAT 008 024 At narito, bumangon ang isang malakas na bagyo sa dagat, na ano pa't inaapawan ang daong ng mga alon: datapuwa't siya'y natutulog. 040 MAT 008 025 At nagsilapit sila sa kaniya, at siya'y ginising, na sinasabi, Panginoon, iligtas mo kami; kami'y mangamamatay. 040 MAT 008 026 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangatatakot, Oh kayong kakaunti ang pananampalataya? Nang magkagayo'y nagbangon siya, at sinaway ang mga hangin at ang dagat; at humusay na totoo ang panahon. 040 MAT 008 027 At ang mga tao ay nangagtaka, na sinasabi, Anong tao ito, na maging ang mga hangin at ang mga dagat ay nagsisitalima sa kaniya? 040 MAT 008 028 At nang siya'y makarating sa kabilang ibayo sa lupain ng mga Gadareno, ay sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonio na nagsisilabas sa mga libingan, na totoong mababangis, na ano pa't sinoma'y walang makapagdaan sa daang yaon. 040 MAT 008 029 At narito, sila'y nagsisigaw, na nangagsasabi, Anong aming ipakikialam sa iyo, ikaw na Anak ng Dios? naparito ka baga upang kami'y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan? 040 MAT 008 030 Sa malayo sa kanila ay may isang kawan ng maraming baboy na nagsisipanginain. 040 MAT 008 031 At namanhik sa kaniya ang mga demonio, na nangagsasabi, Kung kami'y palalayasin mo, ay paparoonin mo kami sa kawan ng mga baboy. 040 MAT 008 032 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo. At sila'y nagsilabas, at nagsipasok sa mga baboy: at narito, ang buong kawan ng mga baboy ay nangapadaluhong sa bangin hanggang sa dagat, at nangamatay sa tubig. 040 MAT 008 033 At nagsitakas ang mga tagapagalaga ng mga yaon, at nagsitungo sa bayan, at sinabi ang lahat ng mga nangyari, at ang kinahinatnan ng mga inalihan ng mga demonio. 040 MAT 008 034 At narito, lumabas ang buong bayan upang sumalubong kay Jesus: at pagkakita nila sa kaniya, ay pinamanhikan siyang umalis sa kanilang mga hangganan. 040 MAT 009 001 At lumulan siya sa isang daong, at tumawid, at dumating sa kaniyang sariling bayan. 040 MAT 009 002 At narito, dinala nila sa kaniya ang isang lumpo, na nakahiga sa isang higaan: at nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, ay sinabi sa lumpo, Anak, laksan mo ang iyong loob; ang iyong mga kasalanan ay ipinatatawad na. 040 MAT 009 003 At narito, ang ilan sa mga eskriba ay nangagsabi sa kanilang sarili, Ang taong ito'y namumusong. 040 MAT 009 004 At pagkaunawa ni Jesus ng kanilang mga kaisipan, ay sinabi, Bakit nangagiisip kayo ng masama sa inyong mga puso? 040 MAT 009 005 Sapagka't alin baga ang lalong magaang sabihin, Ipinatatawad na ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka, at lumakad ka? 040 MAT 009 006 Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao'y may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi nga niya sa lumpo), Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa iyong bahay. 040 MAT 009 007 At nagtindig siya, at umuwi sa kaniyang bahay. 040 MAT 009 008 Datapuwa't nang makita ito ng karamihan, ay nangatakot sila, at kanilang niluwalhati ang Dios, na nagbigay ng gayong kapamahalaan sa mga tao. 040 MAT 009 009 At pagdaraan doon ni Jesus, ay nakita niya ang isang tao, na kung tawagi'y Mateo, na nakaupo sa paningilan ng buwis: at sinabi niya sa kaniya, Sumunod ka sa akin. At siya'y nagtindig, at sumunod sa kaniya. 040 MAT 009 010 At nangyari, na nang nakaupo siya sa pagkain sa bahay, narito, ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ay nagsirating at nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad. 040 MAT 009 011 At nang makita ito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniyang mga alagad, Bakit sumasalo ang inyong Guro sa mga maniningil ng buwis at mga makasalanan? 040 MAT 009 012 Datapuwa't nang ito'y marinig niya, ay kaniyang sinabi, Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit. 040 MAT 009 013 Datapuwa't magsihayo kayo at inyong pagaralan kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain: sapagka't hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan. 040 MAT 009 014 Nang magkagayo'y nagsilapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan, na nangagsabi, Bakit kami at ang mga Fariseo ay nangagaayunong madalas, datapuwa't hindi nangagaayuno ang mga alagad mo? 040 MAT 009 015 At sinabi sa kanila ni Jesus, Mangyayari bagang mangagluksa ang mga abay sa kasalan, samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila? datapuwa't darating ang mga araw, na ang kasintahang lalake ay aalisin sa kanila, at kung magkagayo'y mangagaayuno sila. 040 MAT 009 016 At sinoma'y hindi nagtatagpi ng bagong kayo sa damit na luma; sapagka't ang tagpi ay bumabatak sa damit, at lalong lumalala ang punit. 040 MAT 009 017 Hindi rin nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma: sa ibang paraan ay nangagpuputok ang mga balat, at nangabububo ang alak, at nangasisira ang mga balat: kundi isinisilid ang bagong alak sa mga bagong balat, at kapuwa nagsisitagal. 040 MAT 009 018 Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito sa kanila, narito, dumating ang isang pinuno, at siya'y sinamba, na nagsasabi, Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae: datapuwa't halina at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya, at siya'y mabubuhay. 040 MAT 009 019 At si Jesus ay nagtindig, at sumama sa kaniya, pati ng kaniyang mga alagad. 040 MAT 009 020 At narito, isang babaing inaagasang may labingdalawang taon na, ay lumapit sa kaniyang likuran, at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit: 040 MAT 009 021 Sapagka't sinabi niya sa kaniyang kalooban, Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit, ay gagaling ako. 040 MAT 009 022 Datapuwa't paglingon ni Jesus at pagkakita sa kaniya, ay sinabi, Anak, laksan mo ang iyong loob; pinagaling ka ng iyong pananampalataya. At gumaling ang babae mula sa oras na yaon. 040 MAT 009 023 At nang pumasok si Jesus sa bahay ng pinuno, at makita ang mga tumutugtog ng mga plauta, at ang mga taong nangagkakagulo, 040 MAT 009 024 Ay sinabi niya, Magparaan kayo: sapagka't hindi patay ang dalaga, kundi natutulog. At tinawanan nila siya na nililibak. 040 MAT 009 025 Datapuwa't nang mapalabas na ang mga tao, ay pumasok siya, at tinangnan niya siya sa kamay; at nagbangon ang dalaga. 040 MAT 009 026 At kumalat ang pagkabantog na ito sa buong lupang yaon. 040 MAT 009 027 At pagkaraan doon ni Jesus ay sinundan siya ng dalawang lalaking bulag, na nangagsisisigaw, at nangagsasabi, Mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David. 040 MAT 009 028 At nang pumasok siya sa bahay, ay nagsilapit sa kaniya ang mga lalaking bulag: at sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisisampalataya baga kayo na magagawa ko ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo, Panginoon. 040 MAT 009 029 Nang magkagayo'y kaniyang hinipo ang mga mata nila, na sinasabi, Alinsunod sa inyong pananampalataya ay siyang mangyari sa inyo. 040 MAT 009 030 At nangadilat ang kanilang mga mata. At mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila, na sinasabi, Ingatan ninyong sinoma'y huwag makaalam nito. 040 MAT 009 031 Datapuwa't sila'y nagsialis, at kanilang inilathala ang kaniyang kabantugan sa buong lupang yaon. 040 MAT 009 032 At samantalang sila'y nagsisialis, narito, sa kaniya'y dinala ang isang lalaking pipi na inaalihan ng demonio. 040 MAT 009 033 At nang mapalabas ang demonio, ay nagsalita ang lalaking pipi: at nangagtaka ang mga karamihan, na nangagsasabi, Kailan ma'y hindi nakita sa Israel ang ganito. 040 MAT 009 034 Datapuwa't sinabi ng mga Fariseo, sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio. 040 MAT 009 035 At nililibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at pinagagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring karamdaman. 040 MAT 009 036 Datapuwa't nang makita niya ang mga karamihan, ay nahabag siya sa kanila, sapagka't pawang nangahahapis at nangangalat, na gaya ng mga tupa na walang pastor. 040 MAT 009 037 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa. 040 MAT 009 038 Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin. 040 MAT 010 001 At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman. 040 MAT 010 002 Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una'y si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan; 040 MAT 010 003 Si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo; 040 MAT 010 004 Si Simon na Cananeo, at si Judas Iscariote, na siya ring sa kaniya'y nagkanulo. 040 MAT 010 005 Ang labingdalawang ito'y sinugo ni Jesus, at sila'y pinagbilinan, na sinasabi, Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga taga Samaria: 040 MAT 010 006 Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel. 040 MAT 010 007 At samantalang kayo'y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang kaharian ng langit ay malapit na. 040 MAT 010 008 Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad. 040 MAT 010 009 Huwag kayong mangagbaon ng ginto, kahit pilak, kahit tanso sa inyong mga supot: 040 MAT 010 010 Kahit supot ng pagkain sa paglalakad, kahit dalawang tunika, kahit mga pangyapak, o tungkod: sapagka't ang manggagawa ay karapatdapat sa kaniyang pagkain. 040 MAT 010 011 At sa alin mang bayan o nayon na inyong pasukin, siyasatin ninyo kung sino roon ang karapatdapat; at magsitahan kayo roon hanggang sa kayo'y magsialis. 040 MAT 010 012 At pagpasok ninyo sa bahay, ay batiin ninyo ito. 040 MAT 010 013 At kung karapatdapat ang bahay, ay dumoon ang inyong kapayapaan: datapuwa't kung hindi karapatdapat, ay mabalik sa inyo ang kapayapaan ninyo. 040 MAT 010 014 At sinomang hindi tumanggap sa inyo, ni duminig sa inyong mga pananalita, pagalis ninyo sa bahay o bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa. 040 MAT 010 015 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma at ng Gomorra sa araw ng paghuhukom, kay sa bayang yaon. 040 MAT 010 016 Narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati. 040 MAT 010 017 Datapuwa't mangagpakaingat kayo sa mga tao: sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga Sanedrin at kayo'y hahampasin sa kanilang mga sinagoga; 040 MAT 010 018 Oo at kayo'y dadalhin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin, sa pagpapatotoo sa kanila at sa mga Gentil. 040 MAT 010 019 Datapuwa't pagka kayo'y ibinigay nila, huwag ninyong ikabalisa kung paano o kung ano ang inyong sasabihin: sapagka't sa oras na yaon ay ipagkakaloob sa inyo ang inyong sasabihin. 040 MAT 010 020 Sapagka't hindi kayo ang mangagsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang sa inyo'y magsasalita. 040 MAT 010 021 At ibibigay ng kapatid ang kapatid sa kamatayan, at ng ama ang kaniyang anak: at mangaghihimagsik ang mga anak laban sa kanilang mga magulang, at sila'y ipapapatay. 040 MAT 010 022 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas. 040 MAT 010 023 Datapuwa't pagka kayo'y pinagusig nila sa isang bayang ito, ay magsitakas kayo tungo sa kasunod na bayan: sapagka't sa katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo matatapos libutin ang mga bayan ng Israel, hanggang sa pumarito ang Anak ng tao. 040 MAT 010 024 Hindi mataas ang alagad sa kaniyang guro, ni hindi rin mataas ang alila sa kaniyang panginoon. 040 MAT 010 025 Sukat na sa alagad ang maging katulad ng kaniyang guro, at sa alila ang maging katulad ng kaniyang panginoon. Kung pinanganlan nilang Beelzebub ang panginoon ng sangbahayan, gaano pa kaya ang mga kasangbahay niya! 040 MAT 010 026 Huwag nga ninyo silang katakutan: sapagka't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag; at natatago na hindi malalaman. 040 MAT 010 027 Ang sinasabi ko sa inyo sa kadiliman, ay sabihin ninyo sa kaliwanagan; at ang narinig ninyo sa bulong, ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan. 040 MAT 010 028 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno. 040 MAT 010 029 Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama: 040 MAT 010 030 Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat. 040 MAT 010 031 Huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya. 040 MAT 010 032 Kaya't ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit. 040 MAT 010 033 Datapuwa't sinomang sa aki'y magkaila sa harap ng mga tao, ay ikakaila ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit. 040 MAT 010 034 Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak. 040 MAT 010 035 Sapagka't ako'y naparito upang papagalitin ang lalake laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae: 040 MAT 010 036 At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay. 040 MAT 010 037 Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin. 040 MAT 010 038 At ang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin, ay hindi karapatdapat sa akin. 040 MAT 010 039 Ang nakasusumpong ng kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang mawalan ng buhay dahil sa akin ay makasusumpong niyaon. 040 MAT 010 040 Ang tumatanggap sa inyo ay ako ang tinatanggap, at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin. 040 MAT 010 041 Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa pangalan ng propeta ay tatanggap ng ganti ng isang propeta: at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa pangalan ng isang taong matuwid ay tatanggap ng ganti ng isang taong matuwid. 040 MAT 010 042 At sinomang magpainom sa isa sa maliliit na ito ng kahit isang sarong tubig na malamig, dahil sa pangalang alagad, katotohanang sinasabi ko sa inyo na hindi mawawala ang ganti sa kaniya. 040 MAT 011 001 At nangyari, na nang matapos nang masabi ni Jesus ang kaniyang mga utos sa kaniyang labingdalawang alagad, ay umalis siya roon upang magturo at mangaral sa mga bayan nila. 040 MAT 011 002 Nang marinig nga ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ni Cristo, ay nagpasugo siya sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad, 040 MAT 011 003 At sinabi sa kaniya, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba? 040 MAT 011 004 At sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangaririnig at nangakikita: 040 MAT 011 005 Ang mga bulag ay nangakakakita, ang mga pilay ay nangakalalakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, at ang mga patay ay ibinabangon, at sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita. 040 MAT 011 006 At mapalad ang sinomang hindi makasumpong ng anomang katitisuran sa akin. 040 MAT 011 007 At samantalang ang mga ito'y nagsisiyaon ng kanilang lakad, ay nagpasimula si Jesus na magsalita sa mga karamihan tungkol kay Juan, Ano ang nilabas ninyo upang masdan sa ilang? isang tambo na inuuga ng hangin? 040 MAT 011 008 Datapuwa't ano ang nilabas ninyo upang makita? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselan? Narito, ang mga nagsisipanamit ng maseselan ay nangasa mga bahay ng mga hari. 040 MAT 011 009 Datapuwa't ano ang nilabas ninyo? upang makita ang isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at lalo pang higit kay sa isang propeta. 040 MAT 011 010 Ito yaong tungkol sa kaniya'y nasusulat, Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha, Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo. 040 MAT 011 011 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sa gitna ng mga ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista: gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay sa kaniya. 040 MAT 011 012 At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas. 040 MAT 011 013 Sapagka't ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula. 040 MAT 011 014 At kung ibig ninyong tanggapin, ay siya'y si Elias na paririto. 040 MAT 011 015 Ang may mga pakinig upang ipakinig, ay makinig. 040 MAT 011 016 Datapuwa't sa ano ko itutulad ang lahing ito? Tulad sa mga batang nangakaupo sa mga pamilihan, na sinisigawan ang kanilang mga kasama. 040 MAT 011 017 At sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisisayaw; nagsipanambitan kami, at hindi kayo nangahapis. 040 MAT 011 018 Sapagka't naparito si Juan na hindi kumakain o umiinom man, at sinasabi nila, Siya'y mayroong demonio. 040 MAT 011 019 Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, Narito, ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan! At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa. 040 MAT 011 020 Nang magkagayo'y kaniyang pinasimulang sumbatan ang mga bayan na pinaggagawan niya ng lalong marami sa kaniyang mga gawang makapangyarihan, sapagka't hindi sila nangagsisi. 040 MAT 011 021 Sa aba mo, Corazin! sa aba mo, Bethsaida! sapagka't kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihan na ginawa sa inyo, malaon na dising nangagsisi na may mga damit na magaspang at abo. 040 MAT 011 022 Nguni't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom, kay sa inyo. 040 MAT 011 023 At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka baga hanggang sa langit? ibababa ka hanggang sa Hades: sapagka't kung sa Sodoma sana ginawa ang mga makapangyarihang gawang sa iyo'y ginawa, ay nanatili sana siya hanggang sa araw na ito. 040 MAT 011 024 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma sa araw ng paghuhukom, kay sa iyo. 040 MAT 011 025 Nang panahong yaon ay sumagot si Jesus at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol: 040 MAT 011 026 Oo nga, Ama, sapagka't gayon ang nakalugod sa iyong paningin. 040 MAT 011 027 Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak. 040 MAT 011 028 Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin. 040 MAT 011 029 Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. 040 MAT 011 030 Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan. 040 MAT 012 001 Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain. 040 MAT 012 002 Datapuwa't pagkakita nito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniya, Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo ang hindi matuwid na gawin sa sabbath. 040 MAT 012 003 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya'y nagutom, at ang mga kasamahan niya; 040 MAT 012 004 Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain siya ng mga tinapay na handog, na hindi matuwid na kanin niya, ni ng mga kasamahan niya, kundi ng mga saserdote lamang? 040 MAT 012 005 O hindi baga ninyo nabasa sa kautusan, kung papaanong sa mga araw ng sabbath ay niwawalang galang ng mga saserdote sa templo ang sabbath, at hindi nangagkakasala? 040 MAT 012 006 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. 040 MAT 012 007 Datapuwa't kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. 040 MAT 012 008 Sapagka't ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath. 040 MAT 012 009 At siya'y umalis doon at pumasok sa sinagoga nila: 040 MAT 012 010 At narito, may isang tao na tuyo ang isang kamay. At sa kaniya'y itinanong nila, na sinasabi, Matuwid bagang magpagaling sa araw ng sabbath? upang siya'y kanilang maisumbong. 040 MAT 012 011 At sinabi niya sa kanila, Sino kaya sa inyo, na kung mayroong isang tupa, na kung mahulog ito sa isang hukay sa araw ng sabbath, ay hindi baga niya aabutin, at hahanguin? 040 MAT 012 012 Gaano pa nga ang isang tao na may halaga kay sa isang tupa! Kaya't matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath. 040 MAT 012 013 Nang magkagayo'y sinabi niya sa lalake, Iunat mo ang iyong kamay. At iniunat niya; at napauling walang sakit, na gaya ng isa. 040 MAT 012 014 Datapuwa't nagsialis ang mga Fariseo, at nangagpulong laban sa kaniya, kung papaanong siya'y maipapupuksa nila. 040 MAT 012 015 At pagkahalata nito ni Jesus ay lumayo roon: at siya'y sinundan ng marami; at kaniyang pinagaling silang lahat, 040 MAT 012 016 At ipinagbilin niya sa kanila, na siya'y huwag nilang ihayag: 040 MAT 012 017 Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, 040 MAT 012 018 Narito, ang lingkod ko na aking hinirang; At minamahal ko na kinalulugdan ng aking kaluluwa: Isasakaniya ko ang aking Espiritu, At ihahayag niya ang paghuhukom sa mga Gentil. 040 MAT 012 019 Hindi siya makikipagtalo, ni sisigaw; Ni maririnig man ng sinoman ang kaniyang tinig sa mga lansangan. 040 MAT 012 020 Hindi niya babaliin ang tambong gapok, At hindi papatayin ang timsim na umuusok, Hanggang sa papagtagumpayin ang paghuhukom. 040 MAT 012 021 At aasa sa kaniyang pangalan ang mga Gentil. 040 MAT 012 022 Nang magkagayo'y dinala sa kaniya ang isang inaalihan ng demonio, bulag at pipi, at kaniyang pinagaling, ano pa't ang pipi ay nagsalita at nakakita. 040 MAT 012 023 At ang buong karamihan ay nangagtaka, at nangagsabi, Ito kaya ang Anak ni David? 040 MAT 012 024 Datapuwa't nang marinig ito ng mga Fariseo, ay kanilang sinabi, Ang taong ito'y hindi nagpapalabas ng mga demonio, kundi sa pamamagitan ni Beelzebub na prinsipe ng mga demonio. 040 MAT 012 025 At pagkaalam niya ng mga iniisip nila, ay sinabi niya sa kanila, Ang bawa't kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay mawawasak; ang bawa't bayan o bahay na nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay hindi mananatili. 040 MAT 012 026 At kung pinalalabas ni Satanas si Satanas, siya nababahagi laban sa kaniyang sarili; papaano ngang mananatili ang kaniyang kaharian? 040 MAT 012 027 At kung sa pamamagitan ni Beelzebub ay nagpapalabas ako ng mga demonio, ang inyong mga anak sa kaninong pamamagitan sila'y pinalalabas? kaya nga sila ang inyong magiging mga hukom. 040 MAT 012 028 Nguni't kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios nagpapalabas ako ng mga demonio, ay dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios. 040 MAT 012 029 O papaano bagang makapapasok ang sinoman sa bahay ng malakas, at samsamin ang kaniyang mga pag-aari, kung hindi muna gapusin ang malakas? at kung magkagayo'y masasamsaman niya ang kaniyang bahay. 040 MAT 012 030 Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat. 040 MAT 012 031 Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. 040 MAT 012 032 At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating. 040 MAT 012 033 O pabutihin ninyo ang punong kahoy, at mabuti ang bunga niyaon; o pasamain ninyo ang punong kahoy, at masama ang bunga niyaon: sapagka't ang punong kahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga. 040 MAT 012 034 Kayong lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig. 040 MAT 012 035 Ang mabuting tao sa kaniyang mabuting kayamanan ay kumukuha ng mabubuting bagay: at ang masamang tao sa kaniyang masamang kayamanan ay kumukuha ng masasamang bagay. 040 MAT 012 036 At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom. 040 MAT 012 037 Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka. 040 MAT 012 038 Nang magkagayo'y nagsisagot sa kaniya ang ilan sa mga eskriba at sa mga Fariseo, na nangagsasabi, Guro, ibig namin makakita ng isang tanda sa iyo. 040 MAT 012 039 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ng propeta Jonas: 040 MAT 012 040 Sapagka't kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao. 040 MAT 012 041 Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa Nineve na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: sapagka't sila'y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas. 040 MAT 012 042 Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: sapagka't siya'y nanggaling sa mga wakas ng lupa upang pakinggan ang karunungan ni Salomon; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon. 040 MAT 012 043 Datapuwa't ang karumaldumal na espiritu, kung siya'y lumabas sa tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig na humahanap ng kapahingahan, at hindi makasumpong. 040 MAT 012 044 Kung magkagayo'y sinasabi niya, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko; at pagdating niya, ay nasusumpungan niyang walang laman, walis na, at nagagayakan. 040 MAT 012 045 Kung magkagayo'y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama kay sa kaniya, at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una. Gayon din ang mangyayari sa masamang lahing ito. 040 MAT 012 046 Samantalang siya'y nagsasalita pa sa mga karamihan, narito, ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas, at ibig nilang siya'y makausap. 040 MAT 012 047 At may nagsabi sa kaniya, Narito, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay nangakatayo sa labas, na ibig nilang makausap ka. 040 MAT 012 048 Nguni't siya'y sumagot at sinabi sa nagsabi sa kaniya, Sino ang aking ina? at sino-sino ang aking mga kapatid? 040 MAT 012 049 At iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Narito, ang aking ina at ang aking mga kapatid! 040 MAT 012 050 Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina. 040 MAT 013 001 Nang araw na yaon ay lumabas si Jesus sa bahay, at naupo sa tabi ng dagat. 040 MAT 013 002 At nakisama sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't lumulan siya sa isang daong, at naupo; at ang buong karamihan ay nangakatayo sa baybayin. 040 MAT 013 003 At pinagsalitaan niya sila ng maraming mga bagay sa mga talinghaga, na sinasabi, Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik. 040 MAT 013 004 At sa paghahasik niya, ay nangahulog ang ilang binhi sa tabi ng daan, at dumating ang mga ibon at kinain nila; 040 MAT 013 005 At ang mga iba'y nangahulog sa mga batuhan, na doo'y walang sapat na lupa: at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa: 040 MAT 013 006 At pagsikat ng araw ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo. 040 MAT 013 007 At ang mga iba'y nangahulog sa mga dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga yaon. 040 MAT 013 008 At ang mga iba'y nangahulog sa mabuting lupa, at nangagbunga, ang ila'y tigisang daan, at ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu. 040 MAT 013 009 At ang may mga pakinig, ay makinig. 040 MAT 013 010 At nagsilapit ang mga alagad, at sinabi nila sa kaniya, Bakit mo sila pinagsasalitaan sa mga talinghaga? 040 MAT 013 011 At sumagot siya at sinabi sa kanila, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, datapuwa't hindi ipinagkaloob sa kanila. 040 MAT 013 012 Sapagka't sinomang mayroon ay bibigyan, at siya'y magkakaroon ng sagana: nguni't sinomang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya. 040 MAT 013 013 Kaya't sila'y pinagsasalitaan ko sa mga talinghaga; sapagka't nagsisitingin ay hindi sila nangakakakita, at nangakikinig ay hindi sila nangakakarinig, ni hindi sila nangakakaunawa. 040 MAT 013 014 At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi, Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa; At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas: 040 MAT 013 015 Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito, At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga, At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang puso, At muling mangagbalik loob, At sila'y aking pagalingin. 040 MAT 013 016 Datapuwa't mapapalad ang inyong mga mata, sapagka't nangakakakita; at ang iyong mga tainga, sapagka't nangakakarinig. 040 MAT 013 017 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hinangad na makita ng maraming propeta at ng mga taong matuwid ang inyong nakikita, at hindi nila nakita; at marinig ang inyong naririnig, at hindi nila narinig. 040 MAT 013 018 Pakinggan nga ninyo ang talinghaga tungkol sa manghahasik. 040 MAT 013 019 Kung ang sinoman ay nakikinig ng salita ng kaharian, at ito'y hindi niya napaguunawa, ay pinaroroonan ng masama, at inaagaw ang nahasik sa kaniyang puso. Ito yaong nahasik sa tabi ng daan. 040 MAT 013 020 At ang nahasik sa mga batuhan, ay yaong nakikinig ng salita, at pagdaka'y tinatanggap ito ng buong galak; 040 MAT 013 021 Gayon ma'y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumatagal; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay pagdaka'y natitisod siya. 040 MAT 013 022 At ang nahasik sa mga dawagan, ay yaong dumirinig ng salita; nguni't ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, ay siyang umiinis sa salita, at yao'y nagiging walang bunga. 040 MAT 013 023 At ang nahasik sa mabuting lupa, ay siyang dumirinig, at nakauunawa ng salita; na siyang katotohanang nagbubunga, ang ila'y tigisang daan, ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu. 040 MAT 013 024 Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid: 040 MAT 013 025 Datapuwa't samantalang nangatutulog ang mga tao, ay dumating ang kaniyang kaaway at naghasik naman ng mga pangsirang damo sa pagitan ng trigo, at umalis. 040 MAT 013 026 Datapuwa't nang sumibol ang usbong at mamunga, ay lumitaw nga rin ang mga pangsirang damo. 040 MAT 013 027 At ang mga alipin ng puno ng sangbahayan ay nagsiparoon at nangagsabi sa kaniya, Ginoo, hindi baga naghasik ka ng mabuting binhi sa iyong bukid? saan kaya nangagmula ang mga pangsirang damo? 040 MAT 013 028 At sinabi niya sa kanila, Isang kaaway ang gumawa nito. At sinabi sa kaniya ng mga alipin, Ibig mo baga na kami nga'y magsiparoon at ang mga yao'y pagtipunin? 040 MAT 013 029 Datapuwa't sinabi niya, Huwag; baka sa pagtitipon ninyo ng mga pangsirang damo, ay inyong mabunot pati ng trigo. 040 MAT 013 030 Pabayaan ninyong magsitubo kapuwa hanggang sa panahon ng pagaani: at sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa't tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan. 040 MAT 013 031 Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang butil ng binhi ng mostasa, na kinuha ng isang tao, at inihasik sa kaniyang bukid: 040 MAT 013 032 Na siya ngang lalong maliit sa lahat ng mga binhi; datapuwa't nang tumubo, ay lalong malaki kay sa mga gulay, at nagiging punong kahoy, ano pa't nagsisiparoon ang mga ibon sa langit at sumisilong sa kaniyang mga sanga. 040 MAT 013 033 Sinalita niya sa kanila ang ibang talinghaga: Ang kaharian ng langit ay tulad sa lebadura, na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito'y nalebadurahang lahat. 040 MAT 013 034 Lahat ng mga bagay na ito'y sinabi ni Jesus sa mga karamihan sa mga talinghaga; at kung hindi sa talinghaga ay hindi niya sila kinakausap: 040 MAT 013 035 Upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Bubukhin ko ang aking bibig sa mga talinghaga; Sasaysayin ko ang mga natatagong bagay buhat nang itatag ang sanglibutan. 040 MAT 013 036 Nang magkagayon ay iniwan niya ang mga karamihan, at pumasok sa bahay: at sa kaniya'y nagsilapit ang kaniyang mga alagad, na nagsisipagsabi, Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga tungkol sa mga pangsirang damo sa bukid. 040 MAT 013 037 At siya'y sumagot at nagsabi, Ang naghahasik ng mabuting binhi ay ang Anak ng tao; 040 MAT 013 038 At ang bukid ay ang sanglibutan; at ang mabuting binhi, ay ito ang mga anak ng kaharian: at ang mga pangsirang damo ay ang mga anak ng masama; 040 MAT 013 039 At ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang diablo: at ang pagaani ay ang katapusan ng sanglibutan; at ang mga mangaani ay ang mga anghel. 040 MAT 013 040 Kung paano ang pagtipon sa mga pangsirang damo at pagsunog sa apoy; gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan. 040 MAT 013 041 Susuguin ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel, at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan, 040 MAT 013 042 At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin. 040 MAT 013 043 Kung magkagayo'y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may mga pakinig, ay makinig. 040 MAT 013 044 Tulad ang kaharian ng langit sa natatagong kayamanan sa bukid; na nasumpungan ng isang tao, at inilihim; at sa kaniyang kagalaka'y yumaon at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at binili ang bukid na yaon. 040 MAT 013 045 Gayon din naman, ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong nangangalakal na humahanap ng magagandang perlas: 040 MAT 013 046 At pagkasumpong ng isang mahalagang perlas, ay yumaon siya at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at binili yaon. 040 MAT 013 047 Tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat, na inihulog sa dagat, na nakahuli ng sarisaring isda: 040 MAT 013 048 Na, nang mapuno, ay hinila nila sa pampang; at sila'y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, datapuwa't itinapon ang masasama. 040 MAT 013 049 Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid, 040 MAT 013 050 At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin. 040 MAT 013 051 Napagunawa baga ninyo ang lahat ng mga bagay na ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo. 040 MAT 013 052 At sinabi niya sa kanila, Kaya't ang bawa't eskriba na ginagawang alagad sa kaharian ng langit ay tulad sa isang taong puno ng sangbahayan, na naglalabas sa kaniyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma. 040 MAT 013 053 At nangyari, na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito, ay umalis siya doon. 040 MAT 013 054 At pagdating sa kaniyang sariling lupain, ay kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga, ano pa't sila'y nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa? 040 MAT 013 055 Hindi baga ito ang anak ng anluwagi? hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina? at Santiago, at Jose, at Simon, at Judas ang kaniyang mga kapatid? 040 MAT 013 056 At ang kaniyang mga kapatid na babae, hindi baga silang lahat ay nanga sa atin? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay? 040 MAT 013 057 At siya'y kinatisuran nila. Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Walang propeta na di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa kaniyang sariling bahay. 040 MAT 013 058 At siya'y hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa dahil sa kawalan nila ng pananampalataya. 040 MAT 014 001 Nang panahong yao'y narinig ni Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Jesus, 040 MAT 014 002 At sinabi sa kaniyang mga tagapaglingkod, Ito'y si Juan Bautista; siya'y muling nagbangon sa mga patay; kaya't ang mga kapangyarihang ito ay nagsisigawa sa kaniya. 040 MAT 014 003 Sapagka't hinuli ni Herodes si Juan, at siya'y iginapos, at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ni Felipe na kaniyang kapatid. 040 MAT 014 004 Sapagka't sinabi ni Juan sa kaniya, Hindi matuwid sa iyo na aariin mo siya. 040 MAT 014 005 At nang ibig niyang ipapatay siya, ay natakot siya sa karamihan, sapagka't siya'y kanilang ibinibilang na propeta. 040 MAT 014 006 Datapuwa't nang dumating ang araw na kapanganakan kay Herodes, ay sumayaw sa gitna ang anak na babae ni Herodias, at kinalugdan ni Herodes. 040 MAT 014 007 Dahil dito'y kaniyang ipinangakong may sumpa na sa kaniya'y ibibigay ang anomang hingin niya. 040 MAT 014 008 At siya, na inudyukan ng kaniyang ina, ay nagsabi, Ibigay mo sa akin dito na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista. 040 MAT 014 009 At namanglaw ang hari; datapuwa't dahil sa kaniyang mga sumpa, at sa nangakaupong kasalo niya sa dulang, ay ipinagutos niyang ibigay na sa kaniya; 040 MAT 014 010 At nagutos siya at pinugutan ng ulo si Juan sa bilangguan. 040 MAT 014 011 At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga: at dinala nito sa kaniyang ina. 040 MAT 014 012 At ang kaniyang mga alagad ay nagsiparoon, at kanilang binuhat ang bangkay, at kanilang inilibing; at sila'y nagsialis at isinaysay kay Jesus. 040 MAT 014 013 Nang marinig nga ito ni Jesus, ay lumigpit sila mula roon, sa isang daong na nasa isang dakong ilang na bukod: at nang mabalitaan ito ng mga karamihan, ay nangaglakad sila na sumunod sa kaniya mula sa mga bayan. 040 MAT 014 014 At siya'y lumabas, at nakita ang isang malaking karamihan, at nahabag siya sa kanila, at pinagaling niya ang sa kanila'y mga may sakit. 040 MAT 014 015 At nang nagtatakipsilim na, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Ilang ang dakong ito, at lampas na sa panahon; paalisin mo na ang mga karamihan, upang sila'y magsiparoon sa mga nayon, at sila'y mangakabili ng kanilang makakain. 040 MAT 014 016 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kailangang sila'y magsialis; bigyan ninyo sila ng makakain. 040 MAT 014 017 At sinasabi nila sa kaniya, Wala tayo rito kundi limang tinapay at dalawang isda. 040 MAT 014 018 At sinabi niya, Dalhin ninyo rito sa akin. 040 MAT 014 019 At ipinagutos niya sa mga karamihan na sila'y magsiupo sa damuhan; at kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol at ibinigay ang mga tinapay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan. 040 MAT 014 020 At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at kanilang pinulot ang lumabis na pinagputolputol, na labingdalawang bakol na puno. 040 MAT 014 021 At ang mga nagsikain ay may limang libong lalake, bukod pa ang mga babae at ang mga bata. 040 MAT 014 022 At pagdaka'y pinapagmadali niya ang kaniyang mga alagad na magsilulan sa daong, at magsiuna sa kaniya sa kabilang ibayo, hanggang pinayayaon niya ang mga karamihan. 040 MAT 014 023 At pagkatapos na mapayaon niya ang mga karamihan, ay umahon siyang bukod sa bundok upang manalangin: at nang gumabi na, ay siya'y nagiisa doon. 040 MAT 014 024 Datapuwa't ang daong ay nasa gitna na ng dagat, na hinahampas ng mga alon; sapagka't pasalungat sa hangin. 040 MAT 014 025 At sa ikaapat na pagpupuyat ng gabi ay naparoon siya sa kanila, na lumalakad sa ibabaw ng dagat. 040 MAT 014 026 At nang makita siya ng mga alagad na lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay nangagulumihanan sila, na nangagsasabi, Multo! at sila'y nagsisigaw dahil sa takot. 040 MAT 014 027 Datapuwa't pagdaka'y nagsalita sa kanila si Jesus, na nagsasabi, Laksan ninyo ang inyong loob; ako nga: huwag kayong mangatakot. 040 MAT 014 028 At sumagot sa kaniya si Pedro, at nagsabi, Panginoon, kung ikaw nga, ay papariyanin mo ako sa iyo sa ibabaw ng tubig. 040 MAT 014 029 At sinabi niya, Halika. At lumunsad si Pedro sa daong, at lumakad sa ibabaw ng tubig upang pumaroon kay Jesus. 040 MAT 014 030 Datapuwa't pagkakita niyang malakas ang hangin, ay natakot siya, at nang siya'y malulubog, ay sumigaw, na nagsasabi, Panginoon, iligtas mo ako. 040 MAT 014 031 At pagdaka'y iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, at sa kaniya'y sinabi, Oh ikaw na kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nagalinglangan? 040 MAT 014 032 At pagkalulan nila sa daong, ay humimpil ang hangin. 040 MAT 014 033 At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, Tunay na ikaw ang Anak ng Dios. 040 MAT 014 034 At nang makatawid na sila, ay narating nila ang lupa ng Genezaret. 040 MAT 014 035 At nang siya'y makilala ng mga tao sa dakong yaon, ay nangagpabalita sila sa palibotlibot ng buong lupaing yaon, at sa kaniya'y dinala ang lahat ng mga may sakit; 040 MAT 014 036 At ipinamamanhik nila sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit: at ang lahat ng nangagsihipo ay pawang nagsigaling. 040 MAT 015 001 Nang magkagayo'y nagsilapit kay Jesus na mula sa Jerusalem ang mga Fariseo at ang mga eskriba, na nagsisipagsabi, 040 MAT 015 002 Bakit ang iyong mga alagad ay nagsisilabag sa sali't-saling sabi ng matatanda? sapagka't hindi sila nangaghuhugas ng kanilang mga kamay pagka nagsisikain sila ng tinapay. 040 MAT 015 003 At siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bakit naman kayo'y nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi? 040 MAT 015 004 Sapagka't sinabi ng Dios, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala. 040 MAT 015 005 Datapuwa't sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios: 040 MAT 015 006 Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi. 040 MAT 015 007 Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi, 040 MAT 015 008 Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin. 040 MAT 015 009 Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao. 040 MAT 015 010 At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sa kanila'y sinabi, Pakinggan ninyo, at unawain. 040 MAT 015 011 Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang nakakahawa sa tao; kundi ang lumalabas sa bibig, ito ang nakakahawa sa tao. 040 MAT 015 012 Nang magkagayo'y nagsilapit ang mga alagad, at sa kaniya'y sinabi, Nalalaman mo bagang nangagdamdam ang mga Fariseo, pagkarinig nila ng pananalitang ito? 040 MAT 015 013 Datapuwa't sumagot siya at sinabi, Ang bawa't halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa kalangitan, ay bubunutin. 040 MAT 015 014 Pabayaan ninyo sila: sila'y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay. 040 MAT 015 015 At sumagot si Pedro, at sinabi sa kaniya, Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga. 040 MAT 015 016 At sinabi niya, Kayo baga nama'y wala pa ring pagiisip? 040 MAT 015 017 Hindi pa baga ninyo nalalaman, na ang anomang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at inilalabas sa daanan ng dumi? 040 MAT 015 018 Datapuwa't ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling; at siyang nangakakahawa sa tao. 040 MAT 015 019 Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong: 040 MAT 015 020 Ito ang mga bagay na nangakakahawa sa tao; datapuwa't ang kumaing hindi maghugas ng mga kamay ay hindi makakahawa sa tao. 040 MAT 015 021 At umalis doon si Jesus, at lumigpit sa mga sakop ng Tiro at Sidon. 040 MAT 015 022 At narito, ang isang babaing Cananea na lumabas sa mga hangganang yaon, at nagsisigaw, na nagsasabi, Kahabagan mo ako, Oh Panginoon, ikaw na Anak ni David; ang aking anak na babae ay pinahihirapang lubha ng isang demonio. 040 MAT 015 023 Datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anomang salita sa kaniya. At nilapitan siya ng kaniyang mga alagad at siya'y pinamanhikan, na nangagsasabi, Paalisin mo siya; sapagka't nagsisisigaw siya sa ating hulihan. 040 MAT 015 024 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel. 040 MAT 015 025 Datapuwa't lumapit siya at siya'y sinamba niya, na nagsasabi, Panginoon, saklolohan mo ako. 040 MAT 015 026 At siya'y sumagot at sinabi, Hindi marapat na kunin ang tinapay sa mga anak at itapon sa mga aso. 040 MAT 015 027 Datapuwa't sinabi niya, Oo, Panginoon: sapagka't ang mga aso man ay nagsisikain ng mga mumo na nangalalaglag mula sa dulang ng kanilang mga panginoon. 040 MAT 015 028 Nang magkagayo'y sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Oh babae, malaki ang pananampalataya mo: mangyari sa iyo ayon sa ibig mo. At gumaling ang kaniyang anak mula sa oras na yaon. 040 MAT 015 029 At umalis si Jesus doon, at naparoon sa tabi ng dagat ng Galilea; at umahon sa bundok, at naupo doon. 040 MAT 015 030 At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at sila'y kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan; at sila'y pinagaling niya: 040 MAT 015 031 Ano pa't nangagtaka ang karamihan, nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi, nagsisigaling ang mga pingkaw, at nagsisilakad ang mga pilay, at nangakakakita ang mga bulag: at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel. 040 MAT 015 032 At pinalapit ni Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi, Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nagsisipanatili sa akin at wala silang makain: at di ko ibig na sila'y paalising nangagaayuno, baka sila'y manganglupaypay sa daan. 040 MAT 015 033 At sa kaniya'y sinabi ng mga alagad, Saan tayo mangakakakuha rito sa ilang ng sapat na daming tinapay na makabubusog sa ganyang lubhang napakaraming tao? 040 MAT 015 034 At sinabi ni Jesus sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito, at ilang maliliit na isda. 040 MAT 015 035 At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa; 040 MAT 015 036 At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda; at siya'y nagpasalamat at pinagputolputol, at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan. 040 MAT 015 037 At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno. 040 MAT 015 038 At silang nagsikain ay apat na libong lalake, bukod ang mga babae at mga bata. 040 MAT 015 039 At pinayaon niya ang mga karamihan at lumulan sa daong, at napasa mga hangganan ng Magdala. 040 MAT 016 001 At nagsilapit ang mga Fariseo at mga Saduceo, na tinutukso siya na sa kaniya'y nagsisihiling na sila'y pagpakitaan ng isang tanda na mula sa langit. 040 MAT 016 002 Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Sa kinahapunan, ay sinasabi ninyo, Bubuti ang panahon: sapagka't ang langit ay mapula. 040 MAT 016 003 At sa umaga, Ngayo'y uunos: sapagka't mapula at makulimlim ang langit. Kayo'y marurunong magsikilala ng anyo ng langit; datapuwa't hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon. 040 MAT 016 004 Ang isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda, kundi ng tanda ni Jonas. At sila'y iniwan niya, at yumaon. 040 MAT 016 005 At nagsidating ang mga alagad sa kabilang ibayo at nangakalimot na mangagdala ng tinapay. 040 MAT 016 006 At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayo'y mangagingat at magsipangilag sa lebadura ng mga Fariseo at mga Saduceo. 040 MAT 016 007 At sila'y nangagkatuwiranan sa kanilang sarili, na nagsasabi, Hindi tayo nangakapagbaon ng tinapay. 040 MAT 016 008 At nang matalastas ni Jesus ay sinabi, Oh kayong kakaunti ang pananampalataya, bakit kayo'y nangagbubulaybulay sa inyong sarili, sapagka't wala kayong tinapay? 040 MAT 016 009 Hindi pa baga ninyo natatalastas, at hindi ninyo naaalaala ang limang tinapay sa limang libong lalake, at kung ilang bakol ang inyong nailigpit? 040 MAT 016 010 Ni yaong pitong tinapay sa apat na libong lalake, at kung ilang bakol ang inyong nailigpit? 040 MAT 016 011 Ano't hindi ninyo napaguunawa na hindi ang sinabi ko sa inyo'y tungkol sa tinapay? Datapuwa't kayo'y mangagingat sa lebadura ng mga Fariseo at ng mga Saduceo. 040 MAT 016 012 Nang magkagayo'y kanilang natalastas na sa kanila'y hindi ipinagutos na sila'y magsipagingat sa lebadura ng tinapay, kundi sa mga aral ng mga Fariseo at ng mga Saduceo. 040 MAT 016 013 Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao? 040 MAT 016 014 At kanilang sinabi, Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, Si Elias; at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta. 040 MAT 016 015 Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako? 040 MAT 016 016 At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay. 040 MAT 016 017 At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit. 040 MAT 016 018 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. 040 MAT 016 019 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit. 040 MAT 016 020 Nang magkagayo'y ipinagbilin niya sa mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya ang Cristo. 040 MAT 016 021 Mula ng panahong yao'y nagpasimulang ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang siya'y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya'y patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw. 040 MAT 016 022 At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya'y pinagwikaan, na nagsasabi, Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo. 040 MAT 016 023 Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao. 040 MAT 016 024 Nang magkagayo'y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. 040 MAT 016 025 Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon. 040 MAT 016 026 Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay? 040 MAT 016 027 Sapagka't ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa. 040 MAT 016 028 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa kanilang makita ang Anak ng tao na pumaparito sa kaniyang kaharian. 040 MAT 017 001 At pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan na kapatid niya, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok: 040 MAT 017 002 At nagbagong-anyo siya sa harap nila; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw, at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit. 040 MAT 017 003 At narito, napakita sa kanila si Moises at si Elias na nakikipagusap sa kaniya. 040 MAT 017 004 At sumagot si Pedro, at sinabi kay Jesus, Panginoon, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: kung ibig mo, ay gagawa ako rito ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias. 040 MAT 017 005 Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan. 040 MAT 017 006 At nang marinig ito ng mga alagad, ay nangasubasub sila, at lubhang nangatakot. 040 MAT 017 007 At lumapit si Jesus at sila'y tinapik, at sinabi, Mangagbangon kayo, at huwag kayong mangatakot. 040 MAT 017 008 At sa paglingap ng kanilang mga mata, ay wala silang nakitang sinoman, kundi si Jesus lamang. 040 MAT 017 009 At habang sila'y nagsisibaba mula sa bundok, ay iniutos sa kanila ni Jesus, na nagsasabi, Huwag ninyong sabihin kanino mang tao ang pangitain, hanggang sa ang Anak ng tao ay ibangon sa mga patay. 040 MAT 017 010 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias? 040 MAT 017 011 At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at isasauli ang lahat ng mga bagay: 040 MAT 017 012 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at hindi nila siya nakilala, kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila. 040 MAT 017 013 Nang magkagayo'y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila'y sinasabi niya. 040 MAT 017 014 At pagdating nila sa karamihan, ay lumapit sa kaniya ang isang lalake, na sa kaniya'y lumuhod, at nagsasabi, 040 MAT 017 015 Panginoon, mahabag ka sa aking anak na lalake: sapagka't siya'y himatayin, at lubhang naghihirap; sapagka't madalas na siya'y nagsusugba sa apoy, at madalas sa tubig. 040 MAT 017 016 At siya'y dinala ko sa iyong mga alagad, at hindi nila siya mapagaling. 040 MAT 017 017 At sumagot si Jesus at sinabi, Oh lahing walang pananampalataya at taksil, hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin. 040 MAT 017 018 At pinagwikaan siya ni Jesus; at ang demonio ay lumabas sa kaniya: at ang bata'y gumaling mula nang oras ding yaon. 040 MAT 017 019 Nang magkagayo'y nagsilapit na bukod ang mga alagad kay Jesus, at nangagsabi, Bakit baga hindi namin napalabas yaon? 040 MAT 017 020 At sinabi niya sa kanila, Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari. 040 MAT 017 021 Datapuwa't ang ganito'y hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at ayuno. 040 MAT 017 022 At samantalang sila'y nangakahimpil sa Galilea, ay sinabi sa kanila ni Jesus, Ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao; 040 MAT 017 023 At siya'y papatayin nila, at sa ikatlong araw ay siya'y muling ibabangon. At sila'y lubhang nangamanglaw, 040 MAT 017 024 At pagdating nila sa Capernaum, ay nangagsilapit kay Pedro ang mga maniningil ng kalahating siklo, at nangagsabi, Hindi baga pinagbabayaran ng inyong guro ang kalahating siklo? 040 MAT 017 025 Sinabi niya, Oo. At nang pumasok siya sa bahay, ay pinangunahan siya ni Jesus, na nagsasabi, Anong akala mo, Simon? ang mga hari sa lupa, kanino baga sila nanganiningil ng kabayaran ng buwis? sa kanilang mga anak baga o sa nangaiiba? 040 MAT 017 026 At nang sabihin niya, Sa nangaiiba, ay sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung gayo'y hindi nangagbabayad ang mga anak. 040 MAT 017 027 Datapuwa't, baka katisuran tayo nila, ay pumaroon ka sa dagat, at ihulog mo ang kawil, at kunin mo ang unang isdang lumitaw; at pagka naibuka mo na ang kaniyang bibig, ay masusumpungan mo ang isang siklo: kunin mo, at ibigay mo sa kanila sa ganang akin at sa iyo. 040 MAT 018 001 Nang oras na yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nangagsasabi, Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit? 040 MAT 018 002 At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila, 040 MAT 018 003 At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit. 040 MAT 018 004 Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. 040 MAT 018 005 At sinomang tumanggap sa isa sa ganitong maliit na bata sa aking pangalan ay ako ang tinanggap: 040 MAT 018 006 Datapuwa't sinomang magbigay ng ikatitisod sa isa sa maliliit na ito na nagsisisampalataya sa akin, ay may pakikinabangin pa siya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya'y ilubog sa kalaliman ng dagat. 040 MAT 018 007 Sa aba ng sanglibutan dahil sa mga kadahilanan ng pagkatisod! sapagka't kinakailangang dumating ang mga kadahilanan; datapuwa't sa aba ng taong yaong panggalingan ng kadahilanan! 040 MAT 018 008 At kung ang kamay mo o ang paa mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay, kay sa may dalawang kamay o dalawang paa na ibulid ka sa apoy na walang hanggan. 040 MAT 018 009 At kung ang mata mo ang makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa apoy ng impierno. 040 MAT 018 010 Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng aking Ama na nasa langit. 040 MAT 018 011 Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang iligtas ang nawala. 040 MAT 018 012 Ano ang akala ninyo? kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu't siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw? 040 MAT 018 013 At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu't siyam na hindi nangaligaw. 040 MAT 018 014 Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak. 040 MAT 018 015 At kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa: kung ikaw ay pakinggan niya, ay nagwagi ka sa iyong kapatid. 040 MAT 018 016 Datapuwa't kung hindi ka niya pakinggan, ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa't salita. 040 MAT 018 017 At kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa iglesia: at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia, ay ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at maniningil ng buwis. 040 MAT 018 018 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit. 040 MAT 018 019 Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit. 040 MAT 018 020 Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila. 040 MAT 018 021 Nang magkagayo'y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya'y aking patatawarin? hanggang sa makapito? 040 MAT 018 022 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito. 040 MAT 018 023 Kaya't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang hari, na nagibig na makipagusap sa kaniyang mga alipin. 040 MAT 018 024 At nang siya'y magpasimulang makipaghusay, ay iniharap sa kaniya ang isa sa kaniya'y may utang na sangpung libong talento. 040 MAT 018 025 Datapuwa't palibhasa'y wala siyang sukat ibayad, ipinagutos ng kaniyang panginoon na siya'y ipagbili, at ang kaniyang asawa't mga anak, at ang lahat niyang tinatangkilik, at nang makabayad. 040 MAT 018 026 Dahil dito ang alipin ay nagpatirapa at sumamba sa kaniya, na nagsasabi, Panginoon, pagtiisan mo ako, at pagbabayaran ko sa iyong lahat. 040 MAT 018 027 At sa habag ng panginoon sa aliping yaon, ay pinawalan siya, at ipinatawad sa kaniya ang utang. 040 MAT 018 028 Datapuwa't lumabas ang aliping yaon, at nasumpungan ang isa sa mga kapuwa niya alipin, na sa kaniya'y may utang na isang daang denario: at kaniyang hinawakan siya, at sinakal niya, na sinasabi, Bayaran mo ang utang mo. 040 MAT 018 029 Kaya't nagpatirapa ang kaniyang kapuwa alipin at namanhik sa kaniya, na nagsasabi, Pagtiisan mo ako, at ikaw ay pagbabayaran ko. 040 MAT 018 030 At siya'y ayaw: at yumaon at siya'y ipinabilanggo hanggang sa magbayad siya ng utang. 040 MAT 018 031 Nang makita nga ng kaniyang mga kapuwa alipin ang nangyari, ay nangamanglaw silang lubha, at nagsiparoon at isinaysay sa kanilang panginoon ang lahat ng nangyari. 040 MAT 018 032 Nang magkagayo'y pinalapit siya ng kaniyang panginoon, at sa kaniya'y sinabi, Ikaw na aliping masama, ipinatawad ko sa iyo ang lahat ng utang na yaon, sapagka't ipinamanhik mo sa akin: 040 MAT 018 033 Hindi baga dapat na ikaw naman ay mahabag sa iyong kapuwa alipin, na gaya ko namang nahabag sa iyo? 040 MAT 018 034 At nagalit ang kaniyang panginoon, at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap, hanggang sa siya'y magbayad ng lahat ng utang. 040 MAT 018 035 Gayon din naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa kalangitan, kung hindi ninyo patatawarin sa inyong mga puso, ng bawa't isa ang kaniyang kapatid. 040 MAT 019 001 At nangyari na nang matapos ni Jesus ang mga salitang ito, ay umalis siya sa Galilea at napasa mga hangganan ng Judea sa dako pa roon ng Jordan; 040 MAT 019 002 At nagsisunod sa kaniya ang lubhang maraming tao, at sila'y pinagaling niya doon. 040 MAT 019 003 At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, na siya'y tinutukso nila, at kanilang sinasabi, Naaayon baga sa kautusan na ihiwalay ng isang lalake ang kaniyang asawa sa bawa't kadahilanan? 040 MAT 019 004 At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae, 040 MAT 019 005 At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? 040 MAT 019 006 Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao. 040 MAT 019 007 Sinabi nila sa kaniya, Bakit nga ipinagutos ni Moises na magbigay ng kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay ang babae? 040 MAT 019 008 Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon. 040 MAT 019 009 At sinasabi ko sa inyo, Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae, liban na kung sa pakikiapid, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya. 040 MAT 019 010 Ang mga alagad ay nangagsasabi sa kaniya, Kung ganyan ang kalagayan ng lalake sa kaniyang asawa, ay hindi nararapat magasawa. 040 MAT 019 011 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Hindi matatanggap ng lahat ng mga tao ang pananalitang ito, kundi niyaong mga pinagkalooban. 040 MAT 019 012 Sapagka't may mga bating, na ipinanganak na gayon mula sa tiyan ng kanilang mga ina: at may mga bating, na ginagawang bating ng mga tao: at may mga bating, na nangagpapakabating sa kanilang sarili dahil sa kaharian ng langit. Ang makakatanggap nito, ay pabayaang tumanggap. 040 MAT 019 013 Nang magkagayon ay dinala sa kaniya ang maliliit na bata, upang ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at ipanalangin: at sinaway sila ng mga alagad. 040 MAT 019 014 Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't sa mga ganito ang kaharian ng langit. 040 MAT 019 015 At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at umalis doon. 040 MAT 019 016 At narito, lumapit sa kaniya ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan? 040 MAT 019 017 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos. 040 MAT 019 018 Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan, 040 MAT 019 019 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. 040 MAT 019 020 Sinabi sa kaniya ng binata, Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginanap ko: ano pa ang kulang sa akin? 040 MAT 019 021 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig mong maging sakdal, humayo ka, ipagbili mo ang tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin. 040 MAT 019 022 Datapuwa't nang marinig ng binata ang ganitong pananalita, ay yumaon siyang namamanglaw; sapagka't siya'y isang may maraming pag-aari. 040 MAT 019 023 At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Mahirap na makapasok ang isang taong mayaman sa kaharian ng langit. 040 MAT 019 024 At muling sinasabi ko sa inyo, Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios. 040 MAT 019 025 At nang marinig ito ng mga alagad, ay lubhang nangagtaka, na nagsisipagsabi, Sino nga kaya ang makaliligtas? 040 MAT 019 026 At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila, Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwa't sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari. 040 MAT 019 027 Nang magkagayo'y sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, Narito, iniwan namin ang lahat, at nagsisunod sa iyo: ano nga baga ang kakamtin namin? 040 MAT 019 028 At sinabi ni Jesus sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayong nagsisunod sa akin, sa pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian, kayo nama'y magsisiupo sa labingdalawang luklukan, upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel. 040 MAT 019 029 At ang bawa't magiwan ng mga bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o mga anak, o mga lupa, dahil sa aking pangalan, ay tatanggap ng tigisang daan, at magsisipagmana ng walang hanggang buhay. 040 MAT 019 030 Datapuwa't maraming mga una na mangahuhuli; at mga huli na mangauuna. 040 MAT 020 001 Sapagka't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan, na lumabas pagkaumagang-umaga, upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan. 040 MAT 020 002 At nang makipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denario sa bawa't araw, ay isinugo niya sila sa kaniyang ubasan. 040 MAT 020 003 At siya'y lumabas nang malapit na ang ikatlong oras, at nakita ang mga iba sa pamilihan na nangakatayong walang ginagawa; 040 MAT 020 004 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon din naman kayo sa ubasan, at bibigyan ko kayo ng nasa katuwiran. At nagsiyaon ng kanilang lakad sa ubasan. 040 MAT 020 005 Lumabas siyang muli nang malapit na ang mga oras na ikaanim at ikasiyam, at gayon din ang ginawa. 040 MAT 020 006 At lumabas siya nang malapit na ang ikalabingisang oras at nakasumpong siya ng mga iba na nangakatayo; at sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangakatayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa? 040 MAT 020 007 At sinabi nila sa kaniya, Sapagka't sinoma'y walang umupa sa amin. Sinabi niya sa kanila, Magsiparito din naman kayo sa ubasan. 040 MAT 020 008 At nang dumating ang hapon, sinabi ng panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala, Tawagin mo ang mga manggagawa, at bayaran mo sila ng kaupahan sa kanila, na mula sa mga huli hanggang sa mga una. 040 MAT 020 009 At paglapit ng mga inupahan nang malapit na ang ikalabingisang oras ay tumanggap bawa't tao ng isang denario. 040 MAT 020 010 At nang magsilapit ang mga nauna, ang isip nila'y magsisitanggap sila ng higit; at sila'y nagsitanggap din bawa't tao ng isang denario. 040 MAT 020 011 At nang kanilang tanggapin ay nangagbulongbulong laban sa puno ng sangbahayan, 040 MAT 020 012 Na nangagsasabi, Isa lamang oras ang ginugol nitong mga huli, sila'y ipinantay mo sa amin, na aming binata ang hirap sa maghapon at ang init na nakasusunog. 040 MAT 020 013 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa isa sa kanila, Kaibigan, hindi kita iniiring: hindi baga nakipagkayari ka sa akin sa isang denario? 040 MAT 020 014 Kunin mo ang ganang iyo, at humayo ka sa iyong lakad; ibig kong bigyan itong huli, nang gaya rin sa iyo. 040 MAT 020 015 Hindi baga matuwid sa aking gawin ang ibig ko sa aking pag-aari? o masama ang mata mo, sapagka't ako'y mabuti? 040 MAT 020 016 Kaya't ang mga una'y mangahuhuli, at ang mga huli ay mangauuna. 040 MAT 020 017 Samantalang umaahon si Jesus, ay bukod niyang isinama ang labingdalawang alagad, at sa daa'y sinabi niya sa kanila, 040 MAT 020 018 Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulang siya'y patayin, 040 MAT 020 019 At ibibigay siya sa mga Gentil upang siya'y kanilang alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus: at sa ikatlong araw siya'y ibabangon. 040 MAT 020 020 Nang magkagayo'y lumapit sa kaniya ang ina ng mga anak na lalake ni Zebedeo, na kasama ang kaniyang mga anak na lalake na siya'y sinamba, at may hinihinging isang bagay sa kaniya. 040 MAT 020 021 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang ibig mo? Sinabi niya sa kaniya, Ipagutos mo na itong aking dalawang anak ay magsiupo, ang isa sa iyong kanan, at ang isa sa iyong kaliwa, sa iyong kaharian. 040 MAT 020 022 Nguni't sumagot si Jesus at sinabi, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangyayari bagang inuman ninyo ang sarong malapit nang aking iinuman? Sa kaniya'y sinabi nila, Mangyayari. 040 MAT 020 023 Sinabi niya sa kanila, Katotohanang iinuman ninyo ang aking saro: datapuwa't ang maupo sa aking kanan, at sa aking kaliwa, ay hindi sa akin ang pagbibigay; datapuwa't yaon ay para sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama. 040 MAT 020 024 At nang marinig ito ng sangpu, ay nangagalit laban sa dalawang magkapatid. 040 MAT 020 025 Datapuwa't sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sinabi, Nalaman ninyo na ang mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila, at ang kanilang mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila. 040 MAT 020 026 Sa inyo'y hindi magkakagayon: kundi ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo; 040 MAT 020 027 At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo: 040 MAT 020 028 Gayon din naman ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami. 040 MAT 020 029 At nang sila'y magsialis sa Jerico, ay sumunod sa kaniya ang lubhang maraming tao. 040 MAT 020 030 At narito, ang dalawang lalaking bulag na nangakaupo sa tabi ng daan, pagkarinig nilang nagdaraan si Jesus, ay nangagsisigaw, na nagsisipagsabi, Panginoon, mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David. 040 MAT 020 031 At pinagwikaan sila ng karamihan, upang sila'y magsitahimik: datapuwa't sila'y lalong nangagsisigaw, na nagsisipagsabi, Panginoon, mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David. 040 MAT 020 032 At tumigil si Jesus, at sila'y tinawag, at sinabi, Ano ang ibig ninyong gawin ko sa inyo? 040 MAT 020 033 Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, na mangadilat ang mga mata namin. 040 MAT 020 034 At si Jesus, sa pagkahabag, ay hinipo ang kanilang mga mata, at pagdaka'y nagsitanggap sila ng kanilang paningin; at nagsisunod sa kaniya. 040 MAT 021 001 At nang malapit na sila sa Jerusalem, at magsidating sa Betfage, sa bundok ng mga Olivo, ay nagsugo nga si Jesus ng dalawang alagad, 040 MAT 021 002 Na sinasabi sa kanila, Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo, at pagdaka'y masusumpungan ninyo ang isang nakatali na babaing asno, na may kasamang isang batang asno: kalagin ninyo, at dalhin ninyo sa akin. 040 MAT 021 003 At kung ang sinoman ay magsabi ng anoman sa inyo, ay sasabihin ninyo, Kinakailangan sila ng Panginoon; at pagdaka'y kaniyang ipadadala sila. 040 MAT 021 004 Nangyari nga ito, upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, 040 MAT 021 005 Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion: Narito, ang Hari mo'y pumaparito sa iyo, Na maamo, at nakasakay sa isang asno, At sa isang batang asno na anak ng babaing asno. 040 MAT 021 006 At nagsiparoon ang mga alagad, at ginawa ang ayon sa ipinagutos ni Jesus sa kanila, 040 MAT 021 007 At kanilang dinala ang babaing asno, at ang batang asno, at inilagay nila sa ibabaw ng mga ito ang kanilang mga damit; at dito siya'y sumakay. 040 MAT 021 008 At inilalatag sa daan ng kalakhang bahagi ng karamihan ang kanilang mga damit; at ang mga iba'y nagsiputol ng mga sanga ng mga punong kahoy, at inilalatag sa daan. 040 MAT 021 009 At ang mga karamihang nangasa unahan niya, at ang nagsisunod, ay nagsisigawan, na nagsisipagsabi, Hosana sa Anak ni David: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: Hosana sa kataastaasan. 040 MAT 021 010 At nang pumasok si Jesus sa Jerusalem, ay nagkagulo ang buong bayan, na nagsasabi, Sino kaya ito? 040 MAT 021 011 At sinabi ng mga karamihan, Ito'y ang propeta, Jesus, na taga Nazaret ng Galilea. 040 MAT 021 012 At pumasok si Jesus sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati; 040 MAT 021 013 At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa't ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan. 040 MAT 021 014 At nagsilapit sa kaniya sa templo ang mga bulag at mga pilay, at sila'y kaniyang pinagaling. 040 MAT 021 015 Datapuwa't nang makita ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba ang mga katakatakang bagay na kaniyang ginawa, at ang mga batang nagsisigawan sa templo at nangagsasabi, Hosana sa Anak ni David; ay nangagalit sila, 040 MAT 021 016 At sinabi nila sa kaniya, Naririnig mo baga ang sinasabi ng mga ito? At sinabi sa kanila ni Jesus, Oo: kailan man baga'y hindi ninyo nabasa, Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong nilubos ang pagpupuri? 040 MAT 021 017 At sila'y kaniyang iniwan, at pumaroon sa labas ng bayan sa Betania, at nakipanuluyan doon. 040 MAT 021 018 Pagka umaga nga nang siya'y bumabalik sa bayan, nagutom siya. 040 MAT 021 019 At pagkakita sa isang puno ng igos sa tabi ng daan, ay kaniyang nilapitan, at walang nasumpungang anoman doon, kundi mga dahon lamang; at sinabi niya rito, Mula ngayo'y huwag kang magbunga kailan man. At pagdaka'y natuyo ang puno ng igos. 040 MAT 021 020 At nang makita ito ng mga alagad, ay nangagtaka sila, na nangagsasabi, Ano't pagdaka'y natuyo ang puno ng igos? 040 MAT 021 021 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y may pananampalataya, at di mangagaalinlangan, hindi lamang mangagagawa ninyo ang nangyari sa puno ng igos, kundi maging sabihin ninyo sa bundok na ito, mapataas ka, at mapasugba ka sa dagat, ay mangyayari. 040 MAT 021 022 At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin. 040 MAT 021 023 At pagpasok niya sa templo, ay nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan, samantalang siya'y nagtuturo, at nangagsabi, Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? at sino ang sa iyo'y nagbigay ng kapamahalaang ito? 040 MAT 021 024 At sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Tatanungin ko rin naman kayo ng isang tanong, na kung inyong sasabihin sa akin, ay sasabihin ko naman sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito. 040 MAT 021 025 Ang bautismo ni Juan, saan baga nagmula? sa langit o sa mga tao? At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili, na nangagsasabi, Kung sabihin natin, Sa langit; sasabihin niya sa atin, Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan? 040 MAT 021 026 Datapuwa't kung sasabihin, Sa mga tao; nangatatakot tayo sa karamihan; sapagka't kinikilala ng lahat na propeta si Juan. 040 MAT 021 027 At sila'y nagsisagot kay Jesus, at sinabi, Hindi namin nalalaman. Kaniyang sinabi naman sa kanila, Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito. 040 MAT 021 028 Datapuwa't ano sa akala ninyo? Isang taong may dalawang anak; at lumapit siya sa una, at sinabi, Anak, pumaroon at gumawa ka ngayon sa ubasan. 040 MAT 021 029 At sinagot niya at sinabi, Ayaw ko: datapuwa't nagsisi siya pagkatapos, at naparoon. 040 MAT 021 030 At siya'y lumapit sa ikalawa, at gayon din ang sinabi. At sumagot siya at sinabi, Ginoo, ako'y paroroon: at hindi naparoon. 040 MAT 021 031 Alin baga sa dalawa ang gumanap ng kalooban ng kaniyang ama? Sinabi nila, Ang una. Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang mga maniningil ng buwis at ang mga patutot ay nangauuna sa inyo ng pagpasok sa kaharian ng Dios. 040 MAT 021 032 Sapagka't naparito si Juan sa inyo sa daan ng katuwiran, at hindi ninyo siya pinaniwalaan; datapuwa't pinaniwalaan siya ng mga maniningil ng buwis at ng mga patutot: at kayo, sa pagkakita ninyo nito, ay hindi man kayo nangagsisi pagkatapos, upang kayo'y magsipaniwala sa kaniya. 040 MAT 021 033 Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga: May isang tao, na puno ng sangbahayan, na nagtanim ng isang ubasan, at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain. 040 MAT 021 034 At nang malapit na ang panahon ng pamumunga, ay sinugo ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin ang kaniyang bunga. 040 MAT 021 035 At pinaghawakan ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin, at hinampas nila ang isa, at ang isa'y pinatay, at ang isa'y binato. 040 MAT 021 036 Muling sinugo niya ang ibang mga alipin, na mahigit pa sa nangauna; at ginawa rin sa kanila ang gayon ding paraan. 040 MAT 021 037 Datapuwa't pagkatapos ay sinugo niya sa kanila ang kaniyang anak na lalake, na nagsasabi, Igagalang nila ang aking anak. 040 MAT 021 038 Datapuwa't nang makita ng mga magsasaka ang anak, ay nangagusapan sila, Ito ang tagapagmana; halikayo, siya'y ating patayin, at kunin natin ang kaniyang mana. 040 MAT 021 039 At siya'y hinawakan nila, at itinaboy siya sa ubasan, at pinatay siya. 040 MAT 021 040 Pagdating nga ng panginoon ng ubasan, ano kaya ang gagawin sa mga magsasakang yaon? 040 MAT 021 041 Sinabi nila sa kaniya, Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon, at ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka, na sa kaniya'y mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan. 040 MAT 021 042 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan, Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok; Ito'y mula sa Panginoon, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata? 040 MAT 021 043 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga. 040 MAT 021 044 At ang mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog: datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay pangangalating gaya ng alabok. 040 MAT 021 045 At nang marinig ng mga pangulong saserdote at ng mga Fariseo ang kaniyang mga talinghaga, ay kanilang napaghalata na sila ang kaniyang pinagsasalitaan. 040 MAT 021 046 At nang sila'y nagsisihanap ng paraang siya'y mahuli, ay nangatakot sila sa karamihan, sapagka't ipinalalagay nito na siya'y propeta. 040 MAT 022 001 At sumagot si Jesus at muling pinagsalitaan sila sa mga talinghaga, na sinasabi, 040 MAT 022 002 Tulad ang kaharian ng langit sa isang hari na naghanda ng piging ng kasalan ng kaniyang anak na lalake, 040 MAT 022 003 At sinugo ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa piging ng kasalan: at sila'y ayaw magsidalo. 040 MAT 022 004 Muling nagsugo siya sa ibang mga alipin, na sinasabi, Sabihin ninyo sa mga inanyayahan, Narito, inihanda ko na ang aking piging; pinatay ko ang aking mga baka at mga hayop na matataba, at ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na: magsiparito kayo sa piging ng kasalan. 040 MAT 022 005 Datapuwa't hindi nila pinansin, at sila'y nagsiyaon sa kanilang lakad, ang isa'y sa kaniyang sariling bukid, ang isa'y sa kaniyang mga kalakal; 040 MAT 022 006 At hinawakan ng mga iba ang kaniyang mga alipin, at sila'y dinuwahagi, at pinagpapatay. 040 MAT 022 007 Datapuwa't ang hari ay nagalit; at sinugo ang kaniyang mga hukbo, at pinuksa ang mga mamamataytaong yaon, at sinunog ang kanilang bayan. 040 MAT 022 008 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alipin, Nahahanda ang kasalan, nguni't hindi karapatdapat ang mga inanyayahan. 040 MAT 022 009 Magsiparoon nga kayo sa mga likuang lansangan, at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan. 040 MAT 022 010 At nagsilabas ang mga aliping yaon sa mga lansangan, at kanilang tinipon ang lahat nilang nangasumpungan, masasama at mabubuti: at napuno ng mga panauhin ang kasalan. 040 MAT 022 011 Datapuwa't pagpasok ng hari upang tingnan ang mga panauhin, ay doo'y nakita niya ang isang tao na hindi nararamtan ng damit-kasalan: 040 MAT 022 012 At sinabi niya sa kaniya, Kaibigan, ano't pumasok ka rito na walang damit-kasalan? At siya'y naumid. 040 MAT 022 013 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa mga naglilingkod, Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin. 040 MAT 022 014 Sapagka't marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang. 040 MAT 022 015 Nang magkagayo'y nagsialis ang mga Fariseo, at nangagsanggunian sila kung paano kayang mahuhuli nila siya sa kaniyang pananalita. 040 MAT 022 016 At sinugo nila sa kaniya ang kanilang mga alagad, na kasama ng mga Herodiano, na nagsisipagsabi, Guro, nalalaman naming ikaw ay totoo, at itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios, at hindi ka nangingimi kanino man: sapagka't hindi ka nagtatangi ng tao. 040 MAT 022 017 Sabihin mo nga sa amin, Ano sa akala mo? Matuwid bagang bumuwis kay Cesar, o hindi? 040 MAT 022 018 Datapuwa't napagkikilala ni Jesus ang kanilang kasamaan, at sinabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso, kayong mga mapagpaimbabaw? 040 MAT 022 019 Ipakita ninyo sa akin ang salaping pangbuwis. At dinala nila sa kaniya ang isang denario. 040 MAT 022 020 At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat? 040 MAT 022 021 Sinabi nila sa kaniya, Kay Cesar. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Kaya't ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios. 040 MAT 022 022 At pagkarinig nila nito ay nagsipanggilalas sila, at siya'y iniwan, at nagsiyaon. 040 MAT 022 023 Nang araw na yaon ay nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo, na nangagsasabing walang pagkabuhay na maguli: at siya'y kanilang tinanong, 040 MAT 022 024 Na sinasabi, Guro, sinabi ni Moises, Kung mamatay na walang mga anak ang isang lalake, ay magasawa ang kaniyang kapatid na lalake sa asawa niya, at magkakaanak sa kaniyang kapatid na lalake. 040 MAT 022 025 Nagkaroon nga sa amin ng pitong magkakapatid na lalake: at nagasawa ang panganay at namatay, at sapagka't hindi siya nagkaanak ay iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalake; 040 MAT 022 026 Gayon din naman ang nangyari sa pangalawa, at sa pangatlo, hanggang sa ikapito. 040 MAT 022 027 At sa kahulihulihan nilang lahat, ay namatay ang babae. 040 MAT 022 028 Sa pagkabuhay ngang maguli sino kaya doon sa pito ang magiging asawa? sapagka't siya'y naging asawa nilang lahat. 040 MAT 022 029 Nguni't sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios. 040 MAT 022 030 Sapagka't sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi gaya ng mga anghel sa langit. 040 MAT 022 031 Datapuwa't tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, hindi baga ninyo nabasa ang sinalita sa inyo ng Dios, na nagsasabi, 040 MAT 022 032 Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay. 040 MAT 022 033 At nang marinig ito ng karamihan ay nangagtaka sa kaniyang aral. 040 MAT 022 034 Datapuwa't nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo, ay nangagkatipon sila. 040 MAT 022 035 At isa sa kanila, na tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin: 040 MAT 022 036 Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan? 040 MAT 022 037 At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. 040 MAT 022 038 Ito ang dakila at pangunang utos. 040 MAT 022 039 At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. 040 MAT 022 040 Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta. 040 MAT 022 041 Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni Jesus ng isang tanong. 040 MAT 022 042 Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, kay David. 040 MAT 022 043 Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi, 040 MAT 022 044 Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa? 040 MAT 022 045 Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak? 040 MAT 022 046 At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong. 040 MAT 023 001 Nang magkagayo'y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad, 040 MAT 023 002 Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises. 040 MAT 023 003 Lahat nga ng mga bagay na sa inyo'y kanilang ipagutos, ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa't huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka't kanilang sinasabi, at hindi ginagawa. 040 MAT 023 004 Oo, sila'y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao; datapuwa't ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri. 040 MAT 023 005 Datapuwa't ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang mangakita ng mga tao: sapagka't nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit, 040 MAT 023 006 At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga, 040 MAT 023 007 At pagpugayan sa mga pamilihan, at ang sila'y tawagin ng mga tao, Rabi. 040 MAT 023 008 Datapuwa't kayo'y huwag patawag na Rabi: sapagka't iisa ang inyong guro, at kayong lahat ay magkakapatid. 040 MAT 023 009 At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit. 040 MAT 023 010 Ni huwag kayong patawag na mga panginoon; sapagka't iisa ang inyong panginoon, sa makatuwid baga'y ang Cristo. 040 MAT 023 011 Datapuwa't ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo. 040 MAT 023 012 At sinomang nagmamataas ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas. 040 MAT 023 013 Datapuwa't sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka't kayo'y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. 040 MAT 023 014 Sa aba ninyo, mga eskriba't mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka't sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing bao, at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin: kaya't magsisitanggap kayo ng lalong mabigat na parusa. 040 MAT 023 015 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili. 040 MAT 023 016 Sa aba ninyo, kayong mga tagaakay na bulag, na inyong sinasabi, Kung ipanumpa ninoman ang templo, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang ginto ng templo, ay nagkakautang nga siya. 040 MAT 023 017 Kayong mga mangmang at mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang ginto, o ang templong bumabanal sa ginto? 040 MAT 023 018 At, kung ipanumpa ninoman ang dambana, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya. 040 MAT 023 019 Kayong mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang handog, o ang dambana na bumabanal sa handog? 040 MAT 023 020 Kaya't ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana, ay ipinanunumpa ito, at ang lahat ng mga bagay na nangasa ibabaw nito. 040 MAT 023 021 At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo, ay ipinanumpa ito, at yaong tumatahan sa loob nito. 040 MAT 023 022 Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit, ay ipinanumpa ang luklukan ng Dios, at yaong nakaluklok doon. 040 MAT 023 023 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba. 040 MAT 023 024 Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo! 040 MAT 023 025 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! sapagka't inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwa't sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan. 040 MAT 023 026 Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas. 040 MAT 023 027 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. 040 MAT 023 028 Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa't sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan. 040 MAT 023 029 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, 040 MAT 023 030 At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi'y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta. 040 MAT 023 031 Kaya't kayo'y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na kayo'y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta. 040 MAT 023 032 Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang. 040 MAT 023 033 Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno? 040 MAT 023 034 Kaya't, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila'y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila'y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila'y inyong paguusigin sa bayan-bayan: 040 MAT 023 035 Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana. 040 MAT 023 036 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito. 040 MAT 023 037 Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo! 040 MAT 023 038 Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak. 040 MAT 023 039 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay hindi ninyo ako makikita, hanggang sa inyong sabihin, Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon. 040 MAT 024 001 At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo. 040 MAT 024 002 Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak. 040 MAT 024 003 At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan? 040 MAT 024 004 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. 040 MAT 024 005 Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami. 040 MAT 024 006 At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. 040 MAT 024 007 Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. 040 MAT 024 008 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan. 040 MAT 024 009 Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. 040 MAT 024 010 At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa. 040 MAT 024 011 At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. 040 MAT 024 012 At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. 040 MAT 024 013 Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. 040 MAT 024 014 At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas. 040 MAT 024 015 Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa), 040 MAT 024 016 Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea: 040 MAT 024 017 Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay: 040 MAT 024 018 At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal. 040 MAT 024 019 Datapuwa't sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon! 040 MAT 024 020 At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man: 040 MAT 024 021 Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man. 040 MAT 024 022 At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon. 040 MAT 024 023 Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. 040 MAT 024 024 Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. 040 MAT 024 025 Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo. 040 MAT 024 026 Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan. 040 MAT 024 027 Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. 040 MAT 024 028 Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak. 040 MAT 024 029 Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: 040 MAT 024 030 At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 040 MAT 024 031 At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila. 040 MAT 024 032 Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw; 040 MAT 024 033 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga. 040 MAT 024 034 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito. 040 MAT 024 035 Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas. 040 MAT 024 036 Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. 040 MAT 024 037 At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. 040 MAT 024 038 Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, 040 MAT 024 039 At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. 040 MAT 024 040 Kung magkagayo'y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan: 040 MAT 024 041 Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan. 040 MAT 024 042 Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. 040 MAT 024 043 Datapuwa't ito'y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw, ay siya'y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay. 040 MAT 024 044 Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip. 040 MAT 024 045 Sino nga baga ang aliping tapat at matalino, na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sangbahayan, upang sila'y bigyan ng pagkain sa kapanahunan? 040 MAT 024 046 Mapalad yaong aliping kung dumating ang kaniyang panginoon, ay maratnan siyang gayon ang kaniyang ginagawa. 040 MAT 024 047 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kaniya'y ipagkakatiwala ang lahat niyang pag-aari. 040 MAT 024 048 Datapuwa't kung ang masamang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso, Magtatagal ang aking panginoon; 040 MAT 024 049 At magsimulang bugbugin ang kaniyang mga kapuwa alipin, at makipagkainan at makipaginuman sa mga lasing; 040 MAT 024 050 Darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya hinihintay, at oras na hindi niya nalalaman, 040 MAT 024 051 At siya'y babaakin, at isasama ang kaniyang bahagi sa mga mapagpaimbabaw: doon na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin. 040 MAT 025 001 Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake. 040 MAT 025 002 At ang lima sa kanila'y mga mangmang, at ang lima'y matatalino. 040 MAT 025 003 Sapagka't nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis: 040 MAT 025 004 Datapuwa't ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan. 040 MAT 025 005 Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay nangagantok silang lahat at nangakatulog. 040 MAT 025 006 Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya. 040 MAT 025 007 Nang magkagayo'y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at pinagigi ang kanilang mga ilawan. 040 MAT 025 008 At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagka't nangamamatay ang aming mga ilawan. 040 MAT 025 009 Datapuwa't nagsisagot ang matatalino, na nangagsasabi, Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo: magsiparoon muna kayo sa nangagbibili, at magsibili kayo ng ganang inyo. 040 MAT 025 010 At samantalang sila'y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan. 040 MAT 025 011 Pagkatapos ay nagsirating naman ang mga ibang dalaga, na nagsisipagsabi, Panginoon, Panginoon, buksan mo kami. 040 MAT 025 012 Datapuwa't sumagot siya at sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala. 040 MAT 025 013 Mangagpuyat nga kayo, sapagka't hindi ninyo nalalaman ang araw ni ang oras. 040 MAT 025 014 Sapagka't tulad sa isang tao, na nang paroroon sa ibang lupain, ay tinawag ang kaniyang sariling mga alipin, at ipinamahala sa kanila ang kaniyang mga pag-aari. 040 MAT 025 015 At ang isa'y binigyan niya ng limang talento, ang isa'y dalawa, at ang isa'y isa; sa bawa't isa'y ayon sa kanikaniyang kaya; at siya'y yumaon sa kaniyang paglalakbay. 040 MAT 025 016 Ang tumanggap ng limang talento pagdaka'y yumaon at ipinangalakal niya ang mga yaon, at siya'y nakinabang ng lima pang talento. 040 MAT 025 017 Sa gayon ding paraan ang tumanggap ng dalawa ay nakinabang ng ibang dalawa pa. 040 MAT 025 018 Datapuwa't ang tumanggap ng isa ay yumaon at humukay sa lupa, at itinago ang salapi ng kaniyang panginoon. 040 MAT 025 019 Pagkatapos nga ng mahabang panahon, ay dumating ang panginoon ng mga aliping yaon, at nakipaghusay sa kanila. 040 MAT 025 020 At ang tumanggap ng limang talento ay lumapit at nagdala ng lima pang talento, na nagsasabi, Panginoon, binigyan mo ako ng limang talento: narito, ako'y nakinabang ng lima pang talento. 040 MAT 025 021 Sinabi sa kaniya ng kaniyang panginoon, Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin: nagtapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon. 040 MAT 025 022 At lumapit naman ang tumanggap ng dalawang talento at sinabi, Panginoon, binigyan mo ako ng dalawang talento: narito, ako'y nakinabang ng dalawa pang talento. 040 MAT 025 023 Sinabi sa kaniya ng kaniyang panginoon, Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin: nagtapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon. 040 MAT 025 024 At lumapit naman ang tumanggap ng isang talento at sinabi, Panginoon, nakikilala kita na ikaw ay taong mapagmatigas, na gumagapas ka doon sa hindi mo hinasikan, at nagaani ka doon sa hindi mo sinabugan; 040 MAT 025 025 At ako'y natakot, at ako'y yumaon at aking itinago sa lupa ang talento mo: narito, nasa iyo ang iyong sarili. 040 MAT 025 026 Datapuwa't sumagot ang kaniyang panginoon at sinabi sa kaniya, Ikaw na aliping masama at tamad, nalalaman mong ako'y gumagapas sa hindi ko hinasikan, at nagaani doon sa hindi ko sinabugan; 040 MAT 025 027 Gayon pala'y ibinigay mo sana ang aking salapi sa nagsisipangalakal ng salapi, at nang sa aking pagdating ay tinanggap ko sana ang ganang akin pati ng pakinabang. 040 MAT 025 028 Alisin nga ninyo sa kaniya ang talento, at ibigay ninyo sa may sangpung talento. 040 MAT 025 029 Sapagka't ang bawa't mayroon ay bibigyan, at siya'y magkakaroon ng sagana: nguni't ang wala, pati pa nang nasa kaniya ay aalisin sa kaniya. 040 MAT 025 030 At ang aliping walang kabuluhan ay inyong itapon sa kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin. 040 MAT 025 031 Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian: 040 MAT 025 032 At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing; 040 MAT 025 033 At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing. 040 MAT 025 034 Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan: 040 MAT 025 035 Sapagka't ako'y nagutom, at ako'y inyong pinakain; ako'y nauhaw, at ako'y inyong pinainom; ako'y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy; 040 MAT 025 036 Naging hubad, at inyo akong pinaramtan; ako'y nagkasakit, at inyo akong dinalaw; ako'y nabilanggo, at inyo akong pinaroonan. 040 MAT 025 037 Kung magkagayo'y sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka? 040 MAT 025 038 At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? o hubad, at pinaramtan ka? 040 MAT 025 039 At kailan ka namin nakitang may-sakit, o nasa bilangguan, at dinalaw ka namin? 040 MAT 025 040 At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa. 040 MAT 025 041 Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel: 040 MAT 025 042 Sapagka't ako'y nagutom, at hindi ninyo ako pinakain; ako'y nauhaw, at hindi ninyo ako pinainom; 040 MAT 025 043 Ako'y naging isang taga ibang bayan, at hindi ninyo ako pinatuloy; hubad, at hindi ninyo ako pinaramtan; maysakit at nasa bilangguan, at hindi ako dinalaw. 040 MAT 025 044 Kung magkagayo'y sila nama'y magsisisagot, na magsisipagsabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom, o nauuhaw, o isang taga ibang bayan, o hubad, o may-sakit, o nasa bilangguan, at hindi ka namin pinaglingkuran? 040 MAT 025 045 Kung magkagayo'y sila'y sasagutin niya, na sasabihin, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na yamang hindi ninyo ginawa sa maliliit na ito, ay hindi ninyo ginawa sa akin. 040 MAT 025 046 At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa't ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay. 040 MAT 026 001 At nangyari, na nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, 040 MAT 026 002 Nalalaman ninyo na pagkaraan ng dalawang araw ay darating ang paskua, at ibibigay ang Anak ng tao upang ipako sa krus. 040 MAT 026 003 Nang magkagayo'y ang mga pangulong saserdote, at ang mga matanda sa bayan ay nangagkatipon sa looban ng dakilang saserdote, na tinatawag na Caifas; 040 MAT 026 004 At sila'y nangagsanggunian upang hulihin si Jesus sa pamamagitan ng daya, at siya'y patayin. 040 MAT 026 005 Datapuwa't sinabi nila, Huwag sa kapistahan, baka magkagulo sa bayan. 040 MAT 026 006 Nang nasa Betania nga si Jesus sa bahay ni Simon na ketongin, 040 MAT 026 007 Ay lumapit sa kaniya ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro ng unguento na lubhang mahalaga, at ibinuhos sa kaniyang ulo, samantalang siya'y nakaupo sa pagkain. 040 MAT 026 008 Datapuwa't nang makita ito ng mga alagad, ay nangagalit sila, na nangagsasabi, Ano ang layon ng pagaaksayang ito? 040 MAT 026 009 Sapagka't ito'y maipagbibili sa malaking halaga, at maibibigay sa mga dukha. 040 MAT 026 010 Datapuwa't nang mahalata ito ni Jesus ay sinabi sa kanila, Bakit ninyo binabagabag ang babae? sapagka't gumawa siya sa akin ng mabuting gawa. 040 MAT 026 011 Sapagka't laging nangasa inyo ang mga dukha; datapuwa't ako'y hindi laging nasa inyo. 040 MAT 026 012 Sapagka't sa pagbubuhos niya nitong unguento sa aking katawan, ay ginawa niya ito upang ihanda ako sa paglilibing. 040 MAT 026 013 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Saan man ipangaral ang evangeliong ito sa buong sanglibutan, ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya. 040 MAT 026 014 Nang magkagayo'y isa sa labingdalawa, na tinatawag na Judas Iscariote, ay naparoon sa mga pangulong saserdote, 040 MAT 026 015 At sinabi, Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin, at siya'y ibibigay ko sa inyo? At siya'y tinimbangan nila ng tatlongpung putol na pilak. 040 MAT 026 016 At buhat nang panahong yao'y humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya. 040 MAT 026 017 Nang unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsisipagsabing, Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua? 040 MAT 026 018 At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi ng Guro, malapit na ang aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad. 040 MAT 026 019 At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua. 040 MAT 026 020 Nang dumating nga ang gabi, ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad; 040 MAT 026 021 At samantalang sila'y nagsisikain, ay sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo. 040 MAT 026 022 At sila'y lubhang nangamanglaw, at nagpasimula ang bawa't isa na magsabi sa kaniya, Ako baga, Panginoon? 040 MAT 026 023 At siya'y sumagot at sinabi, Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan, ay siya ring magkakanulo sa akin. 040 MAT 026 024 Ang Anak ng tao ay papanaw, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak. 040 MAT 026 025 At si Judas, na sa kaniya'y nagkanulo, ay sumagot at nagsabi, Ako baga, Rabi? Sinabi niya sa kaniya, Ikaw ang nagsabi. 040 MAT 026 026 At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan. 040 MAT 026 027 At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan; 040 MAT 026 028 Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. 040 MAT 026 029 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo sa kaharian ng aking Ama. 040 MAT 026 030 At pagkaawit nila ng isang himno, ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo. 040 MAT 026 031 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan. 040 MAT 026 032 Datapuwa't pagkapagbangon ko, ay mauuna ako sa inyo sa Galilea. 040 MAT 026 033 Datapuwa't sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, Kung ang lahat ay mangagdaramdam sa iyo, ako kailan ma'y hindi magdaramdam. 040 MAT 026 034 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na sa gabing ito, bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo. 040 MAT 026 035 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Kahima't ako'y mamatay na kasama mo, ay hindi kita ikakaila. Gayon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad. 040 MAT 026 036 Nang magkagayo'y dumating si Jesus na kasama sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y pumaparoon doon at manalangin. 040 MAT 026 037 At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo. 040 MAT 026 038 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin. 040 MAT 026 039 At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo. 040 MAT 026 040 At lumapit siya sa mga alagad, at sila'y kaniyang naratnang nangatutulog, at sinabi kay Pedro, Ano, hindi kayo maaaring mangakipagpuyat sa akin ng isang oras? 040 MAT 026 041 Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman. 040 MAT 026 042 Muli siyang umalis na bilang ikalawa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung di mangyayaring makalampas ito, kundi ko inumin, mangyari nawa ang iyong kalooban. 040 MAT 026 043 At siya'y nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog, sapagka't nangabibigatan ang kanilang mga mata. 040 MAT 026 044 At muli niya silang iniwan, at umalis, at nanalangin bilang ikatlo, na sinabing muli ang gayon ding mga salita. 040 MAT 026 045 Nang magkagayo'y lumapit siya sa mga alagad, at sinabi sa kanila, Mangatulog na kayo, at mangagpahinga: narito, malapit na ang oras, at ang Anak ng tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan. 040 MAT 026 046 Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin. 040 MAT 026 047 At samantalang nagsasalita pa siya, narito, dumating si Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang lubhang maraming taong may mga tabak at mga panghampas, mula sa mga pangulong saserdote at sa matatanda sa bayan. 040 MAT 026 048 Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga: hulihin ninyo siya. 040 MAT 026 049 At pagdaka'y lumapit siya kay Jesus, at nagsabi, Magalak, Rabi; at siya'y hinagkan. 040 MAT 026 050 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Gawin mo ang dahil ng pagparito mo. Nang magkagayon ay nagsilapit sila at kanilang sinunggaban si Jesus, at siya'y kanilang dinakip. 040 MAT 026 051 At narito, ang isa sa mga kasama ni Jesus ay iniunat ang kaniyang kamay at binunot ang kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang tainga. 040 MAT 026 052 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Isauli mo ang iyong tabak sa kaniyang lalagyan: sapagka't ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay. 040 MAT 026 053 O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel? 040 MAT 026 054 Kung gayo'y paano bagang mangatutupad ang mga kasulatan, na ganyan ang nauukol na mangyari? 040 MAT 026 055 Sa oras na yaon ay sinabi ni Jesus sa mga karamihan, Kayo baga'y nangagsilabas na waring laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako? Araw-araw ay nauupo ako sa templo na nagtuturo, at hindi ninyo ako dinakip. 040 MAT 026 056 Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas. 040 MAT 026 057 At si Jesus ay dinala ng nagsihuli sa kaniya sa dakilang saserdoteng si Caifas, na doo'y nangagkakapisan ang mga eskriba at matatanda. 040 MAT 026 058 Datapuwa't si Pedro'y sumunod sa kaniya sa malayo, hanggang sa looban ng dakilang saserdote, at siya'y pumasok, at nakiumpok sa mga punong kawal, upang makita niya ang wakas. 040 MAT 026 059 Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoong kabulaanan laban kay Jesus, upang siya'y kanilang maipapatay; 040 MAT 026 060 At yao'y hindi nila nangasumpungan, bagaman maraming nagsiharap na mga saksing bulaan. Nguni't pagkatapos ay nagsidating ang dalawa, 040 MAT 026 061 At nangagsabi, Sinabi ng taong ito, Maigigiba ko ang templo ng Dios, at muling itatayo ko sa tatlong araw. 040 MAT 026 062 At nagtindig ang dakilang saserdote, at sinabi sa kaniya, Wala kang isinasagot na anoman? Ano itong sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo? 040 MAT 026 063 Datapuwa't hindi umimik si Jesus. At sinabi ng dakilang saserdote sa kaniya, Kita'y pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay, na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, ang Anak ng Dios. 040 MAT 026 064 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsabi: gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit. 040 MAT 026 065 Nang magkagayo'y hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit, na sinasabi, Nagsalita siya ng kapusungan: ano pa ang kailangan natin ng mga saksi? narito, ngayo'y narinig ninyo ang kapusungan: 040 MAT 026 066 Ano ang akala ninyo? Nagsisagot sila at kanilang sinabi, Karapatdapat siya sa kamatayan. 040 MAT 026 067 Nang magkagayo'y niluraan nila ang kaniyang mukha at siya'y kanilang pinagsusuntok: at tinatampal siya ng mga iba, 040 MAT 026 068 Na nangagsasabi, Hulaan mo sa amin, ikaw Cristo: sino ang sa iyo'y bumubugbog? 040 MAT 026 069 Nakaupo nga si Pedro sa labas ng looban: at lumapit sa kaniya ang isang alilang babae, na nagsasabi, Ikaw man ay kasama ng taga Galileang si Jesus. 040 MAT 026 070 Datapuwa't siya'y kumaila sa harap nilang lahat, na sinasabi, Hindi ko nalalaman ang sinasabi mo. 040 MAT 026 071 At paglabas niya sa portiko ay nakita siya ng ibang alila, at sinabi sa nangaroon, Ang taong ito ay kasama rin ni Jesus na taga Nazaret. 040 MAT 026 072 At muling kumailang may sumpa, Hindi ko nakikilala ang tao. 040 MAT 026 073 At pagkaraan ng sandali ay nagsilapit ang nangakatayo roon at kanilang sinabi kay Pedro, Sa katotohanang ikaw man ay isa rin sa kanila; sapagka't ipinakikilala ka ng iyong pananalita. 040 MAT 026 074 Nang magkagayo'y nagpasimula siyang manungayaw at manumpa, Hindi ko nakikilala ang tao. At pagdaka'y tumilaok ang manok. 040 MAT 026 075 At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus, Bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo. At siya'y lumabas at nanangis na mainam. 040 MAT 027 001 Pagka umaga nga, ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan ay nangagsanggunian laban kay Jesus upang siya'y ipapatay: 040 MAT 027 002 At siya'y ginapos nila, at siya'y inilabas, at kanilang ibinigay siya kay Pilato na gobernador. 040 MAT 027 003 Nang magkagayo'y si Judas, na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang siya'y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda, 040 MAT 027 004 Na sinasabi, Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan. Datapuwa't kanilang sinabi, Ano sa amin? ikaw ang bahala niyan. 040 MAT 027 005 At kaniyang ibinulaksak sa santuario ang mga putol na pilak, at umalis; at siya'y yumaon at nagbigti. 040 MAT 027 006 At kinuha ng mga pangulong saserdote ang mga putol na pilak, at sinabi, Hindi matuwid na ilagay ang pilak na iyan sa kabang-yaman, sapagka't halaga ng dugo. 040 MAT 027 007 At sila'y nangagsanggunian, at ibinili nila ang mga yaon ng bukid ng magpapalyok, upang paglibingan ng mga taga ibang bayan. 040 MAT 027 008 Dahil dito'y tinawag ang bukid na yaon, ang bukid ng dugo, hanggang ngayon. 040 MAT 027 009 Nang magkagayo'y natupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias, na nagsasabi, At kinuha nila ang tatlongpung putol na pilak, halaga noong hinalagahan, na inihalaga ng mga anak ng Israel; 040 MAT 027 010 At kanilang ibinigay ang mga yaon na pinakabayad sa bukid ng magpapalyok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon. 040 MAT 027 011 Si Jesus nga ay nakatayo sa harap ng gobernador: at tinanong siya ng gobernador, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsasabi. 040 MAT 027 012 At nang siya'y isakdal ng mga pangulong saserdote at ng matatanda, ay hindi siya sumagot ng anoman. 040 MAT 027 013 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Pilato, Hindi mo baga naririnig kung gaano karaming bagay ang kanilang sinasaksihang laban sa iyo? 040 MAT 027 014 At hindi siya sinagot niya, ng kahit isang salita man lamang: ano pa't nanggilalas na mainam ang gobernador. 040 MAT 027 015 Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian ng gobernador na pawalan sa karamihan ang isang bilanggo, na sinoman ang kanilang ibigin. 040 MAT 027 016 At noo'y sila'y may isang bilanggong bantog, na tinatawag na Barrabas. 040 MAT 027 017 Nang sila'y mangagkatipon nga, ay sinabi sa kanila ni Pilato, Sino ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? si Barrabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo? 040 MAT 027 018 Sapagka't natatalastas niya na dahil sa kapanaghilian ay ibinigay siya nila sa kaniya. 040 MAT 027 019 At samantalang nakaupo siya sa luklukan ng pagkahukom, ay nagsugo sa kaniya ang kaniyang asawa, na nagsasabi, Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan; sapagka't ngayong araw na ito'y naghirap ako ng maraming bagay sa panaginip dahil sa kaniya. 040 MAT 027 020 Inudyukan ng mga pangulong saserdote at ng matatanda ang mga karamihan na hingin nila si Barrabas, at puksain si Jesus. 040 MAT 027 021 Datapuwa't sumagot ang gobernador at sa kanila'y sinabi, Alin sa dalawa ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? At sinabi nila, Si Barrabas. 040 MAT 027 022 Sinabi sa kanila ni Pilato, Ano ang gagawin kay Jesus na tinatawag na Cristo? Sinabi nilang lahat, Mapako siya sa krus. 040 MAT 027 023 At sinabi niya, Bakit, anong kasamaan ang kaniyang ginawa? Datapuwa't sila'y lalong nangagsigawan, na nangagsasabi, Mapako siya sa krus. 040 MAT 027 024 Kaya't nang makita ni Pilato na wala siyang magawa, kundi bagkus pa ngang lumalala ang kaguluhan, siya'y kumuha ng tubig, at naghugas ng kaniyang mga kamay sa harap ng karamihan, na sinasabi, Wala akong kasalanan sa dugo nitong matuwid na tao; kayo ang bahala niyan. 040 MAT 027 025 At sumagot ang buong bayan at nagsabi, Mapasa amin ang kaniyang dugo, at sa aming mga anak. 040 MAT 027 026 Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus. 040 MAT 027 027 Nang magkagayo'y dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio, at nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong. 040 MAT 027 028 At siya'y kanilang hinubdan, at dinamtan siya ng isang balabal na kulay-ube. 040 MAT 027 029 At sila'y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio! 040 MAT 027 030 At siya'y kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo. 040 MAT 027 031 At nang siya'y kanilang malibak, ay hinubdan nila siya ng balabal, at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit, at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus. 040 MAT 027 032 At paglabas nila'y kanilang nasalubong ang isang taong taga Cirene, na ang pangala'y Simon: ito'y kanilang pinilit na sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus. 040 MAT 027 033 At nang sila'y magsirating sa isang dakong tinatawag na Golgota, sa makatuwid baga'y, Ang dako ng bungo, 040 MAT 027 034 Ay pinainom nila siya ng alak na may kahalong apdo: at nang kaniyang matikman, ay ayaw niyang inumin. 040 MAT 027 035 At nang siya'y kanilang maipako sa krus ay kanilang binahagi ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran; 040 MAT 027 036 At sila'y nangagsiupo at binantayan siya roon. 040 MAT 027 037 At inilagay nila sa kaniyang ulunan ang pamagat sa kaniya, na nasusulat: ITO'Y SI JESUS, ANG HARI NG MGA JUDIO. 040 MAT 027 038 Nang magkagayo'y ipinakong kasama niya ang dalawang tulisan, isa sa kanan at isa sa kaliwa. 040 MAT 027 039 At siya'y nililibak ng nangagdaraan, na iginagalaw ang kanilang mga ulo, 040 MAT 027 040 At nangagsasabi, Ikaw na igigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itatayo, iyong iligtas ang sarili mo: kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus. 040 MAT 027 041 Gayon din naman ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote, pati ng mga eskriba at ng matatanda, na nagsipagsabi, 040 MAT 027 042 Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya. 040 MAT 027 043 Nananalig siya sa Dios; iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi niya, Ako'y Anak ng Dios. 040 MAT 027 044 At minumura din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus. 040 MAT 027 045 Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam. 040 MAT 027 046 At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan? 040 MAT 027 047 At nang marinig ito ng ilan sa nangakatayo roon, ay sinabi, Tinatawag ng taong ito si Elias. 040 MAT 027 048 At pagkaraka'y tumakbo ang isa sa kanila, at kumuha ng isang espongha, at binasa ng suka, saka inilagay sa isang tambo, at ipinainom sa kaniya. 040 MAT 027 049 At sinabi ng mga iba, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y iligtas. 040 MAT 027 050 At muling sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, at nalagot ang kaniyang hininga. 040 MAT 027 051 At narito, ang tabing ng templo'y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba; at nayanig ang lupa; at nangabaak ang mga bato; 040 MAT 027 052 At nangabuksan ang mga libingan; at maraming katawan ng mga banal na nangakatulog ay nangagbangon; 040 MAT 027 053 At paglabas sa mga libingan pagkatapos na siya'y mabuhay na maguli ay nagsipasok sila sa bayang banal at nangapakita sa marami. 040 MAT 027 054 Ang senturion nga, at ang mga kasamahan niya sa pagbabantay kay Jesus, nang mangakita nila ang lindol, at ang mga bagay na nangyari, ay lubhang nangatakot, na nangagsasabi, Tunay na ito ang Anak ng Dios. 040 MAT 027 055 At nangaroroon ang maraming babae na nagsisipanood buhat sa malayo, na nagsisunod kay Jesus buhat sa Galilea, na siya'y kanilang pinaglilingkuran: 040 MAT 027 056 Na sa mga yaon ay si Maria Magdalena, at si Maria na ina ni Santiago at ni Jose, at ang ina ng mga anak ni Zebedeo. 040 MAT 027 057 At nang hapon na ay dumating ang isang mayamang mula sa Arimatea, na nagngangalang Jose, na ito'y naging alagad din naman ni Jesus; 040 MAT 027 058 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus. Nang magkagayo'y ipinagutos ni Pilato na ibigay yaon. 040 MAT 027 059 At kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya ng isang malinis na kayong lino, 040 MAT 027 060 At inilagay sa kaniyang sariling bagong libingan, na kaniyang hinukay sa bato: at iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan, at umalis. 040 MAT 027 061 At nangaroon si Maria Magdalena, at ang isang Maria, at nangakaupo sa tapat ng libingan. 040 MAT 027 062 Nang kinabukasan nga, na siyang araw pagkatapos ng Paghahanda, ay nangagkatipon kay Pilato ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo, 040 MAT 027 063 Na nagsisipagsabi, Ginoo, naaalaala namin na sinabi ng magdarayang yaon nang nabubuhay pa, Pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon akong muli. 040 MAT 027 064 Ipagutos mo nga na ingatan ang libingan hanggang sa ikatlong araw, baka sakaling magsiparoon ang kaniyang mga alagad at siya'y nakawin, at sabihin sa bayan, Siya'y nagbangon sa gitna ng mga patay: at lalong sasama ang huling kamalian. 040 MAT 027 065 Sinabi sa kanila ni Pilato, Mayroon kayong bantay: magsiparoon kayo, inyong ingatan ayon sa inyong makakaya. 040 MAT 027 066 Kaya't sila'y nagsiparoon, at iningatan nila ang libingan, tinatakan ang bato, na kasama nila ang bantay. 040 MAT 028 001 Nang magtatapos ang araw ng sabbath, nang nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan. 040 MAT 028 002 At narito, lumindol ng malakas; sapagka't bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, at naparoon at iginulong ang bato, at nakaupo sa ibabaw nito. 040 MAT 028 003 Ang kaniyang anyo ay tulad sa kidlat, at ang kaniyang pananamit ay maputing parang niebe: 040 MAT 028 004 At sa takot sa kaniya'y nagsipanginig ang mga bantay, at nangaging tulad sa mga taong patay. 040 MAT 028 005 At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagka't nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus. 040 MAT 028 006 Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon. 040 MAT 028 007 At magsiyaon kayong madali, at sa kaniyang mga alagad ay sabihin ninyo, Siya'y nagbangon sa mga patay; at narito, siya'y nangunguna sa inyo sa Galilea; doon makikita ninyo siya: narito, nasabi ko na sa inyo. 040 MAT 028 008 At sila'y nagsialis na madali sa libingan na taglay ang takot at ang malaking galak, at nagsitakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad. 040 MAT 028 009 At narito, sila'y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba. 040 MAT 028 010 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Huwag kayong mangatakot: magsiyaon kayo at sabihin ninyo sa aking mga kapatid na magsiparoon sa Galilea, at doo'y makikita nila ako. 040 MAT 028 011 Samantala ngang sila'y nagsisiparoon, narito, ang ilan sa mga bantay ay nagsiparoon sa bayan, at ibinalita sa mga pangulong saserdote ang lahat ng mga bagay na nangyari. 040 MAT 028 012 At nang sila'y mangakipagkatipon na sa matatanda, at makapagsanggunian na, ay nangagbigay sila ng maraming salapi sa mga kawal, 040 MAT 028 013 Na nangagsasabi, Sabihin ninyo, Nagsiparito nang gabi ang kaniyang mga alagad, at siya'y kanilang ninakaw samantalang kami'y nangatutulog. 040 MAT 028 014 At kung ito'y dumating sa tainga ng gobernador, ay siya'y aming hihikayatin, at kayo'y aming ilalagay sa panatag. 040 MAT 028 015 Kaya't kinuha nila ang salapi, at kanilang ginawa alinsunod sa pagkaturo sa kanila: at ang pananalitang ito ay kumalat sa gitna ng mga Judio, at nananatili hanggang sa mga araw na ito. 040 MAT 028 016 Datapuwa't nagsiparoon ang labingisang alagad sa Galilea, sa bundok na sa kanila'y itinuro ni Jesus. 040 MAT 028 017 At nang siya'y kanilang makita, ay kanilang sinamba siya; datapuwa't ang ilan ay nangagalinlangan. 040 MAT 028 018 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. 040 MAT 028 019 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: 040 MAT 028 020 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. # # BOOK 041 MAR Mark Marcos 041 MAR 001 001 Ang pasimula ng evangelio ni Jesucristo, ang Anak ng Dios. 041 MAR 001 002 Ayon sa pagkasulat kay Isaias na propeta, Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha, Na maghahanda ng iyong daan; 041 MAR 001 003 Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas; 041 MAR 001 004 Dumating si Juan, na nagbabautismo sa ilang at ipinangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. 041 MAR 001 005 At nilalabas siya ng buong lupain ng Judea, at nilang lahat na mga taga Jerusalem; at sila'y binabautismuhan niya sa ilog ng Jordan, na nangagpapahayag ng kanilang mga kasalanan. 041 MAR 001 006 At si Juan ay nananamit ng balahibo ng kamelyo, at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang, at kumakain ng mga balang at pulot-pukyutan. 041 MAR 001 007 At siya'y nangangaral, na nagsasabi, Sumusunod sa hulihan ko ang lalong makapangyarihan kay sa akin; hindi ako karapatdapat yumukod at kumalag ng tali ng kaniyang mga pangyapak. 041 MAR 001 008 Binabautismuhan ko kayo sa tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo. 041 MAR 001 009 At nangyari nang mga araw na yaon, na nanggaling si Jesus sa Nazaret ng Galilea, at siya'y binautismuhan ni Juan sa Jordan. 041 MAR 001 010 At karakarakang pagahon sa tubig, ay nakita niyang biglang nangabuksan ang mga langit, at ang Espiritu na tulad sa isang kalapati na bumababa sa kaniya: 041 MAR 001 011 At may isang tinig na nagmula sa mga langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak, sa iyo ako lubos na nalulugod. 041 MAR 001 012 At pagdaka'y itinaboy siya ng Espiritu sa ilang. 041 MAR 001 013 At siya'y nasa ilang na apat na pung araw na tinutukso ni Satanas; at kasama siya ng mga ganid; at pinaglingkuran siya ng mga anghel. 041 MAR 001 014 Pagkatapos ngang madakip si Juan, ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng Dios, 041 MAR 001 015 At sinasabi, Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio. 041 MAR 001 016 At pagdaraan sa tabi ng dagat ng Galilea, ay nakita niya si Simon at si Andres na kapatid ni Simon na naghahagis ng lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya. 041 MAR 001 017 At sinabi sa kanila ni Jesus, Magsisunod kayo sa aking hulihan, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao. 041 MAR 001 018 At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya. 041 MAR 001 019 At paglakad sa dako pa roon ng kaunti, ay nakita niya si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kaniyang kapatid, na sila rin naman ay nangasa daong na hinahayuma ang mga lambat. 041 MAR 001 020 At pagdaka'y kaniyang tinawag sila: at kanilang iniwan sa daong ang kanilang amang si Zebedeo na kasama ng mga aliping upahan, at nagsisunod sa kaniya. 041 MAR 001 021 At nagsipasok sila sa Capernaum; at pagdaka'y pumasok siya sa sinagoga nang araw ng sabbath at nagtuturo. 041 MAR 001 022 At nangagtaka sila sa kaniyang aral: sapagka't sila'y tinuturuan niyang tulad sa may kapamahalaan, at hindi gaya ng mga eskriba. 041 MAR 001 023 At pagdaka'y may isang tao sa kanilang sinagoga na may isang karumaldumal na espiritu; at siya'y sumigaw, 041 MAR 001 024 Na nagsasabi, Anong pakialam namin sa iyo, Jesus ikaw na Nazareno? naparito ka baga upang kami'y puksain? Nakikilala kita kung sino ka, ang Banal ng Dios. 041 MAR 001 025 At sinaway siya ni Jesus, na nagsasabi, Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya. 041 MAR 001 026 At ang karumaldumal na espiritu, nang mapangatal niya siya at makapagsisigaw ng malakas na tinig, ay lumabas sa kaniya. 041 MAR 001 027 At silang lahat ay nangagtaka, ano pa't sila-sila rin ay nangagtatanungan, na sinasabi, Ano kaya ito? isang bagong aral yata! may kapamahalaang naguutos pati sa mga karumaldumal na espiritu, at siya'y tinatalima nila. 041 MAR 001 028 At lumipana pagdaka ang pagkabantog niya sa lahat ng dako sa buong palibotlibot ng lupain ng Galilea. 041 MAR 001 029 At paglabas nila sa sinagoga, ay nagsipasok pagdaka sa bahay ni Simon at ni Andres, na kasama si Santiago at si Juan. 041 MAR 001 030 Nakahiga ngang nilalagnat ang biyanang babae ni Simon; at pagdaka'y pinakiusapan nila siya tungkol sa kaniya: 041 MAR 001 031 At lumapit siya at tinangnan niya sa kamay, at siya'y itinindig; at inibsan siya ng lagnat, at siya'y naglingkod sa kanila. 041 MAR 001 032 At nang kinagabihan, paglubog ng araw, ay kanilang dinala sa kaniya ang lahat ng mga may-sakit, at ang mga inaalihan ng mga demonio. 041 MAR 001 033 At ang buong bayan ay nangagkatipon sa pintuan. 041 MAR 001 034 At nagpagaling siya ng maraming may karamdaman ng sarisaring sakit, at nagpalabas ng maraming demonio; at hindi tinulutang magsipagsalita ang mga demonio, sapagka't siya'y kanilang kilala. 041 MAR 001 035 At nagbangon siya nang madaling-araw, na malalim pa ang gabi, at lumabas, at napasa isang dakong ilang, at doo'y nanalangin. 041 MAR 001 036 At si Simon at ang kasamahan niya ay nagsisunod sa kaniya; 041 MAR 001 037 At siya'y nasumpungan nila, at sinabi sa kaniya, Hinahanap ka ng lahat. 041 MAR 001 038 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon tayo sa ibang dako ng mga kalapit na bayan, upang ako'y makapangaral din naman doon; sapagka't sa ganitong dahilan ako'y naparito. 041 MAR 001 039 At siya'y pumasok sa mga sinagoga nila sa buong Galilea, na nangangaral at nagpapalabas ng mga demonio. 041 MAR 001 040 At lumapit sa kaniya ang isang ketongin, na namamanhik sa kaniya, at nanikluhod sa kaniya, at sa kaniya'y nagsasabi, Kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako. 041 MAR 001 041 At sa pagkaawa ay iniunat niya ang kaniyang kamay, at siya'y hinipo, at sinabi sa kaniya, Ibig ko; luminis ka. 041 MAR 001 042 At pagdaka'y nawalan siya ng ketong, at siya'y nalinis. 041 MAR 001 043 At siya'y kaniyang pinagbilinang mahigpit, at pinaalis siya pagdaka, 041 MAR 001 044 At sinabi sa kaniya, Ingatan mong huwag sabihin sa kanino mang tao ang anoman: kundi yumaon ka, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo ng mga bagay na ipinagutos ni Moises, na bilang isang patotoo sa kanila. 041 MAR 001 045 Datapuwa't siya'y umalis, at pinasimulang ipamalitang mainam, at ipahayag ang nangyari, ano pa't hindi na makapasok ng hayag si Jesus sa bayan, kundi dumoon sa labas sa mga dakong ilang: at pinagsasadya nila siya mula sa lahat ng panig. 041 MAR 002 001 At nang siya'y pumasok uli sa Capernaum pagkaraan ng ilang araw, ay nahayag na siya'y nasa bahay. 041 MAR 002 002 At maraming nagkatipon, ano pa't hindi na magkasiya, kahit sa pintuan man: at sa kanila'y sinaysay niya ang salita. 041 MAR 002 003 At sila'y nagsidating, na may dalang isang lalaking lumpo sa kaniya, na usong ng apat. 041 MAR 002 004 At nang hindi sila mangakalapit sa kaniya dahil sa karamihan, ay kanilang binakbak ang bubungan ng kaniyang kinaroroonan: at nang yao'y kanilang masira, ay inihugos nila ang higaang kinahihigan ng lumpo. 041 MAR 002 005 At pagkakita ni Jesus sa kanilang pananampalataya ay sinabi sa lumpo, Anak, ipinatatawad ang iyong mga kasalanan. 041 MAR 002 006 Nguni't mayroon doong nangakaupong ilan sa mga eskriba, at nangagbubulaybulay sa kanilang mga puso, 041 MAR 002 007 Bakit nagsasalita ang taong ito ng ganito? siya'y namumusong: sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan kundi isa, ang Dios lamang? 041 MAR 002 008 At pagkaunawa ni Jesus, sa kaniyang espiritu na sila'y nangagbubulaybulay sa kanilang sarili, pagdaka'y sinabi sa kanila, Bakit binubulaybulay ninyo ang mga bagay na ito sa inyong mga puso? 041 MAR 002 009 Alin baga ang lalong magaang sabihin sa lumpo, Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka, at buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka? 041 MAR 002 010 Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi niya sa lumpo), 041 MAR 002 011 Sa iyo ko sinasabi, Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo. 041 MAR 002 012 At nagtindig siya, at pagdaka'y binuhat ang higaan, at yumaon sa harap nilang lahat; ano pa't nangagtaka silang lahat, at niluwalhati nila ang Dios, na nangagsabi, Kailan ma'y hindi tayo nakakita ng ganito. 041 MAR 002 013 At muling lumabas at naparoon siya sa tabi ng dagat; at lumapit sa kaniya ang buong karamihan, at sila'y kaniyang tinuruan. 041 MAR 002 014 At sa kaniyang pagdaraan, ay nakita niya si Levi na anak ni Alfeo na nakaupo sa paningilan ng buwis, at sinabi niya sa kaniya, Sumunod ka sa akin. At nagtindig siya at sumunod sa kaniya. 041 MAR 002 015 At nangyari, na siya'y nakaupo sa pagkain sa kaniyang bahay, at maraming maniningil ng buwis at mga makasalanang nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad: sapagka't sila'y marami, at sila'y nagsisunod sa kaniya. 041 MAR 002 016 At nang makita ng mga eskriba at mga Fariseo, na siya'y kumakaing kasalo ng mga makasalanan at ng mga maniningil ng buwis, ay nagsipagsabi sa kaniyang mga alagad, Ano ito na siya'y kumakain at umiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan? 041 MAR 002 017 At nang ito'y marinig ni Jesus, ay sinabi niya sa kanila, Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga walang sakit, kundi ang mga maysakit: hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan. 041 MAR 002 018 At nangagaayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga Fariseo: at sila'y nagsilapit at sinabi sa kaniya, Bakit nangagaayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng mga Fariseo, datapuwa't hindi nangagaayuno ang iyong mga alagad? 041 MAR 002 019 At sinabi sa kanila ni Jesus, Mangyayari bagang mangagayuno ang mga abay sa kasalan, samantalang ang kasintahang-lalake ay sumasa kanila? samantalang ang kasintahang-lalake ay sumasa kanila, ay hindi sila mangakapagaayuno. 041 MAR 002 020 Datapuwa't darating ang mga araw, na aalisin sa kanila ang kasintahang-lalake, at kung magkagayo'y mangagaayuno sila sa araw na yaon. 041 MAR 002 021 Walang taong nagtatagpi ng matibay na kayo sa damit na luma: sa ibang paraan ang itinagpi ay binabatak ang tinagpian, sa makatuwid baga'y ang bago sa luma, at lalong lumalala ang punit. 041 MAR 002 022 At walang taong nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma; sa ibang paraan ay pinupunit ng alak ang mga balat at nabububo ang alak at nasisira ang mga balat: kundi ang alak na bago ay isinisilid sa mga bagong balat. 041 MAR 002 023 At nangyari, na nagdaraan siya sa mga bukiran ng trigo nang araw ng sabbath; at ang mga alagad niya, samantalang nagsisilakad, ay nagpasimulang nagsikitil ng mga uhay. 041 MAR 002 024 At sinabi sa kaniya ng mga Fariseo, Narito, bakit ginagawa nila sa araw ng sabbath ang hindi matuwid? 041 MAR 002 025 At sinabi niya sa kanila, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa ang ginawa ni David, nang siya'y mangailangan, at magutom, siya, at ang kaniyang mga kasamahan? 041 MAR 002 026 Kung paanong pumasok siya sa bahay ng Dios nang panahon ng dakilang saserdoteng si Abiatar, at kumain siya ng tinapay na itinalaga, na hindi matuwid kanin maliban na sa mga saserdote lamang, at binigyan pa rin niya ang kaniyang mga kasamahan? 041 MAR 002 027 At sinabi niya sa kanila, Ginawa ang sabbath ng dahil sa tao, at di ang tao ng dahil sa sabbath: 041 MAR 002 028 Kaya't ang Anak ng tao ay panginoon din naman ng sabbath. 041 MAR 003 001 At siya'y muling pumasok sa sinagoga; at doo'y may isang lalake na tuyo ang kaniyang kamay. 041 MAR 003 002 At siya'y inaabangan nila kung pagagalingin siya sa araw ng sabbath; upang siya'y maisakdal nila. 041 MAR 003 003 At sinabi sa lalaking tuyo ang kamay, Magtindig ka. 041 MAR 003 004 At sinabi niya sa kanila, Katuwiran baga ang gumawa ng magaling sa araw ng sabbath, o ang gumawa ng masama? magligtas ng isang buhay, o pumatay? Datapuwa't sila'y hindi nagsiimik. 041 MAR 003 005 At nang siya'y lumingap sa kanila sa palibotlibot na may galit, sapagka't ikinalungkot niya ang katigasan ng kanilang puso, ay sinabi niya sa lalake, Iunat mo ang iyong kamay. At iniunat niya: at gumaling ang kaniyang kamay. 041 MAR 003 006 At nagsilabas ang mga Fariseo, at pagdaka'y nakipagsanggunian sa mga Herodiano laban sa kaniya, kung paanong siya'y maipapupuksa nila. 041 MAR 003 007 At si Jesus na kasama ng kaniyang mga alagad ay lumigpit sa dagat: at nagsisunod sa kaniya ang lubhang karamihang taong mula sa Galilea; at mula sa Judea, 041 MAR 003 008 At mula sa Jerusalem, at mula sa Idumea, at mula sa dakong ibayo ng Jordan, at sa palibotlibot ng Tiro, at Sidon, na lubhang maraming tao, nang mabalitaan ang lubhang mga dakilang bagay na kaniyang ginagawa, ay nagsiparoon sa kaniya. 041 MAR 003 009 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, na ihanda sa kaniya ang isang maliit na daong dahil sa karamihan, baka siya'y kanilang siksikin: 041 MAR 003 010 Sapagka't siya'y nakapagpagaling sa marami; ano pa't sinisiksik siya ng lahat ng mga nasasalot upang siya'y mahipo nila. 041 MAR 003 011 At ang mga karumaldumal na espiritu, pagkakita sa kaniya, ay nangagpatirapa sa kaniyang harapan, at nangagsisisigaw, na nangagsasabi, Ikaw ang Anak ng Dios. 041 MAR 003 012 At ipinagbilin niya sa kanilang mahigpit na siya'y huwag nilang ihayag. 041 MAR 003 013 At siya'y umahon sa bundok, at tinawag niya ang balang kaniyang maibigan: at nagsilapit sila sa kaniya. 041 MAR 003 014 At naghalal siya ng labingdalawa, upang sila'y makisama sa kaniya, at upang sila'y suguin niyang magsipangaral, 041 MAR 003 015 At magkaroon ng kapamahalaang magpalayas ng mga demonio: 041 MAR 003 016 At si Simon ay kaniyang pinamagatang Pedro; 041 MAR 003 017 At si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kapatid ni Santiago; at sila'y pinamagatan niyang Boanerges, na sa makatuwid baga'y mga Anak ng kulog: 041 MAR 003 018 At si Andres, at si Felipe, at si Bartolome, at si Mateo, at si Tomas, at si Santiago, na anak ni Alfeo, at si Tadeo, at si Simon ang Cananeo, 041 MAR 003 019 At si Judas Iscariote, na siya ring nagkanulo sa kaniya. At pumasok siya sa isang bahay. 041 MAR 003 020 At muling nagkatipon ang karamihan, ano pa't sila'y hindi man lamang makakain ng tinapay. 041 MAR 003 021 At nang mabalitaan yaon ng kaniyang mga kaibigan, ay nagsilabas sila upang siya'y hulihin: sapagka't kanilang sinabi, Sira ang kaniyang bait. 041 MAR 003 022 At sinabi ng mga eskriba na nagsibaba mula sa Jerusalem, Nasa kaniya si Beelzebub, at, Sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio. 041 MAR 003 023 At sila'y kaniyang pinalapit sa kaniya, at sinabi sa kanila sa mga talinghaga, Paanong mapalalabas ni Satanas si Satanas? 041 MAR 003 024 At kung ang isang kaharian ay magkabahabahagi laban sa kaniyang sarili, hindi mangyayaring makapanatili ang kaharian yaon. 041 MAR 003 025 At kung ang isang bahay ay magkabahabahagi laban sa kaniyang sarili, ay hindi mangyayaring makapanatili ang bahay na yaon. 041 MAR 003 026 At kung manghihimagsik si Satanas laban sa kaniyang sarili, at magkabahabahagi, hindi siya makapanananatili, kundi magkakaroon ng isang wakas. 041 MAR 003 027 Datapuwa't walang makapapasok sa bahay ng malakas na tao, at samsamin ang kaniyang mga pag-aari, malibang gapusin muna niya ang malakas na tao; at kung magkagayo'y masasamsaman ang kaniyang bahay. 041 MAR 003 028 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ipatatawad ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa mga anak ng mga tao, at ang mga kapusungan nila kailan ma't sila'y mangagsasalita ng kapusungan: 041 MAR 003 029 Datapuwa't sinomang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan man, kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan: 041 MAR 003 030 Sapagka't sinabi nila, Siya'y may isang karumaldumal na espiritu. 041 MAR 003 031 At dumating nga ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid; at, palibhasa'y nangakatayo sila sa labas, ay nangagpasugo sila sa kaniya, na siya'y tinatawag. 041 MAR 003 032 At nangakaupo ang isang karamihan sa palibot niya; at sinabi nila sa kaniya, Narito, nangasa labas ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na hinahanap ka. 041 MAR 003 033 At sinagot niya sila, at sinabi, Sino ang aking ina at aking mga kapatid? 041 MAR 003 034 At paglingap niya sa nangakaupo sa palibot niya, ay sinabi niya, Narito, ang aking ina at aking mga kapatid! 041 MAR 003 035 Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng Dios, ito'y ang aking kapatid na lalake, at aking kapatid na babae, at ina. 041 MAR 004 001 At siya'y muling nagpasimulang magturo sa tabi ng dagat. At nagpipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't siya'y lumulan sa isang daong, at siya'y naupo sa dagat; at ang buong karamihan ay nasa lupa sa tabi ng dagat. 041 MAR 004 002 At sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa mga talinghaga, at sinabi sa kanila sa kaniyang pagtuturo, 041 MAR 004 003 Pakinggan ninyo: Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik: 041 MAR 004 004 At nangyari, sa kaniyang paghahasik, na ang ilang binhi ay nangahulog sa tabi ng daan, at nagsidating ang mga ibon at kinain ito. 041 MAR 004 005 At ang mga iba'y nangahulog sa batuhan, na doo'y walang maraming lupa; at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa: 041 MAR 004 006 At nang sumikat ang araw, ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo. 041 MAR 004 007 At ang mga iba'y nangahulog sa dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga pananim, at ito'y hindi nangamunga. 041 MAR 004 008 At ang mga iba'y nangahulog sa mabuting lupa, at nangamunga, na nagsitaas at nagsilago; at may namunga ng tigtatatlongpu, at tiganim na pu, at tigisang daan. 041 MAR 004 009 At sinabi niya, Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig. 041 MAR 004 010 At nang siya'y magisa na, ang nangasa palibot niya na kasama ang labingdalawa ay nangagtanong sa kaniya tungkol sa mga talinghaga. 041 MAR 004 011 At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa kanilang nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga: 041 MAR 004 012 Upang kung magsitingin sila'y mangakakita, at huwag mamalas; at kung mangakinig sila'y mangakarinig, at huwag mangakaunawa; baka sakaling sila'y mangagbalikloob, at patawarin sila. 041 MAR 004 013 At sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nalalaman ang talinghagang ito? at paanong malalaman ninyo ang lahat ng mga talinghaga? 041 MAR 004 014 Ang manghahasik ay naghahasik ng salita. 041 MAR 004 015 At ang mga ito'y yaong nangasa tabi ng daan, na doon nahahasik ang salita; at nang kanilang mapakinggan, pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila. 041 MAR 004 016 At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan, na, pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap na may galak; 041 MAR 004 017 At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka'y nangatisod sila. 041 MAR 004 018 At ang mga iba'y yaong nangahasik sa dawagan; ang mga ito'y yaong nangakinig ng salita, 041 MAR 004 019 At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at ito'y nagiging walang bunga. 041 MAR 004 020 At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu, at tigiisang daan. 041 MAR 004 021 At sinabi niya sa kanila, Dinadala baga ang ilaw upang ilagay sa ilalim ng takalan, o sa ilalim ng higaan, at hindi baga upang ilagay sa talagang lalagayan ng ilaw? 041 MAR 004 022 Sapagka't walang anomang bagay na natatago, kundi upang mahayag; ni nalilihim, kundi yao'y upang mapasa liwanag. 041 MAR 004 023 Kung ang sinoman ay may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig. 041 MAR 004 024 At sinabi niya sa kanila, Ingatan ninyo kung ano ang inyong pinakikinggan: sa panukat na inyong isinusukat ay kayo'y susukatin; at higit pa ang sa inyo'y ibibigay. 041 MAR 004 025 Sapagka't ang mayroon, ay bibigyan pa; at ang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin pa sa kaniya. 041 MAR 004 026 At sinabi niya, Ganyan ang kaharian ng Dios, na gaya ng isang taong naghahasik ng binhi sa lupa; 041 MAR 004 027 At natutulog at nagbabangon sa gabi at araw, at sumisibol at lumalaki ang binhi na di niya nalalaman kung paano. 041 MAR 004 028 Sa kaniyang sarili ay nagbubunga ang lupa; una-una'y usbong, saka uhay, pagkatapos ay butil na humihitik sa uhay. 041 MAR 004 029 Datapuwa't pagka hinog na ang bunga, ay ginagamit agad ang panggapas, sapagka't dumating na ang pagaani. 041 MAR 004 030 At kaniyang sinabi, Sa ano natin itutulad ang kaharian ng Dios? o sa anong talinghaga isasaysay natin ito? 041 MAR 004 031 Ito'y tulad sa butil ng binhi ng mostasa, na pagkahasik sa lupa, bagama't siyang lalong pinakamaliit sa lahat ng mga binhi na nangasa lupa, 041 MAR 004 032 Gayon ma'y pagkatanim, ay tumataas, at lumalaki ng higit kay sa lahat ng mga gulay, at nagsasanga ng malalabay; ano pa't ang mga ibon sa langit ay mangakasisilong sa kaniyang lilim. 041 MAR 004 033 At sa pamamagitan ng gayong maraming talinghaga ay sinasaysay niya sa kanila ang salita, ayon sa makakaya ng kanilang pakinig; 041 MAR 004 034 At hindi sila kinakausap kundi sa talinghaga: datapuwa't sa kaniyang sariling mga alagad ay bukod na ipinaliliwanag ang lahat ng mga bagay. 041 MAR 004 035 At nang araw ding yaon, nang gabi na, ay sinabi niya sa kanila, Tumawid tayo sa kabilang ibayo. 041 MAR 004 036 At pagkaiwan sa karamihan, ay kanilang dinala siya sa daong, ayon sa kaniyang kalagayan. At mayroon siyang kasamang ibang mga daong. 041 MAR 004 037 At nagbangon ang isang malakas na bagyo, at sinasalpukan ang daong ng mga alon, na ano pa't ang daong ay halos natitigib. 041 MAR 004 038 At siya'y natutulog sa hulihan sa ibabaw ng kutson; at siya'y ginising nila, at sinabi sa kaniya, Guro, wala bagang anoman sa iyo na mapahamak tayo? 041 MAR 004 039 At gumising siya, at sinaway ang hangin, at sinabi sa dagat, Pumayapa, tumahimik ka. At humimpil ang hangin, at humusay na totoo ang panahon, 041 MAR 004 040 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo nangatakot? wala pa baga kayong pananampalataya? 041 MAR 004 041 At sila'y nangatakot na lubha, at sila-sila'y nangagsasabihan, Sino nga ito, na pati ng hangin at ng dagat ay tumatalima sa kaniya? 041 MAR 005 001 At nagsidating sila sa kabilang ibayo ng dagat sa lupain ng mga Gadareno. 041 MAR 005 002 At paglunsad niya sa daong, pagdaka'y sinalubong siya na galing sa mga libingan ng isang lalake na may isang karumaldumal na espiritu, 041 MAR 005 003 Na tumatahan sa mga libingan: at sinoma'y hindi siya magapos, kahit ng tanikala; 041 MAR 005 004 Sapagka't madalas na siya'y ginapos ng mga damal at mga tanikala, at pinagpatidpatid niya ang mga tanikala, at pinagbabalibali ang mga damal: at walang taong may lakas na makasupil sa kaniya. 041 MAR 005 005 At palaging sa gabi't araw, ay nagsisisigaw sa mga libingan at sa mga kabundukan, at sinusugatan ang sarili ng mga bato. 041 MAR 005 006 At pagkatanaw niya sa malayo kay Jesus, ay tumakbo at siya'y kaniyang sinamba; 041 MAR 005 007 At nagsisisigaw ng malakas na tinig, na kaniyang sinabi, Ano ang pakialam ko sa iyo, Jesus, ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan? kita'y pinamamanhikan alangalang sa Dios, na huwag mo akong pahirapan. 041 MAR 005 008 Sapagka't sinabi niya sa kaniya, Lumabas ka sa taong ito, ikaw na karumaldumal na espiritu. 041 MAR 005 009 At tinanong niya siya, Ano ang pangalan mo? At sinabi niya sa kaniya, Pulutong ang pangalan ko; sapagka't marami kami. 041 MAR 005 010 At ipinamamanhik na mainam sa kaniya na huwag silang palayasin sa lupaing yaon. 041 MAR 005 011 At sa libis ng bundok na yaon ay may isang malaking kawan ng mga baboy na nagsisipanginain. 041 MAR 005 012 At nangamanhik sila sa kaniya, na nagsisipagsabi, Paparoonin mo kami sa mga baboy, upang kami ay magsipasok sa kanila. 041 MAR 005 013 At ipinahintulot niya sa kanila. At ang mga karumaldumal na espiritu ay nangagsilabas, at nangagsipasok sa mga baboy: at ang kawan ay napadaluhong sa bangin hanggang sa dagat, na sila'y may mga dalawang libo; at sila'y nangalunod sa dagat. 041 MAR 005 014 At nagsitakas ang mga tagapagalaga ng mga yaon, at ibinalita sa bayan, at sa mga bukid. At nagsiparoon ang mga tao upang makita kung ano ang nangyari. 041 MAR 005 015 At nagsiparoon sila kay Jesus, at nakita nila ang inalihan ng mga demonio na nakaupo, nakapanamit at matino ang kaniyang pagiisip, sa makatuwid baga'y siyang nagkaroon ng isang pulutong: at sila'y nangatakot. 041 MAR 005 016 At sinabi sa kanila ng nangakakita kung paanong pagkapangyari sa inalihan ng mga demonio, at tungkol sa mga baboy. 041 MAR 005 017 At sila'y nangagpasimulang magsipamanhik sa kaniya na siya'y umalis sa kanilang mga hangganan. 041 MAR 005 018 At habang lumululan siya sa daong, ay ipinamamanhik sa kaniya ng inalihan ng mga demonio na siya'y ipagsama niya. 041 MAR 005 019 At hindi niya itinulot sa kaniya, kundi sa kaniya'y sinabi, Umuwi ka sa iyong bahay sa iyong mga kaibigan, at sabihin mo sa kanila kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa sa iyo ng Panginoon, at kung paanong kinaawaan ka niya. 041 MAR 005 020 At siya'y yumaon ng kaniyang lakad, at nagpasimulang ihayag sa Decapolis kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya'y ginawa ni Jesus: at nangagtaka ang lahat ng mga tao. 041 MAR 005 021 At nang si Jesus ay muling makatawid sa daong sa kabilang ibayo, ay nakipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao; at siya'y nasa tabi ng dagat. 041 MAR 005 022 At lumapit ang isa sa mga pinuno sa sinagoga, na nagngangalang Jairo; at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa siya sa kaniyang paanan, 041 MAR 005 023 At ipinamamanhik na mainam sa kaniya, na sinasabi, Ang aking munting anak na babae ay naghihingalo: ipinamamanhik ko sa iyo, na ikaw ay pumaroon at ipatong mo ang iyong mga kamay sa kaniya, upang siya'y gumaling, at mabuhay. 041 MAR 005 024 At siya'y sumama sa kaniya; at sinundan siya ng lubhang maraming tao; at siya'y sinisiksik nila. 041 MAR 005 025 At isang babae na may labingdalawang taon nang inaagasan, 041 MAR 005 026 At siya'y napahirapan na ng maraming bagay ng mga manggagamot, at nagugol na niya ang lahat niyang tinatangkilik, at hindi gumaling ng kaunti man, kundi bagkus pang lumulubha siya, 041 MAR 005 027 Na pagkarinig niya ng mga bagay tungkol kay Jesus, ay lumapit siya sa karamihan, sa likuran niya, at hinipo ang kaniyang damit. 041 MAR 005 028 Sapagka't sinasabi niya, Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit, ay gagaling ako. 041 MAR 005 029 At pagdaka'y naampat ang kaniyang agas; at kaniyang naramdaman sa kaniyang katawan na magaling na siya sa salot niya. 041 MAR 005 030 At si Jesus, sa pagkatalastas niya agad sa kaniyang sarili na may umalis na bisa sa kaniya, ay pagdaka'y pumihit sa karamihan at nagsabi, Sino ang humipo ng aking mga damit? 041 MAR 005 031 At sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad, Nakikita mong sinisiksik ka ng karamihan, at sasabihin mo, Sino ang humipo sa akin? 041 MAR 005 032 At lumingap siya sa palibotlibot upang makita siya na gumawa ng bagay na ito. 041 MAR 005 033 Nguni't ang babae na natatakot at nangangatal, palibhasa'y nalalaman ang sa kaniya'y nangyari, lumapit at nagpatirapa sa harap niya, at sinabi sa kaniya ang buong katotohanan. 041 MAR 005 034 At sinabi niya sa kaniya, Anak, pinagaling ka ng pananampalataya mo; yumaon kang payapa, at gumaling ka sa salot mo. 041 MAR 005 035 Samantalang nagsasalita pa siya, ay may nagsidating na galing sa bahay ng pinuno sa sinagoga, na nagsasabi, Patay na ang anak mong babae: bakit mo pa binabagabag ang Guro? 041 MAR 005 036 Datapuwa't hindi pinansin ni Jesus ang kanilang sinasalita, at nagsabi sa pinuno ng sinagoga, Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang. 041 MAR 005 037 At hindi niya ipinahintulot na sinoma'y makasunod sa kaniya, liban kay Pedro, at kay Santiago, at kay Juan na kapatid ni Santiago. 041 MAR 005 038 At nagsidating sila sa bahay ng pinuno sa sinagoga; at napanood niya ang pagkakagulo, at ang nagsisitangis, at nangagbubuntong-hininga ng labis. 041 MAR 005 039 At pagkapasok niya, ay kaniyang sinabi sa kanila, Bakit kayo'y nangagkakagulo at nagsisitangis? hindi patay ang bata, kundi natutulog. 041 MAR 005 040 At tinatawanan nila siya na nililibak. Datapuwa't, nang mapalabas na niya ang lahat, ay isinama niya ang ama ng bata at ang ina nito, at ang kaniyang mga kasamahan, at pumasok sa kinaroroonan ng bata. 041 MAR 005 041 At pagkahawak niya sa kamay ng bata, ay sinabi niya sa kaniya, Talitha cumi; na kung liliwanagin ay, Dalaga, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka. 041 MAR 005 042 At pagdaka'y nagbangon ang dalaga, at lumakad: sapagka't siya'y may labingdalawang taon na. At pagdaka'y nangagtaka silang lubha. 041 MAR 005 043 At ipinagbilin niya sa kanilang mahigpit, na sinoman ay huwag makaalam nito: at kaniyang ipinagutos na siya'y bigyan ng pagkain. 041 MAR 006 001 At umalis siya doon; at napasa kaniyang sariling lupain; at nagsisunod sa kaniya ang kaniyang mga alagad. 041 MAR 006 002 At nang dumating ang sabbath, ay nagpasimulang magturo siya sa sinagoga: at marami sa nangakakarinig sa kaniya ay nangagtataka, na nangagsasabi, Saan nagkaroon ang taong ito ng mga bagay na ito? at, Anong karunungan ito na sa kaniya'y ibinigay, at anong kahulugan ng gayong mga makapangyarihang gawa na ginagawa ng kaniyang mga kamay? 041 MAR 006 003 Hindi baga ito ang anluwagi, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, at ni Jose, at ni Judas, at ni Simon? at hindi baga nangaririto sa atin ang kaniyang mga kapatid na babae? At siya'y kinatitisuran nila. 041 MAR 006 004 At sinabi sa kanila ni Jesus, Walang propetang di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa gitna ng kaniyang sariling mga kamaganak, at sa kaniyang sariling bahay. 041 MAR 006 005 At hindi siya nakagawa doon ng anomang makapangyarihang gawa, liban sa ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa ilang mga maysakit, at pinagaling sila. 041 MAR 006 006 At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya. At siya'y lumibot na nagtuturo sa mga nayong nasa paligidligid. 041 MAR 006 007 At pinalapit niya sa kaniya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa; at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu; 041 MAR 006 008 At ipinagbilin niya sa kanila na huwag silang magsipagbaon ng anoman sa paglakad, kundi tungkod lamang; kahit tinapay, kahit supot ng ulam, kahit salapi sa kanilang supot; 041 MAR 006 009 Datapuwa't gumamit ng mga sandalyas: at, huwag magsuot ng dalawang tunika. 041 MAR 006 010 At sinabi niya sa kanila, Saan man kayo magsipasok sa isang bahay, mangatira kayo roon hanggang sa kayo'y magsialis doon. 041 MAR 006 011 At sa alin mang dakong hindi kayo tanggapin, at hindi kayo pakinggan, pagalis ninyo doo'y ipagpag ninyo ang alabok na nasa ilalim ng inyong talampakan bilang patotoo sa kanila. 041 MAR 006 012 At sila'y nangagsialis, at nagsipangaral na mangagsisi ang mga tao. 041 MAR 006 013 At nangagpalabas ng maraming demonio, at nangagpahid ng langis sa maraming may-sakit, at pinagaling sila. 041 MAR 006 014 At narinig ng haring Herodes; sapagka't nabantog na ang pangalan niya; at sinabi niya, Si Juan na Mangbabautismo ay nagbangon sa mga patay, at kaya sumasa kaniya ang mga kapangyarihang ito. 041 MAR 006 015 At sinasabi ng mga iba, Siya'y si Elias. At sinasabi ng mga iba, Siya'y propeta, na gaya ng ibang mga propeta. 041 MAR 006 016 Datapuwa't nang marinig ni Herodes, ay sinabi, Si Juan na aking pinugutan ng ulo, siya'y nagbangon. 041 MAR 006 017 Sapagka't si Herodes din ang nagsugo sa mga kawal at nagpahuli kay Juan, at nagpatanikala sa kaniya sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ni Filipo na kaniyang kapatid; sapagka't nagasawa siya sa kaniya. 041 MAR 006 018 Sapagka't sinabi ni Juan kay Herodes, Hindi matuwid sa iyo na iyong ariin ang asawa ng iyong kapatid. 041 MAR 006 019 At ipinagtanim siya ni Herodias, at hinahangad siyang patayin; at hindi niya magawa; 041 MAR 006 020 Sapagka't natatakot si Herodes kay Juan palibhasa'y nalalamang siya'y lalaking matuwid at banal, at siya'y ipinagsanggalang niya. At kung siya'y pinakikinggan niya, ay natitilihan siyang mainam; at pinakikinggan niya siya na may galak. 041 MAR 006 021 At nang sumapit ang isang kaukulang araw, na kapanganakan niya, ay ipinaghanda ni Herodes ng isang hapunan ang kaniyang mga maginoo, at mga mataas na kapitan, at mga pangulong lalake sa Galilea; 041 MAR 006 022 At nang pumasok ang anak na babae ni Herodias ay sumayaw, at siya'y kinalugdan ni Herodes at ng mga kasalo niyang nakaupo sa dulang; at sinabi ng hari sa dalaga, Hingin mo sa akin ang maibigan mo, at ibibigay ko sa iyo. 041 MAR 006 023 At ipinanumpa niya sa kaniya, Ang anomang hingin mo sa akin ay ibibigay ko sa iyo, kahit ang kalahati ng aking kaharian. 041 MAR 006 024 At lumabas siya, at sinabi sa kaniyang ina, Ano ang aking hihingin? At sinabi niya, Ang ulo ni Juan ang Mangbabautismo. 041 MAR 006 025 At pagdaka'y pumasok siyang dalidali sa kinaroroonan ng hari, at humingi, na sinasabi, Ibig ko na ngayon din ang ibigay mo sa akin na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista. 041 MAR 006 026 At namanglaw na lubha ang hari; datapuwa't dahil sa kaniyang sumpa, at sa nangakaupo sa dulang, ay hindi niya itinanggi. 041 MAR 006 027 At pagdaka'y nagsugo ang hari sa isang kawal na kaniyang bantay, at ipinagutos na dalhin sa kaniya ang ulo niya: at yumaon siya at pinugutan siya ng ulo sa bilangguan, 041 MAR 006 028 At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga; at ibinigay ng dalaga sa kaniyang ina. 041 MAR 006 029 At nang mabalitaan ng kaniyang mga alagad, ay nagsiparoon sila at binuhat ang kaniyang bangkay, at inilagay sa isang libingan. 041 MAR 006 030 At ang mga apostol ay nangagpisan kay Jesus; at isinaysay nila sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kanilang ginawa, at ang lahat ng kanilang itinuro. 041 MAR 006 031 At sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo ng bukod sa isang dakong ilang, at mangagpahinga kayo ng kaunti. Sapagka't marami ang nangagpaparoo't parito, at sila'y hindi man lamang mangagkapanahon na magsikain. 041 MAR 006 032 At nagsiyaon silang nangasa daong at nangapasa isang dakong ilang at bukod. 041 MAR 006 033 At nangakita sila ng mga tao sa pagalis, at sila'y nangakilala ng marami at paraparang nagsisitakbo na nagsiparoon doon mula sa lahat ng mga bayan, at nangaunang nagsirating pa kay sa kanila. 041 MAR 006 034 At lumabas siya at nakita ang lubhang maraming tao, at nahabag siya sa kanila, sapagka't sila'y gaya ng mga tupa na walang pastor: at siya'y nagpasimulang tinuruan sila ng maraming bagay. 041 MAR 006 035 At nang gumabi na, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at nangagsabi, Ilang ang dakong ito, at gumagabi na; 041 MAR 006 036 Payaunin mo sila, upang sila'y magsiparoon sa mga bayan at mga nayon sa palibotlibot nito, at mangagsibili ng anomang makakain. 041 MAR 006 037 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bigyan ninyo sila ng makakain. At sinabi nila sa kaniya, Magsisiyaon ba kami at magsisibili ng dalawang daang denariong tinapay, at ipakakain namin sa kanila? 041 MAR 006 038 At sinabi niya sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? magsiparoon kayo at inyong tingnan. At nang mangaalaman nila, ay kanilang sinabi, Lima, at dalawang isda. 041 MAR 006 039 At iniutos niya sa kanila na paupuin silang lahat na pulupulutong sa ibabaw ng damuhang sariwa. 041 MAR 006 040 At sila'y nagsiupong hanayhanay, na tigsasangdaan, at tiglilimangpu. 041 MAR 006 041 At kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol ang mga tinapay; at ibinigay niya sa mga alagad upang ihain nila sa kanila; at ipinamahagi niya sa kanilang lahat ang dalawang isda. 041 MAR 006 042 At nagsikain silang lahat, at nangabusog. 041 MAR 006 043 At kanilang pinulot ang mga pinagputolputol, labingdalawang bakol na puno ng tinapay at mga isda naman. 041 MAR 006 044 At ang nagsikain ng mga tinapay ay limang libong lalake. 041 MAR 006 045 At pagdaka'y pinalulan niya sa daong ang kaniyang mga alagad, at pinauna sa kaniya sa kabilang ibayo, sa Betsaida, samantalang pinayayaon niya ang karamihan. 041 MAR 006 046 At pagkatapos na mapagpaalam niya sila, ay naparoon siya sa bundok upang manalangin. 041 MAR 006 047 At nang dumating ang gabi, ang daong ay nasa gitna ng dagat, at siya'y nagiisa sa lupa. 041 MAR 006 048 At pagkakita sa kanila na totoong nangalulumbay sa paggaod, sapagka't sinasalunga sila ng hangin, at malapit na ang ikaapat na pagpupuyat sa gabi ay naparoon siya sa kanila, na lumalakad sa ibabaw ng dagat; at ibig silang lagpasan: 041 MAR 006 049 Datapuwa't sila, nang makita nilang siya'y lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay inakala nilang siya'y isang multo, at nangagsisigaw; 041 MAR 006 050 Sapagka't nakita siya nilang lahat, at nangagulumihanan. Datapuwa't pagdaka'y nagsalita siya sa kanila, at sa kanila'y sinabi, Laksan ninyo ang inyong loob: ako nga; huwag kayong mangatakot. 041 MAR 006 051 At pinanhik niya sila sa daong; at humimpil ang hangin: at sila'y nanganggilalas ng di kawasa sa kanilang sarili; 041 MAR 006 052 Palibhasa'y hindi pa nila natatalastas yaong tungkol sa mga tinapay, dahil sa ang kanilang puso'y pinatigas. 041 MAR 006 053 At nang mangakatawid na sila, ay narating nila ang lupa ng Genezaret, at nagsisadsad sa daungan. 041 MAR 006 054 At paglunsad nila sa daong, pagdaka'y nakilala siya ng mga tao, 041 MAR 006 055 At nang malibot nilang nagtutumulin ang buong lupaing yaon, at nagpasimulang dalhin sa kaniya ang mga may-sakit na nasa kanilang higaan, saan man nila marinig na naroon siya. 041 MAR 006 056 At saan man siya pumasok, sa mga nayon, o sa mga bayan o sa mga bukid, ay inilalagay nila sa mga liwasan ang mga may-sakit, at ipinamamanhik sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit: at ang lahat ng nagsihipo sa kaniya ay pawang nagsigaling. 041 MAR 007 001 At nakisama sa kanila ang mga Fariseo, at ilan sa mga eskriba, na nagsipanggaling sa Jerusalem, 041 MAR 007 002 At kanilang nangakita ang ilan sa kaniyang mga alagad na nagsisikain ng kanilang tinapay ng mga kamay na marurumi, sa makatuwid baga'y mga kamay na hindi hinugasan. 041 MAR 007 003 (Sapagka't ang mga Fariseo, at ang lahat ng mga Judio, ay hindi nagsisikain, kundi muna mangaghugas na maingat ng mga kamay, na pinanghahawakan ang mga sali't-saling sabi ng matatanda; 041 MAR 007 004 At kung nagsisipanggaling sila sa pamilihan, kung hindi muna mangaghugas, ay hindi sila nagsisikain; at may iba pang maraming bagay na kanilang minana, upang ganapin; gaya ng mga paghuhugas ng mga inuman, at ng mga saro, at ng mga inumang tanso.) 041 MAR 007 005 At siya'y tinanong ng mga Fariseo at ng mga eskriba, Bakit ang iyong mga alagad ay hindi nagsisilakad ng ayon sa sali't-saling sabi ng matatanda, kundi nagsisikain sila ng kanilang tinapay ng mga kamay na karumaldumal? 041 MAR 007 006 At sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kaniyang mga labi, Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin. 041 MAR 007 007 Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao. 041 MAR 007 008 Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali't-saling sabi ng mga tao. 041 MAR 007 009 At sinabi niya sa kanila, Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali't-saling sabi. 041 MAR 007 010 Sapagka't sinabi ni Moises, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Ang manungayaw sa ama o sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala: 041 MAR 007 011 Datapuwa't sinasabi ninyo, Kung sabihin ng isang tao sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay Corban, sa makatuwid baga'y, hain sa Dios; 041 MAR 007 012 Hindi na ninyo siya pinabayaang gumawa ng anoman na ukol sa kaniyang ama o sa kaniyang ina; 041 MAR 007 013 Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali't-saling sabi, na inyong itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito. 041 MAR 007 014 At muling pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sinabi sa kanila, Pakinggan ninyong lahat ako, at inyong unawain: 041 MAR 007 015 Walang anomang nasa labas ng katawan ng tao, na pagpasok sa kaniya ay makakahawa sa kaniya; datapuwa't ang mga bagay na nagsisilabas sa tao yaon ang nangakakahawa sa tao. 041 MAR 007 016 Kung ang sinoman ay may pakinig na ipakikinig ay makinig. 041 MAR 007 017 At nang pumasok siya sa bahay na mula sa karamihan, ay itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad ang talinghaga. 041 MAR 007 018 At sinabi niya sa kanila, Kayo baga naman ay wala ring pagiisip? Hindi pa baga ninyo nalalaman, na anomang nasa labas na pumapasok sa tao, ay hindi nakakahawa sa kaniya; 041 MAR 007 019 Sapagka't hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y nililinis niya ang lahat ng pagkain. 041 MAR 007 020 At sinabi niya, Ang lumalabas sa tao, yaon ang nakakahawa sa tao. 041 MAR 007 021 Sapagka't mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya, 041 MAR 007 022 Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan: 041 MAR 007 023 Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling, at nangakakahawa sa tao. 041 MAR 007 024 At nagtindig siya doon, at napasa mga hangganan ng Tiro at ng Sidon. At pumasok siya sa isang bahay, at ibig niya na sinomang tao'y huwag sanang makaalam; at hindi siya nakapagtago. 041 MAR 007 025 Nguni't ang isang babae na ang kaniyang munting anak na babae ay may isang karumaldumal na espiritu, pagdaka'y nang mabalitaan siya, ay lumapit at nagpatirapa sa kaniyang paanan. 041 MAR 007 026 Ang babae nga ay isang Griega, isang Sirofenisa, ayon sa lahi. At ipinamamanhik niya sa kaniya na palabasin sa kaniyang anak ang demonio. 041 MAR 007 027 At sinabi niya sa kaniya, Pabayaan mo munang mangabusog ang mga anak: sapagka't hindi marapat na kunin ang tinapay ng mga anak at itapon sa mga aso. 041 MAR 007 028 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kaniya, Oo, Panginoon; kahit ang mga aso sa ilalim ng dulang ay nagsisikain ng mga mumo ng mga anak. 041 MAR 007 029 At sinabi niya sa kaniya, Dahil sa sabing ito humayo ka; nakaalis na ang demonio sa iyong anak. 041 MAR 007 030 At umuwi siya sa kaniyang bahay, at naratnan ang anak na nakahiga sa higaan, at nakaalis na ang demonio. 041 MAR 007 031 At siya'y muling umalis sa mga hangganan ng Tiro, at napasa Sidon hanggang sa dagat ng Galilea, na kaniyang tinahak ang mga hangganan ng Decapolis. 041 MAR 007 032 At dinala nila sa kaniya ang isang bingi at utal; at ipinamanhik nila sa kaniya na kaniyang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniya. 041 MAR 007 033 At siya'y inihiwalay niya ng bukod sa karamihan, at isinuot ang kaniyang mga daliri sa mga tainga niya, at siya'y lumura, at hinipo ang kaniyang dila; 041 MAR 007 034 At pagkatingala sa langit, ay siya'y nagbuntong-hininga, at sinabi sa kaniya, Ephatha, sa makatuwid baga'y, Mabuksan. 041 MAR 007 035 At nangabuksan ang kaniyang mga pakinig, at nakalag ang tali ng kaniyang dila, at siya'y nakapagsalitang malinaw. 041 MAR 007 036 At ipinagbilin niya sa kanila na kanino mang tao ay huwag nilang sabihin: nguni't kung kailan lalong ipinagbabawal niya sa kanila, ay lalo namang kanilang ibinabantog. 041 MAR 007 037 At sila'y nangagtataka ng di kawasa, na nangagsasabi, Mabuti ang pagkagawa niya sa lahat ng mga bagay; kaniyang binibigyang pakinig pati ng mga bingi, at pinapagsasalita ang mga pipi. 041 MAR 008 001 Nang mga araw na yaon, nang magkaroong muli ng maraming tao, at wala silang mangakain, ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila, 041 MAR 008 002 Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nangatira sa akin, at walang mangakain: 041 MAR 008 003 At kung sila'y pauwiin kong nangagugutom sa kanilang mga tahanan, ay magsisipanglupaypay sila sa daan; at nagsipanggaling sa malayo ang ilan sa kanila. 041 MAR 008 004 At nagsisagot sa kaniya ang kaniyang mga alagad, Paanong mabubusog ninoman ang mga taong ito ng tinapay dito sa isang ilang na dako? 041 MAR 008 005 At kaniyang tinanong sila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito. 041 MAR 008 006 At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa; at kinuha niya ang pitong tinapay, at pagkapagpasalamat, ay pinagputolputol niya, at ibinigay sa kaniyang mga alagad, upang ihain sa kanila; at inihain nila sa karamihan. 041 MAR 008 007 At mayroon silang ilang maliliit na isda: at nang mapagpala ang mga ito, ay ipinagutos niya na ihain din naman ang mga ito sa kanila. 041 MAR 008 008 At sila'y nagsikain, at nangabusog: at kanilang pinulot ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno. 041 MAR 008 009 At sila'y may mga apat na libo: at pinayaon niya sila. 041 MAR 008 010 At pagdaka'y lumulan siya sa daong na kasama ang kaniyang mga alagad, at napasa mga sakop ng Dalmanuta. 041 MAR 008 011 At nagsilabas ang mga Fariseo, at nangagpasimulang makipagtalo sa kaniya, na hinahanapan siya ng isang tandang mula sa langit, na tinutukso siya. 041 MAR 008 012 At nagbuntong-hininga siya ng malalim sa kaniyang espiritu, at nagsabi, Bakit humahanap ng tanda ang lahing ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang tandang ibibigay sa lahing ito. 041 MAR 008 013 At sila'y iniwan niya, at muling pagkalulan sa daong ay tumawid sa kabilang ibayo. 041 MAR 008 014 At nangalimutan nilang magsipagdala ng tinapay; at wala sila kundi isang tinapay sa daong. 041 MAR 008 015 At ipinagbilin niya sa kanila, na nagsabi, Tingnan ninyo, mangagingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo at sa lebadura ni Herodes. 041 MAR 008 016 At nangagkatuwiranan sila-sila rin, na nangagsasabi, Wala tayong tinapay. 041 MAR 008 017 At pagkahalata nito ni Jesus ay sinabi sa kanila, Bakit nangagbubulaybulay kayo, sapagka't wala kayong tinapay? hindi pa baga ninyo napaghahalata, ni napaguunawa man? nangagmatigas na baga ang inyong puso? 041 MAR 008 018 Mayroon kayong mga mata, hindi baga kayo nangakakakita? at mayroon kayong mga tainga, hindi baga kayo nangakakarinig? at hindi baga ninyo nangaaalaala? 041 MAR 008 019 Nang aking pagputolputulin ang limang tinapay sa limang libong lalake, ilang bakol na puno ng mga pinagputolputol ang inyong binuhat? Sinabi nila sa kaniya, Labingdalawa. 041 MAR 008 020 At nang pagputolputulin ang pitong tinapay sa apat na libo, ilang bakol na puno ng mga pinagputolputol ang binuhat ninyo? At sinabi nila sa kaniya, Pito. 041 MAR 008 021 At sinabi niya sa kanila, Hindi pa baga ninyo napaguunawa? 041 MAR 008 022 At nagsidating sila sa Betsaida. At dinala nila sa kaniya ang isang lalaking bulag, at ipinamanhik sa kaniya na siya'y hipuin. 041 MAR 008 023 At hinawakan niya sa kamay ang lalaking bulag, at dinala niya sa labas ng nayon; at nang maluraan ang kaniyang mga mata, at maipatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya, ay kaniyang tinanong siya, Nakakakita ka baga ng anoman? 041 MAR 008 024 At siya'y tumingala, at nagsabi, Nakakakita ako ng mga tao; sapagka't namamasdan ko silang tulad sa mga punong kahoy, na nagsisilakad. 041 MAR 008 025 Saka ipinatong na muli sa kaniyang mga mata ang mga kamay niya; at siya'y tumitig, at gumaling, at nakita niyang maliwanag ang lahat ng mga bagay. 041 MAR 008 026 At pinauwi niya siya sa kaniyang tahanan, na sinasabi, Huwag kang pumasok kahit sa nayon. 041 MAR 008 027 At pumaroon si Jesus, at ang kaniyang mga alagad sa mga nayon ng Cesarea ni Filipo: at sa daan ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinabi sa kanila, Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ako? 041 MAR 008 028 At sinaysay nila sa kaniya, na sinasabi, Si Juan Bautista; at ang mga iba, si Elias; datapuwa't ang mga iba, Isa sa mga propeta. 041 MAR 008 029 At tinanong niya sila, Datapuwa't ano ang sabi ninyo kung sino ako? Sumagot si Pedro at nagsabi sa kaniya, Ikaw ang Cristo. 041 MAR 008 030 At ipinagbilin niya sa kanila na huwag sabihin kanino man ang tungkol sa kaniya. 041 MAR 008 031 At siya'y nagpasimulang magturo sa kanila, na ang Anak ng tao ay kinakailangang magbata na maraming mga bagay, at itakuwil ng matatanda, at ng mga pangulong saserdote, at ng mga eskriba, at patayin, at pagkaraan ng tatlong araw ay muling magbangon. 041 MAR 008 032 At hayag na sinabi niya ang pananalitang ito. At isinama siya ni Pedro, at pinasimulang siya'y pagwikaan. 041 MAR 008 033 Datapuwa't paglingap niya sa palibot, at pagtingin sa kaniyang mga alagad, ay pinagwikaan si Pedro, at sinabi, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas; sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay na ukol sa Dios, kundi ang mga bagay na ukol sa mga tao. 041 MAR 008 034 At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan pati ng kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. 041 MAR 008 035 Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin at sa evangelio ay maililigtas yaon. 041 MAR 008 036 Sapagka't ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay? 041 MAR 008 037 Sapagka't anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay? 041 MAR 008 038 Sapagka't ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita sa lahing ito na mapangalunya at makasalanan, ay ikahihiya rin naman siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ng mga banal na anghel. 041 MAR 009 001 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayong ito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa makita nila ang kaharian ng Dios na dumarating na may kapangyarihan. 041 MAR 009 002 At pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok: at siya'y nagbagong-anyo sa harap nila; 041 MAR 009 003 At ang kaniyang mga damit ay nangagningning, na nagsiputing maigi, na ano pa't sinomang magpapaputi sa lupa ay hindi makapagpapaputi ng gayon. 041 MAR 009 004 At doo'y napakita sa kanila si Elias na kasama si Moises: at sila'y nakikipagusap kay Jesus. 041 MAR 009 005 At sumagot si Pedro at sinabi kay Jesus, Rabi, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: at magsigawa kami ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias. 041 MAR 009 006 Sapagka't hindi niya nalalaman kung ano ang isasagot; sapagka't sila'y lubhang nangatakot. 041 MAR 009 007 At dumating ang isang alapaap na sa kanila'y lumilim: at may isang tinig na nanggaling sa alapaap, Ito ang sinisinta kong Anak; siya ang inyong pakinggan. 041 MAR 009 008 At karakaraka'y sa biglang paglingap nila sa palibotlibot, ay wala silang nakitang sinoman, kundi si Jesus lamang na kasama nila. 041 MAR 009 009 At habang nagsisibaba sila sa bundok, ay ipinagbilin niya sa kanila na sa kanino man ay huwag nilang sabihin ang kanilang nakita, maliban na pagka ang Anak ng tao ay magbangong maguli sa mga patay. 041 MAR 009 010 At kanilang iningatan ang pananalitang ito, na nangagtatanungan sila-sila kung ano ang kahulugan ng pagbabangong maguli sa mga patay. 041 MAR 009 011 At tinanong nila siya, na sinasabi, Bakit sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias? 041 MAR 009 012 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang si Elias ay pariritong mauna, at isasauli sa dati ang lahat ng mga bagay: at paanong nasusulat ang tungkol sa Anak ng tao, na siya'y maghihirap ng maraming bagay at pawalang halaga? 041 MAR 009 013 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at ginawa din naman nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya. 041 MAR 009 014 At pagdating nila sa mga alagad, ay nakita nilang nasa kanilang palibotlibot ang lubhang maraming mga tao, at ang mga eskriba ay nangakikipagtalo sa kanila. 041 MAR 009 015 At pagdaka'y ang buong karamihan, pagkakita nila sa kaniya, ay nangagtakang mainam, at tinakbo siya na siya'y binati. 041 MAR 009 016 At tinanong niya sila, Ano ang ipinakikipagtalo ninyo sa kanila? 041 MAR 009 017 At isa sa karamihan ay sumagot sa kaniya, Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalake na may isang espiritung pipi; 041 MAR 009 018 At saan man siya alihan nito, ay ibinubuwal siya: at nagbububula ang kaniyang bibig, at nagngangalit ang mga ngipin, at untiunting natutuyo: at sinabi ko sa iyong mga alagad na siya'y palabasin; at hindi nila magawa. 041 MAR 009 019 At sumagot siya sa kanila at nagsabi, Oh lahing walang pananampalataya, hanggang kailan makikisama ako sa inyo? hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin. 041 MAR 009 020 At dinala nila siya sa kaniya: at pagkakita niya sa kaniya, ay pagdaka'y pinapangatal siyang lubha ng espiritu; at siya'y nalugmok sa lupa, at nagpagulonggulong na bumubula ang kaniyang bibig. 041 MAR 009 021 At tinanong niya ang kaniyang ama, Kailan pang panahon nangyayari sa kaniya ito? At sinabi niya, Mula sa pagkabata. 041 MAR 009 022 At madalas na siya'y inihahagis sa apoy at sa tubig, upang siya'y patayin: datapuwa't kung mayroon kang magagawang anomang bagay, ay maawa ka sa amin, at tulungan mo kami. 041 MAR 009 023 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung kaya mo! Ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa kaniya na nananampalataya. 041 MAR 009 024 Pagdaka'y sumigaw ang ama ng bata, at sinabi, Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya. 041 MAR 009 025 At nang makita ni Jesus na dumaragsang tumatakbo ang karamihan, ay pinagwikaan niya ang karumaldumal na espiritu, na sinasabi sa kaniya, Ikaw bingi at piping espiritu, iniuutos ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya, at huwag ka nang pumasok na muli sa kaniya. 041 MAR 009 026 At nang makapagsisisigaw, at nang siya'y mapangatal na mainam, ay lumabas siya: at ang bata'y naging anyong patay; ano pa't marami ang nagsabi, Siya'y patay. 041 MAR 009 027 Datapuwa't hinawakan siya ni Jesus sa kamay, at siya'y ibinangon; at siya'y nagtindig. 041 MAR 009 028 At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? 041 MAR 009 029 At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin. 041 MAR 009 030 At nagsialis sila roon, at nangagdaan sa Galilea; at ayaw siyang sinomang tao'y makaalam niyaon. 041 MAR 009 031 Sapagka't tinuruan niya ang kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Ibibigay ang Anak ng tao sa mga kamay ng mga tao, at siya'y papatayin nila; at pagkapatay sa kaniya, ay siyang magbabangong muli pagkaraan ng ikatlong araw. 041 MAR 009 032 Nguni't hindi nila naunawa ang sabing ito, at nangatakot silang magsipagtanong sa kaniya. 041 MAR 009 033 At sila'y nagsidating sa Capernaum: at nang siya'y nasa bahay na ay tinanong niya sila, Ano ang pinagkakatuwiranan ninyo sa daan? 041 MAR 009 034 Datapuwa't hindi sila nagsiimik: sapagka't sila-sila ay nangagtalo sa daan, kung sino ang pinakadakila. 041 MAR 009 035 At siya'y naupo, at tinawag ang labingdalawa; at sa kanila'y sinabi niya, Kung sinoman ang ibig na maging una, ay siyang mahuhuli sa lahat, at lingkod ng lahat. 041 MAR 009 036 At kinuha niya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila: at siya'y kaniyang kinalong, na sa kanila'y sinabi niya, 041 MAR 009 037 Ang sinomang tumanggap sa isa sa mga ganitong maliliit na bata sa aking pangalan, ay ako ang tinatanggap: at ang sinomang tumanggap sa akin, ay hindi ako ang tinatanggap, kundi yaong sa aki'y nagsugo. 041 MAR 009 038 Sinabi sa kaniya ni Juan, Guro, nakita namin ang isa na sa pangalan mo'y nagpapalabas ng mga demonio; at pinagbawalan namin siya, sapagka't hindi sumusunod sa atin. 041 MAR 009 039 Datapuwa't sinabi ni Jesus, Huwag ninyong pagbawalan siya: sapagka't walang taong gumagawa ng makapangyarihang gawa sa pangalan ko, na pagdaka'y makapagsasalita ng masama tungkol sa akin. 041 MAR 009 040 Sapagka't ang hindi laban sa atin ay sumasa atin. 041 MAR 009 041 Sapagka't ang sinomang magpainom sa inyo ng isang sarong tubig, dahil sa kayo'y kay Cristo, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hindi mawawala sa anomang paraan ang ganti sa kaniya. 041 MAR 009 042 At ang sinomang magbigay ng ikatitisod sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin, ay mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking gilingang bato, at siya'y ibulid sa dagat. 041 MAR 009 043 At kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw, kay sa may dalawang kamay kang mapasa impierno, sa apoy na hindi mapapatay. 041 MAR 009 044 Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy. 041 MAR 009 045 At kung ang paa mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok kang pilay sa buhay kay sa may dalawang paa kang mabulid sa impierno. 041 MAR 009 046 Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy. 041 MAR 009 047 At kung ang mata mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Dios na may isang mata, kay sa may dalawang mata kang mabulid sa impierno; 041 MAR 009 048 Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy. 041 MAR 009 049 Sapagka't bawa't isa'y aasnan sa pamamagitan ng apoy. 041 MAR 009 050 Mabuti ang asin: datapuwa't kung tumabang ang asin, ay ano ang inyong ipagpapaalat? Taglayin ninyo sa inyong sarili ang asin, at kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa isa't isa. 041 MAR 010 001 At siya'y umalis doon, at pumasok sa mga hangganan ng Judea at sa dako pa roon ng Jordan: at ang mga karamihan ay muling nakipisan sa kaniya; at, ayon sa kaniyang kinaugalian, ay muling tinuruan niya sila. 041 MAR 010 002 At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, at siya'y tinanong, Matuwid baga sa lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa? na siya'y tinutukso. 041 MAR 010 003 At sumagot siya at sa kanila'y sinabi, Ano ang iniutos sa inyo ni Moises? 041 MAR 010 004 At sinabi nila, Ipinahintulot ni Moises na ilagda ang kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay siya. 041 MAR 010 005 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay inilagda niya ang utos na ito. 041 MAR 010 006 Nguni't buhat nang pasimula ng paglalang, Lalake at babaing ginawa niya sila. 041 MAR 010 007 Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; 041 MAR 010 008 At ang dalawa ay magiging isang laman; kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman. 041 MAR 010 009 Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao. 041 MAR 010 010 At sa bahay ay muling tinanong siya ng mga alagad tungkol sa bagay na ito. 041 MAR 010 011 At sinabi niya sa kanila, Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa: 041 MAR 010 012 At kung ihiwalay ng babae ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya. 041 MAR 010 013 At dinadala nila sa kaniya ang maliliit na bata, upang sila'y kaniyang hipuin: at sinaway sila ng mga alagad. 041 MAR 010 014 Datapuwa't nang ito'y makita ni Jesus, ay nagdalang galit siya, at sinabi sa kanila, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata; huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka't sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios. 041 MAR 010 015 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na tulad sa isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan. 041 MAR 010 016 At kinalong niya sila, at sila'y pinagpala, na ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kanila. 041 MAR 010 017 At nang siya'y umalis na lumalakad sa daan, ay may isang tumakbong lumapit sa kaniya, at lumuhod sa harap niya, at siya'y tinanong, Mabuting Guro, ano ang gagawin ko upang ako'y magmana ng buhay na walang hanggan? 041 MAR 010 018 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Bakit tinatawag mo akong mabuti? walang mabuti kundi isa lamang, ang Dios. 041 MAR 010 019 Nalalaman mo ang mga utos, Huwag kang pumatay, Huwag kang mangalunya, Huwag kang magnakaw, Huwag kang sumaksi sa di katotohanan, Huwag kang magdaya, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina. 041 MAR 010 020 At sinabi niya sa kaniya, Guro, ang lahat ng mga bagay na ito'y aking ginanap mula sa aking kabataan. 041 MAR 010 021 At pagtitig sa kaniya ni Jesus, ay giniliw siya, at sinabi sa kaniya, Isang bagay ang kulang sa iyo: yumaon ka, ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik, at ibigay mo sa dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin. 041 MAR 010 022 Datapuwa't siya'y nahapis sa sabing ito, at siya'y yumaong namamanglaw: sapagka't siya'y isang may maraming mga pag-aari. 041 MAR 010 023 At lumingap si Jesus sa palibotlibot, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Kay hirap na magsipasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan! 041 MAR 010 024 At nangagtaka ang mga alagad sa kaniyang mga salita. Datapuwa't si Jesus ay muling sumagot at nagsabi sa kanila, Mga anak, kay hirap na magsipasok sa kaharian ng Dios ang mga magsisiasa sa mga kayamanan! 041 MAR 010 025 Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios. 041 MAR 010 026 At sila'y nangagtatakang lubha, na sinasabi sa kaniya, Sino nga kaya ang makaliligtas? 041 MAR 010 027 Pagtingin ni Jesus sa kanila'y nagsabi, Hindi maaari ito sa mga tao, datapuwa't hindi gayon sa Dios: sapagka't ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Dios. 041 MAR 010 028 Si Pedro ay nagpasimulang magsabi sa kaniya, Narito, iniwan namin ang lahat, at nagsisunod sa iyo. 041 MAR 010 029 Sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ina, o ama, o mga anak, o mga lupa, dahil sa akin, at dahil sa evangelio, 041 MAR 010 030 Na hindi siya tatanggap ng tigisang daan ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, at mga ina, at mga anak, at mga lupa, kalakip ng mga paguusig; at sa sanglibutang darating ay ng walang hanggang buhay. 041 MAR 010 031 Datapuwa't maraming nangauuna ay mangahuhuli; at nangahuhuli na mangauuna. 041 MAR 010 032 At sila'y nangasa daan, na nagsisiahon sa Jerusalem; at nangunguna sa kanila si Jesus: at sila'y nangagtaka; at ang nangagsisisunod ay nangatakot. At muling kinuha niya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinabi sa kanila ang mga bagay na sa kaniya'y mangyayari, 041 MAR 010 033 Na sinasabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at siya'y kanilang hahatulang patayin, at ibibigay siya sa mga Gentil: 041 MAR 010 034 At siya'y kanilang aalimurahin, at siya'y luluraan, at siya'y hahampasin, at siya'y papatayin; at pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon siyang muli. 041 MAR 010 035 At nagsilapit sa kaniya si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo, na sa kaniya'y nagsisipagsabi, Guro, ibig naming iyong gawin sa amin ang anomang aming hingin sa iyo. 041 MAR 010 036 At sinabi niya sa kanila, Ano ang ibig ninyong sa inyo'y aking gawin? 041 MAR 010 037 At sinabi nila sa kaniya, Ipagkaloob mo sa amin na mangakaupo kami, ang isa'y sa iyong kanan, at ang isa'y sa iyong kaliwa, sa iyong kaluwalhatian. 041 MAR 010 038 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangakaiinom baga kayo sa sarong aking iinuman? o mangababautismuhan sa bautismo na ibinautismo sa akin? 041 MAR 010 039 At sinabi nila sa kaniya, Kaya namin. At sinabi sa kanila ni Jesus, Ang sarong aking iinuman ay iinuman ninyo; at sa bautismo na ibinautismo sa akin ay babautismuhan kayo; 041 MAR 010 040 Datapuwa't ang maupo sa aking kanan o sa aking kaliwa ay hindi ako ang magbibigay; datapuwa't yaon ay para sa kanila na mga pinaghahandaan. 041 MAR 010 041 At nang marinig ito ng sangpu, ay nangagpasimula silang mangagalit kay Santiago at kay Juan. 041 MAR 010 042 At sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sa kanila'y sinabi, Nalalaman ninyo na yaong mga inaaring mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila; at ang sa kanila'y mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila. 041 MAR 010 043 Datapuwa't sa inyo ay hindi gayon: kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo, ay magiging lingkod ninyo; 041 MAR 010 044 At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna, ay magiging alipin ng lahat. 041 MAR 010 045 Sapagka't ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami. 041 MAR 010 046 At nagsidating sila sa Jerico: at habang nililisan niya ang Jerico, na kasama ng kaniyang mga alagad at ng lubhang maraming mga tao, ang anak ni Timeo, si Bartimeo, na isang pulubing bulag, ay nakaupo sa tabi ng daan. 041 MAR 010 047 At nang marinig niya na yao'y si Jesus na Nazareno, siya'y nagpasimulang magsisigaw, at nagsabi, Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin. 041 MAR 010 048 At siya'y pinagwikaan ng marami upang siya'y tumahimik: datapuwa't siya'y lalong sumisigaw, Ikaw na Anak ni David, mahabag ka sa akin. 041 MAR 010 049 At tumigil si Jesus, at sinabi, Tawagin ninyo siya. At tinawag nila ang lalaking bulag, na sinasabi sa kaniya, Laksan mo ang iyong loob; ikaw ay magtindig, tinatawag ka niya. 041 MAR 010 050 At siya, pagkatapon ng kaniyang balabal, ay nagmadaling tumindig, at lumapit kay Jesus. 041 MAR 010 051 At sumagot sa kaniya si Jesus, at sinabi, Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo? At sinabi ng lalaking bulag, Raboni, na tanggapin ang aking paningin. 041 MAR 010 052 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka ng iyong lakad; pinagaling ka ng iyong pananampalataya. At pagdaka'y tinanggap niya ang kaniyang paningin, at siya'y sumunod sa kaniya sa daan. 041 MAR 011 001 At nang malapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage at sa Betania, sa bundok ng mga Olivo ay sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad, 041 MAR 011 002 At sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo: at pagkapasok ninyo roon, ay masusumpungan ninyo ang isang nakataling batang asno, na hindi pa nasasakyan ng sinomang tao; inyong kalagin siya, at dalhin ninyo siya rito. 041 MAR 011 003 At kung may magsabi sa inyo, Bakit ninyo ginagawa ito? sabihin ninyo, Kinakailangan siya ng Panginoon; at pagdaka'y ipadadala niya siya rito. 041 MAR 011 004 At sila'y nagsiyaon, at kanilang nasumpungan ang batang asno na nakatali sa pintuan sa labas ng lansangan; at siya'y kanilang kinalag. 041 MAR 011 005 At ilan sa nangakatayo roon ay nangagsabi sa kanila, Ano ang ginagawa ninyo na inyong kinakalag ang batang asno? 041 MAR 011 006 At sinabi nila sa kanila ayon sa sinabi ni Jesus: at pinabayaan nilang sila'y magsialis. 041 MAR 011 007 At dinala nila ang batang asno kay Jesus, at inilagay nila sa ibabaw ng batang asno ang kanilang mga damit; at ito'y sinakyan ni Jesus. 041 MAR 011 008 At marami ang nagsisipaglatag ng kanilang mga damit sa daan; at ang mga iba'y ng mga sanga, na kanilang pinutol sa mga parang. 041 MAR 011 009 At ang nangasa unahan, at ang nagsisisunod, ay nangagsisigawan, Hosanna; Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: 041 MAR 011 010 Mapalad ang kahariang pumaparito, ang kaharian ng ating amang si David: Hosanna sa kataastaasan. 041 MAR 011 011 At pumasok siya sa Jerusalem, sa templo; at nang malingap niya sa palibotlibot ang lahat ng mga bagay, at palibhasa'y hapon na, ay pumaroon siya sa Betania na kasama ang labingdalawa. 041 MAR 011 012 At sa kinabukasan, pagkaalis nila sa Betania, ay nagutom siya. 041 MAR 011 013 At pagkatanaw niya sa malayo ng isang puno ng igos na may mga dahon, ay lumapit siya, na baka sakaling makasumpong doon ng anoman: at nang siya'y malapit sa kaniya ay wala siyang nasumpungang anoman kundi mga dahon; sapagka't hindi panahon ng mga igos. 041 MAR 011 014 At sumagot si Jesus at sinabi rito, Sinomang tao'y hindi kakain ng iyong bunga mula ngayon at magpakailan man. At ito'y narinig ng kaniyang mga alagad. 041 MAR 011 015 At nagsidating sila sa Jerusalem: at pumasok siya sa templo, at nagpasimulang kaniyang itinaboy ang nangagbibili at nagsisibili sa loob ng templo, at ginulo ang mga dulang ng nangagpapalit ng salapi, at ang mga upuan ng nangagbibili ng mga kalapati; 041 MAR 011 016 At hindi niya ipinahintulot na sinoman ay magdala ng anomang sisidlan sa templo. 041 MAR 011 017 At siya'y nagturo, at sinabi sa kanila, Hindi baga nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa? datapuwa't ginawa ninyong yungib ng mga tulisan. 041 MAR 011 018 At yao'y narinig ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba, at pinagsisikapan kung paanong siya'y kanilang maipapapuksa: sapagka't nangatatakot sila sa kaniya, dahil sa buong karamihan ay nanggigilalas sa kaniyang aral. 041 MAR 011 019 At gabi-gabi'y lumalabas siya sa bayan. 041 MAR 011 020 At sa pagdaraan nila pagka umaga, ay nakita nila na ang puno ng igos ay tuyo na mula sa mga ugat. 041 MAR 011 021 At sa pagkaalaala ni Pedro ay sinabi sa kaniya, Rabi, narito, ang sinumpa mong puno ng igos ay natuyo. 041 MAR 011 022 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila, Magkaroon kayo ng pananampalataya sa Dios. 041 MAR 011 023 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinomang magsabi sa bundok na ito, Mapataas ka at mapasugba ka sa dagat; at hindi magalinlangan sa kaniyang puso, kundi manampalataya na mangyayari ang sinabi niya; ay kakamtin niya yaon. 041 MAR 011 024 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin. 041 MAR 011 025 At kailan man kayo'y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan. 041 MAR 011 026 Datapuwa't kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin kayo patatawarin sa inyong mga kasalanan ng inyong Ama na nasa mga langit. 041 MAR 011 027 At sila'y nagsiparoong muli sa Jerusalem: at samantalang lumalakad siya sa templo, ay nagsilapit sa kaniya ang mga pangulong saserdote, at ang mga eskriba, at ang matatanda; 041 MAR 011 028 At sinabi nila sa kaniya, Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? o sino ang sa iyo'y nagbigay ng kapamahalaang ito upang gawin mo ang mga bagay na ito? 041 MAR 011 029 At sa kanila'y sinabi ni Jesus, Tatanungin ko kayo ng isang tanong, at sagutin ninyo ako, at aking sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito. 041 MAR 011 030 Ang bautismo ni Juan, ay mula baga sa langit, o sa mga tao? sagutin ninyo ako. 041 MAR 011 031 At kanilang pinagkatuwiranan sa kanilang sarili, na sinasabi. Kung sabihin natin, Mula sa langit; ay sasabihin niya, Bakit nga hindi ninyo siya pinaniwalaan? 041 MAR 011 032 Datapuwa't kung sabihin natin, Mula sa mga tao-ay nangatatakot sila sa bayan: sapagka't kinikilala ng lahat na si Juan ay tunay na propeta. 041 MAR 011 033 At sila'y nagsisagot kay Jesus at nagsipagsabi, Hindi namin nalalaman. At sinabi ni Jesus sa kanila, Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito. 041 MAR 012 001 At nagpasimulang pinagsalitaan niya sila sa mga talinghaga. Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at binakuran ng mga buhay na punong kahoy, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain. 041 MAR 012 002 At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin niya sa mga magsasaka ang mga bunga ng ubasan. 041 MAR 012 003 At hinawakan nila siya, at hinampas siya, at siya'y pinauwing walang dala. 041 MAR 012 004 At siya'y muling nagsugo sa kanila ng ibang alipin; at ito'y kanilang sinugatan sa ulo, at dinuwahagi. 041 MAR 012 005 At nagsugo siya ng iba; at ito'y kanilang pinatay: at ang iba pang marami; na hinampas ang iba, at ang iba'y pinatay. 041 MAR 012 006 Mayroon pa siyang isa, isang sinisintang anak na lalake: ito'y sinugo niyang kahulihulihan sa kanila, na sinasabi, Igagalang nila ang aking anak. 041 MAR 012 007 Datapuwa't ang mga magsasakang yaon ay nangagsangusapan, Ito ang tagapagmana; halikayo, atin siyang patayin, at magiging atin ang mana. 041 MAR 012 008 At siya'y kanilang hinawakan, at siya'y pinatay, at itinaboy sa labas ng ubasan. 041 MAR 012 009 Ano nga kaya ang gagawin ng panginoon ng ubasan? siya'y paroroon at pupuksain ang mga magsasaka, at ibibigay ang ubasan sa mga iba. 041 MAR 012 010 Hindi man lamang baga nabasa ninyo ang kasulatang ito: Ang batong itinakuwil ng nangagtayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok; 041 MAR 012 011 Ito'y mula sa Panginoon, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata. 041 MAR 012 012 At pinagsikapan nilang hulihin siya; at sila'y natakot sa karamihan; sapagka't kanilang napaghalata na kaniyang sinalita ang talinghaga laban sa kanila: at siya'y iniwan nila, at nagsialis. 041 MAR 012 013 At kanilang sinugo sa kaniya ang ilan sa mga Fariseo at sa mga Herodiano, upang siya'y mahuli nila sa pananalita. 041 MAR 012 014 At nang sila'y magsilapit, ay kanilang sinabi sa kaniya, Guro, nalalaman namin na ikaw ay totoo, at hindi ka nangingimi kanino man; sapagka't hindi ka nagtatangi ng mga tao, kundi itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios: Matuwid bagang bumuwis kay Cesar, o hindi? 041 MAR 012 015 Bubuwis baga kami, o hindi kami bubuwis? Datapuwa't siya, na nakatataho ng kanilang pagpapaimbabaw, ay nagsabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso? magdala kayo rito sa akin ng isang denario, upang aking makita. 041 MAR 012 016 At dinalhan nila. At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat? At sinabi nila sa kaniya, kay Cesar. 041 MAR 012 017 At sinabi sa kanila ni Jesus, ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar, at sa Dios ang sa Dios. At sila'y nanggilalas na mainam sa kaniya. 041 MAR 012 018 At nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo, na nangagsasabi na walang pagkabuhay na maguli; at siya'y kanilang tinanong, na sinasabi, 041 MAR 012 019 Guro, isinulat sa amin ni Moises, Kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay, at may maiwang asawa, at walang maiwang anak, ay kukunin ng kaniyang kapatid ang kaniyang asawa, at bigyan ng anak ang kaniyang kapatid. 041 MAR 012 020 May pitong lalaking magkakapatid: at nagasawa ang panganay, at nang mamatay ay walang naiwang anak; 041 MAR 012 021 At nagasawa sa bao ang pangalawa, at namatay na walang naiwang anak; at gayon din naman ang pangatlo: 041 MAR 012 022 At ang ikapito'y walang naiwang anak. Sa kahulihulihan ng lahat ay namatay naman ang babae. 041 MAR 012 023 Sa pagkabuhay na maguli, sino sa kanila ang magiging asawa ng babae? sapagka't siya'y naging asawa ng pito. 041 MAR 012 024 Sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kaya nangagkakamali kayo dahil diyan, na hindi ninyo nalalaman ang mga kasulatan, ni ang kapangyarihan ng Dios? 041 MAR 012 025 Sapagka't sa pagbabangon nilang muli sa mga patay, ay hindi na mangagaasawa, ni papagaasawahin pa; kundi gaya ng mga anghel sa langit. 041 MAR 012 026 Nguni't tungkol sa mga patay, na sila'y mga ibabangon; hindi baga ninyo nabasa sa aklat ni Moises, tungkol sa Mababang punong kahoy, kung paanong siya'y kinausap ng Dios na sinasabi, Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? 041 MAR 012 027 Hindi siya ang Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: kayo'y nangagkakamaling lubha. 041 MAR 012 028 At lumapit ang isa sa mga eskriba, at nakarinig ng kanilang pagtatalo, at palibhasa'y nalalamang mabuti ang pagkasagot niya sa kanila, ay tinanong siya, Ano baga ang pangulong utos sa lahat? 041 MAR 012 029 Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa: 041 MAR 012 030 At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo. 041 MAR 012 031 Ang pangalawa ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Walang ibang utos na hihigit sa mga ito. 041 MAR 012 032 At sinabi sa kaniya ng eskriba, Sa katotohanan, Guro, ay mabuti ang pagkasabi mo na siya'y iisa; at wala nang iba liban sa kaniya: 041 MAR 012 033 At ang siya'y ibigin ng buong puso, at ng buong pagkaunawa, at ng buong lakas, at ibigin ang kapuwa niya na gaya ng sa kaniyang sarili, ay higit pa kay sa lahat ng mga handog na susunugin at mga hain. 041 MAR 012 034 At nang makita ni Jesus na siya'y sumagot na may katalinuhan, ay sinabi niya sa kaniya, Hindi ka malayo sa kaharian ng Dios. At walang tao, pagkatapos noon na nangahas na tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong. 041 MAR 012 035 At sumagot si Jesus at nagsabi nang siya'y nagtuturo sa templo, Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David? 041 MAR 012 036 Si David din ang nagsabi sa pamamagitan ng Espiritu Santo, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa. 041 MAR 012 037 Si David din ang tumatawag na Panginoon sa kaniya; at paano ngang siya'y kaniyang anak? At ang mga karaniwang tao ay nangakikinig sa kaniyang may galak. 041 MAR 012 038 At sinabi niya sa kaniyang pagtuturo, Mangagingat kayo sa mga eskriba, na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at pagpugayan sa mga pamilihan. 041 MAR 012 039 At ibig nila ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong luklukan sa mga pigingan: 041 MAR 012 040 Silang nangananakmal ng mga bahay ng mga babaing bao, at dinadahilan ay ang mahahabang panalangin; ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan. 041 MAR 012 041 At umupo siya sa tapat ng kabang-yaman, at minasdan kung paanong inihuhulog ng karamihan ang salapi sa kabang-yaman: at maraming mayayaman ang nangaghuhulog ng marami. 041 MAR 012 042 At lumapit ang isang babaing bao, at siya'y naghulog ng dalawang lepta, na ang halaga'y halos isang beles. 041 MAR 012 043 At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang baong babaing ito, ay naghulog ng higit kay sa lahat ng nangaghuhulog sa kabang-yaman: 041 MAR 012 044 Sapagka't silang lahat ay nagsipaghulog ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong nasa kaniya, sa makatuwid baga'y ang buong kaniyang ikabubuhay. 041 MAR 013 001 At paglabas niya sa templo, ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Guro, masdan mo, pagkaiinam ng mga bato, at pagkaiinam na mga gusali! 041 MAR 013 002 At sinabi ni Jesus sa kaniya, Nakikita mo baga ang malalaking gusaling ito? walang matitira ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na di ibabagsak. 041 MAR 013 003 At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo sa tapat ng templo, ay tinanong siya ng lihim ni Pedro at ni Santiago at ni Juan at ni Andres, 041 MAR 013 004 Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng maganap ang lahat ng mga bagay na ito? 041 MAR 013 005 At si Jesus ay nagpasimulang magsabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong paligaw kanino mang tao. 041 MAR 013 006 Maraming paririto sa aking pangalan, na magsisipagsabi, Ako ang Cristo; at maliligaw ang marami. 041 MAR 013 007 At kung mangakarinig kayo ng mga digma at ng mga alingawngaw ng mga digma, ay huwag kayong mangagulumihanan: ang mga bagay na ito'y dapat na mangyari: datapuwa't hindi pa ang wakas. 041 MAR 013 008 Sapagka't magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba't ibang dako; magkakagutom: ang mga bagay na ito'y pasimula ng kahirapan. 041 MAR 013 009 Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili: sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga Sanedrin; at kayo'y hahampasin sa mga sinagoga; at kayo'y magsisitindig sa harap ng mga gobernador at ng mga hari dahil sa akin, na bilang patotoo sa kanila. 041 MAR 013 010 At sa lahat ng mga bansa ay kinakailangan munang maipangaral ang evangelio. 041 MAR 013 011 At pagka kayo'y dinala sa harap ng mga kapulungan, at kayo'y ibigay, ay huwag kayong mangabalisa kung ano ang inyong sasabihin: datapuwa't ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon, ay siya ninyong sabihin; sapagka't hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo. 041 MAR 013 012 At ibibigay ng kapatid sa kamatayan ang kapatid, at ng ama ang kaniyang anak; at magsisipaghimagsik ang mga anak laban sa mga magulang, at sila'y ipapapatay. 041 MAR 013 013 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas. 041 MAR 013 014 Nguni't pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan (unawain ng bumabasa), kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea: 041 MAR 013 015 At ang nasa bubungan ay huwag bumaba, ni pumasok, upang maglabas ng anoman sa kaniyang bahay: 041 MAR 013 016 At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal. 041 MAR 013 017 Datapuwa't sa aba ng nangagdadalangtao at ng nangagpapasuso sa mga araw na yaon! 041 MAR 013 018 At magsipanalangin kayo na ito'y huwag mangyari sa panahong taginaw. 041 MAR 013 019 Sapagka't ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man. 041 MAR 013 020 At malibang paikliin ng Panginoon ang mga araw, ay walang laman na makaliligtas; datapuwa't dahil sa mga hirang, na kaniyang hinirang, ay pinaikli niya ang mga araw. 041 MAR 013 021 At kung magkagayon kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito, ang Cristo; o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan: 041 MAR 013 022 Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, upang mailigaw nila, kung mangyayari, ang mga hirang. 041 MAR 013 023 Datapuwa't mangagingat kayo: narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo ang lahat ng mga bagay. 041 MAR 013 024 Nguni't sa mga araw na yaon, pagkatapos ng kapighatiang yaon, ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, 041 MAR 013 025 At mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit. 041 MAR 013 026 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na napariritong nasa mga alapaap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. 041 MAR 013 027 At kung magkagayo'y susuguin niya ang mga anghel, at titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin, mula sa wakas ng lupa hanggang sa dulo ng langit. 041 MAR 013 028 Sa puno nga ng igos ay pag-aralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw; 041 MAR 013 029 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga. 041 MAR 013 030 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito. 041 MAR 013 031 Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas. 041 MAR 013 032 Nguni't tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama. 041 MAR 013 033 Kayo'y mangagingat, mangagpuyat at magsipanalangin: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan kaya ang panahon. 041 MAR 013 034 Gaya ng isang tao na nanirahan sa ibang lupain, na pagkaiwan ng kaniyang bahay, at pagkabigay ng kapamahalaan sa kaniyang mga alipin, sa bawa't isa'y ang kaniyang gawain, ay nagutos din naman sa bantay-pinto na magpuyat. 041 MAR 013 035 Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng bahay, kung sa hapon, o sa hating gabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga; 041 MAR 013 036 Baka kung biglang pumarito ay kayo'y mangaratnang nangatutulog. 041 MAR 013 037 At ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat, Mangagpuyat kayo. 041 MAR 014 001 Pagkaraan nga ng dalawang araw ay kapistahan ng paskua at ng mga tinapay na walang lebadura: at pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong siya'y huhulihin sa pamamagitan ng daya, at siya'y maipapatay. 041 MAR 014 002 Sapagka't sinasabi nila, Huwag sa kapistahan, baka magkagulo ang bayan. 041 MAR 014 003 At samantalang siya'y nasa Betania sa bahay ni Simon na ketongin, samantalang siya'y nakaupo sa pagkain, ay dumating ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro na puno ng unguentong nardo na totoong mahalaga; at binasag niya ang sisidlan, at ibinuhos sa kaniyang ulo. 041 MAR 014 004 Datapuwa't may ilan na nangagalit sa kanilang sarili, na nagsipagsabi, Ano ang layon ng pagaaksayang ito ng unguento? 041 MAR 014 005 Sapagka't ang unguentong ito'y maipagbibili ng mahigit sa tatlong daang denario, at maibibigay sa mga dukha. At inupasalaan nila ang babae. 041 MAR 014 006 Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo siya; bakit ninyo siya binabagabag? mabuting gawa ang ginawa niya sa akin. 041 MAR 014 007 Sapagka't laging nasa inyo ang mga dukha, at kung kailan man ibigin ninyo ay mangyayaring magawan ninyo sila ng magaling: datapuwa't ako'y hindi laging nasa inyo. 041 MAR 014 008 Ginawa niya ang kaniyang nakaya; nagpauna na siya na pahiran ang katawan ko sa paglilibing sa akin. 041 MAR 014 009 At katotohanang sinasabi ko sa inyo, Saan man ipangaral ang evangelio sa buong sanglibutan, ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya. 041 MAR 014 010 At si Judas Iscariote, na isa sa labingdalawa, ay naparoon sa mga pangulong saserdote, upang maipagkanulo niya siya sa kanila. 041 MAR 014 011 At sila, pagkarinig nila nito, ay nangatuwa, at nagsipangakong siya'y bibigyan ng salapi. At pinagsikapan niya kung paanong siya ay kaniyang maipagkakanulo sa kapanahunan. 041 MAR 014 012 At nang unang araw ng mga tinapay na walang lebadura, nang kanilang inihahain ang kordero ng paskua, ay sinabi sa kaniya, ng kaniyang mga alagad, Saan mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda ka upang makakain ng kordero ng paskua? 041 MAR 014 013 At sinugo ang dalawa sa kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo sa bayan, at doo'y masasalubong ninyo ang isang lalake na may dalang isang bangang tubig: sundan ninyo siya; 041 MAR 014 014 At saan man siya pumasok, ay sabihin ninyo sa puno ng sangbahayan, Sinasabi ng Guro, Saan naroon ang aking tuluyan, na makakanan ko ng kordero ng paskua na kasalo ng aking mga alagad? 041 MAR 014 015 At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nagagayakan at handa na: at ipaghanda ninyo roon tayo. 041 MAR 014 016 At nagsiyaon ang mga alagad, at nagsipasok sa bayan, at nasumpungan ang ayon sa sinabi niya sa kanila: at inihanda nila ang kordero ng paskua. 041 MAR 014 017 At nang gumabi na ay naparoon siyang kasama ang labingdalawa. 041 MAR 014 018 At samantalang sila'y nangakaupo na at nagsisikain, ay sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang isa sa inyo na kasalo kong kumakain, ay ipagkakanulo ako. 041 MAR 014 019 Sila'y nagpasimulang nangamanglaw, at isaisang nagsabi sa kaniya, Ako baga? 041 MAR 014 020 At sinabi niya sa kanila, Isa nga sa labingdalawa, yaong sumabay sa aking sumawsaw sa pinggan. 041 MAR 014 021 Sapagka't papanaw ang Anak ng tao, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't sa aba niyaong taong nagkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak. 041 MAR 014 022 At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot siya ng tinapay, at nang kaniyang mapagpala, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, at sinabi, Inyong kunin: ito ang aking katawan. 041 MAR 014 023 At siya'y dumampot ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay ibinigay niya sa kanila: at doo'y nagsiinom silang lahat. 041 MAR 014 024 At sinabi niya sa kanila, Ito'y ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami. 041 MAR 014 025 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom ng bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago sa kaharian ng Dios. 041 MAR 014 026 At pagkaawit nila ng isang imno, ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo. 041 MAR 014 027 At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangatitisod: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa. 041 MAR 014 028 Gayon ma'y pagkapagbangon ko, ay mauuna ako sa inyo sa Galilea. 041 MAR 014 029 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Bagama't mangatitisod ang lahat, nguni't ako'y hindi. 041 MAR 014 030 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na ngayon, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok ng makalawa, ay ikakaila mo akong makaitlo. 041 MAR 014 031 Datapuwa't lalo nang nagmatigas siya na sinabi, Kahima't kailangang mamatay akong kasama mo, ay hindi kita ikakaila. At sinabi rin naman ng lahat ang gayon din. 041 MAR 014 032 At nagsirating sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani: at sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y nananalangin. 041 MAR 014 033 At kaniyang isinama si Pedro at si Santiago at si Juan, at nagpasimulang nagtakang totoo, at namanglaw na mainam. 041 MAR 014 034 At sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at mangagpuyat. 041 MAR 014 035 At lumakad siya sa dako pa roon, at nagpatirapa sa lupa, at idinalangin na, kung mangyayari, ay makalampas sa kaniya ang oras. 041 MAR 014 036 At kaniyang sinabi, Abba, Ama, may pangyayari sa iyo ang lahat ng mga bagay; ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y hindi ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo. 041 MAR 014 037 At siya'y lumapit, at naratnang sila'y nangatutulog, at sinabi kay Pedro, Simon, natutulog ka baga? hindi ka makapagpuyat ng isang oras? 041 MAR 014 038 Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman. 041 MAR 014 039 At muli siyang umalis, at nanalangin, na sinabi ang gayon ding mga salita. 041 MAR 014 040 At muli siyang nagbalik, at naratnang sila'y nangatutulog, sapagka't nangabibigatang totoo ang kanilang mga mata; at wala silang maalamang sa kaniya'y isagot. 041 MAR 014 041 At lumapit siyang bilang ikatlo, at sinabi sa kanila, Mangatulog na kayo, at mangagpahinga: sukat na; dumating na ang oras; narito, ang Anak ng tao ay ipagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan. 041 MAR 014 042 Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin. 041 MAR 014 043 At pagdaka, samantalang nagsasalita pa siya, ay dumating si Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang isang karamihang may mga tabak at mga panghampas, na mula sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba at sa matatanda. 041 MAR 014 044 Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga; hulihin ninyo siya, at dalhin ninyo siyang maingat. 041 MAR 014 045 At nang dumating siya, pagdaka'y lumapit siya sa kaniya, at nagsabi, Rabi; at siya'y hinagkan. 041 MAR 014 046 At siya'y sinunggaban nila, at siya'y kanilang dinakip. 041 MAR 014 047 Datapuwa't isa sa nangaroon ay nagbunot ng kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kaniyang tainga. 041 MAR 014 048 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Kayo baga'y nagsilabas, na parang laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako? 041 MAR 014 049 Araw-araw ay kasama ninyo ako sa templo, na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli: nguni't nangyari ito upang matupad ang mga kasulatan. 041 MAR 014 050 At iniwan siya ng lahat, at nagsitakas. 041 MAR 014 051 At sinundan siya ng isang binata, na nababalot ng isang kumot ang katawan niyang hubo't hubad: at hinawakan nila siya; 041 MAR 014 052 Datapuwa't kaniyang binitiwan ang kumot, at tumakas na hubo't hubad. 041 MAR 014 053 At dinala nila si Jesus sa dakilang saserdote: at nangagpipisan sa kaniya ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda at ang mga eskriba. 041 MAR 014 054 At si Pedro ay sumunod sa kaniya sa malayo, hanggang sa loob ng looban ng dakilang saserdote; at nakiumpok siya sa mga punong kawal, at nagpapainit sa ningas ng apoy. 041 MAR 014 055 Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoo laban kay Jesus upang siya'y ipapatay; at hindi nangasumpungan. 041 MAR 014 056 Sapagka't marami ang nagsisaksi ng kasinungalingan laban sa kaniya, at ang kanilang mga patotoo ay hindi nangagkatugma. 041 MAR 014 057 At nagsipagtindig ang ilan, at nagsisaksi ng kasinungalingan laban sa kaniya, na sinasabi, 041 MAR 014 058 Narinig naming sinabi niya, Aking igigiba ang templong ito na gawa ng mga kamay, at sa loob ng tatlong araw ay itatayo ko ang ibang hindi gawa ng mga kamay. 041 MAR 014 059 At kahit sa papagayon man ay hindi rin nangagkatugma ang patotoo nila. 041 MAR 014 060 At nagtindig sa gitna ang dakilang saserdote, at tinanong si Jesus na sinabi, Hindi ka sumasagot ng anoman? ano ang sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo? 041 MAR 014 061 Datapuwa't siya'y hindi umiimik, at walang isinagot. Tinanong siyang muli ng dakilang saserdote, at sinabi sa kaniya, Ikaw baga ang Cristo, ang Anak ng Mapalad? 041 MAR 014 062 At sinabi ni Jesus, Ako nga; at makikita ninyo ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan, at pumaparito na nasa mga alapaap ng langit. 041 MAR 014 063 At hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit, at nagsabi, Ano pang kailangan natin ng mga saksi? 041 MAR 014 064 Narinig ninyo ang kapusungan: ano sa akala ninyo? At hinatulan nilang lahat na siya'y dapat mamatay. 041 MAR 014 065 At pinasimulang luraan siya ng ilan, at tinakpan ang kaniyang mukha, at siya'y pinagsusuntok, at sa kaniya'y kanilang sinasabi, Hulaan mo: at siya'y pinagsusuntok ng mga punong kawal. 041 MAR 014 066 At samantalang nasa ibaba si Pedro, sa looban, ay lumapit ang isa sa mga alilang babae ng dakilang saserdote; 041 MAR 014 067 At pagkakita niya kay Pedro na nagpapainit, ay tinitigan niya siya, at sinabi, Ikaw man ay kasama rin ng Nazareno, na si Jesus. 041 MAR 014 068 Datapuwa't siya'y kumaila, na sinasabi, Hindi ko nalalaman, ni nauunawa man ang sinasabi mo: at lumabas siya sa portiko; at tumilaok ang manok. 041 MAR 014 069 At nakita siya ng alilang babae, at nagpasimulang magsabing muli sa nangaroroon, Ito ay isa sa kanila. 041 MAR 014 070 Datapuwa't muling ikinaila niya. At hindi nalaon, at ang nangaroon ay nangagsabing muli kay Pedro. Sa katotohanang ikaw ay isa sa kanila; sapagka't ikaw ay Galileo. 041 MAR 014 071 Datapuwa't siya'y nagpasimulang manungayaw, at manumpa, Hindi ko nakikilala ang taong ito na inyong sinasabi. 041 MAR 014 072 At pagdaka, bilang pangalawa'y tumilaok ang manok. At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus sa kaniya, Bago tumilaok ang manok ng makalawa, ay ikakaila mo akong makaitlo. At nang maisip niya ito, ay tumangis siya. 041 MAR 015 001 At pagdaka, pagkaumaga ay nangagsangusapan ang mga pangulong saserdote pati ng matatanda at mga eskriba, at ang buong Sanedrin, at ginapos si Jesus, at inilabas siya, at ibinigay siya kay Pilato. 041 MAR 015 002 At itinanong sa kaniya ni Pilato, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At pagsagot niya ay sinabi sa kaniya, Ikaw ang nagsasabi. 041 MAR 015 003 At isinakdal siya sa maraming bagay ng mga pangulong saserdote. 041 MAR 015 004 At muling tinanong siya ni Pilato, na sinasabi, Hindi ka sumasagot ng anoman? tingnan mo kung gaano karaming bagay ang kanilang isinasakdal laban sa iyo. 041 MAR 015 005 Datapuwa't si Jesus ay hindi na sumagot ng anoman; ano pa't nanggilalas si Pilato. 041 MAR 015 006 Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian niya na pawalan sa kanila ang isang bilanggo, na kanilang hingin sa kaniya. 041 MAR 015 007 At mayroong isa na kung tawagin ay Barrabas, na nagagapos na kasama ng nangaghimagsik, mga taong nagsipatay ng mga tao sa panghihimagsik. 041 MAR 015 008 At nagsipanhik ang karamihan at nangagpasimulang hingin sa kaniya na sa kanila'y gawin ang gaya ng sa kanila'y laging ginagawa. 041 MAR 015 009 At sinagot sila ni Pilato, na sinasabi, Ibig baga ninyo na pawalan ko sa inyo ang Hari ng mga Judio? 041 MAR 015 010 Sapagka't natatalastas niya na sa kapanaghilian ay ibinigay siya ng mga pangulong saserdote. 041 MAR 015 011 Datapuwa't inudyukan ng mga pangulong saserdote ang karamihan, na si Barrabas na muna ang siya niyang pawalan sa kanila. 041 MAR 015 012 At sumagot na muli si Pilato at sa kanila'y sinabi, Ano nga ang aking gagawin sa inyong tinatawag na Hari ng mga Judio? 041 MAR 015 013 At sila'y muling nagsigawan, Ipako siya sa krus. 041 MAR 015 014 At sinabi sa kanila ni Pilato, Bakit, anong masama ang kaniyang ginawa? Datapuwa't sila'y lalong nagsigawan, Ipako siya sa krus. 041 MAR 015 015 At sa pagkaibig ni Pilato na magbigay-loob sa karamihan, ay pinawalan sa kanila si Barrabas, at ibinigay si Jesus, pagkatapos na siya'y mahampas niya, upang siya'y ipako sa krus. 041 MAR 015 016 At dinala siya ng mga kawal sa looban, na siyang Pretorio; at kanilang tinipon ang buong pulutong. 041 MAR 015 017 At siya'y kanilang dinamtan ng kulay-ube, at nang makapagkamakama ng isang putong na tinik, ay ipinutong nila sa kaniya. 041 MAR 015 018 At nagpasimula silang siya'y batiin, Aba, Hari ng mga Judio! 041 MAR 015 019 At sinaktan nila ang kaniyang ulo ng isang tambo, at siya'y niluluraan, at pagkaluhod nila, siya'y sinamba. 041 MAR 015 020 At nang siya'y kanilang malibak na, ay inalis nila sa kaniya ang kulay-ube, at isinuot sa kaniya ang kanyang mga damit. At siya'y kanilang inilabas upang ipako siya sa krus. 041 MAR 015 021 At kanilang pinilit ang isang nagdaraan, si Simon na taga Cirene, na ama ni Alejandro at ni Rufo, na nanggagaling sa bukid, upang sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus. 041 MAR 015 022 At siya'y kanilang dinala sa dako ng Golgota, na kung liliwanagin ay, Ang dako ng bungo. 041 MAR 015 023 At siya'y dinulutan nila ng alak na hinaluan ng mirra: datapuwa't hindi niya tinanggap. 041 MAR 015 024 At siya'y kanilang ipinako sa krus, at kanilang pinaghatihatian ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran, kung alin ang dadalhin ng bawa't isa. 041 MAR 015 025 At ikatlo na ang oras, at siya'y kanilang ipinako sa krus. 041 MAR 015 026 At ang pamagat ng pagkasakdal sa kaniya ay isinulat sa ulunan, ANG HARI NG MGA JUDIO. 041 MAR 015 027 At ipinako sa krus na kasama niya ang dalawang tulisan; isa sa kaniyang kanan, at isa sa kaniyang kaliwa. 041 MAR 015 028 At natupad ang kasulatan, na nagsasabi: At siya'y ibinilang sa mga suwail. 041 MAR 015 029 At siya'y inalipusta ng nagsisipagdaan na pinatatangotango ang kanilang mga ulo, at sinasabi, Ah! ikaw na iginigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itinatayo, 041 MAR 015 030 Iyong iligtas ang sarili mo, at bumaba ka sa krus. 041 MAR 015 031 Gayon din naman ang mga pangulong saserdote pati ng mga eskriba, siya'y minumura na nangagsasalitaan sila-sila na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. 041 MAR 015 032 Bumaba ngayon mula sa krus ang Cristo, ang Hari ng Israel, upang aming makita at sampalatayanan. At minumura siya ng mga kasama niyang nangapapako. 041 MAR 015 033 At nang dumating ang ikaanim na oras, ay nagdilim sa buong lupa hanggang sa oras na ikasiyam. 041 MAR 015 034 At nang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig: Eloi, Eloi, lama sabacthani? na kung liliwanagin ay, Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? 041 MAR 015 035 At nang marinig ng ilang nangaroon, ay sinabi nila, Narito, tinatawag niya si Elias. 041 MAR 015 036 At tumakbo ang isa, at binasa ng suka ang isang espongha, saka inilagay sa isang tambo, at ipinainom sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y ibaba. 041 MAR 015 037 At si Jesus ay sumigaw ng malakas na tinig, at nalagot ang hininga. 041 MAR 015 038 At ang tabing ng templo ay nahapak na nagkadalawa mula sa itaas hanggang sa ibaba. 041 MAR 015 039 At ang senturiong nakatayo sa tapat niya, nang makitang malagot ang hininga niya, ay kaniyang sinabi, Katotohanang ang taong ito ay Anak ng Dios. 041 MAR 015 040 At mayroon din namang mga babae na nagsisitanaw mula sa malayo: na sa mga yao'y nangaroroon kapuwa si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago na bata at ni Jose, at si Salome; 041 MAR 015 041 Na, nang siya'y nasa Galilea, ay nagsisunod sila sa kaniya, at siya'y pinaglilingkuran nila; at mga iba pang maraming babae na nagsiahong kasama niya sa Jerusalem. 041 MAR 015 042 At nang kinahapunan, sapagka't noo'y Paghahanda, sa makatuwid baga'y ang araw na nauuna sa sabbath, 041 MAR 015 043 Dumating si Jose na taga Arimatea, isang kasangguni na may marangal na kalagayan, na naghihintay rin naman ng kaharian ng Dios; at pinangahasan niyang pinasok si Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus. 041 MAR 015 044 At nanggilalas si Pilato kung siya'y patay na: at nang mapalapit niya sa kaniya ang senturion, ay itinanong niya sa kaniya kung malaon nang patay. 041 MAR 015 045 At nang matanto niya sa senturion, ay ipinagkaloob niya ang bangkay kay Jose. 041 MAR 015 046 At binili niya ang isang kayong lino, at pagkababa sa kaniya sa krus, ay binalot siya ng kayong lino at inilagay siya sa isang libingan na hinukay sa isang bato; at iginulong niya ang isang bato hanggang sa pintuan ng libingan. 041 MAR 015 047 At tinitingnan ni Maria Magdalena at ni Mariang ina ni Jose kung saan siya nalagay. 041 MAR 016 001 At nang makaraan ang sabbath, si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago, at si Salome, ay nagsibili ng mga pabango, upang sila'y magsiparoon at siya'y pahiran. 041 MAR 016 002 At pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw. 041 MAR 016 003 At kanilang pinaguusapan, Sino kaya ang ating mapagpapagulong ng bato mula sa pintuan ng libingan? 041 MAR 016 004 At pagkatingin, ay nakita nilang naigulong na ang bato: sapagka't yao'y totoong malaki. 041 MAR 016 005 At pagkapasok sa libingan, ay kanilang nakita ang isang binata na nakaupo sa dakong kanan, na nararamtan ng isang damit na maputi; at sila'y nangagitla. 041 MAR 016 006 At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagitla: hinahanap ninyo si Jesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus: siya'y nagbangon; wala siya rito: tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya! 041 MAR 016 007 Datapuwa't magsiyaon kayo, sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro, Siya'y nangunguna sa inyo sa Galilea: doon siya makikita, ayon sa sinabi niya sa inyo. 041 MAR 016 008 At sila'y nagsilabas, at nagsitakas mula sa libingan; sapagka't sila'y nagsipangilabot at nangagitla: at hindi sila nangagsasabi ng anoman sa kanino man; sapagka't sila'y nangatatakot. 041 MAR 016 009 (note: The most reliable and earliest manuscripts do not include Mark 16:9-20.) Nang siya nga'y magbangon nang unang araw ng sanglinggo, ay napakita muna siya kay Maria Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio ang pinalabas niya. 041 MAR 016 010 Siya'y yumaon at ipinagbigay alam sa mga naging kasamahan ni Jesus, samantalang sila'y nangahahapis at nagsisitangis. 041 MAR 016 011 At sila, nang kanilang mabalitaan na siya'y nabuhay, at nakita ni Magdalena, ay hindi sila nagsipaniwala. 041 MAR 016 012 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakita siya sa ibang anyo sa dalawa sa kanila, nang sila'y nangaglalakad na patungo sa bukid. 041 MAR 016 013 At sila'y nagsiyaon at ipinagbigay-alam ito sa mga iba: at kahit sa kanila'y hindi rin sila nagsipaniwala. 041 MAR 016 014 At pagkatapos siya'y napakita sa labingisa samantalang sila'y nangakaupong nagsisikain; at pinagwikaan sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso, sapagka't hindi sila nagsipaniwala sa nangakakita sa kaniya pagkatapos na siya'y magbangon. 041 MAR 016 015 At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. 041 MAR 016 016 Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan. 041 MAR 016 017 At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika; 041 MAR 016 018 Sila'y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling. 041 MAR 016 019 Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay tinanggap sa itaas ng langit, at lumuklok sa kanan ng Dios. 041 MAR 016 020 At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip. Siya nawa. # # BOOK 042 LUK Luke Lucas 042 LUK 001 001 Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin, 042 LUK 001 002 Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro ng salita, 042 LUK 001 003 Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo; 042 LUK 001 004 Upang mapagkilala mo ang katunayan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo. 042 LUK 001 005 Nagkaroon nang mga araw ni Herodes, hari sa Judea, ng isang saserdoteng ang ngala'y Zacarias, sa pulutong ni Abias: at ang naging asawa niya ay isa sa mga anak na babae ni Aaron, at ang kaniyang ngala'y Elisabet. 042 LUK 001 006 At sila'y kapuwa matuwid sa harap ng Dios, na nagsisilakad na walang kapintasan sa lahat ng mga utos at mga palatuntunan ng Panginoon. 042 LUK 001 007 At wala silang anak, sapagka't baog si Elisabet, at sila'y kapuwa may pataw ng maraming taon. 042 LUK 001 008 Nangyari nga, na samantalang ginaganap niya ang pagkasaserdote sa harapan ng Dios ayon sa kapanahunan ng kaniyang pulutong, 042 LUK 001 009 Alinsunod sa kaugalian ng tungkuling pagkasaserdote, ay naging palad niya ang pumasok sa templo ng Panginoon at magsunog ng kamangyan. 042 LUK 001 010 At ang buong karamihan ng mga tao ay nagsisipanalangin sa labas sa oras ng kamangyan. 042 LUK 001 011 At napakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon, na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan. 042 LUK 001 012 At nagulumihanan si Zacarias, pagkakita niya sa kaniya, at dinatnan siya ng takot. 042 LUK 001 013 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka't dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan. 042 LUK 001 014 At magkakaroon ka ng ligaya at galak; at marami ang maliligaya sa pagkapanganak sa kaniya. 042 LUK 001 015 Sapagka't siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon, at siya'y hindi iinom ng alak ni matapang na inumin; at siya'y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina. 042 LUK 001 016 At marami sa mga anak ni Israel, ay papagbabaliking-loob niya sa Panginoon na kanilang Dios. 042 LUK 001 017 At siya'y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid, upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda. 042 LUK 001 018 At sinabi ni Zacarias sa anghel, Sa ano malalaman ko ito? sapagka't ako'y matanda na, at ang aking asawa ay may pataw ng maraming taon. 042 LUK 001 019 At pagsagot ng anghel ay sinabi sa kaniya, Ako'y si Gabriel, na nananayo sa harapan ng Dios; at ako'y sinugo upang makipagusap sa iyo, at magdala sa iyo nitong mabubuting balita. 042 LUK 001 020 At narito, mapipipi ka at hindi ka makapangungusap, hanggang sa araw na mangyari ang mga bagay na ito, sapagka't hindi ka sumampalataya sa aking mga salita, na magaganap sa kanilang kapanahunan. 042 LUK 001 021 At hinihintay ng bayan si Zacarias, at nanganggigilalas sila sa kaniyang pagluluwat sa loob ng templo. 042 LUK 001 022 At nang lumabas siya, ay hindi siya makapagsalita sa kanila: at hininagap nila na siya'y nakakita ng isang pangitain sa templo: at siya'y nagpatuloy ng pakikipagusap sa kanila, sa pamamagitan ng mga hudyat, at nanatiling pipi. 042 LUK 001 023 At nangyari, na nang maganap na ang mga araw ng kaniyang paglilingkod, siya'y umuwi sa kaniyang bahay. 042 LUK 001 024 At pagkatapos ng mga araw na ito ay naglihi ang kaniyang asawang si Elisabet; at siya'y lumigpit ng limang buwan, na nagsasabi, 042 LUK 001 025 Ganito ang ginawa ng Panginoon sa akin sa mga araw nang ako'y tingnan niya, upang alisin ang aking pagkaduwahagi sa gitna ng mga tao. 042 LUK 001 026 Nang ikaanim na buwan nga'y sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala'y Nazaret, 042 LUK 001 027 Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga. 042 LUK 001 028 At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, ang Panginoon ay sumasa iyo. 042 LUK 001 029 Datapuwa't siya'y totoong nagulumihanan sa sabing ito, at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito. 042 LUK 001 030 At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios. 042 LUK 001 031 At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS. 042 LUK 001 032 Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama: 042 LUK 001 033 At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian. 042 LUK 001 034 At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako'y hindi nakakakilala ng lalake? 042 LUK 001 035 At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios. 042 LUK 001 036 At narito, si Elisabet na iyong kamaganak, ay naglihi rin naman ng isang anak na lalake sa kaniyang katandaan; at ito ang ikaanim na buwan niya, na dati'y tinatawag na baog. 042 LUK 001 037 Sapagka't walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan. 042 LUK 001 038 At sinabi ni Maria, Narito, ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel. 042 LUK 001 039 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Maria, at nagmadaling napasa lupaing maburol, sa isang bayan ng Juda; 042 LUK 001 040 At pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet. 042 LUK 001 041 At nangyari, pagkarinig ni Elisabet ng bati ni Maria, ay lumukso ang sanggol sa kaniyang tiyan; at napuspos si Elisabet ng Espiritu Santo; 042 LUK 001 042 At sumigaw siya ng malakas na tinig, at sinabi, Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan. 042 LUK 001 043 At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng aking Panginoon ay pumarito sa akin? 042 LUK 001 044 Sapagka't ganito, pagdating sa aking mga pakinig ng tinig ng iyong bati, lumukso sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. 042 LUK 001 045 At mapalad ang babaing sumampalataya; sapagka't matutupad ang mga bagay na sa kaniya'y sinabi ng Panginoon. 042 LUK 001 046 At sinabi ni Maria, Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon, 042 LUK 001 047 At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas. 042 LUK 001 048 Sapagka't nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin. Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi. 042 LUK 001 049 Sapagka't ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay; At banal ang kaniyang pangalan. 042 LUK 001 050 At ang kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi. Sa nangatatakot sa kaniya. 042 LUK 001 051 Siya'y nagpakita ng lakas ng kaniyang bisig; Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso. 042 LUK 001 052 Ibinaba niya ang mga prinsipe sa mga luklukan nila, At itinaas ang mga may mababang kalagayan. 042 LUK 001 053 Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay; At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman. 042 LUK 001 054 Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin, Upang maalaala niya ang awa 042 LUK 001 055 (Gaya ng sinabi niya sa ating mga magulang) Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man. 042 LUK 001 056 At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan, at umuwi sa kaniyang bahay. 042 LUK 001 057 Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak; at siya'y nanganak ng isang lalake. 042 LUK 001 058 At nabalitaan ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamaganak, na dinakila ng Panginoon ang kaniyang awa sa kaniya; at sila'y nangakigalak sa kaniya. 042 LUK 001 059 At nangyari, na nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol; at siya'y tatawagin sana nila na Zacarias, ayon sa pangalan ng kaniyang ama. 042 LUK 001 060 At sumagot ang kaniyang ina at nagsabi, Hindi gayon; kundi ang itatawag sa kaniya'y Juan. 042 LUK 001 061 At sinabi nila sa kaniya, Wala sa iyong kamaganak na tinatawag sa pangalang ito. 042 LUK 001 062 At hinudyatan nila ang kaniyang ama, kung ano ang ibig niyang itawag. 042 LUK 001 063 At humingi siya ng isang sulatan at sumulat, na sinasabi, Ang kaniyang pangalan ay Juan. At nagsipanggilalas silang lahat. 042 LUK 001 064 At pagdaka'y nabuka ang kaniyang bibig, at ang kaniyang dila'y nakalag, at siya'y nagsalita, na pinupuri ang Dios. 042 LUK 001 065 At sinidlan ng takot ang lahat ng nagsisipanahan sa palibot nila; at nabansag ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat ng lupaing maburol ng Judea. 042 LUK 001 066 At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso, na sinasabi, Magiging ano nga kaya ang batang ito? Sapagka't ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya. 042 LUK 001 067 At si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi, 042 LUK 001 068 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel; Sapagka't kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan, 042 LUK 001 069 At nagtaas sa atin ng isang sungay ng kaligtasan Sa bahay ni David na kaniyang alipin 042 LUK 001 070 (Gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw buhat nang unang panahon), 042 LUK 001 071 Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin; 042 LUK 001 072 Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang, At alalahanin ang kaniyang banal na tipan; 042 LUK 001 073 Ang sumpa na isinumpa niya kay Abraham na ating ama, 042 LUK 001 074 Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway, Ay paglingkuran natin siya ng walang takot, 042 LUK 001 075 Sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw. 042 LUK 001 076 Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang propeta ng kataastaasan; Sapagka't magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan; 042 LUK 001 077 Upang maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan, Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan, 042 LUK 001 078 Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios, Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin, 042 LUK 001 079 Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan. 042 LUK 001 080 At lumaki ang sanggol, at lumakas sa espiritu, at nasa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel. 042 LUK 002 001 Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar, na magpatala ang buong sanglibutan. 042 LUK 002 002 Ito ang unang talaang-mamamayan na ginawa nang si Quirinio ay gobernador sa Siria. 042 LUK 002 003 At nagsisiparoon ang lahat upang sila'y mangatala, bawa't isa sa kaniyang sariling bayan. 042 LUK 002 004 At si Jose naman ay umahon mula sa Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang sa Judea, sa bayan ni David, na kung tawagi'y Bet-lehem, sapagka't siya'y sa angkan at sa lahi ni David; 042 LUK 002 005 Upang patala siya pati ni Maria, na magaasawa sa kaniya, na kasalukuyang kagampan. 042 LUK 002 006 At nangyari, samantalang sila'y nangaroroon, at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak. 042 LUK 002 007 At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan. 042 LUK 002 008 At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan. 042 LUK 002 009 At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila: at sila'y totoong nangatakot. 042 LUK 002 010 At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka't narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan: 042 LUK 002 011 Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon. 042 LUK 002 012 At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban. 042 LUK 002 013 At biglang nakisama sa anghel ang isang karamihang hukbo ng langit, na nangagpupuri sa Dios, at nangagsasabi: 042 LUK 002 014 Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. 042 LUK 002 015 At nangyari nang lisanin sila ng mga anghel at nangapasa langit, ang mga pastor ay nangagsangusapan. Magsiparoon nga tayo ngayon hanggang sa Bet-lehem, at tingnan natin itong nangyari, na ipinagbigay alam sa atin ng Panginoon. 042 LUK 002 016 At sila'y dalidaling nagsiparoon at nasumpungan kapuwa si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban. 042 LUK 002 017 At nang makita nila yaon, ay inihayag nila ang mga sinabi sa kanila tungkol sa sanggol na ito. 042 LUK 002 018 At lahat ng nangakarinig nito ay nangagtaka sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga pastor. 042 LUK 002 019 Datapuwa't iningatan ni Maria ang lahat ng mga pananalitang ito, na pinagbulaybulay sa kaniyang puso. 042 LUK 002 020 At nangagbalik ang mga pastor, na niluluwalhati at pinupuri ang Dios dahil sa lahat ng mga bagay na kanilang nangarinig at nangakita, ayon sa sinabi sa kanila. 042 LUK 002 021 At nang makaraan ang walong araw upang tuliin siya, ay tinawag na JESUS ang kaniyang pangalan, na siyang itinawag ng anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan. 042 LUK 002 022 At nang maganap na ang mga araw na kanilang paglilinis alinsunod sa kautusan ni Moises, ay kanilang dinala siya sa Jerusalem, upang iharap siya sa Panginoon 042 LUK 002 023 (Ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon, Ang bawa't lalaking nagbubukas ng bahay-bata ay tatawaging banal sa Panginoon), 042 LUK 002 024 At upang maghandog ng hain alinsunod sa sinasabi sa kautusan ng Panginoon, Dalawang batobato, o dalawang inakay ng kalapati. 042 LUK 002 025 At narito, may isang lalake sa Jerusalem, na nagngangalang Simeon; at ang lalaking ito'y matuwid at masipag sa kabanalan, na nag-aantay ng kaaliwan ng Israel: at sumasa kaniya ang Espiritu Santo. 042 LUK 002 026 At ipinahayag sa kaniya ng Espiritu Santo, na di niya makikita ang kamatayan, hanggang sa makita muna niya ang Cristo ng Panginoon. 042 LUK 002 027 At siya'y napasa templo sa Espiritu: at nang ipasok sa templo ang sanggol na si Jesus ng kaniyang mga magulang, upang sa kaniya'y magawa nila ang nauukol alinsunod sa kaugalian ng kautusan, 042 LUK 002 028 Ay tinanggap nga niya siya sa kaniyang mga bisig, at pinuri ang Dios, at nagsabi, 042 LUK 002 029 Ngayo'y papanawin mo, Panginoon, ang iyong alipin, Ayon sa iyong salita, sa kapayapaan, 042 LUK 002 030 Sapagka't nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, 042 LUK 002 031 Na iyong inihanda sa unahan ng mukha ng lahat ng mga tao; 042 LUK 002 032 Isang ilaw upang ipahayag sa mga Gentil, At ang kaluwalhatian ng iyong bayang Israel. 042 LUK 002 033 At ang kaniyang ama at ang kaniyang ina ay nagsisipanggilalas sa mga bagay na sinasabi tungkol sa kaniya; 042 LUK 002 034 At sila'y pinagpala ni Simeon, at sinabi sa kaniyang inang si Maria, Narito, ito ay itinalaga sa ikararapa at sa ikatitindig ng marami sa Israel; at pinakatandang tudlaan ng pagsalangsang: 042 LUK 002 035 Oo at paglalampasanan ng isang tabak ang iyong sariling kaluluwa; upang mangahayag ang mga pagiisip ng maraming puso. 042 LUK 002 036 At naroroon din naman si Ana, na isang propetisa, anak na babae ni Fanuel, sa angkan ni Aser, (siya'y lubhang matanda na, at may pitong taong nakisama sa kaniyang asawa mula sa kaniyang kadalagahan, 042 LUK 002 037 At siya'y bao nang walongpu't apat na taon), na hindi humihiwalay sa templo, at sumasamba sa gabi at araw sa pamamagitan ng mga pagaayuno at mga pagdaing. 042 LUK 002 038 At pagdating niya sa oras ding yaon, siya'y nagpasalamat sa Dios, at nagsalita ng tungkol sa sanggol sa lahat ng nagsisipaghintay ng katubusan sa Jerusalem. 042 LUK 002 039 At nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan ng Panginoon, ay nangagbalik sila sa Galilea, sa kanilang sariling bayang Nazaret. 042 LUK 002 040 At lumalaki ang bata, at lumalakas, at napupuspos ng karunungan: at sumasa kaniya ang biyaya ng Dios. 042 LUK 002 041 At nagsisiparoon taon-taon ang kaniyang mga magulang sa Jerusalem sa kapistahan ng paskua. 042 LUK 002 042 At nang siya'y may labindalawang taon na, ay nagsiahon sila ayon sa kaugalian ng kapistahan; 042 LUK 002 043 At nang kanilang maganap na ang mga araw, sa pagbalik nila, ay naiwan ang batang si Jesus sa Jerusalem; at di nalalaman ng kaniyang mga magulang; 042 LUK 002 044 Nguni't sa pagaakala nilang siya'y nasa kasamahan, ay nagsiyaon sila nang isang araw na paglalakbay; at hinahanap nila siya sa mga kamaganak at mga kakilala; 042 LUK 002 045 At nang di nila siya matagpuan, ay nagsipagbalik sila sa Jerusalem, na hinahanap siya. 042 LUK 002 046 At nangyari, na nang makaraan ang tatlong araw, ay nangatagpuan nila siya sa templo, na nakaupo sa gitna ng mga guro, na sila'y pinakikinggan, at sila'y tinatanong: 042 LUK 002 047 At ang lahat ng sa kaniya'y nangakakarinig ay nagsisipanggilalas sa kaniyang katalinuhan at sa kaniyang mga sagot. 042 LUK 002 048 At nang siya'y mangakita nila, ay nangagtaka sila; at sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, Anak, bakit ginawa mo sa amin ang ganyan? narito, ang iyong ama at ako na hinahanap kang may hapis. 042 LUK 002 049 At sinabi niya sa kanila, Bakit ninyo ako hinahanap? di baga talastas ninyo na dapat akong maglumagak sa bahay ng aking Ama. 042 LUK 002 050 At di nila naunawa ang pananalitang sa kanila'y sinabi. 042 LUK 002 051 At lumusong siyang kasama nila, at napasa Nazaret; at napasakop sa kanila: at iniingatan ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga pananalitang ito. 042 LUK 002 052 At lumalaki si Jesus sa karunungan at sa pangangatawan, at sa pagbibigay lugod sa Dios at sa mga tao. 042 LUK 003 001 Nang ikalabinglimang taon nga ng paghahari ni Tiberio Cesar, na noo'y gobernador sa Judea si Poncio Pilato, at tetrarka sa Galilea si Herodes, at ang kaniyang kapatid na si Felipe ay tetrarka sa lalawigan ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ay tetrarka sa Abilinia, 042 LUK 003 002 Nang kasalukuyang mga pangulong saserdote si Anas at si Caifas, ay dumating ang salita ng Dios kay Juan, anak ni Zacarias, sa ilang. 042 LUK 003 003 At siya'y napasa buong lupain sa palibotlibot ng Jordan, na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan; 042 LUK 003 004 Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas. 042 LUK 003 005 Lahat ng libis ay tatambakan, At pababain ang bawa't bundok at burol; At ang liko ay matutuwid, At ang mga daang bakobako ay mangapapatag; 042 LUK 003 006 At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Dios. 042 LUK 003 007 Sinasabi nga niya sa mga karamihang nagsisilabas upang mangagpabautismo sa kaniya, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagudyok upang tumakas sa galit na darating? 042 LUK 003 008 Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi, at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang siya naming ama; sapagka't sinasabi ko sa inyo, na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga batong ito. 042 LUK 003 009 At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy. 042 LUK 003 010 At tinanong siya ng karamihan, na nangagsasabi, Ano ngang dapat namin gawin? 042 LUK 003 011 At sinagot niya at sinabi sa kanila, Ang may dalawang tunika ay magbahagi sa wala; at ang may pagkain ay gayon din ang gawin. 042 LUK 003 012 At dumating naman ang mga maniningil ng buwis upang mangagpabautismo, at sinabi nila sa kaniya, Guro, anong dapat naming gawin? 042 LUK 003 013 At sinabi niya sa kanila, Huwag na kayong sumingil pa ng higit kay sa utos sa inyo. 042 LUK 003 014 At tinanong naman siya ng mga kawal, na nangagsasabi, At kami, anong dapat naming gawin? At sa kanila'y sinabi niya, Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man, ni mangagparatang; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo. 042 LUK 003 015 At samantalang ang mga tao'y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, kung siya kaya ang Cristo; 042 LUK 003 016 Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy: 042 LUK 003 017 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, upang linising lubos ang kaniyang giikan, at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan; datapuwa't susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay. 042 LUK 003 018 Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita; 042 LUK 003 019 Datapuwa't si Herodes na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes, 042 LUK 003 020 Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan. 042 LUK 003 021 Nangyari nga, nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at nang nananalangin, ay nabuksan ang langit, 042 LUK 003 022 At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod. 042 LUK 003 023 At si Jesus din, nang magpasimula siyang magturo ay may gulang na tatlongpung taon, na anak (ayon sa sinasapantaha) ni Jose, ni Eli, 042 LUK 003 024 Ni Matat, ni Levi, ni Melqui, ni Jane, ni Jose, 042 LUK 003 025 Ni Matatias, ni Amos, ni Nahum, ni Esli, ni Nage, 042 LUK 003 026 Ni Maat, ni Matatias, ni Semei, ni Jose, ni Juda, 042 LUK 003 027 Ni Joana, ni Resa, ni Zorobabel, ni Seatiel, ni Neri, 042 LUK 003 028 Ni Melqui, ni Adi, ni Cosam, ni Elmodam, ni Er, 042 LUK 003 029 Ni Jesus, ni Eliezer, ni Jorim, ni Mata, ni Levi, 042 LUK 003 030 Ni Simeon, ni Juda, ni Jose, ni Jonan, ni Eliaquim, 042 LUK 003 031 Ni Melea, ni Mena, ni Matata, ni Natan, ni David, 042 LUK 003 032 Ni Jesse, ni Obed, ni Booz, ni Salmon, ni Naason, 042 LUK 003 033 Ni Aminadab, ni Aram, ni Esrom, ni Fares, ni Juda, 042 LUK 003 034 Ni Jacob, ni Isaac, ni Abraham, ni Tare, ni Nacor, 042 LUK 003 035 Ni Serug, ni Regan, ni Paleg, ni Heber, ni Selah, 042 LUK 003 036 Ni Cainan, ni Arfaxjad, ni Sem, ni Noe, ni Lamec, 042 LUK 003 037 Ni Matusalem, ni Enoc, ni Jared, ni Mahalaleel, ni Cainan, 042 LUK 003 038 Ni Enos, ni Set, ni Adam, ng Dios. 042 LUK 004 001 At si Jesus, na puspos ng Espiritu Santo ay bumalik mula sa Jordan at inihatid ng Espiritu sa ilang, 042 LUK 004 002 Sa loob ng apat na pung araw na tinutukso ng diablo. At hindi siya kumain ng anoman nang mga araw na yaon; at nang maganap ang mga yaon ay nagutom siya. 042 LUK 004 003 At sinabi sa kaniya ng diablo, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ipag-utos mo na ang batong ito ay maging tinapay. 042 LUK 004 004 At sinagot siya ni Jesus, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao. 042 LUK 004 005 At iniakyat pa siya niya, at ipinakita sa kaniya sa sandaling panahon ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan. 042 LUK 004 006 At sinabi sa kaniya ng diablo, Sa iyo'y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang ito, at ang kaluwalhatian nila: sapagka't ito'y naibigay na sa akin; at ibibigay ko kung kanino ko ibig. 042 LUK 004 007 Kaya nga kung sasamba ka sa harapan ko, ay magiging iyong lahat. 042 LUK 004 008 At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran. 042 LUK 004 009 At dinala niya siya sa Jerusalem, at inilagay siya sa taluktok ng templo, at sinabi sa kaniya, Kung ikaw ay Anak ng Dios, ay magpatihulog ka mula rito hanggang sa ibaba: 042 LUK 004 010 Sapagka't nasusulat, Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ikaw ay ingatan: 042 LUK 004 011 At, Aalalayan ka nila ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. 042 LUK 004 012 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Nasasabi, Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios. 042 LUK 004 013 At nang matapos ng diablo ang lahat ng pagtukso, ay hiniwalayan siya niya ng ilang panahon. 042 LUK 004 014 At bumalik si Jesus sa Galilea sa kapangyarihan ng Espiritu: at kumalat ang kabantugan tungkol sa kaniya sa palibot ng buong lupain. 042 LUK 004 015 At nagtuturo siya sa mga sinagoga nila, na niluluwalhati ng lahat. 042 LUK 004 016 At siya'y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa. 042 LUK 004 017 At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias. At binuklat niya ang aklat, na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan, 042 LUK 004 018 Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi, 042 LUK 004 019 Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon. 042 LUK 004 020 At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya. 042 LUK 004 021 At siya'y nagpasimulang magsabi sa kanila, Ngayo'y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig. 042 LUK 004 022 At siya'y pinatotohanan ng lahat, at nangagtataka sa mga salita ng biyaya na lumalabas sa kaniyang bibig: at sinabi nila, Hindi baga ito ang anak ni Jose? 042 LUK 004 023 At sinabi niya sa kanila, Walang salang sasabihin ninyo sa akin itong talinghaga, Manggagamot, gamutin mo ang iyong sarili: ang anomang aming narinig na ginawa sa Capernaum, ay gawin mo naman dito sa iyong lupain. 042 LUK 004 024 At sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang propetang kinalulugdan sa kaniyang tinubuang lupa. 042 LUK 004 025 Datapuwa't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maraming mga baong babai sa Israel nang mga araw ni Elias, nang sarhan ang langit sa loob ng tatlong taon at anim na buwan, noong datnan ng malaking kagutom ang buong sangkalupaan; 042 LUK 004 026 At sa kanino man sa kanila ay hindi sinugo si Elias, kundi sa Sarepta sa lupa ng Sidon, sa isang babaing bao. 042 LUK 004 027 At maraming ketongin sa Israel nang panahon ni Eliseo na propeta; at sinoman sa kanila'y hindi nilinis, kundi lamang si Naaman na Siro. 042 LUK 004 028 At nangapuspos ng galit ang lahat ng nangasa sinagoga, sa pagkarinig nila ng mga bagay na ito; 042 LUK 004 029 At sila'y nagsitindig, at ipinagtabuyan siya sa labas ng bayan at dinala siya hanggang sa ibabaw ng taluktok ng gulod na kinatatayuan ng kanilang bayan, upang siya'y maibulid nila ng patiwarik. 042 LUK 004 030 Datapuwa't pagdaraan niya sa gitna nila, ay yumaon ng kaniyang lakad. 042 LUK 004 031 At siya'y bumaba sa Capernaum, na isang bayan ng Galilea. At sila'y tinuruan niya sa araw ng sabbath: 042 LUK 004 032 At nangagtaka sila sa kaniyang aral, sapagka't may kapamahalaan ang kaniyang salita. 042 LUK 004 033 At sa sinagoga ay may isang lalake na may espiritu ng karumaldumal na demonio; at siya'y sumigaw ng malakas na tinig, 042 LUK 004 034 Ah! anong mayroon kami sa iyo, Jesus, ikaw na Nazareno? naparito ka baga upang kami'y iyong puksain? nakikilala ko ikaw kung sino ka, ang Banal ng Dios. 042 LUK 004 035 At sinaway siya ni Jesus, na sinasabi, Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya. At nang siya'y mailugmok ng demonio sa gitna, ay lumabas siya sa kaniya, na hindi siya sinaktan. 042 LUK 004 036 At silang lahat ay nangagtaka at nagsalitaan ang isa't isa, na nangagsasabi, Anong salita kaya ito? sapagka't siya na may kapamahalaan at kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na espiritu, at nagsisilabas sila. 042 LUK 004 037 At kumakalat ang alingawngaw tungkol sa kaniya sa lahat ng dako sa palibotlibot ng lupaing yaon. 042 LUK 004 038 At siya'y nagtindig sa sinagoga, at pumasok sa bahay ni Simon. At nilalagnat na mainam ang biyanang babae ni Simon, at siya'y kanilang ipinamanhik sa kaniya. 042 LUK 004 039 At tinunghan niya siya, at sinaway ang lagnat; at inibsan siya: at siya'y nagtindig pagdaka at naglingkod sa kanila. 042 LUK 004 040 At nang lumulubog na ang araw, ang lahat na may mga sakit ng sarisaring karamdaman ay dinala sa kaniya; at ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawa't isa sa kanila, at sila'y pinagaling. 042 LUK 004 041 At nagsilabas din sa marami ang mga demonio na nagsisisigaw, na nagsasabi, Ikaw ang anak ng Dios. At sinasaway sila, na di niya sila tinutulutang mangagsalita, sapagka't naalaman nilang siya ang Cristo. 042 LUK 004 042 At nang araw na, ay lumabas siya at naparoon sa isang ilang na dako: at hinahanap siya ng mga karamihan, at nagsiparoon sa kaniya, at pinagpipilitang pigilin siya, upang huwag siyang humiwalay sa kanila. 042 LUK 004 043 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Dapat namang ipangaral ko sa mga ibang bayan ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios: sapagka't sa ganito ay sinugo ako. 042 LUK 004 044 At siya'y nangangaral sa mga sinagoga ng Galilea. 042 LUK 005 001 Nangyari nga, na samantalang siya'y sinisiksik ng karamihan na pinakikinggan ang salita ng Dios, na siya'y nakatayo sa tabi ng dagatdagatan ng Genezaret; 042 LUK 005 002 At nakakita siya ng dalawang daong na nasa tabi ng dagatdagatan: datapuwa't nagsilunsad sa mga yaon ang mga mamamalakaya, at hinuhugasan ang kanilang mga lambat. 042 LUK 005 003 At lumulan siya sa isa sa mga daong, na kay Simon, at ipinamanhik niya dito na ilayo ng kaunti sa lupa. At siya'y naupo at nagturo sa mga karamihan buhat sa daong. 042 LUK 005 004 At pagtigil niya ng pagsasalita, ay sinabi niya kay Simon, Pumaroon ka sa laot, at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang mamalakaya. 042 LUK 005 005 At sumagot si Simon at sinabi, Guro, sa buong magdamag ay nagsipagpagal kami, at wala kaming nahuli: datapuwa't sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat. 042 LUK 005 006 At nang magawa nila ito, ay nakahuli sila ng lubhang maraming isda; at nagkampupunit ang kanilang mga lambat; 042 LUK 005 007 At kinawayan nila ang mga kasamahan sa isang daong upang magsilapit at sila'y tulungan. At sila'y nagsilapit at nangapuno ang dalawang daong, ano pa't sila'y nagpasimulang lulubog. 042 LUK 005 008 Datapuwa't nang makita ni Simon Pedro, ay nagpatirapa sa mga tuhod ni Jesus, na nagsasabi, Lumayo ka sa akin; sapagka't ako'y taong makasalanan, Oh Panginoon. 042 LUK 005 009 Sapagka't siya at ang lahat ng kasama niya ay nagsipanggilalas, dahil sa karamihan ng mga isdang kanilang nangahuli: 042 LUK 005 010 At gayon din si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasama ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, Huwag kang matakot; mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao. 042 LUK 005 011 At nang maisadsad na nila sa lupa ang kanilang mga daong, ay iniwan nila ang lahat, at nagsisunod sa kaniya. 042 LUK 005 012 At nangyari, samantalang siya'y nasa isa sa mga bayan, narito, may isang lalake na lipos ng ketong: at nang makita niya si Jesus, ay nagpatirapa siya, at namanhik sa kaniya, na sinasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring linisin mo ako. 042 LUK 005 013 At iniunat niya ang kaniyang kamay at siya'y hinipo, na sinasabi, Ibig ko; luminis ka. At pagdaka'y nilisan siya ng ketong. 042 LUK 005 014 At ipinagbilin niya sa kaniya na huwag sabihin kanino man: kundi yumaon ka ng iyong lakad, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo, alinsunod sa iniutos ni Moises, na pinakapatotoo sa kanila. 042 LUK 005 015 Datapuwa't lalo nang kumakalat ang balita tungkol sa kaniya: at nangagkatipon ang lubhang maraming tao upang makinig, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit. 042 LUK 005 016 Datapuwa't siya'y lumigpit sa mga ilang, at nananalangin. 042 LUK 005 017 At nangyari nang isa sa mga araw na yaon, na siya'y nagtuturo; at may nangakaupo doong mga Fariseo at mga guro sa kautusan, na nagsipanggaling sa bawa't nayon ng Galilea at Judea at Jerusalem: at ang kapangyarihan ng Panginoon ay sumasa kaniya upang magpagaling. 042 LUK 005 018 At narito, dinala ng mga tao na nasa isang higaan ang isang lalaking lumpo: at pinagpipilitan niyang maipasok siya, at ilagay siya sa harap nila. 042 LUK 005 019 At sa hindi pagkasumpong ng mapagpapasukan, dahil sa karamihan, ay nagsiakyat sila sa bubungan ng bahay, at siya'y inihugos mula sa butas ng bubungan pati ng kaniyang higaan, sa gitna, sa harapan ni Jesus. 042 LUK 005 020 At pagkakita sa kanilang pananampalataya, ay kaniyang sinabi, Lalake, ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan. 042 LUK 005 021 At ang mga eskriba at mga Fariseo ay nangagpasimulang mangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Sino ito na nagsasalita ng mga kapusungan? Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan, kundi ang Dios lamang? 042 LUK 005 022 Datapuwa't si Jesus, na nakatatanto ng kanilang mga iniisip, ay sumagot at sinabi sa kanila, Bakit pinagbubulaybulay ninyo sa inyong mga puso? 042 LUK 005 023 Alin baga ang lalong magaang sabihin, Ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka at lumakad ka? 042 LUK 005 024 Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi niya sa lumpo), Sa iyo ko sinasabi, Magtindig ka, at buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo. 042 LUK 005 025 At pagdaka'y nagtindig siya sa harap nila, at binuhat ang kaniyang hinigan, at napasa kaniyang bahay, na niluluwalhati ang Dios. 042 LUK 005 026 At nagsipanggilalas ang lahat at niluwalhati nila ang Dios; at nangapuspos sila ng takot, na nangagsasabi, Nakakita kami ngayon ng mga bagay na katakataka. 042 LUK 005 027 At pagkatapos ng mga bagay na ito, siya'y umalis, at nakita ang isang maniningil ng buwis, na nagngangalang Levi, na nakaupo sa paningilan ng buwis, at sinabi sa kaniya, Sumunod ka sa akin. 042 LUK 005 028 At iniwan niya ang lahat at nagtindig at sumunod sa kaniya. 042 LUK 005 029 At siya'y ipinagpiging ng malaki ni Levi sa kaniyang bahay: at lubhang maraming maniningil ng buwis at mga iba pa na nangakasalo nila sa dulang. 042 LUK 005 030 At nangagbulongbulungan ang mga Fariseo at ang kanilang mga eskriba laban sa kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit kayo'y nagsisikain at nagsisiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan? 042 LUK 005 031 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila, Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot; kundi ang mga may sakit. 042 LUK 005 032 Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi. 042 LUK 005 033 At sinabi nila sa kaniya, Ang mga alagad ni Juan ay nangagaayunong madalas, at nagsisigawa ng mga pagdaing; gayon din ang mga alagad ng mga Fariseo; datapuwa't ang mga iyo'y nagsisikain at nagsisiinom. 042 LUK 005 034 At sinabi ni Jesus sa kanila, Mangyayari bagang papagayunuhin ninyo ang mga abay sa kasalan samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila? 042 LUK 005 035 Datapuwa't darating ang mga araw; at pagka inalis sa kanila ang kasintahang lalake, kung magkagayo'y mangagaayuno sila sa mga araw na yaon. 042 LUK 005 036 At sinalita rin naman niya sa kanila ang isang talinghaga: Walang taong pumilas sa bagong damit at itinagpi sa damit na luma; sa ibang paraa'y sisirain ang bago, at sa luma naman ay hindi bagay ang tagping mula sa bago. 042 LUK 005 037 At walang taong nagsisilid ng alak na bago sa mga balat na luma; sa ibang paraa'y papuputukin ng alak na bago ang mga balat, at mabububo, masisira ang mga balat. 042 LUK 005 038 Kundi dapat isilid ang alak na bago sa mga bagong balat. 042 LUK 005 039 At walang taong nakainom ng alak na laon, ay iibig sa alak na bago; sapagka't sasabihin niya, Mabuti ang laon. 042 LUK 006 001 Nangyari nga nang dumaraan siya sa mga trigohan nang isang sabbath, ay kumitil ng mga uhay ang mga alagad niya, at kinakain pagkaligis sa kanilang mga kamay. 042 LUK 006 002 Datapuwa't sinabi ng ilan sa mga Fariseo, Bakit ginagawa ninyo ang di matuwid gawin sa araw ng sabbath? 042 LUK 006 003 At pagsagot sa kanila ni Jesus ay sinabi, Hindi baga nabasa ninyo ang ginawa ni David, nang siya'y magutom, siya, at ang mga kasamahan niya; 042 LUK 006 004 Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain ng mga tinapay na handog, at binigyan pati ang kaniyang mga kasamahan; na hindi naaayon sa kautusan na kanin ninoman kundi ng mga saserdote lamang? 042 LUK 006 005 At sinabi niya sa kanila, Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath. 042 LUK 006 006 At nangyari nang ibang sabbath, na siya'y pumasok sa sinagoga at nagturo: at doo'y may isang lalake, at tuyo ang kaniyang kanang kamay. 042 LUK 006 007 At inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo, kung siya'y magpapagaling sa sabbath; upang makasumpong sila ng paraan na siya'y maisakdal. 042 LUK 006 008 Datapuwa't nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay, Magtindig ka at tumayo ka sa gitna. At siya'y nagtindig at tumayo. 042 LUK 006 009 At sinabi sa kanila ni Jesus, Itinatanong ko sa inyo, Matuwid bagang gumawa ng magaling, o gumawa ng masama kung sabbath? magligtas ng isang buhay o pumuksa? 042 LUK 006 010 At minamasdan niya silang lahat sa palibotlibot, at sinabi sa kaniya, Iunat mo ang iyong kamay. At ginawa niyang gayon; at gumaling ang kaniyang kamay. 042 LUK 006 011 Datapuwa't sila'y nangapuno ng galit; at nangagsangusapan, kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus. 042 LUK 006 012 At nangyari nang mga araw na ito, na siya'y napasa bundok upang manalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios. 042 LUK 006 013 At nang araw na, ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad; at siya'y humirang ng labingdalawa sa kanila, na tinawag naman niyang mga apostol: 042 LUK 006 014 Si Simon, na tinawag naman niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, at si Santiago at si Juan, at si Felipe at si Bartolome. 042 LUK 006 015 At si Mateo at si Tomas, at si Santiago anak ni Alfeo, at si Simon, na tinatawag na Masikap, 042 LUK 006 016 At si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging lilo; 042 LUK 006 017 At bumaba siya na kasama nila, at tumigil sa isang patag na dako, at ang lubhang marami sa mga alagad niya, at ang lubhang malaking bilang ng mga tao mula sa buong Judea at sa Jerusalem, at sa pangpangin ng dagat ng Tiro at Sidon, na nangagsidalo upang magsipakinig sa kaniya, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit; 042 LUK 006 018 Ang mga pinahihirapan ng mga espiritung karumaldumal ay pinagagaling. 042 LUK 006 019 At pinagpipilitan ng buong karamihan na siya'y mahipo; sapagka't lumalabas sa kaniya ang makapangyarihang bisa, at nagpapagaling sa lahat. 042 LUK 006 020 At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't inyo ang kaharian ng Dios. 042 LUK 006 021 Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagka't kayo'y bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagka't kayo'y magsisitawa. 042 LUK 006 022 Mapapalad kayo kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao. 042 LUK 006 023 Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagka't narito, ang ganti sa inyo'y malaki sa langit; sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta. 042 LUK 006 024 Datapuwa't sa aba ninyong mayayaman! sapagka't tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan. 042 LUK 006 025 Sa aba ninyo mga busog ngayon! sapagka't kayo'y mangagugutom. Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon! sapagka't kayo'y magsisitaghoy at magsisitangis. 042 LUK 006 026 Sa aba ninyo, pagka ang lahat ng mga tao ay mangagsalita ng magaling tungkol sa inyo! sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga bulaang propeta. 042 LUK 006 027 Datapuwa't sinasabi ko sa inyong nangakikinig, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo, 042 LUK 006 028 Pagpalain ninyo ang sa inyo'y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo'y lumalait. 042 LUK 006 029 Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila; at ang sa iyo'y magalis ng iyong balabal, huwag mong itanggi pati ng iyong tunika. 042 LUK 006 030 Bigyan mo ang bawa't sa iyo'y humihingi; at sa kumuha ng pag-aari mo, ay huwag mong hinging muli. 042 LUK 006 031 At kung ano ang ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila. 042 LUK 006 032 At kung kayo'y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ang mga makasalanan man ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila. 042 LUK 006 033 At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan. 042 LUK 006 034 At kung kayo'y mangagpahiram doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? ang mga makasalanan man ay nangagpapahiram sa mga makasalanan, upang muling magsitanggap ng gayon din. 042 LUK 006 035 Datapuwa't ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyo'y magiging ganti, at kayo'y magiging mga anak ng Kataastaasan: sapagka't siya'y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama. 042 LUK 006 036 Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain. 042 LUK 006 037 At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo'y palalayain: 042 LUK 006 038 Mangagbigay kayo, at kayo'y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong kandungan. Sapagka't sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin. 042 LUK 006 039 At sinabi naman niya sa kanila ang isang talinghaga: Mangyayari bagang umakay ang bulag sa bulag? di baga sila mangabubulid kapuwa sa hukay? 042 LUK 006 040 Hindi higit ang alagad sa kaniyang guro: datapuwa't ang bawa't isa, pagka naging sakdal, ay nagiging katulad ng kaniyang guro. 042 LUK 006 041 At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, datapuwa't hindi mo pinupuna ang tahilan na nasa iyong sariling mata? 042 LUK 006 042 O paanong masasabi mo sa iyong kapatid, Kapatid, pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata, kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata, kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid. 042 LUK 006 043 Sapagka't walang mabuting punong kahoy na nagbubunga ng masama; at wala rin naman masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti. 042 LUK 006 044 Sapagka't bawa't punong kahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga. Sapagka't ang mga tao ay di nangakapuputi ng mga igos sa mga dawag, at di nangakapuputi ng ubas sa mga tinikan. 042 LUK 006 045 Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan: sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig. 042 LUK 006 046 At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi? 042 LUK 006 047 Ang bawa't lumalapit sa akin, at pinakikinggan ang aking mga salita, at ginagawa, ituturo ko sa inyo kung sino ang katulad: 042 LUK 006 048 Siya'y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay at pinakalalim, at inilagay ang patibayan sa bato: at nang dumating ang isang baha, ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at hindi nakilos; sapagka't natitirik na mabuti. 042 LUK 006 049 Datapuwa't ang dumirinig, at hindi ginagawa, ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa, na walang patibayan; laban sa yaon ay hinampas ng agos, at pagdaka'y nagiba; at malaki ang naging kasiraan ng bahay na yaon. 042 LUK 007 001 Nang matapos na niya ang lahat ng kaniyang mga pananalita sa mga pakinig ng bayan, ay pumasok siya sa Capernaum. 042 LUK 007 002 At ang alipin ng isang senturion, na minamahal nito, ay may sakit at malapit nang mamatay. 042 LUK 007 003 At nang marinig niya ang tungkol kay Jesus, ay pinaparoon niya sa kaniya ang matatanda sa mga Judio, na ipamanhik sa kaniya, na pumaroon at iligtas ang kaniyang alipin. 042 LUK 007 004 At nang magsidating sila kay Jesus, ay ipinamanhik nilang mapilit sa kaniya, na sinasabi, Karapatdapat siya na gawin mo sa kaniya ito; 042 LUK 007 005 Sapagka't iniibig niya ang ating bansa, at ipinagtayo niya tayo ng ating sinagoga. 042 LUK 007 006 At si Jesus ay sumama sa kanila. At nang siya'y di na lubhang malayo sa bahay, ay nagsugo sa kaniya ang senturion ng mga kaibigan, na nagsisipagsabi sa kaniya, Panginoon, huwag ka nang maligalig, sapagka't di ako karapatdapat na ikaw ay pumasok sa silong ng aking bubungan: 042 LUK 007 007 Dahil dito'y hindi ko inakalang ako'y karapatdapat man lamang pumariyan sa iyo: datapuwa't sabihin mo ang salita, at gagaling ang aking alipin. 042 LUK 007 008 Sapagka't ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan, may nasasakupan akong mga kawal: at sinasabi ko rito, Yumaon ka, at siya'y yumayaon; at sa isa, Halika, at siya'y lumalapit; at sa aking alipin, Gawin mo ito, at kaniyang ginagawa. 042 LUK 007 009 At nang marinig ni Jesus ang mga bagay na ito, ay nagtaka siya sa kaniya, at lumingon at sinabi sa karamihang nagsisisunod sa kaniya, Sinasabi ko sa inyo, Hindi ako nakasumpong ng ganitong kalaking pananampalataya, hindi, kahit sa Israel man. 042 LUK 007 010 At pagbalik sa bahay ng mga sinugo, ay kanilang naratnang magaling na ang alipin. 042 LUK 007 011 At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon, na siya'y naparoon sa bayan na tinatawag na Nain; at kasama niya ang kaniyang mga alagad, at ang lubhang maraming tao. 042 LUK 007 012 At nang siya nga'y malapit na sa pintuan ng bayan, narito, inilalabas ang isang patay, bugtong na anak na lalake ng kaniyang ina, at siya'y bao: at kasama niya ang maraming tao na taga bayan. 042 LUK 007 013 At pagkakita sa kaniya ng Panginoon, siya'y kinahabagan niya, at sinabi sa kaniya, Huwag kang tumangis. 042 LUK 007 014 At siya'y lumapit at hinipo ang kabaong: at ang nangagdadala ay tumigil. At sinabi niya, Binata, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka. 042 LUK 007 015 At naupo ang patay, at nagpasimulang magsalita. At siya'y ibinigay niya sa kaniyang ina. 042 LUK 007 016 At sinidlan ng takot ang lahat: at niluluwalhati nila ang Dios, na sinasabi, Lumitaw sa gitna natin ang isang dakilang propeta: at, dinalaw ng Dios ang kaniyang bayan. 042 LUK 007 017 At kumalat ang balitang ito tungkol sa kaniya sa buong Judea, at sa buong palibotlibot ng lupain. 042 LUK 007 018 At ibinalita kay Juan ng kaniyang mga alagad ang lahat ng mga bagay na ito. 042 LUK 007 019 At sa pagpapalapit ni Juan sa kaniya ng dalawa sa kaniyang mga alagad, ay sinugo sila sa Panginoon, na nagpapasabi, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba? 042 LUK 007 020 At pagdating sa kaniya ng mga tao, ay kanilang sinabi, Pinaparito kami sa iyo ni Juan Bautista, na ipinasasabi, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba? 042 LUK 007 021 Nang oras na yaon ay nagpagaling siya ng maraming may sakit at mga pagkasalot at masasamang espiritu; at kaniyang pinagkaloobang mangakakita ang maraming bulag. 042 LUK 007 022 At sumagot siya at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo, at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangakita at nangarinig; ang mga bulag ay nangakakakita, ang mga pilay ay nagsisilakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, ang mga patay ay ibinabangon, sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita. 042 LUK 007 023 At mapalad ang sinomang hindi makasumpong ng anomang katitisuran sa akin. 042 LUK 007 024 At nang mangakaalis na ang mga sugo ni Juan, ay nagpasimula siyang magsalita tungkol kay Juan sa mga karamihan, Ano ang linabas ninyo upang mamasdan sa ilang? isang tambong inuuga ng hangin? 042 LUK 007 025 Datapuwa't ano ang linabas ninyo upang makita? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselang? Narito, ang nagsisipanamit ng maririlag, at nangabubuhay sa pagmamaselang ay nasa mga palasio ng mga hari. 042 LUK 007 026 Datapuwa't ano ang linabas ninyo upang makita? isa bagang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at higit pa sa isang propeta. 042 LUK 007 027 Ito yaong tungkol sa kaniya'y nasusulat, Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha, Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo. 042 LUK 007 028 Sinasabi ko sa inyo, Sa mga ipinanganak ng mga babae ay walang dakila kay sa kay Juan: gayon ma'y ang lalong maliit sa kaharian ng Dios ay lalong dakila kay sa kaniya. 042 LUK 007 029 At pagkarinig ng buong bayan, at ng mga maniningil ng buwis ay pinatotohanan ang Dios, na nagsipagbautismo ng bautismo ni Juan. 042 LUK 007 030 Datapuwa't pinawalang halaga ng mga Fariseo at ng mga tagapagtanggol ng kautusan sa kanilang sarili ang payo ng Dios, at hindi napabautismo sa kaniya. 042 LUK 007 031 Sa ano ko itutulad ang mga tao ng lahing ito, at ano ang kanilang katulad? 042 LUK 007 032 Tulad sila sa mga batang nangakaupo sa pamilihan, at nagsisigawan sa isa't isa; na sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisayaw; nanambitan kami at hindi kayo nagsitangis. 042 LUK 007 033 Sapagka't naparito si Juan Bautista na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak at inyong sinasabi, Siya'y may isang demonio. 042 LUK 007 034 Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom; at inyong sinasabi, Narito ang isang matakaw na tao, at isang magiinum ng alak, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan! 042 LUK 007 035 At ang karunungan ay pinatotohanan ng lahat ng kaniyang mga anak. 042 LUK 007 036 At ipinamanhik sa kaniya ng isa sa mga Fariseo na kumaing kasalo niya. At siya'y pumasok sa bahay ng Fariseo at naupo sa dulang. 042 LUK 007 037 At narito, ang isang babaing makasalanan na nasa bayan; at nang maalaman niyang siya'y nasa dulang ng pagkain sa bahay ng Fariseo ay nagdala siya ng isang sisidlang alabastro na puno ng unguento, 042 LUK 007 038 At nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis, ay pinasimulan niyang dinilig ng mga luha ang kaniyang mga paa, at ang mga ito'y kinukuskos ng buhok ng kaniyang ulo, at hinahagkan ang kaniyang mga paa, at pinapahiran ng unguento. 042 LUK 007 039 Nang makita nga ito ng Fariseo na sa kaniya'y naganyaya, ay nagsalita sa kaniyang sarili, na sinasabi, Ang taong ito, kung siya'y isang propeta ay nakikilala niya kung sino at kung ano ang babaing ito na sa kaniya'y humihipo, na siya'y makasalanan. 042 LUK 007 040 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Simon, ako'y may isang bagay na sasabihin sa iyo. At sinabi niya, Guro, sabihin mo. 042 LUK 007 041 Isang may pautang ay may dalawang may utang sa kaniya: at ang isa'y may utang na limang daang denario, at ang isa'y limangpu. 042 LUK 007 042 Nang sila'y walang maibayad, ay kapuwa pinatawad niya. Alin nga sa kanila ang lalong iibig sa kaniya? 042 LUK 007 043 Sumagot si Simon at sinabi, Inaakala ko na yaong pinatawad niya ng lalong malaki. At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang pagkahatol mo. 042 LUK 007 044 At paglingon sa babae, ay sinabi niya kay Simon, Nakikita mo baga ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay, hindi mo ako binigyan ng tubig na ukol sa aking mga paa: datapuwa't dinilig niya ang aking mga ng kaniyang mga luha, at kinuskos ng kaniyang buhok. 042 LUK 007 045 Hindi mo ako binigyan ng halik: datapuwa't siya, buhat nang ako'y pumasok ay hindi humihinto ng paghalik sa aking mga paa. 042 LUK 007 046 Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo: datapuwa't pinahiran niya ng unguento ang aking mga paa. 042 LUK 007 047 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig. 042 LUK 007 048 At sinabi niya sa babae, Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan. 042 LUK 007 049 At ang mga kasalo niyang nangakaupo sa dulang ng pagkain ay nagpasimulang nangagsabi sa kanilang sarili, Sino ito, na nagpapatawad pati ng mga kasalanan? 042 LUK 007 050 At sinabi niya sa babae, Iniligtas ka ng iyong pananampalataya; yumaon kang payapa. 042 LUK 008 001 At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon, na siya'y naglalakad sa mga bayan at mga nayon, na ipinangangaral at dinadala ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios, at kasama niya ang labingdalawa, 042 LUK 008 002 At ang ilang babae na pinagaling sa masasamang espiritu at sa mga sakit, si Maria, na tinatawag na Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio ang nagsilabas, 042 LUK 008 003 At si Juana na asawa ni Chuza, katiwala ni Herodes, at si Susana, at iba pang marami na ipinaglilingkod sa kanila ang kanilang tinatangkilik. 042 LUK 008 004 At nang magkatipon ang malaking karamihang tao, at ang mga mula sa bawa't bayan na nagsadya sa kaniya, ay nagsalita siya sa pamamagitan ng isang talinghaga: 042 LUK 008 005 Ang manghahasik ay yumaon upang maghasik ng kaniyang binhi: at sa kaniyang paghahasik ang ilan ay nangahulog sa tabi ng daan; at napagyapakan, at ito'y kinain ng mga ibon sa langit. 042 LUK 008 006 At ang iba'y nahulog sa batuhan; at pagsibol, ay natuyo, sapagka't walang halumigmig. 042 LUK 008 007 At ang iba'y nahulog sa mga dawagan; at tumubong kasama ang mga dawag, at yao'y ininis. 042 LUK 008 008 At ang iba'y nahulog sa mabuting lupa, at tumubo at nagbunga ng tigiisang daan. Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay sumigaw, Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig. 042 LUK 008 009 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, kung ano kaya ang talinghagang ito. 042 LUK 008 010 At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa. 042 LUK 008 011 Ito ang talinghaga: Ang binhi ay ang salita ng Dios. 042 LUK 008 012 At ang mga sa tabi ng daan, ay ang nangakinig; kung magkagayo'y dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso, upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas. 042 LUK 008 013 At ang mga sa batuhan, ay yaong mga pagkarinig, ay tinatanggap na may galak ang salita; at ang mga ito'y walang ugat, na sila sa sangdaling panaho'y nagsisisampalataya, at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay. 042 LUK 008 014 At ang nahulog sa dawagan, ay ito ang nangakinig, at samantalang sila'y nagsisiyaon sa kanilang lakad ay iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito, at hindi nangagbubunga ng kasakdalan. 042 LUK 008 015 At ang sa mabuting lupa ay ang mga pusong timtiman at mabuti, na iniingatan ang salita pagkarinig, at nangagbubunga may pagtitiis. 042 LUK 008 016 At walang taong pagkapaningas niya ng ilawan ay tinatakpan ng isang banga, o inilalagay kaya ito sa ilalim ng isang higaan; kundi inilalagay ito sa talagang lalagyan, upang makita ng nagsisipasok ang ilaw. 042 LUK 008 017 Sapagka't walang bagay na natatago, na di mahahayag; o walang lihim, na di makikilala at mapapasa liwanag. 042 LUK 008 018 Ingatan ninyo kung paano ang inyong pakikinig: sapagka't sino mang mayroon ay bibigyan; at ang sinomang wala, pati ng inaakala niyang nasa kaniya ay aalisin. 042 LUK 008 019 At nagsiparoon sa kaniya ang kaniyang ina at mga kapatid, at sila'y hindi mangakalapit sa kaniya dahil sa karamihan ng tao. 042 LUK 008 020 At may nagsabi sa kaniya, Nangakatayo sa labas ang iyong ina at iyong mga kapatid, na ibig nilang makita ka. 042 LUK 008 021 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Ang aking ina at ang aking mga kapatid ay itong nangakikinig ng salita ng Dios, at ginagawa. 042 LUK 008 022 Nangyari nga sa mga araw na yaon, na siya'y lumulan sa isang daong, siya at ang kaniyang mga alagad; at sinabi niya sa kanila, Magsitawid tayo sa kabilang ibayo ng dagatdagatan: at sila'y nagsitulak. 042 LUK 008 023 Datapuwa't samantalang sila'y nangaglalayag, siya'y nakatulog: at bumugso ang isang unos ng hangin sa dagatdagatan; at sila'y nangatitigib ng tubig, at nangasa kapanganiban. 042 LUK 008 024 At sila'y nangagsilapit sa kaniya at siya'y ginising, na nangagsasabi, Guro, guro, tayo'y mangamamatay. At siya'y gumising, at sinaway ang hangin at ang galit ng tubig: at nangagsitigil, at humusay ang panahon. 042 LUK 008 025 At sinabi niya sa kanila, Saan naroon ang inyong pananampalataya? At palibhasa'y nangatakot sila'y nagsisipanggilalas, na sinasabi ng isa sa iba, Sino nga ito, na siya'y naguutos maging sa hangin at sa tubig, at siya'y tinatalima nila? 042 LUK 008 026 At sila'y nagsidating sa lupain ng mga Gadareno, na nasa tapat ng Galilea. 042 LUK 008 027 At pagkalunsad niya sa lupa, siya'y sinalubong ng isang lalaking galing sa bayan, na may mga demonio; at malaong panahon na hindi siya nagdaramit, at hindi tumatahan sa bahay, kundi sa mga libingan. 042 LUK 008 028 At nang makita niya si Jesus, siya'y sumigaw, at nagpatirapa sa harap niya, at sinabi ng malakas na tinig, Ano ang pakialam ko sa iyo, Jesus, ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan? Ipinamamanhik ko sa iyo, na huwag mo akong pahirapan. 042 LUK 008 029 Sapagka't ipinagutos niya sa karumaldumal na espiritu na lumabas sa tao. Sapagka't madalas siyang inaalihan: at siya'y binabantayan at gapos ng mga tanikala at mga damal; at pagka pinapatid ang gapos ay siya'y itinataboy ng demonio sa mga ilang. 042 LUK 008 030 At tinanong siya ni Jesus, Ano ang pangalan mo? At sinabi niya, Pulutong; sapagka't maraming demonio ang nagsipasok sa kaniya. 042 LUK 008 031 At ipinamamanhik nila sa kaniya na huwag silang paparoonin sa kalalimlaliman. 042 LUK 008 032 Doon nga'y may isang kawan ng maraming baboy na nagsisipanginain sa bundok: at ipinamanhik nila sa kaniya na pabayaang sila'y magsipasok sa mga yaon. At sila'y pinahintulutan niya. 042 LUK 008 033 At nagsilabas ang mga demonio sa tao, at nagsipasok sa mga baboy: at ang kawan ay napadaluhong sa bangin hanggang sa dagatdagatan, at nangalunod. 042 LUK 008 034 At nang makita ng nagsisipagalaga ng mga yaon ang nangyari, ay nagsitakas, at isinaysay sa bayan at sa bukid. 042 LUK 008 035 At sila'y nagsilabas upang makita ang nangyari; at nagsilapit sila kay Jesus, at kanilang naratnan sa paanan ni Jesus ang taong nilabasan ng mga demonio, na nakaupo, may pananamit, at matino ang kaniyang bait: at sila'y nangatakot. 042 LUK 008 036 At sa kanila'y isinaysay ng nangakakita kung paanong pinagaling ang inaalihan ng mga demonio. 042 LUK 008 037 At ipinamanhik sa kaniya ng lahat ng mga tao sa palibotlibot ng lupain ng mga Gadareno na siya'y umalis sa kanila, sapagka't sila'y napipigilan ng malaking takot: at siya'y lumulan sa daong, at nagbalik. 042 LUK 008 038 Datapuwa't namanhik sa kaniya ang taong nilabasan ng mga demonio, na siya'y ipagsama niya: datapuwa't siya'y pinaalis niya, na sinasabi, 042 LUK 008 039 Umuwi ka sa iyong bahay, at ipahayag mo kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa ng Dios sa iyo. At siya'y yumaon ng kaniyang lakad, na ibinabalita sa buong bayan, kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya'y ginawa ni Jesus. 042 LUK 008 040 At sa pagbalik ni Jesus, ay sinalubong siyang may galak ng karamihan; sapagka't hinihintay siya nilang lahat. 042 LUK 008 041 At narito, lumapit ang isang lalaking nagngangalang Jairo, at siya'y isang pinuno sa sinagoga: at siya'y nagpatirapa sa paanan ni Jesus, at ipinamamanhik sa kaniya, na pumasok sa kaniyang bahay; 042 LUK 008 042 Sapagka't siya'y may isang bugtong na anak na babae, na may labingdalawang taong gulang, at siya'y naghihingalo. Datapuwa't samantalang siya'y lumalakad ay sinisiksik siya ng karamihan. 042 LUK 008 043 At isang babae na may labingdalawang taon nang inaagasan, na ginugol sa mga manggagamot ang lahat niyang pagkabuhay, at sinoma'y walang makapagpagaling sa kaniya, 042 LUK 008 044 Ay lumapit sa kaniyang likuran, at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit at pagdaka'y naampat ang kaniyang agas. 042 LUK 008 045 At sinabi ni Jesus, Sino ang humipo sa akin? At nang tumatanggi ang lahat, ay sinabi ni Pedro, at ng mga kasamahan niya, Guro, iniimpit ka at sinisiksik ka ng karamihan. 042 LUK 008 046 Datapuwa't sinabi ni Jesus, May humipo sa akin, sapagka't naramdaman ko na may umalis na bisa sa akin. 042 LUK 008 047 At nang makita ng babae na siya'y hindi nalingid, ay lumapit siya na nangangatal, at nagpatirapa sa harapan niya na isinasaysay sa harapan ng buong bayan ang dahil kung bakit siya'y hinipo niya, at kung paanong gumaling siya kapagdaka. 042 LUK 008 048 At sinabi niya sa kaniya, Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya; yumaon kang payapa. 042 LUK 008 049 Samantalang nagsasalita pa siya ay dumating ang isa na mula sa bahay ng pinuno sa sinagoga, na nagsasabi, Patay na ang anak mong babae; huwag mong bagabagin ang Guro. 042 LUK 008 050 Datapuwa't nang marinig ito ni Jesus ay sumagot sa kaniya, Huwag kang matakot: manampalataya ka lamang, at siya'y gagaling. 042 LUK 008 051 At nang dumating siya sa bahay, ay hindi niya ipinahintulot na pumasok na kasama niya ang sinomang tao, maliban na kay Pedro, at kay Juan, at kay Santiago, at ang ama ng dalaga at ang ina nito. 042 LUK 008 052 At tumatangis ang lahat, at pinananambitanan ang dalaga: datapuwa't sinabi niya, Huwag kayong magsitangis; sapagka't siya'y hindi patay, kundi natutulog. 042 LUK 008 053 At tinawanan nila siya na nililibak, na napagaalamang siya'y patay na. 042 LUK 008 054 Datapuwa't tinangnan niya sa kamay, at tinawag, na sinasabi, Dalaga, magbangon ka. 042 LUK 008 055 At nagbalik ang kaniyang espiritu, at siya'y nagbangon pagdaka: at kaniyang ipinagutos na siya'y bigyan ng pagkain. 042 LUK 008 056 At nangagtaka ang kaniyang mga magulang: datapuwa't ipinagbilin niya sa kanila na huwag sabihin kanino man ang kaniyang ginawa. 042 LUK 009 001 At tinipon niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit. 042 LUK 009 002 At sila'y sinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Dios, at magpagaling ng mga may sakit. 042 LUK 009 003 At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagdala ng anoman sa inyong paglalakad, kahit tungkod, kahit supot ng ulam, kahit tinapay, kahit salapi; at kahit magkaroon ng dalawang tunika. 042 LUK 009 004 At sa anomang bahay na inyong pasukin, doon kayo mangatira, at buhat doo'y magsialis kayo. 042 LUK 009 005 At ang lahat na di magsitanggap sa inyo sa bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok sa inyong mga paa, na pinaka patotoo laban sa kanila. 042 LUK 009 006 At sila'y nagsialis, at nagsiparoon sa lahat ng mga nayon, na ipinangangaral ang evangelio, at nagpapagaling saa't saan man. 042 LUK 009 007 Nabalitaan nga ni Herodes na tetrarka ang lahat na ginawa; at siya'y totoong natitilihan, sapagka't sinasabi ng ilan, na si Juan ay muling ibinangon sa mga patay; 042 LUK 009 008 At ng ilan, na si Elias ay lumitaw; at ng mga iba, na isa sa mga datihang propeta ay muling ibinangon. 042 LUK 009 009 At sinabi ni Herodes, Pinugutan ko ng ulo si Juan: datapuwa't sino nga ito, na tungkol sa kaniya'y nababalitaan ko ang gayong bagay? At pinagsisikapan niyang siya'y makita. 042 LUK 009 010 At nang magsibalik ang mga apostol, ay isinaysay nila sa kaniya kung anong mga bagay ang kanilang ginawa. At sila'y isinama niya, at lumigpit na bukod sa isang bayan na tinatawag na Betsaida. 042 LUK 009 011 Datapuwa't nang maalaman ng mga karamihan ay nagsisunod sa kaniya: at sila'y tinanggap niyang may galak at sinasalita sa kanila ang tungkol sa kaharian ng Dios, at pinagagaling niya ang nangagkakailangang gamutin. 042 LUK 009 012 At nagpasimulang kumiling ang araw; at nagsilapit ang labingdalawa, at nangagsabi sa kaniya, Paalisin mo ang karamihan, upang sila'y magsiparoon sa mga nayon at sa mga lupaing nasa palibotlibot, at mangakapanuluyan, at mangakakuha ng pagkain: sapagka't tayo'y nangarito sa isang ilang na dako. 042 LUK 009 013 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Bigyan ninyo sila ng makakain. At sinabi nila, Wala tayo kundi limang tinapay at dalawang isda; malibang kami'y magsiyaon at ibili ng pagkain ang lahat ng mga taong ito. 042 LUK 009 014 Sapagka't sila'y may limang libong lalake. At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Paupuin ninyo sila ng pulupulutong, na may tiglilimangpu bawa't isa. 042 LUK 009 015 At gayon ang ginawa nila, at pinaupo silang lahat. 042 LUK 009 016 At kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad upang ihain sa harap ng karamihan. 042 LUK 009 017 At sila'y nagsikain, at nangabusog ang lahat: at ang lumabis sa kanila na mga pinagputolputol ay pinulot na labingdalawang bakol. 042 LUK 009 018 At nangyari, nang siya'y nananalangin ng bukod, na ang mga alagad ay kasama niya: at tinanong niya sila, na sinasabi, Ano ang sinasabi ng karamihan kung sino ako? 042 LUK 009 019 At pagsagot nila'y nangagsabi, Si Juan Bautista; datapuwa't sinasabi ng mga iba, Si Elias; at sinasabi ng mga iba na isa sa mga datihang propeta ay muling nagbangon. 042 LUK 009 020 At sinabi niya sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At pagsagot ni Pedro, ay nagsabi, Ang Cristo ng Dios. 042 LUK 009 021 Datapuwa't ipinagbilin niya, at ipinagutos sa kanila na huwag sabihin ito sa kanino mang tao; 042 LUK 009 022 Na sinasabi, Kinakailangang magbata ng maraming mga bagay ang Anak ng tao, at itakuwil ng matatanda at ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba, at patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw. 042 LUK 009 023 At sinabi niya sa lahat, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. 042 LUK 009 024 Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay, ay mawawalan nito; datapuwa't sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin, ay maililigtas nito yaon. 042 LUK 009 025 Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan, at mawawala o mapapahamak ang kaniyang sarili? 042 LUK 009 026 Sapagka't ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita, ay ikahihiya siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaniyang sariling kaluwalhatian, at sa kaluwalhatian ng Ama, at ng mga banal na anghel. 042 LUK 009 027 Datapuwa't katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa mangakita nila ang kaharian ng Dios. 042 LUK 009 028 At nangyari, nang makaraan ang may mga walong araw pagkatapos ng mga pananalitang ito, na isinama niya si Pedro at si Juan at si Santiago, at umahon sa bundok upang manalangin. 042 LUK 009 029 At samantalang siya'y nananalangin, ay nagbago ang anyo ng kaniyang mukha, at ang kaniyang damit ay pumuti, at nakasisilaw. 042 LUK 009 030 At narito, dalawang lalake ay nakikipagusap sa kaniya, na ang mga ito'y si Moises at si Elias; 042 LUK 009 031 Na napakitang may kaluwalhatian, at nangaguusapan ng tungkol sa kaniyang pagkamatay na malapit niyang ganapin sa Jerusalem. 042 LUK 009 032 Si Pedro nga at ang kaniyang mga kasamahan ay nangagaantok: datapuwa't nang sila'y mangagising na totoo ay nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian, at ang dalawang lalaking nangakatayong kasama niya. 042 LUK 009 033 At nangyari, samantalang sila'y nagsisihiwalay sa kaniya, ay sinabi ni Pedro kay Jesus, Guro, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: at magsigawa tayo ng tatlong dampa; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias: na hindi nalalaman ang kaniyang sinasabi. 042 LUK 009 034 At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ay dumating ang isang alapaap, at sila'y naliliman: at sila'y nangatakot nang sila'y mangapasok sa alapaap. 042 LUK 009 035 At may tinig na nanggaling sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang aking Anak, ang aking hirang: siya ang inyong pakinggan. 042 LUK 009 036 At nang dumating ang tinig, si Jesus ay nasumpungang nagiisa. At sila'y di nagsisiimik, at nang mga araw na yao'y hindi nila sinabi kanino mang tao ang alin man sa mga bagay na kanilang nakita. 042 LUK 009 037 At nangyari nang kinabukasan, nang pagbaba nila mula sa bundok, ay sinalubong siya ng lubhang maraming tao. 042 LUK 009 038 At narito, isang lalake sa karamihan, ay sumigaw na nagsasabi, Guro, ipinamamanhik ko sa iyo na iyong tingnan ang aking anak na lalake; sapagka't siya'y aking bugtong na anak; 042 LUK 009 039 At narito, inaalihan siya ng isang espiritu, at siya'y biglang nagsisigaw; at siya'y nililiglig, na pinabubula ang bibig, at bahagya nang siya'y hiwalayan, na siya'y totoong pinasasakitan. 042 LUK 009 040 At ipinamanhik ko sa iyong mga alagad na palabasin siya; at hindi nila magawa. 042 LUK 009 041 At sumagot si Jesus at nagsabi, Oh lahing walang pananampalataya at taksil, hanggang kailan makikisama ako sa inyo at magtitiis sa inyo? dalhin mo rito ang anak mo. 042 LUK 009 042 At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa't pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama. 042 LUK 009 043 At nangagtaka silang lahat sa karangalan ng Dios. Datapuwa't samantalang ang lahat ay nagsisipanggilalas sa lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, 042 LUK 009 044 Manuot sa inyong mga tainga ang mga salitang ito: sapagka't ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao. 042 LUK 009 045 Datapuwa't hindi nila napaguunawa ang sabing ito, at sa kanila'y nalilingid, upang ito'y huwag mapagunawa; at nangatatakot silang magsipagtanong sa kaniya ng tungkol sa sabing ito. 042 LUK 009 046 At nagkaroon ng isang pagmamatuwiran sa gitna nila kung sino kaya sa kanila ang pinakadakila. 042 LUK 009 047 Datapuwa't pagkaunawa ni Jesus sa pangangatuwiran ng kanilang puso, ay kumuha siya ng isang maliit na bata, at inilagay sa kaniyang siping, 042 LUK 009 048 At sinabi sa kanila, Ang sinomang tumanggap sa maliit na batang ito sa pangalan ko, ay ako ang tinatanggap: at ang sinomang tumanggap sa akin, ay tinatanggap ang nagsugo sa akin: sapagka't ang pinaka maliit sa inyong lahat, ay siyang dakila. 042 LUK 009 049 At sumagot si Juan at sinabi, Guro, may nakita kaming nagpapalayas ng mga demonio sa pangalan mo; at aming pinagbawalan siya, sapagka't siya'y hindi sumasama sa atin. 042 LUK 009 050 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Huwag ninyong pagbawalan siya: sapagka't ang hindi laban sa inyo, ay sumasa inyo. 042 LUK 009 051 At nangyari, nang nalalapit na ang mga kaarawan na siya'y tatanggapin sa itaas, ay pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem, 042 LUK 009 052 At nagsugo ng mga sugo sa unahan ng kaniyang mukha: at nagsiyaon sila, at nagsipasok sa isang nayon ng mga Samaritano upang siya'y ipaghanda. 042 LUK 009 053 At hindi nila siya tinanggap, sapagka't ang mukha niya'y anyong patungo sa Jerusalem. 042 LUK 009 054 At nang makita ito ng mga alagad niyang si Santiago at si Juan, ay nangagsabi, Panginoon, ibig mo bagang magpababa tayo ng apoy mula sa langit, at sila'y pugnawin? 042 LUK 009 055 Datapuwa't, lumingon siya, at sila'y pinagwikaan. 042 LUK 009 056 At sila'y nagsiparoon sa ibang nayon. 042 LUK 009 057 At paglakad nila sa daan ay may nagsabi sa kaniya, Susunod ako sa iyo saan ka man pumaroon. 042 LUK 009 058 At sinabi sa kaniya ni Jesus, May mga lungga ang mga sorra, at ang mga ibon sa langit ay may mga pugad; datapuwa't ang Anak ng tao ay walang kahiligan ang kaniyang ulo. 042 LUK 009 059 At sinabi niya sa iba, Sumunod ka sa akin. Datapuwa't siya'y nagsabi, Panginoon, tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama. 042 LUK 009 060 Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, Pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay; datapuwa't yumaon ka at ibalita mo ang kaharian ng Dios. 042 LUK 009 061 At ang iba nama'y nagsabi, Susunod ako sa iyo, Panginoon; datapuwa't pabayaan mo akong magpaalam muna sa mga kasangbahay ko. 042 LUK 009 062 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Jesus, Walang taong pagkahawak sa araro, at lumilingon sa likod, ay karapatdapat sa kaharian ng Dios. 042 LUK 010 001 Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghalal ng pitongpu pa, at sila'y sinugong daladalawa, sa unahan ng kaniyang mukha, sa bawa't bayan at dako na kaniyang paroroonan. 042 LUK 010 002 At sinabi niya sa kanila, Sa katotohana'y marami ang aanihin, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa: kaya't idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin. 042 LUK 010 003 Magsiyaon kayo sa iyong lakad; narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga lobo. 042 LUK 010 004 Huwag kayong magsipagdala ng supot ng salapi, ng supot man ng pagkain, ng mga pangyapak man; at huwag kayong magsibati kanino mang tao sa daan. 042 LUK 010 005 At sa alin mang bahay na inyong pasukin, ay sabihin ninyo muna, Kapayapaan nawa sa bahay na ito. 042 LUK 010 006 At kung mayroon doong anak ng kapayapaan, ang inyong kapayapaa'y mananatili sa kaniya: datapuwa't kung wala, ay babalik ito sa inyong muli. 042 LUK 010 007 At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon, na kanin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay: sapagka't ang manggagawa ay marapat sa kaniyang kaupahan. Huwag kayong mangagpalipatlipat sa bahaybahay. 042 LUK 010 008 At sa alin mang bayan na iyong pasukin, at kayo'y kanilang tanggapin, ay kanin ninyo ang mga bagay na ihain sa inyo: 042 LUK 010 009 At pagalingin ninyo ang mga maysakit na nangaroon, at sabihin ninyo sa kanila, Lumapit na sa inyo ang kaharian ng Dios. 042 LUK 010 010 Datapuwa't sa alin mang bayan na inyong pasukin, at hindi kayo tanggapin, magsilabas kayo sa kanilang mga lansangan at inyong sabihin, 042 LUK 010 011 Pati ng alabok ng inyong bayan na kumakapit sa aming paa, ay ipinapagpag namin laban sa inyo: gayon ma'y inyong talastasin ito, na lumapit na ang kaharian ng Dios. 042 LUK 010 012 Sinasabi ko sa inyo, Sa araw na yaon ay higit na mapagpapaumanhinan ang Sodoma kay sa bayang yaon. 042 LUK 010 013 Sa aba mo, Corazin! sa aba mo, Betsaida! sapagka't kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihang ginawa sa inyo, ay maluwat na dising nangagsisi, na nangauupong may kayong magaspang at abo. 042 LUK 010 014 Datapuwa't sa paghuhukom, higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon, kay sa inyo. 042 LUK 010 015 At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka hanggang sa langit? ikaw ay ibaba hanggang sa Hades. 042 LUK 010 016 Ang nakikinig sa inyo, ay sa akin nakikinig; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki'y nagsugo. 042 LUK 010 017 At nagsipagbalik ang pitongpu na may kagalakan, na nangagsasabi, Panginoon, pati ang mga demonio ay nagsisisuko sa amin sa iyong pangalan. 042 LUK 010 018 At sinabi niya sa kanila, Nakita ko si Satanas, na nahuhulog na gaya ng lintik, mula sa langit. 042 LUK 010 019 Narito, binigyan ko kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa'y hindi kayo maaano. 042 LUK 010 020 Gayon ma'y huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit. 042 LUK 010 021 Nang oras ding yaon siya'y nagalak sa Espiritu Santo, at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol: gayon nga, Ama; sapagka't gayon ang nakalulugod sa iyong paningin. 042 LUK 010 022 Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at walang nakakakilala kung sino ang Anak, kundi ang Ama; at kung sino ang Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak. 042 LUK 010 023 At paglingon sa mga alagad, ay sinabi niya ng bukod, Mapapalad ang mga matang nangakakakita ng mga bagay na inyong nangakikita: 042 LUK 010 024 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na maraming propeta at mga hari ang nangaghahangad na mangakakita ng mga bagay na inyong nangakikita, at hindi nila nangakita at mangarinig ang mga bagay na inyong nangaririnig, at hindi nila nangarinig. 042 LUK 010 025 At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya'y tinutukso, na sinasabi, Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay? 042 LUK 010 026 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang nasusulat sa kautusan? ano ang nababasa mo? 042 LUK 010 027 At pagsagot niya'y sinabi, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. 042 LUK 010 028 At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang sagot mo: gawin mo ito, at mabubuhay ka. 042 LUK 010 029 Datapuwa't siya, na ibig magaringganap sa kaniyang sarili, ay nagsabi kay Jesus, At sino ang aking kapuwa tao? 042 LUK 010 030 Sumagot si Jesus at sinabi, Isang tao'y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem; at siya'y nahulog sa kamay ng mga tulisan, na sa kaniya'y sumamsam at sa kaniya'y humampas, at nagsialis na siya'y iniwang halos patay na. 042 LUK 010 031 At nagkataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote; at nang makita siya ay dumaan sa kabilang tabi. 042 LUK 010 032 At sa gayon ding paraan ang isang Levita naman, nang dumating siya sa dakong yaon, at makita siya, ay dumaan sa kabilang tabi. 042 LUK 010 033 Datapuwa't ang isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya'y makita niya, ay nagdalang habag, 042 LUK 010 034 At lumapit sa kaniya, at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binuhusan ng langis at alak; at siya'y isinakay sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya'y inalagaan. 042 LUK 010 035 At nang kinabukasa'y dumukot siya ng dalawang denario, at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko. 042 LUK 010 036 Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan? 042 LUK 010 037 At sinabi niya, Ang nagkaawanggawa sa kaniya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang gawin mo. 042 LUK 010 038 Sa pagyaon nga nila sa kanilang lakad, ay pumasok siya sa isang nayon: at isang babaing nagngangalang Marta, ay tinanggap siya sa kaniyang bahay. 042 LUK 010 039 At siya'y may isang kapatid na tinatawag na Maria, na naupo rin naman sa mga paanan ng Panginoon, at pinakikinggan ang kaniyang salita. 042 LUK 010 040 Nguni't si Marta ay naliligalig sa maraming paglilingkod; at siya'y lumapit sa kaniya, at sinabi, Panginoon, wala bagang anoman sa iyo, na pabayaan ako ng aking kapatid na babae na maglingkod na magisa? iutos mo nga sa kaniya na ako'y tulungan niya. 042 LUK 010 041 Datapuwa't sumagot ang Panginoon, at sinabi sa kaniya, Marta, Marta naliligalig ka at nababagabag tungkol sa maraming bagay: 042 LUK 010 042 Datapuwa't isang bagay ang kinakailangan: sapagka't pinili ni Maria ang magaling na bahagi, na hindi aalisin sa kaniya. 042 LUK 011 001 At nangyari, nang siya'y nananalangin sa isang dako, nang siya'y matapos, ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Panginoon, turuan mo kaming manalangin, na gaya naman ni Juan na nagturo sa kaniyang mga alagad. 042 LUK 011 002 At sinabi niya sa kanila, Pagka kayo'y nagsisipanalangin, inyong sabihin, Ama, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. 042 LUK 011 003 Ibigay mo sa amin arawaraw ang aming pangarawaraw na kakanin. 042 LUK 011 004 At ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan; sapagka't aming pinatawad naman ang bawa't may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso. 042 LUK 011 005 At sinabi niya sa kanila, Sino sa inyo ang magkakaroon ng isang kaibigan, at paroroon sa kaniya sa hating gabi, at sa kaniya'y sasabihin, Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay; 042 LUK 011 006 Sapagka't dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya; 042 LUK 011 007 At siya na mula sa loob ay sasagot at sasabihin, Huwag mo akong bagabagin: nalalapat na ang pinto, at kasama ko sa hihigan ang aking mga anak; hindi ako makabangon at makapagbigay sa iyo? 042 LUK 011 008 Sinasabi ko sa inyo, Kahit siya'y hindi bumangon, at magbigay sa kaniya, dahil sa siya'y kaibigan niya, gayon ma'y dahil sa kaniyang pagbagabag ay siya'y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niya. 042 LUK 011 009 At sinasabi ko sa inyo, Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan. 042 LUK 011 010 Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan. 042 LUK 011 011 At aling ama sa inyo, na kung humingi ang kaniyang anak ng isang tinapay, ay bibigyan niya siya ng isang bato? o ng isang isda kaya, at hindi isda ang ibibigay, kundi isang ahas? 042 LUK 011 012 O kung siya'y humingi ng itlog, kaniyang bibigyan kaya siya ng alakdan? 042 LUK 011 013 Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya? 042 LUK 011 014 At nagpalabas siya ng isang demoniong pipi. At nangyari, nang makalabas na ang demonio, ang pipi ay nangusap; at nangagtaka ang mga karamihan. 042 LUK 011 015 Datapuwa't sinabi ng ilan sa kanila, Sa pamamagitan ni Beelzebub, na pangulo ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio. 042 LUK 011 016 At ang mga iba sa pagtukso sa kaniya'y hinanapan siya ng isang tanda na mula sa langit. 042 LUK 011 017 Datapuwa't siya, na nakatataho ng mga pagiisip nila, sa kanila'y sinabi, Ang bawa't kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay magkakawatakwatak; at ang sangbahayan na nagkakabahabahagi laban sa sangbahayan ay nagigiba. 042 LUK 011 018 At kung si Satanas naman ay nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili, paanong mananatili ang kaniyang kaharian? sapagka't sinasabi ninyong sa pamamagitan ni Beelzebub nagpapalabas ako ng mga demonio. 042 LUK 011 019 At kung nagpapalabas ako ng mga demonio sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino sila pinalalabas ng inyong mga anak? kaya nga, sila ang inyong magiging mga hukom. 042 LUK 011 020 Nguni't kung sa pamamagitan ng daliri ng Dios ay nagpapalabas ako ng mga demonio, dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios. 042 LUK 011 021 Pagka ang lalaking malakas na nasasandatahang lubos ay nagbabantay sa kaniyang sariling looban, ang kaniyang mga pag-aari ay wala sa panganib. 042 LUK 011 022 Datapuwa't kung siya'y datnan ng ibang lalong malakas kay sa kaniya, at siya'y matalo, ay kukunin nito sa kaniya ang lahat ng kaniyang sandata na kaniyang inaasahan, at ipamamahagi ang mga nasamsam sa kaniya. 042 LUK 011 023 Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat. 042 LUK 011 024 Pagka ang karumaldumal na espiritu ay lumabas sa isang tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig, na humahanap ng kapahingahan, at pagka hindi makasumpong, ay sinasabing, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko. 042 LUK 011 025 At pagdating niya ay nasusumpungang walis na at nagagayakan. 042 LUK 011 026 Kung magkagayo'y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama pa kay sa kaniya; at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una. 042 LUK 011 027 At nangyari, na nang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ang isang babaing mula sa karamihan ay naglakas ng kaniyang tinig at sinabi sa kaniya, Mapalad ang tiyang sa iyo'y nagdala, at ang mga dibdib na iyong sinusuhan. 042 LUK 011 028 Datapuwa't sinabi niya, Oo, bagkus na lalong mapapalad ang nangakikinig ng salita ng Dios, at ito'y ginaganap. 042 LUK 011 029 At nang ang mga karamihan ay nangagkakatipon sa kaniya, ay nagpasimula siyang magsabi, Ang lahing ito'y isang masamang lahi: siya'y humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ni Jonas. 042 LUK 011 030 Sapagka't kung paanong si Jonas ay naging tanda sa mga Ninivita, ay gayon din naman ang Anak ng tao sa lahing ito. 042 LUK 011 031 Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng mga tao ng lahing ito, at sila'y hahatulan: sapagka't siya'y naparitong galing sa mga wakas ng lupa, upang pakinggan ang karunungan ni Salomon; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon. 042 LUK 011 032 Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa Ninive na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: sapagka't sila'y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas. 042 LUK 011 033 Walang taong pagkapagpaningas niya ng isang ilawan, ay ilalagay sa isang dakong tago, ni sa ilalim man ng takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw, upang ang nagsisipasok ay makita ang ilaw. 042 LUK 011 034 Ang ilawan ng katawan mo ay ang iyong mata: kung magaling ang iyong mata, ang buong katawan mo naman ay puspos ng liwanag; datapuwa't kung ito'y may sakit, ang katawan mo nama'y puspos ng kadiliman. 042 LUK 011 035 Masdan mo nga kung ang ilaw na nasa iyo ay baka kadiliman. 042 LUK 011 036 Kaya nga, kung ang buong katawan mo ay puspos ng liwanag, na walang anomang bahaging madilim, ito'y lubos na mapupuspos ng liwanag, na gaya ng pagliliwanag sa iyo ng ilawang may liwanag na maningning. 042 LUK 011 037 Samantala ngang siya'y nagsasalita, ay inanyayahan siya ng isang Fariseo na kumaing kasalo niya: at siya'y pumasok, at naupo sa dulang. 042 LUK 011 038 At nang makita ito ng Fariseo, ay nagtaka na siya'y hindi muna naghugas bago mananghali. 042 LUK 011 039 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Gayon nga kayong mga Fariseo na nililinis ninyo ang dakong labas ng saro at ng pinggan; datapuwa't ang loob ninyo'y puno ng panglulupig at kasamaan. 042 LUK 011 040 Kayong mga haling, di baga ang gumawa ng dakong labas ay siya ring gumawa ng dakong loob? 042 LUK 011 041 Datapuwa't ilimos ninyo ang mga bagay na nasa kalooban; at narito, ang lahat ng mga bagay ay malilinis sa inyo. 042 LUK 011 042 Datapuwa't sa aba ninyong mga Fariseo! sapagka't nagbibigay kayo ng ikapu ng yerbabuena, at ng ruda, at ng bawa't gugulayin, at pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pagibig ng Dios: datapuwa't dapat ngang gawin ninyo ang mga ito, at huwag pabayaan di ginagawa ang mga yaon. 042 LUK 011 043 Sa aba ninyong mga Fariseo! sapagka't inyong iniibig ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pagpupugay sa mga pamilihan. 042 LUK 011 044 Sa aba ninyo! sapagka't kayo'y tulad sa mga libingang hindi nakikita, at di nalalaman ng mga taong nagsisilakad sa ibabaw nila. 042 LUK 011 045 At pagsagot ng isa sa mga tagapagtanggol ng kautusan, ay nagsabi sa kaniya, Guro, sa pagsasabi mo nito, pati kami ay iyong pinupulaan. 042 LUK 011 046 At sinabi niya, Sa aba rin naman ninyong mga tagapagtanggol ng kautusan! sapagka't inyong ipinapapasan sa mga tao ang mga pasang mahihirap dalhin, at hindi man lamang ninyo hinihipo ng isa sa inyong mga daliri ang mga pasan. 042 LUK 011 047 Sa aba ninyo! sapagka't inyong itinatayo ang mga libingan ng mga propeta, at ang mga yao'y pinatay ng inyong mga magulang. 042 LUK 011 048 Kayo nga'y mga saksi at nagsisisangayon sa mga gawa ng inyong mga magulang: sapagka't pinatay ng mga ito ang mga yaon, at itinatayo ninyo ang kanilang mga libingan. 042 LUK 011 049 Kaya nga, sinasabi naman ng karunungan ng Dios, Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; at ilan sa kanila ay kanilang papatayin at paguusigin; 042 LUK 011 050 Upang hingin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta, na ibinubo buhat nang itatag ang sanglibutan; 042 LUK 011 051 Mula sa dugo ni Abel, hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng dambana at ng santuario: oo, sinasabi ko sa inyo, na ito'y hihingin sa lahing ito. 042 LUK 011 052 Sa aba ninyong mga tagapagtanggol ng kautusan! sapagka't inalis ninyo ang susi ng karunungan: hindi kayo nagsipasok, at inyong sinasansala ang nagsisipasok. 042 LUK 011 053 At paglabas niya roon, ay nangagpasimula ang mga eskriba at ang mga Fariseo na higpitang mainam siya, at akitin siyang magsalita ng maraming mga bagay; 042 LUK 011 054 Na siya'y inaabangan, upang makahuli sa kaniyang bibig ng anoman. 042 LUK 012 001 Samantalang nangagkakatipon ang libolibong tao, na ano pa't nagkakayapakan silasila, ay nagpasimula siyang magsalita muna sa kaniyang mga alagad, Mangagingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo, na ito'y pagpapaimbabaw nga. 042 LUK 012 002 Datapuwa't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag: at natatago, na hindi malalaman. 042 LUK 012 003 Kaya nga, ang anomang sinabi ninyo sa kadiliman ay maririnig sa kaliwanagan, at ang sinalita ninyo sa bulong sa mga silid, ay ipagsisigawan sa mga bubungan. 042 LUK 012 004 At sinasabi ko sa inyo mga kaibigan ko, Huwag kayong mangatakot sa mga pumapatay ng katawan, na pagkatapos niyan ay wala na silang magagawa. 042 LUK 012 005 Datapuwa't ipinagpapauna ko sa inyo kung sino ang inyong katatakutan: Katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay, ay may kapangyarihang magbulid sa impierno; tunay, sinasabi ko sa inyo, Siya ninyong katakutan. 042 LUK 012 006 Hindi baga ipinagbibili ang limang maya sa dalawang beles? at isa man sa kanila ay hindi nalilimutan sa paningin ng Dios. 042 LUK 012 007 Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat. Huwag kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya. 042 LUK 012 008 At sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin naman siya ng Anak ng tao sa harap ng mga anghel ng Dios: 042 LUK 012 009 Datapuwa't ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao, ay ikakaila sa harap ng mga anghel ng Dios. 042 LUK 012 010 Ang bawa't magsalita ng salitang laban sa Anak ng tao ay patatawarin: nguni't ang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin. 042 LUK 012 011 At pagka kayo'y dadalhin sa harap ng mga sinagoga, at sa mga pinuno, at sa mga may kapamahalaan, ay huwag kayong mangabalisa kung paano o ano ang inyong isasagot, o kung ano ang inyong sasabihin: 042 LUK 012 012 Sapagka't ituturo sa inyo ng Espiritu Santo sa oras ding yaon ang inyong dapat sabihin. 042 LUK 012 013 At sinabi sa kaniya ng isa sa karamihan, Guro, iutos mo sa aking kapatid na bahaginan ako ng mana. 042 LUK 012 014 Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, Lalake, sino ang gumawa sa aking hukom o tagapamahagi sa inyo? 042 LUK 012 015 At sinabi niya sa kanila, Mangagmasid kayo, at kayo'y mangagingat sa lahat ng kasakiman: sapagka't ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya. 042 LUK 012 016 At nagsaysay siya sa kanila ng isang talinghaga, na sinasabi, Ang lupa ng isang taong mayaman ay namumunga ng sagana: 042 LUK 012 017 At iniisip niya sa sarili na sinasabi, Ano ang gagawin ko, sapagka't wala akong mapaglalagyan ng aking mga inaning bunga? 042 LUK 012 018 At sinabi niya, Ito ang gagawin ko: igigiba ko ang aking mga bangan, at gagawa ako ng lalong malalaki; at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at aking mga pag-aari. 042 LUK 012 019 At sasabihin ko sa aking kaluluwa, Kaluluwa, marami ka nang pag-aaring nakakamalig para sa maraming taon; magpahingalay ka, kumain ka, uminom ka, matuwa ka. 042 LUK 012 020 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa; at ang mga bagay na inihanda mo, ay mapapa sa kanino kaya? 042 LUK 012 021 Gayon nga ang nagpapakayaman sa ganang kaniyang sarili, at hindi mayaman sa Dios. 042 LUK 012 022 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano ang inyong kakanin; kahit sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. 042 LUK 012 023 Sapagka't ang buhay ay higit kay sa pagkain, at ang katawan kay sa damit. 042 LUK 012 024 Wariin ninyo ang mga uwak, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas man; na walang bangan ni kamalig man; at sila'y pinakakain ng Dios: gaano ang kahigtan ng kahalagahan ninyo kay sa mga ibon! 042 LUK 012 025 At sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay? 042 LUK 012 026 Kung hindi nga ninyo magawa kahit ang lalong maliit, bakit nangababalisa kayo tungkol sa mga ibang bagay? 042 LUK 012 027 Wariin ninyo ang mga lirio, kung paano silang nagsisilaki: hindi nangagpapagal, o nangagsusulid man; gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, Kahit si Salomon man, sa buong kaluwalhatian niya, ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito. 042 LUK 012 028 Nguni't kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang, na ngayon ay buhay, at sa kinabukasan ay iginagatong sa kalan; gaano pa kaya kayo na di niya pararamtan, Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya? 042 LUK 012 029 At huwag ninyong pagsikapan kung ano ang inyong kakanin, at kung ano ang inyong iinumin, o huwag man kayo'y mapagalinlangang pagiisip. 042 LUK 012 030 Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga bansa sa sanglibutan: datapuwa't talastas ng inyong Ama na inyong kinakailangan ang mga bagay na ito. 042 LUK 012 031 Gayon ma'y hanapin ninyo ang kaniyang kaharian, at idaragdag sa inyo ang mga bagay na ito. 042 LUK 012 032 Huwag kayong mangatakot, munting kawan; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y ibigay ang kaharian. 042 LUK 012 033 Ipagbili ninyo ang inyong mga tinatangkilik, at kayo'y mangaglimos; magsigawa kayo sa ganang inyo ng mga supot na hindi nangaluluma, isang kayamanan sa langit na hindi nagkukulang, na doo'y hindi lumalapit ang magnanakaw, o naninira man ang tanga. 042 LUK 012 034 Sapagka't kung saan naroroon ang inyong kayamanan, ay doroon naman ang inyong puso. 042 LUK 012 035 Bigkisan ninyo ang inyong mga baywang, at paningasan ang inyong mga ilawan; 042 LUK 012 036 At magsitulad kayo sa mga taong nangaghihintay sa kanilang panginoon kung siya'y bumalik na galing sa kasalan; upang kung siya'y dumating at tumuktok, pagdaka'y mabuksan nila siya. 042 LUK 012 037 Mapapalad yaong mga alipin na kung dumating ang panginoon ay maratnang nangagpupuyat: katotohanang sinasabi ko sa inyo na siya'y magbibigkis sa sarili, at sila'y pauupuin sa dulang, at lalapit at sila'y paglilingkuran niya. 042 LUK 012 038 At kung siya'y dumating sa ikalawang pagpupuyat, o sa ikatlo, at masumpungan sila sa gayon, ay mapapalad ang mga aliping yaon. 042 LUK 012 039 Datapuwa't talastasin ninyo ito na kung nalalaman lamang ng puno ng sangbahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, siya'y magpupuyat, at hindi pababayaang sirain ang kaniyang bahay. 042 LUK 012 040 Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating. 042 LUK 012 041 At sinabi ni Pedro, Panginoon, sinasabi mo baga ang talinghagang ito sa amin, o sa lahat naman? 042 LUK 012 042 At sinabi ng Panginoon, Sino nga baga ang katiwalang tapat at matalino, na pagkakatiwalaan ng kaniyang panginoon ng kaniyang sangbahayan, upang sila'y bigyan ng kanilang bahagi na pagkain sa kapanahunan? 042 LUK 012 043 Mapalad ang aliping yaon, na kung dumating ang kaniyang panginoon ay maratnang gayon ang ginagawa niya. 042 LUK 012 044 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kaniya'y ipagkakatiwala ang lahat niyang pag-aari. 042 LUK 012 045 Datapuwa't kung sabihin ng aliping yaon sa kaniyang puso, Maluluwatan ang pagdating ng aking panginoon; at magpasimulang bugbugin ang mga aliping lalake at ang mga aliping babae, at kumain at uminom, at maglasing; 042 LUK 012 046 Ang panginoon ng aliping yaon ay darating sa araw na di niya hinihintay, at sa oras na hindi niya nalalaman, at siya'y babaakin, at isasama ang kaniyang bahagi sa mga di tapat. 042 LUK 012 047 At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami; 042 LUK 012 048 Datapuwa't ang hindi nakaaalam, at gumawa ng mga bagay na karapatdapat sa mga palo, ay papaluin ng kaunti. At sa sinomang binigyan ng marami ay marami ang hihingin sa kaniya: at sa sinomang pinagkatiwalaan ng marami ay lalo nang marami ang hihingin sa kaniya. 042 LUK 012 049 Ako'y naparito upang maglagay ng apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin ko, kung magningas na? 042 LUK 012 050 Datapuwa't ako'y may isang bautismo upang ibautismo sa akin; at gaano ang aking kagipitan hanggang sa ito'y maganap? 042 LUK 012 051 Inaakala baga ninyo na ako'y naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo, Hindi, kundi bagkus pagkakabahabahagi: 042 LUK 012 052 Sapagka't mula ngayon ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo. 042 LUK 012 053 Sila'y mangagkakabahabahagi, ang ama'y laban sa anak na lalake, at ang anak na lalake ay laban sa ama; ang ina'y laban sa anak na babae, at ang anak na babae ay laban sa kaniyang ina; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na babae, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae. 042 LUK 012 054 At sinabi rin naman niya sa mga karamihan, Pagka nakikita ninyong bumangon sa kalunuran ang isang alapaap, ay agad ninyong sinasabi, Uulan; at gayon ang nangyayari. 042 LUK 012 055 At kung humihihip ang hanging timugan, ay sinasabi ninyo, Iinit na maigi; at ito'y nangyayari. 042 LUK 012 056 Kayong mga mapagpaimbabaw! marunong kayong mangagpaaninaw ng anyo ng lupa at ng langit; datapuwa't bakit di ninyo nalalamang ipaaninaw ang panahong ito? 042 LUK 012 057 At bakit naman hindi ninyo hatulan sa inyong sarili kung alin ang matuwid? 042 LUK 012 058 Sapagka't samantalang pumaparoon ka sa hukom na kasama mo ang iyong kaalit, ay sikapin mo sa daan na makaligtas ka sa kaniya; baka sakaling kaladkarin ka niya sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal at ipasok ka ng punong kawal sa bilangguan. 042 LUK 012 059 Sinasabi ko sa iyo, Hindi ka lalabas doon sa anomang paraan, hanggang sa mabayaran mo ang katapustapusang lepta. 042 LUK 013 001 Nang panahon ding ngang yaon ay nangaroon ang ilan, na nagsipagsabi sa kaniya tungkol sa mga Galileo, na ang dugo ng mga ito'y inihalo ni Pilato sa mga hain nila. 042 LUK 013 002 At siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Inaakala baga ninyo na ang mga Galileong ito ay higit ang pagkamakasalanan kay sa lahat ng mga Galileo, dahil sa sila'y nangagbata ng mga bagay na ito? 042 LUK 013 003 Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwa't, malibang kayo'y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan. 042 LUK 013 004 O yaong labingwalo, na nalagpakan ng moog sa Siloe, at nangamatay, ay inaakala baga ninyo na sila'y lalong salarin kay sa lahat ng taong nangananahan sa Jerusalem? 042 LUK 013 005 Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwa't, malibang kayo'y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan. 042 LUK 013 006 At sinalita niya ang talinghagang ito, Isang tao ay may isang puno ng igos na natatanim sa kaniyang ubasan; at siya'y naparoong humahanap ng bunga niyaon, at walang nasumpungan. 042 LUK 013 007 At sinabi niya sa nagaalaga ng ubasan, Narito, tatlong taon nang pumaparito akong humahanap ng bunga sa puno ng igos na ito, at wala akong masumpungan: putulin mo; bakit pa makasisikip sa lupa? 042 LUK 013 008 At pagsagot niya'y sinabi sa kaniya, Panginoon, pabayaan mo muna sa taong ito, hanggang sa aking mahukayan sa palibot, at malagyan ng pataba: 042 LUK 013 009 At kung pagkatapos ay magbunga, ay mabuti; datapuwa't kung hindi, ay puputulin mo. 042 LUK 013 010 At siya'y nagtuturo sa mga sinagoga nang araw ng sabbath. 042 LUK 013 011 At narito, ang isang babae na may espiritu ng sakit na may labingwalong taon na; at totoong baluktot at hindi makaunat sa anomang paraan. 042 LUK 013 012 At nang siya'y makita ni Jesus, ay kaniyang tinawag siya, at sinabi niya sa kaniya, Babae, kalag ka na sa iyong sakit. 042 LUK 013 013 At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya: at pagdaka siya'y naunat, at niluwalhati niya ang Dios. 042 LUK 013 014 At ang pinuno sa sinagoga, dala ng kagalitan, sapagka't si Jesus ay nagpagaling nang sabbath, ay sumagot at sinabi sa karamihan, May anim na araw na ang mga tao'y dapat na magsigawa: kaya sa mga araw na iyan ay magsiparito kayo, at kayo'y pagagalingin, at huwag sa araw ng sabbath. 042 LUK 013 015 Datapuwa't sinagot siya ng Panginoon, at sinabi, Kayong mga mapagpaimbabaw, hindi baga kinakalagan ng bawa't isa sa inyo sa sabbath ang kaniyang bakang lalake o ang kaniyang asno sa sabsaban, at ito'y inilalabas upang painumin? 042 LUK 013 016 At ang babaing itong anak ni Abraham, na tinalian ni Satanas, narito, sa loob ng labingwalong taon, hindi baga dapat kalagan ng taling ito sa araw ng sabbath? 042 LUK 013 017 At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ay nangapahiya ang lahat ng kaniyang mga kaalit: at nangagagalak ang buong karamihan dahil sa lahat ng maluwalhating bagay na kaniyang ginawa. 042 LUK 013 018 Sinabi nga niya, Sa ano tulad ang kaharian ng Dios? at sa ano ko itutulad? 042 LUK 013 019 Tulad sa isang butil ng mostasa na kinuha ng isang tao, at inihagis sa kaniyang sariling halamanan; at ito'y sumibol, at naging isang punong kahoy; at humapon sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit. 042 LUK 013 020 At muling sinabi niya, Sa ano ko itutulad ang kaharian ng Dios? 042 LUK 013 021 Tulad sa lebadura na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito'y nalebadurahang lahat. 042 LUK 013 022 At siya'y yumaon sa kaniyang lakad sa mga bayan at mga nayon, na nagtuturo, at naglalakbay na tungo sa Jerusalem. 042 LUK 013 023 At may isang nagsabi sa kaniya, Panginoon, kakaunti baga ang mangaliligtas? At sinabi niya sa kanila, 042 LUK 013 024 Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari. 042 LUK 013 025 Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya'y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan; 042 LUK 013 026 Kung magkagayo'y pasisimulan ninyong sabihin, Nagsikain kami at nagsiinom sa harap mo, at nagturo ka sa aming mga lansangan; 042 LUK 013 027 At sasabihin niya, Sinasabi ko sa inyo na hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan; magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kalikuan. 042 LUK 013 028 Diyan na nga ang pagtangis, at ang pagngangalit ng mga ngipin, kung mangakita ninyo si Abraham, at si Isaac, at si Jacob, at ang lahat ng mga propeta sa kaharian ng Dios, at kayo'y palabasin. 042 LUK 013 029 At sila'y magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at sa timugan at sa hilagaan, at magsisiupo sa kaharian ng Dios. 042 LUK 013 030 At narito, may mga huling magiging una at may mga unang magiging huli. 042 LUK 013 031 Nagsidating nang oras ding yaon ang ilang Fariseo, na nangagsasabi sa kaniya, Lumabas ka, at humayo ka rito: sapagka't ibig kang patayin ni Herodes. 042 LUK 013 032 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo, at inyong sabihin sa sorrang yaon, Narito, nagpapalabas ako ng mga demonio at nagpapagaling ngayon at bukas, at ako'y magiging sakdal sa ikatlong araw. 042 LUK 013 033 Gayon ma'y kailangang ako'y yumaon sa aking lakad ngayon at bukas at sa makalawa: sapagka't hindi mangyayari na ang isang propeta ay mamatay sa labas ng Jerusalem. 042 LUK 013 034 Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinugo sa kaniya! Makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang sariling mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, at ayaw kayo! 042 LUK 013 035 Narito, sa inyo'y iniwang walang anoman ang inyong bahay: at sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo ako makikita, hanggang sa inyong sabihin, Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon. 042 LUK 014 001 At nangyari, sa pagpasok niya sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Fariseo nang isang sabbath upang kumain ng tinapay, at inaabangan nila siya. 042 LUK 014 002 At narito, sa kaniyang harapan ay may isang lalaking namamaga. 042 LUK 014 003 At pagsagot ni Jesus, ay nagsalita sa mga tagapagtanggol ng kautusan at sa mga Fariseo, na sinasabi, Matuwid baga o hindi na magpagaling sa sabbath? 042 LUK 014 004 Datapuwa't sila'y di nagsiimik. At siya'y tinangnan niya, at siya'y pinagaling, at siya'y pinayaon. 042 LUK 014 005 At sinabi niya sa kanila, Sino kaya sa inyo ang kung magkaroon ng isang asno o isang bakang lalake na mahulog sa hukay, at pagdaka'y hindi kukunin kahit araw ng sabbath? 042 LUK 014 006 At di na muling nakasagot sila sa kaniya sa mga bagay na ito. 042 LUK 014 007 At nagsalita siya ng isang talinghaga sa mga inanyayahan, nang mamasdan niya na kanilang pinipili ang mga pangulong luklukan; na nagsasabi sa kanila, 042 LUK 014 008 Pagka inaanyayahan ka ninomang tao sa kasalan, huwag kang uupo sa pangulong luklukan; baka mayroon siyang anyayahang lalong marangal na tao kay sa iyo, 042 LUK 014 009 At lumapit yaong naganyaya sa iyo at sa kaniya, at sabihin sa iyo, Bigyan mong puwang ang taong ito; at kung magkagayo'y magpapasimula kang mapahiya na mapalagay ka sa dakong kababababaan. 042 LUK 014 010 Kundi pagka inaanyayahan ka, ay pumaroon ka at umupo ka sa dakong kababababaan; upang kung dumating ang naganyaya sa iyo, ay sa iyo'y sabihin niya, Kaibigan pumaroon ka pa sa lalong mataas: kung magkagayo'y magkakaroon ka ng kaluwalhatian sa harap ng lahat na mga kasalo mong nangakaupo sa dulang. 042 LUK 014 011 Sapagka't ang bawa't nagmamataas ay mabababa; at ang nagpapakababa ay matataas. 042 LUK 014 012 At sinabi rin naman niya sa naganyaya sa kaniya, Pagka naghahanda ka ng isang tanghalian o ng isang hapunan, ay huwag mong tawagin ang iyong mga kaibigan, ni ang iyong mga kapatid, ni ang iyong mga kamaganak, ni ang mayayamang kapitbahay; baka ikaw naman ang kanilang muling anyayahan, at gantihan ka. 042 LUK 014 013 Datapuwa't kung maghahanda ka, ay anyayahan mo ang mga dukha, ang mga pingkaw, ang mga pilay, ang mga bulag, 042 LUK 014 014 At magiging mapalad ka; sapagka't wala silang sukat ikaganti sa iyo: sapagka't gagantihin sa iyo sa pagkabuhay na maguli ng mga ganap. 042 LUK 014 015 At nang marinig ito ng isa sa nangakaupong kasalo niya sa dulang, ay sinabi sa kaniya, Mapalad ang kakain ng tinapay sa kaharian ng Dios. 042 LUK 014 016 Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, May isang naghanda ng isang malaking hapunan; at marami siyang inanyayahan: 042 LUK 014 017 At sa panahon ng paghapon ay sinugo niya ang kaniyang alipin, upang sabihin sa mga inanyayahan, Magsiparito kayo; sapagka't ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na. 042 LUK 014 018 At silang lahat na parang iisa ay nangagpasimulang nangagdahilan. Sa kaniya'y sinabi ng una, Bumili ako ng isang bukid, at kailangan akong umalis at tingnan; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako. 042 LUK 014 019 At sinabi ng iba, Bumili ako ng limang magkatuwang na bakang lalake, at paroroon ako upang sila'y subukin; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako. 042 LUK 014 020 At sinabi ng iba, Bago akong kasal, at kaya nga hindi ako makaparoroon. 042 LUK 014 021 At dumating ang alipin, at isinaysay ang mga bagay na ito sa kaniyang panginoon. Nang magkagayon, sa galit ng puno ng sangbahayan ay sinabi sa kaniyang alipin, Pumaroon kang madali sa mga lansangan at sa mga daang makikipot ng bayan, at dalhin mo rito ang mga dukha, at ang mga pingkaw, at ang mga bulag, at ang mga pilay. 042 LUK 014 022 At sinabi ng alipin, panginoon, nagawa na ang ipinagutos mo, at gayon ma'y maluwag pa. 042 LUK 014 023 At sinabi ng panginoon sa alipin, Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay. 042 LUK 014 024 Sapagka't sinasabi ko sa inyo na alin man sa mga taong inanyayahan ay hindi makatitikim ng aking hapunan. 042 LUK 014 025 Nagsisama nga sa kaniya ang lubhang maraming tao; at siya'y lumingon at sa kanila'y sinabi, 042 LUK 014 026 Kung ang sinomang tao'y pumaparito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko. 042 LUK 014 027 Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko. 042 LUK 014 028 Sapagka't alin sa inyo, ang kung ibig magtayo ng isang moog, ay hindi muna uupo at tatayahin ang halagang magugugol kung mayroong maipagtatapos? 042 LUK 014 029 Baka kung mailagay na niya ang patibayan, at hindi matapos, ang lahat ng mga makakita ay mangagpasimulang siya'y libakin, 042 LUK 014 030 Na sabihin, Nagpasimula ang taong ito na magtayo, at hindi nakayang tapusin. 042 LUK 014 031 O aling hari, na kung sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari, ay hindi muna uupo at sasangguni kung makahaharap siya na may sangpung libo sa dumarating na laban sa kaniya na may dalawangpung libo? 042 LUK 014 032 O kung hindi, samantalang malayo pa ang isa, ay magsusugo siya ng isang sugo, at hihilingin ang mga kailangan sa pagkakasundo. 042 LUK 014 033 Kaya nga sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko. 042 LUK 014 034 Mabuti nga ang asin: datapuwa't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? 042 LUK 014 035 Walang kabuluhang maging sa lupa kahit sa tapunan man ng dumi: itinatapon sa labas. Ang may mga pakinig upang ipakinig, ay makinig. 042 LUK 015 001 Nagsisilapit nga sa kaniya ang lahat ng mga maniningil ng buwis at makasalanan upang makinig sa kaniya. 042 LUK 015 002 At ang mga Fariseo at gayon din ang mga eskriba ay nangagbubulongbulungan, na nangagsasabi, Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan, at sumasalo sa kanila. 042 LUK 015 003 At sinalita niya sa kanila ang talinghagang ito, na sinasabi, 042 LUK 015 004 Aling tao sa inyo, na kung mayroong isang daang tupa, at mawala ang isa sa mga yaon ay hindi iiwan ang siyam na pu't siyam sa ilang, at hahanapin ang nawala, hanggang sa ito'y kaniyang masumpungan? 042 LUK 015 005 At pagka nasumpungan niya, ay pinapasan niya sa kaniyang balikat, na natutuwa. 042 LUK 015 006 At paguwi niya sa tahanan, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang mga kapitbahay, na sasabihin sa kanila, Makipagkatuwa kayo sa akin, sapagka't nasumpungan ko ang aking tupang nawala. 042 LUK 015 007 Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kay sa siyam na pu't siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi. 042 LUK 015 008 O aling babae na may sangpung putol na pilak, na kung mawalan siya ng isang putol, ay hindi baga magpapaningas ng isang ilawan, at wawalisan ang bahay, at hahanaping masikap hanggang sa ito'y masumpungan niya? 042 LUK 015 009 At pagka nasumpungan niya, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, na sinasabi, Makipagkatuwa kayo sa akin, sapagka't nasumpungan ko ang isang putol na nawala sa akin. 042 LUK 015 010 Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may tuwa sa harapan ng mga anghel ng Dios, dahil sa isang makasalanang nagsisisi. 042 LUK 015 011 At sinabi niya, May isang tao na may dalawang anak na lalake: 042 LUK 015 012 At sinabi sa kaniyang ama ng bunso, Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng iyong kayamanang nauukol sa akin. At binahagi niya sa kanila ang kaniyang pagkabuhay. 042 LUK 015 013 At hindi nakaraan ang maraming araw, ay tinipong lahat ng anak na bunso ang ganang kaniya, at naglakbay sa isang malayong lupain; at doo'y inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palunging pamumuhay. 042 LUK 015 014 At nang magugol na niyang lahat, ay nagkaroon ng isang malaking kagutom sa lupaing yaon; at siya'y nagpasimulang mangailangan. 042 LUK 015 015 At pumaroon siya at nakisama sa isa sa mga mamamayan sa lupaing yaon; at sinugo niya siya sa kaniyang mga parang, upang magpakain ng mga baboy. 042 LUK 015 016 At ibig sana niyang mabusog ang kaniyang tiyan ng mga ipa na kinakain ng mga baboy: at walang taong magbigay sa kaniya. 042 LUK 015 017 Datapuwa't nang siya'y makapagisip ay sinabi niya, Ilang mga alilang upahan ng aking ama ang may sapat at lumalabis na pagkain, at ako rito'y namamatay ng gutom? 042 LUK 015 018 Magtitindig ako at paroroon sa aking ama, at aking sasabihin sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin: 042 LUK 015 019 Hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo: gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan. 042 LUK 015 020 At siya'y nagtindig, at pumaroon sa kaniyang ama. Datapuwa't samantalang nasa malayo pa siya, ay natanawan na siya ng kaniyang ama, at nagdalang habag, at tumakbo, at niyakap siya sa leeg, at siya'y hinagkan. 042 LUK 015 021 At sinabi ng anak sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin: hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo. 042 LUK 015 022 Datapuwa't sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, Dalhin ninyo ritong madali ang pinakamabuting balabal, at isuot ninyo sa kaniya; at lagyan ninyo ng singsing ang kaniyang kamay, at mga panyapak ang kaniyang mga paa: 042 LUK 015 023 At kunin ninyo ang pinatabang guya, at inyong patayin, at tayo'y magsikain, at mangagkatuwa: 042 LUK 015 024 Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang mangagkatuwa. 042 LUK 015 025 Nasa bukid nga ang anak niyang panganay: at nang siya'y dumating at malapit sa bahay, ay narinig niya ang tugtugan at ang sayawan. 042 LUK 015 026 At pinalapit niya sa kaniya ang isa sa mga alipin, at itinanong kung ano kaya ang mga bagay na yaon. 042 LUK 015 027 At sinabi niya sa kaniya, Dumating ang kapatid mo; at pinatay ng iyong ama ang pinatabang guya, dahil sa siya'y tinanggap niya na ligtas at magaling. 042 LUK 015 028 Datapuwa't nagalit siya, at ayaw pumasok: at lumabas ang kaniyang ama, at siya'y namanhik sa kaniya. 042 LUK 015 029 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kaniyang ama, Narito, maraming taon nang kita'y pinaglilingkuran, at kailan ma'y hindi ako sumuway sa iyong utos; at gayon ma'y hindi mo ako binigyan kailan man ng isang maliit na kambing, upang ipakipagkatuwa ko sa aking mga kaibigan: 042 LUK 015 030 Datapuwa't nang dumating itong anak mong umubos ng iyong pagkabuhay sa mga patutot, ay ipinagpatay mo siya ng pinatabang guya. 042 LUK 015 031 At sinabi niya sa kaniya, Anak, ikaw ay palaging nasa akin, at iyo ang lahat ng akin. 042 LUK 015 032 Datapuwa't karapatdapat mangagkatuwa at mangagsaya tayo: sapagka't patay ang kapatid mong ito, at muling nabuhay; at nawala, at nasumpungan. 042 LUK 016 001 At sinabi rin naman niya sa mga alagad, May isang taong mayaman, na may isang katiwala; at ito'y isinumbong sa kaniya na siya'y nagsisira ng kaniyang mga pag-aari. 042 LUK 016 002 At tinawag niya siya, at sa kaniya'y sinabi, Ano ito na nababalitaan ko tungkol sa iyo? magbigay sulit ka ng pagiging katiwala; sapagka't hindi ka na maaaring maging katiwala pa. 042 LUK 016 003 At sinabi ng katiwala sa kaniyang sarili, Anong gagawin ko, yamang inaalis sa akin ng panginoon ko ang pagiging katiwala? Magdukal ng lupa'y wala akong kaya; magpalimos ay nahihiya ako. 042 LUK 016 004 Nalalaman ko na ang gagawin ko, upang, kung mapaalis ako sa pagiging katiwala, ako ay matanggap nila sa kanilang mga bahay. 042 LUK 016 005 At pagtawag niya sa bawa't isa sa mga may utang sa kaniyang panginoon, ay sinabi niya sa una, Gaano ang utang mo sa aking panginoon? 042 LUK 016 006 At sinabi niya, Isang daang takal na langis. At sinabi niya sa kaniya, Abutin mo ang iyong kasulatan, at maupo kang madali at isulat mong limangpu. 042 LUK 016 007 Nang magkagayon ay sinabi niya sa iba, At ikaw, gaano ang utang mo? At sinabi niya, Isang daang takal na trigo. Sinabi niya sa kaniya, Abutin mo ang iyong kasulatan, at isulat mong walongpu. 042 LUK 016 008 At pinuri ng kaniyang panginoon ang lilong katiwala, sapagka't siya'y gumawang may katalinuhan: sapagka't ang mga anak ng sanglibutang ito, sa kanilang sariling lahi, ay matatalino kay sa mga anak ng ilaw. 042 LUK 016 009 At sinabi ko sa inyo, Makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng kayamanan ng kasamaan; upang, kung kayo'y magkulang, ay kanilang tanggapin kayo sa mga walang hanggang tabernakulo. 042 LUK 016 010 Ang mapagtapat sa kakaunti ay mapagtapat din naman sa marami: at ang di matuwid sa kakaunti ay di rin naman matuwid sa marami. 042 LUK 016 011 Kung kayo nga'y di naging mapagtapat sa masamang kayamanan, sino nga ang magkakatiwala sa inyo ng mga tunay na kayamanan? 042 LUK 016 012 At kung di kayo naging mapagtapat sa kayamanan ng iba, sino ang sa inyo'y magbibigay ng sa inyong sarili. 042 LUK 016 013 Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa; o di kaya'y magtatapat sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan. 042 LUK 016 014 At ang mga Fariseo, na pawang maibigin sa salapi, ay nangakikinig ng lahat ng mga bagay na ito; at siya'y tinutuya nila. 042 LUK 016 015 At sinabi niya sa kanila, Kayo ang nangagaaring-ganap sa inyong sarili sa paningin ng mga tao; datapuwa't nakikilala ng Dios ang inyong mga puso; sapagka't ang dinadakila ng mga tao ay kasuklamsuklam sa paningin ng Dios. 042 LUK 016 016 Ang kautusan at ang mga propeta ay nanatili hanggang kay Juan: mula noo'y ang evangelio ng kaharian ng Dios ay ipinangangaral, at ang bawa't tao ay pumapasok doon na nagpipilit. 042 LUK 016 017 Nguni't lubhang magaan pa ang mangawala ang langit at ang lupa, kay sa mahulog ang isang kudlit ng kautusan. 042 LUK 016 018 Ang bawa't lalaki na inihihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya. 042 LUK 016 019 Mayroon ngang isang taong mayaman, at siya'y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain ng sagana: 042 LUK 016 020 At isang pulubi na ang pangala'y Lazaro, lipos ng mga sugat, ay inilalagay sa kaniyang pintuan, 042 LUK 016 021 At naghahangad na mapakain ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat. 042 LUK 016 022 At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing. 042 LUK 016 023 At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan. 042 LUK 016 024 At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito. 042 LUK 016 025 Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan. 042 LUK 016 026 At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin. 042 LUK 016 027 At sinabi niya, Ipinamamanhik ko nga sa iyo, ama, na suguin mo siya sa bahay ng aking ama; 042 LUK 016 028 Sapagka't ako'y may limang kapatid na lalake; upang sa kanila'y patotohanan niya, baka pati sila'y mangaparito sa dakong ito ng pagdurusa. 042 LUK 016 029 Datapuwa't sinabi ni Abraham, Nasa kanila si Moises at ang mga propeta; bayaang sila'y pakinggan nila. 042 LUK 016 030 At sinabi niya, Hindi amang Abraham: datapuwa't kung ang isang mula sa mga patay ay makaparoon sa kanila, sila'y mangagsisisi. 042 LUK 016 031 At sinabi niya sa kaniya, Kung di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta, ay di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa'y magbangon sa mga patay. 042 LUK 017 001 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad Hindi mangyayari na di dumating ang mga kadahilanan ng pagkakatisod; datapuwa't sa aba niyaong pinanggalingan. 042 LUK 017 002 Mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato, at siya'y ihagis sa dagat, kay sa siya'y magpatisod sa isa sa maliliit na ito. 042 LUK 017 003 Mangagingat kayo sa inyong sarili: kung magkasala ang iyong kapatid, sawayin mo siya; at kung siya'y magsisi, patawarin mo siya. 042 LUK 017 004 At kung siya'y makapitong magkasala sa isang araw laban sa iyo, at makapitong magbalik sa iyo na sasabihin, Pinagsisisihan ko; patawarin mo siya. 042 LUK 017 005 At sinabi ng mga apostol sa Panginoon, Dagdagan mo ang pananampalataya namin. 042 LUK 017 006 At sinabi ng Panginoon, Kung mangagkaroon kayo ng pananampalataya na kasing laki ng isang butil ng binhi ng mostasa, sasabihin ninyo sa puno ng sikomorong ito, Mabunot ka, at matanim ka sa dagat; at kayo'y tatalimahin. 042 LUK 017 007 Datapuwa't sino sa inyo, ang may isang aliping nagaararo o nagaalaga ng mga tupa, na pagbabalik niyang galing sa bukid ay magsasabi sa kaniya, Parito ka agad at maupo ka sa dulang ng pagkain; 042 LUK 017 008 At hindi sasabihin sa kaniya, Ipaghanda mo ako ng mahahapunan, at magbigkis ka, at paglingkuran mo ako, hanggang sa ako'y makakain at makainom; at saka ka kumain at uminom? 042 LUK 017 009 Nagpapasalamat baga siya sa alipin sapagka't ginawa ang iniutos sa kaniya? 042 LUK 017 010 Gayon din naman kayo, pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo'y iniutos, inyong sabihin, Mga aliping walang kabuluhan kami; ginawa namin ang katungkulan naming gawin. 042 LUK 017 011 At nangyari, na samantalang sila'y napapatungo sa Jerusalem, na siya'y nagdaraan sa mga hangganan ng Samaria at Galilea. 042 LUK 017 012 At sa pagpasok niya sa isang nayon, ay sinalubong siya ng sangpung lalaking ketongin, na nagsitigil sa malayo: 042 LUK 017 013 At sila'y nagsisigaw na nagsisipagsabi, Jesus, Guro, maawa ka sa amin. 042 LUK 017 014 At pagkakita niya sa kanila, ay sinabi niya sa kanila, Magsihayo kayo at kayo'y pakita sa mga saserdote. At nangyari, na samantalang sila'y nagsisiparoon, ay nangalinis sila. 042 LUK 017 015 At isa sa kanila, nang makita niyang siya'y gumaling, ay nagbalik, na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig; 042 LUK 017 016 At siya'y nagpatirapa sa kaniyang paanan, na nagpapasalamat sa kaniya: at siya'y isang Samaritano. 042 LUK 017 017 At pagsagot ni Jesus ay nagsabi, Hindi baga sangpu ang nagsilinis? datapuwa't saan nangaroon ang siyam? 042 LUK 017 018 Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa? 042 LUK 017 019 At sinabi niya sa kaniya, Magtindig ka, at yumaon ka sa iyong lakad: pinagaling ka ng iyong pananampalataya. 042 LUK 017 020 At palibhasa'y tinanong siya ng mga Fariseo, kung kailan darating ang kaharian ng Dios, ay sinagot niya sila at sinabi, Ang kaharian ng Dios ay hindi paririto na mapagkikita: 042 LUK 017 021 Ni sasabihin man nila, Naririto! o Naririyan! sapagka't narito, ang kaharian ng Dios ay nasa loob ninyo. 042 LUK 017 022 At sinabi niya sa mga alagad, Darating ang mga araw, na hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng tao, at hindi ninyo makikita. 042 LUK 017 023 At sasabihin nila sa inyo, Naririyan! Naririto! huwag kayong magsisiparoon, ni magsisisisunod man sa kanila: 042 LUK 017 024 Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. 042 LUK 017 025 Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito. 042 LUK 017 026 At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao. 042 LUK 017 027 Sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nangagaasawa, at sila'y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat. 042 LUK 017 028 Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nagsisibili, sila'y nangagbibili, sila'y nangagtatanim, sila'y nangagtatayo ng bahay. 042 LUK 017 029 Datapuwa't nang araw na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat: 042 LUK 017 030 Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag. 042 LUK 017 031 Sa araw na yaon, ang mapapasa bubungan, at nasa bahay ng kaniyang mga pag-aari, ay huwag silang manaog upang kunin: at ang nasa bukid ay gayon din, huwag siyang umuwi. 042 LUK 017 032 Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot. 042 LUK 017 033 Sinomang nagsisikap ingatan ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: datapuwa't ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay ay maiingatan yaon. 042 LUK 017 034 Sinasabi ko sa inyo, Sa gabing yaon ay dalawang lalake ang sasa isang higaan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan. 042 LUK 017 035 Magkasamang gigiling ang dalawang babae; kukunin ang isa, at ang isa'y iiwan. 042 LUK 017 036 Mapapasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin at ang isa'y iiwan. 042 LUK 017 037 At pagsagot nila ay sinabi sa kaniya, Saan, Panginoon? At sinabi niya sa kanila, Kung saan naroon ang bangkay ay doon din naman magkakatipon ang mga uwak. 042 LUK 018 001 At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila'y dapat magsipanalanging lagi, at huwag manganglupaypay; 042 LUK 018 002 Na sinasabi, May isang hukom sa isang bayan, na hindi natatakot sa Dios, at walang taong pinagpipitaganan: 042 LUK 018 003 At sa bayang yaon ay may isang babaing bao; at siya'y naparoroong madalas sa kaniya, na sinasabi, Iganti mo ako sa aking kaalit. 042 LUK 018 004 At may ilang panahon na siya'y tumatanggi: datapuwa't pagkatapos ay sinabi sa kaniyang sarili, Bagaman di ako natatakot sa Dios, at di nagpipitagan sa tao: 042 LUK 018 005 Gayon man, sapagka't nililigalig ako ng baong ito, ay igaganti ko siya, baka niya ako bagabagin ng kapaparito. 042 LUK 018 006 At sinabi ng Panginoon, Pakinggan ninyo ang sinabi ng likong hukom. 042 LUK 018 007 At hindi baga, igaganti ng Dios ang kaniyang mga hirang, na sumisigaw sa kaniya sa araw at gabi, at siya'y may pagpapahinuhod sa kanila? 042 LUK 018 008 Sinasabi ko sa inyo, na sila'y madaling igaganti niya. Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa? 042 LUK 018 009 At kaniyang sinalita naman ang talinghagang ito sa nagsisiasa sa kanilang sarili, na nangagpapanggap na sila'y matutuwid, at pinawawalang halaga ang lahat ng mga iba: 042 LUK 018 010 May dalawang lalaking nagsipanhik sa templo upang magsipanalangin; ang isa'y Fariseo, at ang isa'y maniningil ng buwis. 042 LUK 018 011 Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kaniyang sarili ng ganito, Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig, mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito. 042 LUK 018 012 Makalawa akong nagaayuno sa isang linggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinakamtan. 042 LUK 018 013 Datapuwa't ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan. 042 LUK 018 014 Sinasabi ko sa inyo, Nanaog at umuwi sa kaniyang bahay ang taong ito na inaaaringganap kay sa isa: sapagka't ang bawa't nagmamataas sa kaniyang sarili ay mabababa; datapuwa't ang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay matataas. 042 LUK 018 015 At dinala naman nila sa kaniya ang kanilang mga sanggol, upang kaniyang hipuin sila; datapuwa't nang mangakita ito ng mga alagad, ay sila'y sinaway nila. 042 LUK 018 016 Datapuwa't pinalapit sila ni Jesus sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka't sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios. 042 LUK 018 017 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na gaya ng isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan. 042 LUK 018 018 At tinanong siya ng isang pinuno, na sinasabi, Mabuting Guro, anong gagawin ko upang magmana ng walang hanggang buhay? 042 LUK 018 019 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Bakit mo ako tinatawag na mabuti? walang mabuti, kundi isa, ang Dios lamang. 042 LUK 018 020 Talastas mo ang mga utos, Huwag kang mangalunya, Huwag kang pumatay, Huwag kang magnakaw, Huwag kang sumaksi sa di katotohanan, Igalang mo ang iyong ama at ina. 042 LUK 018 021 At sinabi niya, Ginanap ko ang lahat ng mga bagay na ito buhat pa sa aking pagkabata. 042 LUK 018 022 At nang marinig ito ni Jesus, ay sinabi niya sa kaniya, Isang bagay pa ang kulang sa iyo: ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik, at ipamahagi mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin. 042 LUK 018 023 Datapuwa't nang marinig niya ang mga bagay na ito, siya'y namanglaw na lubha; sapagka't siya'y totoong mayaman. 042 LUK 018 024 At sa pagmamasid sa kaniya ni Jesus ay sinabi, Pagkahiraphirap na makapasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan! 042 LUK 018 025 Sapagka't magaan pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman na pumasok sa kaharian ng Dios. 042 LUK 018 026 At sinabi ng mga nakarinig nito, Sino nga kaya ang makaliligtas? 042 LUK 018 027 Datapuwa't sinabi niya, Ang mga bagay na di mangyayari sa mga tao ay may pangyayari sa Dios. 042 LUK 018 028 At sinabi ni Pedro, Narito, iniwan namin ang aming sarili, at nagsisunod sa iyo. 042 LUK 018 029 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o asawang babae, o mga kapatid, o mga magulang o mga anak, dahil sa kaharian ng Dios, 042 LUK 018 030 Na di tatanggap ng makapupung higit sa panahong ito, at sa sanglibutang darating, ng walang hanggang buhay. 042 LUK 018 031 At isinama niya ng bukod ang labingdalawa, at sa kanila'y sinabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao. 042 LUK 018 032 Sapagka't siya'y ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan. 042 LUK 018 033 At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya. 042 LUK 018 034 At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi. 042 LUK 018 035 At nangyari, na nang nalalapit na sila sa Jerico, isang bulag ay nakaupo sa tabi ng daan na nagpapalimos: 042 LUK 018 036 At pagkarinig na nagdaraan ang maraming tao, ay itinanong niya kung ano ang ibig sabihin noon. 042 LUK 018 037 At sinabi nila sa kaniya, na nagdaraan si Jesus na taga Nazaret. 042 LUK 018 038 At siya'y nagsisigaw, na sinasabi, Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin. 042 LUK 018 039 At siya'y sinaway ng nangasa unahan, upang siya'y tumahimik: datapuwa't siya'y lalong nagsisigaw, Ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin. 042 LUK 018 040 At si Jesus ay tumigil, at ipinagutos na dalhin siya sa kaniya: at nang mailapit siya, ay itinanong niya sa kaniya, 042 LUK 018 041 Anong ibig mo na sa iyo'y gawin ko? At sinabi niya, Panginoon, na tanggapin ko ang aking paningin. 042 LUK 018 042 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Tanggapin mo ang iyong paningin: pinagaling ka ng pananampalataya mo. 042 LUK 018 043 At pagdaka'y tinanggap niya ang kaniyang paningin, at sumunod sa kaniya, na niluluwalhati ang Dios: at pagkakita nito ng buong bayan, ay nangagpuri sa Dios. 042 LUK 019 001 At siya'y pumasok at nagdaan sa Jerico. 042 LUK 019 002 At narito, isang lalake na tinatawag sa pangalang Zaqueo; at siya'y isang puno ng mga maniningil ng buwis, at siya'y mayaman. 042 LUK 019 003 At pinagpipilitan niyang makita si Jesus kung sino kaya siya; at hindi mangyari, dahil sa maraming tao, sapagka't siya'y pandak. 042 LUK 019 004 At tumakbo siya sa unahan, at umakyat sa isang punong kahoy na sikomoro upang makita siya: sapagka't siya'y magdaraan sa daang yaon. 042 LUK 019 005 At nang dumating si Jesus sa dakong yaon, ay siya'y tumingala, at sinabi sa kaniya, Zaqueo, magmadali ka, at bumaba ka; sapagka't ngayo'y kinakailangang ako'y tumuloy sa bahay mo. 042 LUK 019 006 At siya'y nagmadali, at bumaba, at tinanggap siyang may tuwa. 042 LUK 019 007 At nang makita nila ito, ay nangagbulongbulungan silang lahat, na nangagsasabi, Siya'y pumasok na nanunuluyan sa isang taong makasalanan. 042 LUK 019 008 At si Zaqueo ay nagtindig, at sinabi sa Panginoon, Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking mga pag-aari ay ibinibigay ko sa mga dukha; at kung sakali't nakasingil akong may daya sa kanino mang tao, ay isinasauli ko ng makaapat. 042 LUK 019 009 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Dumating sa bahay na ito ngayon ang pagkaligtas, sapagka't siya'y anak din naman ni Abraham. 042 LUK 019 010 Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala. 042 LUK 019 011 At samantalang pinakikinggan nila ang mga bagay na ito, ay dinugtungan niya at sinalita ang isang talinghaga, sapagka't siya'y malapit na sa Jerusalem, at sapagka't kanilang inakala na pagdaka'y mahahayag ang kaharian ng Dios. 042 LUK 019 012 Sinabi nga niya, Isang mahal na tao ay naparoon sa isang malayong lupain, upang tumanggap ng isang kaharian na ukol sa kaniyang sarili, at magbalik. 042 LUK 019 013 At tinawag niya ang sangpu sa kaniyang mga alipin at binigyan sila ng sangpung mina, at sinabi sa kanila, Ipangalakal ninyo ito hanggang sa ako'y dumating. 042 LUK 019 014 Datapuwa't kinapopootan siya ng kaniyang mga mamamayan, at ipinahabol siya sa isang sugo, na nagsasabi, Ayaw kami na ang taong ito'y maghari pa sa amin. 042 LUK 019 015 At nangyari, na nang siya'y muling magbalik, nang matanggap na ang kaharian, ay ipinatawag niya sa kaniyang harapan ang mga aliping yaon, na binigyan niya ng salapi, upang maalaman niya kung gaano ang kanilang tinubo sa pangangalakal. 042 LUK 019 016 At dumating sa harapan niya ang una, na nagsasabi, Panginoon, nagtubo ang iyong mina ng sangpung mina pa. 042 LUK 019 017 At sinabi niya sa kaniya, Mabuting gawa, ikaw na mabuting alipin: sapagka't nagtapat ka sa kakaunti, magkaroon ka ng kapamahalaan sa sangpung bayan. 042 LUK 019 018 At dumating ang ikalawa, na nagsasabi, Panginoon, nagtubo ang iyong mina ng limang mina. 042 LUK 019 019 At sinabi niya sa kaniya, Magkaroon ka naman ng kapamahalaan sa limang bayan. 042 LUK 019 020 At dumating ang iba pa, na nagsasabi, Panginoon, narito ang iyong mina, na aking itinago sa isang panyo: 042 LUK 019 021 Dahil sa ako'y natakot sa iyo, sapagka't ikaw ay taong mabagsik kinukuha mo ang hindi mo inilagay, at ginagapas mo ang hindi mo inihasik. 042 LUK 019 022 Sinabi niya sa kaniya, Sa sariling bibig mo kita hinahatulan ikaw na masamang alipin. Nalalaman mo na ako'y taong mabagsik, na kumukuha ng hindi ko inilagay, at gumagapas ng hindi ko inihasik; 042 LUK 019 023 Kung gayon, bakit hindi mo inilagay ang salapi ko sa bangko, at nang sa aking pagbalik ay mahingi ko yaon pati ng tinubo? 042 LUK 019 024 At sinabi niya sa mga nahaharap, Alisin ninyo sa kaniya ang mina, at ibigay ninyo sa may sangpung mina. 042 LUK 019 025 At sinabi nila sa kaniya, Panginoon, siya'y mayroong sangpung mina. 042 LUK 019 026 Sinasabi ko sa inyo, na bibigyan ang bawa't mayroon; datapuwa't ang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya. 042 LUK 019 027 Datapuwa't itong aking mga kaaway, na ayaw na ako'y maghari sa kanila, ay dalhin ninyo rito, at patayin ninyo sila sa harapan ko. 042 LUK 019 028 At nang masabi niyang gayon, ay nagpatuloy siya sa unahan, na umahon sa Jerusalem. 042 LUK 019 029 At nangyari, na nang siya'y malapit na sa Betfage at Betania, sa bundok na tinatawag na Olivo, ay sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad, 042 LUK 019 030 Na sinasabi, Magsiyaon kayo sa inyong lakad sa katapat na nayon; sa pagpasok ninyo roon, ay masusumpungan ninyo ang isang nakatali na batang asno, na hindi pa nasasakyan ng sinomang tao: kalagin ninyo siya, at dalhin ninyo siya rito. 042 LUK 019 031 At kung may sinomang tumanong sa inyo, Bakit ninyo kinakalag iyan? ganito ang inyong sasabihin, Kinakailangan siya ng Panginoon. 042 LUK 019 032 At nagsiparoon ang mga sugo at nasumpungan ng ayon sa sinabi niya sa kanila. 042 LUK 019 033 At nang kinakalag nila ang batang asno, ay sinabi sa kanila ng mga mayari niyaon, Bakit kinakalag ninyo ang batang asno? 042 LUK 019 034 At sinabi nila, Kinakailangan siya ng Panginoon. 042 LUK 019 035 At dinala nila siya kay Jesus: at inilagay nila ang kanilang mga damit sa ibabaw ng batang asno, at isinakay nila si Jesus sa ibabaw noon. 042 LUK 019 036 At samantalang siya'y lumalakad, ay inilalatag nila ang kanilang mga damit sa daan. 042 LUK 019 037 At nang nalalapit siya sa libis ng bundok ng mga Olivo, ang buong karamihan ng mga alagad ay nangagpasimulang mangagkatuwa at mangagpuri sa Dios ng malakas na tinig dahil sa lahat ng mga gawang makapangyarihan na kanilang mangakita. 042 LUK 019 038 Na sinasabi, Mapalad ang Hari na pumaparito sa pangalan ng Panginoon: kapayapaan sa langit, at kaluwalhatian sa kataastaasan. 042 LUK 019 039 At ilan sa mga Fariseo na mula sa karamihan ay nangagsabi sa kaniya, Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad. 042 LUK 019 040 At sumagot siya at nagsabi, Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mangagsiimik ang mga ito, ang mga bato'y sisigaw. 042 LUK 019 041 At nang malapit na siya, nakita niya ang bayan, at ito'y kaniyang tinangisan, 042 LUK 019 042 Na sinasabi, Kung sa araw na ito ay nakilala mo sana, sa iyong sarili, ang mga bagay na nauukol sa iyong kapayapaan! datapuwa't ngayo'y pawang nangatatago sa iyong mga mata. 042 LUK 019 043 Sapagka't darating sa iyo ang mga araw, na babakuran ka ng kuta ng mga kaaway mo, at kukubkubin ka, at gigipitin ka sa magkabikabila, 042 LUK 019 044 At ilulugso ka sa lupa, at ang mga anak mo na nasa loob mo; at sa iyo'y hindi sila magiiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato; sapagka't hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo'y pagdalaw. 042 LUK 019 045 At pumasok siya sa templo, at pinasimulang itaboy sa labas ang mga nangagbibili, 042 LUK 019 046 Na sinasabi sa kanila, Nasusulat nga, At ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan: datapuwa't ginawa ninyong yungib ng mga tulisan. 042 LUK 019 047 At nagtuturo siya arawaraw sa templo. Datapuwa't ang mga pangulong saserdote, at ang mga eskriba, at ang mga taong pangunahin sa bayan ay nangagsisikap na siya'y patayin: 042 LUK 019 048 At di nila masumpungan kung ano ang kanilang magagawa; sapagka't natitigilan ang buong bayan sa pakikinig sa kaniya. 042 LUK 020 001 At nangyari, sa isa sa mga araw, samantalang tinuturuan niya ang bayan sa templo, at ipinangangaral ang evangelio, na nagsilapit sa kaniya ang mga saserdote, at ang mga eskriba pati ng matatanda; 042 LUK 020 002 At sila'y nangagsalita, na nangagsasabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin: Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? o sino ang nagbigay sa iyo ng kapamahalaang ito? 042 LUK 020 003 At siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Tatanungin ko naman kayo ng isang tanong; at sabihin ninyo sa akin: 042 LUK 020 004 Ang bautismo ni Juan, ay mula baga sa langit, o sa mga tao? 042 LUK 020 005 At sila'y nangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Kung sabihin natin, Mula sa langit; ay sasabihin niya, Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan? 042 LUK 020 006 Datapuwa't kung sabihin natin, Mula sa mga tao; ay babatuhin tayo ng buong bayan, sapagka't sila'y nanganiniwala na si Juan ay propeta. 042 LUK 020 007 At sila'y nagsisagot, na hindi nila nalalaman kung saan mula. 042 LUK 020 008 At sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito. 042 LUK 020 009 At siya'y nagpasimulang magsabi sa bayan ng talinghagang ito: Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at ipinagkatiwala sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain na mahabang panahon. 042 LUK 020 010 At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang siya'y bigyan ng bunga ng ubas: datapuwa't hinampas siya ng mga magsasaka, at pinauwing walang dala. 042 LUK 020 011 At nagsugo pa siya ng ibang alipin: at ito nama'y kanilang hinampas, at inalimura, at pinauwing walang dala. 042 LUK 020 012 At nagsugo pa siya ng ikatlo: at kanila ring sinugatan ito, at pinalayas. 042 LUK 020 013 At sinabi ng panginoon ng ubasan, Anong gagawin ko? aking susuguin ang minamahal kong anak; marahil siya'y igagalang nila. 042 LUK 020 014 Datapuwa't nang makita siya ng mga magsasaka, ay nangagsangusapan sila, na sinasabi, Ito ang tagapagmana; atin siyang patayin upang ang mana ay maging atin. 042 LUK 020 015 At itinaboy nila siya sa ubasan, at pinatay siya. Ano nga kaya ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan? 042 LUK 020 016 Paroroon siya at pupuksain niya ang mga magsasakang ito, at ibibigay ang ubasan sa mga iba. At nang marinig nila ito, ay sinabi nila, Huwag nawang mangyari. 042 LUK 020 017 Datapuwa't kaniyang tinitigan sila, at sinabi, Ano nga baga ito na nasusulat, Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali. Ay siya ring ginawang pangulo sa panulok? 042 LUK 020 018 Ang bawa't mahulog sa ibabaw ng batong yaon ay madudurog; datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay kaniyang pangangalating gaya ng alabok. 042 LUK 020 019 At pinagsisikapan siyang hulihin sa oras ding yaon ng mga eskriba at ng mga pangulong saserdote; at sila'y nangatatakot sa bayan: sapagka't nahalata nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila. 042 LUK 020 020 At siya'y inaabangan nila, at sila'y nangagsugo ng mga tiktik, na nangagpakunwaring mga matuwid, upang siya'y mahuli sa kaniyang salita, na siya'y maibigay sa pamiminuno at sa kapamahalaan ng gobernador. 042 LUK 020 021 At kanilang tinanong siya, na sinasabi, Guro, nalalaman namin na ikaw ay nagsasabi at nagtuturo ng matuwid, at wala kang itinatanging tao, kundi itinuturo mo ang katotohanan ng daan ng Dios. 042 LUK 020 022 Matuwid bagang kami ay bumuwis kay Cesar, o hindi? 042 LUK 020 023 Datapuwa't napagkilala niya ang kanilang lalang, at sinabi sa kanila, 042 LUK 020 024 Pagpakitaan ninyo ako ng isang denario. Kanino ang larawan at ang nasusulat dito? At sinabi nila, Kay Cesar. 042 LUK 020 025 At sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar, at ang sa Dios ang sa Dios. 042 LUK 020 026 At sila'y hindi nakahuli sa kaniyang mga pananalita sa harap ng bayan: at sila'y nanganggilalas sa kaniyang sagot, at hindi nangagsiimik. 042 LUK 020 027 At may lumapit sa kaniyang ilan sa mga Saduceo, na nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli; 042 LUK 020 028 At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, isinulat sa amin ni Moises, na kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay, na may asawa, at siya'y walang anak, ay kunin ng kaniyang kapatid ang asawa, at bigyang anak ang kaniyang kapatid. 042 LUK 020 029 Mayroon ngang pitong lalaking magkakapatid: at nagasawa ang panganay, at namatay na walang anak; 042 LUK 020 030 At ang pangalawa: 042 LUK 020 031 At ang pangatlo'y nagasawa sa bao; at gayon din ang pito naman ay hindi nagiwan ng mga anak, at nangamatay. 042 LUK 020 032 Pagkatapos ay namatay naman ang babae. 042 LUK 020 033 Sa pagkabuhay na maguli nga, kanino sa kanila magiging asawa kaya ang babaing yaon? sapagka't siya'y naging asawa ng pito. 042 LUK 020 034 At sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito, at pinapagaasawa: 042 LUK 020 035 Datapuwa't ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni papagaasawahin: 042 LUK 020 036 Sapagka't hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagka't kahalintulad na sila ng mga anghel; at sila'y mga anak ng Dios, palibhasa'y mga anak ng pagkabuhay na maguli. 042 LUK 020 037 Datapuwa't tungkol sa pagbabangon ng mga patay, ay ipinakilala rin naman ni Moises sa Mababang punong kahoy, nang tinawag niya ang Panginoon na Dios ni Abraham, at Dios ni Isaac, at Dios ni Jacob. 042 LUK 020 038 Siya nga'y hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: sapagka't nangabubuhay sa kaniya ang lahat. 042 LUK 020 039 At pagsagot ng ilan sa mga eskriba, ay nangagsabi, Guro, mabuti ang pagkasabi mo. 042 LUK 020 040 Sapagka't hindi na nga sila nangahas tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong. 042 LUK 020 041 At kaniyang sinabi sa kanila, Paanong sinasabi nila na ang Cristo ay anak ni David? 042 LUK 020 042 Sapagka't si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa aking kanan, 042 LUK 020 043 Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa. 042 LUK 020 044 Dahil dito tinatawag siyang Panginoon ni David, at paanong siya'y anak niya? 042 LUK 020 045 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, na naririnig ng buong bayan, 042 LUK 020 046 Mangagingat kayo sa mga eskriba na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at iniibig nila ang sila'y pagpugayan sa mga pamilihan, at ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong dako sa mga pigingan; 042 LUK 020 047 Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing bao, at sa pagpakunwaring banal ay nanalangin ng mahaba: ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan. 042 LUK 021 001 At siya'y tumunghay, at nakita ang mga taong mayayaman na nangaghuhulog ng kanilang mga alay sa kabangyaman. 042 LUK 021 002 At nakita niya ang isang dukhang babaing bao na doo'y naghuhulog ng dalawang lepta. 042 LUK 021 003 At sinabi niya, Sa katotohana'y sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang lahat. 042 LUK 021 004 Sapagka't ang lahat ng mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya, sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya. 042 LUK 021 005 At samantalang sinasalita ng ilan ang tungkol sa templo, kung paanong ito'y pinalamutihan ng magagandang bato at mga hain, ay kaniyang sinabi, 042 LUK 021 006 Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita, ay darating ang mga araw, na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak. 042 LUK 021 007 At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito? 042 LUK 021 008 At sinabi niya, Mangagingat kayo na huwag kayong mangailigaw: sapagka't marami ang paririto sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at, Malapit na ang panahon: huwag kayong magsisunod sa kanila. 042 LUK 021 009 At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak: sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito; datapuwa't hindi pa malapit ang wakas. 042 LUK 021 010 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa, at ang isang kaharian laban sa kaharian; 042 LUK 021 011 At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit. 042 LUK 021 012 Datapuwa't bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, ay huhulihin kayo, at paguusigin kayo, na kayo'y ibibigay sa mga sinagoga at sa mga bilangguan, na kayo'y dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. 042 LUK 021 013 Ito'y magiging patotoo sa inyo. 042 LUK 021 014 Pagtibayin nga ninyo ang inyong mga puso, na huwag munang isipin kung paano ang inyong isasagot: 042 LUK 021 015 Sapagka't bibigyan ko kayo ng isang bibig at karunungan, na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit. 042 LUK 021 016 Datapuwa't kayo'y ibibigay ng kahit mga magulang, at mga kapatid, at mga kamaganak, at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang iba sa inyo. 042 LUK 021 017 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan. 042 LUK 021 018 At hindi mawawala kahit isang buhok ng inyong ulo. 042 LUK 021 019 Sa inyong pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa. 042 LUK 021 020 Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na. 042 LUK 021 021 Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan. 042 LUK 021 022 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat. 042 LUK 021 023 Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito. 042 LUK 021 024 At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil. 042 LUK 021 025 At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong; 042 LUK 021 026 Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit. 042 LUK 021 027 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 042 LUK 021 028 Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo. 042 LUK 021 029 At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga: Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punong kahoy: 042 LUK 021 030 Pagka nangagdadahon na sila, ay nakikita ninyo at nalalaman ninyo sa inyong sarili na malapit na ang tagaraw. 042 LUK 021 031 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Dios. 042 LUK 021 032 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. 042 LUK 021 033 Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas. 042 LUK 021 034 Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo: 042 LUK 021 035 Sapagka't gayon darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa. 042 LUK 021 036 Datapuwa't mangagpuyat kayo sa bawa't panahon, na mangagsidaing, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao. 042 LUK 021 037 At araw-araw ay nagtuturo siya sa templo; at lumalabas gabi-gabi at tumatahan sa bundok na tinatawag na Olivo. 042 LUK 021 038 At ang buong bayan ay maagang pumaparoon sa kaniya sa templo, upang makinig sa kaniya. 042 LUK 022 001 Malapit na nga ang pista ng mga tinapay na walang lebadura, na tinatawag na Paskua. 042 LUK 022 002 At pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong kanilang maipapapatay siya; sapagka't nangatatakot sila sa bayan. 042 LUK 022 003 At pumasok si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa labingdalawa. 042 LUK 022 004 At siya'y umalis, at nakipagusap sa mga pangulong saserdote at mga punong kawal kung paanong maibibigay niya siya sa kanila. 042 LUK 022 005 At sila'y nangagalak, at pinagkasunduang bigyan siya ng salapi. 042 LUK 022 006 At pumayag siya, at humanap ng ukol na panahon upang kaniyang maibigay siya sa kanila, nang hindi kaharap ang karamihan. 042 LUK 022 007 At dumating ang araw ng mga tinapay na walang lebadura, na noon ay kinakailangang ihain ang paskua. 042 LUK 022 008 At sinugo niya si Pedro at si Juan, na sinasabi, Magsihayo kayo at magsipaghanda kayo ng kordero ng paskua para sa atin, upang tayo'y magsikain. 042 LUK 022 009 At kanilang sinabi sa kaniya, Saan mo ibig na aming ihanda? 042 LUK 022 010 At kaniyang sinabi sa kanila, Narito, pagpasok ninyo sa bayan, ay masasalubong ninyo ang isang lalake na may dalang isang bangang tubig; sundan ninyo siya hanggang sa bahay na kaniyang papasukan. 042 LUK 022 011 At sasabihin ninyo sa puno ng sangbahayan, Sinasabi ng Guro sa iyo, Saan naroon ang tuluyang aking makakanan ng kordero ng paskua na kasalo ng aking mga alagad? 042 LUK 022 012 At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nagagayakan: doon ninyo ihanda. 042 LUK 022 013 At nagsiparoon sila, at nasumpungan ayon sa sinabi niya sa kanila: at inihanda nila ang kordero ng paskua. 042 LUK 022 014 At nang dumating ang oras, ay naupo siya, at ang mga apostol ay kasalo niya. 042 LUK 022 015 At sinabi niya sa kanila, Pinakahahangad kong kanin na kasalo ninyo ang kordero ng paskuang ito bago ako maghirap: 042 LUK 022 016 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, Ito'y hindi ko kakanin, hanggang sa ito'y maganap sa kaharian ng Dios. 042 LUK 022 017 At siya'y tumanggap ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay sinabi niya, Kunin ninyo ito, at inyong pagbahabahaginin: 042 LUK 022 018 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom mula ngayon ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Dios. 042 LUK 022 019 At siya'y dumampot ng tinapay, at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito'y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. 042 LUK 022 020 Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo. 042 LUK 022 021 Datapuwa't narito, ang kamay ng nagkakanulo sa akin, ay kasalo ko sa dulang. 042 LUK 022 022 Sapagka't ang Anak ng tao nga ay yayaon, ayon sa itinakda: datapuwa't sa aba niyaong taong nagkakanulo sa kaniya! 042 LUK 022 023 At sila'y nagpasimulang nangagtanungan sa isa't isa, kung sino sa kanila ang gagawa ng bagay na ito. 042 LUK 022 024 At nagkaroon naman ng isang pagtatalotalo sa gitna nila, kung sino kaya sa kanila ang ibibilang na pinakadakila. 042 LUK 022 025 At kaniyang sinabi sa kanila, Ang mga hari ng mga Gentil ay napapanginoon sa kanila; at ang mga may kapamahalaan sa kanila'y tinatawag na mga Tagapagpala. 042 LUK 022 026 Datapuwa't sa inyo'y hindi gayon: kundi bagkus ang lalong dakila sa inyo ay maging tulad sa lalong bata; at ang nangungulo ay maging gaya ng naglilingkod. 042 LUK 022 027 Sapagka't alin ang lalong dakila, ang nakaupo baga sa dulang, o ang naglilingkod? hindi baga ang nakaupo sa dulang? datapuwa't ako'y nasa gitna ninyo na gaya niyaong naglilingkod. 042 LUK 022 028 Datapuwa't kayo ay yaong nagsipanatili sa akin sa mga pagtukso sa akin; 042 LUK 022 029 At kayo'y inihahalal kong isang kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama, 042 LUK 022 030 Upang kayo'y magsikain at magsiinom sa aking dulang sa kaharian ko; at kayo'y magsisiupo sa mga luklukan, na inyong huhukuman ang labingdalawang angkan ni Israel. 042 LUK 022 031 Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo: 042 LUK 022 032 Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung makapagbalik ka nang muli, ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid. 042 LUK 022 033 At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nakatalaga akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan. 042 LUK 022 034 At kaniyang sinabi, Sinasabi ko sa iyo, Pedro, na hindi titilaok ngayon ang manok, hanggang sa ikaila mong makaitlo na ako'y hindi mo nakikilala. 042 LUK 022 035 At sinabi niya sa kanila, Nang kayo'y suguin ko na walang supot ng salapi, at supot ng pagkain, at mga pangyapak, kinulang baga kayo ng anoman? At kanilang sinabi, Hindi. 042 LUK 022 036 At sinabi niya sa kanila, Nguni't ngayon, ang mayroong supot ng salapi ay dalhin ito, at gayon din ang supot ng pagkain; at ang wala, ay ipagbili niya ang kaniyang balabal, at bumili ng isang tabak. 042 LUK 022 037 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kinakailangang matupad sa akin itong nasusulat, At ibinilang siya sa mga suwail: sapagka't ang nauukol sa akin ay may katuparan. 042 LUK 022 038 At sinabi nila, Panginoon, narito ang dalawang tabak. At sinabi niya sa kanila, Sukat na. 042 LUK 022 039 At siya'y lumabas, at pumaroon, ayon sa kaniyang kaugalian, sa bundok ng mga Olivo; at nagsisunod naman sa kaniya ang mga alagad. 042 LUK 022 040 At nang siya'y dumating sa dakong yaon, ay sinabi niya sa kanila, Magsipanalangin kayo nang huwag kayong magsipasok sa tukso. 042 LUK 022 041 At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin, 042 LUK 022 042 Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo. 042 LUK 022 043 At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya. 042 LUK 022 044 At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa. 042 LUK 022 045 At nang magtindig siya sa kaniyang pananalangin, ay lumapit siya sa mga alagad, at naratnan silang nangatutulog dahil sa hapis, 042 LUK 022 046 At sinabi sa kanila, Bakit kayo nangatutulog? mangagbangon kayo at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso. 042 LUK 022 047 Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang karamihan, at siyang tinatawag na Judas, na isa sa labingdalawa, ay nangunguna sa kanila; at siya'y lumapit kay Jesus upang ito'y hagkan. 042 LUK 022 048 Datapuwa't sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao? 042 LUK 022 049 At nang makita ng mga kasama niya ang mangyayari, ay kanilang sinabi, Panginoon, magsisipanaga baga kami ng tabak? 042 LUK 022 050 At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kanang tainga niya. 042 LUK 022 051 Datapuwa't sumagot si Jesus, na nagsabi, Pabayaan ninyo sila hanggang dito. At hinipo niya ang tainga ng alipin, at ito'y pinagaling. 042 LUK 022 052 At sinabi ni Jesus sa mga pangulong saserdote, at sa mga punong kawal sa templo, at sa mga matanda, na nagsidating laban sa kaniya, Kayo'y nagsilabas, na tila laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas? 042 LUK 022 053 Nang ako'y kasama ninyo sa templo araw-araw, ay hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay laban sa akin; datapuwa't ito ang inyong oras, at ang kapangyarihan ng kadiliman. 042 LUK 022 054 At kanilang dinakip siya, at dinala siya, at ipinasok siya sa bahay ng pangulong saserdote. Datapuwa't sa malayo'y sumusunod si Pedro. 042 LUK 022 055 At nang makapagpadikit nga sila ng apoy sa gitna ng looban, at mangakaupong magkakasama, si Pedro ay nakiumpok sa gitna nila. 042 LUK 022 056 At isang alilang babae, na nakakakita sa kaniya samantalang siya'y nakaupo sa liwanag ng apoy, ay tinitigan siya, at sinabi, Ang taong ito ay kasama rin niya. 042 LUK 022 057 Datapuwa't siya'y nagkaila, na nagsasabi, Babae, hindi ko siya nakikilala. 042 LUK 022 058 At pagkaraan ng isang sangdali ay nakita siya ng iba, at sinabi, Ikaw man ay isa sa kanila. Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, ako'y hindi. 042 LUK 022 059 At nang makaraan ang may isang oras, ay pinatotohanan ng iba pa, na nagsasabi, Sa katotohanan, ang taong ito'y kasama rin niya; sapagka't siya'y Galileo. 042 LUK 022 060 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, hindi ko nalalaman ang sinasabi mo. At pagdaka, samantalang siya'y nagsasalita pa, ay tumilaok ang manok. 042 LUK 022 061 At lumingon ang Panginoon, at tinitigan si Pedro. At naalaala ni Pedro ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya sa kaniya, Bago tumilaok ang manok ngayon, ay ikakaila mo akong makaitlo. 042 LUK 022 062 At siya'y lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan. 042 LUK 022 063 At nililibak si Jesus, at siya'y sinasaktan ng mga taong nangagbabantay. 042 LUK 022 064 At siya'y piniringan nila, at tinatanong siya, na sinasabi, Hulaan mo; sino ang sa iyo'y humampas? 042 LUK 022 065 At sinabi nila ang ibang maraming bagay laban sa kaniya, na siya'y inaalimura. 042 LUK 022 066 At nang araw na, ay nagkatipon ang kapulungan ng matatanda sa bayan, ang mga pangulong saserdote, at gayon din ang mga eskriba, at dinala siya sa kanilang Sanedrin, na sinasabi, 042 LUK 022 067 Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mo sa amin. Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Kung sabihin ko sa inyo, ay hindi ninyo ako paniniwalaan: 042 LUK 022 068 At kung kayo'y aking tanungin, ay hindi kayo magsisisagot. 042 LUK 022 069 Datapuwa't magmula ngayon ang Anak ng tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Dios. 042 LUK 022 070 At sinabi nilang lahat, Kung gayo'y ikaw baga ang Anak ng Dios? At sinabi niya sa kanila, Kayo ang nangagsasabi na ako nga. 042 LUK 022 071 At sinabi nila, Ano pa ang kailangan natin ng patotoo? sapagka't tayo rin ang nangakarinig sa kaniyang sariling bibig. 042 LUK 023 001 At nagsitindig ang buong kapulungan nila, at dinala siya sa harap ni Pilato. 042 LUK 023 002 At nangagpasimula silang isumbong siya, na sinasabi, Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa, at ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar, at sinasabi na siya rin nga ang Cristo, ang hari. 042 LUK 023 003 At tinanong siya ni Pilato, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sumagot siya at sinabi, Ikaw ang nagsasabi. 042 LUK 023 004 At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan, Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito. 042 LUK 023 005 Datapuwa't sila'y lalong nangagpipilit na sinasabi, Ginugulo niya ang bayan, na nagtuturo sa buong Judea, magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito. 042 LUK 023 006 Datapuwa't nang ito'y marinig ni Pilato, ay itinanong niya kung ang taong yaon ay Galileo. 042 LUK 023 007 At nang maunawa na siya'y nasasakop ni Herodes, ay ipinadala niya siya kay Herodes, na nang mga araw na yaon ay nasa Jerusalem din naman. 042 LUK 023 008 Nang makita nga ni Herodes si Jesus, ay nagalak siyang lubha: sapagka't malaon nang hinahangad niya na makita siya, sapagka't siya'y nakabalita tungkol sa kaniya; at siya'y naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya. 042 LUK 023 009 At tinanong niya siya ng maraming salita; datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anoman. 042 LUK 023 010 At ang mga pangulong saserdote at mga eskriba ay nagsitindig, na isinusumbong siyang mainam. 042 LUK 023 011 At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya, at siya'y nilibak, at sinuutan siya ng maringal na damit, at ipinabalik siya kay Pilato. 042 LUK 023 012 At nang araw ding yaon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato: sapagka't dating sila'y nagkakagalit. 042 LUK 023 013 At tinipon ni Pilato ang mga pangulong saserdote, at ang mga pinuno at ang bayan, 042 LUK 023 014 At sinabi sa kanila, Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan: at narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito, tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya; 042 LUK 023 015 Wala, kahit si Herodes man; sapagka't siya'y ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya. 042 LUK 023 016 Siya nga'y aking parurusahan, at siya'y pawawalan. 042 LUK 023 017 Kinakailangan nga niyang sa kanila'y magpakawala ng isang bilanggo sa kapistahan. 042 LUK 023 018 Datapuwa't silang lahat ay nagsisigawang paminsan, na nangagsabi, Alisin mo ang taong ito, at pawalan mo sa amin si Barrabas: 042 LUK 023 019 Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan, at sa pagpatay. 042 LUK 023 020 At si Pilato'y nagsalitang muli sa kanila, sa pagnanais na pawalan si Jesus; 042 LUK 023 021 Datapuwa't sila'y nagsigawan, na sinasabi, Ipako sa krus, ipako siya sa krus. 042 LUK 023 022 At kaniyang sinabi sa kanila, na bilang ikatlo, Bakit, anong masama ang ginawa ng taong ito? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya: parurusahan ko nga siya, at siya'y pawawalan. 042 LUK 023 023 Datapuwa't pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig, na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig. 042 LUK 023 024 At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi, 042 LUK 023 025 At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, na siyang kanilang hiningi; datapuwa't ibinigay si Jesus sa kalooban nila. 042 LUK 023 026 At nang siya'y kanilang dalhin ay kanilang pinigil ang isang Simong taga Cirene, na nanggaling sa bukid, at ipinasan sa kaniya ang krus, upang dalhin sa likuran ni Jesus. 042 LUK 023 027 At siya'y sinusundan ng isang makapal na karamihan sa bayan, at ng mga babaing nagiiyakan at nananambitan dahil sa kaniya. 042 LUK 023 028 Datapuwa't paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi, Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak. 042 LUK 023 029 Sapagka't narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso. 042 LUK 023 030 Kung magkagayon ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami. 042 LUK 023 031 Sapagka't kung ginagawa ang mga bagay na ito sa punong kahoy na sariwa, ano kaya ang gagawin sa tuyo? 042 LUK 023 032 At dinala rin naman na kasama niya, ang dalawang tampalasan, upang patayin. 042 LUK 023 033 At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa. 042 LUK 023 034 At sinabi ni Jesus, Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan. 042 LUK 023 035 At nakatayong nanonood ang bayan. At tinutuya naman siya ng mga pinuno, na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; iligtas niya ang kaniyang sarili, kung ito ang Cristo ng Dios, ang hinirang niya. 042 LUK 023 036 At nililibak rin naman siya ng mga kawal, na nagsisilapit sa kaniya, na dinudulutan siya ng suka, 042 LUK 023 037 At sinabi, Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili. 042 LUK 023 038 At mayroon naman sa itaas niya na isang pamagat, ITO'Y ANG HARI NG MGA JUDIO. 042 LUK 023 039 At siya'y inalipusta ng isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami. 042 LUK 023 040 Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan? 042 LUK 023 041 At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama. 042 LUK 023 042 At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian. 042 LUK 023 043 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso. 042 LUK 023 044 At nang may oras na ikaanim na, ay nagdilim sa ibabaw ng buong lupa, hanggang sa oras na ikasiyam, 042 LUK 023 045 At nagdilim ang araw: at nahapak sa gitna ang tabing ng templo. 042 LUK 023 046 At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga. 042 LUK 023 047 At nang makita ng senturion ang nangyari, ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi, Tunay na ito'y isang taong matuwid. 042 LUK 023 048 At ang lahat ng mga karamihang nangagkatipon sa panonood nito, pagkakita nila sa mga bagay na nangyari ay nangagsiuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib. 042 LUK 023 049 At ang lahat ng mga kakilala niya at ang mga babaing sa kaniya'y nagsisunod buhat sa Galilea, at nangasa malayo na pinagmamasdan ang mga bagay na ito. 042 LUK 023 050 At narito ang isang lalaking nagngangalang Jose, na isang kasangguni, isang lalaking mabuti at matuwid: 042 LUK 023 051 (Siya'y hindi umayon sa kanilang payo at gawa), isang lalaking taga Arimatea, bayan ng mga Judio, na naghihintay ng kaharian ng Dios; 042 LUK 023 052 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato: at hiningi ang bangkay ni Jesus. 042 LUK 023 053 At ito'y ibinababa niya, at binalot ng isang kayong lino, at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato, na doo'y wala pang nalilibing. 042 LUK 023 054 At noo'y araw ng Paghahanda, at nalalapit na ang sabbath. 042 LUK 023 055 At ang mga babae, na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea, ay nagsisunod, at tiningnan ang libingan, at kung paano ang pagkalagay ng kaniyang bangkay. 042 LUK 023 056 At sila'y nagsiuwi, at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento. At nang araw ng sabbath sila'y nangagpahinga ayon sa utos. 042 LUK 024 001 Datapuwa't nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga pabango na kanilang inihanda. 042 LUK 024 002 At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan. 042 LUK 024 003 At sila'y nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus. 042 LUK 024 004 At nangyari, na samantalang sila'y nangatitilihan dahil dito, narito, tumayo sa tabi nila ang dalawang lalake na nakasisilaw ang mga damit: 042 LUK 024 005 At nang sila'y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa gitna ng mga patay? 042 LUK 024 006 Wala siya rito, datapuwa't nagbangon: alalahanin ninyo ang salita niya sa inyo nang siya'y nasa Galilea pa, 042 LUK 024 007 Na sinasabi, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan, at ipako sa krus, at magbangong muli sa ikatlong araw. 042 LUK 024 008 At naalaala nila ang kaniyang mga salita, 042 LUK 024 009 At nagsibalik mula sa libingan, at ibinalita ang lahat ng mga bagay na ito sa labingisa, at sa lahat ng mga iba pa. 042 LUK 024 010 Sila nga'y si Maria Magdalena, si Juana, at si Mariang ina ni Santiago: at iba pang mga babaing kasama nila ang nangagbalita ng mga bagay na ito sa mga apostol. 042 LUK 024 011 At ang mga salitang ito'y inakala nilang walang kabuluhan; at hindi nila pinaniwalaan. 042 LUK 024 012 Datapuwa't nagtindig si Pedro, at tumakbo sa libingan; at nang siya'y tumungo pagtingin niya sa loob, ay nakita niya ang mga kayong lino na nangasa isang tabi; at umuwi siya sa kaniyang bahay na nanggigilalas sa nangyaring yaon. 042 LUK 024 013 At narito, dalawa sa kanila ay naparoroon nang araw ding yaon sa isang nayong ngala'y Emaus, na may anim na pung estadio ang layo sa Jerusalem. 042 LUK 024 014 At kanilang pinaguusapan ang lahat ng mga bagay na nangyari. 042 LUK 024 015 At nangyari, na samantalang sila'y naguusap at nagtatanongan, na si Jesus din ay lumapit, at nakisabay sa kanila. 042 LUK 024 016 Datapuwa't sa mga mata nila'y may nakatatakip upang siya'y huwag nilang makilala. 042 LUK 024 017 At sinabi niya sa kanila, Ano ang mga salitaan ninyong ito sa inyong paglalakad? At sila'y nagsitigil, na nangalulumbay ang mga mukha. 042 LUK 024 018 At isa sa kanila, na nagngangalang Cleopas, sa pagsagot ay sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y nakikipamayan lamang sa Jerusalem, at hindi nakaalam ng mga bagay na doo'y nangyari nang mga araw na ito? 042 LUK 024 019 At sinabi niya sa kanila, Anong mga bagay? At sinabi nila sa kaniya, Ang mga bagay tungkol kay Jesus na Nazareno, na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Dios at ng buong bayan: 042 LUK 024 020 At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan sa kamatayan, at siya'y ipako sa krus. 042 LUK 024 021 Datapuwa't hinihintay naming siya ang tutubos sa Israel. Oo at bukod sa lahat ng mga ito ay ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito. 042 LUK 024 022 Bukod sa rito iba sa mga babaing kasamahan namin na nagsiparoong maaga sa libingan, ay nakapagtaka sa amin; 042 LUK 024 023 At nang hindi mangasumpungan ang kaniyang bangkay, ay nangagbalik sila, na nangagsabing sila nama'y nakakita ng isang pangitain ng mga anghel, na nangagsabing siya'y buhay. 042 LUK 024 024 At nagsiparoon sa libingan ang ilang kasama namin, at nasumpungan nila alinsunod sa sinabi ng mga babae: datapuwa't siya'y hindi nila nakita. 042 LUK 024 025 At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta! 042 LUK 024 026 Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? 042 LUK 024 027 At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan. 042 LUK 024 028 At sila'y malapit na sa nayong kanilang paroroonan: at naganyo siyang wari may paroroonang lalo pang malayo. 042 LUK 024 029 At siya'y kanilang pinigil, na sinasabi, tumuloy ka sa amin, sapagka't gumagabi na, at kumikiling na ang araw. At pumasok siya upang tumuloy sa kanila. 042 LUK 024 030 At nangyari, nang siya'y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito'y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila. 042 LUK 024 031 At nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya'y nakilala nila; at siya'y nawala sa kanilang mga paningin. 042 LUK 024 032 At sila-sila'y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo'y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan? 042 LUK 024 033 At sila'y nagsitindig sa oras ding yaon, at nangagbalik sa Jerusalem, at naratnang nangagkakatipon ang labingisa, at ang kanilang mga kasama. 042 LUK 024 034 Na nangagsasabi, Tunay na nagbangong muli ang Panginoon, at napakita kay Simon, 042 LUK 024 035 At isinaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan, at kung paanong siya'y nakilala nila nang pagputolputulin ang tinapay. 042 LUK 024 036 At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo. 042 LUK 024 037 Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. 042 LUK 024 038 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? 042 LUK 024 039 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. 042 LUK 024 040 At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. 042 LUK 024 041 At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? 042 LUK 024 042 At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. 042 LUK 024 043 At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila. 042 LUK 024 044 At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit. 042 LUK 024 045 Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan; 042 LUK 024 046 At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw; 042 LUK 024 047 At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem. 042 LUK 024 048 Kayo'y mga saksi ng mga bagay na ito. 042 LUK 024 049 At narito, ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapuwa't magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo'y masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas. 042 LUK 024 050 At kaniyang dinala sila sa labas hanggang sa tapat ng Betania: at itinaas niya ang kaniyang mga kamay, at sila'y binasbasan. 042 LUK 024 051 At nangyari, na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit. 042 LUK 024 052 At siya'y sinamba nila, at nagsibalik sila sa Jerusalem na may malaking galak: 042 LUK 024 053 At palaging sila'y nasa templo, na nangagpupuri sa Dios. # # BOOK 043 JOH John Juan 043 JOH 001 001 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. 043 JOH 001 002 Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. 043 JOH 001 003 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. 043 JOH 001 004 Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao. 043 JOH 001 005 At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman; at ito'y hindi napagunawa ng kadiliman. 043 JOH 001 006 Naparito ang isang tao, na sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay Juan. 043 JOH 001 007 Ito'y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya'y magsisampalataya ang lahat. 043 JOH 001 008 Hindi siya ang ilaw, kundi pumarito upang kaniyang patotohanan ang ilaw. 043 JOH 001 009 Nagkaroon ng tunay na ilaw, sa makatuwid baga'y ang ilaw na lumiliwanag sa bawa't tao, na pumaparito sa sanglibutan. 043 JOH 001 010 Siya'y nasa sanglibutan, at ang sanglibuta'y ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan. 043 JOH 001 011 Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya. 043 JOH 001 012 Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: 043 JOH 001 013 Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios. 043 JOH 001 014 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. 043 JOH 001 015 Pinatotohanan siya ni Juan, at sumigaw, na nagsasabi, Ito yaong aking sinasabi, Ang pumaparitong nasa hulihan ko ay magiging una sa akin: sapagka't siya'y una sa akin. 043 JOH 001 016 Sapagka't sa kaniyang kapuspusan ay nagsitanggap tayong lahat, at biyaya sa biyaya. 043 JOH 001 017 Sapagka't ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan; ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating sa pamamagitan ni Jesu-cristo. 043 JOH 001 018 Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya. 043 JOH 001 019 At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga? 043 JOH 001 020 At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo. 043 JOH 001 021 At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi. 043 JOH 001 022 Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? Upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili? 043 JOH 001 023 Sinabi niya, Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias. 043 JOH 001 024 At sila'y sinugo buhat sa mga Fariseo. 043 JOH 001 025 At sa kaniya'y kanilang itinanong, at sinabi sa kaniya, Bakit nga bumabautismo ka, kung hindi ikaw ang Cristo, ni si Elias, ni ang propeta? 043 JOH 001 026 Sila'y sinagot ni Juan, na nagsasabi, Ako'y bumabautismo sa tubig: datapuwa't sa gitna ninyo'y may isang nakatayo na hindi ninyo nakikilala, 043 JOH 001 027 Siya nga ang pumaparitong sumusunod sa akin, na sa kaniya'y hindi ako karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang pangyapak. 043 JOH 001 028 Ang mga bagay na ito'y ginawa sa Betania, sa dako pa roon ng Jordan, na pinagbabautismuhan ni Juan. 043 JOH 001 029 Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan! 043 JOH 001 030 Ito yaong aking sinasabi, Sa hulihan ko'y dumarating ang isang lalake na magiging una sa akin: sapagka't siya'y una sa akin. 043 JOH 001 031 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't upang siya'y mahayag sa Israel, dahil dito'y naparito ako na bumabautismo sa tubig. 043 JOH 001 032 At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya. 043 JOH 001 033 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo. 043 JOH 001 034 At aking nakita, at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios. 043 JOH 001 035 Nang kinabukasan ay muling nakatayo si Juan, at ang dalawa sa kaniyang mga alagad; 043 JOH 001 036 At kaniyang tiningnan si Jesus samantalang siya'y naglalakad, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios! 043 JOH 001 037 At narinig siyang nagsalita ng dalawang alagad, at sila'y nagsisunod kay Jesus. 043 JOH 001 038 At lumingon si Jesus, at nakita silang nagsisisunod, at sinabi sa kanila, Ano ang inyong hinahanap? At sinabi nila sa kaniya, Rabi (na kung liliwanagin, ay Guro), saan ka tumitira? 043 JOH 001 039 Sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo, at inyong makikita. Nagsiparoon nga sila at nakita kung saan siya tumitira; at sila'y nagsitirang kasama niya nang araw na yaon: noo'y magiikasangpu na ang oras. 043 JOH 001 040 Ang isa sa dalawang nakarinig ng pagsasalita ni Juan, at sumunod sa kaniya, ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. 043 JOH 001 041 Una niyang nasumpungan ang kaniyang sariling kapatid na si Simon, at sa kaniya'y sinabi, Nasumpungan namin ang Mesias (na kung liliwanagin, ay ang Cristo). 043 JOH 001 042 Siya'y kaniyang dinala kay Jesus. Siya'y tiningnan ni Jesus, at sinabi, Ikaw ay si Simon na anak ni Juan: tatawagin kang Cefas (na kung liliwanagin, ay Pedro). 043 JOH 001 043 Nang kinabukasan ay pinasiyahan niyang pumaroon sa Galilea, at kaniyang nasumpungan si Felipe: at sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Sumunod ka sa akin. 043 JOH 001 044 Si Felipe nga ay taga Betsaida, sa bayan ni Andres at ni Pedro. 043 JOH 001 045 Nasumpungan ni Felipe si Natanael, at sinabi sa kaniya, Nasumpungan namin yaong isinulat ni Moises sa kautusan, at gayon din ng mga propeta, si Jesus na taga Nazaret, ang anak ni Jose. 043 JOH 001 046 At sinabi sa kaniya ni Natanael, Mangyayari bagang lumitaw ang anomang magaling na bagay sa Nazaret? Sinabi sa kaniya ni Felipe, Pumarito ka at tingnan mo. 043 JOH 001 047 Nakita ni Jesus si Natanael na lumalapit sa kaniya, at sinabi ang tungkol sa kaniya, Narito, ang isang tunay na Israelita, na sa kaniya'y walang daya! 043 JOH 001 048 Sinabi sa kaniya ni Natanael, Saan mo ako nakilala? Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Bago ka tinawag ni Felipe, nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos, ay nakita kita. 043 JOH 001 049 Sumagot si Natanael sa kaniya, Rabi, ikaw ang Anak ng Dios; ikaw ang Hari ng Israel. 043 JOH 001 050 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Dahil baga sa sinabi ko sa iyo, Kita'y nakita sa ilalim ng puno ng igos, kaya ka sumasampalataya? makikita mo ang mga bagay na lalong dakila kay sa rito. 043 JOH 001 051 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik-manaog sa ulunan ng Anak ng tao. 043 JOH 002 001 At nang ikatlong araw ay nagkaroon ng isang kasalan sa Cana ng Galilea; at naroon ang ina ni Jesus: 043 JOH 002 002 At inanyayahan din naman si Jesus, at ang kaniyang mga alagad, sa kasalan. 043 JOH 002 003 At nang magkulang ng alak, ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Wala silang alak. 043 JOH 002 004 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, anong pakialam ko sa iyo? ang aking oras ay hindi pa dumarating. 043 JOH 002 005 Sinabi ng kaniyang ina sa mga alila, Gawin ninyo ang anomang sa inyo'y kaniyang sabihin. 043 JOH 002 006 Mayroon nga roong anim na tapayang bato na nalalagay alinsunod sa kaugaliang paglilinis ng mga Judio, na naglalaman ang bawa't isa ng dalawa o tatlong bangang tubig. 043 JOH 002 007 Sinabi sa kanila ni Jesus, Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan. At kanilang pinuno hanggang sa labi. 043 JOH 002 008 At sinabi niya sa kanila, Kunin ninyo ngayon, at inyong iharap sa pangulo ng kapistahan. At kanilang iniharap. 043 JOH 002 009 At nang matikman ng pangulo ng kapistahan ang tubig na naging alak nga, at hindi niya nalalaman kung saan buhat (datapuwa't nalalaman ng mga alila na nagsikuha ng tubig), ay tinawag ng pangulo ng kapistahan ang kasintahang lalake, 043 JOH 002 010 At sinabi sa kaniya, Ang bawa't tao ay unang inilalagay ang mabuting alak; at kung mangakainom nang mabuti ang mga tao, ay saka inilalagay ang pinakamasama: itinira mo ang mabuting alak hanggang ngayon. 043 JOH 002 011 Ang pasimulang ito ng kaniyang mga tanda ay ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea, at inihayag ang kaniyang kaluwalhatian; at nagsisampalataya sa kaniya ang kaniyang mga alagad. 043 JOH 002 012 Pagkatapos nito ay lumusong siya sa Capernaum, siya, at ang kaniyang ina, at ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga alagad; at sila'y nangatira roong hindi maraming araw. 043 JOH 002 013 At malapit na ang paskua ng mga Judio, at umahon si Jesus sa Jerusalem. 043 JOH 002 014 At nasumpungan niya sa templo yaong nangagbibili ng mga baka at mga tupa at mga kalapati, at ang mga mamamalit ng salapi na nangakaupo: 043 JOH 002 015 At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid, itinaboy niyang lahat sa templo, ang mga tupa at gayon din ang mga baka; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit, at ginulo ang kanilang mga dulang; 043 JOH 002 016 At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; huwag ninyong gawin ang bahay ng aking Ama na bahay-kalakal. 043 JOH 002 017 Napagalaala ng kaniyang mga alagad na nasusulat, Kakanin ako ng sikap sa iyong bahay. 043 JOH 002 018 Ang mga Judio nga'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Anong tanda ang maipakikita mo sa amin, yamang ginawa mo ang mga bagay na ito? 043 JOH 002 019 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Igiba ninyo ang templong ito, at aking itatayo sa tatlong araw. 043 JOH 002 020 Sinabi nga ng mga Judio, Apat na pu't anim na taon ang pagtatayo ng templong ito, at itatayo sa tatlong araw? 043 JOH 002 021 Datapuwa't sinasalita niya ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan. 043 JOH 002 022 Nang magbangon na maguli nga siya sa mga patay, ay naalaala ng kaniyang mga alagad na sinalita niya ito; at nagsisampalataya sila sa kasulatan, at sa salitang sinabi ni Jesus. 043 JOH 002 023 Nang siya nga'y nasa Jerusalem nang paskua, sa loob ng panahon ng kapistahan, ay marami ang mga nagsisampalataya sa kaniyang pangalan, pagkakita ng kaniyang mga tandang ginawa. 043 JOH 002 024 Datapuwa't si Jesus sa kaniyang sarili ay hindi rin nagkatiwala sa kanila, sapagka't nakikilala niya ang lahat ng mga tao, 043 JOH 002 025 Sapagka't hindi niya kinakailangan na ang sinoman ay magpatotoo tungkol sa tao; sapagka't nalalaman nga niya ang isinasaloob ng tao. 043 JOH 003 001 May isang lalake nga sa mga Fariseo, na nagngangalang Nicodemo, isang pinuno ng mga Judio: 043 JOH 003 002 Ito rin ay naparoon sa kaniya nang gabi, at sa kaniya'y nagsabi, Rabi, nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Dios; sapagka't walang makagagawa ng mga tanda na iyong ginagawa, maliban na kung sumasa kaniya ang Dios. 043 JOH 003 003 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios. 043 JOH 003 004 Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak? 043 JOH 003 005 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios. 043 JOH 003 006 Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga. 043 JOH 003 007 Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli. 043 JOH 003 008 Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, nguni't hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang bawa't ipinanganak ng Espiritu. 043 JOH 003 009 Sumagot si Nicodemo at sa kaniya'y sinabi, Paanong pangyayari ng mga bagay na ito? 043 JOH 003 010 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ikaw ang guro sa Israel, at hindi mo nauunawa ang mga bagay na ito? 043 JOH 003 011 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ang nalalaman namin ay sinasalita namin, at ang aming nakita ay pinatototohanan namin; at hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo. 043 JOH 003 012 Kung sinabi ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa lupa at hindi ninyo pinaniniwalaan, paanong paniniwalaan ninyo kung sabihin ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa langit? 043 JOH 003 013 At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit. 043 JOH 003 014 At kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao; 043 JOH 003 015 Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan. 043 JOH 003 016 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 043 JOH 003 017 Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. 043 JOH 003 018 Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios. 043 JOH 003 019 At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa. 043 JOH 003 020 Sapagka't ang bawa't isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa. 043 JOH 003 021 Datapuwa't ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang mahayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa Dios. 043 JOH 003 022 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nagsiparoon si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Judea; at doon siya tumira na kasama nila, at bumabautismo. 043 JOH 003 023 At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagka't doo'y maraming tubig: at sila'y nagsiparoon, at nangabautismuhan. 043 JOH 003 024 Sapagka't hindi pa ipinapasok sa bilangguan si Juan. 043 JOH 003 025 Nagkaroon nga ng isang pakikipagtalo ang mga alagad ni Juan sa isang Judio tungkol sa paglilinis. 043 JOH 003 026 At sila'y nagparoon kay Juan, at sa kaniya'y sinabi, Rabi, yaong kasama mo sa dako pa roon ng Jordan, na binigyan mong patotoo, narito, siya'y bumabautismo, at ang lahat ng mga tao'y nagsisiparoon sa kaniya. 043 JOH 003 027 Sumagot si Juan at sinabi, Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit. 043 JOH 003 028 Kayo man ay magsisisaksi sa akin, na aking sinabi, Hindi ako ang Cristo, kundi, na ako'y sinugo sa unahan niya. 043 JOH 003 029 Ang nagtatangkilik sa kasintahang babae ay ang kasintahang lalake: datapuwa't ang kaibigan ng kasintahang lalake, na nakatayo at nakikinig sa kaniya, ay nagagalak na lubos dahil sa tinig ng kasintahang lalake: ito ngang aking kaligayahan ay naganap. 043 JOH 003 030 Siya'y kinakailangang dumakila, nguni't ako'y kinakailangang bumaba. 043 JOH 003 031 Ang nanggagaling sa itaas ay sumasaibabaw ng lahat: ang galing sa lupa ay taga lupa nga, at ang ukol sa lupa ang sinasalita niya: ang nanggagaling sa langit ay sumasaibabaw ng lahat. 043 JOH 003 032 At kaniyang nakita at narinig, ay siyang pinatototohanan niya; at walang taong tumatanggap ng kaniyang patotoo. 043 JOH 003 033 Ang tumatanggap ng kaniyang patotoo ay naglagay dito ng kaniyang tatak, na ang Dios ay totoo. 043 JOH 003 034 Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka't hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat. 043 JOH 003 035 Sinisinta ng Ama ang Anak, at inilagay sa kaniyang kamay ang lahat ng mga bagay. 043 JOH 003 036 Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya. 043 JOH 004 001 Nang maalaman nga ng Panginoon na nabalitaan ng mga Fariseo na si Jesus ay gumagawa at bumabautismo ng lalong maraming alagad kay sa kay Juan 043 JOH 004 002 (Bagaman hindi bumabautismo si Jesus, kundi ang kaniyang mga alagad), 043 JOH 004 003 Nilisan niya ang Judea, at naparoong muli sa Galilea. 043 JOH 004 004 At kinakailangang magdaan siya sa Samaria. 043 JOH 004 005 Sumapit nga siya sa isang bayan ng Samaria, na tinatawag na Sicar, malapit sa bahagi ng lupang ibinigay ni Jacob kay Jose na kaniyang anak: 043 JOH 004 006 At naroon ang balon ni Jacob. Si Jesus nga, nang napapagod na sa kaniyang paglalakbay, ay naupong gayon sa tabi ng balon. Magiikaanim na nga ang oras. 043 JOH 004 007 Dumating ang isang babaing taga Samaria upang umigib ng tubig: sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Painumin mo ako. 043 JOH 004 008 Sapagka't napasa bayan ang kaniyang mga alagad upang magsibili ng pagkain. 043 JOH 004 009 Sinabi nga sa kaniya ng babaing Samaritana, Paano ngang ikaw, na isang Judio, ay humingi ng maiinom sa akin, na ako'y babaing Samaritana? (Sapagka't hindi nangakikipagusap ang mga Judio sa mga Samaritano.) 043 JOH 004 010 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Kung napagkikilala mo ang kaloob ng Dios, at kung sino ang sa iyo'y nagsasabi, Painumin mo ako; ikaw ay hihingi sa kaniya, at ikaw ay bibigyan niya ng tubig na buhay. 043 JOH 004 011 Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, wala kang sukat isalok ng tubig, at malalim ang balon: saan nga naroon ang iyong tubig na buhay? 043 JOH 004 012 Dakila ka pa baga sa aming amang si Jacob, na sa ami'y nagbigay ng balon, at dito'y uminom siya, at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang mga hayop? 043 JOH 004 013 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Ang bawa't uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw: 043 JOH 004 014 Datapuwa't ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni't ang tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan. 043 JOH 004 015 Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, ibigay mo sa akin ang tubig na ito, upang ako'y huwag mauhaw, ni pumarito man sa ganito kalayo upang umigib pa. 043 JOH 004 016 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, tawagin mo ang iyong asawa, at pumarito ka. 043 JOH 004 017 Sumagot ang babae at sinabi sa kaniya, Wala akong asawa. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Mabuti ang pagkasabi mo, Wala akong asawa: 043 JOH 004 018 Sapagka't nagkaroon ka na ng limang asawa; at ang nasa iyo ngayon ay hindi mo asawa: dito'y sinabi mo ang katotohanan. 043 JOH 004 019 Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, napaghahalata kong ikaw ay isang propeta. 043 JOH 004 020 Nagsisamba ang aming mga magulang sa bundok na ito; at sinasabi ninyo, na sa Jerusalem ay siyang dakong kinakailangang pagsambahan ng mga tao. 043 JOH 004 021 Sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Babae, paniwalaan mo ako, na dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama. 043 JOH 004 022 Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin; sapagka't ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio. 043 JOH 004 023 Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya. 043 JOH 004 024 Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan. 043 JOH 004 025 Sinabi sa kaniya ng babae, Nalalaman ko na paririto ang Mesias (ang tinatawag na Cristo): na pagparito niya, ay ipahahayag niya sa amin ang lahat ng mga bagay. 043 JOH 004 026 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga. 043 JOH 004 027 At sa ganito'y nagsidating ang kaniyang mga alagad; at sila'y nangagtaka na siya'y nakikipagsalitaan sa isang babae; gayon ma'y walang taong nagsabi, Ano ang iyong hinahanap? o, Bakit nakikipagsalitaan ka sa kaniya? 043 JOH 004 028 Sa gayo'y iniwan ng babae ang kaniyang banga ng tubig, at napasa bayan, at sinabi sa mga tao, 043 JOH 004 029 Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo? 043 JOH 004 030 Nagsilabas sila sa bayan, at nagsisiparoon sa kaniya. 043 JOH 004 031 Samantala ay ipinamamanhik sa kaniya ng mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, kumain ka. 043 JOH 004 032 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako'y may pagkaing kakanin na hindi ninyo nalalaman. 043 JOH 004 033 Ang mga alagad nga ay nangagsangusapan, May tao kayang nagdala sa kaniya ng pagkain? 043 JOH 004 034 Sinabi sa kanila ni Jesus, Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa. 043 JOH 004 035 Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin. 043 JOH 004 036 Ang umaani ay tumatanggap ng upa, at nagtitipon ng bunga sa buhay na walang hanggan; upang ang naghahasik at ang umaani ay mangagalak kapuwa. 043 JOH 004 037 Sapagka't dito'y totoo ang kasabihan, Isa ang naghahasik, at iba ang umaani. 043 JOH 004 038 Kayo'y sinugo ko upang anihin ang hindi ninyo pinagpagalan: iba ang nangagpagal, at kayo'y siyang nagsipasok sa kanilang pinagpagalan. 043 JOH 004 039 At marami sa mga Samaritano sa bayang yaon ang sa kaniya'y nagsisampalataya dahil sa salita ng babae, na nagpatotoo, Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa. 043 JOH 004 040 Kaya nang sa kaniya'y magsidating ang mga Samaritano, ay sa kaniya'y ipinamanhik nila na matira sa kanila: at siya'y natira roong dalawang araw. 043 JOH 004 041 At lalo pang marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya dahil sa kaniyang salita; 043 JOH 004 042 At sinabi nila sa babae, Ngayo'y nagsisisampalataya kami, hindi dahil sa iyong pananalita: sapagka't kami rin ang nakarinig, at nalalaman naming ito nga ang Tagapagligtas ng sanglibutan. 043 JOH 004 043 At pagkaraan ng dalawang araw ay umalis siya doon at napasa Galilea. 043 JOH 004 044 Sapagka't si Jesus din ang nagpatotoo, na ang isang propeta ay walang kapurihan sa kaniyang sariling lupain. 043 JOH 004 045 Kaya nang siya'y dumating sa Galilea, ay tinanggap siya ng mga Galileo, nang kanilang mangakita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem sa kapistahan: sapagka't sila man ay nagsiparoon din sa kapistahan. 043 JOH 004 046 Naparoon ngang muli siya sa Cana ng Galilea, na doo'y kaniyang pinapaging alak ang tubig. At naroroon ang isang mahal na tao, na ang kaniyang anak na lalake ay may-sakit sa Capernaum. 043 JOH 004 047 Nang mabalitaan niya na si Jesus ay dumating sa Galilea na mula sa Judea, ay naparoon siya sa kaniya, at ipinamanhik sa kaniya na siya'y lumusong, at pagalingin ang kaniyang anak na lalake; sapagka't siya'y naghihingalo. 043 JOH 004 048 Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Malibang kayo'y mangakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, ay hindi kayo magsisipaniwala sa anomang paraan. 043 JOH 004 049 Ang mahal na tao ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, lumusong ka bago mamatay ang aking anak. 043 JOH 004 050 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Yumaon ka ng iyong lakad; buhay ang anak mo. Pinaniwalaan ng lalake ang salitang sinalita sa kaniya ni Jesus, at siya'y yumaon sa kaniyang lakad. 043 JOH 004 051 At samantalang siya'y lumulusong, ay sinalubong siya ng kaniyang mga alipin, na nangagsasabi, na ang kaniyang anak ay buhay. 043 JOH 004 052 Itinanong nga niya sa kanila ang oras nang siya'y pasimulan ng paggaling. Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Kahapon nang ikapitong oras inibsan siya ng lagnat. 043 JOH 004 053 Naunawa nga ng ama na sa oras na yaon nang sabihin sa kaniya ni Jesus, Buhay ang anak mo: at siya'y sumampalataya, at ang kaniyang buong sangbahayan. 043 JOH 004 054 Ito nga ang muling pangalawang tanda na ginawa ni Jesus, nang siya'y pumaroon sa Galilea na mula sa Judea. 043 JOH 005 001 Pagkatapos ng mga bagay na ito'y nagkaroon ng pista ang mga Judio; at umahon si Jesus sa Jerusalem. 043 JOH 005 002 Sa Jerusalem nga'y may isang tangke sa tabi ng pintuan ng mga tupa, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Betesda, na may limang portiko. 043 JOH 005 003 Na sa mga ito ay nangaghandusay ang marami sa kanilang mga maysakit, mga bulag, mga pilay, mga natutuyo. 043 JOH 005 004 Sapagka't lumulusong ang isang anghel ng Panginoon sa mga tanging panahon sa tangke at kinakalawkaw ang tubig: at ang unang manaog sa tangke, pagkatapos na makalawkaw ang tubig ay gumagaling sa anomang sakit na dinaramdam. 043 JOH 005 005 At naroon ang isang lalake, na may tatlongpu't walong taon nang maysakit. 043 JOH 005 006 Nang makita ni Jesus na siya'y nakahandusay, at mapagkilalang siya'y malaon nang panahong maysakit, ay sinabi niya sa kaniya, Ibig mo bagang gumaling? 043 JOH 005 007 Sumagot sa kaniya ang lalaking maysakit, Ginoo, wala ng taong maglusong sa akin sa tangke, pagkalawkaw sa tubig: datapuwa't samantalang ako'y naparoroon, ay nakalusong na muna ang iba bago ako. 043 JOH 005 008 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka. 043 JOH 005 009 At pagdaka'y gumaling ang lalake, at binuhat ang kaniyang higaan at lumakad. Noon nga'y araw ng sabbath. 043 JOH 005 010 Kaya sinabi ng mga Judio sa kaniya na pinagaling, Ito'y araw ng sabbath, at hindi matuwid na buhatin mo ang iyong higaan. 043 JOH 005 011 Nguni't sila'y sinagot niya, Ang nagpagaling sa akin, ang siya ring sa akin ay nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka. 043 JOH 005 012 Tinanong nila siya, Sino ang taong sa iyo'y nagsabi, Buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka? 043 JOH 005 013 Nguni't hindi nakikilala ng pinagaling kung sino siya; sapagka't si Jesus ay humiwalay, palibhasa'y may isang karamihan sa dakong yaon. 043 JOH 005 014 Pagkatapos ay nasumpungan siya ni Jesus sa templo, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama. 043 JOH 005 015 Umalis ang tao, at sinaysay sa mga Judio na si Jesus ang sa kaniya'y nagpagaling. 043 JOH 005 016 At dahil dito'y pinagusig ng mga Judio si Jesus, sapagka't ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath. 043 JOH 005 017 Datapuwa't sinagot sila ni Jesus, Hanggang ngayo'y gumagawa ang aking Ama, at ako'y gumagawa. 043 JOH 005 018 Dahil dito nga'y lalo nang pinagsikapan ng mga Judio na siya'y patayin, sapagka't hindi lamang sinira ang araw ng sabbath, kundi tinatawag din naman na kaniyang sariling Ama ang Dios, na siya'y nakikipantay sa Dios. 043 JOH 005 019 Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan. 043 JOH 005 020 Sapagka't sinisinta ng Ama ang Anak, at sa kaniya'y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa: at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya'y ipakikita niya, upang kayo'y magsipanggilalas. 043 JOH 005 021 Sapagka't kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila'y binubuhay, gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin. 043 JOH 005 022 Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol; 043 JOH 005 023 Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo. 043 JOH 005 024 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan. 043 JOH 005 025 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay. 043 JOH 005 026 Sapagka't kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili: 043 JOH 005 027 At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka't siya'y anak ng tao. 043 JOH 005 028 Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, 043 JOH 005 029 At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol. 043 JOH 005 030 Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko'y matuwid; sapagka't hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin. 043 JOH 005 031 Kung ako'y nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan. 043 JOH 005 032 Iba ang nagpapatotoo sa akin; at talastas ko na ang patotoong isinasaksi niya sa akin ay totoo. 043 JOH 005 033 Kayo'y nangagsugo kay Juan, at siya'y nagpatotoo sa katotohanan. 043 JOH 005 034 Datapuwa't ang patotoo ay hindi mula sa tao: gayon ma'y sinasabi ko ang mga bagay na ito, upang kayo'y mangaligtas. 043 JOH 005 035 Siya ang ilawang nagniningas at lumiliwanag; at inibig ninyong kayo'y mangagkatuwang sumandali sa kaniyang liwanag. 043 JOH 005 036 Datapuwa't ang aking pagpapatotoo ay lalong dakila kay sa kay Juan; sapagka't ang mga gawang ibinigay sa akin ng aking Ama upang ganapin, ang gayon ding mga gawa na aking ginagawa, ay nagpapatotoo tungkol sa akin, na ako'y sinugo ng Ama. 043 JOH 005 037 At ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo. 043 JOH 005 038 At kayo'y walang salita niya na nananatili sa inyo: sapagka't hindi kayo nagsisisampalataya sa kaniyang sinugo. 043 JOH 005 039 Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. 043 JOH 005 040 At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay. 043 JOH 005 041 Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatiang mula sa mga tao. 043 JOH 005 042 Datapuwa't nakikilala ko kayo, na kayo'y walang pagibig ng Dios sa inyong sarili. 043 JOH 005 043 Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin: kung iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, ay siya ninyong tatanggapin. 043 JOH 005 044 Paanong kayo'y makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa't isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios? 043 JOH 005 045 Huwag ninyong isiping ako ang sa inyo'y magsusumbong sa Ama: may isang magsusumbong sa inyo, sa makatuwid baga'y si Moises, yaong pinaglagakan ninyo ng inyong pagasa. 043 JOH 005 046 Sapagka't kung kayo'y nagsisisampalataya kay Moises, ay magsisisampalataya kayo sa akin; sapagka't tungkol sa akin siya'y sumulat. 043 JOH 005 047 Nguni't kung hindi kayo nagsisipaniwala sa kaniyang mga sulat, ay paanong magsisisampalataya kayo sa aking mga salita? 043 JOH 006 001 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay naparoon si Jesus sa kabilang ibayo ng dagat ng Galilea, na siyang dagat ng Tiberias. 043 JOH 006 002 At sumusunod sa kaniya ang lubhang maraming tao, sapagka't kanilang nangakikita ang mga tanda na ginagawa niya sa mga maysakit. 043 JOH 006 003 At umahon si Jesus sa bundok, at doo'y naupo siya na kasama ng kaniyang mga alagad. 043 JOH 006 004 Malapit na nga ang paskua, na pista ng mga Judio. 043 JOH 006 005 Itinanaw nga ni Jesus ang kaniyang mga mata, at pagkakita na ang lubhang maraming tao'y lumalapit sa kaniya, ay sinabi kay Felipe, Saan tayo magsisibili ng tinapay, upang mangakakain ang mga ito? 043 JOH 006 006 At ito'y sinabi niya upang siya'y subukin: sapagka't nalalaman niya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang gagawin. 043 JOH 006 007 Sumagot si Felipe sa kaniya, Hindi magkakasiya sa kanila ang dalawang daang denariong tinapay, upang makakain ng kaunti ang bawa't isa. 043 JOH 006 008 Sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, si Andres, na kapatid ni Simon Pedro, 043 JOH 006 009 May isang batang lalake rito, na mayroong limang tinapay na sebada, at dalawang isda: datapuwa't gaano na ang mga ito sa ganyang karamihan? 043 JOH 006 010 Sinabi ni Jesus, Inyong paupuin ang mga tao. Madamo nga sa dakong yaon. Kaya't nagsiupo ang mga lalake, na may limang libo ang bilang. 043 JOH 006 011 Kinuha nga ni Jesus ang mga tinapay; at nang makapagpasalamat, ay ipinamahagi niya sa kanilang nangakaupo; at gayon din naman binigyan sila ng mga isda kung gaanong ibigin nila. 043 JOH 006 012 At nang sila'y mangabusog, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Pulutin ninyo ang mga pinagputolputol na lumabis, upang walang anomang masayang. 043 JOH 006 013 Kaya't kanilang tinipon, at nangapuno ang labingdalawang bakol ng mga pinagputolputol sa limang tinapay na sebada, na lumabis sa nagsikain. 043 JOH 006 014 Kaya't nang makita ng mga tao ang tandang ginawa niya, ay kanilang sinabi, Totoong ito nga ang propeta na paririto sa sanglibutan. 043 JOH 006 015 Nang mapaghalata nga ni Jesus na sila'y magsisilapit at siya'y agawin, upang siya'y gawing hari, ay muling nagbalik sa bundok na nagiisa. 043 JOH 006 016 At nang kinahapunan, ay nagsilusong ang kaniyang mga alagad sa dagat; 043 JOH 006 017 At nagsilulan sila sa isang daong, at kanilang tinatawid ang dagat hanggang sa Capernaum. At madilim na nga, at hindi dumarating sa kanila si Jesus. 043 JOH 006 018 At lumalaki ang dagat dahil sa isang malakas na hanging humihihip. 043 JOH 006 019 Nang sila nga'y mangakagaod na ng may dalawangpu't lima o tatlongpung estadio, ay kanilang nakita si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat, at lumalapit sa daong: at sila'y nangahintakutan. 043 JOH 006 020 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako nga; huwag kayong mangatakot. 043 JOH 006 021 Malugod nga nilang tinanggap siya sa daong: at pagdaka'y dumating ang daong sa lupang kanilang tinutumpa. 043 JOH 006 022 Nang kinabukasan ay nakita ng karamihang nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na doo'y walang ibang daong, kundi isa, at hindi lumulan sa daong si Jesus na kasama ng kaniyang mga alagad, kundi ang kaniyang mga alagad lamang ang nagsipaglayag 043 JOH 006 023 (Gayon man ay may mga daong na nagsidating na mula sa Tiberias malapit sa dako na kanilang kinainan ng tinapay pagkatapos na makapagpasalamat ang Panginoon): 043 JOH 006 024 Nang makita nga ng karamihan na wala roon si Jesus, ni ang kaniyang mga alagad man, ay nagsilulan sila sa mga daong, at nagsidating sa Capernaum, na hinahanap si Jesus. 043 JOH 006 025 At nang siya'y kanilang masumpungan sa kabilang ibayo ng dagat, ay kanilang sinabi sa kanila, Rabi, kailan ka dumating dito? 043 JOH 006 026 Sinagot sila ni Jesus at sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako'y inyong hinahanap, hindi dahil sa inyong nangakitang mga tanda, kundi dahil sa kayo'y nagsikain ng tinapay, at kayo'y nangabusog. 043 JOH 006 027 Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios. 043 JOH 006 028 Sinabi nga nila sa kaniya, Ano ang kinakailangan naming gawin, upang aming magawa ang mga gawa ng Dios? 043 JOH 006 029 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Ito ang gawa ng Dios, na inyong sampalatayanan yaong kaniyang sinugo. 043 JOH 006 030 Sinabi nga nila sa kaniya, Ano nga ang inyong ginagawa na pinakatanda, upang aming makita, at sampalatayanan ka namin? ano ang ginagawa mo? 043 JOH 006 031 Nagsikain ang aming mga magulang ng mana sa ilang; gaya ng nasusulat, Tinapay na galing sa langit ang sa kanila'y kaniyang ipinakain. 043 JOH 006 032 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit; kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na galing sa langit. 043 JOH 006 033 Sapagka't ang tinapay ng Dios ay yaong bumababang mula sa langit, at nagbibigay buhay sa sanglibutan. 043 JOH 006 034 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Panginoon, bigyan mo kaming palagi ng tinapay na ito. 043 JOH 006 035 Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma'y hindi mauuhaw. 043 JOH 006 036 Datapuwa't sinabi ko sa inyo, na nakita ninyo ako, at gayon ma'y hindi kayo nagsisampalataya. 043 JOH 006 037 Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy. 043 JOH 006 038 Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. 043 JOH 006 039 At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw. 043 JOH 006 040 Sapagka't ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sa kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw. 043 JOH 006 041 Ang mga Judio nga ay nagbulongbulungan tungkol sa kaniya sapagka't kaniyang sinabi, Ako ang tinapay na bumabang galing sa langit. 043 JOH 006 042 At kanilang sinabi, Hindi baga ito'y si Jesus, ang anak ni Jose, na nakikilala natin ang kaniyang ama at ina? paano ngang sinasabi niya, Ako'y bumabang galing sa langit? 043 JOH 006 043 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Huwag kayong mangagbulongbulungan. 043 JOH 006 044 Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin; at siya'y aking ibabangon sa huling araw. 043 JOH 006 045 Nasusulat sa mga propeta, At tuturuan silang lahat ng Dios. Ang bawa't nakarinig sa Ama, at natuto, ay lumalapit sa akin. 043 JOH 006 046 Hindi sa ang sinoma'y nakakita sa Ama, kundi yaong nanggaling sa Dios, siya ang nakakita sa Ama. 043 JOH 006 047 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan. 043 JOH 006 048 Ako ang tinapay ng kabuhayan. 043 JOH 006 049 Nagsikain ang inyong mga magulang ng mana sa ilang, at sila'y nangamatay. 043 JOH 006 050 Ito ang tinapay na bumababang galing sa langit, upang ang taong makakain, ay huwag mamatay. 043 JOH 006 051 Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan. 043 JOH 006 052 Ang mga Judio nga'y nangagtatalo, na nangagsasabi, Paanong maipakakain sa atin ng taong ito ang kaniyang laman? 043 JOH 006 053 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili. 043 JOH 006 054 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw. 043 JOH 006 055 Sapagka't ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. 043 JOH 006 056 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako'y sa kaniya. 043 JOH 006 057 Kung paanong sinugo ako ng Amang buhay, at ako'y nabubuhay dahil sa Ama; gayon din naman ang kumakain sa akin, siya nama'y mabubuhay dahil sa akin. 043 JOH 006 058 Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit: hindi gaya ng mga magulang na nagsikain, at nangamatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man. 043 JOH 006 059 Sinabi niya ang mga bagay na ito sa sinagoga, samantalang siya'y nagtuturo sa Capernaum. 043 JOH 006 060 Marami nga sa kaniyang mga alagad, nang kanilang marinig ito, ay nangagsabi, Matigas ang pananalitang ito; sino ang makaririnig noon? 043 JOH 006 061 Datapuwa't pagkaalam ni Jesus sa kaniyang sarili na nagbubulongbulungan ang kaniyang mga alagad tungkol dito, sa kanila'y sinabi, Ito baga'y nakapagpapatisod sa inyo? 043 JOH 006 062 Ano nga kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng tao sa kinaroroonan niya nang una? 043 JOH 006 063 Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay. 043 JOH 006 064 Datapuwa't may ilan sa inyong hindi nagsisisampalataya. Sapagka't talastas na ni Jesus buhat pa nang una kung sino-sino ang hindi nagsisisampalataya, at kung sino ang sa kaniya'y magkakanulo. 043 JOH 006 065 At sinabi niya, Dahil dito'y sinabi ko sa inyo, na walang taong makalalapit sa akin, maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama. 043 JOH 006 066 Dahil dito'y marami sa kaniyang mga alagad ay nagsitalikod, at hindi na nagsisama sa kaniya. 043 JOH 006 067 Sinabi nga ni Jesus sa labingdalawa, Ibig baga ninyong magsialis din naman? 043 JOH 006 068 Sinagot siya ni Simon Pedro, Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan. 043 JOH 006 069 At kami'y nagsisisampalataya at nakikilala namin na ikaw ang Banal ng Dios. 043 JOH 006 070 Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga hinirang ko kayong labingdalawa, at ang isa sa inyo ay diablo? 043 JOH 006 071 Tinukoy nga niya si Judas na anak ni Simon Iscariote, sapagka't siya ang sa kaniya'y magkakanulo, palibhasa'y isa sa labingdalawa. 043 JOH 007 001 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay naglakad si Jesus sa Galilea: sapagka't ayaw siyang maglakad sa Judea, dahil sa pinagsisikapan ng mga Judio na siya'y patayin. 043 JOH 007 002 Malapit na nga ang pista ng mga Judio, ang pista ng mga tabernakulo. 043 JOH 007 003 Sinabi nga sa kaniya ng kaniyang mga kapatid, Umalis ka rito, at pumaroon ka sa Judea, upang makita naman ng iyong mga alagad ang mga gawang iyong ginagawa. 043 JOH 007 004 Sapagka't walang taong gumagawa ng anomang bagay sa lihim, at nagsisikap ihayag ang kaniyang sarili. Kung ginagawa mo ang mga bagay na ito ay pakilala ka sa sanglibutan. 043 JOH 007 005 Sapagka't kahit ang kaniyang mga kapatid man ay hindi nagsisisampalataya sa kaniya. 043 JOH 007 006 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Hindi pa dumarating ang aking panahon; datapuwa't ang inyong panahon ay laging nahahanda. 043 JOH 007 007 Hindi mangyayaring kayo'y kapootan ng sanglibutan; nguni't ako'y kinapopootan, sapagka't siya'y aking pinatototohanang masasama ang kaniyang mga gawa. 043 JOH 007 008 Mangagsiahon kayo sa pista: ako'y hindi aahon sa pistang ito; sapagka't hindi pa nagaganap ang aking panahon. 043 JOH 007 009 At nang masabi sa kanila ang mga bagay na ito, ay nanahan pa siya sa Galilea. 043 JOH 007 010 Datapuwa't nang mangakaahon na ang kaniyang mga kapatid sa pista, saka naman siya umahon, hindi sa hayag, kundi waring sa lihim. 043 JOH 007 011 Hinahanap nga siya ng mga Judio sa pista, at kanilang sinasabi, Saan naroon siya? 043 JOH 007 012 At nagkaroon ng maraming bulongbulungan tungkol sa kaniya ang karamihan: sinasabi ng ilan, Siya'y taong mabuti; sinasabi ng mga iba, Hindi gayon, kundi inililigaw niya ang karamihan. 043 JOH 007 013 Gayon man ay walang taong nagsasalita ng hayag tungkol sa kaniya dahil sa takot sa mga Judio. 043 JOH 007 014 Datapuwa't nang ang kapistahan nga'y nasa kalagitnaan na ay umahon si Jesus sa templo, at nagturo. 043 JOH 007 015 Nagsipanggilalas nga ang mga Judio, na nangagsasabi, Paanong nakaaalam ang taong ito ng mga karunungan, gayong hindi naman nagaral kailan man? 043 JOH 007 016 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin. 043 JOH 007 017 Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili. 043 JOH 007 018 Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan. 043 JOH 007 019 Hindi baga ibinigay sa inyo ni Moises ang kautusan, at gayon ma'y wala sa inyong gumaganap ng kautusan? Bakit ninyo pinagsisikapang ako'y patayin? 043 JOH 007 020 Sumagot ang karamihan, Mayroon kang demonio: sino ang nagsisikap na ikaw ay patayin? 043 JOH 007 021 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Isang gawa ang aking ginawa, at kayong lahat ay nagsipanggilalas dahil doon. 043 JOH 007 022 Ibinigay sa inyo ni Moises ang pagtutuli (hindi sa ito'y kay Moises, kundi sa mga magulang); at tinutuli ninyo sa sabbath ang isang lalake. 043 JOH 007 023 Kung tinatanggap ng lalake ang pagtutuli sa sabbath, upang huwag labagin ang kautusan ni Moises; nangagagalit baga kayo sa akin, dahil sa pinagaling kong lubos ang isang tao sa sabbath? 043 JOH 007 024 Huwag kayong magsihatol ayon sa anyo, kundi magsihatol kayo ng matuwid na paghatol. 043 JOH 007 025 Sinabi nga ng ilang taga Jerusalem, Hindi baga ito ang kanilang pinagsisikapang patayin? 043 JOH 007 026 At narito, siya'y hayag na nagsasalita, at walang anomang sinasabi sila sa kaniya. Napagkikilala kayang tunay ng mga pinuno na ito ang Cristo? 043 JOH 007 027 Gayon man ay nakikilala namin ang taong ito kung taga saan siya: datapuwa't pagparito ng Cristo, sinoma'y walang makakaalam kung taga saan siya. 043 JOH 007 028 Sumigaw nga si Jesus sa templo, na nagtuturo at sinasabi, Ako'y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako; at hindi ako naparito sa aking sarili, datapuwa't ang nagsugo sa akin ay tunay, na hindi ninyo nakikilala. 043 JOH 007 029 Siya'y nakikilala ko; sapagka't ako'y mula sa kaniya, at siya ang nagsugo sa akin. 043 JOH 007 030 Pinagsisikapan nga nilang siya'y hulihin: at walang taong sumunggab sa kaniya, sapagka't hindi pa dumarating ang kaniyang oras. 043 JOH 007 031 Datapuwa't sa karamihan ay marami ang nagsisampalataya sa kaniya; at kanilang sinasabi, Pagparito ng Cristo, ay gagawa pa baga siya ng lalong maraming tanda kay sa mga ginawa ng taong ito? 043 JOH 007 032 Nangarinig ng mga Fariseo ang bulongbulungan ng karamihan tungkol sa kaniya; at nangagsugo ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo ng mga punong kawal upang siya'y hulihin. 043 JOH 007 033 Sinabi nga ni Jesus, Makikisama pa ako sa inyong sangdaling panahon, at ako'y paroroon sa nagsugo sa akin. 043 JOH 007 034 Hahanapin ninyo ako, at hindi ako masusumpungan: at kung saan ako naroroon, ay hindi kayo makaparoroon. 043 JOH 007 035 Ang mga Judio nga'y nangagsangusapan, Saan paroroon ang taong ito na hindi natin siya masusumpungan? siya kaya'y paroroon sa nagsisipangalat sa gitna ng mga Griego, at magtuturo sa mga Griego? 043 JOH 007 036 Ano ang salitang ito na kaniyang sinabi, Hahanapin ninyo ako, at hindi ninyo ako masusumpungan; at kung saan ako naroroon, ay hindi kayo makaparoroon? 043 JOH 007 037 Nang huling araw nga, na dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom. 043 JOH 007 038 Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay. 043 JOH 007 039 (Nguni't ito'y sinalita niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya: sapagka't hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu; sapagka't si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.) 043 JOH 007 040 Ang ilan nga sa karamihan, nang marinig ang mga salitang ito, ay nangagsabi, Tunay na ito ang propeta. 043 JOH 007 041 Sinasabi ng mga iba, Ito nga ang Cristo. Datapuwa't sinasabi ng ilan, Ano, sa Galilea baga manggagaling ang Cristo? 043 JOH 007 042 Hindi baga sinabi ng kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David, at mula sa Bet-lehem, ang nayong kinaroonan ni David? 043 JOH 007 043 Kaya nangyaring nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa karamihan dahil sa kaniya. 043 JOH 007 044 At ibig ng ilan sa kanila na siya'y hulihin; datapuwa't walang taong sumunggab sa kaniya. 043 JOH 007 045 Nagsidating nga ang mga punong kawal sa mga pangulong saserdote at sa mga Fariseo; at sinabi nila sa kanila, Bakit hindi ninyo siya dinala? 043 JOH 007 046 Nagsisagot ang mga punong kawal, Kailan ma'y walang taong nagsalita ng gayon. 043 JOH 007 047 Sinagot nga sila ng mga Fariseo, Kayo baga naman ay nangailigaw rin? 043 JOH 007 048 Sumampalataya baga sa kaniya ang sinoman sa mga pinuno, o ang sinoman sa mga Fariseo? 043 JOH 007 049 Datapuwa't ang karamihang ito na hindi nakaaalam ng kautusan ay sinumpa. 043 JOH 007 050 Sinabi sa kanila ni Nicodemo (yaong pumaroon kay Jesus nang una, na isa sa kanila), 043 JOH 007 051 Hinahatulan baga ng ating kautusan ang isang tao, malibang siya muna'y dinggin at talastasin kung ano ang kaniyang ginagawa? 043 JOH 007 052 Sila'y nagsisagot at sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y taga Galilea rin? Siyasatin mo, at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta. 043 JOH 007 053 Ang bawa't tao'y umuwi sa kanikaniyang sariling bahay: 043 JOH 008 001 Datapuwa't si Jesus ay napasa bundok ng mga Olivo. 043 JOH 008 002 At pagka umaga ay nagbalik siya sa templo, at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya; at siya'y naupo, at sila'y tinuruan. 043 JOH 008 003 At dinala sa kaniya ng mga eskriba at ng mga Fariseo ang isang babaing nahuli sa pangangalunya; at nang mailagay siya sa gitna, 043 JOH 008 004 Ay sinabi nila sa kaniya, Guro, nahuli ang babaing ito sa kasalukuyan ng pangangalunya. 043 JOH 008 005 Sa kautusan nga ay ipinagutos sa amin ni Moises na batuhin ang mga ganyan: ano nga ang iyong sabi tungkol sa kaniya? 043 JOH 008 006 At ito'y kanilang sinabi, na siya'y sinusubok, upang sa kaniya'y may maisumbong sila. Datapuwa't yumuko si Jesus, at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa. 043 JOH 008 007 Datapuwa't nang sila'y nangagpatuloy ng pagtatanong sa kaniya, ay umunat siya, at sa kanila'y sinabi, Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya. 043 JOH 008 008 At muli siyang yumuko, at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa. 043 JOH 008 009 At sila, nang ito'y kanilang marinig, ay nagsialis na isa-isa, na nagpasimula sa katandatandaan, hanggang sa kahulihulihan: at iniwang magisa si Jesus at ang babae, sa kinaroroonan nito, sa gitna. 043 JOH 008 010 At umunat si Jesus, at sa kaniya'y sinabi, Babae, saan sila nangaroroon? wala bagang taong humatol sa iyo? 043 JOH 008 011 At sinabi niya, Wala sinoman, Panginoon. At sinabi ni Jesus, Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo'y huwag ka nang magkasala. 043 JOH 008 012 Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan. 043 JOH 008 013 Sinabi nga sa kaniya ng mga Fariseo, Nagpapatotoo ka sa iyong sarili; hindi totoo ang patotoo mo. 043 JOH 008 014 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Bagama't ako'y nagpapatotoo sa akin din, ay totoo ang aking patotoo; sapagka't nalalaman ko kung saan ako nanggaling, at kung saan ako paroroon; datapuwa't hindi ninyo nalalaman kung saan ako nanggaling, o kung saan ako paroroon. 043 JOH 008 015 Nagsisihatol kayo ayon sa laman; ako'y hindi humahatol sa kanino mang tao. 043 JOH 008 016 Oo, at kung ako'y humahatol, ang hatol ko'y totoo; sapagka't hindi ako nagiisa, kundi ako at ang Ama na nagsugo sa akin. 043 JOH 008 017 Oo, at sa inyong kautusan ay nasusulat, na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo. 043 JOH 008 018 Ako ang nagpapatotoo sa akin din, at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo sa akin. 043 JOH 008 019 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Saan naroroon ang iyong Ama? Sumagot si Jesus, Hindi ninyo nakikilala ako, ni ang aking Ama: kung ako'y inyong makilala, ay makikilala rin ninyo ang aking Ama. 043 JOH 008 020 Sinalita niya ang mga salitang ito sa dakong kabang-yaman, nang nagtuturo siya sa templo: at walang taong humuli sa kaniya; sapagka't hindi pa dumarating ang kaniyang oras. 043 JOH 008 021 Muli ngang sinabi niya sa kanila, Yayaon ako, at ako'y inyong hahanapin, at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan: sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon. 043 JOH 008 022 Sinabi nga ng mga Judio, Siya kaya'y magpapakamatay, sapagka't kaniyang sinabi, Sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon. 043 JOH 008 023 At sa kanila'y kaniyang sinabi, Kayo'y mga taga ibaba; ako'y taga itaas: kayo'y mga taga sanglibutang ito; ako'y hindi taga sanglibutang ito. 043 JOH 008 024 Sinabi ko nga sa inyo, na kayo'y mangamamatay sa inyong mga kasalanan: sapagka't malibang kayo'y magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. 043 JOH 008 025 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Sino ka baga? Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya rin na sinalita ko sa inyo mula pa nang una. 043 JOH 008 026 Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya'y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan. 043 JOH 008 027 Hindi nila napagunawa na tungkol sa Ama ang kaniyang sinasalita sa kanila. 043 JOH 008 028 Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, ayon sa itinuro sa akin ng Ama. 043 JOH 008 029 At ang nagsugo sa akin ay sumasa akin; hindi niya ako binayaang nagiisa; sapagka't ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya'y nakalulugod. 043 JOH 008 030 Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito, ay maraming nagsisampalataya sa kaniya. 043 JOH 008 031 Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko; 043 JOH 008 032 At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo. 043 JOH 008 033 Sa kaniya'y kanilang isinagot, Kami'y binhi ni Abraham, at kailan ma'y hindi pa naging alipin ninomang tao: paanong sinasabi mo, Kayo'y magiging laya? 043 JOH 008 034 Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. 043 JOH 008 035 At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man. 043 JOH 008 036 Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo'y magiging tunay na laya. 043 JOH 008 037 Talastas ko na kayo'y binhi ni Abraham; gayon ma'y pinagsisikapan ninyong ako'y patayin, sapagka't ang salita ko'y hindi magkasiya sa inyo. 043 JOH 008 038 Sinasalita ko ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama: at ginagawa rin ninyo ang mga bagay na inyong narinig sa inyong Ama. 043 JOH 008 039 Sila'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Si Abraham ang aming ama. Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Kung kayo'y mga anak ni Abraham, ay gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham. 043 JOH 008 040 Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham. 043 JOH 008 041 Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama. Sinabi nila sa kaniya, Hindi kami inianak sa pakikiapid; may isang Ama kami, ang Dios. 043 JOH 008 042 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako. 043 JOH 008 043 Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita? sapagka't hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita. 043 JOH 008 044 Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito. 043 JOH 008 045 Nguni't dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan. 043 JOH 008 046 Sino sa inyo ang makasusumbat sa akin tungkol sa kasalanan? Kung sinasabi ko ang katotohanan, bakit hindi ninyo ako sinasampalatayanan? 043 JOH 008 047 Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito'y hindi ninyo dinirinig, sapagka't kayo'y hindi sa Dios. 043 JOH 008 048 Nagsisagot ang mga Judio at sa kaniya'y sinabi, Hindi baga magaling ang aming pagkasabi na ikaw ay isang Samaritano, at mayroon kang demonio? 043 JOH 008 049 Sumagot si Jesus, Ako'y walang demonio; kundi pinapupurihan ko ang aking Ama, at ako'y inyong sinisiraan ng puri. 043 JOH 008 050 Nguni't hindi ko hinahanap ang aking sariling kaluwalhatian: may isang humahanap at humahatol. 043 JOH 008 051 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan. 043 JOH 008 052 Sinabi ng mga Judio sa kaniya, Ngayo'y nalalaman naming mayroon kang demonio. Namatay si Abraham, at ang mga propeta; at sinasabi mo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi niya matitikman magpakailan man ang kamatayan. 043 JOH 008 053 Dakila ka pa baga sa aming amang Abraham, na namatay? at nangamatay ang mga propeta: sino ang ipinalalagay mo sa iyong sarili? 043 JOH 008 054 Sumagot si Jesus, Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang kaluwalhatian ko ay walang anoman: ang aking Ama'y siyang lumuluwalhati sa akin; na tungkol sa kaniya'y sinasabi ninyo, na siya'y inyong Dios; 043 JOH 008 055 At hindi ninyo siya napagkilala: nguni't nakikilala ko siya; at kung aking sasabihin, na hindi ko siya nakikilala, ay ako'y matutulad sa inyo, na sinungaling: datapuwa't nakikilala ko siya, at tinutupad ko ang kaniyang salita. 043 JOH 008 056 Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa. 043 JOH 008 057 Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham? 043 JOH 008 058 Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga. 043 JOH 008 059 Sila nga'y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya: datapuwa't nagtago si Jesus, at lumabas sa templo. 043 JOH 009 001 At sa pagdaraan niya, ay nakita niya ang isang lalaking bulag mula sa kaniyang kapanganakan. 043 JOH 009 002 At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kaniyang mga magulang, upang siya'y ipanganak na bulag? 043 JOH 009 003 Sumagot si Jesus, Hindi dahil sa ang taong ito'y nagkasala, ni ang kaniyang mga magulang man: kundi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng Dios. 043 JOH 009 004 Kinakailangan nating gawin ang mga gawa niyaong nagsugo sa akin, samantalang araw: dumarating ang gabi, na walang taong makagagawa. 043 JOH 009 005 Samantalang ako'y nasa sanglibutan, ako ang ilaw ng sanglibutan. 043 JOH 009 006 Nang masabi niya ang ganito, siya'y lumura sa lupa, at pinapagputik ang lura, at pinahiran ang mga mata niya ng putik, 043 JOH 009 007 At sinabi sa kaniya, Humayo ka, maghugas ka sa tangke ng Siloe (na kung liliwanagin ay Sinugo). Siya nga'y humayo, at naghugas, at nagbalik na nakakakita. 043 JOH 009 008 Ang mga kapitbahay nga, at ang nangakakita sa kaniya nang una, na siya'y pulubi, ay nangagsabi, Hindi baga ito ang nauupo at nagpapalimos? 043 JOH 009 009 Sinabi ng mga iba, Siya nga: sinabi ng mga iba, Hindi, kundi nakakamukha niya. Sinabi niya, Ako nga. 043 JOH 009 010 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Paano nga ang pagkadilat ng iyong mga mata? 043 JOH 009 011 Sumagot siya, Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik, at pinahiran ang aking mga mata, at sinabi sa akin, Humayo ka sa Siloe, at maghugas ka: kaya't ako'y humayo at naghugas, at ako'y tumanggap ng paningin. 043 JOH 009 012 At sinabi nila sa kaniya, Saan naroon siya? Sinabi niya, Hindi ko nalalaman. 043 JOH 009 013 Dinala nila sa mga Fariseo siya na nang una'y bulag. 043 JOH 009 014 Araw nga ng sabbath nang gumawa ng putik si Jesus, at padilatin ang kaniyang mga mata. 043 JOH 009 015 Muli ngang tinanong naman siya ng mga Fariseo kung paanong tumanggap siya ng kaniyang paningin. At sinabi niya sa kanila, Nilagyan niya ng putik ang ibabaw ng aking mga mata, at naghugas ako, at ako'y nakakakita. 043 JOH 009 016 Ang ilan nga sa mga Fariseo ay nangagsabi, Ang taong ito'y hindi galing sa Dios, sapagka't hindi nangingilin sa sabbath. Datapuwa't sinasabi ng mga iba, Paano bagang makagagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan? At nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa gitna nila. 043 JOH 009 017 Muling sinabi nga nila sa bulag, Ano ang sabi mo tungkol sa kaniya, na siyang nagpadilat ng iyong mga mata? At kaniyang sinabi, Siya'y isang propeta. 043 JOH 009 018 Hindi nga nagsipaniwala ang mga Judio tungkol sa kaniya, na siya'y naging bulag, at tumanggap ng kaniyang paningin, hanggang sa kanilang tinawag ang mga magulang niyaong tumanggap ng kaniyang paningin, 043 JOH 009 019 At nangagtanong sa kanila, na sinasabi, Ito baga ang inyong anak, na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag? paano ngang nakakakita siya ngayon? 043 JOH 009 020 Nagsisagot ang kaniyang mga magulang, at nangagsabi, Nalalaman naming ito'y aming anak, at siya'y ipinanganak na bulag: 043 JOH 009 021 Datapuwa't kung paanong siya'y nakakakita ngayon, ay hindi namin nalalaman; o kung sino ang nagpadilat ng kaniyang mga mata, ay hindi namin nalalaman: tanungin siya; siya'y may gulang na; siya'y magsasalita para sa sarili niya. 043 JOH 009 022 Ang mga bagay na ito'y sinabi ng kaniyang mga magulang, sapagka't nangatatakot sa mga Judio: sapagka't pinagkaisahan na ng mga Judio, na kung ang sinomang tao'y ipahayag siya na siya ang Cristo, ay palayasin siya sa sinagoga. 043 JOH 009 023 Kaya't sinabi ng kaniyang mga magulang, Siya'y may gulang na; tanungin siya. 043 JOH 009 024 Dahil dito'y tinawag nilang bilang ikalawa ang taong naging bulag, at sinabi sa kaniya, Luwalhatiin mo ang Dios: nalalaman naming makasalanan ang taong ito. 043 JOH 009 025 Sumagot nga siya, Kung siya'y makasalanan ay hindi ko nalalaman: isang bagay ang nalalaman ko, na, bagaman ako'y naging bulag, ngayo'y nakakakita ako. 043 JOH 009 026 Sinabi nga nila sa kaniya, Ano ang ginawa niya sa iyo? paano ang pagkapadilat niya sa iyong mga mata? 043 JOH 009 027 Sinagot niya sila, Kasasabi ko lamang sa inyo, at hindi ninyo pinakinggan; bakit ibig ninyong marinig uli? ibig baga naman ninyong kayo'y maging mga alagad niya? 043 JOH 009 028 At siya'y kanilang inalipusta, at sinabi, Ikaw ang alagad niya; datapuwa't kami'y mga alagad ni Moises. 043 JOH 009 029 Nalalaman naming nagsalita ang Dios kay Moises: datapuwa't tungkol sa taong ito, ay hindi namin nalalaman kung taga saan siya. 043 JOH 009 030 Sumagot ang tao at sa kanila'y sinabi, Narito nga ang kagilagilalas, na hindi ninyo nalalaman kung siya'y taga saan, at gayon ma'y pinadilat niya ang aking mga mata. 043 JOH 009 031 Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan: datapuwa't kung ang sinomang tao'y maging mananamba sa Dios, at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya'y pinakikinggan niya. 043 JOH 009 032 Buhat nang lalangin ang sanglibutan ay hindi narinig kailan man na napadilat ng sinoman ang mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag. 043 JOH 009 033 Kung ang taong ito'y hindi galing sa Dios, ay hindi makagagawa ng anoman. 043 JOH 009 034 Sila'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Ipinanganak kang lubos sa mga kasalanan, at ikaw baga ang nagtuturo sa amin? At siya'y pinalayas nila. 043 JOH 009 035 Nabalitaan ni Jesus na siya'y pinalayas nila; at pagkasumpong sa kaniya, ay sinabi niya, Sumasampalataya ka baga sa Anak ng Dios? 043 JOH 009 036 Sumagot siya at sinabi. At sino baga siya, Panginoon, upang ako'y sumampalataya sa kaniya? 043 JOH 009 037 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Siya'y nakita mo na, at siya nga na nakikipagsalitaan sa iyo. 043 JOH 009 038 At sinabi niya, Panginoon, sumasampalataya ako. At siya'y sinamba niya. 043 JOH 009 039 At sinabi ni Jesus, Sa paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito, upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita; at upang ang mga nakakakita, ay maging mga bulag. 043 JOH 009 040 Yaong mga Fariseo na kasama niya ay nangakarinig ng mga bagay na ito, at sinabi sa kaniya, Kami baga naman ay mga bulag din? 043 JOH 009 041 Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Kung kayo'y mga bulag, ay hindi kayo magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y sinasabi ninyo, Kami'y nangakakakita: nananatili ang inyong kasalanan. 043 JOH 010 001 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang pumapasok sa hindi pintuan ng kulungan ng mga tupa kundi umaakyat sa ibang daan, ang gayon ay tulisan at magnanakaw. 043 JOH 010 002 Datapuwa't ang pumapasok sa pintuan ay siyang pastor ng mga tupa. 043 JOH 010 003 Binubuksan siya ng bantaypinto; at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig: at tinatawag ang kaniyang sariling mga tupa sa pangalan, at sila'y inihahatid sa labas. 043 JOH 010 004 Pagka nailabas na niya ang lahat ng sariling kaniya, ay pinangungunahan niya sila, at nagsisisunod sa kaniya ang mga tupa: sapagka't nakikilala nila ang kaniyang tinig. 043 JOH 010 005 At sa iba'y hindi sila magsisisunod, kundi magsisitakas sa kaniya: sapagka't hindi nila nakikilala ang tinig ng mga iba. 043 JOH 010 006 Sinalita ni Jesus sa kanila ang talinghagang ito: datapuwa't hindi nila napagunawa kung anong mga bagay ang sa kanila'y sinasalita. 043 JOH 010 007 Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng mga tupa. 043 JOH 010 008 Ang lahat ng nangauna sa aking nagsiparito ay mga magnanakaw at mga tulisan: datapuwa't hindi sila dininig ng mga tupa. 043 JOH 010 009 Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya'y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan. 043 JOH 010 010 Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw, at pumatay, at pumuksa: ako'y naparito upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito. 043 JOH 010 011 Ako ang mabuting pastor: ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa. 043 JOH 010 012 Ang nagpapaupa, at hindi ang pastor, na hindi may-ari ng mga tupa, ay nakikitang dumarating ang lobo, at pinababayaan ang mga tupa, at tumatakas, at inaagaw sila ng lobo, at pinapangangalat: 043 JOH 010 013 Siya'y tumatakas sapagka't siya'y upahan, at hindi ipinagmamalasakit ang mga tupa. 043 JOH 010 014 Ako ang mabuting pastor; at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako, 043 JOH 010 015 Gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama, at ng sa Ama ay pagkakilala ko; at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga tupa. 043 JOH 010 016 At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor. 043 JOH 010 017 Dahil dito'y sinisinta ako ng Ama, sapagka't ibinibigay ko ang aking buhay, upang kunin kong muli. 043 JOH 010 018 Sinoma'y hindi nagaalis sa akin nito, kundi kusa kong ibinibigay. May kapangyarihan akong magbigay nito, at may kapangyarihan akong kumuhang muli. Tinanggap ko ang utos na ito sa aking Ama. 043 JOH 010 019 At muling nagkaroon ng isang pagbabahabahagi sa gitna ng mga Judio dahil sa mga salitang ito. 043 JOH 010 020 At sinasabi ng marami sa kanila, Mayroon siyang demonio, at siya'y nauulol; bakit ninyo siya pinakikinggan? 043 JOH 010 021 Sinasabi ng mga iba, Hindi sa inaalihan ng demonio ang mga sabing ito. Maaari bagang ang demonio ay makapagpadilat ng mga mata ng bulag? 043 JOH 010 022 At niyao'y kapistahan ng pagtatalaga sa Jerusalem: 043 JOH 010 023 Noo'y tagginaw; at naglalakad si Jesus sa templo sa portiko ni Salomon. 043 JOH 010 024 Nilibot nga siya ng mga Judio, at sa kaniya'y sinabi, Hanggang kailan mo pa baga pagaalinlanganin kami? Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mong maliwanag sa amin. 043 JOH 010 025 Sinagot sila ni Jesus, Sinabi ko sa inyo, at hindi kayo nagsisampalataya: ang mga gawang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama, ay siyang nangagpapatotoo sa akin. 043 JOH 010 026 Datapuwa't hindi kayo nagsisampalataya, sapagka't hindi kayo sa aking mga tupa. 043 JOH 010 027 Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin: 043 JOH 010 028 At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. 043 JOH 010 029 Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama. 043 JOH 010 030 Ako at ang Ama ay iisa. 043 JOH 010 031 Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin. 043 JOH 010 032 Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin? 043 JOH 010 033 Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios. 043 JOH 010 034 Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios? 043 JOH 010 035 Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan), 043 JOH 010 036 Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios? 043 JOH 010 037 Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, ay huwag ninyo akong sampalatayanan. 043 JOH 010 038 Datapuwa't kung ginagawa ko, ang mga yaon kahit hindi kayo magsisampalataya sa akin, ay magsisampalataya kayo sa mga gawa; upang maalaman ninyo at mapagunawa na ang Ama ay nasa akin, at ako'y nasa Ama. 043 JOH 010 039 Muling pinagsikapan nilang siya'y hulihin: at siya'y tumakas sa kanilang mga kamay. 043 JOH 010 040 At siya'y muling naparoon sa dako pa roon ng Jordan sa dako nang una'y pinagbautismuhan ni Juan; at siya'y tumira doon. 043 JOH 010 041 At marami ang mga nagsiparoon sa kaniya; at kanilang sinabi, Katotohanang si Juan ay hindi gumawa ng tanda: nguni't lahat ng mga bagay na sinalita ni Juan tungkol sa taong ito ay totoo. 043 JOH 010 042 At marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya roon. 043 JOH 011 001 Isang tao nga na may-sakit, si Lazaro na taga Betania, na nayon ni Maria at ni Marta na kaniyang kapatid. 043 JOH 011 002 At ito'y yaong si Maria na nagpahid sa Panginoon ng unguento, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok, na ang kaniyang kapatid na si Lazaro ay may-sakit. 043 JOH 011 003 Nagpasugo nga sa kaniya ang mga kapatid na babae, na nagsasabi, Panginoon, narito, siya na iyong iniibig ay may-sakit. 043 JOH 011 004 Nguni't pagkarinig ni Jesus nito, ay sinabi niya, Ang sakit na ito'y hindi sa ikamamatay, kundi sa ikaluluwalhati ng Dios, upang ang Anak ng Dios ay luwalhatiin sa pamamagitan niyaon. 043 JOH 011 005 Iniibig nga ni Jesus si Marta, at ang kaniyang kapatid na babae, at si Lazaro. 043 JOH 011 006 Nang mabalitaan nga niya na siya'y may-sakit, siya'y tumahang dalawang araw nang panahong yaon sa dating kinaroroonan niya. 043 JOH 011 007 Saka pagkatapos nito ay sinabi niya sa mga alagad, Tayo nang muli sa Judea. 043 JOH 011 008 Sinabi sa kaniya ng mga alagad, Rabi, ngayo'y pinagsisikapang batuhin ka ng mga Judio; at muli kang paroroon doon? 043 JOH 011 009 Sumagot si Jesus, Hindi baga ang araw ay may labingdalawang oras? Kung ang isang tao'y lumalakad samantalang araw, ay hindi siya natitisod, sapagka't nakikita niya ang ilaw ng sanglibutang ito. 043 JOH 011 010 Nguni't ang isang taong lumalakad samantalang gabi, ay natitisod siya, sapagka't walang ilaw sa kaniya. 043 JOH 011 011 Ang mga bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog; nguni't ako'y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog. 043 JOH 011 012 Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon, kung siya'y natutulog, ay siya'y gagaling. 043 JOH 011 013 Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapuwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog. 043 JOH 011 014 Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw, Si Lazaro ay patay. 043 JOH 011 015 At ikinagagalak ko dahil sa inyo rin na ako'y wala roon, upang kayo'y magsipaniwala; gayon ma'y tayo na sa kaniya. 043 JOH 011 016 Si Tomas nga, na tinatawag na Didimo, ay nagsabi sa mga kapuwa niya alagad, Tayo'y magsiparoon din naman, upang tayo'y mangamatay na kasama niya. 043 JOH 011 017 Kaya't nang dumating si Jesus, ay naratnan niyang apat na araw na siya'y nalilibing. 043 JOH 011 018 Ang Betania nga'y malapit sa Jerusalem, na may layong labing-limang estadio; 043 JOH 011 019 At marami sa mga Judio ang nangakaparoon na kay Marta at kay Maria, upang sila'y aliwin tungkol sa kanilang kapatid. 043 JOH 011 020 Si Marta nga, nang marinig niyang si Jesus ay dumarating, ay yumaon at sumalubong sa kaniya: nguni't si Maria ay nanatiling nakaupo sa bahay. 043 JOH 011 021 Sinabi nga ni Marta kay Jesus, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ang kapatid ko ay hindi namatay. 043 JOH 011 022 At ngayon man nama'y nalalaman ko na, anomang hingin mo sa Dios, ay ipagkakaloob sa iyo ng Dios. 043 JOH 011 023 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Magbabangon uli ang iyong kapatid. 043 JOH 011 024 Si Marta ay nagsabi sa kaniya, Nalalaman ko na siya'y magbabangon uli sa pagkabuhay na maguli sa huling araw. 043 JOH 011 025 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; 043 JOH 011 026 At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito? 043 JOH 011 027 Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon: sumasampalataya ako na ikaw ang Cristo ang Anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang naparirito sa sanglibutan. 043 JOH 011 028 At nang masabi na niya ito, ay yumaon siya, at tinawag ng lihim si Maria na kapatid niya, na sinasabi, Ang Guro ay narito, at tinatawag ka. 043 JOH 011 029 At siya, nang marinig niya ito, ay nagtindig na madali, at pumaroon sa kaniya. 043 JOH 011 030 (Hindi pa nga dumarating si Jesus sa nayon, kundi naroroon pa sa dakong kinasalubungan sa kaniya ni Marta.) 043 JOH 011 031 Ang mga Judio nga na kaniyang mga kasama sa bahay, at nangagsisialiw sa kaniya, pagkakita nilang si Maria, na siya'y nagtindig na madali at lumabas, ay nagsisunod sa kaniya, na inaakalang paroroon siya sa libingan upang doo'y tumangis. 043 JOH 011 032 Si Maria nga, pagdating niya sa kinaroroonan ni Jesus, at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa sa kaniyang paanan, na sinabi sa kaniya, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ay hindi namatay ang aking kapatid. 043 JOH 011 033 Nang makita nga ni Jesus na siya'y tumatangis, at gayon din ang mga Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating, ay nalagim siya sa espiritu, at nagulumihanan, 043 JOH 011 034 At sinabi, Saan ninyo siya inilagay? Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, halika at tingnan mo. 043 JOH 011 035 Tumangis si Jesus. 043 JOH 011 036 Sinabi nga ng mga Judio, Tingnan ninyo kung gaano ang pagibig niya sa kaniya! 043 JOH 011 037 Datapuwa't ang ilan sa kanila'y nagsipagsabi, Hindi baga magagawa ng taong ito, na nagpadilat ng mga mata ng bulag, na ang taong ito naman ay huwag mamatay? 043 JOH 011 038 Si Jesus nga sa muling pagkalagim sa kaniyang sarili ay naparoon sa libingan. Yaon nga'y isang yungib, at mayroong isang batong nakatakip sa ibabaw noon. 043 JOH 011 039 Sinabi ni Jesus, Alisin ninyo ang bato. Si Marta, na kapatid niyaong namatay, ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sa ngayon ay nabubulok na ang bangkay sapagka't may apat na araw nang siya'y namamatay. 043 JOH 011 040 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Di baga sinabi ko sa iyo, na, kung ikaw ay sasampalataya, ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Dios? 043 JOH 011 041 Kaya't inalis nila ang bato. At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata, at sinabi, Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, na ako'y iyong dininig. 043 JOH 011 042 At nalalaman ko na ako'y lagi mong dinirinig: nguni't ito'y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang sila'y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin. 043 JOH 011 043 At nang masabi niya ang gayon, ay sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka. 043 JOH 011 044 Siya na patay ay lumabas, na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing; at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya'y inyong kalagan, at bayaan ninyo siyang yumaon. 043 JOH 011 045 Marami nga sa mga Judio ang nagsiparoon kay Maria at nangakakita ng ginawa niya, ay nagsisampalataya sa kaniya. 043 JOH 011 046 Datapuwa't ang ilan sa kanila ay nagsiparoon sa mga Fariseo, at sinaysay sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus. 043 JOH 011 047 Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka't ang taong ito'y gumagawa ng maraming tanda. 043 JOH 011 048 Kung siya'y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa. 043 JOH 011 049 Nguni't ang isa sa kanila na si Caifas, na dakilang saserdote nang taong yaon, ay nagsabi sa kanila, Kayo'y walang nalalamang anoman. 043 JOH 011 050 Ni inyong niwawari na sa inyo'y nararapat na ang isang tao ay mamatay dahil sa bayan, at hindi ang buong bansa ay mapahamak. 043 JOH 011 051 Ito nga'y sinabi niya na hindi sa kaniyang sarili: kundi palibhasa ay dakilang saserdote nang taong yaon, ay hinulaan niya na si Jesus ay dapat mamatay dahil sa bansa; 043 JOH 011 052 At hindi dahil sa bansa lamang, kundi upang matipon din naman niya sa isa ang mga anak ng Dios na nagsisipangalat. 043 JOH 011 053 Kaya't mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya. 043 JOH 011 054 Si Jesus ay hindi na naglalakad ng hayag sa gitna ng mga Judio, kundi naparoon doon sa lupaing malapit sa ilang, sa isang bayan na tinatawag na Efraim; at siya'y nanahanan doong kasama ng mga alagad. 043 JOH 011 055 Ang paskua nga ng mga Judio ay malapit na: at maraming nagsiahon sa Jerusalem mula sa lupaing yaon bago magpaskua, upang magsipaglinis. 043 JOH 011 056 Pinaghahanap nga nila si Jesus, at pinaguusapan ng isa't isa, samantalang nangakatayo sila sa templo, Anong akala ninyo? Na hindi na kaya siya paririto sa pista? 043 JOH 011 057 Ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo nga ay nangagutos, na, kung ang sinomang tao'y nakakaalam ng kung saan siya naroroon, ay dapat niyang ihayag, upang kanilang madakip siya. 043 JOH 012 001 Anim na araw nga bago magpaskua ay naparoon si Jesus sa Betania, na kinaroroonan ni Lazaro, na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay. 043 JOH 012 002 Kaya't iginawa siya doon ng isang hapunan: at si Marta ay naglilingkod; datapuwa't si Lazaro ay isa sa nangakaupo sa pagkain na kasalo niya. 043 JOH 012 003 Si Maria nga'y kumuha ng isang libra ng unguentong taganas na nardo, na totoong mahalaga, at pinahiran ang mga paa ni Jesus, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok: at ang bahay ay napuno ng amoy ng unguento. 043 JOH 012 004 Datapuwa't si Judas Iscariote, na isa sa kaniyang mga alagad, na sa kaniya'y magkakanulo, ay nagsabi, 043 JOH 012 005 Bakit hindi ipinagbili ang unguentong ito ng tatlong daang denario, at ibigay sa mga dukha? 043 JOH 012 006 Ito'y sinabi nga niya, hindi sapagka't ipinagmalasakit niya ang mga dukha; kundi sapagka't siya'y magnanakaw, at yamang nasa kaniya ang supot ay kinukuha niya ang doon ay inilalagay. 043 JOH 012 007 Sinabi nga ni Jesus, Pabayaan ninyong ilaan niya ito ukol sa araw ng paglilibing sa akin. 043 JOH 012 008 Sapagka't ang mga dukha ay laging nasa inyo; nguni't ako'y hindi laging nasa inyo. 043 JOH 012 009 Ang karaniwang mga tao nga sa mga Judio ay naalaman na siya'y naroroon: at sila'y nagsiparoon, hindi dahil kay Jesus lamang, kundi upang makita nila si Lazaro naman, na muling ibinangon niya mula sa mga patay. 043 JOH 012 010 Datapuwa't nangagsanggunian ang mga pangulong saserdote upang kanilang maipapatay pati si Lazaro; 043 JOH 012 011 Sapagka't dahil sa kaniya'y marami sa mga Judio ang nagsisialis at nagsisipanampalataya kay Jesus. 043 JOH 012 012 Nang kinabukasan ang isang malaking karamihan na nagsiparoon sa pista, pagkabalita nila na si Jesus ay dumarating sa Jerusalem, 043 JOH 012 013 Ay nagsikuha ng mga palapa ng mga puno ng palma, at nagsilabas na sumalubong sa kaniya, na nagsisigawan, Hosanna: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang Hari ng Israel. 043 JOH 012 014 At si Jesus, pagkasumpong sa isang batang asno, ay sumakay doon, gaya ng nasusulat, 043 JOH 012 015 Huwag kang matakot, anak na babae ng Sion: narito, ang iyong Hari ay pumaparito, na nakasakay sa isang anak ng asno. 043 JOH 012 016 Ang mga bagay na ito ay hindi napagunawa ng kaniyang mga alagad sa pasimula: nguni't nang si Jesus ay maluwalhati na, ay saka nila naalaala na ang mga bagay na ito ay sinulat tungkol sa kaniya, at kanilang ginawa ang mga bagay na ito sa kaniya. 043 JOH 012 017 Ang karamihan ngang kasama niya nang tawagin niya si Lazaro mula sa libingan, at siya'y ibangon sa mga patay, ay siyang nangagpapatotoo. 043 JOH 012 018 Dahil dito rin naman ang karamihan ay nagsiyaon at sumalubong sa kaniya, sapagka't nabalitaan nila na siyang gumawa ng tandang ito. 043 JOH 012 019 Ang mga Fariseo nga'y nangagsangusapan, Tingnan ninyo kung paanong kayo'y walang anomang ikapanaig; narito, ang sanglibutan ay sumusunod sa kaniya. 043 JOH 012 020 Mayroon ngang ilang Griego sa nagsiahon sa kapistahan upang magsisamba: 043 JOH 012 021 Ang mga ito nga'y nagsilapit kay Felipe, na taga Betsaida ng Galilea, at nagsipamanhik sa kaniya, na sinasabi, Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus. 043 JOH 012 022 Lumapit si Felipe at sinabi kay Andres: lumapit si Andres, at si Felipe, at kanilang sinabi kay Jesus. 043 JOH 012 023 At sinagot sila ni Jesus, na nagsasabi, Dumating na ang oras, na ang Anak ng tao ay luluwalhatiin. 043 JOH 012 024 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ay natitira siyang magiisa; nguni't kung mamatay, ay nagbubunga ng marami. 043 JOH 012 025 Ang umiibig sa kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan. 043 JOH 012 026 Kung ang sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao'y maglingkod sa akin, ay siya'y pararangalan ng Ama. 043 JOH 012 027 Ngayon ay nagugulumihanan ang aking kaluluwa; at ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako sa oras na ito. Nguni't dahil dito ay naparito ako sa oras na ito. 043 JOH 012 028 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin. 043 JOH 012 029 Ang karamihan ngang nangaroroon, at nangakarinig, ay nagsipagsabing kumulog: sinabi ng mga iba, Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya. 043 JOH 012 030 Sumagot si Jesus at sinabi, Ang tinig na ito'y hindi dumating dahil sa akin, kundi dahil sa inyo. 043 JOH 012 031 Ngayon ang paghatol sa sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin. 043 JOH 012 032 At ako, kung ako'y mataas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay palalapitin ko sa akin din. 043 JOH 012 033 Datapuwa't ito'y sinabi niya, na ipinaaalam kung sa anong kamatayan ang ikamamatay niya. 043 JOH 012 034 Sinagot nga siya ng karamihan, Aming narinig sa kautusan na ang Cristo ay lumalagi magpakailan man: at paanong sinasabi mo, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas? sino ang Anak ng taong ito? 043 JOH 012 035 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Kaunting panahon na lamang sasagitna ninyo ang ilaw. Kayo'y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng kadiliman: at ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo. 043 JOH 012 036 Samantalang nasa inyo ang ilaw, ay magsisampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw. Ang mga bagay na ito'y sinalita ni Jesus, at siya'y umalis at nagtago sa kanila. 043 JOH 012 037 Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya: 043 JOH 012 038 Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? 043 JOH 012 039 Dahil dito'y hindi sila makapaniwala, sapagka't muling sinabi ni Isaias, 043 JOH 012 040 Binulag niya ang kanilang mga mata, at pinatigas niya ang kanilang mga puso; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakaunawa ng kanilang puso At mangagbalik-loob, At sila'y mapagaling ko. 043 JOH 012 041 Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, sapagka't nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian; at siya'y nagsalita ng tungkol sa kaniya. 043 JOH 012 042 Gayon man maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya; datapuwa't dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga: 043 JOH 012 043 Sapagka't iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios. 043 JOH 012 044 At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin. 043 JOH 012 045 At ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin. 043 JOH 012 046 Ako'y naparito na isang ilaw sa sanglibutan, upang ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman. 043 JOH 012 047 At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. 043 JOH 012 048 Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw. 043 JOH 012 049 Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain. 043 JOH 012 050 At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita. 043 JOH 013 001 Bago nga magpista ng paskua, sa pagkaalam ni Jesus na dumating na ang kaniyang oras ng paglipat niya mula sa sanglibutang ito hanggang sa Ama, sa pagkaibig sa mga kaniya na nangasa sanglibutan, ay inibig niya sila hanggang sa katapusan. 043 JOH 013 002 At habang humahapon, nang mailagay na ng diablo sa puso ni Judas Iscariote, na anak ni Simon, ang pagkakanulo sa kaniya. 043 JOH 013 003 Si Jesus, sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay, at siya'y nanggaling sa Dios, at sa Dios din paroroon, 043 JOH 013 004 Ay nagtindig sa paghapon, at itinabi ang kaniyang mga damit; at siya'y kumuha ng isang toalya, at ibinigkis sa kaniyang sarili. 043 JOH 013 005 Nang magkagayo'y nagsalin ng tubig sa kamaw, at pinasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad, at kinuskos ng toalya na sa kaniya'y nakabigkis. 043 JOH 013 006 Sa gayo'y lumapit siya kay Simon Pedro. Sinabi niya sa kaniya, Panginoon, huhugasan mo baga ang aking mga paa? 043 JOH 013 007 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ang ginagawa ko'y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa't mauunawa mo pagkatapos. 043 JOH 013 008 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Huwag mong huhugasan ang aking mga paa kailan man. Sinagot siya ni Jesus, Kung hindi kita huhugasan, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin. 043 JOH 013 009 Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, Panginoon, hindi ang aking mga paa lamang, kundi pati ng aking mga kamay at ang aking ulo. 043 JOH 013 010 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ang napaliguan na ay walang kailangang hugasan maliban ang kaniyang mga paa, sapagka't malinis nang lubos: at kayo'y malilinis na, nguni't hindi ang lahat. 043 JOH 013 011 Sapagka't nalalaman niya ang sa kaniya'y magkakanulo; kaya't sinabi niya, Hindi kayong lahat ay malilinis. 043 JOH 013 012 Kaya't nang mahugasan niya ang kanilang mga paa, at makuha ang kaniyang mga damit at muling maupo, ay sinabi niya sa kanila, Nalalaman baga ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? 043 JOH 013 013 Tinatawag ninyo akong Guro, at Panginoon: at mabuti ang inyong sinasabi; sapagka't ako nga. 043 JOH 013 014 Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa't isa. 043 JOH 013 015 Sapagka't kayo'y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo. 043 JOH 013 016 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon; ni ang sinugo man ay dakila kay sa nagsugo sa kaniya. 043 JOH 013 017 Kung nalalaman ninyo ang mga bagay na ito, kayo ay mapapalad kung inyong mga gawin. 043 JOH 013 018 Hindi ko sinasalita tungkol sa inyong lahat: nalalaman ko ang aking mga hinirang: nguni't upang matupad ang kasulatan, Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin. 043 JOH 013 019 Mula ngayon ay sinasalita ko sa inyo bago mangyari, upang, pagka nangyari, kayo'y magsisampalataya na ako nga. 043 JOH 013 020 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang tumatanggap sa sinoman sinusugo ko ay ako ang tinatanggap; at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin. 043 JOH 013 021 Nang masabing gayon ni Jesus, siya'y nagulumihanan sa espiritu, at pinatotohanan, at sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo. 043 JOH 013 022 Ang mga alagad ay nangagtingintinginan, na nangagaalinlangan kung kanino niya sinasalita. 043 JOH 013 023 Sa dulang ay may isa sa kaniyang mga alagad, na minamahal ni Jesus na nakahilig sa sinapupunan ni Jesus. 043 JOH 013 024 Hinudyatan nga siya ni Simon Pedro, at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin kung sino ang sinasalita niya. 043 JOH 013 025 Ang nakahilig nga sa dibdib ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sino yaon? 043 JOH 013 026 Sumagot nga si Jesus, Yaong aking ipagsawsaw at bigyan ng tinapay ay siya nga. Kaya't nang maisawsaw niya ang tinapay, ay kinuha niya at ibinigay niya kay Judas, na anak ni Simon Iscariote. 043 JOH 013 027 At pagkatapos na maisubo, si Satanas nga ay pumasok sa kaniya. Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Ang ginagawa mo, ay gawin mong madali. 043 JOH 013 028 Hindi nga natalastas ng sinomang nasa dulang kung sa anong kadahilanan sinalita niya ito. 043 JOH 013 029 Sapagka't iniisip ng ilan, na sapagka't si Judas ang may tangan ng supot, ay sinabi ni Jesus sa kaniya, Bumili ka ng mga bagay na ating kailangan sa pista; o, magbigay siya ng anoman sa mga dukha. 043 JOH 013 030 Nang kaniya ngang matanggap ang subo ay umalis agad: at noo'y gabi na. 043 JOH 013 031 Nang siya nga'y makalabas na, ay sinabi ni Jesus, Ngayon ay niluluwalhati ang Anak ng tao, at ang Dios ay niluluwalhati sa kaniya: 043 JOH 013 032 At luluwalhatiin siya ng Dios sa kaniyang sarili, at pagdaka'y luluwalhatiin siya niya. 043 JOH 013 033 Maliliit na anak, sumasa inyo pa ako ng kaunting panahon. Ako'y inyong hahanapin: at gaya ng sinabi ko sa mga Judio, Sa paroroonan ko, ay hindi kayo mangakaparoon: gayon ang sinasabi ko sa inyo ngayon. 043 JOH 013 034 Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa. 043 JOH 013 035 Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa. 043 JOH 013 036 Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, Panginoon, saan ka paroroon? Sumagot si Jesus, Sa paroroonan ko, ay hindi ka makasusunod sa akin ngayon: nguni't pagkatapos ay makasusunod ka. 043 JOH 013 037 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Panginoon, bakit hindi ako makasusunod sa iyo ngayon? Ang aking buhay ay ibibigay ko dahil sa inyo. 043 JOH 013 038 Sumagot si Jesus. Ang buhay mo baga'y iyong ibibigay dahil sa akin? Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi titilaok ang manok, hanggang ikaila mo akong makaitlo. 043 JOH 014 001 Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin. 043 JOH 014 002 Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. 043 JOH 014 003 At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon. 043 JOH 014 004 At kung saan ako paroroon, ay nalalaman ninyo ang daan. 043 JOH 014 005 Sinabi sa kaniya ni Tomas, Panginoon, hindi namin nalalaman kung saan ka paroroon; paano ngang malalaman namin ang daan? 043 JOH 014 006 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. 043 JOH 014 007 Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita. 043 JOH 014 008 Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin. 043 JOH 014 009 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? 043 JOH 014 010 Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. 043 JOH 014 011 Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin. 043 JOH 014 012 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka't ako'y paroroon sa Ama. 043 JOH 014 013 At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak. 043 JOH 014 014 Kung kayo'y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin. 043 JOH 014 015 Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos. 043 JOH 014 016 At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man, 043 JOH 014 017 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo. 043 JOH 014 018 Hindi ko kayo iiwang magisa: ako'y paririto sa inyo. 043 JOH 014 019 Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanglibutan; nguni't inyong makikita ako: sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo. 043 JOH 014 020 Sa araw na yao'y makikilala ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo. 043 JOH 014 021 Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya. 043 JOH 014 022 Si Judas (hindi ang Iscariote) ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, ano't mangyayari na sa amin ka magpapakahayag, at hindi sa sanglibutan? 043 JOH 014 023 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan. 043 JOH 014 024 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin. 043 JOH 014 025 Ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, samantalang ako'y tumatahang kasama pa ninyo. 043 JOH 014 026 Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi. 043 JOH 014 027 Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man. 043 JOH 014 028 Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama: sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin. 043 JOH 014 029 At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari, upang, kung ito'y mangyari, ay magsisampalataya kayo. 043 JOH 014 030 Hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo, sapagka't dumarating ang prinsipe ng sanglibutan: at siya'y walang anoman sa akin; 043 JOH 014 031 Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na ako'y umiibig sa Ama, at ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama, ay gayon din ang aking ginagawa. Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito. 043 JOH 015 001 Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang magsasaka. 043 JOH 015 002 Ang bawa't sanga na sa akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis niya: at ang bawa't sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga. 043 JOH 015 003 Kayo'y malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo'y aking sinalita. 043 JOH 015 004 Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin. 043 JOH 015 005 Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. 043 JOH 015 006 Kung ang sinoman ay hindi manatili sa akin, ay siya'y matatapong katulad ng sanga, at matutuyo; at mga titipunin at mga ihahagis sa apoy, at mangasusunog. 043 JOH 015 007 Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo. 043 JOH 015 008 Sa ganito'y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo'y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo'y magiging aking mga alagad. 043 JOH 015 009 Kung paanong inibig ako ng Ama, ay gayon din naman iniibig ko kayo: magsipanatili kayo sa aking pagibig. 043 JOH 015 010 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig; gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako'y nananatili sa kaniyang pagibig. 043 JOH 015 011 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang ang aking kagalakan ay mapasa inyo, at upang ang inyong kagalakan ay malubos. 043 JOH 015 012 Ito ang aking utos, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa, na gaya ng pagibig ko sa inyo. 043 JOH 015 013 Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan. 043 JOH 015 014 Kayo'y aking mga kaibigan, kung gawin ninyo ang mga bagay na aking iniuutos sa inyo. 043 JOH 015 015 Hindi ko na kayo tatawaging mga alipin; sapagka't hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon: nguni't tinatawag ko kayong mga kaibigan; sapagka't ang lahat ng mga bagay na narinig ko sa aking Ama ay mga ipinakilala ko sa inyo. 043 JOH 015 016 Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo'y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo. 043 JOH 015 017 Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo, upang kayo'y mangagibigan sa isa't isa. 043 JOH 015 018 Kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan, ay inyong talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo. 043 JOH 015 019 Kung kayo'y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan. 043 JOH 015 020 Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y aking sinabi, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din. 043 JOH 015 021 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa aking pangalan, sapagka't hindi nila nakikilala ang sa akin ay nagsugo. 043 JOH 015 022 Kung hindi sana ako naparito at nagsalita sa kanila, ay hindi sila magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y wala na silang madadahilan sa kanilang kasalanan. 043 JOH 015 023 Ang napopoot sa akin ay napopoot din naman sa aking Ama. 043 JOH 015 024 Kung ako sana'y hindi gumawa sa gitna nila ng mga gawang hindi ginawa ng sinomang iba, ay hindi sana sila nangagkaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayon ay kanilang nangakita at kinapootan nila ako at ang aking Ama. 043 JOH 015 025 Nguni't nangyari ito, upang matupad ang salitang nasusulat sa kanilang kautusan, Ako'y kinapootan nila na walang kadahilanan. 043 JOH 015 026 Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin: 043 JOH 015 027 At kayo naman ay magpapatotoo, sapagka't kayo'y nangakasama ko buhat pa nang una. 043 JOH 016 001 Ang mga bagay na ito'y aking sinalita sa inyo, upang kayo'y huwag mangatisod. 043 JOH 016 002 Kayo'y palalayasin nila sa mga sinagoga: oo, dumarating ang oras, na ang sinomang pumatay sa inyo ay aakalaing naghahandog siya ng paglilingkod sa Dios. 043 JOH 016 003 At ang mga bagay na ito'y gagawin nila, sapagka't hindi nila nakikilala ang Ama, ni ako man. 043 JOH 016 004 Datapuwa't ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, upang kung dumating ang kanilang oras, ay inyong mangaalaala, kung paanong sinabi ko sa inyo. At ang mga bagay na ito'y hindi ko sinabi sa inyo buhat pa nang una, sapagka't ako'y sumasa inyo. 043 JOH 016 005 Datapuwa't ngayong ako'y paroroon sa nagsugo sa akin; at sinoman sa inyo ay walang nagtatanong sa akin, Saan ka paroroon? 043 JOH 016 006 Nguni't sapagka't sinalita ko ang mga bagay na ito sa inyo, ay napuno ng kalumbayan ang inyong puso. 043 JOH 016 007 Gayon ma'y sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo na ako'y yumaon; sapagka't kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni't kung ako'y yumaon, siya'y susuguin ko sa inyo. 043 JOH 016 008 At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol: 043 JOH 016 009 Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila nagsisampalataya sa akin; 043 JOH 016 010 Tungkol sa katuwiran, sapagka't ako'y paroroon sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita; 043 JOH 016 011 Tungkol sa paghatol, sapagka't ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na. 043 JOH 016 012 Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. 043 JOH 016 013 Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating. 043 JOH 016 014 Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag. 043 JOH 016 015 Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama ay akin: kaya sinabi ko, na siya'y kukuha sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag. 043 JOH 016 016 Sangdali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita; at muling sandali pa, at ako'y inyong makikita. 043 JOH 016 017 Ang ilan sa kaniyang mga alagad nga ay nangagsangusapan, Ano itong sinasabi niya sa atin, Sangdali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita; at muling sangdali pa, at ako'y inyong makikita: at, Sapagka't ako'y paroroon sa Ama? 043 JOH 016 018 Sinabi nga nila, Ano nga itong sinasabi niya, Sangdali na lamang? Hindi namin nalalaman kung ano ang sinasabi niya. 043 JOH 016 019 Natalastas ni Jesus na sa kaniya'y ibig nilang itanong, at sa kanila'y sinabi niya, Nangagtatanungan kayo tungkol dito sa aking sinabi, Sangdali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita, at muling sangdali pa, at ako'y inyong makikita? 043 JOH 016 020 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayo'y magsisiiyak at magsisipanaghoy, datapuwa't ang sanglibutan ay magagalak: kayo'y mangalulumbay, datapuwa't ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan. 043 JOH 016 021 Ang babae pagka nanganganak ay nalulumbay, sapagka't dumating ang kaniyang oras: nguni't pagkapanganak niya sa sanggol, ay hindi na niya naalaala ang hirap dahil sa kagalakan sa pagkapanganak sa isang tao sa sanglibutan. 043 JOH 016 022 At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan: nguni't muli ko kayong makikita, at magagalak ang inyong puso, at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan. 043 JOH 016 023 At sa araw na yaon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anomang tanong. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan. 043 JOH 016 024 Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihinging anoman sa pangalan ko: kayo'y magsihingi, at kayo'y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan. 043 JOH 016 025 Sinalita ko sa inyo ang mga bagay na ito sa malalabong pananalita: darating ang oras, na hindi ko na kayo pagsasalitaan sa malalabong pananalita, kundi maliwanag na sa inyo'y sasaysayin ko ang tungkol sa Ama. 043 JOH 016 026 Sa araw na yao'y magsisihingi kayo sa aking pangalan: at sa inyo'y hindi ko sinasabi, na kayo'y idadalangin ko sa Ama; 043 JOH 016 027 Sapagka't ang Ama rin ang umiibig sa inyo, sapagka't ako'y inyong inibig, at kayo'y nagsisampalataya na ako'y nagbuhat sa Ama. 043 JOH 016 028 Nagbuhat ako sa Ama, at naparito ako sa sanglibutan: muling iniiwan ko ang sanglibutan, at ako'y paroroon sa Ama. 043 JOH 016 029 Sinasabi ng kaniyang mga alagad, Narito, ngayo'y nagsasalita kang malinaw, at wala kang sinasalitang anomang malabong pananalita. 043 JOH 016 030 Ngayon ay nakikilala namin na nalalaman mo ang lahat ng mga bagay, at hindi nangangailangan na tanungin ka ng sinoman: dahil dito'y nagsisisampalataya kami na ikaw ay nagbuhat sa Dios. 043 JOH 016 031 Sinagot sila ni Jesus, Ngayon baga'y nagsisisampalataya kayo? 043 JOH 016 032 Narito, ang oras ay dumarating, oo, dumating na, na kayo'y mangangalat, ang bawa't tao sa kanikaniyang sarili, at ako'y iiwan ninyong magisa: at gayon ma'y hindi ako nagiisa, sapagka't ang Ama ay sumasa akin. 043 JOH 016 033 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan. 043 JOH 017 001 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: 043 JOH 017 002 Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya. 043 JOH 017 003 At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. 043 JOH 017 004 Niluwalhati kita sa lupa, pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin. 043 JOH 017 005 At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon. 043 JOH 017 006 Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at tinupad nila ang iyong salita. 043 JOH 017 007 Ngayon ay nangakilala nila na ang lahat ng mga bagay na sa akin ay ibinigay mo ay mula sa iyo: 043 JOH 017 008 Sapagka't ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin. 043 JOH 017 009 Idinadalangin ko sila: hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; sapagka't sila'y iyo: 043 JOH 017 010 At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at ako'y lumuluwalhati sa kanila. 043 JOH 017 011 At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila'y maging isa, na gaya naman natin. 043 JOH 017 012 Samantalang ako'y sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila'y binantayan ko, at isa man sa kanila'y walang napahamak, kundi ang anak ng kapahamakan; upang matupad ang kasulatan. 043 JOH 017 013 Nguni't ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang sila'y mangagtamo ng aking kagalakang ganap sa kanila rin. 043 JOH 017 014 Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. 043 JOH 017 015 Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama. 043 JOH 017 016 Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. 043 JOH 017 017 Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan. 043 JOH 017 018 Kung paanong ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan. 043 JOH 017 019 At dahil sa kanila'y pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan. 043 JOH 017 020 Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita; 043 JOH 017 021 Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo. 043 JOH 017 022 At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa; 043 JOH 017 023 Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila'y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo. 043 JOH 017 024 Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan. 043 JOH 017 025 Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin; 043 JOH 017 026 At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila. 043 JOH 018 001 Nang masalita ni Jesus ang mga salitang ito, siya'y umalis na kasama ng kaniyang mga alagad na nagsitawid ng batis ng Cedron, na doo'y may isang halamanan, na pinasok niya at ng kaniyang mga alagad. 043 JOH 018 002 Si Judas nga rin naman, na sa kaniya'y nagkanulo, ay nalalaman ang dako: sapagka't madalas na si Jesus ay nakikipagkatipon sa kaniyang mga alagad doon. 043 JOH 018 003 Si Judas nga, pagkatanggap ng pulutong ng mga kawal, at mga punong kawal na mula sa mga pangulong saserdote at mga Fariseo, ay nagsiparoon na may mga ilawan at mga sulo at mga sandata. 043 JOH 018 004 Si Jesus nga, na nakatataho ng lahat ng mga bagay na sasapit sa kaniya, ay lumabas, at sa kanila'y sinabi, Sino ang inyong hinahanap? 043 JOH 018 005 Sinagot niya sila, Si Jesus na taga Nazaret. Sinabi sa kanila ni Jesus, Ako nga. At si Judas din naman, na sa kaniya'y nagkanulo, ay nakatayong kasama nila. 043 JOH 018 006 Pagkasabi nga niya sa kanila, Ako nga, ay nagsiurong sila, at nangalugmok sa lupa. 043 JOH 018 007 Muli ngang sila'y tinanong niya, Sino ang inyong hinahanap? At sinabi nila, Si Jesus na taga Nazaret. 043 JOH 018 008 Sumagot si Jesus, Sinabi ko sa inyo na ako nga; kung ako nga ang inyong hinahanap, ay pabayaan ninyo ang mga ito na magsiyaon sa kanilang lakad. 043 JOH 018 009 Upang matupad ang salitang sinalita niya, Sa mga ibinigay mo sa akin ay hindi ko iniwala kahit isa. 043 JOH 018 010 Si Simon Pedro nga na may tabak ay nagbunot nito, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang kanang tainga. Ang pangalan ng aliping yaon ay Malco. 043 JOH 018 011 Sinabi nga ni Jesus kay Pedro, Isalong mo ang iyong tabak: ang sarong sa akin ay ibinigay ng Ama, ay hindi ko baga iinuman? 043 JOH 018 012 Kaya dinakip si Jesus ng pulutong at ng pangulong kapitan, at ng mga punong kawal ng mga Judio, at siya'y ginapos. 043 JOH 018 013 At siya'y dinala muna kay Anas; sapagka't siya'y biyenan ni Caifas, na dakilang saserdote nang taong yaon. 043 JOH 018 014 Si Caifas nga na siyang nagpayo sa mga Judio, na dapat na ang isang tao'y mamatay dahil sa bayan. 043 JOH 018 015 At sumunod si Simon Pedro kay Jesus, at gayon din ang isa pang alagad. Ang alagad ngang yaon ay kilala ng dakilang saserdote, at pumasok na kasama ni Jesus sa looban ng dakilang saserdote; 043 JOH 018 016 Nguni't si Pedro ay nakatayo sa pintuan sa labas. Kaya't ang isang alagad, na kilala ng dakilang saserdote ay lumabas at kinausap ang babaing tanod-pinto, at ipinasok si Pedro. 043 JOH 018 017 Sinabi nga kay Pedro ng dalagang tanod-pinto, Pati baga ikaw ay isa sa mga alagad ng taong ito? Sinabi niya, Ako'y hindi. 043 JOH 018 018 Nangakatayo nga doon ang mga alipin at ang mga punong kawal, na nangagpapaningas ng sigang uling; sapagka't maginaw; at sila'y nangagpapainit: at si Pedro rin naman ay kasama nila, na nakatayo at nagpapainit. 043 JOH 018 019 Tinanong nga ng dakilang saserdote si Jesus tungkol sa kaniyang mga alagad, at sa kaniyang pagtuturo. 043 JOH 018 020 Sinagot siya ni Jesus, Ako'y hayag na nagsalita sa sanglibutan; ako'y laging nagtuturo sa mga sinagoga, at sa templo, na siyang pinagkakatipunan ng lahat ng mga Judio; at wala akong sinalita sa lihim. 043 JOH 018 021 Bakit ako'y iyong tinatanong? tanungin mo silang nangakarinig sa akin, kung anong sinalita ko sa kanila: narito, ang mga ito ang nangakakaalam ng mga bagay na sinabi ko. 043 JOH 018 022 At nang kaniyang masabi ito, ay sinampal si Jesus ng isa sa mga punong kawal na nakatayo roon, na nagsasabi, Ganyan ang pagsagot mo sa dakilang saserdote? 043 JOH 018 023 Sinagot siya ni Jesus, Kung ako'y nagsalita ng masama, patotohanan mo ang kasamaan; datapuwa't kung mabuti, bakit mo ako sinasampal? 043 JOH 018 024 Ipinadala nga siyang gapos ni Anas kay Caifas na dakilang saserdote. 043 JOH 018 025 Nakatayo nga si Pedro na nagpapainit. Sinabi nga nila sa kaniya, Ikaw baga ay isa rin naman sa kaniyang mga alagad? Siya'y kumaila, at sinabi, Ako'y hindi. 043 JOH 018 026 Ang isa sa mga alipin ng dakilang saserdote, na kamaganak niyaong tinagpas ni Pedro ang tainga, ay nagsabi, Hindi baga ikaw ay nakita kong kasama niya sa halamanan? 043 JOH 018 027 Muli ngang kumaila si Pedro: at pagdaka'y tumilaok ang manok. 043 JOH 018 028 Dinala nga nila si Jesus mula kay Caifas hanggang sa Pretorio: at niyao'y maaga pa; at sila'y hindi nagsipasok sa Pretorio, upang huwag silang madungisan, upang sila'y mangyaring makakain ng kordero ng paskua. 043 JOH 018 029 Nilabas nga sila ni Pilato, at sinabi, Anong sakdal ang dala ninyo laban sa taong ito? 043 JOH 018 030 Sila'y nagsisagot at sinabi sa kaniya, Kung ang taong ito'y hindi manggagawa ng masama, ay hindi sana namin dinala sa iyo. 043 JOH 018 031 Sa kanila nga'y sinabi ni Pilato, Kunin ninyo siya, at siya'y inyong hatulan ayon sa inyong kautusan. Ang mga Judio'y nangagsabi sa kaniya, Sa amin ay hindi naaayon sa kautusan na magpapatay ng sinomang tao: 043 JOH 018 032 Upang matupad ang salitang sinalita ni Jesus, na ipinaalam kung sa anong paraan ng kamatayan siya mamamatay. 043 JOH 018 033 Si Pilato nga'y muling pumasok sa Pretorio, at tinawag si Jesus, at sa kaniya'y sinabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? 043 JOH 018 034 Sumagot si Jesus, Sinasabi mo baga ito sa iyong sarili, o sinabi sa iyo ng mga iba tungkol sa akin? 043 JOH 018 035 Si Pilato ay sumagot, Ako baga'y Judio? Ang iyong sariling bansa at ang mga pangulong saserdote ang sa iyo'y nagdala sa akin: anong ginawa mo? 043 JOH 018 036 Sumagot si Jesus, Ang kaharian ko ay hindi sa sanglibutang ito: kung ang kaharian ko ay sa sanglibutang ito, ang aking mga alipin nga ay makikipagbaka, upang ako'y huwag maibigay sa mga Judio: nguni't ngayo'y ang aking kaharian ay hindi rito. 043 JOH 018 037 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga'y hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang nagsasabing ako'y hari. Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan, upang bigyang patotoo ang katotohanan. Ang bawa't isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig. 043 JOH 018 038 Sinabi sa kaniya ni Pilato, Ano ang katotohanan? At nang masabi niya ito ay lumabas siyang muli sa mga Judio, at sa kanila'y sinabi, Wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya. 043 JOH 018 039 Nguni't kayo'y may ugali, na pawalan sa inyo ang isa sa paskua: ibig nga baga ninyong sa inyo'y pawalan ko ang Hari ng mga Judio? 043 JOH 018 040 Sila nga'y nagsigawang muli, na nangagsasabi, Huwag ang taong ito, kundi si Barrabas. Si Barrabas nga'y isang tulisan. 043 JOH 019 001 Nang magkagayon nga'y tinangnan ni Pilato si Jesus, at siya'y hinampas. 043 JOH 019 002 At ang mga kawal ay nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at siya'y sinuutan ng isang balabal na kulay-ube; 043 JOH 019 003 At sila'y nagsilapit sa kaniya, at nangagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio! at siya'y kanilang pinagsuntukanan. 043 JOH 019 004 At si Pilato ay lumabas na muli, at sa kanila'y sinabi, Narito, siya'y inilabas ko sa inyo, upang inyong matalastas na wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya. 043 JOH 019 005 Lumabas nga si Jesus, na may putong na tinik at balabal na kulay-ube. Sa kanila'y sinabi ni Pilato, Narito, ang tao! 043 JOH 019 006 Pagkakita nga sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga punong kawal, ay sila'y nangagsigawan, na sinasabi, Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Kunin ninyo siya, at ipako ninyo siya sa krus: sapagka't ako'y walang masumpungang kasalanan sa kaniya. 043 JOH 019 007 Nagsisagot sa kaniya ang mga Judio, Kami'y mayroong isang kautusan, at ayon sa kautusang yaon ay nararapat siyang mamatay, sapagka't siya'y nagpapanggap na Anak ng Dios. 043 JOH 019 008 Pagkarinig nga ni Pilato ng salitang ito, ay lalong sinidlan siya ng takot; 043 JOH 019 009 At siya'y muling pumasok sa Pretorio, at sinabi kay Jesus, Taga saan ka? Nguni't hindi siya sinagot ni Jesus. 043 JOH 019 010 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Sa akin ay hindi ka nagsasalita? Hindi mo baga nalalaman na ako'y may kapangyarihang sa iyo'y magpawala, at may kapangyarihang sa iyo'y magpako sa krus? 043 JOH 019 011 Sumagot si Jesus sa kaniya, Anomang kapangyarihan ay hindi ka magkakaroon laban sa akin malibang ito'y ibinigay sa iyo mula sa itaas: kaya't ang nagdala sa iyo sa akin ay may lalong malaking kasalanan. 043 JOH 019 012 Dahil dito'y pinagsisikapan ni Pilato na siya'y pawalan: nguni't ang mga Judio ay nagsisigawan, na nangagsasabi, Kung pawalan mo ang taong ito, ay hindi ka kaibigan ni Cesar: ang bawa't isang nagpapanggap na hari ay nagsasalita ng laban kay Cesar. 043 JOH 019 013 Nang marinig nga ni Pilato ang mga salitang ito, ay inilabas niya si Jesus, at siya'y naupo sa hukuman sa dakong tinatawag na Pavimento, datapuwa't sa Hebreo ay Gabbatha. 043 JOH 019 014 Noon nga'y Paghahanda ng paskua: at noo'y magiikaanim ng oras. At sinabi niya sa mga Judio, Narito, ang inyong Hari! 043 JOH 019 015 Sila nga'y nagsigawan, Alisin siya, alisin siya, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Ipapako ko baga sa krus ang inyong Hari? Nagsisagot ang mga pangulong saserdote, Wala kaming hari kundi si Cesar. 043 JOH 019 016 Nang magkagayon nga'y ibinigay siya sa kanila upang maipako sa krus. 043 JOH 019 017 Kinuha nga nila si Jesus: at siya'y lumabas, na pasan niya ang krus, hanggang sa dakong tinatawag na Dako ng bungo, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Golgota: 043 JOH 019 018 Na doo'y ipinako nila siya sa krus, at kasama niya ang dalawa pa, isa sa bawa't tagiliran, at si Jesus sa gitna. 043 JOH 019 019 At sumulat din naman si Pilato ng isang pamagat, at inilagay sa ulunan ng krus. At ang nasusulat ay, JESUS NA TAGA NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO. 043 JOH 019 020 Marami nga sa mga Judio ang nakabasa ng pamagat na ito, sapagka't ang dakong pinagpakuan kay Jesus ay malapit sa bayan; at ito'y nasusulat sa Hebreo, at sa Latin, at sa Griego. 043 JOH 019 021 Sinabi nga kay Pilato ng mga pangulong saserdote ng mga Judio, Huwag mong isulat, Ang Hari ng mga Judio; kundi, ang kanyang sinabi, Hari ako ng mga Judio. 043 JOH 019 022 Sumagot si Pilato, Ang naisulat ko ay naisulat ko. 043 JOH 019 023 Ang mga kawal nga, nang si Jesus ay kanilang maipako na sa krus, ay kanilang kinuha ang kaniyang mga kasuutan at pinagapat na bahagi, sa bawa't kawal ay isang bahagi; at gayon din naman ang tunika: at ang tunika ay walang tahi, na hinabing buo mula sa itaas. 043 JOH 019 024 Nangagsangusapan nga sila, Huwag natin itong punitin, kundi ating pagsapalaranan, kung mapapakanino: upang matupad ang kasulatan, na nagsasabi, Binahagi nila sa kanila ang aking mga kasuutan, At ang aking balabal ay kanilang pinagsapalaran. 043 JOH 019 025 Ang mga bagay ngang ito ay ginawa ng mga kawal. Datapuwa't nangakatayo sa piling ng krus ni Jesus ang kaniyang ina, at ang kapatid ng kaniyang ina, na si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. 043 JOH 019 026 Pagkakita nga ni Jesus sa kanyang ina, at sa nakatayong alagad na kaniyang iniibig, ay sinabi niya sa kaniyang ina, Babae, narito, ang iyong anak! 043 JOH 019 027 Nang magkagayo'y sinabi niya sa alagad, Narito, ang iyong ina! At buhat nang oras na yaon ay tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan. 043 JOH 019 028 Pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga, upang matupad ang kasulatan, ay sinabi, Nauuhaw ako. 043 JOH 019 029 Mayroon doong isang sisidlang puno ng suka: kaya't naglagay sila ng isang esponghang basa ng suka sa isang tukod na isopo, at kanilang inilagay sa kaniyang bibig. 043 JOH 019 030 Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, Naganap na: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga. 043 JOH 019 031 Ang mga Judio nga, sapagka't noo'y Paghahanda, upang ang mga katawan ay huwag mangatira sa krus sa sabbath (sapagka't dakila ang araw ng sabbath na yaon), ay hiniling nila kay Pilato na mangaumog ang kanilang mga hita, at upang sila'y mangaalis doon. 043 JOH 019 032 Nagsiparoon na ang mga kawal, at inumog ang mga hita ng una, at ng sa isa na ipinako sa krus na kasama niya: 043 JOH 019 033 Nguni't nang magsiparoon sila kay Jesus, at makitang siya'y patay na, ay hindi na nila inumog ang kaniyang mga hita: 043 JOH 019 034 Gayon ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig. 043 JOH 019 035 At ang nakakita ay nagpatotoo, at ang kaniyang patotoo ay totoo: at nalalaman niyang siya'y nagsasabi ng totoo, upang kayo naman ay magsisampalataya. 043 JOH 019 036 Sapagka't ang mga bagay na ito ay nangyari, upang matupad ang kasulatan, Ni isa mang buto niya'y hindi mababali. 043 JOH 019 037 At sinabi naman sa ibang kasulatan, Magsisitingin sila sa kaniya na kanilang pinagulusanan. 043 JOH 019 038 At pagkatapos ng mga bagay na ito si Jose na taga Arimatea, palibhasa'y alagad ni Jesus, bagama't lihim dahil sa katakutan sa mga Judio, ay namanhik kay Pilato na makuha niya ang bangkay ni Jesus; at ipinahintulot ni Pilato sa kaniya. Naparoon nga siya, at inalis ang kaniyang bangkay. 043 JOH 019 039 At naparoon naman si Nicodemo, yaong naparoon nang una sa kaniya nang gabi, na may dalang isang pinaghalong mirra at mga aloe, na may mga isang daang libra. 043 JOH 019 040 Kinuha nga nila ang bangkay ni Jesus, at binalot nila ng mga kayong lino na may mga pabango, ayon sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing. 043 JOH 019 041 Sa dako nga ng pinagpakuan sa kaniya ay may isang halamanan; at sa halamana'y may isang bagong libingan na kailan ma'y hindi pa napaglalagyan ng sinoman. 043 JOH 019 042 Doon nga, dahil sa Paghahanda ng mga Judio (sapagka't malapit ang libingan) ay kanilang inilagay si Jesus. 043 JOH 020 001 Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at nakita ang bato na naalis na sa libingan. 043 JOH 020 002 Tumakbo nga siya, at naparoon kay Simon Pedro, at sa isang alagad na iniibig ni Jesus, at sa kanila'y sinabi, Kinuha nila sa libingan ang Panginoon, at hindi namin maalaman kung saan nila siya inilagay. 043 JOH 020 003 Umalis nga si Pedro, at ang isang alagad, at nagsitungo sa libingan. 043 JOH 020 004 At sila'y kapuwa tumakbong magkasama: at ang isang alagad ay tumakbong matulin kay sa kay Pedro, at dumating na una sa libingan; 043 JOH 020 005 At nang kaniyang tunghan at tingnan ang loob, ay nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino; gayon ma'y hindi siya pumasok sa loob. 043 JOH 020 006 Dumating naman nga si Simon Pedro, na sumusunod sa kaniya, at pumasok sa libingan; at nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino, 043 JOH 020 007 At ang panyo na nasa kaniyang ulo, ay hindi kasamang nakalatag ng mga kayong lino, kundi bukod na natitiklop sa isang tabi. 043 JOH 020 008 Nang magkagayo'y pumasok din naman nga ang isang alagad, na unang dumating sa libingan, at siya'y nakakita at sumampalataya. 043 JOH 020 009 Sapagka't hindi pa nila napaguunawa ang kasulatan, na kinakailangang siya'y muling magbangon sa mga patay. 043 JOH 020 010 Kaya't ang mga alagad ay muling nagsitungo sa kanikanilang sariling tahanan. 043 JOH 020 011 Nguni't si Maria ay nakatayo sa labas ng libingan na umiiyak: sa gayon, samantalang siya'y umiiyak, siya'y yumuko at tumingin sa loob ng libingan; 043 JOH 020 012 At nakita niya ang dalawang anghel na nararamtan na nangakaupo, ang isa'y sa ulunan, at ang isa'y sa paanan, ng kinalalagyan ng bangkay ni Jesus. 043 JOH 020 013 At sinabi nila sa kaniya, Babae, bakit ka umiiyak? Sinabi niya sa kanila, Sapagka't kinuha nila ang aking Panginoon, at hindi ko maalaman kung saan nila inilagay siya. 043 JOH 020 014 Pagkasabi niya ng gayon, siya'y lumingon, at nakitang nakatayo si Jesus, at hindi nalalaman na yaon ay si Jesus. 043 JOH 020 015 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, bakit ka umiiyak? sino ang iyong hinahanap? Siya, sa pagaakalang yao'y maghahalaman, ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at akin siyang kukunin. 043 JOH 020 016 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria. Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro. 043 JOH 020 017 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios. 043 JOH 020 018 Naparoon si Maria Magdalena at sinabi sa mga alagad, Nakita ko ang Panginoon; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito. 043 JOH 020 019 Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. 043 JOH 020 020 At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon. 043 JOH 020 021 Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo. 043 JOH 020 022 At nang masabi niya ito, sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo: 043 JOH 020 023 Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad. 043 JOH 020 024 Nguni't si Tomas, isa sa labingdalawa, na tinatawag na Didimo, ay wala sa kanila nang dumating si Jesus. 043 JOH 020 025 Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon. Nguni't sinabi niya sa kanila, Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya. 043 JOH 020 026 At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. 043 JOH 020 027 Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin. 043 JOH 020 028 Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko. 043 JOH 020 029 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya. 043 JOH 020 030 Gumawa rin nga si Jesus ng iba't ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito: 043 JOH 020 031 Nguni't ang mga ito ay nangasulat, upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan. 043 JOH 021 001 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakitang muli si Jesus sa mga alagad sa tabi ng dagat ng Tiberias; at siya'y napakita sa ganitong paraan. 043 JOH 021 002 Samasama nga si Simon Pedro, at si Tomas na tinatawag na Didimo, at si Natanael na taga Cana ng Galilea, at ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pa sa kaniyang mga alagad. 043 JOH 021 003 Sinabi sa kanila ni Simon Pedro, Mangingisda ako. Sinabi nila sa kaniya, Kami man ay magsisisama sa iyo. Sila'y nagsiyaon, at nagsilulan sa daong; at nang gabing yaon ay wala silang nahuling anoman. 043 JOH 021 004 Nguni't nang nagbubukang liwayway na, si Jesus ay tumayo sa baybayin: gayon ma'y hindi napagalaman ng mga alagad na yaon ay si Jesus. 043 JOH 021 005 Sa kanila nga'y sinabi ni Jesus, Mga anak, mayroon baga kayong anomang makakain? Nagsisagot sila sa kaniya, Wala. 043 JOH 021 006 At kaniyang sinabi sa kanila, Ihulog ninyo ang lambat sa dakong kanan ng daong, at makakasumpong kayo. Inihulog nga nila, at hindi na nila mahila dahil sa karamihan ng mga isda. 043 JOH 021 007 Yaong alagad nga na iniibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro, Ang Panginoon nga. Kaya't pagkarinig nga ni Simon Pedro na yao'y ang Panginoon, ay nagbigkis siya ng kaniyang tunika (sapagka't siya'y hubo't hubad), at tumalon sa dagat. 043 JOH 021 008 Datapuwa't ang ibang mga alagad ay nagsilapit sa maliit na daong (sapagka't sila'y hindi lubhang malayo sa lupa, kundi may mga dalawangdaang siko), na hinihila ang lambat na puno ng mga isda. 043 JOH 021 009 Kaya't nang sila'y magsilunsad sa lupa, ay nakakita sila doon ng mga bagang uling, at isda ang nakalagay sa ibabaw, at tinapay. 043 JOH 021 010 Sinabi sa kanila ni Jesus, Mangagdala kayo rito ng mga isdang inyong nangahuli ngayon. 043 JOH 021 011 Umahon nga si Simon Pedro, at hinila ang lambat sa lupa, puno ng malalaking isda, na isang daan at limangpu at tatlo, at sa ganoong karami ay hindi napunit ang lambat. 043 JOH 021 012 Sinabi sa kanila ni Jesus, Magsiparito kayo at mangagpawing gutom. At sinoman sa mga alagad ay hindi nangahas na siya'y tanungin, Sino ka? sa pagkaalam na yaon ang Panginoon. 043 JOH 021 013 Lumapit si Jesus, at dinampot ang tinapay, at sa kanila'y ibinigay, at gayon din ang isda. 043 JOH 021 014 Ito'y ang ikatlong pagpapakita ni Jesus sa mga alagad, pagkatapos na siya'y magbangon sa mga patay. 043 JOH 021 015 Kaya't nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero. 043 JOH 021 016 Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa. 043 JOH 021 017 Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka't sa kaniya'y sinabing makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa. 043 JOH 021 018 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Nang ikaw ay bata pa, ikaw ay nagbibihis, at ikaw ay lumalakad kung saan mo ibig; nguni't pagtanda mo'y iuunat mo ang iyong mga kamay, at bibigkisan ka ng iba, at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig. 043 JOH 021 019 Ito nga'y sinalita niya, na ipinaalam kung sa anong kamatayan ang iluluwalhati niya sa Dios. At pagkasalita niya nito, ay sinabi niya sa kaniya, Sumunod ka sa akin. 043 JOH 021 020 Si Pedro, paglingon, ay nakita yaong alagad na iniibig ni Jesus na sumusunod; na siya ring humilig sa kaniyang dibdib sa paghapon, at nagsabi, Panginoon, sino ang sa iyo'y magkakanulo? 043 JOH 021 021 Pagkakita nga ni Pedro sa kaniya ay nagsabi kay Jesus, Panginoon, at ano ang gagawin ng taong ito? 043 JOH 021 022 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig kong siya'y manatili hanggang sa ako'y pumarito, ay ano nga sa iyo? sumunod ka sa akin. 043 JOH 021 023 Kumalat nga ang sabing ito sa gitna ng mga kapatid, na ang alagad na yaon ay hindi mamamatay: gayon ma'y hindi sinabi ni Jesus, sa kaniya na hindi siya mamamatay; kundi, Kung ibig kong siya'y manatili hanggang sa ako'y pumarito, ay ano nga sa iyo? 043 JOH 021 024 Ito ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito, at sumulat ng mga bagay na ito; at nalalaman namin na ang kaniyang patotoo ay totoo. 043 JOH 021 025 At mayroon ding iba't ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin. # # BOOK 044 ACT Acts Mga Gawa 044 ACT 001 001 Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus, 044 ACT 001 002 Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan, pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa mga apostol na kaniyang hinirang; 044 ACT 001 003 Na sa kanila nama'y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios: 044 ACT 001 004 At, palibhasa'y nakikipagpulong sa kanila, ay ipinagutos niya sa kanila na huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ng Ama, na sinabi niyang narinig ninyo sa akin: 044 ACT 001 005 Sapagka't tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa. 044 ACT 001 006 Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito? 044 ACT 001 007 At sinabi niya sa kanila, Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan. 044 ACT 001 008 Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. 044 ACT 001 009 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin. 044 ACT 001 010 At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit; 044 ACT 001 011 Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit. 044 ACT 001 012 Nang magkagayon ay nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olivo, na malapit sa Jerusalem, na isang araw ng sabbath lakarin. 044 ACT 001 013 At nang sila'y magsipasok sa bayan, ay nagsiakyat sila sa silid sa itaas, na kinatitirahan nila; ni Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres, ni Felipe at ni Tomas, ni Bartolome at ni Mateo, ni Santiago na anak ni Alfeo, at ni Simong Masikap, at ni Judas na anak ni Santiago. 044 ACT 001 014 Ang lahat ng mga ito'y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid niya. 044 ACT 001 015 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid, at nagsabi (at nangagkakatipon ang karamihang mga tao, na may isang daa't dalawangpu), 044 ACT 001 016 Mga kapatid, kinakailangang matupad ang kasulatan, na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus. 044 ACT 001 017 Sapagka't siya'y ibinilang sa atin, at siya'y tumanggap ng kaniyang bahagi sa ministeriong ito. 044 ACT 001 018 Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng ganti sa kaniyang katampalasanan; at sa pagpapatihulog ng patiwarik, ay pumutok siya sa gitna, at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan. 044 ACT 001 019 At ito'y nahayag sa lahat ng mga nagsisitahan sa Jerusalem; ano pa't tinawag ang parang na yaon sa kanilang wika na Aceldama, sa makatuwid baga'y, Ang parang ng Dugo.) 044 ACT 001 020 Sapagka't nasusulat sa aklat ng Mga Awit, Bayaang mawalan nawa ng tao ang kaniyang tahanan, At huwag bayaang manahan doon ang sinoman; at, Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan. 044 ACT 001 021 Sa mga taong ito nga na nangakisama sa atin sa buong panahon na ang Panginoong si Jesus ay pumapasok at lumalabas sa atin, 044 ACT 001 022 Magmula sa pagbautismo ni Juan, hanggang sa araw na siya'y tanggapin sa itaas mula sa atin, ay nararapat na ang isa sa mga ito'y maging saksi na kasama natin sa kaniyang pagkabuhay na maguli. 044 ACT 001 023 At kanilang ibinukod ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinamagatang Justo, at si Matias. 044 ACT 001 024 At sila'y nagsipanalangin, at nagsipagsabi, Ikaw, Panginoon, na nakatataho ng mga puso ng lahat ng mga tao, ay ipakilala mo kung alin sa dalawang ito ang iyong hinirang, 044 ACT 001 025 Upang tanggapin ang katungkulan sa ministeriong ito at pagkaapostol na kinahulugan ni Judas, upang siya'y makaparoon sa kaniyang sariling kalalagyan. 044 ACT 001 026 At sila'y pinagsapalaran nila; at nagkapalad si Matias; at siya'y ibinilang sa labingisang apostol. 044 ACT 002 001 At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako. 044 ACT 002 002 At biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan. 044 ACT 002 003 At sa kanila'y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa't isa sa kanila. 044 ACT 002 004 At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain. 044 ACT 002 005 May mga nagsisitahan nga sa Jerusalem na mga Judio, mga lalaking religioso, na buhat sa bawa't bansa sa ilalim ng langit. 044 ACT 002 006 At nang marinig ang ugong na ito, ay nangagkatipon ang karamihan, at nangamaang, sapagka't sa kanila'y narinig ng bawa't isa na sinasalita ang kaniyang sariling wika. 044 ACT 002 007 At silang lahat ay nangagtaka at nagsipanggilalas, na nangagsasabi, Narito, hindi baga mga Galileong lahat ang mga nagsisipagsalitang ito? 044 ACT 002 008 At bakit nga naririnig ng bawa't isa sa atin, ang ating sariling wikang kinamulatan? 044 ACT 002 009 Tayong mga Parto, at mga Medo, at mga Elamita, at ang nangananahan sa Mesapotamia, sa Judea, at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asia, 044 ACT 002 010 Sa Frigia at Pamfilia, sa Egipto at sa mga sakop ng Libia na karatig ng Cirene at mga nakikipamayang galing sa Roma, mga Judio, at gayon din ang mga naging Judio, 044 ACT 002 011 Mga Cretense at mga Arabe, ay nangaririnig nating nagsisipagsalita sila sa ating mga wika ng mga makapangyarihang gawa ng Dios. 044 ACT 002 012 At silang lahat ay nangagtaka at nangalito, na sinasabi ng isa sa isa, Anong kahulugan nito? 044 ACT 002 013 Datapuwa't ang mga iba'y nanganglilibak na nangagsabi, Sila'y puno ng bagong alak. 044 ACT 002 014 Datapuwa't pagtindig ni Pedro na kasama ang labingisa, ay itinaas ang kaniyang tinig, at sa kanila'y nagsaysay, na sinasabing, Kayong mga lalaking taga Judea, at kayong lahat na nangananahan sa Jerusalem, mangaalaman nawa ninyong lahat ito, at inyong pakinggan ang aking mga salita. 044 ACT 002 015 Sapagka't ang mga ito'y hindi mga lasing, na gaya ng inyong inaakala; yamang ngayo'y oras na ikatlo lamang ng araw; 044 ACT 002 016 Datapuwa't ito'y yaong sinalita na sa pamamagitan ng propeta Joel: 044 ACT 002 017 At mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman: At ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain, Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip: 044 ACT 002 018 Oo't sa aking mga lingkod na lalake at sa aking mga lingkod na babae, sa mga araw na yaon Ibubuhos ko ang aking Espiritu; at magsisipanghula sila. 044 ACT 002 019 At magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit sa itaas, At mga tanda sa lupa sa ibaba, Dugo, at apoy, at singaw ng usok: 044 ACT 002 020 Ang araw ay magiging kadiliman, At ang buwan ay dugo, Bago dumating ang araw ng Panginoon, Yaong araw na dakila at tangi: 044 ACT 002 021 At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas. 044 ACT 002 022 Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo; 044 ACT 002 023 Siya, na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay: 044 ACT 002 024 Na siya'y binuhay na maguli ng Dios, pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan: sapagka't hindi maaari na siya'y mapigilan nito. 044 ACT 002 025 Sapagka't sinasabi ni David tungkol sa kaniya, Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan; Sapagka't siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong makilos: 044 ACT 002 026 Dahil dito'y nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila; Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa: 044 ACT 002 027 Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades, Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan. 044 ACT 002 028 Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay; Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha. 044 ACT 002 029 Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito. 044 ACT 002 030 Palibhasa nga'y isang propeta, at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa kaniya, na sa bunga ng kaniyang baywang ay iluluklok niya ang isa sa kaniyang luklukan; 044 ACT 002 031 Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan. 044 ACT 002 032 Ang Jesus na ito'y binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito'y mga saksi kaming lahat. 044 ACT 002 033 Palibhasa nga'y pinarangal ng kanang kamay ng Dios, at tinanggap na sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo, ay ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig. 044 ACT 002 034 Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa't siya rin ang nagsabi, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa kanan ko, 044 ACT 002 035 Hanggang sa gawin ko ang mga kaaway mo na tuntungan ng iyong mga paa. 044 ACT 002 036 Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus. 044 ACT 002 037 Nang marinig nga nila ito, ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin? 044 ACT 002 038 At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. 044 ACT 002 039 Sapagka't sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya. 044 ACT 002 040 At sa iba pang maraming salita ay nagpatotoo siya, at nangaral sa kanila, na sinasabi, Magsiligtas kayo sa likong lahing ito. 044 ACT 002 041 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa. 044 ACT 002 042 At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin. 044 ACT 002 043 At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa: at ginawa ang maraming kababalaghan at tanda sa pamamagitan ng mga apostol. 044 ACT 002 044 At ang lahat ng mga nagsisampalataya ay nangagkakatipon, at lahat nilang pag-aari ay sa kalahatan; 044 ACT 002 045 At ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari at kayamanan, at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawa't isa. 044 ACT 002 046 At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso. 044 ACT 002 047 Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas. 044 ACT 003 001 Si Pedro at si Juan nga ay nagsisipanhik sa templo nang oras ng pananalangin, na ikasiyam. 044 ACT 003 002 At isang lalake na pilay buhat pa sa tiyan ng kaniyang ina ay dinadala roon, na siya'y inilalagay nila araw-araw sa pintuan ng templo na tinatawag na Maganda, upang manghingi ng limos sa nagsisipasok sa templo; 044 ACT 003 003 Ito, pagkakita kay Pedro at kay Juan na magsisipasok sa templo, ay namanhik upang tumanggap siya ng limos. 044 ACT 003 004 At pagtitig sa kaniya ni Pedro, na kasama si Juan, ay sinabi, Tingnan mo kami. 044 ACT 003 005 At kaniyang pinansin sila, na umaasang tatanggap sa kanila ng anomang bagay. 044 ACT 003 006 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Pilak at ginto ay wala ako; datapuwa't ang nasa akin, ay siya kong ibinibigay sa iyo. Sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, lumakad ka. 044 ACT 003 007 At kaniyang hinawakan siya sa kanang kamay, at siya'y itinindig: at pagdaka'y nagsilakas ang kaniyang mga paa at mga bukong-bukong. 044 ACT 003 008 At paglukso, siya'y tumayo, at nagpasimulang lumakad; at pumasok na kasama nila sa templo, na lumalakad, at lumulukso, at nagpupuri sa Dios. 044 ACT 003 009 At nakita ng buong bayang siya'y lumalakad, at nagpupuri sa Dios: 044 ACT 003 010 At nangakilala nila na siya nga ang nauupo at nagpapalimos sa Pintuang Maganda ng templo; at sila'y nangapuspos ng panggigilalas at pamamangha sa nangyari sa kaniya. 044 ACT 003 011 At samantalang siya'y nakahawak kay Pedro at kay Juan, ay nagsitakbong samasama sa kanila ang buong bayan sa tinatawag na portiko ni Salomon na lubhang nanggigilalas. 044 ACT 003 012 At nang makita ito ni Pedro, ay sumagot sa mga tao, Kayong mga lalaking taga Israel, bakit kayo'y nagsisipanggilalas sa taong ito? o bakit kami ang inyong tinititigan, na sa inyong akala ay dahil sa aming sariling kapangyarihan o kabanalan ay aming napalakad siya? 044 ACT 003 013 Ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, ang Dios ng ating mga magulang, ay niluwalhati ang kaniyang Lingkod na si Jesus; na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya'y pawalan. 044 ACT 003 014 Datapuwa't inyong pinakatanggihan ang Banal at ang Matuwid na Ito, at inyong hiningi na ipagkaloob sa inyo ang isang mamamatay-tao, 044 ACT 003 015 At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay: na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay; mga saksi kami ng mga bagay na ito. 044 ACT 003 016 At sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang pangalan ay pinalakas ng kaniyang pangalan ang taong ito, na inyong nakikita at nakikilala: oo, ang pananampalataya na sa pamamagitan niya'y nagkaloob sa kaniya nitong lubos na kagalingan sa harapan ninyong lahat. 044 ACT 003 017 At ngayon, mga kapatid, nalalaman ko na inyong ginawa yaon sa di pagkaalam, gaya ng ginawa rin naman ng inyong mga pinuno. 044 ACT 003 018 Datapuwa't ginanap ang mga bagay na ipinagpaunang ibinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng mga propeta, na ang kaniyang Cristo ay magbabata. 044 ACT 003 019 Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon; 044 ACT 003 020 At upang kaniyang suguin ang Cristo na itinalaga sa inyo, na si Jesus: 044 ACT 003 021 Na siya'y kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay, na sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang una. 044 ACT 003 022 Tunay na sinabi ni Moises, Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo'y sasalitain niya. 044 ACT 003 023 At mangyayari, na ang bawa't kaluluwa na hindi makinig sa propetang yaon, ay pupuksaing lubos mula sa gitna ng bayan. 044 ACT 003 024 Oo at ang lahat ng mga propetang mula kay Samuel at ang mga nagsisunod, sa dami ng mga nagsipagsalita, sila naman ay nagsipagsaysay rin tungkol sa mga araw na ito. 044 ACT 003 025 Kayo ang mga anak ng mga propeta, at ng tipang ginawa ng Dios sa inyong mga magulang, na sinasabi kay Abraham, At sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng mga angkan sa lupa. 044 ACT 003 026 Sa inyo una-una, nang maitindig na ng Dios ang kaniyang Lingkod, ay sinugo niya upang kayo'y pagpalain, sa pagtalikod ng bawa't isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan. 044 ACT 004 001 At nang sila'y nangagsasalita pa sa bayan, ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote, at ang puno sa templo, at ang mga Saduceo, 044 ACT 004 002 Palibhasa'y totoong nangabagabag sapagka't tinuruan nila ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang pagkabuhay na maguli sa mga patay. 044 ACT 004 003 At sila'y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan: sapagka't noon nga'y gabi na. 044 ACT 004 004 Datapuwa't marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo. 044 ACT 004 005 At nangyari nang kinabukasan, na nangagkatipon sa Jerusalem ang kanilang mga pinuno at mga matanda at mga eskriba; 044 ACT 004 006 At si Anas, na dakilang saserdote, at si Caifas, at si Juan, at si Alejandro, at ang lahat ng kalipian ng dakilang saserdote. 044 ACT 004 007 At nang kanilang mailagay na sila sa gitna nila, ay sila'y tinanong, Sa anong kapangyarihan, o sa anong pangalan ginawa ninyo ito? 044 ACT 004 008 Nang magkagayo'y si Pedro, na puspos ng Espiritu Santo, ay nagsabi sa kanila, Kayong mga pinuno sa bayan, at matatanda, 044 ACT 004 009 Kung kami sa araw na ito'y sinisiyasat tungkol sa mabuting gawa na ginawa sa isang taong may-sakit, na kung sa anong paraan gumaling ito; 044 ACT 004 010 Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit. 044 ACT 004 011 Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok. 044 ACT 004 012 At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas. 044 ACT 004 013 Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan, at pagkatalastas na sila'y mga taong walang pinagaralan at mga mangmang, ay nangagtaka sila; at nangapagkilala nila, na sila'y nangakasama ni Jesus. 044 ACT 004 014 At nang mangakita nila ang taong pinagaling na nakatayong kasama nila, ay wala silang maitutol. 044 ACT 004 015 Datapuwa't nang sila'y mangautusan na nilang magsilabas sa pulong, ay nangagsangusapan, 044 ACT 004 016 Na nangagsasabi, Anong gagawin natin sa mga taong ito? sapagka't tunay na ginawa sa pamamagitan nila ang himalang hayag sa lahat ng nangananahan sa Jerusalem; at hindi natin maikakaila. 044 ACT 004 017 Gayon ma'y upang huwag nang lalong kumalat sa bayan, atin silang balaan, na buhat ngayo'y huwag na silang mangagsalita pa sa sinomang tao sa pangalang ito. 044 ACT 004 018 At sila'y tinawag nila, at binalaan sila, na sa anomang paraan ay huwag silang magsipagsalita ni magsipagturo tungkol sa pangalan ni Jesus. 044 ACT 004 019 Datapuwa't si Pedro at si Juan ay nagsisagot at nagsipagsabi sa kanila, Kung katuwiran sa paningin ng Dios na makinig muna sa inyo kay sa Dios, inyong hatulan: 044 ACT 004 020 Sapagka't hindi mangyayaring di namin salitain ang mga bagay na aming nangakita at nangarinig. 044 ACT 004 021 At sila, nang mapagbalaan na nila, ay pinakawalan, palibhasa'y hindi nangakasumpong ng anomang bagay upang sila'y kanilang mangaparusahan, dahil sa bayan; sapagka't niluluwalhati ng lahat ng mga tao ang Dios dahil sa bagay na ginawa. 044 ACT 004 022 Sapagka't may mahigit nang apat na pung taong gulang ang tao, na ginawan nitong himala ng pagpapagaling. 044 ACT 004 023 At nang sila'y mangapakawalan na, ay nagsiparoon sa kanilang mga kasamahan, at iniulat ang lahat ng sa kanila'y sinabi ng mga pangulong saserdote at ng matatanda. 044 ACT 004 024 At sila, nang kanilang marinig ito, ay nangagkaisang itaas nila ang kanilang tinig sa Dios, at nangagsabi, Oh Panginoon, ikaw na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nangasa mga yaon: 044 ACT 004 025 Na sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David, na iyong lingkod, ay sinabi mo, Bakit nangagalit ang mga Gentil, At nagsipaghaka ang mga tao ng mga bagay na walang kabuluhan? 044 ACT 004 026 Nagsitayong handa ang mga hari sa lupa, At ang mga pinuno ay nangagpisanpisan, Laban sa Panginoon, at laban sa kaniyang Pinahiran. 044 ACT 004 027 Sapagka't sa katotohanan sa bayang ito'y laban sa iyong banal na Lingkod na si Jesus, na siya mong pinahiran, ang dalawa ni Herodes at ni Poncio Pilato, kasama ng mga Gentil at ng mga bayan ng Israel, ay nangagpisanpisan, 044 ACT 004 028 Upang gawin ang anomang naitakda na ng iyong kamay at ng iyong pasiya upang mangyari. 044 ACT 004 029 At ngayon, Panginoon, tingnan mo ang kanilang mga bala: at ipagkaloob mo sa iyong mga alipin na salitain ang iyong salita ng buong katapangan, 044 ACT 004 030 Samantalang iyong iniuunat ang iyong kamay upang magpagaling; at upang mangyari nawa ang mga tanda at mga kababalaghan sa pangalan ng iyong banal na si Jesus. 044 ACT 004 031 At nang sila'y makapanalangin na, ay nayanig ang dakong pinagkakatipunan nila; at nangapuspos silang lahat ng Espiritu Santo, at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Dios. 044 ACT 004 032 At ang karamihan ng mga nagsisampalataya ay nangagkakaisa ang puso at kaluluwa: at sinoma'y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari: kundi lahat nilang pag-aari ay sa kalahatan. 044 ACT 004 033 At pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan, ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus: at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat. 044 ACT 004 034 Sapagka't walang sinomang nasasalat sa kanila: palibnasa'y ipinagbili ng lahat ng may mga lupa o mga bahay ang mga ito, at dinala ang mga halaga ng mga bagay na ipinagbili, 044 ACT 004 035 At ang mga ito'y inilagay sa mga paanan ng mga apostol: at ipinamamahagi sa bawa't isa, ayon sa kinakailangan ng sinoman. 044 ACT 004 036 At si Jose, na pinamagatang Bernabe ng mga apostol (na kung liliwanagin ay Anak ng pangangaral), isang Levita, tubo sa Chipre, 044 ACT 004 037 Na may isang bukid, ay ipinagbili ito, at dinala ang salapi at inilagay sa mga paanan ng mga apostol. 044 ACT 005 001 Datapuwa't isang lalake na tinatawag na Ananias, na kasama ng kaniyang asawang si Safira, ay nagbili ng isang pag-aari, 044 ACT 005 002 At inilingid ang isang bahagi ng halaga, na nalalaman din ito ng kaniyang asawa, at dinala ang isang bahagi, at inilagay sa mga paanan ng mga apostol. 044 ACT 005 003 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa? 044 ACT 005 004 Nang yao'y nananatili pa, hindi baga yao'y nanatiling iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? Ano't inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Dios. 044 ACT 005 005 At nang marinig ni Ananias ang mga salitang ito ay nahandusay at nalagot ang hininga: at sinidlan ng malaking takot ang lahat ng nangakarinig nito. 044 ACT 005 006 At nagsitindig ang mga kabinataan at siya'y binalot, at kanilang dinala siya sa labas at inilibing. 044 ACT 005 007 At may tatlong oras ang nakaraan, nang ang kaniyang asawa, na di nalalaman ang nangyari, ay pumasok. 044 ACT 005 008 At sinabi sa kaniya ni Pedro, Sabihin mo sa akin kung ipinagbili ninyo ng gayon ang lupa. At sinabi niya, Oo, sa gayon. 044 ACT 005 009 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Bakit kayo'y nagkasundo upang tuksuhin ang Espiritu ng Panginoon? narito, nangasa pintuan ang mga paa ng mga nagsipaglibing sa iyong asawa, at kanilang dadalhin ka sa labas. 044 ACT 005 010 At pagdaka'y nahandusay sa paanan niya ang babae, at nalagot ang hininga: at nagsipasok ang mga kabinataan at nasumpungan siyang patay, at siya'y kanilang inilabas at inilibing siya sa siping ng kaniyang asawa. 044 ACT 005 011 At sinidlan ng malaking takot ang buong iglesia, at ang lahat ng nangakarinig ng mga bagay na ito. 044 ACT 005 012 At sa pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol ay ginawa ang maraming tanda at kababalaghan sa gitna ng mga tao: at nangaroon silang lahat na nangagkakaisa sa portiko ni Salomon. 044 ACT 005 013 Datapuwa't sinoman sa mga iba ay hindi nangangahas na makisama sa kanila: bagaman sila'y pinapupurihan ng bayan; 044 ACT 005 014 At ang mga nagsisisampalataya ay lalo pang nangaparagdag sa Panginoon, ang mga karamihang lalake at babae: 044 ACT 005 015 Na ano pa't dinala nila sa mga lansangan ang mga may-sakit, at inilagay sa mga higaan at mga hiligan, upang, pagdaan ni Pedro, ay maliliman man lamang ng anino niya ang sinoman sa kanila. 044 ACT 005 016 At nangagkatipon din naman ang karamihang mula sa mga bayang nangasa palibotlibot ng Jerusalem, na nangagdadala ng mga may-sakit, at ng mga pinahihirapan ng mga karumaldumal na espiritu: at sila'y pawang pinagaling. 044 ACT 005 017 Datapuwa't nagtindig ang dakilang saserdote, at ang lahat ng kasama niya (na siyang sekta ng mga Saduceo), at sila'y nangapuspos ng kainggitan, 044 ACT 005 018 At kanilang sinunggaban ang mga apostol, at kanilang inilagay sila sa bilangguang bayan. 044 ACT 005 019 Datapuwa't nang gabi na ay binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan, at sila'y inilabas, at sinabi, 044 ACT 005 020 Magsihayo kayo, at magsitayo kayo sa templo, at sabihin ninyo sa bayan ang lahat ng mga salita ng Buhay na ito. 044 ACT 005 021 At nang marinig nila ito, ay nagsipasok sila sa templo nang magbubukang liwayway, at nangagturo. Datapuwa't dumating ang dakilang saserdote, at ang mga kasamahan niya, at pinulong ang sanedrin, at ang buong senado sa mga anak ni Israel, at nagpautos sa bilangguan upang sila'y dalhin doon. 044 ACT 005 022 Datapuwa't ang mga punong kawal na nagsiparoon ay hindi sila nangasumpungan sa bilangguan; at sila'y nangagbalik, at nangagbigay alam, 044 ACT 005 023 Na sinasabi, Aming naratnang totoong mabuti ang pagkalapat ng bilangguan, at nangakatayo sa mga pintuan ang mga bantay: datapuwa't ng aming mabuksan, wala kaming nasumpungang sinoman sa loob. 044 ACT 005 024 Nang marinig nga ang mga salitang ito ng puno sa templo, at ng mga pangulong saserdote, ay nangalitong totoo tungkol sa mga ito kung ano ang magiging wakas niyaon. 044 ACT 005 025 At may dumating na isa at nagsabi sa kanila, Narito, ang mga lalaking ibinilanggo ninyo ay nangakatayo sa templo at nangagtuturo sa bayan. 044 ACT 005 026 Nang magkagayo'y naparoon ang pangulo na kasama ang mga punong kawal, at sila'y dinalang hindi sa pilitan: sapagka't nangatatakot sa bayan, baka sila'y batuhin. 044 ACT 005 027 At nang kanilang mangadala sila, ay kanilang iniharap sa Sanedrin. At tinanong sila ng dakilang saserdote, 044 ACT 005 028 Na sinasabi: Ibinala naming mahigpit sa inyo na huwag kayong mangagturo sa pangalang ito: at narito, pinuno ninyo ang Jerusalem ng inyong aral, at ibig ninyong iparatang sa amin ang dugo ng taong ito. 044 ACT 005 029 Datapuwa't nagsisagot si Pedro at ang mga apostol at nangagsabi, Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao. 044 ACT 005 030 Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy. 044 ACT 005 031 Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan. 044 ACT 005 032 At kami'y mga saksi ng mga bagay na ito; at gayon din ang Espiritu Santo, na siyang ibinigay ng Dios sa nagsisitalima sa kaniya. 044 ACT 005 033 Datapuwa't sila, nang kanilang marinig ito, ay nangasugatan sa puso, at nangagpasiyang sila'y patayin. 044 ACT 005 034 Datapuwa't nagtindig sa Sanedrin ang isang Fariseo, na nagngangalang Gamaliel, doktor sa kautusan, na pinapupurihan ng buong bayan, at nagutos na ilabas na sandali ang mga tao. 044 ACT 005 035 At sinabi niya sa kanila, Kayong mga lalaking taga Israel, ay mangagingat kayo sa inyong sarili tungkol sa mga taong ito, kung ano ang inyong gagawin. 044 ACT 005 036 Sapagka't bago pa ng mga araw na ito ay lumitaw na si Teudas, na nagsabing siya'y dakila; at sa kaniya'y nakisama ang may apat na raang tao ang bilang: na siya'y pinatay; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod, ay pawang nagsipangalat at nangawalang kabuluhan. 044 ACT 005 037 Pagkatapos ng taong ito ay lumitaw si Judas na taga Galilea nang mga araw ng pagpapasulat, at nakahila siya ng marami sa bayan: siya'y nalipol rin; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod ay pawang nagsipangalat. 044 ACT 005 038 At ngayo'y sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangakialam sa mga taong ito, at pabayaan ninyo sila: sapagka't kung ang pasiyang ito, o ang gawang ito ay sa mga tao, ay mawawasak: 044 ACT 005 039 Datapuwa't kung sa Dios, ay hindi ninyo maiwawasak; baka pa kayo'y mangasumpungan na nangakikihamok laban sa Dios. 044 ACT 005 040 At sila'y nagsisangayon sa kaniya: at pagkatawag nila sa mga apostol, ay pinalo nila at ibinala sa kanila na huwag silang mangagsalita sa pangalan ni Jesus, at sila'y pinawalan. 044 ACT 005 041 Sila nga'y nagsialis sa harapan ng Sanedrin, na nangatutuwang sila'y nangabilang na karapatdapat na mangagbata ng kaalimurahan dahil sa Pangalan. 044 ACT 005 042 At sa araw-araw, sa templo at sa mga bahay-bahay, ay hindi sila nagsisipagtigil ng pagtuturo at pangangaral, na si Jesus ang siyang Cristo. 044 ACT 006 001 Nang mga araw ngang ito, nang dumadami ang bilang ng mga alagad, ay nagkaroon ng bulongbulungan ang mga Greco-Judio laban sa mga Hebreo, sapagka't ang kanilang mga babaing bao ay pinababayaan sa pamamahagi sa araw-araw. 044 ACT 006 002 At tinawag ng labingdalawa ang karamihang mga alagad, at sinabi, Hindi marapat na aming pabayaan ang salita ng Dios, at mangaglingkod sa mga dulang. 044 ACT 006 003 Magsihanap nga kayo, mga kapatid, sa inyo, ng pitong lalake na may mabuting katunayan, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na ating mailalagay sa gawaing ito. 044 ACT 006 004 Datapuwa't magsisipanatili kaming matibay sa pananalangin, at sa ministerio ng salita. 044 ACT 006 005 At minagaling ng buong karamihan ang pananalitang ito: at kanilang inihalal si Esteban, taong puspos ng pananampalataya at ng Espiritu Santo, at si Felipe, at si Procoro, at si Nicanor, at si Timon, at si Parmenas, at si Nicolas na taga Antioquia na naging Judio; 044 ACT 006 006 Na siyang iniharap nila sa mga apostol: at nang sila'y mangakapanalangin na, ay ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon. 044 ACT 006 007 At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote. 044 ACT 006 008 At si Esteban, na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao. 044 ACT 006 009 Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa nangasa sinagoga, na tinatawag na sinagoga ng mga Libertino, at ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ng mga taga Cilicia, at taga Asia, na nangakipagtalo kay Esteban. 044 ACT 006 010 At hindi sila makalaban sa karunungan at sa Espiritu na kaniyang ipinangungusap. 044 ACT 006 011 Nang magkagayo'y nagsisuhol sila sa mga lalake, na nangagsabi, Narinig naming siya'y nagsalita ng mga salitang kapusungan laban kay Moises at sa Dios. 044 ACT 006 012 At kanilang ginulo ang bayan, at ang mga matanda, at ang mga eskriba, at kanilang dinaluhong, at sinunggaban si Esteban, at dinala siya sa Sanedrin, 044 ACT 006 013 At nangagharap ng mga saksing sinungaling, na nangagsabi, Ang taong ito'y hindi naglilikat ng pagsasalita ng mga salitang laban dito sa dakong banal, at sa kautusan: 044 ACT 006 014 Sapagka't narinig naming kaniyang sinabi, na itong si Jesus na taga Nazaret ay iwawasak ang dakong ito, at babaguhin ang mga kaugaliang ibinigay sa atin ni Moises. 044 ACT 006 015 At ang lahat ng nangakaupo sa Sanedrin, na nagsisititig sa kaniya, ay kanilang nakita ang kaniyang mukha na katulad ng mukha ng isang anghel. 044 ACT 007 001 At sinabi ng dakilang saserdote, Tunay baga ang mga bagay na ito? 044 ACT 007 002 At sinabi niya, Mga kapatid na lalake at mga magulang, mangakinig kayo: Ang Dios ng kaluwalhatia'y napakita sa ating amang si Abraham, nang siya'y nasa Mesapotamia, bago siya tumahan sa Haran, 044 ACT 007 003 At sinabi sa kaniya, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong kamaganakan, at pumaroon ka sa lupaing ituturo ko sa iyo. 044 ACT 007 004 Nang magkagayo'y umalis siya sa lupain ng mga Caldeo, at tumahan sa Haran: at buhat doon, pagkamatay ng kaniyang ama, ay inilipat siya ng Dios sa lupaing ito, na inyong tinatahanan ngayon: 044 ACT 007 005 At hindi siya pinamanahan ng anoman doon, kahit mayapakan ng kaniyang paa: at siya'y nangakong yao'y ibibigay na pinakaari sa kaniya, at sa kaniyang binhi pagkatapos niya, nang wala pa siyang anak. 044 ACT 007 006 At ganito ang sinalita ng Dios, na ang kaniyang binhi ay makikipamayan sa ibang lupain, at kanilang dadalhin sila sa pagkaalipin, at sila'y pahihirapang apat na raang taon. 044 ACT 007 007 At ang bansang sa kanila'y aalipin ay aking hahatulan, sabi ng Dios: at pagkatapos nito'y magsisialis sila, at paglilingkuran nila ako sa dakong ito. 044 ACT 007 008 At ibinigay niya sa kaniya ang tipan ng pagtutuli: at sa ganito'y naging anak ni Abraham si Isaac, at ito'y tinuli nang ikawalong araw; at naging anak ni Isaac si Jacob, at naging mga anak ni Jacob ang labingdalawang patriarka. 044 ACT 007 009 At ang mga patriarka sa udyok ng kainggitan kay Jose, ay ipinagbili siya, upang dalhin sa Egipto; at ang Dios ay sumasa kaniya, 044 ACT 007 010 At siya'y iniligtas sa lahat ng kaniyang kapighatian, at siya'y binigyan ng ikalulugod at karunungan sa harapan ni Faraon na hari sa Egipto; at siya'y ginawang gobernador sa Egipto at sa buong bahay niya. 044 ACT 007 011 Dumating nga ang kagutom sa buong Egipto at sa Canaan, at nagkaroon ng malaking kapighatian: at walang nasumpungang pagkain ang ating mga magulang. 044 ACT 007 012 Datapuwa't nang marinig ni Jacob na may trigo sa Egipto, ay sinugo niyang una ang ating mga magulang. 044 ACT 007 013 At sa ikalawa'y napakilala si Jose sa kaniyang mga kapatid; at nahayag kay Faraon ang lahi ni Jose. 044 ACT 007 014 At nagsugo si Jose, at pinaparoon sa kaniya si Jacob, na kaniyang ama, at ang lahat niyang kamaganakan, na pitongpu't limang tao. 044 ACT 007 015 At lumusong si Jacob sa Egipto; at namatay siya, at ang ating mga magulang. 044 ACT 007 016 At sila'y inilipat sa Siquem, at inilagay sila sa libingang binili ni Abraham sa mga anak ni Hamor sa Siquem, sa halaga ng pilak. 044 ACT 007 017 Datapuwa't nang nalalapit na ang panahon ng pangako, na ginawa ng Dios kay Abraham, ang bayan ay kumapal at dumami sa Egipto, 044 ACT 007 018 Hanggang sa lumitaw ang ibang hari sa Egipto na hindi nakakikilala kay Jose. 044 ACT 007 019 Ito rin ay gumamit ng lalang sa ating lahi, at pinahirapan ang ating mga magulang, na ipinatapon ang kani-kanilang mga sanggol upang huwag mangabuhay. 044 ACT 007 020 Nang panahong yaon, ay ipinanganak si Moises, at siya'y totoong maganda; at siya'y inalagaang tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama: 044 ACT 007 021 At nang siya'y matapon, ay pinulot siya ng anak na babae ni Faraon, at siya'y inalagaang gaya ng sariling anak niya. 044 ACT 007 022 At tinuruan si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Egipcio: at siya ay makapangyarihan sa kaniyang mga salita at mga gawa. 044 ACT 007 023 Datapuwa't nang siya'y magaapat na pung taong gulang na, ay tumugtog sa kaniyang puso na dalawin ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Israel. 044 ACT 007 024 At nang makita niya ang isa sa kanila na inaalipusta, ay kaniyang ipinagsanggalang siya, at ipinaghiganti ang pinipighati, at pinatay ang Egipcio: 044 ACT 007 025 At ang isip niya'y napagunawa ng kaniyang mga kapatid na ibinigay ng Dios sa kanila ang kaligtasan sa pamamagitan ng kamay niya: datapuwa't hindi nila napagunawa. 044 ACT 007 026 At nang kinabukasan ay napakita siya sa kanila samantalang sila'y nagaaway, at sila'y ibig sana niyang payapain, na sinasabi, mga Ginoo, kayo'y magkapatid; bakit kayo'y nagaalipustaan? 044 ACT 007 027 Datapuwa't itinulak siya ng umalipusta sa kaniyang kapuwa tao, na sinasabi, Sino ang naglagay sa iyo na puno at hukom sa amin? 044 ACT 007 028 Ibig mo bagang ako'y patayin mo, na gaya ng pagkapatay mo kahapon sa Egipcio? 044 ACT 007 029 At sa salitang ito'y tumakas si Moises, at nakipamayan sa lupain ng Midian, na doo'y nagkaanak siya ng dalawang lalake. 044 ACT 007 030 At nang maganap ang apat na pung taon, ay napakita sa kaniya ang isang anghel sa ilang ng bundok ng Sinai, sa ningas ng apoy sa isang mababang punong kahoy. 044 ACT 007 031 At nang makita ito ni Moises, ay nanggilalas sa tanawin; at nang siya'y lumapit upang pagmasdan, ay dumating ang isang tinig ng Panginoon, 044 ACT 007 032 Ako ang Dios ng iyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob. At si Moises ay nanginig at hindi nangahas tumingin. 044 ACT 007 033 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Alisin mo ang mga pangyapak sa iyong mga paa: sapagka't ang dakong kinatatayuan mo ay lupang banal. 044 ACT 007 034 Totoong nakita ko ang kapighatian ng aking bayang nasa Egipto, at narinig ko ang kanilang hibik, at ako'y bumaba upang sila'y iligtas: at ngayo'y halika, susuguin kita sa Egipto. 044 ACT 007 035 Ang Moises na ito na kanilang itinakuwil, na sinasabi, Sino ang sa iyo'y naglagay na puno at hukom? ay siyang sinugo ng Dios na maging puno at tagapagligtas sa pamamagitan ng kamay ng anghel na sa kaniya'y napakita sa mababang punong kahoy. 044 ACT 007 036 Pinatnugutan sila ng taong ito, pagkagawa ng mga kababalaghan at mga tanda sa Egipto, at sa dagat na Pula, at sa ilang sa loob ng apat na pung taon. 044 ACT 007 037 Ito'y yaong Moises, na nagsabi sa mga anak ni Israel, Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang propeta na gaya ko, mula sa inyong mga kapatid. 044 ACT 007 038 Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin: 044 ACT 007 039 Sa kaniya'y ayaw magsitalima ang ating mga magulang, kundi siya'y kanilang itinakuwil, at sa kanilang mga puso'y nangagbalik sa Egipto, 044 ACT 007 040 Na sinasabi kay Aaron, Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol dito kay Moises, na naglabas sa amin sa lupain ng Egipto, ay hindi namin nalalaman kung ano ang nangyari sa kaniya. 044 ACT 007 041 At nagsigawa sila nang mga araw na yaon ng isang guyang baka, at nagsipaghandog ng hain sa diosdiosang yaon, at nangatuwa sa mga gawa ng kanilang mga kamay. 044 ACT 007 042 Datapuwa't tumalikod ang Dios, at sila'y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, Hinandugan baga ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga hain Na apat na pung taon sa ilang, Oh angkan ni Israel? 044 ACT 007 043 At dinala ninyo ang tabernakulo ni Moloc, At ang bituin ng dios Refan, Ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin: At dadalhin ko kayo sa dako pa roon ng Babilonia. 044 ACT 007 044 Sumaating mga magulang sa ilang ang tabernakulo ng patotoo, ayon sa itinakda ng nagsalita kay Moises, na kaniyang gawin yaon alinsunod sa anyong kaniyang nakita. 044 ACT 007 045 Na yao'y ipinasok din ng ating mga magulang sa kapanahunang ukol, na kasama ni Josue nang sila'y magsipasok sa inaari ng mga bansa, na pinalayas ng Dios sa harapan ng ating magulang, hanggang sa mga araw ni David; 044 ACT 007 046 Na nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Dios, at huminging makasumpong ng isang tahanang ukol sa Dios ni Jacob. 044 ACT 007 047 Datapuwa't iginawa siya ni Salomon ng isang bahay. 044 ACT 007 048 Bagama't ang Kataastaasa'y hindi tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; gaya ng sinasabi ng propeta, 044 ACT 007 049 Ang langit ay ang aking luklukan, At ang lupa ang tungtungan ng aking mga paa: Anong anyo ng bahay ang itatayo ninyo sa akin? sabi ng Panginoon: O anong dako ang aking pahingahan? 044 ACT 007 050 Hindi baga ginawa ng aking kamay ang lahat ng mga bagay na ito? 044 ACT 007 051 Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo. 044 ACT 007 052 Alin sa mga propeta ang hindi pinagusig ng inyong mga magulang? at kanilang pinatay ang nangagpahayag ng una ng pagdating ng Matuwid na Ito; na sa kaniya'y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao; 044 ACT 007 053 Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap. 044 ACT 007 054 Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito, ay nangasugatan sila sa puso, at siya'y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin. 044 ACT 007 055 Datapuwa't siya, palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios, 044 ACT 007 056 At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios. 044 ACT 007 057 Datapuwa't sila'y nagsigawan ng malakas na tinig, at nangagtakip ng kanilang mga tainga, at nangagkaisang siya'y dinaluhong; 044 ACT 007 058 At siya'y kanilang itinapon sa labas ng bayan, at binato: at inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo. 044 ACT 007 059 At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu. 044 ACT 007 060 At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya. 044 ACT 008 001 At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang pagkamatay. At nang araw na yao'y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria, maliban na sa mga apostol. 044 ACT 008 002 At inilibing si Esteban ng mga taong masipag sa kabanalan, at siya'y tinangisan ng di kawasa. 044 ACT 008 003 Datapuwa't pinuksa ni Saulo ang iglesia, na pinapasok ang bahay-bahay, at kinakaladkad ang mga lalake't mga babae, at sila'y ipinapasok sa bilangguan. 044 ACT 008 004 Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita. 044 ACT 008 005 At bumaba si Felipe sa bayan ng Samaria, at ipinangaral sa kanila ang Cristo. 044 ACT 008 006 At ang mga karamiha'y nangagkakaisang nangakikinig sa mga bagay na sinasalita ni Felipe, pagkarinig nila, at pagkakita ng mga tanda na ginawa niya. 044 ACT 008 007 Sapagka't sa maraming may mga karumaldumal na espiritu, ay nangagsilabas sila, na nangagsisisigaw ng malakas na tinig: at maraming lumpo, at pilay, ang pinagaling. 044 ACT 008 008 At nagkaroon ng malaking kagalakan sa bayang yaon. 044 ACT 008 009 Datapuwa't may isang tao, na nagngangalang Simon, na nang unang panaho'y nanggagaway sa bayan, at pinahahanga ang mga tao sa Samaria, at nagsasabing siya'y isang dakila: 044 ACT 008 010 Na siyang pinakikinggan nilang lahat, buhat sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan, na sinasabi, Ang taong ito ang siyang kapangyarihan ng Dios na tinatawag na Dakila. 044 ACT 008 011 At siya'y pinakinggan nila, sapagka't mahabang panahong pinahahanga niya sila ng kaniyang mga panggagaway. 044 ACT 008 012 Datapuwa't nang magsipaniwala sila kay Felipe na nangangaral ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios at sa pangalan ni Jesucristo, ay nangabautismuhan ang mga lalake't mga babae. 044 ACT 008 013 At si Simon man ay naniwala rin: at nang mabautismuhan na, ay nanatili siyang kasama ni Felipe; at nang makakita ng mga tanda at ng mga dakilang himalang ginawa, ay napahanga siya. 044 ACT 008 014 Nang mabalitaan nga ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila si Pedro at si Juan: 044 ACT 008 015 Na nang sila'y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo. 044 ACT 008 016 Sapagka't ito'y hindi pa bumababa sa kanino man sa kanila: kundi sila'y nangabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. 044 ACT 008 017 Nang magkagayo'y ipinatong sa kanila ang kanilang mga kamay, at kanilang tinanggap ang Espiritu Santo. 044 ACT 008 018 Nang makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo, ay inalok niya sila ng salapi, 044 ACT 008 019 Na sinasabi, Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay, ay tumanggap ng Espiritu Santo. 044 ACT 008 020 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Ang iyong salapi'y mapahamak na kasama mo, sapagka't inisip mong tamuhin ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng salapi. 044 ACT 008 021 Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay na ito: sapagka't ang puso mo'y hindi matuwid sa harap ng Dios. 044 ACT 008 022 Magsisi ka nga sa kasamaan mong ito, at manalangin ka sa Panginoon, baka sakaling ipatawad sa iyo ang pagiisip ng iyong puso. 044 ACT 008 023 Sapagka't nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan. 044 ACT 008 024 At sumagot si Simon at sinabi, Ipanalangin ninyo ako sa Panginoon, upang huwag mangyari sa akin ang alin mang bagay sa mga sinasabi ninyo. 044 ACT 008 025 Sila nga, nang makapagpatotoo at masabi na nila ang salita ng Panginoon, ay nangagbalik sa Jerusalem, at ipinangaral ang evangelio sa maraming nayon ng mga Samaritano. 044 ACT 008 026 Datapuwa't nagsalita kay Felipe ang isang anghel ng Panginoon, na nagsasabi, Magtindig ka, at ikaw ay pumaroon sa dakong timugan, sa daang palusong mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza: na ito'y ilang. 044 ACT 008 027 At siya'y nagtindig at yumaon: at narito, ang isang lalaking taga Etiopia, isang bating na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace, reina ng mga Etiope, na siyang namamahala ng lahat niyang kayamanan, at siya'y naparoon sa Jerusalem upang sumamba; 044 ACT 008 028 At siya'y pabalik at nakaupo sa kaniyang karo, at binabasa ang propeta Isaias. 044 ACT 008 029 At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito. 044 ACT 008 030 At tumakbo si Felipeng patungo sa kaniya, at napakinggan niyang binabasa si Isaias na propeta, at sinabi, Nauunawa mo baga ang binabasa mo? 044 ACT 008 031 At sinabi niya, Paanong magagawa ko, maliban nang may pumatnubay sa aking sinoman? At pinakiusapan niya si Felipe na pumanhik at maupong kasama niya. 044 ACT 008 032 Ang dako nga ng kasulatan na binabasa niya ay ito, Siya'y gaya ng tupa na dinala sa patayan; At kung paanong hindi umimik ang kordero sa harap ng manggugupit sa kaniya, Gayon din hindi niya binubuka ang kaniyang bibig: 044 ACT 008 033 Sa kaniyang pagpapakababa'y inalis ang kaniyang paghuhukom. Sino ang maghahayag ng kaniyang lahi? Sapagka't inalis sa lupa ang kaniyang buhay. 044 ACT 008 034 At sumagot ang bating kay Felipe, at sinabi, Ipinamamanhik ko sa iyo, kanino sinasabi ng propeta ito? sa kaniya bagang sarili, o sa alin mang iba? 044 ACT 008 035 At binuka ni Felipe ang kaniyang bibig, at pagpapasimula sa kasulatang ito, ay ipinangaral sa kaniya si Jesus. 044 ACT 008 036 At sa pagpapatuloy sa daan, ay nagsidating sila sa dakong may tubig; at sinabi ng bating, Narito, ang tubig; ano ang nakahahadlang upang ako'y mabautismuhan? 044 ACT 008 037 At sinabi ni Felipe Kung nanampalataya ka ng buong puso ay mangyayari. At sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Dios. 044 ACT 008 038 At ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila'y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya. 044 ACT 008 039 At nang magsiahon sila sa tubig, ay inagaw si Felipe ng Espiritu ng Panginoon; at hindi na siya nakita ng bating, sapagka't ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa. 044 ACT 008 040 Nguni't nasumpungan si Felipe sa Azoto: at sa pagdadaan ay ipinangaral niya ang evangelio sa lahat ng mga bayan, hanggang sa dumating siya sa Cesarea. 044 ACT 009 001 Datapuwa't si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote, 044 ACT 009 002 At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem. 044 ACT 009 003 At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit: 044 ACT 009 004 At siya'y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? 044 ACT 009 005 At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig: 044 ACT 009 006 Nguni't magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin. 044 ACT 009 007 At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita, na naririnig ang tinig, datapuwa't walang nakikitang sinoman. 044 ACT 009 008 At nagtindig sa lupa si Saulo; at pagkadilat ng kaniyang mga mata, ay di siya nakakita ng anoman; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Damasco. 044 ACT 009 009 At siya'y tatlong araw na walang paningin, at hindi kumain ni uminom man. 044 ACT 009 010 Ngayon nga'y may isang alagad sa Damasco, na nagngangalang Ananias; at sinabi sa kaniya ng Panginoon sa pangitain, Ananias. At sinabi niya, Narito ako, Panginoon. 044 ACT 009 011 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon sa lansangang tinatawag na Matuwid, at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isa na nagngangalang Saulo, lalaking taga Tarso: sapagka't narito, siya'y nananalangin; 044 ACT 009 012 At nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Ananias na pumapasok, at ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya, upang tanggapin niya ang kaniyang paningin. 044 ACT 009 013 Nguni't sumagot si Ananias, Panginoon, nabalitaan ko sa marami ang tungkol sa taong ito, kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem: 044 ACT 009 014 At dito siya'y may kapahintulutan ng mga pangulong saserdote na gapusin ang lahat ng mga nagsisitawag sa iyong pangalan. 044 ACT 009 015 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Panginoon, Pumaroon ka: sapagka't siya'y sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga Gentil at ng mga hari, at ng mga anak ni Israel: 044 ACT 009 016 Sapagka't sa kaniya'y aking ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa aking pangalan. 044 ACT 009 017 At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga'y si Jesus, na sa iyo'y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, at mapuspos ka ng Espiritu Santo. 044 ACT 009 018 At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya'y nagtindig at siya'y binautismuhan; 044 ACT 009 019 At siya'y kumain at lumakas. At siya'y nakisamang ilang araw sa mga alagad na nangasa Damasco. 044 ACT 009 020 At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios. 044 ACT 009 021 At ang lahat ng sa kaniya'y nakarinig ay namangha, at nangagsabi, Hindi baga ito yaong sa Jerusalem ay lumipol sa mga nagsitawag sa pangalang ito? at sa ganitong nasa ay naparito siya, upang sila'y dalhing gapos sa harap ng mga pangulong saserdote. 044 ACT 009 022 Datapuwa't lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito ang Cristo. 044 ACT 009 023 At nang maganap ang maraming mga araw, ay nangagsanggunian ang mga Judio upang siya'y patayin: 044 ACT 009 024 Datapuwa't napagtalastas ni Saulo ang kanilang banta. At kanilang binantayan naman ang mga pintuang daan sa araw at gabi upang siya'y kanilang patayin: 044 ACT 009 025 Nguni't kinuha siya sa gabi ng kaniyang mga alagad, at siya'y ibinaba sa kuta na siya'y inihugos na nasa isang balaong. 044 ACT 009 026 At nang siya'y dumating sa Jerusalem, ay pinagsikapan niyang makipisan sa mga alagad: at silang lahat ay nangatakot sa kaniya, sa di paniniwala na siya'y alagad, 044 ACT 009 027 Datapuwa't kinuha siya ni Bernabe, at siya'y iniharap sa mga apostol, at sa kanila'y isinaysay kung paanong nakita niya sa daan ang Panginoon, at kinausap siya, at kung paanong siya'y nangaral sa Damasco na may katapangan sa pangalan ni Jesus. 044 ACT 009 028 At siya'y kasamasama nila, na pumapasok at lumalabas sa Jerusalem, 044 ACT 009 029 Na nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoon: at siya'y nagsalita at nakipagtuligsaan sa mga Greco-Judio; datapuwa't pinagpipilitan nilang siya'y mapatay. 044 ACT 009 030 At nang maalaman ito ng mga kapatid, ay inihatid nila siya sa Cesarea, at siya'y sinugo nila sa Tarso. 044 ACT 009 031 Sa gayo'y nagkaroon ng kapayapaan ang iglesia sa buong Judea at Galilea at Samaria palibhasa'y pinagtibay; at, sa paglakad na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Espiritu Santo, ay nagsisidami. 044 ACT 009 032 At nangyari, na sa paglalakad ni Pedro sa lahat ng dako, siya'y naparoon naman sa mga banal na nangananahan sa Lidda. 044 ACT 009 033 At doo'y natagpuan niya ang isang lalake na nagngangalang Eneas, na walo nang taong sumasabanig; sapagka't siya'y lumpo. 044 ACT 009 034 At sinabi sa kaniya ni Pedro, Eneas, pinagagaling ka ni Jesucristo: magtindig ka, at husayin mo ang iyong higaan. At pagdaka'y nagtindig siya. 044 ACT 009 035 At siya'y nakita ng lahat ng mga nangananahan sa Lidda at sa Sarona, at sila'y nangagbalik-loob sa Panginoon. 044 ACT 009 036 Ngayon ay may isang alagad sa Joppe na nagngangalang Tabita, na ang kahuluga'y Dorcas: ang babaing ito'y puspos ng mabubuting gawa at ng pagkaawang gawa na kaniyang ginagawa. 044 ACT 009 037 At nangyari nang mga araw na yaon, na siya'y nagkasakit, at namatay: at nang siya'y mahugasan na nila, ay kanilang ibinurol siya sa isang silid sa itaas. 044 ACT 009 038 At sapagka't malapit ang Lidda sa Joppe, pagkabalita ng mga alagad na si Pedro ay naroroon, ay nangagsugo sa kaniya ng dalawa katao, na ipinamamanhik sa kaniya, Huwag kang magluwat ng pagparito sa amin. 044 ACT 009 039 At nagtindig si Pedro at sumama sa kanila. At pagdating niya, ay inihatid nila sa silid sa itaas: at siya'y niligid ng lahat ng mga babaing bao, na nagsisitangis, at ipinakikita ang mga tunika at ang mga damit na ginawa ni Dorcas, nang ito'y kasama pa nila. 044 ACT 009 040 Datapuwa't pinalabas silang lahat ni Pedro, at lumuhod, at nanalangin; at pagbaling sa bangkay ay kaniyang sinabi, Tabita, magbangon ka. At iminulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro, ay naupo siya. 044 ACT 009 041 At iniabot ni Pedro sa kaniya ang kaniyang kamay, at siya'y itinindig; at tinawag ang mga banal at ang mga babaing bao, at siya'y iniharap niyang buhay. 044 ACT 009 042 At ito'y nabansag sa buong Joppe: at marami ang mga nagsisampalataya sa Panginoon. 044 ACT 009 043 At nangyari, na siya'y nanahang maraming mga araw sa Joppe, na kasama ni Simong mangluluto ng balat. 044 ACT 010 001 At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang Cornelio, senturion ng pulutong na tinatawag na pulutong Italiano. 044 ACT 010 002 Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios. 044 ACT 010 003 Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio. 044 ACT 010 004 At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, Ang mga panalangin mo at ang iyong mga paglilimos ay nangapailanglang na isang alaala sa harapan ng Dios. 044 ACT 010 005 At ngayo'y magsugo ka ng mga tao sa Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro; 044 ACT 010 006 Siya'y nanunuluyan sa isa na Simong mangluluto ng balat, na ang kaniyang bahay ay nasa tabi ng dagat. 044 ACT 010 007 At nang umalis ang anghel na sa kaniya'y nagsalita, ay tumawag siya ng dalawa sa kaniyang mga alila, at ng isang kawal na masipag sa kabanalan sa mga nagsisipaglingkod sa kaniyang parati; 044 ACT 010 008 At nang maisaysay na sa kanila ang lahat ng mga bagay, sila'y sinugo niya sa Joppe. 044 ACT 010 009 Nang kinabukasan nga samantalang sila'y patuloy sa kanilang paglalakad, at nang malapit na sa bayan, si Pedro ay umakyat sa ibabaw ng bahay upang manalangin, nang may oras na ikaanim; 044 ACT 010 010 At siya'y nagutom at nagnais kumain: datapuwa't samantalang nangaghahanda sila, ay nawalan siya ng diwa; 044 ACT 010 011 At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa: 044 ACT 010 012 Na doo'y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit. 044 ACT 010 013 At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain. 044 ACT 010 014 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; sapagka't kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal. 044 ACT 010 015 At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi. 044 ACT 010 016 At ito'y nangyaring makaitlo: at pagdaka'y binatak sa langit ang sisidlan. 044 ACT 010 017 Samantalang natitilihang totoo si Pedro sa kaniyang sarili, kung ano ang kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga taong sinugo ni Cornelio, nang maipagtanong ang bahay ni Simon, ay nangagsitayo sa harapan ng pintuan. 044 ACT 010 018 At nangagsitawag at nangagtanong kung si Simon, na pinamagatang Pedro, ay nanunuluyan doon. 044 ACT 010 019 At samantalang iniisip ni Pedro ang tungkol sa pangitain, ay sinabi sa kaniya ng Espiritu, Narito, hinahanap ka ng tatlong tao. 044 ACT 010 020 Datapuwa't magtindig ka, at manaog ka, at sumama ka sa kanila, na huwag kang magalinlangan ng anoman: sapagka't sila'y aking sinugo. 044 ACT 010 021 At pinanaog ni Pedro ang mga tao, at sinabi, Narito, ako ang hinahanap ninyo: ano baga ang dahil ng inyong ipinarito? 044 ACT 010 022 At sinabi nila, Ang senturiong si Cornelio, na taong matuwid at matatakutin sa Dios, at may mabuting patotoo ng buong bansa ng mga Judio, ay pinagpaunawaan ng Dios sa pamamagitan ng isang banal na anghel na ikaw ay paparoonin sa kaniyang bahay, at upang makarinig sa iyo ng mga salita. 044 ACT 010 023 Kaya't sila'y pinapasok at pinatuloy sila. At nang kinabukasa'y nagbangon siya at umalis na kasama nila, at siya'y sinamahan ng ilang kapatid na mula sa Joppe. 044 ACT 010 024 At nang kinabukasa'y nagsipasok sila sa Cesarea. At sila'y hinihintay ni Cornelio, na tinipon nito ang kaniyang kamaganakan at ang kaniyang mga kaibigang minamahal. 044 ACT 010 025 At nangyari, na pagpasok ni Pedro, ay sinalubong siya ni Cornelio, at nagpatirapa sa kaniyang paanan, at siya'y sinamba. 044 ACT 010 026 Datapuwa't itinindig siya ni Pedro, na sinasabi, Magtindig ka; ako man ay tao rin. 044 ACT 010 027 At sa pakikipagsalitaan niya sa kaniya, ay pumasok siya, at kaniyang naratnan ang maraming nangagkakatipon: 044 ACT 010 028 At sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo na hindi matuwid sa isang taong Judio na makisama lumapit sa isang taga ibang bansa; at gayon ma'y ipinakilala sa akin ng Dios, na sinomang tao'y huwag kong tawaging marumi o karumaldumal: 044 ACT 010 029 Dahil din dito'y naparito akong hindi tumutol ng anoman, nang ako'y ipasundo. Itinatanong ko nga kung sa anong kadahilanan ipinasundo ninyo ako. 044 ACT 010 030 At sinabi ni Cornelio, May apat nang araw, hanggang sa oras na ito, na aking ginaganap ang pananalangin sa oras na ikasiyam sa bahay ko; at narito, tumindig sa harapan ko ang isang lalake na may pananamit na nagniningning, 044 ACT 010 031 At sinabi, Cornelio, dininig ang dalangin mo, at ang iyong mga paglilimos ay inaalaala sa paningin ng Dios. 044 ACT 010 032 Magsugo ka nga sa Joppe, at ipatawag mo si Simon, na pinamagatang Pedro; siya'y nanunuluyan sa bahay ni Simong mangluluto ng balat, na nasa tabi ng dagat. 044 ACT 010 033 Pagdaka nga'y nagsugo ako sa iyo; at mabuti ang ginawa mo't naparito ka. Ngayon nga'y kaming lahat ay nangaririto sa paningin ng Dios, upang dinggin ang lahat ng mga bagay na sa iyo'y ipinagutos ng Panginoon. 044 ACT 010 034 At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao: 044 ACT 010 035 Kundi sa bawa't bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya. 044 ACT 010 036 Ang salita na kaniyang ipinadala sa mga anak ni Israel, na ipinangangaral ang evangelio ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo (siya'y Panginoon ng lahat: ) 044 ACT 010 037 Talastas ninyo ang salitang ito na nahayag sa buong Judea, magbuhat sa Galilea, pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan; 044 ACT 010 038 Sa makatuwid baga'y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagka't sumasa kaniya ang Dios. 044 ACT 010 039 At mga saksi kami sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa lupain ng mga Judio, at sa Jerusalem; na siya nama'y kanilang pinatay, na siya'y ibinitin sa isang punong kahoy. 044 ACT 010 040 Siya'y muling binuhay ng Dios nang ikatlong araw, at siya'y itinalagang mahayag. 044 ACT 010 041 Hindi sa buong bayan, kundi sa mga saksi na hinirang ng Dios nang una, sa makatuwid baga'y sa amin, na nagsikain at nagsiinom na kasalo niya, pagkatapos na siya'y muling mabuhay sa mga patay. 044 ACT 010 042 At sa ami'y ipinagbilin niya na magsipangaral kami sa bayan, at saksihan na siya ang itinalaga ng Dios na maging Hukom ng mga buhay at ng mga patay. 044 ACT 010 043 Siya ang pinatotohanan ng lahat ng mga propeta, na ang bawa't sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan. 044 ACT 010 044 Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita. 044 ACT 010 045 At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay nangamanghang lahat na nagsiparoong kasama ni Pedro, sapagka't ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo. 044 ACT 010 046 Sapagka't nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro, 044 ACT 010 047 Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin? 044 ACT 010 048 At inutusan niya sila na magsipagbautismo sa pangalan ni Jesucristo. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw. 044 ACT 011 001 Nabalitaan nga ng mga apostol at ng mga kapatid na nangasa Judea na nagsitanggap din naman ang mga Gentil ng salita ng Dios. 044 ACT 011 002 At nang umahon si Pedro sa Jerusalem, ay nakipagtalo sa kaniya ang mga sa pagtutuli, 044 ACT 011 003 Na nagsisipagsabi, Nakisalamuha ka sa mga taong hindi tuli, at kumain kang kasalo nila. 044 ACT 011 004 Datapuwa't si Pedro ay nagpasimula, at ang kadahilanan ay isinaysay sa kanilang sunodsunod na sinasabi, 044 ACT 011 005 Ako'y nananalangin sa bayan ng Joppe: at sa kawalan ng diwa'y nakakita ako ng isang pangitain, na may isang sisidlang bumababa, na gaya ng isang malapad na kumot, na inihuhugos mula sa langit na nakabitin sa apat na sulok; at dumating hanggang sa akin: 044 ACT 011 006 At nang yao'y aking titigan, ay pinagwari ko, at aking nakita ang mga hayop na may apat na paa sa lupa at mga hayop na ganid at ang mga nagsisigapang at mga ibon sa langit. 044 ACT 011 007 At nakarinig din naman ako ng isang tinig na nagsasabi sa akin, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain. 044 ACT 011 008 Datapuwa't sinabi ko, Hindi maaari, Panginoon: sapagka't kailan man ay walang anomang pumasok sa aking bibig na marumi o karumaldumal. 044 ACT 011 009 Nguni't sumagot na ikalawa ang tinig mula sa langit, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi. 044 ACT 011 010 At ito'y nangyaring makaitlo: at muling binatak ang lahat sa langit. 044 ACT 011 011 At narito, pagdaka'y nangagsitayo sa tapat ng bahay na aming kinaroroonan, ang tatlong lalake na mga sinugo sa akin buhat sa Cesarea. 044 ACT 011 012 At iniutos sa akin ng Espiritu na ako'y sumama sa kanila, na huwag magtangi. At nagsisama naman sa akin itong anim na kapatid; at nagsipasok kami sa bahay ng lalaking yaon: 044 ACT 011 013 At kaniyang isinaysay sa amin kung paanong nakita niya ang anghel na nakatindig sa kaniyang bahay, at nagsasabi, Magsugo ka sa Joppe, at ipagsama mo si Simon, na may pamagat na Pedro; 044 ACT 011 014 Na siyang magsasaysay sa iyo ng mga salita, na ikaliligtas mo, ikaw at ng buong sangbahayan mo. 044 ACT 011 015 At nang ako'y magpasimulang magsalita, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo, na gaya naman ng pagbaba sa atin nang una. 044 ACT 011 016 At naalaala ko ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya, Tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan sa Espiritu Santo. 044 ACT 011 017 Kung ibinigay nga sa kanila ng Dios ang gayon ding kaloob na gaya naman ng kaniyang ibinigay sa atin, nang tayo'y nagsisisampalataya sa Panginoong Jesucristo, sino baga ako, na makahahadlang sa Dios? 044 ACT 011 018 At nang marinig nila ang mga bagay na ito, ay nagsitahimik sila, at niluwalhati ang Dios, na sinasabi, Kung gayo'y binigyan din naman ng Dios ang mga Gentil ng pagsisisi sa ikabubuhay. 044 ACT 011 019 Yaon ngang nagsipangalat sa ibang lupain dahil sa kapighatian na nangyari tungkol kay Esteban ay nangaglakbay hanggang sa Fenicia, at sa Chipre, at sa Antioquia, na hindi nagsaysay kanino man ng salita kundi sa mga Judio lamang. 044 ACT 011 020 Datapuwa't may ilan sa kanila, mga taong taga Chipre at taga Cirene, na, nang sila'y magsidating sa Antioquia, ay nangagsalita naman sa mga Griego, na ipinangangaral ang Panginoong Jesus. 044 ACT 011 021 At sumasa kanila ang kamay ng Panginoon: at ang lubhang marami sa nagsisisampalataya ay nangagbalik-loob sa Panginoon. 044 ACT 011 022 At dumating ang balita tungkol sa kanila sa mga tainga ng iglesia na nasa Jerusalem: at kanilang sinugo si Bernabe hanggang sa Antioquia: 044 ACT 011 023 Na, nang siya'y dumating, at makita ang biyaya ng Dios, ay nagalak; at kaniyang inaralan ang lahat, na sa kapasiyahan ng puso ay magsipanatili sa Panginoon: 044 ACT 011 024 Sapagka't siya'y lalaking mabuti, at puspos ng Espiritu Santo at ng pananampalataya: at maraming tao ang nangaparagdag sa Panginoon. 044 ACT 011 025 At siya'y naparoon sa Tarso upang hanapin si Saulo; 044 ACT 011 026 At nang siya'y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila'y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga Cristiano, sa Antioquia. 044 ACT 011 027 Nang mga araw ngang ito ay may lumusong sa Antioquia na mga propetang galing sa Jerusalem. 044 ACT 011 028 At nagtindig ang isa sa kanila na nagngangalang Agabo, at ipinaalam sa pamamagitan ng Espiritu na magkakagutom ng malaki sa buong sanglibutan: na nangyari nang mga kaarawan ni Claudio. 044 ACT 011 029 At ang mga alagad, ayon sa kaya ng bawa't isa, ay nangagpasiyang magpadala ng saklolo sa mga kapatid na nangananahan sa Judea: 044 ACT 011 030 Na siya nga nilang ginawa, na ipinadala nila sa mga matanda sa pamamagitan ng kamay ni Bernabe at ni Saulo. 044 ACT 012 001 Nang panahon ngang yaon ay iniunat ni Herodes ang kaniyang mga kamay upang pahirapan ang ilan sa iglesia. 044 ACT 012 002 At pinatay niya sa tabak si Santiago na kapatid ni Juan. 044 ACT 012 003 At nang makita niya na ito'y ikinatutuwa ng mga Judio, ay kaniya namang ipinagpatuloy na hulihin si Pedro. At noo'y mga araw ng mga tinapay na walang lebadura. 044 ACT 012 004 At nang siya'y mahuli na niya, ay kaniyang inilagay siya sa bilangguan at siya'y ibinigay sa apat na tigaapat na kawal upang siya'y bantayan; na inaakalang siya'y iharap sa bayan pagkatapos ng Paskua. 044 ACT 012 005 Kaya nga't si Pedro ay iningatan sa bilangguan: datapuwa't ang iglesia ay maningas na dumalangin sa Dios patungkol sa kaniya. 044 ACT 012 006 At nang siya'y malapit nang ilabas ni Herodes, nang gabi ring yaon ay natutulog si Pedro sa gitna ng dalawang kawal, na nagagapos ng dalawang tanikala: at ang mga bantay sa harap ng pintuan ay nangagbabantay ng bilangguan. 044 ACT 012 007 At narito, tumayo sa tabi niya ang isang anghel ng Panginoon, at lumiwanag ang isang ilaw sa silid na kulungan: at tinapik si Pedro sa tagiliran, at siya'y ginising, na sinasabi, Magbangon kang madali. At nangalaglag ang kaniyang mga tanikala sa kaniyang mga kamay. 044 ACT 012 008 At sinabi sa kaniya ng anghel, Magbigkis ka, at itali mo ang iyong mga pangyapak. At gayon ang ginawa niya. At sinabi niya sa kaniya. Isuot mo sa iyo ang damit mo, at sumunod ka sa akin. 044 ACT 012 009 At siya'y lumabas, at sumunod; at hindi niya nalalaman kung tunay ang ginawa ng anghel kundi ang isip niya'y nakakita siya ng isang pangitain. 044 ACT 012 010 At nang kanilang maraanan na ang una at ang pangalawang bantay, ay nagsirating sila sa pintuang-bakal na patungo sa bayan; na kusang nabuksan sa kanila: at sila'y nagsilabas, at nangagpatuloy sa isang lansangan; at pagdaka'y humiwalay sa kaniya ang anghel. 044 ACT 012 011 At nang si Pedro ay pagsaulian ng isip, ay kaniyang sinabi, Ngayo'y nalalaman kong sa katotohanan ay sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa buong pagasa ng bayan ng mga Judio. 044 ACT 012 012 At nang siya'y makapagnilay na, ay naparoon siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na may pamagat na Marcos; na kinaroroonan ng maraming nangagkakatipon at nagsisipanalangin. 044 ACT 012 013 At nang siya'y tumuktok sa pintuang-daan, ay lumabas upang sumagot, ang isang dalagang nagngangalang Rode. 044 ACT 012 014 At nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa tuwa'y hindi niya binuksan ang pintuan, kundi nagtakbo sa loob, ipinagbigay-alam na nakatayo si Pedro sa harap ng pintuan. 044 ACT 012 015 At kanilang sinabi sa kaniya, Nauulol ka. Datapuwa't buong tiwala niyang pinatunayan na gayon nga. At kanilang sinabi, na yao'y kaniyang anghel. 044 ACT 012 016 Datapuwa't nanatili si Pedro nang pagtuktok: at nang kanilang buksan, ay nakita nila siya, at sila'y nangamangha. 044 ACT 012 017 Datapuwa't siya, nang mahudyatan sila ng kaniyang kamay na sila'y tumahimik, ay isinaysay sa kanila kung paanong inilabas siya ng Panginoon sa bilangguan. At sinabi niya, Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago, at sa mga kapatid. At siya'y umalis, at napasa ibang dako. 044 ACT 012 018 Nang maguumaga na ay hindi kakaunti ang kaguluhang nangyari sa mga kawal, tungkol sa kung anong nangyari kay Pedro. 044 ACT 012 019 At nang siya'y maipahanap na ni Herodes, at hindi siya nasumpungan, ay siniyasat niya ang mga bantay, at ipinagutos na sila'y patayin. At siya buhat sa Judea ay lumusong sa Cesarea, at doon tumira. 044 ACT 012 020 At galit na galit nga si Herodes sa mga taga Tiro at taga Sidon: at sila'y nangagkaisang pumaroon sa kaniya, at, nang makaibigan na nila si Blasto na katiwala ng hari, ay kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo, sapagka't ang lupain nila'y pinakakain ng lupain ng hari. 044 ACT 012 021 At isang takdang araw ay nagsuot si Herodes ng damit-hari, at naupo sa luklukan, at sa kanila'y tumalumpati. 044 ACT 012 022 At ang bayan ay sumigaw, Tinig ng dios, at hindi ng tao. 044 ACT 012 023 At pagdaka'y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon, sapagka't hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios: at siya'y kinain ng mga uod, at nalagot ang hininga. 044 ACT 012 024 Datapuwa't lumago ang salita ng Dios at dumami. 044 ACT 012 025 At nagbalik na galing sa Jerusalem si Bernabe at si Saulo, nang maganap na nila ang kanilang ministerio, na kanilang isinama si Juan na may pamagat na Marcos. 044 ACT 013 001 Sa iglesia nga na nasa Antioquia ay may mga propeta at mga guro, si Bernabe, at si Simeon na tinatawag na Niger, at si Lucio na taga Cirene, at si Manaen na kapatid sa gatas ni Herodes na tetrarka, at si Saulo. 044 ACT 013 002 At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila. 044 ACT 013 003 Nang magkagayon, nang sila'y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila. 044 ACT 013 004 Sila nga, palibhasa'y sinugo ng Espiritu Santo, ay nagsilusong sa Seleucia; at buhat doo'y nangaglayag hanggang sa Chipre. 044 ACT 013 005 At nang sila'y nasasa Salamina, ay kanilang ipinangaral ang salita ng Dios sa mga sinagoga ng mga Judio: at kanila namang katulong si Juan. 044 ACT 013 006 At nang kanilang matahak na ang buong pulo hanggang sa Pafos, ay nakasumpong sila ng isang manggagaway, bulaang propeta, Judio, na ang kaniyang pangalan ay Bar-Jesus; 044 ACT 013 007 Na kasama ng proconsul, Sergio Paulo, lalaking matalino. Ito rin ang nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo, at minimithing mapakinggan ang salita ng Dios. 044 ACT 013 008 Datapuwa't si Elimas na manggagaway (sapagka't ganito nga ang pakahulugan sa kaniyang pangalan) ay humadlang sa kanila, na pinagsisikapang ihiwalay sa pananampalataya ang proconsul. 044 ACT 013 009 Datapuwa't si Saulo, na tinatawag ding Pablo, na puspos ng Espiritu Santo, ay itinitig sa kaniya ang kaniyang mga mata, 044 ACT 013 010 At sinabi, Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan, ikaw na anak ng diablo, ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon? 044 ACT 013 011 At ngayon, narito, nasa iyo ang kamay ng Panginoon, at mabubulag ka, na hindi mo makikita ang araw na kaunting panahon. At pagdaka'y nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang isang kadiliman; at siya'y nagpalibot na humahanap ng sa kaniya'y aakay sa kamay. 044 ACT 013 012 Nang magkagayon, pagkakita ng proconsul sa nangyari, ay nanampalataya, na nanggigilalas sa aral ng Panginoon. 044 ACT 013 013 Nagsitulak nga sa Pafos si Pablo at ang kaniyang mga kasama, at sumadsad sa Perga ng Pamfilia: at humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik sa Jerusalem. 044 ACT 013 014 Datapuwa't sila, pagkatahak sa Perga, ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia; at sila'y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagsiupo. 044 ACT 013 015 At pagkatapos ng pagbasa ng kautusan at ng mga propeta, ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila, na sinasabi, Mga kapatid, kung mayroon kayong anomang iaaral sa bayan, ay mangagsalita kayo. 044 ACT 013 016 At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay ikinikiya na nagsabi, Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo. 044 ACT 013 017 Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas sila roon. 044 ACT 013 018 At nang panahong halos apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang. 044 ACT 013 019 At nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon: 044 ACT 013 020 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta. 044 ACT 013 021 At pagkatapos ay nagsihingi sila ng hari: at ibinigay ng Dios sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang lalake sa angkan ni Benjamin; sa loob ng apat na pung taon. 044 ACT 013 022 At nang siya'y alisin niya, ay ibinangon niya si David upang maging hari nila; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi, Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang lalaking kinalulugdan ng aking puso, na gagawa ng buong kalooban ko. 044 ACT 013 023 Sa binhi ng taong ito, ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang Tagapagligtas, na si Jesus; 044 ACT 013 024 Noong unang ipangaral ni Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating. 044 ACT 013 025 At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa't narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa. 044 ACT 013 026 Mga kapatid, mga anak ng lahi ni Abraham, at ang mga sa inyo'y nangatatakot sa Dios, sa atin ipinadadala ang salita ng kaligtasang ito. 044 ACT 013 027 Sapagka't silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila, dahil sa hindi nila pagkakilala sa kaniya, ni sa mga tinig ng mga propeta na sa tuwing sabbath ay binabasa, ay kanilang tinupad ang hatol sa kaniya. 044 ACT 013 028 At bagaman hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay, gayon ma'y kanilang hiningi kay Pilato na siya'y patayin. 044 ACT 013 029 At nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa kaniya, ay kanilang ibinaba siya sa punong kahoy, at inilagay siya sa isang libingan. 044 ACT 013 030 Datapuwa't siya'y binuhay na maguli ng Dios sa mga patay: 044 ACT 013 031 At siya'y nakitang maraming mga araw ng mga kasama niyang nagsiahon buhat sa Galilea hanggang sa Jerusalem, na siyang mga saksi niya ngayon sa bayan. 044 ACT 013 032 At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng pangakong ipinangako sa mga magulang, 044 ACT 013 033 Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita. 044 ACT 013 034 At tungkol sa muling binuhay niya, upang ngayon at kailan ma'y huwag nang magbalik sa kabulukan, ay nagsalita siya ng ganito, Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David. 044 ACT 013 035 Sapagka't sinabi rin naman niya sa ibang awit, Hindi mo ipagkakaloob na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan. 044 ACT 013 036 Sapagka't si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan. 044 ACT 013 037 Datapuwa't yaong binuhay na maguli ng Dios ay hindi nakakita ng kabulukan. 044 ACT 013 038 Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na sa pamamagitan ng taong ito'y ibinabalita sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan: 044 ACT 013 039 At sa pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises. 044 ACT 013 040 Magsipagingat nga kayo, na baka magsisapit sa inyo ang sinalita ng mga propeta: 044 ACT 013 041 Tingnan ninyo, mga mapagwalang-halaga, at mangapagilalas kayo, at kayo'y mangaparam: Sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan, Isang gawang sa anomang paraa'y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman. 044 ACT 013 042 At pagalis nila, ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod. 044 ACT 013 043 Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga, marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe; na, sa pagsasalita sa kanila, ay sila'y hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios. 044 ACT 013 044 At nang sumunod na sabbath ay nagkatipon halos ang buong bayan upang pakinggan ang salita ng Dios. 044 ACT 013 045 Datapuwa't nang makita ng mga Judio ang mga karamihan, ay nangapuno ng kapanaghilian, at tinutulan ang mga bagay na sinalita ni Pablo, at nagsipamusong. 044 ACT 013 046 At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil. 044 ACT 013 047 Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. 044 ACT 013 048 At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan. 044 ACT 013 049 At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain. 044 ACT 013 050 Datapuwa't inudyukan ng mga Judio ang mga babaing masisipag sa kabanalan na may mga kalagayang mahal, at ang mga mahal na tao sa bayan, at nangagbangon ng paguusig laban kay Pablo at kay Bernabe, at kanilang pinalayas sila sa kanilang mga hangganan. 044 ACT 013 051 Datapuwa't ipinagpag nila ang alabok ng kanilang mga paa laban sa kanila, at nagsiparoon sa Iconio. 044 ACT 013 052 At ang mga alagad ay nangapuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo. 044 ACT 014 001 At nangyari sa Iconio na sila'y magkasamang nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio, at nangagsalita ng gayon na lamang na ano pa't nagsisampalataya ang lubhang marami sa mga Judio at sa mga Griego. 044 ACT 014 002 Datapuwa't inudyukan ng mga Judiong suwail ang mga kaluluwa ng mga Gentil, at pinasama sila laban sa mga kapatid. 044 ACT 014 003 Nagsitira nga sila doon ng mahabang panahon na nagsisipagsalita ng buong katapangan sa Panginoon, na nagpapatotoo sa salita ng kaniyang biyaya, na ipinagkakaloob na gawin ng kanilang mga kamay ang mga tanda at mga kababalaghan. 044 ACT 014 004 Datapuwa't nagkabahabahagi ang karamihan sa bayan; at ang isang bahagi'y nakisama sa mga Judio, at ang ibang bahagi'y nakisama sa mga apostol. 044 ACT 014 005 At nang gawin ang pagdaluhong ng mga Gentil at ng mga Judio naman na kasama ang kanilang mga pinuno, upang sila'y halayin at batuhin, 044 ACT 014 006 At sa pagkaalam nila nito, ay nagsitakas na patungo sa mga bayan ng Licaonia, Listra at Derbe, at sa palibotlibot ng lupain: 044 ACT 014 007 At doon nila ipinangaral ang evangelio. 044 ACT 014 008 At sa Listra ay may isang lalaking nakaupo, na sa mga paa'y walang lakas, pilay mula pa sa tiyan ng kaniyang ina, na kailan ma'y hindi nakalakad. 044 ACT 014 009 Narinig nitong nagsasalita si Pablo: na, nang titigan siya ni Pablo, at makitang may pananampalataya upang mapagaling, 044 ACT 014 010 Ay nagsabi ng malakas na tinig, Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa. At siya'y lumukso at lumakad. 044 ACT 014 011 At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo, ay nagsigawan sila, na sinasabi sa wikang Licaonia, Ang mga dios ay nagsibaba sa atin sa anyo ng mga tao. 044 ACT 014 012 At tinawag nilang Jupiter, si Bernabe; at Mercurio, si Pablo, sapagka't siya ang pangulong tagapagsalita. 044 ACT 014 013 At ang saserdote ni Jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan, ay nagdala ng mga baka't mga putong na bulaklak sa mga pintuang-daan, at ibig maghaing kasama ng mga karamihan. 044 ACT 014 014 Datapuwa't nang marinig ito ng mga apostol, na si Bernabe at si Pablo, ay hinapak nila ang kanilang mga damit, at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan, na nagsisigaw, 044 ACT 014 015 At nagsisipagsabi, Mga ginoo, bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang mula sa mga bagay na itong walang kabuluhan ay magsibalik kayo sa Dios na buhay, na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon: 044 ACT 014 016 Na nang mga panahong nakaraan ay pinabayaan niya ang lahat ng mga bansa ay magsilakad sa kanilang mga sariling daan. 044 ACT 014 017 At gayon man ay hindi nagpabayang di nagbigay patotoo, tungkol sa kaniyang sarili, na gumawa ng mabuti at nagbigay sa inyo ng ulang galing sa langit at ng mga panahong sagana, na pinupuno ang inyong mga puso ng pagkain at ng katuwaan. 044 ACT 014 018 At sa mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang karamihan sa paghahain sa kanila. 044 ACT 014 019 Datapuwa't nagsirating ang mga Judiong buhat sa Antioquia at Iconio: at nang mahikayat nila ang mga karamihan, ay kanilang pinagbabato si Pablo, at kinaladkad nila siya sa labas ng bayan, na inaakalang siya'y patay na. 044 ACT 014 020 Datapuwa't samantalang ang mga alagad ay nangakatayo sa paligid niya, ay nagtindig siya, at pumasok sa bayan: at nang kinabukasa'y umalis siya na kasama ni Bernabe napasa Derbe. 044 ACT 014 021 At nang maipangaral na nila ang evangelio sa bayang yaon, at makahikayat ng maraming mga alagad, ay nagsibalik sila sa Listra at sa Iconio, at sa Antioquia, 044 ACT 014 022 Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios. 044 ACT 014 023 At nang makapaglagay na sa kanila ng mga matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan. 044 ACT 014 024 At kanilang tinahak ang Pisidia, at nagsiparoon sa Pamfilia. 044 ACT 014 025 At nang masalita na nila ang salita sa Perga, ay nagsilusong sila sa Atalia; 044 ACT 014 026 At buhat doo'y nagsilayag sila sa Antioquia, na doo'y ipinagtagubilin sila sa biyaya ng Dios dahil sa gawang kanilang natapos na. 044 ACT 014 027 At nang sila'y magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya. 044 ACT 014 028 At nangatira silang hindi kakaunting panahon na kasama ng mga alagad. 044 ACT 015 001 At may ibang mga taong nagsilusong mula sa Judea ay nagsipagturo sa mga kapatid, na sinasabi, Maliban na kayo'y mangagtuli ayon sa kaugalian ni Moises, ay hindi kayo mangaliligtas. 044 ACT 015 002 At nang magkaroon si Pablo at si Bernabe ng di kakaunting pagtatalo at pakikipagtuligsaan sa kanila, ay ipinasiya ng mga kapatid na si Pablo at si Bernabe, at ang ilan sa kanila, ay magsiahon sa Jerusalem, sa mga apostol at sa mga matanda tungkol sa suliraning ito. 044 ACT 015 003 Sila nga, palibhasa'y inihatid ng iglesia sa kanilang paglalakbay, ay tinahak ang Fenicia at Samaria, na isinasaysay ang pagbabalik-loob ng mga Gentil: at sila'y nakapagbigay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga kapatid. 044 ACT 015 004 At nang sila'y magsidating sa Jerusalem, ay tinanggap sila ng iglesia at ng mga apostol at ng mga matanda, at isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa pamamagitan nila. 044 ACT 015 005 Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa sekta ng mga Fariseong nagsisampalataya na nangagsasabi, Kinakailangang sila'y tuliin, at sa kanila'y ipagbiling ganapin ang kautusan ni Moises. 044 ACT 015 006 At nangagkatipon ang mga apostol at ang mga matanda upang pagusapan ang bagay na ito. 044 ACT 015 007 At pagkatapos ng maraming pagtatalo, ay nagtindig si Pedro, at sinabi sa kanila, Mga kapatid, nalalaman ninyo na nang unang panahong nakaraan ay humirang ang Dios sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng Evangelio, at sila'y magsisampalataya. 044 ACT 015 008 At ang Dios, na nakatataho ng puso, ay nagpatotoo sa kanila, na sa kanila'y ibinigay ang Espiritu Santo, na gaya naman ng kaniyang ginawa sa atin; 044 ACT 015 009 At tayo'y hindi niya itinangi sa kanila, na nilinis sa pamamagitan ng pananampalataya ang kanilang mga puso. 044 ACT 015 010 Ngayon nga bakit ninyo tinutukso ang Dios, na inyong nilalagyan ng pamatok ang batok ng mga alagad na kahit ang ating mga magulang ni tayo man ay hindi maaaring makadala? 044 ACT 015 011 Datapuwa't naniniwala tayo na tayo'y mangaliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, na gaya rin naman nila. 044 ACT 015 012 At nagsitahimik ang buong karamihan; at kanilang pinakinggan si Bernabe at si Pablo na nagsisipagsaysay ng mga tanda at ng mga kababalaghang ginawa ng Dios sa mga Gentil sa pamamagitan nila. 044 ACT 015 013 At nang matapos na silang magsitahimik, ay sumagot si Santiago, na sinasabi, Mga kapatid, pakinggan ninyo ako: 044 ACT 015 014 Sinaysay na ni Simeon kung paanong dinalaw na una ng Dios ang mga Gentil, upang kumuha sa kanila ng isang bayan sa kaniyang pangalan. 044 ACT 015 015 At dito'y nasasangayon ang mga salita ng mga propeta; gaya ng nasusulat, 044 ACT 015 016 Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako'y babalik, At muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; At muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito'y aking itatayo: 044 ACT 015 017 Upang hanapin ng nalabi sa mga tao ang Panginoon, At ng lahat ng mga Gentil, na tinatawag sa aking pangalan, 044 ACT 015 018 Sabi ng Panginoon, na nagpapakilala ng mga bagay na ito mula nang una. 044 ACT 015 019 Dahil dito'y ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay nangagbabalik-loob sa Dios; 044 ACT 015 020 Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila'y magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa dugo. 044 ACT 015 021 Sapagka't si Moises mula nang unang panahon ay mayroon sa bawa't bayan na nangangaral tungkol sa kaniya, palibhasa'y binabasa sa mga sinagoga sa bawa't sabbath. 044 ACT 015 022 Nang magkagayo'y minagaling ng mga apostol at ng matatanda, pati ng buong iglesia, na magsihirang ng mga tao sa kanilang magkakasama, at suguin sa Antioquia na kasama ni Pablo at ni Bernabe; si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas na mga nangungulo sa mga kapatid: 044 ACT 015 023 At nagsisulat sila sa pamamagitan nila, Ang mga apostol at ang mga matanda, mga kapatid, sa mga kapatid na nangasa mga Gentil sa Antioquia at Siria at Cilicia, ay bumabati: 044 ACT 015 024 Sapagka't aming nabalitaan na ang ilang nagsialis sa amin ay nangangbagabag sa inyo ng mga salita, na isininsay ang inyong mga kaluluwa; na sa kanila'y hindi kami nangagutos ng anoman; 044 ACT 015 025 Ay minagaling namin, nang mapagkaisahan na, na magsihirang ng mga lalake at suguin sila sa inyo na kasama ng aming mga minamahal na si Bernabe at si Pablo, 044 ACT 015 026 Na mga lalaking nangagsapanganib ng kanilang mga buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo. 044 ACT 015 027 Kaya nga sinugo namin si Judas at si Silas, na mangagsasaysay din naman sila sa inyo ng gayon ding mga bagay sa salita ng bibig. 044 ACT 015 028 Sapagka't minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan: 044 ACT 015 029 Na kayo'y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo. 044 ACT 015 030 Kaya nga, nang sila'y mapayaon na, ay nagsilusong sa Antioquia; at nang matipon na nila ang karamihan, ay kanilang ibinigay ang sulat. 044 ACT 015 031 At nang ito'y kanilang mabasa na, ay nangagalak dahil sa pagkaaliw. 044 ACT 015 032 Si Judas at si Silas, palibhasa'y mga propeta rin naman, ay inaralan ang mga kapatid ng maraming mga salita, at sila'y pinapagtibay. 044 ACT 015 033 At nang sila'y makapaggugol na ng ilang panahon doon, ay payapang pinapagbalik sila ng mga kapatid sa mga nagsipagsugo sa kanila. 044 ACT 015 034 Datapuwa't minagaling ni Silas ang matira roon. 044 ACT 015 035 Datapuwa't nangatira si Pablo at si Bernabe sa Antioquia, na itinuturo at ipinangangaral ang salita ng Panginoon, na kasama naman ng ibang marami. 044 ACT 015 036 At nang makaraan ang ilang araw ay sinabi ni Pablo kay Bernabe, Pagbalikan natin ngayon at dalawin ang mga kapatid sa bawa't bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan natin kung ano ang lagay nila. 044 ACT 015 037 At inibig ni Bernabe na kanilang isama naman si Juan, na tinatawag na Marcos. 044 ACT 015 038 Datapuwa't hindi minagaling ni Pablo na isama nila ang humiwalay sa kanila mula sa Pamfilia, at hindi sumama sa kanila sa gawain. 044 ACT 015 039 At nagkaroon ng pagtatalo, ano pa't sila'y naghiwalay, at isinama ni Bernabe si Marcos, at lumayag sa Chipre: 044 ACT 015 040 Datapuwa't hinirang ni Pablo si Silas, at yumaon, na sila'y ipinagtagubilin ng mga kapatid sa biyaya ng Panginoon. 044 ACT 015 041 At kaniyang tinahak ang Siria at Cilicia, na pinagtitibay ang mga iglesia. 044 ACT 016 001 At siya'y naparoon din naman sa Derbe at sa Listra: at narito, naroon ang isang alagad, na nagngangalang Timoteo, na anak ng isang Judiang sumasampalataya; datapuwa't Griego ang kaniyang ama. 044 ACT 016 002 Siya'y may mabuting patotoo ng mga kapatid na nangasa Listra at Iconio. 044 ACT 016 003 Iniibig ni Pablo na sumama siya sa kaniya; at kaniyang kinuha siya at tinuli dahil sa mga Judio na nangasa mga dakong yaon: sapagka't nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama'y Griego. 044 ACT 016 004 At sa kanilang pagtahak sa mga bayan, ay ibinigay sa kanila ang mga utos na inilagda ng mga apostol at ng mga matanda sa Jerusalem, upang kanilang tuparin. 044 ACT 016 005 Kaya nga, ang mga iglesia'y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw. 044 ACT 016 006 At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at Galacia, ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa Asia; 044 ACT 016 007 At nang sila'y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus; 044 ACT 016 008 At pagkaraan nila sa Misia, ay nagsilusong sila sa Troas. 044 ACT 016 009 At napakita ang isang pangitain sa gabi kay Pablo: May isang lalaking taga Macedonia na nakatayo, na namamanhik sa kaniya, at sinasabi, Tumawid ka sa Macedonia, at tulungan mo kami. 044 ACT 016 010 At pagkakita niya sa pangitain, pagdaka'y pinagsikapan naming magsiparoon sa Macedonia, na pinatutunayang kami'y tinawag ng Dios upang sa kanila'y ipangaral ang evangelio. 044 ACT 016 011 Pagtulak nga sa Troas, ay pinunta namin ang Samotracia, at nang kinabukasa'y ang Neapolis; 044 ACT 016 012 At mula doo'y ang Filipos, na isang bayan ng Macedonia, na siyang una sa purok, lupang nasasakupan ng Roma: at nangatira kaming ilang araw sa bayang yaon. 044 ACT 016 013 At nang araw ng sabbath ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog, na doo'y sinapantaha naming may mapapanalanginan; at kami'y nangaupo, at nakipagsalitaan sa mga babaing nangagkatipon. 044 ACT 016 014 At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo. 044 ACT 016 015 At nang siya'y mabautismuhan na, at ang kaniyang mga kasangbahay, ay namanhik siya sa amin, na sinasabi, Kung inyong inaakalang ako'y tapat sa Panginoon, ay magsipasok kayo sa aking bahay, at kayo'y magsitira doon. At kami'y pinilit niya. 044 ACT 016 016 At nangyari, na nang kami'y nagsisiparoon sa mapapanalanginan, ay sinalubong kami ng isang dalagang may karumaldumal na espiritu ng panghuhula, at nagdadala ng maraming pakinabang sa kaniyang mga panginoon sa pamamagitan ng panghuhula. 044 ACT 016 017 Siya'y sumusunod kay Pablo at sa amin at nagsisigaw, na sinasabi, Mga alipin ng Kataastaasang Dios ang mga taong ito, na nagsisipangaral sa inyo ng daan ng kaligtasan. 044 ACT 016 018 At maraming mga araw na ginawa niya ito. Datapuwa't palibhasa'y si Pablo ay totoong nababagabag, ay lumingon at sinabi sa espiritu, Iniuutos ko sa iyo sa pangalan ni Jesucristo na lumabas ka sa kaniya. At ito ay lumabas nang oras ding yaon. 044 ACT 016 019 Datapuwa't nang makita ng kaniyang mga panginoon na wala na ang inaasahan nilang kapakinabangan, ay hinuli nila si Pablo at si Silas, at kinaladkad sila sa pamilihan, sa harapan ng mga may kapangyarihan, 044 ACT 016 020 At nang maiharap na sila sa mga hukom, ay sinabi nila, Ang mga lalaking ito, palibhasa'y mga Judio, ay nagsisipanggulong totoo sa ating bayan, 044 ACT 016 021 At nangaghahayag ng mga kaugaliang hindi matuwid nating tanggapin, o gawin, palibhasa tayo'y Romano. 044 ACT 016 022 At samasamang nagsitindig ang karamihan laban sa kanila: at hinapak ng mga hukom ang kanilang mga damit, at ipinapalo sila ng mga panghampas. 044 ACT 016 023 At nang sila'y mapalo na nila ng marami, ay ipinasok sila sa bilangguan, na ipinagtatagubilin sa tagapamahala na sila'y bantayang maigi: 044 ACT 016 024 Na, nang tanggapin nito ang gayong tagubilin, ay ipinasok sila sa kalooblooban ng bilangguan, at piniit ang kanilang mga paa sa mga pangawan. 044 ACT 016 025 Datapuwa't nang maghahatinggabi na si Pablo at si Silas ay nagsipanalangin at nagsiawit ng mga himno sa Dios, at sila'y pinakikinggan ng mga bilanggo; 044 ACT 016 026 At kaginsaginsa'y nagkaroon ng isang malakas na lindol, ano pa't nangagsiuga ang mga patibayan ng bahay-bilangguan: at pagdaka'y nangabuksan ang lahat ng mga pinto; at nangakalas ang mga gapos ng bawa't isa. 044 ACT 016 027 At ang tagapamahala, palibhasa'y nagising sa pagkakatulog at nang makitang bukas ang mga pinto ng bilangguan, ay binunot ang kaniyang tabak at magpapakamatay sana, sa pagaakalang nangakatakas na ang mga bilanggo. 044 ACT 016 028 Datapuwa't sumigaw si Pablo ng malakas na tinig, na sinasabi, Huwag mong saktan ang iyong sarili: sapagka't nangaririto kaming lahat. 044 ACT 016 029 At siya'y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob, at, nanginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas, 044 ACT 016 030 At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas? 044 ACT 016 031 At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan. 044 ACT 016 032 At sa kaniya'y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay. 044 ACT 016 033 At sila'y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka'y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya. 044 ACT 016 034 At sila'y kaniyang ipinanhik sa kaniyang bahay, at hinainan sila ng pagkain, at nagalak na totoo, pati ng buong sangbahayan niya, na nagsisampalataya sa Dios. 044 ACT 016 035 Datapuwa't nang umaga na, ang mga hukom ay nangagsugo ng mga sarhento, na nagsasabi, Pawalan mo ang mga taong iyan. 044 ACT 016 036 At iniulat ng tagapamahala kay Pablo ang mga salitang ito, na sinasabi, Ipinagutos ng mga hukom na kayo'y pawalan: ngayon nga'y magsilabas kayo, at magsiyaon kayong payapa. 044 ACT 016 037 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Pablo, Pinalo nila kami sa hayag, na hindi nangahatulan, bagama't mga lalaking Romano, at kami'y ibinilanggo; at ngayo'y lihim na kami'y pinawawalan nila? tunay na hindi nga; kundi sila rin ang magsiparito at kami'y pawalan. 044 ACT 016 038 At iniulat ng mga sarhento ang mga salitang ito sa mga hukom: at sila'y nangatakot nang kanilang marinig na sila'y mga Romano; 044 ACT 016 039 At sila'y nagsiparoon at pinamanhikan sila; at nang kanilang mailabas na sila, ay hiniling nila sa kanila na magsilabas sa bayan. 044 ACT 016 040 At sila'y nagsilabas sa bilangguan, at nagsipasok sa bahay ni Lidia: at nang makita nila ang mga kapatid, ay kanilang inaliw sila, at nagsialis. 044 ACT 017 001 Pagkatahak nga nila sa Amfipolis at sa Apolonia, ay nagsirating sila sa Tesalonica, na kinaroroonan ng isang sinagoga ng mga Judio. 044 ACT 017 002 At si Pablo, ayon sa ugali niya ay pumasok sa kanila, at sa tatlong sabbath ay nangatuwiran sa kanila sa mga kasulatan, 044 ACT 017 003 Na binubuksan at pinatunayan na kinakailangang si Cristo ay maghirap, at muling mabuhay sa mga patay; at itong si Jesus, aniya, na aking ipinangangaral sa inyo, ay siyang Cristo. 044 ACT 017 004 At nangahikayat ang ilan sa kanila, at nakikampi kay Pablo at kay Silas; at gayon din ang lubhang maraming mga Griegong masisipag sa kabanalan, at hindi kakaunting mga babaing mararangal. 044 ACT 017 005 Datapuwa't ang mga Judio, palibhasa'y nangaudyokan ng inggit, ay nangagsama ng ilang masasamang tao sa pamilihan, at pagkatipon ng isang karamihan, ay ginulo ang bayan; at pagkalusob sa bahay ni Jason, ay pinagsikapan nilang sila'y iharap sa mga tao. 044 ACT 017 006 At nang hindi sila mangasumpungan, ay kanilang kinaladkad si Jason at ang ilang kapatid sa harap ng mga punong bayan, na ipinagsisigawan, Itong mga nagsisipagtiwarik ng sanglibutan, ay nagsiparito rin naman; 044 ACT 017 007 Na tinanggap sila ni Jason: at ang lahat ng mga ito ay nagsisigawa ng laban sa mga utos ni Cesar, na nagsasabing may ibang hari, si Jesus. 044 ACT 017 008 At kanilang ginulo ang karamihan at ang mga punong bayan, nang kanilang marinig ang mga bagay na ito. 044 ACT 017 009 At nang matanggap na nila ang pinakaako kay Jason at sa mga iba, ay kanilang pinawalan sila. 044 ACT 017 010 At pagdaka'y pinayaon sa gabi ng mga kapatid si Pablo at si Silas sa Berea: na nang dumating sila doon ay nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio. 044 ACT 017 011 Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka't tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito. 044 ACT 017 012 Kaya nga marami sa kanila ang mga nagsisampalataya; gayon din sa mga babaing Griega na may mga kalagayang mahal, at sa mga lalake, ay hindi kakaunti. 044 ACT 017 013 Datapuwa't nang maunawa ng mga Judiong taga Tesalonica na sa Berea ay ipinangangaral din ni Pablo ang salita ng Dios, ay nagsiparoon din naman, na ginulo at binagabag ang mga karamihan. 044 ACT 017 014 At nang magkagayo'y pagdaka'y pinayaon ng mga kapatid si Pablo na pumaroon hanggang sa dagat: at nangatira pa roon si Silas at si Timoteo. 044 ACT 017 015 Datapuwa't silang mga nagsipaghatid kay Pablo ay dinala siya hanggang sa Atenas: at nang matanggap na nila ang pautos kay Silas at kay Timoteo na madalingmadali silang magsiparoon sa kaniya, ay nagsialis sila. 044 ACT 017 016 Samantala ngang sila'y hinihintay ni Pablo sa Atenas, ay namuhi ang kaniyang espiritu sa loob niya sa pagkamasid niya sa bayan na puno ng diosdiosan. 044 ACT 017 017 Kaya't sa sinagoga'y nakipagmatuwiran siya sa mga Judio at sa mga taong masisipag sa kabanalan, at sa araw-araw sa pamilihan sa mga nakikipagkita sa kaniya. 044 ACT 017 018 At ilan naman sa mga pilosopong Epicureo at Estoico ay nakipagtalo sa kaniya. At sinabi ng ilan, Anong ibig sabihin ng masalitang ito? binagabag ang mga iba, Parang siya'y tagapagbalita ng mga ibang dios: sapagka't ipinangangaral niya si Jesus at ang pagkabuhay na maguli. 044 ACT 017 019 At siya'y tinangnan nila, at dinala siya sa Areopago, na sinasabi, Mangyayari bagang maalaman namin kung ano itong bagong aral, na sinasalita mo? 044 ACT 017 020 Sapagka't naghahatid ka ng mga kakaibang bagay sa aming mga tainga: ibig nga naming maalaman kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito. 044 ACT 017 021 (Lahat nga ng mga Ateniense at ang mga taga ibang bayang nakikipamayan doon ay walang ibang ginagawa, kundi ang magsipagsaysay o mangakinig ng anomang bagay na bago.) 044 ACT 017 022 At tumindig si Pablo sa gitna ng Areopago, at sinabi, Kayong mga lalaking taga Atenas, sa lahat ng mga bagay ay napapansin kong kayo'y lubhang relihioso. 044 ACT 017 023 Sapagka't sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo'y ibinabalita ko. 044 ACT 017 024 Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay; 044 ACT 017 025 Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siya'y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay; 044 ACT 017 026 At ginawa niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at ang mga hangganan ng kanilang tahanan; 044 ACT 017 027 Upang kanilang hanapin ang Dios baka sakaling maapuhap nila siya at siya'y masumpungan, bagaman hindi siya malayo sa bawa't isa sa atin: 044 ACT 017 028 Sapagka't sa kaniya tayo'y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao: na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula, Sapagka't tayo nama'y sa kaniyang lahi. 044 ACT 017 029 Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao. 044 ACT 017 030 Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios; datapuwa't ngayo'y ipinaguutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako: 044 ACT 017 031 Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay. 044 ACT 017 032 At nang kanilang marinig ang tungkol sa pagkabuhay na maguli, ay nanglibak ang ilan; datapuwa't sinabi ng mga iba, Pakikinggan ka naming muli tungkol dito. 044 ACT 017 033 Sa gayo'y umalis si Pablo sa gitna nila. 044 ACT 017 034 Datapuwa't nakisama sa kanya ang ilang mga tao, at nagsisampalataya: na sa mga yao'y isa si Dionisio na Areopagita, at ang isang babaing nagngangalang Damaris, at mga iba pang kasama nila. 044 ACT 018 001 Pagkatapos ng mga bagay na ito'y umalis siya sa Atenas, at napasa Corinto. 044 ACT 018 002 At nasumpungan niya ang isang Judio na nagngangalang Aquila, isang lalaking tubo sa Ponto, na hindi pa nalalaong nanggagaling sa Italia, kasama ni Priscila na kaniyang asawa, sapagka't ipinagutos ni Claudio na ang lahat ng mga Judio ay magsialis sa Roma: at siya'y lumapit sa kanila; 044 ACT 018 003 At sapagka't ang hanap-buhay niya'y gaya rin ng kanila, ay nakipanuluyan siya sa kanila, at sila'y nagsigawa: sapagka't ang hanap-buhay nila'y gumawa ng mga tolda. 044 ACT 018 004 At siya'y nangangatuwiran tuwing sabbath sa sinagoga, at hinihikayat ang mga Judio at ang mga Griego. 044 ACT 018 005 Datapuwa't nang si Silas at si Timoteo ay magsilusong mula sa Macedonia, si Pablo ay napilitan sa pamamagitan ng salita, na sinasaksihan sa mga Judio na si Jesus ang siyang Cristo. 044 ACT 018 006 At nang sila'y magsitutol at magsipamusong, ay ipinagpag niya ang kaniyang kasuotan at sa kanila'y sinabi, Ang inyong dugo'y sumainyong sariling mga ulo: ako'y malinis: buhat ngayo'y paparoon ako sa mga Gentil. 044 ACT 018 007 At siya'y umalis doon, at pumasok sa bahay ng isang lalaking nagngangalang Tito Justo, na isang sumasamba sa Dios, na ang bahay niya'y karugtong ng sinagoga. 044 ACT 018 008 At si Crispo, ang pinuno sa sinagoga, ay nanampalataya sa Panginoon, pati ng buong sangbahayan niya; at marami sa mga taga Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya, at pawang nangabautismuhan. 044 ACT 018 009 At sinabi ng Panginoon kay Pablo nang gabi sa pangitain, Huwag kang matakot, kundi magsalita ka, at huwag kang tumahimik: 044 ACT 018 010 Sapagka't ako'y sumasaiyo, at sinoma'y hindi ka madadaluhong upang saktan ka: sapagka't makapal ang mga tao ko sa bayang ito. 044 ACT 018 011 At siya'y tumahan doong isang taon at anim na buwan, na itinuturo sa kanila ang salita ng Dios. 044 ACT 018 012 Datapuwa't nang si Galion ay proconsul ng Acaya ang mga Judio ay nangagkaisang nangagsitindig laban kay Pablo at siya'y dinala sa harapan ng hukuman, 044 ACT 018 013 Na nagsasabi, Hinihikayat ng taong ito ang mga tao upang magsisamba sa Dios laban sa kautusan. 044 ACT 018 014 Datapuwa't nang bubukhin na ni Pablo ang kaniyang bibig, ay sinabi ni Galion sa mga Judio, Kung ito'y tunay na masamang gawa o mabigat na kasalanan, Oh mga Judio, may matuwid na tiisin ko kayo: 044 ACT 018 015 Datapuwa't kung mga pagtatalo tungkol sa mga salita at mga pangalan at sa inyong sariling kautusan, kayo sa inyong sarili na ang bahala noon; ayaw kong maging hukom sa mga bagay na ito. 044 ACT 018 016 At sila'y pinalayas niya sa hukuman. 044 ACT 018 017 At hinawakan nilang lahat si Sostenes, na pinuno sa sinagoga, at siya'y hinampas sa harapan ng hukuman. At hindi man lamang pinansin ni Galion ang mga bagay na ito. 044 ACT 018 018 At si Pablo, pagkatapos na makatira na roong maraming araw, ay nagpaalam sa mga kapatid, at buhat doo'y lumayag na patungo sa Siria, at kasama niya si Priscila at si Aquila: na inahit niya ang kaniyang buhok sa Cencrea; sapagka't siya'y may panata. 044 ACT 018 019 At sila'y nagsidating sa Efeso, at sila'y iniwan niya doon: datapuwa't pumasok siya sa sinagoga, at nangatuwiran sa mga Judio. 044 ACT 018 020 At nang siya'y pamanhikan nila na tumigil pa roon ng ilang panahon, ay hindi siya pumayag; 044 ACT 018 021 Kundi nang siya'y nagpaalam sa kanila, at nagsabi, Babalik uli ako sa inyo kung loobin ng Dios, siya'y naglayag buhat sa Efeso. 044 ACT 018 022 At nang makalunsad na siya sa Cesarea, ay siya'y umahon at bumati sa iglesia, at lumusong sa Antioquia. 044 ACT 018 023 At nang makagugol na siya roon ng ilang panahon, ay umalis siya, at tinahak ang lupain ng Galacia, at Frigia, na sunodsunod, na pinagtitibay ang lahat ng mga alagad. 044 ACT 018 024 Ngayon ang isang Judio na nagngangalang Apolos, na isang Alejandrino sa lahi, at taong marikit mangusap, ay dumating sa Efeso; at siya'y makapangyarihan ukol sa mga kasulatan. 044 ACT 018 025 Ang taong ito'y tinuruan sa daan ng Panginoon; at palibhasa'y may maningas na espiritu, ay kaniyang sinalita at itinurong maingat ang mga bagay na tungkol kay Jesus, na ang naalaman lamang ay ang bautismo ni Juan: 044 ACT 018 026 At siya'y nagpasimulang magsalita ng buong tapang sa sinagoga. Datapuwa't nang siya'y marinig ni Priscila at ni Aquila, ay kanilang isinama siya, at isinaysay sa kaniya ang daan ng Panginoon ng lalong maingat. 044 ACT 018 027 At nang ibig niyang lumipat sa Acaya, ay pinalakas ng mga kapatid ang kaniyang loob at sila'y nagsisulat sa mga alagad na siya'y tanggapin: at nang siya'y dumating doon, ay lubos na tumulong siya sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng biyaya; 044 ACT 018 028 Sapagka't may kapangyarihang dinaig niya ang mga Judio, at hayag, na ipinakilala sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus ay ang Cristo. 044 ACT 019 001 At nangyari, na, samantalang si Apolos ay nasa Corinto, pagkatahak ni Pablo ng mga lupaing matataas ay napasa Efeso, at nakasumpong ng ilang mga alagad: 044 ACT 019 002 At sa kanila'y sinabi niya, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y magsisampalataya? At sinabi nila sa kaniya, Hindi, hindi man lamang namin narinig na may ibinigay na Espiritu Santo. 044 ACT 019 003 At sinabi niya, Kung gayo'y sa ano kayo binautismuhan? At sinabi nila, Sa bautismo ni Juan. 044 ACT 019 004 At sinabi ni Pablo, Nagbabautismo si Juan ng bautismo ng pagsisisi, na sinasabi sa bayan na sila'y magsisampalataya sa darating sa hulihan niya, sa makatuwid baga'y kay Jesus. 044 ACT 019 005 At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. 044 ACT 019 006 At nang maipatong na ni Pablo sa kanila ang kaniyang mga kamay, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo; at sila'y nagsipagsalita ng mga wika, at nagsipanghula. 044 ACT 019 007 At silang lahat ay may labingdalawang lalake. 044 ACT 019 008 At siya'y pumasok sa sinagoga, at nagsalitang may katapangan sa loob ng tatlong buwan, na nangangatuwiran at nanghihikayat tungkol sa mga bagay na nauukol sa kaharian ng Dios. 044 ACT 019 009 Datapuwa't nang magsipagmatigas ang ilan at ayaw magsipaniwala, na pinagsasalitaan ng masama ang Daan sa harapan ng karamihan, ay umalis siya sa kanila, at inihiwalay ang mga alagad, na nangangatuwiran araw-araw sa paaralan ni Tiranno. 044 ACT 019 010 At ito'y tumagal sa loob ng dalawang taon; ano pa't ang lahat ng mga nagsisitahan sa Asia ay nangakarinig ng salita ng Panginoon, ang mga Judio at gayon din ang mga Griego. 044 ACT 019 011 At gumawa ang Dios ng mga tanging himala sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo: 044 ACT 019 012 Ano pa't ang mga panyo o mga tapi na mapadaiti sa kaniyang katawan ay dinadala sa mga may-sakit, at nawawala sa kanila ang mga sakit, at nangagsisilabas ang masasamang espiritu. 044 ACT 019 013 Datapuwa't ilan sa mga Judiong pagalagala na nagsisipagpalayas ng masasamang espiritu, ay nagsipangahas na sambitlain ang pangalan ng Panginoong Jesus sa mga may masasamang espiritu, na nagsisipagsabi, Ipinamamanhik ko sa inyo sa pamamagitan ni Jesus na siyang ipinangangaral ni Pablo. 044 ACT 019 014 At may pitong anak na lalake ang isang Esceva na Judio, isang pangulong saserdote, na nagsisigawa nito. 044 ACT 019 015 At sumagot ang masamang espiritu at sa kanila'y sinabi, Nakikilala ko si Jesus, at nakikilala ko si Pablo; datapuwa't sino-sino kayo? 044 ACT 019 016 At ang taong kinaroroonan ng masamang espiritu ay lumukso sa kanila, at sila'y kaniyang natalo, at nadaig sila, ano pa't nagsitakas sila sa bahay na yaon na mga hubo't hubad at mga sugatan. 044 ACT 019 017 At nahayag ito sa lahat, sa mga Judio at gayon din sa mga Griego, na nangananahanan sa Efeso; at sinidlan silang lahat ng takot, at pinadakila ang pangalan ng Panginoong Jesus. 044 ACT 019 018 Marami rin naman sa mga nagsisampalataya na ang nagsidating, na ipinahahayag at isinasaysay ang kanilang mga gawain. 044 ACT 019 019 At hindi kakaunti sa mga nagsisigamit ng mga kabihasnang magica ay nagsipagtipon ng kanilang mga aklat, at pinagsusunog sa paningin ng lahat; at kanilang binilang ang halaga niyaon, at nasumpungang may limampung libong putol na pilak. 044 ACT 019 020 Sa gayo'y lumagong totoo ang salita ng Panginoon at nanaig. 044 ACT 019 021 Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, ay ipinasiya ni Pablo sa espiritu, nang matahak na niya ang Macedonia at ang Acaya, na pumaroon sa Jerusalem, na sinasabi, Pagkapanggaling ko roon, ay kinakailangang makita ko naman ang Roma. 044 ACT 019 022 At nang maisugo na niya sa Macedonia ang dalawa sa nagsisipaglingkod sa kaniya, na si Timoteo at si Erasto, siya rin ay natirang ilang panahon sa Asia. 044 ACT 019 023 At halos nang panahong yao'y may nangyaring hindi mumunting kaguluhan tungkol sa Daan. 044 ACT 019 024 Sapagka't may isang taong nagngangalang Demetrio, pandaypilak, na gumagawa ng maliliit na dambanang pilak ni Diana, ay nagbibigay ng hindi kakaunting hanap-buhay sa mga panday; 044 ACT 019 025 Na sila'y kaniyang tinipon pati ng mga manggagawa ng mga gayong gawa, at sinabi, Mga Ginoo, talastas ninyo na nagsisiyaman tayo sa hanap-buhay na ito. 044 ACT 019 026 At inyong nakikita at naririnig, na hindi lamang sa Efeso, kundi halos sa buong Asia, ay nakaakit ang Pablong ito at naghiwalay ng maraming mga tao, na sinasabing hindi raw mga dios, ang mga ginagawa ng mga kamay: 044 ACT 019 027 At hindi lamang may panganib na mawalang kapurihan ang hanapbuhay nating ito; kundi naman ang templo ng dakilang diosa Diana ay mawawalan ng halaga, at hanggang sa malugso ang kadakilaan niya na sinasamba ng buong Asia at ng sanglibutan. 044 ACT 019 028 At nang marinig nila ito'y nangapuno sila ng galit, at nangagsigawan, na nagsipagsabi, Dakila ang Diana ng mga taga Efeso. 044 ACT 019 029 At napuno ng kaguluhan ang bayan: at pinagkaisahan nilang lusubin ang dulaan, na sinunggaban si Gayo at si Aristarco, mga lalaking taga Macedonia, na kasama ni Pablo sa paglalakbay. 044 ACT 019 030 At nang inakala ni Pablo na pasukin ang mga tao, ay hindi siya tinulutan ng mga alagad. 044 ACT 019 031 At ang ilan din naman sa mga puno sa Asia, palibhasa'y kaniyang mga kaibigan, ay nangagpasugo sa kaniya at siya'y pinakiusapang huwag siyang pumaroon sa dulaan. 044 ACT 019 032 At ang iba nga'y sumisigaw ng isang bagay, at ang iba'y iba naman: sapagka't ang pulong ay nasa kaguluhan; at hindi maalaman ng karamihan kung bakit sila'y nangagkatipon. 044 ACT 019 033 At kanilang inilabas si Alejandro sa karamihan, na siya'y itinutulak ng mga Judio sa dakong harap. At inihudyat ang kamay ni Alejandro, at ibig sanang magsanggalang sa harapan ng bayan. 044 ACT 019 034 Datapuwa't nang matalastas nilang siya'y Judio, ay nangagkaisang lahat na mangagsigawan sa loob halos ng dalawang oras, Dakila ang Diana ng mga Efeso. 044 ACT 019 035 At nang mapatahimik na ng kalihim-bayan ang karamihan, ay kaniyang sinabi, Kayong mga lalaking taga Efeso, sino sa mga tao ang hindi nakakaalam na ang bayan ng mga Efeso ay tagapagingat ng templo ng dakilang Diana, at ng larawang nahulog mula kay Jupiter? 044 ACT 019 036 Yamang hindi nga maikakaila ang mga bagay na ito, ay dapat kayong magsitahimik, at huwag magsigawa ng anomang bagay sa madalian. 044 ACT 019 037 Sapagka't dinala ninyo rito ang mga taong ito, na hindi mga mangloloob sa templo, ni mga mamumusong man sa ating diosa. 044 ACT 019 038 Kung si Demetrio nga, at ang mga panday na kasama niya, ay mayroong anomang sakdal laban sa kanino man, ay bukas ang mga hukuman, at may mga proconsul: bayaan ninyong mangagsakdal ang isa't isa. 044 ACT 019 039 Datapuwa't kung may inuusig kayo sa ano pa mang ibang mga bagay, ay mahahatulan sa karaniwang kapulungan. 044 ACT 019 040 Sapagka't totoong nanganganib tayo na mangasakdal tungkol sa pagkakagulo sa araw na ito, palibhasa'y walang anomang kadahilanan: at tungkol dito ay hindi tayo makapagbibigay sulit tungkol sa pagkakatipong ito. 044 ACT 019 041 At nang siya'y makapagsalitang gayon, ay pinaalis niya ang kapulungan. 044 ACT 020 001 At pagkatapos na mapatigil ang kaguluhan, nang maipatawag na ni Pablo ang mga alagad at sila'y mapangaralan, ay nagpaalam sa kanila, at umalis upang pumaroon sa Macedonia. 044 ACT 020 002 At nang matahak na niya ang mga dakong yaon, at maaralan na sila ng marami, siya'y napasa Grecia. 044 ACT 020 003 At nang siya'y makapaggugol na ng tatlong buwan doon, at mapabakayan siya ng mga Judio nang siya'y lalayag na sa Siria, ay pinasiyahan niyang bumalik na magdaan sa Macedonia. 044 ACT 020 004 At siya'y sinamahan hanggang sa Asia, ni Sopatro na taga Berea, na anak ni Pirro; at ng mga taga Tesalonicang si Aristarco at si Segundo; at ni Gayo na taga Derbe, at ni Timoteo; at ng mga taga Asiang si Tiquico at si Trofimo. 044 ACT 020 005 Datapuwa't nangauna ang mga ito, at hinintay kami sa Troas. 044 ACT 020 006 At kami'y nagsilayag mula sa Filipos pagkaraan ng mga kaarawan ng mga tinapay na walang lebadura, at nagsidating kami sa kanila sa Troas sa loob ng limang araw; na doo'y nagsitira kaming pitong araw. 044 ACT 020 007 At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami'y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi. 044 ACT 020 008 At may maraming mga ilaw sa silid sa itaas na pangkatipunan namin. 044 ACT 020 009 At may nakaupo sa durungawan na isang binatang nagngangalang Eutico, na mahimbing sa pagtulog; at samantalang si Pablo ay nangangaral ng mahaba, palibhasa'y natutulog ay nahulog buhat sa ikatlong grado, at siya'y binuhat na patay. 044 ACT 020 010 At nanaog si Pablo, at dumapa sa ibabaw niya, at siya'y niyakap na sinabi, Huwag kayong magkagulo; sapagka't nasa kaniya ang kaniyang buhay. 044 ACT 020 011 At nang siya'y makapanhik na, at mapagputolputol na ang tinapay, at makakain na, at makapagsalita sa kanila ng mahaba, hanggang sa sumikat ang araw, kaya't siya'y umalis. 044 ACT 020 012 At kanilang dinalang buhay ang binata, at hindi kakaunti ang kanilang pagkaaliw. 044 ACT 020 013 Datapuwa't kami, na nangauna sa daong, ay nagsilayag na patungong Ason, na doon namin inaakalang ilulan si Pablo: sapagka't gayon ang kaniyang ipinasiya, na ninanasa niyang maglakad. 044 ACT 020 014 At nang salubungin niya kami sa Ason, siya'y inilulan namin, at nagsiparoon kami sa Mitilene. 044 ACT 020 015 At pagtulak namin doon, ay sumapit kami nang sumunod na araw sa tapat ng Chio; at nang kinabukasan ay nagsidaong kami sa Samo; at nang kinabukasan ay nagsirating kami sa Mileto. 044 ACT 020 016 Sapagka't ipinasiya ni Pablo na lampasan ang Efeso, upang huwag na siyang maggugol ng panahon sa Asia; sapagka't siya'y nagmamadali upang kung maaari ay dumating sa Jerusalem sa araw ng Pentecostes. 044 ACT 020 017 At mula sa Mileto ay nagpasugo siya sa Efeso, at ipinatawag ang mga matanda sa iglesia. 044 ACT 020 018 At nang sila'y magsidating sa kaniya, ay sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo, na mula nang unang araw na ako'y tumungtong sa Asia, kung paano ang pakikisama ko sa inyo sa buong panahon, 044 ACT 020 019 Na ako'y naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba ng isip, at ng mga luha, at ng mga pagsubok na dumating sa akin dahil sa mga pagbakay ng mga Judio; 044 ACT 020 020 Kung paanong hindi ko ikinait na ipahayag sa inyo ang anomang bagay na pakikinabangan, at hayag na itinuro sa inyo, at sa mga bahay-bahay, 044 ACT 020 021 Na sinasaksihan ko sa mga Judio at gayon din sa mga Griego ang pagsisisi sa Dios, at ang pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo. 044 ACT 020 022 At ngayon, narito, ako na natatali sa espiritu ay pasasa Jerusalem, na hindi nalalaman ang mga bagay na mangyayari sa akin doon: 044 ACT 020 023 Maliban na pinatotohanan sa akin ng Espiritu Santo sa bawa't bayan, na sinasabing ang mga tanikala at ang mga kapighatian ay nagsisipagantay sa akin. 044 ACT 020 024 Datapuwa't hindi ko minamahal ang aking buhay na waring sa akin ay mahalaga, maganap ko lamang ang aking katungkulan, at ang ministeriong tinanggap ko sa Panginoong Jesus, na magpatotoo ng evangelio ng biyaya ng Dios. 044 ACT 020 025 At ngayon, narito, nalalaman ko na kayong lahat, na aking nilibot na pinangaralan ng kaharian, ay hindi na ninyo muling makikita pa ang aking mukha. 044 ACT 020 026 Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo sa araw na ito, na ako'y malinis sa dugo ng lahat ng mga tao. 044 ACT 020 027 Sapagka't hindi ko ikinait ang pagsasaysay sa inyo ng buong kapasiyahan ng Dios. 044 ACT 020 028 Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo. 044 ACT 020 029 Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; 044 ACT 020 030 At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan. 044 ACT 020 031 Kaya nga kayo'y mangagpuyat, na alalahaning sa loob ng tatlong taon ay hindi ako naglikat sa gabi at araw ng paalaala sa bawa't isa na may pagluha. 044 ACT 020 032 At ngayo'y ipinagtatagubilin ko kayo sa Dios, at sa salita ng kaniyang biyaya, na makapagpapatibay, at makapagbibigay sa inyo ng mana sa kasamahan ng lahat na mga pinapaging banal. 044 ACT 020 033 Hindi ko inimbot ang pilak ninoman, o ang ginto, o ang pananamit. 044 ACT 020 034 Nalalaman din ninyo na ang mga kamay na ito ay nangaglilingkod sa mga kinakailangan ko, at sa aking mga kasamahan. 044 ACT 020 035 Nagbigay halimbawa ako sa inyo sa lahat ng mga bagay, na sa ganitong pagpapagal ay dapat kayong magsisaklolo sa mahihina, at alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus, na siya rin ang may sabi, Lalo pang mapalad ang magbigay kay sa tumanggap. 044 ACT 020 036 At nang makapagsalita na siya ng gayon, ay nanikluhod siya at nanalanging kasama silang lahat. 044 ACT 020 037 At silang lahat ay nagsipanangis nang di kawasa, at nangagsiyakap sa leeg ni Pablo at siya'y hinagkan nila. 044 ACT 020 038 Na ikinahahapis ng lalo sa lahat ang salitang sinabi niya, na hindi na nila makikitang muli pa ang kaniyang mukha. At kanilang inihatid siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa daong. 044 ACT 021 001 At nang mangyaring kami'y mangakahiwalay na sa kanila at mangaglayag, ay tuloytuloy na pinunta namin ang Coos, at nang kinabukasa'y ang Rodas, at buhat doo'y ang Patara: 044 ACT 021 002 At nang aming masumpungan ang isang daong na dumaraang patungo sa Fenicia, ay nagsilulan kami, at nagsipaglayag. 044 ACT 021 003 At nang matanaw namin ang Chipre, na maiiwan namin sa dakong kaliwa ay nagsilayag kaming hanggang sa Siria, at nagsidaong sa Tiro; sapagka't ilulunsad doon ng daong ang kaniyang lulan. 044 ACT 021 004 At nang masumpungan ang mga alagad, ay nangatira kami doong pitong araw: at sinabi ng mga ito kay Pablo na sa pamamagitan ng Espiritu, na huwag siyang tutungtong sa Jerusalem. 044 ACT 021 005 At nang mangyari na maganap namin ang mga araw na yaon, ay nagsialis kami at nangagpatuloy sa aming paglalakbay: at silang lahat, pati ng mga asawa at mga anak, ay humatid sa amin sa aming paglalakad hanggang sa labas ng bayan: at sa paninikluhod namin sa baybayin, kami'y nagsipanalangin, at nangagpaalaman sa isa't isa; 044 ACT 021 006 At nagsilulan kami sa daong, datapuwa't sila'y muling nagsiuwi sa bahay. 044 ACT 021 007 At nang aming matapos ang paglalayag buhat sa Tiro, ay nagsidating kami sa Tolemaida; at kami'y nagsibati sa mga kapatid, at kami'y nagsitahan sa kanilang isang araw. 044 ACT 021 008 At nang kinabukasan ay nagsialis kami, at nagsidating sa Cesarea: at sa pagpasok namin sa bahay ni Felipe na evangelista, na isa sa pito, ay nagsitahan kaming kasama niya. 044 ACT 021 009 Ang tao ngang ito'y may apat na anak na binibini, na nagsisipanghula. 044 ACT 021 010 At sa pagtira namin doong ilang araw, ay dumating na galing sa Judea ang isang propeta, na nagngangalang Agabo. 044 ACT 021 011 At paglapit sa amin, at pagkakuha ng pamigkis ni Pablo, ay ginapos niya ang kaniyang sariling mga paa't kamay, at sinabi, Ganito ang sabi ng Espiritu Santo, Ganitong gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang lalaking may-ari ng pamigkis na ito, at siya'y kanilang ibibigay sa mga kamay ng mga Gentil. 044 ACT 021 012 At nang marinig namin ang mga bagay na ito, kami at gayon din ang nangaroroon doon ay nagsipamanhik sa kaniya na huwag ng umahon sa Jerusalem. 044 ACT 021 013 Nang magkagayo'y sumagot si Pablo, Anong ginagawa ninyo, na nagsisitangis at dinudurog ang aking puso? sapagka't ako'y nahahanda na hindi lamang gapusin, kundi mamatay rin naman sa Jerusalem dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus. 044 ACT 021 014 At nang hindi siya pahikayat ay nagsitigil kami, na nagsisipagsabi, Mangyari ang kalooban ng Panginoon. 044 ACT 021 015 At pagkatapos ng mga araw na ito ay binuhat namin ang aming daladalahan at nagsiahon kami sa Jerusalem. 044 ACT 021 016 At nagsisama naman sa aming mula sa Cesarea ang ilan sa mga alagad, at kanilang isinama ang isang Mnason, na taga Chipre, isa sa mga kaunaunahang alagad, na sa kaniya kami magsisipanuluyan. 044 ACT 021 017 At nang magsidating kami sa Jerusalem, ay tinanggap kami ng mga kapatid na may kagalakan. 044 ACT 021 018 At nang sumunod na araw ay pumaroon si Pablo na kasama kami kay Santiago; at ang lahat ng mga matanda ay nangaroroon. 044 ACT 021 019 At nang sila'y mangabati na niya, ay isaisang isinaysay niya sa kanila ang mga bagay na ginawa ng Dios sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang ministerio. 044 ACT 021 020 At sila, nang kanilang marinig yaon, ay niluwalhati ang Dios; at sa kaniya'y sinabi nila, Nakikita mo na, kapatid, kung ilang libo-libo ang mga Judio na nagsisisampalataya; at silang lahat ay pawang masisikap sa kautusan. 044 ACT 021 021 At nabalitaan nila tungkol sa iyo, na itinuturo mo sa lahat ng mga Judio na nangasa mga Gentil na magsihiwalay kay Moises, na sinasabi mo sa kanila na huwag tuliin ang kanilang mga anak ni mangagsilakad ng ayon sa mga kaugalian. 044 ACT 021 022 Ano nga baga ito? tunay na kanilang mababalitaang dumating ka. 044 ACT 021 023 Gawin mo nga itong sinasabi namin sa iyo: Mayroon kaming apat katao na may panata sa kanilang sarili; 044 ACT 021 024 Isama mo sila, maglinis kang kasama nila, at pagbayaran mo ang kanilang magugugol, upang sila'y mangagpaahit ng kanilang mga ulo: at maalaman ng lahat na walang katotohanan ang mga bagay na kanilang nabalitaan tungkol sa iyo; kundi ikaw rin naman ay lumalakad ng maayos na tumutupad ng kautusan. 044 ACT 021 025 Nguni't tungkol sa mga Gentil na nagsisisampalataya, ay sinulatan namin, na pinagpayuhang sila'y magsiilag sa mga inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa binigti, at sa pakikiapid. 044 ACT 021 026 Nang magkagayo'y isinama ni Pablo ang mga tao, at nang sumunod na araw nang makapaglinis na siyang kasama nila ay pumasok sa templo, na isinasaysay ang katuparan ng mga araw ng paglilinis, hanggang sa ihain ang haing patungkol sa bawa't isa sa kanila. 044 ACT 021 027 At nang halos tapos na ang pitong araw, ang mga Judiong taga Asia, nang siya'y makita nila sa templo, ay kanilang ginulo ang buong karamihan at siya'y kanilang dinakip, 044 ACT 021 028 Na nangagsisigawan, Mga lalaking taga Israel, magsitulong kayo: Ito ang tao na nagtuturo sa mga tao sa lahat ng dako laban sa bayan, at sa kautusan, at sa dakong ito; at bukod pa sa rito'y nagdala rin siya ng mga Griego sa templo, at dinungisan itong dakong banal. 044 ACT 021 029 Sapagka't nakita muna nila na kasama niya sa bayan si Trofimo taga Efeso, na sinapantaha nilang ipinasok ni Pablo sa templo. 044 ACT 021 030 At ang buong bayan ay napakilos, at ang mga tao'y samasamang nagsipanakbuhan; at kanilang sinunggaban si Pablo, at siya'y kinaladkad na inilabas sa templo: at pagdaka'y inilapat ang mga pinto. 044 ACT 021 031 At samantalang pinagpipilitan nilang siya'y patayin, ay dumating ang balita sa pangulong kapitan ng pulutong, na ang buong Jerusalem ay nasa kaguluhan. 044 ACT 021 032 At pagdaka'y kumuha siya ng mga kawal at mga senturion, at sumagasa sa kanila: at sila, nang kanilang makita ang pangulong kapitan at ang mga kawal ay nagsitigil ng paghampas kay Pablo. 044 ACT 021 033 Nang magkagayo'y lumapit ang pangulong kapitan, at tinangnan siya, at siya'y ipinagapos ng dalawang tanikala; at itinanong kung sino siya, at kung ano ang ginawa niya. 044 ACT 021 034 At iba'y sumisigaw ng isang bagay, ang iba'y iba naman, sa gitna ng karamihan: at nang hindi niya maunawa ang katotohanan dahil sa kaguluhan, ay ipinadala siya sa kuta. 044 ACT 021 035 At nang siya'y dumating sa hagdanan ay nangyari na siya'y binuhat ng mga kawal dahil sa pagagaw ng karamihan; 044 ACT 021 036 Sapagka't siya'y sinusundan ng karamihan ng mga tao, na nangagsisigawan, Alisin siya. 044 ACT 021 037 At nang ipapasok na si Pablo sa kuta, ay kaniyang sinabi sa pangulong kapitan, Mangyayari bagang magsabi ako sa iyo ng anoman? At sinabi niya, Marunong ka baga ng Griego? 044 ACT 021 038 Hindi nga baga ikaw yaong Egipcio, na nang mga nakaraang araw ay nanghihikayat sa kaguluhan at nagdala sa ilang ng apat na libong katao na mga Mamamatay-tao? 044 ACT 021 039 Datapuwa't sinabi ni Pablo, Ako'y Judio, na taga Tarso sa Cilicia, isang mamamayan ng bayang hindi kakaunti ang kahalagahan: at ipinamamanhik ko sa iyo, na ipahintulot mo sa aking magsalita sa bayan. 044 ACT 021 040 At nang siya'y mapahintulutan na niya, si Pablo, na nakatayo sa hagdanan, inihudyat ang kamay sa bayan; at nang tumahimik nang totoo, siya'y nagsalita sa kanila sa wikang Hebreo, na sinasabi, 044 ACT 022 001 Mga kapatid na lalake at mga magulang, pakinggan ninyo ang pagsasanggalang na gagawin ko ngayon sa harapan ninyo. 044 ACT 022 002 At nang marinig nilang sila'y kinakausap niya sa wikang Hebreo, ay lalo pang tumahimik sila: at sinabi niya, 044 ACT 022 003 Ako'y Judio, na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, datapuwa't pinapagaral sa bayang ito, sa paanan ni Gamaliel, na tinuruan alinsunod sa mahigpit na kaparaanan ng kautusan ng ating mga magulang, palibhasa'y masikap tungkol sa Dios, na gaya ninyong lahat ngayon: 044 ACT 022 004 At aking pinagusig ang Daang ito hanggang sa mamatay, na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae. 044 ACT 022 005 Gaya rin naman ng pangulong saserdote na nagpapatotoo sa akin, at ang buong kapulungan ng matatanda: na sa kanila nama'y tumanggap ako ng mga sulat sa mga kapatid, at naglakbay ako sa Damasco upang dalhin ko namang mga gapos sa Jerusalem ang nangaroroon upang parusahan. 044 ACT 022 006 At nangyari, na, samantalang ako'y naglalakbay, at nalalapit na sa Damasco, nang magtatanghaling tapat, biglang nagliwanag mula sa langit ang isang malaking ilaw sa palibot ko. 044 ACT 022 007 At ako'y nasubasob sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? 044 ACT 022 008 At ako'y sumagot, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya sa akin, Ako'y si Jesus na taga Nazaret, na iyong pinaguusig. 044 ACT 022 009 At sa katotohana'y nakita ng mga kasamahan ko ang ilaw, datapuwa't hindi nila narinig ang tinig na nagsalita sa akin. 044 ACT 022 010 At sinabi ko, Ano ang gagawin ko, Panginoon? At sinabi sa akin ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon ka sa Damasco; at doo'y sasabihin sa iyo ang lahat ng mga bagay na itinalagang gagawin mo. 044 ACT 022 011 At nang hindi ako makakita dahil sa kaningningan ng ilaw na yaon, palibhasa'y inakay ako sa kamay ng mga kasamahan ko, ay pumasok ako sa Damasco. 044 ACT 022 012 At isang Ananias, lalaking masipag sa kabanalan ayon sa kautusan, na may mabuting katunayan ng lahat ng mga Judiong nagsisitahan doon, 044 ACT 022 013 Ay lumapit sa akin, at natatayo sa tabi ko ay nagsabi sa akin, Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin. At nang oras ding yao'y tumingin ako sa kaniya. 044 ACT 022 014 At sinabi niya, Ang Dios ng ating mga magulang ay itinalaga ka upang mapagkilala mo ang kaniyang kalooban, at makita mo ang Banal, at marinig mo ang isang tinig mula sa kaniyang bibig. 044 ACT 022 015 Sapagka't magiging saksi ka niya sa lahat ng mga tao tungkol sa mga bagay na iyong nakita at narinig. 044 ACT 022 016 At ngayon bakit ka tumitigil? magtindig ka, at ikaw ay magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kaniyang pangalan. 044 ACT 022 017 At nangyari, na, nang ako'y makabalik na sa Jerusalem, at nang ako'y nananalangin sa templo ay nawalan ako ng diwa, 044 ACT 022 018 At siya'y nakita ko na nagsasabi sa akin, Magmadali ka, at umalis ka agad sa Jerusalem; sapagka't hindi nila tatanggapin sa iyo ang patotoo tungkol sa akin. 044 ACT 022 019 At aking sinabi, Panginoon, napagtatalastas nila na ako ang nagbilanggo at humampas sa bawa't sinagoga sa mga nagsisisampalataya sa iyo: 044 ACT 022 020 At nang ibubo ang dugo ni Estebang iyong saksi, ay ako nama'y nakatayo sa malapit, at sinasangayunan ko, at iningatan ko ang mga damit ng sa kaniya'y nagsipatay. 044 ACT 022 021 At sinabi niya sa akin, Yumaon ka: sapagka't susuguin kita sa malayo sa mga Gentil. 044 ACT 022 022 At kanilang pinakinggan siya hanggang sa salitang ito; at sila'y nangagtaas ng kanilang tinig, at nangagsabi, Alisin sa lupa ang isang gayong tao: sapagka't hindi marapat na siya'y mabuhay. 044 ACT 022 023 At samantalang sila'y nangagsisigawan, at ipinaghahagisan ang kanilang mga damit, at nangagsasabog ng alabok sa hangin, 044 ACT 022 024 Ay ipinagutos ng pangulong kapitan na siya'y ipasok sa kuta, na ipinaguutos na siya'y sulitin sa pamamagitan ng hampas, upang maalaman niya kung sa anong kadahilanan sila'y nangagsigawan ng gayon laban sa kaniya. 044 ACT 022 025 At nang siya'y kanilang magapos na ng mga panaling katad, ay sinabi ni Pablo sa senturiong nakatayo sa malapit, Matuwid baga sa iyo na hampasin ang isang taong taga Roma, na hindi pa nahahatulan? 044 ACT 022 026 At nang ito'y marinig ng senturion, ay naparoon siya sa pangulong kapitan at sa kaniya'y ipinagbigay-alam, na sinasabi, Ano baga ang gagawin mo? sapagka't ang taong ito ay taga Roma. 044 ACT 022 027 At lumapit ang pangulong kapitan at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa akin, ikaw baga'y taga Roma? At sinabi niya, Oo. 044 ACT 022 028 At sumagot ang pangulong kapitan, Binili ko ng totoong mahal ang pagkamamamayang ito. At sinabi ni Pablo, Nguni't ako'y katutubong taga Roma. 044 ACT 022 029 Pagkaraka nga'y nagsilayo sa kaniya ang mga sa kaniya sana'y susulit: at ang pangulong kapitan din naman ay natakot nang maalamang siya'y taga Roma, at dahil sa pagkagapos niya sa kaniya. 044 ACT 022 030 Datapuwa't nang kinabukasan, sa pagkaibig na matanto ang katunayan kung bakit siya'y isinakdal ng mga Judio, ay kaniyang pinawalan siya, at pinapagpulong ang mga pangulong saserdote at ang buong Sanedrin, at ipinapanaog si Pablo at iniharap sa kanila. 044 ACT 023 001 At si Pablo, na tumititig na mabuti sa Sanedrin, ay nagsabi, Mga kapatid na lalake, ako'y nabuhay sa harapan ng Dios sa buong kabutihan ng budhi hanggang sa mga araw na ito. 044 ACT 023 002 At ipinagutos ng dakilang saserdoteng si Ananias sa mga nalalapit sa kaniya na siya'y saktan sa bibig. 044 ACT 023 003 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Pablo, sasaktan ka ng Dios, ikaw na pinaputing pader: at nakaupo ka baga upang ako'y hatulan mo ayon sa kautusan, at ako'y sinasaktan mo ng laban sa kautusan? 044 ACT 023 004 At sinabi ng nangakatayo sa malapit, Nilalait mo ang dakilang saserdote ng Dios? 044 ACT 023 005 At sinabi ni Pablo, Hindi ko nalalaman, mga kapatid na lalake, na siya'y dakilang saserdote: sapagka't nasusulat, Huwag kang magsasalita ng masama sa isang pinuno ng iyong bayan. 044 ACT 023 006 Datapuwa't nang matalastas ni Pablo na ang isang bahagi ay mga Saduceo at ang iba'y mga Fariseo, ay sumigaw siya sa Sanedrin, Mga kapatid na lalake, ako'y Fariseo, anak ng mga Fariseo: ako'y sinisiyasat tungkol sa pagasa at pagkabuhay na maguli ng mga patay. 044 ACT 023 007 At nang masabi na niya ang gayon, nangyari ang isang pagtatalo sa mga Fariseo at sa mga Saduceo; at nagkabahabahagi ang kapulungan. 044 ACT 023 008 Sapagka't sinasabi ng mga Saduceo na walang pagkabuhay na maguli, ni anghel, ni espiritu; datapuwa't kapuwa pinaniniwalaan ng mga Fariseo. 044 ACT 023 009 At nagkaroon ng malaking sigawan, at nagsitindig ang ilan sa mga eskriba na kakampi ng mga Fariseo, at nakikipagtalo, na nagsipagsabi, Wala kaming masumpungang anomang kasalanan sa taong ito: at ano kung siya'y kinausap man ng isang espiritu, o ng isang anghel? 044 ACT 023 010 At nang magkaroon ng malaking pagtatalo, sa takot ng pangulong kapitan na baka pagwaraywarayin nila si Pablo, ay pinapanaog ang mga kawal at ipinaagaw siya sa gitna nila, at siya'y ipinasok sa kuta. 044 ACT 023 011 At nang sumunod na gabi ay lumapit sa kaniya ang Panginoon, at sinabi, Laksan mo ang iyong loob: sapagka't kung paano ang pagkapatotoo mo tungkol sa akin sa Jerusalem, ay kailangang patotohanan mo rin gayon sa Roma. 044 ACT 023 012 At nang araw na, ay nangagkatipon ang mga Judio, at sila'y nangagpanata sa ilalim ng sumpa, na nagsisipagsabi na hindi sila kakain ni iinom man hanggang sa kanilang mapatay si Pablo. 044 ACT 023 013 At mahigit sa apat na pu ang mga nagsipanumpa ng ganito. 044 ACT 023 014 At sila'y nagsiparoon sa mga pangulong saserdote at sa mga matanda, at nangagsabi, Kami ay nangagpanata sa ilalim ng mahigpit na sumpa, na hindi titikim ng anoman hanggang sa mapatay namin si Pablo. 044 ACT 023 015 Ngayon nga kayo pati ng Sanedrin ay mangagpahiwatig sa pangulong kapitan na siya'y ipapanaog niya sa inyo, na waring ibig ninyong mahatulan ng lalong ganap ang sakdal tungkol sa kaniya: at kami, bago siya dumating ay nangahanda upang siya'y patayin. 044 ACT 023 016 Datapuwa't ang anak na lalake ng kapatid na babae ni Pablo ay narinig ang tungkol sa kanilang pagbabakay, at siya'y naparoon at pumasok sa kuta at isinaysay kay Pablo. 044 ACT 023 017 At tinawag ni Pablo ang isa sa mga senturion, at sinabi, Dalhin mo ang binatang ito sa pangulong kapitan; sapagka't siya'y may isang bagay na sasabihin sa kaniya. 044 ACT 023 018 Kaya't siya'y kinuha, at dinala siya sa pangulong kapitan, at sinabi, Tinawag ako ng bilanggong si Pablo, at ipinamanhik sa aking dalhin ko sa iyo ang binatang ito, na may isang bagay na sasabihin sa iyo. 044 ACT 023 019 At tinangnan siya ng pangulong kapitan sa kamay, at pagtabi ay lihim na tinanong siya, Ano yaong sasabihin mo sa akin? 044 ACT 023 020 At sinabi niya, Pinagkasunduan ng mga Judio na sa iyo'y ipamanhik na iyong ipapanaog bukas si Pablo sa Sanedrin, na waring ikaw ay may sisiyasating lalong ganap tungkol sa kaniya. 044 ACT 023 021 Huwag ka ngang palamuyot sa kanila: sapagka't binabakayan siya ng mahigit na apat na pung katao sa kanila, na nangagsipagpanata sa ilalim ng sumpa, na hindi kakain ni iinom man hanggang sa siya'y kanilang mapatay: at ngayo'y nangahahanda sila, na nangaghihintay ng pangako mo. 044 ACT 023 022 Kaya't pinaalis ng pangulong kapitan ang binata, na ipinagbilin sa kaniya, Huwag mong sasabihin sa kanino man na ipinahiwatig mo sa akin ang mga bagay na ito. 044 ACT 023 023 At kaniyang tinawag ang dalawa sa mga senturion, at sinabi, Ihanda ninyo ang dalawang daang kawal upang magsiparoon hanggang sa Cesarea, at pitong pung kabayuhan, at dalawang daang sibatan, sa ikatlong oras ng gabi: 044 ACT 023 024 At pinapaghanda niya sila ng mga hayop, upang mapagsakyan kay Pablo, at siya'y maihatid na walang panganib kay Felix na gobernador. 044 ACT 023 025 At siya'y sumulat ng isang sulat, na ganito: 044 ACT 023 026 Si Claudio Lisias sa kagalanggalang na gobernador Felix, bumabati. 044 ACT 023 027 Ang taong ito'y hinuli ng mga Judio, at papatayin na lamang sana nila, nang dumalo akong may kasamang mga kawal at siya'y iniligtas ko, nang mapagtantong siya'y isang taga Roma. 044 ACT 023 028 At sa pagkaibig kong mapagunawa ang dahilan kung bakit siya'y kanilang isinakdal, ay ipinanaog ko siya sa kanilang Sanedrin: 044 ACT 023 029 Na nasumpungan ko na siya'y kanilang isinasakdal sa mga suliranin tungkol sa kanilang kautusan, datapuwa't walang anomang sakdal laban sa kaniya na marapat sa kamatayan o sa tanikala. 044 ACT 023 030 At nang ipakilala sa akin na may banta laban sa taong iyan, ay ipinadala ko siya agad sa iyo, na aking ipinagbilin din sa mga sa kaniya'y nangagsasakdal na mangagsalita sa harapan mo laban sa kaniya. 044 ACT 023 031 Kaya't ang mga kawal, alinsunod sa iniutos sa kanila, ay kinuha si Pablo at dinala siya sa gabi sa Antipatris. 044 ACT 023 032 Datapuwa't nang kinabukasan ay pinabayaan nilang samahan siya ng mga kabayuhan, at nangagbalik sa kuta: 044 ACT 023 033 At sila, nang sila'y magsidating sa Cesarea at maibigay ang sulat sa gobernador, ay iniharap din si Pablo sa harapan niya. 044 ACT 023 034 At nang mabasa niya ito, ay itinanong niya kung taga saang lalawigan siya; at nang maalamang siya'y taga Cilicia, 044 ACT 023 035 Pakikinggan kitang lubos, ang sabi niya, pagdating naman ng mga nagsisipagsakdal sa iyo: at ipinagutos na siya'y ingatan sa palasio ni Herodes. 044 ACT 024 001 At pagkaraan ng limang araw ay lumusong ang pangulong saserdoteng si Ananias na kasama ang ilang matatanda, at ang isang Tertulo na mananalumpati; at sila'y nangagbigay-alam sa gobernador laban kay Pablo. 044 ACT 024 002 At nang siya'y tawagin, si Tertulo ay nagpasimulang isakdal siya, na sinasabi, Yamang dahil sa iyo'y nangagtatamo kami ng malaking kapayapaan, at sa iyong kalinga ay napawi sa bansang ito ang mga kasamaan, 044 ACT 024 003 Ay tinatanggap namin ito sa lahat ng mga paraan at sa lahat ng mga dako, kagalanggalang na Felix, ng buong pagpapasalamat. 044 ACT 024 004 Datapuwa't, nang huwag akong makabagabag pa sa iyo, ay ipinamamanhik ko sa iyo na pakinggan mo kami sa iyong kagandahang loob sa ilang mga salita. 044 ACT 024 005 Sapagka't nangasumpungan namin ang taong ito'y isang taong mapangulo at mapagbangon ng mga paghihimagsik sa gitna ng lahat ng mga Judio sa buong sanglibutan, at namiminuno sa sekta ng mga Nazareno: 044 ACT 024 006 Na kaniya rin namang pinagsisikapang lapastanganin ang templo: na siya ring dahil ng aming inihuli: 044 ACT 024 007 Datapuwa't dumating ang pangulong pinunong si Lysias at sapilitang inagaw siya sa aming mga kamay. 044 ACT 024 008 Na mapagtatalastas mo, sa iyong pagsisiyasat sa kaniya, ang lahat ng mga bagay na ito na laban sa kaniya'y isinasakdal namin. 044 ACT 024 009 At nakianib naman ang mga Judio sa pagsasakdal, na pinatutunayan na ang mga bagay na ito'y gayon nga. 044 ACT 024 010 At nang siya'y mahudyatan ng gobernador upang magsalita, si Pablo ay sumagot, Yamang nalalaman ko na ikaw ay hukom sa loob ng maraming mga taon sa bansang ito, ay masiglang gagawin ko ang aking pagsasanggalang: 044 ACT 024 011 Sapagka't napagtatalastas mo na wala pang labingdalawang araw buhat nang ako'y umahon sa Jerusalem upang sumamba: 044 ACT 024 012 At ni hindi nila ako nasumpungan sa templo na nakikipagtalo sa kanino man o kaya'y nanggugulo sa karamihan, ni sa mga sinagoga, ni sa bayan. 044 ACT 024 013 Ni hindi rin mapatutunayan nila sa iyo ang mga bagay na ngayo'y kanilang isinasakdal laban sa akin. 044 ACT 024 014 Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta; 044 ACT 024 015 Na may pagasa sa Dios, na siya rin namang hinihintay nila, na magkakaroon ng pagkabuhay na maguli ng mga ganap at gayon din ng mga di ganap. 044 ACT 024 016 Na dahil nga rito'y lagi rin akong nagsasanay upang magkaroon ng isang budhing walang kapaslangan sa Dios at sa mga tao. 044 ACT 024 017 At nang makaraan nga ang ilang mga taon ay naparito ako upang magdala ng mga limos sa aking bansa, at ng mga hain: 044 ACT 024 018 Na ganito nila ako nasumpungang pinalinis sa templo, na walang kasamang karamihan, ni wala ring kaguluhan: datapuwa't mayroon doong ilang mga Judiong galing sa Asia. 044 ACT 024 019 Na dapat magsiparito sa harapan mo, at mangagsakdal, kung may anomang laban sa akin. 044 ACT 024 020 O kaya'y ang mga tao ring ito ang mangagsabi kung anong masamang gawa ang nasumpungan nila nang ako'y nakatayo sa harapan ng Sanedrin, 044 ACT 024 021 Maliban na sa isang tinig na ito na aking isinigaw nang nakatayo sa gitna nila, Tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay ako'y pinaghahatulan sa harapan ninyo sa araw na ito. 044 ACT 024 022 Datapuwa't si Felix, na may lalong ganap nang pagkatalastas tungkol sa Daan, ay ipinagpaliban sila, na sinasabi, Paglusong ni Lisias na pangulong kapitan, ay pasisiyahan ko ang inyong usap. 044 ACT 024 023 At iniutos niya sa senturion na siya'y tanuran at siya'y pagbigyang-loob; at huwag ipagbawal sa kanino mang mga kaibigan niya na siya'y paglingkuran. 044 ACT 024 024 Datapuwa't nang makaraan ang ilang mga araw, si Felix ay dumating na kasama si Drusila, na kaniyang asawa, na isang Judia, at ipinatawag si Pablo, at siya'y pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus. 044 ACT 024 025 At samantalang siya'y nagsasalaysay tungkol sa katuwiran, at sa sariling pagpipigil, at sa paghuhukom na darating, ay nangilabot si Felix, at sumagot, Ngayo'y humayo ka; at pagkakaroon ko ng kaukulang panahon ay ipatatawag kita. 044 ACT 024 026 Kaniyang inaasahan din naman na siya'y bibigyan ni Pablo ng salapi: kaya naman lalong madalas na ipinatatawag siya, at sa kaniya'y nakikipagusap. 044 ACT 024 027 Datapuwa't nang maganap ang dalawang taon, si Felix ay hinalinhan ni Porcio Festo; at sa pagkaibig ni Felix na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay pinabayaan sa mga tanikala si Pablo. 044 ACT 025 001 Nang makapasok na nga si Festo sa lalawigan, pagkaraan ng tatlong araw ay umahon sa Jerusalem mula sa Cesarea. 044 ACT 025 002 At ang mga pangulong saserdote at ang mga maginoo sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa kaniya laban kay Pablo; at siya'y kanilang pinamanhikan, 044 ACT 025 003 Na humihingi ng lingap laban sa kaniya, na siya'y ipahatid sa Jerusalem; na binabakayan upang siya'y mapatay sa daan. 044 ACT 025 004 Gayon ma'y sumagot si Festo, na si Pablo ay tinatanuran sa Cesarea, at siya'y paroroon sa lalong madaling panahon. 044 ACT 025 005 Kaya nga, sinabi niya, ang mga may kapangyarihan sa inyo ay magsisamang lumusong sa akin, at kung may anomang pagkakasala ang taong ito, ay isakdal siya nila. 044 ACT 025 006 At nang siya'y makatira na sa kanila na hihigit sa walo o sangpung araw, ay lumusong siya sa Cesarea: at nang kinabukasa'y lumuklok siya sa hukuman, at ipinaharap sa kaniya si Pablo. 044 ACT 025 007 At nang siya'y dumating, ay niligid siya ng mga Judio na nagsilusong na galing sa Jerusalem, na may dalang marami at mabibigat na sakdal laban sa kaniya, na pawang hindi nila mapatunayan; 044 ACT 025 008 Samantalang sinasabi ni Pablo sa kaniyang pagsasanggalang, Laban man sa kautusan ng mga Judio, ni laban sa templo, ni laban kay Cesar, ay hindi ako nagkakasala ng anoman. 044 ACT 025 009 Datapuwa't si Festo, sa pagkaibig na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay sumagot kay Pablo, at nagsabi, Ibig mo bagang umahon sa Jerusalem, at doon ka hatulan sa mga bagay na ito sa harapan ko? 044 ACT 025 010 Datapuwa't sinabi ni Pablo, Nakatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar, na doon ako dapat hatulan: wala akong ginawang anomang kasamaan sa mga Judio, gaya rin naman ng pagkatalastas mong mabuti. 044 ACT 025 011 Kung ako nga'y isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwa't kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako kay Cesar. 044 ACT 025 012 Nang magkagayon si Festo, nang makapagpanayam na sa Sanedrin, ay sumagot, Naghabol ka kay Cesar; kay Cesar ka paparoon. 044 ACT 025 013 Nang makaraan nga ang ilang mga araw, si Agripa na hari at si Bernice ay nangagsidating sa Cesarea, at nagsibati kay Festo. 044 ACT 025 014 At nang sila'y magsitira roong maraming araw, ay isinaysay ni Festo sa hari ang usapin ni Pablo, na sinasabi, May isang taong bilanggo na iniwan ni Felix: 044 ACT 025 015 Tungkol sa kaniya nang ako'y nasa Jerusalem, ang mga pangulong saserdote at ang mga matanda sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa akin, na hinihinging ako'y humatol laban sa kaniya. 044 ACT 025 016 Sa kanila'y aking isinagot, na hindi kaugalian ng mga taga Roma na ibigay ang sinomang tao, hanggang hindi nahaharap ang isinasakdal sa mga nagsisipagsakdal, at siya'y magkaroon ng pagkakataong makagawa ng kaniyang pagsasanggalang tungkol sa sakdal laban sa kaniya. 044 ACT 025 017 Nang sila nga'y mangagkatipon dito, ay hindi ako nagpaliban, kundi nang sumunod na araw ay lumuklok ako sa hukuman, at ipinaharap ko ang tao. 044 ACT 025 018 Tungkol sa kaniya, nang magsitindig ang mga nagsisipagsakdal, ay walang anomang sakdal na masamang bagay na maiharap sila na gaya ng aking sinapantaha; 044 ACT 025 019 Kundi may ilang mga suliranin laban sa kaniya tungkol sa kanilang sariling relihion, at sa isang Jesus, na namatay, na pinatutunayan ni Pablo na ito'y buhay. 044 ACT 025 020 At ako, palibhasa'y naguguluhan tungkol sa kung paano kayang mapagsisiyasat ang mga bagay na ito, ay itinanong ko kung ibig niyang pumaroon sa Jerusalem at doon siya hatulan tungkol sa mga bagay na ito. 044 ACT 025 021 Datapuwa't nang makapaghabol na si Pablo na siya'y ingatan upang hatulan ng emperador, ay ipinagutos kong ingatan siya hanggang sa siya'y maipadala ko kay Cesar. 044 ACT 025 022 At sinabi ni Agripa kay Festo, Ibig ko rin sanang mapakinggan ang tao. Bukas, sinasabi niya, siya'y mapapakinggan mo. 044 ACT 025 023 Kaya't nang kinabukasan, nang dumating si Agripa, at si Bernice, na may malaking karilagan, at nang mangakapasok na sila sa hukuman na kasama ang mga pangulong kapitan at ang mga maginoo sa bayan, sa utos ni Festo ay ipinasok si Pablo. 044 ACT 025 024 At sinabi ni Festo, Haring Agripa, at lahat ng mga lalaking nangariritong kasama namin, nakikita ninyo ang taong ito, na tungkol sa kaniya'y nagsasakdal sa akin sa Jerusalem at dito naman ang buong karamihan ng mga Judio, na nangagsisigawang hindi marapat na siya'y mabuhay pa. 044 ACT 025 025 Datapuwa't aking nasumpungang siya'y walang anomang ginawang marapat sa kamatayan: at sapagka't siya rin ay naghabol sa emperador ay ipinasiya kong siya'y ipadala. 044 ACT 025 026 Tungkol sa kaniya'y wala akong alam na tiyak na bagay na maisusulat sa aking panginoon. Kaya dinala ko siya sa harapan ninyo, at lalong-lalo na sa harapan mo, haring Agripa, upang, pagkatapos ng pagsisiyasat, ay magkaroon ng sukat na maisulat. 044 ACT 025 027 Sapagka't inaakala kong di katuwiran, na sa pagpapadala ng isang bilanggo, ay hindi magpahiwatig naman ng mga sakdal laban sa kaniya. 044 ACT 026 001 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Ipinahihintulot sa iyong magsaysay ka sa ganang iyo. Nang magkagayo'y iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay, at ginawa ang kaniyang pagsasanggalang: 044 ACT 026 002 Ikinaliligaya kong lubha, haring Agripa, na sa harapan mo'y gawin ko ang aking pagsasanggalang sa araw na ito tungkol sa lahat ng mga bagay na isinasakdal ng mga Judio laban sa akin. 044 ACT 026 003 Lalong-lalo na sapagka't bihasa ka sa lahat ng mga kaugalian at mga suliranin na mayroon ang mga Judio: kaya nga ipinamamanhik ko sa iyo na pagdalitaan mong dinggin ako. 044 ACT 026 004 Ang akin ngang pamumuhay mula sa aking pagkabata, na nang una'y inugali ko sa gitna ng aking bansa at sa Jerusalem, ay nalalaman ng lahat ng mga Judio; 044 ACT 026 005 Na napagtatalastas nila mula pa nang una, kung ibig nilang magsisaksi, na alinsunod sa lalong mahigpit na sekta ng aming relihion ay nabuhay akong isang Fariseo. 044 ACT 026 006 At ngayo'y nakatayo ako upang hatulan dahil sa pagasa sa pangakong ginawa ng Dios sa aming mga magulang; 044 ACT 026 007 Dahil sa pangakong ito'y ang aming labingdalawang angkan ay buong pusong nagsisipaglingkod sa Dios gabi't araw, na inaasahang kakamtin. At tungkol sa pagasang ito ako'y isinasakdal ng mga Judio, Oh hari! 044 ACT 026 008 Bakit inaakala ninyong ito'y hindi mapaniniwalaan, kung binubuhay ng Dios ang mga patay? 044 ACT 026 009 Tunay na ako ma'y nagisip na dapat akong gumawa ng maraming mga bagay laban sa pangalan ni Jesus na taga Nazaret. 044 ACT 026 010 At ginawa ko rin ito sa Jerusalem: at kinulong ko sa mga bilangguan ang marami sa mga banal, pagkatanggap ko ng kapamahalaan sa mga pangulong saserdote, at nang sila'y ipinapapatay, ay ibinibigay ko ang aking pagsangayon laban sa kanila. 044 ACT 026 011 At madalas sa pagpaparusa ko sa kanila sa lahat ng mga sinagoga, ay pinipilit ko silang magsipamusong; at sa totoong pagkagalit ko sa kanila, ay sila'y pinaguusig ko hanggang sa mga bayan ng ibang lupain. 044 ACT 026 012 Hinggil dito sa paglalakbay kong patungo sa Damasco na taglay ang kapamahalaan at bilin ng mga pangulong saserdote, 044 ACT 026 013 Nang katanghalian, Oh hari, ay nakita ko sa daan ang isang ilaw na mula sa langit, na lalong maningning kay sa araw, at lumiwanag sa palibot ko at sa mga nagsisipaglakbay na kasama ko. 044 ACT 026 014 At nang mangapasubasob sa lupa kaming lahat, ay narinig ko ang isang tinig na nagsasalita sa akin sa wikang Hebreo, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? mahirap sa iyo ang sumikad sa mga matulis. 044 ACT 026 015 At sinabi ko, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi ng Panginoon, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig. 044 ACT 026 016 Datapuwa't magbangon ka, at ikaw ay tumindig sa iyong mga paa: sapagka't dahil dito'y napakita ako sa iyo, upang ihalal kitang ministro at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin, at ng mga bagay na pagpapakitaan ko sa iyo; 044 ACT 026 017 Na ililigtas kita sa bayan, at sa mga Gentil, na sa kanila'y sinusugo kita, 044 ACT 026 018 Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin. 044 ACT 026 019 Dahil nga dito, Oh haring Agripa, hindi ako nagsuwail sa pangitain ng kalangitan: 044 ACT 026 020 Kundi nangaral akong unauna sa mga taga Damasco, at sa Jerusalem din naman, at sa buong lupain ng Judea, at gayon din sa mga Gentil, na sila'y mangagsisi at mangagbalik-loob sa Dios, na mangagsigawa ng mga gawang karapatdapat sa pagsisisi. 044 ACT 026 021 Dahil dito'y hinuli ako ng mga Judio sa templo, at pinagsisikapang ako'y patayin. 044 ACT 026 022 Nang aking tamuhin nga ang tulong na mula sa Dios, ay nananatili ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo sa maliliit at gayon din sa malalaki, na wala akong sinasabing anoman kundi ang sinabi ng mga propeta at ni Moises na mangyayari; 044 ACT 026 023 Kung paano na ang Cristo ay kailangang maghirap, at kung paano na siya muna sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay ay magtatanyag ng ilaw sa bayan, at gayon din sa mga Gentil. 044 ACT 026 024 At nang magawa na niyang gayon ang kaniyang pagsasanggalang ay sinabi ni Festo ng malakas na tinig, Pablo, ikaw ay ulol; ang kalakhan ng dunong mo ay siyang sa iyo'y nagpapaulol. 044 ACT 026 025 Datapuwa't sinabi ni Pablo, Hindi ako ulol, kagalanggalang na Festo; kundi nagsasalita ako ng mga salitang katotohanan at kahinahunan. 044 ACT 026 026 Sapagka't nalalaman ng hari ang mga bagay na ito, na sa kaniya'y nagsasalita naman ako ng buong laya: sapagka't naniniwala ako na sa kaniya'y walang nalilingid sa mga bagay na ito; sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok. 044 ACT 026 027 Haring Agripa, naniniwala ka baga sa mga propeta? Nalalaman kong naniniwala ka. 044 ACT 026 028 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Sa kakaunting paghikayat ay ibig mo akong maging Cristiano. 044 ACT 026 029 At sinabi ni Pablo, Loobin nawa ng Dios, na sa kakaunti o sa marami man, ay hindi lamang ikaw, kundi pati ng lahat ng mga nagsisipakinig sa akin ngayon, ay pawang maging katulad ko naman, tangi lamang sa mga tanikalang ito. 044 ACT 026 030 At nagtindig ang hari, at ang gobernador, at si Bernice, at ang mga nagsiupong kasama nila: 044 ACT 026 031 At nang sila'y makahiwalay, ay nangagsalitaan sila sa isa't isa, na nagsisipagsabi, Ang taong ito ay walang anomang ginagawa na marapat sa kamatayan o sa mga tanikala. 044 ACT 026 032 At sinabi ni Agripa kay Festo, mapalalaya sana ang taong ito, kung hindi naghabol kay Cesar. 044 ACT 027 001 At nang ipasiya na kami ay lalayag na patungo sa Italia, ay ibinigay nila si Pablo at ang iba pang mga bilanggo sa isang senturion na nagngangalang Julio, sa pulutong ni Augusto. 044 ACT 027 002 At sa paglulan namin sa isang daong Adrameto, na palayag sa mga dakong nasa baybayin ng Asia, ay nagsitulak kami, na kasama namin si Aristarco na isang taga Macedonia mula sa Tesalonica. 044 ACT 027 003 At nang sumunod na araw ay nagsidaong kami sa Sidon: at pinagpakitaan ni Julio ng magandang-loob si Pablo, at pinahintulutan siyang pumaroon sa kaniyang mga kaibigan, at siya'y magpakaginhawa. 044 ACT 027 004 At nang kami'y magsitulak buhat doon, ay nagsilayag kami na nagsipanganlong sa Chipre, sapagka't pasalunga ang hangin. 044 ACT 027 005 At nang matawid na namin ang dagat na nasa tapat ng Cilicia at Pamfilia, ay nagsirating kami sa Mira, na isang bayan ng Licia. 044 ACT 027 006 At nasumpungan doon ng senturion ang isang daong Alejandria na lumalayag na patungo sa Italia; at inilulan niya kami roon. 044 ACT 027 007 At nang makapaglayag na kaming marahan nang maraming mga araw, at may kahirapan kaming nakarating sa tapat ng Gnido, na hindi kami tinulutan ng hanging makasulong pa, ay nagsilayag kami na nagsipanganlong sa Creta, sa tapat ng Salmon; 044 ACT 027 008 At sa pamamaybay namin dito na may kahirapan ay nagsidating kami sa isang dako na tinatawag na Mabubuting Daongan; na malapit doon ang bayan ng Lasea. 044 ACT 027 009 At nang magugol na ang mahabang panahon, at mapanganib na ang paglalayag, sapagka't nakalampas na ang Pagaayuno, ay pinamanhikan sila ni Pablo, 044 ACT 027 010 At sa kanila'y sinabi, Mga ginoo, nakikita ko na ang paglalayag na ito ay makapipinsala at magiging malaking kapahamakan, hindi lamang sa lulan at sa daong, kundi naman sa ating mga buhay. 044 ACT 027 011 Datapuwa't may higit pang paniwala ang senturion sa piloto at sa may-ari ng daong, kay sa mga bagay na sinalita ni Pablo. 044 ACT 027 012 At sapagka't hindi bagay hintuan sa tagginaw ang daongan, ay ipinayo ng karamihan na tumulak mula roon, at baka sakaling sa anomang paraan ay makarating sila sa Fenix, at doon huminto sa tagginaw; na yao'y daungan ng Creta, na nasa dakong hilagang-silanganan at timugang-silanganan. 044 ACT 027 013 At nang marahang humihihip ang hanging timugan na inaakalang maisasagawa nila ang kanilang nasa, itinaas nila ang sinepete at namaybay sa baybayin ng Creta. 044 ACT 027 014 Datapuwa't hindi nalaon at humampas na galing doon ang maunos na hangin, na tinatawag na Euraclidon: 044 ACT 027 015 At nang ipadpad ang daong, at hindi makasalungat sa hangin, ay nangagpabaya na kami, at kami'y ipinadpad. 044 ACT 027 016 At sa pagtakbo ng daong na nanganganlong sa isang maliit na pulo na tinatawag na Clauda, ay may kahirapan naming maitaas ang bangka: 044 ACT 027 017 At nang maitaas na ito, ay nagsigamit sila ng mga lubid, na tinalian ang ibaba ng daong; at, sa takot na baka mapapadpad sa Sirte, ay ibinaba nila ang mga layag, at sa gayo'y napaanod sila. 044 ACT 027 018 At sapagka't lubhang nakikipaglaban kami sa bagyo, nang sumunod na araw ay nangagsimula silang magtapon ng lulan sa dagat; 044 ACT 027 019 At nang ikatlong araw ay kanilang ipinagtatapon ng kanilang sariling mga kamay ang mga kasangkapan ng daong. 044 ACT 027 020 At nang hindi sumisikat sa amin ang araw ni ang mga bituin man nang maraming mga araw, at sumasa ibabaw namin ang isang hindi munting bagyo, ay nawala ang buong pagasa na kami'y makaliligtas. 044 ACT 027 021 At nang maluwat nang hindi sila nagsisikain, ay tumayo nga si Pablo sa gitna nila, at sinabi, Mga ginoo, nangakinig sana kayo sa akin, at hindi umalis sa Creta, at nailagan ang kapinsalaang ito at kapahamakan. 044 ACT 027 022 At ngayon ay ipinamamanhik ko sa inyo na inyong laksan ang inyong loob; sapagka't walang buhay na mapapahamak sa inyo, kundi ang daong lamang. 044 ACT 027 023 Sapagka't nang gabing ito ay tumayo sa tabi ko ang anghel ng Dios na may-ari sa akin, at siya ko namang pinaglilingkuran, 044 ACT 027 024 Na nagsabi, Huwag kang matakot, Pablo; kailangang ikaw ay humarap kay Cesar: at narito, ipinagkaloob sa iyo ng Dios ang lahat ng kasama mo sa paglalayag. 044 ACT 027 025 Kaya nga, mga ginoo, laksan ninyo ang inyong loob: sapagka't ako'y sumasampalataya sa Dios, na mangyayari ayon sa sinalita sa akin. 044 ACT 027 026 Datapuwa't tayo'y kailangang mapapadpad sa isang pulo. 044 ACT 027 027 Datapuwa't nang dumating ang ikalabingapat na gabi, samantalang kami'y ipinapadpad ng hangin sa magkabikabila ng Dagat ng Adriatico, nang maghahating gabi na ay sinasapantaha ng mga mangdaragat na sila'y nangalalapit na sa isang lupain. 044 ACT 027 028 At kanilang tinarok, at nasumpungang may dalawangpung dipa; at pagkasulongsulong ng kaunti, ay tinarok nilang muli at nasumpungang may labinglimang dipa. 044 ACT 027 029 At sa takot naming mapapadpad sa batuhan, ay nangaghulog sila ng apat na sinepete sa hulihan, at iniibig magumaga na. 044 ACT 027 030 At sa pagpipilit ng mga mangdaragat na mangagtanan sa daong, at nang maibaba na ang bangka sa dagat, na ang dinadahilan ay mangaghuhulog sila ng mga sinepete sa unahan, 044 ACT 027 031 Ay sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal, Maliban na magsipanatili ang mga ito sa daong, kayo'y hindi mangakaliligtas. 044 ACT 027 032 Nang magkagayo'y pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangka, at pinabayaang mahulog. 044 ACT 027 033 At samantalang naguumaga, ay ipinamanhik ni Pablo sa lahat na magsikain, na sinasabi, Ang araw na ito ang ikalabingapat na araw na kayo'y nangaghihintay at nangagpapatuloy sa hindi pagkain, na walang kinakaing anoman. 044 ACT 027 034 Kaya nga ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsikain: sapagka't ito'y sa ikaliligtas ninyo: sapagka't hindi mawawala kahit isang buhok sa ulo ng sinoman sa inyo. 044 ACT 027 035 At nang masabi na niya ito, at makadampot ng tinapay, ay nagpasalamat siya sa Dios sa harapan ng lahat; at kaniyang pinagputolputol, at pinasimulang kumain. 044 ACT 027 036 Nang magkagayo'y nagsilakas ang loob ng lahat, at sila nama'y pawang nagsikain din. 044 ACT 027 037 At kaming lahat na nangasa daong ay dalawang daan at pitongpu't anim na kaluluwa. 044 ACT 027 038 At nang mangabusog na sila, ay pinagaan nila ang daong, na ipinagtatapon sa dagat ang trigo. 044 ACT 027 039 At nang magumaga na, ay hindi nila makilala ang lupain; datapuwa't nababanaagan nila ang isang look ng dagat na may baybayin, at sila'y nangagsangusapan kung kanilang maisasadsad ang daong doon. 044 ACT 027 040 At inihulog ang mga sinepete, at kanilang pinabayaan sa dagat, samantalang kinakalag ang mga tali ng mga ugit; at nang maitaas na nila sa hangin ang layag sa unahan, ay nagsipatungo sila sa baybayin. 044 ACT 027 041 Datapuwa't pagdating sa isang dako na pinagsasalubungan ng dalawang dagat, ay kanilang isinadsad ang daong; at ang unahan ng daong ay napabunggo at tumigil na hindi kumikilos, datapuwa't nagpasimulang magkawasakwasak ang hulihan sa kalakasan ng mga alon. 044 ACT 027 042 At ang payo ng mga kawal ay pagpapatayin ang mga bilanggo, upang ang sinoma'y huwag makalangoy at makatanan. 044 ACT 027 043 Datapuwa't ang senturion, sa pagkaibig na iligtas si Pablo, ay pinigil sila sa kanilang balak; at ipinagutos na ang mga makalangoy ay magsitalon, at mangaunang magsidating sa lupa; 044 ACT 027 044 At sa mga naiwan, ang iba'y sa mga kahoy, at ang iba nama'y sa mga bagay na galing sa daong. At sa ganito nangyari, na ang lahat ay nangakatakas na ligtas hanggang sa lupa. 044 ACT 028 001 At nang kami'y mangakatakas na, nang magkagayo'y napagtalastas namin na ang pulo'y tinatawag na Melita. 044 ACT 028 002 At pinagpakitaan kami ng hindi karaniwang kagandahang-loob ng mga barbaro: sapagka't sila'y nagsiga, at tinanggap kaming lahat, dahil sa ulan niyaon, at dahil sa ginaw. 044 ACT 028 003 Datapuwa't pagkapagtipon ni Pablo ng isang bigkis na kahoy at mailagay sa apoy, ay lumabas ang isang ulupong dahil sa init, at kumapit sa kaniyang kamay. 044 ACT 028 004 At nang makita ng mga barbaro ang makamandag na hayop na nakabitin sa kaniyang kamay, ay nagsabi ang isa sa iba, Walang salang mamamatay-tao ang taong ito, na, bagama't siya'y nakatakas sa dagat, gayon ma'y hindi siya pinabayaang mabuhay ng Katarungan. 044 ACT 028 005 Gayon ma'y ipinagpag niya ang hayop sa apoy, at siya'y hindi nasaktan. 044 ACT 028 006 Nguni't kanilang hinihintay na siya'y mamaga, o biglang mabuwal na patay: datapuwa't nang maluwat na silang makapaghintay, at makitang walang nangyari sa kaniyang anoman, ay nangagbago sila ng akala, at nangagsabing siya'y isang dios. 044 ACT 028 007 At sa mga kalapit ng dakong yao'y may mga lupain ang pangulo sa pulong yaon, na nagngangalang Publio; na tumanggap sa amin, at nagkupkop sa aming tatlong araw na may kagandahang-loob. 044 ACT 028 008 At nangyari, nararatay ang ama ni Publio na may-sakit na lagnat at iti: at pinasok siya ni Pablo, at nanalangin, at nang maipatong sa kaniya ang kaniyang mga kamay ay siya'y pinagaling. 044 ACT 028 009 At nang magawa na ito, ay nagsiparoon naman ang mga ibang maysakit sa pulo, at pawang pinagaling: 044 ACT 028 010 Kami nama'y kanilang pinarangalan ng maraming pagpaparangal; at nang magsilayag kami, ay kanilang inilulan sa daong ang mga bagay na kinakailangan namin. 044 ACT 028 011 At nang makaraan ang tatlong buwan ay nagsilayag kami sa isang daong Alejandria na tumigil ng tagginaw sa pulo, na ang sagisag ay Ang Magkapatid na Kambal. 044 ACT 028 012 At nang dumaong kami sa Siracusa, ay nagsitigil kami roong tatlong araw. 044 ACT 028 013 At mula doo'y nagsiligid kami, at nagsirating sa Regio: at pagkaraan ng isang araw ay humihip ang timugan, at nang ikalawang araw ay nagsirating kami sa Puteoli; 044 ACT 028 014 Na doo'y nakasumpong kami ng mga kapatid, at kami'y pinakiusapang matira sa kanilang pitong araw: at sa gayo'y nagsirating kami sa Roma. 044 ACT 028 015 At buhat doo'y pagkabalita ng mga kapatid, ay sinalubong kami sa Pamilihan ng Appio at sa Tatlong Bahay-Tuluyan; na nang sila'y makita ni Pablo, ay nagpasalamat sa Dios, at lumakas ang loob. 044 ACT 028 016 At nang mangakapasok kami sa Roma, si Pablo ay pinahintulutang mamahay na magisa na kasama ng kawal na sa kaniya'y nagbabantay. 044 ACT 028 017 At nangyari, na nang makaraan ang tatlong araw ay tinipon niya yaong mga pangulo sa mga Judio: at nang sila'y mangagkatipon na, ay sinabi niya sa kanila, Ako, mga kapatid, bagaman wala akong ginawang anoman laban sa bayan, o sa mga kaugalian ng ating mga magulang, ay ibinigay akong bilanggo buhat sa Jerusalem sa mga kamay ng mga taga Roma: 044 ACT 028 018 Na, nang ako'y kanilang masulit na, ay ibig sana nila akong palayain, sapagka't wala sa aking anomang kadahilanang marapat sa kamatayan. 044 ACT 028 019 Datapuwa't nang magsalita laban dito ang mga Judio, ay napilitan akong maghabol hanggang kay Cesar; hindi dahil sa mayroon akong anomang sukat na maisakdal laban sa aking bansa. 044 ACT 028 020 Sanhi sa dahilang ito tinawag ko kayo upang makipagkita at makipagusap sa akin: sapagka't dahil sa pagasa ng Israel ay nagagapos ako ng tanikalang ito. 044 ACT 028 021 At sinabi nila sa kaniya, Kami'y hindi nagsitanggap ng mga sulat na galing sa Judea tungkol sa iyo, ni naparito man ang sinomang kapatid na magbalita o magsalita ng anomang masama tungkol sa iyo. 044 ACT 028 022 Datapuwa't ibig naming marinig sa iyo kung ano ang iyong iniisip: sapagka't tungkol sa sektang ito'y talastas naming sa lahat ng mga dako ay laban dito ang mga salitaan. 044 ACT 028 023 At nang mataningan na nila siya ng isang araw, ay nagsiparoon ang lubhang marami sa kaniyang tinutuluyan; at sa kanila'y kaniyang ipinaliwanag ang bagay, na sinasaksihan ang kaharian ng Dios, at sila'y hinihikayat tungkol kay Jesus, sa pamamagitan ng kautusan ni Moises at gayon din sa pamamagitan ng mga propeta, buhat sa umaga hanggang sa gabi. 044 ACT 028 024 At ang mga iba'y nagsipaniwala sa mga bagay na sinabi, at ang mga iba'y hindi nagsipaniwala. 044 ACT 028 025 At nang sila'y hindi mangagkaisa, ay nangagsialis pagkasabi ni Pablo ng isang salita, Mabuti ang pagkasalita ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng propeta Isaias sa inyong mga magulang, 044 ACT 028 026 Na sinasabi, Pumaroon ka sa bayang ito, at sabihin mo, Sa pakikinig ay inyong mapapakinggan, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa; At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas: 044 ACT 028 027 Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito, At mahirap na makarinig ang kanilang mga tainga, At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang puso, At muling mangagbalik-loob, At sila'y aking pagalingin. 044 ACT 028 028 Maging hayag nawa sa inyo, na ang kaligtasang ito ng Dios ay ipinadala sa mga Gentil: sila'y makikinig naman. 044 ACT 028 029 At nang masabi na niya ang mga salitang ito'y nagsialis ang mga Judio, at sila-sila'y nangagtatalong mainam. 044 ACT 028 030 At tumahan si Pablo na dalawang taong ganap sa kaniyang tahanang inuupahan, at tinatanggap ang lahat ng sa kaniya'y nagsisipagsadya, 044 ACT 028 031 Na ipinangangaral ang kaharian ng Dios, at itinuturo ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo ng buong katapangan, wala sinomang nagbabawal sa kaniya. # # BOOK 045 ROM Romans Mga Roma 045 ROM 001 001 Si Pablo na alipin ni Jesucristo, na tinawag na maging apostol, ibinukod sa evangelio ng Dios, 045 ROM 001 002 Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan, 045 ROM 001 003 Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman, 045 ROM 001 004 Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin, 045 ROM 001 005 Na sa pamamagitan niya'y tinanggap namin ang biyaya at pagkaapostol, sa pagtalima sa pananampalataya sa lahat ng mga bansa, dahil sa kaniyang pangalan; 045 ROM 001 006 Sa mga ito kayo naman, ay tinawag kay Jesucristo: 045 ROM 001 007 Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo. 045 ROM 001 008 Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan. 045 ROM 001 009 Sapagka't ang Dios ang aking saksi, na siyang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa evangelio ng kaniyang Anak, na walang patid na aking kayong binabanggit, sa aking mga panalangin, 045 ROM 001 010 At laging isinasamo ko, kung ngayon sa wakas sa anomang paraan ay magkapalad ako sa kalooban ng Dios na makarating sa inyo. 045 ROM 001 011 Sapagka't ninanasa kong makita kayo, upang ako'y makapamahagi sa inyo ng kaloob na ukol sa espiritu, upang kayo'y mangagsitibay; 045 ROM 001 012 Sa makatuwid baga, upang ako't kayo ay maaliw sa inyo, ang bawa't isa sa atin sa pananampalataya ng iba, ang sa inyo at sa akin. 045 ROM 001 013 At hindi ko ibig, mga kapatid, na hindi ninyo matalastas na madalas kong inaakalang makarating sa inyo (datapuwa't hanggang ngayon ako'y nahahadlangan), upang magkaroon naman ako sa inyo ng anomang bunga, na gaya sa mga ibang Gentil. 045 ROM 001 014 Ako'y may utang sa mga Griego at gayon din naman sa mga barbaro, sa marurunong at gayon din sa mga mangmang. 045 ROM 001 015 Kaya nga, sa ganang akin, ay handa akong ipangaral din ang evangelio sa inyong nangasa Roma. 045 ROM 001 016 Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego. 045 ROM 001 017 Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. 045 ROM 001 018 Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan; 045 ROM 001 019 Sapagka't ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka't ito'y ipinahayag ng Dios sa kanila. 045 ROM 001 020 Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan: 045 ROM 001 021 Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim. 045 ROM 001 022 Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang, 045 ROM 001 023 At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang. 045 ROM 001 024 Dahil dito'y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng Dios sa kahalayan, upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanikanilang sarili: 045 ROM 001 025 Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa. 045 ROM 001 026 Dahil dito'y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita: sapagka't pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo: 045 ROM 001 027 At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa't isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali. 045 ROM 001 028 At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat; 045 ROM 001 029 Nangapuspus sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagtatalo, ng pagdaraya, ng mga kasamaan; mga mapagupasala, 045 ROM 001 030 Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang, 045 ROM 001 031 Mga haling, mga hindi tapat sa tipanan, mga walang katutubong paggiliw, mga walang habag: 045 ROM 001 032 Na, bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon. 045 ROM 002 001 Dahil dito'y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na humahatol: sapagka't sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo; sapagka't ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay. 045 ROM 002 002 At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay. 045 ROM 002 003 At iniisip mo baga ito, Oh tao, na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong mga bagay, at ginagawa mo ang gayon din, na ikaw ay makatatanan sa hatol ng Dios? 045 ROM 002 004 O hinahamak mo ang mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi? 045 ROM 002 005 Datapuwa't ayon sa iyong katigasan at iyong pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios; 045 ROM 002 006 Na siya ang magbibigay sa bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa: 045 ROM 002 007 Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay ang buhay na walang hanggan: 045 ROM 002 008 Datapuwa't ang sa mga palaaway, at mga hindi nagsisitalima sa katotohanan, kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan, ay ang kagalitan at kapootan, 045 ROM 002 009 Kapighatian at kahapisan, ang sa bawa't kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama, ng Judio una-una, at gayon din ng Griego; 045 ROM 002 010 Datapuwa't kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa bawa't taong gumagawa ng mabuti, sa Judio ang una-una, at gayon din sa Griego: 045 ROM 002 011 Sapagka't ang Dios ay hindi nagtatangi ng mga tao. 045 ROM 002 012 Sapagka't ang lahat ng nangagkasala ng walang kautusan ay mangapapahamak din naman ng walang kautusan: at ang lahat na nangagkasala sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan; 045 ROM 002 013 Sapagka't hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios, kundi ang nangagsisitalima sa kautusan ay aariing mga ganap; 045 ROM 002 014 (Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili; 045 ROM 002 015 Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa); 045 ROM 002 016 Sa araw na hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao, ayon sa aking evangelio, sa pamamagitan ni Jesucristo. 045 ROM 002 017 Nguni't kung ikaw na may taglay na pangalang Judio, at nasasalig sa kautusan, at nagmamapuri sa Dios, 045 ROM 002 018 At nakaaalam ng kaniyang kalooban, at sumasangayon sa mga bagay na magagaling, palibhasa'y tinuruan ka ng kautusan, 045 ROM 002 019 At nagkakatiwala ka na ikaw ay tagaakay ng mga bulag, ilaw ng mga nasa kadiliman, 045 ROM 002 020 Tagasaway sa mga di nakaaalam, guro ng mga bata, na sa kautusan ay mayroon kang anyo ng pagkakilala at ng katotohanan; 045 ROM 002 021 Ikaw nga na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili? ikaw na nangangaral sa tao na huwag magnanakaw, ay nagnanakaw ka? 045 ROM 002 022 Ikaw na nagsasabing ang tao ay huwag mangalunya, ay nangangalunya ka? ikaw na nasusuklam sa mga diosdiosan, ay nanakawan mo ang mga templo? 045 ROM 002 023 Ikaw na nagmamapuri sa kautusan, sa iyong pagsuway sa kautusan ay niwawalan mo ng puri ang Dios? 045 ROM 002 024 Sapagka't ang pangalan ng Dios ay nalalait ng mga Gentil dahil sa iyo, gaya ng nasusulat. 045 ROM 002 025 Sapagka't ang pagtutuli'y tunay na pinakikinabangan, kung tinutupad mo ang kautusan; datapuwa't kung ikaw ay masuwayin sa kautusan, ang iyong pagtutuli ay nagiging di pagtutuli. 045 ROM 002 026 Kung ang di pagtutuli nga ay tumutupad ng katuwiran ng kautusan, hindi baga aariing pagtutuli ang kaniyang di pagtutuli? 045 ROM 002 027 At ang di pagtutuli sa katutubo, kung tumupad ng kautusan, ay hindi baga hahatol sa iyo na may titik at may pagtutuli na masuwayin sa kautusan? 045 ROM 002 028 Sapagka't siya'y hindi Judio kung sa labas lamang; ni magiging pagtutuli yaong hayag sa laman; 045 ROM 002 029 Datapuwa't siya'y Judio sa loob; at ang pagtutuli ay yaong sa puso, sa Espiritu hindi sa titik; ang kaniyang kapurihan ay hindi sa mga tao, kundi sa Dios. 045 ROM 003 001 Ano nga ang kahigitan ng Judio? o ano ang mapapakinabang sa pagtutuli? 045 ROM 003 002 Marami sa anomang paraan: ang una sa lahat, ay ipinagkatiwala sa kanila ang mga aral ng Dios. 045 ROM 003 003 Ano nga kung ang ilan ay hindi nangagsisampalataya? ang di pananampalataya nila ay nagpapawalang halaga baga sa pagtatapat ng Dios? 045 ROM 003 004 Huwag nawang mangyari: oo, bagkus pa nga ang Dios ay tapat, datapuwa't ang bawa't tao'y sinungaling; gaya ng nasusulat, Upang ikaw ay ariing ganap sa iyong mga salita, At makapagtagumpay ka kung ikaw ay mahatulan. 045 ROM 003 005 Datapuwa't kung ang ating kalikuan ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may poot? (nagsasalita akong ayon sa pagkatao.) 045 ROM 003 006 Huwag nawang mangyari: sapagka't kung gayo'y paanong paghatol ng Dios sa sanglibutan? 045 ROM 003 007 Datapuwa't kung ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng aking kasinungalingan ay sumagana sa ikaluluwalhati niya, bakit pa naman ako'y hinahatulang tulad sa isang makasalanan? 045 ROM 003 008 At bakit hindi (gaya ng pagkalibak sa atin, at gaya ng pinatotohanan ng ilan na ating sinasabi), Magsigawa tayo ng masama upang dumating ang mabuti? ang kaparusahan sa mga gayon ay matuwid. 045 ROM 003 009 Ano nga? tayo baga'y lalong mabuti kay sa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagka't ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan; 045 ROM 003 010 Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa; 045 ROM 003 011 Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios; 045 ROM 003 012 Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa: 045 ROM 003 013 Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi: 045 ROM 003 014 Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan: 045 ROM 003 015 Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo; 045 ROM 003 016 Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan; 045 ROM 003 017 At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala; 045 ROM 003 018 Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata. 045 ROM 003 019 Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa't bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios: 045 ROM 003 020 Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan. 045 ROM 003 021 Datapuwa't ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta; 045 ROM 003 022 Sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka't walang pagkakaiba; 045 ROM 003 023 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios; 045 ROM 003 024 Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus: 045 ROM 003 025 Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios; 045 ROM 003 026 Sa pagpapakilala'y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo. 045 ROM 003 027 Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya. 045 ROM 003 028 Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan. 045 ROM 003 029 O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang? hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman: 045 ROM 003 030 Kung gayon nga na iisa ang Dios, at kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya. 045 ROM 003 031 Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi pinagtitibay pa nga natin ang kautusan. 045 ROM 004 001 Ano nga ang ating sasabihin, na nasumpungan ni Abraham na ating magulang ayon sa laman? 045 ROM 004 002 Sapagka't kung si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, ay mayroon sana siyang ipagmamapuri; datapuwa't hindi sa Dios. 045 ROM 004 003 Sapagka't ano ang sinasabi ng kasulatan? At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa kaniya'y ibinilang na katuwiran. 045 ROM 004 004 Ngayon sa kaniya na gumagawa'y, hindi ibinibilang na biyaya ang ganti, kundi utang. 045 ROM 004 005 Datapuwa't sa kaniya na hindi gumagawa, nguni't sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran. 045 ROM 004 006 Gaya naman ng sinasambit ni David na kapalaran ng tao, na sa kaniya'y ibinibilang ng Dios ang katuwiran nang walang mga gawa, 045 ROM 004 007 Na sinasabi, Mapapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad, At ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan. 045 ROM 004 008 Mapalad ang tao na sa kaniya'y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan. 045 ROM 004 009 Sinambit nga baga ang kapalarang ito tungkol sa pagtutuli, o tungkol din naman sa di-pagtutuli? sapagka't sinasabi natin, Kay Abraham ay ibinilang na katuwiran ang kaniyang pananampalataya. 045 ROM 004 010 Paano ngang ito'y ibinilang? nang siya baga'y nasa pagtutuli, o sa di-pagtutuli? Hindi sa pagtutuli, kundi sa di-pagtutuli: 045 ROM 004 011 At tinanggap niya ang tanda ng pagtutuli, na isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya na nasa kaniya samantalang siya'y nasa di-pagtutuli: upang siya'y maging ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya, bagaman sila'y nasa di-pagtutuli, upang ang katuwiran ay maibilang sa kanila; 045 ROM 004 012 At ang ama ng pagtutuli nila na hindi lamang sa pagtutuli, kundi pati naman sa mga nagsisilakad sa mga bakas niyaong pananampalataya ng ating amang si Abraham na nasa kaniya nang siya'y nasa di-pagtutuli. 045 ROM 004 013 Sapagka't hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya. 045 ROM 004 014 Sapagka't kung silang nangasa kautusan ay siyang mga tagapagmana, ay walang kabuluhan ang pananampalataya, at nawawalang kabuluhan ang pangako: 045 ROM 004 015 Sapagka't ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa't kung saan walang kautusan ay wala ring pagsalangsang. 045 ROM 004 016 Dahil dito'y sa pananampalataya, upang maging ayon sa biyaya; upang ang pangako ay lumagi sa lahat ng binhi; hindi lamang sa nasa kautusan, kundi pati naman sa nasa pananampalataya ni Abraham, na ama nating lahat. 045 ROM 004 017 (Gaya ng nasusulat, Ginawa kitang ama ng maraming bansa) sa harapan niyaong kaniyang pinanampalatayanan, sa makatuwid baga'y ang Dios, na nagbibigay ng buhay sa mga patay, at tumatawag sa mga bagay na hindi pa hayag na tila hayag na. 045 ROM 004 018 Siya na sumampalataya na nasa pagasa laban sa pagasa, upang maging ama ng maraming bansa ayon sa sabi, Magiging gayon ang iyong binhi. 045 ROM 004 019 At hindi humina sa pananampalataya na ipinalagay man ang kaniyang katawang tulad sa patay na (gayon siya'y may mga isang daang taon na), at ang pagkabaog ng bahay-bata ni Sara; 045 ROM 004 020 Kundi, sa pagtingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya, na niluluwalhati ang Dios, 045 ROM 004 021 At lubos nanalig na ang Dios na nangako ay may kapangyarihang makagawa noon. 045 ROM 004 022 Dahil dito'y ibinilang naman na katuwiran sa kaniya. 045 ROM 004 023 Ngayo'y hindi lamang dahil sa kaniya isinulat, na sa kaniya'y ibinilang; 045 ROM 004 024 Kundi dahil din naman sa atin, na ibibilang sa ating mga nagsisisampalataya sa kaniya na bumuhay na maguli sa mga patay, kay Jesus na ating Panginoon, 045 ROM 004 025 Na ibinigay dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa ikaaaring-ganap natin. 045 ROM 005 001 Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo; 045 ROM 005 002 Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios. 045 ROM 005 003 At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan; 045 ROM 005 004 At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa: 045 ROM 005 005 At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin. 045 ROM 005 006 Sapagka't nang tayo ay mahihina pa ay namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama. 045 ROM 005 007 Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay. 045 ROM 005 008 Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. 045 ROM 005 009 Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya. 045 ROM 005 010 Sapagka't kung, noong tayo'y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay; 045 ROM 005 011 At hindi lamang gayon, kundi tayo'y nangagagalak naman sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya'y tinamo natin ngayon ang pagkakasundo. 045 ROM 005 012 Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala: 045 ROM 005 013 Sapagka't ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: nguni't hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan. 045 ROM 005 014 Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adam hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pagsalangsang ni Adam, na siyang anyo niyaong darating. 045 ROM 005 015 Datapuwa't gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka't kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesucristo. 045 ROM 005 016 At ang kaloob ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang nagkasala: sapagka't ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa, datapuwa't ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap. 045 ROM 005 017 Sapagka't kung, sa pagsuway ng isa, ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. 045 ROM 005 018 Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng mga tao sa ikaaaring-ganap ng buhay. 045 ROM 005 019 Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid. 045 ROM 005 020 At bukod sa rito ay pumasok ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa't kung saan nanagana ang kasalanan, ay nanaganang lubha ang biyaya: 045 ROM 005 021 Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. 045 ROM 006 001 Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? 045 ROM 006 002 Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? 045 ROM 006 003 O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? 045 ROM 006 004 Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay. 045 ROM 006 005 Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli; 045 ROM 006 006 Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; 045 ROM 006 007 Sapagka't ang namatay ay ligtas na sa kasalanan. 045 ROM 006 008 Datapuwa't kung tayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya; 045 ROM 006 009 Na nalalaman nating si Cristo na nabuhay na maguli sa mga patay ay hindi na mamamatay; ang kamataya'y hindi naghahari sa kaniya. 045 ROM 006 010 Sapagka't ang kamatayan na ikinamatay niya, ay kaniyang ikinamatay na minsan sa kasalanan: datapuwa't ang buhay na kaniyang ikinabubuhay, ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios. 045 ROM 006 011 Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa kasalanan, nguni't mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus. 045 ROM 006 012 Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang kayo'y magsisunod sa kaniyang mga pita: 045 ROM 006 013 At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios. 045 ROM 006 014 Sapagka't ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka't wala kayo sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya. 045 ROM 006 015 Ano nga? mangagkakasala baga tayo, dahil sa tayo'y wala sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari. 045 ROM 006 016 Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo'y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid? 045 ROM 006 017 Datapuwa't salamat sa Dios, na, bagama't kayo'y naging mga alipin ng kasalanan, kayo'y naging mga matalimahin sa puso doon sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo; 045 ROM 006 018 At yamang pinalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo ng katuwiran. 045 ROM 006 019 Nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao dahil sa karupukan ng inyong laman: sapagka't kung paanong inyong inihandog ang inyong mga sangkap ng katawan na pinaka alipin ng karumihan at ng lalo't lalong kasamaan, gayon din ihandog ninyo ngayon ang inyong mga sangkap na pinaka alipin ng katuwiran sa ikababanal. 045 ROM 006 020 Sapagka't nang kayo ay mga alipin ng kasalanan, kayo'y laya tungkol sa katuwiran. 045 ROM 006 021 Ano nga ang ibinunga ninyo sa panahong yaon sa mga bagay na ngayo'y ikinahihiya ninyo? sapagka't ang wakas ng mga bagay na yaon ay kamatayan. 045 ROM 006 022 Datapuwa't ngayong mga laya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Dios, kayo ay mayroong inyong bunga sa ikababanal, at ang wakas ay ang buhay na walang hanggan. 045 ROM 006 023 Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin. 045 ROM 007 001 O hindi baga ninyo nalalaman mga kapatid (sapagka't nagsasalita ako sa mga taong nakakaalam ng kautusan), na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya'y nabubuhay? 045 ROM 007 002 Sapagka't ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa't kung ang asawa'y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa. 045 ROM 007 003 Kaya nga kung, samantalang nabubuhay ang asawa, siya'y makikisama sa ibang lalake, siya'y tatawaging mangangalunya: datapuwa't kung mamatay ang asawa, ay laya na siya sa kautusan, ano pa't siya'y hindi na mangangalunya, bagaman siya'y makisama sa ibang lalake. 045 ROM 007 004 Gayon din naman, mga kapatid ko, kayo'y nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo; upang kayo'y makisama sa iba, sa makatuwid baga'y doon sa nabuhay na maguli, upang tayo'y magsipagbunga sa Dios. 045 ROM 007 005 Sapagka't nang tayo'y nangasa laman, ang mga pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsigawa sa ating mga sangkap upang magsipagbunga sa kamatayan. 045 ROM 007 006 Datapuwa't ngayon tayo'y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo'y nangamatay doon sa nakatatali sa atin; ano pa't nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat. 045 ROM 007 007 Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga'y kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwa't, hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan: sapagka't hindi ko sana nakilala ang kasakiman, kung hindi sinasabi ng kautusan, Huwag kang mananakim: 045 ROM 007 008 Datapuwa't ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman: sapagka't kung walang kautusan ang kasalanan ay patay. 045 ROM 007 009 At nang isang panahon ako'y nabubuhay na walang kautusan: datapuwa't nang dumating ang utos, ay muling nabuhay ang kasalanan at ako'y namatay; 045 ROM 007 010 At ang utos na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito'y sa ikamamatay; 045 ROM 007 011 Sapagka't ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako. 045 ROM 007 012 Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti. 045 ROM 007 013 Ang mabuti nga baga ay naging kamatayan sa akin? Huwag nawang mangyari. Kundi ang kasalanan, upang maipakilalang kasalanan, sa pamamagitan ng mabuti ay gumawa sa akin ng kamatayan; na sa pamamagitan ng utos ang kasalanan ay maging lalong sala. 045 ROM 007 014 Sapagka't nalalaman natin na ang kautusa'y sa espiritu: nguni't ako'y sa laman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan. 045 ROM 007 015 Sapagka't ang ginagawa ko'y hindi ko nalalaman: sapagka't ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko; datapuwa't ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko. 045 ROM 007 016 Nguni't kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan. 045 ROM 007 017 Kaya ngayo'y hindi ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin. 045 ROM 007 018 Sapagka't nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka't ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa't ang paggawa ng mabuti ay wala. 045 ROM 007 019 Sapagka't ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni't ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa. 045 ROM 007 020 Datapuwa't kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin. 045 ROM 007 021 Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin. 045 ROM 007 022 Sapagka't ako'y nagagalak sa kautusan ng Dios ayon sa pagkataong loob: 045 ROM 007 023 Datapuwa't nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap. 045 ROM 007 024 Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan? 045 ROM 007 025 Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa't ang laman ay sa kautusan ng kasalanan. 045 ROM 008 001 Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. 045 ROM 008 002 Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. 045 ROM 008 003 Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan: 045 ROM 008 004 Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu. 045 ROM 008 005 Sapagka't ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng laman; datapuwa't ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu. 045 ROM 008 006 Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan. 045 ROM 008 007 Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari: 045 ROM 008 008 At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios. 045 ROM 008 009 Datapuwa't kayo'y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo'y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya. 045 ROM 008 010 At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa't ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran. 045 ROM 008 011 Nguni't kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo. 045 ROM 008 012 Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang mabuhay ayon sa laman: 045 ROM 008 013 Sapagka't kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa't kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo. 045 ROM 008 014 Sapagka't ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios. 045 ROM 008 015 Sapagka't hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, Abba, Ama. 045 ROM 008 016 Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios: 045 ROM 008 017 At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya. 045 ROM 008 018 Sapagka't napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito'y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin. 045 ROM 008 019 Sapagka't ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios. 045 ROM 008 020 Sapagka't ang buong nilalang ay nasakop ng kawalang kabuluhan, hindi sa kaniyang kalooban, kundi dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa 045 ROM 008 021 Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios. 045 ROM 008 022 Sapagka't nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon. 045 ROM 008 023 At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na mayroong mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga'y tayo nama'y nangagsisihibik din sa ating sarili, sa paghihintay ng pagkukupkop, na dili iba't, ang pagtubos sa ating katawan. 045 ROM 008 024 Sapagka't tayo'y iniligtas sa pagasa: datapuwa't ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: kaya't sino nga ang umaasa sa nakikita? 045 ROM 008 025 Datapuwa't kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo'y hinihintay nating may pagtitiis. 045 ROM 008 026 At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka't hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita; 045 ROM 008 027 At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka't siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios. 045 ROM 008 028 At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa. 045 ROM 008 029 Sapagka't yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid: 045 ROM 008 030 At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman niya: at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman niya. 045 ROM 008 031 Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin? 045 ROM 008 032 Siya, na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay? 045 ROM 008 033 Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios? Ang Dios ay ang umaaring-ganap; 045 ROM 008 034 Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya namang namamagitan dahil sa atin. 045 ROM 008 035 Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak? 045 ROM 008 036 Gaya ng nasusulat, Dahil sa iyo kami'y pinapatay sa buong araw; Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan. 045 ROM 008 037 Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig. 045 ROM 008 038 Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan, 045 ROM 008 039 Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin. 045 ROM 009 001 Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo, na hindi ako nagsisinungaling, na ako'y sinasaksihan ng aking budhi sa Espiritu Santo, 045 ROM 009 002 Na mayroon akong malaking kalungkutan at walang tigil na karamdaman sa aking puso. 045 ROM 009 003 Sapagka't ako'y makapagnanasa na ako man ay itakuwil mula kay Cristo dahil sa aking mga kapatid, na aking mga kamaganak ayon sa laman. 045 ROM 009 004 Na pawang mga Israelita; na sa kanila ang pagkukupkop, at ang kaluwalhatian, at ang mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan, at ang paglilingkod sa Dios, at ang mga kapangakuan; 045 ROM 009 005 Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man. Siya nawa. 045 ROM 009 006 Datapuwa't hindi sa ang salita ng Dios ay nauwi sa wala. Sapagka't hindi ang lahat ng buhat sa Israel ay mga taga Israel: 045 ROM 009 007 Ni sapagka't sila'y binhi ni Abraham, ay mga anak na silang lahat: kundi, Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi. 045 ROM 009 008 Sa makatuwid, ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Dios: kundi ang mga anak sa pangako'y siyang ibibilang na isang binhi. 045 ROM 009 009 Sapagka't ito ang salita ng pangako, Ayon sa panahong ito'y paririto ako, at magkakaroon si Sara ng isang anak na lalake. 045 ROM 009 010 At hindi lamang gayon; kundi nang maipaglihi na ni Rebeca sa pamamagitan ng isa, ito nga'y ng ating ama na si Isaac- 045 ROM 009 011 Sapagka't ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag, 045 ROM 009 012 Ay sinabi sa kaniya, Ang panganay ay maglilingkod sa bunso. 045 ROM 009 013 Gaya ng nasusulat, Si Jacob ay inibig ko, datapuwa't si Esau ay aking kinapootan. 045 ROM 009 014 Ano nga ang ating sasabihin? Mayroon baga kayang kalikuan sa Dios? Huwag nawang mangyari. 045 ROM 009 015 Sapagka't sinasabi niya kay Moises, Ako'y maaawa sa aking kinaaawaan, at ako'y mahahabag sa aking kinahahabagan. 045 ROM 009 016 Kaya nga hindi sa may ibig, ni hindi sa tumatakbo, kundi sa Dios na naaawa. 045 ROM 009 017 Sapagka't sinasabi ng kasulatan tungkol kay Faraon, Dahil sa layong ito, ay itinaas kita, upang aking maihayag sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangala'y maitanyag sa buong lupa. 045 ROM 009 018 Kaya nga sa kaniyang ibig siya'y naaawa, at sa kaniyang ibig siya'y nagpapatigas. 045 ROM 009 019 Sasabihin mo nga sa akin, Bakit humahanap pa siya ng kamalian? Sapagka't sino ang sumasalangsang sa kaniyang kalooban? 045 ROM 009 020 Nguni't, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito? 045 ROM 009 021 O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa'y sa ikahihiya. 045 ROM 009 022 Ano kung ang Dios ay inibig na ihayag ang kaniyang kagalitan, at ipakilala ang kaniyang kapangyarihan, ay nagtiis ng malaking pagpapahinuhod sa mga sisidlan ng galit na nangahahanda na sa pagkasira: 045 ROM 009 023 At upang maipakilala ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na kaniyang inihanda nang una pa sa kaluwalhatian, 045 ROM 009 024 Maging sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil? 045 ROM 009 025 Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas, Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan; At iniibig, na hindi dating iniibig. 045 ROM 009 026 At mangyayari, na sa dakong pinagsabihan sa kanila, kayo'y hindi ko bayan, Ay diyan sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay. 045 ROM 009 027 At si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat, ay ang nalalabi lamang ang maliligtas: 045 ROM 009 028 Sapagka't isasagawa ng Panginoon ang kaniyang salita sa lupa, na tatapusin at paiikliin. 045 ROM 009 029 At gaya ng sinabi nang una ni Isaias, Kung hindi nagiwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo, Tayo'y naging katulad sana ng Sodoma, at naging gaya ng Gomorra. 045 ROM 009 030 Ano nga ang ating sasabihin? Na ang mga Gentil, na hindi nangagsisisunod sa katuwiran, ay nagkamit ng katuwiran, sa makatuwid baga'y ng katuwiran sa pananampalataya: 045 ROM 009 031 Datapuwa't ang Israel sa pagsunod sa kautusan ng katuwiran, ay hindi umabot sa kautusang iyan. 045 ROM 009 032 Bakit? Sapagka't hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. Sila'y nangatisod sa batong katitisuran; 045 ROM 009 033 Gaya ng nasusulat, Narito, inilalagay ko sa Sion ang isang batong katitisuran, at batong pangbuwal: At ang sumasampalataya sa kaniya'y hindi mapapahiya. 045 ROM 010 001 Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila'y mangaligtas. 045 ROM 010 002 Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala. 045 ROM 010 003 Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios. 045 ROM 010 004 Sapagka't si Cristo ang kinauuwian ng kautusan sa ikatutuwid ng bawa't sumasampalataya. 045 ROM 010 005 Sapagka't isinulat ni Moises na ang tao na gumagawa ng katuwirang ayon sa kautusan ay mabubuhay dahil dito. 045 ROM 010 006 Datapuwa't sinasabi ng katuwiran ayon sa pananampalataya ang ganito, Huwag mong sabihin sa iyong puso, Sino ang aakyat sa langit? (sa makatuwid baga'y upang ibaba si Cristo: ) 045 ROM 010 007 O, Sino ang mananaog sa kalalimlaliman? (sa makatuwid baga'y upang iakyat si Cristo mula sa mga patay.) 045 ROM 010 008 Datapuwa't ano ang sinasabi nito? Ang salita ay malapit sa iyo, sa iyong bibig, at sa iyong puso: sa makatuwid baga'y ang salita ng pananampalataya na aming ipinangangaral: 045 ROM 010 009 Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: 045 ROM 010 010 Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas. 045 ROM 010 011 Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Ang lahat na sa kaniya'y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya. 045 ROM 010 012 Sapagka't walang pagkakaiba ang Judio at ang Griego: sapagka't ang Panginoon din ay siyang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng sa kaniya'y nagsisitawag: 045 ROM 010 013 Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas. 045 ROM 010 014 Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral? 045 ROM 010 015 At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila nga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti! 045 ROM 010 016 Datapuwa't hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita. Sapagka't sinasabi ni Isaias, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita? 045 ROM 010 017 Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo. 045 ROM 010 018 Datapuwa't sinasabi ko, Hindi baga sila'y nangakinig? Oo, tunay nga, Ang tinig nila ay kumalat sa buong lupa, At ang kanilang mga salita'y hanggang sa mga dulo ng sanglibutan. 045 ROM 010 019 Datapuwa't sinasabi ko, Hindi baga nalalaman ng Israel? Unauna'y sinasabi ni Moises, Ipamumungkahi ko kayo sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi bansa, Sa pamamagitan ng isang bansang mangmang ay gagalitin ko kayo. 045 ROM 010 020 At si Isaias ay buong tapang na nagsasabi, Ako'y nasumpungan nilang mga hindi nagsisihanap sa akin; Nahayag ako sa kanilang mga hindi nagsisipagtanong tungkol sa akin. 045 ROM 010 021 Datapuwa't tungkol sa Israel ay sinasabi niya, Sa buong araw ay iniunat ko ang aking mga kamay sa isang bayang suwail at matutol. 045 ROM 011 001 Sinasabi ko nga, Itinakuwil baga ng Dios ang kaniyang bayan? Huwag nawang mangyari. Sapagka't ako man ay Israelita, sa binhi ni Abraham, sa angkan ni Benjamin. 045 ROM 011 002 Hindi itinakuwil ng Dios ang kaniyang bayan na nang una pa'y kinilala niya. O hindi baga ninyo nalalaman ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias? kung paanong namamagitan siya sa Dios laban sa Israel na sinabi: 045 ROM 011 003 Panginoon, pinatay nila ang iyong mga propeta, giniba nila ang iyong mga dambana; at ako'y naiwang nagiisa, at hinahanap nila ang aking buhay. 045 ROM 011 004 Datapuwa't ano ang sinasabi ng kasagutan ng Dios sa kaniya? Nagtira ako sa akin ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay Baal. 045 ROM 011 005 Gayon din nga sa panahong itong kasalukuyan ay may isang nalalabi ayon sa pagkahirang ng biyaya. 045 ROM 011 006 Nguni't kung ito'y sa pamamagitan ng biyaya, ay hindi na sa mga gawa: sa ibang paraan ang biyaya ay hindi biyaya. 045 ROM 011 007 Ano nga? Ang hinahanap ng Israel ay hindi niya kinamtan; datapuwa't ito'y kinamtan ng pagkahirang, at ang mga iba'y pinapagmatigas: 045 ROM 011 008 Ayon sa nasusulat, Binigyan sila ng Dios ng Espiritu ng pagkakatulog, ng mga matang hindi nangakakakita, at ng mga pakinig na hindi nangakakarinig, hanggang sa araw na ito. 045 ROM 011 009 At sinasabi ni David, Ang kanilang dulang nawa'y maging isang silo, at isang panghuli, At isang katitisuran, at isang kabayaran sa kanila: 045 ROM 011 010 Manganglabo nawa ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita, At laging baluktutin mo nawa ang kanilang gulugod. 045 ROM 011 011 Sinasabi ko nga, Nangatisod kaya sila upang mangahulog? Huwag nawang mangyari: datapuwa't sa pagkahulog nila'y dumating ang pagkaligtas sa mga Gentil, upang ipamungkahi sila sa paninibugho. 045 ROM 011 012 Ngayon kung ang pagkahulog nga nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan, at ang pagkalugi nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil; gaano pa ang kapunuan nila? 045 ROM 011 013 Datapuwa't nagsasalita ako sa inyong mga Gentil. Palibasa'y ako nga'y apostol ng mga Gentil, ay niluluwalhati ko ang aking ministerio; 045 ROM 011 014 Baka sa anomang paraan ay maipamungkahi ko sa paninibugho yaong aking mga kalaman, at maligtas ang ilan sa kanila. 045 ROM 011 015 Sapagka't kung ang pagkatakuwil sa kanila ay siyang pakikipagkasundo ng sanglibutan, ano kaya ang pagtanggap sa kanila, kundi buhay mula sa mga patay? 045 ROM 011 016 At kung ang pangunahing bunga ay banal, ay gayon din ang lahat: at kung ang ugat ay banal, ay gayon din ang mga sanga. 045 ROM 011 017 Datapuwa't kung ang ilang mga sanga'y nangabali, at ikaw, na isang olibong ligaw ay isinanib ka sa kanila, at ikaw ay naging kabahagi nila sa ugat ng katabaan ng punong olibo; 045 ROM 011 018 Huwag kang magpalalo sa mga sanga: datapuwa't kung magpalalo ka, ay hindi ikaw ang nagkakandili sa ugat, kundi ang ugat ang nagkakandili sa iyo. 045 ROM 011 019 Sasabihin mo nga, Ang mga sanga ay nangabali upang ako ay makasanib. 045 ROM 011 020 Mabuti; sa kawalan nila ng pananampalataya ay nangabali sila, at sa iyong pananampalataya'y nakatayo ka. Huwag kang magpalalo kundi matakot ka: 045 ROM 011 021 Sapagka't kung hindi nga pinatawad ng Dios ang mga talagang sanga, ikaw man ay hindi patatawarin. 045 ROM 011 022 Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Dios: ang kabagsikan ay sa nangahulog, datapuwa't ang kabutihan ng Dios ay sa iyo, kung mamamalagi ka sa kaniyang kabutihan: sa ibang paraan ay ikaw man ay puputulin. 045 ROM 011 023 At sila naman, kung hindi mangagsisilagi sa di pananampalataya ay mangakakasanib: sapagka't makapangyarihan ang Dios upang sila'y isanib na muli. 045 ROM 011 024 Sapagka't kung ikaw ay pinutol doon sa talagang olibong ligaw, at laban sa kaugalian ay isinanib ka sa mabuting punong olibo; gaano pa nga ang mga ito, na mga talagang sanga, na mangakakasanib sa kanilang sariling punong olibo? 045 ROM 011 025 Sapagka't hindi ko ibig, mga kapatid, na di ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayo'y mangagmarunong sa inyong sariling mga haka, na ang katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel, hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil; 045 ROM 011 026 At sa ganito'y ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng nasusulat, Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas; Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan: 045 ROM 011 027 At ito ang aking tipan sa kanila, Pagka aalisin ko ang kanilang mga kasalanan. 045 ROM 011 028 Tungkol sa evangelio, ay mga kaaway sila dahil sa inyo: datapuwa't tungkol sa pagkahirang, ay mga pinakaiibig sila dahil sa mga magulang. 045 ROM 011 029 Sapagka't ang mga kaloob at ang pagtawag ng Dios ay hindi nagbabago. 045 ROM 011 030 Sapagka't kung paanong kayo nang nakaraang panahon ay mga masuwayin sa Dios, datapuwa't ngayon kayo'y nangagkamit ng habag sa pamamagitan ng kanilang pagsuway, 045 ROM 011 031 Gayon din naman ang mga ito ay naging mga masuwayin ngayon, upang sa pamamagitan ng habag na ipinagkaloob sa inyo, sila nama'y magkamit ngayon ng habag. 045 ROM 011 032 Sapagka't ang lahat ay kinulong ng Dios sa kasuwayan, upang siya'y mahabag sa lahat. 045 ROM 011 033 Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol niya, at hindi malirip na kaniyang mga daan! 045 ROM 011 034 Sapagka't sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon? o sino ang kaniyang naging kasangguni? 045 ROM 011 035 O sino ang nagbigay na una sa kaniya, at siya'y babayarang muli? 045 ROM 011 036 Sapagka't kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. 045 ROM 012 001 Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba. 045 ROM 012 002 At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios. 045 ROM 012 003 Sapagka't sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawa't tao sa inyo, na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan, ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa't isa. 045 ROM 012 004 Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: 045 ROM 012 005 Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa. 045 ROM 012 006 At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya; 045 ROM 012 007 O kung ministerio, ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministerio; o ang nagtuturo, ay sa kaniyang pagtuturo; 045 ROM 012 008 O ang umaaral, ay sa kaniyang pagaral: ang namimigay, ay magbigay na may magandang-loob; ang nagpupuno, ay magsikap; ang nahahabag ay magsaya. 045 ROM 012 009 Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti. 045 ROM 012 010 Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba; 045 ROM 012 011 Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon; 045 ROM 012 012 Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin; 045 ROM 012 013 Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal; maging mapagpatuloy. 045 ROM 012 014 Pagpalain ninyo ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain. 045 ROM 012 015 Makigalak kayo sa nangagagalak; makiiyak kayo sa nagsisiiyak. 045 ROM 012 016 Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka. 045 ROM 012 017 Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao. 045 ROM 012 018 Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao. 045 ROM 012 019 Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon. 045 ROM 012 020 Kaya't kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo: sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo. 045 ROM 012 021 Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama. 045 ROM 013 001 Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios. 045 ROM 013 002 Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. 045 ROM 013 003 Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya: 045 ROM 013 004 Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka't hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka't siya'y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama. 045 ROM 013 005 Kaya nga't dapat na kayo'y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi. 045 ROM 013 006 Sapagka't dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo ng buwis; sapagka't sila'y mga tagapangasiwa ng paglilingkod sa Dios, na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito. 045 ROM 013 007 Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: buwis sa dapat buwisan; ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan. 045 ROM 013 008 Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo: sapagka't ang umiibig sa kaniyang kapuwa'y nakaganap na ng kautusan. 045 ROM 013 009 Sapagka't ito, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga'y Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili. 045 ROM 013 010 Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan. 045 ROM 013 011 At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y kapanahunan nang magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una. 045 ROM 013 012 Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan. 045 ROM 013 013 Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan. 045 ROM 013 014 Kundi bagkus isakbat ninyo ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon. 045 ROM 014 001 Datapuwa't ang mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo, hindi upang pagtalunan ang kaniyang pagaalinlangan. 045 ROM 014 002 May tao na may pananampalataya na makakain ang lahat ng mga bagay: nguni't ang mahina'y kumakain ng mga gulay. 045 ROM 014 003 Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka't siya'y tinanggap ng Dios. 045 ROM 014 004 Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka't makapangyarihan ang Panginoon na siya'y maitayo. 045 ROM 014 005 May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba: may ibang nagmamahal sa bawa't araw. Bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip. 045 ROM 014 006 Ang nagmamahal sa araw, ay minamahal ito sa Panginoon; at ang kumakain, ay kumakain sa Panginoon, sapagka't siya'y nagpapasalamat sa Dios; at ang hindi kumakain, ay hindi kumakain sa Panginoon, at nagpapasalamat sa Dios. 045 ROM 014 007 Sapagka't ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili. 045 ROM 014 008 Sapagka't kung nangabubuhay tayo, sa Panginoon tayo'y nangabubuhay; o kung nangamamatay tayo, sa Panginoon tayo'y nangamamatay: kaya't sa mabuhay tayo, o sa mamatay man, tayo'y sa Panginoon. 045 ROM 014 009 Sapagka't dahil dito ay namatay si Cristo at nabuhay na maguli, upang siya'y maging Panginoon ng mga patay at gayon din ng mga buhay. 045 ROM 014 010 Datapuwa't ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid? at ikaw naman, bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid? sapagka't tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Dios. 045 ROM 014 011 Sapagka't nasusulat, Buhay ako, sabi ng Panginoon, sa akin ang bawa't tuhod ay luluhod, At ang bawa't dila ay magpapahayag sa Dios. 045 ROM 014 012 Kaya nga ang bawa't isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili. 045 ROM 014 013 Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa't isa: kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa. 045 ROM 014 014 Nalalaman ko, at naniniwala akong lubos kay Jesus na Panginoon, na walang anomang bagay na marumi sa kaniyang sarili: maliban na doon sa nagaakala na ang anomang bagay ay marumi, sa kaniya'y marumi ito. 045 ROM 014 015 Sapagka't kung dahil sa pagkain ang iyong kapatid ay naghinanakit ay hindi ka na lumalakad sa pagibig. Huwag mong ipamahamak sa iyong pagkain yaong pinagkamatayan ni Cristo. 045 ROM 014 016 Huwag nga ninyong pabayaan na pagsalitaan ng masama ang inyong kabutihan: 045 ROM 014 017 Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo. 045 ROM 014 018 Sapagka't ang sa ganito ay naglilingkod kay Cristo ay kalugodlugod sa Dios, at pinatutunayan ng mga tao. 045 ROM 014 019 Kaya nga sundin ang mga bagay na makapapayapa, at ang mga bagay na makapagpapatibay sa isa't isa. 045 ROM 014 020 Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain. Tunay na ang lahat ng mga bagay ay malilinis; gayon man ay masama sa tao ang kumakain ng laban sa kaniyang budhi. 045 ROM 014 021 Mabuti ang huwag kumain ng lamangkati, ni uminom ng alak, ni gumawa ng anoman na katitisuran ng iyong kapatid. 045 ROM 014 022 Ang pananampalataya mo na nasa iyo ay ingatan mo sa iyong sarili sa harap ng Dios. Mapalad ang hindi humahatol sa kaniyang sarili sa bagay na kaniyang sinasangayunan. 045 ROM 014 023 Nguni't ang nagaalinlangan ay hinahatulan kung kumakain, sapagka't hindi siya kumakain sa pananampalataya; at ang anomang hindi sa pananampalataya ay kasalanan. 045 ROM 015 001 Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili. 045 ROM 015 002 Bawa't isa sa atin ay magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa kaniyang ikabubuti sa ikatitibay. 045 ROM 015 003 Sapagka't si Cristo man ay hindi nagbigay lugod sa kaniyang sarili; kundi gaya ng nasusulat, Ang mga pagalipusta ng mga nagsisialipusta sa iyo, ay nangahulog sa akin. 045 ROM 015 004 Sapagka't ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa. 045 ROM 015 005 Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus: 045 ROM 015 006 Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo. 045 ROM 015 007 Sa ganito'y mangagtanggapan kayo, gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios. 045 ROM 015 008 Sapagka't sinasabi ko na si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios, upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang, 045 ROM 015 009 At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat, Kaya nga't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil. At aawit ako sa iyong pangalan. 045 ROM 015 010 At muling sinasabi niya, Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan. 045 ROM 015 011 At muli, Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil; At purihin siya ng lahat ng mga bayan. 045 ROM 015 012 At muli, sinasabi ni Isaias, Magkakaroon ng ugat kay Jesse, At siya'y lilitaw upang maghari sa mga Gentil; Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil. 045 ROM 015 013 Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. 045 ROM 015 014 At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa't makapagpapaalaala naman kayo sa isa't isa. 045 ROM 015 015 Nguni't sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios, 045 ROM 015 016 Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo. 045 ROM 015 017 Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios. 045 ROM 015 018 Sapagka't hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay, maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa, 045 ROM 015 019 Sa bisa ng mga tanda at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo; 045 ROM 015 020 Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba; 045 ROM 015 021 Kundi, gaya ng nasusulat, Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya, At silang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas. 045 ROM 015 022 Kaya't madalas namang napigil ako ng pagpariyan sa inyo: 045 ROM 015 023 Datapuwa't ngayon, na wala nang dako sa mga lupaing ito, at malaon nang panahong ako'y may nasang pumariyan sa inyo, 045 ROM 015 024 Pagparoon ko sa Espana ay paririyan ako (sapagka't inaasahan kong makikita ko kayo sa aking paglalakbay, at ako'y sasamahan ninyo patungo doon, pagkatapos na magkamit ng kaunting kasiyahan sa pakikisama sa inyo). 045 ROM 015 025 Nguni't ngayon, sinasabi ko, ako'y pasasa-Jerusalem, upang mamahagi sa mga banal. 045 ROM 015 026 Sapagka't minagaling ng Macedonia at ng Acaya na gumawa ng isang ambagang laan sa mga dukha sa mga banal na nasa Jerusalem. 045 ROM 015 027 Oo, ito'y kalugodlugod sa kanila; at sila'y may utang na loob sa kanila. Sapagka't kung ang mga Gentil ay naging mga kabahagi sa kanilang mga bagay na ayon sa Espiritu, nararapat naman nilang paglingkuran ang mga yaon sa mga bagay na ayon sa laman. 045 ROM 015 028 Kung maganap ko nga ito, at aking matatakan na sa kanila ang bungang ito, ay magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana. 045 ROM 015 029 At nalalaman ko na, pagpariyan ko sa inyo, ay darating akong puspos ng pagpapala ng evangelio ni Cristo. 045 ROM 015 030 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, alangalang sa Panginoon nating Jesucristo, at sa pagibig ng Espiritu, na kayo'y makipagsikap na kasama ko sa inyong mga pananalangin sa Dios patungkol sa akin; 045 ROM 015 031 Upang ako'y maligtas sa mga hindi nagsisisampalataya na nangasa Judea, at nang ang aking pamamahagi sa Jerusalem ay maging kalugodlugod sa mga banal; 045 ROM 015 032 Upang sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ako'y makarating sa inyo na may kagalakan, at ako'y makipamahinga sa inyo. 045 ROM 015 033 Ngayon ang Dios ng kapayapaan ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa. 045 ROM 016 001 Ipinagtatagubilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae, na lingkod sa iglesia na nasa Cencrea: 045 ROM 016 002 Upang tanggapin ninyo siya sa Panginoon, ayon sa nararapat sa mga banal, at tulungan ninyo siya sa anomang bagay na magiging kailangan niya sa inyo: sapagka't siya nama'y naging katulong ng marami, at ng aking sarili naman. 045 ROM 016 003 Batiin ninyo si Prisca at si Aquila na aking mga kamanggagawa kay Cristo Jesus, 045 ROM 016 004 Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil: 045 ROM 016 005 At batiin ninyo ang iglesia na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na minamahal ko, na siyang pangunahing bunga ng Asia kay Cristo. 045 ROM 016 006 Batiin ninyo si Maria, na lubhang nagpagal sa inyo. 045 ROM 016 007 Batiin ninyo si Andronico at si Junias, na aking mga kamaganak, at mga kasama ko sa pagkabilanggo, na siyang mga bantog sa mga apostol, na sila nama'y nangauna sa akin kay Cristo. 045 ROM 016 008 Batiin ninyo si Ampliato na aking minamahal sa Panginoon. 045 ROM 016 009 Batiin ninyo si Urbano na aming kamanggagawa kay Cristo, at si Estaquis na minamahal ko. 045 ROM 016 010 Batiin ninyo si Apeles na subok kay Cristo. Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Aristobulo. 045 ROM 016 011 Batiin ninyo si Herodion na aking kamaganak. Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Narciso, yaong nangasa Panginoon. 045 ROM 016 012 Batiin ninyo si Trifena at si Trifosa, na nangagpapagal sa Panginoon. Batiin ninyo si Persida na minamahal, na lubhang nagpagal sa Panginoon. 045 ROM 016 013 Batiin ninyo si Rufo na hinirang sa Panginoon, at ang kaniyang ina at akin. 045 ROM 016 014 Batiin ninyo si Asincrito, si Flegonte, si Hermes, si Patrobas, si Hermas, at ang mga kapatid na kasama nila. 045 ROM 016 015 Batiin ninyo si Filologo at si Julia, si Nereo at ang kaniyang kapatid na babae, at si Olimpas, at ang lahat ng mga banal na kasama nila. 045 ROM 016 016 Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo. 045 ROM 016 017 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at kayo'y magsilayo sa kanila. 045 ROM 016 018 Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay. 045 ROM 016 019 Sapagka't ang inyong pagtalima ay naging bantog sa lahat ng mga tao. Kaya't nagagalak ako tungkol sa inyo: datapuwa't ibig ko na kayo'y maging marunong sa kabutihan, at musmos sa kasamaan. 045 ROM 016 020 At si Satanas ay dudurugin ng Dios ng kapayapaan sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa. Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo. 045 ROM 016 021 Binabati kayo ni Timoteo na aking kamanggagawa; at ni Lucio at ni Jason at ni Sosipatro, na aking mga kamaganak. 045 ROM 016 022 Akong si Tercio, na sumusulat ng sulat na ito, ay bumabati sa inyo sa Panginoon. 045 ROM 016 023 Binabati kayo ni Gayo na pinanunuluyanan ko, at ng buong iglesia. Binabati kayo ni Erasto na ingat-yaman ng bayan, at ng kapatid na si Cuarto. 045 ROM 016 024 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyong lahat. Siya nawa. 045 ROM 016 025 At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan. 045 ROM 016 026 Datapuwa't nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya: 045 ROM 016 027 Sa iisang Dios na marunong, sa pamamagitan ni Jesucristo, na sumasa kaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. # # BOOK 046 1CO 1 Corinthians 1 Mga Corinto 046 1CO 001 001 Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid, 046 1CO 001 002 Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga'y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon: 046 1CO 001 003 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo. 046 1CO 001 004 Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus; 046 1CO 001 005 Na kayo ay pinayaman sa kanya, sa lahat ng mga bagay sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman; 046 1CO 001 006 Gaya ng pinagtibay sa inyo ang patotoo ni Cristo: 046 1CO 001 007 Ano pa't kayo'y hindi nagkulang sa anomang kaloob; na nagsisipaghintay ng paghahayag ng ating Panginoong Jesucristo; 046 1CO 001 008 Na siya namang magpapatibay sa inyo hanggang sa katapusan, upang huwag kayong mapagwikaan sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo. 046 1CO 001 009 Ang Dios ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin. 046 1CO 001 010 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol. 046 1CO 001 011 Sapagka't ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo, mga kapatid ko, ng mga kasangbahay ni Cloe, na sa inyo'y may mga pagtatalotalo. 046 1CO 001 012 Ibig ko ngang sabihin ito, na ang bawa't isa sa inyo ay nagsasabi, Ako'y kay Pablo; at ako'y kay Apolos; at ako'y kay Cefas; at ako'y kay Cristo. 046 1CO 001 013 Nabahagi baga si Cristo? ipinako baga sa krus si Pablo dahil sa inyo? o binautismuhan baga kayo sa pangalan ni Pablo? 046 1CO 001 014 Nagpapasalamat ako sa Dios na hindi ko binautismuhan ang sinoman sa inyo, maliban si Crispo at si Gayo; 046 1CO 001 015 Baka masabi ninoman na kayo'y binautismuhan sa pangalan ko. 046 1CO 001 016 At binautismuhan ko rin naman ang sangbahayan ni Estefanas: maliban sa mga ito, di ko maalaman kung may nabautismuhan akong iba pa. 046 1CO 001 017 Sapagka't hindi ako sinugo ni Cristo upang bumautismo, kundi upang mangaral ng evangelio: hindi sa karunungan ng mga salita baka mawalan ng kabuluhan ang krus ni Cristo. 046 1CO 001 018 Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas. 046 1CO 001 019 Sapagka't nasusulat, Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong, At isasawala ko ang kabaitan ng mababait. 046 1CO 001 020 Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid sa sanglibutang ito? hindi baga ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan? 046 1CO 001 021 Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral. 046 1CO 001 022 Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda, at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan: 046 1CO 001 023 Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan; 046 1CO 001 024 Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios. 046 1CO 001 025 Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao. 046 1CO 001 026 Sapagka't masdan ninyo ang sa inyo'y pagkatawag, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag: 046 1CO 001 027 Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas; 046 1CO 001 028 At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga: 046 1CO 001 029 Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios. 046 1CO 001 030 Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan: 046 1CO 001 031 Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon. 046 1CO 002 001 At ako, mga kapatid, nang pumariyan sa inyo, ay hindi ako napariyan na may kagalingan sa pananalita o sa karunungan, na nagbabalita sa inyo ng patotoo ng Dios. 046 1CO 002 002 Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus. 046 1CO 002 003 At ako'y nakisama sa inyo na may kahinaan, at may katakutan, at may lubhang panginginig. 046 1CO 002 004 At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan: 046 1CO 002 005 Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios. 046 1CO 002 006 Gayon man, ay nangagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito'y nangauuwi sa wala: 046 1CO 002 007 Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin: 046 1CO 002 008 Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian: 046 1CO 002 009 Datapuwa't gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya. 046 1CO 002 010 Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios. 046 1CO 002 011 Sapagka't sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi ang espiritu ng tao, na nasa kaniya? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman, maliban na ng Espiritu ng Dios. 046 1CO 002 012 Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios. 046 1CO 002 013 Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu. 046 1CO 002 014 Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu. 046 1CO 002 015 Nguni't ang sa espiritu ay nagsisiyasat sa lahat ng mga bagay, at siya'y hindi sinisiyasat ng sinoman. 046 1CO 002 016 Sapagka't sino ang nakakilala ng pagiisip ng Panginoon, upang siya'y turuan niya? Datapuwa't nasa atin ang pagiisip ni Cristo. 046 1CO 003 001 At ako, mga kapatid, ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa espiritu, kundi tulad sa mga nasa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo. 046 1CO 003 002 Kinandili ko kayo ng gatas, at hindi ng lamang-kati; sapagka't kayo'y wala pang kaya noon: wala, na ngayon pa man ay wala kayong kaya; 046 1CO 003 003 Sapagka't kayo'y mga sa laman pa: sapagka't samantalang sa inyo'y may mga paninibugho at mga pagtatalo, hindi baga kayo'y mga sa laman, at kayo'y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao? 046 1CO 003 004 Sapagka't kung sinasabi ng isa, Ako'y kay Pablo; at ng iba, Ako'y kay Apolos; hindi baga kayo'y mga tao? 046 1CO 003 005 Ano nga si Apolos? at Ano si Pablo? Mga ministro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo; at sa bawa't isa ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon sa kaniya. 046 1CO 003 006 Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig; nguni't ang Dios ang siyang nagpalago. 046 1CO 003 007 Ano pa't walang anoman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Dios na nagpapalago. 046 1CO 003 008 Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa: nguni't ang bawa't isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal. 046 1CO 003 009 Sapagka't tayo ay mga kamanggagawa ng Dios: kayo ang bukid ng Dios, ang gusali ng Dios. 046 1CO 003 010 Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni't ingatan ng bawa't tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito. 046 1CO 003 011 Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na ito'y si Cristo Jesus. 046 1CO 003 012 Datapuwa't kung ang sinoma'y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami; 046 1CO 003 013 Ang gawa ng bawa't isa ay mahahayag: sapagka't ang araw ang magsasaysay, sapagka't sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa't isa kung ano yaon. 046 1CO 003 014 Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya'y tatanggap ng kagantihan. 046 1CO 003 015 Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, ay malulugi siya: nguni't siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon ma'y tulad sa pamamagitan ng apoy. 046 1CO 003 016 Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo? 046 1CO 003 017 Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya'y igigiba ng Dios; sapagka't ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo. 046 1CO 003 018 Sinoma'y huwag magdaya sa kaniyang sarili. Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya'y marunong sa kapanahunang ito, ay magpakamangmang siya, upang siya ang maging marunong. 046 1CO 003 019 Sapagka't ang karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagka't nasusulat, Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan: 046 1CO 003 020 At muli, Nalalaman ng Panginoon ang pangangatuwiran ng marurunong, na pawang walang kabuluhan. 046 1CO 003 021 Kaya't huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao, Sapagka't ang lahat ng mga bagay ay sa inyo. 046 1CO 003 022 Kahit si Pablo, kahit si Apolos, kahit si Cefas, kahit ang sanglibutan, kahit ang buhay, kahit ang kamatayan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating; lahat ay sa inyo: 046 1CO 003 023 At kayo'y kay Cristo; at si Cristo ay sa Dios. 046 1CO 004 001 Ipalagay nga kami ng sinoman na mga ministro ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Dios. 046 1CO 004 002 Bukod dito'y kinakailangan sa mga katiwala, na ang bawa't isa ay maging tapat. 046 1CO 004 003 Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y siyasatin ninyo, o ng pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili. 046 1CO 004 004 Sapagka't wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili; bagaman hindi dahil dito'y inaaring-ganap ako: sapagka't ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon. 046 1CO 004 005 Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios. 046 1CO 004 006 Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba. 046 1CO 004 007 Sapagka't sino ang gumawa na ikaw ay matangi? at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap? nguni't kung tinanggap mo, ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap? 046 1CO 004 008 Kayo'y mga busog na, kayo'y mayayaman na, kayo'y nangaghari nang wala kami: at ibig ko sanang mangaghari kayo, upang kami nama'y mangagharing kasama ninyo. 046 1CO 004 009 Sapagka't iniisip ko, na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat, na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan: sapagka't kami'y ginawang panoorin ng sanglibutan, at ng mga anghel, at ng mga tao. 046 1CO 004 010 Kami'y mga mangmang dahil kay Cristo, nguni't kayo'y marurunong kay Cristo; kami'y mahihina, nguni't kayo'y malalakas; kayo'y may karangalan, datapuwa't kami ay walang kapurihan. 046 1CO 004 011 Hanggang sa oras na ito'y nangagugutom kami, at nangauuhaw, at mga hubad, at mga tinampal, at wala kaming tiyak na tahanan; 046 1CO 004 012 At kami'y nangagpapagal, na nangagsisigawa ng aming sariling mga kamay: bagama't inuupasala, ay kami'y nangagpapala; bagama't mga pinaguusig, ay nangagtitiis kami; 046 1CO 004 013 Bagama't mga sinisiraangpuri, ay aming pinamamanhikan: kami'y naging tulad ng yagit sa sanglibutan, sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon. 046 1CO 004 014 Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo'y hiyain, kundi upang paalalahanan kayong tulad sa aking mga minamahal na anak. 046 1CO 004 015 Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio. 046 1CO 004 016 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, na kayo'y maging mga tagatulad sa akin. 046 1CO 004 017 Dahil dito'y aking sinugo sa inyo si Timoteo, na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siya ang sa inyo'y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo, gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa't iglesia. 046 1CO 004 018 Ang mga iba nga'y nangagpapalalo, na waring hindi na ako mapapariyan sa inyo. 046 1CO 004 019 Nguni't ako'y paririyan agad sa inyo, kung loloobin ng Panginoon; at aking aalamin, hindi ang salita ng nangagpapalalo, kundi ang kapangyarihan. 046 1CO 004 020 Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan. 046 1CO 004 021 Anong ibig ninyo? paririyan baga ako sa inyo na may panghampas, o sa pagibig, at sa espiritu ng kahinahunan? 046 1CO 005 001 Sa kasalukuya'y nababalita na sa inyo'y may pakikiapid, at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga Gentil, na isa sa inyo'y nagaari ng asawa ng kaniyang ama. 046 1CO 005 002 At kayo'y mga mapagpalalo, at hindi kayo bagkus nangalumbay, upang maalis sa gitna ninyo ang gumagawa ng gawang ito. 046 1CO 005 003 Sapagka't ako sa katotohanan, bagama't wala sa harapan ninyo sa katawan nguni't ako'y nasa harapan ninyo sa espiritu, akin ngang hinatulan na ang gumawa ng bagay na ito, na tulad sa ako'y nahaharap, 046 1CO 005 004 Sa pangalan ng ating Panginoong Jesus, nang nangagkakatipon kayo, at ang aking espiritu, na taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus, 046 1CO 005 005 Upang ang ganyan ay ibigay kay Satanas sa ikawawasak ng kaniyang laman, upang ang espiritu ay maligtas sa araw ng Panginoong Jesus. 046 1CO 005 006 Hindi mabuti ang inyong pagmamapuri. Hindi baga ninyo nalalaman na ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak? 046 1CO 005 007 Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo'y maging bagong limpak, na tulad sa kayo'y walang lebadura. Sapagka't ang kordero ng ating paskua ay naihain na, sa makatuwid baga'y si Cristo: 046 1CO 005 008 Kaya nga ipangilin natin ang pista, hindi sa lumang lebadura, ni sa lebadura man ng masamang akala at ng kasamaan, kundi sa tinapay na walang lebadura ng pagtatapat at ng katotohanan. 046 1CO 005 009 Isinulat ko sa inyo sa aking sulat na huwag kayong makisama sa mga mapakiapid; 046 1CO 005 010 Tunay nga hindi ang ibig sabihin ay sa mga mapakiapid sa sanglibutang ito, o sa mga masasakim at mga manglulupig, o sa mga mananamba sa diosdiosan; sapagka't kung gayo'y kinakailangang magsialis kayo sa sanglibutan: 046 1CO 005 011 Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo. 046 1CO 005 012 Sapagka't ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob? 046 1CO 005 013 Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao. 046 1CO 006 001 Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siya'y magsakdal sa harapan ng mga liko, at hindi sa harapan ng mga banal? 046 1CO 006 002 O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit? 046 1CO 006 003 Hindi baga ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol sa buhay na ito? 046 1CO 006 004 Kung kayo nga'y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito, ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia? 046 1CO 006 005 Sinasabi ko ito upang mangahiya kayo. Ano, diyata't wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid, 046 1CO 006 006 Kundi ang kapatid ay nakikipagusapin laban sa kapatid, at ito'y sa harapan ng mga hindi nagsisipanampalataya? 046 1CO 006 007 Ngayon nga, tunay na isang pagkukulang sa inyo ang kayo-kayo'y magkaroon ng mga usapin. Bakit hindi bagkus ninyong tiisin ang mga kalikuan? bakit hindi bagkus kayo'y padaya? 046 1CO 006 008 Nguni't kayo rin ang mga nagsisigawa ng kalikuan, at nangagdaraya, at ito'y sa mga kapatid ninyo. 046 1CO 006 009 O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake. 046 1CO 006 010 Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios. 046 1CO 006 011 At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni't nangahugasan na kayo, nguni't binanal na kayo, nguni't inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios. 046 1CO 006 012 Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ay nararapat. Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman. 046 1CO 006 013 Ang mga pagkain ay sa tiyan, at ang tiyan ay sa mga pagkain: nguni't kapuwa iwawasak ng Dios yaon at ang mga ito. Datapuwa't ang katawan ay hindi sa pakikiapid, kundi sa Panginoon; at ang Panginoon ay sa katawan: 046 1CO 006 014 At muling binuhay ng Dios ang Panginoon, at muling bubuhayin naman tayo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan. 046 1CO 006 015 Hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong mga katawan ay mga sangkap ni Cristo? kukunin ko nga baga ang mga sangkap ni Cristo, at gagawin kong mga sangkap ng isang patutot? Huwag nawang mangyari. 046 1CO 006 016 O hindi baga ninyo nalalaman na ang nakikisama sa patutot, ay kaisang katawan niya? sapagka't sinasabi niya, Ang dalawa ay magiging isang laman. 046 1CO 006 017 Nguni't ang nakikisama sa Panginoon, ay kaisang espiritu niya. 046 1CO 006 018 Magsitakas kayo sa pakikiapid. Lahat ng kasalanang gawin ng mga tao ay nangasa labas ng katawan; nguni't ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan. 046 1CO 006 019 O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili; 046 1CO 006 020 Sapagka't kayo'y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios. 046 1CO 007 001 At tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin: Mabuti sa lalake ay huwag humipo sa babae. 046 1CO 007 002 Datapuwa't, dahil sa mga pakikiapid, ang bawa't lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa, at bawa't babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa. 046 1CO 007 003 Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa. 046 1CO 007 004 Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa. 046 1CO 007 005 Huwag magpigil ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y mamalagi sa pananalangin, at muling kayo'y magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil. 046 1CO 007 006 Nguni't ito'y sinasabi ko na parang payo, hindi sa utos. 046 1CO 007 007 Kaya't ibig ko sana, na ang lahat ng tao ay maging gaya ko. Nguni't ang bawa't tao'y mayroong kanikaniyang kaloob na mula sa Dios, ang isa'y ayon sa paraang ito, at ang iba'y ayon sa paraan yaon. 046 1CO 007 008 Datapuwa't sinasabi ko sa mga walang asawa, at sa mga babaing bao, Mabuti sa kanila kung sila'y magsipanatiling gayon sa makatuwid baga'y gaya ko. 046 1CO 007 009 Nguni't kung sila'y hindi makapagpigil, ay magsipagasawa: sapagka't magaling ang magasawa kay sa mangagningas ang pita. 046 1CO 007 010 Datapuwa't sa mga may asawa ay aking ipinaguutos, Nguni't hindi ako, kundi ang Panginoon, na ang babae ay huwag humiwalay sa kaniyang asawa. 046 1CO 007 011 (Datapuwa't kung siya'y humiwalay, ay manatiling walang asawa, o kaya'y makipagkasundo sa kaniyang asawa); at huwag hiwalayan ng lalake ang kaniyang asawa. 046 1CO 007 012 Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan. 046 1CO 007 013 At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa. 046 1CO 007 014 Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa, at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa: sa ibang paraa'y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan; nguni't ngayo'y mga banal. 046 1CO 007 015 Gayon ma'y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya, ay bayaan siyang humiwalay: ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa mga ganitong bagay: kundi sa kapayapaan kayo tinawag ng Dios. 046 1CO 007 016 Sapagka't paanong malalaman mo, Oh babae, kung maililigtas mo ang iyong asawa? o paanong malalaman mo, Oh lalake, kung maililigtas mo ang iyong asawa? 046 1CO 007 017 Ayon nga lamang sa ipinamahagi ng Panginoon sa bawa't isa, at ayon sa pagkatawag ng Dios sa bawa't isa, ay gayon siya lumakad. At gayon ang iniuutos ko sa lahat ng mga iglesia. 046 1CO 007 018 Tinawag baga ang sinomang taong tuli na? huwag siyang maging di tuli. Tinawag baga ang sinomang di tuli? huwag siyang maging tuli. 046 1CO 007 019 Ang pagtutuli ay walang anoman, at ang di pagtutuli ay walang anoman; kundi ang pagtupad sa mga utos ng Dios. 046 1CO 007 020 Bayaang ang bawa't isa'y manatili doon sa pagkatawag na itinawag sa kaniya. 046 1CO 007 021 Ikaw baga'y alipin ng ikaw ay tinawag? huwag kang magalaala: kung maaaring ikaw ay maging malaya, ay pagsikapan mo ng maging laya. 046 1CO 007 022 Sapagka't ang tinawag sa Panginoon nang siya'y alipin, ay malaya sa Panginoon: gayon din naman ang tinawag nang siya'y malaya, ay alipin ni Cristo. 046 1CO 007 023 Sa halaga kayo'y binili; huwag kayong maging mga alipin ng mga tao. 046 1CO 007 024 Mga kapatid, bayaang ang bawa't isa'y manatili sa Dios sa kalagayang itinawag sa kaniya. 046 1CO 007 025 Ngayon, tungkol sa mga dalaga ay wala akong utos ng Panginoon: nguni't ibinibigay ko ang aking pasiya, na tulad sa nagkamit ng habag ng Panginoon upang mapagkatiwalaan. 046 1CO 007 026 Inaakala ko ngang mabuti ito dahil sa kasalukuyang kahapisan, sa makatuwid baga'y mabuti ngang ang tao'y manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan. 046 1CO 007 027 Natatali ka ba sa asawa? huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag. Ikaw baga'y kalag sa asawa? huwag kang humanap ng asawa. 046 1CO 007 028 Nguni't kung ikaw ay magasawa, ay hindi ka nagkakasala; at kung ang isang dalaga ay magasawa, ay hindi siya nagkakasala. Datapuwa't ang mga gayon ay magkakaroon ng kahirapan sa laman: at ibig ko sanang kayo'y iligtas. 046 1CO 007 029 Nguni't sinasabi ko ito, mga kapatid, ang panahon ay pinaikli, upang mula ngayon ang mga lalaking may asawa ay maging mga tulad sa wala; 046 1CO 007 030 At ang mga nagsisiiyak, ay maging tulad sa mga hindi nagsisiiyak; at ang nangagagalak, ay maging tulad sa hindi nangagagalak; at ang mga nagsisibili, ay maging tulad sa mga walang inaari; 046 1CO 007 031 At ang mga nagsisigamit ng sanglibutan, ay maging tulad sa hindi nangagpapakalabis ng paggamit: sapagka't ang kaasalan ng sanglibutang ito ay lumilipas. 046 1CO 007 032 Datapuwa't ang ibig ko ay mawalan kayo ng kabalisahan. Ang walang asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, kung paanong makalulugod sa Panginoon: 046 1CO 007 033 Nguni't ang may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa, 046 1CO 007 034 At nagkakabahagi ang isipan. Gayon din naman ang babaing walang asawa at ang dalaga, ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, upang siya'y maging banal sa katawan at sa espiritu man; nguni't ang babaing may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa. 046 1CO 007 035 At ito'y sinasabi ko sa inyong sariling kapakinabangan; hindi upang alisin ko ang inyong kalayaan, kundi dahil sa bagay na nararapat, at upang kayo'y makapaglingkod sa Panginoon nang walang abala. 046 1CO 007 036 Nguni't kung iniisip ng sinomang lalake na hindi siya gumagawa ng marapat sa kaniyang anak na dalaga, kung ito'y sumapit na sa kaniyang katamtamang gulang, at kung kailangan ay sundin niya ang kaniyang maibigan, hindi siya nagkakasala; bayaang mangagasawa sila. 046 1CO 007 037 Subali't ang nananatiling matibay sa kaniyang puso, na walang kailangan, kundi may kapangyarihan tungkol sa kaniyang sariling kalooban, at pinasiyahan sa kaniyang sariling puso na ingatan ang kaniyang sariling anak na dalaga, ay mabuti ang gagawin. 046 1CO 007 038 Kaya nga ang nagpapahintulot sa kaniyang anak na dalaga na magasawa ay gumagawa ng mabuti; at ang hindi nagpapahintulot na siya'y magasawa ay gumagawa ng lalong mabuti. 046 1CO 007 039 Ang babaing may asawa ay natatalian samantalang nabubuhay ang kaniyang asawa; nguni't kung patay na ang kaniyang asawa, ay may kalayaan siyang makapagasawa sa kanino mang ibig niya; sa kalooban lamang ng Panginoon. 046 1CO 007 040 Nguni't lalong maligaya siya kung manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan, ayon sa aking akala: at iniisip ko na ako'y may Espiritu rin naman ng Dios. 046 1CO 008 001 Ngayon tungkol sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan: Nalalaman natin na tayong lahat ay may kaalaman. Ang kaalaman ay nagpapalalo, nguni't ang pagibig ay nagpapatibay. 046 1CO 008 002 Kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may nalalamang anoman, ay wala pang nalalaman gaya ng nararapat niyang maalaman; 046 1CO 008 003 Datapuwa't kung ang sinoman ay umiibig sa Dios, ay kilala niya ang gayon. 046 1CO 008 004 Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, nalalaman natin na ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan, at walang Dios liban sa iisa. 046 1CO 008 005 Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon; 046 1CO 008 006 Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya. 046 1CO 008 007 Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan: kundi ang ilan na hanggang ngayon ay nangamimihasa sa diosdiosan, ay kumakain na parang isang bagay na inihain sa diosdiosan; at ang kanilang budhi palibhasa'y mahina ay nangahahawa. 046 1CO 008 008 Datapuwa't ang pagkain ay hindi magtataguyod sa atin sa Dios: ni hindi tayo masama, kung tayo'y di magsikain; ni hindi tayo lalong mabuti, kung tayo'y magsikain. 046 1CO 008 009 Datapuwa't magsipagingat kayo baka sa anomang paraan ang inyong kalayaang ito ay maging katitisuran sa mahihina. 046 1CO 008 010 Sapagka't kung makita ng sinomang ikaw na may kaalaman na nakikisalo sa pagkain sa templo ng diosdiosan, hindi baga titibay ang kaniyang budhi, kung siya'y mahina, upang kumain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan? 046 1CO 008 011 Sapagka't sa pamamagitan ng iyong kaalaman ay napapahamak ang mahina, ang kapatid na dahil sa kaniya'y namatay si Cristo. 046 1CO 008 012 At sa ganitong pagkakasala laban sa mga kapatid, at sa pagkakasugat ng kaniyang budhi kung ito'y mahina, ay nangagkakasala kayo laban kay Cristo. 046 1CO 008 013 Kaya, kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid, kailan man ay hindi ako kakain ng lamang-kati, upang ako'y huwag makapagpatisod sa aking kapatid. 046 1CO 009 001 Hindi baga ako'y malaya? hindi baga ako'y apostol? hindi ko baga nakita si Jesus na Panginoon natin? hindi baga kayo'y gawa ko sa Panginoon? 046 1CO 009 002 Kung sa iba'y hindi ako apostol, sa inyo man lamang ako'y gayon; sapagka't ang tatak ng aking pagkaapostol ay kayo sa Panginoon. 046 1CO 009 003 Ito ang aking pagsasanggalang sa mga nagsisiyasat sa akin. 046 1CO 009 004 Wala baga kaming matuwid na magsikain at magsiinom? 046 1CO 009 005 Wala baga kaming matuwid na magsipagsama ng isang asawa na sumasampalataya, gaya ng iba't ibang mga apostol, at ng mga kapatid ng Panginoon, at ni Cefas? 046 1CO 009 006 O ako baga lamang at si Bernabe ang walang matuwid na magsitigil ng paggawa? 046 1CO 009 007 Sinong kawal ang magpakailan pa man ay naglilingkod sa kaniyang sariling gugol? sino ang nagtatanim ng isang ubasan, at hindi kumakain ng bunga niyaon? o sino ang nagpapakain sa kawan, at hindi kumakain ng gatas ng kawan? 046 1CO 009 008 Ang mga ito baga'y sinasalita ko ayon sa kaugalian lamang ng mga tao? o di baga sinasabi rin naman ang gayon ng kautusan? 046 1CO 009 009 Sapagka't nasusulat sa kautusan ni Moises, Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. Ang mga baka baga ay iniingatan ng Dios, 046 1CO 009 010 O sinasabi kayang tunay ito dahil sa atin? Oo, dahil sa atin ito sinulat: sapagka't ang nagsasaka ay dapat magsaka sa pagasa, at ang gumigiik, ay sa pagasa na makakabahagi. 046 1CO 009 011 Kung ipinaghasik namin kayo ng mga bagay na ayon sa espiritu, malaking bagay baga na aming anihin ang inyong mga bagay na ayon sa laman? 046 1CO 009 012 Kung ang iba ay mayroon sa inyong matuwid, hindi baga lalo pa kami? Gayon ma'y hindi namin ginamit ang matuwid na ito; kundi aming tinitiis ang lahat ng mga bagay, upang huwag kaming makahadlang sa evangelio ni Cristo. 046 1CO 009 013 Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisipangasiwa sa mga bagay na banal, ay nagsisikain ng mga bagay na ukol sa templo, at ang mga nagsisipaglingkod sa dambana ay mga kabahagi ng dambana? 046 1CO 009 014 Gayon din naman ipinagutos ng Panginoon na ang mga nagsisipangaral ng evangelio ay dapat mangabuhay sa pamamagitan ng evangelio. 046 1CO 009 015 Nguni't ako'y hindi gumamit ng anoman sa mga bagay na ito: at hindi ko sinusulat ang mga bagay na ito upang gawin ang gayon sa akin; sapagka't mabuti pa sa akin ang mamatay, kay sa pawalang kabuluhan ninoman ang aking karangalan. 046 1CO 009 016 Sapagka't kung ipinangangaral ko ang evangelio, ay wala akong sukat ipagmapuri; sapagka't ang pangangailangan ay iniatang sa akin; sapagka't sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio. 046 1CO 009 017 Sapagka't kung ito'y gawin ko sa aking sariling kalooban, ay may ganting-pala ako: nguni't kung hindi sa aking sariling kalooban, ay mayroon akong isang pamamahala na ipinagkatiwala sa akin. 046 1CO 009 018 Ano nga kaya ang aking ganting-pala? Na pagka ipinangangaral ko ang evangelio, ay ang evangelio ay maging walang bayad, upang huwag kong gamiting lubos ang aking karapatan sa evangelio. 046 1CO 009 019 Sapagka't bagaman ako ay malaya sa lahat ng mga tao, ay napaalipin ako sa lahat, upang ako'y makahikayat ng lalong marami. 046 1CO 009 020 At sa mga Judio, ako'y nagaring tulad sa Judio, upang mahikayat ko ang mga Judio; sa mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng kautusan, bagaman wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng kautusan; 046 1CO 009 021 Sa mga walang kautusan, ay tulad sa walang kautusan, bagama't hindi ako walang kautusan sa Dios, kundi nasa ilalim ng kautusan ni Cristo, upang mahikayat ko ang mga walang kautusan. 046 1CO 009 022 Sa mga mahihina ako'y nagaring mahina, upang mahikayat ko ang mahihina: sa lahat ng mga bagay ay nakibagay ako sa lahat ng mga tao, upang sa lahat ng mga paraan ay mailigtas ko ang ilan. 046 1CO 009 023 At ginawa ko ang lahat ng mga bagay dahil sa evangelio, upang ako'y makasamang makabahagi nito. 046 1CO 009 024 Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat, nguni't iisa lamang ang tumatanggap ng ganting-pala? Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo. 046 1CO 009 025 At ang bawa't tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira; nguni't tayo'y niyaong walang pagkasira. 046 1CO 009 026 Ako nga'y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako'y sumusuntok, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin: 046 1CO 009 027 Nguni't hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil. 046 1CO 010 001 Sapagka't hindi ko ibig mga kapatid, na di ninyo maalaman, na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, at ang lahat ay nagsitawid sa dagat; 046 1CO 010 002 At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat; 046 1CO 010 003 At lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu; 046 1CO 010 004 At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo. 046 1CO 010 005 Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Dios; sapagka't sila'y ibinuwal sa ilang. 046 1CO 010 006 Ang mga bagay na ito nga'y pawang naging mga halimbawa sa atin, upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na gaya naman nila na nagsipagnasa. 046 1CO 010 007 Ni huwag din naman kayong mapagsamba sa mga diosdiosan, gaya niyaong ilan sa kanila; ayon sa nasusulat, Naupo ang bayan upang magsikain at magsiinom, at nagsitindig upang magsipagsayaw. 046 1CO 010 008 Ni huwag din naman tayong makiapid, na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid, at ang nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo. 046 1CO 010 009 Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas. 046 1CO 010 010 Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan, na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan, at nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak. 046 1CO 010 011 Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon. 046 1CO 010 012 Kaya't ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal. 046 1CO 010 013 Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't tapat ang Dios, na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis. 046 1CO 010 014 Kaya, mga minamahal ko, magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan. 046 1CO 010 015 Ako'y nagsasalitang tulad sa marurunong; hatulan ninyo ang sinasabi ko. 046 1CO 010 016 Ang saro ng pagpapala na ating pinagpapala, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputolputol, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo? 046 1CO 010 017 Bagaman tayo'y marami, ay iisa lamang tinapay, iisang katawan: sapagka't tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay. 046 1CO 010 018 Tingnan ninyo ang Israel na ayon sa laman: ang mga nagsisikain baga ng mga hain ay wala kayang pakikipagkaisa sa dambana? 046 1CO 010 019 Ano ang aking sinasabi? na ang hain baga sa mga diosdiosan ay may kabuluhan? o ang diosdiosan ay may kabuluhan? 046 1CO 010 020 Subali't sinasabi ko, na ang mga bagay na inihahain ng mga Gentil, ay kanilang inihahain sa mga demonio, at hindi sa Dios: at di ko ibig na kayo'y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonio. 046 1CO 010 021 Hindi ninyo maiinuman ang saro ng Panginoon, at ang saro ng mga demonio: kayo'y hindi maaaring makisalo sa dulang ng Panginoon, at sa dulang ng mga demonio. 046 1CO 010 022 O minumungkahi baga natin sa paninibugho ang Panginoon? tayo baga'y lalong malakas kay sa kaniya? 046 1CO 010 023 Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat. Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay. 046 1CO 010 024 Huwag hanapin ninoman ang sa kaniyang sarili, kundi ang ikabubuti ng kapuwa. 046 1CO 010 025 Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi; 046 1CO 010 026 Sapagka't ang lupa ay sa Panginoon, at ang kabuuan ng naririto. 046 1CO 010 027 Kung kayo'y aanyayahan ng isang hindi sumasampalataya, at ibig ninyong pumaroon; ang anomang ihain sa inyo ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi. 046 1CO 010 028 Datapuwa't kung sa inyo'y may magsabi, Ito'y inihandog na hain, ay huwag ninyong kanin, dahilan doon sa nagpahayag at dahilan sa budhi; 046 1CO 010 029 Budhi, sinasabi ko, hindi ang inyong sarili, kundi ang sa iba; sapagka't bakit hahatulan ang kalayaan ng budhi ng iba? 046 1CO 010 030 Kung nakikisalo ako na may pagpapasalamat, bakit ako'y aalipustain ng dahil sa aking ipinagpapasalamat? 046 1CO 010 031 Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios. 046 1CO 010 032 Huwag kayong magbigay ng dahilang ikatitisod, sa mga Judio man, sa mga Griego man, o sa iglesia man ng Dios: 046 1CO 010 033 Na gaya ko din naman, na sa lahat ng mga bagay ay nagbibigay lugod ako sa lahat ng mga tao, na hindi ko hinahanap ang aking sariling kapakinabangan, kundi ang sa marami, upang sila'y mangaligtas. 046 1CO 011 001 Maging taga tulad kayo sa akin, na gaya ko naman kay Cristo. 046 1CO 011 002 Kayo'y aking pinupuri nga, na sa lahat ng mga bagay ay naaalaala ninyo ako, at iniingatan ninyong matibay ang mga turo, na gaya ng ibinigay ko sa inyo. 046 1CO 011 003 Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios. 046 1CO 011 004 Ang bawa't lalaking nanalangin, o nanghuhula na may takip ang ulo, ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo. 046 1CO 011 005 Datapuwa't ang bawa't babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo; sapagka't gaya rin ng kung kaniyang inahitan. 046 1CO 011 006 Sapagka't kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman; nguni't kung kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay maglambong siya. 046 1CO 011 007 Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasa'y larawan siya at kaluwalhatian ng Dios: nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake. 046 1CO 011 008 Sapagka't ang lalake ay hindi sa babae; kundi ang babae ay sa lalake: 046 1CO 011 009 Sapagka't hindi nilalang ang lalake dahil sa babae; kundi ang babae dahil sa lalake; 046 1CO 011 010 Dahil dito'y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng tanda ng kapamahalaan, dahil sa mga anghel. 046 1CO 011 011 Gayon man, ang babae ay di maaaring walang lalake at ang lalake ay di maaaring walang babae, sa Panginoon. 046 1CO 011 012 Sapagka't kung paanong ang babae ay sa lalake, gayon din naman ang lalake ay sa pamamagitan ng babae; datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay sa Dios. 046 1CO 011 013 Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili: nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong? 046 1CO 011 014 Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya? 046 1CO 011 015 Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip. 046 1CO 011 016 Datapuwa't kung tila mapagtunggali ang sinoman, walang gayong ugali kami, ni ang iglesia man ng Dios. 046 1CO 011 017 Datapuwa't sa pagtatagubilin sa inyo nito, ay hindi ko kayo pinupuri, sapagka't kayo'y nangagkakatipon hindi sa lalong mabuti kundi sa lalong masama. 046 1CO 011 018 Sapagka't unauna'y nababalitaan ko na kung nangagkakatipon kayo sa iglesia, ay mayroon sa inyong mga pagkakabahabahagi; at may kaunting paniniwala ako. 046 1CO 011 019 Sapagka't tunay na sa inyo'y mayroong mga hidwang pananampalataya, upang yaong mga napatunayan na ay mangahayag sa inyo. 046 1CO 011 020 Kung kayo nga ay nangagkakatipon, ay hindi kayo maaaring magsikain ng hapunan ng Panginoon; 046 1CO 011 021 Sapagka't sa inyong pagkain, ang bawa't isa'y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba; at ang isa ay gutom, at ang iba'y lasing. 046 1CO 011 022 Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri. 046 1CO 011 023 Sapagka't tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay; 046 1CO 011 024 At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. 046 1CO 011 025 At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin. 046 1CO 011 026 Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya. 046 1CO 011 027 Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. 046 1CO 011 028 Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro. 046 1CO 011 029 Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon. 046 1CO 011 030 Dahil dito'y marami sa inyo ang mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang nangatutulog. 046 1CO 011 031 Datapuwa't kung ating kilalanin ang ating sarili, ay hindi tayo hahatulan. 046 1CO 011 032 Datapuwa't kung tayo'y hinahatulan, ay pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan. 046 1CO 011 033 Dahil dito, mga kapatid ko, kung kayo'y mangagsasalosalo sa pagkain, ay mangaghintayan kayo. 046 1CO 011 034 Kung ang sinoman ay magutom, kumain siya sa bahay; upang ang inyong pagsasalosalo ay huwag maging sa paghatol. At ang iba ay aking aayusin pagpariyan ko. 046 1CO 012 001 Ngayong tungkol sa mga kaloob na ayon sa espiritu, mga kapatid, ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam. 046 1CO 012 002 Nalalaman ninyo na nang kayo'y mga Gentil pa, ay iniligaw kayo sa mga piping diosdiosan, sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo. 046 1CO 012 003 Kaya't ipinatatalastas ko sa inyo, na wala sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi, Si Jesus ay itinakwil; at wala sinoman ay makapagsasabi, Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. 046 1CO 012 004 Ngayo'y may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't iisang Espiritu. 046 1CO 012 005 At may iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon. 046 1CO 012 006 At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat. 046 1CO 012 007 Datapuwa't sa bawa't isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman. 046 1CO 012 008 Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan; at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu: 046 1CO 012 009 Sa iba'y ang pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu. 046 1CO 012 010 At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang iba't ibang wika; at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika. 046 1CO 012 011 Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig. 046 1CO 012 012 Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo. 046 1CO 012 013 Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu. 046 1CO 012 014 Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami. 046 1CO 012 015 Kung sasabihin ng paa, Sapagka't hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan. 046 1CO 012 016 At kung sasabihin ng tainga, Sapagka't hindi ako mata, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan. 046 1CO 012 017 Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang lahat ay pawang pakinig, saan naroroon ang pangamoy. 046 1CO 012 018 Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling. 046 1CO 012 019 At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan? 046 1CO 012 020 Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan. 046 1CO 012 021 At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan: at hindi rin ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan. 046 1CO 012 022 Hindi, kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari'y lalong mahihina: 046 1CO 012 023 At yaong mga sangkap ng katawan, na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan; 046 1CO 012 024 Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan; 046 1CO 012 025 Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa't isa. 046 1CO 012 026 At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri, ang lahat ng mga sangkap ay nangagagalak na kasama niya. 046 1CO 012 027 Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya. 046 1CO 012 028 At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika. 046 1CO 012 029 Lahat baga'y mga apostol? lahat baga'y mga propeta? lahat baga'y mga guro? lahat baga'y mga manggagawa ng mga himala? 046 1CO 012 030 May mga kaloob na pagpapagaling baga ang lahat? nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika? lahat baga ay nangagpapaliwanag? 046 1CO 012 031 Datapuwa't maningas ninyong nasain, ang lalong dakilang mga kaloob. At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan. 046 1CO 013 001 Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw. 046 1CO 013 002 At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa't mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan. 046 1CO 013 003 At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin. 046 1CO 013 004 Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. 046 1CO 013 005 Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama; 046 1CO 013 006 Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan; 046 1CO 013 007 Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis. 046 1CO 013 008 Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala. 046 1CO 013 009 Sapagka't nangakakakilala tayo ng bahagya, at nanganghuhula tayo ng bahagya; 046 1CO 013 010 Datapuwa't kung dumating ang sakdal, ang bahagya ay matatapos. 046 1CO 013 011 Nang ako'y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata. 046 1CO 013 012 Sapagka't ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin; nguni't pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayo'y nakikilala ko ng bahagya, nguni't pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin. 046 1CO 013 013 Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig. 046 1CO 014 001 Sundin ninyo ang pagibig; gayon ma'y maningas ninyong pakanasain ang mga kaloob na ayon sa espiritu, nguni't lalo na ang kayo'y mangakapanghula. 046 1CO 014 002 Sapagka't ang nagsasalita ng wika ay hindi sa mga tao nagsasalita, kundi sa Dios; sapagka't walang nakauunawa sa kaniya; kundi sa espiritu ay nagsasalita ng mga hiwaga. 046 1CO 014 003 Datapuwa't ang nanghuhula ay nagsasalita sa mga tao sa ikatitibay, at sa ikapangangaral, at sa ikaaaliw. 046 1CO 014 004 Ang nagsasalita ng wika, ay nagpapatibay sa sarili; nguni't ang nanghuhula ay nagpapatibay sa iglesia. 046 1CO 014 005 Ibig ko sanang kayong lahat ay mangagsalita ng mga wika, datapuwa't lalo na ang kayo'y magsipanghula: at lalong dakila ang nanghuhula kay sa nagsasalita ng mga wika, maliban na kung siya'y magpapaliwanag upang ang iglesia ay mapagtibay. 046 1CO 014 006 Ngayon nga, mga kapatid, kung ako'y pumariyan sa inyo na nagsasalita ng mga wika, anong inyong pakikinabangin sa akin, maliban na kung kayo'y pagsalitaan ko sa pamamagitan ng pahayag, o ng kaalaman, o ng panghuhula, o ng aral? 046 1CO 014 007 Kahit ang mga bagay na walang buhay, na nagsisitunog, maging plauta, o alpa, kundi bigyan ng pagkakaiba ang mga tunog, paanong malalaman kung ano ang tinutugtog sa plauta o sa alpa? 046 1CO 014 008 Sapagka't kung ang pakakak ay tumunog na walang katiyakan, sino ang hahanda sa pakikibaka? 046 1CO 014 009 Gayon din naman kayo, kung hindi ipinangungusap ninyo ng dila ang mga salitang madaling maunawaan, paanong matatalos ang inyong sinasalita? sapagka't sa hangin kayo magsisipagsalita. 046 1CO 014 010 Halimbawa, mayroon ngang iba't ibang mga tinig sa sanglibutan, at walang di may kahulugan. 046 1CO 014 011 Kung hindi ko nga nalalaman ang kahulugan ng tinig, magiging barbaro ako sa nagsasalita, at ang nagsasalita ay magiging barbaro sa akin. 046 1CO 014 012 Gayon din naman kayo, na yamang kayo'y mapagsikap sa mga kaloob na ayon sa espiritu ay pagsikapan ninyong kayo'y magsisagana sa ikatitibay ng iglesia. 046 1CO 014 013 Kaya't ang nagsasalita ng wika ay manalangin na siya'y makapagpaliwanag. 046 1CO 014 014 Sapagka't kung ako'y nananalangin sa wika, ay nananalangin ang aking espiritu, datapuwa't ang aking pagiisip ay hindi namumunga. 046 1CO 014 015 Ano nga ito? Mananalangin ako sa espiritu, at mananalangin din naman ako sa pagiisip: aawit ako sa espiritu, at aawit din naman ako sa pagiisip. 046 1CO 014 016 Sa ibang paraan, kung ikaw ay nagpupuri sa espiritu, ang nasa kalagayan ng di marunong, paanong siya'y makapagsasabi ng Siya nawa, sa iyong pagpapasalamat, palibhasa'y hindi nalalaman ang inyong sinasabi? 046 1CO 014 017 Sapagka't ikaw sa katotohanan ay nagpapasalamat kang mabuti, datapuwa't ang iba'y hindi napapagtibay. 046 1CO 014 018 Nagpapasalamat ako sa Dios, na ako'y nagsasalita ng mga wika na higit kay sa inyong lahat: 046 1CO 014 019 Nguni't sa iglesia ibig ko pang magsalita ng limang salita ng aking pagiisip, upang makapagturo ako naman sa iba, kay sa magsalita ng sangpung libong salita sa wika. 046 1CO 014 020 Mga kapatid, huwag kayong mangagpakabata sa pagiisip; gayon ma'y sa kahalayan ay mangagpakasanggol kayo, datapuwa't sa pagiisip kayo'y mangagpakatao. 046 1CO 014 021 Sa kautusan ay nasusulat, sa pamamagitan ng mga taong may iba't ibang wika, at sa pamamagitan ng mga labi ng mga taga ibang lupa ay magsasalita ako, sa bayang ito: at gayon ma'y hindi ako pakikinggan nila, ang sabi ng Panginoon. 046 1CO 014 022 Kaya nga ang mga wika ay pinaka tanda, hindi sa mga nagsisisampalataya; kundi sa mga hindi nagsisisampalataya; nguni't ang panghuhula ay hindi sa mga hindi nagsisisampalataya, kundi sa mga nagsisisampalataya. 046 1CO 014 023 Kung ang buong iglesia nga'y magkatipon sa isang dako at lahat ay mangagsalita ng mga wika, at mangagsipasok ang mga hindi marurunong o hindi mga nagsisisampalataya, hindi baga nila sasabihing kayo'y mga ulol? 046 1CO 014 024 Datapuwa't kung ang lahat ay nagsisipanghula, at may pumasok na isang hindi sumasampalataya, o hindi marunong, mahihikayat siya ng lahat, masisiyasat siya ng lahat; 046 1CO 014 025 Ang mga lihim ng kaniyang puso ay nahahayag; at sa gayo'y magpapatirapa siya at sasamba sa Dios, na sasabihing tunay ngang ang Dios ay nasa gitna ninyo. 046 1CO 014 026 Ano nga ito, mga kapatid? Pagka kayo'y nangagkakatipon ang bawa't isa sa inyo'y may isang awit, may isang aral, may isang pahayag, may wika, may isang pagpapaliwanag. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay. 046 1CO 014 027 Kung nagsasalita ang sinoman ng wika, maging dalawa, o huwag higit sa tatlo, at sunodsunod; at ang isa'y magpaliwanag: 046 1CO 014 028 Datapuwa't kung walang tagapagpaliwanag ay tumahimik siya sa iglesia; at siya'y magsalita sa kaniyang sarili, at sa Dios. 046 1CO 014 029 At ang dalawa o tatlo sa mga propeta ay magsipagsalita, at ang mga iba'y mangagsiyasat. 046 1CO 014 030 Datapuwa't kung may ipinahayag na anoman sa isang nauupo, ay tumahimik ang nauuna. 046 1CO 014 031 Sapagka't kayong lahat ay makapanghuhulang isa-isa, upang ang lahat ay mangatuto, at ang lahat ay maaralan; 046 1CO 014 032 At ang mga espiritu ng mga propeta ay nasasakupan ng mga propeta; 046 1CO 014 033 Sapagka't ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. Gaya sa lahat ng mga iglesia ng mga banal, 046 1CO 014 034 Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia: sapagka't sila'y walang kapahintulutang mangagsalita; kundi sila'y pasakop, gaya naman ng sinasabi ng kautusan. 046 1CO 014 035 At kung ibig nilang maalaman ang anomang bagay, magtanong sila sa kanilang asawa sa bahay; sapagka't mahalay na ang isang babae ay magsalita sa iglesia. 046 1CO 014 036 Ano? lumabas baga mula sa inyo ang salita ng Dios? o sa inyo lamang dumating? 046 1CO 014 037 Kung iniisip ninoman na siya'y propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo'y isinusulat ko, na pawang utos ng Panginoon. 046 1CO 014 038 Datapuwa't kung ang sinoman ay mangmang, ay manatili siyang mangmang. 046 1CO 014 039 Kaya nga, mga kapatid ko, maningas na pakanasain ninyong makapanghula, at huwag ninyong ipagbawal ang magsalita ng mga wika. 046 1CO 014 040 Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay. 046 1CO 015 001 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan, 046 1CO 015 002 Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan. 046 1CO 015 003 Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, 046 1CO 015 004 At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan; 046 1CO 015 005 At siya'y napakita kay Cefas, at saka sa labingdalawa; 046 1CO 015 006 Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hanggang ngayon, datapuwa't ang mga iba'y nangatulog na; 046 1CO 015 007 Saka napakita kay Santiago; at saka sa lahat ng mga apostol; 046 1CO 015 008 At sa kahulihulihan, tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan, ay napakita naman siya sa akin. 046 1CO 015 009 Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka't pinagusig ko ang iglesia ng Dios. 046 1CO 015 010 Datapuwa't sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, ako nga'y ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; bagkus ako'y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat: bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin. 046 1CO 015 011 Maging ako nga o sila, ay gayon ang aming ipinangangaral, at gayon ang inyong sinampalatayanan. 046 1CO 015 012 Kung si Cristo nga'y ipinangangaral na siya'y muling binuhay sa mga patay, bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay? 046 1CO 015 013 Datapuwa't kung walang pagkabuhay na maguli ng mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo: 046 1CO 015 014 At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya. 046 1CO 015 015 Oo, at kami ay nasusumpungang mga saksing bulaan tungkol sa Dios; sapagka't aming sinasaksihan tungkol sa Dios, na kaniyang muling binuhay si Cristo; na hindi siyang muling nabuhay, kung tunay nga ang mga patay ay hindi muling binubuhay. 046 1CO 015 016 Sapagka't kung hindi muling binubuhay ang mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo: 046 1CO 015 017 At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa. 046 1CO 015 018 Kung gayon nga, ang mga nangatutulog din naman kay Cristo ay pawang nangapahamak. 046 1CO 015 019 Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag. 046 1CO 015 020 Datapuwa't si Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog. 046 1CO 015 021 Sapagka't yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay. 046 1CO 015 022 Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin. 046 1CO 015 023 Datapuwa't ang bawa't isa'y sa kaniyang sariling katayuan; si Cristo ang pangunahing bunga; pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa kaniyang pagparito. 046 1CO 015 024 Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan. 046 1CO 015 025 Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway. 046 1CO 015 026 Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan. 046 1CO 015 027 Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya. 046 1CO 015 028 At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat. 046 1CO 015 029 Sa ibang paraan, anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay? Kung ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay, bakit nga sila'y binabautismuhan dahil sa kanila? 046 1CO 015 030 Bakit baga naman tayo'y nanganganib bawa't oras? 046 1CO 015 031 Ipinahahayag ko alangalang sa ikaluluwalhati ninyo, mga kapatid, na taglay ko kay Cristo Jesus na Panginoon natin na araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako. 046 1CO 015 032 Kung ako'y nakipagbaka sa Efeso laban sa mga ganid, ayon sa kaugalian ng tao, ano ang pakikinabangin ko? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo'y mangamamatay. 046 1CO 015 033 Huwag kayong padaya: Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali. 046 1CO 015 034 Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, at huwag mangagkasala; sapagka't may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayo'y kilusin sa kahihiyan. 046 1CO 015 035 Datapuwa't sasabihin ng iba, Paanong muling bubuhayin ang mga patay? at anong anyo ng katawan ang iparirito nila? 046 1CO 015 036 Ikaw na mangmang, ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay: 046 1CO 015 037 At ang iyong inihahasik ay hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw, kundi ang butil lamang, na marahil ay trigo, o ibang bagay; 046 1CO 015 038 Datapuwa't ang Dios ay nagbibigay ng katawan dito ayon sa kaniyang minagaling, at sa bawa't binhi ay ang sariling katawan. 046 1CO 015 039 Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman: kundi may laman sa mga tao, at ibang laman sa mga hayop, at ibang laman sa mga ibon, at ibang laman sa mga isda. 046 1CO 015 040 Mayroon namang mga katawang ukol sa langit, at mga katawang ukol sa lupa: datapuwa't iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit, at iba ang ukol sa lupa. 046 1CO 015 041 Iba ang kaluwalhatian ng araw, at iba ang kaluwalhatian ng buwan, at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin; sapagka't ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian. 046 1CO 015 042 Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay. Itinatanim na may kasiraan; binubuhay na maguli na walang kasiraan; 046 1CO 015 043 Itinatanim na may pagkasiphayo; binubuhay na maguli na may kaluwalhatian: itinatanim na may kahinaan; binubuhay na maguli na may kapangyarihan: 046 1CO 015 044 Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman. 046 1CO 015 045 Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay. 046 1CO 015 046 Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu. 046 1CO 015 047 Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit. 046 1CO 015 048 Kung ano ang ukol sa lupa, ay gayon din naman silang mga taga lupa: at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit. 046 1CO 015 049 At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa, ay tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit. 046 1CO 015 050 Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan. 046 1CO 015 051 Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni't tayong lahat ay babaguhin, 046 1CO 015 052 Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin. 046 1CO 015 053 Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan. 046 1CO 015 054 Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan. 046 1CO 015 055 Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo? 046 1CO 015 056 Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan: 046 1CO 015 057 Datapuwa't salamat sa Dios, na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo. 046 1CO 015 058 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayo'y magsitatag, huwag makilos, na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon. 046 1CO 016 001 Ngayon tungkol sa ambagan sa mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia. 046 1CO 016 002 Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko. 046 1CO 016 003 At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem: 046 1CO 016 004 At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko. 046 1CO 016 005 Nguni't ako'y paririyan sa inyo, pagkaraan ko sa Macedonia; sapagka't magdaraan ako sa Macedonia; 046 1CO 016 006 Datapuwa't marahil ako'y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw, upang ako'y tulungan ninyo sa aking paglalakbay saan man ako pumaroon. 046 1CO 016 007 Sapagka't hindi ko ibig na kayo'y makita ngayon sa paglalakbay; sapagka't inaasahan kong ako'y makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon. 046 1CO 016 008 Datapuwa't ako'y titigil sa Efeso hanggang sa Pentecostes; 046 1CO 016 009 Sapagka't sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at marami ang mga kaaway. 046 1CO 016 010 Ngayon kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman: 046 1CO 016 011 Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya. Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay, upang siya'y makaparito sa akin: sapagka't inaasahan ko siya'y kasama ng mga kapatid. 046 1CO 016 012 Nguni't tungkol sa kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon. 046 1CO 016 013 Magsipagingat kayo, mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, kayo'y mangagpakalalake, kayo'y mangagpakalakas. 046 1CO 016 014 Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa. 046 1CO 016 015 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang pangunahing bunga ng Acaya, at nangagsitalaga sa paglilingkod sa mga banal), 046 1CO 016 016 Na kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal. 046 1CO 016 017 At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila. 046 1CO 016 018 Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon. 046 1CO 016 019 Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay. 046 1CO 016 020 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Kayo'y mangagbatian ng halik na banal. 046 1CO 016 021 Ang bati ko, ni Pablo na sinulat ng aking sariling kamay. 046 1CO 016 022 Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, ay maging takuwil siya. Maranatha. 046 1CO 016 023 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa. 046 1CO 016 024 Ang aking pagibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa. # # BOOK 047 2CO 2 Corinthians 2 Mga Corinto 047 2CO 001 001 Si Pablo, na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Timoteo, na ating kapatid sa Iglesia ng Dios na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya. 047 2CO 001 002 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo. 047 2CO 001 003 Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, ang Ama ng mga kaawaan at Dios ng buong kaaliwan; 047 2CO 001 004 Na siyang umaaliw sa atin sa lahat ng kapighatian, upang ating maaliw ang nangasa anomang kapighatian, sa pamamagitan ng pagaliw na inialiw din sa atin ng Dios. 047 2CO 001 005 Sapagka't kung paanong sumasagana sa atin ang mga sakit ni Cristo, ay gayon din naman ang aming kaaliwan ay sumasagana sa pamamagitan ni Cristo. 047 2CO 001 006 Datapuwa't maging kami man ay mapighati, ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan; o maging kami man ay maaliw ay para sa inyong kaaliwan, na siyang gumagawa sa pagdadalitang may pagtitiis ng mga gayon ding pagbabata na amin namang binabata: 047 2CO 001 007 At ang aming pagasa tungkol sa inyo ay matibay; yamang nalalaman na kung paanong kayo'y mga karamay sa mga sakit, ay gayon din naman kayo sa kaaliwan. 047 2CO 001 008 Hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, ng tungkol sa mga kapighatian namin na nangyari sa Asia, na kami ay totoong nabigatan, ng higit sa aming kaya, ano pa't kami ay nawalan na ng pagasa sa buhay: 047 2CO 001 009 Oo, kami'y nagkaroon sa aming sarili ng hatol sa kamatayan, upang huwag kaming magkatiwala sa amin ding sarili, kundi sa Dios na bumubuhay na maguli ng mga patay: 047 2CO 001 010 Na siyang sa amin ay nagligtas sa gayong lubhang malaking kamatayan, at nagliligtas: na siya naming inaasahan na siya namang magliligtas pa sa amin; 047 2CO 001 011 Kayo naman na nagsisitulong ng inyong panalangin na patungkol sa amin; upang dahil sa kaloob na ipinagkaloob sa amin sa pamamagitan ng marami, ay makapagpasalamat ang maraming tao dahil sa amin. 047 2CO 001 012 Sapagka't ang aming pagmamapuri ay ito, ang pagpapatotoo ng aming budhi, ayon sa kabanalan at pagtatapat sa Dios, hindi ayon sa karunungan ng laman, kundi sa biyaya ng Dios, na kami'y nagugali ng gayon sa sanglibutan at lalong sagana pa nga sa inyo. 047 2CO 001 013 Sapagka't hindi namin kayo sinusulatan ng ibang mga bagay, maliban na sa inyong binabasa, o kinikilala, at umaasa ako na inyong kikilalanin hanggang sa katapusan: 047 2CO 001 014 Gaya naman ng inyong bahagyang pagkilala sa amin, na kami'y inyong kapurihan, gayon din naman kayo'y sa amin, sa araw ng Panginoong si Jesus. 047 2CO 001 015 At sa pagkakatiwalang ito ay ninasa kong pumariyan muna sa inyo, upang kayo'y mangagkaroon ng pangalawang pakinabang; 047 2CO 001 016 At magdaan sa inyo na patungo sa Macedonia, at muling buhat sa Macedonia ay magbalik sa inyo, at nang tulungan ninyo ako sa paglalakbay ko sa Judea. 047 2CO 001 017 Nang nasain ko nga ang ganito, ako baga kaya ay nagatubili? o ang mga bagay na ninasa ko, ay mga ninasa ko baga ayon sa laman, upang magkaroon sa akin ng oo, oo, at ng hindi, hindi? 047 2CO 001 018 Nguni't palibhasa'y ang Dios ay tapat, ang aming salita sa inyo ay di oo at hindi. 047 2CO 001 019 Sapagka't ang Anak ng Dios, si Jesucristo, na ipinangaral namin sa inyo, ako at si Silvano at si Timoteo, hindi naging oo at hindi, kundi sa kaniya ay naging oo. 047 2CO 001 020 Sapagka't maging gaano man ang mga pangako ng Dios, ay nasa kaniya ang oo: kaya nga naman na sa kaniya ang Siya Nawa sa ikaluluwalhati ng Dios sa pamamagitan namin. 047 2CO 001 021 Ngayon, siya na ang nagpapatibay sa amin na kasama ninyo kay Cristo, at nagpahid sa atin, ay ang Dios, 047 2CO 001 022 Na siyang nagtatak naman sa atin, at nagbigay ng patotoo ng Espiritu sa ating mga puso. 047 2CO 001 023 Datapuwa't ang Dios ang tinatawag kong maging saksi sa aking kaluluwa, na upang huwag kayong papagdamdamin ay hindi muna ako napariyan sa Corinto. 047 2CO 001 024 Hindi sa kami ay may pagkapanginoon sa inyong pananampalataya, kundi kami ay mga tagatulong sa inyong katuwaan: sapagka't sa pananampalataya kayo'y nangagsisitatag. 047 2CO 002 001 Datapuwa't ito'y ipinasiya ko sa aking sarili, na hindi na ako muling paririyan sa inyo na may kalumbayan. 047 2CO 002 002 Sapagka't kung kayo'y palulumbayin ko, sino nga ang sa akin ay magpapagalak, kundi yaong pinalulumbay ko? 047 2CO 002 003 At aking isinulat ang bagay ring ito, upang pagdating ko ay huwag akong magkaroon ng kalumbayan doon sa mga nararapat kong ikagalak; sa pagkakatiwala sa inyong lahat, na ang aking kagalakan ay kagalakan ninyong lahat. 047 2CO 002 004 Sapagka't sa malaking kapighatian at hapis ng puso ay sinulatan ko kayo na may maraming luha; hindi upang kayo'y palumbayin, kundi upang inyong makilala ang pagibig kong napakasagana sa inyo. 047 2CO 002 005 Datapuwa't kung ang sinoman ay nakapagpalumbay, hindi ako ang pinalumbay niya, kundi sa isang paraan ay kayong lahat (upang huwag kong higpitang totoo). 047 2CO 002 006 Sukat na sa gayon ang kaparusahang ito na ipinarusa ng marami; 047 2CO 002 007 Upang bagkus ninyong patawarin siya at aliwin siya, baka sa anomang paraan ay madaig ang gayon ng kaniyang malabis na kalumbayan. 047 2CO 002 008 Dahil dito'y ipinamamanhik ko sa inyo na papagtibayin ninyo ang pagibig sa kaniya. 047 2CO 002 009 Sapagka't dahil din sa bagay na ito ay sumulat ako, upang aking makilala ang katunayan tungkol sa inyo, kung kayo'y mga matalimahin sa lahat ng mga bagay. 047 2CO 002 010 Datapuwa't ang inyong pinatatawad ng anoman ay pinatatawad ko rin naman: sapagka't ang aking ipinatawad naman, kung ako'y nagpapatawad ng anoman, ay dahil sa inyo, sa harapan ni Cristo; 047 2CO 002 011 Upang huwag kaming malamangan ni Satanas: sapagka't kami ay hindi hangal sa kaniyang mga lalang. 047 2CO 002 012 Nang ako'y dumating nga sa Troas dahil sa evangelio ni Cristo, at nang mabuksan sa akin ang isang pinto sa Panginoon, 047 2CO 002 013 Ay hindi ako nagkaroon ng katiwasayan sa aking espiritu, sapagka't hindi ko nasumpungan si Tito na kapatid ko: datapuwa't pagkapagpaalam ko sa kanila, ako'y napasa Macedonia. 047 2CO 002 014 Datapuwa't salamat sa Dios, na laging pinapagtatagumpay tayo kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawa't dako. 047 2CO 002 015 Sapagka't sa mga inililigtas, at sa mga napapahamak ay masarap tayong samyo ni Cristo sa Dios; 047 2CO 002 016 Sa isa ay samyo mula sa kamatayan sa ikamamatay; at sa iba ay samyong mula sa kabuhayan sa ikabubuhay. At sino ang sapat sa mga bagay na ito? 047 2CO 002 017 Sapagka't hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo. 047 2CO 003 001 Pinasisimulan baga naming muli na ipagkapuri ang aming sarili? o kami baga ay nangangailangan gaya ng iba, ng mga sulat na papuri sa inyo, o mula sa inyo? 047 2CO 003 002 Kayo ay ang aming sulat, na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao; 047 2CO 003 003 Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buhay, hindi sa mga tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng pusong laman. 047 2CO 003 004 At ang gayong pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo: 047 2CO 003 005 Hindi sa kami ay sapat na sa aming sarili, upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili; kundi ang aming kasapatan ay mula sa Dios; 047 2CO 003 006 Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga ministro ng bagong tipan; hindi ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't ang titik ay pumapatay, datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay. 047 2CO 003 007 Nguni't kung ang pangangasiwa ng kamatayan, na nasusulat, at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may kaluwalhatian, ano pa't ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises, dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha; na ang kaluwalhatiang ito'y lumilipas: 047 2CO 003 008 Paanong hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian ang pangangasiwa ng espiritu? 047 2CO 003 009 Sapagka't kung ang pangangasiwa ng kahatulan ay may kaluwalhatian, ay bagkus pa ngang higit na sagana sa kaluwalhatian ang pangasiwang ukol sa katuwiran. 047 2CO 003 010 Sapagka't katotohanang ang pinaluwalhati ay hindi pinaluwalhati sa bagay na ito, ng dahil sa kaluwalhatiang sumasagana. 047 2CO 003 011 Sapagka't kung ang lumilipas ay may kaluwalhatian, ay lalo pang nananatili ay nasa kaluwalhatian. 047 2CO 003 012 Yaman ngang mayroong gayong pagasa ay ginagamit namin ang buong katapangan ng pananalita, 047 2CO 003 013 At hindi gaya ni Moises, na nagtalukbong ng kaniyang mukha upang ang mga anak ni Israel ay huwag magsititig sa katapusan niyaong lumilipas: 047 2CO 003 014 Datapuwa't ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas: sapagka't hanggang sa araw na ito, pagka binabasa ang matandang tipan, ang talukbong ding iyon ay nananatili na hindi itinataas, na ito'y naalis sa pamamagitan ni Cristo. 047 2CO 003 015 Datapuwa't hanggang sa araw na ito, kailan ma't binabasa ang mga aklat ni Moises, ay may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso. 047 2CO 003 016 Nguni't kailan ma't magbalik sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong. 047 2CO 003 017 Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan. 047 2CO 003 018 Datapuwa't tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu. 047 2CO 004 001 Kaya nga sa pagkakaroon namin ng ministeriong ito, ayon sa aming tinanggap na kaawaan, ay hindi kami nanghihina. 047 2CO 004 002 Bagkus tinanggihan namin ang mga kahiyahiyang bagay na nangatatago, na hindi kami nagsisilakad sa katusuhan, ni nagsisigamit man na may daya ng mga salita ng Dios; kundi sa pagpapahayag ng katotohanan ay ipinagtatagubilin ang aming sarili sa bawa't budhi ng mga tao sa harapan ng Dios. 047 2CO 004 003 At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: 047 2CO 004 004 Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios. 047 2CO 004 005 Sapagka't hindi namin ipinangangaral ang aming sarili, kundi si Cristo Jesus na Panginoon, at kami ay gaya ng inyong mga alipin dahil kay Cristo. 047 2CO 004 006 Yamang ang Dios, ang nagsabi, Magniningning ang ilaw sa kadiliman, na siyang nagningning sa aming mga puso, upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo. 047 2CO 004 007 Nguni't taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa Dios, at huwag mula sa aming sarili; 047 2CO 004 008 Sa magkabikabila ay nangagigipit kami, gayon ma'y hindi nangaghihinagpis; nangatitilihan, gayon ma'y hindi nangawawalan ng pagasa; 047 2CO 004 009 Pinaguusig, gayon ma'y hindi pinababayaan; inilulugmok, gayon ma'y hindi nangasisira; 047 2CO 004 010 Laging saan ma'y tinataglay sa katawan ang kamatayan ni Jesus, upang ang buhay ni Jesus ay mahayag naman sa aming katawan. 047 2CO 004 011 Sapagka't kaming nangabubuhay ay laging ibinibigay sa kamatayan dahil kay Jesus, upang ang buhay naman ni Jesus ay mahayag sa aming lamang may kamatayan. 047 2CO 004 012 Kaya nga ang kamatayan ay gumagawa sa amin, datapuwa't ang buhay ay sa inyo. 047 2CO 004 013 Nguni't yamang mayroong gayon ding espiritu ng pananampalataya, na gaya ng nasusulat, Sumampalataya ako, at kaya't nagsalita ako; kami naman ay nagsisisampalataya, at kaya't kami naman ay nangagsasalita; 047 2CO 004 014 Na aming nalalaman na ang bumuhay na maguli sa Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay na maguli sa amin na kalakip ni Jesus, at ihaharap kaming kasama ninyo. 047 2CO 004 015 Sapagka't ang lahat ng mga bagay ay dahil sa inyo, upang ang biyaya na pinarami sa pamamagitan ng marami, ay siyang magpasagana ng pagpapasalamat sa ikaluluwalhati ng Dios. 047 2CO 004 016 Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama't ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni't ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw. 047 2CO 004 017 Sapagka't ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan; 047 2CO 004 018 Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan. 047 2CO 005 001 Sapagka't nalalaman namin na kung masira ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios, bahay na hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan, sa sangkalangitan. 047 2CO 005 002 Sapagka't tunay na sa ganito kami ay nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit: 047 2CO 005 003 Na kung mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad. 047 2CO 005 004 Sapagka't tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami'y bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay. 047 2CO 005 005 Ngayon ang gumawa sa amin ng bagay ding ito ay ang Dios, na nagbigay sa amin ng patotoo ng Espiritu. 047 2CO 005 006 Kaya nga kami'y laging malakas ang loob, at nalalaman namin na, samantalang kami ay nangasa tahanan sa katawan, ay wala kami sa harapan ng Panginoon. 047 2CO 005 007 (Sapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin); 047 2CO 005 008 Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon. 047 2CO 005 009 Kaya't ang amin namang pinagsisikapan, maging sa tahanan man o di man, ay maging kalugodlugod kami sa kaniya. 047 2CO 005 010 Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama. 047 2CO 005 011 Yamang nalalaman nga ang pagkatakot sa Panginoon, ay aming hinihikayat ang mga tao, nguni't kami ay nangahahayag sa Dios; at inaasahan ko na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi. 047 2CO 005 012 Hindi namin ipinagkakapuring muli ang aming sarili sa inyo, kundi binibigyan namin kayo ng dahilan na ikaluluwalhati ninyo dahil sa amin, upang kayo'y mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagpapaluwalhati sa anyo, at hindi sa puso. 047 2CO 005 013 Sapagka't kung kami ay maging mga ulol, ay para sa Dios; o maging kami ay mahinahon ang pagiisip, ay para sa inyo. 047 2CO 005 014 Sapagka't ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagka't ipinasisiya namin ang ganito, na kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung gayo'y lahat ay nangamatay; 047 2CO 005 015 At siya'y namatay dahil sa lahat, upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay. 047 2CO 005 016 Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala ang sinoman ayon sa laman: bagama't nakilala namin si Cristo ayon sa laman, nguni't sa ngayo'y hindi na namin nakikilala siyang gayon. 047 2CO 005 017 Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago. 047 2CO 005 018 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo; 047 2CO 005 019 Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo. 047 2CO 005 020 Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios. 047 2CO 005 021 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios. 047 2CO 006 001 At yamang kalakip niyang gumagawa ay ipinamamanhik din namin sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Dios na walang kabuluhan. 047 2CO 006 002 (Sapagka't sinasabi niya, Sa panahong ukol kita'y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan): 047 2CO 006 003 Na di nagbibigay ng kadahilanang ikatitisod sa anoman, upang ang aming ministerio ay huwag mapulaan; 047 2CO 006 004 Datapuwa't sa lahat ng mga bagay ay ipinagkakapuri namin ang aming sarili, gaya ng mga ministro ng Dios, sa maraming pagtitiis, sa mga kapighatian, sa mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis, 047 2CO 006 005 Sa mga latay, sa mga pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga gawa, sa mga pagpupuyat, sa mga pagaayuno; 047 2CO 006 006 Sa kalinisan, sa kaalaman, sa pagpapahinuhod, sa kagandahang-loob, sa Espiritu Santo, sa pagibig na hindi pakunwari, 047 2CO 006 007 Sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Dios; sa pamamagitan ng mga sandata ng katuwiran sa kanan at sa kaliwa, 047 2CO 006 008 Sa pamamagitan ng karangalan at ng kasiraang puri, sa pamamagitan ng masamang ulat at ng mabuting ulat; gaya ng mga magdaraya gayon ma'y mga mapagtapat; 047 2CO 006 009 Waring hindi mga kilala, gayon ma'y mga kilalang mabuti; tulad sa nangaghihingalo, at narito, kami ay nangabubuhay; gaya ng mga pinarurusahan, at hindi pinapatay; 047 2CO 006 010 Tulad sa nangalulungkot, gayon ma'y laging nangagagalak; tulad sa mga dukha, gayon ma'y nangagpapayaman sa marami; gaya ng walang anomang pag-aari, gayon ma'y mayroon ng lahat ng mga bagay. 047 2CO 006 011 Ang aming bibig ay bukas para sa inyo, Oh mga taga Corinto, ang aming puso ay lumalaki. 047 2CO 006 012 Hindi kayo nangakasisikip sa amin, kundi nangasisikipan kayo sa inyong sariling pagibig. 047 2CO 006 013 Kaya nga bilang ganti sa gayong bagay (nangungusap akong gaya sa aking mga anak), ay mangagsilaki naman kayo. 047 2CO 006 014 Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman? 047 2CO 006 015 At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya? 047 2CO 006 016 At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan. 047 2CO 006 017 Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin, 047 2CO 006 018 At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat. 047 2CO 007 001 Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios. 047 2CO 007 002 Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso: hindi namin inapi ang sinoman, hindi namin ipinasama ang sinoman, hindi namin dinaya ang sinoman. 047 2CO 007 003 Hindi ko sinasabi ito upang kayo'y hatulan: sapagka't sinabi ko na nang una, na kayo'y nasa aming mga puso upang magkasamang mamatay at magkasamang mabuhay. 047 2CO 007 004 Malaki ang katapangan ko ng pagsasalita sa inyo, malaki ang aking kapurihan dahil sa inyo: ako'y puspos ng kaaliwan, nananagana sa katuwaan sa lahat ng aming kapighatian. 047 2CO 007 005 Sapagka't nagsidating man kami sa Macedonia ang aming laman ay hindi nagkaroon ng katiwasayan, kundi sa lahat kami ay pinipighati; sa labas ay mga pagbabaka, sa loob ay mga katakutan. 047 2CO 007 006 Gayon man ang Dios na umaaliw sa mabababang-loob, ay kami'y inaliw sa pamamagitan ng pagdating ni Tito; 047 2CO 007 007 At hindi lamang sa kaniyang pagdating, kundi naman sa kaaliwan ng inialiw sa kaniya dahil sa inyo, nang sa amin ay ibalita niya ang inyong pananabik, ang inyong kalumbayan, ang inyong pagmamalasakit dahil sa akin; ano pa't ako'y lubha pang nagalak. 047 2CO 007 008 Sapagka't bagaman ako'y nakapagpalumbay sa inyo sa aking sulat, ay hindi ko dinaramdam: bagama't aking dinamdam (sapagka't akin ngang natatalastas na ang sulat na yaon ay nakapagpalumbay sa inyo, bagama't sa maikling panahon lamang), 047 2CO 007 009 Ngayo'y nagagalak ako, hindi dahil sa inyong pagkalumbay, kundi dahil sa inyong mga pagkalumbay na ikapagsisisi; sapagka't kayo'y pinalumbay sa paraang ukol sa Dios, upang sa anoman ay huwag kayong mangagkaroon ng kalugihan dahil sa amin. 047 2CO 007 010 Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay. 047 2CO 007 011 Narito nga, ito rin ang inyong ikinalulumbay na mula sa Dios, gaanong sikap na pagiingat ang sa inyo'y ginawa, oo't gaanong pagtatanggol ng inyong sarili, oo't gaanong pagkagalit, oo't gaanong katakutan, oo't gaanong pananabik, oo't gaanong pagmamalasakit, oo't gaanong paghihiganti! Sa lahat ay napakita kayong dalisay sa bagay na ito. 047 2CO 007 012 Kaya nga, bagama't ako'y sumulat sa inyo, ay hindi dahil doon sa gumawa ng kamalian, ni dahil doon sa nagbata ng kamalian, kundi upang maihayag sa inyo ang inyong masikap na pagiingat sa amin sa harapan ng Dios. 047 2CO 007 013 Kaya't kami'y pawang nangaaliw: at sa aming pagkaaliw ay bagkus pang nangagalak kami dahil sa kagalakan ni Tito, sapagka't ang kaniyang espiritu ay inaliw ninyong lahat. 047 2CO 007 014 Sapagka't kung ako ay nagmapuri ng anoman sa kaniya dahil sa inyo, ay hindi ako nahiya; datapuwa't kung paanong sinabi namin ang lahat ng mga bagay sa inyo sa katotohanan, ay gayon din naman ang aming pagmamapuri na ginawa ko sa harap ni Tito ay nasumpungang totoo. 047 2CO 007 015 At ang kaniyang pagibig ay lubha pang nanagana sa inyo, samantalang naaalaala niya ang pagtalima ninyong lahat, kung paanong siya'y tinanggap ninyo na may takot at panginginig. 047 2CO 007 016 Ako'y nagagalak na sa lahat ng mga bagay ay mayroon akong lubos na pagtitiwala sa inyo. 047 2CO 008 001 Bukod dito, mga kapatid, ay ipinatatalastas namin sa inyo ang biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa mga iglesia ng Macedonia; 047 2CO 008 002 Kung paanong sa maraming pagsubok sa kapighatian ang kasaganaan ng kanilang katuwaan at ang kanilang malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob. 047 2CO 008 003 Sapagka't ayon sa kanilang kaya, ay nagpapatotoo ako at higit pa sa kanilang kaya, ay nagsiabuloy sila sa sariling kalooban, 047 2CO 008 004 Na lubhang ipinamamanhik sa amin ang tungkol sa biyayang ito at sa pakikisama sa pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal: 047 2CO 008 005 At ito, ay hindi ayon sa aming inaasahan, kundi ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon, at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Dios. 047 2CO 008 006 Ano pa't namanhik kami kay Tito, na yamang siya'y nagpasimula nang una, ay siya na rin ang gumanap sa inyo ng biyayang ito. 047 2CO 008 007 Datapuwa't yamang kayo'y nagsisisagana sa lahat ng mga bagay, sa pananampalataya, at pananalita, at kaalaman, at sa buong kasipagan, at sa inyong pagibig sa amin ay magsisagana naman kayo sa biyayang ito. 047 2CO 008 008 Hindi ako nangungusap na tulad sa naguutos, kundi gaya ng sumusubok sa pamamagitan ng kasipagan ng iba ang katapatan naman ng inyong pagibig. 047 2CO 008 009 Sapagka't nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo, na, bagaman siya'y mayaman, gayon ma'y nagpakadukha dahil sa inyo, upang sa pamamagitan ng kaniyang karukhaan ay magsiyaman kayo. 047 2CO 008 010 At sa ganito'y ibinibigay ko ang aking pasiya: sapagka't ito'y nararapat sa inyo, na naunang nangagpasimula na may isang taon na, hindi lamang sa paggawa, kundi naman sa pagnanais. 047 2CO 008 011 Datapuwa't ngayo'y tapusin din naman ninyo ang paggawa; upang kung paanong nagkaroon ng sikap ng pagnanais, ay gayon din namang magkaroon ng pagkatapos ayon sa inyong kaya. 047 2CO 008 012 Sapagka't kung may sikap, ay tinatanggap ayon sa tinataglay, hindi ayon sa di tinataglay. 047 2CO 008 013 Sapagka't hindi ko sinasabi ito upang ang mga iba ay magaanan at kayo'y mabigatan; 047 2CO 008 014 Kundi ayon sa pagkakapantay-pantay: ang inyong kasaganaan ay naging abuloy sa panahong ito sa kanilang kakulangan, upang ang kanilang kasaganaan naman ay maging abuloy sa inyong kailangan; upang magkaroon ng pagkakapantaypantay. 047 2CO 008 015 Gaya ng nasusulat, Ang nagtipon ng marami ay hindi naglabis; at ang nagtipon ng kaunti ay hindi kinulang. 047 2CO 008 016 Datapuwa't salamat sa Dios, na naglalagay sa puso ni Tito niyaong masikap na pagiingat sa inyo. 047 2CO 008 017 Sapagka't tunay na tinanggap niya ang aming pamanhik, nguni't palibhasa'y lubha siyang masikap, ay napariyan sa inyo sa kaniyang sariling kalooban. 047 2CO 008 018 At sinugo naming kasama niya ang kapatid na ang kaniyang kapurihan sa evangelio ay sa lahat ng mga iglesia; 047 2CO 008 019 At hindi lamang gayon, kundi siya naman ang inihalal ng mga iglesia na maglakbay na kasama namin tungkol sa biyayang ito, na pinangangasiwaan namin sa ikaluluwalhati ng Panginoon, at upang ipamalas ang aming sikap: 047 2CO 008 020 Na iniilagan ito, na sinoma'y huwag kaming sisihin tungkol sa abuloy na ito na aming pinangangasiwaan: 047 2CO 008 021 Sapagka't iniisip namin ang mga bagay na kapuripuri, hindi lamang sa paningin ng Panginoon, kundi naman sa paningin ng mga tao. 047 2CO 008 022 At aming sinugong kasama nila ang aming kapatid, na aming nasubok na madalas na masikap sa maraming bagay, datapuwa't ngayon ay lalo nang masikap, dahil sa malaking pagkakatiwala niya sa inyo. 047 2CO 008 023 Kung may magsiyasat tungkol kay Tito, siya'y aking kasama at kamanggagawa sa pagpapagal sa inyo; o sa aming mga kapatid, sila'y mga sugo ng mga iglesia, at kaluwalhatian ni Cristo. 047 2CO 008 024 Inyo ngang ipakita sa kanila sa harapan ng mga iglesia ang katunayan ng inyong pagibig, at ng aming pagmamapuri dahil sa inyo. 047 2CO 009 001 Sapagka't tungkol sa pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal, ay kalabisan na sa akin ang isulat ko pa. 047 2CO 009 002 Sapagka't nakikilala ko ang inyong sikap, na aking ipinagmamapuri tungkol sa inyo sa mga taga Macedonia, na ang Acaya ay nahahandang isang taon na; at ang inyong pagsisikap ay nakapagudyok sa lubhang marami sa kanila. 047 2CO 009 003 Datapuwa't sinugo ko ang mga kapatid, upang ang aming pagmamapuri dahil sa inyo ay huwag mawalan ng kabuluhan sa bagay na ito; na, ayon sa aking sinabi, kayo'y mangakapaghanda: 047 2CO 009 004 Baka sakaling sa anomang paraan kung magsirating na kasama ko ang ilang taga Macedonia at kayo'y maratnang hindi nangahahanda, kami (upang huwag sabihing kayo) ay mangapahiya sa pagkakatiwalang ito. 047 2CO 009 005 Iniisip ko ngang kailangang ipamanhik sa mga kapatid, na mangaunang pumariyan sa inyo, at ihanda agad ang inyong abuloy na ipinangako nang una, upang ito'y maihanda na gaya ng abuloy, at hindi gaya ng sapilitan. 047 2CO 009 006 Datapuwa't sinasabi ko, Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana. 047 2CO 009 007 Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya. 047 2CO 009 008 At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa: 047 2CO 009 009 Gaya ng nasusulat, Siyang nagsabog, siyang nagbigay sa mga dukha; Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. 047 2CO 009 010 At ang nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran: 047 2CO 009 011 Yamang kayo'y pinayaman sa lahat ng mga bagay na ukol sa lahat ng kagandahang-loob, na nagsisigawa sa pamamagitan namin ng pagpapasalamat sa Dios. 047 2CO 009 012 Sapagka't ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang tumatakip sa pangangailangan ng mga banal, kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios; 047 2CO 009 013 Palibhasa'y sa pagsubok sa inyo sa pamamagitan ng ministeriong ito ay niluluwalhati nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa evangelio ni Cristo, at dahil sa kagandahang-loob ng inyong ambag sa kanila at sa lahat; 047 2CO 009 014 Samantalang sila rin naman, sa panalanging patungkol sa inyo, ay nananabik sa inyo dahil sa saganang biyaya ng Dios sa inyo. 047 2CO 009 015 Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi. 047 2CO 010 001 Ako ngang si Pablo ay namamanhik sa inyo alangalang sa kaamuang-loob at kapakumbabaan ni Cristo, ako na sa harapan ninyo ay mapagpakumbaba sa gitna ninyo, nguni't ako'y lubhang malakas ang loob kung wala sa harapan ninyo: 047 2CO 010 002 Oo, ako'y namamanhik sa inyo, upang kung ako'y nahaharap ay huwag akong magpakita ng katapangang may pagkakatiwala na ipinasiya kong ipagmatapang laban sa ilang nagiisip sa amin, na waring kami ay nagsisilakad ng ayon sa laman. 047 2CO 010 003 Sapagka't bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman. 047 2CO 010 004 (Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta); 047 2CO 010 005 Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo; 047 2CO 010 006 At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway, kung maganap na ang inyong pagtalima. 047 2CO 010 007 Minamasdan ninyo ang mga bagay na nahaharap sa inyong mukha. Kung ang sinoman ay mayroong pagkakatiwala sa kaniyang sarili na siya'y kay Cristo, ay muling dilidilihin ito sa kaniyang sarili na, kung paanong siya'y kay Cristo, kami naman ay gayon din. 047 2CO 010 008 Sapagka't bagaman ako ay magmapuri ng marami tungkol sa aming kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya. 047 2CO 010 009 Upang huwag akong wari'y ibig ko kayong pangilabutin sa takot sa aking mga sulat. 047 2CO 010 010 Sapagka't, sinasabi nila, Ang kaniyang mga sulat, ay malaman at mabisa; datapuwa't ang anyo ng kaniyang katawan ay mahina, at ang kaniyang pananalita ay walang kabuluhan. 047 2CO 010 011 Bayaang isipin ng isang gayon ito, na, kung ano kami sa pananalita sa mga sulat pagka kami ay wala sa harapan, ay gayon din kami naman sa gawa pagka kami ay nahaharap. 047 2CO 010 012 Sapagka't hindi kami nangagmamatapang na makibilang o makitulad sa mga ilan doon sa mga nagmamapuri sa kanilang sarili: nguni't sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanila rin, at kanilang itinutulad ang sarili sa kanila rin ay mga walang unawa. 047 2CO 010 013 Datapuwa't hindi naman ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, kundi ayon sa sukat ng hangganang sa amin ay ipinamamahagi ng Dios, na gaya ng sukat, upang umabot hanggang sa inyo. 047 2CO 010 014 Sapagka't hindi kami nagsisilagpas ng higit, na waring hindi na namin kayo aabutin: sapagka't hanggang sa inyo naman ay nagsirating kami sa evangelio ni Cristo: 047 2CO 010 015 Na hindi namin ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, sa makatuwid baga'y ang mga gawa ng ibang mga tao; kundi yamang may pagasa, na ayon sa paglago ng inyong pananampalataya, kami'y pupurihin sa inyo ayon sa aming hangganan sa lalong kasaganaan, 047 2CO 010 016 Upang ipangaral ang evangelio sa mga dako pa roon ng lupain ninyo, at huwag kaming mangagmapuri sa hangganan ng iba tungkol sa mga bagay na nangahahanda na sa amin. 047 2CO 010 017 Datapuwa't ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon. 047 2CO 010 018 Sapagka't hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi ang ipinagtatagubilin ng Panginoon. 047 2CO 011 001 Kahimanawari'y mapagtiisan ninyo ako sa kaunting kamangmangan: nguni't tunay na ako'y inyong pinagtitiisan. 047 2CO 011 002 Sapagka't ako'y naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagka't kayo'y aking pinapagasawa sa isa, upang kayo'y maiharap ko kay Cristo na tulad sa dalagang malinis. 047 2CO 011 003 Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain. 047 2CO 011 004 Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo. 047 2CO 011 005 Sapagka't inaakala kong sa anoman ay hindi ako huli sa lubhang mga dakilang apostol. 047 2CO 011 006 Datapuwa't bagaman ako ay magaspang sa pananalita, gayon ma'y hindi ako sa kaalaman; hindi, kundi sa lahat ng paraan ay ipinahayag namin ito sa inyo. 047 2CO 011 007 Ako nga baga'y nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili, upang kayo'y mangataas dahil sa ipinangaral ko sa inyo na walang bayad ang evangelio ng Dios? 047 2CO 011 008 Aking sinamsaman ang ibang mga iglesia, sa pagtanggap ko ng upa sa kanila, upang ipangasiwa ko sa inyo; 047 2CO 011 009 At pagka ako'y kaharap ninyo at ako'y nagkukulang ng ikabubuhay, ako'y hindi naging pasan sa kanino man; sapagka't mga kapatid nang sila'y manggaling sa Macedonia ay tumakip ng aming pangangailangan; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at magiingat nga ako. 047 2CO 011 010 Kung paanong nasa akin ang katotohanan ni Cristo, sinoman ay hindi makapipigil sa akin sa pagmamapuring ito sa mga dako ng Acaya. 047 2CO 011 011 Bakit? sapagka't hindi ko baga kayo iniibig? Nalalaman ng Dios. 047 2CO 011 012 Datapuwa't ang aking ginagawa ay siya kong gagawin, upang maputol ko ang kadahilanan sa mga nagnanasa ng kadahilanan; upang sa anomang ipinagmamapuri nila ay mangasumpungan sila na gaya namin. 047 2CO 011 013 Sapagka't ang mga gayong tao ay mga bulaang apostol, mga magdarayang manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo. 047 2CO 011 014 At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan. 047 2CO 011 015 Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa. 047 2CO 011 016 Muling sinasabi ko, Huwag isipin ng sinoman na ako'y mangmang; nguni't kung gayon, gayon ma'y tanggapin ninyo akong gaya ng isang mangmang, upang ako naman ay makapagmapuri ng kaunti. 047 2CO 011 017 Ang ipinangungusap ko ay hindi ko ipinangungusap ayon sa Panginoon, kundi gaya ng sa kamangmangan, sa pagkakatiwalang ito sa pagmamapuri. 047 2CO 011 018 Yamang maraming nagmamapuri ayon sa laman, ako nama'y magmamapuri. 047 2CO 011 019 Sapagka't pinagtitiisan ninyo na may kasayahan ang mga mangmang, palibhasa'y marurunong kayo. 047 2CO 011 020 Sapagka't inyong pinagtitiisan ang sinoman, kung kayo'y inaalipin, kung kayo'y sinasakmal, kung kayo'y binibihag, kung siya'y nagpapalalo, kung kayo'y sinasampal sa mukha. 047 2CO 011 021 Sinasalita ko ang tungkol sa kapulaan, na wari ay naging mahina kami. Nguni't kung ang sinoman ay matapang sa anoman (nangungusap ako sa kamangmangan), ako'y matapang din naman. 047 2CO 011 022 Sila baga'y mga Hebreo? ako man. Sila baga'y mga Israelita? ako man. Sila baga'y binhi ni Abraham? ako man. 047 2CO 011 023 Sila baga'y mga ministro ni Cristo? (ako'y nangungusap na waring nasisira ang bait) lalo pa ako; sa pagpapagal ako'y lubhang sagana, sa mga bilangguan ay lubhang madalas, sa mga palo ay walang bilang, sa mga ikamamatay ay malimit. 047 2CO 011 024 Sa mga Judio ay makalimang tumanggap ako ng tigaapat na pung palo, kulang ng isa. 047 2CO 011 025 Makaitlong ako'y hinampas ng mga panghampas, minsan ako'y binato, makaitlong ako'y nabagbag, isang araw at isang gabi na ako'y nasa kalaliman ng dagat; 047 2CO 011 026 Sa mga paglalakbay ay madalas, sa mga kapanganiban sa mga ilog, sa mga kapanganiban sa mga tulisan, sa mga kapanganiban sa aking mga kababayan, sa mga kapanganiban sa mga Gentil, sa mga kapanganiban sa bayan, sa mga kapanganiban sa mga ilang, sa mga kapanganiban sa dagat, sa mga kapanganiban sa gitna ng mga bulaang kapatid; 047 2CO 011 027 Sa pagpapagal at sa pagdaramdam, sa mga pagpupuyat ay madalas, sa gutom at uhaw, mga pagaayuno ay madalas, sa ginaw at kahubaran. 047 2CO 011 028 Bukod sa mga bagay na yaon, ay may umiinis sa akin sa araw-araw, ang kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia. 047 2CO 011 029 Sino ang nanghina, at ako'y hindi nanghina? Sino ang napapatisod, at ako'y di nagdaramdam? 047 2CO 011 030 Kung kinakailangang ako'y magmapuri, ako'y magmamapuri sa mga bagay na nauukol sa aking kahinaan. 047 2CO 011 031 Ang Dios at Ama ng Panginoong Jesus, na mapalad magpakailan pa man, ang nakakaalam na ako'y hindi nagsisinungaling. 047 2CO 011 032 Sa Damasco ay binantayan ng gobernador na sakop ng haring Aretas ang bayan ng mga taga Damasco, upang ako'y hulihin: 047 2CO 011 033 At sa isang dungawan, ay napahugos ako sa kuta, sa isang balaong, at ako'y nakatanan sa kanilang mga kamay. 047 2CO 012 001 Kinakailangang ako'y magmapuri, bagaman ito'y hindi nararapat; nguni't aking sasaysayin ang mga pangitain ko at mga pahayag ng Panginoon. 047 2CO 012 002 Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam) na inagaw hanggang sa ikatlong langit. 047 2CO 012 003 At nakikilala ko ang taong iyan (maging sa katawan, o sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam), 047 2CO 012 004 Na kung paanong siya'y inagaw sa Paraiso, at nakarinig ng mga salitang di masayod na hindi nararapat salitain ng tao. 047 2CO 012 005 Tungkol sa taong yaon ako'y magmamapuri: nguni't tungkol sa aking sarili ay hindi ako magmamapuri, maliban na sa aking mga kahinaan. 047 2CO 012 006 Sapagka't kung ibigin kong ako'y magmapuri, ay hindi ako magiging mangmang; sapagka't sasalitain ko ang katotohanan: nguni't nagpipigil ako, baka ang sinoman ay magakalang ako'y mataas sa nakikita niya sa akin, o naririnig sa akin. 047 2CO 012 007 At nang ako'y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang tinik sa laman, ng isang sugo ni Satanas, upang ako'y tampalin, nang ako'y huwag magpalalo ng labis. 047 2CO 012 008 Tungkol dito'y makaitlo akong nanalangin sa Panginoon, upang ilayo ito sa akin. 047 2CO 012 009 At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. 047 2CO 012 010 Kaya nga ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas. 047 2CO 012 011 Ako'y naging mangmang: pinilit ninyo ako; ako sana'y dapat ninyong purihin: sapagka't sa anoman ay hindi ako naging huli sa lubhang mga dakilang apostol, bagaman ako'y walang kabuluhan. 047 2CO 012 012 Tunay na ang mga tanda ng apostol ay pawang nangyari sa inyo sa buong pagtitiis, sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan at ng mga gawang makapangyarihan. 047 2CO 012 013 Sapagka't ano nga ang inyong ikinahuli sa ibang mga iglesia, kundi ang ako'y hindi naging pasanin ninyo? ipatawad ninyo sa akin ang kamaliang ito. 047 2CO 012 014 Narito, ito ang ikatlo na ako'y handang pumariyan sa inyo; at ako'y hindi magiging pasanin ninyo: sapagka't hindi ko hinahanap ang inyo, kundi kayo: sapagka't hindi nararapat ipagtipon ng mga anak ang mga magulang, kundi ng mga magulang ang mga anak. 047 2CO 012 015 At ako'y gugugol ng may malaking kagalakan at pagugugol dahil sa inyong mga kaluluwa. Kung kayo'y iniibig ko ng lalong higit, ako baga'y iniibig ng kaunti? 047 2CO 012 016 Datapuwa't magkagayon man, ako'y hindi naging pasan sa inyo; kundi dahil sa pagkatuso ko, kayo'y hinuli ko sa daya. 047 2CO 012 017 Kayo baga'y aking dinaya sa pamamagitan ng sinoman sa mga sinugo sa inyo? 047 2CO 012 018 Pinamanhikan ko si Tito, at sinugo kong kasama niya ang kapatid. Kayo baga'y dinaya ni Tito? hindi baga kami ay nagsilakad sa isang Espiritu? hindi baga kami ay nagsisunod sa gayon ding mga hakbang? 047 2CO 012 019 Iniisip ninyo na sa buong panahong ito'y kami ay nangagdadahilan sa inyo. Sa paningin ng Dios ay nangagsasalita kami sa pangalan ni Cristo. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay, mga minamahal, ay sa inyong mga ikatitibay. 047 2CO 012 020 Natatakot nga ako na baka sa anomang paraan, kung ako'y dumating ay kayo'y masumpungan kong hindi gaya ng ibig ko, at ako ay inyong masumpungang hindi gaya ng ibig ninyo; baka sa anomang paraan ay magkaroon ng pagtatalo, mga paninibugho, mga kagalitan, mga pagkakampikampi, mga pagsirang-puri, mga paghatid-dumapit, mga kapalaluan, mga pagkakagulo; 047 2CO 012 021 Baka pagka ako'y dumating na muli ay ako'y pababain ng Dios ko sa harapan ninyo, at ako'y malumbay dahil sa marami sa nangagkasalang una, at hindi nangagsisi sa karumihan at sa pakikiapid at sa kalibugan na ginawa nila. 047 2CO 013 001 Ito ang ikatlo na ako'y paririyan sa inyo. Sa bibig ng dalawang saksi o ng tatlo ay papagtibayin ang bawa't salita. 047 2CO 013 002 Sinabi ko na nang una, at muling aking ipinagpapauna, gaya nang ako'y nahaharap ng ikalawa, gayon din ngayon, na ako'y wala sa harapan, sa mga nagkasala nang una, at sa mga iba pa, na kung ako'y pumariyang muli ay hindi ko na patatawarin; 047 2CO 013 003 Yamang nagsisihanap kayo ng isang katunayan na si Cristo ay nagsasalita sa akin; na siya sa inyo'y hindi mahina, kundi sa inyo'y makapangyarihan: 047 2CO 013 004 Sapagka't siya'y ipinako sa krus dahil sa kahinaan, gayon ma'y nabubuhay siya dahil sa kapangyarihan ng Dios. Sapagka't kami naman ay sa kaniya'y mahihina, nguni't kami ay mabubuhay na kasama niya sa kapangyarihan ng Dios sa inyo. 047 2CO 013 005 Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y itinakuwil na. 047 2CO 013 006 Nguni't inaasahan ko na inyong mangakikilala na kami ay hindi itinakuwil. 047 2CO 013 007 Ngayo'y idinadalangin namin sa Dios na kayo'y huwag magsigawa ng masama; hindi upang kami'y mangakitang subok, kundi upang gawin ninyo ang may karangalan, kahit kami'y maging gaya ng itinakuwil. 047 2CO 013 008 Sapagka't kami'y walang anomang magagawang laban sa katotohanan, kundi ayon sa katotohanan. 047 2CO 013 009 Sapagka't kami'y natutuwa kung kami'y mahihina, at kayo'y malalakas: at ito naman ang idinadalangin namin, sa makatuwid baga'y ang inyong pagkasakdal. 047 2CO 013 010 Dahil dito'y sinusulat ko ang mga bagay na ito samantalang ako'y wala sa harapan, upang kung nasa harapan ay huwag akong gumamit ng kabagsikan, ayon sa kapamahalaang ibinibigay sa akin ng Panginoon sa ikatitibay, at hindi sa ikagigiba. 047 2CO 013 011 Sa katapustapusan, mga kapatid, paalam na. Mangagpakasakdal kayo; mangaaliw kayo; mangagkaisa kayo ng pagiisip; mangabuhay kayo sa kapayapaan: at ang Dios ng pagibig at ng kapayapaan ay sasa inyo. 047 2CO 013 012 Mangagbatian ang isa't isa sa inyo ng banal na halik. 047 2CO 013 013 Binabati kayo ng lahat ng mga banal. 047 2CO 013 014 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo, at ang pagibig ng Dios, at ang pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat. # # BOOK 048 GAL Galatians Mga Galacia 048 GAL 001 001 Si Pablo, na Apostol (hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, na siyang sa kaniya'y muling bumuhay; ) 048 GAL 001 002 At ang lahat ng mga kapatid na mga kasama ko, sa mga iglesia ng Galacia: 048 GAL 001 003 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na Ama, at sa ating Panginoong Jesucristo, 048 GAL 001 004 Na siyang nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y mailigtas dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama: 048 GAL 001 005 Na sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. 048 GAL 001 006 Ako'y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo; 048 GAL 001 007 Na ito'y hindi ibang evangelio: kundi mayroong ilan na sa inyo'y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo. 048 GAL 001 008 Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil. 048 GAL 001 009 Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na, ay matakuwil. 048 GAL 001 010 Sapagka't ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo. 048 GAL 001 011 Sapagka't aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao. 048 GAL 001 012 Sapagka't hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo. 048 GAL 001 013 Sapagka't inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios: 048 GAL 001 014 At ako'y nangunguna sa relihion ng mga Judio ng higit kay sa marami sa aking mga kasing gulang sa aking mga kababayan, palibhasa'y totoong masikap ako sa mga sali't-saling sabi ng aking mga magulang. 048 GAL 001 015 Nguni't nang magalingin ng Dios na siyang sa akin ay nagbukod, buhat pa sa tiyan ng aking ina, at ako'y tawagin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, 048 GAL 001 016 Na ihayag ang kaniyang Anak sa akin, upang siya'y aking ipangaral sa gitna ng mga Gentil; pagkaraka'y hindi ako sumangguni sa laman at sa dugo: 048 GAL 001 017 Ni inahon ko man sa Jerusalem silang mga apostol na nangauna sa akin: kundi sa Arabia ako naparoon; at muling nagbalik ako sa Damasco. 048 GAL 001 018 Nang makaraan nga ang tatlong taon ay umahon ako sa Jerusalem upang dalawin si Cefas, at natira akong kasama niyang labing-limang araw. 048 GAL 001 019 Nguni't wala akong nakita sa mga ibang apostol, maliban na kay Santiago na kapatid ng Panginoon. 048 GAL 001 020 Tungkol nga sa mga bagay na isinusulat ko sa inyo, narito, sa harapan ng Dios, hindi ako nagsisinungaling. 048 GAL 001 021 Pagkatapos ay naparoon ako sa mga lupain ng Siria at Cilicia. 048 GAL 001 022 At hindi pa ako nakikilala sa mukha ng mga iglesia ng Judea na pawang kay Cristo. 048 GAL 001 023 Kundi ang kanila lamang naririnig na pinaguusapan ay, Yaong umuusig sa atin nang una, ngayo'y nangangaral ng pananampalataya na nang ibang panahon ay kaniyang sinisira; 048 GAL 001 024 At kanilang niluluwalhati ang Dios sa akin. 048 GAL 002 001 Nang makaraan nga ang labingapat na taon ay umahon akong muli sa Jerusalem na kasama si Bernabe, at isinama ko rin naman si Tito. 048 GAL 002 002 At ako'y umahon dahil sa pahayag; at isinaysay ko sa harapan nila ang evangelio na aking ipinangangaral sa gitna ng mga Gentil, datapuwa't sa harapan ng mga may dangal ay sa lihim, baka sa anomang paraan ako'y tatakbo, o tumakbo, ng walang kabuluhan. 048 GAL 002 003 Datapuwa't maging si Tito man na kasama ko, bagama't Griego, ay hindi napilit na patuli. 048 GAL 002 004 At yaon ay dahil sa mga hindi tunay na kapatid na ipinasok ng lihim, na nagsipasok ng lihim upang tiktikan ang aming kalayaan na taglay namin kay Cristo Jesus, upang kami'y ilagay nila sa pagkaalipin: 048 GAL 002 005 Sa mga yaon ay hindi kami napahinuhod na supilin kami, kahit isang oras; upang ang katotohanan ng evangelio ay manatili sa inyo. 048 GAL 002 006 Datapuwa't ang mga wari'y may dangal ng kaunti (maging anoman sila, ay walang anoman sa akin: ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman) silang may dangal, sinasabi ko, ay hindi nagbahagi sa akin ng anoman: 048 GAL 002 007 Kundi bagkus nang makita nila na sa akin ay ipinagkatiwala ang evangelio ng di-pagtutuli, gaya rin naman ng pagkakatiwala kay Pedro ng evangelio ng pagtutuli; 048 GAL 002 008 (Sapagka't ang naghanda kay Pedro sa pagkaapostol sa pagtutuli ay naghanda rin naman sa akin sa pagkaapostol sa mga Gentil); 048 GAL 002 009 At nang makita nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob, ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay Bernabe ni Santiago at ni Cefas at ni Juan, sila na mga inaaring haligi, upang kami ay magsiparoon sa mga Gentil, at sila'y sa pagtutuli; 048 GAL 002 010 Ang kanila lamang hinihiling ay aming alalahanin ang mga dukha; na ang bagay ring ito'y aking pinagsisikapan gawain. 048 GAL 002 011 Nguni't nang dumating si Cefas sa Antioquia, ay sumalansang ako sa kaniya ng mukhaan, sapagka't siya'y nararapat hatulan. 048 GAL 002 012 Sapagka't bago nagsidating ang ilang mula kay Santiago, ay nakisalo siya sa mga Gentil; nguni't nang sila'y magsidating na, siya'y umurong, at humiwalay sa mga Gentil, palibhasa'y natatakot sa mga sa pagtutuli. 048 GAL 002 013 At ang ibang mga Judio ay nangagpakunwari rin namang kasama niya: ano pa't pati si Bernabe ay nabuyo sa kanilang pagkukunwari. 048 GAL 002 014 Nguni't nang aking makita na hindi sila nagsisilakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng evangelio, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, Kung ikaw, na Judio, ay namumuhay gaya ng mga Gentil, at di gaya ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay na gaya ng mga Judio? 048 GAL 002 015 Tayo'y mga Judio sa katutubo, at hindi mga makasalanang Gentil, 048 GAL 002 016 Bagama't naaalaman na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at hindi dahil sa mga gawang ayon sa kautusan: sapagka't sa mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinomang laman. 048 GAL 002 017 Nguni't kung, samantalang ating pinagsisikapan na tayo'y ariing-ganap kay Cristo, ay tayo rin naman ay nangasusumpungang mga makasalanan, si Cristo baga ay ministro ng kasalanan? Huwag nawang mangyari. 048 GAL 002 018 Kung akin ngang muling itayo ang mga bagay na aking sinira, sa aking sarili ay pinatutunayan ko na ako'y suwail. 048 GAL 002 019 Sapagka't ako sa pamamagitan ng kautusan ay namatay, sa kautusan, upang ako'y mabuhay sa Dios. 048 GAL 002 020 Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin. 048 GAL 002 021 Hindi ko niwawalan ng halaga ang biyaya ng Dios: sapagka't kung sa pamamagitan ng kautusan ay ang katuwiran, kung gayo'y si Cristo ay namatay ng walang kabuluhan. 048 GAL 003 001 Oh mga mangmang na taga Galacia, sino ang mga nagsigayuma sa inyo, na sa harapan ng inyong mga mata'y si Jesucristo, na napako sa krus, ay maliwanag na inihayag? 048 GAL 003 002 Ito lamang ang ibig kong maalaman sa inyo, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pamamagitan ng pakikinig ng tungkol sa pananampalataya? 048 GAL 003 003 Napakamangmang na baga kayo? kayong nagpasimula sa Espiritu, ngayo'y nangagpapakasakdal kayo sa laman? 048 GAL 003 004 Tiniis baga ninyong walang kabuluhan ang lubhang maraming mga bagay? kung tunay na walang kabuluhan. 048 GAL 003 005 Siya na nagbibigay nga sa inyo ng Espiritu, at gumagawa ng mga himala sa gitna ninyo, ginagawa baga sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pakikinig ng tungkol sa pananampalataya? 048 GAL 003 006 Gaya nga ni Abraham na sumampalataya sa Dios, at ito'y ibinilang sa kaniya na katuwiran. 048 GAL 003 007 Talastasin nga ninyo na ang mga sa pananampalataya, ang mga yaon ay mga anak ni Abraham. 048 GAL 003 008 At sapagka't ipinakita na ng kasulatan, na aariing-ganap ng Dios ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinangaral na nang una ang evangelio kay Abraham, na sinasabi, Sa iyo ay pagpapalain ang lahat ng mga bansa. 048 GAL 003 009 Kaya't ang mga sa pananampalataya ay pinagpapala kay Abraham na may pananampalataya. 048 GAL 003 010 Sapagka't ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan ay nasa ilalim ng sumpa: sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila. 048 GAL 003 011 Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa kautusan sa harapan ng Dios; sapagka't, Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya. 048 GAL 003 012 At ang kautusan ay hindi sa pananampalataya; kundi, Ang gumaganap ng mga yaon ay mabubuhay sa mga yaon. 048 GAL 003 013 Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't binibitay sa punong kahoy: 048 GAL 003 014 Upang sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus; upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin ang pangako ng Espiritu. 048 GAL 003 015 Mga kapatid, nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao: Bagama't ang pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao, gayon ma'y pagka pinagtibay, sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan, o makapagdaragdag man. 048 GAL 003 016 Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, At sa iyong binhi, na si Cristo. 048 GAL 003 017 Ito nga ang aking sinasabi: Ang isang pakikipagtipang pinagtibay na nang una ng Dios, ay hindi mapawawalang kabuluhan ng kautusan, na sumipot nang makaraan ang apat na raan at tatlongpung taon, ano pa't upang pawalang kabuluhan ang pangako. 048 GAL 003 018 Sapagka't kung ang mana ay sa pamamagitan ng kautusan, ay hindi na sa pamamagitan ng pangako: datapuwa't ipinagkaloob ng Dios kay Abraham sa pamamagitan ng pangako. 048 GAL 003 019 Ano nga ang kabuluhan ng kautusan? Idinagdag dahil sa mga pagsalangsang, hanggang sa pumarito ang binhi na siyang pinangakuan; at ito'y iniutos sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng isang tagapamagitan. 048 GAL 003 020 Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa't ang Dios ay iisa. 048 GAL 003 021 Ang kautusan nga baga ay laban sa mga pangako ng Dios? Huwag nawang mangyari: sapagka't kung ibinigay sana ang isang kautusang may kapangyarihang magbigay buhay, tunay ngang ang katuwiran sana ay naging dahil sa kautusan. 048 GAL 003 022 Datapuwa't kinulong ng kasulatan ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kasalanan, upang ang pangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa mga nagsisisampalataya. 048 GAL 003 023 Nguni't bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos. 048 GAL 003 024 Ano pa't ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya. 048 GAL 003 025 Datapuwa't ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo. 048 GAL 003 026 Sapagka't kayong lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus. 048 GAL 003 027 Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo. 048 GAL 003 028 Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka't kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus. 048 GAL 003 029 At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako. 048 GAL 004 001 Nguni't sinasabi ko na samantalang ang tagapagmana ay bata, ay walang pagkakaibang anoman sa alipin bagama't siya'y panginoon ng lahat; 048 GAL 004 002 Datapuwa't nasa ilalim ng mga tagapagampon at ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng ama. 048 GAL 004 003 Gayon din naman tayo, nang tayo'y mga bata pa, tayo'y nasasakop ng pagkaalipin sa ilalim ng mga pasimulang aral ng sanglibutan. 048 GAL 004 004 Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan, 048 GAL 004 005 Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak. 048 GAL 004 006 At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama. 048 GAL 004 007 Ano pa't hindi ka na alipin, kundi anak; at kung anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios. 048 GAL 004 008 Gayon man nang panahong yaon, sa hindi ninyo pagkakilala sa Dios, kayo'y nasa pagkaalipin ng sa katutubo ay hindi mga dios: 048 GAL 004 009 Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin? 048 GAL 004 010 Ipinangingilin ninyo ang mga araw, at mga buwan, at mga panahon, at mga taon. 048 GAL 004 011 Ako'y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan. 048 GAL 004 012 Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na kayo'y mangagsitulad sa akin, sapagka't ako'y katulad din ninyo. Wala kayong ginawa sa aking anomang kasamaan. 048 GAL 004 013 Datapuwa't nalalaman ninyo na dahil sa sakit ng laman, ay ipinangaral ko sa inyo ang evangelio nang pasimula: 048 GAL 004 014 At yaong sa inyo'y isang tukso sa aking laman ay hindi ninyo inalipusta, ni itinakuwil man; kundi ako'y tinanggap ninyong tulad sa isang anghel ng Dios, tulad kay Cristo Jesus. 048 GAL 004 015 Saan nga naroon yaong inyong kapalaran? sapagka't pinatototohanan ko sa inyo, na, kung mangyayari, ay inyong dinukit sana ang inyong mga mata at ibinigay sa akin. 048 GAL 004 016 Kaya nga ako baga'y naging kaaway ninyo, sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan? 048 GAL 004 017 May nangagmamalasakit sa inyo sa hindi mabuting akala; subali't, ang ibig nila ay ihiwalay kayo, upang ipagmalasakit ninyo sila. 048 GAL 004 018 Datapuwa't mabuti ang ipagmalasakit sa mabuting bagay sa lahat ng panahon, at hindi lamang samantalang ako'y kaharap ninyo. 048 GAL 004 019 Maliliit kong mga anak, na muli kong ipinagdaramdam sa panganganak hanggang si Cristo ay mabadha sa inyo. 048 GAL 004 020 Datapuwa't, ibig kong makaharap ninyo ako ngayon, at baguhin ang aking tinig; sapagka't ako'y nagaalinlangan tungkol sa inyo. 048 GAL 004 021 Sabihin ninyo sa akin, kayong nagsisipagnasang mapasa ilalim ng kautusan, hindi baga ninyo naririnig ang kautusan? 048 GAL 004 022 Sapagka't nasusulat, na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, ang isa'y sa aliping babae, at ang isa'y sa babaing malaya. 048 GAL 004 023 Gayon man ang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa laman; nguni't ang anak sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako. 048 GAL 004 024 Ang mga bagay na ito'y may lamang talinghaga: sapagka't ang mga babaing ito'y dalawang tipan; ang isa'y mula sa bundok ng Sinai, na nanganganak ng mga anak sa pagkaalipin, na ito'y si Agar. 048 GAL 004 025 Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa Arabia, at ito'y katulad ng Jerusalem ngayon: sapagka't ito'y nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak. 048 GAL 004 026 Nguni't ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ina natin. 048 GAL 004 027 Sapagka't nasusulat, Magsaya ka, Oh baog na hindi nanganganak; Magbiglang umawit at humiyaw ka, ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak: Sapagka't higit pa ang mga anak ng pinabayaan kay sa mga anak ng may asawa. 048 GAL 004 028 At tayo, mga kapatid, tulad ni Isaac, ay mga anak sa pangako. 048 GAL 004 029 Datapuwa't kung papaanong yaong ipinanganak ayon sa laman ay nagusig sa ipinanganak ayon sa espiritu, ay gayon din naman ngayon. 048 GAL 004 030 Gayon man ano ang sinasabi ng kasulatan? Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak: sapagka't hindi magmamana ang anak ng babaing alipin na kasama ng anak ng babaing malaya. 048 GAL 004 031 Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo mga anak ng babaing alipin, kundi ng babaing malaya. 048 GAL 005 001 Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin. 048 GAL 005 002 Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo. 048 GAL 005 003 Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan. 048 GAL 005 004 Kayo'y hiwalay kay Cristo, kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula sa biyaya. 048 GAL 005 005 Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay naghihintay ng pangako ng katuwiran. 048 GAL 005 006 Sapagka't kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig. 048 GAL 005 007 Nagsisitakbo kayong mabuti nang una; sino ang gumambala sa inyo upang kayo'y huwag magsisunod sa katotohanan? 048 GAL 005 008 Ang paghikayat na ito ay hindi nagmula doon sa tumawag sa inyo. 048 GAL 005 009 Ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak. 048 GAL 005 010 Ako'y may pagkakatiwala sa inyo sa Panginoon, na hindi kayo nagsipagisip ng ibang paraan: datapuwa't ang gumagambala sa inyo ay magtataglay ng kaniyang kahatulan, maging sinoman siya. 048 GAL 005 011 Nguni't ako, mga kapatid, kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli, bakit ako'y pinaguusig pa? kung gayon ay natapos na ang katitisuran sa krus. 048 GAL 005 012 Ibig ko sana na ang mga nagsisigulo sa inyo ay gumawa ng higit sa pagtutuli. 048 GAL 005 013 Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo. 048 GAL 005 014 Sapagka't ang buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito: Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili. 048 GAL 005 015 Nguni't kung kayo-kayo rin ang nangagkakagatan at nangagsasakmalan, magsipagingat kayo na baka kayo'y mangaglipulan sa isa't isa. 048 GAL 005 016 Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman. 048 GAL 005 017 Sapagka't ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin. 048 GAL 005 018 Datapuwa't kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan. 048 GAL 005 019 At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, 048 GAL 005 020 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, 048 GAL 005 021 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios. 048 GAL 005 022 Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, 048 GAL 005 023 Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan. 048 GAL 005 024 At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito. 048 GAL 005 025 Kung tayo'y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu. 048 GAL 005 026 Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo'y nangagmumungkahian sa isa't isa, nangagiinggitan sa isa't isa. 048 GAL 006 001 Mga kapatid, kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso. 048 GAL 006 002 Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo. 048 GAL 006 003 Sapagka't kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan, ang kaniyang sarili ang dinadaya niya. 048 GAL 006 004 Nguni't siyasatin ng bawa't isa ang kaniyang sariling gawa, at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng kaniyang kapurihan tungkol sa kaniyang sarili lamang, at hindi tungkol sa kapuwa. 048 GAL 006 005 Sapagka't ang bawa't tao ay magpapasan ng kaniyang sariling pasan. 048 GAL 006 006 Datapuwa't ang tinuturuan sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti. 048 GAL 006 007 Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya. 048 GAL 006 008 Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan. 048 GAL 006 009 At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod. 048 GAL 006 010 Kaya nga, samantalang tayo'y may pagkakataon, ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa mga kasangbahay sa pananampalataya. 048 GAL 006 011 Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo ng aking sariling kamay. 048 GAL 006 012 Yaong lahat na may ibig magkaroon ng isang mabuting anyo sa laman, ay siyang pumipilit sa inyo na mangagtuli; upang huwag lamang silang pagusigin dahil sa krus ni Cristo. 048 GAL 006 013 Sapagka't yaon mang nangatuli na ay hindi rin nagsisitupad ng kautusan; nguni't ibig nilang kayo'y ipatuli, upang sila'y mangagmapuri sa inyong laman. 048 GAL 006 014 Datapuwa't malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao'y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako'y sa sanglibutan. 048 GAL 006 015 Sapagka't ang pagtutuli ay walang anoman, kahit man ang di-pagtutuli, kundi ang bagong nilalang. 048 GAL 006 016 At ang lahat na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito, kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila, at sa Israel ng Dios. 048 GAL 006 017 Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin; sapagka't dala kong nakalimbag sa aking katawan ang mga tanda ni Jesus. 048 GAL 006 018 Mga kapatid, ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. Siya nawa. # # BOOK 049 EPH Ephesians Mga Efeso 049 EPH 001 001 Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, sa mga banal na nangasa Efeso, at sa mga tapat kay Cristo Jesus: 049 EPH 001 002 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo. 049 EPH 001 003 Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo: 049 EPH 001 004 Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig: 049 EPH 001 005 Na tayo'y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban, 049 EPH 001 006 Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal: 049 EPH 001 007 Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya, 049 EPH 001 008 Na pinasagana niya sa atin, sa buong karunungan at katalinuhan, 049 EPH 001 009 Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin. 049 EPH 001 010 Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko, 049 EPH 001 011 Tayo rin naman sa kaniya ay ginawang mana, na itinalaga na niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban; 049 EPH 001 012 Upang tayo'y maging kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian, tayong nagsiasa nang una kay Cristo: 049 EPH 001 013 Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako, 049 EPH 001 014 Na siyang patotoo sa ating mana, hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Dios, sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian. 049 EPH 001 015 Dahil dito ako rin naman, pagkarinig ng pananampalataya sa Panginoong Jesus na nasa inyo, at ng pagibig na inyong ipinakita sa lahat ng mga banal, 049 EPH 001 016 Ay hindi ako tumitigil ng pagpapasalamat dahil sa inyo, na aking binabanggit kayo sa aking mga panalangin; 049 EPH 001 017 Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo, ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya; 049 EPH 001 018 Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal, 049 EPH 001 019 At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas, 049 EPH 001 020 Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan, 049 EPH 001 021 Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating: 049 EPH 001 022 At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia, 049 EPH 001 023 Na siyang katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat. 049 EPH 002 001 At kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan, 049 EPH 002 002 Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway; 049 EPH 002 003 Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba: 049 EPH 002 004 Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, 049 EPH 002 005 Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas), 049 EPH 002 006 At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus: 049 EPH 002 007 Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus: 049 EPH 002 008 Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios; 049 EPH 002 009 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri. 049 EPH 002 010 Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran. 049 EPH 002 011 Kaya nga alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay: 049 EPH 002 012 Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan. 049 EPH 002 013 Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo. 049 EPH 002 014 Sapagka't siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay, 049 EPH 002 015 Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan; 049 EPH 002 016 At upang papagkasunduin silang dalawa sa isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, na sa kaniya'y pinatay ang pagkakaalit. 049 EPH 002 017 At siya'y naparito at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo, at ang kapayapaan sa nangalalapit: 049 EPH 002 018 Sapagka't sa pamamagitan niya tayo'y may pagpasok sa isang Espiritu rin sa Ama. 049 EPH 002 019 Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios, 049 EPH 002 020 Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok; 049 EPH 002 021 Na sa kaniya'y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon; 049 EPH 002 022 Na sa kaniya'y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu. 049 EPH 003 001 Dahil dito, akong si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus dahil sa inyong mga Gentil, 049 EPH 003 002 Kung tunay na inyong narinig yaong pagiging katiwala sa biyaya ng Dios na sa akin ay ibinigay sa ikagagaling ninyo; 049 EPH 003 003 Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala sa akin ang hiwaga, gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita. 049 EPH 003 004 Sa pamamagitan niyaon, sa pagbasa ninyo, ay inyong mapagtatalastas ang aking pagkakilala sa hiwaga ni Cristo; 049 EPH 003 005 Na nang ibang panahon ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao, na gaya ngayon na ipinahayag sa kaniyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu; 049 EPH 003 006 Na ang mga Gentil ay mga tagapagmana, at mga kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio, 049 EPH 003 007 Na dito'y ginawa akong ministro, ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan. 049 EPH 003 008 Sa akin, na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo; 049 EPH 003 009 At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay; 049 EPH 003 010 Upang ngayo'y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios, 049 EPH 003 011 Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin: 049 EPH 003 012 Na sa kaniya'y mayroon tayong lakas ng loob at pagpasok na may pagasa sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa kaniya. 049 EPH 003 013 Kaya nga ipinamamanhik ko na huwag kayong manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo, na pawang kapurihan ninyo. 049 EPH 003 014 Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama, 049 EPH 003 015 Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa, 049 EPH 003 016 Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob; 049 EPH 003 017 Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig. 049 EPH 003 018 Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim, 049 EPH 003 019 At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios. 049 EPH 003 020 Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin, 049 EPH 003 021 Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa. 049 EPH 004 001 Namamanhik nga sa inyo akong bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag, 049 EPH 004 002 Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig; 049 EPH 004 003 Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan. 049 EPH 004 004 May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; 049 EPH 004 005 Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, 049 EPH 004 006 Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. 049 EPH 004 007 Datapuwa't ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo. 049 EPH 004 008 Kaya't sinasabi niya, Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao. 049 EPH 004 009 (Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa mga dakong kalaliman ng lupa? 049 EPH 004 010 Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.) 049 EPH 004 011 At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro; 049 EPH 004 012 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo: 049 EPH 004 013 Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo: 049 EPH 004 014 Upang tayo'y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian; 049 EPH 004 015 Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo; 049 EPH 004 016 Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig. 049 EPH 004 017 Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa Panginoon, na kayo'y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil, sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip, 049 EPH 004 018 Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso; 049 EPH 004 019 Na sila sa di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman. 049 EPH 004 020 Nguni't kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo; 049 EPH 004 021 Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus. 049 EPH 004 022 At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya; 049 EPH 004 023 At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip, 049 EPH 004 024 At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan. 049 EPH 004 025 Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin. 049 EPH 004 026 Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit: 049 EPH 004 027 Ni bigyan daan man ang diablo. 049 EPH 004 028 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, upang siya'y may maibigay sa nangangailangan. 049 EPH 004 029 Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig. 049 EPH 004 030 At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos. 049 EPH 004 031 Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala: 049 EPH 004 032 At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo. 049 EPH 005 001 Kayo nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal; 049 EPH 005 002 At magsilakad kayo sa pagibig, gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy. 049 EPH 005 003 Nguni't ang pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal; 049 EPH 005 004 O ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat. 049 EPH 005 005 Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios. 049 EPH 005 006 Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway. 049 EPH 005 007 Huwag kayong makibahagi sa kanila; 049 EPH 005 008 Sapagka't noong panahon kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan: 049 EPH 005 009 (Sapagka't ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan), 049 EPH 005 010 Na inyong pinatutunayan ang kinalulugdan ng Panginoon; 049 EPH 005 011 At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain; 049 EPH 005 012 Sapagka't ang mga bagay na ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang. 049 EPH 005 013 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan. 049 EPH 005 014 Kaya sinasabi niya, Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo. 049 EPH 005 015 Mangagingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong; 049 EPH 005 016 Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama. 049 EPH 005 017 Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. 049 EPH 005 018 At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu; 049 EPH 005 019 Na kayo'y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon; 049 EPH 005 020 Na kayo'y laging magpasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa Dios na ating Ama; 049 EPH 005 021 Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo. 049 EPH 005 022 Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na gaya ng sa Panginoon. 049 EPH 005 023 Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan. 049 EPH 005 024 Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay. 049 EPH 005 025 Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya; 049 EPH 005 026 Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, 049 EPH 005 027 Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan. 049 EPH 005 028 Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili: 049 EPH 005 029 Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia; 049 EPH 005 030 Sapagka't tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan. 049 EPH 005 031 Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman. 049 EPH 005 032 Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia. 049 EPH 005 033 Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay gumalang sa kaniyang asawa. 049 EPH 006 001 Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid. 049 EPH 006 002 Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako), 049 EPH 006 003 Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa. 049 EPH 006 004 At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon. 049 EPH 006 005 Mga alipin, magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon, na may takot at panginginig, sa katapatan ng inyong puso, na gaya ng kay Cristo; 049 EPH 006 006 Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios; 049 EPH 006 007 Maglingkod na may mabuting kalooban, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao: 049 EPH 006 008 Yamang napagaalaman na anomang mabuting bagay na gawin ng bawa't isa, ay gayon din ang muling tatanggapin niya sa Panginoon, maging alipin o laya. 049 EPH 006 009 At kayong mga panginoon, gayon din ang inyong gawin sa kanila, at iwan ninyo ang mga pagbabala: yamang napagaalaman na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa langit, at sa kaniya'y walang itinatanging tao. 049 EPH 006 010 Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. 049 EPH 006 011 Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo. 049 EPH 006 012 Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. 049 EPH 006 013 Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay. 049 EPH 006 014 Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran, 049 EPH 006 015 At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan; 049 EPH 006 016 Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama. 049 EPH 006 017 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios: 049 EPH 006 018 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal, 049 EPH 006 019 At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio, 049 EPH 006 020 Na dahil dito ako'y isang sugong natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain. 049 EPH 006 021 Datapuwa't upang mangaalaman ninyo naman ang mga bagay na ukol sa akin, at ang kalagayan ko, si Tiquico na aking minamahal na kapatid at tapat na ministro sa Panginoon, ay siyang magpapakilala sa inyo ng lahat ng mga bagay: 049 EPH 006 022 Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito, upang makilala ninyo ang aming kalagayan, at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso. 049 EPH 006 023 Kapayapaan nawa sa mga kapatid, at pagibig na may pananampalataya, mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo. 049 EPH 006 024 Ang biyaya nawa'y sumalahat ng mga nagsisiibig sa ating Panginoong Jesucristo ng pagibig na walang pagkasira. Siya nawa. # # BOOK 050 PHI Philippians Mga Filipos 050 PHI 001 001 Si Pablo at si Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na nangasa Filipos, pati ng mga obispo at ng mga diakono: 050 PHI 001 002 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo. 050 PHI 001 003 Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala, 050 PHI 001 004 Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat, 050 PHI 001 005 Dahil sa inyong pakikisama sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon; 050 PHI 001 006 Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo: 050 PHI 001 007 Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka't kayo'y nasa aking puso, palibhasa'y, sa aking mga tanikala at pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya. 050 PHI 001 008 Sapagka't saksi ko ang Dios, kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa mahinahong habag ni Cristo Jesus. 050 PHI 001 009 At ito'y idinadalangin ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala; 050 PHI 001 010 Upang inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan hanggang sa kaarawan ni Cristo; 050 PHI 001 011 Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios. 050 PHI 001 012 Ngayon ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio; 050 PHI 001 013 Ano pa't ang aking mga tanikala kay Cristo ay nahayag sa lahat ng mga bantay ng pretorio, at sa mga iba't iba pa; 050 PHI 001 014 At ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon, na palibhasa'y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala, ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios. 050 PHI 001 015 Tunay na ipinangangaral ng iba si Cristo sa kapanaghilian at sa pakikipagtalo; at ng mga iba naman sa mabuting kalooban: 050 PHI 001 016 Ang isa'y gumagawa nito sa pagibig, palibhasa'y nalalaman na ako'y nalalagay sa pagsasanggalang ng evangelio; 050 PHI 001 017 Datapuwa't itinatanyag ng iba si Cristo dahil sa pagkakampikampi, hindi sa pagtatapat, na ang iniisip ay dalhan ako ng kapighatian sa aking mga tanikala. 050 PHI 001 018 Ano nga? gayon man, sa lahat ng paraan, maging sa pagdadahilan o sa katotohanan, ay itinatanyag si Cristo; at sa ganito'y nagagalak ako, oo, at ako'y magagalak. 050 PHI 001 019 Sapagka't nalalaman ko na ang kahihinatnan nito'y sa aking ikaliligtas, sa pamamagitan ng inyong pananaing at kapuspusan ng Espiritu ni Cristo, 050 PHI 001 020 Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa, na, sa anoma'y hindi ako mapapahiya, kundi sa buong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay dadakilain si Cristo sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng kabuhayan, o sa pamamagitan ng kamatayan. 050 PHI 001 021 Sapagka't sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang. 050 PHI 001 022 Nguni't kung ang mabuhay sa laman ay siya kong palad, ito'y magiging mabungang pagpapagal, na aywan ko nga kung ano ang aking pipiliin. 050 PHI 001 023 Sapagka't ako'y nagigipit sa magkabila, akong may nasang umalis at suma kay Cristo; sapagka't ito'y lalong mabuti: 050 PHI 001 024 Gayon ma'y ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo. 050 PHI 001 025 At sa pagkakatiwalang ito, ay aking nalalaman na ako'y mananatili, oo, at mananatili ako na kasama ninyong lahat, sa ikasusulong ninyo at ikagagalak sa pananampalataya; 050 PHI 001 026 Upang managana ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus sa akin sa pamamagitan ng aking pagharap na muli sa inyo. 050 PHI 001 027 Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo'y matitibay sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio; 050 PHI 001 028 At sa anoman ay huwag kayong mangatakot sa mga kaaway: na ito sa kanila ay malinaw na tanda ng kapahamakan, datapuwa't tanda ng inyong pagkaligtas, at ito'y mula sa Dios; 050 PHI 001 029 Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya: 050 PHI 001 030 Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno na inyong nakita rin sa akin, at ngayo'y nababalitaan ninyong taglay ko. 050 PHI 002 001 Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig, kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu, kung mayroong anomang mahinahong awa at habag, 050 PHI 002 002 Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip; 050 PHI 002 003 Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili; 050 PHI 002 004 Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa't isa naman ay sa iba't iba. 050 PHI 002 005 Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: 050 PHI 002 006 Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, 050 PHI 002 007 Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: 050 PHI 002 008 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus. 050 PHI 002 009 Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; 050 PHI 002 010 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, 050 PHI 002 011 At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. 050 PHI 002 012 Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig; 050 PHI 002 013 Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban. 050 PHI 002 014 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo: 050 PHI 002 015 Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan, 050 PHI 002 016 Na nagpapahayag ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri ako sa kaarawan ni Cristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan. 050 PHI 002 017 Oo, kahit ako'y maging hain sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat: 050 PHI 002 018 At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin. 050 PHI 002 019 Datapuwa't inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si Timoteo, upang ako naman ay mapanatag, pagkaalam ko ng inyong kalagayan. 050 PHI 002 020 Sapagka't walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan. 050 PHI 002 021 Sapagka't pinagsisikapan nilang lahat ang sa kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo. 050 PHI 002 022 Nguni't nalalaman ninyo ang pagkasubok sa kaniya na gaya ng paglilingkod ng anak sa ama, ay gayon naglilingkod siyang kasama ko sa ikalalaganap ng evangelio. 050 PHI 002 023 Siya nga ang aking inaasahang suguin madali, pagkakita ko kung ano ang mangyayari sa akin: 050 PHI 002 024 Datapuwa't umaasa ako sa Panginoon, na diya'y makararating din naman akong madali. 050 PHI 002 025 Nguni't inakala kong kailangang suguin sa inyo si Epafrodito, na aking kapatid at kamanggagawa, at kapuwa kawal at inyong sugo at katiwala sa aking kailangan. 050 PHI 002 026 Yamang siya'y nananabik sa inyong lahat, at totoong siya'y namanglaw, sapagka't inyong nabalitaan na siya'y may-sakit: 050 PHI 002 027 Katotohanan ngang nagkasakit siya na malapit na sa kamatayan: nguni't kinahabagan siya ng Dios; at hindi lamang siya kundi pati ako, upang ako'y huwag magkaroon ng sapinsaping kalumbayan. 050 PHI 002 028 Siya nga'y sinugo kong may malaking pagpipilit, upang, pagkakitang muli ninyo sa kaniya, kayo'y mangagalak, at ako'y mabawasan ng kalumbayan. 050 PHI 002 029 Tanggapin nga ninyo siya sa Panginoon ng buong galak; at ang gayon ay papurihan ninyo: 050 PHI 002 030 Sapagka't dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nalapit siya sa kamatayan, na isinasapanganib ang kaniyang buhay upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin. 050 PHI 003 001 Sa katapustapusan, mga kapatid ko, mangagalak kayo sa Panginoon. Ang pagsulat ko nga sa inyo ng mga gayon ding bagay, sa akin ay tunay na hindi nakangangalay, nguni't sa inyo'y katiwasayan. 050 PHI 003 002 Magsipagingat kayo sa mga aso, magsipagingat kayo sa masasamang manggagawa, magsipagingat kayo sa mga sa pagtutuli: 050 PHI 003 003 Sapagka't tayo ang pagtutuli, na nagsisisamba sa Espiritu ng Dios, at nangagmamapuri kay Cristo Jesus, at walang anomang pagkakatiwala sa laman: 050 PHI 003 004 Bagama't ako'y makapagkakatiwala sa laman: na kung ang iba ay nagaakala na may pagkakatiwala sa laman, ay lalo na ako: 050 PHI 003 005 Na tinuli ng ikawalong araw, mula sa lahi ng Israel, mula sa angkan ni Benjamin, Hebreo sa mga Hebreo; tungkol sa kautusan, ay Fariseo; 050 PHI 003 006 Tungkol sa pagsisikap, ay manguusig sa iglesia; tungkol sa kabanalan na nasa kautusan, ay walang kapintasan. 050 PHI 003 007 Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo. 050 PHI 003 008 Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo, 050 PHI 003 009 At ako'y masumpungan sa kaniya, na walang katuwirang aking sarili, sa makatuwid baga'y sa kautusan, kundi ang katuwirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya: 050 PHI 003 010 Upang makilala ko siya, at ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli, at ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan, na ako'y natutulad sa kaniyang pagkamatay; 050 PHI 003 011 Kung aking tamuhin sa anomang paraan ang pagkabuhay na maguli sa mga patay. 050 PHI 003 012 Hindi sa ako'y nagtamo na, o ako'y nalubos na: kundi nagpapatuloy ako, baka sakaling maabot ko yaong ikinaaabot naman sa akin ni Cristo Jesus. 050 PHI 003 013 Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap, 050 PHI 003 014 Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus. 050 PHI 003 015 Kaya nga, kung ilan tayong mga sakdal, ay magisip ng gayon: at kung sa anoma'y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios: 050 PHI 003 016 Lamang, ay magsilakad tayo ayon sa gayon ding ayos na ating inabot na. 050 PHI 003 017 Mga kapatid, kayo'y mangagkaisang tumulad sa akin, at tandaan ninyo ang mga nagsisilakad ng gayon, ayon sa halimbawang nakikita ninyo sa akin. 050 PHI 003 018 Sapagka't marami ang mga nagsisilakad, na siyang madalas na aking sinabi sa inyo, at ngayo'y sinasabi ko sa inyo na may pagiyak, na sila ang mga kaaway ng krus ni Cristo: 050 PHI 003 019 Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, na ang kanilang dios ay ang tiyan, at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa. 050 PHI 003 020 Sapagka't ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: 050 PHI 003 021 Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya. 050 PHI 004 001 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking katuwaan at putong, magsitibay nga kayo sa Panginoon, mga minamahal ko. 050 PHI 004 002 Ipinamamanhik ko kay Euodias, at ipinamamanhik ko kay Sintique, na mangagkaisa ng pagiisip sa Panginoon. 050 PHI 004 003 Oo, ipinamamanhik ko rin naman sa iyo, tapat na kasama sa pagtulong, na iyong tulungan ang mga babaing ito, sapagka't sila'y nangagpagal na kasama ko sa evangelio, at kasama rin naman ni Clemente, at ng ibang aking mga kamanggagawa, na ang kanilang pangalan ay nangasa aklat ng buhay. 050 PHI 004 004 Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: muli kong sasabihin, Mangagalak kayo. 050 PHI 004 005 Makilala nawa ang inyong kahinhinan ng lahat ng mga tao. Ang Panginoon ay malapit na. 050 PHI 004 006 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. 050 PHI 004 007 At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus. 050 PHI 004 008 Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito. 050 PHI 004 009 Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo. 050 PHI 004 010 Datapuwa't ako'y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang inyong pagmamalasakit sa akin; na dito'y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit, nguni't kayo'y nagkulang ng mabuting pagkakataon. 050 PHI 004 011 Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan: sapagka't aking natutuhan ang masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan. 050 PHI 004 012 Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana: sa bawa't bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan. 050 PHI 004 013 Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin. 050 PHI 004 014 Gayon man ay mabuti ang inyong ginawa na kayo'y nakiramay sa aking kapighatian. 050 PHI 004 015 At kayo mga taga Filipos, nalalaman naman ninyo, na nang pasimulan ang evangelio, nang ako'y umalis sa Macedonia, alin mang iglesia ay walang nakipagkaisa sa akin sa pagkakaloob at pagtanggap kundi kayo lamang; 050 PHI 004 016 Sapagka't sa Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan. 050 PHI 004 017 Hindi sa ako'y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumadami sa ganang inyo. 050 PHI 004 018 Datapuwa't mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, na isang samyo ng masarap na amoy, isang handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios. 050 PHI 004 019 At pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus. 050 PHI 004 020 Ngayon nawa'y suma ating Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. 050 PHI 004 021 Batiin ninyo ang bawa't banal kay Cristo Jesus. Binabati kayo ng mga kapatid na kasama ko. 050 PHI 004 022 Binabati kayo ng lahat ng mga banal, lalong lalo na ng mga kasangbahay ni Cesar. 050 PHI 004 023 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. # # BOOK 051 COL Colossians Mga Colosas 051 COL 001 001 Si Pablo, na apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at ang kapatid nating si Timoteo, 051 COL 001 002 Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo, na nangasa sa Colosas: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama. 051 COL 001 003 Nagpapasalamat kami sa Dios, na Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y laging idinadalangin, 051 COL 001 004 Nang nabalitaan namin ng inyong pananampalataya kay Cristo Jesus, at ang pagibig ninyo sa lahat ng mga banal, 051 COL 001 005 Dahil sa pagasa na natataan para sa inyo sa langit, na nang una ay inyong narinig sa salita ng katotohanan ng evangelio, 051 COL 001 006 Na ito'y dumating sa inyo; gayon din naman kung paano sa buong sanglibutan na namumunga at lumalaganap, gaya rin naman sa inyo, mula nang araw na inyong marinig at maalaman ang biyaya ng Dios sa katotohanan; 051 COL 001 007 Ayon sa inyong natutuhan kay Epafras na aming minamahal na kasamang lingkod, na isang tapat na ministro ni Cristo, sa ganang atin; 051 COL 001 008 Na siya rin namang sa amin ay nagbalita ng inyong pagibig sa Espiritu. 051 COL 001 009 Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu, 051 COL 001 010 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios; 051 COL 001 011 Na kayo'y palakasin ng buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak; 051 COL 001 012 Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan; 051 COL 001 013 Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig; 051 COL 001 014 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan: 051 COL 001 015 Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang; 051 COL 001 016 Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya; 051 COL 001 017 At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya. 051 COL 001 018 At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan. 051 COL 001 019 Sapagka't minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya; 051 COL 001 020 At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan. 051 COL 001 021 At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama. 051 COL 001 022 Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya: 051 COL 001 023 Kung tunay na kayo'y mamamalagi sa pananampalataya, na nababaon at matitibay, at di makilos sa pagasa sa evangelio na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit; na dito akong si Pablo ay ginawang ministro. 051 COL 001 024 Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia; 051 COL 001 025 Na ako'y ginawang ministro nito, ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios, 051 COL 001 026 Maging ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwa't ngayo'y ipinahayag sa kaniyang mga banal, 051 COL 001 027 Na sa kanila'y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil, na ito'y si Cristo na nasa inyo, na pagasa ninyo sa kaluwalhatian: 051 COL 001 028 Na siya naming inihahayag, na pinaaalalahanan ang bawa't tao at tinuturuan ang bawa't tao, sa buong karunungan, upang maiharap naming sakdal kay Cristo ang bawa't tao; 051 COL 001 029 Na dahil dito'y nagpapagal din naman ako, na nagpipilit ayon sa kaniyang paggawa, na siyang sa akin ay gumagawa na may kapangyarihan. 051 COL 002 001 Sapagka't ibig ko na inyong maalaman kung gaano kalaki ang aking pagpipilit dahil sa inyo, at sa nangasa Laodicea, at sa lahat na hindi nakakita ng mukha ko sa laman; 051 COL 002 002 Upang mangaaliw ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakalakip sa pagibig, at sa lahat ng mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa, upang makilala nila ang hiwaga ng Dios, sa makatuwid baga'y si Cristo, 051 COL 002 003 Na siyang kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman. 051 COL 002 004 Ito'y sinasabi ko, upang huwag kayong madaya ng sinoman sa mga pananalitang kaakitakit. 051 COL 002 005 Sapagka't bagaman sa laman ako'y wala sa harap, gayon ma'y nasa inyo ako sa espiritu, na nagagalak at nakikita ko ang inyong ayos, at ang katibayan ng inyong pananampalataya kay Cristo. 051 COL 002 006 Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa kaniya, 051 COL 002 007 Na nangauugat at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat. 051 COL 002 008 Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo: 051 COL 002 009 Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman, 051 COL 002 010 At sa kaniya kayo'y napuspus na siyang pangulo ng lahat na pamunuan at kapangyarihan: 051 COL 002 011 Na sa kaniya ay tinuli rin naman kayo ng pagtutuling hindi gawa ng mga kamay, sa pagkahubad ng katawang laman, sa pagtutuli ni Cristo; 051 COL 002 012 Na nangalibing na kalakip niya sa bautismo, na kayo nama'y muling binuhay na kalakip niya, sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios, na muling bumangon sa kaniya sa mga patay. 051 COL 002 013 At nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kaniyang binuhay kayo na kalakip niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan: 051 COL 002 014 Na pinawi ang usapang nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa atin: at ito'y kaniyang inalis, na ipinako sa krus; 051 COL 002 015 Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila'y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay siya sa kanila sa bagay na ito. 051 COL 002 016 Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath: 051 COL 002 017 Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't ang katawan ay kay Cristo. 051 COL 002 018 Sinoman ay huwag manakawan ng ganting-pala sa inyo sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel, na nananatili sa mga bagay na kaniyang nakita, na nagpapalalo ng walang kabuluhan sa pamamagitan ng kaniyang akalang ukol sa laman, 051 COL 002 019 At hindi nangangapit sa Ulo, na sa kaniya'y ang buong katawan, na inaalalayan at nakalakip sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid, ay lumalago ng paglagong mula sa Dios. 051 COL 002 020 Kung kayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo mula sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, bakit, na waring kayo'y nangabubuhay pa sa sanglibutan, kayo'y nangapasasakop sa mga palatuntunan, 051 COL 002 021 Gaya ng: Huwag dumampot, ni huwag lumasap, ni huwag humipo; 051 COL 002 022 (Ang lahat ng mga bagay na ito ay mangasisira sa paggamit), ayon sa mga utos at mga aral ng mga tao? 051 COL 002 023 Ang mga bagay na iya'y katotohanang mayroong anyo ng karunungan sa pagsambang kusa, at sa pagpapakababa, at sa pagpapakahirap sa katawan; nguni't walang anomang kabuluhan laban sa ikalalayaw ng laman. 051 COL 003 001 Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios. 051 COL 003 002 Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa. 051 COL 003 003 Sapagka't kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios. 051 COL 003 004 Pagka si Cristo na ating buhay ay mahayag, ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kaluwalhatian. 051 COL 003 005 Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan; 051 COL 003 006 Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating ang kagalitan ng Dios sa mga anak ng pagsuway: 051 COL 003 007 Na inyo ring nilakaran nang una, nang kayo'y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito; 051 COL 003 008 Datapuwa't ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig: 051 COL 003 009 Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa, 051 COL 003 010 At kayo'y nangagbihis ng bagong pagkatao, na nagbabago sa kaalaman ayon sa larawan niyaong lumalang sa kaniya: 051 COL 003 011 Doo'y hindi maaaring magkaroon ng Griego at ng Judio, ng pagtutuli at ng di pagtutuli, ng barbaro, ng Scita, ng alipin, ng laya; kundi si Cristo ang lahat, at sa lahat. 051 COL 003 012 Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, ng isang pusong mahabagin, ng kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod: 051 COL 003 013 Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin: 051 COL 003 014 At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan. 051 COL 003 015 At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat. 051 COL 003 016 Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios. 051 COL 003 017 At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya. 051 COL 003 018 Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon. 051 COL 003 019 Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila. 051 COL 003 020 Mga anak, magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay, sapagka't ito'y totoong nakalulugod sa Panginoon. 051 COL 003 021 Mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila. 051 COL 003 022 Mga alipin, magsitalima kayo sa lahat ng mga bagay sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon: hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na mangatakot sa Panginoon: 051 COL 003 023 Anomang inyong ginagawa, ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao; 051 COL 003 024 Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang ganting mana; sapagka't naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo. 051 COL 003 025 Sapagka't ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng ayon sa masama na kaniyang ginawa; at walang itinatanging mga tao. 051 COL 004 001 Mga panginoon, gawin ninyo sa inyong mga alipin ang matuwid, at katampatan; yamang nalalaman ninyo na kayo naman ay mayroong ding isang Panginoon sa langit. 051 COL 004 002 Manatili kayong palagi sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na may pagpapasalamat; 051 COL 004 003 Na tuloy idalangin din ninyo kami, na buksan sa amin ng Dios ang pinto sa salita, upang aming salitain ang hiwaga ni Cristo, na dahil din dito'y may mga tanikala ako; 051 COL 004 004 Upang ito'y aking maihayag, gaya ng aking nararapat na salitain. 051 COL 004 005 Magsilakad kayo na may karunungan sa nangasa labas, na inyong samantalahin ang panahon. 051 COL 004 006 Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa. 051 COL 004 007 Ang lahat na mga bagay ukol sa akin ay ipatatalastas sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kasamang lingkod sa Panginoon: 051 COL 004 008 Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito, upang maalaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso; 051 COL 004 009 Na kasama ni Onesimo, tapat at minamahal na kapatid, na siya'y isa sa inyo. Sila ang magpapatalastas sa inyo ng lahat ng mga bagay na nangyayari dini. 051 COL 004 010 Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe (tungkol sa kaniya'y tinanggap na ninyo ang mga utos: kung paririyan siya sa inyo, ay inyong tanggapin), 051 COL 004 011 At si Jesus na tinatawag na Justo, na pawang sa pagtutuli: ang mga ito lamang ang aking kamanggagawa sa kaharian ng Dios, mga taong naging kaaliwan ko. 051 COL 004 012 Binabati kayo ni Epafras, na isa sa inyo, na lingkod ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap dahil sa inyo sa kaniyang pananalangin, upang kayo'y magsitatag na mga sakdal at lubos na tiwasay sa lahat na kalooban ng Dios. 051 COL 004 013 Sapagka't siya'y binibigyan kong patotoo na siya'y totoong nagpapagal sa inyo, at sa nangasa Laodicea, at sa nangasa Hierapolis. 051 COL 004 014 Binabati kayo ni Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni Demas. 051 COL 004 015 Batiin ninyo ang mga kapatid na nangasa Laodicea, at si Nimfas, at ang iglesiang nasa kanilang bahay. 051 COL 004 016 At pagkabasa ng sulat na ito sa inyo, ay ipabasa naman ninyo sa iglesia ng mga taga Laodicea; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea. 051 COL 004 017 At sabihin ninyo kay Arquipo, Ingatan mong tuparin ang ministerio na tinanggap mo sa Panginoon. 051 COL 004 018 Ang bating sinulat ng aking sariling kamay, akong si Pablo. Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala. Ang biyaya'y sumasainyo nawa. # # BOOK 052 1TH 1 Thessalonians 1 Mga Tesalonica 052 1TH 001 001 Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan. 052 1TH 001 002 Nangagpapasalamat kaming lagi sa Dios dahil sa inyong lahat, na aming binabanggit kayo sa aming mga panalangin; 052 1TH 001 003 Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at pagtitiis sa pagasa sa ating Panginoong Jesucristo; 052 1TH 001 004 Yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Dios, ang pagkahirang sa inyo, 052 1TH 001 005 Kung paanong ang aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at sa lubos na katiwasayan; na gaya ng inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo. 052 1TH 001 006 At kayo'y nagsitulad sa amin, at sa Panginoon, nang inyong tanggapin ang salita sa malaking kapighatian, na may katuwaan sa Espiritu Santo; 052 1TH 001 007 Ano pa't kayo'y naging uliran ng lahat ng nangananampalatayang nangasa Macedonia at nangasa Acaya. 052 1TH 001 008 Sapagka't mula sa inyo'y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, kundi sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios; ano pa't kami ay wala nang kailangang magsabi pa ng anoman. 052 1TH 001 009 Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan, upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay, 052 1TH 001 010 At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit, na kaniyang ibinangon sa mga patay, si Jesus nga na nagligtas sa atin mula sa galit na darating. 052 1TH 002 001 Kaya nga nalalaman ninyo rin, mga kapatid, na ang aming pagkapasok sa inyo, ay hindi nawalan ng kabuluhan: 052 1TH 002 002 Kundi palibhasa'y nagsipagbata kami nang una at inalipusta, gaya ng inyong nalalaman, sa Filipos, ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan. 052 1TH 002 003 Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya. 052 1TH 002 004 Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso. 052 1TH 002 005 Sapagka't hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailan man ng mga salitang paimbabaw, gaya ng nalalaman ninyo, ni ng balabal man ng kasakiman, saksi ang Dios; 052 1TH 002 006 Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan, ni sa inyo man, ni sa mga iba man, nang maaaring magsigamit kami ng kapamahalaan gaya ng mga apostol ni Cristo. 052 1TH 002 007 Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiwa pagka inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak: 052 1TH 002 008 Gayon din kami, palibhasa'y may magiliw na pagibig sa inyo, ay kinalugdan naming kayo'y bahaginan, hindi lamang ng evangelio ng Dios, kundi naman ng aming sariling mga kaluluwa, sapagka't kayo'y naging lalong mahal sa amin. 052 1TH 002 009 Sapagka't inaalaala ninyo, mga kapatid, ang aming pagpapagal at pagdaramdam: amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi't araw, upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo. 052 1TH 002 010 Kayo'y mga saksi, at ang Dios man, kung gaanong pagkabanal at pagkamatuwid at pagkawalang kapintasan ang inugali namin sa inyong nagsisisampalataya: 052 1TH 002 011 Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa't isa sa inyo, na gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo'y inaaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo, 052 1TH 002 012 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Dios, na siyang tumawag sa inyo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian. 052 1TH 002 013 At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, sa makatuwid baga'y ang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya. 052 1TH 002 014 Sapagka't kayo, mga kapatid, ay nagsitulad sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: sapagka't nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, gaya naman nila sa mga Judio; 052 1TH 002 015 Na nagsipatay sa Panginoong Jesus, at gayon din sa mga propeta, at kami ay kanilang pinalayas, at di nangagbibigay lugod sa Dios, at laban sa lahat ng mga tao; 052 1TH 002 016 Na pinagbabawalan kaming makipagusap sa mga Gentil upang mangaligtas ang mga ito; upang kanilang paramihing lagi ang kanilang mga kasalanan: nguni't dumating sa kanila ang kagalitan, hanggang sa katapusan. 052 1TH 002 017 Nguni't kami, mga kapatid, na nangahiwalay sa inyong sangdaling panahon, sa katawan hindi sa puso, ay nangagsisikap na lubha, upang makita ang inyong mukha na may dakilang pagnanais: 052 1TH 002 018 Sapagka't nangagnasa kaming pumariyan sa inyo, akong si Pablo, na minsan at muli; at hinadlangan kami ni Satanas. 052 1TH 002 019 Sapagka't ano ang aming pagasa, o katuwaan, o putong, na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo sa kaniyang pagparito? 052 1TH 002 020 Sapagka't kayo ang aming kaluwalhatian at aming katuwaan. 052 1TH 003 001 Kaya't nang hindi na kami mangakatiis, ay minagaling naming maiwang nangagiisa sa Atenas; 052 1TH 003 002 At aming sinugo si Timoteo, na aming kapatid at ministro ng Dios sa evangelio ni Cristo, upang kayo'y kaniyang patibayin at aliwin, tungkol sa inyong pananampalataya; 052 1TH 003 003 Upang ang sinoma'y huwag mabagabag sa pamamagitan ng mga kapighatiang ito; sapagka't kayo rin ang nangakaaalam na itinalaga kami sa bagay na ito. 052 1TH 003 004 Sapagka't sa katotohanan, nang kami ay kasama ninyo ay aming sinabi nang una sa inyo na kami ay mangagbabata ng kapighatian; gaya nga na nangyari, at nalalaman ninyo. 052 1TH 003 005 Dahil dito naman, nang hindi ko na matiis pa, ako'y nagsugo upang matalastas ko ang inyong pananampalataya, baka sa anomang paraan kayo'y nangatukso ng manunukso, at ang aming pagpapagal ay mawalan ng kabuluhan. 052 1TH 003 006 Datapuwa't nang si Timoteo ay dumating sa amin ngayon na buhat sa inyo, at nagdala sa amin ng mabubuting balita tungkol sa inyong pananampalataya at pagibig, at laging kami'y inaalaalang mabuti ninyo, na ninanasang makita kami na gaya naman namin sa inyo; 052 1TH 003 007 Dahil dito'y nangaaliw kami, mga kapatid, tungkol sa inyo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa lahat naming kagipitan at kapighatian: 052 1TH 003 008 Sapagka't ngayon ay nangabubuhay kami, kung kayo'y nangamamalaging matibay sa Panginoon. 052 1TH 003 009 Sapagka't ano ngang pagpapasalamat ang aming muling maibibigay sa Dios dahil sa inyo, dahil sa buong kagalakan na aming ikinagalak dahil sa inyo sa harapan ng aming Dios; 052 1TH 003 010 Gabi't araw ay idinadalangin naming buong ningas na aming makita ang inyong mukha, at aming malubos ang inyong pananampalataya. 052 1TH 003 011 Ngayo'y patnugutan nawa ng atin ding Dios at Ama, at ng ating Panginoong Jesus, ang aming paglalakbay sa inyo: 052 1TH 003 012 At kayo'y palaguin at pasaganain ng Panginoon sa pagibig sa isa't isa, at sa lahat ng mga tao, na gaya naman ng amin sa inyo; 052 1TH 003 013 Upang patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal. 052 1TH 004 001 Katapustapusan nga, mga kapatid, kayo'y aming pinamamanhikan at inaaralan sa Panginoong Jesus, na, ayon sa tinanggap ninyo sa amin, na kung paanong kayo'y dapat magsilakad at mangagbigay lugod sa Dios, na gaya ng inyong paglakad, upang kayo'y magsipanagana ng higit at higit. 052 1TH 004 002 Sapagka't talastas ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. 052 1TH 004 003 Sapagka't ito ang kalooban ng Dios, sa makatuwid baga'y ang inyong pagpapakabanal, na kayo'y magsiilag sa pakikiapid; 052 1TH 004 004 Na ang bawa't isa sa inyo'y makaalam na maging mapagpigil sa kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan, 052 1TH 004 005 Hindi sa pita ng kahalayan, na gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios; 052 1TH 004 006 Na sinoma'y huwag lumapastangan at magdaya sa kaniyang kapatid sa bagay na ito: sapagka't ang Panginoon ay mapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito, na gaya naman ng aming ipinatalastas nang una na sa inyo at pinatotohanan. 052 1TH 004 007 Sapagka't tayo'y tinawag ng Dios hindi sa ikarurumi, kundi sa pagpapakabanal. 052 1TH 004 008 Kaya't ang nagtatakuwil, hindi ang tao ang itinatakuwil, kundi ang Dios, na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo. 052 1TH 004 009 Datapuwa't tungkol sa pagiibigang kapatid ay hindi ninyo kailangan na kayo'y sulatan ng sinoman: sapagka't kayo rin ay tinuruan ng Dios na mangagibigan kayo sa isa't isa; 052 1TH 004 010 Sapagka't katotohanang ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nangasa buong Macedonia. Nguni't aming iniaaral sa inyo, mga kapatid, na kayo'y lalo't lalong magsipanagana. 052 1TH 004 011 At pagaralan ninyong maging matahimik, at gawin ang inyong sariling gawain, at kayo'y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo; 052 1TH 004 012 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa nangasa labas, at huwag kayong maging mapagkailangan. 052 1TH 004 013 Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa. 052 1TH 004 014 Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya. 052 1TH 004 015 Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog. 052 1TH 004 016 Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; 052 1TH 004 017 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man. 052 1TH 004 018 Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito. 052 1TH 005 001 Datapuwa't tungkol sa mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman. 052 1TH 005 002 Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi. 052 1TH 005 003 Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan. 052 1TH 005 004 Nguni't kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw: 052 1TH 005 005 Sapagka't kayong lahat ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man; 052 1TH 005 006 Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi tayo'y mangagpuyat at mangagpigil. 052 1TH 005 007 Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi. 052 1TH 005 008 Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan. 052 1TH 005 009 Sapagka't tayo'y hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, 052 1TH 005 010 Na namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya. 052 1TH 005 011 Dahil dito kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa. 052 1TH 005 012 Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo; 052 1TH 005 013 At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan. 052 1TH 005 014 At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, alalayan ang mga mahihina, at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat. 052 1TH 005 015 Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat. 052 1TH 005 016 Mangagalak kayong lagi; 052 1TH 005 017 Magsipanalangin kayong walang patid; 052 1TH 005 018 Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo. 052 1TH 005 019 Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu; 052 1TH 005 020 Huwag ninyong hamakin ang mga panghuhula; 052 1TH 005 021 Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti; 052 1TH 005 022 Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama. 052 1TH 005 023 At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo. 052 1TH 005 024 Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito. 052 1TH 005 025 Mga kapatid, idalangin ninyo kami. 052 1TH 005 026 Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng banal na halik. 052 1TH 005 027 Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid ang sulat na ito. 052 1TH 005 028 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa. # # BOOK 053 2TH 2 Thessalonians 2 Mga Tesalonica 053 2TH 001 001 Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo; 053 2TH 001 002 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo. 053 2TH 001 003 Kami ay nararapat, mga kapatid, na mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa't isa sa iba't iba sa inyong lahat ay sumasagana; 053 2TH 001 004 Ano pa't kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis; 053 2TH 001 005 Na isang tandang hayag ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y nangagbabata rin naman kayo: 053 2TH 001 006 Kung isang bagay na matuwid sa Dios na gantihin ng kapighatian ang mga pumipighati sa inyo, 053 2TH 001 007 At kayong mga pinighati ay bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy, 053 2TH 001 008 Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus: 053 2TH 001 009 Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan. 053 2TH 001 010 Pagka paririto siya upang luwalhatiin sa kaniyang mga banal, at upang siya'y maging kahangahanga sa lahat ng mga nagsisampalataya sa araw na yaon (sapagka't ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan). 053 2TH 001 011 Dahil din dito ay lagi naming idinadalangin kayo, upang kayo'y ariing karapatdapat ng ating Dios sa pagkatawag sa inyo, at ganaping may kapangyarihan ang bawa't nais sa kabutihan at gawa ng pananampalataya; 053 2TH 001 012 Upang ang pangalan ng ating Panginoong Jesus ay luwalhatiin sa inyo, at kayo'y sa kaniya, ayon sa biyaya ng ating Dios at ng Panginoong Jesucristo. 053 2TH 002 001 Ngayon aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, tungkol sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, at sa ating pagkakatipon sa kaniya: 053 2TH 002 002 Upang huwag kayong madaling makilos sa inyong pagiisip, at huwag din naman kayong mabagabag maging sa pamamagitan man ng espiritu, o sa pamamagitan ng salita, o sa pamamagitan ng sulat na waring mula sa amin, na wari bagang nalalapit na ang kaarawan ng Panginoon; 053 2TH 002 003 Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan, 053 2TH 002 004 Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios. 053 2TH 002 005 Hindi baga ninyo naaalaala nang ako'y kasama ninyo pa, ay sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito? 053 2TH 002 006 At ngayo'y nalalaman ninyo ang nakapipigil, upang siya'y mahayag sa kaniyang talagang kapanahunan. 053 2TH 002 007 Sapagka't ang hiwaga ng kasamaan ay gumagawa na: lamang ay may pumipigil ngayon, hanggang sa alisin ito. 053 2TH 002 008 At kung magkagayo'y mahahayag ang tampalasan, na papatayin ng Panginoong Jesus ng hininga ng kaniyang bibig, at sa pamamagitan ng pagkahayag ng kaniyang pagparito ay lilipulin; 053 2TH 002 009 Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan, 053 2TH 002 010 At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas. 053 2TH 002 011 At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan: 053 2TH 002 012 Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan. 053 2TH 002 013 Nguni't kami ay nararapat magpasalamat sa Dios dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon, sa pagkakahirang sa inyo ng Dios buhat nang pasimula sa ikaliligtas sa pagpapabanal ng Espiritu at pananampalataya sa katotohanan: 053 2TH 002 014 Sa kalagayang ito'y tinawag niya kayo sa pamamagitan ng aming evangelio, upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo. 053 2TH 002 015 Kaya nga, mga kapatid, kayo'y mangagpakatibay, at inyong panghawakan ang mga aral na sa inyo'y itinuro, maging sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat. 053 2TH 002 016 Ngayon ang ating Panginoong Jesucristo rin, at ang Dios na ating Ama na sa amin ay umibig at sa amin ay nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pagasa sa pamamagitan ng biyaya, 053 2TH 002 017 Aliwin nawa ang inyong puso, at patibayin kayo sa bawa't mabuting gawa at salita. 053 2TH 003 001 Katapustapusan, mga kapatid, ay inyong idalangin kami, upang ang salita ng Panginoon ay lumaganap at luwalhatiin nawa na gaya rin naman sa inyo; 053 2TH 003 002 At upang kami ay mangaligtas sa mga taong walang katuwiran at masasama; sapagka't hindi lahat ay mayroong pananampalataya. 053 2TH 003 003 Nguni't tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y magiingat sa masama. 053 2TH 003 004 At may pagkakatiwala kami sa Panginoon tungkol sa inyo, na inyong ginagawa at gagawin naman ang mga bagay na aming iniuutos. 053 2TH 003 005 At patnubayan nawa ng Panginoon ang inyong mga puso sa pagibig ng Dios, at sa pagtitiis ni Cristo. 053 2TH 003 006 Aming inuutos nga sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y magsihiwalay sa bawa't kapatid na lumalakad ng walang kaayusan, at hindi ayon sa aral na tinanggap nila sa amin. 053 2TH 003 007 Sapagka't kayo rin ang nangakakaalam kung paano kami ay inyong dapat tularan: sapagka't kami ay hindi nangagugali ng walang kaayusan sa inyo; 053 2TH 003 008 Ni nagsikain man kami ng walang bayad ng tinapay ng sinoman; kundi sa pagpapagal at sa pagdaramdam na gumagawa gabi't araw, upang kami ay huwag maging pasanin sa kanino man sa inyo: 053 2TH 003 009 Hindi dahil sa kami ay walang karapatan, kundi upang kami ay mangakapagbigay sa inyo ng isang uliran, upang kami ay inyong tularan. 053 2TH 003 010 Sapagka't noon pa mang kami ay kasama ninyo, ay aming iniutos ito sa inyo, Kung ang sinoman ay ayaw gumawa, ay huwag din namang kumain. 053 2TH 003 011 Sapagka't aming nababalitaan ang ilan sa inyo na nagsisilakad ng walang kaayusan, na hindi man lamang nagsisigawa, kundi mga mapakialam sa mga bagay ng iba. 053 2TH 003 012 Sa mga gayon nga ay aming iniuutos at ipinamamanhik sa Panginoong Jesucristo, na sila'y magsigawang may katahimikan, at magsikain ng kanilang sariling tinapay. 053 2TH 003 013 Nguni't kayo, mga kapatid, huwag kayong mangapagod sa paggawa ng mabuti. 053 2TH 003 014 At kung ang sinoma'y hindi tumalima sa aming salita sa pamamagitan ng sulat na ito, inyong tandaan ang taong yaon, upang huwag kayong makisama sa kaniya, nang siya'y mahiya. 053 2TH 003 015 At gayon ma'y huwag ninyong ariin siyang kaaway, kundi inyo siyang paalalahanan tulad sa kapatid. 053 2TH 003 016 Ngayon ang Panginoon din ng kapayapaan ay magbigay nawa sa inyo ng kapayapaan sa buong panahon at sa lahat ng paraan. Ang Panginoon ay sumainyo nawang lahat. 053 2TH 003 017 Ang bati na sinulat ng aking sariling kamay, akong si Pablo, na siyang tanda sa bawa't sulat: gayon sumusulat ako. 053 2TH 003 018 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang lahat. # # BOOK 054 1TI 1 Timothy 1 Timoteo 054 1TI 001 001 Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas, at ni Cristo Jesus na ating pagasa; 054 1TI 001 002 Kay Timoteo na aking tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin. 054 1TI 001 003 Kung paanong ipinamanhik ko sa iyo na ikaw ay matira sa Efeso, nang pumaparoon ako sa Macedonia, upang maipagbilin mo sa ilang tao na huwag magsipagturo ng ibang aral, 054 1TI 001 004 Ni huwag makinig sa mga katha at sa mga kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon. 054 1TI 001 005 Nguni't ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na puso at sa mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw: 054 1TI 001 006 Na pagkasinsay ng iba sa mga bagay na ito ay nagsibaling sa walang kabuluhang pananalita; 054 1TI 001 007 Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan, bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi, kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan. 054 1TI 001 008 Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid, 054 1TI 001 009 Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao, 054 1TI 001 010 Dahil sa mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban sa mabuting aral; 054 1TI 001 011 Ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios, na ipinagkatiwala sa akin. 054 1TI 001 012 Nagpapasalamat ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka't ako'y inari niyang tapat, na ako'y inilagay sa paglilingkod sa kaniya; 054 1TI 001 013 Bagaman nang una ako'y naging mamumusong, at manguusig; at mangaalipusta: gayon ma'y kinahabagan ako, sapagka't yao'y ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya; 054 1TI 001 014 At totoong sumagana ang biyaya ng ating Panginoon na nasa pananampalataya at pagibig na pawang kay Cristo Jesus. 054 1TI 001 015 Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito; 054 1TI 001 016 Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan. 054 1TI 001 017 Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa. 054 1TI 001 018 Ang biling ito ay ipinagtatagubilin ko sa iyo, Timoteo na aking anak, ayon sa mga hula na nangauna tungkol sa iyo, upang sa pamamagitan ng mga ito ay makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka; 054 1TI 001 019 Na ingatan mo ang pananampalataya at ang mabuting budhi; na nang ito'y itakuwil ng iba sa kanila ay nangabagbag tungkol sa pananampalataya: 054 1TI 001 020 Na sa mga ito'y si Himeneo at si Alejandro; na sila'y aking ibinigay kay Satanas, upang sila'y maturuang huwag mamusong. 054 1TI 002 001 Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao; 054 1TI 002 002 Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan. 054 1TI 002 003 Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas; 054 1TI 002 004 Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan. 054 1TI 002 005 Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, 054 1TI 002 006 Na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan; 054 1TI 002 007 Na dito'y itinalaga ako na tagapangaral at apostol (sinasabi ko ang katotohanan, hindi ako nagsisinungaling), guro sa mga Gentil sa pananampalataya at katotohanan. 054 1TI 002 008 Ibig ko ngang ang mga tao'y magsipanalangin sa bawa't dako, na iunat ang mga kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo. 054 1TI 002 009 Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga; 054 1TI 002 010 Kundi (siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa. 054 1TI 002 011 Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop. 054 1TI 002 012 Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik. 054 1TI 002 013 Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva; 054 1TI 002 014 At si Adam ay hindi nadaya, kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang; 054 1TI 002 015 Nguni't ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila'y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon. 054 1TI 003 001 Tapat ang pasabi, Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo, ay mabuting gawa ang ninanasa. 054 1TI 003 002 Dapat nga na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, mapagpatuloy, sapat na makapagturo; 054 1TI 003 003 Hindi magulo, hindi palaaway, kundi malumanay, hindi mapakipagtalo, hindi maibigin sa salapi; 054 1TI 003 004 Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan, na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong kahusayan; 054 1TI 003 005 (Nguni't kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa iglesia ng Dios?) 054 1TI 003 006 Hindi baguhan, baka siya kung magpalalo ay mahulog sa kaparusahan ng diablo. 054 1TI 003 007 Bukod dito'y dapat din namang siya'y magkaroon ng mabuting patotoo ng nangasa labas, baka mahulog sa kapintasan at silo ng diablo. 054 1TI 003 008 Gayon din naman ang mga diakono dapat ay mahuhusay, hindi dalawang dila, hindi mahilig sa maraming alak, hindi mga sakim sa mahahalay na kapakinabangan; 054 1TI 003 009 Na iniingatan ang hiwaga ng pananampalataya ng malinis na budhi. 054 1TI 003 010 At ang mga ito rin naman ay subukin muna; kung magkagayo'y mamahalang may pagka diakono, kung walang kapintasan. 054 1TI 003 011 Gayon din naman ang mga babae dapat ay mahuhusay, hindi palabintangin, mapagpigil, tapat sa lahat ng mga bagay. 054 1TI 003 012 Maging asawa ang mga diakono ng tigiisa lamang na babae, na pamahalaang mabuti ang kanilang mga anak at ang kanilang sariling mga sangbahayan. 054 1TI 003 013 Sapagka't ang nangamamahalang mabuti sa pagka diakono, ay nangagtatamo sa kanilang sarili ng isang mabuting kalagayan, at malaking katapangan sa pananampalataya na kay Cristo Jesus. 054 1TI 003 014 Ang mga bagay na ito ay aking isinusulat sa iyo, na inaasahang makararating sa iyong madali; 054 1TI 003 015 Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan. 054 1TI 003 016 At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; Yaong nahayag sa laman, Pinapaging-banal sa espiritu, Nakita ng mga anghel, Ipinangaral sa mga bansa, Sinampalatayanan sa sanglibutan, Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian. 054 1TI 004 001 Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio, 054 1TI 004 002 Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga; 054 1TI 004 003 Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan. 054 1TI 004 004 Sapagka't ang bawa't nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat: 054 1TI 004 005 Sapagka't pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin. 054 1TI 004 006 Kung ipaalaala mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Cristo Jesus, na kinandili sa mga salita ng pananampalataya at ng mabuting aral na sinusunod mo hanggang ngayon: 054 1TI 004 007 Datapuwa't itakuwil mo ang mga kathang masasama at walang kabuluhan. At magsanay ka sa kabanalan: 054 1TI 004 008 Sapagka't sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni't ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, na may pangako sa buhay na ito, at sa darating. 054 1TI 004 009 Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat. 054 1TI 004 010 Sapagka't dahil dito ay nagsisipagpagal kami at nagsisipagsikap, sapagka't may pagasa kami sa Dios na buhay, na siyang Tagapagligtas sa lahat ng mga tao, lalong lalo na sa mga nagsisisampalataya. 054 1TI 004 011 Ang mga bagay na ito'y iyong iutos at ituro. 054 1TI 004 012 Huwag hamakin ng sinoman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya, sa pananalita, sa pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, sa kalinisan. 054 1TI 004 013 Hanggang ako'y pumariyan ay magsikap ka sa pagbasa, sa pangangaral, sa pagtuturo. 054 1TI 004 014 Huwag mong pabayaan ang kaloob na nasa iyo, na sa iyo'y ibinigay sa pamamagitan ng hula, na may pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan ng mga presbitero. 054 1TI 004 015 Magsipag ka sa mga bagay na ito; tumalaga kang lubos sa mga ito; upang ang iyong pagkasulong ay mahayag sa lahat. 054 1TI 004 016 Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo. 054 1TI 005 001 Huwag mong pagwikaan ang matanda, kundi pangaralan mo siyang tulad sa ama; ang mga kabataang lalake na tulad sa mga kapatid: 054 1TI 005 002 Ang mga babaing matatanda na tulad sa mga ina; at ang mga kabataang babae na tulad sa mga kapatid na babae sa buong kalinisan. 054 1TI 005 003 Papurihan mo ang mga babaing bao na tunay na bao. 054 1TI 005 004 Nguni't kung ang sinomang babaing bao ay may mga anak o mga apo, magsipagaral ang mga ito muna ng pamamahalang may kabanalan sa kanilang sariling sangbahayan, at magsiganti sa kanilang mga magulang: sapagka't ito'y nakalulugod sa paningin ng Dios. 054 1TI 005 005 Kaya't ang tunay na babaing bao at walang nagaampon, ay may pagasa sa Dios, at nananatili sa mga pagdaing at mga panalangin gabi't araw. 054 1TI 005 006 Datapuwa't ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan, bagama't buhay ay patay. 054 1TI 005 007 Ang mga bagay na ito'y iutos mo rin naman, upang sila'y mawalan ng kapintasan. 054 1TI 005 008 Datapuwa't kung ang sinoman ay hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya, lalong lalo na sa kaniyang sariling sangbahayan, ay tumanggi siya sa pananampalataya at lalong masama kay sa hindi sumasampalataya. 054 1TI 005 009 Huwag itala na gaya ng babaing bao samantalang walang anim na pung taon, na naging asawa ng isang lalake, 054 1TI 005 010 Na may mabuting patotoo tungkol sa mabubuting gawa; kung siya'y nagalaga sa mga anak, kung siya'y nagpatuloy sa mga taga ibang bayan, kung siya'y naghugas ng mga paa ng mga banal, kung siya'y umabuloy sa mga napipighati, kung ginanap niya na may kasipagan ang bawa't mabuting gawa. 054 1TI 005 011 Nguni't tanggihan mo ang mga batang babaing bao: sapagka't pagkakaroon nila ng masamang pita na hiwalay kay Cristo, ay nagsisipagnasang magasawa; 054 1TI 005 012 Na nagkakaroon ng kahatulan, sapagka't itinakuwil nila ang unang pananampalataya. 054 1TI 005 013 At bukod dito ay nangagaaral din naman na maging mga tamad, na nagpapalipatlipat sa bahay-bahay; at hindi lamang mga tamad, kundi matatabil din naman at mga mapakialam, na nagsisipagsalita ng mga bagay na di nararapat. 054 1TI 005 014 Ibig ko ngang magsipagasawa ang mga batang babaing bao, magsipanganak, magsipamahala ng sangbahayan, huwag magbigay sa kaaway ng anomang pagkadahilanan ng ikalilibak: 054 1TI 005 015 Sapagka't ang mga iba'y nagsibaling na sa hulihan ni Satanas. 054 1TI 005 016 Kung ang sinomang babaing nanampalataya ay may inaampong mga babaing bao, ay umabuloy sa kanila, at huwag pabigatan ang iglesia, upang maabuluyan nito ang mga tunay na bao. 054 1TI 005 017 Ang mga matanda na nagsisipamahalang mabuti ay ariing may karapatan sa ibayong kapurihan, lalong lalo na ang mga nangagpapagal sa salita at sa pagtuturo. 054 1TI 005 018 Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. At, ang nagpapagal ay karapatdapat sa kaupahan sa kaniya. 054 1TI 005 019 Laban sa matanda ay huwag kang tatanggap ng sumbong, maliban sa dalawa o tatlong saksi. 054 1TI 005 020 Sila na mga nagkakasala ay paalalahanan mo sa harapan ng lahat upang ang iba nama'y mangatakot. 054 1TI 005 021 Pinagbibilinan kita sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, at ng mga anghel na hinirang, na iyong ganapin ang mga bagay na ito na walang pagtatangi na huwag mong gagawin ang anomang pagayo. 054 1TI 005 022 Huwag mong ipatong na madalian ang iyong mga kamay sa kanino man, ni huwag kang makaramay sa mga kasalanan ng iba: ingatan mong malinis ang iyong sarili. 054 1TI 005 023 Huwag kang iinom pa ng tubig lamang, kundi gumamit ka ng kaunting alak dahil sa iyong sikmura at sa iyong madalas na pagkakasakit. 054 1TI 005 024 Ang mga kasalanan ng ilang tao ay hayag na, na nagsisipanguna sa paghukom: at ang ilang mga tao naman ay kanilang sinusundan. 054 1TI 005 025 Gayon din naman ang mabubuting gawa ay hayag: at ang mga di gayo'y hindi maaaring ilihim. 054 1TI 006 001 Ang lahat ng mga alipin na nangasa ilalim ng pamatok ay ariin ang kanilang mga panginoon na karapatdapat sa buong kapurihan, upang ang pangalan ng Dios at ang aral ay huwag malapastangan. 054 1TI 006 002 At ang mga may panginoong nagsisisampalataya, ay huwag mayamot sa kanila, sapagka't sila'y pawang magkakapatid; kundi bagkus paglingkuran nila silang mabuti, sapagka't nagsisipanampalataya at mga minamahal ang mga nagsisitanggap ng kapakinabangan. Iyong ituro at iaral ang mga bagay na ito. 054 1TI 006 003 Kung ang sinoma'y nagtuturo ng ibang aral, at hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling, sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesucristo, at sa aral na ayon sa kabanalan; 054 1TI 006 004 Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, kundi may-sakit sa mga usapan at mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga pagalipusta, mga masasamang akala. 054 1TI 006 005 Pagtataltalan ng mga taong masasama ang pagiisip at salat sa katotohanan, na nagsisipagakala na ang kabanalan ay paraan ng pakinabang. 054 1TI 006 006 Datapuwa't ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking kapakinabangan: 054 1TI 006 007 Sapagka't wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anoman; 054 1TI 006 008 Nguni't kung tayo'y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon. 054 1TI 006 009 Datapuwa't ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan. 054 1TI 006 010 Sapagka't ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan. 054 1TI 006 011 Datapuwa't ikaw, Oh tao, ng Dios, tumakas ka sa mga bagay na ito, at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan. 054 1TI 006 012 Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi. 054 1TI 006 013 Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios na bumubuhay sa lahat ng mga bagay, at ni Cristo Jesus, na sa harapan ni Poncio Pilato ay sumaksi ng mabuting pagpapahayag; 054 1TI 006 014 Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo: 054 1TI 006 015 Na sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya, na mapalad at tanging Makapangyarihan Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon; 054 1TI 006 016 Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa. 054 1TI 006 017 Ang mayayaman sa sanglibutang ito, ay pagbilinan mo na huwag magsipagmataas ng pagiisip, at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili, kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak; 054 1TI 006 018 Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi; 054 1TI 006 019 Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang sila'y makapanangan sa buhay na tunay na buhay. 054 1TI 006 020 Oh Timoteo, ingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo, na ilagan mo ang mga usapan na walang kabuluhan at ang mga pagsalungat ng maling tawag na kaalaman; 054 1TI 006 021 Na palibhasa'y pinaniwalaan ng ilan ay nangasinsay tungkol sa pananampalataya. Ang biyaya ay sumainyo nawa. # # BOOK 055 2TI 2 Timothy 2 Timoteo 055 2TI 001 001 Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ayon sa pangako ng buhay na nasa kay Cristo Jesus, 055 2TI 001 002 Kay Timoteo na aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin. 055 2TI 001 003 Nagpapasalamat ako sa Dios, na mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing malinis, na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing, gabi't araw; 055 2TI 001 004 Na kinasasabikan kong makita kita, na inaalaala ang iyong mga pagluha, upang ako'y mapuspos ng kagalakan; 055 2TI 001 005 Na inaalaala ko ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman. 055 2TI 001 006 Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo na paningasin mo ang kaloob ng Dios, na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay. 055 2TI 001 007 Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan. 055 2TI 001 008 Huwag mo ngang ikahiya ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, ni ako na bilanggo niya: kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa evangelio ayon sa kapangyarihan ng Dios; 055 2TI 001 009 Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay tumawag ng isang banal na pagtawag, hindi ayon sa ating mga gawa, kundi ayon sa kaniyang sariling akala at biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus buhat pa ng mga panahong walang hanggan. 055 2TI 001 010 Nguni't ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, na siyang nagalis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio, 055 2TI 001 011 Na sa bagay na ito ay ako'y itinalaga na tagapangaral, at apostol at guro. 055 2TI 001 012 Dahil dito'y nagtiis din ako ng mga bagay na ito: gayon ma'y hindi ako nahihiya; sapagka't nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya'y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya hanggang sa araw na yaon. 055 2TI 001 013 Ingatan mo ang mga ulirang mga salitang magagaling na narinig mo sa akin, sa pananampalataya at pagibig na nasa kay Cristo Jesus. 055 2TI 001 014 Yaong mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo ay ingatan mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo na nananahan sa atin. 055 2TI 001 015 Ito'y nalalaman mo, na nagsihiwalay sa akin ang lahat ng nangasa Asia; na sa mga yaon ay si Figello at si Hermogenes. 055 2TI 001 016 Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan ni Onesiforo: sapagka't madalas niya akong pinaginhawa, at hindi ikinahiya ang aking tanikala; 055 2TI 001 017 Kundi, nang siya'y nasa Roma, ay hinanap niya ako ng buong sikap, at ako'y nasumpungan niya. 055 2TI 001 018 (Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng Panginoon sa araw na yaon); at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso. 055 2TI 002 001 Ikaw nga, anak ko, magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus. 055 2TI 002 002 At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba. 055 2TI 002 003 Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus. 055 2TI 002 004 Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal. 055 2TI 002 005 At kung ang sinoman ay makikipaglaban naman sa mga laro, ay hindi pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid. 055 2TI 002 006 Ang magsasaka na nagpapagal ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga. 055 2TI 002 007 Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay. 055 2TI 002 008 Alalahanin mo si Jesucristo na muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio: 055 2TI 002 009 Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan sa mga tanikala, na tulad sa tampalasan; nguni't ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan. 055 2TI 002 010 Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay dahil sa mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan. 055 2TI 002 011 Tapat ang pasabi: Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya: 055 2TI 002 012 Kung tayo'y mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo: 055 2TI 002 013 Kung tayo'y hindi mga tapat, siya'y nananatiling tapat; sapagka't hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili. 055 2TI 002 014 Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito, na sila'y pagbilinan sa paningin ng Panginoon, na sila'y huwag makipagtalo tungkol sa mga salitaan na hindi mapapakinabangan, sa ikapapahamak ng mga nakikinig. 055 2TI 002 015 Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan. 055 2TI 002 016 Datapuwa't ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan: sapagka't sila'y lalong magpapatuloy sa kasamaan, 055 2TI 002 017 At ang kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena: na sa mga ito ay si Himeneo at si Fileto; 055 2TI 002 018 Na mga taong tungkol sa katotohanan ay nangasinsay, na sinasabing ang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na, at ginugulo ang pananampalataya ng iba. 055 2TI 002 019 Gayon ma'y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, Lumayo sa kalikuan ang bawa't isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon. 055 2TI 002 020 Datapuwa't sa isang malaking bahay ay hindi lamang may mga sisidlang ginto at pilak, kundi mayroon din namang kahoy at lupa; at ang iba'y sa ikapupuri, at ang iba'y sa ikasisirang-puri. 055 2TI 002 021 Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito, ay magiging sisidlang ikapupuri, pinakabanal, marapat gamitin ng mayari, nahahanda sa lahat ng gawang mabuti. 055 2TI 002 022 Datapuwa't layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis. 055 2TI 002 023 Nguni't tanggihan mo ang mga usapang walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo. 055 2TI 002 024 At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin, 055 2TI 002 025 Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan, 055 2TI 002 026 At sila'y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban. 055 2TI 003 001 Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. 055 2TI 003 002 Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, 055 2TI 003 003 Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, 055 2TI 003 004 Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; 055 2TI 003 005 Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito. 055 2TI 003 006 Sapagka't sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng mga iba't ibang pita, 055 2TI 003 007 Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan. 055 2TI 003 008 At kung paanong si Janes at si Jambres ay nagsilaban kay Moises, ay gayon din naman ang mga ito'y nagsisilaban sa katotohanan; mga taong masasama ang pagiisip, mga itinakuwil tungkol sa pananampalataya. 055 2TI 003 009 Nguni't sila'y hindi mangagpapatuloy: sapagka't mangahahayag sa lahat ng mga tao ang kanilang kamangmangan, gaya naman ng pagkahayag ng sa mga yaon. 055 2TI 003 010 Nguni't sinunod mo ang aking aral, ugali, akala, pananampalataya, pagpapahinuhod, pagibig, pagtitiis, 055 2TI 003 011 Mga paguusig, mga pagbabata; anomang mga bagay ang nangyari sa akin sa Antioquia, sa Iconio, sa Listra; anomang mga paguusig ang tiniis ko: at sa lahat ay iniligtas ako ng Panginoon. 055 2TI 003 012 Oo, at lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig. 055 2TI 003 013 Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya. 055 2TI 003 014 Datapuwa't manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan, yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan; 055 2TI 003 015 At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. 055 2TI 003 016 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: 055 2TI 003 017 Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti. 055 2TI 004 001 Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian: 055 2TI 004 002 Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo. 055 2TI 004 003 Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; 055 2TI 004 004 At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha. 055 2TI 004 005 Nguni't ikaw ay magpigil sa lahat ng mga bagay, magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio. 055 2TI 004 006 Sapagka't ako'y iniaalay na, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na. 055 2TI 004 007 Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: 055 2TI 004 008 Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita. 055 2TI 004 009 Magsikap kang pumarini na madali sa akin: 055 2TI 004 010 Sapagka't ako'y pinabayaan ni Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si Tito ay sa Dalmacia. 055 2TI 004 011 Si Lucas lamang ang kasama ko. Kaunin mo si Marcos, at ipagsama mo; sapagka't siya'y napapakinabangan ko sa ministerio. 055 2TI 004 012 Datapuwa't si Tiquico ay sinugo ko sa Efeso. 055 2TI 004 013 Ang balabal na aking iniwan sa Troas kay Carpo ay iyong dalhin pagparini mo, at ang mga aklat, lalong lalo na ang mga pergamino. 055 2TI 004 014 Si Alejandro na panday-tanso ay ginawan ako ng lubhang masama: gagantihan siya ng Panginoon ayon sa kaniyang mga gawa: 055 2TI 004 015 Magingat ka rin naman sa kaniya; sapagka't totoong kaniyang sinalangsang ang aming mga salita. 055 2TI 004 016 Sa aking unang pagsasanggalang sinoman ay walang kumampi sa akin, bagkus pinabayaan ako ng lahat: huwag nawang ibilang sa kanila ito. 055 2TI 004 017 Datapuwa't ang Panginoon ay sumaakin, at ako'y pinalakas; upang sa pamamagitan ko ang mabuting balita ay maitanyag ng ganap, at upang mapakinggan ng lahat ng mga Gentil: at ako'y iniligtas sa bibig ng leon. 055 2TI 004 018 Ako'y ililigtas ng Panginoon sa bawa't gawa ng masama, at ako'y kaniyang iingatan sa kaniyang kaharian sa langit: na sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. 055 2TI 004 019 Batiin mo si Prisca at si Aquila, at ang sangbahayan ni Onesiforo. 055 2TI 004 020 Si Erasto ay natira sa Corinto; datapuwa't si Trofimo ay iniwan kong may-sakit sa Mileto. 055 2TI 004 021 Magsikap kang pumarini bago magtaginaw. Binabati ka ni Eubulo, at ni Pudente, at ni Lino, at ni Claudia, at ng lahat ng mga kapatid. 055 2TI 004 022 Ang Panginoon nawa'y sumainyong espiritu. Ang biyaya nawa'y sumainyo. # # BOOK 056 TIT Titus Tito 056 TIT 001 001 Si Pablo, na alipin ng Dios, at apostol ni Jesucristo, ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Dios, at sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan, 056 TIT 001 002 Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan; 056 TIT 001 003 Nguni't sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas; 056 TIT 001 004 Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin. 056 TIT 001 005 Dahil dito'y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at maghalal ng mga matanda sa bawa't bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo; 056 TIT 001 006 Kung ang sinoman ay walang kapintasan, asawa ng isang babae lamang, na may mga anak na nagsisisampalataya, na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail. 056 TIT 001 007 Sapagka't dapat na ang obispo ay walang kapintasan, palibhasa siya'y katiwala ng Dios; hindi mapagsariling kalooban, hindi magagalitin, hindi manggugulo, hindi palaaway, hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan; 056 TIT 001 008 Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil; 056 TIT 001 009 Na nananangan sa tapat na salita na ayon sa turo, upang umaral ng magaling na aral, at papaniwalain ang nagsisisalangsang. 056 TIT 001 010 Sapagka't may maraming mga suwail, na mapagsalita ng walang kabuluhan at mga magdaraya, lalong lalo na yaong mga sa pagtutuli, 056 TIT 001 011 Na ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom; mga taong nagsisipanggulo sa buong mga sangbahayan, na nangagtuturo ng mga bagay na di nararapat, dahil sa mahalay na kapakinabangan. 056 TIT 001 012 Sinabi ng isa sa kanila rin, ng isang propetang sarili nila, Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na mga tamad. 056 TIT 001 013 Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa pananampalataya, 056 TIT 001 014 Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan. 056 TIT 001 015 Sa malinis ang lahat ng mga bagay ay malinis: datapuwa't sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis; kundi pati ng kanilang pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa. 056 TIT 001 016 Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti. 056 TIT 002 001 Nguni't magsalita ka ng mga bagay na nauukol sa aral na magaling: 056 TIT 002 002 Na ang matatandang lalake ay maging mapagpigil, mahusay, mahinahon ang pagiisip, magagaling sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis: 056 TIT 002 003 Na gayon din ang matatandang babae ay maging magalang sa kanilang kilos, hindi palabintangin ni paalipin man sa maraming alak, mga guro ng kabutihan; 056 TIT 002 004 Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon, 056 TIT 002 005 Mangagpakahinahon, mangagpakalinis, mangagpakasipag sa bahay, magagandang-loob, pasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Dios: 056 TIT 002 006 Iaral mo rin naman sa mga bagong tao na sila'y mangagpakahinahon ng pagiisip: 056 TIT 002 007 Sa lahat ng mga bagay ay magpakilala kang ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong aral ay ipakilala mo ang walang kamalian ang kahusayan, 056 TIT 002 008 Pangungusap na magaling, na di mahahatulan; upang sila na nasa kabilang panig ay mahiya, nang walang anomang masamang masabi tungkol sa atin. 056 TIT 002 009 Iaral mo sa mga alipin na sila'y pasakop sa kanikaniyang Panginoon, at kanilang kalugdan sa lahat ng mga bagay; at huwag mga masagutin; 056 TIT 002 010 Huwag mangagdaya, kundi mangagpakita ng buong buting pagtatapat; upang pamutihan sa lahat ng mga bagay ang aral ng Dios na ating Tagapagligtas. 056 TIT 002 011 Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao, 056 TIT 002 012 Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito; 056 TIT 002 013 Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo; 056 TIT 002 014 Na siyang nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pag-aari. 056 TIT 002 015 Ang mga bagay na ito ay iyong salitain at iaral at isaway ng buong kapangyarihan. Sinoman ay huwag humamak sa iyo. 056 TIT 003 001 Ipaalala mo sa kanilang pasakop sa mga pinuno, sa mga may kapangyarihan, na mangagmasunurin, na humanda sa bawa't gawang mabuti, 056 TIT 003 002 Na huwag magsalita ng masama tungkol sa kanino man, na huwag makipagtalo, kundi mapakahinhin, at magpakahinahon sa lahat ng mga tao. 056 TIT 003 003 Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo'y nangagkakapootan. 056 TIT 003 004 Nguni't nang mahayag na ang kagandahang-loob ng Dios na ating Tagapagligtas, at ang kaniyang pagibig sa tao, 056 TIT 003 005 Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo, 056 TIT 003 006 Na kaniyang ibinuhos ng sagana sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas; 056 TIT 003 007 Upang, sa pagkaaring-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, ay maging tagapagmana tayo ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan. 056 TIT 003 008 Tapat ang pasabi, at tungkol sa mga bagay na ito ay ninanasa kong patotohanan mong may pagkakatiwala, upang ang mga nagsisipanampalataya sa Dios ay maging maingat na papanatilihin ang mabubuting gawa. Ang mga bagay na ito ay pawang mabubuti at mapapakinabangan ng mga tao: 056 TIT 003 009 Nguni't ilagan mo ang mga hangal na usapan, at ang mga pagsasalaysay ng lahi, at ang mga pagtatalo, at pagtataltalan tungkol sa kautusan; sapagka't ang mga ito ay di pinakikinabangan at walang kabuluhan. 056 TIT 003 010 Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo; 056 TIT 003 011 Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala at siya'y hinahatulan ng kaniyang sarili. 056 TIT 003 012 Pagka susuguin ko sa iyo si Artemas, o si Tiquico, ay magsikap kang pumarini sa akin sa Nicopolis: sapagka't pinasiyahan kong doon matira sa taginaw. 056 TIT 003 013 Suguin mong may sikap si Zenas na tagapagtanggol ng kautusan at si Apolos sa kanilang paglalakbay, upang sila'y huwag kulangin ng ano man. 056 TIT 003 014 At pagaralan din naman ng ating mga tao na manatili sa mabubuting gawa sa kagamitang kailangan, upang huwag mawalan ng bunga. 056 TIT 003 015 Binabati ka ng lahat ng mga kasama ko. Batiin mo ang mga nagsisiibig sa atin sa pananampalataya. Biyaya ang sumainyo nawang lahat. # # BOOK 057 PHM Philemon Filemon 057 PHM 001 001 Si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus, at si Timoteo na ating kapatid kay Filemon na aming minamahal at kamanggagawa, 057 PHM 001 002 At kay Apia na ating kapatid na babae, at kay Arquipo na kapuwa kawal namin, at sa iglesia sa iyong bahay: 057 PHM 001 003 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo. 057 PHM 001 004 Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios, na ikaw ay binabanggit ko sa aking mga panalangin, 057 PHM 001 005 Sa pagkabalita ko ng iyong pagibig, at ng pananampalataya mo sa Panginoong Jesus, at sa lahat ng mga banal; 057 PHM 001 006 Upang ang pakikipagkaisa ng iyong pananampalataya, ay maging mabisa sa pagkaalam ng bawa't mabuting bagay na nasa iyo, sa kay Cristo. 057 PHM 001 007 Sapagka't ako'y totoong nagalak at naaliw sa iyong pagibig, sapagka't ang mga puso ng mga banal ay naginhawahan sa pamamagitan mo, kapatid. 057 PHM 001 008 Kaya, bagama't kay Cristo ay mayroon akong buong pagkakatiwala upang ipagtagubilin ko sa iyo ang nauukol, 057 PHM 001 009 Gayon ma'y alangalang sa pagibig ay bagkus akong namamanhik, kung sa bagay akong si Pablo ay matanda na, at ngayon nama'y bilanggo ni Cristo Jesus: 057 PHM 001 010 Ipinamamanhik ko sa iyo ang aking anak, na aking ipinanganak sa aking mga tanikala, si Onesimo, 057 PHM 001 011 Na nang unang panahon ay hindi mo pinakinabangan, datapuwa't ngayon ay may pakikinabangin ka at ako man: 057 PHM 001 012 Na siya'y aking pinabalik sa iyo sa kaniyang sariling katawan, sa makatuwid baga'y, ang aking sariling puso: 057 PHM 001 013 Na ibig ko sanang pigilin siya sa aking piling, upang sa iyong pangalan ay paglingkuran ako sa mga tanikala ng evangelio: 057 PHM 001 014 Datapuwa't kung wala kang pasiya ay wala akong magagawang anoman; upang ang iyong kabutihang-loob ay huwag maging tila sa pagkakailangan, kundi sa sariling kalooban. 057 PHM 001 015 Sapagka't marahil sa ganito siya'y nahiwalay sa iyo sa sangdaling panahon, upang siya'y mapasa iyo magpakailan man; 057 PHM 001 016 Na hindi na alipin, kundi higit sa alipin, isang kapatid na minamahal, lalong lalo na sa akin, nguni't gaano pa kaya sa iyo, na siya'y minamahal mo maging sa laman at gayon din sa Panginoon. 057 PHM 001 017 Kung ako nga ay inaari mong kasama, ay tanggapin mo siyang tila ako rin. 057 PHM 001 018 Nguni't kung siya'y nagkasala sa iyo ng anoman, o may utang sa iyong anoman, ay ibilang mo sa akin; 057 PHM 001 019 Akong si Pablo na sumusulat nito ng aking sariling kamay, ay siyang magbabayad sa iyo: hindi sa sinasabi ko sa iyo na ikaw man ay utang mo pa sa akin. 057 PHM 001 020 Oo, kapatid, magkaroon nawa ako ng katuwaan sa iyo sa Panginoon: panariwain mo ang aking puso kay Cristo. 057 PHM 001 021 Kita'y sinulatan sa pagkakatiwala sa iyong pagtalima, palibhasa'y aking nalalaman na gagawin mo ang higit pa kay sa aking sinasabi. 057 PHM 001 022 Datapuwa't bago ang lahat ay ipaghanda mo ako ng matutuluyan: sapagka't inaasahan kong sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ay ipagkakaloob ako sa inyo. 057 PHM 001 023 Binabati ka ni Epafras, na aking kasama sa pagkabilanggo kay Cristo Jesus; 057 PHM 001 024 At gayon din ni Marcos, ni Aristarco, ni Demas, at ni Lucas na aking mga kamanggagawa. 057 PHM 001 025 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. Siya nawa. # # BOOK 058 HEB Hebrews Mga Hebreo 058 HEB 001 001 Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, 058 HEB 001 002 Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan; 058 HEB 001 003 Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan; 058 HEB 001 004 Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila. 058 HEB 001 005 Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako'y magiging kaniyang Ama, At siya'y magiging aking Anak? 058 HEB 001 006 At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios. 058 HEB 001 007 At sinasabi niya tungkol sa mga anghel, Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin, At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy: 058 HEB 001 008 Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. 058 HEB 001 009 Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan. 058 HEB 001 010 At, Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa, At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay: 058 HEB 001 011 Sila'y mangapapahamak; datapuwa't ikaw ay nananatili: At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan; 058 HEB 001 012 At gaya ng isang balabal sila'y iyong bibilutin, At sila'y mapapalitang gaya ng kasuutan: Nguni't ikaw ay ikaw rin, At ang iyong mga taon ay di matatapos. 058 HEB 001 013 Nguni't kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man, Lumuklok ka sa aking kanan, Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa? 058 HEB 001 014 Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan? 058 HEB 002 001 Kaya't nararapat nating pagkatantuin ang mga bagay na narinig, baka sakaling tayo'y makahagpos. 058 HEB 002 002 Sapagka't kung ang ipinangusap na salita sa pamamagitan ng mga anghel ay nagtibay, at ang bawa't pagsalangsang at pagsuway ay tumanggap ng matuwid na parusa na kabayaran; 058 HEB 002 003 Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan? na ipinangusap ng Panginoon noong una ay pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig; 058 HEB 002 004 Na pawang sinasaksihan naman ng Dios na kasama nila, sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, at ng saganang kapangyarihan, at ng mga kaloob ng Espiritu Santo, ayon sa kaniyang sariling kalooban. 058 HEB 002 005 Sapagka't hindi niya ipinasakop sa mga anghel ang sanglibutang darating, na siya naming isinasaysay. 058 HEB 002 006 Nguni't pinatunayan ng isa sa isang dako, na sinasabi, Ano ang tao, upang siya'y iyong alalahanin? O ang anak ng tao, upang siya'y iyong dalawin? 058 HEB 002 007 Siya'y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel; Siya'y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan, At siya'y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay: 058 HEB 002 008 Inilagay mo ang lahat ng mga bagay sa pagsuko sa ilalim ng kaniyang mga paa. Sapagka't nang pasukuin niya ang lahat ng mga bagay sa kaniya, ay wala siyang iniwan na di sumuko sa kaniya. Nguni't ngayon ay hindi pa natin nakikitang sumuko sa kaniya ang lahat ng mga bagay. 058 HEB 002 009 Kundi nakikita natin ang ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay lasapin niya ang kamatayan dahil sa bawa't tao. 058 HEB 002 010 Sapagka't marapat sa kaniya na pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian na gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit. 058 HEB 002 011 Sapagka't ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang sa isa: na dahil dito'y hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid, 058 HEB 002 012 Na sinasabi, Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid, Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo. 058 HEB 002 013 At muli, ilalagak ko ang aking pagkakatiwala sa kaniya. At muli, Narito, ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Dios. 058 HEB 002 014 Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo: 058 HEB 002 015 At mailigtas silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila. 058 HEB 002 016 Sapagka't tunay na hindi niya tinutulungan ang mga anghel, kundi tinutulungan niya ang binhi ni Abraham. 058 HEB 002 017 Kaya't nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid, upang maging isang dakilang saserdoteng maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang gumawa ng pangpalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng bayan. 058 HEB 002 018 Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso. 058 HEB 003 001 Kaya, mga banal na kapatid, mga may bahagi sa pagtawag ng kalangitan, inyong isipin ang Apostol at Dakilang Saserdote na ating kinikilala, si Jesus; 058 HEB 003 002 Na siya'y tapat sa naglagay sa kaniya na gaya rin naman ni Moises sa buong sangbahayan niya. 058 HEB 003 003 Sapagka't siya ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises, palibhasa'y may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay. 058 HEB 003 004 Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios. 058 HEB 003 005 At sa katotohanang si Moises ay tapat sa buong sangbahayan niya gaya ng lingkod, na pinakapatotoo sa mga bagay na sasabihin pagkatapos; 058 HEB 003 006 Datapuwa't si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan. 058 HEB 003 007 Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, 058 HEB 003 008 Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi, Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang, 058 HEB 003 009 Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin, At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa. 058 HEB 003 010 Dahil dito'y nagalit ako sa lahing ito, At aking sinabi, Laging sila'y nangagkakamali sa kanilang puso: Nguni't hindi nila nangakilala ang aking mga daan; 058 HEB 003 011 Ano pa't aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan. 058 HEB 003 012 Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay: 058 HEB 003 013 Nguni't kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo ng daya ng kasalanan: 058 HEB 003 014 Sapagka't tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo, kung ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan: 058 HEB 003 015 Samantalang sinasabi, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi. 058 HEB 003 016 Sapagka't sino-sino, na pagkarinig ay namungkahi? nguni't, hindi baga yaong lahat na nagsialis sa Egipto sa pamamagitan ni Moises? 058 HEB 003 017 At sino-sino ang kinagalitan niyang apat na pung taon? hindi baga yaong nangagkasala, na ang kanilang mga katawan ay nangabuwal sa ilang? 058 HEB 003 018 At sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway? 058 HEB 003 019 At nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya. 058 HEB 004 001 Mangatakot nga tayo, yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa kaniyang kapahingahan, baka sakaling sinoman sa inyo ay maging tulad sa di nakaabot niyaon. 058 HEB 004 002 Sapagka't tunay na tayo'y pinangaralan ng mabubuting balita, gaya rin naman nila: nguni't hindi nila pinakinabangan ang salitang napakinggan, dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang nangakarinig. 058 HEB 004 003 Sapagka't tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon; gaya ng sinabi niya, Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan: bagama't ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan. 058 HEB 004 004 Sapagka't sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw, At nagpahinga nang ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kaniyang mga gawa; 058 HEB 004 005 At sa dakong ito ay muling sinabi, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan. 058 HEB 004 006 Kaya't yamang may natitira pang ibang dapat magsipasok doon, at ang mga pinangaralan nang una ng mabubuting balita ay hindi nangapasok dahil sa pagsuway, 058 HEB 004 007 Ay muling nagtangi siya ng isang araw, Ngayon pagkatapos ng ilang panahon na sinabi sa mga awit ni David (ayon sa sinabi na ng una), Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso. 058 HEB 004 008 Sapagka't kung ibinigay sa kanila ni Josue ang kapahingahan, ay hindi na sana niya sasalitain pagkatapos ang ibang araw. 058 HEB 004 009 May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios. 058 HEB 004 010 Sapagka't ang pumasok sa kaniyang kapahingahan ay nagpahinga naman sa kaniyang mga gawa, gaya ng Dios sa kaniyang mga gawa. 058 HEB 004 011 Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon, upang huwag marapa ang sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway. 058 HEB 004 012 Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso. 058 HEB 004 013 At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan. 058 HEB 004 014 Yaman ngang tayo'y mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala. 058 HEB 004 015 Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan. 058 HEB 004 016 Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan. 058 HEB 005 001 Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote palibhasa'y hinugot sa mga tao, ay inilagay dahil sa mga tao sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang siya'y makapaghandog ng mga kaloob at mga hain namang patungkol sa mga kasalanan: 058 HEB 005 002 Na makapagtitiis na may kaamuan sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan; 058 HEB 005 003 At dahil dito'y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan, at hindi lamang patungkol sa mga tao, kundi naman sa kaniyang sarili. 058 HEB 005 004 At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na gaya ni Aaron. 058 HEB 005 005 Gayon din si Cristo man ay hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi, Ikaw ay aking Anak. Ikaw ay aking naging anak ngayon: 058 HEB 005 006 Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. 058 HEB 005 007 Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot, 058 HEB 005 008 Bagama't siya'y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis; 058 HEB 005 009 At nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya; 058 HEB 005 010 Pinanganlan ng Dios na dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. 058 HEB 005 011 Tungkol sa kaniya'y marami kaming sasabihin, at mahirap na saysayin, palibhasa'y nagsipurol kayo sa pakikinig. 058 HEB 005 012 Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas. 058 HEB 005 013 Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol. 058 HEB 005 014 Nguni't ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama. 058 HEB 006 001 Kaya't tayo'y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo'y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios, 058 HEB 006 002 Ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan. 058 HEB 006 003 At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng Dios. 058 HEB 006 004 Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo, 058 HEB 006 005 At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, 058 HEB 006 006 At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan. 058 HEB 006 007 Sapagka't ang lupang humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya, at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila'y binukid, ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios: 058 HEB 006 008 Datapuwa't kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin. 058 HEB 006 009 Nguni't, mga minamahal, naniniwala kaming lubos sa magagaling na bagay tungkol sa inyo, at sa mga bagay na kalakip ng pagkaligtas, bagama't kami ay nagsasalita ng ganito: 058 HEB 006 010 Sapagka't ang Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo'y nagsisipaglingkod kayo. 058 HEB 006 011 At ninanasa namin na ang bawa't isa sa inyo ay magpakita ng gayon ding sikap sa ikalulubos ng pagasa hanggang sa katapusan: 058 HEB 006 012 Na huwag kayong mga tamad, kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana ng mga pangako. 058 HEB 006 013 Sapagka't nang mangako ang Dios kay Abraham, palibhasa'y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas, ay ipinanumpa ang kaniyang sarili, 058 HEB 006 014 Na sinasabi, Tunay sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin kita. 058 HEB 006 015 At sa ganito, nang makapaghintay na may pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako. 058 HEB 006 016 Sapagka't ipinanunumpa ng mga tao ang lalong mataas: at sa bawa't pagtatalo nila'y ang sumpa sa pagpapatotoo ang siyang katapusan. 058 HEB 006 017 Sa ganito, sa pagkaibig ng Dios na maipakitang lalong sagana sa mga tagapagmana ng pangako ang kawalan ng pagbabago ng kaniyang pasiya, ay ipinamagitan ang sumpa; 058 HEB 006 018 Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya'y di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan: 058 HEB 006 019 Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag at pumapasok sa nasa loob ng tabing; 058 HEB 006 020 Na doo'y pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. 058 HEB 007 001 Sapagka't itong si Melquisedec, hari sa Salem, saserdote ng Kataastaasang Dios, na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sa paglipol sa mga hari at siya'y pinagpala niya, 058 HEB 007 002 Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung sasaysayin, una-una, siya'y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid, ay Hari ng kapayapaan; 058 HEB 007 003 Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote magpakailan man. 058 HEB 007 004 Nilaynilayin nga ninyo kung gaano ang kadakilaan ng taong ito, na binigyan ni Abraham, na patriarka, ng ikasangpung bahagi ng mga pinakamagagaling na samsam. 058 HEB 007 005 At katotohanan ang mga sa anak ni Levi na nagsisitanggap ng katungkulang saserdote, ay mayroong utos na kumuha ng ikasangpung bahagi sa bayan ayon sa kautusan, sa makatuwid ay sa kanilang mga kapatid, bagama't ang mga ito ay nagsilabas sa mga balakang ni Abraham: 058 HEB 007 006 Nguni't yaong ang talaan ng lahi ay hindi ibinibilang sa kanila ay kumuha ng ikasangpung bahagi kay Abraham, at pinagpala yaong may mga pangako. 058 HEB 007 007 Datapuwa't walang anomang pagtatalo ang mababa ay pinagpapala ng mataas. 058 HEB 007 008 At dito'y ang mga taong may kamatayan ay tumatanggap ng ikasangpung bahagi; datapuwa't doon ay ang isa, na pinatutunayang nabubuhay. 058 HEB 007 009 At sa makatuwid baga'y sa pamamagitan ni Abraham pati si Levi, na tumatanggap ng ikasangpung bahagi, ay nagbayad ng ikasangpung bahagi; 058 HEB 007 010 Sapagka't siya'y nasa mga balakang pa ng kaniyang ama, nang ito'y salubungin ni Melquisedec. 058 HEB 007 011 Ngayon kung may kasakdalan nga sa pamamagitan ng pagkasaserdote ng mga Levita (sapagka't sa ilalim nito ay tinanggap ng bayan ang kautusan), anong kailangan pa na magbangon ang ibang saserdote, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec at hindi ibilang ayon sa pagkasaserdote ni Aaron? 058 HEB 007 012 Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan. 058 HEB 007 013 Sapagka't yaong tungkol sa kaniya ay sinasabi ang mga bagay na ito ay naukol sa ibang angkan, na doon ang sinoma'y hindi naglilingkod sa dambana. 058 HEB 007 014 Sapagka't maliwanag na ang ating Panginoon ay lumitaw mula kay Juda; na tungkol sa angkang yao'y walang sinalitang anoman si Moises hinggil sa mga saserdote. 058 HEB 007 015 At lalo pang napakaliwanag ito, kung ayon sa anyo ni Melquisedec ay lumitaw ang ibang saserdote, 058 HEB 007 016 Na ginawa, hindi ayon sa kautusan ng utos na ukol sa laman, kundi ayon sa kapangyarihan ng isang buhay na walang katapusan: 058 HEB 007 017 Sapagka't pinatotohanan tungkol sa kaniya, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. 058 HEB 007 018 Sapagka't napapawi ang unang utos dahil sa kaniyang kahinaan at kawalan ng kapakinabangan. 058 HEB 007 019 (Sapagka't ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling, na sa pamamagitan nito ay nagsisilapit tayo sa Dios. 058 HEB 007 020 At yamang yao'y hindi naging sa walang sumpa: 058 HEB 007 021 (Sapagka't sila'y sa katotohanan ay ginawang mga saserdote na walang sumpa; datapuwa't siya'y may sumpa sa pamamagitan niyaong nagsasabi tungkol sa kaniya, Sumumpa ang Panginoon at hindi siya nagsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man); 058 HEB 007 022 Ay gayon din naman si Jesus ay naging tagapanagot sa lalong mabuting tipan. 058 HEB 007 023 At katotohanang sila'y marami sa bilang na naging mga saserdote, sapagka't dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy: 058 HEB 007 024 Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan. 058 HEB 007 025 Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila. 058 HEB 007 026 Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit; 058 HEB 007 027 Na hindi nangangailangan araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote una-una'y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka't ito'y ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili. 058 HEB 007 028 Sapagka't inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan; nguni't ang salita ng sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa Anak, na sakdal magpakailan man. 058 HEB 008 001 Ang kinauuwian nga ng mga bagay na aming sinasabi ay ito: Mayroon tayong isang dakilang saserdote, na nakaupo sa kanan ng luklukan ng Karangalan sa mga langit, 058 HEB 008 002 Ministro sa santuario, at sa tunay na tabernakulo, na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao. 058 HEB 008 003 Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote ay inilagay upang maghandog ng mga kaloob at ng mga hain naman: sa ganito'y kinakailangan din namang siya'y magkaroon ng anomang ihahandog. 058 HEB 008 004 Kung siya nga'y nasa lupa ay hindi siya saserdote sa anomang paraan, palibhasa'y mayroon nang nagsisipaghandog ng mga kaloob ayon sa kautusan; 058 HEB 008 005 Na nangaglilingkod sa anyo at anino ng mga bagay sa kalangitan, gaya naman ni Moises na pinagsabihan ng Dios nang malapit ng gawin niya ang tabernakulo: sapagka't sinabi niya, Ingatan mo na iyong gawin ang lahat ng mga bagay ayon sa anyong ipinakita sa iyo sa bundok. 058 HEB 008 006 Datapuwa't ngayo'y kinamtan niya ang ministeriong lalong marangal, palibhasa'y siya nama'y tagapamagitan sa isang tipang lalong magaling, na inilagda sa lalong mabubuting pangako. 058 HEB 008 007 Sapagka't kung ang unang tipang yaon ay naging walang kakulangan, ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ang ikalawa. 058 HEB 008 008 Sapagka't sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya, Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon, Na ako'y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda. 058 HEB 008 009 Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang Nang araw na sila'y aking tangnan sa kamay, upang sila'y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto; Sapagka't sila'y hindi nanatili sa aking tipan, At akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon. 058 HEB 008 010 Sapagka't ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip, At sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang mga ito. At ako'y magiging Dios nila, At sila'y magiging bayan ko: 058 HEB 008 011 At hindi magtuturo ang bawa't isa sa kaniyang kababayan, At ang bawa't isa sa kaniyang kapatid, na sasabihing, Kilalanin mo ang Panginoon: Sapagka't ako'y makikilala ng lahat, Mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa kanila. 058 HEB 008 012 Sapagka't ako'y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan, At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa. 058 HEB 008 013 Doon sa sinasabi niya, Isang bagong tipan, ay linuma niya ang una. Datapuwa't ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas. 058 HEB 009 001 Ngayon, ang unang tipan din ay nagkaroon ng mga palatuntunan ng pagsamba sa Dios, at ng kaniyang santuario, ang santuario ng sanglibutang ito. 058 HEB 009 002 Sapagka't inihanda ang isang tabernakulo, ang una, na kinaroroonan ng kandelero, at ng dulang, at ng mga tinapay na handog; na siyang tinatawag na Dakong Banal. 058 HEB 009 003 At sa likod ng ikalawang tabing ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan; 058 HEB 009 004 Na may isang gintong dambana ng kamangyan at kaban ng tipan, at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto na may lamang mana, at tungkod ni Aaron na namulaklak, at mga tapyas na bato ng tipan; 058 HEB 009 005 At sa ibabaw nito ay ang mga querubin ng kaluwalhatian na nangagsisililim sa luklukan ng awa; na ang mga bagay na ito ay hindi natin mapaguusapan ngayon ng isa isa. 058 HEB 009 006 At sa ganitong pagkahanda ng mga bagay na ito, sa unang tabernakulo ay palaging nagsisipasok ang mga saserdote, na tinutupad ang mga katungkulan; 058 HEB 009 007 Datapuwa't sa ikalawa ay pumapasok na nagiisa ang dakilang saserdote, minsan sa isang taon, na hindi walang dalang dugo, na inihahandog na patungkol sa kaniyang sarili, at sa mga kamalian ng bayan: 058 HEB 009 008 Na ipinakikilala ng Espiritu Santo, na hindi pa naihahayag ang pagpasok sa dakong banal samantalang natatayo pa ang unang tabernakulo; 058 HEB 009 009 Na yao'y isang talinghaga ng panahong kasalukuyan; ayon dito ay inihahandog ang mga kaloob at ang mga hain, tungkol sa budhi, na hindi magpapasakdal sa sumasamba, 058 HEB 009 010 Palibhasa'y palatuntunan lamang na ukol sa laman, na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago (gaya ng mga pagkain, at mga inumin at sarisaring paglilinis). 058 HEB 009 011 Nguni't pagdating ni Cristo na dakilang saserdote ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga'y hindi sa paglalang na ito, 058 HEB 009 012 At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan. 058 HEB 009 013 Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman: 058 HEB 009 014 Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay? 058 HEB 009 015 At dahil dito'y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan. 058 HEB 009 016 Sapagka't kung saan mayroong tipan doo'y kinakailangan ang kamatayan ng gumawa niyaon. 058 HEB 009 017 Sapagka't ang isang tipan ay may kabuluhan kung mamatay ang gumawa: sa ibang paraa'y walang anomang kabuluhan samantalang nabubuhay ang gumawa. 058 HEB 009 018 Kaya't ang una mang tipan ay hindi itinalaga ng walang dugo. 058 HEB 009 019 Sapagka't nang salitain ni Moises ang bawa't utos sa buong bayan ayon sa kautusan, ay kumuha siya ng dugo ng mga bulong baka at ng mga kambing, na may tubig at balahibong mapula ng tupa at isopo, at winisikan ang aklat at gayon din ang buong bayan, 058 HEB 009 020 Na sinasabi, Ito ang dugo ng tipan na iniutos ng Dios tungkol sa inyo. 058 HEB 009 021 Gayon din ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapan sa pangangasiwa ay pinagwiwisikan niya ng dugo sa gayon ding paraan. 058 HEB 009 022 At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran. 058 HEB 009 023 Kinakailangan nga na ang mga anyo ng mga bagay sa sangkalangitan ay linisin ng mga ito; nguni't ang mga bagay ring ito sa sangkalangitan ay linisin ng lalong mabubuting handog kay sa rito. 058 HEB 009 024 Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay; kundi sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin: 058 HEB 009 025 At siya'y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili, na gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili; 058 HEB 009 026 Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay minsan siya'y nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili. 058 HEB 009 027 At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom; 058 HEB 009 028 Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya. 058 HEB 010 001 Sapagka't ang kautusan na may isang anino ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon. 058 HEB 010 002 Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog? sapagka't ang mga nagsisisamba, yamang nalinis na minsan, ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan. 058 HEB 010 003 Nguni't sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon. 058 HEB 010 004 Sapagka't di maaari na ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan. 058 HEB 010 005 Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo; 058 HEB 010 006 Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod. 058 HEB 010 007 Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban. 058 HEB 010 008 Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan), 058 HEB 010 009 Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa. 058 HEB 010 010 Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man. 058 HEB 010 011 At katotohanang ang bawa't saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan: 058 HEB 010 012 Nguni't siya, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios; 058 HEB 010 013 Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa. 058 HEB 010 014 Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal. 058 HEB 010 015 At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo rin naman sa atin; sapagka't pagkasabi niya na, 058 HEB 010 016 Ito ang tipang gagawin ko sa kanila Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso, At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip; 058 HEB 010 017 At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa. 058 HEB 010 018 At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan. 058 HEB 010 019 Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, 058 HEB 010 020 Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman; 058 HEB 010 021 At yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios; 058 HEB 010 022 Tayo'y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig, 058 HEB 010 023 Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan: sapagka't tapat ang nangako: 058 HEB 010 024 At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa; 058 HEB 010 025 Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw. 058 HEB 010 026 Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, 058 HEB 010 027 Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway. 058 HEB 010 028 Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa: 058 HEB 010 029 Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Dios, at umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya? 058 HEB 010 030 Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan. 058 HEB 010 031 Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay. 058 HEB 010 032 Datapuwa't alalahanin ang mga nakaraang araw, na sa mga yaon, pagkatapos na kayo'y maliwanagan, ay nangagtiis kayo ng malaking pakikilaban ng mga pagbabata; 058 HEB 010 033 Na una una ay naging isang katawatawa dahil sa mga pagkasiphayo at gayon din sa mga kahirapan; at sa ikalawa, ay naging kasama niyaong mga inaring gayon. 058 HEB 010 034 Sapagka't kayo'y nangahabag sa mga may tanikala, at tinanggap ninyo ng buong galak ang pagkaagaw ng inyong pag-aari, palibhasa'y inyong nalalamang mayroon kayo sa inyong sarili ng isang pag-aaring lalong mabuti at tumatagal. 058 HEB 010 035 Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang ganting-pala. 058 HEB 010 036 Sapagka't kayo'y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako. 058 HEB 010 037 Sapagka't sa madaling panahon, Siyang pumaparito ay darating, at hindi magluluwat. 058 HEB 010 038 Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa. 058 HEB 010 039 Nguni't tayo'y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa. 058 HEB 011 001 Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. 058 HEB 011 002 Sapagka't sa pamamagitan nito ang mga matanda ay sinaksihan. 058 HEB 011 003 Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ang sanglibutan ay natatag sa pamamagitan ng salita ng Dios, ano pa't ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita. 058 HEB 011 004 Sa pananampalataya si Abel ay naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kay sa kay Cain, sa pamamagitan nito'y sinaksihan sa kaniyang siya'y matuwid, na nagpapatotoo ang Dios tungkol sa kaniyang mga kaloob: at sa pamamagitan nito patay na siya ay nagsasalita pa. 058 HEB 011 005 Sa pananampalataya si Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios: 058 HEB 011 006 At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap. 058 HEB 011 007 Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya. 058 HEB 011 008 Sa pananampalataya si Abraham, nang tawagin, ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana; at siya'y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon. 058 HEB 011 009 Sa pananampalataya siya'y naging manglalakbay sa lupang pangako, na gaya sa hindi niya sariling lupa, at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac at si Jacob, na mga tagapagmana ng isang pangako na kasama niya: 058 HEB 011 010 Sapagka't inaasahan niya ang bayang may mga kinasasaligan, na ang nagtayo at gumawa ay ang Dios. 058 HEB 011 011 Sa pananampalataya si Sara rin ay tumanggap ng lakas upang ipaglihi ang binhi, nang lipas na ang kaniyang gulang, palibhasa'y inari niyang tapat ang nangako: 058 HEB 011 012 Kaya naman sumibol sa isa, sa kaniya na tila patay na, ang kasing dami ng mga bituin sa langit sa karamihan, at di mabilang na gaya ng mga buhanging nasa tabi ng dagat. 058 HEB 011 013 Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni't kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila'y pawang taga ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa. 058 HEB 011 014 Sapagka't ang mga nagsisipagsabi ng mga gayong bagay ay nagpapakilalang hinahanap nila ang lupaing kanilang sarili. 058 HEB 011 015 At katotohanang kung kanilang naalaala yaong lupaing kanilang pinanggalingan, ay nagkaroon sana sila ng mabuting pagkakataon upang bumalik. 058 HEB 011 016 Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan. 058 HEB 011 017 Sa pananampalataya, nang subukin si Abraham, ay inihandog si Isaac: oo, siyang tumanggap na may galak ng mga pangako ay siyang naghandog sa kaniyang bugtong na anak; 058 HEB 011 018 Sa makatuwid baga'y yaong pinagsabihan, Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi: 058 HEB 011 019 Na inisip na maging sa gitna ng mga patay ay maaaring buhayin siyang maguli ng Dios; mula diyan din naman ay muli siyang tinanggap sa isang halimbawa. 058 HEB 011 020 Sa pananampalataya'y binasbasan ni Isaac si Jacob at si Esau, tungkol sa mga bagay na darating. 058 HEB 011 021 Sa pananampalataya, si Jacob ng mamatay na ay binasbasan niya ang bawa't isa sa mga anak ni Jose; at sumambang nakatangan sa puno ng kaniyang tungkod. 058 HEB 011 022 Sa pananampalataya, nang malapit nang mamatay si Jose, ay binanggit niya ang pagalis sa Egipto ng mga anak ni Israel; at nagutos tungkol sa kaniyang mga buto. 058 HEB 011 023 Sa pananampalataya, nang ipanganak si Moises, ay itinagong tatlong buwan ng kaniyang mga magulang, sapagka't kanilang nakitang maganda ang bata; at hindi sila natakot sa utos ng hari. 058 HEB 011 024 Sa pananampalataya, nang lumaki na si Moises, ay tumangging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon; 058 HEB 011 025 Na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala; 058 HEB 011 026 Na inaring malaking kayamanan ang kadustaan ni Cristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto: sapagka't ang kaniyang tinititigan ay ang gantingpalang kabayaran. 058 HEB 011 027 Sa pananampalataya'y iniwan niya ang Egipto, na hindi natakot sa poot ng hari: sapagka't nagtitiyagang tulad sa nakakita niyaong di nakikita. 058 HEB 011 028 Sa pananampalataya'y itinatag niya ang paskua, at ang pagwiwisik ng dugo, upang ang manglilipol sa mga panganay ay huwag silang lipulin. 058 HEB 011 029 Sa pananampalataya'y nagsipagdaan sila sa gitna ng Dagat na Mapula na gaya ng sa lupang tuyo: na nang subuking gawin ito ng mga taga Egipto ay pawang nangalunod. 058 HEB 011 030 Sa pananampalataya'y nangalagpak ang mga kuta ng Jerico, pagkatapos na makubkob na pitong araw. 058 HEB 011 031 Sa pananampalataya'y hindi napahamak na kasama ng mga manunuway, ang patutot na si Rahab, na tumanggap na payapa sa mga tiktik. 058 HEB 011 032 At ano pa ang aking sasabihin? sapagka't kukulangin ako ng panahon kung sasaysayin ko ang tungkol kay Gideon, kay Barac, kay Samson, kay Jefte; tungkol kay David, at kay Samuel at sa mga propeta: 058 HEB 011 033 Na ang mga ito, sa pamamagitan ng pananampalataya'y nagsilupig ng mga kaharian, nagsigawa ng katuwiran, nangagtamo ng mga pangako, nangagtikom ng mga bibig ng mga leon, 058 HEB 011 034 Nagsipatay ng bisa ng apoy, nangakatanan sa talim ng tabak, nagsilakas sa kahinaan, naging mga makapangyarihan sa pakikipagbaka, nangagpaurong ng mga hukbong taga ibang lupa. 058 HEB 011 035 Tinanggap ng mga babae ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli: at ang iba'y nangamatay sa hampas, na hindi tinanggap ang kanilang katubusan; upang kamtin nila ang lalong mabuting pagkabuhay na maguli: 058 HEB 011 036 At ang iba'y nangagkaroon ng pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas, oo, bukod dito'y sa mga tanikala at bilangguan naman: 058 HEB 011 037 Sila'y pinagbabato, pinaglagari, pinagtutukso, pinagpapatay sa tabak: sila'y nagsilakad na paroo't parito na may balat ng mga tupa't kambing: na mga salat, nangapipighati, tinatampalasan; 058 HEB 011 038 (Na sa mga yaon ay hindi karapatdapat ang sanglibutan), na nangaliligaw sa mga ilang at sa mga kabundukan at sa mga yungib, at sa mga lungga ng lupa. 058 HEB 011 039 At ang lahat ng mga ito, nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi kinamtan ang pangako, 058 HEB 011 040 Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila'y huwag maging sakdal ng bukod sa atin. 058 HEB 012 001 Kaya't yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa't pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin, 058 HEB 012 002 Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios. 058 HEB 012 003 Sapagka't dilidilihin ninyo yaong nagtiis ng gayong pagsalangsang ng mga makasalanan laban sa kaniyang sarili, upang kayo'y huwag magsihina, na manglupaypay sa inyong mga kaluluwa. 058 HEB 012 004 Hindi pa kayo nakikipaglaban hanggang sa mabubo ang dugo, na nakikipagaway laban sa kasalanan: 058 HEB 012 005 At inyong nilimot ang iniaral na ipinakikipagtalo sa inyong tulad sa mga anak, Anak ko, huwag mong waling bahala ang parusa ng Panginoon, O manglupaypay man kung ikaw ay pinagwiwikaan niya; 058 HEB 012 006 Sapagka't pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig, At hinahampas ang bawa't tinatanggap na anak. 058 HEB 012 007 Na dahil sa ito'y parusa kayo'y nagtitiis; inaari kayo ng Dios na tulad sa mga anak; sapagka't alin ngang anak ang hindi pinarurusahan ng kaniyang ama? 058 HEB 012 008 Datapuwa't kung kayo'y hindi pinarurusahan, na pawang naranasan ng lahat, kung gayo'y mga anak sa ligaw kayo, at hindi tunay na anak. 058 HEB 012 009 Bukod dito, tayo'y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo'y parusahan, at sila'y ating iginagalang: hindi baga lalong tayo'y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, at tayo'y mabubuhay? 058 HEB 012 010 Sapagka't katotohanang tayo'y pinarusahan nilang ilang araw ayon sa kanilang minagaling; nguni't siya'y sa kapakinabangan natin, upang tayo'y makabahagi ng kaniyang kabanalan. 058 HEB 012 011 Lahat ng parusa sa ngayon ay tila man din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot; gayon ma'y pagkatapos ay namumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay sa pamamagitan nito. 058 HEB 012 012 Kaya't itaas ninyo ang mga kamay na nakababa, ang mga tuhod namang nanginginig; 058 HEB 012 013 At magsigawa kayo ng matuwid na landas sa inyong mga paa, upang huwag maligaw ang pilay, kundi bagkus gumaling. 058 HEB 012 014 Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon: 058 HEB 012 015 Na pakaingatan na baka ang sinoma'y di makaabot sa biyaya ng Dios; baka kayo'y bagabagin ng anomang ugat ng kapaitan na sumisibol, at dahil dito'y mahawa ang marami; 058 HEB 012 016 Baka magkaroon ng sinomang mapakiapid, o mapaglapastangan, gaya ni Esau, na sa isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kaniyang sariling pagkapanganay. 058 HEB 012 017 Sapagka't nalalaman ninyo na bagama't pagkatapos ay ninanasa niyang magmana ng pagpapala, siya'y itinakuwil; sapagka't wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kaniyang ama, bagama't pinagsisikapan niyang mapilit na lumuluha. 058 HEB 012 018 Sapagka't hindi kayo nagsilapit sa bundok na nahihipo, at nagliliyab sa apoy, at sa kapusikitan, at sa kadiliman, at sa unos, 058 HEB 012 019 At tunog ng pakakak, at tinig ng mga salita; na ang nakarinig ng tinig na ito ay nagsipamanhik na huwag nang sa kanila'y salitain pa ang anomang salita; 058 HEB 012 020 Sapagka't hindi matiis ang iniuutos, Kahit ang isang hayop kung tumungtong sa bundok ay babatuhin; 058 HEB 012 021 At totoong kakilakilabot ang napanood, ano pa't sinabi ni Moises, Ako'y totoong nasisindak at nanginginig: 058 HEB 012 022 Datapuwa't nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa bayan ng Dios na buhay, ang Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel, 058 HEB 012 023 Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal, 058 HEB 012 024 At kay Jesus na tagapamagitan ng bagong tipan, at dugong pangwisik na nagsasalita ng lalong mabuti kay sa dugo ni Abel. 058 HEB 012 025 Pagingatan ninyong kayo'y huwag tumanggi sa nagsasalita. Sapagka't kung hindi nakatanan ang mga nagsitanggi sa nagbalita sa kanila sa ibabaw ng lupa, ay lalo pa tayong hindi makatatanan na nagsisihiwalay Doon sa nagbabalitang buhat sa langit: 058 HEB 012 026 Na ang tinig na yaon ay nagpayanig noon ng lupa: datapuwa't ngayo'y nangako siya, na nagsasabi, Minsan pang yayanigin ko, hindi lamang ang lupa, kundi pati ng langit. 058 HEB 012 027 At itong salita, Minsan pang, ay pinakakahuluganan ang pagaalis niyaong mga bagay na niyanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang mga hindi niyanig. 058 HEB 012 028 Kaya't pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw, ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios: 058 HEB 012 029 Sapagka't ang Dios natin ay isang apoy na mamumugnaw. 058 HEB 013 001 Mamalagi nawa ang pagibig sa mga kapatid. 058 HEB 013 002 Huwag ninyong limutin ang pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa: sapagka't sa pamamagitan nito ang iba'y walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel. 058 HEB 013 003 Alalahanin ninyo ang mga may tanikala, gaya ng kayo'y nangagagapos na kasama nila; ang mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay tinatampalasan sa katawan. 058 HEB 013 004 Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios. 058 HEB 013 005 Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan. 058 HEB 013 006 Ano pa't ating masasabi ng buong tapang, Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot: Anong magagawa sa akin ng tao? 058 HEB 013 007 Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya. 058 HEB 013 008 Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man. 058 HEB 013 009 Huwag nga kayong padala sa mga turong sarisari at di kilala: sapagka't mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya; hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila. 058 HEB 013 010 Tayo ay may isang dambana, na hindi matuwid kainan ng mga nagsisipaglingkod sa tabernakulo. 058 HEB 013 011 Sapagka't ang mga katawan ng mga hayop na ang mga dugo'y dinadala ng dakilang saserdote sa dakong banal na handog na patungkol sa kasalanan, ay sinusunog sa labas ng kampamento. 058 HEB 013 012 Kaya naman si Jesus, upang mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan, ay nagbata sa labas ng pintuan. 058 HEB 013 013 Atin nga siyang labasin sa labas ng kampamento na dalhin natin ang kaniyang pagkadusta. 058 HEB 013 014 Sapagka't dito'y wala tayong bayan na namamalagi, nguni't hinahanap natin ang bayan na darating. 058 HEB 013 015 Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. 058 HEB 013 016 Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod. 058 HEB 013 017 Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan. 058 HEB 013 018 Idalangin ninyo kami: sapagka't kami'y naniniwalang lubos na kami ay may mabuting budhi, na nagnanasang mabuhay na marangal sa lahat ng mga bagay. 058 HEB 013 019 At iniaaral ko sa inyong malabis na inyong gawin ito, upang ako'y masauli na lalong madali sa inyo. 058 HEB 013 020 Ngayon ang Dios ng kapayapaan na muling nagdala mula sa mga patay sa dakilang pastor ng mga tupa sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, sa makatuwid baga'y ang Panginoon nating si Jesus, 058 HEB 013 021 Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa bawa't mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban, na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni Jesucristo; na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. 058 HEB 013 022 Datapuwa't ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na inyong pagtiisan ang salitang iniaral: sapagka't kayo'y sinulatan ko ng ilang salita. 058 HEB 013 023 Inyong talastasin na ang ating kapatid na si Timoteo ay pinawalan na; na kung siya'y dumating na madali, kayo'y makikita kong kasama niya. 058 HEB 013 024 Batiin ninyo ang lahat ng mga namiminuno sa inyo, at ang lahat ng mga banal. Kayo'y binabati ng nangasa Italia. 058 HEB 013 025 Ang biyaya'y sumainyo nawang lahat. Siya nawa. # # BOOK 059 JAM James Santiago 059 JAM 001 001 Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo, ay bumabati sa labingdalawang angkan na nasa Pangangalat. 059 JAM 001 002 Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso; 059 JAM 001 003 Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis. 059 JAM 001 004 At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan. 059 JAM 001 005 Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya. 059 JAM 001 006 Nguni't humingi siyang may pananampalataya, na walang anomang pagaalinlangan: sapagka't yaong nagaalinlangan ay katulad ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila. 059 JAM 001 007 Sapagka't huwag isipin ng taong yaon na siya'y tatanggap ng anoman bagay sa Panginoon; 059 JAM 001 008 Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad. 059 JAM 001 009 Datapuwa't ang kapatid na mababang kapalaran ay magmapuri sa kaniyang mataas na kalagayan: 059 JAM 001 010 At ang mayaman, dahil sa siya'y pinababa: sapagka't siya'y lilipas na gaya ng bulaklak ng damo. 059 JAM 001 011 Sapagka't sumisikat ang araw na may hanging nakakasunog, at naluluoy ang damo; at nangalalagas ang bulaklak nito, at nawawala ang karikitan ng kaniyang anyo: gayon din naman ang taong mayaman na malalanta sa lahat ng kaniyang mga paglakad. 059 JAM 001 012 Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka't pagkasubok sa kaniya, siya'y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya. 059 JAM 001 013 Huwag sabihin ng sinoman pagka siya'y tinutukso, Ako'y tinutukso ng Dios; sapagka't ang Dios ay hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman siya nanunukso sa kanino man: 059 JAM 001 014 Kundi ang bawa't tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat. 059 JAM 001 015 Kung magkagayo'y ang kahalayan, kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay namumunga ng kamatayan. 059 JAM 001 016 Huwag kayong padaya, mga minamahal kong kapatid. 059 JAM 001 017 Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba. 059 JAM 001 018 Sa kaniyang sariling kalooban ay kaniya tayong ipinanganak sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging isang uri ng mga pangunahing bunga ng kaniyang mga nilalang. 059 JAM 001 019 Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit; 059 JAM 001 020 Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios. 059 JAM 001 021 Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa. 059 JAM 001 022 Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili. 059 JAM 001 023 Sapagka't kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin: 059 JAM 001 024 Sapagka't minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya'y umaalis at pagdaka'y kaniyang nalilimutan kung ano siya. 059 JAM 001 025 Nguni't ang nagsisiyasat ng sakdal na kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa. 059 JAM 001 026 Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan. 059 JAM 001 027 Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan. 059 JAM 002 001 Mga kapatid ko, yayamang mayroon kayong pananampalataya ng ating Panginoong Jesucristo, na Panginoon ng kaluwalhatian ay huwag magtatangi sa mga tao. 059 JAM 002 002 Sapagka't kung may pumapasok sa inyong sinagoga ang isang tao na may singsing na ginto, at may magandang kasuotan, at may pumapasok namang isang dukha na may damit na hamak; 059 JAM 002 003 At inyong itangi ang may suot na damit na maganda, at inyong sabihin, Maupo ka rito sa dakong mabuti; at sa dukha ay inyong sabihin, Tumayo ka riyan, o maupo ka sa ibaba ng aking tungtungan; 059 JAM 002 004 Hindi baga kayo'y nagtatangi sa inyong sarili, at nagiging mga hukom na may masasamang pagiisip? 059 JAM 002 005 Dinggin ninyo, mga minamahal kong kapatid; hindi baga pinili ng Dios ang mga dukha sa sanglibutang ito upang maging mayayaman sa pananampalataya, at mga tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga nagsisiibig sa kaniya? 059 JAM 002 006 Nguni't inyong niwalang-puri ang dukha. Hindi baga kayo'y pinahihirapan ng mayayaman, at sila rin ang kumakaladkad sa inyo sa harapan ng mga hukuman? 059 JAM 002 007 Hindi baga nilalapastangan nila yaong marangal na pangalan na sa inyo'y itinatawag? 059 JAM 002 008 Gayon man kung inyong ganapin ang kautusang hari, ayon sa kasulatan, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili, ay nagsisigawa kayo ng mabuti: 059 JAM 002 009 Datapuwa't kung kayo'y nagtatangi ng mga tao, ay nangagkakasala kayo, at kayo'y hinahatulan ng kautusan na gaya ng mga suwail. 059 JAM 002 010 Sapagka't ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma'y natitisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat. 059 JAM 002 011 Sapagka't ang nagsabi, Huwag kang mangalunya, ay nagsabi, naman, Huwag kang pumatay. Ngayon, kung ikaw ay hindi nangangalunya, nguni't pumapatay ka, ay nagiging suwail ka sa kautusan. 059 JAM 002 012 Gayon ang inyong salitain, at gayon ang inyong gawin, na gaya ng mga taong huhukuman sa pamamagitan ng kautusan ng kalayaan. 059 JAM 002 013 Sapagka't ang paghuhukom ay walang awa doon sa hindi nagpakita ng awa: ang awa ay lumuluwalhati laban sa paghuhukom. 059 JAM 002 014 Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan? 059 JAM 002 015 Kung ang isang kapatid na lalake o babae ay hubad at walang kakanin araw-araw, 059 JAM 002 016 At ang isa sa inyo ay magsabi sa kanila, Magsiyaon kayong payapa, kayo'y mangagpainit at mangagpakabusog; at gayon ma'y hindi ninyo ibinibigay sa kanila ang mga bagay na kinakailangan ng katawan; anong mapapakinabang dito? 059 JAM 002 017 Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili. 059 JAM 002 018 Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong pananampalataya, at ako'y mayroong mga gawa: ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang hiwalay sa mga gawa, at ako sa pamamagitan ng aking mga gawa ay ipakita sa iyo ang aking pananampalataya. 059 JAM 002 019 Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig. 059 JAM 002 020 Datapuwa't ibig mo bagang maalaman, Oh taong walang kabuluhan, na ang pananampalataya na walang mga gawa ay baog? 059 JAM 002 021 Hindi baga ang ating amang si Abraham ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa, dahil sa kaniyang inihain si Isaac na kaniyang anak sa ibabaw ng dambana? 059 JAM 002 022 Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya; 059 JAM 002 023 At natupad ang kasulatan na nagsasabi, At si Abraham ay sumampalataya sa Dios, at yao'y ibinilang na katuwiran sa kaniya; at siya'y tinawag na kaibigan ng Dios. 059 JAM 002 024 Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa'y inaaring ganap ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. 059 JAM 002 025 At gayon din naman hindi rin baga si Rahab na patutot ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa, dahil sa tinanggap niya ang mga sugo, at kaniyang pinapagdaan sila sa ibang daan? 059 JAM 002 026 Sapagka't kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay. 059 JAM 003 001 Huwag maging guro ang marami sa inyo, mga kapatid ko, yamang nalalamang tayo'y tatanggap ng lalong mabigat na hatol. 059 JAM 003 002 Sapagka't sa maraming mga bagay tayong lahat ay nangatitisod. Kung ang sinoman ay hindi natitisod sa salita, ay isang taong sakdal ang gayon, may kaya rin namang makapigil ng buong katawan. 059 JAM 003 003 Kung atin ngang inilalagay ang mga preno ng kabayo sa kanilang mga bibig, upang tayo'y talimahin, ay ibinabaling din naman natin ang kanilang buong katawan. 059 JAM 003 004 Narito, ang mga daong naman, bagama't lubhang malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, gayon ma'y sa pamamagitan ng isang lubhang maliit na ugit ay napapabaling kung saan ibig ng tagaugit. 059 JAM 003 005 Gayon din naman ang dila ay isang maliit na sangkap, at nagpapalalo ng malalaking bagay. Narito, kung gaano kalaking gubat ang pinagaalab ng lubhang maliit na apoy! 059 JAM 003 006 At ang dila'y isang apoy: ang sanglibutan ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba't ang dila, na nakakahawa sa buong katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila'y pinagniningas ng impierno. 059 JAM 003 007 Sapagka't ang bawa't uri ng mga hayop at mga ibon, ng mga nagsisiusad at mga bagay sa dagat, ay pinaaamo, at napaaamo ng tao: 059 JAM 003 008 Datapuwa't ang dila ay hindi napaaamo ng sinomang tao; isang masamang hindi nagpapahinga, na puno ng lasong nakamamatay. 059 JAM 003 009 Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa mga taong ginawang ayon sa larawan ng Dios: 059 JAM 003 010 Sa bibig din lumalabas ang pagpuri't paglait. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat magkagayon. 059 JAM 003 011 Ang bukal baga'y sa isa lamang siwang ay binubukalan ng matamis at mapait? 059 JAM 003 012 Maaari baga, mga kapatid ko, na ang puno ng igos ay magbunga ng aseitunas, o ng mga igos ang puno ng ubas? hindi rin naman babalungan ng matamis ang maalat na tubig. 059 JAM 003 013 Sino ang marunong at matalino sa inyo? ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting kabuhayan ang kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan. 059 JAM 003 014 Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan. 059 JAM 003 015 Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa diablo. 059 JAM 003 016 Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama. 059 JAM 003 017 Nguni't ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una'y malinis saka mapayapa, banayad, madaling panaingan, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang inaayunan, walang pagpapaimbabaw. 059 JAM 003 018 At ang bunga ng katuwiran ay natatanim sa kapayapaan sa mga nagsisigawa ng kapayapaan. 059 JAM 004 001 Saan nagbubuhat ang mga pagbabaka at saan nagbubuhat ang mga pagaaway sa inyo? hindi baga nagbubuhat dito, sa inyong mga kalayawan na bumabaka sa inyong mga sangkap? 059 JAM 004 002 Kayo'y nangagiimbot, at kayo'y wala: kayo'y nagsisipatay, at kayo'y nangaiinggit, at hindi maaaring kamtan: kayo'y nangakikipagaway at nangakikipagbaka; kayo'y wala, sapagka't hindi kayo nagsisihingi. 059 JAM 004 003 Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan. 059 JAM 004 004 Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios. 059 JAM 004 005 O iniisip baga ninyo na ang kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan? Ang Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian? 059 JAM 004 006 Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba. 059 JAM 004 007 Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo. 059 JAM 004 008 Magsilapit kayo sa Dios, at siya'y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may dalawang akala. 059 JAM 004 009 Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan. 059 JAM 004 010 Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo. 059 JAM 004 011 Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, o humahatol sa kaniyang kapatid, ay nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom. 059 JAM 004 012 Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, sa makatuwid baga'y ang makapagliligtas at makapagwawasak: datapuwa't sino ka na humahatol sa iyong kapuwa? 059 JAM 004 013 Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi, Ngayon o bukas ay magsisiparoon kami sa gayong bayan, at titira kami doong isang taon, at mangangalakal, at magtutubo: 059 JAM 004 014 Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi. 059 JAM 004 015 Sapagka't ang dapat ninyong sabihin ay, Kung loloobin ng Panginoon ay mangabubuhay kami, at gagawin namin ito o yaon. 059 JAM 004 016 Datapuwa't ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga pagpapalalo: ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay masama. 059 JAM 004 017 Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya. 059 JAM 005 001 Magsiparito ngayon, kayong mayayaman, kayo'y magsitangis at magsihagulhol dahil sa mga karalitaan ninyong sa inyo'y darating. 059 JAM 005 002 Ang inyong mga kayamanan ay mga bulok, at ang inyong mga damit ay nginangatngat ng tanga. 059 JAM 005 003 Ang inyong ginto at ang inyong pilak ay kinakalawang na; at ang mga kalawang na ito ay siyang magiging patotoo laban sa inyo, at gaya ng apoy na lalamunin ang inyong laman. Kayo'y nagtipon ng inyong mga kayamanan sa mga huling araw. 059 JAM 005 004 Narito, ang kaupahan ng mga manggagawa na nagsiani sa inyong mga bukid, na iniring ninyo sa pamamagitan ng daya, ay humihibik: at ang mga hibik ng mga nagsiani ay nagsipasok sa mga pakinig ng Panginoon ng mga hukbo. 059 JAM 005 005 Kayo'y nangabuhay ng tamasa sa ibabaw ng lupa, at nangagalak; inyong pinataba ang inyong mga puso sa araw ng patayan. 059 JAM 005 006 Inyong hinatulan, inyong pinatay ang matuwid; hindi niya kayo nilalabanan. 059 JAM 005 007 Mangagtiis nga kayo, mga kapatid, hanggang sa pagparito ng Panginoon. Narito, inaasahan ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa, na may pagtitiis, hanggang sa tanggapin ang ulang maaga at huli. 059 JAM 005 008 Mangagtiis din naman kayo; pagtibayin ninyo ang inyong mga puso, sapagka't ang pagparito ng Panginoon ay malapit na. 059 JAM 005 009 Huwag kayong mangagupasalaan, mga kapatid, laban sa isa't isa, upang kayo'y huwag mahatulan; narito, ang hukom ay nakatayo sa harapan ng mga pinto. 059 JAM 005 010 Kunan ninyong halimbawa ng pagbabata at ng pagtitiis, mga kapatid, ang mga propeta na nagsipagsalita sa pangalan ng Panginoon. 059 JAM 005 011 Narito, tinatawag nating mapapalad ang nangagtiis: inyong nabalitaan ang pagtitiis ni Job, at inyong nakita ang pinapangyari ng Panginoon, kung gaano ang lubos na pagkahabag at ang pagkamaawain ng Panginoon. 059 JAM 005 012 Nguni't higit sa lahat ng mga bagay, mga kapatid ko, ay huwag ninyong ipanumpa, kahit ang langit, ni ang lupa, ni ang anomang ibang sumpa: kundi ang inyong oo, ay maging oo; at ang inyong hindi, ay maging hindi; upang kayo'y huwag mangahulog sa ilalim ng hatol. 059 JAM 005 013 Nagbabata baga ang sinoman sa inyo? siya'y manalangin. Natutuwa ang sinoman? awitin niya ang mga pagpupuri. 059 JAM 005 014 May sakit baga ang sinoman sa inyo? ipatawag niya ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon: 059 JAM 005 015 At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya. 059 JAM 005 016 Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid. 059 JAM 005 017 Si Elias ay isang taong may pagkataong gaya rin ng atin, at siya'y nanalangin ng buong ningas upang huwag umulan; at hindi umulan sa lupa sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. 059 JAM 005 018 At muli siyang nanalangin; at ang langit ay nagbigay ng ulan, at ang lupa ay namunga ng kaniyang bunga. 059 JAM 005 019 Mga kapatid ko, kung ang sinoman sa inyo ay nalilihis sa katotohanan, at siya'y papagbaliking loob ng sinoman; 059 JAM 005 020 Ay alamin nito na ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan, mula sa kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at magtatakip ng karamihang kasalanan. # # BOOK 060 1PE 1 Peter 1 Pedro 060 1PE 001 001 Si Pedro, na apostol ni Jesucristo, sa mga hinirang na nangingibang bayan na nasa Pangangalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia, 060 1PE 001 002 Ayon sa paunang kaalaman ng Dios Ama, sa pagpabanal ng Espiritu, upang magsitalima at mangawisikan ng dugo ni Jesucristo: Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyo'y sumagana. 060 1PE 001 003 Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay, 060 1PE 001 004 Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, na inilaan sa langit para sa inyo, 060 1PE 001 005 Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon. 060 1PE 001 006 Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't ngayo'y sa sangdaling panahon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok, 060 1PE 001 007 Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo: 060 1PE 001 008 Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian: 060 1PE 001 009 Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa. 060 1PE 001 010 Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo: 060 1PE 001 011 Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito. 060 1PE 001 012 Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y ninanasang mamasdan ng mga anghel. 060 1PE 001 013 Kaya't inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo; 060 1PE 001 014 Na gaya ng mga anak na matalimahin, na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo'y na sa kawalang kaalaman: 060 1PE 001 015 Nguni't yamang banal ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay; 060 1PE 001 016 Sapagka't nasusulat, Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal. 060 1PE 001 017 At kung inyong tinatawagan, na Ama, siyang walang itinatanging tao, na humahatol ayon sa gawa ng bawa't isa, ay gugulin ninyo sa takot ang panahon ng inyong pangingibang bayan: 060 1PE 001 018 Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang; 060 1PE 001 019 Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo: 060 1PE 001 020 Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo, 060 1PE 001 021 Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios, na sa kaniya'y bumuhay na maguli sa mga patay, at sa kaniya'y nagbigay ng kaluwalhatian; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios. 060 1PE 001 022 Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa't isa: 060 1PE 001 023 Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi. 060 1PE 001 024 Sapagka't, Ang lahat ng laman ay gaya ng damo, At ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo'y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta: 060 1PE 001 025 Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man. At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo. 060 1PE 002 001 Kaya't sa paghihiwalay ng lahat na kasamaan, at lahat ng pagdaraya, at pagpapaimbabaw, at mga pananaghili, at ng lahat ng panglalait, 060 1PE 002 002 Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas; 060 1PE 002 003 Kung inyong napagkilala na ang Panginoon ay mapagbiyaya: 060 1PE 002 004 Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga, 060 1PE 002 005 Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo. 060 1PE 002 006 Sapagka't ito ang nilalaman ng kasulatan, Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga: At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya. 060 1PE 002 007 Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya, Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay Siyang naging pangulo sa panulok; 060 1PE 002 008 At, Batong katitisuran, at bato na pangbuwal; Sapagka't sila ay natitisod sa salita, palibhasa'y mga suwail: na dito rin naman sila itinalaga, 060 1PE 002 009 Datapuwa't kayo'y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan: 060 1PE 002 010 Na nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa't ngayo'y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa't ngayo'y nagsipagkamit ng awa. 060 1PE 002 011 Mga minamahal, ipinamamanhik ko sa inyong tulad sa mga nangingibang bayan at nagsisipaglakbay, na kayo'y magsipagpigil sa mga masamang pita ng laman, na nakikipaglaban sa kaluluwa; 060 1PE 002 012 Na kayo'y mangagkaroon ng timtimang ugali sa gitna ng mga Gentil; upang, sa mga bagay na ipinagsasalita nila laban sa inyong tulad sa nagsisigawa ng masama, dahil sa inyong mabubuting gawa na kanilang nakikita, ay purihin nila ang Dios sa araw ng pagdalaw. 060 1PE 002 013 Kayo'y pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan; 060 1PE 002 014 O sa mga gobernador, na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti. 060 1PE 002 015 Sapagka't siyang kalooban ng Dios, na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo: 060 1PE 002 016 Na gaya nang kayo'y mga laya, at ang inyong kalayaan ay hindi ginagamit na balabal ng kasamaan, kundi gaya ng mga alipin ng Dios. 060 1PE 002 017 Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran. Mangatakot kayo sa Dios. Igalang ninyo ang hari. 060 1PE 002 018 Mga alila, kayo'y magsisuko na may buong takot sa inyong mga panginoon; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi naman sa mababagsik. 060 1PE 002 019 Sapagka't ito'y kalugodlugod, kung dahil sa budhing ukol sa Dios ay magtiis ang sinoman ng mga kalumbayan, na magbata ng di matuwid. 060 1PE 002 020 Sapagka't anong kapurihan nga, kung kayo'y nangagkakasala, at kayo'y tinatampal ay inyong tanggapin na may pagtitiis? nguni't kung kayo'y gumagawa ng mabuti, at kayo'y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito'y kalugodlugod sa Dios. 060 1PE 002 021 Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya: 060 1PE 002 022 Na siya'y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig: 060 1PE 002 023 Na, nang siya'y alipustain, ay hindi gumanti ng pagalipusta; nang siya'y magbata, ay hindi nagbala; kundi ipinagkatiwala ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng matuwid: 060 1PE 002 024 Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo. 060 1PE 002 025 Sapagka't kayo'y gaya ng mga tupang nangaliligaw; datapuwa't ngayon ay nangabalik kayo sa Pastor at Obispo ng inyong mga kaluluwa. 060 1PE 003 001 Gayon din naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae; 060 1PE 003 002 Sa pagkamasid nila ng inyong ugaling mahinhin na may takot. 060 1PE 003 003 Na huwag sa labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng mga hiyas na ginto, o pagbibihis ng maringal na damit; 060 1PE 003 004 Kundi ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios. 060 1PE 003 005 Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios, na pasakop sa kanikaniyang asawa; 060 1PE 003 006 Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan. 060 1PE 003 007 Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan. 060 1PE 003 008 Katapustapusan, kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, mangagibigang tulad sa magkakapatid, mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip: 060 1PE 003 009 Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, o ng alipusta ang pagalipusta; kundi ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala. 060 1PE 003 010 Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya: 060 1PE 003 011 At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti; Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan. 060 1PE 003 012 Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing: Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama. 060 1PE 003 013 At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti? 060 1PE 003 014 Datapuwa't kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo: at huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o huwag kayong mangagulo; 060 1PE 003 015 Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takot: 060 1PE 003 016 Na taglay ang mabuting budhi; upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo. 060 1PE 003 017 Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama. 060 1PE 003 018 Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu; 060 1PE 003 019 Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan, 060 1PE 003 020 Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig: 060 1PE 003 021 Na ayon sa tunay na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo; 060 1PE 003 022 Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan. 060 1PE 004 001 Kung paano ngang si Cristo ay nagbata sa laman, ay magsandata rin naman kayo ng gayong pagiisip; sapagka't siya na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan; 060 1PE 004 002 Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa mga masamang pita ng mga tao, kundi sa kalooban ng Dios. 060 1PE 004 003 Sapagka't sukat na ang nakaraang panahon upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na pagsamba sa mga diosdiosan: 060 1PE 004 004 Ikinahahanga nila ang bagay na ito na kayo'y hindi nakikitakbong kasama nila sa gayong pagpapakalabis ng kaguluhan, kung kaya't kayo'y pinagsasalitaan ng masama: 060 1PE 004 005 Na sila'y magbibigay sulit sa kaniya na handang humukom sa mga buhay at sa mga patay. 060 1PE 004 006 Sapagka't dahil dito'y ipinangaral maging sa mga patay ang evangelio, upang sila, ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan, datapuwa't mangabuhay sa espiritu ayon sa Dios. 060 1PE 004 007 Nguni't ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: kayo nga'y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin: 060 1PE 004 008 Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagka't ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan: 060 1PE 004 009 Na mangagpatuluyan kayo ng walang bulongbulungan: 060 1PE 004 010 Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios; 060 1PE 004 011 Na kung ang sinoma'y nagsasalita, ay gaya ng sa mga aral ng Dios: kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios: upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa. 060 1PE 004 012 Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay: 060 1PE 004 013 Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak. 060 1PE 004 014 Kung kayo'y mapintasan dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo. 060 1PE 004 015 Nguni't huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba: 060 1PE 004 016 Nguni't kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito. 060 1PE 004 017 Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios? 060 1PE 004 018 At kung ang matuwid ay bahagya ng makaliligtas, ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap? 060 1PE 004 019 Kaya't ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang. 060 1PE 005 001 Sa matatanda nga sa inyo'y umaaral ako, akong matandang kasamahan ninyo, at isang saksi ng mga hirap ni Cristo, na may bahagi naman sa kaluwalhatiang ihahayag: 060 1PE 005 002 Pangalagaan ninyo ang kawan ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban ng Dios; ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pagiisip; 060 1PE 005 003 Ni hindi din naman ang gaya ng kayo'y may pagkapanginoon sa pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo'y maging mga uliran ng kawan. 060 1PE 005 004 At pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian. 060 1PE 005 005 Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa matatanda. Oo, kayong lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo'y maglingkuran: sapagka't ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba. 060 1PE 005 006 Kaya't kayo'y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan; 060 1PE 005 007 Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya. 060 1PE 005 008 Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya: 060 1PE 005 009 Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan. 060 1PE 005 010 At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo. 060 1PE 005 011 Sumasakaniya nawa ang paghahari magpakailan man. Siya nawa. 060 1PE 005 012 Sa pamamagitan ni Silvano, na tapat nating kapatid, ayon sa aking palagay sa kaniya, ay sinulatan ko kayo ng maiksi, na aking iniaaral at sinasaksihan na ito ang tunay na biyaya ng Dios: magsitibay kayo dito. 060 1PE 005 013 Binabati kayo ng nasa Babilonia, na kasamang hinirang; at ni Marcos na aking anak. 060 1PE 005 014 Mangagbatian kayo ng halik ng pagibig. Kapayapaan nawa ang sumainyong lahat na na kay Cristo. # # BOOK 061 2PE 2 Peter 2 Pedro 061 2PE 001 001 Si Simon Pedro, na alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo: 061 2PE 001 002 Biyaya at kapayapaan ang sa inyo'y dumami sa pagkakilala sa Dios at kay Jesus na Panginoon natin; 061 2PE 001 003 Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan; 061 2PE 001 004 Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita. 061 2PE 001 005 Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalaman; 061 2PE 001 006 At sa kaalaman ay ang pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang kabanalan; 061 2PE 001 007 At sa kabanalan ay ang mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang pagibig. 061 2PE 001 008 Sapagka't kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo. 061 2PE 001 009 Sapagka't yaong wala ng mga bagay na ito ay bulag, na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit, sa pagkalimot ng paglilinis ng kaniyang dating mga kasalanan. 061 2PE 001 010 Kaya, mga kapatid, lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa pagkatawag at pagkahirang sa inyo: sapagka't kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay hindi kayo mangatitisod kailan man: 061 2PE 001 011 Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo. 061 2PE 001 012 Kaya't magiging handa akong lagi na ipaalaala ko sa inyo ang mga bagay na ito, bagama't inyong nalalaman, at kayo'y pinatitibay sa katotohanang nasa inyo. 061 2PE 001 013 At inaakala kong matuwid, na samantalang ako'y nasa tabernakulong ito, ay kilusin ko kayo na ipaalaala ko sa inyo; 061 2PE 001 014 Yamang aking nalalaman na dumarating na madali ang paghiwalay ko sa aking tabernakulo, na gaya ng ipinahiwatig sa akin ng Panginoon nating Jesucristo. 061 2PE 001 015 Oo, pagsisikapan ko na sa tuwituwi na, pagkamatay ko'y inyong maalaala ang mga bagay na ito. 061 2PE 001 016 Sapagka't kami ay hindi nagsisunod sa mga kathang ginawang mainam, noong aming ipinakilala sa inyo ang kapangyarihan at pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, kundi kami ay naging mga saksing nakakita ng kaniyang karangalan. 061 2PE 001 017 Sapagka't siya'y tumanggap sa Dios Ama ng karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan: 061 2PE 001 018 At ang tinig na ito ay aming narinig na nanggaling sa langit, nang kami ay kasama niya sa banal na bundok. 061 2PE 001 019 At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso: 061 2PE 001 020 Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag. 061 2PE 001 021 Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo. 061 2PE 002 001 Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak. 061 2PE 002 002 At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan. 061 2PE 002 003 At sa kasakiman sa mga pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapahamakan ay hindi nagugupiling. 061 2PE 002 004 Sapagka't kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila'y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom; 061 2PE 002 005 At ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad, datapuwa't iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama; 061 2PE 002 006 At pinarusahan niya ng pagkalipol ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama: 061 2PE 002 007 At iniligtas ang matuwid na si Lot, na lubhang nahahapis sa mahahalay na pamumuhay ng masasama: 061 2PE 002 008 (Sapagka't ang matuwid na ito na namamayang kasama nila, ay lubhang nahapis araw-araw ang kaniyang matuwid na kaluluwa sa pagkakita at pagkarinig niya, ng mga gawa nilang laban sa kautusan): 061 2PE 002 009 Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom; 061 2PE 002 010 Datapuwa't lalong-lalo na ng mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop. Mga pangahas, mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na magsialipusta sa mga pangulo: 061 2PE 002 011 Samantalang ang mga anghel, bagama't lalong dakila ang lakas at kapangyarihan, ay hindi nagtataglay ng paghatol na may alipusta laban sa kanila sa harapan ng Panginoon. 061 2PE 002 012 Datapuwa't ang mga ito, na gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol. 061 2PE 002 013 Na nangagbabata ng masama na kabayaran ng gawang masama; palibhasa'y inaari nilang isang kaligayahan ang magpakalayaw kung araw, mga dungis at kapintasan, na nangagpapakalayaw sa kanilang mga daya, samantalang sila'y nangakikipagpiging sa inyo; 061 2PE 002 014 Na may mga matang puspos ng pangangalunya, at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga; na may pusong sanay sa kasakiman; mga anak ng paglait, 061 2PE 002 015 Na pagkaalis sa daang matuwid ay nangaligaw sila, palibhasa'y nagsisunod sa daan ni Balaam na anak ni Beor, na nagibig ng kabayaran ng gawang masama; 061 2PE 002 016 Datapuwa't siya'y sinasaway dahil sa kaniyang sariling pagsalangsang: na isang asnong pipi ay nangusap ng tinig ng tao at pinigil ang kaululan ng propeta. 061 2PE 002 017 Ang mga ito'y mga bukal na walang tubig, mga ulap na tinatangay ng unos; na sa kanila'y itinaan ang kapusikitan ng kadiliman; 061 2PE 002 018 Sapagka't, sa pananalita ng mga kapalaluan na walang kabuluhan, ay umaakit sila sa masasamang pita ng laman, sa pamamagitan ng kalibugan, doon sa nagsisitakas sa nangamumuhay sa kamalian; 061 2PE 002 019 Na pinangangakuan ng kalayaan, samantalang sila'y mga alipin ng kabulukan; sapagka't ang nadaig ninoman ay naging alipin din naman niyaon. 061 2PE 002 020 Sapagka't kung, pagkatapos na sila'y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una. 061 2PE 002 021 Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila. 061 2PE 002 022 Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan. 061 2PE 003 001 Ito nga ang ikalawang sulat, mga minamahal, na isinusulat ko sa inyo; at sa dalawa'y ginigising ko ang inyong tapat na pagiisip sa pamamagitan ng pagpapaalaala sa inyo; 061 2PE 003 002 Upang maalaala ninyo ang mga salitang sinabi nang una ng mga banal na propeta, at ang utos ng Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng inyong mga apostol: 061 2PE 003 003 Na maalaman muna ito, na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita, 061 2PE 003 004 At magsisipagsabi, Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito? sapagka't, buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang, ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang. 061 2PE 003 005 Sapagka't sadyang nililimot nila, na mayroong sangkalangitan mula nang unang panahon, at isang lupang inanyuan sa tubig at sa gitna ng tubig, sa pamamagitan ng salita ng Dios; 061 2PE 003 006 Na sa pamamagitan din nito ang sanglibutan noon, na inapawan ng tubig, ay napahamak: 061 2PE 003 007 Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama. 061 2PE 003 008 Datapuwa't huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw. 061 2PE 003 009 Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. 061 2PE 003 010 Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog. 061 2PE 003 011 Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain, 061 2PE 003 012 Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init? 061 2PE 003 013 Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran. 061 2PE 003 014 Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya. 061 2PE 003 015 At inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas; na gaya rin naman ni Pablo, na ating minamahal na kapatid, na ayon sa karunungang ibinigay sa kaniya, ay sinulatan kayo; 061 2PE 003 016 Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo'y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo'y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila. 061 2PE 003 017 Kaya nga, mga minamahal, yamang nalalaman na ninyo nang una ang mga bagay na ito, ay magsipagingat kayo, baka kung mangaligaw kayo sa pamamagitan ng kamalian ng masasama, ay mangahulog kayo sa inyong sariling katiyagaan. 061 2PE 003 018 Datapuwa't magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man. Siya nawa. # # BOOK 062 1JO 1 John 1 Juan 062 1JO 001 001 Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay; 062 1JO 001 002 (At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag); 062 1JO 001 003 Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo: 062 1JO 001 004 At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, upang ang ating kagalakan ay malubos. 062 1JO 001 005 At ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo'y aming ibinabalita, na ang Dios ay ilaw, at sa kaniya'y walang anomang kadiliman. 062 1JO 001 006 Kung sinasabi nating tayo'y may pakikisama sa kaniya at nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan: 062 1JO 001 007 Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan. 062 1JO 001 008 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. 062 1JO 001 009 Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan. 062 1JO 001 010 Kung sinasabi nating tayo'y hindi nangagkasala, ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin. 062 1JO 002 001 Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid: 062 1JO 002 002 At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman. 062 1JO 002 003 At sa ganito'y nalalaman natin na siya'y ating nakikilala, kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos. 062 1JO 002 004 Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya; 062 1JO 002 005 Datapuwa't ang sinomang tumutupad ng kaniyang salita, tunay na sa kaniya ay naging sakdal ang pagibig ng Dios. Dahil dito'y nalalaman nating tayo'y nasa kaniya: 062 1JO 002 006 Ang nagsasabing siya'y nananahan sa kaniya ay nararapat din namang lumakad na gaya ng inilakad niya. 062 1JO 002 007 Mga minamahal, wala akong isinusulat sa inyo na anomang bagong utos, kundi ang dating utos na nasa inyo buhat nang pasimula; ang dating utos ay ang salita na inyong narinig. 062 1JO 002 008 Muli, isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, bagay na tunay sa kaniya at sa inyo; sapagka't ang kadiliman ay lumilipas, at ang tunay na ilaw ay lumiliwanag na. 062 1JO 002 009 Ang nagsasabing siya'y nasa liwanag at napopoot sa kaniyang kapatid, ay nasa kadiliman pa hanggang ngayon. 062 1JO 002 010 Ang umiibig sa kaniyang kapatid ay nananahan sa liwanag, at sa kaniya'y walang anomang kadahilanang ikatitisod. 062 1JO 002 011 Nguni't ang napopoot sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman, at lumalakad sa kadiliman, at hindi niya nalalaman kung saan siya naparoroon, sapagka't ang kaniyang mga mata ay binulag ng kadiliman. 062 1JO 002 012 Kayo'y sinusulatan ko, mumunti kong mga anak, sapagka't ipinatawad sa inyo ang inyong mga kasalanan dahil sa kaniyang pangalan. 062 1JO 002 013 Kayo'y sinusulatan ko, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na. Kayo'y sinusulatan ko, mga binata, sapagka't inyong dinaig ang masama. Kayo'y aking sinulatan, mumunting mga anak, sapagka't inyong nakikilala ang Ama. 062 1JO 002 014 Kayo'y aking sinulatan, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na. Kayo'y aking sinulatan, mga binata, sapagka't kayo'y malalakas, at ang salita ng Dios ay nananahan sa inyo, at inyong dinaig ang masama. 062 1JO 002 015 Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama. 062 1JO 002 016 Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan. 062 1JO 002 017 At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man. 062 1JO 002 018 Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras. 062 1JO 002 019 Sila'y nangagsilabas sa atin, nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin. 062 1JO 002 020 At kayo'y may pahid ng Banal, at nalalaman ninyo ang lahat ng mga bagay. 062 1JO 002 021 Hindi ko kayo sinulatan ng dahil sa hindi ninyo nalalaman ang katotohanan, kundi dahil sa inyong nalalaman, at sapagka't alin mang kasinungalingan ay hindi sa katotohanan. 062 1JO 002 022 Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak. 062 1JO 002 023 Ang sinomang tumatanggi sa Anak, ay hindi sumasa kaniya ang Ama: ang nagpapahayag sa Anak ay sumasa kaniya naman ang Ama. 062 1JO 002 024 Tungkol sa inyo, ay manahan sa inyo ang inyong narinig buhat nang pasimula. Kung manahan sa inyo yaong buhat nang pasimula ay inyong narinig, kayo naman ay mananahan sa Anak, at sa Ama. 062 1JO 002 025 At ito ang pangakong kaniyang ipinangako sa atin, ang buhay na walang hanggan. 062 1JO 002 026 Isinulat ko sa inyo ang mga bagay na ito tungkol sa mga may ibig na magligaw sa inyo. 062 1JO 002 027 At tungkol sa inyo, ang pagkapahid na sa kaniya'y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo'y turuan ng sinoman; nguni't kung paanong kayo'y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo'y tinuruan nito, ay gayon kayong nananahan sa kaniya. 062 1JO 002 028 At ngayon, mumunti kong mga anak, manahan kayo sa kaniya; upang, kung siya'y mahayag, ay magkaroon kayo ng pagkakatiwala, at huwag tayong mangapahiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito. 062 1JO 002 029 Kung nalalaman ninyong siya'y matuwid, nalalaman naman ninyo na ang bawa't gumagawa ng katuwiran ay ipinanganak niya. 062 1JO 003 001 Masdan ninyo kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y mangatawag na mga anak ng Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan, sapagka't siya'y hindi nakilala nito. 062 1JO 003 002 Mga minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng Dios, at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin, na kung siya'y mahayag, tayo'y magiging katulad niya: sapagka't siya'y ating makikitang gaya ng kaniyang sarili. 062 1JO 003 003 At sinomang mayroon ng pagasang ito sa kaniya ay naglilinis sa kaniyang sarili, gaya naman niyang malinis. 062 1JO 003 004 Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan. 062 1JO 003 005 At nalalaman ninyo na siya'y nahayag upang magalis ng mga kasalanan; at sa kaniya'y walang kasalanan. 062 1JO 003 006 Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala; sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, ni hindi man nakakilala sa kaniya. 062 1JO 003 007 Mumunti kong mga anak, huwag kayong padaya kanino man: ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid, gaya niya na matuwid: 062 1JO 003 008 Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagka't buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang diablo. Sa bagay na ito'y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng diablo. 062 1JO 003 009 Ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala, sapagka't ang kaniyang binhi ay nananahan sa kaniya: at siya'y hindi maaaring magkasala, sapagka't siya'y ipinanganak ng Dios. 062 1JO 003 010 Dito nahahayag ang mga anak ng Dios, at ang mga anak ng diablo: ang sinomang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Dios, ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid. 062 1JO 003 011 Sapagka't ito ang pasabing inyong narinig buhat ng pasimula, na mangagibigan tayo sa isa't isa: 062 1JO 003 012 Hindi gaya ni Cain na siya'y sa masama, at pinatay ang kaniyang kapatid. At bakit niya pinatay? Sapagka't ang kaniyang mga gawa ay masasama, at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid. 062 1JO 003 013 Huwag kayong mangagtaka, mga kapatid, kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan. 062 1JO 003 014 Nalalaman nating tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan. 062 1JO 003 015 Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan. 062 1JO 003 016 Dito'y nakikilala natin ang pagibig, sapagka't kaniyang ibinigay ang kaniyang buhay dahil sa atin; at nararapat nating ibigay ang ating mga buhay dahil sa mga kapatid. 062 1JO 003 017 Datapuwa't ang sinomang mayroong mga pag-aari sa sanglibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan, at doo'y ipagkait ang kaniyang awa, paanong mananahan ang pagibig ng Dios sa kaniya? 062 1JO 003 018 Mumunti kong mga anak, huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan. 062 1JO 003 019 Dito'y makikilala nating tayo'y sa katotohanan, at papapanatagin natin ang ating mga puso sa harapan niya. 062 1JO 003 020 Sapagka't kung hinahatulan tayo ng ating puso, ang Dios ay lalong dakila kay sa ating puso, at nalalaman niya ang lahat ng mga bagay. 062 1JO 003 021 Mga minamahal, kung tayo'y hindi hinahatulan ng ating puso, ay may pagkakatiwala tayo sa Dios; 062 1JO 003 022 At anomang ating hingin ay tinatanggap natin sa kaniya, sapagka't tinutupad natin ang kaniyang mga utos at ginagawa natin ang mga bagay na kalugodlugod sa kaniyang paningin. 062 1JO 003 023 At ito ang kaniyang utos, na manampalataya tayo sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesucristo, at tayo'y mangagibigan, ayon sa ibinigay niyang utos sa atin. 062 1JO 003 024 At ang tumutupad ng kaniyang mga utos ay mananahan sa kaniya, at siya ay sa kaniya. At dito'y nakikilala natin na siya'y nananahan sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na kaniyang ibinigay sa atin. 062 1JO 004 001 Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan. 062 1JO 004 002 Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: 062 1JO 004 003 At ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanglibutan na. 062 1JO 004 004 Kayo'y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila: sapagka't lalong dakila siyang nasa inyo kay sa nasa sanglibutan. 062 1JO 004 005 Sila'y sa sanglibutan: kaya't tungkol sa sanglibutan ang sinasalita nila, at sila'y dinidinig ng sanglibutan. 062 1JO 004 006 Tayo nga'y sa Dios: ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin. Dito'y ating nakikilala ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian. 062 1JO 004 007 Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios. 062 1JO 004 008 Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay pagibig. 062 1JO 004 009 Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya. 062 1JO 004 010 Narito ang pagibig, hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan. 062 1JO 004 011 Mga minamahal, kung tayo'y inibig ng Dios ng gayon, ay nararapat na mangagibigan din naman tayo. 062 1JO 004 012 Sinoman ay hindi nakakita kailan man sa Dios: kung tayo'y nangagiibigan, ang Dios ay nananahan sa atin, at ang kaniyang pagibig ay nagiging sakdal sa atin: 062 1JO 004 013 Dito'y nakikilala natin na tayo'y nangananahan sa kaniya at siya'y sa atin, sapagka't binigyan niya tayo ng kaniyang Espiritu. 062 1JO 004 014 At nakita natin at sinasaksihan na sinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanglibutan. 062 1JO 004 015 Ang sinomang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios. 062 1JO 004 016 At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya. 062 1JO 004 017 Dito'y naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayo'y magkaroon ng pagkakatiwala sa araw ng paghuhukom; sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito. 062 1JO 004 018 Walang takot sa pagibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig. 062 1JO 004 019 Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin. 062 1JO 004 020 Kung sinasabi ng sinoman, Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita? 062 1JO 004 021 At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid. 062 1JO 005 001 Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon. 062 1JO 005 002 Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos. 062 1JO 005 003 Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat. 062 1JO 005 004 Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya. 062 1JO 005 005 At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios? 062 1JO 005 006 Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesucristo; hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo. 062 1JO 005 007 At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan. 062 1JO 005 008 Sapagka't may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa. 062 1JO 005 009 Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Dios, sapagka't ito ang patotoo ng Dios: sapagka't ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak. 062 1JO 005 010 Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagka't hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak. 062 1JO 005 011 At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. 062 1JO 005 012 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay. 062 1JO 005 013 Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios. 062 1JO 005 014 At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya: 062 1JO 005 015 At kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya'y ating hiningi. 062 1JO 005 016 Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya. 062 1JO 005 017 Lahat ng kalikuan ay kasalanan: at may kasalanang hindi ikamamatay. 062 1JO 005 018 Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama. 062 1JO 005 019 Nalalaman natin na tayo'y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama. 062 1JO 005 020 At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. 062 1JO 005 021 Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan. # # BOOK 063 2JO 2 John 2 Juan 063 2JO 001 001 Ang matanda sa hirang na ginang at sa kaniyang mga anak, na aking iniibig sa katotohanan; at hindi lamang ako, kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala ng katotohanan; 063 2JO 001 002 Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin, at sasa atin magpakailan man: 063 2JO 001 003 Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo, Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig. 063 2JO 001 004 Ako'y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na nagsisilakad sa katotohanan, ayon sa ating tinanggap na utos sa Ama. 063 2JO 001 005 At ngayo'y ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo'y mangagibigan sa isa't isa. 063 2JO 001 006 At ito ang pagibig, na tayo'y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo'y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula. 063 2JO 001 007 Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo. 063 2JO 001 008 Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan. 063 2JO 001 009 Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak. 063 2JO 001 010 Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin: 063 2JO 001 011 Sapagka't ang bumabati sa kaniya ay nararamay sa kaniyang masasamang gawa. 063 2JO 001 012 Yamang may maraming mga bagay na isusulat sa inyo, ay hindi ko ibig isulat sa papel at tinta; datapuwa't inaasahan kong pumariyan sa inyo, at makipagusap ng mukhaan, upang malubos ang inyong galak. 063 2JO 001 013 Ang mga anak ng iyong hirang na kapatid na babae ay bumabati sa iyo. # # BOOK 064 3JO 3 John 3 Juan 064 3JO 001 001 Ang matanda, kay Gayo na minamahal, na aking iniibig sa katotohanan. 064 3JO 001 002 Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa. 064 3JO 001 003 Sapagka't ako'y totoong nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan, ayon sa paglakad mo sa katotohanan. 064 3JO 001 004 Wala nang dakilang kagalakan sa ganang akin na gaya nito, na marinig na ang aking mga anak ay nagsisilakad sa katotohanan. 064 3JO 001 005 Minamahal, ginagawa mo ang tapat na gawa sa lahat ng iyong ginagawa doon sa mga kapatid at sa mga taga ibang lupa; 064 3JO 001 006 Na siyang nangagpapatotoo ng iyong pagibig sa harapan ng iglesia: na iyong gagawan ng magaling kung iyong tutulungan sila ng nararapat sa Dios, sa kanilang paglalakbay: 064 3JO 001 007 Sapagka't dahil sa Pangalan, ay nangagsiyaon sila na walang kinuhang anoman sa mga Gentil. 064 3JO 001 008 Nararapat nga nating tanggaping mabuti ang mga gayon, upang tayo'y maging kasama sa paggawa sa katotohanan. 064 3JO 001 009 Ako'y sumulat ng ilang bagay sa iglesia: datapuwa't si Diotrefes na nagiibig magkaroon ng kataasan sa kanila, ay hindi kami tinatanggap. 064 3JO 001 010 Kaya't kung pumariyan ako, ay ipaaalaala ko ang mga gawang kaniyang ginagawa, na nagsasalita ng masasamang salita laban sa amin: at hindi nasisiyahan sa ganito, ni hindi man niya tinatanggap ang mga kapatid, at silang mga ibig tumanggap ay pinagbabawalan niya at pinalalayas sila sa iglesia. 064 3JO 001 011 Minamahal, huwag mong tularan ang masama, kundi ang mabuti. Ang gumagawa ng mabuti ay sa Dios: ang gumagawa ng masama ay hindi nakakita sa Dios. 064 3JO 001 012 Si Demetrio ay pinatototohanan ng lahat, at ng katotohanan: oo, kami man ay nagpapatotoo rin; at nalalaman mo na ang aming patotoo ay tunay. 064 3JO 001 013 Maraming mga bagay ang isusulat ko sana sa iyo, datapuwa't hindi ko ibig isulat sa iyo ng tinta at panulat: 064 3JO 001 014 Datapuwa't inaasahan kong makita kang madali, at tayo'y magkakausap ng mukhaan. Ang kapayapaa'y sumainyo nawa. Binabati ka ng mga kaibigan. Batiin mo ang mga kaibigan sa pangalan. # # BOOK 065 JUD Jude Judas 065 JUD 001 001 Si Judas, na alipin ni Jesucristo, at kapatid ni Santiago, sa mga tinawag, na minamahal sa Dios Ama, at iniingatang para kay Jesucristo: 065 JUD 001 002 Kaawaan at kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa'y paramihin. 065 JUD 001 003 Mga minamahal, samantalang ako'y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal. 065 JUD 001 004 Sapagka't may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo. 065 JUD 001 005 Ninanasa ko ngang ipaalaala sa inyo, bagama't nalalaman ninyong maigi ang lahat ng mga bagay, na nang mailigtas ng Panginoon ang isang bayan, sa lupain ng Egipto, ay nilipol niya pagkatapos yaong mga hindi nagsisipanampalataya. 065 JUD 001 006 At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw. 065 JUD 001 007 Gayon din ang Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan. 065 JUD 001 008 Gayon ma'y ang mga ito rin naman sa kanilang pagkagupiling ay inihahawa ang laman, at hinahamak ang mga paghahari, at nilalait ang mga puno. 065 JUD 001 009 Datapuwa't ang arkanghel Miguel, nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo tungkol sa katawan ni Moises, ay hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi sinabi, Sawayin ka nawa ng Panginoon. 065 JUD 001 010 Datapuwa't ang mga ito'y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait. 065 JUD 001 011 Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang ni Core. 065 JUD 001 012 Ang mga ito'y pawang mga batong natatago sa inyong piging ng pagiibigan, kung sila'y nakikipagpiging sa inyo, mga pastor na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili; mga alapaap na walang tubig, na tinatangay ng mga hangin; mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat; 065 JUD 001 013 Mga mabangis na alon sa dagat, na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man. 065 JUD 001 014 At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal, 065 JUD 001 015 Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama. 065 JUD 001 016 Ang mga ito'y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin. 065 JUD 001 017 Nguni't kayo, mga minamahal, ay alalahanin ninyo ang mga salitang nang una'y sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo; 065 JUD 001 018 Kung paanong sinabi sa inyo, Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita. 065 JUD 001 019 Ang mga ito ang nagsisigawa ng paghihiwalay, malalayaw, na walang taglay na Espiritu. 065 JUD 001 020 Nguni't kayo, mga minamahal, papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya, na manalangin sa Espiritu Santo, 065 JUD 001 021 Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios, na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan. 065 JUD 001 022 At ang ibang nagaalinlangan ay inyong kahabagan; 065 JUD 001 023 At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman. 065 JUD 001 024 Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian. 065 JUD 001 025 Sa iisang Dios na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa. # # BOOK 066 REV Revelation Pahayag 066 REV 001 001 Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan; 066 REV 001 002 Na sumaksi sa salita ng Dios, at sa patotoo ni Jesucristo, sa lahat ng mga bagay na nakita niya. 066 REV 001 003 Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't ang panaho'y malapit na. 066 REV 001 004 Si Juan sa pitong iglesia na nasa Asia: Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan; 066 REV 001 005 At mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat, na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo; 066 REV 001 006 At ginawa tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa. 066 REV 001 007 Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa. 066 REV 001 008 Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat. 066 REV 001 009 Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus. 066 REV 001 010 Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak. 066 REV 001 011 Na nagsasabi, Ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa pitong iglesia: sa Efeso, at sa Smirna, at sa Pergamo, at sa Tiatira, at sa Sardis, at sa Filadelfia, at sa Laodicea. 066 REV 001 012 At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: 066 REV 001 013 At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. 066 REV 001 014 At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; 066 REV 001 015 At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. 066 REV 001 016 At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi. 066 REV 001 017 At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli, 066 REV 001 018 At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades. 066 REV 001 019 Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating; 066 REV 001 020 Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia. 066 REV 002 001 Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto: 066 REV 002 002 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga nagpapanggap na apostol, at sila'y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan; 066 REV 002 003 At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod. 066 REV 002 004 Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig. 066 REV 002 005 Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka. 066 REV 002 006 Nguni't ito'y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng mga Nicolaita, na kinapopootan ko naman. 066 REV 002 007 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios. 066 REV 002 008 At sa anghel ng iglesia sa Smirna ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, na namatay, at muling nabuhay: 066 REV 002 009 Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng mga nagsasabing sila'y mga Judio, at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni Satanas. 066 REV 002 010 Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo'y masubok; at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw. Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay. 066 REV 002 011 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan. 066 REV 002 012 At sa anghel ng iglesia sa Pergamo ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may matalas na tabak na may dalawang talim: 066 REV 002 013 Nalalaman ko kung saan ka tumatahan, sa makatuwid baga'y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan, at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya, kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi, aking taong tapat, na pinatay sa gitna ninyo, na tinatahanan ni Satanas. 066 REV 002 014 Datapuwa't mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagka't mayroon ka diyang ilan na nanghahawak sa aral ni Balaam, na siyang nagturo kay Balac na maglagay ng katisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan, at makiapid. 066 REV 002 015 Gayon din naman na mayroon kang ilan na nanghahawak sa aral ng mga Nicolaita. 066 REV 002 016 Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig. 066 REV 002 017 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago, at siya'y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap. 066 REV 002 018 At sa anghel ng iglesia sa Tiatira ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli: 066 REV 002 019 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una. 066 REV 002 020 Datapuwa't mayroon akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya'y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid, at kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan. 066 REV 002 021 At binigyan ko siya ng panahon upang makapagsisi; at siya'y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid. 066 REV 002 022 Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila'y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa. 066 REV 002 023 At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa. 066 REV 002 024 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan. 066 REV 002 025 Gayon ma'y ang nasa inyo'y panghawakan ninyong matibay hanggang sa ako'y pumariyan. 066 REV 002 026 At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa: 066 REV 002 027 At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama: 066 REV 002 028 At sa kaniya'y ibibigay ko ang tala sa umaga. 066 REV 002 029 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. 066 REV 003 001 At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay. 066 REV 003 002 Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay: sapagka't wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking Dios. 066 REV 003 003 Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito'y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo. 066 REV 003 004 Nguni't mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila'y kasama kong magsisilakad na may mga damit na maputi; sapagka't sila'y karapatdapat. 066 REV 003 005 Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel. 066 REV 003 006 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. 066 REV 003 007 At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman: 066 REV 003 008 Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan. 066 REV 003 009 Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig. 066 REV 003 010 Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. 066 REV 003 011 Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. 066 REV 003 012 Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan. 066 REV 003 013 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. 066 REV 003 014 At sa anghel ng iglesia sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Siya Nawa, ng saksing tapat at totoo, ng pasimula ng paglalang ng Dios: 066 REV 003 015 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit. 066 REV 003 016 Kaya sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig. 066 REV 003 017 Sapagka't sinasabi mo, Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad: 066 REV 003 018 Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita. 066 REV 003 019 Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga'y magsikap, at magsisi. 066 REV 003 020 Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko. 066 REV 003 021 Ang magtagumpay, ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan. 066 REV 003 022 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. 066 REV 004 001 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang pintong bukas sa langit, at ang unang tinig na aking narinig, na gaya ng sa pakakak, na nakikipagusap sa akin, ay sa isang nagsasabi, Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin. 066 REV 004 002 Pagdaka'y napasa Espiritu ako: at narito, may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo; 066 REV 004 003 At ang nakaupo ay katulad ng isang batong jaspe at isang sardio: at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang esmeralda. 066 REV 004 004 At sa palibot ng luklukan ay may dalawangpu't apat na luklukan: at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang dalawangpu't apat na matatanda, na nadaramtan ng mapuputing damit; at sa kanilang mga ulo ay may mga putong na ginto. 066 REV 004 005 At mula sa luklukan ay may lumalabas na kidlat, at mga tinig at mga kulog. At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan, na siyang pitong Espiritu ng Dios; 066 REV 004 006 At sa harapan ng luklukan, ay wari na may isang dagat na bubog na katulad ng salamin; at sa gitna ng luklukan, at sa palibot ng luklukan, ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran. 066 REV 004 007 At ang unang nilalang ay katulad ng isang leon, at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka, at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng sa isang tao, at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad. 066 REV 004 008 At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawa't isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila'y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi, Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating. 066 REV 004 009 At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri, at nangagpaparangal at nangagpapasalamat sa nakaupo sa luklukan, doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, 066 REV 004 010 Ang dalawangpu't apat na matatanda ay mangagpapatirapa sa harapan niyaong nakaupo sa luklukan, at mangagsisisamba doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, at ilalagay ang kanilang putong sa harapan ng luklukan na nangagsasabi, 066 REV 004 011 Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan: sapagka't nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha. 066 REV 005 001 At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak. 066 REV 005 002 At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito? 066 REV 005 003 At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man. 066 REV 005 004 At ako'y umiyak na mainam, sapagka't hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man: 066 REV 005 005 At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito. 066 REV 005 006 At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa. 066 REV 005 007 At siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan. 066 REV 005 008 At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal. 066 REV 005 009 At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa. 066 REV 005 010 At sila'y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa. 066 REV 005 011 At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo; 066 REV 005 012 Na nangagsasabi ng malakas na tinig, Karapatdapat ang Cordero na pinatay upang tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala. 066 REV 005 013 At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man. 066 REV 005 014 At ang apat na nilalang na buhay ay nagsabi, Siya nawa. At ang matatanda ay nangagpatirapa at nangagsisamba. 066 REV 006 001 At nakita ko nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika. 066 REV 006 002 At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay. 066 REV 006 003 At nang buksan niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika. 066 REV 006 004 At may lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa't isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak. 066 REV 006 005 At nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay. 066 REV 006 006 At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak. 066 REV 006 007 At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika. 066 REV 006 008 At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa. 066 REV 006 009 At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila: 066 REV 006 010 At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa? 066 REV 006 011 At binigyan ang bawa't isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila'y sinabi, na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila. 066 REV 006 012 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo; 066 REV 006 013 At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin. 066 REV 006 014 At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan. 066 REV 006 015 At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok; 066 REV 006 016 At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero: 066 REV 006 017 Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo? 066 REV 007 001 At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy. 066 REV 007 002 At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat, 066 REV 007 003 Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios. 066 REV 007 004 At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel: 066 REV 007 005 Sa angkan ni Juda ay labingdalawang libo ang tinatakan; Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Gad ay labingdalawang libo; 066 REV 007 006 Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo; 066 REV 007 007 Sa angkan ni Simeon ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Isacar ay labingdalawang libo; 066 REV 007 008 Sa angkan ni Zabulon ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Jose ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan. 066 REV 007 009 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay; 066 REV 007 010 At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi, Ang pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero. 066 REV 007 011 At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila'y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios, 066 REV 007 012 Na nangagsasabi, Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa. 066 REV 007 013 At sumagot ang isa sa matatanda na, nagsasabi sa akin, Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan nagsipanggaling? 066 REV 007 014 At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero. 066 REV 007 015 Kaya't sila'y nasa harapan ng luklukan ng Dios; at nangaglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo: at siyang nakaupo sa luklukan, ay lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo. 066 REV 007 016 Sila'y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init: 066 REV 007 017 Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata. 066 REV 008 001 At nang buksan niya ang ikapitong tatak, ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras. 066 REV 008 002 At nakita ko ang pitong anghel na nangakatayo sa harapan ng Dios; at sila'y binigyan ng pitong pakakak. 066 REV 008 003 At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan. 066 REV 008 004 At ang usok ng kamangyan, kalakip ng mga panalangin ng mga banal, ay napailanglang mula sa kamay ng anghel, sa harapan ng Dios. 066 REV 008 005 At kinuha ng anghel ang pangsuob ng kamangyan; at pinuno niya ng apoy ng dambana, at itinapon sa lupa: at nagkaroon ng mga kulog, at mga tinig, at mga kidlat, at ng isang lindol. 066 REV 008 006 At ang pitong anghel na may pitong pakakak ay nagsihanda upang magsihihip. 066 REV 008 007 At humihip ang una, at nagkaroon ng granizo at apoy, na may halong dugo, at itinapon sa lupa: at ang ikatlong bahagi ng lupa ay nasunog, at ang ikatlong bahagi ng mga punong kahoy ay nasunog, at ang lahat ng sariwang damo ay nasunog. 066 REV 008 008 At humihip ang ikalawang anghel, at ang tulad sa isang malaking bundok na nagliliyab sa apoy ay nabulusok sa dagat: at ang ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo; 066 REV 008 009 At namatay ang ikatlong bahagi ng mga nilalang na nasa dagat, na mga may buhay; at ang ikatlong bahagi sa mga daong ay nawalat. 066 REV 008 010 At humihip ang ikatlong anghel, at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituin, na nagliliyab na gaya ng isang sulo, at nahulog sa ikatlong bahagi ng mga ilog, at sa mga bukal ng tubig; 066 REV 008 011 At ang pangalan ng bituin ay Ajenjo: at ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging ajenjo; at maraming tao ay nangamatay dahil sa tubig, sapagka't mapait ang tubig. 066 REV 008 012 At humihip ang ikaapat na anghel, at nasugatan ang ikatlong bahagi ng araw, at ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng bituin; upang magdilim ang ikatlong bahagi nila, at upang ang ikatlong bahagi ng maghapon ay huwag lumiwanag, at gayon din naman ang gabi. 066 REV 008 013 At nakita ko, at narinig ko ang isang anghel, na lumilipad sa pagitan ng langit, na nagsasabi ng malakas na tinig, Sa aba, sa aba, sa aba ng mga nananahan sa ibabaw ng lupa, dahil sa mga ibang tunog ng pakakak ng tatlong anghel, na magsisihihip pa. 066 REV 009 001 At humihip ang ikalimang anghel, at nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit: at sa kaniya'y ibinigay ang susi ng hukay ng kalaliman. 066 REV 009 002 At binuksan niya ang balon ng kalaliman; at napailanglang ang usok mula sa hukay, na gaya ng usok ng isang malaking lutuang-bakal; at nagdilim ang araw at ang himpapawid dahil sa usok ng hukay. 066 REV 009 003 At nangagsilabas sa usok ang mga balang sa lupa; at binigyan sila ng kapangyarihan, na gaya ng mga alakdan sa lupa na may kapangyarihan. 066 REV 009 004 At sinabi sa kanila na huwag ipahamak ang damo sa lupa, ni ang anomang bagay na sariwa, ni ang anomang punong kahoy, kundi ang mga tao lamang na walang tatak ng Dios sa kanilang mga noo. 066 REV 009 005 At pinagkalooban silang huwag patayin ang mga ito, kundi pahirapan nilang limang buwan: at ang kanilang pahirap ay gaya ng pahirap ng alakdan kung kumakagat sa isang tao. 066 REV 009 006 At sa mga araw na yaon ay hahanapin ng mga tao ang kamatayan, at sa anomang paraa'y hindi nila masusumpungan; at mangagnanasang mamatay, at ang kamatayan ay tatakas sa kanila. 066 REV 009 007 At ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong nahahanda sa pagbabaka; at sa kanilang mga ulo ay gaya ng mga putong na katulad ng ginto, at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao. 066 REV 009 008 At sila'y may buhok na gaya ng buhok ng mga babae, at ang kanilang mga ngipin ay gaya ng sa mga leon. 066 REV 009 009 At sila'y may mga baluti, na gaya ng baluting bakal; at ang ugong ng kanilang mga pakpak ay gaya ng ugong ng mga karro, at ng maraming kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka. 066 REV 009 010 At sila'y may mga buntot na gaya ng sa mga alakdan, at mga tibo; at sa kanilang mga buntot naroroon ang kanilang kapangyarihan upang ipahamak ang mga taong limang buwan. 066 REV 009 011 Sila'y may pinakahari na anghel ng kalaliman: ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon, at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon. 066 REV 009 012 Ang unang Pagkaaba ay nakaraan na: narito, darating pa ang dalawang Pagkaaba sa haharapin. 066 REV 009 013 At humihip ang ikaanim na anghel, at narinig ko ang isang tinig mula sa mga sungay ng dambanang ginto na nasa harapan ng Dios, 066 REV 009 014 Na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may pakakak, Kalagan mo ang apat na anghel na nagagapos sa malaking ilog ng Eufrates. 066 REV 009 015 At kinalagan ang apat na anghel, na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao. 066 REV 009 016 At ang bilang ng mga hukbong nangangabayo ay makalawang sangpunglibong tigsasangpung libo: aking narinig ang bilang nila. 066 REV 009 017 At nakita kong sa pangitain ang mga kabayo, at ang mga nakasakay dito, na may mga baluting gaya ng apoy at ng jacinto at ng asupre: at ang mga ulo ng mga kabayo ay gaya ng mga ulo ng mga leon; at sa kanilang mga bibig ay lumalabas ang apoy at usok at asupre. 066 REV 009 018 Sa pamamagitan ng tatlong salot na ito ay napatay ang ikatlong bahagi ng mga tao, sa pamamagitan ng apoy at ng usok at ng asupre, na nangagsisilabas sa kanilang mga bibig. 066 REV 009 019 Sapagka't ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang bibig, at nasa kanilang mga buntot; sapagka't ang kanilang mga buntot ay kawangis ng mga ahas, at may mga ulo; at siya nilang ipinananakit. 066 REV 009 020 At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, at sa mga diosdiosang ginto, at pilak, at tanso, at bato, at kahoy; na hindi nangakakakita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man. 066 REV 009 021 At sila'y hindi nagsipagsisi sa kanilang mga pagpatay, kahit man sa kanilang panggagaway, kahit man sa kanilang pakikiapid, kahit man sa kanilang pagnanakaw. 066 REV 010 001 At nakita ko ang ibang malakas na anghel na nanaog na mula sa langit, na nabibihisan ng isang alapaap; at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo, at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy; 066 REV 010 002 At may isang maliit na aklat na bukas sa kaniyang kamay: at itinungtong ang kaniyang kanang paa sa dagat, at ang kaniyang kaliwa ay sa lupa; 066 REV 010 003 At sumigaw ng malakas na tinig, na gaya ng leon na umaangal: at pagkasigaw niya, ay ang pitong kulog ay umugong. 066 REV 010 004 At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana: at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog, at huwag mong isulat. 066 REV 010 005 At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit, 066 REV 010 006 At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon: 066 REV 010 007 Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta. 066 REV 010 008 At ang tinig na aking narinig na mula sa langit, ay muling nagsalita sa akin, at nagsabi, Humayo ka, kunin mo ang aklat na bukas na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa. 066 REV 010 009 At ako'y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat. At kaniyang sinabi sa akin, Kunin mo ito, at ito'y kanin mo; at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa't sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot. 066 REV 010 010 At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel, at aking kinain; at sa aking bibig ay matamis na gaya ng pulot: at nang aking makain, ay pumait ang aking tiyan. 066 REV 010 011 At sinasabi nila sa akin, Dapat kang manghulang muli sa maraming mga bayan at mga bansa at mga wika at mga hari. 066 REV 011 001 At binigyan ako ng isang tambong katulad ng isang panukat: at may isang nagsabi, Magtindig ka, at sukatin mo ang templo ng Dios, at ang dambana, at ang mga sumasamba doon. 066 REV 011 002 At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; sapagka't ibinigay sa mga Gentil; at kanilang yuyurakang apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad. 066 REV 011 003 At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo. 066 REV 011 004 Ang mga ito'y ang dalawang punong olibo at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa. 066 REV 011 005 At kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak, ay apoy ang lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway; at kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan. 066 REV 011 006 Ang mga ito'y may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang hula: at may kapangyarihan sila sa mga tubig na mapaging dugo, at mapahirapan ang lupa ng bawa't salot sa tuwing kanilang nasain. 066 REV 011 007 At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin. 066 REV 011 008 At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na Sodoma at Egipto, na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila. 066 REV 011 009 At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing. 066 REV 011 010 At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng mga kaloob; sapagka't ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa. 066 REV 011 011 At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila'y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila. 066 REV 011 012 At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, Umakyat kayo rito. At sila'y umakyat sa langit sa isang alapaap; at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway. 066 REV 011 013 At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, at nagiba ang ikasangpung bahagi ng bayan; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatatakot, at nangagbigay ng kaluwalhatian sa Dios ng langit. 066 REV 011 014 Nakaraan na ang ikalawang Pagkaaba: narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba. 066 REV 011 015 At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man. 066 REV 011 016 At ang dalawangpu't apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, 066 REV 011 017 Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari. 066 REV 011 018 At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa. 066 REV 011 019 At nabuksan ang templo ng Dios na nasa langit: at nakita sa kaniyang templo ang kaban ng kaniyang tipan; at nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at isang lindol, at malaking granizo. 066 REV 012 001 At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin; 066 REV 012 002 At siya'y nagdadalang tao; at siya'y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap upang manganak. 066 REV 012 003 At ang ibang tanda ay nakita sa langit: at narito, ang isang malaking dragong mapula, na may pitong ulo at sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo'y may pitong diadema. 066 REV 012 004 At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya. 066 REV 012 005 At siya'y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan. 066 REV 012 006 At tumakas ang babae sa ilang, na doon siya'y ipinaghanda ng Dios ng isang dako, upang doon siya ampuning isang libo dalawang daan at anim na pung araw. 066 REV 012 007 At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka; 066 REV 012 008 At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit. 066 REV 012 009 At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. 066 REV 012 010 At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ngayo'y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka't inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila'y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi. 066 REV 012 011 At siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan. 066 REV 012 012 Kaya't mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka't ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya. 066 REV 012 013 At nang makita ng dragon na siya'y inihagis sa lupa, ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake. 066 REV 012 014 At sa babae'y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon. 066 REV 012 015 At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog, upang maipatangay siya sa agos. 066 REV 012 016 At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig. 066 REV 012 017 At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus: 066 REV 013 001 At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat, na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan. 066 REV 013 002 At ang hayop na aking nakita ay katulad ng isang leopardo, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso, at ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan. 066 REV 013 003 At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong lupa'y nanggilalas sa hayop; 066 REV 013 004 At sila'y nangagsisamba sa dragon, sapagka't ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop; at nangagsisamba sa hayop, na nangagsasabi, Sino ang kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya? 066 REV 013 005 At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na apat na pu't dalawang buwan. 066 REV 013 006 At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang mga nananahan sa langit. 066 REV 013 007 At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa. 066 REV 013 008 At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan. 066 REV 013 009 Kung ang sinoman ay may pakinig, ay makinig. 066 REV 013 010 Kung ang sinoman ay sa pagkabihag, ay sa pagkabihag paroroon siya: kung ang sinoman ay papatay sa tabak, ay dapat siyang mamatay sa tabak. Narito ang pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal. 066 REV 013 011 At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon. 066 REV 013 012 At kaniyang isinasagawa ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang paningin. At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop, na gumaling ang sugat na ikamamatay. 066 REV 013 013 At siya'y gumagawa ng mga dakilang tanda, na ano pa't nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao. 066 REV 013 014 At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay. 066 REV 013 015 At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop. 066 REV 013 016 At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo; 066 REV 013 017 At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan. 066 REV 013 018 Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim. 066 REV 014 001 At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya'y isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo. 066 REV 014 002 At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa: 066 REV 014 003 At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa. 066 REV 014 004 Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. 066 REV 014 005 At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila'y mga walang dungis. 066 REV 014 006 At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan; 066 REV 014 007 At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig. 066 REV 014 008 At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid. 066 REV 014 009 At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, 066 REV 014 010 Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: 066 REV 014 011 At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan. 066 REV 014 012 Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus. 066 REV 014 013 At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; sapagka't ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila. 066 REV 014 014 At nakita ko, at narito, ang isang alapaap na maputi; at nakita ko na nakaupo sa alapaap ang isang katulad ng isang anak ng tao, na sa kaniyang ulo'y may isang putong na ginto, at sa kaniyang kamay ay may isang panggapas na matalas. 066 REV 014 015 At lumabas ang ibang anghel sa templo, na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa nakaupo sa alapaap, Ihulog mo ang iyong panggapas, at gumapas ka; sapagka't dumating ang oras ng paggapas, sapagka't ang aanihin sa lupa ay hinog na. 066 REV 014 016 At inihagis ng nakaupo sa alapaap ang kaniyang panggapas sa lupa; at ang lupa ay nagapasan. 066 REV 014 017 At lumabas ang ibang anghel sa templong nasa langit, na may panggapas din namang matalas. 066 REV 014 018 At ang ibang anghel ay lumabas sa dambana, na siyang may kapangyarihan sa apoy, at tinawagan ng malakas na tinig yaong may panggapas na matalas, na sinasabi, Ihulog mo ang iyong panggapas na matalas, at putihin mo ang mga buwig sa ubasan sa lupa; sapagka't ang kaniyang mga ubas ay mga hinog na. 066 REV 014 019 At inihagis ng anghel ang kaniyang panggapas sa lupa, at pinuti ang mga ubas sa lupa, at inihagis sa pisaan ng ubas, sa malaking pisaan ng kagalitan ng Dios. 066 REV 014 020 At nayurakan ang pisaan ng ubas sa labas ng bayan, at lumabas sa pisaan ng ubas ang dugo, na umapaw hanggang sa mga preno ng mga kabayo, sa lawak na isang libo at anim na raang estadio. 066 REV 015 001 At nakita ko ang ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas. Pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, sapagka't sa mga yao'y magaganap ang kagalitan ng Dios. 066 REV 015 002 At nakita ko ang gaya ng isang dagat na bubog na may halong apoy, at yaong nangagtagumpay sa hayop, at sa kaniyang larawan, at sa bilang ng kaniyang pangalan, ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog, na may mga alpa ng Dios. 066 REV 015 003 At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at ang awit ng Cordero, na sinasabi, Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat; matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa. 066 REV 015 004 Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon, at luluwalhatiin ang iyong pangalan? sapagka't ikaw lamang ang banal; sapagka't ang lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan mo; sapagka't ang iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag. 066 REV 015 005 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at ang santuario ng tabernakulo ng patotoo sa langit ay nabuksan. 066 REV 015 006 At sa santuario ay nagsilabas ang pitong anghel na may pitong salot, na nararamtan ng mahalagang bato, tunay at makintab, at nangabibigkisan ng gintong pamigkis ang kanilang mga dibdib. 066 REV 015 007 At isa sa apat na nilalang na buhay ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong mangkok na ginto na puno ng kagalitan ng Dios, na siyang nabubuhay magpakailan kailan man. 066 REV 015 008 At napuno ng usok ang santuario mula sa kaluwalhatian ng Dios, at sa kaniyang kapangyarihan; at sinoman ay hindi nakapasok sa santuario, hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel. 066 REV 016 001 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng kagalitan ng Dios sa lupa. 066 REV 016 002 At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa; at naging sugat na masama at mabigat sa mga taong may tanda ng hayop na yaon, at nangagsisamba sa kaniyang larawan. 066 REV 016 003 At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok sa dagat; at naging dugo na gaya ng isang patay; at bawa't kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay. 066 REV 016 004 At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; at nangaging dugo. 066 REV 016 005 At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi, Matuwid ka, na ngayon at nang nakaraan, Oh Banal, sapagka't humatol ka na gayon; 066 REV 016 006 Sapagka't ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta, at pinainom mo sila ng dugo; ito'y karapatdapat sa kanila. 066 REV 016 007 At narinig ko ang dambana na nagsasabi, Oo, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol. 066 REV 016 008 At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok sa araw; at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao. 066 REV 016 009 At nangasunog ang mga tao sa matinding init: at sila'y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; at hindi sila nangagsisi upang siya'y luwalhatiin. 066 REV 016 010 At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa luklukan ng hayop na yaon; at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap, 066 REV 016 011 At sila'y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa. 066 REV 016 012 At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok sa malaking ilog na Eufrates; at natuyo ang tubig nito, upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw. 066 REV 016 013 At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka: 066 REV 016 014 Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat. 066 REV 016 015 (Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.) 066 REV 016 016 At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon. 066 REV 016 017 At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin; at lumabas sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, Nagawa na: 066 REV 016 018 At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot. 066 REV 016 019 At ang dakilang bayan ay nabahagi sa tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho: at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, upang siya'y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan. 066 REV 016 020 At tumakas ang bawa't pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan. 066 REV 016 021 At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay lumagpak sa mga tao buhat sa langit, at namusong ang mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo; sapagka't ang salot na ito ay lubhang malaki. 066 REV 017 001 At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig; 066 REV 017 002 Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa, at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid. 066 REV 017 003 At ako'y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay. 066 REV 017 004 At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid, 066 REV 017 005 At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA. 066 REV 017 006 At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas. 066 REV 017 007 At sinabi sa akin ng anghel, Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng hayop na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sangpung sungay. 066 REV 017 008 At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating. 066 REV 017 009 Narito ang pagiisip na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae: 066 REV 017 010 At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon. 066 REV 017 011 At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan. 066 REV 017 012 At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop. 066 REV 017 013 Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop. 066 REV 017 014 Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin ng Cordero, sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din. 066 REV 017 015 At sinabi niya sa akin, Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng patutot, ay mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika. 066 REV 017 016 At ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya'y pababayaan at huhubaran, at kakanin ang kaniyang laman, at siya'y lubos na susupukin ng apoy. 066 REV 017 017 Sapagka't inilagay ng Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan, at mangagkaisa ng kaisipan, at ibigay ang kanilang kaharian sa hayop, hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios. 066 REV 017 018 At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari sa lupa. 066 REV 018 001 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian. 066 REV 018 002 At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon. 066 REV 018 003 Sapagka't dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan. 066 REV 018 004 At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot: 066 REV 018 005 Sapagka't ang kaniyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan. 066 REV 018 006 Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo, at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa: sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo. 066 REV 018 007 Kung gaano ang pagkakapagmapuri, at pagkapamuhay na malayaw, ay gayon din naman ang ibigay ninyo sa kaniyang pahirap at pagluluksa: sapagka't sinasabi niya sa kaniyang puso, Ako'y nakaupong reina, at hindi ako bao, at hindi ko makikita kailan man ang pagluluksa. 066 REV 018 008 Kaya't darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom; at siya'y lubos na susunugin sa apoy; sapagka't malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya. 066 REV 018 009 At ang mga hari sa lupa, na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya, ay mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya, pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog, 066 REV 018 010 At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo. 066 REV 018 011 At ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya, sapagka't wala nang bibili pa ng kaniyang kalakal; 066 REV 018 012 Ng kalakal na ginto at pilak, at mahalagang bato, at mga perlas, at mainam na lino, at kayong kulay ube, at sutla, at kayong pula; at sarisaring mababangong kahoy, at bawa't kasangkapang garing, at bawa't kasangkapang mahalagang kahoy, at tanso, at bakal, at marmol; 066 REV 018 013 At kanela, at especias, at incienso, at ungguento, at kamangyan, at alak, at langis, at mainam na harina, at trigo, at mga baka, at mga tupa; at kalakal na mga kabayo at mga karo, at mga alipin; at mga kaluluwa ng mga tao. 066 REV 018 014 At ang mga bungang pinipita mo ay nangapalayo sa iyo, at lahat ng mga bagay na maiinam at mariringal ay nangalipol sa iyo, at hindi na mangasusumpungan pa. 066 REV 018 015 Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito, na nangagsiyaman dahil sa kaniya, ay mangagsisitayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nagsisiiyak at nagsisipagluksa; 066 REV 018 016 Na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, niyaong dakilang bayan, siya na nararamtan ng mahalagang lino at ng kayong kulay ube, at pula, at napapalamutihan ng ginto at ng mahalagang bato at ng perlas! 066 REV 018 017 Sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At bawa't pinunong daong, at bawa't naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo, 066 REV 018 018 At nangagsisisigaw pagkakita sa usok ng kaniyang pagkasunog, na nangagsasabi, Anong bayan ang katulad ng dakilang bayan? 066 REV 018 019 At sila'y nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na nagiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol. 066 REV 018 020 Magalak ka tungkol sa kaniya, Oh langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta; sapagka't inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya. 066 REV 018 021 At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat, na sinasabi, Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog, igigiba ang Babilonia, ang dakilang bayan, at hindi na masusumpungan pa. 066 REV 018 022 At ang tinig ng mga manunugtog ng alpa, at ng mga musiko at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo; at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo; at ang ugong ng gilingan ay hindi na maririnig pa sa iyo; 066 REV 018 023 At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo, at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo; sapagka't ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa; sapagka't dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng mga bansa. 066 REV 018 024 At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa. 066 REV 019 001 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay narinig ko ang gaya ng isang malaking tinig ng isang makapal na karamihan sa langit, na nagsasabi, Aleluya; Kaligtasan, at kaluwalhatian, at kapangyarihan, ay nauukol sa ating Dios: 066 REV 019 002 Sapagka't tunay at matuwid ang kaniyang mga paghatol; sapagka't hinatulan niya ang bantog na patutot, na siyang nagpasama sa lupa ng kaniyang pakikiapid, at iginanti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa pamamagitan ng kaniyang kamay. 066 REV 019 003 At sila'y muling nangagsabi, Aleluya. At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man. 066 REV 019 004 At nangagpatirapa ang dalawangpu't apat na matatanda at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, Siya nawa; Aleluya. 066 REV 019 005 At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi, Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki. 066 REV 019 006 At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat. 066 REV 019 007 Tayo'y mangagalak at tayo'y mangagsayang mainam, at siya'y ating luwalhatiin; sapagka't dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang kaniyang asawa ay nahahanda na. 066 REV 019 008 At sa kaniya'y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka't ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal. 066 REV 019 009 At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero. At sinasabi niya sa akin, Ang mga ito'y siyang tunay na mga salita ng Dios. 066 REV 019 010 At ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula. 066 REV 019 011 At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka. 066 REV 019 012 At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin. 066 REV 019 013 At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios. 066 REV 019 014 At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay. 066 REV 019 015 At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat. 066 REV 019 016 At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON. 066 REV 019 017 At nakita kong nakatayo ang isang anghel sa araw; na siya'y sumisigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi sa lahat ng mga ibong lumilipad sa gitna ng himpapawid, Halikayo at mangagkatipon sa dakilang hapunan ng Dios; 066 REV 019 018 Upang kayo'y makakain ng laman ng mga hari, at ng laman ng mga pangulong kapitan, at ng laman ng mga taong makapangyarihan, at ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay dito, at ng laman ng lahat ng mga taong laya at mga alipin man, at maliliit at malalaki. 066 REV 019 019 At nakita ko ang hayop, at ang mga hari sa lupa, at ang kanilang mga hukbo, na nangagkakatipon upang makipagbaka laban doon sa nakasakay sa kabayo, at laban sa kaniyang hukbo. 066 REV 019 020 At sinunggaban ang hayop, at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito, na siyang ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre: 066 REV 019 021 At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig niyaong nakasakay sa kabayo, at ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila. 066 REV 020 001 At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. 066 REV 020 002 At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon, 066 REV 020 003 At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon. 066 REV 020 004 At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon. 066 REV 020 005 Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli. 066 REV 020 006 Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon. 066 REV 020 007 At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan, 066 REV 020 008 At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat. 066 REV 020 009 At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y nasupok. 066 REV 020 010 At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man. 066 REV 020 011 At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. 066 REV 020 012 At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. 066 REV 020 013 At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. 066 REV 020 014 At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. 066 REV 020 015 At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. 066 REV 021 001 At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na. 066 REV 021 002 At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. 066 REV 021 003 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: 066 REV 021 004 At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na. 066 REV 021 005 At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: sapagka't ang mga salitang ito ay tapat at tunay. 066 REV 021 006 At sinabi niya sa akin, Nagawa na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay. 066 REV 021 007 Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako'y magiging Dios niya, at siya'y magiging anak ko. 066 REV 021 008 Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. 066 REV 021 009 At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, na mga puno ng pitong huling salot; at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Halika, ipakikita ko sa iyo ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero. 066 REV 021 010 At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, 066 REV 021 011 Na may kaluwalhatian ng Dios: ang kaniyang ilaw ay katulad ng isang totoong mahalagang bato, na gaya ng batong jaspe, na malinaw na gaya ng salamin: 066 REV 021 012 Na may isang malaki at mataas na kuta; na may labingdalawang pintuan, at sa mga pintuan ay labingdalawang anghel; at may mga pangalang nakasulat sa mga yaon, na siyang sa labingdalawang angkan ng mga anak ng Israel: 066 REV 021 013 Sa silanganan ay may tatlong pintuan; at sa hilagaan ay may tatlong pintuan; at sa timugan ay may tatlong pintuan; at sa kalunuran ay may tatlong pintuan. 066 REV 021 014 At ang kuta ng bayan ay may labingdalawang pinagsasaligan, at sa mga ito'y ang labingdalawang pangalan ng labingdalawang apostol ng Cordero. 066 REV 021 015 At ang nakikipagusap sa akin ay may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito. 066 REV 021 016 At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat. 066 REV 021 017 At sinukat niya ang kuta nito, ay isang daan at apat na pu't apat na siko, ayon sa sukat ng tao, sa makatuwid baga'y ng isang anghel. 066 REV 021 018 At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe: at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog. 066 REV 021 019 Ang mga pinagsasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda; 066 REV 021 020 Ang ikalima ay sardonica; ang ikaanim ay sardio; ang ikapito ay crisolito; ang ikawalo ay berilo; ang ikasiyam ay topacio; ang ikasangpu ay crisopasio; ang ikalabingisa ay jacinto; ang ikalabingdalawa ay amatista. 066 REV 021 021 At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas; at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog. 066 REV 021 022 At hindi ako nakakita ng templo doon: sapagka't ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon. 066 REV 021 023 At ang bayan ay hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya: sapagka't nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero. 066 REV 021 024 At ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito: at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon. 066 REV 021 025 At ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw (sapagka't hindi magkakaroon doon ng gabi): 066 REV 021 026 At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa: 066 REV 021 027 At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero. 066 REV 022 001 At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero, 066 REV 022 002 Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa. 066 REV 022 003 At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya'y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin; 066 REV 022 004 At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo. 066 REV 022 005 At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man. 066 REV 022 006 At sinabi niya sa akin, Ang mga salitang ito'y tapat at tunay, at ang Panginoon, ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta, ay nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari madali. 066 REV 022 007 At narito, ako'y madaling pumaparito. Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng hula ng aklat na ito. 066 REV 022 008 At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito. 066 REV 022 009 At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios. 066 REV 022 010 At sinasabi niya sa akin, Huwag mong tatakan ang mga salita ng hula ng aklat na ito; sapagka't malapit na ang panahon. 066 REV 022 011 Ang liko, ay magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa: at ang matuwid, ay magpakatuwid pa: at ang banal, ay magpakabanal pa. 066 REV 022 012 Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa. 066 REV 022 013 Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas. 066 REV 022 014 Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan. 066 REV 022 015 Nangasa labas ang mga aso, at ang mga manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diosdiosan, at ang bawa't nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan. 066 REV 022 016 Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga. 066 REV 022 017 At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. At ang nauuhaw, ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay. 066 REV 022 018 Aking sinasaksihan sa bawa't taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito: 066 REV 022 019 At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito. 066 REV 022 020 Ang sumasaksi sa mga bagay na ito ay nagsasabi, Oo: ako'y madaling pumaparito. Siya nawa: pumarito ka Panginoong Jesus. 066 REV 022 021 Ang biyaya ng Panginoong Jesus ay mapasa mga banal nawa. Siya nawa.